Sentindo Kumon – The LPU Indepent Sentinel Lampoon Special 2016

Page 1

SENTIDO KUMON

THE LPU INDEPENDENT SENTINEL’S 2016 LAMPOON SPECIAL

Kuha Mo?

HUWAG MAGING

CYBERSIGA


Sentido Kumon

Balita?

Kuha mo?

SIGAW NG MGA LYCEANS: Paolo Is Bae By Tolites at Paloma Wurtzbach

NAKAKALOKA – Hindi nagmaliw ang pagkahumaling ng mga bakla at babaitang Lyceans sa ilang mga tauhan ng eskwelahan. Sa kabila ng nakalulungkot na pag-alis ni Dean Andee Ferrer sa unibersidad, pinalitan naman siya ni Mr. Paolo Laurel sa puso ng mga naggagandahan at pilingerang dilag. Ayon kay Susmita SenSenSerensen Alibangbang, “Paolo is love, Paolo is life”. Kaya naman muling nagbubunyi ang mga of�icer at committee ng PAOLOPI CHUPAPINATICS na amin nang ipinakilala sa inyo ng bonggang bongga last issue. “Kakaiba kasi yung karisma niya beh, bukod dun, sobrang ta-

Labeled Tambays

By Pianono Wurtzbachribs

TUNAY NGANG DUMARAMI na ang mga mamshie at nakshie sa ating minamahal na pamantasan at ngayon, ‘di na lang sila mga dakilang famewhore at tambay. May organisasyon na rin sila ng mga professional tambay na pwede nang makamit ang taunang best university-wide organization. Kabog ‘di ba? ‘Di nga naman kasi sila pwedeng ma-elbow sa kanilang tambayan. Dahil ayon sa isang tsismoso na may hawak ng titulong Pamintahan 2016, muntik na raw ma-elbow itong mga kagila-gilalas na mga kalapati sa kanilang pugad dahil may mga umaapelang palaka na ginawa na raw umanong tambayan ng mga kapita-pitagang tambay na ito ang isang respetadong opisina sa loob ng pamantasan. “Paano po kasi ‘pag pumasok ka po sa loob, may mga nagmemake-up, nagcha-charge

ng phone, nagliligawan, nagse-sel�ie, nagmu-musically. Kalat-kalat pa po ang mga bag at gamit sa loob,” ito pa ang naibulong sa’kin ng isang talakerang nagngangalang Yema Girl. Aba’y clap clap champion naman pala dito sa ating mga miyembro ng katambayan. Hindi na nagamit ang opisina sa tama na dapat sana’y lugar kung saan uumpisahang tuparin ang mga kinemberlung plataporma ng mga nanalo na pinangako nila noong nakaraan pang eleksyon. Kaya ang bright idea ng Inang Reyna ng Encantadia, bawal na ang tambay. Plangak! Elbow na ang mga pasarap-buhay na nakikipugad at tuluyan nang namayani ang serbisyo sa loob ng opisina. Ngunit ‘di pa pala happy ending dahil ang Inang Reyna pala ang nagmukhang kontrabida. Naging masungit na raw siya simula nung nakuha ang korona. Kaya ang ending? Binigyan na lang ang ating mga tambay ng diploma para masabing

sila’y professional tambay at para maisulat din sa credentials sa tuwing sasapit ang panahon sa LPU kung saan lahat ng estudyante ay nabibinyagan ng bagong pangalan na mamshie, nakshie, madam, atbp. Aba’y very nice move itey. ‘Di na nga naman sila mapupulaan dahil mga professional at labeled tambays na sila sa opisina. Napakaraming posisyon pa ang naibigay at marami pang iba na halata namang pinagkasya para sa lahat ng tambay para libre na sila mamugad nang hindi nasisita dahil may posisyon na sila. Kung para naman talaga sa pagseserbisyo ang mga professional tambay na itey, sana naman ay nagagampanan nila ang kanilang mga kanya-kanyang trabaho at saka na lang nila haluan ng pagpapasikat na alam naman natin na nasa lahi na nila. Nyork nyork!

2

lino pa. Ngiti niya pa lang mapapa-OMG ka na,” ayon sa Kalihim ng naturang organisasyon na si Donya Teodora Melchora Epalania. Lalo pang dumami ang fans noong naging professor para sa ilang asignatura si Sir Paolo kaya naman muling naglunsad ng membership drive ang PaoloPi Chupapinatics at dahil sa dami ng miyembro ay nais na sana nilang magpasa ng form para maging best organization sa eskwelahan. Sa kasamaang palad, tinamad daw ang kanilang Vice President for Documentation kaya’t di nakapagpasa. Mas marami pang kinilig to the point na nailagay pa siya sa DailyPedia. At dahil sa pagkakabilang ng hunky na ito sa naturang site, dumami ang friend requests

ni Papa Paolo sa Facebook, dahilan upang gumawa siya ng kanyang sariling fanpage. Oh ‘di ba? Ganyan katinik ang Papa Paolo niyo. Sumikat pa lalo ang naturang Assistant to the President noong kanyang binigyan ng Trolli Pizza ang kanyang mga estudyante. Tunay ngang ‘di nanghihina ang mga babae’t baklitang tumitili sa tuwing nakikita siya. Ang iba nga niyang tagahanga ay halos kabisado na pati ang plate number ng kotse niya. Ang nakakaloka pa rito, hanggang ngayon sa issue na ito ay hindi pa rin namin makuha ang panig ng ating chinitong Assistant to the President. Maghintay pa tayo guys, baka sa susunod na issue magpa-interview na siya. Kaya dasal, dasal lang talaga.

By Ibong Wititit

makalagpas lang sa hallway na ‘yun lagi. Huhubells,” reklamo niya. At kamakailan lamang, may mga bago pa lang disenyo na nakapangalan sa mga taong nag-model nito. Sana man lamang ay may kabuluhan o may pagpugay sa pamantasan ang pagpangalan sa mga disenyo. Ngunit kung ating mapapansin, ang basehan pala ng pagpangalan sa mga disenyo ay mga pangalan na papatakbuhin sa eleksyon o kaya naman ay nakaupo na sa pwesto. Very wrong teh! Ganito na lang ba talaga lagi sa ating pamantasan? Lahat na lang ng bagay ay pinupulitika? Ayy teka! E saan naman kaya napunta ang perang kinita nila?

Mini Divi sa Lycevm HINDI lang pala sa mga kompetisyon at iba pang mga pamantasan pwedeng makisabay ang LPU, pati pala Divisoria, kinalaban na ng mga Pirata! Kung makasigaw ay parang mga nasa lansangan. Ang mga damit ay nakahilera at wala nang madaanan. Mga ate at kuya, nirereklamo na po kayo. Tulad ni Winnie da Fu, natuluyan na rin sa pagka-FDA o Failure Due to Absences si Pianono Wurtzbachribs dahil tuwing dadaan siya sa ating mini Divisoria, daig pa nito ang EDSA sa pagka-traf�ic kaya madalas siyang mahuli sa kanyang klase. “Nakakaloka! Daig ko pa nag-LRT kapag nakikipagsiksikan ako

Gustong mag-out of the closet? Need help? Call Ka Rojer Magtibagpaminta

CP# 0900 963 0000


Sentido Kumon

Balita?

Kuha Mo?

Asiong Salonga ng Sentinel, nabiktima ni Mr. Hokage by Mocha Ochoa Chua Rocha

NANGAKONG pauulanan ng suntok ni Asiong Salonga si Mr. Hokage ng LPU matapos siyang mabiktima ng kalokohan nito sa SM City Manila. Isang MMA student si Mr. Hokage sa LPU. Nagpasikat siya sa panghahawak ng kamay ng mga walang kamalay-malay na babae sa escalator ng naturang mall. Umani ang video na ito ng maraming views at shares sa page ni Pepeng Pinakamalupet. ‘Wag din pala nating kakalimutan na si Mr. Hokage ay isang extra na sundalo sa Heneral Luna. Marami ang kinilig at napikon sa kanyang mga ginawa. Sa ikalawang video ni Mr. Hokage, susulpot siya mula sa kawalan at hihinto sa harap ng Lyceans para “magtali ng sintas” kahit siya’y naka-leather shoes. Ayon kay Asiong, pumunta lamang

siya sa mall para bumili ng double adhesive tape. Ngunit sa kanyang paglalakad papuntang Of�ice Warehouse, ay biglang humambalang sa kanyang harapan si Mr. Hokage at ginawa ang modus operandi. Base sa panayam sa biktima, sinabi niyang na-hack ang Facebook account ni Hokage ng gabing iyon na siyang ikinatuwa niya. Ipinagdasal niya kay Zeus na hindi na sana maibalik ang account nito. Siga man si Asiong sa inyong paningin, siya ay nananalig din. Na-hack si Hokage dahil siya’y fan diumano ng AlDub. Lubos na nagpapasalamat si Asiong sa kung sino man ang gumawa nito. Ngunit naibalik kay Hokage ang kanyang account kinabukasan. Sa isang seryosong parte ng artikulong ito, ayon sa Republic Act 7877 o ang Anti-Sexu-

al Harassment Act of 1995 na “the scope of the law by including in the crime of sexual harassment any act that may be committed physically, verbally or visually with the use of information communication technology or any other means of technology within or outside the place of employment, training or education”. Bottomline, ang ginagawa ng mga taong kagaya ni Mr. Hokage ay isang harassment. Tinatawag itong “galawang breezy” o “galawang hokage” at ito ay isang hindi magandang halimbawa. Dapat matigil ang pagdami ng talamak na mga Hokage. Ang ginawa ni Hokage ay hindi lamang puro pagtatali ng sintas kundi panghahawak din ng kamay ng mga dumadaan. Ilan sa mga ito ay grupo ng nursing students na kinilig at isang sangganong lalaki na aaktong mananapak na at

ipahahanap ni Asiong. Dahil siya ngayon ay isang Online Sensation, maliban sa kanyang mga videos, narito ang ilan sa kanyang mga Facebook posts: “Tabi tayo sa jeep? Uulit-ulitin ko magbayad mahawakan ko lang kamay mo” at “Taga-saang SM ba kayo nang mapuntahan ko kayo tapos ako naman hawakan niyo ng kamay <3”. Yie! Para sa mga tagahanga at tagasuporta ni Hokage, naipalabas na ang kanyang kakisigan, kagwapuhan, at kasikatan sa inyong mga telebisyon. (P.S.: Ipinapahanap din ni Asiong Salonga sa kanyang mga tauhan ang nakapag-hack sa account ni Hokage. Ayon sa kanya, aanyayahan niya itong sumali sa kanilang kinatatakutang samahan sa Tondo. Sabi niya, bibigyan niya ng malaking pabuya ang makakahanap sa hacker.)

Lycean Bekis: In Demand!

by Artelly Calachuchi

“Uy, BEH!” “Hi Mamshiee!” “Nakshiee!!” Ito ang mga karaniwang kataga ng mga baklang jejemon na kahit ‘di mo kakilala ay bigla ka na lang tatawagin sa hallway. “Uy, hindi ako yung bakla ah! Yung boyfriend ko yung bakla, hindi ako!” sabi naman ng mga nakakairitang in denial na baklang nagtatago sa katotohanan. Sa ilang taon natin sa ating unibersidad, kapansin-pansin na tila parami nang parami ang mga bakla. ‘Di man daw sila nanganganak, patuloy pa rin ang pagdami nila. Sa CAS, sa CBA, sa CITHM (lalong lalo na dito), sa COT, sa CIR, at maging sa CON, saan ka man lumingon, imposibleng ‘di ka makakakita ng bakla. Sabi nga, sa panahon daw ngayon, ang mga gwapo ay gwapo na rin ang gusto. Ngunit bakit nga ba? Sa aking pagsasaliksik, (yes, kumausap ako ng ilang mga beki), sa tingin daw nila ay sa impluwensya rin.

Noong bata raw sila, nararamdaman na nila na may iba sa kanila, iba sila sa mga “tunay na lalaki” na tanggap ng lipunan. Bilang mga bata na lumaki sa isang lipunang ‘di tanggap ang mga bakla, hindi nila naisip na sila’y bakla o magiging bakla. Ngunit habang nagkaka-edad ay unti-unti silang nakahanap ng mga taong kagaya nila, mga kaibigang nagsasabi na, “okay lang maging bakla, kami nga eh”. Idagdag mo na rito na nakakanuod rin sila ng mga personalidad na kagaya ni Vice Ganda na hindi lang tanggap ngunit minamahal ng sanlibutan. Dahil dito, nagkaroon sila ng palaisipan na, “okay lang naman pala maging bakla, actually masaya pa nga”. Kahit na parami nang parami ang mga bakla, ‘di pa rin nagbabago ang pagkakakilanlan sa kanila: witty, makulit, ARTEstic, bongga magpaganda na halos araw-araw ay prom night, at higit sa lahat, masaya kasama.

Kaya mga bakla, spread your wings and �ly like a cockroach, este butter�ly pala. (P.S.: Ang mga pahayag na ito ay galing lamang sa dalawa kong beki friends at hindi ito nagrere�lect sa buong populasyon ng mga beki. Mwah!)

3

Lycean, FDA dahil sa isang pageant By Super Inggo

NAGLULUPASAY na dumulog sa opisina ng Student Affairs Of�ice si Jacoba (hindi niya tunay na pangalan) mula sa kolehiyo ng mga estudyanteng makakapal magmake-up upang magsumbong at humingi ng tulong dahil sa pagkaka-FDA o Failure Due to Absences niya sa isang subject. Dahil sa pagsali niya sa isang pageant na in-organize ng isang university-wide organization sa LPU, nangyari ang pagkaka-FDA ng dalaga sa nasabing subject. Ayon sa mga saksi, lumuhod pa diumano si Jacoba sa mga tauhan sa opisina pero sinabi ng SAO na wala na silang magagawa para rito. Isang madaldal na source naman ang nagpaunlak ng pahayag sa Sentido Kumon at binahagi ang “ilan” sa mga nalalaman niya kaugnay sa nangyari. Ayon sa kanya, hindi naman daw ginusto ni Jacoba na sumali sa pageant. Pinilit lang umano siya ng kanyang professor sa isa niya pang subject at sinabing exempted siya sa �inal examination kung sakaling magwagi. Sa kagustuhang makuha ang “incentive”, nagbigay ng labis na atensyon si Jacoba sa pageant na siya namang dahilan kung bakit na-FDA siya. Sinubukan pa raw ng dalaga na kausapin ang professor sa nasabing subject pero buo na raw ang desisyon nito. Dumating ang araw ng pageant at sa kasamaang palad, hindi nanalo at walang nauwing kahit isang award si Jacoba. Dahil sa labis na kalungkutan, isang linggo na diumano’y hindi pumapasok ang dalaga at nanganganib na ring maFDA sa natitira niya pang mga subjects. Sinubukang puntahan ng Sentido Kumon ang tahanan ni Jacoba upang kunan ng pahayag, pero ayon sa kanyang ina, tulala at ‘di pa rin daw ito makausap.


Sentido Kumon

Coñopinyon

EDIWOW! LAMPOON SPECIAL EDITORIAL BOARD

Kuha Mo?

Suportahan Taka OMG! Walang larawang available!

Ayshea B. Perucho Editor-in-Chief

Open-minded ka ba sa Sentinel? Sali ka?!

Marie Elizabeth F. Dagala Managing Editor Jessica Jane I. Sy News Editor

Jillian Shayne L. Dancel Coñopinyon Editor John Poliquit Features Editor

Joanna Belle Z. Deala Entertainment Editor

Timothy Gerard P. Gucilatar Beksyonary Editor Mariztela Alyssa R. Domasian

Sports Editor

Jennifer R. Anzano Jarren Hill S. Repedro Zyren M. Duazo Nicole L. Manano Rholynda Chryse E. Gonzalo Shantal Roz G. Lopez Trixiana D. Gile Lauren Ian Marie G. Magtira Kim Oliver M. Maniscan Angela Grace T. Matulac Eden F. Erispe Ellah D. Pama James Bernard S. Herrera Alexandra Nicole B. Zaide Austin Bradley S. Magsino Myrtle Joyce I. Bautista Jaenelle M. Ilagan John Christian R. Alvariño Joses Theodore G. Rosales Liwliwa B. Taclibon Reporters Hygeian R. Español Chief Illustrator

Kristine Faye V. Anajao Bea Patricia M. Pelayo Graphics and Layout Artists Marie Jojina S. Serrano Business Manager

DIS C L A I M E R: Ano mang pagkakahalintulad ng mga pangalan at itsura ng mga ilustrasyon sa pahayagang ito ay pawang aksidente lamang. Inaasahan na ang mga mambabasa ay magkakaroon ng malawak na pang-unawa. Front Cover Illustration and Design By: Hygeian R. Español; Enhanced by: Kristine Faye V. Anajao, Bea Patricia M. Pelayo and Zyren M. Duazo

Click mo na ang G! Kung bet mo! Meh?!

