TSK

Page 1


Ang Librong Ito ay sa Pag-aari Ni: A Gardening Manual for Children

Handog sa inyo ng EAST-WEST SEED COMPANY


Mga Nilalaman I. Introduksyon A. Agricultura B. Paghahalaman B.1 Mga Pakinabang at Opurtunidad sa Paghahalaman B.2. Mga Bahagi ng Halaman B.3. Mga Uri ng Binhng Buto B.4. Mga Katangian ng Hybrid na Buto B.5. Bakit Hindi Dapat Binubutuhan ang Hybrid

C. Pagpapakilala sa mga Gulay

II. Mga Kasangkapan sa Paghahalaman III. Mga Salik Pangkaligtasan IV. Composting V. Container Gardening


Mga Nilalaman VI. Pagnanarseri A. Green House Nursery B. Pagpupunla

VII. Paghahanda ng Taniman VIII. Paglilipat-tanim IX. A. Simpleng Pangangalaga ng Pananim B. Paglalagay ng Pataba C. Pagsugpo sa Peste X. Wastong Pag-aani XI. Pagsasapamilihan at Pagtatala ng Record ng Ani

INTRODUKSYON AGRIKULTURA


AGRIKULTURA HA LA MA N

AGR ON OMIKA L

O RN A ME N TA L

HAYO P

H OR TIKULTURA L

GUL AY

P UN O/ B UN GA N G KA H OY at PA MP L A N TASYON G H A L A MA N

8

9


AGRIKULTURA Sining at agham ng paglilinang ng lupa para sa pag-aalaga ng hayop at paghahalaman upang mapagkunan ng pagkain at pagkakakitaan.

PAG H A H AY U PA N Pag-aalaga ng mga hayop tulad ng manok, baboy, kambing, baka, atbp. upang makatulong sa pamumuhay ng mag-anak: - bilang pagkain - katulong sa bikod - pagkakakitaan

PAG H A H A L A M A N Isa ring kapaki-pakinabang na gawain na mapagkakakitaan, mapagkunan ng pagkain at gamot ng mag-anak.

10

MGA GRUPO NG HALAMAN AYON SA PARAAN NG PAGTATANIM AGRONOMIKAL Mga halamang itinatanim sa malawak na bukirin at di masyadong nangangailangan ng matinding atensyon o ang pag-aalaga ay ‘extensive’ hal. palay, munggo

HORTIKULTURAL Mga halamang itinatanim sa mas maliit na lupain at nangangailangan ng matinding atensyon o pag-aalagang ‘intensive.’ Ito ay may tatlong uri. hal. talong, kamatis, ampalaya, upo

11


MGA URI NG HALAMANG HORTIKULTURAL ORNAMENTAL Mga halamang itinatanim bilang pangdekorasyon maging ito man ay bulaklak o dahon

INTRODUKSYON PAGHAHALAMAN

hal. rose, daisy, orchids, vinca, dianthus, pako, palmera

PUNO/ BUNGANGKAHOY AT PAMPLANTASYONG HALAMAN Mga halamang nangangailangan ng mas mahabang panahong hihintayin upang lubos na mapakinabangan hal. mangga, saging, pinya

GULAY Mga halamang tinatanim sa maikling panahon, karaniwang malambot ang istruktura na maaaring madahon, gumagapang o dumadawag hal. pechay, kamatis, talong, ampalaya, sitaw, okra

12

13


MGA PAKINABANG AT OPORTUNIDAD SA PAGHAHALAMAN Kita Nutrisyon/ masustansyang pagkain

HALAMAN ANO ANG HALAMAN? Ang halaman ay isang organismong may kakayahang gumawa ng pagkain sa pamamagitan ng photosynthesis, ngunit ito ay walang kakayahang gumalaw tulad ng hayop.

Nagsisilbing libangan at mas nagpapatibay sa samahan ng mag-anak Ang mga halaman ay: -dagdag kagandahan sa kapaligiran - panlaban sa polusyon

14

15


MGA PANGUNAHING PANGANGAILANGAN NG HALAMAN Lupa

MGA BAHAGI NG HALAMAN

- Ang pinanggagalingan ng sustansyang mineral na siyang pangunahing kailangan ng halaman sa paglaki nito. - Ang siyang kinakapitan ng ugat para mapanatiling nakatayo ang halaman

Tubig - Ang nagsisilbing tagapagdala ng sustansya (soluble nutrients) mula sa lupa patungo sa iba’t ibang bahagi ng halaman - Kinakailangan din ng halaman upang maganap ang mga natural na proseso para lumaki ang mga ito

Liwanag - Ang liwanag mula sa araw ay kailangan ng halaman upang maganap ang photosynthesis o ang proseso ng pagbubuo ng pagkain

Hangin - Kung ang tao at hayop ay humihinga, ang halaman ay humihinga rin, kinakailangan ang oxygen (o2) sa paghinga o respiration. - Ang carbon dioxide (Co2) naman ay kailangan sa photosynthesis upang makabuo ng pagkain (carbohydrates.) 16

17


MGA BAHAGI NG HALAMAN Roots/ Ugat - Sumisipsip ng tubig at sustansya mula sa lupa bilang nutrisyon ng halaman - Ito rin ang kumakapit sa lupa bilang pundasyon ng halaman sa kanyang kinalalagyan

Flower/ Bulaklak - Bahagi ng halaman na may talulot at pantawag-pansin sa mabubuting insecto - Responsable sa pagpaparami ng halaman sa pamamagitan ng pollination at fertilization

Stem/ Sanga - Humahawak sa dahon - Daanan ng tubig at sustansya mula sa ugat papunta sa ibang parte ng halaman

Leaves/ Dahon - Dito ginagawa ang pagkain (carbohydrates) ng halaman sa pamamagitan ng photosynthesis

18

19


MGA BAHAGI NG HALAMAN MGA BAHAGI NG BULAKLAK

Fruits/ Bunga

Lalaking bahagi ng bulaklak (stamen)

- Magulang na obaryo (ovary) ng halaman

anther - pinanggagalingan ng dilaw na polbo na kung tawagin ay pollen grains filament - humahawak sa anther

Babaeng bahagi ng bulaklak (pistil)

