1
ANG IMPERYALISMONG US AT ANG PAGLABAN NG MAMAMAYAN SA PILIPINAS Talumpati sa May Pag-Asa, Asamblea ng Kabataang Anti-Imperyalista July 4, 2014 Propesor Jose Maria Sison Tagapangulo, International League League of Peoples’ Struggle
Mahal na mga kapwa aktibista, Taos puso akong nagpapasalamat sa Liga ng Kabataang Propagandista at Anakbayan sa paanyayang magsalita sa ‘May Pag-asa’, isang pagtitipon ng mga kabataang Pilipino na may layuning buhayin ang diwang makabayan ng kabataan sa harap ng tumitinding dominasyon ng mga dayuhang bansa, lalo na ng US, sa ekonomiya at pulitika ng Pilipinas. Tumpak ang temang “Itakwil ang Daangtaong pagkaalipin!” Nais kong talakayin sa inyo kung paano ipinataw ng imperyalismong US ang sarili sa sambayanang Pilipino, nilabag ang pambansang soberanya nila at hinadlangan ang kanilang mga adhikain sa demokrasya, katarungang panlipunan at pagpapaunlad mula noong 1898 sa pamamagitan ng mga kaparaanan sa militar, pulitika, ekonomya at kultura. Kaugnay nito, nais kong talakayin muna kung paano lumitaw ang monopolyong kapitalismo o modernong imperyalismo bilang huling yugto sa pag-unlad ng kapitalismo at kung paano nagsimula ang panahon ng 2
imperyalismo. Parasitiko, nabubulok at naghihingalo ang monopolyong kapitalismo, na higit kaysa nakaraa’y mapandigma at nagbubukas sa posibilidad ng sosyalismo. Sa pagiging imperyalista, matindi ang karahasan at pagkaagresibo nito sa pagsupil sa rebolusyon at sa pagangkin sa teritoryong ekonomiko at pulitikal sa ibayong dagat. Sa gitna pa lamang ng ika-19 na siglo, mula 1848 hanggang 1868, ipinakita na ng Inglatera ang dalawang mayor na katangian ng imperyalismo: ang pag-aari nito sa malalawak na kolonya at ang monopolyong industryal nito na nahuhuthutan ng supertubo. Sa hanay ng mga bayang kapitalista, unang naging monopolyong kapitalismo ang malayang kompetisyong kapitalismo bilang dominanteng pwersa sa ekonomya. Sa huling tatlong dekada pa ng ika-19 na siglo makikita ng ilang bayan, kabilang ang US, Fransya, Alemanya, Italya, Hapon at Rusya, ang pag-unlad ng malayang kompetisyong kapitalismo sa monopolyong kapitalismo. Kasama ng Inglaterra, ipinamalas ng mga ito ang limang katangian ng imperyalismo. Tuwirang inihanda ng ikalimang katangian, na ganap na hatian sa daigdig ng mga kapangyarihang kapitalista, ang tanghalan para sa mga gerang imperyalista: 1. Ang pangingibabaw ng mga monopolyong kapitalista sa ekonomya; 2. Ang pagsasanib ng kapital ng industriya at bangko at ang pagsulpot ng oligarkiya sa pinansya; 3. Ang mas malaking kahalagahan ng pagluluwas ng sarplas na kapital kaysa pagluluwas ng sarplas na kalakal bilang pamamaraan sa pagkamal ng supertubo; 4. Ang mga alyansa at kontra-alyansa ng mga kartel, sindikato at trust sa internasyunal na antas; 5. Ang ganap na hatian sa daigdig ng malalaking kapangyarihang kapitalista, na saklaw ang mga bayan o lugar na hindi maunlad o hindi gaanong maunlad bilang mga teritoryo sa ekonomya (pinagkukunan ng mga murang hilaw na sangkap at murang paggawa, kontroladong mga pamilihan at mga larangan sa pamumuhunan) at bilang mga teritoryo sa pulitika (mga kolonya, mga malakolonya, mga protektorado, mga bayang dependyente at mga saklaw ng impluwensya. 3
Para sa isang kapangyarihang monopolyo kapitalista, nagiging isang mas maaasahang teritoryo sa ekonomya ang isang tukoy na bayan o erya sa ibayong dagat kapag isa din itong teritoryo sa pulitika na naangkin sa pamamagitan ng interbensyon o agresyong militar. Kinailangan ng mga bagito sa larong kolonyal gaya ng US na magsagawa ng agresyon sa paglitaw nila bilang mga imperyalista. Kung ihahambing sa mga kapangyarihang imperyalista sa Kanluran, hindi gaanong napaunlad ng Rusya at Hapon ang monopolyong kapitalismo pero nagawa nilang mag-ari ng mga teritoryong hugutan ng monopolyong tubo sa pamamagitan ng agresibong paggamit ng pwersang militar. Noon tulad ngayon, tinatangka ng mga kapangyarihang kapitalista na hatiin sa hanay nila ang pamilihang pandaigdig sa mapayapang paraan, hanggang pumutok sa gera ang kompetisyon nila sa ekonomya at ribalan sa pulitika. Inilatag ng ganap na hatian sa daigdig ng mga kapangyarihang kapitalista sa pagtatapos ng ika-19 na siglo ang larangan ng marahas na tunggalian sa hanay nila para sa muling paghahati ng daigdig. Sinira ng mga nahuling lumahok sa larong kolonyal ang balanse ng pwersa at itinulak nila ang pagputok ng gera. Sa gayon, pinasimulan ng mga gera ang panahon ng modernong imperyalismo at nagkaroon ito ng pinal na hugis noong panahong 1898 hanggang 1914. Pangunahing mga palatandaan ng bagong panahon sa kasaysayan ang Gerang Espanya-US (1898), ang Gerang Anglo-Boer (1899-1902), ang Gerang Rusya-Hapon (1904-05) at ang krisis sa ekonomya ng Europa noong 1900. Walang pasubaling sinabi ni Lenin na hindi nagsimula ng mas maaga sa 1898-1900 ang panahon ng imperyalismo at hindi nagtagal ang buhay ni Marx man o ni Engels para makita ito. 4
I. PINAMAMALAGING AGRESYON NG US
5
L
ubos na naangkin ng US ang katangian ng kapangyarihang imperyalista, sa batayan ng monopolyong kapitalismo, nang sadyang prinoboka ang Gerang Espanya-Amerika para agawin ang mga kolonya ng Espanya: ang Cuba, ang Puerto Rico at ang Pilipinas. Kaugnay ng nabanggit na gera, nagkunwaring mapagkaibigan ang US sa hunta ni Aguinaldo sa Hongkong at ibinalik si Aguinaldo sa Pilipinas lulan ng isang armadong barko ng Amerikano para iproklama ang kasarinlang Pilipino (sa ilalim ng “proteksyon” ng US) at muling ilunsad ang pambansang digma para sa kasarinlan laban sa España. Nagwagi ang mamamayang Pilipino sa pagpapalaya ng sarili sa pambansang saklaw at akmang aagawin na nila ang Intramuros, ang muog ng mga kolonyalistang Espanyol. Pero nakialam ang US sa pagdeploy ng mga tropang Pilipino at nagmaniobra ito para ilagay ang sariling mga tropa nito sa pwestong nakakalamang at ihanda ang pagdaong ng mas maraming tropang US. Lingid sa ipinagpapalagay na mga alyado nilang Pilipino, inareglo ng interbensyonistang US sa panig na Espanyol ang pakunwaring labanan noong Agosto 13, 1898 para mabigyan ng katuwiran ang pagsuko ng huli sa una. Ginawa ito sa araw na nakaraan nang pirmahan ng España at US ang isang kasunduang armistisyo na tatapos sa Gerang España-US. Naglagdaan ang US at España ng Tratado sa Paris noong Disyembre 10, 1898 para ibenta ng España ang Pilipinas sa US sa halagang 20 milyong dolyares. Noong Disyembre 21, 1898 inihayag ni Presidente McKinley ng US ang Proclamation of Benevolent Assimilation para ilantad ang balak ng US na ikolonisa ang Pilipinas. Sinimulang pakawalan ng US ang gerang agresyon laban sa mamamayang Pilipino noong Pebrero 4, 1899. Ito ay nakilala bilang Digmaang Pilipino-Amerikano. Ginamit ng US ang superyor na pwersang militar at ang sukdulang kalupitan ng 126,000 tropa para gahisin ang bansang may 7,000,000 mamamayan. Walang awang nagsagawa ito ng mga masaker, pagtortyur sa mga bihag, rekonsentrasyon ng populasyon, panununog sa mga tahanan at taniman at blokeyo sa pagkain. Pinatay nito ang mahigit sa 700,000 o 10% ng mamamayang Pilipino mula 1899 hanggang 1902, sa tuwirang mga operasyong brutal at sa dituwirang ibinungang taggutom at mga epidemya. Gayundin, ipinagpatuloy nito ang pagpatay sa 800,000 Pilipino hanggang 1916.
6
Massacre sa Bud Dajo kung saan may tinatayang 1,000 ang pinatay ng mga sundalong Amerikano
Para panatilihing kolonya ang Pilipinas, nagtayo ang US ng mga base militar sa iba’t ibang estratehikong lugar. Inorganisa nito ang tinawag na Philippine Scouts bilang papet na tropa at kasunod na ginawa itong Philippine Constabulary. Bunga ng determinadong pagnanasa ng sambayanang Pilipino para sa pambansang kasarinlan, ipinasya ng US noon pang 1935 na gawing malakolonya ang Pilipinas sa 1946 pagkaraan ng 10 taon na panahon ng transisyon sa ilalim ng tinawag na gobyernong Commonwealth. Unang lehislatibong aksyon ng gobyernong ito ang National Defense Act ng 1936 na nagpailalim sa konstabularyang papet na ginawang First Regular Army sa tuwirang superbisyon ng Philippine Department ng US Army. Ginawa ni Presidente Quezon ng Commonwealth na field marshal ng papet na hukbo si General Douglas MacArthur. Binuo, inindoktrina, inarmasan at sinanay ng US ang papet na hukbo. Sa bisperas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig (World War II o WWII) inilugar ito sa balangkas ng US Armed Forces in the Far East (USAFFE). Ang Philippine Constabulary ay itinatag ng US
7
Nang sumambulat ang WWII noong 1941, tinalo ng mga pasistang Hapones ang hukbo ng US sa Bataan at inokupa nila ang Pilipinas hanggang 1945. Para mabawi ang Pilipinas bilang isang kolonya, nakikoordina ang US sa mga gerilya ng USAFFE. Bago ibigay ang kasarinlang huwad sa Pilipinas noong 1946, ipinataw ng US sa papet na mga pinunong Pilipino ang Treaty of General Relations na nagtiyak ng pamamalagi ng mga base militar ng US at ng mga karapatan sa pagaari ng mga mamamayan at korporasyon nito. Adelantadong ginawa pang rekisito ng tratadong ito na isasalalay sa pagpayag ng US ang mga relasyong diplomatiko ng Pilipinas. Makaraang maging malakolonya ang Pilipinas, pinamalagi ng US ang matagumpay na agresyon at patuloy na kinontrol nito ang estado ng Pilipinas sa larangang militar. Nakuha nito ang isang kasunduan sa tulong militar para maging dependyente ang mga armadong pwersa ng Pilipinas sa pagbabalak, pagsasanay, paniniktik at kagamitan ng US; at ang isang kasunduan sa base militar para makapanatili ang mga pwersa militar ng US sa Pilipinas sa loob ng 99 taon pa. Itinali din nito ang Pilipinas sa isang kasunduan sa mutwal na depensa at sa isa pang kasunduang kontrolado ng US sa rehyunal na seguridad, ang South East Asia Treaty Organization o SEATO. Dahil sa kapangyarihang militar nito sa Pilipinas, kaya ng US na dominahin ang ekonomya at pulitika ng Pilipinas, at makialam sa mga usapin sa Pilipinas mula pa noong 1946. Minanipula nito ang kinalabasan ng mga eleksyong pam-presidente para kilingan ang kandidatong pinaka-palasunod at mauutus-utusan ayon sa mga interes ng US sa Pilipinas at sa rehyon. Isinulsol Ferdinand Edralin Marcos nito ang pasistang diktadurang Marcos noong 1972 sa bigong tangkang supilin ang rebolusyonaryong kilusang masa na lumitaw at umunlad mula noong 1961 bunsod ng walang habas na paghuthot ng supertubo ng mga korporasyong US, ng korupsyong burukratiko at pagkaubos ng mga pronterang lupa. 8
Lubhang ikinagalit ng sambayanang Pilipino ang ayuda ng US sa militar at ekonomya na nagpatagal sa pasistang rehimen mula 1972 hanggang 1986. Lalo pa silang nagalit sa tuwiran at di-tuwirang mga bunga ng mga operasyon ng mga eroplano, barko at tropa sa loob at palibot ng mga base ng US. Sa gayon, pagkaraang ibagsak si Marcos, tinamasa ng mga nagbalangkas ng konstitusyong 1987 ang nag-uumapaw na suportang popular at nagkalakas-loob sila na magpatibay ng mga probisyon na nagbawal sa Pilipinas ng mga base militar, tropa, pasilidad at armas nukleyar ng dayuhan. Ang ganitong pagbabawal ay tunay na bunga ng rebolusyonaryong pakikibakang bayan laban sa napabagsak na diktadurang instigado ng US. Tinapos ng Senado ng Pilipinas noong 1991 ang kasunduan sa mga base militar ng US, nang may hayag at malakas na suporta ng kilusang pambansang demokratiko. Pero buhat noon, bumaling na ang US sa lahat ng tipo ng maniobra para ikutan ang pagbabawal ng konstitusyon sa dayuhang mga base militar. Sa paggamit ng kasunduan sa mutwal na depensa ng US-RP, ginamit nito ang Balikatan na magkasanib na ehersisyong militar at pagsasanay sa koordinadong operasyon ng dalawang sistema ng US at RP sa militar. Ginawang dahilan ang Balikatan para sa mga paunang istasyon at relyebong pananatili ng mga tropang US sa Pilipinas.
