1 minute read

Paunang Salita

Next Article
Ang Repormasyon

Ang Repormasyon

Ang Bagong Tipan ng Pandaigdigang Paglalathala ay nag dudugtong sa mga mambabasa na may banal na plano na magbuklod sa langit at lupa at nagpapatibay sa panghabang-buhay na batas ng pag ibig. Ang sagisag ng Arko ng tipan ay kumakatawan sa pagpapalagayang-loob sa pagitan ni Panginoong Hesukristo at ng kanyang mga tao at ang sentralidad ng Batas ng Diyos. Sa nakasulat, “Kundi ito ang tipan na aking ipakikipagtipan sa sangbahayan ni Israel pagkatapos ng mga araw na yaon, sabi ng Panginoon, Aking itatala ang aking kautusan sa kanilang kalooban, at aking isusulat sa kanilang puso; at ako'y magiging kanilang Diyos, at sila'y magiging aking bayan." (Jeremias 31:31-33; Hebreo 8:8-10). Sa katunayan, ang bagong tipan ay nagpapatotoo sa isang katubusan, na nanganak ng walang humpay na pagaaway at tinatakan ng dugo.

Sa hindi mabilang ng mga siglo, marami ang natiis ang mga nakakaligalig na pagdurusa at hindi maintindihan na pang-aapi, na kinakalkula upang mabura ang katotohanan. Lalo na sa Madilim na panahon, ang liwanag ay sobrang naging nakakapaso at kinubli ng tradisyon ng mga tao ang sikat na kamangmangan, dahil ang mga naninirahan sa mundo ay kinamuhian ang karunungan at ginulo ang tipan. Ang pagkawasak ng pagka kasundo dahil sa paglaganap ng kasamaan ay siyang pumukaw sa hindi mapigilang paglaganap ng pagkabulok at kasamaan, kaya maraming buhay ang isinakripisyo na hindi nabigyan ng katarungan, pagtanggi na sumuko para sa kalayaan ng konsensiya. Gayunpaman, ang nawalang karunungan ay muling binuhay, partikular sa panahon ng Repormasyon.

Ang panahon ng Repormasyon noong ika 16 na siglo ang siyang nagpakita ng katotohanan, pangunahing pagbabago at naging bunga ng kaguluhan, na sumalamin sa Kontra Reposmasyon. Gayunpaman, sa kabuuan nito, may isang nakadiskubre na hindi maipagkakaila na importansya ng natatanging rebolusyon sa pananaw ng mga Repormador at ibang matatapang na tagabunsod. Sa kanilang paliwanag, ang isa ay kayang intindihin ang mapaminsalang digmaan, sa kadahilanan na pinagbabatayan sa hindi pang karaniwang labanan at pakikialam.

Ang aming salawikain: “Mga Libro ng Repormasyon, Nagbago ang Isip.” ay pinasisigla ang natatanging kategorya ng literatura, binubuo sa isang kritikal na panahon at ang ng epekto nito. Sumasalamin din ito sa pagpipilit ng personal na repormasyon, muling pagsilang at pagbabagong-anyo. At ang Gutenberg na naghihikayat sa paglilimbag, na kaisa ng ahensya ng pagsasalin, ay ipinakalat ang mga alituntunin ng binagong pananampalataya, ang iba ay limang daan na ang nakararaan, ang mga makabagong tagahikayat at nasa linya na midya ay nakikipag-komunikasyon sa bawat wika ng katotohanan sa mga huling oras na ito.

This article is from: