Malate Literary Folio Tomo XXXVII Bilang 1

Page 1

malate LITERARY FOLIO


MALATE LITERARY FOLIO Tomo XXXVII Bilang 1 Karapatang-ari © 2021

A

ng Malate Literary Folio ang opisyal na publikasyon ng sining at panitikan ng Pamantasang De La Salle - Manila, sa ilalim ng awtoridad ng Student Media Office (SMO). Ang mga komento at mungkahi ay maaaring ipahatid sa:

503-Media House, Bro. Connon Hall, De La Salle University-Manila, 2401 Taft Avenue, Malate, Manila. E-mail Address: mlf@dlsu.edu.ph Facebook: fb.com/malateliteraryfolio Twitter: @malatelitfolio Instagram: @malatelitfolio

Nananatili sa indibidwal na may-akda o may-dibuho ang karapatangari ng bawat piyesang ipinalimbag dito. Hindi maaaring ipalathala muli o gamitin sa anumang paraan ang alinman sa mga nilalaman nang walang karampatang pahintulot ng may-akda o may-dibuho. Ang tomong ito ay hindi ipinagbibili. Ang pabalat ay likha ni Jamie Shekinah Mapa


MALATE LITERARY FOLIO

TOMO XXXVII BILANG 1

MAYO 2021


JAMIE SHEKINAH MAPA

Supercut digital collage


INTRODUKSYON Memory starts off as white. Bare, naked, and solitary. It is but a sole blank canvas, awaiting for its first stroke of color. As time passes, the corners get filled with different shades. We allow people to enter our lives and they bring in their own blot of color. Each person marking us with their own personal hue. There is an explosion— magenta, yellow, orange, blue. We fill our memories with moments and experiences, with love and hate, with friends and strangers, with enemies and lovers. Their faces are splattered over each piece of time and space. There is no way to erase them from memory. It is a masterpiece that is terrifyingly and wonderfully beautiful. With each stroke, the colors get louder and louder. Soon, they start to fade away. What is once a clear picture becomes a blurred image placated in the corners of our minds. We try to go back and see the faces that were once there. The faces that were more than just blobs of color in our memories. These are the faces that used to comfort us, laugh with us, and cry with us. In them, we try to make sense of a past reality. We remember when red was just red and not purple, when time was just a clock ticking and not a benchmark for healing. We can only yearn to return to that sole blank canvas to correct the strokes. Perhaps I i


should have been more careful. Perhaps I should have tried harder. Perhaps I should have been bolder. In this issue of Malate Literary Folio, we invite readers to look back at the canvas of memory and recollect both the beautiful and unorthodox strokes of experiences that made us who we are. We uncover each layer of color to find different memories, different faces, different phases of our lives. It is all there, contributing to a big picture. And while the faded paint stands no chance for erasure, perhaps we can find peace in the fact that a canvas is still a canvas, awaiting for more strokes and brighter colors.

ii

CATHLEEN JANE MADRID Punong Patnugot


NILALAMAN Introduksyon Prosa Poof! Cathleen Jane Madrid

i

14

White Chrysanthemums Samantha Krissel Kwan

32

Ako ang huli. Kami na ang huli.. Angela Mitzi Nazareno

47

On the Night of Christmas Day Odelia Raizel Taban

87

Fane Jacquiline Alagos

1

Why Do I Feel Invisible Daniela Racaza

Sining

11

iii


Chemical Distortion Jamie Shekinah Mapa

18

Engulfed Dana Beatrice Tan

19

Atake Sa Puso Matthew Rafael Florendo

21

Haptic Lock Chloe Julianne Mariano

23

Embrace Jacquiline Alagos

27

Play Blind Daniela Racaza

31

Maybe Daniela Racaza

42

Falling Jacquiline Alagos

45

From Within Dana Beatrice Tan

72

City of Lights Dana Beatrice Tan

73

Flow Jacquiline Alagos

75

Kidult Adair Nevan Holgado

79

iv


Tula Pagdadalaga Aleena Marie Concepcion

2

Murder Querix Keershyne Rose Recalde Fake News Paula Bianca Maraña

20

25

Lahat Ng Hindi Ako Lauren Angela Chua

For Life 43 Faith Lynnwel Dela Vega

Author Imposter Pauline Sharry Tiu

74

List Dominique Bianca Yap

76

29

Retrato

Eye Contact Therese Diane Villanueva

Masyado Nang Maingay Sean Xavier Nieva

12

13

v


Contemplation Denise Alyssa Somera

Paikot-ikot at Palipat-lipat Uriel Anne Bumanlag

46

Separation Between Stars and the Moon Raymund John Sarmiento

81

Panibagong Umaga Trisha Marie Baranda

92

Pasasalamat

vi

44

xii


vii


PATNUGUTAN Cathleen Jane Madrid Punong Patnugot Mary Joy Abalos Pangalawang Patnugot Patnugot ng Prosa Isabella Tuason Tagapamahalang Patnugot Vince Gerard Victoria Patnugot ng Tula (OIC) Benedict Lim Patnugot ng Retrato Jamie Shekinah Mapa Patnugot ng Sining (OIC) Tagapamahala ng Layout (OIC) Dominique Bianca Yap Tagapamahala ng Marketing at Events Therese Diane Villanueva Tagapamahala ng Pagmamay-ari Matthew Rafael Florendo Tagapamahala ng Dokyumentasyon (OIC)

MGA SENYOR NA PATNUGOT Maria Gabrielle Galang Philippe Bernard Cabal Ninian Patrick Sayoc Beatrice Julia Triñanes Armando Miguel Valdes Christine Autor Van Rien Jude Espiritu Kyle Noel Ibarra Adia Pauline Lim Paula Bianca Maraña Chaunne-Ira Ezzlerain Masongsong Francis D’Angelo Mina Querix Keershyne Rose Recalde Cielo Marie Vicencio

MGA TAGAPAYO Dr. Mesandel Arguelles Mr. Vijae Alquisola

STUDENT MEDIA OFFICE Franz Louise Santos Director Jeanne Marie Tan Coordinator Ma. Manuela Agdeppa Secretary

viii viii


MGA KASAPI Prosa Lynette Marie Ang Guion Lorenzo Castro Jeremy Dale Coronia Daniel Ricardo Evangelista Jihan Marie Ferrer Samantha Krissel Kwan Odelia Raizel Taban Tula Ana Angeli Atok Claire Madison Chua Aleena Marie Concepcion Faith Lynnwel Dela Vega Adrian Neil Holgado Moses Isaiah Ojera Christian Paculanan Christian Jeo Talaguit Pauline Sharry Tiu Juliah Faye Dela Vega Lorenzo Manuel Villaluna

Retrato Trisha Marie Baranda Isabella Alexandra Bernal Uriel Anne Bumanlag Nigelle Jorgia Louise Lim Sean Xavier Nieva Brandon Kyle Pecson Jose Isabel Réa Raymund John Sarmiento Denise Alyssa Somera Sining Jacquiline Alagos Francesca Therese Baltazar Pablo Mulawin Casanova Marinel Angeline Dizon Elijah Nicolas Ferrera Kathleen Nicole Garay Adair Nevan Holgado Chloe Julianne Mariano Thea Enrica Ongchua Bea Mira So Dana Beatrice Tan Marketing and Events Elijah Mahri Barongan Lauren Angela Chua Jan Aireen Magcaling Daniela Racaza ix ix



TOMO XXXVII BILANG 1

xi

xi


Tomo XXXVII Bilang 1

JACQUILINE ALAGOS

Fane digital art

1 1


Malate Literary Folio

ALEENA MARIE CONCEPCION

Pagdadalaga

2


Tomo XXXVII Bilang 1

I. Laro Lang Noong labing dalawang taon pa lang ako, Ilang buwan bago ng aking pagdadalaga, walang pinagkaiba ang katawan ko sa mga kalaro kong lalaki, maliban lang sa aking ari. Lahat kami’y magkakapantay ng ulo’t balikat, maliban sa ibang matatangkad ang magulang. Matapos ang aming klase sa hapon, mga lulod at tuhod nami’y nag-iipon ng sugat sa ilalim ng pantalong puro mantsa ng lupa at dugo. Sa dalas naming maglaro, araw-araw ko nang sinusuot ang damit kong panlaro kasi mas mabilis akong tumakbo kapag hindi ako naka palda. Hindi pa ako dalaga noon pero tinanong ako ng nanay ko tonong ginagamit niya tuwing may kasalanan ako: “Bakit hindi ka na nagpapalda? Tomboy ka ba?”

3


Pagdadalaga

Napunta ang isipan ko sa mga kalaro kong babaeng, maikli ang buhok at laging naka pantalon Gusto ko sanang tanungin kung ano ang kasalanan ng aking aking mga kaibigan. Pero sa takot kong mapagalitan, ‘agad kong binawi ‘to. Tumanggi na lang ako, at tumahimik sa halip na ikwento kung paano ko natalo sa takbuhan ang pinakamabilis na lalaki.

4


Tomo XXXVII Bilang 1

II. Menarche Tumatak sa isip ko ang araw ng aking pagdadalaga. Maaga ako nakauwi kasi huling araw iyon ng klase bago ang aming Christmas party. Matagal ko nang pinaplano ang isusuot kong damit: Bagong blusang kulay tsokolate na may puting puntas sa gitna at disenyong bulaklak. Tinerno ko ito sa pantalong itim na may itim na puntas sa ibaba at disenyong bulaklak. Pagdating ko sa bahay, wala pa sila nanay. Puwede pa akong maglaro! Nagbihis ako sa banyo

5


Pagdadalaga

at nakita ko ang mantsa ng dugo sa likod ng aking palda. Dalaga na ako.

6


Tomo XXXVII Bilang 1

III. Kaibigan Lang

may gusto ako sa isang lalaki.

Natuwa ang magulang ko noong nalaman nilang

Pinapayagan akong lumabas kasama ng mga kalaro kong

lalaki—at baka sakaling

maging ka-date ko sa prom. Wala akong nakatuluyan sa mga lalaking aking nakagustuhan. Nang mas nakilala ko sila, mas ginusto ko sila bilang kaibigan kasi pareho kami ng mga gusto.

Sa dalas ko silang makasama, Itinuturing nila ako bilang kanilang Kinatuwaan ko ‘to pero napaisip ako: Kaya ba wala akong nakatuluyan?

Bigla ko na lang naalala ang tinanong sa akin noon

7

pare.

“Tomboy ka ba?”


Pagdadalaga

Lagi ko na namang suot ang unipormeng palda sa eskuwelahan, at naka short-shorts naman ako Hindi pa ba ako mukhang babae?

tuwing naglalaro.

Tumingin ako sa salamin: “Ah, yung buhok ko kasi masyadong maiksi— pati pala yung braso ko nasobrahan sa laro masyadong nang malaki mukha na akong lalaki.”

Hindi pa ata ako tapos magdalaga.

8


Tomo XXXVII Bilang 1

IV. Babaeng Babae Untiunti kong binuo ang aking pagdadalaga. Sa loob ng tatlong taon, mga palda’t bestida ko’y nag-iipon sa damitang punong-puno ng damit panlaro— noon. Sinigurado kong kapit na kapit ang aking damit para makita ang korte ng dibdib, at ang kurbang nagpapahalatang maliit ang baywang; at kahit mainit, binababa ko ang buhok kong umabot na sa dibdib, nang maitago para sa isang babae.

9

ang brasong masyadong malaki


Pagdadalaga

Sa lahat ng mga kailangan para maging isang dalaga, pinakamahalaga ang mga palamuti sa mukha para lumabas ang aking ganda. Bago ako lumabas ng bahay sinabihan akong malandi at hindi tomboy. Nang makita ako ng kaibigan kong lalaki, sinabihan akong “Aba, babae ka na.” Sa wakas, dalaga na talaga ako.

10


Tomo XXXVII Bilang 1

DANIELA RACAZA

Why Do I Feel Invisible traditional collage 11


Malate Literary Folio

THERESE DIANE VILLANUEVA

Eye Contact 12


Tomo XXXVII Bilang 1

SEAN XAVIER NIEVA

Masyado Nang Maingay

13


Malate Literary Folio

CATHLEEN JANE MADRID

Poof!

Hindi matanggal ni Manang ang mga mata niya sa telebisyon.