Last December 5, nag-post sa Of�icial LPU Manila Page about the “Red Shirt Day” para suportahan si Mayor Duterte sa kanyang candidacy for President. The post reads: “Pls. be advised that Tues Dec 8, 2015 is RED SHIRT DAY for LPU MANILA. We encourage all to join us in Comelec to support our alumnus, Mayor RODRIGO DUTERTE!” Now, wala namang sinabi na required na sumama going to

COMELEC to show and give support kay Duterte. But the problem is required mag-red shirt us Lyceans para mag-show ng solidarity for Duterte. Eh paano naman us students na ‘di willing to vote for Duterte? Us students na may ibang iboboto? Us students na ‘di registered voters? Eh ‘di translated yung pagwear namin ng red shirt as support kay Digong. We even saw some reklamos on Facebook from people na maraming pinaglalaban

Korni.

G!

dahil may iba silang gustong iboto. Paano naman if gusto nila ng girl power sa Malacañang? ‘Di ba ang ugly tingnan? We get it naman na proud ang LPU kay Duterte dahil sa pagrun niya for President. Pero wish ko lang na ‘wag naman mukhang pilit ang support ng students kasi all of us naman ay may kanya-kanyang bet this coming halalan. We just hope for respect lang for our personal choices at voting preference. Next election,

it’s okay lang naman for LPU to support its alumni as an institutional stand pero not as a stand ng community. Kasi if we say community, ibig sabihin nun ay all stakeholders ay agree, eh hindi naman ‘di ba? I’m sure there are Lyceans na want din namang suportahan si Digong and hindi ba better na makita natin yung true supporters niya inside our paaralan? Plus, ano na lang sasabihin ng people outside our university, right?

MAJUBIS-ITIVE KyutiPakyuti qtpakyuti.sentinel@gmail.com

Na-feel niyo na ba na may one thing kayo na sobrang in-exert-an ng effort at pinagkagastusan ng pambili ng energy drink at coffee for long hours na puyat, pero ituturing lang na basahan ng iba? Basahan na ipapansapo lang naman sa napakalinis at napakabango na pwet ng kung sino na ayaw madumihan ng kahit kaunting alikabok. And another thing, yun bang sobrang effort mo sa isang bagay tapos itatapon lang ng iba. Oh my! It really makes me think. If you’re going to waste

Formal informal statement on newspaper negligence it lang naman, eh why will you grab pa ng copy ng school newspaper in the �irst place? Para use as your tissue to make punas your dirty pwet? Like, eww. Can’t afford ng one pack ng tissue sa bookstore kaya umaasa on our newspaper. Sosyal naman ng tissue mo beh. And wait, my gosh! Gawa ba sa satin at silk ang mga pants and skirts ninyo para gumamit pa kayo ng newspaper namin just to sit on sa �loor ng Mabini Hall. You know, guys? Just bring your own pillow if you want. For your infor-

4

mation, sa tuition niyo na mula sa mga wallet at bank account ng mga daddy at mommy dearests ninyo nanggagaling ang funds ng pinakamamahal ninyong patungan slash upuan slash tissue. This is a newspaper and you read it with your eyes, not with your butt. You use your hands to make lipat the pages, not to make lukot and punas it somewhere... uhh, dirty! Another thing, the newspaper is not a clothing. Paper nga eh, paper! Hindi yun ginawa para hingin mo lang for your friend´s “pageant”

dress. Love mother earth naman! Or para i-identify ang difference ng opinion sa fact dahil sa tinatamad kang bumili ng dyaryo sa 7/11 near our school. Kaloka ka naman! Please, maawa naman kayo sa efforts ng team and sa wallets ng mommies and daddies ninyo. And one �inal reminder: If you can’t resist to lukot lukot and make tapon the newspaper, please observe 5S na lang and ‘wag naman ninyo itambak sa poste in front of Letran. Nakakahiya kayo sa ibang school.


Sentido Kumon

Coñopinyon

RHEUMATISM Madam Tsinichingching gingging.sentinel@gmail.com

Is the hallway a palengke? I always ask yan sa friends ko. It’s really nakakaloka kasi. Like everytime na I arrive sa school, the hallway is so puno! Lalo na the way papunta sa canteen from gate 2. Hindi na mawawala every semester yung selling ng t-shirt sa loob ng LPU. Cue music then ilabas na the design collection. Then, alok dito alok doon then voila! Let

the games begin! For identity daw and para raw sa unity ng Lyceans, they said. Yes, nagbibigay ito ng happiness and new trend. Pero nakakastress kasi talaga the hassle na binibigay nito to the students. One time kailangan ko talagang pumunta somewhere eh. I need to daan muna sa canteen because I’m so hungry na. And boom! There they were with all the music

and wardrobe collection! Ang ingay nung music tapos they were so maingay. And for the record nasa gitna pa sila, hindi man lang mag-make way. You know parang sa Divisoria lang ang peg. Okay, I just want to point out to everyone na okay lang naman to sell something para your college will be known (or ikaw mismo, if want mo maging famous) para paglabas mo makaka-en-

HARD CORE

Onion-Skinned balatsibuyas.sentinel@gmail.com Finally! The school election is over. Ugh, grabe! That’s like the longest election period I have experienced ha. So much chika here and chika there. Parinigan in all sorts of social media. Anyway, as I was sipping my alltime favorite coffee while scanning at my Facebook Newsfeed, I

have thought that social media has lost its limits. A lot of people have been using it to torment others, either by “parinig” or directly. It bothers me what people get from this. Is it the attention? Sympathy? Approval? Or just plain bragging rights? I mean really, all that trouble of posting just for what?

I am not being a hypocrite because I know I have done this myself. But not to the point of doing it more than “sometimes”. What I’m saying here is that a lot of people can easily just say what they want to say directly to a person if they have problems or issues. But to post it in social media for o-

BOTTOM VIEW Ms. Conservativa Bougainvilla nicelegs.sentinel@gmail.com

In fairness! The new uniform of the CBA students is so ganda! The top is yellowish something na good sa eyes, i-match mo pa the gray coat. Isn’t it amazing? It’s so bagay with the �ield that they will be into someday. Ganda, really! Especially that girls are wearing skirts na. Feel ko it’s super sarap to walk along the corridors of the school wearing that skirt. I can

feel kasi the con�idence of the girls kapag they are naglalakad eh! The impact is so malakas! ‘Cause it’s just very mapang-akit. Yeah it’s so �lashy. But the other girls are showing too much skin na. The skirt is no longer high-waist kapag I see it from some. Tumaas na sa stomach nila the skirts. It’s obvious kaya na intentional. Have you seen ba?

They’re making it so mataas na on their upper body so it’s so maiksi na on their legs. No, no. Of course I’m not being insecure! I have nice legs din no, but ‘di ba? Nasa loob tayo ng school premises and we should just wear our uniforms properly and decently. Kaya nga the school approved that uniform for you para ma-

5

Kuha Mo?

Is The Hallway A Palengke?!

courage ka ng people to study sa LPU. Tapos makakatulong ka rin naman for the betterment of the college or as they say, para maka-help din daw to indigenous people. Pero PLEASE LANG. The hallway is a daanan, don’t make it a palengke. Maging sensitive naman kahit mga 39.4% lang. Wala akong something against sa t-shirt selling pero alamin mo where to stand.

Ikaw na consumer, gumilid ka man lang to make way sa mga people who want to make daan. Hindi yung tatayo ka lang in the middle tapos you’ll cause inconvenience sa ibang students. ‘Wag ganun. Did I make my point clear na sa lahat? A’right? A’RIGHT?! Again, inuulit ko para sa enlightenment ng bawat isa: LPU IS NO DIVISORIA AND THE HALLWAY IS NOT A PALENGKE.

ther people to see? I do not see its importance. Many call it as “smart shaming” but I believe it is just a fancy way of embarrassing others. I wouldn’t argue anymore regarding this matter coz this is the kind of issue I’d get nothing from. People, if you’re going to count all the TWO CENTS you

gave in all the issues you are involved either personal or whatnot, you have lost a lot of money.

