6 minute read

Quiambao Bayaua I dream of you

digital art

Lauren Angela Chua

Galaw

Galaw ga·láw png

1: [Pan Tag] kílos

2: masining na pagkilos o pagganap ng isang artista kung umaawit, nagsasayaw, o nagsasalita

3: paghawak o paghipo na hindi kailangan : LIKÓT4

4: [Pan Tag] birò1

5: Kol umít

6: pagkakaroon ng seksuwal na karanasan — pnr na·ga·láw — pnd ga·la·wín, gu·ma·láw.

— diksiyonaryo.ph

Hindi kalaboso ang ganitong tagpo para sa nauuhaw na gámit ang lakas ng kanyang kamay, pinisil ang baywang, inilapat sa lábi ang nalalabíng kamusmusan upang ibsan ang nanunuyong loob.

Kailan pa naging pamatid-uhaw ang katawang nagpupumiglas?

Ginalaw, Nagalaw,

Nilangaw ang pagpalahaw ng gahasa

‘pagkat nasilid sa mga pantig ng paggalaw.

Hindi baso ang ginalaw, para ikampay at ipagdiwang.

Bakit hindi kasingsidhi ng pagdiriwang ang pagkasuklam?

Binabalot ng katahimikang kakampi ng napiping saksi.

Sipi mula sa

Ang Madugong Pakikipagsapalaran nila

Darna, Dysebel, at Zsazsa Zaturnnah

Ina Abuan

Fade In:

Ang Galit ni Darna

Seq. 1: Int. Mula sa kwarto ni Narda. Day. Nakikita mula sa bintana ang kasisikat na araw. Sumasayaw ang kurtina sa ugoy ng hangin. Naririnig mula sa labas ng bahay ang tilaok ng manok at ang huni ng mga ibon. Maaliwalas ang lahat.

Makikita ang kama ni Nardang gulu-gulo. Gusot na gusot ang kumot at makikita si Nardang lumuluha. Umiiyak at namimilipit sa sakit. Balot ng puting kumot makikitang may malaking mantsa ng dugo sa kaniyang puwetan.

Dumadaing sa sakit. Walang kalakas-lakas niyang inuungol ang pangalan ng kaniyang Lola Asay.

Seq. 2: Int. Bahay ni Narda. Day.

Bigla-biglang papasok nang puno ng galak ang kaniyang lolang naka-daster, may rolers pa ang buhok, at may hawak-hawak sa kaniyang kanang kamay na sandok.

Lola Asay

Narda, apo, gising na! Nagluto ako ng paborito mong ulam, tortang talong! Dumaan kasi si Marlyn kaninang umaga at binentahan ako ng bagong pitas niyang mga gulay! Dali na bago pa...

Matitigilan ang matanda. Magugulat sa makikita niyang nakahandusay at namimilipit sa kamang si Narda. Dali-dali niyang lalapitan ang apo.

Lola Asay

Apo! Ano’ng nangyari sa’yo? Saklolo, mga kapitbahay!

Darna! Darna! Kailangan namin ng tulong mo! Darnaaa!

‘Asan ka ngayong kailangang-kailangan ka namin?

Biglang mapapamulat ang luhaang si Narda. Magkakaroon ng konting lakas para sagutin ang kaniyang lola.

Narda

‘La... Ano ba? ‘Wag kang OA, please. Masakit.

Pagsagot, sabay tatalikuran niya ang kaniyang lola para mag-fetal position.

Mahihimasmasan sandali ang matanda, pero babalik uli sa pagiging histerikal nang pagtalikod sa kaniya ni Narda ay makikita ang mantsa ng dugo sa kumot.

Manlalaki ang mata at sabay dudungaw sa bintana at magsisisigaw.

Lola Asay

Saklolo, mga kapit-bahay, may nang ano sa apo ko! Si Darna! Tawagin si Darna! Hindi niya ako naririnig!

DARNAAA!

Mapipilitang bumangon si Narda mula sa pagkakahiga. Gagamitin ang natitirang lakas para suwayin ang lola. Hirap pa ‘ring gumalaw at magsalita.

Narda

Lola! Tumigil nga po kayo sa kasisigaw. ‘Wag kayong OA. Please! Ako si Darna!

Mahihimasmasan nang tuluyan ang matanda nang makitang nakaupo sa kama si Narda.

Lola Asay

Ay! Oo nga pala, apo! Ikaw nga pala si Darna. Pasensiya ka na. Bakit ka may dugo? Ano’ng nangyari?

Mangiyak-ngiyak na lalapitan ang apo at uupo sa gilid ng kama. Yayakapin ang apo na tila hindi nakita ng ilang buwan.

Narda

Aray, Lola!

Lola Asay

Ay, sori. Ano’ng nangyari sa’yo? Bakit may dugo?

Aalisin ni Narda ang kumot at ipakikita ang dugo sa bandang gitna ng kaniyang dilaw na pajama.

Lola Asay

Susmaryosep ka naman, apo! Akala ko kung napano ka na. Akala ko naman pinagsakluban na ako ng langit at lupa! Regla. Regla lang naman pala, e!

Narda

Regla nga po, Lola. Pero bakit masakit? Ano’ng gagawin ko? Bakit ang sakit-sakit ng puson ko?

Lola Asay

Natural lang ‘yan. Ganyan talaga kapag dinaratnan ang mga babae. Sumasakit ang puson. ‘Yaan mo...

