Malate Literary Folio tomo XXXIV bilang 2

Page 1



MALATE LITERARY FOLIO

TOMO XXXIV BILANG 2

HULYO 2018


MALATE LITERARY FOLIO Tomo XXXIV Bilang 2 Karapatang-ari Š 2018

A

ng Malate Literary Folio ang opisyal na publikasyon ng sining at panitikan ng Pamantasang De La Salle - Manila, sa ilalim ng awtoridad ng Student Media Office (SMO). Ang mga komento at mungkahi ay maaaring ipahatid sa:

503-Media House, Bro. Connon Hall, De La Salle University-Manila, 2401 Taft Avenue, Malate, Manila. E-mail address: mlf@dlsu.edu.ph Facebook: fb.com/malateliteraryfolio Twitter: @malatelitfolio

Nananatili sa indibidwal na may-akda o may-dibuho ang karapatangari ng bawat piyesang ipinalimbag dito. Hindi maaaring ipalathala muli o gamitin sa anumang paraan ang alin man sa mga nilalaman nang walang karampatang pahintulot ng may-akda o may-dibuho Ang tomong ito ay hindi ipinagbibili. Ang pabalat ay likha ni Danish Fernandez at Brandon Kyle Pecson


INTRODUKSYON

Ang pagbibigay pansin sa ating kapaligiran ang unang bagay na nagbibigay daan upang maintindihan natin ang mundong tinatahak natin. Ito ay isang proseso na kinakailangan upang tayo’y makagalaw ayon sa hinaharap nating kasalukuyan. At katulad ng ating napagmasdan sa nakaraang isyu ng Malate Literary Folio, ang kasalukuyan na iyon ay kasalukuyan na kinakailangan natin baguhin. Habang tayo’y lumalaki, lumalaki rin ang nakikita nating butas sa perpektong mundo na ating nakasanayan. Marami sa atin ang unti-unting napapansin ang mga pagkakamali sa ating araw-araw na realidad. Namamasid natin ang mga maliliit na karahasan na nangayayari sa ating kapaligiran – sa kalsada, sa hapag-kainan, sa klasrum, sa mga sandaling pakikisalamuha sa iba. Unti-unti natin napupuna ang mga ito at lumalaki ang ating kagustuhang umaksyon patungo sa pagbabago. Sa isyung ito ng Malate Literary Folio, matatagpuan natin ang iba’t ibang piyesa na nagbibigay pansin sa ating realidad. Makikita natin ang kanilang pakikipagsapalaran sa kanilang hinaharap na humuhubog sa kanilang paninindigan na gumalaw laban dito. Kasama rin sa isyung ito ang komix

i


na inilikha nina Christopher Sum at Noel Villa na pinamagatang “DWOPKE Compedium.� Maliban dito, matatagpuan din ang kontribusyon nina Precious Japheth Benablo at Erika Zenn Ang sa sining-biswal. Sa pagbuklat ng librong ito, iniimbitahan namin ang mga mambabasa na magmasid sa kanilang mga realidad na humuhubog mga karanasan at paninindigan ng bawat indibidwal. IRA KATRINA MENDEZ Punong Patnugot

ii


NILALAMAN Introduksyon

i

Prosa

Dyip ng Sta. Ana Alyssa Mari Vitug

14

Maiba Taya Leann Bernadette Padilla

66

Bisor Francis D’Angelo Mina

71

Regular, Day 36 Maria Gabrielle Galang

88

Sining

The Mechanical Failure of the Ways of Seeing Philippe Bernard Cabal

Steps for Unconfirnement Precious Japheth Benablo

01 04

iii


Untitled Luis Antonio Pastoriza

10

DWOPKE Compedium Christopher Sum at Noel Villa

25

9 Philippe Bernard Cabal

70

Tula

A Funeral Triviality 03 Andre Joshua Cordero Sy

Pileges Nikky Necessario Paralysis Ninian Patrick Sayoc

08

23

Pukaw 86 Christine Autor

Retrato

The Departed Brandon Kyle Pecson

Recto, March 29, 2018 Jose Paulo Atienza

iv

02

21

EspaĂąa Isabella Alexandra Bernal

22


Ang Biography, 2016 Erika Zenn Ang

Untitled Philippe Bernard Cabal

76 87

Errata Pasasalamat

xii xiii

v


PATNUGUTAN Ira Katrina Mendez Punong Patnugot Patnugot ng Tula Maria Gabrielle Galang Pangalawang Patnugot Patnugot ng Prosa Philippe Bernard Cabal Patnugot ng Sining Jose Paulo Atienza Patnugot ng Retrato Stephen Amiel Argente Tagapamahala ng Pagmamay-ari (oic)

MGA SENYOR NA PATNUGOT Maria Katrina Gindap Francisco Gabriel NuĂąez Hannah Grace Villafuerte Maria Margarita Uy

TAGAPAYO Ms. Erika Carreon

vi


MGA KASAPI Christine Autor Fernando Belloza Isabella Alexandra Bernal Jan Chester Chua Trisha May Duncan Danish Fernandez Angela Mitzi Nazareno Nikky Necessario Francis D’Angelo Mina Leann Bernadette Padilla

Frederick Ezekiel Pasco Luis Antonio Pastoriza Brandon Kyle Pecson Jared Rivera Ninian Patrick Sayoc Andre Joshua Cordero Sy Juan Paolo Terrado Gabriel Frances Timog Beatrice Julia Triñanes Alyssa Mari Vitug

MGA KONTRIBYUTOR Erika Zenn Ang Precious Japheth Benablo Christopher Sum Noel Villa

STUDENT MEDIA OFFICE David Leaño Director Jeanne Marie Tan Coordinator Ma. Manuela Agdeppa SECRETARY

vii



Malate Literary Folio

PHILIPPE BERNARD CABAL

The Mechanical Failure of the Ways of Seeing mixed media

1


Tomo XXXIV Bilang 2

BRANDON KYLE PECSON

The Departed 2


Malate Literary Folio

ANDRE JOSHUA CORDERO SY

A Funeral Triviality He was too generous in giving all his hours to usso much so, that he had little, and then, he had none. His body was placed in a silver casket, beside the contribution box. Lest his death becomes too big a burden for me to handle. Strangers came dressed in bright sleeveless shirts. And I, in some suit and slacks, attending to their every command. They tried to force some tears but couldn’t. Muttering their blessings, when they were merely talking to themselves. They raced towards the feast. This funeral not complete without it. Their bodies, were only as heavy as their hearts would allow. Just as how they all had arrived without notice, they also left the same way.