Knowing Your Social Media Limits

If you support freedom of expression so much, oh dear, know your limits. Anything you say can be held against you.

Please stop na with showing off the legs!

feel niyo more that you’re getting into the corporate world na. So it’s just tama lang talaga to wear it appropriately. First of all, we’re not here naman in our university to �lash off our sexiness! May right places naman for that ‘di ba? You wouldn’t want to distract din naman the guys from studying. Right? Oh alam mo naman what I mean! Pero kapag in-

tend mo talaga to �launt what your momma gave you, sa labas na lang not sa school na, okay? It’s not maganda eh.

I don’t want to make paulit-ulit na basta learn from me ha? Classy lang dapat tayo girls! Study hard ah! Nako! Okay. Ciao!


Featu

Sentido Kumon

K-Pop against the World By Beautiful Stranger Naranasan mo na bang papiliin ng isa sa dalawang bagay na sobrang gusto mo na tila hindi mo kayang mabuhay kung wala yung isa? Don’t worry kasi nandito na ang iyong unnie o nuna para magbigay ng advice sa iyong mga problema. Matapos kong buksan ang puso, isip, at inbox ko para damayan kayo, mga minamahal na K-Pop fans katulad ko, marami akong natanggap na messages kung saan ang iba’y nagkwento ng personal experiences about sa problemang K-Pop against the world na para bang 1 vs 100. Tayong K-Pop

fans ay masaya as long as si bias ay single din. Syempre focus ni bias ang career pati na rin fans niya. I’m an EXO-L too. When Kris left EXO, na-depress ako dahil siya ang bias ko sa EXO-M. But, let’s be proud of ourselves because we still chose to stay with the remaining members and that’s what matters. Obviously hindi ka nag-iisa. As fans, naisip na rin naman namin na talagang darating ang panahon na magkakaroon ng sarili nilang pamilya ang mga idols natin dahil tao lang din naman sila. Let’s just accept the fact and be happy for them once na mangyari ‘yon dahil

‘yon ang ginagawa ng isang matured na fan. Hindi ‘yung nagkaroon lang ng partner si bias magtatampo kaagad o lilipat na ng fandom. Hindi man ganoon kadali, dapat kayanin natin dahil darating ang panahon na tayo rin ay makakakilala ng taong para sa atin. Kung mahal ka talaga ng isang tao, tatanggapin niya kung sino ka. Problema nga lang talaga kung mas mahal mo ang bias mo kaysa sa kanya. Hahaha. Just tell your future partner na mahal mo si bias bilang isang fan at mahal mo siya bilang isang normal na tao para maintindihan niya. More understanding, less away ‘di ba? Hindi ko talaga

expected na magiging overflowing ang aking inbox dahil sa messages niyo. Sana naman ay makatulong ang mga binigay kong payo sa inyo bilang kapwa

‘di tayo huminga kaysa sa ‘di tayo mag-Facebook. Pero may mga tao pa rin na tila parang nalimutan na ng sibilisasyon at throwbackish pa rin ang mga kaugalian. Mapa-es-

tudyante man na Windows XP ang laptop at 2003 pa ang version ng Office, o mga prof na binubuksan ang CD-ROM para daw gumana ang flash drive. Yung totoo po? May mga tao talaga na mahirap maka-move on sa nakasanayan na. Tulad ng mga nagma-Manila paper kahit may projector naman ang room, mga hardcore gamer ng Space Impact o Tomagotchi, o kaya naman ay mga prof na kailangan daw ilagay ang file sa floppy disk para sa project bukas. Pagdating sa pag-socialize, MySpace, at Friendster pa rin ang tambayan. May iba ngang number sign ang tawag sa hashtag. Kung

mag-text man 3310 pa rin ang gamit. Heavy-duty daw kasi. Kahit galawang 90s (or 1800s) pa rin ang dating nila, sana intindihin pa rin natin sila. Mahirap talagang maka-recover sa past. Ikaw nga hindi pa nakaka-recover sa ex mong niloko ka lang eh. Ngunit kung kabilang ka sa pangkat na ito, may pag-asa ka pa ate/kuya. May pagkakataon ka pa para maging high-tech. Humingi ng payo sa mga kaibigan mong may Tinder. Sila ang maghahatid sa’yo tungo sa modernong panahon. Kung nag-level up ka na at marunong ka nang maglaro ng Farmville, huwag na-

K-Pop fan niyo. This is your unnie or nuna. Until the next issue! XOXO~ 감사합니다! (P.S.: 권오현씨 좋아해요! ;) <3)

Naiwan sa Ere

By Genesis is Forever

2016 na! May crack na ba ang screen ng iPhone mo? Naghihikahos ka na ba dahil sa AutoCAD? Alam natin na mas okay nang

© Google Images

6

man mag-adik. Sabi nga, ang lahat ng sobra ay nakasasama. Maraming namamatay kapag nalulong sa electronics. Huwag open-time sa paggamit. Matuto rin ng wastong paggamit ng internet. Baka ibang link na ang ma-share mo sa friends mo.

Alam natin na pabagu-bago ang oras at gadgets dahil super bilis ng pag-unlad ng teknolohiya ngayon. Ngunit malaki ang advantage kapag flexible ka as time flies. Sabi nga ng iba, change is constant. Hindi mo mahahabol ang jeep kung nakatayo ka lang.


ures

Kuha Mo?

Galawang Hokage ng Famewhore Starter Pack Your ultimate guide towards stardom mga Tatak Breezy © GMA News Online

By Chrysanthemum Ibarra

By Walang Emosyon Ito na ang tamang panahon para sa mga pasimpleng diskarte ng boys sa girls. For sure marami na namang maglalabasang mga kalalakihan na may tinatago pa lang kalandian/galawang breezy o ang tinatawag din nating mga hokage. Pero siyempre, tandaan mo na sa minamahal mong babae dapat ine-execute ang mga ito at hindi sa kung sinu-sino na pwedeng mapagtripan sa kanto o sa mall. Sa mga simpleng supresa ay makakapuntos ka na. Alam mo naman na kapag nasupresa si baby girl, mapapayakap na lang siya sa’yo. Kung hindi naman maging effective ang above-mentioned na move, aba’y kailangan mo ng mas matinding galawan. Isa na rito ang pagdala ng kanyang mga gamit. Kapag na-

sight mo si bebeloves na maraming dala-dalang gamit dulot ng mga organization na bibong-bibo niyang sinalihan, o ng kanyang propesor na agresibo sa mga handout o kaya sa mga project, chance mo nang ipakita ang concern mo sa kanya by helping her carry her things. If carefree naman siya in school at ballpen lang ang kanyang only weapon, mag-offer ka pa rin to carry her nag-iisang bagelya. Dagdag pogi points ‘di ba? Kung nagkataon na may suot siyang relo, kunin mo ang kanyang kamay at magsabi ng, “Patingin ng oras”, at i-push mo right away ang pakikipag-holding hands. ‘Di naman ako mahilig sa hands pero ito pa ang isa sa mga pwede mong gawin through your mahiwagang mga kamay. Magpaabot ka sa kanya ng kung anong bagay tapos sabay hawak sa kanyang kamay, at ang final step? Tumi-

• Self-pitying posts Hindi ka satis�ied sa mirror lang. You want people to notice you. I-post ang most attractive and alluring sel�ies mo at lagyan ng caption na “Why me so ugly? Huhuhu” para maawa (raw) sila at mag-comment ng “ganda” kahit binobola ka lang din naman.

ngin nang malagkit sa kanya. Speechless si bebegirl panigurado. O kaya naman habang busy siya, lumapit ka nang ‘di niya alam, tawagin ang kanyang pangalan, at targetin mo ang kanyang mga labi para sa isang malapot na halik. Hindi lang yan. Kung mala-action star ang gusto mong maachieve na galawan, pwede ka mag-set up ng trap kung saan madadapa siya pero siguraduhin mong masasalo mo siya lalo na ‘pag na-fall siya for real. Pwede rin namang ikaw na mismo ang gumawa ng stunt. Yung pasimple lang pero pang-pogi points, at make sure na swak ang paglasap niya sa nilalanggam na kiss mo. Pero don’tcha forget mga tropa kong hokage na always treat da one ninyo with respect pa rin kung ayaw ninyong maagaw at ma-galawang breezy pa yan ng iba.