Maiiwang nakatanga si Narda habang papalabas ang kaniyang lola na hindi man lang tinapos ang kaniyang sinasabi.

Seq. 3: Int. Bahay ni Narda. sa Kusina. Day.

Dali-daling kukuha ng lumang bote ng Gatorade ang matanda mula sa ilalim ng lababo. Huhugasan niya nang mabilisan at kukuha ng tubig sa termos. Mapapaso ang matanda at mapapamura. Kukuha nang basahan sa isang drawer at ibabalot ang boteng may mainit na tubig. Pagkatapos, dali-dali siyang babalik sa kwarto ni Nardang nagsasalita, tinatapos ang sinasabi kanina na parang walang nangyari.

Lola Asay

... heto o. (Iaabot ang bote sa apo.) Ipukpok mo sa ulo mo para tumigil ang sakit.

Narda

Talaga, ‘La? Wala po akong lakas, kayo na lang po ang pumukpok sa akin.

Tatalikuran ni Narda ang nakangising matanda.

Lola Asay

O ayan, apo, para maibsan ang sakit ipatong mo sa may puson mo. Mamaya-maya lang bubuti na ang pakiramdam mo. Ganyan talaga.

Uupo sa pagkakahiga si Narda na nakakunot ang noo. Hahawakan ang bote pero bibitiwan kaagad dahil mapapaso.

Narda

Ano nanaman ba ‘to, ‘La? Sinasapian nanaman kayo ni Mang Kepweng e. Wala po bang gamot na lang na pwedeng inumin? Nakakapaso, baka malapnos naman ang balat ko n’yan.

Biglang sisimangutan ni Lola Asay ang apo. Mangingisay ng 3 segundo at biglang sasapian ni SIRIng may British accent.

Lola Asay/British SIRI

Presenting his findings to the Physiological Society’s annual conference, Dr Brian King said: ‘The pain of colic, cystitis and menstrual period pain is caused by a temporary reduction in blood flow to organs, causing local tissue damage and activating pain receptors.

‘The heat doesn’t just provide comfort and have a placebo effect - it actually deactivates the pain at a molecular level in much the same way as pharmaceutical painkillers work. We have discovered how this molecular process works.’

The researchers used genetic engineering to make heat and pain receptor proteins in the same cell and examined the interaction.

They found that if warmth over 40 degrees Celsius is applied to the skin near to where internal pain is felt, it switches on heat receptors at the site of injury.

These heat receptors in turn block the effect of chemical messengers that cause pain to be detected by the body.

Read more: http://www.dailymail.co.uk/health/ article-394086/Hot-water-bottle-really-does-ease-periodpains.html#ixzz4mOvKAOEw

Pagkatapos iirapan ni Lola Asay ang apo at tatayo sa kama. Pipigilin ni Narda ang matanda.

Narda

Sorry, ‘La. Akin na po ‘yan.

Lola Asay

Kayo talagang mga kabataan ngayon, hindi na marunong makinig sa matatanda. Saka lang kayo makikinig pag may citation sa internet. Dalaga pa lang ako at wala pang internet alam ko na ‘yan, ano.

Iismiran ng matanda si Narda sabay abot sa apo ng bote.

Narda

Pasensiya ka na, ‘La.

Ipapatong ni Narda ang bote sa may puson. Makikita sa mukhang makakaramdam ng konting ginhawa.

Lola Asay

Sige, ipatong mo lang ‘yan d’yan. Pag bumuti-buti na ang pakiramdam mo ay lumabas ka na para makakain ka na ng agahan. Sayang naman ‘yon. Magwawalis lang ako sa may bakuran.

Simona Marie Javier

kare-kare

tatlong tasa. peanut butter sticks. unmoving kahit anong taktak. “hindi ‘yan tasa, kutsara ginamit mo.” okay lang mom, at least i know what’s tinidor. the jar rests emptied after sinimot, kapampangan-made upon your insistence that the taste of home can be carried in its unassuming orange cap, and that betraying our roots would curse our food rotten. oxtail simmers, tender for eager mouths to feast, “igisa ang bawang at sibuyas, para magkalasa ‘yung pagkain natin.” the sizzling of the pan is reminiscent of days i was cradled to your chest, carried in one arm as you cooked with the other. now i have outgrown you, towering and reaching for cabinets i’ve once tiptoed, waiting for my turn to earn a spot in the space you’ve cultivated your love.

“pagkatapos, pakukuluan ‘yung pechay, sitaw at talong.”, the kusina bustles and overflows, both mother and daughter by the stove; an aroma flows from the kaldero i stir to the kapitbahay next door

“nak, gayahin mo lang recipe ko”, the creation knows its maker it understands that you made me, too ang ugali natin kapag tumitikim, sinasawsaw ulit ang sandok kahit galing na sa ating bibig. and the way our eyes gleam when the sauce begins to simmer. once the heat is off, we serve onto waiting plates, sided with freshly cooked rice and a dollop of fermented, salty paste home-made from your biggest kawali, worn with scratches from every delicacy you’ve whipped into existence, no jar from the grocery shelves contented the refined palate of a chef with a lifetime of experience preparing our baon before dawn broke, or curating sunday’s family feast, so you took it upon your own hands to create one from scratch transforming heaps of alamang purchased in bags from the palengke, a sea of flavor, a scent that wafts to every corner of our house. when we sit at the table the flavor passes down, bite after bite after bite a taste of peanut butter that— sticks, translates care. care.

This article is from: