PAGTATALAGA SA MGA BAGONG KASAPI SA COLUMBIAN SQUIRES
CHIEF SQUIRES: Ginagalang naming Padre (pangalan) maari po bang pamunuan kami sa pambungad na panalangin. (Kung wala ang Father Prior, maaaring imbitahan ang isa sa mga Knights)
DIREKSYON SA PAGHAHANADA NG MGA KANDIDATO:
PANALANGIN
Ang Circle ay dapat magtalaga ng Squire at Counselor na gaganap bilang “reception committee”. Nararapat na sila ay dumating nang maaga para salubungin at batiin ang mga magsisidating na kandidato.
MARSHAL: Squires, Kagalang-galang na mga Knights, ngayon ay magpapatuloy na tayo sa ating pagtatalaga ng mga bagong miyembro. Sa sinumang naririto na hindi kasapi ng Knights of Columbus o Columbian Squires ay mangyari lamang na lisanin ang silid na ito.
Sa Pagtatalaga o Investiture, tanging ang mga napapaloob na pamamaraan na naaayon sa opisyal na “Ceremonial Book” ang kailangang isagawa. Mahigpit na ipinagbabawal ang “hazing”, “harassment” o pisikal na pagabuso.
Ang mga kandidato ay kailangang manatili muna sa antechamber o isang maliit na silid kung saan ang Squire o Counsellor ay titiyaking ang bawat kandidato ay mayroong kinakailangang gamit tulad ng ribbon, salamin at panyo. Bago pasimulan ang pagtatalaga, ang Arm at Pole Captains ay papasok sa antechamber, magpapakilala at titiyaking tama ang mga nakatalang pangalan ng mga kandidato sa Form 280, at lahat ay bayad na sa mga kinakailangang bayarin. Matapos ito, kanila ring papipilahin ang lahat ng kandidato, na ayon sa taas, sa dalawang pila. At kailangang ipaalala sa lahat ng kandidato ang tamang pagsunod sa alituntunin at iparamdam ang kahalagahan ng seremonya.
Sentry, ang pinto ay isarado na at lumagay na sa kanyakanyang lugar. Arm Captain, Ilan ang nais sumapi sa ating samahan? ARM CAPTAIN (Sasaludo sa Marshal) Sasabihin ang Bilang ng kandidato. (muling sasaludo, matapos ang pagsabi ng bilang). MARSHAL: (Saludo) Dalhin lahat ng kandidato rito . (Saludo) Bago tayo magsimula, hinihiling namin sa inyong lahat na habang itinatalaga ang mga kandidato, mangyari lamang na ilagay sa lugar ang inyong mga kilos upang hindi masira ang kagandahan at dignudad ng mga aral na aming sasabiin. Walang maninigarilyo, maglalakad at magsasalita kung hindi kailangan. (Tumutugtog chamber)
habangang
mga
kandidato
ay
pumapasok
sa
MARSHAL: Mga kandidato, bakit kayo naririto? KANDIDATO: Upang sumapi sa Columbian Squires. MARSHAL: SQUIRES, ito ang mga kandidatong nais sumapi sa ating samahan. Pagmasdan silang mabuti. Kung ang
kanilang kilos at gawa ay umaayon sa ating samahan, tatanggapin natin sila. Mga kandidato, upang kayo ay aming makilala, sa pagtapik sa inyong likuran, humakbang ng isa paharap at sabiihin ng malinaw at malakas ang inyong buong pangalan at humakbang pabalik pagnatapos. (Ang ARM at POLE CAPTAIN ay isa-isang tatapikin ang mga kandidato mula sa magkabilang dulo hanggang ang lahat ng kandidato ay mabigay ang pangalan ng bawat sarili).
