KAWAwaSA

Page 1


About The Cover Kawa-wa-sa is the first ever limited lampoon issue released for the first semester of A.Y. 2014-2015 which had been made possible by the Kawasa, the official student publication of MSU- TCTO.

This special edition tackles about the present university issues encountered by the MSUans—everything from our beloved professors to the admin, from the classroom-slash-motels-during-night time to the specially scented not-so-comfortable comfort rooms as well as about a few of our fellow pasaway students. But oops! Allow me to define the word “lampoon” to you first. It is a satirical piece of writing, a cartoon, and such that mocks or makes fun of a person or thing, therefore, expect no formality from this issue. Oh! And to those who are on the hot seat, panic not! Keep calm and remember that this is just for fun.

Warning! Oops! Pikunin ka ba? Bitter? Guilty? Defensive? Kung oo, please lang, wag ka nang magtangkang basahin to. Pero kung trip mo talagang pataasin ang presyon mo, edi sige, read mo na to, dali! At kung sakaling sa ospital man ang kahahantungan mo ng dahil dito. Wag mong sabihing di kita binalaan! Bato-bato sa langit, ang tamaan wag pa-obvious! Para sa mga taong assuming, wag na tangkaing magbasa, BAKA TAMAAN KA! :D

Maling Akala May mga bagay na hindi sayo binabato, pero sinasalo mo. Kaya para sa mga taong assuming, ‘wag na tangkain pang magbasa nito, BAKA TAMAAN KA! :D Di mo talaga mapigilan ang sarili mo sa pagbasa, ano? Kulit mo talaga! Sige na nga, proceed with caution! :)


…mananang-guard na nagbabantay sa mahi wagang portal ng Admin …kapwa estudyante …mga pikon at defensive much …guro na nangungutang …guro na nangungursunada …gurong kalahi ng dragon sa sobrang terror …comfort rooms na inspired ng Jollibee, “Langhap Sarap” …nagme-menopause na cashier …Freedom Wall na hindi free …classrooms na walang bentilasyon

…infirmary na salat sa gamut …live na library (clue: hindi students ang maingay) …teacher na di naka-move on sa pagiging student

…student leaders na pasikat much …mga pangakong napapako …Supplies Office na nagiging videoke haus (sino may pinakamataas na score so far?) …titser na hindi alam kung anong basehan sa grado (so lost!) …classroom na binabaha ng bandal …classrooms na nagiging motel sa pagkagat ng dilim (dun din nagkakagatan yung iba) …bagong building na sira na …lbrarians na puro chismax, tulog, kain, at kung anu-ano pa (you got paid for that?)



“Matatapos na lang ang e-library, mga dormitoryo, laboratories, at siguro nga magugunaw na lang nag planet Earth pero ang CR ng MSU-TCTO, ganun pa rin… free perfume, a scent like no other!” -Hopeless Romantic 2012 “Descendant ni Goliath na namumugaran sa CAS Faculty ngayon, nangingialam sa mga students!” -David’s descendant “Now we don’t even have the human right to choose what we want to wear?” -Niqabi “Why the cashier so grumpy? Like, everyday? Duh!” - EngliserangYungit “C: Nag-sign lang ako. K: Nag-encode lang ako. MSUJuan: Ay suuuuuuus!” -Binibining Windang “Since tumaas na ang tuition fee namin, pwedeng pagtuunan din ng pansin ang enrollment system? Pwede dagdagan pa ng ibang computers para sa billing? At pwede hindi na manual ang sa cashier? Puh-leasse!” -Haring Kunsomisyon

“Naay leak sa KAWASA office. No, it’s not the ceiling, pero kinahanglan na jud tapakan. As in, ASAP!” -Buslot Ba Ni? “Es-Es-Si, magbutang na kaya mo ug official bulletin board para sa “Lost and Found” things nuh? Kay murag something nag trending na man jud ang “lost” announcement sa school buh!” - Hain ka na karun? “Kanang naa lang kuy gamayng hangyo ba. Pwede kung maghimo mug milagro dili lang sa tapad sa among office? Mas mingaw didtu sa CAS oh! Dayun, pwede paki-Google pud sa word nga kaulaw? Salamat.”-Milagro Doers “Isang pagkakamali lang, laughing SINGKO agad? Tagal na po nun! Move on! Matuto ka sanang magpatawad at wag gawing basis ang isang munting pagkakamali para sa pang matagalang marka na tatatak sa TOR. Huhu!”-Ampalayang Fresh From The Farm

“Masarap po ba ang sea bass na fresh from the marine lab? Ahem! Patikim!” -Boy Gutom



***F.Y.I.: Hindi po kaperahan ng mga estudyante (KAWASA FUND) ang ginamit upang mabuo ang isyung LAMPOON na ito.


Top 5 Signs Of Global Warming Umaga pa lamang, pero yung araw parang tanghaling tapat na. Kakapulbos mo lang, pero wala pang sampung minuto, pwede na naman pagprituhan ng isda ang mukha mo sa sobrang oily. Saka, minsan ba naiisip mo din na ang planetang ginagalawan natin ay tila ba napapagitnaan na ng impyerno’t purgatoryo? Wag ka mag-panic, hindi pa naman end of the world. Na-postpone kasi nung 2012 saka hindi pa naman na-reschedule. Global warming lang yan, okay? Pero bukod pa don sa mga sintomas na binanggit ko sa itaas, alam niyo ba ang iba pang senyales ng global warming? Alam niyo man o hindi, didma na. Hayaan niyo na lamang akong isalaysay sa inyo ang top 5 signs ng nasabing phenomenon. 1.Umiinit na temperatura- Alas-otso pa lamang ng umaga, naghihimagsik na sa init si Haring Araw, eh kamusta naman kaya sa tanghali? Pwede ka na siguro magpakulo ng tubig sa itaas ng bubong. Butas na kasi ang ozone layer eh, di na nasasala ng mabuti yung mga ultraviolet rays ng araw, kaya yun. Wag na din tayo magsisihan, kagagawan din naman ng mga tao kaya nagkaganito kaya sabay -sabay na tayo magtiis, ok? Uso na kasi ang one for all, all for one eh. 2.Tumataas na sea level- Lubusang naghahasik ng malagim na init (ano yun?!) ang araw kaya’t hindi man natin namamalayan, unti-unti na ring tumataas ang sea level sa kadahilanang dahan-dahan ding natutunaw ang North at South Pole (tindahan to ah!). Sana nga lang hindi pa muna mangyayari ang posibilidad na lulubog ang iilang isla sa Pinas habang buhay pa ako, kundi, matututo talaga akong lumangoy ng wala sa oras. 3.Unexpected weather changes- Uy, English yun ah! Siopao, siopao! For sure, alam na natin to. Yun bang moments na ang init-init ng araw tapos ilang oras lang, biglaan na lang bubuhos ang malakas na ulan? Okay lang yan, basta siguraduhin mo lang na hindi ka maiipit sa gitna ng papalit-palit na weather at armado ka ng payong kundi ihanda mo na ang iyong Bioflu at goodluck na lamang sa sipon mo! Hay! Relate na relate ako dito. Kaya kung trip mo talagang magkasipon ng limang linggo, sige magtampisaw ka sa ulan, at wag mong sabihing hindi kita binalaan. 4.Pagpapataasan ng SPF- Dati SPF 10 lang, sapat na. Ngunit kasabay ng pamamayagpag ng init ng atmosphere, nagpapaligsahan na din sa pag-evolve ang SPF level ng mga lotion at sabon na binebenta sa mga tindahan. At syemperds, hindi rin papatalo ang apps sa smartphone no? Abangan niyo lang guys! Di magtatagal, SPF360 na ang papalit sa ever-usong instant surgery ng Camera 360. Alam niyo yun? Yun bang smartphone na, sunscreen pa! San ka pa? Buy na! At ang pinakamalupet na senyales ng global warming, rarampa na! Handa ka na ba? Sure ka? Tambling daw? Okay, tadaaan! 5.Pagnanakaw ng electric fan- Bago pa lang iniluwal sa mundong ibabaw ang sintomas na ito pero ang lakas agad ng impact! Inspired sa Yolanda! Mantakin mo ba naman, pati kaisa-isang appliances namin sa Kawasa office, pinagdiskitahan pa! Malala na talaga ang global warming, guys! Di na jud ni madalag smile! Kaya payo ko lang sa inyo, simulan niyo nang ikadena at lagyan ng sampung litrong Mighty Bond yang mga electric fan niyo sa bahay, dorm, at pati na rin yang mga nasa acad classrooms. Malay niyo, pinagnanasaan na pala yang kidnapin, di niyo lang alam.




