Laurel Publication
Hinumdum
DEVCOMM
NILIMOT NA OBRA : Sipat-suri sa kinalagyan ng Pang-titik-an NAKALIMUTANG PANITIKAN. Nasa modernong panahon na, kung kaya't unti-unting nawawalan ng importansya ang panitikan.
30
LAUREL PUBLICATION
Hinumdum Hinumdum
Cjay Calma Photo by Yessamin Gojocruz
Hinumdum
LAUREL PUBLICATION
31
nang tanungin tungkol sa kung anong panitikan ang kanyang natatandaan partikular sa rehiyong katagalugan. Kung tutuusin, hindi lamang tula, maikling kwento, Balagtasan at Florante at Laura ang maaari niyang masabi kung ang iba’t ibang panitikan ay naitanim at naitatak sa kanyang kamalayan.
“
Panitikan po ba? Tula at Maikling Kwento lang po alam ko.
Photo from Adobe Spark Post
T
unay ngang nakaukit ang pagkakakilanlan ng isang kultura’t tradisyon sa mga letrang namumutawi hindi lamang sa bibig ng nakararami maging sa mga likhang sumasalamin sa kasaysayan at kwento ng kanilang pinagmulan. Masakit na katotohanan na sa paglipas at pag-unlad ng panahon ang mga yaon ay naisasawalang bahala at wari’y nabalewala na maaaring maging sanhi ng pagkawala ng mga panulatan na lubos na konektado sa kwento ng sariling pagkakakilanlan.
Mula sa Dalit at Talindaw ng Katagalugan hanggang sa Daman at Liyangkit ng Tausug, ang mga pre-kolonyal na panitikan na ito sa iba’t ibang panig ng bansa ay isang gawaing pangkomunidad, isang pagtitipon-tipon ng pamayanan o isang pinagsasaluhang ritwal, ngunit, ang mga ito ay hindi lubusang nakikilala at nauunawaan ng kasalukuyang henerasyon. Marahil nakalimutan ang mga katha na ito dahil na rin sa paglipas ng mahabang panahon at maging sa pagsakop ng iba’t ibang banyaga na nagresulta sa pag-usbong ng bagong paniniwala, tradisyon at makabanyagang katha. “Bago pa dumating ang mga Espanyol, meron na tayong sariling panitikan. Syempre dahil sa mga pananakop at pag-unlad ng teknolohiya sa paglipas ng panahon, nari-
32
LAUREL PUBLICATION
Hinumdum Hinumdum
yang hindi ito napagtutuunan ng pansin lalo na ang mga kabataan ngayon na tutok sa iba’t ibang bagay at kapag tinanong mo tungkol sa panitikan ang isasagot lang eh spoken poetry,” litanya ni Gng. Angelita Velado, Grade Seven Filipino Teacher ng Kakawate National HighSchool. May laman ang mga sintemyentong ito. Katotohanang hindi napagtutuunan ng mga kabataan ang mga likhang ito. Sila ay bilad sa kung anong nagagawa ng teknolohiya kaysa sa pagkilala at pagbibigay-pansin sa mga obrang nalimot ng panahon.
Hindi maikakaila na sa paaralan nabibigyang-pansin ang iba’t ibang panitikan ng bansa. Nariyang pag-aralan ang mga alamat, maikling kwento, tula at iba pang panitikan mula sa iba’t ibang rehiyon. Pinag-uusapan rin ang iba’t ibang bantog na mga manunulat,mula kay Gat. Andress Bonifacio hanggang sa mga kilalang manunulat sa kasalukuyan, ngunit, ang pag-aaral na ito ay hindi sapat kung hindi nauunawaan ng bawat kabataan ang esensya ng bawat literatura. Hindi sapat na maiukit lamang sa munting isipan ng mga kabataan ang kahulugan ng isang katha. Marapat na maitanim ang kinalaman ng mga ito sa ating pagkakakilanlan bilang isang Pilipino. “Sinasalamin ng mga panitikan ang pagkakakilanlan, kultura, tradisyon ng rehiyong pinanggalingan. Bilang guro, mahalagang maiba-
hagi sa mga kabataan ang kaalamang ito ngunit kung ang gayong kaalaman ay hindi sakop ng kurikulum, mahirap itong maisakatuparan,” dagdag pa ni Gng. Velado.
nga hindi sapat ang kung anong naibibigay namin tungkol sa mga iyon, ang mahalaga’y nagkaroon sila ng ideya na tayo ay may sariling panitikan at pagkakakilanlan,” dagdag pa niya.
Sa kabila ng mga bagay na ito, patuloy na ginagampanan at pinagtuunan ng pansin ang mga mga pagkukulang na ito lalo na’t kamakailan lamang ay tinanggal na ng Commission on Higher Education sa kolehiyo ang asignaturang Filipino.
Dagdag pa upang mapaigting ang pagkilos ukol sa pagmamahal sa wikang Filipino at Panitikan, mas pinatibay at pinalawig ng Department of Education ang asignaturang Filipino sa Senior High School. “Filipino and Panitikan have become more advanced in senior high school,” tugon ni Briones noong 2018.
“Malaki ang ginagapanan ng mga paraalan upang maipreserba ang mga panitikang iyon. Nailalabas ng mga bata ang mga nalalaman tungkol sa iba’t ibang panitikan kapag mayroong mga aktibidades na isinasagawa ang Filipino Department,” saad ni Gng. Lourdes Robes, Punong-guro ng Kakawate National High School. “Ang mga aktibidades na sinasagawa sa paaralan sa pangunguna ng Filipino Department ay nagbibigay pansin sa kung anong meron maipagmamalaki ang ating bayan kabilang na rito ang mga panitikang iyon. Idagdag mo pa ang mga classroom-based activities,” pagsang-ayon ni Gng. Ma. Victoria Comayos, Filipino Coordinator ng nasabing paaralan. “Siguro
Tuwina’y sinabi ni Rizal na ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan. Mananatiling ang kabataan ang pag-asa upang muling maisabuhay ang mga panitikang nilimot ng panahon at naibaon sa paglipas ng bawat henerasyon. Binubuhay ng mga panitikang ito ang lumipas na mga kasaysayan, ang bawat istoryang namutawi sa buhay ng ating mga ninuno. Sa tulong ng mga paaralan, ng mga guro at mga nag-aaral ng literatura, mananatiling buhay ang mga kathang ito magpahanggang-ngayon at patuloy na uukit sa ating kulay bilang isang Indio.
“
Sinasalamin ng mga panitikan ang pagkakakilanlan, kultura, tradisyon ng rehiyong pinanggalingan.
“Panitikan po ba? Tula at Maikling Kwento lang po alam ko. Kung dito naman satin, Balagtasan lang po alam ko tsaka Florante at Laura. ‘Yong kay Balagtas ba,” litanya ni Carlo Bermudez, Grade 9 istudent ng nasabing paaralan Hinumdum
LAUREL PUBLICATION
33
DEVCOMM
NABUWAG NA LIRIKO :
Pagkawala ng mga Larong Pag-uumpugang Palad sa Bayan ni Magda John Patrick Deseo
“.....Sila ay mas naging agresibo at mas lapitin sila sa posibilidad ng pagpapakita ng karahasan......”
N
akabigkis na sa mga Pilipino ang iba’t ibang tradisyon, paniniwala, kultura at pagkakakilanlan bilang isang dugong bughaw na nagpupugad sa lupain ng Perlas ng Silangan. Mga mabanaag na gawi na nagbigay tanglaw sa panahong nilukob ng karimlan at karahasan ang sandaigdigan bunsod ng kagahamanan ng mga naghaharing-kulay. Mga di matutumbasang-pilak na yaman ng lahi na pilit tinatalikdan ng bagong saling lahi dahil sa nakalalasong pagbabago.
HALIKA KA SA LABAS. Ang mga nakasanayang takbuhan at habulan sa labas ng mga batang sinanay sa kalyeng mga laro. Photo from Adobe Spark Post
34
LAUREL PUBLICATION
Hinumdum Hinumdum
Hinumdum
LAUREL PUBLICATION
35
“
Nalibing na nga sa nakaraan ang simple ngunit di matatawarang laro na nagbigay ng ngiti at galak sa bawat isa—Indio,Puti at Itim. “Tradisyonal na laro” kung ito’y tawagin ng mga kabataan noon, halimbawa ng mga ito ang “Agawan Base”, “Agawang Sulok”, Araw Lilim”, “Bahay-bahayan” at marami pang iba na naging kadluan ng aliw noong una. Isa ang “Hand Clapping Games” sa mga tradisyonal na larong nakagiliwan ng mga Juan sa panahon ng kanilang kamusmusan. Pamatay-inip na nilalaro gamit lamang ang mga kamay ng mga manlalaro—pagpalakpak habang umaawit ng mga lirikong hinabi mula sa kaganapan sa lipunan at malilikot na kaisipan.
Payak subalit tunay na masaya ang pamumuhay noong una at masasabing hindi problema ang kawalan ng laruan sapagkat nakapaglalaro ang mga bata gamit lamang ang kanilang mga kamay at munting tinig.
Taong 1698 nang umusbong ang Hand Clapping Games sa Europa subalit 1960s nang ito’y naging bantog sa mga bata bunsod ng kakulangan ng mapagkukunan ng mga laruan noong mga panahong iyon. Isa ang awiting “ A Sailor Went to Sea, Sea, Sea” na naging tanyag sa mga banyagang lupain samantalang “Nanay, Tatay” at “Bahay-Kubo” naman ang lumatag sa mga dilang-Indio. Larong nangangailangan ng mula dalawang kalahok upang maisagawa ang pag-uumpugang-palad habang umaawit.
kanilang edad “. Kung ang paglimot sa kasawiang-pag-ibig at kasawiang-palad ay mainam sa nakaranas nito, ang paglimot naman sa mga makasaysayang laro ay isang malaking kamalian sapagkat ito ang magbubura ng tunay na pagkakakilanlan ng lahing Pilipino. Ang “Nanay, Tatay” , “Bahay-kubo” at iba pang tradisyonal na laro, simple man ngunit may malaking ambag sa buhay ng mga Indio. “Mahalaga ang ganitong uri ng ng laro lalong-lalo na sa pagbuo at pagpapatibay ng karakater ng mga bata at dito matututo rin sila ng mga aral katulad ng pagiging isang lider at sa pagsunod sa patakaran ng laro,” turan ni Liezyl na masuwerteng nakaranas ng di matatawarang kasiyahan. Ang halaga ng isang bagay o gawi ay hindi nasusukat sa pamamagitan ng salapi, sa tatak, sa sukat at maging sa dami, bagkus ito ay nasusukat sa aral at magandang dulot nito na kaya mong dalhin kahit sa kabilang buhay.
“Ito’y nagbigay ng higit na kasiyahan sa mga kabataan lalo na sa sakin, sapagkat, ito ay nalaro ko na rin lalo na kapag hindi kami pinapayagan maglaro sa labas ng bahay,” kwento ni Liezyl Tolentino na isa sa nakaranas ng nasabing laro. Payak subalit tunay na masaya ang pamumuhay noong una at masasabing hindi problema ang kawalan ng laruan sapagkat nakapaglalaro ang mga bata gamit lamang ang kanilang mga kamay at munting tinig. “Nakakapagsalamuha ako sa ibang kabataan at nakakakilala ng mga bagong kaibigan sa araw-araw na paglalaro, masaya ang kabataan noon kesa ngayon,” salaysay ni Jerome Luna. Sadya ngang malaki na ang kaibahan ng henerasyon noon at ngayon, nilalamon ng iba’t ibang teknolohiya at ibang nauusong bagay na lantarang lumalason sa mental, emosyonal at pisikal na aspekto ng kabataang Juan. Kung matitinis na hagikhikan at malulutong na pag-uumpugang-palad ang maririnig sa nakaraan, mga katagang “Your enemy has been slain” naman ang maugong sa kasalukuyan. “Sadyang nakakapanghinayang sapagkat ang mga ganitong laro ang bumuhay sa pagkabata ko noon at marami ang matututunan mo sa paglalaro nito, hindi kagaya sa mga laro ngayon na nagpapakita ng karahasan sa kabataan,” reaksyon ni Liezyl sa paghina ng Hand Clapping Games sa bansa. “Medyo nakakalungkot kasi di na nila na-experi-
36
LAUREL PUBLICATION
Hinumdum Hinumdum
ence yung saya na makapaglaro ng mga tradisyonal,” saad ni Jerome patungkol sa kalagayan ng nasabing laro. Kung tutuusin ay karanasang-ginto ang nawala sa kasalukuyang kabataan at karahasang makukuha sa sa sinasambang teknolohiya ang babaunin nila sa malamig na hukay.
Photo from Adobe Spark Post
Sa paghina at sa unti-unting pagkawala ng mga tradisyonal na laro ay labis na nagkaroon ng di kaaya-ayang katangian ang mga Juan ngayon gaya na lamang ng salaysay ni Jerome na “nagiging tamad ang mga bata at nagkakaroon ng pangit ng pangit na ugali dahil may mga sensitibong bagay na nakukuha sa mga laro sa gadgets at Internet,” Ayon naman kay Liezyl, “ sila ay mas nagiging agresibo at mas lapitin sila sa posibilidad ng pagpapakita ng karahasan na sa tingin ko ay resulta ng mga larong hindi angkop sa
Hindi ninuman kayang pigilin ang pagbabago, globalisasyon, galit ng kalikasan at pag-usad ng panahon sapagkat Diyos lamang ang may kakayahang magpatigil nito. Hindi rin masama ang ang magpatianod sa sinasabi nilang kaunlaran, subalit, lalong hindi masama ang patuloy na pagyakap at pagpapayabong sa mga gawaing naging sanhi ng tampuhan, pagkakaibigan at kagalakan ng nakalipas na saling-lahi. Hindi lahat ng nakaraan ay dapat nang kalimutan sapagkat siguradong may kasiyahan dito kumpara sa di maaninagang hinaharap. Hanggang may tinig na tinataglay ay marapat umawit ng mga lirikong makatuturan at hindi puro kalaswaan. Hanggang may masisiglang katawan ay magpatuloy sa pagpapalakas ng buto dahil ito ang magtuturo kung paano bumangon sa oras ng pagkakadapa. Higit sa lahat, hanggang may pusong Pinoy na tumitibok sa dibdib ay matutong magmahal at huwag talikdan ang “simple at tradisyonal” na simbolo ng sariling pangalan. Hinumdum
LAUREL PUBLICATION
37
DEVCOMM
M
alaki ang nagagawang impluwensiya nito sa ating kultura, gayundin, nakaaapekto ito sa kaligayahan, kalungkutan, kabiguan at tagumpay sa buhay ninuman. Madalas kahit wala itong sapat na batayan ito pa rin ay ating sinusunod sa di maipaliwanag na kadahilanan.
PAGKAPAHE:
nakaraan. Nakalulungkot man isipin subalit ang kasalukuyang henerasyon na ang nagsasabi at nagpapahayag ng pagbabalewala sa pamahiing nakagisnan sa bayan ni Juan na pamanang hatid ng nagdaan. Sa kabilang banda, tila kulang ang makabagong saling lahi sa kaalamang dulot nito.
Matandang Basehan ni Juan King James Co
Photo by Mark Russel Benjamin
Bahagi ng nakaraan na bitbit hanggang sa kasalukuyan, pamanang hatid ng mga kinikilalang ninuno kahit ang mga ito ay hindi batid ang tunay na pinagmulan. Natural nga ba na yamang maituturing ang mga bagay na kailanman ay walang sapat na paliwanag at kung bakit ito ay patuloy na sumasabay sa daloy ng henerasyon? Sa bayang kinagisnan ni Rizal maraming mga bagay-bagay ang pinaniniwalaan at sa bawat paniniwalang ito ay may kalakip na kahulugang malaki ang naging ambag sa katayuang tumindig para sa liping Pilipino. Ilan na nga lamang dito ang iba’t ibang pamahiin, na ayon sa nakararami ito’y kadalasang naririnig mula sa mga matatanda na sinasabing kinakailangan itong sundin sapagkat kamalasan ang maaaring maging kapalit sa oras na ito’y balewalain. Sa nakalipas na panahon masasabing ang bawat isa ay may masaya at simpleng pamumuhay—sumasabay sa bawat kaganapan na naaayon sa kani-kanilang pamahiing pinanghahawakan. Sa madaling sabi, disiplinado at may paggalang sa pagkakaiba-iba ang nilumang lahi.
38
LAUREL PUBLICATION
Hinumdum Hinumdum
“
Nakalulungkot man isipin subalit ang kasalukuyang henerasyon na ang nagsasabi at nagpapahayag ng pagbabalewala sa pamahiing nakagisnan sa bayan ni Juan na pamanang hatid ng nagdaan.
Sa kasalukuyang panahon tila buhay at ramdam pa rin kaya ang epekto nito, katulad pa nga rin ba ang pagpapahalaga nito noon sa ngayon? “Hindi ko ito sinasadyang malaman kumbaga aksidente lamang ito noong minsan ay may pinuntahan kaming burol ni mama at bigla na lamang niya akong sinaway dahil may nagawa pala akong labag sa mga pamahiing hindi ko kailanman nalaman,” saad ni Shaina Perez, labing siyam na gulang at mag-aaral sa Bulacan State University-Sarmiento Campus. Sa puntong iyon, naging bukas ang isipan niyang alamin ang mga hiwagang nakapaloob na gaya sa alam ng kanyang magulang at dahil dito napagtanto niya na kung gaano kahalaga ito sa bawat okasyong mayroon sa buhay. Tila kabaliktaran naman ito sa alam ni Lilibeth P. Co, isang guro sa pribadong paaralan at nasa limampu’t walong taong gulang, ayon sa kanya noong buhay pa ang kanyang mga magulang ito ang mga aral na laging sinasabi sa kanya dahil pagbibigay ito ng respeto sa paniniwala ng iba. Dagdag pa niya, “wala namang masama ang sumunod sa mga ito dahil ako mismo bilang Kristiyano ay walang
ITIM NA PUSA. Ang simbolo ng kamalasan, trahedya ang badya sa tuwing makakasalubong.
pinaniniwalaang pamahiing mga ganyan, dahil tanging ang Panginoon lamang ang makapagsasabi kung tayo ba ay ilalagay Niya sa punto ng kamalasan sa buhay.” Sa kabilang banda, totoo ang sinasabi sa ng Ginang dahil ang bawat isa ay may kanya-kanyang pinaniniwalaan. Mula sa mga pahayag na ito, mababatid na kahit sino ay maaari itong sundin at paniwalaan sapagkat hindi lamang ito nakabatay sa relihiyon ng isang tao kundi ang mga pamahiing ito ay magmimistulang gabay lamang sa kung paano tayo magkakaroon ng respeto sa pinanghahawakan ng bawat isa. Ayon naman kay Princess Rhiane Ildefonso, sampung taong gulang, “hindi kasi naniniwala sila mama at papa sa pamahiin pero may alam po ako dito dahil naririnig ko po ito kay lola at minsan ko lang po ito sundin kasi sabi naman po sa akin ni mama hindi naman daw po totoo iyan at wala naman po talagang magiging malas sa buhay.” Patunay lamang na sa panahon ng mga bata at kabataan tila unti-unti nang pinapatay at binabalewala [pamahiin] dahil makikita na mismong mga magulang ng mga ito ay hindi naniniwala at hindi isinasabuhay ang mga pamana ng
Sa kabilang banda, may mga pamahiing kontra sa kapwa nito pamahiin gaya sa halimbawang binigay ni Shaina Perez na “bawal maligo ang mga kamag-anak ng patay kapag ito’y nakaburol pa” taliwas naman sa alam ni Lilibeth Co na “wala namang sinasabing bawal maligo ang mga kamag-anak ng patay at maaaring maligo ang mga ito.” Mapatutunayan na sa bawat agwat ng lahi ay may nangyayaring pagbabago sa mga pinaniniwalaan ng bawat isa kung kaya’t marami sa kasalukuyan ang hindi na lamang ito sinusunod dala ng pagkalito sa kung ano nga ba ang tama at hindi tamang sundin. Gayon din naman, saad ni Princess Ildefonso “sabi sa akin ni lola bawal daw po ang magwalis kapag nasa burol ng patay, pero po noong nakaraang may pinuntahan kaming lamay nakita ko po na mismong asawa pa ng patay ang nagwawalis sa loob ng burol” tila sinagot naman ito ni Lilibeth na may pagsang-ayon “hindi naman kasi talaga bawal ang mag walis kapag nasa burol at nakahihiya naman kung makikita ng mga bisita na makalat ang lugar na pinaglalamayan.” Tunay ngang nilamon na ng sistema ng globalisasyon ang mga salin-lahi na karamihan ay wala ng paniniwalang pinanghahawakan dulot ng nag-uumpugang kaalaman. Ang mga gabay sa nagdaan ay tuluyan nang tinalikdan pagkat matagal na nilang tinalikuran ang kasaysayan at lubos nang nagpatianod sa banyagang agos ng panahon. Paniniwala at pamahiin ilan sa tanglaw sa nakaraan at kalokohan kung ituring ng ilan sa kasalukuyan. Walang masamang sumabay sa kaunlaran subalit wala ring masamang magbitbit ng piraso ng kasaysayan. Hinumdum
LAUREL PUBLICATION
39
DEVCOMM
HINUBARANG INDIO
Pagkupas ng Ibinurdang Kulay sa Kasaysayan Airra Vallente
S
aplot ang aking ngalan.
Pilipinas na pugad ng mga dugong bughaw na lumikha ng kasaysayan at bayang nilaspag ng mga banyagang kulay dahil sa angking ganda at hilaw na yaman. Lupaing pinag-alayan ng dugo ng mga dakilang nilalang makamit lamang ang inaasam na kasarinlan at balwarteng mayaman sa iba’t ibang kaanyuan gaya na lamang ng mga lahing Dumagat. Isang pangkat ng mga katutubong Agta na naglalakbay sa pamamagitan ng paglalakad sa mga kabundunkan ng Quezon at Rizal. Payak na namuhay sa gulod ng mga kagubatan, umaasa sa sariling kakayahan at sa dulot ng kalikasan, malayo sa modernisadong buhay sa lungsod at sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay noon ay akap-akap nila ang kanilang katangi-tanging kasuotan na sumisimbolo sa kanilang mayamang kultura at kaugalian—Bahag, ito ang kanilang gayakan. Isang tribong matatagpuan sa tinatawag na Karahumi sa pagitan ng Norzagaray, San Jose del Monte Bulacan at Rizal. Isang pangkat na may mga natatanging tradisyon at makukulay na nakagawian na nagbigay banaag sa pinta ng kanilang nakaraan na nasaksihan ng kanilang makabuluhang kasuotan.
TRADISYON. Isang uri ng sinauna at katutubong kasuotan ng iba't ibang pangkat etniko sa Pilipinas.
40
LAUREL PUBLICATION
Hinumdum
https://www.pinterest.ph/ pin/195554808809466860/
Kwento ni nanay Rita San Jose, siyamnapu’t pitong gulang, isa sa pinakamatandang katutubong Dumagat sa kanilang lugar, ang kanilang kasuotan ay “Saya” na isinusuot mula sa dibdib at may haba na hanggang tuhod. Sa mga lalaki naman ay isang “pahabang tela” na ibinabalot sa bewang at sa pagitan ng mga hita bilang panakip sa ari, ang isang dulo ng tela ay nakalaylay sa harap at ang isa naman ay sa likod na tumatakip sa puwit. “Noong panahon ng Hapon, ang tela namin balat ng kahoy, pinupukpok at saka ipinipiga, inaalis ang tubig at ibinibilad,” pagbabahagi ni nanay Rita. Karaniwang Pula ang pangunahing kulay ng tinatawag na Bahag at Puti at Itim naman ang disenyo ng mga ito na kakikitaan ng pagiging malikhain at mahusay ng mga katutubo.
Hinumdum
LAUREL PUBLICATION
41
“
lathalain
Hindi man mayaman ang bansang Pilipinas sa aspekto ng pananalapi ay masasabing napakayaman ng bansa sa mga likas yaman, sa mga kulturang buhat pa sa mga ninuno ng bawat pangkat, sa mga kaugalian at kaaya-ayang katangian ng bawat Indio na hindi makikita sa mga banyagang lahi.
Ayon kay Aidelyn, sampung taong gulang, bukod sa paiba-iba ang kanilang guro, hindi na niya alam kung ano ang Bahag at hindi na ito naipaliliwanag sa kanila kung kaya’t marami sa mga kabataang Dumagat ay hindi na kinikilala ito bilang kultura ng kanilang tribo. Sinasabing likas ang kultura sa bawat indibidwal, walang tao kung wala ito[kultura] at bisebersa, kung kaya’t mahihinuhang ang ang pagpapalaganap ng yaman na ito ay marapat na magsimula sa loob ng bawat tahanan sa pangunguna ng bawat magulang upang hindi mabuwag ang gintong kawing na nag-uugnay-ugnay sa lahat. Kasabay nang paghina ng kultura ng mga Dumagat sa Karahumi ang tuluyang pagkakadapa ng kanilang sariling wika na tinatawag na “Bulos”, tanging ang iilang matatandang “puro” na lamang ang nakaaalam nito at hirap nang ipasa sa bagong saling-lahi. Subalit hindi pa huli ang lahat para
42
LAUREL PUBLICATION
Hinumdum Hinumdum
A
ng Masarap na Diskarte ni Juan Mylene Bitayo Nierras King James P. Co
Basta ang mahalaga masarap-
https://www.pinterest.ph/ pin/296604325450637567/
sa kanilang tribo dahil ayon nga sa paniniwala ng iba na pagkatapos ng ulan ay may Bahaghari, may pag-asa pa ring sumisilay sa kanilang tribo dahil ayon kay G. dela Cruz “pano po namin maibabangon ang dating gawain kung hindi namin uumpisahan.” Magpahanggang sa ngayon naman ay may mga Bahag pa ring naitatago sa bawat tahanan sa Karahumi. Hindi man mayaman ang bansang Pilipinas sa aspekto ng pananalapi ay masasabing napakayaman ng bansa sa mga likas yaman, sa mga kulturang buhat pa sa mga ninuno ng bawat pangkat, sa mga kaugalian at kaaya-ayang katangian ng bawat Indio na hindi makikita sa mga banyagang lahi.
Ang mga ito ang dahilan kung bakit maraming mga mananakop ang lumukob sa ating bayan at magpahanggang sa ngayon ay pilit na sinusukob tayo ng mga dayuhan. Sa bawat pagbabago ay may bagay na natatapakan ng hindi natin nalalaman at nauunawaan. Pagkalinga, pagpapahalaga, pagmamahal at pagmamalaki ang dapat ikintal sa bawat kaisipan ng sinumang Indio. Ang sariling kultura ay hindi kailanman dapat ikahiya at ipagpalit sa impluwensiya ng iba. Laging pakatandaan na walang mataas at mababang antas ang kultura pagkat ito ay pantay-pantay at hindi kailanman dapat pinapatay.
https://www.pexels.com/photo/tiltshift-photography-of-street-foods-instick-1031791/
Photo from Adobe Spark Post
Hinumdum
LAUREL PUBLICATION
43
Kwek-kwek o Tokneneng
Itlog, pambasang ulam? Hindi lamang simpleng prito gaya ng “scrambled, sunny side up” at nilaga ang magagawa sa itlog, dahil maaari itong maging pangmeryendang tiyak na kahuhumalingan mo. Ang tokneneng, ito yung nilagang itlog na binalutan ng harinang may kulay kahel at ipiprito sa marami at mainit na mantika. Bagay itong parisan ng matamis o maanghang na “sauce” na maaari rin sa timpladong suka bilang sawsawan. Samantala ang kwek-kwek ay ang pinaliit na tokneneng ito naman ay ang itlog pugo o “quail egg”.
Photo from Adobe Spark Post
H
indi ko mawari, mukha namang malinis, ‘di na rin lugi dahil sa abot kayang presyo parang patok at swak din naman sa panlasa ng iba. Bahala na nga, susubukan ko na rin.
Tusok dito, tusok doon. Sa ganitong eksena, nagsisimula ang patikim-tikim na mauuwi rin hanggang sa maging suki. Kaya ayon, pagpatak tuwing alas-kwatro ng hapon, ang mga tindahang nakahelera sa labas ang aking takbuhan. Isa ang “street foods” sa kinahuhumalingan ng maraming Pilipino. Ipiniprito, iniihaw, mga iba’t ibang inumin at kung ano-ano pang pagkain na maaaring makikita sa gilid ng kalsada, harap ng paaralan, labas ng simbahan, sa parke at kung saan pa mang matataong lugar. Pero mukhang mapalad ang aming baryo, ang kahabaan ng Ricardo Papa St. sa Sta. Cruz, Manila kung saan matatagpuan ang dinadayo at binabalik-balikan ng mga estudyante dahil na rin malapit ito sa naglalakihang mga unibersidad gaya ng Far Eastern University at University of the East ang tinatawag at binansagang “Hepa lane” dahil saan mang gilid ay may makikita at makikita kang lamesang may patong-patong na mga tindang pagkaing naglalarawan sa lipi ni Juan. Ilan na nga rito ang kwek-kwek, fishball, kikiam, barbeque, balot, penoy, palamig at iskrambol na lahat ng ‘yan meron at mabibili rito.
Nang ito nga’y aking tikman, hindi nga ako nagkamali at sa katunayan hindi lang isang order ang aking nakayanang kainin kundi naulit nang naulit ito ng marami at hindi na mabilang kung ilang beses. Ang presyo nito ay tila naglalaro sa 20-25 pesos ang dalawang piraso ng tokneneng at 10-15 pesos naman ang kwek-kwek na may apat hanggang limang piraso kada-order. Grabe, iba talaga ‘to ang sarap, pero heto’t sunod ko nang huhusgahan ang.... Fishball at Kikiam Tiyak marami na ang nakatikim nito, ngunit ang fishball ay orihinal na mula sa China hanggang sa kinilala na rin ito sa mga karatig bansa gaya ng Singapore, Malaysia, Taiwan, samantalang sa US ay sa piling pamilihan lamang. Ito naman ay gawa sa pinulbong isda na hinulmang bilog gayon din ang proseso sa pagluto nito gaya ng sa kwek-kwek ipiprito sa mantika at bagay din ito sa matamis at maanghang na sawsawan maaari rin namang paghaluin ang mga sawsawang ito na magiging tamis-anghang at matamis na sauce na may kasamang suka. Habang ang kikiam naman ay mula rin sa bansang China at gawa naman ito sa dinurog na karne. Sa pagkakatong ito, di ko maiwasan ang kumain nang kumain dahil sa murang halaga nito na piso para sa dalawang piraso ng fishball at piso para sa isang piraso naman sa kikiam. Ito na’t, susubukan ko na rin ang isa sa mga talagang pinipilahan ng marami ang...
Barbeque Likas na sa ating mga Pilipino ang matakam sa tuwing tayo’y nakaka-amoy ng mabangong usok na mula sa nag-iihaw. Barbeque, mayroon itong iba’t ibang klase gaya ng betamax, isaw, paa at ulo ng manok, laman, tenga ng baboy maaari rin namang mismong karne ng baboy, manok at isda. Sa pagkain nito, kinakailangan lamang kontrolin dahil sabi sa akin ni mama maaari akong magkasakit kapag ako’y nasobrahan dito gaya ng Hepa at tiyakin din na ito’y malinis na pwedeng makain. Ang presyo ay kayang-kaya rin ang bugdet sa halagang 20-50 pesos marami at busog kana. Talaga nga namang busog nako pero, kaya pa gusto ko pang kumain. Teka sunod na nga itong... Balot o Penoy Ang balot ay ang “unfertilized egg” ng itik ang penoy naman ay ang nilagang itlog ng itik na hindi nagkasisiw. Ang Penoy ang mas pinipili ng iilan na hindi kayang kumain ng sisiw gaya ng sa balot. Ang pagkaing ito ay nakilala ng dayuhan at kanila ring tinangkilik. Sa totoo lang, medyo nahirapan ako sa pagkaing ito pero sa huli kinaya naman at natikman ang tunay na sarap ng pagkaing talagang maka-Pilipino. Teka, sobrang dami ko nang nakain busog na ‘ko, grabe na rin yung anghang sa panglasa ko kailangan ko na yata ng panawid-uhaw. Teka subukan ko nga ‘to ... Palamig Mayroon itong iba’t ibang kulay at lasa na tunay nga nagpapapawi sa tuyot na mga lalamunan. May buko, buko pandan, sago’t gulaman, melon at marami pa na masasarap na lasa. Kadalasan ay sa halangang limang piso ay maaari ka nang makapili ng nais mong inumin. Totoo nga ang sinasabi ng kaklase ko “refreshing” ang sarap at sakto lang yung lasa, hindi matamis at hindi rin matabang ang sarap. Isang baso pa nga.
