PATULOY NA LUMALABAN.
DAGITAB DAGITAB Ang pagtindig sa gitna ng pasistang rehimen.
MGA TULA AT DIBUHO NI KYLA BUENAVENTURA
FIL 40
MAY 2022
01
DAGITAB
MGA NILALAMAN
03
Multong Hindi Na Dapat Bumalik
05
Punla
05
Ako'y Isang Pinoy
08
Larong Hindi Pambata
11
Pambura
03
DAGITAB
MULTONG HINDI NA DAPAT BUMALIK Nagliyab ang apoy
Mga dugong dumanak
ng himagsikan sa EDSA,
sa sahig. Paingayin muli
ang hiyaw ng madla
nakaguhit sa palad
na hangad ay laya,
ng bayan. Maglilingkod
inilipad nang dekada.
sa lupang tinubuan.
Gunita'y hindi na maibabaon
Berdugong muling naghahari,
sa lupa. Bulong at sigaw
naglulubid ng mga buhangin,
ng bayang inalipusta,
naghahalukipkip ng kamay
tunay nga bang nakalaya
sa paninikil at diktadura,
na sa hawla?
hubaran ang pasista.
04
DAGITAB
Tunay nga bang Ilusyon. nakalaya na sa hawla?
05
DAGITAB
PUNLA Hindi binabaon sa ilalim ng lupa ang punla para ilibing sa limot, pagpiyestahan ng mga damo.
Balutin man ng galimgim, lilipas din. Dahil hindi ito ang pahimakas.
Ang mga paa na minsang tumindig sa lupang tinubuan, habambuhay na mga dagitab sa dilim.
Punla'y nag-uugat — yumayabong. Yayabong.
(Isang tula na alay para sa Bataan 5. Isang mataas na pagpupugay.)
06
DAGITAB
Ang aktibismo ay hindi terorismo.
07
DAGITAB
Mayo 9, 2020 – Orihinal na kuha nang magsimulang manguna sa eleksyon ang dinastiya ng mga Abalos sa lungsod ng Mandaluyong, gayundin ang mga anak ng diktador at pasista – ang tambalang Marcos - Duterte.
08
DAGITAB
Ako'y isang Pinoy lamang Kaya't huwag ikrus sa noo Na makikiisa at makikibaka Dahil sa paghalik ng araw sa lupa mananatili Maging panatiko ng mga estupido Luhuran ang mga poong hangal Hindi ako makapapayag Piliing maging mulat at totoo
Ako'y isang Pinoy lamang Kaya't alisin ang mga agam-agam Sa kapalarang ako’y para sa bayan. Hayaan na maulit muli Ang karahasan na dinanas, huwag Alalahanin ang balang nagpayanig Hayaan na maulit muli Mga bibig na binusalan, huwag Pansinin ang mga himig ng api
Ako'y isang Pinoy lamang Huwag iguhit sa kapalaran Mananaig, kakayahan ng talino at tapang Dahil sa Araw ng Halalan, Mga gagong asal mabuting kordero, Magnanakaw, pasista, at trapo, Sa patuloy na panloloko ng mga tuso Ang boto ko. Hindi ako makapapayag Maging isang tunay na Pilipino.
(Basahin pabalik)
AKO'Y ISANG PINOY
09
DAGITAB
LARONG HINDI LARONG HINDI PAMBATA PAMBATA Habang tirik
Si Sol ay nilamon bigla
Ang sikat ni Sol
Ng mga itim na ulap,
Kalampag
Pumatak ang ulan
Sa tarangkahan
Na kulay mabaya't
At tinig ng tatlong bagsak
Dala ay bala. Sa lakas
Ang mga hudyat
ng galabog pati ipis
Sa oras ng laro.
at daga, nagambala.
Handa na ang tsinelas
Agad na tumakbo palayo
Lata, garter, at bato
Aking mga kalaro.
Ayain ang kapitbahay,
Nanamihik din, mga bibig
At iba pang mga katoto.
Na may matres. Habang patuloy si Macoy
Sabi ni Macoy,
Sa pagsambit,
Ibahin naman ang laro. Kaya't bumuo ng bilog
"Lahat ng gusto ko
Ang grupo ng manlalaro.
Ay susundin mo. Ang magkamali
"Nanay, Tatay —
Ay papatayin ko."
Gusto kong tinapay Ate, Kuya —
#NeverAgain
Gusto kong kape"
#NeverForget
10
DAGITAB
11
DAGITAB
PAMBURA Sa bintana ng noon,
Napudpod lang ang
hilig kong gumuhit.
pambura. Gaya natin,
Linyang baliko,
naubos. Nilipad sa
bilog na malayo pa
kawalan —
sa hugis ng mundo.
parang walang
May pambura naman,
halaga.
ayos lang.
Sa susunod, Madiin na hawak
hindi na ilalapat
sa lapis. Ramdam ang
nang todo ang lapis.
bakat ng mga linyang
Dahil minsa'y palpak,
kurbado, at ang bilog
walang saysay
na tila galit sa mundo.
ang pambura;
May pambura naman,
binubutas lang
ayos lang.
ang obra.
Nilamukos ang papel nang paulit-ulit. Alaalang nakaguhit sa libo-libong pahina. May pambura naman, pero bakas pa rin.
12
DAGITAB
Ang katotohanan ay hindi opinyon lang na dapat respetuhin. Huwag hayaan ibahin ang kasaysayan.
"Laya" (2022) Orihinal na likha
"Sa paninikil at diktadura, hubaran muli ang pasista."
Pulang Itim (2022) Orihinal na likha