Seed/ Buto - Magulang na ovule - Naglalaman ng embryo o batang halaman na siyang magpapasimula ng buhay ng isang bagong organismo

stigma - tagatanggap ng pollen grains style - tagahawak sa stigma ovary - nagiging prutas kapag naganap ang fertilization at ito ang naglalaman ng ovule na siyang nagiging buto petals at sepals - taga-akit ng insekto para maganap ang pollination

20

21


MGA BAHAGI NG HALAMAN

MGA URI NG BINHING BUTO

MGA BAHAGI NG BUTO

Open Pollinated (OP)

- nagmula sa iisang variety ng halaman na paulit-ulit na itinatanim at binubuto ng magsasaka upang gamiting binhi

Hybrid

- resulta ng pagsasama (cross) ng magaganda o piling katangian ng dalawang halaman (parent plant)

Seed coat (testa) - panlabas na bahagi ng buto na nagsisilbing proteksyon sa mga panloob na bahagi ng butos Epicotyl - ang naging usbong ng batang halaman Hypocotyl - ang naging sanga ng batang halaman Radicle - mumunting istruktura na magiging ugat ng halaman kapag tumubo na Cotyledons - nagsisilbing reserba na pagkain ng embryo 22

23


MGA KATANGIAN NG HYBRID NA BUTO Mas matibay sa mga peste at sakit ng halaman kaya maayos pa ring nakakapamunga bagama’t may kaunting problema sa kapaligiran Uniform o sabay-sabay at magkakasinglaking tumubo kaya’t mas madaling alagaan. Mas maagang mamunga kaya mas maagang mapakikinabangan May kakayahang mamunga ng higit na marami kaysa sa tradisyonal (OP) na binhi

BAKIT HINDI DAPAT BINUBUTUHAN ANG HYBRID Hybrid - resulta ng pagsasama ng magaganda o piling katangian ng dalawang halaman

AA x aa

Hybrid

Aa

x

Aa

Binuto

AA Aa Aa aa (iba-iba na)

24

25


BAKIT HINDI DAPAT BINUBUTUHAN ANG HYBRID Ang mga halamang tutubo ay magkaka-iba o hindi na pare-pareho ang laki

INTRODUKSYON KILALANIN ANG MGA GULAY NG EAST WEST SEED

Magkakaiba ang hugis at sukat ng bunga Magiging magkakaiba na rin ang mga katangian ng halaman sa populasyon sapagkat lalabas pati ang mga hindi magagandang katangian ng parentals. Mas mababa ang ani kaysa sa pinanggalingang F1 at mahihirapan sa paghihiwalay o pagkaklase-klase ng inani bago dalhin sa pamilihan

26

27


Ako si Sweet Grande! Ako ay matamis at masarap kainin. Nakakatulong ako sa inyong mga problema sa kidneys. Pinoprotektahan ko ang inyong puso laban sa sakit. Nagpapalaki at

Ako si Super Suprema! Makikita niyo ako

nagpapalakas ako ng inyong katawan.

sa pinakbet at ginataang kalabasa. Pinapatalas ko ang inyong mga mata. Mortal kong

At kung ang inyong magulang ay magkara-

kaaway ang cancer, lalo na si Lung Cancer.

yuma, nakakatulong ako sa sakit na kanilang

Pinoprotektahan ko kayo laban sa sakit sa

nararamdaman. Nakakatulong dn ako sa ane-

puso at diabetes.

mia at constipation. Pinoprotektahan ko din ang inyong mga mata.

Pag kayo naman ay naglalaro sa tanghali, nilalabanan ko ang dehydration at ang bagsik ng init ng araw.

SQUASH 28

CORN

29


Ako naman si Kuya Big C! Nakakatulong ako sa inyong kidneys, atay at bladder. Napapanatili ko Kami ay kambal na D1 at D2! Ang pangalan namin ay Diamante Max at Diamante. Hindi lang kami ginagawang sawsawan at panggisa kundi kinakain din kami nang hilaw. Pinapatalas namin ang inyong mga mata at pinapatibay ang inyong buto. Pinapalakas namin ang inyong puso upang tumibay ang inyong katawan. Nagagamot din namin ang inyong trankaso. Maganda rin kami para sa

ang inyong blood pressure. Pinapabilis ko rin ang pagtubo ng inyong buhok at kuko. Pinapanatili ko ang ganda ng inyong gilagid at ngipin. Nakakatulong din ako sa rayuma ng inyong mga magulang. Paborito ako ng inyong mommy upang gumanda ang kanyang kutis at nilalagay niya ako sa kanyang mga mata upang matanggal ang kanyang mga eyebags.

inyong kutis. Ginagamot namin ang sunburn at mga sugat niyo sa balat. Meron din kaming lycopene na panlaban sa cancer.

CUCUMBER

TOMATO 30

31


Ako si Ate Trinity. Makikita niyo ako sa spaghetti, pizza, at atchara. Pinapaganda

Ako si Curly Green! Madalas ako isama

ko ang daloy ng dugo para sa malusog

sa hamburger at salad. Tulad ng iba kong

niyong puso. Nakakatulong din ako laban

kasama, puno ako ng antioxidants.

sa asthma. Pinapatibay ko rin ang inyong

Nakaka-tulong ako sa pagbawas ng timbang.

katawan upang malabanan ang sakit dahil pumapatay ako ng bacteria na sanhi

Puno rin ako ng tubig na tumutulong

ng impeksyon. Puno rin ako ng antioxidant

labanan ang init ng araw habang kayo ay

na nagpapalakas at nagpapatibay ng

naglalaro.

inyong katawan.

SWEET PEPPER 32

LETTUCE 33


PAKCHOY Ako si Manong Montblanc! Paborito akong isama sa chopsuey. Pinoprotektahan ko kayo laban sa cancer. Pinapalakas ko ang inyong atay laban sa lason at meron din akong antioxidants tulad ng Dakilang Kuroda. Nakakatulong din akong labanan ang rayuma. Pinapatibay ko rin ang nyong puso.

Ako si Singkit Choy! Madalas niyo akong nakikita sa chinese mami. Punong-puno ako ng bitamina at antioxidants na nagpapalakas ng inyong immune system. Tumutulong ako sa tamang paglaki ng inyong buto at ngipin. Inaalaga ko rin ang inyong mga mata. Pinapatibay ko ang inyong puso upang kayo ay makapaglaro ng buong maghapon.

