Eksposyur: Tatlumpung Dagli ng Pakikipamuhay

Page 1

EKSPOSYUR Tatlumpung Dagli ng Pakikipamuhay

Iniharap ni: Marlon Lester R. Gueta B.A. Malikhaing Pagsulat sa Filipino 2009-00088

Upang Makamit ang Titulong Batsilyer sa Sining ng Malikhaing Pagsulat Sa Ilalim ni: Dr. Rommel B. Rodriguez Tagapayo

Ibinahagi sa: Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas Kolehiyo ng Arte at Literatura Unibesidad ng Pilipinas

Oktubre 2013


Katibayan ng Pagtanggap Oktubre 2013

Ang di-gradwadong tesis na may pamagat na ―Eksposyur: Tatlumpung Dagli ng Pakikipamuhay‖ na ipinasa ni G. Marlon Lester R. Gueta, bilang pagtupad sa huling pangangailangan para sa digring Bartsilyer ng Malikhaing Pagsulat sa Filipino, ay tinanggap at ipinagtibay ng Departamento ng Filipino at Panitikan sa Pilipinas, Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, Lungsod ng Quezon.

Dr. Rommel Rodriguez Tagapayo

Sa ngalan ng dekano at ng Kolehiyo ng Arte, malugod kong tinatanggap at ipinagtitibay ang digradwadong tesis ni Marlon Lester R. Gueta.

Dr. Teresita Maceda Tagapangulo Departamento ng Filipino at Panitikan sa PIlipinas Kolehiyo ng Arte at Literatura Unibersidad ng Pilipinas 1


Pasasalamat

sa aking pamilya sa mga kasama sa NNARA-Youth sa mga magbubukid ng Pilipinas sa KMP, Anakpawis, KASAMA-TK, UMA, at PAMALAKAYA; sa PUFAI, ALMASAPA, SAMA-U, at KAPIT-BISIG kina sir Jorge, ninong Roy,ninang Lala; sa CTUHR at OCCARM sa mga kasama sa UGAT sa mga propesor at kawani ng DFPP sa mga kaibigan; kay Nikki

2


para sa sambayanan

3


Abstrak Ang "Eksposyur: Tatlumpung Dagli ng Pakikipamuhay" ay tungkol sa pakikipamuhay ng tatlong mag-aaral sa loob ng tatlumpung araw (bilang bahagi ng kanilang kurso) sa mga magsasaka ng Montalban; kung saan minamadali ang konstruksyon ng mga gusaling pang-turismo kaya't ang mga taga-roon ay nililigalig ng kawalang-seguruhan at pagbabago/"pag-unlad." Ang mga akdang nakapaloob sa tesis na ito ay nasa anyo ng mga dagli. Sa introduksyon ay bahagyang tinalakay ang kasaysayan ng naturang porma, ang nananatiling kaangkupan nito sa kasalukuyang panahon, at kung paano ito ikinasangkapan ng may-akda relatibo sa mga nauna nang kontemporaryong halimbawa. Ang tesis na ito ay pagsamantala sa kaangkupan ng dagli sa panahon ng pagmamadali at pagkaligalig upang ilahad ang kwento ng mga magsasaka at mga mag-aaral na minamadali at nililigalig din.

4


Talaan ng Nilalaman Katibayan ng Pagtanggap .......................................................................................................................... 1 Pasasalamat ................................................................................................................................................ 2 Dedikasyon .................................................................................................................................................. 3 Abstrak......................................................................................................................................................... 4 Talaan ng Nilalaman .................................................................................................................................. 5

Introduksyon: Eksposyur ng Sining sa Politika ..................................................................................... 8 Panimula.................................................................................................................................................. 8 Paksa/Politika......................................................................................................................................... 9 Eksposyur ng Agrikultura sa Kapital ............................................................................................... 9 Eksposyur ng Iba‘t-Ibang Uri sa Isa‘t-Isa ..................................................................................... 12 Eksposyur ng may Iba‘t-ibang Antas ng Kamulatan sa Isa‘t-isa ............................................... 14 Eksposyur ng Noon sa Ngayon ....................................................................................................... 17 Eksposyur ng Ilusyon at Katotohanan .......................................................................................... 18 Porma/Kasiningan ............................................................................................................................... 20 Eskposyur ng Lumang Porma sa Bagong Kalagayan ................................................................. 20 Eksposyur ng Igsi sa Kahabaan ...................................................................................................... 27 Eksposyur ng Inggles sa Filipino ................................................................................................... 28 Eksperimentasyon............................................................................................................................ 28 Eksposyur ng Katha sa Katotohanan ............................................................................................. 30 Eksposyur ng Mambabasa sa Politika/Paksa ............................................................................... 30 Pangwakas ............................................................................................................................................. 31 Mga Akdang Binanggit ........................................................................................................................ 31 Mga Pinaghalawang Akda ................................................................................................................... 33 5


MGA DAGLI .............................................................................................................................................. 34 Tulog Pa ................................................................................................................................................. 35 Palikuran ............................................................................................................................................... 37 Rali ......................................................................................................................................................... 41 Over-exposed ........................................................................................................................................ 43 Tulog Pa Rin.......................................................................................................................................... 46 Haligi ng Tahanan ................................................................................................................................ 49 Bisita ...................................................................................................................................................... 51 Malay-Lamay ........................................................................................................................................ 60 Katapusan.............................................................................................................................................. 65 Posisyon ................................................................................................................................................. 70 Under-exposed ..................................................................................................................................... 74 Bandalismo ........................................................................................................................................... 76 Kalituhan ............................................................................................................................................... 81 Ka Gerry................................................................................................................................................. 88 Mula sa Diary ng Guide ....................................................................................................................... 95 Isip-Bata ................................................................................................................................................ 96 Bisikleta, Bahay, Buhay ....................................................................................................................... 98 Halo-Halo ............................................................................................................................................ 104 Kung Gusto, May Paraan .................................................................................................................. 107 Aling Ron ............................................................................................................................................. 110 Ka Lisa ................................................................................................................................................. 111 Si Yolly (at ang Barker, Tsuper, Pahinante, at si Bruno Mars) .................................................... 113 Nanay Rose ......................................................................................................................................... 117 Ala(a)la ................................................................................................................................................ 123 6


Overlap................................................................................................................................................. 126 Mula sa Diary ng Taga-Patag ............................................................................................................ 130 Putol ..................................................................................................................................................... 133 Pasalubong .......................................................................................................................................... 135 Pagbalik(-Tanaw) ............................................................................................................................... 137 Gising Na ............................................................................................................................................. 141

7


Introduksyon: Eksposyur ng Sining sa Politika Panimula Binigyang-kahulugan ng ―Merriam-Webster's Collegiate Dictionary‖ ang Inggles na salitang "exposure" bilang "the fact or condition of being affected by something or experiencing something : the condition of being exposed to something." Kung isasalin ang ganitong pakahulugan sa ―exposure‖ ay maaring angkop ang salitang "paglalantad" - hal. paglalantad ng isang lihim o di-karaniwang bagay o karanasan sa isang tao o grupo ng mga tao. Bagaman saklaw ng pakahulugang ito ang karaniwan/kadadalasang gamit sa ―exposure‖ (sa mga balita, ―exposed;‖ sa mga imbestigasyon, ―exposé;‖ sa medisina, ―prolonged exposure to…‖ atbp.) ito ay kulang. Hindi nasasaklaw ng ―paglalantad‖ ang pakahulugan sa ―exposure,‖ ng ilang mga akademiko at propesyunal, bilang programang pakikipamuhay sa batayang masa (magsasaka at manggagawa) – isang programang paglalantad sa indibidwal ng mga kalagayang lihim di kaya‘y di-karaniwan para sa kaniya. Pinaikli itong ―exposure trip,‖ at kasama sa programa ng mga institusyon ng Simbahan, mga unibersidad, at ng pambansa-demokratikong kilusan. Sinasaklaw ng salitang ―exposure‖ ang kahulugang paglalantad (pati pagbubunyag at/o pagsisiwalat) at ang partikular na aktibidad ng pakikipamuhay. Kaya bagaman hiram na salita ay ito ang napili kong pamagat para sa thesis na ito – sa isang banda ay karaniwan na rin namang gamitin ang naturang salita na kung bigkasin nga sa Pilipino ay maibabaybay na ―eksposyur‖ (wala ang mahabang ―o‖ [ō] at kulot na ―r‖ [ər]). Ang thesis na itong pinamagatanang ―Eksposyur: Tatlumpung Dagli ng Pakikipamuhay‖ ay isang pagtatangkang samantalahin ang kaangkupan ng isang koleksyon ng mga dagli sa panahon ng pagmamadali at pagkaligagig para pautay-utay subalit buong mailahad ang kwento ng mga magsasaka at mga mag-aaral na minamadali at nililigalig din. Sa isang banda, ang tesis na ito ay eksposyur sa mga eksposyur. 8


Sa mga susunod na talata ay layunin kong ipaliwanag ang politika at kasiningan (alinsunod sa ―dual criteria‖ ni Mao1) ng mga akdang nakapaloob sa tesis na ito. Paksa/Politika Syempre una ang politika; dahil sa huli‘t huli‘y dito nakasalalay ang anumang merit ng anumang akda (mula nilalaman hanggang porma). Sa bahaging ito ay tatalakayin ko ang mga tema/paksang tinangka/nilayon kong talakayin sa mga dagli – at sa kung anong mga konteksto at layunin. Eksposyur ng Agrikultura sa Kapital2 Ang pangunahing tagpuan ng koleksyon ay isang agrikultural na komunidad sa munisipalidad ng Montalban3 sa probinsya ng Rizal. Ito ay nasa hilaga ng probinsya, at siya ngang pinakamalaking munisipalidad nito. Napapaligiran ito ng Bulacan, Quezon Province, Antipolo, San Mateo, Quezon City, at sa isang gilid ay nahahagip ang bulubunduking Sierra Madre. May lawak itong 31,283 ektarya o halos limang ulit ng kabuuang lawak ng Hacienda Luisita. Ang pangunahing hanap-buhay ng mga taga-rito ay pagsasaka, kung saan halos lahat (87.1%) ay nangungupahan, nakikisaka, o nagta-trabaho nang sahuran. Kalakhan ng sakahan ay hindi aabot sa tatlong ektarya at natatamnan ng sari-saring prutas (saging, pinya, atbp.), gulay, root crops (kamote atbp.), cash crops (bulak, tabako, tubo, atbp.) at maging mais at palay. Mayaman din sa depositong tanso ang lupa ng Montalban, maging sa non-metallic deposits na maaring gamiting construction materials.4 Nakatuon ang mga dagli sa dalawang sitio sa pinakamalaking baranggay ng Montalban, ang sitio Wawa at sitio Sapa ng Bgy. San Rafael. Isa pang mahalagang lugar ay ang Parawagan, isang bahagi ng kabundukan sa itaas na bahagi ng sitio Sapa. Ang mga pook na ito ay nananatili ring (Guillermo n.d.) (Atienza 1992) ang paggamit sa terminong kapital ay istriktong sa Marxistang pakahulugan 3 Rodriguez na ang kasalukuyan nitong pangalan subalit Montalban pa rin ang gamit ng maraming taga-roong nakasalamuha ko kayat‘t ito na lang din ang aking ginamit 4 (Rizal Youth Development Foundation 1971) 1

2

9


mga agrikultural na komunidad magpasahanggang-ngayon. Pinagmumulan ito ng sari-saring gulay at prutas na naibebenta sa mga kalapit nitong syudad. Gayunpama‘y kasalukuyan itong nililigalig ng patuloy na panghihimasok ng kapital. Kung dati-rati‘y ang pangunahing problema lang ng mga magsasakang nakatira roon ay ang mga pyudal na pagsasamantalang dulot ang monopolyo sa lupa ng iilang panginoong-may-lupa5, sa pagpasok ng mga kapital sa turismo, kwari, pabahay, at micro-finance (hindi lang ito marahil ang lahat; subalit ang tatlong ito ang tampok sa sitio Wawa, Sapa, at sa Parawagan) ay kinaharap na rin nila ngayon ang mga malapyudal na pagsasamantalang dulot ng pagkakaalapin sa sahurang-paggawa at/o unti-unting kawalan ng seguridad sa sariling pagkaing dati-rati‘y natitiyak ng kanilang natural na ekonomyang pinapalitan na ng ekonomyang kalakal (commodity economy). Nanganganib na palayasin ang 269 pamilya malapit sa Wawa Dam dahil sa mga tourist attractions na planong itayo ng lokal na gubyerno.6 Nagsimula na ang demolisyon Hulyo ngayong taon.7 Kasabay nito ang pagsira ng iba‘t-ibang pribadong kumpanya sa kabundukan sa paligid ng naturang lugar dahil sa pagtatayo ng mga subdibisyon (ang iba‘y bilang relokasyon), resort, o di kaya nama‘y dahil sa quarrying.8 Kilala ang Montalban bilang isa sa may pinakamalalawak na quarrying operations;9 mga operasyong maaring dahilan kung bakit ang kabahayang malapit sa paanan ng Sierra Madre ay nilubog sa baha ng Ondoy noong 2009.10 Kasabay din halos ng pagpasok ng interes sa turismo sa lugar ay ang pagpasok ng maliliit na kumpanyang nagapautang ng kapital sa mga taga-roon. Nilalayo nito ang mayayamang magsasaka sa lupa at lalong pinalalakas ang mga burges na tendensiya nitong magsamantala ng maralitang magsasakang kailangan nito ngayong upahan ang lakas-paggawa para bungkalin ang kaniyang lupang hindi na niya mabungkal dahil nga abala na siya sa pagpapalago ng inutang na Ibid. (Laguna Lake Development Authority 2012) 7 (Perello 2013) 8 (Puerto 2005) 9 Ibid. 10 (Ellao 2009) 5

6

10


kapital. Sa pamamagitan nito ay epektibong (1) nahahati ng kapitalista ang mga magsasaka, (2) dahil kapital ang ipinauutang (kasama sa kontratang kailangang lumikha ng tubo ang halagang inutang) ay ―naihahanda‖ din niya ang komunidad para sa mas matinding komodipikasyon, at (3) sa pamamagitan ng interes sa pautang ay napagkakakitaan pa niya ang lahat ng ito. Ang pagtanaw na ito sa kasalukuyang kalagayan ng Montalban ay ang pangunahing paksa ng mga dagli. Maaaninag ang kapapaliwanag na kalagayan sa halos lahat ng dagling nasa koleksyon. Pinakamatingkad marahil ang panghihimasok ng kapital sa agrikultura sa mga dagling ―Katapusan;‖ ―Bisikleta, Buhay, Bahay;‖ ―Halo-halo;‖ at ―Nanay Rose.‖ Sa ―Katapusan‖ ay nangangamba ang si Kuya Bunso sa paglapit ng katapusan ng buwan na nangangahulugan ng pagpalong-muli ng interes sa kanilang utang sa isang institusyong microfinance. Sa proseso ng pag-aalalá ay naalala niya ang nakaraang kabuhayan ng kanilang pamilyag pangunahing nakaasa sa kanilang sariling produksyon ng pagkain bilang mga magsasaka. Sa ―Bisikleta, Buhay, Bahay‖ naman ay tinangka kong isiwalat ang buhay ng isang manggagawang dating magsasaka. Kung paanong, sa pagiging manggagawa, ay nawalan na siya ng kontrol sa sariling oras at buhay – kung paanong bagaman tunay ngang mas produktibo ang kaniyang lakas-paggawa (sa loob ng ilang buwan ay nakatapos sila ng isang condominium) ay naging mas malala naman ang dinaranas niyang pagsasamantala. Sa ―Halo-halo‖ naman ay nagbabalik-tanaw ang isang batang tauhan (pagpapahiwatig na ang mga pagbabago ay bago lang) kung paano sila magmeryenda bago maging construction worker sa malayong lugar ang kaniyang ama, bago maging health worker ang kaniyang ina, at bago magsipag-sulputan ang mga sari-sari store sa kanilang komunidad. Sa ―Nanay Rose‖ naman ay tinangka kong ipakita ang tiyak na layunin ng kapital(ista) sa mga manggagawa sa pamamagitan ng pag-tuon sa isang mag-asawang b(g)inago ng kapital ang buhay.

11


Sa mga dagling ito pinakamatingkad na makikita ang mga epekto ng kapital. Sinikap kong ipakita ang ―positibong‖ aspeto ng kapital sa usapin ng produktubidad (efficiency) – subalit nang may layuning bigyang-diin ang epekto ng produktubidad na ito para sa mga produktibo, ang mga manggagawa. Na ang mas episyenteng paggawa, sa esensya, ay nangangahulugan ng mas episyenteng pagpiga sa kanilang lakas-paggawa ng kapitalista. Eksposyur ng Iba‘t-Ibang Uri sa Isa‘t-Isa Nahahati ang ating lipunan sa mga uri (dahil sa iba‘t-ibang posisyon sa relasyon sa produksyon relatibo sa mga kagamitan sa produksyon); gayundin syempre ang Montalban. Bagaman sa pangkalahatan

ay

nahahati

ang

lipunan

sa

uring

nagsasamantala

at

sa

uring

pinagsasamantalahan, hindi iyon ganoon lang kasimple. Kagaya ng napahagingan na sa naunang bahagi halimbawa, ang uring magsasaka ay nahahati pa sa mayaman, panggitna, at maralitang magsasaka (at manggagawang-bukid).11 Bukod sa mga saray ng magsasaka ay tinangka ko ring ilarawan sa mga dagli ang mga petiburgesya (pangunahin sa katauhan ng mga mag-aaral na exposurist), at sa maliit na paraan, ang malalaking-burgesya kumprador (walang tiyak na representasyon sa mga dagli subalit madalas mabanggit sa iba‘t-ibang katawagan – gaya sa tunay na buhay). Sentral na tema ng buong koleksyon ang eksposyur ng mga peti-burgesyang mag-aaral sa komunidad ng mga magsasaka sa Montalban. Sa pamamagitan nito naipakita ang interaksyon ng dalawa (na muli, maaring maaninag sa halos lahat ng dagli). Marahil ang pinakamahusay na halimbawa mula sa koleksyon ay ang mga dagling ―Haligi ng Tahanan,‖ at ―Overlap.‖ Nagsasalita sa ―Haligi ng Tahanan‖ ang isa sa mga peti-burgesyang mag-aaral habang sila ay (impormal) na nakikipanayam sa isang magsasaka. Ang napakakaraniwang proseso ng pakikipagkwentuhan ay nagbunsod sa tauhan para ikumpara at muling-pagnilayan ang sarili

11

(Pambansa Demokratikong Paaralan 2006)

12


niyang pinagmulan/kilalang uri. Ang pangkaraniwang gawain ay naging kakaiba dahil ginawa ito nang kahalubilo ang isang ―kakaibang‖ uri (i.e. eksposyur). Maaaring sabihing partikular na ganito ang kinalabasan dahil ang mga tauhang peti-burgesyang mag-aaral ay isingawa ang naturang eksposyur bilang isang akademikong pangangailangan; na kailangan nilang unawaain ang isang di-pamilyar na uri, na hindi ito ―natural.‖ Ang ganitong pag-iisip ay reaksyunaryong pagbabale-wala sa kasaysayan. Ang pagpapakita at pagkukwento sa eksposyur bilang akdemikong pangangailangan ay pagkilala lang sa katotohanang may mga akademikong institusyong malay sa kahalagahan ng paikipamuhay sa batayang masa at may praktikal na programa para tugunan ito (isa pang aspetong maaring sabihing implied sa mga dagli). Ang akademisasyon ng pakikipamuhay ay isang lehitimong makasaysayang penomenon (kahit anong gawin/isipin/sabihin natin ay hindi natin mabuburan ang pag-iral nito), ibig sabihi‘y ang pagkukwento ng mga epekto nito (eskposyur ng peti-burgesyang mag-aaral sa magsasaka para unawain ng una ang huli) ay ―natural‖ lang din, manapa‘y ―nararapat.‖ Kaugnay pa rin ng akademikong eksposyur ng peti-burgesyang mag-aaral sa magsasaka, ang dagling

―Overlap‖

ay

tungkol

sa

akademikong

aktibidad

ng

mga

mag-aaral

sa

kinapamumuhayang komunidad. Sa dagling iyon ay isinalaysay ko kung paano ang isang tipikal na presentasyon ng naging pananaliksik ng mga exposurist (na mga mag-aaral ng pagunlad/development) sa mga magsasaka, sa mga magsasaka. Hindi lang ang mag-aaral ang na-eexpose sa karanasan at pananaw ng magsasaka, ang mga magsasaka rin ay na-e- din sa mga akademikong pamamaraan ng organisasyon ng kaalaman ng mga mag-aaral. Sa pagtatapos ng aktibidad ay sabay na umawit ang mga mag-aaral at mga magsasaka (ng isang awit na pagbibigay-halaga sa uring magsasaka, sa pangunguna ng mga mag-aaral). Sa dagling ―Kalituhan‖ (isa sa mga pinakamahahaba), marahili pinaka-malinaw na makikita ang pagkakasaray-saray ng uring magsasaka. Sa isang panayam ng isang exposurist ay 13


ikinuwento ng isang dating-magsasaka ang kaniyang kasaysayan. Sa proseso nito ay mahihinuha ang kaniyang pagiging isang panggitnang magsasakang nagkaroon ng sariling ikabubuhay sa baba ng bundok, ng pagiging maralitang magsasaka ng kaniyang matalik na kababata, at ng naging impluwensya‘t maniobra ng mayayamang magsasaka sa kanilang samahan. Masalimuot ang usaping ito dahil tungkol ito sa internal na tunggalian ng uring kailangang magkaisa laban sa isang mas malaking katunggali (ang komon nilang mananamanlatang panginoong-may-lupa at/o malaking burgesya komprador) subalit hindi ibig sahihin niyon ay hindi na ito dapat kilalanin at ikuwento - lalo pa ngang kailangan itong ikwento para malay na maiwasan. Maliban sa mga mag-aaral na exposurist ay may isa pang klase ng peti-burgesya ang matatagpuan sa ilang dagli. Ito ay ang mga burukratang nagtatatrabaho para sa mga ahensya ng gubyerno. Sa dagling ‖Posisyon‖ ay tinangka kong ipakita kung ano ang ―posisyon‖ ng isang burukrata sa mga magsasaka, sa kaniyang kapwa-peti-burgesya (na mag-aaral), at sa bossing niyang burukrata kapitalista sa pamamagitan ng usapan nila ng isang exposurist tungkol sa mga proyektong pangturismo ng mga burukrata/kapitalista sa komunidad na kaniyang tinutuluyan. Bagaman hindi sagad-sagarang malupit sa magsasaka ay wala siya rito halos-paki, sa mag-aaral naman ay mapanghamig siya, at protective sa mga mapagsamantalang bossing. Katangi-tangi at nararapat ding banggitin ang interaksyon ng militar at ng magsasaka. Pinakamatingkad ko itong tinalakay sa ―Bisita‖ (pinakamahaba sa lahat ng dagli sa koleksyon) kung saan isinalaysay ang pagsasamantala ng isang batang sundalo sa kaniyang otoridad at kapangyarihan. Eksposyur ng may Iba‘t-ibang Antas ng Kamulatan sa Isa‘t-isa Dahil ang bawat indibidwal ay nagmumula sa iba‘t-ibang pagkakataon at konteksto, nagkakaroon din ng hindi pantay na pag-unlad kaugnay ng kamulatan ng bawat isa. Ang 14


kalagayang ito ay sinubukan ko ring talakayin. Sa dagling ―Rali‖ halimbawa, sa pamamamagitan ng pagpapakita sa iba‘t-ibang reaksyon ng mga mag-aaral (at ng kasama nilang guide) sa isang eksena ng rali ay naipakita ko rin ang iba‘t-ibang antas ng kanilang kamulatan; mala-eksotiko ang trato rito ni Alex na ang layunin ay litratuhan ang kaguluhan, naging emosyonal naman si Niki na ayaw sa karanasan, si Jon ay walang kamalay-malay sa lahat dahil siya ay tulog, samantalang ang guide na si Kristel ay hindi kinalimutan ang pangangailangang makapaglinaw ng usapin. Nasa maagang bahagi ng koleksyon ang naturang dagli dahil isa lamang itong panimulang pagpapailala sa antas ng kamulatan ng mga mag-aaral, subalit dahil interaksyon ng mga may iba‘t-ibang antas ng kamulatan ang nais kong matagumpay na isalarawan, hindi iyon sapat; kailangang isalarawan ang mismong dinamikong ugnayan nila sa isa‘t-isa. At ito nga mismo ang tinangka ko sa mga dagling ―Mula sa Diary ng Guide,‖ ―Kung Gusto may Paraan,‖ ―Ka Lisa,‖ Si Yolly (at ang Barker, Tsuper, Pahinante, at si Bruno Mars),‖ at ―Pasalubong.‖ Sa ―Mula sa Diary…‖ ay pinagsalita ko ang isang supporting chracter na maliit at kaunti man ang airtime

sa mga dagli, ay malaki naman ang papel sa aktwal na eksposyur. Sa isang

eksposyur kagaya pinatungkulan sa mga dagli, mahalaga ang isang guide na magsisilbing ate/kuya ng mga mag-aaral sa lugar at taga-ugnay sa mga lokal na organisasyong kanilang makakasalamuha. Maari siyang maging mas bata sa mga igina-guide na mag-aaral pero ang kadalasang kahingian para sa isang guide ang kaniyang mas malawak na karanasan sa pakikipamuhay. Dahil dito, kadalasang kakambal ng pagiging guide ang pagtataglay ng mas abanteng kamulatan kaysa sa mga igina-guide. At totoo ito sa kaso nina Kristel, Jon, Alex, at Niki (gaya ng ipinakita sa ―Rali‖). Sa pagtatala ni Kristel sa naging talakayan ng mga igina-guide ay ipinakita ang pagpapahalaga niya sa sariling-pagtuklas ngmga estudyante sa mga tamang ideyang mula sa praktika ng kanilang eksposyur – nang hindi na niya kailangang bigyang-diin.

15


Sa ―Kung Gusto may Paraan‖ nama‘y tampok ang panlulumo ng mag-aaral at maging ng kasama niyang magsasaka-organisador sa kanilang pagbabahay-bahay para mag-imbitang dumalo sa isang kilos-protesta. Dito‘y ipinakitang ang may mas mataas na kamulatan ay hindi palaging may mas mataas na kasiglahan. Isang mahalagang puntong si Jon ay hindi nagpadala sa nakakapanlumo nilang sitwasyon at sa nanlulumo na rin niyang kasama (para sa kaniya, para sa kanilang gawain, at pata kay ka Cel). Sa ―Ka Lisa‖ naman ay bida si Ka Lisa bilang ang pinakaabanteng indibdwal sa buong koleksyon. Tinangka kong ipakita kung paanong ang kanyang lubos na kasigasigan sa pangungumbinsi‘t pagpapaliwanag ay nakaapekto sa mga atrasadong magsasaka at sa abanteng mag-aaral. Mababasang muli si Ka Lisa sa ―Si Yolly…‖ kung saan pareho muli ang kaniyang papel. Ang kakaiba sa dagling ito ay ang pagpapakita sa layuning epekto ng abanteng (bagaman baguhan) lider-magsasaka sa atrasdong masang nakikinig lang sa programa ng rali kung saan nagtalumpati ang una. Makikita sa dagling ito ang literal na eskposyur ng iba‘t-ibang teksto sa isa‘t-isa – literal. Magkakahalo sa isang mahabang talata ang mga tinig ni ka Yolly na nagsasalita sa entablado, ng barker na nagtatawag ng mga pasahero, ng tsuper na hinihintay mapuno ang kaniyag dyip, ng kaniyang pahinanteng nag-aabot ng mga sukli, at ni Bruno Mars na inihahalo sa lahat ng ito ang kaniyang kanta. Sa huli ay nanaisin ng tsuper ng katahimikan (o at least ni Bruno Mars) para mas mapakinggang maigi ang talumpati ni ka Yolly – dala na rin ng pamilyaridad sa kaniya ng paksang tinalatakay ng baguhang lidermagsasaka. Ganitong pagtanggap (o at least kahandaan o pagkilala sa kawastuhan) din ng masa sa mas mataas na antas ng kamulatan ang diwa sa likod ng dagling ―Pasalubong.‖ Tampok dito ang tinig ni Alex, masasabing ang pinaka-atrasado sa tatlong exposurist. Sa dagling ito, ikatlo sa huli sa buong koleksyon, masasaksihan ang pakikipagtalo ni Alex sa sarili tungkol sa isang maliit subalit para sa kaniya‘y simbolikong bagay: pagtanggap ng mga pasalubong na suman.

16


Binigyang-kahulugan niya ito bilang pagtanggap sa responsibilidad na ―ipampasalubong‖ sa syudad ang mga natutuhan niya sa loob ng isang buwan sa bundok. Lahat ng ito ay repleksyon lamang ng mga personal kong karanasan sa tunay na buhay sa pakikisalamuha sa mga taong may sari-saring antas ng kamulatan. Eksposyur ng Noon sa Ngayon Bagaman maliit na aspeto, ang paglalapit/pagtatabi ng nakaraan sa kasalukuyan ay isang umuulit na pamamaraan sa pagkukwento. Kagaya kasi ng mayaman nitong lupain ay mayaman din ang kasaysayan ng Montalban (partikular sa mabundok na bahaging kinaroroonan ng sitio Wawa at Sapa). Ang dalawang bundok sa magkabilang gilid ng Wawa Dam ay pinaniniwalaang ang dalawang higanteng batong umipit kay Bernardo Carpio.12 Ang kweba naman ng Pamitinan di kalayuan sa ay isa sa mga naging kuta ng mga Katipunero noong panahon ng Himagsikan at ang lugar kung saan unang idineklara nina Bonifacio ang kalayaan ng Pilipinas.13 Sa panahon ng pananakop ng mga hapon ay nagsilbi ring kuta ang naturang kweba. Lalo na nang simulang bombahin ng mga Amerikanong eroplano ang kamaynilaan.14 Sa ―Bandalismo‖ ay ipinagtabi ko ang makasaysayang papel ng Pamitinan Cave at ang kasalukuyan nitong silbi bilang tourist attraction. Sa pamamagitan nito, sa aking palagay, ay mas malinaw kong naipapakita kung paano ang lugar ay bina(ba)go. Sa ―Ka Gerry‖ naman ay isinalaysay ni Ka Gerry ang kasaysayan ng naunang tagapagtatag ng kanilang samahan, si Ka Roger. Sa huling bahagi ng kaniyang pagbabalik-tanaw ay maaninag ang paghalaw niya ng aral mula sa buhay na karanasan ng pumatay at pinatay na lider. Ang ―Malay-Lamay‖ naman ay umiikot sa pagninilay-nilay ng isang kabataan sa kanayunan (si Macmac) hinggil sa kaniyang (Martinez 19--) (Benitez 1929); ayon kay Mona Lisa H. Quizon, ito nga ang pinaka-maaga ngunit impormal naman dahil kakaunti ang nakasaksi, ilang ulit pang nagdeklara ng kalayaan ng Pilipinas ang iba‘t-ibang entitad pagkatapos nito 14 (Valera 2013) 12 13

17


mga pag-aalinlangang sa politikal na kinabukasan nila sa sitio (at niya bilang bahagi nito). Sa gitna ito ng lamay para sa isang nakatatandang lider-magsasaka. Sa huli ay may antas ng panibagong-pag-unawa siyang mararating dala na rin ng mga naunang karanasan bilang isang anak din ng lider-magsasaka at ng paggalang sa pakikibakang puspusang isinulong ng kamamatay lang na lider. Pahapyaw din ditong ipinakita ang ate niyang si Marikit bilang may mas abanteng kamalayan; silang dalawa ang ilan sa mga kabataang sasalo sa labang hindi matatapos ng kanilang nakatatanda. Ang aspetong ito ng mga dagli sa pangunahin ay tungkol sa kasaysayan. At ang inaasahan kong epektong makamit ay ang maipakitang ang kasaysayan ay hindi natatapos sa mga itinuturo sa eskwelahan (kina Bonifacio, sa mga Kastila, Hapon, at Amerikanong dayuhan, atbp.), sa halip ito ay nagpapatuloy magpasahanggang-ngayon at ang bawat pasya ng bawat indibidwal ay nakaka-apekto gaano man kaliit o kalaki sa patuloy na pag-unlad na ito ng kasaysayan. Eksposyur ng Ilusyon at Katotohanan Ang Montalban, kung igu-Google natin, ay isang kilalang malapit at murang tourist destination (may natural wonders na ay may historical significance pa, all for a very affordable price!). Sa sari-saring blogs tungkol sa mga karanasan ng mga nakapag-hiking, caving, spelunking, cycling atpb. sa lugar ay mamamalas ang maraming kamangha-mangha nga namang larawan ng ganda‘t rikit ng Wawa Dam, Pamtinan Cave, ng view sa tuktok ng Mt. Parawagan, atbp. Subalit kung isasa-isip ang marahas na kasalukuyang kalagayan ng mga mamamayan sa lugar, ang mga larawang ito ay maaring ituring na mga ilusyon. Mga di-kumpletong larawang ang taglay lang ay ang paimbabaw na aspeto ng lugar. Ito ang ninais kong ilarawang kalagayan sa dagling ―Overexposed.‖ Sa naturang dagli ay sinasadyang alisin ni Alex sa kanyang shot ang mga imahe ng mga tagpi-tagping kubol, mga sako-sakong talong, mga dayuhang turista, atbp. at gusto lang kunan ang natural na ganda ng lugar. Gayunpaman, babawi ang mga peti-burgesyang magaarala pagdating sa dagling ―Under-exposed‖ kung saan ikinasangkapan naman ni Jon ang 18


parehong kamera na ginamit sa ―Over-exposed‖ para sa layuning maisiwalat ang malagim na katotohanan ng pagsira ng turismo sa Wawa. Maari pang makita ang aspetong ito sa iba pang mga dagli subalit sa aking palagay ay sa dalawang ito pinaka-matingkad. Isa pang aspetong kaugnay ng ilusyon-katotohanan ay ang mangilang pananaginip ng mga tauhan sa mga dagli. Sa unang dagli pa lang ng koleksyon, ang ―Tulog Pa,‖ ay naitampok na ang walang-basehang panaginip/pangarap ni Jon para sa pampulitkang kapangyarihan (isa na raw siyang tanyag na senador). Ang paglutang ng panaginip na ito sa isipan ni Jon ay magdudulot ng kaniyang pagkahiwalay sa realidad (na masasabing siyang ugat din naman ng walang-basehang panaginip). Ang ganitong pagpapangarap ay karakteristiko sa kaniyang kamulatan at uri; ang manghangad ng mas mataas na pampolitika (at kung gayon ay pang-ekonomyang) kapangyarihan sa balangkas ng burges na estado ay hindi kakaiba sa peti-burgesya. Sa ―Ala(a)la‖ naman ay itinampok ang dalawang panaginip ng isang magsasakang orgnisador, si Ka Cel. Una ay pinananaginipan niya ang anak niyang sa kaniya ay nalayo, kaiba sa pangarap na panaginip ni Jon, ang panaginip na ito ni Cel ay nakabatay sa materyal na kondisyon ng pagkakalayo nilang mag-ina, hindi maalis sa kaniyang kamalayan ang pag-aalala para sa sariling anak. Ikalawa, binangungot siya ng masamang alaala hinggil sa naranasang pandarahas sa kamay ng mga militar. Ito rin ay batay sa aktwal niyang karanasan bilang isang organisador sa kanayunan. Makikita kung gayon kung paanong ultimo panaginip ni Cel ay nakalapat sa lupa. Gayunpaman, kagaya ng panaginip ni Jon, ay hindi niya ito maalala. Sa kaniyang paggising ay mabubura ang pangungulila at takot sa kaniyang mga panaginip habang siya ay humaharap sa mga panibagong hamon ng umaga. Sa ganitong paraan ay inaasahan kong naipakita ang lakas ng loob ng magsasakang organisador; sa kabila ng emosyonal na kahirapan at pisikal na panganib, hinaharap niya ang mga hamon sa kaniya.