Ipinasok ng magician ang babae sa isang kahon, at saka nagbilang habang nakaharap sa kanyang audience. “One, two, three…” Pagdating sa three, pinitik ng magician ang kanyang mga daliri, bago binuksan ang pinto. “Nay, kumukulo na yung tubig mo!” Agad na pumunta si Manang sa kusina para patayin ang kalan. Pagkatapos, naglabas siya ng tasa at nagtimpla ng kape. Dumating ang anak niyang si Krystal. Niyaya siya ni Manang na mag-kape. “Huwag na ma, kailangan ko nang umalis,” sabi ni Krystal. May nilagay na ilang tabletang gamot si Krystal sa tabi ni Manang. Pabalik-balik si Krystal sa kusina, para bang isang mabilis na sayaw. Pinagmasdan lang siya ni Manang. Ilang araw na ring tarantangtaranta ang anak niya. Nawala kasi ang manugang niya, si Tophe. Nag-away kasi ulit ang mag-asawa. Hindi maalala ni Manang kung 14


Tomo XXXVII Bilang 1

bakit sila nag-away. Naalala lang niya ang pag-inom niya ng mainitinit na kape noong umagang iyon. At sa isang kisapmata, sabay na may poof! Nawala si Tophe. Para bang isang magic show na bigla na lang may nawawala. Napainom tuloy si Manang ng kanyang kape sa alaala. Pagkatapos, tumingala siya upang tingnan si Krystal. Teka, nasaan si Krystal? Wala na ang kanyang anak. Hindi niya alam kung paano. Hindi ba kanina nandito lang siya? Nakita niya na tapos na rin ang programang pinapanuod niya. Humigop siya ulit ng kape, pero malamig na ito. Tumayo siya at itinapon na lang niya ito sa lababo. Bumalik siya sa kinauupuan niya at nakita ang mga tabletang iniwan sa kanya ni Krystal. Binilang niya, “One, two, three…” tulad ng magician sa programang napanood niya kanina, at saka ininom ito. Pinatay niya ang telebisyon, at lumabas papunta sa munting tindahan niya sa harap ng bahay nila. Matagal na siyang sinasabihan ni Krystal na ipasara na ang tindahan. Hindi maalala ni Manang ang rason ni Krystal. Sigurado si Manang tungkol ito sa pagkatanda niya. Pero hindi kasi matiis ni Manang. Ilang taon na ding nagserbisyo ang tindahan niya sa kanya. Dahil araw-araw siyang nasa tindahan, kabisado na niya ang pagkakasunod sunod ng pangyayari. Pagdaplis ng alas-nuebe ng umaga, may dadating na dalagang suot ang puting kamiseta at itim na skirt – bibili ng kendi, pang alis ng umagang hinga. Bago mag alas-onse, dadating ang mga nanay na bibili ng suka, paminta at dahong laurel para sa lulutuin nilang tanghalian. Dito siya nakakakuha ng mga tsismis sa subdivision. Pagdating ng dapit-hapon, sari-sari ang mga estudyanteng tatambay sa tindahan at bibili ng mga softdrinks at potato chips. Minsan magpapa-load. At pagsapit ng alas-syete, isang lalaki ang darating at bibili ng yosi. Doon na magtatapos ang lahat. Hindi maalis sa isip ni Manang ang programang napanuod niya. Ang pagbilang ng magician, pagpitik ng kanyang daliri. Sa pag-isip, pinitik

15


Poof!

ni Manang ang kanyang mga daliri. “One, two, three…” Snap. “One, two, three…” Snap. “One, twoManang, dalawang Fresh Mints naman diyan. Alas-nuebe na. Nagsimula na ang araw. Isang litro po ng coke. Pancit Canton po, sweet and spicy, tatlo. Dumating na ang alas-onse. Ngunit hindi mamukhaan ni Manang ang mga nanay na dumapo sa tindahan niya. Narinig mo ba, Manang, yung anak daw ni Lucille ikakasal na. Hindi makakibo si Manang. Lucille? Sino si Lucille? Sana naman okay na kayo ni Krystal, ngayon na wala na si Tophe. Grabe pala ang nangyari. Nangyari? Anong nangyari? “One, two, three…” Manang, pa-load po. Snap. Manang, manang, eto po yung number, manang? “One, two, three…” Ano ulit yun, iha? Softdrinks ba? “One, two-“ Pa-load po. Snap. Snap. Snap. Ah, teka, iha, kukunin ko muna yung cellphone. “One, two, three…” Manang, hindi po ako nagpapaload. Pabili lang po ng yosi. Yosi? Anong oras na ba? Ah, sige, eto na. Ilan gusto mo? One, two, three…Poof! “Nay, okay ka lang ba?” Hawak-hawak ni Manang ang isang cigarette stick. Tiningnan niya ito, parang manghang-mangha. Wala na ang binata. Pero kanina, nandito lang siya. Saan siya pumunta? Hindi na maalala ni Manang ang nangyari. Gabi na. Nakatingin lang sa kanya si Krystal, alalang-alala. Dinala siya ni Krystal sa loob ng bahay at pinaupo siya sa kanilang hapag-kainan. “Ano ba nangyari?,” tanong ni Krystal sa kanya. Walang masagot si Manang, nakatingin lang siya sa daliri niya, at saka pumitik. Poof! Hindi niya alam pero parang sa bawat pitik niya, bumibilis ang oras, at kung sino-sino ang nawawala. Pagkatingin niya, wala na si Krystal. Umaga na, nakabukas ang telebisyon, at naririnig niya ang boses ng magician. May kape na mainit sa tapat niya. “One, two, three…” Snap. Poof! Kalahati na lang ang kapeng natira sa tasa ni Manang. Hindi maalala ni Manang na ininom niya ito, pero nalalasahan niya ang

16


Tomo XXXVII Bilang 1

matapang na kape sa dila niya. “One, two three…” Snap. Hindi niya mahanap ang gamot niya. May kumakatok, isang dalaga. Alas-nuebe na. Bigay ng kendi, isang litrong coke. Manang, bata po ako, hindi po ako nag-yoyosi. Anong oras na ba? Ano ulit yung gusto niya? Iha, pasensya na, ano ulit yung number? Asan na siya? Asan yung nagpapaload? Manang, bakit niyo po pinipitik mga daliri niyo? Okay lang po ba kayo? Ang bilis ng oras. Snap, snap, snap. Paulit-ulit, paikot-ikot. Nahihilo na si Manang sa lahat ng ingay, nahihilo na siya, nalilito na siya. One, two, three…One, two, three. Snap, snap, snap. Poof! Hindi alam ni Krystal kung anong gagawin niya pagkauwi niya. Nakasarado ang tindahan, ngunit nakabukas ang telebisyon, kahit na walang nanunuod. Naiwan na lang sa hapag-kainan ay tatlong tableta kasama ang isang tasa – puno ng kapeng lumamig na.

17


Malate Literary Folio

JAMIE SHEKINAH MAPA

Chemical Distortion mixed media

18


Tomo XXXVII Bilang 1

DANA BEATRICE TAN

Engulfed digital art

19


Malate Literary Folio

QUERIX KEERSHYNE ROSE RECALDE

Murder

noun, verb 1. The act of (un)intentional killing. 2. An incident with a culprit, a victim, and occasionally, a witness. 3. A scene, calculated and planned. Though sometimes not. 4. A fleeting moment. Perhaps a second, or even shorter. 5. An ending ritual. Eliminating, erasing, replacing. 6. Strings of letters, words, phrases, sentences; written, read, said. 7. A feeling; crawling under the skin, gut deep, sinking. See also: Death (ex. of a person, a connection, a tradition, a memory, a dream.)

20


Tomo XXXVII Bilang 1

21


Malate Literary Folio

MATTHEW RAFAEL FLORENDO

Atake Sa Puso mixed media

22


Tomo XXXVII Bilang 1

23


Malate Literary Folio

CHLOE JULIANNE MARIANO

Haptic Lock digital art

24


Tomo XXXVII Bilang 1

PAULA BIANCA MARAÑA

Fake News Nakatutok ako sa balita nung sinabi nila na titigil ang oras. Sumilip ako sa labas ng bintana at pinakinggan ko ang tunog ng ulan bago lumagapak ang katahimikan. Tiningnan ko ang mga patak ng tubig na nakalutang, hindi nabigyan ng pagkakataon na bumagsak. Pinagmasdan ko ang lupang naghihintay na matagpuan ng ulan, hindi nabigyan ng pagkakataon na mahawakan. Sa gilid, nakasilip pa rin ang araw na hindi makaalis, nahuli sa gitna ng langit at lupa, sa gitna ng paglubog at pananatili. Narinig kong bumukas ang pinto, at pumasok ka sa kwarto. Nakapalibot sa ‘yo ang ilaw ng banyo, at nakatingin ka sa ‘kin, ginintuan ang mga mata. Tiningnan ko ang patak ng tubig mula sa basa mong buhok na dahan-dahang gumagapang pababa, sumusunod sa kurba ng iyong balikat, sa sulok ng iyong batok. Lumapit ka sa ’kin at hinawakan mo ako, isang daplis ng daliri sa aking braso na naghihintay sumarado sa paligid ng iyong mundo.

25


Malate Literary Folio

Nagtagpo tayong dalawa na parang langit at lupa . Tinabihan mo ako, at nakapikit ang iyong mga mata. Sa isang iglap ng isang sandali na ‘sing tagal ng habambuhay, tinitigan ko ang iyong pilik mata, ang kurba ng iyong panga sa gitna ng buntong-hininga. Dahan-dahan kong hinawi ang buhok na nakaharang sa iyong mukha. Tumingala ka. Nakakorona sa ‘yo ang araw at walang sinabi ang ilaw nito sa liwanag ng iyong mukha. Naglaho ang tunog ng balita, at hindi ko na nakapitan ang mga salita. Tayo na lang ang natira. Nginitian mo ako. At nung nagtagpo ang mga mata nating dalawa, umikot na ulit ang mundo.

26


Tomo XXXVII Bilang 1

27


Malate Literary Folio

JACQUILINE ALAGOS

Embrace digital art

28


Tomo XXXVII Bilang 1

LAUREN ANGELA CHUA

Lahat Ng Hindi Ako Mali ka. Hindi mo ako ipinaubaya. Sapagkat hindi ako bagay Na maaaring Ipasa Kapag wala nang silbi (Dahil lagi akong may silbi). Hindi ako upuang Ibinibigay Sa mas nangangailangan. Hindi ako bolang Pinaglalaruan at inihahagis sa ere, Ipinapasa Upang saluhin ng iba. Hindi ako diyamanteng Isinasangla Para balikan at Tubusin Kapag kaya mo na. Mali ka. Hindi mo ako pinalaya. Sapagkat hindi ako hayop Na ikinukulong o nagpapakulong Sa hawlang Kinakandado. Hindi ako asong Tinatalian Sa leeg, Bitbit Sa kung saan-saan Para ipangalandakang

29


Malate Literary Folio

Hindi ka mag-isa. Mali ka. Hindi ako nawasak (Dahil hindi ako porselanang plorerang Nababasag) Nang magpasya akong Iwanan ka. Dahil mali ka Nang isipin mong Ako’y mahina’t Di makakatayo, di makakausad Nang walang kahawak. Huwag kang Magtatangkang Ipakilala ako sa mundo. Hayaan mong gustuhin nilang kilalanin ako At ako na ang bahalang Ipakilala ang sarili ko.

30


Tomo XXXVII Bilang 1

DANIELA RACAZA

Play Blind gouache on watercolor paper

31


Malate Literary Folio

SAMANTHA KRISSEL KWAN

White Chrysanthemums

The Chrysanthemums across the estate were large and white. There were no shades, no trees, and no walls on either side, just a beam of sunlight making the flowers shine. Close against the north side of the garden, a gazebo stood in place. It was made out of the finest cherrywood, despite there being no curtain to cover its space. It was completely open, but not likely a place to be eavesdropped often. A man and a woman sat at a pinewood table in the middle of the gazebo. The sky was not too warm nor was it too cold. It was a perfect time for chitchats and sipping tea. “The Chrysanthemums look dashing today,” Fang said. He had lit a cigar and had taken two puffs out of it. “It’s lovely,” Mei replied. Her eyes were focused on the little girl, named Lin, and her white puppy seated beside the garden. “It’s too quiet out here!” Fang scratched his head with his free hand and slammed a fist with the other on the table. “What would you like to hear then?” Mei asked.

32


Tomo XXXVII Bilang 1

“Anything but dead silence.” Mei opened her phone and broke the silence to shut her husband’s dissatisfactions. Finally, she stopped the raging temper of the beast within her husband in time. As the music went on for a few minutes, she was looking off at the color of the garden. They were white and pure together, and the weather was calm and breezy. “What should we drink?” “Well, the weather is beautiful today,” Fang replied, taking another puff out of his now half cigar. “Let’s have tea,” she suggested and started to stand from her seat. Mei snatched her phone from the table for Fang not to reach it, and paused the song currently on play. “Chrysanthemums.” Her husband demanded. “The white ones?” Mei clarified, before taking a few more steps out of the gazebo. “Of course, the white ones! Do you see any other colors there?” Mei shut her eyes and pursed her lips and walked towards the estate with a fist clenched tight on either of her sides. The estate felt warm like home, while the garden outshined the view of the mini dining hall. Inside was a kitchen so plain and clean, with a few polished tiles of gray and white— a kind of décor chosen by her father who was simple and kind. The tiny dining table made out of the same cherrywood from the gazebo stood in the middle while the metal kitchen counter plastered against the dirty kitchen’s outer. He loved this kitchen, almost as much as he loved his wife and daughter. The thought almost made Mei teary-eyed along the way, but she chose to suppress it for now. 33


White Chrysanthemums

The area was completely empty when Mei poked her head against the glass sliding door, before entering the mini dining hall. “Mr. Li? Are you here?” She called. “In here, my lady!” A voice replied behind the main kitchen door, and Mr. Li, the family butler, stepped out from it. “Mr. Li? We would like some White Chrysanthemum tea, please,” Mei smiled and leaned against the kitchen counter. “Very well, my lady. Would you still want it with peppermint?” “Oh, no. Not today, Mr. Li.” Mei bit the insides of her cheek and said, “You know how Fang hates the smell of peppermint.” Mr. Li sighed and said, “Do you really want this, Lady Mei?” “What do you mean?” She immediately moved away from the kitchen counter and started walking across the shelves of her parents’ recipe books. “Are you happy with the so-called Lilacs you built? Your daughter will eventually understand—” “Perhaps I need more time to think, Mr. Li.” Mei’s fingertips traced every rough spine of the books, until a red leather journal engraved in gold caught her eye. “Just a bit more thinking,” she whispered to herself one more time. She tipped the journal towards her, then skimmed through the pages. Mei chuckled at her father’s writing; they were simple and kind, just like him, until his last breath. ------------- ------------- ------------- ------------- ------------It was the time of the year, when Mei and her relatives around the world would gather together in the family estate to celebrate the lunar

34


Tomo XXXVII Bilang 1

year. The tables surrounding the gazebo were covered with dark red silk embroidered in golden lines, while the rails and trim were wrapped with silver crystals shaped like Chrysanthemums. Everything was exquisite, and Mei, who was twenty-five then, was excited. She was skipping along the hallway towards the main kitchen until she heard a loud thug behind the walls. “Father! What are all these?” Mei scolded as she entered the mini dining hall and gathered up some of the scattered papers on the floor. Her father seated on one end of the table and massaged his eyebrows. “Your aunts and uncles are coming tonight! I still have nothing!” He was literally throwing mixed papers of world recipes in the air. “Have you not asked the cook for suggestions?” Mei asked while continuing to pick some of the papers on the floor. “They are all preoccupied with the feast tonight. I do not want to burden them more with my petty problem.” Her father replied, now rubbing both sides of his temples. Mei gave her father a worried look then looked at their garden filled with White Chrysanthemums. “They’re whiter today… So dainty…” Mei slightly smiled at the beauty of the garden, it was as if it were celebrating with them. “White… Oh! Steamed Chicken!” “What?” Her father looked at her funny as if she had spoken a language other than their mother tongue. As if she asked him to prepare a dish he had never heard of. Mei ran and leaned along the edge of the table across her father. “You know the one you always make with White Chrysanthemums?” She said in excitement.

35


White Chrysanthemums

Her father found his journal of recipes around the corner of the shelves and tried to look for her suggestion there. He vigorously turned the pages one by one, but eventually his face darkened and slammed his journal shut. “I’m sorry dear, but I know nothing of this Chrysanthemum Chicken.” Her father sighed and left the mini dining hall. ------------- ------------- ------------- ------------- ------------The recipe journal looked old with its leather already worn out and its pages already eaten by paper bugs. But Mei can still feel her father’s touch and clumsy, jolly scribbles while flipping the pages. “You never wrote down that recipe, Papa,” she sighed. “Ehem… Lady Mei? Tea is ready.” Mr. Li came back with a Chinese porcelain tea set placed on a silver tray. “Thank you Mr. Li. Would you mind escorting me back as well?” Mei closed her father’s journal and clenched it against her chest before returning it back to where it belongs. “As you wish.” Mr. Li gave a slight nod and suggested, “You may bring your father’s recipe journal to keep you preoccupied.” Mei returned to the gazebo to see Fang still enjoying the fine weather. He did not care about anything at all nor did he pay any attention to the little girl who was now running in the middle of the Chrysanthemum garden. She let out a soft sigh and took her seat across him again, while Mr. Li poured their tea and eventually left them. “The Chrysanthemums are indeed dashing today.” Fang threw his cigar and drank his tea.

36


Tomo XXXVII Bilang 1

Mei remained silent and turned the pages of her father’s journal. “I know you love them.” “I did love them. Now, I’m not quite sure.” Mei’s eyes still glued to the journal, trying not to meet Fang’s eyes. “They’re blooming brighter now than your lilacs at home,” Fang exclaimed with his forearms spread open. “You never liked them,” Mei said. “I would have. Your assumptions don’t prove anything.” Mei took a sip of her tea and darkened, “What’s more to prove?” ------------- ------------- ------------- ------------- ------------Night fall came that same lunar year, and everyone was happily seated across the Chrysanthemum garden. Auntie Kai. Uncle Jin. Grandma Xia. And many others Mei was not so familiar with. The music was not too loud, but the noises grew louder as everyone was trying to catch up with each other’s lives. Mei stationed herself inside the gazebo where no one would bother to notice her presence. She disliked the big crowds whether it was with family or friends. She would rather stay in a corner and watch them giggle and shriek with laughter. “Mei?” a voice from behind her called. Mei turned around to see Grandma Xia standing with a tall, young man. “Ahma—” Mei said. “Mei? Have you met Fang?” Grandma Xia asked as she extended her free arm to Mei. “He is a very smart young man, Mei. A friend of your Auntie Kai’s son,” her grandmother added.

37


White Chrysanthemums

“Oh hello!” Mei did not know what to say so she placed her hands in front overlapping each other and stayed silent after her greeting. “Hi! Your cousin talks about you all the time.” Fang joined her inside the gazebo, leaving Grandma Xia wandering off to her father. “Why do you keep these White Chrysanthemums?” He asked. “Papa said it’s a symbol of our loyalty and love as a family. The reason why everyone seems to be connected until now,” Mei explained. “What a strong bond you have with your family,” Fang said as he watched Mei’s parents dance with their siblings. “Father used to tell me that one day I will have to plant my own family flower, as well.” Mei looked at Fang who was looking at her with amazement and joy. The night was young and both of them were enjoying their chit chats, while everyone was jumping synchronously to the music. Mei was laughing at Fang’s jokes. Fang was bewildered towards Mei’s words of wisdom. Everyone was happy, until a scream broke the moment. “Zhang!” Mei’s father collapsed. His right hand squeezed into a fist above his heart. His eyes were wide and bloodshot as it looked at the clear midnight blue sky. Her mother was already crying her heart out of panic, as her father’s chest started to rise and fall rapidly. Mei ran towards her father, throwing her heels behind. Not caring whether the running might blister her soft tender feet, because she, too, was already on the verge of tears. “Papa!” She held her father’s shoulders and gave it a little shake. He looked at her with his heavy breathing. He couldn’t even move his finger. “Papa! Stay with us, please!” Her father’s eyes were slowly closing, not sure if it was because of exhaustion from the pain or a sign of letting go. “Hurry!” She turned her head to her relatives who were now rushing to call for help. “Call an ambulance!” She shouted.

38


Tomo XXXVII Bilang 1

------------- ------------- ------------- ------------- ------------“The Chrysanthemums are really dashing. I’m starting to like them more.” Fang said. “You don’t say,” Mei replied, still buried under her father’s journal. “Will you look at me for just a moment?” “Can’t you see I’m busy?” “How long are you going to read that filthy book?” “If you find our companionship boring, might as well come back another time to discuss your matters.” Fang sighed in defeat and said, “It’s awfully a simple procedure. Just sign the papers, Mei.” Mei stayed silent, but her hands were already pressing hard against the hardcover of the journal. “I know you wouldn’t mind. It’s really just papers,” he added. “What makes you think so?” Mei slammed the journal on the table and placed her chin on top of her palm. She was looking at her daughter, Lin, who was already covered with white chrysanthemum petals. “I’ll still visit, Lin. She can visit me, too. We’ll be fine afterwards.” Fang moved his face an inch closer to Mei’s and whispered, “Think about it. We can have everything.” “You can have everything.” Mei finally looked her husband in the eye. “Again!” She spat. “That’s not what I meant.”

39


White Chrysanthemums

“What then?” “I think it’s the best thing to do, Mei. For us. For Lin.” Mei was fed up with his madness, so she opened her father’s journal again and went back to reading where she had stopped. “But we don’t have to do it if you don’t really want to.” Fang tried to reach out for her hand, but Mei swatted it away. “I know,” Mei said while hiding her clenched teeth under her father’s journal. “But if we do it, then it will be nice for you to finally see those lovely lilacs of mine again.” Mei was about to flip to another page when something hard was poking out of her father’s journal. It was their family picture before her father passed away. However, it was not her father’s handwriting written at the back of the photo, rather it was her mother’s, who also passed away months ago. Let them destroy the lilacs of your home. But they can never burn the white chrysanthemums of our garden. “Mei, we don’t have to do it if you don’t really want to.” Fang took another sip from his tea, only to find it empty. “You should go. It’s almost dinner. She must be waiting.” “Alright. But you have to realize—” “I do. Now go!” Fang stood from his seat and approached his daughter in the middle of the garden. Lin looked so sad when her father said he was already leaving. But he did not mind the look on his daughter’s face, and returned to the gazebo to his wife. “Will you be okay?” He asked. 40


Tomo XXXVII Bilang 1

“I’ll be fine,” Mei said with her head held high. “We will be fine.” Mei left her seat and husband, and walked towards her sad child. She hugged her tight and whispered soothing words through her ear. “Mama? When is Papa coming back?” Lin asked. “You have Mama, dear. That’s all that matters now,” Mei said. She will be her daughter’s knight in shining armor when a sword tries to pierce her. She will hold her two wings when her daughter needs to soar high. Mei will help her daughter plant her flower of joy and love with the pure white family flower surrounding them. “We will be fine, my precious child.” Mei and her daughter watched the sky turn to purple, orange colors across the White Chrysanthemums.

41


Malate Literary Folio

DANIELA RACAZA

Maybe digital art

42


Tomo XXXVII Bilang 1

FAITH LYNNWEL DELA VEGA

for life I find solace in the few lingering moments we find ourselves in, the static atmosphere of pauses and light. Few friends who feel the most when we meet in our houses, in the streets we grew up in. I find comfort in the easy words we share in our conversations about mundane and significant things. We do not think about what we would like to say anymore because we have already passed that boundary. We only grow to take care of each other— and the spaces we make in between loving and living. Find strength in the fact that we are together forever In the midst of mistakes and rocky shores in our individual islands. We are an archipelago, though— and this is the Earth. See you when this is all over

43


Malate Literary Folio

DENISE ALYSSA SOMERA

Contemplation 44


Tomo XXXVII Bilang 1

JACQUILINE ALAGOS

Falling digital art

45 45


Malate Literary Folio

URIEL ANNE BUMANLAG

Paikot-ikot at Palipat-lipat 46


Tomo XXXVII Bilang 1

ANGELA MITZI NAZARENO Patuloy na umaasang maging bihasa sa pagsusulat, si Angela Mitzi Nazareno ay nagtapos sa De La Salle University-Manila. Dati siyang miyembro ng Malate Literary Folio sa ilalim ng Marketing & Events at, bilang kanyang honorary section, Prose. Ipinanganak siya sa Bataan at nag-aral ng Advertising Management sa Maynila. Nakasentro sa mga kabataang kababaihan ang mga kwentong isinulat ni Angela, tulad ng “To the Father I Never Knew.” Pinagsisikapan niyang maisalamin ang realidad ng kabataan sa Pilipinas at ialay ang kanyang boses sa mga “hija” lamang ng lipunan.

47


Malate Literary Folio

ANGELA MITZI NAZARENO

Ako ang huli. Kami na ang huli. Trigger Warning: Karahasang sekswal, pisikal at pang-aabuso sa salita (Sexual harassment, physical, and verbal domestic abuse)

“Ganda oh.” Sabay tawa ng isang manong na nakatambay sa gilid ng daan. Biglang bumagal ang takbo ni Sandra hanggang sa tuluyan siyang huminto. Nakakunot ang noo niya nang nilingon niya ang nadaanang manong na nakatitig pa rin sa kanya pati ang kasama nitong matandang lalaki. Iniharap niya ang kanyang backpack at naglakad na lamang papalayo kahit na kailangan niyang magmadali at mahuhuli na siya sa flag ceremony. Nakarating na rin siya sa kanto. Nag-abang siya ng dyip na masasakyan. Umagang-umaga… naisip ni Sandra. Nakasakay na rin si Sandra sa dyip. Kinuha niya ang kanyang notebook mula sa bag. Huminto ang dyip. Tumabi ang bagong sakay sa kanya. Saglit lamang na minataan ni Sandra ang katabi. Maluwag pa rin naman sa loob. Pinili niyang magbasa na lamang. Nakalabas na sa kanilang bayan ang dyip at huminto ulit ito sa tapat ng isang waiting shed. May mga sumakay pang mga estudyante, trabahador, tindero, at 48


Tomo XXXVII Bilang 1

may ilan ding mga paslit kasama ang kanilang mga magulang. Umusog si Sandra nang tumama ang kaliwang kamay ng kanyang katabi sa gilid ng hita niya. Ramdam niya ang pagtama nito kahit pa nakapalda siya. Ipinasok ni Sandra ang notebook niya sa kanyang bag at niyakap ito nang mahigpit. Baka kung ano pa ang ‘matamaan’ ng kanyang katabi. “Para ho.” Ani ni Sandra nang makitang papalapit na ang dyip sa school gate nila. Lumingon sa kanya ang binatang katabi at tinignan siya nito hanggang sa siya’y makababa. Inis na tumakbo si Sandra papasok ng eskwelahan. Nakita niyang tapos na ang flag ceremony pagka-tap niya ng kanyang I.D.. Dumaan ang pila ng seksyon nila at dali-dali siyang sumingit sa kaibigan niya. “Gaga ka. Late ka na naman. Pasalamat ka late din si sir,” ngisi ng best friend niyang si Karen. Hinihingal pa rin si Sandra. “Hindi ko na-check alarm ko. PM pala nakalagay, hindi AM. Puta.” Tumawa si Karen at nagkwento pa siya ng mga kaganapan sa flag ceremony kay Sandra. Nag-anunsyo ng pagbubukas para sa bagong miyembro ang kanilang football at pep teams. Pinasalamatan din ng kanilang punong-guro ang mga magulang ng pep team sa kanilang donasyon na drumline equipment. Hindi rin nakalimutan ni Karen ang inanunsyo ng principal tungkol sa bagong patakaran sa dress code ng paaralan. “Bakit tayo lang may bagong rule? Kasalanan ba nating kailangan nating mag-bra?” pagalit na sabi ni Sandra. “Ang ingay mo, baka may makarinig sayo. Ewan ko ba. Sabi ba naman ni Mr. Dimaano dapat daw plain colors lang gamitin ng mga babae kung ayaw magsipagsando. Simula raw sa susunod na linggo dapat daw may sando na pang-ilalim na tayo sa uniporme natin kung colored ‘yong bra.” 49


Ako ang huli. Kami na ang huli.

“Sorry,” mahinang sabi ni Sandra at matamlay na umupo ito sa kanilang pwesto. “Ano ka ba. Hindi ikaw ang dapat mag-sorry. Hindi mo kasalanang bobo mga admin ng paaralang ‘to.” Sabay na bumagsak ang mga balikat ng dalawang magkaibigan. “Kapag ako talaga naging guro balang araw…hindi. Papagawa na lang ako ng sarili kong paaralan. Sisiguraduhin kong matitinong mga titser ang kukunin ko para maayos ang mga ituturo namin. Una kong ituturo, respeto. Respeto sa kapwa, dahil tang ina lang talaga ng mga kalalakihan.” Tumawa ang dalawang magkaibigan at inayos na ang kanilang upo dahil pumasok na ang kanilang unang guro para sa araw na iyon. Inakala ng magkaibigan na hindi na matatapos ang unang klase nila na Matematika. Nasermonan muli ang buong klase ng halos kalahating oras bago magsimulang magturo si Gng. Delos Santos. “Kung ayaw kasi natin ng gulo at ayaw nating napapahamak, lalo na tayong mga babae-” hindi alintana sa mga kababaihan, lalo na kay Sandra, ang pagdiin ni Mrs. Delos Santos sa salitang babae. “Dapat kasi tayo mismo ang nag-iingat sa sarili natin. Paano tayo rerespetuhin ng iba kung nakikita nilang tayo pa lang eh… wala nang respeto sa sarili natin ‘di ba? Ganoon lang kasimple ‘yon.” Biglang nagpaalam magbanyo ang kaklase nilang si Emma at nagmamadaling lumabas sa silid. Pinisil ni Sandra ang kamay ni Karen upang mapigilan itong magsalita. Kung nakaya ni Mrs. Delos Santos na kampihan ang kaklase nilang lalaki noong nakaraang linggo, paniguradong papagalitan niya lang si Karen kapag sinagot siya nito. Dahil sa pag-focus ni Sandra kay Karen ay hindi niya pansin ang nababahala niyang mga kaklaseng babae. Ang mga lalaki naman ay mga inaantok o kaya’y gumagamit ng mga cellphone habang tumatango-tango para magkunwaring nakikinig sa kanilang guro.

50


Tomo XXXVII Bilang 1

Dumaan ang buong umaga na tila ang mga babae lamang ang ‘di mapakali dala ng panenermon ng kanilang guro. Hindi pa rin bumabalik sa silid-aralan si Emma. Wala ring lalaki ang nakakapansing pilit ang mga ngiti, tawa, at pagkwento ng mga kaklase nilang babae. Ramdam ng kababaihan ang kamalian sa kanilang narinig ngunit hindi sila sigurado kung ang lahat ay sangayon sa kanilang saloobin. Takot ang lahat na magaya kay Sandra. Galit na bumubulong si Karen kay Sandra habang papunta sa kantina. “Paano tayo rerespetuhin! Eh kung ang mga lalaki kaya ‘yong turuan nila na ibulsa mga kamay nila. Letse sila.” “May point ka.” Biglang sumulpot sa tabi nila si Kyrus. “Close tayo?” Tinaasan siya ni Sandra ng kilay bago umupo sa bakanteng pwesto sa kantina. Nanatiling nakatayo si Kyrus. “Ok lang ba tumabi sa inyo?” Nagulat ang magkaibigan. Sa anim na taong kaklase nila si Kyrus o noong ito pa ang nobyo ng dati nilang kaibigang si Emma, kahit kailan ay hindi ito lumalapit sa kanila. Tumayo na lang si Sandra at umupo sa tapat ni Karen. Paupo na sana si Kyrus sa tabi ni Karen nang tumayo ulit si Sandra at bumalik sa pwesto. Ngumuso si Karen sa bakanteng pwesto sa harap niya at umikot sa mesa si Kyrus. “So…” Pasimula ni Karen. Nagtinginan ang dalawang babae. “What do you mean may point ako?” Binuksan ni Kyrus ang Royal-in-can niya at tinitigan lang ito. “Na ano, na dapat kami ang sinesermonan hindi kayo.” “Wow.” Sarkastikong bumulong si Sandra. “Sana maipasa mo ‘yang knowledge mo sa tropa mo noh?” Nawala na ang bakas ng pang-aasar sa mukha ni Sandra. Matagal na naging tahimik ang tatlo habang kumakain.

51


Ako ang huli. Kami na ang huli.

Maya-maya ay dumating ang isang grupo ng lalaki. Pumwesto ang anim na binata sa kabilang lamesa; lahat nakatingin kay Kyrus. “Hoy, Kyrus,” Panimula ni Zack, isa nilang kaklase. “Ingat ka diyan kay Sandra. Baka mapikon ulit ‘yan isumbong ka rin sa principal.” Nagtawanan ang grupo ng mga lalaki. Nagpatuloy sa pagkain ang tatlo. Hindi makatingala si Kyrus kay Sandra, pero naaninag niyang napatigil ito sa kanyang pagkain. Hindi pa rin tumigil ang barkadang nasa kabilang mesa. “Ikaw naman kasi Sandra, binibiro ka lang ni Billy nagsumbong ka kaagad. Anong napala mo?” Tumayo si Sandra at nagmamadaling lumabas sa pinto. “May harassment pang nalalaman. Hindi naman kagandahan.” Kinuha ni Karen ang Iced Milo niya at tinanggal ang takip bago ibato sa katabing mesa. “Tang ina niyo!” Sinundan ni Karen ang kaibigan. “Pikon ampu-’’ “Hindi ka titigil?!” Natahimik ang kantina sa pagsigaw ni Kyrus. Umiwas ng tingin si Zack at nagmaang-maangan na para bang hindi siya ang unang gumawa ng ingay sa kantina. Niligpit ni Kyrus ang pinagkainan nilang tatlo bago bumalik sa kanilang klasrum. Nakita ni Kyrus na nakaupo ang dalawa sa likod at agad siyang lumapit sa dalawa. “Mali naman talaga ginawa nila. Kaysa naman manahimik tayo pati doon?” Tinignan nila Kyrus at Karen si Sandra. Umiling lang ito. “Kung iyong mismong hinawakan ni Billy iyong damit ko, ako pa may kasalanan, ano na lang yung kanina? Sasabihin nila huwag ako magpaapekto sa biru-biruan lang?”

52


Tomo XXXVII Bilang 1

“Mas-guilty na dating nila dahil doon-” “Natatakot din ako-” tinignan na ni Sandra sina Kyrus at Karen, “-na sila na naman ang kakampihan ng faculty. Tapos tayo pa ulit ang mali sa mata nila.” Walang naisagot ang dalawa at inilihis na lamang ang usapan. “Asan si Emma?” Biglang tanong ni Karen kay Kyrus. “Ha?” “Kanina pa wala iyong ex mo. Si Emma. Hindi mo ba napansin?” Lumingon si Kyrus sa bakanteng upuan ng dating nobya, “Nagpaalam siya kanina kay Ma’am na pupunta lang siya sa banyo eh. Baka masama pakiramdam.” Hindi pa rin iniaalis ni Karen ang tingin sa mga naiwang gamit at upuan ng kaklase. Hindi nga nakarating ang gulong nangyari sa kantina sa mga guro. Matapos ang araw na iyon ay biglang umiwas si Kyrus sa magkaibigan. Nakita nila itong mag-isang kumakain sa kanilang silidaralan. Noong sumunod na linggo ay bigla naman itong lumapit muli at simula noon ay lagi nang nakabuntot sa dalawa. Sumasama na rin si Kyrus kina Sandra at Karen sa pagtambay sa silid-aklatan o kaya’y sa fastfood chains tuwing hapon. Inaabot sila ng gabi kakakwentuhan o sa kakagawa ng proyekto. Palapit na ang periodical tests nila para sa third quarter at uso na naman ang pag-cram sa mga proyekto at pagrereview. Isang araw ay napagdesisyunan ng tatlo na sa bahay ni Sandra tapusin ang paggawa ng mga reviewer para sa darating na pagsusulit para hindi na ito magpaalam na gagabihin siyang umuwi. Dumating ang tatay ni Sandra ngunit nakasimangot nitong pinagmano ang anak habang nakatingin sa pinakilala nitong binatang kaibigan. Pagpasok sa kanyang silid ay pinatawag nito agad sa kanyang asawa si Sandra. 53


Ako ang huli. Kami na ang huli.

“Isara mo ang pinto.” Utos nito sa anak. “Bakit po?” kaswal na tanong ni Sandra. “Bakit ka naman nagdala ng lalaki sa pamamahay ko?” Nag-iba ang tono ng kanyang ama at napakunot ang noo niya sa tanong nito. “Po? A-ano hong masama doon?” Nagsindi ang tatay ni Sandra ng isang sigarilyo bago muling magsalita. “Anak. Kinse anyos ka na. Hindi ka na dapat tatangatanga sa ganitong bagay. Ano na lang sasabihin ng mga kapitbahay? Alas-siyete na oh. Tapos makikita nilang may lalabas na binata sa pamamahay ko?” Tumingin si Sandra sa kanyang nanay. Tinignan niya kung pati ito ay may bahid ng inis o pagkadismaya sa mukha niya. Hindi niya akalaing ito lamang ang pinoproblema ng tatay niya. “May isa pa kaming kasamang kaibigan. Tsaka si Kuya kaya dinala rito syota niya noong isang araw. Madaling araw na nakaalis si ate Bea.” Natawa ang ama niya. “Iba iyon. Lalaki kuya mo. Normal lang iyon sa mga lalaki.” Bumigat lalo ang dibdib ni Sandra sa inis at galit. Bumalik sa kanyang isip ang mga ala-ala niya noong elementary pa lang sila ng kanyang kuya. Lagi itong umuuwi ng gabi dahil sa kakakompyuter kasama ang mga barkada pero siya dapat hapon na ay nasa bahay na. Wala ring imik ang kanyang ama kapag maraming bagsak ang kuya niya, samantalang matindi na ang pamamahiya nito sa kanya kapag bumaba lamang ng 85 ang kanyang grado sa kahit anong asignatura. Tila napupuno siya ng mga naipong inis na hindi niya mailabas ng ilang taon. “So kapag ako hatinggabi na ihahatid ng magiging nobyo ko, ayos lang dahil lalaki siya?”

54


Tomo XXXVII Bilang 1

“Bastos kang bata ka!” Tumayo ang kanyang ama at akmang sasampalin si Sandra. Tumakbo si Sandra papunta sa likod ng ina, na tumigil sa pamamamlantsa at hinarangan ang asawa. “Lumabas ka na, anak. At paalisin mo na ang mga kaibigan mo. Huwag mo nang galitin lalo ang tatay mo.” Hinawakan nito ang mga braso ng asawa at sinenyasan na maupo na lamang ulit. Nanatiling nakatayo si Sandra. Hindi pa rin siya makapaniwala sa pagdadahilan ng kanyang ama. Ngunit minataan siya muli ng kanyang ina kaya walang siyang nagawa kundi sundin ito. Biglang napayuko ang dalawa na nasa salas at nagsibuklat ng notebook o anumang unang nahagilap ng kamay nila. Tahimik na umupo si Sandra. Labag pa rin sa kanyang loob ang utos ng mga magulang. Matanda na siya. Walang masama sa ginagawa nila. Wala rin siyang paki sa mga tsismosa nilang kapitbahay. Walang mali sa ginagawa nila. Hindi naman sila naglilibang lamang. At kahit naglilibang sila, wala pa ring kagalit-galit doon. Si Kyrus na lang ang pumutol ng katahimikan. “Ah, Sandra. Nag-text na mom ko. Hinahanap na ako.” Tinaasan niya ito ng kilay. “Akala ko ba lowbat phone mo?” Tumawa si Kyrus. “Kanina pa siya nag-text.” Nagsimula na siyang mag-ayos ng gamit. “Tutal conclusion na lang naman kulang ko. Nasa akin na rin ‘yong sources. Salamat ulit ha. Sabay ka na sa akin, Karen. Andito naman na driver ko.” “Sige. Una na kami, sis.” Niligpit na rin ni Karen ang kanyang mga gamit. Hinatid sila ni Sandra sa gate. Nanghingi siya ng paumanhin sa dalawa bago ito nagsialis. Nang maghahapunan na, nagpaalam si Sandra na aakyat na sa kanyang silid dahil nagsipagtake-out na silang tatlo kaninang alas-sais. 55


Ako ang huli. Kami na ang huli.

“Kaya ampayat mo eh. Hilig mong magdiet-diet ng ganyan. Aangas ka sakin na paano kesyo kung magkasyota ka, eh sinong magkakagusto sa iyo kung ganyang payat ka? Ha!” Tinitigan niya ang ama. Ilang beses kaya niya kailangan magdasal para humingi ng tawad kapag sinuntok niya ang bibig ng tatay niya? Bago pa man din madagdagan ang mga masasama niyang ideya ay tahimik siyang umakyat sa kanyang silid. Kinuha niya ang teddy bear niyang nakapwesto sa kama, ibinato ito sa sahig at tinapaktapakan. Kinagat niya ang labi upang pigilan ang mga sigaw na nagbabadyang lumabas sa kanyang bibig. Kinaumagahan ay naglakad ang tatlo papuntang kantina. Ikinuwento ni Sandra lahat ng sinabi sa kanya ng ama noong kinagabihan. Tahimik na nakikinig noong una si Karen, subalit nang marinig niya ang komento ng ama ni Sandra tungkol sa pagkapayat niya ay bumakas sa mukha niya ang pandidiri. Hindi alam ni Karen kung ano ang sasabihin sa kaibigan. Ayaw niya mang pagsalitaan ng masama ang ama ng kaibigan, gusto niyang pagsabihan si Sandra na huwag makinig sa komento ng kanyang ama at kung pwede lang ay kung gaano rin kamali ang pagkomento nito sa katawan ng sarili niyang anak. “Nakakainis. Para bang, para bang pinunto niya na magugustuhan lang ako para sa katawan ko. Tsaka, bakit si kuya? Wala na ngang ginawa iyon kung hindi makipag-date at magpalit nang magpalit ng kurso pero kahit kailan hindi ko narinig na nagalit siya kay Kuya. Pinagtatanggol niya pa nga iyon kapag sinisigawan ni Mama.” Sasabog na ata ang isip niya sa lahat ng ala-alang bumabagabag sa kanya. Ayaw man niyang aminin sa sarili, pero ngayon niya lang napagtanto na buong buhay niya ay napapansin niya na pala kahit paunti-unti ang mababa at hindi patas na tingin ng tatay niya sa mga kakayahan niya at ng kanyang kapatid dahil lang sa kasarian nila. Hindi rin makapaniwala si Sandra na nangyayari sa kanya ang mga bagay na nababasa niya lamang noon sa Facebook tungkol sa mga sexist na tao. Sariling tatay niya pa.

56


Tomo XXXVII Bilang 1

“Ikaw ba?” tanong ni Karen kay Kyrus. Tinignan lamang ni Kyrus si Karen. “May mga ganoong komento ba sayo magulang mo?” “Ewan. Hindi ko napapansin.” Tungo nito agad habang naglalakad. Napakunot ang noo nina Sandra at Karen dahil halatang pabalik na naman sa katahimikan si Kyrus. Mas naging malapit man sa kanila ang kaklase ngunit minsa’y paiba-iba ang mood nito. Madalas ay makulit pero biglang mawawala nang walang pasabi o tatahimik na lang tulad ngayong araw. Nakarating na rin sila sa kantina at nagbibili na ng mga chichirya bago magsimula ang kanilang unang pagsusulit. Base sa mga kinuwento ng kanilang kaibigan, batid na ni Karen na hindi pa alam ng mga magulang nito ang nangyari sa anak noong nakaraang dalawang linggo. Galit at awa ang nararamdaman niya para sa kaibigan. Kinulit buong araw ni Karen si Sandra na magkwento o magsumbong sa kanyang mga magulang. Lumingon bigla sa upuan si Karen at tinawag si Emma, “Agree ka naman na dapat isumbong ni Sandra iyong ginawa ni Billy sa kanya ‘di ba?” Nanlaki ang mga mata ni Emma at napatigil sa pagbabasa. “Hindi mo pa siya sinusumbong?” Minataan ni Sandra si Karen bago tumingin kay Emma. Nagulat siya sa pagpansin sa kanila ni Emma ngunit pasiketro itong natuwa sa narinig niyang pag-aalala sa tono ng dati nilang kaibigan. “H-hindi naman ako kinampihan ng faculty. Baka mapahiya lang magulang ko.” Pagsisinungaling ni Sandra. Ang totoo ay takot talaga siyang mapagalitan ng tatay niya sa insidente.

57


Ako ang huli. Kami na ang huli.

Humirit ulit si Emma. “Baka nga mas makatulong pa iyon eh. Alam mo naman ang mga guro, takot sa reklamo ng parents.” “Sad but true,” pagsang-ayon ni Karen. “Edi mas matatakot sila sa magulang ni Billy. Ano naman laban ng reklamo ng magulang ko sa magiging galit panigurado ng mga magulang ni Billy? May scholarship lang ako kaya ako nandito pero halos lahat kayo galing sa mga pamilyang may maaayos na negosyo.” Napamura si Emma. “Shit. Kasama nga pala parents ni Billy sa nagdonate ng drumline equipment.” Pekeng natawa si Sandra. “Exactly. Salamat pa rin.” Ngumiti siya kay Emma bago bumalik sa kanyang pagsagot sa asignatura. Tinignan ni Emma ang dalawa na tila gusto pa niyang kausapin ang mga ito. “Hoy, Kyrus.” Tawag ni Karen sa kaibigan. Biglang yumuko si Emma at nagsuot ng earphones. “Ano na namang sapak noon?” “Bakit?” Tanong ni Sandra habang nagsusulat. “Nakita kong papalapit na siya kanina sa atin. Sabihan ko rin sana na tulungan akong pilitin kang magsumbong sa magulang mo eh…” Natawa si Sandra. “Baka napansin niya kaya umalis agad. Kulit mo raw kasi.” Natawa rin si Karen. “Gaga.” Bumuntong hininga rin ito pagkatapos. “Alam mo naman bakit ako makulit ‘di ba? Kung may natutunan man ako sa nangyari kay Mama eh iyon ang hindi na pagtitiis sa mga problema o pagtago nito sa ibang tao. Kung nagsumbong lang siya dati pa baka hindi na siya nagtiis pa ng ilang taon para itago sa akin lahat ng totoong ginagawa sa kanya ng tatay ko. Abogado na nga kapatid niya, hindi pa siya nagsampa ng kaso laban sa tatay noong una pa lang na sinaktan siya nito.” 58


Tomo XXXVII Bilang 1

Tumingin nang masinsinan si Sandra kay Karen. May bahid man ng lungkot ang mukha ng kanyang kaibigan, wala namang bahid ng luha ang mga mata nito. “Alam kong mali. Alam kong walang makikinabang sa hindi ko pagsumbong kung hindi si Billy lang pero iba iyong takot eh. Hindi ko alam kung anong mangyayari kapag nagsumbong ako, kung may masosolusyunan nga ba ang pagsumbong ko. Buti pa si Tita.” “Oo nga buti nagsabi na siya. Malaya na kami parehas. Alam kong nakita mo na sobrang nahirapan ako pati si Mama, pero tignan mo kami ngayon. Kahit ako mas gusto kong ganito kami. Mas gusto kong alam ko na wala nang nananakit kay Mama, na siya mismo malaya na talaga.” Ngumiti si Sandra. “Miss ko na si Tita Ester. Pwede ba tayong tumambay sa inyo mamaya?” Natawa si Karen. “Nagtanong ka pa. Paborito ka noon. Asan na ba ‘yong isang mokong na iyon? Maaya nga rin.” Tinignan ulit ni Karen ang pintuan, inaabangan ang isa pa nilang kaibigan. Hindi muli nila nakasama si Kyrus sa bahay ni Karen at kinwento nila ito kay Ester. “Baka naman may problema ang kaibigan ninyo. O kaya ay may nasabi o nagawa kayong ikinasama ng loob niya.” Payo niya sa dalawang magkaibigan habang hinahapag ang miryenda nila. “Kamustahin niyo rin. May mga tao talagang hindi sanay magbahagi o maglabas ng saloobin nila sa maayos na paraan. Hindi nasanay ang lahat ng tao sa ganoon. Kaya minsan kailangan niyong hintayin o kayo mismo ang mangangamusta.” Kinabukasan ay sinunod ng magkaibigan ang payo ni Ester. “Ayun oh.” Turo ni Sandra kay Kyrus na nakaupo sa bench sa ilalim ng puno. Sa wakas ay nasaktuhan din nila si Kyrus matapos ang ilang araw na hindi pagpaparamdam nito sa kanila. Nakaharap ang binata sa football field.

59


Ako ang huli. Kami na ang huli.

Tumakbo ang dalawa papunta sa puno. Tinapik ni Karen si Kyrus bago sila umupo ni Sandra sa magkabilang tabi ng binata. “M.I.A. ka nitong linggo ah? May problema ka ba?” tanong ni Sandra. Nakapalumbaba sila ni Karen sa sementong mesa at nakatalikod sa field. Hindi umaalis sa pagkakaupo sa mesa si Kyrus. Nakatingin pa rin ito sa malayo. “Wala,” bulong ni Kyrus. Kumunot ang noo ni Karen. “Baka masyado ko lang binibigyan ng malisya noh pero may nasabi ba kami ni Sandra na hindi mo nagustuhan?” Umiling si Kyrus. Nagbuntong hininga si Sandra at nagpeke ng tawa, “Nagsisisi ka bang dumikit ka sa amin? Miss mo na ba dati mong barkada?” “Hindi ah,” bulong ng binata. “Ayos ka lang ba? May nangyari ba sayo?” Umayos ng upo si Karen. “Kung may pinoproblema ka pwede ka namang maglabas ng hinanaing sa amin.” Tinignan ni Sandra ang kaibigan. “May kailangan akong sabihin sa inyo. Sa totoo lang, kailangan ko ng tulong tsaka may kailangan akong itanong.” Mahina ang boses ni Kyrus. Hinintay nina Sandra at Karen na magsalita muli si Kyrus. “Ang totoo niyan, kaya ako dumikit sa inyo-” Tumingin si Kyrus kay Sandra. “Noong may nangyari sayo, iyong kalokohan ni Billy sa harap namin, may naalala ako noon.” Huminga nang malalim si Kyrus at umiwas muli ng tingin sa mga kaibigan. 60


Tomo XXXVII Bilang 1

Simula pa lang ay nagtataka na sina Karen at Sandra kung bakit sa nakalipas na anim na taon ay ngayon lang talaga nila nakasama at nakalapit si Kyrus. Kahit noong nobyo pa ito ni Emma, na siya mismong matalik nilang kaibigan ng limang taon, ay hindi sila nito masyadong pinapansin. Nalayo na rin ito sa mga gagong barkada niya. Gayunpaman, binaliwala na lang nila ito. “Noong nagsumbong ka matapos batakin at pitikin ni Billy ‘yong bra mo, palapit pa lang ako noon sa tropa. Natawa ako noon kasabay nila. Natigilan ako nang nakita ko reaksyon mo.” Tinignan niya si Sandra. “Hindi ko makita kung anong mali sa ginawa ni Billy noon pero sa mukha mo nakita kong mali. Nakita ko iyong takot mo sa simpleng bagay na ginawa na iyon ni Billy. Binagabag ako noon. Sobra. Lalo na nung dumating ‘yong Lunes tapos narinig ko ‘yong bagong policy para sa inyo. Sigurado ako na may kinalaman iyon sa nangyari sayo at sa pagsumbong mo. Hindi ko inasahan na ikaw pa iyong magdurusa. Kayo pa ang pinagbalaan na umayos ng kilos.” Tumango lamang ang dalawang dalaga. Hindi nila alam saan dadalhin ni Kyrus ang usapan. Natahimik muli si Kyrus. Nakatingin lamang siya sa kanyang mga kamaong nakapatong sa kanyang mga tuhod. Nakita ni Sandra ang panginginig ng kanyang mga kamay. “Hindi ko na alam saan lalapit o sinong pupuntahan...” Hindi pa rin tumitingala si Kyrus. Tumingin si Sandra mula sa mga nanginginig na kamay ni Kyrus pagkatapos ay sa mukha ng kaibigan. “Ganoon ba kalala naging hiwalayan niyo ni Emma at kahit siya hindi mo malalapitan tungkol sa problema mo?” “Pwede kang magsabi sa amin kung may pinagdadaanan ka. Ano pa’t kaibigan mo kami-”

61


Ako ang huli. Kami na ang huli.

“Masasabi niyo pa kaya iyan kapag...” Tumulo ang mga luha mula sa mga mata ni Kyrus. Nabigla ang dalawang dalaga at umayos ng upo. Sabay nilang hinawakan ang mga balikat ni Kyrus ngunit umiwas ito. Nagpatuloy ang paghikbi ni Kyrus. Tila lumamig ang panahon kahit walang hanging umiihip sa ilalim ng tirik ng araw. Nakabibingi ang katahimikan ng open field. Nakabibingi ang pagbilis ng tibok ng dibdib ng dalawang dalaga, kasabay ng paglakas ng pag-iyak ng binata. Huminga nang malalim si Kyrus. Buong katawan na niya ang nanginginig. “P-patawarin- Patawad. Hindi ko alam paano... ” Nakatingala lang sina Sandra at Karen sa kaibigan. Nakatingalang may takot simula nang marinig nila ang salitang ‘patawad’. Nagsalita si Karen, “Gusto mo bang tawagin namin si Emma? Mas kilala ka niya. Baka mas-alam niya paano ka tutulungan-” “Huwag! Wala akong- Hindi niya na dapat ako makita.” Yumuko si Kyrus at ipinatong ang noo sa kanyang mga kamay at lumala ang paghikbi nito. “Bakit, niloko mo ba si Emma?” Nagsisimula nang tumaas ang tono at boses ni Sandra. “Mas malala. Mas…” Nanlaki ang mga mata ng dalawang dalaga. Mas malala. Ano namang ginawa ni Kyrus sa dati nilang kaibigan na mas malala pa sa panloloko rito? Pinilit alalahanin ni Sandra kung ano ba ang mga nakwento sa kanila ni Emma bago maghiwalay ang dalawa. Naalala niya na noong nagtampo silang dalawa sa hindi pagsipot ni Emma sa kanilang mga usapan dahil kay Kyrus. Simula noon, bigla siyang umiwas. Kahit nang subukan nila itong kamustahin nang kumalat ang balita ng pagkakahiwalay nila ni Kyrus ay sinusungitan o kaya’y

62


Tomo XXXVII Bilang 1

hindi sila pinapansin ni Emma. Tuluyan silang nagtampo sa kaibigan matapos silang sabihang “Inggit!” lamang na ang naging relasyon nito kay Kyrus ang nag-iisang relasyong alam ng halos lahat ng batch sa kanilang eskwelahan. Maliban doon ay walang kahit anong hinanakit ukol kay Kyrus ang naibahagi sa kanila ng dating kaibigan. Si Karen ang muling nagsalita. “Sagutin mo nga kami. Ano bang dahilan bakit kayo naghiwalay ni Emma?” “Shit.” Patuloy ang pag-iyak ni Kyrus. “Pinilit ko si E-Emma. Pinilit ko siya na bigyan ako ng blowjob noong anniversary namin last year. Sorry. Sorry…” “Si Emma?! Pinilit mo si Emma?” nanginginig ang boses ni Sandra at nagsimulang mamula ang kanyang mga mata. “Noong nasa McDo tayo isang beses. Nag-uusap kayo. Nag-uusap kayo tungkol sa pagkonsensya sa partner sa gusto mong-. Naalala ko sinabi niyong hindi kasama iyon sa totoong consent, sa totoong ‘Oo’. T-tingin ko pinilit ko siya. Noong una ayaw niya. Nagmakaawa ako, inisip ko lahat ng pambobola para pumayag siya-” Sinampal ni Karen si Kyrus bago pa ito matapos magsalita. Nagulat si Sandra sa pagsampal ni Karen kay Kyrus ngunit hindi niya inisip na sobra ito. Bagkus ay gusto niyang makaisa rin ng hampas o sipa sa kaharap niya ngayon. “Eh gago ka pala eh! Sabi mo sa amin nagkalabuan lang kayo kaya kayo naghiwalay!” Sigaw ni Karen. “Hindi ko alam. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa inyo iyong totoo noong una. Lumapit ako sa inyo kasi alam kong kayong dalawa ang pinakamatapang sa mga kaklase kong babae. Kayo ang pinakapranka. Hindi ko na alam gagawin ko. Hindi ko matanggap na nagawa ko iyon kay Emma. Mahal na mahal ko si-”

63


Ako ang huli. Kami na ang huli.

“Hindi mo siya mahal. Kung mahal mo siya hindi mo magagawa iyon lalo na’t umayaw na pala siya noong una pa lang.” Nakatayo na si Karen, mas malayo sa unang pwesto niya katabi si Kyrus. Huminga nang malalim si Kyrus at tinignan ang dalawa. “Ayaw kong matulad kay Billy. Ayaw kong matulad sa mga manyak na kinaiinisan niyo.” “Anong kinaiinisan? Kinaiinisan lang?!” “Bakit ayaw mo? Dahil ayaw mong matsismis? Dahil ayaw mong tanggapin na ganoon ka? Dahil ayaw mong panagutan iyong ginawa mo kay Emma?” sambit ni Sandra. Lumapit si Sandra kay Karen. “Tara na. Hanapin natin si Emma. Umalis na tayo rito.” Bumaba na sa pagkakaupo si Kyrus. Humarap siya sa dalawang kaibigan. “Kasi… Mali. Kasi hindi ko gustong manakot ng babae. Hindi ko gustong makasakit ng babae. Dahil mali. Mali pala.” “Mali pala? Pala?” Nanikip ang dibdib ni Karen. “Anong klaseng pagiisip meron ka?? Na mali na pilitin ang mga babae na pagbigyan kayo sa mga kalibugan niyo?” Hinatak ni Sandra si Karen papalayo. “Tara na..” Hahabulin sana ni Kyrus ang dalawang kaibigan ngunit tumigil ito matapos ang una niyang hakbang. Hindi na siya muling mamimilit. Tinignan na lamang niya ang tumatakbong mga dating kaibigan. Hindi niya alam kung paano siya magmamakaawa at kung kanino na siya magmamakaawa para sa tulong. Inisip niyang matutulungan siya ng dalawang manghingi ng tawad kay Emma. Subalit nakalimutan niyang tinuro nga pala ng dalawang matalik niyang na kaibigan, na ang pagsisisi ay wala sa salita, ngunit sa pagtanggap ng parusa matapos ang pag-amin ng pagkakasala.

64


Tomo XXXVII Bilang 1

Dumaan ang ilang araw at tahimik pa rin ang magkaibigan. Nagkasundo ang dalawa na kailangang managot ni Kyrus pero hindi nila makuha ang tapang na kausapin si Emma. Dahil sa hindi nila pagpapatapos kay Kyrus, hindi alam ng dalawa kung tingin din ni Emma ay mali ang pagpilit sa kanya. Hindi mawari ng dalawa kung kaya ba nilang ipaalala sa kaklase ang maling ginawa sa kanya ng dati nitong nobyo. Habang napapatagal ang paglapit nila kay Emma, ay lalong ikinahihiya nina Sandra at Karen ang mga sarili. Pagkauwi ni Sandra ay tinignan niya ang kwarto ng kuya niya at mga magulang nila kung naroroon ang kanyang tatay at kuya. Nahanap niya ang kanyang ina sa kusina. Nanlalambot ang mga tuhod ni Sandra at basa na ng pawis ang kanyang mga kamay. Umupo si Sandra. “Ma.” Tawag niya. “Ano iyon? Gusto mo bang magmeryenda?” tanong ng kanyang ina habang naghuhugas ito ng plato. “Ma. Pwede ko po ba kayong makausap habang wala pa si Papa?” “Bakit?” Lumingon na si Mercy sa kanyang anak at pinatay nito ang gripo. “May…may nangyari ho kasi sa school. Noong nakaraang buwan pa po.” “Ano?” Itinabi ni Mercy sa kanyang anak ang isang upuan at umupo rito. “May kaklase ho kasi akong binatak strap ng bra ko. Sinumbong ko po siya kila Ma’am Delos Santos kaya lang hindi ako sineryoso. Pinagalitan din ho ako na bakit daw hindi ako nakasando sa loob ng blusa ko.” Natigil si Sandra sapagkat hindi niya na alam kung anong

65


Ako ang huli. Kami na ang huli.

