Hinumdum

Page 1

Laurel Publication

Hinumdum


TUNGKOL SA PABALAT EDITORIAL BOARD A.Y. 2019-2020 Princess Grace R. Golez Editor-In-Chief Flavier R. Due Associate Editor-In-Chief Zedric L. Castillo Managing Internal Ariel V. Almario Managing External John Dale C. Dimayuga Michael L. Senobio News Editors John Robin S. Evite Literary Editor Jewel Tristan Aaron F. Famaranco Sports Editor Mark Russel D. Benjamin, Fernando Jose R. Magno Feature Editors John Patrick Deseo Devcomm Editor Eduardo I. Pelenio Jr. Art Editor Flavier R. Due Layout Editor Kimberlly L. Victorio, Jethrude M. Mendina Photo Editors Miguel Carlo J. Tancangco, John Paul Kenneth L. Lopez Circulation Managers Arnold C. Ramos, Kenna F. Dandoy Social Media Coordinators Staff Writers: Aliana M. Lopez, Jhenica P. Bautista, Chrislie M. Alfabete, Paula Marie A. Soriano, Jamica J. Aguirre, Daniel Mangahas, Andrea Nicole C. Gempis, Rachelle Ann Guevarra, Crizalyn Joyce Cariño, Jhanella Mae Hispano, Bernadeth F. Rico, King James Co, Cjay Calma

May nakaukit na kwento sa kaniyang kulubot na balat. Mababakas ang nakaraan sa bawat linyang gumuguhit sa kaniyang mukha. Tumutudla ang hibla ng puting buhok sa kasaysayan. Replikasyon ito ngunit hindi ito ang katotohanan.

Editor’s Blog

Sasalamin ito sa kinabukasan. Maaanig. Hindi kukupas bagkus lalo pang magliliwanag. Magsisilbing tanglaw sa pagsilip sa bukas. “Pana-panahon ang pagkakataon, maibabalik ba ang kahapon?” Hindi napapatid ang takbo ng oras.

Laurel Publication

Hinumdum

Lumilipas ang bawat segundo Kumukapas ang mga nagdaan Walang pigil ang pag-usad ng globalisasyon Nagbabagong lipunang patuloy sa modernisasyon

Samot-saring transisyon sa teknolohiya, kultura, tradisyon, galaw, salita at paraan ng pag-iisip at paniniwala ng nakaraang unti-unting tinatapalan ng pagbabago.

Hindi ka rito makatatago...

Huhulihin ka ng pagbabagong ito. Hahagilapin, tatambangan saan ka man nagtatago. Ikulong man ang sarili sa parehong paniniwalang alaala ng kahapon, Babasagin nito ang kandado at lalamunin ka ng agos, At kung hindi ka handa ay baka pira-pirasong malunod. Kaya’t turuan ang sariling makipaglaro sa alon; Piliing mabuti kung saan magpapaanod sa agos ng mga pagbabago sa loob ng lipunan.

At sa pag-iral ng sistemang ito sa ating lipunan, impluwensiya ng banyaga’ng lumilitaw

Tandaan: tanging ang pagbabago lamang ang permanenteng bagay sa ating mundo.

Gaano ka man katulin tumakbo, maabutan pa rin. Gustuhin mang makaalpas, lalamuni’t lalamunin. Hindi ka makatatakas sa sistema ng pagbabago.

Cartoonists Mark Russel D. Benjamin, John Paul Kenneth L. Lopez , Melvin E. Berganio, Simoun F. Peñaroyo, Rafael Banson Layout Artist John Keaneth Baliquia, Mylene Nierras, Bryan Villacruses Photo Journalists Juan Gabriel Valerio, Mario Rey Adel, Marice Ruth Santiago, Yessamin Zyrra Gojo Cruz Publication Adviser Rhea B. Gulin

2

LAUREL PUBLICATION

Hinumdum

Hinumdum

LAUREL PUBLICATION

3


30 DevComm

TALAAN NG NILALAMAN 06 Opinyon

Editoryal Palyadong Aksyon, Palyadong Administrasyon ENDO: Hindi Nagwakas ang Pagwawakas Hustisya, Natagpuang Patay Gumising na ang mga Natutulog Huli ka Balbon KALYESERYE: Kogretong Sangkalan sa Madilim na Katayan Tuta ng Ibang bansa Kailan Magsasabay ang Kaliwa’t Kanang Paa? Dayuhang Ako

4

LAUREL PUBLICATION

Hinumdum

24 Balita

San Joseños Voice Shines in Tanglawan Fest ‘19 Pres. Gascon toasts in Bidahan ‘19 Art Exhibit Sparks BulSUans HTFM Week, idinaos sa Samiento Campus Love Beat: Tungo sa Pagbabago

NILIMOT NA OBRA : Sipat-suri sa kinalagyan ng Pang-titik-an NABUWAG NA LIRIKO : Pagkawala ng mga Larong Pag-uumpugang Palad sa Bayan ni Magda PAGKAPAHE: Matandang Basehan ni Juan HINUBARANG INDIO: Pagkupas ng Ibinurdang Kulay sa Kasaysayan

43 Lathalain PAGKAIN

Ang Masarap na Diskarte ni Juan

REVIEW

Movie Review DEAD KIDS: A Societal Depiction of Social Media Age Generation Book Review In The Eyes of a Dying Child in Frank McCourt’s Novel: Angela’s Ashes

PAMANA

GLOBALISASYON: Napapanahong Kaisipan sa Nabuburang Kultura

PITONG ISTASYON Pabalik at Pasulong : Maiksing Ruta mula Guiginto Old Train Station Hanggang PNR at MRT sa Bulacan Tahanan ng Kalinangan sa Pag-alala ng Nakaraan Ampulusyong Husgado

PANITIKAN Himlayan

HULAGWAYAN Pag-alala sa mga Makasaysayang Lugar

79 Isports

DOTA 1: Larong Napaglipasan ng Makabagong Panahon Buhay naUgat Liksi ng Liit, Lakas na Matinik Gold Gears Capture SCUAA Championship

88 Komiks

KASAYSAYAN

PAGBULATLAT NG LIHAM: Pagsilip sa kinahinatnan ng mensahero ng bayan

Hinumdum

LAUREL PUBLICATION

5


EDITORYAL

Palyadong Aksyon, Palyadong Administrasyon John Patrick Deseo

P

anggagahasa sa ninunong lupain ang pagatatayo ng New Centennial Water Source Project o mas kikilalanin sa tawag na “Kaliwa Dam” na napagkasunduan ng administrasyong Duterte at bansang Tsina. Isang proyektong dagok ang hatid sa mga katutubong Dumagat Remontado at iba pang Indio.

