ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG RSPC
TOMO I BILANG I
IKA-29 NG NOBYEMBRE
ATENSYON! Mary Grace Padilla, Teacher 1 ng Candon National High School, determinadong hinarap ang press sa CNHS noong Nobyembre 29. (Kuhang Larawan ni Vice Ganda)
C
ampus Journalism will serve as a bullet that will set fire to the minds of the students for learning (Ang campus journalism ang magsisilbing bala na magpapaalab sa pag-iisip ng mga mag-aaral tungo sa pagkatuto). Ito ang naging pahayag ni Mary Grace Padilla, Teacher 1 sa Ingles ng Candon National High School (CNHS) ukol sa kahalagahan ng campus journalism bilang tagapanayam sa naganap na mini press conference sa naturang paaralan, Nobyembre 29. “Students will serve as tools for campus journal-
Campus journalism, susi sa pagkatuto-Padilla Calum Scott
ism to serve its purpose (Ang mga mag-aaral ang magsisilbing kagamitan upang magampanan ng campus journalism ang tungkulin nito).” Binigyang-diin din ni Padilla sa harap ng mga mag-aaral na ang mga campus journalist ay magsisilbing instrumento upang maisakatuparan ang mas epektibong pagkatuto. “Through campus
CNHS, pabor sa ‘character-based education’
L
ni Calum Scott
umabas sa sarbey na 100% sa 50 mga respondante na binubuo ng mga guro at mag-aaral ng Candon National High School ang pabor sa pagpapatupad ng ‘character based education.’ Ang naturang sarbey na pinamunuan ng Ang Tinig ay isinagawa noong Nobyembre 29 sa loob ng naturang paaralan. Layunin nitong alamin ang saloobin ng mga mag-aaral at guro ukol sa bagong paraan ng pagtuturo kung saan hindi
lamang ang mga guro ang nagsasalita kundi kabilang din ang mga mag-aaral sa pamamahagi ng kaalaman. “Malaking pagbabago ang naidulot ng ‘characterbased education’ sapagkat nagkakaroon din ng pagkakataon ang mga magaaral na makapagsalita at maibahagi ang kanilang nalalaman sa klase na nakatutulong upang madagdagan pa ang aming tiwala sa sarili at mahasa pa ang aming kakayahan sa pakikipagtalastsan,” paliwanag ng isa sa mga respondante.
journalism, students will be able to disseminate information and also serve as an inspiration for others to reach their dreams (Sa pamamagitan ng campus journalism, maipapalaganap ng mga mag-aaral ang mga impormasyon at magsisilbi itong inspirasyon sa iba upang makamit ang kanilang mga minimithi).” Ayon pa kay Padilla, makatutulong ang mga
campus journalist sa pagpapalaganap ng kaalaman at pagbibigay ng inspirasyon sa kapwa upang magpursigi at ipagpatuloy ang pagtupad sa mga hangarin sa buhay. “Students can model what it is like to live in a community where 21st century skills are being applied as well as Character-based education through campus journalism (Ang mga magaaral ang magiging modelo
kung paano mamuhay sa isang komunidad kung saan ginagamit ang mga kakayahang pang ika-21 siglo at ang edukasyon na base sa karakter).” Dagdag pa ni Padilla, maituturing ding modelo ang mga mag-aaral ng isang komunidad dahil ang mga ito ang nagtataglay ng mga makabagong katangian at nakararanas ng ibang pamamaraan ng edukasyon.