idudugtong pa. Hindi niya alam kung paanong sumbong o kung anong pakiusap ang gagawin niya sa kanyang ina. “Baka naman hindi sinasadya ng kaklase mo? Baka naman nakikipagkulitan ka noong una-” “Hindi po.” Unti-unti nang bumigat ang dibdib ni Sandra. Sinasabi niya na nga ba. “Pauwi na ho kami noon ni Karen. Binatak na lang po bigla ang strap ng bra ko sa likuran ko. Hindi ko ho pinahatak iyon sa kaklase kong manyak.” Nanginig na ang tuluyan ang boses ni Sandra. Sumakit na ang kanyang lalamunan at namasa na ang kanyang mga mata. “Hindi ganoon ang ibig kong sabihin, anak-” Tumayo si Sandra. “Sorry po. Kalimutan niyo na mga sinabi ko.” Nagmadali siyang bumalik sa kanyang silid. Mas masakit pala ang hindi paniwalaan ng sarili mong magulang. Hindi siya nagulat pero masakit pa rin pala. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Karen. Nagkasundo silang aabangan na nila si Emma sa school gate bukas at kakamustahin. Pagkatapos ay dadalhin nila ito sa guidance counselor o kaya manghihingi ng tulong kay Tita Ester o sa mga magulang ni Emma para masigurong kakayanin ni Emma ang sasabihin nila. Kinabukasan ay biglang nakatanggap ng mensahe si Sandra mula kay Emma. Nagulat si Sandra sa nabasa at agad niyang nakita na nasa group chat din si Karen. Emma Kakagaling ko lang sa police station. Sumuko si Kyrus. Inamin niya ‘yong pagpilit niya sakin noong anniversary namin last year. Hindi man niya ako sinaktan pisikal, pero, in a way, minanipula niya ako para makuha gusto niya. Nagulat mga magulang 66


Tomo XXXVII Bilang 1

niya pagkadating nila. Nag-uusap sila ngayon ng mga magulang ko sa presinto. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa kanya. Sa totoo lang nasasaktan akong makita siyang ganoon. Oo, pumayag ako noon, pero hanggang ngayon naaalala ko ‘yong bigat ng loob ko habang sumusunod sa kanya. Pinipilit ko pa ring kumbinsihin sarili ko na ginusto ko rin naman, na hindi krimen iyong ginawa niya, pero hindi ko maloko sarili ko. Noong nagsimula siyang dumikit sa inyong dalawa, hindi ko alam ang plano niya. Akala ko lumapit siya sa inyo para magkaroon siya ng magandang imahe bilang lalaki matapos nang ginawa ng kaibigan niya sayo, Sandra. Lumapit siya sa akin two weeks ago. Nanghingi siya ng tawad. Tinanong niya ako kung isusumbong ko siya. Pero ito tanga ako. Sabi ko ‘hindi’. Hindi ko kasi kayang sirain buhay niya. Minahal ko iyon eh. Tanga ko noh? Sorry. Alam kong kumpara sa inyo, hindi talaga ako matalino tungkol sa mga ganitong bagay, tungkol sa totoong buhay. Karen Emma! Hindi ka tanga. Wala kang kasalanan sa nangyayari ngayon kay Kyrus. Siya nagdala noon sa sarili niya. Kami rin ang dapat manghingi ng tawad. Sana hindi ka lang namin pinabayaan noong naghiwalay kayo. Patawarin mo kaming mga kaibigan mo. Nasaan ka ngayon? Emma Sa bahay lang namin. Pinauwi ako ng parents ko. Actually, nag-message ako ngayon sa inyo para magthank you at miss ko na kayo. Sorry bigla akong lumayo sa inyo. Natakot kasi ako. Alam kong sasabihin niyong tama ang kutob kong mali ang ginawa niya sa akin. Iyon siguro ang iniiwasan ko, ang mapatunayang tama ang hinala ko. Kaya nag-imbento ako ng dahilan para kayo mismo magalit sa akin. Nag-panic na ako nang magsimula kayong kamustahin ako. Pasensya na sa masasakit na salitang nasabi ko sa inyo.

67


Ako ang huli. Kami na ang huli.

Karen Bakit ka nanghihingi ng sorry? Kami dapat ang manghingi ng tawad dahil hindi kami naging mabuting kaibigan sayo para malapitan mo sa lahat ng bagay. Sandra Okay ka lang ba? Nasaan ka ngayon? Tsaka bakit ka nagpapasalamat sa amin? Kalimutan mo na iyon. Tama si Karen. Kami ang may pagkukulang sa iyo. Hindi ka man lang namin natulungan noong pinakakinakailangan mo kami. Emma Dahil sa inyo kaya umamin si Kyrus. Nahiya siya sa ginawa niya. Hindi ko alam kung anong naging mga usapan ninyong tatlo noong naging malapit kayo sa isa’t isa, pero salamat. Naniniwala ako na hindi coincidence iyon at ‘yong ginawa ni Kyrus ngayon. Honestly, natatakot ako. Natatakot ako na baka kumalat sa batch o sa school na may nangyayari pala samin ni Kyrus noong kami pa. Natatakot ako sa mangyayari sa akin. Ano na lang iisipin tungkol sa akin ng mga tao, ‘di ba? Pero alam niyo, parang may nabunot na tinik sa dibdib ko. Kasi alam kong may tamang nangyayari. Karen Sa lumang bahay niyo pa rin ba kayo nakatira? Emma Oo. Bakit? Sandra Otw na kami.

Nagkatotoo ang kinakatakutan ni Emma. Mabilis na kumalat ang balita na kinasuhan ng pamilya ni Emma si Kyrus. Sinuspende naman ng eskwelahan parehas ang dating magnobyo. Nagreklamo ang halos lahat ng mga babaeng estudyante na pinangunahan ng Vice President ng student council na si Erica. Nagkaroon ng PTA meeting para suportahan ang apela ng student council tungkol sa pagsuspende kay Emma. Maraming mga lalaking estudyante, kasama na sila Billy at 68


Tomo XXXVII Bilang 1

kanyang mga kabarkada, ang sinuspende ng eskwelahan dahil nahuli ang mga ito ng ibang guro na pinag-uusapan si Emma sa malesyoso at bastos na paraan. Inalok ni Ester si Sandra na isabay na rin ang pagreklamo sa naging aksyon ng mga guro sa insidente niya kay Billy. Ibinigay nito ang kard ng kanyang kapatid na abogado kung sakali mang harangin ang reklamo niya ng mga magulang ni Billy at iginiit na hindi na kailangang isipin ng mga magulang ni Sandra ang ibabayad sa abogado. Tahimik na tinanggap na lamang ni Sandra ang kard. Tama ang kutob ni Sandra. Ni hindi gustong ipaalam ni Mercy sa ama ni Sandra ang nangyari. Hindi nito tinitignan ang kanyang anak. “Baka mawala ang scholarship mo, anak. Kawawa naman ang tatay mo. Wala na tayong matatakbuhang magandang eskwelahan kapag nalaman nilang nagreklamo ka ng ganoon.” Nagsimulang sumakit ang lalamunan ni Sandra. Itinapon ni Mercy ang kard na inabot ng anak. “Hindi ka naman siguro namolestsa, anak. Baka O.A. lang ang reaksyon mo kaya hindi ka pinanigan ng mga guro mo.” Biglang tumayo si Sandra at nagpaalam na gagawa siya ng proyekto sa kanyang ina. Nagmamadali itong nag-suot muli ng sapatos, hindi na inantay ang permiso galing sa kanyang ina. Sinundan ni Mercy ng tingin ang kanyang papaalis na anak. Binilisan niya ang paglabas kasabay nang mabilis na pagtulo ng mga luha mula sa kanyang nahihilam na mata. Pagod na siyang magtago at umiyak mag-isa sa kanyang silid; walang kibo at kikimkimin na lang ang kanyang hinanakit. Naghanap siya ng taxi at nag-text sa mga kaibigan. “Welcome ka rito anytime. Tatandaan mo iyan.” Ngumiti sa kanya si Ester. “May extra uniform naman si Karen.” 69


Ako ang huli. Kami na ang huli.

“Salamat po.” Kinuha niya ang inaabot ni Emma na baso ng tubig. “Namiss kita, Emma. Matagal ka ring hindi napunta ulit dito.” Ngumiti si Ester kay Emma. “Masaya ako nagkabati na kayong tatlo.” “Oo nga po, Tita. Namiss ko rin ho mga luto niyo.” “Nga pala, iha.” Tumingin si Ester kay Sandra. “Tinawagan ko na ang kapatid ko at sabi niya ay pwede nating i-report sa DepEd ang nangyari sayo lalo na sa naging aksyon ng principal niyo. Pwede kong kausapin ang ibang magulang para maidagdag ang kaso mo sa agenda namin. If maging successful, madadagdagan ang suspensyon kay Billy o kaya ay mag-fall under iyon for expulsion. Dapat na talagang magkaroon ng mga seminar ukol sa harassment mga eskwelahan, lalo na sa inyo.” Hinawakan ni Ester ang kamay ni Sandra. “Gusto mo bang ituloy natin ang pag-report? Kung kailangan mo ng kasama para magpaliwanag sa mga magulang mo, sasamahan kita.” Tumabi kay Sandra si Karen at niyakap siya gamit ang kaliwang braso nito. Pinisil naman muli ni Emma ang kamay ni Sandra. Lumakas ang kabog ng dibdib ni Sandra. “Salamat po, Tita. Pasensya na po sa abala.” Tuluyan nang tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata. Ang kaibahan nga lang, ay ibang klase na ito ng luha; luhang mapagpasalamat, luhang nakakagaan ng loob. Papaniwalaan na siguro ako ni Mama. Naisip ni Sandra. Wala rin kaming gagastusin kaya baka hindi na magagalit sa akin si Papa. Dumapo ang mga mata ni Sandra mula sa namumulang mukha ng kanyang minamahal na tita Ester papunta sa mga maiitim na sugat at mga peklat sa kanyang leeg at mga braso. Tinignan niya ang kaibigang si Karen at naalala ang saya nito nang malamang nagtagumpay ang nanay niya sa kaso laban sa mapang-abuso nitong asawa at sa pag-apruba ng korte sa annulment nila. Huling tinignan

70


Tomo XXXVII Bilang 1

niya ang nakahawak sa kamay niyang si Emma. Nabanggit sa kanya ng kaibigang nagsimula na siya sa therapy para sa pagpuksa sa trauma dulot ng mga pangyayari sa kanya. Napangiti siya nang maalala ang kwento ni Emma sa unti-unting paghilom niya sa mga pangyayari. Ako ang huli. Kami na ang huli. Ipinangako niya sa sarili at sa kanyang mga nasa tabi.

71


Malate Literary Folio

DANA BEATRICE TAN

From Within digital art

72


Tomo XXXVII Bilang 1

DANA BEATRICE TAN

City of Lights digital art

73


Malate Literary Folio

PAULINE SHARRY TIU

Author Imposter To write is a gift, or maybe a curse for one without voice, but buried in words. Soles firm on the floor, yet racing ‘gainst time-‘how does one hurt without reason or rhyme?’ To pen youthful woes, or loves that I’ve lost would forge a Messiah bearing false cross. For veiled ‘neath fool’s gold, fine wine, and sweet fruit, sits only a void in place of pain’s root. Perhaps I crave devotion and praises, Have my verses construe an oasis, A magnum opus, god’s faux design! Or perhaps-- I only loathe what is mine. A face scrubbed of paint, like hands washed of blood— skin tingling from ease, or wearisome fraud. Heavy lies the coin for lives that I’ve thieved, yet white gates open for sinners reprieved. To write is a curse, but more so a gift to the ghost left behind, lone and adrift. So as I lay on the quietest bed; Leave me no rose, but a pen in its stead.

74


Tomo XXXVII Bilang 1

JACQUILINE ALAGOS

Flow digital art

75


Malate Literary Folio

DOMINIQUE BIANCA YAP

List

76


COST ACCOUNTING 1 AY1920 T2 (K31 K32) Ranking Based on Comprehensive Examination

Rank

Student Name

Section

Score

K32

98.0

K32

96.5

K32

96.0

K32

95.5

The top

K31

95.0

It follows the natural progression of things

K31

94.0

Dakila, Esteban

K32

93.5

8th

Desilva, Igme

K32

92.5

9th

Briones, Rommel

K31

92.0

10

Mendoza, Danilo

K32

91.5

11th

Arellano, Efren

K31

91.0

12th

Dela Cruz, Shermaine

K32

90.5

13th

Moreno, Diosa

K32

90.0

14th

Gomes, Nimfa

K32

90.0

15th

Viray, Amihan

K31

90.0

16th

Cortez, Sebastian

K32

90.0

17th

Fernando, Michelle

K31

90.0

18

Santiago, Cindy

K32

89.0

19th

Ocampo, Liwayway

K31

88.5

20th

Lorenzo, Santos

K32

88.5

21st

Ocampo, Marifel

K32

88.5

22nd

Javier, Lewis

The half-way point is approaching.