Masikhay na nakibaka ang mamamayan na patalsikin ang Base Militar sa Pilipinas
9
Nakuha ng US ang Visiting Forces Agreement (VFA) at ang Mutual Logistics Support Agreement (MLSA) para makapasok at makapaghimpil ang mga pwersa militar ng US kahit saan sa Pilipinas gaano man katagal. Ginamit nito ang 9-11 at ang tinawag na global na gera ng US sa terorismo para bigyan ng katwiran ang pagkakaroon ng pwersang militar at pakikialam nito sa Pilipinas. Pinalawak din nito ang mga tuntungan para sa gayong pakikialam. Kabilang dito ang kunwaring makataong tulong, misyong medikal, aksyong sibiko, tulong kaugnay ng pagliligtas, pag-aahon at rehabilitasyon mula sa kalamidad ; at iba pa. Pinakahuling tuntungan ng US sa higit na pagtrensera ng sarili sa Pilipinas ang estratehikong pag-pivot o pagbaling sa rehyong Asia-Pacific at ang kunwaring proteksyon sa Pilipinas mula sa ipinalalagay na agresyon ng Tsina sa harap ng eksaheradong pag-angkin ng nito sa mahigit 90% ng South China Sea, na nanghihimasok sa 90% ng Exclusive Economic Zone o EEZ at 100% ng Extended Continental Shelf o ECS) ng Pilipinas. Sa gayon sa pakikikutsaba ng utusang rehimeng Aquino, nagawa ng US na makuha ang tinawag na Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). Pinapayagan ng kasunduang ito na magtayo ang US ng mga base militar sa walang-takdang bilang ng umano’y mga Pinagkasunduang Erya (Agreed Areas), na sa gastos ng Pilipinas ang portipikasyon, nang hindi nagbabayad ng renta, nagtatamasa ng seguridad ng paligid mula sa mga papet na tropa nang walang bayad, nagbabawal sa mga awtoridad ng Pilipinas na malaman ang mga bagay-bagay at aktibidad sa loob ng mga enclabe o base militar ng US, at hinahayaang dumating at umalis ang mga eroplano at barko ng US habang ipinagbabawal na malaman ng mga awtoridad ng Pilipinas kung lulan ng gayong mga sasakyan ang mga armas na pamatay sa masa (WMD) na nukleyar, kemikal, bacteriolohical at iba pa. Bukod pa, inuobliga ng kasunduan ang AFP na bigyan daan o padaliin ang paggamit ng mga pwersa ng US sa alinmang lugar sa teritoryo ng Pilipinas na pagpasyahan ng US. Sa kabila ng pagtataksil at pagkaatat ng 10
rehimeng Aquino sa pagsangayon sa EDCA, malinaw na ipinahayag ni Presidente Obama ng US sa pagbisita nito kamakailan sa Manila na nyutral ang US sa pagtatalong maritima sa West Philippine Sea at patakaran ng US na huwag kontrahin o pigilin ang Tsina. Sa katunayan may dalawahang patakaran ang US na kooperasyon at pakikipagtalo sa Tsina at nagpapasya ito ayon sa sariling pambansang interes. Anupaman ang kaso, malayong higit ang interes ng US sa relasyon sa Tsina kaysa sa Pilipinas. Kailangang alerto ang mamamayan sa posibilidad na maaaring magkasundo ang US at Tsina sa magkasamang eksplorasyon at eksplotasyon sa langis, gas at ibang mga likas na yaman sa EEZ at ECS ng Pilipinas. Sa harap ng pinamalaging agresyon ng imperyalismong US sa Pilipinas, pinagtibay na ng sambayanang Pilipino at mga rebolusyonaryong pwersa nila ang linya ng demoratikong rebolusyong bayan sa pamamagitan ng matagalang digmang bayan. Naglulunsad sila ng digmang sibil laban sa malakolonyal na sistema sa pulitika. Kasabay na kinukondena nila ang tumitinding pakikialam ng US sa militar na pabor sa papet na rehimen. Handa sila kung gayon na maglunsad ng digma para sa pambansang pagpapalaya sakaling magpakawala ang US ng todong gerang agresyon. Hindi sila takot sa ganitong posibilidad kundi naghahanda sila laban dito. Tinitingnan nila ito bilang isang pagkakataon para maisakatuparan ang katarungan para sa mga bayani na namartir sa kamay ng mga imperyalistang US at para wakasan ang paghihirap ng milyunmilyong mamamayan bunga ng tuwiran at dituwirang paghahari ng imperyalismong US. 11
II. NAGPAPATULOY NA PANDARAMBONG SA EKONOMYA
12
M
ay estratehikong motibo at layunin ang US sa pag-agaw at pagkolonisa sa Pilipinas. Nakaugnay ito sa isinaad na hangarin ng US na palawakin ang pamilihang internasyunal para sa sariling mga manupaktura, gawing “lawang Amerikano” sa ganang ito ang Karagatang Pasipiko at magkaroon ng baseng lunsaran ng mga pagsisikap na makakuha ng isang bahagi ng Tsina sa dimagkamayaw na pag-agaw ng mga saklaw ng impluwensya ng mga kapangyarihang kapitalista. Nagbenta ang US ng mga bono sa Wall Street para tustusan ang gerang agresyon nito sa Pilipinas. Sa kahulihan, pinabayaran ng US sa sambayanang Pilipino ang pananakop militar sa pagsingil sa kanila ng buwis. Pero nanggaling ang pinakamalaking pakinabang ng imperyalismong US sa kolonyal na palitan ng mga manupaktura ng US at mga hilaw na sangkap ng Pilipinas, at sa tuwiran at dituwirang pamumuhunang US sa Pilipinas. Sa prosesong ito, naipaling ng mga imperyalistang US ang ekonomya ng Pilipinas mula sa pagiging pyudal para maging malapyudal. Hindi kinailangang palisin ng imperyalismong US ang pyudalismo. Ipinataw lamang nito ang paraan ng pagsasamantalang imperyalista para baguhin ang kabuuang katangian ng ekonomyang sosyal sa pagiging malapyudal. Sa tangkang pahupain ang pagkapoot ng sambayanan sa malalawak na lupaing pag-aari ng mga dayuhang relihiyosong orden, binawi ng kolonyal na gobyernong US ang ilan sa mga ito para muling ipamahagi (redistribusyon) sa mga magsasaka. Ngunit hindi kaya ng mga magsasaka na lubusin ang pagbayad sa presyo ng redistribusyon. Sa huli’y napasakamay ding muli ang lupa sa uring panginoong maylupa. Inalis ng kolonyal na gobyernong US ang mga paghihigpit na pyudal sa pisikal na galaw ng mga magsasaka. Nabigyang daan ang mga magsasaka na magbukas ng lupa sa mga prontera o maghanap ng trabaho sa mga lugar na urban, sa mga gawaing pampubliko at mga minahan. Ginanyak ng mga burukrata at panginoong maylupa ang mga magsasaka na mag-homestead sa mga prontera pero sa huli’y kinamkam at nirehistro ng mga ito ang lupa sa sariling pangalan. Sumunod ang mga usurerong negosyante sa mga magsasaka sa mga prontera at dakong huli’y naging mga panginoong maylupa. 13
Makabuluhan ang kaibhan ng kolonyal na paghaharing US sa paghaharing Espanyol sa pagkuha ng mga supertubo mula sa malayong mas malaking daloy ng mga inangkat na manupaktura at mga iniluwas na hilaw na sangkap, mula sa walang katapusang pangangailangang mangutang para mapunuan ang depisit sa kalakalan at ang mga bagong pakana sa sobrang pagkonsumo ng mga mapagsamantalang uri at mula sa malayong mas malaking dagsa ng direktang mga pamumuhunang dayuhan. Binuksan ng US ang mga minahan, pinalawak nito ang mga plantasyon para sa panluwas na produkto at nagtayo ng ilang pagawaan sa pagmanupaktura ng mga produktong pangkonsumo mula sa hilaw na sangkap sa Pilipinas. Pinahusay ang mga kalsada, tulay, daungan at ibang mga paraan ng trasportasyon at komunikasyon para sa lumalaking kalakalan sa loob at labas. Pinaunlad ang sistema ng mga paaralang publiko at pribado na magpapalitaw ng mga propesyunal at tekniko para sa pinalawak na burukrasya at mga empresa ng negosyo. Sa malapyudal na ekonomya at lipunan, lumitaw ang magkasamang makauring paghahari ng malalaking komprador at panginoong maylupa (isang porsyento ng populasyon) at pumalit sa solong pangingibabaw ng uring panginooong maylupa sa pyudal na panahon ng nakaraang mga siglo. Lumawak ang intermedyang saray ng lipunan na gitnang burgesya at petiburgesyang lunsod na sa huli’y umabot sa isa at walong porsyento, ayon sa pagkasunod. Mula sa iilang porsyentaheng puntos, lumaki ang uring manggagawa sa 15 %. Bumaba ang bilang ng mga magsasaka mula sa mga 90% sa pyudal na lipunan tungo sa 75% sa malapyudal na kasalukuyang antas. Dahil sa pagsalakay at at pag-okupa ng Hapon noong WWII napatigil nang ilang taon ang dominasyon ng US sa ekonomya ng Pilipinas. Dahil sa katangiang imperyalista at gerang agresyon ng Japan, hindi naging 14