CAULIFLOWER 34

35


Ako si El Mariachi Django! Madalas akong gamiting Ako si Manang Morena! Madalas akong gawing tortang talong. Punong-puno ako ng antioxidants na nagpapatibay ng inyong katawan. Pinapatalas ko ang inyong isipan na nakakatulong sa inyong pag-aaral. Pinapatibay ko rin ang inyong puso. Nagbibigay ako ng enerhiya na nagpapalakas sa inyo. Tinutulungan ko rin kayong magbawas ng timbang upang mas madali kayong maka galaw.

EGGPLANT 36

pampaanghang ng ulam at sawsawan. Pinapaganda ko ang daloy ng dugo sa inyong katawan na nagpapabilis magpagaling ng mga sugat. Pinapalakas ko rin ang inyong puso. Pinapagaan ko ang sakit na inyong nararamdaman at nilalabanan ang cancer. Sinusunog ko rin ang taba at nakakatulong sa inyong magbawas ng timbang. Nilalabanan ko ang trangkaso at nagpapagaan ng inyong ubo’t sipon. Nakakatulong din ako laban sa diabetes. Solusyon din ako sa paghilab ng tiyan.

HOT PEPPER 37


Ako si Makabayang Red Pinoy! Ginagamit Ako si Sweet 18! Matamis ako at masarap gawing fruit shake. Binibigyan ko kayo ng enerhiya upang makakilos buong araw. Pinapatibay ko rin ang inyong mga mata at puso. Puno rin ako ng tubig na tumutulong sa inyong labanan ang dehydration. Sagana din ako sa lycopene na pampalusog ng puso.

ako na panggisa ng inyong mga ulam. Nakakatulong akong labanan ang inyong allergy. Pinapahupa ko rin ang pamamaga ng kalamnan. Ginagamit din akong gamot sa ubo at asthma. Pinoprotektahan ko rin ang inyong tiyan laban sa masasamang mikrobyo, at ang inyong bituka laban sa colon cancer. Kaya kong pahabain ang inyong buhay.

ONION WATERMELON 38

39


Ako si Tiyo Galaxy! Kahit na ako’y mapait, ako naman ay mabagsik laban sa dabetes.

Ako si Dalagang Sinta! Madalas akong

Masarap akong isama sa pakbet, at lutuin

kainin bilang panghimagas. TInutulungan

bilang sarsyadong ampalaya. Puno rin

ko ang inyong tiyang tunawin ang inyong

ako ng bitamina at antioxidants na

pagkain. Nililinis ko rin ang inyong bituka

nagpapalakas ng inyong katawan.

upang maka-iwas sa sakit. Gamot din ako sa pagkahilo at ang buto ko ay pwedeng

Maganda ako para sa inyong atay upang

gamitin g pampurga sa bulate. Nilalabanan

kayo ay manatiling malusog at malakas.

ko rin ang cancer.

Pwede rin akong gamitin pampurga ng bulate. Gamot din ako sa ubo at sakit sa balat.

BITTER GOURD 40

PAPAYA 41


MGA KAGAMITAN SA PAGHAHALAMAN

42

43


PANGHUKAY AT PANGGAMBOL

44

PANUKAT AT PANGMARKA

PIKO, ASAROL, BARETA, PALA, TROWEL ATBP.

TULOS, PISI, METRO/MEDINA ATBP.

PAMPINO NG LUPA

PANDILIG

KALAYKAY, PALANG TINIDOR, ATBP.

RIGADOR, TIMBA, TABO ATBP. 45


Pangangalaga sa mga Kagamitan sa Paghahalaman 1. Huwag ikalat ang mga gamit kahit saan lamang, maglaan ng lalagyan o taguan sa mga ito 2. Kuhain sa lalagyan kung alin lamang ang siyang gagamitin. 3. Upang mapatagal ang ating mga kagamitan ay ugaling linisin at patuyuin ang mga ito pagkatapos gamitin. Ang ibang kagamitan tulad ng itak ay kinakailangang langisan bago itago. 4. Huwag paglaruan ang mga kagamitan. Maaring masira ang mga ito o makasakit sa inyo.

MGA SALIK PANGKALIGTASAN

5. Kung makapapansin ng sira o depekto sa mga kagamitan ay magkusang ayusin agad ang mga ito upang muling magamit.

46

47


MGA SALIK PANGKALIGTASAN 1. Sumunod sa mga tagubilin ng guro 2. Huwag maglalaro sa oras ng paghahalaman. Ang mga kagamitan ay maaring makasakit sa inyo at sa kapwa mag-aaral. 3. Magsuot ng damit panggawa at magdala ng pamunas ng pawis upang maiwasang magkasakit. Magsuot ng sumbrero o anumang pamprotekta sa init ng araw. 4. Ugaliing maghugas ng kamay pagkatapos gumawa sa halamanan lalo na kung humawah ng lupa, pataba o anumang materyal na maaaring makairita o makalason.

48

PAGKOKOMPAS Sa P akikipagtu lu ngan sa S an Jose C ity De partm e nt of Agricu ltu re

49


Ano ba ang Pagkokompos?

3. Isalansan (layer) ang mga materyales sa salitan a. paglatag ng dayami b. pag-iispray ng EMAS

Ang pagkokompos ay isang teknolohiya ng pagpapabi-

EMAS- Effective Microorganism Activated Solution

lis ng pagpapabulok ng mga organikong materyales sa tulong

c. paglalatag ng dumi ng hayop

ng mga microorganisms sa isang prosesong bayolohikal na nangangailangan ng hangin (aerobic). Ito ay mabisang paraan ng recycling na isang lunas dn ng polusyon sa kapaligiran. Mula dito ay nakabubuo ng organikong pataba na nakapagbibigay sustansiya sa mga pananim at nagpapaganda ng kondisyon ng lupa.

Mga Hakbang sa Pagkokompos

4. Pagbabasa ng tubig at pagtatakip ng dahon ng saging at sako.

1. Ihanda ang mga materyales - dayami / dahon - dumi ng hayop 2. Ihanda ang lugar - linisin at patagin ang lugar kung saan magkokompos

50

51


5. Paghahalo tuwing ikalawang linggo 6. Pag-aani

CONTAINER GARDENING Sa Pa ki ki p a g t u lu n g a n n i D r . Pedr i t o S . N i t u r a l n g C o lleg e o f Ag r i c u lt u r e, C LS U , S c i en c e C i t y o f Mu n o z , N u eva Ec i ja

52

53


Container Gardening Tinatawag ding Receptacle Farming o Paghahalaman sa paso.

