5 minute read

Kabanata 11— Ang Protesta ng mga Prinsipe

Ang isa sa pinakamarangal na patotoo sa kapakanan ng Reporma ay ang Pagtutol na iniharap sa Diyeta sa Espira noong taong 1529, ng mga prinsipeng Kristiyano ng Alemanya. Ang kalakasang-loob, pananampalataya, at katatagan ng mga taong yaon ng Diyos, ay nagpamana sa mga susunod na panahon ng kalayaan ng pag-iisip at budhi. Ang kanilang Protesta ay nagbigay sa nabagong iglesya ng ngalang Protestante; ang mga simulain niyaon ay siyang “kakanggata ng aral ng Protestantismo.”

Ang Reporma ay inabot ng isang madilim at nagbabalang araw. Bagaman sa Worms ay lumabas ang pasiyang nagpapahayag na si Lutero ay isang salarin, at nagbabawal na ituro o paniwalaan ang mga aral ng taong ito, ay naghari din sa imperyo ang kalayaan sa relihiyon. Ang kalooban ng Diyos ang sumawata sa kapangyarihang sumasalungat sa katotohanan. Ipinasiya ni Carlos V na durugin ang Reporma, datapuwa’t malimit na kapag iniaamba niya ang kanyang kamay napipilitan huwag niyang ituloy. Muli’t muling tila hindi maiiwasan ang pagkapahamak noong mga sumasalungat sa Roma; datapuwa’t kapag dumarating na ang sandaling mapanganib, ang emperador ay binabaka ng hukbo ng Turkya na mula sa Silangan, o dili kaya’y ng hari ng Pransya o ng papa na rin, sa pananaghili sa lumalagong kadakilaan niya, at sa gayo’y sa kalagitnaan ng sigalot at gulo ng mga bansa, ang Reporma ay napabayaan upang magpalakas at sumulong.

Sa wakas ay pinigil ng mga haring katoliko ang kanilang alitan, upang kanilang mapagtulung-tulungan ang mga Repormador. Ang Diyeta sa Espira noong 1526 ay nagkaloob sa bawa’t lalawigan ng ganap na kalayaan sa mga bagay na ukol sa relihiyon hanggang sa tawagin ang isang pangkalahatang kapulungan; datapuwa’t hindi pa man lumilipas ang mga kapanganibang nag-udyok sa pagkakasundong ito ay ipinag-utos na ng emperador na magdaos ng ikalawang konsilyo sa Espira noong 1529 upang pag-usapan ang pagdurog sa erehiya. Ang mga prinsipe ay hihimukin, sa pamamagitan ng mapayapang kaparaanan kung mangyayari, na huwag kumampi sa Reporma; datapuwa’t sakaling walang mangyayari, si Carlos ay handang gumamit ng tabak.

Natuwa ang mga makapapa. Marami silang nagsiharap sa Espira, at hayag na ipinakilala ang kanilang pagkamuhi sa mga Repormador at sa lahat ng nakikiayon sa mga ito. Ang sabi ni Melanehton: “Kami ang sinumpa at sukal na winalis ng sanlibutan; datapuwa’t tutunghayan ni Kristo ang kanyang kaawa-awang bayan, at iingatan sila.” Ang mga prinsipeng ebangheliko na dumalo sa konsilyo ay pinagbawalan na magpahintulot na ipangaral ito sa kanilang mga tahanan. Datapuwa’t ang mga taga-Espira ay uhaw sa salita ng Diyos, at sa harap ng pagbabawal, ay nagdagsaan ang libu-libo sa mga pulong na ginanap sa kapilya ng elektor ng Sahonya.

Ito ang nagpadali sa pagdating ng kapanganiban. Ang isang kalatas ng emperador ay nagpahayag sa Diyeta, na sapagka’t ang batas na nagbibigay ng kalayaan ng budhi ay nagbangon ng malalaking kaguluhan, ay hinihingi ngayon ng emperador na ito’y pawalang bisa. Ang magahasang asal na ito ay umuntag sa kagalitan at paghihimagsik ng mga Kristiyanong ebangheliko.

Ang pagpapahintulot sa Relihiyon ay pinagtibay ng batas, at ang mga lalawigang ebangheliko ay nangagpasiyang tumutol, sa panghihimasok sa kanilang mga karapatan. Si Lutero, palibhasa’y sumasailalim pa ng pagbabawal ng pasiya ng Worms, ay hindi pinahintulutang humarap sa Espira; subali’t siya’y inako ng kanyang mga kamanggagawa at ng mga prinsipeng tinawagan ng Diyos upang magsanggalang sa kanyang gawain sa ganitong kagipitan. Ang marangal na taong si Federico ng Sahonya, na dating sanggalang ni Lutero, ay namatay na; nguni’t ang Duke Juan, na kanyang kapatid at kahalili, ay buong galak na tumanggap sa Reporma at bagaman siya’y isang kaibigan ng kapayapaan, ay nagpakilala siya ng malaking sigla at tapang sa lahat ng bagay na may kinalaman sa mga kapakanan ng pananampalataya.

Hiningi ng mga pari na ang mga lalawigang tumanggap sa Reporma ay ganap na sumuko sa kapangyarihan ng Roma. Sa kabilang dako naman ay iginiit ng mga Repormador ang kalayaang sa kanila’y ibinigay noong una. Hindi nila mapahihintulutang sumailalim na muli ng Roma yaong mga lalawigang tumanggap na sa salita ng Diyos ng buong galak.

