‘
H U N Y O 2 0 2 0 • YAS! •
1
‘Yung Asong Salot Magasin HUNYO 2020
MULA SA PAUTUGAN
Summer na, mga mahal, at ang init-init na ng panahon! Para sa mga laging on-point nating mga mambabasa ng YAS magazine, panahon na para mag-relaks at hiwain ang mga juicy juicy gossip ng bayan! Sa isang bansa kung saan ang mga pulitiko ay itinatrato bilang artista, kung saan nagiging distraksyon ang midya sa realidad sa labas ng mga bahay natin, at mas mahalaga ang pagiging sikat kaysa sa pagiging makatarungan at makatotohanan, makisakay sa mga pinaka-trending na KALAT sa bansa natin. Sa isyu na ito, maging insider sa mga pinakamainit na love team at kwentong break-up, mga latest na istilo ng pananamit, at mga never-before-seen na inside scoop sa buhay ng mga taong nagpapatakbo ng ating bansa! Dito lang sa YAS mababasa ang rating ni Oppanelo sa sistema ng transportasyon, kikiligin sa Top Ten Sexiest na Pulpolitiko ng Pilipinas, at aalamin “Which Monggo Lover Are You”! Huwag rin kakalimutan ang pinakainaabangan na SPECIAL SECTION tungkol sa COVID-19! #QuarantineIsLife, mars. Mamulat tayo at magmulat, mga chickababes: ang red carpet natin ay gawa sa duguan na bansa. Ingat lagi, at huwag tayong mabuhay sa takot. Laging alalahanin ang pinakamasahol na tuta ng bayan, ‘yung tunay na salot ng ating lipunan ngayon, ay nakatira sa loob ng Malacañang. XOXO,
BOY BAWAL
PUNONG PAUTOG NG YAS MAGAZINE
TUNGKOL SA TANGANGLAWIN Ang Tanganglawin ay ang taunang mapanuyang isyu ng Matanglawin—ang Opisyal na Pahayagang Pangmag-aaral ng Pamantasang Ateneo de Manila. Layon ng lampoon na ito na matuligsa ang mga isyung kinakaharap ng lipunan sa kasalukuyang panahon sa paraang nakaaaagaw-pansin sa mambabasa. Bagaman nagmimistulang katatawanan ang anyo, nakabatay sa mga totoong impormasyong naisaliksik ang mga naisulat na artikulo at mga nagawang sining.
PAUTUGAN 1920 BOY BAWAL PUNONG PAUTOG TE-MAARTS NAKAAASIWANG PAUTOG TANGANG YAMAN MATT T. GANG PAUTOG NG SULUTAN AT KALISKISAN KOKOTE PIMENTEL PAUTOG NG SIPING ANIMNAPU’T SIYAM PAUTOG NG DISEXYO ISANG BATUTA TAGAPAMAHALA NG INSEKTO AT PANADERIA MGA MIYEMBRO BATANG PASAWAY • SI VAL NA WALANG MALAY TATLUMPU’T PITO • ETHYL BOBA KAYE PIYAS • MAYARI • ELITISTA BABIE SULAT BILAT • KENTUTAN • PIPING DILAT • EMILIO SULUTAN AT KALISKISAN ALMARIYO • B • ELLE • MARIA SIPING SILAKBOBO • PEPENG MABILIS DISEXYO
TALAAN NG MGA NILALAMAN
1 4 7 10
FAFASHOWN
KAIN TAYO, PEPE!
RUNWAY
PANG-RAMPA SA KALAMIDAD
DEAR MA’AM CHAROT...
BEBEBOI NG BUWAN
SI JIZZKO MORENO ANG POSTER BOY
ISPESYAL
15
COVID - 19 SPECIAL SECTION
25
CONVERSATIONS WITH ANGELA ERICA WU
31 35
LATHALAIN
KILALANIN ANG MGA TUNAY NA TOLONGGES
COVER STORY
DUGMONG: ANG PAG-IBIG NA TINADHANA
SILIPIN
39
MARENG ISELDA’S ROBBER SHOES
44
2020’s TEN SEXIEST PULPOLITIKO NG PILIPINAS
51
OPPANELLO RATES PH TRANSPORT SYSTEM
55
PACK WITH ME
57
HORRORSCOPE
FAFASHOWN
KAIN TAYO, PEPE! NI BATANG PASAWAY SINING NI B
B
ukod sa pagluto ng pagkain at pag-alaga sa mga bata, magagaling ding magreklamo ang mga kababaihan. Sa bawat araw na ginawa ng Diyos, wala nang ginawa ang mga babae kundi umusok ang ilong sa galit at iputok ang kanilang mga butchi. Jusmeyo! Lahat na lang napapansin. Kitang-kita ito sa pagbabatikos nila sa KNPP, isang partikular na prangkisa ng damit, dahil sa ‘di umanong “bastos” na paksang itinataguyod ng mga binebenta nilang kamisa. Ang dami nilang kuda, eh hinihikayat lang naman ng KNPP na kumain nang maayos ang mga bata. Sa pamamagitan ng linyang “kain pepe,” nakatutulong ang KNPP upang mapuksa ang malnutrisyon sa kabataan. Mabilis namang maiintindihang kinakatawan ng salita at palayaw na “pepe” ang bawat batang pinagkait sa pagkain.
1 • YAS! • H U N Y O 2 0 2 0
Bagaman sinubukan ng KNPP na ipaliwanag ang kanilang layunin, patuloy pa ring nagrereklamo at ngumunguwa ang mga kababaihan. Ayon sa Gabriela Youth, ipinagsasawalangbahala ng linyang “kain pepe” ang mga karahasang napagdaanan ng mga kababaihan at kabataan. Eh kung sila na lang kaya ang gumawa ng damit at tumugon sa mga suliraning kaakibat ng malnutrisyon? Tutal, ang hilig nilang magmagaling. Bukod dito, hindi na sila naawa sa KNPP! Hindi ba nila nakikitang napapagod na rin ang KNPP sa walang sawa nilang paglilingkod sa mga batang nagugutom? Hay nako! Masyadong mahilig magmarunong ang mga babae, ‘di naman nila lubos na naiintindihan ang pinanggagalingan ng KNPP. Kung walang masasabing maganda ang mga kababaihan, dapat manahimik na lang sila. Kung tutuusin, swak na swak nga at hulog ng langit ang mga damit na ibinebenta ng KNPP. Biruin mo ‘yon, mula sa mura at abot-kayang presyong 550-1200 pesos, magkakaroon na ng ambag ang mga tao sa lipunan. Makakakain na sa tamang oras at magiging mas malusog na ang mga anak ng mga magulang na bibili ng mga damit na may linyang “kain pepe.” Maniwala kayo sa akin, madadagdagan ng lima hanggang sampung kilo ang timbang ng mga bata sa loob ng tatlong buwan. Kung hindi, bibitawan ko ang posisyon ko sa YAS! bilang isang manunulat.
Pukemo Shirt Php 420.69 Kating-kati ka na ba sa suot mo? Bili na ng bagong labas na KNPP t-shit! Maaring mabili ang t-shit na ito sa pinakamalapit na KNPP Outlet. H U N Y O 2 0 2 0 • YAS! •
2
3 • YAS! • H U N Y O 2 0 2 0
M
NI ETHYL BOBA atapos masalanta ng pagputok ng Bulkang Taal, nagsisulputan ang ating mga bulalakaw at bituin sa natamaang mga lugar. Dala ng kakulangan ng response at tulong ng ating gobyerno, re-use, reduce, recycle muna ang ating mga kweens! Akalain niyo ‘yun, bongga na, earth-friendly pa! Tignan sa ibaba ang KALAMIDAD Collection na aming nakalap.
RUNWAY
PANG-RAMPA SA KALAMIDAD MULA KAY: COS CHRISTIAN DEL MUNDO
DESKRIPSYON: Kung gusto mo ng pangrampa sa gabi, bagay na bagay sa’yo itong berdeng bistidang mala-Anaconda! Fitted na at may style pa, bagay na bagay sa Hollywood-themed party niyo sa Sabado! Pwedeng gamiting bulsa ang dalawang butas sa gilid kung kailangan mo ng extrang ulam galing sa buffet! PRESYO: P500 MOTIF: Hollywood-themed
MULA KAY: RODNEY BRUAN LORAEZ DESKRIPSYON: Kung nais mo lang namang ipakita ang curves mong mala-Catriona Gray, bakit hindi mo pa i-avail ang two-piece dress na ito? Hindi lang mahihighlight ang flat na flat mong tiyan, mashoshowcase din ang nag-gagandahan mong hita dahil sa thigh-high nitong slit! PRESYO: P650 MOTIF: Classy in black
MULA KAY: RODNEY BRUAN LORAEZ DESKRIPSYON: Para naman sa medyo pormal na okasyon, bagay na bagay itong high class Filipiniana dress na ito. I-rampa mo sa Malacumang at siguradong mas kikinang ka pa sa nakaw na diamonds ni Iselda! PRESYO: P1,500 MOTIF: Filipiniana
MULA KAY: ABSARY PACATUA DESKRIPSYON: Ang set ng mga bistidang ito ay bagay na bagay sa Oscar’s Awards Night themed party. Hindi lang eleganteng tingnan, naghahatid din ito ng alindog na paniguradong tatagal buong gabi. PRESYO: P700-P1200 MOTIF: Oscars
H U N Y O 2 0 2 0 • YAS! •
4
MULA KAY: ABSARY PACATUA DESKRIPSYON: Sa panahon kung saan usong-uso na rin ang pagsasabuhay ng mga makalangit na katawan, isang magandang pagrepresenta nito ay ang bistidang ito kung saan may kasama pang head dress at accessories na kulay lila. Talaga namang magmumukha kang UFO sa celestial themed niyong party! PRESYO: P800 MOTIF: Celestial
MULA KAY: UNIQUE CASTLE TRIVIÑO DESKRIPSYON: Hindi kadalasang nagagamit ang Fur-themed party sa mga kaganapan, ngunit magandang pang-rampa ito sakaling mapadpad ka sa isa. Hindi na kailangan ng salawal, sapat nang pangparty sa loob man o labas! PRESYO: P900 MOTIF: Fur Dresses
MULA KAY: : ABRA FILE DESKRIPSYON: Kakaiba namang theme ang pajama party sa mga events na maaari mong mapuntahan. Magandang style ang mala-bathrobe na outfit na ito na may kasama pang headdress. Talon-talon na lang agad sa kama at tamang de quatro lang pag umupo. Paniguradong ikaw ang pinakamaganda sa pajama party niyong magbabarkada! PRESYO: P1,000 MOTIF: Pajama Party
MULA KAY: ABRA FILE DESKRIPSYON: Para naman sa mga kalalakihan, magandang isuot ang makintab na coat na ito sa isang Hollywood themed party. Paniguradong pansinin ka pagdating sa venue na mas maliwanag pa sa disco light. PRESYO: P2000 MOTIF: Hollywood
MULA KAY: ABRA FILE DESKRIPSYON: May mga kaganapan ding kinakailangan naman ng mas simple lamang na istilo ng mga baro’t saya. Pwede nang pangsayaw ng Tinikling, pwede na ring pangsayaw sa Renegade. Very flexible! PRESYO: P500-P700
5 • YAS! • H U N Y O 2 0 2 0
MOTIF: Filipiniana/Saya
H U N Y O 2 0 2 0 • YAS! •
6
DEAR MA’AM CHAROT,
A
NI ETHYL BOBA SINING NI KOKOTE PIMENTEL
ko po si Dingdong Jutete, at nakapatay po ako. ‘Wag ninyo sana muna akong husgahan pero may kwento itong lahat ng ‘to.
Galing po akong probinsya mula pa sa kadulo-duluhang Timog ng Pilipinas. Kilala rin po ako bilang “Juts”. Hindi ko alam kung kapara ko ang mga tao doon kaya hindi ko na lamang babanggitin. Deretso na lamang po tayo sa kwento. Ang kwento ko po ay tungkol sa aking dating kasintahan (Hindi siya ang napatay ko, ‘wag kayong mag-alala). Itago na lamang po natin siya sa pangalang JVS. Sa katunayan, simula pa lang ng aming relasyon talagang maaamoy mo nang hindi kami bagay sa isa’t isa. Meron kasi akong tendesiya na maging makasarili. Siguro bunga lang din ng pagmamahal ko sa kaniya at sa trabaho ko… pero alam kong umaabot ‘to sa puntong hindi na niya nagugustuhan. Siya naman kasi napaka makasama ng ugali. Isipin niyo na lang parang meron siyang name tag pero imbes na JVS-ZVN ang nakasulat, “para sa bayan” ang nakalagay. Ang kasintahan ko kasing ‘to, namomroblema sa negosyo niya. Ganito ang kwento: Si JVS, noong ika-30 ng Marso 1995, naaprubahan ang negosyo niya sa pamamagitan ng Republic Act No. 7996 na tatagal hanggang Marso 30, 2020. Sabi niya noong buwan ng Setyembre taong 2014 kumuha na daw siya ng renewal application pero naudlot ito dahil daw sa kakulangan ng oras. Hindi niya alam kung bakit parang iniipit siya bigla ngayon na kailangan na niya talagang makakuha ng panibagong pag-apruba sa franchise ng kaniyang negosyo, pero sigurado ako, malamang nag-iisip na ‘‘yun na merong may personal na galit sa kaniya. WALA AKONG AAMININ DITO dahil wala namang makakapagpatunay na ako ang nasa likod ng lahat. Sabi ng mga kaibigan niya, naniniwala silang ako ‘‘yun. Ngunit ang akin lang naman, porket ba nagkaroon kami ng alitan, hihilingin ko na agad na pabagsakin siya? Aaminin kong may mga nasabi ako noon, pero sapat na bang rason ‘‘yun para akusahan ako? Kayo na po ang bahalang humusga pero ganito po kasi ang mga kasalukuyang nangyari. Nagsimula ‘‘yung away namin noong nagtampo ako sa kaniya nang sobra dahil hindi niya man lang ako binigyang suporta noong kinailangan ko ang expertise ng negosyo niya. Kahit man lang IG story, wala? Nasaktan ako dahil hindi ko naman ‘‘yun hiningi nang libre,
7 • YAS! • H U N Y O 2 0 2 0
nagbayad ako. Pero ang dami niyang dahilan, kesyo marami na daw ang nauna o hindi na kinayang isabay pa ‘‘yung parte ko. Ahhhh ewan. Basta aaminin kong dahil sa galit ko, inakusahan ko siyang ninakaw niya ‘‘yung perang nilaan ko. Hindi niya alam, tinanim ko ‘‘yung galit na ‘‘yun sa puso ko. Kaya naman ‘pag dating ng 2019, nu’ng nagsisimula na kaming magkalabuan, sinabi ko sa kaniyang ‘wag na siyang umasang mabibigyan pa ng pagkakataon ang negosyo niyang makakuha ng franchise dahil ngayon na mas may kapangyarihan na ako, hindinghindi ko na hahayaang magtagumpay pa siya. Akala niya ba hindi ko alam na puro kamalian ko lang ang chinichismis niya? Oo, alam kong patas lang dapat ang pamamahayag niya pero hindi niya ba talaga ako kayang kampihan? Iniisip ko tuloy may iba siyang gusto. Ayaw niyang aminin pero ramdam ko. Inaasar ko nga lalo eh, sabi ko ibenta niya na lang kumpanya niya dahil wala na talaga siyang magagawa ngayong kayang kaya ko na siyang pabagsakin. Nakuha ko ang pwesto ko ngayon nang walang tulong niya. Higit pa ro’n parang tinanggihan na rin niya ako nang humiling ako sa kaniya ng pabor kaya magdusa siya ngayon. Nagtuloy pa po ang mga kaganapan, Ma’am Charot. WALA ULIT AKONG AAKUIN sa mga susunod na nangyari pero ‘‘yung kaibigan kong si Mia Khalida pinalaki pa ‘‘yung gulo. Pebrero 10, 2020 noon, tandang tanda ko pa, noong nagfile siya ng quo warranto laban kay JVS. Hindi ko naman sinasabing deserve niya ‘yon haha pero iba talaga ang karma. Dito na nagsisimulang mangamoy ang galit ko. WALA AKONG KASALANAN DITO pero bakit parang mula ‘‘tong lahat sa galit ko? Deserve naman niya ‘‘yun ‘di ba? May nilabag daw na batas ‘‘tong si JVS eh! Kung hindi ba naman kasi isang dangkal na gahaman? Nagpapabayad pa sa isang pakulo ng kumpaniya niya, paperview ba ‘yon? Di ko sure, basta ‘‘yung inendorse pa nga ni Anne! Tapos ito pa, napag-alaman pang may sugar daddy pala siyang foreigner! Kaya syempre resbak—AH ESTE, gumawa agad ng paraan itong kaibigan ko kasi alam niyang mali ‘yon! Ilang taon na din namang nilalakad ni JVS ang kontrata ng franchise nila sa kongreso pero mga tuta ko din naman ‘‘yung mga ‘‘yun. Palagay
niyo ba gagawa sila ng paraan para kay JVS? Alam niyo na ang sagot. Actually humaba pa ‘‘yung usapan, may mga nagsabing makakapag-operate pa din ang kumpanya niya hanggang 2022 kaya’t wag daw silang mabahala, pero sigurado akong nasa panig ko sila. Alam kong sinasabi lang nila ‘‘yun pero pare-parehas lang kami ng gustong kagyat na ipasara ang kumpanya ni JVS. Dahil nga sa medyo na-relax na si JVS dahil hanggang 2022 pa naman pala sila pwedeng mag-operate, hindi ko alam na ito na namang kaibigan kong si Mia Khalida, gumawa na naman ng aksyon! OO NGA PO, HINDI KO TALAGA ALAM. WALA AKONG ALAM DIYAN. This time, nag-file naman ang National Teletubbies Co. ng CYST TO DECYST order. Inipit daw nitong si Khalida eh, gago talaga. Ha! Kung kailan din naman talaga kaka-expire lang ng kontrata eh ‘no? Masyado bang halata? Anyway, WALA NGA NAMAN
AKONG KINALAMAN DIYAN kaya bahala na sila. Basta, ayoko nang makisali, WALA TALAGA AKONG KINALAMAN. Alam ko lang ngayon, nagwagi ako. Nagwagi ako dahil hindi naman madadawit pangalan ko dito. Siguro ang pinakamalayo na nitong mararating eh sa kongreso ang bagsak ng sisi, pero ako? Baka nga pwede pa ‘kong mag-ala-superhero sa eksena. Ilang oras makalipas kong mabalitaan ang cyst to decyst order sa kumpanya ni JVS ay bigla na lang bumulusok ‘yung galit at saya sa puso ko. Hindi na ako makapagpigil. Nandidilim na talaga ang paningin ko. Hindi ko alam kung mababaw ba ako o ano pero ayoko ng ginagawa ni JVS at masyado nang malayo ang narating ng alitan namin kaya’t hindi ko na alam kung paano titigil. Isang gabi, magisa ako sa kwarto. Kinakausap ko ang sarili ko, hindi ako mapakali. Hanggang sa… tunog na lamang ng mga kuliglig ang dinig ko at tagaktak ng pawis ko
ang nararamdaman ko. Hindi ko na kaya, HINDI KO NA KAYA. Pumikit ako at umiyak pero bakit may halong saya? Ang labo ng nararamdaman ko pero kahit may pumatak na luha ay napangisi ako. ‘Pag bukas ko ng TV, bumungad sa’kin ang linyang “In the service of Filipino people.” at tatlong segundo ng dilim at katahimikan. Hindi ako makapaniwalang patay na siya! Napatay ko ang kalayaan sa pamamahayag! Alam kong karapatan ito ngunit hindi ako ang babagsak sa laban na ‘to. Ito man ang napatay ko, nagawa ko lamang ito dahil nababahala na ako. Hindi pwede ‘to dahil nakasandig na ako sa kapangyarihan ko. ‘Pag nabigyan pa ng pagkakataong makapagsalita ‘‘yang si JVS gamit ang kumpanya niya, baka nga maniwala na ang mga tao. Pero napakatanga ko ho ano? Hindi ko namamalayang dignidad ko rin ang mismo kong pinatay.
Lahat ng inakusa ko kay JVS, nasagot naman niya. Nagkaroon siya ng ilang taong pagkakataon na mag-renew ng franchise pero hindi siya pinansin ng kongresong tuta ko. Nasagot niya nang maayos ang lahat ng alegasyon pero nasaan siya ngayon? Wala akong pakialam kahit pa masyadong maraming kakampi si JVS. Pare-parehas siguro ng prinsipyo. Ang sa’kin lang, kung kakalaban sila ng malakas na tao, siguraduhin nilang handa sila. Nakita naman na nila ‘‘yung nangyari kay JVS pati na din sa ex kong isa na si Raddler. Alam kong nasa akin ang galit nila, pero maraming paraan hindi lang ang kapangyarihan ko para mapagbagsak silang mga BIAS, mga hinayupak! Ilan man ang mapatay ko, wala akong pakialam, ang mahalaga hindi mawala sa’kin ang kapangyarihan ko. Ang masasabi ko lang ngayon, Maraming salamat po, Ma’am Charot!
Nagmamahal, Dingdong “Juts” Jutete
H U N Y O 2 0 2 0 • YAS! •
8
9 • YAS! • H U N Y O 2 0 2 0
SI JIZZKO MORENO:
ANG POSTER BOY!
BEBEBOI NG BUWAN
Ni KEN TUTAN TAYO SINING NI B
S
a lahat ng mga mayor na nahalal sa puwesto noong taong 2019, isa si Fransizco Moreno DuwagAso o mas kilala sa pangalang YorME Jizzko Moreno ang kabilang sa mga sikat na mayor lalo na at natalo niya ang kaniyang karibal na si Epal Estrada. Bukod dito, kahanga-hanga ang istorya ng kaniyang buhay bago siya naging isang vlogger, endorser, anti-poor, model sa maraming billboard sa EDSA, at syempre, mayor. Sino nga ba si Yorme Jizzko Moreno bago siya sumikat at naging mayor ng lungsod ng Maynila? Ano nga ba ang kaniyang mga nadaanan at nalampasan sa kaniyang buhay? Ating alamin!
KABATAAN
Ipinanganak noong Oktubre 24, 1974, si Fransizco Moreno ay lumaki sa lansangan ng Mabuhay, Tondo. Dito, mas kilala siya bilang Scott DuwagAso. Ito ang tawag sa kaniya ng kaniyang pamilya at mga kapitbahay. Ayon sa kaniya, bata pa lamang siya nang magising ang kaniyang kamalayan na mahirap lamang ang kaniyang pamilya. Nabuhay ang
pamilya ni Scott sa pagpag na kanilang kinakalakal, niluluto, at kinakain o minsan binebenta. Nagbenta rin daw siya ng mga lumang dyaryo at bote at minsan din naging pedicab drayber sweet lover. Ito ang konteksto ng kabataan ni Jizzko Moreno ngunit hindi dito ito nagtatapos sapagkat mayroon palang ibang plano ang nasa itaas.
H U N Y O 2 0 2 0 • YAS! •
10
AKTOR AT MODELO Kumatok ang oportunidad kay Scott sa larangan ng showbiz sa isang libing noong Enero 1993. Aminado siya na ang libreng refreshments lamang ang pakay niya sa libing ngunit nakita siya ng isang talent agent na si Daddie Wowie Rehas. Napaka-swerte nga naman. Nakita ng cornstarmaker ang kaniyang makakapal na kilay, makinis na balat, at maaliwalas na ngiti at doon nakita ang kaniyang potensiyal bilang isang poster boy este celebrity at dito nag-umpisang makilala si Scott bilang si Jizzko Moreno. Ito ang naging pinto ni Jizzko sa showbiz at nagkaroon kaagad siya ng gig sa Yang Love, Swit Love ni Kuya Germs kung saan siya unang nakatikim ng magarang pamumuhay sa pamamagitan ng 1,500 pesos na suweldo. Biruin mo, ang dating nangangalakal lang ng bote at diyaryo
ngayon kumikita na ng 1,500 pesos kada araw at ang gagawin niya lang ay i-ring ang doorbell! China Oil! Siyempre sunudsunod na ang gig nitong si Jizzko. Ika nga nila pag nasa iyo na ang oportunidad ay huwag mo nang bitawan. Kaya ayun, naging leading man pa siya ni Claudine Barado sa pelikulang Lintik na Kitang Minahal. Naging sikat nga rin siya sa kaniyang mga hubot-hubad na posters, nakakapag-init daw kasi ng katawan. At dun sa mga poster na iyon, dun siya lalong sumikat at lalong nagpakitang gilas (tama nga ang pagkuha sa kaniya ni Daddie Rehas!) Magaling nga itong si Jizzko, imagine mo sa mga susunod na taon nagawa niya pa ring lumabas sa mga pelikula kahit naging konsehal na siya. Teka lang, mamaya na ‘yan.
PULITIKO Katulad ng mga mararaming artista at model na nalaos na ang career sa showbiz, si Jizzko ang isa sa mga sumunod sa yapak nila at sumali sa pulitika kahit wala naman sila gaanong kwalipikasyon kundi ang pagiging sikat. KONSEHAL (1998-2007) AT VICE MAYOR (2007-2016) Hindi talaga binitawan ni Jizzko ‘yung oportunidad na nakuha niya hanggang sa puntong namulitiko na rin siya para daw matulungan ang mga katulad niya. Sabi pa nga niya bigla-bigla niya lang naisip tumakbo bilang konsehal noong 1998 - limang taon lamang ang pagitan nung nadiskubre siya ni Daddie Rehas. Syempre ‘yung mga kalaban niya tinira siya sa likod gamit ang mga matitigas na linyang “artista lang naman ‘yan” at kung anu-anong masasakit na paninira na nagsasabing wala naman daw talagang kaalaman si Jizzko sa pamumulitiko kundi magpakuha ng litrato nang nakapose. Siguro natameme ‘‘tong mga bashers ni Jizzko kasi nanalo siya noong eleksiyon na iyon, ganun talaga pag may itsura—sure win! Pero hindi naman daw puro pagpapapogi ang inatupag niya, sabi ng mga fans niya na mga nanay at tsismosa na ngayon, nagsikap daw ‘yang si Jizzko at tama nga naman sila. Nagaral siya ng espesyal na programa para sa legislation sa Unibersidaddy ng Pilipinas at ng ibang units ng law sa Arellano University. Tapos nag-aral din siya ng Leadership and Governance courses sa JFK School of Government ng Harvard at sa Business School ng Oxford! Oh ‘di ba pak na pak naman palang ‘tong si future YorME. Palaban! Pagkatapos niya maging konsehal, tumakbo naman siya bilang isang Vice Mayor. Nagwagi ulit siya at mas
11 • YAS! • H U N Y O 2 0 2 0
lalong sumikat sa larangan ng politika. Siguro, nakikita niyo na na pataas na ng pataas ang puwesto ni Jizzko lalo na ang pagkarunong niya sa larangan ng politika. SENADOR Pagkatapos ng ikatlo at ikahuling termino bilang vice mayor, nangarap na kaagad si Jizzko na maging isang senador ng Republika ng Pilipinas! Bakit nga naman hindi? Sino nga ba makakapagpigil sa kaniya? Kaya ayun, nagbakasakali siya at tumakbo siya noong 2016 ngunit natalo siya. Hindi naman kawalan ‘yan ni Jizzko kundi ng senado kasi nasayang nila ‘yung ASSets at ASSistance na ma-idadala niya sa senado. MAYOR (2019-PRESENT) Noong nakaraang eleksyon, nanalo na si Jizzko Moreno ngunit hindi na bilang isang konsehal o vice mayor kundi ang mismong mayor ng lungsod ng Maynila! At last, nakamit na rin ni Jizzko ang kaniyang pagiging isang YorME at natalo niya pa si Epal Estrada at Alpepe Lim. Ayon sa mga tsismosa, nanalo raw si Jizzko dahil sawa na raw ang mga madla sa mga pekeng pangako at gusto na nila ng pagbabago na katulad ng pagbabago na naidulot ng matalik na sugar daddy ni Jizzko na si Pres Dudirty. Yan daw ang gusto ng masa, ‘yung pagbabago na nakakapagginhawa ng buhay ng mga mayayaman este mahihirap sa Maynila. Nanalo rin daw ‘yang si Jizzko kasi sabi niya sa masa na ang tanging makatutulong lang sa kanila ang mga katulad niyang batang Maynila. Kaya ayan, nagpakaputa nanaman ang mga fangirls sa Maynila sa napakapoging kandidato na para bang hindi sila nagsawa kay Epal Estrada na dati ring artista.
SPONSORED BY:
H U N Y O 2 0 2 0 • YAS! •
12
Bilang isang artista at mayor, siguradong alam ni YorME Jizzko na ang importante ang pangangalaga sa itsura at sa katawan, kaya siguro ang paglilinis ng mga lansangan ng Maynila ang una niyang aksiyon. Pinalayas niya ang mga tindero sa divisoria, Kartilya ng Katipunan Park, at sa mga lansangan na malapit sa City Hall. Tuwang-tuwa ang mga Manileños sa desisyong ito sapagkat makakapagpasyal na ulit sila sa Maynila nang walang nakaharang o nakakalat na tindero sa kanilang dinadaanan. Ito ang unang aksiyon ni YorME Jizzko. Tama nga siya na nung sinabi niya na tanging siya lang ang makakapag-intindi sa mga hinanaing ng mga taga-Maynila, at ang mga tindero? Ewan kung nasaan napunta pero magaling talaga ‘yang si YorME! Bilib na bilib ang sangkatauhan! Pagkatapos maglinis ng katawan, oras na para pagandahin ito! Naglagay itong si YorME ng bagong lamp posts sa New Jones Bridge na napakaganda sa gabi, tapos nagtayo rin siya ng 40 million-peso na musical fountain sa Kartilya ng Katipunan Park sa kalagitnaan ng water shortage. Kaya ba ‘yan ng Yorme ng ibang lungsod? Tanging si YorME Jizzko lang talaga ang nakakapagunawa sa mga Manileños. Ikahuli, importanteng magpabango bilang isang Yorme kaya nagsilabasan ang mga billboard ads ni YorME Jizzko sa EDSA at nag-ingay siya sa mga social media accounts para sa kaniyang vlogging! At nung binatikos si YorME Jizzko sa kaniyang burning passion sa modelling
sa EDSA agad na nagalit ang mga fans niya dahil ipinaiyak at sinaktan daw ang kanilang yorme at sabay bato ng mga katanungan na “Ikaw, anong naambag mo?” at “Ikaw kaya maging yorme?” Inaway rin ang Inday Sining sa paninira na kanilang ginawa sa beautification ni Jizzko. Kaya hanggang ngayon, si YorME Jizzko pa rin ang magaling sa mata ng mga masa dahil matino at marunong naman daw talaga siya sabi ng kaniyang fans. PRESIDENTE Bago pa siya maging si YorME, sinabi ni Jizzko Moreno sa isang interbyu na “Gusto ko pong maging president. Kung paano po makararating do’n hindi ko alam.” Nitong nakaraang taon, nang matanong siya tungkol sa 2022 presidential election, ang kaniyang sinagot ay “It’s not in my radar.” Ilang taon at buwan na ang nakalipas noong sinabi niya ang mga iyan, ngunit ngayon siguradong alam niya na kung paano siya makakarating do’n at siguradong hindi palalagpasin ni YorME Jizzko ang oportunidad katulad ng hindi niya pagbitaw sa lahat ng oportunidad na dumaan sa harap niya. Kaya kung tatakbo siya sa mga susunod na eleksiyon, huwag niyo nang palampasin dahil minsan lang kayo magkaroon ng tsansa na ang presidente ay model, pasista, vlogger, endorser, at poster boy! Malay mo, siya pa ang magdala ng Change na hinahanap mo. Let’s go mga bobotante!
Ang artikulong ito ay i-sponsored ng GAG(o) jeans, Pururutas Shake, NoVUhok Hair, Chokes to GO, at BEtLOg.
13 • YAS! • H U N Y O 2 0 2 0
WORDS OF CONFUSION
“
Sa classroom may batas. Bawal lumabas. Oh bawal lumabas. Pero ‘pag sinabi, ‘pag nagcomply ka na bawal lumabas, pero may ginawa ka sa pinagbabawal nila, inayos mo ‘yung law ng classroom at sinubmit mo ulit. Ay pwede na pala ikaw lumabas.” KIM HACHU
H U N Y O 2 0 2 0 • YAS! •
14
ISPESYAL
15 • YAS! • H U N Y O 2 0 2 0
BALIK-TANAW: COVID-19 AT ANG GOBYERNO
N
SULAT AT SINING NI MATT T. GANG
agsimula ang lahat nang kumain ang isang instik ng mami na may halong pangolin at paniki sa isang palengke sa Hubei, China. Dahil Hao chī o masarap ang sabaw ng pangolin at paniki, walang nag-akalang mayroon pala itong dalang veerus na ngayon ay kumakakalat saan mang panig ng daigdig. Ngayon hindi lang sentro ng daigdig ang Tsina, episentro pa ito ng pandemya. Dahil bestfriend ng Tsina ang Pilipinas, isa ito sa mga unang pinuntahan ng veerus na ito. Paano nga ba ito kumalat mula Aparri hanggang Jolo, mula West Philippine Sea hanggang Benham Rise? Narito ang timeline mula nang matuklasan hanggang sa pagkalat at pagpapakalat sa Pilipinas ng sakit na ito.
H U N Y O 2 0 2 0 • YAS! •
16
DISYEMBRE 31, 2019 Nagreport si Papi Xi sa WHO na merong bagong sakit na kumakalat sa China. Naipasa daw ito sa tao dahil sa pagkain ng mga exotic na hayop gaya ng paniki. Masarap talaga ‘pag exotic lalo na pag galing sa West Philippine Sea. ENERO 2020 Patuloy pa rin ang walang humpay na pagpasok ng mga direct flights galing sa Wuhan, China, ang episentro ng sakit. Sayang naman kase ang mawawala sa ekonomiya at diplomasya kung ihihinto muna ang pagpasok.
ENERO 30, 2020 Idineklara ng WHO ang Public Health Emergency kaugnay ng COVID-19. Sino ang nagdeklara? WHO ang nagdeklara. Kasabay din ng pagdeklara ang pagkakatala ng unang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas galing sa Wuhan, China.
ENERO 31, 2020 Sa wakas nagsimula na mag-travel ban si Tatay Digs. Masyado din sigurong naingayan sa mga ngawa sa social media. 17 • YAS! • H U N Y O 2 0 2 0
PEBRERO 2, 2020 Kauna-unahang pasyenteng namatay sa COVID-19 sa labas ng China. Magaling talaga ang healthcare system ng Pinas, nangunguna.
PEBRERO 3, 2020 Sinigurado ni Tatay Digs na walang dapat ikatakot sa veerus dahil mamamatay ito ng kusa.
PEBRERO 9, 2020 Dahil naaawa ang Pinas sa China, nag-donate ito ng medical supplies kahit na malaki ang local demand ng mga ito dahil sa pagputok ng bulkang taal at sa potensyal na malawakang pagkalat ng COVID-19.
PEBRERO 14, 2020 Nag-imbita si Tatay Digs na mag-travel ang mga Pilipino kasama niya para maisalba ang turismo ng bansa. Malaki kasi kita, sayang naman. Pera na mako-COVID pa.
PEBRERO 28, 2020 Sinabi ng WHO na makocontain ng Pilipinas ang veerus. Isang huwaran daw ang Pilipinas pagdating sa pagcontain ng veerus.
MARSO 6, 2020 Naitala ang unang kaso ng local transmission ng COVID-19 sa Pilipinas. Hindi na malaman ng DOH kung sino-sino ang mga nakasalamuha kaya desperate times call for desperate measures na ito ika nga.
MARSO 9, 2020 Nagdeklara ng Public Health Emergency si Tatay Digs! Ayun na at nagpakalat ng mga sundalo. Babarilin na ang veerus sa kalsada kaya nagbarikada. MARSO 12, 2020 Inanunsyo ni Tatay Digs ang coronavirus alert level sa maximum level na Code Red Sublevel 2. Magsisimula na ang lockdown sa Marso 15. Nagkandaubusan na ng mga face masks sa mga botika. Nagpaunahan na rin sa paghoard ng pagkain ang mga tao.
MARSO 12-14, 2020 Nagkaroon ng malawakang exodus sa mga probinsya. Kaya aasahan na maraming manggagaling ng NCR ang magiging positibo sa COVID-19 sa mga probinsya.
MARSO 13, 2020 Nagnegatibo si Tatay Digs sa veerus. Malamang hindi naman daw nahahawa ang mga aso at ibang hayop sa COVID-19. Sa tao lang daw ito naipapasa sa ngayon.
MARS0 16, 2020 Isinailalim na sa Enhanced Community Quarantine ang buong NCR. Nagkaroon ng mungkahing magpasa ng supplementary budget na nagkakahalaga ng 27.1 Billion kung saan 14 Billion ang para sa turismo at 3.1 Billion para sa kalusugan. “Turismo o kalusugan, pumili ka?” Medyo sabi ni John Arcilla sa Heneral Luna. MARSO 17, 2020 Kinasuhan at kinulong ang isang matandang palaboy sa Maynila dahil nasa labas pa daw ito nang disoras ng gabi. Eh wala siyang bahay na mauuwian kaya kinasuhan nalang siya. H U N Y O 2 0 2 0 • YAS! •
18
MARSO 19, 2020 Eto namang si Ate Mochachino, masyadong pabobo, este pabibo! Wala pa namang naiambag.
MARSO 20, 2020 Inilagay sa isang kulungan ng aso ang mga nahuling lumabag sa curfew sa Laguna.
MARSO 23, 2020 Naipasa ang Bayanihan to Heal as One Act na nagbibigay ng Emergency Powers kay Tatay Digs na magkaroon ng solong kontrol sa badyet ng pamahalaan.
MARSO 25, 2020 Hindi nagamit ni Koko ang kaniyang coconut dahil nabisto siya ng mga doktor sa Medical City sa Makati na positibo pala siya sa veerus. Eh nagpagala-gala pa siya sa Global City, pero lapake parin si Koko kase BFF naman niya ang may superpowers sa Malacañang eh! 19 • YAS! • H U N Y O 2 0 2 0
ABRIL 1, 2020 Nasungkit ng Pilipinas ang World Trending Award dahil sa pagsikat ng #OuchDuterte. Nagkagulo kase ang isang grupo ng mga tao sa San Roque, Quezon City dahil hindi sila nakatanggap ng ayuda sa pamahalaan. ABRIL 10, 2020 Sinuspindi ng POEA ang pag-alis ng mga Pilipinong medical workers sa ibang bansa. Naiinggit lang siguro ang POEA sa ibang bansa dahil malaki ang bigayan doon. Hindi tulad dito sa Pinas, mamatay ka na kaka-inject ng heringilya, wala pang hazard pay na natatanggap. Ikaw pa yata ang magkakasakit kesa gumamot sa may sakit.
ABRIL 11, 2020 Malapit nang masungkit ng Pilipinas kontra Malaysia ang corona ng may pinakamataas na naitalang kaso ng COVID-19. Pumangalawa lamang ang Pilipinas sa buong TimogSilangang Asya.
ABRIL 13, 2020 Sa wakas, nasungkit na ng Pilipinas ang corona sa buong TimogSilangang Asya para sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19. #PinoyPride #PilipinoAko #DutitiPaRin
ABRIL 16, 2020 Hala! Pinapababa na sa puwesto si Sec. Duque ng mga senador. Palpak daw kase ang pangangasiwa ni secretary sa pandemya. Bulag talaga ang mga senador. Kung hindi dahil kay Sec. Duque, hindi mangunguna ang Pilipinas sa paramihan ng kaso.
ABRIL 22, 2020 Binaril at pinatay ng isang pulis si Winston Ragos, isang beteranong sundalo na nagkaroon ng war shock. Patunay talaga ito na asintado ang mga pulis. Basta sabi ni Tatay Digs, “Bang! Bang! Bang!” lang.
ABRIL 26, 2020 Hindi talaga nagtitikas pahinga ang mga pulis. Isang lalaki naman ang sinugod at dinumog sa isang subdibisyon sa Makati. Kating-kati yata makipagwrestling si mamang parak. ABRIL 28, 2020 Hay! Hindi talaga nadala si Ate Mochachino. Naghakot pa ng mga OFW para magpa-mass gathering. Pabobo lang? MAYO 7, 2020 Sa wakas, ipinakita na ang graph na pababa na ang linya! Malapit na sa zero. Pero lagot, GDP growth pala iyon!