Beh?! Available ang e-mail ng The Sentinel para sa inyong mga hinaing, suhestiyon at mga ano pang keme. Send mo naman sa lpusentinel@gmail.com, ‘wag post agad sa Facebook. Labyu! 7

• Practice congeniality Obviously need mo makisama kung want mo maging sikat. Go walk through the hallway and say, “Hi beh! Kumusta ka na? Gusto ko porma mo ah!”, sabay beso to everyone you meet.

• Create an “of�icial” Facebook, Twitter, and Instagram account Mahirap nang mapagkamalang iba, so better na may palatandaan. Lagyan mo na ng “of�icial” ang lahat ng account mo at punuin mo ng every minute updates and posts about your life. Gawain ng mga celebrities yun and they have like millions of followers!

• Ask for secret support When you post something, make sure na alam ng circle of friends mo so they can ‘like’, ‘favorite’, and ‘retweet’ it. Lagi ka rin mag-thank you at ‘wag kalimutang i-tag sila. • Sound smart All pa-famous people speak English. So fake an accent, mag-google ng quotes and talk. Minsan lang naman napapansin ang wrong grammar. Believe me minsan lang.

• Shop for OOTDs If rich kid ka then sumabay sa latest fashion trends at gawing runway ang hallway! Make sure na masasabi mo ang brand at price ng bawat damit mo. If tight ang budget mo, palagi namang may imitations and class As sa mga tiangge. Hindi naman halatang hindi orig ‘di ba? Naka #OOTD ka na, nakatipid ka pa! • Stick with the clique Tell me who your friends are and I’ll tell you who you are. Do they stand out at madadala ka ba nila? O kaya naman piliin mo yung friends na hindi nagsta-stand out para ikaw ang angat. Witty mo dyan friend!

• Make every problem a big deal Kapag bad mood ka, tell everyone! Let them know kung gaano kahirap maiwan ang lipstick mo. Post your stand on some trending issues. If you notice na may trending na balita, post your own reaction. Dapat powerful even if clueless ka sa buong pangyayari. Effective ito kung ire-relate mo sa mas madaling issue na gets mo; kahit na heaven and hell pa ang layo ng connection.


Sentido Kumon

Entertainment

Kuha Mo?

TRYING HARD MAGING DEAN’S LISTER By Mama Sah

TAMBAYSHIES SA HALLSHIWAY, PATULOY NA DUMARAMI By Destinya Roshie

Hindi papatinag ang mga tambayshies sa pagtalak, “more chika, more fun” ika nga sa hallshiway. Patuloy silang dumarami at humaharang sa hallshiway every day, na parang may ulam na nilalangaw na kailangang bugawin. Kabilaan ang estudyent na makikitang nakaupo habang nagbabasa ng libro na parang props lang naman at yung iba akala mo pumipila sa Bayad Center o pila ng mga nasalanta. Mukhang nasalanta? Omeeeh. Yun nga pala itsura ng mga inalon sa dagat. Samakatuwid, dahil nga nakaharang sila mapa-hallshiway at maging sa pinto ng classroom niyo, nagiging sanhi rin ito ng pagka-late ng mga estudyent na papasok sa klase dahil kailangan pa nilang lumangoy sa mga tambayshies na feel na feel humarang sa daan na akala mo walang tao sa likod nila. Hindi rin naman mapagkakailang alam nila ang “keep right” ngunit hindi pa rin nila sinusunod. Asul, gray, at pula ang mga kulay na hindi mo maipagkakaila. Wala ka na sigurong magagawa kundi habaan pa

ang pasensya mo sa abalang dulot nila. Minsan nga eh may mga nakahiga na sa lapag, kulang na lang lagyan ng sofa at iregalo ang television na nakalagay sa tapat ng Room 237. Bibigyan ko na lamang kayo ng ilang tips kung paano makaiwas sa mga istorbo na yun. Drop, Cover, and Hold on! Yun lang, sana masunod mo. Masu-survive mo na ang mini stampede lalo na sa ikalawang palapag. Ikaw na ang bahala kung bet mong sundin ang payo ni Destinya Roshie o baka naman may naiisip ka ring plakadong plano para makaiwas sa mga wattang itez. Hindi na yata kasi epektib ang pagsabi ng “excuse me” sa hallshiway dahil wiz kiber pa rin sila, push na push pa rin sa pagharang. Sa paglipas ng panahon (dramaaah), dumami man ang tambayshies sa hallshiway, ito ang senyales na marami ang estudyent na pumapasok at nagsisipag mag-aral sa mahal nating unibersidad. Sagabal man sa inyong paningin, sila’y nag-aaral pa rin. Parang “tambay man sa inyong paningin, may nagagawa pa rin!”. Tenk yow!

“Yes! DL pa rin ako! Thanks to my kodigo!” Finals na naman at kabi-kabila, back-toback, side by side and up, down, up, down and turn to the left, turn to the right and up, choth. Going back to the corner, kabi-kabila na naman ang mga linyahan ng mga kaklase mong GC as in Grade Conscious “kuno” na to the superlative power ang pag-alalang baka hindi na raw sila Dean’s Lister dahil sa ilang subjects. Tuhluguh buh? Eto yung mga klasmeyt mong ang babagsik mangopya at mangodigo sa exam. Sila yung, “I didn’t study but passed the exam. Ask me how”. Yung tipong magdamag ka nag-aral para pumasa tapos etong mga kaklase mong asa-asa sa cellphone at sa katabi para mangodigo’t mangopya, eh mas mataas pa yung nakukuhang score kaysa sa’yo na halos umabot na yung eyebags sa baba mo. Walastik fantastik kung makapagkodigo, sa

PAUNAWA:

‘Wag niyong ilipat ang opisina ng Sentinel. 8

harap pa ng propang niyo. Ay iba ‘to! Lakas ng swerte mo! Kopya here, kodigo there, pandurugas everywhere! Ikaw na! Sa’yong-sa’yo na ang korona! Eto pa matindi, eto yung klasmeyt mong kampi sa matatag. Meaning, lakas makigrupo sa’yo dahil alam niyang may dulot ka at butaw siya. Hanep, ‘di ba? Tipong, gugrupo-grupo sa’yo tapos nganga naman. Hirap hagilapin at kausapin kapag may group meeting. Magpapa kita ng isang beses, pagkatapos nun wala na. Ni hindi man lang nagparamdam o nagtanong kung kamusta na. Etong klasmeyt mo na ‘to parang ex mo, kung kelan tapos na tsaka nagpaparamdam. Wala na day, tapos na, may grade ka na kahit butaw ka. Pero wala nang mas nakakaurat ‘pag bigayan na ng grade; dalawa lang yan eh: magkasing taas lang kayo o MAS mataas pa siya sa’yo. Ikaw na nagbuhat, ikaw pa

nalugi! Ikaw na nagpagod, siya pa nakinabang! Talaga nga naman oh. Tapos kapag labasan na ng �inal grade, aba! Iba kung makapagdiwang at makapagpost sa Facebook na Dean’s Lister siya. Idol!! Kasing kapal na siguro ng apat na libro ng Harry Potter ang mukha ng klasmeyt mo. Hindi naman talaga masamang maging DL eh, basta ba effort mo eh. Hindi yung effort ng pagtingin sa phone para mangodigo sa exam, hindi effort ng kagrupo mong magpaload ng sampung piso at mag-register sa C10 sent to 8888 unlimited text TM to TM/ TM to Globe with 10 mins. call para tawagan ka at hagilapin ka kasi kailangan ka sa grupo, at lalong hindi effort ng katabi mong magaral magdamag para lang kopyahan mo. Alalang-alala kang baka mahulog ka na sa DL, eh nakonsensya ka rin bang naging DL ka? Hindi mo naman ikauunlad yang kadugasan sa katawan mo. Sa huli, ikaw at ikaw rin ang makikinabang sa lahat ng pinaghihirapan mo. Pinaghihirapan, as in pagtitiyaga at pagsisikap mo sa pag-aaral. Hindi pinaghihirapan, as in pinagsisikapan mong hindi ka mahuli ng propang mo na nangongodigo’t nangongopya ka. Kung gusto mo talaga ma-achieve ang pagiging Dean’s Lister, eh ‘di paghirapan mo. Hindi nag-DL ka na ganyan ginagawa mo. Mahiya ka, b3h.


Sentido Kumon

Beksyonary

Kuha Mo?

May Pandesal Man, Monay Pa Rin

By Joklang Merlat

Anez nga bey ang pamantayan natin para ma-sey na tayez ay tunay na men? Bakit nga ba hindi na men ang tingin natin sa mga pa-men? Maskulado, kurbada ang veekini line, at

ultra delicioso ang biceps. Posturado, boses semento, at gwapo. Dominante, matapang, at walang kinatatakutan. Kalurkey. Yez na yez. Itey na ngey ang trulalu na depinisyown natin ng tunay na lalaki. Pero may isa pang linya

na never ever mawawala na kaakibat ng identipikasyon sa pagiging lalaki. Ang tunay na men, never mai-inlovey sa kapwa niya men. Kagaya ng rainbow na may iba’t ibang kulay, ganoon din ang mga proud na mga bayola na makikita natin sa iba’t ibang lugar sa Kamaynilaan. Iba-iba sila ng ugali at paniniwala. Iba-iba ng pagkakakilanlan sa sarili, at iba-iba ng pagpapakilala sa self nila. Yun nga lang, kahit na anong i-say and do nila eh one and only lang ang tingin ng mga tae este tao sa kanila. Madalas makikita ang mga X-Men (past tense), Pamintang Durog (mga nagtatago sa locker), at ang mga Juding (proud beks) sa gym upang palakihin ang kanilang pandesal na masusustansya. Nakakaloka, ‘di ba? Isang tunay at magaling na panlilinlang sa mga kababaihan. Alam naman natin na gwapo sa iyong paningin ang lalaking may abs. Yung tipong mahahawakan mo ito habang

nagniningning ang iyong mga mata. Ngunit malalaman na lang natin na juding pala ang mga hunkis na ites, mawawala na ang mga pantashya mo na mahawakan ang yummy na abs nila. Every time na lang ‘pag nakikita mo sila, napapangiwi ka lagi. Yung tataa? Bawal na ba magpakalalaki ang mga baklita? Kitams, may mga very supportive pa rin na straight guys. Yung tipong tropapips pa rin sila ng bestie niya na nagladlad at komporme, sama-sama pa sila ng buong tropa sa gym! Pero of course, it’s all in your imagination. Naku, ‘pag naknows ni espren na may jowanis ka na guy, Friendship Over agad kasi nasa isip nila lalambot ka like a girl, magmemeyk-up, at baka manyakin mo pa sila! YUNG TATAA! Kahit whatever happens, feel na feel niya pa rin ang magpa-macho, magbasketbol at magpapawis, uminom buong gabi kasama ang buong tropa, at gawin ang ginagawa ng isang normal na lalaki. Nakapagtata-

na may ka join na papi ngunit waley. Jujubusin ko na lang ang kaeklatan ko ditey. Kuma-crayola khomeni akiz at nalo-lost uli. Gaya ng pagka lost ni Dora sa damuhan. Parang may scarcity. Witchikik ni atashi maka aura. Kami... kami na-Whiz Khalifa kami. Sushmita sen!! Betty Boop naming mag-laro ng shogu-shoguan. Shogu-shoguan ning ning galore ng buwan at ng feels. Pero ngayon, wit ko na siya bet! So true. Pero uber bet ko siya! Wiz ko masabi. Crayolang crayola si atashi kasi Indiana Jones si papi. Miss ko na hugs niya, ang plakadong borta niya! Tiis ganda na lang akiz sa mga grievances at kakirian sa Eva Fonda niya na true-

lalang hiponessang chimini. Halos aketchi, isang baklang hamog na palaging nakakaramdam ng katikating nakakapangilabot. Kating hindi kinaya ng isang drum ng caladryl at calamine lotion na may kasamang kalmot ni Wolverine. Nagpunta na lang si atashi sa Aurora Blvd. para maka-getlak ng otoko at mag-move on na rin. Nagsimula aketchi sa pagrampa gaya ng isang tunay na hitad. Pak na pak ang bawat hampas ng balakang ni atashi na mala-Beyoncé. Lakad ditech, lakad doon. Matapos maikot ang Aurora Blvd. ay jumuwi na akiz na ngalay na ngalay ang legs, hinog na mga mangga sa hita ko. Mission impossible ang ganapsung

ko. Wit ko pa rin keri magmove on. More more try pa rin i-�ightsung ang kakirian ko sa kanya kaso more more pranella naman aketch. H u h u bells. Sana ma-inlove na lang sa akin si Paulo Laurel.

So Gay, So Sad

By Dakota Harrison

Isang ma-aura na gabi! Waley majisip si atashi kaya i-spluk ko na lang jugot na itetchiwa. OA ang star wars ngayong gabilya. Shine bright like the diamonds in the sky. OA rin ang falsetto ng shungin sa skydome. Nakakaloka mga cricket sa puno. The more the merrier ang peg nila tonight. I-jujulat ni atashi itez ang nakakalokang chika. Chika na puro eme at kakirian. Wiz ko knows gaano ka-longganisa ang chika na itez. Basta. Chika lang nang chika bakla. Bet ko siya. At feel ni atashi na bet din niya akez kung minsan. Dingin ng kalawakan

9

ka man, pero siguro safe sabihin na sila ay mga “mala-straight na maskuladong homosekswal”. Litonessa ka na bey? Marami pa ring mga juding ang nakararanas ng pang-aabuso dahil sa hindi pag-intindi o hindi pagtanggap sa kanila ng ibang tao. Katulad na lamang ng issue ni Pacquiao na ikinumpara niya ang mga tropang LGBT sa mga hayop. Karamihan sa mga pusong mamon na mga machong juding, isang malaking kapayapaan sa kanilang pagkatao at puso kapag nailantad na nila kung sino talaga sila. Hindi man bunga ng magagandang rosas ang mga hunk na bayola na ito o ‘di kaya’y hindi lantad ang kanilang kasarian bilang mga juding, maaaring may ibaiba silang dahilan kung bakit hindi nila maamin sa ibang tao kung sino sila. Ang kailangan lamang natin ay pagtanggap at pagmamahal natin sa kanila nang buong puso at pagyakap ng buong-buo kung sino man sila.


Sentido Kumon

Beksyonary

Pusong Sentimental Haluuurrrrr mga beeeeh! O di ba akala niyo ba mawawala ang ganda ko ditey sa Lampoon special ngayong taon ng Senti?! Of course, golf course, wititit mangyayari yan! Kaya naman dahil espesyal ang pahayagang ito, espesyal din ang hatid kong ishuweta ngayon! Wit na muna tayo mag-dwell sa mga famewhore ng Lyce, ditey naman tayo sa isang ishuwetang matagal ko nang gustong iispluk sa inyo! Goraaaaa!

Hindi Pa-Girl si Bekilou Dis is didicated to all de wako meyk-up, wapake out�it, at mga no no wannabe girl na homo badiklush. Punto por punto, feel na feel kasi ng mga jutawiwing close minded na we want a va-jayjay, a boob-sicle, and Rapunzel-bourne na nakakalokang hair extensioner! But no no no, ‘di lahat ng baklush ay Beyonche want-to-be a butter�ly at ‘di porket feminine at lambot like a rose ang iba, itchyworms na sila maglagay ng foundation at magsuot ng skater skirt! Kakaloka! Pero sabi nga ng naka-chat kong straight ruler of the Seven Kingdoms sa Oh-mehg-luh, “What difference does it make?” Que horror! Dis is why bekilous retort wid saying na wit sila baklita at sila ay discreet at bayola pa raw. Dahil super lower na ng lebelya of respectus and understandinus natin sa mga normal na baklush, dey switch to the paminta side da-

