Lumapas, ika-3 sa pinakamahusay na punong-guro sa Rehiyon XI
ang
Ang Opisyal na Paaralang Pampahayagan ng Davao Oriental Regional Science High School
DALUMAT
PANULAT | Paige Bernardino
H
inimok ni Gng. Jessica Lumapas, punong-guro ng Davao Oriental Regional
Science High School na ang bawat pinuno na maging disiplinado at mahalin ang trabaho upang maging epektibong lider. Pinatunayan ng nasabing punong-guro ang kanyang sinabi sa pagkamit ng panalo bilang ikatlong pwesto sa patimpalak ng Achievement of Great Instructional Leadership Award (AGILA) na ginanap sa F. Street, Davao City noong Nobyembre 25, 2023. Ayon sa Department of Education Region XI, ang pamantayan ng kompetisyon ay kasama ang kanilang nagawa, pagiging epektibo sa pagtuturo, kakayahan sa pamumuno, at pakikilahok sa propesyonal at panglipunang aktibidad. Sa karagdagan, si Lumapas ay ang nag-iisang nominado sa AGILA dahil siya lamang ang may titulong ‘SBM level III ‘Validated’ sa Sangay ng Mati. “Ang AGILA na parangal ay bunga ng aking pagsusumikap at pagiging responsable sa aking trabaho bilang punong-guro ng DORSHS at Don Enrique Lopez National High School,” pahayag pa ni Lumapas. Naniniwala rin siya na kinakailangan ng isang lider na maging mapagmatyag sa paligid at tuklasin ang suliranin nito upang mabigyan ng solusyon. Bilang panapos, nagpasalamat si Lumapas sa mga tao at mga organisasyon na nagbigaysuporta at tulong upang makamit niya ang nasabing parangal.
02
DORSHS, NASUNGKIT ANG IKA-2 PWESTO SA RSTF
PANULAT | Donna Nuñez
Ugnayan ng DORSHS, DeMolay Int’l sinelyohan ng MOA
K
atuwang na ngayon ng Davao Oriental Regional Science High School (DORSHS) ang International Group na DeMolay sa pagtulong sa pinansyal na aspeto ng mga kapos-palad na mga mag-aaral na nais makapagtapos sa pamamagitan ng paglagda ng Memorandum of Agreement na ginanap sa Activity Center ng DORSHS noong Enero 17, 2024. Bukod pa sa nasabing layunin, hangad din ng nasabing orgaisasyon ng mga disiplinadong kabataan upang magkaroon ang
07
05 Opinyon
Lathalain
LAGDANG BIGKIS: HALIGING PANG-EDUKASYON
TATAK REGSCIAN : ANG PAMAMAYAGPAG NG ALUMNUS SA DALAWANG BOARD EXAMS
10
12
Isports
Agham at Teknolohiya
RHINOS INUNGUSAN ANG WILDCATS, 25-11; TRONO MULING HINABLOT
DAVAO REGION LUBOG SA BUNTOT NG LPA
bansa ng mapagkakatiwalaang lider sa hinaharap kalakip ang paniniwala nila ang mgaestyudante ay karapat-dapat na paglaanan ng suporta dahil taglay nila ang kahusayan sa Matematika at Agham. Ayon kay District Deputy Grand Master Rufo Trocio, ang hinahanap nil ana maging benepisyaryo ay may pananalig sa Diyos, interesadong matuto, at nasa edad 11-17 taong gulang.
“
We are not signing a document, we are nurturing future leaders, fostering limitless opportunities, and we are uniting a world where young minds are empowered,” saad ni Trocio talumpati.
sa
kanyang
Bilang karagdagan, iginiit din ni Teresita Reyes, pangulo ng organisasyon na kinakailangan ng mga mag-aaral na magsumikap sa kanilang pag-aaral sapagkat handa silang
suportahan ang kanilang edukasyon sa kabila ng krisis ng bansa. “Follow your dreams, make efforts to your academics, mag-aral kayong mabuti dahil ang edukasyon lang ang makatutulong sa inyo upang magkaroon kayo ng magandang kinabukasan,” sabi ni Reyes. Gayunman, nagpapasalamat naman ang punong-guro ng naturang eskwelahan sapagkat isa sila sa nabigyan ng oportunidad na matulungan ng organisasyon kaugnay sa edukasyon.
Catch-up Friday’ ng DORSHS tugon sa mababang PISA result PANULAT | Rizzy Masangay Agad na umaksyon ang Kalihim ng Edukasyon na si Sara Duterte upang masolusyonan ang mababang resulta ng Program for International Student Assessment (PISA) 2022 sa paglunsad ng ‘Catch-up Friday’ na sinimulan noong Enero 12, 2024 sa lahat ng pampublikong paaralan. Ayon sa DepEd Memoramdum 001 s. 2024, layunin ng nasabing programa na palakasin ang pundasyon ng kaalaman at kasanayan ng bawat mag-aaral kaugnay sa pagsunod ng MATATAG curriculum. “The ‘Catch Up Fridays’ will dedicate half of every Friday to reading and other half to values, peace and health education,” saad pa ng nasabing memoramdum. Isinagawa ang programa matapos masiwalat ang resulta ng PISA 2022 na nagpapakita na ang mga estudyanteng Pilipino ay nakakuha
ng 355 sa Matematika, 347 sa Pagbasa, at 357 sa Agham. Ang Pilipinas ay kasali sa sampung bansa na nakakuha ng may pinakamababang puntos sa nasabing pagtatasa. Bagaman tumaas ng dalawang puntos ang Matematika at pitong puntos ang nadagdag sa Pagbasa, bumaba naman ng 1 puntos ang Agham na parehong nakababahala. “The teachers should engage in collaborative sessions to share best practices in implementing the program,” dagdag pa ng nasabing kagawaran. Kaugnay nito, hinikayat din ni Duterte ang lahat ng guro na makiisa sa pagimplementa sa programa upang mas mapatatag ang programa at magkaroon ng magandang resulta sa pagbibigay ng kalidad na edukasyon sa bawat mag-aaral.
balita
02
‘Project Paglaom’, ganap nang Ordinansa ng Mati City
DORSHS, NASUNGKIT ANG IKA-2 PWESTO SA RSTF
PANULAT | Paige Bernardino Itinaguriang kauna-unahang city ordinance ng Davao Oriental Regional Science High School ang Project Paglaom na pinamunuan ni Patricia Linaza nitong Nobyembre 28, 2023.
Shymel Nuñez
IMBENTAGUMPAY Kinilala si Freanca Siason na isang mag-aaral sa DORSHS, sa matagumpay na pagkamit ng ikalawang puwesto ng kaniyang pananaliksik na "Contactless Temperature System with Integrated Disinfectant Mist" sa isinagawang RSTF noong Disyembre 7, 2023.
PANULAT | Donna Nunez
N
akamit ang ikalawang pwesto ng Davao Oriental Regional Science High School (DORSHS) sa (Regional Science Technology Fair (RSTF) sa kategoryang Research Physical Science na ginanap sa Daniel R. Aguinaldo National High School, Davao City nitong Disyembre 7, 2023. Kinilala ang kalaho na nasabing patimpalak na si Freanca Siason kasama ang kanyang tagapagsanay na si Gene Pearl Luna.
Ang Opisyal na Paaralang Pampahayagan ng Davao Oriental Regional Science High School
“Ang pamagat ng aming pananaliksik ay Contactless
Temperature System with Integrated Disinfectant Mist na ang pinakalayunin ng device na ito ay upang mapigilan at maiwasang kumalat ang iba’t ibang sakit n amay dalang masasamang mikrobyo”
Dagdag pa niya, ang kaibahan ng kanyang device sa mga temperature sa scanner ay mayroong disinfectant mist at napadadali rin nito ang pagsubaybay ng kalusugan ng bawat tao.
“Plano ko ring ipagpatuloy ang aking nasimulang pagaaral dahil alam ko na may malaking maitutulong ito sa ating lipunan at hindi lang ito
Samantala, nagpapasalamat din siya sa mga taong sumuporta sa kanya gayundin sa Mati City Division sa ibinigay na opurtunidad sa kanya na irepresenta ang kanyang paaralan. Hinimok din niya ang kapwa mag-aaral na ipagpatuloy ang pagsali sa RSTF upang mas lumawig ang kanilang kaalaman sa larangan nang pag-iimbensyon.
Ang pagtupad ng ordinansang ito ay nagreresulta ng paglawak ng layunin ng nasabing proyekto na magkaroon ng isang komunidad ng mga nagtutulungang kabataan sa pamamagitan ng pagbibigay ng dekalidad at inklusibong edukasyon sa mental health. Ang proyektong ito ay naging kilala sa lungsod matapos ang mga matagumpay na aktibidad, na humantong sa isang pagpupulong noong Agosto 2023 para sa planong paglungsad ng Project Paglaom bilang isang ganap na ordinansa. Plano rin ng presidente ang ipagpatuloy ang mga programa na nakapaloob sa proyekto upang mas mapabisa ang epekto nito sa mga mamamayang kabataan sa lungsod ng Mati.
Suliranin ng DORSHS sa waste segregation, sagot ng Project Clean & Green PANULAT | Rizzy Masangay Seryusong binabalikat ng Davao Oriental Regional Science High School ang pangangalaga sa kapaligiran sa pamamagitan ng pagpapatibay sa implementasyonng 'Project Clean and Green' na nakapaloob sa Division Memorandum No. 169, s. 2023o ang "Division Search for Clean and Green School". Alinsunod sa naturang memo, isinusulong ngayon ni Gng. Jessica M. Lumapas,punongguro ng nasabing paaraalan, ang MATATAG Agenda ng Kagawaran ngEdukayon (DepED) na nakatuon sa pagtataguyod sa kalinisan ng mga pampublikongpaaralan bilang pangangalaga sa kapakanan ng mga Pilipinong mag-aaral.
Sa paraang ito, mas healthy at mas ligtas sila habang natututo. Under thisproject, pinagsisikapan nating maipaabot sa kanila at sa mga kaguruan angkahalagahan ng paglilinis sa ating paligid kase bukod sa tayo naman din ang makikinabang ay tayo rin naman ang nagkakalat dito, lalo pa't talamak ngayon ang suliraning pangkalakisan, saad ng nasabing punongguro.
D
magagamit sa tuwing may epidemya, magagamit din ito pang-araw-araw nating pamumuhay.” pahayag pa ng mananaliksik.
Ang "The Ordinance institutionalizing Peer Support Groups: Project Paglaom ay may layuning itaguyod ang karapatan ng mamamayan sa kalusugang pang-kaisipan at pagpapahalaga sa kamalayan sa mental health sa kabataan.
Isa sa programang nakalakip ng Project Clean and Green ay ang WasteSegregation Policy sa kada klasrum ng
WasteSegregation Policy sa kada klasrum ng DORSHS, isang direktibang inilunsad ni Lumapas bilang paghihigpit sa polisiya ng tamang pagtatapon ng mga basura sa loobng naturang paaralan. "Innovatively, we think that this policy l would be of great help upang makalikomng pandagdag-pondo para sa ating proyekto. Maari nating ibenta ang mga plastic,bakal, at iba pang recyclable materials o maari rin tayong gumawa ng panibagong mgamaterial mula sa mga ito tsaka natin ibenta,” dagdag pa ni Lumapas. Kaugnay nito, naging kaagapay naman sa pagsasakatuparan ng nasabingproyekto ang Supreme Student Learner Government (SSLG) matapos na maisagawa ngmga ito ang kanilang Project Green Crews, isang clean-up drive eventna ginanap noongNobyembre 10, 2023, na nilahokan ng lahat ng mga magaaral ng DORSHS. Samantala, ibinahagi naman ng nasabing ginang na naging suliranin sa unangyugto ng kaniyang proyekto ang kakulangan sa disiplina sa mga mag-aaral kayanakipagtulungan umano siya sa mga guro bigyang-ebalwasyon ang mga ito. Umaasa si Lumapas sa pakikipagtulungan ng iba pang mga student clubs ngDORSHS sa pagpapalawak sa impluwensiya ng naturang proyekto, at hinimok anglahat na ipagpatuloy ang pagsuporta sa adbokasiyang pangkapaligiran ng kaniyang administrasyon.
Symel Nuñez
TINIG NG KAMPEONATO Matagumpay na nakamit nina Lavina Naive, Azalea Rimando, at Marcus Joaquin Saez ang unang pwesto sa ginanap na Debate Contest sa Matiao Central Elementary School, noong Nobyembre 17, 2023.
Yes to Open Market Competition-Laviña PANULAT | Rizzy Masangay Nagkampeon sa ginanap na “DIVISION BIDA KA SA READING CAMP 2022” debate contest sina Lavina L. Naive, Marcus Joaqin Saez, at Azaleah Rimando, mga mag-aaral ng Davao Oriental Regional Science High School (DORSHS) sa grade 12, noong Noyembre 17, 2023 sa paaralang elementarya ng Matiao Central. Matagumpay na nadepensahan ng naturang koponan ang proposisyong “pagtibayin ang open market competition,” mula sa panig ng Mati National Comprehensive High School matapos ang kanilang masinsinang pagtalakay sa Batas Republika Blg. 10667 o ang “Philippine Competition Law” na sumusuporta sa pagtanggap ng Pilipinas ng investment mula mga pampribadong kampaniya. “Itinataguyod ng open market competition ang pagpapaunlad sa mga entrepreneurs, pagtanggap sa mga private investments, at pagsulong sa inobasyong pangteknolohiya, at resource productivity. Sa tulong nito, magiging mababa ang presyong mga pamilihin at mas marami ang pagpipilian ng mga mamimili,” pagpupunto ng pangulo ng nasabing panig na si Lavina L. Naive, isang panayam. Nakapailalim aniya sa naturang batas ang pagtatatag ng pamahalaan ng matibay na ‘regulatory framework’ upang masiguradong pantaypantay ang lahat ng mga negosyo sa loob ng merkado, at maprotektahan ang kapakanan ng mga konsyumer. Bukod sa unang puwesto, nag-uwi rin ng isa pang karangalan ang nasabing grupo matapos itanghal si Naive bilang “Best Debater” sa pinal na yugto. Nagpaabot naman ng pasasalamat si Naïve sa kaniyang mga kasamahan at tagapagsanay na si Gng. Kristal Entrino, at hinimok ang kaniyang mga kapwa mandedebate mula sa naturang paaralan na ipagpatuloy ang pagpapalago sa kani-kanilang mga abilidad sa pangangatuwiran.
ang
DALUMAT
Ang Opisyal na Paaralang Pampahayagan ng Davao Oriental Regional Science High School
BALITA
03
WATCH, layong magimplementa ng 'Integrity Store' sa Enero
Shymel Nuñez
MANA-YAMAN Dalawang miyembro ng isang pangkat-etniko ang masayang nagbaliktanaw sa yamang pamana ng mga ninuno sa pagdiriwang ng National Indigeneous People's Month noong Oktubre 20, 2023.