Ito ang lantarang pagpinsala sa kalikasan na isa ring malinaw na yumuyurak sa karapatan ng mga taal na silang mas may higit na kalayaan sa kanilang lupaing pilit inaagaw ng mga nasa upuan upang mabigyang layaw ang mga naghaharing bayan at Juan. Ilang balwarte sa lalawigan ng Quezon, Rizal, at Sierra Madre ang handang bungkalin at lapastangin ng pamahalaan para lamang makahamig ng limpak-limpak na kwarta kahit na ito’y mitsa ng kamatayan dahil sa peligrong nagpupugad sa pinagpapantasyahang kabundukan at kapatagan. P12.2 Bilyon ang pondong nakalaaan sa

6

LAUREL PUBLICATION

Hinumdum Hinumdum

pagtatayo ng nasabing Dam na magmumula sa isang kasunduang Official Development Assistance (ODA) na popondohan ng mga singkit. Sinasabing ang walumpo’t limang porsyento (85%) ay magmumula sa nasabing bansa at sa Pilipinas naman manggagaling ang natitirang labinlimang porsyento (15 %) ng kabuuang halaga. Ito ay paglulustay ng kaban ng bayan at paglulubog sa pagkakutang sa bansang unti-unting umaangkin sa bayan--- isang hindi garantisadong aksyon at kapos sa matalinong pagdedesisyon. Hindi na nga lubos na natutulungan at na-

pagtutuunan ng pansin ang mga pangkat-etniko ay matatanggalan pa ang mga ito ng na lupaing matagal nang nakalagak sa kanilang isipan at nagbibigay ng kanilang ikinabubuhay na hindi kayang gampanan ng mga bantog na pangalan. Totoo ngang ang mga nakaupo sa pwesto ay palamuti na lamang ang konsensiya at walang habas na nang-aabuso sa mga Juang nakalugmok sa puwetan ng bayan. Maraming paraan upang mabigyang solusyon ang kakulangan ng tubig sa kaMaynilaan gaya na lamang ng pagrerekober at pagsasaayos ng Wawa Dam, pagtitipid at disiplinadong paglustay ng tubig ng sa gayon ay hindi maisantabi at maisangkalan ang bukas ng mas nakararami, subalit, isang katoto-

hanan na ang mga nasa pwesto ay wala sa utak ang talino bagkus ay nasa titulo. Kayang mabuhay ng kalikasan kahit walang tao ngunit kailanman ay hindi mabubuhay ang tao kung wala ito, subalit patuloy sa pagiging mangmang ang mga tao. Tinatanggal ang ganda ng sariling lupang tinubuan at pinapatay ang kulturang pilit pinananatili ng mga katutubong higit na may karapatan sa bayan. Garantisadong punto na hindi solusyon sa hinaing ng naghaharing lahi ang pagpapatayo ng imprastrukturang bilyones ang halaga pagkat ang sagot ay isang tunay at matalinong aksyong makamasa.

Hinumdum

LAUREL PUBLICATION

7


OPINYON

Mamuhay ng walang pangamba kung saan kukuha ng panlamang-sikmura sa mga susunod na mga araw. Lingid naman sa kaalaman ng lahat na laganap sa ating bansa ang kontraktwalisasyon, bawat manggagawang Pilipino ay binibigyan lamang ng hanggang anim na buwan upang magtrabaho, ito ang tinatawag na “End of Conctract” o “Endo.” Ating matatandaan na noong kasagsagan ng eleksyon sa pagka-presidente, ang kasalukuyang nakaupo sa pwesto na si Pangulong Rodrigo Duterte ay nagbitiw ng pangako na tuluyang wawakasan o ititigil ang sistema ng kontraktwalisasyon sa ating bansa. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit milyong-milyong Pilipino ang natuwa at umasa sa kanyang adhikain para mapabuti ang buhay ng ating mga manggagawang Pilipino. Ngayon, sampal sa lahat na tila ang “pangako ay napako” sapagkat noong nakaraang taon lamang, tuluyan na nitong ibinasura ang inihain na panakula ng ating mga mambabatas na Security of Tenure Bill na naglalayon na ipagbawal ang anumang uri ng labor-only contracting sa Pilipinas.

ENDO:

Hindi Nagwakas ang Pagwawakas

Dismayado at laglag ang balikat ng mga manggagawang Pilipino at ilang grupo na sumuporta at umasa sa kanyang layunin na mapabuti ang kalagayan ng ating mga kababayan. Hindi naging malinaw kung bakit sa kabila ng buong suporta ng mayorya ng mga mambabatas, senador, at gayundin ang iba’t ibang grupo ay tuluyan pa ring isinawalang bahala ng ating

noong kampanya. Ilan sa mga haka-haka di-umano’y naimpluwensyahan at binigyan ng maling impormasyon ng kanyang mga “Economic Managers” ukol sa usaping ito. Ayon sa inilabas na pahayag ng ating presidente, ito raw ay makasisira sa maselang balanse ng interes ng mga negosyo at ng mga manggagawa na tila naging isang malaking katanungan para sa lahat. Kung ating susuriin nang mabuti, malinaw na isa itong pagtraydor sa kanyang pangako para sa ating mga manggagawang Pilipino, na matapos makuha ang matamis na “oo” ay bigla na lamang mang-iiwan sa gitna ng laban. Tila imbes na wakasan ang harap-harapang pang-aabuso sa ating mga kababayan ng mga kapitalista ay mas kinunsinte pa matapos ang pagbasura sa nasabing panukala. Tila ang desisyong ito ay pabor sa interes ng mga may kapangyarihan at sadyang mas matimbang ang kapakanan ng mga negosyante kaysa sa mga maralitang Pilipinong naghahangad lamang ng isang permanenteng trabaho. Kung Isa ka sa mga taong nabihag sa mga matatamis na salita at umasa sa mga katagang kaysarap pakinggan, marahil sa mga panahong ito ay natuto ka na. Madali lamang magbitiw ng mga pangako, ang mahirap ay tuparin ang mga ito lalo na’t kung wala kang paninidigan sa mga salitang iyong binibitiwan.

presidente ang nasabing panukala at ang kanyang pangako

Zedric Castillo

Kung ating susuriin nang mabuti, malinaw na

N

isa itong pagtraydor sa kanyang pangako para

angangailangan ang lahat ng tao ng trabaho upang may maipangtustos sa pang-araw-arawpara sa sarili kundi maging para sa pamilya. Layunin natin na makahanap o magkaroon ng maayos at permanteng hanap-buhay upang matugunan ang hinaing ng ating katawan at ng bawat tiyan.

8

LAUREL PUBLICATION

Hinumdum

sa ating mga manggagawang Pilipino, na matapos makuha ang matamis na “oo” ay bigla na lamang mang-iiwan sa gitna ng laban.

Hinumdum

LAUREL PUBLICATION

9


OPINYON

Mata sa mata, ngipin sa ngipin. Prinsipyong nangangahulugan na ang krimen na ginawa ng isang tao ay nararapat na patawan ng kaparusahan na tutumbas sa kaniyang ginawa. Tinatangay tayo ng ganitong kasabihan sa paniniwalang kailangang buhay rin ang kabayaran sa buhay na inutang kaya naman hindi ito nalalayo sa kasabihan na “kung ano ang inutang, iyon rin ang kabayaran”. Bagaman iyon ang nais ipahiwatig ng kasabihan ngunit hindi iyon ang nais talaga nitong ipakita. Gusto lang nitong bigyang kaparusahan na tutumbas rin sa salang

Mapagkakatiwalaan mo pa ba ang hustisya kung ang dapat na nangangalaga nito ay sila rin mismong nambabalasubas nito?

Hustisya, Natagpuang Patay Mark Russel Benjamin

M

araming prinsipyo ang umiral sa bansa. Pundasyon ito ng maraming paniniwala at kaugalian. Bibigyan kong diin ang prinsipyong kahit kailan ay hindi natamasa ng ating bansa.

