B2
BALITANG KINIPIL Dilaab PH, pambato ng GRSHS-X
A1
BALITA
DLC, kampeon sa Higalaay Parade
TOMO XXV BLG. 1
GRSHS, pangkalahatang kampeon sa DSPC '17
RSTW 2017 umarangkada
L2
LATHALAIN Aginaldo ni Mikoy
E1
EDITORYAL
Pamamahagi ng condoms: Marapat bang ibasura?
S1
Ang Opisyal na Pahayagan ng Gusa Regional Science High School
SINAGTALA
HUNYO-DISYEMBRE 2017
ANG
Pitong mag-aaral mula sa GRSHS-X ang sumali sa paligsahan na isinagawa ng Xavier Ateneo’s Development Communication department na ginunita sa Xavier University - Ateneo de Cagayan nitong Nobyembre 27-29 na may temang “Storytellers in the Making: A Workshop on Digital Photography, Videography, Journalism, and Civil Society Campaign.”
AGHAM
BAKAS NG KARANASAN. TANDA NG KAALAMAN.
Itinanghal na pangkalahatang kampeon sa ikapitong pagkakataon ang Gusa Regional Science High School-X sa katergoryang pangsekondarya sa taunang pinaghahandaang Division Schools Press Conference (DSPC) ng lunsod na inorganisa sa Bulua Central School (BCS).
GRSHS CDP Team, editors ng Gintong Alapaap Isang prebilehiyo kung maituturing ng mga miyembro ng GRSHS Collaborative Publishing Team ang maatasang magedit sa edisyong Filipino ng opisyal na pahayagan ng mga guro ng Kagawaran ng Edukasyon sa Dibisyon ng Cagayan de Oro na tinawag na Gintong Alapaap. Apat na isyu na ang nailathala simula Mayo 2017.
POLLS ALARM
Strand na kukunin ng mga G10 ng GRSHS sa SHS
DUNGIS. Naging abala ang mga residente ng Tambo, Macasandig, Cagayan de Oro City sa paglilinis sa kanilang komunidad matapos masalanta ng lagpas-taong tubig bahang dulot ni STS Vinta nitong ika-23 ng Disyembre, 2017. Kuha ni Melvin P. Villacote STEM
ABM
HUMSS
A&D
UNDECIDED
*base sa isinagawang sarbey sa mga Grade 10 ng GRSHS
angsinagtalapub@gmail.com
www.facebook.com/AngSinagtala
@AngSinagtalaRS | Gusa, Cagayan de Oro City | 855-7212
'ZERO CASUALTY' Kagay-anon, hindi nagpatinag kay STS Vinta Princess Leah Joy Sagaad Pangalawang Patnugot
C
AGAYAN DE ORO CITY— Nagsilbing leksyon para sa mga Kagay-anon ang kalunoslunos na trahedyang dinulot ni Sendong na kumitil ng halos 3,000 buhay noong 2012 upang malagpasan ng ‘zero casualty’ si Severe Tropical Storm Vinta na tumama sa lunsod ng Cagayan de Oro nitong ika-22 ng Disyembre, pahayag ni Mayor Oscar Moreno. Gayunpaman, nag-iwan ng malaking pinsala sa ari-arian ang lagpas taong tubig baha na dulot ng pag-apaw ng Cagayan River. Ito’y nakaaberya sa mga residente sa mabababang pook ng lunsod tulad ng Macasandig,
Balulang, Carmen, at Tibasak. Ngunit ayon pa sa mga residenteng nabahaan, mabuti nalang daw ito sapagkat ang mahalaga ay ligtas sila. “Mabilis yung pagtaas ng tubig,” pagkukwento ni Rhea Bernadette Elan, mag-aaral sa baitang 12 ng paaralan na residente ng baranggay Macasandig, “Ngunit kumpara nung Sendong, mas handa kami ngayon.” Sa madamdaming pakikinayam kay Elan ibinahagi niyang wala umano silang nasalbang kagamitan sa kasagsagan ng baha noong Sendong buhat na rin ng lakas ng bugso ng tubig. Hindi umano nila inakalang aabot sa ikalawang palapag ng kanilang bahay ang baha kasi hindi raw kailanman nangyayari iyon. Ngunit sadyang di matanto ang isang sakuna. Kaya ganoon nalang ang pasasalamat
ng kaniyang pamilya na kahit umano papano ay napaghandaan nila si STS Vinta at maagang nakapaghakot ng mga mahahalagang kagamitan bago pa man tumaas ang baha buhat na rin ng mga hakbanging isinagawa ng Local Government Unit ng lunsod kaakibat ang City Disaster Risk Reduction Management Department (CDRRMD), rescue groups ng AFP, PNP, Oro Rescue, BFP at Cagayan de Oro Fire Brigade. Ayon kay Mayor Moreno ang karanasan ng mga residente sa Sendong ang siyang nagturo sa kanilang maging masunurin sa payo ng lokal na pamahalaang lumikas sa mga evacuation center bago pa man maglandfall ang bagyo sa Huwebes at Biyernes. VINTA / Ipagpatuloy sa pahina B2
Hakbang patungong NSPC
GRSHS Collab Team, nagbahagi ng karanasan sa likod ng backto-back panalo sa RSPC Princess Leah Joy Sagaad
M
KAMPEON. Bakas sa mga mukha nina (mula sa kaliwa) Kyle Baclayo, Princess Sagaad, Rhea Elan, Ella Dinogyao, Melvin Villacote, Danica Armendarez, Krizzia Romulo , at coach na si Luzviminda Binolhay ng Gusa Regional Science High School ang tuwa matapos itinanghal na kampeon sa CDP Filipino sa RSPC 2017 sa ika-24 ng Oktubre, 2017 sa Liceo De Cagayan University. Kuha ni Joshua Von B. Gutierrez
asidhing determinasyon at pasyon sa tungkulin kasabay ng pagkakaroon ng matibay na relasyon sa bawat isa ang naging susi ng tagumpay ng Collaboative Desktop Publishing Team ng Gusa Regional Science High School-X matapos tanghalin sa pangalawang pagkakataon bilang kampeon sa kategoryang English at Filipino sa isinagawang 2017 Regional Schools Press Conference. “Napaka-determined at competitive ng team namin,” giit ng punong patnugot ng Ang Sinagtala na si Ella Camille Dinogyao, “pasyon namin ito kaya naman naglalaan talaga kami ng oras para maghasa. Matamis ang tagumpay kapag pinaghirapan. Sana tuloy tuloy na ito hanggang national.” Aminado ang grupo na hindi biro ang kanilang nilalahukang kategorya at dumating sa puntong gusto na nilang sumuko. Ngunit sa halos tatlong taong pagsali sa Collab, napamahal na umano sila rito. Natuto umano silang maging maparaan at magtrabaho sa ilalim ng presyur. CDP / Ipagpatuloy sa pahina B3
GPTA, namahagi ng pamasko sa mga benepisyaryo
D
Princess Leah Joy Sagaad
amang-dama ng buong paaralan ang diwa ng Pasko habang inaabot ang mga regalong inihanda para sa mga benepisyaryo ng programang ‘Adopt A Foundation’ na sinimulan ng General Parents-Teachers Association (GPTA) sa pangunguna ng presidente nito na si Atty. Fulgent Thomas Garay. Kabilang sa benepisyaryo ng programa ang Home for the Aged, Balay Canossa, Children’s Joy Foundation, Inc., Lumad ng Bukidnon, ilang pamilya sa Purok 4-A, at Pimentel Family. Layunin ng programang ‘Adopt A Foundation’ ang kumandili ng relasyon sapagitan ng organisasyon, paaralan at ng komunidad upang makalikha ng napapanatili at mahalagang impluwensya sa mga benepisyaryo nito. Kasabay sa ginawang Family Day at Christmas Party ng paaralan ang paglunsad ng gift giving na may temang ‘Give Love on Christmas.” “Isa sa pinakadiwa ng Pasko ang pagbibigayan ,” wika ni Gng. Evelyn Q. Sumanda, punongguro ng paaralan, “kaya naman ikinagagalak naming ilunsad and programang ito ng taos puso.”Nagkaroon ng pormal na palatuntunan ang paaralan na isinagawa sa field na dinaluhan ng mga benepisyaryo at mga representante nito. Bawat baitang ng estudyante sa paaralan ay naatasan ng isang grupo ng benepisyaryo. “Nakatataba ng puso na kahit sa ganitong maliit na paraan ay nakatulong kami sa kapwa namin,” ayon pa sa grade 12 representative ng Supreme Student Government na si Kyle R. Baclayo.
PASKONG PINOY. Naghahandog ng mga regalo ang Gusa Regional Science High School sa mga pamilya sa kalapit na komunidad nitong ika-20 ng Disyembre, taong 2017. Kuha ni Reitz Mae Chua
BALITA
B2
ANG SINAGTALA HUNYO-DISYEMBRE 2017
SA UNANG PAGKAKATAON
DLC, kampeon sa Higalaay Parade ni Princess Leah Joy D. Sagaad Best Marching Band! Most Disciplined! Best in Uniform! Gumawa ng kasaysayan ang Gusa Regional Science High School-X Drum and Lyre Corps ng SY 2017-18 sa pagsungkit sa pinakamataas na parangal sa isinagawang 2017 Higalaay Civic-Military Parade nitong ika-27 ng Agosto 2017 na parte ng selebrasyon ng kapistahan ng syudad ng Cagayan de Oro. Nakakuha ng 94 porsyentong kabuuan mula sa apat na mga hurado at hinirang na Best Marching Band, Most Disciplined, at Best in Uniform ang GRSHS-X DLC laban sa 91 mga sumaling pampubliko at pampribadong paaralan sa lunsod. Pumangalawa rito ang Liceo de Cagayan University na nakakuha ng 92. 88 porsyento at pumangatlo sa 91.88 porsyento ang Iponan National High School.
“Isang malaking karangalan ito hindi lamang para sa aming sarili kundi para sa ating paaralan. Nakalulugod isipin na ang lahat ng pagod dulot ng aming pagpupursigi sa pag-eensayo ay nagbunga,” ani DLC Moderator Samuel O. Linog, sa wikang Ingles. Pinangunahan ni band mother Queenie Lyn Mandang at band major Niel Brian Opeña ang parada kasama sina Angela Karylle Go bilang seal bearer; Colene Santa Cruz bilang assistant band mother, at iba pang humigit kumulang 100 mga estudyanteng ipinakita ang kanilang galing. Kasama rin sa parada ang mga miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ng paaralan sa pangunguna ni troop leader Francis Gem Patigayon. "Happy kay mi kay first time nadaug ang RS sa parade. Worth it kay siya na experience," nagagalak na pahayag ni Go sa kanilang pagkapanalo.
VINTA / Mula sa pahina B1
NGITING TAGUMPAY. Nakangiti pa rin at di alintana ni Angela Go at Franz Maurene Leuterio, mga miyembro ng GRSHS DLC, ang init ng arAaw at haba ng paradang nagsisimula sa Rodelsa Circle patungong Limketkai Center na binabaybay ang mga kalye ng Apolinar Velez at C.M. Recto. Kuha ni Jorge Nathaniel Amores
134 iskawt sumabak sa BSP, GSP backyard camp Kent Bryan C. Maglinao kentbryanmaglinao9@gmail.com
M
atapos ang dalawang taong puwang, umabot sa 134 miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) at Girl Scouts of the Philippines (GSP) ng Gusa Regional Science High School ang muling lumahok sa Joint BSP and GSP Backyard Camping sa GRSHS-X campus noong Setyembre 1-2, ngayong taon. Dinaluhan ito ng 85 kasapi ng GSP at 49 kasapi ng BSP na kapwa mula junior at senior high ng GRSHS-X. Pinangunahan ito nina Rochelle Besin, GSP coordinator, at Julius Tan, BSP coordinator. Binubuo ng iba't ibang gawain ang naturang aktibidad na nakatuon sa temang, "Making A Difference Through Service". Ang mga gawain sa unang araw ay Investiture Ceremony, Orientation, Basic First Aid/Disaster Preparedness, Team Building, at Camp Fire. Samantala, sa ikalawang araw naman ay Physical Fitness, Knot Tying, Team Building, at Clean Up. Sentro ng nasabing camping ang inihandang Team Building Activities na naglalayong mapaunlad ang pagkakaisa at pakikipagkapwa ng mga miyembro, ayon kay Besin. Sa isang panayam, ibinahagi ni Besin ang kanyang galak sa matagumpay na paglunsad ng backyard camping sa paaralan. Aniya matagumpay ito dahil sa buong kooperasyon ng bawat manlalahok. Pinasalamatan din niya ang ilang panauhing nakilahok at nagsilbing guest speakers sa camping. "Grabi among pasalamat [sa ila] kay at least karon ma-active na gyud ang atong GSP at BSP," ani Besin. Kabilang dito sina Cynthia Yañez, GSP Division coordinator; Ma. Carmen Ebron, GSP assistant coordinator; Lyra Vaguchay, GSP Mis. Or. Council executive; at, Ramil Abellon, Red Cross Mis. Or. Chapter representative. "Taud-taod na ta wala ka participate, so at least na witness sa division na active na atong BSP ug GSP," dagdag pa niya. Ang Joint BSP and GSP Backyard Camping ay paraan ng GRSHS-X upang ihanda ang mga iskaut sa Division-wide camping base sa Division Memorandum No. 313 s. 2017.
“The readiness of the community had really resulted in preventing the loss of lives,” wika ni Moreno sa isinagawang press briefing Biyernes ng gabi sa CDRRMD. “We have seen how the cooperation of the people can save lives,” dagdag pa ni Moreno. Nangako naman si Punongguro Evelyn Q. Sumanda at General ParentsTeachers Association ng paaralan na mamamahagi ng tulong sa pamilya ng
IGNITE 2017
Leadership Training inilunsad ng GRSHS SSG
mga mag-aaral nitong napinsala ng STS Vinta kabilang na ang pamilya ni Rhea. Inihahanda na umano nila ito at ipamimigay sa ika-3 ng Enero, pagbalik ng klase. Nag-iwan man umano ito ng dimaalis-alis na dungis ng pait na alaala ng nakaraan para sa mga Kagayanon, magsisilbi naman itong palala at babala upang maging handa sa pagdating ng sakuna.
Kuha ni Melvin P. Villacote
ni Princess Leah Joy D. Sagaad
N
aging inspirasyon para sa humigit kumulang 50 mga mag-aaral na kalahok sa ginanap na IGNITE: Leadership Training Seminar ang binahaging diskusyon ng resource speaker na si Ricky John Goyeneche, isang USA Certified NeuroLinguistic Programming Master Practitioner at Backpack Inspirational Leadership and Development (BILD) Cotrainer mula sa University of Science and Technology in Southern Philippines (USTP). Pinamagatan niyang ‘Reprogram: How to Think Positively and De-Stress Your Life’ ang kanyang lektyur. Inilunsad ng Supreme Students Gocernment ng paaralan ang nasabing leadership training upang magbigay ng inspirasyon at pagganyak sa mga kabataang naghahangad na maging epektibong lider. Binuo ng workshop na naghahasa ng leadership skills at team building ng mga mag-aaral ang isang araw na seminar na ginanap nitong ika-9 ng Disyembre 2017. “Nakatulong ng husto ang seminar na ito sa amin lalo na’t nagkaroon kami ng panibagong idea tungkol sa mental health na siyang ibihagi namin sa Dilaab Ph, isang online campaign na aming sinimulan,” wika ni SSG Vice President Melvin Villacote.
KATALISTA. Nagbabahagi si Ricky John Goyeneche tungkol sa stress management sa mga partisipante ng leadership training na isinagawa sa Gusa Regional Science High School-X nitong ika-9 ng Disyembre, 2017.
Journalism Training sa GRSHS, ibinunsod
B
ni Razaele F. Manales
ilang paghahanda sa kaunaunahang District Schools Press Conference, nagdaos ang Gusa Regional Science High School-X (GRSHS-X) ng Journalism Enhancement Traning nitong Setyembre 6-8. "We are training you to become smart, fair, and independent journalists," tugon ng Punongguro, Evelyn Q. Sumanda, sa 122 mamamahayag pangkampus na dumalo sa pagsasanay. Aniya, ito ay hindi lamang upang ihanda sila sa
kompetisyon, kung hindi'y pati na rin sa hinaharap. Sinanay rito ang mga mamamahayag sa walong isahang kategorya: Pagsulat ng Balita, Pangulong Tudling, Lathalain, Balitang Pampalakasan, Artikulong PangAgham at Teknolohiya, Pagkuha ng Larawang Pampahayagan, Pagguhit ng Kartung Editoryal, at Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita. Nilinang rin ang kakayahan at talento ng mga mag-aaral sa tatlong pangkatang kategorya: Script Writing and Radio Broadcasting, Collaborative Desktop Publishing,
at ang pinakabagong kateogrya, TV Newscasting. Ilang mga tagapagsalita ang inimbitahan ng paaralan upang magbahagi ng karunungan sa mga mag-aaral. Sila rin ang humusga at pumili ng 58 mamamahayag na kakatawan sa paaralan sa District Schools Press Conference. Labing-anim na mamamahayag ang nasala para sa mga kategoryang indibidwal– walo sa English, walo sa Filipino. 42 naman para sa tatlong kategoryang pangkatan– 21 sa Filipino at 21 sa English.