DORSHS, kaisa sa pagdiriwang ng National Indigenous People's Month Pumalo ang Davao Oriental Regional Science High School (DORSHS) sa isinagawang panaggubok 2023 ng Davao Oriental State University noong Oktubre 20, 2023 bilang sapaggunita ng Pambansang Buwan ng mga Katutubo. Kalakip sa temang "Papayaman ng Pamanang Kultura at Katutubong Yaman tungo samas maliwanag na Kinabukasan para sa Bagong Pilipino," binigyang tuon ng nasabingpagdiriwang ang patuloy na pagkilala at pagtataguyod sa kultura at tradisyon ng iba't-ibang pangkat etniko sa Pilipinas, kasama na diyaan ang grupong Mandaya at Kagan. “Tayo ay nagbabalik tanaw sa yamang pamana ng ating mga katutubong ninuno. Theyare the living bearers of our tradition ika nga kaya we have to reiterate and support theirrights, to protect our ancestral domain," pahayag ni Doc. Gemma M. Valdez, Dean ngFaculty of Education ng DorSU sa kaniyang pambungad na pananalita sa naturangprograma. Naging pangunahing kaganapan naman sa Panaggubuk ang digital at gallery walk kung saan
ipinakilala ang mga iba't-ibang mga katutubong pangkat sa Filipino, isangfood exhibit, at nagkaroon pagtatalakay sa pagkakilanlan ng mga katutubong pangkat. "Isang napakagandang karanasan para sa akin ang Panaggubok. Masnapaglalim ang aking kaalaman tungkol sa mga katutubong Pilipino, lalo na sa mgaMandaya, kung saan nabibilang ako," giit ni Sandara Wyne Abunda, isa sa mga mag-aaral ng DORSHS na lumahok sa nasabing aktibidad, sa isang panayam nitong Martes. Una nang ipinakita ng DORSHS ang kanilang pagtangkilik sa mga katutubongmamamayan ng bansa sa pagdiriwang nito sa Indigenous People's Day noong Agosto18, 2023 sa pangunguna ng Supreme Student Learner Government. Samakatuwid, kinilala ang mga dumalo na sina Gng. Jessica M. Lumapas, punonggurong DORSHS at Gng. Marilyn G. Pajaro, DORSHS IP Coordinator, at Sandara Abundakasama ang siyam pa ka mga mag-aaral mula sa naturang paaralan.
AGBAY Teen Center ng Regscians, handa nang sumabak sa antas 3 Handa na ang Assistive Guidance for Better Adolescent Years (AGBAY) Teen Center upang tumahak sa mas mataas na lebel ngayong taon. Sa pagsusuri nitong Mayo 2023, kinilala ang AGBAY sa pagpasa sa lebel 1 at preparado na para sa pagtatagumpay sa antas 2 at 3. Ang pag-akyat ng antas ng nasabing teen center ay nangangahulugang paglaganap ng layunin nitong maging tulay sa mga estudyanteng makapaglabas ng kanilang mga iniisip ukol sa mental, sosyal, at iba pang mga alalahanin. Sa unang antas, inimplementa ng teen center ang mga monitoring tool gaya ng checklist para sa pasilidad.
Matapos ang tagumpay sa unang antas, handa na nga ang teen center sa outreach programs para sa ikalawa at ikatlong antas na kamakailan ay nakapagsagawa sila nitong Disyembre 2023. Sa kabila ng mga hamon sa pera at kakulangan sa tao, walang panghihinayang si Coordinator Marilyn Pajaro sa pagtanggap ng alok. Nasabi niya na matagumpay nilang nalampasan ang mga pagsubok, na nagbigay-daan para sa AGBAY na tuparin ang layunin nito. Sa huli, ikinatuwa rin ng kasulukuyang coordinator ang pag-aambag sa kapakanan ng mga Regscians at ang positibong epekto ng AGBAY Teen Center sa komunidad.
Isasabuhay na ng WATCH Club ang pagiging matapat sa pamamagitan ng pagtatayong 'Integrity Store' sa Davao Oriental Regional Science High School (DORSHS) nasisimulan ngayong linggo. Kinumpirma ni Gng. Marife Sagpang,WATCH Adviser, na ito ang kauna-unahang'Integrity Store' sa siyudad ng Mati, at layunin aniya nitong hubugin ang integridad ngmga mag-aaral ng DORSHS at maipamalas sa kanila ang pagiging makatotohanan. “May nakakandadong kahon na ilalagay namin sa tindahan at nakasulat na sa mgapaninda ng mga presyo nito. Para naman sa pagtatala, mayroong logbook na lalagdaan ng mga mag-aaral ng kanilang pangalan at pinamili. We will see whether ourstudents will pay or pay the exact amount," saad ni Sagpang. Paglilinaw naman niya, hindi upang 'hulihin' ang mga mag-aaral na hindi
magbabayad kundi upang untiunting sanayin ang mga mag-aaral sa paggawa ng tama kahit walaumanong nakakakita. “Kung mayroon mang makuha sa akto, we will take action, ensuring that the studentswill learn the real value of truthfulness at mayroon ding peer counseling. Fostering honesty among RegScians doesn't happen overnight, so, hindi naman nila kaagadmakukuha ang goal na nais nating ipaabot pero pagsisikapan nating matututo sila,”pagpapaliwanag ng nasabing ginang. Kaugnay rito, bukas ang pangulo ng WATCH na si Freanca Hasheena Siason kungsakali man umanong may ibang mga organisasyong interesado sa pakikibahagi atpagtulong sa implementasyon ng nasabing proyekto. Nagbigay paalala naman ang naturang organisasyon na magabang lamang angkanilang mga anunsiyo para sa dagdang pang impormasyon.
DMAT ‘Love in Action’: Kaalamang Handog sa 150 ka-bata
Shymel Nuñez
BATANG MAY KAALOVEMAN Namahagi ng tulong at kaalaman ang DMAT team ng DORSHS sa isinagawang "LOVE IN ACTION" program sa Purok Madasigon, Magapo-Uno, noong Disyembre 19, 2023.
Matagumpay na inilunsad ng Disaster Management Action Team (DMAT) ang programang ‘DMAT Love in Action’ na may layuning magbahagi ng kamalayan sa mga kabataan hinggil sa paghahanda sa posibleng mga sakuna noong Disyembre 19, 2023 sa Purok Madasigon. Pinalawak pa ng DMAT ang kanilang serbisyo di lamang sa loob ng paaralan kundi pati na rin sa higit kumulang 150 na mga bata sa Purok Madasigon kung saan sila ay nagturo paano ang paghahanda sa mga kritikal na hakbang na gagawin sa panahon, bago, at pagkatapos ng mga sakuna.
pero sa tulong ng DMAT, natutuhan ng mga bata ang tamang hakbang na makakatulong sa kanilang kaligtasan. “I witnessed genuine smiles while they confidently executed the safety measures we taught them. With this knowledge, they can now spread it beyond their friends, reaching out to the entire community. Phrases like ‘Nakatuon gud ko ate’, ‘Ing ana diay dapat?’, and ‘Salamat kaayo sa pagtudlo kuya’ echoed, affirming that we made a meaningful impact and imparted valuable knowledge to these children,” saad pa ni Khyla Dimpas DMAT President. Binigyang diin din ni Dimpas ang malaking epekto ng mga kaalaman na kanilang naituro dahil marami sa kabataan ang kulang sa karunungan, kahit sa simpleng mga gawain kaugnay ng sakuna.
“The young minds of Purok Madasigon were immersed in a day of education, joy, and connection, defining the spirit of Christmas. Laughter as the children engaged in activities, fostering community Samantala, taos-pusong resilience and preparedness,” ani nagpasalamat ang DMAT team sa mga DMAT Adviser Johannes Latras. taong nagbigay ng gabay at suporta Dagdag pa niya, karamihan sa upang maisakatuparan at maging kanila ay walang kaalaman kung matagumpay ang aktibidad na kanilang isinagawa sa nasabing programa. paano umaksiyon sa mga kalamidad,
04
BALITA
Ang Opisyal na Paaralang Pampahayagan ng Davao Oriental Regional Science High School
ang
DALUMAT
Japan, katuwang ng DORSHS sa ‘English Communication Program’ Japan, katuwang ng DORSHS sa ‘English Communication Program’ ugnayang pangkultural ng naturang paaralan sa isang paaralan ng Japan ngayong araw, Miyekules, isa isang pagpupulong kasama ang Shotoku Junior High School (SJHS). Pormal na sinelyuhan ng DORSHS ang kasunduan bilang natatanging katuwang sa implementasyon ng ‘English Communication Program’ ng SJHS na layong gawing midyum ang Wikang Ingles sa pagpapalawig sa kamalayang panlipunan at pagkilala sa kalinangan ng bansang Pilipinas at Japan ng mga mag-aaral. ” I want to this program to become the pathway for young learners to become equipped of skills needed for building international relations and english proficiency,” giit ni Pansangay na Tagapamahala ng mga Paaralan ng parehong dibisyon, Dr. Winnie Batoon, sa isang panayam.
Shymel Nuñez
Batay sa pagpupulong na naganap sa pagitan ng dalawang pamantasan ngayong araw , bandang 10:30 ng umaga, mamimili umano sila ng tiglilima ka
UGNAY PARA HUMUSAY Isang pagpupulong sa pagitan ng DORSHS at Shotoku Junior High School ang isinagawa noong Enero 17, 2024 upang pagtibayin ang samahan sa planong implemantasyon ng "English Communication Program".
28 guro ng Mati, nakiisa sa ‘IPEd program’ Nagsanib-pwersa ang 28 ka mga guro at punong-guro ng Mati Northeast District sa isinagawang Division Writeshop of Mandaya , Kagan, and Manobo Orthography upang suriin ang kanilang Indigenous Peoples Education (IPEd) framework. Isinagawa ang nasabing programa sa Davao Oriental Regional Science High School noong Enero 25-27.
“
"With our own orthography crafted by elders and professional Mandaya, Kagan, and Manobo, we can feel proud of who we are. Pupils and students from the tribe can now learn and talk in their own language confidently,
wika pa ni Marilou Mabini.
Source: PISA 2022 data
Bukod kay Entrino at Batoon, dumalo din bilang kinatawan ng Mati City Division sina Dr. Leorisyl Siarot, Opisyal ng Ugnayang Panloob ng Dibisyon ng Mati City, at sina Gng. Sharon M. Morales, tagapagturo sa Wikang Ingles, at iilang pampaaralang mamahayag mula sa DORSHS. Kaugnay sa paglulunsad ng nasabing prograna, magsasagawa umano ng panibagong pagpupulong ang dalawang paaralan para sa pinal na iskedyul ng mga aktibidades sa nakalakip dito. Nag-abot naman ng pasasalamat si Lumapas sa tagapamahala ECP at umaasa siyang magbubunga ng magandang resulta ang nabuong ugnayan sa pagitan ng dalawang institusyon.
Dagdag pa rito, hangad ng nasabing programa na ipreserba at bigyang-halaga ang kultura at tradisyon ng mga katutbo ng lungsod ng Mati.
“
This also helps us keep our Mandaya stories and wisdom alive. Our language carries our history and values. Now, we can pass them down to the next generations, so they can be proud of where they come from
40%
saad pa ni Jimric Magandam.
Gayunman, ang programa ay pinangunahan ni PSDS Rizza Padilla at ang ginawang pagsusuri ay pinamunuan ni Arnel Zaragosa.
Ayon sa mga resulta ng PISA 2022, karamihan sa mga Pilipinong mag-aaral ang may mahinang kakayahan sa tatlong asignatura.
16%
"We will choose 5 qualified students from Grade 7 and Mr. Tagai will also pick 5 Grade 8 students from their school,” dagdag pa ni Gng. Kristal Entrino, Master Teacher, isa sa mga kumatawan sa DORSHS sa miting.
Napag-alaman sa isang survey sa Davao Oriental Regional Science High School na 40 porsyento lamang sa mga mag-aaral mula baitang 7 hanggang 12 ang mga mahusay na kakayahan sa pagbabasa.
Hindi umabot sa kalahating porsyento ang mga magaaral na Pilipino na bihasa sa Pagbabasa, Matematika, at maging sa Agham.
Matematika
mga estudyante na sasailalim sa mga lektura upang talakayin ang kanikanilang mga kakanyahan at ng kinabibilangan nilang komunidad.
Pagbasa
23%
Agham
24%
40 porsyento ng mga mag-aaral sa DORSHS ang bihasa sa pagbabasa
Araw ng Pagkilala sa Alumni, Planong Ilunsad ng DORSHS Magsasagawa ng ‘alumni appreciation’ na pinamagatang ‘Pasidungog’ ang Davao Oriental Regional Science High School (DORSHS) upang kilalanin ang natamong tagumpay ng dating mag-aaral sa nasabing eskwelahan. Pinamunuan ni G. Johannes Latras ang naplanuhang aktikbidad na gaganapin kasabay sa araw ng Second Quarter Recognition Program sa darating na Pebrero sa naturang paaralan. “Naisipan namin na gumawa ng programa para sa mga alumni ng ating paaralan sapagkat karamihan sa kanila ay marami ng nakamit na tagumpay sa buhay kagaya ni Kyle Dupa na dapat ay ipagmalaki natin sa pamamagitan ng Pasidungog,” wika ni Latras sa isang panayam. Inihayag din niya na ang pangunahing adhikain ng Pasidungog ay upang ipagdiwang ang angking kahusayan at saklawin ang positibong katangian ng bawat RegScian. “Hindi ito isang programa lang, ito ay isang paraan upang mabigyang-halaga ang pagsusumikap nila, hindi lamang sa larangan ng akademiko kung hindi rin sa iba’t ibang aspeto ng buhay,” saad ng guro. Ang naatasang dadalo sa nasabing aktibidad ay ang mga dating estudyante ng DORSHS na mula sa batch 2009-2023.
05
EDITORYAL KARTON
opinyon
MAMULAT
Stephanie L. Dajao PUNONG PATNUGOT
Rizzi Masangay PANGALAWANG PUNONG PATNUGOT
Donna Mae Nuñez PATNUGOT NG BALITA
Raygie G. Teman PATNUGOT SA LATHALAIN
Hallana Elien Desales PATNUGOT SA ISPORTS
Patricia Kaye Acuña
BABAngon
Naantalang karunungan: Bigo o bangon?
Lagdang Bigkis:Haliging Pang-edukasyon
S
a likod ng bawat matagumpay na paaralan ay ang pinagsamang ugnayan ng mga magaaral, guro, at mga katuwang nito. Nagsilbing mga haligi ng edukasyon ang bigkis na binubuo ng mga kasapi ng institusyon. Kaya, kasabay ng pagpapalakas at pagpapalawak ng mga ugnayang ito, ay ang pagpapayaman ng karunungan at kinabukasan ng maraming mag-aaral. Muling sumalubong ang Davao Oriental Regional Science High School ng mga panibagong pandaigdigang katuwang noong Enero 17, 2024, matapos nitong inanunsyo ang opisyal na ugnayan ng paaralan sa mga kasapi ng DeMolay kabilang ang Lion’s Club ng California, at Grand Lodge of Nebraska sa pamamagitan ng pagpirma ng Memorandum of Partnership Agreement ng paaralan at mga nasabing organisasyon. Isa itong patunay sa mga papalapit na oportunidad para sa mga Regscians, at para sa kaunlaran ng paaralang DORSHS.
,,
Lupon ng Editoryal
We are not just signing a document, we are nurturing the future leaders, fostering limitless opportunities, and we are uniting a world where young minds are empowered, ito ang naging pahayag ng District Deputy Grand Master Rufo Trocio sa MOA signing event. Noon paman, hindi na lingid sa kaalaman ng nakararami ang mga titulo, gantimpala, at mga parangal na nakakamit ng maraming mag-aaral sa DORSHS. Sa Matematika, agham, pananaliksik, at maging sa internasyonal na mga patimpalak at programa, batid ang mga kahusayan na ipinapamalas ng Regscians.
PATNUGOT SA AGHAM AT TEKNOLOHIYA
Sai Lin Lee ___________ RegScianekstra Shymel Nuñez PATNUGOT SA LARAWAN
RegScian, Pagbalanse ng Edukasyon at Ekstrakurikular! Maureen Mae Donaire & Kathriz Barbas LAYOUT ARTISTS
Sharon Morales PUNONG TAGAPAYO
Stephanie Dajao ________________
Sa dinamikong tanawin ng edukasyon, ang Davao Oriental Regional Science High School ay namumukod-tangi bilang isang institusyong nakatuon sa pag-aalaga ng pinakamaliwanag at pinakamahusay na isipan. Habang ang akademikong kurikulum ang bumubuo sa pundasyon ng pag-aaral, ang mga ekstrakurikular na aktibidad at paglahok sa mga club at organisasyon ay may pantay na mahalagang papel sa paghubog ng mga indibidwal na maging
Subalit, ang mga pagtatagumpay na ito ay nakasalalay rin lamang sa pundasyon na sumusuporta sa mga mag-aaral na kinabibilangan ng mga guro, administratibo, at ang mga katuwang na external at internal organizations ng DORSHS. Kaya, hinahangad ng bawat kasapi ng paaralan na ang direksyong patutunguhan ng panibagong nilagdaang kasunduan ng ugnayan ay magtutungo sa kabutihan ng hinaharap ng RS. Sa kabila ng bawat pagwawaging iniuuwi ay ang paghihirap na pinagdaraanan ng mga mag-aaral upang masungkit ang hangaring muling ibandera ang “#TatakDORSHS”. Ngunit, ang pagpapatatag at pagpapagaan ng mga kahirapang ito ay maisasakatuparan na sa tulong ng bagong katuwang ng paaralan, ang Demolay. Nagsimula pa ang adbokasiya ng organisasyong Demolay sa taong 1919 sa Kansas, Missouri, at noong Hulyo 1, 2023 sa Davao Oriental. Layon nito na paunlarin ang mga kakayahan at edukasyon ng mga mag-aaral upang ihanda sila bilang mga kasapi ng lipunan sa hinaharap. Isa sa mga oportunidad na ibinabahagi ay ang pagbibigay ng pinansyal na suporta sa mga nangungunang Regscians na nagpamalas ng kakaibang kakayahang akademiko. Ang suportang ibinibibigay sa mga mag-aaral na ito, lalo na sa mga kapos sa buhay ay magtutulak sa kanila sa mga panibagong pinto ng oportunidad patungo sa mga hinahangad nila na pamumuhay, at pinapangarap na kinabukasan. Walang dudang mas tataas ang tagumpay na aabutin ng DORSHS sa bawat idinadagdag nito na pundasyon sa mga haligi ng paaralan. Sa tulong ng mga ugnayang inilulunsad, patuloy na magiging pagawaan ng mga mahuhusay na kasapi sa Lipunan ang mga pader ng luntiang paaralan ng karunungan. mahusay. At para sa mga RegScian, hindi na bago ang pagsali sa mga ekstrakurikular na aktibidad at maging aktibo rito habang binabalanse ang kanilang akademya. Sa isang banda, ang mga ekstrakurikular na gawaing ito ay nagbibigay sa mga mag-aaral ng mga paraan upang tuklasin ang kanilang mga hilig at ilapat ang teoretikal na kaalaman sa mga praktikal na senaryo. Kasunod dito, ang mga ekstrakurikular na aktibidad ay maaari ring maturing bilang isang paghinga ng mga RegScian mula sa kanilang akademya. Higit pa rito, ang mga aktibidad na ito ay nagtatanim ng pakiramdam ng responsibilidad at pamumuno. Natututunan ng mga RegScian na mangangasiwa sa mga proyekto, mag-oorganisa ng mga kaganapan, at nakikipagtulungan sa mga hakbangin sa pananaliksik. Ang mga karanasang ito ay humuhubog sa kanila upang maging mas mahusay sa hinaharap na hindi lamang magaling sa akademya ngunit sanay din sa paglalapat ng kanilang kaalaman sa mga hamon sa totoong mundo. Sa kabilang banda naman, ang mga ekstrakurikular na aktibidad ay maaaring maging sanhi ng pagkawala ng pokus ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral
Sumasalamin sa mga kalakasan at kahinaan ng sistema ng edukasyon sa Pilipinas ang mga resultang ipinakita nito sa nakaraang PISA o Programme for International Students’ Assessment 2022 cycle. Sa nasabing resulta ika-tatlo ang Pilipinas mula sa pinakamababa sa agham, at pang-anim sa pinakamababa sa matematika at pagbabasa, na pareho lamang sa puwesto ng bansa noong 2018. Nagbunga ito ng mga katanungan kung gaano ka-epektibo ang sistemang isinusulong ng Kagawaran ng Edukasyon sa paghahanda sa mga Pilipinong mag-aaral para sa pagkakaroon ng mga akmang kakayahan sa pagharap sa mga hamon sa Lipunan. “This is an educational crisis.” Ito ang pahayag ni Senador Gatchalian sa isang panayam tungkol sa resulta ng Pilipinas sa PISA. Ayon sa senador, isa sa mga dahilan sa hindi pag-unlad ng katayuan ng Pilipinas sa PISA mula sa naging reulta nito noong 2018 ay dahil sa pandemya. Giit nito na sa mga taong 2020 hanggang 2022 halos 25% ng mga Pilipinong mag-aaral ay walang akses sa internet, at tanging 90% lamang sa mga nagpatuloy sa pag-aaral ang nakakakuha ng mga SLM o Self-Learning Modules. Naging hadlang ang distant learning para sa maepektibong pagkatuto ng mga Kabataang Pilipino. Sa kabilang dako, napatunayan ng resulta ng PISA ang pagkaantalang nararanasan ng sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Iipinahayag ng OECD (Organisation for Economic Co-operation and Development) na ang kasalukuyang sistema ng edukasyon sa bansa ay nahuhuli sa tatlo hanggang limang taon kung ikukumpara sa ibang mga bansang nakilahok sa pandaigdigang pagtatasa sa PISA. Bilang tugon, inanunso ng DepEd ang planong baguhin ang reporma at curriculum ng bansa sa pamamagitan ng ganap na pagpapatupad ng MATATAG curriculum sa Kindergarten hanggang grade 10 para sa taong 2024. Maliban dito, hinahangad din ng Bise Presidente at DepEd Secretary Sara Duterte na itaguyod ang mga Catch-up prorams ng NLRP (National Learning Recover Program) upang pagtuunan ng pansin ang mga naghihirap na mag-aaral. Gayunpaman, maraming mga salik ang maaaring hahadlang sa kagawaran sa mabisang pagpapatupad ng mga nabanggit na Catch-up programs. Isa na rito ang kakulangan sa badyet na ilalaan para sa NLRP. Iminungkahi ng Senador Gatchalian ang kagustuhang makalikom ng pera mula sa contingent funds upang makamit ang 10 bilyong budget na kakailanganin sa pagpapatupad ng mga programa. Ayon sa senador, hindi sapat ang kasalukuyang 2.9B na pondo ng NLRP upang masuportahan ang karamihan sa mga paaralan sa bansa, lalo na sa mga plano ng DepEd na pagpapalimbag ng mga panibagong textbook. Ang mga hadlang na ito ay magbabanta sa madaliang pagpapatupad ng mga pagbabago at plano sa mga paaralan sa buong bansa. Nagsilbing pangmulat-isip ang katayuan na nakuha ng Pilipinas sa PISA. Ipinapabatid nito ang kahinaang taglay ng ating sistema na kalaunan ay magbubunga ng isang bagong henerasyong hindi ganap na handa na maging bahagi ng lipunan. Tunay mang may mga hadlang na haharapin ang pamahalaan sa matagumpay na pagpapaunlad ng karunungang Pilipino, hindi ito nangangahulugan na nararapat na lamang na pabayaan at ipagpatuloy ang nakasanayang hindi sapat na sistema. Sapagkat nakasalalay sa kamay ng pambansangg edukasyon ang kinabukasan ng Lipunan, at hawak ng mga Pillipinong edukador ang pagpapabangon nito.
lalo na sa tuwing sila ay pinahihintulutan sa mga klase upang makilahok sa mga extrakurikular na aktibidad, maaaring kailanganin nilang humabol sa mga aralin at aktibidad na hindi nila nagawa o nasalihan noong pinahihintulan sila. Gayunpaman, napakahalaga para sa mga Regscian na matiyak ang balanse sa pagitan ng mga akademiko at mga ekstrakurikular na gawain. Bagama't ang mga aktibidad na ito ay nag-aalok ng napakahalagang mga karanasan, dapat na umakma ang mga ito, hindi lumalampas, sa pangunahing akademikong kurikulum. Ang isang mahusay na bilog na edukasyon ay sumasaklaw sa isang maayos na timpla ng teoretikal na kaalaman at praktikal na aplikasyon. Bilang konklusyon, ang kahalagahan ng mga ekstrakurikular na aktibidad tulad ng mga club at organisasyon sa DORSHS ay hindi na kailangan maglahad nang labis. Nagsisilbi sila bilang mga laboratoryo para sa paglinang ng hilig, kasanayan, at isang buo na pananaw sa mundo. Sa pamamagitan ng pagtanggap sa mga pagkakataong ito, ang mga RegScian ay hindi lamang gumagawa ng mga indibidwal na may kasanayan sa akademya ngunit pinangangalagaan ang mga magiging lider sa hinaharap.
06
OPINYON
Ang Opisyal na Paaralang Pampahayagan ng Davao Oriental Regional Science High School
SIKLO Siklong Tugon ng
S Christine Panugan ________________ MANINDIGAN
UGNAYAN
Ugnayan ng Nagkakaisang Paaralan, Susi sa Matagumpay na Kinabukasan
S
a patuloy na pag-arangkada ng Davao Oriental Regional Science High School sa iba't ibang ng larangan talino at kakayanan, muli, ipinamalas na naman nito ang kakayahan nito sa pakikipag-ugnay at pagtatayo ng ugnayan sa iba't ibang grupong handang maging kaalalay nito. Sa pambihirang pagkakataong ito, nais naming ipaabot ang aming taos-pusong pasasalamat sa Japan bilang kaisaisang katuwang ng DORSHS sa implementasyon ng 'English Communication Program'. Sa mga hamong haharapin namin sa hinaharap, ito man ay maging panlipunan o pandaigdigan, mahalagang magkaroon ang bawat mag-aaral ng kakayahang makipagugnay sa iba't ibang wika at kultura. Kung kaya, nagpapasalamat kami sa Shotoku Junior High School (SJHS) sa Japan sa pagbibigay ng oportunidad sa mga mag-aaral ng DORSHS na mapalawak ang kanilang kaalaman sa wikang Ingles habang pinagtitibay ang kanilang pag-unawa sa kultura ng Pilipinas at Japan.
Nagpapasalamat rin kami sa Pansangay na Tagapamahala ng mga Paaralan ng Dibisyon na si Dr. Winnie Batoon sa kaniyang pagbibigay ng walang katapusang suporta para sa mga programa at proyektong katulad nito na ang layon ay mahasa ang kakayanan ng mga mag-aaral upang sila ay maging handa sa mga hamon at oportunidad ng pandaigdigang komunidad. Higit pa rito, lubos rin kaming nagpapasalamat sa mga kinatawang ng Mati City Division, kasama na si Dr. Leorisyl Siarot, at sa mga guro at mamahayag mula sa DORSHS, na katulad ni Dr. Batoon, walang tigil ang pagbibigay ng suporta at paglalaan ng oras at kaalaman para sa kanilang mga mag-aaral. Sa pag-apak ng mga mag-aaral na ito sa mundo ng internasyonal na edukasyon, kami ay umaasang mabibitbit at magagamit nila ang kaalamang nahasa at umusbong sa pagitan ng ugnayan ng DORSHS at SJHS. Nawa'y ito ay magbunga ng maganda at positibong kinabukasan para sa kanila at sa marami pang Pilipinong mag-aaral ng bansa. Sa huli, ang aming puso ay punong-puno ng pasasalamat at pagpapahalaga sa mga taong nagtulong-tulong para maabot at maisakatuparan ang tagumpay na ito. Sa Japan, sa kinatawan ng Mati City, at sa pamunuan ng DORSHS, maraming salamat.
“Ginagawa ng gobyerno ang lahat ng kanilang makakaya upang mapaghandaan ang mga ganitong paglindol.” Ito ang pahayag ng Climate Change Commission Vice Chairperson and Executive Director Robert Borje sa patuloy na nagaganap na mga hindi inaasahang lindol sa Pilipinas lalo na sa Luzon at Mindanao. Kasabay ng mga sakunang ito ay ang mas pagbigat ng responsibilidad na panghahawakan ng pamahalaan sa pagpapanatili sa kaligtasan ng bawat mamamayan. Kaya bilang tugon, nagsagawa ang NDRRMC at OCD (Office of Civil Defense) ng mga safety drills at evacuation replanning para sa mga lindol at bagyo sa Pilipinas. Iminandato ng pamahalaan na isa sa nararapat na prayoridad ng mga ahensiyang kaugnay sa disaster preparedness sa kasalukuyan ay ang pagpapatupad ng drills, pagsisigurado sa mga evacuation plans, at pagpapaalam sa mga mamamayan sa mga tamang gawin sa panahon ng sakuna. Subalit kung iisipin, sa kabila ng paulit-ulit na mga solusyon .
MAMULAT
na inilalahad ng pamahalaan sa panahon ng mga sakuna, bakit marami parin ang nasasawing mamamayang naging apektado sa mga lindol? Ang Pilipinas, na matatagpuan sa kanlurang gilid ng tinatawag na “Pacific Ring of Fire,” ay kilala bilang isa sa mga bansang may pinakamaraming lindol sa mundo na nakakaranas ng hindi bababa sa 100 hanggang 150 na lindol kada taon. Marami rin sa mga residential areas at maging iba pang malalaking estruktura sa bansa ang malapit sa major fault lines. Ang panganib na ito ang labis na naghahamon sa kaligtasan ng Pilipinas, lalo na ang mga mamamayan na malapit sa danger zones. Ang sagot? Drills, evacuation, relief goods, rebuilding. Maliban sa paulit-ulit na siklo ng mga aksyon na ginagawa ng pamahalaan, hindi ba mas mainam kung ilalayo ang bawat mamamayan sa panganib tulad ng mga landslide, earthquake at flood prone areas? “Band-aid solution.” Ito ang sumasalamin sa mga sagot na inihaharap ng ating gobyerno sa mga usapin ng sakuna sa bansa. Sa paglala ng mga kaso ng lindol ngayon, ang mga pansamantalang kasagutan ay hindi magsisiguro sa kaligtasan ng mga Pilipino. Isa sa mabisang paraan na maaaring gawin ng ating pamahalaan ay ang paglalaan ng budget at mga plano para sa relocation ng ilang mga Pilipinong nakatira sa danger prone areas. Maliban dito, nararapat lamang na mas paigtingin ng bawat barangay ang pagtuturo sa mga residente tungkol sa mga fault line at mga panganib na napapaloob sa kanilang lugar. Sa siklo ng mga aksyong pinapanangga ng ating gobyerno sa mga sakuna, ano nga ba ang patutunguhan nito kung hindi tayo magsasagawa ng mas maepektibong solusyon. Hindi maisisiguro ang direksyon ng ating bansa kung ang pinanghahawakan nitong mga sagot ay paikot-ikot lamang. Paano nga ba masusukat ang kahandaan ng isang bansang may pansamantalang tugon sa pagpapalakas ng pambansang kaligtasan?
Catch-Up Friday, H’uwag Ipagpatuloy! Habang umuunlad ang mga sistemang pang-edukasyon, ang panukala para sa isang 'Catch-Up Friday' sa mga paaralan sa Pilipinas ay naglalabas ng mga alalahanin tungkol sa mga potensyal na kakulangan nito. Bagama't kapuri-puri ang intensyon na tugunan ang mga kakulangan sa pag-aaral, ang pagmamadali sa pagpapatupad ng patakarang ito ay isang malaking pagbabago para sa mga mag-aaral at guro, maaaring hindi aito ng tila pilak na bala. Ayon kay Bise President at kalihim ng edukasyon Sara Duterte, isa raw itong oportunidad para sa mga mag-aaral upang mapaunlad ang kanilang mga kakayahan sa pagbasa at pagsulat. Paliwanag ni Duterte na hindi maganda ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas kaya bilang bahagi ng learning recovery program, sinabi niya na kailangan munang turuan ang mga mag-aaral kung paano magbasa nang maayos. Sa isang banda, ang patakarang ito ay maaaring mapapabuti nito ang pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral gayundin ang pagbuo ng mga bagong kasanayan habang sila ay nagbabasa at nagsusulat tuwing ‘Catch-Up Friday’. Kasunod dito, itinataguyod nito ang kultura ng pananagutan at responsibilidad. Ang mga mag-aaral ay binibigyan ng pagkakataong pangasiwaan ang kanilang edukasyon, maunawaan ang kanilang mga kahinaan, at aktibong makisali sa proseso. Bukod sa pagbabasa ng mga Biyernes ay nakatakda rin sa paghabol sa mga moral, kalusugan, at kapayapaan edukasyon ng mga mag-aaral ng mga mag-aaral. Gayunpaman, ang 'Catch-Up Friday' ay simpleng solusyon sa komplikadong hamon ng pag-aaral. Subalit, hindi basta-basta ang
DALUMAT Stephanie Dajao ____________________
kahandaan: sa baba o taas?
a panahong nasusukat ang kakayahan ng isang bansa, gaano kahanda ang pamahalaan ng Pilipinas sa pagharap sa mga sakunang makapapanganib sa mga mamamayang Pilipino? Nagbalot ng takot sa buong Pilipinas ang sunod-sunod na mga lindol noong mga nakaraang buwan ng Nobyembre at Disyembre. Matatandaang nayanig ng isang 7.4 earthquake ang Munisipalidad ng Hinatuan, Surigao Del Sur noong Disyembre 2, 2023. Naramdaman ang paggalaw ng lupa hanggang sa rehiyon ng Davao kung saan inanunso ang isang tsunami warning alert matapos napansin ang mga pagbabago sa mga dagat ng Davao at Surigao. Hindi man gaanong malala ang epektong iniwan ng lindol, ang takot at pagkabahala ay patuloy paring bumabagabag sa mga naging biktima.
ang
Sai Lin Lee _____________ RegScianekstra
proseso ng pag-aaral; iba't ibang bilis at istilo ang mayroon ang bawat mag-aaral. Ang pangkalahatang pamamaraan ay maaaring magdulot ng mas matindi pang pagsubok para sa mga nahihirapang makipagsabayan. Kasunod dito, maaaring magresulta ang inisyatiba sa pagod ng mga mag-aaral at guro. Ang edukasyon ay mahalaga, at ang pagdagdag ng karagdagang araw para sa 'catch-up' ay maaaring magdulot ng kahinaan sa kalidad ng pag-aaral at pagtuturo. Kailangang bigyang-pansin ang mental at emosyonal na kalusugan ng lahat na kasangkot sa sistema ng edukasyon. Higit pa rito, ayon kay Sara Duterte na ang mga normal na klase o asignatura sa Biyernes ay kakanselahin at ililipat sa unang apat na araw ng lingo, ito ay pumipilit saguro na humanap ng paraa ton upang maiangkop ang mga asignaturang Biyernes sa nasabing unang apat na araw. Ito ay maaaring maging malaking pagbabago para sa guro’t mag-aaral dahil kailanganin nilang maglapat at baguhin ang kanilang iskedyul sa mga klase. Sa huli, habang ang ideya ng 'Catch-Up Friday' ay maaaring mukhang positibo ang intensyon, ito ay mahalaga upang masuri na kritikal ang mga potensyal na kahihinatnan nito. Ang edukasyon ay isang masalimat na pagsisikap na nangangailangan ng maalalahanin at detalyado na mga solusyon. Sa halip na isang malawak na diskarte, magiging mas kapakipakinabang na tuklasin ang mga nakatutok na interbensyon na tumutugon sa mga partikular na hamon na kinakaharap ng mga mag-aaral, na tinitiyak ang isang mas napapabilang at epektibong kapaligiran sa pag-aaral.
Pangkaisipang Kalusugan, Bigyang Kahalagahan
A
Ylaiza Angorin
___________
MAPANAGUTAN
ng mag-aaral na si Patricia Alexandra Faye S. Linaza ng Davao Oriental Regional Science High School (DORSHS) ang nagpasimuno sa 'Project Paglaom' na naglalayong maging boses at mabigyang halaga ang kalusugang pang-kaisipan ng bawat mag-aaral. Kasama na rin ang suporta at gabay ng tagapayo ni Linaza na si Gng. Marilyn G.Pajaro. Sa isang banda, ang pagbibigay ng pag-asa sa mga taong nakararanas ng pagsasawalang bahala sa kanilang nararamdaman ay dapat pagtuunan ng pansin. Dagdag pa rito na maganda ang ipadama at ipakita sa mga mag-aaral na sa kahit anong pagsubok ay mayroon silang malalapitan at mapagsasabihan. Higit pa rito mas matututuhan ng mga mag-aaral ang kahalagahan tungkol sa mga isyu sa kalusugan ng isip. Matututunan din ng mga kabataan kung bakit kailangan nating at maging bukas sa mga usapin ukol dito. Lalong-lalo na kung may kakilala man silang may dinadalang mabigat na problema, maaari silang makatulong sa paggabay.
Sa kabilang dako naman, kung isasaalang-alang natin na ang tagapayo ay hindi talaga isang rehistrado o aprubadong guidance counselor ay maaaring magdulot ng pagdadalawang isip na mga bata. Maging ang ibang grupo na hindi masyadong mabibigyan ng pansin katulad ng mga marginalized na grupo. Gayunpaman, napakalaki ng mga naitulong ng proyektong ito sa mga pangkaisipang kalusugan ng mga mag-aaral. Bagama't ang mga bagay na ito ay sensitibo at nangangailangan ng malawak na kaalaman. Dapat mas bigyan natin ng pansin ang pagsisikap ng mga miyembro at ang mga sumuporta sa proyektong ito upang makatulong sa kanilang kapwa. Kung ating iisipin, kahali-halina at kamanghamangha ang kanilang mga plano para makamit ito. Dahil pag-asa at inspirasyon ang kanilang hatid, na maaaring maging daan upang tuluyang umunlad ang pamumuhay ng mga mag-aaral.
LATHALAIN
Ang Pa
a D a s s m a m a y a g p a g n g Alu m n u
“
Surreal, no better word than surreal Ito ang tanging salita na inilarawan ni Kyle Dupa— alumnus ng Davao Oriental Regional science High School (DORSHS)— nang nalaman niyang isa siya sa mga nanguna sa December 2023 Chemist Licensure Exam. Binaha ng pagkabigla, napuno ng kawalang-paniwala, at ngiting abot-tainga. Iyan ang mga pangunahing reaksyon ni Dupa nang nalaman niya ang mga resulta sa pagsusulit. Ang mga reaksyong ito ay ang sagisag ng mga gabing walang tulog na kanyang pinagdaanan bago ang eksaminasyon. Ngunit ito lang ba ang tinahak niyang hamon tungo sa tagumpay niyang nakamit sa kasalukuyan? Taong 2017, grumadweyt siya bilang may pinakamataas na karangalan sa DORSHS. Ang pagiging dekorado niyang mag-aaral ay nagbukas ng samu’t saring mga oportunidad sa kanya. Marahil mahusay siya sa kahit anong larangan, ngunit isa lang ang sumungkit ng kanyang kagustuhan; ito ang larangan ng chemistry. Ang kahiligan niya sa larangang ito ay ang naging panulak niya upang kunin ang kursong Bachelor in Science Major in Chemistry sa University of the Philippines- Los Baños(UPLB). At matapos ang higit-kumulang na apat na taon niyang pag-aaral sa UPLB ay nagtapos siya sa kanyang kurso bilang Magna Cum Laude. Subalit, ang tagumpay na iyon ay hindi isang pagtatapos, ngunit isang bagong panimula sapagkat ang kanyang susunod na tagumpay ay maaaring ang kanyang pinakadakila pa.
la
B g n wa
E d r oa
07 s m xa
Kyle Dup
a
Gayunpaman, bago niya nakamit ito ay dumaan siya sa isang daanang puno ng pag-aaral. Naghintay siya ng higit sa isang taon para ihanda ang kanyang mga pangangailangan at ang kanyang sarili para sa pagsusulit. Gamit ang natitira niyang pera sa iskolarsip sa Department of Science and Technology (DOST), binadyet ito ni Dupa upang mag-apply sa dalawang review center upang talagang maging handa sa pagsusulit. Matapos ang higit sa taong paghahanda, pumasok na siya sa loob ng silid na gaganapin ang eksaminasyon na kung saan maraming mangangarap ang kasabay niyang susubok sa at handa na siyang tahakin ang pagsubok na na magbabago sa kanyang buhay magpakailanman. Sa panahon ng pagsusulit, tila may daga siya sa dibdib ang bawat isa . Pero habang kinakabahan si Dupa ay patuloy siyang nagdadasal kung saan ito ang nagbigay sa kanya ng sinag ng pagasa. Pag-asang kahit mababang iskor ang makakamit ngunit pasado habang iwinawagayway ang bandila ng DORSHS. At sa hindi inaasahang pangyayari, hindi lang siya pumasa subalit naging isa siya sa mga nanguna sa eksaminasyon. Pagbabati ng karamihan at kagalakan ang sumalubong sa kanya nang nalaman ng kanyang pamilya at mga kaibigan ang resulta ng pagsusulit. Ang tagumpay na ito ang naging sagisag sa lahat ng dugo at pawis na kanyang itinuon sa daang kanyang sinimulan simula pa noong elementarya pa siya.
Bukod sa mga pagbabati at kasiyahang naidulot ng tagumpay niya, naging inspirasyon din siya ng karamihan sa DORSHS bilang unang RegScian— magaaral sa DORSHS— na pumasok sa mga topnotcher sa larangan ng chemistry. Kaya, lalo niyang nabigyan ng pangangahulugan sa kasabihang “TatakRegScian” at karamihan ng mga RegScian ngayon ay humahangad na maging kagaya niya. Subalit ika niya sa isang interbyu: “Don’t be me, because you have your own unique self and path to build— work hard, but most importantly, work smart.”
“Don’t be me, because you have your own unique self and path to build— work hard, but most importantly, work smart.”
Se KKKreto ay ng Tagump A
lam mo ba na may tatlong sekretong salik na nagiging sandata ang mga RegScian—mag-aaral sa paaralang Davao Oriental Regional Science High School (DORSHS)—upang lumaban sa mga pandaigdigan, pambansa o lokal na mga patimpalak sa kabatira at isports? Kasipaan, kaalaman, at kakayahan.Ito ang mga armas ng isang RegScian. At sa pamamagitan ng paggamit ng tatlong sandatang ito ay sa bawat kompetisyong sinalihan ay naging daan sa mga tagumpay na nakamit ng institusyon sa taong 2023. Kilala ang mga RegScian tao; dito ay may mga pambansang bilang masisipag na mga tagumpay na nagbigay karangalan estudyante. Masipag sa mga sa paaralan. Ang ika-12 na baitang gawain sa paaralan at kasama na mag-aaral, Presidente ng Yes-O rin ang pagiging masipag sa iba Club, Debate Club, at International pang aspeto ng buhay. Sa taong Exchange Student Club na si 2023, unang ginamit ng mga Lavina L. Naive ay lalong nagbigay dugong-luntian ang sandata ng ng kadahilanan upang ipagmalaki kasipagan. Sinimulan ng ang DORSHS dahil isa siya sa mga institusyon ang pampaaralang napili bilang Student Ambassador taon sa pagganap ng Brigada sa ika-20 na National Youth Eskwela 2023 na isinagawa Congress. Habang dumugtong noong Agosto 14-19, 2023 na naman dito ang pagkapanalo ng may temang, “Bayanihan para sa isa pang ika-12 na baitang magMATATAG na Paaralan.” Marahil aaral na si Jodenn Mark Algallar sa naging unang tagumpay ito ng ilalim ng tagasanay niya na si G. mga RegScian dahil dito makikita Lloyd Andres na inirepresenta ang paaralan upang gawing sandata ang kasiglahan ng bayanihan ng ang kapangyarihan ng istatika at mga mag-aaral, kanilang mga kahusayan sa sipnayan sa magulang, at ng pakultad sa Provincial Statistics Quiz noong pagtutulong-tulong sa isa’t- isa ika-25 Oktubre, 2023. para maging handa ang gagamiting mga silid-aralan sa paparating na pasukan. Sa kabilang dako, sa usapang pakikipagtalastasan naman ay Malawak na pag-iisip at bukas sa makabagong hindi rin nagpatalo ang mga kaalaman, ito ang natatanging RegScian sa “DIVISION BIDA KA SA taglay ng bawat RegScian. READING CAMP 2023” dahil Katalinuhan ang isa sa mga naiuwi nina Naive, Rimando, at Marcus Saez ang ginto sa tanyag na katangian ng mga kompetisyon sa pagdedebate na mag-aaral sa paaralang ito, noong ika-17 ng kaya sumunod naman nilang ginanap Nobyembre sa ilalim ng paggabay ginamit ang kapangyarihan ng kaalaman. Ang pagiging ni Gng. Kristal Entrino. Kasabay ng matalino ay marahil isa sa mga tagumpay na ito ay ang pag-uwi ng nina Sydney Baldoza, likas na katangian ng mga tanso dugong-luntian na nakintal sa Cabellon, Andrea Baldoza, at Balatayo sa poster-making contest isipan ng mga
Ang tagumpay na ito ay hindi lang rin nagbigay inspirasyon sa mga RegScian, ngunit nagbigay din ito ng dahilan kay Dupa upang magbalik-tanaw sa kanyang mga pinagdaanan. Dahil ang pagbabalik-tanaw kung saan ka nagsimula sumisimbolo sa ugali niya bilang isang mapagkumbaba na indibidwal. “Surreal, no other word than surreal.” Tanging salita na nagrerepresenta sa kabuoan ng kanyang tagumpay. Tanging salita na magpakailanman maglalarawan kung ano ang pinagdaanan niya. Si Kyle Dupa, isang huwaran ng mga RegScian. At siya ay tatak RegScian!
sa Drug Abuse Prevention and Control Week 2023. Dito naiparangya ng mga RegScian na hindi lang sila magaling sa agham at sipnayan subalit nagiging armas din nila ang mga salita at ang sining. Habang itinanghal ng mga mag-aaral sa kagalingan sa pakikipagtalastasan at sining, ipinasikat naman ng ibang mga RegScian ang kahusayan nila sa larangan ng pananaliksik dahil naiuwi ng mga mananaliksik na mag-aaral ng DORSHS ang maramihang mga tagumpay sa Regional Science and Technology Fair(RSTF). Sila ay nanalo bilang pangalawang gantimpala sa Physical Science Individual Category, ikalimang gantimpala sa Physical Science Team Category, ikalima rin sa Mathematics and Computational Science, at ikalimang gantimpala sa Science Innovation Expo. Napatunay nila rito na ang mga mag-aaral ng DORSHS ay may kasikapan at sineseryoso ang larangan ng pananaliksik. Ang mga RegScian ay hindi lamang taglay ang talino at talento ngunit tinataglay din nito ang pusong handang magserbisyo sa komunidad na kanyang kinabibilangan. Pinatunay ito nina Gabrielle Therese Dupa at Mikaela Mabawad, dalawang ika-12 na baitang mag-aaral. Nanguna si Dupa sa isang proyektong ipinangalanang “Kitchen Construction and Beautification of Purok Madasigon, Brgy. Central,” habang kay Mabawad naman ay isang programa sa pagpapakain sa Purok Diamond, Brgy. Dahican. Dahil sa kanilang mga proyekto at serbisyong naihatid sa publiko, nakatanggap sila ng Chief Girl Scout Medal Awards at sila lang natatanging nakatanggap ng ganitong parangal sa buong Davao Oriental. Dagdag pa rito, naiwagayway din ng mga RegScian bandila ng paaralan sa larangan ng pampalakasan. Dito ay nagpakitang gilas ang mga atleta ng paaralan sa ginanap na District Meet. Sila ay nag-uwi ng 20 na gintong medalya habang dalawa naman sa pilak at anim na tansong medalya. Naiparangya rin dito kung gaano kadeterminado ang mga RegScian sa paglalaro ng isports at pagbigay paggalang sa pagrepresenta ng DORSHS. Talagang naging produktibo ang taong nakalipas para sa paaralang DORSHS dahil sa bawat buwang nadaanan may karangalang nasungkit at sa bawat karangalang napulot ay lalong nakilala ang institusyon sa sapagkat pinatunayan ng bawat magaaral dito sa kani-kanilang mga personal na kakayahan. Kasipagan. Kaalaman. Kakayahan. Tatlong sekretong salik ng mga dugong luntian tungo sa tagumpay. Pandaigdig, pambansa, o lokal man na kompetisyon ay talagang makakamit ng mga RegScian ang kawagian habang nakatatak ang 3K’s sa kanilang katauhan. Naging taon ng magandang kapalaran ang 2023 para sa DORSHS, ano kaya ang susunod?
08
Ang Opisyal na Paaralang Pampahayagan ng Davao Oriental Regional Science High School
ang
LATHALAIN
ALUMAT
SANDIGAN NG REGSCIAN Sa panahon ng problema, suporta at pag-unawa ang hinahanap-hanap na kalinga. Nagsimula ang kwento ng AGBAY teen center ng Davao Oriental Regional Science High School (DORSHS) sa kasagsagaran ng pandemya. Sa kabila ng mga pagsubok at pansamantalang pagtigil ng pasok, hindi napigilan ng tadhana na ipagpatuloy ang pagpapaunlad ng teen center upang matugunan at maitaguyod ang kalusugang mental ng mga RegScians. Ang pangalang AGBAY ng teen . center ay binuo ng mga alumni . peer facilitators ng DORSHS, taong . 2021. Ito ay nangangahulugang . Assistive Guidance for Better . Adolescent Years’. Layon ng AGBAY na isulong ang pagpapa-unlad ng kalusugang mental ng mga Regscians. Nais nilang magsilbing gabay sa mga mag-aaral upang sila ay matulungan sa pagtugon ng kanikanilang mga problema patungkol sa kanilang mental health. Nagsilbing safe place ng mga Regscians ang AGBAY dahil sa kaaya-aya nitong istraktura.
Tila naging comfort zone na ito ng mga mag-aaral dahil dito sila nagpupunta upang magpahinga at maglibang mula sa kanilang nakakapagod na araw sa iskwela.
pasok. Sa kabila rin ng problema nila sa pinansyal ay nairaos pa rin ni Gng. Pajaro ang pagpapatayo ulit nito.
Bilang tayo ay nakatira na sa modernong mundo, hindi maiiwasan na magkaroon ng impluwensiya ang social media sa mental health ng mga kabataan. Sa kadahilanang ito, isinaad ni Gng. Pajaro na ibig nilang maging gabay sa kanila at matulungan silang maihayag ang mga saloobin at mga emosyonal na pinsalang kanilang nararamdaman. Para rin mas maging mainam pa ang kanilang layon ay nagtakda rin siya ng mga peer faciliators mula sa mga mag-aaral kung saan sila ay may kakayahan na makatulong rin sa mga mag-aaral, at ito ay pinamumunuan ni Rizzi Masangay mula sa ika-12 na baitang.
Unang ipinatupad ang isa sa mga samu't saring aktibidad ng DMAT ang First Aid Training noong Nobyembre ng taong 2023, kung saan ay tinuruan ang mga miyembro ng organisasyon kung paano tulungan ang isang tao gamit ang first aid. Habang sa kasalukuyan ay pinaghahandaan naman nila ang pinakamahalagang kasiglahan na isa rin sa mga pinakahihintay na aktibidad ng mga mag-aaral, ang kampong LISTO na gaganapin sa huling linggo ng Enero. Ito ay isang aktibidad kung saan ay tuturuan ang lahat ng mga sasali tungkol sa kahandaan sa anumang sakung haharapin. At pinaghahandaan rin ng DMAT ang iba pang mga susunod nilang aktibidad kagaya na lamang ng fire prevention sa darating na Marso at marami pa sa susunod na mga buwan. Sa kabila ng mga nilagpasan nilang mga imposisyon, may mga hamon pa ring hinaharap ang organisasyong pampaaralan. Isa sa mga hamon na kailangan nilang pagtagumpayan ay ang iskedyul sa mga aktibidad sa institusyon. Dagdag pa rito sa mga hamong hinaharap ng DMAT ay ang mga mag-aaral na walang kamalay-malay sa kahalagahan sa kahandaan sa mga sakunang hindi inaasahang dadating. Ngunit bakit nga ba ipinatupad ang proyektong I AM SAFE? Marahil isa sa kadahilanan sa paggawa ng proyektong ito ay noong taong 2015, sa araw ng graduwasyon sa paaralan ng Davao Oriental Regional Science HIgh School(DORSHS) na dapat araw ng kaligayahan ay tinamaan ng higit-kumulang limang kalakhan na lindol ang lungsod ng Mati City. Kaya sa halip na magningning nang kagalakan at kapanabikan ay napuno ang bawat puso ng mga mag-aaral, magulang, at ng mga guro ng kaba at pagkabalisa. Bagaman bawat taon ay kinikintal at pinapaalala ang operasyong ‘duck, cover, and hold’ sa mga paaralan, subalit sa araw na iyon ay lumabo ang kaisipan ng mga mag-aaral, nawalan sila ng mga idea anong gagawin, at sila ay nawalan ng idea kung ano ang gagawin.
S
a bawat segundong lumilipas ay may napapahamak dahil sa kakulangan ng kaalaman. Sa bawat iglap ng mga mata ay may nagdudusa. At sa bawat madaliang paghinga ay may napipinsala. Sa mundong laging hindi maaasahan anong mangyayari sa kinabukasan ay kahandaan at kaalaman ang kinakailangan. Ngunit anong mangyayari kung hindi naitanim ang buto ng kamalayan sa sakahan ng kaisipan? Ang proyektong I AM SAFE o Intensify and Maintain a Safe and Hazardfree Environment ay isang programang nakabase sa paaralan na naglalayong isulong sa mga mag-aaral at mamamayan ang kaligtasan sa tulong ng mga organisasyong:
PDRRMO, CDRRMO, BFP, PNP, Philippine Red Cross, City Health Office, Provincial Health Office, at City of Mati LGU ng Barangay Dahican. Sa tulong ng mga organisasyong ito ay lalong nagbibigay daan tungo sa liwanag ng tagumpay. Layunin din ng organisasyon na gawing taunan ang I AM SAFE dahil nasa ilalim ang proyektong ito sa RA 10121 Philippine Disaster Risk Reduction Management Act of 2010 na nagsasaad na lahat ng pambansang ahensya ay dapat may kahandaan mula sa mga sakuna. Sa madaling sabi, ang DepEd ay isa sa mga pambansang ahensiya, kaya nagtitiwala silang maging parte ang I AM SAFE sa taunang mga aktibidad sa paaralan.
“
It has always been our responsibility and goal to empower RegScians by educating Sa tulong ng pangunguna ni Gng. them on mental health matters Marilyn G. Pajaro bilang ARH coordinator and encouraging them to fight at teen center encharge ay naging matagumpay ang pagsasabuhay-muli ng the stigma and stereotypes that teen center mula sa nagdaang pagtigil ng come with it.
Napagmasdan ni G. Johannes Latras– tagapayo ng Disaster Management Action Team(DMAT) at guro sa DORSHS– sa araw na iyon na hindi nakatatak sa kaisipan ng mga mag-aaral ang kaalaman sa kung anong gagawin kung mayroong sakuna silang makakasalubong, lalo na kung ito ay isang lindol. Ika pa nga niya sa isang interbyu na sa usapang agham ay hindi mahuhulaan kung kailan mangyayari ang isang lindol, kaya dapat laging handa ang mga mag-aaral at guro sa isang paaralan. Kaya, gamit ang proyektong I AM SAFE maiiwasan na ang mga ang mga pangyayaring kagaya nalang ng nabanggit. Nawa sa tulong ng proyektong I AM SAFE, sa bawat segundong lilipas nawa’y wala nang mapapahamak. Sa bawat pagkurap ng mga mata ay wala nang magdudusa. At sa bawat madaliang paghinga ay wala nang napipinsala dahil sa I AM SAFE kapag may maliligtas, may ililigtas.
Ito ang naging saad ni Masangay. Bukal sa kalooban ang pagtulong ng mga taong parte na maisakatuparan ang layon ng AGBAY. Nais pa nilang mas makatulong pa at maging gabay sa pataguyod tungo sa maayos na kalusugang mental. Maayos na mental health ang daan tungo sa mayos na pag-iisip, kung kaya isa ito sa dapat na pagtuunan ng pansin sa mga mag-aaral. Sa panahon ng problema, suporta at pag-unawa sa kanila ang kinakailangan nila na kalinga, at ito ang tungkulin ng AGBAY teen center ng DORSHS, ang maging sandigan ng mga Regscians.
Lakbay sa Tagumpay Luha, dugo’t, pawis. Ito ang inilaan ng dalawang Chief Girl Scout Medal Awardees na sina Ma. Mikaela Mabawad at Gabrielle Therese Dupa ng Davao Oriental Regional Science High School (DORSHS). Kamakailan lamang, noong Disyembre 15, 2023 sa PICC Plenary Hall Manila, ay itinanghal ang dalawa bilang Chief Girl Scouts, ang pinakamataas na parangal sa larangan ng Girl Scout. Naitanghal sila bilang Chief Girl Scouts dahil sa kanilang determinasyon na matapos ang kanilang mga proyekto. Ang proyekto ni Dupa ay para sa Kitchen Construction and Beautification sa Purok Madasigon, Calagundian, Brgy. Central, Mati City habang ang kay Mabawad naman ay Healthy Lifestyle and Feeding Program sa Purok Diamond, NASA Subdivision, Mati City. Sa kabila ng paghihirap na makahanap ng tulong pinansiyal para sa kanilang proyekto ay hindi sila sumuko na malutasan ito. “Challenge man gud to siya kailangan ka mangita ug other sources of funds para matabangan to nimo na purok then mao to lisod kayo siya.” Ayon pa kay Mabawad nahirapan siyang maghanap ng mga sponsors para sa kanyang proyekto dahil ipinagbabawal ang paggasta nila gamit ang perang galing sa kanilang mga bulsa. Ang isa sa mga nagtulak sa kanila na sumali sa Girl Scout at maging Chief Girl Scout ay ang kanilang mga Senior Girl Scout na nasaksihan nila noong elementarya pa lamang sila. Ang mga Ate nila ang kanilang naging insipirasyon sa kanilang naging lakbay sa Girl Scout at dahil rin sila ay naniniwalang, “empowered girls, empowering girls”. Sa kanilang naging paglalakabay, literal na luha, dugo at pawis ang kanilang inialay upang makamit ang rurok ng tagumpay.
ang
DALUMAT
Si Sct. Julo Mula ay kabilang sa mga nasabing kabataang opisyal. Dagdag pa rito, siya ang Senior Crew Leader ng Davao Oriental Regional Science High School Unit, Dahil rito, nagsisikap siyang maging nangungunang halimbawa sa kanivang kapwa BSP. Nang mabatid ng kaniyang isipan ang 18th National Scout Jamboree na ginanap noong Disyembre 11 - 17, 2023 sa Passi City, Iloilo, sinigurado niyang makasali siva. "This is a once in a lifetime experience," sabi ni Julo habang nanghihikayat sa mga kapwa regscian scouts. Ang National Jamboree ay puno ng mga kaganapan. Bago nagsimula ang lahat ay naganap ang isang parade. Punong puno ng mga scouts galing sa iba't ibang rehiyon ang daan habang sila' naglalakad ng malayong distansya. Maririnig mo ang napakaingay na sigaw ng mga scouts habang kinakanta nila ang kani-kanilang mga regional hymn, at patina rin ang mga yells na ginawa nila.
Ang Opisyal na Paaralang Pampahayagan ng Davao Oriental Regional Science High School
LATHALAIN
Kalaunan, ipinakilala sa mga scouts ang mga gagawing aktibidad sa kabuoan ng Jamboree. Ito ay binubuo ng walong hanay na mga aktibidad na tinatawag na modules. Bawat module ay hamon para sa mga scouts. Dumaan sila sa iba't ibang mahihirap a pagsubok kung kaya't kinakailangan nilang ituon ang lahat ng makakaya upang malutasan ang mga ito. Habang isinalaysay ni Julo ang iba't ibang mga pangyayari na nagana sa Jamboree, isinaad niya na ang mga modules, para sa kaniya ay, bagaman mapaghamong, nakapagpasigla ang mga ito. "Ilan sa mga events na nangyari sa 18th National Scout Jamboree ay isa na dun ang. Adventure Trail Dito, kami ay naglalakad kami ng 15 kilometers sa isang bundok. Isa is, parang, tuturuan Kami nila ng first-aid training, kung paano mag-rescue if may nainjured. At last is subcampfire. Dito namin naranasan ang makipaghalubilo sa mga scouts na nanggagaling sa ibang lugar, partikular sa Eastern Mindanao," sabi niya.
Naranasan ng mga scouts ang lakarin ang halos 15 kilometrong bakas sa bundok at languying ang rumaragasang ilog. Naalala ni Sct. Audrey Marie Pracullos, isa pang RegScian scout na sumali sa Jamboree, ang isang nakakatawang pangyayari: "Naligaw kami nung nag-hiking kami. Akala kase namin nandoon ang module. Ilang oras kaming naglalakad to the point na pinasakay na lang Kami patungo sa module," sabi niya. Ang pagsali sa 18th National Scout Jamboree ay isang napakahalagang karanasan para sa mga scouts, kung kaya’t ito ay singhalaga sa ginto. Naturuan sila sa kung ano ang kinakailangan upang maging isang ganap na Boy Scout of The Philippines. Andacao,
Sa pahayag ni Sct. Effryll Casey
“Attending the National Scout Jamboree has made quite an impact on myself being a senior scout of Davao Oriental, Eastern
09
Mindanao Region. I got to meet and get to know other scout members from different councils. It taught me that one must be not only physically fit, but mentally alert as well to become a scout. It also taught me to be humble and respect other fellow scouts, especially those who have higher ranks. It made me realize that to earn your reward, there will be no shortcuts and you gotta work hard into success.”
Ngayong nagtapos na ang nasabing aktibidad, patuloy pa rin sa pagsasanay ang mga scouts ng paaralan. Nais nilang maging kaging handa sa mga nararating na pagsubok nang sa gayo’y kanila itong malalampasan.
a s s a t g i L Ligalig
Namumuhay ka nang payapa nang sa isang araw, isang matinding ulan ang rumaragasa sa iyong komunidad. Naririnig mo ang malalakas na tunog na bunga ng kayrami-raming mga patak ng tubig habang bumabagsak ang mga ito sa mga bubong. Tumingin ka sa baba at napagtanto mo na unti-unting napupuno ang mga kanal sa gilid ng daanan. Sa punting ito, nagsisimula ka nang mag-alala kung magkakaroon ba ng pagbabaha. At sa ganoo’y nagpalabas ang iyong Local Government Unit ng “red warning” na nagsisenyas ng matitinding pagbabaha. Ano ang dapat mong gawin? Habang hindi pa nagbabaha, magpatuloy sa pag-antabay ng mga balita’t anunsyo ukol sa panahon. I-secure ang iyong pamamahay at ilagay sa ligtas na lugar, gaya ng matataas na sukat, ang iyong mahahalagang furniture at ibang gamit. Siguradohing nakapatay ang mga main switches ng kuryente, tubig, at tangke ng LPG. Pagkatapos nito, maghanda para maglikas. Ihanda ang mga mahahalagang gamit gaya ng gamot, pagkain, tubig, at mahahalagang dokyumento. Kapag inaabisuhan na ng kinauukulan ay mabilis na lumikas sa matataas na lugar o sa mga itinalaga na mga evacuation centres. Kung dumating na ang baha, manatili lamang sa iyong tahanan o sa evacuation center at magpatuloy sa pag-aantabay sa balita. Hangga’t maaari, huwag lumabas at tumawid o magbiyahe sa baha upang hindi magkakaroon ng sakit dulot nito, lalo na’t kung lagpas tuhod ang baha. Huwag lumangoy sa mga umaapaw na ilog at sapa at iwasang hawakan ang mga electrical components sa baha. Pagkatapos ng baha, huwag lumabas hangga’t magsasabing ligtas na ang kapaligiran ayon sa mga awtoridad. Ipagbigay-alam rin sa kanila ang anumang natumbang puno o poste. Pagkauwi sa bahay, agad na suriin ang iyong tahanan para sa posibleng mga sira at pati na ring mga linya ng kuryenteng nakababad sa tubig at agad itong ayusin. Linisin ang iyong tahanan at itapon ang mga naipong mga tubig sa mga lata, paso, at gulong upang maiwasan ang pagkalat ng mga lamok. Sa panahon ng pagbaha, dapat tayo’y maging alerto. Sundin ang laging pinapaala sa atin at laging maagap upang maging ligtas sa gitna ng ligalig.
Karton ni: Johnmer Cabellon
10
isports
09
Shymel Nuñez
HAMPAS NG PANALO Kasabay ng lakas ng hampas ni Jairo Malintad ang malakas niyang determinasyon bilang manlalaro na siyang nagbunga ng pagkapanalo sa labanang Grade 12 vs Grade 10 sa isinagawang Men's Volleyball noong Nobyembre 25, 2023.
Gr12 inungusan ang Wildcats, 25-11; trono muling hinablot PANULAT | Hallana Desales
T
Ginulantang naman ng Grade 12 setter inodas ng mga Grade 12 Rhinos ang Grade 10 ang madla sa kanyang 'kneel downset' at Wildcats para mapanatili angtitulo sa pag'spike' upang makuha ang 10-pt lead na arangkada ng Barkada Kontra Droga iskor sa kalaban. (BKD) Men's Volleyball,25-11,noong Nobyembre 25,2023 sa Davao Oriental Regional Science HighSchool (DORSHS).
,,
Pinangunahan ni Jyro Malintad ang pagkapanalo ng Rhinos gamit angmakamandag niyang kakayahan sa pagset. Samantala, si Clark Jay Casimeroay nanguna sa pagpapaulan ng matitinding spike para sa Wildcats.
Naging number 1 key talaga naming sa pagkapanalo ay ang 'chemistry naming buong team,
Naging maalab ang simula ng unang set matapos magpalitan ngbumubulusok na bola ang dalawang koponan.
saad ni Malintad. Idinagdag din niya ang pagkakaroon ngmagandang komunikasyon ng kaniyang mga kasama sa koponan aynagingdaan para makuha ang panalo.
Ang Opisyal na Paaralang Pampahayagan ng Davao Oriental Regional Science High School
EDITORYAL
D
Hindi naman nagpatinag ang Wildcats sa pagdepensa sa kalaban. Sa tulongng blocks ni Gagama ay naging patas ang resulta ng puntos sa unang set, 23-23. Aniya pa ni Casimero, marami siyang natutuhan sa kanyang paglalaro,napagtanto niyang kinakailangan pang magbago ang 'consistency' ngkanyang attacks. "Gagamitin ko ang aking napagdaanan para magsumikapupang maging 'team captain' sa volleyball team ng RS sa susunod na taon",dagdan pa niya. Tinapos ng Rhinos ang laro bitbit ang korona ng tagumpay. Ang panalongkoponan ay patuloy pa rin ang pageensayo para sa kanilang susunod na laro.
DORSHS namayani kontra MDA sa Finals!
Muling nagpakita ng magandang laro si Jodah Lamoste, na umarangkada ng 18 puntos, kung sa pinatumba ng Davao Oriental Regional Science High School (DORSHS) ang Mati Doctor Academy (MDA), 2522 25-22, upang masungkit ang kampeonato sa Mati North East District Meet 2023 sa NHA Covered Court noong ika 8 ng Disyembre.
Rhinos, ginapi ang Stallions para sa unang puwesto! Pinataob ng Grade 12 Dauntless Rhinos ang Grade 11 Lighting Stallions, 51-52, na nagbigay daan sa kanilang pag-angkin ng kampeonato sa PALAKASAN Event ng Davao Oriental Regional Science High School (DORSHS) sa RS Covered Court noong ika-2 ng Disyembre, 2023.
Pinangunahan ito ni Enzong Montencilio, kung saan ang Rhinos ay panalo sa huling laban nila kontra Grade 10 Blazing Wildcats hanggang sa makuha ang championship.
"Hindi namin inaasahan ang pagkatalo sa laro, siguro nag kulang kami sa communication as team pero pinakita parin namin ang aming best at magandang laban ang manonood," pahayag ni Rome Arguilles ng Lighting Stallions.
Sa buong laro, nagtala si Lamoste ng 18 puntos, samantalang si Lee Dominic E. Macapanas ay may 15 puntos at 4 blocks, at si Clark Jay C. Casimero ay nagambag ng 14 puntos para sa DORSHS. Sa paggamit ng mahusay na kombinasyon at spikes, nakuha ng DORSHS ang unang set na may 25-22 na lamang. "I want to thank God first because I did not expect that we will win the championship. Ang nasa isip ko lang ay maglaro nang masaya dahil ito na ang aking huling taon sa RS bilang isang estudyante. Pagtungtong namin sa finals, hindi na ito tungkol sa pagiging best na spiker, kundi sa paglalara at magsaya," pahayag ni Jodah Lamoste volleyball ng DORSHS. Sa ikalawang set, nagtagumpay muli ang DORSHS sa 25-22 na lamang gamit ang pinakakrusyal na sets at blocks. Samantalang si Mishal Francisco ang nagbigay ng 16 puntos para sa MDA, ngunit hindi parin to naging sapat para bigyang panalo ang koponan. Matapos ang mainit na laban, itinanghal ang DORSHS volleyball team bilang kampeon sa MNE District Meet 2023, ang kanilang kauna-unahang kampeonato sa maraming taon. Nakatakda na silang lumaban para sa City Meet, nagdudulot ng pag-asa para sa mas mataas na tagumpay sa hinaharap na pagsubok.
Sinimulan ni Arguilles ang laro sa kanyang mid-range shot, ngunit pinasok ng Rhinos ang kanilang matinding defensa upang makuha ang 8-point lead kontra Stallions sa unang quarter ng laro, 23 – 12.
Montencilio ay nagtala ng 16 puntos at 6 rebounds, habang sinamahan siya ni Dumaran na kumoleta ng 13 puntos at 4 assists.
Si Nikko Libre ng Stallions ay nagdala ng 18 puntos at 3 assists, nagbigay ng magandang laban sa ikalawang quarter, subalit nakuha rin ito ng Rhinos sa mahalagang bahagi ng laro.
Mahusay ang ipinakita ng Rhinos sa opensa, partikular na sa dalawang minuto ng ika4 na quarter, kung saan naging kritikal ang dalawang free throws ni Montencilio na nagdulot ng kalamangan para sa Dauntless Rhinos.
Matagumpay na tinapos ng Grade 12 Dauntless Rhinos ang kanilang misyon na maging kampeon, sa kabila ng kanilang pagkabigo nung huling harapan nila noong nakaraang taon.
Shymel Nuñez
MATA SA MATA Mainit na tutok ng magkalabang koponan ang nagbaga sa isinagawang Mati North East District Meet 2023 noong ika-8 ng Disyembre.
ang
Ang Opisyal na Paaralang Pampahayagan ng Davao Oriental Regional Science High School
DALUMAT
BALITANG ISPORTS
Jabilles: Magiting sa Bawat Laban!
ISPORTS KOLUM | Rizzy Masangay
Isports sa Science High School?
S
i Phoebe Charisse Jabilles ay nagdala ng gintong medalya sa Taekwondo Welterweight division sa DAVRAA noong Meet ika-26 ng Abril, 2023. Ang kanyang tagumpay at dedikasyon ay nagpatunay ng kaniyang kahusayan sa larangan ng Taekwondo. Nakuha ni Jabilles ang gintong medalya sa DAVARA, ngunit hindi ito ang kanyang huling tagumpay. Sa araw ng Palarong Pambansang 2023, nanalo siya ng bronze medalya kabilang din ang kompetisyon sa Batang Pinoy Taekwondo 2023. Maligaya ang Lungsod ng Mati sa mga makabuluhang nagawa ni Jabiles, na nagpapakita ng suporta ng lungsod sa pagbuo ng talento at paglikha ng kulturang pang-isports. Ang mga nakuhang medalya ni Jabilles ay nagsisilbing inspirasyon para sa mga nangangarap maging atleta. Ipinagmamalaki niya ang kanyang mga pangarap sa pamamagitan ng sikap at tiyaga, kabilang din ang tulong ng OlympKids Sports Camp Mati na nagbigay lakas para sa kanya upang magbuhis ng gantimpala sa labanan. "Firstly, All Glory is His. Thankful talaga sa oppurtunity na binigay ng city sports, also sa amjng mayor. I am very blessed to have a podium
Shymel Nuñez
Hindi natin maipagkaila ang kagandahang dulot ng pagkakaroon ng pampalakasan sa paaralan. Kamakailan lang umusbong ang Unit Meet noong Disyembre 6-8, 2023. Nagtala ang Davao Oriental Regional Science HighSchool ng 20 golds, 6 bronzes, at 2 silvers sa nasabing pangyayari.
SIPAKLABAN Matapos ang mainit sa pasiklaban sa sipaan, gintong medalya ang nakamtan ng isang taekwondo player na si Phoebe Jabilles sa isinagawang DAVRAA Meet noong Abril 26, 2023.
finish and incredibly proud to represent city of Mati, it was not easy conquering those fights having 40+ competitors in my Category. I am very grateful to my coaches that guided and fueled my passion for this sport. I do not consider myself as one of the best because I know for myself that I have a lot to improve but I am thankful that you have consideredpahayag me one,"ni Phoebe Jabilles sa kanyang karangalan sa pagtanggap ng medalya at pag-representa sa lungsod ng Mati. Ang kanyang mga pagsubok ay isa ring katibayan ng kanyang talento at ang pangalan niya ay maalala sa bagong henerasyon ng mga atletang Pilipino, lalo na ang mga nasa larangan ng Philippine Taekwondo sa Mati City.
Kilala ang DORSHS bilang paaralan na nageenganyo at naghuhubog ng kaalaman sa research. Subalit nagulantang ang karamihan sa pag-angat ngDORSHS sa kaganapang Unit Meet. Bakit kinokonsidera ang isports saScience High School? Nababalanse ba ang pag-aaral at pageensayo? Batay saistatistiks, 50% sa mga student-athlete ay honor student at 62.5% ang kayang maibalanse ang pag-aaral at pampalakasan.
| Safiah Hindi Francisco maitatawaran ang kakayahan ng
2024 New Year Football Festival: DORSHS, sumabak sa paligsahang Tagum City
mga atleta na nagbibigay karangalansa DORSHS. Ang ipinakita nilang husay sa larangan ng isports ay sumisimbolo upang mabuksan ang isip ng mga taong patuloy na nagsasabing ang ScienceHigh School ay para sa mga taong matatalino at purong research ang paaralan.
I
binandera ng manlalaro ng Davao Oriental Regional Science High School (DORSHS) ang lakas at galing sa paglunsad ng New YearFootball Festival 2024 sa Davao Del Norte Sports andTourism,Tagum City noong Enero 27. Mahigit tatlong koponan ang nakatunggali ng paaralan kabilang narito ang lungsod ng Maco, Carmen, at Orlando sa nasabingpaligsahan. Sa pagsimula ng laro, nagpakitanggilas si Cristine GraceVillanueva isang grade 11 student na umiskor tumataginting napuntos laban sa Maco.
PASOK SA BANGA Pursigidong naglaro si Cristine Villanueva at umiskor laban sa Maco sa isinagawang New Year Football Festival 2024 sa Tagum City, Davao Del Norte noong Enero 27.
RS Futsal Team pinataob and Don Bosco Futsal Team
T
inumba ng RS Futsal Team ang Don Bosco Futsal Team,para manatilingwalang talo sa Mati North East (MNE) District Meet 6-1, noong Disyembre 6, 2023 sa Don Bosco Covered Court Nanguna si Christine Villanueva sa pagkapanalo ng RS Futsal Team gamit angnag-iinit nitong sipa sa pagtira ng bola. Samantala, pinangunahan ni JennyJamili ang pagbawi nang umentra siya ng goal sa second half para sa DonBosco Futsal Team. Naging mainit ang simula ng first half matapos makakuha ng 4 na puntos angfirst five ng RS Futsal Team na pinangunahan ng makamandag na goal niVillanueva. "Malaki talaga ang naging epekto ng matinding suporta ng aming kamag-aaral sa pagkapanalo
,,
Shymel Nuñez
11
Akong maingon ingon is one of the best experience nako toh siya though naka dula nakog laing tournament,
saad ni Villanueva. Idinagdag pa niya na ang maayos nateamwork ng kanilang koponan ang nagbigay-daan upang kamtin angtagumpay.
saad ng estudyante.Dagdag pa rito ang kasiyahan niya nang mapagtantong kayanglumaban ng team sa koponan na mas higit ang karanasan safootball. Gayunpaman, bigong nakamit ng koponan ang panalo laban saibang paaralan. Ayon pa sa team captain ng DORSHS na si Maria Leah Dela Rosa isang grade 12 student, lubos ang kanyang pasasalamat saoportunindad na makapaglaro ng football at irepresenta ang paaralan." The tournament served as a valuable learningopportunity, emphasizing the importance of continuous growth,"dagdag pa ng kapitana. Patuloy ang page-ensayo ng mga manlalaro at nasasabik na samga paparating na mga paligsahan.
DISTRICT MEET MEDAL TALLY
Nagpakitang gilas naman si Jenny Jamili sa second half ng laro nangmasungkit niya ang unang puntos para sa kanilang koponan.
20
Bigo naman ang Don Bosco Futsal Team na maka abante sa second half nglaro pagkatapos makuha ng kabilang koponan ang mas mataas na puntos sapagtatapos ng second half na may 2-1 lead. Kapit-tuko na tinapos ng RS Futsal Team ang sagupaan dala ang tropeyo ngtagumpay sa iskor na 6-1. Ang koponang kampyonato ay patuloy pa sa kanaling pagsasanay para sa paparating na kaban sa City Meet.
6
2
agham at teknolohiya
12 Surpresa sa Bagong Taon: Japan niyanig ng 7.6 na lindol
B
agong taon, bagong mga surpresa. Isang delubyo ang bumungad sa unang araw ng taon sa mga residente ng Central Japan. Ang hindi inaasahan na pangyayari ay nagdulot ng matinding pagkabahala ng mga tao at pagkasira ng mga estraktura sa lugar na hanggang ngayon ay binibigyang aksyon. Sa unang araw ng taon ang insidente ay nag-iwan ng mapait na kalagayan sa bansa at sa mga residente nito. Ayon sa Japan Meteorological Agency (JMA), ang ahensya na nakatalaga sa pagmomonitor ng mga sakuna sa Japan, ang yumanig sa bansa noong Enero 1, 2024 sa ganap na 4:10 ng hapon ay ang nasa bilang na 7.6 magnitude na lindol. Makalipas lamang ang 10 minuto, naiulat ng ahensya ang unang tsunami waves sa western coastal regions, na umabot sa apat na talampakan ang taas. Matapos ang anunsyo, agad-agad lumikas ang mga residente sa matataas na lugar upang maiwasan ang maaaring paparating na tsunami. Batay sa GMA Balita, ang matinding pagyanig ay nagresulta sa pagkawasak ng libo-libong kabahayan at estraktura sa bansa. Bukod pa dito, nahinto ang mga operasyon sa mga tren at paliparan sa mga apektadong lugar. Naitala rin ang mahigit kumulang 36,000 na mga kabahayan ang nawalan ng kuryente sa Toyama at Ishikawa Prefectures. Sa kabilang banda, sinigurado ng Nuclear Regulation Authority ng Japan na walang problema sa mga nuclear power plant sa
bansa, kasama na ang limang active reactors nito. Sa kabila ng mga malaking pinsala sa estraktura, umabot na sa 100 ang bilang ng namatay at 200 ang nawawala matapos ang insidente, batay sa datos ng Japan Search Team. Hanggang ngayon patuloy pa rin ang pahirapan na paghahanap sa mga nakaligtas sa mga gumuhong gusali at higit kumulang 500 na istranded sa mga underground parking lots. “The search and rescue of those impacted by the quake is a battle against time” pahayag ni Prime Minister Fumio Kishida sa emergency disaster meeting noong nakaraang ika- 1 ng Enero. Idinagdag ni Kishida na nahirapan ang rescue team na pumunta sa hilagang dulo ng Noto Peninsula dahil sa mga nasirang daan. Matapos ang naiulat na dalang pinsala ng lindol sa Japan noong bagong taon, ito ay nagbigay bahala sa mga karating bansa upang maging mas handa sa mga sakuna. Batay sa panayam kasama si Johannes T. Latras, head at ang namumuno sa Disaster Management Action Team (DMAT) ng Davao Oriental Regional Science High School (DORSHS), isinaad na ng Department of Education (DepED) na dapat sumali ang bawat paaralan sa Nationwide Simultaneous Earthquake Drill o NSED. Ito ay nangyayari sa bawat kwarter ng taon. Pahayag pa ni Latras, tungkulin ng DMAT na
Ang Opisyal na Paaralang Pampahayagan ng Davao Oriental Regional Science High School
Shymel Nuñez
D
Sira na mga tulay, istranded na mga kababayan, at lubog sa tubig na mga kabahayan, iyan ang sitwasyon ngayon sa Davao Region dahil sa walang tigil na pag-ulan dulot ng shear line na siyang sinundan ng trough ng Low Pressure Area (LPA). Ilang bayan na sa rehiyon ang isinailalim sa state of calamity bunsod ng masamang panahon na nagdulot ng matinding pagbaha at landslides. Naiulat sa weather bulletin ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), na magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan at pagkidlat sa Mindanao dahil sa Trough ng LPA. Apektado ng buntot ng LPA ang Davao de Oro, Davao del Norte, Davao Oriental, Davao Occidental, at Davao City. Pahayag pa ng administrasyon posibleng magkaroon ng flash floods o landslides dahil sa katamtaman hanggang sa mga pag-ulan na maaaring maging mabigat sa ilang bahagi na ngayon ay siyang kinakaharap ng mga tao sa Davao Region. Umabot sa 13,000 na pamilya sa Davao del Norte ang naitala ng Provincial Disaster Risk Reduction and
siguraduhin at i-monitor ang buong partisipasyon ng mga studyante at guro sa mga gagawin na earthquake drill. “ For future action plans, the DMAT will conduct an update of the school’s emergency response plan. Also if the resourced are available, we will ensure that communication equipment, such as emergency radios or intercom systems, is functional and ready for use during and actual emergencies.” dagdag pa niya. Ang matagalan na preparasyon para sa ganitong kalamidad ay mahalaga lalong lalo na sa Pilipinas na isa sa mga bansa na kadalasan nakakaranas ng malakas na pagyanig. Kamakailan lamang tinamaan ng 7.6 magnitude na lindol noong ika-3 ng Dsiyembre taong 2023 ang probinsya ng Surigao del Sur at mga kalapit na lugar nito sa Mindanao. Ilang aftershocks ang naitala ng PHIVOLCS matapos ang malakas na pagyanig. Naglabas din ng Tsunami warning ang PHIVOLCS sa Surigao del Sur at Davao Oriental na agad binigyang aksyon ng mga residente na mabilisang nagsilikas sa matataas na lugar. Sa likod ng panganib na dala ng lindol, ang pagiging handa ang solusyon. Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman at pagiging alerto ang magliligtas sa kalagayan ng bawat tao sa hindi maiwasan na dalang surpresa ng lindol, kahit kailan, kahit na sa bagong taon.
LUMULUTANG ANG HIWAGA Isang pamilya ang tinatahak ang baha at inaasam asam ang hiwagang mag-aahon sa pait na binuhos ng kalamidad sa kanila sa kasagsagan ng sakuna sa Davao Oriental noong buwan ng Enero hanggang Pebrero.
Management Office (PDRRMO) ang apektado sa matinding pagbaha. Nakaranas naman ang lungsod ng Mati ng matinding landslides na humarang sa mga daan partikular sa Badas at Tarragona Road. Bukod pa rito, lubog din sa baha ang Davao de Oro. Isa sa mga tulay sa New Bataan, Davao de Oro ang ngayon ay hindi na madaanan dahil sa pagguho nito bunsod ng matinding pagbaha. Ayon kay Office of Civil Defense Regional Director Ednar Dayanghirang, patuloy ang pagbabantay at mga operasyon lalo na at mas dumami ang apektadong lugar ng sakuna na halos parte ng Davao de Oro at Davao Oriental. Sa panahon ng mga ganitong sakuna, ang pagiging alerto at handa ang proteksyon. Binigyang babala ng PDRRMO ang lahat sa Davao Region na maagang lumikas at maghanda upang masigurado ang kaligtasan ng lahat. Nagbigay naman ang Department of Health (DOH) ng mga paalala sa kung ano ang dapat gawin upang maiwasan ang mga sakit na maaaring makuha sa panahon ng pagbaha at pag-ulan. Sa ibang salita, nasa iyo nakasalalay ang iyong sariling kaligtasan, kaya maging handa sa dala ng buntot ng LPA na rumaragasang sakuna.
Tubig banta sa tubig baha Maulap na kalangitan at maputik na mga daan; Isa lang ang ibig sabihin niyan, panahon nanaman ng tag-ulan. Sa panahon ng tag-ulan, iba’t ibang sakit ang naglalabasan. Ang iba sa sakit na mga ito ay hindi lamang galing sa malamig na panahon, ngunit pati na rin sa maruming tubig baha na dulot nito, kabilang na ang leptospirosis dito. Isa sa mga kadalasan na nakukuha ng mga tao na lumulusong sa tubig baha ay ang sakit na leptospirosis. Ngunit, ano nga ba ito? Batay sa Department of Health (DOH), ang leptospirosis ay isang impeksyon na dulot ng leptospira bacteria na inilalabas ng mga hayop tulad ng mga daga, aso, baboy, baka, at iba pa sa kanilang pag-ihi. Ang kanilang ihi na maaaring mahalo sa tubig baha ang siyang nagdudulot ng panganib sa mga taong lumulusong na mayroong bukas na sugat. Bukod pa dito, ang leptospirosis ay maaari rin makuha kung napasukan ng kontaminadong tubig ang mata, ilong, o bibig ng isang tao. Madalang man na ito ay nakakahawa, maaari pa rin itong makuha sa pakikipagtalik o pagpapasuso ng inang may sakit sa kanyang bata. Ang pagkakaroon ng leptospirosis ay isang hindi madali na proseso. Ayon sa World Health Organization (WHO), karaniwan na lumalabas ang mga sintomas nito apat hanggang 14 na araw matapos mailantad sa bacteria. Maaaring makaranas ang tao ng lagnat, pagubo, panginginig, sakit ng ulo, pamamantal ng balat, pamumula ng mga mata, pagsakit ng mga kalamnan lalo na sa hita at likod, pagtatae, pagkahilo, at pagsusuka. Gayunpaman, kung hindi ito mabilisan na maaagapan maaari itong humantong sa kamatayan o sa mas malalang sakit na tinatawag na Weil’s disease. Sa kabilang banda, ang sakit na leptospirosis ay may lunas. Batay sa WHO, ang pag-inom ng antibiotics tulad ng penicillin at doxycycline ang isa sa mga paraan upang maagapan ang sakit. Dagdag pa ng administrasyon, mahalaga na tapusin ang pag-inom ng gamot dahil mayroong posibilidad na bumalik ang bacteria kapag inihinto ang medikasyon. Mainam man na malaman ang panlunas sa sakit, mas mabuti pa rin na iwasan ang sakit na ito. Kaya, nagbigay payo ang DOH sa lahat na umiwas na lumusong sa tubig baha na maaaring kontaminado ng bacteria, lalo na kung may sugat sa paa. Kung hindi man maiiwasan ang paglusong sa baha, dapat na magsuot ng proteksyon o bota. Dagdag pa ng ahensya na maging listo sa mga sintomas at agaran na pumunta sa pinakamalapit na hospital o health center kung nakakaranas ng ilan nito upang mabigyan ng tamang lunas. Paalala rin ng ahensya sa mga may ari ng hayop na pabakunahan ang mga alaga upang hindi mag sanhi ng leptospirosis. Sa lahat lahat, panahon man ng tag-ulan o hindi, mahalaga pa rin na mag-ingat sa mga kontaminadong tubig na maaaring mayroong leptospira bacteria. Ang taging sagot upang ito ay maiwasan ay ang maging listo, sapagkat karaniwan man itong tubig baha sa paningin, dala nito’y banta sa atin.
ang
DALUMAT
AGHAM & TEKNOLOHIYA
Ang Opisyal na Paaralang Pampahayagan ng Davao Oriental Regional Science High School
13
Ayon sa kalihim ng Science and Technology na si Renato Solidum, base sa kondisyon ngayon, mayroong posibilidad na lumala ang tagtuyot simula Pebrero hanggang Mayo ngayong taon sa Pilipinas. Pahayag pa ni Solidum, mayroong 77% ng mga lalawigan sa bansa ang makakaranas ng tagtuyot simula sa buwan ng Mayo. Tinatayang nasa 65 na lalawigan ang maaapektuhan ng sakuna. Matindi ang dalang epekto ng El Niño sa buong mundo, pati na rin sa mga taong nakapaloob dito. Isa sa mga pangunahing natatamaan nito ay ang agrikultura, pangisdaan, at pinagkukunan ng pagkain. Ipinahayag ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang pangamba sa isang pagpupulong noong ika- 3 ng Disyembre taong 2023 na ukol sa posibleng pagdanas ng tagtuyot at kulangan ng pagkain sa Pilipinas ngayong bagong taon. Naibanggit ng presidente na mayroon nang mga paghahanda sa paparating na tagtuyot ngunit ito ay kulang pa.
Shymel Nuñez
MAPAIT NA PITAS Isang masasaka ang mapait sa pusong pinipitas ang kaniyang natuyong mga tanim matapos mamatay sa kasagsagan ng El Niño sa Pilipinas.
Nagbabalik at Mas Matindi: Perwisyong hatid ng El Niño sa 2024
M
atinding tagtuyot ang nakikita sa kapalaran. Nagbabalik ang delubyong dulot ay kawalan at matinding kainitan. El Niño, iyan ang tawag diyan. Sa taong 2024, dala nito ay perwisyo lamang, handa ka na ba na ito’y mapigilan? Naiulat ng US National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA), ang taong 2023 bilang taon na nakaranas ng pinakamainit na temperatura sa kasaysayan. Batay dito, ang El Niño ang pangunahing dahilan nito at kung hindi mapipigilan, mayroong malaking posibilidad na mas lumala ang sitwasyon na haharapin sa taong 2024. Ang El Niño ay kinikilala bilang isa sa mga weather
phenomenon. Ayon sa National Geographic, ang El Niño ay mula sa karagatang Pasipiko na maaaring makapagbago ng at klima sa kalupaan. Ngunit, sa kabila ng dala na perwisyo ng El Niño, Ito’y nagsisimula pa lamang. Dagdag pa ng National Geographic, ang El Niño ay ang unang yugto bago ang mas matindi at malaking problema, ang El Niño- Southern Oscillation (ENSO). Matindi ang dalang epekto ng El Niño sa buong mundo, pati na rin sa mga taong nakapaloob dito. Isa sa mga pangunahing natatamaan nito ay ang agrikultura, pangisdaan, at pinagkukunan ng pagkain. Ipinahayag ni
Presidente Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang pangamba sa isang pagpupulong noong ika- 3 ng Disyembre taong 2023 na ukol sa posibleng pagdanas ng tagtuyot at kulangan ng pagkain sa Pilipinas ngayong bagong taon. Naibanggit ng presidente na mayroon nang mga paghahanda sa paparating na tagtuyot ngunit ito ay kulang pa.
“What we need to do is to prepare further capacity so that should El Niño extend to the second quarter of 2024, we are still able to supply water to urban areas, agriculture, and industries” dagdag pa ng presidente.
Ngayon, patuloy ang pagsasanib pwersa ng mga bansa upang mapigilan ang lubos na paglala ng sitwasyon, hinahanda ang bawat lahat sa maaaring paparating na tagtuyot. Matapos ang 2023 UN Climate Change Summit sa Dubai, hinihikayat ang bawat bansa na ihinto ang pang-aabuso sa fossil fuels. Batay sa chief scientist ng NOAA, Sarah Kapnick, patuloy na lolobo ang dalang epekto ng El Niño kung sakaling hindi maihihinto ang mga fossi fuel emissions. Ayon sa Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC), tinatayang nasa 43% ang dapat matigil na emissions pagdating ng taong 2030 at 60% sa 2035.Ngunit, batay sa bagong inilabas na datos ng UN Environment Program, naitala ang 1.2% na pagtaas ng global greenhouse emissions simula 2021 hanggang 2022 na umabot sa bagong tala na 57.4 gigantos ng carbon dioxide.
“With every additional amount of carbon dioxide and methane in the atmosphere, we will see increase in probabilities and magnitudes of extreme events,” Sa lahat, ang El Niño ay hindi isang biro. Ngayong bagong taon at sa mga susunod pa, hatid nito ay perwisyo sa buong bansa. Subalit, mayroon pang solusyon, kahit na maliit lamang ang tyansa, ito ay may malaking tulong na dala. Sa huli, ito ay mga pandaigdigang problema na maaari lamang magkaroon ng pandaigdigang solusyon. Kaya, magsisimula ngayon at sa mga susunod pa na henerasyon, sabay na kumilos at maghanda sa perwisyong dala ng El Niño sa taong 2024.
Matubig na Butlig: Banta ng Bulutong sa daigdig Pantal at butlig sa katawan ang lumilitaw. Sa balat, mapula at kati-kati ang siyang dala. Pagdating sa biktima, walang sino ang makakawala. Iyan ang banta ng bulutong na dapat ikabahala. Unti-unti na tumataas ang bilang ng mga estudyante na nagkakaroon ng bulutong sa Davao Oriental Regional Science High School (DORSHS) ngayong pasukan. Ito ay ikinabahala ng mga estudyante at guro kaya’t binigyang permisyo na lumiban muna ang mga estudyanteng mayroon nito. Ang bulutong o mas kilala sa tawag na chickenpox ay lubos na nakakahawa. Ayon sa National Library of Medicine (NLM), Ito ay isang sakit na nanggagaling sa impeksyon dulot ng virus na varicella zoster. Kahit sino ang maaaring makakuha ng sakit na ito, bata man o matanda. Batay sa NLM, ang chickenpox ay lubos na delikado sa mga taong mahina ang resistensya at mayroong leukemia. Mabilis na nakakahawa ang sakit lalo na sa hangin dulot ng pag-ubo at pagbahing. Ito rin ay maaaring makuha sa direktang pagdikit sa balat. Ngunit, mas malaki ang posibilidad na ikaw ay mahawa kung kasama mo sa isang silid ang taong may chickenpox,
kaya dapat mabahala. Batay sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), ang taong mayroong chickenpox ay makakaranas ng pamamantal na kadalasang namumula sa dibdib o tiyan bago ito tuluyan na kumalat sa ibang bahagi ng katawan tulad ng braso, leeg, binti, at mukha. Ang mga pantal na dulot nito ay mamumula at magkakaroon ng likido na tinatawag na vesicles. Bukod sa pamamantal, maaari ding makaranas ng lagnat, panghihina, pagkawala ng gana kumain, at pananakit ng ulo. Tumatagal nang 10 na araw o mas higit pa ang chicken pox. Matapos ang humigit kumulang na dalawang linggo, unti-unti na mawawala ang mga vesicles na dala nito. Upang masigurado ang iyong kaligtasan, mainam na pumunta sa pinakamalapit na hospital kung mayroon ka ng mga sintomas na naibanggit. Ang mga pantal o vesicles ang pangunahing palatandaan ng chickenpox. Bago lumabas ang pamamantal sa balat, hindimaititiyak kung mayroon ka nito. Mahalaga na magpatingin kaagad sa doktor kapag ikaw ay nakasalamuha ng taong may kaso ng chickenpox.
Shymel Nuñez
Ang pagbibigay lunas sa chickenpox ay nangangailangan ng mahabang pasensya. Importante ang maingat at tamang pagtrato sa mga sintomas nito, lalo na sa pamamantal. Babala ng Department of Health (DOH), mahalaga na iwasan ang pagkamot sa mga pantal upang hindi lumabas ang likido sa loob nito, na maaaring magdulot ng impeksiyon at mas lumala. Payo pa ng ahensya na gupitin ang mga kuko o magsuot ng guwantes upang maiwasan ang hindi sadyang pagputok ng vesicles. Bukod dito, mahalaga rin ang maayos na paglilinis ng balat gamit ang maligamgam na tubig para maiwasan ang paglala ng impeksiyon. Ang mga pasyente ng chickenpox ay pinapayuhang manatili sa bahay upang maiwasan ang pagkalat nito sa iba.
BULUTONG Isang batang nakaranas ng bulutong ang binabalot ng pighati matapos matamo ang nakahahawang sakit.
Isa sa mga naging panangga laban sa chickenpox ay ang bakuna. Ito ay tumatayong proteksyon upang maiwasan ang impeksyon ng varicella zoster virus. Inaanyayahan ng DOH ang lahat na magpabakuna sa pinakamalapit na mga health center, lalo na ang mga magulang na mayroong sanggol na nasa 12-15 na buwan. Batay sa datos na inilahad ng CDC, ang bakuna ang pangunahing dahilan kung bakit bumaba ang kaso ng chickenpox sa buong mundo. Maliit man na pantal ang lumitaw sa katawan, dala nito ay hindi mabuti sa sangkatauhan. Ang tanging sagot dito ay kaalaman at aksyon upang ito ay maiwasan. Kaya, bigyan ng wastong proteksyon ang sarili sa dalang banta ng bulutong sa katawan.
14
BALITA
Ang Opisyal na Paaralang Pampahayagan ng Davao Oriental Regional Science High School
kina na gumagana mag-isa, at buong ekonomiya. Batay sa artikulo ni katalinuhan ang dala. Sa bawat Mohammed Saad, isang UoPeople pindot, ay ang sagot. Mabilis at Ambassador, sa patuloy na paglaki ng AI sa mga nakaraang taon mayroong mabisa sa paraang kakaiba. Kaakbay sa malaking posibilidad na malayo na ang teknolohiya at handang tumulong sa mararating nito sa taong 2050. Sabi ni bawat isa, artisipisyal na katalinuhan Saad, ang advancement ngayon ng AI ay ang siyang tawag sa kanya. makakagawa na ng mga autonomous na mga sasakyan, pagawaan, at mga virtual Ang artipisyal na katalinuhan na sa na katulong pagdating ng 2050. Sa Ingles ay artificial intelligence o AI ay larangan naman ng edukasyon, mas sangay ng agham pangkompyuter na maipapabuti ang mga AI system na maaaring magsagawa ng mga gawain na magpapadali sa komunikasyon, pagkaraniwang nangangailangan ng unawa sa Makina na gumagana mag-isa, katalinuhan ng tao. Ito ay nagbibigay ng at katalinuhan ang dala. Sa bawat pindot, mga sistema na mayroong kakayahan ay ang sagot. na umangkop at matuto mula sa karanasan, katulad ng mga tao. Mabilis at mabisa sa paraang Maaaring suriin ng teknolohiya ng AI kakaiba. Kaakbay sa teknolohiya at ang data, kilalanin ang mga pattern, handang tumulong sa bawat isa, gumawa ng mga desisyon, at gumawa ng artisipisyal na katalinuhan ang siyang mga aksyon. tawag sa kanya. Ayon kay Sadrah Pierre, isang Ang artipisyal na katalinuhan na sa data scientist sa Solidus Labs, tunay na Ingles ay artificial intelligence o AI ay makikita ang malaking epekto na dala sangay ng agham pangkompyuter na ng AI sa paghuhulma ng kinabukasan sa maaaring magsagawa ng mga gawain na lahat ng aspeto ng industriya. Dagdag pa karaniwang nangangailangan ng ng scientist, Ito na ang nangunguna sa katalinuhan ng tao. Ito ay nagbibigay ng mga umuusbong na teknolohiya tulad mga sistema na mayroong kakayahan na ng big data, robotics at IoT. Hindi pa umangkop at matuto mula sa karanasan, babanggitin ang generative AI, na may katulad ng mga tao. Maaaring suriin ng mga tool tulad ng ChatGPT at AI art teknolohiya ng AI ang data, kilalanin ang generators na nakakakuha ng mga pattern, gumawa ng mga desisyon, pangunahing atensyon na maaaring at gumawa ng mga aksyon. gumanap bilang isang technological innovator sa hinaharap. Ayon kay Sadrah Pierre, isang data scientist sa Solidus Labs, tunay na Ngayon at tanyag na ang malaking makikita ang malaking epekto na dala ng ambag ng AI sa industriya, hindi AI sa paghuhulma ng kinabukasan sa makakailang ang mga benepisyo na lahat ng aspeto ng industriya. Dagdag pa naibibigay nito pagdating sa edukasyon, kalusugan, robotics. seguridad, at sa
ng scientist, Ito na ang nangunguna sa mga umuusbong na teknolohiya tulad ng big data, robotics at IoT. Hindi pa babanggitin ang generative AI, na may mga tool tulad ng ChatGPT at AI art generators na nakakakuha ng pangunahing atensyon na maaaring gumanap bilang isang technological innovator sa hinaharap. Ngayon at tanyag na ang malaking ambag ng AI sa industriya, hindi makakailang ang mga benepisyo na naibibigay nito pagdating sa edukasyon, kalusugan, robotics. seguridad, at sa buong ekonomiya. Batay sa artikulo ni Mohammed Saad, isang UoPeople Ambassador, sa patuloy na paglaki ng AI sa mga nakaraang taon mayroong malaking posibilidad na malayo na ang mararating nito sa taong 2050. Sabi ni Saad, ang advancement ngayon ng AI ay makakagawa na ng mga autonomous na mga sasakyan, pagawaan, at mga virtual na katulong pagdating ng 2050. Sa larangan naman ng edukasyon, mas maipapabuti ang mga AI system na magpapadali sa komunikasyon, pagunawa sa iba’t ibang wika, interpretasyon, at pagsasaliksik. Hindi rin mahuhuli ang malaking ambag ng AI sa mga hospital. Inaasahan sa hinaharap na maaaring mahulaan at maiwasan ng mga AI system ang sakit bago mangyari ang mga ito. Ang personalized na pangangalagang medikal ay magiging karaniwan, na may mga AI-powered system na tumutulong sa isang mas tumpak na diagnosis. Inaasahan ng mga eksperto na pagdating ng 2050, marami na ang mga katulong na robots sa mga pampublikong lugar ng trabaho pati na sa mga tahanan. Kasama ang ambag ng AI sa ekonomiya, marami na ang naglalaan ng malaking pera upang ito ay suportahan at mas ipabuti para sa hinaharap. Naitala ng Development Dimensions
ang
DALUMAT
International (DDS), ang 25% ng mga kompanya na bumaling sa AI, ito ay isang mahusay na solusyon para sa pagbibigay kapangyarihan sa mga tao at pagtagumpayan ang mga kakulangan ng trabaho. Bilang karagdagan, inaasahan ng 64% ng mga sumasagot na ang mga teknolohiya ng AI ay magpapahusay sa kahusayan sa trabaho. Sinusuportahan ito ng pananaliksik na nagpapakita ng 40% na pagtaas sa produktibidad ng negosyo dahil sa paggamit ng teknolohiya ng AI. Batay sa datos ng European Union, malapit na umabot sa $180 bilyon ang global investment sa AI. Ito ay dahil sa matagumpay na paglunsad sa ChatGpt na ngayon ay ginagamit na ng karamihan.
“AI is the most important invention the humanity will ever make” pahayag ni Demis Hassabis CEO ng DeepMind. Dagdag pa niya, naniniwala siya na ang pagtanggap ng AI sa lipunan ay magkakaroon ng parehas na paraan sa pagtanggap nito sa mga smartphones. Sa mga susunod pang taon, makikita ang lubos na pag-usbong ng AI sa iba’t ibang aspeto ng industriya at ang dalang ambag nito sa mundo. Ang AI ay hindi lamang ang hinaharap ng teknolohiya, Ito ang susi sa hindi mabilang na mga pagkakataon at tagumpay. Sa pagpasok natin sa panahon ng artificial intelligence, dapat nating maunawaan ang potensyal nito, gamitin ang mga kakayahan nito nang may pananagutan, at tiyaking naaayon ito sa ating mga pagpapahalaga at adhikain ng tao. Ang kinabukasan ng AI ay walang alinlangan na maliwanag sapagkat ito ang nagbibigay daan para sa isang mas mahusay, makabago, at magkakaugnay na mundo. Kaya, ikaw, kaakibat ang artipisyal na katalinuhan, handa ka na ba harapin ang handog ng makabagong teknolohiya sa iyong kinabukasan?
APD: Karamay sa marumi na ihip ng hangin Kalidad ng hangin ang binabantayan. Ito ay nagbibigay alerto sa mga tao sa lipunan. Isang kagamitan laban sa polusyon sa hangin, Air Pollution Detector(APD) kung tawagin. Nasungkit ng mga mananaliksik na sina Gene Martz Paeca, Safiah Francisco, at Alpha Shine M. Lamang kasama ang kanilang tagapagsanay nasi Jaime S. Yu, ang ikalimang pwesto sa nagdaang Regional Science and Technology Fair noong nakaraang Disyembre 7, 2023. Iprinesenta nila ang pag-aaral na “Air Pollution Detector(APD): An Air Quality Monitoring Device”. Ang nagsimula ng pag-aaral na ito ay sina Shekinah Grace M. Lamang, Christian Dominic L. Bacolod, Iris Jhean M. Calig-onan, Kater Blake O. Dupa, Hannah Gwyneth P. Lapez, at Antonio I. Uy III— naipinagpatuloy at ginawang mas epektibo ng grupo ni Paeca. Ang APD ay naglalayong maging isang epektibo na air pollution detector na gumaganap bilang taga monitor sa kalidad ng hangin sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga mensahe sa preprogrammed na mga numero ng telepono upang maiwasan at pagaanin ang mga potensyal na masamang epekto ng polusyon sa hangin.
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang polusyon sa hangin ay ang pagkakaroon ng kahit anong kemikal, pisikal, o biological na bagay na nakakasira sa kalidad ng hangin sa loob o labas ng lugar. Batay sa datos na inilahad ng WHO, 99% ng pandaigdigang populasyon ay naeekspos sa matinding maalikabok na hangin na lumalampas sa mga limitadong patnubay ng organisasyon Ngunit, bago man maging epektibo ang APD, Ito ay dumaan sa isang mabusisi na proseso. Inilahad ng mga mananaliksik na sila ay humingi ng tulong sa isang propesyonal na IT upang magawa ang prototype. Ang prototype ay sinubukan para sa dry run test matapos ang matagumpay na pagsusuri para sa calibration test, na tiyak na nagpapatunay ng kakayahan nito na mag-detect ng polusyon sa hangin at gumana sa SMS notification system. Sumailalim ang APD sa isang mahigpit na 5-araw na pagsusuri upang suriin ang kakayahan nitong ma-detect ang carbon monoxide emissions, kahalumigmigan, presyon, at temperatura, na nag-a-assess ng kabuuang kahusayan nito. Batay sa mga resulta ng pag-aaral, nakita ang epektibidad ng APD sa buong limangaraw na panahon ng pagsusuri.
Shymel Nuñez
WAGI NG IMBENSYON Ginawaran ng gantimpala ang mga mananaliksik na sina Gene Martz Paeca, Safiah Francisco, at Alpha Shine Lamang sa isinagawang RSTF noong Disyembre 7, 2023.
Ang mga natuklasan ay nagpapakita na ang kagamitan ay gumagana nang maayos, may iskor na 91% para sa epektibidad at 72% para sa kahusayan sa kanyang SMS notification system. Batay sa grupo ni Paeca, ang pag-aaral na ito ay kumuha ng gabay sa dalawang paraan ng Signal Detection Theory at Diagnostic Decision Making. Dagdag pa ng mga mananaliksik, ang mga prinsipyo na ito ay mahalaga sa pagsusulong ng isang kagamitan na hindi lamang nakakakilala ng maaga sa mga posibleng panganib sa hangin kundi gumagamit din ng matalim na proseso ng paggawa ng
desisyon upang maglabas ng babala batay sa lakas ng makakalap evidence. Bukod sa teknikal na kakayahan ng APD, ang kagamitan ay mahalaga sa pagmomonitor ng kalidad ng hangin at pagpapadala ng agad na abiso sa mga pre-programmed na numero, nagbibigay daan sa mga residente na maging mapanagot na nagmomonitor ng kalidad ng hangin. Sa kahulugan, ang APD ay hindi lamang sumusunod sa teknikal na pamantayan kundi naglalaan din ng pabigat na mga hakbang kapag natuklasan ang hindi ligtas na polusyon sa hangin. Ang APD ang karamay sa mundong polusyon ng hangin ang nakabantay