NCPO Pinas+ by QC FIL B Newsletter

Page 1

TO M O I BLG MMXXI

NCPO

BANAT-BUTO’T SUNOG-KILAY

NCPO

PINAS +

KOLUM PA H I N A 4

L AT H A L A I N PA H I N A 6

PARAANG HINDI PANGMATAGALAN QCFILB

M A L AYA AT M A PA G PA L AYA

Pinagpatuloy ang edukasyon sa kabila ng kinahaharap na pandemya ngunit hindi na makakayanan ng mga guro at mag-aaral kung sa susunod na taon ay ganito pa rin ang sistema.

PA N A N A L I K S I K

MA’AM I CAN’T OPEN MY CAM Working students ngayong pandemic, kinapanayam ng QCFILB PA H I N A | 2

BALITA Isang pamilya sa NCR Plus, nagpositibo sa COVID-19 Nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19) ang isang pamilya sa ika-anim na distrito sa Lungsod Quezon nitong nakaraang Sabado, ika-22 ng Mayo, 2021. PA H I N A 2

EDITORYAL Kasaysayang Walang Saysay Mahahadlangan ang kaunlaran ng bansa kung ang mga mamamayan ay walang alam sa sariling kasaysayan at wika. PA H I N A 3


BALITA +

/ncpopinasqcfilb bit.ly/NCPOPinasQCFilB

PURSIGIDO. Dugo’t pawis ang inaalay sa araw-araw ng isang student worker sa pagsasabay ng kanyang pag-aaral at pagtatrabaho. Walang alam na pagod ang humahadlang sa pagkamit ng mga pangarap.

SA DI MAHANAP NA PAGKATUTO: Isang pagsusuri sa distance learning Achilles Fayloga

PA N D E M YA

MAAM I CAN’T OPEN MY CAM

Larawan kuha ni

Clarisse Romero

Working students ngayong pandemic, kinapanayam ng QCFILB Achilles Fayloga

Estudyante sa umaga, cook at tutor sa gabi. Ganoon ang pangaraw-araw na daloy ng buhay ni Neneng (hindi niya tunay na pangalan), isang senior high school scholar sa Quezon City. “Kapag mayaman ka, abswelto ka sa consequences ng pagiging mahirap. Kapag mahirap ka, may dahilan para kumuha ka ng panustos at humingi ng tulong dahil nga mahirap ka,” ika ni Neneng. “Nagtrabaho ako dahil ayaw kong humingi sa pera sa nanay ko para suportahan ‘yung workshop ko at iba pang mga activities o kaya ‘yung gastos sa bahay na iba.” Gayunpaman, isa

lamang si Neneng sa mga estudyanteng nagtatrabaho sa gitna ng pandemya. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), tumaas sa 17.7 ang porsyento ng mga unemployed o walang trabaho noong Abril ng taong 2020 na karamihan ay kabilang sa informal sectors Sa kasalukuyan, bumaba ang bilang ng mga unemployed sa 7.1 porsyento nitong Marso 2021 ayon sa PSA. Bilang Estudyante Paggising sa umaga, tutok sa kaniyang online classes. “Madalas, hindi na ‘ko nakakaluto o kumakain, diretsong gising tapos klase,” ani Neneng.

Parating sumasagi sa isip ni Neneng na ipaalam sa kaniyang guro ang kaniyang pagiging working student, ngunit hindi niya ito sinasabi. “I receive little to no consideration from teachers din, bakit? I choose not to tell them,” giit ni Neneng. Bilang Working Student Pagod at hirap ang madalas maramdaman ni Neneng sa kaniyang pag-uwi. Ngunit, patuloy pa rin ang pagsasabay niya sa kaniyang pagiging estudyante, cook, at tutor. Makaranas man siya ng diskriminasyon dahil iskolar siya, hindi pa rin siya tumigil sa kaniyang pagtatrabaho. Alinsunod sa Batas

Lagpas kalahati o 55.9 porsyento ng mga Pilipinong mag-aaral sa lungsod Quezon ang nagsasabing hindi sapat ang kasalukuyang iniimplementang online learning sa mga paaralan. Base ito sa datos na nakalap sa 348 estudyante sa unang distrito ng lungsod Quezon noong ika -24 ng Mayo, 2021. Ayon sa nakuhang impormasyon, 41.8 porsyento ng mga mag-

aaral ang sakto lamang ang pagkatuto sa mga asignatura Sa kabilang banda, ang mga bidyong panturo at online synchronous session ang sinasabing nagbibigay ng malalim na kaalaman sa mga asignatura ayon sa mga tumugon sa sarbey. Tinataya ring pinakaepektibong paraan ng kanilang pagkatuto ang pagiging handa ng mga guro sa pagsagot sa mga katanungan ng mga estudyante.

Basahin ang buo

Republika 10917, pinahihintulutang magtrabaho ang mga estudyante, kabataan, at natanggal sa trabahong indibidwal edad 15 hanggang 30. Protektado din si Neneng ng Batas Republika 7610 o “Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act” laban sa mga pang-aabuso at diskriminasyon sa kaniya. “Pare-pareho lang tayo. Hindi tayo nakakataas hindi rin tayo mababa, pwede silang humanga pero hindi tayo pwedeng mainggit o mag mataas,” mensahe ni Neneng para sa kabataan.

