MOLINO DE GRANO
TOMO II BILANG 1 • AGOSTO - PEBRERO 2024 ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PAMPAARALAN NG BACOOR NATIONAL HIGH SCHOOL- MAIN Dibisyon ng Bacoor City, Cavite, IVA CALABARZON
TAPAT. TOTOO. MAPAGKAKATIWALAAN
Pabahay sa Bacooreño
Bagong Bahay, Bagong Buhay - PBBM DepEd, ‘maghahabol’ sa Catch-up Fridays ni Ruth Michellette Lobos
Ipinatupad ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte na gagawin nilang “catch-up day” ang bawat araw ng Biyernes sa susunod na taon upang tulungan umano ang mga estudyante na mahasa ang kanilang reading at literacy skills. Sinabi ito ng Kalihim sa kaniyang talumpati sa culminating activity ng DepEd para sa National Reading Month nitong Martes, Nobyembre 21 na magsisimula ang implementasyon ng “catch-up Fridays” sa Enero 12, 2023. “Every Friday will be Catch-up Fridays. Ibig sabihin, wala tayong gagawin kundi turuan ang mga batang magbasa, at ‘yung mga marunong nang magbasa, ituro sa kanila ang critical thinking and analysis. ‘Yung mga marunong na sa critical thinking and analysis, pasulatin n’yo ng libro, pasulatin n’yo ng essays,” ani Duterte. SUNDAN SA PAHINA 05
MGA NILALAMAN
Biyaya ng Pangulo: Ang pagbisita ni PBBM sa Lungsod ng Bacoor para sa pagpapasinaya ng proyektong pabahay. Larawan mula sa PhilStar
ni Genesis Apetrior
P
ersonal na dinaluhan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagkakaloob ng pabahay na aabot sa 360 pamilyang residente ng Ciudad Kaunlaran Phase 1 sa Lungsod ng Bacoor, Enero 12.
Tinatayang makikinabang ang kabuuang 540 pamilya sa sandaling makumpleto na rin ang Ciudad Kaunlaran Phase II sa naturang lungsod. “Hinihikayat ko po ang ating mga benepisyaryo na pagtibayin ang pakikipagtulungan sa ating pamahalaan upang mapanatili ang kaayusan at kasaganahan sa komunidad na ating binubuo,” saad ni Marcos. “Ang ating pagdalo sa mahahalagang okasyon tulad nito ay sumisimbolo ng aking pangako sa sambayanan na maiangat ang antas ng pamumuhay ng bawat Pilipino sa pamamagitan ng bagong bahay tungo sa bagong buhay,” dagdag pa niya. Samantala , kabilang din sa mga dumalo sina Senador Bong Revilla Jr., NHA General
Manager Joeben Tai, Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Acuzar, Senadora Cynthia Villar, Senador Mark VIllar, at Senador Francis Tolentino. ‘Walang Pilipinong walang bahay sa sariling bayan,’ ito naman ang binigyang diin ni Secretary Jose Rizalino Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Developments ( DHSUD ) sa pagbubukas ng pabahay sa Lungsod ng Bacoor. Sumentro ang proyektong ito sa pagbibigay ng pabahay sa mahihirap na residente ng Lungsod ng Bacoor sa ilalim ng programang Pambansang Pabahay para sa Pilipino ( 4DH ) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ‘Napakaganda ng lokasyon, katapat lamang ng barangay hall, malapit sa eskwelahan,
ospital, palengke at higit sa lahat sa commercial areas, saad ni Acuzar. ‘Umpisa pa lang po ito, may mga hamon man tayong haharapin ay kakayanin natin ito kung tayo ay sama-sama at tulong-tulong, dagdag pa niya. Tinawag na “Strike Towers” ang pabahay na ito ay binubuo ng siyam na gusali na may labinlimang palapag at may aabot sa 1,890 na mga condominium-type na mga yunit. Naisakatuparan ang proyektong ito sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla at ng pambansang pamahalaan sa pamumuno ni Pangulong Marcos Jr.
SOSA: Pagtutulungan sa pagkamit ng karangalan ni Ethan Matthew Dumadag
BALITA PAHINA 02
“S
ama-sama, tulong tulong sa Bacoor National High School - Main, may pusong malasakit, handa sa pagbabago para sa pagsulong ng batang Bacooreño!”
Bayanihan tungo sa kaayusan
Naganap ang SOSA ni Dr. Teodoro A. Gloriani, Punongguro IV ng Bacoor National High School - Main noong Agosto 22, 2023 na naglalayong maiulat ang programang naisakatuparan noong nakaraang taon kasabay ng Matatag Curriculum ng Department of Education (DepEd). Ilan sa mga tinalakay ng punongguro ang may kinalaman sa kurikulum, isyung para sa kaginhawahan at kaligatasan, mga pagsasanay ng mga guro at mga karangalang tinamo sa nagdaang taon.
EDITORYAL PAHINA 07 Trabaho ng guro, pagaanin
Kurikulum Ginawaran ng Kagawaran ng Edukasyon ang Special Science Curriculum, Science, Technology, at Engineering Program (SSC-STE) bilang SSC-STE Program Implementer. Nagtagumpay din ang mga mag-aaral sa proyekto
ng ALS, ang Project ALTAS o Alternative Learning Through Accessible Services. Kaginhawahan at kaligtasan Pagdating sa kaligtasan ng paaralan, itinaguyod ang Adopt-a-School Program, Programang Water, Sanitation and Hygiene in Schools, Wash In Schools (WinS), Safety Awareness for Everyone (SAFE), Feeding Programs, at ang National Health Month. Mayroon ding Oplan Kalinga, na siyang proyekto para ang pagbagsak ng klase. STAIR-Scaffolding Through Acquired interactions in Reading, Kabataang Bacooreño Kontra Droga Program, Hubugin at Gabayan ang Isipan sa Sipnayan, at PETAL- Peer Engagement Towards Awesome Learning.
SUNDAN SA PAHINA 02
LATHALAIN PAHINA 10
SA MGA NUMERO
GOMBURZA
Nagpatala sa T.P 2023-2024 sa BNHS Main
SUNDAN SA PAHINA 02
ISPORTS PAHINA 20 HATAW SA TAGUMPAY
1,349
1,608
1,986
1,775
84
59
5
Grade 7
Grade 8
Grade 9
Grade 10
SNEd
JHS
ELEMENTARY ALS
TOMO II BILANG 1 • AGOSTO - PEBRERO 2024
MOLINO DE GRANO • ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PAMPAARALAN NG BACOOR NATIONAL HIGH SCHOOL- MAIN
Balita
GenesisApetrior/EthanMatthewDumadag patnugot ng Balita
Kusang Gawa: Buong pagmamalasakit na ipinakita ni Dr. Teodoro A. Gloriani, Punongguro IV ang pagtulong sa Brigada Eskwela’ 23
18th Nat’l Jamboree/mula sa pahina 01
BNHS-Main, wagi sa Peacetival of Talents and Valtues ni Alessandra Denise Abe
Nagkamit ng karangalan ang BNHS-Main sa pangunguna ni Dr. Teodoro A. Gloriani, Principal IV, sa ginanap na 6th National Peacetival of Talents and Valtues (Values and Virtues) 2023 na may temang MATATAG: Cultivating Values and Peace Towards Sustainable Excellence” at ginawaran ng karangalan ang mga nanalo sa pagtatapos ng programa noong Disyembre 2, 2023.
Bayanihan tungo sa kaayusan ni Ruth Michellette Lobos
M
uling pinatunayan ng Bacoor National High School- Main na nangibabaw ang pagtutulungan sa katatapos lamang na Brigada Eskwela 2023 mula Agosto 10 hanggang 18, 2023.
Simbolo ng Brigada ‘23 ang boluntersimo at bayanihan sa temang “Bayanihan para sa Matatag na Paaralan, Tara na, Magbrigada na tayo!” Nagsagawa ng parada ang BNHS-Main bilang panimula sa Brigada Eskwela ng paaralan kasama ang mga delegado ng Molino De Grano, Senior Scouts, Drum and Lyre, at mga guro ng paaralan. Matapos ang parada, isinagawa
ang pormal na pagbubukas ng Brigada sa paaralan sa pangunguna ni G. Louis Kenneth Cabo, Brigada Eskwela Coordinator. Kasabay ng pagsisimula ng mga kaganapan ang pamamahagi ng Brigada Eskwela 2023 shirts sa mga gurong nakilahok. Nagsagawa rin ng Zumbrigada sa unang araw ng Brigada Eskwela na nilahukan ng mga organisasyon sa paaralan at mga guro mula sa iba’t ibang antas.
Nagsilbi itong warm-up para sa mga darating na araw. Sa kabilang banda, dumagsa ang mga donasyon at volunteers mula sa iba’t ibang stakeholders bilang pakikiisa sa Brigada ng paaralan. Kabilang ang Bureau of Fire Protection (BFP), Bacoor City Parole and Probations Team, Waltermart, Saint Francis of Assisi College, Rotary Club Uptown Cavite, at Members Church of
God International (MCGI) sa mga nakilahok sa Brigada Eskwela ng BNHS- Main. Pagsapit naman ng tanghali, nagkakaroon ng Boodle Fight sa pangunguna ng mga Curriculum Chairman ng bawat baitang. Sa pagtatapos ng Brigada, ginawaran ang mga stakeholders bilang pasasalamat sa kanilang donasyon sa paaralan upang maisakatuparan ang mga layunin sa Brigada.
Mahigit 6.7K estudyante, balik-eskwela sa BNHS-Main ni Genesis Apetrior
N
akapagtala ng kabuuang 6,712 mag-aaral ang Bacoor National High School- Main sa isang mapayapang pagbubukas ng paaralan para sa taong panuruan 2023-2024 noong ika-29 ng Agosto. Ayon sa pinakahuling datos na inilabas ng Learner Information System (LIS) Coordinator Gng. Mercy Ann G. Giere , Master Teacher I noong ika-31 ng Agosto, binubuo ang mga ito ng 1,349 mula sa ikapitong baitang, 1,608 mula sa ikawalong baitang, 1,896 mula sa ikasiyam, 1,775 mula sa ikasampung baitang, at 84 mula sa Special Needs Education (SNEd). Bukod dito, mayroong 59 mula sa Junior High School Program at lima mula sa elementarya sa Alternative Learning System o ALS. “Salamat sa Diyos at wala tayong naging malaking problema hanggang uwian. Salamat sa inyong kooperasyon at malasakit,” pagbibigay pagkilala ni Dr. Teodoro A. Gloriani, Punongguro IV sa mga gurong nangasiwa sa pagpapatala ng mga mag-aaral. Dagdag pa ng Punongguro, maayos ang naging implementasyon ng DepEd Order No. 22, s. 2023
“Implementing Guidelines on the School Calendar and Activities for SY 2023-2024” at SDOB-DM-04-23-415 “Monitoring of School Readiness for the Opening of Classes SY 2023 - 2024.” Matagumpay naman ang inilunsad na programang Balik Eskwela sa Dibisyon ng Bacoor sa tulong at pagsubaybay nina G. John Russel Erasmus, G. Erwin Ternida, RO IV-A EPS Dr. Eugene Adrao at ng SDO Bacoor City Officials Venus T. Balmedina, OIC-ASDS; Julieta R. De Jesus, EPS-English; at Janet G. Villaroya, EPS-SGOD. Samantala, ipinagmalaki naman ng Department of Education (DepEd) and pagbabalik ng 23 milyong mga estudyante ngayong akademikong taon 2023-2024 kung saan nakapagtala ng 3.5 milyon ang Region IV-A na pinakamataas na enrollment sa bansa, alinsunod sa datos ng DepEd.
SA MGA NUMERO
Nagpatala sa T.P 2023-2024 sa BNHS Main
1,349
1,608
1,986
1,775
84
59
5
Grade 7
Grade 8
Grade 9
Grade 10
SNEd
JHS
ELEMENTARY ALS
Pinangunahan ng UNESCO-Asia-Pacific Network for International and Values Education (APNIEVE) Philippines ang nasabing patimpalak na naglalayong gunitain ang Filipino Values Month sa pamamagitan ng pagsusulong ng Good Manners at Right Conduct (GMRC), kapayapaan, at edukasyon sa pagpapakatao sa iba’t ibang paraan tulad ng patimpalak at paggamit ng Information Communication Teachnology (ICT) na naglalalayong maipakita ang kagalingan ng mga mag-aaral. Nasungkit ng mga kalahok ay ikawalong pwesto sa Values Tiktok Challenge na kinabibilangan nina Yohanna Clay Rosales, Melan Xyla Andrino, at Allison Desalisa, samantalang ikasiyam na pwesto naman sa Book Lover Contest na kinabibilangan ni Johnrei Kennard A. Falalimpa at ikasampung pwesto naman sa MaTIK (Mabuting Tao, Itatanghal Ko!) na kinabibilangan nina Jessie J. Orquillos, Prince Alexis Buenafe, Ysabella Marie V. Patiten, Aisha Alexandra Peggy, Aya Samara Aquino, at Xyra Karylle C. Quilao. Sumailalim ang mga mag-aaral sa pagsubaybay ng kanilang mga gurong tagapagsanay mula sa kagawaran ng Edukasyon sa Pagpapakatao na sina Bb. Ma. Luisa Erbon, Gng. Regina O. Moratalla, Gng. Clarissa Nario, Gng. Shiela Marie Aberia at Gng. Armida C. Lacap, Master Teacher 1.
SOSA/mula sa pahina 01 Pinangasiwaan naman ni G. John Roger A. Drio, Administrative Officer IV, ang gastusin para sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE). Kabilang dito ang mga gastusin para sa mga materyales na ginagamit sa paaralan, transportasyon, kagamitan at pagkukumpuni. Pagsasanay sa mga guro Pinahahalagahan din ng paaralan ang mga guro sa papamagitan ng mga pagsasanay, tulad ng Learning Action Cell (LAC), STAR (Strengthening Teachers’ Action Research) at ang MY GIRLS- Guide and Instructions in Learner Information System (LIS) Encoding. Mga karangalan Ipinakita rin ng mga organisasyon sa paaralan ang angking husay pagdating sa paglilingkod. Ito ay ang Senior Scouts Unit 228, Youth for Environment and Schools Organization (YES-O), Supreme Student Government (SSG), Barkada Kontra Droga (BKD) at Molino De Grano (MDG). Ayon pa rin sa talumpati ng Punongguro, mananatiling tapat sa bisyon at misyon ang paaralang BNHS- Main. Umabot ng 7,206 ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral sa taong 20222023. Nasa 267 naman ang bilang ng mga guro, 47 ang mga tauhan ng paaralang hindi nagtuturo, at sa mga manggagawa na ito, 12 ang tumaas ang ranggo. Sa larangan ng mga patimpalak na pangakademiko, humakot ng mga parangal ang BNHS- Main sa mga asignaturang Filipino, English, Mathematics, Science, at MAPEH. Ang mga magaaral ay hindi lamang nanalo ng parangal sa loob ng paaralan, ngunit umabot din sa dibisyon, rehiyonal, pambansa at internasyonal na larangan. Nagwagi rin ang BNHS- Main bilang Pinakamahusay na Pampublikong Paaralan sa Sekundarya sa Gawad Agimat 2022 na naganap sa Bangkok, Thailand. Tunay na naging makabuluhan ang akademikong panuruan 2022-2023. Hindi kailanman namahinga ang tirahan ng mga kampeon pagdating sa pagbibigay ng tunay na serbisyo at paglikha ng mga programang huhubog sa mga tauhan ng paaralan, lalo na sa matagumpay na kinabukasan ng mga mag-aaral. Maipagmamalaki rin ang mga di mabilang na karangalang hinakot ng punongguro sa paaralan mula noon hanggang ngayo. Mula sa pagtatamo ng mga karangalan sa Gawad Agimat, naging pinakatampok dito ang pag-aangat niya ng BNHSMain sa pandaigdigang lebel bilang pinakamahusay na pinuno sa larangan ng edukasyon.
Balita
MOLINO DE GRANO • ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PAMPAARALAN NG BACOOR NATIONAL HIGH SCHOOL- MAIN TOMO II BILANG 1 • AGOSTO - PEBRERO 2024
03
Bakuna para sa’yo!: Ang pagsasagawa ng pagbabakuna sa BNHS- Main
Pagbubukas ng ‘Great Wall of Bacoor’
Larawan mula kay Nischelle Capagalan
ni Bea Krizz Villanueva
Nagdiwang ang mga motorista sa pagbubukas ng flyover pass sa Molino IV, Bacoor City na binansagang ‘Great Wall of Bacoor’ noong Martes, Disyembre 12 dahil sa higit limang dekadang kasaysayan mula sa pagsisimula nito. Dinaluhan ito nina Mayor Strike B. Revilla, Cavite 2nd District Rep. Lani Mercado Revilla, Agimat Partylist Rep. Bryan Revilla, Department of Public Works and Highways (DPWH) Usec. Roberto R. Bernardo, DPWH Region IVA Regional Director Joel G. Mendoza, at SM Supermalls Assistant Vice President for Operations Lorenzo Leon A. Calingasan IV. “This project started when I was mayor in 2017. Finally, year 2023, ngayong bumalik ako sa kongreso, si Mayor Strike nagbabalik sa city hall, si Sen. Bong nandiyan, tumutok talaga kami para mapondohan ang proyekto na ito and with the help of SM Group of Companies (Now that I am back in Congress), Mayor Strike is back at the city hall, Sen. Bong is there, we really focused on funding this project with the help of SM Group of Companies,” ani Lani Mercado Revilla. Binigyang-pansin naman ni Mayor Strike Revilla ang mga suliraning nagbunsod sa pagtagal ng proyekto. “Ang bottomline talaga ng problema nito, ‘yung pambayad sa right of way. Hanggang ngayon, may utang pa rin ‘to na almost P400 million. ‘Yan ang totoo, kaya hindi tayo nakapag-widening nang todo-todo. Kaya ‘yan ang gusto nating i-appeal sa DPWH (The real bottom line of this problem is the payment for the right of way. Until now, there is still a debt of almost P400 million. That is the truth, which is why we couldn’t fully widen the road. That is what we want to appeal to the DPWH,” ani ng isang local chief executive. Nakaranas ng mga komplikasyon sa pagtatayo ng naturang tulay tulad na lamang ng pagbayad ng right of way, pagpapalawak ng kalsada, at konstruksyon ng Bacoor diversion road.
Bakuna para sa Kaligtasan ni Bea Krizz Villanueva
P
inilahan ng mga pampublikong guro at mga non-teaching personnel sa lungsod ng Bacoor ang libreng Human Papillomavirus Vaccine (HPV) sa ilalim ng programa ni Congresswoman Lani Mercado Revilla sa pakikipagtulungan ni Dr. Teodoro A. Gloriani, Punongguro IV at Gng. Laarni Penus, nurse ng paaralan na isinagawa sa Bacoor National High School- Main noong Enero 26, 2024. Nagbibigay ang naturang bakuna ng ligtas na paraan upang buuin ang wastong kaalaman sa pagpapalakas ng immune system na makatutulong upang mapadali ang paglilinis ng mga posibleng maging sanhi ng kanser. “Ibinibigay ang bakunang ito upang makaiwas sa HPV laban sa Cervical Cancer lalo na sa mga kababaihang edad siyam pataas,” ani School Nurse Laarni Penus. Katuwang din sa naturang programa ang Schools Division Office, School Health Nutrition Unit, at City Health Office. Tinatayang nasa humigit- kumulang 70 ang mga gurong tumanggap ng benepisyong ito.
Molino De Grano, umarangkada sa DSPC 2024 ni Czarina Masilang
U
mani ng mga medalya ang Molino De Grano, opisyal na pahayagan ng BNHS- Main matapos magwagi sa walong indibidwal na kategorya at tatlong kategoryang panggrupo sa pagtatapos ng Division Schools Press Conference (DSPC) noong Pebrero 6-8, 2024.
Isa lamang ang karangalang ito sa mga ‘di mabilang na pagkilala noon at ngayon na iginawad sa mabunying Punongguro IV ng Bacoor National High SchoolMain na si Dr. Teodoro A. Gloriani ngunit masasabing pinakamatamis dahil sa iniangat ni Dr. Gloriani ang antas ng BNHS- Main sa pandaigdigang lebel ng mga pinakamahuhusay na kanlungan ng karunungan at bilang isang pinuno sa larangan ng edukasyon.
Naiuwi ng grupong Collaborative Desktop Publishing at Online Publishing ang unang pwestong kinabibilangan nina Karla Marie M. Abordo (9-SSC Rutherford), Andrea Kate G. Angeles (10-SSC Einstein), John Cardelle D. Lomuntod (10-Emilio Aguinaldo), Ajhae Anjela D. Legaspi (9-SSC Mendeleev), Ruth Michellette S. Lobos (7-Jose Rizal), Raphael Angelo I. San Jose (10-SSC Einstein), Bea Krizz I. Villanueva (10-SSC Newton), Alessandra Denise A. Abe (10-SSC Newton), Christ Hayden A. Javier (10-SSC Newton), at Shayne Marie M. Secondes (10SSC Newton). Hindi naman nagpahuli ang indibidwal na kategorya nang makamit nina Czarina Mae R. Masilang (10-SSC Newton), Johnrei Kennard A. Falalimpa (9-Severino de Las Alas), at Althea A. Obo (10-Andres Bonifacio) ang unang pwesto sa pagsulat ng kolum, pagkuha ng larawan at pagguhit ng kartun. Nasungkit naman ni Samantha O. Cana (9- Francisco Baltazar) ang ikalawang pwesto sa pagsulat ng balitang agham at pangkalusugan samantalang ikatlong pwesto naman sa pagwawasto at pag-uulo ng balita si Ysabella Gail M. Lauresta (9-SSC Rutherford). Kabilang ang mga naturang mag-aaral sa magiging kinatawan ng Dibisyon ng Bacoor sa darating na Regional Schools Press Conference (RSPC) sa Laguna. Samantala, nagwagi rin sina Niña Jesserine J. Bello (10-SSC Einstein) sa pagsulat ng editoryal, at Precious Aouie M. Inciso (10-SSC Newton) sa pagsulat ng balita na nagkamit ng ikaapat na pwesto. Naitanghal naman ang Molino De Grano TV Broadcasting sa ikatlong pwesto. Samantala, umani rin ng parangal ang Molino De Grano- English kung saan napagwagian nila ang unang pwesto sa lahat ng panggrupong kategorya at tatlo naman sa indibidwal na larangan sa patnubay nina Gng. April Bueno, Bb. Elizabeth Leaño at Gng. Gloria Tejero. Nilahukan ang DSPC ng mga humigit kumulang 300 na kalahok mula sa iba’t ibang paaralan sa pribado at pampublikong paaralan sa Bacoor. Ang mga manunulat sa MDG Filipino ay sumailalim sa pagsasanay nina Gng. Minerva P. Bulaong, G. Juan A. Mendoza Jr., at Gng. Wendie M. Alonzo.
Paghahanda sa patimpalak: Si G. Brazil sa pagtalakay ng TV Broadcasting mechanics
Larawan mula kay Nischelle Capagalan
04
Balita
MOLINO DE GRANO • ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PAMPAARALAN NG BACOOR NATIONAL HIGH SCHOOL- MAIN TOMO II BILANG 1 • AGOSTO - PEBRERO 2024
Pusong busog sa BNHS-Main ni Genesis Apetrior
“Feed Love Program.” Ito ang naging tuon ng pagdiriwang ng araw ng mga Puso sa BNHS-Main sa pangunguna nina Dr. Teodoro A. Gloriani, Punongguro IV, G. Ronnie G. Alvarez, Master Teacher I, chool Parent-Teacher Association (SPTA) Coordinator, at Gng. Rowena Sara, SPTA President, at iba pang mga kasapi ng nasabing organisasyon ng BNHS. Nagtayo ng photobooth, libreng taho, libreng puto para sa mga guro and mag-aaral kasabay ng palaro at pamigay ng school supplies sa pangunguna ni Dr. Maria Cristina I. Allerton na siyang founder ng Hope in Me Club. Ayon sa kanya, ang pagbabahagi ng biyaya ay paraan ng pasasalamat. Sa huli, pinaalalahanan niya ang mga mag-aaral na mag-aral nang mabuti magkaroon ng positibong pananaw upang magtagumpay.
Husay at Galing: Kinilala ang mga natatanging mga guro ng BNHSMain sa ikatlong Gawad Ngilag Larawan mula kay Gng. April Bueno
Galing at tagumpay, kinilala sa Ikatlong Gawad Ngilag ni Ethan Matthew Dumadag
“Sama-samang Paglilingkod para sa Matatag na Edukasyon”
BNHS Main, wagi sa HKISO ni Raphael Angelo San Jose
Matagumpay ang ginawang pagsali ng Bacoor National High School- Main SSC-STE Program sa Hongkong International Science Olympiad (HKISO) Heat Round na ginanap via online noong Nobyembre 26, 2023.
Ito ang tema ng magkasabay na pagdiriwang ng GAWAD NGILAG (Natatanging Gawa at Inobasyon sa Larangang Pang-akademya at Gawaing Pagganap) at Christmas Party ng Bacoor National High School- Main sa pangunguna ni Dr. Teodoro A. Gloriani, Principal IV sa Laresio Lakeside Resort, Los Baños, Laguna noong Disyembre 15-16, 2023 Naganap sa unang bahagi ng pagdiriwang ang paggagawad ng parangal sa mga sumusunod; Teaching Excellence, Leadership, Innovative Project at Skills
Development Award na siyang pangunahing layunin ng programa. Sa kabila ng mabigat na pakiramdam ng Punongguro ay naibahagi niya ang kanyang presensya sa okasyon at nakapagpahayag pa siya ng kanyang mensahe sa lahat ng dumalo. Isang pasasalamat naman ang inihayag niya sa mga taong naging punong-abala sa nasabing programa. Matapos ang pormal na selebrasyon ng GAWAD AGIMAT, sabik naman ang lahat sa
pagbubukas ng Christmas party na na may Korean -Inspired na tema mula sa pananamit hanggang sa musika. Nagpamalas naman ng sayaw ang mga kinatawan ng bawat kagawaran bilang pinakatampok na bahagi ng gabi. Bagama’t pagod sa pagsasabay ng kanilang karera sa pagtuturo at pag-eensayo sa sayaw ay bakas naman ang kasiyahan sa bawat isa. Sa huli, nakamit ng MAPEH Department ang unang pwesto, sinundan naman ito ng Science
Department sa ikalawang pwesto at Mathematics sa ikatlong pwesto. Kinoronahan din sina G. Christian R. Dulce at Bb. Maria Leonila L. Mamerto bilang Stars of the Night, sa kabilang banda, si G. Daryl Gayamo naman ang kinilalang “Oppa of the Night.” Kasabay din ng patimpalak sa pagsayaw ay ang pagbunot ng magwawagi sa pa-raffle. Pinalad sina Gng. Lucena A. Torres, guro ng Filipino at G. Alpres Abisado , utility ng isang 32” at 40” TV.
Kabilang sa mga nagwagi ng gintong medalya sina Christopher Aduviso Jr.(10- SSC Newton) at Lance Riley Royo (7-SSC Galileo), medalyang pilak naman sina Venice Gayle Gerona ( 9-SSC Rutherford) at Marielle Antoinette Montaño (9-SSC Mendeleev) samantalang merit naman ang natanggap nina Amari J. Mapait, Jirv Marcus Morales at Louis Andrei Cuaresma (7-SSC Galileo). Sumailalim ang mga kalahok sa pagsubaybay ng mga guro sa Agham na sina Bb. Juvielyn Concepcion, Gng. Michelle L. Cenizal at Bb. Krisella Nario at sa pakikipagtulungan nina Dr. Teodoro Gloriani, Punongguro IV, at Gng. Welmina Akol, Master Teacher 1/ TIC- Science Department.
Larawan mula sa SDO Bacoor
ALS sa Bacoor City, mas pinatatag ni AlessandraDeniseAbe
Inilunsad ang programang ALTAS (Alternative Learning Through Accessible Services) sa ilalim temang “Establishing and Co- Creating the C-CASED (Christ Centered, Creative, Auspicious, Skillful, Exemplary, and Dynamic) Characteristics though Accessible Services for ALS Learners” sa University of Perpetual Help System DALTA (UPHSD)-Molino Campus,” Enero 8, 2024. Sinimulan ang programa ng UPHSD- Molino Campus, Humanities, and Social Science Cluster (College of Arts and Sciences, College of Education, and College of Criminology) sa pangangasiwa ni G. John Robby O. Robiños , Dean, Cluster Head. Dinaluhan ni Dr. Teodoro A. Gloriani, Principal IV ang nasabing programa kasama sina Gng. Marian Flor S. Memphin, ALS Coordinator, Larawan mula kay Bb. Juvielyn Concepcion
at G. Ernesto U. Talosig, Master Teacher 1. Sumuporta rin ang mga opisyal ng Schools Division Office (SDO) Bacoor sa paglulunsad ng programa sa pangunguna nina Dr. Babylyn M. Pambid, OIC- Schools Division Superintendent, Dr. Editha B. Gregorio, CID Chief, Dr. Leonora M. Medina, ALS Focal Person at Gng. Librada A. Gutierrez, ALS Education Program Specialist.
Ayon sa Philippine Education for All (EFA) at Article 46 ng Universal Declaration of Human Rights, layunin ng proyektong ito na patatagin at suportahan ang paghahatid ng sistema ng pagaaral sa pampublikong paaralan at palaganapin ang karampatang edukasyong para sa mga mag-aaral na nakararanas ng kahirapan at pagsubok.
Gayundin, kabilang sa inisyatiba ng proyektong ito ang Team Facilitation ng Alternative Learning Strands sa pamamagitan pagsasagawa ng regular na klase, pamamahagi ng kagamitang pampagkatuto, pamamahagi ng suplay at pakikipagtulungan na may kalakip na memorandum of agreement.
Balita
MOLINO DE GRANO • ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PAMPAARALAN NG BACOOR NATIONAL HIGH SCHOOL- MAIN TOMO II BILANG 1 • AGOSTO - PEBRERO 2024
05
Trabaho ng mga guro, pagagaanin – DepEd EDCOM 2 ni Ruth Michellette Lobos
Napagkasunduan sa ginanap na Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) na utusan ang Department of Education na ipatupad ang pagtatanggal ng mga administrative na trabaho ng mga guro na ginanap sa UP BGC noong Pebrero 8, 2024.
Larawan mula kay G. Arzel Mendoza
Kahandaan saan man, kailan man! ni Genesis Apetrior
Binulabog ng halos 30, 000 na mga Iskawts at Lider Iskawt mula sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas at maging sa ibang bansa ang Lungsod ng Passi sa Iloilo noong Disyembre 11-17, 2023. Taglay ang temang “Youth Engagement: Sustaining Relevance and Strenghtening Resilience,” isinagawa ang naturang kaganapan na idinaraos tuwing ikaapat na taon lamang na naglalayong magtatag ng isang kapatiran, kaalaman at kakayahan upang maging isang produktibong mamamayan . Tinatayang aabot sa humigitkumulang 57 milyon na ang
kasapi sa Iskawting sa buong mundo kung kaya’t tinatawag ang Jamboree bilang ‘Mother of all Activities’ para sa buhay ng isang iskawt. Kaugnay nito, kabilang sa mga kalahok ang Bacoor National High School- Main na pinangunahan ni G. Arzel S. Mendoza, isang guro sa Mathematics sa BNHS- Main at tumatayo bilang BSP School
Coordinator/Outfit Advisor ng paaralan. Kasama ni G. Mendoza ang mga piling mag-aaral/iskawts na sina Aaliyah Jen B. Barlis, Reshan Angela E. Payapaya, John Julian Nale, Rico C. Gonzales Jr., Marian Joy A. Degara, at Bernabe P. Pastrana. Kinapalooban ang Jamboree ng ibat’ ibang aktibidad na nakapaloob sa mga Modules
tulad ng Survival Skills, Physical Fitness and Team Sports, at iba pang naglalayong mahubog ang kahandaan sa isip at katawan ng bawat iskawt. Dinaluhan ang naturang programa na umabot ng isang linggo ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na nagsilbing Panauhing Pandangal sa pagbubukas ng palatuntunan .
Nilagdaan ang DepEd Order No. 2, series of 2024 (DO2), noong Enero 26, 2024 na nag-aatas sa mga paaralan na alisin ang mga trabahong pang-administratibo ng mga guro katulad ng pagiging canteen manager, 4Ps at school-based feeding coordinator, Gulayan sa Paaralan, at iba pa. Tinalakay din sa pagpupulong ang hinaing ng mga guro tungkol sa kanilang kakulangan ng oras sa mismong aktwal na pagtuturo na kinakain ng kanilang mga nasabing administratibong gawain. “Laking tulong sa teachers na ‘yung time na mai-aallot niya [sa administrative tasks] ay maibibigay sa teaching at makakapagbigay ng time sa bata…para sa mga mas makabuluhang bagay”, saad ng isang guro mula sa NCR. Sinabi naman ni DepEd Officer-In-Charge for the Human Resource and Organizational Development Undersecretary Wilfredo E. Cabral na magkakaroon muna ng transitory period na animnapung araw ( 60 ) bago maipatupad ng lubusan ang naturang kautusan. Tinanong naman ng isang guro mula pa rin sa NCR kung papaano ang magiging patakaran kung sakaling alisin na ang kanilang mga kasalukuyang administrative na gawain . “Sino – o nasaan – ang sasalo ng trabaho?…Kung tatanggalin siya sa teachers, kailangan may sasalo…Hindi talaga kakayanin ng isang school head namin at ng isang administrative officer namin na sasaluhin ang lahat ng administrative tasks ng teachers”. Samantala, sinabi naman ni Principal Mimi, mula sa Region 4A Calabarzon na sa loob ng transition period na 60 na araw ay masyadong matatambakan ng gawain ang mga Administrative Officers ( Aos ) dahil sa mga panibagong trabaho na mapupunta sa kanila. ‘Maraming AO sa amin na gusto nang magresign…dahil sa dami ng trabaho”, himutok ng punongguro. Kaugnay nito, sinabi ni EDCOM 2 CoChairperson Senator Sherwin Gatchalian na hihimukin niya ang mga pinuno ng DepEd na makipagtulungan sa mga iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mga pribadong ahensya upang mas mapadali ang pagsasakatuparan ng nasabing kautusan. Kasama na rito ang pag lalagak ng kaukulang pondo para sa implementasyon ng DepEd Order 02 na nakapaloob sa bawat Maintenance and Other Operation Expenses (MOOE ) ng mga paaralan.
Catch-up Friday/mula sa pahina 01
Larawan mula sa SDO Bacoor
Pagmamahal inialay sa mga guro sa Teachers’ Day ni Ruth Michellette Lobos
“Lahat ng mga sakripisyo ninyo, lahat ng paghihirap niyo, masusuklian ‘yan ng paghanga mula sa lahat, kaya’t magpahinga kayo ngayon dahil ito ang araw para sa inyo” Ito ang mensaheng hatid ni Dr. Babylyn M. Pambid, Schools Division of Bacoor Superintendent OIC sa pagdiriwang ng Araw ng mga guro na ginanap Strike Gymnasium, Bacoor Government
Center Compound noong Oktubre 4, 2023. Samantala, nagpahayag din ng taos- pusong pasasalamat at pagbati si Congresswoman Lani Mercado-Revilla. Naging tampok ng
pagdiriwang ang Teachers Got Talent kung saan nagpamalas ng iba’t ibang kahusayan ang mga guro. Ayon sa tala, nasa humigitkumulang tatlong-libong pampublikong guro sa Bacoor
mula elementarya hanggang senior high school ang nagsidalo. Nagtapos ang pagdiriwang sa mga palaro, at papremyo hatid ng Lungsod ng Bacoor.
Bukod dito, binanggit din ng bise presidente na kailangan din umanong magsagawa ng “catch-up” ang mga estudyante pagdating sa mga asignaturang kalusugan, values, at peace education na nakapaloob sa DepEd Order No. 001, S. 2024. “Kailangan natin ng isang araw kung saan hahabol tayo doon sa kung saan nating gustong dalhin ang mga bata, dahil hindi pwedeng paulit-ulit na lang tayo sa ating ginagawa pero wala naman tayong nakikitang pagbabago, wala tayong nakikitang improvement sa ating mga learner,” dagdag pa ni VP Sara. Kasama ang Bacoor National High School – Main sa pamumuno ni Dr. Teodoro A. Gloriani , Punongguro IV sa mga nagpatupad ng naturang kautusan ng Kagawaran ng Edukasyon sa buong bansa. Isasagawa umano ang naturang “Catch-up Fridays” hanggang sa pagtatapos ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa taong 2028.
MOLINO DE GRANO Ang Opisyal na Pahayagang Pampaaralan ng Bacoor National High School- Main TOMO II BILANG 1 • AGOSTO - PEBRERO 2024
PATNUGUTAN Punong Patnugot
Karla Marie Abordo Ikalawang Patnugot
Rainier Montañez Tagapamahalang Patnugot
John Cardelle Lomuntod Patnugot ng Balita
Genesis Apetrior Ethan Matthew Dumadag Patnugot ng Opinyon
Karla Marie Abordo Patnugot ng Lathalain
Shayne Marie Secondes Patnugot ng Agham at Kalusugan
Rainier Montañez
Patnugot ng Isports Punong Taga-anyo ng pahina
John Cardelle Lomuntod Dibuhista
JahnRei Kennard Falalimpa Tagawasto at taga-ulo ng balita
Ysabella Gail Lauresta Mga Kontribyutor
Ruth Michellette Lobos Andrea Kate Angeles Ajhae Anjela Legaspi Christ Hayden Javier Samantha Cana Czarina Mae Masilang Althea Obo Raphael Angelo San Jose Bea Krizz Villanueva Alessandra Denise Abe Niña Jesserine Bello Airielle Riasha Sydney Mikaela Bianca Dormal Shella Mae Roca Jammel Cirilo Precious Aouie Inciso Mga Tagapayo
Minerva P. Bulaong Wendie M. Alonzo Juan A. Mendoza Jr. Mga Konsultant
Dr. Teodoro A. Gloriani Dr. Merlie M. Esguerra G. Arjay Bardelosa Punongguro IV
Trabaho ng guro, pagaanin P
ahinga, yan ang hiling ng mga guro dahil sa patuloy na pagtatambak sa kanila ng mga gawain. Dahil sa mga administrative tasks na idinadagdag sa mga guro kasama ng kanilang teaching load ay hindi na natututukan nang maayos ang kalidad ng pagtuturo ng marami sa kanila. Para matiyak na walang gambala sa pagtuturo ng mga guro ay ipinag-utos ni Bise Presidente at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Z. Duterte ang pag-alis ng mga administrative tasks sa mga guro sa mga pampublikong paaralan. Nilagdaan ang DepEd Order 002 na ito na inaasahang magpapalakas sa kalidad ng pagtuturo ng mga guro. Noong Nobyembre ng nakaraang taon, nakatanggap ang DepEd ng mga ulat na nagsasabing may ilang guro na inutusan na maghanda o punan ang mga template para sa pagtatasa ng mga programa, proyekto at aktibidad kung saan dapat ito ay naisakatuparan ng mga tauhan ng regional o school division offices. Dahil sa mga gawaing ito ay hindi na magawang makapagpokus ng mga guro sa kanilang mga pangunahing gawain- ang pagtuturo, at naisasantabi na ito na nag resulta sa pagbaba ng kalidad ng kanilang trabaho. Pangunahing tungkulin ng mga guro ang magturo bagama’t walang masama sa pagtulong sa paghahanda ng mga events o aktibidad ay hindi dapat ito iasa lamang sa kanila ng hindi matambakan ang mga dapat nilang gawin gaya ng pagtuturo, paggawa ng lesson plans at iba pa. Ang kakulangan sa oras ng mga guro dahil sa tambak na mga gawain ay makakaapekto rin sa pag-aaral ng mga bata. Kung tatanggalin ang administrative work ay mas mapaglalaanan ng mga guro ang bawat estudyante upang sila ay matutukan at matulungan sa kanilang pag-aaral. Kabilang sa mga administrative tasks na tatanggalin sa mga guro ang personnel administration, property/physical facilities
custodianship, general administrative support, financial management; records management; feeding; school disaster risk reduction and management; at iba pang programa. Upang mas mapagaan pa ang kalagayan ng mga guro ay maglalaan din ang DepEd ng pondo para sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) para sa mga paaralan para makakuha sila ng kinakailangang support staff. Sa pagpapatupad ng proyektong ito ay dapat na siguraduhin ang maayos na pag-iimplementa nito upang hindi ito masayang at talagang magamit para sa ikabubuti ng lagay ng mga guro. “To ensure its effective implementation along with the filling up of 5,000 administrative personnel for 2023 and another 5,000 administrative personnel for 2024, we will also be providing additional MOOE to enable our schools to hire necessary administrative support staff,” ayon kay Duterte. Layunin ng patakarang ito na bigyang-daan para sa mga guro ang tutukan ang ang pagsasagawa sa kanilang mga tungkulin sa pagtuturo. Binanggit rin ng kagawaran ang iba’t iba pang mga batas para suportahan ang mga pagbabawal na ito tulad ng Magna Carta para sa mga pampublikong mga guro at iba pa. Sa desisyon na ito hindi lamang ang mga guro ang makikinabang kundi lalo na ang mga estudyante. Mahalaga ang papel ng bawat guro sa ating lipunan at bansa. Ang pagtanggal ng mga dagdag na hindi kailangang gawain ay isang malaking tulong upang mapaginhawa ang lagay ng mga guro at kanila pang mas mapagpabuti ang kalidad ng edukasyon na kanilang maibibigay sa mga mag-aaral. Nararapat lamang na ang sistema ng edukasyon ay sumuporta sa mga guro upang kanilang magampanan ng mahusay ang kanilang tungkulin, sapagkat sa huli, ang kanilang tagumpay ay tagumpay din ng bawat mag-aaral at ng ating lipunan bilang kabuuan.
Dr. Teodoro A. Gloriani
Kaalaman sa Paaralan: Sa Labas Pakinabangan
LIHAM SA PATNUGOT Isang pagbati sa pamunuan ng Bacoor National High School- Main! Nakita ko po sa Opisyal na Facebook page ng BNHS- Main ang nakabibighaning pagbabago sa paaralan. Salamat sa mga taong nag-organisa at nagpaganda nito sa pamumuno ng ni Dr. Gloriani. Nakalulungkot nga lamang na hindi ko naman masyadong mararanasan ang mga pagbabagong ito dahil ako ay nakatakda nang umalis sa paaralang ito Sana, sa mga susunod na mga taon ay mapanatili ng mga mag-aaral ang kaayusang ito. Nagmamahal, Jiro Prinz Lorenz Reyes 10 - Emilio Aguinaldo
Reply...
Namulat na.
N
aitala sa isang sarbey ng Instructure Holdings Inc. na maraming Pilipinong mag-aaral ang nais kumuha ng skill-based education para dumami ang oportunidad sa trabaho. Kabilang sa naturang sarbey ang 571 mag-aaral at miyembro ng faculty at lumabas na nasa 77 porsyento ang nais matuto ng iba’t ibang abilidad habang 56 bahagdan naman ang gustong paghandaan ang landas ng kanilang tatahakin sa hinaharap. Samantala, ipinahayag ni Instructure Asia-Pacific Managing Director Harrison Kelly na nakita ng mga estudyante na kinakailangan ang marami at iba’t ibang kakayahan ng tao upang umasenso sa modernong paggawa. Naisama rin sa pananaliksik ang paggamit ng Artificial Intelligence (AI) sa sektor ng edukasyon. Nasa 48 bahagdan ng mga paaralan sa Pilipinas ay nag-aalok ng pagsasanay kung paano gamitin ang AI. Sinabi rin ni
bagong buhay
Kelly na sinisiguro ng mga paaralang ito ang responsableng paggamit ng teknolohiya. Nararapat lamang na magpokus ang mga mag-aaral sa skill-based na pagkatuto sapagkat ito ang magpapaunlad sa kanila sa labas ng kanilang paaralan. Sa katunayan, mas magiging epektibo ito kaysa sa mga pagsusulit na ginagamitan lamang ng memorya. Sa kasalukuyang pamamalakad ng edukasyon sa bansa, nakatuon lamang ang mga guro sa knowledge-based na pagkatuto. Sa ilalim nito, kumukuha lamang ng mga impormasyon ang mga mag-aaral mula sa mga teksto at libro na karaniwang nalilimutan lang din o hindi talaga naiintindihan. Patunay dito ang mababang grado ng mga Piipinong mag-aaral sa pagbasa, matematika, at agham sa Program for International Student Assessment (PISA). Sumasagot naman dito ang skill-based na pagkatuto sapagkat sinasanay nito ang mga mag-aaral na gamitin ang kanilang mga natutunan sa totoong buhay. Bukod pa rito, mas mabilis matuto ang mga estudyante sa iba’t ibang paraan ng pagkatuto, maliban sa mga pagsusulit.
ni NiñaBello
Matututunan din nila kung paano lutasin ang mga problema nang walang tulong mula sa iba at mas nagiging kritikal ang kanilang pag-iisip. Kung maisasakatuparan ito, mawawala rin ang mababang kumpiyansa ng mga magaaral sa mga grado nila. Ito’y magbibigay-daan naman sa responsableng paggamit ng AI na may kakayahang tumulong sa mga estudyante. Kapag ninais nang matuto ng mga estudyante at hindi lang pumasa, magiging katuwang nila ang AI. Patunay dito ang pagiging epektibo ng AI sa 62 porsyento ng mga edukado sa sarbey ng Instructive Holdings Inc. At 83 bahagdan ng mga mag-aaral na mananaliksik. Dapat nang isakatuparan ang skillbased na pagkatuto sa edukasyon sapagkat nangangailangan na ng pagbabago rito. Hindi lang basta mga marka sa pagsusulit ang nararapat bantayan ng pagkatuto. Sa halip, kailangan ding matuto ang mga kabataan na gamitin ang kaalaman nakalap nila sa labas ng silid-aralan upang sila’y umasenso sa hinaharap. Sanay maging kapaki-pakinabang ang pagkamulat nito.
Opinyon
MOLINO DE GRANO • ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PAMPAARALAN NG BACOOR NATIONAL HIGH SCHOOL- MAIN TOMO II BILANG 1 • AGOSTO - PEBRERO 2024
Tanglaw ni Karla Marie Abordo
S
a bawat balita’t impormasyong naglalaman ng pawang katotohanan, sa likod nito ay ang magigiting na mga mamamahayag ng ating bansa. Kung gaano kapahalagahan ng ating mga mamamahayag ang kanilang trabaho ay kasalungkat naman nito ang pangangalaga ng ating pamahalaan sa karapatan sa malayang pamamahayag. Sa pagbisita ng United Nations Special Rapporteur (UNSR) Irene Khan sa bansa, kanyang hinimok si President Ferdinand Marcos Jr. na gumawa na ng mabilisang aksyon para maprotektahan na pangalagaan ang karapatan ng bawat mamamahayag. Ayon naman kay Amnesty Philippine Director
ni Mikaela Dormal
Kultura ng Katapatan
K
amakailan lang ay may mga mag-aaral sa BNHS- Main na nawalan ng mga bagay na mahalaga tulad ng cellphone, pitaka at maging pera mismo sa loob ng paaralan. Akala nila ay di na mapapabalik ang mga bagay na nawaglit ngunit---surpresa! Karamihan o halos lahat ay napabalik sa may-ari! Maraming nakadidismayang pangyayari sa paligid subalit sa tuwing aking aalalahanin na may mga mag-aaral pa ring nagbabalik ng mga napupulot na gamit tulad ng cellphone, pitaka, susi at iba pang mga kauri nito na maaaring mahulog nang di namamalayan o kaya namn ay maiwan nang di sinasadya, tunay na sumasaya ang aking pakiramdam. Hindi maganda na nawalan sila, kundi ang pagkakabalik ng mga bagay na nawala sa kanila, sa dahilang may nakapulot at nagmagandang loob na isauli ang napulot na bagay. Masaya sa pakiramdam ang makatulong sa ganitong paraan. Ang kahit paano ay maibsan ang alalalahanin ng sinumang nawalan, ang maibalik muli ang ngiti sa kanilang mga labi. Maging ang karamihan guro sa paaralan ay napapansin na rin ang magandang kaganapang ito sa loob ng Bacoor National High School- Main dahil maging sila man ay nakakaranas din ng ganitong pangyayari tulad ng magkaminsang maiwan nila ang kanilang mga gamit sa loob ng silid at ito’y agad ding naibabalik Laking tuwa ni Gng. “M” nang maibalik sa kanya ang cellphone niya matapos niya itong maiwan sa silid-aralan. Tunay ngang nagpapatuloy ang napakagandang ugaling ito sa ating mga mag-aaral at kumalat sa lahat ng mag-aaral upang makilala tayo hindi lang sa kahusayan sa pag-aaral kundi maging sa katapatan. Isa ito sa mga adhikaing at adbokasiya ni Dr. Teodoro A. Gloriani, Punongguro IV ng nasabing paaralan na mabigyan nya ng sapat na kapanatagan ang mga mag-aaral at mga guro. Higit na nai-inspire ang mga mag-aaral na gumawa ng kabutihan dahil nakikita nila ang pagkilala na ibinibigay ng punongguro sa mga mag-aaral na nag- uuwing karangalan at nakagagawa ng kabutihan. Salamat sa mababait at matatapat na estudyante na hindi nagdalawang isip na isoli ang mga bagay na napupulot nila maging ito man ay malaki o maliit na halaga, at di naghihintay Ng anumang kapalit sa kanilang ginawang katapatan. Sinusunod lamang nila Ang pangaral ng kanilang mga magulang. Kaya salamat sa matatapat na magulang na nagtuturo Ng mabuting asal sa kanilang mga anak. Kudos sa kanila, at --- Kudos din po, Doc Ted!
Pangalagaan Boses ng Katotohanan
Butch Olano, hindi na dapat hintayin ng gobyerno ang UN Human Rights Council session sa 2025 upang iimplementa ang mga rekomendasyon ni Khan. Habang maaga pa ay dapat nang magawan ng solusyon at mapagpokusan ang problemang ito upang hindi na magdulot pa ito ng mas malaking suliranin na mas magpapahamak sa kalagayan ng ating media. “For human rights to be fully realized, the Marcos administration should commit to alleviating the current human rights situation in the country by acknowledging Khan’s preliminary recommendations now, not wait for the UN session in 2025, to take concrete steps to ending the repression of the right to freedom of expression, impunity, and harassment of
Tugon
07
human rights defenders, journalists and student activists,” Saad ni Olano. Binanggit ni Olano na mas lumalala ang sitwasyon sa karapatang pantao ng bansa sa ilalim ng pamumuno ng administrasyong Marcos. Aniya dapat na tugunan ang panunupil sa hindi pagsang-ayon at kalayaan sa pagpapahayag. Pinahayag rin ng Human Rights Watch, isang international watchdog ang kanilang mga concern sa patuloy na pag papatupad ng red-tagging sa administrasyon ni Marcos. Kanilang hinimok ang presidente na itigil ito. Sa World Report 2024 tinalakay ng grupo na nilalagay ng “red-tagging” ang kalagayan ng mga aktibista sa matinding panganib. “The Marcos administration should end the pernicious practice
AI sa Edukasyon: Solusyon o Dagdag Hamon? Ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Isang paniniwalang paniguradong gasgas na sa inyong pandinig. Isang paniniwalang nagbibigay pag-asa sa bawat isa. Isang paniniwalang tila pinagdududahan na ng karamihan sa kasalukuyan. Ang Pilipinas ay isa sa mga may pinakamababang antas ng edukasyon sa buong mundo kasunod ng inilabas na datos kamakailan lamang mula sa Program for International Student Assessment o PISA. sa pagtataya, kulang-kulang sangkapat lamang ng mga Pilipinong mag-aaral ang nakapasa sa agham, matematika, at literatura, kung kaya’t kabilang sa pinakahuling sampu ang ating bansa sa 81 na lumahok. Tiyak na kinakailangan ng bansa ng isang pagbabago. Isang hakbang na magpapabuti sa sistema ng mga paaralan at magpapaunlad sa kakayahan ng kabataan na matuto at umunawa. Isang hakbang na magpapatigil sa paulit-ulit na pagkadismaya sa ating mga pag-asa. Isang hakbang na magtutulak sa atin tungo sa pamantayang pandaigdigan. Isang popular at makabagong teknolohiyang umusbong na maaaring magsilbing tugon dito ay ang Aritificial Intelligence o AI. Isang imitasyon ng pagiisip ng tao kung saan may kakayahan ang kompyuter na makipag-usap, gumawa ng desisyon, gumuhit ng litrato, at matuto. Isang inobasyon na may malaking potensyal sa pagpapalago ng ekonomiya, teknolohiya,
atuloy pa ring kinakaharap ng lipunan ang hamon ng laong pagtaas ng mga kabataang gumagamit ng vape o e-cigarette. Nakababahala na ang naging ulat ng Department of Health (DOH) na palaki na nang palaki ang bilang ng mga batang lalaki na edad 13 hanggang 15 ang gumagamit ng vape o e-cigarette. Karamihan pa sa kanila ay nalulong na sa paggamit nito. Ayon pa sa tala ng 2019 Global Youth Tobacco Survey, 1 sa 7 kabataang lalaki ay gumagamit ng vape. Ang mga kabataan umano ay hindi pa nararanasang manigarilyo o gumamit ng vape. Sila ay itinuturing na mga first timer sa paninigarilyo o paggamit ng vape subalit nalulong na agad ang mga kabataan sa paggamit nito. Naging batas ang Vape Bill nito lamang Hulyo 2022 kahithindi ito nilagdaan ni President Ferdinand Marcos Jr. Layunin ng batas na ito na malimitahan ang importasyon, paggawa, pagbebenta at paggamit ng
Sa totoo lang ni Genesis Apetrior
at edukasyon. Subalit, sa kabila ng mga benepisyong makukuha rito, marami pa rin ang nangangamba sa panganib na posibleng maidulot nito sa atin. Sa modernisadong lipunan na ating ginagalawan, nararapat nga bang isulong ang paggamit nito sa sistema ng mga paaralan? Matagal nang suliranin na kinakaharap ng bansa ang kakapusan sa guro. Ayon sa pahayag ni Senador Pia Cayetano, tinatayang hindi hihigit sa 90,000 na mga posisyon ng guro ang hindi pa rin napupunan sa kasalukuyan. Sa halip na maging dahilan lamang ng kawalan ng trabaho, mababawasan nito ang demand sa guro kasabay ng pagpapataas sa produktibidad at pagpapadali sa pangkalahatang gawain ng mga empleyado. Magagampanan nito ang ilang mga tungkulin ng guro tulad ng pamamahala ng mga grado, lesson plans at pagmamarka ng mga pagsusulit at gawain kung kaya’t nararapat na magamay ang paggamit nito. Bukod pa rito, ang AI ay magsisilbing tulay tungo sa paglikha ng mas inklusibong mga silid-aralan. Kasabay ng kakapusan ng tauhan sa paaralan ay ang progresibong pagtaas ng populasyon sa bansa kung kaya’t padami nang padami rin ang bilang ng mga mag-aaral. Ayon sa ulat ng Kagawaran ng Edukasyon, kasalukuyang may isang guro sa 36 na mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan. Dahil dito, tiyak na lubhang mahihirapan ang bawat guro na matutukan ang bawat isang estudyante. Bilang solusyon, magagamit ang AI
Labis na Panganib: Kabataan vs Paggamit ng Vape
P
of ‘Red-tagging’ government opponents,” sabi ni Deputy Asia Director at Human Rights Watch, Bryony Lau. “Red-tagging is a form of harassment that can lead to deadly abuses, and runs counter to Marcos’ pledge to promote human rights,” dagdag pa niya. Dugo, pawis at buhay ang iniaalay ng bawat mamamahayag sa pagpasok pa lamang nila sa larangang ito. Sa bawat letra, taludtod, at pahina na kanilang isinusulat ay nalalagay sa panganib ang kanilang buhay. Ang natatanging maaaring gawin ng ating gobyerno bilang supporta ay matiyak ang kaligtasan nila. Hindi dapat maging rason ng kapahamakan ang pagnanais na maipahayag ang katotohanan.
upang matukoy ang espesipikong mga detalye at aspekto na dapat paghusayan ng mag-aaral na angkop sa bawat isa. Sa kabila ng mga pagkakaiba ng bawat estudyante sa kanilang kagalingan at kahinaan, mabibigyang-pansin ang bawat indibidwal gamit ang AI. Laganap na rin ang paggamit nito sa iba’t ibang sektor ng industriya. Ayon sa datos ng International Business Machines Corporation, nakapukaw na ng atensyon ang AI ng mahigit kumulang 77 porsyento ng mga kumpanya kung saan 35 bahagdan dito ang gumagamit na. Ang pandaigdigang laki ng pamumuhunan rito ay sinasabing aabot ng halos dalawang trilyon sa taong 2030 batay sa kalkulasyon ng Grand View Research. Sa pamamagitan ng pagpapakilala ng AI sa paaralan, maihahanda natin ang kabataan para sa industriyang kanilang papasukan na nakasentro sa teknolohiyang ito. Mahalagang maiakma ang mga kasanayan ng mga mag-aaral sa kasalukuyang kalakaran ng merkado. Ang Artificial Intelligence ay isang kasangkapang nararapat nating mapakinabangan nang lubusan. Sa dami ng kakayahan nito at maaaring mapaggamitan, hindi maikakaila na mahalaga at kailangan ng bawat mag-aaral at guro ang kapangyarihang taglay ng AI. Ang susi sa kaunlaran ay nasa ating harapan na. Aksiyon ang kinakailangan, kamangmangan ay labanan at ang kabataan ay muling gawing pag-asa ng bayan!
usap tayo ni Ruth Michellette Lobos
vaporized nicotine at non-nicotine, pero maraming kumontra rito dahil masama at mapanganib ang paggamit ng vape sa kalusugan. Sa kasalukuyan parami nang parami ang mga vape shops na naipatayo.Madali silang makabili ng vape lalo na’t may mga shop na malapit din sa eskwelahan. Nitong nakaraang buwan, humingi na ng tulong ang DOH sa Philippine National Police (PNP) para mapigilan ang mga vape shops sa pagbebenta ng vape sa mga menor-deedad. Laganap na ang bentahan ng mga vape products sa mga menor-de-edad kahit na may batas dito na bawal bumili nito ang mga 18-anyos pababa. Sabi ni DOH Sec. Teodoro Herbosa, sumulat na siya kay PNP Chief Gen. Benjamin Acorda upang hilingin ang tulong nito para maiwasan ng mga menor-de-edad ang paggamit ng vape at arestuhin ang mga nagtitinda nito. Maraming kabataan ang nagsasabi na mas magandang gamitin ang vape kaysa sa sigarilyo. Pero wala naman akong masyadong
nakikitang pinagkaiba ng dalawa, pareho pa ring masama sa kalusugan, ang kaibahan lang ng vape ay mas mababa ang antas ng amoy at usok nito. Paniguradong isa sa mga pinakamalaking panganib na dulot ng paggamit ng vape ay ang epekto nito sa kalusugan ng mga kabataan.Bagaman itinuturing ang vape na mas malinis, parehong masama pa rin ang vape at sigarilyo sa kalusugan na maaaring maging dulot ng mga sakit tulad ng kanser sa baga at chronic obstructive pulmonary disease (COPD). Dapat lang na agarang gawan ito ng paraan ng Local Government Unit (LGUs) o kaya naman ay sila na mismo ang mangunang mag kampanya kontra sa paggamit ng vape ng mga mamamayan lalo na ng mga kabataan.Nararapat lamang na gawan na ito agad ng solusyon. Hihintayin pa ba nilang magkasakit at mamatay ang mga kabataan bago umaksyon?
08
Opinyon
MOLINO DE GRANO • ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PAMPAARALAN NG BACOOR NATIONAL HIGH SCHOOL- MAIN TOMO II BILANG 1 • AGOSTO - PEBRERO 2024
mula sa puso
Diploma o Diskarte
ni John Cardelle lomuntod
U
maalulong sa Social Media ang katagang “Diploma o Diskarte” na itinatanong sa mga Netizen, nabuhay muli ang argumentong ito sa mga podcasts at interviews ng mga social media influencers na naging viral kamakailan lamang. Matagal nang laman ng internet ang walang katapusang usap-usapang ito, ngunit marami paring mamamayan ang nag-aaway at naglalaban dito, dahil hindi pa rin tiyak ang nararapat na gawin o unahin. Maraming salik sa lipunan at pamumuhay ng tao ang nakakaapekto sa pagpili ng buhay na kanilang tatahaking prayoridad ba nila ang pera o mas importante sa kanila ang pag-aaral.
pananaw
Tulad ng mga sikat na personalidad na nakamit ang pangarap at kayamanan dahil sa diskarte ‘gaya nina Steve Jobs, Bill Gates, Mark Zuckerberg, Josh Mojica at iba pa, na pinili ang diskarte sa buhay kaysa mag-aral, maraming indibidwal ang mapapatanong “ano ba ang silbi ng pag-aaral kung puwede naman dumiskarte sa buhay?”. Mula sa bansang kahirapan ang kalaban ng mga mamamayan, masasabi nating diskarte ang kailangan, ngunit ating tandaan na ang ilang trabaho sa Pilipinas ay may mataas na pamantayan, kabilang na rito ang pagkakaroon ng diploma na unang suliranin at sagabal sa mga Pilipino makapagtrabaho lamang. Dito na papasok ang “diploma” sa buhay ng tao. Bagamat mababa ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas na may ‘IQ’ o ‘Intelegence Quotient’
na 81.64% at ika-111th lamang ang puwesto kaysa sa ibang bansa, dapat lang na unahin ang pag-aaral dahil malaki pa rin naman ang epekto ng edukasyon, ilan lamang sa mga ito ay hahasain ng pag-aaral ang utak ng mga kabataan sa mga matitinding sitwasyon at mas palalawakin nito ang kapasidad ng utak ng mga mamamayan tungo sa mga problemang kailangang iresolba, at ang mas importante ay magkakaroon tayo ng mataas na tiyansa na magkaroon ng maganda o disenteng trabaho sa hinaharap dahil sa kaalaman at diplomang natanggap. Alinsunod sa batas pantao, may karapatang makapag-aral ang mga mamamayan, karapatan at responsibilidad nating matuto para sa ating kinabukasan at para sa ikaayos ng ating bansa o lugar na kinabibilangan at kinatatayuan. Sa pagdilat ng aking isipan sa mundong ito,
nasilayan ko, na ang pag-aaral ay dapat mayroon ang bawat tao upang umangat sa buhay. Maging makatotohanan tayo, oo maraming tao ang mayayaman dahil sa diskarte, ngunit kung ating titingnang mabuti, pagkatapos nila makamit ang kayamanan, doon na nila kukuhain ang diploma o pag-aaral, kaya’t mas matimbang ang kaalaman mula sa edukasyon kaysa sa dire-diretso lamang at sumasabay lang sa agos ng buhay. Kung tutuusin, wala naman talagang tamang sagot na makapagsasabi na kung ano ba talaga ang dapat unahin, diploma ba o diskarte. Naiiba lamang ito depende sa lugar, sitwasyon, at antas ng buhay na nararanasan ng isang indibidwal.
“
Matatag na edukasyon, matatag na kinabukasan
Edukasyon ang susi sa pag-unlad”
laging handa ni JammelCirilo
ni Samantha Obo
Bagong Pilipinas: Bagong Pag-asa Ba?
G
inanap ang kick-off rally ng kampanyang “Bagong Pilipinas” sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa Quirino Grandstand sa Maynila noong Enero 29, 2024. Inaluhan ito ng halos 400,000 katao na sumusuporta sa naturang kampanya kabilang ang First lady, Liza Marcos, Vice President at Department of Education (DepED) Secretary Sara Duterte, mga miyembro ng gabinete, mga mambabatas, opisyal ng mga barangay at ang publiko. Inilahad ni Pangulong Marcos sa nasabing kaganapan na ang “Bagong Pilipinas” ay mag-uudyok ng pagbabago sa pamamalakad ng gobyerno at ng pagkakaisa sa pagitan ng mga opisyal ng pamahalaan. Kinakailangan aniya ito sa komplikado at nagbabagong mundo at para patatagin ang bansa. Dagdag pa rito, ipinahayag din ni VP Sara na sinusuportahan ng DepED ang nasabing kampanya at ito’y magsisilbing daan upang hubugin ang mga mag-aaral sa ilalim ng Matatag Curriculum. Sinabi naman ng Pangulo na makatatanggap ang bawat Pilipino ng karampatang serbisyo at benepisyo mula sa kampanyang “Bagong Pilipinas”. Sa kabilang banda, hindi nito masasakop ang lahat ng Pilipino. Patuloy pa ring maghihirap ang mga mamamayan sa ilalim ng sektor na marginalized. Kamakailan lamang ay nagpahayag ng pagdududa ang isang grupo ng mga mangingisda na Pamalakaya hinggil sa kampanya ng Pangulo. Ikinabahala nila ang posibleng kawalan ng pag-unlad sa buhay ng mga mangingisda kung hindi babaguhin ang mga kasalukuyang polisiya sa ekonomiya. Iginiit ng grupo na dapat tutukan ng pamahalaan ang mga krisis sa ekonomiya ng bansa gaya ng implasyon, sa halip na asikasuhin ang pagkakaroon ng reporma sa pamamalakad ng gobyerno. Naitala rin ng Pamalakaya na humaharap pa rin ang mga mangingisda sa mga suliraning pang-ekonomiya at nasa 30.8 porsyento ang kanilang poverty rate. Hindi lamang ang mga mangingisda ang nanganganib sa maliliit na sektor ng bansa. Nasa 11.6 bahagdan ang poverty rate ng mga residente sa mga urbanisadong lugar, habang 25.7 porsyento naman ito sa mga rural na pook. Sa kasalukuyan, posibleng maganda ang ipakita ng kampanyang “Bagong Pilipinas” ngunit mayroon pa itong kakulangan. Nararapat lamang na siguraduhin ng gobyerno na kabilang ang mga maliliit na sektor dito. Kung hindi, mananatiling nakalugmok sa kahirapan ang mga mangingisda at iba pang mamamayan sa ilalim ng sektor na ito. Sana’y ito ang maging sagot sa patuloy na kahirapan.
D
ala ng hinaing ng maraming mga estudyante, magulang at maging mga guro nagdesisyon ang Department of Education (DepEd) na muling rebisahin ang basic education curriculum ng bansa. Pinamagatang Matatag K-10 (Kinder to Grade 10) ang bagong kurikulum na naglalayong pagtuunan ang mga pangunahing kakayahan para sa mga mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 10. Ayon kay DepEd Bureau of Curriculum Development Director Jocelyn Andaya, 70 porsyento ng kasalukuyang kurikulum ay inalis sa bagong kurikulum dahil lang may mga kakayahan na umuulit. Mayroong mga aralin sa dating kurikulum na magandang malaman ngunit hindi naman kinakailangan
or masasabing importante. Isa sa mga tampok na pagbabago sa kurikulum ay ang pagtanggal ng Mother Tongue subjects. “These learning areas have been deliberately crafted, not just simply merging or integrating the existing learning areas,” saad ni Andaya Jr. Nilinaw ni DepEd Spokesperson Undersecretary Michael Wesley Poa na hindi tinanggal. Tampok sa bagong kurikulum ang GMRC, o “Good Manners and Right Conduct” subject sa Grades 1-6 at Values Education mula Grades 7-10, na sinabi ni Andaya na umaayon sa Republic Act 11746, o ang batas na naginstitutionalize sa pagkatuto ng subject sa curriculum. Ang edukasyong pangkapayapaan ay isasama rin sa bagong kurikulum, ani Andaya.
Dugo’t Pawis na Hatid ng DSPC
I
sa sa panahong pinakahihintay ng lahay lalo na ng katulad kong magaaral ang sem-break. Dito di umano nla mararanasan at makakamit ang ibaasahang pahingang matagal-tagal ko inaasam. Isang linggo ang nakalaan para sa pagbawi sa pagtulog, pagtuon sa pag-aalaga sa sarili, paggamit ng aking selpon at makasama ang aking pamilya.” Iyan sana ang mga nakatakda kong gawin kung hindi lamang ako naging bahagi ng nalalapit na kompetisyon - ang Division Schools Press Conference (DSPC). Isa nga pala akong manunulat ng lathalain mula sa kategoryang Filipino at ako ang napiling kalahok para sa taunang DSPC. Pinagpala ako ng ikaapat na karangalan
K
abi-kabilang isyu ang hatid ng social media na maaaring kahit sino ay maging biktima. Talamak ang matitinding problemang dala nito lalo na sa mga kabataang tila normal at bahagi na ng kanilang pang-araw-araw na buhay. Nagagamit ang Social Media partikular ang Facebook sa mga nasasamang gawain tulad ng pambu-bully o di kaya’y napagtripan lamang na asarin. Naging hingahan din ng mga suliranin ng mga kabataan ang platform na ito na tila
tamang daan ni ShayneMarieSecondes
noong nakaraang taon kaya muli akong isasabak ngayon at siya namang tinanggap kong hamon. Tinanggap ko ang hamong inalok ng aking gurong tagapayo na maaaring magbigay sa iyo ng palaisipan kung bakit ako nagrereklamo ngayon gayong ito naman pala ay aking kagustuhan. Oras ang kalaban ng paaralan lalo na’t ginamit nito ang pahinga ng mga guro’t mag-aaral para lamang makapagsanay ang mga kalahok. Bakas ang pagod at hirap sa kanilang mukha dahil ang dapat na walang pasok ay naging panahon upang mag-aral at magsulat. Dagdag din dito sa gastuhin ng mga estudyante sapagkat buong araw silang nag-eensayo, kailangan ng pamasahe at baong pagkain. Higit sa lahat, nauubos ang
Komento mo, isipin mo!
Pinaniniwalaan na ang bagong Matatag K-10 kurikulum ay binubuo ng mas makabuluhang edukasyon para sa kabataan. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng mas moderno at makabagong mga kasanayan, naglalayon itong magsilbing pundasyon upang mapaunlad ang kritikal na pag-iisip at pagsasanay sa mga hinaharap na hamon. Sa pagtutok sa bawat aspekto ng pagkatuto, naglalaman ito ng mga elemento na nagtataglay ng kaalaman, kasanayan, at pag-unlad ng kakayahan ng mga magaaral. Bagamat may mga kontrobersiya, nagbibigay ito ng malalim na pang-unawa sa pangangailangan ng lipunan at naglalayong maging daan tungo sa mas matibay at masusi na paghahanda ng kabataan para sa hinaharap.
ipinagkaloob na oras para dapat sa sarili at pamilya. Hindi alintana ang mga pagsubok na hatid ng pagsasanay na ito dahil ramdam ang pagsusumikap at bukod-tanging dedikasyon ng mga batang mamamahayag. Walang magpapatinag sa kanilang buhay na diwa dahil nakatatak ang kanilang mga puso upang maghatid ng inspirasyon. Mayroong hindi ipinagpatuloy ang laban, ngunit ito ay kanilang sinubukan. Sa mga hindi sumuko at araw-araw na pumapasok, ipagbunyi natin ang kanilang matibay na kalooban. Kapag gusto mo ang iyong ginagawa, lagi’t laging may paraan. Lahat ng paghahandang isinasagawa ay para rin sa ikagaganda ng kinabukasan. Nawa’y maging aral ito para sa kalahok ng DSPC 2024.
galaw-galaw ni Ethan Matthew Dumadag
ba mas mapagkakatiwalaan pa nila kaysa sa sino mang kaibigan o miyembo ng pamilya. Kung magaling naman sa Photoshop o alinmang Editing App, larawan naman ang pinagtitripan at pinapalitan ng kadilasa’y mahahalay o masagwang itsura. May ilan namang nagbubukas ng tinatawag na ‘Dark Web’ at iba pang mga kaduda-dudang websites na maaaring makaimpluwensiya at makalason sa utak ng kabataan. Maaaring normal para sa kanila ang paggawa tulad nito dahil na rin marahil sa
kapusukan ng pagiging pa ang pagiging responsable sa paggamit ng Social Media. Dapat nilang malaman malaman na maaari itong magbigay ng mas malaking problema at magdulot ng kapahamakan sa kanila. Hindi masamang magbahagi ng opinyon o saloobin dahil sabi nga ng ilan “account ko ito” subalit maaaring maiwasan ang lahat ng ito kung mag iisip munang mabuti bago mag post, magkomento at magbahagi. Ika nga nila, “Think before you click.”
Opinyon
MOLINO DE GRANO • ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PAMPAARALAN NG BACOOR NATIONAL HIGH SCHOOL- MAIN TOMO II BILANG 1 • AGOSTO - PEBRERO 2024
Magmatiyag
MASkara sa Eskwela
S
umisigaw na bulong sa hangin, pangkaraniwang maririnig sa paaralan ang mga salitang pumupuna sa iyong mukha. Kumukuti-kutitap, bumubusi-busilak, kagamitang nagniningning, makulay na buhok, at koloreteng pulang pula bilang maskara sa eskwela ngunit bakit mainit sa mata ng iba. Nagpapataas ng pagtingin sa sarili ang pagsusuot ng mga magagandang damit at palamuti sa mukha o katawan. Subalit, sa lugar tulad ng isang paaralan, maraming tao ang nagnanais na mahigpit na ipatupad ang isang pormal na kasuotan o pananamit. Kadalasan, nauuwi sa pamimintas at pagkakaroon ng mga bagong pangalan ang mga taong nagsusuot nito. Giit ng iba, ginagambala nito ang pokus ng mga estudyante sa pag-aaral
isip-isip ni Ysabella Gail Lauresta
at pinapakita nito ang isang magulo, bastos, at maharot na personalidad. Tunay nga na magandang panatilihing pormal ang sarili kapag nasa lugar tulad ng isang paaralan ngunit hindi ito maaaring maging basehan upang ibaba ang dignidad ng isang tao. Walang masama sa paglalagay ng mga palamuti sa katawan at ID laces basta’t ito ay pormal parin kung tingnan at nakasuot nang maayos na uniporme. Ayon sa artikulong isinulat ni Rea Gill, isang mental fitness research assistant sa NCFE, “Studies have shown that learners with higher confidence are more willing to learn, challenge themselves, and have better resilience in the face of difficult transitions like changing schools. In fact, confidence has been quoted as the number one predictor of academic achievement.
09
ni Rainier Montañez
This is particularly true for core subjects such as English, maths and science, where confidence has long-term, positive effects on learners’ success.” Masasabing malaki ang benepisyo nito sa buhay ng mga mag-aaral. Ngayong panahong marami ang sinusubok ng kapalaran at ginugulo ng isang madilim na hamog ang isipan, ang isang simpleng pagsusuot ng isang maskara ay maglalagay ng ngiti sa kanilang mukha. May mabuting epekto rin ito sa kanilang mga marka. Mahalagang ipakita, irespeto, at mahalin ang sarili sapagkat ang sarili mo lamang ang mananatili sa tabi mo hanggang sa huli. Mas nagiging aktibo, mas nagiging masaya, mas nagiging matalino, mas nagiging responsable ngunit walang tinatapakang tao, iyan ang hatid ng MASkara sa eskwela.
Mga Lumang dyip, ‘wag tanggalin
tugon
ni Arielle Sydney
U
sap-usapan ngayon sa bansa ang tungkol sa “jeepney phaseout” na muling ipinatupad ng mga kinauukulan. Ito ay nailunsad na sa panahon ng dating Pangulong Noynoy Aquino at ipinagpatuloy lamang ng administrasyon ni dating Pangulong Duterte. Ngunit hindi ito naaprubahan sapagkat nagbabanta ng tigil pasada ang transport groups. Sa pagpapatupad ng jeepney modernization sa bansa nararapat na mabusising mabuti ang programang ito at mapag-aralan. Dahil kung basta basta lamang itong ipapasa tiyak na hindi ito magtatagumpay gaya ng ninanais ng mga naglunsad nito. At kasabay nito libo-libong mga Pilipinong drayber ang mawawalan
ng hanap buhay. Dahil nga sa kagustuhan ng mga namumuno na palitan at alisin ang mga bulok at lumang dyip sa bansa, dahil na rin sa polusyong dulot nito. Ang mga modernong dyip na gusto nilang ipalit ay nagkakahalaga ng 1.4 to 3 milyong piso na siyang mabigat sa bulsa ng bawat tsuper. Malaki rin ang problemang dulot nito para sa mga pasahero, dahil pati ang pamasahe ay tataas din. Maraming mga Pilipino rin ang hindi sang-ayon sa programang ito. Ngunit mayroon din namang sang-ayon patungkol dito. Ang sigaw ng buong bansa ngayon ay “tulong para sa patuloy na kabuhayan ng mga tsuper.” Dahil kapag naipatupad ng gobyerno, ang panukala ng Land Transportation Office (LTOr) ay libo-libong
Pansariling disiplina
hanap-buhay ang maaapektuhan sa bansa, lalo na sa mga Pilipinong sa pagpapasada lamang kumukuha ng panustos sa kanilang mga pangangailangan. Sa mahal ng presyo ng isang modernong dyip ay mahihirapan ang ating mga tsuper na bayaran ito. Kaya kinakailangan ng ating pamahalaan na mabigyan ng tulong pinansyal ang ating mga drayber. At kung modernong dyip ang nais ng ating mga kinauukulan para sa mas maganda at iwas polusyon ay dito sa atin ay mayroon din naman tayong mga e-jeepney na siyang mas mura, at gawang Pilipino pa. Kaysa sa mga inilalabas na jeep na galing ibang bansa.
D
i mapigilang kapusukan Ng damdamin ang umiiral sa marami sa mga kabataan ngayon, sa murang edad pa lamang Ng mga ito ay mayroon ng mga nobya at nobyo. Walang masama sa mag mahal at sa paglalahad ng ating mga damdamin ngunit may sukdulan rin ang lahat ng ito. Ang Public Display of Affection (PDA) ay isa sa mga matitinding suliranin sa mga kabataan sa kasalukuyan.
OPINYON
Bandalismo, iwasan mo G
alit na galit nanaman si Kuyang Guard na nakabantay sa mga gusali ng Bacoor National High School. Dahil ito sa mapanirang gawain ng mga mag-aaral sa mga kapipintura pa lamang na mga pader at upuan ng bawat silid-aralan. Mayroon nanamang mangilan-ngilang sulat sa mga ito.
PULSO
Ayon sa Article Section 6F of Bacoor Municipal Ordinance No. 4-1 s. 2008 na kilala bilang “An Ordinance Enacting the General Ordinance Code of Bacoor” na nagsasabing walang sinuman ang pinahihintulutan at maaaring sumira sa kahit na anong pampubliko at pribadong pag-aari sa kahit ano pa mang paraan ng bandalismo tulad ng
pagsusulat at pagpipintura ng mga salita, letra at simbolo sa anumang bahagi ng pag-aaring ito. Hindi masisisi ang guwardiya kung magalit man siya dahil hindi talaga mapigilan ang mababait na estudyante sa pagsusulat at pagguhit ng kung sino-sino sa mga pader. Mapapansin na sa pag-upo pa lamang ni Dr. Teodoro A. Gloriani, Punongguro IV, naging tuon niya ang pagpapaganda at ang kalinisan ng paligid kaya naman sa loob lamang ng halos apat na taon ay napakalaki na ng pagbabago ng paaralan. Batid kong ang lahat ay may kalayaan sa pamamahayag subalit maaari silang mag-isip ng ibang paraan sa halip na manira ng mga
Extra Curricular activities, dapat bang ipagbawal? Opsyon
Porsyento ng mga estudyante patungkol sa isyu
Hindi
82.4%
Oo
17.6%
gamit na unti-unti na sanang naaayos. Matuto sana silang rumespeto sa mga pasilidad ng paaralan at magamit ang mga ito sa tamang paraan. Ayon pa rin sa ipinatutupad na kautusan tungkol sa bandalismo, ang sinumang lumabag dito ay pagmumultahin ng hindi hihigit sa 2,500 piso o pagkakulong ng hindi hihigit sa isang taon o maaari namang parehong maipataw batay sa kautusan ng korte. Kung susundin ang patakarang ito, magiging kalugod-lugod tayo hindi lamang sa mata ni Kuya Guard kundi sa mata ng ating mga magulang, higit sa lahat, sa paningin ng Panginoon.
M
ainit na balita kamakailan lang ang pagpapatanggal ng extracurricular activities sa mga paaralan. Sinasabing ang mga extracurricular activities raw ay nakakaapekto sa performance ng mga bata at nawawalan na ng oras ang mga ito upang gawin ang kanilang mga takdang aralin. Samut saring mga opinyon mula sa iba’t ibang tao ang narinig dahil sa isyu na ito. Kaya naman nagsagawa ng isang online survey tungkol sa pagpapatanggal ng extracurricular activities sa mga paaralan. Ito ay pinasagutan sa 50 na estudyante mula sa paaralan ng Bacoor National High School- Main. Base sa datos na nakalap sa sarbey, mas mataas ang porsyento ng mga tutol sa pagpapatanggal ng extracurricular activities. Bagkus, masasabing mas nararapat na ito ay hindi ipatanggal. “Hindi, dahil may matututunan ang mga mag-aaral dito na hindi natuturo sa loob ng silid aralan. At para mas lumago ang kanilang pakikisama sa ibang estudyante.” - Reich Jasper Bio, BNHS- Main
Saan mang dako sa mga pampublikong lugar ay makikita ang mga kabataang wari’y naging bahagi na ng buhay ang maagang pakikipagrelasyon. Pakikipagrelasyong dapat sana’y may kaakibat na responsibilidad na wari’y nakakalimutan na ng karamihan. Maging sa mga paaralan na dapat ay isang lugar kung saan nag-aaral at tinuturuan ang mga kabataan ng magagandang asal ay laganap na rin ang ganitong eksena. Likas sa mga kabataan na pagbasehan kung ano ang mga nakikita nila sa iba lalo na sa kanilang mga kabigan o kapwa. Ang PDA ay itinuturing na tila eskandalo sa publiko na maaaring makasama lalo na sa mga menor de edad dahil maaari nila itong pag basehan at gayahin. Kung sa paulit-ulit na ganon ang kanilang nakikita, hindi ba’t kalaunan ay ganoon na rin ang gawin nila? Nakapagbibigay ito ng masamang impresyon sa publiko at nakakasira sa murang isipan ng mga kabataan. Hindi mali ang magmahal at mahalin wala rin namang pinipiling edad ang pag-ibig ngunit sana’y matutong maging disiplinado ang bawat isa upang hindi mngyari ang bagay at pangyayaring hindi naman sana dapat. Sa mundong ating ginagalawan, kung saan lahat ng tao’y nahuhusgahan, matutunan sanang iiwas ang mga sarili sa tiyak na kahihiyan at kasiraan sa sariling pagkatao kung sakali magpatuloy itong gagawin. Hindi dapat maging normal na tanawin ang PDA. Bigyan ng kaukulang solusyon ang lumalaganap na suliraning ito. Itigil ito at simulan ang pagdidisiplina, simulan ang disiplina sa sarili. Ang mga bagay na dapat ginagawa lamang sa pribadong lugar ay wag gawin sa kung saan ay lantad sa paningin ng lahat.