Six Top Uses Of Your Monopod Alam niyo bang antok na antok na ako habang sinusulat ko to? Haha! Wala ba, extra lang yun. Anyway, ang topic ko dito sa portion na to? Selfie stick. Ayy, monopod ba yun? Psh. Whatever. Basta nais ko lang ipamahagi sa inyo ang anim na purposes ng metallic stainless patpat na panghawak ng smartphone. 1.Selfie Stick- Pre, masyado naman yatang obvious, eh no? Kailangan ko pa bang i-explain to? Okay fine, pang-picture ito ng sa sarili mo para hindi na ma-loose thread yang braso mo sa kakastretch para lang makuha ang background at perfect angle mo. 2.Groupfie Stick- I-extend mo lang yung monopod, look up (muhangad sa langit, muduko sa yuta! Budots lang!) and posing hanggang mangalay yang panga mo. Halos walang pinagkaiba sa selfie, pang-maramihan nga lang to. Groupfie nga diba? LOL! 3.Pang-sungkit- Sungkit sa kulangot o sa nakaimbak na tutuli sa tenga? Tse! Pilosopo neto! Bakit, trip mong subukan? Haha! Basta ba, itong patpat na to ay effective pang-sungkit sa mga mansyon ng gagamba na nakakalat sa inyong kisame, bayabas o santol ng kapitbahay, at iba pang out of reach objects.

4.Stick for teaching- Nasubukan niyo na bang mapalo ang kamay ng patpat na kahoy nung elementary kasi nakalimutan niyong mag- nail cutter sa bahay? Ako, oo. Grabe, sakit nun! Well, pasalamat na lang kayo kasi child-friendly na ang mga schools ngayon kundi, may mga makukulit na bulilit talaga na makakatikim ng palo ng monopod sa balat nila. It’s part of evolution kasi. Level up, kumbaga! 5.Pangkamot sa Likod- Nangangati likod mo pero di mo maabot? Hoy, wag magpakamot sa crush mo! Umiigat pud ka no? Haha! Huwag din ikiskis sa haligi. Baka akalain ng iba, sine-seduce mo yang haligi. Asa ka pa tsong, di yan papatol sayo! Dukutin mo lang monopod mo sa bag at kamot-kamot na habang may time! 6.Panlaban sa Malalanding Espirito (Weapon)- May kagalit ka ba? May nakikipaglandian ba sa syota mo? Bago ka magpaka-emo dyan at tumalon sa bridge, make sure nakaganti ka muna besh para di ka talo! Ganito lang yan. Dahan-dahan mong lapitan yang lintang yan mula sa likuran tapos upakan mo ng walang habas (yung tipong mata lang ang walang latay) gamit ang iyong monopod! Tigilan mo lang pag siguarado ka nang bugbog- sarado na talaga siya. Saka goodluck na lang din sayo kung sa DSA office ang kahahantungan ng beauty mo pagkatapos ng iyong epic na pakikipaglaban. At wag kalimutang ihanda ang iyong defensive speech. Shucks! May pahabol pa pala! Ughh! Malalaglag na mga talukap ko! Anyway, konting trivia lang naman. Need a quick retouch pero feel mo eh parang gahol na gahol na gahol ka na talaga sa oras? Try mo kaya gawing eyelash-curler yung dulo ng monopod mo? Epektib sya, pramis! Isang ipit lang, paniguradong kukulot yang pilikmata mo, kasali na din pati mata mo. Okay, tapos na ako magdadada dito. Paalam! :D


