Malate Literary Folio tomo XXX bilang 3

Page 1



MALATE LITERARY FOLIO

TOMO XXX BILANG 3 AGOSTO 2014


MALATE LITERARY FOLIO Tomo XXX Bilang 3 Karapatang-ariŠ 2014

A

ng Malate Literary Folio ang opisyal na publikasyon ng sinig at panitikan ng Pamantasang De La Salle - Manila, sa ilalim ng awtoridad ng Student Media Office (SMO). Ang mga kumento at mungkahi ay maaaring ipahatid sa:

Rm. 503-A, Bro. Gabriel Connon Hall, De La Salle University-Manila, 2401 Taft Avenue, Malate, Manila. Landline no. 524-4611 local 701 E-mail address: mlf@dlsu.edu.ph

Nananatili sa indibidwal na may-akda o may-dibuho ang karapatangari ng bawat piyesang ipinalimbag dito. Hindi maaaring ipalathala muli o gamitin sa anumang paraan ang alin man sa mga nilalaman nang walang karampatang pahintulot ng may-akda o may-dibuho Ang tomong ito ay hindi ipinagbibili. Ang pabalat ay likha nina Miguel Antonio Luistro at Sabrina Anne Gloria


INTRODUKSYON

We were born without our consent; we were not given the

choice to live; we did not choose how or when or where or to whom we wanted to be born. We were told that we had Free Will: the power to write our own stories; to walk our own paths, but only—this is what they forgot to tell us—as much as our pen has ink, until our paper runs out, with only the words we have in our vocabulary; along spaces between walls, on solid ground. As we go about writing and walking, we encounter new characters. We talk, we touch. We hurt them and they hurt us—not always on purpose. We make mistakes and faults. We make apologies. We say things we don’t mean, mean things we don’t say. Lie and be lied to. Do things we know we’ll regret but hope not. Bleed and heal. Make and strengthen beliefs we will later on doubt. Squint into blinding lights. Out of curiosity or necessity or stupidity. There are dramas and comedies. And then tragedies. And then silences. Throughout all this, some of us learn; some of us grow. Move on, along with the plot. Some things are left out or kept out.

i


Anyway, we make it this far. From time to time, we reread what we’ve drafted so far, retrace the paths we’ve taken. This time, we see differently. Perhaps there is time for revision, for rerouting? Take a break; take a shower. We take another look. We might think about how we should end our story, at this point. Or when it should end.

CHRISTEL KIMBERLY T. CANTILLAS Punong Patnugot

ii


NILALAMAN Introduksyon

i

Prosa

Ang Tulang Pinoy Bilang Strata/Saray at Salamin ng Kamalayang Pinoy Mark Angeles

Teknolohiya Czharisse Ventanilla

Babala Alec Joshua Paradeza

Bulong-bulong Janssen Dale Cunanan

Paglabas ng Usok Vyanka Xandra Velasquez

Ihinlanggam 44 Alec Joshua Paradeza

Kalayaan Christa Dela Cruz

1 7

22 35

43

51

iii


Crossing Christel Kimberly Cantillas

66

Breaking Parameters Alec Joshua Paradeza, Jeremy Yumul, Bernadette Santua

69

Pasubali Czyrone Angelo Galang

19

The Birth of a Monster and the Death of the Babaylaan Joseph Malabanan

The Bud Luck 30 Maan de Loyola

Pina 33 Jef Carnay

Maleficent 34 Joseph Malabanan

Still Life 42 Kevin Christian Roque

National Anmial Kevin Christian Roque

50

Hereafter Lady Joyce Noele JarviĂąa

65

Sining

iv

21


Talukap 80 Sabrina Anne Gloria

Nostalgia 81 Kevin Christian Roque

For a Sea Change 83 Pamela Justine Lite

Tula Pamamagitan Jericho Miguel Aguado

17

Ammend Christel Kimberly Cantillas

18

Bisita Patricia Marie Bernasor

32

Moving Out 82 Jeremy Yumul

Retrato

Millenials Adriel Paul Tangoan

6

Nguyab Steven Encarnacion

15

Musmos Patricia Rojas

16

v


Sala Adriel Paul Tangoan

Guho Eunice Eileen Marie Sanchez

Adan 31 Francisco Gabriel NuĂąez

Burot Beach, 2014 41 Steven Encarnacion

20

Moro-moro Miguel Antonio Luistro Pasasalamat

vi

29

68 x



PATNUGUTAN Christel Kimberly Cantillas Punong Patnugot Patnugot ng Tula Sabrina Anne Gloria Pangalawang Patnugot Patnugot ng Sining Daniel John Leonardo Tagapamahalang Patnugot Tagapamahala ng Marketing at mga Magaganap Miguel Antonio Luistro Patnugot ng Retrato Vyanka Xandra Velasquez Patnugot ng Prosa Patricia Marie Bernasor Tagapamahala ng Pagmamay-ari

MGA SENYOR NA PATNUGOT Francis Ray Quintana Eunice Eileen Marie Sanchez Marie Elizabeth Savillo Czharisse Ventanilla

TAGAPAYO Dr. Lakangiting Garcia

viii


MGA KASAPI Maria Samantha Abalos Jericho Miguel Aguado Aaron Jan Baldomar Janssen Dale Cunanan Lavilla Dauag Cybele Delgado Pedro Rodrigo Dimaano Luke Perry Embate Steven Encarnacion Mashan Bernice Espiritu Czyrone Angelo Galang Lady Joyce Noele Jarviña Monica Kaluag Pamela Justine Lite

Jessica Pauline Lopez Joseph Malabanan Jonah Marie Mendoza Julian Russel Noche Francisco Gabriel Nuñez Katrice Obrero Juan Carlo Ona Alec Joshua Paradeza Mae Rabino Patricia Rojas Adriel Paul Tangoan Bea Katrina Tanhueco John Vianney Ventura Jeremy Yumul

STUDENT MEDIA OFFICE Randy Torrecampo Director Joanna Paula Queddeng Coordinator Ma. Manuela Agdeppa Secretary ix



Malate Literary Folio

MARK ANGELES

Ang Tulang Pinoy Bilang Strata/Saray at Salamin ng Kamalayang Pinoy Isang usaping may dalawang daluyan ang pagtimbang kung may bisa ang tula para ilarawan ang kamalayan ng mga Pinoy/Pilipino. Una, napakadaling sabihin na ang tula, tulad ng iba pang sining, ay produkto lamang ng Manlilikha. Ang salitang poem ay nag-ugat sa wikang Latin at Griyego para sa isang bagay na nilikha o bunga ng paglikha. Nakatutuwang isipin na likhâ ang tawag noong unang panahon sa mga lilok na bato at luwad, ginawa para sambahin. Kaya ang isang likha ay itinuturing na sagrado. Ngunit ang nagsulat ng tula ay tao. Kaya ang tula ay timplada lamang ng kanyang kakayahan at limitasyon, with a dash of samu’t saring motibo. Sa isang banda, kailangang usisain kung sino nga ba ang tunay na Pilipino. Ano-ano ang mga katangian ng isang Pilipino? Kapag natukoy na natin kung sino ang tunay na Pilipino, madali na nating masasabi na ang isang tula na isinulat ng isang Pilipino ay talagang naglalarawan ng kamalayan ng isang Pilipino. Masasabi rin natin kung mabisa niyang nailarawan ang kamalayan ng isang Pilipino. Ang ganitong uri ng pag-uusisa ay magdadala sa atin sa marami pang mga pag-uusisa tulad ng, Maaari bang tunay na mailarawan ng isang hindi

1


Tomo XXX Bilang 3

Pilipino ang kamalayan ng isang Pilipino? at, Mailalarawan ba ang kamalayan ng isang Pilipino gamit ang wika na hindi naman katutubo sa Pilipinas? Kung gayon, masasabi natin na napakasalimuot nitong daang gusto nating tawirin, at maaaring mapanganib. Pero, sabi nga, lahat ng tanong ay mapanganib kaya gorabels lang tayo. Nakakahumaling ding tuklasin kung ano nga ba ang kamalayang Pilipino. Nasa wikang Ingles ang tema ng okasyong ito: Filipino consciousness. Conscious nga ba talaga tayong mga Pilipino? May malay nga ba tayo, o may malay-tao nga ba tayo? Baka naman wala tayong ulirat. Mas akma siguro ang Filipino unconciousness. At kung gayon, baka kailangan nating mahimasmasan o matauhan. Kung mayroon tayong mga sintomas ng ganitong kalagayan, naipapakita ba ito ng tula? At dahil alam ng tula, o ng manlilikha/ makata/manunula na nangyayari ang ganito, nagbibigay ba siya ng mga mungkahi para mahimasmasan o matauhan ang mga Pilipino? Isa pang dapat usisain ay kung ano nga ba ng tula? Ano-ano ang mga katangian ng isang tula para masabing tula nga iyong likha na nakaengkuwentro natin? Ang tula, ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino, ay “isang akdang may mga taludtod, lalo na ang may nalinang na anyong pampanitikan, natatangi sa masidhing gamit ng salita at ritmo upang ipahayag ang isang malikhaing pagtingin sa isang paksa”. Iyan ang kahulugan ng tula na para bang salin lang ng definition ng poem sa isang diksyunaryo na nasa wikang Ingles. Na-sad ako na hindi ko natagpuan kung saan nag-ugat ang salitang tula (baka maling edisyon ang nabuklat ko, hindi kaya?). Hindi tulad ng poem na nabanggit ko nang una, with matching Latin at Greek origins pa. Kamakailan lang, nagsaliksik ako ng tungkol sa kabyawan. Sa kasalukuyan, dalawa na ang kahulugan ng kabyawan: una, katumbas sa Filipino ng “mill”, o mas partikular, ang pinag-ugatan nitong “sugarcane mill” na tawag sa makinang panipsip ng katas ng tubo; at, (2) ‘yung buong proseso mismo ng paggapas ng tubo hanggang sa pagluto ng arnibal para maging asukal. Natuklasan kong ginagamit na sa Indonesia ang salitang kabyawan para tukuyin ang mga white-

2


Ang Tulang Pinoy Bilang Strata/Saray at Salamin ng Kamalayang Pinoy

collar worker. Sa salitang Malay, ang karyawan ay nangangahulugang “manggagawang-kamay” (craftsman) at “mangangatha” (composer) pero sa kasalukuyan ay ginagamit na ito para tukuyin ang mga laureado. Ang salitang ugat nito ay karyaw o “paggawa”. Kaya nausisa ko tuloy kung may pinagmulan nga ba ang salitang tula. Napadpad ako sa diksyunaryong Español-Ingles. Ang salitang Español na tola (walang impit) ay isang pang-uri na kasingkahulugan ng “estupido”! Siyempre hindi ako papayag na ganoon ang tingin sa tula (o sa bagay na pinatutungkulan ng pangalang ito); kaya naisip ko na baka mas ok pang tawagin itong kabyawan, hindi kaya? Ganoon din ang nangyari sa tala para sa saknong. Ang saknong ay “pangkat ng mga taludtod ng tula”. Malayong-malayo sa stanza na galing sa salitang Italyano para sa “silid”. Itinuturing na kuwartokuwarto ang isang grupo ng mga stanza. Parang isang tenement o condominium ang tula. Parang Sogo diyan sa Pasay Rotonda. Pero seryoso, hindi ba napakasarap isipin na ang isang tula ay binubuo ng mga silid? Masarap ding isipin na ang mga ninuno nating mga Pilipino ay likas na mahilig sa tula o awit na patula. Gusto ko itong bigyang-pansin dahil ang katutubong tula ay hindi nakasulat sa papel; ito ay binibigkas o inaawit. Bago pa tayo sakupin ng kolonyalistang Espanyol, punumpuno ng tula ang ating buong katawan—mula pagsilang hanggang kamatayan, at kung ipapalagay, hanggang sa kabilang-buhay. Magsimula tayo sa pag-ibig dahil, totoo naman, napakasarap na topic ang pag-ibig. #kiligmuch Mayroon tayong mga kundiman na awit sa pag-ibig. Ngunit hindi lamang ito awit para sa mga magsing-irog tulad ng harana/ balitaw/panawagon/bayok, tulad ng akala ng mga iskolar na prayle. Laman din nito ang pananalig natin sa ating bayan at mga kasama. Kapag sinagot na ni dalaga si binata, andiyan na ang lihiman para sa araw ng kasal. Kapag nagbunga na ang kanilang pagmamahalan, nandiyan ang uyayi/hele/ili-ili para sa pagpapatulog ng sanggol. Sa pagpapalaki ng anak, may mga tulang pambata/ida-ida/canciones para abing. Hindi lamang basta libangan ang bugtong/tigmo/paktakon/ patototdon, kundi nagpapatalas pa ng analytical skills. Magagabayan

3


Tomo XXX Bilang 3

din sila ng mga salawikain at tanaga/basahanon/daraida/daragilon. Sa mga karaniwang araw, nariyan ang mga diona at ambahan. Kapag naglalakad sa daan, nandiyan ang indolanin at dolayin. Kapag may piyesta at reunion, nandiyan ang sambotani. Kapag nakikidigma ang mga katutubo, nandiyan ang kumintang. Kapag nanalo sila sa digmaan, nandiyan ang tagumpay at dopayinin. Kapag namamangka, nandiyan ang soliranin at tigpasin. Kapag nagbabayo ng palay, may mambayu. Pati sa paglaklak, may tagay. May balagtasan, bukanegan, crisotan, cancionan. May mala-battle rap tulad ng bikal. Kapag namatay na, may duplo, kanogon/annako, at karagatan. May epiko pang kadalasan ay binibigkas ng mga baylan. Mula sa mga awiting bayan na may tugma’t sukat, hanggang sa malayang taludturan, hanggang sa kung ano-ano pang pektus sa tula, naikukuwento ang buhay ng manlilikha/makata/manunula at ng mga nasa paligid niya. Iyon nga lang, nang sakupin na tayo ng imperyalistang Kano, nagkaroon na ng bagong moralidad o itong tinatawag na neoliberalismo, kaya, imbes na collective o shared experience ang tema at execution, naging indibiduwalista na rin ang mga tula. Ang mga masasayang tula ay sentimental at didaktiko hanggang sa mapalitan ng yabang, ngitngit, at nguyngoy ng manunula. Pati nga ako ay natatapilok dito. Sa puntong ito, masasabi natin na, aba, oo nga, ang tulang Pilipino ay naglalaman ng kamalayan ng manunulang Pilipino. Kung gayon, laman din nito ang kanyang ideolohiya o linyang pampolitika. Ibig sabihin, nasa tula, tulad ng iba pang likhang-sining, ang kanyang bias. Ibig sabihin, laman din nito ang pretentions ng ilang manunula, laureado man o sampay-bakod. Ibig sabihin, tinatalakay ng kanyang tula ang inaakala niyang tunay na kalagayan ng mga Pilipino; o, ng inimbento niyang kamalayan ng mga Pilipino. (Hindi ako exempted sa mga pag-uusig na ito.) Kaya, dapat na marunong mangilatis ang isang mambabasa. Baka dinedenggoy lang tayo ng manunula. Baka yumayari lamang siya ng tula para magkapera o magkamedalya. Baka niyayari lamang niya tayo. Isang bagay itong dapat ding maunawaan ng manunula dahil, sabi

4


Ang Tulang Pinoy Bilang Strata/Saray at Salamin ng Kamalayang Pinoy

nga ni Gregoria de Jesus, “Matakot sa kasaysayan pagka’t walang lihim na di nahahayag.” At sabi ni Jose Rizal sa Noli me Tangere, “Lahat ng lihim ay nabubunyag at walang di nagkakamit ng parusa.” Nakasulat na noon ng prose poem si Emilio Jacinto at naredux na ni Marcelo H. del Pilar ang duplo para sa kontra-kolonyal at kontra-pyudal na pakikibaka ng mga mamamayan. Ngayon, mayroon nang mga textula at tulang naka-silk screen sa mga t-shirt. Sa bawat tulang binubuo sa utak at binubuno sa puwang (hindi laging blangko, dahil mayroon ding erasure at collage), lagi sanang isaalang-alang ang potensyal ng tula para tayong lahat ay mahimasmasan o matauhan. Dahil ano’t ano mang kagandahan ng tula, masiste man ito, o dimaarok ang talinghaga, wala ring halaga ang mga ito kung hindi inilalarawan ang mapanuring kamalayan ng mga Pilipino, lalo na ang tunay na kalagayan ng lipunang Pilipino.

______________ TALASANGGUNIAN: 1. Unang 800 Sagisag Kultura ng Filipinas ng Filipinas Institute of Translation, Inc. 2. The Sounds of Poetry ni Robert Pinsky 3. online dictionary ng Merriam-Webster 4. UP Diksiyonaryong Filipino ng Sentro ng Wikang Filipino 5. online dictionary ng wordsense.eu 6. panayam sa Malaysian writer na si Eddin Khoo 7. The Literary Forms in Philippine Literature ni Christine F. Godinez-Ortega

Malate Convention for the Arts. March 22, 2014

5


Tomo XXX Bilang 3

ADRIEL PAUL TANGOAN

Millenials 6


Malate Literary Folio

CZHARISSE VENTANILLA

Teknolohiya

EXT. BALKONAHE, DIAZ RESIDENCE – DAY Si RONALDO, 74 taong gulang, puti ang buhok at napapanot na, ay nakaupo sa balkonahe sa isang tumba-tumba. Nakasuot siya ng sando at short. Sa tabi niya ay may isa pang luma na ring tumba-tumba na tulad ng inuupuan niya. Pinapanood niya ang mga tao at sasakyang dumadaan, pampalipas oras. CUT TO: INT. HAGDAN, DIAZ RESIDENCE – LATER Dahan-dahang nababa ng hagdan si RONALDO at nakakapit ang nangungulubot nang kamay sa balustre. Maririnig ang paglangitngit ng kahoy sa bawat paghakbang niya.

7


Tomo XXX Bilang 3

CUT TO: INT. HAPAG KAINAN, DIAZ RESIDENCE – CONTINUOUS Makikita sa pader ang mga nakasabit na litrato niya at ng kanyang asawa. Kukuha siya ng mangkok at cereal sa kabinet at ilalagay ito sa mesa. Lalagyan niya ito ng gatas na kinuha niya sa pridyider at kakain. Habang nakain ay mapapatingin siya sa mga litrato nilang mag-asawa. CUT TO: INT. KWARTO, DIAZ RESIDENCE – NIGHT Hihilahin niya ang maleta sa ilalim ng kama at ipapatong ito sa ibabaw ng kama. Kukuha siya ng ilang polo na kupas na, mga sando, padyama at salawal. Pagkatapos mag-impake itatabi na niya ang malate at hihiga na. CUT TO: INT. SALA, DIAZ RESIDENCE – DAY Tutunog ang telepono at sasagutin ni RONALDO. Tatango siya at makikita ang galak sa kanyang mukha. Ibababa niya rin ito agad. CUT TO: INT. SALA, DIAZ RESIDENCE – MOMENTS LATER May kakatok sa pintuan at tatayo mula sa kanyang kinauupuan si Ronaldo. Nagmamadali siya papunta sa pintuan ngunit mahina na ang kanyang katawan kung kaya’t di niya rin agad nabuksan ang pinto. Pagbukas niya ng pinto ay sumalubong sa kanya ang kanyang anak, si EMI na 37 taong gulang, at yumakap sa kanya. Bago tuluyang lumabas ay tinignan muli ni RONALDO ang

8


Teknolohiya

kanyang bahay at mababakas ang pag-aalinlangan sa kanyang mukha. CUT TO: EXT. KALSADA SA LABAS NG DIAZ RESIDENCE – CONTINUOUS Araw ng Linggo nang duamting sila. Aabutin ng kasambahay, si SANDRA, ang gamit ni RONALDO at ilalagay na ito sa likod ng kotse. Nagmano si BENJIE, kanyang manugang na 38 taong gulang, at ang kanyang mga apo, si ERROL na pitong taong gulang at si LINDSEY na apat na taong gulang, sa kanya. CUT TO: INT/EXT. KOTSE – MOMENTS LATER Nakaupo sa gitna ng kotse si RONALDO katabi ang kanyang mga apo. Si ERROL ay naglalaro sa PSP at si LINDSEY naman ay naglalaro sa celphone. CUT TO: INT. SALA, SILVESTRE RESIDENCE – LATER Nagtakbuhan na sila ERROL at LINDSEY papasok ng bahay. Maaliwalas dito at mayroon lamang maninipis na dilaw na kurtina ang bintana. Makikita rin dito ang litrato ng pamilya na puno ng galak. Inaalalayan ni EMI ang kanyang ama papunta sa kanyang magiging kwarto ngunit natigilan sila nang may marinig silang nabasag mula sa kusina. Papaupuin muna ni EMI ang kanyang ama at bubuksan ang TV. Aalis si EMI na halatang mainit ang ulo. Mula sa kinauupuan ni RONALDO ay matatanaw niyang pinapagalitan ni EMI ang

9


Tomo XXX Bilang 3

dalawang apo ngunit hindi niya rinig ang kanyang sinasabi. CUT TO: INT. KWARTO NI RONALDO, SILVESTRE RESIDENCE – MOMENTS LATER Inalalayan ni SANDRA si RONALDO papuunta sa kanyang magiging kwarto. Binaba niya ang mga gamit ni RONALDO at iniwan na siya roon. Tama lang para sa isa ang kwarto. Wala rin masyadong gamit sa kwarto niya. Mayroon lamang kama, TV, electric fan, upuan at mesa na may ilang libro. Sumilip sa bintana si RONALDO at napangiti sa nakita. CUT TO: EXT. GARAHE, SILVESTRE RESIDENCE – CONTINUOUS Naglalaro ang mga bata habang binabantayan sila ng kanilang mga magulang. CUT TO: INT. KWARTO NI RONALDO, SILVESTRE RESIDENCE – LATER Nakaupo sa kama si RONALDO at nanonood ng TV. CUT TO: INT. KWARTO NI EMI AT BENJIE, SILVESTRE RESIDENCE – MOMENTS LATER Maluwag ang kwarto nila. May malaking kama, aparadaor, mahabang

10


Teknolohiya

salamin, mesa sa paanan ng kama at may aircon sa kwarto nila. Si EMI ay may ginagawa sa kanyang laptop. Patuloy lamang ang pagpindot niya sa laptop habang ang kanyang asawa ay nakahiga sa kama at nagbabasa ng libro. Isasara ni EMI ang laptop. CUT TO: INT. KWARTO NI RONALDO, SILVESTRE RESIDENCE – MOMENTS LATER Kumatok si EMI ngunit walang nagbubukas ng pinto kaya pumasok na lamang siya. Natutulog na si RONALDO pagpasok niya. Inayos niya ang kumot nito, pinatay na ang TV at humalik sa noo niya. CUT TO: INT. SALA, SILVESTRE RESIDENCE – DAY Pagababa ni RONALDO ay kapansin-pansin na tahimik sa bahay. Walang bukas na TV o ingay mula sa mga nilalaro nila ERROL at LINDSEY. Tinitingin niya ang paligid ngunit walang tao. Sinilip niya rin ang garahe. CUT TO: EXT. GARAHE, DIAZ RESIDENCE – CONTINUOUS Wala rin ang mga sasakyan nila EMI at BENJIE doon. CUT TO: INT. KUSINA, SILVESTRE RESIDENCE – CONTINUOUS

11


Tomo XXX Bilang 3

Kahit si SANDRA ay wala rin sa kusina ngunit may nakalagay na mga mangkok sa mesa. Tinanggal niya ang takip nito at nakitang may kanin at ulam nang nakahanda. Makikita ang kanyang pagakadismaya habang kumukuha ng kubyertos at plato. Umupo siya at kumain. CUT TO: INT. SALA, SILVESTRE RESIDENCE – NIGHT Nakaupo si RONALDO at nanonood ng TV nang dumating si EMI at ang kanyang mga apo. Nagmano sila sa kanya at tumakbo na paakyat ng kwarto si LINDSEY. Kinuha ni EMI ang PSP ni ERROL at itinuturo siya kung nasaan ang lolo niya. Pinapadyak ni ERROL ang mga paa at umiiling. Nagdadabog si ERROL dahil ayaw niya sumunod ngunit napasunod din siya ni EMI. Nakabusangot ang mukha ni ERROL nang lumapit siya kay RONALDO at sumalampak sa tabi ni RONALDO. CUT TO: INT. SALA, SILVESTRE RESIDENCE – DAY Tinignan ni RONALDO kung may tao roon ngunit katulad ng nakalipas na araw ay wala ulit tao sa bahay. CUT TO: INT. KUSINA, SILVESTRE RESIDENCE – MOMENTS LATER Muling kumain si RONALDO mag-isa. CUT TO: INT. SALA, SILVESTRE RESIDENCE – NIGHT

12


Teknolohiya

Nanonood siya ng TV nang dumating sila. Nagmano sila sa kanya, humalik sa pisngi niya at nagpunta na sa kani-kanilang silid. CUT TO: INT. KWARTO NI ROLANDO, SILVESTRE RESIDENCE – DAY Bumangon si RONALDO at inalis ang kumot sa kama. Basang-basa ang kama niya sa sariling ihi. Tinanggal niya ang sapin ng kama. CUT TO: INT. SALA, SILVESTRE RESIDENCE – MOMENTS LATER Nakapagpalit na ng damit si RONALDO. Sinilip niya lamang ang sala. Marami nang bagong litrato sila ERROL at LINDSEY. Mayroon na ring magkasama ang dalawa na parehong nakauniporme. CUT TO: INT/EXT. JEEP- MOMENTS LATER Nakasakay si RONALDO sa jeep dala-dala ang kanyang maleta. Natutulog siya at nakahilig ang ulo sa dulo ng jeep. CUT TO: INT. SALA, DIAZ RESIDENCE – LATER Iniwan niya na muna ang maleta niya sa sala at umakyat na. CUT TO:

13


Tomo XXX Bilang 3

EXT. BALKONAHE, DIAZ RESIDENCE – DAY Umupo si RONALDO sa tumba-tumba at kita sa kanyang mukha na siya’y kalmado at masaya. Naramdaman niya ang kamay ng asawa niya na pumatong sa kanyang kamay. WAKAS

14


Malate Literary Folio

STEVEN ENCARNACION

Nguyab 15


Tomo XXX Bilang 3

PATRICIA ROJAS

Musmos 16


Malate Literary Folio

JERICHO MIGUEL AGUADO

Pamamagitan Hindi niya mapunan ang mga patlang ng takdang aralin—namamagitan ang mga blanko sa mga salitang hindi pa maiugnay sa isa’t isa. Sa hapagkainan, may mga papeles na kanina pa binabasa ng tatay. Sinisilip-silip siya ng nanay mula sa salang napupuno ng ingay ng telebisyon. Ang bata’y nakatayo, pabaling-baling, sa pagitan ng mga magulang. Matutunan din niya: bilang isang anak, kailangang matutong mag-isa.

para kay Alyssa

17


Tomo XXX Bilang 3

CHRISTEL KIMBERLY CANTILLAS

Ammend His weekly visits turned monthly, occasionally, yearly, until I had to go to him. Perhaps this time he would say I’m sorry I missed your birthday or something like that. The doctors found the lump in his throat. At best, he would have five years left to live out a story about how he gradually disappeared to spare Death, or God, the curses of his seeds.

18


Malate Literary Folio

CZYRONE ANGELO GALANG

Pasubali graphite on paper

19


Tomo XXX Bilang 3

ADRIEL PAUL TANGOAN

Sala 20


Malate Literary Folio

JOSEPH MALABANAN

The Birth of a Monster and the Death of the Babaylan acrylic on wood

21


Tomo XXX Bilang 3

ALEC JOSHUA PARADEZA

Babala

hango sa The Birth of a Monster and the Death of the Babaylan ni Joseph Malabanan

Naghiyawan ang lahat nang magapi ang mga mapuputing lalaki.

Iwinawasiwas ng mga nagwagi ang kanilang mga bolong may bahid ng dugo ng kaaway habang isinisigaw ang pangalan ni Kalipulaku na nasa gitna ng lahat, ang kanyang isang paa’y tinatapakan ang isang bangkay. Sa isang mabilis na kilos ay tinaga niya ang leeg ng katawang inaapakan, inangat ang ulo ng lalaieng nagsilbing pinuno ng mga dayuhang gumahasa sa halos limampung babae sa aming tribo. Lalong lumakas ang mga hiyaw at sumama na rin ang mga babaeng katabi ko. Ang mga babae ay nagsitakbuhan papunta sa kanilang mga kapatid, ama, asawa, tagapagligtas, iwinawagayway ang kanilang mga braso at kamay sa tuwa, ngunit hindi ako sumunod sa kanila. Dinig sa buong isla ang kanilang mga nag-iimbitang sigawan at halakhakan, ngunit ‘di pa rin ako sumunod sa kanila sapagkat sa likod ng pagdiriwang na iyon ay naroon si Maranago, nagtatago sa anino ng kapatid na si Kalipulaku. Marahan ang paglalakad ni Maranago, tinatalikuran ang ‘di pa rin tumitigil na kasiyahan, hanggang sa lumapit na siya sa aking

22


Malate Literary Folio

kinatatayuan. Tumigil siya sa aking harapan at lumuhod. “Nasupil na namin ang kalaban. Sana’y nasiyahan kayo.” Sa katotohana’y talaga namang nasiyahan ako sa nangyari. Makatarungang parusa sa mga mananakop ang putulan ng braso at binti, o ulo, para sa kanilang pinuno. Ngunit hindi ako sumagot; alam kong hindi ko mapipigilan kung ano man ang lumabas mula sa aking mga labi, at baka ang mga kamay at braso ko’y lumipad patungo sa kanyang katawan at pumulupot, yumakap, at akuin ang kalungkutang nag-uumapaw sa kanya. Tanging ang paalala lang ng punong babaylan ang nagpapanatili sa aking kinatatayuan: ang kautusang hindi maaaring magmahal ang babaylan, na ang tanging aangkin lamang sa kanyang katawan ay ang anito, ang kalikasan, at ang Bathala. Maingay noong gabing iyon. Sa paligid ng lumalagablab na apoy ay ang nagsasayawan at nagtatawanang mga kalalakihan, isinasalaysay ang kanilang katapangan sa pagpaslang sa mga dayuhan, habang ang mga kababaihan nama’y humahagikgik habang nakakapit sa mga pinintahang bisig ng kanilang mga asawa. Napagpasiyahan ng ama ni Kalipulaku, kasama ng iba pang ama, na ipinagmamalaki ang kanilang mga anak na lalaking nagligtas sa bayan, na magkaroon ng piging. Nakalulula ang mga ihinain, halos maubos ang mga dahon ng saging na maaaring makuha sa kagubatan at bukirin upang ipambalot sa mga ito. “Ano ang gumagambala sa iyo, Lang-an?” Bumaling ako sa Punong Babaylan na nasa aking tabi. Nakaupo kami, ‘di kalayuan sa kasiyahan upang masabing ayaw makisama sa pagdiriwang ngunit ‘di rin naman kalapitan para makisalo sa halakhakan. Mula sa malayo, kung pagmamasdan kami’y aakalaing magkapareho lamang kami ng edad. Pareho ang aming tindig, ang aming paraan ng pananalita, ang hugis ng mukhang nagsisilbing tahanan ng matang nakakakita ng mga bagay na hindi nakikita ng iba. Ang natatanging pinagkaiba sa amin ay ang mga itim na marka sa aming mga balat. Ang sa kanya’y mas pabilog, ang mga pagliko ng linya sa kanyang braso’y para bang mga tangkay ng halamang namumukadkad sa ilalim ng sikat ng araw, habang ang sa akin naman

23


Tomo XXX Bilang 3

ay matalim; ang pagdaloy sa aking balat ay nagmumukhang bakal na tinunaw at pinatigas muli, nananatiling nakamamatay. “Wala po, Babaylan Buntala,” kahit na ang aking mata’y nakapako lamang kay Maranago, na malayo sa mga lalaking nagpapataasan ng boses. Nagtama ang aming mga titig at naramdaman ko ang pag-akyat ng dugo mula sa aking pumipintig na puso patungo sa aking pisngi. Ibinaling ko ang aking titig sa punong babaylan. “Hindi po ba’t parang ang init ng apoy ay umaabot na sa atin,” saad ko habang hinawi ang buhok na nakalugay sa aking harapan, ang patung-patong na telang nagsisilbing proteksiyon sa lamig at panganib na dala ng kalikasan—o ng tao—ay nagdaragdag sa init na aking nararamdaman. Hinawakan niya ang aking kamay. “Alalahanin mong ikaw ang susunod na punong babaylan, at ikaw lang ang tanging makakapalit sa akin. Sa oras na ikaw ay nagpasailalim sa tukso, sa oras na hinubad mo ang tanging proteksiyon ng babaylan sa matalim na sandata ng kalalakihan, tayo’y mamamatay.” Napalunok ako sa sinabi ng Babaylan Buntala. Hindi sa akin nakapako ang kanyang mga mata nang banggitin ang mga salitang iyon ngunit alam kong unti-unti nang nagbabago ang kanyang tingin sa akin. Tumango ako. Ilang saglit pa’y nagpaalam na ang babaylan sa aming mga kasama. Tahimik ko siyang hinatid sa kanyang kubo at tumuloy na rin ako sa aking tahanan. Malalim na ang gabi nang makarinig ako ng malakas na katok sa aking pinto. Naging mailap ang antok sa akin noong gabing iyon, kahit ilang beses pa akong magpapalit-palit ng pwesto sa higaan. Marahil ay binabagabag pa rin ako ng mga salita ng Babaylan. Dali-dali kong ibinalot sa katawan ang mga iba’t ibang kulay ng tela at binuksan ang tarangkahan. “Maranago.” Tanging ang pagbanggit ng kanyang pangalan ay sapat na para kalimutan ko ang mga paalala ng Babaylan, umaalingawngaw sa aking isipan. Sinunggaban niya ako, tinulak papaloob; ang kanyang mga kamay ay sinakop ang aking mukha, ang mga labi’y naglapat. Nagulantang ako sa kanyang ginawa at pilit ko siyang itinulak papalayo sa akin ngunit masyado siyang malakas para sa aking patpating mga

24


Babala

braso. ‘Di naglaon ay napalitan ng pagnanasa ang pagpupumiglas, at ang mga kamay ko ay gumapang mula sa kanyang bisig, patungo sa kanyang malapad na balikat at tumigil sa kanyang mukha. Hinila ko siya papalapit sa akin, datapwat ang mga mukha nami’y magkadikit na. Nalasahan ko ang tamis at pait ng alak sa kanyang bibig; pakiramdam ko’y nalalasing na rin ako sa kanyang mga halik. Bumitaw siya at nakita ko ang kalungkutan sa kanyang mga mata. Sa oras na iyon ay tanging ang pagpawi sa kanyang kalungkutan ang nais kong gawin. Humiga kami sa hile-hilerang kahoy na sahig ng kubo—ako’y nasa ibabaw ng kanyang malaking katawan. Itinabi niya ang kanyang bolo sa gilid. Ang bawat piraso ng damit ay aming hinubad, sabaysabay na bumagsak sa sahig ang mga kulay, at tumama sa aming mga balat ang liwanag ng buwan. Napalitan ng katahimikan ang mga ungol na nanggaling sa kanyang bibig. Hanggang ngayo’y hinihingal pa rin ako, nararamdaman ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Nakahiga pa rin kami sa lapag, magkatabi, ang aking kamay ay nakapatong sa kanyang matigas na dibdib. Bigla siyang tumayo at kinuha ang nakakalat na bahag at ibinalik pangtakip sa kanyang katawan. “Ano ang problema?” Ibinalot kong muli sa katawan ang mga tela. Natigilan siya. Humarap siya sa akin at hinawakan ang aking kamay. “Lang-an, tulungan mo ako.” “Kahit ano’y gagawin ko para sa’yo.” Napalitan ng galak ang lumbay sa kanyang kanina’y makulimlim na mata. Mas humigpit ang hawak niya sa aking kamay. “Ipaghiganti mo ako.” “Ano?” “Hindi ba’t makapangyarihan ang mga babaylan? Sigurado akong kaya mong baguhin ang isipan ng mga tao. Hindi ko na kaya pang lumabas sa aking tahanan nang sinasalubong ng mabababang tingin ng ating mga kasamahan. Mamamatay ako sa hiya sa tuwing maririnig kong isa akong inutil na mandirigma, nananatiling mas mahina sa kanyang kapatid.”

25


Tomo XXX Bilang 3

Hindi ako nagsalita. “Parang awa mo na, Lang-an. Hindi ba’t mahal mo ako? Para sa akin, Lang-an.” Bumalik ang mga babala sa aking isipan. “Kapag nagtagumpay ka, ika’y aking magiging asawa. Magkaka-anak tayo at mamumuhay nang masagana at payapa. Hindi ka lamang magiging isang babaylan, kundi isang reyna.” Bumukadkad sa aking isipan ang imahen ng hinaharap na si Maranago ang maging bayani: pakakasalan niya ako at aalayan ng maraming ginto at perlas na palamuti sa katawan, gabi-gabi naming pagsasaluhan ang pag-ibig nang hindi ako gagambalain ng tinig ni Buntala at ng pananagutang kaakibat ng pagiging babaylan. Kami’y magkaka-anak ni Maranago, palalakihin namin ang batang iyon at kami’y magkaka-anak muli, mamatay nang sabay ngunit nagmamahalan pa rin. “Gagawin ko.” Bilog ang buwan nang hubarin kong muli ang aking kasuotan, ngunit hindi si Maranago ang nasa harapan ko ngayon. Mainit ang apoy na nagmumula sa sinindihan kong baga, tinatalo ang lamig na bumabalot sa paligid. Ipinahid ko sa aking balat ang langis na kinailangan ko para maisakatuparan ang ipinapagawa sa akin ng aking mahal. Nang maging ginintuan ang aking balat, lumuhod ako at dinampot ang isang itak. Ginilitan ko ang leeg ng manok na aking ninakaw mula sa bakuran ng isa sa aming mga kasamahan at pinatulo ang dugo sa isang maliit na mangkok. Itinapon ko ang hayop sa baga nang wala nang dugong lumabas mula sa sugat at lumakas ang apoy nito. Pagkatapos ng pagangat ko ng mangkok sa kalangitan ay ininom ko ang dugo. Nawala ang mga mga guhit sa balat ko. Lumakas ang pagkabog ng aking dibdib at humapdi ang aking likod. Naramdaman ko ang pagbuka ng balat sa aking likod at ang paglabas ng dalawang pakpak mula sa mga butas na ito. Dalawang pangil ang tumubo sa aking gilagid at sumikip ang aking lalamunan. Naglawa ang init sa aking tiyan at nakita kong unti-unting napupunit ang balat nito. Sinubukan kong sumigaw ngunit tanging irit lang ng uwak ang lumabas mula sa aking

26


Babala

bibig. Tumingala ako sa kalangitan. Para bang hinihila ako ng buwan. Alulong ng mga aso ang hudyat ng aking paglipad. Tahimik akong nanatili sa likod ng matatayog na puno. Napagkasunduan naming palalabasin ni Maranago ang kanyang kapatid patungo sa kagubatan. Sasabihin niyang kinuha ako ng isang dayuhang nakatakas sa labanan noong nakaraang araw. Nakakapit ako sa tangkay ng puno nang makita ko si Kalipulaku. Kung gaano kabilis ang pagtaga niya sa ulo ng kalaban ay ganoon rin kabilis ang paghablot ko sa kanyang katawan. Nagpupumiglas siya, pilit tinatanggal ang aking pagkakakapit sa kanyang leeg. Mabilis kong inabot ang bolo sa kanyang bewang at itinapon ito sa malayo. Dinala ko siya sa ibabaw ng mga puno, kung saan mas makakagalaw ang aking mga pakpak at doon ibinaon ang matalim na kuko sa kanyang dibdib hanggang sa maabot ko ang pumipintig niyang puso. Hinugot ko ito at nakita kong nawala ang buhay sa kanyang mga mata. Binitawan ko siya at narinig ang pagkabali ng mga buto sa kanyang pagbagsak. Si Maranago ang agad kong pinuntahan nang makabalik ako sa ibabang kalahati ng aking katawan. Dala ko sa aking kamay ang puso ng kanyang kapatid. Isang malakas na tili ang bumasag sa katahimikan ng gabi. Tinungo ko ang pinanggagalingan ng apoy at nakita ko ang kubo ng Babaylang Buntala, nasusunog. Tumakbo ako papalapit dito. Ang tili ay mas malakas, nanggagaling sa loob. Sa paligid ng kubo ay nakapalibot ang napakaraming kalalakihan, sa bawat kamay ay may bolo at sulo. Sa gitna ay si Maranago. Sapat na ang liwanag para makita ko ang ngiti sa kanyang mukha. “Patayin ang halimaw!” sigaw niya, nakapako pa rin ang titig sa akin. “Patayin si Lang-an!” sigaw ng isa sa mga lalake. Nakapako sa aking direksyon ang titig ni Maranago at ‘di ko na naramdaman pa ang pagibig na pinagsaluhan namin nang gabing siya’y humingi ng tulong sa akin. Gumanti ako ng tili, ngunit ingay ng mabangis na hayop

27


Tomo XXX Bilang 3

ang aking narinig. Tumakbo ako papalayo, patungo sa loob ng gubat, iniiwasang matamaan ng liwanag ng mga apoy na sumusunod sa akin. ‘Di ko na kinailangan pa ang liwanag ng buwan upang maging gabay sa pasikot-sikot ng mga puno. Sinubukan kong magdasal kay Bathala ngunit ‘di ko na naririnig ang kanyang mga sagot. Bumulong ako pati sa mga anito ngunit ‘di nila ako pinansin. Hinayaan ko na lamang na dalhin ako ng aking mga paa sa aking kahihinatnan. Umaga na nang matagpuan ko ang sarili sa loob ng isang kweba. Hindi ko namalayang hawak ko pa rin ang puso ni Kalipulaku. Narinig ko ang pagkalam ng aking tiyan. Akma na akong kakagat ngunit narinig kong muli ang tinig ng Babaylan. Binitawan ko ang pusp at bumagsak ang laman sa lupa. Dinig na dinig ko ang paggulong nito papalayo sa akin, pailalim sa siwang ng mga bato at ang pagtama sa pader. Mula sa kinatatayuan ko ay nakikita ko pa rin ang mga ugat nito, ang matatabang ugat na dating dinaluyan ng malapot at pulangpulang dugo. Sumakit ang gilagid ko. Inabot ko mula sa lupa ang puso at pinagpag ang dumikit na buhangin sa tela ng aking damit. Pinisil ko ito at napangiti ako sa tunog na nalikha. Nakakatakam, pero hindi dapat. Sinabi ni Babaylang Buntala na ‘wag akong magpadala sa tawag ng laman. Inilapit ko ang aking ilong at sininghot ang amoy ng karne. Mabango. Lalong lumakas ang pagkalam ng tiyan. Wala namang makakaalam sapagkat nakatago ako sa loob ng kweba. Mag-isa lang naman ako rito. Ipipikit ko na lang ang mga mata ko. Masarap ang bawat kagat, pero gusto kong masuka. Ang mukha ni Kalipulaku ay naiisip ko, kung paano nawala ang tapang sa kanyang mga mata at napalitan ng takot, ngunit ‘di ko kayang huminto. Hindi hinahayaan ng malikot kong dila ang pag-agos ng dugo sa gilid ng aking bibig. Sa pag-ubos ng pagkain, hindi ko na marinig ang tinig ng babaylan.

28


Malate Literary Folio

EUNICE EILEEN MARIE SANCHEZ

Guho 29


Tomo XXX Bilang 3

MAAN DE LOYOLA

The Bud Luck oil on canvas 30


Malate Literary Folio

FRANCISCO GABRIEL NUÑEZ

Adan 31


Tomo XXX Bilang 3

PATRICIA MARIE BERNASOR

Bisita Sa aming mundo, ikaw ay nakahimlay: nakauwang ang mga labi, nakatingala ang itim na mga matang pinagmamasdan ang kalawakan.

32


Malate Literary Folio

JEF CARNAY

Pina

acrylic and pen on canvas paper

33


Tomo XXX Bilang 3

JOSEPH MALABANAN

Maleficent

oil pastel and paper cut-out on paper

34


Malate Literary Folio

JANSSEN DALE CUNANAN

Bulong-bulong

Pauwi na naman si Makoy na walang nasikwat ni singkong duling.

Matumal na talagang makahanap ng magagantso lalong-lalo na sa lugar nila kung saan pare-parehas silang isang kahig isang tuka. Pamasahe man papunta sa tambayan ng mga taong may matatabang pitaka ay wala siyang madukot sa bulsa. Mangilan-ngilan lang ang may kayang magpa-utang pero walang gustong magpakita. Ni yosi o beer na pampatanggal-pagod ay de-lista sa kakalog-kalog na mga sari-sari store. “Wala na ngang libre ngayon,” madalas na paalala ng syota niya tuwing manghihingi ‘to ng pera pangtong-its maghapon. Paminsan ay humihingi pa ito ng pasobra para bumili ng kolorete at kung anoanong klase ng hikaw at kwintas. Ika nga nito’y “Di bale nang talo sa laro, ‘wag lang magmukhang bruha.” Bubunutin ni Makoy ang lahat ng papel de bangko na nagtatago sa bulsa at i-aabot sa syota. Ang matitira lang sa kanya ay mga barya. Pakiramdam niya’y binabayaran niya ang lambing, yakap, at halik nito kinagabihan. Iniwan siya nito kamakailan lang. Wala daw siyang kinabukasan kay Makoy. Kung mga simpleng luho lang daw niya ay hindi nito

35


Tomo XXX Bilang 3

matustusan, paano pa kaya ‘pag nagkapamilya na sila? Kung wala daw siyang alam na pagkakakitaan nang malaki-laki, wala daw siyang alam sa pagpapamilya. Lumaki siyang walang ina at ang ama namang madalas niyang hinihiling na sana’y wala na lang rin ay may ipinamana pa. Itinuro nito sa kanya ang raket nitong panloloko nang humina na ang baga nito. Ang sabi’y gabi-gabi raw ay kailangan niyang umentrega ng kahit isang libo, madalas ay may kasama pang palo, batok, o tadyak iyon paguwi. Nagmistulang kalendaryo ng mga nakakulong ang kanyang binti. Bawat latay ng walis tingting ay palatandaan ng paglubog ng araw. Noong wala nang espasyo sa magkabilang binti, likod naman niya ang minarkahan. Sa ika-pitompu’t dalawang araw niyang pagtatrabaho, naisip niyang lumayas na. Mabigat ang kanyang binitbit na bag, pero mas mabigat ang kumargo ng ama. Ilang beses niyang tinanong sa sarili kung bakit nga ba wala siyang ina. Hindi niya rin naman ito nasagot kaya pilit na lang niyang kinalimutan ‘to. Ipinagpatuloy niyang gawin ang itinuro sa kanya ng ama para kumita. Naisip niyang kung di naman dahil doon ay hindi siya maghahagilap ng makakain, kaya nararapat lang na pakinabangan na rin ang turo nito. Ika ng ama niya, “Matanda lang ang dadalihin mo. Yung mga di nakakahabol ‘tsaka di rin nakaka-imik. Parang, ano yan e,” napakamot ‘to ng ulo dahil kanina pa nagtatanong si Makoy. “magic. Magic ang panggagantso, may, kung tawagin e, magic words parang ‘alakazam’, ‘lam mo yun? Kailangan mabilis din ang kamay mo, dapat kapani-paniwala ang rehistro ng boses, at ang pinaka-importante, malinis yung pagtakas mo. Pero tandaan mong mabuti na hindi mo dapat paghinalaan ang ginagawa mo. ‘Wag kang kabahan. Sugod lang nang sugod. Mahahalata sa kilos at galaw mo ang lahat ng nasa loob n’yan,” dinuro nito ang ulo ni Makoy. “At ‘pag nahuli ka ng mga bakulaw na naka-uniporme, yari ka sa ’kin.” Sa edad na dise-otso ay kapado na niya ang gawain. Basta’t sundin niya lang ang mga itinuro ng ama, walang bulilyaso.

36


Bulong-bulong

Di nagtagal ay lumabas na sa TV ang mga matatandang nabiktima ni Makoy. Pambungad ito ng mga balita sa gabi bago ang pinaka-aabangang tsismis tungkol sa magagarang buhay ng mga artista. Kasabayan nito ang iba pang krimeng ginawa ng Zesto gang, Dugo-dugo gang, Martilyo gang, Salisi gang, Akyat-bahay gang, at Laglag-barya gang. Pinangalanan ng mga pulis na “Bulong-bulong” ang modus operandi ni Makoy. Nanirahan siya sa isang pipitsuging apartment house na karamiha’y mga kolehiyala ang nakatira. Ang mga lalaki nama’y halos hindi na umuuwi dahil mas madalas ay sa pabrika o construction site na sila natutulog. Masikip na mga eskinita ang papasukin bago makarating sa apartment. Malayo ‘to sa kalsada kaya hindi na naaabot ng mga poste ng ilaw ang lugar nila. Kahit sa loob ng kwarto ay nakikipagsiksikan siya sa pitong kasama. Apat na up and down at isang malaking bentilador ang nakabalandra pagbukas ng pinto. Tuwing may klase, nakapila sila sa tindahan ni aling Beybi sa kanto. Nangungulit ng mauutang, kahit pancit canton man lang. “Utang na naman? Putris naman ‘tong babaeng ‘to. Tignan mo nga ‘tong notebook ko ng listahan, puro pangalan mo ang nakalagay. Kayo-kayo lang rin ang nakasulat. May plano ka pa bang magbayad?” Sumbat ng tindera habang hinehele ang karga-kargang sanggol na nakabalot sa tela. “‘To naman si aling Beybi, naunsyami lang yung padala ng tatay ko. Syempre seaman yun, kung saang lupalop ng mundo pa galing yung pera.” Rason ng isa sa mga dalaga. “Aabutin talaga ng siyam-siyam bago makarating dito sa Maynila yung pambayad ko sa inyo.” “Seaman ang tatay, baka jowa mo! Hoy, tandaan mo, pag ikaw di ka pa nakapagbayad ng utang mo sa susunod na buwan, magpapahakot na ako ng mga gamit mo. O, ito na pansit canton mo. Magbayad ka ha!” Tuwing gabi bago mag-finals week naman ay mag-isa lang si Makoy sa apartment. Nagsisi-uwian na lang ang mga babae tuwing umaga na may pambayad na ng tuition.

37


Tomo XXX Bilang 3

“Uy, inumaga na naman kayo, a. Ano ba talaga raket niyo at ganitong oras kayo palaging nakaka-uwi?” “Maka-uy naman ‘to. Di yun pangalan ko ‘no,” dumahak muna siya bago sinabing “Ligaya ang itawag mo sa akin.” Sabay naghagikhikan ang mga dalaga. Dito niya nakilala ang naging syota. Sa kabila ng gutom ay lumilitaw sa alaala niya ang mga oras na kalaro niya sa maigsing kutson ang dating kasintahan, naglilingkisan ang mga paa. “Puta, hinuthutan lang ako ng pera. Yun naman talaga siya di ba? Bobo ko, dapat nakita ko nang mangyayari ‘to. Kung mababalik niya lang lahat nang nanenok niya sakin, quits na kami.” Habang naglalakad pauwi ay napansin niyang pasara pa lang ng tindahan ni aling Beybi. Nakayukong nagwawalis sa labas ang tindera. “Anong oras na, a. Tulog na’ng lahat, ngayon pa lang nagsasara ‘tong tindahan. Nagwawalis pa, kaya hindi kumikita ‘to, e,” naisip ni Makoy. Napansin niya na tulad ng nadaratnan tuwing mangungutang siya ay nakabistida at nakapusod ang buhaghag na buhok ni aling Beybi. Maganda sana pero mukhang palaging konsumido sa buhay. Usap-usapan ng mga chismoso’t chismosa na nakipagsapalaran daw sa Europa ang asawa ni aling Beybi kaya sino man sa kanila ay di pa nakikita ang asawa nito. Ito rin daw ang rason kung bakit umaga hanggang gabi ay karga-karga niya ang anak habang inaasikasong magisa ang tindahan. Walang ibang maatasang magbantay ng bata dahil nga mag-isa lang si aling Beybi sa kanila. Sayang naman, artistahin pa naman daw si aling Beybi kung maaayusan lang. Makinis at maputi. Hula nila’y wala pa siyang kwarenta. Kamalas naman daw na babae, ang napangasawa pa ay di man lang sila maalagaan nang maayos. Nang magpresinta naman daw ang mga kapit-bahay na mag-alaga sa sanggol, todo tanggi naman ang ina. Ayaw raw malayo sa anak. Sabi nila’y ito na lang daw ang meron si aling Beybi. Tinitigan niya ang tindera. Naaawa sa naisip niyang gawin. “Walang pinipili ang kumukulong tiyan,” ang palaging paalala dati ng ama. “Aling Beybi, isang stik nga ng Fortune, puti, ha.” Inunat ng

38


Bulong-bulong

tindera ang likod habang naka- pamewang. Nakakunot ang noo niyang tinignan si Makoy sa mata. “Sarado na ako. Anong oras na, o.” “A, ganun. Ay, oo nga pala, ate, ito na yung bayad sa utang ko, o.” Iniabot niya ang nakasaradong kamay. “Aba, nagkapera ka ata bigla?” Nang abutin na ni aling Beybi ang bayad, hinablot ni Makoy ang kamay ng tindera kasabay ng paglapit niya sa tenga. Binulungan niya ito ng mga salitang nakaukit na sa alaala, sinambit niya ang mga salitang umaamo at dinampian niya ng mainit na palad ang braso ni aling Beybi. Pagkabigkas ng huling salita ay biglang nawalan ng kamalayan ang tindera. Tulala sa kawalan. Dilat ang mga mata ngunit tulog ang diwa. “Akin na lahat ng pera mo.” Utos ni Makoy. Pumasok ang tindera sa loob ng bahay. Paglabas ay karga-karga na niya ang sanggol na nakabalot sa puting tela. “Ano yan? Nasaan na ang pera?” Iniabot ni aling Beybi ang sanggol kay Makoy. Tinignan niya sa unang pagkakataon ang sanggol. Pinagtagpi-tagping perang papel ang mukhang nakita niya. Nakasara ang sandaang piso na talukap ng mata, mapula ang singkuwenta pesos nitong labi at malusog ang pisngi nitong pinaghalong limangdaan at bente pesos. Hindi umiimik ang sanggol. Nang hubarin niya ang telang nakabalot, nagulat siya nang makitang ang buong katawan ng bata ay gawa sa pera. “Ya-man.” Bulalas ng di gumagalaw na ina. Nagulat siya sa narinig. Tinignan niya ito, hinihintay magsalita uli. “Paano nakapagsalita ‘to? Hindi ba umepekto? Bakit?” Inisip niya kung saan siya nagkamali. “Sa hawak? Sa bulong? Sa dampi? Sinunod ko naman lahat ng tinuro sakin. Kahit kelan, di pa ako pumapalya. Tangina, ‘nong nangyari?” tanong niya sa sarili. Inulit niya ang bulong, bigkas, at dampi sa sarili upang malaman kung saan siya nagkamali. Napatulala siya sa kay aling Beybi; dilat ang mata. Unti-unting nabuo ang butil ng luha sa gilid ng mga mata

39


Tomo XXX Bilang 3

ng ina. Hindi alam ni Makoy ang gagawin. Hindi siya makakilos. Pinagmasdan ni Makoy ang pag-iyak ng isang ina para sa anak. Nanumbalik ang mga tanong. Naisip niyang nasa kanya pala ang mga sagot. Bumagsak ang katawan ni aling Beybi nang bumalik na ang kanyang kamalayan. Hindi niya maigalaw ang mga paa’t daliri. Nakabukas ang TV. Naririnig niya ang pang-gabing balitang inuulat ang mga nangyaring krimen kinaumagahan. Sa sahig ay hinehele ni Makoy ang anak niya. Nakasalansan ang mga perang papel sa gilid nito at nakapatong sa kanyang binti ang sinulid at karayom. Inilabas ni Makoy lahat ng baryang natitira sa bulsa. Isa-isa itong pinakain sa maliit na bunganga ng bata. “Teka lang, malapit na akong matapos. O, ‘wag makulit. Simula ngayon tatay na tawag mo sakin, ha?� Napaungol sa galit si aling Beybi. Binalingan siya ng tingin ng lalaki kasabay ng pagbati ng ngiti. Hindi na siya magiging mag-isa kahit kailan.

40


Malate Literary Folio

STEVEN ENCARNACION

Burot Beach, 2014 41


Tomo XXX Bilang 3

KEVIN CHRISTIAN ROQUE

Still Life oil on canvas

42


Malate Literary Folio

VYANKA VELASQUEZ

Paglabas ng Usok

Isang takatak ang tinitignan ng babaeng may bata sa bilog niyang

tiyan. Humahakbang siya papunta’t pagilid: nanginginig ang bibig na nagnanais humithit. Isang buga lang–papaloob, papalabas na naging puting usok na pataas nang pataas sa ulap; unti-unti nang nawawala. Ang bata sa tiya’y nakatali ngunit ang babae’y di mapakali. Ang pag-nginig ay pinigil nang ang babae ay bumili ng isang yosing nasundan ng isang yosing nasundan ng isa pang yosi. Ang bilog na tiya’y unti-unting umiimpis, at sa pagitan ng puting binti ay ang puting usok na tinatangay ang sanggol pataas nang pataas sa ulap; unti-unti nang nawawala.

43


Tomo XXX Bilang 3

ALEC JOSHUA PARADEZA

Ihinlanggam

Nag-aabang, tiningala ni Thelma ang pabagsak ng mga patak ng ulan mula sa kalangitan. Naroon siya sa kanilang likod bahay, nakaupo sa pinakamataas na sanga ng punong mangga. Dumapo sa kanyang balat ang unang patak, saka sumunod ang isa pa, at isa pa, hanggang ang manipis na tela ng kanyang damit ay dumikit sa kanyang balat; inagos ng tubig ang panlalagkit ng maghapong pagbilad sa arawan. Ilang linggo na ring naging di mapagpatawad ang init sa kanilang bayan. Bitak-bitak ang lupa ng palayan kaya’t naging mahirap ang pagtatanim ng mga binhi. Inaasahan ng marami ang pagkamatay ng pananim, ngunit alam ni Thelma na darating din ang ulan. Kinakailangan lamang maghintay. “Makasasama ang ginagawa mo.� Malalim ang tinig ng bagong dating, humahalo, naglalaho sa pagbagsak ng ulan sa lupa. Unti-unting namumutik ang paligid ng puno. Ramdam ni Thelma ang alimuom sa hangin, kasabay ng bigat sa kanyang tiyan. Binitawan niya ang pagkakakapit sa mga sanga ng puno. Sumipa siya at tumilapon sa malayo ang dalawang tsinelas, kasing kulay ng damuhang pinagbagsakan nito.

44


Malate Literary Folio

Tumalon si Thelma. Sagadsad. Kagaya ng kahulugan ng pangalan, mabilis nitong nasalo si Thelma. Gumapang ang palad ni Thelma sa balikat nito, patungo sa pisngi, saka siya nagpumiglas at tumayo sa sariling paa. Hindi niya hinarap ang nagsagip sa kanya, imbes, naglakad papalayo, pabalik sa silong ng bahay-kubo. Nagliwanag ang kalangitan, isang linya ang naghati sa mga itim na ulap. “Hindi mo ba babalikan ang iyong sapin sa paa?” tanong nito sa kanya, kasing lalim pa rin ng bangin ang boses nito, ngunit ngayo’y mas malakas—kulog. Hindi siya lumingon. “Kukunin ko iyan sa oras na tumila ang ulan.” Amihan at abagat, dalawang hanging di nagtatagpo, ang dumampi sa kanyang pisngi nang makapasok siya sa loob ng tahanan. Dali-daling humina ang ulan sa ambon, naging hamog, tuluyang natapos. Nang lumingon siya’y wala na ang kausap, isinama ang kulimlim ng kalangitan. Nakasabit sa sanga ng puno ang tsinelas. “Pinagbawalan na kitang bumabang muli!” Dinig hanggang bayan ang dagundong mula sa kabundukan. Lahat ng nakarinig dito’y napasigaw, napasambit ng susmaryosep, dioskopo, nabaling ang atensiyon sa pinanggagalingan ng nakasisindak na tunog; samantalang si Sagadsad, ang mapapangasawang si Hinahon, at ang inang si Kuog ay di makasagot, di makatingin sa nag-aamok na si Burkasa. Ang parito-paroon ng kanyang mga hakbang ay yanig sa lupa—lindol. Sa pagbalik ni Sagadsad sa tuktok ng bundok ay kasama niya ang malakas na ulan, di inaakalang sa kanyang pagdating ay sasalubungin siya ng bagyo. “Ngunit Ama,” sa wakas ay nakapagsalita rin si Sagadsad, datapwat di pa rin makatingin sa mata ng pinuno ng mga tikbalang, “paano na po ang mga pananim ng mga magsasaka? Sino na ang magdadala ng ulan?” “Wala akong pakialam kung matuyo ang lahat ng halaman at mamatay lahat ng palay. Alam kong oras na bumaba ka sa bundok ay bibisitahin mong muli ang tao sa kanyang punong mangga—dapat siguro’y ako mismo ang dumayo sa nayon; bubulagin ko ang babae

45


Tomo XXX Bilang 3

nang di na kayo muling magkita. At hindi mo ako mapipigilan. Ikaw man ang pinakamabilis sa lahat, ako pa rin ang pinakamalakas!” “Patawarin niyo po siya, Ama.” Sa pagsambit ng mga salita mula sa bibig ni Hinahon ay kasabay nito ang pag-ihip ng preskong hangin. Napatingin ang Amang Burkasa sa kanya at saka naupo. Bumuntong hininga, saka nagsalita kay Sagadsad. “Mapalad ka at ang mapapangasawa mo’y pinagagaan ang aking kalooban. Siya, lumabas ka na. Ngunit tandaan mo, oras na malaman kong binalikan mo pa ang taong iyon, mararamdaman ng nayon ang galit ko. Ni si Hinahon ay di ako mapipigilan.” Tanghaling tapat at muling nakatirik ang araw sa kalangitan. Pinagsasaluhan nina Thelma, kasama ng mga magulang at dalawang kapatid na lalake, ang isang bandehadong kanin, sampung pirasong inihaw na talong, at limang tinapa na ibinigay ng kapitbahay. “Noong isang araw, ang saya-saya na ng mga kasamang magsasaka at bumuhos ang ulan, may pag-asang masagip ang mga pananim. Kaso biglang tumigil. Balik na naman sa dati. Nagiging makakalimutin na ang panahon,” reklamo ni Ben, padre de pamilya, bago lumagok ng tubig sa baso ng asawang si Imelda. “Parang ikaw. Kahapon umulan, hindi noong isang araw,” sabay agaw ni Imelda sa baso, nakatawa. “Hindi naman panahon ang may kasalanan niyan, ‘tay. Tayo rin. Global warming,” tugon ni Tony. “Di tayong may kasalanan diyan, kuya. ‘Yung mga mayayaman. Kung di kasi nila sinunog ang kagubatan at sinementohan ang mga palayan, malamang maayos pa rin ang panahon,” si Roger, tapos nang kumain. “O, ang dami mo nang nakain. Di na ba masama ang pakiramdam mo?” Bumaling siya kay Thelma na inuubos ang laman ng pinggan. “Hindi na,” sagot ni Thelma, bago isubo ang kanin at ulam. “Sa susunod,” lumapit ang ina at hinaplos ang kanyang buhok, “‘wag kang magpaulan. Ang lupa nga, kapag biglaang binasa makalipas ang pagkatagal-tagal na pagbababad sa araw, nagiging mahina, ikaw pa kaya. Kanina nga, hinangin ang mga sinampay ko sa labas ng bakod.