Upang magkasundo ay binalak, sa wakas, na roon sa pook na hindi pa matatag ang Reporma, ang pasiya ng Worms ay buong higpit na ipasusunod, at “doon sa pook na ang pasiyang ito ay ayaw kilalanin ng mga tao at hindi makaaayon dito na walang panganib na maghimagsik ay hindi sila magpapasok ng bagong pagbabago, at hindi nila sasalangin ang anumang bahaging pinagtatalunan, at hindi nila pipigilin ang pagmimisa, at hindi nila pahihintulutang tumanggap ang Katoliko Romano ng Luteranismo.” Ang pasiyang ito ay pinagtibay ng Diyeta at ikinasiyang lubha ng mga pari at ng mga panguluhan nilang makapapa.

Kung ipasusunod ang pasiyang ito, “ang Reporma ay hindi aabot. . . sa lugar na di pa nakaaalam nito, ni maitatayo man sa matatag na mga patibayan. . . sa lugar na kinaroroonan na nito.” Ang kalayaan sa pagsasalita ay ipagbabawal. Ipagbabawal ang paghikayat. At sa mga pagbabawal at paghihigpit na ito, ang mga kaibigan ng Reporma ay hininging pailalim agad. Mandi’y halos mamatay na ang mga pag-asa ng sanlibutan. “Ang muling pagkatatag ng organisasyon ng mga pari ng Roma . . . ay walang pagsalang magsasauli ng mga dating kapaslangan;” at ito ang magbibigay ng pagkakataon upang “malubos ang pagkawasak ng isang gawaing naliglig nang mainam,” ng pagkapanatiko at pagsalungat.”

Nang magpulong ang pangkating ebangheliko upang magsanggunian, ay nangagtinginan sila na natitigilan. Sila-sila’y nagtatanungan; “ano ang dapat gawin?” Malalaking suliranin ng sanlibutan ang nabibingit sa kapanganiban. “Susuko baga ang mga pangulo ng Reporma at tatanggap sa pasiya? Gaano kadaling makapangatuwiran ng pamali ang mga Repormador sa harap ng ganitong kagipitan! Gaano karaming inabubuting dahilan at maiinam na katuwiran ang masasangkalan nila sa pagsuko!

“Sa kabutihang palad ay tiningnan nila ang simulaing kinababatayan ng pagkakaayos na ito, at sila’y kumilos na may pananampalataya. Anong simulain yaon? Yao’y ang karapatan ng Roma na gahasain ang budhi ng tao at magbawal ng malayang pagsisiyasat. Ang pagayon sa iniharap na kasunduan ay magiging isang pag-amin, na ang kalayaan sa relihiyon ay dapat maukol lamang sa narepormang Sahonya; at hinggil sa ibang bahagi ng Sangkakristiyanuhan, ang malayang pagsisiyasat at pagtanggap sa bagong pananampalataya, ay mga krimen at dapat bayaran ng pagkabilanggo o pagkasunog. Makaaayon baga sila na sa isang dako na lamang mabigyang luwag ang kalayaan sa relihiyon? at ipahayag na noon ay naakit na ng Reporma ang kahuli-hulihan niyang kabig? Ito sana’y naging pagkakanulo noong huling oras na iyon, ng gawain ng ebanghelyo at ng kalayaan ng Sangkakristiyanuhan.” “Inibig pa nilang isakripisyo ang lahat ng bagay, maging ang kanilang mga lalawigan, ang kanilang mga korona, at pati ng kanilang mga buhay.”

“Tanggihan natin ang pasiyang ito,” anang mga prinsipe. “Sa mga bagay na may kinalaman sa budhi ng tao, ang nakararami ay walang kapangyarihan.” Ipinahayag ng mga kinatawan: “Sa batas na napagtibay noong 1526 ay utang natin ang kapayapaang tinatamasa ngayon ng kaharian; kung pawiin ito ay mapupuno ang Alemanya ng mga bagabag at pagkakahati-hati. Ang Diyeta ay walang karapatang gumawa ng anuman maliban sa ingatan ang kapayapaan sa relihiyon hanggang sa magpulong na muli.” Ang pagsasanggalang sa kalayaan ng budhi ay tungkulin ng pamahalaan, at ito na ang hangganan ng kanyang kapangyarihan sa mga bagay na ukol sa relihiyon.

Ang bawa’t pamahalaang nangangahas mag-utos o magpasunod ng mga utos ng relihiyon sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan ay pumapatay sa simulain na marangal na ipinakipagpunyagi ng mga Kristiyano ebangheliko.

Nakita ng Haring Fernando, kinatawan ng emperador sa Diyeta, na ang pasiya ay magbubunga ng malulubhang pagkakahati-hati kung hindi maaakit ang mga prinsipe na tanggapin at tangkilikin ang pasiyang yaon. Nang magkagayo’y ginamit niya ang matalinong paghikayat, yamang alam na alam niya na ang paggamit ng lakas sa gayong mga tao ay magpapatigas lamang ng kanilang loob. “Isinamo niya sa mga prinsipe na tanggapin na ang pasiya at ipinangako niya sa kanila na malulugod na totoo ang emperador sa kanila.”

Datapuwa’t ang mga tapat na taong ito ay nagsikilala sa isang kapangyarihang lalong

This article is from: