MondoManila

Page 1

1

MONDOMANILA Nobela ni Norman Wilwayco


2

Kay Junior, Fred, Romy, Rey at Ben Mga idolo ko mula noon hanggang ngayon.


3 Baguio 1999

Anuman ang sabihin nila, wala akong pakialam. Alam ng Diyos o ng kung sino mang nakatataas sa atin na masyado nang mahaba ang nilakbay ko. Putang ina, kailangan kong magpahinga. Kailangan kong tumigil, humimpil. Ilang buwan na „ko dito sa Baguio. Hindi ko na siguro pagsasawaan ang lugar na „to. Malamig, maraming puno, mura ang mga pagkain. O malamang, paglipas ng ilang buwan pa uli, biglang mangati ang mga talampakan ko at maghanap ng ibang lugar. Doon sa kung saan walang makikialam sa „kin. Doon sa kung saan hindi ako susundan at uusigin ng mga bangungot at ng sarili kong anino. Pero sa ngayon, kuntento ako rito sa buhay ko. May maliit na loteng kinatitirikan ng maliit na bahay, may mga tanim na gulay at marijuana, may buhay, may pera. Itong huli ang pinahahalagahan ko sa lahat. Puta, nabuhay ako ng puro paghihirap ang dinaanan ko. Ni pambili ng bagong brief, pinoproblema ko dati. Natatandaan ko noong elementary pa lang ako, kung wala siguro akong pantalon, nahubo na ang brief ko. Si ermat kasi dati, ni hindi ako maibili ng bago. Ang ginagamit ko noong nasa grade six ako, iyon pa ring brief ko noong grade one. Kaya tuloy sa sobrang lawlaw na‟t wala na talagang garter, kapag tumatakbo ko, lumililis. Nahuhubo ang magkabilang tagiliran. Kaya lang hindi talaga nahuhubo, sumasabit sa pundya ng suot kong pantalon. Ngayon, buwan-buwan bumababa ako ng Maynila para kumuha ng tseke at ideposito sa bangko, sa pangalan ko. Di hamak na masarap ang buhay ko


4 ngayon, minsan sa isang buwan lang ako kung mahirapan, kapag bumababa ako ng Maynila para “sumuweldo”. Kahit papano, nakaka-usad ako. May pangtoma, may pangtira sa mga bebot sa beerhouse, may budget ako para sa mga pangangailangan ko. Mayaman ako at hindi naghihirap. Trip ko lang talaga ang hindi gaanong malaking bahay. Katunayan, itong tinitirhan ko, nang mabili ko ito, napakaraming sira. Lumang luma na. Gumastos pa ako ng medyo malaki para lang matirhan itong bahay. Saka nasa „kin na siguro ang lahat ng sarap. Binata, may kursong tinapos, may pera, may bahay at lupa na bagamat maliit lang, matatawag kong akin. Ang kulang lang siguro dito sa akin sa Baguio, kaibigan. Ang totoo kasi, isa lang ang talagang kabatak ko rito. Si Sarge, dating militar. Kapitbahay ko. Noong minsan kasing inaayos ko ang bubong ko, biglang pumasok ng bakuran si Sarge, tinanong kung may maitutulong siya. Talagang kailangan ko ng tulong, sabi ko. Umakyat siya ng bubong. Pinagtulungan naming tapalan ng vulcaseal ang mga butas ng yero. Nung nabili ko kasi „tong bahay, butas-butas ang yerong atip. Kako, okey lang, papalitan ko na lang. Kaso, ang mahal pala ng yero. Saka, nakakapanghinayang namang palitan dahil puwede pa namang tapalan ang mga butas. Bumili na lang ako ng vulcaseal. At yun nga habang nagtatapal ako sa bubong, sabay pasok si Sarge. Pagkatapos naming mag-ayos ng bubong, pinainom ko ng dalawang bote si Sarge. Pampa-good shot sa kapitbahay. Sabi ko sa sarili ko, hanggang dalawang bote lang. Parang naiilang din kasi „kong makipag-inuman sa hindi ko talaga kilala. Ang kaso, masarap palang kakuwentuhan si Sarge. Panay ang


5 kuwento ni loko tungkol sa mga adventures niya sa army noong araw. Hindi ako makapaniwala nang sabihin niyang kwarenta‟y dos lang siya. Ang tingin ko kasi sa kanya, laylay na balikat, malaking tiyan, ubaning ulo, parang sitenta anyos na siya. Tinanong ko siya kung bakit siya nag-retiro. Sabi niya, problema daw sa pamilya. Kalahating kahong beer ang naubos namin. Pagkatapos, uminom pa kami sa isang beerhouse sa bayan, sa may Session Road. Halos gumapang na kami nang umuwi. Inihatid ko si Sarge sa bahay niya (wala siyang kasama sa bahay maliban sa isang binatilyong Ifugao na pinag-aaral daw niya). Inaya niya akong pumasok sa loob, may ibibigay daw siya sa akin, parang ganting utang na loob. Nagulat ako nang bigyan ako ni Sarge ng isang supot ng damo. “First class „yan,” sabi niya. “Walang hiya ka, Sarge. Gumagamit ka pala nito.” “Ikaw ba, hindi?” “Gumagamit din. Kaya lang, akala ko, hanggang toma ka lang.” “Akala mo lang „yon.” Paalis na „ko. Parang gusto ko na ring pumlasta sa kama. Pero siyempre, pagkatapos kong tikman ang damong bigay ni Sarge. Pumihit ako pagdating sa may pinto palabas. “Sarge, mas masarap tirahin ito kung sabay tayong mag-trip.” “Oo nga sana kaya lang, dehins ko na kaya. Sa susunod na lang.” “Sige.” Umuwi na „ko. Pagdating ko sa bahay, nagbukas ako ng sardinas tapos nilagay ko sa plato. Inilapag ko sa tapat ng bintana. Tuwing gabi kasi, may


6 pusang laging nag-aabang doon. Kaya parang naging obligasyon ko na gabigabi ang bigyan siya ng pagkain. Binilot ko ang marijuanang bigay ni Sarge. Ang sarap ng tama. Talagang first class. Ang sabi ng mga tao sa looban, noong nasa kasagsagan pa „ko ng pagiging addict, dito raw talaga sa Baguio itinatanim ang mga first class na marijuana. Bago ako matulog noong gabing iyon, binalak kong magtanim. Sa garden, sa pagitan ng mga tanim kong gulay. Bago ako matulog, habang idinuduyan ako ng hinitit kong damo, iniisip ko kung ano pa kaya ang kulang sa buhay ko. Wala na siguro. May buhay ako, may bahay, may pera. Hindi katulad noon.


7 Bangungot sa tahanang walang bubong

Maliit pa lang si Tony ay alam na niya kung paano patahimikin ang sikmurang kumakalam. Mayroon siyang mga ritwal na sinusunod. Una ay ang paggunita kung kailan ba huling nakapiling ang kanin. Kung nagkataong may tutong sa ilalim ng kaldero o kaya namaâ€&#x;y mayroong naglalangib-langib na asukal sa bunganga at gilid-gilid ng garapon na nakapatong sa mamantikang mesa sa kusinang walang atip ay ayos na ang gutom. Kung sa kamalasan ay wala talagang masisimot sa maruming paminggalan, kailangang gunitain ang kulay ng kanin at masasarap na ulam. Kapag ang mainit na kanin at umuusok na adobo o kaya namaâ€&#x;y sinigang na baboy ay plastado na sa isip at naglalaro na sa gunita ang mga ala-ala ng nagdaang pistahang dinaluhan, ang susunod niyang gagawin ay ang humiga sa papag na amoy ihi at nanggigipalpal sa libag at surot sa loob ng kuwartong ang dingding ay butas-butas na plywood at ang bubungan ay kasalukuyang nakahimlay sa gilid ng bahay ng kanilang kapitbahay na siya nilang binabayaran ng buwanang upa para sa bahay na iyon na kung tutuusin ay mas tamang tawaging basurang hugis parisukat. Sa pagkakahiga ni Tony sa papag na mas akma sa tawag na bahay-surot ay ipipikit niya ang kanyang mga mata. Iisipin niya ang mga pistahan, kasalan, binyagan at iba pang handaang dinaluhan. Ang mga gunitang ito ay ipaghehele siya sa isang masalimuot na tulog na may kakambal na mga panaginip. Hindi niya alintana ang sinag ng katanghaliang tapat na diretsong tumatama sa humpak niyang mga pisngi.


8 Tulog ang panlaban sa bitukang naghahamon. Panaginip ang tugon sa bungangang walang malamon. Ilang araw na rin silang natutulog nang ang atip ay ang malawak na kalangitan. Sa gabi ay nanunuot sa buto ang lamig ng hangin. Sa araw namaâ€&#x;y sumusunog ng balat ang init ng araw. Malaking sakripisyo ang hatid sa kanya at sa kanyang mga kasambahay. Noong bago pa man sila mangupahan sa bahay na iyon, wala nang tiwala si Tony sa pagmumukha ng kanilang kasera. Ilang ulit niya itong sinabi sa kanyang ina ngunit hindi siya pinapansin. Ano ba ang nalalaman ng mga anak sa mga usaping pang-magulang? At ang pagtira sa bahay na iyon ay madalas magdulot ng pangitain sa mura niyang isip. Isa sa mga pangitain na madalas magkahugis sa kanyang imahinasyon ay ang pagkasunog umano ng bahay at ng kanilang mga kasangkapan. Ngayon ay tila magkakatotoo ang kanyang pangitain. Iba na ang kulay ng kanilang mga kagamitan dahil sa tama ng araw. Kunsabagay, kaunti lamang ang kanilang gamit. Karamihaâ€&#x;y mga bukbukin. Isang mesang umuuga, isang papag na ginawang palasyo ng mga surot na nakalkal nila sa mahabang panahong paglipat-lipat ng bahay, mga gamit sa kusina, gamit sa pagtulog, isang aparador na bigay ng kanyang tiyahin bilang regalo sa kanyang ina noong itoâ€&#x;y ikinasal, na siya nilang pinaglalagyan ng mga damit, at iba pang mga kagamitang kung tutuusin ay dapat nang itapon ngunit hindi maitapon dahil magmumukhang walang kalaman-laman ang bahay kung wala ang mga ito. Ang tangi nilang gamit na sa kanilang palagay ay may tunay na halaga ay ang isang maliit na telebisyong black and white na napanalunan ng


9 kanyang ina sa isang bingo sosyal, at ito ay pinipilit nilang iligtas sa araw sa pamamagitan ng pagtatakip ng karton, kumot at mga sako. Isang araw, matapos ang kanyang pag-iigib, umuwi siya ng bahay at nadatnang maraming taong nagkakagulo sa harapan ng kanilang bahay na inuupahan. Kaipala‟y may kaaway ang kanyang ina. Nakiraan siya ng patagilid sa naghambalang na mga tao at matapos niyang tanggapin ang mga mura ng isang matandang manang na di sinasadyang natapakan niya ang dulo ng daliri nito sa paang bagong pedicure, narating niya ang bungad ng kanilang bahay at sumalubong sa kanya ang walang kasing-sariwang pagmumurahan ng kanyang ina at ng may-ari ng basurang kanilang inuupahan. “Putang ina mo, lumayas na kayo diyan!” “Putang ina mo rin! Kababayad ko lang noong isang buwan, palalayasin mo kami?” “Nay, ano‟ng nangyayari dito?” “Huwag kang makialam dito, Tony. Pumasok ka sa loob. Bantayan mo ang kapatid mo.” Labag man sa kalooban ni Tony ay sinunod niya ang utos ng ina. Muli niyang sinulyapan ang makapal na bilang ng mga usyosero-usyosera-mga putomga puta na talagang naghihintay ng mga ganitong pagkakataon para naman may mapanood sila at maging kaaliw-aliw na parang sine ang kanilang buhay sa looban. Sa loob ng bahay, nadatnan niyang maganang kumakain sa maruming mesa ang kanyang nakababatang kapatid. Punong-puno ng mumo ang labi at mga pisngi nito. Ang dalawang kamay ay may bahid ng kulay itim na hindi


10 malaman ni Tony kung putik o mantsa ng tutong. Hindi nito pansin ang malalakas na sigawan sa labas ng bahay gayong ito‟y umaabot naman sa loob dahil sa nakakaawang kalagayan ng mga dingding na sa dami ng butas ay daig pa ang isang bayong na pinaulanan ng sangkatutak na indian pana. Naglaway ang kanyang labi nang makita ang pritong bangus at kaning lamig na nilalantakan ng kanyang kapatid. Nakisalo siya sa pagkain at hindi na pinansin ang awayan sa labas ng bahay. Kinabukasan, bago pa man sila magising, ginulantang sila ng mga mabibigat na hakbang sa kalawanging yerong nagsisilbing kanilang bubong. Maya-maya‟y heto na at nakita nila ang dulo ng baretang sumiwang mula sa bubong. Pag-angat nito‟y kasamang umangat ang atip na puro kalawang. Naglaglagan sa kanilang mga tulalang mukha ang mga alikabok at iba pang basura na ilang panahon na ring naipon sa bubungan ng bahay. Kasunod nito‟y bumagsak sa kanilang paanan ang kalbong gulong ng sasakyan, mga plastik at sako at iba pang panlaban sa mga tulo ng bubong tuwing umuulan. “Maghahanap ako ng malilipatan,” wika ng kanyang ina. “Tinotoo ng tarantada ang banta niyang aalisan tayo ng bubong kapag hindi tayo umalis dito.” Hindi narinig ni Tony ang sinabi ng ina. Ni hindi niya napansing tumayo ito‟t lumabas ng bahay. Ang kanyang titig ay nakapako sa malaking mamang nakahubad na noo‟y tinatanggal ng bareta ang nalalabing mga yero.

Bangungot para kay Tony ang matulog na humpak ang tiyan. Totoo, nagagawa niyang utusan ang kanyang isip na managinip ng mga pistahan at


11 masasarap na pagkain. Pero ni minsan ay hindi siya nagkaroon ng pagkakataon, kahit sa panaginip, na makakain ng mga katakam-takam na pagkain. Kadalasan, ang mga pagkain ay pilit niyang inaabot, at kapag halos dukwang na niya ang isang piniritong hita ng manok, o kung minsa‟y isusubo na lang niya ang balat ng litsong ang mantika ay umaagos mula sa kanyang kamay tungo sa kanyang braso, kadalasa‟y bigla siyang nagigising. Ang kanyang pagbiling-biling sa papag ay unti-unting ginambala ng isang bangaw na kumakandirit sa tungki ng kanyang ilong na wari‟y gustong sumama sa paglalakbay niya sa mga baryong nagdiriwang ng kapistahan. Putang ina! Huwag mo „kong istorbohin, hayop ka! Hayaan mo „ko, putang ina mo! Mariing dumampi ang palad ni Tony sa kanyang ilong na naging sanhi ng pagkamatay ng maitim na bangaw na gustong sumama sa kanyang panaginip, na naging sanhi rin ng kanyang pagkagising at pag-alis sa pistahan. Putang ina! Ni hindi ko man lang natikman „yung mga pagkain sa pistahan! “Tang „nang buhay ito! Itinutulog na nga lang ang gutom, iistorbohin ka pa!” Ipinikit niyang muli ang kanyang mga mata sa pag-aasam na muling makatulog. Ngunit bago pa man niya umpisahang ipaghele ang sarili‟y alam na niyang hindi na siya muling makababalik. Idinilat niya ang kanyang mga mata at maliksing bumangon. Tinungo niya ang pintuan at doo‟y kinuha ang dalawang timba at ang pingga na siya niyang gamit sa pagsalok ng tubig.


12 Sabong

Sa labasan, sa tabi ng posong igiban, nagkakaingay ang mga agwador. Ang karamihan sa kanila ay mga batang tulad ni Tony, trese anyos pababa. Ang katwiran kasi sa lugar nila, ang pag-iigib ay pambatang trabaho. Ang mga matatanda ay mayroon na dapat ibang pinagkakaabalahan tulad ng pag-inom ng bilog o lapad, pakikipagsuntukan sa mga kainuman, pagtatawag ng mga pasahero sa tabi ng mga dyip na nakapila sa paradahan. Isa itong malaking palaisipan kay Tony. Nagtataka siya kung bakit kailangan pa ng tagatawag ng pasahero gayong ang mga pasahero naman ay marurunong bumasa at kaya naman nilang basahin ang mga karatula ng dyip. Hindi na nila kailangan pa ng tagasigaw sa kanila kung saang dyip sila kailangang sumakay at kung saan ang ruta ng mga dyip na bibiyahe. Sa araw-araw ba naman nilang pagbibiyahe ay hindi lang ruta ng dyip ang kanilang kabisado kundi pati na rin ang hilatsa ng pagmumukha ng mga tsuper, kung aling dyip ang may nakakabinging stereo, kung sinong tsuper ang kaskasero at kung sino ang kung magmaneho ay mabilis pa ang pusitsit ng ihi ng isang dalagang hindi na virgin, at marami pang iba. Ang mga itoâ€&#x;y kabisado ng mga pasahero sa pilahan ng dyip. Itoâ€&#x;y bahagi na ng kanilang araw-araw na pakikipagbuno sa buhay. Sa poso ay nagkakaingay ang mga batang agwador. Pinagkukumpulan nila ang dalawang batang naggigirian sa gitna ng naghambalang na mga timba at galon. Ibinaba ni Tony ang tangan niyang mga timba at pagkuwaâ€&#x;y nakiusyoso sa mga nanonood sa dalawang batang naggigirian.


13 O, iiyak na iyan, o! Iiyak na! Sige nga, hawakan mo sa tenga, Boyong! Hipuin mo bayag! Ha! Ha! Ha! Nagkalampagan ang mga timba na nasagi at nadaganan ng dalawang batang nagpagulong-gulong sa basang semento. Putok ang nguso ni Boyong at sumasargo naman ang dugo sa ilong ni Max. Nakatutulig ang hiyawan ng mga bata. Ang sapakang umaatikabo ay masarap panoorin habang ipinapahinga ang katawang pata sa kaiigib. Masarap ding makisigaw na tila ikaw ay nanonood ng sabong at ang iyong pinustahang manok ay ala-Fernado Poe ang tadyak ng tari habang umeere sa ibabaw o kaya nama‟y dumidiskarte ng pailalim. Ang hiyawan ng mga batang agwador ay nakatawag ng pansin sa mga istambay sa „di kalayuan at ang mga ito‟y pansamantalang huminto sa kanilang pag-iinuman upang makipanood. Tulad ng inaasahan, nadagdagan ang bilang ng mga humihiyaw. Ang mga istambay ay nagsipaglabas ng pusta at animo totoong sabungan ang nangyari sa igiban. Dalawang manok ang naglalaban. Si Boyong at si Max. Parehong walang tinatakbuhang away. Parehong matitinik sa suntukan. Parehong maya‟t maya ay nadadala sa presinto dahil sa mga kasalanan laban sa lipunan at taong bayan tulad ng pagnanakaw, pandurukot at pang-uumit ng ulam sa mga tindahan sa palengke.


14 Hindi na mahalaga ang sanhi ng away. Wala nang sira-ulong umiintindi kung sino sa dalawa ang may kasalanan. Ang importanteâ€&#x;y may napapanood habang nagpapahinga. Ang ingay ng hiyawan ay nakatawag ng pansin sa isang naparaang barangay tanod na nooâ€&#x;y susuray-suray sa paglalakad dahil sa kalasingan. Ngunit lasing man at magaling, barangay tanod pa rin. Inawat nito ang away at tinanggap ang mga kantyaw ng mga agwador at istambay na naasar dahil sa pagkaputol ng kanilang panoorin. Pinulot ni Tony ang kanyang mga timba na kasamang gumulong nang sina Max at Boyong ay magbabag sa gitna ng igiban, at pagkuwaâ€&#x;y iniayos sa pila ng mga nauna sa kanya. Dinukot niya sa bulsa ang isang stick ng Champion at nakisindi sa kanyang katabi. Malumanay niyang hinitit ang sigarilyong mapait habang hinihintay ang kanyang turno.


15 Ama

“Tony!” Napahinto si Tony nang marinig ang sigaw. Pamilyar sa kanya ang tinig. Bagama‟t matagal niya itong hindi narinig, may sundot sa tutuli ang mga katagang nagmula sa taong ilang taon na nga ba niyang hindi nasisilayan. Inilapag niya ang tangan niyang pingga. Sa mga ganitong pagkakataon, kapag ibinababa niya ang pinggang sa magkabilang dulo ay nakalambitin ang dalawang timbang puno ng tubig, nakakaramdam siya ng gaang ng loob. Na para bang lumaya siya sa lahat ng problemang dala-dala niya magmula pa nang masilayan niya ang buhay sa mundo. Ngunit iba ngayon, para bang walang pinag-iba kung pasan man niya ang mga timba o hindi. Ganoon pa rin ang bigat na parang nakadagan sa kanya. Nanatili siyang nakatayo. Nakatalikod sa pinagmulan ng tinig. “Tony!” Malapit na ang tinig. Naramdaman niya ang tapik sa kanyang kanang balikat. Pumihit siya at pinilit na mangiti. “Kumusta ka na, „tay?” pakli niya. “Mabuti naman, anak. Kayo ng mga nanay mo, kumusta na?” Kaysarap pakinggan ng salita ng kanyang ama. Anak. Tinawag siyang anak. Matagal na silang hindi nagkikita. Magmula noong tumuntong siya ng grade three ay hindi na niya alam kung ano ang pakiramdam ng isang taong mayroong matatawag na ama. Isa na itong katotohanang matagal na niyang


16 tinanggap. Kahit ang mga kaibigan niya sa looban ay nakikita niyang paminsanminsan ay kasa-kasama ng kanilang mga tatay, sa kanya ay isa na lang itong tanawing parang sine, na hindi kailanman mangyayari sa kanya. Wala siyang ama. Ang tangi na lang nag-uugnay sa kanya at sa ama ay ang mga kuwento ng kanyang ina. Mga kuwentong karamihan ay hindi maganda at may kakambal na mga putang ina at kupal at babaero kapag isinasalaysay ng kanyang ina. Mga kuwentong nagpapainit sa dugo ng kanyang ina, nagtutulak dito para dumura nang dumura sa bintana at kadalasa‟y sumasampid sa babahan ang malagkit na plemang berdeng berde ang kulay na animo hindi sa tao nanggaling kundi kay Zuma. Dinukot ni Tony sa kanyang bulsa ang natitirang sigarilyo at isinubo ito sa nangingitim niyang labi. Kinapa niya ang kanyang bulsa, wari‟y naghahanap ng posporo ngunit alam niyang wala siyang ipangsisindi. Napansin ito ng kanyang ama at dinukot sa bulsa ang makintab na lighter, sinindihan ang sigarilyo niya. Nagsindi rin ito ng sigarilyo. Napansin ni Tony na Marlboro ang hinihitit ng kanyang ama. “Anlaki mo na, Tony. Nagdalawang isip nga ako kung tatawagin kita. Gusto kong matiyak muna.” Ngumiti lang si Tony. “Mabuti‟t napasyal ka, Tay?”. “Oo nga. Kumusta na si Dino?” “Mabuti naman.” Patlang. Tila kapwa sila nag-aapuhap ng sasabihin.


17 Binitbit ni Tony ang mga timba niyang nakahalang sa daanan. Gumilid sila ng kanyang ama at naupo sa mahabang upuan sa harap ng isang maliit na tindahan. Itinuloy nila ang naudlot na kuwentuhan. “Nag-aaral ka pa ba?” tanong nito sa kanya. “Kaga-gradweyt ko lang ho ng elementary,” matipid na tugon niya. “Saan ka magha-hayskul?” “Uso pa ho ba ngayon „yon?” “Aba, natural, anak. Kailangan kang makapagtapos ng hayskul. Para makapasok ka sa kolehiyo. Pambihira talaga iyang nanay mo. Ni hindi itinuturo sa inyo ang kahalagahan ng edukasyon.” Kung binibigyan mo ba ako ng perang pang-enroll, eh di maganda sana. “Wala ho kasi kaming pera. Sabi ni inay, saka na lang daw ako maghayskul kapag nagkapera na kami.” Pinitik niya ang sigarilyo niyang naupos, papunta sa pusali sa gilid ng daanan. “Pasensya ka na, anak. Hayaan mo, kapag natuloy ako sa Taiwan, magpapadala ko ng perang pang-aral mo. Ikaw at saka si Dino. Dapat huwag kayong maparis sa „kin. Walang pinag-aralan. Kaya hindi ako makakita ng disenteng trabaho. Hindi bale, tay. Marami naman kayong babaeng mauuwian. Mga matronang naghahanap ng kasiping. Mga matatandang manang na lasang amag na ang katawan at amoy burak ang pekpek. “Hindi bale, „tay. Nag-iipon naman ho ako. Kapag nakaipon ako ng medyo sapat, makakapag-aral din ako ng hayskul.”


18 “Anak, alam ko, malaki ang pagkukulang ko sa iyo. Ikaw at kay Dino. At pati na rin sa nanay n‟yo.” Mabuti naman at alam mo, mahal kong tatay. “Huwag na ho nating pag-usapan ang nakaraan, „tay.” “Salamat at naiintindihan mo ako, anak.” Naiintindihan? Naiintindihan mo rin ba „ko? Ha, mahal kong tatay? Naiintindihan mo ba ang nararamdaman ko sa tuwing makikita ko ang mga tatay dito sa looban? Naiintindihan mo ba kung paano matulog sa bahay na walang bubong? Naiintindihan mo ba ang pakiramdam ng hindi kumakain sa oras? Ikaw, „tay, malaki ang katawan mo. Sigurado „kong masasarap ang kinakain mo. At naiintindihan mo rin ba ang nararamdaman ko kapag tinatanong ako ni nanay kung ano ang magandang gawin namin sa miserable naming pamumuhay? “… iyon kasi ang hindi ko maintindihan sa nanay mo, eh. Masyadong mapaghanap. Ni hindi ako hayaang dumiskarte ng maayos. Tapos kapag wala akong nadilihensyang pera, hindi tumitigil sa kadadakdak.” Naaalala ko noon, walang wala kaming pera. Inutusan ako ni nanay na umutang kay Almang Paybsiks. Pambili lang ng bigas. Nang lumaon, pambili naman ng ulam at pambayad sa upa ng bahay. Nang lumaon, pambili ng gamot nang magkasakit si Dino. Mabuti na lang, sabi ni nanay, may mabait na aleng nagpapautang sa amin. Nang lumaon, kinukuha ni Alma ang black and white na TV dahil hindi kami makabayad ng utang. Mabuti na lang at napakiusapan ni nanay. At alam mo ba, „tay. Kalahati ng kinikita ko sa pag-iigib ay napupunta kay Almang Paybsiks.


19 “…nahihirapan din ako, anak. Sa gabi, hindi ako makatulog. Naaalala ko kayo ni Dino. Iniisip ko kung nakakakain kaya kayo ng maayos, nakakapag-aral kaya kayo.” Ang mabuti pa „tay, tutal ginawa mo nang raket ang pambababae at panghuhuthot sa mga matrona, mabuti pa siguro‟y kabitin mo si Almang Paybsiks. Kantutin mo hanggang sa ika-pitong langit. Palaylayin mo pa lalo ang laylay na suso. Pawilihin mo siya sa romansang marino mo. Kapag ganoon ay baka i-absuwelto na kami sa mga utang namin. “…may sinasabi yung isa kong kaibigan. Palabas na kasi siya ng bansa. Pupunta na siya ng Taiwan. Puwede akong sumabit. Medyo malaki nga lang ang placement fee. Kulang pa ang pera ko.” Eh di, humuthot ka sa iba mong kabit. “…pero sabi naman ni Medy, kapag daw nagbayad sa kanya „yung may utang sa kanya, pupunan niya „yung pera ko. Kapag nasa Taiwan na „ko, susulatan ko kayo. Sumulat kayo sa „kin. Kung ano‟ng mga kailangang n‟yo Sabihin n‟yo kung ano‟ng gusto n‟yo.” Kapag nasa Taiwan ka na „tay, ang gusto ko, maparis ka sa mga Domestic Helper na pinupugutan ng ulo. Ipapanalangin ko sa Panginoong Maykapal na sana, pahirapan ka muna ng mga tarantadong singkit. Sana, huwag kang bigyan ng abugado, sana gahasain ka sa puwet ng mga manyakis na makakasama mo sa selda. “Mabuti pa siguro, puntahan natin ang nanay mo‟t si Dino.” “Mauna na ho kayo, „tay. Ihahatid ko pa ho itong mga inigib kong tubig.” Tinawag ni Tony ang isa sa mga batang naglalaro sa daanan.


20 “Omeng, ihatid mo nga ang tatay ko sa „min. Ihahatid ko lang „tong tubig.” Akmang aangal ang bata ngunit inambaan ni Tony ng suntok. Labag man sa kalooban, dahil sa naantalang paglalaro, inihatid ng bata ang kanyang ama sa kanila. Hatinggabi na nang umuwi si Tony. Sumusuray ang kanyang lakad sa dami ng kanyang nainom. Kanginang pagkahatid niya ng inigib na tubig ay pinuntahan niya ang barkadang si Elmer. Nakaubos sila ng isang boteng gin at dalawang supot ng Chippy. Dinatnan niya ang kanyang inang umiiyak at kinakausap ang sarili. Makalipas ang ilang araw, sa mga matitinong sandali ng kanyang ina, kapag ito‟y umaalis panandali sa kabaliwan at lumalagpak sa mundo ng katotohanan, napag-alaman niya ang katotohanan sa likod ng mga naririnig niyang mga salita sa looban. Sa pautal-utal na salaysay ng kanyang ina, nalaman niyang ang kanyang tinuturing na ama ay hindi niya totoong ama. Matagal na niyang naririnig ang ganitong mga kuwento. Madalas ding itukso sa kanya sa looban na siya‟y anak ng pinagsama-samang semilya ng maraming demonyo. Ngayo‟y sa labi mismo ng kanyang ina nanggaling ang katotohanan. Hindi siya nakaramdam ng anumang hinanakit. Kung sa iba‟y hapdi ang dulot ng katotohanang ang tunay na ama ay hindi mawari kung sino, sa kanya‟y isa lang ito sa mga katotohanang bumubulaga sa kanya araw-araw. Hindi siya nakaramdam kahit isang hibo ng lungkot. Ang lumbay ay isang garbong pangmayaman. Ang aba niyang pagkatao‟y manhid na sa sakit.


21 Systems, database, and other serious shit

“You must have been the envy of your classmates.” That‟s right, motherfucker. “That‟s right, sir,” sagot ko. “What, with grades like this, and being on the top ten of the board exams, boy, I wish I had your brains.” Umaarte si kupal. Ang totoo, naabala ang pakikipaglampungan niya sa sekretarya niyang sexy nang dumating ako. Appointment ko, alas-nuwebe. Job Interview. Dumating ako ng alas-otso medya. Siguro, laki ng galit ni kupal. Naantala ang “conference” nila ng sekretarya niya. Iba na talaga ang matalino. Hindi pa „ko gumagradweyt, andami nang imbitasyong dumating sa „kin. Galing sa iba‟t ibang kumapanya. Umano‟y kailangan nila ng magagaling na mga engineer, tulad ko. Nang gumradweyt ako, summa. Marami rin akong nailathalang mga technical journal, thesis at iba pang research paper na ngayon ay pinagkakaperahan ng mga buwakanang inang mga propesor at dean sa U.P. Isang buwan muna „kong tumambay. Dapat kong namnamin ang buhay kalye. Puta, kapag me trabaho na „ko, hindi na „ko makakatambay. Saka mas masarap „yung puro “I‟ll think about it” ang sagot mo sa mga imbitasyon ng iba‟t ibang kumpanya. Kumbaga, parang nagkakaroon ka ng alas. Nailalagay mo sila sa puwesto. Nawawala ang pagka-agresibo nila, nagmumukha silang tanga.


22 Mayroong pitong imbitasyong dumating sa „kin noong malapit na akong magmartsa sa graduation. Mga malalaking kumpanya. Sa pitong imbitasyon, lima roon, malalaking computer firms. Nagdadalawang isip ako. Parang nagsasawa na kase „ko sa computer. Putsa, limang taon kong binuno sa college ang Electronics Communication Engineering. Mayroon akong natipuhan. Isang sikat na insurance corporation. Ang sabi sa sulat, kailangan daw nila ng magagaling na systems analyst. Kailangan nila ng magagaling na engineer na magbabalasa ng buong database ng kumpanya. Bah, mukhang may challenge dito, naisip ko. Heto nga, matapos ang isang buwan kong pagtambay-tambay, sinagot ko ang imbitasyon. Nakipag-ayos ako ng appointment sa isang sekretarya. Appointment ko nga, alas-nuwebe. “Would you like some coffee?” Sure, kupal. “Yes, please. Thank you, sir.” Pinindot ni kupal ang intercom at humingi sa seksing sekretarya ng dalawang tasang kape. “As I‟ve mentioned in our letter, Mr. De Guzman. Or can I call you Tony?” Ang sarap ng kapeng imported. Kahit sabihin ng mga gagong Batangenyo na da best ang kape nila, talo pa rin sila ng kapeng ito. Iba talaga ang imported. Amoy pa lang, sulit ka na. Para kang nakikipaghalikan sa langit habang nakasungalngal ang nguso mo sa labi ng tasa. Tapos ang usok, tuloy-tuloy sa ilong mo.


23 “It‟s the best coffee in the whole world,” anas ni kupal. Napansin sigurong nakapikit ako habang humihigop ng kape. Siguro medyo nabanas din siya dahil mukhang wala akong interes sa mga sinasabi niya. “Is this imported?” tanong ko. “Actually, it‟s from Batangas. My brother just came from the province. Took care of the land disputes.” “You‟re from Batangas?” “Yes, I am. My family owns a piece of land. The tenants till it and we share the proceeds.” So you‟re a fucking land owner. How about that, kupal? “About the database problem, Tony… can I call you, Tony?” Sure, manyak. “Yes sir.” “We are thinking about you being a senior systems analyst of the Database Department. There will be five junior analysts and ten programmers working under your direct supervision. “I‟m honored to be working for such a great firm like this.” “Salamat.” Ayun! Bumigay din si kupal. Mula nang pumasok ako dito sa kuwartong ito, ni hindi ko narinig na nagsalita ng Tagalog itong putang inang Batangenyong „to. “Kailangang ayusin ang database. Matagal na tayong may problema sa department na iyan.”


24 Kayo lang. Pakialam ko ba sa database bullshit n‟yo. Basta ako, sumasahod, tapos. “I‟ll do my best, sir.” Pinindot uli ni kupal ang intercom at tinawag ang seksing sekretarya. “Tony, this is Tess. Executive assistant ko. Tess, siya si Tony de Guzman, bagong analyst ng Database.” Nagkamay kami ni Tess. Ang lambot ng palad. Tama lang pala na mabadtrip si kupal kung naabala ko ang session nila ni Tess. Puta, boobs pa lang, sulit na. Samahan pa ng mapuputing hita na halos iluwa na ng sobrang ikling mini-skirt. At ang balakang, susmaryosep, kung gumiling parang laging naghahanap ng aayudahan. Ang sarap ding ngumiti ni Tess, parang ngiti ng Santo Papa. “Sayang, Tony at wala si Oscar, yung manager ng Computer Department. He‟s attending to some business with the mother company in New York. Bale siya ang magiging boss mo. Pero, he‟s looking forward to meeting you.” “The pleasure is mine, sir.” “Tess, samahan mo si Tony, i-tour mo siya sa department. Ipakilala mo siya sa mga tao.” “Yes, Mr. Dali.”

Habang nag-iikot kami ni Tess, panay ang sagi ng tingin ko sa hita niyang mapuputi. Panay din ang pasimpleng sulyap ko sa dibdib niyang parang nanunukso, parang gustong lumabas sa pagkakasakal ng bra at blusa. Kung ganito palagi ang nakikita ko, kung ganito lagi ang nakikita ng mga tarantadong


25 Pilipino, wala na sanang kaproble-problema ang bansang Pilipinas. Mantakin mo kung ano‟ng laking ginhawa ng bansa kung sa halip na kung anu-ano‟ng pinaggagagawa ng mga tao, puro sex na lang ang atupagin. Pagkatapos ng trabaho, o kaya‟y habang nagtatrabaho tulad ni Mr. Executive Vice-President Jeffrey “Kupal” Dali, sex kaagad ang laman ng isip. Siguro ang sarap ng buhay. Yun kasi ang kulang kay Johnny, yung isa kong kabatak sa looban. Kulang siya sa sex kaya kung anu-ano‟ng naiisip niya. Aktibista na si Johnny kahit noong maliit pa lang siya. Dangan kasi‟y puro kalandian ang inatupag ng mommy niya. Ang daddy naman niya, puro trabaho ang laman ng utak, hanggang sa mabaldado ito. Ang tsismis sa looban, ang mommy raw ni Johnny ang nagpapatay sa daddy niya. Pero sabi naman ni Johnny, nahulog daw sa hagdanan ang daddy niya, sakay ng wheelchair. Kawawang Johnny. Mabuti pa ang mga hindi niya kapamilya, alam kung ano‟ng totoong nangyari. Mas malalim magsaliksik ang mga taga-looban. Kahit baho ng may baho nalalaman. Walang sikretong tumatagal. Hindi likas na tagalooban sila Johnny. Napunta lang sa looban nang maubos ng mommy niya ang ibinayad ng insurance nang mamatay ang daddy niya. Hindi nakakalampas sa looban ang ganito ka-iinit na mga kuwento. Natapos ang tour nang ang tanging rehistradong usapin sa utak ko ay ang mga hita ni Tess at ang nagmumura niyang mga suso. Kinabisado ko bawat kurbada. Puwedeng gawing subject matter sa pagbabate. Siguro tatagal ng mga sampung sesyon sa kubeta. “…ang this will be your office.”


26 Maliit lang ang kuwarto ko. Pero sulit. Amoy mansanas. Iba talaga kapag may aircon. Kahit nakakapit na sa katawan ko ang amoy ng burak sa looban, parang nakakalimutan ko. Kunsabagay, dalawang linggo na akong wala sa looban. Matapos ang ilang araw na pangungulit ko kay nanay, pinayagan din akong bumukod. Kako, mas malapit sa trabaho, para hindi hassle sa trapik. Ngayon, nangungupahan na lang ako ng kuwarto. Walang asungot, solo ko ang buhay ko. “Good morning, Mr. De Guzman.� Bad trip. Sa dinami-dami ba naman ng magagandang chiks dito, bakit matanda pa ang ibinigay sa aking sekretarya. Sana si Tess na lang. Kinahapunan, nagpatawag ako ng pulong. Pinulong ko lahat ng mga tauhan ko sa Database Department. Mababait sila sa akin. Natural dahil ako ang boss nila. Yung iba, hindi ko type ang tabas ng mga pagmumukha. Sila yung mga tipo ng taong isang tingin pa lang, alam mo nang mahirap kausap. Makikita nila. Huwag silang magkakamaling subukan ako.