46


Ihinlanggam

E di ba, malapit iyon sa may gubat? Ay, nananakit na bigla ang ulo ko. Naengkanto ‘ata ako, e,” saka tumawa. “Ayan na naman tayo sa mga engkanto-engkanto,” at bumuntong-hininga si Tony. “‘Ger, bumili ka nga ng biogesic sa tindahan, dalawa.” Alam ni Thelma na sa pagpasok niya sa gubat ay susubukan siyang iligaw muli ng hangin, lituhin ng lagitik ng mga sanga ng puno ngunit nagpatuloy pa rin siya. Naging malala na ang kalagayan ng pananim, at ng kanyang ina. Bago maglakad ay pinuno niya ang mga bulsa at ang bibig ng dahon—lipang aso, tumutubo sa palibot ng kanilang bakod. Sinigurado noon ni Sagadsad na huwag bunutin ang mga halaman sa kanilang kinalalagyan. Panlaban daw para sa mga nilalang na may masamang binabalak, para manatiling tago si Thelma sa mata ng mga tikbalang. Di niya inakalang kaya siya tinatago ni Sagadsad ay dahil natatakda na itong ikasal kay Hinahon, ang nagdadala ng preskong hangin oras na magsimulang magsabit ng parol at banderitas ang mga tao sa nayon. Kumulimlim ang langit. Malayo na ang nalalakad ni Thelma nang tumahimik ang mga ibon, ang insekto, para hayaang umalulong ang hangin. Napatigil siya sa pagnguya ng dahon ngunit hindi siya dumura. Halos matumba siya sa lakas ng unti-unting lumalakas na pagyanig ng lupa, nanginginig sa galit. Kidlat—sa isang iglap ay nasa harapan niya si Burkasa; sa palibot ay nagkalat ang mga tikbalang. Lahat sila’y halos kasing laki ng mga puno, ngunit dambuhala ang pinakamalapit sa kanya. Matagal na niyang inaasam na takpan ng mga ulap ang araw, ngunit ngayo’y gusto niyang makitang muli ang liwanag. “Ano ang ginagawa mo rito.” Hindi sigaw, ngunit umalingawngaw sa buong kagubatan ang boses ni Burkasa. Lahat ng naninirahan sa gubat ay alam na ang Ama ng mga tikbalang, bagaman nagtitimpi, ay malapit nang sumabog. Bumuhos ang ulan. Akala ni Thelma ay bumara sa kanyang lalamunan ang nginunguya; nilunok niya ito, umaasang kasama ang takot. “Nandito

47


Tomo XXX Bilang 3

ako para magmakaawa. Unti-unti nang namamatay ang mga pananim dahil walang ulan. Nanlalabo na rin ang mata ng nanay ko at alam kong kaunti na lang ay di na siya makakakita kahit kailan. Alam kong kaya niyong gawan iyon ng paraan.” Naghalakhakan ang mga nakapaligid sa kanya, kaagad namang tumigil nang nagsalita si Burkasa. “Mukhang tama nga ang sinabi nilang wala kang kasing tapang; kaya siguro’y nabighani ang anak ko sa’yo, di lamang dahil sa maganda ka. Ngunit hindi ito sapat para pagbigyan ka sa ninanais mo.” “Gagawin ko ang lahat.” “Umalis ka na. May hangganan ang bisa ng lipang aso.” “Pero—” “Wala ka nang magagawa pa!” Muling nagliwanag ang kalangitan; ang manipis na linya sa langit ay para bang araw sa lakas ng sinag, panandaliang binulag ang lahat ng naroon, kahit si Burkasa. Ginamit itong pagkakataon ni Sagadsad—kanina’y nagtatago, naglalaho sa tugtog ng pagpatak ng tubig sa lupa—upang lumundag, walang kasing liksi ang mga binti niyang tumindig nang itulak ng mga paa. Hinablot niya ang buhok ng ama at bumagsak sa paanan ni Thelma. Ngayon lamang naiwang tulala ang Amang Burkasa, di makapagsalita, di makapaniwala sa nangyari. Inabot ni Sagadsad ang isang ginintuang hibla kay Thelma. Mainit pa rin ang panahon kahit na madalas nang binibisita ng hangin ang nayon. Hindi na maakyat ni Thelma ang puno sa kanilang likod bahay, kaya naman nahiga na lamang siya sa damuhan, tinatakpan ng lilim nito. Pinagbabawalan siyang kumilos ng ina, ngayo’y mas malakas pa sa kanya, sinisiguradong kakayanin ng ama at ng dalawang kapatid ang pagtatrabaho sa bukid sa ngayon, ngunit mapilit si Thelma. Di man makapunta sa palayan ay araw-araw pa rin siyang nasa kanilang likod-bahay, laging nakatingala. Tumulo ang ulan. Kahit alam niyang hindi darating, lumingon pa rin siya para hanapin si Sagadsad. Nagpatuloy ang pagpatak ng

48


Ihinlanggam

tubig mula sa kalangitan, kagaya ng dati, ngunit nanatili ang araw. Muling naramdaman ni Thelma ang alimuong at ang munting sipa sa kanyang tiyan.

49


Tomo XXX Bilang 3

KEVIN CHRISTIAN ROQUE

National Animal acrylic image transfer on wood 50


Malate Literary Folio

CHRISTA DE LA CRUZ

Kalayaan

MGA TAUHAN MELISSA – 24, babae, account executive sa isang advertising agency LIA – 24, babae, social worker TAGPUAN Dapithapon. Sa loob ng kotse. Isang kalye sa Makati ang hitsura ng tanghalan. May road sign na “Kalayaan Ave.” at stoplight.

Sa pagsisimula ng dula, nasa kotse sa gitna ng tanghalan si MELISSA,

nakabihis pang-opisina/business attire. Nasa likod siya ng manibela at nagmamaneho. Kasabay nito, nagsisigarilyo sa may gilid ng tanghalan si LIA, nakabihis ng simpleng t-shirt at pantalon/casual attire. May kasama siyang babae. Nag-uusap at nagtatawanan sina LIA at ang kaopisina.

51


Tomo XXX Bilang 3

Makaririnig ng busina. Magpapaalam si LIA sa kaopisina, may kasamang beso at yakap. Papasok sa kotse si LIA, ihahagis ang kanyang backpack sa upuan sa likod. Hahalikan niya si MELISSA sa labi pero iiwas. Hindi titingin si MELISSA sa kanya at magsisimula na muling magmaneho. MELISSA:

Ano ba! Amoy tambutso ka, Lia. What did I tell you about smoking kung magkikita tayo?

LIA:

Okay. Sorry! Nagyaya kasi si Olive e.

[Bubuksan ni LIA ang glove compartment at kukunin ang alcohol, ipapahid sa kamay at sa damit. Kukunin at gagamitin din ang breath spray.] LIA:

Ayan, Melissa, pa-kiss na!

[Susubukin ulit halikan ni LIA si MELISSA. Iiwas pa rin at tuloy sa pagmamaneho.]

Ayaw magpakiss! Chicks ka pa naman ngayon. Biyaheng Antipolo ba ‘to o biyaheng langit?

[Sisipol/kikindat si LIA. Tatawa. Hindi kikibo si MELISSA.]

Baligtad ata. Dapat ikaw ang pinipick up dito sa Kalayaan e.

[Tatawa. Hindi pa rin kikibo si MELISSA.]

Uy, joke lang! Ay may bibigay pala ako sa ‘yo, saglit lang.

[Kukuha si LIA ng isang bar ng tsokolate sa bulsa. Bubuksan niya ang tsokolate, puputol ng maliit, at isusubo kay MELISSA.]

52


Kalayaan

Paborito mo!

[Hindi pa rin papansinin ni MELISSA kaya isusubo na lang ni LIA ang tsokolate.]

Aba, medyo mataray.

[Magbibilang si LIA sa daliri.]

Wala ka naman ngayon a. Hindi rin naman PMS.

[Hindi pa rin iimik si MELISSA. Ilalapit ni LIA ang kamay sa leeg ni MELISSA. Kunwaring tinitingnan kung may lagnat.]

Okay ka lang ba?

[Mahinang papaluin ni MELISSA ang kamay ni LIA.] MELISSA:

Ano ka ba? I’m driving!

LIA:

Kung tatahimik ka lang sa buong biyahe, e diyan na lang tayo sa Manila South Cemetery. Sigurado, walang manggugulo sa ‘yo diyan!

[Hindi pa rin magsasalita o titingin sa kanya si MELISSA.]

Ano ba kasing problema?

MELISSA:

Sino si Olive?

LIA:

Ah, ‘yun? Si Olive? Bagong social worker sa amin. Fresh grad. Katrabaho ko.

MELISSA: And?

53


Tomo XXX Bilang 3

LIA:

Anong “and”??

MELISSA:

You’re working with her and?

LIA: What?? MELISSA:

You’re working with her and?

LIA:

Tingan mo ‘to! Inulit mo lang ‘yun e.

MELISSA:

And you’re working her!

LIA:

Ano?? Eto…! [Patlang.] Hindi ba ako puwedeng makipagkaibigan?

MELISSA:

I don’t know, Lia. You have too many so-called “friends.”

LIA:

Seven years na tayo, Melissa, may trust issues ka pa rin? E parang kasal na tayo sa tagal natin a.

MELISSA:

But we’re not.

[Tatapakan ni MELISSA ang brake.]

And now we’re stuck here.

[Maririnig ang mga busina.]

Jesus Christ, is the traffic light even working??

Ang kulit mo kasi e. Sabi ko sa iyo, sa office na tayo magkita. You know how much I hate Makati traffic.

LIA:

E dapat nga pupuntahan na kitang Ortigas. Pero

54


Kalayaan

baka maipit lang kasi ito sa MRT. [Kukunin ni LIA ang bag sa likod. Maglalabas ng maliit na kahon ng cake.]

Surprise! Sweet ko, di ba?

MELISSA:

You’re bribing me now?

LIA:

Medyo. Binilhan ko rin ang Mama mo. Puwede na bang mamanhikan?

MELISSA:

[Ngayon lang titingin kay LIA.] Yeah, right! Besides, wala namang magagawa ‘yang cake mo sa traffic.

LIA:

Kahit cake na may singsing?

MELISSA:

You’re kidding, right?

LIA:

Malamang! [Patlang.] Syempre! Ang baduy no’n ha!

[Isasara ni LIA ang kahon. Ibabalik sa bag. Matagal na tatahimik bago magsalita ulit.]

Dapat sa EDSA na lang tayo dumaan.

MELISSA:

At this hour? Again, you’re kidding, right? God, this traffic. [Tuloy-tuloy ang pagkakasabi. Pagbubuntungan ng galit ang buhol-buhol na trapiko.]

LIA:

Kung magrereklamo ka lang din naman, e di sana hindi mo na lang ako sinundo. Uuwi na nga ako.

MELISSA:

Here you go. Baka sabihin mo napagastos ka pa sa cake. Pag dumaan bukas si landlord, tell her I’ll pay when I get back.

55


Tomo XXX Bilang 3

[Dudukot si MELISSA ng 500-peso bill sa bulsa. Iaabot kay LIA.] LIA:

Hindi lang ikaw ang sumusuweldo dito.

[Bubuksan ni LIA ang lock ng pinto. Pipigilan siya ni MELISSA.] MELISSA:

Alright, alright. Okay, sorry, hindi na ako magtataray. My selosa self ’s acting up again. May iniisip lang.

[Maririnig ang busina ng kotse sa likod. Aapakan ni MELISSA ang gas.] LIA:

Bongga naman makabusina si kuya!

E, bakit ba kasi tayo biglang uuwi sa inyo?

MELISSA:

[Bored ang pagkakasabi.] Wala lang. We used to do this every weekend, di ba? Escaping the city. Go there every Friday night, lie in bed all day every Saturday…

LIA:

[Excited.] Manonood ng cable o kaya magbabasa. O kaya mag-uusap… [Ngingisi.] Mag-uusap…at maguusap pa ulit sa kuwarto mo.

MELISSA:

Yeah! I loved those weekends. Pinagluluto pa tayo ni Mama ng sinigang every Sunday.

LIA:

Until mahuli niya tayong magkaholding hands. Buti holding hands lang!

MELISSA:

Don’t remind me.

LIA:

Tapos sabi mo na lang…ano nga ‘yun? Best friends?

MELISSA:

What should have I said then?

56


Kalayaan

LIA:

E ano ba tayo?

MELISSA:

More than friends…but still. Half-truth!

LIA:

Hindi ito bigas, prutas, o kahit yosi na may tingi-tingi, kalakalahati, Melissa.

MELISSA:

Wow, metaphors! [Patlang.] But I can’t tell her that we’ve been together for seven years.

LIA:

E sinong mag-bestfriend ang naghoholding hands, nagyayakapan, naghahalikan, nag-… [Patlang.] Paandar ka rin, ano?

MELISSA:

Well, she bought it.

LIA:

Sigurado ka? Tinetext pa rin ako minsan ng Mama mo. Kumusta-kumusta sa simula. Tapos itatanong ko na kung gusto kong i-date ‘yung kababata mong si ganito, si ganyan.

MELISSA:

But you told her you’re with someone, right?

LIA:

Oo. Syempre di ko lang masabi kung sino.

MELISSA:

Half-truths! Ano ba kasing gusto mong mangyari?

LIA:

Ang tagal na natin.

MELISSA:

Alam mo namang di katulad ni Mama si Mommy.

LIA:

Malamang. Nakiki-Mommy ka na nga e. Samantalang ako, the best friend pa din.

57


Tomo XXX Bilang 3

MELISSA:

Come on, pinag-usapan na natin ‘to noon.

LIA:

Pero ito na naman tayo! At pauwi pa tayo ngayon sa inyo.

[Aapakan ni MELISSA ang brake. Magbubusina.] MELISSA:

What-the-fuck! Kuya, bakit ka sumisingit??

LIA:

O, chill lang. So, anong “half-truth” mo ngayon? May inaayos sa apartment natin? Ah, fumigation kaya! O may maagang seminar ako sa Antipolo next day? Kala ko nga noon mauubusan ka ng excuses e. Ibang klase ka mag-ad lib! Sali ka na kaya sa improv theater? [Tatawa.]

Syempre, ang pinaka-foolproof sa lahat. May group research tayo at kailangan natin ng library niyo? Parang nung college lang.

MELISSA:

That could have worked, you know? Kung magkaklase tayo ngayon sa masters.

LIA:

Wow sa segue ha! [Patlang.] Hindi pa ba go? Businahan mo na nga ‘yan.

[Aabutin at pipindutin ni LIA ang busina.] MELISSA:

Stop that! Baka magalit lang ‘yung driver sa harap!

[Aapakan ni MELISSA ang gas.] LIA:

O, tingnan mo. E di nakausad tayo.