BALITA
ANG SINAGTALA HUNYO-DISYEMBRE 2017
B3 CDP / Mula sa pahina B1
DAPAT HANDA. Nakilahok ang Gusa Regional Science High School - X sa isinagawang pambansang earthquake drill na isinagawa sa ika-28 ng Setyembre2017. Kuha ni Erica Jascha Janela L. Emano
KAHANDAAN SA SAKUNA
SDRRMC hinigpitan ang kahandaan sa lindol
U
Ni Kyle R. Baclayo
pang mapatibay ang kamalayan at kahandaan ng mga mag-aaral, guro at iba pang empleyado ng paaralan sa pagdating ng hindi maiiwasang sakuna tulad lindol, nagsagawa ng 3rd Quarter Simultaneous Earthquake Drill ang Gusa Regional Science High School-X nitong Setyembre 28. Pasado alas 10 ng umaga nang pinatunog ng paaralan ang busina na tanda ng pagsisimula ng simulation ng lindol. Tumigil sa kani-kanilang gawain ang mga estudyante at guro sabay yumuko at naghanap ng malulukuban. Maya-maya pagkatapos ng busina, nagsilabasan sila sa kani-kanilang silid, bumuo ng linya at dahan-dahang
lumakad patungo sa field. Pinangungunahan ito ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa pamamagitan ng kaakibat nito sa Kagawaran ng Edukasyon— ang Schools Disaster Risk Reduction and Management Council (SDRRMC) ng paaralan na pinamumunuan ni G. Christian Gem Pimentel. Maayos ang takbo ng simulation at mayroon pang mga kagamitan tulad ng hardhat at megaphone ang mga gurong komite ng SDRRMC ngunit napansin nilang mayroon paring iilang mga estudyante na hindi seryoso sa ginagawang drill. Ayon kay G. Pimentel, sa kabuuang 30 mga seksyon mas konti pa sa kalahati nito ang naalalang mag-report ng
Larawan ni Noel Francis Labis
headcount sa kanilang mga kaklase na gawain sana ng class president. Nakaaalarma umano ito sapagkat maituturing na missing ang mga hindi kabilang sa na-headcount ngunit ito naman daw ang isa sa layunin ng drill—ang mapabatid sa mga mag-aaral ang kanilang nararapat gawin habang nangyayari ang isang sakuna. Aktibo rin ang mga medikong binubuo ng mga mag-aaral at guro sa kanilang pagsagip sa mga kunwaring nasaktan at nasugatan. Bukod sa pagpapalaganap ng kaalaman, layunin umano ng drill na masukat at masuri ang pagka-epektibo ng mga ginagawang paghahanda ng paaralan sa aspeto ng polisiya, sistema at plano sakaling may mangyaring mang emergency at sakuna.
MGA DAPAT GAWIN TUWING MAY LINDOL DUMAPA. Mabilis
na dumapa kung sakaling makadama ng pagyanig.
YUMUKO. Takpan ang sarili sa ilalim ng matibay na mesa.
KUMAPIT.
Humawak ng maiigi hanggang sa matapos ang pagyanig.
Gawa ni Kyle Baclayo
We strive for excellence--Sumanda Ni Princess Leah Joy D. Sagaad
Revised School-Based Management (SBM)”. Kasabay ito sa paggunita inigyang diin ni Gng. Evelyn Q. ng paaralan ng ECARD o Evaluation, Sumanda, punongguro ng Gusa Consultation, Reading of Honors and Regional Science High SchoolDistribution of Cards na ginaganap X sa kanyang kauna-unahang tuwing matapos ang isang grading State of the School Address (SOSA) quarter. “In 2016, we were able to reach ang mga tagumpay na nakamit ng the requirement of Zero dropped out paaralan sa iba’t ibang kompetisyon, rate,” pagmamalaki ni Gng. Sumanda. ang patuloy na pangunguna sa NAT at Layon nilang mapanatili ang tuloyang kooperatibong GPTA at mga guro tuloy na paghusay ng perpormans ng na aniya’y nagsisikap para maging paaralan sa school year ngayon at sa modelo ng karunungan sa mga magmga susunod pa. aaral ng institusyon. Bukod naman sa madalas na “We [teachers, parents and mga panalo ng mga mag-aaral ng stakeholders] become paragons paaralan sa iba’t ibang inter-school na of learning to our students as we kompetisyon sa gabay ng mga gurong continue to strive for excellence,” tagasanay, patuloy na nangunguna ang paghahamon ni Gng. Sumanda sa GRSHS-X sa National Achievement humigit kumulang 600 mga mag-aaral, Test (NAT) sa buong dibisyon. guro, at magulang na nakikinig habang Malaking karangalan umano ito aniya tinatalakay ang estado ng paaralan sa sapagkat ang NAT ang sumusukat kanyang talumpati. sa kalidad ng isang paaralan. Ginanap ang SOSA sa covered Gayunpaman, ani Gng. Sumanda, ang court ng paaralan alas dos ng hapon hamong kanilang kinakaharap ngayon nitong ika-23 ng Setyembre, 2017 sa ay ang malagpasan ang national temang: “Soaring Higher Towards planning standard sa NAT na 75%. Excellence.” Ang palatuntunan ay “They [GPTA officials] work handalinsunod sa Kautusan ng Kagawaran in-hand with the school administration, ng Edukasyon Blg. 83, serye 2012 na we owe you [GPTA ang parents] a debt “Implementing Guidelines on the of gratitude for filling in the gap amidst
B
BOSES. Naghandog ng mensaheng tagos sa puso ng bawat makikinig ang punongguro ng GRSHS na si Evelyn Q. Sumanda sa kauna-unahang State of the School Address (SOSA), Setyembre 23, 2017. Kuha ni Noel Francis M. Labis
“Kasi nga of course, time pressured. Naglalaan kami ng 30 minutes to one-hour allowance kung maaari for printing at copy-editing. Ako nga minsan pinakamatagal natatapos,”ani patnugot ng balita, Princess Sagaad. Worst case scenario umano na palagi nilang inaalala, baka mag log yung laptop o di kaya’y magloko yung printer o di naman kaya’y maubusan ng oras. Napansin umano nilang parating may pasabog na hamon sa kanila bago matapos. Makailang beses na umanong nangyari ang mga nasabing scenario pagkukwento pa ni Danica Armendarez, patnugot sa Lathalain. “Natakot kami, baka ma disqualified kami pag-nagovertime,” ayon sa patnugot sa pag-aanyo na si Kyle Baclayo. “Dala rin ng pressure may mga nagbebeast mode sa amin. Pero nahahandle naman namin ang ganyang situation kasi sanay na kami,” wika ni Rhea Bernadette Elan na patnugot sa Isports. “Hindi naman kami dalughasa rito pero base sa mga seminar at training na napuntahan namin mapapayo namin na kinakailangan rito ang mataas na pasensya at unwavering commitment lalonglalo na ang patuloy na paghasa ng skill. Upang matapos lang namin ang school paper, dito na kami nagChristmas eve sa paaralan,” pagaamin ni Melvin Villacote, panutgot sapag-aanyo at paglalarawan. Sasabak sa pangnasyunal kompetisyon ang grupo kasama ang iba pang kalahok ng rehiyon diyes sa lunsod ng Dumaguete ngayong darating na Pebrero 2018.
our limitations,” pagpapasalamat ng punongguro sa mga magulang at opisyal ng GPTA na pinamumunuan ni Atty. Fulgent Thomas Garay sa kanilang pagsuporta at sa pagganap sa kanilang sinumpaang tungkulin. Binanggit din niya na masinsinang pinagpaplanuhan ng administrasyon ang pinaggagastusan ng School Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) lalo na’t sumusuporta ang paaralan sa adbokasiya ng DepEd na ‘No Collection Policy’. “Just recently, we had the CCTV installed— all for the utmost safety of our students,” wika ni Gng. Sumanda. Hinihigpitan umano ng admistrasyon ang siguridad sa loob ng paaralan sa mas epektibong pagkatuto ng mga estudyante. Positibo ang punongguro habang binabanggit ang mga nakatakdang proyekto ng paaralan sa hinaharap katulad ng konstruksyon ng school gate, pagpapaayos ng speech lab, paggawa ng lab rooms sa SHS building, atbp. “When we work together, we can achieve things better. When we do our share, we can soar higher,” ayon pa sa punongguro.
BALITA
B4
ANG SINAGTALA HUNYO-DISYEMBRE 2017
GURONG PILIPINO, KAAKBAY SA PROGRESO
Teachers' Day, idinaos ng GRSHS ni Princess Leah Joy D. Sagaad
uwebes, araw ng klase ngunit imbes na uniporme, pumasok ng nakaH sportswear ang mga guro ng paaralan. Pahinga muna sa stress at sa amoy ng tsalk at marker sa pisara. Sumapit na ang kanilang araw. Hindi nagpahuli ang Gusa Regional Science High School- X sa pagdaraos ng International Teachers’ Day at National Teachers’ Day nitong ika-5 ng Oktubre 2017 sa temang: “Gurong Pilipino: Kaakbay sa Progreso” kung saan nagbigay ng maikling inspirasyunal na mensaheng pumupuri sa kanilang ng guro si pungongguro Evelyn Q. Sumanda. Pinangunahan ng Supreme Students Government na pinapanguluhan ni John Gabriel Suralta ang aktibidad kaakibat ang mga presidente sa bawat seksyon. Nagpasiklaban sa volleyball, table tennis, at videoke na inihanda ng SSG sa field ng paaralan ang 49 mga guro ng institusyon. Game na game naman lahat pati si Gng. Sumanda na naglaro ng table tennis. Nabuhayan din ang mga mag-aaral sa [pag cheer sa kanilang gurong bukod sa pagiging dalubhasa sa kanilang propesyon ay may maiibubuga din sa isports. “Exciting kayo tong nag-volleyball ang mga teachers,” ayon kay Ella Camille Dinogyao “wala mi nag-expect na naay inani nga side sa among teachers.”
Kanya-kanyang gimik naman ang mga mag-aaral sa bawat seksyon sa kanilang mga inihandang surpresa para sa kani-kanilang mga guro. “Tanda ito ng paghanga at pasasalamat namin sa aming mga pangalawang magulang,” wika ni Kyle R. Baclayo, 12- Euler. “Pinalamutian namin ang aming classroom ng balloons at dinesenyuhan ang pisarang may greetings para sa aming guro.” “Nag-amot-amot gyud mi para makapalit ug regalo for teacher,” ani Rhea Bernadeth Elan, isang mag-aaral ng 12-Avogadro. “We’re so lucky to have him as our adviser kay buotan ug understanding na supportive pagyud sa amo.” Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon, layunin ng selebrasyon na ipagdiwang at bigyang parangal ang mga guro alinsunod sa Presidential Proclaimation No. 242 na nagdedeklara sa Setyembre 5 hanggang Oktubre 5 bilang National Teachers’ Month at ng Batas Republika Blg. 10743. Kasabay rin ito sa pagproklama ng United Nations Education Cultural Organizations (UNESCO) sa ika-5 ng Oktubre bilang World Teachers’ Day.
HALAKHAK. Nakisayaw ang punongguro ng GRSHS-X kasabay ang mga guro sa pagdaraos ng pandaigdigang selebrasyon sa araw ng mga guro. Kuha ni Melvin P. Villacote.
Victory Box ng DFSSG pasok sa 15th TAYO Awards
Kuha ni Nicole M Tagarda
Ni Melvin P. Villacote
TAAS NOO. Dala-dala ni Angela Luardo ang bandera ng Pilipinas sa isinasagawang JENESYS 2017.
Luardo, kalahok sa JENESYS 2017 Ni Ella Camille R. Dinogyao Isang karangalan para kay Angela Luardo, mag-aaral sa grade 11 ng Gusa Regional Science High School-X ang mapabilang sa programang ASEAN Rugby Youth Exchange ng 2017 JapanEast Asia Network of Exchange for Students and Youths (JENESYS). Ang JENESYS 2017 ay isang people-topeople exchange program sa pagitan ng Japan at ng rehiyon ng Asia Pacific na inilunsad ng Pamahalaan ng Japan. Kaakibat nila ang Japan International Cooperation Center (JICE) at Japanese Embassy sa Manila sa pakikilahok ng Kagawaran ng Edukasyon. “Ang ganda ng experience,” wika ni Luardo Larawan ni Melvin P. Villacote
fighting in Marawi and that they have the supports from the students and teachers,” mungkahi ni Suralta. Aniya, ang nagtulak sa kanilang simulan ang proyektong Victory Box ay ang sitwasyon ng mga sundalong binubuwis ang kanilang buhay sa bakbakan sa Marawi. “It advocates nation building especially for secondary and elementary students. It signifies that even students can help our soldiers,” wika ni Suralta. Makakatanggap ng tropeo na pinait pa ng sikat na sculptor na si Toym de Leon Imao at 50,000 pisong pang pondo para sa kanilang proyekto ang mga tatanghaling panalo sa 15th TAYO Award na gaganapin sa susunod na taon. “Maybe among edge is that our budget is zero pesos,” ayon kay Suralta. “Because we give voluntary and wholeheartedly to our heroes [soldiers].”
Schools as zones of peace, isinusulong ng DepEd M
PAYAPA. Dalawampu’t Taltlong taon ng kinikilala ang serbisyo ang GRSHS-X sa mga mag-aaral ng Rehiyon 10. Kuha ni Popoy M. Tagaan
“Iba ang rugby sports sa mga sports sa Pilipinas at aim ng Japan is to influence ASEAN countries with Rugby.” Ibinahagi ni Luardo na hindi umano madaling matanggap sa JENESYS lalo na’t maraming mga kinakailangang isumite ngunit sa suporta ng kanyang mga magulang at ng paaralan mas nagpursigi umano siya haanggang nakatanggap siya ng acceptance letter. “Sobrang enjoy at hirap rin rito pero kakayanin ko,” pagkukwento ni Luardo sa kanyang karanasan sa Japan. Isa pang programang ng JENESYS 2017 ay ang Japanese Language Communications/ Exchange in Japanese Culture.
Pasok sa national finalist ng 15th Ten Accomplished Youth Organizations of the Philippines (TAYO) Award ang proyekto ng Division Federated Supreme Students Government ng lunsod na Victory Box. Ang TAYO ay isang tinitingalang gantimpala para parangalan ang mga organisayong sinimulan ng mga kabataan. Misyon ng TAYO Award na kilalanin, gantimpalaan, at himukin ang mga organisasyon ng mga kabataan sa buong bansa na magsagawa ng mga programa at proyektong makatutulong sa komunidad. Pinangungunahan ito ng presidente ng DFSSG sa lunsod na si John Gabriel Suralta, mag-aaral sa grade 12 ng Gusa Regional Science High School-X kasama ang iba pang mga miyembro nito na purong mga kasapi ng SSG sa kani-kanilang paaralan. “Our main objective for the victory box is to boost the morale of the soldiers
Ni Krizzia Aimee B. Romulo
uling isinusulong at hinihigpitan ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagpapatupad ng DepEd Order No. 44, s 2005 o ‘Declaration of Schools as Zones of Peace’ na pinirmahan ni Kalihim Leonor Briones nitong ika-15 ng Hunyo. Itinulak ng DepEd ang DO dahil sa kamakailan lang na pagsiklab ng mga insidente ng karahasan at armadong salungatan sa lunsod ng Marawi at ng mga pambobomba at bakbakan malapit sa mga paaralan sa Mankayan Town sa Benguet na nagresulta sa pagkagambala
ng mga klase. “Right now, DepEd wanted to reiterate the fact that the school must be neutral and that it must be a zone of peace,” ayon pa kay DepEd Under Secretary Tonisito Umali sa isang press conference. Itinuturing umanong ‘neutral zone’ o walang pinapanigan at kinikilingang lugar ang mga paaralan sa buong mundo. Base sa DO, ligtas dapat ang mga paaralan sa presensiya ng mga armadong grupo anuman ang kanilang pinapanigang hanay. Tagubilin ng DepEd sa mga paaralan batay sa DO na magsabit ng tarpaulin na three by eight feet sa harapang gate na nagdedeklarang ‘peace zone’
ang kanilang institusyon. Iniatas rin ng DO sa mga regional at division office na tumulong sa pagpaparami ng mga nasabing tarpaulin. Inaayayahan din ang komudad na kinabibilangan ng paaralan na aktibong magpartisipa sa kampanya upang masigurado ang kaligtasan ng mga tauhan sa loob ng isang paaralan. Hinihikayat rin nila ang partisipasyon ng local na gobyernong kinabibilangan ng paaralan, local na media at iba pang mga stakeholder bilang kaakibat at katulong nila sa pagpapalaganap ng kampanya sinusulong ng mga paaralan sa buong bansa bilang pook ng kapayapaan.
AGHAM AT TEKNOLOHIYA
ANG SINAGTALA HUNYO-DISYEMBRE 2017
A1 SIYENSYA PARA SA LAHAT!
