Tudla at Tindig: Mga Tulang LIRA laban sa Huwad na Bayani at Laksang Paglimot November 30, 2016

Page 1


Tudla at Tindig Mga Tulang LIRA Laban sa Huwad na Bayani at Laksang Paglimot

Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo


Tudla at Tindig

Karapatang-ari Š 2016 ng mga makata at ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) Reserbado ang lahat ng karapatan. Walang bahagi ng koleksiyong ito ang maaaring gamitin sa anumang anyo at paraan, maliban kung may nakasulat na pahintulot mula sa may hawak ng karapatang-ari o kung kailangang sipiin sa pagsusuri at pananaliksik pang-akademya.


Nilalaman Karl Isaac Santos | Sa Araw ng Libing.............................................5 Nat Pardo-Labang | #Milenyal..........................................................6 Manuel Ortega Abis | Sapantaha.......................................................7 Romulo P. Baquiran, Jr. | Hindi Bayani.............................................8 Joey A. Tabula | Sa Libingan ng mga Bayani..................................9 Louie Jon A. Sanchez | Dung-aw......................................................10       | Desesperado................................................11 Kid Orit | Pagbibisikleta......................................................................13 Jerry B. Grácio | Muhi.........................................................................14     | Libing.......................................................................15 Beverly W. Siy | Ang mga Kuwento ni Lolo...................................16 Marne Kilates | Howl 2016.................................................................17


Tudla at Tindig: Mga Tulang LIRA sa Huwad na Bayani at Laksang Paglimot

SA ARAW NG LIBING Karl Isaac Santos Sa araw ng libing ng isang bayani, Nagsabwatan ang paligid at pagkakataon. Buhรกy ang langit sa kabughawan At ang mga ulap ay mga nag-uunahan na kuneho. May pangkat ng maya na sama-samang sumalimbay sa amihan. Isa-isang nagsihรกpon sa mga punong nagkabantay sa hukay, At humuni na tila umaawit ng magandang balita. Malulusog ang mga damo sa sementeryo, Busog sa sikat ng araw at biyaya ng mga ibon: Nakayukong nagbibigay-galang ang kaluntian Sa pagdiriwang ng taon. Sa di kalayuan ay maririnig ang martsa ng taong-bayan. Unti-unting nangingitim ang mga kalsada.

5


Tudla at Tindig: Mga Tulang LIRA sa Huwad na Bayani at Laksang Paglimot

#MILENYAL Nat Pardo-Labang Sa gitna ng ulan, pinagbuklod sila ng sigwa at ng pag-asang magbago ang masamang ihip ng hangin na sumira sa kukute ng mga nasa Korte Suprema. Hindi nila kailangang danasin ang pighati upang magkadahilan sa pakikipaglaban. Sapat na ang alam nila na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa lumilitaw ang mga katawan nina Jun Quimpo, Cristina Catalla, kasama ng iba pang naglahong bigla noong itong Apo ay naghari. #MarcosNoHero Botox ni Imee, Tuition ni Sandro, Pera ng Bayan Hukayin, Hukayin! ang kanilang mga palahaw. Dama nila ang bawat paso ng sigarilyo sa labi ni Liliosa Hilao. Nagngitngit sila sa galit sa mga nakalimot at nangmamaang-maangan. Silang mga tinawag na walang-alam sa nakaraan ang nagpapaalala ng kasaysayan sa mga nagbubulag-bulagan. Pinakalembang nila ang kampana sa pag-asang aalingawngaw ang mensaheng hindi mamamatay kailanman ang kawalan ng katarungan.

6


Tudla at Tindig: Mga Tulang LIRA sa Huwad na Bayani at Laksang Paglimot

SAPANTAHA Manuel Ortega Abis Pudpod na ang dila Ng aking pala at ang kuko ng aking piko nang muli akong nagkamalay Bilang sepulturero – ang tunay na bayani ng mga libingan – na walangTigil ang paghuhukay. Saglit ko munang inilibing ang aking sariling Pagkayamot nang aking mabasa ang nakaukit sa lapida ng kung sino’ng Ihihimlay dito. Minamadali nila ako’t pasesementuhan at papipinturahan Pa raw kasi nila ang pinakaloob nito. Ngunit – teka. Muli kong hinagisan Ng tingin ang nakaukit sa lapida. Nakapagtataka. Lagpas taon. Lagpas Dekada ang bibilanging pagitan sa araw ng pagpanaw at sa araw Ng pagpapalibing. At ngayon ay kailangan nila akong madaliin. Nanlaki ang aking mga mata. May biglang sumagi sa aking isipan Na tulad ng putik at pawis sa hayag kong dibdib ay hindi karakarakang Maipapagpag na lamang. Sa loob-loob ko: Ilang milyon, bilyon, trilyong piso Ang naging abuloy na kusa at hindi panakaw na ibinigay sa burol Ng isang kalansay na noong huli kong matunghayan sa hapag Ng isang premyadong embalsamador ay hinahalukay pa rin Ng mga nagtatabaan at nagmamadaling Anay ang bungo!

7


Tudla at Tindig: Mga Tulang LIRA sa Huwad na Bayani at Laksang Paglimot

HINDI BAYANI Romulo P. Baquiran, Jr. Hindi naman siya Lam-ang Isang kalansay na lamang Ni hindi titilaukan Ng salamangka ng tandang Ayon sa epikong bayan. Di totoong nakihamok Lider-gerilyang kilabot Sa bukid, parang, at bundok Kundi naglubid lang ng pusok Panloko sa tagaluklok. Siya kasi ang halimaw Baya’y ganid na sinaklaw Pinagdugo araw-araw: Sa pahirap na kuwidaw Disiplinang dapat lang daw. Walang buwayang nabigti Namulang ilog o lati Laksang isdang nangaputi Walang Ines na mayumi Pagkaitim lang na budhi. Ipalamon sa berkakan Siyang nagtaksil sa bayan Heroeng huwad, ‘wag tularan Ni tipunin ang kalansay Walang muling magbubuhay.

8


Tudla at Tindig: Mga Tulang LIRA sa Huwad na Bayani at Laksang Paglimot

SA LIBINGAN NG MGA BAYANI Joey A. Tabula Ginulantang kaming mga bangkay Ng sepulturero. Tanghaling tapat Nang iniluwal kami ng sariling puntod. Mamamahinga na raw si Marcos. Makakahinga na ang mga Marcos. Makapagmamahika na ang mga Marcos. Pumalahaw ang ulap at kalangitan Sa mga putok ng baril—papuri raw At paggalang sa sundalong pumanaw. Kaming nakasantabi’t naisantabing Patay ang tinatamaan nang tinatamaan Ng mga de-susi’t unipormadong sundalo. Walang lakas ang aming kalansay. Wala nang kalamnan o kasukasuan. Gusto naming manlaban, manlaban! Lunggati naming mailibing sa tahimik. Lunggati naming mailibing. Ngayon, Lunggati naming mailibing ang tahimik. Mag-iingay kami mamayang madaling-araw. Aalog-alugin ang magkakabiláng tadyang. Itong mga butó-butóng patpat, pakinggan, Pakinggan, ay monotonong aalingawngaw!

9


Tudla at Tindig: Mga Tulang LIRA sa Huwad na Bayani at Laksang Paglimot

DUNG-AW Louie Jon A. Sanchez Di man siya gaanong kilala, siyang tinatawag na Franklin, Natunghayan ko sa kaniyang ataul ang kahinahinayang Na tikas na pinarangal ng wari’y almiroladong uniporme. Gunita ko’y isang malagim na engkuwentro ang ganap Na nagpabalik sa kaniya sa kandungan ng bayang ito, At sa inang halos masiraan ng bait, nakaupo sa gilid Ng puting ataul. Kaysinop ng pagkakabihis, kontrapunto Ng terminal na paghimbing: banaag pa sa kaniyang noo Ang tila kirot ng pagkubkob sa kaniya ng rebeldeng bala. Ililibing na siya noon, pinasisilip ang buong baryo sa huling Pagkakataon; naglulupasay ang ina, tanghal ang dalamhati Habang nagbebelo ng itim ang kamag-anakang kasama— Sumilip din ako, at sumulak sa dibdib ang isang di kilalang Damdamin. Isang musmos, tumitingkayad sa harap ng ataul, Nakikibahagi sa luksang mapanakop, minamalas ang labi Ng di kilalang kapitbahay—kinislutan ng habiling mistula Tandaan, tandaan ito. Isinara ang ataul. Nagpugay-putok Ang mga kabarong tutók ang nguso ng mga armas sa lupa.

10


Tudla at Tindig: Mga Tulang LIRA sa Huwad na Bayani at Laksang Paglimot

DESESPERADO Louie Jon A. Sanchez Hindi na raw kasi tayo mabiro. Ano naman nga Ang kaso kung maganda talaga ang misyonerong Natugis, napatumba ng bala’t sinalaula sa preso? Ano naman daw ngayon kung sa pila, dapat nauna Ang alkalde bago ang mayores? Tumawa naman Ang lahat, at ipagtatanong pa ba ang pagkamapaglaro Kung sa araw-araw na ginawa ng diyos, hitik sa mura Ang bunganga nitong itinuturing na tagapagligtas Na handang bigyan tayo ng malinis na pamamahala? Sagot ng mga kapanalig, sugod, kuyog, mga kapatid! Dahil ang panggagahasa ay biro-biruan lámang, At kahit ang anak ng alkalde ay umaming biktima Ng pagyurak sa puri, ngunit iboboto pa rin niya Ang ama (siyempre, ama niya iyon) at kailangan Lámang matuto tayong umunawa. Alin ba talaga Ang mahirap maunawa? Ang biro o yaong parang Biro na libong humahalakhak sa biro at handang Tugisin ang mga hindi tumatawa? Sana nga’y biro Lámang ang lahat, sapagkat sa panahong malutong Ang tawanan, at aliw ang madla sa astang maginoo Pero medyo bastos—kontrapunto ng lahat ng mahal Na kawastuhang nakasusuka rin naman kalaunan— Lumilitaw na anghel ang desesperasyon, binabati Ang lahat, bigkas ang balita: mamili kayo, mabaliw O masawi? At parang ang sarap magtaas ng kamay At magtanong kung mayroon ba talagang pagpipilian. Binabaliw na tayo ng sari-saring kamatayan, at tanging

11


Tudla at Tindig: Mga Tulang LIRA sa Huwad na Bayani at Laksang Paglimot

Gútom ang nag-iisang wikang inuusal ng mga bituka Mulang pitak hanggang looban. Baka nga sanggano Ang maaaring tumapat sa mga sanggano ng lipunan, At ang pagtawa’t pagkikibit-balikat sa biro ay paglibak Sa ordeng winindang-windang ang lahat. Maaari nga, Sa kaibuturan ng mga halakhak, naroroong kumikibot Ang akala ng lahat ay patay nang pag-asa, halinhinang Hinalay sa mahabang panahon ng pananalig sa katwiran At hinahon. Dinarahas ng tawanan ang napatatahimik Sa ngitngit, sa pagtataká sa pagsamba sa bagong poon Na nagtataya, muli at muli, ng kaniyang búhay. Dinarahas Din ng tawanan ang mga humahalakhak dahil kumakapit Sa pangako’t mga narinig nang salita. Mabaliw o masawi, Iyan ang katanungan, at ang bawat isa, sa huli, ay pumipili Ng masisikmura’t maaari’y maitatawang biro ng tadhana.

12


Tudla at Tindig: Mga Tulang LIRA sa Huwad na Bayani at Laksang Paglimot

PAGBIBISIKLETA Kid Orit “Sa ikauunlad ng bayan, bisikleta ang kailangan” —Ariel Ureta Kapag natutuha’y di na nalilimot. Kahit matagal nang di nakakapadyak, tuloy lang ang gulong sa kanyang pag-ikot. Nais mong mamasyal, kahit na pagsubok sa aking balanse itong pag-aangkas, noong natutuha’y di na nalilimot. Mahigpit ang kapit, may kaunting takot, ang mga kamay mong nanlamig ang balat— tuloy lang ang gulong sa kanyang pag-ikot. Kung sa’n man abutin ang ating paglibot, ang mga mata mo’y may ningning at galak— isang alaalang di na nalilimot. Tinuruan kita kung pa’no itukod ang paa mo, bago sumemplang. Gumasgas tuloy itong gulong sa kanyang pag-ikot. Di ko naiwasang matisod, mahulog sa mga tuhod mong nagkasugat-sugat. Nasasaktan tayo nang di makalimot kahit pigilan pa ang gulong. Iikot.

13


Tudla at Tindig: Mga Tulang LIRA sa Huwad na Bayani at Laksang Paglimot

MUHI Jerry B. Grácio

Pasintabi kay Romulo Sandoval Papandayin natin magmula sa poot Ang isang pag-ibig na hindi lilimot Sa lahat ng sama ng mga panahong Kumitil sa ating nasa na umirog Lagpas sa sariling pithaya at libog; Kundi tumutungo sa malayong dako Ng mga piitan, buhay na naglaho, ‘Ginupo ng dahas, pinatay ng gutom, Nilibing nang walang panandang pangalan. Namumuhi tayo dahil umiibig, Magmula sa ubod ng galit sa mali— Di dapat malibing sa sagradong pook Ng mga bayani ang dahil ng ating Muhing di mapawi, hindi mapapawi Hangga’t ang pag-ibig na hanap sa ati’y Tagibang at sablay. Hukayin ang bangkay!

14


Tudla at Tindig: Mga Tulang LIRA sa Huwad na Bayani at Laksang Paglimot

LIBING Jerry B. Grรกcio Kay puti ng krus Na nakatanod sa puntod. Sariwa ang bulaklak Sa alay na korona. Halos mapunit sa lakas Ng hangin ang bandila. Kay ringal ng saliw Na tugtog ng banda. Sa ilalim ng lupa, Hindi titigil sa pagngasab Ang mga uod Sa ubod ng itim Niyang kaluluwa. Dahil wala siyang awa, Wala rin silang awa.

15


Tudla at Tindig: Mga Tulang LIRA sa Huwad na Bayani at Laksang Paglimot

ANG MGA KUWENTO NI LOLO Beverly W. Siy

Noong unang panahon, mga apo, gabi-gabi kaming nangingidnap ng mga aktibista. Wala, di kami makapalag, utos kasi ng nakatataas. Dinadala namin ang mga aktibista sa liblib na mga bayan. Paaaminin namin sila ng kung ano-anong kasalanan. Pag hindi sila nagsalita, bubunutan namin sila ng mga kuko. Iyan, iha, pinky ba ang tawag n’yo diyan ngayon? Iyang pinakamaliit na daliri ang inuuna namin, para hindi naman magulat ang binubunutan. Ay, tawa kami nang tawa habang sigaw-iyak sila. Nakakatawa kasi ‘yong mga mukha nila, parang pinipilipit na tsinelas. Kapag naubos na namin ang mga kuko sa kamay, iyon namang sa paa. Kapag naubos ang nasa paa, babalik kami sa ulo. Bubunutan naman namin sila ng ngipin. Iyon ang mahirap, aba’y naiisahan nila kami. Kinakagat nila ang mga palad namin. Matindi sila kung gumanti. Gigil na gigil sila kung mangagat. Nagkakasugat-sugat ang kamay namin. Ang sakit tuloy, lalo na kapag kumakalabit kami ng gatilyo. Kapag babae naman ang nadudukot namin, naku, mas mahirap. Kailangan naming maghanap ng mas liblib na lugar dahil mas matinis ang mga sigaw nila, kahit pa busalan namin ang kanilang bunganga ng sarilii nilang mga panty. Ay, baka may makarinig. Ang haba-haba ng biyahe kasi kung saansaang probinsiya kami napapadpad. Gabing-gabi na ang dating namin at saka pa lang kami makakapaghapunan, kanin, galunggong. Pero minsan, laro muna bago kain, pampatanggal ng hapo. Sabay-sabay kaming hihithit ng sigarilyo, tapos sabay-sabay din naming papatayin ang mga ito sa suso ng babae. Magkabilang suso. Unahan pa nga kami sa utong. May premyong dagdag na tasa ng kanin ang sinumang makapagpapatay ng sigarilyo sa mismong utong. Kay babaw ng kaligayahan namin noon, ano? At alam n’yo, minsan, nangingidnap din kami ng pami-pamilya. Pag may babae at lalaki na magkapatid, ibinubukod na namin iyan. Wala kasing telebisyon sa mga lugar na pinagdadalhan namin sa kanila, kaya sila na lang ang show sa gabi. Pampalipas-oras din ba. Pinagtatalik namin ang magkapatid. Sabi namin, pipilahan naming lahat ang babae kapag sinuway nila kami. Sigaw-iyak naman na susunod ang dalawa. Hala, hubad agad. At kami, tiis-tiis sa lamok. Kagat dito, kagat doon, kay peste. Kailangan talaga naming magtiis para lang mapanood nang buo ang palabas, palakpakan mula umpisa hanggang wakas. Ganon ang aming panahon, mga iho at iha. Masaya na mahirap. Mahirap na masaya. 16


Tudla at Tindig: Mga Tulang LIRA sa Huwad na Bayani at Laksang Paglimot

HOWL 2016 Marne Kilates

(Abridged for everyone’s short attention span, with apologies to Allen Ginsberg) I saw the best minds of my generation destroyed by madness & indifference & ignorance maddened by blood lust to kill kill kill suspected criminals punished without crime without trial without due process under no rule of law indifferent to civilization’s highest mark of humanity the right of humans to live to work to become their better selves I saw them bristle and scoff and laugh hysterically at the mere mention of human rights saying they were for the protection of criminals not knowing they were for the protection of themselves I saw and heard them maddened mesmerized by the chorus to kill kill kill orchestrated by the madman they elected consecrated with their plurality vote I saw them in uniform behind black masks riding motorcycles felling their targets on the sidewalk on city streets in the dirty slums under the handsome high-rises I saw them kill kill kill: Enforcers of the law become executioners of the law in order enforce the law I saw them kill kill kill only the poor but I only saw their feet in flip-flops splayed lifeless in dark alleys under police cars near faucets where they wanted to slake their thirst I saw them give the lifeless hand an obsolete .38 caliber to hold and all they had to show invariably were the victim’s pockets filled with measly grams of crack shabu no self-respecting pusher would be caught carrying I heard them say they fought back and left the victims hands twisted at the back the rope or handcuffs removed no one heard them pleading for their life I saw the little girl hit by bullet but the father survived I saw the little girl hit by bullet lying by her dead companion and her Barbie Doll I heard the chorus sing this must be done to save our country and they kept killing kill kill kill I saw the best minds of my generation applauding cheering kill kill kill I saw the senators and congressmen joining the chorus kill kill kill I saw them dancing like chimpanzees in the august halls chanting kill kill kill I saw the TV newsmen and women the radio announcers turn glassy eyed and spouting gibberish never mentioning death on the streets and joining the chorus kill kill kill I heard the priests delivering sermons speaking in tongues about the goodness of the Gospels but nothing about the kill kill kill I heard nothing from the lawyers and the doctors and the respected educated professors teaching the youngest minds of my generation but not a peep about kill kill kill 17


Tudla at Tindig: Mga Tulang LIRA sa Huwad na Bayani at Laksang Paglimot

I heard I saw my president elected enshrined in MalacaĂąang proclaiming to one & all the deposed Dictator kicked out at EDSA spirited to Hawaii by his American sponsors was his idol Whom he adored imitated & whose machinations were his model whose mind he did not equal but whose savagery he surpassed with his obsession & vision of kill kill kill I heard I saw my president elected enshrined in MalacaĂąang spewing his favorite expletives Putang Ina I will kill you I will kill more of you I will kill more for you kill kill kill and no one said anything else no one said anything else And all joined the best minds of my generation singing the chorus antiphonal polyphonic in unison kill kill kill

18


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.