hil mas acceptivus itey ng mga jutaw sa alta at poorelya sociedad na wit alam kung aney ang diperensya ng transsexual at transgender. Pero ehmhergherd, masisisi mo ba ang mga jutaw at shokoy if the more the merrier na ang identiti ng mga lalaking nag-journey to the Undergayworld? Kakapiranggot na lang ang mga bekilou na enrolled sa Philippine Normal University. Meaning, ‘di sila ABnormal. Old joke. Ew. Ibig sabihin lang nemern, ‘di sila tulad ng mga baklitang mamshie at nakshie sa kantow. Sila ang mga wako wako ma-eh-eh sa meyk-up, mga pipitsugin sa Men’s Clothing ng department store at 168 ang garmentados, at mga fresh like a tunay na boy ang perchonalitee. Ito yung mga bekilou na maayos tingnan, lalaking-lalaki pero out na out sa friends at minsan lang sa family, at mga cutiepie na ayaw ma-treat na babae ng mga nag-gagwapuhang boy�ie niley! Itong misconcepcionez na itez ay kasalanan ng mga ninuno natin na mukhang nuno. Kakaloka! Mula sa mga baklang babaylan, to the depikshawn of drag queens at mga lab na lab magsuot ng pang-girlalou, no wonder our image has consistently been a social stigma. And kung gusto natin mag-spread ng love love love and acceptance ng difference ng bawat isa, we shud also respect the identi�icus totalus of the peppermint society. Nakaka-degrade kaya para sa mga macho gwapips na bayola yung tipong searching-searching sila ng ka-forever nila, pero jutaw na big fat liar ang tumambad sa kanilang rosy eyes. Naku! Mapa-nor-

mal na badyowski or hayok na hayok sa Johnson’s Baby Powder na bakulawita, no eksempsyown! ‘Wag na ‘wag tularan ang mga mapagpanggap na alagad ng mga shokoy na may maiitim na budhi. On the other side, we cannot blame them if they do these stuffs. Ang idea kasi, if they won’t tag themselves as discreet or bi, no one would approach them. Lalo na sa online social hubs where every man standing also has something standing on them. Getching mo? Pak. Kaya nako, arangkada pa more ang mga jutawiwi sa pagkalat ng impeksiyownes sa sociedad na punung-puno ng diskriminasyownes. Samakatuwid, kung feel na feel na natin na i-eliminate itong generations-passed na misconcepcionez na itez, tulung-tulong dapat ang mga naggagandahang pa-girlalita at ang mga naggagwapuhang normalite gays. Dapat maging over sa pagka-proud tayo sa kung ano tayo at hindi magpanggap para lang matanggap ng lipunan, at lalong hindi para may maka-sparks! PWE! Sa ganitong paraan, if we are empowered to present ourselves at itey ay nasaksihan ng mga hipon at lollipop sa mga kalye at kantow, madi-distinguish (big word!) nila na ibangiba na talaga ang kahulugan ng pagiging bekilou. Hindi lang pagirl at kung ano pa man. Tayo ay mga simpleng lalaki na napapaibig sa kapwa lalaki. Simple as that! Owright?

10

Kuha Mo?


Sentido Kumon

News Pa More

Nag-Shindig si Teddy by Teddylicious

“WHAT HAPPENS in SHINDIG, stays in SHINDIG,” para sa ating mga CASmates na naki-parteh-parteh to da max sa isa sa pinaka-engrande at pinakahihintay na “Party for a Cause” sa balat ng College of Arts and Sciences. Taun-taon idinaraos ng mga CAS-mates ang Shindig tuwing umpisa ng academic year at ang tema nitong 2015 ay inspired mula sa Coachella Festival na isang indie music at fashion festival sa California, U.S.A. Ang mga karaniwang suot sa Coachella Festival ay tila mga punit punit na damit at pantalon. Ngunit bakit ganun? OA naman kasi yung pagkakapunit ng mga pantalon at damit eh! Yung iba nga parang nakagat ng aso at yung iba naman

By Don Romantico

akala mo nabudol-budol. ‘Wag naman kasi yung kita na kaluluwa mga teh. Iba’t ibang uri rin ng nilalang ang dumalo sa nasabing kasiyahan, ngunit hindi nagpahuli ang mga ate’t koya niyo mula sa Sentinel! Ilan sa mga editors at staff ng Senti ang namataan sa nasabing kasiyahan! Oh ‘di ba? ‘Di papakabog ang mga manunulat! Itago natin sa mga pangalang Jennifer Lopez, Zoren Legaspi, Shantelle Cruz, Kuya Kim Atienza, Teddy Casiño, at Janella Salvador ang mga Senti-peeps na nandoon. Taray ‘di ba? Hindi lang pala sa pagsusulat magaling ang mga Senti-peeps! Pati rin pala sa pagsayaw at pag-rave! Masaya ang naging kinalabasan ng nasabing party for a cause, sabi ng iba, sulit nga raw, sabi naman ng iba, bitin

daw? O baka naman dahil sa bitin na spaghetti at fried chicken balls na food? Ngunit subalit datapwat, alam ng bawat CASmates na may maganda rin namang naidulot ang mga binayad sa party na iyon, dahil lahat ng proceeds ng Shindig ay handog ng CAS Council para sa mga Dumagats, ang adopted community ng LPU sa General Nakar, Quezon Province. Party for a cause nga raw. Pumarty ka na, nakatulong ka pa. Bukod pa rito ay nagkaroon din ng outlet ang bawat estudyante ng LPU sa lahat ng pagod at stress nila sa school works at research. Ngunit isang paalala lamang po, hinay hinay lamang at huwag gawing gawain ang palagiang pag-party. Studies �irst pa rin mga Pirata! Love lots.

Tamaan Sapul

“Be Like Bill”. Ito si Bill, ito si Juan, ito si Sarah, ‘di siya nangongopya, ‘di siya nagpo-post ng picture ng kape na galing sa Starbucks, tularan siya. Lahat na lang ginaya na si Bill. Ito ngayon ang nauuso dahil lahat ng ugali ng mga papansin at sugapa sa atensyon ay nilalagay dito at sasabihing tularan o huwag tularan. Saya, ‘di ba? Lahat na lang ng pagpapatama sa crush mo man, sa kaibigan mong famewhore pati sa nanay mo na lagi kang tinatalakan ay nabigyan ng patama gamit ang social media. Ngunit tandaan, ang mga pino-post at sine-share mo sa social media ay maaaring mag-re�lect sa pagkatao mo. At higit sa lahat, walang forever!

11

Personal Hygiene Training Grounds

By Zombina Wilson

Nababalita na ang mga organisasyon sa ating unibersidad ay nagiging “training grounds” para sa mga gumugustong tumakbo sa eleksyon. Ang tanong, ito ba ay may katotohanan? Sa aming nakalap na impormasyon na galing sa isang babaeng itago na lang satin sa pangalang Kimberluy, napapansin daw niya na ang mga tumatakbo tuwing eleksyon ay ang mga mukha na nakikita niya sa mga organisasyon ng ating unibersidad. “Walang ibang lumalaban, sila-sila na lang din, gusto ko sana tumakbo nitong huling eleksyon pero tinanggihan ako ng mga pinagtanungan ko,” she said with a sad face. Tinanong namin si Kimberluy kung bakit tinanggihan siya ng mga partidong pinagtanungan niya, iyon pala ay sa kadahilanang malakas ang anghet ni ate, mabaho ang kanyang hininga at dumagdag pa ang kanyang pagiging chararat. Dito niya i-

try mo beh?

nilathala na itong mga organisasyon ay nagmimistulang training grounds ng mga partido tuwing eleksyon. Para bumango, kuminis at magkaroon ng fresh breath everyday. Ngunit hindi kami nakumbinsi kaya naman naghanap pa ang aming research team ng katunayan sa kanyang mga paratang. Sa pagpapatunay ni Beyonce Witknowings, “Noong pasukan ay nilapitan kami ng mga bading at inaya kaming kumain sa J’s tapos hanggang sa naging member na ng org yung pogi kong friend hanggang sa sinali na siya sa mga pageant at ngayon nga ay tumakbo na siya sa student elections”. At sa aming pag-iimbistiga, napag-alaman naming malaking bagay pala talaga ang personal hygiene upang maakit mo ang atensyon ng Pink, Red, at Yellow na partido at ite-train ka muna nila sa isang organisasyon na hawak nila hanggang sa maging kandidato ka na. Kaya alam na mga beh!