B A L I TA

File Photo

Basahin sa aming website

Sarah Gates PA N D E M YA

PILIPINAS, HANDA KA NA BA? Nagsagawa ng pagsisiyasat ang isang grupo ng estudyante sa kanilang paaralan noong ika-22 ng Mayo, 2021 ukol sa pagpapa-rehistro ng mga senior high school student para sa eleksyon sa taong 2022. Lumabas sa pagsusuri na anim sa sampung estudyante ang rehistrado na para sa eleksyon 2022.

61% ng estudyanteng SHS sa Quezon City, handa na sa Halalan 2022 Achilles Fayloga

Naitalang 61 porsyento (64 magaaral) ng mga tumugon sa sarbey ang rehistrado na; 22 porsyento (24 mag-aaral) ang magpaparehistro pa lamang; habang 17 porsyento (18 mag-aaral) naman ang hindi pa maaaring magpa-rehistro. Base ito sa datos na nakalap mula sa 105 na tumugon na binubuo ng 31 na estudyanteng

KAMI pamilya KAMI LANG Isang sa NCR NAMAN: Plus, nagpositibo sa COVID-19 Achilles Fayloga

nasa ika-labindalawang baitang at 74 na mula sa ika-labing-isang baitang. Ayon pa sa impormasyon, rehistrado na ang karamihan sa mga nasa ika-labindalawang baitang. Sa kabila nito, ang mga nasa ika-labingisang baitang ang bumubuo sa malaking bahagi ng hindi pa maaaring magpa-rehistro. Tinatayang edad ang

pangunahing dahilan ng mga hindi pa maaaring magpa-rehistro. Ang mga sumusunod ang ilan pa sa kwalipikasyon upang makapagparehistro: Residente ng Pilipinas ng hindi bababa sa isang taon at ng lugar kung saan ninanais bumoto ng hindi bababa sa anim na buwan bago ang ika-9 ng Mayo, 2022.

Nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19) ang isang pamilya sa ika-anim na distrito sa Lungsod Quezon nitong nakaraang Sabado, ika-22 ng Mayo, 2021. Nagkaroon ng salu-salo ang pamilya kasama ang kanilang kamag-anak sa

kanilang tahanan. Tatlong araw matapos ang paghahanda, nakaramdam ang isang miyembro ng pamilya ng sintomas ng COVID-19. Lumabas na positibo ito sa sakit at kinailangan sumailalim sa isolation. Basahin ang buo


EDITORYAL NCPO

PINAS + QCFILB MALAYA AT MAPAGPALAYA PUNONG PATNUGOT

Humphrey Soriano KAPATNUGOT

Kyla Louise Ramos TAGAPAMAHALANG PATNUGOT

Jeschel Jhoie Nava PATNUGOT SA BALITA

Achilles Wilerson Fayloga PATNUGOT SA EDITORYAL

Kyla Louise Ramos PATNUGOT SA LATHALAIN

Jeschel Jhoie Nava PATNUGOT SA AGHAM

Brian Axel Ycoy PATNUGOT SA ISPORTS

Humphrey Soriano ANYO AT DISENYO

Brian Axel Ycoy Achilles Wilerson Fayloga Humphrey Soriano

E D U K A S YO N

KASAYSAYANG WALANG SAYSAY Mahahadlangan ang kaunlaran ng bansa kung ang mga mamamayan ay walang alam sa sariling kasaysayan at wika. Mainit na usapin sa edukasyon ang pag-aalis ng ilan sa mahahalagang asignatura sa bansa. Isa na rito ang DepEd Order 20, 2014 o pag-aalis ng Philippine history bilang parte ng Araling Panlipunan sa junior high school, at ang CHED Memorandum Order No. 20, s. 2013 kung saan nakasaad na ang Filipino, Panitikan, at Philippine Constitution ay hindi na magiging bahagi ng core subjects sa kolehiyo. Problema lamang ang hatid ng pag-aalis ng Philippine history at Filipino sa kurikulum ng Pilipinas. Ibasura ang

kautusang ito at sa halip ay gawing prayoridad ang masinsinang pagtuturo sa mga naturang asignatura sapagkat ang kritikal na pag-iisip at kakayahang umunawa sa nangyayari sa lipunan ay nahuhubog sa masinsinang talakayan sa paaralan. Ipinaliwanag naman ng DepEd at CHED ang dahilan ng mga pagbabago. Depensa ni DepEd Secretary Leonor Briones, “discussions of events in Philippine history are naturally integrated in several subjects.” Ayon naman kay CHED Chairperson Prospero de Vera III, hindi sila ‘anti-Filipino’ kahit pa suportado ang pag-alis sa Filipino at Panitikan bilang core subjects. Dagdag pa niya, “To be properly cultivated, Filipino cannot merely be taught as a subject, but must be used in oral and written forms, across

academic domains.” Hindi maaaring sabihing natatalakay naman sa ibang asignatura ang kasaysayan ng Pilipinas sapagkat hindi makakamit ang totoong pagkatuto kung papasadahan lamang ito. Totoo rin naman ang pahayag ni de Vera na hindi lang natatapos ang pagkatuto sa pagiging asignatura ng Filipino ngunit hindi ba’t malaking bagay ito upang umpisahan ang paglinang sa kasanayan? Nagpakita rin ng pagsalungat ang Teacher’s Dignity Coalition (TDC) at Alliance of Concerned Teachers (ACT) tungkol sa pagkawala ng Philippine history sa Araling Panlipunan. Totoo ang sinabi ni Benjo Basas, chairperson ng TDC, na maaaring makalimutan ang kasaysayan at sariling

DIBUHISTA

pagkakakilanlan kung pagiging ‘globally competitive’ ang aatupagin. Dapat ay balansehin ito. Tunay ngang mahalaga ang Philippine history sa paghubog ng nasyonalismo sa kabataang Pilipino tulad ng pahayag ng ACT. Bukod pa rito, wala ring silbi ang pagiging opsyunal ng pagkuha ng asignaturang Filipino sa kolehiyo kahit pa sabihing maaari naman itong kunin kung gugustuhin. Gaya ng sinabi ni Direktor Mykel Andrada ng Sentro ng Wikang Filipino sa UP Diliman, gagawin lamang dahilan ng mga unibersidad at kolehiyo ang memorandum ng CHED at pagsang-ayon ng Supreme Court upang tuluyan nang hindi ituro ang asignatura sa kolehiyo. Hindi dapat hayaang hanggang sa susunod na henerasyon ay may kakulangan sa kaalaman tungkol sa pambansang kasaysayan at wika. Bukod sa pag-aayos ng sistema ngayong pandemya, atupagin din ang pag-aayos ng kurikulum at tiyaking matututunan ng mga bata ang mga dapat matutunan. Napakabilis nang kumalat ng maling

impormasyon sa social media kaya mahalagang mayroong masinsinang pag-aaral sa Philippine history, Filipino, at Panitikan. Nawa’y huwag mawalan ng saysay ang pinaghirapan ng mga bayani maging mulat lamang ang kabataang tinaguriang pag-asa ng bayan. Kung tutuusin, maituturing itong ugat ng problema sa lipunan sapagkat ang pagkawala ng mga asignaturang nabanggit ang siyang dahilan kung bakit mayroong mga pikit ang mata, nagbibingibingihan, at nagpupumilit sumunod lamang. Wala na silang nalalaman sa tunay na kalagayan ng bansa mula noon at hindi nakikitang naaabuso pa rin ito hanggang ngayon.

Patrick Jordan Santos Lauren Julianna Sison

Huwag ipagkait sa mga kabataan ang kaalaman sa kasaysayan at wikang karapat-dapat nila makamtan. Wala namang dapat ikatakot sa mga mulat na mag-aaral sapagkat sila ang susi sa pag-unlad ng bayan, maliban na nga lang kung ang mga namamahala ay may mga gawaing ayaw mabunyag.

DEPED ORDER NO. 20 s. 2014

LITRATISTA

Clarisse Romero Patrick Jordan Santos

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG NATIONAL CAMPUS PRESS OLYMPIAD

TOMO I BLG MMXXI

BISITAHIN ANG AMING WEBSITE AT MAGING UPDATED

/ncpopinasqcfilb bit.ly/NCPOPinasQCFilB

ang kautusang nagtanggal sa Philippine History bilang asignatura sa High School


EDITORYAL +

Naniniwalang hindi sapat ang paghahanda na isinagawa ng Kagawaran ng Edukasyon para sa online learning

Datos mula sa Movement for Safe, Equitable, Quality, and Relevant Education

2 sa 3

Kaguruan sa Pilipinas

/ncpopinasqcfilb bit.ly/NCPOPinasQCFilB

PA G - A A R A L

KUMUSTA KLASMEYT? Datos mula sa Movement for Safe, Equitable, Quality, and Relevant Education tungkol sa kasalukuyang kalagayan ngayon online class

75%

ng mga estudyante ang naniniwalang mas mabigat ang gawain ngayong online class kumpara noong face-to-face classes

Lagpas kalahati ng mga estudyante ang nagsasabing may negatibong epekto ang online classes sa kanilang mental health

INTERNET CONNECTION Pangunahing dahilan sa mga kinakaharap na problema ngayong online set-up Larawan kuha ni

Clarisse Romero

PA N D E M YA

PARAANG HINDI PANGMANGTAGALAN Kyla Ramos

Pinagpatuloy ang edukasyon sa kabila ng kinahaharap na pandemya ngunit hindi na makakayanan ng mga guro at mag-aaral kung sa susunod na taon ay ganito pa rin ang sistema. Itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang Oktubre 5, 2020 bilang simula ng taong panuruan 2020-2021; mahigit isang buwan matapos ang naunang planong Agosto 24 upang bigyan ng ayon sa kanila’y sapat na oras ang mga estudyante at guro makapaghanda. Bunsod nito, isinagawa ang distance learning at nahinto ang nakagawiang faceto-face learning — bagay na imbis na magpapagaan sa sitwasyon ay lalo lamang naging pabigat.

Distance learning na nga ang pamamaraan sa bagong normal ngunit hindi ito angkop kung gagawing pangmatagalan. Hindi masamang magpatuloy ang edukasyon kahit pa nariyan ang pandemya. Ang masama, hindi naman naibibigay ang dekalidad na edukasyon sapagkat marami ang napag-iiwanan at hindi sigurado kung mayroon nga bang natututunan. Kaugnay nito, lalong hindi dapat ituloy ang pinaplano ng Commission on Higher Education (CHED) na flexible learning sa mga susunod na taon kahit pa mawala ang pandemya. Sa sistemang ito, magkakaroon na ng parehong online at face-to-face classes depende sa kakayahan ng unibersidad. “There is no going back to the traditional full-

packed, face-to-face classrooms,” ani CHED Chairman J. Posporo de Vera III. Kung pinili nilang hindi na bumalik sa tradisyunal na klase kung saan komportable ang lahat, pinipili na rin nilang magkaroon ng susunod na henerasyon ng kabataang kulangkulang sa kaalaman. Aminado naman si de Vera na napapalala ng agwat teknolohikal ang pagsasagawa ng flexible learning ngunit ayon sa kaniya, makikitang untiunti nang nakakapagadjust ang mga institusyon at nagiging mabuti na ang sitwasyon. Dagdag pa niya, masasayang lamang ang mga naipundar sa teknolohiya, pagsasanay ng mga guro, at ‘retrofitting’ sa mga pasilidad. Kung tutuusin, trabaho naman talaga nilang ayusin ang sistema ngunit ang

problema, hindi lahat ay nakakasabay sa pagtransisyon gamit ang teknolohiya. nakahahadlang Ang unang dahilan sa kakayahan ng mga kung bakit hindi batang makasunod nakasasabay ang sa bagong normal. karamihan sa bagong normal ay ang matinding Maraming nawalan ng trabaho at hirap epekto sa mental health maitawid ang bawat ng pagkakalayo sa araw kaya hindi na mga tao kasama na makakayanan pa ng ang anxiety na hatid pamilyang bumili ng tuwing may bagong mga gadget pang online notification. Ayon sa class. Kahit sabihin survey na isinagawa pang ang mga Local noong Nobyembre 23 hanggang Disyembre 22, Government Units (LGUs) ay may handog 2020 ng Movement for na tablet at libreng load, Safe, Equitable, Quality hindi ito sapat sapagkat and Relevant Education maging ako, isang mag(SEQuRE), isang grupo aaral, ay magtatatlong ng mga eksperto, guro, magulang, at estudyante, buwan nang hindi nakatatanggap ng load. 54.7% ng mga estudyante ay nagsabing Paano na lamang ang mga batang sa load lubhang naapektuhan ng distance learning ang galing LGU umaasa para kanilang pisikal at mental makapagklase. na kalusugan. Basahin sa Problemang aming website pinansyal din ang

HALALAN

HAMON SA PAGDEDESISYON

Kyla Ramos

Kahit paulit-ulit pang ipaalala ang matalinong pagboto, mayroon pa ring mas malalim na dahilan kung bakit pinipili ng mga taong iboto ang mga trapong pulitiko. Paparating na naman ang eleksyon na inaasahang ganapin sa Mayo 9, 2022 kung saan ihahalal ang mga bagong miyembro ng ehekutibo at lehislatibong sangay ng pamahalaan. Mahalaga ang magaganap na halalan sapagkat makapipili na ulit ang mga mamamayan ng taong karapat-dapat

sa posisyon. Kahit nasa kanilang kamay ang desisyon, ang mga mamamayan ay mistulang sinusubok pa rin ng pagkakataon. Hangga’t may mga kandidatong sinasamantala ang sitwasyon ng mararalita manalo lamang sa halalan, sa pagbili man ito ng boto o pananakot sa botante, lalong malulugmok ang bansa sa kamay ng mga abusadong hayok sa kapangyarihan na hindi naman isinasapuso ang serbisyo publiko. Hindi na bago sa Pilipinas ang mga gawaing

pailalim pagsapit ng eleksyon. Isa na rito ang pagbili ng boto. Maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay sinabing ang vote buying ay “integral part” ng eleksyon sapagkat ang ating bansa ay mahirap. Sa katunayan, 441 tao ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) noong Halalan 2019 ayon kay dating PNP Chief Gen. Oscar Albayalde. Bilang patunay, nakasaad sa ginawang survey noong Hunyo 2019 na inilabas ng Social Weather Stations (SWS) na mayroon talagang nagaganap na vote

buying at pinakamataas ito sa Mindanao. Nasa 26% ang nagsabing saksi sila mismo rito. Nakapanlulumong hanggang sa kasalukuyang panahon ay hindi pa rin nabubura ang ganitong gawain ngunit ang bawat gawain ay may nakakubling dahilan. Hindi mabubusog ng pagpapanatili ng dangal ang kumakalam na sikmura. Iyan ang nakikita kong dahilan kung bakit marami pa ring nasisilaw sa pera. Madaling sabihing maging matalino sa pagboto at huwag ipagbili ang dangal sa halagang 500 piso ngunit ang panandaliang ginhawang dala nito sa buhay ng mahihirap ay mahalaga para sa kanila. Basahin sa aming website


LATHALAIN

T ' O T U B T ' A BAN SUNOG KILAY Jeschel Nava

Maiiksing mga bisig, munting mga kamay na pilit inaabot ang langit at mga kilay na nangungunot pa sa reyalidad ng mundo. Dito nag-simula ang pagsasanay ng buhay sa batang tulad ko. Wala pa ang pandemya at hindi pa ito inaasahan ng kahit sino, matagal na akong naka-tanikala sa bahay, sa paaralan, at sa buhay na hindi ko kayang takbuhan. Kung kaya’t katatawanan mang isipin na masiid at mabigat ang kabog ng aking dibdib