#BilasPilipinas Ako lang ba o pati kayo ay nakapansin sa pagdami ng mga kauri ni Cyclops ng Xmen sa Pilipinas? Hindi naman sila fans ni Cyclops na ginagaya ang pagsusuot ng salamin kahit gabi na. Hindi din naman sila kalahi nung sikat na bida sa anime na Naruto na si Sasuke na may sharingan eyes. Lalo namang hindi sila yung tipo ng mga estudyante na overnight kung mag study. Sila yung mga taong nakakaranas ng nakakahawang sakit na #BilasPilipinas. Anu-ano nga ba ang mga maling ginagawa ng mga tao at nagkakaroon sila ng sore eyes? The common things na maling ginagawa ng mga tao who suffer from the most famous virus na kumakalat sa buong Pilipinas ngayon ay ang mga sumusunod: 1. Idaan sa hilamos… Gamit ang iyong ihi! Huwag na huwag maniniwala sa mga sabi-sabi na ang ihi ay ang pinaka-epektibong gamot sa sore eyes. Ano ka, engot? Ano yan, gusto nyo ng instant tsinito eyes na may kasama pang isang kilong eyebags at isang teaspoon na muta, mas lalo niyo lang pinalala. Tsong, isip-isip muna bago maniwala sa mga sabi-sabi. May internet naman na madalas bisitahin tuwing ini-stalk ang mga crushes sa Fb. Try niyo kayang mag-research gamit ang sikat na Google. O magtanong muna sa may alam. Huwag ‘don sa ihi ang alam. Hahaha. As if, ‘di nyo alam na waste material ng katawan ang ihi? Ibig sabihin, madumi. Engot! 2. Pagtali ng itim or puting sinulid sa kamay o paa. Ikaw, oo ikaw na nagbabasa nito, matanong nga kita. Naniniwala ka ba? Kung oo, may lahi ka bang mangkukulam? Aba ey, winner! Watz da kuneksyun?! 21st century na, superstitious ka pa rin? Sa paglalagay mo ba ng tali ay makakaiwas kana sa sore eyes? Scientifically, syempre hindi. Para kalang isang malaking shunga na parang kumakain ng hangin para mabusog. Reklamo? Ayaw mong maniwala, ipagpatuloy mo yan, kaibigan! 3. Kung makati, kamutin. Agad! Hayyy. Kung gusto mong umiwas na lumaki at mamula ng parang dugo ang mata mo, iwasan mong hawakan ito. Ayos lamang sana kung ang kamay mo’y palaging naka-alcohol. Para sa iyong kaalaman, ang pagkamot ng mata kung ikaw ay may sore eyes ay mas nakakapagpalala pa nito. 4. Paglalakad sa mauusok na lugar. Isa ito sa dahilan kung bakit mas lumalala ang sore eyes. Huwag hayaang madapuan ang iyong mga mata ng alikabok at mausukan. Magmumukha ka pang bampira. O di kaya nama’y si Cyclops kung naka-shades ka, na pangit edition! Mabuti sana kung pogi or maganda ka, may pag-asang mapagkamalang si Brad Pitt o Angelina Jolie. LOL. Mas mabuting manatili kana muna sa bahay at magpahinga. Makakatulong ka pa sa iyong ina. Makakapagpahinga din ang iyong mga mata. Kuha mo ba? 5. Huwag kang titingin! Ang paniniwalang dapat hindi tumingin sa mga mata ng mga bampira, este may sore eyes, upang hindi magkaraon ng sore eyes, ay walang katotohanan. Ay sore eyes ay hindi sharinggan eyes ng Uchiha Clan na pwedeng magmanipula sayo gamit ang pagtingin. Ang sore eyes ay nakakahawa lamang kapag may direktong contact sa katas, muta, o bahid mula sa apektadong bahagi ng mata. Mas magandang gawin ay iwasang gamitin ang mga gamit ng mga taong may sore eyes.