MELISSA:

Nakausad? And yet you have no progress on your

58


Kalayaan

application for your master’s? LIA:

Ipinilit talaga ang konek?! Alam mo namang di ko ‘yan priority.

MELISSA:

I don’t even know what your priorities are now.

LIA:

Ito na naman tayo! Dadami ba ang batang makakapagaral pag nag-grad school ako?

[Bubuksan ni LIA ang bintana. Magsisindi ng sigarilyo.] MELISSA:

Lia! What did I tell you about smoking? Kasasabi ko lang kanina e.

LIA:

E maglilitanya ka na naman e. Fine.

[Papatayin ni LIA ang yosi at itatapon sa labas.] MELISSA:

Sobrang tagal mo na kasi sa NGO na ‘yan. What’s the plan, Lia? Anong mangyayari sa iyo diyan in the next one…two years? How about five years from now? Isara mo nga ‘yang window, sobrang usok sa labas!

[Iiling-iling si LIA. Isasara niya ang bintana.]

At least, if you have your master’s degree, you can get into a bigger and more stable na NGO. Mas administrative, less field work, lesser hours. Or go abroad.

LIA:

Sa ibang bansa? Hindi ‘yun ang gusto ko, Melissa.

MELISSA:

I don’t even know what you want.

59


Tomo XXX Bilang 3

[Magriring ang cellphone ni MELISSA.]

Wait lang, I have to take this.

[Sa hands-free headset…Excited at magalang, kabaligtaran ng galit na pakikipag-usap kay LIA.]

Hello, Mr. Co… Yes. I’ll call our creatives and ask for a revision by Sunday… Have a good day!

LIA:

‘Yan! ‘Yan ang ayaw ko. Tapos na office hours, trabaho pa rin. You always know what I want, Melissa. Pero ayaw mo.

MELISSA:

We were talking about your plan.

LIA:

Ang sabi mo, five-year plan.[Patlang.] Paulit-ulit na naman. Uuwi na ako. Ibaba mo na nga lang ako diyan.

[Bubuksan ni LIA ang lock. Tuloy lang sa pagmamaneho si MELISSA.] MELISSA:

I-lock mo ‘yan, Lia. At bakit pati after-office calls ko napasok dito? You know that I have to work double time if I want to get promoted.

LIA:

Kaya laging may overtime? Di ko na nga maalala kung kailan pa tayo huling nagkasabay kumain sa bahay, ‘yung di ka nagmamadali o kahit man lang di sunod-sunod ang ring ng phone mo.

MELISSA:

I have to…I HAD to…para walang masabi si Mama.

LIA: Dahil?

60


Kalayaan

MELISSA:

You wouldn’t understand, Lia. I needed to.

LIA:

Kung hindi ko pala maiintindihan, ibaba mo na ako dito.

[Tuloy pa rin sa pagmamaneho si MELISSA.] MELISSA:

Why couldn’t you wait? My parents would disown me if they find out.

[Tuloy pa rin sa pagmamaneho si MELISSA.] LIA:

Ang tagal na natin, Melissa. Tanong ka nang tanong tungkol sa plano ko. Alam mo naman ang gusto ko. Kung wala namang patutunguhan ‘tong five-year plan na ‘to, kahit ten, kahit fifteen pa, ibaba mo na ako dito.

MELISSA:

It’s not that easy, Lia.

LIA:

Bakit hindi? Sinasarili mo kasi lagi ang lahat e.

MELISSA:

But I have to do this in my own time.

LIA:

Kanina tungkol sa trabaho ko, tapos sa masters ko, tapos… best friend mo lang naman ako, di ba? Tama na.

[Iiling si LIA. Kukunin na ang bag sa likod.] MELISSA:

Ayaw ko lang ma-disappoint sa akin si Mama.

LIA:

Disappointment? Alam mong hindi ‘yan totoo.

61


Tomo XXX Bilang 3

MELISSA:

You don’t understand.

LIA:

Oo. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito pa rin hanggang ngayon. Sinasarili mo pa rin ang plano mo. [Patlang.] Tama na ‘to, hindi rin naman matatapos, bababa na ako.

MELISSA:

Magkaiba tayo ng sitwasyon.

LIA:

Dahil tinatanggal mo ako sa sitwasyon.

MELISSA:

It’s like you’re making me choose between you and my family.

LIA: Ano?? [Gulát.] Saan mo naman nakuha ‘yan? Pinakikinggan mo ba ang sarili mo? MELISSA:

Hindi ko makakayanang galit sila sa akin for the rest of my life.

LIA:

Hindi mo alam kung ganyan talaga ang mangyayari.

MELISSA:

They’re MY parents.

LIA:

‘Yun na nga! Pamilya mo sila. Hindi dapat ganito, dagdag lang nang dagdag ang hindi mo sinasabi.

MELISSA:

No, Lia.

LIA:

Bigyan mo sila ng pagkakataon!

MELISSA:

Mahirap, Lia.

LIA:

Bigyan mo rin ito—TAYO—ng pagkakataon. Hindi half-truth.

62


Kalayaan

MELISSA:

What if, it’s one or the other?

LIA:

Melissa, pitong taon na tayo pero wala ka pa ring tiwala. Takot ka pa rin. Hindi ko na kayang maghintay.

[Bubuksan na ni LIA ang lock ng pinto. Aapakan ni MELISSA ang brake. May magbubusina sa likod. Bubuksan ni LIA ang pinto.] MELISSA:

Lia, stop! Uuwi tayong magkasama sa Antipolo, as more than friends. This ride was supposed to help me decide.

LIA:

Decide para saan?

MELISSA:

About this…

[May kukuning envelope si MELISSA sa glove compartment. Iaabot kay LIA. Babasahin ni LIA ang sulat.] LIA:

Columbia University? Hindi mo sinabing nag-apply ka na sa MBA!

MELISSA:

I did. How many times na kitang kinulit na sabay tayo?

LIA:

Pero hindi mo sinabing sa ibang bansa.

[Mahabang katahimikan, nakaupo lang ang dalawa. Iilaw na ang berde sa stoplight. Palakas nang palakas ang mga busina ng kotse sa likod. Matagal ang sunod-sunod na busina.] MELISSA:

So, what’s the plan?

Sunod-sunod pa rin ang busina ng mga kotse sa likod. Isasara ni LIA ang

63


Tomo XXX Bilang 3

pinto, ang lock, titingin sa bintana. Nakahawak sa manibela si Melissa. Hindi magpapansinan o magtitinginan ang dalawa, palakas nang palakas ang busina. Magdidilim ang tanghalan.

Ang naunang bersiyon ay itinanghal bilang staged reading sa direksiyon ni Dennis N. Marasigan sa Cultural Center of the Philippines noong Hulyo at Oktubre 2013.

64


Malate Literary Folio

LADY JOYCE NOELE JARVIÑA

Hereafter oil on canvas

65


Tomo XXX Bilang 3

CHRISTEL KIMBERLY CANTILLAS

Crossing

You are crossing the street and in the middle of the lane, you look

towards the traffic and see a car speeding towards you. You have two options to avoid an accident: keep walking, or move back. You have mere seconds to decide. When faced with situations that require split-second decisions, especially those which we encounter for the first time, we find ourselves stuck. Indecisive, not because we are incapable, but because our brains are too busy weighing our options. With no default answer, we stand in the middle of the lane staring at the car with no time to hope for, but by luck have, someone to pull you out of the way, or the driver to hit the breaks in time. You end up safe on the sidewalk. Dazed. Someone speaks—the stranger who by fortune saved you. Are you okay? You’re fine. You say thank you and start walking again to wherever you are headed. You think about what just happened, play it in your head. Not

66


Malate Literary Folio

all day, but now and then. You see yourself outside your self. Wow, this doesn’t just happen on TV. Why didn’t I move away? What was I thinking? Was I thinking? At some point you think about what you should have done. You were lucky that one time, but should it happen again in the city streets as busy as you are, you may not be as fortunate. Next time I will keep walking, you decide. It works. So well it becomes automatic, instinctive. You are crossing the street and in the middle of the lane, you look towards the traffic and see a car speeding towards you. You keep going. You are in between the two lanes, watching for vehicles rushing on the next lane. You hear a noise. Look the other way: an overtaking jeepney.

67


Tomo XXX Bilang 3

MIGUEL ANTONIO LUISTRO

Moro-moro para sa Malate Photo

68


Malate Literary Folio

ALEC JOSHUA PARADEZA, JEREMY YUMUL, BERNADETTE SANTUA

Breaking Parameters An Interview with Mookie Katigbak-Lacuesta

Anna Maria Katigbak-Lacuesta, or ‘Mookie’ to anyone who has

known her or her work, is currently teaching at the Ateneo de Manila University, where she earned her Bachelor’s degree in Communication Arts. She finished her MFA in Creative Writing at the New School University, New York. From an early point in her career, she has been garnering praise for her poetry from both peers and mentors alike—Carlomar Daoana and Marjorie Evasco among others—and has been consistently winning awards such as the Don Carlos Palanca Memorial Awards and Philippines Free Press Literary Awards. Her work has been published in both local and foreign journals. She launched her first collection, The Proxy Eros, which was published by Anvil Publishing, Inc. last 2008. The University of Santo Tomas Publishing House published her second collection, Burning Houses, last October 2013. Both collections garnered immense praise from critics, who hail her as one of the country’s finest contemporary poets. The interview took place in a coffee shop along Tordesillas St., Salcedo Village, Makati City, last June 29, 2014. The weather was

69


Tomo XXX Bilang 3

gray—gloomy to some extent—for a Sunday afternoon, but it was the kind of weather that is fantastic for reading. The coffee shop only had a few people inside who were enjoying the Sunday afternoon as well, hunched over books or finishing work on their laptops. Throughout the interview, Mrs. Mookie would answer from different personalities: one moment she would be voicing out her poetics and insights with conviction one could only see from such a prominent writer, the next she would share some of her personal experiences and stories with a certain youthful air. It was an interview with one of the country’s finest poets, someone who was kind enough to share her Sunday with the interviewers. INTERVIEWER : What do you like in a poem? What are your standards? KATIGBAK-LACUESTA: Before I go in to standards—technique, craft, metaphor, message—I want to see if it does something to me. I judge a poem, especially when I was younger, based on the “kilabot element”, the KE. But I’m a sucker for technique and craft, well-written lines—lines with good enjambment, with proper literary devices. I don’t like anything haphazard on the page but that’s something you learn as you go along, like in the beginning, it doesn’t really matter. INTERVIEWER: Do you have any conditions or rituals when or before writing? KATIGBAK-LACUESTA: I do, but some of them are illegal. No, I’m joking. Well, I have a certain time of day when I write and I have to do it alone. My ritual really is after everybody’s asleep: that’s my time to write. Because I’m married, I have a kid, I’d like to make sure that everything is taken care of before I enter my own universe. Kasi, di ba, once you step into the zone, you’re in the zone; you can’t be interrupted. You’re in the middle of a really great line or emotion and you’re interrupted, you can’t go back. When I was younger, I used to smoke. I don’t condone

70


Breaking Parameters

smoking. But when I was younger, Carlomar [Daoana] knows this because [he] and I would have this chat, we’d go out with different writers and talk, much like this, and siyempre that would spur this whole creative activity. [We’d] talk with Neil Garcia, Marj Evasco, our staple of literary idols. And that really made us more creative, I guess. I used to write in gardens. I don’t live in a place with a garden anymore; I live in a condo, so I miss that. INTERVIEWER: Do you use a pen and a paper when writing? KATIGBAK-LACUESTA: I go straight in the computer and in retrospect, might not be the proper instrument because as I’m writing, I’m also editing. I find that one of the least constructive things about writing on a computer: I’m already revising in my mind. INTERVIEWER: So you think that writing and editing should not be done at the same time? KATIGBAK-LACUESTA: I don’t think so. My best poems were written when I was writing in the moment, I wasn’t completely thinking. You have voices in your head, di ba, you have the anxiety of influence. You read their work and you can’t help but be influenced by what they write. There’s not a lot of freedom in that. You find yourself paralysed that instead of proceeding, you are hampered by all these voices in your head. INTERVIEWER: You now have your own family. Does this affect your writing process? KATIGBAK-LACUESTA: Certainly. When I was younger, I would write every night. Writing is a very selfish vocation. Like I said, when you’re writing in the zone, you have no time or patience for anything else. For a few years after I was married and had a kid, I did not write. I write sporadically. It took me five years to finish the second book.

71


Tomo XXX Bilang 3

The first book was easy: you write and write, you have all the time in the world to practice your craft. The older you get, the more responsibilities you have. But by and large, it’s really compartmentalizing. INTERVIEWER: How does it feel to be living and working alongside a fictionist? KATIGBAK-LACUESTA: It takes a tremendous amount of patience. I understand because I’m a writer. When [I’m] writing—and he’s very good with this—he would let me write it, no intrusions. Basta you give a deadline. “I’ll work on this for a month or two, just give me space to do that. I’ll perform all my duties anyway during the day, let me do this at night.” He understands. He’s even better at it than I am. INTERVIEWER: What made you write poetry? KATIGBAK-LACUESTA: Because I had to. My dad is a very big influence. He would recite poetry during dinner. I had a whole lot of interests but the only staying one is writing. Who can explain these things? Do I have to do this? Yes. Would I feel incomplete if I don’t? Yes. It’s this mysterious compulsion. I can’t explain it, I don’t want to explain it. It’s just the way it is. Imagine if we could answer all of life’s questions. It would be boring. INTERVIEWER: All of the poems in your two books are in English and some of them have titles in Filipino. How would you know if a particular language is suited for the poem and its title? KATIGBAK-LACUESTA: [That] segment in the book—“Glosses”— [was] a mini-project. “Miskol”, “Kaya”: those were words that were slang, popular when I was writing that particular segment and my project there was “How do I explain certain Tagalog words that have already filtered public consciousness. How do I explain that in English?”