10

LAUREL PUBLICATION

Hinumdum

nagawa ng isang indibidwal. Kung hindi pagmultahin ay ikukulong na tatagal sa kung ano ang naaayon sa ihahatol ng batas. Kamakailan lamang muling umalingasaw ang pangalan ng dating alkalde ng Calauan, Laguna na si Antonio Sanchez matapos kumalat ang balitang lalaya na ito matapos ang 25 taong pagkakakulong. Matatandaang pinatawan ng pitong patong ng reclusion perpetua o habang buhay na pagkakakulong bilang hatol sa paggahasa at pagpatay kay Eileen Sarmenta at pagpatay kay Allan Gomez, kapwa estudyante ng University of the Philippines Los Baños noong 1993. Pinatotohanan ito ng Department of Justice (DOJ) at Bureau of Corrections (BuCor) nitong Agosto. Inulan ng batikos ang nasabing pagpapalaya. Kinalampag ng netizen sa social media upang tutulan ang pagpapalaya kay Sanchez. Nagsagawa rin ng protesta at candle-lighting ang Anakbayan kasama ang iba pang organisasyon ng kabataan, maging ang kapatid at ina ni Gomez sa UP Los Baños noong Agosto 22. Tila ba narindi si Pangulong Duterte sa kalampag ng taumbayan na pigilan ang pagpapalaya kay Sachez kahit pa salungat ito sa nais ng BuCor at DOJ. Naging maluwag man ang hininga ng pamilya ng mga biktima dahil sa muntikang paglaya ni Sanchez ay hindi naman tuluyan pang naaalis ang tinik sa kanilang dibdib na dulot ng pagkaulila sa minamahal.

Isa lamang ang kamuntikan nang pagpapalaya kay Sanchez sa napakaraming pangyayari na nasaksihan ng ating bansa mula sa maling pamamalakad ng hustisya. Tila patay na nga ang hustisya dahil sa hindi mabilang na kasong hindi umuusad o ang masaklap pa ay matagal nang binasura. Madalas pa ngang mga nasa laylayan ang nakararanas nito dahil na rin sa kakulangan ng pera na ipagtanggol ang kanilang sarili mula sa mga nasa itaas na kayang padulasin sa kanilang kamay ang posas na dapat ay kanilang natatamasa. Lingid pa sa kaalaman ng publiko ang espesyal na pagtrato sa ilang high profile inmate gaya ni Sanchez na may kapagyarihan. Samantala, ang mga mahihirap na preso ay sala sa init at sala sa lamig dahil sa hindi makontrol na populasyon sa mga piitan. Nabubulok na lamang ang ilan sa bilangguan na hindi man lang natamasa ang kalayaan na kanilang isinisigaw. Nariyan pang pinatatagal ang proseso ng pagdinig at ginigipit sa loob ng kulungan hanggang sa mamatay na lang na dilat ang mata kahihintay sa pag-usad ng kaso. Ang malala pa ay suspek ka pa lamang ay pinapatay na gaya ng mga biktima ng extra-judicial killing dahil sa laban kontra droga ng administrasyon. Mapagkakatiwalaan mo pa ba ang hustisya kung ang dapat na nangangalaga nito ay sila rin mismong nambabalasubas nito? Paano mo makakamtan ang hustisyang matagal mo nang inaasam kung bingi ito at pinili lang ang pakikinggan. Ang dating hustisyang nakapiring ngayon ay nakasilip na’t hindi na patas ang pagtingin; kumikilala ng papanigan. Ang kalagayan ng hustisya sa bansa ay matagal nang pinatay ng mga nasa itaas na may kapangyarihang kontrolin at paikut-ikutin sa kanilang palad ang buhay ng mga nasa laylayan. Tukoy natin ang kahulugan ng prinsipyong “mata sa mata, ngipin sa ngipin” ngunit hindi ito umiiral sa ating bansa. Taong 2017, nagsagawa ng survey ang University of Americas Pueblas sa Mexico kung saan nanguna ang Pilipinas sa Global Impunity Index o mga bansang walang katarungan. Nahigitan pa ng Pilipinas ang labindalawa pang mga bansa na may mataas ring impunity index gaya ng India, Cameroon, Mexico, Peru, Venezuela, Brazil, Colombia, Nicaragua, Russian Federation, Paraguay, Honduras, at El Salvador. Hindi sa tulis ng pangil ng hustisya masusukat ang tunay na katarungan kundi nasa tibay at lakas ng pangang kakagat sa mga mapang-abusong kriminal na tiyak babaon na pupunit ng kanilang laman. Oo, nasa sistema ang kabulukan at nasa pamamalakad ang katiwalian. Hanggat nasa kamay nila ang batas nasa kamay rin nila ang katarungan.

Hinumdum

LAUREL PUBLICATION

11


OPINYON Kung ikaw ay mayroon nang ganitong mga katangian, ikaw ay karapat-dapat sa posisyon at maituturing kang isang magaling na pinuno. At dahil ang mga nasasakupan mo ay umaasa sa'yo, bawat mali ay posibleng punahin lalo na't kung hindi makatao ang ipinamamalas bilang isang lider. Maling stratehiya, mabagal na pag-asensyo, puro pagpatay at karahasan. Mas mabuti sigurong bumababa ka na sa puwesto dahil hindi titigil ang mga kabataang kagaya namin na isang manunulat na ipaglaban ang aming mga Karapatang Pantao at makapagbigay ng aming mga opinyon at hinaing. Hindi kami mapapagod sumigaw kung alam naming marami pa ang hindi nagigising. Imulat na ang mga mata sa katotohanang may mali sa sistema at 'wag makuntento sa hanggang pangako na lang. Paano ang mga trabahador na nawalan ng hanap-buhay dahil kinikitil ng ENDO kaya ang kanilang pamilya ay wala nang makain at nakararanas na ng gutom, paano na sila? Paano na ang mga taong pinatay nang dahil lang sa napagkamalan silang sangkot sa droga? Paano na ang kanilang mga pamilya?

Gumising na ang mga Natutulog Fernando Jose Magno

A

yon kay David Tuffley (2015), may limang katangian na dapat taglayin ang isang magaling na lider; ang una ay dapat siyang makatao, pangalawa ay isang magandang halimbawa sa lahat, pangatlo ay mas inuuna ang mga nasasakupan kaysa sa sarili, pang-apat ay matulungin sa mga taong kailangan ng tulong, at ang panghuli ay responsable; responsable sa mga sinasabi ng kaniyang bibig pati na rin sa kaniyang ikinikilos.

12

LAUREL PUBLICATION

Hinumdum

Paano na lang ang ating mga abang magsasakang isinusubsob ang sarili sa lupa at putikan sa ilalim ng tirik na araw kung hindi na sapat ang tulong, ginigipit pa ng gobyerno? Sinong kakapitan nila? Paano na rin ang mga frontliners na binububuhos ang kanilang mga lakas at humaharap sa mapanganip na virus na ito kung hindi naman buo ang tulong na naibibigay ng ating gobyerno sa kanila? Nasaan ang kongkretong plano rito? Naglaho na rin ba kagaya ng dolomite sa Manila Bay? Paano na rin pala ang sarili nating isla? Nagpauto na ba ang ating lider kaya hinahayaan na lang na angkinin ng mga intsik ang ating lupain? Nabahag na bang talaga ang buntot niya?

Sa kabila ng krisis na kinahaharap natin ngayon, sana ang lahat ay gumising na at magsama-sama bilang isang kabataang instrumento para maging tinig ng mga taong takot at walang kakayahang magsalita at lumaban para sa ating mga karapatan. Tayo ay magkaisa at isigaw ang mga nakikitang mali para naman marining ng mga nasa itaas tayong mga nasa laylayan na nakararanas ng hirap habang silang mga nakaluklok ay nagpapasarap sa kaban ng bayan. Tayong mga kabataan ay manindigan at ipaglaban ang karapatan nating mga Pilipino sa isang lider na ang puro alam lamang ay katarantaduhan at kawalang'yaan.

“

Hindi kami mapapagod sumigaw kung alam naming marami pa ang hindi nagigising. Imulat na ang mga mata sa katotohanang may mali sa sistema at ‘wag makuntento sa hanggang pangako na lang.

Hinumdum

LAUREL PUBLICATION

13


OPINYON

Tapos na ang paghaharing-uri ng mga Ampatuan sa isla ng Mindanao sapagkat sila’y napatunayang “GUILTY” sa 57 Counts of Murder bilang utak sa makasaysayang Maguindanao Massacre noong Nobyembre 23 taong 2009 na kumitil sa Limampu’t pitong Juan at dalawampu’t dalawa rito ay mga peryodista ng bayan na nagdilig ng sariling dugo alang-alang sa serbisyo publiko. Sadya ngang napakarumi ng kalakalan ng pulitika sa bansa at “Santo” kung ituring ng mga politiko ang kahit anong posisyon sa pamahalaan. Hindi paglilingkod sa mga mamamayan ang tunay na adhikain ng mga garapal na di magkamayaw sa pag-abot ng nakalalasong kapangyarihan bagkus ay ang makapangulimbat ng tinitingalang salapi sa madali at ga-burak ang dumi na pamamaraan, kaya nga ba’t walang mahirap na politiko sa laspag na bayan. “One of the worst acts of political violence in modern Philippine history and the largest number of journalists slain on a single day ever, anywhere in the world,” paglalarawan ng International Crisis Group sa di malilimutang kaganapan isang dekada na ang nakararaan. Noon magpahanggang ngayon ay may nakahihiyang peklat talaga ang mga Pinoy na kahit laging manalo sa International Beauty Pageant at mag-uwi ng sandamakmak na ginto mula sa Southeast Asian Game ang mga manok ng bansa ay hinding-hindi nito makakayang burahin ni kahit tapalan ang dungis sa lupain ng Perlas ng Silangan. Mamayagpag man sa ibang larangan ang lipi ni Juan kailan man ay hindi

Huli ka Balbon John Patrick Deseo

Kahit hindi pa nadadagit ang may hawak ng pisi ay

T

uluyan nang nabasag ang tanikalang gumapos sa diwa ng mga Indio matapos maibaba ang sentensiyang “Reclusion Perpetua” o habambuhay na pagkakakulong sa pusakal na angkan sa lupain ng Filipinas. Tunay ngang ang katotohanan ay isang makamandag na elemento, kung kaya’t laging pakatatandaan ng lahat ang kasabihang “Maghanap ka muna ng matatakasan bago mo galitin ang Kobra.”

14

LAUREL PUBLICATION

Hinumdum

masasabing nabawasan din ang pighati ng mga kaanak ng mga biktima ng karahasan.

magiging mapayapa’t malinis ang usaping paglilingkod sa bayan hanggang nasa titulo ang talino at walang wisyo ang mga nagkakandarapang buwaya. Sa pagsisipat-suri sa mga usaping panlipunan, masasabing pagiging kawani ng gobyerno ang pinakamadaling paraan upang maging Diyos-Diyusan sa makasalanang lipunan na tila ba ito’y batubalaning didiktan hindi lang ng kulay tansong makalansing maging ng limpak-limpak na papel na ninanais ng marami. Gaya na lamang ng lahing Ampatuan na balak yatang iluklok sa puwesto ang kanilang buong angkan kung hindi sila nasampal ng katotohanan, silang nagmamay-ari ng sandamukal na armas na milyones ang halaga at may mga tutang militar na handang iaalay ang konsensiya kapag nabahugan na tila baboy na hindi magkamayaw sa pagnguya kahit punong-puno pa ang bunganga. Papet pa lamang ang nahatulan at nailagay sa hawlang bakal na walang kasiguraduhan kung tunay na magdurusa o baka roon magpapasasa sa proteksyon mula sa may hawak ng pisi na siyang nagpapagalaw sa tangang utusan. Matatandaang malakas na kaalyado ng dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang mga nahatulang angkan, isang babaeng patunay na may “Reincarnation” sa kwentong pampulitika na nanalo sa Presidential Election noong 2004 dahil sa animnapu’t siyam na porsyento ng boto na mula sa pulo ng Maguindanao at sinasabing suplayer ng “private militia” sa pamilya ng nasabing kaalyado. Ang hindi lamang kapani-paniwalang kaganapan ay ang biglaang pagbababa ng Batas Militar noong Disyembre 4 taong 2009 sa probinsiya ng Maguindanao na tinanggal din pagsapit ng ika -13 ng Disyembre sa kaparehong taon na mahihinuhang nagsilbing palamuti lamang upang may masabing aksyong sa kanyang rehime. Sino nga kaya ang nais niyang protektahan, ang mga mamamayan o baka naman ang isang angkan—walang nakaaalam. Kahit hindi pa nadadagit ang may hawak ng pisi ay masasabing nabawasan din ang pighati ng mga kaanak ng mga biktima ng karahasan. Naging mabagal man ang pag-usad sa pagkamit ng katarungan ay lumabas din ang katotohanan na matagal na hinintay ng liping api. Sa mga inggratong tao diyan, siguraduhing may matatakasan bago galitin ang makamandag na Kobra upang hindi magaya sa garapal at pusakal na angkan na sadyang kahihiyan ng bayan.t

Hinumdum

LAUREL PUBLICATION

15


OPINYON

Sinimulan nila sa pag-iikot-ikot sa mga barangay upang paalalahanan ang mga nasasangkot sa ilegal na droga upang sumuko na lamang at para na rin sa kanilang kaligtasan na katumbas ng kanilang pagbabago. Naging matagumpay ang programang ito dahil sa dami ng bilang ng mga boluntaryong sumuko. Subalit sa isang iglap ang programang tungo sa pagbabago, bakit naging banta sa maraming tao? Sa kabila ng magandang panimula, umusbong ang madugong trahedya. Ang pagpatay sa di-umano’y sangkot sa ilegal na droga na umabot sa kabuoang bilang 6,000 ang nasawi. 240,565 naman ang bilang ng nahuli at 1,530,574 ang sumuko. Di lang naman adik at pusher ang naging biktima, mayroon ding bata,matanda at binata.

KALYESERYE:

Kongretong Sangkalan sa Madilim na Katayan John Paul Kenneth L. Lopez

M

ahigit tatlong taon na ang nakalipas magmula noong maipatupad ang “Oplan Tokhang” na hango sa salitang Cebuano na Toktok-Hangyo o ang ibig sabihin ay “KATOK AT PAKIUSAP,” sa pangunguna ng dating PNP Chief Director na si Ronald “Bato” Dela Rosa na ngayon ay isa ng senador.

