1
2
PANIMULA Layunin ng librong ito palawakin ang kaalaman ng kabataan tungkol sa paghahanda laban sa bagyo at pagbabaha. Inaasahan na mas maiintindihan ng mga bata ang mga epekto ng ganitong uri ng sakuna upang sila’y mas maging alisto a t handa sa oras na mangyari ang mga ganitong sitwasyon.
ito ay aklat ni:
3
MGA NILALAMAN
KABANATA I: PAG-UULAT NG PANAHON
5-15
Pagpapakilala ng Bida Kwento Pangdagdag Kaalaman (Weather Terms) Gawaing Upuan Crossword Puzzle
5
KABANATA II: DISASTER KIT
16-24
Kwento Pangdagdag Kaalaman (Mga Kagamitan) Gawaing Upuan Words in a Box
16-19
KABANATA III: PANUKALANG PANGKALIGTASAN
25-35
Kwento Pangdagdag Kaalaman (Mga palatandaan upang makaiwas disgrasya) Gawaing Upuan
25-30
PAGSUSULIT
36-37
MGA TAMANG SAGOT
4
6-9 10-13 14 15
20-22 23 24
31-32 33-35
K UMUS TA? Ako si Jepoy at ako ang magiging gabay mo sa inyong pagbasa sa librong ito. Sampung-taong gulang pa lang ako ngunit tinuruan na ako ng aking mga magulang kung paano maging handa laban sa mga sakuna. Mahalaga ang pagiging handa bago pa man makarating ang mga dalang epekto ng mga natural na kalamidad. Kapag tayo’y nakapaghanda sa tamang oras, maaaring makaiwas tayo sa disgrasya at posible ring makaligtas tayo ng buhay. Ilalahad ko ang aking naging karanasan noong kami ay tinamaan ng bagyo, ilang buwan nang nakalipas. Basahin ninyong mabuti ang kwento at tandaan ang mga mahahalagang bahagi na tumutukoy sa bagyo, pagbabaha at paghahanda sa sakuna. Ang mga kailangang tandaan ay nakakulay pula. Pagkatapos ng bawat kabanata ay magkakaroon ng pandagdag na impormasyon at maiikling gawaing upuan.
5
KABANATA I: Pag-uulat ng Panahon
Nakatira ako sa Malanday, isang maliit na barangay sa Tumana, Marikina. Simple at tahimik lang ang pamumuhay dito sa amin. Medyo mababa lamang ang patag ng tumana, at katabi pa ito ng Marikina River kaya nagiging mapanganib kapag kami’y binabagyo. Madalas pa naman binabagyo ang Pilipinas. Ang alam ko, mga 20 na bagyo ang dumadaan sa ating bansa bawat taon.
6
Dahil dito, sinisikap naming maging handa lagi tuwing may paparating na bagyo. Ang unang hakbang sa pagiging handa ay ang maintindihan ang mga babala na binibigay ng PAGASA o ang Philippine Atmospheric Geophyscial and Astronomical Services Administration. Sila ang pampublikong taya ng panahon, meteorolohiya at astronomika. Noong gabing iyon binuksan namin ang telebisyon at nakinig sa pag-uulat ng panahon. Ayon sa balita, may nabubuong low pressure area na papalapit sa Luzon.
7
“Mababaw pa lamang ang low pressure area na namumuo na papalapit sa Luzon. Hindi pa ito inaasahang maging bagyo sa loob ng 24 oras. Kasalukuyang patuloy na magiging bahagyang maulap ang Metro Manila, ngunit maaari ring makaranas ng mahinang pag-ulan. Bagama’t ganito ang pag-uulat ng PAGASA, pinapayuhan po namin kayo na maging laging handa at makinig sa mga susunod na update sa posibleng pamumuo ng sama ng panahon.� Tumingin ako sa labas ng bintana at nakita ko na lumalakas ang hangin.
8
Sa sumunod na gabi, binuksan ko ang radyo bago kami nag hapunan. “Ang low pressure area ay namuo na bilang isang tropical cyclone at inaasahang papasok ito sa sa Philippine Area of Responsibility. Ito’y pinangalagang bagyong Linda. Ayon sa PAGASA ang bagyong Linda ay patungong Luzon, at kung hindi ito magbago nang landas ay babagsak ang bagyo sa loob ng 72 oras.” Nagmadali akong dalhin ang radyo sa kusina para mapakinggan ni nanay. “`Nay!, may bagyo daw na paparating. Tatama daw dito sa luzon!” “Naku, ganon ba? O siya, alam mo na ang gagawin. Maghanda na tayo.”
9
PANDAGDAG KAALAMAN Bago tayo tumuloy sa susunod na kabanata, pag-aralanmuna natin muli ang mga nabanggit na terminolohiya sa pag-uulat ng panahon. Kasama na dito ang mga iba pang terminolohiya na kadalasan ay ginagamit sa pagbibigay ng weather forecast.
LOW PRESSURE AREA Ito ay isang babala na may namumuong sama ng panahon sa isang bahagi ng bansa. Nangyayari ito kapag mas mababa ang air pressure ng isang lugar kaysa sa mga pumapaligid dito. Ang low pressure area ay namumuo sa dagat at madalas nanggagaling sa Karagatang Pasipiko. Ito’y nagdudulot ng maulan na panahon, ngunit maaaring maging bagyo kapag ito’y tumindi.
STORM SURGE Ang storm surge ay nagdudulot ng malawakang pagbaha na maaaring umabot ng ilang kilometro mula sa baybaying dagat, depende sa hugis at alon nito. Kasabay ng malakas na pag-alon at malakas na hangin, ang storm surge ay maaaring makapinsala at makatangay ng anumang bagay na dadaanan nito.Ang pagtaas ng tubig-dagat ay gawa ng hangin na dala ng isang bagyo.
TROPICAL CYCLONE Ang bagyo o tropical cyclone ay isang matinding low-pressure area. Ang dala nitong hangin ay may bilis na 35 kilometro bawa’t oras (km/h). Kadalasang may dalang malakas na hangin at tuloy-tuloy na pag-ulan ang mga bagyo. Nagdudulot ang mga ito ng pagbaha, na nagiging sanhi naman ng flashflood, malakas na alon, pagguho ng lupa, at pagragasa ng putik o mudslide. 10
MGA URI NG TROPICAL CYCLONE Dahil magkakaiba ang lakas at hagupit na dala ng mga tropical cyclone, ito’y ginawan apat na klasipikasyon. Ang mga ito ay ang tropical depression, tropical storm, typhoon at super typhoon. TROPICAL DEPRESSION
45-63 kph
Ang dalang hangin ay may may bilis na 45-63 kph. Maaaring maging mahirap ang paggamit ng payong, dahil baka ito’y madala ng hangin. Magagalaw ng hangin ang mga sangay ng mga puno. Matindi ang pagbagsak ng ulan at maaaring gumuho ang lupa sa tabi ng mga bundok.
TROPICAL STORM
64-117 kph
Ang dalang hangin ay may may bilis na 64-117 kph. Maaaring matumba ang mga maliliit na puno. Posibleng magkaron ng kaunting pagsira sa mga istruktura. Magkakaroon rin ng pagguho ng lupa sa tabi ng mga bundok o kaya sa mga burol. Malakas pa rin ang bagsak ng ulan.
TYPHOON
118-239 kph
Ang dalang hangin ay may may bilis na 118-239 kph. Maaaring matumba ang mga malalaking puno. Posibleng makasira ng mga istruktura lalo na sa mga gusali na matataas. Magkakaroon ng pagguho ng lupa sa tabi ng mga bundok o kaya sa mga burol. Dahil sa tindi ng ulan, maaaring makadulot ng pagbabaha.
SUPER TYPHOON
240 kph +
Ang dalang hangin ay may may bilis na 240 kph pataas. Maraming puno ang matutumba. Magkakaroon ng mga storm surge at maaaring tumaas ang tubig dagat hanggang 20 ft na lagpas sa pangkaraniwang sea level. Maraming bahay at mga gusali ang maaaring masira. Matinding pagbabaha ang mararananasan. 11
PUBLIC STORM WARNING SIGNAL Ang Public Storm Warning Signal ay babala na inaanunsyo ng PAGASA upang ipaalam sa publiko ang mga maaring maging epekto ng dalang hangin ng isang Bagyo. Mayroong apat na Public Storm Warning Signal ang PAGASA, at ito’y nakabilang ayon sa lakas at bilis ng hangin na dala ng bagyo.
SIGNAL # 1 Ang hanging dala ng bagyo ay mula 45 kph hanggang 60 kph na inaasahan sa loob ng 36 na oras. Pinapayuhan ang mga tao na makinig sa balita at sa severe weather bulletin na inaanunsyo ng PAGASA sa bawat 6 na oras makalipas. Hindi pa gaanong kasama ang panahon kaya maaari pa ring bumalik sa pang araw-araw na gawain. Subalit, may posibilidad na lumakas ang bagyo, at tataas ng public warning signal.
SIGNAL # 2 Ang hanging dala ng bagyo ay mula 61 kph hanggang 100 kph na inaasahan sa loob ng 24 oras. Delikado na ang paglalakbay ng maliliit na bangka sa dagat. Maaaring makadulot ng pagsira sa mga bahay na gawa sa cogon at nipa. Suspendido na ang mga klase hanggang hayskul sa pribado at publikong paaralan. Pinapayuhan na ang mga mamamayanan na ihanda ang mga kagamitan kung sakaling kailangang lumikas.
12
SIGNAL # 3 Ang hangin ay mula 101 hanggang 185 kph na inaasahan sa loob ng 18 oras. Ipinagbabawal na ang paglalakbay sa mga bangka at eroplano. Pinapayuhan ang mga mamayanan na lumipat sa mas matataas na lugar. Pinapalikas na ang mga taong nakatira sa tabi ng dagat, upang maiwasan ang mga storm surge at pagbabaha. Suspendido na ang mga klase sa lahat ng antas.
SIGNAL # 4 Ang hangin ng Bagyo ay mahigit sa 185 kph. Maaaring makasira ng mga bahay at mga gusali sa mga apektadong komunidad. Inaasahan na nakalikas na ang mga tao at nakapunta na sa mga evacuation center. Humanda sa posibleng pagdaan ng “Eye of the Storm”. Ito’y nangyayari kapag biglang gumanda ang panahon ng ilang sandali, at pagkatapos ng isa o dalawang oras, babalik ang mas matinding hagupit ng bagyo.
RAINFALL ADVISORY Ito’y nagsisilbing babala para malaman ng mamayanan ang posibilidad ng pagbabaha sa kanilang mga kommunidad. Binabatay ito sa sukat ng ulan. YELLOW
RED
Posibleng bumaha, lalo na sa mababang lugar
Matindi na ang pagbabaha at kinakailangan nang lumikas ng mga mamayanan.
ORANGE Mapanganib ang sitwasyonng baha. 13
GAWAING UPUAN Makakatulong ang inyong mga flash cards sa pag kabisado ng mga mahahalagang terminolohiya na ginagamit sa pag-uulat ng panahon. Maghanap ng kasama na maaaring makipaglaro gamit ang flash cards. Ang isa ay magbabasa ng mga clue na nasa likod ng card, at ang isa naman ay ang magbibigay ng sagot.
14
CROSSWO R D P U Z Z L E Gamitin ang mga clue sa ibaba upang mapunan ang mga kahon sa crossword puzzle. 1
2 3
4 5
6
7
8
91 9
0 10
PAHIGA
PABABA
2. uri ng tropical cyclone na may bilis na 118- 239 kph sustained winds 7. uri ng tropical cyclone na may 45-63 kph sustained winds 8. isang warning advisory kung saan maaaring magkaroon ng pagbabaha 9. ang pagtaas ng tubig dagat.
1. ang tinatawag nating ‘bagyo.’ ito’y namumuo dulot ng low pressure area. 3. isang babala na may namumuong sama ng panahon. 4. isang warning advisory kung saan maaaring maging mapanganib na ang pagbabaha 5. uri ng tropical cyclone na may 64-117 kph sustained winds 6. uri ng tropical cyclone na may 240kph pataas na sustained winds 10. isang warning advisory na pinapalikas na ang mga mamayanan 15
K A B A N A T A I I : Disaster Kits
Tinulungan ko ang aking mga magulang para ihanda ang aming disaster kit. Ito ay naglalaman ng mga kagamitan na mahalaga para sa aming kaligtasan, kung sakaling kailangan namin lumikas ng bahay. Ilan sa mga kailangan namin ay tubig, mga biskwit at delatang pagkain, flashlight, pito, damit, kumot o tuwalya, radyo na de-batteriya, mga importanteng papeles at first aid kit.
16
“Jepoy, huwag mong kakalimutan na ilagay ang emergency contacts sa ating disaster kit. Lagi nating kailangan ito kung sakaling makaranas tayo ng kagipitan. Mahalaga na alam natin agad kung sino kailangang tawagin.” “Ah, oo nga pala `Nay! Salamat.”
17
Kailangan ko rin maghanda ng matibay na sapatos para maging protektado ako laban sa mga sakit na maaaring dala ng maduming tubig baha. Kahit luma na ang rubber shoes ko mas mabuti ito kaysa sa tsinelas, para hindi madaling masugatan ang aking mga paa. Sinama ko na rin ang isang coloring book pati ang mga pangkulay ng aking nababatang kapatid. Mabuti na rin na magdala kami nito upang malibang kami kung kinakailangan namin maghintay sa isang evacuation center.
18
Para sa mga importanteng dokumento, ang mga magulang ko na ang naghahanda ng mga ito. “`Tay, wag mong kakalimutan yung mga kailangan natin ah!” “Oo, ako na bahala, wag kang mag-alala. Nandito na ang mga ID, birth certificate, medical record, detalye mga bank account, titolo ng lupa at iba pang mga mahahalagang papeles.”
19
PANGDAGDAG KAALAMAN Ang mga larawan sa ibaba ay mga kagamitan na matatagpuan sa loob ng isang disaster kit. Tingnan ang bilang na naka tatak sa bawat larawan upang mahanap ang katuwang na kahulugan nito sa mga susunod na pahina.
1 2
1L
1L
1L
10 3
11
4
13 9 12
14
5 8 7
6
18
16
15
17
20 20
19
1
T U BIG Kalimitan, ang tao ay kayang mabuhay ng hindi kumakain ng 5 araw basta siya ay may tubig. Siguraduhing ang tubig na dadalhin ay maaaring iinumin o kaya gamiting panghugas o pangluto. Sapat na ang 3 litro para sa isang araw.
2
7
8
9
F L A S HLI GH T Kung sakaling kailangan dumaan sa madidilim na lugar o kung mawalan rin ng kuryente sa evacuation center, mabuti nang may dalang flashlight. Magdala rin ng mga baterya.
RADYO Kailangang laging may dalang radyo upang malaman ang mga bagong balita tungkol sa panahon. Magdala ng maliit at de-batteryang radyo.
Para sa may mga hypoglycemia (ang pagkukulang ng sugar sa dugo), mahalaga na magdala ng kendi.
5
MGA DOKUMENTO Gumawa ng ID na naglalaman ng mga importanteng detalye tulad ng pangalan, tirahan, telepono, kundisyon at panuto kung sakaling walang malay ang may-ari. Paalalahanin sa mga magulang na kailangang dalhin ang mga legal na dokumento. Magdala na rin ng sapat na pera.
DE LATANG PAGKAIN
KEN D I
PITO Mahalaga ito lalo na sa mga bata at matatanda. Gamit ang pito, mas madaling makatawag ng atensyon ng iba kung sakaling kailangan ng tulong.
Tulad ng mga biskwit, ang mga ulam na ito ay hindi basta basta napapanis at madali pa silang ibaon. Siguraduhing magdala ng pambukas ng de lata.
4
CONTACT BOOK Kailangan ito upang alam agad kung sino ang tatawagin oras na makaranas ng kagipitan.
BIS KW I T Mas mainam na biskwit ang dalhin kaysa tinapay, dahil mas madali itong maitago at hindi agad agad napapanis.
3
6
10
KUM OT Kung magpapalipas ng gabi sa evacuation center, kailangan ito upang di lamigin ang katawan. Maaari rin itong gamiting higaan. 21
11
T IS Y U
16
Magpatulong sa mga magulang para maghanda ng first aid kit. Huwag balewalain ang posibilidad na magkaroon ng aksidente. Ito ang maaaring makaligtas ng inyong buhay.