YSEC pinalakas ang agham at teknolohiya sa NSTW '17
S
ABALA. Maiging nagmamasid sa iba't ibang mga booth ang mga estudyante mula sa iba't ibang institusyon sa Rehiyon X sa inilunsad na Regional Inventions, Contests, and Exhibits (RICE) 2017 sa loob ng Limketkai Atrium noong Setyembre 19-21, 2017. Kuha ni Melvin Villacote
RSTW 2017 umarangkada ni Princess Leah Joy D. Sagaad
I
nilunsad ng Department of Science and Technology- X (DOST-X) ang taunan nitong Regional Science and Technology Week (RSTW) sa Atrium Limketkai Mall, Cagayan de Oro City, nitong Setyembre 19-21, 2017 sa temang: “Science for the People.” Ginugunita ang Linggo ng Agham at Teknolohiya alinsunod sa Proklamasyon Blg. 169 ng 1993. Layunin ng palatuntunan na makilala ang mga ambag ng agham at teknolohiya sa pag-unlad ng bansa at makuha ang suporta ng mga pampubliko at pampribadong institusyon sa pagpapanatili ng kaunlaran. Pinartisipahan ito ng mga pampubliko at pampribadong mga paaralan sa buong rehiyon kasama na ang Gusa Regional Science High
School-X (GRSHS-X). Dinaluhan ito ng mayor ng lunsod na si Hon. Oscar S. Moreno, DOST Regional Director Alfonso P. Alamban, at iba pang mga kilalang personalidad sa larangan ng agham at pagnenegosyo. Sa unang araw ng palatuntunan, nagkaroon ng Disaster Risk Reduction interactive workshop at binuksan ang mga booth at exhibit ng iba’t ibang sangay ng DOST katulad ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) at Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA); mga inobasyon ng mga miyembro ng NORMINCIERD; at mga proyekto ng pribadong LGU. Nagtanghal rin ng kanilang mga inobasyon at research studies ang mga sumali sa Regional Invention, Contests and Exhibits (RICE) na
Kuha ni Krizzia Aimee Romulo
sinalihan ng apat na grupo ng magaaral sa Gusa Regional Science High School. Nilahukan nila ang kategorya para sa Outstanding Student Creativity Research o Sibol Award. Nagkaroon naman ng DOST Scholarships Quiz Bowl sa pangalawang araw kung saan nagkampeon laban sa halos 12 mga sumaling paaralan mula sa rehiyon diyes ang pambato ng GRSHS-X na sina Harvey Jade T. Ang, John Benedict V. Lamorin, at Karl Andre B. Olaivar. Tumanggap sila ng limang libong piso bilang gantimpala. Sa pangatlong araw ng palatuntunan, nagpakita ng mga output ang NOMCAARRD R&D at NORMINCHORD R&D. Pagkatapos ay sinagawa ang pagtanghal ng mga panalo sa iba’t ibang kompetisyon at sinundan ng opisyal na pagtatapos nito.
EARTHBEAT 2017
NSCM Summit, matagumpay
B
ilang pagdiriwang sa 2017 National Science Club Month, nakilahok ang institusyon ng Gusa Regional Science High School - X (GRSHS-X) sa 38th PSYSC Summit at ITSS na isinagawa sa Misamis Oriental General Comprehensive High School (MOGCHS) nitong ika-8 ng Setyembre sa taong kasalukuyan. Dinaluhan ang palatuntunan ng nasa mahigit 170 na estudyante ng institusyon. Binubuo ito ng mga workshop at mga kongregasyong lumilinang sa kakayahan ng mga estudyante at guro sa larangan ng agham at matematika. Ang tema ng PSYSC Summit ngayong taon ay: “Earthbeat: Excavating the Abyss, Pulsing the Current, Steering the Youth as Stewards of Sustainable Development.” Tinanghal na kampeon sina Robert Gallardo, Karl Tabbay, Fulgent Garay, Carmel Solarte, July Marañon , Dan Jubay at Kirby Magto sa I-Press Play; isang kompetisyong patagisan sa paggawa ng impormatibong short film. Ginawaran naman sina Kieth Cañedo, Elijah Pajaron, Eunice Palarca, Jan Valmores at Robert Gallardo bilang kampeon sa MathSciAka Interactive. Nagtapos rin ang paaralan bilang 1st Runnerup sa MathSciAka Engineering Challenge na nilahokan nina Alberto Chiong at Mark Tero. Tinanghal naman na 1st Runner-up sina July Marañon, Raymart Villos at Iryll Plazuela para sa PSYSC Science Olympiad. Hindi naman nagpahuli ang mga guro ng Science department na tinanghal na Best Subcamp ng ITSS.
iPhone X, handog ng Apple sa kanilang ika-10 taon iPhone X ang FaceID kung saan, “your face is your password.” Ang kanilang a ika-sampung taong anibersaryo secure authentication ay ang bagong ng iPhone, iprenisenta ng Apple paraan ng pagbukas nito. Ito ay nagsa mga mamimili ang iPhone X project ng 30,000 invisible dots upang (mababasa bilang iPhone 10) makagawa ng tamang depth map ng sa Apple Event sa Miyerkules kasama mukha. Ginagamit din ang teknolohiya ang iPhone 8 at iPhone 8 Plus. Tinupad ng Animoji upang maanalisa ang 50 ng iPhone X ang bisyon ng kompanya iba’t ibang muscle movement upang upang magkaroon ng iPhone na ang makagawa ng ekspresyon ng 12 Animoji, kabuuan ay screen. “reveal your inner panda, pig, or robot.” Dala ang makabagong teknolohiya Ang iPhone X ay mabibili sa presyong sa Super Retina Display, True Depth $999, mahigit kumulang Php 50, 805.14 Camera System, FaceID, iOS 11 at A11 para sa 64gb at $1,149, Php 58,433.54 Bionic Chip na may Neural Engine, para sa 256gb, mapre-order ito sa ipinakita ng iPhone ang bagong disenyo Oktubre 27. Anyaya nga nila, ang iPhone ng serye. X ang bagong kabanata ng $1,000 Isa sa mga pinakabagong feature ng phones.
S
a layong mapalaganap ang importansya ng mga inobasyon ng agham at teknolohiya sa mga magaaral ng institusyon, nagdaos ang Gusa Regional Science High School-X ng National Science and Technology Week (NSTW) 2017 nitong Agosto 22 nitong taon na may temang: “Science for the People.” Pinangunahan ng mga opisyal ng Youth for Science Explorers Club (YSEC) ng paaralan ang palatuntunan kaakibat ang mga guro sa departamento ng Science. Taunang idinaraos ang NSTW katuwang ang Department of Science and Technology (DOST) alinsunod sa Proklasmasyon Blg. 169 ng 1993. Layunin nitong makilala ang mga ambag ng siyensya at teknolohiya sa pag-unlad ng bansa at makuha ang suporta ng mga pampubliko at pampribadong institusyon para sa napapanatiling kaunlaran. Naghanda ng sampung paligsahan ang YSEC na sinalihan ng piling mga mag-aaral sa bawat seksyon ng kada baitang. Ito ang large barge, egg drop, barium battleship, essay writing, poster making, slogan making, 3D collage making, science quiz bee, documakijuan, at future of science. Nagmistulang cosplay convention ang huling parte ng palatuntunan dahil sa inabangang panibagong kompetisyong tinawag na future of science kung saan ginaya ng mga kalahok sa bawat seksiyon ang propesyon na sa tingin nila ay pinaka-in-demand 100 taon sa hinaharap. Nakahakot ng pinakamaraming panalo at idineklarang pangkalahatang kampeon ang Grade 12- Boltzmann; nasa unang pwesto ang Grade 9- Chels; nasa pangalawang pwesto naman ang Grade 10- Adam. Ang mga nanalong mag-aaral sa bawat kategorya ng kompetisyon ay siyang magrerepresinta sa paaralan sa darating na Division Level Dry Olympics. Kuha ni Sahara Jardenil
SASAKYANG TESLA, GUMAGAWA NG INGAY
ni Harvey Jade T. Ang
LIWANAG SA DILIM. Seryoso at masigasig na paglunsad ng Pledge Night na pinangunahan ng organisasyong PSYSC sa loob ng PEAC 2017 na isinagawa noong Setyembre 9, 2017.
Princess Leah Joy D. Sagaad Pangalawang Patnugot
ni Dietrich R. Zambrano
Kuha ni Kyle Baclayo
Elon Musk, CEO ng Tesla ay taas-noong ibinahagi ang resulta ng ikapitong taunang World’s Greatest Drag Race sa kadahilanang ang isang modelong tinatawag na P1000 ang lumamang sa paligsahan. Ngunit ano nga ba ang dapat nating malaman tungkol sa kilalang sasakyan na ito bukod sa itoý de-kuryente. Narito ang pagkaka-iba ng Tesla S P1000 laban sa nakasanayan nating sasakyan:
Gawa ni Kyle Baclayo
AGHAM AT TEKNOLOHIYA
A2
ANG SINAGTALA HUNYO-DISYEMBRE 2017
GRSHS team nagpakitang gilas sa BioCup 2017 Ni Alyannah N. Rago
L
imang mag-aaral ng Gusa Regional Science High School-X ay nagwagi bilang pangkalahatang 2nd runner-up sa pinakauna-unahang BioCup sa Xavier University - Ateneo de Cagayan nitong ika-30 ng Setyembre ngayong taon.
TUON. Seryosong nakinig ang mga representante ng GRSHS-X sa isinagawang kauna-unahang BioCup 2017 nitong ika-30 ng Oktubre 2017 sa Xavier University. Kuha ng Biophilic Society.
Sa temang: “Biology: The Key to Unity Amidst Diversity”, ang Biocup 2017 na pinamumunuan ng XU - Biophilic Society ay nagsagawa ng mga iba’t ibang mga kaganapan at paligsahan. Kasama ang kanilang coach na si John Mark T. Gabule, nakamit ng GRSHS-X senior high school na mga kalahok ang unang pwesto sa BioCup Amazing Race. Sila sina Kieth Nico M. Carreon, Reydel Joshua P. Motlog, Christian Gabriel M. Suaybaguio, Elaine Marey N. Paasa, at Alyanah N. Rago. Sa ibang mga kaganapan, sina Elaine Marey Paasa at Alyanah Rago ay naging 3rd placer sa Quiz Bowl; si Reydel Joshua Motlog naman ay pumapangatlo sa Extemporaneous Speech; at si Christian Gabriel Suaybaguio ay nakakuha rin ng 3rd place sa On-the-spot Poster Making Contest. Ang mga sumusunod ay ang mga paaralang lumahok: Balulang National High School, Cagayan de Oro National High School, Capitol University-Basic Education, Gusa Regional Science High School-X, Macasandig National High School, Nanuri International School, Oro Christian Grace School, at Xavier University-Senior High School. Ang Oro Christian Grace School ang naging pangkalahatang kampeon sa nasabing BioCup 2017 at ang Xavier University-Senior High School naman ang pumapangalawa. Ayon sa XU - Biophilic Society, ang BioCup ay isa sa kanilang mga proyekto upang mas maingganyo ang mga mag-aaral na may interes sa larangan ng Biology na kumuha ng kursong BS Biology sa kolehiyo.
Yanig ng buhay Pulso ng bayang HUWAG MAGTIWALA
I
Ni Kyle R. Baclayo
sang minuto. Isang minutong pag-ikot ng paligid. Tumunog ang wang wang at dali-dali nagsilabasan. Nagkagulo sa paligid, bawat isa’y di alam kung ano gagawin. Walang magawa kundi magdasal sa hangin. Ang lindol ay isang kalamidad na kung saan nagkaaroon ng biglang pagyanig sa lupa na minsa’y nagdudulot ng malaking pinsala sa mga imprastraktura. Ayon sa isang artikulo ng World Bank, ang Pilipinas ay isa sa mga bansang madaling dalawan ng mga kalamidad. Dahil sa lokasyon na malapit ito sa Pacific Ring of Fire, hindi katinga-tingala na ang bansa ay palaging nakakaranas ng pagputok ng bulkan, bagyo at lindol. Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng Japan International Cooperation Agency (JICA), sinasabing ang 7.2 magnitude na lindol na magaganap sa paggalaw ng West Valley Fault ay magdudulot ng matinding pinsala na wawasak sa halos 40% na mga gusali sa mga lunsod ng Metro Manila. Tinatayang mahigit 30,000 ang itinalagang pagkamatay. Ano nga ba ang nararapat nating gawin kung sakaling makaranas ng ganitong paglindol? Kung sakaling ikaw ay nasa loob ng isang gusali at lumilindol, dumapa ka; humanap ng matibay na mesang mapagtataguan; at kumapit hanggag matapos ang pagyanig. Makabuting lumayo sa mga bagay na nababasag. Lumabas lang gusali kung ligtas na. Sigurading huwag gumamit ng elevator. Kung sakaling ikaw ay nasa loob ng gumagalaw na sasakyan at lumilindol, ihinto ang sasakyan at manatili lang sa loob nito. Iwasan huminto malapit sa mga gusali, punong kahoy, at mga poste. Ilan lang ang mga ito sa mga pamamaraan upang makaiwas sa tiyak na kapahamakan. Ika nga nila, prevention is better than cure. Hindi natin alam kung kailan magaganap ang isang sakuna gaya ng paglindol. Pagiging handa, alisto at kalmado ang mainam na sandata sa sarili. Ang sapat na kaalaman sa pagtugon sa mga sakunang tulad nito ang siyang magiging daan upang tayo ay maging ligtas. Dahil sa panahon ng trahedya, bida ang palaging handa.
Kuha ni Niña Angelica Gumanid
may pakialam Ni Kyle R. Baclayo
B
ilang paggunita sa National Science Club Month (NSCM), isinagawa ng Philippine Society of Youth Science Clubs (PSYSC) at Youth for Environment in Schools Organization (Yes-O) ng Gusa Regional Science High School-X ang Science Camp 2017 nitong Nobyembre 28-29 na may temang “EARTHBEAT: Excavating the Abyss, Pulsing the Current, Steering the Youth as Stewards of Sustainable Development.” Ang naturang pangyayari ay nakatuon sa DepEd Order (DO) No. 8, s. 2013 na naglalayong palawakin ang kaalaman sa mga pangunahing konsepto at kasalukuyang isyu sa Geoscience. Ayon kay Hobart King, ang Geoscience ay isang sangay ng pag-aaral na may kaugnayan sa ating mundo. Ito ang sangay ng agham na may kinalaman sa pisikal na konstitusyon ng lupa at ng kapaligiran nito. Hindi natin maikakala
na mismong tayo ang dahilan ng pagbabago ng klima sa mundo. Ayon kay Swiss Re, 42% sa mga kalamidad na nangyayari sa mundo ay dahil sa mga gawain ng mga tao. Patunay na hindi natin pinagtutuunan ng pansin ang ating kalikasan. Dahil dito, sinasabing mas tumataas pa ang temperatura ng mundo ng halos 20x bilis kaysa noong panahon pa ng yelo. Kung kaya’t isa sa naging hakbangin ng PSYSC ay ipalaganap sa mga kabataan itong naturang kamalayan na dapat tutukan. Nais nitong buksan ang isipan sa mga bagay na nakapagpapahamak sa ating mundong ginagalawan. Ito’y paalala na ating alagaan ang ating kalikasan. Huwag nating hintayin na pagsisisihan natin ito sa huli. Ngayong taon, maging tulay tayo sa pandaigdigang komunidad na kung saan hindi lang kabataan kundi pati lahat ay may pakialam.
HIYAW. Nakikisabay sa hiyawan si Allyn Alvarez, isang mag-aaral sa ika-10 baitang, sa Cheer Rally sa ginanap na Science Encampment nitong ika-29 ng Nobyembre, 2017.
DENGVAXIA FAQ's Sa isang pakipanayam ng aming team, binigyang linaw ni Dr. Darrell Jay Dajay ng Philippine Red Cross—Cagayan de Oro/Misamis Oriental Chapter ang kasagutan ng DOH sa mga madalas na katanungan ng madla tungkol sa bakunang Dengvaxia. 1.Sino ang maaaring magkaroon ng severe dengue sa mga nabakunahan ng Dengvaxia? Sa report na inilabas ng SANOFI, isang French multinational pharmaceutical company, ang mga nabakunahang dinapuan na ng dengue noon ay may halos anim na taong proteksyon rito samantalang ang natamaan ng dengue sa unang pagkakataon ay may proteksyon na aabot lamang ng 30 buwan hanggang dalawa at kalahating taon. 2.Ano ang dapat gawin para sa mga taong nabigyan ng bakuna? I-monitor o obserbahan ang mga nabakunahan ng 1, 2 0 3 doses ng Dengvaxia sa mga sintomas ng lagnat, sakit ng ulo, rashes, pananakit ng katawan, at iba pa. Komunsulta agad sa pinakamalapit na health center o Gawa ni Kyle Baclayo hospital kapag may sintomas ng R. dengue.
LATHALAIN
ANG SINAGTALA HUNYO-DISYEMBRE 2017 HUNYO-SETYEMBRE 2017
L1
Pilipinong tunay Ni Danica Ela Armendarez
M
alayo-layo na rin ang ating narrating, mataas-taas na rin ang ating naabot at naging malawak na rin ang nasakop ng ating bayan.
Pili na pino pa, tayo’y mga Pilipino ngang talaga. Sa pag-unlad n gating bansa ay siya ring pagkawala ng tunay nating pagkatao. Tuluyan na tayong humihiwalay sa ating pagka- Pilipino. Sapat na ba ang kaunlaran upang limutin na natin ang ating pinanggalinganl? Ang dating maganda at maayos na tanawin ay napalitan na ngayon ng mga naglalakihang vgusali at mga sasakyang hindi lang pang lupa at pamhimpapawid ngunit kaya na ring sumisid kahit sa kinailalimang parte man ito ng ating karagatan. Ang dating maayos at simpleng pamumuhay na ninais ng sting mga kababayan ay napalitan na ng hangarin sa mas marangyang uri ng pamumuhay, sa pagkakarron ng malalaking bahay at libo-libong salapi sa kaliwa’t kanang mga kamay. Itutulad nga ba natin ang atingm mga sarili sa ibang lahi? Gagaya na lamang ba tayo sa dugong bughaw na kailanman ay hindi natin
naging kauri. Balot at mataas ang bistidang suot ng mga kababaihan noon. Ngunit, ngayon ay halos wala ng saplot dahil sa iksi ng mga kamisetang sinusuot. Habangbuhay na lang ba tayong magiging sunod-sunuran, sa kung ano ang sikat at napapanahon sa ating henerasyon? Hindi na lang ba natin bibigyan ng halaga an gating nakasanayang lahi. Hahayaan at hahayaan na lang ba rin natin ang ating mga kababayang bumitaw sa kanilang pinanggalingan? Huwag sana tayong pumili ng lahing hindi atin. Huwag sana namang magpadaig sa pinong pagdededesisyon. Pumermanente tayo sa ating pagka-Pilipino. Taas – noo nating ipagmalaki ang pangong ilong, kayumangging balat at dugong Pinoy na dumadaloy sa ating sarili. Naging malaki man ang pagbabago sa ating bayan, ang pagkakakilanlan pa rin ay hindi kailanman napapalitan.