MARSHAL: Mga kandidato, magsiupo na kayo. Aking ikinagagalak na ipakilala ang Investiture officers na mga kasapi sa (pangalan ng Circle). (Isa-isang ipakilala ang mga kasapi at posisiyon). Makinig na mabuti sa mga aral na ipapahayag nila sa inyo.
matapat. Kung kayo ay may duda, mabuti pang lisanin na ang silid na ito at asahan ninyong gagalangin naming ang inyong kapasyahan. MARSHAL, ang mga kandidato ba ay handa na para makita ang simbolo ng ating samahan at tumangap ng panunumpa? MARSHAL: (Titignan ang bawat isang kandidato). Opo, Chief Squire, handa na sila. Mga kandidato, maaari na ninyong tanggalin ang piring ng inyong mga mata. (Ilalagay ang larawan ni Hesus sa gitna).
Taglay ba ninyo ang katangian ng isang mabuti at ulirang kabataang Katoliko?
CHIEF SQUIRE: Mga Kandidato, pagmasdan ninyo ang larawan ni Hesus noong siya ay bata pa. Siya ang modelo ng ating samahan. Napakaganda ng pagkakalarawan sa kanya. Ngunit napakalayo upang pantayan ang tunay niyang pagkatao. Ang kagandahan ng puso at kalinisan ng kanyang isipan ay nagbibigay liwanag sa kanyang Pagibig. Sa darating pang panahon, subukang tularan si Hesus nang sa ganuon, masabi mo na ang inyong paguugali, isipan at katawan ay tulad kay Hesus. Gawing modelo si Hesus. Nasa sa kanya ang kapangyarihan at grasya ng Diyos sa tao. Mamuhay at mamalagi sa salita, sa gawa, paniniwala at grasya ni Hesus.
Kayo ba ay handing tumupad sa tungkulin ng isang tapat na kasapi ng Columbian Squires?
Sasabihin ko muna ng malakas ang panunumpa sa inyo upang higit na maunawaang mabuti. (Bibigkasin ng CHIEF
Ibalik ang takip ng inyong mga mata at makinig sa sasabihin ng CHIEF SQUIRE. CHIEF SQUIRE: Bago namin kayo tanggapin bilang kasapi ng Columbian Squires, hinihiling naming suriin ninyo ang inyong mga sarili.
Tandaan ninyo, na sa pagsapi sa samahang ito, magkakaroon kayo ng mataas na pagkatao, mataas na adhikain, at kapuri-puring layunin sa buhay. Alam din ba ninyo na ang samahang ito, ay umaasa sa inyong paglilingkod, katapatan at pagmamahal? Pag-isipan ninyong mabuti bago naming kayo pasumpain. Maging matapang at
SQUIRE ang Panunumpa).
Itaas ang kanang kamay at sumunod sa akin na bigkasin ng malakas ang Panunumpa. Kabanal-banalang modelo ng aming samahan, Kami ay nangangako, ngayon at magpakailan pa man, na ang inyong kabataan ang siya naming
gagawing inspirasyon, Sa Inyong katapatan sa paglilingkod sa tao, Sa Inyong pagkamasunurin sa magulang, tahanan at maykapangyarihan, Ikaw ang aming huwaran. Upang sa ikatatagumpay ng aming pananampalataya ay makamtan namin ang Inyong grasya, Sa harap ng Diyos at tao.
Tignan ang larawan ng Ina ni Hesus. Siya ay salamin ng kapurihan. Magpakababang loob at kilalanin ang inyong sarili. Sa iyong katapatan at kalinisan, ikaw ay mapapalapit sa itinitibok ng kanyang puso. Maging matatag at pagsumikapang mamuhay na sumasalamin sa kapuri-puring Ina, ang kabataan ng kanyang mahal na Anak.
MARSHAL: Mga kandidato, ibaba ang inyong kanang kamay at magsiupo kayo. Kunin ang salamin at tumingin dito.
BURSAR: Bibigkasin ko muna sa inyo ang Panunumpa upang maintindihang mabuti. (Bibigkasin ng Bursar ang
KAPITAN, ihatid ang BURSAR SQUIRE sa tanghalan.
Itaas ang inyong kanang kamay at sumunod sa akin ng malinaw at malakas.