Mahalagang laging may dalang tisyu para may panglinis ng katawan. Marami rin ang nagkakasipon dahil sa masamang panahon, kaya’t kailangan ito.
12
T U WA LYA Dahil may posibilidad na mabasa dahil sa ulan, kailangan ito upang may pangpunas ng katawan. Kung maaaring maligo sa pinuntahang evacuation center, mahalaga na may dalang sariling tuwalya.
13
SABON
17
S IP ILYO
18
DA M IT Magdala ng pampalit ng damit dahil maaaring mabasa ng ulan o kaya’y magpalipas ng ilang gabi sa evacuation center.
22
PLASTIC BAG Huwag kakalimutan na magdala ng plastik bag para may tatapunan ng basura. Maaari rin itong gamitig panglatag sa sahig.
19
Dalhin ang sipilyo upang masigurado na malinis lagi ang ngipin at makakaiwas na pagbubulok nito.
15
RUBBING ALCOHOL Ito ay nakakatulong sa paglinis ng katawan at pagtanggal ng mga masasamang bacteria na kumapit. Mahalaga ito lalo na sa mga sumulong sa baha.
Kailangan ito upang matanggal ang mga dumi at bacteria na kumapit sa katawan.
14
FIRST AID KIT
BAND-AID Dahil maaaring magkaron kayo ng maliliit na sugat, lalo na sa mga paa, magdala na ng bandaid upang hindi lumala ang mga ito.
20
GAM OT Tanungin ang mga magulang para sa mga kailangang gamot. Mainam nang laging may dalang gamot, dahil maaaring may magkasakit dahil sa sama ng panahon.
GAWAING UPUAN Kulayan ang mga gamit na mahahanap sa loob ng isang disaster kit. Tandaan: piliin lamang ang sa tingin ninyo ang mga pinakamhahalagang kagamitan na dapat isama sa inyong disaster kit.
23
WORDS I N A BOX Hanapin sa kahon ang mga gamit na maaaring makita sa loob ng isang disaster kit. Sampung mga kagamitan ang makikita sa kahon. Maaaring ito’y nakasulat pahiga, patayo, pa-diagonal at pabaliktad. Bilugan ang mga salitang nahanap.
24
B
T
S
A
B
O
N
E
Y
A
G
K
E
N
D
I
U
X
N
L
V
A
U
Y
S
I
T
D
K
C
S
R
G
K
I
U
A
U
W
O
I
Z
W
J
W
I
M
B
B
H
K
Y
H
A
D
O
U
F
S
O
B
X
L
G
T
B
I
A
C
L
E
Y
Q
N
B
L
P
I
T
O
A
K A B A N ATA I I I : Mga Panukalang Pangkaligtasan
Bukas na raw tatama ang bagyo. Hinahanda na namin ang aming bahay para mabawasan ang posibleng maging pinsalang abutin nito. Pinaakyat nina nanay at tatay ang mga importanteng gamit ko na kailangang maisalba oras na pasukan kami ng baha. Ang mga libro ko sa eskwelahan, mga mahalagang dokumento, at iilan sa aking mga paboritong laruan ay nilagay ko sa isang kahon at dinala sa taas.
25
Naririnig ko na ang pagbagsak ng ulan. Hindi pa gaanong kalakas, dahil bukas pa naman talaga ang dating ng bagyo, ngunit mabuti na na naghahanda kami ngayon pa lang. Nakita ko si `Tay na parang kinakalikot ang saksakan ng aming telebisyon. “`Tay anong ginagawa mo?� tanong ko. “Tinatanggal ko lang ang plug, kasi hindi rin naman natin ginagamit. Baka may ma-kuryente pa kapag natuluan o kaya napasukan ng baha ang mga gamit natin.� paliwanag ni Tatay.
26
Lumiwanag ng saglit ang langit dahil sa pagkislap ng kidlat. Sinundan naman ito ng napakalakas na kulog. Bigla kaming nawalan ng kuryente. Umiyak ang nababatang kapatid kong si Ninay. “Ninay, wag kang matakot nandito lang ako.” Binuksan ko ang flashflight para makita niya ako. “O ayan, maliwanag na ulit!” Tumigil na siya sa kanyang pagiyak. Importante na laging may flashlight sa bahay. Sabi ni `Nay na mahirap na umasa lang lagi sa kandila. Baka makasunog pa ito pag hindi nabantayan.
27
Nagsama sama muna kaming buong pamilya para makinig sa balita tungkol sa paparating na bayo. “Inaasahang tatama ang bagyong Linda bukas ng alas-tres ng hapon. Kasalukuyang papalapit ang bagyo na may bilis na 120kph, at ayon sa PAGASA, maaaring maging signal # 2 ito sa mga sumusunod na lugar: Pampanga, Rizal, Bulacan, Metro Manila, Quezon, Camarines Norte, Camarine Sur at Romblon. Suspendido na ang mga klase hanggang hayskul sa mga nabanggit na lugar.�
28
Tanghali pa lang sa sumunod na araw, bumuhos na ang malakas na ulan. Sinara na namin ang mga bintana at pinatay ni Tatay ang main power switch ng bahay. Binuksan ni `Nay ang radyo at nakinig kami sa mga bagong weather update. Narinig ko na nagbigay na ng orange rainfall advisory ang PAGASA at apektado raw ang Marikina. Naku! Ibig sabihin mas magiging matindi pa ang pagbabaha, lalo na sa mabababang lugar. “`Wag na tayong maghintay na ianunsyo sa balita na kailangan na natin pumunta sa evacuation center. Lumikas na tayo,ngayon pa lang. Iyong eskwelahan ni Jepoy hinanda nang evacuation center. “ Nang lumabas kami ng bahay, umakyat kami sa mas mataas na lugar upang makaiwas sa baha.
29
Nakarating kami sa evacuation center na basang basa ng ulan, pero ligtas naman. Hindi muna kami aalis dito hangga’t walang binibigay na instruksyon ang mga barangay tanod na pwede nang bumalik sa aming mga bahay. Mabuti na lang at nakalikas kami ng maaga at walang nasaktan sa amin. Ang mahalaga ay magkasama-sama pa rin kami ng pamilya ko. Kaya laging tandaan: ang laging handa, laging may ginhawa.
30
PA N DAG DAG K A A LA M A N Ang sumusunod na impormasyon ay iilan sa mga dapat tandaang gawain sa tuwing may bagyo o baha. Ang pagsunod sa mga ito ay maaaring makaligtas ng buhay.
Huwag hawakan ang kasangkapang may kuryente kung ikaw ay basa o kaya ay nakatayo sa tubig. Magpatulong sa magluang kung kailangan tanggalin sa saksakan.
Isara ang mga pinto. Siguraduhing naka-lock ang mga pinto bago lumikas ng bahay.
Isara ang lahat ng mga bintana. Kung kaya, tapalan ito ng plywood upang siguradong hindi pumasok ang hangin kung sakaling masira nito ang mga bintana.
Magsuot ng matibay na sapatos kung kailangang dumaan sa mababaw na tubig baha.
31
32
Mas mainam na gumamit ng flashlight kung mawalan ng kuryente. Kung gagamit ng kandila, bantayan ito at patayin kapag hindi na kailangan gamitin.
Ilagay o ipatong sa mataas na lugar ang mga mahahalagang kagamitan na hindi dapat mabasa. Kung may second floor ang bahay, iakyat ang mga gamit.
Maaaring matumba sahil sa tubig baha na dumadaloy. Huwag maglakad sa tubig na may taas na 6 na pulgada. Iwasan ring bumyahe gamit ang sasakyan.
Maghanap ng mataas na lugar kung saan maaaring maglakad. Lumayo sa mga lugar na malapit sa kahit anong anyong tubig. (halimbawa: ilog,lawa).
G AWA IN G U P UAN Ang mga sumusunod na larawan ay nagpapakita ng mga delikadong sitwasyon na maaaring maranasan tuwing may bagyo. Ang mga gawain sa mga larawan ay hindi sumusunod sa mga panukalang pangkaligtasan. Tingnan ng mabuti ang mga ito at ipaliwanag kung ano ang nakikitang hindi wasto.
33
34
35
PAGS U S U L I T Nagabasa ba kayo ng mabuti? Ito ay isang pagsubok na magpapasya kung may natutunan kayo mula sa kwento at sa mga pandagdagang impormasyon na naibigay. Maaaring magbalik-aral muna kung kinakailangan.
I. PAG-UULAT NG PANAHON Punan ang patlang ng tamang sagot. 1. Ilang bagyo ang kalimitang dumadaan sa Pilipinas, kada taon? 2. Ano ang tawag sa institusyon na nagbibigay ng mga balita at babala tungkol sa panahon? 3. Ito ay terminolohiya na madalas ginagamit sa pag-uulat ng panahon. Ito ay babala na may namumuong sama ng panahon.
4. Ito ay ang pagtaas ng tubig-dagat. 5. Isang uri ng tropical cyclone kung saan may bilis na 240kph ang hangin. Ito ay ang pinakamatinding uri ng bagyo at maaaring makasira ito ng maraming istruktura.
6. Ang storm warning signal kung saan suspendido ang lahat ng antas sa mga eskwelahan.
II. DISASTER KIT Piliin sa hanay B ang mga sagot para sa mga bilang sa hanay A. 36
A.
B. 1. Pampatawag ng atensyon.
a. radyo
2. Ginagamit bilang ilaw kapag madilim ang daan o kapag walang kuryente.
b. flashlight
3. Pagkain na hindi agad nabubulok.
d. pito
4. Naglalaman ng mga mahahalagang listahan ng phone number upang may matawagan kapag kailangan ng tulong. 5. Ginagamit para makakinig sa balita.
c. posporo
e. biskwit f. tinapay g. tubig h. contact book
I. MGA PANUKALANG PANGKALIGTASAN Isulat ang T kung tama ang binibigay na panukala sa paghahanda para sa bagyo, at M naman kung mali. 1. Kapag mababaw ang baha, pwede pa ring lumusong ang mga bata dito. 2. Mas mainam na gumamit na lang ng kandila kaysa sa flashflight kung mawalan ng kuryente. 3. Dapat iwasan ang mga lugar na malapit sa anyong tubig tuwing may bagyo. 4. Mas mainam gumamit ng tsinelas kapag kailangang dumaan sa tubig baha dahil mas madaling makalakad gamit ang mga ito.
37
MGA TA MA N G S AGOT Makikita sa ibaba ang mga tamang sagot sa lahat ng gawaing upuan. Inaasahan na gagamitin lang ang bahaging ito upang iwasto ang mga nasagutang aktibidad.
p. 23
38
p. 24
B
T
S
A
B
O
N
E
Y
A
G
K
E
N
D
I
U
X
N
L
V
A
U
Y
S
I
T
D
K
C
S
R
G
K
I
U
A
U
W
O
I
Z
W
J
W
I
M
B
B
H
K
Y
H
A
D
O
U
F
S
O
B
X
L
G
T
B
I
A
C
L
E
Y
Q
N
B
L
P
I
T
O
A
39
p. 15 1
2 3
4 5
6
7
8
91
40
0
p. 33-35
Nakatsinelas lamang ang bata at tumatakbo pa sa may tubig baha. Posible siyang magkasakit dahil dito.
Hindi pa natanggal sa saksakan ang telebisyon. May tumutulong tubig mula sa bintana at maaari pa itong maka kuryente kapag natuluan ang saksakan.
Naiwang bukas ang bintana. Posibleng pumasok ang hangin at tubig mula sa ulan.
Lumusong ang bata sa tubig baha na abot na hanggang baywang. Umaagos ang baha kaya maaaring malunod ang bata kung siya’y matumba at masaktan. 41
42
REFERENCES http://fluxdesignlabs.com/infographics/disaster/ index_storms.html http://www.gov.ph/how-to-make-sense-of-pagasas-color-coded-warning-signals/ http://www.lgu.ph/disaster-preparedness-2/ hurricanes/ http://pagasa.dost.gov.ph/faq http://www.redcross.org.ph/component/k2/ item/837-red-cross-lifeline-kit
Written and illustrated by Carmela Lagos
43
WRITTEN & ILLUSTRATED BY Carmela Lagos
44