3


Tomo XXXIV Bilang 2

PRECIOUS JAPHETH BENABLO

Steps for Unconfinement black box and set of instruction cards

4


Steps for Unconfinement

5


Tomo XXXIV Bilang 2

6


Steps for Unconfinement

7


Tomo XXXIV Bilang 2

NIKKY NECESSARIO

Pileges Dalawang pagod na kamay, kagugupit at katutupi ng iba’t ibang kulay at iba’t ibang laki ng mga papel na ibon. Pula, kahel, dilaw gusto niyang makakita ng ilaw Luntian, lila, bughaw pag-iisa niya’y mukhang maginaw Ilang gabing puyat katitiklop parisukat, lupi sa gitna, pa-dyamante, bukas pataas tupi lang nang tupi hanggang sa magkatuka at magkapakpak. Apat na sulok ng kuwarto, tatlong iba’t ibang aparato, dalawang tubo, at isang alamat sa isang libro. Siyam na raan, Siyam na raan at siyamnapu, Siyam na raan at siyamnapu’t siyam. Isang tupi na lang, ililipad na ng isang libong tagak ang kaisa-isang kahilingan niya.

8


Pileges

Sa pagpagaspas ng mga pakpak, pitong kulay at isang buhay ang sa kalangita’y bumulwak.

9


Tomo XXXIV Bilang 2

LUIS ANTONIO PASTORIZA

Untitled acrylic on paper

10


Untitled

11


Tomo XXXIV Bilang 2

12


Untitled

13


Tomo XXXIV Bilang 2

ALYSSA MARI VITUG

Dyip Ng Sta. Ana

Ang bawat isa ay may naiibang kwento. Sa araw-araw na pagsakay ko ng dyip papuntang eskwelahan ay nakasanayan ko nang pagmasdan ang mga tao sa aking paligid. Bago pa man ako pumasok ay kitang-kita ko ang dalawang sektor na humahati sa bansang ito. Sa kaliwang dulo ay nakaupo ang isang dalagang puno ng kolorete sa mukha at nakasuot ng mamahaling damit samantalang katapat niya ang isang babaeng nakasuot ng tagpitagping damit bitbit ang isang brown envelope. “Pakiabot na lang po ng bayad! ‘Wag muna mag-cellphone at magbayad muna lalo na iyong mga malalapit lang diyan,” bulalas ng drayber na panay punas ng pawis sa kanyang batok. Pagkaupo ko sa dyip ay nagpanggap muna akong iidlip sandali para hindi ako mapakiusapang mag-abot ng bayad ng ibang pasahero.

“Isa pa! Isa pa! Lalarga na!”

Bagamat halata na puno na ang dyip ay ayaw pa rin umalis ng drayber. Maya-maya lang ay may sumakay na nagmamadaling

14


Dyip ng Sta. Ana

matabang babae. Kahit na hirap na siya sa pagpasok ay ayaw pa ring umusog ng mga lalakeng nasa kaliwang bahagi ng sasakyan. “Alam na nga kasing di kasya, pagpipilitan pa!” bulong ng matandang katabi ko. Nang hindi talaga siya magkasya ay nagpasya na lamang siyang bumaba at bumalik sa pila. Pagkababa niya ay mayroon namang dumating na balingkinitang babae na agad namang pinaupo ng grupo ng mga kalalakihan. Binilang muli ng barker ang mga pasahero at pagkatapos ay kinuha na niya ang limang pisong barya na pambayad sa pagtatawag ng pasahero. Sa puntong ito, umayos na ako ng upo at tumingin sa labas ng bintana. Alas-syete pa lang ng umaga ngayon pero buhol-buhol na agad ang trapiko. Wala ni isa sa mga sasakyan sa harap ang nais magpadaaan sa ibang kotseng tatawid sa interseksyon. Kung hindi lamang dumating ang traffic enforcer ay marahil naantala na ang aming byahe. Pag-arangkada ng dyip, napukaw ang aking tingin sa babaeng nagmamake-up. Basa pa ang kanyang buhok at pilit na inaayos ang eyeliner na lumagpas nang madaan sa humps ang dyip. Sa unang tingin ay mahihinuha mo na isa syang saleslady sa department store. Panay ang kanyang tingin sa orasan habang nagrereklamo sa mabagal na takbo ng dyip. “Hay naku! Magtaxi ka nang di ka reklamo nang reklamo diyan,” bulong ng matandang katabi ko. Tuwing ako ay sumasakay sa dyip, hindi talaga nawawala ang mga pasahero na mahilig magparinig. Kung tutuusin, hindi na dapat niya pinakikialaman ang buhay ng ibang tao pero kahit papaano masasabi ko naman na may lakas siya ng loob na ipahatid ang nais niyang sabihin. Nang madaan ang dyip sa simbahan, nagbabaan na ang ilang pasahero sapagkat nakaharang na naman sa tapat ng plaza ang ilang dyip na nag-aabang ng pasahero. Nang malaglag ang wallet ng isang ale, agad itong dinampot ng mga kabataan sa dyip at binulsa ito. 15


Tomo XXXIV Bilang 2

Batid ko na nakita rin iyon ng babaeng may bitbit na brown envelope pero tila may kakaiba sa kanyang tingin na para bang nagiinteres sa nahulog na pitaka. Nang madaan ang dyip sa Tejeron ay kinagulat ng lahat ang pagungol ng babaeng nakaupo sa malapit sa may drayber. Lubos na pagkahiya ng babae sa kanyang inasal pero hindi naman ito pinagaksayahan ng oras ng karamihan at agad nawala ang atensyon sa kanya. Katulad ng iba, hindi ko na rin sana papansinin ang dalawa pero umiral ang natural kong pagkachismosa at patuloy kong pinanood ang dalawa. Sa unang tingin ay aakalain mo na magkasintahan ang dalawa pero napansin ko na tila ilag ang babae. Kahit sila ay nasa publiko ay pasimpleng hinihimas ng lalake ang dibdib ng babae. Gustuhin man ng babae na lumipat ng pwesto ay wala naman siyang ibang lilipatan. Nang magtagpo ang aming mga mata, mangiya-ngiyak na ang babae pero nagpadesisyunan ko na lamang umidlip sandali. Pinikit ko ang aking mata at yinakap ko ng mahigpit ang aking bag. Nagising na lamang ako sa malakas na tawa ng mga trabahador na sumakay sa dyip. Tila pinagkakatuwaan nila ang kanilang boss na wala raw ginawa kung hindi kumain at mag-utos ng kung anoano. Di nila alintana ang matatalim na tingin ng ibang tao maging ang pagpaparinig ng matanda kong katabi tungkol sa mga lalaking walang modo. Nababanas man ako sa kanilang ingay, minabuti ko nalang itikom ang aking bibig sapagkat abala lamang ang aking aabutin kung magsasalita pa ako. Pagtingin ko sa labas ng dyip ay nasa may Pasig Line na pala kami. Ilang saglit lang ay bumaba na ang mga kabataan sa tapat ng eskwelahan at umusog na ako sa may bungad ng dyip. Sa pagitan namin ng babaeng may dalang envelop ay isang guro. Bagamat maaga pa lamang ay bakas na sa mga mata ng matandang guro ang pagod. Ngunit, naaninag ko rin sa kanya ang pagkasabik na magturo nang tingnan niya ang cellphone na may larawan ng kanyang mga estudyante. Mabuti pa siya. Mayroon siyang pinaghahandaan. Malamang ay nailang ang matanda sa aking tingin kaya tinabi na lang niya ang kanyang gamit at naghanda ng pamasahe. 16


Dyip ng Sta. Ana

“Sa may Paco lang po,� sabi niya sabay abot ng isang daang piso. Pagkatapos matanggap ang kanyang sukli, paulit-ulit niya itong binilang. Nang magkulang ito ng piso ay nakipagtalo pa ang matanda sa drayber. Bandang huli ay napilitan din ang mama na ibigay ang kulang na sukli. Kung ako iyon, binalewala ko na siguro ang kulang na piso. Nakakahiya naman na gumawa pa ng eksena sa dyip para lang sa piso. Maya-maya lamang ay napansin ko na ginigitgit ng matandang guro ang babaeng may envelop. Piniwesto ng guro ang kanyang bag malapit sa aking tabi. Nang magtagpo ang kanilang mga mata, hindi naman nagsalita ang matanda ngunit patuloy pa rin ang matatalim na tingin niya sa babae. Ang babaeng may envelop naman ay tumingin na lamang sa labas at iniwas ang kanyang katawan sa guro. Nabaling ang aking tingin nang tumunog ang telepono ng mayamang dalaga sa aming harapan. Kausap niya ang kanyang ama at dinig ko na nanghihingi siya ng labinlimang libo para makabili ng bagong bag. Mukhang pumayag naman ang kanyang ama kaya laking tuwa niyang binaba ang telepono. Labinlimang libo para lamang sa isang bag? Hindi man kami hikaos sa pera pero alam ko na malaking halaga na iyon para sa isang bag. Kung kaya niyang gumastos ng ganoong kalaking pera, bakit pa kaya siya nagtiyatiyagang sumakay ng dyip? Naramdaman ko rin ang pagkagulat ng babaeng may hawak na envelop. Nakatulala lang ang babae at tila may iniisip, marahil kung saan niya gagamitin ang labinlimang libong nabanggit ng mayamang dalaga. Kahit kanina ko pa inoobserbahan ang iba ay ngayon ko na lang napagtanto kung bakit tila ilag ang ibang pasahero sa kanya. Nang aking napagmasdan ang babaeng may dalang envelope ay nabatid ko ang bigat ng kanyang nararamdaman. Mugto ang kanyang mga mata at halatang hindi pa siya nakakain ng agahan. Sa malayo ay hindi naman ganun kalala ang kanyang itsura ngunit maaninag mo na ang kanyang damit ay puno pala ng butas at ang kanyang tsinelas ay ginamitan lang ng straw. Nang silipin ko ang laman ng envelope ay nahalata ko na ito ay may logo ng ospital. 17


Tomo XXXIV Bilang 2

Sa puntong iyon, tila may naguudyok sa akin na kausapin siya. Pero, napagpasyahan ko na lamang na manahimik nang makita ang luha na tumulo sa kanyang mata. Ayoko naman na abalahin pa siya sapagkat alam kong wala rin namang akong magagawa sa kanyang problema. Ngunit, di alintana sa dinaramdam ng babae, patuloy pa rin ang pangigigitgit ng matanda sa kanya at ang mapanghusgang tingin ng iilan sa dyip. Naalala ko sa babae ang linyang palagi nating naririnig tuwing eleksyon. Sabi ng mga pulitiko ay hindi kasalanan ipanganak na mahirap bagkus ay ang mamatay ng mahirap. Sinabi rin nila na sila ay nandyan upang tulungan ang mga kapus-palad na makamit ang masaganang buhay na kanilang ninanais. Kung natupad lamang ang mga pangakong iyon, hindi na kaya iiyak ang babaeng ito? Alam ko rin naman na hindi ganoon kadali ang lahat katulad ng sinasabi nila. Sa mundong pinatatakbo ng mga mayayaman, ang mga mahihirap ay hindi pinagkatiwalaan sa mga trabahong nagbibigay ng malalaking sweldo. Malimit din silang mabigyan ng oportunidad na patunayan ang kanilang sarili o kahit man lang ipakita ang kaya nilang gawin. Ang lahat ng ito ay batid ng karamihan pero tulad ko, ang lahat ay mas pinipiling manahimik at tanggapin ang katotohanang iyon. Ilang minuto pa ay nadaanan na namin ang Onyx kung saan nagsalita na ang gurong katabi ko. Kinalabit niya ang mayamang babae at sinabing, “Iha, ingatan mo iyang cellphone at baka manakaw.� “Ok lang po iyan. Never pa naman po akong nanakawan and madali lang naman pong bumili ng bago,� sabi ng mayamang dalaga. Nang marinig ko ang mga salitang iyon, nagbago ang ekspresyon ng babaeng may envelop. Tinitigan niya ng mabuti ang iPhone ng babae at bakas ang kanyang pagdadalawang isip. Patuloy pa rin ang paggamit ng cellphone ng babae at panay ang ngiti sa bawat tunog nito. Kausap niya siguro ang kanyang kasintahan kaya lingid sa kanyang kaalaman, pinagiinteresan na ng babaeng kaharap niya ang kanyang pag-aari.

18


Dyip ng Sta. Ana

Sa mga panahong ito, nakalagpas na sa PNR ang dyip na sinasakyan ko. Patuloy pa rin ang pagpapapansin ng matandang guro sa babae samantalang maging ako ay napapaisip na rin kung tama ba ang aking hinala. Ilang minuto ang nakalipas at paikot na ang dyip sa ginagawang expressway. Katulad ng dati ay punong-puno pa rin ito ng mga sasakyan at maging mga trak papuntang Pier. Sa dami ng bulto ng sasakyan sa oras na ito, bakas sa mga mukha ng mga tao ang halong pagkainis at pagmamadali. Maging ako ay panay na rin ang tingin sa aking orasan. Nangako pa naman ako sa aking mga kaibigan na magkikita muna kami sa canteen bago magsimula ang klase. Maya-maya lang ay unti-unti nang umuusad ang trapiko sa pagdating ng mga traffic enforcer. Naayos na ata nila ang sirang traffic light sa may bandang Paco. Sa ganitong lagay, mukhang aabot pa naman ako sa aming napagusapan. Nang hindi na ko nagalala sa oras, muli kong naalala ang babaeng may envelop. Kung kanina ay di ko mahinuha ang ekspresyon sa kanyang mukha, ngayon ay kumalma ang kanyang isipan. Limang segundo na lamang bago maging berde ang ilaw ng traffic light. Bigla akong napaisip kung ano nga ba ang balak ng babaeng may envelop. Itutuloy niya kaya kung ano man ang iniisip ko? Hindi naman sa pagiging judgemental pero mayroon at mayroon pa ring possibilidad na gumawa siya ng masama. Ngunit, sapat na nga ba ang aking hinala para hatulan ko ang babaeng may envelop sa aking isipan? Kung anuman iyon, wala na akong kinalaman sa mangyayari. Kahit namang anong gawin ko ay magdudulot lang ito ng abala sa akin. Hindi magbubunga ng mabuti ang pakiki-alam sa buhay ng ibang tao. Sa oras na pumagitna ka sa kanilang gulo, dalawa lang ang maaaring mangyari sa ‘yo. Maaaring hindi ka rin nila pagtutuunan ng pansin o mas malala ay sa iyo pa nila ibuntong ang init ng kanilang ulo at ikaw 19