© Google Images

BAKIT ba maraming tao ang nahuhumaling sa iba’t ibang naglalabasang pauso sa social media? Andyan ang mga secret �iles ng iba’t ibang pamantasan, si Fafa Marcelo na pinapaulanan ng forever ang mga estudyante, at ang nauuso ngayong “Be like Bill”. Marahil nagbibigay daan ang mga ito para masabi natin ang mga bagay na nahihiya nating sabihin sa personal, nagpapakita sa atin ng mga linyang paniguradong sapul sa puso at higit sa lahat, para makapagpapansin sa iba. Mga secret �iles na listahan ng mga kwentong pang-MMK at mga reklamo mo sa kasintahan, nanay, bahay, es-

kwelahan pati aso ng kapitbahay niyong tsismosa na sinira lang naman ang isang linggo mo. Secret �iles ang laging nandyan upang sumaklolo sa’yo sa tuwing may ipuputok ang butsi mo. Hindi naman papahuli si Fafa Marcelo Santos III sa pagpaparamdam sa’yo kung gaano kabigat ang buhay mo at kung gaano ka pwede baguhin ito sa pamamagitan ng tamang solusyon. Madalas naman ay papaasahin ka nito sa forever at ‘wag ka raw susuko dahil magiging crush ka rin ng crush mo. Dasal lang daw, dasal lang talaga ngunit pag ‘di talaga umubra, bahala ka na. At ito ngayon ang umaagaw sa atensyon ng mga papansin,

Kuha mo?


Sentido Kumon

A Dream Come True By Macho Bibay

Hello puuu. Ako nga pala si Badong. Pinanganak ako sa mahirap na pamilya kaya hanggang grade 5 lang ang inabot ko. Labindalawa kaming magkakapatid, pitong lalaki, apat na babae, at isang alanganin. Noon pa man, sinasabihan na ako ng mga kuya ko at mga kalaro ko na magaling daw ako mag-basketball. Plus factor pa raw ang height ko. Lagi nga kaming naglalaro sa likod ng bahay namin eh. Nasali na rin ako sa mga liga sa barangay namin. Isang araw naisipan kong bumisita sa pinakasikat na sports bar sa siyudad kung saan ako nagta-trabaho. Nakapanuod ako ng laban ng Rivers at Boston Terriers. Grabe! Sobra yong paghanga ko roon sa nakita ko sa court!

Na-realize ko bigla na yon ang pangarap ko, ang makapasok sa court. Kaya ayun sige sa pag-gym, pag-training, at pag-apply. Hindi ko talaga tinantanan ang pag-eensayo hanggang sa naging batak na ako. Hindi ko na pinakawalan yong pangarap ko. Naghintay ako ng dalawang seasons para makapasok. This is it! Magaganap ang �irst game sa Staples Center. Nakakanerbyos dahil �irst time ko pa naman. ‘Di talaga ako makapaniwala na dati pinapanood ko lang siya. Ngayon nandito na ako at tinutupad yung pangarap at life goal ko. Sa wakas! Basketball �loor mopper na ako!

PUSH MO YAN BEH!

bang paakyat sa standing ng mga teams sa NCAA. Pero, “There’s always a next time”. Bawi-bawi na lang. Kung ang One More Chance nga eh, nabigyan pa ng A Second Chance, tayo pa kaya? Kaya ‘wag kayong makikinig sa mga reklamador na nilalang sa paligid-ligid. Hindi naman sila ang nagpapakahirap at nagpapagod sa

By Gigi Higadin

Ngayong Season 91, naging regular na ang Pirates team sa NCAA. Congrats, mga beh! Pero mukhang hindi pa rin naging madali ang journey ng ating mga pirata. Medyo kinulang pa ng mga ilang hak-

(P.S. Ako pala yung alanganin sa aming magkakapatid. ☺)

Sports Dear Diary, Malapit na naman ang umpisa ng season ni Baby Boy. Magiging busy na naman siya sa practice. Well, kahit naman madalang ang mga competition nila sa school, puro practice ang inaatupag niya. Sinasabi niya palagi sa’kin, “Ball is life”, at iyon din ang nakalagay sa bio niya sa Twitter. Ball is life? Minsan gusto kong sabihin sa kanya na, “Babe, sa pep squad ka”. Paanong nangyaring ball is life? Hindi na nga kami nakakalabas dahil sa practice niya pero okay lang. Ako na lang ang pumupunta sa

Kuha mo? school para suportahan siya at alagaan sa practice na kahit sa stretching man lang ay matulungan ko siya. Pero pagdating ko naman ayaw niyang ako yung mag-stretch sa kanya. “Okay na, babe. Yung teammate ko na lang, mas sanay ako sa paghila niya eh.” ‘Di ko alam na may degree na rin pala sa pagmamasahe at panghihila ng muscles yung mga kasama niya. Minsan nga nakakaselos na eh. Mas madalas pa niyang nahahawakan mga kasama niya kaysa sa’kin. Buti pa sila sinasalo-salo at binubuhat-buhat ng boyfriend ko. Siyempre kapag

sumasalo ka ng babae, hindi mo na mapapansin kung saan mapapahawak kamay mo. Nakakaselos na talaga, Diary! Ayoko na manood sa practice niya! Sa susunod na may try-out sa pep squad, susubukan kong sumali. Baka sakaling mas madalas ko siyang makasama kung makapasok ako. Hanggang dito na lang muna, Diary. Babalitaan na lang kita kung sakaling sumalo na siya ng iba o nakipag-stretchingan na siya sa kapwa niya. Love, Holly Parrot <3

Pirates at NCAA 91, Anyare Nga Ba? Naglalaro ka lang naman sa NCAA, pinaglaruan ka pa ng tadhana. Sa sobrang kasabikan ko sa umpisa ng Season 91, ayun sagad-sagaran din ang bagsak ko matapos matalo ang pinakamamahal kong mga Pirata. Mahirap sumuporta kung lagi ka na lang pinapaasa. Training ang not-so-secret strategy ng Badminton team kaso mukhang hindi compatible ang training ng men’s and women’s team kasi women’s lang nakapasok sa �inal four. Buti pa sa Ms. NCAA nag-runner-up tayo kaso hindi ako aware na yung nangyaring coronation ay �inals na pala. Akala ko kasi napadaan lang yung candidates. Pero sanay na

training araw-gabi para maitayo lang ang bandera ng Lyceum sa sports, ‘di ba? Kung may dapat kayong paniwalaan ay ito yun — magagaling kayong lahat. Believe that. Nanggaling yan from the bottom of my heart. Though ganoon talaga ang eksena ng buhay, hindi palaging nananalo. Dumadating talaga ang pagkatalo para matuto tayo.

12

By Buday Loves Harry

rin naman tayo sa “so close yet so far”. I bet master mo nang sumigaw at magwala sa bleachers tuwing nananalo ang Basketball team natin kasi baka matagal pa yung susunod. Sana hindi na lang bilog ang bola sa table tennis, paano kasi pabor na sa atin ang ikot nawala pa dahil inatake sila ni pressure. Kinapos lang din naman ng beri-beri light ang ating Chess at Taekwondo teams. Buti nga sila second place, ‘di ba? *wink wink* Overheard, ang Volleyball team ay “kulang sa puso” kaya ‘di nakapasok sa �inal four. Mga ate at kuya, ilang puso pa ba ang kailangan niyo? Ang swimming team naman, feel

At yun na mismo ang advantage natin sa iba — mas maraming talo, mas maraming lesson, mas maraming lesson, mas kaunting pagkatalo, mas kaunting pagkatalo, mas maraming panalo. O ‘di ba? Naloka ka na. Simple lang yan. Nagsimula tayo sa kaunting panalo at magtatapos tayo sa maraming pagkakataon para lalong maging magaling

na feel na ma-beat ang personal records nila na nakalimutan na yatang i-beat ang records ng kalaban. Well at least, rank maintained. Pero alam mo ang mas masakit? Nagrunner-up ka na noong last season tapos bumaba ka sa 4th place sa Football tournament ngayon. Ito pa isang hassle, ‘di na bago ang issue ng eligibility sa mga players kung bakit kinulang ang tao for line-up. Ending kinapos din tayo para ingatan ang ranking sa Soft and Lawn Tennis. Kapag yung bola nasa atin na, ‘wag niyo na pong ipaagaw sa iba. Wish ko sa NCAA Season 92, hindi na ako patatakbuhin sa thesaurus para maghanap ng words synonymous to “defeat”.

at manalo. Kung hindi man tayo umariba sa Season 91, ipagpatuloy pa rin natin ang pagpapakitang-gilas sa Season 92. Okay ba yon, mga beh? ‘Di tayo natitinag dahil nag-iisa lang ang waterproof na team sa NCAA at tayo yon! Kaya push lang. Mararating din natin ang rurok ng tagumpay sa NCAA!


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.