ARM CAPTAIN: (Sasaludo) Kagalanggalang na Chancellor, ang mga bagong halal na pinuno ay
nakapagayos na at handa na para sa pagtatalaga.
COLUMBIAN SQUIRES LUZON JURISDICTION PAGTATALAGA NG MGA OPISYALES NG COLUMBIAN SQUIRES
OUTGOING CHIEF SQUIRE (OCS): (Pangwakas na Pananalita). Mga Kapitan. (Lalapit ang mga outgoing Captains, Arm & Pole sa harap ng OCS at sasaludo ), isalin na ninyo ang inyong simbulo (Jewel) sa mga bagong halal na kapitan. (About face ang 2 Kapitan at tatawagin ang mga bagong halal na kapitan). OUTGOING POLE CAPTAIN:
Mga bagong halal na Kapitan. (Lalapit ang incoming Arm & Pole Captains at sasaludo, isasalin ang Jewels at magpapalit ng puesto at aalis na ang outgoing captains papunta sa designated chairs).
OUTGOING CHIEF SQUIRE:
Mga Kapitan, sunduin ninyo ang ating Kagalanggalang na Chancellor at gabayan ninyo siya para sa pagtatalaga ng mga bagong pinuno. (Susunduin ng mga Kapitan ang Chancellor mula sa antichamber at ihaharap sa OCS. Pagkatapos ng saluduhan, papalit sa puesto ng Chief Squire ang Chancellor).
CHANCELLOR: Mga Kapitan (Tatayo at sasaludo ang mga Kapitan), ayusin na ninyo ang mga bagong
halal na pinuno ayon sa kanilang pagkakasunodsunod at dalhin ninyo sila sa ating pulungan at sabihan ninyo sa akin kung ang lahat ay handa na para sa kanilang panunumpa. (Sasaludo ang mga kapitan at sila’y lalabas ng Chamber papuntang AntiChanber. Ilang saglit ay babalik ang Arm Captain para magulat).
CHANCELLOR:
Kapitan, dalhin sila sa ating harapan. (Pagbalik ng Arm Captain sa antichamber ay papalakpak siya ng pitong beses at sasagutin ito ng pito ring palakpak mula sa Pole Captain at saka bubuksan ang pintuan).
POLE CAPTAIN:
Mga pinuno. . . Handan na! Lakad pasulong, Kad! (Pagkalabas ay saka isasara ng Arm Capatin ang pintuan). (Mangunguna ang Pole Captain sa pila hanggang ang lahat ay mapagitna na nakaharap sa Chancellor . . . in Column)
CHANCELLOR:
Columbian Squires, hayaan ninyong italaga ko ang inyong mga bagong halal na opisyales. Pero, bago ang lahat, nais kong batiin ang mga opisyales na nagtanod sa kanikanilang himpilan nitong nakaraang taon at pasalamatan sila sa pamamagitan ng konseho dahilan sa kanilang matagumpay at walang sawang paglilingkod. Sa inyong lahat na mga bagong pinuno, na napiling mamahala sa mga gawain ng Columbian Squires (Pangalan ng Circle) Circle (bilang) sa susunod na taon, isang taospusong pagbati. Bilang kumakatawan sa Knights of Columbus (Pangalan ng Council) Council (bilang), ipinaaabot ko ang pagbati mula sa samahan at nais kong ihatid sa inyo sa ngalan nito ang aming matapat na hangarin para sa isang matagumpay, masaya at mabungang taon. Bilang pinuno ng sirkulo, nahirang kayo dahil sa inyong katangitanging kuwalipikasyon na ipinakita sa pagganap ng mga tungkuling inyong haharapin. Ang inyong pagiging aktibo, pagkamasigasig at pagkamatapat sa mga prinsipyo at pagunlad ng Columbian Squires ang nagbunsod sa inyo sa isipan ng inyong isipan ng inyong mga kapatid na naggawad sa inyo ng mataas na karangalan upang kayo ay pagkatiwalaan ng pamamahala at pamamalakad ng sirkulo sa darating na taon. Ngunit kaalinsabay ng nagkilalang ito na isang
malaking karangalan ay mabigat ng mga responsibilidad. Mula ngayon at sa mga darating pang mga araw sa pagganap ng inyong mga tungkulin, dapat ninyong isaisip lagi ang kapakanan ng sirkulo sa kabuuan. Wala kayong kakatawaning isang particular na sector ng sirkulo kundi lahat ng mga sector at mga taong bumubuo nito. Samantalang ang kaunlaran at tagumpay ng sirkulo sa darating na taon ay nakasalalay sa samasamang pagsisikhay at suporta ng lahat ng Squires. Kayo bilang mga pinuno ay inaatasang mamahala at magpalakad ng mga Gawain sa inyong kalipunan upang sa bandang huli, sa pagtatapos ng inyongpanunungkulan, malalaman ng lahat na ang circle ay mas maraming nagawa, nakatulong sa mga kasapi at nakpagdulot ng kabutihan sa pammayanan. Tungkulin ninyo bilang mga pinuno ang samasamang pagbubuklod para sa pagpapalaganap ng mga tiyak na layunin makakabuti sa kabubuan ng sirkulo subalit ang bawat isa ay may kanikaniyang tungkuling gagampanan. Lahat ng ito ay dapat ninyong gawin ng ayon sa tamang panahon, kaayusan at bukal sa kalooban, at ating isaisahin sa bawat opisyal ang kanyakanyang tungkulin. CHANCELLOR:
Sentry Counselor, ipahayag sa ating Sentry Squire ang kanyang mga tungkulin. SENTRY COUNSELOR: Sentry Squire (hahakbang ng isa paharap), tungkulin mo na pangalagaan ang
kasaggraduhan ng ating sirkulo, huwag pahintulutan ang sinumang hndi karapatdapat na makapasok sa ating bulwagan kung hindi kasali, pinili at hinirang na makabilang sa seremonyas at panunumpa sa ating orden. Walang sinuman na maaaring umupong kasam ninyo na hindi hinirang at sa iyong pagbabantay sa kasapian, ang circle ay lubos na nagtitiwala. Magmatyag kang mabuti upang walang makalampas. CHANCELLOR:
Marshall Counselor, pagpayuhan mo ang Marshall Squires!
MARSHALL COUNSELOR:
Marshall Squire, mabigat na tungkulin at responsibilidad ang iniaatang sa iyo. Ikaw ang pangkalahatang tagapamahala ng seremonyas na pagtanggap. Ang mga sagisag, palamuti, decorasyon at kagamitan ay ipinasasailalim sa iyong panggagalaga. Tungkulin mong banal at mataintim na bantayan mga ito. Huwag pabayaang masumpungan ito ninuman at lalong ingatan itong madungisan ng walang kabuluhang mga kamay. Pagingatan mong mabuti ang mga bagay na ito, upang kung sila ay ibandila, ang kanilang kaanyuhan ay iyong magiging kapurihan. Bilang isang dalubhasa sa pagtuturo sa iba. Ikaw ay nahirang na magayos ng paglalakad ng mga kandidatong ipakikilala sa sirkulo para sa pagtanggap. Tandaan mo na higit kaninuman, ang impresyon na maiiwan sa mga kandidato ay nakasalalay sa iyo. Ang iyong ugali at asal ay dapat na lagging kagalang galang at kapitapitagan. Dapat ninyong malaman ang inyong mga tungkulin katulad ng isang matagumpay na heneral na kabisado ang lahat ng detalye ng plano ng operasyon. Ang iyong mga kapitan ay hasain sa kanikanilang parte, at sa pamamagitan ng pagkakaisa, pagsasamasama at pagkakasunod sa mga kautusan, pagsasanay at pagaayos ng pulong, hahangaan ka ng mga kandidato at mga kapatid na Squires na mangangailangan ng tama, maayos, samasama at buklodbuklod na aksyon. Kaalinsabay ng malaking pagtitiwalang ibinigay sa iyo ay katumbas ng malawak na responsibilidad. Hangad naming ang iyong tagumpay. CHANCELLOR:
Bursar Counselor, ipaliwanag sa Bursar Squire ang kanyang mga tungkulin. BURSAR CHANSELOR:
Bursar Squire, walang organisasyon ang matagumpay kung hindi gagamitan ng prinsipyong pangangalakal. hIndi matatawarang kakayahan, pangangalaga at kagalingan, ang kailangan sa posisyong ito kaysa sa iba, kahit na kung minsan ang kanyang mahusay na pagganap ay hindi napagtutuunan ng pansin dahil hindi masyadong lantad sa publiko. ang pananalapi ngCircle ay
ipinagkatiwala sa iyong pangangalaga at ang iyong talaan ay dapat magpakita sa lahat ng oras, na ang iyong tungkulin ay ginagawa ayon sa kasulatan at sa batas, tungkulin mo na singilin ang mga kandidato at mga kasapi ng kanilang panimulang bayad at lahat ng kanilang bayarin. sa bagay na ito, wala kang kikilingan at wala ka ring itatangi. Ang batas ang magtatakda kung ano ang kanilang babayaran at kung kalian, at dapat mo itong gawin ng walang takot at pakundangan. Napakahalaga at hindi matatawaran ang iyong tungkulin na pangalagaan ang pananalapi ng Circle. Pagdating sa mga gastusin, walang bagay o utang na babayaran kundi iyon lamang napagkayarian na mabuti. Gawin mong mahusay ang iyong tungkulin, at ditto mo makakamtan ang iyong gantimpala. Ang pagkakapili sa iyo ng iyong mga Brother squires ay nangangahulugan ng kanilang tiwala sa iyong kakayahan at integridad at nawa ang tiwalang ito ay manatiling sumasaiyo sa panahon ng iyong panunungkulan. CHANCELLOR:
Notary Counselor, ang iyong mga payo ay hinihintay na ng Notary Squire. NOTARY COUNSELOR:
Notary Squire, ang Columbian Squires ay hindi isang panandaliang organisasyon lamang, kundi ito ay panghabangbuhay. Ang kanyang mga pinagpupulungan, kahit na halohalo kung minsan, ay itinatala para sa mga dantaon.Ang talaan ng mga kasapi, ang mga papel na ginaganap nila sa mga gawain ng Circle, ang mga tungkuling ginagampanan nila bilang pinuno o kasapi ng mga Komite, ang mga bagaybagay na isinasagawa, at layunin ng Circle sa kabuuan lahat na ito ay maingat mong babanggitin at isusulat, at magsisilbing permanenteng talaan ng Circle. Ang kumpletong talaan ng mga ito ay katapatan sa tungkulin. Nawa ang lahat ng yugto na iyong isusulat sa talaan ay kasing linaw, kasing kumpleto at kasing ayos ng mga nauna sa iyo o susunod pa. kami ay lubos na nagtitiwal sa iyo. CHANCELLOR:
Deputy Chief Counselor, bigyang direkta ang Deputy Chief Squire sa kanyang mga tungkulin.
DEPUTY CHIEF SQUIRE COUNSELOR:
Deputy Chief Squire, ang punong tagapagpaganap sa mga bagay na may kinalaman sa ating gawain o proyekto o pangkalahatang pamumuno sa mga sundalo, ay hindi alam kung s autos ng suwerte o pagkakataon na hindi niya nasasaklawan, siya ay tatawagin upang magtakda ng mga tungkulin at responsibilidad ng kanyang opisyo. Upang ang implementasyon ay hindi pumalya, nararapat lamang na magsanay ng iba pang mamumuno sa hinaharap. Ang iyong mga kwalipikasyon, ang iyong ipinakitang interes sa mga Gawain ng Circle, ang nagbunsod sa iyo sa iyong mga kapwa Squires na ikaw ang hiranging karapatdapat sa puwestong ito; Kung sakalinghindi ka man maaatasang gumanap ng ganitong tungkulin, hindi ito magiging sapat na dahilan o pasintabi upang hindi ka maging handa sa lahat ng oras. Ikaw ang may pinakamahalagang papel sa pagsasabuhay ng seremonyas n gating orden. Sa pamamagitan mo malalalaman ng mga nagnanais makapasok sa ating antas ang mga banal na tungkulin nila sa batas ng Diyos at ng bansa. Hayaan mong ang iyong pangarawaraw na gain, higit sa iyong salita, ang magpapakita nito upang Makita nila sa iyo ang halimbawa ng isang matapat sa Panginoon, sa bansa at sa Simbahang kumakatawan sa isang idolo ng kabataang Katoliko. CHANCELLOR
Chief squire, ikaw ay hinirang na parangalan, ng iyong mga kapawa Squires. Sa kanilang pagpili sa iyo ay kanilang sinabing, naniniwala kami sa iyo, nagtitiwala kami sa iyo, at susunod kami sa iyo, naniniwala kami sa iyo, at susunod kami sa iyo. Ang paniniwalang ito ay hindi mo dapat talikuran, hindi ito dapat na mawala. Upang ito ay manatili, dapat mong ipagpatuloy na ipakita ang mga katangian ng pagiging pinuno. Ito ay mangangailangan ng pagaaral, panahon, paglilingkod at pansariling sakripisyo. Samantalang ang iba ay namamahinga o naglalaro, ikaw ay magtatrabaho. Makikita mong ang iyong mga Brother squires ay lagging makikipagtulungan, ngunit aasahan ka nila sa pagpaplano ng mga makabuluhang Gawain. Upang pamunuan ang iba tungo sa tagumpay, dapat munang magisip na mabuti at pagaralan ang isang
malinaw na hakbangin. Sa ganitong kalagayan, ito lamang ang aming masasabi. Tanungin mo ang karamihan, making na mabuti sa ideya ng iba, at kung mula rito ay makabuo ka ng plano o programa ng mga aksiyong gagawin, gawin mo itong mabuti at alaming lahat ang detalye upang bilang pinuno ng Circle, magagawa at maituturo mo ng malinaw sa iba ang mga pamamaraan. Ikaw rin ay walang kikilingang particular na sector o grupo ng mga Squires, kundi ang Circle lamang bilang isang kabuuan, at lahat ng iyong gagawin ay tungo lamang sa kabutihan ng lahat. Bilang Chief Squire, katungkulan mong alamin na ang mga gawain ng bawat opisyal, ay ginagawa ng maayos, spagkat kapag ang isang parte ay nasira o pumalya, mangangahulugan ito ng pagkabigo ng lahat. Ang opisyo ng Chief Squire ay hindi lamang dapat tignan bilang isang marangal na lugar, kundi isang puwesto ng pagtititwala at paninindigan sa kabuuan. Nais kong malugod na ipaabot sa inyo ang damdamin ng buong Konseho, ang hangad naming tagumpay at patnubayan nawa kayo ng Diyos sa pagganap ninyo ng inyong mga tungkilin. Sa lahat ng Squires ng Circle, tandaan ninyo ang aming habilin. Samantalang ang mga tungkulin at responsibilidad ng bawat opisyal ay naitalaga sa kanila, mahalaga rin ang magiging Gawain ng bawat Squire. Pumili kayo ng mga pinuno, ngunit sila ay hindi magtatagumpay, kung wala kayong suporta. Ang mga sundalo na pumili ng kanilang heneral, ng mga koronel at mga kapitan at pagkatapos ay nagpabaya at hindi sumusuporta sa mga makatarungang pangangailangan at hindi sumunod sa mg autos ay mga traydor sa kanilang ipinaglalabang simulain. Ibigay ninyo sa inyong mga pinuno ang tauspuso at walang sawang suporta at hindi ninyo ito pagsisisihan, at kung ang inyong Circle ay umnlad at sumulong, ito ang gantimpalang kabayaran. Nawa ang taong ito’y maging matagumpay para sa mga opisyales at mga kasapi mula sa mga Knights of Columbus na tumatangkilik sa inyo. Mga Kapitan, ihatid ang lahat ng opisyales sa kanikanilang upuan. POLE CAPTAIN:
Mga pinuno, harap sa kanan na! Lakad pasulong, kad! (Ihahatid isaisa ang mga opisyales hanggang sa ang Chief Squire na ang pumalit sa upuan ng Chancellor. Pagkapalit ng puwesto, kakamayan ng Chancellor ang lahat ng opisyales na itinalaga gabay ng mga kapitan bago siya ihatid sa kanyang upuan).
Paalala: Sa bawat tawag sa mga Kapitan at Counselors ay may pagsaludo Isinalin sa Pilipino ni DIONISIO L. BURGOS, Diocese of LIPA