K32

88.0

23rd

Foster, Jose

Numbers and letters speed by

K32

87.5

24th

Villalobos, Ruby

K32

86.5

25th

Madrigal, Danica

K31

86.5

26

Ramos, Kyra

K32

86.5

27th

Salazar, Monique

K32

86.5

28th

Tan, Maddison

K31

86.5

29th

De Guzman, Bianca

K32

86.5

30th

Hall, Luningning

Each rank my eyes pass

K32

86.5

31st

Salvador, Remy

Brings me lower to the list,

K32

86.5

32nd

Vazquez, John

K32

86.5

33rd

Padilla, Sophia

K31

86.0

34

Uy, Francine

K31

86.0

35th

Reyes, Francisco

K32

86.0

36th

Villacruz, Ianne

K32

86.0

37th

Sanchez, Gabriel

K31

86.0

1st

Sanchez, Norman

2nd

Fernandez, Michelle

3

Sayson, Jack

4th

Tan, Jay

5th

Salvador, Maricar

6th

Estrada, Hillary

7th

rd

th

th

th

th

A frantic search begins: I like to start from

And there are more chances

Of finding what I seek.

The frantic search intensifies;

Yet the list has not produced my name.

The searching paces slower And the slap of truth awaits…


COST ACCOUNTING 1 AY1920 T2 (K31 K32) Ranking Based on Comprehensive Examination

38th

Galvez, Emily

K32

85.5

39th

Padua, Lily

K31

85.5

40th

Cruz, Jacob

K32

85.5

41

Ballesteros, Pascual

K32

84.5

42nd

Santiago, Laura

K32

84.5

43rd

Panganiban, Frederic

K31

84.0

44th

Tuason, Erin

K32

84.0

45th

Molina, Carl

K31

84.0

46th

Santos, Charlene

K32

84.0

47th

Wong, Maria

K32

83.0

48th

Bartolome, Romina

K32

83.0

49

Fernando, Lailani

K31

83.0

50th

Evangelista, Mirasol

K32

82.5

51st

Galvez, Sherwin

K32

82.5

52nd

Enriquez, Jasmine

K32

82.0

53rd

Cunana, Carl

K32

82.0

54th

Esguerra, Melchor

Until disbelief turns into

K31

82.0

55th

Harris, Sunjeev

Refusal,

K31

82.0

56th

Cruz, Simone

K32

82.0

57

Yap, Daniel

K31

81.0

58th

Gonzales, Marivic

K32

81.0

59th

Gray, Luzviminda

K31

80.0

60th

Espiritu, Amor

K32

80.0

61st

Ligaya, Talinhaga

K32

79.0

62nd

Andres, Romel

K32

79.0

63rd

Nelson, Rizalino

K32

77.5

64th

Bautista, Lemery

K32

75.0

65

Custodio, Mayumi

K31

75.0

66th

Sarmiento, Ricardo

K32

73.5

67th

Tolentino, Ruel

K32

73.0

68th

Villegas, Juan

K31

71.0

69th

Campos, Luningning

K32

68.0

70th

Ventura, Liberato

K32

51.5

st

th

th

th

Until it is delivered to me In waves of disappointment, frustration,

And a touch of disbelief

turns into Devaluation— turns into

Liberation.

*Disclaimer: names are fictitious.


Tomo XXXVII Bilang 1

79


Malate Literary Folio

ADAIR NEVAN HOLGADO

Kidult digital art


Tomo XXXVII Bilang 1

RAYMUND JOHN SARMIENTO

Separation Between Stars and the Moon A star that doesn’t belong with The diamonds that embrace the moon. They exist in the same space, yet worlds apart.

To Mom

81


Malate Literary Folio

82


Tomo XXXVII Bilang 1

83


Malate Literary Folio

84


Tomo XXXVII Bilang 1

85


Malate Literary Folio

86


Tomo XXXVII Bilang 1

ODELIA RAIZEL TABAN

On the Night of Christmas Day

On the night of Christmas day, three sisters gazed at the moon through the window pane. The first sister was named Mimi and she lived in the city. Her school was closed but her dorm was paid, so for a whole year, there she stayed. There were two beds on a bunk in her room and she could choose whichever she liked best because everyone had left by then. Tonight, she stretched on the very top bed and gazed out the window. The second sister was Gigi and she lived in Mabini. She used to live in the city, but they had to move. Her family had no place of their own, so they stayed in their grandparent’s ancestral home. Everything there was dusty, old and not hers, especially her bed. Back home, she had a bed of her own that was really too big, it would take three rolls to the right before she’d fall and hit the wall. But now, she only had a mattress on the floor. Tonight, she stood on it to look out the window. The third and last sister was Bibi and she lived in Italy. Right now, she didn’t want to go to her bed. Thinking about it now filled 87


On the Night of Christmas Day

her with dread because it meant she’d have to work again. Her laptop was on and the paperwork she had to do would take her all night long. From the couch where she curled up, she could hear the calling dings! and pops! and pings! Tonight, she lifted the window open and winter air wafted in. It was the coldest air from the coldest night, but she’d rather have the slightly cool wind back home. Here, she grew to dislike the snow. On the night of Christmas day, their houses were empty save for themselves. It was quiet and the only sound was the ticking of the clock. Mimi tried to play some music from her phone, Gigi played on the old piano and Bibi, well, Bibi only listened to her breathing. But the wind stole the sounds away and all they heard was a great whirring. The clouds in the night sky came and went. There were bulbous, dense clouds about to burst. There were thin wispy ones like cotton when you pulled it apart. There were flat plains of white, fat lumps that stretched into shapes and even tiny solitary puffs. But sometimes, there were none of them at all and the moon shone with the stars. For a while, all the sisters could do was watch. Even when they tried their best to not. Why was it so hard to move from their spot? Mimi should study, Gigi had some chores and Bibi, well, Bibi needed to work. But why were they anchored on the windowsill? Why was it so hard to get up and move? The three sisters’s eyes became heavy and they became sleepy. Before they knew it, they fell into a deep sleep, but before they tumbled down, magically, they all wished for the same thing: I wish my sisters were here. On the night of Christmas day, they woke up in each others’ arms. Mimi’s arms were draped over Gigi’s and Gigi was curled under Bibi while Bibi hugged the other two with her legs. They were all drenched in silver light, but they didn’t know it yet. 88


Tomo XXXVII Bilang 1

The first to wake was Mimi and she could only stare in shock. The second to wake was Gigi and she cried, What’s happening? Bibi was about to ask who the other two were, but at that moment, they recognized each other. Without speaking and without thinking, they jumped away and stared. They said to themselves, Is this a dream? But of course it was, for they laid on top of a lone cloud in a dark sky while stars so bright winked by. They were too afraid to say anything and it was quiet until Gigi could no longer stay still—the youngest burst into tears and cried, “Is any of this real?” When she tried to stand, her head collided with the stars. Explosions of silver dust trickled down on them like snow and Bibi saw her sister’s feet sink through the cloud. “Stop that!” Bibi yanked Gigi back down. “You’re going to fall.” “But I don’t understand! What’s going on?” Mimi mumbled, “Maybe we’re dreaming.” “All together?” Gigi looked at her sisters, who looked back at her. The cloud she kneeled on was soft like a blanket and smooth like velvet, and she said, “Fine. If this is a dream, then anything would be possible. Like if I jumped off this cloud, I can still fly around the sky like a bird at night?” “No, you shouldn’t try.” Bibi, with extra caution, crawled to her sister and beckoned Mimi to do the same. But their middle sister’s head was beneath the cloud, like a scared ostrich with its face buried underground. Gigi and Bibi cried out loud, but Mimi popped back up and said, 89


On the Night of Christmas Day

“Look! The stars are different here. They’re in colors of green, yellow and red!” She was right. Around them were no longer bright twinkling white lights, but what looked like lanterns dancing around the sky. They were parols of different shapes and sizes, some with wreaths of green around it, others like a mosaic beside a Church window, and some like simple red and yellow stars that decorated the streets of St. Domingo. Some had tassels and some had puffs. One landed on Bibi’s hands, and she repeated, surrendering, “Why not?” It was then Gigi started laughing, a sound they hadn’t heard in a long time. Her eyes were happy and so was she, and the moonlight made her eyes glow and her hair shimmer and her skin twinkle like spilled glitter back in their childhood days. All at once, the sound of clanging bells rang around. At first, they seemed to come from everywhere, like they were surrounded, and all the hairs on their arms stood straight. It was a familiar sound that made them want to be up and awake, and so Mimi looked out and said, “Where is that coming from?” But the sound continued and she realized it was a song, one that she did know and love, so she began singing along. Her sisters looked at her and she looked back at them, and then quietly at first, then a little louder, until all of them held hands and took a deep breath and sang together, “Have yourself a merry little Christmas. Let your heart be light. From now on, our troubles will be out of sight.” Instantaneously, the colorful stars danced around them and the cloud they rested on glided like a magic carpet. That’s when they understood that anything was possible, so Gigi jumped off the cloud but she did not fall. Mimi followed her and Bibi, well Bibi, had no choice but to do the same.

90


Tomo XXXVII Bilang 1

They played together for what seemed like days. They flew up to the very top of the sky until the Earth seemed small, and other times, they went down so low, they could smell the aroma of foods like bibingka, pancit, and lechon. Whenever they’d get tired, the sisters would hold hands, lie down next to each other and start counting the parols in the sky. For the first time in a long time, they were together again. It was the best Christmas they could ever have and they wished nothing but for it to never end. “I don’t want to go,” Mimi said to them. “Can’t we stay like this forever?” “If it’s a dream, then anything is possible. Isn’t that right?” Bibi looked at her sisters and they looked back at her. She said nothing, only shrugged and smiled. The oldest sister pulled the other two in a hug so tight, it hurt. And later, when the glow of moonlight started to trail out from their fingertips, they stayed in each other’s arms. It didn’t matter that the moon was no longer in sight. Or that a new color emerged, one that was neither soft nor blue but one that blazed with angry light. What mattered was that they were together on the night of Christmas day. A second later, they woke up on their beds. Mimi woke up on the top bunk bed, Gigi was sprawled on the mattress and Bibi, well, Bibi was on the couch. Their windows were open, Christmas was over, but they were no longer sad. Their wish had been granted for a night but one day, it will continue even in the morning.

91


Malate Literary Folio

TRISHA MARIE BARANDA

Panibagong Umaga

92


Tomo XXXVII Bilang 1

Pasasalamat Nais pasalamatan ng Malate Literary Folio ang mga sumusunod— mga kaibigan, kapwa manunulat at manlilikha, at mangingibig ng sining. Dr. Mesandel Arguelles, at Mr. Vijae Alquisola; Ms. Franz Santos, Ms. Jeanne Tan, Mrs. Ma. Manuela S. Agdeppa, at ang Student Media Office, Dr. Genevieve Asenjo at ang Department of Literature; Dr. Raquel Sison-Buban at ang Departamento ng Filipino; ang Bienvenido Santos Creative Writing Center; College Editors Guild of the Philippines; UP Writers’ Club; Lasallian Youth Orchestra; Ms. Angela Mitzi Nazareno sa pagbabahagi ng kanyang piyesa sa unang isyu; Mr. Fernando Belloza, Ms. Christel Kimberly T. Cantillas at Mr. Josh Paradeza sa pag-gabay sa Poetry Section; Mr. Janssen Cunanan, Ms. Wina Puangco and Mr. Francis Ray Quintana sa pag-gabay sa Prose Section; Ms. Beatrice Julia Triñanes sa pag-gabay sa Photo Section; Mr. Armando Miguel Valdes, Mr. Luis Antonio Pastoriza, Ms. Hannah Grace Villafuerte at Mr. Christopher Sum sa pag-gabay sa Art Section; Ms. Maria Katrina Gindap at Mr. Julian Russel Noche sa pag-gabay sa Marketing and Events Section; Ms. Nelca Leila Villarin at ang Office of Student Affairs; Dr. Lily Ann Cabuling at ang Health Services Office (Taft); DLSU Bookstore; DLSU Student CoOperative (SCOOP); Council of Student Organizations (CSO); Office of the Legal Counsel; Finance and Accounting Office; Security Office; Mr. Michael Millanes at ang Student Discipline Formation Office; Ang Pahayagang Plaridel, Archers Network, Green Giant FM, Green & White, The LaSallian at ang Student Media Council, Magicus Junctra Corporation Printing. At higit sa lahat, sa mga kasapi’t kaibigan na patuloy na umaalalay sa paglalago ng Malate Literary Folio.

x vii


Insert Title Here

xi



MALATE LITERARY FOLIO

TOMO XXXVII BILANG 1

MAYO 2021


MAYO 2021


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.