Character-Based Education, tinalakay ni Padilla ni Calum Scott
T
inalakay ni Mary Grace Padilla, Teacher 1 sa Ingles ng Candon National High School (CNHS) ang ‘character-based education’ sa kanyang talumpati sa naganap na mini press conference sa naturang paaralan, Nobyembre 29. Naging tagapanayam si Padilla sa harap ng mga mag-aaral at mga guro kung saan inisa-isa nito ang mga karakter na tinutukoy sa nasabing paksa. Ayon kay Padilla, ang pagiging maalam at mapagpursigi at pagkakaroon ng lakas ng loob, kakayahang mamuno, at etika ang mga karakter na
POKUS. Mga bagong impormasyon na hatid ni Mary Grace Padilla, Guro ng Candon National High School sa harap ng press noong Nobyembre 29. (Kuhang Larawan ni Vice Ganda)
kinakailangang taglayin ng isang mag-aaral sa ilalim ng bagong pamamaraan ng edukasyon. Paliwanag pa ni Padilla, mas nadadagdagan ang tiwala sa sarili ng mga mag-aaral at mas nahahasa ang paggamit nito sa pamamagitan ng ‘character-based education’
na makatutulong sa mga susunod pang mga hakbang sa kanilang buhay. Dagdag pa niya, epektibo rin ang naturang pamamaraan ng edukasyon sa paglilinang ng kakayahan ng mga mag-aaral sa pakikipanayam sa iba’t ibang uri ng tao.
2
OPINYON
EDITORYAL
ANG OPISYAL NA PUBLIKASYON NG DSPC
Pumayag sa Pamamahayag
K POKUS ni Hannah Sha
Edukasyong pangkasalukuyan at pangkinabukasan
L
ayunin ng edukasyon ng modernong panahon na maihanda ang mga mag-aaral sa haharaping trabaho. Mahahasa ang kakayahan nilang magisip nang kritikal upang masolusyonan ang mga kinahaharap na problema. Kaya naman, hindi na gaya ng tradisyunal na paraan ng pagtuturo ang ginagamit ngayon. Dati, ang guro lamang ang nagsasalita at sa kanya lamang manggagaling ang lahat ng kaalaman na gagamitin ng
mag-aaral. Subalit ngayon, kahit ang mga estyudante ay nagiging tagapagsalita na rin sa harap ng klase at nakakapagdagdag ng impormasyon tuwing leksiyon. Sa paglinang ng makabagong kakayahan, nakakaroon ng tiwala sa sarili ang mga mag-aaral na suongin ang kanilang kina-
bukasan dahil nga sa sila ay handa. Kung sasabayan pa nito ng edukasyon na nakabase sa karakter na uudyok na maging etikal, mausisa, pinuno at malakas ang loob, makakabuo tayo ng mga mag-aaral na hindi lamang puno ng kaalaman ngunit handa ring gamitin ang kaalaman sa pagmamalasakit. Upang masiguradong epektibo nga ito, dapat maisagawa at maitaguyod ito sa tamang paraan. Dapat na mabigyan ng pagsasanay ang mga guro sa pagtaguyod ng edukasyong ito at mabigyan ng motibasyon ang mga mag-aaral na ibigay ang kanilang determinsayon para rito.
LIHAM sa Patnugot
Mahal na Patnugot,
May mga kaklase po akong nakikisali sa mga kompetisyon. Isa sa mga napapansin ko ay ang mga lumalahok sa campus journalism o pamamahayag. Dahil nakikita ko silang dedikado sa kanilang gawa, nagtataka ako kung ano nga ba ang maganda dito? Anong papel nito sa ating lipunan? Gaano ng aba ito kaimportante ngayon lalo na at modernong panahon na?
express CANDON CITY
P A M A T N U G U T A N
Nagmamahal, James Reid
ASA BUTTER
asabay ng pagbabago ng estilo ng pagtuturo, napapabago din ang mga kakayahang napapauunlad ng mga mag-aaral. Bilang instrumento sa pagkatuto, nararapat lamang na makisabay ang campus journalism sa mga pagbabagong ito upang mapanatiling epektibo pa rin ito. Ayon kay Mary Grace Padilla, isang guro ng Ingles sa Candon National High, sa isang mini press conference, may papel ang mga student journalist o mga batang mamamahayag upang mapabuti pa ang pagkatuto ng kapwa nila mag-aaral lalo na ngayong napapabago na ang edukasyon ngayon. Nakapokus ang pagtuturo ngayon sa pagpapaunlad ng kakayahang pangika-21 na siglo na siyang mga gagamitin ng mag-aaral sa hinaharap na karera at kahit hanggang sa pagtanda pa. Tinutuonan din ng pansin ang pagtuturo batay sa karakter na kung saan matuturuan ang mga mag-aaral na matuto nang tama. Binigyang-diin ni Padilla na ang kakayahang pankomunikasyon ang pinakasentro ng lahat ng 21st century skills. Dito mapapaliyab pa ng mga student journalist ang apoy sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng tamang impormasyong magtutulak sa kanilang kapwa mag-aaral na matuto pa at dagdagan pa nila ang kanilang mga kaalaman. Magsisilbi ding modelo ang mga student journalists sa lahat. Inihayag ni Padilla na sila ang magsisilbing inspirasyon na magpapakita kung paano maging isang modernong mag-aaral na handing harapin ang kinabukasan dahil sa dekalidad na edukasyon. Hindi dapat nawawalan ng suporta ang campus journalism dahil epektibong instrument ito sa pagkatuto lalo na ngayong ika-21 na siglo. Hinuhulma nito ang mga mag-aaral para sa haharapin pang bagong panahon. Kaya naman, lahat tayong parte ng lipunan ay bigyan ito ng atensyon at suportahan.
PUNONG PATNUGOT
CALUM SCOTT
KATRHYN BER
HANNAH SHA
VHONG NAV
VICE GANDA
JM DE GUZ
PATNUGOT SA BALITA
PATNUGOT SA PAMPALAKASAN
PATNUGOT SA LATHALAIN
PANLARAWANG MAMAMAHAYAG
PATNUGOT SA EDITORYAL KARTONISTA
CANDON CITY EXPRESS | CANDON CITY EXPRESS | CANDON CITY EXPRESS | CANDON CITY EXPRESS | CANDON CITY EXPRESS | CANDON CITY
LATHALAIN
3
ANG OPISYAL NA PUBLIKASYON NG DSPC
S
a panahong kung saan ang mga tao’y yumayakap sa kapangyarihan ng makabagong teknolohiya, at bawat galaw ay kaakibat nito ang paggamit ng mga modernong bagay, at unti-unti nang nilalamon ng sistema, tila nawawalan ng halaga ang mga dapat na nagsisilbing instrumento ng mabuting pagbabago. Bilang mag-aaral at mamamahayag, ako’y napanghihinaan ng loob sapagkat hindi ko na alam ang dapat kong gawin ngunit isang tao ang nagbukas ng aking diwa’t mga mata hinggil sa hamon ng kasalukuyang panahon sa akin. Isang babae ang naaaninag ng aking mga mata, babaeng may katamtamang katawan. Siya’y may maikli’t itim na buhok, at may manipis na kilay ngunit maayos naman ang pagkakakurba nito. Mukhang matamlay ang kaniyang mabilog na mga mata animo’y laging inaantok subalit sa likod nito’y buhay na buhay na nagmamatyag sa kanyang paligid. May manipis na labi at hindi katangusan ang kaniyang ilong. Hindi pa rin nawawala sa aking isipan ang mga salita’t pahayag na kaniyang ibinahagi noong minsan kami’y nagkasalamuha sa isang press conference. Ibinahagi niyang siya’y dati ring mamamahayag noong hayskul at ako, bilang mamamahayag, ay hinamon niyang dapat na magpalaganap ng mga makabuluhang impormasyon kahit na sa eskwelahan lamang na siyang magbubukas sa isipan ng mga mag-aaral at makapagpabuti sa kanilang mga pananaw sa buhay. Ayon sa kaniya, ang campus