Mga Kapakinabangan 1. Bukod sa nagpapaganda ng kapaligiran ang mga halaman, nakababawas din sa mga basurang nagdudulot ng polusyon sapagkat nagagamit pang muli ang mga bagay na patapon na tulad ng mga malalaking plastic containers, lumang gulong, sirang batya, sirang timba at iba pa. 2. Ang paggugulayan ay nagiging posible kahit sa maliit na lugar lamang o sa mga lugar na hindi maganda ang kondisyon sa paghahalaman tulad ng mabato o sementadong lugar. 3. Nakakatipid sa pagbili ng gulay sapagkat nakakapag-ani ng sariwang gulay sa loob ng bakuran

Mga Hakbang 1. Paghahanda ng mga lalagyan at pagpili ng mga halamang itatanim Ang Container Gardening ay isang oportunidad ng pagrerecycle ng mga bagay na karaniwan nang itinatapon sa basurahan tulad ng: lumang gulong, plastic containers, sirang batya, tmba, kaserola at iba pa. Ang mga lalagyan ay dapat may butas at ligtas sa mga materyal na nakakalason sa mga halaman at tao. Ang mga lalagyan kung saan itatanim ang mga halaman ay dapat sapat ang laki upang malagyan ng sapat na dami ng media na kayang sumuporta sa mga halaman kahit sila ay malaki na. Habang lumalaki ang lalagyan ay lumalawak ang pagpipilian kung anong halaman ang itatanim. Ang mga maliliit na lalagyan ay para lamang sa mga shallow-rooted na halaman tulad ng mustasa, pechay, letsugas at iba pang madadahong gulay

4. Ang mga inaaning gulay ay ligtas sa kontaminasyon ng mga nakakalasong kemikal.

54

55


3. Pagtatanim ng mga halaman sa mga lalagyan 2. Paghahanda ng media (paghahalo at paglalagay sa mga lalagyan) Maaaring gumamit ng ordinaryong lupa, compost at binulok na ipa sa tig-iisang bahaging proporsyon ( 1:1:1 ) Haluing mabuti ang pagtatanimang media at ilagay sa mga napiling lalagyang pagtataniman.

4. Diligan ang mga bagong tanim na halaman

56

57


5. Iayos ang mga lalagyang nataniman sa lugar na nasisikatan ng araw at ayon sa nais na disenyo: Paghahanay ayon sa bakanteng lugar Halo-halong pagkakaayos ayon sa putahe ng ulam Hal. Pinakbet Mix, Sinigang Mix

6.Alagaan ang mga halaman sa pamamagitan ng regular na pagdidilig, pagpapataba, at pagsugpo sa mga peste. Bunutin ang mga damong tumutubo sa pagitan ng mga alaman at tanggalin ang mga bunga, dahon, at punong may sakit. 58

59


ANO BA ANG GREENHOUSE?

60

61


Ano ang Greenhouse?

Natatakpan ng makapal na plastic at napapalibutan ng net

Ito ay isang makabagong paraan o istruktura na ginagamit sa pagtatanim ng gulay at iba pang halaman.

plastic net

Ang greenhouse ay isang kulob na istruktura kung saan nakukulob ang init mula sa liwanag ng araw na Kadalasan gawa sa tubo at karaniwang materyales tulad ng

siyang nagpapainit sa mga halaman, lupa at ibang

kawayan.

mga bagay sa loob ng istruktura bago pa man ito sumigaw palabas.

62

63


Mga Benepisyo at Pakinabang

Napapalaki ang produksyon sa maliit na lugar dahil sa kontroladong kondisyon.

Makakapagtanim tayo ng gulay sa anumang panahon lalo na sa tag-ulan

Maaaring gamitin sa mga mamahaling gulay na maaaring maibenta pa sa ibang banse. Mas mataas ang kalidad ng gulay na nagbibigay ng magandang presyo sa merkado

64

65


PARAAN NG PAGTATANIM

Nakokontrol ang pag-atake ng insekto at naiiwasan ang paggamit ng pestisidyo.

TUWIRAN/ DIRECT SOWING - Pagtatanim ng mga buto ng halaman sa mismong lugar kung saan sila ay sisibol hanggang sa pwede nang anihin

X

Angkop sa tinatawag na “Organic Farming”

At angkop gamiting narseri sapagkat magiging malulusog ang mga punla sa loob ng Greenhouse.

66

DI-TUWIRAN (Pagpupunla at paglilipat tanim) - Ang mga buto ay pinupunla muna sa narseri o isang lugar/ lalagyan hanggang umabot sa hustong gulang para sa paglilipat tanim.

67


PAGPUPUNLA

68

69


MGA HAKBANG SA PAGPUPUNLA 1. Ihanda ang seedling media:

MGA HALIMBAWA NG SEEDLING MEDIUM 1:1:1 buhangin: lupa: compost 1:1:1 lupa: coconut coir dust/ sunog na ipa: compost 1:1:1 lupa:dumi ng hayop: coconut coir dust 3:1

coconut coirdust: sand

1

purong peatmoss

Mga dapat isaalang-alang sa paghahanda ng seedling media: Kapasidad sa paghawak ng tubig Tamang pagkakabuhaghag May sapat na sustansya Malinis o ligtas sa mga sakit sand coirdust mix 70

pure peatmoss 71


HALIMBAWA NG PAGHAHANDA NG SEEDLING MEDIA

2. Isterilize ang seedling media upang mapatay ang fungus na sanhi ng damping off sa punla (Phytophthora, Rhizoctonia, Phytium)

Paglilinis sa Coir Dust 2-3x Pagbibistay at paglilinis ng buhangin Paghahalo (3:1 Coir dust at buhangin)

72

73


MGA PARAAN NG PAG-STERILIZE 1. Raw-heat method- pagsusunog ng dayami sa ibabaw ng kamang taniman (1-5cm kapal)

3. Steam sterilization- pagpapasingaw

1.

2.

3.

2. Hot plate sterilization- pagsasangag

74

75


MGA PARAAN NG PAGPUPUNLA

MGA BENTAHE NG PAGGAMIT NG PLASTIC SEEDLING TRAY Mataas na kalidad ng malulusog na punla

1. Kamang taniman

Mabilis na pag-recover ng mga punla pagkalipat tanim Mababa ang bilang ng mga namamatay pagkalipat tanim Nakakatipid sa gastos sa buto

2. Kahong Punlaan

May kasiguruhan sa kaligtasan ng punla laban sa mga hayop at kalamidad Pwede kahit delayed ang paglipat-tanim Mababa ang posibilidad ng pagkalat ng sakit

3. Seedling trays

©TVBT

76

77


PAGPUPUNLA SA SEEDLING TRAY 1. Paghahalo ng Seedling Media

2. Pagpupuno ng soil media sa mga trays at pagbubutas ng mga lalagyan ng buto

4. Pagdidilig sa mga tray at paglalagay sa medyo malilim na lugar o kaya ay sa greenhouse 3. Paglalagay ng buto sa bawat butas at pagtatabon ng kaunting lupa

PAG-AALAGA NG MGA PUNLA CUCURBITIS: Ampalaya Kalabasa Araw Pipino

10-15 araw

SOLANACEOUS: Kamatis = 15-20 araw Talong at Sili = 22-30 araw PATABA SA PUNLA Calcium nitrate Foliar fertilizers

78

79


WASTONG PANGANGALAGA NG PUNLA 1. Regular na diligan ang mga punla 2. Patabaan ng abonong mataas sa nitroheno para lumusog at yumabong ang mga punla 3. Iwasan ang sobrang stem elongation o sobrang paghaba ng sanga sa pamamagitan ng pagpapaaraw sa mga ito 4. Iwasan ang diretsong sobrang init ng araw sa pamamagitan ng paglalagay ng itim na net 5. Kung hindi gumagamit ng greenhouse ay takpan ang mga punla ng plastic upang maiwasan ang pinsala ng malakas na ulan 6. Mag-spray ng pestisidyo kung kinakailangan lamang 7. Diligan ng fungicide ang mga punla kapag may impeksyon ng damping-off

PAGHAHANDA NG TANIM

8. Patigasin (harden) ang mga punla bago maglipat-tanim upang maiwasan ang transplanting shock o pagkabigla ng mga punla sa init ng araw na magiging sanhi ng pagkalanta. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagpapaaraw sa tray ng punla at paglilimita ng tubig ng dalawa hanggang apat na araw bago maglipat-tanim. 80

81


MGA HAKBANG SA PAGHAHANDA NG LUPANG TATAMNAN

3. Sukatin ang tamang distansya ng kanal at kamang pagtatamnan gamit ang tansi at mga patpat o tulos

1. Tanggalin ang mga damo sa lupang pagtatamnan

Solanaceous 1 m.

0.5 m.

Cucurbitis

0.5 - 0.75 m

0.5 m

1 m

Pananim 2-3 m Pananim

0.5 – 2 m

2. Araruhin ang lupa gamit ang traktora, hayop o asarol 4-5 m

Pagitan ng

bawat kama

bawat halaman

Pagitan ng

Pagitan ng

bawat kama

bawat halaman

Ampalaya

2.0 m

0.5 m

Upo Sili

2.00.5 m m 0.50.5 mm

0.5 m 0.50.5 m m

Kamatis Patola

2.00.5 m m 0.50.5 mm

0.50.5 m m

Talong Pakwan

3.00.5 m m 0.50.5 mm

0.75 0.5mm

Kalabasa

3.0 m

0.5 m

1.5 m

Pipino

0.5 m

0.5 m

0.5 m

0.5 m

1 m

Pananim 2-3 m

0.5 – 2 m

4-5 m

82

Pagitan ng

Pagitan ng

Pagitan ng

bawat kama

bawat halaman

Ampalaya

2.0 m

0.5 m

0.5 m

Upo

2.0 m

0.5 m

0.5 m

Patola

2.0 m

0.5 m

0.5 m

Pakwan

3.0 m

0.5 m

0.5 m

Kalabasa

3.0 m

0.5 m

1.5 m

Pipino

0.5 m

0.5 m

0.5 m

83


4. Hukayin ang kanal at pantayin ng maayos ang kamang pagtatamnan

5. Maglagay ng abonong organiko o di organiko

84

6. Pantayin ang kamang taniman gamit ang kalaykay

7. Takpan ng plastic mulch ang kamang taniman

85


8. Sukatin at markahan ang sukat ng pagitan kada halaman

9. Butasan ang plastic mulch gamit ang metal puncher o lata na may baga

PAGLILIPAT-TANIM o TRANSPLANTING

86

87


Pagkatapos ipunla ang mga buto sa isang lugar o lalagyan hanggang sa umabot sa wastong gulang ay saka ililipat tanim. Maglipat-tanim sa bandang hapon o sa umaga kung makulimlim naman ang panahon.

MGA HAKBANG NA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGLILIPAT-TANIM 1. Piliin ang mga matitibay na punla

2. Diligan ang mga punla apat na oras bago itanim

88

89


5. Ingatan ang paglilipat ng punla. Tabunan ang puno upang hindi ito matumba. 3. Butasan ang lupa gamit ang kahoy o bareta upang mas maging madali at mabilis ang paglilipat tanim.

6. Diligan ang nilipat na punla kung kinakailangan. 4. Ingatan ang pagkuha ng punla sa tray upang maiwasan ang pagkasira ng ugat

90

91


SIMPLENG PANGANGALAGA NG PANANIM

92

93


PAGPAPATABA PAGGAGAMBOL/ PAGLILINANG (CULTIVATION) 1. Ang lupa sa paligid ng mga halaman ay tumitigas habang tumatagal kaya mahihirapang makapasok ang hangin na kinakailangan upang: - Maging aktibo ang mga organismo sa lupa na tumutulong sa nutrisyon ng halaman - Maganap ang mga prosesong kemikal o reaksyon ng mga sustansyang nasa lupa para magiing handa ang mga ito sa pagsipsip ng ugat ng halaman

2. Ang paglilinlang ay nagpapabuhaghag ng lupa na siyang tumutulong sa ugat ng halaman upang lumago at kumalat sa lupa

(FERTILIZATION)

1. Hindi lahat ng sustansya ay kayang ibigay ng lupa kaya kinakailangan magdagdag sa pamamagitan ng paglalagay ng pataba. 2. Ang tamang paraan ng paglalagay ng granular na pataba ay malayo ng kaunti sa puno ng halaman o di direktang tumatama sa ugat o parte ng halaman para maiwasan ang pagkasunog o masamang epekto sa halaman ng di-wastong paraan. 3. Ang wastong paraan ng pag-iispray ng foliar ay direktang tumatama o bumabasa sa halaman ngunit hindi sa taong nagiispray. 4. Ang pagdidilig o drench na paraan ay ginagawa para sa mabilis na epekto ng pataba sa panahon ng tag-araw kung saan limitado ang tubig na magtutunaw sa patabang granular kung sa lupa inilagay.

