MGA DIKLAP SA BAYAN NI JUAN UNANG ISYU ENERO 2019
LITERATURA ANG MAKA-PILIPINONG PANITIKAN
ENERO: PANITIKAN • PAGKILALA • LIBANGAN • EDITORYAL • BLOG
TUNGKOL SA PABALAT BRIAN DOFITAS Litratista
Literatura ang instrumento sa pagbibigay talino para sa bawat indibidwal. Dito nabubuo ang mga ideya at naibabahagi sa bawat indibidwal, maaring ito ang magdadala saatin upang maiahon ang bansa natin sa kasalukuyang puwesto at makipaglaban sa maayos na paraan. Ito ang magiging instrumento sa pag bigay saliwan sa ating isipan.
TALAAN NG MGA NILALAMAN
PAGKILALA
06 PANITIKAN
Mga kaganapan kung saan nakibahagi ang STEM 175 at kanilang mga tagumpay.
EDITORYAL
Mga maiikling kuwento, tula, dagli at salawikain na sumasalamin sa Pilipinas at ang makulay na kultura nito.
62 BLOG
Mga opinyon at saloobin ng punong patnugot tungkol sa relasyon ng Tsina at Pilipinas noon at ngayon.
14 LIBANGAN
34
Mga tribya at retratong sanaysay tungkol sa kalagayan ng Pilipinas, pati rin mga larong kagigiliwan mo.
66
Mga karanasan, aktibidad at mga hinuha ng iilan na miyembro ng STEM 175 kung bakit nararapat na mas tangkilikin ang Pilipinas at mga kagandahang taglay nito.
1
PAHINA NG PASASALAMAT
2
Unang una sa lahat, ako ay lubos na nagpapasalamat sa Diyos dahil sa kalakasan at karunungan na ipinagkaloob niya sa amin para makapagsulat at makagawa ng mga makabuluhang artikulo para sa magasin na ito. Ako ay natutuwa dahil mapayapa naming natapos ang proyektong ito. Pangalawa, nais kong magpasalamat sa aming guro sa asignaturang ito na si Ginoong Renegade Limpin. Siya ang sumabaybay sa amin habang ginagawa ang magasin na ito. Nagpapasalamat ako sa mga ideyang kanyang ibinahagi para mapaganda ang aming proyekto. Bukod don, nagpapasalamat ang buong STEM 175 sa kanyang oras at sakripisyo bilang aming guro sa Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang. Pinapahalagahan namin ang mga aral at adbokasiya na kanyang naibahagi sa aming klase, at siya mismo, bilang aming kuya, kaibigan, kapamilya. Nagpapasalamat ako sa kanyang paniniwala sa aming mga kakayahan bilang estudyante at bilang kabataan. Masaya ako na sa oras niya, malaya ang buong klase. Pinapasalamatan ko rin ang aking mga kaklase sa kanilang kooperasyon para matapos ang magasin na ito. Sa mga kapwa ko patnugot na sila Rizzi Pardiñas, Audrey Gabutina, Jason Bueno, Austin Lopez de Leon, David Miranda, Ronalyn Olivares, Charlie Tomas at Roy Robles, maraming salamat sa inyong oras para pamunuan ang iba’t ibang kategoryang nilalaman ng ating proyekto. Sa mga kontribyutor, salamat sa mga artikulo at piyesa na inyong isinulat. Ang inyong mga ginawa ay malaking tulong sa magasin na ito. Salamat dahil kayo ay naging malaya sa pagpapahayag ng inyong damdamin. Lubos akong nagpapasalamat sa pagkakataon na ibinigay sa STEM175 para gumawa ng sarili naming magasin. Muli na namang nahasa ang kakayahan ng bawat isa sa iba’t ibang larangan. Nakapagpahayag kami ng aming mga saloobin at opinyon tungkol sa Lipunan, Kultura at Politika sa Pilipinas sa mga malilikahing paraan. Sana’y maraming matutunan ang mga magbabasa ng magasing “Saliwan”—Ang ipinagmamalaking produkto at proyekto ng STEM 175.
AIRA DYNIELLE VIRTUSIO
Punong Patnugot
3
AIRA DYNIELLE VIRTUSIO Punong Patnugot
RIZZI JOY PARDIÑAS Ikalawang Patnugot
AUDREY NOELLE GABUTINA Patnugot sa Panitikan
JASON PATRICK BUENO Patnugot sa Libangan
RIZZI JOY PARDIÑAS Patnugot sa Blog
AUSTIN LOPEZ DE LEON
Patnugot sa Pagkilala ng mga Natatanging Mag-aaral
CLARISSE CASI CARIÑO VICENTE VILLOCILLO JR.
MGA KONTRIBYUTOR Merwyn Blanco John Lester Calzo Francis Manuel Caragdag Kyle Dumbrique Christian Paul Duria Jeffrey Angelo Ebanen Dale Holden Garcia Miguelangelo Iñigo Hassan John Christopher Langcauon Jan Laurene Manrique Mariah Rocita Mirarza Natsuki Mori, Francis Olores Jayvhones Oclarit Matthew Christian Quisao Kyle Roy Robles Mary Sunday Santos Jed Tristan Tinio Charlie Tomas Domer Glysdi Toribio Jannu Manoelle Verona
Mga Taga-ulo at Taga-wasto
JOHN DAVID MIRANDA Taga-disenyo
JURIZ REIGN CALMA JAMES AARON HERAMIL BRIAN DOFITAS GERARD OZIAS LIGOT Mga Litratista
MA. BIELLE BARAL RONALYN LOURDEZ OLIVARES Mga Dibuhista
CHARLIE TOMAS KYLE ROY ROBLES
Mga Tagapamahalang Pampinansyal
G. RENEGADE LIMPIN Tagapayo
4
Mga estudyante ng STEM 175 Asia Pacific College
5
PAMATNUGUTAN 5
PAGKILALA
6 PAGKILALA
PAGBALIKTANAWSA MGA NAPAGTAGUMPAYANG ALAALA PAGKILALA 7
8 PAGKILALA
PAGSULAT NG SANAYSAY: EDI WOW! Ang Paglaganap ng Smart Shaming sa Modernong Panahon Isinulat ni
AUSTIN LOPEZ DE LEON Sa pamamagitan ng pag papakita ng superyor na husay at talino sa pagsulat ng sanaysay, si Clarisse Casi Cariño ng STEM 175 ay muling napabilib ang kanyang mga mag-aaral at guro ng muling may medalya nanaman ang nakakabit sa mga naging tagumpay ng STEM 175. Ika-10 ng Agusto nang ganapin ang pag sulat ng sanaysay bilang isa sa apat na patimpalak na ginanap sa Buwan ng Wika sa Asia Pacific College ng ika-3 at kalahati ng hapon at natapos ng ika-4 ng hapon. Ang mga kwalipikadong timpalak ay ang mga estudyante ng Senior High, Grade 11 at 12 na kung saan may higit na labingdalawang estudyante para sa parehong Grade 11 at 12. Ang paksa ay “Edi Wow! Ang paglaganap ng Smart Shaming sa Modernong Panahon” na kung saan na ipapakita ng mga kalahok ang husay at galing sa pagbigay ng may kaugnayang opinyon at kung ano ang dapat gawin sa smart shaming na nagiging problema sa modernong panahon ngayon. Nabigay ng mga kalahok ang kanilang lahat, ngunit ang mga sanaysay ng sumusunod na estudyante ay ang nangibabaw. Kabilang sa mga nag wagi sa pagsulat ng sanaysay ay ang mga sumusunod na mag-aaral. Para sa mag-aaral ng Grade 11, napalanunan ni Matthew T. Queanizon ng STEM 184 ang ikaunang pwesto , si Princess M. Olarte ng STEM 186 para sa ikangalawang pwesto, at si Stephany A. Figueroa ng ABM 184 para sa ikatlong pwesto. Para naman sa magaaral ng Grade 12, napalanunan ni Clarisse Casi Cariño ng STEM 175 ang ikaunang pwesto, si Matthew Daniel Barrocan ng STEM 172 para sa ikangalawang pwesto, at si Piolo Paul Cortez ng STEM 171 para sa ikatlong pwesto.
PAGKILALA 9
VITALITY 2018 Isinulat nina
JAMES AARON HERAMIL, AUSTIN LOPEZ DE LEON Pawis, pagod, hirap, ngiti, tagumpay, at sigla. Yan ang mga salita na nag lalarawan ng karanasan ng STEM 175 sa Vitality 2018, isang kumpetisyon ng pagsayaw. Nagkaroon ng mahirap na simula dahil sa masamang panahon at lugar ng pag prapraktisan, ngunit sa huli, hindi man nanalo ang STEM 175, ay napakita nila na ang STEM 175 ay isa sa mga pinaka mapagkumpitensyang seksiyon ng Asia Pacific College Senior-High, at dahil sa hirap at pagsisikap na binigay ng STEM 175, ay naging dahilan kung bakit sila ang naging isa sa mga pinaka paboritong grupo na sumayaw sa kumpetisyon. Ika-dalawampu’t isa ng Abril noong ginanap ang patimpalak ng pag-sayaw sa APC. Vitality 2018, isang araw kung saan nagtipon-tipon ang mga estudyante ng Senior High School para makipag tagisan ng mga nakakaaliw na galaw upang makuha ang titulp bilang maging kampeon ng dance floor. Ang lahat ng mga kalahok ay binigyan ng ilang buwan para makapag handa at makapag ensayo ng sayaw na ginawa ng mga estudyante mismo para sa paligsahan na ito. Isa sa mga lumahok sa paligsahan ay ang mga estudyante
10 PAGKILALA
ng STEM-175, sila ay ilang buwan din nag tyaga at nag ensayk upang mabigyan ng maganda palabas ang mga nanuod sa kumpetisyon. Ang naging estilo ng suot nila ay ang sikat na kalakaran na “Hypebeast� upang maiba sa suot ng ibang kalahok habang ang sayaw naman nila ay may halo ng ibat-ibang estilo tulad ng Pop, Hip-Hop at Urban. Ayon sa mga nanuod ng pagganap nila ang sayaw daw nila ay ang pinaka malinis na sayaw sa kumpetisyon ngunit di parin ito naging sapat para sila ay maging kampeon. Natalo sila ng mga estudyante ng STEM-178 kung saan sila ay nag bigay ng nakapagpapasigla at nagbabaga na sayaw. Walang duda kung bakit sila ay ang iginawad na kampeon. Ipinakita ng mga estudyanteng kalahok sa STEM-175 ang lahat ng kanilang makakaya, ngunit sila ay natalo man ay marami parin silang nabigyan ng inspirasyon at aliw sa pag- sasayaw at sila na rin mismo ay umuwing masaya at nakangiti sa kanilang natanggap Masasabi natin na ang Vitality 2018 ay isang programa na hindi lang tungkol sa sayaw ng mga estudyante, ito rin ay naging aralin sa mga gumanap dito upang maging mas Mabuti na indibidwal.
PAGKILALA 11
BUWAN NG WIKA Panahon ng Ating Pagkakakilanlan bilang Pilipino
12 PAGKILALA
Isinulat ni
CLARISSE CASI CARIÑO Agosto 2018, nang ginanap ang kauna-unahang Buwan ng Wika sa Asia Pacific College na ekslusibo lamang sa mga senior high school students. Ang tema ng Buwan ng Wika para sa taong ito ay: “Filipino tungo sa Inteliktwalisasyon”. May apat na patimpalak na ginanap sa buong buwan ng Agosto. Ang pinakaunang timpalak ay ang ‘Pagsulat ng Sanaysay’, kung saan may higit-kumulang na labindalawang estudyante sa Grade 11 na kalahok, gayundin sa Grade 12. Ang paksa ng sanaysay ay “Edi Wow! Ang Paglaganap ng Smart Shaming sa Modernong Panahon”. Ang sumunod naman na patimpalak ay ang ‘Talumpatian’ na ginanap noong ika-17 ng Agosto. Kumuha rin ng iba’t-ibang kalahok mula sa Grade 11 at 12 ng senior high. Sumunod ang ‘Tagisan ng Talino’ na ginanap noong ika23 ng Agosto kung saan nakibahagi ang tatlong magaaral mula sa STEM 175 na nagngangalang, Kyle Dumbrique, Roy Robles at Jason Patrick Bueno. Pinaghiwa-hiwalay ang mga estudyante at binukod sila sa hindi nila kaklase, kaya naman sa bawat grupo, ito ay binubuo ng mga Grade 11 at 12 na estudyante. Ang timpalak na ito ay binuo ng tatlong round: ang madali, katamtaman at mahirap. Nasungkit ni Roy Robles, kasama ang kaniyang grupo, ang pangatlong gantimpala. Pinakahuli subalit ang pinakainabangan at pinaghandaan
ng lahat, ang ‘SaTuLaWit’. Nagkaroon ito ng dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay ang eliminasyon kung saan pinatawag lahat ang STEM at ABM students at kanilang ibinahagi ang kanilang pagtatanghal sa harap ng mga dalubguro ng klaster ng Komunikasyon at Wika. Sampung seksyon ang natira mula sa eliminasyon at kabilang ang STEM 175 doon. Noong ika-31 ng Agosto ginanap ang pangalawang bahagi ng kompetisyon kung saan sampung seksyon na lamang ang maglalaban-laban. Nagsimula ang kompetisyon sa ganap na ika-4 ng hapon at natapos ng ika-7 ng gabi. Ang nanalo sa SaTuLaWit ay ang STEM 174, sumunod sakanila ang STEM 178, pangatlo naman ay ang ABM 172. Bagaman, inasahan ng STEM 175 na sila ang magwawagi sa kompetisyon dahil sa kakaibang konsepto ng pagtatanghal na kanilang inihandog, kung saan napaiyak at kinilabutan ang marami sa mga manonood, umuwi parin ng may ngiti sa mga labi ang STEM 175 sapagkat alam nila na ginawa nila ang kanilang makakaya at nagtulungan upang maging maganda ang kalalabasan ng kanilang pagtatanghal. Muli, ang ‘SaTuLaWit’ ay isa sa mga magagandang alaala na tumatak sa puso ng 175, kabilang sa Vitality at marami pang iba. Dito nagtapos ang Buwan ng Wika.
PAGKILALA 13
PANITIKAN
14 PANITIKAN
TINATAMPOK ANG MGA ORIHINAL NA LATHALAIN NG 175
PANITIKAN 15
BALUT Isinulat ni
DOMER GLYSDI TORIBIO Nabanggit sa akin ng aking kaibigan na masarap ang balut, kaya pumunta kami sa lalaking kulot na nagtitinda ng balut. Ang pagbubukas nito ay isang malaking hamon, at nung aking nabuksan ako’y tinuka sabay sabi “kuya balut ho, hindi Pokémon”.
PATAWAD SA SOBRANG KASIYAHAN Isinulat ni
CHARLIE TOMAS
Nagising sa ingay ni inay dahil ginabi ng uwi ulit. Agahan ay sermon at napagrantong hindi nalang pumasok at magpakasaya kasama ang iba. Sa oras ng pag uwi ko, may nagsisigawan ulit. Maingay at magulo, maliwanag at maraming nakaupo. May mga kandila habang si inay ay nakahiga. Tumitingin sa mga bulaklak habang ang luha ko’y pumapatak. Akala ko ikaw ang nag-iingay, yun pala ikaw ang namatay.
KAIBIGAN Isinulat ni
MIGUELANGELO IÑIGO HASSAN Niyaya ko ang aking mga kaibigan na mag-swiming sapagka’t ako’y nagagalak na sila’y makita at makasama, sila’y pumayag at noong ako’y nag-aayos na ng gamit, bigla kong naalala na ang aking mga kaibigan na ay matagal nang wala.
16 PANITIKAN
MGA DAGLI PANITIKAN 17
SA AKING PAGGISING Isinulat ni
CHRISTIAN PAUL DURIA
May malakas na tunog na nanggaling sa baba. Sinag ng araw na dumadapo sa aking mukha. Orasan na nagsasalita habang nakatutok sa aking tenga Isa nanamang napakagandang araw para mahuli ako sa klase.
18 PANITIKAN
KADILIMAN, AKING KAIBIGAN Isinulat ni
RIZZI JOY PARDIÑAS
Sa pag-sapit ng gabi, kadiliman ang aking katabi. Sagana ang mga salita sa aking utak at ang bakat luha’y pumapatak. Hinihila at kinukulong ng kakampi, sa pag yakap ay nawawala ang pighati. Sumilip ang liwanag, hinanap kita. Wala ka na. Oo nga pala, ako’y nag-iisa.
PANITIKAN 19
MGA MAIKLING KWENTO 20 PANITIKAN
KAPIT LANG, ‘WAG BIBITAW Isinulat ni
AUDREY NOELLE GABUTINA
Ako si Tala, labing pitong gulang na po ako, at pinakahilig kong gawin ay maglaro ng sports. Pangarap kong makalaro at makasali sa mga liga at sa dream school kong Ateneo. Kaya’t tuwing aalis ako ng bahay ng ala sais ng umaga, hindi ko naabutan sila mama ng gising at tuwing uuwi ako ng alas diyes ng gabi, hindi ko rin sila naabutang gising. Isa lang ito sa mga sakripisyo kong kailangan tapatin sa larong volleyball. Isang araw, pagkauwi ko galing sa training, may sumalubong saking lalaki na naka asul na damit na may dala-dalang papeles at naka abang sa labas ng bahay namin. Inisip ko na nawawala lang siguro yun, agad kong nilapitan ito para matulungan ko siya sa hinahanap niya. Nilapitan rin ako ng mamang naka asul at sinabing “Ikaw ba si Tala Magbanua? ako si Coach Oliver ang coach ng ALE (ateneo lady eagles)”. At Habang nagsasalita siya, napatulala na lang ako na kasama na ako sa team ng ALE. Isa ito sa mga pangarap kong gustong makamit. Simula noon, tinawag na akong “legend” sa larong volleyball. Nakasali na ako sa mga pambansang palaro, ncr meet, makati meet, at international team.
ng mga bagyo na ating napagdaanan. Kung minsan tayo ay nadadapa o nadudulas, ngunit isa sa mga ugali nating mga Pilipinong palaban ay hindi pagsuko sa anumang pagsubok, kahit nawalan ng tirahan o ng pamilya. Kaya agad tayong nakakatayo o nakakabangon mag isa. Natural sa ating mga Pilipino ang magtulungan sa kabila ng lahat ng hirap. Wag mawawalan ng pag-asa nga ang sabi ng karamihang Pilipino. Hindi natatapos ang isang senaryo sa pagiyak o pagreklamo, lahat ng bagay ay nalalagpasan, tibayan lang ang loob. Sama sama tayong babangon sa hirap at problema. At nung naalala ko ito, dito na muli nagsimula ang pagiging matapang kong manlalaro at patuloy kong nakakamit ang aking mga pangarap. Natutuhan ko rin sa aking pinagdaanan sa ACL injury na kahit gaano pa kahirap o kabigat ang isang pagsubok na pinapagawa sayo ng Diyos, dapat tayo ay maging mas malakas upang malagpasan ang pagsubok na ito. Kapit lang, wag bibitaw, dahil hindi dapat tayo mawalan ng pag-asa.
Ngunit sa likod ng mga biyaya kong natatanggap araw araw, muli kong natagpuan ang ACL Injury ko (Anterior Cruciate Ligament Injury). Dito na ako nawalan ng pagasa, dahil gusto ko pa maabot ang pangarap kong makauwi ng gold medal para sa aking bansa at para sa aking bayan. Sa puntong ito, gusto ko ng tumigil dahil wala naman kaming sapat na pera para maipagamot itong acl injury ko. Iniisip ko na ito na ang katapusan ng aking mga pangarap at volleyball career. Makalipas ang ilang araw, sumapit na ang orasan ng alas diyes ng gabi, nakatulala lang ako sa mga bituin na kumikislap, at dito ko naalala ang mga sinabi sakin nila mama at papa na Ang buhay ay parang isang laro na nakikipaghabulan sa aso. Ang pagtakbo palayo sa aso ay maihahalintulad sa mga pagsubok na madadaanan natin sa buhay tulad
PANITIKAN 21
MALIGAYANG PASKO
Isinulat ni
MARY SUNDAY SANTOS
Disyembre na naman at nararanasan muli ng lahat ng tao ang simoy ng paglalapit ng Pasko. Marami na ang naghahanda upang abangan at ipagdiwang ang isa sa mga hinihintay na okasyon bawat taon ng mga pamilyang Pilipino. Makikita mo ang simula ng kanilang paghahanda sa pagkabit ng mga parol at pagpapalamuti ng Christmas lights sa kanilang munting tahanan. Marami na rin ang naghahanda sa kung ano pwedeng ihanda para sa Noche Buena: maaaring maghanda ng manok, pansit, o di kaya’y mga minatamis katulad ng fruit salad o leche flan. At higit sa lahat hindi mawawala ang pagbibigayan at pagmamahalan sa panahon ng Pasko. Ito ay makikita saanman ka pumunta at tunay na masasabing isang buong pamilya ang mga mamamayang Pilipino. At katulad din ng ibang pamilya, ako’y naghahanda para sa pagunita nito. Kamusta? Ako nga pala si Pepe, isang labing pitong taong gulang at nakatira kami sa lugar ng mga skater ng aking ama na si Juan. Mahirap lamang kami subalit matatag ang samahan namin mag-ama. Namatay ang aking ina noong ako’y tatlong taong gulang dahil hindi namin naagapan ang kanyang sakit na asthma. Simula noon, kami na lamang ng ama ko ang magkasama. Sa tuwing kami’y magkasama sa umaga, kami’y naghahalungkat ng basura para sa aming makakain sa araw araw. Minsan nga’y hindi pa sapat ang nakukuha naming dalawa para sa tatlong hain. Ganunpaman, masaya pa rin kami sa mga biyaya ni Bathala lalo na ang biyaya ng pamilya. At kahit tinutukso kami ng karamihan, walang titibag sa samahan naming sapagkat alam namin sa mga sarili namin na ginagawa namin ang lahat para makaahon sa buhay na ito. Ano man hirap ng buhay namin, marami pa rin kaming magagandang kaganapan katulad ng pagpasok ko sa eskwelahan. Sa oportunidad na ito, nagsusumikap ako para sa aming dalawa dahil mahal na mahal ko talaga ang ama ko na si Juan. At ngayong Pasko, gusto ko na maging espesyal ang okasyon na ito sapagkat maipagmamalaki ko kay ama na natanggap ako para sa isang scholarship program. Iniisip ko pa lang ngayon yung tuwa sa kanyang mukha sa pagbigay ko ng papel ng sertipikasyon sa kanyang mga kamay. Dahil dito, nagmadali akong isabit ang mga maliliit na parol sa aming munting tahanan. Naramdaman ko na iba ang pasko na ito para sa aming dalawa. Subalit, malapit na mag alas dose, wala pa rin si ama. Napaisip ako bigla kung bakit siya natagalan ng ganito. Ang naalala ko lamang na sinabi niya ay magtatrabaho muna siya sandali para makauwi siya ng panghanda para sa paggunita ng Pasko. Sa totoo lang, hindi ko nga alam kung ano tong sinasabi niyang “trabaho” dahil alam kong palagi kaming magkasama kapag mangangalakal ng basura sa mga dumpsite. At dahil sa kakaisip ko rito, may lamig na bumaba sa likod ko na tila may kakaibang nangyayari ngayon.
22 PANITIKAN
Napapikit ako at nagdasal ako kay Panginoon na sana’y walang masamang nangyari kay ama. Napaluha ako, hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko. Luha na lamang ang nagsalita para sa akin. Alas dose na. Saktong pagbati ng pasko nang tumigil ang mundo sa pagkakatok sa aming pintuan. Napatayo ako sa tuwa. Nandiyan na si ama! Bilis kong binuksan ang pinto para sa kanya. “Pasensya ka na anak ha? Natagalan lang ako dahil gusto kong masaya ang pasko na ito,” ang inaasahan kong bati niya sa akin. Ngunit, iba ang sumagot ng pinto. “Maligayang Pasko po, ikaw po ba ang anak ni Juan Romero?” ang bati sakin ng isang pulis na may hawak na plastik ng mga pagkain. “Opo, kilala niyo po ang aking ama?” ang sagot ko sa kanila. Napangiti na lamang siya ng kaunti habang inaabot sa akin ang mga supot na tila may awa sa kanyang mukha. “Yung ama mo na si Juan,” pinangunahan niya ng sabi “nabaril sa isang drug den operation. Pasensya na at nakikiramay kami sa iyo.” Tumigil talaga ang mundo. Tinitigan ko na lamang ang pulis. Totoo ba ito? Hindi ko alam. Hindi ko namalayan na papaluha na lamang ako sa harap niya. Bakit ganito? Akala ko pa naman magiging masaya kami ngayon. Hinawakan niya ako sa braso na nandoon pa rin ang ngiti ng awa sa kanyang mukha. Ang huling mga salita niya ang nagpahagulgol sa akin ngayong gabi. “Maligayang Pasko na lang sayo, Pepe.”
PANITIKAN 23
KALUM-BAYAN Isinulat ni
FRANCIS OLORES
Nagising si Pina sa kanyang kwarto, may luha sa kanyang mga mata. Laging nangyayari ito sa kanya at hindi niya alam kung bakit nangyayari ito sa kanya. Sa kanyang tulog, siya’y nananaginip para sa kinabukasan niya at ng pamilya niya. At sa bandang huli ng kanyang panaginip, ay isang lalaki at hindi niya makilala ang mukha nito. Hinayaan ni Pina ito at pinagpatuloy ang karaniwan niyang ginagawa, maghilamos, kumain ng almusal, magsipilyo at batiin ang kanyang magulang bago pumunta sa trabaho. Si Pina at ang kanyang pamilya ay may kaya ngunit masasabing mahirap pag dating sa kita. Naglakbay na si Pina papunta sa kanyang trabaho at napansin niya na walang paring pagbabago sa kanilang lugar, inisip niya na gawa ito ng gobyerno dahil walang silbi ang mga proyekto nito. Pagdating ni Pina sa trabaho, tumawag ang kanyang nanay na umuwi agad dahil mayroong malubhang sakit ang tatay niya at ngayon nagparamdam. Agad agad na nagmadali si Pina sa hospital maabutan lang ang huling salita ng kanyang tatay. Di alam ni Pina na may nilalabanan na malubhang sakit ang kanyang tatay ngunit hindi ito sinabi sa kanya dahil ayaw nilang mag-alala masyado si Pina. Huli na ang lahat pag dating ni Pina, pumanaw na ang kanyang tatay. Sinabi ng nanay ni Pina na mayroong mensahe na kinailangan iparating ang kanyang tatay bago pumanaw, umupo si Pina at nakinig, “Mahal kong Pina, malapit na ang oras ko, gusto ko lamang sabihin na nawa’y mabuhay ka ng masaya at mag-asawa ka ng taong mahal ang kanyang bayan at hindi ka tatalikuran.” Lubusang umiyak si Pina ng marinig ito. Sa sumunod na mga buwan, si Pina ay nagmahal ng tunay ngunit walang pumasok sa mga pamantayan na gusto ng kanyang tatay at ng sarili niya. Hangga’t isang araw pumunta si Pina sa museo dahil doon ang kanilang miting ng kanilang kumpanya, may nakita siyang lalaki
24 PANITIKAN
na nagsusulat habang nasa harap ng isang larawan na tila nagpapakita ng kabayanihan. Nasa isang lugar si Pina at ang kanyang mga kasama hanggang sinabi ng mga kasama ni Pina na pupunta lang sila saglit sa palikuran. Sa oras na iyon naglibot si Pina sa mga malapit na larawan at tumingin, habang siya’y nakatitig, may biglang lumapit sa kanya at kinausap lang ni Pina ng nakatingin sa larawan. Sinabi ng lalaki na maganda ang paningin niya sa mga larawan dahil ang tinitingnan ni Pina ay isang sikat na pintura na sumisimbolo ng kagandahan ng gobyerno ng bansa. Tumingin si Pina at siya’y nagulat, sa isip niya, “Siya yung lalaki kanina!” nilarawan niya ang lalaki na mukhang mayaman, gwapo at independiente. Tinanong ni Pina sino siya at sinagot niya na, siya ay isang anak ng gobernador. Inakala ni Pina na lahat ng mga tao sa gobyerno ay mga ahas lamang at gutom lagi sa pera, ngunit itong lalaking ito ay mahal ang sariling kultura at may pananampalataya sa ikauunlaran bansa. Ipinakilala ng lalaki ang sarili na si Jose. Matapos ang pagkakikilala, madalas na silang nagkikita at nagkukwentuhan tungkol sa mga pangarap ng isa’t isa sa buhay. Lumipas ang ilang taon tatakbo na para sa isang posisyon si Jose at ang posisyong iyon ay bawal ang pang-aasawa. Inisip ng dalawa paano nila ito lalamapasan. At ang plano ni Pina ay tumakbo bilang presidente para mapalitan ang batas na iyon. Itinalaga na ang mga bagong opisyal ng pulitika at pamahalaan. Nanaig si Pina bilang presidente at tinanggal ang batas na umiiral sa kanilang dalawa at nag pakasal sila. Nanaig rin si Jose sa pagiging opisyal at tinupad nila ang hiling ng isa’t isa.
PANITIKAN 25
MGA SALAWIKAIN
26 PANITIKAN
KULTURA LIPUNAN Inihanda ni
JAYVHONES OCLARIT
• “Kung ikaw mahilig sa “modern dance”, ako naman mahilig sa mga katutubong sayaw.” • “Ang Pinoy kapag may problema, dinadaan nalang sa tawa.” • “Wika ko, mahalin ko, ipagmamalaki at pagyayamanin ko.” • “Wag nating kalimutan ang ating pagka-Pilipino dahil kinagisnan natin ito.” • “Wikang pambansa para sa masa, lagi nating isapuso at wag gumaya sa nauuso.”
Inihanda ni
JC LANGCAUON
• “Mas masamang madulas ang dila kaysa madulas ang paa.” • “Ang buhay ay parang tanghalan. Lahat tayo ay may papel na ginagampanan.” • “Magsama-sama at lalakas, magwatak-watak at babagsak.” • “Kung lahat ay nakikiayon, lahat ay makikinabang” • “Anuman ang tibay ng piling abaka, wala ring silbi kung nag-iisa.”
PULITIKA Inihanda ni
JANNU MANOEL VERONA
• “Walang naka-aangat sa batas. Kahit pa presidente.” - Heneral Luna • “Anong tawag ‘pag nagtapon ka ng basura sa dagat? Sagot: Pollution. Ano naman ang tawag kapag tinapon mo sa dagat ang mga pulitikong kurakot? Sagot: Solution” - Miriam Defensor Santiago • “Kung may maliit na kabutihang nagawa ang isang taong nasa mababang posisyon, matatawag natin itong marangal. Pero kung maliit na kabutihan din ang nagawa ng isang taong nasa mataas na katungkulan, ito ay kapabayaan.” - Apolinario Mabini • “Kapag tumataas ang posisyon mo sa gobyerno, lumiliit ang balls mo.” - Miriam Defensor Santiago • “Nasa isip ng lahat na ang gobyerno, bilang isang institusyong likha ng tao, ay nangangailangan ng tulong ng lahat, nangangailangan ito ng magpapakita at magpapaalam sa mga tunay na pangyayari.” - Jose Rizal
PANITIKAN 27
MGA TULA 28 PANITIKAN
TATAK PILIPINO Isinulat ni
KYLE DUMBRIQUE Kultura’y pangalagaan Dahil ito’y ating yaman Bigay ng ating mga ninuno Nananalaytay sa ating dugo
Iba’t ibang pagkatao Iba’t ibang anyo Ngunit nagkakaisa Mga kulturang tahana’y iisang bansa Kulturang kinagisnan, ang binhi ng kultura ng kasalukuyan Kabihasnang lumalago at nagbabago, ngunit hindi nararapat palitan Palaguin, tangkilikin at mahalin ng buong puso Sapagkat Ito’y bukod tanging yamang pamana ng ating mga ninuno Ito ang ating pagkakakilanlan Naiiba, pinatibay ng pagkakaisa Ito ay tatak na kapag napansin Malalaman kaagad ika’y Pilipino sa unang tingin Orihinal na marka na pinatingkad at pinatibay ng dugo ng mga mandirigma Ipagmalaki ang pagkakilanlan, itaas ang bandera Dahil ang pagmamahal at paglaganap sa kulturang adhikain mo Ay nagsisimula sa iyo, isigaw, ako ay Pilipino.
PANITIKAN 29
ANG ISTORYA NG BINIBINI Isinulat ni
MARY SUNDAY SANTOS
Munting binibini nakaupo sa gilid ng karagatan Ang iyong ganda’y nakakabighaning tunay Ngiti’y pinagmasdan sa isang sulyap Ang lahat ay nahulog at nanais makayakap Marikit na binibini sa dalampasigan Maraming nais maangkin ang iyong kamay Subalit tatlong lalaking ang iyong kina-ibigan Ang sumira sa iyong magandang kinabukasan Isang lalaking kayumanggi na galing sa kanluran Nakuha ang loob ng iyong matuturing na ama Isang kasunduan sa pamamagitan ng dugo Ang simula sa karahasan na bibilanggo sa iyo Ang lalaking maputi na galing muli sa kanluran Nangakong ibibigay sayo ang Kalayaan Nahulog ang loob sa pag-aarugang naranasan Subalit patagong sasaktan at gagamitin ka lamang Humingi ng hamon ang lalaking taga-Asya Malakas ang kapangyarihan na pinanghahawakan niya Ika’y inagaw, minalupitan at ginahasa Tila ang iyong pagkatao ay nawawala na Kasalukuyan, ika’y nasa kalagayang inaapi ng mga anak Oo, mga anak na hindi nabanggit sa simula Ika’y isang ina na minalupitan at binastos ng marami Na kahit ang iyong mga bata ay hindi ka na iniintindi Paumanhin munting binibini, nawala ang iyong pangalan Patuloy na nga lang ba na ika’y kakalimutan? Mahal na ina, pasensya, sapagkat pinabayaan kita “Pasensya..” hindi ito sapat, kapalit ng lahat na iyong dinanas… Tayo’y lalaban hanggang ika’y tuluyang makalaya Isisigaw ang Kalayaan mo, mahal na Ina
30 PANITIKAN
PAG-AARAL Isinulat ni
BRIAN DOFITAS
Simula pa lang ng linggo, hiling ko ito na ay matapos, Maagang babangon, hihingi ng baon, upang makapunta sa destinasyon. Para matupad o maabot ang aking ambisyon. Naka-upo, tulala, sinusulat ang nakalagay sa pisara. Halos mapuno na nang binilog na papel ang basurahan, Dahil sa mga bura na hindi pwede tanggapin. Ang nais na gustong pumasa ay pinipilit. Kung magugutom sasabihin, “Ma’am CR lang po. “ Pag balik, may meryienda, na kasya sa bulsa. Dadaldal sa katabi, tatanungin kung anong sunod na asignatura. Umasa na dismissal na pero hindi pa dahil may pagsusulit at kailangan mag review pa. Ang init ng silid hindi nakakatulong sa pagsusulit. Ramdam ang sakit sa ulo, sa daming pinoprosesong impormasyon. Ano ang tama at mali? Komopya ng may kakampi? O nakaw sa katabi? Uuwi ng bahay, may takda at gagawin ang utos ni mama. Takdang-bahay, gawain bahay, inuubos ang aking buhay. Kahit ganun, gagawin ang lahat upang pumasa pero ang nakakalungkot, natuto ka ba? Ginawa ang lahat para hindi bumagsak, pero ikaw unting-unti nalang, babagsak na. Inay, itay, sana kayo ay matuwa dahil ito lang ang naabot ng aking makakaya, sana hindi niyo ako makita bilang isang kahihiyan. Ako ay isang tao parin, Nagsisikap, Naghihirap, Nasasaktan, Napapagod, Nagiisip, Nagugutom, Nahihiya magsalita dahil baka masabihan na “Ang iyong anak hindi na gusto mag-aral.”
PANITIKAN 31
ANG KINALIMUTAN Isinulat ni
MATTHEW QUISAO Bigyan ng rason ang paglisan, Kung bakit ako ay tinalikuran May iba na ba? O di ka na masaya?
Dahil ba’y sating relasyon, Na puro na lang diskriminasyon? Bumababa ba tingin mo sa ‘yong sarili, Pag ako’y sa tabi mo, nananatili? Bakit ang iba kaya ipaglaban, Ang kanilang dapat na pinanghahawakan, Ngunit ikaw ay susuko na? Tapos, ipagpapalit ako sa iba? Ano ba ang meron sakanila na wala ako? Wika mo parin ako.
32 PANITIKAN
PUNERARYA DE PUTA Isinulat ni
RENEGADE LIMPIN
Hapong hapo sa pagtakbo, tungo sa paaralan ng mga obrero Pagpasok ay buong hapong yuyuko’t kakausapin ang lumang upuan na nakuha sa estero Kasama ang isang bintilador na mukhang gusto nang magretiro At ang pisarang wasak ngunit pilit pa ring sinusuyo. Mga naghihinagpis na bintanang binalot na ng abo Maruming pader na napuno na ng bandalismo Maingay na dyip sa may kanto Kasabay ang pagbulong ng mga lumang kwento. Sa minsang paglingat nagbago ang lahat Nakita ang mga galun galong pormalin at hindi mga aklat Wala na rin ang guro na kanina lang ay may isinusulat Ang nakatayo na ay tagaimbalsamo, nakagugulat! Nakita ang sariling nakahiga Sumisigaw at hindi makahinga Nakatali ang mga kamay at paa Habang nakatitig sa mga nakabalandrang ala-ala Sa kabilang hilera’y aking natatanaw Ang mga taong walang makain at nauuhaw At sa paghampas ng lumang batingaw Iyak ng amang nakakulong ang umalingaw-ngaw. Nakahubad na binibini sa piling ng matanda At matikas na binatilyo kasama ang isang bakla May batang namamalimos sa avenida At lalaking tindero na droga ang ibinibenta. Nasilaw ako sa liwanag ng katotohanan Sinampal ako ng hangin ng kabalintunaan Nagbukas kusa ang bintana ng kamaralitaan At unti unting nagsara ang pintuan ng maling pinaniniwalaan. Maya maya pa’y naaninag ko ang paglapit ng isang estranghero Hawak nya sa kanang kamay ay martilyo at sa kabila naman ay pako Bumwelo, tsumempo, at lumapit sa aking noo Ipinwesto ang pako sa ibabaw ng akin ulo, sabay sambit... “Ang karunungan ay palayain at huwag ikulong sa apat na sulok ng paaralan dahil ang tunay na kaalaman ay sa lansangan mo matatagpuan.”
PANITIKAN 33
MAKAPAGBIBIGAY ALIW AT BAGONG KAALAMAN
34 LIBANGAN 36
LIBANGAN
LIBANGAN 37 35
PALAISIPAN Inihanda ni
JASON PATRICK BUENO
36 LIBANGAN
ANG DAKILANG MAYARI NG MARVEL Kilala si Mars Ravelo bilang pinaka-magaling na manlalaro ng golf sa Pilipinas sa kabila ng pagtanggi niya rito. Sabi niya pa ngang limitado lang ang kanyang kakayahan na paabutin ang bola sa saktong 25 metro, 43 metro, 79 metro, at 167 metro. Sa isang internasyunal na paligsahan, napunta siya sa pinaka-malawak at pinaka-mahanging kursong paglalaruan niya. Aabot ng 779 metro ang pagitan ng panimulang posisyon ni Ravelo sa butas na kailangan niyang ipasok ang bola. Ano ang pinakamababang bilang ng mga palo ang kailangang gawin ni Ravelo sa bola upang maipasok ito sa butas? Sagot: (5) Limang Palo
KWENTONG BARBERO Sa liblib na baryo ng Sta. Rafaela, nakatira roon ang dalawang nagtatanging barbero ng lugar. Ang una ay si Miguelito Kuno. Kailanman ay walang nagwapuhan sa kanya ‘di lang dahil sa kanyang katandaan, kundi ay dahil ‘di rin pantay ang kanyang buhok. Dahil sa kanyang itsura, unti lang ang tumatangkilik sa serbisyo niya.
Ang pangalawa naman ay si Jay Saha Jr. Tila kabaliktaran ang itsura nito sa pangit na si Kuno. Kapansin-pansin ang mga kababaihan na naghihiyawan tuwing siya ay kanilang nakikita. Dahil dito, halos lahat ng mga dumadayo sa Sta. Rafaela ay nagpapagupit sa kanya para lang makasama siya. Bilang turista na nilakbay ang liblib na baryo para lang maranasan ang pinakamagandang gupit sa Pilipinas, gamit ang kaalaman na ito, kanino ka magpapagupit? Sagot: Kay Miguelito Kuno
LIBANGAN 37
KIDS CAN TELL Habang pauwi ka mula sa paaralan, may napansin kang batang pinaglalaruan ang isang dais na may anim na mga mukha. Dahil sa iyong kuryosidad, lumapit ka sa bata upang alamin kung ano ang kaniyang ginagawa. Inihagis niya ang dais at lumapag ito na may bilang na ‘6’. Matagal itong inobserbahan ng bata hanggang sa humarap siyang nakangiti sa’yo sabay sabi ng ‘20’. Pagkatapos ay ibinalik niya ang atensyon sa dais at patuloy itong pinaglaruan. Napaisip ka kung bakit ito binanggit ng bata hanggang sa huli ay nalaman mo na ang dahilan. Naabutan mo yung batang muling ihinagis ang dais. Lumapag ito na may bilang na ‘3’. Dahil sa iyong kabibuhan, pinili mong unahan ang bata sa pagbigay ng tamang sagot imbis na tumuloy pauwi. Anong numero ang isasagot mo sa bata para mai-flex ang iyong katalinuhan? Sagot: 17
38 LIBANGAN
WALANG PERSONALAN Ang petsa ngayon ay Enero ng taong 2019 at ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ng mga kandidato ang kani-kanilang mga kampanya para sa nalalapit na eleksyon sa Mayo para sa pagka-mayor o mayora ng lungsod ng Taguig. Pinalad ang mga mamamayan ng lungsod nang tatlong mga kandidato ang kompirmadong tatakbo para sa posisyon. Una ay si Lorenzo de la Cruz. Kilala siya bilang ang kandidatong pumoporma kahit hindi napapanahon ang kanyang kasuotan. Sa kabila nito, malakas ang kanyang kapit sa mga manggagawa ng Taguig. Pangalawa naman ay si Vicente Espineda. Siya yung kandidatong di gaanong kilala ng mga taga-Taguig at inaasahan niyang mananalo siya sa pamamagitan ng impluwensiya niya sa mga kaibigan niya sa dati niyang tahanan ng Pasay, at sa pamamagitan ng kaniyang platapormang maka-kalikasan. Huli naman ay si Ranric Flores. Tulad ng ikalawang kandidato, baguhan lang siya sa politika ngunit noon pa man ay kilala na siya sa akademiya bilang pinakamahusay na protege ng Pilipias. Kalakip ng titulong ito ang biyaya ng magkabilaang mga iskolarsyip sa malalaking unibersidad tulad ng Harvard, Oxford, at Yale noong siya’y 15 taong gulang pa lamang. Magiging mahirap ang labanan ngunit may plano si Flores upang tuluyang mahikayat ang ilang mga botante na iboto siya. Tiyak na niya na saktong 200,000 ang mga botanteng lalahok, kasama na ang tatlong kandidato, sa eleksyon. Gamit ang kahusayan ng isang pambansang henyo, ano ang pinaka-kaunting bilang ng mga botante ang dapat mahikayat ni Flores upang masiguro ang kanyang pagkapanalo bilang panibagong Mayor ng Taguig?�
Sagot: 99,999 na mga botante
LIBANGAN 39
ANG MGA MADISKARTE LAMANG ANG TUNAY NA NAGTATAGUMPAY
40 LIBANGAN
Si John Francis “Franky� Ayala ay isa sa pinaka-paborito ng buong pamilya Ayala-Bueno. Dahil sa kaniyang angking katalinuhan, siya ay inaasahan ng pamilya na maging tagapagmana ng posisyon na CEO ng kanilang kumpanya sa loob ng anim na taon kung saan matatapos na ang kaniyang pag-aaral. Nalalapit na ang entrance exam ng Harvard University kung saan nais ng mga magulang ni Franky na mag-aral siya. Ngayon pa lang ay pinipilit na siyang maghanda para sa nalalapit na pagsusulit. Ngunit noon pa man, likas na ang ugali niyang mapagpaliban kaya di niya sinisiryoso ang mga pagpipilit ng kaniyang mga magulang. Umabot pa sa punto na binigyan na nila ng ultimeytum si Franky. Dalawang buwan na lang bago ang pagsusulit mo sa Harvard at wala ka pang nasisimulan! Huwag kang masyadong pakampante sa iyong katalinuhan dahil ibang lebel pa rin ang edukasyon sa unibersidad na iyon kumpara rito sa Pilipinas. Sige, ganito. Kung hindi ka mag-aaral ng anim na araw kada-linggo, at ng dalawang oras sa bawat sesyon, babawiin namin ang lahat ng mga elektroniks mo. Mapa-laptop, selpon, o Switch ay hindi namin sisintahin at ang matitira na lang sa iyong kuwarto ay isang kama at dalawang unan.� Kinabahan si Franky. Napilitan siya tuloy na sundan ang mga utos ng kaniyang mga magulang. Ngunit dahil labag ito sa kaniyang kalooban, nag-isip siya ng isang kompromiso. Kung ikaw ay nasa posisyon ni Franky, ilang oras ang kailangan mong gawin kada-linggo para masunod ang kondisyon ng iyong mga magulang sa pinaka-maikling panahon ng pag-aaral? Sagot: 6
LIBANGAN 41
BUGTONG Inihanda ni
MARIAH MIRARZA
1. Isang tabom laman ay pako. 2. Puno ko sa probinsiya, puno’t dulo ay may bunga. 3. Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin. 4. Malambot na parang ulap, kasama ko sa pangangarap. 5. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob. 6. Utusan kong walang paa’t bibig, sa lihim ko’y siyang naghahatid, pag-inutusa’y di na babalik. 7. Pitong bundok, pitong lubak, tig-pitong anak. 8. Pagmunti’y may buntot, paglaki ay punggok. 9. Sundalong Negro, nakatayo sa kanto. 10. Bahay ni San Vicente, punung-puno ng diyamante.
Mga Sagot 1. Suha 2. Puno ng Kamyas 3. Sumbrero 4. Unan 5. Kulambo 6. Sobre 7. Sungkaan 8. Palaka 9. Poste 10. Granada
42 LIBANGAN
WORD SEARCH Inihanda ni
FRANCIS CARAGDAG 1. Baybayin 2. Tula 3. Maikling Kwento 4. Ched 5. Deped 6. Probinsya 7. Tsina 8. Pilipinas 9. Wika 10. Kultura
LIBANGAN 43
44 LIBANGAN
LIBANGAN 45 Mga Sagot 1. Martial Law 2. Sampaguita 3. Philippines 4. Duterte 5. Tinikling
MARIAH MIRARZA
CRYPTOGRAM Inihanda ni
JUMBLED WORDS Inihanda ni
FRANCIS CARAGDAG 1. Y B B A N A I N Y
Ito ay isang lumang paraan ng pagsulat ng mga kayumangging Pilipino (mga salitang katutubo sa kapuluan ng Pilipinas) bago pa nakarating sa kapuluan ang mga dayuhang Kastila
2. Y A S S N A Y A Ito ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.
3. K I S I L K A A P N A N Ito ay ang proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na humahantong sa kaalaman.
4. A R U K L U T Ito ay tumutukoy sa paraan ng pamumuhay ng tao sa isang lugar.
5. A R B I A L A R
46 LIBANGAN
Mga Sagot 1.BAYBAYIN 2. SANAYSAY 3. PANANALIKSIK 4. KULTURA 5. BALARILA
Ito ay ang pag-aaral hinggil sa isang wika na kinabibilangan ng mga sumusunod: pakakabalangkas ng mga salita (morpolohiya); ng sintaks (syntax) o pagsasaayos upang ang mga salita ay maging makabuluhang mga pangungusap; ng ponolohiya o wastong pagbigkas; ng semantika o kahulugan ng mga salita at parirala; at ng etimolohiya o ugat o palaugatan ng mga salita.
LIBANGAN 47
48 LIBANGAN
RONALYN LOURDEZ OLIVARES MA. BIELLE BARAL JAN LAURENE MANRIQUE JEFFREY ANGELO EBANEN
Inihanda nina
KOMIKS
LIBANGAN 49
LITRATONG SANAYSAY 50 LIBANGAN
MANGGAGAWANG PILIPINO Isinulat ni
VICENTE VILLOCILLO JR.
Ang retrato na ito ay isang simpleng pagpapakita ng mga kapwa natin Pilipino na nag hihirap sa kanilang hanap buhay para lamang maitaguyod ang kanilang mga sarili. Maraming aspekto ng kultura ng pagka Pilipino ang makikita sa naka paskil na retrato; Isa na dito ay ang pagiging matiyaga ng mga Pilipino sa hirap para makamit lamang at magkaroon ng sapat na kwarta para iuwi sa kani- kanilang mga pamilya. Isa pang aspekto na makikita ditto ay ang bayanihan, kung saan ang mga trabahador ay kanya kanyang gawa sa iba’t ibang parte ng bahay upang mas mabilis ang kanilang matatapos na Gawain.
LIBANGAN 51
PAMILYANG PILIPINO
Ang Christmas Tree ng Calma Family Mga litrato ni
JURIZ REIGN CALMA
52 LIBANGAN
LIBANGAN 53
54 LIBANGAN
LIBANGAN 55
TRIVIA 56 LIBANGAN
LIKUPOL
Ang Pagmamalasakit ng mga Pilipino sa Ating Kapwa Inihanda ni
KYLE ROY ROBLES Alam natin sa Pilipinas, hindi natin kayang tiisin ang ating kapwa Pilipino lalo na’t pag alam natin siya ay nangangailangan ng tulong, tutulong tayo dahil tayo ay may pagkukusa at nakatatak sa ating isip at puso ang kultura ng malasakit. Halimbawa ay ang pagpapasok ng kakilala o bisita natin sa ating bahay, nakatatak ito sa ating kultura na tayong mga Pilipino ay inuuna natin ang kapakanan ng ibang tao kaysa sa ating sarili. Nakikita rin natin sa mga Pilipino ang pakikiramay sa tuwing may ginugunita sa bayan hindi nawawala ang kainan at tawanan at sabay-sabay tayong nagdidiwang. May isang layunin tayong mga Pilipino at iyon ay ang pagiging masayahin palagi kahit na sa dami-dami na naging trahedya at suliranin sa ating bansa, nagagawa pa rin nating ngumiti. Tayong mga Pilipino, hindi natin pinapairal ang galit, sapagkat alam nating mas makabubuti kung idadaan natin ito sa maayos na usapan. Sanggunian: https://xiaochua.net/2013/02/22/xiaotime-22february-2013-elemento-ng-ating-kultura-at-ang-edsa-people-power-revolution/
LIBANGAN 57
KAUGALIAN NG PILIPINO NOON AT NGAYON Inihanda ni
KYLE ROY ROBLES
Talagang masasabi na may pagkakaiba ang kaugalian ng mga Pilipino noon at ngayon dahil sa impluwensya ng mga dayuhan sa kanilang makabagong teknolohiya. Noon, ang panliligaw ay ginagawa sa pamamagitan nang panghaharana. Ngayon, sa social media nagkakaroon ng mas malapit na relasyon sa isa’t isa. Kung noon, ugali nating mga Pilipino na magmano sa nakakatanda o magulang upang ipakita ang paggalang, ngayon ay hindi na sila nakikinig sa kanilang mga magulang dahil nakatuon lang ang atensyon nila sa kanilang mga gadget na hawak. Noon, ang kabataan ay mahilig maglaro sa kalye tulad ng patintero, luksong baka, trumpo, tagutaguan, at iba pa. Ngayon, sila ay naglalaro na ng video games sa kompuyter o selpon.
Sanggunian: http://jezzahmia.blogspot.com/2016/07/ kultura-ng-mga-pilipino-noon-ngayon-at.html
58 LIBANGAN
IBA PANG TRIVIA Inihanda ni
JOHN LESTER CALZO
1. Ang ibang Pilipino ay nababahala sa numerong 13 kaya iniiwasan ang 13 na tao sa ihapagkainan. 2. Ang ibang pamahiin ng Pilipino ay huwag umalis ng bahay o maligo kapag Holy Thursday o Good Friday. 3. Ang Maynila ay ipinangalan sa halaman na Nilad. Ito ay isang puno na may puting hugis-bituin na bulaklak pero ang laman ay kulay asul kaya tinawag ito sa ibang bansa na indigo tree. Sanggunian: https://www.factretriever.com/philippines-facts
Inihanda ni
DALE HOLDEN GARCIA
Alam nyo ba na ang Kagwang, ay isa sa mga natatanging hayop sa buong mundo? Ang Kagwang ay naninirahan sa Pilipinas. Wala itong pakpak ngunit kaya nito magglide ng halos isang daang metro. Ito ay karaniwang makikita sa lalawigan ng Bohol. Ito ay miyembro ng genus Cynocephalus. Ayon sa pananaliksik, ito ay mayroon dalawang species: ang Bornean flying lemur at ang Javan flying lemur Sanggunian: https://tl.wikipedia.org/wiki/Kagwang
LIBANGAN 59
Alam nyo ba? Ang angkan ni Duterte ay lulan mula sa cebu, Ang ama niya na si Vicente G. Duterte ay isang abogadong Cebuano at ang kaniyang ina na si Soledad Roa, isang katutubo ng Cabadbaran, Agusan, ay isang guro at civic leader na Maranaw. Ang ama ni Duterte na si Vicente, bago maging gobernador ng lalawigan ng Davao, ay naging akting meyor ng Danao, Cebu. Sila ay lumipat sa Davao noong 1950. Sanggunian: https://tl.wikipedia.org/wiki/Rodrigo_Duterte
Alam nyo ba na ang pinakamaliit na hayop na mayroong hooves ay ang Philippine mouse deer o mas kilala sa pangalan na “Pilandok�? Ito ay matatagpuan sa Balabac islands, Palawan. Hindi ito kabilang sa deer family, dahil ito ay nabibilang sa tinatawag na Chevrotain family. Sanggunian: https://www.slideshare.net/laducla/ alam-moba-22996710
60 LIBANGAN
Inihanda ni
GERARD OZIAS LIGOT Pambansang kantang walang liriko Noong unang beses na tinugtog ng Banda San Francisco de Malabon ang ating pambansang awit, noong ika-12 na araw ng hulyo taong 1898, ito ay purong musika lamang. Pagdating ng ika-2 ng setyembre taong 1899, saka ginamit ang mga salita ni Jose Palma sa kanyang gawang “Filipinas Letra Para La Marcha Nacional”. Taong 1943 naman, iniutos ng Institute of National Language na isalin ito sa Filipino.
Cariñosa o Tinikling? Madalas na mali ang naituturo sa karamihan ng kabataan na ang Cariñosa raw ang pambansang sayaw ng Pilipinas, ngunit sa katotohanan, Tinikling ang pambansang sayaw sapagkat walang basehan sa pambansang batas na ito raw ay ang pambansang sayaw.
Perlas ng Silangan Ang “Pearl of Lao-Tzu” ay ang pinakamalaking perlas as mundo na natagpuan ng isang Pinoy na maninisid. Ang perlas na ito ay may timbang na 14 pounds sapagkat sa panahon na ito ay napalitan na ito ng isa pang perlas na natagpuan sa ibang bansa. Kahit na hindi pinakamalaking perlas sa mundo, ito parin ay binibigyan pansin ng karamihan at idineklara ito ni Pangulong Fidel V. Ramos bilang Philippine Pearl sa pamamagitan ng Proclamation 905 s. 1996
Sanggunian: http://ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/ in-focus/9-facts-you-may-not-know-aboutphilippine-national-symbols/
Isinulat ni
NATSUKI MORI “Ang mga Pilipino ay nasa lahat ng dako ng mundo” Alam natin lahat na mahirap mag trabaho sa Pinas at mababa lang ang mga sahod kaya dahil dito, maraming Pilipino ang lumipat ng ibang bansa para mag trabaho at kumita ng maayos. Dahil dito nagkaroon ng problema sa Pilipinas katulad ng kakulangan sa mga nars at titser. Ang Pilipinas din ang pinakamalaking diaspora network sa buong mundo.
“Ang malaking problema sa bansa na hindi natin pinapansin”
“Ang pagmahal ng mga Pilipino sa sariling wika” Ang mga Pilipino ay kilala sa sobrang daming wikang sinasalita katulad ng Bisaya, Tagalog, Waray, Bikolano, at Cebuano. Subalit unti-unti itong nawawala dahil sa maling sistema ng edukasyon na ginagamit sa eskwela ngayon. Hindi na natin masyadong ginagamit ang sarili nating wika, puro nalang wika ng ibang bansa. Tatanggalin pa ang Filipino na asignatura upang Korean na lenggwahe ang ipalit? Kaya dapat mag bago na tayo o mag step back at mahalin ang sarili nating wika.
Hindi lang ang gobyerno at wika ang problema sa Pilipinas meron din tayong problema sa lipunan natin. Katulad ng pagbalewala sa mga pangkalahatang tuntunin katulad ng no jaywalking, at yung simpleng pagsunod kung saan dapat nakatayo sa escalator ay hindi natin magawa ng maayos. Hindi lang ito, madami pang iba kaya dapat mag bago na tayo kasi kung kahit simpleng bagay lang ay hindi kayang sundin, paano pa yung malalaking bagay?
