Wp tg 20110401

Page 1

ANG

8

BA NTAYA N ABRIL 1, 2011

NAGHAHAYAG NG KAHARIAN NI JEHOVA

Si JESUS Saan Siya Nagmula? Paano Siya Namuhay? Bakit Kailangan Siyang Mamatay?


ANG

8

BANTAYAN

Limbag sa Bawat Isyu: 42,162,000 SA 188 WIKA

APRIL 1, 2011

N AGH AH AYAG N G K A H A R I AN N I JE H OVA

LAYUNIN NG MAGASING ITO, Ang Bantayan, na parangalan ang Diyos na Jehova, ang Kataas-taasang Tagapamahala ng uniberso. Noong sinaunang panahon, natatanaw ng isa mula sa bantayan ang mga nangyayari sa malayo. Sa katulad na paraan, ipinakikita ng magasing ito ang kahalagahan ng mga pangyayari sa daigdig ayon sa mga hula ng Bibliya. Inaaliw nito ang mga tao sa pamamagitan ng mabuting balita na di-magtatagal, wawakasan ng Kaharian ng Diyos, isang tunay na gobyerno sa langit, ang lahat ng kasamaan at gagawin nitong paraiso ang lupa. Pinasisigla nito ang mga tao na manampalataya kay Jesu-Kristo, na namatay para magkaroon tayo ng pag-asang mabuhay nang walang hanggan at namamahala na ngayon bilang Hari sa Kaharian ng Diyos. Ang magasing ito ay walang pinapanigan sa pulitika at patuluyang inilalathala ng mga Saksi ni Jehova mula pa noong 1879. Sinusunod nito ang Bibliya bilang awtoridad. Hindi ipinagbibili ang publikasyong ito. Inilaan ito bilang bahagi ng pambuong-daigdig na pagtuturo sa Bibliya na tinutustusan ng kusang-loob na mga donasyon. Malibang iba ang ipinakikita, ang mga pagsipi sa Kasulatan ay mula sa makabagong-wikang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan.

TAMPOK NA MGA ARTIKULO 3 Sino ba Talaga si Jesu-Kristo? 4 Jesus—Saan Siya Nagmula? 6 Jesus—Paano Siya Namuhay? 8 Jesus—Bakit Kailangan Siyang Mamatay?

REGULAR NA MGA SEK SIYON

&

10

Alam Mo Ba?

11

Tularan ang Kanilang Pananampalataya —“Naniniwala Ako”

16

Matuto Mula sa Salita ng Diyos —Ano ang Layunin ng Diyos Para sa Lupa? ´ Maging Malapıt sa Diyos —Kapag Muling Bumata ang mga Matanda

23 24

Turuan ang Iyong mga Anak —Nag-iisa Ka ba at Natatakot?

26

Binago ng Bibliya ang Kanilang Buhay

31

Tanong ng mga Mambabasa

SA ISYU RING ITO

&

18

Ang Pinakatiwaling Paglilitis sa Kasaysayan

32

Espesyal na Pahayag Pangmadla


SINO BA TAL AGA SI

Jesu-Kristo? “Ngayon nang pumasok siya sa Jerusalem, ang buong lunsod ay nagkagulo, na nagsasabi: ‘Sino ito?’ Ang mga pulutong ay patuloy na nagsasabi: ‘Ito ang propetang si Jesus, mula sa Nazaret ng Galilea!’ ” —MATEO 21:10, 11.

B

AKIT pinagkaguluhan ang pagpasok ni JesuKristo1 sa Jerusalem noong tagsibol ng 33 C.E.? Marami sa lunsod ang nakarinig tungkol kay Jesus at sa pambihirang mga bagay na ginawa niya. Patuloy nilang sinasabi sa iba ang tungkol sa kaniya. (Juan 12:17-19) Walang kamalay-malay ang mga pulutong na iyon na nasa gitna nila ang taong ang impluwensiya ay lalaganap sa buong daigdig at aabot hanggang sa ating panahon! Tingnan ang ilan sa napakalaking impluwensiya ni Jesus sa kasaysayan ng tao.

ˇ Ang kalendaryong karaniwang ginagamit ng maraming tao sa daigdig ay batay sa taon kung kailan pinaniniwalaang ipinanganak si Jesus. ˇ Mga dalawang bilyong tao—halos sangkatlo ng populasyon ng daigdig—ang nagsasabing Kristiyano sila. ˇ Itinuturo ng Islam, na mahigit isang bilyon ang miyembro sa buong daigdig, na si Jesus ay “isang mas dakilang propeta kaysa kina Abraham, Noe, at Moises.” ˇ Marami sa magagandang pananalita ni Jesus ang naging bukambibig ng mga tao. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod: ‘Kapag sinampal ka sa kanang pisngi, iharap mo rin ang kabila.’—MATEO 5:39. ‘Walang sinuman ang maaaring maglingkod sa dalawang panginoon.’—MATEO 6:24. ‘Lahat ng mga bagay na ibig ninyong gawin ng mga tao sa inyo, gayundin ang dapat ninyong gawin sa kanila.’—MATEO 7:12. ‘Tuusin ang gastusin.’—LUCAS 14:28.

Maliwanag, may impluwensiya si Jesus sa kasaysayan ng tao. Pero iba-iba ang mga ideya at paniniwala ng mga tao sa kaniya. Kaya baka maitanong mo, ‘Sino nga ba si Jesu-Kristo?’ Ang Bibliya lamang ang makapagsasabi kung saan nagmula si Jesus, kung paano siya namuhay, at kung bakit kailangan siyang mamatay. Malaki ang maaaring maging epekto ng mga katotohanang iyan sa iyong buhay—ngayon at sa hinaharap. 1 Ang “Jesus,” ang personal na pangalan ng propetang ito mula sa Nazaret, ay nangangahulugang “Si Jehova ay Kaligtasan.” Ang salitang “Kristo” ay isang titulong nangangahulugang “Pinahiran,” na nagpapakitang si Jesus ay pinahiran, o inatasan ng Diyos sa isang pantanging posisyon.

ANG BANTAYAN ˙ ABRIL 1, 2011

3


Saan Siya Nagmula?

JESUS

“Muli siyang [si Pilato] pumasok sa palasyo ng gobernador at sinabi kay Jesus: ‘Saan ka nagmula?’ Ngunit walang sagot na ibinigay sa kaniya si Jesus.” —JUAN 19:9.

I

YAN ang tanong ng Romanong gobernador na si Poncio Pilato noong nililitis si Jesus.1 Alam ni Pilato kung saan sa Israel nagmula si Jesus. (Lucas 23:6, 7) Alam din niyang hindi ordinaryong tao si Jesus. Iniisip kaya ni Pilato kung nabuhay na noon si Jesus? Handa nga bang tanggapin ng paganong tagapamahalang ito ang katotohanan at kumilos ayon dito? Hindi sumagot si Jesus, at sa kalaunan, lumitaw na mas interesado si Pilato sa kaniyang sariling katayuan kaysa sa katotohanan at katarungan. —Mateo 27:11-26. Madaling malaman kung saan nagmula si Jesus. Sinasabi ito ng Bibliya. Isaalang-alang ang sumusunod. ˇ Saan siya ipinanganak? Ayon sa modernong mga kalkulasyon, si Jesus ay ipinanganak noong pasimula ng taglagas ng 2 B.C.E., sa ilalim ng di-maalwang mga kalagayan sa nayon ng Betlehem sa Judea. Dahil sa utos ni Cesar Augusto na magparehistro ang mga tao, napilitan ang ina ni Jesus na si Maria, na noo’y “kagampan” na, at ang kaniyang asawang si Jose na maglakbay patungong Betlehem, ang lugar ng mga ninuno ni Jose. Palibhasa’y walang ma1 Para sa higit pang impormasyon tungkol sa pag-aresto at paglilitis kay Jesus, tingnan ang artikulong “Ang Pinakatiwaling Paglilitis sa Kasaysayan,” sa pahina 18-22 ng isyung ito.

8

BANTAYAN

ANG

NAGH AH AYAG NG KAH ARIAN NI JEH OVA

Nais mo ba ng higit pang impormasyon o ng walangbayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya? Pakisuyong ipadala ang iyong kahilingan sa mga Saksi ni Jehova, na ginagamit ang isa sa mga adres sa kanan. Para sa kumpletong listahan ng mga adres, tingnan ang www.watchtower.org/address.

4

kitang matutuluyan sa nayon, pumunta ang mag-asawa sa isang kuwadra, kung saan ipinanganak si Jesus at inilagay sa isang sabsaban. —Lucas 2:1-7. Mga dantaon bago nito, inihula ng Bibliya kung saan isisilang si Jesus: “Ikaw, O Betlehem Eprata, na napakaliit upang mapabilang sa libu-libo ng Juda, mula sa iyo ay lalabas para sa akin ang isa na magiging tagapamahala sa Israel.”1 (Mikas 5:2) Kung tutuusin, napakaliit ng Betlehem para mapabilang sa mga lunsod ng Juda. Pero ang maliit na nayong ito ay magkakaroon ng natatanging karangalan. Dito manggagaling ang ipinangakong Mesiyas, o Kristo. —Mateo 2:3-6; Juan 7:40-42. ˇ Saan siya pinalaki? Pagkatapos ng sandaling pagtira sa Ehipto, lumipat ang pamilya ni Jesus sa Nazaret, isang lunsod sa probinsiya ng Galilea, mga 100 kilometro sa hilaga ng Jerusalem. ´ Wala pang tatlong taong gulang noon si Jesus. Lumaki siya sa magandang rehiyong ito ng mga magsasaka, pastol, at mangingisda. Malaki ang pamilya niya at malamang na hindi sila mayaman.—Mateo 13:55, 56. Mga dantaon patiuna, inihula ng Bibliya na 1 Lumilitaw na Eprata (o Eprat) ang dating pangalan ng Betlehem.—Genesis 35:19.

Australia: PO Box 280, Ingleburn, NSW 1890. Britain: The Ridgeway, London NW7 1RN. Canada: PO Box 4100, Georgetown, ON L7G 4Y4. Germany: 65617 Selters. Greece: Kifisias 77, GR 151 24 Marousi. Hong Kong: 4 Kent Road, Kowloon Tong, Kowloon. Israel: PO Box 29345, 61293 Tel Aviv. Italy: Via della Bufalotta 1281, I-00138 Rome RM. Japan: 4-7-1 Nakashinden, Ebina City, Kanagawa-Pref, 243-0496. Korea, Republic of: PO Box 33, Pyungtaek PO, Kyunggi-do, 450-600. Malaysia: Peti Surat No. 580, 75760 Melaka. Philippines: PO Box 2044, 1060 Manila. Spain: ´ Apartado 132, 28850 Torrejon de Ardoz (Madrid). Taiwan: 3-12, Shetze Village, Hsinwu 32746. United States of America: 25 Columbia Heights, Brooklyn, NY 11201-2483.

The Watchtower (ISSN 0043-1087) is published semimonthly by Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.; M. H. Larson, President; G. F. Simonis, Secretary-Treasurer; 25 Columbia Heights, Brooklyn, NY 11201-2483, and by Watch Tower Bible and Tract Society of the Philippines, Inc., PO Box 2044, 1060 Manila. Periodicals Postage Paid at Brooklyn, NY, and at additional mailing offices. Entered as second-class matter at the Manila Central Post Office on September 12, 1961. 5 2011 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania. All rights reserved. Printed in R.P.

Vol. 132, No. 7

Semimonthly

TAGALOG


ang Mesiyas ay magiging “Nazareno.” Binabanggit ng manunulat ng Ebanghelyo na si Mateo na ang pamilya ni Jesus ay nanirahan sa “Nazaret, upang matupad yaong sinalita sa pamamagitan ng mga propeta: ‘Siya ay tatawaging Nazareno.’ ” (Mateo 2: 19-23) Ang pangalang Nazareno ay waring nauugnay sa salitang Hebreo para sa “sibol.” Maliwanag na tinutukoy ni Mateo ang hula ni Isaias kung saan ang Mesiyas ay tinawag na “isang sibol” mula kay Jesse. Ibig sabihin, ang Mesiyas ay magiging inapo ni Jesse sa anak nitong si Haring David.—Isaias 11:1; Mateo 1:6, 16; Lucas 3:23, 31, 32. ˇ Saan siya talaga nagmula? Itinuturo ng Bibliya na matagal nang nabubuhay si Jesus, bago pa siya ipanganak sa sabsaban sa Betlehem. Sinasabi ng hula ni Mikas, na sinipi kanina, na ang Kaniyang “pinanggalingan ay mula noong unang mga panahon, mula nang mga araw ng panahong walang takda.” (Mikas 5:2) Bilang ang panganay na Anak ng Diyos, si Jesus ay isang espiritung nilalang sa langit bago siya isinilang bilang isang tao sa lupa. Sinabi mismo ni Jesus: “Bumaba ako mula sa langit.” (Juan 6:38; 8:23) Paano? Sa pamamagitan ng banal na espiritu, makahimalang inilipat ng Diyos na Jehova ang buhay ng kaniyang Anak sa bahay-bata ng birheng Judio na si Maria upang maisilang siya bilang isang perpektong tao.1 Kayang gawin ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat ang himalang iyon. Gaya nga ng ipinaliwanag ng anghel kay Maria, “sa Diyos ay walang kapahayagan ang imposible.”—Lucas 1:3035, 37. Hindi lamang sinasabi sa atin ng Bibliya kung saan nagmula si Jesus. Sinasabi rin sa atin ng apat na Ebanghelyo—ang Mateo, Marcos, Lucas, at Juan—kung paano siya namuhay. 1 Jehova ang pangalan ng Diyos gaya ng ipinakikita sa Bibliya.

INILALATHALA NA SA 188 WIKA: Acholi, Afrikaans, Albanian, Amharic, Arabic, Armenian, Armenian (West), ´ Aymara, Azerbaijani, Azerbaijani (Cyrillic), Baoule, Bengali, Bicol, Bislama, Bulgarian, Cambodian, Cebuano, Chichewa, Chinese (Simplified), Chinese (Traditional)7 (audio Mandarin only), Chitonga, Chuukese, Cibemba, Croatian, Czech,7 Danish,7 Dutch,67 Efik, English67 (also Braille), Estonian, Ewe, Fijian, Finnish,7 French,687 Ga, Georgian, German,67 Greek, Greenlandic, Guarani, Gujarati, Gun, Haitian Creole, Hausa, Hebrew, Hiligaynon, Hindi, Hiri Motu, Hungarian,67 Icelandic, Igbo, Iloko, Indonesian, Isoko, Italian,67 Japanese,67 Kannada, Kazakh, Kikaonde, Kikongo, Kikuyu, Kiluba, Kimbundu, Ki-

nyarwanda, Kirghiz, Kiribati, Kirundi, Kongo, Korean,67 Kwangali, Kwanyama, Latvian, Lingala, Lithuanian, Luganda, Lunda, Luo, Luvale, Macedonian, Malagasy, Malayalam, Maltese, Marathi, Marshallese, Mauritian Creole, Maya, Mixe, Mizo, Moore, Myanmar, Ndebele, Ndonga, Nepali, Niuean, Norwegian,67 Nyaneka, Nzema, Oromo, Ossetian, Otetela, Palauan, Pangasinan, Papiamento (Curacao), Persian, Polish,67 Ponapean, ¸ Portuguese,687 Punjabi, Quechua (Ancash), Quechua (Ayacucho), Quechua (Bolivia), Quechua (Cuzco), Quichua, Rarotongan, Romanian, Russian,67 Samoan, Sango, Sepedi, Serbian, Serbian (Roman), Sesotho, Seychelles Creole, Shona, Silozi, Sinhala, Slovak, Slove-

nian, Solomon Islands Pidgin, Spanish,67 Sranantongo, Swahili, Swati, Swedish,7 Tagalog,7 Tahitian, Tamil, Tatar, Telugu, Tetum, Thai, Tigrinya, Tiv, Tok Pisin, Tongan, Totonac, Tshiluba, Tsonga, Tswana, Tumbuka, Turkish, Tuvaluan, Twi, Tzotzil, Ukrainian,7 Umbundu, Urdu, Uruund, Uzbek, Venda, Vietnamese, Wallisian, WarayWaray, Wolaita, Xhosa, Yapese, Yoruba, Zande, Zapotec (Isthmus), Zulu 6 Makukuha rin sa CD. 8 Makukuha rin sa MP3 CD-ROM. 7 Makukuha rin ang audio recording sa www.jw.org.


JESUS

Paano Siya Namuhay? “Ang aking pagkain ay ang gawin ko ang kalooban niya na nagsugo sa akin at tapusin ang kaniyang gawain.”—JUAN 4:34.

I

PINAKIKITA ng pananalitang iyan ang pangunahin sa buhay ni Jesus. Si Jesus at ang kaniyang mga alagad ay buong-umagang naglakbay sa maburol na bayan ng Samaria. (Juan 4:6, talababa sa New World Translation of the Holy Scriptures—With References) Dahil inaakala ng kaniyang mga alagad na nagugutom na si Jesus, inalok nila siya ng pagkain. (Juan 4:31-33) Bilang sagot, sinabi ni Jesus ang layunin niya sa buhay. Para sa kaniya, mas mahalaga ang paggawa ng gawain ng Diyos kaysa sa pagkain. Sa salita at sa gawa, namuhay si Jesus upang gawin ang kalooban ng Diyos para sa kaniya. Ano ang kasama rito? ˇ Pangangaral at pagtuturo tungkol sa Kaharian ng Diyos Ipinaliliwanag ng Bibliya ang naging buhay ni Jesus: “Lumibot siya sa buong Galilea, na nagtuturo . . . at nangangaral ng mabuting balita ng kaharian.” (Mateo 4:23) Si Jesus ay hindi lamang basta nangaral o naghayag tungkol sa Kaharian ng Diyos. Nagturo din siya sa mga tao—nagbigay siya ng tagubilin, nagpaliwanag, at kumumbinsi sa pamamagitan ng mahusay na pangangatuwiran. Ang Kaharian ang tema ng mensahe ni Jesus. Sa buong ministeryo ni Jesus, itinuro niya sa kaniyang mga tagapakinig kung ano ang Kaharian ng Diyos at ang gagawin nito. Pansinin ang mga katotohanan tungkol sa Kaharian, pati na ang mga talata sa Kasulatan na naglalaman ng mga pananalita ni Jesus tungkol sa paksang ito.

ˇ Ang Kaharian ng Diyos ay isang gobyerno sa langit, at si Jesus ang hinirang ni Jehova bilang Hari nito.—MATEO 4:17; JUAN 18:36.

ˇ Pababanalin ng Kaharian ang pangalan ng Diyos at pangyayarihing maganap ang kaniyang kalooban sa lupa gaya sa langit.—MATEO 6: 9, 10.

6

ANG BANTAYAN ˙ ABRIL 1, 2011

ˇ Sa ilalim ng Kaharian ng Diyos, ang buong lupa ay magiging paraiso.—LUCAS 23:42, 43.

ˇ Malapit nang dumating ang Kaharian ng Diyos at isasagawa nito ang kalooban ng Diyos sa lupa.1—MATEO 24:3, 7-12.

ˇ Pagsasagawa ng makapangyarihang mga gawa Pangunahin nang nakilala si Jesus bilang “Guro.” (Juan 13:13) Pero sa tatlo’t kalahating taon ng kaniyang ministeryo, nagsagawa rin siya ng maraming makapangyarihang gawa. Sa pamamagitan nito, napatunayang isinugo nga siya ng Diyos. (Mateo 11:2-6) Ipinakita rin nito kung ano ang gagawin niya bilang Hari sa Kaharian ng Diyos sa hinaharap. Pansinin ang ilan sa mga himalang ginawa niya.

ˇ Pinakalma niya ang maalong dagat at pinatahimik ang malakas na hangin.—MARCOS 4:39-41.

ˇ Nagpagaling siya ng mga maysakit, kasama na ang mga bulag, bingi, at pilay.—LUCAS 7:21, 22.

ˇ Nagparami siya ng pagkain para mapakain ang maraming nagugutom.—MATEO 14:17-21; 15: 34-38.

ˇ Tatlong beses siyang bumuhay ng patay. —LUCAS 7:11-15; 8:41-55; JUAN 11:38-44. Isip-isipin na lamang ang magiging buhay sa lupa kapag namahala na ang makapangyarihang Hari na iyan! ˇ Pagpapakilala sa Diyos na Jehova Sa pagtuturo sa iba tungkol kay Jehova, wala nang mas kuwalipikado pa kaysa sa mismong Anak ng 1 Para malaman ang higit pa tungkol sa Kaharian ng Diyos at kung bakit natin masasabing malapit na itong dumating, tingnan ang kabanata 8, “Ano ba ang Kaharian ng Diyos?,” at kabanata 9, “Nabubuhay Na ba Tayo sa ‘mga Huling Araw’?,” ng aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.


Diyos, na nakilala bilang si Jesu-Kristo. Bilang “ang panganay sa lahat ng nilalang,” nabuhay si Jesus kasama ni Jehova sa langit nang mas matagal kaysa sa ibang espiritung nilalang. (Colosas 1:15) Isip-isipin ang mga pagkakataon para matutuhan niya ang pag-iisip, kalooban, pamantayan, at mga paraan ng kaniyang Ama. Makatuwirang masasabi ni Jesus: “Kung sino ang Anak ay walang nakaaalam kundi ang Ama; at kung sino ang Ama ay walang nakaaalam kundi ang Anak, at yaong sa kaniya ay nais ng Anak na isiwalat siya.” (Lucas 10:22) Nang nasa lupa si Jesus bilang tao, may pagkukusa—oo, may pananabik— niyang ipinakita kung anong uri ng persona ang kaniyang Ama. Pambihira ang pagsasalita at pagtuturo ni Jesus dahil batay ito sa mga alaala niya sa langit at sa matayog na presensiya ng Kataas-taasang Diyos.—Juan 8:28. Ang pagpapakilala ni Jesus sa kaniyang Ama ay maihahalintulad sa nagagawa ng isang transpormer. Nakukumberte ng aparatong ito sa mas mababang boltahe ang mataas na boltahe ng kuryenteng pumapasok dito, para magamit ng karaniwang mamamayan. Nang narito sa lupa si Jesus, itinuro niya ang mga natutuhan niya sa langit tungkol sa kaniyang Ama sa paraang madaling maunawaan at maisagawa ng hamak na mga tao sa lupa. Pansinin ang dalawang mahalagang paraan kung paano ipinakilala ni Jesus ang kaniyang Ama.

ˇ Itinuro ni Jesus ang katotohanan tungkol kay Jehova —ang Kaniyang pangalan, layunin, at mga paraan. —JUAN 3:16; 17:6, 26.

ˇ Sa pamamagitan ng kaniyang mga gawa, ipinakita ni Jesus ang maraming magagandang katangian ni Jehova. Makikita mismo kay Jesus ang personalidad ng kaniyang Ama anupat masasabi niya: ‘Kung gusto ninyong malaman kung anong uri ng persona ang aking Ama, tingnan ninyo ako.’—JUAN 5:19; 14:9.

Oo, namamangha tayo sa paraan ng pamumuhay ni Jesus. Pero para makinabang tayo nang malaki, dapat nating suriin kung bakit kailangang mamatay si Jesus. Dapat din tayong kumilos ayon sa ating natututuhan.


JESUS

Bakit Kailangan Siyang Mamatay? “Ang Anak ng tao ay dumating . . . upang . . . ibigay ang kaniyang kaluluwa [o buhay] bilang pantubos na kapalit ng marami.”—MARCOS 10:45.

A

LAM ni Jesus ang mangyayari sa kaniya. Nauunawaan niyang hindi siya mamumuhay nang payapa, kundi mamamatay agad sa edad na mahigit 30 at sa kalunus-lunos na paraan. Pero handang-handa siyang harapin ang kaniyang kamatayan. Sa Bibliya, mahalaga ang kamatayan ni Jesus. Ayon sa isang reperensiya, ang kamatayan ni Jesus ay tuwirang binabanggit nang mga 175 ulit sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, o Bagong Tipan. Pero bakit nga ba kailangang magdusa at mamatay si Jesus? Mahalagang malaman natin ang sagot sapagkat ang kamatayan ni Jesus ay may malaking epekto sa ating buhay. ˇ Ano ang inaasahan ni Jesus? Noong huling taon ng buhay ni Jesus, ilang ulit niyang binabalaan ang kaniyang mga alagad tungkol sa pagdurusa at kamatayan na naghihintay sa kaniya. Noong papunta sila sa Jerusalem upang ipagdiwang ang kaniyang huling Paskuwa, sinabi niya sa kaniyang 12 apostol: “Ang Anak ng tao ay ibibigay sa mga punong saserdote at sa mga eskriba, at hahatulan nila siya ng kamatayan at ibibigay siya sa mga tao ng mga bansa, at gagawin nila siyang katatawananat duduraansiya at hahagupitinsiya at papatayin siya.”1 (Marcos 10:33, 34) Bakit alam na alam niya ang mangyayari sa kaniya? Pamilyar si Jesus sa maraming hula sa Hebreong Kasulatan tungkol sa kaniyang kamatayan. (Lucas 18:31-33) Isaalang-alang ang ilang hula at kung paano natupad ang mga ito ayon sa Kasulatan. Ang Mesiyas ay . . . ˇ Ipagkakanulo kapalit ng 30 piraso ng pilak.

ˇ S a s a m p a l i n a t d u d u r a a n .—I S A I A S

50:6;

MATEO 26:67; 27:26, 30.

ˇ Ibabayubay.—AWIT

22:16, talababa sa New World Translation of the Holy Scriptures—With References; MARCOS 15:24, 25.

ˇ Aalipustain habang nasa tulos.—AWIT

22: 7, 8;

MATEO 27:39-43.

ˇ Papatayin nang walang mababaling buto.—AWIT 34:20; JUAN 19:33, 36.

Natupad kay Jesus ang mga ito at ang maraming iba pang hula. Hindi niya ito sinadyang mangyari sa kaniya. Pinatutunayan ng katuparan ng lahat ng hulang ito tungkol kay Jesus na siya nga ay isinugo ng Diyos.1 Pero bakit nga ba kailangang magdusa at mamatay si Jesus? ˇ Namatay si Jesus para lutasin ang napakahalagang mga isyu Alam ni Jesus ang napakahalagang mga isyu na ibinangon sa hardin ng Eden. Palibhasa’y naimpluwensiyahan ng mapaghimagsik na espiritung nilalang sina Adan at Eva, pinili nilang sumuway sa Diyos. Sa paggawa nito, para na rin nilang kinuwestiyon ang pagiging matuwid ng pagkasoberano, o ang paraan ng pamamahala ng Diyos. Naging isyu rin kung may sinumang tao na mananatiling tapat sa Diyos sa ilalim ng pagsubok.—Genesis 3:1-6; Job 2:1-5. Si Jesus ay nagbigay ng di-mapag-aalinlanganang sagot sa isyu ng pagkasoberano ni Jehova at ng katapatan ng tao. Sa pamamagitan ng kaniyang lubusang pagsunod “hanggang sa kamatayan . . . sa pahirapang tulos,” itinaguyod ni

—ZACARIAS 11:12; MATEO 26:14-16.

1 Madalas tukuyin ni Jesus ang kaniyang sarili bilang “ang Anak ng tao.” (Mateo 8:20) Ipinakikita nito na hindi lamang siya ganap na tao kundi na siya rin ang “anak ng tao” na tinutukoy sa hula ng Bibliya.—Daniel 7:13, 14.

8

ANG BANTAYAN ˙ ABRIL 1, 2011

1 Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga hulang natupad kay Jesus, tingnan ang apendise na may paksang “Si Jesu-Kristo—Ang Ipinangakong Mesiyas” sa aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.


Jesus ang pagkasoberano ng Diyos. (Filipos 2:8) Pinatunayan din ni Jesus na maaaring manatiling tapat kay Jehova ang perpektong tao kahit sa ilalim ng pinakamatinding mga pagsubok. ˇ Namatay si Jesus para tubusin ang sangkatauhan Inihula ni propeta Isaias na ang pagdurusa at kamatayan ng ipinangakong Mesiyas ay maglalaan ng pambayad-sala para sa mga kasalanan ng mga tao. (Isaias 53:5, 10) Maliwanag na naunawaan ito ni Jesus, at kusa niyang ibinigay ang “kaniyang kaluluwa bilang pantubos na kapalit ng marami.” (Mateo 20:28) Ang kaniyang sakripisyong kamatayan ay nagbukas ng daan upang ang di-perpektong mga tao ay magkaroon ng mabuting kaugnayan kay Jehova at mailigtas mula sa kasalanan at kamatayan. Ang kamatayan ni Jesus ay nagbukas ng pagkakataon upang maibalik ang naiwala nina Adan at Eva—ang pag-asang mabuhay magpakailanman sa napakainam na mga kalagayan sa lupa.1—Apocalipsis 21:3, 4. ˇ Ano ang dapat mong gawin? Sa seryeng ito, nasuri natin ang sinasabi ng Bibliya tungkol kay Jesus —kung saan siya nagmula, kung paano siya namuhay, at kung bakit kailangan siyang mamatay. Hindi lamang basta nililinaw ng mga katotohanang ito ang maling mga ideya tungkol sa kaniya. Ang pagkilos ayon dito ay maaaring magdulot ng mga pagpapala—mas mabuting buhay ngayon at walanghanggang buhay sa hinaharap. Sinasabi sa atin ng Bibliya kung ano ang kailangan nating gawin upang matamo ito.

ˇ Matuto nang higit pa tungkol kay Jesu-Kristo at sa kaniyang papel sa layunin ni Jehova.—JUAN 17:3.

ˇ Manampalataya kay Jesus at ipakita sa iyong pamumuhay na tinatanggap mo siya bilang iyong Tagapagligtas.—JUAN 3:36; GAWA 5:31.

Malulugod ang mga Saksi ni Jehova na tulungan kang matuto nang higit pa tungkol kay Jesu-Kristo, ang “bugtong na Anak” ng Diyos. Sa pamamagitan ni Jesus, maaari tayong tumanggap ng regalong “buhay na walang hanggan.”—Juan 3:16. 1 Para sa higit pang impormasyon tungkol sa halaga ng sakripisyong kamatayan ni Jesus, tingnan ang kabanata 5, “Ang Pantubos —Ang Pinakamahalagang Regalo ng Diyos,” ng aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

ANG BANTAYAN ˙ ABRIL 1, 2011

9


ALAM MO BA? Anong mga krimen ang nagawa ni Barabas? ˇ Si Barabas ay binabanggit sa apat na yang-katarungan lamang nila ang mga

“GIVE US BARABBAS” NI CHARLES MULLER, 1878

Ebanghelyo. Siya ang lalaking pinalaya ng tagapamahalang Romano na si Poncio Pilato sa halip na si Jesus. Si Barabas ay tinatawag na “bantog na bilanggo” at “magnanakaw.” (Mateo 27:16; Juan 18:40) Nasa kustodiya siya noon ng mga Romano sa Jerusalem “kasama ng mga sedisyonista, na sa kanilang sedisyon ay gumawa ng pagpaslang.”—Marcos 15:7. Walang masusumpungang impormasyon tungkol sa mga krimeng nagawa ni Barabas. Ngunit dahil inihanay siya sa mga sedisyonista, iniuugnay siya ng mga iskolar sa mga subersibong grupo sa Israel noong unang siglo. Ayon sa ulat ng istoryador na si Flavius Josephus, madalas na sangkot sa mga kaguluhan sa lipunan ang mga pangkat ng mga tulisan; inaangkin ng mga kriminal na ito na binibig-

naaaping maralitang Judio. Pagsapit ng kalagitnaan ng unang siglo C.E., naging palasak ang paghihimagsik laban sa diumano’y kawalang-katarungan ng mga Romano at ng mga may-kaya at prominenteng Judio. Karamihan sa mga puwersang Judio na tumugis sa mga Romano mula Judea noong 66 C.E. ay kabilang sa mga pangkat ng mga tulisan. “Si Barabas ay maaaring isang tulisan sa kanayunan,” ang sabi ng The Anchor Bible Dictionary. “Ang mga tulisang ito ay bayani sa paningin ng mga karaniwang mamamayan dahil ang pinupuntirya nila ay ang mayayamang establisimyento sa Israel at naghahasik sila ng kaguluhan laban sa pamahalaang Romano.”

Noong panahon ng Roma, anu-anong krimen ang may parusang kamatayan gaya ng kay Jesus? ˇ Ang parusang ginamit ng mga Romano Ayon kay Josephus, nang salakayin ang sa mga subersibo, tulisan, at iba pang rebelde ay ang pagbabayubay sa isang instrumento sa pagpapahirap, anupat hinahayaan silang mamatay roon. Itinuturing ito bilang ang pinakakalunus-lunos na kamatayan. “Ito ay lantaran, kahiya-hiya, at napakasakit,” ang sabi ng aklat na Palestine in the Time of Jesus, “at dinisenyo ito upang maghasik ng takot sa puso ng sinumang mangangahas na maging banta sa kaayusan ng mga bagay-bagay.” Ganito ang binanggit ng isang manunulat na Romano noong sinaunang panahon tungkol sa pagpatay sa mga kriminal: “Pinipili ang pinakamatataong lansangan, para marami ang makasaksi rito at makadama ng ganitong takot.” 10

ANG BANTAYAN ˙ ABRIL 1, 2011

Jerusalem noong 70 C.E., isang bilanggo ng digmaan na nabihag ng hukbo ni Tito ang pinatay sa ganitong paraan sa harap ng mga pader ng lunsod upang takutin at pasukuin ang mga tagapagtanggol. Nang bumagsak ang lunsod, marami pa ang pinatay sa ganitong paraan. Sa kasaysayan, ang pinakalansakang pagpatay sa ganitong paraan ay nangyari noong magwakas ang isang rebelyong pinangunahan ni Spartacus (73-71 B.C.E.), kung saan 6,000 alipin at gladyador ang pinatay sa kahabaan ng lansangan mula Capua patungong Roma.


TULARAN ANG KANILANG PANANAMPALATAYA

“Naniniwala Ako” SARIWA pa sa isipan ni Marta ang larawan ng libingan ng kaniyang kapatid, ang kuweba na sinarhan ng bato. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Hindi siya makapaniwalang patay na ang minamahal niyang si Lazaro. Apat na araw na itong patay, at ang mga araw na iyon ay parang napakatagal na panahon ng pagdadalamhati at pakikiramay. Ngayon, nakatayo sa harap ni Marta ang lalaking napakahalaga kay Lazaro. Pagkakita kay Jesus, muli na naman siyang nakadama ng matinding kirot sa kaniyang puso, kasi ang taong ito lamang ang makapagliligtas sana sa kaniyang kapatid. Pero nakasumpong pa rin ng kaaliwan si Marta sa pagkanaroroon ni Jesus sa labas ng bayan ng Betania. Ilang sandali pa lamang niyang kasama si Jesus, pero napatibay na siya dahil sa empatiyang nakita niya sa mga mata nito. Nagbangon si Jesus ng tanong na nakatulong sa kaniya na magpokus sa pananampalataya niya at paniniwala sa pagkabuhay-muli. Sa pag-uusap na ito, namutawi sa labi ni Marta ang isa sa pinakamahalagang pangungusap: “Naniniwala ako na ikaw ang Kristo na Anak ng Diyos, ang Isa na darating sa sanlibutan.”—Juan 11:27. Si Marta ay isang babaing may malaking pananampalataya. Kaunti lamang ang iniuulat ng Bibliya tungkol sa kaniya, pero may mahahalagang aral tayong matututuhan na magpapalakas sa ating pananampalataya. Tingnan natin ang unang ulat ng Bibliya tungkol kay Marta. “Nababalisa at Nababagabag” ´ Mga ilang buwan bago nito, buhay pa at malusog si Lazaro. Dadalaw sa kaniyang tahanan sa Betania ang pinakaimportanteng bisita, si Jesu-Kristo. Di-pangkaraniwan ang pamilya nina Lazaro, Marta, at Maria—tatlong magkakapatid na nasa hustong gulang na pero nakatira pa rin sa iisang bahay. Sinasabi ng ilang ma-

Kahit nagdadalamhati, hinayaan ni Marta na tulungan siya ni Jesus na magpokus sa mga bagay na nakapagpapatibay ng pananampalataya

nanaliksik na maaaring si Marta ang panganay sa tatlo, yamang tila siya ang nag-aasikaso ng mga bagay-bagay at kung minsan ay unang binabanggit sa kanilang tatlo. (Juan 11:5) Pero hindi natin alam kung nag-asawa ang sinuman sa kanila. Gayunman, naging matalik silang ANG BANTAYAN ˙ ABRIL 1, 2011

11


mga kaibigan ni Jesus. Noong panahon ng ministeryo ni Jesus sa Judea, kung saan dumanas siya ng labis na pagsalansang at pagkapoot, sa kanilang tahanan siya tumutuloy. Tiyak na lubha niyang pinahalagahan ang kanilang suporta at ang kapayapaan sa tahanang iyon. Mapagpatuloy si Marta. Masipag siya at parang hindi nauubusan ng ginagawa, gaya noong dumalaw si Jesus. Nagplano siya agad ng maraming espesyal na pagkain para sa kaniyang kilalang panauhin at marahil, para sa mga kasama nito. Napakahalaga noon ang pagiging mapagpatuloy. Pagdating ng panauhin, siya ay sinasalubong ng halik, inaalisan ng sandalyas upang mahugasan ang paa, at pinapahiran ng mabangong langis sa ulo. (Lucas 7:44-47) Inaasikaso rin nang husto ang kaniyang tutuluyan at pagkain. Maraming kailangang gawin sina Marta at Maria. Si Maria, na kung minsa’y inaakalang mas sensitibo at palaisip sa dalawa, ay tiyak na tumulong sa kaniyang kapatid. Pero pagdating ni Jesus, naupo na si Maria sa paanan nito. Itinuring ni Jesus na panahon iyon para magturo —at nagturo nga siya! Di-gaya ng mga lider ng relihiyon noon, iginalang ni Jesus ang kababaihan at tinuruan sila tungkol sa Kaharian ng

Bagaman “nababalisa at nababagabag,” mapagpakumbabang tinanggap ni Marta ang pagtutuwid

Diyos, ang tema ng kaniyang ministeryo. Sabik na sabik na nakinig si Maria kay Jesus. Naguguniguni mo ba ang tensiyong nadarama ni Marta? Sa dami ng pagkaing ihahanda niya at sa lahat ng kailangan pa niyang gawin para sa kaniyang mga bisita, lalo siyang nabalisa at nataranta. Habang paroo’t parito at abalang-abala, nakikita niya ang kaniyang kapatid na nakaupo lamang at hindi tumutulong sa kaniya. Namula ba siya sa inis, nagbuntunghininga nang malakas, o sumimangot? Hindi naman kataka-taka kung ginawa niya iyon, kasi hindi niya kayang gawing mag-isa ang lahat ng gawaing ito! Hindi na nakapagpigil si Marta, kaya sinabi niya kay Jesus: “Panginoon, hindi ka ba nababahala na pinababayaan akong mag-isa ng aking kapatid na mag-asikaso sa mga bagaybagay? Kaya nga sabihin mo sa kaniya na tulungan ako.” (Lucas 10:40) Mabigat na mga pananalita iyon. Ganito isinalin ng marami ang tanong ni Marta: “Panginoon, bale wala ba sa inyo . . . ?” Pagkatapos ay hiniling niya kay Jesus na sabihan si Maria na tulungan siya.


Posibleng nagulat si Marta sa sagot ni Jesus, gaya rin ng maraming mambabasa ng Bibliya. Magiliw niyang sinabi: “Marta, Marta, ikaw ay nababalisa at nababagabag tungkol sa maraming bagay. Gayunman, iilang bagay ang kinakailangan, o isa lamang. Sa ganang kaniya, pinili ni Maria ang mabuting bahagi, at hindi ito kukunin sa kaniya.” (Lucas 10:41, 42) Ano ang ibig sabihin ni Jesus? Sinasabi ba niyang materyalistiko si Marta? Hindi ba niya pinahahalagahan ang pagpapagod ni Marta sa paghahanda ng masarap na pagkain? Hindi naman. Maliwanag na nakita ni Jesus ang maibigin at dalisay na motibo ni Marta. Bukod diyan, hindi iniisip ni Jesus na mali ang saganang pagpapakita ng pagkamapagpatuloy. Kusa siyang dumalo noon sa “malaking piging” na inihanda ni Mateo para sa kaniya. (Lucas 5:29) Hindi ang paghahanda ni Marta ang isyu rito, kundi ang kaniyang mga priyoridad. Masyado siyang nagpokus sa paghahanda ng magarbong pagkain kaya nakaligtaan niya ang pinakamahalagang bagay. Ano ito? Si Jesus, ang bugtong na Anak ng Diyos na Jehova, ay nasa tahanan nina Marta upang magturo ng katotohanan. Wala nang mas mahalaga pa kaysa rito, kahit na ang masarap na pagkain at paghahanda ni Marta. Tiyak na nalungkot si Jesus dahil napapalampas ni Marta ang pambihirang pagkakataon na mapatibay ang kaniyang pananampalataya. Gayunman, hinayaan siya ni Jesus na magpasiya. Pero walang karapatang magpasiya si Marta para kay Maria. Kaya may-kabaitang itinuwid ni Jesus si Marta. Magiliw na inulit-ulit ni Jesus ang pangalan ni Marta upang huminahon ito, at tiniyak ni Jesus na hindi niya kailangang ‘mabalisa at mabagabag tungkol sa maraming bagay.’ Ang isa o dalawang putahe ay sapat na, lalo na kapag may espirituwal na piging. Kaya hindi aalisin ni Jesus kay Maria ang “mabuting bahagi” na pinili niya—ang matuto kay Jesus! Maraming aral na makukuha ang mga tagasunod ni Kristo sa ngayon mula sa nangyari sa tahanan nina Marta. Hindi natin dapat hayaang mahadlangan ng anumang bagay ang pagsapat natin sa ating “espirituwal na pangangai-

langan.” (Mateo 5:3) Bagaman gusto nating tularan ang pagkabukas-palad at kasipagan ni Marta, hindi tayo labis na ‘mababalisa at mababagabag’ sa di-gaanong mahahalagang aspekto ng pagkamapagpatuloy anupat napapalampas na natin ang pinakamahalagang bagay. Nakikihalubilo tayo sa mga kapananampalataya, hindi para maghanda o kumain ng masasarap na pagkain, kundi pangunahin na para magpatibayan at magpalitan ng espirituwal na mga kaloob. (Roma 1:11, 12) Sa gayong nakapagpapatibay na okasyon, baka sapat na ang simpleng pagkain. Isang Minamahal na Kapatid na Namatay —at Binuhay-muli Tinanggap ba ni Marta ang pagsaway ni Jesus at natuto mula rito? Oo! Nang banggitin ni apostol Juan ang kapana-panabik na ulat tungkol kay Lazaro, ipinaalaala niya sa atin: “Iniibig nga ni Jesus si Marta at ang kaniyang kapatid na babae at si Lazaro.” (Juan 11:5) Mga buwan na ang lumipas mula nang dumalaw si Jesus sa Betania. Maliwanag, hindi nagmukmok si Marta; hindi siya nagkimkim ng sama ng loob kay Jesus. Isinapuso pa nga niya ang maibiging payo ni Jesus. Sa bagay na ito, nagpakita sa atin si Marta ng mahusay na halimbawa. Lahat tayo ay nangangailangan din ng kaunting pagtutuwid kung minsan. Nang magkasakit si Lazaro, naging abala si Marta sa pag-aalaga sa kaniya. Ginawa niya ang lahat upang guminhawa ito at gumaling. Pero lumala pa ang karamdaman nito. Sa bawat araw at oras, nanatili sa tabi ni Lazaro ang kaniyang mga kapatid upang alagaan siya. Gaano kadalas kayang pinagmasdan ni Marta ang kaawa-awang mukha ng kaniyang kapatid, na inaalaala ang masasaya at malulungkot na mga taon na pinagsamahan nila? Nang waring wala nang pag-asa si Lazaro, nagpadala ng mensahe sina Marta at Maria kay Jesus, na nangangaral noon sa lugar na mga dalawang araw na paglalakbay ang layo mula sa kanila. Simple lamang ang mensahe nila: “Panginoon, tingnan mo! yaong minamahal mo ay may sakit.” (Juan 11:1, 3) Alam nilang ANG BANTAYAN ˙ ABRIL 1, 2011

13


mahal ni Jesus ang kanilang kapatid, at nananampalataya silang gagawin niya ang lahat upang tulungan ang kaniyang kaibigan. Umaasa ba silang darating si Jesus bago pa maging huli ang lahat? Kung gayon, gumuho ang kanilang pag-asa. Namatay si Lazaro. Nagdalamhati sina Marta at Maria. Inasikaso nila ang mga paghahanda para sa libing at ang maraming bisita mula sa Betania at sa kalapit na mga lugar. Wala pa ring balita tungkol kay Jesus. Tiyak na takang-taka na si Marta kung bakit hindi pa siya dumarating. Sa wakas, apat na araw pagkamatay ni Lazaro, nabalitaan ni Marta na paparating na si Jesus. Kahit nagdadalamhati, lumabas pa rin siya at sinalubong si Jesus nang hindi sinasabi kay Maria.—Juan 11:20. Nang makita ni Marta ang kaniyang Panginoon, sinabi niya ang ilang araw nang gumugulo sa isipan nila ni Maria: “Panginoon, kung narito ka lamang noon ay hindi sana namatay ´ ang aking kapatid.” Pero buhay pa rin ang pagasa at pananampalataya ni Marta. Sinabi pa niya: “At gayunman sa kasalukuyan, alam kong gaanuman karaming bagay ang hingin mo sa Diyos ay ibibigay sa iyo ng Diyos.” Kaagad na sinabi ni Jesus ang isang bagay na magpapatibay ng kaniyang pag-asa: “Ang iyong kapatid ay babangon.”—Juan 11:21-23. Inakala ni Marta na ang tinutukoy ni Jesus ay ang pagkabuhay-muli sa hinaharap, kaya sumagot siya: “Alam kong babangon siya sa pagkabuhay-muli sa huling araw.” (Juan 11:24) Kahanga-hanga ang pananampalataya ni Marta sa turong iyon. Pinabubulaanan ng ilang Judiong lider ng relihiyon na tinatawag na mga Saduceo ang pagkabuhay-muli, bagaman malinaw na itinuturo ito sa Kasulatan. (Daniel 12:13; Marcos 12:18) Pero alam ni Marta na itinuro ni Jesus ang pag-asa ng pagkabuhay-muli at bumuhay pa nga siya ng mga patay. Ngunit digaya ng mga ito, apat na araw nang patay si Lazaro. Hindi alam ni Marta kung ano ang mangyayari. Pagkatapos, bumigkas si Jesus ng dimalilimutang pananalita: “Ako ang pagkabu14

ANG BANTAYAN ˙ ABRIL 1, 2011

hay-muli at ang buhay.” Oo, binigyan ng Diyos na Jehova ang kaniyang Anak ng awtoridad na bumuhay ng patay sa buong lupa sa hinaharap. Tinanong ni Jesus si Marta: “Pinaniniwalaan mo ba ito?” Saka isinagot ni Marta ang tinalakay sa pasimula ng artikulong ito. Nananampalataya si Marta na si Jesus ang Kristo, o Mesiyas, na siya ang Anak ng Diyos na Jehova, at na inihula ng mga propeta na darating siya sa sanlibutan.—Juan 5:28, 29; 11: 25-27. Pinahahalagahan ba ng Diyos na Jehova at ng kaniyang Anak na si Jesu-Kristo ang gayong uri ng pananampalataya? Sinasagot ito ng sumunod na mga pangyayaring nasaksihan ni Marta. Sinundo niya agad si Maria. Nakita niyang lungkot na lungkot si Jesus habang nakikipag-usap kay Maria at sa maraming nagdadalamhating kasama niya. Nakita niyang lumuha si Jesus sa kaniyang matinding pamimighati dahil sa pagkamatay ni Lazaro. Narinig niyang iniutos ni Jesus na alisin ang bato sa libingan ng kaniyang kapatid.—Juan 11:28-39. Iginiit ni Marta na nangangamoy na ito dahil apat na araw na itong patay. Ipinaalaala sa kaniya ni Jesus: “Hindi ko ba sinabi sa iyo na kung maniniwala ka ay makikita mo ang kaluwalhatian ng Diyos?” Naniwala si Marta, at nakita nga niya ang kaluwalhatian ng Diyos na Jehova. Sa pagkakataong iyon mismo, binigyan ng Diyos ng kapangyarihan ang kaniyang Anak na buhaying-muli si Lazaro! Isip-isipin ang mga sandaling habambuhay nang nakaukit sa alaala ni Marta: Ang utos ni Jesus, “Lazaro, lumabas ka!”; ang mahinang ingay sa kuwebang pinaglibingan kay Lazaro nang bumangon siya at unti-unting lumabas sa pinto ng kuweba na nakabalot pa rin ang katawan; ang utos ni Jesus na ‘kalagan siya at payaunin’; at siyempre, ang tuwang-tuwang pagyakap nina Marta at Maria sa kanilang kapatid. (Juan 11:40-44) Naglaho na ang matinding kalungkutan sa puso ni Marta! Ipinakikita ng ulat na ito na ang pagkabuhay-muli ng mga patay ay hindi pangarap lamang. Isa itong nakaaaliw na turo ng Bibliya at


Ginantimpalaan ang pananampalataya ni Marta kay Jesus nang makita niyang buhaying muli ang kaniyang kapatid

napatunayang totoo. Ginagantimpalaan ni Jehova at ng kaniyang Anak ang mga nananampalataya, gaya nina Marta, Maria, at Lazaro. Makakamit mo rin ang gayong gantimpala kung magkakaroon ka ng matibay na pananampalatayang gaya ng kay Marta.1 “Si Marta ay Naglilingkod” Sa huling pagkakataon, binanggit ng ulat ng Bibliya si Marta. Ito ay sa pasimula ng huling linggo ng buhay ni Jesus sa lupa. Dahil alam ni Jesus ang mga paghihirap na daranasin niya, muli siyang tumuloy kina Marta sa Betania. Mula roon ay lalakad siya nang tatlong kilometro patungong Jerusalem. Habang sina Jesus at Lazaro ay kumakain sa bahay ni Simon na ketongin, binanggit ng ulat: “Si Marta ay naglilingkod.”—Juan 12:2. Masipag na babae nga! Nang una natin siyang mabasa sa Bibliya, siya ay nagtatrabaho; at sa huling ulat ng Bibliya tungkol sa kaniya, 1 Para makaalam ng higit pa tungkol sa itinuturo ng Bibliya hinggil sa pagkabuhay-muli, tingnan ang kabanata 7 ng aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.

nagtatrabaho pa rin siya, na ginagawa ang kaniyang buong kaya para sa iba. Ang mga kongregasyon ng mga tagasunod ni Kristo sa ngayon ay pinagpala rin ng mga babaing katulad ni Marta—buo ang loob at bukas-palad, na isinasagawa ang kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng paglilingkod sa iba. Malamang na patuloy na ginawa ito ni Marta. Kumilos siya nang may katalinuhan, yamang mayroon pa siyang daranasing mga pagsubok. Ilang araw na lamang at babatahin na ni Marta ang kahila-hilakbot na kamatayan ng kaniyang Panginoon, si Jesus. Bukod diyan, ang mga mapagpaimbabaw na pumatay kay Jesus ay determinado ring patayin si Lazaro, yamang napatibay ng kaniyang pagkabuhay-muli ang pananampalataya ng napakarami. (Juan 12: 9-11) Sabihin pa, naputol din ang maibiging buklod ng magkakapatid dahil sa kamatayan. Hindi natin alam kung paano o kailan ito nangyari, pero makatitiyak tayo na nakatulong kay Marta ang pananampalataya niya na magbata hanggang sa wakas. Kaya makabubuting tularan ng mga Kristiyano ngayon ang pananampalataya ni Marta. ANG BANTAYAN ˙ ABRIL 1, 2011

15


MATUTO MULA SA SALITA NG DIYOS Tinatalakay ng artikulong ito ang mga tanong na maaaring naiisip mo at ipinakikita kung saan sa iyong Bibliya matatagpuan ang sagot. Nais ng mga Saksi ni Jehova na ipakipag-usap sa iyo ang mga sagot na ito.

Ano ang Layunin ng Diyos Para sa Lupa? 1. Ano ang layunin ng Diyos para sa lupa? Ang lupa ang tahanan ng tao. Pagkatapos lalangin ang mga anghel sa langit, nilalang ng Diyos ang tao para mamuhay nang maligaya sa lupa. (Job 38:4, 7) Kaya inilagay ni Jehova ang unang tao sa isang magandang paraiso na tinatawag na Eden at binigyan siya at ang kaniyang magiging mga supling ng pag-asang mabuhay nang walang hang-

gan sa lupa.—Genesis 2:15-17; basahin ang Awit 115:16. Ang hardin ng Eden ay isang maliit na bahagi lamang ng lupa. Ang unang mag-asawang sina Adan at Eva ay magkakaroon ng mga anak. Habang lumalaki ang pamilya ng tao, gagawin nilang paraiso ang lupa. (Genesis 1:28) Hindi kailanman magugunaw ang lupa.—Basahin ang Awit 104:5.

2. Bakit hindi paraiso ang lupa ngayon? Sina Adan at Eva ay sumuway sa Diyos, kaya pinalayas sila sa Eden. Nawala na ang paraiso at hindi na ito naisauli ng tao. Sinasabi ng Bibliya: “Ang lupa mismo ay ibinigay sa kamay ng balakyot.”—Job 9:24; basahin ang Genesis 3:23, 24. Pero hindi nakalimutan ni Jehova ang kaniyang orihinal na layunin para sa sangkatauhan, ni mabibigo man siya. (Isaias 45:18) Isasakatuparan ng Diyos ang orihinal na layunin niya para sa mga tao.—Basahin ang Awit 37:11.

3. Paano isasauli ng Diyos ang kapayapaan sa lupa? Para magtamasa ng kapayapaan ang sangkatauhan, aalisin muna ng Diyos ang masasamang tao. Sa digmaan ng Armagedon, pupuksain ng mga anghel ng Diyos ang lahat ng lumalaban sa Diyos. Si Satanas ay ibibilanggo sa loob ng 1,000 taon, pero ang mga taong umiibig sa Diyos ay makaliligtas at mabubuhay sa isang bagong sistema ng mga bagay sa lupa.—Basahin ang Apocalipsis 16:14, 16; 20:1-3; 21:3, 4.