16

LAUREL PUBLICATION

Hinumdum

Kung maalala na’tin ang pagpatay sa isang binata na si Kian Loyd Delo Santos noong agusto 2017 ay isa sa patunay na di lahat ng biktima ay sangkot sa ilegal na droga.Karamihan sa kanila ay mahirap, walang boses, ni isa sa kanila ay walang nakapagpaliwanag dahil agad sinangga ng kanilang pagal na katawan ang samot-saring bala. Kung bakit nila ginagawa iyon, kung bakit sila humantong sa ganoong buhay, o kung sila ba talaga ay tunay na sangkot sa ipinagbabawal na gamot o baka naman sila ang malas na napagdiskitahan ng mga berdugong de tsapa upang may masabing nasupil at masabing NANLABAN kahit wala naman talagang kalaban-laban. Naging mailap ang katarungan sa mga biktima ng Extra Judicial Killings o EJK, sabi nga sa kanta ni Bamboo, “Ang hustisya ay para lang sa mayaman”. Mga mayayamang kayang paikutin ang batas, nawalan ng bisa ang pariralang “walang nakatataas sa batas”--naging makasarili ang mga nasa itaas. Laging biktima ang mahihirap. Ginigipit sila-tayo ng lipunan. Walang habas kung husgahan. Wala silang makapitan dahil di naman nila ginustong ipanganak silang mahirap. Marami silang pangangailangan gaya ng edukasyon, trabaho at gamot na para sa kalusugan na lahat ng iyon ay di maibibigay ng gobyerno. Hindi rin sila tamad, gumawa sila ng paraan na kahit alam nilang delikado ay

pinasok pa rin nila para makaligtas sa araw-araw na gutom. Sila ang buhay na patunay ng walang kupas na kasabihan na “Ang Taong Gipit, Sa Patalim Kumakapit.” Kahit nakasusugat ang talim ay patuloy lang sa pagkapit kahit buhay ang magiging kapalit. Sa paglala ng pagiging sakim na’tin ay nagiging bunga ng pagbaba ng pagpapahalaga sa buhay ng iba. Bagamat ang kamatayan ay natural na bahagi ng buhay. Ngunit labag sa batas at imoralidad ng sino man ang pag gamit ng dahas tungko sa kamatayan.

“ Kung bakit nila ginagawa iyon, kung bakit sila humantong sa ganoong buhay, o kung sila ba talaga ay tunay na sangkot sa ipinagbabawal na gamot o baka naman sila ang malas na napagdiskitahan ng mga berdugong de tsapa upang may masabing nasupil at masabing NANLABAN kahit wala naman talagang kalaban-laban.

Hinumdum

LAUREL PUBLICATION

17


OPINYON

Ang mga usaping ito ay hindi kaila sa mga mga tao, mula pa noon ay alam na natin na tayo ay sinakop ng mga Kastila, Hapon at mga Amerikano. Ang yugtong ito ay nagpapakita na ang mga makapangyarihang bansang ito ay mayroong hindi magandang naidulot sa atin ngunit patuloy pa rin natin nakakasama sa loob ng iisang bansa, nakakahati sa iisang layunin, nakakapalitan ng mga produkto at kung minsa’y mas may nasasabi pa sila sa kung paano papatakbuhin ang ating bansa. Hindi ang epekto ng globalisasyon ang dapat sisihin o tingnan, kung hindi ang kasanayang pinahintulot natin sa kanila. Kung titingnan, sa panahong sinakop tayo ng mga Kastila ay may mga kilusang nabuo upang lumaban sa mapagpalalong pamumuno, pamamalakad at pang-aabuso. Sa panahon ng mga Amerikano ay may mga umusbong na magagaling na lider na kayang makipagsabayan sa mga kano. Ngunit anong nangyari? Tila ang mapait na kahapon ay paulit-ulit na nangyayari, nagiging sakit na ng lipunan ang pangbabalewala at ang pagwalang kibo. Hindi na tayo sinasakop sa pisikal na lokasyon, ngunit tayo nama’y nagpasakop sa ideyang mas magiging malakas ang bansa kung tayo’y tuta nila. Ang paniniwalang pakikipagkaibigan at pakikipagtalastasan ay ang modernong ideya ng pagpapasakop.

Tuta Ng Ibang Bansa Kimberlly Victorio

S

a mga nagdaang dekada, sa ilalim ng iba’t ibang pamumuno ay hindi na natapos ang pagiging sunud-sunuran ng mga iba’t ibang mga naging pangulo ng Pilipinas sa mga mas maimpluwensyang bansa. Gumagamit man sila ng iba’t ibang estilo o pamamaraan sa pakikipagnegosasyon ay nananatiling bukas ang palad nila sa pagtanggap ng kung ano-ano mula sa ibang bansa ngunit tikom naman ang bibig sa paglalahad ng opinyon ukol sa mga totoong pangyayari. Dahil sa mga ganitong sitwasyon, hindi maiiwasan na maisalin sa susunod na liderato at maisabuhay hanggang sa mga henerasyon pang darating.

18

LAUREL PUBLICATION

Hinumdum

Ang sakit na dulot ng nakaraan ay nadadala sa kasalukuyan, kung iuugnay natin ngayon ay makikita natin ang relasyon ng ating Pangulong Duterte sa mga bansang Tsina at Amerika. Ang pakikipagkaibigan na ang benepisyo ay hindi palaging sa atin, halimbawa na rito ay ang pagdeklara ng Tsina na probinsya nila ang Pilipinas at ang pag-angkin nila sa West Philippine Sea. Ang paulit-ulit na pagtanggap ng Pilipinas sa bansang Tsina sa kabila nang paulit-ulit na pangmamaliit nito sa bansa. Ang kawalan ng respeto ng Tsina sa dahil sa pagpapatayo nila ng mga imprastraktura sa Spratly Islands na parang direktang pag-angkin nila sa isla. Ang nangyaring banggaan ng mga barko ng Pilipinas at Tsina na sinasabing sinadya sapagkat binalikan pa mga Tsino ang barko ng mga Pilipino upang masiguradong lumubog na ito, sa kabutihang palad ay may mga mabubuting loob ang nagligtas mga Pilipino sa katauhan ng mga Vietnamese. Ang pangyayaring ito ay “isang simpleng banggaang pandagat” lamang ayon sa Pangulong Duterte, ipinahayag niya ito matapos magbigay ng komento ng Tsina na may eksaktong salita na katuald ng binitawan ng Pangulo. Pagtatanggol sa Tsina, pangmamaliit ng insidente at paulit ulit na pagkontra’t pagpapatahimik sa mga tumutuligsa ay natatanging tugon ng rehimeng Duterte sa mga paglabag at karahasan ginagawa ng Tsina .

Hindi tahasang nakikita ang mga nakukuhang benepisyo ng Pilipinas – benepisyo o danyos, isa lamang sa dalawa – bagkus paulit-ulit na naapakan ang karapatan sapagkat hinahayaan. Ipinakikita ang magandang pakikipag-ugnayan sa panlabas ngunit kung susuriin ay may mas malalim na motibo. Isa pang bansa ay ang Amerika, isang

Ang mga usapin ng liderato ng Pilipinas ay nananatiling mainit,

nananatiling

sakit

ng lipunan, dahil hindi lamang tikom ang bibig at bulag ang mga mata ng mga mamamayan. malalim at matagal na relasyon ang pinakita nito sa Pilipinas mula pa noon, at sinisigurado rin nila na ang Pilipinas ay protektado nila. Ngunit sa paanong paraan? Sa pagpapautang. Sa pananatili ng epekto ng koloniyalismo nila sa bansa. Ito ang mga bansang nakikinabang sa Pilipinas, na kahit ordinaryong mamamayan ay makapapansin. Ngunit, kung ang titingnan ay ang mga opinyon ng mga Political Analyst, “fair play” ang pinapakitang laban ni Pangulong Duterte. Dahil ang kaniyang istratehiya ay lumapit sa malalakas na bansa upang may makapitan sa oras ng kagipitan. Ang mga usapin ng liderato ng Pilipinas ay nananatiling mainit, nananatiling sakit ng lipunan, dahil hindi lamang tikom ang bibig at bulag ang mga mata ng mga mamamayan. Sila ay palaging mayroong opinyon at sabi-sabi dahil na rin ang ganitong pangyayari ay nauulit lamang sa kasalukuyan. Kailan nga ba matatapos ang pagiging tuta natin sa ibang bansa? Kailan nga ba uunahin ang kapakanan ng publiko kaysa sa pansariling istratehiya na hindi ang lahat ang nakikinabang? Ang mga tanong na mananatili na lamang na mga tanong dahil hindi sagot ang kailangan ng sambayanang Pilipinong uhaw sa pagbabago at reporma kung hindi solusyon, sa problema ng ating sariling administrasyon.