6. Breast milk is the best. Maawa ka naman sa batang may-nanay na hihingan mo ng gatas! Although it is believed that “Breast milk is not only best for babies, for babylas too”, there’s no scientific evidence na epektibo talaga ang paglalagay ng breast milk sa mata ng may sore eyes. 7. Tawas? Akala ko, si anghit lang ang kaya ni tawas. Pati pala si bilas? Ano naman kaya ang naisip nung gumawa neto? Indeed, Pinoy nga tayo. Creative! Amazing! 8. Salt water therapy. Wala din pong sayantipikong ebidensya na ang pagligo sa dagat ay nakakatulong sa pag-galing ng inyong sharinggan eyes. Ngunit ito’y pinapaniwalaang epektibo ayon sa mga nakasubok na nito. Nakakatawa lang na ang ibang mga tao ay ginagawang literal ang SALT WATER THERAPY. Lagyan ba naman ng asin ang tubig bago ihilamos sa mata. Talino overload! Espesyal na mensahe at paalala: Stress, allergies, panunuyo ng mata, pagkapuwing. Iilan lamang ang mga ito sa mga sanhi ng #BilasPilipinias. Kaya ingatan ang mga mata, hindi lang ang iyong mukha. Kung namumula na ag mata, mas mainam ang komonsulta agad sa doctor o sa espesiyalista kaysa maniwala sa sabi-sabi at iba pang paniniwala ng iba. Sige ka, baka mabulag ka! IBA’T IBANG URI NG ISTUDENT LIDERS SA MSU-TCTO Hindi lahat ng ibinoboto nating istudent lider ay nariyan para protektahan ang ating mga karapatan bilang estudyante nitong unibersidad at maglingkod sa atin nang buong katapatan. Merong mga istudent lider na tumatakbo sa posisyon dahil trip lang o dahil wala nang ibang makuha ang party nila. Meron ding gusto lang magpa-display o magpasikat. Kung ika’y sumasang-ayon sa aming punto, puwes heto ang listahan ng iba’t ibang uri ng istudent liders natin dito sa MSU-TCTO. (‘Wag magtataka kung halos lahat ng iyong mababasa ay negatibo.) EPAL. Siya ‘yong palaging pumapapel o nakikisawsaw sa lahat ng bagay kahit na wala naman talaga siyang naitutulong. PASIKAT. Present siya sa lahat ng activities ng org, palaging visible; pero hindi pala dumadalo sa meetings at hindi rin tumutulong sa preparasyon. ONE MAN TEAM. Pasan niya ang buong org. Hindi namin alam kung wala talagang tumutulong sa kanya o ayaw niya lang talagang magpatulong. MAY IDEAS. Pero hindi sa kanya. TRAPO. Short for Traditional Politician. Meron kayong libreng t-shirt, libreng sakay, libreng pansit, … basta sa eleksyon, sigurado ang mga boto niyo ‘ha? ‘DI MAHAGILAP. Naglaho pagkatapos ng eleksyon. SELF-RIGHTEOUS. Kapag siya ang gumawa, palaging tama. Kapag iba, palaging mali. ROSANNA ROCES. Suki ng lahat ng org sa campus. LOYAL. Sa party nila; hindi sa mga responsibilidad niya. FLOWER VASE. Nanalo lang kasi maganda. Ang kaso, hindi naman Muse ang posisyon niya. MAY GOAL. Leadership Award! MAY PANGAKO. Hindi nga lang marunong gumawa ng project proposal. MAY K. Nanggaling sa “mayamang” pamilya ng politicians. MAY GUSTONG PATUNAYAN. ‘Wag niyo siyang mamaliitin. Insecure man daw at topakin, may bumoboto pa rin. ALUMNI. Grumadweyt na, nakikisawsaw pa. Kung meron kang istudent lider na kilala na tulad nitong mga nakalista, naku pards, sa susunod na eleksyon, pumili ka naman nang mas maayos ha? :)