4. Kailan magwawakas ang pagdurusa? Sa loob ng 1,000 taon, pamamahalaan ni Jesus mula sa langit ang lupa at gagawin itong isang paraiso. Papawiin din niya ang mga kasalanan ng mga umiibig sa Diyos. Kaya wala nang magkakasakit, tatanda, at mamamatay.—Basahin ang Isaias 11:9; 25:8; 33:24; 35:1. Kailan pupuksain ng Diyos ang masasama sa lupa? Nagbigay si Jesus ng “tanda” na magpapakitang malapit na ang wakas. Dahil sa mga kalagayan sa daigdig sa ngayon, nanganganib ang buhay ng tao at ipinakikita nito na nabubuhay na tayo sa “katapusan ng sistema ng mga bagay.” —Basahin ang Mateo 24:3, 7-14, 21, 22; 2 Timoteo 3:1-5.

5. Sino ang maninirahan sa Paraiso sa hinaharap? Inutusan ni Jesus ang kaniyang mga tagasunod na gumawa ng mga alagad at turuan sila na tularan ang pag-ibig ng Diyos. (Mateo 28:19, 20) Sa buong daigdig, inihahanda na ni Jehova ang milyun-milyong tao para mamuhay sa isang bagong sistema ng mga bagay sa lupa. (Zefanias 2:3) Sa mga Kingdom Hall ng mga Saksi ni Jehova, natututuhan ng mga tao kung paano magiging mas mabuting asawang lalaki at ama at kung paano magiging mas mabuting asawang babae at ina. Natututuhan ng mga anak at mga magulang ang saligan para maniwala sa mas mabuting kinabukasan. —Basahin ang Mikas 4:1-4. Sa Kingdom Hall, makikilala mo ang mga taong umiibig sa Diyos at gustong magpasaya sa kaniya.—Basahin ang Hebreo 10:24, 25.

Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang kabanata 3 ng aklat na ito, na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.

ANO BA Talaga ANG ITINUTURO NG BIBLIYA?

17


ANG PINAKATIWALING PAGLILITIS SA KASAYSAYAN I ´ SA ito sa ilang kilalang kaso noon sa hukuman. Detalyadong iniulat ng apat na Ebanghelyo sa Bibliya ang tungkol sa pag-aresto, paglilitis, at pagpatay kay Jesu-Kristo. Bakit dapat kang maging interesado rito? Una, sinabihan ni Jesus ang kaniyang mga tagasunod na alalahanin ang kaniyang kamatayan, kaya mahalaga ring suriin ang paglilitis na humantong sa kamatayang ito. Ikalawa, dapat nating alamin kung totoo ang mga paratang kay Jesus. At ikatlo, nakasalalay ang ating buhay at kinabukasan sa sakripisyong ginawa ni Jesus sa pamamagitan ng kusang pagbi-

bigay ng kaniyang buhay.—Lucas 22:19; Juan 6:40. Nang litisin si Jesus, ang Palestina ay pinamamahalaan ng Roma. Pinahihintulutan ng mga Romano ang lokal na mga pinuno ng relihiyon ng mga Judio na humatol sa mga Judio ayon sa sarili nilang kautusan pero lumilitaw na hindi ang pumatay ng mga kriminal. Kaya ang relihiyosong mga kaaway na Judio ni Jesus ang umaresto sa kaniya, pero ang mga Romano ang pumatay sa kaniya. Napahiya nang husto ang mga lider ng relihiyon noong panahong iyon sa pangangaral ni Jesus anupat ipinasiya


nilang dapat siyang mamatay. Pero gusto nilang magmukhang legal ang pagpatay sa kaniya. Sa isang pagsusuri sa kanilang mga pagsisikap upang maisagawa ang layunin nila, tinawag ng isang law professor ang paglilitis na ito bilang “ang pinakamalubhang krimen sa kasaysayan ng hurisprudensiya.”1 Mga Iregularidad Ang Kautusang inihatid ni Moises sa Israel ay itinuturing na “ang pinakamahusay at pinakamakatuwirang sistema ng batas na naitatag kailanman.” Pero noong panahon ni Jesus, dinagdagan ito ng mga rabbi ng napakaraming tuntunin na wala naman sa Bibliya, at ang karamihan sa mga ito nang maglaon ay isinama sa Talmud, isang relihiyosong komentaryo para sa mga Judio. (Tingnan ang kahon na “Mga Kautusang Judio Noong Unang mga Siglo,” sa pahina 20.) Nasunod ba sa paglilitis kay Jesus ang mga tuntuning ito at ang mga tuntunin sa Bibliya? Inaresto ba si Jesus dahil sa magkatugmang testimonya ng dalawang saksi sa hukuman tungkol sa isang espesipikong krimen? Upang maging legal ang pag-aresto, dapat na gayon nga. Sa Palestina noong unang siglo, ang paratang ng isang Judio na paglabag sa batas ay isinasampa niya sa hukuman sa regular na mga sesyon nito. Hindi nagpaparatang ang hukuman, kundi nag-iimbestiga lamang ng mga akusasyong isinampa rito. Ang mga saksi lamang ang nagsisilbing tagausig sa akusado. Nagsisimula ang paglilitis kapag magkatugma ang pahayag ng di-kukulangin sa dalawang saksi. Ang kanilang testimonya ang magiging paratang, na hahantong naman sa pag-aresto. Hindi puwede ang patotoo ng isa lamang saksi. (Deuteronomio 19:15) Pero sa kaso ni Jesus, ang mga Judiong awtoridad ay naghanap lamang ng “mabisang paraan” upang iligpit siya. Inaresto siya nang bumangon ang “mabuting pagkakataon” —noong gabi at “habang walang pulutong sa paligid.”—Lucas 22:2, 5, 6, 53. 1 Ginamit ng mga relihiyon ng Sangkakristiyanuhan ang mga ulat ng Ebanghelyo tungkol sa kamatayan ni Jesus para pumukaw ng galit laban sa mga Judio, pero ang ideyang ito ay wala sa isipan ng mga manunulat ng Ebanghelyo, na mga Judio rin naman.

Si Jesus ay inaresto nang wala namang paratang sa kaniya. Saka lamang humanap ng mga saksi ang mga saserdote at ang Sanedrin, ang mataas na hukuman ng mga Judio, nang madakip na si Jesus. (Mateo 26:59) Wala silang makitang dalawang saksi na magkatugma ang testimonya. Pero hindi trabaho ng hukuman na humanap ng mga saksi. At “ang paglitis sa isang tao, lalo na’t buhay niya ang nakataya, nang hindi patiunang sinasabi ang krimeng ipinaparatang sa kaniya ay isang kalokohan,” ang sabi ng abogado at awtor na si A. Taylor Innes. Dinala ng mga umarestong mang-uumog si Jesus sa bahay ng dating mataas na saserdoteng si Anas, na nagsimulang magtanong sa kaniya. (Lucas 22:54; Juan 18:12, 13) Nilabag ni Anas ang tuntunin na ang mga kasong kamatayan ang parusa ay dapat litisin sa araw, hindi sa gabi. Isa pa, ang pagdinig sa kaso ay dapat na nasasaksihan ng publiko. Palibhasa’y alam ni Jesus na ilegal ang interogasyon ni Anas, sinabi niya: “Bakit mo ako tinatanong? Tanungin mo yaong mga nakarinig sa mga sinalita ko sa kanila. Tingnan mo! Alam ng mga ito kung ano ang sinabi ko.” (Juan 18:21) Dapat sanang ang mga saksi ang tanungin ni Anas, hindi ang akusado. Ang obserbasyon ni Jesus ay maaari sanang magpakilos sa isang tapat na hukom na sundin ang tamang proseso, pero hindi interesado si Anas sa hustisya. Dahil sa naging tugon ni Jesus, sinampal siya ng isang opisyal—hindi lamang iyon ang binaˆ ta niya nang gabing iyon. (Lucas 22:63; Juan 18:22) Ayon sa kautusan tungkol sa mga kanlungang lunsod na makikita sa kabanata 35 ng aklat ng Bibliya na Mga Bilang, ang akusado ay dapat ipagsanggalang laban sa pagmamaltrato hangga’t hindi siya napatutunayang may-sala. Dapat sanang binigyan ng gayong proteksiyon si Jesus. Dinala naman ngayon si Jesus sa bahay ng mataas na saserdoteng si Caifas, kung saan nagpatuloy ang ilegal na paglilitis sa gabi. (Lucas 22:54; Juan 18:24) Doon, bilang paglabag sa lahat ng simulain ng katarungan, ang mga saserdote ay humanap ng “bulaang patotoo laban kay Jesus upang patayin siya,” pero walang dalawang saksi na magkatugma ang ulat tungkol sa sinabi ni Jesus. (Mateo 26:59; Marcos 14:56-59) ANG BANTAYAN ˙ ABRIL 1, 2011

19


Mga Kautusang Judio Noong Unang mga Siglo Kabilang ang sumusunod na mga tuntunin sa bibigang tradisyon, na isinulat noong unang mga siglo C.E. pero pinaniniwalaang napakatanda na:

ˇ Sa mga kasong kamatayan ang parusa, dinirinig muna ang mga argumento sa pagpapawalang-sala

ˇ Dapat sikapin ng mga hukom na iligtas ang akusado ˇ Maaaring mangatuwiran ang mga hukom nang pabor sa

akusado ngunit hindi laban sa kaniya ˇ Ang mga saksi ay binabalaan tungkol sa kaselangan ng kanilang papel ˇ Ang mga saksi ay sinusuri nang magkahiwalay, hindi sa harap ng kapuwa nila saksi ˇ Ang mga testimonya ay dapat na magkakatugma sa lahat ng mahahalagang detalye—petsa, lugar, oras ng pangyayari, at iba pa ˇ Ang mga kasong kamatayan ang parusa ay dapat litisin at tapusin sa araw, hindi sa gabi ˇ Ang mga kasong kamatayan ang parusa ay hindi puwedeng litisin sa gabi bago ang Sabbath o ang isang kapistahan ˇ Ang mga kasong kamatayan ang parusa ay maaaring simulan at tapusin sa maghapon kung ang hatol ay pabor sa akusado; kung hindi naman, ang kaso ay dapat tapusin kinabukasan, kung kailan ipahahayag at ilalapat ang hatol ˇ Ang mga kasong kamatayan ang parusa ay nililitis ng di-bababa sa 23 hukom ˇ Ang mga hukom ay isa-isang bumoboto, mula sa pinakabata, kung pawawalang-sala o parurusahan ang akusado; itinatala ng mga eskriba ang pananalita ng mga pabor sa pagpapawalang-sala at ng mga pabor sa pagpaparusa ´ ˇ Sapat na ang lamang na isang boto ng mayorya para mapawalang-sala ang akusado, pero kung ang hatol ay ´ pagpaparusa, dapat na dalawang boto ang lamang ng ´ mayorya; kung isang boto lang ang lamang ng mayorya, patuloy na magdaragdag ng dalawang hukom hanggang sa ´ maabot ang kinakailangang lamang ng boto ˇ Kung walang isa mang hukom na nagtanggol sa akusado, walang bisa ang hatol na may-sala ang akusado; kung nagkakaisa naman ang lahat ng hukom sa hatol na may-sala ang akusado, itinuturing ito na “katibayan ng pagsasabuwatan”

Ilegal na mga Hakbang Nang Litisin si Jesus ˇ Walang dininig na mga

argumento o mga saksi para mapawalang-sala siya ˇ Walang hukom na nagtanggol kay Jesus; mga kaaway niya sila ˇ Ang mga saserdote ang humanap ng mga bulaang saksi upang mahatulan ng kamatayan si Jesus ˇ Ang kaso ay dininig sa gabi at nang palihim ˇ Ang paglilitis ay nagsimula at natapos sa loob ng isang araw, bago ang isang kapistahan ˇ Walang paratang bago arestuhin si Jesus ˇ Hindi sinuri ang “pamumusong” diumano ni Jesus nang angkinin niyang siya ang Mesiyas ˇ Binago ang paratang nang dalhin kay Pilato ang kaso ˇ Hindi totoo ang mga akusasyon ˇ Para kay Pilato, walang-sala si Jesus pero ipinapatay pa rin niya ito


Sinikap ng mataas na saserdote na maidiin si Jesus batay sa sasabihin nito. “Wala ka bang sasabihin bilang tugon?” ang tanong niya. “Ano ang pinatototohanan ng mga ito laban sa iyo?” (Marcos 14:60) Hindi tama ang taktikang ito. “Ang pagtatanong sa akusado, at paghatol batay sa kaniyang isinagot, ay [isang] paglabag sa katarungan,” ang sabi ni Innes na sinipi kanina. Sa wakas, ang kapulungang iyon ay may nakitang maiaakusa mula sa sinabi ni Jesus. Bilang sagot sa tanong na: “Ikaw ba ang Kristo na Anak ng Isa na Pinagpala?” sinabi ni Jesus: “Ako nga; at makikita ninyo ang Anak ng tao na nakaupo sa kanan ng kapangyarihan at dumarating na kasama ng mga ulap sa langit.” Itinuring ng mga saserdote na ito ay pamumusong, at “silang lahat ay humatol na nararapat siyang mamatay.”—Marcos 14:61-64.1 Ayon sa Kautusang ibinigay sa mga Israelita, ang mga paglilitis ay dapat gawin sa publiko. (Deuteronomio 16:18; Ruth 4:1) Ngunit ito ay lihim na paglilitis. Walang sinuman ang nagtangka o pinahintulutang magsalita nang pabor kay Jesus. Hindi sinuri ang mga merito ng pagaangkin ni Jesus na siya ang Mesiyas. Wala siyang pagkakataong kumuha ng mga saksi para sa kaniyang depensa. Hindi pinagbotohan ng mga hukom kung siya ay may-sala o wala. Sa Harap ni Pilato Dahil lumilitaw na walang awtoridad ang mga Judio na patayin si Jesus, dinala nila siya kay Poncio Pilato, ang Romanong gobernador. Ang unang tanong ni Pilato ay: “Anong akusasyon ang inihaharap ninyo laban sa taong ito?” Palibhasa’y alam nila na mababaw para kay Pilato ang paratang nilang pamumusong, sinikap ng mga Judio na kumbinsihin siyang hatulan si Jesus nang walang imbestigasyon. “Kung ang taong ito ay hindi isang manggagawa ng kamalian, hindi sana namin siya dinala sa iyo,” ang sabi nila. (Juan 18:29, 30) Hindi binili ni Pilato ang argumentong ito, kaya gumawa uli ng bagong akusasyon ang mga Judio: “Nasumpungan namin ang taong ito na iginugupo ang aming 1 Ang pamumusong ay ang walang-pitagang paggamit sa pangalan ng Diyos o pag-angkin sa kapangyarihan o awtoridad ng Diyos. Walang maipakitang ebidensiya ang mga tagapag-akusa ni Jesus na ginawa niya ang mga ito.