72


Breaking Parameters

It will fail. You can’t capture it in English. That was part of the project. “Mismo”: they were all [English translations of] Filipino sayings—I quote Rizal there. I was trying to explain various words in an English setting. I was in love with the idea that I can’t contextualize it properly. I knew it, I didn’t have any conceits na “I’m going to find the proper English translations for these Tagalog words.” INTERVIEWER: Do you think that the Filipino poet, considering we have English and Filipino, has the freedom to choose what language to use? KATIGBAK-LACUESTA: I was just in Solidaridad bookstore yesterday. They were launching Maximum Volume, this anthology edited by my husband and Dean Alfar. People were saying, “Dean, your first language is Tagalog, why do you write in English?” And Dean’s answer was something like “I had to write in English because it was the language that I was proficient in.” F. Sionil said “You were doomed by history to write in English.” If you look in our history, we were colonized by the Americans. [English, then] was practically our national language. If that hadn’t happened, who knows what language we’d be writing in. That’s why I felt I had to address that problem in my book. I am Filipino but I write in English. That was why I wrote “Glosses”. Filipino words in an English context: they can’t be married faithfully. But in a way, I think I’ve come to terms with that problem. INTERVIEWER: Can you consider ending your poems with a conclusion a stylistic choice? “Burning Houses”, for example. KATIGBAK-LACUESTA: I don’t think I solved anything with that poem. I think in fact that it’s not conclusive; it’s about confusion. The epigraph—my mother-in-law was from Davao, and she was part of a tribe before; now the tribe is extinct. Their thing was, when the husband died, the wife would burn the conjugal house and move on.

73


Tomo XXX Bilang 3

The poem was about my father, because he passed away some years ago, and I was writing it unconsciously in the point of view of my mom. Basically they had one way of getting over the death of a spouse, which was to burn the house. My mom got over it [by] building and building and building, knocking down walls in our old house. For me, that struck me as a manner of burning down the house. One way of coping is to destroy it, one way of coping is to move on. So that was what the poem was about: the paradoxical nature of laws. “Building is just another way of letting go”; that’s conclusive but I don’t end it like that. Maybe with my early poems but the older I get, the more I am comfortable with writing poems that are unanswered, open-ended. INTERVIEWER: Was the production of the second book easier than the first? KATIGBAK-LACUESTA: It was easier because [the publisher] was a university press and university presses are kinder to poetry than big presses because poetry doesn’t sell. I think university presses understand this: they want to preserve the literary culture. I didn’t feel defensive about publishing poetry, there was more acceptance I guess. But you know, here and there, you run into technical glitches whether it’s a university press or a press like Anvil. I would say that [they’re] very different, that the university press was more open to poetry but at the same time, big presses will do your marketing for you, will know how to do these things to promote their writer. I would say [both] have their upsides and downsides. INTERVIEWER: Someone said that, “A poet writes five to six poems in his lifetime and keeps rewriting it.” Do you agree with that? KATIGBAK-LACUESTA: Somebody told me that every piece of literature you write, it is always about an other. Somebody said, no matter what you write, there is an other. I don’t know about today, but I’d like to think we move on. I’d like to think that I’m capable of

74


Breaking Parameters

writing one fantastic poem and will keep on proceeding from it. INTERVIEWER: In an interview with The Philippine Star last October, you said that the poems in this collection are more honest. How so? KATIGBAK-LACUESTA: In Burning Houses, I was really writing directly from experience. I practically had no persona poems there except for “Zaturnah”. I feel like in Burning Houses, there were no masks. That was real emotion. I was coping—I was very close with my dad—so that was written two years after he died. It was really just dealing with that, it was honest in that way. Imagine dealing with trauma or something big without your art? I wouldn’t know what to do. INTERVIEWER: Van Gogh said in one of his letters to his brother, “The More I am spent, ill, a broken pitcher, by so much more I am an artist.” Do you think that literature, or art in general, is intertwined with suffering? KATIGBAK-LACUESTA: The really tortured ones are the great artists, but you know, for every artist that deals with suffering, there is someone that can cope. I think the suffering happens when all you have is art. What happens if we’re not validated by the outside world? It could kill you. Being an artist, a writer, is an uncertain life. I guess if you need an element of soul, you need to have your heart broken at least once in your life. I guess my best poems were written under duress, when I was trying to get over something. I feel some element of brokenness will make your poem, or your work, richer, more human, but I’d like to think we can get by a modicum of suffering. INTERVIEWER: Do you have any particular considerations for choosing a title poem or a title for the collection?

75


Tomo XXX Bilang 3

KATIGBAK-LACUESTA: Secret. With The Proxy Eros, I was playing around with the idea of an other and the other is not somebody you will encounter. There is an other in your mind, there’s the other in reality. The proxy eros, the Lover, is the ideal that we’ll never quite attain in your physical and actual relationships. It is almost as if your actual others are proxies; they are not the real thing. That’s what I thought when I was twentysix. I don’t think it anymore. For me, it was just the idea of a perfect other versus the real other that you encounter in real life, that you have actual encounters with. I can honestly say that some poems in The Proxy Eros, they were addressed to a particular other, but the poems were so much deeper, I guess, than that actual other that they were addressed to. So the actual writing was deeper, because you were processing what the other meant, not what the other was. For Burning Houses, there’s been contention in recent years about the establishment and tradition and a lot of dissident voices who, just for fuck’s sake, want to bring the establishment down— these are not people necessarily part of the establishment, who care about the establishment, care about tradition. I don’t consider myself [part of the] establishment; I think that’s way, way, way above me and beyond me but I felt like the literary tradition was under attack for no real compelling reason, and for me, Burning Houses was a poem [about] moving on from the death of my father and at the same time [prescribing] houses of tradition and I wanted to say “You can build on this; you don’t have to tear it down.” But a weight building, departing from tradition is paying homage at the same time breaking down the usual prescriptions, the parameters; by breaking down those parameters, you’re paying homage. You don’t want to burn it down, you don’t want to break it— you want to proceed from it. In a sense, if this were poetics, I would say this is about burning down houses, moving on from tradition, breaking old parameters not just because you want to tear it down but because you’re also paying homage to it, as paradoxical as that is.

76


Breaking Parameters

INTERVIEWER: In The Proxy Eros, the poems seem to take more traditional forms. What influenced you to be more playful or experimental with the form of your poems in Burning Houses, especially on the “There are Other Ways of Leaving” and “Zsa Zsa Zaturnah: Ze Poem”? KATIGBAK-LACUESTA: I started out very traditional, basically organic free verse poems in The Proxy Eros. Of course, the more you write, the more you get bored with doing the usual stuff. Repeating myself [is something] I didn’t want to do. You have a signature voice. But frankly, it gets boring when you do the same thing over and over again. Let’s say my second book were about my concerns in The Proxy Eros: it would get terribly boring. There were exercises where you stretch the parameters by writing the voice of the persona, which is what I did in “Zsa Zsa Zaturnah”. You’re exploring an entirely different world by putting yourself in the shoes of Zsa Zsa. And in that way, I wasn’t rehashing something that I have written before. I won’t even call it experimental poetry because it’s actually not. INTERVIEWER: It is evident in both collections that you draw from different cultural references. Why? KATIGBAK-LACUESTA: I started writing [The Proxy Eros] when I was twenty-one, twenty-two, until I was twenty-six, twenty-seven and your world then was not very big. Your realm of experience then is not really very wide. If you write drawing from different cultural references, then you explore. Whatever you lack in experiences, you make up in knowing you cultural heritage. I also used a myth there: the myth of Apollo and Daphne. I wouldn’t say I was faithful to the myth. I was still drawing on personal experience, seeing through mythical characters, as some sort of vehicle. When I did that, I was conscious that I was exploring new venues to express and enrich.

77


Tomo XXX Bilang 3

INTERVIEWER: In line with this, do you think that the Filipino writer must be faithful with his own consciousness? KATIGBAK-LACUESTA: That’s really hard to answer. I would say that I was aware of the Filipino consciousness in the second book. Should we have a Filipino consciousness? Certainly. We should, because—and I’m not saying this as an activist—the older you get, the more aware you are part of the Filipino tradition, the more you don’t want to mimic Western modes of expression, the more you want to look for what’s yours. I can’t completely enter that mode because I write in English. It’s hypocritical to say that I’m a complete Filipino writer. What I’d like to think—my husband says this—na he’s so happy I didn’t stay in the States; I came back. I didn’t want to be a Fil-Am writer, to be part of the diaspora. In my mind, I was a Filipino writer. [He] told me that [he’s] really proud of me because my heart is truly Filipino and I believe that. I think you can explore the Filipino consciousness even though I write in English. If you ask me what the Filipino consciousness is, I can’t answer that. It’s up to you, but bottom line is, I think you know where your loyalties lie. Very clearly, my loyalties lay here, in this country. I wanted to teach here, study under Filipino writers. INTERVIEWER: How different is a critic from a teacher? KATIGBAK-LACUESTA: I’m not a critic. Early on, I realized I didn’t want to be a critic; I want to be a practitioner. I feel teaching is an extension to that. It is an extension of the practice of craft. Though, critics here are writers also. We have a very small writing community, so we have to multi-task. INTERVIEWER: What should we expect next from Mrs. Mookie Katigbak-Lacuesta? KATIGBAK-LACUESTA: I don’t think I’d say this but I think I’m

78


Breaking Parameters

writing a third book. Pero there’s no concept behind it—I think The Proxy Eros and Burning Houses had a frame—this one does not; it’s still shaping itself. And I am working with a co-editor for an anthology of flash fiction. I hope to have it released if not by the end of the year, early next year. INTERVIEWER: Do you have any advice for aspiring poets? KATIGBAK-LACUESTA: Have something else to balance writing. Your day job is something that enriches your life. I’m just talking from experience: my whole block, from 19-25, that was just writing. That was my whole universe and you can’t support that kind of life unless you have a sugar daddy or sugar mommy, or you don’t have to make a living. But even then, there are still limitations to writing, even if it’s your number one priority, even if it’s the love of your life. It can’t be the only thing you do. Some of the best writers I know are not just writers. Find a practical venue, practical means of support. Never give up. The writing life is an uncertain life but if it’s something you have to do, don’t give up. Just keep on writing and writing and writing.

79


Tomo XXX Bilang 3

SABRINA ANNE GLORIA

Talukap mixed media on wood

for mom 80


Malate Literary Folio

KEVIN CHRISTIAN ROQUE

Nostalgia pen and ink on moleskin

81


Tomo XXX Bilang 3

JEREMY YUMUL

Moving Out A home does not move well. In packing alone, how many keys, clocks, toys, photos, are found or thrown? No one is sure how much is gained or lost. Here, the doors are not loose or stuck. The ones from the last have been opened and closed too much. More time is needed to walk across the wider floors, or climb the higher stairs. More spaces means more steps to cover. And in exchange for all the stories and scars marked and etched in the walls and ceilings, here are spotless ones, skin shining in sheen. Through age or area, we carry what we can as we move. Memories are left to objects. A family learns again how to turn a house into a home. With every new day another step, as they awake to a different world becoming a part of themselves.

82


Malate Literary Folio

PAMELA JUSTINE LITE

For a Sea Change oil on canvas 83


PASASALAMAT Nais pasalamatan ng Malate Literary Folio ang mga sumusunod—mga kaibigan, kapwa manunulat, at mga mangingibig ng sining. Dr. Lakangiting Garcia; Dr. Josefina Mangahis at ang Departamento ng Filipino; Dr. Dinah Roma-Sianturi at ang Department of Literature; ang Bienvenido N. Santos Writing Center; Mr. Phillip Kimpo Jr., at ang Linangan ng Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA); Mr. Mark Angeles, Dr. Genevieve Asenjo, Ms. Karen Flores; Ms. Ipat Luna, Mr. Howie Severino, at ang Sev’s Café; Mr. Joshua So at and Exile Bar and Restaurant on Main St.; The Grand Villa Resort at Costa Villa Beach Resort; Ms. Mookie Katigbak-Lacuesta, Mr. Kevin Roque, Mr. Jef Carnay, Ms. Maan de Loyola; Ang Pahayagang Plaridel, The Lasallian, Green & White, Green Giant FM, at ang Student Media Council; Dean Fritzie Ian Paz-De Vera, at ang Office of Student Leadership Involvement, Formation and Empowerment; Mr. Randy C. Torrecampo, Ms. Joanna Paula Queddeng, Mrs. Ma. Manuela S. Agdeppa, at ang Student Media Office; Mr. Mon Mojica, Mrs. Myrna Mojica, at ang MJC Press Corporation. At higit sa lahat, sa mga kasapi’t kaibigan ng Malate Literary Folio, noon at ngayon.

x




Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.