LENTE. Ang isang mamahayagang pangkampus ay nagpakita ng pagiging Pilipino. Kuha ni Melvin P. Villacote
Maging sino ka man
S
Ni Danica Ela P. Armendarez
a mundong pabago-bago hindi lang ang panahon ngunit maging ang mga taong nakapaloob dito ay pilit ring nag-iiba sa mabuti at maling paraan. May mga taong buong pusong pumangako na tatanggapin nila ang kanilang buong pagkatao at kailanman ay hindi sila magbabago para sa kapakanan ng iba. Ngunit sa panahon ngayon, ang pangakong ito ay tila napapako na ng dahan-dahan. “Anak kita” , “ang ganda mo naman” ito ay iilan lamang sa mga nakakalugod na paalala ng kanilang mga magulang sa kanila. Naalala pa kaya nila? Na kung minsan pa nga ay pinagaawayan ng kanilang mga magulang kung saan talaga nagmana ang bawat sulok ng kanilang mukha.
Tayo ay binuo ng maykapal na balanse at pareho lamang sa ibang tao. Magkaiba man tayo ng mukha at estado sa buhay sa mga mata NIYA ay tayo ay pare-pareho lamang. Ngunit sa panahon ngayon ang paglinap bang ito ay nararanasan pa ba talaga nating lahat? Dahil pag-usbong ng teknolohiya ay mas dumarami na rin ang mga iba’t ibang produkto pampaganda at mga pamamaraan upang mabago ang mga hindi kanais-nais sa sariling katawan. Marami man itong magandang epekto para sa ating panlabas na anyo pero marami rin itong hindi kanais-nais na epekto sa ibang aspeto. Sa panahon ngayon, aanhin mo pa nga naman ang magandang mukha, ubod ng kinis na balat at tamang postura kung sa bawat pagtalikod moy batikos at masasakit na husga ang binabato ng
Kuha ni Kyle R. Baclayo
ibang tao sa iyo. Ang hangad nilang maliit na pagbabago sa iyong sarili ay may malaking epekto hindi lang sa kanilang sariili ngunit maging sa mga taong nakapalibot sa kanila. Walang katiyakan sa sarili ang madalas na rason kung bakit marami ang gustong dagdagan ang pagkukulang sa sarili at ayusin ang tila ba kamalian sa kanilang mga mata. Iwasan natin ang pag-iisip ng negatibo ukol sa ating pagkatao. Sapagkat kung sino man tayo ngayon, ay dahil ito sa ating mga magulang at dahil sa MAYKAPAL na nagbigay sa atin ng pinakamagandang regalo sa buong mundo, ang ating pagkatao. Tayo ay sapat na para sa KANIYANG mga mata. May iba man na ayaw sa atin, lagi nating pakatatandaan na
Karunungan ng kinabukasan Ni Krizzia Aimee B. Romulo magulang— mga taong dala ay pag-asa at Pangalawang karunungan sa bawat mag-aaral. Kagaya nalang ni G. Mark John Gabule, isang Senior High School
PANAYAM. Ibinabahagi ni G. Mark John T. Gabule, isang Biology teacher ng GRSHS-X, ang kanyang karanasan bilang isang guro.
Moral edad
teacher ng GRSHS-X, na ngarap maging Scientist at kumuha ng BS Biology dahil sa impluwensiya ng kanyang guro sa high school. Lagi niyang naiisip ang kanyang sarili bilang isang Scientist. Siya'y naging isang field researcher sa University of the Philippines National Institute of the Field Researchers, pero dahil gusto niyang makakuha ng permanenteng trabaho, nakapagdesisyon siyang maging guro. Una siyang nakapagturo sa International School sa Kauswagan, Cagayan de Oro na nakapagmulat sa kanyang puso't damdamin bilang guro dahil sa iba't ibang klase ng estudyante. Doon niya napagtanto na ang pagiging guro ay hindi lang nagbibigay ng karunungan, sila rin ay nag-aaruga at nagsisilbing pangalawang magulang lalong lalo na sa mga mag-aaral na nangangailangan ng espesyal na tulong. Siya ay pinarangalang Most Improved Teacher sa nasabing paaralan a pagiging mabuting guro at mga naiambag niyang tulong sa mga special children. Nasabi niya sa kanyang sarili na "teaching is really for me". Ang pagtuturo ay tungkol sa pag-aalaga at paghahasa sa mga mag-aaral upang maibigay ang tamang gabay na kaniang kinakailangan.
sakay ay isang pasahero ang umagaw ng pansin ng lahat. Ang lalaking nagbayad Tirik na tirik ang sinag ng araw at kanina ng bente pesos ay tinulungan ang kay init ng panahon habang pagod kong isang matandang nahihirapan sa pag-upo. pinapaypayan ang aking sarili sa loob ng “Diri nalang ka nay” ika niya sa dyip na aking sinasakyan. matandang tinulungan. Nakita ko ang Hindi ko maiwasang mapansin ang pagkurba ng labi ng matanda, hindi ko tsuper na abala sa pagmamaneho at maiwasang mapangiti sa kabutihang pagsusukli. “Palihog ko” suyo ng katabi ipinakita ng isang pasaherong minsan ko kong binata habang inaabot ang bente lang makasabay. pesos. Ako’y napatingala sa nagsisilakihang Dito ko napagtanto sa aking sarili na mga bagong gusali na aming nadadaanan. ang kabutihang ipinapakita ng isang tao Habang papalapit ng umabot ang ay minsang nakasaad sa kagandahan ng sinasakyang dyip sa sentro ng syudad kilos na ipinapakita niya sa ibang tao. Doon ay siya ring pagpasok at pagdami pa ng ko nasaksihan na ang moralidad ng isang pasahero. Ang dyip na kanina lamang na tao ay likas pa rin. Lalong lalo na sa mga maluwang ay naging masikip kaagad ng nakakatanda na dapat bigyang pansin ng biglaan. Ngunit sa dinami-rami ng mga nakararami. Ni Danica Ela Armendarez
Kuha ni Melvin Villacote
mas marami ang tumatanggap at nagmamahal sa atin ng lubos. Huwag tayong magparaya na baguhin kung sino man tayo dahil ikaw ay ikaw at ang tunay na kagandahan ay hindi naman talaga nakikita ng mga mata ngunit nararamdaman ito ng mga taong may magandang intensyon sa buhay.
Pag-asa ng bayan Ni Krizzia Aimee B. Romulo
B
agong dekada, bagong pag-asa. Hudyat ng palitada ng paglalakbay ng isang kabataang hatid ay pagbabagong ninanasa. Pagbabagong matagal nang inaasam at pinapangarap ng bawat mamamayan sa kanlungan ng kanyang bayang kinalakihan. Bagong umpisa. Tungo sa siglong tugon sa di matapostapos na problema. Magsisilbing sagot at solusyon sa estado ng mamamayang kapos sa kaunlaran ng bayan. Aasa. Kakapit. Maninindigan. Wala ni katiting na pagdududa at sasaludo sa kakayahan ng makabagong henerasyon gamit ang makabagong teknolohiya bilang hakbang tungo sa masigabong buhay. Sabay-sabay nating buuin ang isang pag-asa. Sabay-sabay nating tunghayan ang katotohanang hindi lamang isa kundi libo-libong mamamayan ang patuloy na umaasang makakamit din natin ang rurok ng tagumpay. Bilang isang makabagong kabataan, gagawin ang lahat upang magampanan ang tungkuling maiahon ang bayan sa nakalulugmok na kahirapan. “Pagasa ng bayan” kung ituring. Bilang tagapangasiwa ng pagbabago, magsisilbing ilaw ng landas na tatahakin natin bilang isang bansa. Unti-unting kukumpunihin at bubuuin ang tagumpay na dapat makamtan ng mga mamamayan. Ngayong ika-21 na siglo, hindi lamang panibagong dekadang may dalang panibagong hamon kundi pagmalas sa kakayahan ng ating kabataan sa paghubog ng daan tungo sa matiwasay na pamumuhay. Ito ang hudyat ng sambayanang may patutunguhan sa kinabukasan.
L2
LATHALAIN
ANG SINAGTALA HUNYO-DISYEMBRE 2017
O D L A AGIINMIKOY N KULANG G IN G A L A G LABIS, P
WALAN
endarez Ela P. AresmFeaver a ic n a D i m n kuha ni Ja Larawan
Tuwing pasko ay inaabangan ng bawat isa ang aginaldong matatanggap mula sa kanilang mga tiyuhin at tiyahin. Ngunit para sa mga kabataan tulad nila Mikoy na minsan kong nakatagpo sa lunsod ng Cagayan de Oro ay iba ang saya na kanilang nadarama sa tuwing naibabalik sa kanila ang sobreng may laman ng kakarampot na barya. Nahihinuha mo rin ba? Ang seguridad ng mga bata at matatandang nanlilimos sa kalsada? Ngunit imbis na kapakanan nila ang ating isipin ay palagi na lamang natin silang hinuhusgahan at naitatanong sa ating mga isipan ang mga tanong na; ‘malusog naman sila ba’t hindi sila magtrabaho?’; ‘bata pa kayo, mag-aral na lang kaya muna kayo?’. Sa likod ng mga mapagtanong nating posibilidad ay may mga taong nakaabang sa pag-asang isinaad sa kanila ng pamahalaan. Kung sino pa ang mayayaman at namumuhay ng marangya ay yun pa ang mas pinapaburan ng ating pamahalaan. Samantalang kung ika’y mahirap ay
ipinagsasawalang bahala ka na lamang. Pangako nila ay palaging nagsisimula sa mararangya at mahahalimuyak na salita na nagbibigay sigla at pag-asa para sa mga kababayan nating umaasa. Malapit na, paulit at paulit ulit na tugon nila. Ang mga pangako bang nagsimula sa isang salita ay magtatapos rin lamang sa isang salita? Ang mga pagasang ibinigay nila sa mga taong umaasa ay napapako na rin lang ng tuluyan at hindi man lang naman nila iyo napapansin. Habang ikaw ay nagwawaldas ng pera kakabili ng mga gamit na GINUGUSTO mo lamang kahit hindi naman KINAKAILANGAN ay libu-libo sa’ting kababayan ang kumakayod sa kakarampot na barya upang may maipakain lang sa pamilya. Palaki ng palaki ang populasyon ng kababayan ng nating mga mahihirap. Isipin mo na rin ang pamilya ng isang dosena na tanging nakakain lang ay ang almusal sa isang araw upang ikasya ang kakarampot na bigas para sa susunod pang linggo. Kapalit ng bawat reklamo mo at pagtamasa
Tahanan ng kapayapaan
sa sarap ng buhay ay marami sa ating mga kababayan ang masigasig na nagbabalat ng buto at maiging naglalaan ng malaking oras sa pagtatrabaho para may mailaan sa kanikanilang mga tahanan. Tayo’y isa rin sa mga dahilan kung bakit marami sa atin ang naghihirap at tila ba ang ekonomiya natin ay hindi man lang umaangat. Buksan natin ang ating mga mata at panatilihing mulat sa katotohanan at mga katiwalian sa ating bayan. Ito’y kaya pa nating sagipin mula sa pagkakalunod ng tuluyan. Sa likod ng mga inosenteng mga mata ay binitawan ni Mikoy ang mga salitang nagpayanig sa aking kaloob looban ‘nanlilimos po kami dahil wala na po kaming makain sa amin. Palagi nalang po kaming naghihintay ng tulong ngunit wala pa ring naipapakain ang mga magulang namin sa amin.’ Hindi ko tuloy maiwasang mapatanong sa kanya ng iilan pang mga katanungan ‘Bakit ba kayo nanlilimos? Sapat ba ng nakukuha niyo?’ Kahit halos maluha luha na ang kaniyang mga mata ay sinagot niya pa rin ako gamit
Kuha ni Princess Leah Joy D. Sagaad
ni Krizzia Aimee B. Romulo Maraming mag-aaral ang naapektuhan sa mga sunudsunod na problemang dulot ng lipunan- pambobomba, armadong sagupaan, at firefights kaya naman nagproklama ang Department of Education (DepEd) ng DO 44, s. 2015 o ang Declaration of Schools as Zones of Peace. Isa sa mga ginawang hakbang ng punongguro ng Gusa Regional Science High School-X (GRSHS-X) na si Evelyn Q. Sumanda ay ang pagpapatupad ng DepEd mandate na pagsabit ng tarpaulin sa paaralan na nagsasabing This School is a Zone of Peace. Tinatanggap ng nasabing paaralan ang mga kapatid nating Muslim bilang tulong sa kanila lalong lalo na sa Senior High School. Sinisigurado ni Gng. Sumanda na ang GRSHS-X ay pangalawang tahanan ng mga mag-aaral kung saan makikita ang pag-aalaga at pag-aaruga ng mga pangalawang magulang. Pagtutulungan ng mga stakeholders sa pagbibigay ng buong suporta ang susi ng pagiging tunay na School as Zone of Peace ayon kay Gng. Sumanda. Kuha ni Kyle R. Baclayo
Walangis Dung ni Danica Ela P. Armendarez
INTERBYU. Nagpapahayag si Gng. Evelyn Q. Sumanda, punongguro ng GRSHS-X, sa kanilang mga plano para sa paaralan.
PILIPINO NGANG TALAGA
Bakit kailangang lumisan? ni Danica Ela P. Armendarez
SIPAG AT TIYAGA. 'Di alintana ng Pilipinong manggagawa ang hirap at pagod na kanyang nadarama maigapang lang ang kanyang pamilya.
ang malumanay na boses ‘Wala po kasi kaming ibang alam kaya nanlilimos nalang po kami. Minsan Malaki po ang kota na aabot po sa isang daan at minsan po ay hindi ito umaabot sa limampu. Kaya idinadaan nalang po namin sa sobre kasi marami po ang hindi nakakaintindi sa amin at wala naman ding makikinig sa amin kahit na makiusap kami.’ Ilang Mikoy pa ba ang dapat manlimos at ilang sobre pa ba ang dapat nilang ibigay upang mamulat tayong lahat na sila ay biktima rin ng mga napakong pangako ng ating pamahalaan. Hindi man singlaki ng isang libo o isang daan ang kanilang natatanggap ngunit sa bawat baryang naaipon ay kapakanan nan g kalamnan ang nakaatang. Kakarampot man ito para sa iba ngunit sinlaki na ito ng kasiyahang iyong napupuna sa bawat pamaskong iyong natatanggap. Tayong lahat ay pantay pantay. Kailangan lamang natin ng isang BALANSENG pamahalaan. At hawak kamay na maituwid ang sistemang walang labis, palaging kulang.
Kababayan, Maraming dahilan bakit kailangan mangibang bansa ang isang Pilipino. Sa libu-libong Pinoy na nasa ibang bansa ay malamang libu-libo rin ang mga rason na ating malalakap. Ayon sa mga iilang babasahin ay hindi mabilang ang mga rason kung bakit sila lumilisan ngunit nandito ang limang pangunahing rason: 1. Pinansyal – hindi makakaligtaan na marami na ng parami ang mga Pilipinong naghihirap na ng parami ang mga Pilipinong naghihirap at nangangailangan ng tulong pinansyal at dahil mas Malaki ang halaga ng sahod sa ibang bansa kung ikukumpara para sa Pilipinas. Nagiging rason ito kung bakit marami sa ating mga kababayan ang nag-eensayong magtrabaho sa labas ng bansa. 2. Obligasyon – dahil sa malaking sahod na maaring matanggap ng isiang OFW ay marami ring kapamilya nila ang nakaabang upang magbakasakali na matustusan lalo na sa aspetong edukasyon at iba pang tulong pinansyal. 3. Paninirahan – minsan dahil sa
matagal na pananarbaho nila sa ibang bansa ay unti unti na rin silang nasasanay sa uri ng pamumuhay doon kaya naman ay nahihikayat rin silang manirahan doon ng at bumukod ng pangpanatilihang panahon. 4. Ipon – kung hindi naman tungkol sa paninirahan ay dinodoble nila ang kayod sa pamamagitan ng pagpasok sa iba’t ibang uri ng trabaho upang mas makaipon ng malaking sahod at makapagpadala pa ng mas malaking pera sa umaasang pamilya. 5. Makaahon – ito man ang huli ngunit ito naman ang pinakamahalagang rason. Ang punot dulo ng kahat ng pagsisikap ay ang nakaabang na pangarap na makaahon sa buhay. Pawi ang lahat ng puyat at pagod sa katas ng ginhawang mapapala ng mga kababayan nating nangingibang bansa. Nahirapan man sila sa pagbabalat ng buto ngunit ang ginhawang mapapala nila ay panghabambuhay nilang maipagmamalaki sa ibang tao. Lima man ang rason ng kanilang paglisan ngunit milyun-milyong dahilan rin naman ang kanilang maaani upang bumalik sa tahanang nakagisnan.