“Hindi po ako sang-ayon sa pagpapatanggal ng mga extracurricular activities dahil makatutulong ito sa paghubog at paglinang ng mga kakayahan ng mga mag-aaral.” - Rosh Mai Doble, BNHS- Main “Ang mga extracurricular na aktibidad sa paaralan ay paraan ng pag papayabong ng talento at mga skills rig mga magaaral na bukod pa sa mga gawang akademiko, Kung tatanggalin ito, ay magsisilbi itong pag kakait ng creative freedom sa mga mag aaral na gustong payabungin pang lalo ang kanilang mga talento.” - John Robin Bungag, BNHS- Main “Hindi ako sang-ayon sa pagpapatanggal ng Extracurricular Activities sa mga paaralan sa rason na ito ang mga nagpapabuti ng higit pa sa ating mga kasanayan sa bawat kategorya. Kung ito’y tatanggalin, ang mga estudyante ay hindi na makakapagsanay ng kanilang mga kasanayan sa buhay.” - Alison Magnaye, BNHS- Main “Hinding-hindi ako sasang-ayon sa pagtanggal ng extracurricular sa paaralan, kasi isa ito sa nakapagpapahubog sa mga kabataan bukod pa sa kanilang mga silid aralan.” - Elizabeth Sayson, BNHS- Main
MOLINO DE GRANO • ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PAMPAARALAN NG BACOOR NATIONAL HIGH SCHOOL- MAIN TOMO II BILANG 1 • AGOSTO - PEBRERO 2024
10
Latha
GOMBU
“
Mag-aral kayo. Pakinabangan ninyo ang paaralan ng bayan hanggang sa kung saan ang maibibigay ng mga ito...
Laging maging Pilipino, isang edukadong Pilipino. Padre Jose Burgos Huling mensahe niya sa kaniyang mga estudyante isang araw bago siya bitayin sa Bagumbayan, Fuerza Santiago, ika-16 ng Pebrero 1872
Sa likod ng mga Letra Tagapagpahayag ng mga salitang mula sa hangganan ng kalawakan, mga taong nasa likod ng krus at sotana ay ‘di aakalaing makapagbabago sa takbo ng lipunan. Sigaw ng mga pusong nakakulong sa hawla ng sariling bayan, ito ang kalayaan. Bunga ng pakikipaglaban sa mga mananakop, kasarinlan sa pananampalataya at kabuhayan ay maaabot. Patuloy na nagsisilbing sinag sa madilim na kasalukuyan ang himagsikan ng nakaraan kung saan ito’y sinasaysay ng mga tala sa porma ng bawat letra. GOMBURZA, Padre Mariano GOMez, Padre Jose BURgos, at Padre Jacinto ZAmora. Mga tatlong paring martir na nagpakita ng katapangan noong panahon ng Kastila. Isinulong nila ang karapatan ng mga Pilipino at ang sekularisasyon ng simbahang Katolika. Natuldukan ang kanilang akda sa harap ng publiko sa pamamagitan ng garote. Ngunit, hindi pa rito nagtatapos ang kanilang kwento. Pagkilala sa Nakaraan ng Kasalukuyan Unang ipinalabas sa mga sinehan sa buong kapuluan ng bansa noong ika-25 ng Disyembre, 2023 ang isang pelikula tungkol sa mga pagsubok, sakripisyo, at tagumpay na pinagdaanan ng GOMBURZA. Isa ito sa mga opisyal na kalahok sa 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF). Pinagbidahan ito ng mga tanyag na aktor na sina Dante Rivero bilang Padre Mariano Gomez, Cedrik Juan bilang Padre Jose Burgos, at Enchong Dee bilang Padre Jacinto Zamora. Masasabing parang na lilimitahan lamang ang halaga ng GOMBURZA bilang mga paring martir na inialay ang kanilang mga buhay ngunit higit pa rito ang kanilang depinisyon. Ito ang dahilan kung bakit naglalayon ang mga pinagtagpi-tagping mga litratong ito na muling sundihan ang nag-aalab na pagmamahal ng mga Pilipino para sa inang bayan dahil karamihan ay nalilimutan na ang mga ito.
ng dalampasigan. Walang masama sa pagkakaroon ng mas malawak na pananaw at masubukan ang mga oportunidad na mayroon ang realidad, ang masama ay limutin ang palad, ang pinanggalingan dahil sa alok ng mga banyagan. Siklo ng Pagbabago Isang patuloy na siklo, paikot na pagbabago, ito ang hatid ng globalisasyon, ang ating koneksiyon sa ibang nasyon. Ito ang nagbabalot ng isang maitim na seda sa kalakhan ng bansa ngunit sa pamamagitan ng pag-ikot sa buhangin ng orasan, ang himagsikan ng nakaraan ay ang magbibigay ng sinag sa kasalukuyan, ang magbubunsod ng pagmamahal sa lupang unang tinapakan. Maaaring nakatala ang akda ng GOMBURZA bilang babasahin sa mga aklat ng bata pero sa likod ng bawat letra nito, nahihimlay ang isang naglalagablab na pusong pumipintig para sa Pilipinas. Nagnanais na malunasan ang lason sa lipunan ng nakaraan upang ‘di maulit sa kasalukuyan.
Bakas ng Nakalipas sa Bacoor Lingid sa kaalaman ng ilan, ang Bacoor ay isa sa mga naging sentro ng digmaan at namumutawi sa mga markang iniwan ng panahon. Kabilang dito ang isang monumentong itinayo para kay Padre Mariano Gomez dahil siya ay naging punong prayle sa lungsod ng Bacoor at nagsilbing inspirasyon ng pagtutol sa impluwensiya ng mga mananakop noong 1872. Tanyag din ang isang tulay na matatagpuan sa bakod ng lungsod ng Bacoor at Las Piñas sa ilalim ng ilog ng Zapote, ang Zapote Bridge. Ito ay naging lugar ng digmaan noong 1897 sa pagitan ng mga Pilipino at Kastila habang noong 1899 naman, sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano. Dahil dito, kinilala ito ng National Historical Commission of the Philippines bilang isang National Historical Landmark noong ika-9 ng Setyembre, 2013. Saysay ng Kasaysayan Maaring sa mga mata ng ilan, ang kwentong ito ay wala ng saysay sa modernong panahon ngunit kahit na hinaplos ng mga kamay ng orasan, ito ay nananatiling hiyas na may kinang na magbubukas sa pikit na mga mata ng kasalukuyan. Sabi ng karamihan, “History repeats itself” ngunit ngayon, ang kalaban ay ang sariling kinatatayuan. Iiba man ng wangis at porma, iisa naman ang problema. Malawak ang mundong ginagalawan, maraming bansa ang nakikipagkalakalan ngunit sa likod nito ay ang pagkawala ng pagkakakilanlan. Maihahalintulad sa pagiging indibidwal ng mga kaluluwa ngunit nagkakaisa bilang isang bansa, ang kultura ay unti-unting nawawala, inaanod sa daloy
Mariano Gómez
alain
MOLINO DE GRANO • ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PAMPAARALAN NG BACOOR NATIONAL HIGH SCHOOL- MAIN TOMO II BILANG 1 • AGOSTO - PEBRERO 2024
11
URZA Panitikan upang Balikan ang Nakaraan Isyu dito, isyu doon, talamak na problema ng bansang Pilipinas sa kasalukuyan. Tila hindi na natapos ang reklamo ‘t paghihirap ng ating bayan. Paano ba natin ito masosolusyunan? Gisingin ang natutulog na kamalayan ng mga Pilipino at ipaglaban ang katotohanan, Kalayaan at hustiya ‘yan ang layunin ng pelikulang mula sa Metro Manila Film Festival (MMFF) Na pinamagantang ‘’GomBurZa’’ ito ay hango sa kwento ng tatlong paring martir na sina Mariano Gomez , Jose Burgos at Jacinto Zamora. Ipinaliwanag ng direktor ng “GomBurza” na nais nilang ibahagi ang kasaysayang hatid ng pakikipaglaban ng tatlong martir upang makilala ng mga Pilipino ang kabayanihang kanilang ipinamalas para makamit ang kapayapaang tinatamasa natin ngayon. Naging instrumento ang kanilang pagsasakripisyo upang magbigay ng inspirasyon sa pagsulat ni Jose Rizal ng “El Filibusterismo” at rebolusyong sinimulan ni Andres Bonifacio. Umusbong ang ideyang nasyonalismo noong ika-17 ng Pebrero taong
José Burgos
Jacinto Zamora
1872, araw ng pagbitay sa GomBurZa. Binigyang-buhay nina Dante Rivero, Cedrick Juan at Enchong Dee ang tatlong pari dahil sa katotohanan at aral na dala ng pelikula. Pinaghirapan nilang makuha ang papel ng mga karakter kaya sila ay nasisiyahan na maging bahagi ng makasaysayang drama. Naging mas makulay ang GomBurZa dahil sa mga artistang sina: Pascual. Canlas, Ramor, Eusebio, Quizon. Fabregas, Alejandrino, sese, Reyes, Josef, O’Hara, Prado, Reyna. Gener, Españo at marami pang iba. Si Carlos Canlas Mendoza na karangal -rangalang sinematograpo ang namahala sa atake ng pelikula sa mga manonood. Mahalaga ang kontribusyon ng GomBurZa upang matutunan natin ang nakaraan. Hindi lamang nito pinapakilala ang ating pagkakakilanlan, ito rin ay nagsisilbing aral upang malutas ang mga problema sa kasalukuyan. Makikita natin ang pagkamalikhain ng mga Pilipino dahil sa masining na paraan natin maipakikita ang pakikipaglaban sa ating mga karapatan at kinabukasan. Sa panitikang ito masasaksihan ang madugong kasaysayan na ating gagamitin bilang aral at gabay upang pahalagahan ang ating kalayaan.
“
But what crime have I committed? Is it possible that I should die like this? My God, is there no justice on earth?
12
Lathalain
MOLINO DE GRANO • ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PAMPAARALAN NG BACOOR NATIONAL HIGH SCHOOL- MAIN TOMO II BILANG 1 • AGOSTO - PEBRERO 2024
KAPEling sa buhay
Kaibigang Tunay:
, a d a s l a K g n i Har n i k i s l a t a P g a w Hu
ni Shayne Marie Secondes
es ni Shayne Marie Second
M
ga katagang tila ba parang kampanang paulit-ulit ang kalembang sa aking tainga. Kamay sa manibela, talampakang nasa gasolinador, at matalas na paningin sa kalsada. Lahat nang ito ay naging bahagi na ng aking araw-araw na pamumuhay. Umulan man o umaraw, may pasok man o wala, walang pinipiling oras, mahalagang okasyon man o ang bisperas, kailangan kong ipagpatuloy ang pamamasada. Iyan lang ang pangunahing pagkukuhanan ko ng pangkabuhayan. Ngunit paano na lamang kung ito ay ipinagkakait pa sa akin ng gobyerno? Pabigat sa trapiko at dagdag sa polusyon — ganyan kung ilarawan ng pamahalaan ang mga dyip na aking minamaneho. Masakit sa pakiramdam na ganito na lamang ang kanilang pagtingin kung dalawang porsyento lamang ang mga dyip ng tanang behikulo ng
Pilipinas. Mabigat sa aking kalooban na ganoon na lamang kadaling ibasura ang mga tradisyunal na dyip na isa rin sa mga pagkakakilanlan ng bansa na kaya nila itong palitan ng bago na di-hamak ay mas sobra pa sa tradisyunal na dyip ang presyo para sa pinapangarap nilang “modernisasyon” kung tawagin. Ngayong Pasko ay balak nilang ipatupad ang phaseout ng mga dyip upang makamit ang modernisadong transportasyon, tungo sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) na siyang humahadlang sa aming produktibong pamamasada. Kasabay ng magagandang himig ng mga batang nangangaroling sa mga kabahayan ay ang mga nagsisilakasang boses naming mga tsuper na nakikibaka para sa aming kabuhayan. Siyang panahon ng pagbibigayan para sa lahat, ngunit problema at sakit ng ulo ang naibahagi sa amin. Karamihan sa mga Pinoy ay ipinagdiriwang ang diwa ng Pasko bagaman
hinahampas kami ng kahirapan kung kaya’t walang maihanda sa aming mga hapag-kainan. Ganyan ko ilalarawan ang Disyembre ko sa taong ito. Paskong puno ng paghihirap at pagkadismaya. Hindi ko maialis sa aking isipan na habang nagsasaya ang iba at mukhang hindi apektado sa isyung ito, kami naman ay nagdurusa dahil sa bulok na sistema ng transportasyon. Hindi naman ako tumututol sa pagbabago, nais ko lang ng makamasang paggalaw kung saan walang mapipinsala at lahat ay sabay-sabay na aangat ang kabuhayan. Maaaring pang Noche Buena niyo lamang ang aking kinikita, ngunit ang halagang ito ang bumubuhay sa aking pamilya. Napakasalimuot ng pangyayari na hatid ng jeepney phase out na ito, nawa’y lahat tayo at makibaka upang tanggihan ito at lumipat sa alternatibong makakapagpapaunlad ng Pilipinas. Tsuper akong namamasada upang ihatid ang kanyang pasahero sa paroroonan, ngunit ako rin ang responsable sa pagmamaneho ng buhay ng aking pamilya tungo sa magandang kinabukasan. Minamahal kong gobyerno, gawin mo na itong aming aginaldo!
N
gayon, nakararanas ang mundo ng polusyon sa plastic na nasa iba’t ibang lugar tulad ng kalupaan, kalangitan, at katubigan, minsan katabi pa sa upuan. May kakayahan pa silang magsalita ngunit tinututukan ka ng kutsilyo sa likuran. Masasabing hindi matukoy kung sino ang papaniwalaan, nakalilito ngunit sigurado sa isang bihing may kayumangging anyo, matatagpuan ang kaibigang tunay, kasama sa hirap at ginhawa, at imposibleng mawalay. Ito ang ‘kapeling’ sa buhay. Saan man mapatingin, usap-usapan sa social media, reels, my day, at stories ang isang puting babaeng may korona at luntiang bilog sa likod. Ito ang Starbucks na kinagigiliwan ng lahat, maging bata man o matanda. Nahihiligan ng karamihang mga Pilipino ang pag-inom ng isang natatangi at espesyal na likido kahit na tirik ang araw o bilog ang buwan. Ito ang kape. Tanyag ang kape sa kakaibang pait na taglay nito ngunit kung hahaluan ng ilang sangkap, lalong manunuot sa sarap, mainit man o malamig ang temperatura nito. Kamangha-mangha ang binhing pinagmulan nito. Mayroon itong hugis na bilo-haba at ang kulay ay maaaring berde, pula, o kayumanggi, depende sa kahinugan nito. Kaya nitong pabilisin ang pagpintig ng puso upang magising ang dugo at manatiling aktibo dahil sa caffeine na bumubuo dito. “Para kanino ka bumabangon?,” isang tanyag na linya mula sa patalastas ng kape kung saan ipinapasok sa kamera ang mga bayani na naghatid ng kape mula sa taniman hanggang sa tasang pinag-iinuman. Mga magsasakang isaisang pinipitas ang mga hinog na binhi, binibilad, at pagkatapos ay dinadala sa pasilidad upang maproseso. Nagpapakita sa mga nabubuhay ng kape at binubuhay ng kape. Mga mag-aaral, guro, trabahador, maging mga negosyante ay sumasandal sa kaibigang ito, sa mga panahon ng pangangailangan at gantimpala sa
Baterya ang Makinarya:
Bisikleta ng Masa ni Shayne Marie Secondes
S
a kasaysayan ng pamamalagi ng mga tao sa mundo, patuloy ang pagkuha sa mga likas na yaman ngunit hindi ito pinapalitan. Bunsod ng mga suliraning may kaugnayan sa climate change, nagsasagawa ang mga tao ng mga paraan upang maibsan ang mga epekto nito sa pamamagitan ng pag-iimbento tulad na lamang ng mga plastic na gawa sa mga nabubulok na materyales, implementasyon ng 3Rs (Reduce, Reuse, & Recycle), at mga batas na pumoprotekta sa kapaligiran kasabay ng paghahanap ng mga alternatibo at luntiang mapagkukunan ng enerhiya. Halimbawa nito ang isang bisikletang baterya ang makinarya at patok sa masa. Mahalaga ang sektor ng transportasyon sa isang lungsod kung saan ang bawat pagpatak ng buhangin sa oras ay may katumbas na ginto. Nagsisikap ang mga taong ialay ang kanilang dugo at pawis upang may maihain sa hapagkainan. Bawal mahuli sa trabaho. Palaging gumagalaw at walang preno, paggamit ang nasa isip ng tao at ang kalikasan ang naaagrabyado. Delikado ang usok at
abong ibinubuga ng tambutso. Masasabing ginagamit sa bawat kabahayan ang electric bike o e-bike dahil bukod sa malinis na, hindi pa nangangailangan ng gasolina. Ito ang nagagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay tulad ng pagpasok sa paaralan, pamamalengke ng makakain, at pagpunta sa trabaho. Gumagana ang e-bike sa pamamagitan ng kuryente kung saan ito ang i-tsina-charge upang magkaroon ng sapat na enerhiya ang baterya. Matagal ang buhay nito at maaaring makarating pa sa malayo. Trending sa social media ang mga e-bike na umaarangkada kahit na ito’y nasa gitna ng mga pangunahing kalsada na siyang kinaiinisan ng ibang mga tsuper maging mga netizens. Nagiging sanhi ng malawakang traffic at kung minsan ay aksidente ang pagdami ng mga gumagamit ng e-bike dahil hindi nangangailangan ng lisensiya sa pagmamaneho nito. Patunay lamang na pangkalahatan ang sakop nito, sadyang madiskarte at makulit ang ilang mga Pilipino. Magagamit din ang e-bike sa pamamasyal sa mga parke at pamilihan
kasama ang pamilya, mga kaibigan, at natatanging ‘kaIBIGAN’. Magaan ito sa bulsa at tamang ‘broom broom’ lang sa tabi. Pangkaraniwan ngunit para sa iba, kahulugan nito ang kalawakan. Hindi kinakailangang sirain ang mga luntiang kayamanan upang makamtan ang lubos na kaunlaran. Nag-iisang tahanan sa hindi matukoy na karamihan, ito ang pagkakakilanlan sa mundong ginagalawan. Pangalagaan at protektahan, ika nga nila, “kung gusto, may paraan, at kung ayaw, may dahilan”. Walang limitasyon sa dami ng mga maaaring imbensiyon na magpapadali sa buhay ng mga tao. Lawak ng imahinasyon ang nag-iisang sukat nito. Isang munting hakbang ang pagkakaroon ng bisikletang may baterya bilang makina tungo sa isang planeta kung saan ang masa ay may luntiang puso at may kamalayan ang mata.
sarili sa mga pagkakataon ng kahusayan. Pagnanais na makatapos sa mga takdang aralin, nakatambak na gawain, at pananagutan tuwing kalagitnaan ng gabi ang mga dahilan sa pag-inom nito upang ‘di makatulog. Masasabing para sa isang damdaming nakaranas ng lubusang pagkabigo, kape nalang ang nakapagpapatibok sa puso. Nakatatagpo ang mga indibidwal ng taong kanilang mamahalin upang subukan ang pagkakataon sa pag-ibig ngunit kadalasan, ito ay nauuwi sa kasawian. Mahirap ang makatagpo ng isang kasanggang totoo. Maaasahan ang binhing ito, kaagapay sa proseso ng pagtupad sa mga pangarap at kasama sa kataasan at kababaan ng buhay na maihahalintulad sa gulong ng kapalaran. Kaibigang tunay, ito ang kape, ang kapiling sa buhay.
Lathalain
MOLINO DE GRANO • ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PAMPAARALAN NG BACOOR NATIONAL HIGH SCHOOL- MAIN TOMO II BILANG 1 • AGOSTO - PEBRERO 2024
13
Talento mula sa Sulok:
Katok sa Pinto ni Bok ni Rainier Montañez
A
yon sa mga akda mula mundo ng mahika, kapag kiniskis mo ang isang ginintuang lampara, mapalalaya mo ang isang genie na kayang tuparin ang anumang tatlong kahilingan mo. Maaari kang humingi ng gintong ‘di maaabot ang kailaliman, buhay na walang hanggan, at kaalamang abot ang anumang kalawakan. Ngunit para sa isang taong mula sa sulok, ang talentong makapagpasaya sa madla ay katumbas ng isang ‘di matatawarang kayamanan. Tok, tok tok, katok sa pinto ni Bok. Hindi siya katulad ni Dolphy. Hindi rin siya isang tanyag na aktor. Pangkaraniwan. Isang simpleng tao ngunit pambihira. Nakapagpapangiti siya ngunit hindi sapilitan at walang tinatapakan. Siya ay repleksyon ng kaniyang mga mata, may kamera man o wala. Si Bok ay isang vlogger. Sikat siya bilang isa sa mga kasama ng Team Payaman. Nais niya ang mga content at mga videos na tungkol sa self development at iba’t ibang mga pangyayari sa buhay. Kung ano man ang ‘trip’ niya. Ngunit bago pa man siya maging si Bok, siya muna ay naging si Carlos Mari Magnata. Ipinanganak noong ika-10 ng Agosto, 1990, si Carlos Magnata ay naging isang ordinaryong mag-aaral ng Bacoor National High School - Annex na ngayon ay BNHSMain na. Isang estudyanteng introvert. Siya ay tahimik, magalang, mabait, palakaibigan, aktibo, at masunurin. Higit sa lahat, palabiro. Naipakikita niya ang kaniyang pagmamahal sa pamamagitan ng pisikal na paghawak. Pagiging malambing, clingy, at matamis ngunit ikinukubli sa harap ng tao.