(Ilagay ang larawan ni Birhing Maria sa harapan na nakatayo). BURSAR: Nakita ninyo ang inyong sarili sa salamin. Bago kayo sumapi sa Columbian Squires, kilalanin ninyo muna ang inyong sarili. Ilan sa atin ang talagang kilala ang kanyang sarili? Buong katapatan mo kayang makakamayan ang inyong sarili at sasabihang, Kumusta ka kaibigan? Nakikita kong ikaw ay matapat sa iba at hindi mo nililinlang ang iyong sarili. Sa nais mong katapatan ng inyong mga kaibigan sa iyo, maging matapat din sa inyong sarili. Ngayon
mga
kandidato, hingahan ninyo ang salamin. (Huminto sandali). Nakita na sa bahagyang paghinga ninyo sa salamin ay lumabo ang mukhang nakita ninyo sa salamin. Gayundin ang bahagyang pagsira sa inyong karangalan ay tuluyang makakasira sa iyong buong pagkatao at mahihirapang makita ng ibang tao sa inyo ang aral at kabutihan ng ating samahan. (Kunin ang larawan ni Birheng Maria at ipakita sa mga Kandidato)
MARSHAL: Mga kandidato, magsitayo kayo.
Panunumpa).
O Banal na Ina ng Diyos, Inaalay namin ang buhay naming sa Inyo, Nangangako kaming magiging matapat sa sarili. Upang makilala namin ang aming mga sarili at upang maging halimbawa para sa amin ang inyong kabanalan at kalinisan. MARSHAL: Mga kandidato, ibaba ang inyong kanang kamay at magsiupo kayo. Kapitan, samahan ang Notary Squire sa tanghalan. NOTARY: (Tangan ang larawan ni Columbus) Mga kandidato, pagmasdan ang larawan ni Columbus, ang nakadiskubre ng Amerika. Siya ang sagisag ng ating samahan at sa kanya ipinangalan ito. Sa kagitingan ng kanyang kabataan, sa paglalaro, sa pagtratrabaho, at sa pag-aaral, nagkaroon siya ng malusog at maayos na
pangangatawan at kaisipan, na siyang nagbigay tulong sa mga natutunan niya. Sa gulang na 14, nalaman at narating na niya ang kalawakan ng karagatan. Maging sa paglalaro o sa pagtatrabaho, siya ay naging matapat at maayos. Ang ganitong paguugali, sabay sa kaalaman at kakayahan na nakamtan sa sariling pagsisikap, ang nagbigay diin sa pagkakadiskubre ng bagong mundo, ang Amerika. Sa kabila ng panganib at paghihirap na kanyang natamo, ipinagpatuloy pa rin niya ang layuning kanyang pinaghandaan.
kumuha ng kasagutan sa mga kandidato).Ang tamang sagot ay
Si Columbus ay mabait na anak, masipag na mag-aaral, matapat na kaibigan at sagradong Katoliko. Ang kanyang kabataan, tulad ng inyong kabataan, ay punong-puno ng tukso ngunit hindi siya nagpadala. Tularan si Columbus at kayo ay magiging karapatdapat sa aming samahan. Pilitin natin, sa pamamagitan ng grasya na ipinagkaloob ng Diyos, na magkaroon ng mabuti at malinis na pangangatawang panloob at panlabas.
Ang mga ribbon na ito ay kumakatawan sa kulay ng ating watawat. Ang pula ay pagkakawanggawa at pagkamatapang, ang puti ay kalinisan at ang asul ay para sa ating Inang Birheng Maria.