MAYO 7, 2020 Nagnegatibo si Tatay Digs sa veerus. Malamang hindi naman daw nahahawa ang mga aso at ibang hayop sa COVID-19. Sa tao lang daw ito naipapasa sa ngayon.
MAYO 12, 2020 May pamañanita si hepe Sinas kase birtdey nga niya naman. Kahit wala nang facemask at social distancing, malakas naman kay Tatay Digs eh. Pero “the law is the law is the law,” maliban sa mga kaalyado. Dura lex, durex perplexed? Same here.
MAYO 16, 2020 Hayan na, Modified ECQ na! Excited na ang lahat magmall. Kaya nagdagsaan na ang mga tao sa SM, Ayala at Robinsons! Galing talaga ni Tatay Digs. #DDSForever
MAYO 18, 2020 Inanunsyo na ng gobyerno na wala nang mass testing. Hindi pa muna ito maisasagawa dahil nagpapagawa pa ng mass grave at ipapasara pa ang mass media. H U N Y O 2 0 2 0 • YAS! •
20
PANITIKAN
SI TATAY DIGONG
SI TATAY DIGONG
sino’ng tinatawag nyong pangulong sanggano Ngayon, Siya? gayong abogado siya abusado
abusado siya gayong abogado Siya? Ngayon, sino’ng tinatawag nyong pangulong sanggano
ay kaaway niya droga at korapsyon siya’y lumalaban
siya’y lumalaban droga at korapsyon ay kaaway niya
dumadanak ang dugo ang mga mahihirap
ang mga mahihirap dumadanak ang dugo
ay kakampi niya mga bigating puga
mga bigating puga ay kakampi niya
ay kinatatakutan siya ang mga mamamayan
ang mga mamamayan ay kinatatakutan siya
nakikita nila ang pagbabago sa bansa Eh ang mga mulat
Eh ang mga mulat sa bansa nakikita nila ang pagbabago
daw smart, woke at atungal lang wala rin namang matinong ambag puro away at argumento na huwad sa mga supporters na nagpapalaganap ng kamalayan
sa mga supporters na nagpapalaganap ng kamalayan na huwad puro away at argumento wala rin namang matinong ambag smart, woke at atungal lang daw
Sino’ng tinatawag nyong pangulong bobo Ngayon, Siya? gayong matalino Siya sunud-sunuran
sunud-sunuran Siya gayong matalino Siya? Ngayon, Sino’ng tinatawag nyong pangulong bobo
sa wala sariling utak gamit panggawa ng aksiyon at pasya.
panggawa ng aksiyon at pasya. gamit sariling utak sa wala
Ang tsina kakamping matalik at hindi among sinusunod lang
among sinusunod lang at hindi kakamping matalik Ang tsina
Hello?
Hello?
Gumising kaya kayo! Sa mga kumukuda puro kayo pasaring at bintang
puro kayo pasaring at bintang Sa mga kumukuda Gumising kaya kayo!
Gusto niyo kayo nalang ang mamuno? Hindi naman eh. ‘Di ba mahal niya ang bansang ito? Oo. Sigurado! Pababayaan ba niya tayo? Hindi, ‘di ba?
Hindi, ‘di ba? Pababayaan ba niya tayo? Oo. Sigurado! ‘Di ba mahal niya ang bansang ito? Hindi naman eh. Gusto niyo kayo nalang ang mamuno?
Titigil na ba ang pagbula ng mga bibig nyo?
Titigil na ba ang pagbula ng mga bibig nyo?
21 • YAS! • H U N Y O 2020 CTTO
CTTO
TULA NI EMILIO SINING NI MATT T. GANG
H U N Y O 2 0 2 0 • YAS! •
22
ALAMAT NI COVID-19 ANO ANG COVID-19? Ayon sa Kagawaran ng Kalusugan, isang panibagong strain ang COVID-19 ng coronavirus na nagdudulot ng iba’t ibang uri ng mga sakit. Maihahalintulad ito sa Middle East Respiratory Syndrome (MERS) at Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS). Nabibilang ang tatlong nasabing virus Coronavidae family na nagdudulot ng sakit hindi lamang sa mga tao kundi pati sa mga hayop. ANO-ANO ANG MGA SINTOMAS NA NAIDUDULOT NG COVID-19? Lagnat, ubo’t sipon, at hirap sa paghinga ang karaniwang mga sintomas
NI PIPING DILAT | SINING NI ISANG BATUTA
M
arahil hindi na lingid sa kaalaman ng nakararami ang bantang dala ng Novel Coronavirus Disease o mas kilala sa katawagang COVID-19. Niyanig nito ang mundo sa takot matapos maibalita ang sunodsunod na kaso nito na nagmula pa sa siyudad ng Wuhan, sa probinsiya ng Hubei sa China pagpatak ng buwan ng Enero. Hindi nagtagal at kumalat na rin ito sa iba’t ibang panig ng mundo maging sa Pilipinas kung saan patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng mga positibo sa nasabing virus.
na naidudulot ng COVID-19. Sa mga malulubhang kaso, maaaring makaranas ang biktima ng pneumonia, acute respiratory syndrome, at problema sa bato. Kung hindi ito maaagapan, hindi malayong maging sanhi ito ng pagkamatay ng biktima. PAANO NAIPAPASA ANG COVID-19 SA TAO? Sa pag-aaral na isinagawa ng World Health Organization (WHO), natagpuan na naipapasa ang COVID-19 sa pamamagitan ng human-to-human transmission kung saan maaari itong masagap sa maliliit na talsik ng
laway dala ng pagsasalita, pag-ubo, o pagbahing ng isang taong apektado ng nasabing sakit. Patuloy pa rin ang pagsasagawa ng pag-aaral ukol sa COVID-19 na naglalayong makahanap ng lunas upang tuluyan nang mapuksa ang virus. Sa kasalukuyan, ipinatutupad ang enchanced community quarantine o lockdown sa iba’t ibang panig ng mundo upang maibsan ang pagkalat nito at maisakatuparan ang social distancing na iminungkahi ng WHO. Noong Marso, idineklara nang pandemic ang virus dahil sa malawakang pagkalat nito sa iba’t ibang bahagi ng buong mundo.
UPANG MASIGURONG LIGTAS ANG SARILI MULA SA BANTA NG COVID-19, NARITO ANG ILANG MGA PAALALA:
UGALIIN ANG PAGHUHUGAS NG KAMAY UPANG MAIWASAN ANG PAGKALAT NG VIRUS. Ngunit huwag tumulad sa mga kinatawan ng gobyerno na hugas-kamay pagdating sa mga isyung ipinaparatang sa kanila kahit na harap-harapan na nilang nililinlang ang taong bayan. Marami pala tayong kandidato para sa best actor. MAKINIG SA PAYO NG KINAUUKULAN LALO NA NG MGA EKSPERTO.
Pag-isipang mabuti kung anong maaaring maidulot ng iyong aksyon. Siguraduhing hindi ka magiging panibagong kaso ni Kokonut Pimental na nalimot atang dapat nasa ilalim siya ng home quarantine. Compassion! Dapat itong kasuhan dahil sa paglabag sa batas. ALWAYS CHECK YOUR PRIVILEGE Maraming tao na isang kahig, isang tuka ang nahihirapan ngayon dahil sa kawalan ng pantustos para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Tulong hindi kulong! Bigas hindi dahas! Ang order namin, malinaw na plano upang labanan ang COVID-19. Bakit kami hinahamon ng barilan?
MAGING ALISTO SA LAHAT NG PAGKAKATAON. Maraming gahamang nakaupo sa puwesto kaya naman mainam na maging mulat sa kung saan napupunta ang kaban ng bayan. Nasaaan na kaya ang 275 bilyong emergency funds? Sana naman hindi pa naibubulsa. War flashbacks tayo sa kaldero ng 2020 ASEAN Pera Games. HUWAG MAGPADALA SA MGA FAKE NEWS. Baka mapatawag ka rin ng NBI tulad ni Mukha Utong na reyna ng pagpapakalat ng fake news. Tandaan, hindi lahat ng bagay nadadaan sa paghingi ng tawad. Dapat laging may pananagutan. Ginusto mo ‘‘yan, sis! IPARINIG ANG IYONG TINIG. Lumaban para sa mga naaapi. Marahil oras na para ating pag-aralan ang liriko ng Filipino version ng kantang Do You Hear the People Sing? mula sa pelikulang Les Miserables. ‘Di niyo ba naririnig tinig ng bayan na galit? Himig ito ng Pilipinong ‘di muling palulupig.
HUWAG MABUHAY SA TAKOT.
H U N Y O 2 0 2 0 • YAS! •
24
TAO AKA TRUE ARTISTS ONLY:
CONVERSATIONS WITH ANGELA ERICA WU NI BOY BAWAL | SINING NI MARIA
25 • YAS! • H U N Y O 2 0 2 0
S
a panahon ng walang katapusang quarantine, tinanong ng YAS Magazine ang mga iba’t ibang artista tungkol sa kanilang buhay sa ilalim ng bagong normal. Bilang isang manunulat ng YAS, nahirapan ako sa pagkuha ng panayam kasama ng Artista Dramatista Min, ang
pinaka-trending na aktor sa ngayon dahil sa mga nakaraang pelikula niyang Crash Landing In Your Xavier Hall at Honey, I Shrunk Your Pay. Sa ngayon, naghahanda si A. D. para sa kanyang bagong web drama na ang pangalan ay CBA: Call Back Again. Sa paglipas ng quarantine, laging busy si A. D. Min at tuluyang ayaw kumausap
sa akin. Matagal bago siyang nakasagot sa aking mga hiling, at sumagot lang siya sa aking request noong kinausap siya ni Far de Jet, ang kanyang manager. Pero sa wakas nagtagpo kami sa isang Zoom hangout, kung saan nakausap namin siya tungkol sa kanyang buhay bilang artista.
A. E. WU: Hello, mars! A. D. MIN: Long time, no see! A. E. WU: Kamusta ka ba diyan? A. D. MIN: Okay lang mars, panood-nood lang ng K-drama as usual… A. E. WU: Wait lang, hindi ba sinabi mo na busy ka? Kaya hindi ka pwedeng makapanayam? A. D. MIN: Hehe, oops. I mean, madami naman talaga akong ibang concerns. Hindi lang ikaw. A. E. WU: Ah, okay…. anyway… It’s been a while nga pala, no? Miss na kita, friend. A. D. MIN: Well, you’ve always been a part of my family, mars. A. E. WU: Ahaha, totoo ba ‘‘yun? Ikaw talaga... A. D. MIN: [Pekeng tawanan] A. E. WU: ...Sige, simula na tayo sa pinakamahalagang usapin. Tungkol sa bago pelikula mo, CBA—
H U N Y O 2 0 2 0 • YAS! •
26
A.D. MIN: Binigay ko na dati ‘yung mga necessary info. A. E. WU: Huh? A. D. MIN: Sinabi ko sa ‘yo ‘yung mga kailangan mong malaman. A. E. WU: Pero mga minor items lang ‘‘yan, hindi pa rin namin alam ang mga pinakamahalagang impormasyon tungkol sa pelikula... A. D. MIN: Ay. Oo nga. [Umikot ang kaniyang mata.] Eh, sorry. ‘Di ko ma-disclose. A. E. WU: Huh? A. D. MIN: [Nagkibit-balikat siya.] Take it or leave it, sis. Binigay ko na ‘yung mga ibang detalye. Data privacy. A. E. WU: Pero kung hindi namin ito alam, wala kaming magagamit na basehan para sa mga desisyon tungkol sa artikulo namin. A. D. MIN: Sorry na lang. A. E. WU: A.D., sinisiguro lang namin na sinusunod natin ang protocol ni Danny Oreta Lee, ang higher-ups namin. A. D. MIN: Like I said, take it or leave it, sis. Hindi kasi fair, eh. Nakausap na namin si BUILDING Magazine.
27 • YAS! • H U N Y O 2 0 2 0
A. E. WU: ...Hindi ba mas mahalaga ang TAO ko kaysa sa BUILDING? A. D. MIN: ... A. E. WU: Paano tayo magkakaroon ng matiwasay na usapan kung ayaw mong ipamahagi ang mga kinakailangang impormasyon? A. D. MIN: …. A. E. WU: This sounds like a one-sided conversation. A. D. MIN: …. A. E. WU: May malasakit ka ba talaga para sa mga hinihingi namin? A. D. MIN: ... A. E. WU: Nakikinig ka pa ba? A. D. MIN: … A. E. WU: Hello? A. D. MIN: … [Binaba ni A.D. ang call.]
MULA SA MGA ISPONSOR
SEXUAL HARASSMENT IMMUNITY GIFT VOUCHER MABISA HANGGANG APRIL 31, 2069 Kung ikaw ay nang-abuso, maaaring gamitin ang voucher na ito upang mabigyan ka ng proteksiyon sa iyong pagkakakilanlan. Mananatiling lihim ang iyong ginawa kaya maaari mo pang ulitin ito dahil nakasanayan mo na. Walang sinoman ang makakaalam kundi ang paring pinagkumpisalan mo.
MAJOR SPONSOR: DATA PRIVACY ACT "
SEXUAL HARASSMENT IMMUNITY GIFT VOUCHER MABISA HANGGANG APRIL 31, 2069 Kung ikaw ay nang-abuso, maaaring gamitin ang voucher na ito upang mabigyan ka ng proteksiyon sa iyong pagkakakilanlan. Mananatiling lihim ang iyong ginawa kaya maaari mo pang ulitin ito dahil nakasanayan mo na. Walang sinoman ang makakaalam kundi ang paring pinagkumpisalan mo.