Simula nang imulat niya ang kaniyang mga mata, naging magtropa na sila nina Cong. Napaigting ang kanilang ugnayan dahil sa isang samahang kung tawagin ay Youth For Christ. Maloko sila sa isa’t isa, totoo at walang bura-bura. “Kaya ko rin ‘yan”. Naengganyo siyang maging isang volgger dahil sa mga napapanood niyang palabas tulad ng Bubble Gang at Eat Bulaga. May nais din siyang patunayan sa sarili, kung ano ‘yon at saan ba. Mula doon, “isang click, nangyari na”. Natuldukan ang kaniyang simpleng pamumuhay noong pandemya. Siya ay bumulaga at nagpaligaya sa madla. Nabuo si Bok noong pandemya. Mula COVID na hinango mula kay Kobe Bryant ay naging Bok Bok ngunit ayaw niya ‘yon dahil “baduy yun, pangit yun” kaya tinanggal niya ang isang ulit. Naging Bok na kilala ng mga netizens. “Manatili kang nakatapak sa lupa, tumingala sa langit, diko na nakita pumutok na pala.” “Maging humble, be greatful, not selfish, magmahal ka lang, mahalin mo lang ‘yong taong gusto tumanggap sa’yo kasi sila ‘yong mga taong loyal, pinupush ung limit mo, ‘yong mga taong kailangan mong alagaan na balang araw kakapush nila malayo ‘yong mararating mo,” ani Bok. Walang sinumang tao ang may kakayahang malaman kung ano ang mangyayari kinabukasan. Lahat ay may kakayahang magpatawa, ngunit hindi lahat ay kayang maging tapat. Maging talento man sa sulok, isang pangkaraniwang tao, ay may kakayang makarating sa tuktok. May buhay sa likod ng nakikita sa telebisyon maging sa mga cellphones. Maniwala at magpatuloy. Munting pagsilip sa likod ng pinto ni Bok, gamunggong pagkatok.
Huwad na Ngiti; Problemang sa Labi ay Ikinukubli ni Samantha Cana
H
indi. Hindi sila nasa ilalim ng isang sumpa o kahit na anong mahika. Mayroon silang mga itinatagong sikretong ‘di aakalain ng kahit na sino man. Naninilaw na paligid, mainit, at napupuno ng mga halakhak sa tuwing nariyan ang kanilang presensya. Ngunit ito pala ay huwad. May gamundong bigat sa likod ng ngiti. Problemang sinasarili na sa labi ay ikinukubli. Kung susukatin ang katapangan, sila ang mangunguna sa listahan. Pero mga pangkaraniwang tao lamang din. Sila ang mga indibidwal may depresyon, munting mga sundalo ng kasalukuyang mundo. Isang pakiramdam na ‘di kailanman matatawaran ng kahit na anong halaga. Ito ang kasiyahan. Maipapakita ito sa mga matitinis na tinig, bungisngis na mahangin, at ngiting abot sa magkabilang tainga. Ngunit hindi nito kayang maging representasyon kung ano ang tunay na nararamdaman ng isang tao, kung ano ang nasa kaniyang puso. Realisasyong panandalian lamang ang kasiyahang ito. Magulo ang mundo. Pagpapalitan, lahat nalang ay may kapalit. Hindi na bago ngunit ito ang siklo, ito ang pagbabago. Mahirap makahanap ng liwanag sa gitna ng kadiliman. Bibihira na lamang ang makaramdam ng kasiyahan. Patuloy ang takbo patungo sa kinabukasang hindi ka sigurado. ‘Di maaninag kung saan patungo. Hinihila ka pababa ng bawat pagkakataon. Mapapasabing “Ito na ba talaga yung tadhana ko? ‘di talaga patas ang mundo”. Ayon sa mga espesyalista, ang depresyon ay isang kondisyong nangangailangan ng agarang pansin. Inaapektuhan nito ang pagproseso ng kaisipan kung saan mas nabibigyang pansin ang mga negatibong bagay. Maiuugnay dito ang stress at anxiety lalo na sa mga
pagkakataong hindi nakukuha at natutupad ang mga bagay na nais o ‘di kaya’y mga pangungutya ng ibang tao. Sa paningin ng kanilang mga yapak, mayroong dalawang kulay lamang ang kapaligiran, puti at itim. Para sa kanila, wala ng saysay ang lahat ng kanilang ginagawa kahit gaano pa kadami ang ilaan nilang oras dito. Pakiramdam na patuloy lamang ang paglubog ng kanilang katawan papunta sa kailaliman ng
karagatan. Naiiwan na sila ng mundo. Nangangatog na ang kanilang mga buto sa kahahabol, hindi pa rin sila makasabay sa takbo ng ibang mga tao. Tinutusok din sila ng mga karayom na kung tatagos ay parang paulit-ulit na tinataga kahit na ito’y binubuo lamang ng mga letra. Pero patuloy pa rin silang lumalaban. Para sa iba, ito ay kaartehan lamang. Panandaliang bugso ng damdamin at kalungkutan. Lingid sa kaalaman nila, may kakayahan itong kunin ang mahal nila sa buhay sa isang iglap. Pinakananganganib dito ang mga kabataan kung saan sila ay nadadag-anan ng bundok bundok na mga gawain at pangungutya ng kapwa ngunit ang kadalasang sabi ng mga magulang, “iniisip mo lang ‘yan, iwasan mo nalang lumabas”. Kahit na sila ay nalalagay sa rurok ng isang bangin, patuloy silang lumalaban. Araw-araw silang nagsusuot ng isang maligayang maskara kahit na sa likod nito ay mga luha. Mapangiti lamang ang kanilang mga kaibigan kahit na sila ay nauubos na. Panibagong kalendaryo, kasunod na hamon ngunit ginagawa nila ang makakaya upang kahit na papaano ay makaraos. Tunay na mga magigiting na sundalo. Sila man ang pinakamalakas at pinakamagiting, nangangailangan pa rin sila ng pinakamatinding tulong. “No man is an island,” ika ng karamihan. Totoong kailangan ang isa’t isa upang mabuhay dahil ang bawat katawan ay may sari-sariling kalakasan at kahinaan. Mahalin ito at alagaan. Sila ay natatangi, hindi nabibilang sa mga daliri ang bawat bundok na kanilang pilit na inakyat. Ano man ang kapalit, kahit ang pagpipinta ng huwad na ngiti at pagkukubli ng mga problema sa labi. Pilit nilang aakyatin, hahamakin ang bituin para sa pangarap na nais kamtin.
TOMO II BILANG 1 • AGOSTO - PEBRERO 2024
MOLINO DE GRANO • ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PAMPAARALAN NG BACOOR NATIONAL HIGH SCHOOL- MAIN
Agham
RainierMontañez patnugot ng agham at kalusugan
New chat AI-ChatGPT:
Solusyon o Problema ni Precious Aouie Inciso
P
atuloy ang pag-ikot ng impormasyon sa lipunan kaya’t patuloy rin ang pag-unlad ng teknolohiya, ngunit ano na nga ba ang naabot ng walang tigil na pagsasaliksik ng mga siyentista at ano ang epekto nito sa pamumuhay ng sambayanan? Ito na nga ba ang sagot sa mga suliranin o panibagong alalahanin? Inilabas noong Hunyo ng 2020 ang unang bersyon ng ChatGPT (Chat Generative Pre-trained Transformer), isang kilalang halimbawa ng Artificial Intelligence (AI), na naging malaking bahagi ng kasalukuyan dahil sa malawak na kagamitan nito, sa pag-aaral man o sa trabaho. Dinisenyo ang ChatGPT na sumagot sa mga katanungan at makipag-usap sa gumagamit na tila isang tao sa tulong ng pagkalap ng datos mula sa mga naunang datos. Ilan sa aplikasyon ng ChatGPT ang pagkalap ng impormasyon, pagsalin ng lengguwahe, pagsasanay, kaaliwan, at marami pang iba. Gayunpaman, may limitasyon ang paggamit ng AI gaya ng kakulangan sa kaalaman at personal na datos, paglimot sa mga dating usapan, at hindi mapagkakatiwalaan na impormasyon. Nagdulot ang AI ng ilang mga isyung moral o etikal tulad ng panganib sa seguridad, sensitibong mga detalye, hindi responsableng paggamit, at labis na pagdepende sa teknolohiyang nabanggit. Makatutulong ang AI sa pagpapatibay ng sektor ng edukasyon dahil mas magiging mabilis ang pagpasok at pagproseso ng impormasyon na bukas para sa mga mag-aaral at mga guro, dagdag pa, may kakayahang maturuan ng AI ang
mga nahihirapang estudyante. Sa kabilang banda, malaki rin ang kinakaharap na problema ng edukasyon ukol sa paggamit ng AI, ilan dito ay maling paggamit at kahirapan sa pagsabay sa pagusbong ng teknolohiya. Inaabuso ng iba ang AI at ginagamit sa pandaraya, panloloko, at iba pang hindi mabuting gawain. Nahihirapan din ang Pilipinas na sumabay sa kadahilanang kulang ang kaalaman ng mga Pilipino sa teknolohiya at walang sapat na kagamitan at pondo para sa lahat. “It is equally important to teach children how to differentiate truthful information from the untrue,” ayon kay Bise Presidente Sara Duterte. Dagdag pa niya, “We must recognize that some technologies may work for one ecosystem, but it may not work for others. It is the teachers and students who will be using it that will determine its effectivity”. Kasaysayan at kinabukasan Maitatala ang konsepto ng AI sa mahabang kasaysayan, kahit pa moderno sa pandinig, at taong 1956 nang unang gamitin ang terminolohiya na noon ay kakayahan lamang sa paglutas ng mga problema ang pokus ng mga pag-aaral. Kinilala ang panahong “AI winter” noong 1970s hanggang 1980s dahil sa pagbaba ng pondo at interes sa AI nang hindi nito maabot ang inaasahan ng tao. Nanumbalik naman ang sigla ng teknolohiya noong 1990s nito na hanggang sa kasalukuyan ay nagpapatuloy. Inaasahan ang pag-unlad ng AI sa iba’t ibang sektor gaya ng medikal, edukasyon, sining, musika, at wika. Bibigyang-pansin din ang mga isyung etikal at mga regulasyon upang masiguro ang maayos na paggamit ng teknolohiya sa hinaharap.
Mukha ng Teknolohiya:
Impluwensiya sa Madla ni Rainier Montañez
N
apapanahon ngayon ang mga usap-usapin tungkol sa artificial intelligence (AI) kung saan ang hinaharap ng mundo ay nangyayari sa kasalukuyan. Patuloy ang pag-unlad ng mga uri ng teknolohiya at pabago-bago ng mukha bilang kasangga ng mga tao sa pang-araw-araw na pamumuhay. Malaki ang impluwensiya nito sa madla kung saan naghahalo ang iba’t ibang mga ideya ukol sa bukas na walang makapagsasabi kung ano ang iiwang mga bakas. Bunga ang AI mula sa kaalaman at pananaliksik ng mga tao. Mayroong mga AI na nakatutulong sa pagkuha ng mga salitang binigkas upang gawing mga letra at mayroon ding nagsasalin ng mga wika tulad na lamang ng Ingles ay gagawing Tagalog. Higit na rito ang mga AI na nakatutulong sa pag-aaral at paraan ng pamumuhay. AI sa Sektor ng Kaalaman Naglalayon ang mga paaralan na magkaroon ng mga makabago at napapanahong mga kaalaman ang mga mag-aaral. Nangangailangan din ito ng mga makabagong kagamitan at paraan ng pagtalakay ng kaalaman. Ayon sa survey na ginawa ng Anthology, 52% of university students and leaders in the Philippines believe AI will revolutionize education. This sentiment reflects a wider trend of positive attitudes towards AI in higher education, surpassing those in other countries.” Kilala ang Chat GPT bilang isang AI na kayang gawin ang lahat. Tulad ng pag-intindi sa mga panuto, pagbibigay ng mga hakbang sa pagluluto ng isang putahe, at mga ideyang mula sa labas ng kahon. Ito ay kinatatakutan ng ilan bilang hadlang sa kalayaan ng
Message ChatGPT...
Solar Superstorm:
Magdudulot nga ba ng Internet Apocalypse? ni Rainier Montañez
“P
osibleng mawalan ng internet ang buong mundo dahil sa posibleng pagtama ng solar superstorm.” Tunay na nakababahala ang balitang handog ng Frontline Tonight sa TV5, ngunit ano nga ba talaga ang solar supertorm at mangyayari nga ba ang isinaad na internet apocalypse? Tinatawag na space weather ang lagay ng kalawakan sa pagitan ng mundo at ng araw na naglalarawan sa relasyon ng enerhiyang nilalabas ng araw at ang epekto nito sa teknolohiya ng tao. Nangyayari ang solar superstorm kapag sobra-sobra ang enerhiya galing sa araw na dulot ng solar flares o pagsabog ng radiyasyon at coronal mass ejections (CMEs) o pagsabog ng plasma na nanggagaling sa maitim na bahagi ng araw na kung tawagin ay sunspot. Naaapektuhan ng solar flares at CMEs ang magnetic field ng mundo na malaking problema sa kadahilanang nakadepende ang lahat sa nabigasyon, komunikasyon, kuryente, at satellites. Naganap ang pinakamalakas na geomagnetic storm noong ika-1 ng Setyembre, taong 1859 na tinawag na “Carrington Event” na sumira sa mga linya ng kuryente at ng telepono nang tumama ang malakas na CEMs.
Hindi ganoon kalaki ang naging problema, ngunit sa panahon ngayon na lahat ay nakasalalay sa teknolohiya, mas mahihirapan ang mundo gaya nang muntikan na mahagip ng isang solar storm na kasinglakas ng Carrington Event noong Hulyo, 2012, na maaaring umabot sa dalawang trilyong dolyar ang pinsala. Kumakalat ang balita sa buong mundo sa kasalukuyan sa paparating na solar superstorm na nagsasabing maaaring mawala ang internet sa loob ng ilang buwan o taon na nagdala ng takot sa mga mamamayan. Sa kabilang banda, nangyayari ang penomenang makakabagsak ng buong internet kada 500 taon lamang at base sa obserbasyon sa sunspots, maliliit at mahihina ito kaya masasabing nasa limang bahagdan lamang ang posibilidad na mangyari ito at hindi dapat pangambahan. Ayon sa propesor na unang naglarawan gamit ang mga salitang “internet apocalypse”, malaki masyado ang terminolohiyang ginamit at hindi akma. Walang ibinaba ang National Aeronautics and Space Administration (NASA) na babala ukol sa isyu, taliwas sa inuulat ng ibang pahayagan. Ani Dr. Ernest Macalalad, isang Pilipinong space scientist, “ito ang tunay na mensahe ng nasabing
balita... ang kalagahan ng pagkakaroon ng epektibong early-warning system patungkol sa space wather para mapaghadaan ang maaaring maging epekto nito sa mundo at sa ating bansa”. Mabuti ang pagiging maalam sa mga pangyayari sa kasalukuyan, subalit siguraduhing alamin maigi ang detalye ng paksa bago ibahagi at huwag palalakihin ang katotohanan upang maiwasang makagawa ng hindi kailangang kaguluhan.
imahinasyon ngunit kabaliktaran nito ang nangyayari sa ngayon. Nakasalalay sa paraan ng paggamit kung ito ba ay magiging suliranin o solusyon. Kung ipapakilala bilang isang kagamitang kasangga sa pag-aaral, maanyayahan nito ang mga estudyante na gumawa ng mga pananaliksik at masusing paggamit ng iba’t ibang mga kakayahan ng AI. Nagkakaroon ng mga karagdagang kaalaman tulad na lamang ng pagiging malikhain sa mga salitang ginagamit sa pagsulat ng mga akda. Kaibigan sa Likod ng Salamin Maaaring makapagbigay ng mga suhestiyon ang AI kung paano magawa ang mga bagay-bagay nang tama at batay sa siyensya. Sinasagot nito ang mga katanungan sa pamamagitan ng isang pindot lamang. Lingid sa kaalaman ng iba, may mga bersiyong sumasagot at nagpapalubag-loob sa panahon ng kalungkutan. Kabilang ang kapasidad ng mga AI sa pag-intindi ng emosyon, kung tawagin ay Emotional AI. Maliban sa mga maiinit na salita, nakapagbibigay din ito ng mga paraan upang mapataas ang kumpiyansa sa sarili at mahusay na paggamit ng oras. Napapaloob sa isang siklo ng pagbabago ang mundo. Patuloy na umuunlad ang teknolohiya upang mas mapadali ang pamumuhay ng mga tao. Mula sa mga komersiyal na kagamitan hanggang sa pagiging kaibigan, patunay na ang agham ay isang positibong bahagi ng lipunan. Makabagong mukha ang lumilitaw sa bawat taong lumilipas kaya ang madla’y nasasabik kumalas sa paghihirap na dinaranas. Ngunit ang iba’y takot sa pagbabagong ito. Matutong hanapin ang naaangkop na paraan nito.
Agham
MOLINO DE GRANO • ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PAMPAARALAN NG BACOOR NATIONAL HIGH SCHOOL- MAIN TOMO II BILANG 1 • AGOSTO - PEBRERO 2024
15
E-jeep, mabisang alternatibo sa pangkaraniwang jeep ni Rainier Montañez
S
a ilang dekadang nakalipas, karaniwang ginagamit ang dyip bilang isang paraan ng transportasyon. Hindi lamang ito sikat dahil sa kasaysayan nito, sikat din ito sa pagiging katangi-tangi nito kung maikukumpara sa ibang sasakyang pangtransportasyon. Ngunit sa kabila ng pagkakakilanlan nito, hindi maitatago ang mga masamang dulot nito sa kapaligiran — ito ang pinaka nagdudulot ng air pollution dito sa Pilipinas. Ang 15% ng greenhouse gas emissions dito sa bansa at 48% ng air pollutants ay nagmula sa mga dyip. Kasabay ng pagbabago ng panahon ay ang kagustuhan din para sa pagbabago. Nangangailangan
na ng mas malinis at mas mabisa na alternatibo kaya inihandog ng Francisco Motors ang electric jeepneys na may presyo na hindi lalampas sa P1 milyon kada unit. Ayon kay Elmer Francisco, ang may-ari ng kompanya, “We decided to slash the price so that operators and jeepney drivers can afford the unit as part of the government’s modernization program.” Nangangahulugan itong ginawa nila itong abot-kaya para sa mga drayber ng mga dyip upang tuloy ang modernisasyon ng transportasyon sa buong bansa. Makikita pa rin ang karaniwang disenyo ng mga dyip subalit ito ay may mga modernong parte na katulad ng air conditioning system at ang paggamit ng elektrisidad sa pagpapaandar nito. Sa pamamagitan ng elektrisidad na nagpapatakbo nito, maiiwasan ang mga mapanganib na usok o pollutants sa paggamit nito. Ito ay may labing-isang upuan magkabilaan at kasya rin ang walong tao kapag nakatayo, na may total na tatlumpung pasahero. Nakakuha ng mga magandang komento ang inobasyon na ito; isa na ang CAZANOVA Transport service cooperative. Saad ni Chairperson Willy Tecson, “We were attracted by the price difference between Francisco Motors’ electric jeep and modernized jeepneys, which cost more than P2 million each.” Hindi lamang ang presyo ang nakagaganda rito, ito ay naka disenyo bilang isang komportable at environment-friendly na sasakyan. Inaasahan naman itong matapos sa kalagitnaan ng 2024.
Pagsasaka:
mga i nobasyon at mode rn isasyon ni Samantha Cana
I
sa sa mga problema na hinaharap ng mga magsasaka ay ang pagkakaroon ng limitadong access sa mga mamimili o konsyumer. Kaya kahit maganda ang kalidad ng mga naani na produkto, hindi ito maibebenta. Tahanan ang Pilipinas ng humigit-kumulang 115 milyong Pilipino. Ang dalawampung porsyento nito ay nagmula sa sektor na pang agrikultura at ito ay bumubuo sa 9.5 porsyento ng Gross Domestic Product o GDP noong 2022. Upang mabigyan ng solusyon ang pagkakaroon ng limited access sa mga konsyumer, nagtatag at naghandog ng iba’t ibang platapormang pang teknolohiya ang Department of Science and Technology o DOST. Layunin nito na mapalawak ang sakop ng kanilang hanapbuhay upang lumaki ang kita. Ito ay ang Farm Konek. Ito ay isang instrumento para imbentaryo inventory at pamamahala ng mga produkto. Mabisa ito para sa mga smallholder na magsasaka dahil sa ‘data-driven’ at ‘climate-proofed’ na produksyon nito. Makatutulong ito sa mga magsasakang may kaunting kaalaman tungkol sa climate change at mga makabagong paraan sa pagtatanim. Ang Farm Konek ay may mga gabay sa mga pangunahin o basic na bagay tungkol sa pagsasaka. Naglunsad din ang DOST ng isa pang e-commerce platform na tinatawag na OneStore.ph. Ito ay may layon na tulungan ang mga Micro, Small and Medium Enterprises o MSME’s. Sa pamamagitan nito, mapapalawak ang saklaw ng kanilang mga paninda upang makakuha ng
mas maraming mamimili mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Dahil sa magandang resulta na nakuha mula sa paglunsad ng OneStore.ph, inilabas ng DOST ang OneSTore City. Ito ay isang delivery software na ginawa upang mapadali ang pamimili ng mga konsyumer. Mapatataas nito ang kita ng mga magsasaka sapagkat isa sa mga features nito ay ang same-day delivery ng mga produkto ng agrikultura. Isa pang kompanya na gumawa ng isang gamit pang agrikultura ay ang Philippine Rice Research Institute o PhilRice. Ang kompanyang ito ay naglabas ng isang rice combine harvester na sumagot sa suliranin ng pagkalugi dahil sa pagkawala o pagkasira ng mga produkto, partikular na ang bigas. Sinasabing bababa ang pagkalugi ng mga magsasaka mula 4.5% hanggang 2.2%. Sinuportahan ito ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development sa ilalim ng Department of Science and Technology o DOST-PCAARRD. Itong gamit na ito ay maaaring makatulong sa seguridad ng pagkain at upang maiwasan ang shortage ng pagkain sa buong bansa. Malaki ang ambag ng mga teknolohiyang ito sapagkat hindi lamang ang mga magsasaka ang makikinabang dito, kabilang na rin ang mga mamimili. Nasasagot nito ang mga pangamba o suliranin ng mga konsyumer ukol sa seguridad ng pagkain.
Manok at Tornilyo:
Patok at Bago ni Samantha Cana
T
unay na mga kaibigan sa panahon ng kadiliman, nagpapagaan ng karamdaman, at nagbibigay ng init sa tiyan, pritong manok, nanunuot kalinamnaman. Kung pagsasamahin ang pagmamahal para sa kaibigang ito at ang modernong panahon, manok at tornilyo, patok sa bawat pook, bago, at totoo. Saan man tumingin, teknolohiya ang iisipin. Posibilidad, hindi mabilang abot ang dulo ng walang hanggan. Artificial Intelligence na kayang kumausap at robot na kayang magbigay ng ulat, ilan sa mga imbensiyong nagpasabog sa kalakalan. Isang natuklasqqan, robot na may sariling lutuan, pritong manok, paborito ng karamihan. Dahil sa umuusbong na industriya ng pagbebenta ng iba’t ibang uri ng piniritong manok sa South Korea, naisip ng isang 38 taong gulang na negosyanteng si Enter Kang na magsimula ng isang kainang nagbebenta nito. Upang maibsan ang suliranin sa presyo at kakulangan ng manggagawa, siya ay nag-imbento ng isang robotic arm na may kakayahang makapagprito ng 100 manok sa loob ng dalawang oras. Pinapamahalaan at tinututukan ng makinaryang ito ang temperatura ng mantika at oxidation levels sa parehong oras, sinisiguro ang kalidad, kalinisan, at sarap ng mga manok. Maaaring para sa ilan, ang produktong ito ay walang saysay at nagawa bilang pampalipas ng oras ngunit sa perspektibo ng mga konsyumer, mapapadali at mapapamura nito ang mga bilihin lalo na kung paiiralin ang mga bagay tulad nito sa industriya ng agrikultura.
Sa kabilang dako ng usapin, hindi lahat ng negosyo ay may kakayahang makabili ng kamay na makinarya, dahilan upang sila’y mapag-iwanan sa laylayan ng lipunan. Nangangailangan din ito ng pagsasaayos upang malaman ang kalagayan nito. Magbubunsod din sa kawalan ng mga trabaho at kahirapan sa mga pangkaraniwang tao. Teknolohiya, mga pagbabago upang mapadali ang buhay sa mundo. Ito ma’y magastos at nangangailangan ng masusing trabaho, tunay, at kalidad naman ang serbisyo nito. Masasarap na manok, pinirito ng isang buhay na tornilyo, patok at bago.
TOMO II BILANG 1 • AGOSTO - PEBRERO 2024
MOLINO DE GRANO • ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PAMPAARALAN NG BACOOR NATIONAL HIGH SCHOOL- MAIN
Kalusugan Paggamit ng earbuds, mapanganib?
ni Samantha Cana
N
aging bahagi na ng ating pang araw araw na pamumunay ang paggamit ng earbuds; sa pag-aaral, sa trabaho, o kahit sa ehersisyo. Ito ay nakatutulong upang makapokus sa ginagawa at makaiwas sa ingay sa paligid. Ang earbuds ay isang uri ng sound device na walang wire of gumagana sa pamamagitan ng Bluetooth. Ngunit, delikado nga ba ang paggamit nito? Upang malaman ang panganib ng mga earbuds, alamin muna ang kahulugan ng decibels at kung ano ang kaugnayan nito sa paggamit ng mga sound device katulad ng earbuds. Nabibigyang sukat ang lakas ng tunog sa pamamagitan ng decibel. Ito ay isang paraan upang malaman kung gaano kalakas o kahina ang isang tunog. Ang pinakamalakas na tunog ng earbuds ay may sukat na 100 dB.
uya at lemon. Karaniwang naririnig ang dalawang halaman na ito bilang isang herbal alternative sa iba’t ibang sakit tulad ng ubo at sipon. Madali lamang makagawa ng isang tsaa mula sa dalawang halaman na ito; at masasabing may mga malaking tulong at benepisyo ito sa buong katawan. Maraming bansa na ang gumagamit nito daan-daang taon na ang nakalipas — halimbawa nito ay ang India, China, at Middle East. Suportado rin ito ng mga siyentista, ngunit kailangan pa ng masusing pagsusuri kung paano talaga ito nakakatulong sa katawan. Naglalaman ang luya at lemon ng vitamin C, antioxidants, fiber, vitamin B6, magnesium, at potassium. Ang mga bitamina at mineral na ito ay kailangan ng ating katawan upang maiwasan ang mga sakit o karamdaman. Maliban sa mga magandang benepisyo ng luya at lemon, kilala rin ito sapagkat ito ay abot-kaya; mabibili ito kahit sa mga palengke o supermarket lamang. Marami ang mga benepisyo nito: una ay paunang-lunas sa
ni Rainier Montañez
M e dical can nabis:
mabisa bi lang alte rnati bong gamot ni Rainier Montañez
Ito ay katumbas ng mga malalakas na ispiker sa isang rock concert. Dito, makikita na kailangan nating mag ingat sa paggamit nito. Maaaring magdulot ng malaking pinsala ang matagalang paggamit nito, lalo na kung masyadong malakas ang volume nito. Rekomendasyon ng World Health organization o (WHO) na ang average decibel ay 80 decibels sa loob ng walong oras lamang. Kung mas malakas ang tunog, mas kaunti lamang dapat ang oras sa paggamit nito. Halimbawa, kapag gumamit ng earbuds na may lakas na 80 dB sa loob ng 11 minuto, may posibilidad na tumaas ang panganib ng pagkawala ng pandinig kung lalakasan naman nang kaunti ang volume nito ngunit sa ilang minuto lamang papakinggan, maari lamang itong magdulot ng pinsala sa mga maliliit na buhok sa tainga o sireocilia na magiging dahilan ng panandaliang pagkawala ng pandinig o pagkakaroon ng tunog sa tainga. May posibilidad din na magkaroon ng Tinnitus sa paggamit ng earbuds. Ang Tinnitus ay isang kalagayan kung saan may naririnig na kakaibang tunog sa tainga kahit wala namang ingay sa paligid. Upang maiwasan ang mga pinsala o sakit na posibleng naidudulot ng paggamit ng earbuds, hinaan lamang ang volume nito upang hindi masira ang ear drums; bigyang pahinga ang tainga; at pillin ang Over-Ear headphone, mas natural ang tunog nito kung ikukumpara sa earbuds at hindi direktang napupunta sa eardrums ang tunog nito. Bilang kongklusyon, bagamat laganap na ang paggamit ng earbuds sa panahon ngayon dahil sa pagiging convenient nito, mainam pa rin na gamitin ito sa tamang paraan upang maiwasan ang pinsala ng tuloy-tuloy na paggamit nito sa mahabang panahon.
L
RainierMontañez patnugot ng agham at kalusugan
I
sa ang cannabis o marijuana sa mga ilegal na drogang ginagamit sa Pilipinas. Ito ay isang halimbawa ng narcotics na ginagamit bilang painkillers. Hindi lamang masama ang dulot ng narcotics, mayroon din itong magandang naidudulot sa mga may sakit na epilepsy at seizures, partikular na ang medical cannabis o marijuana. Naglalaman ang Marijuana ng Tetrahydrocannabinol o T-H-C at Cannabinol o C-B-D. Ang mga sangkap na ito ay maaaring gawing alternatibong gamot sa seizures o epilepsy. Subalit, hindi legal ang paggamit ng cannabis sa bansa ayon sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act. Ito ay nagbabawal sa paggamit ng kahit anong uri ng ilegal na droga. Naaprubahan na ang paggamit ng medical cannabis sa 70 bansa, kabilang ang Thailand na nangunguna sa buong Asya. Dahil sa magandang resulta na nakuha sa ibang bansa, nagkaroon ng pag-asa ang ilang Pilipino na ito ay gagawing legal ng pamahalaan. Isa sa mga ito si Dr. Donnabel Cunanan, miyembro ng Philippine Cannabis Campaign Society, na may sampung taong gulang na anak na napag-alamang may Dravet Syndrome. Hindi ito isang pangkaraniwang uri ng epilepsy at maaari itong umatake kung labis ang emosyong nararamdaman. Isa sa 40 libong tao ang maaaring maapektuhan nito. Nakikita na ang
pagkahilo, nakatutulong din ito sa pagtanggal ng pamamaga o implasyon sa mga buto-buto o joints ng katawan, pampapayat, pampalakas ng resistensya, proteksyon sa kanser, sakit sa puso at atay, at pagtanggal ng mga sakit-sakit sa katawan. Bagama’t ang luya at lemon ay tinawag na “generally safe” ng FDA, kailangan din nating pagtuunan ng pansin ang mga side effects o mga maaaring masamang epekto nito sa katawan. Maaari itong magdulot ng pagnipis ng dugo, bloating, indigestion o hindi pagtunaw ng kinain. Hindi rin ito maaaring inumin ng mga buntis nang walang rekomendasyon ng doktor sapagkat may posibilidad itong magdulot ng mga komplikasyon. Naipasa na sa iilang henerasyon ang pag inom ng tsaa na may lemon at luya. Marami na rin ang nagsasabi na epektibo ito. Ngunit, kailangan pa rin nating magpakonsulta sa doktor upang malaman kung angkop ba ang ipinapasok natin sa ating katawan.
sintomas nito mula pagpanganak. Layon ng Philippine Cannabis Compassion Society na maisulong ang pagsasabatas ng legal na paggamit ng medical cannabis. Inihain ni Senador Robin Padilla ang Senate Bill 230 o Medical Cannabis Compassion Act. Ipinahayag niya na ang mga pananaliksik sa Estados Unidos mula 2016 hanggang 2019 ay nagpapakita na mabisa at ligtas ang paggamit ng medical cannabis. Ayon sa United Nation Commission on Narcotic Drugs, ang marijuana ay nasa ilalim ng Schedule 1, nangangahulugang hindi mataas ang panganib sa paggamit nito. Isang House Bill din ang naihain at ito ay ang House Bill 4477 o Compassionate Use of Medical Cannabis Act. Sa kabilang banda, tutol naman ang Philippine Medical Association sa pagbibigay ng medical cannabis bilang alternatibong gamot. Ayon kay Dr. Maria Minerva Calimag, ito ay maaaring magdulot ng diversion sa buong bansa at pag-abuso ng mga gagamit nito. Ayon naman kay Dangerous Drugs Board member USEC. Gilberto Cruz, marami pa ang dapat suriin bago ito maisakatuparan sa buong bansa. Gawing halimbawa ang mga bansa na nagpapatupad nito; kung tumaas ba ang crime rate at kung gaano karami ang gumagamit nito. Sinasabing maaaring tumaas ang dependency at health risk sa droga. Bagama’t isinulong ng Philippine Traditional Alternative Health Care ang paggamit ng medical cannabis, hindi pa rin sapat ang impormasyon tungkol sa mga benepisyo nito, ito ay ayon kay Kristine Marie Gapor, Health Education and Promotion Officer IV ng ahensya. Kung ito ay magiging legal, mahalaga ang patuloy na regulasyon upang mapanatili ang kaligtasan ng sinumang gagamit nito.
N I M A T I V
C
Kalusugan
MOLINO DE GRANO • ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PAMPAARALAN NG BACOOR NATIONAL HIGH SCHOOL- MAIN TOMO II BILANG 1 • AGOSTO - PEBRERO 2024
17
Titig ng mga Mata:
Dugo at Biktima ni Rainier Montañez
I
sang pagkakataon upang mabuhay at sumaya ngunit sa isang iglap, maaaring ang mga pangarap ay liparin sa ulap. Biktima ng mga sakit mula sa dugo at pakikisalamuha, titigan nang tama, sila rin ay mga biktima, may puso at kaluluwa.
Handa ngayon, handa sa tamang panahon ni Rainier Montañez
H
indi maitatanggi ang kawalan ng aktibong partisipasyon ng mga mag-aaral sa tuwing isinasagawa ang mga earthquake drill sa paaralan na isa sa malaking problemang kinahaharap ng sektor ng edukasyon. Inaakalang biro, lingid sa kanilang kaalaman ay siyang magsasagip ng buhay sa oras ng pangangailangan. Isinagawa ang 4th Quarter National Simultaneous Earthquake Drill na nilahukan ng mga mag-aaral ng Bacoor National High School Main noong ika-9 ng Nobyembre, taong 2023. Pinangunahan ng School Disaster Risk Reduction Management (SDRRM) Coordinator na si G. Rod Edmon Torreliza at ng Student Lead Watching Team (SWT) ang pagpapanatili ng kaayusan upang masiguro ang ligtas na pagsasagawa ng drill. Nagsanay rin ang mga Senior Scouts ng Search and Rescue sa ilalim ng pangangasiwa ni G. Arzel Saez Mendoza. Naglalayon ang earthquake drill
na magkaroon ng sapat na kaalaman ang bawat mag-aaral, guro, at tauhan ng paaralan sa nararapat gawin sa hindi inaasahang pangyayari katulad ng lindol. Nagaganap ang lindol kapag nagkaroon ng biglaang paglabas ng enerhiya dahil sa paggalaw ng mga tectonic plates o ang mga malaking tipak ng lupa na bumubuo sa ibabaw na bahagi ng mundo. Mahigit 20 lindol ang nangyayari araw-araw ngunit hindi laging sapat ang lakas upang maramdaman at makaapekto sa pamumuhay ng tao. Samantala, mayroon namang mga lindol na may kakayahang makawasak ng ari-arian at makakuha ng buhay. Bilang tugon o paghahanda sa nasabing sakuna, isinabatas sa ilalim ng Senate Bill 2992 ang earthquake drill na sumasaklaw hindi lamang sa lokasyon ng evacuation area, kundi pati ang mga hakbang na gagawin upang mabawasan ang panganib. Gayunpaman, maraming magaaral ang ipinagsasawalang-bahala at ginagawang katatawanan ang
gawain at hindi maunawaan ang kahalagahan nito para sa kaligtasan ng lahat. Ayon sa ilang estudyanteng nakapanayam, hindi umano makatotohanan ang daloy ng drill gaya ng pagpila nang maayos ngunit mas nangibabaw ang kasagutan na dahil ito sa madalang maranasan ang malalakas na lindol kaya hindi nararamdaman ang takot. Aniya, “ang hirap magpretend na may threat kasi wala namang threat”. Hahayaan pa bang mangyari ang trahedya bago makita ang kahalagahan ng pag-iwas dito? Huwag nang hintayin ang may masawi bago pagtuunan ng pansin ang tanging bagay na magagawa bago ang sakuna. Paghahanda. Hindi mapipigilan ang pagdating ng lindol o ng kahit anong sakuna kaya ang nararapat lamang gawin ay paghandaan ang epektong dala-dala, upang maiwasan ang pagsisisi sa pagkawala ng ari-arian at ng mahal sa buhay. Ang magaaral na handa ngayon ay handa sa tamang panahon.
Pinangunahan ng YWECARE (Youth Wellness Care) kasama ang IsCool Teen Center (ITC) at TEENDig Kabataan ang isang programa para sa WORLD AIDS DAY na may temang: “KNOW BETTER, FIGHT TOGETHER: LET COMMUNITIES LEAD noong ika-22 ng Noyembre, 2023 sa Bacoor National High Shool - Main covered court. Tinalakay ni Dr. Michael Angelo Marquez, guest speaker mula sa HIV/AIDS Core Team Social Hygiene Bacoor ang tungkol sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) at Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS) Awareness sa pamamagitan ng isang talumpati kasama ang mga piling mag-aaral mula sa iba’t ibang pangkat. Nagsagawa rin ng isang pagsasanay o workshop sa pamamagitan ng isang laro upang mas lalong maintindihan ng mga estudyante ang HIV at AIDS, na ginabayan ng HIV / AIDS Core Team Social Hygiene Bacoor. Naglalayon ang programang ito na bigyang kaalaman at palawakin ang pananaw ng mga mag-aaral ukol sa kung ano ang mga virus na ito, paano ito kumakalat, mga panganib na dala, mga paraan upang maiwasan, at tamang pakikisama sa mga taong mayroon nito. Binigyang pansin din ang isang libreng pagkonsulta at pagpapasuri upang maagapan ang sakit na ito. HIV at AIDS, iwasan
Aksyong Nagpapahiwatig Dinggin ang Kanilang Tinig:
ni Rainier Montañez
P
inagtatawanan ang mga salitang nais nillang bigyangkahulugan. Hindi makarinig, sila ang mga bingi. Upang makapagsalita, sila ay nagamit ng mga sinyales para sa bawat letra. Mga kamay ng pangarap, sana’y mahawakan. Ginunita ang Linggo ng Pagkilala para sa mga deaf sa Bacoor National High School Main mula Nobyembre 10 hanggang Nobyembre 16, 2023. Ito ay may temang “Promote Safe and Inclusive Education Filipino
Sign Language and Other Means of Communication Towards Resilient Future” para sa Special Needs Education Program (SNEd) na pinangunahan ni Gng. Tess B. Arcelo, SNEd Teacher, sa Flag Raising Ceremony nitong Nobyembre 13, 2023 sa BNHS-Main Grounds. Pagkabingi, Kilalanin Ayon sa World Health Organization (WHO), “A person who is not able to hear as well as someone with normal hearing – hearing thresholds of 20 dB or better in both ears – is said to have hearing loss. Hearing loss may be mild, moderate, severe, or profound. It can affect one ear or both ears and leads to difficulty in hearing conversational speech or loud sounds.” Maraming dahilan ang pagkawala ng pandinig at pagkabingi, mula sa genetika at impeksyon hanggang sa malalakas na ingay sa paligid at pagtanda. Bagaman ang mga salik na ito ay maaaring makaapekto sa mga tao sa lahat ng edad, may mga yugto ng buhay na mas kritikal. Halimbawa, ang mga impeksyon sa panahon ng pagbubuntis o kapanganakan ay maaaring makasira sa pandinig ng isang sanggol samantalang sa mga matatanda, ang mga kronikong sakit at pagkakalantad sa malalakas na ingay ay maaaring magdulot ng pinsala sa pandinig sa paglipas ng panahon. Sa anumang pagkakataon, ang hindi pagbibigay ng lunas sa pagkawala ng pandinig ay maaaring magkaroon ng
malaking epekto sa buhay ng isang tao, na nakaaapekto sa kanilang komunikasyon, edukasyon, trabaho, at mga koneksyon sa lipunan. Aksyong Nagpapahiwatig, Kanilang Tinig Nagbahagi ng impormasyon si Gng. Lucia G. Penales, SNED Coordinator, tungkol sa kahalagahan ng sign language at ang pagtanggap sa mga estudyanteng may kapansanan. Kasunod nito, inilahad naman ni Bb. Johanna D. Dela Cruz, Guidance Counselor II, ang School Discipline and Anti-Bullying Policy upang panatilihin ang katiwasayan ng paaralan. Isang paraan ng pakikipagkomunikasyon ang paggamit ng sign language kung saan ginagamit ang mga kamay upang makabuo ng mga sinyales na mayroong katumbas na salita. Kahit na may kakayahang magsalita ang mga bingi, hindi madali para sa kanilang matutunan ang pagbigkas ng mga salita. Minsan, sila ay pinagtatawanan dahil hindi alam ng karamihan ang kondisyon na kanilang kinakaharap. Pag-intindi at pagtanggap ang kanilang nais, libre ngunit ‘di mabigay ng ilan. Sinundan ito ng paggawad ng sertipiko ng pagkilala kina Gng. Lucia G. Penales at Bb. Johanna D. Dela Cruz bilang resource speakers ng flag ceremony. Nagwakas ang programa sa pamamagitan ng pagsayaw ng Wellness dance exercise ng mga piling seleksyon ng estudyante.