Tomo XXXIV Bilang 2

ang magmumukhang masama. Kaya para sa ikapapayapa ng aking biyahe, kinuha ko na lang ang aking cellphone, sinuot ang aking earphones at nakinig ng musika. Maya-maya lamang ay isang sigaw ang nangibabaw at biglang tumigil ang dyip. Bigla kong pinatay ang musika sa aking cellphone at tumambad sa akin ang gulat at inis na ekspresyon ng mga kapwa ko pasahero. Tiningnan kong mabuti ang mga kasama ko sa dyip. Marami sa nakita at naobserbahan ko ay napalitan na ng ibang mukha. Karamihan sa mga kasabay ko nga iyon ay katulad ko. Hindi namin alam kung ano ang dapat gawin o sabihin. Nagkatinginan na lang kami lahat sabay kibit balikat. Wala na sa kanyang upuan ang babaeng may envelop kanina. At ang lahat ay bumalik na sa kani-kanilang mundo pero nararamdaman pa rin sa hangin ang kaunting tensyon na dinulot ng pangyayari. Di man nila pinahahalata, batid kong gusto na lamang umalis iba sa lugar na ito. “Manong, di ka pa ba aandar?� sigaw ng matandang reklamador na parang nagmamadaling umalis sa lugar na ito. Nagdadalawangisip man, pinaandar na ng drayber ang jeep. Huminga na lamang ako ng malalim at suot ang aking earphones, pinatugtog ko ulit ang musika at nagpatuloy sa aking ginagawa.

20


Malate Literary Folio

JOSE PAULO ATIENZA

Recto, March 29, 2018 21


Tomo XXXIV Bilang 2

ISABELLA ALEXANDRA BERNAL

España 22


Malate Literary Folio

NINIAN PATRICK SAYOC

Paralysis The stereo cackled with static: I know that I am in a rush, but it’s impossible to start driving away from where I stay. So I must fix the rearview mirror before I would be able to finally leave. It’s not that I don’t want to leave the dreadful feeling of being static behind. It’s always the mirror reflecting my image in a rush, some face that won’t stay recognizable. And the muscles start shifting erratically as I start reversing the car. I must leave. Although only the thoughts stay, the body refuses to remain static. I merge onto traffic. Now I’m in a rush to race away, but my sideview mirror shows another car approaching. The mirror foreshadows. Yet this is only the start of being overtaken, as more cars rush. But what occupies me is that I leave. Perhaps, like the other cars, I am not static if I move, or as long as I don’t stay.

23


Tomo XXXIV Bilang 2

And I fight the feeling to stay: I tear my eyes away from the mirror because looking behind is like how static is merely a stationary shock, and I start to justify the reasons why I need to leave – I only act quicker to outrun the rush. Yet after these cars that rush, my immobile thoughts that stay, the place where I began to leave, my reflection from the mirror, and the desire to finally start, lies my destination: seemingly static. I rush onward, fooling myself past being static Since even if I don’t stay, I’m just back to the start For I could never leave as my mind is stuck in the mirror

24


Malate Literary Folio

MEATFIST AND NOEL VILLA

DWOPKE Compedium komix

25


Tomo XXXIV Bilang 2

26


Malate Literary Folio

27


Tomo XXXIV Bilang 2

28


Malate Literary Folio

29 29


Tomo XXXIV Bilang 2

28 30


Malate Literary Folio

31 31


Tomo XXXIV Bilang 2

32


Malate Literary Folio

33


Tomo XXXIV Bilang 2

34


Malate Literary Folio

35 35


Tomo XXXIV Bilang 2

36


Malate Literary Folio

37 37


Tomo XXXIV Bilang 2

38


Malate Literary Folio

39 39


Tomo XXXIV Bilang 2

40


Malate Literary Folio

41 41


Tomo XXXIV Bilang 2

42


Malate Literary Folio

43 43


Tomo XXXIV Bilang 2

44


Malate Literary Folio

45


Tomo XXXIV Bilang 2

46


Malate Literary Folio

47


Tomo XXXIV Bilang 2

48


Malate Literary Folio

49


Tomo XXXIV Bilang 2

50


Malate Literary Folio

51


Tomo XXXIV Bilang 2

52


Malate Literary Folio

53 53


Tomo XXXIV Bilang 2

54


Malate Literary Folio

55 55


Tomo XXXIV Bilang 2

56


Malate Literary Folio

57 57


Tomo XXXIV Bilang 2

58


Malate Literary Folio

59 59


Tomo XXXIV Bilang 2

60


Malate Literary Folio

61


Tomo XXXIV Bilang 2

62


Malate Literary Folio

63 63


Tomo XXXIV Bilang 2

64


Malate Literary Folio

65


Tomo XXXIV Bilang 2

LEANN BERNADETTE PADILLA

Maiba Taya

Naririnig ni Lisa ang mga sigaw ni Cherry, ang tawa ni Mandy, at

ang yabag ng mga tsinelas nilang maninipis habang nanonood ng TV. Alas-kwatro na ng hapon kaya lahat ng bata sa kalye nila’y tiyak na nasa labas, pawisan at naglalaro ng habulan. Dapat nasa labas din si Lisa ngayon. Katunayan, noong nakaraang linggo lang, eh kasama siya sa mga batang naglalaro ng ten-twenty sa labas. Kailan lang noong siya uli ang taya sa tumbang preso at bente-uno. Tiningnan ni Lisa ang braso niya, pinagmasdan ang malatsokolate niyang kulay. Mas maitim kaysa sa normal na kayumanggi. Tumayo siya at pinatay ang TV na puro komersiyal lang ang pinapalabas. Sa harap nito, lumuhod siya para tingnan ang mukha sa screen nitong kulay abo. Kinapa niya ang makapal na kilay, pati ang pango na ilong. Makapal din ang kaniyang mga labi, pero sa tingin niya nama’y maganda ang mga ‘to, lalo na ‘pag nilagyan ng lipstick. Ginawa na niya iyon dati, patagong kinuha ang pulang lipstick ni Mama. Makalat at wala sa ayos ang pagkakalagay niya noon, pero nakita niya ang malaking pagkakaiba ng itsura niya. Gusto na niyang lumaki para makapaglipstick. Gusto na niyang gumanda.