19


Sa huling dagli sa kwento, ang ―Gising Na‖ ay bumalik ang tuon kay Jon. Sa dagling ito ay nanaginip siya muli. Isang taon na ag lumipas mula nang maganap ang naunang 29 dagli at nakapagtapos na siyang dating mag-aaral. Subalit may epekto sa kaniya ang naging mga karanasan. Hindi na saklaw ng koleksyon ang isang taong lumipas, kung anong mga nangyari rito, subalit ang pagtalon sa panahon ay isinagawa sa layuning ipakitang maikli man ang isang buwan ng pakikipamuhay (hindi man ito sapat para tuluyang baguhin ang kamalayan ng ilang indibidwal), tiyak na mayroon pa rin itong pangmatagalang epekto. Kaya‘t kaiba sa nagmamadaling Jon sa unang dagli ay kalmado ang Jon sa huli. Ang kaniyang pagngisi sa panonood ng balitang hinggil sa opensiba ng mga NPA ay isang pahiwatig sa malaking pagbabago sa kaniyang pampulitikang pag-unawa (sa paglapat nito sa aktwal na katotohanan). Gayunpaman, ang pag-iwas sa tahasang pagsambit sa kaniyang bagong panaginip (pangarap?) ay tangkang ipasa ng parehong tanong sa mambabasa – ano ba dapat? Porma/Kasiningan Sa paglalahad sa mga tema/paksang tangkang talakayin ay susunod ang tanong ng ―paano?‖ Paano ko iniangkop ang pinilang porma (dagli) para pagsilbihan ang aking politika. Sa bahaging ito ay aking tatalakayin ang pormal na aspeto ng mga akda. Eskposyur ng Lumang Porma sa Bagong Kalagayan Ayon kay Alejandro Abadilla, ang dagli bilang porma ay ―nagbinhing una sa mga dagli (sketches) ni Lope K. Santos… noong 1903.‖15 Kadedeklara lang ni Roosevelt ng pagtatapos ng Digmaang Pilipino-Amerikano nang taong iyon (kahit nagpatuloy pa rin ang ang labanan sa kanayunan sa loob ng halos sampu pang taon16). Sa mga sumunod na taon ay muling-itinatag ng kolonyal na pamahalaang Amerikano ang mga institusyon ng mapaniil na Estado. Masigasig ang kanilang naging pakikipag-kolaborasyon sa mga lokal na naghaharing-uri (sa representasyon nina

15 16

(Alejandro G. Abadilla 1954) (Constantino 1975)

20


Quezon at Osmeña) para umano ibigay ang kalayaan ng Pilipinas. Pagkalipas lang ng higit tatlumpu pang taon (wala pang kalahati ng average lifespan ng isang Pilipino17), matapos ang pagtatag ng sari-saring batas hinggil sa pag-aari at politkal na kapangyarihan, ng Ikalawang Digmaang Daigdig (sandaling pananakop ng Hapon sa Pilipinas), sa bisperas ng Cold War, sa taong 1946 ay pormal na idineklara ang kalayaan ng Pilipinas. Kung isasa-isip pang katatapos lang ng mahigit 300 taong kolonyalismong Kastla noon, ang unang tatlong dekada ng 1900s ay panahon ng mabilisang pagbabago (mula kolonyalismong Kastila tungong kolonyalismong Amerikano tungong kolonyalismong Hapones tungong neo-kolonyalismong Amerikano). Sa maagang bahagi ng panahong ito sumibol ang tinawag nating dagli sa mga pahayagang Tagalog (pangunahin nga sa ―Muling Pagsilang‖ ni Santos). Ang mga unang dagling namayani ay pumatungkol sa pag-ibig gayunpaman, hindi naman mawawala ang mga pumatungkol sa panunuligsa sa bagong kolonyalistang Amerikano.18 Ipinaliwanag ni Abadilla na ang naging pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga dagli ay hindi lang dahil sa ―panlalamig‖ nila sa mahahabang babasahin, ―kundi dahil sa naging agpang sa pangangailangan ng mga tao noon na makatipid ng panahon at gugol sa mga babasahing umaaliw na‘y nangangaral pa rin.‖19 1900s pa lang ay mayroon nang demand para sa maikling prosa! Subalit bigla itong mawawala. 20

Isang siglo‘t isang dekada na ang nakakalipas mula pa noon at heto‘t nagpapanibagong-buhay ang dagli. Sa kasalukuyang panahon ng neo-kolonyalismo ay sunod-sunod ang paglabas ng mga

17 18 19 20

69 taong gulang (World Health Organization 2011) (Tolentino and Atienza 2007) (Alejandro G. Abadilla 1954) (Tolentino and Atienza 2007)

21


koleksyon ng dagli. Sa bahaging ito ay layunin kong makapagbigay ng maikling paglalarawan sa kasalukuyang kalagayanan ng dagli bilang isang pormang pampanitikan. Kapansin-pansing pagbabago ang pagpapalit ng midyum. Unang sumulpot ang dagli sa mga pahina ng mga dyaryo, subalit ngayon ay matatagpuan na ito sa mga libro, sa mga koleksyon. Sa aking palagay ay mas popular ang pamamayani nito noon sapagkat mas popular na midyum ang dyaryo kaysa libro, mas madali itong maabot. Lahat ng kontemporaryong halimbawa ay nasa porma ng koleksyon ng mga dagling nakalimbag bilang aklat. Una sa listahan ang ―Sakit sa Kalingkingan‖ ni Rolando Tolentino na lumabas noong 2005. Naglalaman ito ng 100 dagling hinalaw sa mga balita. Kaya naman ang isa sa pinakamatingkad nitong katangian ay ang pagiging politikal. Marami sa mga dagling nasa aklat ay komentaryo sa mga balita o di kaya nama‘y makatotohanang muling-pagkukwento ng di-makatotohanang balita. Sa kaniyang introduksyon para rito ay binanggit niya ang kaangkupan ng dagli sa kasalukuyang panahon ng krisis. Sunod ang ―Sakit sa Kalingkingan at ibang kuwento‖ ni Alwin Aguirre na lumabas din noong 2005. Kung ikukumpara sa mga dagli ni Tolentino ay mahahaba ang kay Aguirre. Kung hindi nga sa introduksyon ni Jun Cruz Reyes para sa koleksyon na nagsasabing ito ay mga dagli ay madaling mapagkakamalang kagaya ng mas-kilala ngayong maikling kwento ang mga ito. Sa introduksyon ni Reyes ay pinahagingan niya ang kaisahan ng mga dagli sa koleksyon ni Aguirre. Bagaman hindi kaisahan sa pakahulugang pagkakaroon ng mas malaki/mahabang naratibo ng mas maiikling dagli; ang tinutukoy ni Reyes ay kaisahan sa ―mundong‖ kinapapalooban ng mga dagli. Ang mga dagli ni Aguirre ay eksperimental din sa isang banda dahil sa sci-fi (porke sci-fi eksperimental na? oo, dahil hindi naman ito established genre sa bansang asarol pa rin ang

22


pambungkal ng lupa) nitong paksa at sa non-linear na paglalahad sa ilang dagli - mahalagang punto ito kung maalalang marka ng dagli ang kawalan ng tiyak na istandard sa porma.21 Lalo namang eksperimental ang ―Taguan-Pung: Koleksyon ng Dagling Kathang Di-Pambata at Manwal ng mga Napapagal (Kopi Teybol Dedbol Buk)‖ ni Eros Atalia na lumabas noong 2006. May dalawa itong bahagi: ang una ay koleksyon ng mga dagling ―di-pambata‖ pero tungkol sa karanasan ng mga bata, ang ikalawa ay ang manwal nga sa pagpapakamatay. Sa haba ay mas malapit ang mga dagli ni Atalia kay Tolentino kaysa kay Aguirre, pero sa paksa ay mas malapit kay Aguirre kaysa kay Tolentino. Hindi hayagang-politikal ang mga akda at mas maituturing ngang eksperimental - sa pagpapaksa at maging sa pagsulat. Sa blurb ngang sinulat para rito ni Lourd de Veyra ay sinabi niyang isang ―middle-finger‖ ang isinisiwalat ni Atalia sa mukha ng pampanitikang kumbensyon. Impormal ang gamit na wika (na muli, malapit sa orihinal na wikang gamit ng makasaysayang dagli); at marahil ang pinaka-kapansin-pansin, ay ang pagbuo ng mas mahabang naratibo ng ikalawang bahagi ng koleksyon. Ang bahaging tungkol sa manwal ay naglalaman ng mga pamamaraan para magpakatiwakal. Bagaman buo ang bawat entry sa sarili nito, kung babasahin bilang koleksyon ay bumubuo ito ng mas malaking naratibo (ni Intoy). Ito marahil ang tinutukoy ng may-akda nang ideklara nitong kauna-unahang koleksyon ng mga dagli ang naturang aklat. Taong 2007 naman lumabas ang ―Mga Kuwentong Paspasan‖ sa pamamatnugot ni Vicente Garcia Groyon III. Isa ito sa mga, kundi man una, naunang koleksyon na may iba‘t-ibang manunulat. Kaiba sa unang tatlong nabanggit na mga koleksyong iisang manunulat. Ang mga kalahok na manunulat ay iba-iba; mula sa eksperimental na si Adam David hanggang sa politikal na si Axel Pinpin. Dahil dito‘y naglaman din ang koleksyon ng sari-saring klase ng akda.

21

Ibid.

23


Subalit hindi dagli ang mga akdang ito, sa halip ay ―sudden/flash fiction‖ sa Filipino. Kasabay ng paglabas ng naturang aklat ang paglabas ng ―Very Short Stories for Harried Readers‖ sa pamamatnugot din ni Groyon, na koleksyon naman ng ―sudden/flash fiction‖ sa Inggles. Kung gayon, ang mga ito ba‘y mga dagli rin? At sa isang banda, ang mga naunang nabanggit bang koleksyon ay koleksyon din ng mga Filipinong ―sudden/flash fiction?‖ Sa aking palagay ay may panganib sa pagtutumbas ng dagli sa ―sudden/flash fiction‖ ng Kanluraning tradisyon. Sa usapin pa lang ng porma ay marami na silang pagakaiba (magkahalintulad lang sa haba/ikli), lalo pa sa kasaysayan. Alang-alang sa diskusyon, nais kong ipahayag ang mga sarili kong opinyon hinggil sa pormal na pagkakaiba ng ―sudden/flash fiction‖ sa dagli: (1) karakteristiko sa dagli ang paghahayag nito ng nais nitong mensahe (―eseyistiko‖ ika ni Tolentino, ―nangangaral‖ ika ni Abadilla) samantalang ang ―sudden/flash fiction‖ ay tungkol sa ―hindi sinasabi ng teksto,‖ 22 sa mga bagay na pinahihiwatig lang ng nasa teksto; (2) impormal ang wika ng dagli; (3) ang dagli ay partisan 23. Kaya hindi maaring basta-basta na lamang ipagtumbas ang isa sa isa. Binanggit ko lamang ang ―Mga Kuwentong Paspasan‖ upang bigyang-linaw ang puntong ito. Dahil tila yata mayroong kalituhan sa pagasasa-kategorya ng mga bagong-sulpot na maiikling maikling kwento. Sa introduksyon halimbawa ni Abdon Balde Jr. sa ―100 Kislap‖ na lumbas nitong 2011 ay nagmumungkahi siya ng isang panibagong katawagan para sa panibagong porma ng maikling prosa (ang tinatawag niya ngang ―kislap‖). Ayon kay Balde, ―Sa mga lupon ng manunulat sa Filipinas ay pinagtatalunan din kung ano ang itatawag sa higit na pinaikling maikling kuwento. Lumabas ang ―Mga Kuwentong Paspasan,‖ na inedit ni Vicente Groyon noong 2007; ang mga kuwento ay walang sukat at karamihan ay lampas ng 150 salita. Si Vim Nadera ay nagpanukala ng KAGYAT. Sabi ni Virgilio S. Almario ay maigi ang pangalang malapit 22 23

(James Thomas and Robert Shapard ed. 2006) (Tolentino and Atienza 2007)

24


sa Flash Fiction. Nang magpanukala si Michael Coroza ng IGLAP ay saka ko naisip ang KISLAP—Kuwentong ISang igLAP.‖ Sa dalawang talata bago ito ay tinatalakay niya ang kamakailang pag-unlad ng ―flash/sudden fiction‖ nga sa Amerika; kaya‘t lumalabas na ang paghahanap sa panibagong katawagan sa ―pinaikling maikling kwento‖ ay maghanap lang ng angkop na salin ng ―flash/sudden fiction‖ sa Filipino. Maaring ganito nga sapagkat sa ikatlong talata bago ang sinipi, sinabi ni Balde na ―Nang lumabas ang short story ng mga Amerikano ay saka lamang natin naisipang tawaging maikling kuwento ang ganitong mga akda.‖ Para bang sa tradisyon ng pagsasa-Filipino ng Amerikanong kategorya ay naghahanap ngayon ang mga manunulat ng tutumbas sa Filipinong ―flash/sudden fiction.‖ Subalit mayroon naman talagang tradisyon ng ―maikling maikling kwento‖ ang mga Pilipino (na may sariling lokal at katutubong mga pinagmulan), ito nga ang dagli. Isang napakalaking tanong tuloy sa akin kung bakit hindi ito ang gamitin/paunlarin ni Balde (sa halip na magdikta ng panibagong katawagan at panibagong istandard sa panibagong porma); hindi naman lingid sa kanyang kaalaman ang dagli. Sa katunaya‘y sa parehong talata (ikatlo bago ang sinipi), tinatalakay ni Balde ang pagkakaroon na ng tradisyon ng dagli sa Pilipinas. Ayon sa kanya, ―Sa Filipinas ay buhay na noon ang DAGLI,‖ na sinundan ng isang mahabang ngunit (at maikling subalit) na hindi ko maunawaan kung bakit tila ba ginagawa nitong invalid ang dagli bilang termino24. Gayunpaman, sa kasalukuyan ay tila nananalo naman ang dagli bilang Pilipinong tradisyon ng maikling prosa. Nito lang mga nakaraang taon ay may lumabasa na namang koleksyon ng mga dagli: "Wag Lang di Makaraos" ni Eros Atalia noong 2011 at "Ang Autobiografia ng Ibang Lady Gaga" ni Jack Alvarez noong 2012. Bagaman kahihiya-hiya at nakakalungkot na hindi ko pa ―…ngunit ang mga kuwentong hinugot sa tadyang ng DAGLI ay tinawag ng mga sumulat nito na maikling kathambuhay at munting pag-awit ng panulat. Tinawag ito ni Patricio Mariano na munting kasaysayan at pansandaling libangan. Tinawag naman ito ni Francisco Laksamana na bahagi ng isang buhay. Nasa tama na sanang landas si Diogracias A. Rosario nang tinawag niya itong ―kuento,‖ subalit hindi niya nabigyang pansin ang ikli nito kung ihahambing sa nobela‖ (ang salungguhit ay sa akin) 24

25


nababasa ang dalawang ito, ang patuloy na pagsulpot ng mga manunulat na kinikilala ang at lumilikha ng dagli ay isang mabuting senyales para sa patuloy na pagpapaunlad sa Pilipinong tradisyong ito sa prosa. Gayunpaman, wala sa mga ito ang pangunahing impluwensya ko pagdating sa pagsusulat ng mga dagli. Dahil sa totoo lang, una kong nakilala ang dagli sa isang isyu ng Ulos na inilabas noon pang Hunyo 2004 (2010 ko naman nabasa). Naglalaman iyon ng limang dagling tungkol sa mga pakikibakang masa at karanasan ng mga hukbo. Noong 2010 ko rin nabasa sa dalawa pang isyu ng Ulos (noong Nobyembre 2005 at Oktubre 2006) ang ilan pang dagli (bagaman sa talaan ng nilamaman ng mga ito ay magkahalo ang kategoryang maikling kwento/dagli). Sa pamamagitan ng maiikling sulyap sa buhay ng hukbo o organisador sa kanayunan, nagkaroon ako ng mas malalim na pag-unawa sa mga ito kaiba halimbawa sa mababasa sa ―Ang Bayan‖ o iba pang paraan ng dokumentasyon. Sa mga akdang iyon ko unang nakilala ang epektibidad ng dagli bilang isang porma. Kaya‘t ang pangunahing kakaibang katangian ng aking mga inakdang dagling nasa kolkesyon ito ay ang kanilang politika. Sumasang-ayon ako kay Prop. Mykel Andrada nang sabihin niya sa thesis presentation ng ikalawang borador ng thesis na ito na ang mga dagling nakapaloob dito ay halimbawa ng ―panitikan ng pakikisangkot‖ (na siya nga rin naman esensyang eksposyur sa isang banda). Bagaman aminado akong hindi ko pa abot ang antas ng politika ng Ulos at ni Tolentino, sa lahat ng kontemporaryong halimbawang nabanggit, sa dalawang ito pinakamalapit ang politika at pinapaksa ng aking mga akda. Nakuha ko marahil sa Ulos ang pagbibigay-tuon sa kanayunan bilang bukal ng mayamang karanasan ng mamamayang Pilipino. Samantalang kay Tolentino naman galing ang paggamit sa natamong relatibong mataas na antas ng edukasyon para sa kritikal na panunuri sa mga karanasang ikinukwento.

26


Kung sa porma naman ay marahil malapit ako kay Aguirre sa usapin ng haba/ikli, kay Alvarez sa usapin ng kabuuan, at kay Atalia sa usapin ng eksperimentasyon. Ang mga aspetong ito at ang pagkakahawig ng mga nabanggit na manunulat sa akin ay sa mga susunod na talata ko papalawigin. Eksposyur ng Igsi sa Kahabaan Nasa 1000 ang karaniwang bilang ng salitang meron ang bawat dagli sa koleksyong ito (200 ang pinakakaunti, 2000 ang pinakamahaba); kasing-haba nga ito halos ng kay Aguirre. Sa pagsasadagli sa mga kwento ng Montalban ay sinikap kong magkaroon ng indibidwal na kabuuan/naratibo ang bawat dagli (tauhan, tunggalian, atbp.); tipong ―it can stand on its own.‖ Pero syempre ang maiigsing tekstong ito ay bumubuo ng isang mas mahaba at mas komprehensibong teksto (mala-nobela). Ang pagkakaroong ito sentral na kabuuan ng mga koleksyong dagli ay kagaya ng premise ng awto-bayograpikal na koleksyon ng mga dagli ni Alvarez. Sa isang banda, mismong ang ilang mga dagli sa koleksyong ito ay nahahati sa mas maiigsing bahagi. Isa pa ito sa pagkakahawig ulit ng mga dagli namin ni Aguirre. Ang huli kasing dagli sa kaniyang koleksyon ay hinati niya sa mga seksyon (para sa bawat pagkakataong papatay ang pangunahing tauhan), sa isang banda ay hawig ito sa ginawa ko ring paghahati sa kasalukuyan at kasaysayan (sa pamamagitan ng italisasyon) at sa paggamit sa tatlong asterisk (***) bilang tanda ng pag-usad ng oras/panahon (time skip) sa ilang mga dagli. Umaasa akong ang maging epekto ng koleksyon ito ng mga dagli ay maisiwalat na ang maliliit na suliraning kinaharap ng mga tauhan (paggising nang maaga, pagkuha ng larawan, pagiinterbyu, panlulumo, atbp.) ay bahagi ng mas malaking suliraning kinakaharap din nila bilang mga grupo ng tao (turismo, kawalang-edukasyon, pandarahas, panlilinlang, atbp.).

27


Sa pagsunod sa ganitong lohika, maaring ituring na ang buong koleksyong ito mismo (na nakapartikular sa Montalban) ay bahagi lang ng mas malaking naratibo ng ating bansa… Eksposyur ng Inggles sa Filipino Unang-una, sa pangkalahatan ay casual at impormal ang nais kong gamiting wika sa mga akdang ito; sa kung paano gamitin ng karaniwang mamamayan (o ng tauhang nagsasalita) ang wikang Filipino sa tunay na buhay. Kaya, ang pag-italicize ko sa mga salitang Inggles (maging sa introduksyong ito) ay malay na pagbibigay-diin sa pagkadayuhan ng mga salitang ito. Bukod pa sa, syempre, teknikal na dahilang kailangang bigyang-pansin sa mambabasa na iba ang paraan ng pagbigkas sa Inggles na salita. Sa kabilang banda, ang pagsasa-Pilipino ko naman sa baybay ng mga salitag Inggles ay para ipahiwatig na bagaman ang mga piling Inggles na salitang ito, sa aking palagay, ay nakapasok na sa bokubolaryong Pilipno, ang orihinal sa kanilang bigkas ay hindi nila nakasama. Halimbawa ay ang paggamit sa Inggles na numero sa mga presyo: hindi naman binibigkas ng karaniwang Pilipino ang five bilang ―faɪv,‖ kundi ―payb.‖ Muli ang pag-aangkop na ito ay pagtatangkang maging mas malapit sa karaniwang wika ng mamayaman ang wika ng mga dagli. Eksperimentasyon Gayunpaman, mayroon pa rin akong ilang isiningit na bahid ng eksperimentasyon, partikular sa mga dagling ―Si Yolly (at ang Barker, Tsuper, Pahinante, at si Bruno Mars),‖ ―Overlap,‖ at ―Mula sa Diary ng Taga-Patag.‖ Sa ―Si Yolly‖ ay pinagsabay-sabay ko ang magkakaibang tinig sa isang teksto kaya‘t nagkakapatungan sila ng mga sinasabi. Sabay-sabay na nagsasalita si Ka Yolly sa entablado, ang 28


barker sa pagtatawag ng pasahero, ang tsuper sa pakikipag-usap sa pahinanteng asawa, at si Bruno Mars na kumakanta sa radyo. Ginawa ko ito upang sa aking palagay ay malinaw ding maipakita kung paano (karaniwang) nangingibabaw ang tinig ng tagapagsalita sa mga rali sa gitna ng sari-saring ingay at gulo ng lunsod. Eksperimental dahil sa isang banda ay naging magulong basahin ang teksto (kinulayan ko ito para makatulong sa mambabasa), gayunpaman, gusto kong pa ring subuking ihain ang ginawa ko sa dagling ito bilang pagtatangkang umangkop sa katotohanan dahil sa tunay na mundo ay hindi naman iisang tinig ang naririnig natin. Sa ―Overlap‖ ay ipinakita ko lang ako ng Venn Diagram na pinatutungkulan sa dagli. Praktikal at makahulugan ang pasyang ito; praktikal dahil napakahirap isalarawan nang malinaw sa salita ang kayang ipakita sa isang iglap ng isang Venn Diagram (kaya nga ito ginagamit), at makahulugan dahil sa isang iglap din ay naisiwalat ko na sa mambabasa ang pag-o-overlap ng mga isyu‘t usapin sa Montalban – kasabay ng mismong pagsisiwalat ng mga mag-aaral sa parehong datos sa mga magsasaka. Sa ―Mula sa Diary ng Taga-Patag‖ naman ay tampok ang isang resipi. Hindi ito karaniwang porma ng naratibo/prosa/panitikan pero sa aking palagay ay maiging magamit ang karaniwang porma nito para isiwalat ang kakaibang katotohanan sa likod ng buhay ng magsasaka. Sa ―…Diary ng Taga-Patag‖ ay inilahad ko ang buong proseso ng paglikha ng isang sumang bundok, mula sa pag-kuha ng kamote, niyog, dahon ng saging atbp. hanggang pagbebenta nito sa napakababang halaga. Sa ganoong paraan ay inaasahan kong naipakita ko ang di-kapanipaniwalang hirap ng proseso para sa paglikha ng isang simpleng pagkain at ang napakababa‘t luging katumbas nitong halaga (at kung gayon ay ang halaga rin ng kanilang oras at pagod) sa merkado.

29


Eksposyur ng Katha sa Katotohanan Ang lahat ng kwentong nasa koleksyong ito ay totoo; subalit kinatha ko lang ang mga partikularidad. Mahigpit ang aking pagpapahalaga sa pagiging totoo ng mga akdang isinusulat. Naniniwala akong ang mga dagli sa koleksyong ito (at ang mismong koleksyon) ay aking personal na pagtatangkang pasimplehin ang mga komplikadong kalagayang aking pinapaksa. Subalit naniniwala rin akong hindi makasasapat ang simpleng pagpapasimple sa mga kalagayan para sa mas makatotohanang paglalahad – iyon ay mas matagumpay na maisasagawa sa larangan ng peryodismo. Ano ang dapat na papel ng pagkatha (fictionalizing)? Para sa akin ay dapat laging nakatuon ang pagkukwento (pagpapasimple sa katotohanan) sa layuning gawing mas maunlad ang kasalukuyang kalagayang ikinukwento, tanging sa ganitong paraan at pananaw lang nagiging positibo at progresibo ang pagkatha sa anumang akdang pampanitikan. At sa mahigpit lang na pagkapit sa layuning ito maaring maging pinakamalapit sa katotohanan ang mga kwento ng kahit na sinong kwentista. Sapagkat sa kung tapat sa ganitong layunin, walang-walang puwang para sa kahit na anong tipo ng pagsisinungaling sa detalye/obserbasyon o ng konserbatibong reaksyon sa katotohanan (gaya ng nabanggit sa taas hinggil sa akademisasyon ng pakikipamuhay). Kaya, sa huli ay magkakawing sa isa‘t-isa ang pagiging makatotohanan at antas ng pagka-katha ng isang akda. Eksposyur ng Mambabasa sa Politika/Paksa Syempre ang ultimate goal ko ay ang impluwensyahan ang mambabasa. Sinong mambabasa? Sa pangkalahatan ay hindi ako kasing-interisado sa ―mambabasa‖ sa pakahulugan ng pamilihian (―most read this summer,‖ ―most read under this category,‖ ―best seller,‖ atbp.) - ang target kong mambabasa ay ang nasa batayang masa: mga magsasaka o at manggagawa, sa mga petiburgesya ay iyong may pagkiling sa ganitong mga paksa ang gusto kong akitin. Sapagkat sa kanila rin ako kumukuha ng materyal at inspirasyon.

30


Ang aspetong ito ng aking layunin ay sa labas na lang ng pamantasan natin tunay na masusukat. Kaya sa ngayon, sapat na marahil sa akin ang pangaraping makatulong/makapag-ambag ang thesis na ito para sa pagsususulong ng interes ng mga magsasaka sa hanay ng mga akademikong manunulat.

Pangwakas Pero sabi nga ni Ka Angie ng Ugnayan ng Manggagawa sa Agrikultura (UMA), ang aktibista ay palaging hindi nasasapatan na lang; kaya nga aktibo siyang kumikilos, para sa patuloy na pagunlad, para sa mas mataas na lebel! Tapos na marahil ang thesis na ito, at para sa akin, ang digradwado kong kurso sa unibersidad, pero syempre, hindi rito natatapos ang pagkatuto. Umaasa akong ang pagtatangka kong ito para paunlarin ang indibidwal kong kaalaman at kakayahan (hindi lang sa tesis na ito kundi sa buong panahon ko sa unibersidad) bilang ambag sa (1) sa pakikibaka ng pinakamalawak na uri sa lipunang Pilipino, at (2) sa pampanitikang tradisyon ng dagli, ay makapagsilbing simulain para sa susunod pang mga pagpapaunlad sa marami pang larangan ng lipunan at panitikan. Mga Akdang Binanggit Aguirre, Alwin. Semi-Kalbo at iba pang Kwento. Maynila: National Commission for Culture and the Arts, 2005. Alejandro G. Abadilla, ed. Ang Maikling Kathang Tagalog. Maynila: Silangan, 1954. Alvarez, Jack. Ang Autobiografia ng Ibang Lady Gaga. 2012. Artista at Manunulat ng Sambayanan (ARMAS). Ulos. ARMAS, Hulyo 2004. —. Ulos. ARMAS, Nobyembre 2005. —. Ulos. ARMAS, Oktubre 206. Atalia, Eros. Taguan-Pung: Koleksyon ng Dagling Kathang Di-Pambata at Manwal ng mga Napapagal (Kopi Teybol Dedbol Buk). Maynila: UST Publishing House, 2006. —. Wag Lang Di Makaraos: 100 Dagli (Mga Kwentong Pasaway, Paaway at Pamatay). Quezon City: Visual Print Enterprises, 2011.

31


Atienza, Monico. "Bokabularyo ng Marxistang Filipino." In Kilusang Pambansa Demokratiko sa Pambansang Wika, by Monico Atienza, 231-278. Quezon City: Sentro ng Wikang Filipino, 1992. Balde, Abdon jr. 100 Kislap. Quezon City: Anvil Publishing, Inc, 2011. Benitez, Conrado. Philippine History in Stories. Boston: Ginn, 1929. Constantino, Renato. The Philippines: A Past Revisited. Quezon City: Tala Publishing, 1975. Ellao, Janess Ann J. "Why Rizal Province Suffered Greatly from Ondoy." Bulatlat. October 2, 2009. http://bulatlat.com/main/2009/10/02/why-rizal-province-suffered-greatly-from-ondoy/ (accessed September 26, 2013). Groyon, Vicente Garcia. Mga Kuwentong Paspasan. Quezon City: Milflores Publishing, Inc., 2007. —. VeryShort Stories for Harried Readers. Quezon City: Milflores Publishing, Inc., 2007. Guillermo, Alice G. "Mao Zedong‘s Revolutionary Aesthetics and its Influence on the Philippine Struggle." In Mao Zedong Thought Lives: Essays in Commemoration of Mao’s Centennial, by Ed. Jose Maria Sison & Stefan Engel. Essen: New Road Public. James Thomas and Robert Shapard ed . Flash Fiction Forward : 80 Very Short Stories. New York: Norton, 2006. Laguna Lake Development Authority. "Full Resettlement Action Plan (RAP) for the Wawa-Montalban Eco-Tourism Sub-Project." LLDA. November 2012. http://www.llda.gov.ph/dox/liscop/WawaMontalbanFullRAP.pdf (accessed September 26, 2013). Martinez, J. Historia famosa ni Bernardo Carpio sa reinong Espana na anac ni D. Sancho Diaz at ni Dona Jimena. Manila, 19--. Pambansa Demokratikong Paaralan. Tatlong Eskum: Mga Espesyal na Kursong Masa. Pambansa Demokratikong Paaralan, 2006. Perello, Dante. Ilang bahay sa tabi ng Wawa Dam sa Rodriguez, RIzal, sinimulan nang gibain. July 19, 2013. http://www.gmanetwork.com/news/video/170438/balitanghali/ilang-bahay-sa-tabi-ng-wawadam-sa-rodriguez-rizal-sinimulan-nang-gibain / http://www.youtube.com/watch?v=eVC-G2teQck (accessed September 26, 2013). Puerto, Luige A. del. "Rodriguez folk hit 'quarrying'." Philippine Daily Inquirer, February 2, 2005: A19. Rizal Youth Development Foundation. A Profile of the Municipality of Montalban. 1971. Tolentino, Rolando. Sakit ng kalingkingan: 100 Dagli sa Edad ng Krisis . Quezon City: University of the Philippines Press, 2006. —. Sakit ng Kalingkingan: 100 Dagli sa Edad ng Krisis. Quezon City: University of the Philippines Press, 2005. Tolentino, Rolando, and Aristotle Atienza. Ang Dagling Tagalog. Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 2007.

32


Unyon ng Manggagawa sa Agrikultura. "Marcosian terror reigns in Hacienda Luisita, 41 years after Martial Law declaration." Facebook. September 21, 2013. https://www.facebook.com/uma.pilipinas/posts/602931283082570 (accessed September 24, 2013). Valera, Aida, interview by Marlon Lester Gueta. (April 2013). World Health Organization. "Life expectancy: Life expectancy by country." Global Health Observatory Data Repository. 2011. http://apps.who.int/gho/data/node.main.688?lang=en (accessed October 17, 2013).

Mga Pinaghalawang Akda Constantino, Renato. "Culture and National Identity." In Dissent and Counter-consciousnes, by Renato Constantino, 41-47. Quezon City: Erehwon, 1979. Guillermo, Alice G. "Mao Zedong‘s Revolutionary Aesthetics and its Influence on the Philippine Struggle." In Mao Zedong Thought Lives: Essays in Commemoration of Mao’s Centennial, by Ed. Jose Maria Sison & Stefan Engel. Essen: New Road Public. Guillermo, Gelacio. Ang Panitikan ng Pambansang Demokrasya . Maynila: Kalikasan Press, 1990. Guillermo, Gelacio. "Introduksyon." In Muog: Ang Naratibo ng Kanayunan sa Matagalang Digmang Bayan sa Pilipinas, by Instityut sa Panitikan at Sining ng Sambayanan (IPASA), xix-lix. University of the Philippines Press, 1998. Guillermo, Gelacio. "The New Mass Art and Literature." In Kilates: Panunuring Pampanitikan sa Pilipinas, by Rosario Torres-Yu, 446-462. Quezon City: Aris Printhaus, 2006. Lumbera, Bienvenido. "The Nationalist Literary Tradition." In Kilates: Panunuring Pampanitikan ng Pilipinas, by Rosario Torres-Yu, 403-415. Quezon City: Aris Printhaus, 2006. Ordonez, Rogelio. "Literatura ng Uring Anakpawis." In Kilates: Panunuring Pampanitikan ng Pilipinas, by Rosario Torres-Yu, 435-445. Quezon City: Aris Printhaus, 2006. Sison, Jose Maria. "The Tasks of the Second Propaganda Movement." In Struggle for National Democracy, by ed. College Editors Guild of the Philippines, 223-236. Maynila: Amado V. Hernandez Memorial Foundation, 1972. Zedong, Mao. "Talks at the Yenan Forum on Literature and Art." Marxists.org. May 1942. http://www.marxists.org/reference/archive/mao/selected-works/volume-3/mswv3_08.htm (accessed September 26, 2013).

33


MGA DAGLI

34


Tulog Pa Hindi naman talaga nagigising nang maaga tuwing ganitong Sabado si Jon, o kahit kailan. Kaya bukod sa alarm ng kaniyang Blakberry, nagbilin siya sa kaniyang lola na gisingin siya pagsapit ng alas-kwatro ng umaga. At iyon na nga ang nangyayari sa nakalipas na tatlumpung minuto. Ilang ulit na siyang binalikan ng 77-anyos niyang lola sa kaniyang kwarto. Kinakalabit, hinihimas, tahimik na sinigawan sa tenga; binuksan na ang ilaw, pinatay na ang electric fan-- wala pa rin. Kaya ngayong alas-kwatro y medya na ng umaga, kasama na ng kaniyang lola ang kaniyang ina. Hinampas nito si Jon sa balikat. At sa wakas ay nagising siya; namulagat ang mga mata niyang pinabibigat pa ng antok. Sa totoo lang wala naman na talagang dapat ikagulat (o ikamulagat) pa si Jon sa mga nangyari. Bukod sa malagim niyang kasaysayan sa paggising nang maaga kahit pa sapat ang kaniyang tulog at maaga siyang nahiga sa kama; napuyat siya kagabi. Hindi pa iyon dahil sa kung ano-anong gimik o inumang kadalasang ginagawa ng mga ka-batch ni Jon tuwing Friday night. Nag-empake kasi siya ng mga damit at nag-ayos ng iba pang mga gamit para sa isang buwang praticum ng kaniyang kurso. Kung bakit naman ginabi na siya sa paghahanda, aba'y hanggang 5:30pm kasi ang klase niya, katapusan pa noon ng linggo kaya't parang walangkatapusan din ang trapik, tapos pagkauwi niya'y nagdagdag pa siya ng mga dadalhing gamit. Madaling-madaling bumangon si Jon at hinablot ang kaniyang nakasabit na tuwalya; naunahan pa niyang lumabas sa kaniyang kwarto ang lola‘t ina. Sa pagtakbo niya papunta sa banyo ay nahagip ng kaniyang mga mata ang nakahanda na niyang almusal - nakahain na sa mesa ang isang platong kaning may katabing hotdog. Mabilis niyang binuksan ang banyo, mabilis na nagsipilyo, mabilis na nagbuhos, mabilis na nag-shampoo, mabilis na nagsabon, mabilis na nagbanlaw, at mabilis na nagtapis. 4:50am. Alas-singko siya dapat umalis. Aabutin din siya ng may sampung minuto sa pagbibihis, pag-a-apply ng facial cleanser, deodorant, at hair gel - wala nang oras para kainin ang nakahain. Habang pabalik siya sa kaniyang kwarto 35


para magbihis ay pasimple niyang pinabalot sa lola ang kaniyang agahan, "Lola, may malinis bang lunchbox? Late na 'ko e, 'di na 'ko makakakain." Sapat na iyon para ihanda't ilipat ng matanda ang kaniyang almusal sa kung aling baunan. Pagkabihis niya ay nakaabang na lang sa kaniya ang kaniyang tatlong malalaking North Face bags at isang maliit na Tupperware. Hindi na niya maisiksik sa alinmang bag ang baunan kaya't bibitbitin na lang niya ito; daig pa niya si Garduce nang akyatin nito ang Mt. Everest: may pasang backpack sa likod, may nakasabit na shoulder bag sa kaliwang balikat, may bitbit na duffel bag ang kanang kamay, at may hawak na lunch box ang kaliwa. Kahit matagal na nilang napag-usapan, dahil isang buwang mawawala, binilinan pa rin si Jon ng kaniyang lola na mag-ingat, sumunod sa propesor, maging magalang, at iba pang hindi na rin narinig pa ni Jon dahil baka iwanan na siya ng kanilang klase at ni hindi siya magkaroon ng posibilidad na suwayin ang mga biling ito ng lola. Pagkasukbit sa kaniyang bag ay kaagad na rin siyang lumabas ng kanilang bahay at nagbyahe. 5:08am. Magsa-sampung minuto na siyang huli para makarating nang alas-sais ng umaga sa kitaan. Buti na lang at sakto ang dating niya sa pila ng FX, ika-siyam na pasahero siya, pero binayaran na rin niya ang ikasampu (para sa kaniyang mga bag) kaya't paalis na rin agad ang sasakyan. Siniksik ni Jon ang sarili at mga bag para makaupo. Hindi pa tapos iabot ng drayber ang parte ng barker-dispatser ay tulog na naman si Jon. Sa karaniwang mga araw, gegewanggewang sana ang kaniyang ulo at panaka-nakang mauuntog sa bintana o sa balikat ng katabi. Subalit ang bitbit niya ngayong dambuhalang backpack ay ginawa niyang unan. Pinalobo ito ng mga damit at readings kaya't malambot. Kahit na masakit ang ulo at naghahabol ng hininga dahil sa puyat at pagmamadali, dahil sa biglang lamig at lambot na dala ng erkon at kutson ng sasakyan kaya mabilis na nakatulog si Jon. At sa kahabaan ng byahe, siya ay nanaginip. Hindi na lang daw siya basta-basta kagawad ng Sangguniang Kabataan, siya na raw ay isa sa pinakakilalang senador ng bansa! Sa panaginip 36


na ito ay bumibigkas siya ng isang priveleged speech sa Senado. Tungkol sa kung anong isyungkabataang hindi naman malinaw; basta malinaw na napapanood siya ng buong bansa dahil maraming kamera sa paligid. Basta malinaw na pinalakpakan siya pagkatapos niyang magsalita, at dinumog pa nga ng mga reporter pagkatapos ng sesyon. Tinatanong siya ng kanyang mga opinyon sa kung ano-anong bagay. Inuna pa nga niyang sagutin iyong isang kakilang dating estudyante ng Journalism! Tapos dumeretso na siya sa kaniyang kotseng, syempre, otso ang plaka. May mga gwardya pa syang pinagbuksan siya ng pinto. Syempre may naka-amerikana ring drayber. Masaya sya, bagaman hindi pa presidente, malapit-lapit na rin siya dahil sabi nga ng maganda niyang sekretarya, nangunguna siya sa mga sarbey. Wala na siyang maalala sa panaginip na ito. Dahil sa sandaling maalimpungatan siya't makita ang nakapatay pang neon signs ng sarado pang Fairview Center Mall, mabilis siyang papara, mabilis na bubuksan ang pinto (kahit hindi pa lubos na nakahinto ang FX), mabilis na bababa, at maiiwan ang kaniyang sukli pati ang pinabalot na almusal - lumagpas siya. Lumagpas siya ng halos tatlong kilometro. 6:24am.

Palikuran Pinakamaagang

dumating

si

Alex.