‘Iaalay ko ang aking buhay, pangarap, pagsisikap sa bansang Pilipinas’ Katagang halos ay araw araw nating isinasambat sa tuwing kaharap ang sagisag ng ating bansa. Marami ng buhay ang nailaan para sa kabutihan ng Perlas ng Silangan at isa na rito ang mga tagapagbukas ng ating isipan at ang mga tagapaglahad ng mga balitang ating nakakalap. Kung sa panahon ngayon ay pilit nang binabayaran kahit ang mga balitang hindi naman makatotohanan. Sabi-sabi ay ano pa nga raw ang pagkakaiba ng tama sa mali kung ang mga tao ay nagmistula ng mga bingi’t bulag. Tunay na balita ay tungkol sa mga mapapait at masasakit na mga paratang. Hindi ito tungkol sa puro positibong pahayag na lamang. Bawat mamamayan sa ating bayan ay may karapatan. At isa na rito ay ang malaman ang tunay na ganap sa labas ng kani-kanilang mga tahanan. Bawat mamamahayag ay may kailangan ding gawin. Ito ay ang maisulat at maipahayag ang tunay na balita at ang pagsilbing boses para sa bawat mamamayan na pinagkaitan ng karapatan sa katotohanan. Kung lalabas ka sa pintuan ng iyong pag-iisip, dito mo maririnig ang samu’t saring hinanaing ng mga mamamayang pilit na nakatikom ang bibig dahil sa takot na pag ibinuwelta nila ang nararapat ay siya ring magtutuldok sa kanilang mga buhay. Ang pagtuklas sa katotohanan ay hindi dapat tinatago sa iyong sarili na lamang. Huwag sana tayong matakot sumuong kahit sa pinakamaliit na butas ng karayom. Hindi sana tayo nagpapadaig sa mga banta ng iba. Huwag sana tayong matakot na puksain ang maling pahayag ng nakararami. At huwag sana tayong magpasawalang bahala na dungisan ang pangalan ng isang taong inosente; mali man ang panigin sa iyo ng iba dahil sa pagtuklas mo ng katotohanan. Palagi pa rin sanang tandaan na sa mata ng Maykapal ay hindi pa rin nadudungisan ang pangalan ng taong nasa panig ng katotohanan.
LATHALAIN
L3
Mabuhay ang gandang Pinay!
D
Krizzia Aimee B. Romulo Tagapamahalang Patnugot
i man nasungkit ni Rachel Peters, Miss Universe- Philippines 2017, ang korona nasungkit naman niya ang suporta ng mga kababayan sa ginanap na Miss Universe noong Nobyembre 27, 2017. Pinatunayan ng mga Pinoy ang pagiging palaban at pagkakaisa sa Miss Universe 2017 sa pamamagitan ng pagboto kay Rachel Peters lalong lalo na si Leufer Joy V. Mangilala, isang mag-aaral sa GRSHS-X at masugid na tagahanga ni Peters. Araw-araw walang sawang suporta ang ipinapakita ni Leufer para sa kanyang idolo. Tweet, retweet, at vote ang palaging gawi ni Leufer masiguro lang ang pwesto sa nasabing kompetisyon. Hindi naman nabigo si Leufer at ang iba pang mga tagahanga dahil nakapasok si Rachel sa top 16 dahil sa nalikom na online votes galing sa kanyang mga tagasuporta. Siya rin ay nag top 2 sa home voting sa swimsuit competition at top 1 sa home voting sa evening gown. "Talo man si rachel, waging-wagi naman siya sa puso ng bawat Pilipino. Ginawa niya ang lahat at para sa akin sapat na iyon," wika ni Leufer Mangilala.
Gawa ni Melvin Villacote
Kuha ni Melvin P. Villacote
Pistang inaasam-asam ni Danica Ela P. Armendarez
B
ago pa lang sumikat ang araw ay lahat na ng mga ilaw ng tahanan ay nagsimula na sa paghihikay ng iba’t ibang rekados para sa lulutuing samu’t saring putahe. Maging ang mga kabataan rin ay maaga na ring gumising upang makapagsimba at makisaksi sa inaabangang parada. Sa ilalim ng mga makukulay na banderitas ay masasaksihan mo ang mga bata’t matatandang sabik na sabik sa paghihintay para sa pagsisimula ng parada. Ang malalakas na tambol ng mga musikal na instrument at ang matalis na tinig ng pito ang nagsisilbing hudyat na nagsimula na ang parada. Mula sa iba’t ibang hugis at masigarbong uri ng kasuotan ay kanilang ipinasikat. Halu-halong kulay ay iyong masasaksihan at malalakas na sigaw ng suporta mula sa mga tao ay iyong maririnig. Ngunit, sa likod ng malalakas na
#KARAPATAN
K
ni Krizzia Aimee B. Romulo
inabukasan. Panibagong araw ng buhay na dala ay panibagong hamon. Hamong harapin ang bawat panghuhusgang dala ng mga taong bulag sa katotohanang sila ay may karapatan din. Kinabukasan. Bagong umpisa. Tungo sa komunidad na tugon sa malalang problema… sagot at solusyon sa estado ng maralitang mamamayang kapos sa pagtanggap ng lipunan. Ngunit bago pa kusang malunod sa galit at puot, muli nating hahawiin ang tabing ng kasalukuyang magmumulat sa ating mga mata upang masumpungan ang hibik nitong realidad na kanilang kinalalagyan. Sabay-sabay nating sariwain at buuin ang isang KARAPATAN. Sabay-sabay nating tunghayan ang
sigawan. Ang bandang naka kulay asul ng Gusa Regional Science High School-X ang nanaig sa kanilang lahat. Kasabay ng malakas at kahali-halinang tugtog ang malakas na kembot ng mga sumasayaw. Sa bawat usog ng martsa ang pagsunod ng hataw at ngiting binibitawan nila. Binabalewala ang sikat ng araw at malalaking tagaktak ng pawis sa noo, pagka’t batid nila’y mapasaya ang mga tao. Naging mahaba man ang kanilang nilakaran sa parade ito’y napawi naman nang masungkit nila ang Best Marching Band para sa pista ngayong taon. Sabi nila hindi raw umano kumpleto ang pista kung walang handaan, inuman, kantahan at ang pagbisita sa peryahan. Ngunit ang totoong mensahe ng pista ay tungkol sa pasasalamat para sa ating patron na si St. Agustine para sa pagbibigay biyaya sa ating lahat. Ang pista ay tungkol rin sa kasiyahan ng bawat mamamayan pagka’t ikaw, ako, siya, tayong lahat;
TAO RIN SILA
katotohanang hindi lamang isa kundi libu-libong mamamayan ang umaasang sila’y tatanggapin at mamahalin. Ang sekswalidad ay isang pagkakakilanlan. Pagkakakilanlang dapat tanggapin. Ang Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender Queer (LGBTQ) ay hindi babae o lalaki. Katulad natin, sila ay mga taong nararapat tanggapin at tratuhin ng tama at pantay. Sila ay may karapatang makapagpahayag ng sariling bugso ng damdamin nang walang kapalit na panghuhusga. Sapagkat sila ay tao rin… may puso’t damdamin. Bilang isang mamamayan, tayo na’t imulat hindi lang ang ating mga mata kundi pati ang ating damdamin sa mga taong uhaw sa pagkalinga ng lipunan at sila’y patuluyin sa ating mumunting puso upang makamit ang minimithing kapayapaan. Ito ang hudyat ng sambayanang may kamalayan at may pakialam sa kalagayang panlipunan.
Mga bagong magulang sa tahanan ni Krizzia Aimee B. Romulo
Si G. Arian Edullantes isang guro ng Empowerment Technologies sa Senior High School ng Gusa Regional Science High School- X, ay nakapagtapos ng BS Computer Science major in Information Technology noong 2006 sa Xavier University - Ateneo de Cagayan. Nagtapos siya ng kanyang masteral sa mga kursong Master in Management major in Information Technology Management at Master in Management major in Environmental Planning and Management sa Liceo de Cagayan University sa taong 2016.
..............................
..............................
Si Bb. Maria Carmen Ebron, isang guro sa Filipino ng Gusa Regional Science High School-x, ay nakapagtapos ng kanyang kolehiyo sa kursong Bachelor in Secondary Education major in Filipino sa Xavier University - Ateneo de Cagayan noong 2005. Siya ay kasalukuyang nag-aaral para sa kanyang masteral sa kursong Master of Education sa Southern Philippine College (SPC). Bago paman magturo sa GRSHS-X, siya ay nakapagturo na sa Religious of the Virgin Mary schools (RVM) sa loob ng 11 taon at sa Dansolihon National High School ng dalawang taon.
Si G. Herbert Origines, isang guro ng Understanding Culture, Society, and Politics sa Senior High School ng Gusa Regional Science High School- X, ay nakapagtapos ng kanyang kolehiyo sa La Salle University noong 1981 sa kursong Bachelor of Arts major in Economics. Siya ay nakapagturo sa University of Science and Technology of the Southern Philippines ng siyam na taon. Si G. Jerry Roble, Ph.D., isang guro ng 21st Century Literature from the Philippines and the World sa GRSHS, ay nakapagtapos ng kursong Bachelor of Arts major in English (Linguistics) noong 1986 sa Mindanao State University- Iligan Institute of Technology. Siya ay nakapagtapos ng kanyang masteral sa mga kursong Master of Arts in Education major in Reading sa Mindanao State University- Marawi (1993), Master of Arts in Teaching English as Secondary Language sa Bukidnon State University (1989), at Master of Arts in English Language Teaching sa MSU-IIT (2010). Siya rin ay doktorado sa kursong Doctor of Education in English Language Teaching sa Cebu Normal University (CNU) noong 1998 at Doctor of Arts in Literature and Communication (Completed Academic Requirements) sa CNU noong 2014.
ay ang rason kung bakit ang bawat pista ay inaasam. Hindi na mahalaga kung may handa o wala. Hindi na mahalaga kung magara ba iyong tahanan sa araw ng kapistahan. Ang pinakamahalagang bagay na maari mong magawa sa araw ng kapistahan ay ang pagbibigay pugay sa ating patron.
Pagtatapos at pagsisimula ni Cleo Therese Tagud
B
ahay – Paaralan – Bahay. Iyan ang pang araw-araw na proseso ng buhay ko sa limang araw, siyam na oras sa bawat linggo. Nakakabagot man pero totoo. Sa umaga'y halos mag “tumbling” na sa daan upang hindi mahuli sa pagsisimula ng klase. Hindi na alam kung alin ang uunahin sa rami ng gawaing kailangang tapusin. Puyat sa gabi ngunit pinipilit paring pumasok sapagkat ang isang araw na pagliban sa klase ay katumbas ng tambak na gawaing ika'y mag sisisi. Isang bundok ng proyekto at takdang aralin, daan-daang pasulit, at kailangang gawin ang aming kalaban sa bawat taong panuruan. Hindi maiiwasang ika’y mapagod, mawalan ng pag-asa, sumuko, at mapasigaw sa iyak ng tama na, di ko na ata kaya pero kakayanin pa. Kakayanin pa kasi may pangarap pang gustong matamasa. Kakayanin pa para sa kinabukasang nais makuha at sa pamilyang sa'yo umaasa. Mapuyat man sa gabi, magkandaugaga man sa pagpasa ng mga kailangang isumithi, bumagsak man ng pa ulitulit ngunit pipiliting pa ring tumayo at babangon muli para sa kinabukasang pinapangarap mula ng ika'y mamulat sa masalimuot na katotohanan ng mundong ito. Pamilya at kaibigan ko'y mag sisilbing inspirasyon at lakas sa pagsabak ko sa isang laban. Isang laban na isip, salita, at tinta ang tanging sandata upang matapos ang walang katapusang paghihirap na dinaranas mo ngayon at sa kasalukuyan. Isang laban na kailangang hindi ka maging talunan. Sa paglipas ng panahon, sa pagdaan ng mga taon, ako'y makikita niyong nakatayo sa entablado sa harap ng maraming tao nakasuot ng toga at hawak ang diploma. Sa pagtatapos na iyon ay ang pagsimula ng bagong laban, ng bagong pagsubok na kailangang harapin, ng bagong simula na kinalaunay kailangang tapusin. Sa puntong iyon ng aking pagtatapos, ay siya ring aking simula.
LATHALAIN
L4
ANG SINAGTALA HUNYO-DISYEMBRE 2017
Ni Krizzia Aimee B. Romulo
#K-12 #Grade12 #SeniorHigh #SoarHigh
Lalaban para sa kinabukasan Ni Krizzia Aimee B. Romulo
I
to ang mga katagang paulitulit nating naririnig kung ang bagong sistema ng edukasyon ang pag-uusapan— ang K-12. Bagong sistema, bagong pag-asa. Pag-asang balang araw kaunlara’y makakamtan din. Pag-asang nakasalalay sa kamay ng bagong henerasyon. Parte na rito ang mga grade 12 na mag-aaral. Grade 12. Madaling bigkasin, mahirap isipin, mas mahirap gawin. Dahil pioneer ika nga nila,
napapasakamay ang bigat ng mga tungkuling dapat gampanan at mga puwang na dapat punan. Isama mo na rito ang mga proyektong sabaysabay na nagsisilabasan, hindi lang sa isa kundi sa siyam na mga asignatura. Nakakapagod, hindi ba? Madugo. Yun bang ginawa mo naman lahat ng iyong makakaya, pero hindi eh... bagsak pa rin talaga. Yun bang pakiramdam na halos hindi kana natutulog maisagawa lang
ang mga dapat na gawin. Minsa'y mapapaiyak ka nalang sa pagod. Minsa'y mapapasigaw ka nalang ng "ayoko na!". Minsa'y mapapatanong ka nalang sa sarili mo ng "kaya ko pa ba?". Hanggang dito nalang ba? Mapapawalang-saysay nalang ba ang lahat ng pagsasakripisyo na iyong dinanas? Nananatiling palaban ang mga grade 12 sa kabila ng lahat. Kinakaya kahit ang hirap na. Tinitiis kahit
Daan sa butas Tamis ng tagumpay ng karayom
nasasaktan na. Nandito pa rin, bumabangon araw-araw para may matutunan, para may maipuhunan. Lahat gagawin para makapagtapos ng pag-aaral. Para sa pamilya... para sa kinabukasan. Isang senior high na masasabing may potensyal. Sa lahat ng mga pagsubok at hamong dala ng buhay, ngayon ka pa ba susuko? Magsisikap upang makaakyat sa entablado... upang mapasakamay ang diploma. Lalaban para sa kinabukasan.
Larawan ni Ella Camille Dinogyao
Ni Danica Ela P. Armendarez
Ni Danica Ela P. Armendarez
Ayoko na.., Tama na .., Pagod na ako … Ito ay iilan lamang sa mga hinanakit nating mga salita na pilit nating binibitawan sa tuwing nararamdaman nating parang nakakapagod ng gawin ang mga bagay bagay sa ating paligid. Dapat nating isa-isip bilang parte ng makabagong henerasyon na ang pagod na ating nararamdaman ngayon ay parte lamang ng mga pagsubok na ating napagdaraanan sa bawat araw na ating hinaharap. Isipin nalang natin ang ating mga magulang na maagang gumigising para paglutuan tayo ng agahan at ang masigasig nilang pagbabalat ng buto upang may maipakain at may maipaaral sa atin. “Papunta ka pa lang, pabalik na ako” Palaging tugon ng mga magulang ko sa akin. Ika nga nila ang mga pagsubok sa buhay ng tao ay hindi kailanman naging magaan. Ang mga pagsubok sa buhay ay palaging malalaki, mahihirap at mabibigat. Ngunit ang mga balakid na ito ay madali lang naman nating madadaanan at masosolusyonan kung tayo’y mananatili lamang positibo sa buhay at hindi magpapadala sa bigat na ating nararamdaman. Bago nga naman natin mararanasan ang lasap ng buhay ay tiyak na dadaan muna tayo sa mahaba habang daanan ng magaspang na landas. Ngunit tiyak naman na sa pagbalik natin sa daanang ito ay hindi na tayo mahihirapan sa pagtawid tungo sa magandang kinabukasan. Isa-isip na lamang natin na ang landas ng isang tao ay hindi palaging maganda at masaya pero ang patutunguhan naman nito ay isang magandang bukas para sa ating mga sarili.
Hindi ko inakala … Na ang mga salitang sinusulat ko at mga katagang nililista ko sa munting papel ang magdadala sa akin sa iba’t ibang parte ng Pilipinas at magiging rason ng halo halo kong nararamdaman sa tuwing tatamak sa entablado kung saan ako minsang nakalasap ng tamis ng inaasam na tagumpay. Hudyat ko na kapag umiyak ang langit sa araw na iyon ay may magandang mangyayari. Ngunit ang inaasam na patak ng tubig ay hindi kailanman namalayan at tila ba tinusok ng malalaking karayom ang aking puso. Biglang nanlamig ang aking mga kamay ang nanginig ang aking mga tuhod habang pinagmamasdan ang mga tao sa aking paligid. Mga taong sabik sa pagtanggap ng medalya’t parangal at mga taong kabado rin sa posibleng resulta. Tila ba napalibutan ako ng mga taong nagsisiiyakan sa kaba at ako’y napayuko at pikit matang nagdasal. Halos wala akong imik at mataimtim kong hiniling sa panginoon ang aking ninanais para sa araw na iyon. “And the winner for …” Heto na … sabay kalabog ng aking puso. Halos mahimatay ako sa sobrang kaba at namumutla na ang aking mukha sapagkat hindi pa natatawag ang aking pangalan. “Juan de la Cruz from Region 10” . Ako’y nabingi , napatulala, at napahikbi. Hindi ko maiwasang mapasigaw sa labis na sayang nag-uumapaw sa aking damdamin. Biglaan akong napatakbo at mabilisang napayakap sa aking mga kasamahan. Habang akap akap ko sa aking kanlungan ang tropeyong natanggap ay hindi ko maiwasang mapatingala sa langit at maipikit ang aking mga mata. Kasabay ng aking munting pasasalamat ang pagpatak ng mumunting luha mula sa kalangitan.