66


Maiba Taya

Nag-ingay ang metal nilang gate. Dumating na rin si Kuya, nakabili na ng chichirya at pop cola. Oras na para manood sila ng Naruto kaya inutusan agad nito si bunso na buksan na ang TV. Mas gusto niya sanang manood ng cartoons pero paboritong palabas ‘to ng Kuya niya kaya wala siyang magagawa. At dahil ‘di na siya lumalabas ng bahay tuwing hapon, napipilitan na rin siyang manood kasama ang kapatid. Patalastas pa rin ang nasa TV pagbukas ni Lisa. Naupo siya sa malamig na sahig habang umupo naman sa sofa ang kapatid, iniinom ang pop colang nasa plastik. Binato nito kay Lisa ang pinapabili niyang Vinegar Pusit. Nagpasalamat siya kahit pa “panget mo” lang ang sinagot nito. Okay lang. Bilang bunso, sanay na naman siya sa ganito. Bakit daw wala siya sa labas ng gan’tong oras, tanong ng Kuya niya. Bago pa man makasagot si Lisa, lumabas na sa screen ang dilaw na buhok at kahel na damit ni Naruto at nabaling na ang atensyon ng kapatid niya. Nanood na lang siya kasama nito. ‘Di maintindihan ni Lisa bakit gano’n sila tumakbo: nakayuko at nakahawi ang mga braso sa gilid na parang mga tumatakbong ibon. ‘Di rin niya maintindihan paanong nakakatakbo sila sa tubig at nakakatalon sa matataas na puno. Maraming ‘di maintindihan si Lisa, kaso ‘pag tinatanong niya naman ang Kuya niya eh pinapatahimik lang siya at ‘di raw nito marinig ang TV. Kaya nanood na lang siya nang tahimik habang kumakain ng paborito niyang chichirya. Natuwa naman siya kahit papa’no. Nakakatawa rin naman sila. Nagpatalastas na naman. Isang lotion na pampaputi ang komersiyal. Oras na raw para magkaroon ng “whiter, stunningly beautiful skin.” Nagmistulang tala sa kinang ang maputing balat ni Marian Rivera, at pinaliwanag nito ang buong lugar kung saan man siya tumapak. Ang ganda, ganda niya, naisip ni Lisa. Napatingin naman siya sa sariling balat at napangiwi. Mas gusto niyo ang gatas, ayaw na niya sa tsokolate. Naalala niya na sa ibabaw ng mesa ni Ate, may isang puting bote na maaaring sagot sa problema nitong si Lisa na magsa-siyam na taon pa lamang. Tumayo siya at nagsabi na merong ganyan si Ate, gagamitin ko na para pumuti na ‘ko! 67


Tomo XXXIV Bilang 2

Binato lang siya ng unan ng kapatid, kesyo ang bata-bata pa raw niya para problemahin ‘yan. ‘Di ba niya alam na iitim pa siya lalo, kakabilad sa araw? Binalik ni Lisa ang hampas sa Kuya at umupo sa sofa. Patuloy ang pagpapalabas ng mga komersiyal sa TV pero hindi na ito pinapansin ni Lisa. Nakabaling ang atensyon niya sa kapatid. Bakit, di raw ba siya inaasar na kulay imburnal ng mga kaklase niya? Natawa ang Kuya niya. Sinong nagsasabi niyan? Pinaalala nito sa kapatid ang mga bisita nila Mama at Papa sa school dahil pinapatawag ng Guidance Counselor at minsan nga’y pati na rin ng Principal. “‘Pag tinutukso ako ng ‘unggoy’, sapak agad ang natitikman nila sa’kin!” sambit ng mas matandang lalaki. Nagtataka si Lisa at bakit parang ‘di nababahala ang Kuya niya sa kanilang kulay. Ayaw ba niyang pumuti? “Puputi rin tayo paglaki, tingnan mo si Ate. Dati kasing kulay lang natin ‘yon, nu’ng nag-college at nakatikim ng aircon, pumuti nang sobra!” Kumislap ang mga mata ni Lisa. Hindi na siya makapag-antay na lumaki, para makatingin na siya sa salamin at masabing mahal niya ang kutis niya na sana’y maputi na. Bakit, inaasar ka ba ng mga kaibigan mo? Hindi na siya nabigla sa tanong. Tumango si Lisa. Narinig ko sila Cherry at Mandy no’ng Friday, kasi bumili ako ng chichirya kila Aling Nene tapos nakaupo kami sa harap ng bahay nila Paeng. Lilipat na raw ng bahay sila Mandy, tapos nalungkot si Cherry sabi niya, bakit raw siya iiwan kasama ko, eh kaya lang naman daw niya ako kinaibigan dahil kay Mandy. Sabi niya ang pangit-pangit ko raw ta’s ang itim-itim pa para raw akong galing imburnal. Siya pa ‘yung umiiyak kala mo naman siya yung pinaplastik ng mga kaibigan niya. Kung makapanlait naman ‘yang mga kaibigan mo kala mo dang puputi nila, eh. Pare-pareho lang kayong tustado! Sininghot ni Lisa ang sipon at pinunasan ang luha bago pa bumagsak. ‘Di bale na, sabi mo puputi rin naman ako tsaka gaganda paglaki ko. Makikita ni Cherry, siya talaga ang pangit samin! Sa halip na sumang-ayon, hampas ng unan ang bati ng Kuya niya. Dami niya raw alam. Kami lang pwedeng manlait sayo kasi kapa68


Maiba Taya

tid mo kami. Bago pa maka-sagot si Lisa, sumulpot na sa TV ang itim na buhok at asul na suot ni Sasuke. Hindi na naman niya makakausap uli ang kapatid. Nabigyan man ng pag-asa si Lisa, naisip niya na matagal pa bago siya magkolehiyo tulad ni Ate. Matagal pa bago natural na pumuti ang balat niya. Paano siya magkakaron ng mga kaibigan ngayon kung napapangitan at naiitiman sila sa kaniya? Hindi na napansin ni Kuya nang umalis siya sa sala at pumunta sa kwarto nila ni Ate. Kinuha niya ang SkinWhite lotion sa mesa nitong puno ng mga nakakalat na papel at makukulay na ballpen. Binuksan at naglagay siya ng marami sa nakabukas na palad. Pinunas niya sa kayumangging mga braso at binti. Pati ang siko at kili-kili hindi niya kinalimutan. Lahat ng kasingit-singita’y ‘di niya pinalampas. Humarap siya sa salamin at nagpahid sa makinis at bata niyang mukha— sa malapad niyang noo, sa kulay-kape niyang mga pisngi, sa gilid ng pangong ilong, at palibot ng makapal niyang labi. ‘ko.”