Partida,

siya

pa

ang

pinakamalayo

ang

pinanggalingan. Kunsabagay, marahil dahil mismo pinakamalayo kaya sumubra ang pagtantya niya sa byahe; 40 minuto siyang maaga sa takdang oras. Sa McDonalds na 24-oras nakabukas sila nakatakdang magkita, alas-sais ng umaga. Inilapag niya ang isa sa tatlong dalang bag sa ilalim ng isang mesa, ang dalawa ay kanyang pinaupo. Pinili niya iyong pwestong katabi ng salaming-pader para madaling makita ang pagdating ng mga kaklaseng nasa byahe pa lang. Naupo siya sa isa sa mga upuan. Sandali siyang nangalumbaba. Sa isip-isip niya'y buti na lang at hindi pasok sa iskedyul ng kaniyang ama ang ihatid siya. Kundi'y tiyak na mas maaga pa siyang darating. Kinuha niya mula sa isang 37


bag ang kaniyang earphones. Katabi nito ang isang lalagyan ng mga cotton balls, kumuha siya ng isa at nilinisan na muna ang bahagi ng earphones na papasok sa malinis niyang mga tenga. Pagkatapos ay isinaksak na niya ito sa kaniyang Samsung Galaxy Ace 3 at sa kanya namang mga tenga. Kumanta ang Hapong si YUI. Pero mabilis siyang nainip. Sa ikalawang kanta ay saglit niyang iniwan ang mga bag para umorder ng makakain. Malapit lang naman siya sa counter; hindi niya tinanggal ang titig sa mga gamit na baka may humablot. Two-piece hot cakes, medium fries, hot chocolate, at isang baso ng malamig na tubig. 5:37am. Tapos na siyang kumain. Hapon pa rin ang kumakanta, ang bandang SCANDAL naman. Naka-tatlong balik na siya sa counter para magpa-refill ng tubig. Mahilig siyang uminom (ng tubig). Paniwala niya kasi'y nalilinis nito ang kaniyang sikmura. Nababagot na siya. Naka-shorts pa naman siya kaya't mas malamig, mas nakakantok. Kinuha niya mula sa bulsa ang kaniyang panyo at inilatag ito sa puting mesa. Ipinatong niya ang mga braso sa panyo at saka inihiga rito ang kaniyang ulo. Maiidlip na muna s‘ya. 5:56am dumating si Niki. Tatlong malalaking bag din ang dala. Walang naging silbi ang pag-upo ni Alex sa tabi ng salaming-pader dahil tulog siya nang dumating ang kaklase. Ginising siya ni Niki. Kinamusta. "Ok lang," matipid niyang sagot kasabay ng magalang na pagtanggal sa earphones - na mabilis niyang pinagsisihan. Hindi sila close ni Niki, manapa'y hindi naman talaga sila magkasundo. Hindi niya type ang kadaldalan ng babae. Bagaman mabait naman nga si Niki, minsan para sa kanya ay masyado itong makwento. Heto't nagkukwento na naman siya kung paanong muntik na siyang makalagpas sa kitaan dahil kulang pa siya sa tulog, dahil naghabol siya ng pag-aayos ng mga gamit, pano'y noong unang beses niyang mag-ayos ay... 6:04am. Ilang minuto na lang naman at darating na si Jon at iyong guide, sa isip-isip ni Alex, magkakaroon na ng ibang kausap itong si Niki. Naghahanap siya ng timing para saksakan ulit ng earphones ang mga tenga. 6:05am. Tumigil na sa pagkukwento si Niki. Napansing hindi 38


naman nakikinig si Alex. Wala na uling ibang naririnig si Alex kundi ang theme song ng kung anong anime. Si Niki naman ay nagte-teks na lang. Iisa ang iniisip ng dalawa: nasaan na ba sila? 6:07am. Nakita ng dalawa ang pagtakbo ni Kristel tungo sa fastfood restaurant. Iisa ang dala nitong bag. Sa unang pagkakataon ay sabay silang natuwa. Nagkatotoo nga ang inaasahan ni Alex, ang dalawang babae na lang ang nagku-kwentuhan. Sinubukan naman siyang tanongtanungin ni Kristel, pero na-tantya rin yata nitong hindi siya interisadong makipag-usap. Si YUI uli ang kumakanta. Si Jon na lang ang hinihintay. Hindi ito sumasagot sa teks o tawag. 6:11am. Umorder na muna ng pagkain si Niki. Naiwan silang dalawa ni Kristel. Sanay naman siyang hindi nagsasalita pero parang bigla yata siyang naiilang ngayon. Parang antagaltagal umorder ni Niki. Siguro'y dahil din pisikal silang magkalapit dahil iisang mesa ang kinahaharapan. O may epekto ang pagiging guide ni (ate) Kristel? Lumipat kaya ako? mungkahi ni Alex sa sarili. Para hindi maging masyadong bastos ay nagpaalam na muna siyang magsi-CR. Naiihi naman din talaga siya. Hinubad niya ang earphones at ibinulsa ang cellphone. Kinuha niya ang isang maliit na bag ng toiletries bago tumayo at dumiretso sa banyo. Hindi pa man din siya nakakapasok sa CR ng McDo ay tila napaatras na kaagad ang ihi sa kaniyang katawan dahil sa labis na panghing tumatagas palabas sa pinto nito. Literal na napaatras ang kaniyang paa, bigla siyang nagdalawang-isip na pumasok. Pero itinulak siya papasok ng ihing papalabas. Huminga siya nang malalim bago itulak pabukas ang pinto. Nagiba ang timpla ng kaniyang mukha nang makapasok. Para siyang niyakap ng panghi, para siyang lumusong sa swimming pool ng ihi. Kaagad niyang ipinatong ang baong bag sa puti at basang lababo sa loob. Plema ba iyong manilaw-nilaw na malapit sa drain o sipon? Hindi na niya ginustong malaman ang sagot. Mabilis siyang tumungo sa nag-iisang urinal. Hindi naiwasan ng kaniyang paningin ang ilang piraso ng bulbol sa bukana ng ihian. Nanginginig siya sa kakamadaling buksan ang zipper ng shorts. Itinutok niya ang ari sa parang puting batong nakapatong sa urinal. Iniangat niya ang paningin at sabay na nairita't nagpasalamat sa tila39


naiwanang Albatross na nakapatong sa ihian; mahapdi sa ilong ang paghalo ng amoy nito sa panghi. Pikit-mata siyang umihi. Gusto sana niyang magmadali pero sadyang marami siyang kailangang ilabas. Palibhasa'y malakas uminom ng tubig. Napadilat siya nang may maramdamang timitilamsik sa mga binti - butas ba'to?! Hindi niya mailayo ang sarili, lagpas isang minuto siyang iginapos ng pag-ihi sa urinal. Lagpas isang minuto siyang tinatalamsikan ng sariling ihi. Pagkatapos ay kaagad niyang ibinalik sa loob ng shorts ang dapat ditong ibinalik, mabilis na kinuha ang ipinatong na bag, at mabilis na lumabas sa naturang banyo. Kaagad siyang naupo sa isang malapit na bakanteng upuan, kumuha ng wet tissue mula sa dalang bag, at mariing pinunasan ang kaniyang mga paa at mga binti. Tinungo niya ang wash area na nasa labas ng banyo. Masusing naghugas ng mga kamay, kiniskis ang singit sa pagitan ng bawat daliri, ang bawat guhit sa mga palad, paligid ng bawat kuko. Pa-iling-iling siyang naglakad pabalik sa kanilang mesa. 6:19am. Tapos nang kumain si Niki. Inabutan niyang nagkukwento si Kristel ng mga ―banyong‖ nagamit na niya sa iba‘t-ibang komunidad na nauna na nyang napuntahan; sa mga kagayang komunidad na pupuntahan nila maya-mayang pagdating ni Jon. Merong yero lang ang pinto, may kurtina lang, meron ngang walang pinto! May ilang yero ang bubong, maraming tarp lang, meron ding pagtingala mo'y ang meron lang ay mga sanga't dahon! May ilang marbol ang inidoro, maraming plastik lang, meron ding puwang lang sa lupa! May ilang may flush, maraming wala pero may timbang maaring igiban, meron ding sobrang lalayo sa poso! Napanganga si Alex. 6:20am sabay-sabay na pumasok sa telepono nilang tatlo ang teks ni Jon: "Sori guys, mlapit n q. Lmagpas aq eh! 10mins"

40


Rali Binabagtas ng matabang dyip ang kalsadang inilatag para sa mga trak ng buhangi't bato. Sa sikip ay hindi halos makaalog ang laman nitong mga bagahe‘t tao. Nagsisiksikan ang mga pawisang katawan; nagkikiskisan ang mga punog-punong kahon at bayong ng gulay at prutas. Tila naligaw sa eksenang ito ang apat na estudyanteng ngayo'y inaantok. Imbes na kahon o bayong ay mga branded na bag at maleta ang kanilang dala. Kunsabagay ay hindi naman talaga sila taga-roon. Dadayo sila sa bundok na nasa dulo ng ruta ng naturang pampasaherong sasakyan. Pinananaginipan ni Jon na isa na siyang sikat na intelektuwal na ngayo'y mayroong book signing para sa daan-daan niyang fans sa kung saang mall; sa totoong mundo'y papatulo na ang laway niya sa kaniyang t-shirt. Buti na lang at hindi ito napapansin ng katabi niyang si Niki na abalang nakikipag-teks sa boypreng nasa byahe rin patungo sa kung saang probinsya. Si Alex nama'y pilit na dumudungaw para makita ang kanilang mga dinaraanan, at kahit pa paano'y malubos ang pagsalubong sa hangin (at usok) na kahit pa paano ri'y nakapagpapagaan sa malapugon nilang kinalalagyan. Si Kristel nama'y tulog na rin; kamukha ng posisyon ni Jon ay nakapatong ang kaniyang ulo sa kaisa-isahang bag na dala. Biglang-lumiko ang dyip na bigla rin namang napatigil dahil sa sumalubong na trapik. Muntik na ring matigil ang pananaginip ni Jon, na ngayo'y nagiging bangungot na dahil di na siya tinatantanan ng pinapantasyang mga fans sa pagtatanong tungkol sa mga misteryo ng buhay (sinusundan daw siya hanggang bahay). Ang kaninang mabilis na takbo ng sasakyan ay naging pautay-utay. Nawala ang paghampas ng hangin (at usok), lalong naramdaman ng mga pasahero ang init. Saglit na naalimpungatan si Kristel, saglit na sumilip, saglit na natukoy na malayo pa sila, at saglit lang ay nakabalik na rin sa pagkakahimbing. Sa gitna ng init ay saglit pang natawa si Niki nang replyan siya ng nobyong 'wag indahin ang init dahil higit namang mainit ang kanilang pag-iibigan. Hindi ito pinansin ni Alex na lalo pang dumungaw sa bintana 41


sa pag-asang matatanaw ang dulo ng trapik. Pero hindi niya ito magawa dahil sa sikip ng kanilang posisyon. Humarap na lang siya sa mga kapwa-pasahero habang hinihintay ang minsang pag-abante ng kinasasakyan. Malapit na ring makatulog si Alex, kanina pa niya tinitiis ang antok. Nang bigla naman siyang may marinig mula sa direksyon ng trapik, "hindi kami aalis sa mga tahanang unti-unti naming ipnundar; hindi kami basta-basta lilipat sa kung saang bundok na walang trabaho, walang bahay, walang kuryente, walang tubig, walang buhay!" May nagra-rali. Napadungaw siyang muli at natanaw ang isang barikadang gawa sa tagpi-tagping kahoy at yero, nasa harapan ito ng ilampung iskwater. Umandar nang kaunti ang dyip. Natanaw na rin niya ang kaharap ng mga nagraraling naka-sando't tsinelas: mga naka-helmet at de-batutang pulis at de-masong MMDA. Nanatiling binabangungot si Jon. Mabilis na nagbago ang itiniteks ni Niki. Nagising si Kristel at ang iba pang pasahero.

Napalapit pa ang kanilang dyip sa naka-iskedyul na

demolisyong naging isang munting labanan. Matatanaw na sana ni Alex ang nakaabang na trak ng bumbero pero abala siya sa paghalukay sa mga bag para sa kanyang camera. Sa isip-isip niya'y kailangang ma-document nito. Papalampas na ang kinasasakyan nila. Natigilan si Alex sa paghahanap nang may marinig muli- binobomba na ng tubig ang mga iskwater. Kaagad siyang napadungaw. Narinig niyang magmura ang kagigising lang na si Kristel. Kasabay ng pag-abante ng pulang tangkeng tubig ang pinauulang bala sa mga raliyista, tuluyan nang nakaratsada ang sinasakyan nilang dyip. Naalimpungatan si Jon, tuluyan nang tumulo ang kaniyang laway sa itim niyang t-shirt. Rumaratsada sa pagsasalita si Kristel. Sa abot ng kaniyang kaalaman ay ipinaliliwanag niya ang dinaanan nilang demolisyon: ―‌bahagi ito ng PPP ni PNoy ‌prayoridad ang mall o tourist atrraction kesa pabahay ...napakaraming ganitong kaso sa buong bansa...‖ - mga salita't terminong pamilyar sa mga kasabay nilang taga-Wawa. Natigilan na si Niki sa pagte-teks, hindi niya mapigilang magsalita dahil sa pagka-inis sa mararahas na pulis. Nakikinig si Alex sa dalawa 42


habang sa isip-isip ay nanghihinayang na walang napiktyuran man lang. Nakikinig din ang ilang matatandang pasahero. Nagising si Jon mula sa bangungot ng labis na katalinuha't kasikatan pabalik sa maingay nang dyip; wala kamuwang-muwang, takang-taka.

Over-exposed Tirik ang araw nang sila‘y makarating. Pakiramdam ni Alex ay matutunaw ang rubber print sa suot niyang t-shirt dahil sa sobrang init. Sumilong na muna sila sa isang tipikal na waiting shed; tadtad ito ng tipikal na pangalan ng tipikal na mga politiko at "donor." Ang sabi ng kanilang guide, daanan na muna nila sa malapit na baranggay health center ang magiging pinaka-nanay nila sa lugar, si ka Lisa. Nagta-trabaho roon si Ka Lisa bilang isang health officer; sideline niya dahil hindi mapapag-aral ng pagsasaka lang ang kaniyang mga anak. ―Montalban Tourism Office‖ ang nakasulat sa pinto ng tinatawag na health center. Wala raw dito ang tunay na tourism office, nasa sentrong bayan iyon. Pero dahil wala namang gusali para sa health center, ito na lang ang ginamit nang mapakinabangan. Masigla ang ngiting ipinansalubong ni Ka Lisa sa mga estudyante. Nagpakilala sila sa isa‘t-isa. Nag-kamayan. Napagkasunduang tumingin-tingin na muna sila sa ilang kilalang ―tourist destinations‖ sa lugar, tutal ay oras pa ng duty ni Ka Lisa. Pero papa-out na rin naman na siya kaya imbes na maupo‘t maghintay, maglibot na nga lang daw muna sila. Wala naman daw silang kaliligawan dito sa baba ng bundok. Sabay-sabay na lang daw silang umakyat mamaya sa talagang pakay nilang komunidad. Kaya pansamantalang turista ang mga exposurist. Iniwanan na muna nila ang naglalakihan nilang mga bag sa health center. Pero bitbit ni Alex ang maliit na body bag para sa kanyang DLSR. Syempre dapat kuhanan ng magandang kamera ang magagandang tanawin para maganda ang piktyur. 43


Wawa Dam daw ang kanilang pupuntahan. Naglakad sila hanggang sa hangganan ng sementadong kalsada. Isang malawak na palengke ng bilyaran, karaoke-han, ihawan, at iba‘tibang sari-sari store ang sumalubong sa kanila. Sa likod ng isang hanay ng mga ito ay makikita ang mga naglalakihang puting batong pinagbatayan daw ng dating pangalan ng lugar; Monte Alba, white mountain, na kalauna‘y naging Montalban nga. Para silang mga bolang marbol. Mga dambuhalang bolang marbol. Parang sa mga ganitong tipo ng bato inuukit ng mga sinaunang Griyego ang kanilang mga diyos at diyosa. Idagdag pa ang pagpalo sa mga ito ng mainit na sikat ng araw, na nagpapakinang pang lalo sa kanilang bawat anggulo. Animo‘y mga dambuhalang piraso ng puting ginto. Mga dambuhalang puting gintong nakakalat lang sa mababaw na sapa. Gustong magsibaba ng tatlong estudyante para mahawakan, matuntungan, at makapagpa-picture sa naturang mga likas na likhang-sining. Pero hindi pwede, delikado; madudulas ang mga dambuhlang bato. Isa pa‘y kahit relatibong mababaw ang sapa ngayon, malakas-lakas pa rin ang agos nito dahil nga malapit lang sa isang dam na hindi na naman na gumagana. Ilang turista at bata na rin ang tinangay nito at ibinalibag o iniuuntog sa mga puting bato. Pero hindi magsing-husay ang mata ng tao at lente ng kamera. Hindi magsing-ganda ang nakikita ni Alex sa kaniyang nakukunan. Kahit pa high-tech na ang gamit niyang kamera. Gusto niyang ma-piktyuran ang mga puting bato nang nakikita rin ang mataas na bundok sa likuran nito. Pero kapag lumalayo siya para makunan din ang bundok, ay nahahagip rin ng kaniyang kamera ang isang hanay ng tagpi-tagping tindahan na tumatakip naman sa mga puting ginto. Pangit. Ang ginawa niya‘y lumapit siya sa pinaka-gilid ng ilog, lagpas sa isang bilyaran. Ngayong nakaharap siya sa sapa, bundok at mga bato; at nakatalikod sa mga tindahang yari sa iba't ibang kahoy at kawayan. Dito niya kinalikot ang settings ng DSLR at saka kinuhanan ang mga magandang tanawin. Nagpatuloy silang maglakad patungo sa dam. Dumaan sila sa isang parang hallway na 44


sa totoo‘y pinakagilid ng isa sa mga bundok na pinigilan daw ni Bernardo Carpio na magkabangga. Ang pinaka-sahig at pinaka-kisame nito ay gawa sa itim na batong mismong komposisyon din ng bundok. Tila inukit ang hallway mula sa mismong bundok para may madaanan. Bagaman kabaligtaran sa kulay, kagaya ng mga puting bato ay para rin itong marbol dahil sa kintab nito‘t kinis. Idagdag pang tanaw din mula rito ang mga puting ginto ng sapa. Para silang nasa isang museo. Museo ng kalikasan. Syempre‘y gusto uling kuhaan ni Alex ang kagandahang ito. Pero hindi mawalan ng mga tao sa marbol na hallway. May mga magsasakang may bitbit na malalaking sako ng talong o saging ang daan nang daan. May mangilan-ngilang matatangkad na foreigner, mga tunay na turista, ang inaasistehan ng mas maliliit na taga-roon. Meron pa ngang mga cyclist. Ang gusto ni Alex ay makuhaan ang naturang museo sa likas at natural nitong ganda - walang tao, walang epal. Pero hindi talaga mawalan ng dumaraan. Hindi naman niya magawang patigilin ang mga magsasaka at mga turista dahil lang pipiktyuran niya ang daan. Nahihiya siya, mukha naman siyang jerk nun. Ang ending, nag-group picture na lang sila. At least sa ganoon ay rasonableng patigilin saglit ang daloy ng mga tao, at kahit background ay nakuhaan nya rin ang daang marbol. Ganito rin ang kinaharap niyang problema nang makarating na sila sa Wawa Dam. Napakagandang tanawin ng pagharang ng dam sa ilog. Lumilikha ito ng isang napakalawak na pader ng tubig na patuloy na umaagos. Parang maliliit na dyamante ang pagkislap nito sa katirikan ng araw. Parang pader ng banayad at dalisay na dyamante. Kaya lang ay pinuputakti ng mga kubol at tao. May ilang mapapangahas na nakasandal sa mismong dam at sinasalubong ang bagsak ng tubig. Para silang maliliit na tigyawat sa kariktan ng dam. Sa bandang baba naman nito ay may ilampung cottages. Sa loob nito‘y may mga nagmemeryenda, nag-iinuman, nagsa-sun bathing, nagkukulitan, atbp. Hindi sila bagay sa nakakapagpakalmang ganda ng mala-dyamanteng dam. Mga pa-epal sa perpektong larawang hindi tuloy makuha ng DSLR ni Alex. Gayunpaman, pinilit niyang alisin ang tagpi-tagping cottages at mga turista sa piktyur. 45


Bandang itaas ng dam ang kanyang kinunan, tanaw sa likod ang malakas na ragasa ng nakabubulag na sinag ng araw papasok sa lente ng kamera. Papalilim na nang sila‘y makabalik sa health center. Sa labas lang ng pinto ay kumakaway sa kanila si Ka Lisa. Paparami at papalakas na ang kantahan ng mga nagka-karaoke. Kinamusta sila ng magsasakang health worker. Kanya-kanyang kwento ng pagkamangha ang mga kaklase in Alex. Siya naman ay abala sa pag-review sa magagandang larawang nakuhaan ng magandang kamera. Kinuha nilang muli ang malalaki nilang bag bago magsimulang maglakad paakyat sa bundok, papasok sa komunidad ng mga magsasaka. Hindi ipinasok ni Alex ang kamera sa bag, sa isip niya‘y marami pa siyang magagandang tanawing pipiktyuran. Naglalaro sa kaniyang isipan ang sari-saring effects na ilalagay sa kanilang gagawing audio-visual presentation pagkatapos ng kasisimulang lang na practicum – excited na siyang mag-edit.

Tulog Pa Rin Alas-syete y medya ng gabi. Katatapos lang nilang maghapunan. Nilagang talbos ng kamoteng sinahugan ng sardinas ang ulam. Magkasama si Alex at Jon na naghuhugas ng mga pinggan. Ang pinaka-kusina sa kinatutuluyan nilang bahay ay gawa sa kawayan at iba't iba pang mga kahoy. Nasa labas ito ng sementadong pinaka-bahay, kaya't walang ilaw at madilim ang kanilang pinaghuhugasan. Waring mataas na papag ang pinaka-lababong pinaghuhugasan ni Jon ng mga plato't baso. Lupa ang direktang humihigop sa natatapong tubig. Natatalamsikan ang kanilang mga paa ng pinaghalong lupa, tubig, at sabon. Naiirita ma'y wala namang magawa si Alex. Siya ang nagsisilbiing taga-tutok ng flashlight sa kaklaseng nagsasabon. Magsasalit sila mamaya kapag banlawan na. Inaantok na si Jon. Pareho tuloy silang tahimik. Gusto na lang niya kaagad matapos nang makatulog na, maaga pa ulit ang gising bukas, sa isip-isip nito. Si Alex, na palagi namang 46


tahimik, ay natataranta kung pa paano siya matutulog. Paano'y ang tutulugan nila ay mga bangko. Hindi naman kasi talaga sanay ang bahay nina Ka Lisa sa higit sa limang okupante. Silang mag-iina ay sa isang kwarto natutulog. Sa nilatagang sahig lang sila nahihiga. Sa kabilang kwarto ay mayroong marupok na papag na hindi na nila ginagamit. Dito na lang pinatulog sina Niki at Kristel. Wala nang kwarto ni panlatag para kina Alex at Jon. Kaya nga, sa bangko na lang sila sa pinaka-sala ng bahay. Tig-isa silang unan at kumot. Hindi ito gaanong problema para kay Jon, kaya naman nitong makatulog kahit saan. Pero ibang usapan para kay Alex. Inilubog ni Jon ang huling sinabunang plato sa nakaabang na palanggana ng inigib na tubig. Kinuha niya ang flashlight mula kay Alex. Sa pagdampi ng kamay ni Alex sa tubig ay kinalabit siya ng ginaw. Nagsimula siyang magbanlaw ng mga hinugasan. Tahimik pa rin ang dalawa. Bukod sa tumitilamsik na pinaghugasang-tubig ay kinukurot-kurot din ng mga lamok ang kanilang mga binti - mga pitik ng latigo ng hinete sa kabayo na nagpapabilis sa kilos ni Alex. Kaya kahit pa hindi naman talaga naghuhugas ng pinggan, madali siyang natapos sa pagbabanlaw. Sabay na nagsipilyo ang dalawa. Mag-isa na lang si Alex na nag-moisturizer ng mukha. Nauna nang nahiga sa bangko si Jon. Pagkapasok ni Alex sa bahay ay mahimbing na ang kaklase. Pagkatapos magligpit ng sabon, moizturizer, toothpaste, toothbrush, at tuwalya; magset-up ng Kidlat katol malapit sa kaniyang tutulugan; at i-set nang 4am ang alarm sa cellphone, sinubukan na niyang mahiga sa bangko. Katulad ng inaasahan ay may kaunti iyong pagkukulang; masyadong mahaba para rito si Alex. Tumagilid siya ng higa, tinanaw ang katapat lang na si Jon. Tulog na tulog na ito. Binalutan ni Alex ang sarili ng makapal na kumot at saka pumikit. Masyado yatang makapal ang kumot. Mainit. Kung tatanggalin naman niya'y masyadong malamig. Doon na lang siya sa malamig. Bumangon siya sandali para tiklupin ang kumot. Idinagdag niya ito sa manipis niyang unan. Nahiga siya muli at nagmistulang dambuhalang fetus. 47


Nakatulog din naman si Alex. Kaya lang, siguro matapos maka-isa o dalawang oras ng tulog ay ginising siya ng isang pusang nakisiping sa kaniyang ulunan. Gulat na gulat silang napapiglas. Dali-daling bumangon si Alex. Tumalon pababa sa bangko ang pusa at tumakbo, sumiksik sa ilalim ng pintuan, palabas ng bahay. Tulog na nga sana'y nagising pa tuloy ang diwa ni Alex. Naupo siya sa tulugang-bangko. Bigla na lang niyang naramdamang kumirot ang buto niya sa bewang. Paano'y dumidiin ito sa bangkong kahoy. Masakit din ang buto niya sa balikat. Kung bakit naman kasi nagsisilawitan ang kanyang mga buto-buto, sagana naman sya‘t malakas pa ngang kumain. Inilitag na lamang niya sa bangko ang kaninang inunang kumot. Makapal iyon kaya't siguro, kahit pa paano‘y mapapalalambot ang kaniyang tulugan. Bago mahiga'y tinignan niya sa cellphone ang oras, 9:35pm. Maaga-aga pa pala. Kung nasa sa bahay nila siya sa Cavite, sa ganitong oras ay kaka-hapunan niya lang. Pagkatapos ay sasalang ulit siya sa Lenovo niyang laptop para makitsismoso sa mga koment-an sa Facebook, maghukay ng mga kanta sa soundtrack ng mga anime na hindi pa man sikat ay paborito na niya, makibasa sa ilang sari-saring manga para naman matawa, o manood (uli) ng anime – malapit nang marating ni Kirito ang 100th floor! Pero imposible ang lahat ng iyon dito sa bundok. Kaya hindi pa siya makatulog, hindi siya kumportable sa lugar at oras. Masakit pa rin sa bewang at balikat ang patagilid na paghiga. Tumuwid na lang siya nang parang patay at hinayaang nakabitin ang kalahati ng binting lagpas sa bangko. Pumikit siyang muli. Gising pa rin talaga ang kaniyang diwa. Inaalala niyang baka mamaya ay may pusa na namang makitabi sa kaniya. Naririnig-rinig pa niya ang mga kuting nitong ngingiyaw-ngiyaw. Hindi pa rin siya talaga makatulog. Inaalala niya ang mga plano nilang gawin bukas nang umaga, o bukas nang madaling-araw. Dapat daw ay makapag-bahay-bahay na sila bukas nang alas-syete para abutan pa nila ang mga magsasaka sa kani-kanilang mga bahay bago sila magsipag-akyatan sa kani-kanilang mga taniman. Kaya dapat, alas kwatro ay gising na sila. 48


Pagsapit ng alas singko ay tapos na silang magluto ng agahan, alas sais ay nakapaghugas na ng mga pinggan, alas syete nakaligo na't handa na silang lumakad. Bukas ang unang araw nila sa komunidad at bukas na rin ang unang pakikipanayam nila sa iba't-ibang mga magsasaka. Nakapag-phasing na rin, ilang araw dito sa sitio Sapa, ilang araw sa Wawa, ilang araw sa Parawagan; anong production work ang lalahukan kailan, kaninong taniman; ano-anong opisina ang pupuntahan kailan‌ Sa huli ay napagod din kaiisip si Alex sa mga gawaing nag-aabang sa kanila bukas at sa mga susunod pang araw at linggo. Saka lang siya nakatulog. Pasado alas-onse na noon. 2:58am nang muli siyang maalimpungatan. Nakita niyang nakalaylay pa ang kamay ng katapat niyang si Jon sa sementong sahig, tulog na tulog. May kumikilos sa kusina sa labas. Dahil tulog pa rin ang diwa'y hindi bumangon si Alex. Wala namang pusa sa kanyang mukha. Narinig niya ang boses ni ka Lisa na tinatawag ang panganay na anak at pinatutulong sa pagluluto ng almusal. Nagdikit muli ang mga talukap ng kaniyang mata at muli siyang nahimbing. Maya-maya, pagkatapos gisingin ng kaniyang mga kaklase, alanganing gising-tulog niyang sasalubungin ang unang araw ng pakikipamuhay.

Haligi ng Tahanan 2 Hindi biro ang paggawa ng bahay, lalo pa malamang sa bundok. Iyong paggawa pa nga lang ng plano ay ilang gabi ring pinagpuyatan ng ama ni Alex. Naalala pa niya kung gaano kasubsob sa trabaho ang kaniyang ama noong dinidisenyo niya ang ipapatayo pa lamang na bahay ng isa sa kaniyang mga tita. Bawat poste'y dapat detalyado kung gaano kahaba't kakapal, kung saang materyales gawa; bawat ilang metro-kwadrado ng sahig sa 2nd floor dapat may pundasyon; dapat sapat ang labasan kung magkaroon ng emergency; tamang bentilasyon, iyong 49


sirkulasyon ng hangin - maraming bagay ang dapat na tiyakin. Mahirap nga namang matulog sa isang istrukturang hindi mo napagkakatiwalaan. Kaya bago pa mamangha'y napatanong si Alex sa kaharap na magsasaka, "Pero paano po iyong blueprint?" Aakalaing kaagad siyang nabigla sa sariling choice of words kung hindi mapapansing nakita na muna n'ya ang pagkunot ng noo ng kaklaseng si Niki na katabi lang ng kanilang kinakapanayam; mabilis siya nitong sinalo, "Paano raw po iyong disenyo ng bahay na ginagawa n'yo? Kayo rin po ba-" Mabilis na sumagot ang matanda nang marinig ang salitang "disenyo," "Aba'y wala nang disayn! Yung drowing-drowing, yung nakaguhit na malaki? Ang may ganyan lang ay yung mga indyinir, yung mga naka-kolehiyo. Kapag kami ang gumagawa, tantya-tantya lang. E wala din naman akong alam sa ganyan, sumulat nga'y hirap ako e!" Natawa siya; hindi siya nahiya pagkat alam niyang maraming kagaya niya. Sandali uling natahimik ang tatlo; sa pambihirang pagkakataon ay naunahan ni Alex si Niki, "Pero paano po-" Pinalakas ng pananabik ang tinig ng magsasaka-karpintero, "Ang alam lang namin, kung saan da best gamitin ang kung anumang kahoy; kung saang sukal makikita, bubunutin, paano lilinisan, papakuan - ayan, ayan lang ang alam namin." Mula sa blueprint ay mabilis na nagbago ang imaheng naiisip ni Alex, ngayo'y mga dilaw na helmet sa mga ulo ng nakaputing construction worker na mala-langgam magsikilos sa pagitan ng higanteng kalansay ng bakal at semento na kanilang itnitindig para sa kung aling kumpanyang reyna. Mas marami tuloy s'ya ngayong gustong itanong. Wala pong safety gear? helmet? boots? Paano po kung may aksidente? Helicopter ambulance lang ang makakaresponde on time sa bundok! May pagla-landing-an man lang ba 'yun kunsakaling meron? Tapos kung wala ring ibang transportation, paano ang building materials? Lahat ba kaya nang i-provide ng nasa timberlands?... Pero gaya ng karaniwan ay nanatili siyang tahimik. Ang totoo'y dahil lasing sa antok kaya‘t nagbigla siya kanina at napabulalas nga ng tanong tungkol sa blueprint. 50


1 Nakaupo sa bangkong katabi ng lupang-kalsada ang tatlong kakakape lang na magkakaklase nang matapos siyang magbihis at magtungo sa bahay ni kuya Francis, kaniyang anak. Kaagad niyang napansin ang tatlong di-pamilyar na mukha ng mga nakaupo sa bangko sa tapat ng bahay ng kaniyang bunso. Sumigaw siya para tawagin ang anak, gusto niyang kamustahin kung nag-almusal na ba ang kaniyang gwapong-gwapong apo dahil na-miss niya iyon. Habang hinihintay ang tugon ng anak, naupo na rin muna siya sa kawayang-bangkong katapat naman ng kinauupuan ng mga bisita. Natuwa siyang hindi na niya kailangang magtanong, mabilis ngunit magalang na nagpakilala ang tatlong estranghero. Gusto sana niyang magpahinga o di kaya'y maidlip sa bangko; mamaya na lang ulit siya makikipagkwentuhan sa mga exposurist, sa ngayo‘y gusto niya ngang magpahinga muna sana. Kaya inangat niya ang kaniyang magkabilang paa sa bangko at idinantay ang kanang braso sa kahoy nitong sandalan. Pero hindi yata nakatiis sa katahimikan ang nag-iisang babae sa mga estudyante na mabilis na napansing tila-pagod siya gayong kay aga-aga, "Ang aga pa po a, san po kayo galing, nay?" "Ay, nag-riper ako ng bahay sa Parawagan, dun sa bundok. E madaling-araw talaga ako bumababa at sobrang init pag hinapon" tugon niya. Ayaw pa sana niyang maistorbo at magkwento tungkol sa pangangarpintero pero tila nakakahawang caffeine ang sigla't pamamangha ng dalagang napatayo pa't tumabi sa kaniya. Ibinaba niyang muli ang mga paa at pinaraanan ng kamay ang suot na bestida; sa edad niya'y mas mahirap na yatang alalahanin kung paano magtayo ng bahay kaysa gawin ito.

Bisita Alas-otso pasado ng umaga. Kahit inaantok-antok pa sina Jon ay nagsimula na kaming 51


maglakad patungo sa mga kakapanayamin. Dapat nga'y alas-syete pa kami nagsimula, kundi lang matagal magising at mabagal kumilos itong si Alex. Nahirapan daw kasi siyang matulog. Arte. Pero sabagay, siguro maging ako'y mahihirapang makatulog sa bangko. Pero hindi naman kami maaring mag-demand ng magandang tulugan kung ganoon talaga ang tinutulugan ng mga tao rito. Sa mga kagaya ng tinulugan nina Alex at Jon kagabi kami ngayon nakaupo, sa bakurang walang bakod ng unang iinterbyuhin. Ilang hakbang lang ang layo ni ka Cel, sa may pintong walang pinto, nakikipag-usap sa isang siguro'y magtatalumpung taong gulang na ina (?). Kakaiba ang pagkakangiti niya, hindi lang ng kaniyang mga labi kundi pati ng kaniyang mga mata. Waring nanloloko, waring may itinatago. Ako, si Alex, at Jon lang ang naka-upo rito sa bangko. Si ate Kristel ay nakatayo't nakasandal sa isang malapit na posteng kawayan. Pinaliliwanag niyang kasama namin si ka Cel ngayon dahil kararating lang namin at first time na mag-iinterbyu dito sa lugar, pero para sa mga susunod na araw dapat daw ay kaya na naming makipagpanayam nang kami lang-- "Ay puke, ano yun!" napatayo ako sa pagkabigla. May kung anong dumapo sa likuran ko! Nagising ang diwa ng katabi kong si Alex, natawa ang katabi niyang si Jon. Isa lang palang marungis at literal na uhuging bata ang kumalabit sa akin. Nasa kabilang gilid siya ng bangko. Mabilis akong kumalma at nakyut-an sa batang siguro'y apat na taong gulang pa lang. "Ay bata lang pala, bakit ka naman kasi nanggugulat, hm?" tinapik ko ang bunbunan nito. Saka ko napansing napakarungis niyang talaga. Wala siyang kasaplot-saplot at ang buo niyang katawan ay kinaliligiran ng... ano ba ang mga ito? hindi naman grasa, buhangin ba o alikabok? na ano, dinikit sa balat niya ng sariling pawis? o ng sipon kayang ipinahid? May mga butil rin siya ng kanin sa siko, braso, pisngi, at singit! Nako, nasaan ba ang nanay mong bata ka? Tumakas ang bata mula sa aking haplos at tumakbo papasok sa bahay ng inang (?) kausap pa rin ni ka Cel aba, dito pala siya nakatira. Nagkatinginan kami ni Jon, hindi ko lang sigurado pero parang may 52


pinigil siyang tawa; ako'y pinigil ang ekspresyon ng awa. Imbes na maupo'y pinuntahan ko si ka Cel. Pero tapos na yata ang usapan nila ni ateng masaya. Bumalik na siya sa loob ng kanilang bahay, nakangiti pa rin ang mata't bibig. "Wala e," sambit ni ka Cel sa amin, "kanina pa raw umalis si Ka Ernie, tatay niya." "Nako, ayan na nga bang iniiwasan natin," si ate Kristel. Tiningnan namin lahat ang inaantok pa ring si Alex. "Si Edna na lang ang interbyuhin nyo, asawa ni Ka Ernie, kanya lang hindi na yon nagsasaka e." "Okay lang yan." "Hintayin na lang daw natin at bumili lang daw sandali ng bigas." "Late na kasi tayo umalis, ganyan tuloy ang buena mano natin." Siniko ni Jon si Alex, na sa kabila ng antok ay tila tinatakluban ng ilang patong ng nakapamumulang hiya. Habang naghihintay, nagkwento na muna si ka Cel tungkol kay tatay Ka Ernie. Ako nama'y nagtataka pa rin kay ateng masaya at sa batang marungis, weird e.

Lagi lang siyang nakangiti. Habang nagwawalis ng bakuran. Habang nag-iigib ng tubig. Habang nag-uurong ng pinggan. Basta lagi siyang nakangiti. Pero hindi na ito ipinagtataka pa ng kanilang mga kapitbahay. Simula bata pa kasi siya ganito. Oo, paminsan siyang iiyak at bubusangot, halimbawa'y kapag gutom o kapag nasaktan, pero sa mga pangkaraniwagn pagkakataon ay lagi lang siyang nakangiti. Para bang hindi napapagod sa pagkakabanat ang kaniyang mga pisngi. Aba, pati nga mga mata niya'y kababakasan ng pagngiti. Hindi siya pala-salita, isang bagay na mula pagkabata'y taglay na niya. Kadalasa'y iling, tango, kunot ng noo, o iyon ngang walang-maliw niyang ngiti lang ang tugon niya sa 53


mga tao. Bihira siyang magsalita, sabi ng ilan ay dahil marahil hindi siya nakapag-aral, nahihiya tuloy. Sinubukan naman siyang pag-aralin ng kaniyang mga magulang. Una siyang pumasok sa pinakamalapit na public school sa kanilang lugar, na siguro'y may mahigit sampung kilometro rin ang layo. Grade 1. Hindi siya naging magaling sa kahit na anong sabdyek. Hirap siyang magbasa ng mga salitang lalagpas sa dalawang pantig. Hirap na magbilang nang lalagpas sa dalawampu. Sa GMRC (Good Manners and Right Conduct) pala ay hindi siya nahirapan. Madali niyang maintindihan kung bakit kailangang maagang matulog at maagang magising, magsepilyo pagkakain, mag-po't opo o ho't oho, magmano, mag-share ng pagkain, magdasal, at iba pa. Sa mga pagkakataon namang hindi talaga niya maintindihan ang dahilan, madali para sa kaniya ang sumunod. Ang problema'y hindi lang naman pagiging mabait at masunurin ang gingraduhan sa eskwelahan. Iginapang niya ang pagpasa sa una niyang taon sa eskwela. Kasisimula palang noon ng kaniyang ikalawang taon sa elementarya nang ipatawag ng kanilang adviser ang kaniyang mga magulang para sabihing kailangan ni Juday ng ibang eskwelahan. Na hindi kaya ng kanilang eskwelahan ang mga espesyal na pangangailangan ni Juday bilang estudyante. Sa simula'y hindi ito maintindihan ng mag-asawa, ganoon ba katanga ang kanilang unica hija? Saka lang nila mauunawaan ang guro nang banggitin na nito ang mga terminong "special child" at "autistic." Kaya raw hindi makasabay si Juday sa mga lesson ay dahil kaiba ang takbo ng utak nito. Special nga. Sinubukan naman nilang maghanap ng abot-kayang SPED (Special Education), ilang linggo ding naglibot sa bayan ang mag-ina kakatanong sa mga opisina ng gubyerno, o kakatawag sa kung aling “center” o “institution.” Kaya lang ay wala talaga sa kanilang malapit na maliit lang ang bayad. Kaya sa huli ay tuluyan na ngang natigil ang kasisimula palang na pag-aaral ni Juday. Naiiwan na lang ito sa kanilang bahay at paminsang 54


tumutulong sa mga magulang na magsaka. Hanggang sa tumanda na nga siyang ganoon. Taong-bahay, ika nga. Dahil mabait at masunurin, wala namang naging malaking problema ang mag-asawang Ka Ernie at Edna sa anak nilang espesyal hindi lang pala para sa kanila. Kaya kahit bata pa'y maaga siyang natuto ng mga praktikal na gawaing-bahay, mula sa pagwawalis, pag-uurong, at pag-iigib hanggang sa pagsasaing, pagluluto, at paglalaba. Ang problema, nanatiling bata ang kaniyang isip kahit pa ang katawan niya'y pangdalaga na. Di nagtagal ay lumaki na ang kaniyang mga suso, niregla na rin siya. Naging malusog at sadyang kapansin-pansin ang kaniyang mga suso. Madalas tuloy siyang paswitan ng mga kalalakihang lasing, madalas biruin ng mga lalaking alanganing batabinata, alanganing sunod-sa-uso at pasaway. Gayon pa man ay hindi naman ito kailanman naging isang seryosong problema. Pati mga lola na ay paminsang nababastos sa kanilang sitio. Marahil, malaking bagay para kay Juday na sa lugar na iyon talaga siya lumaki. Para sa marami nilang kapitbahay ay siya pa rin ang 'no read, no write' at masunuring batang taong-bahay, iyong laging nagwawalis sa bakuran, nag-uurong, nagluluto, at naglalaba nakangiti. Siya pa rin ang isip-batang Juday na lagi lang nakangiti. Pero syempre, hindi ganoon ang tingin ng mga galing sa ibang lugar. Gaya na lang ni Private RJ Gomez, isang sundalong laking-Maynila. Isa siya sa mga sundalang idinestino sa Montalban para sa peace and order doon. Halos kasabay nilang dumating ang mga trak at buldoser ng WING XING Construction Company, ang Koreanong kumpanyang kasosyo ng Montalban Tourism Office (MTO) sa pagtatayo ng mga resto, hotel, zip line, at iba pang commercial infrastracture at tourist attractions sa Wawa. Unang nakita ni RJ si Juday nang minsang magronda ito kasama ng ilan pang mga sundalo, pasado alas-singko ng madaling araw. Nasa labas ng kanilang bahay si Juday at nakangiting nagwawalis, kaalis lang kasi ng kaniyang mga magulang para mag-ani ng mga 55


saging sa bundok. Agad niyang nakuha ang atensyon ng mga napadaang sundalo, partikular na si RJ. Kakutis ni Juday ang huling naging nobya ng Private, at sa salita ng mga kasamahan niyang sundalo, "mas malaki ang joga" ng taga-bundok. Napansin din naman sila ng dalagang pala-ngiti. Kaya lang ang naging tugon niya ay ang pagpasok sa kanilang bahay at pagkandado ng pinto, nang nakangiti. May dalawapu't taong gulang na siya noon, kahit may deperensya'y alam niya kung para saan ang mga nakasabit sa kanilang baril. Ilang araw lang ay nagkita rin muli ang dalawa. Hindi unipormado at walang baril ngayon si RJ. Imbes na papasikat ay papalubog ang araw. Isa iyong hapong wala raw silang gawain sa malapit nilang kampo. Doon sa malapit na tindahan ng mga de-lata't bigas kina Juday. Dito sila unang nagkausap. Dito nakumpirma ng sundalo ang mga sabi-sabing sintosinto nga itong maalindog na dilag na ito. Syempre ay napansin kaagad ni RJ ang kabaita't pagiging masunurin ni Juday, lalo pa ang kawalang-maliw ng kaniyang ngiti. Habang papahaba ang kanilang usapan ay papahaba rin ang ngisi ng sundalo. Pero maagap niyang kinontrol ang usapan para hindi maging kahina-hinala; pinabalik nya rin si Juday sa kanilang bahay, aniya'y "baka pagalitan ka't antagal mong bumili ng bigas." At naulit at naulit pa ang mga ganoong pagkikita. Hanggang sa nakabisa na ni RJ ang panahon at araw na walang kasama sa kanilang bahay si Juday. Papalapit siya nang papalapit sa masayahing dalaga. Hindi man direktang nakita ng kaniyang mga magulang ay pinagsabihan pa rin nina Ka Ernie at Edna ang kanilang anak na lumayo kay RJ. Paano'y usap-usapan na ng kanilang mga kapitbahay na nobya na nga raw siya ng sundalo. Pero huli na ang naging babala, nakabisa na ni RJ ang takbo ng utak ng dalaga. Masunurin ito, basta't bigyan ng mga komplikadong dahilan, anumang sabihin mo'y susundin.

Mag-a-alas nuebe nang matapos ang interbyu namin kay nanay Edna. Mabilis lang ang 56


una naming interbyu para sa buong practicum. Sandali ngalang din dahil sobrang nakaka-ilang. Awkward. Hindi ko alam kung ako lang o dahil first time pa nga lang namin pero parang may mali kay nanay Edna, sa anak niyang si Juday, at maging sa apo niyang si Eboy. Si Eboy ay sobrang rungis at kulit, si Juday ay nakakaloko ang di-mawalang pagngiti, si nay Edna naman ay para bang meron ding itinatago. Kung yung kay Juday ay tinatakpan niya ng ngiti, si nay Edna naman ay nagbi-busy-han. Tatlong ulit siyang nagtanong kung may isasaing na ba, dalawang beses kung nalinisan na ang tilapia, at panaka-nakang tatayo para magwalis sa kalagitnaan ng pag-uusap namin. Parang ayaw niyang matanong at sumagot, parang ayaw na muna niyang mag-isip. Basta may iba siyang mga dapat gawin. Dagdag pang hindi naman na pala siya nagsasaka. Hindi tuloy naging angkop ang mga hinanda naming tanong. Tumigil na raw siya sa pagtulong sa asawa mula nang manganak si Juday. Para raw maalagaan nang maigi ang kanilang apo. Hindi ko lang alam, pero sa palagay ko, bukod sa katagalan na nila sa lugar, sa maanomalyang singilan ng linya sa kuryente roon, sa kamanga-manghang sistema ng kanilang water supply, sa papamahal nang papamahal na presyo ng isda't bigas, at sa pagiging aktibong opisyal ng samahang-magsasaka ni tatay Ka Ernie; bukod sa mga ito ay mayroon pa siyang hindi ikunukwento. Hindi ko lang alam kung pa paano sa kaniya ipapakuwento. Nang umalis na kami para sa susunod na makakapanayam ay hindi pa rin ako resolbado. Pagkatayo nami'y kaagad na pumasok si Edna sa kanilang bahay, siguro'y magwawalis. Si Juday naman ay masiglang kumaway sa amin ng bye-bye, nakangiti pa rin. Samantalang mula sa loob ay narinig namin ang biglang pag-iyak ni Eboy.

Kagaya ng una nilang pagkikita, madaling-araw rin nang unang bumisita sa kanilang bahay si RJ. Silang dalawa lang ang naroon. Sa kalgitnaan ng mala-gabing dilim at lamig 57


nangyari ang lahat. Nagsimula iyon sa pabirong himas-himas ni RJ sa malalaking suso ni Juday. Pagkatapos ay ang paglalagay ni RJ ng kamay ng dalaga sa kaniyang matigas nang ari. Pinangalanan pa niya itong Alejandro, kailangan daw itong kilalanin ng masayahing dalaga. Di nagtagal ay hinalikan ng sundalo ang taong-bahay. Ginalugad ng kaniyang dila ang bibig ni Juday, ang kaniyang malalambot na labi, ang mga ukit sa kaniyang ngala-ngala, ang mala-tikoy niyang dila. Pero naiilang si Juday, papalaho ang kaniyang ngiti. Napansin ito ng Private. Kaya sinimulan niyang himasin ang pagitan ng mga binti ng dalaga. Mainit. Mainit ang ari ni Juday at mainit din ang kalyadong palad ng sundalo; pinisil-pisil ng ikalawa ang una. Sa simula'y nagtaka si Juday kung bakit ginaganoon ng kaibigan ang labasan ng kaniyang ihi, pero nang isilid na ng sundalo ang kamay nito sa kaniyang salawal at panty, bigla siyang nakaramdam ng nakaka-iritang kiliti. Pabilis nang pabilis ang pagtaas-baba ng daliri ni RJ, naiirita ma’y di alam ni Juday ang gagawin – walang tinuro tungkol dito sa GMRC. Hindi na niya makuhang magtaka sa likidong kaniyang inilalabas, naliligalig ang kaniyang isipa't pandama ng pinaghalong sakit at pangamba. Inilabas ni RJ si Alejandro, at ipinakilala ang personal niyang baril kay Juday. Halikan niya raw ito. Hindi maintindihan ni Juday. Paano hahalikan, wala naman iyang mga labi! Pinanganga siya ng sundalo. Pinasunod siya ng pinaghalong takot at kawalang-malay. Ipinasok ng sundalo si Alejandro sa kaniyang bibig. Nagulat si Juday at kamuntik nang masuka. Naluha ang kanyang mga mata nito. Pinangalanan naman niyang Marimar ang kinakalikot niyang puke ni Juday. Ipinasok niya ang kaniyang hinlalato sa bunganga ni Marimar. Napigilan ng kamay ng sundalo ang paghiyaw ni Juday. “Shh,� dagdag pa nito. Kailangan daw mag-praktis ni Marmiar para sa pagkikita nila ni Alejandro. Hindi makahinga nang maayos si Juday, ni ang makapagsalilta. Pinahihigop ng Private sa kaniya ang kabuuan ni Alejandro. Lumabas si Alejandro mula sa kaniyang bibig. Itinigil din ni RJ ang paglabas-pasok ng hinalalato sa 58


kaniyang puke. Napahinga siya nang malalim. "Magkikita na sina Alejandro at Marimar, wag kang magulo ha," bulong ng sundalo. Maagap na tinakpan ng sundalo ang kaniyang bibig nang siya'y mapatiling muli matapos biglang pumasok si Alejandro kay Marimar. Mahaba, matigas, mainit – masakit, napakasakit. May biglang bumaon sa kaniyang katawan; sumusuka ng dugo si Marimar. Nagpupumiglas si Juday, sa isip niya’y sinaksak siya ng sundalo. Nakatakip pa rin sa kaniyang bibig ang kanang kamay ng “private,” malaposas ang pagkakawak ng kaliwa nito sa kaniyang kanang kamay. Naulit ang pagsaksak. Pinalo ng kaliwa niyang kamay ang balikat ni RJ. Naulit uli ang saksak. At naulit, at naulit, naulit, umulit, paulit-ulit, ulit. Kabaligtaran ng higpit ng pagkakakuyom ni Marimar, pinagmistulang gulay ng sakit, panghihina, at kawalang-pag-asa si Juday. Hanggang sa mairaos ni RJ ang lahat-lahat sa palangiting dalaga. Nakatiklop sa sahig at nakahawak sa kaniyang ari si Juday nang iwanan siya, at ang Montalban, ni RJ. *** Dinatnan ni Ka Ernie si Edna na umiiyak sa kanilang kwarto. Ikinuwento ni Edna ang mga estudyanteng hinuhukay ang kanilang kahapon, mga usisero't tsimosong pakielamero! Niyakap siya ng kaniyang mister. Pinakalma. "Nagpananghalian ka na ba? Tena, sabay tayo, naghain na si Juday." Pero wala itong epekto, "palibhasa mga hindi sila taga-rito! Mga walang respeto!" At naalala na rin nga ni Ka Ernie ang naunang bisitang batalyon sa kanilang lugar. Kailangan niya na ring pakalmahin ang sarili, "wag kang ganyan Edna, wag kang ganyan." Di rin nagtagal ay nagsalo sila ng tanghalian. Nalimutan na ulit ni Edna ang mga exposurist at ang kwento nina Alejandro at Marimar. Ginawa niya muling abala ang sarili sa kung anong gawaing-bahay; walang ibang iniisip, walang ibang gustong isipin. Si Ka Ernie nama'y naupo sa kanilang bakuran para magpahangi't magpahinga, nagpapatunaw ng kinain. Gusto niyang makausap ang mga estudyanteng ayon sa asawa ay mga "usisero't tsismosong pakielamero," marami siyang gustong sabihing dapat nilang pakialamanan… Pinigil ng kalyado 59


niyang mga daliri ang pagpatak ng luhang pinaapaw ng pilit nililimot na hinagpis at galit. Marahil nga'y hindi na niya maibabalik ang puri ng kanilang anak pati ang nasirang katinuan ng mahal niyang asawa, pero hindi siya basta-basta papatalo sa mga salaulang bisita.

Malay-Lamay Hindi ko naman sila gustong samahan. Bakit ko ba sila sasamahan? Ano bang mapapala namin don? Antagal-tagal nang nasa samahan na yan ni mama (si papa nga umalis na!), wala naman kaming napala. Ganito pa rin. Mahirap pa rin. Kung gusto nila ate Marikit na samasamahan sila, e di siya ang sumama sa kanila! Hindi yung pati ako pipilitin. "Oy, oy, sakla mo." "Ulul." Tangina talaga neto ni Jan Loyd. Porke maliit ako, wala nang tiwala sa akin. "Tange ako nga raw magkokolekta ng sakla sabi ni kuya Francis. Tanungin mo pa e." "O, nang matahimik ka na." Magbibigay din naman pala. Ikalawang gabi ng lamay ni nanay During. Hanggang ngayon hindi pa rin makapaniwala ang marami. Akala ng lahat ay malakas pa siya. Paano‘y walang pang isang linggong nakalipas ay umakyat pa nga siya sa bundok, para mag-riper ng kanilang kubo, nang mag-isa. Bigla na lang daw hindi siya makahinga nung nakaraang linggo. Apat na araw sa ospital. Na-koma pa nga raw. Tapos eto na nga, namatay nung isang gabi. "Jing! Ikaw muna dito sa saklaan, kuha lang akong kape," medyo inaantok na ko; kahapon pa ko nandito. Andaming tao. Syempre, si nanay During to e. Para tuloy siya ngayong tourist destination na dinarayo ng mga turista niyang kamag-anak na galing pang kung saan-saang lupalop. Kilala siya ng halos lahat na taga-rito. Mula sa bundok hanggang dun sa may baba, sa 60


may dam. Naglolokohan pa nga sila ni mama dati, wala raw silang mapiling kapitan kasi parepareho lang loko-loko yung mga kandidato, kaya dapat daw tumakbong kapitan si nay During. Natawa siya nun, sabi niya: "Ay Lisa, katanda ko na! Baka pati kilay ko mamuti sa kunsumisyon diyan sa baranggay!" Pero sa totoo lang, palagay ko kaya pa rin yun ni nay During e. Mas masipag pa nga siyang umakyat sa Parawagan kesa kay mama. May maliit na tindahan pa nga siya. Masipag at malakas pa talaga siya, sigurado pang hindi loko-loko. Ang problema lang, pera. Wala naman siyang pangampanya. E anlaki-laki nitong baranggay, ilang sitio ba? 15 yata. E tatatlong sitio lang itong malapit sa amin. Akala lang pala naming malakas pa siya; yun pala e bumibigay na ang kanyang mga lamang-loob. Masipag at hindi loko-loko, oo, walang-duda. Pero yung sa malakas, mali pala kami. E pano ba naman, ang laki-laki kaya ng katawan niya. Tawag nga namin sa kaniya dati, nanay Kalabaw e. Siya kasi ang pinakamalaki sa mga taga-rito. Kahit sa mga lalaki mas matangkad at mas malapad siya. Pero hindi siya mataba. Malaking bulas lang talaga. Tapos sila pa yung nag-alaga dati kay Negra, yung kalabaw ng samahan. "Wala nang kape?" "Bili ka nga kila Ron," inabutan ako ni kuya Francis ng bente. Naka-shades pa rin siya. Nahiya pa, lahat naman kami naiyak. "Lahat na 'to?" "Oo, pang-magdamag lang, kararating ng ibang kamag-anak ni mama e. Bili na lang uli bukas sa Puregold." Naglakad na ako papunta kina nay Ron. Alas-nuebe pasado na, sana bukas pa sila. Madilim. Pero maingay. Hindi pa dahil sa lamay. Maingay naman talaga dito tuwing gabi. Pa'no, andaming nagkakaraoke. Eto yung hindi ko maintindihan sa mga nagpapa-rent ng karaoke e. Bakit ba nila gusto non e kaingay-ingay? Tapos habang mas pa-gabi, mas maingay! Kunsabagay, pera rin yun. Kami nga, nagtitiis makipag-ingglisan sa mga porener. E pa'no, mas 61


galante kaya sila! Yung mga turistang pinoy makukunat e. Minsan nga ayaw pang maniwalang turist gayd kami. Gusto pa yung matatanda, yung malalaki. Maliit nga lang ako pero sa isang taon e disi-otso na rin ako! Kaya kahit hirap kaming mag-inggles at sumenyas-senyas kapag hindi talaga namin alam, mas gusto pa rin naming i-gayd yung mga porener. Kunsabagay, sabi nga ni kuya Bunso, mas galante talaga kung mas mayaman. "O, akala ko natulog na kayo?" nakasalubong ko sina ka Cel. Kasama yung mga estudyanteng nakikitira. Kagabi nagpunta rin sila. "Hindi e, san ka?" si ate Marikit. Mukhang pagod na pagod sila; hanggang saan kaya sila nakarating kaka-interbyu? Lalo na si ka Cel. O naiiyak lang kasi uli siya? "D'yan lang, bibiling kape." "Sige." Humagulgol 'yan si ka Cel nung unang gabi ng lamay. Daig pang umiyak si nay Len, bunso ni nay During. "Wala nang makikinig at magpapayo sa akin," paulit-ulit niyang bulalas. Hindi lang naman siya ang nawalan ng tagapakinig at tagapayo... Sarado na sila nay Ron. Inaantok na talaga ako. Ibabalik ko na lang itong singkwenta kay kuya Francis, tapos balik na 'ko sa 'min. Bukas na lang uli. Tahimik at madilim sa bahay namin. Natural, wala sina ate. Tulog na rin si mama saka si Dayday. Dito ako sa kabilang sulok mahihiga... Hindi ako makatulog. Ang lakas ng hilik ni mama. Rinig pa rin yung mga sintunado't lasing na kumakanta. Sanay naman na ako dapat dito pero parang kakaiba ngayon, parang higit na tahimik kaya higit na maingay ang mga lasenggo. Bwiset, kailangan kong matulog! Dapat maaga kami bukas sa Wawa kasi wik end. Siguradong maraming turista. Nako malamang nga pagalitan ako ni mama; lamay ni nay During tapos sa kung saan-saan na naman ako nagpupunta, sasabihin niyan. E anong gagawin ko? Buti sana kung iyang kaka-tambay ko sa 62


lamayan e magbibigay ng kahit kaunting perang pambaon pagdating ng pasukan! MaghuHunyo na naman a. Si mama nga mismo kayod kalabaw, tapos kapag ako hindi pwede? Ano ako bata. Naalala ko pa, nung dating may halos sampung bus ng mga estudyante ang nag-field trip sa Wawa. Tiba-tiba kami nun! Nalako lang kami ng kung ano-ano, tubig, kowk, mga subinir na breyslet, kwintas, hikaw. Pero ang may pinaka-malaking kita doon, yung mga taga-baranggay na naniningil ng tolfi! Limang piso ang singil nila kada tao e. O e di kung may singkwenta sa bawat bus, tapos sampung bus, e di 500 kaagad yun, tapos tayms payb, e di P2,500! Sa isang araw lang! Doon talaga ako unang na-engganyo sa pagtatrabaho sa may Wawa e. Buti nalang sinama ako ni kuya Bunso noon dun. Mabuti sa pagtu-turis gayd at paglalako, kumikita kami kahit pa paano. Hindi na nga nila ako kailangang isama sa bilang kapag tanghalian kasi nakakabili na kami sa may Wawa. Anlakas talaga ng hilik ni ma. Pagod na pagod siguro. Ang hindi ko naman kasi maintindihan, pilit niyang pinagsasabay ang lahat. Nagta-trabaho siya sa senter martes hanggang huwebes, kapag sabado-linggo, umaakyat sa bundok, pagka-lunes, nagbebenta ng kalakal; biyernes na lang ang pahinga niya! Hindi pa lubos na pahinga yon kasi sigurado tambak na ang labada sa ganung araw. Tapos, sinasabay pa niya itong mga gawain sa samahan! Mitingmiting, usap-usap. Lalong abala pa siya ngayon kasi nga may mga estudyante. Tapos namatay pa si nay During. Nabawasan na naman ng tao ang samahan; e silang tatlo lang naman nina mama at ka Cel ang pinakanagta-trabaho. Oo, sa isang banda e naiintindihan ko naman ang gustong mangyari nina nay During, at mama. Totoo namang kailangang magkaisa ng mga taga-rito para maging mas malakas at mas maunlad kami. Totoo namang malaki yung naitulong ng samahan para hindi kami mapalaalis sa tinitirhan at sinasakahan namin. Ang problema, wala nang pakisama ang mga taga-rito! Mula nung maipangalan na sa samahan yung lupa, ayaw na nilang lahat magsisama sa mga rali. 63


Tapos na raw, nanalo na raw kami. E pa‘no ‗yan ngayon, magtatayo na naman ng mga bilding sa Wawa, malamang susunod na kamit rito! Naalala ko pa nga dati e kumakanta pa kaming magkakapatid kasama ng iba pang mga bata sa mga rali. Tuwang-tuwa pa kami non kasi andaming kasama mula rito sa'min, tapos nagsisipalakpakan sila, nag-cha-chant pa nga kami pagkakanta, "Tunay na reporma sa lupa! Ipaglaban!" Pero dati pa yun. Taon na rin ang lumipas mula nung huli kaming kumanta sa rali. At iba na rin ngayon. Hindi ko alam kung bakit pero iba na ngayon. Para unti-unting lumiit yung mga nasa samahan hanggang sina mama, nay During, at ka Cel na nga lang ang pinaka-gumagawa. Dati rati walang linggong wala silang mga miting. Minsan nga nag-aaral pa sila e. Histori kadalasan. Tapos tinuturuan kaming kumanta ng ibang mga kasama nina ma! Oo, nami-miss ko rin yung panahong iyon. Lalo pa ngayon. May mga estudyanteng bisita. Sa tinagal-tagal na pagkaka-tengga, nagkaroon na naman ng gawain yung buong samahan. Kahit pa paano, nagpakita na uli yung ibang dating kasama nina mama. Na-i-interbyu sila, minsan may mga miting din na kasama yung mga estudyante. Medyo nabuhay uli yung samahan. Ang problema lang, malamang, ngayon lang 'yan. Pagkatapos nitong isang buwang pagtira nila rito, malamang magsipaglaho na naman yung iba. Tulog uli yung samahan. Hay ewan. Hindi ko na alam. Ang sigurado ko lang sa ngayon, bukas kailangan kong bumaba nang maaga kasi nga maraming turista. Kailangan kong mag-ipon, malapit na naman ang pasukan-- O, eto na sila ate. Ambilis a. Saglit lang sila sa lamay? O kanina pa kasi ako gising? Nako bwiset, hindi pa ako nakatulog. "Oy Macmac, bukas ikaw naman sumama kay Jon sa Wawa a, mag-i-interbyu din daw doon," naramdaman siguro ni ateng hindi pa ako makatulog. "Tulog-tulugan ka pa diyan, alam kong gising ka," sabi na nga ba. "Bukas ha," hindi pa rin ako nagsasalita. Hindi naman siya papayag kapag humindi ako. Nagtanong pa siya. 64


"Huy. Wag kang aarte-arte dyan. Tignan mo si mama pagod na pagod na. Makikilamay pa muna ako.. Bukas sasamahan ko uli sina ate Niki sa bayan." Ayoko nang makipagtalo. Baka magising pa namin si mama. "Alas sais daw kayo umalis ha," nagtalukbong ako. May pahabol pa si ate, "Wag kang aarte-arte, kung buhay pa si nay During, sisipain ka nun kakaganyan mo." *** At naramdaman ko nga ang sipa ni nanay During. Sa ikaapat na gabi ng lamay ay may mga dumating pang mga estudyante rin yata (iba pa kina ate Kristel). Mga mapuputi rin yung ilan sa kanila. Puros naka-tshirt at maong; anlalaki ng mga bag. Tuwang-tuwa yung iba sa kanila sa amin nina ate Marikit, kilala raw nila kami; kahit pa paano ay nagsipag-laki/tanda na raw kami. Nagdaos sila ng programa. Kagaya ng mga dating nadadaluhan naming programa kapag may rali. Solnayt. Pero iba ang tawag nila doon, ―parangal‖ daw. Nagsalita ang ilan sa kanila, tapos nagsipagkantahan. Habang kumakanta sila ―…marami pang dapat imulat kasama,‖ hindi ko mapigilang sumabay sa aking isip. ―…lipuna‘y puno ng problema,‖ isa ito sa mga unang kantang itinuro sa amin, ―sa paghinto ng tibok ng puso mo,‖ at pinakapaborito pa ngang ipakanta sa amin ng lola, ―…kami ang magpapatuloy.‖ Ngayon ko lang naunawan kung bakit.

Katapusan Papalapit na naman ang katapusan - katapusan ng buwan. Pero kung hindi uli namin mababayaran ngayong buwan ang utang namin sa Tulay sa Pag-unlad Inc., (TPSI) baka mapalapit na nga ang katapusan namin. Kulang pa kami ng may limang libo, sampung araw na lang bago ang deadline. Hindi naman talaga "deadline," pero... pano ko ba tamang tatawagin 65


yung araw na kapag lumipas nang hindi pa kami bayad sa utang, ay papalo na naman ang interes? At halos literal yung pagpalo; pano'y para kaming kabayong pinalo sa pwet na biglang kailangang dumoble ang kayod. Pero totoo namang mas marami kaming pera ngayon. Kaya nga lang ay mas marami ring kailangang pagkagastusan. Totoong dati'y wala naman kaming karaoke, pero ngayon nagpaparenta na kami! Kaya nga lang, mas magastos kami sa kuryente; e hindi naman namin pinarerenta itong mga unit namin sa labas dahil baka masira pa ay wala namang tiyak na pamalit o pambayad ang mga nagrerenta rito. Kaya nga ang kaagad na sinunod na pinaglagyan nina nanay ng puhunan ay itong mga bilyaran. At least ito walang kinokonsumong kuryente. Ang kailangan lang ay palaging may nagbabantay, at may paminsan-minsang naglilinis. Ang gusto nga sana talaga naming pagpundaran ay isang tindahan. Lalo na ngayo't paparami ang mga turistang nagsisipuntahan dito. Kaya lang ay hindi pa nga talaga namin kaya. Naiinis nga si papa sa amin dahil ang gagastos daw namin kaya hindi makapag-ipon; ang nangyayari tuloy ay kami ang nagiging kostumer ng mga kapitbahay naming meron nang mga tindahan. Naku, lalo pa ngayong wala nang nagsasaka sa kanila ni nanay! Dati kasi silang mga magsasaka, kami pala. Yung mga lolo at lola nila yung mga naunang naghawan ng gubat sa lugar na 'to, nagtayo ng bahay, at nagsaka nga. Dati nga kaming nakatira sa taas pa, hindi dito sa Wawa, doon sa sitio Sapa sa taas. Mas malapit kasi iyon sa mas malawak na gubat na pwedeng sakahin. Bata pa ako noon pero doon na rin ako sa sakahan halos na lumaki. Paano'y mula nang kaya ko nang umakyat sa Parawagan (siguro walong taong gulang ako non), madalas na nila akong isama para magsaka. Wala naman akong masyadong naitutulong (kadalasan kasi sa pag-akyat palang pagod na ako), pero naranasan ko nang magdamo, magbungkal, magtanim, mag-ani-- lahat! Iba-iba ang tinatanim namin, may palay, pinya, kamote, at ang pinakamarami, saging. Tapos nag-aalaga kami ng mga manok! Nung medyo tumanda-tanda na ako, ako ang ginagawang taga-alaga ni tatay ng mga manok. Marami 66


kaming manok noon, siguro'y umabot din ng mahigit dalawampu. Pinagtulungan pa namin ni tatay na gawin yung kulungan para sa kanila. Pero ako ang kadalasang nag-aalaga at nagpapakain. Sinisabay ko pa yun noon sa paggawa ng mga assignment. Paminsan nagbebenta kami ng itlog/sisiw/manok kapag kailangan, o kapag masyado na nga silang marami. Kadalasan doon na rin sa bukid o mga alagang manok kami kumukuha ng pagkain. Syempre madalas na gulay ang ulam, pero palagi kaming tiyak noon sa pagkain. Kapag nagugutom kami, nariyan lang sa malapit ang mga gulay, talbos man yan o puso ng saging, na pwede naming iluto. Pero dati pa 'yon. Ibang-iba na ngayon. Una ay nandito na kami sa Wawa nakatira, namatay na kasi ang mga lolo at lola ni nanay na unang nakatira dito. Kinailangan na ring may mga mag-alaga kina lolo at lola. Kaya dito ang ending namin. Noong una ay nagsaka pa rin kami sa Parawagan, kahit na sobrang layo na. Hanggang sa humina na nang humina sina lola at lolo kaya kailangan nang magpaiwan ni nanay para mag-alaga; siya na rin ang nag-alaga sa mga manok na papaunti na rin nang papaunti. Hanggang sa pati si tatay ay namasukan na lang bilang security guard. Nagsimula siya noon sa isang building sa Makati, graveyard shift. Pero nagpalipat-lipat na rin siya ng pinagga-gwardyahan mula pa noon. Tumaas-taas na rin ang posisyon nya sa agency kaya ngayon ay mas madali na ang schedule. Kaya mula noon ay ako na lang ang naiwang paminsan-minsang umaakyat sa bundok. Hanggang sa kalaunan nga'y parang mga kabuteng nagsisulputan ang mga turistang bumibisita sa amin. Nito-nito na lang ito e; nauna pa nga yung pagkamatay nina lolo. Sa simula ay naging boy akong tagabitbit ng mga gamit nila o taga-turo ng kung saang lugar na hinahanap nila, tapos depende na sa kanila kung magkanong ibabayad sa akin. Na ayos lang din naman dahil sa madalas pa ako noong magsaka, may iba pa akong mapagkukunan. Nito-nito na lang din nag-ibang talaga ang kalakalan, meron na pala kasing Montalban Tourism Office. Kailangang dumaan sa kanila ng lahat ng mga kaganapang tungkol sa turismo, kasama na dun yung mga negosyo. Hindi ko naman talaga matatawag na negosyo yung ginagawa kong pagiging boy pero sa mata yata ng batas, kahit na 67


anong pinagkakakitaan, negosyo. Ang ending, dahil kilala ni tatay ang ilang mga tagamunisipyo, naging tourist guide nga ang trabaho ko. Isa na ako sa kadalasang kinokontak ng baranggay o munisipyo para sa mga turi-turistang ganyan. Kaya, tuluyan na nga naming napabayaan yung lupa namin sa Parawagan na dati nga ay pinaka-inaasahan namin. Nauna nang "makilala" ni nanay ang Tulay sa Pag-unlad, Inc. (TSPI) bago pa ako maging tourist guide at bago pa maging gwardya si tatay. Si aling Ron ang nag-recruit sa kaniya. Ayos din naman. Nakakapagpa-renta na nga kami ngayon ng karaoke at bilyaran dahil do‘n. Siguro para sa akin lang ito, hindi naman na kasi masyadong inabutan ng mga sumunod ko pang kapatid yung pagsasaka namin, pero paminsan-minsan ay nami-miss ko rin iyong panahong nagsasaka lang kami. Siguro mas dahil na lang doon sa palaging pagkakaroon ng pagkain sa palagid. Wala na kasi sa amin ngayon yung ganoon e. Kapag nagugutom ka, kailangan mong bumili (mula sa bigas hanggang sa ulam na kadalasa'y de-lata o kung anumang nilalako), ngayon kung kapos ka sa pera, kapos ka na rin sa pagkain. Kahit pa hindi ka naman kinapos sa pagkayod... O siguro nga ako lang 'yon. Siguro kaya biglang naiisip ko na lang ang mga ito ngayon, dahil mag-isa na naman ako dito sa bahay. Paano, ewan ko ba dito kay nanay, kung kailan tumanda ay saka nahumaling na magsimba-simba, sinama pa yung mga kapatid ko. Hindi naman sa ayokong magsimba, nagsisimba rin naman ako. Pero mula nang masali siya d'yan sa mga Saksi ni Jehovah na yan (na halos kasabay lang din ng sa TSPI), tuwing hapon ay madalas na siyang mawala. Palaging may activity, may simba, may bible reading, o iba pang kung ano. Bigla din siyang nagkahilig sa mga pormal na damit, mga bestida, o anumang tawag sa ganung palda-palda. Hindi naman yun masama pero minsan kasi magastos. Nagtalo pa nga sila ni tatay niyan dati. Pakiramdam ko nga, kung wala lang sa malayo ang trabaho ni tatay, babantayan niya si nanay. Pero hindi e. Nung una e wala rin namang gaanong pakielam si tatay sa ganun-ganun ni nanay, noon na nga lang nagka-problema nang pinaggagastusan na ni nanay yung pagiging Saksi. Praktikal kasi si 68


tatay e. Kaya nga, para sa kanya, aksaya yung paggastos ni nanay dahil pwede nga naman daw kaming maging mabubuting anak ng Diyos nang walang ginagastos. Oo nga pala, sana bukas matulungan ako, este kami, ng Diyos. Bukas nga kasi ay katapusan na uli ng linggo, tiyak maraming turista. Sana marami akong mabentahan at maiguide. Malaki-laki pa ang hahabulin namin. *** Pinipigilan ng mga siguro'y ka-edad kong Teen Titans ang maaring katapusan ng sangkatauhan dahil kay Trigon, habang inaalala ko pa rin ang katapusan ng buwang ito. Nang biglang may kumatok sa bahay namin. Sakto ang pang-iistorbo ng commercial. Sumilip na muna ako sa bintana para makita kung sino; kapapasok lang ni papa sa trabaho, nagluluto si maman sa kusina, nasa labas ang iba ko pang mga kapatid (malay ko kung anong pinaggagawa). Si Macmac lang pala, may kasamang isa pang maputing lalaki. Akala ko pa noong una ay galing sa MTO yung kasama ni Macmac at makikipag-usap na naman tungkol sa pagre-relocate sa amin para sa kung ano-anong itatayo nila dito sa lugar. Pero imposible nga namang samahan pa yon ni Macmac, una ay hindi naman nila siya kailangan dahil kilala na nila itong bahay ng pinaka-makulit nilang taga-tanggi, at ikalawa ay ayaw nga ni Macmac makipagtrabaho sa kanila dahil mga barat at manloloko. Lola niya nga mismo ang nakaranas noon dati. Pinapunta sila sa baranggay hall para sa konsultasyon daw para nga sa mga proyektong tourism, pinapirma sila sa attendance syempre. Yung konsultasyon naging sigawan dahil ayaw nga naman silang pakinggan nung mga opisyal, hindi nga konsultasyon sabi nina nanay During, mas anunsyo-publiko lang. Ang malala pa, nabalitaan na lang nilang iyong pinapirmang attendance, ginamit pang ebidensya na pumirma na raw sila bilang pagpayag sa paggiba sa kanilang mga bahay, sa kanilang relokasyon, at sa pagtatayo ng mga pangturismong building dito! Aba'y bukod pa iyon sa napakarami nang kaso ng panloloko niyang MTO. Estudyante lang naman pala. E paano napadalas na rin ang "pagbisita" ng mga taga69


MTO sa amin kamakailan. Gusto ring kausapin nung maputing lalaki (na kuya Jon pala ang pangalan) si papa. Hindi ko masyadong naintindihan basta kailangan daw kasi niya sa eskwela, bahagi raw ng "course" nila. Bukas pa kako nila mai-interbyu si papa kasi nga pumasok sa trabaho, at sakto kasi ang alam ko day-off ni papap bukas. Sabi ni Macmac, sa kung saan-saan pa raw sila nagtanong-tanong kung sino ang pwedeng ma-interbyu, kay tatay lang din pala ang bagsak nila. Sabi ko naman, "ang hina mo naman pala Macmac e, e di ba si papa naman talaga ang sikat sa ganyang interbyu, na-dyaryo pa nga!" Kamot lang sa ulo ang naging tugon niya. Siguradong matutuwa na naman niyan si papa. Gustong-gusto nun kapag may nakikinig sa mga luma na niyang kwento e.

Posisyon Noong unang malaman ni Niki na malayo pa pala ang Tourism Office ng Montalban mula sa Wawa, ay wala lang sa kanya. Medyo ikinatuwa pa nga niyang nagagamit ng mga tagaWawa ang dapat na gusali para sa naturang opisina bilang kanilang health center. Kaya lang ngayong kailangan niyang bumyahe ng halos limang kilometro para lang makaapak sa naturang opisina, may humalong inis sa kaniyang pakiramdam. Natutuwa pa rin siya dahil ang dulo ng halos limang kilometrong byahe ay ang bayan, at sa bayan ay mayroong signal. Ibig sabihin muli, matapos ang ilang linggo, makaka-text na niya ang kaniyang boypren! At ang kaniyang mga magulang. Syempre. At iba pang mga kaibigan. Masaya naman siya sa ilang linggo na rin nilang pakikipamuhay sa naturang komunidad. Mabait at magaling naman si ka Lisa (at ubod ng sipag!). Kahit minsan masungit at estrikto ay rasonable naman si ate Kristel. Maalalahanin naman si ka Cel. Sina Marikit at Dayday ay mababait din naman; makukulit din paminsan pero sakto lang sa kani-kanilang mga edad. Si Macmac ay tahimik lang at matulungin naman sa kanila kapag may kailangan talagang gawin. 70


Ang mga kapitbahay nila, sina nay Rose, nay Jo, at marami pang iba ay lahat naman mababait. Wala naman siyang masyadong angal sa papag nilang tinutulugan; oo may mga gabing parang bigla na lang bibigay ang isa o mahigit pa sa mga kawayan nito pero sa kabutihang palad ay hindi pa naman. Ang kanilang mga pagkain ay hindi-kapani-paniwalang masarap! Lalo na iyong ilang ulit na ginisang gulay, gulay lang at kaunting de-latang sahog meron na silang ulam na minsa'y lasang manok! Mainit sa lugar oo, pero ganoon din naman kahit na saan. Ang kagandahan pa nga doo'y sariwa ang hangin, walang usok ng sasakyan. Masaya naman si Niki sa sitio Sapa. Ang problema nga lang talaga, minsan ay nami-miss niya ang kaniyang nobyo, ang kaniyang mga magulang (at mga kapatid), at iba pang mga kaibigan. Kaya kahit pa paano ay natutuwa siyang makaka-text siya ngayong araw. Kaya lang ay naiinis pa rin siyang anlayo ng Montalban Tourism Office sa Wawa. Lalo na't may gusali naman na talaga dapat ito doon mismo. Yung health center naman, sabi nga niya kina Jon, aba'y dapat naman kasi talagang nauna nang nagkaroon ng gusali para doon! Hindi yung parang nag-recycle na lang ng gusali palibhasa hindi ginagamit. Ang hinala pa nga nila ay kaya lang naman nagkaroon ng gusali para sa MTO doon ay dahil iyong tourism projects ang may kita! Isa kasi nga sa mga una nilang napansin pagkarating ay iyong tarpolin para sa nakaraang groundbreaking ceremony sa lugar. May napakalaking picture ng pagmumukha ng kasalukuyang meyor, katabi ng mga logo ng MTO, ng Laguna Lake Development Authority, at, ang nagbigay daw ng pondo sa mga proyekto, ang World Bank. Samantalang syempre, ang pagpapatayo ng health center ay walang katulad na taga-pondo. At bakit hindi rin naman nagamit ang naturang gusali para sa MTO? Ang hinala nila, dahil na rin sa mga taga-Wawa. Siguro, sabi ni Alex, inasahan na ng mga taga-MTO na hindi magiging welcoming ang mga tagaWawa para sa isang tourism project na magpapalayas sa kanila, kaya inilayo ng MTO ang opisina nila sa Wawa. Natawa pa nga noon si Jon, palibhasa'y kadalasan ngang medyo absurdo

71


o wirdo ang mga iniisip nitong si Alex; pero itong si Niki naman ay naintindihang may punto kahit pa paano si Alex, makes sense, sabi pa nga niya. Maliban sa kalayuan nito sa mismong site ng tourism projects ng Montalban ay wala namang masyadong kataka-taka sa opisina ngayon ng MTO. Nasa loob ito ng munisipyo. Sa second floor, huling pinto sa kanang hallway. De-tiles. De-erkon. Malinis. Wala rin namang kataka-taka sa pagpapabalik kina Niki at Marikit matapos nilang maghatid ng mga request letter para sa sari-saring papeles at datos noong nakaraang linggo. SOP nga namang iproseso muna yung request at yung mismong mga papeles para sa isang opisina ng gobyerno. Hindi rin naman kataka-takang pinaghintay na muna sila ngayong pagkabalik nila dahil hindi naman sila nakapagpasabi

ng

oras

ng

kanilang

pagdating,

hindi

kataka-takang

may

ibang

pinagtatrabahuhan ang masisipag na empleyado ng gobyerno. Wala rin namang nakapagtataka sa paniningil nila ng singkwenta pesos para sa pagpapa-print nila ng mga dokumento. Ang ipinagtataka ni Niki ay iyon mismong mga datos sa bungos ng papel na iniabot sa kaniya ng Montalban Tourism Officer. FAQ. Creative representation ng mga planong itayo sa Wawa. Pinigilan ni Niki na mag-"FAQ, ano to?" Sa isip-isip niya'y lahat ng datos (at piktyur) na iyon ay makikita niya sa website lang ng munisipyo! Kundi pa nga sa Wikipedia article ng Montalban. Baka nga ito pa mismo yun, ipinrint lang nila! Ngayon sya talagan nainis. Maaga siyang bumaba ng bundok, hindi makakasama sa pagi-interbyu, namasahe't bumyahe ng dalawampung minuto, naghintay ng ilan pang minuto, at ito lang ang kaniyang mapapala? Iginiit pa niyang ang gusto at kailangan nilang makuha ay kahit iyong listahan man lang ng mga nagpondo sa tourism projects sa Wawa; para doon sa restaurant na tatabon sa ilang karinderya, sa mall na papatong sa ilang tindahan, sa zip line na hahawi sa ilang kabahayan. Kung sino-sinong kumpanya sila, kung mga Pilipino ba o mga foreigner, kung malalaki't kilalang kumpanya ba o hindi; iyon ang gusto nilang malaman at

72


hindi lang itong origin ng pangalang "Montalban," ng kasaysayan ng Wawa Dam, ng Bernado Carpio Legend, at ng mga masayahing drowing ng makukulay na restaurant, hotel, at zip line. Umiiling-iling pa si Niki nang lumabas sila sa munisipyo. Hindi talaga niya napilit ang Tourism Officer at ang tinawag pa nitong abogadong back-up. Ang paulit-ulit nilang dahilan ay kesyo confidential daw ang mga gusto niyang makuhang dokumento; mga palusot na sa kinahaba-haba ay pwedeng i-summarize sa: kailangan daw kasi nilang protektahan ang mga investors nila. "Aba, buti pa mga investors pinoprotektahan!" Inis na inis si Niki hanggang sa pag-uwi. Si Marikit nama'y may halong pagtawa ang reaksyon dahil na rin sa pamilyar na kalagayan, paano'y sa lahat ng estudyanteng nag-research sa kanila ay ganoon lang naman talaga ang ibinibigay na datos ng mga taga-MTO. Ang dalawampung minutong byahe nilang dalawa pauwi ay pinuno ng kwentuhan ng pagka-inis. Natawa siya‘t namuhi nang imbitahin siya ng Tourism Officer na ―mag-stroll po kayo doon, maganda ang view…‖ – akala nila hindi pa siya nakapunta sa Wawa! Palibhasa hindi sila malapit sa lugar kaya akala nila lahat na lang ng akademiko kagaya nilang, nagdidikta lang ng kung ano-anong mga dapat gawin sa mayamang bundok ng Wawa habang sila mismo ay nakahilata sa naglalakihan nilang office chair at nagpapalamig sa erkon! Maski ang tinext niyang boypren, magulang, at ibang kaibigan ay kaunti niyang kinwetuhan ng kaniyang pagkainis sa MTO. Para sa kaniya'y malinaw nang hindi lang basta-basta hinala ang nauna nang mapag-usapan nilang mga magkakaklase kung bakit malayo ang MTO sa mga taga-Wawa. *** Magtatanghali na nang makabalik sina Niki at Marikit sa Wawa. Pinagpasyahan nilang mananghali na muna sa isang karinderya, pagkatapos ay dumaan sa health center para kay ka Lisa. Nagulat na lang silang dalawa pagkababa nila sa dyip. Tumambad sa kanila ang dalawang buto-butong posteng wala naman doon dati. Nagsimula na ang construction para sa 73


arko ng planong tourism site! ―O nandyan na ba yan kanina!‖ bulalas ni Niki nang may halong pagkabigla at dismaya. Nagpatuloy sila sa paglalakad at nilagpasan ang itinatayong arko. ―Isang linggo nila tayong pinaghintay para sa mga papeles tapos itong construction isa buong umaga lang may nasimulan na?‖ bulong niya sa sarili habang minamasdang malalim-lalim na rin ang nahukay para sa mga pundasyon nito. Ilang hakbang pagkatapos nito ay may mga naghuhukay na rin para siguro, sa restaurant (o mall, o parking lot, o hotel). At ang tunay na ikinagimbal ng dalawa: may malaking buldoser na naghuhukay sa mismong ilog ng Wawa. Binubuhat nito at itinatabi ang mga higanteng puting gintong nasa ilog. Sa kabilang gilid ng ilog, sa tabi mismong ng nakahanay na mga sari-sari store, may isa pang buldoser na binubutas naman ang lupa para magsimulang maghukay. Naka-paskil sa isang malapit na poste ang notice of construction; tilamapanghamong nakatitig ang logo ng WING XING Construction. Sa sandaling iyon naging malinaw kay Niki kung sino ang magkakakampi at sino ang magkaka-away.

Under-exposed Maagang bumaba sa Wawa si Jun at Macmac. Nauna nga ng may 20 minuto sina Niki at Marikit pero maaga-aga pa rin naman ang alas-otso. Kanina pa sumikat ang araw ngunit makulimlim pa rin; ito at ang mga binti ni Jun na ilang linggo nang sinanay ng paglalakad ang nagpadali sa kaniyang pagbaba mula sa sitio Sapa. Nauuna sa kaniya ng ilang hakbang si Macmac na bagaman ilang linggo na rin niyang kasama sa iisang bahay ay hindi pa niya masyadong nakakausap. Bitbit-bitbit niya ang DSLR ni Alex. Kailangan daw nilang mag-video ng kahit isang interbyu. Kakaiba pero hindi gaanong ipinagtaka ni Jun na ang mga pamilyar na mukha ng mga ka-edadan niyang dati rati‘y palaging masayang naglalaro ng basketbol malapit sa kalsada pa74


Wawa ay nakatambay na lamang sa katapat na tindahan ng court. Pero mabilis na nasagot ang kataka-takang eksena, paglingon ni Jun sa court ay wala na ito – butas na ang court at pinaliligiran ito ng mga consruction worker na nagtatayo ng siguro‘y mga pundasyon para sa kung anong gusali. Hindi niya ito inasahan at sandaling napatahimik maging ang kaniyang isipan habang naglalakad pababa; inaalala ang mga larawang naunang kinuhaan nila dito pagdating sa Wawa, iniisip na sa loob ng ilang linggo ay hindi na kaagad ganoon ang itsura ng mga lugar na ito. Laking-gulat ulit ng dalawa pagkarating nila sa mismong Wawa. Mayroon na roong itinatayong arko! Dalawang di pa tapos na mga poste na ang nakatirik sa magkabilang gilid ng nag-iisang malawak-lawak na kalsada. Kaagad na tumigil sa paglalakad si Jun nang matanaw niya ito. Mabilis ding sumunod ang realisasyong ngayon ang isa sa pinakamagandang oras para gamitin niya ang magandang kamera ng kaklase. Itinapat niya ang eyepiece ng kamera sa kaniyang mga mata, inikot ang lens, pinindot ang shutter, iniba nang bahagya ang anggulo at pagkakaikot ng lens, at pumindot uli. "Ito ang dapat naming maipakitang katotohanan," bulong niya sa sarili. Hinabol niya ang hindi naman tumigil na si Macmac. "Sinisimulan na nila yung tourist park nila o," bigo ang pagsubok ni Jun na mapagsalita si Macmac. Patuloy ang bata sa paglalakad. Sa isip-isip nito'y magkasabay na naglalaro ang pagkatuwa sa nalalapit na pagtatayo ng tourist attractions na nangangahulugan ng mas maraming turista, at ang pangamba at pagaalalang mapalayas na nang tuluyan ang mga kakilala sa Wawa, at pati nga sila mismo sa sitio Sapa sa kalaunan. Pagkalapit nila ni Jun sa dalawang matataas na bloke ng sementong tila nakatarak sa lupa ay ginusto pa niya ito uling kunan ng larawan - iyong malapitan. Pero pinangunahan siya ng takot at hiya. Hiya dahil sa idudulot na biglang atensyon ng pagtutok niya ng kamera sa mga manggagawang naghuhukay at nagbubuhos ng semento sa itinatayong arko. At takot dahil sa posibilidad na mayroong kung sinong boss ang mga manggagawang ito na biglang sumita sa 75


kaniya at mangduro-duro. Tutal naka-off naman ang flash ng kamera, pinasimplehan niya ng pagtutok at pag-klik ang kanang poste; sana lang ay mayroon siyang nakunan. Paglagpas nila sa arko ay sumambulat ang marami pang eksenang palagay niya'y dapat niyang malitratuhan: isang loteng may lagpas-taong hukay na may ilang bahaging mataas at may ilang posteng gawa sa semento't bakal (para itong isang underground maze na walang kisame), isang buldoser na pambutas sa lupang binakuran ng mga yerong may logo ng kung anong Koreanong kumpanya, isang trailer ng trak na inilapag sa lupa at nagsilbing "headquarters" ng mga construction worker, at ang isa pang tampalasang buldoser na bumubuhat at nagtatabi sa mga nagsisipagkinangang puting ginto! Pinangibabawan ng pagkainis ang pagkagulat, takot, at hiya ni Jun. Mabilis ang kaniyang pag-click sa shutter ng kamera, pauulit-ulit. Lumapit siya sa hukay, sa naka-parking na buldoser, sa trailer, at sa tila ba nanginginaing buldoser. Sa unang pagkakataon mula nang lumabas sila sa kanilang bahay ay naunahan ni Jun si Macmac sa paglalakad. Iisa ang nasa kaniyang isipan: kailangang mahuli ang lahat ng eksenang ito. Ang pagbutas sa loteng katabing-katabi lang ng isang carinderia, ang pagtarak ng matatayog na bakal malapit sa matatandang puno, ang paghawi sa mga higanteng ginto ng ilog - ang mga ito ay mga krimen! At para kay Jun, ang bawat pagpindot niya sa shutter, ay paglikha ng ebidensya.

Bandalismo Pagkatapos ihatid sina kuya Jon at ate Kristel kina tatay Lito, kagaya kahapon, sinundo naman ni Macmac si kuya Bunso para mag-guide ulit ng mga turista. Gaya rin kahapon, dahil hapon pa ang naka-iskedyul na iga-guide, tumambay na muna ang dalawa sa malapit na ihawang nasa ilalim ng isang malapad at matandang puno, bagaman hindi nila masilip mula rito ang ilog, dahil sa itinayong bakod ng WING XING (na para bang mapagtatakpan nito ang mga 76


higante nilang buldoser), tanaw nila mula rito ang panggagalingan ng mga turistang maari nilang walk-in customer. Malakas-lakas din ang signal dito, kaya dito nila hihintayin ang text o tawag ng kakilala ni kuya Bunso sa MTO. Samantala, pinagtatalunan nila kung ano ba talagang epekto ng construction na ito sa kanilang mga buhay. Kanina pa nakaabang ang dalawang Katipunero sa tabi ng isang payat na puno. Ang mas bata sa dalawa, na pinangalanang Bernardo, ay naka-ilang higop na ng tubig mula sa katabing ilog sa paniwalang makababawas ito sa kaniyang kaba. Kinakabahan siya una dahil ngayon pa lamang niya makikita sa personal ang Presidente Supremo, at ikalawa dahil ayon sa ilang opisyal ay nalantad na sa mga kalabang Kastila ang lihim nilang samahan, at maaring ang unang pagkikita nilang ito ng Supremo ay siya na ring huli. Tinitiyak pa lamang nila ang balitang ito dahil kunsakling totoo ay malinaw naman na ang pasya ng kanilang Sangguniang Balangay na harapan nang labanan ang mga puting mananakop. Subalit nang kaniyang matanaw ang walong Pilipinong naglalakad papalapit sa kanilang kinaroroonan (kulay ng balat ang kaniyang palatandaan), saka niya naunawang ang nadarama niya ay hindi kaba, kundi pananabik. Kaagad na nilapitan ng dalawa ang mga turistang puting hinatid pa ng isang taga-MTO. Nanguna syempre sa pag-i-Inggles si kuya Bunso. Bumabawi si Macmac sa pagiging palangiti at palatulungin sa pagbuhat sa mga bagahe ng mga turista. Isa iyong pamilya ng mga Amerikano (sa isip-isip ni Bunso, lahat naman ng puti'y mga Amerikano), ama, ina, at isang 11-taong gulang na anak na mas malaki pa kay kuya Bunso gayong halos triple niya ng edad! Syempre nakahanda na ang mga naggagandahang pictures ng Pamintinan Cave, Wawa Dam, Mount Parawagan, atbp., kabisado na rin nina Macmac ang tila-recorded nilang sales talk. Hindi lang nila alam kung paano tamang sasagutin ang mga tanong nila tungkol sa mga trak, buldoser, at bakod na kamakailan lang naman talaga naparoon, pero kalaunan ay nagkasundo naman ang dalawang panig na iga-guide nila sila sa Pamintinan Cave sa halagang 220 pesos - "mahirap yata 77


ang mga porener na ito a," sa isip-isip ni Bunso. Matapos ang mga seremonya kaugnay ng pagkikita't pagkilala, kaagad na sinamahan ng dalawa ang walong Katipunerong mas matataas sa kanila ang ranggo patungo sa pakay na kuweba. Nakahanda na ang balsa para makatawid sa kabilang bundok. Pinipilit ni Bernardo na maging kalmado. Mabilis niland natawid ang ilog. Ito ang unang pagkakataong ang batang Katipunero ay nakasalamuha ng matataas na opisyal ng Katipunan. Kasintahimik sila ng kapaligiran, animo'y narating na ang lugar na iyon ng mga kaaway na sa isang maling ingay lang mula sa kanila ay biglang sasalakay. Hindi tiyak si Bernardo sa gagawin nila ngayong umaga, basta't kailangan daw ng isa pang kasama. Ang tangi niyang naririnig ay ang pag-agos ng tubig sa mga puting bato, ang pagkaluskos ng mga sanga sa isa't-isa, mga huni ng iba't-ibang hayop; ang tangi niyang nadarama mula sa mga kasama ay pananabik, kapasyahan, at labis-labis na kapusukan. Kasabay ng pag-apak ng balsa sa kabilang pampang ang pagkawala ng mga salita sa mga bibig ng kaniyang mga kasamahan. Nasa hulihan si Bernardo, siya ang naatasang bantayan ang likuran ng kanilang grupo. Pabulong na nagkukwentuhan ang mas matatanda niyang kasamahan habang sabay-sabay nilang inaakyat ang bundok. Naghalo ang ingay ng grupo nina Bunso at ng isa pang naunang grupo ng mga turistang Pinoy pagkarating nila sa pinaka-bunganga ng Pamintinan. Meron na kasi ritong terrace na mayroon na ring mga sementong lamesa at upuan. Isa-isa lang kasi ang pagpapapasok sa mga grupo ng mga turista, kaya nilagyan ng hintayan dito sa labas. Sandali lang ay lumabas na rin ang naunang grupo ng mga tursita, pumasok na ang inabutan naming mga Pinoy, medyo nabawasan ang ingay hanggang sa may dumating na ikatlong grupong pumila sa aming likod. Ilang minuto pa rin ang hihintayin namin kaya nagkwento-kwento na muna si kuya Bunso tungkol sa kasaysayan nitong lugar: mula kay Bernardo Carpio, na sa totoo lang ay isa raw matapang na Katipunero noong panahon ng Kastila, hanggang sa mga sakang na Hapong 78


naduwag at nagkuta sa mga kweba noong papatalo na ang kanilang bansa sa gyera, hanggang sa nakakayanig at tila-walang-hanggang pambobomba ng mga nagbalik na Amerikano. Naiwan si Bernardo sa labas ng kweba. Sya nga ang bantay. Bagaman nais niyang makasama ang Supremo sa loob, nauunawaan niyang kailangan ng isang tagapagmatyag. Kung masukol sila ng mga Katilang kaaway habang nasa loob ay malamang na mahirapan silang makalabas nang buhay. Kaya’t naupo na muna siya sa isang malapit na bato, kahit tinatakpan siya ng mga puno ay tanaw niya ang tinawid nilang ilog at pinanggalingang pampang. May narinig siyang ingay mula sa loob. Kamuntik siyang matawa, tiyak niyang tunog iyon ng isang muntikan nang madulas; nakakatawa para sa kaniya dahil nang una niyang punta rito ay nadulas din siya at lumagapak nga sa dumi ng libo-libong paniking pinutik ng malamig na tubig-kweba. Pero walang humabol na pagtawa mula sa loob. Pinag-iingat ni Bunso ang tatlong malalaking foreigner habang pinangungunahan ang kanilang grupo sa paglalakad gamit ang kaniyang malaking flashlight. Samantala, sa pinakalikod naman nila ay inaalalayan ni Macmac ang Amerikanong bata sa bawat hakbang nito. Pinapaliwanag ni Bunso sa Inggles na ang kakaibang sangsang na kanilang naaamoy ay dala ng basang tae ng mga paniki (at iba pang ―creatures"). Habang papasok sila nang papasok sa kweba ay papakaunti nang papakaunti ang kwento ni Bunso. Papadalas din ang klik ng mga high-tech na kamera ng mga turista, sa bawat pitik animo'y biglang umaga sa loob, na bigla lang din namang nilalamon ng gabi. Kuninan nila ang matatalim na batong parang mga pangil na nakaambang manakmal, ang nagtatagong mga bukal ng mala-salaming tubig, mga sari-saring hayop na naglalagi sa dilim at lamig ng Pamintinan, at marami pang iba. Sa kaloob-looban ng kweba ay nagpupulong ang Kataas-taasang Sanggunian. Ang tanging ilaw nila ay mapupusyaw na gasera. Walang ibang nakaririnig sa kanilang mga tinig kundi silang magkakaharap. Mula sa laba ay sumilip si Bernardo sa bungad ng kweba, umaasang may matatanaw o maririnig, pero wala. Tandang-tanda niya noong pasumpain 79


siya rito bilang isang Katipunero. Sa maagang bahagi pa lamang ng kweba ay naka-ukit na ang mga salitang "Kung may lakas at tapang ikaw’y makatutuloy! Kung ang pag-uusisa ang nagdala sayo dito’y umurong ka. Kung di ka marunong pumigil ng iyong masasamang hilig, umurong ka; kailanman ang pintuan ng Kataastasaan at Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan ay hindi bubuksan nang dahil sa iyo." Nakapaninindak oo, pero matagal na ring nais manindak ni Bernardo ng mga mahahanging Kastila, ang mga ito ay wala pa sa mga naranasan na niyang pangmamata. Sa looban pa ng kweba isinagawa ang mga binyagseremonya para sa kanya. Mula sa pagtatanong sa kasaysayan, kasalukuyan, at kinabukasan ng bansa, hanggang sa mismong sanduguan. "And this is called the Hall of Bonifacio," tumatalbog sa kweba ang tinig ni Bunso, "this is where Bonifacio and the other members of the KKK meet and talk on each other. As you can see, here, is a stone that looks like a table, this is what the Karipuneros used back then as a table." Inupuan ng Amerikanong nanay ang puti-kayumangging pormasyon ng bato bago siya kunan ng larawan ng puting mister. Natuwa ang kanilang anak at nakigaya. Hiyaw ang huling narinig ni Bernardo mula sa kweba bago ilang sandali pa ay marinig na niyang muli ang mga papalapit nang yapak ng mga Katipunero. Kulimlim ng hapon ang sumalubong sa kanilang paglabas; binati ng pasasalamat ng Supremo si Bernardo. Nang pababa na sila, ngayo'y nasa unahan naman si Bernardo, tinanong niya ang kasunod nya sa pila kung anong nangyari sa loob ng kweba. Ang sagot ng matandang Katipunero ay sintiyak ng pagsikat ng araw kinabukasan, "palalayain na natin ang ating bansa." Hindi niya magawang maikulong sa iisang kuha ng kamera ang mga salitang nasa pader kaya't kinunan na lamang ito ng Amerikano nang parte-parte. "Viva la," na natatabunan na ng iba pang mga bandalismo, mga pangalan at kung ano-anong simbolo; at "Independecia!" na katabi rin ang sari-saring titik at pinakupas na ng pag-agos rito ng tubig. Sa pamamangha ay 80


hinimas ng batang Kano ang halos di na mabasang mga salitang ito sa pader ng kweba. Agad siyang nagulat at nabahala, hindi pa dahil halos mabura niya ang isang titik, kundi dahil sa labis na hapding idinulot nito sa kaniyang daliri - para siyang pinaso ng ilang-daang taong lamig.

Kalituhan Alanganin talaga itong digicam sa sofa nina tatay Lito. Pero wala naman akong ibang mapagpapatungan. Lalong hindi naman pwedeng hawakan na lang namin ni ate Kristel, pareho kaming pasmado. Ayos na rin ito, aalalayan ko na lang ng hawak. Nakaupo sa katapat ding sofa ang aming subject. Naka-polo shirt pero naka-jersey shorts; hindi naman kasi kita sa kamera. Si Macmac ay umalis na kasama ng panganay ni tatay Lito na may kakaibang palayaw, si kuya Bunso, may mga iga-guide daw silang turista. Kaya naiwan kami ngayon dito ni ate Kristel. "Bakit naman po naging kuya Bunso si... kuya?" usisa ni ate Kristel. "Ay, bunso kasi siya ng asawa ko, pero panganay ko... gets?" natawa kami sa pagsambit ng isang para sa amin ay matanda nang tao ng isang bago-bagong ekspresyon. "Hindi naman bunso, nag-iisang anak kasi dati. Kaya "Bunso" ang naging palayaw nung kabataan hanggang sa masundan nga nito ni Me-ann kaya naman nagkaroon ng kuya," sabay kami ni Kristel na napa-"aaah" nang mahaba sa paliwanag ni nanay Susan na inabutan pa kami ng tig-isang baso ng tubig. "Ganoon na rin iyon ma. Ay paabot naman pala nung salamin ko, titignan ko itong questionnaire nila." Kinasasandalan ng sofang kinapapatungan ng aking digicam ang isang malaking bintanang kawayan ang rehas. Dito nagmumula ang pinaka-lighting namin. Sandali lang akong napasilip at biglang namangha sa tanawin. Kita mula rito ang kahabaan ng ilog at ang mga dambuhalang nitong puting bato, ang pinatse-patseng plywood, tarpolin, o trapal na bubong ng 81


mga bahay at tindahan, ang mga traysikel na nakaparada, mga dyip na pinupuno pa, tanaw ang malalaking punong marahil literal ay panahon pa talaga ng hapon itinanim, pati ang malawak na aninong inilalapat nito sa komunidad. Kaya lang ay tanaw din ang mga buldoser at hukay ng WING XING Construction-"Ang pangalan ko ay," nabigla ako kay tatay. "Ay teka lang po, teka, di ko pa nare-record." "E nakatulala ka na sa labas e," si ate Kristel, iniabot niya sa akin ang isa pang kopya ng aming questionnaire. "Maganda pala kasi yung view dito," "A oo, kaya dito ako nagtayo ng bahay e. Bukod sa binabaha sa baba," "Sige po simula na tayo? Question and answer lang po. Pero kung gusto niyo pong magkwento, e di mas maganda. Okay na po?" "Ako si Lito..." nagsimula nang mag-record ang aking digicam; sana di maubusan ng baterya.

Kasama ang mga magulang ni tatay Lito sa pinaka-unang mga namalagi sa bahaging ito ng Montalban. Ang orihinal nga nilang bahay ay naroon sa mismong tabing-ilog ng Wawa, pero dahil sa paminsang pag-apaw nito, lalo na nitong mga nakaraang taon, lumipat si tatay Lito sa may itaas, sa may mga parang batong nakausli mula sa gilid ng bundok; tanaw sa bintana nila ang kahabaan ng ilog at ang mga puti ritong bato. Pero bago pa siya magkaroon ng ganoong kakayahan ay syempre naging bata na muna siya. Sa pagsama-sama niya sa mga magulang sa bukid niya nakilala ang bata pa rin noong si ka Roger. Dahil pareho ngang magsasaka ang mga magulang, magkasama silang lumaki sa bukid at bundok. Bagaman medyo magkalayo ang tinataniman ng kani-kanilang 82


pamilya (sina Lito ay sa may Susong Dalaga samantalang sina Roger ay malapit doon sa tinatawag nang sitio Sapa ngayon), madalas pa rin silang magkita. Pa'no'y kasa-kasama sila sa tuwing magbababa ng kalakal ang kanilang mga magulang, o maghihiraman ng gamit, o maski magkukwentuhan lang. Wala pa kasing masyadong tao noon doon. Sabi nga ni tatay Lito, "para lang kaming mga kuto nun sa kagubatan." Wala pa ngang kalsada o maski anong permanenteng istruktura. Lahat ng bahay nila gawa sa magaang materyal na kung gugustuhin ng kalikasan ay kayang-kaya nitong pa-liparin. At dahil wala naman ngang masyadong pagpipilian, naging matalik na magkaibigan ang dalawa. Hanggang sa dumami nang dumami ang mga nagpunta at nagsimulang tumira sa kanilang lugar. Dumami nang dumami ang kanilang mga kakilala kasabay ng kanilang paglaki at pagtanda. Dumarami na silang magbabarkadang sabay-sabay naglalakbay papunta sa napakalayo nilang eskwelahan (o kasamang lumiliban sa klase para sa napakarami pang ibang gawaing palagay nila ay mas may-saysay). Kalagitnaan ng Martial law noong mag-tinedyer sila. Hindi naman sila gaanong apektado sa panggigipiit noon ng diktaturyang Marcos. Wala naman kasing napapadpad na Metrocom sa kasukalan ng kanilang lugar. Dati naman nang walang TV sa kanila, iilan lang naman sa kanila ang may radyo. Sa totoo lang ay kahit anong gobyerno naman ay hindi talaga nila ramdam doon noong ang kalakhan ng kanilang komunidad ay gubat pa rin. Ang pinakamadalas nilang napapansin noon doon ay mga NPA na napapadaan para umakyat o bumaba mula sa bulubundukin ng Sierra Madre. Sa kanilang pagtanda ay pareho nilang mami-miss ang mga iyon. Hindi dahil naging malapit sila sa mga iyon o ni-rekrut sila bilang mga batang mandirigma, gaya ng sinasabi ng gubyerno, pero dahil sa kanila sila unang nakakita ng totoong mga baril. Mayroon ding mga "baril" ang kanilang mga magulang. Pero hindi totoo. Mga gawagawa lang iyon ng mga tatay nila. Yung mga unang tipo nga ay mas "malakas na pana" lang 83


kesa "baril." Pero kalaunan nga ay nakalikha din naman sila ng sariling bersyon ng depulburang baril. Hindi sa kanila iyon pinagagamit. Ni hindi nga pinahahawak at dahil delikado. Nakikita lang nila iyong magamit kapag tinetesting ng mga tatay nila. Para lang iyon sa mga di-inaasahang pagkakataon. Sabi nga ni tatay Gerry, kapag sa bundok ka nakatira, kailangan mo talaga ng baril. Pero gusto nilang parehong isipin na ginagamit iyon ng mga tatay nila para sa lihim na pangangaso, o kaya pa nga'y laban sa mga magnanakaw ng mga tanim at alagang hayop. Hanggang sa mangamatay na rin ang kanilang mga magulang, at sila mismo'y naging mga magulang na. Si tatay Lito nga ay dalawang beses nang nagpakasal. Ang una kasi niyang asawa (ina ni kuya Bunso), ay namatay dahil sa tubercolosis dalawang taon pagkapanganak kay Bunso... Dahil na rin marahil nasa mas mababang lugar at kung gayon ay mas malapit sa bayan, naging madali para kay Lito na iwanan ang pagsasaka at maghanap ng ibang mapagkakakitaan. Pareho naman silang nakatapos ng hayskul (bagaman parehong huli sa edad) pero si Lito lang ang nagtuloy sa pag-aaral sa eskwelahan. Pumasok siya sa mga training at iba pang kurso para maging isang security guard. Na siya na nga niyang trabaho magpasahanggang ngayon. Samantalang si Roger ay nanatiling masigasig na magsasaka. Napalayo na sila sa isa't-isa mula pa noong magkaroon sila ng kani-kaniyang pamilya at tuluyan nang manirahan sa magkabilang dulo ng bundok (si Lito sa paanan, si Roger sa may tuktok). Pareho silang napapaloob sa mga samahan. Si Lito ay naging Board Member ng Hawak-Kamay, isang neighborhood association ng mga naninirahan sa Wawa. Samantalang si Roger ay naging isa sa mga pangunahing tagapagtatag ng AGRA, samahan ng mga magsasakang umokupa sa malaking bahagi ng tiwangwang na lupa sa may taas pa ng bundok, sa lugar na pinangalanan nga ng kanilang samahan bilang Parawagan. 84


Bukod sa paminsang umaabot na usap-usapan tungkol sa samahan nilang dalawa, mula noon ay wala na silang balita pa sa isa't-isa. Naging abala na rin sila sa kani-kanilang usapin. Tapos na ang aming shooting. Malapit nang mag-alas-dose. Naka-kalat pa sa sofa ang iba't-ibang dokumentong ipinakita sa amin ni tatay Lito: mg mapa, resolusyon, affidavit, sertipiko, at marami pang iba. Nagku-kwentuhan pa sila ni ate Kristel, "oo nga po tay, ang sabi nga po, ang edkasyon natin ngayon at komersyalisado, kolonyal, at pasista; komersyalisado kasi..." sandaling patlang, na mabilis pinunan ni tatay Lito, "yung negosyo," "ayun po!" naman ang natuwang pagtuloy ni ate Kristel. Hindi lang ako gaanong makasingit o makasusog sa kanila dahil nga ina-absorb ko pa ang lahat ng naikwento sa amin ni tatay: ang Hawak-Kamay, ang Do単a Anna Baraquel Foundation, ang Pamitinan, ang Montalban Tourism Office, Torrens Title, at marami pa. Nakakalunod. Nakaka-humble din. Eto ko, 3rd year student ng isang kursong pre-law, peto eto ang isang dating magsasakang security guard na as marami pang alam sa batas kesa sa akin! Isang samahan ng mga nakatira sa Wawa ang Hawak-Kamay. Halos lahat ng nasa Wawa ay kasapi nito. Una itong itinatag para tutulan ang unang banta ng pagpapalayas sa kanila. Dahil pa iyon sa plano ng gubyerno na gawing mapagkukunan ng inuming-tubig ang ilog ng Wawa na paminsan pa ngang pinangingisadaan ng mga taga-roon. At syempre, dahil iinuman, bawat nang tirahan ang paligid ng ilog. Nanalo sila noon. Sa tulong pa ng Do単a Anna Baraquel Foundation. Iyon ang nagbigay sa kanila ng abogado. Bagaman isang bagay na sa unang tingin ay dapat ikasaya, dito nagsimula ang gusot ni tatay Lito sa kalakhan ng mga opisyal ng samahan. Ang Do単a Anna Baraquel Foundation kasi, sa madaling sabi, ay umaangkin din sa lupa ng Wawa. Hindi nga lang sa Wawa, pati sa buong Pilipinas! Ayon nga dun sa abogado, sa kanilang bossing (yung Do単a Anna Baraquel) daw talaga ibinigay ng Hari ng Espanya 85


ang titulo (Torrens Title, nga ang daw ang tawag) para sa buong Pilipinas bago pa man mangyari ang Treaty of Paris. At hindi naman daw lupa ng Pilipinas ang binili ng mga Amerikano sa Espanya, iyong pagsuko lang nila sa gyera, at hindi ang mismong teritoryo. Kaya nga, itinatag ang Foundation na iyon para bawiin sa sunod-sunod na gubyernong “nang-aangkin” ang lupang dapat ay kay Doña Anna. Absurdo? Palagay din ni tatay Lito. Pero hindi ng pangunahiing pamunuan ng samahan. Ang binitbit nilang argumento sa korte ay na ibinigay daw ng Foundation sa Hawak-Kamay ang lupa sa Wawa, kaya kanila iyon. Nang una nga itong marinig ni tatay, sa isang board meeting, ay natawa pa siya. Kaya lang nang mapansin niyang seryoso ang kalakhan ng mga kapulong ay saka nga nagsimula ang kanilang mga pagtatalo. "Aba'y bakit iyang dahilan ng Foundation ang ating gagamitin gayong ilampung taon na tayong naririto, tayo na ang nagtindig ng mga bahay, tindahan, 'yang tulay; nagbabayad tayo ng buwis, ng kuryente, ng tubig - tayo ang nagtaguyod sa Wawa! Hindi ba't 'yon naman talaga ang dahilan ng pag-angkin natin sa lupa?" Napatango ang ilan, napasimangot ang karamihan. Nagsalita ang kanilang presidente; mahinang kaso raw iyon, mahirap ipanalo dahil wala namang papeles yang kahit ilang-libong taon mo nang pagtatanim, at hindi nila pwedeng i-kompromiso ang kaso't kung matalo sila ay tiyak silang ide-demolish - "gusto mo ba 'yon?" dagdag pa nito. Hindi kumbinsido si Lito, "kung iyan ang sasabihin natin, para na rin nating sinabi na, sa totoo lang, sa kahuli-hulihan, ay sa Foundation itong lupaing atin!" napatayo na sa pagkaka-upo ang magsasakang-gwardya. “Kumpleto sa papel at dokumento ang Foundation, nagbibigay pa sila ng libreng abogado para sa atin, ano pa ba ang gusto mo? Wala na nga tayong ibang gagawin kundi tulungan silang tulungan tayo!” hindi papatalo ang presidente. Hanggang sa nagkasingilan sila kung sino ba ang mas matagal nang nanirahan sa Wawa, at ang ikinagalit nga ng presidente, ang pagkaka-ungkat na palibhasa'y board member din siya noong Foundation. Napasigaw na ang matanda. Nag-init 86


na rin ang ulo ni tatay Lito. Ayaw niya ng away. Lumabas siyang dismayado't galit sa pamunuan ng samahan. Di nagtagal, itiniwalag si tatay Lito sa samahan. Sa isang memorandum na isinulat ng abogado ng Foundation, pinormal ang pagkaka-tanggal din mula sa pamunuan ng iba pang "divisive" at "hateful" na mga opisyal. Ikinainis at ikinasama ito ng loob ni tatay, pero di na niya talaga inintindi. Nanalo na sila noon laban sa NAWASA (National Waterworks and Sewerage Authority), at abala rin siya sa kaniyang trabaho. Palagi rin siyang pinakakalma ng asawang Saksi. Inilalapit siya sa kilala nitong Panginoon, sa "kapayapaan ng loob," "katahimikan," at "kaluwalhatian." Wala pa sa kanilang nakahula sa pagdating ng MTO at WING XING noon. Mula noon ay naisama na sa mga pangmatagalang plano ng Hawak-Kamay ang makapaningil ng upa sa Wawa. Ang donasyon kasi ng Foundation ng lupa ay nakapangalan sa indibidwal na mga "tagapangasiwa." Mga kasapi rin naman sila ng Hawak-Kamay (karamihan board member), pero dahil nga sila ang mangangasiwa sa lupa, ang ibang taong nais gumamit nito ay karapat-dapat lang na magbayad ng upa. Ayon sa mga plano, bahagi ng makokolektang upa ay para rin sa samahan na ilalaan para sa pangkalahatang pagpapaunlad sa Wawa (mga toll gate, guardhouse, kaunting rides, o iba pang establisyimento). Hindi naman sila magpapalayas ng mga kapwa-taga-Wawa, syempre, ayun nga ang kanilang nilalabanan - basta magbabayad lang ng upa. Magpasa-hanggang ngayon nga'y bitbit ng Hawak-Kamay ang Do単a Anna Baraquel Foundation (o kabaligtaran ba?), at hindi pa rin nga kumbinsido si tatay Lito na dapat umasa silang mga taga-Wawa sa Foundation na iyon. Wala na siyang pakiealam sa mga nais gawin ng isang samahang palagay niya'y naligaw na ng landas. Basta ang sa kan'ya, ika nga niya'y "Basta ako, hindi ako manggugulo basta't hindi rin nila ako guguluhin." Naka-dalawang balik si ate Kristel para sa spaghetting inialok sa amin ni nanay. 87


Nagtatalo yata sila ni tatay, pero yung tipong pagtatalong iniiwasang magkasigawan. O masyado lang talaga silang "agit?" Ako'y (medyo) pinapangaralan ni nanay sa halaga ng pagbabasa ng Bibliya. Kaya lang sa ngayon, ang isip ko'y nalulunod pa rin sa impormasyon, habang ang mga mata ko'y nakapako sa bintana: sa tanawin ng tahimik na ilog... binubutas ng nagsusumigaw na buldoser.