D
journalism ay tila isang bala na titira sa isipan ng mga mag-aaral na siyang magbabago sa kanilang pagkatao. At higit sa lahat, sa modernong panahong ating kinabibilangan ngayon, kailangan isaalang-alang ang ethics sa bawat aksyong gagawin gamit ang kapangyarihan ng mga makabagong teknolohiya. Kapag may etikang tinataglay ang isang mamahayag ay paniguradong maiaangat ang pagkatao ng mga mag-aaral. At doon ako natauhan. Inaasam kong makasalamuhang muli ang gurong ito na siyang nanghimok sa akin upang ipagpatuloy ang paglilingkod bilang mamamahayag sa badya ng kasalukuyang panahon. Siya si Bb. Mary Grace Padilla, isang guro sa Ingles. Siya’y nag-aral noong sekondarya sa Candon National High School taong 2012 at nagtapos ng Bachelor of Science in Education Major in English sa North Luzon Philippine State College. Sa murang edad, marami na rin siyang karanasan hinggil sa pagtuturo. Sa kasalukuyan, siya’y kumukuha ng kaniyang masteral. Sa kabila ng mga parangal na kaniyang natatanggap sa pagtutro, nanatili pa rin ang kaniyang mga paa sa baba ta kalianma’y di lumaki ang ulo. At ang talagang hinahangaan ko sakanya ay matibay na pananampalataya niya sa Poong Maykapal na Siyang gumagabay sa kaniya sa biyahe ng kaniyang buhay.
Amazing
GRACE
“ glipas
Sa
Pa
ni Kathryn Ber
Knowing Christ is my greatest achievement
ni Kathryn Ber
alawang silid ang aking nasa harapan. Mga silid na parehong naglalaman ng mga estudyante’t tig-isang guro. Dinig ko ang hiyawan sa isang silid at sa kabila’y tila walang taong naglalaman. Dala ng aking kuryosidad, nilapitan ko ang ‘di makabasag pinggan na silid upang alamin kung ano nga ba ang nangyayari roon. Doon, nasaksihan ko ang isang gurong mukhag pagod na pagod na’t paos na ang boses dala ng maghapong pagsasalita sa harap ng klase. Hawak niya ang isang manipis na stick na siyang tinuturo-turo sa pisara. Binalingan ko naman ng tingin ang mga estudyante’t ako’y napanghinaan ng loob sa aking nasaksihan, sila’y nayayamot at nagkukunwaring nakikinig sa guro. Sila’y nakikipagtitigan sa kanilang hawak na libro at alam kong wala silang interes dito. Sa mahabang oras sila’y nanatiling nakaupo at patuloy na tinatanggap ang bawat aral na lumalabas sa bibig ng guro. Dumako ako sa kabila at dito ko napansin ang isang malaking pagbabago. Nakaupo lamang ang guro’t tila ni minsan ay hindi tinuluan ng pawis. Pinapanood nito ang isang grupo ng mag-aaral na nag-uulat sa harapan gamit ang mga makabagong teknolohiya. Sa ngayon, pansin kong naaliw ang mga mag-aaral at talagang nakikinig sa diskusyon ng kapwa mag-aaral gayun din sa bawat komento at suhestiyon ng guro. May nagtaas ng kamay at nagtanong sa taga-ulat, at doon nangyari ang salitan ng ideya sa bawat mag-aaral. Dito, nailalabas din ang pagkamalikhain ng bawat isa. Sa silid na kinaroroonan ko sa ksalukuyan ay may aktibong partisipasyon ang lahat. Sinasalamin ng dalawang silid ang paraan ng pagtuturo noon at sa kasalukuyan. Ipinapakita nito ang pagbabago sa bawat aspeto ng guro’t mag-aaral kung paano nakaapekto ang makabagong teknolohiya Maaaring para sa iba’y mas epektibo ang isa at ang isa nama’y hindi. Ikaw, alin ang mas gusto mo, ang may aktibong partisipasyon ang lahat o ang tila one-sided na uri ng pagtuturo?