An Open Letter to Whom It May Concern Ma’am/Sir: Ako po’y sumusulat sa inyo ngayon ng isang bukas na liham upang ipahayag ang mga hinaing ng mga estudyante dito sa Maka Sabog Ulo Tong College Tuition Fee Over much (MSU-TCTO) hinggil sa iilang mga bayarin na nakakadagdag sa mga dahilan ng pagkabutas ng aming mga bulsa na hanggang ngayon eh clueless pa rin kami kung asan na napunta. Baka naman po nastuck-up sa kaninong bulsa? Teka po, wag po muna kayong mapikon. Eto naman, di na mabiro. Ang sa amin lang po, meron po kasi kaming mga binabayaran na hindi naman talaga namin gets kung para saan talaga. Yung iba naman eh, hindi naman po yata napapakinabangan yung binabayad namin (napapakinabangan siguro, iba nga lang yung nakikinabang), katulad na lang po nitong guidance fee, technology fee, at cultural fee. Wala naman po akong angal tungkol dito sa guidance thingy na ito. Tila din kasi mga pimples na nagsusulputan ang mga MSUjuans na mukhang kulang na talaga sa guidance eh. At eto pa ang nakaka-amaze! Pare-pareho po yata ang mga problema nila, although hindi naman lahat, pero karamihan po. Nabalitaan niyo po ba yung mga kababalaghang nagaganap sa tuwing sasapit na ang gabi? Uy, wag ka muna matakot dyan. Hindi naman po kasi horror story ang tinutukoy ko, pero nakakapangilabot na din talaga ang mga rated SPG true stories na nagaganap dito mismo sa loob ng campus. Nakaka-tempt nga gawan ng documentary eh. Pero sa kabila po ng pagkakaroon ng guidance counselor natin, hindi naman po lahat nakakaalam kung nasaan ang kanyang kahariang kinaluluklukan. Konti nga lang ang nakakakilala sa kanya eh. Isa pa po, sa tingin ko’y hindi naman kasi mahilig mag-open up ang mga kapwa ko estudyante tungkol sa mga suliranin nila, lalo na nga’t hindi naman talaga kaayaayang ikuwento ang ilan sa mga ito, pwera na lang siguro kung sa mga close friends nila. So, para san pa po ba ang 20 pesos na binabayad namin para sa guidance fee? Dagdag po ba sa sweldo niya? Swerte niya naman kung ganun, pang load na sana namin yun eh. Technology fee. Alam po namin na para ito sa maintenance ng internet connectivity at ng local area network ng school kaya okay na rin. Lahat naman kasi ay nakikinabang sa wifi kaya’t di na rin ako papalag. Ang sa amin lang po, hanggang dun lang ba talaga ang aabutin ng 100 pesos namin? Nakakainggit naman po kasi eh. Buti pa yung ibang MSU campuses may official website talaga, tapos tayo wala. Facebook page, meron. Di pa talaga officially sa school, yung Freedom Group lang na pinagtripan lang gawin ng estudyante noon. Pero di ba mas worth naman sana kung may website din tayo? As in yung website talaga na hindi lang joke? Sana rin po magkaroon na din tayo ng online grading system para di na po kami magka-varicose sa kakapila dun sa registrar sa tuwing kukuha na ng grades o di kaya magkandarapa sa kakahabol sa mga professors namin para lang malaman namin kung nakapasa ba kami.


Last but not the least po ay itong cultural fee na supposed to be ay para sa Tambuli Cultural Troupe. Ang pondong ito ay nakalaan sana sa kanilang mga pagtatanghal sa loob at labas ng paaralan ngunit ang ipinagtataka lang po namin ay bakit po ba parang wala na po yata silang masyadong exposure sa pagiging cultural troupe? Hindi naman po namin nais makasakit ng damdamin ng iba no? Nasaan ang hustisya? Nasa loob po ba ng bibig ni Anne Curtis? O baka naman po nasa loob ng mahabang baba ng long-lost brother ni Babalu? Ayan po, naisalaysay ko na sa inyo ang mga katanungang nakabitin at pinagbubulaung-bulungan ng mga estudyante dito sa MSU. Nagulat po ba kayo sa inyong nabasa? Na-overwhelm? Hindi niyo alam ang tungkol dito noh? Tsk! Tsk! Yan kasi, masyado kayong nahook sa panonood ng Game of Thrones sa laptop nyo kaya di nyo namalayan ang mga latest chismax at reklamo na kumakalat sa kampus. Sana po ay mahanap na po ang mga kasagutan sa lahat ng aming mga tanong at nang kami ay maliwanagan na. Pasabta unta mi sa mga panghitabo. Salamuch powh! Lubusang nawiwindang, *Name Censored*



Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.