27 Ang wastong pagkain ng balut

Ang kaibigan ni Tony na si Chris ang nagsama sa kanya sa bahay ni Aling Sion. Si Aling Sion ay nakatira ilang bloke ang layo mula sa looban. Ito at ang asawa nitong sabungero at ang kanilang labing-isang anak ay tulong-tulong sa kanilang negosyo-pagtitinda ng balut. Noong umpisa ay atubili si Tony. Kahit papaano‟y kumikita naman siya sa pag-iigib ng tubig. Pero nang mapansin niyang si Chris ay laging may pera, at nang mapuna niyang siya na lang ang natitirang “matanda” sa igiban, nag-isip na rin siyang umiba ng raket. Napaghahalata na kasi ng iba na ang trabaho niya ay trabahong pambata kahit siya‟y disi-siyete anyos na. May malaki siyang takot sa pagtitinda ng balut. Kalimitan kasi, sa lugar nila ay laging may magbabalut na nagugulpi, nasasaksak at napapatay. Ito ay sa simpleng dahilan na sila‟y hindi nagpapautang. Ang mali naman kasi ng mga tindero ng balut, hindi na sila nadala sa pagtitinda ng balut sa mga nag-iinuman. Kumbaga, para silang mga gamu-gamong nararahuyo papalapit sa ilaw ng gasera, sa mga lasenggo. Ang siste, ayaw bayaran ng mga lasing ang kinain nila, na tila ba batayang karapatan nila na bigay pa sa kanila ng Poong Maykapal ang kumain ng libreng balut kapag sila‟y lasing na. Kulitang katakut-takot hanggang sa magalit ang mga lasing at gawing puta ang nanay ng kawawang tindero. Si tindero naman, sa halip na kumaripas na ng takbo, ay pipilitin pa ring ipagtanggol ang pangalan ni inay. Ang resulta, kahit lasing ay sanay pala sa babag. At komo mas marami sila, masuwerte kung ospital lang at hindi


28 sementeryo ang hahantungan ng magbabalut sa kabila ng sangkaterbang suntok at saksak na dumapo sa katawan niya. Sa kabilang banda, may bentahe rin ang pagtitinda ng balut. Tuwing gabi lang ang lako niya. Sa araw, puwede siyang mag-aral. Mahigit apat na taon na rin naman siyang natigil mula nang magkalabuan sila ng kanyang kaklase sa grade six. Malaking bigwas sa kanyang gandang lalake at talino ang nangyari sa kanya. Sa tuwing maaalala niya ang kanyang kaklaseng si Klara na noo‟y pinakamaganda sa lahat ng grade six sa kanilang eskuwelahan, na ngayo‟y isa nang butihing maybahay ng isang dakilang babaerong negosyante na

may

malaking tindahan ng tela sa Quiapo at si Klara‟y ibinabandilang parang tropeo, hindi niya mapigilan ang sariling hindi maasar. Bakit mas pinili pa ni Klara si Jun samantalang noong sila‟y grade six pa lang, sentro na ng mga kantyaw si kupal dahil bukod sa saksakan na ng bobo ay mahilig pang mangulangot sa klase at pagkuway ngangatngatin ang maasim-asim na mga daliri? Kunsabagay, pangit at bobo nga si Jun ngunit ang angkan nito‟y maykaya. Pagkatapos ng grade six, napagpasyahan ni Tony na tumigil sa pag-aaral. Ngunit aminado siya na hindi lang si Klara ang dahilan ng kanyang pananamlay sa pag-aaral. Isang malaking dahilan rin ang sunod-sunod na problemang dumating sa kanilang buhay. Ang kanyang ama, matapos mawala nang ilang taon, ay biglang dumalaw. Pumanaw ang lahat ng katinuan ng kanyang ina nang banggitin ng kanyang ama ang pangalan ng kasalukuyang kabit nito at iyong takbong iyon sa kusina at kuha ng itak ay sabay wasiwas sa kanyang ama. Ang habulan ay humantong sa gitna ng kalye, sa pagitan ng mga humaharurot na sasakyan, at mabuti na lang at may isip ang ilang matatabang pulis na noo‟y


29 kasalukuyang nag-aabang ng mabibiktimang drayber at naawat din ang habulan na malamang sa hindi ay magiging sanhi ng isang madugong patayan. Mula noon, ang kanyang ina ay ilang buwan ding natulala at ang tanging kinakausap ay ang mga langaw na pasalit-salit ang dapo sa kanyang mukha, ang ilang daang ipis na kasambahay nila, at ang mga butiki sa kisame na malamang noong panahong iyon ay kuliling-kulili na dahil sa paulit-ulit na pagsambit ng kanyang ina ng pangalan ng kanyang ama at ng kerida nito. “Putang ina nila! Tamaan sana sila ng kidlat!â€? Isa pang malaking salik sa kanyang pagpapatuloy ng pag-aaral ay ang isang nakakahiyang insidente na nangyari sa kanya noong araw ng kanilang pagtatapos sa grade six. Nataong ang itinatabi ng kanyang ina na pambili ng bagong sapatos ay dinagit ni Almang Paybsiks, isang beteranong usurero sa looban na laging nakasuot ng hapit na pantalong maong at sa hapit nitong kamiseta ay naaaninag ang dalawang karneng losyang na nakakabit sa kanyang dibdib at sa may ibabang bahagi ng balakang, sa tabi ng kanyang puwit na animo monay na inamag, nakakurbada ang hugis ng isang 38 rebolber, panlaban sa mga manyak at magnanakaw wika niya nang minsang may magtanong kung para saan ang naturang baril. Dalawang araw na lang ay martsa na ng graduation. Problema ni Tony ang pambili ng sapatos. Kung puwede nga lang sanang gamitin ang kanyang luma ay hindi na siya mag-iintindi ngunit itong lumang sapatos ay sumuko na sa dalawang taon nitong pakikipaglaban sa lansangan at sa kanyang paang puno ng eksemaâ€&#x;t alipunga. Ang kawawang sapatos ay bigla na lang nawalan ng buhay isang hapon habang papauwi siya nang matapilok siya sa isang nakausling bato sa lansangan. Natanggal ang


30 suwelas at lubhang nakakahiya kung

ipakukumpuni kay Pablong Shoeshine

dahil malamang na kapag nakita ni Pablo ang kanyang Bantex, baka maawa sa kanya at bigyan na lang siya nito ng pambili ng bagong sapatos. Ayaw na ayaw ni Tony na siya‟y kaawaan. Ang kanyang kaunting perang naiipon ay sapat lang para makabili ng mumurahing sapatos na itinitinda sa bangketa, na kadalasa‟y hindi pa magkasukat ang parehong paa. Kasubuan na. Kinagat na niya ang sapatos na bargain. Ang graduation ay ginanap sa malawak na palaruan ng Paaralang Bayan. Nang nasa kalagitnaan ng seremonya‟y bumuhos ang malakas na ulan. Abnormal ang malalaking patak ng ulan dahil artipisyal lang ito, likha ng cloud seeding program ng PAG-ASA. Sandaling itinigil muna ang pamisa at ang mga tao‟y saglit na sumilong sa mga nakakalat na kyosko sa gilid-gilid ng palaruan. Matapos ang halos kalahating oras ay natapos din ang ulan at ang kanginang malalaking patak na may mga hibla pa ng yelo ay nagtapos sa mahinang ambon, hanggang sa tuluyang tumila. Huli na ang lahat nang mapansin ni Tony na ang kanyang bagong sapatos ay gawa sa karton at nang mababad sandali sa tubig ay sumipsip ng sumipsip at bawat hakbang niya‟y nahihimay at nalalagas ito. Naging katawa-tawa sa mga nakakita ang sinapit ni Tony. Nang tumayo siya upang kunin ang papel na tinalian ng luntiang laso, bawat hakbang niya papunta sa entablado, hanggang sa bawat hakbang niya papalapit sa kanilang prinsipal na siyang nag-aabot ng mga diploma, may naiiwang bahagi ng kanyang sapatos na karton sa kanyang dinaraanan. Nang makarating siya sa mismong entablado at tanggapin ang


31 kanyang diploma, wala nang natira sa kanyang mga paa kundi ang kanyang lumang medyas na tadtad ng butas, at sa isang butas sa kaliwa ay nakausli ang kanyang hinlalaki sa paa. Marami pang mga suliranin na kakambal ng hikahos na pamumuhay at lubhang marami ring mga karanasang nakakahiya ang nagtulak kay Tony na kalimutan na ang kalokohang pag-aaral at magpultaym na lang sa pag-iigib ng tubig. Sa panghihimok na rin ng kanyang ina, tuluyan niyang kinalimutan ang mataas na paaralan. Noong mga panahong iyon, walang puwang ang edukasyon sa sikmurang kumakalam. Ngunit ngayon, sa kanyang paglalako ng balut, muling kumislap ang mga dati‟y kinitil na pangarap. Muling umusbong ang mga pormula ng siyensya sa kanyang bumbunan. Muling nagkahugis sa kanyang gunita ang mga sinulat niyang formal theme. At „di kaginsa-ginsa‟y napagtanto niya ang sarap na idinudulot ng pag-aaral. Ang sarap maging estudyante!

Pagkakain ng hapunan ay gumayak na si Tony para maglako ng balut. Nagsuot ng malinis na kamiseta, nagsuklay, at pagkuwa‟y bumaba na ng hagdan. “Kuya, pag-uwi mo, uwian mo „ko ng basag,” sigaw ng kanyang nakababatang kapatid. “Angahan mo ng uyi,” pahabol ng kanyang ina habang ngumunguya ng kanin, na sa dami ng laman ng bibig ay halos mangongo sa pagsasalita. Sa silong ng hagdan ay tinanggal niya sa pagkakakadena ang kanyang bisikletang ginagamit sa paglalako. Inakay niya ito hanggang sa labasan at


32 pagkuwaâ€&#x;y sinakyan patungo kina Aling Sion upang kumuha ng mga ilalakong balut. Habang daan ay ginugunita niya ang mga araling kailangan niyang pagaralan pag-uwi niya ng hatinggabi bilang paghahanda sa kanilang pagsusulit sa eskwela kinabukasan.


33 Baguio 1999

Matapos naming laklakin ang ilang beer sa ref ni Sarge, naisipan naming lumigid sa mga beerhouse sa Session Road. Nakakabato rin kasi yung nasa bahay lang. Walang ibang nakikita, walang ibang nakakausap. Ang totoo, nakakasawa na ring kausap si Sarge. Para bang lagi kong pinipilit ang sarili ko na tumawa sa mga jokes niya, pakibagayan siya, pagbigyan ang mga trip niya. Kahit na sa bahay ko kami uminom, laging si Sarge ang bangka. Saka hinahanap din ng katawan ko ang ispiritu ng beerhouse. Para bang nagsasayaw sa ilong ko ang amoy ng mga belyas. Gumuguhit sa dila ko ang linamnam ng sisig. At siyempre, kapag umiinom, gusto ko, meron akong binobola. Kaya sinimot namin ang mga bote namin at nag-abang ng taxi sa labas. Ito ang isa pang masarap sa Baguio. Kapag sumakay ka ng taxi, mura lang ang babayaran mo. Malaki na ang bente singko pesos. Katorse lang ang flagdown. At yung mga driver, ibinabalik kung magkano man ang sukli mo. Hindi katulad sa Maynila na namimili na ng pasahero, lagi pang tenk yu ang sukli. Bawal yata sa idolohiya ng mga taxi drivers ng Maynila ang tumanggap ng basag na bayad. Kailangan, laging buo, sampu ang cut-off sa pagro-round off ng mga numero. Ang kuwarentaâ€&#x;y otso na pamasahe ay dapat nang gawing singkwenta. Kapag nagbayad ka ng isandaan, singkwenta na lang ang ibabalik na sukli. Kung trentaâ€&#x;y singko pesos, kuwarenta ang sisingilin. Dapat siguro, idisenyo na ang


34 metro ng taxi para umangkop sa sistema ng paniningil, dapat sampu-sampu ang andar ng mga numero. Pagdating sa beerhouse, kainitan na ng mga nagsasayaw. Inabutan namin si Christy, yung type ni Sarge, humahataw na sa dancefloor. Suot ni Christy ang malandi niyang bikini. Binagayan ng malilit na bra na halos utong na lang ang natatakpan. Palagay ko, yung kalasingang nararamdaman ni Sarge, napalitan ng libog. Luwa ang mata ni loko. Baka mamaya, umiskor na naman si Sarge sa mga private rooms sa itaas ng beerhouse. Pero hindi kay Christy. Mataas kasi ang singil ni loka. Akala mo ginto ang puke niya, samantalang kung ikukumpara sa puke ng iba kong mga naging syota, para mo nang ikinumpara ang baratillo sa Baclaran sa mga boutique ng SM o Robinsonâ€&#x;s. At siyempre, „yung puke ni Christy ang baratillo. Alangan namang yung sa mga naging syota ko. Umorder kami ng beer at pulutan. Maya-maya, lumapit na sa amin ang manager. Tinanong kung magtetebol kami. Tumango ako. Kaya nga kami nagpunta sa beerhouse para tumebol. Kailangan pa bang itanong iyon? Inginuso ko sa manager ang isang babaeng nakaupo sa may bar, kausap ng isang kung sinong pilato. Sabi ng manager, naghihintay na raw ng sundo ang chick. Kinontrata ng isang kostumer, pinapapunta sa isang hotel. Medyo nabadtrip ako. Parang bigla akong nabitin. Ang ganda pa naman sana nung chick. Para bang yung excitement ko nang pumasok kami ng beerhouse, biglang nabuhusan ng tubig na may yelo.


35 Hindi lang ako. Pati yung type ni Sarge na nakasuot ng pulang bikini, naka-reserve. Hindi puwedeng itebol dahil may darating daw na sundalo, itinawag na kanina pang hapon. Wala kaming choice kaya pinagtiyagaan na lang namin yung mga babaeng hindi pa naikokompromiso. Eh kesa naman magmukha kaming tanga ni Sarge, nakatingin lang sa mga nagsasayaw, ni walang nahihipo kahit legs man lang. Okey na rin „tong katebol ko. Tsinita. Kahawig ni Chin-chin Gutierrez. Pero sigurado ko, kapag maliwanag at kapag hindi ako lasing, makikita kong iba ang hitsura ng putatsing na iyon. Baka nga kung itatabi kay Ai-ai delas Alas, baka mas piliin ko pa si Ai-ai. At least si Ai-ai, kahit pangit, marami namang datung. Kumakapal ang bilang ng mga bote sa mesa namin. Mga bote ng serbesa at mga baso ng ladiesâ€&#x; drink para sa mga putang katebol namin ni Sarge. Tang inang mga burikat na ito, anlalakas umorder ng drinks. Nakakaisang beer pa lang ako, nakakatatlong ladiesâ€&#x; drinks na sila. Sa lakas nilang magsiinom, iisipin mong para silang galing sa disyerto at noon lang nakarating sa bayan at nakakita ng inumin. Panay din ang bangka ng kuwento ni Sarge. Pinipilit niyang mangibabaw sa mga kuwentuhan. Pero hindi ako nagpatangay. Putsa, kaya nga ako nasa beerhouse dahil sawang-sawa na ako sa mga kuwento ni Sarge. Kundi tungkol sa happenings ng mga sundalo, tungkol sa mga tanim niyang marijuana sa garden niya. Patango-tango lang ako sa mga salitaan ng mga katabi ko. Abala ang isang kamay ko sa paghimas ng legs ng katebol ko. Ang isa ko namang kamay,


36 abala sa paghimas ng legs ng katebol ni Sarge. Parang mga galamay ng gagamba ang mga daliri ko habang pahimas-himas sa mapuputing hita ng mga puta. Noong umpisa‟y okey lang sa katebol ni Sarge. Akala yata, si Sarge ang humihimas sa binti niya. Hindi kasi kita dahil madilim sa ilalim ng mesa. Pero nang ikumpas na ni Sarge ang dalawa niyang kamay, bilang pagdidiin sa punto ng kanyang kuwento, nakahalata na ang chick. Biglang pinalis ang kamay ko‟t nagsumbong kay Sarge. “Yang kasama mo, o, nanghihipo,” anas nito kay Sarge. Natawa ako. Akala yata ng belyas na „to, papatulan ako ni Sarge. “Huwag mo namang bastusin si Cha-cha, Tony. Para kang nakakalalake, ah.” Nasamid ako. Biglang bumara ang beer sa lalamunan ko. Muntik na akong masuka. Pinigilan ko, baka maisuka ko pati yung mga kinain ko nung tanghali, sayang. “Hindi ka pa ba kuntento kay Candy?” hirit uli ng belyas ni Sarge. Sa puntong ito, talagang badtrip na „ko. Pinipigilan ko na lang ang sarili ko‟t baka bigla kong mapatay „tong mataray na putang „to. Pinagmamaramot pa niya‟ng binti niyang dumaan na sa maruruming kamay ng kung sinu-sinong kupal. “Oo nga naman, Tony,” hirit ni Sarge, “kung ayaw mong bastusin ko „yang katebol mo, huwag mong bastusin „tong katebol ko.” “Bakit? Gaano ba ka-seryoso „yang relasyon n‟yo?” tanong ko, pasigaw. Tang ina talaga „tong si Sarge. Hindi ko malaman kung lasing na o talagang sinusubukan lang ako.


37 Pinilit kong magpa-cool. Hindi ko dapat patulan „tong mga mababaw na kasama ko. Parang nakaramdam naman ang katebol ko. Inamo-amo ako. Hinimas-himas ang binti ko. Nakakakiliti, nakakabawas ng init ng ulo. Ang ginawa ko, para tuluyang matanggal ang kabadtripan ko, binuksan ko ang pundilyo ng pantalon koâ€&#x;t ipinasok ang kamay ng katebol ko sa loob ng pantalon ko. Napapikit ako habang sinasalsal ng belyas na si Candy ang ari ko. Naghuhumindig na si Junior. Gustong-gusto nang kumawala sa mapanupil na brief. Gusto na yatang lumipad at dumapo sa naggugubat na kepyas ng belyas. Kinindatan ko si Candy at nasakyan niya. Sabay kaming tumayo at humakbang papalapit sa bar. Hindi na ako nagpaalam kay Sarge. Tang ina, bahala na siya sa trip niya. Basta ako, iiskor. Kinausap ko ang manager. Tinanong ko kung may bakante pang kuwarto sa itaas. Meron daw. Binayaran ko ang bill ng kuwarto. Short time. Ayos na iyon, pampaalis lang ng sakit ng puson. Pagpasok na pagpasok namin sa kuwarto, naghubad na si Candy. Walang itinira maliban sa stockings na kulay itim. Naghubad na rin ako at lumapit kay Candy. Hinalikan ko siya. Pabagsak kaming humilata sa kama. Inumpisahan ko na ang ritwal. Inuna kong dilaan ang mga daliri sa paa. Pagkatapos, paakyat ng paakyat ang mga halik ko, hanggang sa dumako sa mabahong kepyas ni Candy. Medyo nadismaya ako sa amoy. Parang pusit na ibinabad sa Elmerâ€&#x;s Glue tapos saka sinindihan. Mabango lang ng kaunti sa duryan. Kung anumang hawig niya kay Chin-chin Gutierrez, binawi lahat ng masangsang niyang amoy.


38 Itinigil ko na ang romansang marino. Putsa, baka maimpeksyon lang ako sa sala-ulang putang „to. Itinutok ko na ang ari ko sa mabahong kepyas ni Candy at saka umayuda hanggang sa labasan. Pagkatapos ko, nagsisi ako. Baka magkasakit ako, ni hindi ko naisipang gumamit ng condom. Pinigilan ko ang sarili ko dahil parang ang sarap tadyakan ni Candy. Pagbaba namin, nakita ko si Sarge na ka lips-to-lips si Cha-cha. Naisip ko, wala na akong dahilan para manatili sa club na ito. Lumabas ako ng beerhouse at naglakad-lakad. Nadaanan ko ang isang maliit na pub, sa labas ay maririnig ang malanding tugtugin at maaaninaw ang magaslaw na pagpapalit-palit ng mga pulang ilaw. Naisipan kong doon ibuhos ang mga kabadtripan ko. Magmamadaling araw na ng pumasok ako sa tarangkahan ng bakuran ko. Bago pa man ako nakarating sa pinto, bumulwak na ang buong sikmura ko. Kitang-kita ko ang paglabas ng mga buo-buong pulutan, kahalo ng mapanghing serbesa. Nakita ko rin ang mga hibla ng lomi na kinain ko sa pub. Sayang, kakakain ko lang ng lomi na iyon. Naisip ko, ano kaya ang lasa ng lomi na kakakain lang ngunit isinuka? Isa lang ang paraan. Sa muling paghilab ng tiyan ko, sinahod ko ang kamay ko sa bibig ko. Paglabas ng suka, maraming tumama sa kamay ko. Kumbaga, para akong may hawak-hawak na isang dakot na lomi. Kinain ko. Lasang lomi. Nakatulog na ako sa may pintuan.


39 Mutya

Sa buong looban, sa haba ng panahong itinira namin dito, isa lang talaga ang kinamumuhian ko. Si Mutya. Sa tingin ko, hindi lang galit ang nararamdaman ko sa kanya. Kung mayroon mang damdamin na higit pa sa galit, higit pa ng kung ilang libong beses, iyon ang nararamdaman ko kay Mutya sa tuwing makikita ko ang hilatsa ng pagmumukha niya. Mas okey nga si Max, kase kahit papaano, nakakasundo ko. Kahit noong mga bata pa kami, madalas kaming mag-away sa igiban, at noong medyo nagbinata kami, madalas kaming magkaasaran sa inuman. Madalas kaming magkagalit, pero nagkakasundo rin. Ganoon naman sa looban. Ang magkaaway ngayon, magkaibigan bukas. Kumbaga, para kasing kapag miserable ang pamumuhay ng isang tao, ang pinakaayaw niyaâ€&#x;y magkaroon siya ng mga kaaway na magdadagdag lang sa sandamakmak na problemang pinapasan niya. Noong nakulong si Max, nang may pinatay siyang Amerikano na ninakawan niya ng pera, dinalaw namin siya sa city jail. Nang malipat siya sa Munti, dinalaw namin siya ni Elmer, dinalhan namin ng yosi, pagkain, bagong kamiseta, at gin na nakalagay sa bote ng Seven-up. Napahiya nga kami dahil sabi ni Max, marami daw alak doon, mga guwardya ang nagbebenta. Gabi-gabi nga raw, lasing sila. Kase, kasama ni Max sa selda yung isang manyak na anak ng politiko. Iyon daw ang tagabili ng alak. At kapag dinadalaw iyon ng mga kamag-anak, nakaka-jockpot sila ng imported.


40 Itong si Mutya, kahit minsan, hindi ko nakasundo. Ewan ko ba, magmula nang magkita kami, noong bagong lipat lang kami sa looban, galit na kaagad ako sa kanya, at ganoon din naman siya sa akin. Anak siya ni Mang Mario na tulad ng karamihan sa mga tatay sa looban, walang permanenteng trabaho. Paekstra-ekstra rito, paekstra-ekstra doon. Minsa‟y kargador, minsa‟y katulong ng karpintero, at minsan nama‟y tagatawag ng mga pasaherong sasakay sa mga nakapilang dyip sa paradahan. Si Mutya ang panganay na anak ni Mang Mario. Malamang, namana niya sa ama niya ang kagandahan ng tabas ng mukha. Ang totoo, guwapo si Mutya. Di hamak na magandang lalake siya kumpara sa ibang binata sa looban na karamiha‟y basta na lang nagkaroon ng mukha, na para bang basta na lang ginawa ng Diyos na wala nang pagsasaalang-alang pa sa sining. Noong bagong lipat kami sa looban, nang tanggalan kami ng bubong doon sa dati naming inuupahang bahay, pagkatapos maghakot ng mga gamit, umistambay ako sandali sa tindahan sa tapat ng bago naming uupahang bahay. Bumili ako ng sigarilyo at hindi pa man malay na manamnam ko ang usok sa bibig ko, may kumausap sa akin. Ang totoo, hindi kausap dahil paaskad ang tono ng pananalita. “Bago lang kayo rito.” sabi ni Mutya, “maligayang pagdating sa impiyerno! Ako nga pala si Lucifer. Hahaha!” Sampung taong gulang pa lang ako noon pero hindi ko na mabilang kung ilang beses kaming nagpalipat-lipat ng tirahan. Madalas kasi kaming mapalayas dahil hindi kami kaagad nakakabayad ng upa. At sa dalas ng paglipat-lipat, ng


41 pangangapa sa mga bagong kapitbahay, bistado ko na ang hirit ng mga tao. Lalo na ang hirit ng mayayabang. Noong unang kita ko pa lang sa kanya, napagtanto ko na na si Mutya ay institusyon ng kayabangan. “Ako nga pala si Tony,” sabi ko, nanunulay ako sa makitid na tulay ng diplomasya. Kalilipat lang namin at ayokong lumikha kaagad ng kaaway hanggat hindi ko pa tantyado ang likaw ng bituka ng mga taong nakatira sa lugar na lilipatan namin. Tumingin lang sa akin si mutya. Ang tingin niya, parang nakakaloko, parang pakiramdam ko, bobo ako na nakikipag-usap sa isang taong nakukulitan sa akin. Iyon ang pakiramdam ko nang tingnan ako ni Mutya. “Ako ang mutya rito,” mahinang sabi niya. mahina pero tumagos sa pandinig ko. Tama ba ang narinig ko? ”Ikaw ang mutya rito?” paniniyak ko. “Oo,” sagot niya. Hindi ko pa alam noon na mutya ang pangalan niya. Nagulat ako nang sabihin niyang siya ang mutya ng looban. Ang pagiging mutya kasi, karaniwang ikinakabit sa mga babae, at hindi sa mga lalake. At kung ang isang lalake‟y ginawang mutya ng looban, nangangahulugang bakla. “Bakla ka?” tanong ko. Alam ko, hindi magalang ang tanong ko. Parang masyadong deretsa, walang pagdadahan-dahan. Pero iyon naman din ang gusto kong ipadama sa kanya, na ako‟y hindi marunong magpatumpik-tumpik. “Bakla ako?” parang nagtatakang balik ng tanong niya sa akin. “Bakla ako?” ulit ni Mutya.


42 Nakatingin lang ako sa kanya, tinatantya ang magiging reaksyon niya sa tanong ko. “Putang ina mo! Anong sinasabi mong bakla ako?” “Hindi ko sinasabi, tinatanong ko kung bakla ka,” paglilinaw ko sa kanya. “Eh putang ina mo pala eh. Bakit mo naman naitanong kung bakla ako? Mukha ba akong bading? Kumekembot ba ako kapag naglalakad? Ha?” “Naitanong ko lang kase, sabi mo mutya ka ng looban. Eh, lalake ka. Paano ka naging mutya ng looban?” “Hindi ko sinabing mutya ako ng looban. Ang sabi ko, ako ang mutya rito sa looban.” “Siyanga pala, ano ang pangalan mo,” tanong ko, layunin kong ibahin ang takbo ng usapan. “Bakit mo gustong malaman kung ano ang pangalan ko? Bakit?” “Wala lang, sinabi ko sa iyo, Tony ang pangalan ko. Umaasa lang akong sasabihin mo rin kung ano ang pangalan mo, na makikipagkilala ka rin sa akin.” “Putang ina mo, bakit sino ka ba para kilalanin ko?” Hindi ko na talaga gusto ang tinatakbo ng usapan. Tinantya ko ang katawan ni Mutya. Medyo malaki at malaman kumpara sa akin. Pero sa tantya ko, kung anuman ang mangyari, kaya ko siyang labanan nang parehas. “Huwag mo kong minumura,‟ sabi ko sa kanya. “Bakit? Lalaban ka?” Tama na, sabi ko sa sarili ko. “Putang ina mo, kabago-bago mo rito ang yabang mo, hindot ka,” parang naghahamon na sabi ni Muya.


43 “Huwag mo sabi akong minumura, eh!” “Baki nga? Lalaban ka? Ha? Gusto mo, tapusin na natin ngayon dito sa tindahan ni Aling Eppie.” Dumungaw ang ulo ni aling Eppie, ang may-ari ng tindahan, sa bintana. “Hoy, kung mag-aaway kayo, doon kayo sa malayo juwag dito sa tindahan ko, hindot! Magdadala pa kayo ng kamalasan sa negosyo ko!” Nagtitigan kami ni Mutya, kinakapa ang kapasidad ng bawat isa. Makalipas ang ilang sandali, nagsalita siya. “Putang ina mo, bata. Kung hindi ka nakakatikim ng leksyon doon sa lugar na pinanggalingan mo, dito sa looban marami kang leksyon na matututunan. Unang-una ang leksyong ituturo ko sa iyo!” Okey, sabi ko sa sarili ko. Away kung away. Tang ina, nananahimik ako rito talagang sinundan ako ng away. Sige, away kung away. Hinitit ko ang sigarilyo ko at pinitik ang upos patalsik sa kanal. Pagkuway naghubad ako ng kamiseta at isinampay sa sandalan ng upuan na nakalagay sa labas ng tindahan. Sa yugtong ito, may pangilan-ngilan na ring taong nanonood sa amin. Naghihintay na may mangyari. Naghubad din ng kamiseta si Mutya. Pagkahubad ng kamiseta, pinatunog niya ang kanyang mga daliri sa kamay habang walang patid ang pagkakamasid sa akin. “Kuya, hinahanap ka ni nanay.” Napalingon ako. Si Dino. Wrong timing.


44 “O, paano „yan, tinatawag ka na ng nanay mo,” anas ni Mutya. “Baka may gagawin pa kayo ng nanay mo, kailangang umuwi ka na.” “Sayang,” sabi ko “kung saka-sakali, makakabasag na naman sana ko ng mukha.” “Di bale, pare sa susunod na lang natin ituloy. Baka magkakantutan pa kayo ng nanay mo, eh.” Hindi na ako nakapagpigil. Pinalis ko ang kamay ni Dino sa braso ko at sumugod kay Mutya. Lumipad ang mga kamao, kasama ng mga hiyaw at boo ng mga taong nanonood. Malaks si Mutya at medyo nagkulang ako nang tantyahin ko siya mula ulo hanggang paa. Ang pagkakatuklas ko na may ibubuga siya at di tulad ng karamihan sa mga mayayabang na wala naman talagang binatbat, nakatulong ng malaki sa akin. Lalo akong naging maingat. Hindi ko pinapadapo sa kahit na anong parte ng katawan ko ang lumilipad niyang mga suntok. Isang pamatay na suntok ang tumama sa leeg ko, bulls eye sa lalamunan. Ilang sandali akong hindi makahinga. Sinamantala ito ni Mutya, pinaulanan ako ng suktok at nang matalisod ako sa nakausling bato sa daanan, natumba ako at pinagtatadyakan naman ako ni Mutya. “Tony!” Boses ni nanay. Natuklasan na niya ang pinagkakaabalahan ko. “Tony, putang ina ka! Tigilan mo yan, hindot ka!” Nasira ang konsentrasyon ko sa sigaw ni nanay. Hindi ko nakita ang paglipad ng kamao ni Mutya, sentrong sentro sa ilong ko. Nang tumama sa akin, umikot ang paningin ko at natumba ako.


45 Ilang sandali akong pumikit, naghintay ng panibagong round ng mga tadyak na tatama sa katawan ko. Wala. At narinig ko ang pag-aalisan ng mga tao, at narinig ko ang boses ni nanay, umiiyak at humihingi ng tulong. Naramdaman ko, binubuhat ako, maraming bumubuhat sa akin. Tuluyan na akong natulog.


46 Mga milagro sa pamantasan

Kahit papaanoâ€&#x;y may silbi rin ang mga trapo. Ako, nakatuntong ng kolehiyo dahil sa tulong ng isang trapong kupal na mala-bilao ang lapad ng malalaking tainga. Hindi na baleng bilyon ang kinurakot ni loko, hindi na baleng maraming naghirap dahil sa mga ninakaw niya, kahit papaanoâ€&#x;y pinartehan niya ako. Napasok ako sa scholarship foundation niya. Medyo asiwa ako noong mga unang araw dahil ambabata ng mga kaklase ko. Palibhasaâ€&#x;y block section, ang mga edad nila ay naglalaro sa disisiyete hanggang disinuwebe. Tipikal na freshman. Eh ako, beinte-dos anyos na, malapit nang kapitan ng talaba sa bayag. Kaya hindi ko talaga masakyan ang mga kaklase kong ambabata. Hindi ko maintindihan ang mga trip nila. Sila ang tipo ng mga estudyanteng hiyawan ng hiyawan at tuksuhan ng tuksuhan. Maiingay. At ang ayoko pa, pati ako tinutukso. Na kesyo raw bagay ako at ang isa nilang kaibigan, na kaklase rin namin. Ayos lang, nakikisakay ako dahil kahit papaano dumaan din ako sa pagkabata. Pakiramdam ko, para akong isandaang taong gulang na kumpara sa mga kaklase kong malamang na hindi pa nakakaranas na tumanggap ng matitinding bayo mula sa tadhana. Minsan bigla kong naisip, ganito ba ako noong bata ako? Ang alam ko kasi, trese anyos pa lang ako nag-iigib na ako ng tubig. Wala na akong panahong makipagtuksuhan. Kung meron mang mga gimik, kalimitaâ€&#x;y palaro-laro ng baraha na may maliitang pusta habang tumatagay ng gin. Noong nagbibinata


47 ako, ang kaulayaw ko‟y mga timba. Noong ako‟y medyo tumanda, ang akay ko‟y bisikleta sa paglalako ng balut para maitawid ang pag-aaral sa haiskul at para makatulong kina inay. Ang kapatid ko ako rin ang taga-abot ng baon. Hindi ako nakasubok man lang na magkaroon ng permanenteng allowance gaya ng mga kaklase ko. Suwertehan talaga ang buhay. Biro mo, isang magbabalut, napasok sa UP! Puta, ang alam ko, maraming mga hambog sa haiskul na pa-intelektuwal pumorma pero hindi naman pumapasa sa entrance exam ng UP. Iba talaga „ko. Kunsabagay, talaga namang pinaghandaan ko ng husto ang exam. Ilang gabi akong nagpuyat sa kababasa ng grammar, math, physics, chemistry, law, at iba pang libro. Halos mamemorya ko pa ang isang kumpletong set ng encyclopedia nina Elmer, ang matalik kong kabatak ko sa looban. Noong gabi bago mag-exam, doon ako natulog kina Elmer. Wala rin kasing tao sa bahay nila. Ang ermat niya, nasa Singapore. Iyon nga ang nagpadala ng encyclopedia sa pag-aasam na sana‟y mahilig sa pagbabasa si Elmer. Pero si Elmer nama‟y „ala talagang hilig sa pagbabasa. Puro Bandera ang binabasa niya. Ang erpat ni Elmer, may kabit. At dahil ang asawa ay kasalukuyang nasa Singapore at nagpapaalila sa mga singkit, sinasamantala niya ang pagkakataon. Gabi-gabi ay doon natutulog sa kerida niya. Ang mga kapatid naman ni Elmer, may mga asawa na. Siya na nga lang ang hindi pa nag-aasawa kaya nakatira pa rin sa bahay ng magulang niya. Noong gabing bago mag-exam, nakatambay ako kina Elmer at nagbubuklat ng encyclopedia.


48 “Putang ina, pare, kabisado mo na yata „yan, ah,” sabi niya. “Pare, kinakabahan ako,” sagot ko naman. “Huwag kang kabahan. May tiwala ako sa iyo. Kayang kaya mong ipasa ang lintek na eksamin na iyon. Baka nga pinakamataas na marka pa ang makuha mo. Hindi pa rin maalis ang kaba ko. Pero hindi ako kinakabahan na baka bumagsak ako. Gaya ni Elmer, may tiwala ako sa sarili ko. Ang kinatatakot ko ay ang pamantasan mismo. Masyado na akong darang sa buhay kalye. Baka hindi ko maiugnay ang sarili ko sa buhay akademya. Natatakot ako. Ilang taon na ba akong nasa lansangan? Noong haiskul, puhunan ko lang ay kapal ng mukha at konting balut na panlangis sa mga teacher. Pakapalan talaga ng mukha dahil ako ang pinakamatanda sa klase. Pero itong kolehiyo, mahirap isipin kung ano ang magiging sitwasyon ko roon. Mahirap isipin kung ano ang mangyayari sa akin. Hindi kaya ako maging katawa-tawa roon? Bahala na, „kako sa sarili ko. Nag-inuman kami ni Elmer at ang pangamba sa buhay akademya ay nalusaw sa pait ng hinyebra at ang mga alalahanin ay kasamang pumailanlang ng usok ng marijuana.

Sa pangkabuuan, wala namang problema sa mga kaklase ko. Gaya ng nabanggit ko, kaya ko namang magpasensya. Tutal, mga bata pa iyang mga iyan, sabi ko sa sarili ko. Maliban sa isa. Siya si Wayne Banners. Matangkad, maputi, mayabang. Hindi siya Pilipino. Kaya lang narito sa Pilipinas, kasi mura ang edukasyon dito


49 kumpara sa edukasyon sa bansa niya. Ang ayoko sa lahat, ang taong mayabang. Itong si Wayne, lahat na lang ng makita niya dito sa Pilipinas, kinokomentaryuhan niya. Na kesyo hindi na raw aasenso ang Pilipinas dahil tamad ang mga tao rito, na sinang-ayunan naman ng mga bugok na kaklase kong Pinoy, na sinang-ayunan naman din ng propesor naming Ilokano, na kesyo raw ang gobyerno natin ay isang malaking trahedya, na muli ay sinang-ayunan na naman ng mga kaklase namin at ng propesor. Sa bawat araw na nilikha ng Diyos, may nakikita siyang hindi maganda sa Pilipinas at sa mga naninirahan dito. Sa mga pulubi, taong grasa, mga bondat na pulis, mga empleyadong tamad, mga manggagawang nagpapahinga sa trabaho, at marami pang iba. Okey lang. Kahit papaanoâ€&#x;y may katotohanan naman sa sinasabi ng tao. Mayroon lang akong hindi mapalampas. May sinabi siya tungkol sa mga iskwater. Masama ang timpla ng mga salita. Hindi ko nagustuhan. Ang masama pa, laging present sa mga sinasabi niya ang mga iskwater. Sa paglikdaw ng mga araw ay pasama nang pasama ang timplada ng mga salita. Hindi ko ito mapapalampas.


50 Sexual harrassment and more serious shit

More or less, alam ko na kung anoâ€&#x;ng nilalaman ng mahabang memo na natanggap ko. From the office of Mr. Jeffrey Dali, Executive Vice-President, Operations. Hindi ako bulag o bingi para hindi ko malaman „yon. Isa pa, binanggit na sa akin noon ni Kupal No. 2, si Oscar Letigio, Overall Vice-President ng Computer Department, na may mga tauhan akong nagrereklamo. Pinag-usapan na namin yon, closed-door meeting. Sabi niya, yung mga sexist remarks ko, lalo na sa mga babaeng clerk, nagdudulot ng tensyon, hindi nakakatulong sa pagbubuo ng harmonious relationship. Hindi ko pinansin noon yung mga sinabi niya. Pinalabas ko lahat sa kabilang tenga. Ano ba ang pakialam ng hindot na kupal na iyon kung paano ko i-handle ang mga tao sa database. Tang-ina, kung siya nga, maghapong nakaupo, sumusuweldo ng katakut-takot. Nilamukos ko ang memo at tinapon sa basurahan. Pinagrereport ako sa office ni Dali. Putsa, mula sa isang walang ka-kuwenta-kuwentang weekend, heto koâ€&#x;t nagreport sa opisina, Lunes ng umaga, at may memo na naghihintay sa akin. RE: MALICIOUS BEHAVIOR AND SEVERAL CASES OF SEXUAL HARRASSMENT. Tang-ina, i-sexual harrassment nila mukha nila. Tang ina, limang taon na ko dito sa punyetang opisinang ito, pinag-abutan na ko ng animo kabuteng pagsulpot ng napakaraming branches ng kumpanya sa buong bansa. Pero hanggang ngayon, manager pa lang ang inaabot kong posisyon. Malaki ang suweldo kaya lang nakakabawas ng respeto sa sarili ang


51 maalalang hangga‟t buhay pa‟t kasalukuyang sinusuyo ang mga empleyadong nauna sa akin, makakaasa akong sa kanila mapupunta ang promotion at hindi sa akin. Paglabas ko sa may pintuan, lalong nadagdagan ang kabadtripan ko nang makita ko ang sekretarya ko na naglalagay ng lipstick. Naisip ko, kapag pala patanda nang patanda ang isang tao, nagiging pala-ayos. Kahit na ang epekto ng pag-aayos ay lalo lang nagpapasagwa ng hitsura, sige pa rin. Isa itong malaking palaisipan ng buhay, puwedeng itanong kay Mr. Ernie “The Fucking Encyclopedia” Baron. Nakadagdag ng badtrip ko ang makita ang mukha ni Lorna. Kung bakit ba naman kasi, mula pa noong mag-umpisa kong magtrabaho, hanggang sa mapromote ako nang ma-promote at hanggang sa itigil na ang pag-promote sa akin at makulong na sa kalagayang manager, si Lorna na ang sekretarya ko.kasabay ko lagi ang matandang bruha sa mabagal na pag-akyat ko corporate shit. “Lorna, mukhang may pinaghahandaan ka, ah,” bati ko. Medyo namula si Lorna. Heto pa ang isa kong natuklasan. Hindi pala cute sa mga matatanda ang mag-blush. “Hindi naman ho,” nahihiyang sagot niya sa akin, sabay tago ng lipstick niya sa drawer.” “Ano‟ng hindi? Sa kislap pa lang ng mga mata mo, alam kong may pinaghahandaan ka.” Hindi siya kumibo. Wala siyang masabi. O malamang, sanay na siya sa mga hirit ko. Kung papatulan niya, baka mapahiya lang siya lalo. Bah, kilala yata akong numero unong alaskador at master of sexual harrassment, the ultimate


52 sexist man. Daig ko pa ang kabastusan nina Tito, Vic and Joey ng Eat Bulaga kapag kinukulit nila ang mga seksing dancer na umiindak-indak habang naghohost sila ng Eat Bulaga. “Boss, hinihintay na ho kayo ni Mr. Dali,” pakli niya. Wala siyang ibang hangad kundi ang umalis na ako‟t pumunta sa dapat kong puntahan, nang sa gayon ay maituloy na niya ang ginagawa niya. “Mula ho nang dumating kayo, nakakadalawang tawag na rito yung sekretarya niya.” “Sinong sekretarya?” tanong ko. Tatlo ang sekretarya ni Dali, at kahit alam kong si Tess ang tumawag, tinanong ko pa rin si Lorna para makasiguro at siyempre, para makapang-asar. “Si Tess ho.” “Sinong Tess,” hirit ko, dalawa sa sekretarya ni Dali ang may pangalang Tess. Yung isa, si Tess na seksi, yung isa naman, si Maritess, yung babaeng payat na walang boobs at namumutok at nagmamantika ang mukha sa dami ng umusbong na acne at taghiyawat. “Yun hong maganda.” “Sino, yung malake dyoga?” Napalunok si Lorna. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya nasasanay sa mga hirit ko kahit mag-lilimang taon na niya akong pinaglilingkuran. Nagsindi ako ng sigarilyo. Noong isang buwan, may memo na dumating galing sa Personnel Department, ipinagbabawal na ang pagyoyosi sa loob ng building. Unfair daw sa mga hindi naninigarilyo na nasu-suffocate sa usok ng iba. Isa lang ang masasabi ko sa patakarang iyon. Wala akong pakialam sa hika ng iba. Hindi ko kasalanan iyon, kasalanan „yon ng mga magulang nilang hikain na


53 ipinamana sa kanila ang mga personal nilang mga sakit na nakalkal din nila sa kanilang mga nuno. Hindi ako naging manager para pagsabihan ng kung sinong unggoy sa Personnel na hindi ako puwedeng manigarilyo sa loob ng building. Kapag talagang pinilit nila „ko, mag-re-resign ako. Mawawalan sila ng mahusay na engineer. Mawawalan sila ng mahusay na manager. Sa buong kasaysayan ng kumpanya, ngayon lang nagkaroon ng kaayusan ang Database Department. Ngayong ito ay nasa pamumuno na si Engr. Antonio de Guzman, mas kilala sa tawag na Tony. Umupo ako sa isang kanto ng mesa ni Lorna habang ninanamnam ang sigarilyo. Kapansin-pansin ang biglang pagtuwid ng upo ni Lorna. Binuksan niya ang drawer niya at hinugot ang isang folder. Kunwa‟y may hinahanap siyang file. Gagawin niya ang lahat ng pagkukunwari para lang huwag ko siyang mapagbalingan. Lagi siyang tensyonado lalo na kapag ganitong hindi ako nagsasalita ng tungkol sa trabaho. “Lorna, hindi kaya nasobrahan ng kapal ng lipstick mo?” “Hindi nama ho makapal, ah.” “Makapal. Tingnan mo nga iyang labi mo, parang pinapak ng sanlibong manyak.” “Bakit, boss? Maganda naman ho itong lipstick ko, ah. Galing pa ho ito sa Hongkong. Bakit hindi ho ba bagay sa akin?” “Hindi. Sa halip na gumanda ang hitsura mo, nagmukha kang pokpok na walang pera.” Kitang-kita ko ang pagtaas-baba ng lalamunan niya. Ang hirap siguro ng ganoon, yung bigla ka na lang mapapalunok kahit tuyong-tuyo ang bibig mo.


54 Nang maubos ang yosi, inilagay ko sa loob ng flower vase ni Lorna. Doon ko pinapatay ang yosi kapag sa labas ako ng opisina ko naninigarilyo, wala kasing ash tray sa mesa ni Lorna. Sa flower vase, patay agad ang baga dahil may tubig sa loob. Alam na rin ni Lorna ang gagawin ko. Nang makita niyang nauupos na ang yosi, inalis na niya ang mga bulaklak na laman ng flower vase para bigyang daan ang upos ko. Tumayo na ako‟t humakbang papalayo. Pupunta ako sa office ni Dali. Kitang-kita ko ang biglang pag-alis ng tensyon ni Lorna,

Nakasakay ko sa elevator si Dante, yung isa kong supervisor sa Database. Pupunta raw siya sa Accounting Department. Hindi ako kumibo. Isa siya sa mga kinamumuhian ko sa department. Siya yung tipo ng taong “may matayog na ambisyon”. Sigurado ko, noong estudyante pa lang itong hindot na ito, hindi ito nagpapakopya sa mga exams. Sarili lang niya ang iniisip niya. Siya rin „yong tipo ng taong sumisipsip sa mga propesor, humihimod sa tumbong ng mga dekano at walang ibang pinangarap kundi ang maging corporate kupal kapag nakapagtapos na siya sa kolehiyo. Ang mga tulad ni Dante ang nagpapayaman sa mga doktor na ang espesyalisasyon ay liposuction, ang sipsipin ang mga ekstrang taba ng mga propesyunal na hindi nagbabanat ng buto at maya‟t maya ay kumakain sa mga matapobreng mga café at fastfoods. Nakakapagtaka, ang mga katulad ni Dante, kalimitang umookupa ng magagandang apartment, mayroong kusina na kumpleto sa kasangkapan. Pero sa kabila nito, madalas sa labas sila kumakain.


55 Una‟y tamad silang magluto. Pangalawa, gusto nilang makipagtsikahan sa mga tulad nilang gago na kumakain din sa mga matapobreng kainan. Pero hindi lahat ng katulad ni Dante ay nagpapasipsip ng taba. Marami din sa kanila ang malalaki ang mga katawan, produkto ng mga work-out gym at pagkaing pang-diyeta na kadalasa‟y lasang diyaryong ibinabad sa tubig. Paghinto ng elevator sa third floor, lumabas na ako. Ni hindi ko narinig yung pahabol na sabi ni Dante. Pinipigilan ko ang sarili ko, Lunes ng umaga at sobrang init na ng ulo ko. Baka kung ano pa ang masabi ko kay Dante, makatanggap uli ako ng memo. Pagpasok ko sa foyer ng opisina ni Dali, medyo nabawasan ang init ng ulo ko. Wala ang dalawang sekretarya, malamang ay inutusan ni Dali. Si Tess lang ang naroon. Nakatuwad siya, may hinahalungkat na file sa pinakailalim na drawer ng filing cabinet. Tuloy tuloy ako sa pintuan ng opisina ni Dali. Nang mapadaan ako sa nakatuwad na si Tess, tinapik ko siya sa puwet. Narito na pala ang buong cast ng show, naisip ko nang makita ko ang mga tao sa loob ng opisina ni Dali. Naroon si Oscar Letigio, boss ko. Naroon ang head ng Personnel. Naroon din ang ilang abugado mula sa legal department. May ilang mga taga-Claims, mga mukhang pamilyar sa akin. Naroon din yung isang sekretarya ni Dali, yung matighiyawat, nakaupo sa isang gilid, may hawak na bolpen at steno pad. “Good morning, Tony,” bati ni Dali. “Good morning,” sagot ko. Nagpasukan kami sa maliit na conference room sa loob ng opisina ni Dali. Inumpisahan ang paglilitis.


56

“Tony, siguro naman, I assume na nabasa mo na ang memo, kaya alam mo na ang agenda natin ngayon,” bungad ni Dali. “Yes sir. Ang hindi ko lang alam, may jury palang magsasakdal sa „kin.” Nagtawanan ang iba sa sinabi ko. Puke ng ina n‟yo, sa loob-loob ko. Pare-pareho lang naman tayong nagsisikap para ma-promote at madagdagan ang sahod nang may panustos tayo sa kanya-kanyang bisyo. Kung umasta ang mga buwakanang inang mga ito, akala mo, wala silang katarantaduhang ginagawa. At least ako, walang inililihim. Alam ng lahat ang mga kabulastugan ko. “Before anything else, gusto kong ipaalam sa iyo na this is an informal talk,” dagdag ni Dali. “There‟s no need to become too professional. Afterall, we‟re one big happy family here.” Tarandtado! Hindi ko kayo kapamilya. At ano‟ng informal talk ang pinagsasasabi mo? Bakit kaharap ang mga manager ng Computer Department? Bakit kinukuha ni Maritess “No Boobs” Garcia ang minutes nitong meeting? “Hindi namin alam kung ano ang mayroon sa iyo. Sa totoo lang, ngayon lang naging maayos ang Database Department. Dati, sala-salabat ang mga records. Hindi magkasundo ang Database at Claims. Sabi ng Claims, walang record ang ilang claimants. But when you came, things started to become good. In fact, it‟s a lot better this time. Tingnan mo na lang ang efficiency ng Claims. Dumarami ang clients natin, umaasenso ang kumpanya. And for that, we are very proud of you. I think Atty. Matias of the Legal Department will take it from here.”


57 LEGAL DEPARTMENT: May mga empleyadong nagsampa ng kaso laban sa kumpanya. Isinampa sa Department of Labor. Mabuti na lang, itinimbre sa „tin nung contact natin doon. Nakausap na iyong mga nagsampa ng kaso. Napakiusapan ni Oscar. Ikaw ang tinuturo nila. I hate to say this but they said, masyado raw bastos ang pakikitungo mo sa kanila. Matagal ka na raw nilang inerereklamo kay Oscar kaya lang wala daw aksyon. Dahil doon, inireklamo nila ang buong kumpanya. Tony, you‟re bringing all of us down. CLAIMS: Kapag may mga inquiries ang claimants, madaling naipoprocess. Thanks for a good database systems. Kaya lang, marami ring reklamo sa iyo ang mga empleyado ng Claims. There are times that nababarado rin ang inquiries. Well, that‟s part of the system. At least, madaling nasosolusyunan. Ang problema, may mga ugly remarks ka daw sa tuwing may clerk na pupunta sa office mo for signature. I‟ll give you an incident. Last week lang, may clerk na galing sa office mo, bumalik sa Claims, umiiyak. Inisulto mo raw siya. Tinanong mo raw siya kung gusto niyang kumain ng lollipop. Habang nagtatanong ka raw, nakasapo ang kamay mo sa ano mo. Sa testes. OSCAR: Same with Romy. Yung mga clerk na pumupunta sa department mo. Ayaw na raw nilang pumasok sa office mo. Iniiwan na lang sa secretary mo ang mga documents for signature. Kaya


58 lang, kung minsan, kahit highly confidential ang mga dokumento, iniiwan na lang nila sa desk ni Lorna kahit wala siya doon. CLAIMS: ’d rather…. *%$#@! DALI: Tony, ϕ ϕ  ϕ ϕ  ϕ◙►╂⊌⊜ ϕ ⇎₡‫ מ‬ҨЯϕ ϕ  άӂ℥ ∰ ♂ ╳women’s◙►╂⊌⊜ ϕ ⇎₡‫ מ‬ҨЯϕ άӂ℥ ♂♂♂∰ ♂  ϕ ╳even ϕ  άӂ℥ ∰ ♂!in our modern times………

Sa ilalim ng mesa, kubli sa paningin ng mga nakapalibot, nakakuyom ang mga kamao ko. Ginugunita ko ang mga panahong inaagrabyado ako ng lipunan. Itong mga taong ito, itong mga ito, ito ang mga nagpapakasarap sa gitna ng taggutom ng mahihirap. Itong mga taong ito na kailangan pang magpasipsip ng taba para lang magkahugis ang mga katawang binundat sa kakakain ng mga pagkaing mga mahihirap din ang siyang lumilikha. Itong mga taong ito na sinusunog ang kilay sa tennis at golf, mga sports na ang layuni‟y hindi palakasan kundi pasosyalan at pagandahan ng kotse. At sa kanilang mga salu-salo, salusalong puno ng plastikan at pagkukunwari, sa kanilang mga halakhakan at pagandahan ng mga asawa, sa kanilang mga batuhan ng paniniwala, mga prinsipyo, na ang tanging nangingibabaw ay hungkag na ligaya, iisa ang nagbibigay ng direksyon, at ito‟y ang kulay ng pera at amoy ng capital. Kilala ko ang mga taong ito. Sila ang noong maliit pa ako‟y baka nagbato sa akin ng barya. Sila ang mga taong matataas, sa kanilang mga palasyo‟y bingi sila sa mga iyakan sa paligid. Sarado ang kanilang mga bintana sa hiyaw ng mga nagugutom sa kalye. Pinid ang kanilang mga pinto at hindi handang


59 tumanggap ng aarugaing maysakit, ngunit laging handa kung tulad nila ring nakaaangat ang ibig tumuloy. “Are you with us, so far?” “Tony, this is for your own good. Pull yourself together. You are under a lot of stress lately.” “Sama ka sa aming mag-golf sa Sunday.” Kawawa naman ang mga hindot na ito.walang kamalay-malay na sa nalalapit na panahon ay sasabog silang parang bulkan. Pasensyahan na lang.

Pagkatapos ng paglilitis, dumeretso ako sa opisina ko. Ini-lock ko ang pinto. Pina-cancell ko ang lahat ng appointments ko. Tang-ina nila. Ganoon pala, ha. Kailangan nating maging politically correct in these modern times. Welcome to the 21st century, Mr. Antonio de Guzman. Wake up! Punyeta! Tang ina nilang lahat. Bago pa „ko magtrabaho rito, alam ko na kung pa‟no kayo sisirain. Kung ganoon palang mas mahalaga pa sa inyo ang mga pipitsuging mga babaeng clerk na karamihan ay ampapangit din naman, sana hindi n‟yo na lang ako binigyan ng trabaho. Pero huwag kayong mag-alala. Ilang panahon na lang, mawawala na „ko rito. At pag-alis ko, guguho kayong parang lumang bahay na pinagpag ng malakas na lindol. Makikita n‟yo.


60 Dino

Si Dino, umuwi ng bahay kagabi, hindi makaupo ng maayos. Ang putang ina, nagpagamit pala sa kanong bakla na kakilala noong tatay ng kalaro niya. Tang inang bugaw na tatay. Puta, kung ibenta ang anak niya, ganoon na lang. Akala mo kung gaano nila ka-kailangan ang pera. Pero ang tarantado, sa tuwing madaraan ako kina Aling Esper, naroon, kasama ang mga regular niyang katomaan. Itong si Dino, nagpaalam na magmamasahe raw sa amerkanong kaibigan ng tatay ni Toto, kalaro niya. Tinanong kaagad ni inay kung anoâ€&#x;ng klaseng masahe. Basta, kailangan daw ng masahe. Ako, duda na talaga ko. Puta, wala lang talaga akong magawa. Madalas kong pagsabihan iyang si Dino na huwag magsasama kay Toto dahil alam ng buong looban ang raket ng tatay ni niya. Iyun nga, binubugaw ang mga anak, ma-lalake o babae. Ang panganay niya, si Malou, trese anyos nang unang biyakin ng kung sinong kostumer. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon, sa kabila ng mga pananakot ko sa kanya, ayaw pa rin ni Dinong lumubay sa kasasama kay Toto. Ngayon, dumudugo ang wetpaks ni kupal. Heto na nga ba ang sinasabi ko. Alas diyes na ng gabi wala pa rin si Dino. Ang inay, nakatanghod sa bintana, hinihintay ang pagdating ng kanyang bunso, na ayon sa kanyaâ€&#x;y may pasalubong raw sa kanyang pansit. Dapat daw na mahiya ako kay Dino dahil ako ang mas matanda pero mukhang mas masipag si Dino sa akin. Hindi na lang ako kumibo sa mga pasaring ni inay dahil baka humaba lang. Kapag ganitong lumalalim na ang gabi at wala pa ang kanyang bunso,


61 malamang sa hindi, ang sinumang makipagtalo sa kanya‟y baka hindi niya tantanan magdamag. Kung sa bungangaan, may itatagal ang inay. Mag-aalas-dose nang dumating si Dino. Tama ang inay, hawak niya sa kaliwang kamay ang isang marusing na supot ng pansit. Ang kanang kamay niya‟y nakaalalay sa dingding nang pumasok siya ng bahay. “Susme, ikaw na bata ka, bakit ngayon ka lang?” tanong ni inay. “Matagal ho kaming nagmasahe ni Toto, eh,” sagot ni Dino. “Kumain ka na ba?” “Oho. Heto‟ng pansit, nay. Pagsaluhan ninyo ni kuya.” Iika-ikang pumasok si Dino sa kuwarto. Ang kuwarto‟y isang bahagi ng bahay na natatakpan ng isang manipis na kurtina, kaya‟t kitang kita namin ni inay ang tila hirap na hirap na kilos ni Dino, kung paano siya lumuhod muna, saka unti-unting inilapat ang tiyan sa banig, saka padapang pumlasta sa banig. Kinabahan si inay. Siguro, alam na niya rin ang iskor kung bakit ganoon ang kilos ni Dino. “Dino, anak, may masakit ba sa iyo?” “Wala ho, nay. Pagod lang ho ako.” “Ano ba ang pinaggagawa mo doon sa bahay ng kano?” “Nagmasahe po, inay.” “Eh bakit tila pagod na pagod ka, anak? May masakit ba sa iyo?” Hindi ko na matiis ang naririnig ko. Tumayo ako‟t pumasok sa kuwarto. “Ano ka ba, inay? Para ka namang engot, eh. Alam mo namang kaya masakit ang katawan ng gagong iyan, nagpakantot iyan sa puwet. Doon sa


62 amerikanong pinagmamalaki ni Toto na mabait daw at lagi siyang binibigyan ng pera.” Pagkasabi nito‟y hinablot ko ang salawal ni Dino. Nakita namin ang pag-agos ng dugo mula sa puwet ni Dino pagapang sa hita. Kumuha si inay ng kamiseta sa karton na pinaglalagyan namin ng mga damit. Sa malas, t-shirt ko pa ang nadampot. Nilukot ni inay ang t-shirt kong kasalukuyan ko pa lang kinukumpleto ang hulog sa utol ni Boyet, at idinikit ito sa pinanggagalingan ng dugo. Lumabas ako ng kuwarto at sumuba sa sahig. Nakahain doon ang pansit na dala ni Dino. Maya-mayay narinig ko silang nag-iiyakan sa kuwarto. Puta, sa lahat ng ayoko, yung inaagrabyado ang pamilya ko. Kung gaano ko pahalagahan ang sarili ko, ganoon din ang pagpapahalaga ko sa pamilya ko. Kay Dino, kahit kupal na kapatid at madalas akong kontrahin, walang makakagalaw sa kanya dito sa looban nang hindi tumitikim sa mga dila ng kamao ko. At si inay, walang sinumang puwedeng umagrabyado o bumastos sa kanya hanggat buhay pa ako. Iyang si Almang paybsiks, namumuro na sa akin iyang putang inang buwayang iyan. Huwag niya lang hayaang maubos ang pasensya ko sa kanya. Nagsuot ako ng kamiseta. At lumabas ng pinto. Maliksi si inay. Bago pa man ako makalabas ay nakahawak na sa braso ko. “Saan ka pupunta?” tanong niya. “Maniningil ng pautang,” sagot ko.


63 “Tony, huwag kang gagawa ng gulo, ha. Sinasabi ko sa iyo, wala akong ipangpa-pyansa sa iyo kapag nakulong ka, hindot ka.” “Putsa namang buhay, „to! Tang ina nakita n‟yo na ngang ginahasa sa puwet iyang anak n‟yo, parang bale wala lang sa inyo.” “Hindi sa ganoon, Tony. Ang sa akin lang, baka may gawin kang masama, madadagdagan pa ang gastusin natin. Hamo nang lumamig muna ang sitwasyon bago tayo umaksyon.” “Nay, ang sitwasyon, ang bunso n‟yo, kapatid ko, inabuso. Ako ang kuya niyan at dapat lang na harapin ko kung sino mang hudas ang gumawa niyan kay Dino.” Lumabas ako ng bahay. Kapag ganitong mainit ang ulo ko, ipinagdarasal ko na sana‟y may biglang maghuramentado dito sa lugar namin. Para naman magkaroon ako ng dahilan para manuntok. Putang inang mga kano iyan. Mga batang walang kamalay-malay, binibiktima. Naglakad ako papunta sa may labasan. Wala akong nakita kahit isa sa mga kabatak ko. Pumunta ako sa tindahan at bumili ng sigarilyo. Nanginginig ang posporong hawak ko habang nagsisindi ako ng sigarilyo. Mahirap talagang magpahupa ng galit. Lalo na iyong ganitong klaseng galit na bunga ng pagkaagrabyado at walang katiyakan kung paano makakaganti. Dapat makaganti. Hindi magiging mapayapa ang pagtulog ko sa gabi kung hindi ko maipaghihiganti ang sinapit ni Dino. Sana magkaroon bigla ng riot dito sa looban. Sana mayroong maghuramentado. Sana, masalubong ko kahit isa sa mga may atraso sa akin. Sana masalubong ko si Mutya.


64 Nang maubos ang sigarilyo ay binagtas ko ang daan papunta sa bilyaran. Malamang na nandoon si Max. Higit kanino man, si Max ang maaasahan ko sa mga ganitong pagkakataon. Tanginang kano iyan. Tanginang Toto iyan. At lalong tang ina yung erpat niya. Minsan, nang umuwi si Domeng na tatay ni Toto, may kasamang kano. Napakabait nga ni kupal, namimigay ng kendi. Panay ang bigay ng barya sa mga bata habang umiinom sila ni Domeng sa bahay nila. Mula noon, yung mga nanay dito sa looban, isinasama ang mga anak nilang lalake sa bahay nina Domeng. Kalimitan, mga sampu hanggang trese ang edad ng mga bata, parang si Dino, pero pagbalik nila, lamog na ang mga katawan at kung mag-isip, para nang matanda. Para bang tumatanda na lang bigla, parang nawawala ang espiritu ng pagkabata, kapag bumabalik na sila. Yung mga batang looban na binugaw ng mga nanay o tatay nila, isinasama ni Domeng sa bahay nung kano. Yung putang inang kano, nakatira sa isang subdibisyon na puwedeng lakarin mula sa looban. Doon sa bahay na iyon, siguroâ€&#x;y ang daming batang umiyak ng ihi at sumuka ng tae at ang mga puwet nila, bumubuga ng dugo. At ang kapalit, malulutong na dadaaning mapupunta sa bulsa ng mga sugarol at lasenggong magulang. Putang ina, kailanman, hindi ko mapapalampas ang ginawa ng amerikanong iyon kay Dino. At si Domeng, siguroâ€&#x;y panahon na para turuan siya ng leksyon.


65 Isang linggo ang lumipas, si Domeng naospital. Ang sabi sa balitang looban na ikinukuwento ng mga taga-looban sa mga taga-labas, napagtripan daw ng mga addict, binugbog at halos malumpo daw ang kawawang si Domeng. Malamang na hindi na ito makalakad pang muli. Masuwerte nga kung maigalaw pa nito ang kalahati ng katawan. Pero ang tunay na balitang-looban, yung pinaniniwalaan talaga ng nakararami, yung ikinukuwento nila hindi sa mga taga-labas kung hindi sa kapwa nila taga-looban, ang tunay na nagyari kay Domeng ay hindi napagtripan ng mga addict kung hindi kinulata ng isang addict. At hindi halos malumpo kundi talagang nilumpo si Domeng at siguradong hindi na siya makakalakad at hindi na maigagalaw ang kalahati ng katawan. Ang kano, makalipas ang isang buwan, natagpuang patay sa labas ng isang beerhouse. Ang sabi sa imbestigasyon ng mga pulis, robbery ang motibo. Tinangay ang pitaka ng kano at ang relos nitong mamahalin.


66 Adbentyurs ni Almang Paybsiks Inilathala sa Makakating Dila, Malilikot na Taliba, ang opisyal na arawang pahayagan sa looban

Matagal bago rumehistro sa utak niya ang mga pangyayari. Nakamata siya sa bangkay ng kanyang ama, na para bang ang tinitingnan niya‟y hindi isang tao kundi isang kakaibang uri ng insektong noon lang niya nakita. Nakahiga sa pagitan ng unahan at hulihang gulong ng bus ang kanyang ama, na parang mekanikong kinukumpuni ang ilalim ng sasakyan. Marahil ang pinag-iba lang ay ang pagkakapilipit ng isang hita nito. Lumuhod siya at hinipo ang noo‟y malamig nang hita ng bangkay. Dumako ang paningin niya sa mukha nito at saglit na natigilan siya sa namasdan. Ang mukha ng kanyang ama, ng kanyang guwapong ama, ng kanyang mabait na ama, ay nagmistulang salbabidang butas at walang hangin. Nakapaligid sa basag nitong ulo ang pira-pirasong utak, laman at dugo. Nangingintab sa tama ng araw ang basag nitong bungo. Pinagmasdan ni Alma ang lahat nang ito. „Di niya alintana ang anasan ng mga taong nakapaligid sa kanyang nilalangaw na ama. „Di niya pansin ang naghalu-halong amoy ng mga nakikiusyosong mga tao. Ang lansa ng dugo at lamang nakabilad ay nanunuot sa kanyang ilong ngunit ito man ay hindi niya iniinda. Nanatili siya sa kanyang pagkakaluhod. Walang kibo, nagmistulang tuod sa harap ng isang malaking trahedya. Maya-maya‟y pumailanlang ang malakas na iyak. Dumating na pala ang kanyang ina, naisip niya. Marahil ay sinundo sa talipapa ng mga taong nakasaksi sa aksidente.


67 “Ilyong! Ilyoooong!,” hiyaw ng kanyang ina, sabay subsob at yakap sa ngayo‟y nanlalamig nang bangkay. Nagpamanhid sa binti niya ang pagluhod. Marahan siyang tumayo at pinagmasdan ang mga taong nakapaligid. Wala pa ring dumarating na pulis. Natural, naisip niya, lagi namang huli kung magsidating ang mga pulis. Namataan niya ang isang batang pinaglalaruan ang hulihang gulong ng yupiyuping bisikleta ng kanyang ama. Pinaiikot-ito ng pinaiikot. At bigla, parang kuryenteng dumaloy sa buong katawan niya ang panghihinayang. Panghihinayang dahil sampung taon lamang niyang nakapiling ang kanyang mabait na ama. At ang sampung taon nilang pagsasama‟y „di na muling madadagdagan. Marahang dumaloy ang luha sa magkabila niyang pisngi.

Tiniyak niya munang inin na ang sinaing bago siya bumaba ng hagdan at lumabas sa tarangkahan. Natuto na siya sa karanasan. Nang minsang umalis siya nang hindi tinitiyak kung luto na ang kanin, nakatikim siya ng malalakas na palo sa puwit at mahahapding kirot sa singit mula kay Artemio, ang kanyang amain, ang kinakasama ng kanyang ina. Tatlong taon na ang lumikdaw mula nang maaksidente ang kanyang ama. Ngayo‟y may bago siyang “ama-amahan”. Sabi ng kanyang ina‟y ituring niya raw si Artemio bilang pangalawang ama. Noong umpisa‟y naiilang siya dahil sa laki ng agwat ng edad ng kanyang ina at ni Artemio, na parang anak na lang si Artemio ng kanyang ina. Naiilang din siya dahil pakiramdam niya‟y iba ang mga titig sa kanya ni Artemio. At minsan na siya nitong pinasok sa silid habang


68 nagbibihis siya. Gusto niyang tumili noon ngunit biglang nagsalita si Artemio, tinatanong kung nasaan ang suklay. Nagtatanong na para bang wala naman talagang nangyari. Na para bang hindi nabuyangyang sa malalaking mata ng kanyang amain ang mga pinakatatagu-tagong bahagi ng katawan niya. Bandang huli‟y natanggap na niya ang mga pangyayari. Wala naman talagang malaking usapin kung iisiping si Artemio ay kinakasama ng kanyang ina. At hindi rin usapin kung pumasok ito ng kuwarto habang siya‟y nagbibihis, na nitong huli‟y napapansin niyang dumadalas, dahil wala naman talagang silid sa parisukat nilang pamamahay. Ang mayroon lang ay isang bitin ng lumang kurtina na itinakip sa isang kanto para magsilbing bihisan. Minsan nga‟y nangyaring nahilaw ang kanin. Umuwi si Artemio galing sa trabaho nito sa konstruksyon bandang hapon. Nagalit ito nang matikman ang kanin. Ni hindi na ito nagtanong sa kanya. Nang umuwi si Alma noong gabing iyon ay bigla na lang siyang pinaghahampas ng walis tambo ni Artemio. Hindi niya naiiintindihan kung bakit siya pinapalo. At bago pa man siya makabuwelo para umilag sa mga susunod na hampas ay naramdaman na niya ang mga daliri ni Artemio sa kanyang singit at kinukurot siya doon. Umiiyak siya. Ngunit ang mga hikbi niya‟y tila nagdudulot ng tuwa sa kanyang amain. Lalo pa nitong nilakasan ang bawat hambalos at lalo pang dumalas ang pagkurot sa kanyang singit, na kung minsa‟y lumilihis ng bahagya at napupunta sa hindi nito dapat puntahan. Ngayo‟y tiniyak muna ni Alma na inin na ang sinaing. Pagkuwa‟y bumaba na siya ng hagdan. Kipkip niya sa isang kamay ang kung ilang buhol ng sampaguita na ilalako sa kalsada, sa pagitan ng pagpapalit ng ilaw ng trapiko.


69 Mula nang mamatay ang kanyang ama, pagtitinda na ng sampaguita ang kanyang pinagkakaabalahan. Noong una‟y nagalit ang kanyang ina. Bakit daw pinili pa niyang magtinda ng sampaguita sa kalsada gayong delikado ang ganitong uri ng hanapbuhay. Nagugunita nito ang nangyari sa kanyang ama. Isang pangkaraniwan nang trahedya sa lansangan ang masagasaan ng sasakyan. Napag-isip-isip rin ni Alma ang ganito. Ngunit sa paris niyang wala naman talagang mapagpipilian, kailangan niyang pasukin ang anumang hanapbuhay na kaya niya. Sa sampaguita ay nakakamahigit sitenta pesos siya sa maghapon, ayos lang para makapag-ambag siya ng mga gastusin sa bahay. Nakakahiya naman sa kanyang amain kung siya‟y hindi magbibigay ng pera sa bahay. Kung tutuusin ay dapat nang tumigil sa pagbebenta ng kalamansi ang kanyang ina sa talipapa. Iyon ay dahil siya, si Alma ay dalaga na. Ayon kay Artemio maraming mga kasing-edad niya, trese anyos, ang mayroon nang matatag na hanapbuhay. Ang katunayan, karamihan sa mga kalaro niya sa looban ay nananahi na ng mga damit-pambata sa pabrika ni Mr. Tiu. Siya na lang sa mga kababata niya ang nagtitinda ng sampaguita. Si Nona naman na dati nilang kasama ay isa nang sertipikadong puta, gumagala sa gabi. “Alma!” Napalingon siya sa tunog ng kanyang pangalan. Si Gina. Tulad niya ring tindera ng sampaguita. Mas bata sa kanya ng dalawang taon. “Alma, alam mo na ba nangyari kay Omar?” humihingal na tanong ni Gina. “Hindi,” sagot niya. Si Omar ay isa sa mga kasundo niya sa lansangan. Mabait ito at hindi nang-aagaw ng kostumer. Sa tagal na nilang nagtitinda ng


70 sampaguita ay may kanya-kanya na sila ng puwesto sa kalsada. Si Omar ay hindi tulad ng ibang mahilig mang-agaw ng puwesto. Humihingal pa rin si Gina. Hinintay niyang makalmante ito at saka muling tinanong. “Nasagasaan ng bus si Omar. Tangna, napipi ang ulo. Sumabog ang utak. Parang „yung nangyari sa tatay mo.” Hindi umimik si Alma. Pinigil niya ang pagbugso ng lungkot. Ayaw niyang magpatalo sa lungkot at baka malasin ang negosyo niya sa maghapon. “Tara, Gina, upo muna tayo dun sa lilim,” aya niya sa kaibigan. “Putsa, kung nandito ka lang kanina, nakita mo sana si Omar. Pipi ang ulo. Kawawa naman.” Hindi pa rin siya umiimik. Naupo siya sa gilid ng daanan ng mga tao, nalililiman ng matayog na gusali. Dinukot niya sa bulsa ang panyolitong marumi at isininga ang mga hinanakit.

“Punyeta! Alma!” Nakaupo siya sa bangkito sa labas ng kanilang dampa. Narinig niya ang sigaw ni Artemio ngunit hindi siya tuminag sa pagkakaupo. Sanay na siya sa mga hirit ni Artemio. Alam niyang ang magiging kapalit ng hindi niya dagliang pagtalima ay isang sampal sa pisngi o isang tadyak sa binti, o kaya nama‟y isang bigwas sa sikmura. Ngunit kaya niyang tiisin lahat ng ito. Mula nang umalis ang kanyang ina tatlong taon na ang nakararaan at hindi na muling nagpakita ay nasanay na siya sa mg pagmamalupit ni Artemio.


71 Sa edad niyang disi-otso anyos, sa tingin niya‟y naranasan na niya ang lahat ng pasakit. “Tang inang buhay „to! Alma, pumarine ka nga!” Isang hapong umuwi siya galing sa patahian ni Mr. Go, wala ang kanyang ina. Ni hindi sumagi sa isip niya na malamang ang kanyang ina ay naningil ng mga pautang o kaya‟y dumilihensya ng ulam, pera o kung anupaman. Kahit wala itong iniwang sulat, alam na niya na ang ina niya‟y hindi na muling babalik. Kinagabihan noon, dumating si Artemio, lasing na lasing. Hinanap nito ang kanyang ina. Sinabi niya kay Artemio na lumayas na ang kanyang ina. Na ito‟y hindi na muling babalik para saluhin ang lahat ng mga suntok ni Artemio. Na ang ina niya‟y gustong pagsikapan na magpanday ng bagong buhay nang siya lang. Gusto niyang lumaya sa mga pasakit. Gusto niyang tikman ang buhay. Noong gabing iyon, hinalay siya ni Artemio. Noong gabing iyon, humahalinghing siya sa sarap. Noong gabing iyon, minahal niya si Artemio. “Punyeta! Almaaaa!” Naputol ang kanyang pagmumuni-muni nang sumungaw ang mukha ni Artemio sa pintuan. “Putang ina! Kanina pa „ko tawag ng tawag sa‟yo, lintik ka!” “Bakit ba?” “Ano‟ng bakit? Bakit walang sinaing?” “Ay puta! Magsaing ka kung gusto mong lumamon. Hindi mo „ko alila!” “Ah ganoon?”


72 Pagkasabi nito‟y pumanaog si Artemio sa hagdan at hinablot ang kanyang buhok. Kinaladkad siya nito papasok ng bahay at pinagtatadyakan siya sa sikmura. Pagkatapos nito‟y hinubad ni Artemio ang kanyang sinturon at hinagupit siya nang hinagupit sa binti. “Putang ina kang babae ka! Ako pa ang uutusan mong magsaing!” Hindi siya kumibo. Tumayo siya‟t tinungo ang kalan, binomba ang tangke ng gaas, sinindihan ng posporo. Kinuha niya ang kaldero, may bahid pa ng bahaw at tutong ang puwitan nito. Hindi na niya hinugasan ang kaldero. Sayang, laman tiyan din ang bahaw at tutong sa puwitan nito. Kinuha niya ang lata ng biskwit na lalagyan ng bigas at sinalinan ang maruming kaldero, sinabawan ng tubig na inigib sa poso at isinalang sa kalan. Hindi pa man siya tapos ay nakaalis na si Artemio. Bumalik ito bandang hatinggabi at sila‟y nagtalik.


73 Kasera

Taliwas sa sinasabi ng iba, ang paghahanap ng bahay na matitirhan ay isang simpleng gawain. Maraming naghambalang na mga paupahang bahay o kuwarto, nakakalat sa buong Maynila, naghihintay na matirhan. Ang mga may-ari ng mga naturang paupahan ay kalimitang naghihintay ng mga masisilong kasera, papalapit sa kanilang mga lunggang pinapaupahan. Kailangan ni Tony ng apartment, bahay, kuwarto o bedspace na uupahan. Alas-singko ng umaga. Inumpisahang suyurin ni Tony ang mga paupahang kuwarto sa may University Belt. Sa pagitan ng dikit-dikit na mga pamantasan ay mga patsi-patsing mga kuwarto na pinapaupahan sa mga estudyante. Isa nang malaking ginhawa ang mga paupahang kuwartong ito. Bukod sa mura ang singil kung ikukumpara sa ibang mga paupahan, malaking tipid pa sa pamasahe ng mga estudyante. Ang kanilang mga pamantasang pinapasukan ay nalalakad lang mula sa kanilang tinitirhan. Ang mahirap sa pangangasera ay ang perang ipambabayad. Karamihan sa mga paupahan ay hindi pumapayag na walang depositong ilalagak ang uupa. Kinakailangang mayroon na antimanong hulog kahit isang buwan lang. Kailangan ng mga may-ari ng seguro, kung sakaling hindi makapagbayad sa oras ang uupa.Sa tabi ng isang umuusok at mataong karinderya, namataan niya ang isang karatulang nakatapal sa pader: WANTED MALE BOARDERS THIS WAY, LOOK 4 JHUNZ


74 Pinasok niya ang makipot na daanan na tinuturo ng karatula. Ang kanal sa gawing kanan ay umaapaw na‟t ang burak nito‟y umaagos sa daanan. Bale-wala kay Tony kung amoy kanal man o amoy pabango ang uupahan niyang bahay. Ang pang-amoy niya‟y malaon nang pinamanhid ng lansa at panghi ng looban. Hindi na niya rin iniinda ang mga tanawing sa iba ay nakakasuka. Para sa kanya, ang mga tanawing tulad ng daan-daang uod na naggagapangan sa nabubulok na mga basurang nakatambak sa gilid ng daanan ay isang pangkaraniwang tanawin, ni hindi makakaapekto sa kanyang gana sa pagkain kahit kumain siya sa tabi ng inuuuod na basura. At isa pa, wala talaga siyang balak na tumira rito. May nakuha na siyang magandang apartment, nasa sentro ng Quezon City. May kamahalan ang upa ngunit sa laki ng kanyang sahod ay hindi niya inda. Sa may pagliko niya sa kanan ay muling bumungad sa kanyang paningin ang karatulang tulad ng kanyang namataan sa labasan, may bahagya lang na pinagkaiba: WANTED MALE BOARDERS COME IN INZIDE, LOOK 4 JHUNZ KNAKC FIRST B-4 YUO ENTER

Hindi malaman ni Tony kung saan kakatok. Ang pinagtatapalan ng karatula ay isang yerong kalawangin na sa wangis ay matagal nang nadestino sa iba‟t ibang gamit. Minsan na itong ginawang bubong, bakat sa isang gawi ang marka ng gomang gulong na karaniwang ginagamit na pangdagan ng plastik na siyang ipinapatong sa atip upang ipangdepensa sa mga tulo ng ulan. Ginamit na


75 rin itong kulahan, bakat ang mga mantsa ng sabong panlaba sa isa nitong panig, at sa mga butas nitong tila tama ng pako ay mamamalas ang ilang hibla ng sinulid na malamang ay mula sa mga damit na ikinula rito. Malamang ay pinitpit na rin ito‟t ginawang alulod, bakat ang mga tama ng martilyo na siyang pinangpitpit. Dahil hindi niya makita ang pinto, kinatok na lang ni Tony ang karatula mismo. Sa bawat tuktok ng kanyang kamao sa kalawanging yero ay nagkakalaglagan sa lupa ang pira-pirasong mga kalawang na nakakapit. “Tao po!” Nilakasan niya ang katok. Umuuga ang yero sa bawat tama ng kanyang nakakuyom na kamao. “Tao po!” “Sandali lang!” tinig mula sa loob. Ang yerong kanyang kinakatok, na siya ring pinagtatapalan ng karatula ay dagling bumukas. Iyon pala ang pinto. Tumambad sa kanyang paningin ang isang lalaking payat at animo sa tuko ang malalaki at dilat na mga mata. Epekto ng mahabang panahong pakikipag-jamming sa shabu, naisip ni Tony. “Ano‟ng kailangan mo? Tangna, ang aga-aga nambubulahaw ka.” “Nabasa ko ang karatula sa labasan. Gusto kong umupa ng kuwarto.” “Bumalik ka na lang maya-maya.” Akmang isasara na ng lalaking payat ang yerong pinto ngunit pinigilan ni Tony ng kanyang binti ang pagsara ng kalawanging yerong pintuan. “Ano ba?— ”


76 Hinawakan ni Tony ang buhok ng kanyang kausap at iniumpog ito ng malakas sa yerong pintuan. Nagulat ang lalake. Hindi ito nakapagsalita. Ilang sandali itong nakatitig lang sa kanya. “Pare, malayo pa ang inuuwian ko,” paliwanag ni Tony. “Kaya nga inagahan ko ang punta rito. Pasensya ka na kung naabala ko ang tulog mo.” Hindi sumagot ang lalake. Nilakihan nito ang awang ng pinto at sinenyasan si Tony na pumasok. Sinalubong si Tony ng magkakahalong amoy ng panghi at bantot nang pumasok siya sa loob ng kabahayan. Isang entresuwelong kuwadrado, lupa ang sahig, at nakakalat sa paligid ang mga maruruming damit, mga pinagkainan, mga lumang diyaryo‟t komiks. Sa isang tabi ay papag na sa malas ay dapat nang gawaran ng loyalty award sa haba ng panahon ng pagseserbisyo nito. Naalala niyang bigla ang kanilang papag sa looban. Mahigit dalawampung taon nilang pinakinabangan ang papag. Saksi ito sa „di mabilang nilang pagdurusa. Ang totoo‟y may panghihinayang na gumuhit sa kanyang isip nang baklasin ito ng kanyang kapatid upang gawing panggatong. Ito‟y nang maibili niya ng bagong katre ang kanyang ina, de-kutson, malambot, at ayon sa patalastas, kahit lakaran ng elepante‟t sagasaan ng pison ay hindi pa rin mawawarak. “Ikaw ba si Jhunz?” tanong ni Tony. “Ako nga. Uupa ka ba kamo?” “Oo. Pansamantala lang, mga tatlo o apat na buwan. Gusto kong makita ang kuwarto.” “Heto,” sagot ng lalake, sabay muwestra ng mga bisig sa palibot ng kabahayan.


77 “Ito? Putsa, parang bahay ng daga ito, ah.” “Kaya nga mura ang upa rito dahil hindi lang „to parang bahay ng daga. Talagang bahay ng daga ito.” Saglit na nag-isip si Tony. Tutal, wala siyang balak na tirhan ang bahay. kailangan niya lang ay bagsakan ng sulat. Kailangan niyang ilinaw ito kay Jhunz. May kaselanan ang sobreng inaasahan niyang matanggap. Dinukot niya ang kaha ng sigarilyo sa kanyang bulsa, humugot ng isa at sinindihan. Inalok niya ang kanyang kausap. Kumuha ito ng tatlong stick, ang isa ay isinubo sa nangingitim na labi at ang dalawa ay inipit sa magkabila nitong tainga. “Sige, kukunin ko na. Sino ba ang mga makakasama ko rito?” “Sa ngayon, wala pa. Hindi pa kasi nagbubukas ang klase. Pero sa pasukan, mapupuno ito. Tamang-tama ang dating mo, bakasyon pa.” “Bale ilan ba kami rito kung saka-sakali?” “Kasya ang sampung katao rito. Yung mga papag na nakasandal nang patagilid sa labas, ipinapasok ko ang mga iyon kapag nadadagdagan ang umuupa.” “Papaano kung gustong sumulat sa akin ng mga magulang ko?” “Walang problema, rehistrado itong boarding house ko. Alam ito ng mga kartero. Yung mga estudyanteng umuupa rito, sinusulatan ng mga magulang nila.” Iginala ni Tony ang kanyang paningin sa loob ng bahay. Napansin niya na sa isang sulok ay may kurtinang sako. Nilapitan niya ito at hinawi ang nakabalabal na sako. Tumambad sa kanya ang isang inidorong barado.


78 Lumulutang sa kulay kapeng tubig ang ilang piraso ng duming malamang ay nanggaling kay Jhunz. May gripo sa isang gilid ngunit walang tubig na tumagas nang buksan niya ito. “Mura lang ang upa rito. Tatlong daan sa isang buwan. Dalawang buwan ang deposito, isang buwan na advance. Bale siyam na raan ang paunang bayad. Kung apat na buwan ka lang dito, puwede nang nine hundred ang ibigay mo sa akin, para wala na tayong pag-uusapan.” Dinampot ni Tony ang kaputol na dos por dos na nakakalat sa sahig. Tiniyempuhan niyang sa iba nakatingin si Jhunz at saka niya ito hinataw ng kahoy sa ulo. Kumalat ang dugo sa lupang sahig. Nanginginig na tumayo si Jhunz habang sapo ng isang kamay ang putok sa kanyang bumbunan. Nilapitan siya ni Tony at iwinasiwas ang dos por dos, nahagip ang tadyang ni Jhunz. Naghuhumiyaw sa sakit si Jhunz, napaluhod ito sa lupa sapo ang tadyang. “Huwag kang maingay, papatayin kita,” banta ni Tony. Impit na hiyaw ang isinagot sa kanya ni Jhunz. Muling iwinasiwas ni Tony ang hawak na kahoy. Tinamaan si Jhunz sa likod. Napaigkas ito sa tindi ng sakit na dumapo sa katawan. Hinampas ni Tony sa tiyan si Jhunz at tuluyan na itong napahiga at lumupasay sa lupang ngayo‟y nagpuputik na sa sinispsip na dugo. Ibinaba ni Tony ang tangang kahoy. Nang umangat ang mukha ni Jhunz ay sinalubong niya ito ng malakas na tadyak, na naging sanhi ng paglipad ng ilan nitong mga ngipin na nagtalbugan sa lupa.


79 “Ano‟ng kailangan mo sa akin?” pagmamakaawa ni Jhunz. “Kunin mo na ang lahat ng gusto mong nakawin. Huwag mo na lang akong saktan. Maawa ka na sa kin.” “At ano naman ang mananakaw ko dito sa bahay mo? Yung inidoro mong punung-puno ng tae? Yang papag mong puro surot?” “Ano‟ng kailangan mo?” “Makinig kang mabuti. Minsan ko lang ito sasabihin at gusto kong nagkakaintindihan tayo.” Marahang tumango si Jhunz. “Uupahan ko itong bahay mo. Sosolohin ko ang buong bahay, ibig sabihin, hindi ka na magpapatira ng iba rito hanggat inuupahan ko ito. Maliwanag ba?” Muling tumango si Jhunz. “Hindi ako titira dito. Pero may darating na sulat dito para akin. Kapag dumating ang sobre, itabi mo. Huwag mong bubuksan. Tawagan mo ako sa number na ito.” Iniabot ni Tony kay Jhunz ang kapirasong papel, kinasusulatan ng numero ng kanyang cellphone. “Sino ka?” tanong ni Jhunz. “Ako si John Lucero. Ahente ako ng NBI,” sagot ni Tony. “Meron kaming operasyon dito sa lugar na ito. May nag-tip sa amin na dito raw ang bagsakan ng shabu na nanggagaling sa China. Makipagtulungan ka sa amin para hindi ka madamay.” “Ano ba ang maitutulong ko?”


80 “Una, huwag kang magkukuwento kahit kanino tungkol sa kung sino ang umuupa rito. Kahit sa mga pulis. Kahit kanino, huwag kang magkukuwento. Kapag kumalat ang kuwento, ikaw ang unang-unang reresbakan ko. Buti kung ikulong kita. Baka sa inis ko, kapag nabulilyaso ang operasyon namin, baka isalvage na lang kita. Maliwanag ba?” Sunod-sunod na tango ang tugon ni Jhunz. “Kakilala mo ba ang karterong naghahatid ng mga sulat dito ?” “Kakilala ko.” “Hindi ba magtataka iyon kapag nakitang hindi pamilyar ang pangalan na tinutukoy ng address?” “Hindi. Sanay na iyon dito sa boarding house ko. Iba-iba kasi ang tumitira rito taon-taon.” Inalalayan ni Tony sa pagtayo si Jhunz, at pagkuwa‟y inabutan ito ng sampung malulutong na tig-iisang libo. “Sa iyo na iyan. Para sa pag-upa ko rito. Kung tutuusin, malaki na iyan dahil hindi naman ako titira rito, gagawin ko lang bagsakan ng sulat.” “Akala ko ba, may operasyon kayo rito?” “Mayroon. Kaya huwag kang magkakamali ng kilos. Marami akong mga tauhan na nakakalat dito. Ang ilan sa kanila, matatagal nang nakatira rito. Nasasalubong mo araw-araw pero hindi mo alam. Baka ang iba pa, nakainuman mo na. Isang pagkakamali mo lang, mag-rereport sa akin ang mga tauhan ko. Patay kang bata ka kapag nagkataon.” “Eh, tsip. Kulang ho kasi itong ibinigay n‟yo. Kung sosolohin n‟yo ho kasi itong bahay, kasi sampu ang kasya rito, sa tatlong daan na lang ang isa. Tapos,


81 dalawang buwan na deposito, isang buwan na advance… tapos maselan ho iyong sa inyo dahil kanyo, operasyong anti-droga, eh alam n‟yo namang puro addict ang nakatira dito sa gawi namin. Mabibilang n‟yo nga sa daliri ang tulad kong ni hindi pa nakakatikim ng droga kahit minsan.” “Saka na tayo mag-usap kapag tapos na ang operasyon namin. Puwede mo kong puntahan sa opisina.” Tumalikod na si Tony, humakbang papalabas ng yerong pinto. Pagdating niya sa may labasan ay pumihit siya‟t hinarap si Jhunz. “Huwag mong iwawala yang number na ibinigay ko sa iyo. Magpakabait ka. Itabi mo ang sulat, huwag mong bubuksan. Alalahanin mo, marami akong tauhan na nakakalat dito.” “Eh, tsip, kayo ho ba ang nakapangalan sa sulat na darating?” “Natural. Para sa akin yun , eh.” Dagling lumabas ng pinto si Tony at mabilis na naglakad sa makipot na eskinita, papunta sa labasan. Huminto siya sa gilid na kalsada upang bumili ng bagong diyaryo. Pinara niya ang naparaang taksi at matapos sabihin sa truper kung saan siya pupunta, komportable siyang sumandal sa malambot na sandalan at binuklat ang bagong peryodiko. Wala siyang pakialam sa mga ulo ng balita. Tinunghayan niya ang Classified Ads at naghanap ng mga anunsyo tungkol sa mga bakanteng bahay, apartment, at kuwarto. Nakita niya ang anunsyo ng isang paupahang apartment sa Munitinlupa. 2 bedrooms. “Mama, huwag na lang tayo sa City Hall. Sa Muntinlupa na lang.”


82 Napatingin sa kanya ang tsuper. “Boss,” wika nito, “baka ho puwedeng dagdagan n‟yo na lang ng kaunti ang bayad. Malayo ho kasi iyon at matrapik ang dadaanan natin.” “No problem,” sagot ni Tony. Matapos niyang ibigay sa tsuper ang eksaktong address ng paupahang apartment sa Muntinlupa, ipinikit niya ang kanyang mga mata at mabilis na naidlip.


83 Sgt. Pepper

May malaking problema si Sgt. Pepper. Matagal na niyang pinapangarap na sana‟y magkaroon siya ng anak na lalaki, nang sa gayon ay mayroon siyang mapagpasahan ng kanyang mga natatanging kaalaman sa pagiging pulis. Diyos ko, sana lalake ngayon. Ito ang madalas niyang panalangin sa tuwing rarampa sa delivery room ang kanyang maybahay. Ngunit tila talagang sinasabik siya ng tadhana, sinusubok kung hanggang saan tatagal ang kanyang pasensya. Matapos ang siyam na beses niyang pagparoo‟t parito sa delivery room, na walang ibiniyaya sa kanya maliban sa siyam na malulusog na babaeng anak, ang pag-aasam ni Sgt. Pepper na magkaroon ng anak na lalake ay unti-unti nang nakukulapulan ng panimdim. Isang teorya ang kumislap sa isip niya. Nagtataka siya kung bakit hindi niya ito naisip noon pa. Hinding-hindi magkakaanak ng lalake ang misis ko. Lahi nila talaga ang mag-anak ng puro babae. Tangan ang kanyang bagong tuklas na teorya, sinubok niyang ipunla ang kanyang semilya sa sinapupunan ng iba. Makalipas ang dalawang buwan ng pakikipagsiping sa kanyang kapitbahay at kumareng si Maricar, nagbunga ang kanyang kapusukan. Nabuntis ang kanyang kumare. Ngunit ang pagbubuntis nito‟y nagluwal ng isang malaking suliranin. Si Maricar ay dalawang taon nang byuda. Ang asawa nito‟y kasamang pumalaot ng isang malaking lantsang pampangisda, na hindi na nakabalik sa daungan.


84 Binatilyo‟t dalagita na ang dalawang anak ni Maricar. May isip na ang mga ito kung kaya‟t madali nilang malalaman ang kundisyon ng kanilang ina. At sa kadahilanang ang dalawang anak ay matindi ang pagmamahal sa kanilang yumaong ama, mahihirapan si Maricar na ipaunawa sa mga ito kung bakit siya biglang nagbuntis. Paano niya sasabihin sa mga ito na ang kanilang ninong, ang kumpare‟t matalik na kaibigan ng kanilang ama, ang siguro‟y kaisa-isang natitirang matinong pulis sa buong bansa, ang tatay ng kanilang mga kababata, ay siyang ama ng kanyang dinadala ngayon. Isa pang malaking suliranin ay ang mga tao sa looban. Hindi maaaring hindi pansinin ng mga makakating dila sa looban ang kanyang kalagayan. Walang lihim na hindi nabubunyag pagdating sa mga ganitong usapin. Naisipan na lang ni Maricar na ipalaglag ang bata. Labag man sa kanyang kalooban, kailangan niyang gawin iyon. Alam ni Maricar na anumang paliwanag niya ay hindi niya mapapapayag si Donato na ipalaglag ang bata. Matagal na nitong pangarap na magkaroon ng anak na lalake. Abot hanggang tainga ang ngiti nito nang samahan siyang magpa-check-up. At mula nang mabuntis siya, panay ang arumba ng lambing ni Donato. Bahala na. Alang-alang sa kanyang natitirang pamilya, ang kanyang dalawang anak. Kailangan niyang isakripisyo ang kanyang dinadala. Bahala na. Sasabihin na lang niya kay Donato na siya‟y nahulog sa hagdan at nakunan.


85 Si Sgt. Donato Cruz, ang isa sa mga natitirang matitinong pulis sa bansa, na mas kilala sa looban sa bansag na Sgt. Pepper dahil sa kanyang abnormal na obsesyon sa bandang Beatles, ay nakaupo sa sofa, tungo ang ulo habang pinakikinggan ang paliwanag ni Maricar. “Kanginang pagbaba ko sa hagdan, natapilok ako…” Mabilis na nagdaraan sa kanyang gunita ang pamimili nila ni Maricar ng mga gamit na pambata. Noong galing sila sa clinic, tumuloy sila sa isang department store at namili ng mga kagamitan. “…natumba ko, tuloy tuloy na gumulong pababa ng hagdan…” Nakapag-isip na siya ng magandang pangalan para sa kanyang magiging anak. Malakas ang kutob niyang lalake ang magiging anak nila ni Maricar. Naisip niyang wala nang gaganda pa sa pangalang Donato kung kayat binalak niyang gawing junior ang kanyang dapat sana‟y magiging anak. “…hindi ko pa alam noon. Napansin ko na lang noong tumayo ako‟t pumunta sa kusina. Naramdaman kong tumatagas ang dugo galing sa ano ko…” Nagpainom pa siya sa presinto. Sa labis na galak, bumili siya ng tatlong bote ng Fundador at nilaklak nilang lahat, siya at ang mga kasamahan niya. Tuwang-tuwa rin ang kanyang mga kasamahan sa mabuting kapalarang sinapit niya. “Donat? Bakit hindi ka magsalita?” Animo estatwa siyang nakaupo sa sofa, walang reaksyon sa mga sinabi ni Maricar. Namumuti ang mga buto niya sa kamay sa mahigpit na pagkakakuyom ng kanyang mga palad. Ang mga mata niya‟y nakapikit. Pagkuwa‟y dahan-dahan siyang tumayo at nagsalita.


86 “Mare, kalimutan na natin ang lahat ng namagitan sa atin. Patawarin sana „ko ni pare.” Si Sgt. Donato Cruz, kilala sa tawag na Sgt. Pepper, isa sa mga natitirang matitinong pulis, matapang sa larangan ng labanan, namumukod tanging mataas ang dignidad sa loob ng lipunang ang moralidad ay kasamang gumuho ng mga pangako ng pamahalaang bulok hanggang kaibuturan, ay umuwing bigo na tulad ng isang sundalong matapos isalang ang sarili sa di mabilang na mga labanan sa malalayong bayan sa loob ng mahabang panahon ay umuwi at ang kasabika‟y napawi nang hindi siya mapagsino ng kanyang sariling pamilya. Tinungo ni Sgt. Pepper ang kusina pagdating niya sa kanilang bahay. Tulog na ang kanyang asawa at ang kanilang siyam na mga anak na babae. Kumuha siya ng malamig na serbesa sa refrigerator. Binuksan niya ito‟t tinungga ang laman. Tinungo niya ang sala, kinuha sa pagkakasabit sa dingding ang isang lumang gitara, at umawit.

Hindi siya makapaniwala sa sinasabi ng kanyang maybahay. Ginising siya nito. Sa labis na kalasingan noong nagdaang gabi, sa pagpapabalik-balik niya sa refrigerator, nalasing siya‟t doon na nakatulog sa sofa, sa harap ng telebisyon. “Anon‟ng oras na?” pupungas-pungas na tanong niya sa kanyang asawa. “Huwag ka na munang pumasok ngayon, Nato.” “Ha? Naloloka ka na ba? Marami akong trabaho sa presinto.” Ito ang isa pang magandang katangian ni Sgt. Pepper. Para sa kanya ang pagliban sa pagpasok ay isang mabigat na kasalanan. Sa mahigit tatlumpung


87 taon niyang pagseserbisyo ay hindi siya nakaliban ng pagpasok. Kung maaari lang sanang pumasok kahit pista opisyal, gagawin niya. “Samahan mo na lang ako sa Baclaran.,” pagpupumilit ng kanyang maybahay. “Tigilan mo „ko, Maring. Kailangan kong pumasok. Saka, bakit mo naman naisipang magsimba sa Baclaran, hindi naman Miyerkules ngayon.” “Nagpa-check-up ako sa clinic kahapon. Buntis ako, Nato. Gusto ko sanang magsimba, makapagpasalamat sa Diyos.” Hndi alam ni Sgt. Pepper kung matutuwa o malulungkot sa ibinalita ng kanyang asawa. Pihadong babae na naman ang magiging anak nito. “Sige, magbihis ka na. Sasamahan na lang kita sa Baclaran.”

Lalake. Hindi makapaniwala si Sgt. Pepper na lalake ang anak nila ni Maring. Iniisip na niyang ang pagkakaanak niya ng lalake kay Maring ay parang paghahanap ng karayom sa isang balumbon ng dayami. Isang pangyayaring hindi maaaring magkatotoo. Ngunit heto siya‟t pinanonood ang natutulog na sanggol. Kanina pa niya tinatapik ang kanyang pisngi sa paniniguradong ang nagyari ay totoo at hindi isang panaginip. Nabuo sa isip niya ang maraming mga plano. Isasama niya ang kanyang anak kung ito‟y malaki-laki na sa mga outing nila ng kanyang mga kasamahang pulis. Tuturuan niya itong humawak ng baril. May Junior na ako. Ang kanyang junior ang magiging tagapagtanggol ng kanyang mga kapatid na babae, kapag inaagrabyado ang mga ito ng mga lalake.


88 Masayang masaya si Sgt. Pepper noong mga panahong iyon. Noong mga panahong iyon ay wala siyang malaking problema. Sadyang nagbabago ang panahon.

Ngayon ay may malaking problema si Sgt. Pepper. Si Don-don, ang kanyang junior, sa edad nitong kinse anyos, ay kapapansinan ng kakaibang kilos. Noong umpisaâ€&#x;y hindi iniinda ni Sgt. Pepper. Naisip niyang kaya medyo pinong kumilos ang kanyang anak ay dahil ang lagi nitong kasa-kasama ay ang kanyang ina at siyam na kapatid na babae. Natural lang sa bata ang maimpluwensyahan ng mga nakatatanda. Ngunit ang isang kinse anyos ay hindi na maaaring ituring na bata. May sarili na itong pag-iisip. Kaya na nitong pag-ibahin ang tama at mali. May kakayanan na itong gumampan ng mga bagay na naaayon sa kanyaâ€&#x;y tama. Alam na nito ang mga katangiang inaasahan sa kanya. At dito nag-uumpisa ang malaking problema ni Sgt. Pepper. Kapansinpansin ang hinhin ng kanyang anak. Diyos ko, huwag naman po sana. Hindi bale nang mahinhin, bastaâ€&#x;t hanggang hinhin na lang. Huwag na sanang lumampas pa roon. Ngunit kung talagang hindi ukol ay sadyang hindi bubukol. Sa looban ay matagal nang kalat ang balitang si Don-don, ang kaisa-isang anak na lalaki ni Sgt. Pepper, ay may tikwas sa kalingkingan. Sa garapalang katawagan ay bakla, bading, syoke, bakal, babaeng may lawit, at pokpok na walang hiyas. Ang mga pasaring ay nakakarating sa tainga ni Sgt. Pepper. Alam niya na pinagtatawanan siya sa buong looban. Ngunit buo pa rin ang kanyang tiwala na


89 ang Maykapal ay hindi nagbibiro nang ganoon. Hindi maaaring maging bakla ang kanyang anak dahil wala ito sa kanilang lahi, at sa pagkakaalam niya, wala rin ito sa lahi ng asawa niyang si Maring. Ayaw maniwala ni Sgt. Pepper sa mga alingasngasan ng mga tao, kahit ang hatid nitoâ€&#x;y isang malaking problema.


90 Campus co単o

Sa mga araw na walang pasok, sa eskuwela o sa kung anumang pinagkakakitaan ko, sa mga araw na walang lakad, pumupunta ako sa UP. Gusto kong nalalanghap ang amoy ng intelektuwalismo. Para bang kapag nasa UP ako, ang tingin ko sa sarili ko, isa akong marangal na tao. Ni hindi sumasagi sa isip ko na isa akong hamak na taga-looban, na araw-araw na lang ay namumrublema sa pera. Karaniwan, umaalis ako sa amin, mga alas nuwebe ng umaga. Darating ako sa UP, mga alas-onse. Hindi naman ganoong kalayo ang UP sa amin. Isang sakay lang. Pero kaya matagal akong dumarating, kung saan-saan pa ako napapadaan. Sa looban lang, inaabot ako ng mahigit isang oras bago makalabas sa labasan at makapara ng dyip. Sa dami ba naman ng naghambalang na mga nag-iinuman, kailangan daanan ko lahat. Kailangan, tanggapin ko ang bawat tagay na ialok sa akin ng mga dinadaanan ko. Mahirap namang tanggpin ang iba at tanggihan ang ilan. Masamang ugali iyon para sa mga beteranong tomador ng looban. Baka isipin pa, mayroon kang pinakikisamahan at mayroong hindi. Kaya madalas, pagdating ko sa UP, medyo lango na ko sa dami ng nainom. At hindi lang basta marami. Halo-halo pa. May gin (sa may tindahan ni Aling Goring), tanduay (sa tapat nina Mang Berto), beer-gin (sa umpukan nina Jojo, ang mga pambatong basketball player ng lugar namin), tanduay-coke (sa umpukan ng mga barkada ng kapatid ni Ranie, isang katsokaran ko sa looban), lambanog (kina Ranie), red horse, red horse na may halong gin, colt, colt na may


91 halong gin, tuba, beer na beer, gold eagle beer, manila beer, beer grande, at marami pang iba. Bukod pa sa ibaâ€&#x;t ibang pulutan tulad ng mani, cornbits, adobong sitaw, kalderetang nakaw, adobo isaw, menudo, sili, sibuyas, buro, corned beef, mah ling, bopis, tokwa, assorted nuts, kendi, at kung minsan, may mga bonus pang ilang hitit ng marijuana. Kahit walang pasok, marami pa ring tao sa UP. Inuumpisahan ko ang ronda sa shopping center. Tumitingin-tingin ako ng mga magazine at librong segunda mano. Tumitingin din ako ng mga tinitindang mga kamiseta na may mga tatak ng UP. Ang lahat ng kamisetang ito, nagbabandila ng nasyonalismo, habang sa background ay may larawan ni Oblation. Nakakatawa, akala yata ng mga taga-UP, simbolo ng kalayaan ang Obalation. Hihiritan pa ng mga islogan tulad ng: Malayang kasipan sa malayang pamantasan. Nakakatawa ulit. Nakakatawa na nakakaasar. Dapat palitan ng mas tamang islogan: Maperang kaisipan sa mayamang pamantasan. Puta, sa laki ba naman ng tuition fee sa UP, iisipin mong humahabol ito sa mga pribadong eskuwelahan ng Maynila. Mabuti pa ang mga pribadong eskuwelahan, hindi na nagkukunwaring makamasa, makatao. Garapalan ang takbo ng metro ng kahera taon-taon, maluluma ang pagtataas ng presyo ng gasolina. Pero ang UP, may mga pautot pang mga pa-isko-iskolar ng bayan. Hindot, ang taas naman ng matrikula. Ngayon, napapag-isip-isip ko, bakit ko ba nagustuhan ang UP. Noon kasi, ang tingin ko sa UP, isang marangal na eskuwelahan. Hindi saklaw ng pagkasakim ng komersyo. Tamang-tama para sa mga tulad kong isang kahig isang tuka. Bukod dito, ang akala ko noon, mararangal ang mga tao sa UP. Ang mga estudyante, makabayan, maprinsipyo, hindi nakikipagkompromiso sa mga


92 tabinging pananaw at kairalan ng lipunan. Pero ngayong narito na ko, nakikita kong wala rin palang pinagkaiba. Mapa-UP ka o La Salle o Ateneo o San Beda o kahit PSBA, tatadtarin ka ng mga bayarin. Pag nagsawa na ko sa shopping center (dahil talaga namang nakakasawa ang tumingin ng mga itinitinda sa estante kahit wala namang pambili at ang buong layunin lang ay mangulit ng mga tindera), tumutuloy ako sa Narra Residence Hall. May mga kabatak ako roon . Mga nakakasama sa mga inuman. Karamihan ng mga nakakasama ko sa inuman, hindi iyong mga kaklase ko. Ang mga kaklase ko kasi, ambabata. Mahirap sakyan ang mga trip sa buhay. Saka, hindi sila mahilig sa toma. Kaya ang mga nakakasama ko, mga paris ko ring “matatanda” na. Mga estudyanteng sa UP na yata tinubuan ng balbas, kung ilang taon nang nag-aaral pero wala pa ring tinatapos na kurso. Sila yung palipat-lipat ng kurso, isinusuka ng iba‟t ibang department. Karaniwang nag-uumpisa sila sa mahihirap na kurso tulad ng Engineering o kaya‟y Physics. Matapos ang ilang semestre, matatanggap na nila ang katotohanan na hindi sila para sa mga ganoong “kabibigat” na kurso. Lilipat ngayon sila ng kurso, iyong mas “madali” at kayang arukin ng kanilang mga utak. Kalimitan, ang nililipatan, Education. Matapos ang ilang semestre, at matapos maranasang lumagpak sa ilang subjects, madidiskubre nilang ang kanilang debosyon sa buhay ay wala sa pagtuturo. Lilipat ngayon sila ng Library Science o Community Development o Social Work. Itong mga department na ito ang tambakan ng mga bobo. Mga mag-aaral na matapos maglaspag ng maraming pera sa paglalayag sa iba‟t ibang departamento ng pamantasan ay magkukumahog na magtapos na lang ng kahit anong kurso, kahit lihis sa kanilang mga hilig.


93 Sa Narra, naroon ang lahat ng bisyo. Akala ng pamantasan, matitino ang mga nasa Narra. Nungka, maraming mga gurang na estudyante roon. Mga kung ilang ulit nang nag-first year. Marami ring mga hindi talaga doon nakarehistro pero doon nakatira. Sa mga butas ng bakod dumadaan kapag umuuwi sa gabi, para hindi mapansin ng tagabantay. Sa Narra ko nakilala si Roman, isang pusher at trenta anyos na second year student ng Communitiy Development. Sampung taon na siya sa UP. Katakot-takot na palusot na ang ginawa niya para hindi tamaan ng maximum residency. Sa UP kasi, bawal ang lumampas ng kung ilang taon sa nakatakdang panahong gugugulin sa pagtatapos ng kurso. Mayroon lang allowance na kung ilang taon, pag hindi pa rin natatapos ang kursong kinukuha, sisipain ka na sa UP. Ang ibig sabihin, bahala ka na sa buhay mo, lumipat ka na ng ibang eskuwelahan. Para naman mabigyan ng puwang ang mga mas matitino at mayayamang estudyante. Minsan, nang pumunta ako sa UP, pagkatapos kong takawin ang mga mata ko sa mga tinda sa shopping center, naglakad ako papunta sa sunken garden. Habang papalabas ako ng shopping center, narinig ko ang kuwentuhan ng isang grupo ng mga estudyante. Ang dinig ko, papunta sila ng Narra, may birthday daw ang isang taga-roon. May inuman daw. Napag-isip-isip ko, pumunta kaya ako? Siguro naman, may kakilala ako roon kahit isa. Nagpunta nga ako roon. Sinundan ko ang grupo ng mga estudyante. May pinasok silang kuwarto. Pasok din ako. Sinalubong ako ng amoy ng damo. Puta, okey to, sabi ko sa sarili ko. May nag-abot sa akin ng tagay. Tinungga ko. May


94 nag-abot sa akin ng chongki, may sindi, hinitit ko. Nang tingnan ko ang nagbigay, nakita ko ang sarili ko. Siya si Roman. Nang mabato ko sa inuman, lumabas ako. Kasunod ko siya. Sabi niya, nababato rin daw siya. Tinanong niya ako kung saan ang punta ko. Sabi ko, sa Sunken Garden, magpapahangin, pampawala ng amats. “Mas masarap magpahangin kung mayron nito,” sabi niya, sabay abot sa akin ng isang joint. “Saan ka umiiskor nito?” tanong ko habang sa mga daliri ko‟y inaayos ko ang pagkakabilot sa joint. “Pusher ako rito. Kaya huwag mo nang itanong kung saan ako umiiskor. Matagal ko nang gawain iyan.” Pagdating namin sa Sunken, madilim na. Andaming mga magsyotang magkakalingkis. Kapag tiningnan mo sa malayo, sa tanglaw ng buwan, parang mga umpok-umpok na tae ng kalabaw. Sinindihan namin doon ang joint na galing kay Roman. Ang lakas ng tama, parang galing Baguio. Sa Baguio, sabi ng mga kakilala ko, ang isa raw joint ng chongki doon katumbas ng limang joint ng chongki rito sa Maynila. Doon kasi, malamig ang klima, mataba ang lupa, paborable sa damo. Saka, doon, napapaunlad ng mga magsasaka ang plantasyon dahil hindi sila pinapakialaman ng gobyerno. Hindi kagaya dito, puro patago ang pagtatanim. Habang lumalalim ang gabi, sa mga kuwentuhan namin ni Roman, lalong tumitingkad ang pagkilala ko sa sarili ko. Si Roman ang sagisag ng lipunang naliligaw. Sa pagkatao niya‟y nasasalamin ko ang “kaunlarang” narating ng sangkatauhan. Nakikita ko sa mga nag-usli niyang panga ang kalbaryong


95 pinapasan ko. Tulad ko, isang kahig isang tuka rin si Roman. Mas masahol pa nga siguro dahil ang nanay niya, may sakit at ang tatay niya, kahit gusto nang magretiro sa pinapasukang pabrika ng patis, kahit asin na ang namamahay sa pantog nito, sige pa rin ang paghahanapbuhay. Kailangang sustenahan ang karamdaman ng nanay ni Roman. Si Roman, sa paunti-unting pagtutulak ng damo, nakakatulong ng bahagya sa mga magulang niya. Hindi ko siya hinuhusgahang masamang anak o bulakbulero o kung anupaman. Malamang, may mabigat na dahilan kung bakit hindi siya nakapagtapos kaagad, kung bakit siya nagpalipat-lipat ng kurso. May mabigat na dahilan kung bakit siya nagtutulak ng damo. Sa isa sa mga ronda ko sa UP, nakita ko si Wayne, yung kaklase kong Amerikano. Bigla ang pag-akyat ng dugo ko sa ulo. Ang putang ina, wala nang bukambibig kundi kapintasan sa mga Pilipino. Nakita ko siyang papalabas ng Registrar. Medyo yumuko ako para hindi niya ako mapagsino. Noong oras na iyon, nakaupo ako sa Sunken Garden, ninanamnam ko ang damong inutang ko kay Roman. Tuloy-tuloy si Wayne sa paglalakad. Tumayo akoâ€&#x;t sinundan siya. Lumiko siya pagdating sa UP Lagoon. Medyo nagdududa ako sa lakad ni kupal. Saka ang alam ko, ang pumupunta lang sa Lagoon, iyong may mga syotang kaakbay saka yung mga may balak gawing labag sa batas at moralidad ng lipunan tulad ng paghitit ng damo at pagbabasa ng porno. Bihira ang pumupunta roon para tumambay lang dahil maraming lamok doon.


96 Nakita kong umupo si Wayne sa damuhan at may kinuha sa bag niya. nang lumitaw ang kamay niya, tangan niya ang isang babasahing may makintab na pabalat. Sa anyo, mukhang magasing imported. Gugulatin ko si kupal. Hindi ako mapapakali, baka hindi ako makatulog kapag hindi ko nalaman kung ano yung binabasa niya. Tahimik akong lumapit. Nasa likod na niya ako, hindi pa rin niya alam. Lumuwa ang mata ko nang makita ko ang magasin na binabasa ni Wayne. Ang unang rumehistro sa utak ko ay mga bata. Sa mga pahina ng magasin ay nakalarawan ang iba‟t ibang posisyon ng mga batang nagtatalik. Ang mga edad ay naglalaro sa dose hanggang kinse. May mga nakatuwad, may mga nakaupo, may nakataas ang paa, may nakangiwing hindi malaman kung nasasaktan o nasasarapan. Naisip ko, bakit may magbabasa ng ganoong magasin? Bakit may mga taong ang gusto‟y mga bata? Hindi ko lubos maisip ang dahilan. Naiiisip ko ang mga walang muwang na nene at totoy na gumagala sa lansangan kapag gabi. Mga batang binibiktima ng mga putanginang pedophile na karamiha‟y mga Amerikano. Napalatak ako hindi pa dahil nagulat ako sa nakita ko. Napalatak ako sa asar at labis na pandidiri dito sa putang inang kaklse kong Amerikano. Narinig ni Wayne ang Tsk ko kaya bigla ang pagsara niya ng mga pahina ng magasin at nag-angat ng mukha. “Oh, it‟s you,” sabi niya. “What are you doing here, man?” tanong ko. Kunwa‟y hindi ko nakita ang binabasa niya.


97 “Oh, I‟m just hangin out, feeling the grass and everything. You know that kind of stuff.” “I didn‟t know you‟re an environmentalist.” “Not really. I just love nature. The feel of grass under my feet and my butt. There‟s too much garbage out there, man. You should take a break and sit on the grass.” Kupal! Punyeta ka. Anong garbage ang pinagsasasabi mo? Ang totoong garbage, iyang magasing hawak-hawak mo‟t dagling isinilid sa bag nang makita mo ko. Ulol! Lokohin mo ang lola mong Amerikanong manyak. “What are you reading?” “Nothing, just some literary stuff. I‟m tired of reading engineering journals. A part of my break from the garbage, I read Hemingway, Steinbeck, among others.” You are reading filth, motherfucker. “That‟s good, man. Well, I‟ll see you around then.” “Yeah. Stay cool, man.” Lumakad na ako papalayo. Bad trip. Nasayang lang ang tinira kong jutes, hindi ako nakapagtrip ng maayos. Bumalik ako sa Sunken Garden. Medyo madilim na. Umupo ako sa damuhan, malayo sa mga naglalampungang mga magsyota. Habang lumilipas ang amats ng jutes, iniisip ko ang ilang taong pag-aaral ko sa UP. Iniisip ko ang mga raket ko. Iniisip ko ang nanay kong tali sa utang kay Almang Paybsiks. Iniisip ko ang tatay kong hindi na muling magpakita nang habulin siya ng taga ng nanay ko. Tapos, inisip ko ang mga pangarap ko kapag


98 nagtapos na ako sa UP, at habang tinatahi-tahi ko ang mga plano ko sa hinaharap, sumilip sa utak ko ang kababuyan ni Wayne. At kung bakit dito sa UP, mayroong mga ganoong klase ng estudyante. Dito sa UP, kung saan ang dapat na maging pangunahing layunin ng mga mag-aaral ay maglingkod sa bayan, bilang kabayaran ng edukasyon nilang piniga sa bulsa ng mga mamamayang walang paltos sa pagbabayad ng buwis. Hindi ko nahalata ang pamumuo ng luha sa sulok ng mga mata ko. Hanggang sa dumaloy na ito sa mga pisngi ko at mapagtanto kong napakarami ko palang maling akala. Umiyak ako nang umiyak. Pagkatapos, sumigaw ako ng paglakas-lakas. UP NAMING MAHAL! NABUBULOK KA NA, PUTANG INA KA! DARATING ANG ARAW, SISINGILIN KA NG MGA ESTUDYANTE. HUMANDA KA, UP NAMING MAHAL. TITIBAGIN KO ANG OBLATION MONG HINDOT. UP NAMING MAHAL, HUMANDA KA! PUTANG INA MOOOOO!


99 Sarge

Taong 1995 nang sumakay si Ador ng bus papuntang Baguio. Pangalawang punta na niya iyon ng Baguio. Ang una‟y noong isama siya ng kanyang commanding officer, nang dumalo ito sa isang lihim na pagpupulong ng mga may matataas na katungkulan sa hanay ng militar. Ang pulong ay may kaugnayan sa pagpaplano ng detalye hinggil sa dapat‟ sana‟y ilulunsad na kudeta. Ang iba pang detalye‟y hindi na niya alam. Ang papel niya sa naturang lihim na pagpupulong ay maging alalay ng opisyal niyang heneral at hindi upang makilahok sa mga diskusyon. Ang kalat-kalat na impormasyon hinggil sa kudeta ay napulot niya kay Capt. Castillo na tulad niya ring isinama lang doon ng isang kung sinong mataas na opisyal, upang gumampan sa papel na tsuper at dakilang alalay. Ang pinlanong coup ay hindi natuloy. Ito‟y nadiskubre ng ilang opisyal din ng militar, at naipaalam sa ilang politiko. Nang makarating sa pangulo ng bansa ang plano, ito‟y lumikha ng serye ng pagsususpinde sa ilang elemento ng militar. Malaki ang pasasalamat ni Sarge nang siya‟y hindi napasama sa mga nasuspinde. Naipagpatuloy niya ang pagiging sundalo. Hindi naputol ang kanyang pinagkakakitaan at tuloy ang pagsuporta niya sa kanyang pamilya na noong panahong iyon ay binubuo ng dalawang nagbibinatang lalakeng anak, isang maganda babaeng anak, at isang masinop na maybahay. Larawan siya ng isang responsableng ama. Kailanman, sa kanyang palagay, ay hindi siya nagkulang sa pagbibigay ng suportang pinansyal at moral


100 sa kanyang pamilya. Ang kanyang pamilya ay karaniwang makikita sa simbahan tuwing Linggo, at pagkatapos nito‟y kumakain sila sa labas. Ang sa kanila‟y isang maliit ngunit masayang pamilya. Ngunit ang lahat ng ito‟y nagbago. Ito‟y mula nang madiskubre ng kanyang maybahay na si Sarge ay may kalaguyong iba. Ang kanyang mga anak, na natural na maging mas malapit sa kanilang ina dahil ito ang tangi nilang kasama sa mga panahong si Sarge ay nakadestino sa malalayong lugar, ay untiunting nanlamig sa kanya. Isang makinilyadong sulat ang nakita ng kanyang maybahay na maingat na nakatiklop at nakasilid sa pitaka ni Sarge. Isang gabing naglalaba sa washing machine ang asawa ni Sarge, nakita nitong may pitaka sa bulsa ng pantalong kanyang lalabhan. Itinulak ng kung ano‟ng kuryosidad kaya binulatlat niya ang pitaka, tiningnan ang mga laman, at nakita ang sulat na punong-puno ng pagibig. Ang sulat ay galing sa isang nagngangalang Ros. Ang komprontasyon ay nagbunga ng tampuhan. Tampuhang naging tulay ng nagbabagang galit nang madiskubre ng pamilya ni Sarge na si Ros ay isang lalakeng sundalo. Ang kanilang padre de pamilya ay may kalaguyong lalake. Ang ganitong mga pangyayari ay hindi lumalayo. Ito‟y lumilipad papunta sa mga tenga ng kapitbahay. At di naglaon, tapunan ng tukso at mapangutyang mga titig ang pamilya ni Sarge. Ang mga tukso, masasamang salita, at mga kakaibang titig at turing ng mga kapitbahay at malalapit na pamilya ang nagtulak kay Sarge para lumayo. Naisip niyang mabuti na siya‟y lumayo at hayaang lumamig ang mga pangyayari bago bumalik sa kanyang pamilya.