LIBANGAN 61
RELASYON NG PILIPINAS SA KAPWA BANSA NITO
62 EDITORYAL
EDITORYAL
EDITORYAL 63
KAALITAN NOON, KAIBIGAN NGAYON? Isinulat ni
AIRA DYNIELLE VIRTUSIO
Alyansa. Teritoryo. Soberanya. Matapos ang labingtatlong taon, bumisitang muli ang pamunuan ng China sa Pilipinas noong ika-20 at ika-21 ng Nobyembre 2018. Ang pagbisitang ito ay naglalayon na magkaroon ng pagtutulungan ang dalawang bansa sa pamumuno ni Rodrigo Duterte, pangulo ng Pilipinas at Xi Jinping, pangulo ng China, base sa mga kasunduang kanilang napag-usapan.
64 EDITORYAL
Isa sa mga dalawapu’t siyam na kasunduan ay ang “Joint Oil Exploration and Exploitation” ng dalawang bansa sa West Philippine Sea. Ayon kay Duterte kailangan ng Pilipinas ang langis at malaki ang maitutulong nito sa bansa. Bukod dito, isa rin itong paraan para mabawi ng Pilipinas ang soberanya sa islang inaangkin ng China. Ngunit sa kabilang banda, 84% ng mga 1200 na respondents ang hindi sumasang-ayon na manatili ang mga imprastrakturang itinayo ng China sa West Philippine Sea at 87% ang nagsasabi na mahihirapan ang bansang Pilipinas na makuha ang buong soberanya sa teritoryong inangkin ng China. Ayon kay Florin Hilbay, isang senatorial candidate, ang “Joint Oil Exploration and Exploitation ” ng China at Pilipinas ay labag sa konstitusiyon dahil malinaw na ang West Philippine Sea ay pagmamayari ng Pilipinas. Ang kasunduang ito ay maari pang maging dahilan sa pagkawala ng kontrol o karapatan ng Pilipinas sa teritoryo. Binibigyan lang ng Pilipinas ang China ng pagkakataon na patuloy maghari sa teritoryong mga Pilipino naman talaga ang tunay na nagmamay-ari. Maraming mga proyekto ang matagumpay na natapos o nagawa ni Pangulong Duterte gaya ng pagpapasuko sa 1,007,153 na mga drug user at drug pusher sa gobyerno, ang One-Stop Service Center para sa mga OFW, pagkakaroon ng 21 na bagong Mercedes Benz Buses na ang ruta ay mula sa NAIA patungong Makati at Roxas Boulevard, pagkakaroon ng 911 National Emergency Hotline, pagpapatupad ng FOI at iba pa. Gaya ng pagpapaunlad sa agrikultura, ekonomiya at trasportasyon, mas maganda rin kung pagtutuunan ng pansin ang pagpapalakas sa militar ng Pilipinas at paggastos para sa kagamitan o armas na magagamit para protektahan ang bansa. Layunin nito na burahin ang kaisipang “Okay lang na gamitin tayo ng ibang bansa, okay lang na pagbigyan natin sila, okay lang na pamunuan nila ang ibang ahensya o mga proyekto dito sa bansa, dahil wala tayong magagawa, wala tayong sapat na armas para makipaglaban”, at syempre para maprotektahan ang bansang Pilipinas laban sa terorismo.
EDITORYAL 65
BLOG
66 BLOG
ANG MAKULAY NA KULTURA NG PINAS AT IDENTIDAD NG MGA PILIPINO BLOG 67
MGA PINAKAPATOK NA BUFFET RESTAURANTS Isinulat ni
MERWYN FLOYD BLANCO
68 BLOG
Kayo ba ay naghahahanap ng makakainan? Kayo ba ay naglilihi palagi dahil sa mga dami ng gawain niyo sa buhay? Aba, wag mabahala! Sapagkat ako’y magbibigay ng tatlong kainan kung saan pwede kang kumain ng one to sawa. Sa madaling salita, buffet. Pabubusugin ko kayo sa pagbasa lamang ng sulatin na ito.
1. Vikings Alam ko pamilyar na ang karamihan sa inyo sa restaurant na ito, pero hindi ito nakakasawang kumain dito lalo na kapag manlilibre ka (wow, yaman mo naman) dahil birthday mo, o baka naman trip mo lang talaga na magpakabusog. Kahit medyo masakit sa bulsa ang presyo kada tao nito na nagkakahalaga lang naman ng halos P1000, sigurado naman akong sulit ito sa panlasa natin. Mga pasta, sushi, mga salad, mga luto ng manok at baboy tulad ng Roasted Turkey, o kaya naman litsong kawali. Hindi rin mawawala ang seafoods dito at mga pagkaing Pinoy tulad ng mga kakanin na suman, sapin-sapin, maja balnca at marami pang iba.
2. Yakimix Kung hindi kaya ng iyong bulsa ang Vikings, Yakimix ang sagot diyan. Dito, mas pinapahalagahan ang mga putaheng galing sa mga Asian countries tulad ng Japan, S. Korea at China. Kadalasan ay seafood ang mga hinahain nila dito. Pero hindi tulad ng Vikings, ikaw mismo ang magluluto ng mga pagkaing kinuha mo. May grill ang mga mesa nila at ang mga staff nila ang magpapainit nito. Base sa karanasan ko dito, naenjoy ko dito na kumain dahil sa napaka-interactive nito at mas gaganahan kang kumain dito. Isang beses na kong nakakain dito dahil birthday ko nito noon, at masasabi kong napakasulit din ito lalo na sa serving nila at sa presyong abot-kaya na P524 lamang, halos kalahati ng sa Vikings. Kaya pag gusto niyong mag-buffet habang nagtitipid sa budget, ito ang para sa inyo.
3. Dad’s Isa pa sa masasabi kong pinakasulit na buffet restaurant ay ang Dad’s. Ito’y matatagpuan sa Glorietta sa may tapat ng NBA Store. Kilala sila sa mga samu’t saring mga pagkain. Mapa-asya, mapa-europe, o mapa-pinas man, tiyak magugustuhan mo dito. At may tip ako sa inyo, mas masarap kumain dito kapag meryenda tuwing alas-tres ng hapon sa dalawang rason. Una, mas mura ito ng sobra-sobra. Sa halagang P238 pag weekdays at P258 pag weekends, makakain ka na ng marami nito. Pangalawa, hindi ka magsasawa rito dahil sa mga inihahain nila na talagang pangmeryenda nating mga Pinoy tulad ng puto bumbong, palabok, halo-halo at marami pang iba. Kaya kung gusto mong kumain sa isang buffet sa mas murang halaga at masarap pa, pumarito na kayo sa Dad’s. O baka naman, nagutom kayo doon no? Ako rin, nagutom din habang ginagawa ko itong blog na ito. At sana naman nakatulong ako sa pagdedesisyon ninyo kung saan ang susunod na food trip niyo. Hanggang sa muli, paalam!
BLOG 69
Sanggunian: Miss Universe
70 BLOG
PANANAMIT
Salamin ng Wikang Filipino Isinulat ni
RIZZI JOY PARDIĂ‘AS
Sa paglipas ng panahon, kaakibat nito ang paglago ng wikang Filipino at ang karunungan ng mga tao ay umuunlad at umuusbong. Noong unang panahon simple lamang ang pananamit ng mga Pilipino gayon din sa paggamit ng ating wika, at sa paglipas ng panahon ay nasasakupan na tayo ng iba’t ibang lahi at doo’y nababahagi nila ang kanilang karunungan upang magkaroon tayo ng kaunting kaalaman ayon sa kanilang kagustuhan. Maihahalintulad natin dito ang kanilang naimpluwensya kaya natabunan na ang ating wikang Filipino at nakakalimutan ng tangkilikin ito. Sa madaling salita, kahit ano pa man ang ating suotin na mga damit o ano pa man ang ating gamitin wika, parepareho lang ang mga ito at huwag natin kalimutan ang sarili nating wika dahil tayo lang ang magpapabuhay sa sariling atin. Tayo lang ang tatangkilik at magpapalago ng ating napaghirapan at dapat kagaya ng damit, palagi natin suot at maipagmalaki ang ating wikang Filipino. Sanggunian: w0wphilippines
BLOG 71
TARA, LARO TAYO Isinulat ni
AIRA DYNIELLE VIRTUSIO
“Langit Lupa impyerno. Im-im-impiyerno. Saksak puso tulo ang dugo. Patay, buhay, umalis ka na sa pwestuhan mo.” Naaalala mo? Habang pauwi ako sa aming bahay, nadaanan ko ang mga maliliit na batang naglalaro sa may amin. Masayang nagtatakbuhan, nagkakatulakan, may iba naman na talagang seryoso makipaglaban hanggang sa nagkakasagutan na sila ng mga kalaro niya. Natuwa ako dahil naalala ako ang sarili ko nung mga panahong iyon. Naglalaro rin ako ng Ten-twenty noon. Kadalasan akong “baby” sa larong iyon dahil hindi naman sa pagmamayabang, isa ako sa mga magagaling tumalon nung mga oras na iyon. Ewan ko lang ngayon. Sa lugar kasi namin dapat “baby” ang taga-buhay sa mga na “dead” na mga manlalaro. Masaya rin laruin ang teks at pogs. Sa text cards, ang pagkapanalo ay depende sa kung ano ang lalabas na muka sa card kapag hinagis. Kapag harap, panalo. Kapag likod talo. Ganun yun laruin sa lugar namin. Kaya minsan madaya ako. Ang pamato ko ay baliktaran.
72 BLOG
Parehong harap. Kaya kahit anong hagis ng taga-hagis o di kaya kahit anong apir namin ng kalaban ko, panalo ako. Naglalaro rin kami noon ng bahay-bahayan, gamit ang kumot, unan, batsa, panungkit sa bahay at payong para makabuo ng kunwaring bahay. Yung pagkain namin na kunwari barbeque ay gawa sa stick at straw. Kasama rin sa mga sangkap ng aming pagkain ay ang maliliit na mga bato, tubig sa kanal, buhangin na ginagamit sa construction at dahon ng kamyas. Ang saya. Isa rin sa mga nakaka-enjoy laruin ay ang batuhan bola. Nakakapagod, takbo dito, takbo sa kabila, nakakapressure, gagawin ang lahat para hindi matamaan ng bola, nakakatawa ang mga nagiging posisyon o pose ng mga naglalaro sa kanilang pag-ilag sa bola. Nakakatuwa. At ang pinakamahirap na laro para sa akin ay ang patintero. Bilang lang ata ang mga pagkakataon na nakakabalik ako doon sa pinanggalingan namin dahil palagi akong natataya kapag pabalik na. Nakakainis. Marami pang mga masasayang laro gaya ng tumbang-preso, benteuno, B-I-N-G-O, langit-lupa, tagu-taguan lu song-baka, luksong-tinik at iba pa.
Sa kabilang banda, may mga nakikita ako sa social media na mga ganito: “Kabataan noon vs. Kabataan ngayon”, “Me when I was 12 vs. 12 years old now”, “So thankful I lived with this:…and not with this:…”. Ipinapakita ng mga meme na ito na malaki ang pinagbago ng mga kabataan ngayon dahil sa nangyayaring modernisasyon. Na parang unti-unti nang naglalaho ang mga larong pinoy. Pero sa mga nakita ko nung sunod-sunod na araw na pauwi ako at ngayon habang nagsusulat ako na nakarinig ako sa labas ng aming bahay ng “tagu-taguan tayo”, naniniwala ako na nararanasan pa rin naman ng mga kabataan ngayon ang buhay-kabataan natin noon. Hindi lang natin napapansin dahil mas nakikita natin na puro gadget ang karamihan sa mga bata ngayon. Hindi pa huli ang lahat para maranasan ng mga kabataan ngayon kung gaano kasaya laruin ang mga larong pinoy na naranasan ng kabataan noon. Tayo ring mga ate at kuya nila ang magtuturo sa kanila kung paano maglaro kasama ng ibang bata. Bigyan natin sila ng pagkakataong lumabas at makisalamuha. Dahil ako, aaminin ko, sa mga larong pinoy ko unang natutunan ang salitang “Teamwork”. Kaya tangkilikin natin ang mga larong pinoy. Atin ang mga larong ito. Tara, laro tayo!
KULTURA NG DYIP Isinulat ni
JED TRISTAN TINIO
BLOG 73
Uwian na, natapos na ang nakapapagod na araw sa klase at ngayon ay uuwi na. Mga estudyanteng nag-uunahan lumabas ng kwarto at ng paaralan. May mga magbobook ng grab at sasabihang “rich kid”, may mga maghahabalhabal, may mga maghihintay ng kanilang sundo, mayroon din namang maghihintay ng shuttle, at hindi mawawala ang maghihintay ng jeepney o jeep (dyip). Ang jeep ay isang pampublikong sasakyan na maituturing natin na sumisimbolo sa pagka-Pilipino natin. Nag-uusukang tambutso ng mga jeep, naggagandahang disensyo, naglalakasang tunog ng tambutso na akala mo sasabog na, iilan lamang ito sa mga makikita mo sa mga jeep. Kahit saang dako ng Pilipinas ay mayroon kang makikitang jeep, pero ano nga ba ang kaganapan sa loob ng jeep? “Bayad po”, “Pasuyo po”, iilan lamang ‘yan na maririnig mo kapag sumakay ka ng jeep. Kung ika’y nakaupo sa dulo hindi mo na kailangang tumayo pa at pumunta pa sa harap para lamang iabot ang iyong bayad dahil sa loob ng jeep mayroon tayong sistema ng bayanihan. Bayanihan? Ito ay nagmula sa salitang “bayan” na ang ibig sabihin ay isang bansa o lupang-sinilangan. Hindi lamang ito makikita sa paglipat ng bahay noong unang panahon, sa loob ng jeep makikita rin natin ito sa pamamagitan ng pag-abot ng bayad papunta sa tsuper ng jeep. “Tabi lang po”, “para po”, ito ang kadalasang sinasabi kapag gusto mo nang bumaba sa isang pampublikong sasakyan, pero sa jeep may natatangi at kakaibang pamamaraan para malaman ng drayber na bababa ka na ng jeep at ito ay ang pagkatok sa kisame ng jeep na ang ibig sabihin ay nasa destinasyon ka na at bababa ng jeep. May iba’t ibang klase rin ng tao ang makikita mo sa mga sumasakay sa jeep, halimbawa ang mahilig mag-1,2,3, ano nga ba ang 1,2,3? Ang 1,2,3 ay mula sa konsepto ng “Isa, Dalawa, Takbo!” ito ay ang pagtakas mo o ang hindi mo pagbayad ng pamasahe sa drayber ng jeep.
ULAM
Mga Lutong-Bahay sa Pinas Isinulat ni
RAILEY FLORES 74 BLOG
Mayroong mga tao na hindi nagbabayad sa jeep, yung iba sinasadya o yung iba nakalimutan lang. Masamang gawaing ito sapagkat naghahanap buhay ang tsuper at may kailangan silang kitain sa loob ng isang araw na pasada. “Oh tatlo pa” “Dalawa pa kabilaan” “Sampuan yan, konting usog nalang para makaalis na” ito ay ang mga salitang kinatatakutan ng mga pasahero na kadalasang nariring mula sa mga konduktor ng mga jeep. Yung tipong wala nang maupuan at biglang sasabihin na “Oh isa pa sa kanan”, “isa pa sa kaliwa”, mga salitang di kapani-paniwala at nakakatakot. “Oh sampu binayad ko pero ba’t parang upong lima lang to” mga salitang naimbento sa loob ng jeep dahil yung bayad mo ay para sa isang tao pero dahil naniwala ka sa sinabi ng konduktor na “Isa pa sa kaliwa” ay ika’y maghihirap, pwetan mo nalang yung nakaupo at tipong konting galaw nalang ay malalaglag ka na. Kaya nauso naman ang mga “boy sabit” o mga taong mahilig sumabit sa jeep, dahil siksikan at puno na ang pasahero sa jeep at ika’y nagmamadali, wala kang choice kung hindi sumabit nalang. Kasabay ng mabilis na pagandar ng jeep ay ang pagsakit ng iyong mga braso at kamay dahil sa pangangalay, malas mo nalang kung ika’y inabutan ng traffic sa daan at nakasabit ka. Mayroon pang nausong salita na “Baba ang isa, sakay ang lima” dahil sa sobrang traffic sa Pilipinas, nahihirapan tayo sumakay at kapag may bumaba na isang pasahero ay may dudumugan ang maraming tao para makasakay. Kahit isang tao lang ang bumaba magugulat ka sapagkat limang katao ang makakasakay sa isang jeep. Ito ay ang mga kultura at sistema na matatagpuan sa loob ng jeepney, makikita talaga natin ang pagka-pinoy ng mga tao dito sa ating bansa. Masaya maranasan ang ganitong bagay pero baka sa hinaharap ay mawala na ang ganitong sistema dahil sa Jeepney phaseout or Modernization. Payag ba tayo na tanggalin ang mga lumang jeep na nagpapakita ng pagka-pilipino natin para lamang palitan ng makabagong bersyon ng pampublikong sasakyan? Sana gumawa ng paraan ang gobyerno upang hindi mawala ang ganitong kultura natin dahil malaking marka ito sa ating pagka-Pilipino.
Sanggunian: Travel Junkie Manila Maraming masasarap na ulam dito sa ating bansa. Masarap kumain ang mga Pilipino kaya ‘di maiwasan ang highblood. Nandiyan ang Liempo, Kaldereta, Pakbet, Giniling at marami pang iba. Pero ang aking paborito ay ang Sinigang, Sisig at Adobo. Unahin natin ang sisig. Ang sisig ay nag mula sa Pampanga. Ayon sa kasaysayan ang sisig daw ay noon pang iuulam ng mga dayuhan pero mas lalo itong sumikat noong 1974 dahil kay Lucia Lagman Cunanan o mas kilala sa palayaw niyang “Aling Lucing”. Naging matunog ang pangalan ni Aling Lucing nang sumikat ang kannyang restaurant sa Angeles, Pampanga. At dahil din dito nabansagang “Sisig Queen” si Aling Lucing. Ngayon ang sisig ay makikita halos lahat ng kainan sa Maynila. Kadalasan din itong gingawang pulutan sa mga inuman. Ngayon ay pagusapan natin ang sinigang. Ang mga kasangkapan ng sinigang ay gulay, karne, sampalok, patis, siling mahaba, at kamatis. Maraming bersyon ng Sinigang. Merong Sinigang sa Miso, Sinigang sa Bayabas, Sinigang sa Mangga, Sinigang na Isda. Pero ang pinikamsarap ay ang Sinigang na Baboy. Makikita ang ganitong klaseng putahe ay ‘di mawawala sa mga karinderya. “Asim, Kilig!” ika nga ng nakatikim neto. At ang huli ay ang Adobo. Ang Adobo ay may kakaibang lasa na gustong gusto ng mga Pinoy. Pero ang Adobo ay nagmula sa mga Español. Ang Adobo o Adobar sa Español ay to marintade or seasoning. Ito’y nairekord noong 1613 ng Spaniard Pedro de San Buenaventura. Ito’y pinangalanan niyang “adobo de los naturales” o tart viand dahil sa pareho nitong lasa sa mga pagkain ng Español at Mehikano. Ang Adobo ay ‘di kaagad napapanis dahil sa sukang halo neto. Katagalan nag-iba na ang lasa ng Adobo, pero hindi nawala ang pagka-Pilipino neto.
BLOG 75
LIPUNAN • KULTURA • POLITIKA
LITERATURA ANG MAKA-PILIPINONG PAMPANITIKAN
UNANG ISYU ENERO 2019
REPUBLIKA NG PILIPINAS