Pinagmasdan ni Lisa ang sarili sa salamin. “Ayan, maputi na

69


Tomo XXXIV Bilang 2

PHILIPPE BERNARD CABAL

9

9 cans of white enamel paint 1 can of black enamel paint performance object

70


Malate Literary Folio

FRANCIS D’ANGELO MINA

Bisor

A torrent of blood gushed out from her superior’s throat where she pulled out the knife.

Sheena’s hands were sticky and red. Her nails were dipped in crimson, her white shirt dirtied. Underneath the halos of orange streetlight, Sheena found a shard of mirror on the damp ground and realized the similarity between the shade of her lipstick and the blood on her face. Thank God she still had some tissue. She tossed the mirror aside and stood, glancing at the dead body before her. Aristotle Delgado was riddled with so many stab wounds she lost count. For certain, he was dead—no, he cannot see anymore, yet Sheena still did not dare look at his eyes. The buzzing of flies flitted closer. The monster Aristotle Delgado was dead, and as much as she wanted to leave the corpse here for the maggots to feast in as a final act of vengeance, that wasn’t possible. That would raise questions. It would risk her career. She sighed and examined the situation more thoroughly:

First, the police, no, much worse, the NBI, they would come

71


Tomo XXXIV Bilang 2

to the main office in del Pilar and ask: “Who was Aristotle Delgado?” oh, he was the supervisor of Black Lightning Electronics, Inc., “What did he look like?” he was not that tall, not that white, not that bright, but yeah, he had the charm and the authority about him, and he was nice, then they’d ask for the juicier details like “What happened to him?” or “Where did he go?” or “What did he do?” or maybe even “Who was he with?” until her fellow employees, Richard and Nicole and the rest of them were pelleted with questions and more importantly, Sheena herself would be hounded for answers, Sheena, a person of interest who looked disheveled and weary as if she lacked sleep, Sheena who would somehow recount that drizzling night when she timed out early and waited for her supervisor to come out of a pharmacy, turn left into a reeking alley and get stabbed repeatedly until she was out of breath and he was out of breath, and that she did that because she had a reason nobody would believe, but what she saw before she killed him, what he did, they’re all true, please, you have to believe it, I swear, until she would blabber on how she came to Black Lightning for a temporary job, earning her wages while looking for another job that would suit her academic attainment, on how she did not expect to be stuck in this fucking place for three fucking years without finding that dream job that would whisk her away from this shit-stained city, with no promotion, no raise on her more than outstanding efforts, no anything, on how Aristotle Delgado’s sugarcoating, taunting, manhandling drove her to rage, my God—“Why Sheena, my girl, let me just lecture you a little about how we work here,” on how she found the source of her frustrations, all the while bearing her parents’ deaths and her sister’s illness, one night during overtime, stumbling near the back door upon the office of Aristotle Delgado, dark save for the dying dance of two candles, save for the glaring portraits of his preceding supervisors, save for the hidden black cross that rest on the table, save for the smell of crushed papaya leaves and spoiled chicken, save for a distant humming of a chant long forgotten that ascended with a throaty voice, save for the encroaching hand on her back, save for his twilight form in the room, save for his smoldering hateful eyes, red eyes, red as the blood on her fingers, eyes that did not disappear even when she closed hers, and when she 72


Bisor

opened them, she still saw them—“Miss, you have the right to remain silent,” someone snaps her out, as they cuff her hands, bring her to court, charge her with murder and slander after concluding that her story was the fabrication of a delusional woman who had experience much misfortune and misery, and lock her up behind bars for thirty years.

Footsteps. Closer. No, she’d have to act now, no more drama.

With all her strength, Sheena heaved Aristotle Delgado by his feet and dragged him out of the alley and into the street. To her fortune, Ermita was empty, except for the occasional passing twelvewheeler. Nine minutes later, after evading surveillance cameras, she ended up in an empty lot between a raunchy KTV place and an inauthentic Japanese noodle house. The lot was fenced with rusted yero, but near a flickering streetlamp, it was carved so that a person may enter. When she had fit the corpse through the gap, she surveyed her supervisor’s cemetery. Instead of gravel, there was soil, soaked wet. Her feet sank-she judged that the soil was deep enough for a dog bone, but not a dead body. It’ll have to do. Sheena clawed her way onto the underworld, sweat beading her forehead, the blood on her fingers mingling with the blood of the earth. Once she was done, Sheena laid Aristotle Delgado in his makeshift grave, coated him with mud until he was gone, and mumbled an incomprehensible prayer. She left and walked home, under the shadows. The eyes were still there. Last night was a doozy. Sheena got off the jeep and took a deep breath before stepping in the office in her best, despite the tiring business that made her doze for only two hours. Richard and Nicole and the rest of them were just fixing things up before they could open the store properly, when they shuddered at her entrance at the sight of her, whimpering like kicked dogs. Poor things. One of them, a fortysomething, well-read man, tapped his foot nervously. Must be new.

73


Tomo XXXIV Bilang 2

“Hey, stop with your foot. Shouldn’t you be getting back to work?” she snapped. The man’s eyes widened, and slunk to his post, hands on his face, muttering. That was odd.

“Who’s this loser?”

Sheena raised her eyebrow. Why the sudden terror? It’s not like she’ll eat them or anything. For three year she’s been intimate with them, sipping soft drinks from plastic bags, eating pares, smoking breaks, joking on their current state of being until came back to work and—

Wait. They know. She couldn’t move.

Balding Richard stepped out from behind dusty printer boxes and trembled before her. “Sheena, haven’t you heard? Aristotle Delgado has passed, God bless him,” he said, voice sullen. “How did he die?” Shitshit, I know how he died. They were both fearing for their lives, but she did not show it. “He was found last night in an abandoned lot near here. His body was sent back to Siquijor, where he will rest in peace.” “I see. It’s a shame,” she replied, damn it they’re closing in on me. “We need a replacement, and fast. Someone who’s good at the job. Did you call the founders?” Richard nodded his head, smiling, smiling? “I did, and we agreed. It’s obvious you’d be the pick. You’re smart and hardworking, and you’re not afraid to speak your mind. Qualities a great supervisor should have. No wonder Totel favored you above all the others.” No, this is not happening. “Come, let me show you to your new office.” No. No no no this can’t be I killed him I did it! She was ready to turn herself in. Yes, yes, thirty years sound fine better to rot there than spend an eternity here, never here. “Call the police! Call them! I killed him! I killed him, take me away! Jail me!” she wailed. “I’m guilty!” 74


Bisor

Her co-worke—, her subordinate’s eyes looked at her and asked her why, why? Guilty of what, of what, why are you crying? There’s no reason to cry, you must miss him too, no, no I don’t I shouldn’t have done it jail me please I killed him nonsense, of course you did not kill Totel I am sure the police would do their thing and track the suspect, smile for me dear. “Calm down. I know that. And you know that. He lives on. Calm down, calm down. Wipe those tears and get some rest, it’s near opening time.” She was too helpless and exhausted to fight back his grip. He pushed her in and shut the door she couldn’t open with her force, fuck no, let me out please, no, there was nothing she can do, she was here the last place she wanted to return to, the gate of hell, howling for all the angels and saints and the Virgin Mary and God the Father and God the Son and God the Holy Spirt and even Bathala to come down and deliver her from sin, yet no one came. The candles were there, and the portraits, and the cross, and the smell, and the humming, and the hand, and the twilight form, and the eyes, his smoldering hateful eyes, red eyes, red as the blood on her fingers, eyes that did not disappear even when she closed hers, and when she opened them, she still saw them, his eyes, now hers.

75


Tomo XXXIV Bilang 2

ERIKA ZENN ANG

Ang Biography, 2016

76


Malate Literary Folio

77 77


Tomo XXXIV Bilang 2

78


Malate Literary Folio

79 79


Tomo XXXIV Bilang 2

80


Malate Literary Folio

81 81


Tomo XXXIV Bilang 2

82


Malate Literary Folio

83 83


Tomo XXXIV Bilang 2

84


Malate Literary Folio

85 85


Tomo XXXIV Bilang 2

CHRISTINE AUTOR

Pukaw Isang kaganapan ang gumulantang sa isang pamayanan. Mga tinig na umaalingawngaw ang bumalot sa mga taong hindi mapakali. Bumungad sa akin ang dalagang hubad na nakahandusay sa daan: Mukha’y nakabalot sa sariling damit. Nakabalandrang babad sa dugo ang ari. Ninakaw at winasak ang kanyang puri. Marahan kong itinuon ang pansin sa mga taong nakapaligid sa patay. Ang kanilang mata’y matatalim habang nakatitig sa bangkay. Maging ang mga dila’y matatabil, walang tigil, walang humpay. Sa aking nasaksihan, ako’y nabahala. Muling bumaling ang mga mata sa dalaga. At napagtanto: Ang tunay na madungis ay tayong nakapaligid lamang.

86


Malate Literary Folio

PHILIPPE BERNARD CABAL

Untitled 87


Tomo XXXIV Bilang 2

MARIA GABRIELLE GALANG

Regular, Day 36

At paano nga ba masasabi ni Tanya sa mundo na nagdadalang tao

siya? Ito rin ang tanong niya sa sarili habang mariin siyang nakipagtitigan sa pregnancy test na hawak niya—nakasandal sa pader ng banyo’t nakaharap sa kubeta, walang malay na ilang minuto nang kumukuyakoy ang kanang paa. Puno ang kanyang isip ng mga tanong na iniiwasan niyang sagutin: paano na kung totoo ngang may batang lumalaki na sa kanyang sinapupunan? Kaya ba niyang palakihin? Ano na lang ang sasabihin niya sa pamilya niya? Kay Mama? Kay Papa? Paano na sila ngayon ni Jan? Ano na lang maiisip ng mga tao sa kanya? Na, putang ina, disgrasyada ang apo ni Inang? Hindi alam ng Mama ni Tanya na nagtatalik sila ni Jan sa tuwing may panahon silang gawin ito. Sigurado si Tanya na kapag sabihin niya ito sa kanyang nanay ay magwawala ito. Kahit na walang banggiting kahit ano tungkol sa sex ang anak, iisa lang ang sinasabi ng Mama kay Tanya tungkol sa relasyon nila ni Jan: mga bata pa kayo. Kesyo, ilaan muna ang panahon sa pag-aaral, enjoy-in muna ang buhay na walang asawa. Isasabat ni Tanya ang Oo, Ma. Ano ka ba naman. Hindi ko pa po plano mag-asawa. Aral muna. Graduate muna. Trabaho muna. At

88


Regular, Day 36

totoo naman ‘yon. Tutal, alam niyang bata pa sila at hindi pa kayang harapin ang mga responsibilidad bilang magulang. Lalo na siya’y nagaaral pa lamang at kailangan tumulong sa pagbabayad ng tuition ng nakababatang kapatid sa oras na siya’y magkatrabaho na. Isang mabagal at maikling tango mula sa kanyang ina ang matatanggap ni Tanya. Para bang sinasabi niya na, ‘o, sige na nga, may tiwala ako sa ‘yo, ha. ‘Wag ka gagawa ng bagay na sisisihin mo sa huli.’ At saka malilipat ang usapan nila sa ibang bagay tulad ng buhay pag-ibig ng mga artista sa TV, sa traffic sa Maynila, o kaya naman ay kung uuwi ba sila ng Pampanga sa susunod na linggo. Iba na rin kasi ang pananaw ni Tanya ngayon at nakatikim na siya ng buhay sa unibersidad. Sa tingin niya’y mas liberal siya kumpara sa mga magulang niya. Mas maalam na siya sa mga bagay-bagay ngayon kumpara noong hayskul siya at tutok pa sa kanya ang kanyang nanay at tatay. Kinekwestyon niya na rin ang Panginoon kahit na gabi-gabi pa rin siyang nagdadasal sa kanya. At para sa kanya, hindi makasalanan ang pagsasama nila ni Jan. Sino ba kasi ang nagsabing mata at tenga lang ang dapat umibig? Paano ang ibang parte ng katawan—ang labi, ang dila, ang braso, ang balat? Iba-iba ang tao, ito ang pinauulit-ulit niya sa sarili; magkaiba na ang panahon niya at panahon ng kanyang ina. Magkaiba sila ng paraan ng pagpaparamdam ng pagmamahal. Napunta naman ang isip niya sa kanyang Papa. Napaupo siya sa toilet bowl at walang tigil na tinapik ang gilid nito. Paano niya na lang kaya ibabalita ito sa kanya? Panganay niyang babae, buntis. Hindi lubos maisip ni Tanya na baka sisihin ng Papa ang kanyang sarili. Siya pa naman, kapag galing ng trabaho, ang nagsusundo kay Tanya kapag late na siyang nakakauwi. Walang masyadong nagawa ang ama nang nalaman niyang kaya umuuwi ng late ang anak noong nakaraang taon ay dahil tumatambay siya sa condo ng lalaki. Kinausap niya si Tanya tungkol dito at ayun, naging sila pa ni Jan. Gustong sabihin ni Tanya na, desisyon niya ito. Kaso nga’y baka isipin ng kanyang ama, saan ako nagkulang? Nandiyan rin ang mga tito at tita niya para alalahanin. Ano na lang kaya ang magiging reaksyon nila tungkol sa kanyang pamilya? Naalala niya nang minsang mag-absent sa family lunch si Tanya, hindi 89