Panibangon Ni Danice Ela P. Armendarez
Permanenteng talento, permanenteng ugali sa nabagong mukha, postura at sekswalidad. Sila pa rin ay buo para sa kanilang sarili ngunit ang pananaw ng iba sa kanila’y tila ba binabalatan ang kanilang sarili upang mas maipakita sa kanila ang bagong sila. Sa mundong pabago-bago hindi lang ang panahon ngunit maging ang mga taong nakapaloob dito ay pilit ring nag-iiba sa mabuti at maling paraan. May mga taong buong pusong pumangako na tatanggapin nila ang kanilang buong pagkatao at kailanman ay hindi sila magbabago para sa kapakanan ng iba at may iba rin na
ENSAYO. Seryoso si Keith Nico Carreon ng Gusa Regional Science High School sa kanyang pag-eensayo para sa darating na press conference.
nagbabago lamang para sa kapakanan ng iba upang silaý hindi na mahusgahan sa kanilang pisikal na kaanyuan. Isa sa halimbawa ng mga nagbabagong anyo na mga personalidad ay sina Jake Zyrus at Xander Ford na kilala noon bilang sina Charice Pempengco at Marlou. Naalala pa kaya nila? Na kung minsan pa nga ay pinag-aawayan ng kanilang mga magulang kung saan talaga nagmana ang bawat sulok ng kanilang mukha. Ngunit ngayon ay ni katiting sa kanilang mga mukha ay wala na silang makitang bakas ng pagkakapareha ng kanilang mga mukha. Wala na ang halos magkamukha na mga aspeto. Isa sa mga naging pahayag ni Marlou ay ang pagbibitaw niya ng mga
salitang ‘Masakit pero kaya kasi ito po talaga ang gusto ko.” Kahit maluha luha man ang mga mata ng kanyang mga magulang dahil sa mahabang panahon na hindi sila nagkita ay hindi pa rin mawala ang pag-aalala ng mga magulang sa napagdaanang proseso ng retoke ng kanilang mga anak. “Nanibago lang rin ako, dati kamukha ko, wala na.” Sa pag-usbong ng teknolohiya ay mas dumarami na rin ang mga iba’t ibang produkto pampaganda at mga pamamaraan upang mabago ang mga hindi kanais-nais sa sariling katawan. Marami man itong magandang epekto para sa ating panlabas na anyo pero marami rin itong hindi kanais-nais na epekto sa ibang aspeto.
EDITORYAL
ANG SINAGTALA HUNYO-DISYEMBRE 2017
E1
Laro ng lahi: Huwag iwaglit Bayan Ko Kyle R. Baclayo
TRABAHO LANG
Pamamahagi ng condoms: Marapat bang ibasura?
H
ati ang mga mamamayang Pilipino sa panukala ng Department of Health (DOH) na mamahagi ng mga condoms sa mga health centers at mga paaralan ngayong taon. Ayon kay Health Secretary Paulyn Jean Ubial ang plano nilang pamahagian ng mga condoms ay mga kabataang nasa edad na 15 hanggang 24. Ito aniya ay isang pamamaraan para hindi dumami ang mga kaso ng mga kabataang maapektuhan ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) at Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS). Tinatayang nagkakahalaga ng Php 50 milyon hanggang Php 100 milyon ang inilaan para lang sa pagbili ng mga condoms Maraming mambabatas ang umalma sa programang ito. Ayon kay Senator Tito Sotto, ang pamamahagi ng mga condoms
sa mga mag-aaral ay naghihikayat lamang sa kanila para lalong gumawa ng mga bagay na hindi pa naangkop para sa kanilang edad. Lalong dadami umano ang mga hindi na pipigilan ang sarili sa pakikipagtalik dahil iniisip nilang meron silang libreng proteksyon. Para naman kay Rep. Harry Roque, nakaraang presidential spokesman, ang hakbang na ito ay isang katangahan sa panig ng DOH at hindi makatwirang paggastos ng kaban ng bansa. Ang mga magkatunggaling pananaw na ito ay ating bigyan pansin. Ang panig ng DOH ay naglalayong tugunan ang pambansang suliranin sa HIV/AIDS at naglalayon ding ipalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral kung edukasyong pangsekswalidad ang pag-uusapan. Subalit, ang pamamahagi ba ng libreng condoms ang makakasugpo dito? Hindi
kaya ang pagmamalawak na pagbibigay ng sapat na impormasyon ang gigising sa kamalayan ng mga kabataan para maiwasan ang hindi nararapat na pakikipagtalik? Sa panig naman ng kumukontra sa hakbanging ito, dapat magpanukala sila ng mga solusyon sa problemang HIV/AIDS. Pero, hindi sapat ang pagkontra, kailangan magsagawa ng mga hakbang upang maisalba ang mga kabataan sa HIV/AIDS. Ipagpaliban natin na hindi pa tinanggihan ng DepEd ang planong ito. Katangahan bang maituturing ang isang hakbangin na makakatulong sa kinabukasan ng mga kabataang Pilipino? O mas katangahan at isang kabobohan kung alam na natin ang problema pero walang maibahagi namang solusyon kundi para kontrahin lamang ito?
“Mahalin ang sariling atin.” ‘Yan ang katagang lagi namumulabi kung sumasapit na ang kabuwanan ng sariling wika at ang grupo ng mga salitang makikita sa unahan o di kaya’y hulihan ng isang teksto kung pinapagawa tayo ng mga artikulong ang paksa’y nasyonalismo. Pero ang tanong, isinasabuhay ba natin ito? O ito’y mananatili lamang na taga sa bato? Sa sobrang pagkalulong ng mga kabataan ngayon sa teknolohiya ay hindi na nila nasasagawa ang kanilang parte bilang isang kabataang Pilipino - ang alahanin, bigyang buhay at importansya ang mga bagay na iniwan sa atin ng ating mga ninuno. Kamakailan lang, ipinakita ng isang estatistika Digital in 2017 Global Overview na 58% sa kabuuang populasyon ng mga kabataan ngayon ay mas pinipilang maglaro sa loob ng bahay kaharap ang kanilang mga Personal Computer (PC), laptops, at iba pang hightech na mga laruan. Dahil dito, nabuo ang takot na maaaring mawala sa ating bansa ang mga tradisyunal at nitibong laro nito. Ang ilang halimbawa ng mga larong panlabas na kinagigiliwan hindi lang ng mga kabataan kundi pati narin ng ating mga magulang at nakakatandang kapatid, mapa-lalaki man o babae ay piko, takyan, patintero, kadang-kadang, sungka, at luksong tinik. Sa totoo lang, mas kaaya-ayang tingnan kung ang mga kabataan ngayon ay maglalaro ng mga larong tatak na tunay Pilipino; yung nilalaro na daang taon na ang nakalipas. Sapagkat sa paraang ito makakapaglibang tayo habang nakakapreserba ng bagay na makaPilipino. Pero hindi iyan ang sitwasyon natin ngayon. Nakapanlulumong isipin na ang mga kabatan ngayon ay mas pinipiling laruin ang mga online games, violent lan games, at iba pang aplikasyon na may komplikadong gameplays, ngunit wala na tayong magagawa. Pero sana’y ipaalala man lang natin sa kanila ang ating pinaggalingan, dahil kung ganitong ugali ang pananatilihin, maaaring mabaon na lamang sa limot ang ating mga tradisyon at maiiwang patay ang ating kultura. Kung mangyayari man ito, ang pagkakakilanlan natin bilang Pilipino ay malalagay sa panganib at mahihirapan tayong mabawi muli.
ANG
SINAGTALA
Ang Bakas ng Karanasan, Ang Tanda ng Kaalaman
PATNUGUTAN S.Y. 2017-2018
Ella Camille R. Dinogyao Pangulong Patnugot
Princess Leah Joy D. Sagaad Pangalawang Patnugot
Melvin P. Villacote
Tagapamahalang Patnugot
Krizzia Aimee B. Romulo Tagapamahalang Patnugot
Princess Leah Joy D. Sagaad Danica Ela P. Armendarez Kyle R. Baclayo Rhea Bernadeth M. Elan
Patnugot sa Balita Patnugot sa Lathalain Patnugot sa Agham Patnugot sa Isports
Razaele F. Manales Cleo Therese V. Tagud Harvey Jade T. Ang Shelow B. Monares
Kapatnugot sa Balita Kapatnugot sa Lathalain Kapatnugot sa Agham Kapatnugot sa Isports
Melvin P. Villacote
Joshua Von B. Gutierrez
Kyle R. Baclayo
Trisha Mae Navarette
Pangulong Taga-anyo
A
Humphrey Gevero Gracie Carmel Reyn Taganile
Tagawasto Ella Camille R. Dinogyao Luzviminda B. Binolhay Tagapayo
Evelyn Q. Sumanda, SSP-I Kasangguni
angsinagtalapub@gmail.com
mga kadahilanan: kagustuhang makiangkop sa mundong ginagalawan, impluwensiya ng barkada, at tawag ng kuriosidad. Kahima’t sa mga mag-aaral na makikilalang nagtutulak talaga ng droga, hindi sagot ang pagpaparusa sa kanila ng paaralang pinapasukan o ng lipunan kinabibilangan pero, ang pagsisikap na matapos ang isyu mismo. Kampanya pa lamang ni Duterte ay batid na nating isa sa kanyang mga tututokan sa kanyang termino ay ang pagsugpo sa pinagbabawal na droga. At bilang kanyang nasasakupan, dapat natin gawin ang ating parte para maging matagumpay ang kanyang plataporma. Pero huwag naman sana sa paraang maaaring masira ang kinabukasan ng mga kabataan, o ang mas masama pa diya’y makitil ang kanilang buhay dahil lamang sa isang pagkakamali. Pag-isipan muna natin ‘to ng mabuti, dahil kung hindi, maari itong maging hakbang na walang patutunguhan.
Tirahin ang pinakaugat Mata sa Mata
Pangulong Tagalarawan
Mga Tagalarawan Dietrich R. Zambrano
Ella Camille R. Dinogyao
ng mayorya’y nagagalak na sisimulan na ng Departamento ng Edukasyon (DepEd) ang Order No. 40 o mas kilala bilang random drug testing sa lahat ng kaniyang empleyado. Kasama pati diyan ang 700,000 pampublikong guro at mga mag-aaral sa sekondarya na may pangunahing layong magpigil at mag rehabilita ng mga matutukoy. Kaugnay niyan, naluwagan din ng loob ang mga magulang nang isinaad ng Education Undersecretary Jesus Mateo na magiging confidential ang resulta ng gagawing pagsusuri at bago tuluyang isagawa ang random drug test ay magdaraos muna sila ng parent-teacher conference upang maipaliwanag sa mga magulang ang kahalagahan ng
Dibuhista
Kapatnugot sa Pag-aanyo
Daang walang paroroo
Punto Por Punto
pagsusuri sa kanilang mga anak at kung paano ang prosesong gagawin dito. Kahit saang anggulo tayo tumingin, ang pagtatabing sa mga magaaral upang malaman kung sila ba’y nagtutulak ng droga ay karapat-dapat lamang. Pero may dapat muna tayong pagnilayan. Oo, may punto ang mga sumasang-ayon. Sa lahat ba naman ng nangyari at nangyayari sa ating bansa ng dahil sa droga. Pero, dapat ding tandaan ng mga punongguro at mga opisyales ng edukasyon na ang hakbang na ito ay dapat maging daan upang makagawa ng kaukulang hakbang at matulungan ang mga mag-aaral na matutukoy at hindi maging dahilan upang mabuksan ang pinakatatakutang pinto -- death penalty. Ang sekondarya at tersiyaryong taon ng mga mag-aaral ay ang mga taon kung saan sila naghahanap ng bagong kagigiliwan. Ito din ang mga panahon kung kailan sila nakakagagawa ng pagkakamali. Pagkakamaling kalimitang idinudulot ng mga sumusunod na
M
Keziah Monica Pingoy
ula nang mag-umpisa ang Philippine National Police (PNP) sa pakikipaggiyera sa mga sindikato ng droga, umabot na ng libo-libo ang mga nasawi dahil sinasabing nanlaban ang mga ito sa pulis. Sa kabila diyan, halos magsiksikan na sa mga rehabilitation centers ang mga drug addicts at pushers na personal na isinumiti ang kanilang mga sarili sa takot na mapatay sila sa operasyon. Subalit kung marami ang napatay na drug suspects ng mga pulis,
mas marami ang napatay ng mga sinasabing vigilantes. Ayon sa tala ng PNP, umabot na sa mahigit 7,000 ang kanilang [vigilantes] napapatay. At batid naman nating lahat ang katotohanang ito sapagkat halos araw-araw simula nakaraang taon ay umaalingaw-ngaw sa mga telebisyon, radyo, at mga pahayagan ang balitang may natatagpuang bangkay sa kung saan man sa iba’t ibang panig ng bansa. Karamihan sa mga natatagpuan ay may mga tama ng bala at may nakapatong o nakasabit na cardboard sa leeg at may nakasulat na “drug pusher ako, wag tularan”. Ayon sa Malacañang, nasisiyahan sila sa tagumpay ng pakikipaglaban sa iligal na droga pero naliligalig din sa tumataas na bilang ng mga
napapatay ng vigilantes. Hindi umano nila ikinatutuwa ang ganito at hindi umano ito ang kanilang inaasahan. Kung ganoon man, dapat na magsumikap ang PNP na mahuli ang matataas na lider ng sindikato. Unahin nila ang ugat at saka na ang sanga. Kung hindi nila mapapatay ang ugat, laging sila ang mapagbibintangan sa extrajudicial killings. At kung tututusin, ang paghuli ng mga kriminal at ang pagtulong sa mga biktima upang makamit ang hustisya ay kanila din namang trabaho. At para naman saatin, gawin natin ang ating parte. Tayo’y magmasidmasid at magsumbong sa kinauukulan kung may mapansin mang dikaayaaya o anumang makakatulong sa programa.
OPINYON
E2
ANG SINAGTALA HUNYO-DISYEMBRE 2017
Boses ng DAGDAGAN PA ANG NGIPIN Katarungan
P
Melvin P. Villacote
atuloy pa ring dumarami ang bilang ng mga nabibiktima ng hazing o ang pagpapahirap sa mga sinasalihang fraternity o sorority, at ang masaklap, hindi lang pagpapahirap ang nalalasap ng mga bagong salta kundi pati na rin ang malagim na kamatayan. Sa kabila ng pagpapatupad ng RA 8049 o ang Anti-Hazing Law, hindi pa rin natitinag ang mga pinuno at miyembro sa pagpahirap bago tanggapin ang mga recruit sa kanilang organisasyon. Para bang mga bampirang “uhaw sa dugo” at takam na takam sa pagpapahirap. Matatandaang umalingawngaw sa mga radyo, diyaryo at telebisyon ang matinding sinapit ng 18 anyos na babaeng si Larissa Coleen Alilio, isang estudyante ng Lyceum of the Philippines University-Manila dahil sa hazing na isinagawa ng 20 miyembro ng Tau Gamma Sigma sorority sa Las Pinas. Umano’y pinalo siya ng 50 beses at pinatakan ng kandila sa likod.
Higpitan ang sinturon
Isa ring kalunos-lunos na balita ang pumutok sa malagim na pagkasawi ng isang estudyante ng De La Salle-College of Saint Benilde noong 2014 matapos ng isinagawang hazing ng mga kasapi ng Tau Gamma Phi. Nakilala ang biktimang si Guillo Ceasar Servando. Ang masaklap, hindi na nakamit ni Servando at ng kaniyang mga kaanak ang nararapat na katarungan sa kanyang pagkamatay.
ANG TOTOONG KAIBIGAN AY NAGMAMAHAL, HINDI NANANAKIT Nitong buwan lamang, nagluksa ang buong Unibersidad ng Santo Tomas (UST) at ang mga kaibigan at mga kaanak ni Horacio Castillo III, isang freshman law student ng nasabing institusyon. Si Castillo ang pinakabagong biktima ng hazing na nasawi matapos pahirapan ng Aegis Juris fraternity sa kanyang pagpasok
bilang isang bagong miyembro nito. Kailangan pa ba talagang saktan mo ang iyong “brod” o “sis” para makasali sa inyong “pataynity?” Kailangan pa bang may masawi para maipakita ang “totoong” pagkakaibigan? Tila wala nang natatakot sa Anti-Hazing Law. Patuloy pa rin ang pagpapahirap sa mga miyembro ng mga fraternity at sorority. Nakasaad sa RA 8049 na hindi nararapat na isagawa ang hazing sa kahit anumang fraternities, sororities, at iba pang organisasyon. Reclusion perpetua o habang buhay na pagkabilanggo ang parusa kung sakaling may miyembrong mamamatay. Masyado pang maluwag ang sinturon ng Anti-Hazing Law. Kung kaya’t marami pa ring sumusuway sa batas na ito. Nararapat lamang na higpitan at gawin pang mas mabigat ang mga parusang ipapataw sa mga nagpapahirap upang magkaroon ng takot nang hindi na maulit pa ang pananakit sa mga “pataynity.”