BANAT. Nakatitindig-balahibong pagpalo ni Ben Valdez ng Lady Defenders matapos nitong pinagreynahan ang torneo. (Kuhang larawan ni Vice Ganda)
ni Vhong Nav
N
aglalagablab na depensa at umaatipokpok na atake ang ibunuga ng Lemon Lady Defendersupang pilitin ang Cherry Lady Attackers na ihatid sila sa tagumpay,2-0 sa prestihiyosong Grade 8-Festival of Talents Girls Volleybal sa maingay na Volleyball court ng Candon National High School, kanina. Dinomina agad ng Lady Defenders ang 3 sunod-sunod na puntos upang itakas ang 9-5 bentahe sa kalagitnaan ng unang set ng sagupaan. Muli,dumagdag pa ng 4 na sunod-sunod na service ace si Bea Valdez upang wakasan ang pasisimula ng laro,15-13. Samantala,wala namang sistema sa plays ang lady Attackers matapos hindi sila magkaintindihan sa bawat taktika na gusto nilang ilabas dahil nag-uunahan sila sa issang
bola. Pagtungtong ng pangalawang set,humarurot na naman ng mga mabibigat na pag-atake ang Defenders pero hindi nagpatinag ang Attackers. Dumikit sila sa 7-5 iskor na unang ipinoste ng Defenders sa pagsalubong sa huling set ng matinding sagupaan. Nagkaininitan qng dalawang koponan para sa inaasam-asam na makopo ang kampeonato sa Gradei-Festivalof Talents Girls Volleyball sa huling hibla ng sagupaan. Humirit pa ng 3service acesang Attackers sa pangunguna nina Thea Marie Gonzaga at Novelle Dausin matapos nilqng matyempuhan ang kaabalahan ng Defenders sa pqgtatawanan. Nagulat ang Defenders sa atake na ibinuga ng Attackers,kaya gumawa sila ng hakbang upang ilayo ang bentahe sa
isports
Candon City Express
Lady Defenders nilunok ang kampeonato
Defenders. Pero imbis na mailayo ang iskor,nagawa nang itabla sa 12-12 ang iskor mqtqpos nakagawa ng service error si Cyril Kyle Urbano ng Defenders. Kahit ganun ang nangyari,hindi parin nawalan ng pag-asa ang Defenders na hindi na sila aabot pa sa ikatlong set,makaraang bitawan na ni Bea Valdez ang tatlo pang sunod-sunod na service aces mula sa kanyang mga nag-iinit na kamay upang tuldukan na sa 1512 iskor qng set 2. “Tinitingnan namain nang mabuti kung saan pupunta ang bola para hindi kami mabigla kung nandyan na", ani Valdez ng Lady Defenders. Pinagpaplanuhan na rin ng Lady Defenders ang mga gagawing hakbang sa paghahanda upang madepensahan nila ang kanilang kampeonato sa susunod na taon.
TIME-OUT ni Vhong Nav
K
Suporta sa Isports, pinapalawig
inakain ng teknolohiya ang mahika ng mga kabataan upang mawalan sila ng konsentrasyon sa ibang mga bagay,kaya pinapaogting ngayon ng Department of Education,Philippine Sports Commision pati na ang iba pang mga NSA’s ang pagkakaroon ng programa na palakasin ang alindog ng isports sa ating bansa. Unang sinusuportahan ng Department of Education ang Physical Education upang dito matututunan ang iba’t-ibang isports at mga estratihiya upang maipalamun sa mga kabataan ang kahalagahan nito.
Pinapalawig din ng Philippine Sports Commision ang kanilang suporta at pagbibigay ng mga kailangan ng bawat atletang pilipino para manatili sila at upang may magpopromote at maging inspirasyon ng mga kabataan sa isports. Naglabas narin ng mga memorandum of agreement ang palasyo upang maalagaan ang kapanan ng bawat atletang Pilipino maging ang mga studentathletes sa bansa. Mahalaga ang mga programang ito upang payamanin ang mga puso at isipan ng bawat kabataan para may mag-aangat ng ating bansa sa larangan ng pampalakasan at magbigay ng karangalan.