MAJOR SPONSOR: DATA PRIVACY ACT "
SEXUAL HARASSMENT IMMUNITY GIFT VOUCHER MABISA HANGGANG APRIL 31, 2069 Kung ikaw ay nang-abuso, maaaring gamitin ang voucher na ito upang mabigyan ka ng proteksiyon sa iyong pagkakakilanlan. Mananatiling lihim ang iyong ginawa kaya maaari mo pang ulitin ito dahil nakasanayan mo na. Walang sinoman ang makakaalam kundi ang paring pinagkumpisalan mo.
MAJOR SPONSOR: DATA PRIVACY ACT "
SEXUAL HARASSMENT IMMUNITY GIFT VOUCHER MABISA HANGGANG APRIL 31, 2069 Kung ikaw ay nang-abuso, maaaring gamitin ang voucher na ito upang mabigyan ka ng proteksiyon sa iyong pagkakakilanlan. Mananatiling lihim ang iyong ginawa kaya maaari mo pang ulitin ito dahil nakasanayan mo na. Walang sinoman ang makakaalam kundi ang paring pinagkumpisalan mo.
H U N Y O 2 0 2 0 • YAS! • MAJOR SPONSOR: DATA PRIVACY ACT
28
-MGA ALITUNTUNIN AT KONDISYON --
SEXUAL HARASSMENT IMMUNITY GIFT VOUCHER MABISA HANGGANG APRIL 31, 2069
1. Dapat ikaw ay propesor, estudyante o 2. 3. 4. 5.
6. Siguraduhing malakas ang iyong kapit gradweyt ng Pamantasang Arin’yo de sa admin para hindi masisante o makick Manila. out. Ang voucher na ito ay gagamitin mo 7. Magkaroon din ng malakas na backer para lamang kung may nagreklamo at may makasiguradong untouchable ka. nagkaso na sa iyo. Paisa-isa lang ang biktima, one at a time lang. Kung ikaw ay mapatunayang may 8. Huwag masyadong atat! nilabag, kalma, huwag mabahala dahil 9. Huwag din masyadong obvious, baka may voucher ka! mahalata ng iba. Kailangan mong sumunod muna sa 10. Ang voucher na ito non-transferrable ibibigay na suspensiyon para makapaglie ngunit renewable. low ka. Kailangang makakalap lamang ng limang lagda mula sa kapwa mo propesor o artenista na kumukunsinte MAJOR SPONSOR: sa iyong ginawa at gagawin pa. DATA PRIVACY ACT
" -MGA ALITUNTUNIN AT KONDISYON --
1. Dapat ikaw ay propesor, estudyante o
6. Siguraduhing malakas ang iyong kapit gradweyt ng Pamantasang Arin’yo de sa admin para hindi masisante o makick Manila. out. 2. Ang voucher na ito ay gagamitin mo 7. Magkaroon din ng malakas na backer para lamang kung may nagreklamo at may makasiguradong untouchable ka. nagkaso na sa iyo. Paisa-isa lang ang biktima, one at a time lang. 3. Kung ikaw ay mapatunayang may 8. Huwag masyadong atat! nilabag, kalma, huwag mabahala dahil 9. Huwag din masyadong obvious, baka may voucher ka! mahalata MABISA HANGGANG APRIL 31, 2069ng iba. 4. Kailangan mong sumunod muna sa 10. Ang voucher na ito non-transferrable Kungibibigay ikaw ay na nang-abuso, maaaring gamitin ang voucher na ito upang mabigyan suspensiyon para makapaglie ngunit renewable. ka nglow proteksiyon sa iyong pagkakakilanlan. Mananatiling lihim ang iyong ginawa ka. kaya maaari mo pang ulitin lamang ito dahilng nakasanayan mo na. Walang sinoman ang makakalap 5. Kailangang makakaalam kundi ang paring pinagkumpisalan mo. limang lagda mula sa kapwa mo MABISA HANGGANG propesor o artenista na kumukunsinte MAJOR SPONSOR: APRIL 31, 2069 MAJOR SPONSOR: DATA PRIVACY ACT sa iyong ginawa at gagawin pa. DATA PRIVACY ACT
-MGA ALITUNTUNIN AT KONDISYON --
1. Dapat ikaw ay propesor, estudyante o
SEXUAL HARASSMENTSEXUAL HARASSMENT IMMUNITY GIFT VOUCHER IMMUNITY GIFT VOUCHER
"
SEXUAL HARASSMENT IMMUNITY GIFT VOUCHER MABISA HANGGANG APRIL 31, 2069
2. 3. 4. 5.
6. Siguraduhing malakas ang iyong kapit gradweyt ng Pamantasang Arin’yo de sa admin para hindi masisante o makick Manila. out. Ang voucher na ito ay gagamitin mo 7. Magkaroon din ng malakas na backer para lamang kung may nagreklamo at may makasiguradong untouchable ka. nagkaso na sa iyo. Paisa-isa lang ang biktima, one at a time lang. Kung ikaw ay mapatunayang may 8. Huwag masyadong atat! nilabag, kalma, huwag mabahala dahil 9. Huwag din masyadong obvious, baka may voucher ka! mahalata ng iba. Kailangan mong sumunod muna sa 10. Ang voucher na ito non-transferrable ibibigay na suspensiyon para makapaglie ngunit renewable. low ka. Kailangang makakalap lamang ng limang lagda mula sa kapwa mo propesor o artenista na kumukunsinte MAJOR SPONSOR: sa iyong ginawa at gagawin pa. DATA PRIVACY ACT
" -MGA ALITUNTUNIN AT KONDISYON --
SEXUAL HARASSMENT IMMUNITY GIFT VOUCHER 29
MABISA HANGGANG • YAS! • H U N Y O31,22069 020 APRIL
1. Dapat ikaw ay propesor, estudyante o 2. 3. 4. 5.
6. Siguraduhing malakas ang iyong kapit gradweyt ng Pamantasang Arin’yo de sa admin para hindi masisante o makick Manila. out. Ang voucher na ito ay gagamitin mo 7. Magkaroon din ng malakas na backer para lamang kung may nagreklamo at may makasiguradong untouchable ka. nagkaso na sa iyo. Paisa-isa lang ang biktima, one at a time lang. Kung ikaw ay mapatunayang may 8. Huwag masyadong atat! nilabag, kalma, huwag mabahala dahil 9. Huwag din masyadong obvious, baka may voucher ka! mahalata ng iba. Kailangan mong sumunod muna sa 10. Ang voucher na ito non-transferrable ibibigay na suspensiyon para makapaglie ngunit renewable. low ka. Kailangang makakalap lamang ng limang lagda mula sa kapwa mo propesor o artenista na kumukunsinte MAJOR SPONSOR: sa iyong ginawa at gagawin pa. DATA PRIVACY ACT
WORDS OF CONFUSION
“
I congratulate President Duterte for doing a good job in containing the spread of COVID-19 in the Philippines. As a health expert, I admire his excellent leadership during this time of crisis. He is a role model for other leaders. We, in the health sector, love him so much. ” DR. STRANGE M.D.
H U N Y O 2 0 2 0 • YAS! •
30
LATHALAIN
KILALANIN ANG MGA TUNAY NA TOLONGGES Ni KEN TUTAN TAYO SINING NI ANIMNAPU’T SIYAM
31 • YAS! • H U N Y O 2 0 2 0
I
“You know our names, not our stories.”
to ang motto ng mga miyembro ng ToLongGES, o ang Oplan “Total and Long-lasting Government Efforts for Stability”, ang task force na itinaguyod ni Pangulong Berdrugo Dudirty laban sa mga makakaliwang terorista. Tungkulin ng ToLongGES na labanan ang mga hinihinalang miyembro at tagasuporta ng Christmas Party of the Philippines (CPP) at ng New-Year Party Association (NPA), ang dalawang teroristang grupong naglalayong patalsikin si Pangulong Dudirty mula sa kanyang pwesto.
Ngunit, dahil sa patuloy nilang paghuli sa mga mahihirap, na ayon sa grupo ay kinabibilangan nga naman ng karamihan ng miyembro, nagiging biktima ang mga ToLongGES ng marahas na pangungutya’t pagpuna ng Pa-WoKe, o “Patriotic Warriors on Keyboards”, ang grupo ng mga nabrainwash na aktibista. Diumano, gumagamit din ang mga Pa-WoKe ng online trolls para siraan ang reputasyon ng mga miyembro ng ToLongGES, at minsa’y binabantaan pa sila ng death threats.
Bukod sa pagod nila sa pagtiyak ng kaligtasan ng mamamayang Pilipino, inaamin nilang nakakapagod din para sa kanilang mental health ang paglilinaw nang paulit-ulit sa mga paratang laban sa kanila. Kung kaya, pumayag ang mga ToLongGES na magpaunlak ng eksklusibong panayam, dahil gusto nilang makilala sila nang masinsinan ng kanilang mga bashers, na makita rin sila bilang mga simpleng taong may mga kuwento. Narito ang highlights ng mga panayam sa bawat miyembro, na pawang katotohanan lamang — walang fake news.
H U N Y O 2 0 2 0 • YAS! •
32
INT: Mr. Dudirty, dahil appointed ang lahat ng ToLongGES, ano ang naging basehan niyo sa pagpili sa kanila? Nabilib ba kayo sa credentials at track records nila?
PANG. BERDRUGO DUDIRTY TOLONGGES CHIP-OF-STUFF
BD: Of course, hindi ko naman sila pipiliin kung hindi ko sila gusto. Hindi naman ako tanga [Tawa]. Lahat sila, they all play a special role… Kaya, ang bawat isa sa kanila, may gampanin talaga. Itong si Ang Bato, talagang tigasin ‘‘yan, pati si Loren Sana-Oil, mabagsik ‘yang dalawang ‘‘yan. Subukan lang nilang manggulo… talagang makakatikim sila. [Sa mga tagasuporta,] Eh kaysa manggulo kayo diyan, eh libing ko na kayo. INT: Sa tingin niyo ba, epektibo ang Oplan ToLongGES sa pagsugpo ng terorismo sa Pilipinas? Natapatan ba ang mismong rekord ng inyong Hashtag Dudirty Tigok Squad (#DTS) noong mayor pa kayo ng Davao City? BD: As I said, marunong talaga itong mga ToLongGES na ito. Nag-aral ng tactics hindi
INT: Sir Dela Rosas, mas mahirap ba ang trabaho niyo ngayon bilang Left Hand ng ToLongGES? Ano ba ang tiyak na gampanin niyo sa task force na ito?
DING “ANG BATO” DELA ROSAS TOLONGGES LEFT HAND
DDR: Bago ang lahat, linawin ko lang na I am the Left Hand, hindi Leftist. [Tawa] Wala namang pinagkaiba masyado ang pagiging PNP (Pulis Na Pangkalawakan) Chief sa pagiging Left Hand ko. Ako pa rin ang in-charge sa pagkontrol sa kapulisan ng buong bansa, dahil kailangan nilang maging vigilant at alert sa lokal na mga atake ng Christmas Party. Alam naman nating lahat na ‘‘yang mga student organization sa kolehiyo, talagang hot spots ‘‘yan ng mga komunistang nagrerekrut. Kadalasan gabi raw sila naghahagilap ng mga estudyante, mga “night shift” silang nagpapanggap na estudyante rin, tapos dinadala nila sa
INT: Sir Loren Sana-Oil, dahil si Sir Dela Rosas ay sa kapulisan bilang Left Hand, kayo naman ay nakatutok naman sa militar, tama ba?
DELPING LOREN SANA-OIL TOLONGGES RIGHT HAND
33 • YAS! • H U N Y O 2 0 2 0
DL: Tama ‘‘yan. Pero, kung sa tingin ni Dela Rosas ay mahirap na ang kanyang trabaho, to the point na iyak siya nang iyak diyan, tignan natin kung makakayanan niya dito. [Tawa] Bilang Right Hand ToLongGES, kailangang mapagmatyag ka rin hindi lang sa iba’t ibang ranks ng militar; dapat kilalanin mo rin nang husto ang mga tao sa loob ng gobyerno. Tulad nitong Makabeki bloc sa Kamara. Napakaingay nila pagdating sa mga operasyon namin, na makikita namang mas nakakatulong sa mga PIlipino kaysa
lang sa bakbakan, pati na rin sa socio-cultural ano ng war. Dahil ito ngang laban sa Christmas Party at New-Year Party ay hindi “partyparty” lang… Dahil gusto nila nung barilan, eh ‘di sige. When I was a mayor in Davao City, talagang mapayapa at may stability sa lahat. Mga gago ang tao no’n, kaya I think that, in every epoch, mayroon ‘‘yan. INT: Ano ang masasabi niyo sa mga nanlalait sa mga ToLongGES, na wala naman daw silang ginagawang maayos, kahit matiyaga naman silang mag-photo ops kada misyon? Nakakapahamak din daw sa buhay ng mga Pa-WoKe ang ToLongGES. BD: Alam mo, iyang mga ToLongGES na ‘‘yan, mga kilala ko ‘yan. You know, dahil I’ve know them for their entire careers. You know, for whatever this is worth… magaling sila. Alam mo, talking about itong performance ng mga ToLongGES, talagang ano… Kayong mga komunista diyan, I am a lawyer. Your concern is human rights, mine is human lives.
bundok ‘pag gabi. Ano nga ‘yung sa kanta? Ah, “ang magpulis ay ‘di biro”... Totoo ‘yon. INT: Ano ba ang inspirasyon niyo sa pagtangan ng ganitong mabigat na gampanin sa matinding labanan na ito? DDR: Sa totoo lang, [Mangiyak-ngiyak?] napakasakit sa damdamin na nilalait lang kami basta-basta ng mga nabrainwash na kabataang ito. Naaawa talaga ako sa kanila, sobrang sakit sa puso. [Humahagulgol] Dahil sa kanila, kahit masakit sila manalita, naaalala kong marami pang kailangang gawin, na hindi matatapos agad itong pagsugpo sa terorismo sa kabataan. [Biglang nagalit?] Kaya kayong Christmas Party at NewYear Party, you love your country? Kapag nilabanan tayo ng China, humarap kayo ha! Subukan niyo!
sa pagtalak nila, tapos ‘pag Christmas Party na ang usapan, mananahimik sila bigla. Saan na ‘‘yang ingay niyo, ha? Kaya mahirap talaga ang gawain namin dito sa ToLongGES, wala ka dapat pagkatiwalaan. INT: Anong masasabi niyo sa mga panaypangungutya ng mga Pa-WoKe? DL: Isa lang masasabi ko dyan: kayong mga Pa-WoKe, i-condemn niyo ‘yang Christmas Party at New-Year Party. Maawa naman kayo sa mga mahihirap; nililinlang niyo lang sila. Brainwashed, ba. Hindi lahat may pinag-aralan. ‘Wag niyong abusuhin itong kamangmangan ng mga mahihirap. Dehado sila.
INT: Sir Añuna, bakit nga kayo tinaguriang “all-seeing ng ToLongGES?
pala eye”
EA: Simple lang: kasi walang nakalalampas sa akin. Kapag may umaangal sa programa ng gobyerno, at the expense na nakakapahamak na sila ng human lives, hindi sila makakatakas sa crosshairs namin. Bale, tinutulungan ko sina Dela Rosas at Loren Sana-Oil sa kanilang trabaho. Kung wala ako, wala sila.
EDUARDO AÑUNA TOLONGGES ALL-SEEING EYE
INT: Sinasabi ng mga Pa-WoKe na sobrasobra raw ang pagiging “draconian”
INT: Sir Pamalo, ano sa tingin niyo ang pinakamahirap na gawain sa trabaho niyo bilang Spokesperson ng ToLongGES? Lalo na’t palagi kayong hinuhusgahan ng ibang media? SP: Actually, sa Oplan ToLongGES, we don’t see ourselves as co-workers lang. We are a family, all under Tatay Drugong. At tulad ng ordinaryong pamilya, nagkakaaway-away din kami paminsan-minsan. Mahirap maging
ng mga polisiya na pinangunahan ng ToLongGES. Anong masasabi niyo rito? EA: Alam mo, ‘‘yang mga Pa-WoKe na ‘‘yan, hindi nila naiintindihan na ikabubuti ng mga mamamayan ang priority namin sa bawat batas na isinasagawa, tulad nitong Anti-Terror Bill. Kung hindi natin i-implement ang “draconian measures” na ito… aba, baka paggising natin kinabukasan eh pulang-pula na with matching Christmas lights ang Maynila. Hindi biro ang kaligtasang ipinaglalaban namin dito. Kaya kung ayaw nilang sumunod, we’ll throw them in jail. No mercy for them.
“spox” ‘pag ganito, kasi hindi sila nagkakalinawan sa gusto nilang sabihin. Tapos, ako pa ang nasisisi. Eh I’m just human; to human is to err. Dapat alam nila ‘yon. Natural lang na, kunwari minsan, mamali ako ng pag-credit ng Ditch Dudirty matrix. Malay ko bang anonymous pala ‘yon? Tsaka bahala na itong mga nadamay na organization sa matrix sa pagpapatunay ng innocence nila, that’s not on us. Kaya na nila ‘‘yan. Pasensya na, tao lang. Sorry!
SALSALERO PAMALO TOLONGGES SPOKESPERSON
INT: Ma’am Baduy, bilang bahagi ng Communications ng ToLongGES, ano ang pagkakaintindi niyo sa gampanin ng media sa politikal na labanang ito? At, ang walang-habas na pag-redtag niyo raw sa mga Pa-WoKe ay walang basehan. Totoo ba ito?
LOKARETTE BADUY TOLONGGES COMMUNICATIONS UNDERSECRETARY
BONUS
LB: Naalala ko, when I was in college, sabi ng propesor ko, “journalists are the watchdogs of society”. Nagbago buhay ko no’n, kasi na-realize ko na malaki pala ang role natin sa ganitong sitwasyon. Dapat ay makatotohanan palagi ang ating pagreport tungkol sa gobyerno, na walang
RONNIE “FOREVER YOUNG” CARDEMANDING TOLONGGES YOUTH REPRESENTATIVE
INT: Sir Cardemanding, marami na kayong pinagdaanan. Mula sa di-makatarungang pagkakatalsik sa Dudirty E-Youth, hanggang sa kaliwa’t kanang panghuhusga ng mga Pa-WoKe — napatunayan lang nito na passionate kayo sa youth. Bilang ToLongGES, ano ngayon ang layunin niyo para maidala sa tagumpay ang gobyerno laban sa terorismo? RC: Thank you for that wonderful question,
ano. Bilang incumbent chairperson ng National E-Youth Commission (NYC), marami akong natutunan tungkol sa kabataan, at isa rito ay desperado silang may gumagabay sa kanila. Itong mga PaWoKe na mga aktibista kuno, phase lang ‘‘yan. Dumaan nga ko dyan eh; sabi ko pa dati, walang patutunguhan itong all-out war laban sa Christmas Party at New-Year Party. My God, I should’ve known better! [Tawa] So, I know what it’s like to understand the youth.
bahid ng propaganda whatsoever. As ToLongGES, ito ang naging mission ko, na walang fake news, walang dungis ng Christmas Party o New-Year Party ang balita. Kaso itong mga nagpapanggap na “journalists” pero Leftists talaga, dinudungisan nila ang balita. “Pro-poor” daw sila, pero kung manira ng gobyerno, wagas! Such a disgrace. And ako raw ang walang basis sa pag-redtag? Please. I do my research. I only have Pinoy Newspaper Agency (PNA) as my trusted source. Sila ang nagpapahamak sa sarili nila, sa actions nila. I just state the facts.
Hindi ako nag-alinlangang maging youth representative ng ToLongGES, kasi this is my calling. Bukambibig ng mga Pa-WoKe, lagpas na raw ang edad ko. Pero, ayon nga sa kasabihan, age is just a number. Narito pa rin naman ang compassion ko para sa kanila. Kaso minsan, kailangan pa ring pakitaan ng parusa ang mga pasaway na bata, tulad ng pagtanggal ng scholarship nila, dahil nalalapit sila masyado sa Christmas Party. Maliit lang na bagay ‘yon, to set an example lang naman. [Tawa] Besides, papunta pa lang sila, pabalik na kami.
COVER STORY
The Wedding of the Century Dug at Mong 2020
35 • YAS! • H U N Y O 2 0 2 0
DUGMONG: ANG PAG-IBIG NA TINADHANA NI VAL NA WALANG MALAY | SINING NI ANIMNAPU’T SIYAM
W
edding of the Century na! Hah? Sinong Will at Kate? Iisa lang ang magkasintahan na nagpapayanig sa puso natin dito noh! Hindi sila matatapatan ng kahit sino, mapa-Kathniel man or LizQuen. Hindi sila ‘yung Pabebe girls pero hindi niyo rin sila mapipigilan. Ang bubukod tanging Du Gong at ang soonto-be first gentlemen niyang si Mong Go! Otherwise known as DugMong! Matagaltagal na natin itong hinihintay pero sa wakas, mag-iisang loob na ang magnobyo. Pagkatapos ng ilang taon ng pananabik at ligawan, napaluhod na rin si Papa Dugs. Sabi ng mga source namin, bumagsak daw ‘yung parisukat na baba ni Mong Go. Bilang handog sa kanila, naghanda kami ng munting scrapbook na puno ng mga ala-ala nila.
6 6dLo
YZJ8
4BD5
/HiJ2
Sa mga larawang hindi kukupas ...
l .goo.g s.app mage
://i https
EXCLUSIBO
#LoveIsInTheAir First trip niyo together papunta sa China galing sa IG ni Mong! Bibisitahin mo daw ‘yung best friend ni Papa Dugs. H U N Y O 2 0 2 0 • YAS! •
36
#ThePamileeMyPamileeOhMyGad Mong: Meeting the family for the first time! Kabado ako pero kaya natin ‘to Dugs!
fSayT SkuC c X n f .gl/ p.goo es.ap /imag
im
SPv7
:/ https
#OOTD Go: Shopping time! Sabi nila, dapat sabihin mo daw kung may sakit ka. Pake nila! Tanging masakit lang ang mawalay sa ’yo Dugs baby.
htt ho ps://w ng -ko ww. ng phi lsta r.co m/
hea d
lin es/
201
8/1
0/0
8/1
858
220
/du ter tebu ys-
yel low -
jac ket s
-
37 • YAS! • H U N Y O 2 0 2 0
#PartyRock Party time! Ready na ready na ang mga boys makipagsayahan sa party kasama si Parang Bato!
http s:/
/im age s.ap p.go o.gl /
8vR ya2
uBk
Mh
rch L9
7
zuGjkjFxMadv8
KL mages.app.goo.gl/nG
#LoveSick #WorriedAboutYou #HopeBaeIsOkay #PriorityTestingKamo #IkawPriorityKo
oj t-pr
-pe
ts dop
go ng-bo
1
021
/26
n atio m/n o c . ler app w.r w w s:// http insya b o pr
e-a tert -du
ba ect-
lik-
#PerksOfBeingAJowa Project approved! Iba talaga when he puts you above everyone and everything else! ABS-CBN shutdown who?? H U N Y O 2 0 2 0 • YAS! •
38
MARENG ISELDA’S
SILIPIN
H
NI KEN TUTAN TAYO SINING NI ANIMNAPU’T SIYAM
ello mga mare! Nandito nanaman ang inyong expired First Lady na si Iselda Narcos, magkukuwento tungkol sa limang bagong shoes mula sa aking 3,000 shoe collection na nabili ko gamit ang perang nabingwit ng asawa kong si Ferdinand Narcos mula sa taumbayan! Alam niyo ba nahirapan talaga akong pumili ng mga sapatos noon kasi naman kapag marami kang pera, di mo alam kung anong gagawin mo sa perang iyon. O siya, umpisahan na nga natin. Ang dami ko nang nakuwento pero mas marami pa rin akong kayamanan.
39 • YAS! • H U N Y O 2 0 2 0
ROBBER SHOES
1
AIR BINUY 1.0
Sa lahat ng aking sapatos, ito ‘yung masasabi kong classic! Classic na trapo ang panggalawan. Matingkad at malinis na puti ang pangunahing kulay ng sapatos kabaliktaran ng kanilang budhi, asul naman ang shoelace, at mayroon itong logo ng lungsod ng Makuhti sa bandang likuran. Kakilala ko kasi ang gumawa ng disenyo nito kaya paborito ko rin ito at katulad kong pamily pirst, siya rin ay nanggaling sa pamilyang Binuy - ang pamilyang maalaga……...sa pera. Ang sapatos na ito ay sobrang sulit sa halagang PHP 6942.00 pesos lamang. Maganda itong gamitin kung mayroon kang lakad kasama ang iyong pamilya at pare-parehas kayong suot ito. Bongga!
Bibigyan ko ang sapatos na ito ng 4 out of 5 Iselda stars! H U N Y O 2 0 2 0 • YAS! •
40
2
MANDA MENTALITY
Bukod sa Air Binuy 1.0, ito rin ang isa sa mga sapatos na nakikita kong classic. Kahit gayang-gaya ang trapo moves ng mga Binuy, ang Manda Mentality naman ay ang sapatos na mula sa manufacturer na Abaloose. Dilaw ang pangunahing kulay nito, mayroon ding kulay asul para sa disenyong ginaya lamang, at mayroong hints ng pula para naman masabing creative. Syempre hindi mawawala ang logo ng lungsod ng Mandaruyong. Angkop na gamitin ang sapatos kapag ikaw ay sasakay sa Angkas lalo na kung ikaw ay kalalakihan dahil pwedengpwede magmotor ang dalawang lalaki sa Lungsod ng Mandaruyong! Wala na akong masabi mediocre lang talaga siya.
Creative kaso walang originality. Pwede na.
Ang tanging sapatos na hiyang sa aking paa sapagkat gawa rin ng kapwa kong kurakot at trapo!
4
3
5 out of 5 Iselda Stars para kay Epal Estrada! Imeldific!
GONG GO 3-POINT-KING
Ito pala ‘yung bagong release ng sapatos na pinagkakaguluhan noong isang araw dahil may libreng tuta raw pagnakabili ka! Syempre bumili ako kaagad kasi ako ang laging nauuna kaya nga First Lady eh. Hindi ko naman alam na si Binibining Gong Go pala ang gumawa ng sapatos na ito. Pwe! Ang bagong First Lady na kinaiinggitan ko! Mahal na mahal daw ‘yan ng kaniyang sugar daddy na si Tatay Dugong. Wala namang espesiyal sa sapatos na ito…..puti at berde na kulay parang mga lisalista, at may pangalan sa dila ng sapatos kaya hindi ko alam kung bakit pinagkakaguluhan.
41 • YAS! • H U N Y O 2 0 2 0
Traditional na trapo lang naman at sunud-sunuran walang bago! Kahit pangit ito, pwede pa rin itong gamitin pag susundan mo lang ‘yung daddy mo o kaya sa date niyo kahit may pandemic na nangyayari. kailanman hindi siya nanalo sa eleksyon.