101 Taong 1995 noon at naisipan ni Sarge na magbakasyon sa serbisyo at pumunta sa Baguio. Tanging mga sulat at tawagan sa telepono ang nag-uugnay kay Sarge sa kanyang pamilya. Mga pag-uusap na nang lumaon ay naging madalang, hanggang sa tuluyang mahinto. Sa loob ng tatlong buwan, putol na ang ugnayan ni Sarge at ng kanyang pamilya. Ang mga sulat niya‟y hindi na sinasagot ng kanyang maybahay at ng kanyang mga anak. Nabalitaan niyang ang mga ito ay umuwi sa Zamboanga, sa probinsya ng kanyang mga biyenan. Hindi na nagreport sa trabaho si Sarge. Sa tingin niya‟y wala nang saysay ang paghahanapbuhay ngayong wala na siyang ibang bubuhayin. Ang balitang ito‟y nakarating sa kanyang kapatid na nakatira sa Canada at ito‟y boluntaryong nagpadala ng pera, bilang pagsuporta sa kapatid. Ang perang pinapadala‟y naging regular, buwanan kung dumating kung kaya‟t si Sarge ay hindi na naghanap ng trabaho at nakuntento na sa paghila-hilata at pagkalkal ng iba‟t ibang bisyo. Ang lungkot sa pagkawaglit ng kanyang pamilya at ang mga bisyo ang nagpabago sa hitsura ni Sarge mula sa matipunong sundalo tungo sa isang yukot na sibilyan na walang inaatupag kundi maglasing at humitit ng marijuana. Makalipas ang ilang buwang paglalagalag sa Baguio, nakilala niya si Efren, isang Ifugao na may matayog na ambisyon. Naging kaibigan niya si Efren at nagboluntaryo siyang maging daan sa mga panaginip nito. Kinupkop niya ito sa kanyang bahay at binigyan ng sapat na pera para makapag-aral.


102 Ilang taon pa muli ang lumikdaw at nakilala ni Sarge si Tony, kanyang kapitbahay. Kay Tony ay nakikita niya ang imahen ng kanyang panganay na anak. Madalas niyang makasama si Tony sa mga beerhouse sa Baguio. Minsan ay nakarating pa sila ng Sagada, isang lugar na anim na oras ang layo mula sa Baguio, para lang tingnan kung totoo ang balitang doon daw ay nagkalat ang marijuana. Tunay niya ngang kasundo si Tony. Ang hinanakit niya lang dito, na kalimita‟y kanyang ipinamumukha sa tuwing sila‟y kapwa lango sa alak o damo, ay ang hindi nito pagkukuwento ng mga karanasan, ng kanyang nakaraan. Ang tangi niya lang alam kay Tony ay ang pagiging engineer nito. Mayaman kung kaya‟t hindi na nagtatrabaho. Hindi malinaw sa kanya kung ano ang pinagkakakitaan ni Tony. Ang alam niya lang ay lumuluwas ito ng Maynila buwan-buwan, para “kumubra” ng pera. Pagkatapos nito‟y isang buwan na naman silang magtatapon ng pera sa mga beerhouse na nakakalat sa Baguio.


103

Klara

Sa tuwing dadako ang tingin ni Tony sa may gawing kaliwa ng silid aralan, napapansin niya ang kagyat na paglipat ng tingin ni Klara. Halatang itoâ€&#x;y nakatingin sa kanya, at biglang ipinapaling sa iba ang mukha sa tuwing siyaâ€&#x;y mapapalingon. Ang ganitong pangyayari ay nagdudulot ng kalituhan sa kanyang isip. Bakit siya tinitingnan ni Klara? Nangangahulugan ba ito na si Klara, na sa kanyang palagay ay siyang pinakamagandang babae sa buong paaralan, ay mayroong lihim na pagtingin sa kanya? Hindi nito kayang itago ang lagkit ng mga titig sa tuwing saglit na magtatama ang kanilang mga tingin, sa mga sandaling bago lumingon si Klara sa ibang direksyon. Animo may kuryenteng tumutulay sa mga titig na nag-uugnay sa kanila. Kumikinig ang mga tuhod ni Tony sa tuwing magtatagpo ang kanilang mga mata. Umuusbong sa kanyang noo ang gabutil na mga pawis, gumuguhit sa kanyang batok ang kilabot na pinapatingkad ng mga butlig-butlig sa kanyang balat na untiunting kumakalat pababa hanggang sa kanyang likod. Sa kanyang dibdib ay kumakalabog ang pintig ng animo daan-daang tambol na walang tigil na humahampas, nagpapakinig sa kanyang buong katawan. Matagal nang gustong magtapat ni Tony ng kanyang pagsuyo kay Klara. Ngunit ang mga balakin ay laging nasasapawan ng mas mabibigat na alalahanin. Una, sa tulad niyang pinagsasabay ang paghahanapbuhay sa pag-aaral, ang umakyat ng ligaw ay isang luhong hindi niya maaaring ipagpauna sa kanyang


104 mga nakatakdang gawain. Pangalawa, hindi pa man siya sinasagot ni Klara ay kailangan nang indahin ang kanyang panggugol sa tuwing sila‟y kakain sa labas o kaya‟y manonood ng sine. Pangatlo, pihadong pagagalitan siya ng kanyang ina kung ang kanyang i-eentregang pera ay babawasan niya ng pampanood ng sine kung sakaling maging magsyota sila ni Klara. Pang-apat, di hamak na mas may sinasabi ang pamilya nina Klara kaysa kanyang pamilya. Itong huli ay isa sa mga pinakaiinda niyang suliranin. Paano siya aakyat ng ligaw ganooong wala naman siya ni polong kupas na maaaring pumasang pamporma. Wala siyang matinong pantalon na maaaring isuot sa mga disenteng pagtitipon. Ang kanyang sapatos na Bantex ay malapit nang sumuko sa tadhana at kailangan nang palitan. Ang totoo, malaking palaisipan kay Tony kung bakit si Klarang anak ng mayaman ay nag-aaral sa isang paaralang pampubliko. Bakit nagtitiyaga ang mga magulang ni Klara sa isang pipitsuging paaralan gayong kaya naman ng mga itong ipasok si Klara sa mga sikat na eksklusibong paaralan? Ang sagot ay nalaman niya sa mga kuwentu-kuwentuhang ang prinsipal ng kanilang hamak na paaralan ay kumpare‟t kaibigang matalik ng ama ni Klara. Ngunit anuman ang mga sagka at balakid, hindi niya mapigilan ang sariling humanga kay Klara at mangarap na sana‟y balang-araw, maging kanya ang babaeng sinisinta. Isang araw, inabangan niya ang paglabas ni Klara. Sinundan niya ito sa may parking lot ng paaralan, kung saan ito‟y naghihintay ng sundo. Taliwas sa kanyang inaasahang ang lahat ng mayayaman ay karaniwang suplado‟t suplada, na sa tingin niya‟y bunga marahil ng kadahilanang iba ang pananaw ng mga mayayaman sa mga bagay-bagay, na karaniwan nang ang


105 anumang bagay na tamaan ng kanilang paningin ay napangingibabawan ng komersyal na halaga ng mga bagay-bagay, mainit ang pagbati sa kanya ni Klara. Nagkuwentuhan sila ng mga nangyari sa klase, mga aralin, mga kasalukuyang leksyong nahihirapang unawain, at marami pang iba. Ang pag-uusap na iyon, ang eksenang binigyang kulay ng papalubog na araw at papalamig na simoy ng hangin, ay mamamahay ng maraming taon sa gunita ni Tony. Mula noon, inaabangan niya lagi ang oras ng uwian. Ito lang ang pagkakataon na nakakausap niya si Klara ng sarilinan. Sa mga oras na ito‟y silang dalawa lang, sa may parking lot ng pamantasan. Nag-uusap sila tungkol sa masasayang bagay habang si Klara‟y naghihintay ng kanyang sundo. Kung minsan nama‟y sabay silang nag-aaral ng kanilang mga leksyon at aralin, nagtatanungan ng mga hindi nila maunawaan sa klase, nagtatalakayan ng mga aralin. Sa mga pagkakataong ito‟y natititigan niya nang matagal ang mukha ni Klara, ang mga biloy nito sa pisngi, ang mapula nitong labi, ang mga mata nitong nangungusap. Ang mga oras na iyon ang pinakamahalaga sa kanyang buong maghapon. Naiiisip niya, kung puwede lang sanang tumigil na ang pag-inog ng panahon sa mga oras na iyon, upang habambuhay na lang silang makapagkuwentuhan. Ngunit anumang pangangarap ang gawin nya, napuputol din ang kanilang sarilinan. Maya-maya ay dumarating na ang ina ni Klara, sakay ng isang magarang kotse, galing sa opisina nito sa Makati. Sa mga sandaling iyon ay sisinupin na ni Klara ang kanyang mga libro‟t iba pang gamit at magpapaalam sa kanya. Maiiwan siyang nakatingin sa papalayong kotse,


106 hanggang sa matauhan siya‟t maudlot ang pangangarap, at siya ma‟y maghahanda na ring umuwi. Madalas siyang punahin ng kanyang ina sa mga oras na natutulala siya habang kumakain o nanonood ng telebisyon. May mga pagkakataong nakatingin siya sa kisame nang matagal. “Hoy, Tony! Puta, kanina pa ko tawag nang tawag sa iyo, ah!” “Ano „yon, nay?” “Ano ba ang problema mo, bata ka? Bakit palagi kang natutulala?” “Wala ho, nay.” “Baka naman totoo yung sinasabi ni Dino na may pinopormahan ka raw sa eskuwelahan?” “Wala ho, nay.” “Hoy, Tony. Unahin mo „yang pag-aaral mo. Ang bata-bata mo pa, puro kalibugan na iyang laman ng kukote mo. Mag-aral ka nang mabuti. Hindi iyang puro kalandian na lang ang inaatupag mo sa eskuwelahan.” Marami pang sinasabi ang kanyang ina ngunit hindi ito nagpasuko sa kanya. Ang nagpasuko sa kanyang pangangarap, ang naging sanhi ng pagkaputol ng mahahabang sandali sa parking lot ng pamantasan ay ang kanya mismong sinisintang si Klara. Minsan, sa kanilang pagsasarilinan, tinanong ni Klara kung ano nga ba talaga ang nangyari at muntik na siyang masuspinde sa klase. “Gusto mo ba talagang malaman?” paniniyak niya. “Oo,” sabik na tugon ni Klara.


107 “Ikaw pa lang ang seryosong nagtatanong kung ano nga ba ang talagang dahilan.” Sa pag-uusap na iyon, inamin ni Tony na binalak niyang nakawin ang lata ng mga barya na nakapatong sa mesa ng kanilang guro. Noong mga panahong iyon, ang kanyang pamilya‟y kapos na kapos sa pera. Araw-araw ay kinukulit ang kanyang ina ng kanilang kapitbahay na usurera. Aniya, nang aktong nanakawin na niya ang lata ng mga barya, nagpahuli siya sa paglabas ng silid aralan. Ang plano niya‟y isilid sa kanyang bag ang lata kapag nakalabas na ang lahat ng kanyang mga kaklase. Ngunit nang dadamputin na niya ang naturang lata, biglang pumasok sa silid ang isang janitor, may dalang walis at pandakot, na siyang ikinaudlot ng kanyang plano. Inisip ni Tony na ipagpabukas na lang ang kanyang plano. Ngunit kinabukasan din, nawala ng lata at nagkataong ang napagbintanga‟y siya. Na naging sanhi ng sunod-sunod na mga pangyayaring muntik-muntikan nang maging sanhi ng kanyang pagkakasuspinde. “Hindi ko maisip na magagawa mo iyon, Tony.” “Ang alin? Ang pagpapaliban ng plano?” “Hindi. Ang pagnanakaw mismo. Kilala kita. Alam ko, mabait ka. At hindi mo kasalanan ang ibang mga kasong ibinibintang sa iyo ng teacher at mga kaklase natin. Bakit mo naisipang nakawin ang lata? Kung kailangan mo ng pera, bakit hindi ka humiram mga kaklase natin?” “Hindi ganoon kadali iyon, Klara. Saka, grade six lang tayo. Ang mga kaklase natin, ni hindi ako papansinin ng mga iyon, baka pagtawanan pa ako kapag sinabi kong wala akong pera.”


108 “Eh, di sa teacher ka manghiram ng pera.” “Ang teacher natin, walang pakialam sa mga estudyanteng walang pera. Hindi mo ba napapansin, lagi na lang ikaw at iba pa nating mga kaklaseng mayayaman ang pinapansin niya.” “Hindi naman kami mayaman, Tony.” “Pero kung ikukumpara mo sa amin, mapera talaga kayo, Klara.” “Eh, bakit hindi ka sa akin mangutang?” “Hindi ganoon kadali iyon, Klara. Ang totoo, may gusto ko sa yo. Matagal na. Di ba , dapat ako ang nagbibigay sa iyo ng pera dahil ako ang lalake?” Natahimik si Klara. Hindi na ito nagsalita hanggang sa dumating ang sundo nito. Kinabukasan, inabangan uli ni Tony ang labasan. Sinundan niya si Klara sa parking lot at umupo siya sa tabi nito. “Hi, Klara,” bati ni Tony. “Hi,” tugon ni Klara. “Kumusta ka, Klara.” “Mabuti. Alam mo, Tony, may maganda akong ibabalita sa iyo.” “Talaga? Ano?” “Sinabi ko sa mommy ko na kailangan mo ng pera. Pagdating niya mamaya, bibigyan ka daw niya ng pera.” Natahimik si Tony. hindi niya alam ang itutugon. Ano nga ba ang kailangan niyang sabihin? Ano ang kailangan niyang patunayan? “Bakit mo sinabi sa mommy mo, iyon, Klara?” “Gusto ko kasing makatulong sa iyo.”


109 “Bakit sa palagay mo ba, natutulungan mo ko sa lagay na iyan?” “Oo.” “Mali. Kapag umakyat na ako ng ligaw sa inyo, sasabihin ng mommy mo, „Ah, ito yung kaklase ni Klara na walang pera‟. Gusto mo bang mangyari iyon?” “Mabait naman ang mommy ko, eh. Saka nung kinuwento ko sa kanya na balak mong nakawin ang lata, sabi niya, hintayin daw natin siya ngayon. Bibigyan ka daw niya ng pera. At hindi utang iyon. Bigay talaga sa iyo.” “Hindi mo ba naiiisip, Klara, na baka nahihiya rin ako? Na baka may natitira pa kong hiya sa katawan ko? Ang hirap kasi sa inyong mayayaman, ang tingin ninyo sa amin, mga patay-gutom!” “Hindi, Tony. Mataas ang tingin ko sa iyo. Kaya nga gusto kong bigyan ka ng mommy ko ng pera. Ayokong magkaroon ng boyfriend na magnanakaw.” “Hindi ako magnanakaw, Klara.Akala ko ba, mataas ang tingin mo sa akin.” “Pero binalak mong magnakaw, di ba? Sabi mo pa nga sa akin—” Hindi na naituloy ni Klara ang sasabihin nito. Humagulgol na ito ng iyak. Ang mga mata man ni Tony ay unti-unti na ring nagtutubig. Masakit para sa kanya ang makitang umiiyak si Klara. Ngunit mas lalong masakit ang tinuran ni Klara. Tumayo siya‟t nagpaalam para sa tingin niya‟y huling pagsasarilinan nila ni Klara. “Klara, uuwi na ko. Kailangan ko pang umigib ng tubig para may baon ako bukas. Sabihin mo na lang sa mommy mo, salamat. Hindi ko kailangan ang tulong at alipusta n‟yo.”


110 Hindi nag-angat ng mukha si Klara nang siyaâ€&#x;y lumayo. Nanatili itong nakatungo at umiiyak.


111 Tess

“I don‟t want a fucking relationship, I just want sex.” Ito ang pangungusap na binitiwan sa akin ni Tess habang nagmamadali niyang pinupulot ang mga hinubad niyang baro. Dumukwang siya sa ilalim ng mesa para tingnan kung naroon ang kanyang panty. Natural, wala. Kasalukuyan itong nakakuyumos at nakatago sa ilalim ng kutson ng sofa na siyang pinagparausan namin ng matagal nang kinikimkim na mga pagnanasa. Ilang araw matapos ang komprontasyon sa opisina ni Dali, napagtanto na ng mga nakararami na malapit na akong “mamaalam” sa kumpanya na limang taon ko ring pinagsikapang pag-ambagan ng talino‟t pagod. Ni walang pinagbago sa pag-uugali ko. Ang tingin ko pa nga, mas lalong lumala. Para bang mas ginaganahan akong mam-bullshit ng mga empleyada ngayong mayroon na akong final warning mula kay Oscar, kay Dali, sa Legal at sa Personnel. Ang mga malalaking tae, ito rin ang tantya. Ang tingin ko, ipinagpapalagay nilang hindi kayang pagbayaran ng mahusay kong pagtatrabaho ang mga perhuwisyong inakyat ko sa kumpanya. Pinakahuli ay ang pagrereklamo sa DOLE ng mga empleyado, na muntik-muntikan nang maging sanhi ng pagkakasangkot ng kumpanya sa masalimuot na labanan sa korte. At sa kalagayang

ang

kumpanya

ay

nataong

nakalinya

sa

mabantot

at

mapagsamantalang iskemang seguro, iniiwasan nitong masangkot kahit sa mga maliliit na kasong maaaring maging daan para ungkatin ng korte ang mga itinatago nitong baho.


112 Ngayong sigurado na ang pag-alis ko, na naging kapansin-pansin dahil sa pag-aayos ko ng mga files at iba pang papeles na iiwanan sa kung sinumang hahalili sa akin, maraming mga ispekulasyon, tuwa, panghihinayang, na kaugnay ng pamamaalam. Maraming mga empleyado ang lihim na natutuwa. Maraming hindi lihim ang pagkatuwa, tulad ng sekretarya kong si Lorna, at ibinabandila pa sa mga kasamahan sa department ang kanilang nag-uumapaw na galak dahil sa napipintong pag-alis ko. Marami rin ang nanghihinayang at nalulungkot. Hindi ko alam kung anoâ€&#x;ng nakita ng mga empleyadong ito at nalulungkot sa pag-alis ko. Isa sa mga nalulungkot at nanghihinayang ay si Tess. Matagal na kaming naggigirian at naghihintay na lang ng magandang timing para pakawalan ang mga nag-uumalpas na pagnanasa, na isang hapon ay nagkaroon ng katuparan. Sa loob ng limang taon kong pamamayagpag sa bulok na kumpanya, ni minsan, hindi ko naka-jamming sa kama si Tess. Ang tantya ko, pareho kasi kaming naguumapaw sa pride, parang ayaw aminin ng isang may amats siya sa isa, hanggang sa matuloy sa paggigirian na lang. Nasa Spain si Dali, dumalo sa isang pagtitipon ng mga taong nauulol sa teknolohiya. Buwan-buwan kasi, may mga ginaganap na ganoong pagtitipon. Isa man sa mga ito, walang pinapalagpas si Dali. Iisa lang dahilan kung bakit gustong-gusto niyang makapunta sa mga pagtitipon, sukdang sariling pera na niya ang ginagastos niya, sa mga panahong ayaw siyang gastusan ng kumpanya dahil napaghahalata na ang

dalas ng pag-alis niya. Ang dahilan ay upang

makibalita sa mga taong tulad niya ring nauulol sa tuwing may bagong produkto ang Intel, Microsoft, Oracle, IBM at iba pang mga big time ng Silicon Valley.


113 Isang malaking obsesyon kay Dali ang computer. Ang bagong teknolohiya ang nagpapadaloy sa dugo niya. Alam ko, pagkakataon na para magparaos. Alam din ito ni Tess kung kaya‟t hindi niya pinag-overtime ang dalawa pang sekretarya ni Dali. Bandang alas-singko medya ng hapon nang puntahan ko si Tess sa opisina ni Dali. Pagpasok na pagpasok ko, nilundag ako ni Tess. Naglambitin kaagad sa leeg ko. Ang dalawang paa, iniyakap sa baywang ko, at pinupog ako ng halik. Wala akong nagawa kundi sapuhin siya sa puwet at gumanti ng halik. Pabagsak kaming nahiga sa malambot na sofa. Mabilis kaming nakapaghubad, at ilang sandali lang, humihingal kaming nakaupo at pawis na pawis. Nagsindi kami ng sigarilyo. “Bakit ni wala ka man lang pasintabi,” tanong ko sa kanya, “basta mo na lang ako nilundag at sabay nilapang?” “Malapit ka na kasing umalis.” “Ako lang ba?” “Ano‟ng ibig mong sabihin?” “Hindi ka ba susunod sa akin?” “Bakit naman ako susunod?” “Come on, Tess. Gusto natin ang isa‟t isa. Magsama na tayo. Maghahanap ako ng mas magandang trabaho. Ikaw, puwedeng sa bahay ka na lang.” “Gusto kita, Tony. Pero wala pa akong balak na maging plain housewife.”


114 “Eh ano‟ng gusto mo? Magpakantot na lang sa manyak na si Dali habambuhay?” “Hindi siya manyak. Oo, marami siyang babae, pero gentleman siya.” “Ano‟ng gentleman? Gentleman ba ang kumaliwa sa asawa? Manyak ang tawag doon, Tess, kung hindi mo pa alam.” “Manyak na kung manyak. At ano naman ang pakialam mo kung magpakantot ako kay Dali? Eh kung sabihin ko sa iyong mas gusto ko ang romansa niya kesa sa iyo?” “Tang ina mo, Tess. Akala mo ba, hindi ka pagsasawaan ng manyakis na iyon?” “Pagsasawaan din ako, alam ko. Pero pagdating ng araw na iyon, sinisiguro ko, hindi na lang ako sekretarya.” “Mapo-promote ka? Paano ka mapo-promote, eh Secretarial lang ang tinapos mo? Saka, nauna ka pa sa akin dito. Alam mo ang mga patakaran dito na hindi nasusulat. Dito sa kumpanya, malaking issue ang seniority. Mas unang iaangat sa tungkulin ang mga matatandang bobo at kupal kaysa sa mga batang maabilidad.” “Nasa husay ng diskarte iyan, Tony. Ikaw, may pinag-aralan ka nga, hindi ka naman marunong makisama. Kaya ngayon, mawawalan ka ng trabaho. Oo, alam ko, madali kang makakahanap ng bagong trabaho dahil topnotcher ka sa board exams. Pero sigurado ko, hindi rin tatagal sa iyo yung kumpanyang lilipatan mo.” “Putang ina ka. Sino ka para pagsabihan ako ng ganyan?”


115 “Asar-talo ka Tony kase alam mong totoo ang sinasabi ko. At alam mo ring hindi ka na uunlad. Hanggang ganyan ka na lang.” Mariing sampal ang isinagot ko kay Tess. Tang ina niya, kung magsalita siya, akala mo siya ang may-ari ng putang inang kumpanya. “I hate you! I don‟t want a fucking relationship! I don‟t need your fucking companionship!” “Eh bakit ka nagpakarat sa akin?” “I just want sex, that‟s all.” “Then let‟s do it, baby. I‟m a fucking sex machine.” “Go to hell, you fucking bastard!” Pagkasabi niyon, pinulot ni Tess ang mga damit niya. Hindi niya makita ang panty niya kung saan napunta. “Nasaan ang panty ko?” “Ewan ko. Ba‟t sa akin mo itatanong, di ba ikaw ang may suot noon kangina?” “Fuck you.” Pumasok siya sa maliit na banyo sa loob ng opisina ni Dali. Pinatay ko ang sigarilyo ko, idinuldol ko ang upos sa barnisadong mesa ni Dali. Dinukot ko ang panty ni Tess na itinago ko sa ilalim ng kutson ng sofa noong kinakarat ko siya, nilamukos ko‟t ipinasak sa bulsa ng pantalon ko. Lumabas ako ng opisina ni Dali at tumuloy sa opisina ko. Nakauwi na si Lorna. Lagi namang maaga kung umuwi ang gagang iyon. Ang tingin niya, sa tuwing lalampas ng alas-singko ng hapon, malaki ang posibilidad na gahasain ko siya. Puta, ni hindi na niya inisip na naaalibadbaran ako tuwing makikita siya


116 kaya kailan man, kahit siguro lasing na lasing ako, hindi ko magagawang galawin siya. Sayang. Kung papayag lang si Tess na sumama sa akin, puwede na siyang magbuhay-milyonarya. Pero ayaw niya, mas gusto niyang magpakamartir sa punyetang kumpanya kayaâ€&#x;t wala na akong magagawa. Kung tutuusin, kahit medyo malandi si Tess at mahilig magpa-cute sa kung kani-kanino, suwerte pa rin ang mapapangasawa niya. Pucha, sa katawan pa lang sulit na sulit na ang sinumang lalake. Maski siguro ang Papa sa Roma, titigasan kapag nakita si Tess at ang mga suso nitong nagmumura. Kaya lang, ang mahirap kay Tess, bobo siya. Hindi niya alam na ako ang dapat niyang pakisamahan at hindi ang mga kupal heads ng IT. Sayang. Sa pagresbak ko sa kumpanya, siguradong madadamay siya. Dinukot ko ang panty ni Tess sa bulsa ko. Inamoy-amoy ko. Sayang.


117 Pablo

Sampung taon na ang nakalipas nang unang makilala ni Pablo ang isa sa mga pinakamahalagang tao sa kanyang buhay. Ito ang kanyang bayaw na si Rudy. Si Rudy, asawa ng kapatid niyang si Paulina, ang gumabay sa kanya sa masalimuot ngunit tubong-lugaw na landas ng seguro. May mga butil ng pawis sa noo ni Pablo habang ipinaliliwanag sa kanya ni Rudy ang mga bentaheng idudulot sa kanya ng seguro. Ayon dito, kung siya ay magpapatala sa seguro, kung gagawin niyang miyembro ng insurance corporation ang kanyang maliit na shop, kung saka-sakaling biglang magkaroon ng sunog o iba pa mang sakuna, siya ay babayaran ng insurance corporation. “Hindi ba‟t sa halip na malungkot ka kung masunugan ka, sasaya ka dahil magkakaroon ka ng maraming pera? Makakabawi ka sa nasunog sa iyo, at sobra-sobra pa kaya madadagdagan ang puhunan mo.” Ilang gabi niyang pinagpuyatan ang payo ng ni Rudy. Ang ideya ng pagkakaroon ng pera sa sunog ay matagal na nagsayaw sa kanyang gunita, sinasaliwan ang kanyang pag-iisa, pinaghehele ang kanyang pagtulog, tila isang musang sa tuwina‟y naroon sa kanyang tabi. Makalipas ang ilang panahong pagtitimbang-timbang ng mga usapin, at matapos makulili sa maya‟t maya‟y paniningil sa kanya ng kanyang mga pinagkakautangan, napagtanto ni Pablo na ang pinakamainam na solusyon ay ang magpamiyembro ng seguro. Atubili siya sa kadahilanang batid niya ang laki ng kanyang gugugulin. Ayon kay Rudy, kung nais niyang malaking halaga ang makuhang salapi sa


118 pagkasunog ng kanyang shop, kinakailangang mataas din ang kanyang huhulugan. Ngunit ayon naman dito, ang anumang naibayad niya‟y mababawi niya ng kung ilang porsyentong tubo. Mahalagang tao sa kanyang buhay si Rudy. Ito nalalabing pag-asa upang maisalba ang pamumuhunang unti-unti nang nasasaid dahil sa kanyang mga bisyo. Noong mga panahong iyon, kasama sa mga nakalista sa talaan ng kanyang mga bisyo ang alak, sigarilyo, babae, karera, hueteng, bingo, sakla at pusoy. Noong umpisa‟y mahirap. Kung saan-saan siya nangungutang ng pera huwag lamang makaliban ng paghuhulog. Ngunit ang hirap ay hindi nakapagpalamyo sa kanyang engrandeng plano. Dalawang milyon pagkatapos ng ilang buwang paghuhulog. Makalipas ang dalawang taon, anaki‟y kisapmatang naging milyonaryo si Pablo. Sa tulong ni Rudy, na biniyayaan niya ng ilang porsyento batay sa kanilang lihim na kasunduan, napagtakpan ang mga ebidensya ng arson at napabilis ang pagsasaproseso ng bayaran. Ang kanyang maliit na shop ay lumaki. Ang kanyang mga utang ay nabayaran. Ang kanyang mga bisyo ay umusbong at lumago. Makalipas ang dalawang taon, muli na namang nasunugan si Pablo. Noo‟y mayroon na siyang malaking tindahan ng mga sapatos sa pamilihang bayan. Bukod pa rito, mayroon siyang malaking shop na naghahatid ng mga pagawa ng mga malalaking department store. Marami-rami na rin ang kanyang tauhan. At upang lalo pang lumago ang negosyo, muli ay tinupok ng sunog ang kanyang shop. Tulad ng nakaraan, ang sunog ay dinisenyo upang hindi


119 magmukhang sinadya. Inumpisahan ang sunog sa ilang mga kalapit na kabahayan. Walang kamaly-malay ang mga tao na ang kanilang mga bahay ay binubuhusan ng gasolina upang kaagad ay magliyab. Ang apoy ay sadyang ginawan ng tatahaking daan, mga kabahayang may saboy ng gasolina, hanggang sa makarating sa shop ni Pablo. Ang shop ay basang basa ng gasolina. Sa oras na ito‟y madilaan ng apoy, agad itong magniningas at kasabay na matutupok ng buong shop ang anumang ebidensya ng arson. Nadagdagan ang milyon ni Pablo. Dalawang sunog pa, aniya, ay maaari na siyang magtayo ng isang malaking-malaking tindahan ng sapatos. Ipupuwesto niya ito sa sentrong lunsod, sa mga lugar na madalas puntahan ng mga tao. Ngunit ang huling sunog ay lumikha ng dalisdis. Nagbunga ang imbestigasyon ng korporasyon ng seguro. Di naglaon, si Pablo‟y nahatulang pagbayaran ng kung ilang taon sa bilangguan ang kanyang kasalanan. Ang mga nasalanta ng sunog, ang mga may-ari ng kabahayang nangatupok dahil sa kanyang kasibaan ay pawang nagsipagsampa ng kaso. At ang mga ito‟y kanyang binayaran ng kung ilang milyon. Pagkuwa‟y hinintay niyang matapos ang kanyang paninilbihan sa loob ng bilangguan. Sa kanyang paglaya, ang kinabagsakan niya‟y sa looban, kahalubilo ng mga tulad niya ring pinanawan na ng pag-asa, at ang tanging hangad na lang ay tustusan ang maliliit na pangangailangan sa pang-araw-araw. Sa may labasan ng looban, siya‟y naglagay ng isang silya at pinakintab ang sapatos ng sinumang


120 handang magbayad. Ang kanyang pangala‟y nagkaroon na ng panibagong binyag na apelyido. Kung tawagin na siya ngayo‟y Pablong Shoeshine. Ang dating matikas niyang tindig na likas sa mga mapalad na komersyate ay naging tungo. Mahaba ang kanyang buhok. Ang kanyang bigote‟t balbas ay nagdagdag ng kung ilang porsyento ng pagkamiserable sa nakakaawa niyang hitsura. Ang kanyang mga suot ay luma‟t natatagpian sa iba‟t ibang bahagi.

Madalas ay bisita nina Tony si Pablong Shoeshine sa kanilang bahay. Ipinagluluto ito ng kanyang ina ng makakain. Hindi iniinda ng kanyang ina ang amoy alak na hininga ni Pablo. At isa ito sa mga kinamumuhian ni Tony, ang alalahaning ang kanyang ina ay nililigawan ng isang arsonista. At batay sa takbo ng mga pangyayari, mukhang ang loob ng kanyang ina ay nahuhulog na kay Pablo. “Pagbigyan mo na ako, anak,” pakiusap sa kanya ng kanyang ina. “Bahala ka, nay. Wala akong pakialam sa gusto mo. Basta ayokong dito tumira yang hampaslupang iyan.” “Kung magsalita ka, akala mo kung sino ka. Bakit, tayo ba, hindi hampaslupa?” Wala siyang tutol kung gusto mang mag-asawa ng kanyang ina. Ang kanyang tutol ay bunga ng dahilang sa dinami-dami ng mga lalakeng mapagpipilian, si Pablo pa ang napili ng kanyang ina. Hindi bale nang magnanakaw, huwag lang arsonista. Ang maging arsonista ay mortal na kasalanan sa kulturang iskwater. Okey lang kung nakawan mo ang kapitbahay mo, okey lang kung gahasain mo ang kapitbahay


121 mo, okey lang kung patayin mo ang kapitbahay mo. Kahit papaano, ikaw lang at ang kapitbahay mo ang mapeperwisyo ng kawalanghiyaan. Pero ang maging arsonista,

ang manunog ng bahay ng

may bahay para

sa

sariling

kapakinabangan, ibang usapan na iyon. Sa arson, maraming nadadamay. Hindi lang ang kapitbahay mo, kundi maaaring ang buong bloke ng kabahayan. Bakit si Pablo pa? Si Pablo na kinukutya ng buong looban. Si Pablo na ang buhay ay madalas i-broadcast sa buong looban. Ang nakaraan nito, ang karanasan nito bilang arsonista ay nakatatak sa noo nito. At kalat na sa buong looban na si Pablo‟y malimit nilang bisita. At totoong makakapili ang kanyang ina ng higit kay Pablo. Kaiba sa mga nanay sa looban, hindi mataba ang kanyang ina. Balingkinitan ang katawan nito. At bagamat sunog sa araw ang balat, masasabing kung naging angat ang kanilang buhay, maganda ang kanyang ina. Dangan nga lamang at sila‟y mahirap lang. Mahirap pangalagaan ang ganda kung mamad sa paghihirap. Sa looban, batid niya na maraming may pagnanasa sa kanyang ina. Hindi laylay ang mga suso nito, hindi tulad ng mga nanay sa looban na dose-dosena ang pinasususo, at nakikisuso pa ang mga dapat sana‟y hindi na nakikisuso.. “Ano ang gusto mo, Tony, hindi na ako lumigaya?” “Hindi naman ho sa ganoon. Pero bakit ho kay Pablong Shoeshine? Kaya ba kayong pakainin noon?” “Si Pablo lang ang totoong tao dito sa atin. Siya lang ang hindi plastik, hindi matapobre. Tingnan mo nga ang ibang lalake rito. Walang inatupag kundi uminom at magpalaki ng bayag. Si Pablo, kahit papaano, may hanapbuhay. Marangal na tao.”


122 “Inay, arsonista si Pablo.” “Pinagbayaran na niya ang kasalanan niya. Pinatawad na siya ng gobyerno. Kayo na lang ang hindi pa nagpapatawad sa kanya. Ano‟ng klase kayong mga tao? Hindi pa ba sapat ang pagdurusa ng tao? Iniwan na siya ng asawa‟t mga anak. Lahat ng mga kamag-anak niya, hindi na siya kinikilala mula nang makulong siya. Bakit hindi n‟yo pa siya tigilan? Bakit, kayo ba, walang kabulastugang ginagawa? Pare-pareho lang naman tayo rito sa looban, ah. Gasgas na tayo sa dami ng mga iligal na pinaggagagawa natin. Huweteng, sugalan, droga, lahat na ng bisyo!” “Nay, sa iba na lang kayo pumatol. Marami diyang mas higit pa kay Pablo.” “Ano‟ng gusto mo, pumatol ako sa isang eksekyutib sa Makati? Kung pumatol man ako, sa tingin mo papatol sila sa akin? Tingnan mo nga itong hitsura ko. Sa tingin mo, papatulan ako ng mayaman?” Bumaba ng hagdan si Tony. Ayaw niyang makipagtalo sa kanyang ina. Sa karanasan, wala pang nananalo sa pakikipagtalo rito. Sa pagbaba ng hagdan nila, maraming mga taong nagkukumpulan. Bagamat ordinaryo na sa looban ang sigawan sa mga bahay-bahay, marami pa ring nanonood ng mga bagong mga awayan sa mga tahanan. Ito ang paraan ng kanilang mga kapitbahay para maigpawan ang sari-sariling mga problema. Ang usapin ay kahit maraming problema, marami pa ring pamilya ang mas maraming problema. At ito‟y tunay na nakakagaang ng loob, ang malamang ang iba‟y nagtataglay ng mas malalalang problema.


123 Kinatkatan ni Tony ang mga taong nakapalibot. Itinaas niya ang panggitnang daliri ng magkabilang kamay habang tuloy-tuloy ang paglalakad niya papalayo sa kanilang tahanan, papalayo sa hagulgol ng kanyang ina.


124 Dondon

Sa konting pambobola, nahuli ni Tony ang loob ni Dondon. Isa itong pambihirang pangyayari sa ganang si Dondon ay hindi regular na nakikihalubilo sa mga tao sa looban. Kung may kulo man ito ng kalandian, na bunga ng katotohanan ng pagiging bakla nito, hindi matingkad na mamamalas sa kalimitang malungkot nitong anyong panlabas. Batid ng buong looban ang sekswal na oryentasyon ng nag-iisang anak na lalake ni Sgt. Pepper. Tunay ngang ang pagkalalake, ayon sa mga beterano ng kanto, ay hindi maaaring ipamana. Ang pagkalalake ay hindi tulad ng ibang katangian ng mga magulang na naipapasa sa mga anak. Maliban na lang kung may palihim ding “landi” si Sgt. Pepper, kung patagong tumitikwas ang mga kanyang mga hinliliit sa tuwing may puntong gustong bigyan ng linaw, sa ganitong lagay ay maaaring masabi na ng mga beteranong istambay at mga tismoso‟t tsismosang intelektuwal na maaari ngang ang pagkabakla ni Dondon ay minana nito sa kanyang ama. Ang kaso ay hindi. Walang maipintas ang mga taga-looban ni katiting na pagtalilis sa pagkalalake ni Sgt. Pepper. Siya, si Sgt. Pepper, ay imahen ng pagkalalake: brusko, maprinsipyo, at nitong huling mga taon ng kanyang pagseserbisyo bilang pulis, babaero. Nabalita sa buong looban ang kanyang maikling panahon ng pakikiapid sa kanyang kumare, na sa kung ano‟ng dahilan na hanggang ngayo‟y tinutuklas at iniimbistigahan pa ng mga taga-looban, ay


125 biglang natapos. Wala, wala ni isang indikasyon na si Sgt. Pepper ay “hindi gaanong lalake”. Samakatwid, tama ang pahayag ng mga beterano sa looban na ang pagkalalake ay hindi naipapamana. Kung bakit ay makikita sa buhay na katunayan— ang pagiging bakla ni Donato Cruz Jr. At sa pagiging bakla ni Donato Cruz Jr. o Dondon, nakakita si Tony ng matalim na sibat na siya niyang magagamit sa panahon ng paniningil. Ipinakilala ni Tony si Dondon sa kanyang kaklaseng si Wayne. Kung paano nakumbinse ni Tony si Dondon na sumama sa kanya sa kanyang pagpunta-punta sa UP, kung paano niya napaglapit si Dondon at si Wayne, at kung paano niya naigiya ang mga pangyayari para umayon sa kanyang mga plano, ay isang masalimuot at mahabang kuwento na nag-umpisa isang umaga, sa may bukana ng looban. Isang umaga, nag-aabang si Tony ng masasakyan papuntang eskuwela. Mayroon siyang nakatakdang pagsusulit noong umagang iyon at kung maaari ay liliparin niya ang pamantasan upang huwag lamang mahuli sa klase. Pasulyapsulyap siya sa relo ng mamang tulad niyang nag-aabang din ng masasakyan. Bakat ang pag-aalala sa mukha ni Tony habang pasalit-salit ang dapo ng kanyang paningin sa relo ng mama at sa mga nagdaraang mga sasakyang punong-puno na ng mga pasahero, na mandi‟y kapag sumabit pa siya, baka ang mga naturang sasakyan ay bigla na lang dumapa sa gitna ng kalye sa bigat ng kargada. Namamawis na ang kili-kili ni Tony sa tagal ng pagkakatayo sa may bukana ng looban. Inabutan na siya ng pagtaas ng araw.


126 Maya-maya‟y namataan niya si Dondon, papalabas ng looban. Nakabihis ito ng unipormeng pamasok. May pulang lasong nakatali sa mahaba nitong buhok. Sa mukha nito‟y mababakas ang make-up na sa tantya ni Tony ay nasobrahan ng pahid. Kipkip nito sa dibdib ang mga libro. Ayos. Pagkakataon ko na ito. “Hi,” bati ni Tony nang huminto sa may tabi niya si Dondon. “Hi,” matipid na tugon nito. “Late ka na, ah,” pahabol ni Tony. “Oo nga, eh. Ikaw, mukhang tinanghali rin.” Naghahanapbuhay kase ko sa gabi. Hindi tulad mong puro kalandian ang laman ng isip. “Oo nga. Bad trip. May test pa naman kami ngayon.” Ilang sandaling walang imikan. Pagkuwa‟y nagtanong si Tony. “Ano‟ng oras na ba, Dondon?” “Mag-aalas-diyes na. Ano na naman kaya ang ikakatwiran ko sa prinsipal namin?” Eh, di sabihin mo, nanlalake ka pa. Sa laki ng burat, natagalan ka. “Sabihin mo, matrapik. Talaga namang sobra ang trapik sa buong Maynila. Iyan ang isang problemang kahit kelan hindi masosolusyunan ng gobyerno.” Hindi kumikibo si Dondon. Pinara nito ang isang dyip na nagdaan. Bumabayo sa pandinig ang maingay nitong stereo. Ni hindi nag-minor ang dyip, halos nakatingala na ito sa dami ng mga nakasabit na pasahero.