Base na rin sa aking pagmamasid ito ang mga sumusunod na mabenta at tinuturing na “best seller” sa araw man lalo na sa hapon hanggang gabi.
44
LAUREL PUBLICATION
Hinumdum Hinumdum
Hinumdum
LAUREL PUBLICATION
45
B B Q
“
Tusok dito, tusok doon. Sa ganitong eksena, nagsisimula ang patikim-tikim na mauuwi rin hanggang sa maging suki. Kaya ayon, pagpatak tuwing alas-kwatro ng hapon, ang mga tindahang nakahelera sa labas ang aking takbuhan.
Iskrambol Ito ang isa sa binabalik-balikan ng mga bata na sa lima hanggang sampung piso ay magkakaroon ka na ng isang klase pampalamig. Ito ay ang dinurog na yelo na hinaluan ng pampalasa at ng gatas. Sa ibabaw nito, ay may ilalagay pa na pulbo ng gatas at tsokolate. Ito ay ilan lamang sa pinipilahan at binabalik-balikan ng mga matatanda man o mga bata. Ngayon, masasabi ko na #StreetFoodIsLife isang masaya at nakabubusog na karanasan. Ang sarap talaga maging Pilipino.
ISAW. Ang pantawid gutom ng masang Pilipino.
Ang pagkain ay mahalagang sangkap upang umalsa at mabangong maluto ang kulturang kikilala sa lahi ni Juan, nakabibilib talaga si Juan hindi lang masarap magluto aba’y madiskarte pa. Ang simpleng mga pagkaing gaya nga nitong mga “street foods” ay may mukha at buhay na hinaharap sa kasalukuyang agos ng buhay. Gaya ni Aling Gwena na tindera ng kwek-kwek na malapit sa isang mall, ngunit kasabay sa paglubog ng araw ang bagong hamon na kanyang haharapin, sa panahon ngayon makikitang marami na ang naglalakihan at nagbubukas na establisyamentong maaari at may kakayahang sumira o pumatay sa iilang mga maliliit at uusbong pa lamang na negosyo. Sa pagkakataong ito maririnig ang pahayag ni Aling Gwena na may kaparehong karanasan sa negosyong ito.
46
LAUREL PUBLICATION
Hinumdum Hinumdum
“Noong wala pa ‘yung Starmall nandito na kami. Ngunit ngayon wala, heto at unti-unti kaming natatabunan dahil marami nang bagong business ang nasa paligid. Talaga nga namang marami na ang kalaban.” tugon ni Aling Gwena “Wala rin naman kaming magagawa kundi ang lumaban at makipagsabayan.” dagdag pa niya.
Sa kalakarang ito, hindi sapat na ebidensiya ang tagal ng panahon sa negosyo at pagtitinda, hindi rin naman talagang maitatangging maraming mga kabataan at mga taong mas tinatangkilik kung ano ang kilala, sikat at patok na kina-aaliwan ng lahat. Nakakalungkot lamang isipin na sa kabila ng
Photo by Kimberlly Victorio
modernisasyong tinatamasa ni Juan, marami ang nasisira at naapektuhang kabuhayan, dagdag pa nga ni Aleng Gwena, “kung hindi ako kikilos wala kaming kakainin.” Patunay ito na kahit ano mang unos ang kaharapin ni Juan, darating ang oras at pagkakataon na muling makikita ang sikat ni haring araw na magdadala ng panibagong pag-asa at pagkakataong magpapatatag at magpapatunay na kung gaano ka katibay bilang isang tao at bilang isang tunay na Pilipino. Anuman ang mangyari, isa ang hinding-hindi kukupas ang pagkaing tila nakadugtong na sa ating dugo at lahi, dahil kung may lulubog ay may aahon, kung may makakalimutan at meron namang makikilala pero ito ang isang hindi-hindi magbabago ang lasa ng masarap na diskarte ni Juan. Basta ang mahalaga masarap— wala nang mas hihigit pa sa pagkaing mula pagkabata hanggang sa pagtanda ngunit iisa pa rin ang lasa’t halaga. Ang sarap din palang marinig ang mga linyang “suki, balik ka”. Kaya naman pangako ako’y babalik na dala ang matatamis kong ngiti, hanggang sa muli.
Hinumdum
LAUREL PUBLICATION
47
Movie Review
Kenna Francisco Dandoy 7/10
A
s youth builders of the future, are you okay with the norms? Will you keep things as they are and playalong? Or you’ll change things? Well, if yes, then “Dead Kids” will surely disturb you with real-life events making you to move your heart and mind as it swims in a pool of national issues awaking you to move and act to the reality of the society we live in. From the First Netflix Original Film from the Philippines, a not your typical teenage drama thriller will give you a compilation of complicatedness to our generation, inspired by a true-crime story that happened in 2018 now in the social media age. Dead Kids is about Mikhail Red’s love letter to this generation as he directs again in a bigger cinema. The film was starred by Mark Sta. Maria (Kelvin Miranda) who’s an introvert teen who team up with his 3 school mates: Charles Blanco (Vance Larena), Paulo Gabriel (Khalil Ramos), and Gideon Uy (Jan Silverio) who planned to abduct the schools no. 1 bully Chuck Santos (Markus Paterson) and how their kidnapping scheme gone wrong. The film is dark, violent and bloody but at some point, it will make you laugh. As humor is cleverly delivered well by the characters and it has too many quotable lines to offer. Dead Kids tackles about a different kind of kidnapping where teen high school kids kidnapping scheme turns deadly. And it is done in a depressing way that will keep you hanging until the end. It’s dark but it effectively reflects the hard-to-swallow reality. MISFITS. A deadly bonding of school's outcasts.
DEAD KIDS: A Societal Depiction of Social Media Age Generation
48
LAUREL PUBLICATION
Hinumdum
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fusa.newonnetflix.info%2Finfo%2F81165325&psig=AOvVaw25ZGIurdyHOVoOHR3mHRgC&ust=1606909296004000&source=images&cd=vfe&ved=0CAMQjB1qFwoTCKDq5OvZrO0CFQAAAAAdAAAAABAD
It centers the life of Sta. Maria in which he’s always trying to survive the life of being a dead kid for Janina (Sue Ramirez) his crush. That disappointingly has less screen time together with Yssa (Gabby Padilla) who played as Paolo’s (Khalil Ramos) girlfriend. This film is worthy to watch since the casts are incredibly put together with good chemistry and their relatable character will never let you out of place. While the Best New Actor
of 2019 by the Urduja Film Festival Awards, Vance Larena did stand out among the rest. The other things about Dead Kids are its editing and its good choice of music. Mikhail Red is indeed commendable since he brings the audience a new flavor of Philippine Cinema as he uses some color and mood into some scenes that made it more intense and not typical. And It sure has a good choice of music where musical scorer Myka Magsaysay-Sigua together with Paul Sigua used songs from Chicosci that perfectly fit the tense and the atmosphere when watching. However, the film duration is 98 minutes and that’s too short for the story to tell since it fails to answer all of its queries. Perhaps, the most disappointing thing about Dead Kids is that it’s obviously done in a hurry for it is only shoot 10 days as per Mikhail Red. It also has minimal loopholes and did not flawlessly execute the flow of the story at the ending part. Which gave the audience lots of questions left unanswered. But one of the most powerful thing about this film is that it tackles societal issues. Where Mikhail Red had his intention to unveil the realities, insecurities, and privileges of a complicated and often misunderstood generation that he perfectly depicted in terms of its moral at the end of the film. Moreover, Dead Kids has a lot of morals to give and one of it is for teens to take control of their own hands, to correct their wrongs, and to defend their weak self from bullying. It showcased us the sad reality that a dead kid will always remain a dead kid in the end. Its moral depicts that revenge isn’t really the answer and what you reap is always what you saw in the end. Overall, I’ll give it a 7/10 rating for its minimal flaws and for its language content making it an R-16 film. But it’s not bad for being the first Netflix original film from the Philippines.
Hinumdum
LAUREL PUBLICATION
49
lathalain
Michael Senobio
Brooklyn New York America but immediately moved back to Ireland from where his parents met after the death of his baby sister Margareth. During this time, Ireland was on the age of the Great Depression following the events of World War 1. Banks were closed, Companies went out of business and people lost their savings and jobs. Poverty and starvation were seen and experienced everywhere and Frank’s family was no exception. Frank spent most of his miserable childhood doing his best in taking care of his siblings while trying to survive. However, given the economic state of Limerick Ireland during that time, most of his siblings died either due to malnutrition or from some kind of disease. They barely survived a day because of starvation and finding food was one of the biggest problems that they had to face. They frequently had to go to Saint Vincent de Paul Society, a charity organization of food, shelter, and money for the poor to survive and fill their empty stomachs. It was miserable as Frank described his life but he kept motivated and had enough perseverance to cope up with the things around him. It didn’t matter where he was, the only thing that matter was where he was going.
are supposed to be a narrative composed of Memoirs personal experiences of the author yet for the readers,
those experiences may pave way to a direct reflection and deeper realization of what’s happening in our current society. One such example is the novel Angela’s Ashes which is an award-winning memoir of the American author Frank McCourt. In this novel, Frank McCourt told his “miserable Irish Catholic childhood” experience and how he grew as he overcomes those challenges. The novel did not only give us Frank’s life experience but more importantly, it gave us the representation of poverty in Ireland during the time of the Great Depression which still can be linked in today as we face one of the biggest health crisis in the world due to COVID-19 pandemic.
50
Frank McCourt was born August 19, 1930, in LAUREL PUBLICATION
Hinumdum Hinumdum
Frank’s situation may be considered inspirational but it mirrors the unfortunate situation of the marginalized Filipino people during this pandemic when most people are on a lockdown. These people whose lives depend on their low-income jobs are now experiencing anxiety for they don’t know how to survive at all. Their survivability is at risk unless the government and other people will consistently help them to cope with their basic needs such as food. This book did a good job of mirroring the real-life situation partly because it is a memoir inspired by real-life events. However, it transcends us to a new way of looking at poor people by showing us the extremes of poverty. Many people are still unaware of these situations or maybe they just refuse to look in the eyes of poor people. By reading this book, readers will truly understand how hard and chaotic it is to barely survive. The readers will have empathy and hopefully, apply their understanding by taking actions such as helping the marginalized people not only in the time of a global pandemic but also whenever they can offer help because at the time you are reading this, even when the pandemic was over, there are still people dying in hunger
Napapanahong Kaisipan sa Nabuburang Kultura
In The Eyes of a Dying Child in Frank McCourt’s Novel: Angela’s Ashes
GLOBALISASYON
book review
Andrea Nicole Gempis Daniel Mangahas
Hinumdum
LAUREL PUBLICATION
51
K
ultura ang sinasabing dugo na bumubuhay sa isang bansa ngunit sa paglipas ng panahon, dahan-dahang pumipihit pakabila ang direksyon ng mga bagay. Ang dating matingkad na dugo na dumadaloy sa lipunan ay pinalilinaw ng malalabong pangangatwiran at marahas na paggahasa ng globalisasyon. Layunin ng globalisasyon na tulungang lumago ang mga bansang kabilang sa 3rd World Country, mga bansang nangangailangan ng tulong (maaaring pinansyal) upang makaahon sa kahirapan at isa ang Pilipinas dito. Hindi maitatanggi ang magagandang pagbabagong dala nito; malayang pakikipagkalakalan ng mga bansa, mga oportunidad para maiangat sa pagkakalugmok ng isang ekonomiya, ang mga paglikha ng maraming uri ng hanapbuhay, at ang pagkakataon para sa pakikibagay ng kultura sa iba’t ibang mga lugar. Habang tumatagal, globalisasyon na rin mismo ang dahan-dahang pumapatay sa bansa; ang kagustuhan ng nakararami na guminhawa sa buhay ang nagiging dahilan ng unti-unting pagpkupas ng makulay at mayamang kultura ng bansa. Sa Dagat at Bundok, sa mga Lungsod Ang katutubong Badjao at Dumagat ay isa lamang sa mga tribo na nagpapakilala sa maningning na yaman ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, sila rin ang nagiging pangunahing paksa ng diskriminasyon na nagdidiin sa nosyon ng kung sino ang higit na mataas, at kung sino ang dapat ituring na mananatili sa ibaba. Sinasabing ang pangalan ng tribong Dumagat ay nagmula sa salitang “dagat” dahil sa unang pagtahan nila sa mga baybayin ng Luzon. Ayon sa ilang mga reperensya, nagmula ito sa salitang "rumakat", "lumakat" o "lumakad" na siyang nagpapatunay, ayon rito, na sila ay dumating sa bansa sa pamamagitan ng paglakad sa tulay na lupa. Sa kabilang dako, “Sea Gypsies” ang taguri sa mga Badjao sa bansa. Sa ibang salin, nangangahulugan ito ng pagiging likas nilang manlalakbay ng karagatan. Ang “Man of the seas” ng mga baybayin ng katimugang bahagi ng Pilipinas ay nakapanlulumong matatagpuan na sa kalakhan ng mga urbanisadong lugar sa iba’t ibang parte ng bansa. Marahil marami sa atin ang ngayon lang nalaman ang ganitong kabigha-bighaning katotohanan sa mga katutubo. Sa likod ng mababang tingin sa kanila ng mapagmataas at mapagsamantalang lipunan, nagmumungkahi ito ng patas na pagtingin, pagkilala at respeto sa kanila, sa
52
LAUREL PUBLICATION
Hinumdum
kanilang kultura, at sa kanilang pinagmulan. Sa kasalukuyan, may mangilan-ngilang mga pagkilos at programa ang ilang lokal na pamahalaan at NGOs para alalahanin at maibsan ang kahirapan na nararanasan ng mga katutubo sa bansa. Setyembre ng taong 2017, nagkaroon ang lokal na pamahalaan ng San Fernando, La Union “Sama Bajau Brotherhood Day” na naglalayong matugunan ang pangangailangan ng mga Badjao sa lugar (Edge Davao, 2017). Naghatid ito ng libreng mga gamot, dental services at mga aktibidad para maturuang magsulat, magbilang at magbasa ang mga ito. Ilan pa sa mga tulong na ito ay ang libreng bakuna, pagpaparehistro sa PSA at family planning. Mula naman sa Rotary Club of Davao ay ang “Project GypSEAS” (Security Empowerment, and Sustainability) na isinagawa sa isang komunidad ng Badjao sa Aplaya, Davao City, Agosto ng taong 2017, na ang pangunahing layunin ay matulungan maitaas sila sa mababang tingin ng lipunan. Ngunit kailan man, hindi magiging sapat ang ganitong mga proyekto. Habang makapangyarihan ang supresyon at nanatili ang malabong katwiran na aangat ang ekonomiya kung bababa naman ang estado ng kultura sa bansa, patuloy na mabubura ang ipinamanang kultura ng ating mga ninuno. Ang umayon sa mga yaman na ibinibigay ng kalikasan ang nakasanayang pamumuhay ng mga katutubo— mga yamang dagat, saging, kamoteng kahoy, niyog, yantok at iba pang pananim ang pangunahing pinagkakakitaan nila. Pagsasaka ang isa sa mga namana nila sa mga Malay noong unang panahon (The Casiguran Dumagats Today and in 1936). Ngunit dahil sa papabagsak na uri ng pamumuhay na kakabit na ng globalisasyon, ‘di na naiwasan ng marami sa kanila na mangamuhan. At mas masaklap, ang manlimos para may maipantustos sa pangangailangan ng pamilya. “Dati nagsasaka kami, pero nung masakop ng BSP (Bangko Sentral ng Pilipinas) ang aming sakahan ay madalang na ang nagsasaka… ang pakiusap nga sana namin, hangga’t hindi nadedevelop itong lugar ay payagan kaming magsaka para mayroon naman kaming pagkunan ng pagkain. Nung una pumayag sila pero paglipas ng dalawang taon, binawi nila. Kasi raw, baka pagdating ng oras ay angkinin ulit namin ‘yong lupa… kaya ‘yong ibang may ari ng sakahan ay nangontruksyon na lang.” Ayon kay Ginoong Leonardo Dela Cruz, kasalukuyang chieftain ng isang tribong Dumagat na matatagpuan sa Karahumi, San Jose Del Monte Bulacan.
Pagbabagong di mapipigalan, modernong pamumuhay ng bayan
Giit pa niya na halos lahat sa kanila ay sa komunidad na ‘yon na ipinanganak at lumaki, pero mabilis silang natatakot ‘pag may dumating na makapangyarihan at mayamang tao. Nakasaad sa Section 8 ng Republic Act no. 8371 o ang batas na kumikilala, pumoprotekta at nagtataguyod sa karapatan ng mga katutubo sa bansa na Rights to Ancestral lands– The right of ownership and possession of the IP’s (Indigenous People) to their ancestral lands shall be recognize and protected… Naipasa ang batas na ito upang hindi na muling maulit ang masalimuot na karanasan ng mga katutubo sa kamay ng mananakop— para maipagtanggol sa nosyon ng isipang kolonyal na nagsasamatala sa isang yaman para sa pansariling kapakanan— “Kung nasa laylayan ka, pag-aari kita”. “Sa manlulupig, ‘di ka pasisiil”— isa sa pinaka-magiting sanang bahagi ng pambansang awit; maikling parirala na naglalarawan ng makabayang gawa ng mga Pilipino; mga bayaning lumaban at nagsakripisyo laban sa mga banyagang mangangamkam ng lupain ng bansa. Sa kasalukuyan, wala nang puwang ang kagitingan at sakripsiyo sa kalagayang moral ng bansa. Bukod pa rito, ‘di mo kayang labanan ang mga taong umaakong nagtatanggol sa’yo. Sa Section 17, Right to Determine and Decide Priorities for Development, nakasaad na, "The ICCs/IPs shall
Photo by Bryan Felix
have the right to determine and decide their own priorities for development affecting their lives, beliefs, institutions, spiritual well-being, and the lands they own, occupy or use. They shall participate in the formulation, implementation and evaluation of policies, plans and programs for national, regional and local development which may directly affect them." Sa kabila ng mga batas na ito, tahasan pa ring isinawawalang bahala ang karapatan at kultura ng mga katutubo na nakaaapekto nang malaki sa kanila; isa sa maraming dahilan ng mga tanong kung may halaga pa ba ang kultura sa kahihitnatnan ng isang ekonomiya. Bilang batas na pumoprotekta sa minanang lupain ng mga katutubo mula sa kanilang ninuno, lakip ng batas na ito ang pagtatanggol sa kulturang maaring mabura sa kasanayan ng iba't ibang partisyon ng katutubo sa bansa. 'Di man kapansin-pansin, mayorya ng kasaysayan at yaman ng bansa ang patuloy na nakasangkalan sa ganitong mga usapin Kamangmangan at Ang Paggahasa Isa ang DepEd (Department of Education) na sangay ng gobyerno na naglalayong makapagbigay ng dekaledad na edukasyon para sa mga kabataang Pilipino. Ngunit paano maisasakatuparan ito kung pamahalaan mismo ang nagiging hadlang upang matamasa ito ng LAHAT. Taong 2016 nang maipasama sa prayoridad ni Secretary Briones ang pagsasaayos at pagpapabilis ng daloy ng serbisyo ng DepEd upang mas agarang maibigay ang nararapat para sa bawat mag-aaral— mapa-libro, o silid-aralan.
Hinumdum
LAUREL PUBLICATION
53
Ang pagpapatayo ng karagdagang silid-aralan sa mga lugar kung saan mayroong 50% at pataas na bilang ng mga IPs student ay binigyang atensyon at “aksyon” din ng nasabing departamento. Nakapagtataka lang na tila hindi dama ng mga nasabing katutubong Pilipino ang nasabing suporta mula sa DepEd. Ultimo libro o mga panulat man lang ata ay hindi natamasa ng mga ito. Ipagpalagay man natin na nakapag-abot sila ng tulong para sa mga kapatid nating Badjao at Dumagat, ngunit malinaw pa sa sinag ng araw ang labis na kakulangan ng mga ito.
grants and other incentives without prejudice to their right to establish and control their educational systems and institutions by providing education in their own language, in a manner appropriate to their cultural methods of teaching and learning. Indigenous children/youth shall have the right to all levels and forms of education of the State. Ilan lamang ‘yan sa mga karapatan ng mga IPs na kinikilala ng bansa. Subalit hanggang sa kasalukuyan, nanatili pa ring nakasulat ang mga ito sa kunstitusyon ng Pilipinas; ni hindi na natatamasa ng mga kapatid nating katutubo ang mga ito, bakit?
Hindi lingid sa ating kaalaman na marami pa rin ang mga Badjao na pinipiling magtambol sa mga pampasaherong jeep kaysa matutong magbasa, paano; walang handang mag-abot sa kanila kahit kaunting malasakit. Marahil marami pa sa atin ang tingin sa kanila ay mga masasamang tao na nanloloko lamang upang magkalikom ng pera.
Maaring dahil sa mabilis na pagpihit ng oras kaya unti-unting naibabasura ang mga tradisyon at nakasanayang uri at gawi ng pamumuhay ng mga kapatid nating katutubo. Sa paglipas ng panahon, lingid sa kaalaman ng marami, tinatangkilik na natin ang mga pambanyagang kasanayan— ang kolonyal na mentalidad.
Ang mga kapatid natin na Dumagat, mas pinipili pa ang manatili sa pusod ng mga kabundukan kaysa makipagsapalaran sa kabayanan. Balot ng takot na ipaglaban ang
Ang edukasyon ang siyang susi sa kahirapan upang maiangat ang sarili sa latak ng lipunan, ngunit hindi ito nangangahulugang kailangan nating talikuran ang mayaman nating kultura na bumubuhay sa ating bansa. Sumatutal, ang pagiging edukado rin ng bawat mamamayang Pilipino ang siyang daan upang mapangalagaan at mapalaganap ang kulutra ng bansa. Sabi nga ni Secretary Leonor Briones sa isang pahayag, “To be Educated is to be free!” Ngunit sa kasalukuyan, tila salungat ang nararanasan ng mga katutubo. Ang paglaya na matatamasa sana sa pagkakaro’n ng sapat na kaalaman ay patuloy na pinagsasamantalahan para sa sinasabing "kaunlaran",
Photo by Bryan Felix
kanilang lupain dahil sa kakulangan sa edukasyon. Kung nalalaman lamang nila ang iba pa nilang karapatan bilang katutubong Pilipino, marahil marami pa rin ang nasisilaw sa yaman ng kultura na mayroon sila. Nakasaad sa Republic Act no. 8371 Section 29, ang Protection of Indigenous Culture, Traditions and Institutions. — The State shall respect, recognize and protect the right of ICCs/IPs to preserve and protect their culture, traditions and institutions. It shall consider these rights in the formulation and application of national plans and policies. Sa Section 30 naman na, Educational Systems. — The State shall provide equal access to various cultural opportunities to the ICCs/IPs through the educational system, public or private cultural entities, scholarships,
54
LAUREL PUBLICATION
Hinumdum
Ang 1987 Constitution of the Republic of the Philippines, Article II, Section 17 ay nagsasaad ng "The State shall give priority to education, science and technology, arts, culture, and sports to foster patriotism and nationalism, accelerate social progress, and promote total human liberation and development". Sa huli, pamahalaan, lipunan, at bawat indibidwal ang pangunahing magsusulong ng pagkilos. Ang magbibigay importansya sa mga bagay na naglalayong mapangalagaan ang sariling kultura; ang identidad na nagpapakilala ng pagka-kayumanggi ng Pilipino sa buong mundo. Sa kabuuan nito, pananatilihin na lang ba ang pagkamakabayan sa mga letra? at hahayaan na ang kamangmangan ng napapanahong kaisipan ng lipunan ang magpalabo sa makulay na larawan ng bansa? Gagawin nang pagkilos ang mga sigaw?
lathalain
May Mas Nakatatakot Pa Ba Sa Engkanto't Aswang? Mark Russel Benjamin
L
umaki ako sa probinsya namin na sagana sa kwentong kababalaghan. Halos karaniwan nang senaryo sa tindahan ang magbulungan tungkol sa kani-kanilang karanasan sa mga hindi maipaliwanag na kaluskos at pagaspas ng pakpak sa hindi matukoy na nilalang. Ito ang madalas na dahilan kung bakit nagtatagal ako sa tindahan kapag inuutusan ako ng aking lola na bumili ng paminta at suka. Nakatatakot man ay masarap pakinggan. Ganoon nga siguro kapag bata, matatakutin ngunit mausisa. Habang nagkakaisip ako, doon nabubuo ang tanong sa akin kung may mas nakatatakot pa ba sa mga engkanto’t aswang?
Hinumdum
LAUREL PUBLICATION
55
SARINAGO Sa paniniwala ng mga Bagobo, ang mga sarinago ang tinuturong salarin sa pagkawala ng mga inaning palay. Sila ay mga masasamang espiritu na nagnanakaw ng mga palay at iba pang mga pananim. Sinasabing kailangang silang aliwin upang hindi ka pagnakawan. Sa paglipas ng panahon, hindi na sarinago ang kumukuha ng mga inaning palay na dapat isasaing o ipagbibili ng mga magsasaka para sa karagdagang kita. Taong 2019, nilagdaan ni Pangulong Duterte ang RA 11203 o Rice Tariffication Law. Layunin nitong mapababa ang presyo ng bigas sa merkado sa pamamagitan ng pagdadagdag ng supply nito. Sa batas na ito, papatawan ng taripa ang mga imported na bigas kasabay ng pagtanggal sa limitasyon ng importasyon. Salungat ito sa nais ng batas. Mataas pa rin ang presyo nito sa mga pamilihan. Hindi man literal na pinagnanakawan ang mga magsasaka ng bigas pero ninanakawan naman sila ng karapatang mabawi ang pagod at mga nagastos nila para sa ilang buwang paghihintay ng anihan. vSiguro kulang sa pang-aaliw ang ating mga magsasaka upang ipaglaban ang kanilang karapatan. Sa ganitong pagkakataon, hindi na sapat ang pang-aaliw lang.
Sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas, mayroong nilalang na bubulabog sa inyong pagkakahimbing sa kalagitnaan ng gabi. Senyales ito na isa sa miyembro ng pamilya ay mamamatay. Mayroon itong tatlong ulo sa iisang katawan. Ang mga residente ay nagpipinta ng puting krus o kaya naman ay guguhit gamit ang tisa sa pintuan upang matakot ang mga ito. Tinatawag nila itong Kumakatok. Iba na ngayon ang anyo nila. Wala nang tatlong ulo sa iisang katawan dahil nagkatawang-tao na sila. Naging mabigat na suliranin ng bansa ang hindi malutas-lutas na ilegal na droga. Maraming tao ang nasira ang buhay at pamilyang winasak nito. Ilang administrason sa pamahalaan ang nagdaan at ilang programa rin ang isinagawa ngunit nanatili itong “cancer” na hindi magamut-gamot. Sa pagpasok ng administrasyong Duterte, bitbit nito sa pag-upo ang hangaring masugpo ang problema sa ilegal na droga. Inilunsad niya ang programang “Oplan Tokhang” na una nang naipatupad sa Davao noong siya pa ang alkalde nito. Ang Oplan Tokhang ay hango sa salitang Bisaya na “Toktok” (katok) at “Hangyo” (makiusap). Ibig sabihin, ito LAUREL PUBLICATION
Kasabay ng sunod-sunod na pangangatok ay ang mabilisang paglobo ng populasyon ng mga napapatay sa mga police operation dahil sa panlalaban umano ng mga suspect. Ayon sa mga kaanak ng mga biktima, malaki ang posibilidad na ito ang susunod mapapaslang kapag kinatok ang bahay ng drug suspect sa ilalim ng programang Tokhang. Binatikos ito ng Commission on Human Rights, mga international rights group, gayundin ang lokal at internasyunal na media dahil sa hindi makataong pagpatay sa mga biktima. Malaki man ang pagbabagong hatid nito sa ating bansa, marami naman ang buhay na nawala at mga pamilyang nangulila dahil dito. Kung sinunod na lang sana ang paglalagay ng puting krus sa mga pinto o ang pagbabalik loob sa pananampalataya upang maituwid ang landas na ating tinatahak ay marahil hindi na tayo hahantong pa sa sitwasyon na maalimpungatan tayo mula sa pagkakahimbing dahil sa mga kalabog mula sa kung anong nilalang na kumakatok sa ating pinto. BUYAGAN
KUMAKATOK
56
ay ang pagkatok at pagbabahay-bahay sa mga hinihinalang sangkot sa ilegal na droga upang makiusap na sumuko at magbagong-buhay na.
Hinumdum Hinumdum
May mga taong walang pigil sa pagsambit ng mga masasakit na salita at may mga tao ring nagbibitaw ng mga salita upang pagmulan ng mga karamdaman o ang pagsusumpa. Ang taong nagiging sanhi ng ilang mga karamdaman sa pamamagitan lamang ng mga salita ay tinatawag ng mga taga-Cebu na buyagan. Sila ang mga taong nagkataong ipinanganak kasabay sa pagsikat ng araw (pagsilaw sa adlaw) kaya naman tatanda itong mapanganib.Tanging laway lang ng taon buyagan ang makapagpapagaling sa karamdaman ng mga biktimang sinumpa nito. May mga salita na hindi kaaya-ayang pakingan lalo na sa mga may maseselang pandinig gaya mga mura. Ito ay mga salitang nagpapahayag ng saloobin ng isang tao gaya na lang sa tuwing sila ay nagagalit o nagugulat. Nang maupo sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte, mas nakilala siya sa ng mga Pilipino sa ganitong pag-uugali; ang pagmumura sa harapan ng publiko. Masakit at talaga namang nakadudurog ng puso kung makatatanggap ka ng kaliwa’t kanang mura lalo na kung ito ay personal na atake. Sa isinagawang survey ng Social Weather Stations noong 2018, lumalabas na nasa 64 percent ng 1,200 Pilipino ang nagsasabing nabastusan sila sa pagmumura ng Pangulo sa hepe at ilang miyembro Hinumdum
LAUREL PUBLICATION
57
ng United Nation Human Rights Councils at 41 percent naman ang nagsasabing hindi.
Ang padalos-dalos na pagbitaw ng mga masasakit
na salita ay maaaring humantong sa negatibong resulta lalo na sa mga batang mura pa ang isipan dahilan upang tumatak ito sa kanila at dadalhin ito hanggang sa pagtanda.
ONGLOC
KULARIUT
Sa Bohol, may nilalang na pinagmumulan ng takot ng mga bata. Halos hindi makita sa dilim dahil sa kulay nito, may malalaking ngipin at malahiganteng pangangatawan. Ito ang madalas na panakot ng mga magulang na hindi magkandarapa sa pagsaway sa kanilang makukulit na anak. Sila ay mga ongloc. Sinsabing ang mga ongloc ay nangunguha ng mga pasaway na bata upang gawing buko bilang parusa. Dadalhin ang mga ito sa kaniyang tirahan upang itago. Ang mga naipong buko (mga bata) ay ilalabas lamang kapag siya ay nagutom. Iyon ang magsisilbing matinding kaparusahan na matatamo ng mga matitigas ang ulo. Maraming paraan upang disiplinahin ang isang bata ngunit sa maling pamamaraan humahantong ang ilan sa mga Pilipino. Kaya naman mas pinaigting pa ang mga batas ukol sa pagkalinga at pagtatanggol sa mga bata gaya
58
LAUREL PUBLICATION
TAMBALOSLOS Sa masusukal na parte ng kagubatan ng Bicol at ilang lalawigan ng Visayas at Mindanao ay may nilalang na nagiging sanhi ng pagkaligaw ng ilang mamamayan nito. Sinasabing ang mga ito ay maliliit na nilalang na may nakatatakot na tawa. Mayroon itong malalaking bibig at lawlaw na ari o luslos dahilan kung bakit ito binansagang tambaloslos. Karaniwang mga babae ang binibiktima ng mga tambaloslos. Sa pamamagitan ng paghuhubad ng pang-itaas na damit upang maipakita ang kanilang dibdib ay makatatakas na sila dahil maninigas umano ang ari nito na sanhi upang harangan ang kanilang paningin. Hudyat na maaari nang kumaripas ng takbo ang sino mang mabibiktima. May mga usapin na imbis bigyang pansin ay naisasawalang bahala, naisasantabi at ang masakit pa rito ay ginagawang katatawanan na lamang. Isa na rito ang mga kaso panggagahasa. Ayon sa tala ng Philippine Commission on Women (PCW), 25 kababaihan o kabataan ang nabibiktima ng panggagahasa kada araw. Halos isang kaso kada oras ang katumbas nito. Nakababahala rin na hindi lahat ay nagagawang magsumbong dahil sa takot o kahihiyang maidudulot nito. Sa panahon ngayon, wala nang kawala ang sino man sa mga nagkalat na tambaloslos. Nasaan ka man ay maari silang makapangbiktima. Wala silang pinipil; mapa-bata man o matanda. Wala na rin silang sinasantong kasarian. Hindi na rin epektibo ang pagpapakita ng dibdib upang makatakas mula sa bangungot na hatid ng mga kampon ng dilim.
Hinumdum Hinumdum
ng RA 7610 o Special Protection of Children against Child Abuse mula sa mga pang-aabuso na dinaig pa ang mga engkanto at maligno sa pagsusumpa bilang kaparusahan. Diskriminasyon, pang-aabuso at pambu-bully ay madalas na nangyayari sa mga kabataang mag-aaral. Dahil din dito, naglabas ang Kagawaran ng Edukasyon ng kautusan na pinamagatang Child Protection Policy o DepEd Order No. 40. Layunin nitong protektahan ang mga magaaral mula sa pang-aabuso, deskriminasyon, pambu-bully at iba pa. Nagkalat na ang mga ongloc sa ating lipunan. Hindi mo sila makikita dahil nagtatago lang sila sa pinakamadidilim na sulok habang nag-aabang ng mga bagong mabibiktima.
Sila ang mga nilalang na magaling magkubli sa mga sanga ng mga matataas na puno. Wala silang intensyong manakit at tanging nais lang nila ay pagmasdan at panoorin ang mahimbing na pagtulog ng mga taong malapit sa kaniyang lokasyon— sa dapithapon man o maging sa kalagitnaan ng gabi. Malalaki ang kanilang mga mata, maiitim na balahibo at may mahahabang puting balbas. Matatagpuan sila sa probinsya ng Pampanga at kilala sila sa tawag na Kulariut. Sa kanilang katangian, marahil ay nasaksihan nila ang mapayapang pamumuhay ng mga katutubong aeta na naninirahan sa nayon at hanggang sa hirap sa dinanas nila dahil sa masamang epekto ng kaunlaran. ‘Build, Build, Build’, ayan ang inilatag na programa ng administrasyong Duterte sa pagpasok ng kaniyang termino na may layuning makapagpatayo ng imprastraktura sa iba’t ibang panig ng
Hinumdum
LAUREL PUBLICATION
59
bansa na may kaugnayan sa transportasyon ngunit nasasagasaan naman nito ang karapatang pantao ng mga katutubong naninirahan sa pagtatayuan ng proyekto at maging ang kalikasan ay damay rin. Gaya na lamang tinaguruang New Clark City sa kabundukan ng Mabalacat, Pampanga at sa Capas, Tarlac na may tinatayang 9,450 ektarya ng sakahan at lupain pa ng mga ninuno dahil sa minadaling pagpapatayo ng Sports Complex, Aquatic Center, at Athlete’s Village para sa South East Asian Games na ginanap noong 2019. Nasa 60,000 mamamayan naman ang pwersahang pinalayas dahil sa nasabing proyekto. Hindi lamang tirahan at kabuhayan ang ninakaw sa kanila dahil tangay rin pati ang kanilang karapatan bilang tao. Tanging ang mga masasayang alaala at kwentong kababalaghan na lamang ang kanilang yaman ang mayroon sila na maipapamana sa susunod na salinlahi. Bagaman wala na ring tirahan ang mga kulariut dahil sa pagkawasak ng kabundukan dulot ng kasakiman ay patuloy naman silang maninirahan sa mga kwento ng kanilang mga ninuno. Habang tumatagal mas nagiging halimaw pa ang mga tao kaysa sa mga elemento at malignong ating naririnig sa mga kwento-kwento. BERBEROKA Karaniwang matatagpuan ang nilalang na ito sa mga liblib na bahagi ng Abra, Apayao, at Ilocos Norte. Mga mangingisda ang karaniwang biktima dahil sa kakaiba nitong paraan ng pagpaslang. Hinihigop muna nito ang tubig sa sapa o ilog hanggang sa makita ng mga mangingisda ang mga isdang nagtatalunan at kapag nasa gitna na sila upang kunin ang mga isda saka naman pakakawalan ng berberoka ang ragasa ng tubig. Sa pagkakataong iyon saka pa lamang ito sasalakay habang hirap sa pagtakas sa tubig ang kawawang mangingisda. Maraming paraang ang mga mapagsamantala para lang makahanap ng mabibiktima. Gaya na lamang ng labintatlong kababaihan na nasagip ng awtoridad mula sa human trafficking sa isang hotel sa Zamboanga City. Ayon sa mga biktima, pinangakuan sila ng magandang trabaho ng kanilang recruiter sa Dubai. Wala naman silang pinirmahang employment contract at hindi rin sila binigyan ng working visa papuntang Dubai. Ang inaakala nilang isdang mapapakain nila sa kanilang pamilya ay pain lamang pala upang mahulog sila bitag na likha ng mga berberoka
60
LAUREL PUBLICATION
Hinumdum Hinumdum
SARANGAY Kung ang griyego ay may minotaur ang mga Ibanag naman ay may tinatawag na sarangay; kalahating tao at kalahating toro. Ang lakas at nakatatakot nitong itsura ang kaniyang ginagamit upang protektahan ang kaniyang tirahan mula sa mga mananakop. Bukod sa nakatatakot na itsura nito, mayroon din siyang hiyas na nakasabit sa kaniyang tainga. Ang sagradong hiyas na ito ay sinasabing makapangyarihan at kung sino man ang magtangkang magnakaw nito ay tiyak na mamamatay. Naalala mo pa ba ang isyu ng agawan ng teritoryo sa pagitan ng ating bansa at Tsina? Kung sabagay kahit gaano pa kinatatakutan si Pangulong Duterte sa itsura at pagiging pasista nito hindi naman niya kayang ipaglaban ang kaniyang nasasakupan hindi gaya ng sarangay. Meron ring makapangyarihang hiyas si Pangulong Duterte na tiyak mong ikamamatay kapag tinangka mo itong kunin sa kaniya. Nagkalat lamang sa paligid ang mga tunay na halimaw ng ating lipunan. Madalas pa nga’t disente silang tignan na ‘di mo talaga aakalaing may pangil sa likod ng mga
matatamis na ngiti. Mag-ingat ka’t baka ikaw na pala ang kanilang susunod na bibiktimahin. Kung kinakailangang galingan pa ang pang-aaliw ng ating mag-sasaka para lang sa iniingatan nilang pananim ay kanilang gagawin. Kung maaari lang ring huwag na rin pagbuksan kung sino man ang mangangalampag sa ating pintuan sa kalaliman ng gabi. Kung puwede lang ring ipakita ng ating mga kababaihan ang kanilang maseselang bahagi ng katawan upang makatakas sa mga tambaloslos. At kung ikamatay man natin ang pagkuha sa makapangyarihang hiyas na iniingatan ng sarangay ay ating gagawin matigil lamang ang lahat ng pang-aabuso na ito. Sa pagtagal ng panahon, tulad ng mga kwento na pinagpasa-pasahan, maaari ring mabago ang konteksto at pagkakakilanlan ng mga nilalang na noon pa ma’y nakakabit na sa kultura ng ating mga ninuno. Kung tutuusin, sa humigit kumulang 175 iba’t ibang mga pangkat ng etnolinggwistiko ng ating arkipelago, marami pa ring mga kwento ang naghihintay na lang na mapakinggan. Ngayon, tukoy ko na ang sagot kung may mas nakatatakot pa ba engkanto’t aswang.
Hinumdum
LAUREL PUBLICATION
61
Paula Marie A. Soriano Michael Senobio Marahil ay ilang ulit mo nang narinig sa mga nakatatanda ang hirap nilang naranasan mula sa pagbubungkal ng tigang na lupa upang may maipunla. Makipaghabulan habang umuulan ng palaso upang makapangaso. Higit sa lahat, pag-uukit sa mga bato maitala lamang ang iilang titik. Maaaring ilang ulit mo na silang nakitang naglalakad-lakad, nagbabahay-bahay at nagmamasid-masid maisuot lamang sa parihabang butas ng latang kahon ang banig ng mga letra. “Trabahong hindi naman nila pinili pero sa kanila napunta.”
lathalain
PAGBULATLAT NG LIHAM Pagsilip sa kinahinatnan ng mensahero ng bayan
Lingid sa kaalaman ng marami ang propesyon ng pagka-kartero dahil sa ang mundo nga ay masyado nang moderno. Kung tutuusin ay hindi na kailangan ng mensahero dahil sa isang pindot mo lang sa telepono ay makararating na ang mensahe mo. Ang sistemang pangkoreo sa Pilipinas ay humigit 250 taon nang lumalaganap sa kasaysayan. Ang unang post opis ay naitatag sa siyudad ng Maynila taong 1767. Ito ay inorganisa sa ilalim ng “New Postal District” sa Espanya noong 1779 na lumaganap sa Maynila at sa buong lupain ng Pilipinas. Sa daan-daang taon na pananatili ng sistemang pangkoreo sa Pilipinas iba’t ibang pagbabago at hamon na rin ang kinaharap nito, tulad ng Ikalawang Digmaang Pandaigdigan na sumira sa post office noong 1945 na agad din naman nairehabilita noong 1946. Higit sa pisikal na hamon na kinaharap ng post opis sa Maynila ay ang pagbabagong dala ng modernisasyon sa pagpatak ng ika-21 siglo, kung kalian naging laganap ang paggamit ng mga modernong kagamitan upang mapadali ang komunikasyon. Kaya’t kasabay ng modernisasyong ito ay nakapagtataka na malaman kung ano nga ba ang epektong naidulot nito sa propesyon ng pagka-kartero sa Pilipinas. Paano na nga ba ang buhay ng isang kartero sa ngayon na kung kailan isang pindot na lamang ang pagpapadala ng mensahe kahit gaano man kalayo ang iyong minamahal sa buhay? Mananatili na lamang bang isang lihim ang makalumang paraan ng pagpapadala ng liham o patuloy itong sasabay sa modernisasyon?
LIHAM. Ang liham para sa iyo, dadalhin ng mamang nakasumbrero deretso sa bahay ninyo.
62
Sa likod ng Puting Espasyo na puno ng letra
Pilit pinapatay ngunit nanatiling buhay.
Tila nakabigkis na sa katawan ng mamang ito ang
bag na naglalaman ng mga mamahaling hiyas na nangagailangang ingatan. Hindi na baling mabasa ng ulan maihatid lang ang inaasahan, hindi bali nang mangitim sa tindi ng araw na nakatapat maibigay lang ang regalo sa nararapat, at hindi na baling habulin ng aso maibigay lamang ang sulat na para sa’yo. Iilan pa lang yan sa libo-libong karanasan ng isang kartero na si Joseph Dela Vega mula sa Pandi Bulacan— tatlong taon na sa serbisyo. “Hindi namin ginusto pero dito kami dinala,” Sino nga naman ang magnanais mahirapan para sa mensaheng pwede namang i-email na lang. Marahil ay mas maganda na lamang na humiga sa kama at gamitin ang telepono pagkatapos ay ayos na, ngunit hindi maitatanggi kung gaanong kasarap sa pakiramdam ang makakita ng ngiti mula sa taong halatang matagal na naghintay para sa tulad kong kartero lang naman. Hindi pahuhuli sa pagbabago ang sistemang pangkoreo, hindi maaring mapag-iwanan pagkat siguradong ito ay may ginagampanan. Sa makabagong panahon ay may tinatawag na Electronic Business Mail kung saan ang nagpadala ng sulat ay may kaalaman tungkol sa pagpoproseso ng sulat mababantayan nila ito sa pamamagitan ng kanilang Gmail Account. Mas pinabilis ngunit para pa rin sa isang hangarin na makarating ang mensahe. “Hindi namamatay ang pagka-kartero, sumasabay kami sa pagbabago, kami ang service provider ng hukuman. Hangga’t may kaso, tuloy ang trabaho at hanggat may ibang post office sa ibang bansa mananatili tayong nakatayo.” Maling isipin na sila’y pawala pagkat sa makabagong panahon sila ay mas kailangan pa— mga huwarang Kartero. Nakatutuwang sa 50 katao na tinanong kung alam ba nila ang trabaho ng kartero ay 4 lang ang sumagot na hindi. Ito ay patunay na sa kabila ng isang pindot na lamang sa teleponong sistema ay may espesyo na puwang pa rin ang mensahero ng ating bayan. “Hindi masamang tangkilikin ang bago pero sana matutong lumingon sa nakaraan dahil ito ang pinagmulan.” Maraming bagay, pagbabago, at realidad ang maaari nang tuluyan pumatay sa trabahong ito pero buhay at lumalagablab nang patuloy ang apoy para sa propesyong ito. Wag sanang ipagwalang-bahala ang mensaheng nais iparating ng mga mensahero ng ating bayan dahil ang ating mga kartero ay mananatili pa rin na isang permanenteng karakter sa kabila ng mga pagbabago.
Photo by Alyzandra Gabrielle Garcia LAUREL PUBLICATION
Hinumdum
Hinumdum
LAUREL PUBLICATION
63
lathalain
PITONG ISTASYON Pabalik at Pasulong:
Unang Istasyon: Ang Pagtatatag
lumang istasyon sa lalawigan.
Isang pinakatanyag na lumang istasyon ng tren sa Bulacan, ang natatanging Estacion de Guiguinto (o Guiguinto Train Station) ay naitatag sa makasaysayang taong 1661. Ito ay dating bahagi ng riles ng Ferrocaril Manila-Dagupan na nagsisilbing daan upang mapadali ang biyahe mula sa lalawigan patungo sa mga bayan. Katabi nito ang palengke at ang industriyal na mga pasilidad kaya naman talagang tanyag sapagkat matao at maingay ang paligid.
Kahit wasak na ang mga haligi, nakaaanyaya pa ring masaksihan sapagkat malinaw na mababakas sa mga ito ang tagal ng panahong lumipas na may taglay pa ring angas ng kasaysayan.
Ikalawang Istasyon: Ang Ganap sa Lipunan
Bahagi ang 10 istasyong riles pa-Tutuban hanggang Malolos ng Phase I ng kabuuang proyektong North-South Commuter Railway (NSCR) na magdurugtong mula sa Clark, Pampanga hanggang Calamba, Laguna.
Bagaman ika-27 ng Mayo 1898 pa lamang at malayo-layo pa sa kasalukuyan, makabuluhan pa rin ang pagsilip sa nakaraan dahil bukod sa ang istasyon ng Guiguinto ang mabilis na daan sa panahong iyon upang makapunta sa mga karatig-lalawigan, nangyari din noon dito ang madugong labanan! Dito mismo ang ganap kung saan ang 200 mga Katipunero ay lakas-loob na nagbuwis-buhay upang lumaban sa mga mapang-abusong prayle. Pinamunuan ng matapang na si Kap. Inocencio Tolentino, makikita na kahit dito sa Bulacan, tanaw ang pangil ng katapangan ng mga bayaning nag-aasam ng kalayaan para sa bayan. Sa katunayan, anim na prayle ang napatay nila, kabilang na ang malupit na prayle ng Guiguinto na si Padre Leocadio Sanchez at ang doktor nito. Ang huling halakhak pa rin ay sa mga pagal nang Pilipino.
Maiksing Ruta mula Guiginto Old Train Station Hanggang PNR at MRT sa Bulacan Rachelle Ann Guevarra Aliana Lopez
P
atuloy ang pagsulong ng modernisasyon. Palayo nang palayo sa kupas ng kahapon. Halika! Narito ang maiksing ruta upang lakbayin ang kasaysayan at silipin ang kinabukasan ng isa sa mga hindi man kilala ngunit makasaysayang tema sa lalawigan ng Bulacan; ang Estacion de Guiguinto.
64
LAUREL PUBLICATION
Hinumdum Hinumdum
Ang pangyayari ay nagawan pa nga ng isang katha ni Ginoong Severino Reyes– ang “Walang Sugat” na siyang pinakatanyag na zarzuela sa bansa na kalauna’y naging pelikula rin. Hindi ba’t kahanga-hanga? Totoo. Dito ‘yon naganap sa istasyong ito. Ikatlong Istasyon: Ang Pagkupas Kasalukuyan. Pasensya na’t medyo nagtagal. Hindi bale’t nandito na. Anong nangyari? Yung kahapong maingay, makulay at magulo, naging tahimik at kalmado. Malumot at madamo. Humupa ang labanan sa pagitan ng mga Pilipino at Kastila. Huminto rin kalaunan ang serbisyo ng istasyon matapos ang kasindak-sindak na tambangan noong madugong taon ng 1898. Kumupas at tumanda; gayunpaman, hanggang ngayon, natatangi pa rin ang ganda ng istasyon ng Guiguinto na tunay ngang kakaiba kumpara sa mga
Ikapat na Istasyon: Ang Pagpasok ng Bago Heto na! Nandito na sa bago. Sa loob ng 124 taong pagkakahimbing, muling uusbong ang panibagong riles sa Guiguinto sa taong 2022.
Sa kabilang banda, bahagi naman ng Phase II ang 17 istasyon na kinabibilangan ng Guiguinto, na magbibigay ng mas mabilis at kumportableng biyahe sa mga Pilipino mula Malolos, Bulacan hanggang Clark Freeport. Malaking proyekto ito ng Northrail na sinimulan pa noong panahon ng dating pangulong si Gloria Arroyo na bagaman natigil ay isang “Big-Ticket Project” ng administrasyong Duterte ngayon. Ikalimang na Istasyon: Ang Karagdagang Kaunlaran Kung patuloy ang biyahe sa basahing ito, matutuklasang sa kabilang banda, isa pang riles ang uusbong sa lalawigan ng Bulacan. Bilang proyekto ng Department of Transportation and Communication (DOTC) kasama ang San Miguel Corporation, inaasahang magsisilbi na rin sa madla sa taong 2022 ang Metro Rail Transit Line 7 (MRT7) na kasalukuya’y 49.22 porsiyento na ang natatapos. Sinimulan ang MRT7 noong Abril 2016. Sa habang 22 kilometro na binubuo ng 14 istasyon, masisilayan idudugtong nito ang siyudad ng EDSA North Avenue sa Quezon at ang San Jose del Monte, Bulacan. Ang noo’y dalawa hanggang tatlong oras na biyahe ay inaasahang magiging 35 minuto na lamang. Ikaanim na Istasyon: Ang Pag-asa sa Bukas Bukod sa PNR, ang MRT7 ang magiging daan sa mas progresibong ekonomiya sa lalawigan ng Bulacan. Katunayan, tantiyado na ng mga manunuri ang paglago ng lungsod ng San Jose del Monte sa mga susunod pang taon.
Hinumdum
LAUREL PUBLICATION
65
lathalain
Tahanan ng
Kalinangan sa Pag-alala ng Nakaraan Miguel Carlo J. Tancangc PAMANA. Hindi matutumba ng ano man ang itinagal ng gusaling niluma na ng panahon.
Batay sa opisyal na tala ng siyudad, taong 2010, oras na simulan ang proyektong MRT7 at pumasok ito sa lalawigan, susulong ang agarang urbanisasyon. Ikapitong Istasyon: Ang Pag-alaala Ito na ang pinakahuling ruta pero bago bumaba, mabuting alalahanin, ang lumang istasyon ng Guiguinto ay talagang napakahalagang pamana ng nakaraan para sa mga Bulakeño. Bagaman may umusbong nang mga bago; ang PNR at MRT7, mangyaring hindi malimot ang lasog nang istasyon. Katunayan nga, inihayag ni PNR General Manager Junn Magno na taos-pusong susuportahan ng gobyerno ang panunumbalik at pangangalaga sa mga labî ng istasyon na patotoo sa makasaysayang kaganapan noon sa lalawigan ng Bulacan.
T
ik! Tok! Tik! Tok! Oras ay mabilis na tumatakbo; di na puwedeng umatras, wala nang paliko-liko; pero maari naman sigurong magbalik-tanaw (throwback) sa ambag ng kapanahunan. Kung may time machine lamang talaga na gumagana, siguradong pasok tayo sa banga.
https://mapio.net/pic/p-105595775/
ta. Patuloy na aalalahanin. Patuloy na ipakikilala. Hingang maluwag, puwedeng bumaba na.
Kaibigang mambabasa, ganito na lamang; kulayan natin ang time machine ng may kaunting imahinasyon at babalik sa panahong umuunlad ang sibilisasyon ng Pinas— isa, dalawa, tatlo!
Hanggang dito na lang. Maiksi ngunit makabuluhan ang naging biyahe. Umalis na ang tren na nagdala sa’tin sa noon at naghatid sa’tin sa bukas. Balik sa wisyo. Balik sa ngayon. Tunay nga, anong daming nakabaong yaman sa kasaysayan na marapat balikan bago pa muling magtala ng panibagong simula sa lalawigan ng Bulacan!
(batayan: Inquirer.net) (batayan: GMA News Online) (batayan: Inquirer.net | Sunstar.com) (batayan: kenyotravel.weebly.com) (batayan: www.bulacan.gov.ph)
Bente-kuwatro oras itong babantayan upang hindi pamugaran ng mga iskwater. Magsisilbing atraksiyon sa mga turis-
66
https://www.pexels.com/photo/ birds-in-dusky-sky-above-buildings-5028939/ LAUREL PUBLICATION
Hinumdum Hinumdum
Hinumdum
LAUREL PUBLICATION
67
pansamantala lamang ito pagkat bagong pasanin ang naging kapalit at may plataporma na hatid. Sa bagong bakbakang dumating, ay may mga larawan ang kasaysayan ng bayan na nagpapakita ng mga ginawa ng puwersa ng Amerika sa sagupaan laban sa ating mga kababayan. Una na rito ang pagkuta ni Heneral Henry Lawton ng puwersang Amerikano kung saan ang mga tagpo ng digmaan ay pabor sa kanila ang kalamangan; at sa Bulwagang Ponce ay bakas ang kanyang pag-upo habang nagmamasid sa bintana ng lumang munisipyo taong 1899, sa mga panandal na larawan sa harapan ng tanghalan ay doon makikita ang mga larawang ito.
KAALAMAN SA APAT NA SULOK NG KWARTO. Ang museyo itinayo upang maging puntahan ng mga taong naghahanap ng kaalaman sa isang pahina ng papel.
Photo by Yessamin Gojocruz
Sa kabilang marker naman sa tanghalan ay isinaad ang pagpasok ng serbisyo sibil at lokal na pamamahala, hudyat na tapos na ang digmaan. Mayo 6, 1899, ay nahalal na unang alkalde ng bayan na si Francisco Guerrero at sa kabilang banda ang talaan ng mga alkalde ng Baliuag hanggang sa termino ni Pangulong Marcos ng 1971. Diwa ng Komonwelt at Ikatlong Republika:
Panahong Pre-kolonyal: Heto na! Narito na tayo sa bayan ng Baliug, sa lugar ng mga artisan at mga makata na sa panahong ginagalawan mo ngayon ay isang kanlungan ng makulay nating kasaysayan. Talon tayo pabalik sa panahong wala pang dayo sa bayan ni Juan. Noong mga katanyagan pa nila Rajah Sulayman sa Maynila, ay may isang bayan sa Bulacan ang nakakasabay sa kanilang sibilisadong pamumuhay; noon ang mga tao ay nakatutok sa agrikultura at ang yaman nila ay nasa Ilog Angat. Sa Bulwagang Joaquin Gonzales ay nakasabit sa mga kahoy na pader ang mga gawa nilang salakot (sombrero) at mga pamatok, handicraft naman nila ang paggawa ng bilao, buto ng kalabaw para sa inlaying at naghahabi din noon. Sa mesa ng nasabing bulwagan ay may almirol at iba pang kasangkapang pambahay na sinasabing mga ginamit ng ating mga ninuno sa panahon nila. Pagpasok ng Espanya: Ang gusali ay nakadisenyo sa sistemang Kastila; maraming bulwagan, at may tanghalan sa dulong unahan;
68
LAUREL PUBLICATION
Hinumdum Hinumdum
noon, ang museo at aklatan ay ang lumang tanggapan ng gobernadorcillo; sa Tanghalang Roman Carreon, ay nakasandal sa ibaba ang historical marker ng bayan. Isinasaad sa marker ang deklarasyon ng pagka-bayan (pueblo noon) ang Baliuag noong Mayo 15, 1734 sa atas ni Gobernador Heneral Fernando Valdez. Sa bayan na ito na lugar ng propagandista at kinikilalang bayani ng Baliuag na si Mariano Ponce; kilala sa alyas na Kalipulako, si Ponce ay isang repormista na kasabayan nina Jose Rizal at Marcelo Del Pilar sa Espanya at nag-ambag ng artikulo sa La Solidaridad. Anilay isang karangalan na maging ehemplo ng bayan, itinuring ang propaganda bilang hadlang ng mga dayo ngunit ang mga aral ni Ponce ay karga na ng bayang ito at inaalagaan ang mga aklat ukol sa kanya sa pampublikong aklatan kaya’t sa kanya rin ipinangalan ang bulwagan ng aklatan. Mga Agila at ang Pamahalaang Sibil: Muli nating sulyapan ang schema ng pagdating nitong mga agila mula Estados Unidos; napaalis ang mga Kastila, idineklarang malaya ni Heneral Aguinaldo ngunit
Kalagitnaan na ng pamahalaang sibil at paghahanda sa pagsasarili, ay naghihirap naman ang mga magsasakang Baliwag; 1912 sa pangunguna ni Atty. Vicente Almazar, ay naitatag ang Kapatiran ng Magsasaka na sinundan ni Emilio Rustia na naging alkalde kalaunan ang Samahan ng mga Nagsasaka at Magsasaka upang mapaunlad ang kita at produksyon. Taong 1937 ay dumalaw ang Pangulong Manuel Luis Quezon sa Baliuag upang bumagtas sa mga karatigbayan, sa isang larawan sa harap ng tanghalan ay makikita siya at ang gobernador ng lalawigan noon na si Gobernador Nicolas Buendia. Sa panahon na ito, umusbong ang lakas ng mga Enrile sa larangan ng pulitika, dalawa sa salinlahi ay naging mga alkalde ng bayan at ang kilala sa ngayon ay sina Dating Senador Juan Ponce Enrile at kanyang anak na si Jack kaya’t sa kanyang ama ipinangalan ang silid ng opisina nitong museo ng bayan. Naging maningning ang pag-asa sa bayan ng Baliuag matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa panahon ni Pangulong Elpidio Quirino mula sa Ikatlong Republika ay dinalaw nito ang bayan upang malaman ang karaingan at hiling ng mga mamamayan, sa isang larawan ay kasama niya noon ang alkaldeng si Guillermo Dela Merced.
Katanyagan at Kultura sa Diwang Bulakenyo: Marahil ay hindi mawawala sa isang bayan ang mga kilalang artista, talentado ang mga Pilipino kung susumahin ngunit hindi agad kumikinang sa paglinang sa kanilang sariling kultura. Hilig ng himig ang tala ng bayan sa industriya ng artista sa pag-usbong ng Banda Buenaventura at Banda 14; ang dalawa sa mga pinakamatatagal na pang-martsang banda na naitatag sa bansa; sa ilalim ng naunang nabanggit ang musikero na si Rolando Buenaventura. Naaalala mo ba ang awiting Ang Pipit; plautang dahon at ilan pang awit pambata na may saliw ang tunog? Iisa ang diwang nakapangalan sa kanilang bayan, si Levi Celerio, naging tanyag si Ka Levi sa larangan ng musika na gumawa ng 4,000 mga awitin at nakasabayan noon si Pilita Corales. Humahalakhak at sumasakit ang tiyan sa kakatawa? Balik pa tayo sa 1980s at lalo pang malala ang aabutin mo pagkat makikilala mo ang komedyante ng Baliwag na si Norberto Marcelino sa screen name na Bert Tawa Marcelo, sa panahon mo ngayon, wala na siya sa mundong ito, matagal na. Nagkamit ng maraming parangal sa larangan ng komedya si Marcelo at ang mga karangalang nakamit niya Aliw Awards at Marilao Jaycees ay nasa tanghalan ng museo at ang dalawa pa rito ay nasa Silid ni Jocelynang Baliwag. Katanungan, sino si Jocelynang Baliuag? Siya ay walang iba kundi ang isa sa mga kababaihan ng rebolusyon sa Bulacan na si Pepita Tiongson, kanilang pistang bayan ay ang imahen nito ay ipinaparada kasabay ng mga magagandang dilag ng bayan, ang kagandahan ni Jocelynang Baliuag ang nagbibigay liwanag sa bayan dala ang tapang at malasakit sa kapwa. Sa Baliuag, sa pag-alala kay Jose Rizal, may imahen ng ating pambansang bayani at tarpaulin print out na gawa ng iskultor na si Roman Carreon na siyang ipinangalan ang tanghalan. Aklatang Pambayan: Kaibigan, muli na tayong babalik sa kapanahunan kung saan ka marapat na pumaroon, ang kasalukuyang panahon; Tik! Tok! Tik! Tok! Darating na tayo sa panahong milenyo; bibilang muli ako mula isa hanggang tatlo; isa, dalawa, tatlo!
Hinumdum
LAUREL PUBLICATION
69
Narito na tayo sa panahong milenyo; taong 2015 minarkahan ang museo ng Baliuag bilang kanlungan ng kasaysayan ng Pambansang Museo; at sa ngayon ay bukas ito sa publiko nang libre; dinagdagsa ng mga estudyante araw-araw; sakop nito ang Tanggapang Francisco Guerrero at Bulwagang Mariano Ponce. Pinakaiingat-ingatan nila rito ang mga aklat sa pangalan ni Mariano Ponce, mga aklat ukol kay Jocelynang Baliuag — Kundiman ng Himagsikan, at ang orihinal na sipi ng Baliuag, Then and Now ni Rolando Villacorte na ginawaran noon ng Sertipiko ng Pagkilala matapos mailathala noong 1970. Ginawaran ang pampublikong aklatan sa dalawang magkasunod na taon bilang Outstanding Library Information System Awardee ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan mula 2018 hanggang nakaraaang taon. Pansinin mo kaibigan, maraming kabataan na ang di tulad mo; silang mga nasa panahon ngayon ay di na ganoon kaayos ang pananaw sa libro. Bakit? Dahilan sa maganda at mabilis na itong naibibigay ng internet ngayon. Ayon sa datos ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas, mababa sa 10,000 aklat ang mayroon ang karamihan sa mga silid-aklatan na mayroon tayo, di pa tiyak kung marami ang nagbabasa. Nagsisilbi sila sa oras ng trabaho ng pamahalaan kagaya ng ginagawa nating pagparito ngayon kaibigan.
Mapalad pa rin at nasa 73% ang mga nagbabasang kabataan sa ating mga aklatang pambayan kagaya sa Aklatang Bayan ng Baliuag. Ngunit sa kabila ng kagandahan ng mga resulta, ay may bawi namang 27% naman ang di nagsisipunta dahilan sa kalayuan ng lokasyon; naging malawak ba ang komprehensiyon ng mga kabataan? Batid ng mga panlabas na mga pag-aaral, kulelat tayo. Pag-aalaga at Preserbasyon ng Museo at Aklatan ng Baliuag: Kung susumahin natin ang nilalaman at ang pundasyon ng gusali ay marupok na ang ibang mga sahig nito at inaanay na ang mga kahoy nito, marami pang dapat gawin upang mapatibay ang gusaling ito. Sa ngayon, ay nakahiwalay na ang ibang mga tanggapan ng pamahalaang local ng Baliuag sa gusali ng lumang munisipyo taong 2017 upang matutukan ng Municipal Tourism Office ang pag-aalaga sa makasaysayang bahay — pamahalaan ng bayan.
henerasyon ang mga yamang makasaysayan ng kanilang bayan. Nasa pangangalaga ng Municipal Government ang Baliuag Museum and Library sa ilalim ng Alkalde Ferdinand Estrella at ng Museum Curator na si Jesusa Villanueva kayat itinatakbo pa rin ng maayos ang pangangalaga sa makasaysayang lugar. Sang-ayon sa Batas Republika Blg. 4846 o ang Batas ng Pangangalaga sa mga Kultural na Pag-Aari ng Estado sa Seksyon 1 na nagdedeklara sa patakaran, ng estado upang mapangalagaan at maprotektahan ang mahahalagang katangian ng kultura at Pambansang Kayamanan ng Pambansang Kultura at pangalagaan ang kanilang intrinsikong halaga.
Kaibigan, naikot na natin ang palibot ng museong
pambayan; nais mo bang mag-anyaya ng kaibigan? Ilakad ng date si crush o si jowa? Makasama pa sa mga paglalakbay ang mga magulang? Dito na tayo sa Baliuag Museum and Library! Libangan ng mga bata, aklatan ng kabataan at aklatang pambayan; museong nagpapatotoo sa ganap ng nakaraan. Interesado ka bang mapuntahan din ito? Makikita mo ang museo sa Old Municipal Hall, Baliuag Proper, Baliuag, Bulacan. Tahanan ng kalinangan, kanlungan ng nakaraan sa diwa ng kasalukuyan at sasandigan ng kinabukasan sa mamamayang Bulakenyo; halina’t dayuhin ang isang lugar na sumasalamin sa pinagmulan at pagkakakilanlan natin bilang Pilipino; tara na sa Baliuag Museum and Library at damhin ang pagkamakabayan ni Juan Dela Cruz.
Ipinagbabawal sa loob ang flash photography, paghawak sa mga kagamitan sa loob, at ang pagdadala ng mga bag sa loob kayat sa pag-ikot natin ay mga pluma at papel lamang ang maaring dalhin at mga camera na flash off. Antropolohiya at kasaysayan ang kinapapalooban ng museo kayat matinding pag-iingat ng lokal na pamahalaan ang isinasagawa para makita pa ng mga susunod na
lathalain
Ampulusyong Husgado Jamica Aguirre
70
LAUREL PUBLICATION
Hinumdum Hinumdum
Hinumdum
LAUREL PUBLICATION
71
nang pinanghahawakan ang libreto na nagpapanatli sa kanya sa posisyon. Naturingang muka ng masa na may iba’t ibang anyo at hangarin. Umalingawngaw sa national telebisyon at nabilang sa listahan ng mga tumanggap ng kickback mula sa pork barrel scam. Tila nagdurugtungan ang libreto na nasa ganyang panig na nagtataglay ng sumpa upang siya’y buwagin.
K
umukulong apoy ang pumaso sa natutulog na diwa, kamatayan ang wawasak sa sumpa ng kadiliman. Minsan kong niyakap ang mapanlinlang na mundo ngunit iba ang naging pagtanggap at unti-unting naglaho ang liwanag sa aking kinatatayuan. Dekada ang nagdaan kasabay ng mga mapanlinlang na pagkatao ang yumakap sa bawat indibidwal. Sumukob sa sambayanang Pilipino at pilit isinusuksok sa isipan ang paniniwala sa magandang buhay na tila nilamon na ng panahon.
May mga illegal na transaksyon na sa tinagal-tagal ng panahon tila hindi nabibigyan ng hangganan. Walang katapusang diskusyon, bulok na sistema ang pilit binibigyang diin upang mapaniwala ang mas nasa pinakamaliit na sektor ng lipunan. Subalit mananatili ang mga libreto para kay Bong Revilla.
Pinilit kong sundan ang tanglaw subalit sa paglapit nasilayan ang mukha ng mapanunuyong imahe ng kapanahunan. Binihisan ng mamahaling kasuotan, pinakulay ng mga gintong alahas at pinabango ang pangalan upang maupo sa trono ng pamahalaan.
Unti-unting naging tikom ang isyu na kinasangkutan ni Revilla, heto at muli ay napasakamay niya ang puwesto bilang senador, laging abot ang simpatya ng masa dahil ipinakita nya ang kapani-paniwalang pagsagip sa bayan. Ang salamin ng reyalidad ang daglian nyang ipinupukol upang ang bulag na sistema ay mapawalang sala. Kailanman ang angking talino ni Bong ay hindi pasusupil, gaano man kalaki o kaliit ang ipukol sa kanya hanggat nariyan ang libreto na nagtataglay ng sumpang pumapanig sa kanya upang maluklok sa posisyon ay walang makapipigil.
Pulang Korales ni Arroyo Marami ang nabighani sa mapanlinlang na panunuyo bilang kandidato. Tangan ang nakabibighaning koral lulan sa ilalim ng kanyang trono na handang humigop ng yaman ng bayan. Sa malawak na lupain pinangalandakan ang samu’t saring plataporma para sa madla. Lingid sa kaalaman ng lahat unti-unting dadanak ang malawakang korapsyon. Ginawang pang-akit ang pagsugpo sa walang katapusang korapsyon na pinangungunahan ng mga tiwaling nakaluklok sa trono ng senado. Ang usapin sa “transparency” at good governance na lantaran na ginawang mga palamuti upang maluklok bilang ikalabing apat na pangulo si Gloria Macapagal Arroyo simula taong 2001 hanggang 2010. Pinakilala sa madla ang mga mapanlinlang na mga korales na may bahid ng pula tanda ng tunay na pagkakilanlan bilang Arroyo. Sa paglipas ng mga araw naging salat sa swerte yaong bansa, ang mga sabik matamasa ang kaginhawaan ay nanatiling nakadungaw sa mga bintana ng reyalidad. Sa kabila ng lahat iyakap pa rin ang mga mapanlinlang na pulang korales, nanatiling tauhan ang bawat Pilipino at tinangkilik ang pag-upo ni Gloria sa trono. Lumaganap ang paghigop ng swerte ng mga pulang korales, nadama ang mga kakulangan, kagutuman, kahirapan at korapsyon na unti-unting sumasampal sa pisngi at mata ng bawat indibidwal. Hindi tumigil ang pagdanak ng mga pulang korales gumawa ng mga bagay na mas nagpabulag sa madla, naisulong na panandaliang nakatulong sa mga tao, mga programang pang-edukasyon, pangkalusugan at pang-ekonomiya ang inilatag at nabigyan ng pakatotoo. Sulat sa pagtatapos ng termino naging lantaran ang korapsyon at talamak na baluktot na paghati-hati ng pondong
72
LAUREL PUBLICATION
Hinumdum Hinumdum
SAGRADO. Ang agimat ay itinuturing na anting-anting ng mga taong may paniniwalang sagrado.
Libreto ni BONG Dahan-dahang lumaganap ang sumpa ng nakaaalingasaw na pagkatao bilang politiko. Sinupalpal ng samut-saring isyu ang panandaliang pananahimik sa mapayapang panunungkulan ni Bong Revilla. Matagal na panahon
Lumipas ang mga taon tila nabura sa isipan ng lahat ang ginawang korapsyon ng mga Estrada. Muli nilang nabihag ang mga Pilipino, naging mayor ng Maynila ang dating pangulo at umalingawngaw ang balitang naging legal ang mga illegal na aktibedades sa lungsod. Tila hindi nauuntog sa katotohanan ang nanatiling sumusuporta sa ganitong uri ng pamumuhay. Nabilog ang isipan at itinali ng salapi ang mga bibig na naghuhumiyaw na hustisya. Mula sa estratehiyang odom na nagpawala ng paningin ng madla, tila nabigyang laya ang lahat mula noong nakaraang eleksyon nagapi ang mahabang panunungkulan ng mga Estrada kasabay ng pagbuwag sa agimat ng odom. Sa dakong paroon, tanging liwanag ng pag-asa ang inaabangan sa madilim na sistema ng kasalukuyan na nagpapagapang sa dusa dahil sa piniling kapalaraan. Hindi natitigil ang ganitong sistema hangga’t ang pangunahing suliranin sa itaas ng gobyerno ay walang sumusupil sa pausbong na sungay ng mga halimaw na sakim sa yaman na pilit na humaharang sa liwanag. Ang mga nasa laylayan ay mananatili sa ibaba kung patuloy na itataas ng mga mapansariling kamay ang silya ng posisyon sa Gobyerno.
para sa bayan ay hindi maipaliwanag kung saan napunta. Pinagkatiwalaan, hinangaan, at tiningala; ganyan tratuhin ang isang babaeng may mataas na pinag-aralan, pinalilibutan ng mamahaling alahas subalit nagkukubli sa bayan. Paulit-ulit na inihalal sa iba’t ibang posisyon ng malawak na gobyerno si Arroyo sapagkat simula pa lamang isinaksak na niya sa puso at isipan ng madla ang lason ng pag-asa, hangga’t may Pilipinong naghahangad ng pagbabago sa pamahalaan nanatiling buhay ang patay na pagasa na lumalason sa buong bansa. Samut-saring katanungan na lingid sa madla ang gamit na agimat ni Arroyo ay ang mga mapanlinlang na pulang korales na mag pahanggang ngayon ay mananatli kung hindi maililibing sa ilalim ng trono ang mga pulang korales na sa simula pa lamang ay hindi nya tunay na pag-aari.
Nanungkulan ng tatlumpu’t isang buwan bilang pangulo ng Pilipinas, umugong ang balitang sangkot sa pagkamkam ng mga salapi mula sa iba’t ibang sektor ng pamahalaan. Taong 2001, inihain sa sandiganbayan ang agarang pag-impeach kalakip ang pagkadawit sa plunder at perjury na mas lalong nagpatibay sa kaso. Matapos ang masusing imbestigasyon, nasentensyahang guilty na nagdala sa kanya sa malamig na selda. Nag-iba ang landas na nahantong sa madilim na kapalaran. Mula sa odom na may kakayahang maging bulag ang mga tao sa reyalidad sa Gobyerno.
Photo by Kimberlly Victorio
Estratehiyang ODOM Sa mata ng mapang-bilanggong bayan mula sa angkan ng mga politiko, binigyang turing ang odom ni Estrada na bumulag sa lahat. Isang malaking marka ang administrasyon ni Joseph Estrada, sa nagdaang mga taon umugong ang mga maling gawain. Tila mga nakapiring ang mga mata na walang nakikita kundi ang estratehiyang isinupalpal sa madla. Nagkaroon ng mga galamay ang odom ni estrada, iniwasan ang mga sigalot ng lipunan at nagpakasasa sa trono ng bayan.
Isang malayong pagtanaw mula sa aking kinatatayuan, kaakibat ng mga mapanlinlang na nakikita ng mata ang kasingalingan na nasa paligid lamang. Nagkukubling pagkatao ang yumurak sa agimat ng pag-asa subalit kasabay ng paglawiswis ng hangin ang paglimot sa pighati ng nakalipas. Mula sa iba’t ibang mukha, nag-iiwan din ng kakaibang karanasan na minsan nating natunghayan ang katotohanan sa likod ng ating ibinoboto. Ngayon, tayo’y umunawa sa reyalidad ng pamahalaan upang maunawaan ang lahat kung ano nga ba talaga ang nararapat para sa ikauunlad nitong Pilipinas. Tara na! Hanapin ang liwanag para sa mga natutulog na diwa ng masang Pilipino.
Hinumdum
LAUREL PUBLICATION
73
maya
Asyumera
R
Juan2Tree_4
masdan mo ang mga maya
Matagal na ring nangungulila sa’yong mabilisang pagkawala; at ‘di sinasadyang makagat ang dila na labis ‘kong ikinatuwa.
paano mamuhay nang payapa kung kalamin, tumutuka kung mangalay, nagpapahinga humuhuning may galak sa initan sumisilong bago maulanan layagin mang higit sa kawalan, may tahanan pa ring uuwian.
PANITIKAN
Himlayan
Kandila
buhangin R
Juan2Tree_4
aking isinulat mga isipin sa buhangin.
Huling luha, ako’y tatahan kasabay ng pagkalusaw ng aking katawan na di-maglalaong titigas at mag iiwan ng bakas sa tahanan
ito’y burahin man saglit ng masasayang along darating, ay hihilahin ng dagat at sa malayo dadalhin.
luha R ang buhay ng tao sa pagluha umiikot mga taong nalikha raw mula sa alabok ngumangawang dumating dito sa magulong mundo nagdudulot rin ng pagluha sa payapang pagyao nang may luhang nailaan para sa mga naiwanan niya ngunit may tirang luha rin dahil siya’y nakaalpas na
74
LAUREL PUBLICATION
Hinumdum
LIHAM. Ang liham para sa iyo, dadalhin ng mamang nakasumbrero deretso sa bahay ninyo.
luhang didilig sa lupang aakap sa katawan na siyang magiging pangmolde sa mga bagong nilalang.
Nanunuyong Labi Juan2Tree_4 ang pagsidhi ng aking pangungulila’t ngiting ‘di masumpungan mga matang nangungurap sa nakabarang kalungkutan tila ihip ng hangin ay nagiba ang matamis na ngiti’y tinangay na’t ‘di na babalik pa
Hinumdum
LAUREL PUBLICATION
75
Paglaya Juan2Tree_4 kung ang solusyon sa pagtakas sa reyalidad ay ang maglayag sa laot nang mag-isa, gabayan sana ako ng mga tala o kaya’y dalhin ako ng hangin sa isla, tungo sa kaniyang pampang naglakad palayo, ang bawat hakbang ay nag-iiwan ng bakas ng nakaraan sana’y tangayin ng malakas na alon paibaba sa karagatan at nang ‘di ko na masilayan
HULAGWAYAN
black ink
Burnt Flower
R
Thalassophile
if i could turn my thoughts into black ink and
Closed eyes. Faded laughs, that’s all I hear. I used to change the water from the vase where your favorite flowers are. But it’s withered, Home burned, I’m suffocated. I guess, we both are.
if only i could tie it down to a torn out page maybe then i could forget it and bleed my last drop from this pen maybe then i could forget it and let the paper suffer with it instead.
PAG-ALALA SA MGA MAKASAYSAYANG LUGAR
“Tell Brother Junas, I am sorry I forced him not to leave and marry I made him carry burdensome obligations I just liked him to stay with me.” I listen to him and write down notes of the many people I have to meet A priest is confessing to me I must be some special kind of holy.
Deathbed Hacob
and forgot I was a priest.”
Father spoke on his old bed Voice soft and weak, he said; “Tell them this if I am dead; forgive me for the sins I’ve committed...”
“Go to Sis Loi and say I’m sorry I never really meant to shout at her The slap I did was not so hard yet I shouldn’t have done that part.”
“Tell Sis Gina, I am sorry I touched her leg and forced a kiss I was drunk of wine that night
76
LAUREL PUBLICATION
Hinumdum Hinumdum
“Tell Sis Vilma to please forgive me for teaching her to rob the church The contribution we collected I repent to take sixty percent.”
“Now, kid, it’s just the two of us left here in an abandoned room You’ll be alone, I will leave soon Go on your way and mind your own.” And that he closed his eyes Father passed away Maybe he’s out of time and forgot to say sorry, too to a molested child who stayed beside him; “It’s okay. I forgive you
Fernando Magno
Saksi ng kasaysayan mga matatag na bahay-dalanginan
Hinumdum
LAUREL PUBLICATION
77
BALITANG
ISPORTS S
a mabilis na takbo ng mga taon, buwan at araw, ang kaakit-akit na mga lugar sa ating bayan ay kumukupas na ang kagandahan.
Mga makasaysayang landmark na may sentimental value sa iilan at may mga dalang mahahalagang impormasyon sa ating lipunan. Biglang binago ang simoyng hangin, at naisip ng estado ang nasabi “walang saysay� na lugar ay muling ito ibabalik sa sarili nitong kagandahan upang buhayin ang ating pambansang pagkakakilanlan mayroon tayo ngayon. Gaya na lang ng mga simbahan na kung bibigyan pagkakataon lang silang makapagsalita ay hindi sasapat ang 24 oras para magkwento ng nakaraan; nang sa ganon ay para madagdagan ang ating kaalaman sa nakaraan. Alamin kung paano alagaan ang ating historical landmark at ibalik muli ang kanilang kagandahan. Photo by Kimberlly Victorio
78
LAUREL PUBLICATION
Hinumdum
Hinumdum
LAUREL PUBLICATION
79
UBUSAN - TORE: Umaatikabong bakbakan sa pagitan ng dalawang sona para sa inaasam na tagumpay sa laro ng DOTA.