Hinumdum

LAUREL PUBLICATION

19


OPINYON Mula sa pagbabasa ng direksyon hanggang sa pagbabasa ng pagsusulit ay sinusukat kung gaano nga ba tunay na kaepektibo ang pagtuturo ng pag-unawa sa binabasa. Sinasagot kung gaano kataas, kababaw at kalawak ang naiintidihan ng mga estudyanteng Pilipino. Tunay ngang ang makro kasanayang ito ay isang pamantayan sa pagsukat kung gaano kataas ang kalidad ng edukasyon sa isang lupang nakalatay ang dalawang paa ng bawat bata. Sapat ba? Hindi, bagkus kinapos, kapos. Bagsak at huli ang mga kabataang Pilipino sa Reading Comprehension na ayon sa resulta ng Programme for International Student Assessment (PISA) na isinagawa ng Organazation for Economic Cooperation and Development (OECD) na inilabas nito lamang Disyembre 3, 2019. Ang student assessment ay nilahokan ng mga labinlimang taong gulang na mag-aaral sa pitongpu’t siyam (79) na bansa. Kabalintunaan naman nito ang resulta sa naganap sa 2019 South East Asian Games (SEA GAMES) sapagkat humakot ang mga atletang Pinoy ng mga ginto, pilak, at tansong medalya na umabot sa 386 bilang kabuuan. Isang buhay na patunay sa kasabihang “Ang nauuna ay nahuhuli, ang nahuhuli ay nauuna.”

Kailan Magsasabay ang Kaliwa’t Kanang Paa? Arnold C. Ramos

A

no nga ba ang sukatan ng pagkapanalo? Paano nga ba tayo nakauungos sa iba at paaano rin napaiilalim sa kanila. Si Juan nga’y mapatutunayang may ibubuga sa palakasan pero kapos-hiningang bumabasa at balisa sa pag-unawa ng isang teksto.

Nakadidismaya, nakapanlulumo, at kulelat nga tayong kasalukuyang kabataan kumpara sa kabataan ng iba’t ibang bansa. Isang malaking sampal para sa mga magulang at sa buong Pilipinas. Sa kaganapang ito masasalaming mas napagtutuunan ng pamahalan partikular ang Kagawaran ng Edukasyon ang mga aspektong makapagpapakilala at makapagpapabango ng pangalan ng bansa kumpara sa mga gawaing higit na pakikinabangan ng masa sa mahabang panahon. Ito ba ang layunin ng adbokasiya ng kagawaran na “No one Left Behind” ang walang maiiwanan na mga iskolar ng bayan sa apat na sulok ng silid-aralan subalit sa reyalidad ay tuluyan ng napag-iwanan ang mga ito pagdating sa yabong ng kaalaman. Palasak na ang pagkakaroon natin ng problema sa eskwelahan mula sa sira-sirang upuan at hanggang sa kakulangan ng guro. Pero akalain mo hindi lang pala sa pisikal na aspekto problemado ang madla pati rin pala ang kalidad ng edukasyon. “Aba nakababasa na pala ako pero aba nauunawan ko ba ang binabasa ko?“ at “aba nangungulet pala sa pag-unawa ng binabasa si Juan.’” Hindi na nga rin ito ikinagulat ng DepEd dahil nga naman unang beses sumali sa naturang pagtataya ang bansa. Pero tayo syempre ang sadyang nagulat. Sapat bang

20

LAUREL PUBLICATION

Hinumdum

dahilan ang pagiging bago sa pagsali kaya nahuhuli ka, sa tingin ko hindi. Hindi tayo nangulelat dahil bago tayo kundi dahil kulang ang edukasyon, kapos pa ang konteksto natin, kulang sa komprehensibong aksyon. Batid na ng lahat na malayo ang loob ng mga kabataan sa akademikong pagbabasa o kahit sa anong uri ng pagbabasa at ito ay hindi iisang anggulo ng kawalan ng interes ng kabataan sa libro kundi kakulangan din sa paglapit at pagpapakilala ng paaralan sa mga binabasa at sa malalim na pag-unawa nito. Kulang ang pagpapakita ng tunay na esensya nito. Gayon pa man naging daan ang nasabing “assessment” sa pagbukas ng isang malaking isyu sa edukasyon ng Pilipinas. Oras na para angkupan ng mas akmang progresibo at inklusibong edukasyon ang bansa nang maitaas pa ang lebel at proseso ng pagkatuto. Alam natin ang kagustuhan ng Pilipinas, ang sumabay sa globalisadong edukasyon. Siguro oras na Pedro at Nena para magbukas ng libro at isipan, unawain kung anong tunay na dapat maintidihan dahil sa ilalim ng denotasyon na di nauunawan ay konotasyon na nagsasabing kabataan at edukadong Pilipino di makasabay sa mundo.

Ito ba ang layunin ng adbokasiya ng kagawaran na “No one Left Behind” ang walang maiiwanan na mga iskolar ng bayan sa apat na sulok ng silid-aralan subalit sa reyalidad ay tuluyan ng napag-iwanan ang mga ito pagdating sa yabong ng kaalaman.

Hinumdum

LAUREL PUBLICATION

21


OPINYON Naaalala ko pa ang katagang ito na binitawan ng aking propesor na nag-iwan sa akin ng maraming katanungan. Kung saan ba talaga ako magaling? Magaling ba ako sa ingles sapagkat ayon ang kinuha kong kurso? Pero hindi bat kung minsan nga ay nauutal pa ako. E sa Filipino? Arawaraw ko namang ginagamit ‘yon pero bakit hindi ko pa rin alam ang ibig sabihin ng paglilo, pantablay at kung ano pa? Magaling nga ba talaga ako sa Filipino? Bakit hindi? Ibig sabihin bobo pala ako? para hindi maging magaling sa isang lingguwahe na araw-araw ko namang sinasalita. Dati-rati lagi kong sinasabing siguro madali lang mag Filipino Major sa kolehiyo sapagkat sariling lengguwahe naman natin ang ginagamit nila rito pero habang tumatagal at lumilipas ang panahon ay napagtanto kong nagkamali pala ako. Nakahihiya kung maituturing kung paanong hinusgahan ko ito dahil na rin sa naging kampante ako at nadaig pa ako ng isang dayuhang koreana na inaral pa ang sarili nating wika na lingid sa aking kaalaman ay kagaya niya rin akong nagiging. Sa bagay, sanay naman tayong isinasantabi ang mga bagay na nasa atin na, dahil sanay tayo palaging magsisi sa huli, dahilan na rin sa kampante

Dati-rati lagi kong

Dayuhang Ako

lang mag Filipino Major sa kolehiyo sapagkat sariling lengguwahe naman natin

Kenna F. Dandoy

ang ginagamit nila rito

K

sinasabing siguro madali

pero habang tumatagal at

apag hindi ka magaling sa isang wika, ibig sabihin bobo ka.”