EPAL ALL STAR
Pangalan pa lang alam mo nang ALL STARS ang makukuha nito sa ratings ko! Gusto kong batiin ang aking kumpareng si Epal Estrada sa kaniyang malikhaing sneakers kahit natalo siya sa eleksiyon. Pero ayun nga, itong sapatos na ito napakaganda! Asul at kahel ang kulay halatang tatak Epal! Epal Estrada para sa makakapal. Usong-uso ito lalo na sa mga batang Maynilak. Bagay itong suotin tuwing sasali ka sa Jueteng o kung balak mong tumakbo ulit sa puwesto! Anyways, naging paborito rin ito ng anak kong si Blengblong kasi mahilig ‘yun sa aksyon star na katulad ni Epal. Idol niya ‘yan kahit kailanman hindi siya nanalo sa eleksyon.
Hindi ko feel ang hype sa sapatos na ito! Sorry not sorry Binibining Gong Go pero it deserves 1 out of 5. Hindi ko makita ang nakikita ni Tatay Dugong sa kaniya. Ew.
5
Basic lamang at mas maganda pa rin ang Air Binuy 1.0
AIR BINUY 3.0
Last but not the least ay ang new at improved version ng Air Binuy 1.0. Hindi na natin pag-uusapan ang pangit na Air Binuy 2.0 dahil isa iyong katangahan. Katulad ng Air Binuy 1.0, ang Air Binuy 3.0 ay mayroong classic na design ngunit mas ginamit na ang paboritong kulay ng mga Binuy - ang kulay na asul. Sakto lamang ang kagandahan ngunit dapat rin na mabigyan ng credit ang pamilyang ito dahil kahanga-hanga nga naman talaga ang kanilang dynasty at kagalingan sa paghawak ng pera ng bayan. Angkop itong suotin tuwing umuulan ng malakas at hindi pa rin suspendido ang klase o kaya tuwing nag-aaway kayong magkakapatid.
Siguro ‘pag namatay na ako ipapamana ko na lang ang aking koleksiyon sa aking minamahal na anak na si Imeee kahit minsan napakaboba niya, buti pa ‘tong si Blengblong matalino tsaka ayaw magpatalo! Anyways, tapos na ang aking review para sa mga bagong sapatos! Tandaan palagi na ang damit ng isang tao ay nagsasalamin sa kaniyang katauhan. Nakikita rin ito sa mga sapatos na aking nireview. Magaling at maayos naman ang mga sapatos na nagawa ng mga trapo na ito at siguradong marami pang mabibingwit ang mga ito ngunit wala pa ring tatalo sa akin at sa aking pamilya. #SupportLokal. Paalam na sa aking mga loyalist! Manatiling bobo!
LEGEND: IMELDIFIC! Napakahusay, manang-mana kay mareng Iselda! Isusuot ko ang sapatos na ito sa puntod ng aking asawa sa Liga Naming mga Magnanakaw at Bobo (LNMB) <3 GOOD JOB! Siguro crony kita noon kaya marunong ka na ngayon. As of now ka-level mo ‘yung apo kong si Sandro na hindi marunong mag-shade ng isang bilog. PWEDE NA. Mediocre ang sapatos na ito. Kinulang sa badyet at i-skills. Onting kayod at kurakot pa. DISAPPOINTING. Parang ‘yung test result ng anak ko sa virus. Keep being positive, baka madagdagan pa ng star. HAMPASLUPA! Hinding hindi ko ito susuotin, ibibigay ko na lang sa anak kong si Imeee. Hindi naman kasi siya kagalingan. Magfarm ka na lang ng trolls. ‘Yun naman ginagawa namin ‘pag may nagawa kaming mali.
H U N Y O 2 0 2 0 • YAS! •
42
43 • YAS! • H U N Y O 2 0 2 0
2020’S TEN SEXIEST PULPOLITIKO NG PILIPINAS NINA MATT T. GANG AT MAYARI SINING NI MATT T. GANG
T
Taon-taon ay kinikilala ng YAS Magazine ang mga pulpolitikong talagang tumatak at hinangaan ng sambayanan dahil sa kanilang angking galing sa pamumuno. Hindi lamang ito pagkilala dahil sa kanilang kasikatan sa larangan ng pulpolitika kundi ito rin ay parangal dahil sa kanilang nakaiinit at nakabibighaning kawatan este katawan. Ngayong taon ay naging masusi ang pagsusuri kung sino ang sampung makapapasok at gagawaran ng pagkilala. Sa katunayan ay naging dikit ang labanan ng marami sa mga Pilipinong pulpolitiko kaya lubos na nahirapan ang Surian ng Pulpolitikong Pilipino para sa taong ito. Gayumpaman, buong puso naming inihahandog ang Ten Sexiest Pulpolitiko na dumaan pa sa butas ng karayom.
WHIPPED MOCHA “Pinagpalang Birhen ng Social Media”
‘‘ Ip*pe, id*de, ipe, ide, ip*pe dederalismo. Ip*pe, id*de, ipe, ide, ip*pe dederalismo.”
RATING: 5/10 AMBAG:
PILOSOPIYA SA BUHAY:
Walang Fake News. Ang Fake News ay nasa puso ng tao. Nasa puso nating mga DDS! Tayo ang gumagawa ng Fake News, tayo ang gumagawa ng maling balita, tayo lang ang uto-uto, walang Fake News!
H U N Y O 2 0 2 0 • YAS! •
44
CTTO SOTTO “Plagiarise me more” rin nagtatapos doon ang kanyang pag plagiarise! 3rd time’s a charm! Naakusahan na naman siya ng pangongopya sa trabaho ng mga bloggers na si Janice Formichella at Peter Engelman. Talaga nga namang isang sirko ang ating senado! Puro dada, walang gawa.
RATING: 9/10 AMBAG: Sa buong apat na termino ni CTTO Sotto sa loob ng Senado, mabibilang ko lang sa kamay ko ang kanyang mga inambag. Ngunit, walang kwenta pa rin ang mga naambag niya. Pero ang isa sa mga natatanging kontribusyon niya ay ang kaniyang pagplagiarise, at pagkomento sa mga bagay na walang saysay. Ang kanyang kaso ng plagiarism ay nagsimula noong 2012, kung saan kumuha at nagtranslate siya ng speech ng dating pangulo ng US na si Robert F. Kennedy para sa kanyang pahayag sa RH Bill. Ngunit, hindi doon nagtatapos ang kanyang pagnanakaw. Noong Agosto ng taong iyon, inakusahan na naman siya ng mga netizens ng plagiarism dahil sa pagkopya niya sa artikulo ng isang blogger na si Sarah Pope para sa kanyang talumpati. At hindi
PILOSOPIYA SA BUHAY:
Ang latang walang laman ay maingay.
‘‘
Translating isn’t copying.” -
CYNTHIA VILLAGES “Misis Pahirap-Buhay” RATING: 10/10 AMBAG: Si Cynthia Villages ay pinuri ng sambayanan pagkatapos ng kanyang pagmamasid sa mga mananaliksik ng bansa. Ayon sa kanya, nababahala siya dahil mas tinutugunan ng Kagawaran ng Agrikultura ang oras at pera nila sa pananaliksik. Isang malaking karangalan ang kanyang ambag bilang senador ng bansa, sapagkat hindi lang siya pasakit sa mga mananaliksik, pati na rin sa ating mga magsasaka at manggagawang-bukid. Talaga nga namang may pinatutunguhan ang pagiging mayaman ng pamilya Villages. Kung hindi man gahaman sa pera, gahaman naman sa kaalaman. PILOSOPIYA SA BUHAY:
Ang lupang may pananim, bukas subdivision na rin. 45 • YAS! • H U N Y O 2 0 2 0
‘‘ Ako matalino akong tao, pero hindi ko maiintindihan research niyo. Baliw na baliw kayo sa research.” -
TWEETY BOY LOCSIN “King of Philippine Diplunacy” RATING: 10/10 AMBAG: Si Tweety Boy ay sumikat sa kaniyang palabas na Tweetytorial sa Lonely Tunes. Siya ang kauna-unahang Pilipino na nakapasok sa Guiness World Records na pulpolitikong may pinakamaraming tweets na “P*tang ina”. Nakatanggap siya ng papuri mula sa iba’t ibang bansa kaya naging world trending ang #P*tangIna. Malaking karangalan ang kanyang dinala sa Pilipinas nang hirangin siya bilang “Dumbassador to the UN” o ang opisyal na kinatawan ng Pilipinas sa UN. Dahil magaling magsalita ng Ingles, malaking ambag ang kaniyang pagiging “Grammar Nazi” sa usaping pangkapayapaan sa loob at labas man ng bansa. Isinulong niya ang kanyang adbokasiyang genocide sa pamamagitan ng extra judicial killing sa mga durogista. Muntik na niyang masungkit ang Nobel Fish Prize para sa mga polisiya sa West Philippine Sea.
PILOSOPIYA SA BUHAY:
Ang asong tahol nang tahol, minsan nagiging troll. Sana all!
‘‘
P*tang ina”
-
KUPAL PANELO ‘‘
Gumamela, sampaguita, raflesia, bougainvillea, euphorbia, flor de luna, kadena de amor, calla lily, ilang-ilang, waling-waling, kalachuchi, dama de noche, daisy, at tulips.” -
“Joker” RATING: 9/10 AMBAG: Siya ay nagsilbi bilang pinuno ng Presidential Translation and Clariffication Office ng pangulo. Malaki ang utang na loob sa kaniya ng sambayanang Pilipino dahil siya lamang ang nagiisang tagapagsalin ng mga anunsyo mula sa palasyo. Masuwerte talaga ang palasyo dahil pinagbigyan niyang maging tagapagsalita nito kahit na punong-puno ang iskedyul sa regular niyang trabaho— ang pagpapayaso sa perya. Mahilig talaga magpatawa si Kupal kaya marami siyang napapasayang tao. Likas na mabulaklak ang salita niya kaya hindi kataka-takang napanalunan niya ang Puleche Prize for Feature Writing. PILOSOPIYA SA BUHAY:
In time of universal deceit, telling the truth is not in my vocabulary.
H U N Y O 2 0 2 0 • YAS! •
46
FRANCISCOVID DUQUE “Medical Politician” RATING: 5/10 AMBAG: Naging mabunga ang kaniyang panunungkulan bilang kalihim ng Kagawaran ng kalusugan dahil nakamkam niya at ng kaniyang negosyo ang malalaking proyektong pangkalusugan. Bagamat maraming paglabag sa batas ang kanyang kumpanya kaya ito napasara noong 2015, balik-operasyon naman ito kaagad nang bumalik si Duque sa kaniyang pamumuno sa Kagawaran ng Kalusugan. Isa rin sa mga highlight ng kaniyang karera ay ang kaniyang ipinakitang estratehiya upang mapuksa ang pagkalat ng COVID-19, isang misteryosong veerus na wala pang gamot na naimbento. Kahit na may malaking tyansang maging pandemya ang veerus, hindi nagpatinag si Duque dahil naniniwala siya na “The supreme art of war is to subdue the enemy without fighting.” Mapupuksa talaga ang veerus kahit walang gawin upang mapigilan ang pagkalat nito. Saka sayang
din nga naman talaga ang magiging pinsala sa ekonomiya kung pipigilan pumasok ang mga turistang nagdala ng veerus sa bansa. PILOSOPIYA SA BUHAY:
Health ninyo is wealth ko. Just DOH it yourself.
‘‘ Negosyo o kalusugan, bayan o sarili, pumili ka!?” -
SELFIE KINGPIN MONG GO “First Lady-Senator of the Philippines” RATING: 9/10
47 • YAS! • H U N Y O 2 0 2 0
AMBAG: Maging tuta at alalay ni Dudirty. Si Mong Go ay parang isang kowala o paniki na kapit na kapit sa kanyang amo na si Dudirty. Kada-selfie, andiyan si Dugong. Kada-presscon, andiyan si Mong Go. Kada-galaw, mapapasyal man o pulitika, andiyan si Mong Go. Galawang First Lady ng Pinas. Kung may pangalan lang ang anino ng pangulo, Mong Go na siguro ang tawag dun. Gayunpaman, hangang-hanga talaga ang sambayanan sa ipakitang katapatan ni Mong sa kaniyang amo. Maraming hinala at usapusapan na magjowa na ang dalawa ngunit walang official statement ang lumabas. Ngunit sabi nga nila, action speaks louder than words. At kita naman sa kanilang kilos na hinahanap-hanap nila ang isa’t isa. #Relationship goals talaga silan. #DuMong FTW!
PILOSOPIYA SA BUHAY:
Kahit saan naroon ako.
‘‘
ka
man,
Pres. Dudirty said he is ready to go to jail. I told him, I will go with him to jail because I know he is just doing his job. That is how much I love the President.”
-
KOKONUT FACEPALMENTEL “Kokovid-19” RATING: 10/10 AMBAG: Dahil nasa kamay niya ang batas, kahit ano ay kaya niyang gawin. Mahilig talaga siyang tumakbo at maghabol. Pati puwesto sa senado hiningal siyang habulin noong mga nakaraang eleksyon. Mahalaga ang ginampanang papel ni Kokonut lalo na sa pagpapalaganap ng Kovid-19 sa buong Luzon. Magaling siyang gumawa ng batas na always may exeption. Ginawaran niya ang kaniyang sarili ng immunity para matakbuhan ang lahat ng kaso. Gayunpaman, hindi niya nasakop ng immunity ang kaniyang immune system. Palibhasa ay bar top notcher, sa anomang kaso ay nakalulusot. Malaking tulong ang kaniyang Alzheimer’s sa kaniyang kasikatan nang makalimutan niyang magself isolate. Sa katunayan, natalo pa niya si Whipped Mocha ang Mahimalaing Birhen ng Social Media sa paramihan ng likes at shares sa Facebook. Masasabing
isang alamat sa larangan ng pulpolitika si Kokonut. Masuwerte talaga siya st hindi siya nagmana sa kaniyang tatay. PILOSOPIYA SA BUHAY:
It’s the Koko fruit, of the Koko tree, from the Koko Facepalmentel family.