DotA 1
Larong Napaglipasan ng Makabagong Panahon
Jewel Tristan Aaron Famaranco
T
unay ngang naging matagumpay ang larong Defense of the Ancient 2 o DOTA2 sa Pilipinas sa mahigit sampung taon. Hindi maitatanging ito ay naging parte na bilang libangan at kasiyahan lalo sa mga kabataan na nahihilig sa larong ito ngayon. Ngunit tila sa pag-usbong ng larong ito ay tila nalipasan na natin ang unang larong nagbigay saya sa atin noon.
Sino ba ang hindi makakalimot sa larong pinagmulan nito, ang DOTA1? Ang DOTA1 naging ugat ng lahat ng Moba games ngayon. Ang sarap alalahanin ng mga panahong magtitira ng baon upang makapaglaro sa pinakamalapit na computer shop sa eskwelahan. Kung minsan ay nagagawa pang mag-cutting ng iba sa para lamang makapaglaro. May mga tumatalon pa sa bakod at tumatakbo sa guard para lang matakas at makalabas ng eskwela. Madalas kampihan at labanan kasama ang mga kaklase. Kampihan na dapat balanse kung ang manlalaro sa bawat magkakalaban. Kung malakas ka maglaro ay ikaw yung pag-aagawan nag awing kakampi. Kung ikaw naman yung hindi masyadong marunong ay ikaw yung pang kumpleto lang para mabuo
80
LAUREL PUBLICATION
Hinumdum
https://www.redbull.com/sg-en/ banned-dota-2-players-with-thehighest-mmr
yung team. May mga panahon naman na maghahamon sa kabilang seksyon para makipagpustahan sa laro. Syempre kapag ikaw ang magaling ikaw ang magiging pambato ng seksyon n’yo. At kapag wala na makalaro ay hahanap ng mga tambay sa computer shop para maglibang maglaro.
pusta. Walang katumbas ang galak sa mga trash talk sa bawat kills at deaths sa laro lalo na kapag may naka-rampage sa clash. Sa mga nakakapang asar na kantyaw na “PANES!”, “ANO?!”, “ETO KAYO!” na may kasamang talsik ng laway pangduduro sa mukha kapag nauutakan ang kalaban.
Nakakaaliw na alalahanin ang mga manlalarong mala-pro player and datingan sa hitsura ng mukha kung pumili ng na dapat i-ban at dapat i-pick. Yung mga tipong nakapangalumbaba pa at kumukuyakoy habang nag-iisip. Kasama ang sigawan ng mga nanunuod kapag may mga mgagandang clash, may mga todo palakpak din. Sa napapahiyaw ng “OW!”, “BOOM!”, “WOW!” na may pagsuntok sa hangin lalo na ng mga naki-
Masaya kapag uuwing panalo sa laro. Mayroon nang bibit na pera sa pagkapanalo, mayroon pang baong yabang sa mga ibang seksyon. Kumbaga kayo ng team mo yung nagbigay ng pride sa sekyon n’yo. Kapag talo naman kanya-kanyang pampalubag loob sa sarili. Minsan dumadating sa na laro. Sa mga pustahan, kahit sino pa man ang naglalaban, mas Malaki ang pusta may kapanapanabik ang laban. Kahit hindi ka naglalaro ay tu-
wang-tuwa dahil sa magandang laban. Nakakabilib ang sikmura ng mga kabataang maghapon na naglalaro at tamabay sa computer shop. Mga manlalarong nabubuhay sa biskwit, junk foods, at palamig lang ang laman ng tiyan. Marami din naman na manlalarong sobrang lakas ng immune system na kahit mausok dahil sa mga naninigarilyo at kahit anong init o lamig ng panahon ay tuloy pa din sa paglalaro. Mayroon din na mga kabataan din na handing magtiis sa amoy ng mga kasamang naglalaro, kahit amoy alimuom na pawis na ang mga katabi. Hindi alintana ng mga manlalaro ang mga init, amoy, gutom, at tagal ng oras ng paglalaro dahil masaya sila sa kanilang ginagawa. Kanya-kanyang at kabi-kabila ang sigaw ng “time ka na!”, “kuya ekstend
pa!”. Mayroon din naming mga nakikinood na tamabay o nag-aantay ng bakanteng kompyuter na maingay pa sa naglalaro kapag nagtuturo. Karamihan sa naglalaro ay nagpapatugtog pa ng mga kantang hango sa laro, mga kantang katulad ng DOTA o ako.
Hindi maitatangi na naging
kasiya-siya ang paglalaro ng DOTA1. Isa ito sa naging parte ng buhay ng mga kabataang manlalaro noon. Ngunit tila parang ito ay napaglipasan na ng panahon. Dahil sa mga bagong usbong na laro na kihuhumalingan ng karamihan ngayon. Kinalimutan na nga ba ang larong ito? Ala-ala na nga lang ang larong ito?
Hinumdum
LAUREL PUBLICATION
81
ISPORTS
to Archers sa ilalim ni Coach Rica Louise Barawid; pana at palaso ang naging puhunan ni Pau para mag-uwi ng medalya sa kanyang naunang mga partisipasyon. “Naging champion ako at nag rank one ng nakaraang taon; sobrang masaya dahil nacover din ako ng dalawang beses ng sikat na publikasyon sa Sarmiento at iyon ay ang Laurel Publication.” kwento ni Pau.
“Dahil sa paglalaro sa Sarmiento ay naging kilala ako sa Sarmiento Campus at madami akong natuturuan at na-iinspire sa paglalaro ng Archery.” dagdag pa nito. Para naman kay Lady Booter Maria Angela Mustacho, karanasan ang pinakamagaling na maestro upang maipakita ang gilas sa paglalaro; ika nga “Against All Odds”.
“Ang naging benefits nito para sa akin ay mas lalo akong natuto at syempre, nalaman kong hindi madaling lumaban sa ibang koponan at manalo. As of now, wala pa akong masasabing achievements ko as player ng Sarmiento Campus; pero I will do my best to prove na kaya nating makipagsabayan sa iba.” pahayag ni Anggeh.
BABANGONG MGA BITUIN: Nagpamalas ng tikas ang Sarmiento Stars sa iba’t ibang palakasan sa ginanap na 2019 BulSU Intramurals mula Oktubre 21 hanggang Nobyembre 7.
Buhay na Ugat Miguel Tancangco
Photo by Joshua Maranan
Sa baway tagumpay na nakakamit ng bawat atletang San Joseno ay dumadaan muna sila sa butas ng
karayom; nandiyan na ang injuries, baldahang training, tough schedule at exam; iba’t ibang rason ng paghihirap na mayroon ang isang atleta, dito pa lamang sa BulSU-SC. “Naging hamon sa akin ay ang pagsabayin ang paglalaro at pag-asral; ngunit ang naging malaking hamon sa amin ay ang kakulangan sa mga gamit. Dahil sa kamahalan ng aming sport, ay hindi kami nagkaroon ng maayos na training.” “Pero sa awa ng Diyos, kahit na ganoon ang aming nararanasan, ay naging consistent na champion sa loob ng tatlong taon.” banggit ni Pau.
Magkaibsng mundo nga naman talaga ang bawat indibidwal; kaya’t kung ano ang isa, iyon na, pwera pa sa iba. “Syempre, ang naging hamon sa amin is kung paano kami magiging connected sa isa’t isa as a team, and na-challenge pa ako na ibigay pa ang lahat ng aking makakaya.” ani Mustacho. “Gusto ko kasi ma-satisfy mga co-students ko sa Sarmiento Campus. At isa pa, sa kakulangan ng facilities, isa ito sa naging pagsubok ko kung paano gagawan ng paraan upang makapag-training kami sa napili naming sport.” dagdag pa ni Anggeh.
Likas na dedikatibo ang ating mga
atleta, sa bawat hamong dumating, iisa lamang ang nais na resolba, ang biyaya ng medalya. Hindi man naging madali ang kanilang tinahak sa pagsabak sa BulSU Intramurals, marami silang napulot na aral ng buhay sa tulong ng karanasan. “Lahat ng bagay na pinaghihirapan ay magkakaroon ng bunga kung ating pagbubutihin at pagsisikapan; maglaro ng buong puso at ibigay ang lahat ng makakaya; ngunit wag kalilimutan ang pag-aaral at pagdarasal sapagkat ito ang tunay na mahalaga upaang maiuwi ang minimithi nating parangal.” huling sabi ni Chavez. “Ang naging aral nito sa aking buhay ay pagiging matiyaga sa bagay na gusto mong gawin at mapagtagumpayan dahil sa lahat ng hirap na iginugugol sa bawat training at alam ko na ito ay nakakatulong sa akin. Pagiging matatag at huwag sumuko kung anuman ang gustong makamit.” pangwakas na pahayag ng Women’s Futsal Captain.
Sina Paulo at Angela, mga halimbawa ng mga atletang sumuong sa mataas na alon ng mga hamon upang ibandera ang kanilang unibersidad. Padayon! Mga buhay na ugat na dumadaloy ang sakripisyo at dedikasyon sa kanilang larangan.
K
ada taon ay sumasalang ang Sarmiento Campus sa prestihiyosong Intramurals na ginaganap sa Malolos, taon-taon; sa bawat buwan na lumilipas tuwing naghahanda ang mga atleta at coaches, laging may barikada.
Sangkatutak na mga suliraning kinakaharap ng mga student-athletes na lumalahok sa pamosong torneo ng paaralan; sa kabila ng Free Higher Education, maraming naeengganyo pa rin na sumali pagkat ang nais ng karamihan na maglaan ng oras para sa karangalan ng sintang unibersidad Isa rito ang beteranong archer na si Paulo Chavez; graduating ngayong taon at kapitan ng Sarmien-
82
LAUREL PUBLICATION
Hinumdum Hinumdum
Hinumdum
LAUREL PUBLICATION
83
ISPORTS
Liksi ng Liit, Lakas na Matinik Miguel Tancangco
nabighani sa kanyang M araming kakisigan, ang kanyang liksi
sa pagbanat ng katawanay di matatawaran; at ibinandera ang Pilipinas sa larangan ng gymnastics; gwapito at lapitin ng mga kababaihan; siya ay ang unang Pilipino na lumusot sa 2020 Tokyo Olympics ng pambansang koponan, si Carlos Edriel Yulo
DAAN SA TOKYO: Ginulat ni Carlos Yulo ang mundo sa pagkamit ng ginto sa prestihiyosong 2019 World Artistic Gymnastics Championships.
Tubong Maynila si Carlos at lumaking mulat sa kanyang larangan; at nang dahilan sa pamamasyal sa kanya ng kanyang lolo ay naakit ito sa gymnastics; bata pa lamang ay kinakitaan ng husay.
Sa unang bahagi ng kanyang karera ay sumungkit si Caloy ng apat nag into at pumitik ng isa pa noong 2011 Philippine National Games sa ilalim pa siya ng kanyang unang mentor na si Rodrigo Ortero.
Kaya naman si Caloy ay naisabak agad sa mga palarong lokal ng NCR at humakot ng mga parangal sa unang bahagi ng kanyang karera, isang magandang simulain para sa isang bata na may mataas na pangarap.
Taong 2018 sa ilalim naman siya ni Japanese coach Munehiro Kugimiya ay naging maingay na ang pangalan niya sa prestihiyosong Artistic Gymnastics World Championships kung saan sa edad na 18 ay dinagit niya ang tanso sa floor exercise event; unang lalaking gymnast mula sa Timog Silangang Asya na nag-uwi ng medalya sa nasabing torneo.
Sa taas na 4’11 ay nabighani niya ang mundo matapos ang kanyang dominasyon noong 2018 kung saan nakabingwit siya ng tanso; ang galling niya ay namana sa kanyang ama na si Andrew na isa ring gymnast noon. Mula sa Aurora Quezon Elementary, ay naging bahagi na agad siya ng NCR Gymnastics Team sa Palarong Pambansa; nahatak ng Adamson noong kanyang sekundarya at nagpasyang tumulak sa Tokyo para mag-aral ng kursong Literatura noong 2013.
84
LAUREL PUBLICATION
Hinumdum Hinumdum
https://gulfnews.com/sport/carlos-edrielyulo-claims-philippines-first-ever-gold-atthe-fig-artistic-gymnastics-world-championships-1.1570956734455
At noong nakaraang taon, ay nabingwit niya rin ang inaasam na ginto sa nasabing torneo, daan upang makatuntong sa inaabangang 2020 Tokyo Olympics sa Agosto, isang bagong daanan ng kanyang nagningning na karera. Nitong katatapos lamang na SEA Games ay mayroon siyang dalawang ginto at limang pilak; unang pwesto sa all-around at floor exercise
at nangalawa naman sa pommel horse, still ring, vault, parallel at horizontal bars. At dahilan sa kanyang ipinamalas, nagkamit siya ng karangalan mula sa 2020 Philippine Sports Writers Association Awards na may titulong Presidential Awardee. Wala pang Pilipino na nakakasungkit ng ginto sa Olympics at sa larangan ng gymnastics kaya’t kanyang inaasinta ngayon ay ang pagkuha ng pangarap nating gintong medalya para sa bansa. “Last year, I was looking at my medal, and I was like, I will get the gold medal next year.” pahayag ni Caloy sa isang panayam para sa kanyang misyon sa Tokyo ngayong taon. Maliit, ngunit nakakapuwing, di katangkaran ngunit maliksi, wala sa tangkad ang pagiging magilas; tapang at dedikasyon sa larangan ang ipinakita ni Yulo upang ibandera ang bansa sa daigdig. Galing ng Pinoy!
Hinumdum
LAUREL PUBLICATION
85
https://www.facebook.com/SarmientoLSC/ posts/198580501535583https://www.facebook.com/SarmientoLSC/posts/1985https://www.facebook.com/SarmientoLSC/pos ts/19858050153558380501535583
MATAGUMPAY NA PAGDEPENSA: Muling nagpatibay at nagpakitang - gilas ang Bulacan State University, daan tungo sa ika - 23 taong paghahari sa 2020 SCUAA na naigawad, Pebrero 8.
SPORTS
Gold Gears Capture SCUAA Championship Miguel Tancangco
86
LAUREL PUBLICATION
Hinumdum Hinumdum
C
APAS, Tarlac - Bulacan State University prove the other universities and colleges in Region III that they are still the strongest competing school as they defend their title in the recently concluded State Colleges and Universities Athletic Association (SCUAA) Meet held at New Clark City, February 8, 2020. An impressive title defense was settled by the university after making its 23rd Overall Championship peat way back from its winning ways starting from 1997; a legacy a university was marked. With a total of 236 medals with 99 gold record breakers, the Gold Gears
had a great lap over runners up Bataan Peninsula State University (BPSU) with just 112 inside the 60 top notches; while Central Luzon State University (CLSU) placed third with 59 ending at 211 medals. Most of the sporting events were dominated by the Gold Gears as they dominated the race for gold with 99 of it in addition of 49 silvers and 88 bronze. The runners up finished with 60 with 31 second placers and 21 bronze medals. CLSU at third with 59 – 83 – 69 record; behind them are the host Tarlac State University (TSU) with a stint of 49 – 47 – 49. Aurora State
College of Technology ended as last placers of the tournament with 1 – 12 – 6 medal records among the 13 participating SUC’s in the region. Most of the events where the Gold Gears prevail are still defended including volleyball events, athletics, and sepak takraw that highlighted the 329 delegates from the Malolos Campus and satellite campuses of the university. Most of the delegates of the university will participate in the national SCUAA meet to be announced as soon as possible for the athletes to have ample time to prepare.
Hinumdum
LAUREL PUBLICATION
87
KOMIKS STRIP
88
LAUREL PUBLICATION
Hinumdum Hinumdum
Hinumdum
LAUREL PUBLICATION
89
Hinumdum Laurel Publication MAGAZINE 2019 - 2020