FERTILIZER

94

95


PAGDIDILIG (WATERING)

(WEEDING)

1. Pagkatapos lamang ng pagtatanim, kinakailangan na ng mga halaman ng tubig. Isa ito sa pang-araw-araw na pangangailangan nila.

1. Ang mga damo ay ang mga di kaaya-ayang halaman na nakikipagkompetensya sa ating mga pananim sa tubig, sustansya at liwanag.

2. Huwag hayaang lumipas ang araw na hindi nakatikim ng tubig ang mga halaman, kundi ay unti-unti silang manghihina, malalanta hanggang sa mamatay.

2. Nagsisilbi rin itong tahanan ng mga peste para sa kanilang pagpaparami.

3. Diligan ang mga halaman ng umaga o hapon

96

PAGDADAMO

3. Kinakailangang tanggalin o bunutin ang mga damo bago pa man dumami at lumaki ang mga ito para mapanatiling malusog ang mga halaman.

97


PAGPAPATABA Adva n c ed c o u r s e ( F o r g r a de V & VI o n ly )

98

99


PATABA / ABONO 1. Ang pataba ay solid o liquid, natural (organiko) o synthetic ( di-organiko), o kombinasyon ng mga ito. 2. Ang mga ito ay nagbibigay ng mga sustansyang kailangan ng halaman upang tumubo ng maganda o mamunga nang masagana.

PARAAN NG PAGLALAGAY NG PATABA

PARAAN NG PAGLALAGAY NG PATABA Broadcast/ Sabog- Pagsasabog o pagkakalat ng pataba ng pantay pantay sa buong lugar na pagtataniman na karaniwang sinasagawa bago ang huling pagsusuyod ( harrowing) o bago magtanim, tinatawag ding basal.

Top dressing- Sabog na pamamaraan ng paglalagay ng pataba sa mga halamang naitanim na

Broadcast/ Sabog (Basal) Top Dressing Side Dressing Localized Foliar Drench/ Dilig

100

101


Side dressing- Paglalagay ng pataba sa gilid ng paligid ng halaman tulad ng mais

Localized- Paglalagay ng tumpok ng pataba malapit sa ugat ng halaman

102

Foliar- Pa-ispray na paglalagay sa mga dahon ng espesyal na patabang tnimpla sa tubig ( Babala ang mga ordinaryong synthetic na pataba tulad ng urea ay di dapat gamitin sa ganitong paraan sapagkat nakakasunog ng mga bahagi ng halaman)

Drench/ Dilig- Pagdidilig sa mga halaman ng ordinaryong pataba ( hal.urea, 14-14-14) nilusaw sa tubig - Ito ang pinakamainam na paraan kapag tag-araw na kung saan halos walang ulan na siyang magtutunaw sa granular na patabang inilalagay sa lupa

103


Sa paglalagay ng pataba ay mahalagang isa-alang-alang ang mga sumusunod 1. Tamang halaga ng patabang ilalagay a. Kalagayang nutrisyonal ng lupa b. Halaga at uri ng sustansya na kakailanganin ng halamang itatanim 2. Tamang paraan at panahon ng paglalagay ng pataba a. Uri ng patabang ilalagay/ gagamitin b. Angkop na paraan ng paglalagay ng pata bang napili

104

Kaakibat ang teknolohiya ng paggamit ng plastic mulch sa kamang taniman ang unang paglalagay ng pataba sa lupa ay ginagawa bago ilipat ang pananim sa kama ng lupang pagtatamnan Ito ay ginagawa upang masiguro na may sustansyang magagamit ang halaman sa lupa kapag to ay nailipat na. Mayroong dalawang paraan kung paano itong isinasagawa: Paraan 1. Bago lagyan ng plastic mulch ang mga kama ng lupang pagtatamnan Paraan 2. Nilagyan na ng plastic mulch ang mga kama ng lupang pagtatamnan

105


PARAAN 1: Ito ay ginagawa bago lagyan ng plastc mulch ang mga kama ng lupang pagtatamnan

c. Maglagay ng 20 gramong 14-14-14 sa bawat metro na pagtatamnan. Ihalong mabuti ito sa lupa

a. Sa isang gilid ng kamang taniman, gumawa ng isang mababaw na pahabang hukay (trench) para sa cucurbits o dalawang magkabilaan para sa solanaceous na kung saan ilalagay ang mga abono sa lupa

PARAAN 2: Ito ay ginagawa kung ang mga kama ng lupang pagtatamnan ay nilagyan na ng plastic mulch. Gawin ito tatlong linggo bago ang nakatakdang paglilipat-tanim na halaman Para sa Cucurbit crops

Para sa Solanaceous crops

a. Pagkatapos butasan ang plastic mulch, humukay sa butas ng lalim na hindi lalampas sa 10cm.

b. Ihalo ang isa hanggang apat na kilong natuyong dumi crops ng hayop Para o anumang Para sa Cucurbit sa Solanaceousorgancrops ikong pataba sa bawat isang metro ng kamang taniman

106

107


b. Lagyan ang bawat butas ng isang kutsarang complete (14-14-14)

c. Maglagay ng isang dakot na organikong pataba sa bawat butas

d. Diligan ang bawat butas hanggang sa paglilipat-tanim

Habang lumalaki ang halaman ay naglalagay din tayo ng pataba Ito ay ginagawa upang mapalitan ang mga sustansya sa lupa na nagamit na ng halaman at upang matugunan pa ang lumalaking pangangailangan ng halaman sa mga sustansya

108

109


Pangangalaga ng Halaman laban sa Peste

110

111


Ano ang Peste? Ang Peste ay kahit anong hayop, insekto, mikrobyo o halaman na sumisira o nagbibigay pinsala sa tao at mga pag-aari nito kagaya ng mga pananim