127 “Dondon,” anas ni Tony, “ano kaya kung lakarin natin hanggang doon sa may kanto. May bakery doon, puwedeng makapag-almusal na lang muna. Tutal pareho naman tayong late na sa pupuntahan.” “Baka lalo tayong ma-late,” nag-aalalang tugon ni Dondon. “Ganoon din naman. Hindi naman tayo masasakay dito dahil laging puno ang mga nagdaraan. Tutal huli na tayo, eh, di magpaka-huli na. At least, ako, di na baleng mahuli basta busog . Mag-aalmusal muna ko. Ikaw din, baka ka magutom. Saka, mas maraming dyip na dumaraan doon sa kanto. Mga kolorum, wala pang sakay.” “Nag-almusal na ko, ikaw na lang.” “Kahit na. Doon pa rin mas magandang mag-abang, maraming jeep.” “Sige na nga.” Naglakad sila hanggang sa may kanto. Doo‟y nangangalabit ang amoy ng mga bagong tinapay na niluluto sa karatig na panaderya. “Halika, mag-almusal muna tayo.” “Ikaw na lang. Baka kasi mahuli na „ko. Saka, tapos na nga akong magalmusal.” “Eh, talaga namang huli ka na, eh. Ano pa ang inaalala mo? Halika na, magmeryenda ka na lang.” Bantulot na sumonod si Dondon. Sa loob ng panaderya ay may ilang mesa at mga upuan. Umupo sila sa may malapit sa kahera. Umorder si Tony ng dalawang hiwa ng egg pie at dalawang softdrinks. Lumapit siya sa kahera at binayaran ang mga pagkain at pagkuwa‟y umupo siya sa harap ni Dondon. Tang ina, pambili ko sana „to ng libro.


128 Dumukot si Dondon sa kanyang bulsa para bayaran kung magkano man ang nagasta ni Tony, sa ganang binayaran nito pati ang dapat ay kay Dondon. Pinigil siya ni Tony. “Bakit hindi ka nakikipagsosyalan sa mga tao sa atin?” bungad ni Tony. “Pakiramdam ko kasi, nandidiri sila sa akin.” Nakakadiri ka naman talaga, eh. “Bakit naman? May mga sinasabi ba sila tungkol sa iyo?” “Wala naman. Siguro parang pagrespeto na rin sa tatay ko dahil dating pulis. Pero kung nagkataong hindi dating pulis ang tatay ko, baka araw-araw magugulpi ako.” Tama! Baka ako ang unang-unang gumulpi sa iyo! “Hindi naman siguro.” “Kung ikaw ang lumagay sa katayuan ko, Tony, baka araw-araw mapraning ka dahil sa pagtrato sa yo ng mga tao.” Hinayaan ni Tony si Dondon, na ilabas nito ang mga natatagong hinanakit, mga tinitimping galit. “Kahit hindi sila magsalita, alam ko, parang nandidiri sila sa akin. Ewan ko ba, parang takot na takot sa mga tulad ko ang mga taga-atin. Kahit siguro may isang milyon na ang popolasyon ng mga bakla sa buong Pilipinas, iba pa rin ang pagtingin nila sa mga tulad ko. “Kung minsan, naiiisip ko, ano kaya kung lumayas na lang ako? Kaya lang, wala naman akong mapupuntahan. At tiyak, hahanapin ako ng itay. Hindi rin ako makakalayo. Kung gusto kong putulin ang ugnay ko sa looban, dapat mag-abroad ako para hindi na talaga ako masundan.


129 “Ang itay, dismaya sa akin. Gusto niya, anak na lalake. Matapos ang siyam na beses na panganganak ng inay, nagkaroon siya ng lalake. Ang hindi niya alam, ako pala. Walang-wala sa isip niya na lilihis ako sa kasarian ko. “Napapansin ko, iniiwasan ako ng mga tao sa looban. Hindi lang naman ako ang umiiwas, pati sila. Kasi nga nandidiri sila sa „kin. Hindi mo lang alam, ang sakit-sakit ng konsensya ko, nahihiya ako dahil binigo ko ang itay. Nagtataka nga ako kung bakit ikaw, inaya mo pa kong kumain. Hindi ka ba naaasiwa sa „kin?” Nandidiri ako sa yo, puta ka! “Hindi,” tugon ni Tony. “Mabuti ka pa, Tony. Hindi katulad ng mga ipokrito‟t ipokritang kapitbahay natin. Alam mo, suwerte ang mapapangasawa mo. Kase, ambait-bait mo.” “Nagtataka ko, Dondon, kung bakit ba alalang-alala ka sa kalagayan mo sa looban. Iba na ang panahon ngayon. Marami nang katulad mo. Sa lipunan, sandamakmak ang mga bakla, hindi naman pinapansin ng mga tao. Parang ordinaryo na lang, ganoon.” “Marami ba talaga kami?” “Maraming marami. At karamihan, hindi ikinakahiya ang pagiging bakla nila.” “Nagtataka ko, Tony, bakit sa ibang lugar, andami-daming bakla. Pero sa lugar natin, ako lang. Bakit?” Dahil ang mga bakla sa atin, pinapatay. “Ewan ko. Balwarte kasi ng mga barako yung sa atin. Baka siguro, yung mga baklang hindi pa ipinapanganak, naiimpluwensyahan na ng kamachohan ng


130 mga taong nakapaligid. Kaya paglabas sa nanay nila, nagamot na, hindi na bakla.” Natawa si Dondon sa tinuran ni Tony. Nagtakip ito ng panyolito sa bibig. “Don, tutal, huling huli ka na sa eskuwela, huwag ka na lang pumasok. Sama ka na lang sa akin sa UP.” “Naku. Cutting classes? Nagpaalam na ako sa bahay, alam nilang papasok ako sa school.” “Hindi naman nila malalaman, eh. Saka ano ang gusto mo, ang magkandautal ka ng kapapaliwanag sa maestra mo kung bakit ka late? Bukas ka na lang pumasok para madaling mangatwiran. Sabihin mo, nagkasakit ka.” “Eh paano kung hingan ako ng excuse letter, tapos kailangan may pirma ng magulang?” “Alam mo, Don, normal na gawain ng mga estudyante ang ganyan. Sanay na tayo dapat sa ganyang mga diskarte. Bakit, alam ba ng maestra n‟yo kung ano‟ng hitsura ng pirma ng tatay mo? Eh di, ikaw ang pumirma. Hindi na malalaman ng eskuwelahan iyon.” Bantulot ang pagtayo ni Dondon. Dinampot ni Tony ang mga libro nito sa mesa at lumabas ng panaderya. Pinara niya ang noo‟y paparating na taxi. “Dondon, halika na!” “Sige na nga!”

Sa UP, nananghalian sila sa isang karinderya. Pagkuwa‟y inilibot ni Tony si Dondon sa iba‟t ibang mga building. Ipinakilala sa ilang mga kakilala. Isinama niya si Dondon sa shopping center. Doon ay tumingin sila ng mga tinitindang


131 libro, magazine, kamiseta, at iba pang paninda. Aliw na aliw si Dondon sa pagbubuklat ng mga magasin na naglalarawan ng mga bagong moda sa pananamit, sa make-up, at iba pang koloreteng pambabae.. “Tony, may bibilhin sana ko,” anas ni Dondon sa kanya habang nagbubuklat siya ng isang science magazine. “Eh, di bilhin mo.” “Kulang ang pera ko, eh.” Sa isip ni Tony ay kinalkula niya ang natitira niyang pera na dapat sana‟y ipambibili niya ng libro. May nabawas na sa nakalaan niyang pera, ngunit ito nama‟y dapat niyang ituring na isang tipo ng pamumuhunan, may kapalit na mas malaking tubo sa tamang panahon. “Sige, pahihiramin kita. Magkano ba ang kailangan mo?” “Sisenta pesos kasi itong fashion magazine. Trenta lang ang pera ko.” Nanlaki sa tuwa ang mga mata ni Dondon ng dumukot si Tony ng pitaka. Naglabas siya ng tatlong sasampuin at iniabot kay Dondon. “O, ayan. Masaya ka na?” “Naku, tenk yu, Tony. Ang bait-bait mo talaga.” Ulol! Kanina pa ko nagtitimpi sa yo.

Sa kanilang paglabas sa shopping center, namataan ni Tony si Wayne. Naglalakad ito, at ang tantya ni Tony ay papunta na naman sa UP lagoon. Ayos! Two birds in one stone! Tingnan mo nga naman ang suwerte. “Don,” anas ni Tony, “ipapakilala kita sa kaklase kong Amerikano. Sigurado, magugustuhan mo iyon dahil guwapo saka mabait.”


132 “Talaga? Sige, ipakilala mo ko.” Binilisan nila ang lakad para maabutan sina Wayne. “Wayne!” “Hey, Tony! What‟s up, buddy?” I‟m not your fucking buddy, you stupid degenerate American pedophile! “I‟d like you to meet my friend. Dondon. Dondon, this is Wayne.” Nagkamay ang dalawa. Sinabi ni Tony kay Dondon na siya‟y mayroon pang papasukang klase kung kaya‟t maiiwan na niya sila. “Ha? Sino‟ng kasama ko?” “Si Wayne. Hey Wayne, take care of my friend here, will you?” “Sure, man. Say, Don, why don‟t we take a walk? Let‟s go to the lagoon and feel the nature.” Ayos! “I better go or I‟ll be late for my class. See you guys at the lagoon later.”

Walang kamalay-malay sina Dondon at Wayne na nakamasid si Tony sa kanila. Nakakubli ito sa katawan ng isang puno sa „di kalayuan, naninigarilyo habang pinanonood ang halikan nilang dalawa. Maraming lamok sa lagoon ngunit ang kagat ng mga ito‟y hindi iniinda ni Tony. Nanatili siyang nagmamasid. Sa kanyang pisngi‟y nakabakat ang isang ngiti.


133 Baguio 1999

Ang pinakaayoko sa lahat, ang magising akong parang binabarena ang ulo. Madalas, sa tuwing magigising akong ganito, isinusumpa ko ang pag-inom. Bakit ba sa tuwing malalasing ako, nanunumpa ako, pero lagi na lang nababawi? Tulad noong isang linggo, sobrang dami ng nainom ko. Noong sumusuka na ako, isinumpa kong hinding-hindi na ako iinom. Pero uminom ulit ako. Ewan ko ba, ang sarap kasing magpakalango sa alak. Kailangan ko nang bumangon. Hindi na tumatama ang araw sa mukha ko, mula sa bintana. Ibig sabihin, tanghali na. Ubos na ang kape. Maraming asukal kaya lang hindi naman puwedeng puro asukal ang inumin. Baka matanggal nga ang hang-ober ko pero dalihin naman ako ng diabetes. Tubig na lang. Malamig na tubig. Binuksan ko ang radyo habang umiinom ng tubig. Parokya ni Edgar, Harana. Lipat ng istasyon. Bakit hindi nila ibalik ang mga dating musikero? Iba na kasi ang panahon ngayon. Ngayon, basta may halong kabastusan ang kanta, siguradong papatusin ng mga tao. Kahit na ang totooâ€&#x;y wala naman talagang saysay ang kanta, bastaâ€&#x;t magagandang lalake at mapoporma ang kumakanta, hala, sige ang patugtog sa radyo. Sayang, yung mga magagaling na musikero, yung mga musikerong hindi maporma pero may ibubuga, hindi napaglalaanan ng panahon sa radyo. Paano, nalalagyan kasi ang mga putang inang istasyon ng radyo. Mukhang pera ang mga DJ. Kahit na ampapangit ng mga kanta, pinupuri nila sa radyo. Nakakatulog pa kaya ang mga hinayupak na iyon sa gabi? Hindi


134 ba sila nahihiya na isinusuka na ng mga tao ang mga kantang pinapatugtog nila, pinupuri pa rin nila. Maraming mga banda ang mahusay pero hindi maporma na hanggang jamming na lang sa mababahong club dahil hindi naman musika ang tinatangkilik ngayon sa radyo kundi ang pormaâ€&#x;t tindig ng mga kumakanta at tumutugtog. Lipat ng istasyon. Cranberries. Ayos. Kapag naririnig ko ang boses ng singer ng Cranberries, si Dolores, para kong nakakarinig ng awitan ng mga anghel. Pinagmasdan ko ang palibot ng bahay. Kailangan na rin akong maglinis. Pero hindi ngayon. Bukas siguro. Hirap akong magkikilos sa tindi ng sakit ng ulo ko. Mamaya, baka pasyalan ko si Sarge. Titingnan ko yung mga tanim niyang marijuana. Nagpapayabangan kasi kami sa mga tanim namin. Kung kaninong tanim ang malakas ang tama, siya ang panalo. Kapag ganitong walang magawa, ang sarap magtatawag sa telepono. Kumustahin ang mga kaibigang ilang taon na ring hindi nakukumusta. Puwede ring mambuwisit ng mga tao. Halimbawaâ€&#x;y tatawag ng isang numero at kapag sinagot, kung anu-anong kabastusan ang sasabihin. Madalas kong gawin iyon kina Sarge. May telepono kasi si Sarge. Ako, tang ina hanggang ngayon wala pa rin. Mag-iisang taon nang naka-file ang application ko sa PLDT, hindi pa rin ako kinakabitan ng linya. Nakakapagtaka kasi yung mga tindera sa sidewalk, tatlo-tatlo ang telepono, ginagawang payphone. Ni wala namang permanenteng address ang mga iyon. Sa bangketa nga lang umiiskwat. Pero marami silang telepono. Bakit


135 ako, may malinaw na address, may pambayad naman ng bill, ayaw pansinin ng PLDT? Pipigilan kong masira ang araw ko. Garahe. Makintab ang bago kong biling Isuzu four wheel drive na pick-up. Puta, nakarating na ng Sagada. Ni hindi pinansin ang mga ahunin. Ayos na ayos ang pagdating ng huli kong tseke, tulad ng iba, isang milyon at sandaang libong piso. Naka-address sa isang apartment sa Benguet. Okey lang ang pagkakadeposito ko ng tseke sa account ko sa bangko. Walang hassle. Kunsabagay, matagal ko itong pinlano. Naaalala ko si Klara. Nitong mga nakaraang araw, lagi ko siyang naaalala, mula nang lumaya siya sa bilangguan. Noong nakaraang taon, headline ng mga peryodiko si Klara. Naging mainit ang isyu niya dahil tinulungan siya ng mga maka-kaliwang organisasyon. Ayon sa balita, pinutol ni Klara ang etits ng mister niya. Gusto niya raw umanong makaganti sa pambababae ng asawa niya. Ang kawawang asawa, si Jun, nagising isang gabi na masakit ang burat niya. Bigla niyang tiningnan, nakita niya, wala na siyang burat. Pag-angat ng mukha niya, nakita niya si Klara, may hawak na kutsilyo, hawak sa kabilang kamay ang maliit niyang tarugo. Sa takot ni kupal, inatake sa puso. Tinulungan si Klara ng ibaâ€&#x;t ibang organisasyon ng mga kababaihan. Hindi raw dapat ikulong si Klara dahil hindi naman daw siya ang pumatay kay Jun. Inatake ito sa puso. Ang tanging ginawa ni Klara ay pinutol ang ari ng kanyang asawang babaero. Hindi niya ginustong atakehin ito sa puso.


136 Nakulong si Klara ng ilang buwan. Mahigpit ang pagdidiin ng simbahan na kailangang makulong si Klara. Nakakapagtaka, bakit si Jun, hindi idinidiin ng simbahan? Kunsabagay, ang sabi ng ilang kilala sa larangan ng pilosopiya, ang simbahan kasi, atrasado nang kung ilang libong taon at dahil dito, hindi ito kailanman magiging relevant sa buhay ng mga tao. Araw-araw ang piket ng mga organisasyon ng kababaihan. May ilang madre din na nakibaka, sumuway sa utos ng mga pilato sa simbahan. Sumama silang nakipagmartsa sa mga kababaihan. Noong nasa bilanggo si Klara, dadalawin ko sana siya. Kaya lang, parang nakakahiya. Paano kung hindi na pala ako kilala ni Klara? Hindi ko rin matantya ang sarili ko. Ano naman ang sasabihin ko kay Klara kung sakaling magkaharap na kami? Pinadalhan ko siya ng sulat. Pangungumusta. Na sinagot naman niya. Correctional ang return address. Sabi niya, gulat na gulat siya dahil ang tagal na naming hindi nagkikita o nagkakausap man lang. Tapos, biglang bigla hetoâ€&#x;t nakatanggap siya ng sulat mula sa akin. Congrats daw, nabalitaan niya ang pagtop ko sa board exams. Okey naman daw ang pakikitungo sa kanya ng mga kasamahan niya doon. Hindi naman daw totoong maraming tibo roon na mahilig manggahasa ng mga bagong salta. Karamihan daw ng mga kasamahan niya roon mga nanay. Mga ordinaryong babae na kung nagkataong lalake ay hindi naman talaga makukulong. Mas mabigat daw kasi kapag babae ang nagnakaw, nagtulak ng droga, nanlalake, o ano pa. Pero kung lalake raw ang nambabae, nagnakaw, nagtulak ng droga, madalas hindi nakukulong. Sa presinto pa lang, naaareglo na.


137 Sabi niya, malapit na siyang makalaya. Marami raw mga internasyunal na organisasyon na nagla-lobby sa kaso niya. Maraming sumisimpatya. Walang choice ang gogyerno kundi palayain siya. At nabalitaan ko nga ang paglaya niya. Ininterbyu siya sa TV. Maganda pa rin si Klara. Bakit naghanap pa ng iba si Jun? Sabi niya sa interview, uuwi siya ng Quezon. Magnenegosyo daw siya doon. Mayroon naman daw siyang konting naipon para makapag-umpisa. Dadalhin niya ang dalawa niyang anak, kahit mahigpit na tinututulan ng mga biyenan niya. Noong nasa Quezon na siya, nagpadala siya ng postcard sa akin. Nangungumusta. Hindi ko sinagot. Sapat na sa akin na malamang okey na ang kalagayan niya. May kumakatok sa pintuan. Si Sarge. May dalang bagong cured na jutes. Binilot namin tapos hinitit namin. Ang sarap. Mukhang tatalunin ako ni Sarge sa contest namin.


138 Claimants

Nakahanda na ako. Ilang buwan ko ring pinlano ito. Nakahanda na ang listahan ng mga pangalan. Handa na rin ang mga address ng mga ito. Unang-una sa lista ang pangalan ni John Lucero, address c/o Juanito “Jhunzâ€? Salas. Bale anim silang mga claimants. Bawat buwan, isang buwan matapos kong mag-resign, tatanggap ang isa sa kanila ng tsekeng nagkakahalaga ng isang milyon at sandaang libong piso. Sa paglipas ng isang buwan pa uli, ang isa naman ang makakatanggap. Sa loob ng anim na buwan, bawat isa sa kanila ay nakatanggap na ng tseke. At ang programang magsasakatuparan ng lahat, nakapaloob na sa tatlong diskette na nagkakahalaga ng disi-otso pesos ang isa, pero ang balikwas na ganansyaâ€&#x;y milyon-milyon. Putang ina mo, Great Insurance. Baka hindi mo alam na genius itong tinitira mo. Kahit ano pang gawin ng mga kupal mong manager, ng mga tarantado mong analyst, ng mga inutil mong techie, hindi ninyo mate-trace ang gagawin ko. Ni hindi nâ€&#x;yo mamamalayang mawawalan kayo ng 6.6 milyones. Tang ina mo, Great Insurance. Hetong mapapala mo sa pagpapaalis sa isang napakahusay na Electronics Communication Engineer na nagngangalang Engr. Antonio de Guzman. Kuwentado ko na ang panahon. Ngayong isang linggo na lang ang ilalagi ko rito sa putang inang kumpanyang ito na punong-puno ng mga matapobre at mayayabang na kupal, ngayon na ang panahon ng paglikha ng mga claimants.


139 Sindi muna ko ng yosi. Computer. Windows 98. Start menu. Run. Unix. Great Insurance. <WELCOME TO GI BRAVO I> <ENTER COMMAND> COPY A:\ <COPYING FILES FROM A TO BRAVO__\\H:\ ________________…. 25% COMPLETE ____________________…. 40% COMPLETE ________________________…. 50 % COMPLETE <PLEASE INSERT DISK 2> ____________________________…. 62% COMPLETE _________________________________…. 88% COMPLETE ____________________________________….98% COMPLETE <PLEASE INSERT DISK 3> _______________________________________….100% COMPLETE

Goodbye, Great Insurance! Para sa iyong kaalaman, ang unang diskette ay para sa panimulang tungkulin na paglilista ng mga pekeng claimants, paglalagay ng kanilang mga pangalan sa listahan ng mga taong tatanggap ng tseke. Hindi maaaring makuwestiyon ang mga pekeng claimants dahil tungkulin ng unang diskette na palabasin silang mga lehitimo, kumpleto sa mga papeles, at hinihintay na lang ang takdang panahon para padalhan ng tseke ng Mailing Department. May pangyayari noon na nagduda ang isang kung sinong clerk sa Mailing Department sa sobrang laki ng value ng isang tseke. Kinuwestiyon niya ito sa


140 supervisor. Kapag kasi milyon na ang halaga ng claim, hindi na ito inihuhulog sa koreo. Sayang kasi, baka mawala. Pinapakuha ito mismo sa claimant. Pinagrerepot ang claimant sa opisina at doon iniaabot ang tseke niya. At itong kupal na clerk sa Mailing Department, nagsumbong sa supervisor niya na hindi raw tugma sa company policy na mag-mail ng tsekeng nagkakahalaga ng dalawang milyon. Nang i-audit ang putang inang tseke, napag-alaman na fictitiuous claimant pala ang nakapangalan at na-trace na ang pera pala, nakaprogramang mapunta sa ilang matataas na opisyal ng kumpanya. Matagal na pala nilang ginagawa ito. Ang akala ng bobong clerk, sisikat siya,

pararangalan siya dahil siya ang

nakabisto sa modus operandi ng mga buwaya sa itaas. Ang nangyari, nawalan siya ng trabaho. At tuloy pa rin ang modus operandi. Kaya ngayon, kung sino mang clerk ang makakita ng tseke na nagkakahalaga ng milyon, ipapadala pa rin niya ito sa koreo. Hindi siya magrereport sa management. Mahirap na, baka sundan niya ang yapak ng clerk na pinatalsik dahil sa pagiging usyusero. Tungkulin ng pangalawang diskette na pagtakpan ang mga bakas ko. Siyempre, para naman kung sakaling may gagong empleyadong maisipang magbuklat ng mga rekord, hindi niya matutumbok ang ginawa ko. Ang pangatlong dikette naman ang magbubura hindi lang ng bakas ko kundi ng karamihan sa mga rekord na iniingatan ng Database. Ang mga rekord na buburahin ay mapupunta sa kung saan mang lugar napupunta ang mga rekord na binubura. Malamang sa Data Heaven. Puta, bahala kayong magpaliwanag sa mga lehitimong claimants na maghahabol sa inyo. Problema


141 nâ€&#x;yo na iyan. Ako, pagdating ng panahong iyon, magpapasarap na ako sa malayong lugar. Itong virus na ilalagay ko na magbubura ng mga files, parang time bomb na bigla na lang sasabog pagdating ng araw. Oo nga pala, meron ka nga palang back-up ng lahat ng files. Pero ang kaso, ang back-up mo, puro hard copy. Mga dokumentong hindi na mabasa dahil sa sobrang kalumaan. Kasalukuyan ngayong nasa isang warehouse sa Pasay, inaamag at nabubulok. At ang huling dinig ko, minsang inulan daw. Tsk, tsk. Tumulo ang tubig mula sa butas ng bubong. Kawawang mga records. Computer. Shut down. Goodbye, ang have a nice day. Alas otso na ng gabi, siguro, hindi na muna ako uuwi. Makatuloy muna doon sa nadaanan kong bagong bar sa Timog. Baka sakaling maka-pick-up ng magandang chick.


142 Si Elmer at ang tropang praning

11:55 PM Putsa, pare, baâ€&#x;t ngayon ka lang? Naaberya nang kaunti. Tang na, eh baka natutulog na kina Ompong ngayon. Alas-dose na, eh. Hindi pa. Baka kamo ngayon pa lang nagkakainitan ng inuman. Huwag na lang tayong pumunta, nakakahiya. Masyado na tayong huli. Sige, uuwi na lang ako. Teka, Tony. Sa tingin mo, may mga umiinom pa kina Ompong? Sabi ko na sa iyong meron pa, eh. Sa palagay mo kaya, naroon si Beverly? Papaanong mawawala yun doon, eh utol ni Ompong iyon. Baka nga kamo kasama yung mga kaklase niyang ang gaganda. Sige, pare, punta tayo. Tang ina sana nandoon si Beverly. Nandoon iyon. Mawawala ba iyon doon? Putsa, ang lakas ng tama ko kay Bevs, pare. Hayup kasi sa katawan. Hindi naman sa nambabadtrip ako, pare. Utol ng ka-tropa natin yung pinagtitripan mo. Hindi ka ba naaalangan kay Ompong? Pare, barkada natin si Ompong. Bakit ako maaalangan? Kaya ka nga dapat maalangan dahil barkada natin si Ompong. Tangina nagpapakahirap sa terminal ng bus yung tao, kinukuba ang likod sa pagwawashing ng mga bus, tapos bababuyin mo yung utol niya?


143 Ton, bakit mo naman sinasabing bababuyin ko si Bevs? Mahal ko yung bebot na yon, pare. Ulol! Anoâ€&#x;ng mahal? Libog lang iyan, pare. Tang ina mo. kung magsalita ka, para kang santo. Eh mas malibog ka sa akin, hindot! Iba na lang kasi ang pagtripan mo. huwag na si Beverly. Eh sa mahal ko yung tao, eh. Saka, pakialam mo ba sa akin? Diskarte ko to, pare. Bahala ka.

12:02 Pare, sa tingin mo, bakit sa gabi lang may buwan. At kung minsan, kahit gabi walang buwan. Bakit kaya? Ewan ko. Pero bakit? Bakit hindi na lang gabi-gabi may buwan? Bakit ganoon? Ewan ko. Siguro yun ang tinakda ng Diyos para sa mga tao. Para meron tayong gabi. Para sa gabi, matutulog na ang mga tao. Puta. Ayoko pang matulog. Ang ganda-ganda ng gabi itutulog ko? Sa araw mas masarap matulog. Okey lang yun, Elmer. Okey lang sa araw matulog kung wala ka namang gagawin. Pare, anoâ€&#x;ng ginagawa nâ€&#x;yo riyan? Tara kayo dito sa loob, nandito ang happenings. Puta, Boyet, ikaw, sa tingin mo, bakit sa gabi lang mayroong buwan?


144 Siguro kasi laging puyat ang buwan. Sa gabi na ito nagigising at tulog sa araw.

12:10 AM Pare, bakit ngayon lang kayo? Ang tagal kasi nitong si Tony, eh. Mukhang inubos muna lahat ng tinda niyang balut bago ko dinaanan sa amin. Di bale, hintayin natin si Boyet, bumili ng gin kina Tikya. Pong, gusto mo, puntahan ko sina Baby? Tang ina, huwag na. Nakakadiri na yung mga yun. Okey lang, para me mapaglibangan tayo. Pong, regalo ko sa yo pare. Damo? First class ba to, Elmer? Hindi. Diyan lang iyan sa Balara galing. Pero okey na rin ang tama. Kaya lang, Pong, ingat ka. Kapag tinamaan ka sa damong iyan, mapapamahal sa yo ang buwan. Anong buwan? Basta, tirahin mo na lang. Akina, akoâ€&#x;ng magbabalot. Tang ina, pare, uuwi na ko. May pasok pa ko bukas. Hindo t na ito, o. Ang aga-aga pa, uuwi ka na? Kailangan, tol. Alas-otso ang pasok ko bukas. Tang ina bakit ka pa papasok eh ikaw ang pinakamatalino sa UP? Kahit na. May quiz kami bukas.


145 Tangna talaga tong si Tony. Napaka-KJ mo, pare. Di bale, sa susunod, babawi ako. Hindi ka puwedeng umuwi. Walang bisita ko ang puwedeng umuwi hanggat hindi ko sinasabi. Maya-maya ka na lang umuwi, Ton. Pare, ano, pupuntahan ko na si Baby? Sige, sabihin mo, isama yung mga tropa niya. Tangna, makikiinom lang yung mga yon. Mga wala namang pera yung mga iyon, eh. Tangina mo, Boyet, kapag nandito na yung mga pokpok, huwag kang hihirit, ah. Bakit naman? Eh ikaw tong ayaw silang papuntahin dito, eh. Pare huwag mo namang solohin iyan. Pahitit naman. Timawa talaga tong putang inang to. Penge! Hoy, huwag kayong mag-agawan diyan. Damo lang iyan. Heto pa, o, bilutin nâ€&#x;yo. Ton, bakit nga gabi lang may buwan? Tang ina mo naman, eh. Kanina mo pa ko kinukulit diyan sa buwan na iyan. Tigilan mo na ko. Tol, alam nâ€&#x;yo ba kung sino nakita ko kanina? Sino? Si Mutya. Ah, puta, may atraso kay Tony iyon, ah.


146 Oo nga, Tony, si Mutya raw. Ha? Ano ba atraso ni Mutya sa iyo? Hoy baso! Di bale nang magtagal sa suso huwag lang sa baso. Di bale nang magtagal sa puke wag lang sa nescafe. Baso, ano ba? O heto na! Ambabagal kasing magsiinom, eh. Teka, Tony, ano atraso ni Mutya sa iyo? Noon pa iyon, pare, kinalimutan na ni Tony iyon. Iyon ang akala nâ€&#x;yo. Hindi kumakalimot si Tony. Nagsuntukan kami noon ni Mutya. Noong bagong lipat kami dito sa looban. Sinoâ€&#x;ng panalo? Si Mutya. Eh ang laki-laki ng katawan ni Mutya kahit noong bata pa iyong kupal na iyon. Siyanga pala, saan mo nakita si Mutya? Nasalubong ko sa Cubao. Nagkuwentuhan nga kami sandali, eh. Nakipagkuwentuhan ka kay Mutya? Paano mong natiis yung baho ng hininga noon? Eh, pare, kasi noong hindi ko pa kayo katropa, si Mutya ang laging kasakasama ko noon. Kaya lang kami nagkahiwalay ni Mutya, noong umalis sila dito sa looban. Anoâ€&#x;ng sabi ni Mutya? Wala, nangungumusta lang.


147 Eh siya naman, kumusta. Hayun, naka-wheelchair. Ha? Anoâ€&#x;ng nakawheelchair? Sabi niya, naaksidente raw siya, mga apat na taon na. Mabuti naman. Hoy, baso. Tang ina naman eh. O, heto na baso mo.

1:35 AM Pare, heto na sila Baby. Patuluyin mo, pare. Tuloy kayo, Baby. Sino ba yang mga kasama mo? Sila Tina, Glenda, Lotlot, Ana, Cherry. Hi, Tina! Hi Glenda, Lotlot, Ana! Hi, Cherry! Upo kayo. Gin ang iniinom namin. Tang ina amoy chongki rito, ah. Huwag mo nang ipagsigawan. Puta. Hoy, huwag mo kong pinuputa! Akala mo kung sino tong isang to. Tama na iyan! Boyet, iskor ka ng chongki kay Mario. Pare, wala diyan si Mario. Nasalubong ko kanina, pupunta raw siyang Baclaran. Tang ina ka naman, eh. Tinatamad ka lang yata eh. Eh di sa iba ka umiskor. Ton, tagay mo.


148 Pare, alalay lang ako. Papasok ako bukas. Huwag ka nang pumasok. Bigyan mo na lang ng balut yung titser mo. Hindi puwede sa UP yung ganon, pare. Pare, di ba iskolar ka naman ng.. sino ba yung pulitikong iyon? Oo nga, eh bakit ka pa nagtitinda ng balut? Kailangan kasi ng pera sa bahay, eh. Nagbabayad pa kami ng utang ke Alma. Tang ina, dapat diyan kay Almang Paybsiks, dapat diyan gahasain hanggang sa masira ang ulo. Para maabsuwelto na lahat ng may utang sa kanya. Pare, bakit ba naging paybsiks yang si Alma? Kase, paybsiks ang negosyo niya, bobo! Alam ko, pare. Ang tinatanong ko.. Napaghahalata ka lang na bobo, hirit ka kasi ng hirit eh. Natural kaya tinawag na Almang Paybsiks kase paybsiks ang negosyo. Oo, alam ko! Ang tinatanong ko, paanong naging paybsiks ang negosyo niya? Paano siya nagkaroon ng puhunan sa pagpapautang. Yun ang tinatanong ko, tanga. Hindot na ito, o. ang hirap kasi sa iyo, hindi pa ko tapos, humihirit ka na. Kaya nagkapera si Alma para sa negosyo niya, kase, namatay yung kinakasama niya. Tangina, alam mo ba kung sino yung kinakasama niya? Si Artemio, yung kabit dati ng nanay niya. Oo, tapos naglayas ang nanay niya. Siya ngayon ang pumalit kay Artemio.


149 Tapos nang mamatay si Artemio, sinalvage ng mga pulis ng Quezon City, yung nakuhang pera ni Alma sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ni Artemio, yun ang ginamit niyang puhunan sa pagpapautang. Isang libo lang yata ang nakuha ni Alma pero napalaki niya sa pagpapatubo. Pare, bakit sinalvage si Artemio? Nagtutulak kasi ng bato yun, eh. Marami rin kasing bisyo yung hayup na iyon. Hindi kasi naglalagay ng maayos sa mga pulis. Ang mga puli naman, kapag may parte sila sa koleksyon mo, hindi ka papansinin ng mga iyan. Mali, pare. Hindi ganyan ang nagyari. Nadale si Artemio noong uminit ang anti-drugs campaign. May nasangkot kasing mga pulis. Natatakot ang iba pang pulis na kumanta si Artemio kaya pinatay siya. Ano, iinom pa ba tayo? Sige. Boyet, bili ka pa nga ng gin.

3:30 AM Pare, ang sarap ni Baby. Tang ina pare, marami nang naglabas-masok sa puday noon. Kahit na, pare. Okey pa rin sa akin si Baby. Mas swak si Cherry, Pare. Tangina ka naman, kinakalabit kita kanina, ayaw mo man lang magparelyebo. Eh puta ka, akoâ€&#x;ng naunang dumampot kay Cherry, bakit mo aagawin? Nakita mo namang pito tayong lalake rito, anim lang ang babae. Natural, kailangan mayroong magparelyebo.


150 Tangina mo! Kupal! Tangina, pare, baka naman dinumihan n‟yo yung kuwarto nila nanay. Hindi, pare. Malinis na malinis. Pati yung kumot ni hindi nagusot. Patayo kong tinira si Ana, pasandal sa dingding. Tang ina, manyak ka talaga. Mas manyak ka naman sa akin. Nakita kita, sinisisid mo si Tina sa kusina. Tangina, pare, ang dumi noon! Tang ina, si Elmer kanina, habang binabayo si Glenda, naririnig ko, sabi, „Glenda, bakit gabi lang may buwan?‟ Sabi naman ni Glenda, „Ewan ko, baka siguro gabi lang talaga may buwan‟. Tangina pati ako, nasa kabilang kuwarto, tawa ko ng tawa. Hanggang sa karatan, Elmer, dala-dala mo yang ka-praningan mo?‟

4:50 AM Pare, uuwi na talaga ko. May klase pa ko bukas. Ano‟ng bukas? Mamaya na iyon, pare. Umaga na, eh. Oo nga, eh. Tol, wala na bang yosi? Wala na, pare. Magbilot ka na lang ng chongki. Ako rin, uuwi na, pare. Baka hinahanap na ko ni erpat. Puta, hindi pa ba sanay sa iyo yung erpat mo? Ikaw, Ton, nasaan ang erpat mo? Nasa piggery, pare, kumakantot ng mga baboy. Nasaan si Ompong? Nasa kuwarto, tinitira si Baby.


151 Nandito pa ba si Baby? Akala ko kasamang umalis nina Tina kangina. Bumalik, pare. Mukhang type si Ompong. Nasa labas ka kasi kangina. Sumusuka ka. Tangina, pare, sinayang mo yung ininom natin, isinuka mo lang. Hindi ko na kaya, eh. Tangna, daig ka pa ni Boyet, pare. Mas bata si Boyet sa ting lahat. Kinse anyos lang iyong kupal na iyon. Nasaan na ba si Boyet? Tulog. Nasa kusina. Pare, uuwi na ko. Sabay na tayo, Ton. Tara na, Elmer.

5:45 AM Tangina, umaga na. Umaga na naman!!!! Mga putang ina ninyong lahat!!! Pare, nakakahiya sa mga kapitbahay. Huwag kang sumigaw Bakit nakakahiya? Kahit may magdaang tren dito sa gitna ng looban, hindi magigising yang mga hampaslupang iyan. Parang mga mantika kung matulog. Hoy! Ang aga-aga ang ingay-ingay nâ€&#x;yo! Pare, si Sgt. Pepper iyon. Split na tayo. Bakit, takot ka ba kay Sgt. Pepper? Yung anak niya nga hindi niya madisiplina, tayo pa kaya? Kunsabagay. Pare, may isa pang joint dito sa akin. Tirahin na muna natin. Sige.


152

6:59 Elmer, uuwi na ko, pare. May pasok pa ko mamaya. Sige, tol. Uuwi na rin ako. Baka hinahanap na ko ni erpat.


153 Magnanakaw

Isa lang itong ordinaryong papeles, itong memo sa mesa ko. Kasama ng marami pang ibang mga papeles na kailangang pirmahan, aksyunan, o ibasura. Mabuti naman at hindi tungkol sa sexual harrassment. Isa itong request na hanapin sa pusod ng database ang record ng isang taong nagngangalang Ronald Eliseo. Isang pangkaraniwang request, na arawaraw ay ipinapadala ng Claims, kasama ng request para sa iba pang mga claimants. Si Ronald Eliseo ay isang claimant. Funeral claim. TO: TONY DE GUZMAN, Database Department. This is to release the printed record of deceased claimant Eliseo, Ronald B., No. EA32786-64H, etc.etc. Pirma ko lang ang kailangan. Tapos, ibibigay ko sa isang tauhan ko, para siyang maghanap ng record n Eliseo, Ronald B. Nang sa gayon ay mabigyan na siya ng pera nitong insurance corporation na binayaran niya ng kung ilang taon. Nang sa gayon ay makinabang naman siya sa perang sinipsip sa kanya. Nang sa gayon ay hindi masyadong malungkot ang iniwan niyang pamilya. Ano kaya ang nangyari dito kay Eliseo, Ronald B.? Ano kaya ang ikinamatay nito? Pinindot ko ang buzzer para tawagin yung dakila kong sekretarya na wala nang ibang hinangad sa buhay kundi ang sanaâ€&#x;y masisante na ko. Pumasok siya sa opisina ko, may hawak na isang tasang kape, ang akala yata, kape lang ang gusto ko. Pinatong niya ang kape sa mesa ko.


154 “Tawagin mo nga si Dante,” bungad ko habang hinihigop ang mainit na kape, “may ipapahanap akong record.” “Yes, sir.” Pagkasabi‟y dinampot nito ang tasang walang laman na nasa mesa ko at pumihit na papalabas ng pinto. Ilang sandali pa, habang binabaybay ko ang mga ulo ng balita sa diyaryo, kumatok sa opisina ko si Dante, ang superkupal na supervisor na sinasadya kong bigyan ng mga assignments na dapat sana‟y para sa mga clerk at hindi sa mga supervisor. Nahahalata ito ni kupal pero wala siyang magawa. “Boss, pinapatawag n‟yo daw ako?” “Gusto kong ikaw ang mag-handle ng order na ito,” sabi ko, sabay abot sa kanya ng memo. “Ronald Eliseo. Nabasa ko ho ito sa diyaryo, ah,” sabi niya habang papalabas ng pinto. Hinintay kong makalabas siya, naghintay pa muna ako ng ilang sandali, tinantya ko ang tatakbuhing minuto hanggang sa makabalik siya sa desk niya, saka ko muling tinawag ang sekretarya ko. Pumasok muli ang butihin kong sekretarya, may dalang isang tasang kape. Inilapag niya ang kape sa mesa ko at kinuha ang basyong tasa. Cool ka lang, Ton, sabi ko sa sarili ko. Hindi ka puwedeng manigaw ng bobong empleyado at baka mapadalhan ka ulit ng memo ng Personnel. “Tawagin mo uli si Dante,” sabi ko. Maya-maya ay muling kumatok si Dante. Come in, kupal. “Boss, pinapatawag n‟yo daw ulit ako?”