bansa at ipinagbabawal ang pagbabayad ng mga buwis kay Cesar at sinasabi na siya mismo ang Kristo na isang hari.” (Lucas 23:2) Ang paratang na pamumusong ay may-katusuhan nilang ginawang pagtataksil sa bayan. Ang akusasyon na “ipinagbabawal ang pagbabayad ng mga buwis” ay hindi totoo, at alam ito ng mga tagapag-akusa. Kabaligtaran pa nga ang itinuro ni Jesus. (Mateo 22:15-22) Kung tungkol naman sa paratang na ginagawang hari ni Jesus ang kaniyang sarili, agad na nakita ni Pilato na ang taong nasa harap niya ay hindi banta sa Roma. “Wala akong masumpungang pagkakamali sa kaniya,” ang sabi niya. (Juan 18:38) Nanatiling ganito ang paniniwala ni Pilato sa buong paglilitis. Sinikap ni Pilato na palayain si Jesus sa pamamagitan ng kaugalian na pagpapalaya sa isang bilanggo kapag Paskuwa. Pero nang dakong huli, ang pinalaya ni Pilato ay si Barabas, na sedisyon at pagpaslang ang kasalanan.—Lucas 23: 18, 19; Juan 18:39, 40. Sa sumunod na pagsisikap ng Romanong gobernador na palayain si Jesus, ipinahagupit niya si Jesus, pinabihisan ng purpura, nilagyan ng ANG BANTAYAN ˙ ABRIL 1, 2011

21


Mananagot ang mga Saksi Sa mga kasong kamatayan ang parusa, ganito ang babala ng mga hukumang Judio sa mga saksi tungkol sa kahalagahan ng buhay, bago sila magbigay ng patotoo: “Marahil intensiyon mong magbigay ng testimonya ayon sa pala-palagay, sabi-sabi, o ayon sa sinabi ng isang saksi; o baka naiisip mo, ‘Narinig namin ito mula sa isang mapagkakatiwalaang tao.’ O, baka hindi mo alam na sa dakong huli ay isasailalim ka namin sa kinakailangang mga interogasyon at pagsusuri. Dapat na alam mong ang mga batas sa paglilitis para sa mga kaso tungkol sa ari-arian ay iba sa mga batas sa paglilitis para sa mga kasong kamatayan ang parusa. Sa kaso tungkol sa ariarian, ang isa ay nagbabayad ng salapi bilang pambayad-sala sa kaniyang sarili. Sa mga kasong kamatayan ang parusa, ang dugo [ng akusado] at ang dugo ng lahat ng isisilang sa kaniya [na hindi dapat nahatulan] ay sisingilin sa kaniya [na nagpapatotoo nang may kabulaanan] magpakailanman.”—Babylonian Talmud, Sanhedrin, 37a. Kapag nahatulan ang akusado, ang mga saksi ay magiging mga tagapaglapat ng parusa.—Levitico 24:14; Deuteronomio 17: 6, 7.

22

ANG BANTAYAN ˙ ABRIL 1, 2011

koronang tinik, ipinabugbog, at nilibak. Muli niyang ipinahayag na walang kasalanan si Jesus. Para bang sinasabi ni Pilato: ‘Hindi pa ba ito sapat sa inyo, mga saserdote?’ Marahil, umaasa siya na kapag nakita nilang bugbog-sarado na ng mga Romano ang taong ito, makokontento na sila at hindi na maghihiganti o kaya’y maaawa sila. (Lucas 23:22) Pero hindi nagkagayon. “Patuloy na naghanap si Pilato ng paraan kung paano siya [si Jesus] mapalalaya. Ngunit sumigaw ang mga Judio, na sinasabi: ‘Kung palalayain mo ang taong ito, hindi ka kaibigan ni Cesar. Bawat tao na ginagawang hari ang kaniyang sarili ay nagsasalita laban kay Cesar.’ ” (Juan 19:12) Ang Cesar nang panahong ´ iyon ay si Tiberio, isang emperador na kilala sa pagpapapatay sa sinumang itinuturing niyang taksil—kahit pa matataas na opisyal. Noon pa man ay inis na ang mga Judio kay Pilato, kaya ayaw na niyang lumala pa ito o maakusahan pa siya ng pagtataksil. Makikita sa pananalita ng mga pulutong na iyon ang pagbabanta —pangba-blackmail—kaya natakot si Pilato. Napadaig siya sa panggigipit at ipinapako niya ang taong walang kasalanan, si Jesus.—Juan 19:16. Pagrerepaso sa Ebidensiya Sinuri ng maraming komentarista tungkol sa batas ang mga ulat ng Ebanghelyo may kinalaman sa paglilitis kay Jesus. Sinabi nila na ito ay lubhang di-makatarungan. “Ang paglilitis na iyon na kung tutuusin ay hindi dapat nagsimula, nagtapos, at nagkasentensiya agad, sa pagitan ng hatinggabi at umaga, ay paglapastangan sa lahat ng anyo at tuntunin ng Hebreong batas at ng mga prinsipyo ng hustisya,” ang isinulat ng isang abogado. Sinabi naman ng isang law professor: “Napakailegal at napakaraming iregularidad ng buong proseso anupat ang resulta ay maituturing na isang pagpaslang sa katarungan.” Walang-sala si Jesus. Pero alam niya na kailangan niyang mamatay para mailigtas ang masunuring sangkatauhan. (Mateo 20:28) Napakalaki ng pag-ibig niya sa katarungan at sa mga makasalanang gaya natin kung kaya tinanggap niya ang pinakamalubhang kawalangkatarungan sa kasaysayan. Hinding-hindi natin ito dapat kalimutan.


´ MAGING MALAPIT SA DIYOS

Kapag Muling Bumata ang mga Matanda

S

INO sa atin ang gustong tumanda—kumulubot ang balat, lumabo ang paningin, humina ang pandinig, at maging uugud-ugod? Baka itanong mo, ‘Bakit pa tayo lalalangin ng Diyos taglay ang lakas ng kabataan kung tatanda rin lang pala tayo?’ Pero hindi iyan ang layunin ng Diyos para sa atin. Sa halip, gusto niyang palayain tayo mula sa pagtanda! Pansinin ang mga salitang sinabi sa patriyarkang si Job, na nasa Job 33:24, 25. Si Job ay isang lalaking matapat at minamahal ni Jehova. Lingid sa kaalaman ni Job, kinuwestiyon ni Satanas ang katapatan niya, na sinasabing naglilingkod lamang siya sa Diyos dahil sa pansariling kapakinabangan. Pero nagtitiwala si Jehova kay Job, at magagawa rin Niyang alisin ang anumang pinsalang maaaring gawin ni Satanas kay Job. Kaya pinayagan Niyang subukin ni Satanas si Job. Pagkatapos, “sinaktan [ni Satanas] si Job ng malulubhang bukol mula sa talampakan ng kaniyang paa hanggang sa tuktok ng kaniyang ulo.” (Job 2:7) Inuod ang laman ni Job, at ang kaniyang balat ay naglangib, nangitim, at nabakbak. (Job 7:5; 30:17, 30) Naiisip mo ba ang matinding paghihirap niya? Gayunman, nanatiling tapat si Job, na sinasabi: “Hanggang sa pumanaw ako ay hindi ko aalisin sa akin ang aking katapatan!”—Job 27:5. Pero si Job ay nakagawa ng malaking pagkakamali. Nang inaakala niyang mamamatay na siya, labis niyang ikinabahala ang pagbabangong-puri sa kaniyang sarili, na “ipinahahayag niyang matuwid ang kaniyang sariling kaluluwa sa halip na ang Diyos.” (Job 32:2) Sinaway si Job ni Elihu na tagapagsalita ng Diyos. Pero sinabi rin ni Elihu kay Job ang isang positibong mensahe mula sa Diyos: “Sagipin siya [si Job] mula sa pagkababa sa hukay [ang karaniwang libingan]! Nakasumpong ako ng pantubos! Maging higit na sariwa pa ang kaniyang laman kaysa noong kabataan; mabalik siya sa mga araw ng lakas ng kaniyang kabataan.” (Job 33:24, 25) Ang mga pananalitang iyon ay tiyak na nagbigay ng pag-asa kay Job. Hindi niya kailangang magdusa hanggang sa mamatay siya. Kung magsisisi si Job, malulugod ang Diyos na tanggapin ang isang pan-

tubos alang-alang sa kaniya at palalayain siya sa kaniyang mga paghihirap.1 Mapagpakumbabang tinanggap ni Job ang pagtutuwid at nagsisi siya. (Job 42:6) Maliwanag na tinanggap ni Jehova ang isang pantubos alang-alang kay Job, upang takpan ang kaniyang pagkakamali at magbukas ng daan para isauli ng Diyos ang mga nawala sa kaniya at gantimpalaan siya. “Pinagpala [ni Jehova] ang huling wakas ni Job nang higit pa kaysa sa kaniyang pasimula.” (Job 42: 12-17) Isip-isipin ang ginhawang nadama ni Job nang tumanggap siya ng mga pagpapala, gumaling ang kaniyang nakapandidiring sakit, at ang kaniyang laman ay naging ‘higit na sariwa kaysa noong kaniyang kabataan’! Limitado lamang ang halaga ng pantubos na tinanggap ng Diyos alang-alang kay Job, yamang nanatili siyang di-perpekto at nang maglaon ay namatay. Pero mayroon tayong mas mainam na pantubos. Maibiging ibinigay ni Jehova ang kaniyang Anak, si Jesus, bilang pantubos para sa atin. (Mateo 20:28; Juan 3:16) Lahat ng nananampalataya sa pantubos na iyon ay may pag-asang mabuhay magpakailanman sa paraisong lupa. Sa darating na bagong sanlibutan, palalayain ng Diyos ang tapat na mga tao mula sa pagtanda. Bakit hindi alamin nang higit pa kung paano mo masasaksihan ang panahon kapag ang ‘laman ng mga matanda ay naging higit na sariwa kaysa noong kanilang kabataan’? 1 Sa wikang Hebreo, ang salitang “pantubos” na ginamit dito ay nangangahulugang “pantakip.” (Job 33:24) Sa kaso ni Job, ang pantubos ay maaaring isang haing hayop, na tatanggapin ng Diyos bilang pantakip, o pambayad-sala, sa pagkakamali ni Job.—Job 1:5.

PAGBABASA NG BIBLIYA PARA SA ABRIL: ˛ Job 16-37

ANG BANTAYAN ˙ ABRIL 1, 2011

23


TURUAN ANG IYONG MGA ANAK

Nag-iisa Ka ba at Natatakot?

M

ARAMI sa ngayon ang nakadaramang nag-iisa sila at walang nagmamahal sa kanila. Ganiyan ang kadalasang nadarama ng mga may-edad na. Pero marami ring bata sa ngayon, kahit ang mga naglilingkod sa Diyos, ang nakadaramang nag-iisa sila at natatakot. Alam mo ba kung bakit?—1 Maraming dahilan. Tingnan natin ang karanasan ng isang lalaking nabuhay halos isang libong taon bago ipanganak si Jesus. Elias ang pangalan niya. Nabuhay siya noong panahong iniwan ng mga mamamayan ng bansang Israel ang paglilingkod sa tunay na Diyos, si Jehova. Karamihan sa kanila ay sumasamba na sa huwad na diyos na si Baal. Sinabi ni Elias: “Ako lamang ang natira.” Pero sa palagay mo, si Elias na nga lang ba ang natitirang naglilingkod kay Jehova?— Hindi alam ni Elias na mayroon pa ring sumasamba sa tunay na Diyos sa Israel. Pero nagtaˆ go na sila dahil sa takot. Bakit kaya?— Ang hari ng Israel na si Ahab ay hindi naglilingkod kay Jehova; ang sinasamba niya ay si Baal, ang huwad na diyos ng asawa niyang si Jezebel. Kaya pinaghahanap nilang magasawa ang mga lingkod ni Jehova para patayin ang mga ito, lalo na si Elias. Dahil dito, tumakas si Elias. Naglakbay siya nang halos 480 kilometro sa disyerto papunta sa Horeb, na tinatawag ding Sinai sa Bibliya. Sa lugar na iyon, ibinigay ni Jehova sa kaniyang bayan ang Sampung Utos at ang iba pa niyang Kautusan daandaang taon bago ang panahon ni Elias. Mag1 Kapag binabasa mo ito sa isang bata, ang gatlang pagkatapos ng tanong ay nagsisilbing paalaala sa iyo na huminto at hintayin ang kaniyang sagot.