Mata sa BAYANIHAN. PAGTUTULUNGAN. Mata
T
Keziah Monica Pingoy
ahimik na lansangan, sirang mga gusali, sinunog na mga simbahan, nilisang mga bahay at mga ari-arian, mga naiwang butas ng mga airstrikes at kaliwa’t kanang mga bangkay ng pinaghalong sundalo, terorista, maging mga inosenteng tao. Ganitong bakas ang iniwan ng mahigit apat na buwan na bakbakan sa pagitan ng militar at teroristang grupo na Maute. Ang dating masigla at masaganang lungsod ng Marawi ay nawala sa isang iglap at napalitan ng paghihinagpis at pananangis. Ang pamayanan kung saan dating nanirahan ang magkahalong kristiyano’t muslim ng mapayapa ay nagsilbing combat zone sa pagitan ng dalawang panig. Makakabangon pa ba ang Marawi sa kaniyang matinding pagbagsak? O mananatiling nalang nakapako ang mga paa nito sa lupa? Ayon sa impormasyong ipinalabas sa Armed Forces of the Philippines (AFP), mahigit 673 na ang namatay ng pinaghalong sundalo at terorista at 1,400 ang sugatan. 87 naman ang namatay sa mga sibilyan at 40 dito ay
Bangon, Marawi!
dahil sa pagkakasakit sa mga evacuation center. Ang malaking bilang na ito ay lubos na nakababahala lalo na’t hindi lingid sa ating kaalaman na patuloy parin itong lumalaki hanggat hindi pa natutuldukan ng militar ang kaguluhan. Bukod pa sa kasindak-sindak na mga pangyayaring ito, hindi pa nagtatapos ang mahabang listahan ng dilemang nararanasan ng Marawi at mga
KUNG ANG LAHAT AY DINADAAN SA LABANANG MATA SA MATA, ANG MUNDO'Y BULAG NA mamamayan nito. Sa itinalagang bilang, 180, 000 ang lumikas at nanirahan na sa iba’t ibang lugar at 84, 760 pa ang nananatili sa mga evacuation center at wala pang malipatan. Bukod pa rito’y naapektuhan na rin ang buong bansa sa larangan ng ekonomiya at seguridad, sa kasagsagan ng giyera mapapansing patuloy ang pagtaas ng halaga ng dolyar kontra piso tanda ng pagbaba ng antas ng
ekonomiya. Naging mahigpit na rin ang seguridad ng bansa lalo na sa Mindanao na daang-daang police checkpoint ang nadadaanan sa lansangan. Bagaman, isang magandang balita para sa lahat ang nalalapit na pagtatapos ng giyera. Nabawi na ng militar ang 500 building na pinagpugaran ng mga terorista kabilang na si Fr. Chito Soganub na ginawang hostage ng Maute. Mahigit 602 na armas na ang nakumpiska at na rescue na rin ang mahigit 1,728 na mga sibilyang natitira sa war zone. Sa wakas ay malapit ng madeklara ng mga sundalo ang pagwawagi laban sa mga terorista. Ang bangungot na nangyayari sa Marawi ay habangbuhay ng nakatatak sa kasaysayan ng Pilipinas. Sana’y magsilbi itong leksyon para sa ating lahat na hindi maging kampante at manatiling alerto sa banta ng terorismo. Mahirap ng maulit ang sigalot na ito lalo na’t balitang nakapasok na ang ISIS sa bansa. Patuloy nating suportahan at ipagdasal ang pagbangon ng Marawi dahil sahuli, to’y parte pa rin ng ating pagkakakilanlan bilang isang bansa.
Sigaw ng NEVER AGAIN NO MORE Masa
A
Rhea Bernadeth Elan
ng mga unang putok ng baril sa Marawi ay nagsilbing hudyat hindi lamang sa pagsisimula ng isang labanan kundi’y pati na rin ang sorpresang pagbabalik ng Martial Law. Dali-daling nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdeklara ng Martial Law nang sumabog ang balita ukol sa rebeldeng grupong Maute na ibig sakupin ang Marawi. Ngunit maraming tumutol at kumestiyon sa kabisaan ng Batas Militar sa paglutas ng dilemma. Magiging epektibo ba itong panlunas sa sitwasyong kinakaharap? O magdudulot lamang ito ng panibagong panibugho? Kung matatandaan, hindi ito ang unang pagkakataong naipatupad ang Martial Law. Sa termino ng kilalang diktaduryang si Ferdinand Marcos unang naipataw ang Batas Military noong 1972 sa kadahilanang lumalala na umano ang banta ng komunismo. Ngunit ang inaasahang hakbang tungo sa pandaigdigang disiplina ang naging sanhi ng maramihang pangaabuso ng mga Pilipino. Kasama sa kanyang general orders ang paglipat ng anumang uri ng kapangyarihan sa pangulo, paglalagay ng curfew hours, at pag-atas sa mga sundalong hulihin ang mga mamamayang hindi sumusunod
PABATID NG PUNONGGURO
Martial Law: Ang Pagbabalik
o sumasang-ayon sa mga hakbang ng pangulo. At higit pa, nagsilbi tayong mga ibong nakakulong sa sarili nating bansa nang kinuha na rin ang ating karapatan sa malayang pagpapahayag. Sa katunayan, ayon sa Amnesty International ay umabot sa 70, 000 na katao ang ikinulong, 34, 000 ang labis na pinahirapan o tinortyur, at 3, 240 ang pinatay sa pamamalagi ng martial law mula 1972 hanggang 1981. Ilan sa mga ginamit bilang pagpapahirap
DAHIL SA'YO AKO'Y LALABAN DAHIL SA'YO AKO'Y MATAPANG DAHIL SA IYO BUHAY AY HANDANG ILAAN ang rape, pangunguryente, water cure, at strangulation. Ito ang kadahilanan sa likod ng matinding pag-alma ng mga mamamayan nang maisapasa ang Martial Law. Ang pagbanggit pa lang nito’y nagbibigay kilabot na sa mga mamamayan sapagkat muling naibuklat ang mga nakakatangis na ala-ala. Bagaman, sinasabi ng iba’y nararapat lamang ito upang ganap na maipatupad ang seguridad laban sa paghahasik ng kaguluhan na siyang nagbibigay rin ng
tamang punto. Ang nararapat lamang bantayan ay paraan ng pagpapatupad nito. Dapat bantayang hindi umabot sa pang-aabuso ang pagpapairal nito. Kapag umabuso ang mga sundalo at pinairal nila ang batas ng baril dito na magkakaroon ng kaguluhan. Ito ang pangambang dapat patayin ni Duterte sa pagdedeklara niya ng Martial Law. Kung titignan sa ibang anggulo, mabuti naman ang dulot ng Martial Law sa pagpapanatili ng katiwasayan ng bansa ngunit kapag ginamit ito sa pansariling kapakanan, dito magsisimula ang pagkaligalig ng mga mamamayan. Ang pangambang muling maranasan ang paghihinagpis ng nakaraan ang kumakain sa kanila. Wala mang magagawa dahil utos ito ng pangulo, umaasa na lamang silang hindi ito maitutulad sa klase ng Martial Law na ipinaranas ni Marcos na kung saa’y umabot sa puntong natatapakan na ang kanilang karapatang pantao. Kung nandun na tayo sa mismong Ito’y ating pagkatandaan at ilaban, pagkat kung mahuhuli na ang lahat, mahihirapan na tayong waksian. Isaisip na ang Martial Law ay maikokomapara sa isang marahas na asawa. Yung nakakakilala sa kanya ng lubos ay tatanggihan siya. At yung tatanggap naman sa kanya’y proprotektahan siya buong buhay nila.
Evelyn Q. Sumanda, SSP-I Para sa mga estudyante, Ang buhay ng isang tao ay sadyang napakakomplikado’t puno ng mga pagsubok. Kung kaya anumang mangyari ay dapat matuto ang bawat isang bumangon at magpatuloy sa buhay. Inyong tandaan na kailangan palaging magsumikap ng isang indibidwal sapagkat ito ay isa mga pinakamahalagang sangkap na kinakailangan upang magtagumpay. Bilang inyong punongguro, ang masasabi ko lang sa inyo ay mamuhay ng may halaga at lumaking may tapang. Pagkat ang buhay na puno ng kabuluhan ang magpapatunay ng iyong tagumpay. Pero dapat lagi ninyong pagkatandaan na sa daan ng paggawa ninyo ng isang makabuluhang buhay, hindi niyo dapat kalimutang respetuhin ang mga taong gumagabay sa inyo. Sila ang ipinadalang instrumento sainyo ng Poong Maykapal upang mabuo kayo bilang tao, bilang kayo. Sa mga turo nila kayo’y matututo at sa tulong din nila’y malalaman niyo ang inyong halaga sa lipunang ginagalawan. Sa lahat naman ng mga manunulat, nawa’y gamitin niyo ang inyong kakayahan para makatulong sa pag-unlad ng ginagalawan. Nawa’y lahat kayo ay magtagumpay sa inyong pipiliing larangan at kayo’y magsaya habang natututo.
Liham sa Patnugot Mahal na patnugot, Ang pagmamahal ay walang hangganan, walang pinipiling sekswalidad, at nagagalak akong malamang sinusubukan niyong buksan ang mata ng mga mangmang sa pamamagitan ng isang artikulo. Mangmang dahil hindi sila marunong umintindi. Mangmang dahil makitid sila kung mag-isip. Hindi po kasi ako nasisiyahan sa tuwing may nakikita akong nabubulalas. Nabubulalas dahil iba sila sa paningin ng iba.Tao rin naman sila. Taong nakakaramdam ng sakit, taong marunong magmahal. Kaya hindi nararapat na makatanggap sila ng mga alipusta’t mga panlalait. Maraming salamat sa pagbibigay niyo ng kaukulang pansin sa nasabing isyu. Sumasainyo, Joshua Robin
Tugon Mahal na mambabasa, Maraming salamat saiyong positibong tugon, mahal na mambabasa. Bilang inyong publiksayon, ginawa lamang namin ang nararapat - ang buksan ang mga mata ng mayorya sa mga isyung kailangan nating pakialaman. Ang pagbubukas sa isyu’y simula pa lamang, na sa sainyo na, mga mambabasa, nakasalalay ang iba. Sumasaiyo, Punong patnugot
A
KOMENTARYO
yon nga sa isang kasabihan, “Kapag hindi tayo natuto sa mga leksyong dala ng kasaysayan, hindi malayong pwedeng maulit ang parehong pagkakamali.” Sa mga mas simpleng salita: “Lokohin mo ko’t problemahin mo ang konsiyensya mo. Lokohin mo ako muli’t ‘yan ay kahihiyan ko.” Ani ni Bongbong Marcos sa isang pahayag, ang kamumukad umano na mga taga-suporta ng kanyang ama’y nagsasabing ang mga bagay-bagay sa panahon ng kaniyang [Marcos] pamumuno ay mas madali. Hindi naman siya [Bongbong] nagsisinungaling sa kanyang sinabi. Kahit nga ngayon, hindi na bago para kahit sino man sa atin ang makarinig ng mga nakakantandang pinupuri ang administrasyong Marcos sa kadahilanang mas mura umano ang mga bilihin noon at mas matiwasay ang mga daan sa kanyang panahon. Pero ngayon, lahat ay nagbago na. Pagkat tayo’y kasalukuyang nakatira sa isang mundong lahat ay magkakakonekta. Lahat ay maari ng matyagan, lahat ay maari ng hukayin. Kung tutuusin, meron na ngang mga ulat ng pagpatay, gahasa, at pagpapahirap na makikita sa Internet. Kahit nga ang mga binibisita nating mga social sites ay may kakayahan ng ipakita sa atin ang mga nangyari noong mga panahong iyon. Kakayahang umaabot na sa puntong kahit hindi pa tayo pinapanganak nun , masasabi nating ang lahat ng nangyari sa kanyang panunungkula’y mapait. Maikiling basa lamang sa kasaysaya’y mabubutyag na ang katotohanan; at ito’y nasa ating pagsisiyasat na’t pakikiramdam sa lahat ng sakit na dinanas ng iba ang magtutulak sa ating lumaban sa posibilidad na mangyari uli ang nangyari. Pagkatandaan lang natin na ang mga taon ni Marcos ay madilim at masakim. Huwag na tayong magtanga-tangahan. Ibahagi natin sa ating mga kakilala lalo na sa mga nakakabata ang mga mapait na karanasan sa panahong Marcos bago pa mahuli ang lahat.
OPINYON
ANG SINAGTALA HUNYO-DISYEMBRE 2017
Punto Por Punto
A
Ella Camille R. Dinogyao
cademic Track, para sa mga matatalino’t ang mga piling taong magtatagumpay sa buhay; Technical-Vocational-Livelihood, para sa mahihirap at mga taong walang mararating sa buhay — tamang pag-iisip ba ‘yan? Maglilimang taon na mula nang inaprobahan ang Republic Act No. 10533 - ang batas na naglalayong pagtibayin ang sistema ng edukasyon sa bansa sa paraang dadagdagan ng dalawang taon ang pangunahing edukasyon - anim na taon sa elementarya, at ang dating apat na taon sa hayskul ngayo’y anim na rin; naglalayon din itong [ang batas] mahubog ang ating mga mag-aaral sa paraang may maipantatapat sila kung ang kakumpetensya’y mga banyaga. Bago paman pasukin ng ating mga magaaral ang mga dagdag na taon, mamimili muna sila ng daang kanilang tatahakin. Ang Kagawaran ng Edukasyon ay naghahain ng apat na daanan para sa kanila [mga mag-
Boses ng Katarungan Melvin P. Villacote
“Mahalin ang sariling atin.” Tayo’y kasalukuyang naninirahan sa isang makabagong siglo. Siglo na kung saan lahat ay mas pinadali. Kung noon ang mga palaya’y manu-manong inaararo ng mga kalabaw, ngayon ay may mga de-kuryente ng mga makinaryang gumagawa ng nasabing trabaho. Kung noon ay halos mapudpod na ang mga kamay sa kakakuskos ng mga labahin, ngayo’y meron ng mga makinaryang kung hulugan lang ng barya’y tapos na’t wala ka nang problema. Naligtas ka na mula sa hirap at pagod, may oras ka pang tugonan ang ibang gawain. Pero bakit tila sa lahat ng mga pagbabagong dala ng modernisasyong ito ay unti-unti ding lumalabo ang pagkakakilanlan natin bilang isang Pilipino. Bilang isang Kagayanon. Cagayan de Oro – kilala bilang lunsod ng ginintuang pagkakaibigan. Ayon pa nga sa isang tanyag na blogger, Kyle Jennermann, ang lunsod umano’y kinalolooban ng mga taong mainit na sumasalubong sa mga dayo. Oo, totoo ito. Totoo, noon. Pero bakit tila
Tadyak sa Hangin Joshua Von Anthony Gutierrez
Sex education - isa sa mga pinakasensitibong paksang tinalakay ng ating bansa. Pero gaya ng inaasahan, nakatanggap ito ng samu’t-saring batikos mula nang ipanukala muli ito sa madla ng Kagawaran ng Edukasyon bilang parte ng K12 kurikulum. Bakit kaya payag ang mayorya sa pagtuturo ng matematika, agham, at marami pang ibang asignatura, ngunit umaalma’t nagagalit kung byolohiya’y hahakbang at bibigyang tuon ang sex education? Hindi na bago ang Sex Education Act ng DepEd. Ito’y nasa kurikulum na ng hayskul at elementary 19 taon na ang nakakaraa, hindi nga lang isinakatuparan. Ngunit taong 2010, matatandaang iprinesenta ng DepEd ang Memoradum No. 26 na naglalayong sanayin na ang nabaong Sex Education Act at isasama sa kurikulum ng pribado’t pampublikong paaralan, gayunpama’y wala silang [DepEd] na ani kundi isang legal na demandang isinakdal
Ligaw na Boses Princess Leah Joy Sagaad
Mayorya’y nagagalak sa pagpapalabas ng Kagawaran ng Edukasyon ng isang memorandum na naglalayong mapangalagaan ang mga mag-aaral sa mga pang-aabuso, eksploytasyon, pambubulas, diskriminasyon, at lahat ng klaseng karahasan sa loob ng mga paaralan - DO 40, s. 2012. Simula nang institutionalisasyon ng Anti-Bullying Act (RA 10627) ang DepEd ay
E3
MAHALAGA DIN
KOMENTARYO
aaral]. Ito ay ang Academic Track, TechnicalVocational-Livelihood Track (TVL), Sports Track, at Arts and Design Track. Pero bakit tila may stereotyping ng nagaganap mula sa dalawang unang nabanggit na track? Bakit tila ang nakatanim na sa isip ng bawat isa’y ang pumili at pipili lamang ng Academic Track ay ang matatalino’t ang piling mga taong magtatagumpay sa buhay at ang kabaliktaran ay ang sa pipili at pumili ng TVL? Bilang mga mag-aaral na nasa Senior High School, hindi namin maipagkakaila na hindi na bago para saamin ang marinig ang parehong bagay pagkat ang inilahad na kaisipa’y nakatatak na sa nakakarami, na sila’y mga mga mag-aaral lang ng TVL. Hindi nila batid na ang mag-aaral ng TVL ay makakatanggap ng diploma at mga sertipikong maghihintulot sa kanilang maghanap na ng mapapasukan at kumita ng pera. Hindi nila batid na ang aanihin ng mga makakapagtapos ng grade 12 na TVL ay mga
Terorista’t mga rebelde’y gumagawa ng gulo dahil sila’y nagnanais na katakutan, wasakin ang gobyerno’t guluhin ang nakasanayang buhay ng karamihan. Kung kaya’t ang gobyerno at mga sangay nito’y ginagawa ang lahat ng mga paraang maaaring humarang sa mga namumulabog na makamit ang itinakda nilang mga layunin. Ang mga sangay ding ito’y nagsisikap para ipakitang trabaho lang gaya ng kinaugalian kahit na ang tinatahak nila’y labas na sa kinasanayan para lang mapugsa ang banta sa kaligtasan ng mga mamamayan. Ang pagdedeklara ng revolutionary government ay magbubunga ng epektong kabaliktaran sa inaasahan, at ang nakikita naming kaibahan lamang nito mula sa Batas Militar ay ang revolutionary government ay nangangailangan ng suporta mula sa Hukbong Sandatahan ng bansa. Naniniwala ang publikasyong ito na sapat na ang lakas ng pamahalaang itinakda ng Konstitusyon upang matugunan ang mga problemang panseguridad ng bansa.