‘‘
Nakalimutan kong may Alzheimer’s ako!” -
BATO-BATO PRICK DELA ROSA “General Hagulhol” RATING: 10/10 AMBAG: Si Bato-bato Prick dela Rosa ay ang senador na responsable sa pagkamatay ng mga maralita sa kalsada noong siya’y chief ng PNP. Kilala rin siya dahil sa kanyang “meltdown” noong kuwinestiyon siya sa kanyang pahayag tungkol sa dating Mayor na si Antonio Sanchez. Bukod pa roon, kilala rin siya sa naihi noong senatorial debate pagkatapos ng isang oras ng salitan at mga walang kwenta niyang kasagutan. Gayumpaman, neophyte man kung maituturing sa paggawa ng batas, hindi maitatangging isa si Bato-Bato Prick sa mga masisipag na senador. Iyakin man sa telebisyon, hindi kaila ang kaniyang kisig at husay pagdating sa debate sa senado. Mauutal na lamang ang kanyang kadebate dahil siya talaga ay may killer instinct, pinatalas ang kaniyang isipan dahil sa dami ng kaniyang pinapatay. Kaya walang duda ngang ang kaniyang karera sa pulpolitika ay kasingkintab ng ulo niya.
PILOSOPIYA SA BUHAY:
Walang matigas na bato sa mainit na senado.
‘‘
Sh*t happens.” -
H U N Y O 2 0 2 0 • YAS! •
48
DUGONG DUDIRTY
SEXIEST MAN OF THE YEAR
“Dudirty Hari ng Dabow, Una sa kaniyang pangalan, Hari ng mga Machopapito, Poon ng mga diablo, Beshy ni Winnie Xi Pooh, Puppet ng Oligarkiya, Puppeteer ni Bato-Bato Prick at Mong Go pati ni Pamalo, Tatay ng mga DDS na siraulo”
‘‘
P*tang ina. Y*wa. G*go. Sh*t. F*ck you. Give me 3-6 months, papatayin ko kayo!!!” -
AMBAG: Wala na sigurong makahihigit pa sa pagkadakila ni Dugong Dudirty na isa sa pinakamagaling na umupo sa Iron Thorns. Bagay talaga siya sa Iron Thorns kase siya ay may iron hands. Si “Tatay Dugong” kung siya ay tawagin ng mga feeling close niyang supporters. Hangang-hanga talaga ang maraming Pilipino kay Tatay Dugong dahil sa kaniyang angking galing sa pagsasalita. Lahat ng problema ng bansa ay nasusugpo niya sa loob lamang ng 3-6 months kaya “Dudirty Forever!” talaga ang sigaw ng kaniyang supporters. Ayon sa mga urban legends, mayroon daw siyang alagang tatlong dragon na bumubuga ng apoy. Ayon sa mga nakasaksi, tinatawag daw niya ang kaniyang mga alagangaso na Bhong,
RATING: 5/10 Batoh at Paneloh. Tahol nang tahol ang mga ito kaya sila daw ang lucky charm ni Tatay Dugong. Isa sa mahahalagang kontribusyon niya ay ang pagpapalago ng ekonomiya dahil sa pagyabong ng mga negosyo tulad ng puninarya sapagkat nagkaroon siya ng mass killing kaya naging in demand ang pagiging embalsamador, make-up artist, at life insurance agent sa panahon niya. Dumami rin ang trabaho sa Business Trolling Outsourcing o BTO dahil marami ang mga keyboard warriors na kinailangan niya. Wala talagang kaduda-duda na deserve niya ang Iron Thorns. Para siyang si Daenerys Targaryan sa Game of Thrones. Kulang nalang talaga si Jon Snow para matapos na ang paghihirap niya.
Sa susunod na taon, abangan naman kung sino-sino ang makakapasok sa Top 10 Sexiest pulpolitiko ng Pilipinas. Alam naming mas marami pa ang karapat-dapat makapasok sa listahan kaya maging mapagmatyag at laging bantayan ang ating mga pulpolitiko dahil kayo ang pipili ng susunod na makakapasok.
49 • YAS! • H U N Y O 2 0 2 0
PILOSOPIYA SA BUHAY:
Ang tunay na kalaban ko ay ang aking sarili.
TRANSPROBLEMA
WHO? OPPANELO RATES PH TRANSPORT SYSTEMS NI ELITISTA BABIE | SINING NI KOKOTE PIMENTEL
51 • YAS! • H U N Y O 2 0 2 0
‘‘
Walang transproblema. Dapat lamang ay maging creative tayo! Maaga lang dapat magising. SALAMANDER OPPANELLO SA ISYU NG TRAPIKO
N
asubukan na raw ni OPPAnelo ang lahat. At masasabi niyang stress-reliever talaga ang pampublikong transportasyon ng Pilipinas. Sa tamang diskarte lang, tiyak na makararating pa rin sa paroroonan. Alamin kung bakit niya nasabing deserving ito mabigyan ng stars!
JEEP (4 OUT OF 4) - Magandang pang-photo op (tingnan ang kanyang mga selfie bilang patunay!) - May butt massage sa bassboosted jeepney - Neon lights na parang nasa party ang feeling - Ramdam ang pawis ni crush habang magkadikit
H U N Y O 2 0 2 0 • YAS! •
52
LRT/MRT (4 OUT OF 4)
- Maiinternalize ang buhay ng isang sardinas - Patigil-tigil na mas intense pa sa roller coaster - Pampahaba ng pasensya ang pila - May libreng fireworks display sa gitna ng Anonas at Katipunan
BUS (4 OUT OF 4) - Matututong maghabol ng bus para mahabol din ang grades sa school - Libreng primetime drama habang nagtatalo ang mga kapwa pasahero kung sino dapat umusog at umupo - Libreng sermon ng konduktor tulad ng sermon ni nanay na miss na miss mo na - Maiinternalize din ang buhay ng isang sardinas
MOTOR (3 OUT OF 4)
- Kakaiba ang thrill sa pagsakay - May libreng modelling experience dahil sa wind effect - Masisinghot ang fresh air ng Pinas
UV EXPRESS (4 OUT OF 4)
- May malambot na upuan pang-relax sa traffic - Liliit ang pwet dahil naiipit ito araw-araw - Pampahaba rin ng pasensya ang pila
TRICYCLE (3 OUT OF 4)
- Sauna experience lalo na sa tanghali - Langhap sarap ang tambucho ng kotseng nasa harap - May butt massage din
O ‘di ba, wala naman talagang transpo crisis ang Pinas! Sa uulitin!
H U N Y O 2 0 2 0 • YAS! •
54
PACK WITH ME
THE KILLER
VISA Ni SULAT BILAT SINING NI KOKOTE PIMENTEL
E
Excited ka na ba sa US Trip niyo ngayong bakasyon? Lumipad ang aming team para makapanayam sa Sengago ang ating peymus na travel-vlogger na si Batotoa dela Rose. Ito ang mga tips niya sa inyong pag-empake sa susunod niyong US Trip.
Para mabilang ‘yung araw bago tuluyang ma-terminate ang VFA sa US, magdala ka ng kalendaryo Opkors hindi dapat makalimutan ang mga papeles ng VFA with US Mahalaga rin na dalhin mo ang litrato ni De Libra para may pang stress relief ka Huwag na ‘wag mong kalimutan ang US visa mo Kahit na bawal, dala ka pa rin ng gunting para all the time ready na sirain ang papeles ng VFA 55 • YAS! • H U N Y O 2 0 2 0
ALAM NIYO BA?
1 Alam niyo ba na sa pagkakulong ni De Libra, ang archnemesis ni Dudirty, ang resbak ng US ay pagtanggal ng VISA ni Batota?
2
3
4
Alam niyo rin ba na dahil sa kahayupan na pagpatay ng mga inosenteng bata sa Giyera laban sa Droga, tuluyan nang bawal lumakbay si Batota sa US?
Alam niyo ba na ang maliit na isyu ni Batota ang ginamit para makahanap ng excuse si Dudirty na umatras na sa VFA sa US?
Alam niyo ba na kahit ‘di matuloy ang pag-atras ni Dudirty sa VFA, pwede niya na lang tigilan ang pakikisalamuha ng militar natin sa US?
Bumili ng malaking maleta na may design ng US para magkunwaring pro-US.
Baka magalit si daddy Digong, ‘wag kalimutan ang collar at pantali mo
Dahil pagtapos naman ng isyu na ito wala ka nang magagawa, dala ka narin ng invisibility cloak mo kasi maglalaho ka sa pag-ako ng responsibilidad
Hindi mo na kailangan magdala ng damit kasi siguradong hindi ka papalampasin sa airport
Huwag kalimutan ang eyedrops para madaling magkunwaring umiiyak H U N Y O 2 0 2 0 • YAS! •
56
WHICH MONGGO LOVER ARE YOU? HORRORSCOPE
D 1
ala nng pagkayamot ng mga kabataang Pilipino, umusbong ang iba’t ibang Facebook group tulad Unsubtle Syota Searching at Online Landian kung saan layon ng mga miyembro nito na makahanap ng jowa. Kaya naman hindi na kagulat-gulat kung bigla-bigla na lamang na may susulpot na mukha ng kaibigan mo na nananawagan para mawakasan na ang kanilang single status. Iba talaga ang nagagawa kapag uhaw na sa pag-ibig.
BUNTOT NG TUTA
Laging nakasunod saanman pumunta si babe. Palawan? G! China? Sandali lang at mag-iimpake na ako. Kahit ata sa Antarctica siya pumunta nakasunod ka pa rin. Hindi alintana na may mga tungkulin ka pang kailangang tugunan basta kasama mo lang ang iyong pinakamamahal. Paano ang pamasahe? Syempre, sagot na ‘‘yan ni babe basta ikaw ang kasama. Kailangan niyo rin daw kasi minsan ng break mula sa trabaho niyo. -
2
EVER LOVING SENATOR
Basta napapangiti mo siya, masaya ka na. Kaya nga kahit anong utos niya, ready to comply ka kasi baka may reward na kiss kapag nagawa mo nang maayos. Kaso minsan wala ka nang oras sa kanya kasi masyado kang “busy” gawin ang mga trabaho mo. (Pero alam naman nating matagal nang lumipas ang deadline.) Pakitang gilas ka muna sa iba para sa susunod nakaupo ka pa rin sa puwesto kasi nakikita nila na ginagawa mo nang “maayos” ang iyong trabaho. -
3
NI PIPING DILAT SINING NI MATT T. GANG
CIRCUS CLOWN
Suki sa Subtle Clown Traits dahil isa kang malaking clown. Lakas ng loob mangako pero ipapako rin pala. Subukan mo namang tuparin sa susunod, kinakawawa mo iyong mga taong umaasa sa iyo. Pagdating ng panahon na kailangan ka ng marami parang nalimot mo na ata iyong kasunduan niyo kasi pakiramdam mo hindi mo kakayanin ang responsibilidad. Aba, dapat hindi ka na naghabol!
57 • YAS! • H U N Y O 2 0 2 0
4
TAMPORURUROT
Ngunit bago mo ipangalandakan kung gaano kalungkot mabuhay ng walang tinatawag na babe, love o sweetheart, kailangan mo munang kilalanin ang sarili mo para malaman kung anong uri ng tao ang babagay sa iyo. Huwag mong ikulong ang sarili mo sa konsepto ng iyong sun, moon, at rising, tuklasin mo rin kung anong uri ng kasintahan ka. Narito ang ilang uri ng mga lover sa kinatawan ng pinakamamahal na tagasunod ni Haring Dugong na si Monggo:
6
FIRST LADY
Minsan talaga hindi mo maiwasang magtampo. Sino ba namang hindi gustong sinusuyo? Kaya todo ang papuri sa iyo ng jowa mo—dinaig pa niya ang deboto ng Nazareno sa pagsasanto niya sa iyo. Ikaw naman itong tuwang-tuwa na naliligo sa papuri niya kasi extra brownie points sa mga nasasakupan niyang bulag pa rin sa katotohanan. Hindi na siguro nakapagtataka kung may praise kink ka, ano?
Minsan napagkakamalan kang personal assistant pero ang totoo ikaw ang kaniyang First Lady. Konting pakipot lang nakukuha mo na ang gusto mo. Mahirap nga lang kapag marami kang gusto. Pero tamang pabebe lang, sis, at baka ipatupad niya rin ang travel ban para sa iyo. Syempre, sa iyo lahat ng credit kasi kung hindi dahil sa iyo baka hindi niya iyon ginawa kahit pa para sa nakabubuti ng nakararami.
-
-
5
MAMA’S BOI
Mapagparaya pero hindi ka papakawalan. Ito ang mga pagkakataon na gusto mo ikaw ang unang sumubok ng mga bagay na kinahihiligan niyo tulad na lamang ng pagmamaneho ng motorsiklo sa loob ng Malacañang. Exciting, hindi ba? Pero dahil paborito ka naman ni mama, hahayaan mo na lang siyang mauna. Masusubukan mo naman din iyon. Kailangan mo nga lang maghintay na magsawa siya. Basta hindi ikaw ang pagsasawaan niya. -
7
GHOSTER
Ito iyong lalandiin mo pero hindi mo pananagutan. Hindi ata iyon tama! Isang linggong ibigan tapos sa susunod na araw nawala na lang nang parang bula. Sa simula ka lang magaling pero kapag nagtagal iiwan mo rin kasi mas gusto mong lumahok sa mga party kaysa makinig ng mga panukala ng mga katrabaho mo. Pero hindi ka papatinag. Dapat ikaw ang biktima rito at hindi ang iba. -
6
5
7
1 4
3
2
H U N Y O 2 0 2 0 • YAS! •
58
59 • YAS! • H U N Y O 2 0 2 0