kapanipaniwala ang islogan nito na “Greater East Asia Co-prosperity”. Nagbunsod ng matinding pinsala at paninira ang mga mananalakay na Hapones sa mga buhay, komunidad at ari-arian ng mga Pilipino. At sa muling pag-agaw sa Pilipinas, laluna sa pagmamadali nitong patalsikin ang mga Hapones sa pamamagitan ng matinding pambubomba, dinagdagan at pinalubha ng US ang pagwasak sa mga buhay at ari-arian. Nagbayad ang US ng pinsala sa gera pangunahin sa mga korporasyon ng US para muling itatag ang dominasyon ng US sa ekonomya ng Pilipinas. Hindi lamang napanatili ng US ang mga karapatan sa propriedad ng mga korporasyon at mamamayan nito sa pamamagitan ng Treaty of General Relations bago ibigay ang nominal na kasarinlan sa Pilipinas noong 1946 kundi ipinataw din sa umano’y nagsasariling estado ng Pilipinas ang umano’y Parity Amendment sa Konstitusyon ng Pilipinas. Pinayagan ng amyendang ito ang kapantay at superyor sa karapatan ng mga Pilipino ang mga korporasyon at mamamayan ng US sa pag-aari ng mga empresa sa mga batayang serbisyong publiko (tulad ng koryente, telepono at transportasyon) at sa eksplotasyon sa mga likas na yaman. Nakuha pa ng US mula sa Pilipinas sa pamamagitan ng Laurel-Langley Agreement ang pribilehiyo ng walang restriksiyong pagmamay-ari at pagpapatakbo ng lahat ng klase ng negosyo. Pumutok ang gera sibil sa Pilipinas sa pagitan ng mga reaksyunaryong pwersa ng dayuhan at pyudal na dominasyon sa isang panig, at ng mga rebolusyonaryong pwersa ng pambansang pagpapalaya at demokrasya sa kabilang panig noong 1948. Napakalakas ang pagnanasa ng bayan para sa pambansang industriyalisasyon at reporma sa lupa, kaya kinailangang gawin ng mga reaksyunaryong awtoridad ang huwad na reporma sa lupa sa pamamagitan ng mga programa sa paglipat ng mga walang lupa sa prontera at pabalat-bungang ekspropriyasyon ng ilang malawak na lupain, gayundin ang kunwa’y pambansang industriyalisasyon sa porma 15
ng pagmanupakturang tinagriang import-substitution na sa totoo’y proseso ng muling pagkumpuni at muling pagempake ng mga yaring produkto na nakabatay sa lisensya, pinansya at pakikpagkasunduang teknikal at pamimili mula sa mga korporasyong US. Masama na nga’y sumahol pa ang ekonomya ng Pilipinas nang hibang na gumastos at nangutang ang rehimeng Marcos para gumawa ng mga imprastruktura at takaw-pansing mga pasilidad na panturista at bumaling sa umano’y pagmanupakturang exportoriented sa mga sona sa pagproseso ng iluluwas na kalakal at sa pagluluwas ng paggawa dahil sa kawalan ng tunay na industriyal na pag-unlad na lilikha ng mga lokal na hanapbuhay. Malayong mas masahol na klase ng huwad na industriyalisasyon ang US President Nixon at ang papet na si Marcos pagmanupakturang export-oriented kaysa sa pagmanupakturang import-substitution. Sobrang pinataas ang presyo ng mga sangkap na inangkat at pinababa naman ang presyo ng mga mala-manupakturang iniluluwas. Ang karamihan ng manggagawa’y klasipikadong kaswal, aprentis o sinasanay. Mababa sa nararapat ang sahod nila at wala silang kaseguruhan sa trabaho. Sinusupil ang mga unyon at demokratikong karapatan nila. Hanggang ngayon, maling itinatanghal ang pagmanupakturang exportoriented bilang kaunlarang industriyal. Matinding napaatras ito ng pinansyal na krisis sa Asia (Asian financial crisis) noong 1997 at ng global na dambuhalang bulusok sa pinansya noong 2007-2008. Bumulusok ang muling pagkumpuni at ang pagluwas ng mga mala-manupaktura. Mas kuminang ang lobo ng mga toreng opisina at tirahan at mga mamahaling enklabeng panturista, na ngayo’y nakaambang pumutok dahil sa patinding pagtakas ng tinaguriang portfolio investments. Mula pa noong panahon ng papet na presidenteng si Ramos, nahibang ang lahat ng rehimen sa pagtiwangwang ng buong bayan sa dayuhang mga 16
kompanya sa pagmimina na pumipinsala sa agrikultura at kapaligiran, humahadlang sa industriyalisasyon sa hinaharap at naglalabas ng mga hilaw na sangkap mineral mula sa Pilipinas nang hindi man nagbabayad ng karampatang buwis. Palagiang idinidikta ng imperyalismong US ang patakaran sa ekonomya ng Plipinas. Sa panahon ni Marcos, aktibo ang World Bank (WB) sa pagtutulak ng patakarang Keynesian na pagsasagawa ng obras publicas para patampukin ang produksyon ng hilaw na sangkap at ang kolonyal na palitan ng pagluluwas ng mga hilaw na sangkap at pag-angkat ng mga manupaktura at sa gayo’y naibabaling ang mga rekurso at dayuhang utang mula sa marapat na linya ng pambansang industriyalisasyon. Higit pang inilayo ng unang rehimeng Aquino ang Pilipinas mula sa pambansang industriyalisasyon sa pagsunod sa patakarang dikta ng US na neoliberalismo at sa pagpapatupad ng liberalisasyon ng kalakalan (trade liberalization) na puminsala kapwa sa lokal na industriya at kahit sa agrikultura. Sinundan ng rehimeng Ramos ang patakarang anti-industriyalisasyon sa pagpapadaloy ng malalaking rekurso at dayuhang utang sa mamahaling konstruksyong pribado at mga pasilidad na panturista. Pangulong Corazon Aquino
Sa suma nakatali ang sumunod na mga rehimen sa pagluluwas ng mga hilaw na sangkap at manggagawa laluna kababaihan, at nabitag sila sa loob ng balangkas ng imperyalistang patakarang globalisasyong neoliberal sa ilalim ng tinawag na Washington Consensus ng IMF, WB (laluna ang pribadong sangay nito sa pamumuhunan na International Finance Corporation) at World Trade Organization (pati ang sinundan nitong GATT). Ginagamit ng US ang mga multilateral na ahensyang ito para itulak ang liberalisasyon ng kalakalan at pamumuhunan, pribatisasyon ng mga pag-aaring publiko, deregulasyon ng proteksyon ng lipunan at kapaligiran at ang denasyunalisasyon ng mga ekonomya di-maunlad tulad ng Pilipinas. Gaya ng mga imperyalistang amo nila, kinakapitan ng mga papet na rehimen sa Pilipinas ang patakarang 17
neoliberal dahil akma ito sa kasakiman nila, naniniwala sila na laging maipapasa nila ang bigat ng krisis sa mamamayan, at kailangan pang makita nila ang mas makapangyarihang rebolusyonaryong kilusang masa na hahamon sa kanila. Sa ilalim ng WTO at kay raming bilateral and mulitlateral na mga kasunduan sa umano’y malayang pakikipagkalakalan (free trade) sa US at ibang mga kapangyarihang imperyalista, napipigilan ang Pilipinas na itaguyod ang soberanya sa ekonomya, pangalagaan ang pambansang patrimonya para sa pakinabang ng mamamayang Pilipino, at magsagawa ng pambansang industriyalisasyon at reporma sa lupa. Ang Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC), ang Trans Pacific Partnership Agreement (TPPA) at ang ASEAN Economic Community (AEC) ay mga balangkas para itali ang Pilipinas sa imperyalistang sistema ng pandarambong at sa partikular sa patakaran nitong neoliberal na walang habas na kasakimang monopolyong kapitalista. Sa harap ng nagpapatuloy na pandarambong sa Pilipinas ng Imperyalismong US na nagtatamasa ng kolaborasyon ng lokal na mapagsamantalang mga uring malaking komprador at panginoong maylupa, kapasyahan ng sambayanang Pilipino at mga rebolusyonaryong pwersa nila na ipaglaban ang pambansang pagpapalaya at demokrasya, isakatuparan ang katarungang panlipunan, pangalagaan ang pambansang patrimonya at ipatupad ang programa ng pag-unlad sa pamamagitan ng pambansang industriyalisasyon at reporma sa lupa. Mawawakasan nila ang dimaunlad na katayuan ng Pilipinas sa pagwasak lamang ng mapagsamantalang sistema ng malalaking komprador at panginoong maylupa na nangangayupapa sa imperyalismong US at sa gayo’y mapapalaya ang makabayan at progresibong mga pwersa na magsasakatuparan ng tunay na pag-unlad at magtatamo ng katarungang panlipunan. 18
III. WALANG PAGHUPANG PAGKAPAPET NG MGA OPISYAL
19
H
abang nagsasagawa ng gerang agresyon nito laban sa mamamayang Pilipino, pinagsikapan ng US na hikayatin ang mga pinuno ng gobyernong rebolusyonaryo na sumuko. Nagdulot ito ng pagkahati sa loob ng Gabinete ni Aguinaldo, sa pagitan ng mga myembrong rebolusyonaryo tulad nina Apolinario Mabini at Antonio Luna at mga kapitulasyunistang sina Pardo de Tavera, Paterno at Buencamino. Pero napakalakas ng rebolusyonaryong kilusang masa para madiskaril ng mga palasuko na kinutyang mga asimilista at Sajonista. Nagpatupad ang mga Amerikanong agresor ng brutal na gera ng pananakop para magsilbi sa mga interes ng monopolyong kapitalismong US. Pero ipokritong ipinangalandakan nila na dumating sila sa Pilipinas para gawing “sibilisado” at “Kristiyano” ang mamamayan, pagkaraan ng higit sa tatlong siglo ng kolonyal na paghaharing Espanyol at proselitisasyong Romano Katoliko. Gayundin, hindi raw sila interesado sa pag-angkin sa Pilipinas kundi sa pagtuturo sa mga Pilipino ng demokrasya at pamamahala-sa-sarili, sa kabila ng tagumpay ng mga Pilipino sa praktika ng demokrasya kaugnay ng pagtatayo ng rebolusyonaryong pamahalaan at hukbo at paggapi sa kolonyalismong Espanyol. Ipinangalandakan nila ang umanoy demokrasya ni Jefferson para pagandahin ang modernong imperyalismo ng US. Sa pamamagitan
Isa sa pamamaraan ng pagtortyur ng mga Amerikano sa mga Pilipino noon ay ang “water cure”
20
nito, kumpyansa sila na makuha ang loob ng mga liberal na burges na namumuno sa rebolusyong Pilipino. Nanggaling ang kamalayan sa pulitika ng mga Pilipinong burges liberal mula sa pag-aaral ng liberalismong burges sa Europa. Hindi sila isinilang bilang bunga ng nagmamanupakturang burgesya gaya sa Europa. Sa katunaya’y mga anak sila ng mga panginoong maylupa, burukratang kolonyal at negosyante. Kalkulado ng US na maaasahan ang lumalaking bilang ng mga kolaborador pampulitika sa pagpapaunlad ng ekonomyang malapyudal ng malalaking komprador at panginoong maylupa, sa paggamit ng sistema sa edukasyon at sistemang pensionado na pagpapadala ng mga katutubong iskolar sa mga pamantasang US para palaguin ang makaUS na kaisipang kolonyal at sa pagpapalawak ng burukrasya at mga negosyo na kukuha sa mga luwal ng mga paaralan. Pagkabihag kay Presidente Aguinaldo noong 1901, binantaan itong papatayin at inalukan ito ng mga nanghuling Amerikano na mag-isyu ng Peace Manifesto para manawagan ng pagsuko sa mga rebolusyonaryong pwersa. Nabigyan ng posisyon sa iba’t ibang antas ng kolonyal na gobyernong US ang mga pinunong tumalikod sa rebolusyon at ginanyak sila na buuin ang Partido Federal na magsisilbi sa kolonyal na rehimen at tutulong dito na panghinain at supilin ang rebolusyonaryong paglaban ng mamamayan.
Mga ilustradong sumuko sa Kastila at nagpadistyero sa Hong Kong. Si Emilio Aguinaldo ang nasa unahan
21
Ipinailalim sa serye ng malupit na batas ang mga nagpatuloy sa paglabang rebolusyonaryo at pinadanas sila ng tortyur, pagkamatay sa pagbigti at iba pang paraan. Kahit pagkaraan ng mangilan-ngilang taon mula noong pormal na pagwawakas ng Gerang Pilipino-Amerikano, nag-isyu noong 1907 ang US ng Flag Law na nagbabawal sa mamamayang Pilipino na iladlad ang bandilang Pilipino. Patuloy nilang dinanas ang mga masaker, arbitraryong detensyon, tortyur, blokeo sa pagkain at rekonsentrasyon. Nang matantya ng US na sapat na nitong nasira ang armadong kilusang rebolusyonaryo at nasanay ang malaking bilang ng papet na pulitiko at propesyunal, hinayaan nito ang Nacionalista Party na umiral at manawagan ng kagyat, walang kondisyon at ganap na pambansang kasarinlan. Repormistang partido ang Nacionalista Party. Nanumpang hihingi ng pambansang kasarinlan sa pamamagitan lamang ng paraang legal at mapayapa at pagpapadala ng mga misyon sa Washington na magsusumamo para sa darating na pagkakaloob ng kasarinlan. Bunga ng inspirasyon ng matagumpay na Dakilang Rebolusyong Oktubre noong 1917 at ng nakakabahalang mga kondisyong kolonyal at sosyal, naging relatibong mas malakas ang modernong kilusang unyon na nagsimula noong 1902 at naging batayan ito ng pagtatatag ng Partido Komunista ng Kapuluan ng Pilipinas noong 1930. Agad-agad na tinangkang supilin ng US ang partidong ito sa pag-imbento ng paratang na sedisyon laban sa mga lider. Nang palubhain ng Malaking Depresyon ang mga Vladimir Lenin masamang kondisyong sosyal sa Pilipinas noong mga taon ng 1930 at tumindi na ang panganib ng pasismo, binigyang daan ng paglitaw ng malapad na Prente Popular na anti-pasista ang pagpapalaya sa mga lider komunista mula sa mga bilangguan at internal na distyero. Pagsapit ng 1935 handa na ang US na itatag ang gobyernong Commonwealth bilang transisyon sa malakolonyal na katayuan para sa Pilipinas. Pinagtibay nito ang Philippine Constitution na binalangkas ng 22
mga pulitikong Pilipino at nangako ito ng pagkakaloob ng pambansang kasarinlan sa 1946. Mula 1941 hanggang 1945 sinalakay at inokupa ang Pilipinas ng mga imperyalista at pasistang Hapones at nagkunwang higit na mapagbigay kaysa imperyalismong US sa mabilis na pagkakaloob ng nominal na kasarinlan sa isang papet na republikang Pilipino. Habang nagaganap ang gera sa pagitan ng mga imperyalista, naitayo ng pinagsanib na Partido Komunista at Partido Sosyalista ang Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon (Hukbalahap), mga lokal na organo ng kapangyarihang pampulitika at makapangyarihang kilusang masa na nangumpiska ng lupa mula sa mga panginoong maylupa. Sa panahon ng WWII, pinanatili ng US ang gobyernong Commonwealth na naka-distyero sa Washington at pinamahalaan nito mula sa Australya ang mga pwersang gerilyang Pilipino na sumumpa ng katapatan sa USAFFE. Nabawi ng US ang Pilipinas noong 1945 at ibinigay nito ang pakunwaring pambansang kasarinlan noong 1946 sa isang grupo ng papet na Pilipino na pinanguluhan ni Manuel Roxas na kumalas na sa Nacionalista Party at nagbuo ng Liberal Party. Sa gayon, naging malakolonya ang Pilipinas sa pamamahala ng mga papet na nagsisilbi sa imperyalismong US at mga lokal na mapagsamantalang uring malaking komprador at panginoong maylupa.
Ang papet na pangulong si Manuel Quezon kasama si Gen. McArthur
23
Pinukaw ng US at mga lokal na mapagsamantalang uri ang rebolusyonaryong paglaban ng mamamayan dahil sa mga imposisyong labag sa pambansang kasarinlan at pambansang patrimonya, nagpapawalambisa sa reporma sa lupa at ibang pakinabang panlipunan na tinamo ng rebolusyonaryong kilusang anti-Hapon at pagsasagawa ng brutal na mga kampanyang militar sa panunupil. Nabasag ang gulugod ng armadong kilusang rebolusyonaryo noong unang mga taon ng 1950. Subalit nailantad nito ang kalunus-lunos na mga kondisyong malakolonyal at malapyudal at ang pangangailangan para sa demokratikong rebolusyon na pinamumunuan ng uring manggagawa. Wari’y magiging palagian ang bogus na demokrasya ng mga oligarko na malaking komprador-panginoong maylupa bilang isang larong musical chairs o halinhinan ng partido Nacionalista at Liberal. Tangka ng bawat partido na palitan ang kabila sa pana-panahong mga eleksyon na monopolisado nila. Isang duopolyo ang dalawang partido na nakapadron sa mga partidong Republican at Democratic sa US. Ngunit tuluy-tuloy ang paglubha ng hindi maibsang krisis ng lipunang Pilipino, na naglalantad na walang kakayahan ang bawat rehimen na lutasin ito, tumuturo sa pangangailangan para sa isang rebolusyon pero nanguudyok din sa isang presidente na tulad ni Marcos na magsagawa ng kontrarebolusyon. Itinatag ang Partido Komunista ng Pilipinas noong 1968 bilang abanteng destakamento ng uring manggagawa sa patnubay ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Zedong. Iniwasto nito ang mga kamalian at kakulangan ng dating kilusang rebolusyonaryo. Inilatag nito ang pangkalahatang linya ng demokratikong rebolusyon ng bayan sa pamamagitan ng matagalang digmang bayan. Itinuturing nito na pangunahing pwersa ng rebolusyon ang uring magsasaka na nakakombina sa proletaryado. Ikinawing ng batayang alyansyang manggagawa-magsasaka ang sarili sa petiburgesyang lunsod bilang isang pwersang rebolusyonaryo at sa gitnang burgesya pa laban sa pinagsamang makauring diktadura ng malalaking komprador at panginoong maylupa. Sa sulsol ng US, inilunsad ni Marcos ang pasistang diktadura para 24
umano’y “iligtas ang republika at itatag ang bagong lipunan” noong 1972. Layon nitong wasakin ang mga armadong kilusang rebolusyonaryo ng mamamayang Pilipino at Moro. Pinaglagablab lamang nito ang paglaban ng malawak na masa ng sambayanan. Sa huli’y lubusang ihiniwalay at ibinagsak ng mga mamamayan ang pasistang rehimen. Tinalikuran ito maging ng amo nitong imperyalistang US nang walang dudang luminaw na higit na itong naging pahamak kaysa bentahe. Sa takot na makapagpalakas ang mga pwersang rebolusyonaryo para ibagsak ang buong naghaharing sistema, nagpasya ang US at lokal na mapagsamantalang mga uri na ilaglag si Marcos at ibalik ang lumang gawi ng mga rehimen na nagkukunwaring demokratiko. Nagpatunay ang mga rehimeng kunwa’y demokratiko, magmula kay Cory Aquino hanggang sa anak niyang si Benigno III, na sila’y lubusang utusan ng imperyalismong US, mapagsamantala at mapang-api, korap at brutal. Ipinapataw nila sa sambayanang Pilipino ang mga patakaran ng neokolonyalismo at neoliberalismo at ang sukdulang pagpapahirap sa mamamayan. Hindi nakapagpatunay ang pagpaparami ng partidong reaksyunaryo na mas maigi kaysa duopolyo ng partidong Nacionalista at Liberal o solo-partidong paghahari ni Marcos. Sumahol pa ang burukratang kapitalismo mula noong diktadura ni Marcos. Sa gayon, naging higit pang determinado ang sambayanang Pilipino at mga pwersang rebolusyonaryo nila na ibagsak ang buong naghaharing sistema at tapusin ang dominasyon ng US para lubusang maisakatuparan ang pambansa at panlipunang pagpapalaya.
25
IV.ANG PATULOY NA PAG-IRAL NG KOLONYAL NA MENTALIDAD
26
S
a pinakasimula ng kolonyal na paghahari sa Pilipinas, determinado ang imperyalismong US na dominahin at kontrolin ang mamamayang Pilipino maging sa kultura, bukod sa militar, ekonomya at pulitika. Sinadya nitong bihagin ang puso at isip ng mamamayan sa pangangalandakan sa sarili bilang mabait at mapagbigay at sa pagpapalimot sa mamamayan ng sukdulang kalupitan ng gerang agresyon ng US sa pamamagitan ng propaganda sa pulitika at sa pamamagitan ng sistema sa edukasyon at kultura. Kaya pinatampok at ginawa nitong madrama ang pagdating ng daan-daang gurong Amerikano sa barkong Thomas at ang kombersyon ng ilang tropang Amerikano sa pagiging guro sa napayapa nang mga lugar. Nagkunwaring mga anghel ang mga imperyalistang US samantalang pinag-itsura nilang demonyo ang mga kolonyalistang Espanyol. Gayunma’y tusong ginawa nila ang pakikipagkompromiso ng sariling imperyalismong kultural sa pyudalismo ng dominanteng Simbahang Romano Katoliko. Kinontrol ng US ang lumalawak na sistema ng paaralang publiko at hinayaan ang simbahan at mga ordeng relihiyoso nito na pangunahing kontrolin ang sistema ng pribadong edukasyon. Ikinalat nito ang konserbatibo at maka-imperyalistang tipo ng liberalismo, samantalang ipinagpatuloy ng mga paaralang relihiyosektaryo ang instruksyong relihiyoso at tinanggap ng mga ito ang bagong pangangasiwang kolonyal. Sinupil ng US ang pagpapahayag ng patryotismo at anti-imperyalismo ng mga lider pulitiko at masa, ng mga peryodista, malikhaing manunulat, artista at guro. Isang tipo ng maka-US na kaisipang kolonyal ang pumalit sa dating maka-Espanya na tipo sa hanay ng mga nag-aral sa mga paaralan
Ginamit ng mga Amerikano ang edukasyon upang pahupain ang diwang makabayan
27
sa ilalim ng kolonyal na rehimeng US. Itinatag ng mga awtoridad na kolonyal ang sistemang pensionado na nagkaloob ng mga iskolarsip sa magagaling na estudyante para sa mas mataas na pag-aaral sa iba’t ibang larangan sa US. Sa pagbalik ng mga pensionado, ipinalaganap nila ang labis-labis na paghanga sa US at tiniyak ang promosyon nila sa sistema ng edukasyon, sa burukrasya, negosyo at mga propesyon. Ang pagpapalit ng Ingles sa Espanyol bilang prinsipal na wika sa mga paaralan at gobyerno ang naggarantiya ng pangingibabaw ng maka-US na kaisipang kolonyal. Pero hindi kailanman mapapalis ng gayong kolonyal na mentalidad ang patriyotismo at mga adhikaing rebolusyonaryo ng sambayanang Pilipino. Sa napakaraming paraan, itinataguyod ng mamamayan ang pambansang kasarinlan at demokrasya at kinondena nila ang rehimeng kolonyal na US. Pinagpursigihan ng mga pormasyon ng anakpawis at ng intelihensya ang pagtataguyod at pagpapalaganap ng mga ideya at damdaming makabayan at progresibo. Higit na pinalakas at pinagbagong-sigla ang mga ito ng pagtatatag ng Partido Komunista ng Kapuluan ng Pilipinas na nagpahayag ng pamamatnubay ng MarxismoLeninismo at may paghahangad sa kulturang pambansa, syentipiko at makamasa. Umabot sa Pilipinas ang mga impluwensya ng Dakilang Rebolusyong Oktubre at ng mga kilusang rebolusyonaryo sa Tsina, Espanya, Alemanya, US at ibang lugar pa, laluna nang lumubha ang Malaking Depresyon at lumitaw ang mga kilusang pasista at anti-pasista sa iba’t ibang dako ng daigdig. Pinagsikapan ng mga kolonyal na awtoridad ng US na isanib ang anti-komunismo sa kaisipang kolonyal para panghinain ang mga pwersang makabayan at progresibo. Pero nabigo sila bunga ng sumasahol na krisis sa ekonomya at lipunan at ng banta ng pasismo na nagpakilos sa mamamayan tungo sa pakikibaka para sa pambansang kasarinlan, mga karapatang demokratiko at katarungang panlipunan. Noong okupasyon ng Pilipinas mula 1942 hanggang 1945, pinagsikapan ng mga imperyalistang Hapones na gayahin ang mga imperyalistang US sa paggamit sa mga paaralan, masmidya, papet na organisasyon gaya ng KALIBAPI, wikang Hapones, at ibang mga pamamaraan sa kultura 28
para ipatanggap sa mamamayan ang pinakakolonyal na aspeto ng kultura nila, kabilang ang mga ideya at praktikang pasista na nagtatampok ng mga bahid na pyudal, maging ng galaw ng katawan (halimbawa ang malalim na pagyuko na pagpapakita ng paggalang o pagsuko). Napukaw ng mga ito ang makabayang poot sa hanay ng mamamayang Pilipino. Hindi pinapasok ng maraming Pilipino ang mga anak nila sa mga paaralang publiko na kontrolado ng Hapones para makaiwas sila sa indoktrinasyong Hapones. Pagkaraan ng muling pagsakop nito sa PIlipinas noong 1946, pinalitaw ng mga imperyalistang US ang sarili bilang tagapagpalaya ng mamamayang Pilipino kahit na maliwanag na muli nilang ipinapataw ang dominasyon nila sa larangan ng militar, ekonomya, pulitika at kultura. Nagpakita sila ng mga hudyat na nais nilang ipagpaliban ang pagkakaloob ng nominal na kasarinlan kapag hindi masunod ang di-makatarungang mga imposisyon nila. Hinarap sila ng lumang pinagsanib na partido ng mga partidong Komunista at Sosyalista na namuno sa Hukbalahap at ng Democratic Alliance ng mga pwersang makabayan at progresibo na naggumiit sa pambansang kasarinlan at lumaban sa mga imposisyong imperyalista. Mula sa pagbibigay ng huwad na kasarinlan noong 1946, nang naging malakolonyal ang sistema ng paghahari sa Pilipinas, pinagsikapan ng US na pamalagiin ang maka-US na kaisipang kolonyal sa hanay ng mga Pilipino at isanib ito sa anti-komunismo. Ginamit nito ang dominanteng partidong pampulitika, ang mga paaralan, ang masmidya, simbahan, mga sine, popular na musika at pang-aaliw sa entablado para ipropaganda ang US bilang tagapagtanggol ng demokrasya o ibaling ang atensyon ng mamamayan mula sa adhikaing pambansa at panlipunang pagpapalaya sa Pilipinas at mula sa sumusulong na mga pwersa ng pambansang pagpapalaya at sosyalismo sa ibayong dagat. 29
Maka-imperyalista at reaksyunaryo ang mga ideya at sentimyento sa pulitika na bunsod ng duopolyong partido Liberal at Nacionalista. Inutusan ng mas matataas na awtoridad sa pulitika at edukasyon ang mga tagapangasiwa at guro na gumanit ng mga kurikulum at silabus na aprobado nila. Nagkaloob ang US ng mga iskolarsip sa ilalim ng mga programang Fulbright at Smith-Mundi para panatilihin ang impluwensya nito sa mga susing pamantasan at buong sistema ng edukasyon. Ginamit din nito ang mga kumperensya, seminar at libreng pagbibyahe para itaguyod ang mga ideya at sentimyentong maka-imperyalista at anti-komunista sa hanay ng mga akademiko, mamamahayag, malikhaing manunulat, artista, unyonista, samahang magsasaka at ibang mamamayan. Kilalang masama ang Central Intelligence Agency (CIA) sa pagpopondo at pagmanipula ng mga samahan at aktibidad na kultural ayon sa linya na maka-imperyalista at anti-komunista at bilang isang mayor na bahagi ng Cold War na sulsol ng US. Ginamit ng CIA ang mga pundasyon katulad ng Asia Foundation, PEN at Congress for Cultural Freedom. Kilalang masama rin ang mga reaksyunaryong awtoridad sa mga paaralang pangClaro Mayo Recto estado at relihiyoso sa pagsisikap na hadlangan ang pag-aaral ng mga akda ng mga lider intelektwal at pulitikal ng lumang demokratikong rebolusyon at kontrahin ang mga talumpati at sulatin ng kontemporanyong mga anti-imperyalista tulad ni Claro Mayo Recto. Nang lumakas ang mga organisasyong masa na nagtaguyod ng bagong demokratikong rebolusyon noong mga taon ng 1960 at 1970, pinatindi ng dayuhang ayuda at mga ahensya sa edukasyon ng US at pribadong mga pundasyon ng US tulad ng Ford at Rockefeller ang panghihimasok sa larangang edukasyon at kultura ng Pilipinas. Pagkaraang ideklara ang batas militar noong 1972, pinairal ni Marcos ang napakalupit na kontrol sa mga daluyan ng masmidya at kultura, at pinalalim nito ang propaganda ng pasistang diktadura niya sa pamamagitan ng sistema ng edukasyon na sinensor ang mga kurikulum at silabus Sinimulan din ng pasistang rehimen at US na gamitin ang World Bank para pondohan ang 30
mga umano’y reporma para ilinya ang edukasyon sa mga patakaran ng US at ng pasistang rehimen. Nag-propaganda ang mga rehimeng post-Marcos ng mga ideya at sentimyentong anti-nasyonal at anti-demokratiko alinsunod sa linyang neokolonyal at neoliberal. Lalo pang naging tampok ang imperyalismong US sa kultura. Samantalang ang sunud-sunod na rehimen ay gumagastos ng palaking pondong publiko para sa pagseserbisyo ng dayuhang utang, burukratikong korupsyon at mga kampanyang militar sa panunupil. Binawasan ng lahat ng rehimen ang mga apropriyasyon para sa mga kolehiyo at pamantasan ng estado nang sa gayo’y mapilit silang magtaas ng tuition fees at humanap ng pondo mula sa sektor pribado at sa mga ahensyang US at ibang pang dayuhan. Pinupondohan at kinokontrol ng mga ahensiyang US at ibang pang imperyalistang gobyerno at ng pribadong mga pundasyon ang mga NGO o ang tinatawag na mga organisasyon ng civil society para uk-ukin ang mga institusyon sa edukasyon at kultura at atakihin ang mga gawain ng pambansang demokratikong kilusang masa sa kultura, edukasyon at iba pa. Kilalangkilala ang mga ahensya ng US gaya ng Agency for International Development (AID), National Endowment for Democracy, US Institute of Peace at mga katulad nito, sa pagpupondo ng mga grupo para sa paguk-ok at pag-atake sa mga pagpupunyagi at mithiin ng mamamayang Pilipino para sa pagpapalayang pambansa at panlipunan. Higit kailanma’y naghahangad at nakikibaka ang mamamayang Pilipino at ang mga rebolusyonaryong pwersa nila para sa isang pambansa, syentipiko at pangmasang kultura at edukasyon. Ipinapalaganap ng mga kadre at aktibistang masa ang makabayan at progresibong tipong ito ng kultura at edukasyon at malikhaing nakakadagdag sila sa pagsusulong nito maging sa mga paaralan at ibang mga institusyong pangkultura ng naghaharing sistema. Pero pihong pinaka-epektibo sila sa kilusang masa, sa hukbong bayan at sa mga lugar na pinamamahalaan ng demokratikong pamahalaang bayan. 31
V. ANG PANANAW NG SAMBAYANANG PILIPINO SA BAGONG DEMOKRATIKONG REBOLUSYON
32
N
agpupursigi ang sambayanang Pilipino at mga rebolusyonaryong pwersa nila sa pakikibaka para sa pambansang pagpapalaya at demokrasya sa pamumuno ng uring manggagawa at ng abanteng destakamento nito, ang Partido Komunista ng Pilipinas (CPP). Sa mismo nilang pakikibakang rebolusyonaryo sila nakakapagpalakas para ibagsak ang naghaharing sistema at itatag ang sistema ng demokratikong estado ng bayan. Handa silang lumaban sa imperyalismong US habang pinatitindi nito ang interbensyong militar at tumutuloy ito sa todong gerang agresyon. Hindi makakapanatili sa Pilipinas sa lahat ng panahon ang imperyalismong US at naghaharing sistema ng malalaking komprador at panginoong maylupa. Bunsod ng sariling walang habas na kasakiman at terorismo sa tangkilik ng neokolonyalismo at neoliberalismo, lalong nalalantad ang sariling dimakatwirang katangian at pagkabangkarote at natutulak ang mamamayan na pasidhiin ang pakikibaka nila para sa pagpapalayang pambansa at panlipunan. Sa tagumpay ng bagong demokratikong rebolusyon, maitutuloy ng sambayanang Pilipino ang yugtong sosyalista ng rebolusyong Pilipino. Ang pagtataksil ng mga modernong rebisyunista sa sosyalismo mula noong huling mga taon ng 1950 ay rumurok sa lubusang pagpapanumbalik ng kapitalismo sa kani-kanilang bayan mula 1989 hanggang 1991 at nagresulta sa pangingibabaw ng neokolonyalismo sa mga bayang dimaunlad at ng Tumutindi ang kahirapan sa Tsina bunga ng patakarang neoliberalismo sa buong sistemang pinatupad ng mga rebisyunistang taksil kapitalista ng daigdig. Mula noong 2007 hanggang 2008 nang matinding tamaan ang US at ibang imperyalistang kapangyarihan ng krisis sa ekonomya at pinansya na maihahambing sa Malaking Depresyon, sumahol pa ang mga kondisyon sa pagsasamantala at pang-aapi na mistulang walang katapusan; gayunman kasabay nito natutulak sa paglaban ang malawak na masa ng sambayanan. 33
Inuk-uk ng imperyalismong US ang sariling posisyon bilang solong superpower sa pagkalulong nito sa hi-tech na produksyong militar at mga gerang agresyon, sa pakikituwang sa Tsina bilang mayor na partner sa globalisasyong neoliberal, sa pag-asa sa murang paggawang Tsino para sa mga produktong konsyumer, sa pagtagpas sa pagmanupaktura at mga trabaho sa US, sa pinansyalisasyon ng ekonomyang US at pagkakautang sa Tsina, Hapon at ilan pang ibang bayan. Hindi ikinalalakas ng daigdigang sistemang kapitalista ang lubusang pagpasok ng Tsina at Rusya sa hanay ng malalaking kapangyarihang kapitalista kundi lalo nitong pinasisikip ang saklaw nila at lalong pinatitindi ang mga kontradiksyon sa hanay ng mga imperyalista. Hanggang noong unang dekada ng ika-21 siglo, pumapayag ang Tsina at Rusya sa paglulunsad ng US ng mga gerang agresyon, tulad sa Iraq at Afghanistan. Pero kasunod nito’y naging maingat na sila sa ekspansyunismong US at binuo nila ang Shanghai Cooperation Organization o SCO para tapatan ang tumitinding pagka-agresibo ng US at NATO. Itinaguyod din nila ang BRICS (Brasil, Rusya, India, Tsina, South Africa) bilang isang bloke sa ekonomya upang magsilbing panangga sa arogansya ng US sa mga usapin sa ekonomya, kalakalan at pinansya. Sa malas, malayo pa ang mga inter-impyalistang kontradiksyong para maging tuwiran o di-tuwirang gera ng alinman sa mga kapangyarihang kapitalista, bagamat nasasangkot sila sa mga tunggaliang sibil tulad sa Sirya at Ukraina. Sa Silangang Asia, naalpasan na ng Tsina ang pagkakilala dito bilang isponsor ng malaking burgesyang komprador na nakikikutsaba sa US at ibang mga empresang multinasyunal sa pagtatayo at pagpapatakbo ng mga pagawaang tulu-pawis at pribadong konstruksyon. Isang bumabangon na kapitalistang industriyal na kapangyarihan ang Tsina na kinasasangkutan ng nasyonalistang kolaburasyon kapwa ng monopolyong kapitalismong estado at pribado. Pero iniiwasan pa ng Tsina 34
na matawag na ganap na kapangyarihang imperyalista na gumagamit ng agresyon para mangamkam ng ekonomiko at pampulitikang teritoryo. Kahit sa mga misyon ng UN sa pagpapanatili ng kapayapaan, mas gusto nitong magbigay ng mga advisor na pulis kaysa mga tropang militar. Sa mga tunggaliang maritima sa South China Sea, kitang-kita na lumalampas ang Tsina sa nararapat at may potensyal ito na maging marahas. Pero hanggang ngayon, hindi pa ito nagsasagawa ng anumang pagkilos na agresyon para manakop ng alinmang bayan. Isang mapayapang aksyon ang paghahapag ng Pilipinas sa International Tribunal on the Law of the Sea sa pakikitunggaling maritima sa Tsina at maaaring maging mapayapang paraan ng pagresolba sa naturang tunggalian at sa mga kahawig na tunggalian. Mas magbabadya ng karahasan ang isang sitwasyon na laging maigigiit ng Tsina ang palagay niyang “hindi mapapasubaliang soberanya� sa 90% ng South Tsina Sea. Ipinagmalaki na ng reaksyunaryong rehimen ni Aquino na puprotektahan ng US ang Pilipinas laban sa Tsina at pinahintulutan na nito ang US na magkaroon ng mga base militar, tropa, pasilidad, kagamitang panggera (mga tangke, barkong panggera at eroplanong pansalakay) at maging mga armas nukleyar sa teritoryo ng Pilipinas sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) na tahasang lumalabag sa konstitusyon ng 1987. Sa katunayan, nagdeklara na ng nyutralidad ang US sa pagitan ng Pilipinas at Tsina sa tunggaliang maritima nila. Sadyang pinananatili nito ang dalawahang patakarang kooperasyon at pakikitunggali sa
35
Tsina. Batid nitong malayong higit ang mga interes nito sa Tsina kaysa Pilipinas sa ekonomya, kalakalan, pinansya at seguridad. Kahit ang rehimeng Aquino’y may kapakipakinabang na relasyon sa mga empresang Tsino sa pagmimina, konstruksyon, panluwas na produksyon ng malamanupaktura at mga pamilihan (shopping malls). Samantala’y nabuyo na ang Tsina at Rusya na magpirmahan noong May 21 ng 30-taong kasunduan sa halagang $400 bilyon ng natural na gas bunga ng matagal nang nanggaganyak na panduduldol ng neokonserbatibong patakaran para gawing dominante ang US sa buong ika-21 siglo at gamitin ang “broad spectrum approach” (paggamit ng iba’t ibang miltar at di-militar na sandata) para ibagsak ang alinmang karibal na imperyalista at ng mas bagong mga probokasyon ng US pivot sa Asia laban sa Tsina at ng pagpapalawak ng US-EU-NATO sa Ukraina laban sa Rusya. Kinonsolida ng kasunduang ito ang alyansa ng Tsina at Rusya laban sa mga pakanang ehemoniko ng US. Nasa sentro ang kasunduang ito ng mga kasunduang may kinalaman sa ekonomya, pinansya at kalakalan, gayundin ng mga kasunduang kaakibat ng mas pinalaking alyansa at kooperasyon sa seguridad sa pagitan ng dalawang higanteng magkapitbahay. Tuluy-tuloy na kumukulo ang mga tunggalian sa muling hatian ng daigdig sa hanay ng malalaking kapangyarihang kapitalista bago magsimulang maganap ang naglalakihang lindol na magsisilbing prologo sa walang kaparis na pag-usbong ng mga kilusang antiimperyalista at sosyalista. Kailangang masapol ng mamamayang Pilipino at mga pwersang rebolusyonaryo ang pagkamasalimuot ng sistemang kapitalista sa daigdig ngayon at pag-aralan nila kung paano gagamitin ang mga pagkakataon na inilalahad ng mga kontradiksyong inter-imperyalista tulad ng ginawa ng mga Bolsebiko kung kaila’y walang naunang bayang sosyalista na 36
tutulong sa kanila. Kailangang buo ang kapasyahan nilang itaas ang antas ng rebolusyonaryong kamulatan at ang mga kakayahan nilang lumaban. Kailangang determinado sila na ipagwagi ang demokratikong rebolusyong bayan at tumuloy sa sosyalistang rebolusyon. Kailangang handa nilang harapin at labanan ang Numero Unong imperyalistang kaaway sa bawat yugto. Magtiwala sila na ang ang grabeng ligalig sa kapitalistang sistema ng daigdig, na yinayanig ng matagalan, tumitindi at lumalawak na krisis ay siyang bisperas ng panibagong mga rebolusyong anti-imperyalista at proletaryo. Kailangang pangunahing umasa sila sa sarili sa paglulunsad ng rebolusyon tulad ng matagumpay na nagawa na nila sa napakatagal na panahon. Kailangang pag-ibayuhin ang mga pagsisikap para matamo ang pakikipagkaisa at suporta ng ibang mga mamamayan at kilusang rebolusyonaryo. Gamitin at gawing bentahe ang lumulubhang global na krisis, mga kontradiksyong inter-imperyalista at ang pagbabangon at paglaganap ng mga rebolusyong anti-imperyalista at proletaryo sa global na saklaw. ###
37
38