sa tuwing napapanood ko noon ang mga palabas sa telebisyon na sumasalamin sa kalagayan natin ngayon, ito ay dahil alam ko na wala saakin ang pabor ng mundo kung sakaling ito man ay magka-totoo. Hindi ko kinakahiya ang kalagayan ko ngunit minsan, marahil sa pagod, tila ba namamanas ang buo kong katawan at ang tanikala sa aking bukongbukong ay mas humihigpit pa. Wala man ito sa aking leeg pero ramdam ko ang hirap ng paghinga. Walang pahinga. Kung ang iba kong mga kamag-aral ay puma-panaghoy na sa

tuwing may ipinagagawa ang aming guro, tahimik lamang akong tumititig sa listahan ng mga gawain na nakapaskil sa makabago naming silid-aralan. Mala-bundok na gawaing dapat kong akyatin at mapagtagumpayan. Matapos ang halos kalahating araw na pag-upo sa harap ng makinaryang kumukunekta sa makulimlim kong silid patungo sa mas maliwanag na bukas, nag-aasikaso na agad ako paalis upang pumasok sa trabahong tumutulay sa akin at sa prebilihiyong makapagpatuloy sa

pag-aaral. Bagamat halos lahat ay takot sa pandemya itinuturing ko na lamang itong bawat talsik ng mantikang hindi ko na magawang iinda dahil kung walang oras magpahinga, mas walang oras para magreklamo pa. Sa bawat hatid ko ng mga luto nang paninda ay siya namang pagkalam ng aking sikmura na pasimple ko na lamang na pinatatahimik ng malamig na tubig na siya ring nagpapanatali sa ‘king gising. Matapos ang ilang oras ay iaabot na saakin ang tatlong daang kabayaran na siya namang aking titipirin.

May mga oras ngang iniisip ko na lamang lakarin ang madilim na kalye pabalik ngunit tila hindi pa nagagawang patayin ng kahirapan ang lahat ng mga daga sa aking dibdib sapagkat takot pa rin akong habulin ng aso pauwi. Pag-uwi ang sumasalubong saakin ay ang katahimikan, aayain akong kumain ng gutom at pipilitin akong mag-pahinga ng pagod. Pero ang pinakamapilit at pinakamaingay ay ang mga gawain. Hindi nila ako hahayaang sumubo na hindi sumasagot sakanila at hindi rin ako hahayaang

Kuya Ryan:

Elehiya sa Naglalahong Kinabukasan ng mga Mag-aaral ngayong Pandemya Jeschel Nava

“May mga laban talaga na kahit hindi mo sukuan ay matatalo ka, pero wala kang labang mai-papanalo na wala kang ginagawa.” –Ryan Montilla Sa isang dikit-dikit na bahayan o mas kilala sa tawag na squatter area sa Quezon City ay matatagpuan mo ang isa sa mga pinakamasipag at pinakamabait na kuya na pwede mong makilala –si Kuya Ryan. Tuwing Lunes hanggang Sabado, kung walang klase, ay hindi sa bahay nila mo siya matatagpuan, bagkus sa kanyang pinagtratrabahuan sa Pasig.

Tuwing Linggo naman habang ang ibang nagtratrabaho ay ginagawa itong pahinga, sa simbahan mo naman sa UP Diliman siya makikita. Kahit na may pandemya ay hindi iyon naging hadlang upang tumigil siya sa pagtratrabaho at sa pagsi-silbi sa simbahan upang doon naman tumulong. Pero may isang bagay na napatigil ang pandemya sa kanyang buhay, ito ay ang kanyang pag-aaral. Sabi niya, “Pinilit ko naman, eh. Nag hanap pa nga ako ng scholarship pero hindi talaga kaya kasi nawalan din ng trabaho si papa. Walang magtu-tustos [samin].” Malungkot itong

marinig sapagkat masipag at magaling na mag-aaral si Kuya Ryan. Isa siya sa mga estudyanteng nagkamit ng samu’t saring parangal simula pa noong siya ay nasa elementarya pa lamang, ilan lamang sa mga ito ang Leadership Award, Academic Execellence Awards at ilang Journalist Awards. “Kakayanin ko pa sana, eh kaso nag sabay-sabay na. Hindi naman ako tamad katulad ng sinasabi nila sa mga ayaw magaral ngayong pandemic. Ginawa ko na lahat pero may limit din ako bilang tao.” Dagdag pa niya na halatang ikinukubli ang hirap kahit pa siya ay tumatawa. Sumabay pa

sa kanyang hinanakit ang kamakailan lamang na pahayag ng CHED tungkol sa flexible learning. “Sabi ko pa naman magtutuloy na lang ako next year o kaya pagtapos ng pandemic kaso mukhang wala na.” Noong tanungin siya kung nanaisin niya pa rin bang tumuloy kung sakaling may tutulong sa kanya sa gastusin at iba pang kakailangan ito ang kanyang naisagot, “Ganoon din eh, wala rin ako masyadong matututunan. May mga laban talaga na kahit hindi mo sukuan ay matatalo ka, pero wala kang labang mai-papanalo na wala kang ginagawa. Kaya

baka ituloy ko na lang ang pagtra-trabaho para sa pamilya ko.” Hindi mo man kilala si Kuya Ryan, isang patotoo ang kwento niya na sumasalamin sa marami pang Pilipinong hindi man kilala ng mundo ay mayroon ding kwentong aantig sa iyong puso at magpa-paalala kung hanggang saan ka kayang iligtas ng iyong prebilehiyo. Lalo na kung hanggang saan nito kayang protektahan ang kinabukasan mo. Basahin sa aming website

humiga dahil may ikwekwento pa sila. Madalas ay inaabot na kami ng umaga sa puntong pag gising ng aking mga kasama ay doon pa lamang pipikit ang aking mga mata. Banat na ang buto ng pagal na mga bisig, kinalyong mga kamay na pilit inaabot ang pangarap na tila matayog pa langit at mga kilay na naglaho na matapos masunog intindihin lamang ang reyalidad ng mundo – dito. Dito na lamang ba matatapos ang buhay ng kabataang tulad ko? Basahin sa aming website