155 “Kaninang bago ka lumabas, sinabi mo na nabasa mo sa diyaryo yung tungkol kay Ronald Eliseo. Kilala mo ba siya?” “Hindi ko ho siya personal na kilala. Nabasa ko lang ho sa diyaryo. Abugado ho siya ng human rights. Natagpuan na lang isang umaga na bangkay na‟t naninigas. Sa isang makipot na alley sa Quiapo.” “Sikat ba itong abugadong ito?” “He‟s one of the best, sir. Siya ho ang naghandle ng kaso ng ilang human rights victim sa Mindanao. Magaling siya sa korte. Kaya nabayaran ng milyon ang mga biktima.” “Sino ang suspect sa salvage?” “Mga muslim daw ho. Pero hindi naman na-confirm ng NBI. May mga tsismis na ang nagpatira daw, yung mga landlord sa Mindanao na nakalaban niya sa korte. Yung mga nagmulta ng ilang milyon sa mga biktima ng human rights abuse. Boss, kung interesado kayo, hahanapin ko na lang yung lumang diyaryo. Gugupitin ko para sa inyo yung balita. Mayroon ding brief story doon tungkol sa buhay niya.” “I want it now.” “Right away, boss.” Noong nasa elementarya pa lang ako, nagkaroon ako ng kaso. Napagbintangan akong ninakaw ko raw ang latang pinaglalagyan ng mga baryang donasyon para sa mga biktima ng bagyo. Minsan kasi, bumagyo ng malakas, maraming mga nasalanta. Nag-set-up ngayon ng calamity relief fund sa eskuwelahan.


156 Naglagay ng lata sa bawat classroom. Ang lahat, maaaring mag-donate ng barya. Ang layunin noon, para turuan ng pakikipagkapwa ang mga estudyante. Ang lata sa klasrum namin, nakalagay sa desk ng maestra. Ilalagay yon doon ng isang linggo. Araw-araw, ang mga estudyante ay naglalagay ng bahagi ng kanilang baon sa lata, para makatulong sa mga binaha at binagyo. Pagdating ng hapon, kapag uwian na, itinatabi ng maestra ang lata sa loob ng kanyang drawer. Naka-lock dahil malamang ay wala silang tiwala sa mga mag-aaral nila. Noong huling araw ng donasyon, nang kinabukasan ay ire-remit na sa principal‟s office ang laman ng lata, bigla itong nawala. Nagkaroon ng imbestigasyon sa klasrum. Tinanong lahat ng estudyante. Bandang hapon, ipinatawag ako sa principal‟s office. Tinatanong ng mukhang tae naming principal na si Mrs. Hagan kung ano raw ang nagtulak sa akin para kunin ko ang lata. Hindi raw ba ako naaawa sa mga nasalanta ng bagyo? Ang ginawa ko raw ay isang pagnanakaw hindi sa paaralan kundi sa mga typhoon victims. “Ha?” mulagat ang mga mata ko. Parang ayaw maniwala ng isip ko. Parang nawalan ng koordinasyon ang mga tenga ko sa utak ko, na bagama‟t malinaw na narinig ng mga tenga ko ang paratang sa akin, ayaw rumehistro sa utak ko. Na kahit nakita ng mga mata ko ang mga nagngangalit na litid sa leeg ni Hagan-Tae, naramdaman ko ang tensyon sa loob ng principal‟s office, ang iniisip ng utak ko‟y iba. “Sagutin mo ang tanong ko, Tony. Bakit mo kinuha ang lata? Ano ang nagtulak sa iyo para pagnakawan ang mga typhoon victims?”


157 “Ma‟am, nagkakamali kayo. Hindi ho ako ang kumuha ng lata.” “Alam mo, Tony, mas gagaang ang sanction mo kung aaminin mo ang kasalanan mo. Handa kaming magpatawad. Alam namin na nature ng tao ang magkamali. We are only human. Pero huwag ka namang maging unrepentant." “Ma‟am, hindi ho talaga ako ang kumuha ng lata. Mamatay man ho ako at ang mga magulang ko at lalo na ho ang tatay ko, hindi ho talaga ako ang kumuha ng lata.” “Ga-graduate ka na sa March. Gusto mo bang gumradweyt?” “Opo.” “Puwes, aminin mo ang kasalanan mo at magsisi ka!” “Ma‟am, wala ho talaga akong kasalanan. Sino naman ho ang nagsabi sa inyong ako ang kumuha ng lata?” “May nagsabi sa akin. Kaklase mo. Nang sabihin niya sa akin, naisip ko, ikaw lang ang may motive na kunin ang pera. Kung gusto mong gumradweyt, ibalik mo ang lata. I want it on my desk tomorrow morning. Or you can face expulsion. Wala kaming choice, Tony. Kailangang pairalin ang disiplina sa loob ng paaralan. Kapag wala sa desk ko ang lata bukas ng umaga, ipapatawag ko ang mga magulang mo. At maghahanap ka na ng ibang eskuwelahan.” “Pero, Ma‟am Tae—” “What? What did you call me?” “Ha?!?” “Get out of my office right now!” “Eh, ma‟am—“ “Get out!!!”


158 Pgbalik ko sa klase, galing sa principal‟s office, tamang-tamang naabutan ko ang pagsasalita ng aming homeroom adviser. Sinesermunan ng guro ang mga kaklase ko. Sa eskuwelahan, isang seryosong usapin ang pagnanakaw, isang kahindik-hindik na asal na kailangang ipaunawa sa mga mag-aaral. Papasok na ako sa pintuan nang maisipan kong huminto muna. Hihintayin kong matapos ang sermon ng maestra bago pumasok. Sa palagay ko, sapat na ang sermon na natanggap ko ngayong araw na ito. Medyo kumubli ako sa may pintuan. Pero naririnig ko pa rin ang sinasabi ng maestra. “Good work, Ronald. Alam n‟yo, class, dapat kayo rin, ganoon. Kapag nakita ninyong may ginawang kasalanan ang classmate n‟yo, isumbong n‟yo sa akin. Huwag kayong matakot. Ronald here sets an example. Let‟s give him a hand.” Nagpalakpakan sila. Pinalakpakan nila si Ronald Eliseo dahil sa marangal niyang gawain. Hindi ako kumikilos sa kinatatayuan ko. Hinintay kong matapos ang Homeroom saka ako pumasok ng classroom. Naputol ang mga alingasngasan nang pumasok ako. Tumingin ako sa direksyon ni Klara pero nakayuko siya. Tuloy-tuloy ako sa upuan ko. Kinahapunan, nagbago ang pananaw ni Ronald Eliseo sa buhay. Iyon ay matapos kong basagin ang dalawa niyang ngipin sa harap at bigyan siya ng black-eye sa magkabilang mata at permanenteng i-disporma ang ilong niya. Sabi niya, sorry daw, hindi niya akalaing hahantong sa ganoon, na magkakakaso ako, na malamang hindi ako makagradweyt ng grade six. Ang gusto lang naman daw niya, siraan ako kay Klara. Malaki pala ang tama niya kay Klara, na napapansin niyang sa akin may gusto. Para makabawi siya, kailangan


159 niyang sirain ang reputasyon ko. Sorry daw. Putang ina mo, sabi ko. Nagbibintang ka nang wala ka namang pruweba. Inaya ko siya sa principal‟s office para aminin ang kasalanan niya. Noong umpisa‟y ayaw pa niyang pumayag. Pero nang ambaan ko siya ng suntok, bumigay

din.

Pagdating

namin

sa

principal‟s

office,

hindi

pa

kami

nakakapagsalita, humirit na si Mrs. Hagan-Tae. “Sino‟ng gumawa sa iyo niyan,” tanong niya kay Ronald. “Si Tony po, ma‟am.” “How could you do such a thing?” “Ma‟am, makinig muna kayo sa—“ “Shut up! You are suspended for two weeks, Mr. De Guzman! And when you come back, I want to talk to your parents.” “Ma‟am—” “Get out!!!‟ Putangina si Ronald. Ni hindi nagsalita. Ni hindi sinabi na siya ang may kasalanan. Matapos ang suspensyon, hindi ko na nakita si Ronald. Inilipat na siya ng mga magulang niya sa ibang eskuwelahan. Ako naman, naabsuwelto sa kaso ng pagnanakaw nang bigla na lang lumitaw ang lata. Nailagay pala ng mga naglilinis ng classroom sa cabinet na lalagyan ng bunot dahil akala, floorwax ang laman. Ni hindi nagtaka kung bakit may silat na parang alkansya ang takip ng lata. Pero nakatatak na bilang karagdagang kaso ko sa esskuwelahan ang panggugulpi ko kay Ronald. Bad trip sa akin ang lahat ng tao. Hindi sila nabadtrip kay Ronald kahit alam nilang nag-imbento ito ng kuwento para ako ang


160 madiin sa nawawalang lata. Kunsabagay, mahirap magalit sa isang taong may black-eye sa dalawang mata, tabingi ang ilong, at basag ang dalawang ngipin na nakausli sa namamagang nguso. Ang tapunan ng puna, ako at tanging ako lang. Ngayon, muli kong na-encounter si Ronald. Heto‟t may request na hanapin ko raw ang record ng isang nagngangalang Eliseo, Ronald B., with no. EA32786-64H. Deceased. Funeral claim. Maya-maya, pumasok si Dante sa opisina ko. Dala ang clipping mula sa lumang peryodiko. Sabi ko sa kanya, ako na lang ang magha-handle ng kaso ni Ronald Eliseo. “Sure sir. But why? Puwede naman nating ipatrabaho iyan kahit kaninong clerk dito. Bakit kayo pa?” “He‟s a personal friend.” Manila Times, Oct 19, 1995, Salvage list still growing despite doubled efforts of PNP and NBI blah, blah, blah… a human rights lawyer was found decomposing beside a pile of garbage… blah, blah, blah… in a dark alley in the vicinity of Quiapo… etc, etc… Atty. Ronald B. Eliseo, etc, etc… a responsible father of three children, blah…blah…blah… community action group etc. etc. Nilamukos ko ang clipping at itinapon sa basurahan. Binuksan ko ang computer sa mesa ko. <ONLINE CLAIMANT INQUIRY> <ENTER LOG-IN NAME> A-N-T-O-N-I-O-D-E-G-U-Z-M-A-N <WELCOME, ANTONIO DE GUZMAN> <ENTER PASSWORD>


161 H-I-N-D-O-T <ENTER CLAIMANT NO.> EA32786-4H <WORKING… PLEASE WAIT>

<ELISEO, RONALD BERMUDEZ/ 660921> <OCCUPATION

:

ATTORNEY-AT-LAW>

<INSURANCE TYPE

:

FULL-LIFE>

<STATUS

:

CLAIM FILED> <FOR CLAIM INFO F8>

<BENEFICIARIES

:

ELISEO, GLENDA A.> <ELISEO JR, RONALD A.> <ELISEO, KLARA A.> <ELISEO, RUDY A.>

<TO MODIFY F6> F6 <ENTER PASSWORD TO MODIFY> K-A-N-T-O-T

<EDIT F1> <DELETE F2> <HELP F3> F2 QUIT <SAVE CHANGES? Y / N> Y <RECORD DELETED> <HAVE A NICE DAY!!!>


162 Nagsulat ako ng memo, bilang sagot doon sa request na ipinadala ng Claims. TO: MINDA ABRA, Manager, Claims Dept. I checked our records about Claimant No. EA32786-64H under the name of Eliseo, Ronald B. and found out that no such record exist. Tinawag ko ang sekretarya ko. Mabuti na lang at pagpasok niya sa opisina ko, wala siyang dalang kape. Kundiâ€&#x;y baka maibuhos ko na sa mukha niya. Inutos ko sa kanya na mangyariâ€&#x;y dalhin niya sa Claims ang sinulat kong tugon sa request. Paglabas niyaâ€&#x;y nagsindi ako ng yosi at sumandal sa sandalan ng swivel chair. Ipinatong ko ang paa ko sa mesa ko. Iniisip ko ang nangyari noong grade six ako. Hanggang sa makatulog na ako sa ganoong posisyon.


163 Ina

Sinumang matamang magmamasid ay mapapansin ang marahang paggalaw ng kanyang mga labi, animo umuusal ng kung anong orasyon na walang saysay sa ibang makakarinig at tanging siya lang ang nakakaunawa. Sa kanyang pag-iisa, anaki may kung anong hiwagang pinawawalan ang kanyang mga labi kung kaya‟t sa kanyang paana‟y madalas magkulumpon ang mga ipis, animo mga kampon ng kultong tanging siya lang ang nagtayo at tanging siya lang din ang sumasamba. Sa kanyang laylay na mga balikat, mapapagtanto ang bigat ng mga pasaning pinilit niyang bunuin noong panahon ng kanyang kalakasan. At mawawari, sa mga banat niyang bisig, na sinamantala niya ang kanyang lakas habang bata pa‟t maaari pang gumampan ng mga mabibigat na gawain, at ngayo‟y mamamasid sa kanyang mga gatla ng edad sa noo na mandi‟y hindi pa niya tapos gampanan ang mga gawain, ngunit ang yayat niyang katawa‟y gusto nang sumuko. Ang mga mata niya‟y salamin ng pagdarahop. Ang mukha niyang batbat ng mga gatlang inilatay ng mga nagdaang taon ay larawan ng kapagurang sumibol sa maghapong paggaygay ng kanyang nangangapal na mga palad sa batya at kulahan. Kung matamang susuriin, ang hitsura niya‟y nagkamit ng makamundong titig ng mga kalalakihan noong panahon ng kanyang pagsibol mula sa kamusmusan tungo sa pagdadalaga. Ngunit sa kanyang hitsura‟y


164 masasalamin din ang pagpapabaya sa kariktan upang bigyang daan ang hamon ng sikmurang nagmumura at nagpapahiwatig ng kagustuhang lumaya sa mga sakmal ng gutom. Tunay ngang ang kanyang katawang yayat, katawang binigyang hugis ng nag-usling mga buto, ay isang institusyon na kumakatawan sa kahulugan ng kahirapan at labis na paghihinagpis. Minsa‟y naikuwento niya sa kanyang panganay na anak ang kanyang mga pangarap. Sinabi niya rito na noong siya‟y musmos pa, hanggang sa magdalaga, pinangarap niyang mag-artista o maging isang sikat na mangangawit. Ngunit ang pangarap na ito‟y hindi natupad, bunga ng mga suliraning kaakibat ng hikahos na pamumuhay. “Noong maliit pa ako, ibinibili ako ng inang ng bagong damit sa bayan kapag daraos ang pasko,” kuwento niya sa kanyang anak. “Tapos isusuot ko ang bagong damit at magpapari‟t-parito ako sa kusina. Ipapakita ko kay inang ang ganda ko.” May ningning sa kanyang mga mata habang nagsasalaysay, tila ba buhay na buhay sa kanyang gunita ang bawat eksenang kanyang binabalikan. “Sumasali ako noon sa amatyur sa istasyon ng radyo sa bayan. Ako ang pinakamagaling kumanta.” Sa maliit na baryong sakop ng bayang noo‟y pinag-aagawan ng Bulakan at Nueva Ecijah, tunay ngang siya ang pinakamagaling kumanta. At ang mga buhay na pangarap ay sinikap niyang pagyamanin sa gunita, hanggang sa matagpuan niya ang sariling sakay ng pampasaherong bus papuntang Maynila, papunta sa rurok ng kanyang mga panaginip.


165 May pangungutya sa himig ng pananalita ng kanyang tiyahin nang sabihin niya ang kanyang pakay. “Ibig mong sabihin, mag-aartista ka kaya ka pumarine sa Maynila?” tanong ng kanyang tiyahin. “Opo, tiyang,” matipid niyang tugon. “Hoy, gaga! Baka akala mo, gano‟n-gano‟n lang mag-artista? May kakilala ka bang direktor?” “Wala ho.” “Wala pala, eh. Paano ka magiging artista?” “Sa umpisa ho, kakanta muna ako sa mga malilit na restoran, hanggang sa makilala ako.” “At saang restoran ka naman kakanta, hane? Eh hindi ka naman masyadong maganda. Ang mga artista‟t mang-aawit dito sa Maynila, saksakan ng gaganda. Maaaring sa inyo ikaw ay maganda na. Pero dito sa Maynila, hindi pa sapat yang ganda mo. Aba, eh halata kang taga-probinsya, ah. Ang mabuti pa, itigil mo na iyang mga pangarap mong walang katuparan. Ang gawin mo, samahan mo ako sa paglalaba.” Napahikbi siya ng mahina sa tinuran ng kanyang tiyahin. “Hoy, bruha, huwag mo kong dramahan. Manang-mana ka sa inang mong isa ring tanga. Ang gawin mo rito, magsipag ka. Tondo ito, ineng, maraming lalake. Magdasal ka na lang na sana‟y makapag-asawa ka ng hindi gaanong salbahe.” Ang tingin niya noo‟y may sa-demonyo ang kanyang tiyahin. Nagkatotoo ang mga salita nito. Makalipas ang ilang buwan ng kanyang pagpari‟t parito sa


166 poso at sa kulahan, nabura na sa kanyang gunita ang dahilan ng kanyang pagluwas ng Maynila. Ang tangi na lang niyang inaasam ay ang sana‟y makatapos siya ng maaga sa kanyang paglalaba nang sa gayo‟y maipahinga niya ang patang katawan. Sa loob ng limang taon, ang kanyang tanging kaulayaw ay ang batya, timbang pang-igib, sabon, kalawanging yerong kulahan, palo-palo at ang mga sariwang pasaring ng kanyang tiyahin. Sa loob ng limang taon, ang kanyang morenang anyo ay napalitan ng kagaspangan. Ang mga palad niyang sa probinsya‟y iniingatan ng kanyang inang at amang upang huwag magurlisan, ay nangapal tulad ng mga palad ng ibang kababaihang kasa-kasama niya sa paglalaba sa poso. Sa loob ng maraming taon niyang pagtira sa Tondo, marami na ring kalalakihan ang sumubok na lumigaw sa kanya. Ngunit ang mga ito‟y hindi niya pinansin, maliban na lang sa isa, si Mario, na tunay na mabait sa kanya. Si Mario‟y isang pahinante ng trak na naghahatid ng mga kargamento sa pier. Kaiba sa mga lalakeng dumidiga sa kanya, si Mario‟y may regular na pinagkakakitaan. Ngunit ang kanilang relasyon ni Mario ay kagyat ding nahinto. Ito‟y nang siya‟y umuwi isang hapon, na gula-gulanit ang suot. Ang sabi niya sa kanyang tiyang ay ginahasa siya ng apat na lasing na napadaan sa kulahan habang sinisinop niya ang mga sinampay. Hinatak umano siya papunta sa loob ng isang lumang kamalig na kalapit ng kulahan niya ng mga damit.


167 Ang gusto niya‟y magreklamo sa pulisya. Ang gusto ng kanyang tiyahin ay tumahimik siya‟t huwag ipamalita kanino man ang kahiya-hiyang bagay na sinapit niya. “Pero, tiyang, alam na ng mga kapitbahay,” pangangatwiran niya sa kanyang tiyahin. “Paanong hindi malalaman, idinaldal mo na kung kani-kanino! Gaga! Ayaw mo kasing magdamit nang maayos. Ang sinusuot mo pag naglalaba ka, ke nipis-nipis. Nababasa pa ng tubig. Kaya yang suso mo, lumuluwa sa daster. Mabuti nga‟t sinapit mo iyan para ka magtanda.” “Tiyang, wala akong pinagkuwentuhan. Talaga lang hindi naililihim ang ganitong mga pangyayari. Ang sa tingin ko, hindi pa ko nagagahasa, alam na ng mga kapitbahay na magagahasa ako!” Ngpumilit siya sa kanyang tiyang, na mangyari‟y samahan siya sa munispyo para magsampa ng reklamo. “Hindi puwede! Alam mo bang si Rico, yung promotor ng paggahasa sa iyo, kaibigan ng hepe. Kapag nagreklamo ka, baka patayin ka.” Wala siyang nagawa kundi magtimpi at ipagdasal na sana‟y walang mabuong binhi sa kanyang sinapupunan. Ngunit ang mga panalangin, kadalasa‟y hindi nagkakaroon ng katuparan. Napagtanto niya makalipas ang ilang buwan, na siya‟y nagdadalantao. Noo‟y wala na silang relasyon ni Mario. Pormal itong nagpaalam at humiwalay sa kanya dahil hindi nito matanggap na may iba nang lalaking nauna sa kanya, na siya‟y nalawayan na ng ibang lalake, na siya‟y nakakadiri na sa kanyang kalagayan, na siya‟y hindi na birhen, at marami pang ibang dahilan na ang tangi


168 niyang naisagot ay isang malakas na hambalos ng batya sa bumbunan ni Mario habang nagsasalita ito. Umalis siya sa bahay ng kanyang tiyahin at nakituloy sa kanyang isang kakilala na nakatira malayo sa Tondo. Ang pinakaibig niya‟y malayo muna sa Tondo, na sa tingin niya‟y walang naidulot sa kanya ni isa mang kabutihan. Sa kanyang pagtira sa kaisa-isang kaibigan, nakilala niya si Tomas, isang Batangenyong wala namang malinaw na hanapbuhay ngunit nagpakita sa kanya ng labis na pagmamahal. Makalipas ang isang buwan, ikinasal sila ni Tomas. Bale-wala kay Tomas na siya‟y buntis at halata na ang tiyan. Handa itong bigyan ng pangalan ang kanyang magiging anak. Sa isang sulok ng lungga ng mga iskwater, tinayo ni Tomas ang kanilang dampa, at doo‟y isinilang niya ang kanyang panganay, na pinangalanan nilang Antonio, hawan sa pangalan ng nuno ni Tomas. Lumipas ang limang taon bago nasundan ang kanilang anak. Maraming beses siyang nakunan dahil sa paggampan niya ng mabibigat na gawain. Kailangan niyang ipagpatuloy ang paglalaba dahil si Tomas ay walang permanenteng trabaho. Kung ano-ano ang pinapasok nito, pasabit-sabit sa mga kontraktor, paekstra-ekstra sa pamamasada ng dyip, kung minsa‟y pagtatawag ng mga pasahero ng dyip sa paradahan. Makalipas ang limang taon, nagsilang siyang muli. Ngayo‟y anak na ni Tomas ang kanyang iniluwal. Kasabay nito, si Tomas ay nakakita ng permanenteng trabaho. Ang trabahong ito‟y magiging tulay ng pagkasira ng kanyang pamilya. Likas sa


169 bagong trabaho ni Tomas ang magsasama sa mga lakad ng mga matrona, bakla, mga babaeng nalulungkot. Ito ang magiging gawain ni Tomas hanggang sa malagas ang tikas ng matipuno niyang katawan at makalbo ang kanyang bumbunan. Kailanman ay hindi niya natanggap ang bagong trabaho ng kanyang asawang si Tomas. Bagamat sa mga sabi ng kanyang asawa na sa kanyang bagong linya ng gawain ay mabilis umakyat ang pera, hindi niya matanggap na ang kakainin nilang mag-anak ay galing sa bulsa ng kung sinong matrona o ng kung sinong matandang bakla o ng kung sinong babaeng nangangaliwa sa asawa. Higit kanino man, ayaw niyang magkaroon ng pagsasamantala sa mga kababaihan. Dinanas niya ito at ang ganitong iskema ay walang idinudulot na maganda. Pinalayas niya si Tomas dahil ayaw nitong lumubay sa pakikiapid sa iba. Sinikap niyang itaguyod ang kanyang mga anak. Mabuti na lang at malaki na ang kanyang panganay at kaya nang mag-igib ng tubig. Nakakatulong sa kanyang paglalaba at nagaakyat pa ng ekstrang kita sa kanilang tahanan. Nabuhay sila ng maraming taon, siksikan sa loob ng maliit na dampa, nabubuhay sa halos baryang kinikita sa paglalaba, pag-iigib, at nitong lumakiâ€&#x;t maging mama ang kanyang panganay, pagtitinda ng balut. Minsaâ€&#x;y umuwi ang kanyang si Tomas. Ibayong pananabik ang bumalot sa kanyang katawan, sa pag-aasam na muli na naman silang magkakasamasama matapos ang ilang taon ng pagtitiisan. Ngunit nang banggitin ni Tomas na hihiwalay na ito sa kanyang kasalukuyang kabit, pagkarinig niya sa salitang kabit, agad naghalu-halo ang mga gunita sa kanyang isip. Pumaradang parang


170 sine ang mga eksena ng panggagahasa sa kanya ng apat na lasing sa Tondo, ang pagtatakwil sa kanya ni Mario, ang araw na pinalayas niya si Tomas, ang mga gabing nangungulila siya sa pag-iisa, ang mga araw na binubulabog sila ng usurerang si Alma, ang mga magulang niyang namatay na‟t lahat ay hindi man lang niya nadalaw, ang mga araw na hindi sila kumakain, ang mga sumbong ng kanyang panganay na anak na umano‟y tinutukso sa eskwela dahil sa mga kasalanang ibinibintang dito… Sumusuray siyang tumayo at pumunta sa kusina. Kinuha niya ang itak na nakatago sa ilalim ng kalan. Umusal siya ng maikling panalangin at nilusob ang asawang noo‟y kausap ang kanilang bunsong anak sa sala. “Putang ina ka! Pinabayaan mo kami, hayup ka!” “Huwag! Maghunos-dili ka!” “Tang ina mo!” Hinabol niya ng taga si Tomas hanggang sa labasan, sa pagitan ng mga humaharurot na sasakyan. Hindi niya inda ang mapangutyang titig ng mga kapitbahay. Hindi niya rin inda ang halakhakan ng mga nakaistambay sa lugar nila. Ang tanging mahalaga sa kanya ay tadtarin ng taga ang lalakeng nagpabaya sa kanila at nagpakasarap sa kandungan ng kung sino-sinong babae. Ang habulan ay inawat ng mga pulis na nakatayo sa gilid ng kalsada. Kinausap silang dalawa sa presinto. Nang umuwi siya ng gabi, wala pa ang kanyang panganay na anak. Tulog na ang kanyang bunso.


171 Umupo siya sa sahig sa kusina. Hindi niya namalayan ang pagtagas ng ihi niya sa pagitan ng kanyang mga binti, pakalat sa sahig. Ang bibig niyaâ€&#x;y umusal ng mga litanya at sa kanyang paanan ay nangagkulumpon ang mga ipis.


172 Jhunz

Pagsungaw ng inaantok na mukha ni Jhunz sa yerong nagsisilbing pinto ng miserable niyang bahay na pinapaupahan, isang malakas na suntok ang sumalubong sa kanya. Sa lakas ng suntok ay napaatras siya pabalik sa loob ng bahay at nagising na ng tuluyan ang inaatok niyang katawan. Nakapa niya ng dila niya ang isang ngipin na malamang ay nabunot sa lakas ng suntok. Pumasok si Tony sa loob ng kabahayan at isinara ang pinto. Inikot niya ng paningin ang palibot ng dampa ni Jhunz. Sa papag ay namataan niya ang isang binatilyong natutulog, tanging mukha nito ang hindi balot ng kumot. “Ano‟ng kailangan mo?” nagugulumihanang tanong ni Jhunz. “Ano sa palagay mo?” sagot ni Tony. Iritado ang boses niya sa pagod sa biyahe. Alas-dose ng gabi nang sumakay siya ng bus, mula sa Baguio. Dumating siya ng Maynila, mag-aalas-sais ng umaga. Pagkarating niya sa terminal ng bus sa Cubao, sumakay siya ng taxi papuntang Recto, sa tinitirhan ni Jhunz. “Tsip?” “Jhunz, ang alam ko, may dumating akong sobre. Para sa akin „yon.” “Ah, yung John Lucero ang pangalan.” “Oo. Nasaan na ang sobre?” “Sandali lang, tsip.” Tumayo si Jhunz at dinukwang ang tokador. Tinanggal niya ang mga damit, mga marurumi at malilinis, mga lumang komiks, mga ginupit na larawan


173 ng mga artista, mga larawan ng babaeng nakahubo, at sa pinakailalim ng mga tambak ay kinuha niya ang isang puting sobre. Iniabot niya kay Tony ang sobre. Binuksan ni Tony ang sobre‟t sinilip ang loob. Tumango siya kay Jhunz. “Tsip,” anas ni Jhunz, “sa susunod, huwag naman kayong manunutok kaagad. Nabawasan na naman ako ng isang ngipin.” “Tarantado ka kasi, eh. Marami akong natanggap na report tungkol sa yo. Sabi ko na sa iyong marami akong mata rito sa lugar n‟yo. Ayaw mo kasing maniwala sa akin, eh.” “Tsip, ano ba ang nagawa kong katarantaduhan?” “Ikaw ang makakapagsabi niyan. Ang alam ko, dapat ka nang umalis dito dahil inaarbor ka na sa akin ng mga tauhan ko. Gusto ka nang i-salvage. Pinigilan ko lang.” “Tsip, maniwala kayo sa akin, wala akong ginagawang kasalanan. Wala akong atraso sa inyo.” “Sino nga pala ito?” tanong ni Tony sabay nguso sa binatilyong natutulog sa papag. “Ah, eh, tsip, boarder ko iyan dito.” “Di ba, usapan natin, hindi ka tatanggap ng boarder? Kaya ko nga binayaran ng pakyaw itong bahay mo, eh. Para hindi ka na kumuha ng boarder dahil masyadong maselan ang operation namin dito.” “Eh, tsip, walang problema diyan. Pamangkin ko iyan, galing sa probinsya. Wala kasing matutuluyan. Ipinakiusap sa akin ng tatay niya. Kapatid ko ang tatay niyan.”


174 Nagsindi si Tony ng sigarilyo at iniabot kay Jhunz ang kaha. Kumuha si Jhunz ng talong sigarilyo mula sa kaha, ang dalawa‟y inipit sa magkabilang tainga at ang isa‟y isinubo sa bibig. Sinindihan ni Tony ng lighter ang sigarilyong nakasubo kay Jhunz. Pagkahitit ni Jhunz ng sigarilyo, habang ninanamnam niya ang usok na naglalakbay papunta sa pinakaubod ng kanyang paghinga, nandilat ang mga mata niya nang mapansing sa kamay ni Tony ay hawak nito ang isang dos por dos. Halos mabilaukan siya sa usok sa tindi ng pagkakagulat, at hindi pa man malay na humupa ang sunod-sunod na pagsasal ng kanyang ubo, dumapo sa kanyang ulo ang matigas na dulo ng dos por dos. “Tsip, parang awa n‟yo na,” pagmamakaawa ni Jhunz. Muling lumipad ang dos por dos. Ibayong hapdi ang naramdaman ni Jhunz nang dumapo ang matigas na kahoy sa kanyang pisngi. Tumagas ang dugo mula sa bibig at ilong ni Jhunz. Ang binatilyong kangina‟y natutulog ay napabalikwas sa lakas ng hiyaw ni Jhunz. “Tiyong!” sigaw nito sa tiyuhing namimilipit sa lupang sahig. “Tumahimik ka! Kung ayaw mong ikaw ang isunod ko!” Hinawakan ni Tony ang kuwelyo ng maruming kamiseta ni Jhunz at pagkuwa‟y isinalya niya ito paupo sa isang suruting papag. “Makinig ka sa sasabihin ko sa iyo, kupal. Mula ngayon, ayoko nang makita ang pagmumukha mo rito o sa kahit na saan pang parte ng Maynila.” Dumukot si Tony ng isang bugkos na lilibuhing piso mula sa kanyang bulsa at ibinato ito sa mukha ni Jhunz.


175 “Para iyan sa pagpapagamot mo. Yung matitira, gamitin mo para makapagbagong buhay ka na. Umalis ka na sa lugar na ito, kung ayaw mong mapahamak sa mga tauhan ko. Desidido silang patayin ka.” “Tsip, paano naman ako? Saan ako titira? Matagal na ako rito sa lugar na ito. Kabisado ko na ang likaw ng bituka ng bawat mukha rito.” “Hindi mo kabisado lahat. Yung mga tauhan ko, hindi mo kilala. Ang mabuti pa, dalhin mo iyang pera, at lumayo ka na.” “Eh, tsip…” “Punyeta! Kapag sinabi kong umalis ka, umalis ka!” “Yes, sir! Paano „tong pamangkin ko?” “Isama mo.” “Kulang ho itong perang ibinigay ninyo.” Dinukot ni Tony ang kanyang pitaka at kumuha ng ilang lilibuhin. “O, ayan. Dinagdagan ko ng sampung libo. Tama na iyan.” “Salamat po, tsip.” Humakbang si Tony palabas ng pintuan. Sa may yerong tabing ay lumingon siya patalikod. At binalaan si Jhunz. “Jhunz, kapag may nakaalam sa mga transaksyon natin dito, papatayin kita.” Mabilis ang pagtango ni Jhunz. Sa labasan ay pumara si Tony ng taxi. “Pare, sa terminal ng Victory Liner sa Cubao,” sambit niya sa tsuper. Dinukot ni Tony ang tiket ng bus na nakatikolp ng maayos sa loob ng bulsa ng kanyang polo. Sinigurado niya ang oras ng kanyang pag-alis, alas-diyes


176 ng umaga. May sapat pang panahon para makabalik siya sa Cubao. Kanginang dumating siya galing Baguio ay bumili na siya antimano ng tiket na pabalik. Inilapat ni Tony ang kanyang likod sa sandalan ng taxi. Inisip niya ang mga tsekeng hindi pa dumarating. Pangatlong luwas na niya ito. Sa isang buwan ay muli na naman siyang luluwas para kunin ang tsekeng darating sa isang bahay na inuupahan niya sa Muntinlupa. At sa susunod pa uling buwan, pupunta siya ng Bulakan dahil doon naka-address ang susunod niyang tseke. Ang ikaanim na tseke, ang huli, ay hindi na niya kailangan pang luwasin sa Maynila. Sa Benguet ito naka-address, sa isa pang alyas niya, at nangungupahan sa isang lumang townhouse. Ang mga nakukuha niyang tseke ay pinapapalitan niya sa isang bangko sa Baguio. Ang branch manager ay tumatanggap sa kanya ng sandaang libong piso bilang lagay sa tuwing idedeposito niya sa kanyang pangalan ang mga tsekeng kanyang nakukuha. Ang isandaang libong piso ay para sa tahimik na mga transaksyon, walang mga samuâ€&#x;t saring tanong, at ang garantiya ng santambak na mga papeles na tatabon sa mga transaksyon ni Tony, magtitiyak na mahihirapan ang sinumang magkamaling mag-imbestiga sa buwanang deposito sa kanyang pangalan, na nagkakahalaga tuwina ng isang milyon. Dinukot niya ang sobreng nakatiklop sa kanyang bulsa. Sinipat niya ang numerong nakatatak sa mukha ng tseke: One Million And One Hundred Pesos Only (Pp1,100,000.00). Panibagong milyon na naman ang maidedeposito niya sa kanyang account. Kikita na naman ng isandaang libo ang branch manager na kakilala niya. Tiniklop niya ng maliit ang tseke at ipinasok sa kanyang pitaka.


177 Ipinikit niya ang mga mata hanggang sa gisingin siya ng drayber at sabihin sa kanyang narating na nila ang terminal ng Victory Liner.


178 Sgt. Pepper

Nagngangalit ang mga bagang ni Sgt. Pepper habang sinusubaybayan ng mga mata si Dondon. Kalat na ang dilim at sa UP, ang paligid ay lalo pang pinalamlam ng nagkalat na mga puno. Maingat sa pagkakakubli sa tabi ng isang poste, pinagmamasdan niya si Dondon, may kaakbay itong Amerikano, naglalakad papunta sa UP lagoon. Tama ang sinabi ni Tony. Sa noo niya‟y nakabakat ang mga nag-usling ugat, tanda ng kanyang damdaming nagpupuyos. Ilang taon na nga ba niyang pinapalampas ang mga sabi-sabi? Ilang pagkakataon na bang pinagtitimpian niya ang sariling huwag pumatol sa mga masasakit na mga salita? Sa pagkakaalam niya‟y mahigit nang sampung taong sinasadya niyang pamanhirin ang kanyang mga tainga. Ito‟y magmula nang tumuntong ng ikaanim na taong gulang si Dondon at nagpakita ng unang mga sinyales ng kahinhinan. Ang nagdaang sampung taon ay tila isang mabigat na pasaning nakadagan sa kanyang balikat, na naging sanhi nang unti-unting pagdami ng kanyang uban at mga kulubot sa noo, at ng kanyang maagang pagreretiro sa pulisya. Hindi naman ho sa panghihimasok pero talaga hong nakita ko kung ano ang ginagawa ni Dondon dun sa Amerkano. Kung tutuusi‟y isa siya sa mga maituturing na masuwerte. Tatlo sa kanyang mga anak ang nagtatrabaho sa ibang bansa at patuloy ang pagpapadala sa kanila ng pera. Isang malaking kaluwagan sa kanyang pamilya. Katunaya‟y halos hindi niya iniinda ang talong anak niyang nag-aaral sa kolehiyo


179 at kumukuha ng

mabibigat na karera. Isa ang malapit nang magtapos sa

pagdodoktor. Ang isa‟y kumukuha ng kursong abogasya. Ang isa nama‟y malapit na ring magtapos ng kursong Mass Communication. Mayroon siyang apat na anak na nag-aaral ng high school sa iba‟t ibang mga paaralang pribado. Ngunit ang dami ng mga pinag-aaral ay halos hindi nila iniinda ng kanyang maybahay kahit ngayong siya‟y retirado na. Labis-labis ang ipinapadalang pera ng kanyang mga anak na nakikipagsapalaran sa ibang bansa. Ang tangi niyang iniinda ay ang pangyayaring iisa lang ang kanyang anak na lalaki, na dapat sana‟y siyang magtutuloy ng kanilang tradisyunal na panata sa pagpupulis. Ang kanyang mga nuno, hanggang sa kanyang ama, at hanggang sa kanya ay naging bahagi ng pulisya. At ngayon, siya‟y may anak na lalake ngunit sa kabila nito‟y mapuputol ang tradisyon. Ito‟y sa kadahilanang ang kanyang bunso, na tanging lalake sa kanyang mga anak, ay may malaking suliranin sa pagkalalake. Kahapon ng tanghali, may umistorbo sa kanyang siesta. Ang sabi ng kanyang maybahay, anak daw ni Maria. Hindi niya raw alam kung ano ang sadya. Napilitan siyang iiling ang antok at bumangon para harapin si Tony. Alam ko hong malaki ang hinanakit n‟yo sa anak n‟yo. Na sa hindi malamang dahilan, lumaking taliwas sa inaasahan n‟yo. Lumiko si Dondon at ang kasama nito. Pataliwas sa kalsadang kongkreto, papasok sa animo parkeng napapalibutan ng malalabay na puno‟t nalalatagan ng luntiang damo. Kitang kita ni Sgt. Pepper ang paghigpit ng yakap ng Amerikano sa kanyang anak. Sa kanyang bunsong anak na nitong mga huling tao‟y nagiging agresibo na sa pagpaparamdam ng kanyang naiibang kasarian.