lumilipas ang panahon ay

tayong araw-araw naman natin itong ginagamit. Ngunit hindi natin napapansin na tuluyan nang nawawala ang pagkilala natin sa mga salita ng sarili nating wika. Kamakailan lang ay naging usapin ang pagtanggal ng Filipino at Panitikan bilang mandatory subject sa kolehiyo na naging matunog sa buong Pilipinas. Kanya-kanya ang inani nitong komento at opinyon, ngunit mas lamang ang may ayaw dito, at isa ako roon. Bilang English Major, wala nga namang mawawala sa akin kapag ito ay naipatupad; pero malaki ang pagtutol ko rito hindi lang dahil sa labag ito sa batas, kundi para na ring tinanggalan mo kaming mga estudyanteng iba ang major na matutunan ang sarili nating panitikan at salita. Aminado akong hindi pa ako bihasa at matatas sa pagsasalita sa wikang Filipino at isang malaking kawalan sa akin kung ito’y aalisin sa kolehiyo. Kaya nga, ano pa’t naging Pilipino tayo? Sino pa ba ang mag-aaral at magpapayaman ng sarili nating lengguwahe? Kundi tayo lang din naman, hindi ba? Wag nating hayaang mahuli ang lahat at masanay tayong laging unahin ang ating magiging pag-unlad sa paggamit ng dayuhang wika. Wag nating antayin na isang araw ay mabura na lamang ang linggwaheng ipinaglaban ng ating mga bayani noong panahon. Matuto tayong tumingin sa pinanggalingan natin. Matuto tayong tumanaw ng utang na loob. Dahil ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi kailanman makararating sa kaniyang paroroonan. Lagi nating tatandaan na wala tayo rito ngayon kung wala ang ating wika, na naging kanlungan natin noong mga panahong hindi pa tayo nag-aaral. Ang abakada na itinuro pa dati ng ating inay sa tahanan. Wag nating kalilimutan ang kahalagahan nito at gamitin hindi sa paraang nakasanayan natin, kundi sisirin natin ito at tuklasin, palaganapin at pagyamanin. Sapagkat ang wika ay buhay. Ngunit kung hindi natin ito gagamitin at pagyayamanin ay baka tuluyan itong mamatay at nanganganib na baka hindi na rin ito makarating sa mga susunod pang henerasyon. Bagay na hindi pa natin naiintindihan sa ngayon ngunit nakakatakot pag dumating ang panahon.

napagtanto kong nagkamali pala ako.

22

LAUREL PUBLICATION

Hinumdum

Hinumdum

LAUREL PUBLICATION

23


NEWS

Pres. Gascon toasts in Bidahan ‘19

SJDM PRIDE. Ang tanglawan festival ay ginaganap tuwing Septyembre upang ipagdiwang ang mga natatanging gawa't likha at mga talento ng mga taga San Jose del Monte, Bulacan.

Photo by Princess Grace Golez

San Joseños Voice Shines Paula Marie A. Soriano in Tanglawan Fest ‘19

S

howcasing their singing skills, San Joseños from different barangays participated in the Tinig of Musika ng Tanglawan 2019, held at SM San Jose Del Monte, September 5, 2019.

The event is in line with the celebration of the 4th Tanglawan Festival and the 19th Cityhood Anniversary of San Jose Del Monte. The Competition is divided into two: the kids and adult edition. Singing “Banal na Aso” fearlessly, nine-year-old Khiette Euray Portallo of Barangay Citrus dominated the nine other competitors. Meanwhile, Christaly Joy Peñalba with “May Bukas Pa” was declared the 1st Place and Sophia Catacutan with “Pangarap ko ang Ibigin ka” as the 2nd place. Moreover, Fame Gomez of Pleasant Hills secured her position as she delivered an emotional and powerful version of “Ikaw Lang ang Mamahalin” also dominating the remaining competitors; Froilan Aglabtin bagged the 1st place with his in tears performance singing “Huwag Kang Mabahala” while Rian Relloso got the 2nd place with his song “Bakit ako Mahihiya”.

24

LAUREL PUBLICATION

Hinumdum Hinumdum

The winners received trophies and cash prize, while the others received Certificate of Participation. Tinig at Musika ng Tanglawan is just one of the programs that the city government prepared for the Tanglawan Festival 2019.

BIDAHAN. Sa pangunguna ng ating Presidente Gascon at mga myembro ng kaguruan sa Sarmiento upang talakayin ang iba't ibang usapin.

A

refueled term is revisited by re-appointed Bulacan State University President, Dr. Cecilia N. Gascon as she conducted a courtesy call and campus visit in the concluded Bidahan 2019: BulsuIdeya, Dialogo at Agahan held at the Sarmiento Campus Social Hall, October 2.

Fresh from her re-appointment, Dr. Gascon brought out her loads of accomplishment in her first term as president; praises and words with welcoming were sent by the local administration, faculty, and student organization attended. “Kung anuman ang mayroon na tinatamasa ng ating campus ngayon, iyon ay bunga ng inyong (Gascon) paghihirap, iyan ay bunga ng inyong sariling set and order, at ang ating pangulo ay nararamdaman niya yung mithiin natin that we stand for the welfare of our campus”- said Dr. Romeo D.C Inasoria Campus Dean on his welcome speech.

NEWS Miguel Tancangco and John Dale Dimayuga Also, the university president encouraged schools to prefer BULSU as a school with the best quality of education to everyone who attends the institution. “Di naman kailangan na pumunta pa ng PUP, UP, Ateneo or La Salle para makahanap ng best education; kung gusto natin ang magagaling na estudyanteng papasok sa atin sa tertiary education, we should provide the best quality education kung saan una tataas performance natin sa national exams at turo, maglalabas ng mga pinakamagagaling na professionals para sa ating henerasyon” Gascon added. Bidahan 2019 is a breakfast forum of the campus with the university president that promoted new goals for the new term of the current administration; it started at 8:00 am and concluded in the afternoon.

Questions are delivered by the Local FAU, student organization, teachers and selected officers, the publication board, and campus administrative officers. Dr. Gascon had talked some points on the said event including instructor development and program encouragement for the campus academic program.

“Ang nais naman talaga ng administration wasW to give everyone the opportunity to be capacitated. There will be a capacity to give all the members in the base of community”. Gascon stated.

Photo by Jethrude Mendina

https://www.facebook.com/CongwRidaRobes/photos /a.1669621766507390/1669621836507383/?type=3 Hinumdum

LAUREL PUBLICATION

25


it because that is part of appreciating arts.” Balato stated.

NEWS

There are 75 scribbling souls viewed; also, the exhibit stunned the spectators’ attention to the 35 miniature designs, 67 coffee paint artistry and 43 photo appreciation outputs presented in the whole day activity.

Art Exhibit Sparks BulSUans

Balato opened the exhibit to all students and instructors of the university as part of its socio-cultural aims and student appreciations in the field of fine arts.

Miguel Tancangco and Charles Kenneth Lopez

“It’s actually a semestral exhibit to display their art and let the BulSUans know that art exists as a counterpart of the dehumanizing force’s ground. That art is for all.” Balato added. https://www.facebook.com/story.php?story_fbid=5 27475954490190&id=100016833697478

BALITA

HTFM Week, idinaos sa Samiento Campus

LIKHANG KAMAY. Naipamalas ng mga istudyante ng Bulsu Sarmiento ang kanilang galing sa paglikha ng mga larawan at proyekto, at nasaksihan ito ng kanilang kapwa mga Bulsuan.

T

he stunning beauty of arts was presented in the recently concluded Art Exhibit held at Building E - Room 1, BulSU-SC hosted by selected courses from College of Education and BS Information Technology, October 8, 2019.