LATHALAIN +

! G N A L A R U M YONG MARALITA PRES

Jeschel Nava

May mga taong dukot na lamang ng dukot dahil hindi nila alintana ang presyong barya-barya na lamang sa kanila. Samantalang may mga gipit na maski singkong duling ay ibinubulsa. Pero sino nga ba sa kanila ang tunay na malaki ang ibinabayad at itinataya? Kilala tayong mga Pilipino bilang matipid ngunit

galante lalo na sa bisita, kung kaya’t madalas iniisip natin na sulit na ang mura kahit medyo may problema. Mahilig din tayong mag bigay ng bagong buhay sa mga kagamitang basura na sa iba; lagayan ng sorbetes na laman pala’y isda, mantika ng fish ball at kwek-kwek na halo-halo na ang lasa, mga damit na ipinapasa simula sa pinakamatanda hanggang maging basahan na sa paa at marami pang iba. Nadala natin ang ugaling

ito maski sa mga iniluluklok natin sa gobyerno. Sabi nga ng kaibigan kong itago na lamang natin sa pangalang Pedro, “Mauubusan ba ng tao sa mundo kaya tipid na tipid tayo sa mga pag pipiliang mga tao? Ganoon na ba tayo ka-galante at tayo na mismo ang sumasagot sa utang na dulot ng mga kurakot? Daig pa natin ang bigyan sila ng bagong buhay sa tuwing sila na naman ang ibinoboto natin sa halalan.” “Bakit mo naman

sila iboboto?” tanong ko na ikinatahimik niya. Pakiramdam ko’y matalino na ako sa tinanong ko sa kanya, simple lang naman diba? Bakit mo iluluklok kung daragdag lamang sila sa salot? Nawala sa isip kong marami pala silang wala na meron ako. Hindi ako basta-basta magagawang takutin ng trapo. May titirahan pa rin ako kahit sinong pulitiko ang manalo dahil hindi naman nila hawak ang lupang kinatitirikan ng bahay ko.

Hindi ako mawawalan ng trabaho dahil hindi naman ako sa kanila sumasahod ng ipang-kakain ko. Hindi nila mababago basta-basta ang kinabukasan ko. Hindi katulad ni Pedro. Kontrolado nila ang kasalukuyan niyang kalagayan, dahil para sa mahihirap matagal nang pangarap lamang ang kinabukasan. Manalo man ang kahit sinong pulitiko kung hindi maiaalis sa kamay ng trapo ang buhay nila Pedro, patuloy

niya na lamang babarayan ang “murang” presyo para mabuhay –dalawang pikit na mata at daliring may tinta. Tumingin ako sa kausap ko ng may awa para sa kanya, nakatingin lamang siya sa kanyang mga paa. “Matimbang ba ang dangal sa tulad kong kumakalam ang tiyan?”

Basahin sa aming website

Minulto ka na rin ba? Sabi nila matakot daw ako sa buhay at huwag sa patay, pero anong dapat kong maramdaman sa bagay na kung kailangan itinuring na patay na ay siya namang muling pagka-buhay ng lahat ng karimarimarim nitong ala-ala?

Unang araw mong nagtrabaho noon bilang katulong ng namamahala sa isang museyong malapit na rin atang magsara. Wala na kasing masyadong interesadong bumisita dahil matagal nang kasaysayan na lamang ang pag-aaral ng kasaysayan. Wala nang may nais na balikan pa ang nakaraan at lahat sila iniisip na ito ang siyang

pumipigil sa pag-usad ng inyong kinabukasan. Habang naglilinis ka ng pasilyong nakalimutan na ang pakiramdam lakaran ng mga tao at mga parte ng ating nakaraang binabalot na ng alikabok, may biglang nagpasabog. Huli mong narinig ay mga yapak ng mga paa at tuluyan kang nawalan malay. Bakit ka pa nga ba magtataka? Umulit ng umulit ang tinuring nang historya dahil ang akala

ninyong pumipigil sa pagusad ng kinabukasan niyo ay siyang tunay na dahilan kung bakit natamasa niyo pang maging malaya’t mangarap. Ang walang awa ninyong pinatay na nakaraan ay babalik at babalik sa hinaharap upang multuhin kayo sa inyong kasalukuyan. Nagising ka sa ingay ng mga iyak at panaghoy na kahit ang paulit-ulit na pagputok ng baril ay hindi kayang lamangan.

Pagmulat mo’y nakita mo ang dahan-dahan nilang pag harap saiyo. Mayroong duguang kasuotan at hindi makilalang mga mukha –o hindi mo lang sila kilala? Mayroong naka-bahag, naka-polo, barong tagalog at mayroon ding naka-amerikana. Lahat sila ay sa direksyon mo nakatingin, hindi man na sila naka-pagsasalita ay alam mong “pag-asa” pa rin ang tawag nila saiyo.