TechVoc ‘lang’ ba? kasanayang hinahabol ng ibang bansa, kung kaya’t magiging madali para sa kanila ang maghanap ng trabahong malaki ang kita. Kaya, mali ang pinaniniwalaang walang mararating sa buhay ang kumuha at kukuha ng TVL. Hingid sa kaalaman ng nakakarami, ang K12 ay isinabatas para sa mga kababayan nating isang kahig, isang tuka. Ito’y dinesenyohan sa paraang kahit hindi na magpatuloy at mag-aral ng kolehiyo’y may mapapasukan pa rin silang trabahong may magarang sweldo. Sige, sabihin na nating karamihan sa mga mag-aaral ng TVL ay salat talaga kung pera ang pag-uusapan, pero hindi naman ibig sabihin nun na wala na silang mararating sa buhay. Iyan ay maling pag-iisip na. Ating pagkatandaan na hindi sa piniling track masusukat kung magiging matagumpay ka sa buhay. Dahil sa pagtatapos ng araw, ang kiyas pa rin ang mananaig. Sikap at tiyaga pa rin ang mga sangkap tungo sa magandang buhay.
KILALANIN ANG ATING PAGKAKILANLAN
Pagkakilanlan ng lahi: Isabuhay mahirap na itong masilayan ngayon? Bilang isang mag-aaral, at isang pangkampus na mamamahayag ang mga sumusunod ang mga nasilayan naming pagbabago sa Cagayan de Oro kung ang paguusapa’y kultural na aspeto: Pananampalataya Kung ikukumpara noon at ngayon, tuwing Linggo, ang mga simbaha’y punongpuno ng mga tao. Minsan nga’y sa labas na ng simbahan nam katayong nakikinig. Ngayon, ang mayorya’y sa mga mall at ibang pasyalan na dumadayo. Pista Kung ikukumpara noon at ngayon, ang pista noo’y tungkol sa pagbibigay pugay sa kapistahan ng patron. Ngayon, ang pista’y inaabangan dahil may mga libangan. Gaya ng parada, kasiyahan sa karnabal, bagsak-presyo sa mga mall, mga bumibistang artista, at handaan. Pagkain Kung ikukumpara noon at ngayon, tinatangkilik noon ng mga Kagay-anon ang mga kainang hain ay mga kakanin at maka-
Pilipinong lutuin. Ngayon, mas pinipili nating kumain sa mga kainang handog ay mga pagkaing may impluwensya mula sa Kanluran. Laro Kung ikukumpara noon at ngayon, noon mas pinipili ng mga kabataang maglaro sa ilalim ng init ng araw. Ang ilan sa mga larong nilalaro noon ay luksong-baka, sipa, tumbangpreso. Larong nakakalabas pa ang mga bata sa bahay at may nakikilala pa silang mga bagong kaibigan. Ngayo’y mas nawiwili na silang maglaro ng mga online games na may mga komplikadong gameplays. Katulad ng DOTA, na kamakailan lamang ay itinanyag ng ganap na isports sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga torneo. Turismo Kung ikukumpara noon at ngayon, noon pinupuntahan natin ang isang lugar saating lunsod pagkat gusto nating masaksihan kung anong yaman meron tayo . Ngayon, maliban sa hindi na natin binibisita at inaalala kung anong meron tayo, pinupuntahan natin ang isang lugar para lang may mai-post tayo sa social media..
Kasal Kung ikukumpara noon at ngayon, noon itinuturing natin ang pagpapakasal bilang isang banal na paraan ng pagkakaisa ng dalawang taong nagmamahalan. Ngayon, ang ila’y hindi na ito binibigyan ng importansya. Kung pwede ngang hindi magpakasal, ay hindi sila magpapakasal. Nakakapanghilakbot isipin ang mga pagbabagong nangyari sa Cagayan at mga Kagay-anon. Hindi naman natin ito bastabastang mapipigilan pagkat ang mga tao’y sadyang dinisenyo para makiangkop sa mga pagbabagong nangyayari sa kanyang paligid. Pero sana’y maalala man lang natin at maisabuhay ang ating pinaggalingan. Dahil kung ganitong ugali ang pananatilihin, maaaring mabaon na lamang sa limot ang ating mga tradisyon at maiiwang patay ang ating kultura. Kung mangyayari man ito, ang pagkakakilanlan natin bilang isang Kagayanon ay malalagay sa panganib.
YUMAKAP NG MGA PAGBABAGO
Dakong nararapat tahakin ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP). Ayon kay Atty. Jo Aurea Imbong, ang demanda’y alang-alang umano sa 30 nababahalang magulang tutol sa nasabing pagbabago at ito [Sex Education Act] umano’y isang uri ng “contraceptive imperialism” at inaatake nito ang moral na katalusan ng mga kabataan at dito, mas hinihimuk umano ang mga kabataang makipagtalik. Nakapanghihilakbot isipin na maaari ngang mabulag ang isang indibidwal dahil sa kanyang paniniwala. At bakit pa magsasampa ng kaso na kung tutuusi’y hindi naman ito sumasalungat sa mandato ng kagawarang pangalagaan ang karapatan ng isang bata tungo sa isang kalidad na edukasyon. Good touch, bad touch Nilinaw ng DepEd na ang Sex Education Act ay hindi tungkol s a pakikipagtalik, ito’y tungkol sa mga bagay-bagay na makakaapekto sa personal na kaligtasan,
kalinisan, at kapakanan ng mga mag-aaral. Halimbawa, sa pagtungtong pa lamang ng bata sa elementarya tuturuan na sila sa kaibahan ng “good touch” at “bad touch”. Ito’y para matulungan umano silang makalayo sa mga taong may malaswang intensyon. Sa nasabing halimbawa, mahihinuha na kailangan talagang matutunan ng mga bata ang pagkakaiba ng isang inosenteng hawak sa hawak na may bahid na malisya. Sapagkat sila [mga bata] ang pinakamarupok sa eksploytasyon na karaniwang nanggagaling pa sa mga taong malapit sa kanila, at ang sex education ang makakatulong sa kanilang mapansin ang mga bagay-bagay na maaaring magsisilbi bilang balala at maging daan upang maiwasan ang abuso. Ibinasura din ng DepEd sa pinakahuling pag presenta ang mga maling kuru-kuro ng mga konserbatibong grupo na nagsasabing ang sex education ay tungkol lamang sa
pakikipagtalik, pagkat dito umano matututo ang mga mag-aaral tungkol sa agham ng reproduksyon, pag-aalaga sa sarili, at pati narin kalinisan ng sarili, at pagbibinata o pagdadalaga. Kilala ang Pilipinas bilang isang bansang Katoliko at hindi natin maiwawasan na ang mayorya’y magkakaroon talaga ng mga hinaing sa mga iprepresentang pagbabagong taliwas saating pinaniniwalaan. Pero sana, matuto din tayong tumimbang ng mga bagaybagay. Kung tutuusin, ang nasabing hakbangin ay sagot din naman sa problemang kinakaharap ng bansa - tumataas na bilang ng mga nakikipagtalik kahit hindi pa kasado, at ang tumataas din na kaso ng teenage pregnancy. Tumingin tayo sa ibang anggulo at matatagpuan natin ang makabagong daan ay makabuluhan at nararapat tahakin.
BATA, BATA, IKA’Y MAHALAGA
Diwa’y ating panatilihin isinulong ang Child Protection Policy (CPP) sa pamamagitan ng paglikha ng komite ng Child Protection sa bawat dibisyon. Ayon sa nakaraang Sekretarya ng DepEd, Br. Armin Luistro FSC, ang nagtulak sa kagawaran para bigyang diin ang nasabing memorandum ayang kanilang tumataas na tala ng pisikal, makadiwa, at sekswal na pangaabusong dulot ng mga guro’t iba pang kasapi ng pakuldad-tatlo sa sampung mag-aaral na
nasa Grade 1-3 at lima sa sampung mag-aaral na nasa hayskul ang nakakaranas ng pisikal na pang-aabuso mula sa kanilang mga guro, o ‘di kaya’y ng kapwa nila-73.58% sa mga mag-aaral na nasa Grade 4-6 at 78.36% na mga mag-aaral na nasa hayskul na nag-aaral sa lunsod ay nakakaranas ng berbal na pangaabuso mula sa kanilang kapwa mag-aaral. Pero kahit na ganito, kahit na protektado na ang mga mag-aaral dapat may pagbubukod.
Dapat ikintal parin sa mga mag-aaral ang mga aral na kakailanganin nila sa pagtahak sa buhay para sila’y magabayan at hindi lumaking mga salot sa lipunan. Dapat hindi umabot sa puntong ang guro na ang natatakot sa mga mag-aaral. Dahil sa huli, ipinapapasok natin ang mga bata para mag-aral, para may matutunan at kung ito man ang umiral diwa ng mga paaralan at ng guro’y malalagay sa peligro.
HANDA NA
ANG
Bakas ng Karanasan. Tanda ng Kaalaman.
TOMO XXV BLG. 01
...........
isports SINAGTALA
ISPORTS LATHALAIN
Little Big Shots
Isang 15-anyos na lalake na may 5’6 ang tangkad, ang mapalad na maipamalas ang kaniyang talento sa isang International na torneo sa larangan ng taekwondo. Siya ay nakipag-palitan ng matutuling sipa at nasungkit ang unang pwesto sa sparing at forms sa naganap na International Taekwondo Championships sa Jeonjo, South Korea. Winagayway ng isang Grade 8 student ng Gusa Regional Science High School-X ang bandila ng Pilipinas, siya ay si Shun Kine Ira.
Ang Opisyal na Pahayagan ng Gusa Regional Science High School-X
HUNYO-DISYEMBRE 2017
LUMALABAN PA RIN
Sophomores, di nagpatinag at nakamit pa ang tagumpay Kuha ni JM Dela Fuente
Kuha ng ABS CBN News LAY UP. Nagtangkang pumuntos si Kiefer Ravena na naglalaro para sa Gilas Pilipinas sa nakaraang Sea Games na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Agosto 26, 2017.
pagtutulungan at pagkakaisa. Ensayo at tibay ang naging puhunan ng ahit mas bihasa at mas matatangkad koponan ni Namocatcat. “Palagi kaming nagpang mga juniors, nanatili pa ring practice tuwing sabado at saka nagpaplano palaban ang mga sophomores upang kami ng mga plays namin”, pahayag ni masungkit ang kampeonato sa larong Namocatcat. basketball. Talagang pinaghandaan ng Grade 10 ang Isang Grade 10 student mula 10-Viz ang bawat galaw at kahinaan ng Grade 11 upang umalsa sa buong koponan ng sophomores mapatumba ang isa sa malalakas na team sa matapos makakuha ng 14 puntos sa laro. buong eskwelahan. Hindi maitatanggi ni Jehue Namocatcat, Naging mahirap ang pinagdaanan nila star player ng sophomores na talagang Namocatcat bago makamit ang tagumpay. nahirapan silang mapasuko ang mga May mga hindi pagkakaunawaan ang nangyari juniors sapagkat mas lumamang sila sa sa koponan sapagkat hindi sila nagpatinag
K
ni Rhea Bernadeth Elan
sa kanilang mga ugali upang kainin sila sa kanilang damdamin. Aminado si Namocatcat na hindi naging madali ang sagupaan nila kontra sa mga matatangkad at mas bihasang mga Grade 11. Sa loob ng court, kung alam nilang mas malakas at lamang na ang kabilang koponan, mabilis manghinayang ang koponan. Nawawala sa pokus at nawawalan ng tiwala sa sarili. Kung tutuusin, mas maraming mga varsity players ang nagrepresenta para sa Grade 11 kung kaya’t mas ginanahan silang mag ensayo upang ipamalas na may ibubuga din sila bilang
Team RS nagpakitang-gilas sa District Selection Meet 2017
Grade 10 students. Hindi nabigo ang mga grade 10 matapos bugahan ng matitinding depensa at mababangis na opensa sa pangunguna ni Jehue Namocatcat upang maibulsa ang kampeonato sa naganap na Mapeh Days 2017 ng Gusa Regional Science High School-X sa ika 18-19 ng Disyembre.
ISPORTS EDITORYAL
Tuloy pa o tama na? ISPORTS AKSYON Rhea Bernadeth Elan
at babae. Tinadyakan nina Trisha Navarette sa babae at ni Jonel agpakitang-gilas at hindi Quintil sa lalake ang mga sundalong nagpahuli ang mga atleta kanilang kinalaban. ng Team Regional Science Bagama’t hindi nagpatalo ang bilis matapos ipinamalas ang at liksi ng kamay ng RS Table Tennis pusong palaban sa larangan ng boys and girls matapos depensahin isports. ang titulo bilang kampeon sa Nilahokan ng mga atleta mula nakaraang taon. sa iba’t-ibang paaralan ng East 1 Pumangalawa naman ang ang naganap na District Selection Volleyball Team babae at lalake, pati Meet 2017 sa ika 8-9 ng Setyembre na rin ang futsal, soccer at arnis. ngayong taon. Mga manlalaro galing Naibulsa naman ng Basketball girls Sacred Heart of Jesus Montessori ang ikatlong pwesto. School, Gusa Regional Science High Nagpasiklaban ang mga atleta School-X, Cugman National HS, sa iba’t-ibang larangan ng isports. East Gusa NHS, FS Catanico HS, Kabilang na dito ang volleyball, Capitol University Basic Education basketball, badminton, table tennis, Department, at Lapasan NHS ang football, at chess na dadaan pa nakipag-sagupaan para idepensa ang muna sa district meet habang ang kani-kanilang titulo. swimming, taekwondo, at lawn Nasungkit ng GRSHS-X tennis naman ay diretso na agad sa Badminton Boys ang kampeonato Division Meet sa Oktubre 5-7, 2017 sa pangunguna ni Fulgent Garay Tunay na puno ng talento ang mga sa singles. Laro ng utak at diskarte Regionalista sapagkat ipinamalas ng naman ay naibulsa din ng RS Chess bawat isa ang pusong palaban, wagi Team sa parehong kategorya; lalake man o talo. ni Rhea Bernadeth Elan
N
TUTOK. Tinira ni Noel Francis Labis ang kanyang pinag-isipang galaw sa larong chess sa ginanap na East 1 District Selection Meet sa ika 8-9 ng Setyembre ng taong kasalukuyan. Larawan ni Danica Armendarez
RS chess team nanguna sa District Meet
P
ni Shelow B. Monares
inisak ng defending champion GRSHS-X ang pagmamalabis ng CUBED, Lapasan NHS at Cugman NHS, matapos palakasin ang kapit sa tuktok sa naganap na District Meet 2017. Winagayway ng GRSHS-X Chess Team ang magkasunod na kampeonato mula sa nakaraang taon. Nagtala ng panalo sina Trisha Navarette at Carissa
Hindi natin maikakaila na sikat ang larong boxing. Maraming mga tao ang naaaliw sa larong ito. Kabilang dito ang pinakahihintay na bakbakan sa pagitan nina Conor McGregor at Floyd Mayweather na kinaguguluhan ng lahat. Kilala ang dalawang manlalaro sa buong mundo. Si McGregor ay kilala dahil siya ang hari sa larangan ng “cage fighting” at sa larangan naman ng boxing si Mayweather. Maraming nabigla sa naging resulta ng laban na higit na hindi nila inasahan. Marami ang nanghinayang kung bakit sa ganoong paraan nahinto ang bakbakan. Pero bakit nga ba hanggang doon lang? Naging makabuluhan at kakaiba ang laro ng dalawa. Ngunit ang tanong ng nakararami, sasabak pa nga ba muli ang dalawa sa loob ng rung? O babalik na lamang si McGregor sa kanyang tunay na mundo ng mixed martial arts? Base sa istatistiks, magkalapit ang kanilang mga puntos sa suntok ngunit sa ibang aspeto ng laban, lumamang si Mayweather. Ayon din naman kay Mayweather, ito ay huling sabak na niya sa loob n grin at siyay’y magpapahinga na. Kung ikaw ang magdedesisyon, tutuloy ka pa ba o tama na?
Careras sa kataga ng babae. Parehong nilang naitudla at nalihom ang panalo sa Board 1 at 2 kontra Cugman NHS. "Nice kaayo sa feeling kay worth it kaayo among effort labi na sa pagtan'aw sa mga videos about chess tapos nakadaog pajud mi," pahayag ni Navarette sa naging resulta ng laro. Sinakmal naman ng mga woodpushers ng GRSHS-X boys category ang CUBED. Tinalbos ni Jonel Quintil ang board 1 para sa GRSHS-X habang kinalos ni Noel Labis ang board 2.