Pinahihina ng HIV ang ating katawan dahil sa isa itong virus kung saan kapag ito’y nakapasok sa katawan, inaatake nito ang mga cells na bumubuo
sa ating immune system, kabilang na ang white blood cells. Dahil dito, mas madaling magkaroon ng mga sakit at maaaring ang mga ito’y lumala sa maikling panahon tulad na lamang ng Tuberculosis (TB). Kapag ang HIV ay napabayaan, maaari itong humantong sa AIDS kung saan ito na ang pinakahuling hantungan nito at sirang-sira na ang immune system ng katawan. Maaring makuha ang sakit na ito mula sa mga dugo at sexual fluids ng mga taong mayroon nito. Walang kasalukuyang lunas para sa HIV ngunit mayroong mga gamot upang mapigilan ang paglala nito, panghabang-buhay. Mas mainam na ito’y maiwasan sa pamamagitan ng paggamit ng mga proteksyon tulad ng condoms at pag-iwas sa pakikipagtalik kung kani-kanino. Sa oras na makaramdam ng mga sintomas o sa mga pagkakataong ika’y nagdududa na sa iyong kalagayan, pumunta sa mga lokal sa health centers upang masiguro ang kalusugan at makatanggap ng naayon na gamot. Mabuti ring magpa-test tuwing ikatlong buwan matapos ang interaksyon upang maagapan ang sakit.
Biktima, mata at tama Kadalasang kinatatakutan ang mga mayroong HIV, tinitingnan nang masama at panghuhusga, kung tawagin ay stigma. Ang stigma ay dapat na mawala dahil hindi talaga inaasahan ang HIV, maaaring ito ay nagmula sa mga magulang mula kapanganakan o ‘di kaya’y sinugatan gamit ang isang infected na karayom mula sa mga masasamang tao. Bigyan sila ng yakap na tatagos sa kanilang mga puso. Maaaring sa atin ay isang pangkaraniwang gawi ngunit sa kanila, ito ay isang biyaya mula sa mundo. Ituon ang mga mata sa impormasyon at tumitig nang tama, sila ay mga biktima.
TOMO II BILANG 1 • AGOSTO - PEBRERO 2024
MOLINO DE GRANO • ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PAMPAARALAN NG BACOOR NATIONAL HIGH SCHOOL- MAIN
Isports
JohnCardelleLomuntod patnugot ng isports
MAKABAGONG
LUKSONG BAKA
MULA SA INTERBYU
TOP 5
online games ng mga mag-aaral sa BNHS Main
PAGBABALIK TANAW SA NAKARAAN ni John Cardelle Lomuntod
N
akalulula at kasabik-sabik ang araw na ito para sa mga tagahanga ng isports sa buong mundo. Ang luksong baka, isang klasikong laro na kahit kailan ay hindi mawawala sa puso ng mga Pilipino, ay nagbabalik sa isang makabago at kahanga-hangang anyo. Sa mga darating na taon, inaasahan nating makakita ng isang kamangha-manghang pagputok ng luksong baka bilang pamosong isport sa pandaigdigang antas.
Mula pa noong sinaunang panahon, ang luksong baka ay naging malaking bahagi ng kultura ng Pilipinas. Ito ay isang laro kung saan ang mga manlalaro ay tumatalon nang mataas sa isang mababang latag, malalampasan ang mga nakaantabay na baka at tinatankang hindi sila mababangga o matamaan. Sa kasalukuyan, ang luksong baka ay nagiging kilalang paligsahan at isang pandaigdigang laro na hinahangaan ng lahat.
Ang kasalukuyang mga palaruan ng luksong baka ay may malawak na lugar na ginagawang mas matikas ang pagtalon. Ang koponan ay nag sasanay sa mga State of the Art na pasilidad na may mga espesiyalista sa kondisyon, pisikal na kahandaan, at mga coach na may mataas na antas ng kaalaman sa larong ito. Mayroon ding mga ekslusibong pagsasanay na isinasagawa sa mga mapagpipilian na manlalaro upang matuklasan ang kanilang mga natatanging kasanayan at talino sa paglalaro. Bukod sa mga pagbabago sa pagkakabuo ng laro, ang mga Luksong Baka League ay nabuo upang palakasin ang kakayahan ng mga manlalaro at ibahagi ang kanilang husay sa pandaigidigang komunidad ng palakasan. Ang mga koponan mula sa iba’t ibang bansa ay naglalabanlaban sa isang magulo, kapanapanabik at kadalasang kakatwang paligsahan. Ito ay nagbigay daan sa mga manlalaro na ipakita ang kanilang tunay at natatanging lakas.
Mobile Legend
CODM
FARLIGHT
VALORANT
WILDRIFT
ONLINE GAMES KONTRA BURYONG ni John Cardelle Lomuntod
Kinaaaliwan ng mga estudyante ng Bacoor National High School Main ang mga online games tulad na lamang ng Mobile Legends, Wildrift, Valorant, Call of Duty Mobile, at iba pa. Umusbong ang online games nang lumitaw ang COVID-19 na kung saan ikinulong tayo sa sarili nating pamamahay, at binigyan ng limitasyon sa mga kalye at simoy ng sariwang hangin. Ginawang pampalipas-oras ng mga kabataan at iilang matatanda ang paglalaro ng online games, partikular na ang Mobile Legends na kung saan madaling malaro dahil gamit lamang ang modernong parisukat ay nagagawa nang mapasaya at bigyang aliw ang mga tao. Kahit tapos na ang pandemya, hindi pa rin nalalaos ang online games at patuloy pa ring umuunlad at nagbibigay saya sa bawat isa. “Online games talaga yung parang bumubuhay saamin, para bang dumadaloy na sa dugo namin” - John Robin Bungag, mag-aaral sa BNHS-Main. “Anlaking tulong ng online games, lalo na sa’kin. Dahil kung walang Online Games, siguro nasa mental na ako dahil sa depresyon na baka nakuha ko noong pandemic” Reich Jasper Bio, mag-aaral sa BNHS-Main
Isports
MOLINO DE GRANO • ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PAMPAARALAN NG BACOOR NATIONAL HIGH SCHOOL- MAIN TOMO II BILANG 1 • AGOSTO - PEBRERO 2024
19
Lukso Tayo!: Masayang ginugol ng mga mag-aaral ang kanilang recess time upang maglaro ng luksong-tinik.
LARO NG LAHI ni John Cardelle Lomuntod
Tagu-taguan. mahuli taya. luksong baka. chinese garter. Langit lupa...
I
ilan lamang sa mga larong nagpasaya at nagbigay kulay sa mundo ng kabataan. Mga larong ligaya lang ang dala, nagbigay ng magandang memorya, at mga ngiting hindi na muling makukuha pa. Naaalala pa ba ng Pilipino ang mga larong bumuo sa kanilang pagkabata? Mga panahong kahit tirik na tirik pa ang araw ay walang makapipigil sa kanila, mga panahong kurot at pingot ang abot nila, at mga panahong hindi pa tayo nilalamon ng teknolohiya. Sa pag-usbong ng teknolohiya, naiiwan na ang ating kultura. Nakakalimutan na ang sayang dala ng paglalaro gamit ang utak at katawan, hindi utak at kamay lamang. Mula sa panayam sa isang estudyante mula sa Bacoor National High School Main,
inggit ang kaniyang nararamdaman dahil hindi man lang niya maranasan ang saya na dala ng mga larong kalsada, sapagkat walang kaibigan na gusto pang maglaro sa labas ng kanilang bahay. “Mainit. Maingay. Maalikabok” mga katagang bukambibig ng bagong henerasyon ng mga kabataan. Daig pa ang anak ng mayaman kung makapagreklamo na para bang may masamang dulot ang paglalaro sa labas ng bahay. Higa at upo na lamang ang kanilang kinikilos, walang pahinga ang mga mata, mga kamay at daliri’y napupudpod na. Dilat sa umaga, mata’y nagniningning sa gabi. Tila ba’y mga call center agent sa kanikanilang silid. Sumisigaw na si ina’y dahil nasa kwarto lang, hindi na lumalabas ng bahay puro reklamo nalang. Namumuti na ang mga mata katututok sa selpon, likod ay bumabaluktok na.
Mula sa Online Class. Pagkatapos ng unos ng pandemya, nakakulong pa rin ang kabataan, tila ba’t niyayakap sila ng teknolohiya, at iginagapos ang kanilang kasiyahan. Kinakandado ang memorya, at sapilitang tinatanggal ang interes sa kalikasan. Makikita’t maririnig ang alingawngaw ng sigaw ng kanilang mga magulang. Bagama’t nagdala ng malaking pakinabang at madaling trabaho sa tao, hindi pa rin malilimutan ang pait at lungkot na idinudulot ng teknolohiya. Sagipin at buhaying muli ang ating kultura, bigyang-kulay at ligaya ang bawat kalsada. Huwag hayaang sa bahay lang nagmumukmok, dahil dala nila ang pag-asa’t kinabukasan, upang hindi lang sa buwan susuntok.
Ihataw mo!: Buhos-lakas ang pag-indak ng mga kalahok sa Wellness Dance Competition. Larawan mula kay Bb. Robelene Sabareza at Bb. Arlainne Kriz Navarro
Bacoor, nasungkit ang kampeonato sa MPBL South Division ni Christ Hayden Javier
N
amayagpag ang Bacoor Strikers matapos pabagsakin ang Batangas City Embassy Chill Athletics sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) South Division, sa iskor na 54-59, na ginanap sa Batangas City Coliseum. Bago pa man maitanghal ang kanilang pagkakapanalo, nag paulan muna ang Strikers ng 21 puntos na kalamangan sa game 1 kontra sa Athletics at tinapos ang laban sa iskor na 89-68. Pinangunahan nina James Kwekuteye, Jhan Nermal, at Yvan Ludovice ang laro na nakapagtala ng back-toback triples, nakabawi ang Strikers sa mula sa 6-10 na pagkadehado at bumulusok sa iskor 27-18 at nagawang malamangan ang Athletics hanggang matapos ang unang kwarter ng laro. Napanatili ng Strikers ang kanilang lamang at ipinagpatuloy pa ito sa Ikalawang kwarter sa pagbabagsak ng apat na sunod-sunod na triples, na pinangunahan nina Kwekuteye, Ludovice, at Aaron Jeruta. Sinubukan pang habulin ng kalaban ang lamang matapos magbagsak ng triple shot si Cedric Ablaza ngunit napanatili pa rin ng Strikers ang kalamangan, nagtapos ang unang kalahati ng laro sa iskor na 51-29. Dumating na ang ikatlong kwarter at lalong di nagpatinag ang Strikers matapos magpakawala si Jhaymo Eguilos ng anim na puntos kasama ang dalawang free throw, na nagresulta sa malaking agwat sa iskor ng Strikes at Athletics, 64-37. Nangibabaw sa buong laro ang Strikers matapos makapagtala ng 14 na triples kumpara sa 10 triples na nakamit ng Athletics, nagtapos ang laro sa iskor na 89-69, tambak ang Athletics. “Our defense serves as our fuel. We just fed whoever is hot,” pahayag ni Angeless sa Isang interbyu na dinaluhan rin ng kaniyang kapwa manlalaro na si Kwekuteye at Bacoor team owner na si Dennis Abella. Nanguna naman sa Batangas City Embassy Chill Athletics sina Jeckster Apinan na nagkamit ng 15 na puntos, 13 rebounds, at 3 steals, at si Levi Hernandez na may 11 puntos at 4 rebounds.
Larawan mula sa PhilStar
BNHS- Main: Hataw, Sayaw sa Nationals ni Shella Mae Roca
“Lahat ng mga sakripisyo ninyo, lahat ng paghihirap niyo, masusuklian yan ng paghanga mula sa lahat, kaya’t magpahinga kayo ngayon dahil ito ang araw para sa inyo” Ito ay pinagsamang programa ng Kagawaran ng Edukasyon, Nestle Philippines Inc. at Greatfil Team Inc. na naglalayong panatilihin ang pagpapalaganap at pagunlad ng wellness lifestyle mindset ng mga mag-aaral sa
elementarya at sekondarya sa pamamagitan ng Edukasyong Pang-nutrisyon at angkop na pangangatawan. Kabilang ang CALABARZON sa pitong rehiyong kalahok nang inilunsad ang programang ito.
Buong-igting ang pagpapakita ng suporta nina Dr. Teodoro A. Gloriani, Principal IV, Bb. Eva P. Andrion, Head Teacher VI, G. Ronnie G. Alvarez, Master Teacher 1 sa mga mag-aaral na kalahok sa kompetisyon.
Gayundin, sumalang sa matinding ensayo ang mga bata sa pangunguna nina Bb. Arlainne Kriz J. Navarro, Wellness Coordinator, at Bb. Robelene C. Sabareza, Wellness Co-coordinator.
ISPORTS
TADYAK SA TAGUMPAY! Isa ang larong Taekwondo sa mga isports na bagamat mula sa banyagang bansa ng masasabing isa sa mga contact sports na bihasa ang Pinoy at isa rin sa mga pinagkukunan ng medalya sa bawat larong nilahukan ay BNHS- Main. Kung kaya’t todo suporta sina Dr. Teodoro A. Gloriani, Punongguro IV, at Bb. Eva P. Andrion, Head Teacher VI sa larong ito.
Molino De Grano
TOMO II BILANG 1 • AGOSTO - PEBRERO 2024
Larawan mula kay Bb. Arlainne Kriz Navarro
Chill ka lang
ni John Cardelle Lomuntod
Bacoor National High School-Main, pinangunahan ang Inter-Annexes Selection tungo sa Division Meet ni Christ Hayden Javier
Nanguna ang Bacoor National High School-Main sa pagpili sa Inter-Annexes Selection sa gaganapin na Division Meet, isang mahalagang kaganapan para sa inaasahang bakbakan. Ang seleksyon ay pinangunahan ng Kagawaran ng MAPEH sa pamumuno ni Bb. Eva P. Andrion, Head Teacher VI, G. Ronnie G. Alvarez, Master Teacher I, at sa dimatatawarang suporta ni Dr. Teodoro A. Gloriani, Punongguro IV na idinaos noong Disyembre 2, 2023, Sabado. Palakpakan at hiyawan ang maririnig sa malawak na court habang ipinamalas ng mga mag-aaral mula sa annexes ang kanilang mga talento sa iba’t ibang isports. Layunin ng Inter-Annexes Selection na pumili ng mga pinakamahusay na atleta na lalaban sa
Division Meet, isang mahalagang kaganapan na nagtipon ng iba’t ibang paaralan sa buong lungsod. Nilahukan ng SHS Dulong Bayan, SHS within Bacoor Elementary School, SHS within Sineguelasan Elementary School, BNHS- Gawaran Annex, BNHS- Villa Maria Annex, at BNHSGeorgetown Annex. Tennis, Basketball, Volleyball, Badminton, Table Tennis, Taekwondo, Arnis, Billiards, Chess, Swimming, Volleyball, at Athletics ay ilan sa mga patimpalak na kabilang sa seleksyon. Samu’t saring mga kaganapan ang naganap sa loob ng gym, tanda ng talento ng iba’t ibang indibidwal at koponan na naroon. Nakamit ng Bacoor National High School- Main ang tagumpay sa iba’t ibang larong pamplakasan
sa indibidwal at koponang kinatawan ng paaralan sa paligsahan partikular sa Taekwondo, Athletics, at Chess sa parehong koponan ng mga lalaki at babae. Gayundin sa Billiards women’s individual. Dagdag pa rito, nagwagi rin ang indibidwal at koponang kasama sa Volleyball, Table Tennis, at Swimming para sa mga kalalakihan. Sila ay uusad at muling lalaban para sa Division-wide na kompetisyon. Natapos ang araw na puno ng tagumpay, panghihinayang, at ‘di malilimutang mga sandali, ipinagmamalaki ng Bacoor National High School- Main ang kanilang mga studentathlete na nagpamalas ng tunay na kahulugan ng sportsmanship, bitbit ang pag-asa at pangarap ng komunidad na kasama nila.
Larawan mula kay G. Jeric Cuenca
BNHS-Main, namayagpag sa National Robotics Competition 2023
Chess, utak ang labanan Ang chess ay itinuturing na isa sa larong nakakapagpahubog ng isipan ng isang tao, at naaayon din sa kahit anong edad, kamakailan lamang ay bigla itong nauso sa internet at nagkaroon na ng Website at Application ang larong ito hanggang sa patuloy na sumikat dahilan upang magkaroon ng interes ang mga kabataan sa isports na chess. Karamihan na sa kabataan ay marunong na maglaro nito dahil sa impluwensiya ng mga sikat at magagaling sa larangan ng chess sa buong mundo. Ayon sa world chess champion na si Magnus Carlsen ay dapat mahubog na ang mga kabataan sa chess dahil ito ang magsisilbing tulay upang lumago ang kanilang isipan at magamit ang mga natutuhan sa larong ito sa kanilang personal na buhay, nararapat din na isagawa ito habang sila ay nasa murang edad pa sila. Nahuhubog din ang kanilang stratehiya at isipan dahil kailangan nilang mag-isip ng sobrang lalim upang hindi matalo ng kanilang kalaban. Nahihirapan ang ilan sa kabataan sa paglalaro nito dahil umano hindi nila maintindihan ang chess at hindi nila kayang gumawa ng galaw na kanilang ipapanalo. Dagdag pa ng mga manlalaro ng chess ay training, sipag at tiyaga lang ang kailangan upang umangat sa larangan ng chess. Dahil ang lahat ng kabataan at ibang manlalaro ng chess ay may kakayahang lumago ang isipan ay ipagpatuloy ang kanilang nasimulan. Sa ngayon ay maraming kabataan ang naglalaro ito at nawa’y lumago pa ito at ipagpatuloy hanggang sa susunod pang henerasyon.
ni Shella Mae Roca
Wagi ang Bacoor National High School- Main Robostrikers sa National Robotics Competition 2023 na ginanap sa Don Bosco Technical College, Mandaluyong noong Disyembre 2, 2023. Nagpakita ang koponan ng kahusayan sa patimpalak, kung saan ang bawat miyembro ay nakakuha ng karalangan sa iba’t ibang kategorya, na dumagdag sa kanilang mga nakuhang parangal. Nakamit nina Eliezeo Martinez at Franco Defante ang ikalimang puwesto sa Kategoryang Line Tracing. Samantala, nakuha naman nina Aaron Merino at Noah Gavin Cuenca ang ikatlong
puwesto sa 1kg Autonomous, habang sina Beatrice Dolis at Matthew Pedemonte ay kabilang naman sa top 8 finalists sa parehong kategorya. Ang koponan ay pinakamatagumpay sa kategoryang 1kg Remote-Controlled (RC), kung saan nagtagumpay sina Justin Bustamante at Zerad Laustristica na makuha ang ikatlong puwesto. Kabilang naman sina Noah Solsona at Virginia Dolis na nagtapos bilang top 4 finalists. Bukod pa rito, pasok din sina Franco Defante at Eliezeo Martinez bilang top 8 Finalists sa Kategoryang 1.5kg Remote-Controlled (RC), sina Miguel Gabriel Cabra at Danielle Dionela ang pumasok sa top 8 finalists.
Natapos ang kanilang laban kung saan ang bawat miyembro ng koponan, maging mga baguhan at beterano’y nag-uwi ng karalangan sa kanilang paaralan sa pambansang kompetisyon. Kasama sa mga beterano sina Matthew Pedemonte, Miguel Gabriel Cabra, Noah Solsona, Noah Gavin Cuenca, Justin Bustamante, Beatrice Dolis, Virginia Dolis, Franco Defante, at Aaron Merino. Samantala, ang mga bagong miyembro’y sina Eliezeo Martinez, Zerad Laustristica, at Danielle Dionela. Malaki rin ang naging bahagi nina Sir Lemart Dolis at Sir Teddy Bueno bilang coach ng nasabing koponan.
MAKABAGONG
LUKSONG
BAKA