Dali-dali kang tumakbo hanggang nakasalubong mo ang matandang tagapamahala ng museyo. Tumingin lamang ito sa iyong pawisang mukha at nagtanong, “Minulto ka na rin ba?” at saka ito naglaho. Basahin sa aming website


AGHAM +

/ncpopinasqcfilb bit.ly/NCPOPinasQCFilB

Pabor ba kayo sa pagpapabakuna?

Kung oo, anong brand ang nais? 51.9% ng mga mag-aaral ay nais makakuha ng bakuna mula sa Pfizer; 23.5% ay nais ang mula sa Moderna; 15.5% ay nais ang mula

Isinagawa ang isang sarbey noong ika-22 ng Mayo sa 349 na mag-aaral sa unang distrito ng Lungsod Quezon upang tayahin ang kanilang kaalaman sa bakuna. Inalam din ng pahayagan ang nais na bakunang ituturok kung sakaling magkakaroon ng vaccination sa mga bata. 50.7% ng mga mag-aaral ay pabor sa pagpapa-bakuna

laban sa COVID-19; 40.1% ay hindi siguradong magpapabakuna; 7.7% ay hindi magpapabakuna; at 1.5% ay may ibang kasagutan. Sa isigawang sarbey naman ng Pulse Asia mula Pebrero 22 hanggang Marso 3., 61% ang tumangging magpabakuna, 23% ang hindi masabi, at 16% ang sumang-ayon. Ito ay batay sa 2,400 na Pilipino na edad 18 pataas.

TUMPAK o PALPAK: Mga kumakalat na impormasyon ukol sa COVID-19, may katotohanan ba?

“Hindi kumakalat ang CoViD-19 sa mainit na klima.” PALPAK! Maari parin itong kumalat sa kahit anong klma.

“Pampatay sa CoViD-19 ang UV lamps.” PALPAK! Ito ay nakakasama sa ating katawan.

“Mga kabataan ay hindi masyadong natatamaan ng CoViD-19” PALPAK! Kahit anong edad ay maaari ngunit mayroong mga iilang vulnerable.

“Lagundi’t tawa-tawa gamot sa CoViD-19?” HINDI PA SIGURADO! Sa kasalukuyan, wala pang sapat na ebidensiya na nagsasabing ito’y nakakagamot.

sa Astrazeneca; 8.9% ay nais ang mula sa Sinovac; at 27.5% ay hindi nais magpabakuna.

Larawan mula sa

The Electron

PA N D E M YA

Tagumpay na Malalasap: Ang Paglalakbay ni Diana Ranoa Brian Axel Ycoy

Sa ikaapat na taon ng high school umusbong ang pagmamahal sa agham ng isang estudyanteng ngayo’y isang bayaning ituring. Siya ay si Diana Rose Ranoa, Quezon City Science High School Batch 99 alumna at isang molecular biologist. Lumaki sa simple at payak na pamumuhay si Ranoa. Siya ay kalimitang pumapasok upang matuto sa mga mas mataas na lebel na mga asignatura ng haynayan. Gabay niya ang dating guro sa eskwelahan na si Ma’am Obligar na nagpa-usbong at nagbigay-aruga sa dating mumunti na ngayo’y namumungang karunungan. Kumuha siya ng degree sa Bachelor of Science in Molecular Biology and Biotechnology sa University of the Philippines (UP) Diliman. Sa panayam ng The Electron, nais ng kaniyang mga magulang na siya’y maging doctor kaya kumuha siya ng premed noong nag-apply

sa kolehiyo. Molecular Biology ang una niyang pinili at Biology ang second choice. Sa kaniyang pagtatapos, sinimulan niya ang isang pag-aaral tungkol sa kanser at ang immune system ng katawan. Kahit pumanaw ang kaniyang ama sa sakit na lung cancer sa panahong ito, hindi huminto ang lahat – bagkus ay umigting ang pagmamahal na naitanim sa kaniyang puso’t isipan. Sa gitna ng pandemya ay namunga ang kaniyang mga pagsisikap. Kasalukuyan siya’y nasa Unibersidad ng Illinois at patuloy na nag-aaral patungkol sa kanser. Nang binalot ng pandemya ang buong mundo, huminto sa paggawa ng mga aktibidad ang buong unibersidad at kasama na rito - huminto ang kanilang pag-aaral. Hindi nawalan ng pag-asa si Ranoa at ang kaniyang mga kasamahan. Dahil si Ranoa ay may kahusayan at kasanayan pagdating sa molecular biology, siya’y inatasan ng kaniyang boss upang makahanap ng

paraan sa pag-track ng virus at pag-test sa mga estudyante. Ito ngayon ang kilala na saliva testing ng CoViD-19. “We worked around a test using saliva, because one if you want to test everyone you won’t be able to convince everyone to get tested if it’s through a nasal-pharyngal swab, so we’ll use saliva because already there were studies back then that the virus is detectable in saliva,” ani Ranoa. Ang kanilang natuklasan ay naging laman sa mga ulo ng mga balita. Sa panahon bago natuklasan ang saliva testing, imposible ang naturang suhestiyon dahil ang paghalo ng saliva at RNA ng virus ay magreresulta lamang sa pagtunaw ng saliva sa RNA. Ang team nina Ranoa ay nakahanap ng bagong paraan na hindi magdudulot ng pagkatunaw ng RNA at mapanatili na ang virus ay ma-dedetect. Umaabot ng 10,000 tests ang isinasagawa araw-araw sa unibersidad