Ka Gerry "Mag-damit ka man lang o," paalala ni nanay Beybi (oo natawa't nanibago rin ako noong una sa pangalan niya pero nasanay na lang din) sa asawang sa totoo lang ay ni hindi pa namin nakikitang may suot na t-shirt ni sando. "Mainit at mahal ang sabon!" sagot ni tatay Gerry na isinuot din naman ang iniabot na tshirt ng misis. "Ipapasa nila 'yan sa mga propesor nila o, tapos kita yung utong mo?" nagtawanan pati ang dalawang buntis na nilang mga anak. "E ise-sensor lang nila 'yon di ba ano?" Sa wakas ay nahanapan ko na ng estableng mapagpapatungan ang DSLR ni Alex. Naiwan daw kasi niya ang tripod nito sa bahay pa nila sa Cavite; sa isang banda ay sobrang laki't bigat rin naman yata no'n para dalhin pa niya. Kaya eto't nakaasa kami sa isang malaking tabla ng kahoy na ipinatong sa kahoy ring hapag-kainan nina tatay Gerry. Sakto lang ang layo nito sa aming subject; kuha ang mula sa kaniyang bewang hanggang ulo, maganda ang rehistro sa kamera ng kakupasan ng violet niyang damit at ng kaitiman ng brown na dingding sa kaniyang likod. Sakto lang din ang tama ng sinag ng alas-otso sa kaniyang mukha. "Hindi halatang lolo na a," pabirong komento ni ka Cel. "Naku e parang bigla naman akong nahiya tuloy. Pwede bang maghubad ulit ng suot?" 88


pagbibiro pabalik ni tatay. "Hay nako tatay," hinawi ng kumukulubot nang kamay ni nanay Beybi pakaliwa ang itim pa ring buhok ni tatay Gerry. "Ayos po, gwapo kayo sa kamera," hindi ako nagsisinungaling. Ang usapan namin ni Alex ay siya ang magtatanong-tanong (hindi lang basta magbabasa ng mga tanong mula sa inihanda naming questionnaire) ngayon at ako ang mag-o-operate nitong DSLR. Syempre magsasalita rin ako pero sabi namin siya ang main. "Simula na po tayo?" nakangiti kong tinanong ang lahat. "Simula na!" "Pa-otograp kami tatay pagkatapos a," si nanay Amor, panganay nina nay Beybi. Tinignan ko si Alex na nakaupo't nakatulungko sa kodigo namin, nginitian ko siya at sinenyasan ng "okey." Kasama si tatay Gerry sa mga unang opisyal ng AGRA. Isa siya sa mga naging katuwang ni ka Roger sa pamamahagi ng mga lote sa Parawagan para hindi mag-agawan ang paparaming magsasakang nagsasaka sa sitio Sapa. Ang totoo'y wala ngang maniwala sa kanila noong una, ano nga naman daw ang kanilang karapatan para mamahagi ng lupang hindi naman sa kanila? ng lupang ang legal na may-ari ay ang gubyerno? Pero kinilala rin sila ng mga tao kalaunan. Paano'y sila naman ang talagang naunang nag-hawan at nag-paunlad doon sa Parawagan. Sila ang nakakaalam sa mga pasikot-sikot noon. Ang maraming puno ng prutas doon ay sila ang nagsipagtanim. Kaya di rin nagtagal ay lumaki ang kasapian ng AGRA. Nagtakda sila ng mga farm lot na di lalagpas sa 3 ektarya at ilampung metro-kwadradong home lot para sa bawat pamilya. Nagkaroon ng sistema ng pagbubutaw para sa mga hakbang na maisapapel ang praktikal nilang pag-aari sa lupang ginawa nilang produktibo. Tinangka rin syempreng 89


magtatag ng kooperatiba. Nagsimula man sa isang mapangahas subalit makatwirang hakbang, maagang nabalaho ang pag-unlad ng samahan. "Nagsimula ang problema nang pasukin ng kwariying ang Parawagan," hindi sa kamera nakatingin si tatay. "Palibhasa public land, ibig sabihin pag-aari ng gubyerno, inaplayan ni Villar itong bundok, ito ngang Parawagan," palipat-lipat siya ng tingin, sa akin, kay Alex, kay ka Cel, sa'ming lahat, isa-isa. "Syempre ayaw namin, e tinatamnan namin ito, dito kami kumukuha ng ikabubuhay! E yang kwariying walang itinitira, pati bundok nawawala!" Maiging nakikinig si Alex, maswerte siya't madadal si tatay. "Mas masahol pa iyan sa mining!" Patlang. Nilingon ko si Alex, nagulat ako sa iglap ng kaniyang tugon, "Ano pong nangyari doon sa application ni Villar?" "Hindi pumasa, noong una. Kailangan kasi nila ng pirma ng samahan ng mga taga-rito. Syempre hindi kami payag. Nagbarikada pa kami noon dd'yan sa baba! Para pati mga taong-gubyerno hindi makaakyat dito para magsarbey-sarbey." Sa loob ng matagal na panahon ay ngayon na lang uli nagkita si ka Roger at tatay Lito. Isang 'di inaasahang pagtatagpo, ika nga. Katatapos lang magtalumpati ni ka Roger para sa programang inihanda ng AGRA bilang panimula sa barikada. Sa araw kasing iyon naka-iskedyul na magpunta ang mga inhinyerong galing sa munisipyo para magsukat ng lupa. Sa gitna ng mga nakatindig na mga yero, mga gulong, mga tabla, at mga bato, nilapitan si ka Roger ng kababata, "kamusta,� sandaling nag-alinlangan si tatay Lito kung anong itatawag sa kaharap niya ngayon, “kapatid?" "Lito!" nabiglang bulalas ni ka Roger. Ang inasahan niyang sunod na sasabihin ng kababata ay pangangamusta sa kaniyang dating asawa o sa kasalukuyang pagsi-sikyu sa mall; pero "Kamusta ka na! Aba, dapat kasama namin kayo rito hindi ba? Iyong Hawak-Kamay. Lason sa buong bundok ang kwari!" ang naging pagbati ni ka Roger. Ano ba nga naman ang kaniyang aasahan, bulong na lang niya sa sarili, nasa gitna sila ng isang barikada! Pero higit na hindi inaasahan ni Roger ang sagot ni Lito na, "Naku, hindi gusto ng samahan namin ang ganito Roger," nang may kasabay pang 90


pang-iling at pag-hindi ng kamay. Bago pa man maging mga salita ng pagtataka't pagpapaliwanag ang pagkunot ng noo ni ka Roger ay di-sinasadyang pumagitna sa kanila ang napasigaw pang si tatay Gerry, "ka Roger, nariyan na po ang taga-Munisipyo!" Nagdaan na ang tanghalian. Nag-break lang kami sandali para kumain ng inihandang ginataang gulay ni nanay Susan. Nagpabili si tatay ng RC sa kanilang apo. Medyo napahiya pa ako nang sabihin kong "huwag na po," ang sagot ni tatay ay "gusto ko ring mag-sopdrinks paminsan-minsan, mainam ngayon at may kasabay pang bisita." Hanggang sa hapag-kainan ay nagkukwento si tatay. Sa pangkalahatan ay maari talagang sabihing, noon, ay nakasalalay kay ka Roger ang buong samahan, siya ang pinakamaalam sa halos lahat ng aspeto (hindi lang siya mahusay magkwenta), pinakamasigasig (hindi na nga nakapangasawa), at may pinakamatatag na paninindigan (ilang ulit nang natutukan ng baril) kaya naman, nabigla't naghina talaga ang samahan nang siya'y makulong. Isa iyong gawa-gawang kaso ng pagpaslang. Idinawit siya sa mga NPA. Kumpara kina tatay Lito, ka Roger, at tatay Gerry, si Milyong ay bagong salta sa sitio Sapa nang magtayo ito ng sariling samahan, ang AGRI (ginawa lang "incorporation" ang "association" sa AGRA). Nagkaroon din ito ng ilang mga kasapi; ilang kamag-anak ni Milyong (na halos kasabay niyang nagsitira malapit sa Parawagan), at ilan pag inakalang ito rin ang AGRA ng Parawagan. Paano'y sinasabi nitong kung kasapi ang magsasaka sa AGRA, siya ay kasapi na rin sa AGRI! Noong una ay hindi naman ito pinansin nina ka Roger, abala sila sa pagpigil sa mga umaangkin sa Parawagan. Nagka-problema, nang ang AGRI ay nakipagkasundo sa Munisipyo at nagbigay ng "consent" sa pagpasok ng mga kumpanyang pang-quarry ni Villar. Hindi lang 'yan, inalok nila ang mga nagsasaka sa Parawagan ng ilampung libong piso kapalit ng ilampung ektarya ng lupang di naman nila binili – napunta sa AGRI ang pagmamay-ari sa ilandaan ding ektarya sa Parawagan. Lahat ng ito ay 91


pinayagan nilang ipa-sarbey para maisama sa quarry. Nagkabangayan ang mga nagbenta ng lupa at iyong mga nanindigang hindi, sa loob mismo ng AGRA. Saan galing ang perang ipinambili ng AGRI na isa umanong samahan ng mahihirap na magsasaka? Si Milyong lang ang nakatitiyak. Naharap sa mas matinding kalagayan si ka Roger at ang mga kasapi ng AGRA. Tuwing madaan nga ang lider-magsasaka sa bahay ni Milyong pasigaw siyang nagmumura. Mayroon na ngayong pahintulot ang mga Villar na ukitin ang sinasakahan nilang bundok at mismong kanilang mga kapalaran. Pinalala pa itong lahat ng pagkakahati-hati nila mismo sa loob ng samahan dahil sa mga bangayan tungkol sa pera. Kailangan pa nga nila ngayong patunayang isang huwad na samahan ang AGRI. Pero hindi sumuko ang marami sa AGRA. Ilang beses mang binuwag ng armadong karahasan ang kanilang barikada ay ilang beses din nila itong itinayong-muli. Nagsimula lamang ang unti-unting pagtamlay ng AGRA nang sabay na makulong si ka Roger at ideklera ng kanilang meyor na ang magbenta ng lupa ay bibigyan pa rin ng libreng lilipatan, ng relokasyon. Sinampahan si ka Roger ng kasong pagpatay. Idinawit siya sa isang reyd ng mga armadong rebelde sa kalapit na bundok kung saan may isang batang private (na manyak daw) ang napatay. Isa raw bumabang NPA si ka Roger. Ang hindi niya naranasang Batas Militar noong kaniyang kabataan ay sa kulungan niya namalas. Suntok, tadya, paso, sampal, hampas, batok - nagpara siyang ginumos na gulay na pinaghalo-halong pawis, laway, at dugo ang inilalabas na katas. Sandali lang siya sa likod ng rehas dahil mabilis napawalang-bisa ang kaso sa kaniyang walang anumang ebidensya. Pero matindi at pangmatagalan ang naging pinsala ng ilang buwang impyerno kay ka Roger. Kanina pa ubos ang mga tanong namin sa questionnaire, ubos na rin ang baterya nitong 92


DSLR, pero ang kwento ni tatay Gerry ay patuloy pa rin ang ratsada. Naikukwento na niya sa amin ang inabutan niyang kasaysayan ng Parawagan. Di na namin kailangan pang magsaliksik, eto na, first-hand account! Mabuti at walang marka ng pag-uulyanin si tatay. Sayang nga lang at napansin niyang papadilim na, kundi ay hindi pa sana siya tumigil. "O dito na rin kayo maghapunan," anyaya pa ni nanay Susan sa amin. Tumanggi na muna kami dahil aabutin kami ng dilim sa pagbaba; sabi nami'y sa susunod na lang - na sana'y magkatotoo nga. Kamuntik na akong mapapayag ni tatay na makikain uli sa kanila nang sabihin niyang "naku ang hiya ay para lang sa mga busog; ang gutom kapag nahiya lalo lang magugutom!" Sa lahat ng aming na-interbyu ay kay tatay Gerry na siguro ako pinakanatuwa. Charismatic siyang magsalita, at napakaraming alam. Biro mo'y pati iyong ilang investor ng quarrying at tourism (na halos magkakapareho pala) ay alam niya! Samantalang hindi nga iyon iniri-release ng munisipyo, kahit sa aming mga academic researcher! Hindi na baleng 'di siya nakakabasa o nakakasulat. Tanging flashlight ni Alex ang nakatutok sa daan. Kita pa naman namin ang daan pero siguro'y naninigurado lang siya. Ikinukwento ni ka Cel kung gaano kahusay na tagapagsalita si tatay Gerry sa mga rali. Para raw itong pinabatang ka Roger. Nagbago siya nang makalabas sa kulungan. Naging tahimik at pala-iwas sa mga tao. Ngunit kung makaka-usap ay mararamdam pa rin ang kaniyang pag-alab. Noong una akala nila'y nahihiya lang dahil pinagbintangan ngang pumatay at sandali ma'y nakulong din. Hanggang sa isang araw, wala pang isang linggo pagkalaya ay hinabol ni ka Roger si Milyong ng itak at nang maabutan ay inundayan ng tatlong beses sa leeg. Kamuntik nang maghiwalay ang katawan at ulo ng bayarang-lider. Makalipas ang tatlong digmaan laban sa mga dayuhan, noong araw na iyon na lang muling nakatikim ng dugo ang sapa ng sitio. Kanyang tinotoo ang sa kaniya'y ibinintang. Inaresto siyang muli at wala ring isang linggo pagkapasok sa kulungan ay pinatay sa bugbog ng mga kakilala ng amo ni Milyong. 93


Ang AGRI ay kasabay nilang namatay. Nagsipag-likas ang mga kamag-anak ni Milyong. Ang AGRA nama'y nahating lalo sa mga nakikipag-areglo sa gubyerno at sa mga mapagpasyang tumututol. Binabaybay namin ngayon ang sapa. Mainam itong daanan ngayon dahil nga tuyot. Sa isang punto ay itinuro sa amin ni ka Cel kung saan mismo pinatay ni ka Roger si Milyong. Parang wala lang. Kagaya lang iyon ng anumang sulok ng sapa. Pagka-uwi namin ay naroon na sina ate Kristel. Kaagad na nag-charge ng DSLR at nagbukas ng laptop si Alex; gusto niya yatang maipapanood na ang naging interbyu namin. Sabi ni ate Kristel, mainam kung makapag-sharing kami ng naging mga interbyu namin, pagkahapunan o kahit bukas ng umaga. Kagagaling ko sa ilang oras ng paghahawak lang ng kamera at pakikinig lang sa isang kasaysayang puno ng aksyon, kaya ang naging tugon ko ay, "Pagkahapunan na agad ate!" Magkatulad talaga ng takbo ng isip si Gerry at Roger. Matapos mapatay sa kulungan si Roger, nagkaroon ng realisasyon si Gerry. Nagbungkal sila sa tiwangwang na lupa dahil sa pangangailangan, makalipas ang ilang henerasyon ay bumuo sila ng samahan para maging legal na kanila ang pinagsasakahan, nang mapaunlad nila ang kanilang komunidad ay biglang umeksena ang gubyerno at kung ano-anong kumpanya't korporasyong nangaangkin, nang tumutol sila't lumaban para sa kanilang kabuhaya't kinabukasan ay ikinulong ang kanilang lider - malinaw at walang duda, silang magsasaka ay pinapatay ng mga maypera at ng mismong gobyerno! Sa unang pagkakataon, bagaman pabiro't sa kaniyang sarili lang, pinag-isipan ni tatay Gerry ang imbitasyon ng mga madalas niyang makasalubong sa mga kalapit na bundok, silang mga lumalabang de-baril.

94


Mula sa Diary ng Guide 27/04/13; 9:18pm Bukas na ang mid-assessment!! Medyo kabado sila (kami?) sa ipe-present nila sa prof nila. Palagay ko naman handa na sila. Buong araw ba naman kaming nag-proseso lang ng datos! Medyo problematiko pa talaga yung anong direksyon ng buong research paper, pero in general, nagagap naman na namin ang mga isyu rito. Sana. Dapat! Nag-aalala sila kasi nga parang malawak ang saklaw nila. 3 erya: Parawagan, sitio Sapa, at Wawa; at 3 orgs: AGRA sa Parawagan, KASAMA sa sitio Sapa, at Hawak-Kamay sa Wawa, pero pwede namang gawing positibo yon kasi ibig sabihin pwedeng makita talaga ang pagkakapareho ng iba't-ibang mga particular cases. Kaya natuwa ako kay Alex nang i-suggest niyang mag-Venn diagram sila e. Sa ganun nga naman matatahi-tahi yung tatlong erya + org. Mabilis nilang pinunto yung internal problems, lalo sa AGRA at Hawak-Kamay. Yung mga pagtatalo sa mismong prinsipyo ng org. Iba pa yun sa sumulpot na common problem naman ng KASAMA at Hawak-Kamay, na pananamlay ng ibang mems kasi meron nang konting panalo. Pero syempre lumutang din later on ang mga essectial problems sa quarrying, tourism, micro-finance, yung do単a-do単a foundation, mga pekeng org, land grabbing, at land reform. Isa pang nakakatuwa yung sinulat nila sa gitna ng Venn, yung common problem ng lahat: "sistema ng pag-aari sa lupa." Sabi ni Niki: "e kasi di yung nagta-trabaho sa lupa ang mayari nung lupa!" Ang una pa ngang suggestion ni Alex, kasi nagtatanim ang mga mgssk sa lupang di kanila. Pero sinagot sya ni Jon, "e pano sila kakain!" Mukhang kumbinsido naman si Alex, at parang nahiya pa nga sa sinuggest minungkahi nya. Nagpalalim pa sila mula don; na walang kakayahang magpa-titulo ang karaniwang mgssk, na ang LGU ay interisado rin sa lupa...... All the while nakikinig lang ako at gusto na ngang isigaw na, "pyudalismo! pyudalismo!" (ibagsak! 95


ibagsak!) Hehe, gudlak sa'min bukas, yeah!

Isip-Bata "Adventurous ako, pero hindi ako isip-bata," bulong ni Jon sa sarili kasabay ng pagtanggi sa imbitasyon ng mga anak ng mga kalapit-bahay na maglaro sila ng batuhang bola. "Isa pa'y kay init-init," dagdag pa nitong pangungumbinsi sa sarili na tama ang desisyong tanggihan ang mga kyut na bata. Hinila pa nga siya ng pinaka-bunso sa kanila, si Dayday, pitong-taong gulang, "tara na kuya, tara naaaa," pangungumbinsi nito sa kaniya kani-kanina. Pero ayun nga, ayaw ni kuya Jon. Hindi naman nila mapilit si ate Kristel dahil mukhang seryoso sa kung anong sinusulat, nahihiya rin naman sila kay kuya Alex na ngayo'y nag-iigib nga ng tubig na gagamitin sa banyo. Mabuti na lang at nariyan si ate Niki. Hindi gaya ni Jon ay tapos na itong maglaba ng mga damit, sandali na ring nakagpahinga (nakipagkwentuhan siya kay ka Lisa habang tumutulong sa paggugumos ng ihahapunan nilang gulay). Game na game siyang nakipaglaro kina Dayday. "Kampi-han!" Tatlo sina Niki laban sa apat. Una silang babatuhin. Isang maliit na beach ball ang gamit nilang bola. Hindi masakit kahit sa mukha ka tamaan, kadiri nga lang. Pano'y mamasa-masang lupa ang kanilang battlefield. Kasabay ng paglipad ng bola sa ere ang hiyaw ng mga bata, at ng matandang si Niki. Kahiya-hiya ma'y unang tinamaan ang exposurist. "Ako naman ang tinatarget niyo kasi," bulalas niya habang natatawa. "Wala, ded ka na!" sigaw pabalik ng natatawa ring si Marikit, ate ni Dayday. Natatawa rin si ka Lisa na naglalaba naman ngayon sa may di kalayuang poso, "iyong matanda talaga ang unang nade-ded," biro nito. Halos isang oras din marahil nagkantyawan, nagbatuhan (ng bola), at nagkapaguran ang dalawang team ng mga batang naglalaro. Naputikan na ang shorts ni Niki. Tinamaan sa ulo ang 96


maliit na si Dayday. Ilang beses nakasalo si Marikit at bumuhay ng mga kakampi. Kundi nga lang umayaw si Niki ay makakantyawan na silang "burot, burot, burot." Syempre inasar pa rin siya ni Dayday dahil mga tagabato sila nang umayaw siya, "andaya mo naman eeee!" Pero pagod na rin talaga si Niki. Isa pa'y pawisan na silang lahat. Hindi na rin natatawa si ka Lisa, at dumadalas ang pagsita sa mga anak niyang tinatamaan ng bola, o napapalakas ang bato sa bola. Natigil na ang laro pagkaayaw ni Niki. Tinawag na ng kani-kanilang mga magulang ang mga bata. Bagsak ang balikat ni Niki nang pumasok sa tinutuluyang bahay. Dinatnan niyang tulog sa kanilang papag si Jon. Sa paligid niya'y nakakalat ang marurumi niyang damit. Nakatulugan niya ang pagso-sort out sa kaniyang mga labada. Uminom na muna si Niki ng tubig. Nagtaka siyang hindi sumunod sa kaniya papasok sa bahay ang mga anak ni ka Lisa. Pero masaya siyang kahit saglit ay nakakatuwaan niya ang mga kasamang batang mas madalas pang magwawalis, mag-igib, magluto, at maglako, kesa maglaro. Pero napagod din talaga siya. Mauupo lang dapat siya sa harap ng hapagkainan; pero siya'y nakaidlip. Sina Dayday, Marikit, Adeng, at Macmac, mga anak ni ka Lisa, ay pinatutulong ngayon ng kanilang ina sa paglalaba. Paano'y papalilim na naman, mahirap abutan pa sila ng dilim sa paglalaba lang. Iba na ngayon ang mga kalaro nila. Si Dayday ay tinataya ang mga mantsa sa mga damit na nakalublob sa isang batyang bula. Si Adeng, panggitna sa mga babaeng anak, ay sinasalo ang mga nasabunan nang damit para banlawan. Si ka Lisa nama'y tagatikwas na muna ng poso, kailangan niyang tumayo dahil masakit na ang kaniyang likod kayuyuko. Samantala, sa loob ay nagtutulungan ang pinakamatatanda sa paghahanda ng hapunan. Tinuturuan ni Macmac si Kristel na magparikit ng siga, pagsasalangan nila ito ng isasaing na bigas. Sa sala nama'y naghihiwa sina Alex at Marikit ng mga rekadong sibuyas, bawang, at kamatis. Imbes na maiyak sa binabalatang sibuyas ay natatawa sila sa pagkakatulog ni Niki sa hapagkainan. Balik ang lahat sa karaniwang takbo ng mga gawain. Saka na ang pagiging mga bata; may mga 97


lalabhang damit, may mga lulutuing pagkain, may mga duming wawalilisin, mamaya nga'y may mga aayusin pang papeles si ka Lisa - marami pang mas mahalagang dapat gawin kesa magbatuhang-bola. Bisikleta, Bahay, Buhay Hindi nabusog si Jon sa inalmusal na pandesal. Wala siya halos ganang kumain kanina nang ilang-araw na nilang pagkain tuwing madaling-araw. Inaalala niya ang naka-plano nilang gawin para bukas at sa mga susunod pang araw hanggang mag-Mayo Uno nga. Mag-iimbita raw sila ng mga sasama para sa mobilisasyon kaugnay ng Araw ng Paggawa. Hindi naman sa siya'y mahiyain pero, sa isip-isip niya, "kailangan pa ba talaga 'yon? hindi ba't kung gusto nilang sumama ay kusa naman na dapat silang sasama? kung ayaw nila, e di ayaw nila." Sa kabilang banda, alam naman niyang kung kasama nga talaga ito sa gawaing-organisasyon ng KASAMA, e di maganda nga ring maranasan nila ito. Pero marami pa rin talaga siyang pagdududa, "oo, nakausap na namin malamang ang mga iimbitahan namin, pero paano kung tumanggi sila? pipilitin ba namin? o kaya pano kung kakaunti lang ang sumama? o malala pa nga, paano kung maraming pumayag pero walang sumama? tutuloy pa ba kami? kahit late? at kaunti?" Hindi pa niya masagot ang sariling mga tanong. Kaya naman nakatulala lang siya sa iniinterbyu nilang magsasaka nang sikuhin ng kasamang si Niki. "Focus, mag-focus ka sa interview na ginagawa mo, concentrate;" bulong niya uli sa sarili. Di na niya mabilang kung ika-ilang interbyu na nila ito. Palibhasa ang madaldal na si Niki ang ka-partner niya ngayon kaya naman nga hindi niya kailangang masyadong magsalita. Kayang-kaya na ng ka-parter niyang mag-interbyu nang tuloy-tuloy. Kahit pa hindi naman magsasaka ang kanilang kaharap ngayon at isang "Avon Representative." Inaasahan naman na nilang marami na talaga sa mga taga-sitio ang tumigil sa pagsasaka. Kaya magkagayunma'y handa na sila sa mga tanong.

98


Wala lang talaga sa pokus si Jon dahil sa pag-aalinlangan, kaba, at kawalang-katiyakan sa gagawin nilang "house-to-house" kinabukasan. Gutom pa. Pagod na nga rin siya, paano'y kaninang madaling-araw pa sila lakad nang lakad (sa palagay niya'y hindi talaga sapat ang kahit isang buong buwan para kasanayan ang haba ng nilalakad ng mga taga-rito). Samantalang maga-alas diyes pa lang ng umaga ngayon. Sa kanilang bahay sa Taguig, sa ganitong oras ay kababangon lang ngayon ni Jon. Biglang natigilan si Niki at nanay Rose. Pagod na yata ang partner ni Jon na siya lang ang salita nang salita. Tinitigan ni Niki si Jon. Tumutulo ang kaniyang pawis kasabay ng paglipas ng mga tahimik na segundo. Magkatabi silang dalawa sa isang mahabang bangko at nakaharap sa kanilang kapanyam. "Pero kamusta po si mister?" bulalas ni Jon sa wakas, paano'y napansin niya ang isang larawang nakasabit sa sementong pader, naka-saya si nanay at may katabing naka-barong. Saka nagkwento si nay Rose tungkol sa asawa, kung paano sila nagkakilala sa probinsya, nagbaka-sakali sa pagsasaka rito sa bundok, nagkaroon ng ibang mga trabaho, atbp. Nang biglang lumabas mula sa isang kwarto sa bahay ang kanilang pinag-uusapan, si tay Nestor. Matikas ang kaniyang pangangatawan. Matipuno ang mga braso at sa paningin palang ay matatag ang dibdib. Napaalerto si Jon nang maglakad siya sa kanilang harapan; napansin niya ang malalaking umbok ng kalamnan, ng matigas na kulumpon ng masel sa dalawang hita ni tay Nestor. Parang ni hindi ito aalog kung tatapikin. Naupo siya sa upuang katabi ng kinauupuan ng asawa. Pagkaharap nito sa mga estudyante ay saka napansin ni Jon ang mga mata nitong kakaiba ang kulay. Hindi pula, hindi dilaw; kakulay ito ng matang napuwing o iyong pilit iminumulagat, iyong pilit pinipigilang mapapikit - kakulay ito ng pagod. Parang mataas na antas ng chakra, energy level, haki, nin, o aura ang taglay ni tatay Nestor. Parang biglang nanliit ang nararamdamang pag-aalinlangan, gutom, at pagod ni Jon. Muli niyang hinawakan ang bolpen at notebook at para makinig. 99


Alas-otso ng umaga. Nagsisipag-tilaukan ang mga tandang. Ipinarada niya ang kaniyang bisikleta sa kanilang bakuran. Mapusyaw pa ang liwanag ng bagong-sikat na araw. Hindi pa man din siya nakakapasok sa kanilang bahay ay sinalubong na siya ng asawa sa pamamagitan ng isang mapag-alalalang yakap, "matulog ka na," bulong nito. Nagpatuloy si nay Rose na lumabas para magpakain ng mga alaga nilang manok. Inihakbang naman ni tay Nestor papasok sa kanilang tahanan ang mga paang naka-ilang milyong padyak na sa bisikleta. Marahan niyang isinabit sa isang pako sa pader ang pulang bag at dilaw na helmet. Marahan din siyang naglakad patungo sa kanilang kwarto. Ang ilang metrong pagitan ng pintuan ng kanilang bahay at pintuan ng kanilang kwarto ay nagmistula ngayong pinakamalayong distansyang kaniyang tatahakin. Sa bawat niya paghakbang ay kumikirot ang masel sa kanyang mga binti, sa bawat pagpintig ng kaniyang mga ugat ay tila nilalamutak ito ng isang dambuhalang halimaw. Pinilit siya ng kaniyang katawang magpahinga na muna sa kanilang kawayang upuan. Isang dipa na lang ang layo niya sa kanilang tulugan. Tanaw niya sa loob ang matanda nang kutsong kinahihigaan ng tulog pa nilang anak. Hinayaan na lang niyang magpahinga ang kaniyang leeg sa sandalang kawayan. Sa unang pagkakataon mula pa alas-syete kagabi ay boluntaryo niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Hindi tahimik na kadiliman ang sumalubong sa kaniya. Binubulag pa rin siya ng nakapaninilaw na headlights ng mga dyip, bus, fx, taxi, motor, at trak. Pinasisinghap-singhap pa rin siya ng itim nilang mga usok; binibingi pa rin siya ng kanilang mga busina. Mga bowling pin namang dapat niyang iwasan ang mga taong nagsisipagtawid sa mga avenida at highway, nagsisiksikan sa bukana ng mga palengke at mall, o nag-aabang ng masasakyan malapit sa mga bangketa. Habang inoobliga siyang pumadyak nang pumadyak ng kung anong sasakyang-metal na sa kanya'y nakasunod. Hindi siya maaring basta-bastang 100


pumreno, hinahabol siya ng dyip, bus, fx, taxi, motor, o trak, mga dambuhalang metal na halimaw na kayang-kaya siyang durugin. Ang imahe ng magdamagang buhay-atkamatayang pagbibisikleta sa highway ay tila nakatatak na sa likod ng kaniyang mga talukap. Nagising siya sa banayad na paghipo ni nay Rose sa kahumpakan ng kaniyang pisngi. Hindi sapat ang salitang pagod para ilarawan ang estado ng kaniyang katawan at isipan. Hinalikan siya sa noo ng asawa. Pagka'y hinawakan nito ang kanyang kalyado't bukol-bukol na kamay, "halika, sasakit ang batok mo dito." Tumayo at tumungo sa kwarto si tay Nestor na parang gustong sabihin sa asawang "wag kang mag-alala, kaya ko." Dumiretso siya sa higaan at tinabihan ang pitong-taong gulang na unica hija. Muli, sa unang pagkakataon mula pa alas syete kagabi ay boluntaryong lumapat ang kaniyang likod. Ngumiti si Rose at nagtungo sa kanilang kusina.

Paminsan ding nagbibisikleta si Jon kaya pamilyar siya sa hirap nito sa katagalan, lalo pa kung sa mga kalsada ng syudad. Sa mga hapong wala siyang magawa kundi mabagot ay nagbibisikleta siya. Paikot-ikot siya sa kanilang subdibisyon. Masaya syempre sa mga pababang kalsada, o maski sa mga flat lang, pero kalbaryo ang sunod-sunod na paakyat, o yung lubak, o yung lubak na'y paakyat pa! Aba'y lalo pang mahirap kung may mga sasakyan kang kasabay. At lalo pa kung halos araw-araw (o gabi-gabi) mo iyong gagawin. Kaya, sa kanilang lahat ay si Jon ang pinakanamangha kay tay Nestor na ginagawa ang lahat ng iyon matapos ang maghapong pagta-trabaho. Siya rin tuloy ang may pinakamahigpit na pagkamay sa nakapanayam na construction worker bago sila umalis. Sa muli nilang paglalakad para sa kasunod na kakapanayaming kabahayan ay saka kinilala ni Jon na hindi ito panahon ng pagrereklamo lang. Tinagtag niya ang mga kalamnan at buto, pamartsa-martsa siyang naglakad, tila pumatag ang mga tirik at lumapit ang malalayo. 101


Bumili siya sa dinanaang tindahan ng tinapay at RC (binigyan niya si Niki). Unti-unting nawala ang kanina pa niyang tinitiis na gutom at pagod. Ang kaniyang pag-aalinlangan sa pag-iimbita para sa pagkilos sa Araw ng Paggawa ay pinalitan ng inspirasyon sa katauhan ni tatay Nestor. Kasabay ng pagkamangha sa kakakausap lang na manggagawa ay ang pagkamuhi sa SMDC. Mag-iimbita siya ng mga sasama sa pagkilos ng mga manggagawa bukas, at sa mga susunod pang-araw, para sa milyon-milyong kagaya ni tatay Nestor.

May 40,000 metro ang pagitan ng construction site sa Pasay at ng sitio Sapa sa Montalban. Ito ang distansyang binibisikleta ni tay Nestor sa tuwing mapagpapasiyahan niyang mas makakamura sila sa pagba-bike kaysa pagmo-motorsiklo. Simple lang ang kompyutasyon: higit sa tatlong oras na pagpadyak versus ilang-daang pisong pambili ng gasolina para sa hihiraming motorsiklo. Hindi naman niya ginustong magtrabaho sa napakalayong lugar. Dati na rin siyang construction worker sa mas malapit na site. Kaso’y tapos na iyong tinatayo nila at sa Pasay na nga siya sunod na nadestino. Ang problema’y alanganin itong malayo-malapit sa kanilang tahanan dito sa bundok. Limitado lang ang slots sa tulugang barracks, at iyong apatnapung kilometro niyang layo ay walang panama sa ilampung kilometrong distansya ng pinagmulang mga probinsya ng karamihan sa mga kapwa niya manggagawang galing pa sa Bicol, Negros, Isabela, Pampanga, atbp. Buti nga’t mayroong barracks para sa sobrang lalayo pa talaga ng pinanggalingan. Ang isa pa nilang pinag-isipang solusyon ay ang pansamantalang pagrenta ng matutulugang malapit-lapit sa destino. Ang problema'y hindi nila ito afford. Dahil nasa sentrong lunsod, higit na mahal ang mga upahan sa Pasay. Ang isa pang pagpipilian ay ang magtirik ng barong-barong sa mangilan-ngilang tiwangwang at bakanteng loteng naglipana sa mga kalsadang pa-Pasay. Totoo, mas mahal ang pagkain sa syudad, mas marumi ang 102


hangin at tubig, mas maingay, mas delikado; pero kung ilangdaang piso o tatlong oras bawat araw ang kapalit nito, malaking bagay na rin. Ang problema, hindi ginusto ng mag-asawa kailanman na maging iskwater. Ilegal nga namang gamitin ang lupa ng iba nang walang bayad. Hindi nila gustong maging sagka sa pag-unlad ng sarili nilang bayan, gaya ng sinasabi ng gobyerno tungkol sa mga iskwater, at palaging mangamba sa posibilidad ng demolisyon. Kahit pa paano dito sa bundok, kahit walang silang titulo sa lupa, sa palagay ng mag-asawa ay hindi sila mga iskwater kaya't hindi sila basta-basta mapapalayas. Kaya, apatnapung kilometro man ang layo, tyinatyaga ni tay Nestor ang pagbibisikleta papasok at pauwi. Graveyard shift siya kaya ang dapat niyang dating sa site ay alas-diyes ng gabi. Aalis siya sa bahay nila nang alas-syete ng gabi pagka-hapunan, at uuwi alas-otso ng umaga kinabukasan. Makakapagpahinga siya mula alas-otso ng umaga hanggang alas-kwatro ng hapon, bago muling maghanda pumasok sa trabaho. Alas-diyes ng gabi hanggang alas-sais ng madaling araw ang trabaho nila, walong oras. Bahagyang mas mataas ang sahod nila kumpara sa morning shift kasi nga gabi. Samantala, ang byahe niya papasok-pauwi, kung magbi-bisikleta, ay kulang-kulang anim na oras. Madadagdagan lang ang oras ng kaniyang pahinga kung magmo-motorsiklo siya. Ang problema nga'y wala na halos matitira sa sahod niya kung gagawin niya iyon araw-araw. Nagmo-motor lang siya isang beses lang kada linggo. Ang isa pang konswelo kay tay Nestor ay pansamantala lang naman ang ganitong layo ng kaniyang trabaho. Sa ngayo'y nakakatatlong buwan pa lang sila sa paggawa at kapansin-pansing may-hugis na ang tinatayo nilang gusali. Paano'y walang-tigil nga naman ang pagdadagdag sa istruktura nito. Literal na maghapon-magdamag. Madalas siyang magulat sa laki ng ipinagbago sa construction site sa tuwing papasok. Kaya, sa sarili niyang kalkulasyon, batay sa halos limang taon na ring pagiging construction worker, tatlo hanggang limang buwan na lang at matatapos na nila itong itinatayong premium 103


condominium na dinisenyo para sa mga negosyante't turista.

Halo-Halo May halo-halo dito na dapat matikman sina ate Niki. Sigurado ako, matutuwa sila doon, mura lang e! May payb, may ten, may piptin. Madalas yung tig-payb ang binibili ko kasi kuripot si mama pero paminsan nakakabili rin naman kami nung ten. Mas tipid nga kapag ganun kasi mas maraming laman yung isang ten kesa sa dalawang payb, kaya nasusulit namin ni kuya Macmac yung halo-halo. Pero madaya si kuya Macmac e, gusto niya siya unang kakain para sa kanya yung kalahating taas ng baso tapos matitira sa 'kin yung kalahating baba. E papaliit yung baso habang pababa - mas konti yung nakakain ko! Buti sana kung itinitira niya talaga yung mga sahog na saging, langka, sago, saka iba pa, pero hindi e, kadalasan yelo saka buko na lang yung natitira sa'kin. Hindi naman ako makaangal kasi nga mas matanda siya. Kapag pinilit ko namang agawin, kung hindi siya mapipikon at magagalit, baka matapon lang, sayang. Saka lang siya hindi madaya kapag nandiyan si mama! Kaya minsan kahit tipid, ayaw ko nang maghati kami ni kuya Macmac, bibili na lang ako ng sarili kong payb. Madaya siya e. Sila ate Niki hindi naman ganun. Baka nga i-libre pa nila ako! Kung ililibre nila ako ng payb, dagdagan ko na lang ng isa pang payb, may sarili na akong ten na halo-halo! Nako, sa ganyan naman pala ako mapapagalitan ni mama. Sasabihan na naman niya ako, (o kaming lahat na magkakapatid, magagalit pa sa'kin sina ate at kuya kasi madadamay pati sila), sasabihin niya dapat hindi kami magpalibre kina ate, hindi naman daw sila nandito para magbigay ng pera, hindi naman sila dapat hingian ng limos. E hindi naman kami nanlilimos a! Konting kowk o ays kendi o halo-halo lang e. Tapos sisingit pa nyun si ate, gagatong, sasabihin, "oo nga e nandito nga sila para maranasan yung buhay na iba sa kanila e, kung wala tayong pera, kung walang pambili ng ays kendi, ays krim, o halo-halo, dapat wala rin sila - para maranasan din talaga 104


nila!" May kasama pang pakumpas-kumpas ng kamay 'yon. E siya rin kaya hindi yon sinusunod! Nag-kowk nga sila nung nagpunta sila sa bayan e! nung kasama niya si kuya Jon. Madaya. Si ate Marikit rin pala madaya. Mabuti sana kung kaya naming gumawa ng sariling halo-halo. Nako, baka mag-arawaraw naming meryenda yun! Naalala ko pa noon, sama-sama, tulong-tulong kami nina ate at kuya na gumawa ng meryendang suman. Suman lang kasi ang kaya namin, hindi halo-halo. Sa madaling araw, sasama kami kay mama na umakyat sa Parawagan, kukuha kami ng mga kamoteng kahoy. Si kuya ang kasama ni mama dun sa mismong taniman para magbunot, hindi ko pa kasi yon kaya, hindi rin naman ko pwedeng iwanan mag-isa, kaya maiiwan kami ni ate sa kubo namin don para maglinis, linggo kasi ang lumilipas bago kami umakyat uli kaya minsan may sukal na. Bukod sa pagtatangal ng mga damo kung marami na, ang gingagawa namin ni ate, iniisa-isa yung mga gamit, yung tungko, asarol, karit, itak, saka iba pang gamit, kung kumpleto pa ba. Minsan kasi may mga nawawala o kaya nasisira. Tapos, ilalabas namin yung mga sako kasi dun ilalagay yung mga kukunin nila mama. Tapos mag-iigib kami ni ate sa malapit na bukal. Hindi nga yon malapit e, kasi malayo. Bababa pa kami medyo. Minsan pa malas kasi walang tubig kapag masyadong mainit. Kaya sa mas mababa at mas malayong bukal pa kami pupunta. Pagkatapos nun iaakyat pa namin uli sa may kubo yung tubig. Para kasi yon sa almusal namin. Maglalaga ng ilang kamoteng kahoy para kahit pa pa'no may makain kami habang nasa taas at katatapos lang na gumawa nang marami. Tapos bababa na kami sa bundok. Pa-hapon na yun. Minsan makakatulog pa muna kami pagkauwi kasi nga nakakapagod. Pero pagkagising, kukuha na si kuya Macmac ng dahon ng saging habang binabalatan namin nina mama yung mga kamote. Dati hindi pa nga ako pinagbabalat e, kasi gagamit nung itak. Pero ngayon pinagbabalat na ako. Pero yung kutsilyo lang gamit ko, mahirap nga e, madikit kasi yung balat ng kamoteng kahoy. Kaya minsan balik na lang ako sa paghuhugas dun sa mga nabalatan na. Maganda yung itsura ng kamoteng nabalatan! 105


Maputi, makinis, malinis. Wala yung amoy pero kung meron sigurado ako mabango rin! Mabango naman yung suman pagka-luto e. Tapos gagadgarin na! Ayoko maggadgad, mahirap e, masakit sa braso. Madalas si mama saka si kuya Macmac saka si ate lang ang naggaganun, hindi ako kasali. Siguro, kapag mas malaki-laki na yung kamay ko, papagganunin na rin ako ni mama para mas mabilis matapos o mas maraming matapos. Pagkatapos nun, pipigaan na, eto masaya! Kahit kapag matagal mahirap na rin. Pero maganda kasi tignan yung pagpiga, para lang silang nagpipiga ng mga isasampay. Pero imbes na tubig-sabon, parang gatas yung katas! Tapos yung itsura nung napigaang ginagdgad na niyog, ang ganda rin! Mas makinis, mas maputi. Tapos babalatan. Tapos ilalaga. Tapos, makakapahinga na kami habang hinihintay yun na kumulo. Pagkaluto nun, gabi na. Minsan suman na rin yung hapunan namin. Minsan naman yun yung agahan. Minsan pa, hapunan at agahan! Dati kasama pa namin si papa gumawa ng suman. Kaya lang sa konstraksyon na kasi siya nagta-trabaho ngayon e, sa malayo. Minsan na nga lang siyang umuwi. Kaya hindi na. Minsan tuloy kahit na nakagawa na kami, hindi na niya matitikman. Kailangan na naming ubusin kasi baka masira; wala naman kaming rep. Minsan kasi biglang hindi siya makakauwi kahit sinabi niyang ngayong araw dapat siya uuwi e. Pero syempre hindi kami gumagawa ng suman para lang kainin namin. Dati raw ganun, sabi nina mama, kasi wala pa silang ibang mapapagbentahan ng suman e. Pero ngayon nga raw hindi na pwedeng kainin na lang namin lahat. Dapat may sumobra para may mabenta. E kung hindi nga lang kami pipigilan ni mama na kainin yung mga suman malamang mauubos namin yon e! Ansarap kaya! Matamis siya pareho ng ibang suman pero may kaunting alat kaya hindi nakakasawa. Nakakabusog pa! Ansarap nga lagi ng tulog namin pagkatapos gumawa at kumain ng suman. Kaya lang, ayun nga, dapat may ibenta kami kasi wala naman kaming magiging 106


pambili ng ulam. Nung nakaraan ngang gumawa kami tigalawa lang kami ng suman e! Nako, oo nga, nainis nga nun si kuya Macmac e, lawit-dila raw niyang tinrabaho tapos di man daw siya nabusog. Nainis nga rin si mama kay kuya Macmac. Kami naman ni ate, kumain na lang sa labas nung tigalawa namin. Mas mabait talaga si ate Marikit e. Madaya talaga si kuya Macmac e. Kasi kinabukasan non, pinagbenta naman kami ng mga suman tapos hindi siya sumama! Kami lang ni ate Marikit. Mahirap din kaya magbenta. Mga kapitbahay namin mga kuripot. Sina tita Ron nga, may tindahan naman gusto pa bente limang piraso! E twentipayb dapat kapag ganun; kuripot. Sabagay, nabigyan naman kami ng tigpayb noon ni ate. Kaya nung hapon nakapag-halo-halo kami! Nako, nako, dapat nga pala ipapatikim ko kina ate Niki yung halo-halo, kung ano-ano nang naisip ko! Pero sabagay, malayo pa naman yung lalakarin naman. Hay, ang init. Sana may pambili ako ng RC.

Kung Gusto, May Paraan Nakapag-imbita na sila sa limang bahay subalit wala pang ni isang nagkukumpirmang sasama sa "lakad" sa paparating na weekend. Kaunti na lang at pagsasarha't iillingan na si Jon ng kaniyang determinasyon at pauunlakan na niya ang imbitasyon ng kaniyang mga paa na maglakad naman na pauwi. Mula ikalawang pagtanggi ay papahina na ang kanilang boses at papayuko na ang ulo. Gayunpaman, ni hindi sumagi sa kaniyang isipan na pagsisihang nagboluntaryo pa siyang samahan si ka Cel para sa gawaing ito. Hindi naman talaga pagsasara ng pinto at pag-iling ang kaagad na itinutugon sa kanila. Katunayan, ang lahat ng tumanggi ay hindi makakasama dahil walang magbabantay sa maliliit pa nilang anak (o apo), dahil kailangan pang mag-delilver ng kalakal sa palengke o kailangang 107


umakyat sa bundok para alagaan ang mga tanim, o dahil may simba, o kombinasyon ng alinman o lahat ng mga iyan. Sa isip-isip ni Jon ay hindi nga naman nila matutugunan ang pangangailangan ng kanilang mga anak (o apo), ng kanilang kabuhayan, at/o ng kanilang espiritwalidad kung sasama sila - sa isang banda‘y ―valid‖ naman. Hindi tuloy niya malaman kung ano ang gagawin. Parang ayaw na niyang tumuloy sa mga susunod pang bahay nanlulumo na siya. Si Cel naman ay naiinis sa mga kapwa-magsasakang tanggi nang tanggi. Matagal na niyang nararanasan ang ganito kaya para sa kanya, kesa "pagtanggi" ay mas angkop na tawagin itong "pagpapalusot." Nauunawan naman umano ng mga taga-rito ang kahalagahan ng lahatlahat. Sumasama-sama nga rin sila dati sa mga rali. Pero ganito pa rin. Ika nga niya'y "kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan." S‘ya nga rin naman mismo ay marami ring iba‘tibang pangangailangan pero hindi naman siya nag-iinarte dahil nauunawaan niya ang kahalagahan ng lahat ng ito. Kaya, eto't "papapuno na raw ang kaniyang salop." "May gagawin ka ba sa sabado?" mahinang pagsimula ni Cel nang harapin na sila ni nay Glo, ikaanim sa kinatok nilang mga bahay. Kahit nagngingitngit sa loob-loob ay kalmado't lumalabas na mahiyain pa nga itong si Cel; may pagdadalawang-isip ang kaniyang bawat salita. Napatingin na muna si nay Glo sa matangkad na lalaking kasama ni Cel bago sumagot, "bakit ba?" Dahil tinitigan na naman siya ng iniimbitahan, at dahil tila naghahanap pa ng motibasyon si Cel para sumagot, nagsalita na si Jon: "Magandang hapon po," pagbati na muna, may kasamang ngiti syempre. "Ako po si Jon, estudyante mula sa..." tapos pakilala, kailangan ito, kahit pa pagod na siya sa kauulit. "…kaya po tumutulong kami ngayon sa samahan ninyo-- " napatigil siya saglit, ano na nga bang dapat na kasunod? Pa'no na nga ba ang maganda at swabeng segwey? Hindi niya masagot, naalala niya kung paanong ang mga nakaraan nilang paraan ng pag-imbita ay, sa madaling salita, wa-epek. Tuluyan na siyang natigilan. Napansin ni Cel, "may lakad kasi, iim--" mahina ang kaniyang boses, madali itong nasapawan ng maagap na 108


tugon ni Glo, naintindihan na niya dahil pa lang sa salitang "lakad," "A! Oo nga pala kasi Mayo Uno pala di ba?" Nabuhayan ang naghihingalong loob ni Jon. Nagpatuloy si Glo habang sumisilip mula sa loob ng kanilang bahay ang isa sa kaniyang mga apo, "pero kasi, " dito pa lang ay bumagsak nang muli ang mga balikat ni Jon, "bukas ang akyat ko sa Parawagan, kailangan nang pitasin yung mga saging ko sa bundok e, baka masobrahan na sa hinog." Naramdaman ni Jon ang pagka-inis ni Cel; pati ang tila pag-atras nito, tila ba pilit na ipinagkakasiya ang inis sa papaapaw nang salop. Hindi niya lang tiyak kung napansin din ito ni nay Glo. Napatahimik ang tatlo. Gusto nang umusad ni Cel sa ikapitong bahay. Tinitigan niya si Jon. Ayaw pa nitong umalis. Nagdadalawang-isip na maggiit. Inunahan na sila ni Glo, "Pasok muna kayo, gusto n'yo ba ng juice? Pagod yata kayo e," alok nito, nang may partikular na pagaalala sa estudyanteng tiyak siyang di-sanay sa pamumuhay sa kanilang komunidad. Sa isip-isip niya'y hinihulaan niya kung nakailang bahay na silang pinuntahan. Tinawag niya ang anak at inutusan itong bumili ng yelo. Pero mabilis na inihabol ni Jon ang pagtanggi. Ngayo'y naalala na niyang ang kasunod ng pagpapakilala sa kung sino sila, ay kung bakit sila naroon; at dahil nabanggit na iyon ni ka Cel, umusad na siya sa pagpapaliwanag kung saan at anong oras ang kitaan. Baka sakaling magbago pa rin ang isip ng kausap, baka, ika niya. Habang nagsasalita siya ay dahan-dahan naman nang lumalayo si Cel, sa isip-isip nito'y bigo na naman sila sa ika-anim, "ano pa nga ba?" Habang papalakad sa ika-pito ay pilit binibuhay ni Jon ang kaniyang loob. "Pwede bang ayaw lang nila? E nararanasan kaya nila first hand ang hirap ng pagiging manggagawa, karamihan dito construction worker o guard na a! Bakit ganun? Pwede bang ayaw lang nila. Pero kasi kung tatanggapin namin yon, para lang kaming nagpapalusot, nagpapalusot para hindi na magpatuloy sa ginagawa: ―E kasi ayaw nila, maarte, etcetera, etcetera.‖ Palusot na palusot ang dating o! Hindi nga dapat palusot ang hinahanap namin, dapat mga paraan! E ‗di ba sabi nga, "kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan!" Ikinagulat na lang ni Cel ang 109


biglang pagbilis ng paglalakad ng estudyanteng kasama.

Aling Ron Dramarama sa Hapon ang pinanonood ng mag-anak ni aling Ron nang may mag-"tao po" sa kaniyang tindahan imbes na mahabang "pabileeee." Panganay niya ang maagap na tumayo at humarap sa mga inaasahan nilang kostomer. Hindi ito masyadong pinansin ni aling Ron dahil ngayong hapon na mailalantad kung sino ang tunay na anak na magmamana ng negosyo ng pamilya sa sinusubayabayan nilang telenobela. Hanggang sa tawagin siya ng kaniyang panganay; "bakit?" "May tinatanong po sila ate," sigaw ng kaniyang anak . Hinintay na muna ni aling Ron na mag-komersyal bago siya lumabas. Nang mag-"magandang hapon po" ito, kaagad niyang nakumpirmang hindi nga kostomer ang mga bisita. Ang una niyang hinala ay mula ito sa kapapasok lang na mga Iglesia ni Cristo sa kanilang lugar. Marami-rami na rin siyang naka-kwentuhang kapitbahay tungkol sa mga de-kotse at de-polong Iglesia na nagre-rekrut at nagbababahay-bahay. May mga bulungbulungan pa ngang namimigay sila ng grocery sa bawat pagsimba. "Mga tampalasan," sa isipisip ni aling Ron. Lalo pa't maputi-puti itong babaeng nasa harapan ngayon ng kanilang bahay, tiyak na hindi ito taga-kanila. Mabilis siyang sumagot ng "ay hindi ho, Saksi na ho kami." Na ikinabigla naman ng dalagang may isa pa palang kasama. Kaagad niyang nakilala ang bunsong anak ni ka Lisa na si Dayday, na kasing-kulay niya, kulay-bundok. Maagap namang nagpakilala ang kasama nitong

inakala niyang taga-Iglesia, si Niki, estudyanteng nakikipamuhay sa

kanilang lugar. Pagkatapos magpakilala ay maagap din ang naging pagtugon ni aling Ron, "ay napuntahan na kami ng kasama niyo nung isang araw; di kako ako pwede at may simba sa miyerkules, bukas." "Ay sayang naman po, yun lang po kasi ang tanging kaisa-isang araw sa buong taon para sa mga manggagawa," ang naging maagap pa ring panimulang tugon ni Niki 110


habang kinukuha ang biniling tigbe-benteng halo-halo. Sa kahabaan nga ng paghahalo sa mga sahog at yelo, sa pagpili sa saging at nata de coco, sa paghigop sa gatas at buko, sa kalagitnaan ng pinaka-pahinga ni Niki at Dayday mula sa maghapon na ring pagbabahay-bahay, matiyaga nilang kinausap si aling Ron. Nalaman nilang halos araw-araw naman pala ang simba (o iba pang aktibidad sa simbahan) nila. Na dati rating ding sumama sa mga lakad silang mag-asawa. Na isa na rin naman palang manggagawa ang kaniyang asawa (construction worker). At na sa totoo lang ay hindi naman nila ginustong hindi na makasama. Ang mister niya ay hindi na makasama dahil sa trabaho, siya naman, noong una ay hindi makasama dahil nagkaroon ng mga dapat alagaang mga anak, at kalaunan nga'y dahil sa inaalagan na ring negosyong dahil sa TSPI at iyong pananampalataya. Pero sa huli, dahil sa loob ng mahaba-haba na ring panahon ay ngayon na lang sila muling pinagtiyagaang kausapin at pagkatiwalaan (o baka nakulitan lang sa dalawang babae) ay nagbago din ang naging tugon ni aling Ron. Mula sa deretsahang "hindi" ay naging "sige, sige, pag-iisipan ko, dadaan naman yung dyip dito bukas di ba?" Na ikinatuwa na rin naman ng ngayong busog na sa halo-halong sina Niki at Dayday, pahabol pa nila bago umalis, "sige po kitakits!"

Ka Lisa Mayo Uno. Labing-limang minuto bago mag-alas sais. Alas siyete ng umaga kailangang makaalis para makarating sa San Mateo at makasama ang iba pang mga magsasakang mula Rizal bago naman sumentro sa Antipolo para sa lokal na protesta ng kanilang probinsya. Dalawang dyip ang inaasahang mapuno ng samahan: puno na ang isa, wala pa halos laman ang ikalawa. Alas singko y medya kanina ay lumakad na muli sina Cel at Jon. Susunduin nila ang anim pa sa sampung napakumpirma nilang sumama noong nakaraang huwebes na hindi pa rin 111


dumarating sa kitaan. Malayo-layo rin ang kumpol ng kabahayang pinag-imbitahan nila. Kahit naka-ilang linggo na sila sa sitio Sapa ay hindi pa rin sanay si Jon sa mahahabang lakaran. Wala naman silang kotse pero mas sanay pa rin siyang mamasahe sa ganito kalayong mga lakaran. 6:54am sila dumating sa hiwalay na kumpol ng mga bahay na sakop pa rin ng sitio. Pabahay ito ng dating meyor para sa mga nasagasaan ng proyekto niyang pagpapalawak ng kalsada relocation area mula sa bundok tungo sa (mas mataas na bahagi) ng bundok. Ang tatlong taga-rito na umoo kina Jon ay naliligo/nagbibihis/nagkakape pa. Isa ang tulog pa dahil kauuwi lang sa magdamagang pagde-deliver ng kalakal (wala raw kasing trapik sa gabi pa-madaling-araw). Ang isa ay inatake ng hika. 7:08am.

Kailangan

na

nilang

umalis.

Hindi

pa

rin

tapos

ang

tatlong

naliligo/nagbibihis/nagkakape. Hindi na gigisingin ang natutulog, hindi na pipilitin ang hinihika. Baka iwanan na sila ng arkeladong dyip. Nakaupo sa isang bangko si Cel, hinihintay ang tatlo pa. Si Jon ay aligaga. Nakatayo't lalakad-lakad. Sisilip-silip sa inaabangang paglabas ng alinman sa tatlo. 7:14am. Sinundan na sila ng dyip. Tanaw ng dalawa ang pag-tigil nito sa aplaya sa kabilang gilid ng sapang pinababaw ng tag-araw. May bumaba mula sa sasakyan, si Ka Lisa. Kumaway ito sa dalawa. Napansin ni Jon na may ilan pang nadagdag sa ikalawang dyip. Sumenyas si Cel na mayroon pang mga hinihitay. Sinimulan ni ka Lisa na tawirin ang tuyong sapa. Pagkahakbang ni ka Lisa sa kabilang gilid ng sapa ay saktong lumabas sa kanilang bahay si nay Beybs (iba pa kay nanay Beybi). Basa pa ang buhok. Magiliw siyang sinalubong ni Jon. Napangiti si ka Cel. Pinapunta na sila ni ka Lisa sa dyip, siya na raw ang susundo sa iba pa, maghintay na lang daw muna sila doon. Kaya tumawid na sina Jon, Cel, at nay Beybs. 7:19am. Nakaupo sa may estribo si Jon at nakatanaw sa kabilang gilid ng sapa. Sa loob ng dyip ay nagtsi-tsikahan ang mga nanay tungkol sa pinakahuling insidente ng nakawan ng 112


tanim. Pilit minamasdan ni Jon sa pagitan ng mga bakod at sanga ng iba't-ibang puno ang pakikipag-usap ni ka Lisa sa mga bahay ng mga tumanggi na sa kanila, habang hinihintay ang dalawa pang naliligo/nagbibihis/nagkakape. Kahit ilang metro ang layo ay kitang-kita ni Jon ang sigla ni ka Lisa. Kumukumpas ang mga kamay nito, may mga pagkakataong pakiwari pa niya'y nakatatawid sa sapa ang boses ng lider-magsasaka. Lumabas ang isa pang nanay na basa ang buhok at may kasamang bata. Isa na lang. Lumipat na ng kausap na kabahayan si ka Lisa, lagpas na ito sa kayang matanaw ni Jon nang nakaupo. Parang biglang gusto niyang tumayo, bumaba, at sumama. 7:31am. Pabalik na si ka Lisa sa dyip. Kasama niya ang isang aakyat na lang dapat ng bundok, ang isang may simba mamayang hapon, ang isang mag-aalaga ng maliliit na anak/apo tatlo sa labing-dalawang tumanggi sa tambalang estudyante-magsasaka nina Jon at Cel noong huwebes. Tinimpla ng pamamangha at saya ang ngiti sa pisngi ni Jon. 7:34am. Puno na ang dyip. Higit kinse sila. Gustong itanong ni Jon kay ka Lisa kung pa paano niya pinapayag ang dati nang nagsipagtanggi. Gusto niyang matuto. Pero abala ang lidermagsasaka sa pagpapaliwanag kung paanong mga nakawan ng tanim sa kanila ay maaring resolbahin ng kanilang samahan. Sa isip-isip niya'y mamaya na lang siya magtatanong dahil hindi naman siya masasagot ng abalang lider. Ang hindi pa niya alam ay ipinakikita na ni ka Lisa sa kaniya ang sikreto.

Si Yolly (at ang Barker, Tsuper, Pahinante, at si Bruno Mars) Unang beses ni nanay Yolly na magsalita sa rali. Inaasahan na naman niya ito tutal katatapos lang nilang mag-aral ng Pampublikong Pananalita bilang bahagi ng mga training sa kanilang samahan nung nakaraang buwan lang. Gayunpaman, kabado pa rin siya. Hindi pa siya kumbinsido sa sariling kakayahan. 113


Katabi niya ngayon sa pila si ka Lisa. Nakaupo sila sa kani-kaniyang monoblock na inilagay talaga roon para sa mga tagapagsalita, nasa likod sila ng maliit na trak. Ang harapan nuon ang nagsisilbing entablado ng pagtitipon ng mga kapwa nila anakpawis ngayong Araw ng Paggawa. Pamilyar sa kaniya ang mukha ni ka Lisa, na bagaman hindi niya kilala sa pangalan ay madalas naman niyang nakikita sa mga katulad nitong mobilisasyon. Hindi siya nagkakamaling maraming beses nang nakapagsalita sa rally ang kaniya ngayong katabing kapwa lidermagsasaka. Gusto niyang magbawas ng kaba, "nakakaba rin po pala ano?" Ginamit ni nanay Yolly ang "po" bilang pagkilalang beterano o eksperto na ang kausap; kung sa edad, sa tantya niya'y higit siya ng may tatlong taon kay ka Lisa. "Opo, perstaym n'yo po ba?" "Ay kay aga mo naman akong nabisto!" Natawa ang dalawa. "Kayang-kayang niyo ho iyan aba'y mas marami pa yata kayong karanasan sa akin, nanay." Malambing na pinalo ni nanay Yolly ang nangungulubot na ring kamay ni ka Lisa habang tinatakpan ng kabila niyang kamay ang sariling pagtawa, "Huy!" Hindi na niya narinig nang ipakilala siya ng mga emcee, "...mula naman po sa hanay ng mga mangingsda, tawagan po natin si nanay Yolly mula sa Binangonan. Tunay na reporma sa lupa, ipaglaban!" Pinakikinggan niya si ka Lisa na nagpapayo tungkol sa pagiging natural at totoo sa pagsasalita, na alalahanin at isapuso ang mga karanasan at tunguhin ng pakikibaka, hanggang sa lapitan na nga siya ng isang dalagang tumutulong sa pangangasiwa ng programa, "nay, kayo na po, kayo na." At bagaman kabado pa rin, dumiretso siya sa entablado para magsalita. "Magandang umaga mga kasama..." Naghiyawan ang mga estudyanteng nakikipamuhay sa kanilang isla. "Ako po si Yolly mula sa Binangonan, sa Isla ng Talim. Um, pagpasensyahan niyo na po kung hindi ako gaanong kagaling paano'y unang beses ko pong magsasalita sa 114


ganito." Pinalakpakan at hiniyawan siya ng mga nanonood. "Narito po ako para ibahagi ang aming karanasan sa aming isla doon sa Laguna..." *** O Cogeo! Cogeo! Cogeo! Mayo Uno nga pala ngayon saan po itong bente? If you ever leave me baby, pagpasensyahan niyo na po kung hindi ako gaanong kagaling paano'y unang beses ko pong magsasalita sa ganito. Maluwag, maluwag! 'Cause it would take a whole lot of medication ay nasa gitna ng Laguna Lake. Tanaw po mula doon ang Taguig at Alabang. Iyong aking mister po, kaya kami nagtira sa isla kasi po inengganyo kami ng kapatid kong mangingisda rin doon. Mayaman po kasi ang Sukli nung sampu.. naghahalo yung tubig-alat at tubig-tabang kaya maraming uri ng isda yung nabubuhay. Inabutan pa nga po naming mag-asawa yung panahong kung kailangan namin ng ulam ay sasalok lang kami ng tabo sa gilid ng Ooh. So keep in mind all the sacrifices I'm makin' makukuhang maliliit na hipon na Pito pa! Pito pa! Cogeo! Ganoon po kayaman ang lawa. Noon. Ibang-iba na po ngayon ang kalagayan sa lawa. Wala na po iyong dating yaman niya. Yung dati pong Sa kanan po, sa kanan. anihin na mga tilapia, isang beses isang taon na lang. Maliliit pa. 'Cause there'll be no sunlight if I lose you, baby mga ayungin po ay hindi na nagsisipaglaki. Mas malalaki na nga po yung mga pesteng isda kesa sa mga nakakain. Yung mga janitor fish, knife fish saka San ka? Bili lang akong Cobra. Kaya marami po sa aming everyday it'll rain, rain, ra-a-a-ain. Oooh. ibang trabaho dahil hindi na nakabubuhay ang pangingisda. Ayan pong mga stick po dyan, yung sa may nagpi-pishbol, ganyan po ang ginagawa ng iba sa amin para may ibang Cogeo! Cogeo! araw-araw. May mga nagkakarpintero po ng mga upuan at kabinet na kawayan Makikiabot na lang po. kaya nagkaganito, kaya po unti-unti nang namamatay yung lawa ay kagagawan po ng naglalakihang mga fish cage sa gitna nung lawa. Mga fish cage po itong ekta-ektarya ang laki kaya malaki rin po ang nahuhuli at naalagaang I'd be doing the same thing. Sayin' "There goes my little girl walkin' Galaw-galaw naman tayo diyan, 115


paupuin natin si ate. Wala pong may-ari ng malaking fish cage sa Ooh, but little darlin' watch me change their minds! tig-ilang metro lang. Yung mga higante pong fish cage ay pagmamay-ari po ng mga higante Cogeo! Cogeo! Tatlo na lang! mga sarhento o mga abogado o mga kumpanya po na hindi naman nakatira sa lawa kaya hindi nararamdaman yung pamiminsala nila doon. Naiipon po yung 'til I'm bleeding if that'll make you mine-- at mga isda sa loob Bakit mo pinatay? Naalala ko yung pinsan mong puro utang. Samantalang yung Si Badong. Taga-Talim din yon ‗di ba?. Ay oo! Pakinggan mo yang nagrarali nang maniwala kang hirap na hirap sila don. Kapag kami po ay namangka kahit malapit lang sa mga fish cage nila, kami po ay binabaril! Dito boss aalis na 'to. para na ring kami mismo ang hindi nila pinalalaki at pinapatay! Nakikita po namin ito na bahagi ng plano ng LLDA na i-kumbert ang pinaninirahan naming isla. Paano po'y plano nila iyong tayuan ng hotel at Aalis na, aalis na! Cogeo! Cogeo! may mga nagbabakod na ng mga malalawak na kahuyan sa mismong isla. Tapos pinababantayan nila sa mga armadong.. hindi namin alam kung mga totoong sundalo. Kaya po-- umm, Isa na lang! Cogeo! Cogeo! mangingisda sa Talim... Pero po, kagaya po ng mga naunang mga tagapagsalita nating lider at mga manggagawa, hindi po mananatiling takot ang nasa aming mga damdamin, patuloy po kaming lalaban para sa aming mga anak at kabuhayan. Ayun na lang po, salamat. *** Sandaling bumili si Alex ng inumin sa isang malapit na kariton. Limang pisong buko juice. Nandidiri siya sa sariling pawis dala ng init at pagod sa pamimigay ng mga polyeto sa halo-halong mga tindero, mamimili, tsuper, gwardya, at iba pang nagsisipagdaan sa palengkeng kanila ngayong kinaroroonan. Hindi niya inakalang ang una niyang punta sa Antipolo kasama ang kaniyang pamilya para mag-swimming ay susundan ng isang kilos-protesta kung saan mamimigay siya ng mga politikal na polyeto. "Para na talaga akong tibak neto a," nalilitong bulong niya sa sarili. Bukod sa marami na talagang tao sa palengke, pinarami pa ito ng ilang daang anakpawis 116


mula sa kalapit na mga probinsiya. Yung ilan nga doon ay ang mga kaklase niyang sina Jon at Niki (at ka Cel, Dayday, at ka Lisa) ang nag-imbita. Kaabot niya lang ng polyeto sa pinagbilhang tindero nang matanaw niyang kinakawayan siya ni Jon. Kasama nito sinaNiki, at iba pa nilang kaklaseng nakikipamuhay sa Binangonan. Dito na lang sila ulit nagkita-kita. Hindi man niya narinig ay nabasa niya ang sigaw ni Jon, "si ka Lisa na!" Nagmadali siyang maglakad palapit sa entabladong trak at tumabi sa mga pamilyar na mukha ng mga nanay, tatay, at anak mula sa kanilang sitio. Puno ng paggigiit ang sigaw ng isa pang magsasakang mula sa San Mateo, "tunay na reporma sa lupa!" Sa unang pagkakataon, kasabay ng mga taga-Sitio Sapa, napasabay sa pagchant ang tahimik na si Alex, "ipaglaban!" *** Dumoble sa itinakdang oras ang naging pagsasalita ni nanay Yolly. Kinamayan siya ni ka Lisa nang paakyat na ito sa entablado samantalang siya'y pababa, "ang galing niyo po, ka Yolly."

Nanay Rose Protektado ng pagkakahalukikip ng mga braso ni nay Rose ang eksklusibo niyang Avon cloth bag habang nagmamadali siyang tumungo sa pinakamalapit na waiting shed, animo'y matatakbuhan ang mararahang patak ng ulan. Ilang linggo na rin marahil ang nakalipas mula nang muli siyang magpunta sa Avon outlet na iyon sa San Mateo, higit sampung kilometro ang layo sa kanilang tahanan sa sitio Sapa. Ito na ang pinakamalapit na outlet na maari niyang mapagkuhaan ng eksklusibong Avon merchandise gaya ng mga lipstick, eye liner, eye shadow, concealer, lotion, deodorant, moisturizer, cleanser, glutathaione, sabon, sari-saring pabango, at pati mga bra't panti. Maraming pwedeng bilhin, pero ang lahat ng iyon ay hindi para sa kaniya. Bilang Avon representative sa kaniyang lugar, tungkulin niyang ibenta ang mga produktong iyon sa mga kliyente sa kaniyang "teritoryo." Kaya ngayong hapon ay magbabyahe 117


siya pauwi bitbit-bitbit ang ilang make-up na inorder ng iilan lang din niyang kliyente, ilang sample na produkto para sa mga nililigawan palang niyang mga kakilala, at mga brochure na puno ng mga mukha ng kung sino-sinong mapuputi't matatangos ang ilong na mga modelo binili niya ang lahat ng ito. Oo, ang inorder ng mga kliyente (na nagsibigay naman ng mga paunang deposito) at mga sample products at brochure na dapat ay ibibigay niya nang libre ay lahat binayaran niya rin sa Avon outlet. Saktong pamasahe pauwi na lang ang ngayo'y nasa kaniyang bulsa. Hinahaplos ng pag-agos ng tubig-ulan ang pader na kinauukitan ng mga salitang "The company for women" sa pagsakay ni nay Rose sa siksikang dyip. Hanggang sa loob ng saksakyan ay yakap-yakap niya ang mga brochure; walang ni isang patak ang dumampi sa makinis na mukha at mapupulang labi ni Anne Curtis na katabi naman ng kung-anong pangalan ng ginamit niyang lipstick at ang ilang-daang piso nitong halaga. Sandaling pinakawalan ni nay Rose ang mga dalang gamit at pinunasan ang nangungulubot na niyang noo't mga pisngi na kapwa binasa ng pinaghalong pawis at ambon. Saka niya binunot ang kaniyang mga huling barya at nagbayad ng pamasahe. Natigil ang pagkaka-idlip niya sa dyip dahil sa bigla niyang pag-ubo. Tumila na ang ulan pero tila hindi basta-basta mababale-wala ng kaniyang katawan ang ambong sinapo ng kaniyang bunbunan; sa isip-isip niya'y nagdasal siyang huwag naman sana siya ngayon sumpungin ng hika. Pagkalagpas ng pampasaherong sasakyan sa huling botikang may tindang inhaler sa bayan, naka-idlip nang muli si nay Rose. Naglalaban ang dilaw at pulang liwanag ng takipsilim nang makabalik siya sa Wawa. Tanaw niya ang mga higanteng batong ang kulay ay naging parang impyerno, kasalukuyang silang binubuhat ng mga kulay-kalawang na buldoser. Marahan siyang pumanik sa sitio Sapa. Madilim na asul na ang kalangitan pagkarating niya sa kanilang bahay. Pagkalapag sa mga dalang pagkakakitaan ay agad siyang humithit mula sa inhaler na ilang buwan na niyang 118


tinitipid. Maingat niya itong ibinalik sa mala-pulpitong tukador; sa pwesto nito'y para itong estatwa ng Birhen sa gitna ng pinagluluhurang belen. Dinatnan niyang nakayuko sa lutuan ang nag-iisang anak na nagtatakal ng bigas, "Kamusta ma? Ipagsasaing ko na rin po ba si papa?" Tumango si nay Rose sa anak. Bago siya nagsimulang magluto ng hapunan ay nagpasalamat siya sa Diyos at hindi siya pinabayaang hikain sa kabuuan ng naging byahe. *** Gaya ng mga pangkaraniwang araw ay alas-otso ng umaga kinabukasan umuwi si tatay Nestor. Gaya ng mga pangkaraniwang araw ay hapong-hapo siya sa ilang oras na pagtatrabaho at pagbibisikleta. Kasisikat lang halos ng araw nang magsimula siyang matulog. Hindi na niya nakain ang inihandang ginataang gulay ng kaniyang misis. Di bale, sabi ni nay Rose sa sarili, pagkagising niya'y tiyak na gugutumin siya. Hindi ngayon basta-basta pangkaraniwang araw, ngayon ang pista ng Wawa. At di nga nagtagal ay dumating sa kanilang bahay ang isang kumpare ng mag-asawa. May bitbit itong tandang at hinahanap nga si tatay Nestor. Noon kasing hindi pa graveyard shift ang trabaho niya ay isa siya sa mga mahilig makinood at minsan nga'y makisali sa mga sabungan sa kanilang lugar. Ngayon-ngayon na lamang naman naging alagain ang kaniyang mga manok. Mabilis na pinahinaan ni nanay Rose ang malakas na boses ng bisita. Kaagad na ipinaalala ang katangian ng trabaho ng laging puyat na asawa. Naunawaan naman ito ng kanilang kumpare, na matapos sabihing "sayang pista pa naman e, sasama nga rin si tatang Kris," ay umalis na rin at dumiretso nga sa maliit na sabungan ng kanilang sitio. Pero nagising na si tatay Nestor. Dilat nang muli ang mga mata nitong pilit ibinubuka ng mga pangangailangan. At gaya ng karaniwan, hirap na itong muling makatulog sa oras na gising ang karaniwang tao. Kaya kahit kumikirot ang bisig, binti, at gulugod, bumangon na ito; na ikinagulat ng asawang nagtitingin-tingin ng makikinang na brochure, iniisip kung ano ang magagandang linyang pambenta. Nagsimula na siyang kumain ng hapunan/almusal/tanghalian. 119


"Pista nga pala ngayon," sambit niya sa pagitan ng kalkuladong pagnguya at paglulon. "Oo... nakapagpahinga ka na ba?" ang tugon ng kaniyang nag-aalalang asawa. "Sino yung dumating?" "A wala..." "..." hindi niya malasahan ang tamis at alat ng ulam na ginataang puso ng saging. "Gusto mo hiramin natin yung bentilador nina Len sa kabila?" "Tiyak pala may inuman kanina pang umaga!" "..." "Sina Armand pa, e tumatagay nga 'yon kahit hindi pista!" bumalik sa kaniya ang mga panahong kasabay na gising ang mga kapitbahay. "..." "Meron din niyang sabong panigurado. Sino kayang may pakain ngayon?" "..." Mahabang katahimikan, pagkalansing ng kutsara sa plato at paglipat ng mga pahina ng Avon magazine ang tanging tunog. "Si kumpare mo yung dumating kanina, nagyaya nga..." "..." "Matulog ka na kaya muna ulit?" Sumilip na muna si tatay Nestor kung nasa lutuan ang anak (malamang nakina-Lisa na naman 'yon, isip-isip nito). Matapos matiyak na wala ang nag-iisang anak sa bahay, nilapitan niya ang nakaupong asawa at niyakap siya mula sa likod. Napahinto sa pagsasalansan ng moisturizer si nanay Rose. Hinalikan ni Nestor ang pawisang ulo ng asawa, "labas naman tayo maya-maya... minsan na lang tayo makisaya." Kaya kahit puno ng pag-aalinlangan ay hinayaan na ni nanay Rose na magpunta sa sabungan si tatay Nestor kinatanghalian. Doon na raw muna siya habang hinihintay na matapos 120


sa mga ginagawa para sa Avon si nanay Rose. Ayaw pumunta ni Rose sa sabungan dahil hindi siya mahilig sa mga ganoong sugal; kaya‘t usapan nilang bumalik din kaagad si Nestor. Pupunta sila maya-maya sa kaanak nila sa Wawa, sa baba lang ng kanilang sitio, dahil tiyak na mayroon iyong handa ngayong pista. Makikikain at mangangamusta. Sa ngayon ay inaayos ni nay Rose ang iskedyul at adres ng mga iha-house-to-house para sa pagbebenta ng Avon. Ilang linggo na nga rin kasi siyang hindi nakakapagbenta. Dahil na rin sa sunod-sunod na pagsumpong ng hika. Umabot pa nga sa puntong ang mismong paglalakad-lakad niya na lang sa loob ng maliit nilang bahay ay ikinahihika niya. Kaya tumigil na muna siya sa pagbebenta ng Avon nang ilang linggo. At ngayong ngang magaling-galing na siya, at papadalang na nga ang pagsumpong ng hika (hindi nga siya sinumpong kahapon), gusto na niya uling subukan, para may kitain naman. Kaya ngayon ay masinsin niyang inaayos ang mga address, contact number, pangalan ng, at oras na malamang ay nasa bahay ang kaniyang mga kliyente. Samantala, tahimik na nanonood si tatay Nestor sa magilas na labanan ng mga tandang. Ang pinaka-arena ng sabungan ay isang loteng higit limang metro kwadrado ang sukat at pinaliligiran ng mga yerong kinalawang na ng panahon. Magsisimulang muli ang isang bakbakan; nakahanda na ang sentenciador. Pinagharap ang magkalabang mga mandirigmang nagsisipagtaasan ang pula't itim na mga balahibo. Hawak-hawak pa ng mga sabungero ang buntot ng kani-kanilang mga panabong. Dito pa lang ay nagsusukatan na ang dalawang tandang. Mala-ahas ang kilos ng kani-kanilang mga leeg. At nang bitawan ng dalawa ang mga nagngingitngit na tandang, nagpalitan ng hampas ang kanilang mga pakpak, tinangkang butasin ng kanilang tuka ang ng leeg isa't-isa, nagsipaan ang matatalas nilang paa. Mabilis ang mga pangyayari. Maagap ang pag-awat ng mga sabungero sa kani-kanilang alaga. Hindi ito isang seryosong sabungan, walang pustahan, nagkakatuwaan lamang ang mga sabungero dahil nga pista. Malapit sa de-yerong sabungan ang isang lamesang pinaliligiran ng nakaupong mga kalalakihan, nag-iinuman. 121


Papasimula na naman ang isang round ng sparring ng mga mandirigmang manok nang may makapansing si tatay Nestor ay nakabulagta na sa lupa.