MGA PINSALA NA DULOT NG PESTE a. Pakikipag-agawan sa pagkain na kailangan ng tao o ng pananim b. Pagbaba ng produksyon o ani c. Tagapagdala ng sakit sa halaman o sa hayop d. Sumisira sa mga gamit at istruktura; at panggulo o nagbibigay gulo (nuisance)

112

Insekto

Sakit

Damo

Daga

Ibon

Suso

113


MGA PARAAN NG PAGSUGPO SA MGA PESTE

b. Halamang Gamot

1. Pag-gamit ng mareresistensyang halaman Pumili ng halaman na may likas na kakayahan na labanan ang mga peste (hal. hybrid na binhi) Panlaban sa Pesteng Insekto 2. Pag-gamit ng “Biological Control”

Marigold, Neem Tree, Bawang, Sibuyas, Kutsay, Tanglad, Luya, Coriander

a. Beneficial Insects

Pang-akit sa mga kaibigang kulisap

Basil, Tarragon, Cosmos, Zinnia, Sunflower

114

115


3. Pag-gamit ng Kultural Kontrol a. Paggamit ng plastic mulch - ang pag-init sa loob ng plastic mulch ay nakakapuksa ng ilang mapaminsalang mikrobyo at ibang malliit na peste sa lupa; at ang panlabas o makintab na bahagi ng mulch ay nakapagtataboy ng populasyon ng ibang insekto kapag nasnagan ng araw

c. Paggamit ng Pheromones - ang pheromones ay mga pampaamoy o pang-akit sa mga pesteng insekto upang mabitag ang mga ito at mabawasan ang kanilang populasyon

4. Pag-gamit ng Pisikal Kontrol a. Manwal na pagtatanggal ng mga uod/ insekto

b. Pag-araro - ito ay nakapagtatanggal din ng ilang peste na namumuhay sa lupa habang wala pang pananim sa lugar na pang agrikultural

116

117


4. Pag-gamit ng Kemikal Kontrol Iba’t ibang uri ng Pestisidyo Base sa Pesteng Sugpuin: a. Insecticide - para sa insekto b. Fungicide - para sa amag c. Bactericide - para sa bakterya d. Nematicide - para sapinong bulate na umaatake sa ugat ng halaman e. Rodenticide - para sa daga f. Molluscicide - para sa kuhol g. Miticide - para sa kuto ng halaman h. Herbicide - para sa damo BRAND NAME

A.I.

COMPANY

MGA KASUOTAN PARA SA KALIGTASAN HABANG GUMAGAMIT NG PESTISIDYO Long rubber gloves Waterproof hat

Goggles

FLAG

AMMO

cypermethrin

Du-pont

green

BUGBUSTER

cypermethrin

Leads Agri

green

XYMBUSH

cypermethrin

Jardin

green

Long pants over boots

Respirator Rubber boots

118

119


WASTONG PAG-AANI NG GULAY

120

121


MGA DAPAT ISAISIP SA PAG-AANI NG GULAY 1. Tamang edad o gulang ng gulay

Ang kalidad ng gulay ay hindi na mapapaganda kapag ito ay naani na kaya nararapat na isaalang-alang ang mga wastong paraan ng pag-aani. Maaari na lamang itong mapanatili sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tamang pamamaraan ng pag-alaga, pag-ani at pag-iimbak para masigurong ligtas, malinis at mataas ang kalidad ng ating mga produktong gulay.

Siling Pukinggan: Magsimula ng mag-ani sa ika 55-65 araw pagkalipat tanim Manibalang (halong berde at pula ang kulay ng bunga) Mapintog at makinis Siling Panigang: Magsimula ng mag-ani sa ika 55-65 araw pagkalipat tanim Berde ang kulay ng bunga Mapintog at makinis ang bunga

Talong: Magsimula ng mag-ani sa ika 55-65 araw pagkalipat tanim Matingkad na ang kulay ng bunga Mapintog, makinis at makintab ang bunga 122

123


Kamatis: Magsimula ng mag-ani sa ika 55-65 araw pagkalipat tanim Manibalang (halong berde at pul ang kulay ng bunga) o mature green Mapintog, makinis at makintab ang bunga Pipino: Magsimula ng mag-ani sa ika 30-35 araw pagkalipat tanim Nasa tamang laki ang bunga at mayroong tinik ang balat nito

Upo: Magsimula ng mag-ani sa ika 55-65 araw pagkalipat tanim Maberde ang kulay ng bunga Ang balat ng bunga ay mayroong balahibo Patola: Magsimula ng mag-ani sa ika 45-55 araw pagkalipat tanim Maberde ang kulay ng bunga Malambot ang bunga 124

Ampalaya: Magsimula ng mag-ani sa ika 45-50 araw pagkalipat tanim Mappintog ang bunga Mas malawak ang pagitan ng kilabot o lukot ng balat ng bunga

Pakwan: Magsimula ng mag-ani sa ika 55-65 araw pagkalipat tanim Maninilaw ang balat na nakalapag sa lupa Maugong ang tunog ng bunga kung ito ay katukin Natuyo na ang kalawit malapit sa tangkay ng bunga

Kalabasa: Maaari nang anihin sa ika 75-90 araw mula pagkatanim Nawawala ang kintab ng balat at nagiging parang mapolbo

125


2. Tamang oras sa pag-aani ng gulay Karamihan ng ating gulay ay magandang anihin sa hapon o kaya ay sa umaga habang ang panahon ay malamig pa sapagkat madaling masisira o malalanta ang mga ani kapag nabilad sa init ng araw

3. Tamang paraan sa pag-aani ng gulay

Maaaring pitasin ang bunga ng mga gulay ` gamit ang kamay katulad ng kamatis at sitaw

Kung kinakailangan, gumamit ng gunting o kutsilyo para maputol ng maayo s ang bunga ng talong, okra, sili , ampalaya, upo, patola, pakwan, kalabasa