simula ng ito’y natuklasan. Sa sumunod na tatlong buwan ay siya ang naging tagapamahala ng lab testing at naging trainor para sa large-scale testing. Sa kasalukuyan ay kaniyang ipinagpatuloy ang kaniyang pag-aaral patungkol sa kanser. Sarisaring mga kemikal ang tinetest niya sa mga mice o daga upang malaman kung ito’y epektib laban sa mga cancer cells. Nang siya’y kinapanayam kung ano ang maibibigay niyang mensahe sa mga Scientians ngayong new normal, kaniyang sinabi na:“’Chance favors the prepared mind’, Louis Pasteur once said that, and I would like to say the same to Scientians everywhere: keep studying and always be prepared”. Tagumpay na nalasap ng isang estudyanteng ngayong bayani sa panahon ng pandemya ay tagumpay na nalalasap ng lahat. Basahin sa aming website


/ncpopinasqcfilb bit.ly/NCPOPinasQCFilB

ISPORTS + PANGAMBA. Para kay Coach O, isa pa ring malaking dagok ang pandemya para sa mga tulad nilang atleta kung saan hindi maaaring ilipat ang industriya ng pampalakasan sa onlne setup.

NCPO

PINAS + Larawan mula sa

QCSFC

PA N D E M YA

WALANG KATAPUSANG TIME UT Humphrey Soriano

PA L A K A S AY S AYA N

Ang walang kasiguraduhang kinabukasan

Pinoy Pride: Ang karera ni Brandon para sa Quezon City Sports Varsities Nagmistulang ng football sa Lungsod sana sa lalong madaling pamahalaan. Vera sa MMA nilimot ng Quezon. panahon ay maibalik na “Nakakamiss talaga Humphrey Soriano

15-7-0

‘The Truth’ Career Record

56%

0.70

0.2

Significant Striking Accuracy

Average Takedowns Landed

Average Submissions Attempted

Datos mula sa UFC Stats

panahon ang mga court sa mga kalye’t lansangan. Ang dating ingay ng mga paliga sa barangay tuwing pista, at mga torneyo sa paaralan ay nawala na parang bula. Para kay Noa, ito na marahil ang pinakamalungkot na taon para sa katulad niyang isang manlalaro. “Naging mahirap po para sa aming sports varsities ang pagpasok ng pandemya, sobrang daming nawala at maraming nakakapanibago,” sambit ni Noa na isang team captain sa isang koponan M M A

BAGONG HARI:

Larawan mula sa

MMA Junkie - USA Today

Bhullar sinungkit ang ONE: Dangal Championship: kinabig via TKO Humphrey Soriano

Mahigit kumulang 250,000 na mga estudyante sa Lungsod Quezon ang tinengga ng pandemya at ilang libo rito ang mga itinuturing na opisyal na manlalaro ng bawat paaralan. Naibalita kamakailan lamang ang pagbubukas ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 76 sa darating na Hunyo. Ang pagbabalik ng isa sa nangungunang pangkolehiyong liga sa bansa ay magbibigay liwanag para sa mga kabataang atleta. “Umaasa kami na

ang lahat sa dati kasi yung sports, parang mahirap siya gawin online lalo na hindi lahat may access sa internet. Talagang mahirap,” dagdag pa niya. Tila palaisipan pa rin sa mga tulad nilang manlalaro sa mga maliliit na paaralan ang pagbabalik ng mga larong pampalakasan sa tinuturing na bagong normal. Ang mga pang-araw-araw na training na kadalasan ay ginagawa nang sabay ay hindi na maaaring matupad sa tinalagang distance learning nang

yung every month or every week may training kami. Kumbaga hindi lang physical health yung naiimprove, kasama na rin yung mental health naming players.” Iisa ang hiling ng bawat sports varsity na maibabalik na ang lahat sa dati upang ang kanilang kinagiliwang sports ay kanila nang malaro at manumbalik ang sigla at saya sa mga court at lansangan. Para sa mga tulad ni Noa at sa libo libo pang kabataang atleta, nawa’y agad nang matapos ang walang katapusang timeout.

Sa pagpatak ng 4:27, panibagong hari ang isinilang. Ginapi ni Arjan “Singh” Bhullar si Brandon “The Truth” Vera via technical knockout (4:27) upang mapasakamay ang ONE Championship Heavyweight title noong ika-15 ng Mayo sa Singapore Stadium. Humataw ang 35-year-old fighter ng sunud-sunod na hooks na umukit ng winning condition para kay Bhullar

matapos ang isang canvas lockdown bago tumunog ang bell at tapusin ang first canto, Bhullar dominating. Nagbukas ang second round sa mainit na Vera matapos ang sunod sunod na leg kick na nagmistulang dumiskaril kay Bhullar. Ngunit ang tadhana ay nasa kamay ni Singh. Isang mainit na body jab ang pinakawalan ni Bhullar na siyang kumorner kay Vera

at maisagawa ang isang successful takedown na agad sinegundahan ng pounds and kicks. Inundayan ng sunudsunod na combinations at fist ang reigning King na nagbukas ng pangalawang pagkakataon para sa second takedown na siyang nagtakda para sa referee na itigil ang laban, TKO in favor of Bhullar. Basahin sa aming website


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.