Hindi aakalaing hikain si nanay Rose sa bilis ng kaniyang pagtakbo matapos kalampagin ni aling Len ang kaniyang pinto at magsisigaw na hinimatay si Nestor sa sabungan. Nasalubong niya ang kumpare at iba pang lalaki na buhat-buhat ang walang-malay niyang mister. Kaagad niya itong niyakap. "Tumawag kayo ng traysikel! Tumawag kayo ng traysikel!" Pinagdasalan ni Rose ang lahat ng kilalang Diyos at santo, "nangyari na ito noong nakaraang buwan kay Nestor, wala naman sanang maging bago ngayon." Inihiga nila ang kaniyang mister sa isang malapit na kawayang bangko. Pinaypayan siya ni Marikit na napalabas sa kanilang bahay sa malapit. Pinakuha ni ka Lisa ng inuming tubig si Macmac. Ang mga estudyanteng nakikipamuhay ay hindi tiyak ang gagawin, nakikitanong, "anong nangyari? anong nangyari?" Sabay-sabay na nagmamadaling mag-isip ng paraan para makatawag ng ambulansya o anumag sasakyan. Ngunit walang signal, walang telepono, at ang traysikel ay kailangan pang takbuhin sa baba, sa Wawa na ngayo'y halos marinig nila ang pagpipista. Ikatlong taon na nila sa kolehiyo pero parang bigla silang walang alam. May nagtawag na ng traysikel; walang kasing haba ang mga minutong dati rati‘y hinahayaan lang lumipas. Iniangat ni Rose ang ulo ng asawa at buong-ingat itong ikinandong. "Nestor! Nestor!" pinipigilan niya ang sarili na alugin ang mga balikat ng nag-iisang asawa. Pinulsuhan ni ka Lisa ang nakahigang construction worker. Matapos niyang ulit-ulitin, ibaibahin ang posisyon at ang diin ng mga daliri sa pulso ni tatay Nestor; hindi nagustuhan ni nanay Rose ang naging ekspresyon ng magsasakang health worker. Idinikit ni Rose ang kaliwa niyang tainga sa matipunong dibdib ng asawa at napansin ang balbas nitong hindi na naaahit, "paano'y kundi tulog o kumakain ay nasa trabaho," naibulalas pa niya sa sarili bago matanto ang kawalang-tibok. Mabilis niyang iniangat muli ang kaniyang ulo at tinitigan ang mga kanto sa 122


mukha ng nakapikit niyang mister; parang biglang lumalabo ang kaniyang paningin. Hinaplos n'ya ang magkabila nitong bisig - sinasambit sa sariling ang matitigas nitong kalamnan ay marka ng sigasig sa paghahanapbuhay, hindi ng walang-awang kamatayan.

Ala(a)la Sa edad niyang tatlumpu't tatlo, hindi niya inakalang maiihi pa siya sa kaniyang pajama. Alas-tres impunto iyon ng madaling araw. Nasa kalagitnaan siya mahimbing na pagtulog sa maliit niyang kubong nasa liblib na bahagi ng bundok, katabi ng sapa. Nananaginip siyang magkasama na silang muli ng kaisa-isang anak. Maliban sa tulog na ring mga manok at aso, mag-isa siya noon doon. Biglang may armalayt na nagbukas sa kaniyang pinto; kaagad nasira ang taling nagsisilbing pinaka-kandado nito. Ang una niyang naisip ay ang kwento sa kaniya ng mga minsang nakainumang kabataan sa syudad. Alas-tres impunto raw ng madaling araw nagsisilabasan ang mga diablo mula sa kinalulunggaan nilang impyerno para manguha ng mga kaluluwang ligaw. Mabilis na naglaho ang antok sa kaniyang diwa, napatayo siya sa kaniyang kawayang papag, lumipad ang manipis niyang kumot pababa sa putikang lapag. Pagkulog at paglindol ang dala ng diablo. Nagsiliparan ang lahat ng kagamitan sa kaniyang tagpi-tagping kubo: ang mga kaldero, mga mangkok, mga tasa; ang mga alaga niyang manok ay alanganing nagsipagtakbuhan palayo, hindi tiyak kung papasok ba sa kinilala na rin nilang bahay o sisibat; ang kaniyang asong si Lemon ay pinalipad ng boots ng bisita, naiyak ito hindi para sa sarili kundi sa mga tutang nasa kaniya pang sinapupunan. Pinaghalong galit, takot, at lakas ng loob ang nagtulak kay Cel na pasigaw na magtanong, "sino ka! bakit!" Saka siya hinila ng mala-sementong kamay pababa sa kaniyang papag, 123


kamuntik na siyang masubsob sa kaniyang kawayan ding hapag-kainan. Marahas na lumapat sa lupa ang kaniyang talampakan. Wari siyang ibinato at sinalo ng isa pang malasementong kamay. Dalawa pala sila. Itinapon siya papalabas sa kaniyang kubo. Napatili siya sa pagbasak sa batuhang gilid ng sapa ng kaniyang puwit; nasa tabi niya ang buntis niyang asong nakatayo na't tinatahulan ang mga diablo. "Bakit niyo sinisira ang bahay namin!" sigaw niya, sa kabila ng pagkakasalampak sa putikan. Saka niya napansing hindi lang pala sila isa o dalawa, may dalawampu sila. Dalawampung kulay berde't-itim na mga diablo. Gusto niya silang murahin pero pinigilan siya ng pangambang murahin siya pabalik ng mahahaba nilang baril. Tumatahol pa rin si Lemon. Tila binabagyo pa rin ng mga diablo ang loob ng maliit nilang kubo, sa pakiwara niya'y meron silang hinahanap. Nagsisisigaw siya hanggang sa tutukan siya ng isa sa mga diablo ng baril. Isinuksok ng berde't itim na bisita ang malamig na bungangang-bakal ng kaniyang aramalayt sa bibig ni Cel. Hindi ito ang una beses na tinutukan siya ng baril, pero ngayon lang siya nakasubo ng armalayt. Dito naihi si Cel sa takot. Kinagat ni Lemon ang baril. Sinipa siyang muli ng diablo. Muling bumangon ang aso at nagtatatahol. Sa kabila ng nakakairitang basang pajama, nanlisik ang mga mata ni Cel, "hindi ako natatakot sa inyo." Waring pasigaw siyang isinusumpa ng mga diablo. Nang hindi makita ang hinahanap ay saka sila nagsi-alis. Wala siyang naintindihan sa kanila. Paulit-ulit nilang binabanggit ang "NPA" at si "ka Roger." Hindi niya naman talaga sila pinakikinggan, naging abala siya sa paghahanda ng sarili sakaling ang kanilang mga baril ang magsalita. Sa isip niya'y maswerte siya at hindi. Sandali din siyang nanatiling naka-upo sa tabi ng sapa bago napabuntong-hininga at tuluyang naiyak. Unti-unti nagsibalikan sa loob ng kanilang ngayo'y magulong bahay ang mga manok. Mabagal siyang tinabihan ni Lemon na hinabol pa ng kahol ang mga diablo. Binura ng kaniyang paghihilamos sa sapa ang mga putik at luha sa kaniyang mukha-124


saka siya nagising. Hinahabol siya sa panaginip ng masasamang alaala; kabalintunang hindi nya ngayon maalala ang katatapos na panaginip. Tumatagos ang ilang patak ng mahinahong ambon sa manipis na bubong ng kaniyang kubo. Saka niya naalalang maaga siya ngayong bumaba para sa aktibidad ng mga inaalaganang estudyante. Mabilis ngunit kalmadong siyang nagparikit ng pampainit ng tubig. *** Alas singko y medya na ng umaga. Mamasa-masa ang daang-lupa dahil sa hamog. Naglalakad na siyang mag-isa, pababa ng bundok. Hindi pa ganap na sumisikat ang araw kaya't kula y-lila pa ang paligid. Dahil ang ginagamit niyang ilaw ay naubusan ng baterya kagabi lang, tanging ang pink niyang Nokia 3310 ang kaniyang ilaw. Maaga siya ngayon para sa ilang gawain sa samahan. Mag-iisang linggo na rin nang huli niyang ipangteks ang naturang telepono. Bumaba rin siya noon pa-bayan para magbenta naman ng kaniyang mga kalakal na saging. Nagpalowd na rin tuloy siya. At dahil may lowd at may signal, kaagad na itiniteks ni Cel ang ina para kamustahin ang unico hijo niyang nasa Mindanao. Bagaman sa kabundakang ito nabuo at ipinanganak, doon na sa Mindanao lumaki si Eman. Lolo't lola niya ang nag-aalaga sa kanya roon. Magpi-pitong taon na siya ngayon; magiisang taong malayo sa ina. May natira pa yatang dalawang piso sa ipinalowd niya sa bayan noong nakaraan. May dalawa nang bar ang signal ng kaniyang 3310; may lowd at signal na siya. Dahan-dahang nagtayp si Cel habang napabagal ang paglalakad. Noong huling baba niya sa bayan, apat na araw na ang nakakalipas ay hindi nakapag-reply ang kaniyang ina sa kaniyang pangangamusta. Ang huli pa tuloy niyang balita sa anak ay na ilang araw na itong inuubo. "Kmsta c eman nay?" Pero bago pa man niya ma-send ay nakatanggap siya ng text-- baka tungkol kay Eman! Pero hindi. Si ka Lisa. Tinatanong kung bababa ba siya ngayon at sasama sa huling 125


presentasyon ng mga estudyante. Mag-isa pa rin si Cel sa daang-lupa; subalit malapit na siya sa gising nang kabahayan nina ka Lisa kaya't hindi na siya nag-reply. Pinadala niya sa kaniyang nanay ang tinayp na mensahe. Binilisan niyang muli ang paglalakad. Halos isang buwan din niyang pinaglaanan ng panahong parang kaniyang mga anak ang tatlong estudyanteng papatapos na ang exposure sa kanilang sitio; ipinag-aalala niya ang tanong para sa sarili at sa mga kasamahan sa kanilang samahan pagkaalis ng mga estudyante: "ano nang susunod?"

Overlap Dalawang linggo pagkatapos iligpit ang mga mesa, mga bangko‘t monoblock, mga saklaan, at ang kabaong, ngayo'y inaayos na namang muli ang bakuran ng pumanaw nang si nanay During para sa maituturing na pamamaalam din sa mga estudyanteng exposurist. Isinasandal ni Jon sa isang posteng gawa sa niyog ang nahiram nilang malaking pisara, isinalansan ni Niki ang mga monoblock, at sa loob ng kusina'y nagtitimpla si Alex ng juice. Ilang oras na lang maya-maya ay magsisimula na ang huli nilang presentasyon para sa mga samahang-magsasakang nakasama nila nang halos isang buwan. Layunin ng kanilang magiging pagtitipon ang ihain ang nasaliksik nilang mga datos at impormasyon hinggil sa komunidad, at sana, kumpirmahin ang mga ito sa mga dadalong magsasaka, kung may mga mali o kulang, sana maituwid o mapunan. Isa pa'y para sana matasa ang naging kabuuan nilang programa; ano-ano ang mga kahinaan at mga kalakasan ng bawat isa. At sa huli, ay pormal na makapagpaalam o makapag-iwan ng mensahe ang mga mag-aaral sa komunidad, o ng kabaligtaran. Kung sa ganoong paraan titignan ay medyo mabigat ang magiging aktibidad. Kaya naman, para mapagaan, pinlano nilang simulan ito sa isang pagtatanghal. Nagboluntaryo sina Dayday na kumanta. Alam pa raw ng ate't kuya niya yung ilang kantang tinuro sa kanila noon, na mangilang beses na rin nga nilang naitanghal sa ilang mga rali. 126


Kaya ngayon, eto nga't kumakanta sila ng "nakita mo na ba si Gloria magtanim ng palay?" sa tono ng ―Lupet na Humahagupet‖ ng Siakol. Kasama nila ang ilang pang mga batang kalaro't kapitbahay. Naghihiyawan ang kani-kanilang mga nanay, ang mga tatay ay nagpipigil ng ngiti't tawa. Ang tanging matandang kasama nila sa pinaka-entablado ay si Alex, naggigitara. Nagulat na lang nga sina Jon at Niki. Marunong palang tumugtog ng gitara ang kaklase nilang bihirang-bihira nilang marinig magsalita man lang. Pero hindi pa rin siya masyadong ngumingit; seryoso't weird pa rin. Si Kristel ang naging tagapagpadaloy ng kanilang programa. Pagkatapos ng maikling kantahan ng mga bata, "mga dating GARB kids" ika niya, nag-set-up na ang tatlong estudyante para sa ipepresenta nilang saliksik. Naka-masking tape sa isang mahabang stick na kawayan ang ilang pahina ng ginupit na manila paper. Dito isinulat ng mga estudyante ang kanilang presentasyon. Hawak-hawak ng dalawa sa kanila ang magkabilang dulo habang may isang pangunahing nagsasalita. Isa-isang ipinirisenta ang mga nasaliksik nilang datos para sa bawat organisasyon; si Alex sa KASAMA, si Jon sa Hawak-Kamay, at si Niki sa AGRA. Nauna si Alex dahil KASAMA ang pinaka-pamilyar sa kanila, ito ang kinabibilangan nina ka Lisa at ka Cel, ito, ang tumanggap sa kanila sa lugar. Naging mabilis lang din naman ang kaniyang pagtalakay. Medyo natagalan lang kay Jon. Kung pinaka-kilala ang KASAMA, pinaka-malayo naman ang Hawak-Kamay. Bukod sa literal itong nasa baba pa ng bundok, naging problematiko rin para kay Jon kung paano ibabahagi, ang tungkol sa mala-"conspiracy theory," ika nga nila, na kwento ng Doùa Anna Baraquel Foundation. Maingat siyang nagsalita tungkol sa bahaging iyon, sa isip nya'y mamaya na lang siya babawi sa mga suggestions nila. Dahil kahit ayaw naman niya syempreng sabihin na lang na manloloko ang Foundation (bagay na siya mismo'y hindi pa tiyak at makapaniwala), ayaw naman niyang hindi maging mapangmatyag ang mgamagsasaka ng Hawak-Kamay sa mga posibleng maniobra nito. Kaya, nag-ingat siyang wag makapang-insulot pero maging 127


mapagbabala, nag-isa-isa siya ng mga maaring panganib na dapat pagingatan. Si Niki ang huling nagpresenta, tungkol naman sa AGRA. Sa lahat ay sa kaniya naman ang pinaka-seryoso. Pinaka-seryoso marahil ang paksa niya dahil AGRA ang may pinaka-radikal na pagkakabuo (nagdeklara sila ng pag-aari sa lupang tiwang-wang, kumpara sa Hawak-Kamay at KASAMA, na dumedepensa sa pangangamkam; idagdag pa ang kasaysayan ng tagapagtatag nitong naging madugo), pero pinaka-kwela pa ring tagapagsalita si Niki. Wala namang naging masyadong mga pagkakamali sa datos ang mga estudyante. Naging buhay pa nga ang talakayan dahil sa ilang mga pagkakamali sa pangalan o ispeling o bigkas. Pagkatapos ng isa-isang presentasyon sa mga orgaanisasyon ay nagpa-meryenda na muna sila. Tomy at Tang. Habang kumakai‘t umiinom ang may 30 ring mga magsasaka, ipinresenta na nila ang pinaghirapang Venn Diagram:

128


Mas pangit pa d‘yan ang nagawa nila dahil hindi perpekto ang bilog at hindi magkakapantay ang laki. Pero ikinatuwa pa rin iyon ng mga nakikinig na magsasaka. Lalo na si ka Lisa, na sa mahabang panahon ay nakaligtaan nang lapitan ang Hawak-Kamay (dahil nga sa kumplikasyon ng Foundation). Malinaw na naipakita sa lahat na iisa ang pangunahin nilang problema, sa mga salita nga Niki, ―hindi po kasi kayong mga aktwal na nagsasaka sa lupa ang may-ari nung lupa.‖ Naging mas mahaba pa ang talakayan tungkol sa mga posible‘t mungkahing solusyon… Papadilim na nang pormal na isara ng isang pagtatanghal ang naging aktibidad. ―Ikaw na bisig ang siyang nagbubungkal,‖ muli ay naggigitara ang tahimik na si Alex. ―Ikaw na pawis at dugo ang tanging puhunan,‖ ngunit hindi na lamang ang dating GARB Kids ang kumakanta, 129


kasabay nila ngayon maging sina Jon, Niki, at Kristel. ―Ikaw na bihag, dukha't hinahamak,‖ bagaman iba-iba ang lakas ng boses (magkakahawig naman ang tono), lahat sila ay umaawit. ―Ikaw ay bayani, dangal ng lipunan,‖ sa kanilang lahat ay si Macmac ang pinaka-alangan ang mga buka ng bibig (hindi pa si Alex). ―Itong tanikala ng pagkaalipin mo,‖ alanganin siyang nahihiya at kinikilabutan sa pamilyaridad ng mga salita ng kanta. ―Unti-unting dinudurog hanggang maging abo,‖ seryoso ang kanilang mga tagapakinig; ang kantang ito ay pamilyar para kay tatay Lito, pero unang pagkakataon niya itong marinig nang buo. ―Itong nakalukob na agilang dayo, pilit iginugupo nang laya'y mapasa'yo,‖ maraming beses na rin itong narinig ni nanay Ron, at ngayon ay hindi niya matiyak kung iyong katal ng gitara ba o iyong mga makahulugang mga salita ng umaalingawngaw na awit ang nagpapatayo ngayon sa kaniyang mga balahibo. ―Sa tuwina'y taglay ibayong pag asa,‖ hindi man niya kabisado ay sumabay na sa pagkanta si tatay Gerry. ―Buo ang hangaring wakasan ang pagsasamantala,‖ maging si ka Lisa at ka Cel ay nakisabay na. ―Sa daluyong ng daan-libong nag-aalsa, itatanghal kayong bayani,‖ nagsanib ang tinig ng mga estdyante‘t mga magsasaka, ―kayong magsasaka.‖ Nagpalakpakan ang lahat pagkatapos. Nagkamayan. Nagligpit sa bakuran. At naghanda para sa kinabukasan.

Mula sa Diary ng Taga-Patag Sa 1 buwan ba namang nandito kami ay maraming tinuro samin si ka Lisa. Isa don ang resiping to ng sumang bundok (gusto ko lang i-record para hindi ko makalimutan).

I. MGA GAMIT 1. itak 2. pangkayod ng niyog 130


3. panggatong 4. panggadgad (ng kamote) 5. kandila't posporo 6. kaldero 7. timba at batsa

II. MGA SANGKAP 1. isang sakong kamoteng kahoy Umakyat sa bundok. Tumungo sa taniman ng mga kamoteng kahoy. Hukayin na muna ang paligid ng tanim para mapadali kahit pa paano ang pagbunot dito. Mag-ingat sapagkat lalaong mahirap bunutin ang kamoteng kahoy kung mapipigtas ito mula sa pinaka-tangkay ng tanim at maiwang nakabaon sa lupa.

Ipunin ang mga maaani. Itapon ang mga

nasobrahan sa hinog, isako ang iba pa. Ibaba ang mga ito ng bundok. Gamitin ang itak upang isa-isang balatan ang isang sakong kamoteng kahoy. Pagkatapos ay hugasan ang mga ito gamit ang inigib na tubig. 2. isang kilong brown sugar Mangutang. Bumili.(Wala kasi nito sa bundok.) 3. gata Umakyat sa bundok. Tumungo sa taniman ng mga niyog. Maingat na akyatin ang isa sa mga ito, putulin ang kinakapitang tangkay ng mga niyog sa tuktok. Bumaba sa puno, bumaba sa bundok. Balatan ang mga buko gamit ang itak; mag-ingat sapagkat maaring tumalbog ang talim ng itak sa balat ng niyog. Pagkatapos balatan ay hatiin ang niyog sa gitna; maaaring itabi ang sabaw. Gamitin ang pangkayod ng niyog upang kayurin ang niyog. 131


Igiban ang kaldero ng tubig. Magparikit sa kalan. Painitin ang tubig; hanguin bago kumulo. Buhusan ang kinayod na niyog ng kaunting mainit na tubig. Pigain ito upang makatasan, ipunin. 4. tubig Magtungo sa pinakamalapit na poso, mag-tikwas. 5. mga dahon ng saging Umakyat sa bundok. Magtungo sa taniman ng mga saging. Maghanap ng matatanda nang puno ng saging at pumutol ng ilan sa mga dahon ng mga ito.

III. MGA HAKBANG 1. Kayurin isa-isa ang lahat ng nabalatan at nahugasan nang kamoteng kahoy. Ipunin ito sa isag batya. 2. Pigain ang kinayod na kamoteng kahoy. Dapat ay tuyong-tuyo ito. Maaring gumamit ng tela para mapadali at maging mas epektibo ang pagpiga: ipaloob lang dito ang kinayod na kamoteng kahoy at saka pigain. Ito na ang pinaka-laman ng ating suman. 3. Ibuhos ang inihandang gata sa kinayod at pinigang kamoteng kahoy. Ibabad sandali upang manuot ang gata. 4. Timplahan ito ng asukal. Kung isang sako ang ginamit na kamoteng kahoy ay sapat na ang isang kilo. Mas malinamnam kung brown sugar ang gagamitin. 5. Habang nakababad ang kamoteng kahoy, hiwain ang kinuhang mga dahon ng saging. Dapat ay humigit-kumulang labindalawang pulgada lamang ang haba ng bawat hati. Pagkatapos ay magsindi ng isang kandila. Isa-isang painitan rito ang mga hiniwang dahon ng saging. Kailangan silang painitan upang lumambot at hindi maging masyadong malutong. Ito ang magsisilbing pinaka-balot ng suman. 132


6. Isa-isa nang punan ang mga pambalot. Tantyahin kung gaano karaming kinayod na kamoteng kahoy ang kakasya sa bawat piraso ng pambalot. Ipuwesto ito sa gitna ng pambalot at ayusin nang pahaba, itupi ang itaas at ibaba ng dahon upang matakpan ang ipinalaman dito, pagkatapos ay itiklop din ang kanan at kaliwang gilid. Itiklop nang dalawang ulit ang labis na bahagi ng dahon. Ulit-ulitin ito hanggang sa maibalot ang lahat ng kinayod. Dapat ay itsurang suman na ang kalalabasan ng mga ito pagkatapos. 7. Maayos na isalansan ang mga hilaw pang suman sa kaldero. Maingat itong lagyan ng tubig, huwag punuin. Isalang sa apoy. Pagkakulo ng tubig, hanguin ang mga suman. Ulitin hanggang sa maluto ang lahat. 8. Kung isang sakong kamonteng kahoy ang ginamit, mayroong matatapos na humigitkumulang 50 piraso ng suman. Maari na itong ipagbili sa halagang P5 hanggang P10 bawat isa. 9.

Putol Hiniwa ng dalawa ang sukal ng gabi. Bitbit ng batang taga-bundok ang tabak na sumasabay sa pag-atras-abante ng kaniyang braso; kunwa'y mahabang shotgun niyang makisig na sundalo bago tumungo sa bakbakan. Animo nama'y kaniyang cameraman, nakabuntot sa kaniya ang binatang nakapindot sa pag-aaring Blackberry, na ngayo'y flashlight lang ang silbi. Nanginginig ang ningning ng screen nito - hindi pa dahil sa pasmado o kabado si Jon, matindi lang talaga ang lubak at tarik ng inaakyat nilang gilid ng bundok. Ang bahaging ito ng isa sa mararaming bundok sa lugar ang pinakamalapit sa mga kabahayan - katunayan, ang pinakatalampakan nito ay kinatitirikan ng mga tahanan ng mga taga-sitio Sapa. Sa paglalakad nga nila'y napapalabas pa ang nakangiting si Juday sa kanilang sala dahil nakapagtataka nga namang may paakyat pa gayong alas-otso na ng gabi. 133


Sa totoo lang, ayaw din naman talaga ni Macmac na umakyat pa. Kaya lang, ito naman kasing si Jon ang mapilit na sundin ang utos ng kanilang ina: kesyo kung iyon daw ang kailangan ay bakit hindi gawin? Aba'y dahil madilim! matarik! maputik! malamok! may ahas! mahuhulog tayo't mamamatay (o magkaka-amnesia)! sa isip-isip ng batang miminsanang masunurin. Pero nakarating din naman sila sa lugar na may mga puno ng saging. Kahit maliit ay nakaputol din naman si Macmac ng ilang dahon nito; kahit nag-aalangan kung kaya siyang pigilang dumulas ng mga Sandugong tsinelas (dahil putik na ang mga swelas nito), nakaputol din naman ng mas marami ang mas matangkad na si Jon. Sa gitna ng dilim, tarik, sukal, at putik ay nakakuha naman din ang dalawa ng mga ipapambalot sa sumang tinatrabaho pa ng mga naiwan sa bahay. Binaybay na ng dalawa ang daan pabalik. Nakangiti pa rin si Juday kay Jon na papayukong maglakad habang itinututok sa harapan ni Macmac, na humihila sa mahahabang dahon ng saging, ang papalamlam nang liwanag ng kaniyang cellphone. Buti na lang, sa isip-isip ng Manile単o, ay may papaakyat na mga trak-panghakot nang makababa na sila sa pinakakalsada ng lugar - hinawi ng dambuhalang headlights nito ang dilim. Saktong naubusan ng baterya ang Blackberry pagkauwi nila. Kaagad nang hiniwa ni Macmac ang mga dahon sa tamang haba - habang pinanonood ang makapigil-hininga't makapigil-lohikang pambubugbog ng bidang US Navy sa mga kontrabidang stuntman. Pagkacharge ng cellphone ay nakihiwa't nakinood na rin si Jon. Mas maaga silang natapos sa paghiwa kesa sa panonood. Sakto naman ang pagsindi ni Macmac sa isang kandila para isa-isang painitan ang mga hiniwang dahong-pambalot nang may isang trak na dumaan sa kalsada sa labas at aksidenteng maputol ang kableng dinadaluyan ng kuryente pa-kanila. Namatay ang lahat ng ilaw, pati ang bagong-saksak na telepono, pati ang US Navy. Huling gabi ito ng mga mag-aaral sa sitio Sapa. 134


Sa isip-isip ni Marikit ay isa iyong pangitain; putol din ang pakikipamuhay nila, kulang pa.

Pasalubong Hindi ko na inabutang maging ganap na suman ang lahat ng ginawa namin kagabi, o kanina lang pala. Naka-idlip ako sa mesa habang tumutulong sa pagbabalot. Pagkagising ko, nakasalang na ang first batch ng mga suman; nilalaga/pinakukuluan na at hinihintay na lang na maluto. Kaya dumiretso na ako sa aking sleeping bench, nagpagpag, at tuluyan na ngang natulog - ni hindi na nga ako nakapag-brush at hilamos! Sina Niki, Jon, at ate Kristel pagkakaalam ko natulog na rin no'n. Hindi lang ako ang pagod at puyat. Buong araw din kaming nagtrabaho para sa mga sumang iyon - mula sa pagbunot ng kamoteng kahoy hanggang sa paggrocery ng brown sugar. Pero ngayong inaabutan na kami ni ka Lisa ng tig-limang piraso (isang tali) ng mga ekstra-ordinaryong sumang iyon para ipampasalubong, parang nahihiya pa rin kami, o ako lang yata. Paano'y si ka Lisa pa rin naman talaga ang talagang nagkayod para rito; iilang piraso lang naman talaga ang nabunot naming kamoteng kahoy, mabibilang iyon sa mga picture (samantalang di na namin alam kung ilan iyong tangkay lang ang nabunot namin at naiwang nakabaon at nasayang ang laman); iilan lang naman talaga ang natapos naming balatang kamote (baka nga mas marami pa iyong mali-mali naming nabalatan); iilan lang naman talaga ang nagadgad naming kamote at naubos; iyong pagkakayod nga ng niyog at pagsama sa amin sa Puregold para bumili ng brown sugar ay mga anak niya rin ang gumawa! Kaya, kung tatanungin ako kung sino ang gumawa ng mga sumang ito o kung kanino, hindi ko kayang isagot na "sa amin." Mas "kay ka Lisa po, tumulong lang kami." Pero bukod sa siya naman ang pinaka- nag-ani, nagbalat, naggadgad, nagpiga, nagtimpla, nagbalot, at naglaga... parang hindi lang ito usapin ng pagka-kaniya o pagka-akin. E ano naman? Kung tutuusin nga ay isang buong 135


buwan naman talaga niya kaming araw-araw na binibigyan ng maraming bagay na kaniya! Kaya dapat ay pamilyar na sa akin ang scenario na ito. Pero may hindi pa talaga ako maipaliwanag na pakiradam na pumipigil sa aking basta-basta tanggapin ang mga suman. Si ate Kristel ang pinaka-unang tumanggap. Sinundan niya ng mahigpit na pagkamay ang pagpapasalamat kay ka Lisa. Marahil, dahil siya ang may pinakamalaking naitulong (kumpara sa aming tatlo) kaya siya rin ang may pinakamalaking "angkin" sa mga suman; kaya siya ang pinakamadaling nakatanggap. Pero mabilis na na-disprove ang teorya ko; naunang kumuha si Niki kesa kay Jon, niyakap pa niya si ka Lisa. Bakit? Simpleng mas makapal lang ba ang mukha niya? At sa isang iglap ay bigla kong naunawaan kung bakit ako nahihiya pa at nag-aalangan. Pati ang tila gustong ipahiwatig ni ka Lisa, na para bang naisip na niya mula pa noong unang planuhin naming sa huling araw namin dito ay gagawa kami ng mga sumang kamoteng kahoy para may pasalubong kami pag-uwi. Nauna nang tanggapin ni Jon ang kaniyang parte, niyakap at kinamayan niya rin si ka Lisa. Bagaman nagdadalawang-isip pa, lumapit na rin ako sa mesang kina-papatungan ng huling tali ng mga suman; naka-upo sa malapit na bangko si ka Lisa, maaninag ang puyat sa kaniyang mga mata. Bago ko pa madampot ang mga suman, kinumpirma ni ka Lisa ang aking ikalawang teorya, "Kunin mo na yung iyo Alex. Di n'yo lang 'yan pang-baon a, pasalubong n'yo 'yan." Matagal na naming napag-aralan sa eskwelahan ang pangaingailangang ibahagi namin ang aming talino at mga kakayahan sa mamamayang Pilipino, pero ang pagtanggap ko sa limang pirasong suman na ito pa lang ang maituturing kong unang marka ng, kahit pa pa‘no, pagtanggap ko sa responsibilidad na ito. Ano pa nga bang mas appropriate na simbolo? Ang mga sumang ito ay produkto ng pinagsama naming mga iharap, at ibabahagi namin ito sa mga kakilala sa syudad, sa baba ng bundok! Ang huli kong mga salita para kay ka Lisa ay marahil sasabihin na namang "weird" o "awkward" o nakakatawa ng iba pero iyon ang sa palagay kong pinaka-bagay na sagot para sa 136


mga sandaling ‘yon, "maraming salamat, makakaasa po kayo." Sa sarili ko na lang ibinulong ang, ―challenge accepted!‖

Pagbalik(-Tanaw) Kahit sa totoo lang ay wala pang limang oras ang tulog namin, ni hindi kami ngayon maka-idlip sa byahe pauwi. Pauwi sa mga totoo-- sa mga bahay ng kinalakhan talaga naming mga pamilya. Una'y dahil wala naman talaga kaming magiging panahon para magpahinga. Pagkabalik namin sa school, mga deadlines naman ng paper at Audio-Visual Presentation para sa isang buwan naming practicum ang kakaharapin namin. Eto nga't di namin mapigilang magusap. "I-upload mo sa FB yung mga pics a. Dun na lang tayo pumili," bilin ko kay Alex. "Of course," wirdo pa rin siya. Pero at least hindi na lang tatango-tango. "Tag n'yo ko a," si ate Kristel. Katabi siya ng mala-himalang gising na si Jon. "Syempre ate! Lalo na yung mga "wacky" shots mo," natatawa ako sa tuwing naaalala ko kung paanong ang kadalasang estrikto naming guide ay maka-ilang ulit na di-sinasadyang napiktyurang nakapikit, nakanganga, o nasa alanganing pagitan ng ganap na pagdilat at pagpikit o ganap na pagnganga at pagtikom. Kaya aakalain mo ngang pumo-posing siyang kunwaring inaantok, tulog, lasing, o high - wacky. "Nako sasapakin ko kayo kapag wala akong dangal sa presentation niyo!" Ginaya ni Jon ang isa sa pinaka-"kakaibang" posing ni ate Kristel. Noon iyong nagdidiscuss kami kasama sina tatay Ernie, kuya Francis, nay Len, at iba pa. Nakataas ang dalawang kamay hanggang sa dibdib, nakabukas ang mga palad na aktong nagpapaliwanag, bakas sa buka ng bibig ang ahitasyon, pero kirat ang mga matang papa-kindat na wrong timing nakunan ng kamera. Walang nakapagpigil ng tawa. 137


"E pano anlakas kaya nung flash!" hinampas ni ate Kristel ang bag na kandong-kandong ni Jon. "Sabi pa ni Dayday para raw nananakot," pinakamalakas talaga ang tawa niya. "Weh binulungan 'yun ni Alex e," hanggang ngayon malay pa rin si ate Kristel na pagsalitain ang pinakatahimik sa amin. "Hindi a!" At nagsalita nga s'ya. May naalala ako, "oo nga nakikita ko kausap niya sina Dayday saka si Marikit, e ang hihina ng mga boses, tapos pagkalapit ko biglang tumigil? Tsismisan? Nakikipamuhay tapos tsismisan?" nangingiti pati ang ilang pasahero. "Pinag-uusapan kasi namin si ka Roger nun!" "Kaya pala naging Mr. Dimples ang tawag nila sa'kin!" Nasapawan ko ang sinabi ni Alex na "E ikaw nga sabi mo Whitey ang nickname ko!" ng pang-asar kong "Pati yung bunso nina kuya Francis naakit sa dimples ni Jon e!" Sinusugan ako ni ate Kristel, "oo nga, umiiyak sa 'ting lahat pero sa kaniya, nagpapabuhat pa!" Mas madalas naman na talagang magsalita si Alex ngayon, napalagay na rin yata siya sa amin, pero medyo nabigla pa rin ako sa pamatay niyang comeback, "de, akala niya kalabaw e." Siguro, rinig hanggang sa labas ng dyip ang tawanan namin. *** Tahimik na kami pagkarating sa Commonwealth; napagod din kami kaka-kwentuhan. Pero wala pa ring tulog. Ni nakapikit. Sa pagdaan ng sinakyan naming dyip sa isang dambuhalang istrukturang pinalilibutan ng mga scaffolding at mga construction worker na parang mga langgam na pinagmamadaling magtrabaho ng pangangailangan, bumalik sa aking alaala si tatay Nestor. Parang isa siya sa mga naroon; ang mga matang niyang binalot ng pagod, 138


dibdib at mga brasong pinanday ng maghapong trabaho, mga binting bato dala ng walanghanggang pagsulong – hindi nga, ang bawat isa sa may ilandaan ding manggagawang iyon ay si tatay Nestor din. Iba lang ang pangalan at katawan, pero pare-parehong unti-unting hinihigop at pinipiga ang lakas hanggang sa tuluyang mamatay! Sa bandang ibaba naman ng higanteng construction site na ito ay ang isang mahabang hilera ng mga maninida ng sari-saring abubot, DVD, gulay, isda, at prutas. Bawat isa rin sa mga ito ay mga nanay During na inobliga ng pangangailangang sumutin ang huli nilang hininga para sa kanilang mga pamilya! Paano akong makakatulog, ni makaka-idlip man lang? Minumulto ako ng katotohanan. Hindi ko na lang namalayang nasa SM na kami kakaisip. Naghiwa-hiwalay na kami‘t tumungo sa kanya-kanyang mga ruta, sa ngayon. Magkikita-kita pa kaming lahat muli, syempre. Sina ate Kristel, Alex, at Jon ay dumiretso na sa mga sakayan, papasok na muna ako sa mall para mag-CR. Sinalubong ako ng isang tatay Lito, isang kulay-bundok na security guard. Siguro‘y dahil nasanay na lang ako sa Montalban, o dahil pamilyar ang kaniyang kalagayan, binati ko sya ng ―magandang umaga po!‖ Mas nabigla siya kaysa sa akin. Nakalapag sa kaniyang mesa ang pinakamalaki kong bag, hawak ko ang isa pa, at ang huli ay nakalapag sa sahig. Natawa siya, ―good morning din mam!‖ Nakangiti niyang siniyasat ang aking mga bagahe. ―Naglayas ba kayo mam?‖ Bago isara ang isa sa aking mga bag ay hinugot ko ang aking pasalubong na mga suman. ―Hindi po, retreat!‖ nakangiti kong inabot sa kaniya ang dalawang pirasong suman bago dumiretso.

139


***

140


Gising Na Hindi inakala ni Jon na makakalimutan niyang mag-alarm sa kaniyang bagong Samsung Galaxy S6, graduation gift ng isang ninang. Ngayong araw ang katapusan ng dalawang linggo niyang pahinga para sa halos buong-buhay na pagaaral. Nagsilbi na rin itong panahon para siya makapagnilay-nilay sa kaniyang patutunguhan ngayong nakapagtapos na siya ng kolehiyo. Maingat siyang bumangon, tiniklop niya ang ginamit na kumot bago kuhain ang twalya at lumabas sa kwarto. Naglakad siya pa-kusina habang pilit inaalala ang naistorbong panaginip. Dinaanan niya sa sala ang diploma niyang dadalawang linggo pa lang naka-displey sa pader sa tuktok ng kanilang TV, nakasabit din sa tabi nito ang determinado niyang mukha sa sariling grad pic. Pabulong niyang binasa sa sarili ang tinapos na kurso "Development Studies, a." Dinatnan niyang nagsasangag ang kaniyang lola. "Good morning, 'la," pinindot niya ang heater sa kanilang dispenser. "Good morning apo!" Wala talaga siyang maalala sa panaginip; malabo ang lahat, basta sa isip niya‘y mas mapangahas pa iyon kaysa pagiging pangulo ng bansa. Dumiretso siya sa dining area; isinabit ang twalya sa isang upuan bago naupo. Mayo Uno na ngayon. Mamaya, makikita niya uli sina ka Lisa, ka Cel, Marikit, Macmac, nay Beybi, baka pati si Jon, at kung sino-sino pang iba. Tanaw niya mula sa kinauupuan ang TV, balita. Inatake ng mga armadong rebelde ang ilang crusher pang-quarry ni Villar sa kung saang bundok. Napangisi si Jon sa naalala. Excited siya mamaya para sa rali, unang beses niyang dumalo bilang graduate/unemployed. Mga imahe ng umuusok pang buldoser ang nasa telebisyon nang punuin ni Jon ng umuusok pang tubig ang isang mug ng nakagigising na kape. Maraha‘t kalmado niyang hinigop ang mainit at matapang na inumin - hindi niya kailangang magmadali. Ang mahalaga ay gising na ako, hindi pa naman ako late.

141


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.