Tomo XXXIV Bilang 2

masabi ng Papa at Mama na um-attend si Tanya ng kasal ng pinsan ni Jan at doon na nakitulog, sa takot na kung anong isipin ng mga kamag-anak nila. Sa’n si Tanya, Lito? Tanong ng isa; alam ng Papa na nakikinig na ang lahat. Ah, Atchie, gumagawa ng project. Tapos ay samu’t saring komentaryo na tungkol kay Tanya ang pumaibabaw sa hapagkainan, ‘Ganun ba?’ ‘Naku, ang sipag naman!’ ‘Balita ko may boyfriend na siya?’ Hindi nakapagpaalam ng maayos si Tanya nang pumunta sila ni Jan sa kasal sa takot na hindi payagan ng magulang na makadalo. Kung malaman nila ang plano na mag-o-overnight, tiyak na hindi matutuloy ang plano. Kaya nang makauwi si Tanya’t hatid hatid ni Jan, napagalitan silang dalawa. Ano ba naman ‘yan, Tanya? Ano ba naman ‘yan, Jan? Hindi pa kayo mag-asawa! Hindi p’wede ‘yang ginagawa niyo! Hindi madala ng magulang ang mga sarili para itanong sa dalawa kung saan sila natulog, kung magkasama ba sila sa isang kwarto, kung natulog ba silang magkatabi sa takot ngang baka totoo ang mga ito. Pa! Ma! Walang nangyari. Nanahimik ng saglit ang buong bahay. Mahinang sinabi ng Papa: hindi naman kasi yun... At eto na nga, baka mangyari na ang kinatatakutan nilang lahat. Paano ba nangyari ‘to? Nag-cocondom naman si Jan. Umaalis din naman sa kanya si Jan kapag nararamdaman na niyang kailangan niya nang umalis sa loob ni Tanya. Minsan pa’y sinisigurado niyang sangayon sa kalendaryo na hindi siya mabubuntis. Nasabunutan ni Tanya ang sariling buhok mula sa inis. Saan sila nagkamali? Baka naman dahil sinubukan nilang ‘wag gumamit ng condom noong nakaraang buwan. O baka naman dahil pumasok siya ulit noong nakaraang linggo naman? Pero… hindi ba… alam ko… Putang ina, paano na? Hinayaan niya munang sa lapag ang pregnancy test. Kanina pa siya nakaupo sa bowl pero wala lang sa kanya ang ngalay na nararamdaman niya sa kanyang hita. Sabi ko naman kasi, masyado pa kaming bata para maging sobrang seryoso sa isa’t isa. Hindi makayanan ng konsensya ni Tanya na may mga bagay na hindi niya maibalik kay Jan dahil siya’y nasa kolehiyo pa at may magandang trabaho na ang kasintahan. Lagi niyang naiisip na hindi na sila magkalebel ni Jan at kailangan niya nang bilisan ang pag-aaral para maintindihan niya na rin ang pinagdadaanan nito. Ano bang ginawa niya para 90


Regular, Day 36

maging sila? Bakit ba sila pa rin? At puta, may posibilidad na magkakaanak na sila. Dadagdag pa ‘to sa lahat ng utang na loob na meron siya kay Jan. Sabi nila, magkakaroon muna sila ng aso bago magkapamilya. May sarili silang lugar kung saan uuwian nila ang isa’t isa pagkatapos magtrabaho. Magiging kampante muna sa pamumuhay bilang live in. Mamamasyal sa Japan at Korea. Tapos, ikakasal sila. Simpleng kasal lang kasama ng mga pinaka-importanteng tao sa kanilang buhay. At saka magkaka-anak o hindi magkaka-anak. Basta magkasama sila, ayun lang naman. Kaso… ‘wag ngayon. Mas masakit kung hindi pala kayang panagutan ni Jan ang magiging anak. Kanselado na lahat ng plano. May schedule naman kasi. Bakit parang ‘di nasunod ‘to? Nasapak niya ang pader. Baka... baka iba naman ang sabihin ng test. Ang kailangan niya na lang gawin ay tingnan ito, baka false alarm lang tulad ng dati. Takot lang siyang maging late sa period niya. Ngunit hindi niya muna tiningnan ito. Tumayo siya’t hinubad niya muna ang kanyang panty, inangat ang cover ng toilet, umupo at ipinasok ni Tanya sa sarili ang daliri. Linabas niya rin ito pagkaraan ng ilang segundo. Walang bago, mamasa-masa lang; wala pa ring bahid ng dugo ang daliri.

91


Tomo XXXIV Bilang 2

92


Malate Literary Folio

ERRATA

N

ais iwasto ng Malate Literary Folio ang sumusunod na pagkakamali sa Tomo XXXIV Bilang 1: Ang pangalan ni Juan Pio Miguel Moralde ay maling nailimbag sa listahan ng mga nagwagi sa ika-7 na DLSU Annual Awards for Visual Arts; ang pangalan ni Kenji Mercado ay maling nailimbag sa Tomo XXXIII Bilang 2; at nais ipagbigay alam na ang mga sining-biswal na nailathala sa nakaraang isyu ay may pagkakaiba sa orihinal na kulay ng mga likha.

Ibig naming humingi ng paumanhin sa mga naapektuhan ng mga nasabing pagkakamali.

xii93


Tomo XXXIV Bilang 2

PASASALAMAT Nais pasasalamatan ng Malate Literary Folio ang mga sumusunod-mga kaibigan, kapwa manunulat, at mga mangingibig ng sining.

Ms. Erika Carreon; Mr. David Leaño, Ms. Jeanne Tan, Mrs. Ma. Manuela S. Agdeppa, at ang Student Media Office; Ms. Dinah Roma at ang Department of Literature; Dr. Ernesto Carandang II at ang Departamento ng Filipino; ang Bienvenido Santos Creative Writing Center; College Editors Guild of the Philippines; Mr. Dustin Celestino, Ms. Dai Ann Li, Ms. Patricia Louise Remoquillo, at Ms. Kira Madeline Sancianco sa pagbabahagi ng inyong mga gawa sa unang isyu; Mr. Christopher Sum, Mr. Noel Villa, at Ms. Erika Zenn Ang sa pagbabahagi ng kanilang mga piyesa sa isyung ito; Ms. Precious Japheth Benablo sa kanyang kontribusyon at pagiging bahagi ng Screening Committee ngayong taon; Ms. Nelca Leila Villarin at ang Office of Student Affairs; Dr. Lily Ann Cabuling at ang Health Services Office (Taft); DLSU Bookstore; DLSU Student CoOperative (SCOOP); Council of Student Organizations (CSO); Office of the Legal Counsel; Finance and Accounting Office; Security Office; Mr. Enrico Pascual at ang Support Services Office; La Casita; Perico’s; Mr. Michael Millanes at ang Student Discipline Formation Office; Ang Pahayagang Plaridel, Archers Network, Green Giant FM, Green & White, The LaSallian, at ang Student Media Council; Innovation Printing. At higit sa lahat, sa mga kasapi’t kaibigan ng Malate Literary Folio, noon at ngayon.

xiii 94


Malate Literary Folio

95



Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.