Upang maisakatuparan ito, mangako kayo na magbibigay suporta sa mga prinsipyo at programa ng ating samahan para sa pangangailangan ng pangangatawan, pagiisip at pangkaluluwa ng bawat Squire. MARSHAL: Mga kandidato, tanganan sa inyong kanang kamay ang mga ribbon. Kapitan, samahan ang Deputy Chief Squire sa tanghalan. DEPUTY CHIEF SQUIRE: (May hawak na ribbon). Ang pulang ribbon ay 10 pulgada ang haba. Ano ang ipinapaalala ng bilang na 10 sa ating paniniwala? (Huminto at
ang 10 Utos ng Diyos o Ten Commandments. Ang puting ribbon ay may pitong pulgada ang haba. Ano ang ipinaaalala ng bilang na 7 sa ating paniniwala? (Huminto at kumuha ng kasagutan sa mga kandidato). Ang tamang sagot ang 7 Banal na Sakramento o Seven Sacraments. Ang asul na ribbon ay may 6 na pulgada ang haba. Ano ang ipinapaalala ng bilang na 6 sa ating paniniwala? (Huminto at kumuha ng kasagutan sa mga kandidato). Ang tamang sagot ay ang 6 na Batas ng Simbahan o Six Precepts of the Church.
ang bandila). Ito ang bandila ng ating bansa. Ibinibigay natin ang ating buong paggalang. Ito ay nagpapahayag sa mga makasaysayang pangyayari ng ating bayan. Ito ay sumasagisag ng ating kalayaan na nakamtan natin dahil sa katapangan ng ating mga bayaning naghandog ng kanilang buhay para sa bayan. Nangangako tayo ng ating matapat na paglilingkod. (Ituturo
Ang lahat ng taong nagmamahal sa bayan ay tinuturing natin na kasama sa iisang layunin at panata. Wala ng ibang sagisag na makapagpapakita ng ating panloob at panlabas na layunin, paniniwalang pangrelihiyon at pagiging makabayan. Ang mga ribbon na ito ang sumasagisag sa pagkakaisa ng Simbahan at Bayan. Ipinagsama naming ang dalawang ito, Simbahan at Bayan, upang maging halimbawa sa inyong isipan na walang pagkakaiba ang pagmamahal at paggalang na ibinibigay
natin sa Simbahan at sa ating Bayan. Sa paniniwalang tayo ay magbibigay ng ating paggalang at pagkamatapat sa ating Relihiyon at Pamahalaan. Bilang Katoliko, kami ay nangangakong magiging tapat sa mga pangangailangan ng kaluluwa. Katulad ng pangakong magiging tapat sa Bayan. Bilang Katoliko tayo ay naniniwala sa ating Relihiyon at sa tapat na turo at pagiging makabayan sa ating bansa. Tayo ay nakahanda kahit na kailan upang ipagtanggol ang ating watawat at ang banal na tuntunin nito.
CHIEF SQUIRE: Marshal, ihanda ang mga kandidato sa pagtatalaga.
MARSHAL: Mga kandidato, magsitayo kayo.
(Sasabihin ng Chief Squire ang Panunumpa).
DEPUTY CHIEF SQUIRE: Sasabihin ko muna ang Panunumpa sa inyo upang maintindihan ninyong mabuti.
Itaas ang kanang kamay at sumunod sa aking bigkasin ang Panunumpa ng malinaw at malakas.
MARSHAL: Mga kandidato, manatiling nakatayo. Chief Squire ang mga kandidato ay handa na sa pagtatalaga. CHIEF SQUIRE: Mga kandidato, ngayon ay tatanggap kayo ng huling panunumpa. Hinihiling ko sa inyo na ilihim lamang ang lahat na mga nangyari ngayon. Sasabihin ko muna ang Panunumpa sa inyo upang maintindihan ninyong mabuti.
(Sasabihin ng Deputy Chief Squire ang Panunumpa).
Itaas ang kanang kamay at sumunod sa aking bigkasin ang Panunumpa ng malinaw at malakas. O kagalang-galang na Inang Simbahan, Ako ay nangangako na maglilingkod sa inyo, Ako ay nangangako rin na sa tulong ng inyong Utos at Sakramento, sa lahat ng aking makakaya ay magiging tapat mong anak. (Pamumunuan ng Pambansang Awit).
Deputy
Chief
Squire
ang
pagawit
ng
MARSHAL: Tumayo po tayong lahat upang awitin ang Pambansang Awit ng Pilipinas. (Pagkatapos ng pagawit) Magsiupo na po ang lahat.
Mahal naming Diyos, Bigyan mo po kami ng biyaya na magampanan ang aming mga tungkulin sa aming bagong samahan. Kami ay nangangako sa aming sarili, ngayon at magpakailanman, Na aming iingatan ang mga lihim ng pagtatalagang ito. Ibigay mo po sa amin ang iyong grasya at awa para matulungan kami nang Iyong Anak na si Hesus. Bigyan mo po kami ng lakas at paniniwalang kami ay mabubuhay nang may karangalan para sa bayan. MARSHAL: Mga kandidato, ibaba ang kanang kamay at magsiupo kayo. CHIEF
SQUIRE:
Sa
pamamagitan ng sagisag na ito (Itinuturo ang emblem), nais kong malaman ninyong lahat na kayo ay kasapi na ng Columbian Squires. Squires, ngayon ang tawag sa inyo. Nais kong ipakilala sa inyo ang mga
miyembro ng Knights of Columbus na gaganap bilang inyong tagapayo.
Hesus tulad ng paghahanapbuhay at pagsisilbi niya sa pangkabuhayan ng kanyang amang si Jose.
(Isa-isang ipakikilala lahat ng miyembro ng K of C na nasa loob ng silid pagtatalaga).
CHIEF SQUIRE: Ipapaliwanag namin ngayon ang kahulugan ng ating sagisag. (Ituturo ang sagisag) Ito ay hindi lihim. Itong simbolo ay pagpapahayag ng mga Gawain at Banal na adhikain ng Columbian Squires.
Dalhin ninyo ang inyong mga problema sa kanila para mabigyang lunas. Tandaan na ang Squires ay magiging matagumpay sa pamamagitan ng patnubay ng mga Knights na inyong tagapayo. Kagalang-galang na Chief Counselor, magbigay kayo ng maikling pananalita.
maari
po
bang
CHIEF COUNSELOR: Columbian Squire, isang malaking karangalan para sa amin ang maging tagapayo ninyo. Sa isang grupo ng magigiting na kabataan tulad ninyo na tinaguriang mga tunay na Squires. Nawa’y ituring ninyo kaming tunay na kaibigan. Pagkatiwalaan ninyo kami at nawa’y tumalima kayo sa aming mga ipapayo. CHIEF SQUIRE: Ginoong Chancellor, paki-paliwanag ang aral na makukuha natin sa tela ng pang-piring ng mga mata. CHANCELLOR: Tandaan na isang pangkaraniwang uri ng tela ang ginamit pang piring ng inyong mga mata. Itong pangkaraniwang uri ng telang ito ay simbolo ng maganda at malinis na pangkabuhayan. Squires huwag ninyong pangilagan ang anumang uri ng hanapbuhay kung ito ay maganda at malinis at ginagampanan ng mga taong tulad ninyo. Ang paghahanapbuhay at pagsisilbi ay isa sa mga layunin ng ating samahan. Sa ganitong paraan natutularan natin si
Saan man kayo naroroon, tandaan ang layunin o motto ng ating samahan ESTO DIGNUS, BE WORTHY, MAGING KARAPAT-DAPAT (Ipaulit sa mga kandidato) Kayo ay kasapi na ng isang Circle. Kahit ang bawat kasapi ay may kanya-kanyang gawain, ang simbahan ay mananatiling isa. Malaki ang naitutulong ng pagkakaisa ninyong lahat sa pangangailangan pangkaluluwa, pangkaisipan, pangkatauhan at pamumuhay. (Ipaliwanag ang katuparan ng sagisag).
CHIEF SQUIRE: Deputy Chief Squire! DEPUTY CHIEF SQUIRE: Ang titik “S” sa itaas na bahagi ng krus ay kumakatawan sa pangkaluluwang pangangailangan o Spiritual Needs. Ipinapakita ang kahalagahan at ang ating kaalaman sa ating pananampalataya at ang paglilingkod ng tapat at maypagkakaisa para sa Simbahan. CHIEF SQUIRE: Marshal Squire! MARSHAL: Ang titik “P” sa ilalim na bahagi ng krus ay kumakatawan sa panganggatawang pangkailangan o Physical Needs. Ang tao ay maykatawan at kaluluwa, at ang katawan ng tao ay kailangang maging malakas upang matulungan ang kaluluwang maanatiling malinis. Ang dalawang dulo ng titik na ito ay kumakatawan sa gawaing panlabas at palakasan, pansariling adhikain at
pangkalusugan. Lahat ng Squires ay kinakailangang sumali sa mga gawaing pampalakasan.
nagbibigay buhay sa atin alinsunod sa utos at kagustuhan ng Diyos.
CHIEF SQUIRE: Notary Squire! NOTARY SQUIRE: Ang titik “I” sa kaliwang bahagi ng krus ay kumakatawan sa pangangailangang pangkaisipan o Intelectual Needs Ang dalawang dulo ng titik na ito ay kumakatawan sa kalinangang pangkultura at kaalaman sa sining at agham, upang ang buhay ay mapalawak at mapabuti at makapagbigay kaligayahan sa iba.
Pagsumikapan nating mamuhay alinsunod sa pagkamabuti ni Kristo at pagkamatatag ni Columbus upang makita ng ibang tao ang ating magandang layunin.
CHIEF SQUIRE: Bursar Squire! BURSAR: Ang titik “C” sa kanang bahagi ng krus ay kumakatawan sa pangngailangang panlipunan at paghahanda sa pagiging matapat na mamamayan o Civic and Cultural Development Ang dalawang bahagi nito ay nagpapahayag ng pagiging isang tunay na mamamayan sa kanyang sariling tahanan at lipunan. Kung walang tahanan ay walang pamunuan at kung walang pamunuan ay walang lipunan. CHIEF SQUIRE: Chief Counselor! CHIEF COUNSELOR: Sa gitna ng krus ay ang titik “S”. Ito ang kumakatawan sa Squires, gayundin sa serbisyo o paglilingkod. Ang pagiging Squire ay paghahanda para maging isang tunay na kabalyero o Knight. Tulad ng Squire noong unang panahon, maging huwaran at buong pusong maglingkod sa Diyos, Simbahan, Bayan at Tahanan. CHIEF SQUIRE: Chancellor! CHANCELLOR: Ang malaking titik na “C” ay kumakatawan kay Kristo (Christ) na siyang ating huwaran at pagasa. Kumakatawan din ito kay Columbus na siyang nagbigay ng magandang halimbawa sa atin. Kumakatawandin ito sa Kristiyanong pag-uugali (Christian Character) na siyang
CHIEF SQUIRE: Sa gitna ng simbolong ito, makikita ang malaking titik na “K” na siyang kumakatawan sa kabalyero o Knights. At ipinapaalala sa inyo na dahil sa Knights of Columbus kayo ay tumanggap ng karangalan. Sila ang nagtatag ng ating samahan. Huwag nating dudungisan ang pangalan ng Knights of Columbus upang ang ibinigay nilang kabutihan sa atin ay hindi mawala. MARSHAL: Mga bagong kasapi ng Columbian Squires, magsiluhod kayo. (Isa-isang babasbasan ng Chief Squire sa balikat ang mga bagong kasapi sa pamamagitan ng magnetic emblem kasabay ang saliw ng pangwakas na tugtugin).
CHIEF SQUIRE: Dito nagwawakas ang ating pagtatalaga at nais kong ipakilala sa inyo ang mga Brother Knights na magkakabit ng inyong Columbian Squires Pin. Matapos ang pagkakabit ng mga Columbian Squires Pins, tatawagin ng Chief Squire ang mga nakakataas na pinuno ng Knights of Columbus para magbigay ng maikling pananalita, mga paalaala (gaya ng oras at araw ng Fraternal Mass at pagpupulong, etc). Bilang huli, aanyayahan ang Fr. Prior o Chief Counselor para manguna sa Closing Prayer.