180 Kitang-kita ko ho silang dalawa. Nakaupo silang dalawa sa damuhan. Mula sa pinagkukublihang poste, patalilis na sumunod si Sgt. Pepper sa bakas ng dalawa. Maingat ang kanyang pagsunod. Kangina pa lang hapon na nagpaalam si Dondon na pupunta ito sa kanyang kaklase at may tatapusing proyekto sa eskuwelahan, kaagad na siyang nagbihis. Sa labasan, dagli niyang pinara ang isang taxi at pinangakuan ang drayber nito ng ilang dagdag na pasahe, bukod sa ipapatak ng metro, para palihim na sundan ang dyip na sinakyan ng kanyang anak. Noong umpisaâ€&#x;y magkaakbay lang sila habang nakaupo sa damuhan. Tapos nakita ko, sumubsob si Dondon sa pantalon ng Amerkano. Tuloy tuloy ang takbo ng taxi, paminsan-minsang nagmemenor kung dumarating ang pagkakataong naaabutan ng taxi ang dyip. Sa mga ganitong sandali, bahagyang yumuyuko si Sgt. Pepper, umiiwas na mamataan at mapagsino ng kanyang anak. Sgt. Pepper, huwag ho kayong mabibigla, pero kitang-kita ko ho na nakasubsob si Dondon sa kandungan ng Amerikano. Tumataas-baba ang ulo niya. Hindi ko ho talaga gustong manubok kaya lang, nakaupo ho ako sa malapit sa kanila, kasama ko ang syota ko. Hindi ho ako nagkakamali si Dondon ang nakita ko. Nakita niya ang pagpasok ni Dondon sa isang gusali. Nangingibabaw ang kanyang mahabang karanasan sa pagpupulis, inikot niya ang buong gusali at inalam ang mga daanan papalabas. Nakagawa siya ng planong maganda. Pumuwesto siya sa isang lugar kung saan tatlo sa apat na labasan ang kanyang


181 matamang mamamataan. Pasalit-salit naman ang kanyang ronda para matyagan ang natitira pang labasan. Hindi ko ho gustong magkagulo-gulo tayo. Hindi naman ho sa nagsusulsol ako sa mga kuwento rito sa atin. Kaya nga ho sa inyo na kaagad ako nag-report, bago malaman pa ng iba. Kalahating oras siyang naghintay. Maya-maya, nang kumalat na ang dilim, nakita niya ang paglabas ni Dondon sa gusali, kaakbay ng isang Amerikano. Sinundan ni Sgt. Pepper ang paglakad ng dalawa, hanggang sa makarating sila sa parke. Umupo si Sgt. Pepper sa tabi ng isang matabang puno at isinandal ang kangina pa nangangalay na katawan. Nagsindi siya ng sigarilyo at nagmasid. Tumataas-baba ang ulo ni Dondon. Kitang-kita ni Sgt. Pepper ang pagbabago ng posisyon ng dalawa. Nakita niya ang pagsubsob ng ulo ng kanyang anak sa kandungan ng Amerikano. Dinukot ni Sgt. Pepper sa kanyang tagiliran ang isang rebolber Dahan-dahan siyang tumayo at lumapit sa nooâ€&#x;y umuungol na Amerikanong ang mga mataâ€&#x;y nakapikit, marahil ay sa sarap na nararamdaman dulot ng ginagawa ng kanyang anak sa kandungan nito. Nakalapit na siyaâ€&#x;t lahat ngunit walang kamalay-malay ang dalawang umuungol sa pananabik. Itinutok ni Sgt. Pepper ang baril sa noo ng Amerikano. Nagdilat ito ng mga mata at sa liwanag ng buwan, nakita ni Sgt. Pepper ang gulat sa mukha nito. Bang! Bang! Bang! Bang!


182 Hinawakan niya sa buhok si Dondon at kinaladkad ito papalayo sa nangingisay na Amerikano. Ang kamiseta nitoâ€&#x;y may mga pilansik na dugo. Nagtititili ito at paulit-ulit na sinasambit ang darling Wayne. Nakarating sina Sgt. Pepper sa may kalsada at dagli niyang pinara ang isang paparaang taxi. May sakay ang taxi kung kayaâ€&#x;t ni hindi ito nagmemenor. Humarang si Sgt. Pepper sa gitna ng daan at itinutok ang rebolber sa taxi. Pinababa ni Sgt. Pepper ang tatlong pasahero nito, idinahilan ang police business at inginudngod papasok ng taxi ang kanyang anak. Sinabi niya sa tsuper ang kanilang destinasyon.


183 Date

Pinara ni Elmer ang taxi sa tapat ng isang kilalang hotel sa Makati. Dumukot siya sa kanyang bulsa at binayaran ang drayber. Pagkaibis nila ay naglakad pa sila ng kaunti hanggang sa marating nila ang isang sikat na coffeeshop. DIto sila pumasok.. Pag-upo nila‟y umorder sila ng dalawang tasang kape. Si Elmer, bukod sa kape ay humingi sa waiter ng isang basong tubig na maraming yelo. “Yung maraming-maraming yelo, yung nakakasakit na ng ulo, yung konti na lang ang maiinom kong tubig dahil sa dami ng yelo.” “Yes, sir,” pakli ng waiter. Nagsindi si Tony ng sigarilyo habang minamanmanan ang mga ngitian at kuwentuhan ng mga tao sa kanilang palibot. “Mer, magaganda ba talaga iyong mga tsikas na sinasabi mo?” “Oo, pare. Puta ang katawan, meyn. Hindi mo ipagpapalit sa kahit na ano‟ng bisyo.” “Puta, duda kase ako kapag sinasabi mong maganda, eh.” “Bakit naman?” wari‟y tila nagtatampong tanong ni Elmer. “Kase kalimitan, yung maganda sa iyo, masagwa sa akin. “Tang inang „to. Buti nga isinama kita rito, eh. Ikaw na nga ang hinahanapan ng babae, reklamador ka pa.” “O, sige, tama na. Basta sabi mo, maganda, ha.” “Oo, pare. Putsa, kung ayaw mo, umuwi ka na. Ako na lang ang babanat doon sa dalawang bebot.”


184 “Saan mo ba nakilala iyong dalawang iyon? Saka, bakit dito pa tayo magkikita-kita. Eh ang mamahal ng pagkain dito. Kape pa lang, kuwarenta pesos na. Eh baka maglakad na tayo niyan pauwi.” “Relaks ka lang, „tol. Paldo tayo ngayon. Nagpadala si ermats ng pera.” “Na lulustayin natin.” “Eh, ano? Puta, pare, ngayon lang tayo makakabanat ng chikas na dekalidad. High class itong tinutukoy ko, Tony. Tangna, baka hanggang sa pagtanda natin, ipagmalaki natin hanggang sa mga apo natin sa tuhod.” Dinukot ni Elmer ang kanyang pitaka at binuklat sa harap ng mukha ni Tony. Nakita ni Tony ang ilang dadaanin na nakaipit sa pitaka. Ang isang dadaani‟y medyo nakalabas nang bahagya ang kanto sa may pitaka. Sinadya ito ni Elmer, naisip ni Tony. Gusto nitong nakikitang laging may lamang ube ang kanyang pitaka kahit hindi pa man binubuklat. “Nakilala ko iyong dalawa sa isang party ng katropa ng pinsan ko. Nagpunta kami noon sa Dasma, sa bahay ng bayaw ng pinsan noong katropa ko. Putsa, pare, kung sumama ka sa akin noon, di sana nakabanat ka kahit isa doon sa mga naggagandahang bebot doon.” “At bakit naman ako sasama sa kamag-anak ng bayaw ng pinsan ng katropa ng kapatid ng kung anupaman?” Dumating ang kanilang inorder na kape. Inilapag ng waiter sa kanilang mesa ang isang maliit na kopita ng fresh milk, asukal at dalawang tasa ng umuusok na brewed coffee. Huling inilagay ng waiter sa mesa ang isang basong tubig na kumikinang sa dami ng gma nakalutang na yelo, para kay Elmer.


185 Tinimplahan ni Tony ng fresh milk ang kanyang kape, saka nilagyan ng limang kutsarang asukal. Ipinagpatuloy niya ang paghitit ng sigarilyo. Muling iginala ni Tony ang kanyang tingin. Kinilatis niya ang mga muwestra ng mga tao habang nagsasalita at kumakain. Sa mesang katabi nila ay halos magdikit na ang mga nguso ng magsyotang nag-uusap, nakatawid sa mesa ang dalawang mga kamay na magkahawak. Pinagmasdan sila ni Tony. Napansin niyang hindi nag-uusap ang dalawa. Wariâ€&#x;y kuntento na sa pagkakalapit nilang dalawa, hindi na kailangan pa ng mga salita upang patingkarin ang nagbabaga nilang pag-iibigan. Sapat na ang mga wika ng mata at bulong ng mga haplos. Iginawi ni Tony ang kanyang mata sa dibdib ng babae. Plunging neckline ang suot nitong blusa. Naaaninag ang puti nitong bra. sa isip ni Tony ay parang nakikita niya ang mamulamulang mga utong. Ang suwerte naman ng kumag na ito. Kahit pangit, nakakuha ng magandang syota. Ang pagmumuni-muni niyaâ€&#x;y pinutol ng tunog ng nginunguyang yelo. Iginawi niya ang kanyang tingin kay Elmer. Nginunguya na naman nito ang yelo. Isang ugali ni Elmer na ngumuya ng yelo. Ang yelong kanyang dinudurog sa bibig ay hindi niya nilululon, bagkus, iniluluwa muli sa basong kanyang iniinuman. Patuloy na nginunguya ni Elmer ang yelo, hanggang sa halos ang buong baso ay mapuno ng animo ginagad na yelo. Nang mapino na ang lahat ng yelo, itinigil ni Elmer ang pagnguya. Inabot nito ang lalagyan ng asukal at nilagyan ng asukal ang nginuyang yelo. Pagkatapos ay kanya itong binuhusan ng fresh milk at saka hinalo ng kutsara.


186 “Instant halo-halo,” nagmamalaking pakli ni Elmer. Hinalo niyang parang halo-halo ang baso. Napatingin sa kanila ang ibang mga kostumer. “Mer, tigilan mo nga iyang kahibangan mo. Tuwing kakain tayo sa labas, lagi ka na lang gumagawa niyang instant halo-halo. Hindi ka ba nandidiri diyan? Puro laway mo na iyan, ah.” “Eh, ako lang naman ang kakain, eh.” Maya-maya ay dumating ang kanilang hinihintay. Dalawang babaeng nakabihis ng bestidang matitingkad ang mga kulay. Naitaya ni Tony ang mga edad ng kanilang mga katipan. Nasa disi-otso hanggang bente, tamang kaedad rin nila ni Elmer. “Maupo kayo,” nakangiting anyaya ni Tony na pinaunlakan ng dalawang babae. Pakilanlan. Si Daisy at si Minda. Totoo ngang hihg-class. Pag-upong pagupo ay nagsindi agad ng sigarilyo ang dalawang babae at tinanong kung saan sila pupunta. “Saan n‟yo ba gustong gumimik?” tanong ni Elmer. “Saan ba ang plano ninyo?” “Huwag ninyo kaming tanungin. Kayo ang bahala kung saan ninyo gustong pumunta, doon tayo.” Lumapit sa kanila ang waiter, bilang pagtugon sa kaway ni Tony. Hiningi ng waiter ang kanilang karagdagang order. Dalawang mango juice para kina Daisy at Minda, isang basong yelo naman ang kay Elmer. “Ikaw, Tony, ano‟ng sa iyo?” tanong ni Elmer sa kaibigan.


187 “Wala, tubig na lang siguro,” sagot ni tony. “Punta na lang tayo ng Tagaytay,” bungad ni Daisy. Nagkatinginan si Tony at Elmer. Ang kahulugan ng Tagaytay ay panibagong gastos ng pamasahe. “Sige, sa Tagaytay na lang tayo,” sagot ni Minda. “Eh, girls, magastos sa taxi iyon. Baka puwedeng dito lang tayo sa loob ng Metro Manila.” Nagtatakang nagkatinginan ang dalawang babae. “Wala kayong kotse?” Nagkatinginan sina Tony at Elmer. “Wala, eh,” tila nahihiyang sagot ni Elmer. Saglit na natahimik silang apat. Pagkuwa‟y nagpaalam ang dalawang babae para pumunta sa palikuran. Pagkaalis nila‟y agad na pinag-usapan nina Tony at Elmer kung ano ang maganda nilang gawin, kung saan magandang pumunta. Napagkaisahan nilang manood na lang ng sine. Pagkatapos nito‟y kumain sa labas, at saka magtuloy sa motel. Maya-maya ay bumalik na ang dalawang babae. “Maglinawan muna tayo,” bungad ni Minda. “May mga pera ba kayo?” Nagtatakang tumango si Elmer. Nakatingin lang si Tony. “Bakit mo naman naitanong?” nagtatakng tanong ni Elmer. “Mukha ba kaming mga walang pera?” “Gusto lang naming ilinaw, bago tayo lumakad. One thousand ang presyo namin, kaming dalawa.”


188 Napanganga ang dalawang binata, hindi makapaniwala sa kanilang narinig. Pagkuwa‟y natawa ng mahina si Tony. “Tama ka, Elmer. Mga high-class nga ang mga ito.” Nakanganga ang bibig ni Elemr. Wari‟y hindi makapaniwala sa narinig. Sa isang kanto ng kanyang bibig ay tumulo ang kanyang laway. “Kailangan kasi, malinaw ang usapan bago kami sumama sa inyo.” “Akala namin, hindi kayo, ano…” “Sorry kung mali ang akala ninyo.” “Pero sulit kayo sa one thousand. Puwede tayong mag-foursome. Siguradong masisiyahan kayo sa serbisyo namin.” “Ang ibig ninyong sabihin, mga ano kayo?” tanong ni Elmer. “Ano ka ba naman, Elmer,” naiiritang puna ni Tony sa kaibigan. “Sinasabi na nga sa iyong mga puta sila, ayaw mo pang maniwala.” Nagsindi ng sigarilyo si Tony at hinarap ang dalawang babae. “Baka naman puwedeng five hundred na lang,” tawad niya. “Hindi puwede. Mababa na nga ang sa inyo, sa iba, one-five ang singil namin.” “Ang mamahal naman ng mga puke n‟yo.” “Eh magaganda naman ang mga puke namin. At siguradong malinis. Hindi kagaya sa mga pakalat-kalat diyan sa labas.” “Six-hundred, huling tawad,” may yamot sa tinig ni Tony. Ang lagay, gumastos na sila sa pamasahe at as inorder na kape at mango juice, hindi sila makakaiskor?


189 “Sorry,” sabi ni Minda. Pagkuwa‟y tumayo ang dalawang babae at humakbang palayo sa mesa nila. Sinundan sila ng tingin ni Elmer. “Tangna, mga putatsing pala ang mga iyon,” nanghihinayang ang tinig ni Elmer. “Hindi lang basta puta. Mga primera-klaseng puta. Kumbaga, sila ang mga diyosa ng kaputahan sa Pilipinas. Kaya siguro naninignil sila ng mahal. Halika na, uwi na tayo. May exam pa ako bukas, kailangan kong magrebyu.” “Tangina, Tony, punta na lang tayo ng Mabini. Yung mga puta doon, kaya nating bayaran.” “Bakit ka pa magbabayad? Eh, marami namang pokpok sa atin, libre pa. tara na.” “Teka, baka puwedeng humingi ulit ng isang basong yelo, one for the road.” “Halika na!” “Sige na nga.”


190 Kasal

Hindi ko na matandaan kung kailan ako huling pumasok ng simbahan. Matagal na panahon na. Ang huli ko yatang simba, noong first communion. Tama, iyon ang huli kong simbang seryoso. Ang mga sumunod, puro mga simbang porma na lang. Noong binatilyo pa ako, madalas kong kasama sa Loversâ€&#x; Mass, si Elmer. Alas-sais nag-uumpisa ang Loversâ€&#x; Mass. Mapapansing karamihan ay mga dalagaâ€&#x;t binata ang nasa loob ng simbahan. Karamihan ay talagang pangmalakasan ang mga suot na damit. Trip namin ni Elmer na tumayo sa may bandang likuran at pagtripan ang mga seksing babaeng nagsisimba. Kung minsan, mayroong mga tsikas na hindi matataray. Kapag nakipagkilala kami, nakikipagkilala naman.

Maganda talaga ang nanay ko. Sa suot niyang puting gown, para siyang hindi taga-iskwater. Mukha siyang middle class. At si Pablong Shoeshine, kapag pala inahitan at ginupit ang tumatabal na buhok, mukhang tao. Ang gusto sana ni ermats, sumabay sa mass wedding na sponsored ng kung sinong kupal na pulitiko, sampu ng mga tuta niyang opisyales ng looban. Pero ayoko. Kahit minsan lang sa buhay ko, mabigyan ko man lang ng isang regalo ang nanay ko, regalong magkakaroon ng natatanging puwang sa isip niya hanggang sa mamatay siya. Ito na siguro ang pinakamagandang regalong maibibigay ko, ang mabigyan sila ni Pablong Shoeshine ng disenteng kasal. Malaki rin ang nagastos


191 ko pero okey lang. Sa tingin ko, dapat lang. Siguro naman, panahon na para sumaya ang inay. Si Elmer ang best man. Ang mga abay at iba pang kalahok, puro mga taga-looban. Ako ang gumasta ng mga barong at gown. At pagkatapos ng kasal, salu-salo sa isang sikat na restoran. Tapos, honeymoon nina ermats sa Zamboanga. Hindi ko alam kung bakit doon nila gustong mag-honeymoon. Ang sabi ni Pablo, gusto niya raw makita si Kamlon. Sige, kako, puntahan mo si Kamlon. Napanood niya raw kasi iyong pelikula ni Ramon Revilla, tungkols a buhay ni Kamlon. Hindi ko alam kung seryoso o nagloloko lang si Pablo. Siguro naman, alam niyang matagal nang patay si Kamlon. Pero ewan ko rin. Bakit sa Zamboanga nila gustong mag-honeymoon? Ibigay ang hilig. Unang sakay ni ermats ng eroplano. Gustong sumama ni Dino pero pinigilan ko. Tangna, makakaistorbo lang siya sa honeymoon.

Dalawang Linggo sina ermats sa Zamboanga. Pagkatapos, tutuloy sila sa bagong bahay na ipinagawa ko para sa kanila. Sa Malolos sila titira. Nakabili ako ng lupa roon. Dapat sana, doon ako titira sa panahong magretiro ako sa trabaho. Pero sa kanila na lang. Kailangan nila iyon para sa bagong buhay, sa kanilang paglayo sa looban. Kasama nila si Dino. doon na rin siya mag-aaral ng kolehiyo. Binigyan ko rin sila ng konting puhunan, nasabi kasi sa akin ni Pablo na balak niyang magtayo ng tindahan ng sapatos. Okey, sabi ko, walang problema. Tinanong ko kung magkano ang kailangan. Bahala na raw ako. Ang tarantadong


192 „to, ako pa ang papoproblemahin sa pagkukuwenta kung magkano ang kailangang panimulang kapital para makapagpundar ng tindahan ng sapatos.

Hindi ko na tinapos ang kasalan. Exit na ako bago pa man utusan ng pari ang lalake na hagkan ang babae. Una, ayokong makitang hinahagkan ng ibang tao ang nanay ko. Pangalawa, ayokong makitang si Pablo ang hahalik sa nanay ko. Hanggang ngayon, bagamat hindi ko na sinasabi kay inay ang pagtutol ko, ayaw ko pa rin kay Pablo. Kahit na pinagbayaran na niya sa bilibid ang kasalanan niya. Ang maging arsonista ay isang mabigat na kasalanan. Tanging kamatayan lang ang makapagpapatawad sa kanya. Nagpaalam ako kay Dino. sabi ko, alis na ako. Bakit daw. Sabi ko, sira ang tiyan ko. Baka doon pa ako sa simbahan magkalat. Bago ako lumabas ng simbahan, tiningnan ko ang nanay ko. Masayang masaya. Sana ganoon din ako kasaya. Nakakainggit siya.


193 Dondon

Mahimbing ang tulog ni Tony nang maramdaman ang tapik ng palad sa kanyang pisngi. “May bisita ka, nandiyan si Sgt. Pepper,” anas ng kanyang ina. Pupungas-pungas na bumangon si Tony. Tinungo niya ang pintuan, binuksan ito ng bahagya at dumungaw sa labas. Madilim ang gabi at ang nagiisang posteng umaandap-andap ang bombilya‟y tila nagdadagdag pa ng dilim sa halip ng liwanag. Ang tangi niyang nakita sa labas, mga ilang hakbang ang layo mula sa kanilang pintuan ay hugis ng isang mamang matangkad, may baga ng sigarilyong nakasubo sa bibig. “Sgt. Pepper?” paniniyak ni Tony. “Ako nga,” sagot ng panauhain. “Tony, puwede ba tayong mag-usap?” May kabang gumapang sa katawan ni Tony. Kabang may kaugnayan sa nabalita sa radyo, diyaryo at telebisyon nitong mga nakaraang araw, tungkol sa isang Amerikanong walang awang pinaslang sa nangungunang pamantasan sa bansa. “Sandali lang ho,” sagot ni Tony. Dinukwang niya ang kanyang kamisetang nakasampay sa babahan ng bintana. Isinuot niya ito at lumabas ng bahay. Pinadpad sila ng kanilang mga talampakan sa nag-iisang karinderya sa may paglabas ng looban. Ito lang ang tindahan sa lugar nila ang hindi nagsasara. Umupo sila sa isang mesita. Si Tony ay umorder ng isang malamig


194 na serbesa habang si Sgt. Pepper nama‟y humingi ng isang tasa ng mainit na kape. “Patay na si Dondon,” pagtatapat ni Sgt. Pepper. Pakiramdam ni Tony ay bumara sa lalamunan niya ang nilalagok na serbesa. Humigop ng kape si Sgt. Pepper. Wari‟y hinahayaan niya munang lumublob ang bigat ng kanyang sinabi sa isip ni Tony. Humigop ito ng kape at nagsindi ng sigarilyo. “Patay na si Dondon,” ulit ni Sgt. Pepper. “Paano hong namatay,” nagtatakang tanong ni Tony. Bigla, lumipad ang kamao ni Sgt. Pepper at dumapo sa ilong ni Tony. Malapot ang dugong tumulo sa sahig mula sa ilong ni Tony. Sa lakas ng suntok ay nawalan ng balanse sa pagkakaupo si Tony. Nabuwal ang kanyang bangkong inuupuan. Hindi kaagad nakabango si Tony. Umiikot ang kanyang paningin, nangangapal ang kanyang paghinga sa pagsargo ng kanyang dugo sa ilong. “Ano‟ng paanong namatay?” sigaw ni Sgt. Pepper. “Ang ibig mong sabihin, hindi mo alam kung ano‟ng nangyari kay Dondon? Sa anak kong si Dondon?” “Hindi ho a—“ “Ngayon, masaya ka na, Tony?” Hindi malaman ni Tony kung ano ang isasagot. Hinimas-himas niya ang mamasa-masang bote ng serbesa sa harapan niya. “Ano‟ng ibig n‟yong sabihin, na masaya ako‟t nawalan kayo ng anak?”


195 “Bistado kita, Tony. Alam ko, kaya mo sinumbong sa akin si Dondon, malamang may galit ka sa Amerikanong taga-UP. Nilagay mo ako sa alanganin. Alam mong kapag wala akong ginawa, pagtatawanan ako ng buong looban. Ang totoo, ginamit mo ako.” “Bakit n‟yo naman ho nasabi iyon?” Tumawa ng mahina si Sgt. Pepper. Humigop ito ng kape. “Hinahangaan ko ang talino mo, Tony. Magaling kang dumiskarte. At lagi mong inuuna ang sarili mong kapakanan. Iyan ang mga katangian ng isang tunay na lalake. Ang kulang na lang sa iyo, uniporme. Kung nagpulis o sundalo ka lang sana, talagang lalakeng lalake ka na.” Hindi kumikibo si Tony. Sa mga oras na iyo‟y namamawis ang kanyang noo. Sapo niya ng isang kamay na may hawak na panyo ang dumudugo niyang ilong. Hindi niya malaman kung ano ang gagawin. Dapat ba niyang palampasin ang ginawang pagsuntok ni Sgt. Pepper? Dapat ba siyang gumanti? Ngunit tila may importanteng sasabihin ang kanyang kausap, kailangan niya itong marinig. Mali ang una niyang entrada, naisip niya. sino nga ba naman ang hindi makakabalita sa pagkamatay ni Dondon? Dito sa looban, walang balita, totoo man o hindi, ang hindi nakakarating sa mga tenga ng bawat isa. Dose-dosenang mga nanay ang kasalukuyang nagtatrabho ng pultaym sa pagkakalat ng mga balita. Kanginang pag-uwi niya galing sa eskuwelahan, napansin niya ang pagkukumpulan ng mga tao sa harap ng bahay nina Sgt. Pepper. Ang dinig niya


196 sa mga bulung-bulungan ng mga tao ay nagbigti raw si Dondon, ang anak na bakla ni Sgt. Pepper. Ayon sa suicide note na natagpuan ng mga kaanak ni Dondon, hindi na niya raw kaya ang pagmamalupit na ginagawa sa kanya ng mga taong malapit sa kanya. Hindi na niya kaya ang pandidiri sa kanya ng mismong ama niya. Paalam. Sana raw, sa kanyang pagkamatay ay maging mapayapa na ang kanyang pamilya. “Kung nagpulis ka lang sana, Tony.” Naputol ang pagmumuni-muni ni Tony. Ang kanyang mga palad ay mahigpit na nakakuyom, nakakubli sa ilalim ng mesa. “Matagal na akong hanga sa iyo. Maliit ka pa lang, tinitingnan na kita. Sabi ko, heto ang batang lalaking may bayag. Heto ang batang paglaki, aalis sa looban. Heto ang batang lalaking ilalaan ang buhay sa pagtuklas at pag-ani ng mga karanasan. “Sayang ka, Tony.

Ginagamit mo sa masama ang talino mo‟t galing.

Sinasayang mo lang ang talentong bigay sa yo ng Diyos. Kung ako ang tatay mo, baka pinatay na kita sa gulpi. “Pero kahit inagrabyado mo „ko, kahit namatay ang kaisa-isang kong anak na lalake, hindi kita gagalawin. Bilang paghanga ko sa galing mo. Tutal, hindi rin naman lalake si Dondon. Mabuti na rin siguro iyong ganoon.” Sinimot ni Sgt. Pepper ang laman ng kanyang tasa. Pagkuwa‟y tumayo na ito. Pagtayo niya‟y tumayo rin si Tony. Naisip ng binata na kung sakali mang bigyan siya ni Sgt. Pepper ng one for the road, makakaiwas siya. Nag-aalala siya na baka tamaan na naman ang namamaga niyang ilong.


197 “Aaalis na ko, Tony. Siguro, sa ibang araw, kapag malamig na ang ulo ko, ikukuwento ko sa iyo kung paano ko tinira iyong kano.� Sinundan ni Tony ang papalayong anino ni Sgt. Pepper. Yukot ang mga balikat nito. Sa tingin niya, nawala ang tikas ng pagiging pulis nito. Nilagok niya ang natitirang serbesa at binagtas ang madilim na eskinita papauwi sa kanilang dampa.


198 Mutya

Lintik lang ang walang ganti. Ito ang naiisip ni Tony habang sinusundan si Mutya. Makalipas ang ilang taon, buhay na buhay pa rin sa isip niya ang nangyari sa kanila ni Mutya. Kung paano siya gumulong sa putikan nang suntukin siya nito. Pero lintik lang ang walang ganti. Sa kanang kamay niya ay tangan niya nang mahigpit ang isang tubong may dalawang talampakan ang haba. Hiniram niya sa tambakan nina Mang Eloy ng looban. Ilang linggo matapos ang sa tingin niya‟y nakakahiyang panggugulpi sa kanya ni Mutya, umalis ng looban sina Mutya. Sayang, naisip niya, hindi siya nakaganti. Pero ngayon, makalipas ang ilang taon. Ilang taon na nga ba? Lima, anim, pito, walo, hindi na niya matandaan. Ang natatandaan na lang niya‟y ang kahihiyang inabot niya sa mga taong nanonood sa suntukan nila ni Mutya. Aksidente ang pagkakatagpo niya kay Mutya. Nang minsang mapadpad siya sa Proj. 4, sa bahay ng isa niyang dating kaklase, nakita niya si Mutya. Malaki ang pinagbago nito. Lumiit na ang dati‟y matipunong katawan. Ang tiyan nito‟y unti-unti nang lumolobo, tanda ng dinaranas nitong kaalwanan. Nagbabantay si Mutya ng tindahan na sa tingin niya, siya ang may-ari. “Tindahan ni Mutya” ang nakalagay na karatula sa itaas. Hindi siya nakilala ni Mutya. Bumili siya ng isang kahang sigarilyo, tinitigan niya ang mukha ni Mutya, ngunit hindi siya nito nakilala. Tamang-tama.


199 Ilang araw siyang nagbabad sa gawi ng tindahan. Pinag-aralan niya ang labas at pasok ni Mutya sa kanyang tindahan. Kalimitan ay mayroong kalong na bata si Mutya, na sa tingin niyaâ€&#x;y anak. Minsay umistambay siya sa mahabang upuang nakapuwesto sa bukana ng

tindahan.

Sa

kanyang

pagkakaupo,

pag-inom

ng

Coke,

ay

nakipagkuwentuhan siya kay Mutya. Parang himala na hindi siya nito nakilala. Kunsabagay, malaki na rin ang pinagbago ng kanyang hitsura. Kung nooâ€&#x;y isa siyang patpating bata, ngayoâ€&#x;y mama na siya. Sa kuwentuhan ay napag-alaman niyang tuwing Linggo ng madaling araw kung mamili si Mutya ng kanyang mga paninda sa sari-sari store. Sa Divisoria umano ang kanyang destinasyon, kung saan mura ang mga sitsiryang paninda. Dala-dala pa rin ni Mutya, napansin niya, ang yabang nito. Nasa tono pa rin ng pananalita nito ang yabang ng isang taong sigurado sa kanyang sarili. Lintik lang ang walang ganti. Linggo ng madaling araw nang makalimutan ni Mutya kung paano maglakad. Linggo ng madaling araw nang makatikim si Mutya ng asim at pait ng paghihiganti. Linggo ng madaling araw nang mamaalam ang mga paa ni Mutya sa mahabang panahong pakikipagniig ng mga ito sa lupa.


200 Baguio 1999

Nakaayos na lahat ng gamit ko. Bukas na ang alis ko. Akala ko noon, dito na ako magtatagal sa Baguio. Hindi pala. Malakas pa rin pala ang tawag ng mundo. Ngayon alam ko na na hindi lang ako ang nagdedesisyon para sa buhay ko. Nariyan pa rin ang lipunan, ang ibang tao, ang mga pangyayari, ang mga babae. Kahit na isara ko ang sarili ko sa lahat ng bagay, hindi pa rin puwede. Hindi naman sa pinipilit ako ng lipunan na bumalik sa tiklop ng lilim nitong walang naidulot sa akin kundi kahihiyan, pagdurusa at paghihirap. Kung ganoon sanang tulak lang ng ibang bagay, kayang palampasin. Ang problema, ang sarili ko. Ako mismo ang naghahanap. Ako mismo ang tumatawag sa mga bagay o pangyayari para lumapit sa akin. Nagising ako isang gabi, sa gitna ng panaginip na nagkahugis sa isang malaking bahay na kasalukuyang nagdiriwang ng pista. Nagising ako sa gitna ng panaginip, nang akmang dadamputin ko ang piniritong hita ng manok na namimintog sa dulas ng mantika. Nagising akong pinagpapawisan at ang una kong naisip, si Klara. Ipinaubaya ko na kay Sarge ang mga tanim kong marijuana sa garden. Siya na kako ang bahala roon. Pag may pagkakataon daw siya, ibig sabihiâ€&#x;y kung magkakapera siya ng malaki-laki, dadalawin niya daw ako sa Quezon. At dahil sa kalagayan ni Sarge na wala naman talagang pinagkakakitaan, at ang tanging inaasahan ay ang buwanang padalang pera ng kanyang kapatid na siyang kaisa-isang nakakaalala sa kanya, ibig sabihiâ€&#x;y hindi siya makakadalaw sa akin sa Quezon.


201 Tama, sa Quezon. Mula nang matanggap ko ang postcard na ipinadala sa akin ni Klara, lagi ko nang naiisip ang Quezon. Siguro naman, doon, mahahanap ko na ang sarili ko. Lalo paâ€&#x;t mapapalapit ako sa babaeng siya naman talagang gusto kong makasama mula pa noong hindi pa ako tinutubuan ng bulbol at wala pang hibo ng malisya sa utak. Itong bahay, ipinaubaya ko na kay Sarge. Ibinibigay ko pero ayaw niyang tanggapin. Gusto niyang bayaran. Ang kaso, nahihiya naman akong tumanggap ng bayad dahil alam ko, hirap siya sa buhay. At may pinag-aaral siya sa kolehiyo. At isa pa, milyonaryo ako at hindi ko kailangan ang perang ibabayad ni Sarge. At panghuli, ang planong ibayad sa akin ni Sarge, na ayon sa kanyaâ€&#x;y hindi raw gaanong kalakihan, ay walong libong piso. Walong libong pisong tanging naiipon niya at iniingat-ingatan at pinakatatagu-tago, na bago kami maghiwalay ay sinabi niyang nasa ilalim ng kanyang sofa sa sala, nakatali ng laste at nakasilid sa isang lumang medyas. Walong libong piso para sa bahay na may katamtamang laki at lupang kinatitirikan nito at ng maliit na garden. Noong umpisaâ€&#x;y gusto kong batukan si Sarge. Akala ko kasi, nagbibiro siya. Pero nang mapagtanto kong seryoso ang pananalita niya, natahimik ako. Napag-isip-isip ko, dapat kong tanggapin kay Sarge ang walong libo, kahit man lang pormalidad na binili niya ang bahay at lupa. Kasi si Sarge, maprinsipyo. Naniniwala siyang ang anumang bagay na hindi niya pinagpawisan ay hindi dapat na mapasakanya. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kung tatanggapin niya ang bahay at lupa bilang regalo ko. At higit sa lahat, kapag


202 niregalo ko ang bahay at lupa, sa halip na matuwa siya, baka lalo lang siyang maawa sa sarili niya. At iyon ang pinaka-ayaw kong mangyari. Ngayong kilala ko na si Sarge at kahit papaanoâ€&#x;y nararamdaman ko ang sakit ng loob niya sa mga problemang ipinataw sa kanya ng buhay. Noong isang linggo, nakilala ko nang tuluyan si Sarge. Bigla kasi akong pumasok sa bahay niya. Sa dalas kasi ng punta namin sa bahay ng isaâ€&#x;t isa, hindi na kami nakakaisip pang kumatok. At gayon nga ang ginawa ko. Kipkip ko sa palad ko ang ilang buto ng marijuana na napag-kasunduan namin ni Sarge na itanim sa garden niya. Pagpasok ko sa bahay ni Sarge, walang tao. Pero narinig ko ang ugong ng radyo sa kuwarto kung kayat naisip kong baka natutulog si Sarge. Pumihit ako palabas, naisip ko, mamaya na lang kapag gising na si Sarge. Bago ako makalabas, nakarinig ako ng ungol mula sa kuwarto. Naisip ko, baka binabangungot si Sarge. Takbo ako papunta sa kuwarto. Hindi naka-lock ang pinto. Pinihit ko ang doorknob at binuksan ng bahagya ang pinto, sapat lang para magkaroon ng awang at makita ko si Sarge. Ang pintuan ng silid, nakaharap sa salamin. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko kaagad si Sarge sa balandra ng reflection sa salamin. Hindi niya ako kita dahil nakukublihan ako ng pinto. Nakita ko si Sarge. Nakasubo sa bibig niya ang ari ni Efren ang Ifugao na pinag-aaral niya. Hinila ko pasara ang pinto, marahan. Pagkatapos ay lumabas ako ng bahay ni Sarge at umuwi.


203 Higit kanino man, ako ang nakakaunawa kay Sarge. Mas higit pa siguro sa pag-unawang iginagawad sa kanya ng kapatid niyang nakatira sa Amerika at sumusustento sa kanya. Nagsisisi nga ako dahil nang malaman ko ang katotohanan sa likod ng pagkatao ni Sarge, medyo nanlamig ako. Pero yung panlalamig ko, agad kong inaresto. Napakabait sa akin ni Sarge at hindi na mahalaga sa akin kung lalake siya o bading. At saka, sa araw-araw ba naman naming pagsasama, ke tibo siya na nagbabakla-baklaan, o babaeng may lawit, o baklang nagkukunwang tomboy, hindi na mahalaga sa akin. Siguro, kapag plastado na ako sa Quezon, padadalhan ko ng pera si Sarge para madalaw niya ako. Noong isang linggo, pumutok sa diyaryoâ€&#x;t telebisyon ang pinakamalaking systems crash sa buong bansa. Higit na malaki ang pinsala kaysa noong nagkaroon ng computer virus crash noong magtatapos na ang dekada otsenta. Ang apektado ng systems crash noong isang linggo, mga malalaking bangko, ilang sangay ng gobyerno, mga malalaking funding institutions, at mga malalaking insurance corporation. Naapektuhan din ng crash ang ilang malalaking kumpanya sa labas ng Pilipinas. Ang sabi sa balita, ang pinakamalaking pagkalugi raw ay tinamo ng Great Insurance Corporation, na nagkakahalaga ng mahigit sampung bilyong piso. Ang sabi ng mga opisyal ng Great Insurance, ang crash daw o ang pagkasira ng computerized system nila ay dahil sa millenium bug. Nagtesting umano sila ng ilang programa, ipinasok sa Y2K testing, sumemplang. Ang problema, wala silang contingency plan, o iskemang pangresolba kung sakaling papalpak ang programa.


204 Iyon ang paliwanag nila. Pero ang hindi nila alam, ang pagpalpak ng programa ay bunga ng isang programang matagal nang namamahay sa kanilang network. Isang programang bubura sa mga records at mag-aakyat ng bilyonbilyong pagkalugi dahil sa pagkasira ng mga programang ginastusan ng milyon para lang mapatakbo. Sa pagkakatanda ko, ang programang nabanggit ay mula sa tatlong itim na diskette na nagkakahalaga ng disi-otso pesos ang isa. Ilang araw matapos ang crash, natuklasan ng mga espesyalistang galing pa sa Amerika ang virus. Na-trace nila ang programmer na gumawa nito. Ang lumitaw sa kanilang imbestigayon, ang promotor ng nasabing virus ay dalawang inhinyerong nagngangalang Jeffrey Dali at Oscar Letig, dalawang opisyal ng Great Insurance. Ang dalawa ngayoâ€&#x;y nasa pangangalaga ng NBI at kasalukuyang iniimbestigahan. Sa pag-alis ko dito sa Baguio, isang maliit na travelling bag ang dala ko. Yung iba kong mga damit, ibinigay ko sa Ifugao na kasama ni Sarge sa bahay niya. Alam ko, kung kay Sarge ko ibibigay, hindi niya tatanggapin. Nagalit nga noong ipinamigay ko ang mga damit ko. Sabi niya, kakailanganin ko raw ang mga iyon. Saka, mahirap daw magpundar ng mga panggarbo sa katawan. Malaking pera umano ang gugugulin. Sa halos isang taong pagsasama namin ni Sarge bilang tunay na magkabatak, ni hindi sumagi sa isip niyang akoâ€&#x;y isang milyonaryo. Maliit na travelling bag. Isiniksik ko na lahat ng dadalhin ko. Tatlong kamiseta, isang maong, limang brief, isang jacket, isang tuwalya, sepilyo, at ilang pares na medyas.


205 Yung mga gamit sa bahay, tulad ng TV, stereo, ref, kalan at marami pang iba, ibinigay ko na kay Sarge. Sabi ko sa kanya, libre na iyon dahil binili niya ang bahay. Ang dadalhin ko lang naman talagang gamit, yung bago kong pick-up. Yun ang sasakyan ko papuntang Quezon. Hindi na rin ako dadaan sa bahay nina inay. Ayos na ang buhay nila, kapag nagpakita pa ako baka magulo lang. Gusto ko sanang dumaan sa looban. Huling kita ko kay Elmer, noong kasal ni inay. Kunsabagay, mahigit isang taon pa lang. Pero saka na lang rin. Kapag ayos na ang buhay ko sa Quezon, saka na ako magpapakita sa mga tao. Tinanong ako ni Sarge kung gusto ko raw magbaon ng damo. Baka daw kasi walang kuwenta ang damo sa Quezon. Ang dinig niya raw kasi, ang mga tao doon, puro nakayapak at ang tanging nakatsinelas lang ay ang mga ikinakasal, at ang tanging nakasapatos ay ang gobernador. Kapag daw ganoon kamiserable ang pamumuhay ng isang kabayanan, malamang daw sa hindi, hindi uso ang damo roon, na ang mga tao raw doon ay hindi alam kung ano ang marijuana at ang sarap na idinudulot nito sa katawan. Sabi ko, hindi na. Ang plano ko kasi, pag-alis ko dito sa Baguio, ititigil ko na rin ang paghitit ng damo. Balak ko na nga ring itigil na ang pagyoyosi. Padalas nang padalas at palala na nang palala ang pana-panahong pagsakit ng dibdib ko. Pati pag-inom, babawasan ko na. Ang lahat ng itoâ€&#x;y kakayanin ko. Tama, kakayanin ko ang lahat.


206 Paharap ako sa panibagong yugto ng buhay. At sana, dito na magtapos ang paglalakbay ko. Sana, hindi ako mahirapan sa Quezon. Aakyatin ko ang Mt. Banahaw at titingnan ang ganda nito mula sa itaas, ibang perspektiba kaysa sa larawan sa mga post card. Ang sarap sigurong makapaglunoy sa mga beach ng Quezon at malasahan ko ang alat ng dagat, at maiugnay ko ang mga karanasan sa mga nakaimabak na gunita sa isip ko. At higit sa lahat, si Klara.

WASAK


207 P.S.

Sa nagbasa ng librong ito, maraming salamat sa oras mo. Sana nagustuhan mo ang kuwento ni Tony. Pasensya ka na sa mga typo. Kung gusto mo ng kopya ng libro, punta ka sa http://bookay.multiply.com. O hanapin mo kami sa facebook. Salamat!

NW

http://absurdrepublic.blogspot.com


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.