24


isang nagtago si Elias sa isang kuweba sa Horeb. Sa palagay mo, dapat kayang matakot si Elias?— Ayon sa Bibliya, ginamit na ni Jehova si Elias para gumawa ng malalaking himala. Minsan, sinagot ni Jehova ang panalangin ni Elias na magpadala ng apoy mula sa langit para sunugin ang isang handog. Sa gayon, pinatunayan ni Jehova na Siya ang tunay na Diyos, hindi si Baal. Ngayon, habang nasa kuweba si Elias, kinausap siya ni Jehova. “Ano ang ginagawa mo rito?” ang tanong ni Jehova. Sinabi ni Elias, ‘Ako lamang ang natirang sumasamba sa iyo.’ Pagkatapos, maykabaitang itinuwid ni Jehova si Elias, na sinasabi, ‘May pitong libo pang naglilingkod sa akin.’ Inutusan ni Jehova si Elias na bumalik at ipinaliwanag Niya na marami pa Siyang ipagagawa sa kaniya. Ano kaya ang matututuhan natin sa karanasan ni Elias?— Kahit ang mga lingkod ni Jehova ay natatakot din kung minsan. Kaya lahat tayo, bata man o matanda, ay kailangang humingi ng tulong kay Jehova. Nangangako ang Bibliya: “Si Jehova ay malapit sa lahat ng tumatawag sa kaniya.” May isa pang aral: Saanmang lugar, may mga kapatid tayo na nagmamahal kay Jehova at sa atin. Sinasabi ng Bibliya: “Ang gayunding mga bagay sa pamamagitan ng mga pagdurusa ay nagaganap sa buong samahan ng [ating] mga kapatid sa sanlibutan.” Hindi ka ba natutuwang malaman na hindi talaga tayo nag-iisa?—

BASAHIN SA IYONG BIBLIYA

1 Hari 19:3-18 Deuteronomio 5:1-22 Awit 145:18 1 Pedro 5:9


BINAGO NG BIBLIYA ANG KANILANG BUHAY ANO ang nakaimpluwensiya sa isang punk rocker na matutuhang mahalin at tulungan ang ibang tao? Ano ang nag-udyok sa isang lalaki sa Mexico na talikuran ang imoral na pamumuhay? Bakit iniwan ng isang nangungunang siklista sa Japan ang pangangarera para maglingkod sa Diyos? Basahin ang kuwento nila.

“Siga ako noon, walang-galang, at arogante.” —DENNIS O’BEIRNE

ISINILANG: 1958 PINAGMULAN: ENGLAND DATING PUNK ROCKER

ANG AKING NAKARAAN: Ang pamilya ng tatay ko ay taga-Ireland at lumaki akong Katoliko. Nagsisimba akong mag-isa, kahit hindi ko ito gusto. Pero palaisip pa rin ako sa Diyos. Lagi kong dinarasal ang Ama Namin. Pinag-iisipan ko ang kahulugan nito habang nakahiga sa kama sa gabi. Sinusuri ko pa nga ang bawat pananalita nito at inaalam ang kahulugan. Noong tin-edyer ako, nasangkot ako sa kilusang Rastafarian. Naging interesado rin ako sa mga kilusang pampulitika gaya ng Anti-Nazi League. Pero nagkaroon ako ng rebelyosong pag-uugali dahil sa impluwensiya ng kilusang punk rock. Halos araw-araw akong gumagamit ng droga, lalo na ng marijuana. Ang saloobin ko’y “Wala akong pakialam,” kaya naging lasinggero ako, isinapanganib ko ang aking buhay, at wala akong malasakit sa ibang tao. Hindi ako halos nakikipag-usap sa iba kung sa tingin ko’y wala namang makabuluhang 26

ANG BANTAYAN ˙ ABRIL 1, 2011

mapag-uusapan. Ayaw ko ring magpalitrato. Pero ngayo’y napag-iisip-isip ko na siga ako noon, walang-galang, at arogante. Mabait at mapagbigay ´ ako sa malalapıt lamang sa akin. Noong mga 20 anyos ako, naging interesado ako sa Bibliya. Isang kaibigan ko na ´ dating nagtutulak ng droga ang nagsimulang magbasa ng Bibliya habang nakabilanggo, at nagkaroon kami ng mahabang usapan tungkol sa relihiyon, Simbahan, at sa impluwensiya ni Satanas sa daigdig. Bumili ako ng isang Bibliya at pinag-aralan ko ito. Binabasa namin ng kaibigan ko ang mga bahagi ng Bibliya, tinatalakay ang aming mga natutuhan, at saka bumubuo ng mga konklusyon. Maraming buwan namin itong ginawa. Narito ang ilan sa aming konklusyon sa mga nabasa namin: na nabubuhay na tayo sa mga huling araw ng sanlibutang ito; na dapat ipangaral ng mga Kristiyano ang mabuting balita ng Kaharian ng Diyos; na hindi sila dapat maging bahagi ng sanlibutang ito, pati na ng pulitika nito; at na ang Bibliya ay nagbibigay ng mainam na patnubay sa moral. Naunawaan namin na ang Bibliya ay totoo at na may tunay na relihiyon. Ngunit alin? Naisip namin ang malalaking relihiyon, ang kanilang karangyaan at seremonya gayundin ang kanilang pakikisangkot sa pulitika, pero hindi gayon si Jesus. Alam


namin na hindi sila ginagamit ng Diyos, kaya naipasiya naming suriin ang ilang di-gaanong ´ kilalang relihiyon. Nagtanong kami sa mga miyembro ng gayong mga relihiyon. Alam namin ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa bawat tanong, kaya agad naming nakikita kung ang sagot nila ay kaayon ng Salita ng Diyos. Pagkatapos, lagi akong nananalangin sa Diyos, ‘Kung ang mga taong ito ay kumakatawan sa tunay na relihiyon, sana’y ipadama mo sa akin na gusto ko silang makausap muli.’ Pero makalipas ang mga buwan, wala pa rin akong makitang grupo na nakasagot sa aming mga tanong mula sa Bibliya; ni ginusto ko mang makausap pa silang muli. Sa wakas, nakilala naming magkaibigan ang mga Saksi ni Jehova. Itinanong din namin sa kanila ang aming mga tanong, at nasagot nila ang mga ito mula sa Bibliya. Ang sinabi nila ay kapareho ng mga alam na namin. Kaya itinanong namin ang mga hindi pa namin alam. Halimbawa, ano ang pangmalas ng Diyos sa paninigarilyo at pagdodroga? Nasagot din nila ito mula sa Salita ng Diyos. Sumang-ayon kami na dumalo sa pulong sa Kingdom Hall. Mahirap para sa akin ang dumalo sa pulong. Hindi kasi ako mahilig makihalubilo sa mga tao, kaya hindi ko nagustuhan nang lapitan ako sa Kingdom Hall ng mga taong palakaibigan at mahusay manamit. Inisip ko na may masamang motibo sila sa paglapit sa akin, kaya ayaw ko nang dumalo sa kanilang mga pagpupulong. Pero gaya ng dati, nanalangin ako sa Diyos na bigyan niya ako ng pagnanais na muling makita ang mga taong ito kung sila nga ay kumakatawan sa tunay na relihiyon, at nadama ko ang masidhing pagnanais na makipag-aral ng Bibliya sa mga Saksi. KUNG PAANO BINAGO NG BIBLIYA ANG BUHAY KO: Alam kong kailangan kong ihinto ang pagdodroga, at naihinto ko naman ito. Ang problema ko ay ang paninigarilyo. Ilang beses kong sinubukang ihinto ito pero nabigo ako. Nang marinig kong nagawa ng iba na ihinto

agad ang paninigarilyo, ipinanalangin ko ito kay Jehova. Sa tulong niya, naihinto ko ang paninigarilyo. Natutuhan kong mahalagang makipag-usap nang tapatan kay Jehova sa panalangin. Malaking pagbabago rin ang ginawa ko sa aking pananamit at pag-aayos. Nang una akong dumalo sa Kingdom Hall, tulis-tulis ang buhok ko na may kulay asul. Pagkatapos, kinulayan ko naman ito ng matingkad na orange. Nakamaong ako at leather jacket na may islogan. Hindi ko nakitang kailangan kong magbago, kahit na may-kabaitang ipinaliwanag ito sa akin ng mga Saksi. Pero napag-isip-isip ko ang sinasabi sa 1 Juan 2:15-17: “Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan o ang mga bagay man na nasa sanlibutan. Kung ang sinuman ay umiibig sa sanlibutan, ang pag-ibig sa Ama ay wala sa kaniya.” Batid ko na ang aking hitsura ay nagpapakita ng pag-ibig sa sanlibutang ito. At upang ipakita ang pag-ibig ko sa Diyos, kailangan kong magbago. Gayon nga ang ginawa ko. Natanto ko na hindi lamang ang mga Saksi ang may gustong dumalo ako sa mga Kristiyanong pagpupulong. Ipinakita sa akin ng Hebreo 10:24, 25 na gusto ng Diyos na gawin ko ito. Pagkatapos kong daluhan ang lahat ng pagpupulong at lubusang makilala ang mga Saksi, nagpasiya akong ialay ang aking buhay kay Jehova at magpabautismo. KUNG PAANO AKO NAKINABANG: Labis akong naantig dahil pinahihintulutan tayo ni ´ Jehova na maging malapıt sa kaniya. Ang kaniyang habag at pagmamalasakit ay nagpakilos sa akin na tularan siya at ang kaniyang Anak, si Jesu-Kristo. (1 Pedro 2:21) Natutuhan ko na bagaman sinisikap kong magkaroon ng Kristiyanong personalidad, maaari pa rin naman akong magkaroon ng sariling pagkakakilanlan. Sinikap kong maging maibigin at mapagmalasakit, at tularan si Kristo sa pakikitungo ko sa aking asawa at anak. Mahal ko ang aking mga kapatid sa pananampalataya. Dahil sa pagsunod kay Kristo, nagkaroon ako ng dignidad, paggalang sa sarili, at nagawa kong ibigin ang iba. ANG BANTAYAN ˙ ABRIL 1, 2011

27


“Pinakitunguhan nila ako nang may dignidad.” —GUADALUPE VILLARREAL

ISINILANG: 1964 PINAGMULAN: MEXICO DATING IMORAL

ANG AKING NAKARAAN: Pito kaming magkakapatid na pinalaki sa Hermosillo, sa Sonora, Mexico, isang lugar ng mahihirap. Namatay ang tatay ko nang bata pa ako, kaya kailangang magtrabaho ni Nanay para suportahan kami. ´ Madalas na nakatapak ako dahil wala kaming pambili ng sapatos. Bata pa ako ay nagtatrabaho na ako para makatulong sa pamilya. Gaya ng maraming pamilya, siksikan kami sa bahay. Karaniwan nang maghapong wala si Nanay sa bahay para protektahan kaming magkakapa´ tid. Nang ako ay 6 na taong gulang, naging biktima ako ng seksuwal na pang-aabuso ng isang 15-anyos na binatilyo. Nagpatuloy ang pangaabusong ito sa loob ng mahabang panahon. Dahil dito, nalito ako. Akala ko, normal lamang na maakit sa mga lalaki. Nang humingi ako ng tulong sa mga doktor o klerigo, tiniyak nila sa akin na normal lamang ito. Nang ako ay 14 anyos na, nagpasiya akong kumilos at magdamit bilang homoseksuwal. Nanatili akong gayon sa sumunod na 11 taon, at nakipagrelasyon pa nga sa iba’t ibang lalaki. Nang maglaon, nag-aral ako upang maging hair stylist at nagkaroon ako ng parlor. Pero hindi ako masaya. Madalas ay nagdurusa ako at nakadaramang pinagtaksilan. Napag-isip-isip kong mali ang ginagawa ko. At naitanong ko sa aking sarili, ‘Mayroon pa bang mabubuting tao?’ Naalaala ko si Ate. Nakipag-aral siya ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova at nagpabautismo. Si28

ANG BANTAYAN ˙ ABRIL 1, 2011

nasabi niya sa akin ang mga natututuhan niya, pero hindi ko ito pinapansin. Gayunman, hanga ako sa kaniyang pamumuhay at pag-aasawa. Nakikita kong talagang mahal nila at iginagalang ang isa’t isa. Mabait din sila sa isa’t isa. Nang maglaon, isang Saksi ni Jehova ang nakipag-aral ng Bibliya sa akin. Sa umpisa, pinagbibigyan ko lamang siya. Pero nagbago ang mga bagay-bagay.

KUNG PAANO BINAGO NG BIBLIYA ANG BUHAY KO: Niyaya ako ng mga Saksi sa isa sa kanilang mga pagpupulong, at sumama naman ako. Pagdating sa Kingdom Hall, binati ako ng mga Saksi nang may kabaitan at pinakitunguhan nila ako nang may dignidad. Bago ito sa akin. Kasi karaniwan nang pinagtatawanan ako ng mga tao pero hindi ang mga Saksi. Nasaling ang puso ko sa kanila. Lalo akong humanga sa mga Saksi nang dumalo ako sa isang asamblea. Nakita ko na kahit sa malalaking grupo, para ko silang kapatid —totoo sila at sinsero. Naitanong ko, ‘Ito na kaya ang grupo ng mabubuting tao na matagal ko nang hinahanap-hanap?’ Hangang-hanga ako sa kanilang pag-ibig at pagkakaisa, pati na sa paggamit nila ng Bibliya sa pagsagot sa bawat tanong. Natalos ko na ang Bibliya ang nasa likod ng kanilang mabuting pamumuhay. At nakita ko rin na kailangan kong gumawa ng maraming pagbabago upang maging isa sa kanila. Sa katunayan, kailangan kong lubusang magbago, sapagkat ako ay namumuhay na parang babae. Kailangan kong magbago ng pananalita, kilos, pananamit, istilo ng buhok, at mga kaibigan. Nilibak ako ng dati kong mga kaibigan, na sinasabi: “Bakit mo kailangang gawin iyan? Ayos ka naman dati. Huwag ka nang mag-aral ng Bibliya. Tutal, nasa iyo na ang lahat.” Gayunman, ang pinakamahirap baguhin ay ang aking imoral na pamumuhay. Pero alam kong posible ang malalaking pag-


babagong iyon, sapagkat tumagos sa aking puso ang pananalita sa 1 Corinto 6:9-11: “Ano! Hindi ba ninyo alam na ang mga taong dimatuwid ay hindi magmamana ng kaharian ng ´ Diyos? Huwag kayong palıligaw. Hindi ang mga mapakiapid, ni ang mga mananamba sa idolo, ni ang mga mangangalunya, ni ang mga lalaking iniingatan ukol sa di-likas na mga layunin, ni ang mga lalaking sumisiping sa mga lalaki . . . ang magmamana ng kaharian ng Diyos. Gayunma’y ganiyan ang ilan sa inyo noon. Ngunit hinugasan na kayong malinis.” Tinulungan ni Jehova ang mga tao noon na magbago, at tinulungan din niya ako. Ilang taon din akong nakipaglaban. Malaking tulong sa akin ang patnubay at pag-ibig ng mga Saksi. KUNG PAANO AKO NAKINABANG: Normal na ang buhay ko ngayon. May asawa na ako at tinuturuan naming mag-asawa ang aming anak na lalaki na mamuhay ayon sa mga simulain ng Bibliya. Ibang-iba na ang buhay ko

ngayon, at nagtatamasa ako ng maraming espirituwal na mga pagpapala at pribilehiyo. Naglilingkod ako sa kongregasyon bilang isang elder, at nakatulong ako sa iba na matutuhan ang katotohanan mula sa Salita ng Diyos. Tuwang-tuwa ang nanay ko sa mga pagbabagong ginawa ko sa aking buhay anupat nag-aral din siya ng Bibliya at naging bautisadong Kristiyano. Naging Saksi ni Jehova rin ang isa kong kapatid na babae na dating imoral. Napansin ng mga nakakakilala sa akin noon ang pagbabago ko. At alam ko kung ano ang nakatulong sa akin. Humingi ako noon ng propesyonal na tulong ngunit masamang payo lamang ang tinanggap ko. Pero talagang tinulungan ako ni Jehova. Bagaman nadarama kong hindi ako karapat-dapat, napansin niya ako at naging maibigin at matiyaga siya sa akin. Isipisipin na lang, binigyang-pansin ako ng isang kahanga-hanga, matalino, at maibiging Diyos at nais niyang magbago ako! Napakalaking tulong nito sa akin.