126

127


POST-HARVEST HANDLING Ang post-harvest handling ay mga bagay na ginagawa pagkatapos mag-ani ng gulay para maiwasan ang mabilis na pagkasira nito. 1. Paglilipat ng gulay mula sa taniman hanggang sa palengke 2. Paglilinis ng gulay upang maalis ang lupa na nakadikit dito 3. Pagpapalamig ng gulay upang hindi ito madaling masira 4. Pagbubukod sa magandang klase at hindi magandang klase ng gulay 5. Pagbubukod sa malaki at maliit na gulay 6. Pagpuputol sa mga parte ng gulay na hindi na nagagamit tulad ng ugat at iba pa

PAGSASAPAMILIHAN AT PAG-IINGAT NG MGA TALAAN / RECORD

7. Pagtatali ng gulay ayon sa tamang dami bago ibenta 8. Paglalagay sa lalagyan bago ito ibenta 9. Pag-iimbak ng tama para hindi madaling masira

128

129


Bakit mahalaga ang Pagtatala/ Pagrerekord? - Upang malaman kung kumikita ang negosyo - Para matunton kung saan napupunta ang malaking parte ng gastos at meremedyuhan ito

Mga Paraan ng Pagsasapamilihan ng Produkto 1. Pagbebenta ng gulay sa mga kapit-bahay 2. Pagbebenta sa mga middleman o mga biyahero 3. Pagbibiyahe at pagbebenta sa pamilihan

- Makaiwas sa pagkalugi ng negosyo

Ano ang kailangan sa record keeping? 1. Listahan ng mga ginastos na kagamitan sa negosyo 2. Listahan ng mga gnastos na serbisyo sa negosyo 3. Listahan ng benta o kita sa negosyo * Tip: Itago lahat ng resibo

130

131


Halimbawa ng Record Keeping GASTOS ( Debit )

KITA

( Credit )

GASTOS ( Debit )

Pambili ng Buto

100.00

Pataba

320.00

Pambili ng Buto

100.00

Patubig

210.00

Pataba

320.00

Pasweldo

150.00

Patubig

210.00

Benta sa Ani

Pasweldo

150.00

Total

Benta sa Ani

KITA

( Credit )

1,500.00 780.00

1,500.00

1,500.00 Gross Income: 1,500

Terminolohiya sa Record Keeping Credit- kinita o pumasok na pera Debit- gastos, utang o lumabas na pera Gross Income- kabuuhan ng lahat ng kinita Total Cost- kabuuhan ng lahat ng gastos Net Income- kabuuhan ng lahat ng kinita bawas ang lahat ng gastos Return on Investment- porsyento ng kinikita sa gastos 132

Total Cost: 100 + 320 + 210 = 150 = 780 Net Income: 1,500- 780 = 720 Return on Investment: (1,500-780)/780 = .92 o 92% Ibig sabihin ay sa bawat P1 gastos ay kumikita ka ng 92 sentimo

133


Exercise on Record Keeping

Exercise on Record Keeping (Answer Key)

1.) Bumili ka ng tatlong pouch ng Suprema Hybrid Kalabasa sa halagang 46 pesos kada pouch. May

GASTOS

laman ang isang pouch na 15 buto. Iyong ipinatanim

( Debit )

KITA

( Credit )

at pinaalaga sa dalawang tao ng tatlong araw. Ang Pambili ng Buto (3x46) per pouch

138.00

naman ang iyong patubig. Tumubo ang lahat ng

Pataba

100.00

buto at namunga. Ang isang halaman ng Suprema

Patubig

-

Pasweldo 2 tao x 100/ tao x3

600.00

iyong pasweldo ay 100 pesos bawat tao kada araw. Bumili ka ng 100 pesos halaga ng pataba at libre

ay bumunga ng 3 prutas.

Mga Katanungan: 1. Ano ang iyong gross income? 2. Ano ang iyong total cost? 3. Kung nabenta mo ng P20 ang bawat isang Suprema kalabasa, ikaw ba ay kumita o nalugi? 4. Ano ang iyong Net income at Return on investment? 5. Magkano ang iyong kinita sa bawat pisong iyong ginastos? 134

Benta sa Ani

2,700.00

3 pouchx 15 butox 3 prutas x 20/prutas

Gross Income: 2,700 Total Cost: 138+ 100 + 600= 838 Net Income: 2,700- 838= 1,862 Return on Investment: (2,700-838)/838 = 2.22 o 222% 135


Exercise on Record Keeping

Exercise on Record Keeping (Answer Key)

2.) Kung ikaw ay siningil ng 400 pesos sa patubig at iyong

GASTOS

nabenta ang Suprema kalabasa ng P8 kada piraso:

1. Ano ang iyong gross income? 2. Ano ang iyong total cost? 3. Ano ang iyong Net income at Return on investment? 4. Magkano ang iyong kinita sa bawat pisong iyong ginastos?

( Debit )

Pambili ng Buto (3x46) per pouch

138.00

Pataba

100.00

Patubig

400.00

Pasweldo 2 tao x 100/ tao x3

600.00

Benta sa Ani

KITA

( Credit )

1,080.00

3 pouchx 15 butox 3 prutas x 20/prutas

Gross Income: 1,080 Total Cost: 138+ 100 + 400+ 600= 1,238 Net Income: 1,080- 1,238= -158 Return on Investment: (1,080- 1,238)/1,238 = -0.12 o -12% 136

137


GLOBAL WARMING

138

139


GLOBAL WARMING Ang global warming ay isang kondisyong bunga ng mga polusyong idinulot ng tao sa kapaligiran na siyang nagiging sanhi ng pagtaas ng temperatura ng mundo.

Pagtaas ng temperatura

Pagbaha at iba pang trahedya

Ito ay nagdadala ng pagbabago sa klima at pagkasira ng balanse ng kalikasan na maaaring magdala ng mga trahedya tulad ng ipu-ipo, malalakas na bagyo at pagbaha.

Polusyon

140

Hihintayin pa ba nating mangyari ang mga ito?

141


May Magagawa pa Tayo! Matutong magrecycle upang maiwasan ang pagsusunog at mapapakinabangan pa ang mga patapon na Pagtatanim ng mga puno at mga halaman sa kapaligiran

Iwasan ang paggamit ng mga bagay na may chlorofluorocarbons (CFC’s) tulad ng aerosols etc. Limitahan ang paggamit ng mga kemikal na panlinis at pamatay peste

Paglilimita ng pagagamit sa mga makinaryang nagsusunog ng krudo sa pamamagitan ng paghahanap ng alternatibo 142

Itapon ang basura sa tamang lalagyan



Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.