A prestigious opening began at 7:00 in the morning; artworks from the BulSUans were showcased in fulfillment of the academic requisites for the subject Art Appreciation. Freshmen students from Bachelor of Elementary Education, Bachelor of Secondary Education (Math, Filipino, Science and Social Studies) and four BSIT sections are the artisans for its prestige to the said event. Art Exhibit organizer and faculty member Merenissa Balato marked that the success of her students in coordination of their respective class mayors leads them to showcase their hard work to her subject. “Art App. has a simple goal that is to provide authentic aesthetic experiences to students. It also aims to provide opportunities for creation and recreation through their art skills. And in so doing, I always opt for an exhib-

26

LAUREL PUBLICATION

Hinumdum Hinumdum

Chrislie Alfabete

N

agpamalas ng galing ang mga magaaral sa ginanap na Hospitality, Tourism and Food Service Management (HTFM) Week na inorganisa ng Association for Better Advocacy and Toil of Hotel and Restaurant Management (ABATHARM), ika-25 ng Nobyembre 2019.

“A Decade of Providing Knowledge and Skills Enhancement Program for Competitive Hospitality Tourism and Food Service Management Students” ang naging tema ng programa na idinaos ng dalawang araw sa pangunguna ng mga gurong sina Gng. Riza Mateo, G.Smith Espino ar G. Carl Luigi Fabro. “Students ginagawa natin ito hindi para magpasikat or gumawa ng pangalan para sa atin. Students, ginagawa natin ito para sa inyo mga estudyante, para matuto kayo, magkaroon ng confidence na harapin ang

lahat ng bagay pagdating ng panahon na kayo’y nagtatrabaho na. Dito pa lamang sa school hinahanda na namin kayo.” pahayag ni G. Fabro sa ikalawang araw ng nasabing programa Kaugnay nito, nagsagawa ang ABATHARM ng iba’t ibang patimpalak at kabilang na rito ang HTFM Pageant 2019, Food photography, Cake Decorating at HTFM Expo, kasabay ng pagbubukas ng kani kanilang booth. Nagwagi sa cocktail mixing ang pambato ng BSHM-2A na si Je-

rome Barra habang nakamit naman nina Rica Mae Bermeo mula sa HM1A ang unang pwesto para sa napkin folding , Joven Jabinar FSM-1B sa pangalwa at Ara Jean Mengote mula sa HM-1A naman sa ikatlong pwesto. Kasabay nito nasungkit din ni John Mark Frilles HM-1D ang unang pwesto para sa Waiter’s Relay, Ronald Capili ng HM-3A para sa ikalawang pwesto at Chris Sean Desamero mula HM-3B para sa ikatlong pwesto. Nanaig din ang sigaw ng TM-1B na naging kampyon sa Bench Yell Competition.

Hinumdum

LAUREL PUBLICATION

27


sa nasabing programa. Naiuwi nina Alghie Mangahas FSM2A at Charlotte Nicole Erro FSM-2A ang parangal para sa Best in Talent gabang sina Rus Carl Cipriano at Kevin John Andrade naman para sa Best in Team shirt at Best in Sports Wear. Pinarangalan din sina Maria Pacita Lynne Dela Corte at Shiota Alegria bilang Mr. and Ms.Photogenic, Alghie Mangahas at Ruth Flores para sa Mr. and Ms. CongenialitY, habang sina Maria Pacita Lynne Dela Corte at Kevin John Andrade para sa Best in Summer Wear, Rus Carl Cipriano at Tyrone P Hagunos para sa Best in Long Gown. Naguwi naman ng korona sina Ruby Mae Emetrio at Juan Paolo Tatlonghari bilang 2nd Prince and Princess 2019, Maria Pacuta Lynne Dela Corte at Tyrone Hagunos bilang 1st Prince and Princess habang sina Rus Carl Cipriano at Kevin John Andrade naman ang nagwagi bilang Mr and Ms. HTFM 2019

ISANG LINGGONG SELEBRASYON. Ang pagbibigay ng mga talento at mga produkto ng mga magaaral ng HM at TM sa kanilang idinaos na HTFM Week.

Hindi naman nagpahuli ang pangkat ng BSHM2A na nagwagi sa Flairtending Competition, gayundin ang pangkat ng HM-3A na nakasungkit ng unang parangal para sa Cake Decorating habang ang pangakat naman ng HM3B ang nagwagi para sa Food Photography Contest. Samantala bilang pagtatapos, nilahukan ng 17 babae at lalake ang HTFM pageant na ginagawa taon-taon

“Every pageant naman na sinasalihan ko ineenjoy ko lang kasi nakakakilala ka ng ibang tao. Hindi ko inexpect nung una na mananalo ako pero nung pumasok ako sa Top 5 at nakuha ko yung other awards natuwa ako at the same time kinakabahan aksi hindi ko din sure kung mananalo talago ako. Hindi ako nagprepare masyado kasi konti nalang yung time na binigay kasi nga inuring nila yung petsa pero si Raffy, yung handler ko, ang nagpush sakin na magpractice ako maglakad at dun sa talent ko.” Pahayag ni Cipriano, ang Ms. HTFM 2019. Inaasahan naman na mas marami pang estudyante ang makikilahok mula sa HTFM sa mga susunod pang programa ng nasabing departementoo.

BALITA

Love Beat: Tungo sa Pagbabago N

LOVE BEAT. Mga sesyon para sa mga magaaral ng Business Administration na pinangunahan ng mga kaguruang bihasa sa larangang ito.

ng programa ang Youth Nagsagawa on the Rock (YROCK) para ip-

aramdam sa mga manonood na hindi sila nag-iisa at pinamagatan itong Change Movement na may temang “Love Beat” sa Covered Court, Bulacan State University - Sarmiento Campus noong ika-6 ng Marso. “Yung purpose talaga nito ay pagbabago. At dahil yung theme ay love beat, layunin nito na maliwanagan at maintindihan ng mga estudyante ang halaga ng pagbabago para sa kanila. Layunin din nito na makatulong sa mga estudyante na broken, sawi, may problema sa pamilya at sa mga feeling na nag iisa sila.” Ani Oliver Himor, ang Bise Presidente para sa pangpinansyal ng YROCK Samantala, upang ipadaan ang mensahe na nais nila iparating sa mga taong dumaranas sa iba’t ibang problema, nagsagawa ang piling myembro ng YROCK, nang sayaw, pag-arte, at spoken word poetry.

28

Ariel Almario

Ibinahagi naman ni Ginoong Honn Lyndon C. Gutierrez ang karanasan nito sa buhay upang magbigay inspirasyon at payo para sa mga manonood. “How to change? Una, ask god to give you a desire to change. Pangalawa, decide to change and and let your desire follow. At ang panghuli, humingi ka ng tulong don sa taong narasanan din yung pagbabago.” Ani G. Gutierrez.

Bago magtapos ang programa, nagbigay testimonya si Roselyn Haloc bilang patunay na totoo ang pagbabago. Ikinuwento nito na dati siya ay mahiyain pero noong makilala niya God, lumakas ang loob niya at nagkaroon ng tiwala sa sarili. Gayonpaman, ang nasabing Change Movement ay isinagawa rin noong isang taon at dinaluhan din ng mga estudyante mula sa iba’t ibang kurso.

https://www.facebook.com/story/graphql_permalink/?graphql_id=UzpfSTEwMDY3NzAwNzIxNTI2MDo1NDI1OTc3Mzk2ODk4NDk%3D

Photo by Rex Lumabi LAUREL PUBLICATION

Hinumdum

Hinumdum

LAUREL PUBLICATION

29


Hinumdum Laurel Publication MAGAZINE 2019 - 2020


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.