Si Tatay ay may tindahan ng mga bisikleta. Maliit pa ako ay dinadala na niya ako sa mga karera ng bisikleta kaya naging interesado ako sa isport na ito. Pagkatapos, nagplano si Tatay na gawin akong propesyonal na siklista. Nang ako ay nasa intermediate, sinanay niya ako nang husto. Sa haiskul, nanalo ako ng tatlong sunud-sunod na titulo sa taunang pambansang paligsahan. Inalok ako na maging iskolar sa unibersidad, pero nagpasiya akong mag-aral sa isang paaralan para sa karera ng bisikleta. Sa gulang na 19, naging propesyonal na siklista ako. Noon, pangarap kong maging sikat na siklista sa Japan upang mabigyan ng magandang

“Malungkot at walang-saysay ang buhay ko noon.” —KAZUHIRO KUNIMOCHI

ISINILANG: 1951 PINAGMULAN: JAPAN DATING PROPESYONAL NA SIKLISTA

ANG AKING NAKARAAN: Lumaki ako sa isang tahimik na daungangbayan sa Shizuoka Prefecture, Japan, kung saan ang aming pamilya na may walong miyembro ay nakatira sa isang maliit na bahay.

ANG BANTAYAN ˙ ABRIL 1, 2011

29


buhay ang aking pamilya. Puspusan akong ´ ´ nagsanay. Kapag hirap na hirap na ako sa pagsasanay o karera, paulit-ulit kong sinasabi sa aking sarili na isinilang ako para maging karerista at kailangan ko lamang magpatuloy! Nagbunga ang aking mga pagpapagal. Napanalunan ko ang titulong pinakamagaling na rookie. Noong ikalawang taon ko, naging kuwalipikado akong sumali sa pinakamalaking karera ng bisikleta sa Japan. Anim na beses akong pumangalawa sa karerang iyon. Isa ako sa mga namamayagpag na karerista, at nakilala bilang ang malalakas na binti ng Tokai, isang lugar sa Japan. Pursigido akong manalo. Dumating pa nga sa punto na kinatatakutan na ako sa mga karera. Lumaki ang kita ko, at nabibili ko na ang anumang gusto ko. Bumili ako ng bahay na may silid na kumpleto sa pinakamahusay na mga kagamitan sa pag-eehersisyo. Bumili ako ng imported na kotse na halos kasinghalaga ng bahay. Para sa pinansiyal na seguridad, namuhunan ako sa lupa’t bahay at sa stock market. Pero malungkot at walang-saysay ang buhay ko noon. Nagkapamilya ako, ngunit wala akong pasensiya sa kanila. Nagagalit ako sa kanila kahit sa maliliit na bagay. Ninenerbiyos sila sa akin at tinitingnan nila ang ekspresyon ng aking mukha para malaman kung galit ako. Nang maglaon, nakipag-aral ng Bibliya ang misis ko sa mga Saksi ni Jehova. Diyan nagsimula ang maraming pagbabago. Sinabi niya na gusto niyang daluhan ang mga pagpupulong ng mga Saksi, kaya nagpasiya akong pupunta kami bilang pamilya. Natatandaan ko pa noong gabing dumalaw ang isang elder sa aming bahay. Nagkaroon ng malalim na impresyon sa akin ang mga natutuhan ko. KUNG PAANO BINAGO NG BIBLIYA ANG BUHAY KO: Hinding-hindi ko malilimutan ang sinasabi sa Efeso 5:5: “Walang sinumang mapakiapid o taong marumi o taong sakim —na nangangahulugan ng pagiging isang mananamba sa idolo—ang may anumang mana sa kaharian ng Kristo at ng Diyos.” Nakita ko na ang karera ng bisikleta ay nauugnay sa pagsusugal at nagtataguyod ng kasakiman. Nakonsi30

ANG BANTAYAN ˙ ABRIL 1, 2011

yensiya ako. Naisip ko na kung nais kong mapasaya ang Diyos na Jehova, kailangan kong huminto sa pangangarera. Napakahirap na desisyon iyon para sa akin. Katatapos ko pa lamang ng aking pinakamagandang taon sa pangangarera, at gusto ko pa ng higit. Gayunman, nasumpungan kong nagiging payapa at mahinahon ako dahil sa pagaaral ng Bibliya—ibang-iba sa saloobing kailangan ko upang manalo! Mula nang mag-aral ako ng Bibliya, tatlong beses lamang akong nangarera, pero sa puso ko ay gusto ko pang mangarera. Hindi ko rin alam kung paano bubuhayin ang aking pamilya. Hindi ako makapagdesisyon, at pinahihirapan din ako ng aking mga kamag-anak dahil sa aking bagong relihiyon. Dismayadung-dismayado si Tatay. Kaya lalo akong na-stress at nagka-ulser. Nakatulong ang patuloy na pag-aaral ng Bibliya at pagdalo sa mga pagpupulong ng mga Saksi ni Jehova. Unti-unting tumibay ang aking pananampalataya. Hiniling ko kay Jehova na dinggin ang aking mga panalangin at tulungan akong makitang dinirinig nga niya ako. Naibsan ang stress ko nang sabihin sa akin ng asawa ko na hindi niya kailangan ng malaking bahay para lumigaya. Unti-unti akong sumulong. KUNG PAANO AKO NAKINABANG: Totoo ang sinabi ni Jesus sa Mateo 6:33: “Patuloy, kung gayon, na hanapin muna ang kaharian at ang kaniyang katuwiran, at ang lahat ng iba pang mga bagay na ito ay idaragdag sa inyo.” Gaya ng binanggit ni Jesus, hindi kami nagkulang ng “iba pang mga bagay”—mga pangangailangan sa buhay. Kahit na ang kita ko ay mga 3 porsiyento lamang ng kinikita ko noon bilang karerista, kami ay hindi nagkulang ng anumang bagay sa nakalipas na 20 taon. Kapag ako’y kasama ng aking mga kapananampalataya, nakasusumpong ako ng kagalakan at kasiyahan na hindi ko nadama noon. Hindi ko namamalayang mabilis na lumilipas ang panahon. Malaki ang ibinuti ng aming pamilya. Ang aking tatlong anak na lalaki at ang kani-kanilang asawa ay naging tapat na mga lingkod ni Jehova.


TANONG NG MGA MAMBABASA Ang Gehenna ba ay isang lugar ng maapoy na pagpapahirap? ˇ Sa mga ulat ng mga Ebanghelyo, nagbabala si Jesus sa kaniyang mga alagad na mag-ingat na huwag silang mahatulang karapat-dapat sa Gehenna. Maliwanag, gusto ni Jesus na seryosohin nila ang kaniyang babala. Pero ang tinutukoy ba ni Jesus ay walang-hanggang pagpapahirap sa isang maapoy na impiyerno?—Mateo 5:22. Suriin muna natin ang salitang ginamit ni Jesus. Ang salitang Griego na Ge en·na ay katumbas ng Hebreong geh Hin·nom , na nangangahulugang “libis ng Hinom” o ng geh venehHin·nom , “libis ng mga anak ni Hinom.” (Josue 15:8; 2 Hari 23:10) Ang lugar na ito, na kilala ngayon bilang Wadi er-Rababi, ay isang malalim at makitid na libis na matatagpuan sa timog at timog-kanluran ng Jerusalem. Noong panahon ng mga hari ng Juda, mula ikawalong siglo B.C.E., ang lugar na ito ay ginamit sa mga paganong ritwal, kasali na ang paghahain ng mga anak sa apoy. (2 Cronica 28:1-3; 33: 1-6) Inihula ni propeta Jeremias na sa libis ding ito lansakang papatayin ng mga Babilonyo ang mga Judeano bilang hatol ng Diyos dahil sa kanilang kasamaan.1 —Jeremias 7:30-33; 19:6, 7. 1 Tungkol sa hulang ito, ganito ang mababasa sa The New Catholic Encyclopedia: “Kapag nawasak ang Jerusalem, napakarami sa mga naninirahan dito ang mapapatay at ang kanilang bangkay ay itatapon, at hindi na ililibing, sa libis upang mabulok o masunog.”

Ayon sa Judiong iskolar na si David Kimhi (mga 1160 hanggang mga 1235 C.E.), ang libis ay ginawang tapunan ng basura ng lunsod ng Jerusalem. Nagsilbi itong sunugan ng basura at tuluy-tuloy na nag-aapoy. Anumang ihagis dito ay natutupok at nagiging abo. Maraming tagapagsalin ng Bibliya ang gumamit ng pananalitang “impiyerno” para sa Ge enna. (Mateo 5:22, Biblia ng Sambayanang Pilipino) Bakit? Dahil ang apoy sa libis sa labas ng Jerusalem ay iniuugnay nila sa paganong paniniwala na dumaranas ng maapoy na pagpapahirap sa kabilang-buhay ang masasama. Gayunman, ang Gehenna ay hindi kailanman iniugnay ni Jesus sa pagpapahirap. Alam ni Jesus na ang ideya ng pagsunog nang ´ buhay sa isang tao ay kasuklam-suklam sa kaniyang Ama sa langit, si Jehova. Nang tukuyin ng Diyos kung paano ginagamit ang Gehenna noong panahon ni propeta Jeremias, sinabi Niya: “Itinayo nila ang matataas na dako ng Topet, na nasa libis ng anak ni Hinom, upang sunugin sa apoy ang kanilang mga anak na lalaki at ang kanilang mga anak na babae, isang bagay na hindi ko iniutos ni pumasok man sa aking puso.” (Jeremias 7:31) Isa pa, ang pagpapahirap sa mga namatay ay hindi kaayon ng maibiging personalidad ng Diyos at ng malinaw na turo ng Bibliya na “walang anumang kabatiran” ang mga patay.—Eclesiastes 9:5, 10. Ang terminong “Gehenna” ay ginamit ni Jesus upang sumagisag sa lubusang pagkapuksa bilang hatol ng Diyos. Kaya magkasingkahulugan ang “Gehenna” at ang “lawa ng apoy” na binabanggit sa aklat ng Apocalipsis. Ang mga salitang ito ay parehong sumasagisag sa walang-hanggang pagkapuksa—ibig sabihin ay wala nang pagkabuhay-muli.—Lucas 12:4, 5; Apocalipsis 20:14, 15. ANG BANTAYAN ˙ ABRIL 1, 2011

31


ESPESYAL NA PAHAYAG PANGMADLA

Saan Tayo Makasusumpong ng Tulong Upang Maharap ang mga Problema Ngayon? Napakaraming makukuhang payo ngayon. Napakapopular ng mga aklat at programa sa TV na nagpapayo sa mga tao kung paano nila lulutasin ang kanilang mga problema. Pero nariyan pa rin ang mga problema. Baka maitanong mo, ‘Mayroon ba akong makukunan ng patnubay na talagang mapagkakatiwalaan?’ Ang sagot ay mayroon! Bagaman libu-libong taon nang naisulat ang Bibliya, masasagot pa rin nito ang mga tanong na:

ˇ Paano ko maaayos at mapabubuti ang aking kaugnayan sa iba? ˇ Paano ako magiging maligaya? ˇ Paano ko mahaharap ang aking mga problema sa pera? ˇ Paano ko mababawasan ang pagkabalisa? Tatalakayin ang sagot sa mga tanong na ito sa pahayag pangmadla na “Mga Simulain sa Bibliya —Matutulungan ba Tayo Nito na Harapin ang mga Problema Ngayon?” Ang pahayag na ito na salig sa Bibliya ay bibigkasin sa mahigit 230 lupain sa buong daigdig. Sa karamihan ng mga lugar, ito ay ipapahayag sa Kingdom Hall ng mga Saksi ni Jehova sa Mayo 1, 2011, araw ng Linggo. Matutuwa ang mga Saksi sa inyong lugar na sabihin sa inyo ang oras at adres nito. Kayo ay malugod na inaanyayahang dumalo.

Nais mo bang may dumalaw sa iyo?

www.watchtower.org

wp11 04/01-TG


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.