EDITORYAL
02
LATHALAIN
AGTEK
09 12 14 17
aLeXI TaLa-OC
Bilang tugon sa paggabay at paghahatid ng dekalidad na edukasyon, iba’t ibang samahan ng RSHS VI ang tulong-tulong na nagsagawa ng isang malaking selebrasyon para sa Araw ng mga Guro noong Oktubre 9, 2023 sa RSHS VI Covered Court.
Sa pangunguna ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG), kasama ng
PAGSASABUHAY NG BARTER OF PANAY:
KASAYSAYAN AT PINAGMULAN NG ATI-ATIHAN
Sa likod ng indayog na tunog ng tambol, namamalagi ang umaalingawngaw na diwa ng kapistahan. Kasaysayan at pinagmulan, kultura at pagkakakilanlan — nasa likod ng pariralang “Hala, bira!” ang nakaraan kung bakit ipinagdiriwang ang Atiatihan.
Isang malaking katanungan sa karamihan ang pinagmulan ng Atiatihan Festival. Bukod sa karangalan ng Santo Niño, sinasabing ito rin ay isang pagdiriwang upang gunitain ang Barter of Panay, kung saan ang mga Aeta ay nakipagkasunduan sa sampung datung Bornean na tumakas mula sa isang malupit na...
Sci-Arts, Hiraya, Koro at Banda Marahuyo, Silakbo Dance Troupe, SciLens, RSHS VI Interact Club, at Sugilanon it Sayans, ang inihandang pagdiriwang ay kumuha ng inspirasyon mula sa iba’t ibang pelikula ng Disney kung saan napuno ng kasiyahan ang mga mukha ng mga guro sa hatid na salamangka ng mga mag-aaral.
Ang pagdiriwang ay sinimulan ng isang nakamamanghang sayaw sa driveway na inihanda ng Silakbo Dance Troupe at sinundan ito ng isa-isang pagtawag sa mga kawani
at di-kawani ng pagtuturo pati na rin sa pag-abot sa kanila ng mga token of appreciation o maliliit na handog mula sa mga magaaral. Ibinigay rin sa kanila ang mga ginawang Disney-inspired headbands ng mga mag-aaral.
Naaliw naman ang mga guro sa pagtatanghal ng Silakbo Dance Troupe, Koro Marahuyo at Banda Marahuyo pati na rin sa pabunot ng SSLG kung saan iba’t ibang papremyo ang napanalunan ng mga maswerteng napili na guro.
Umayon din sa napiling tema ang kasuotan ng mga mag-
aaral at guro nang nakabihis sila ng kanilang paboritong karakter mula sa Disney kung saan gumanap bilang Moana si Gng. Doren Magdamo at naiuwi pa ang titulong “Best Dressed Teacher.”
Matagumpay na binigyang halaga ang mga guro sa kanilang serbisyo at dedikasyong magkaroon ng matatag na kinabukasan ng mundo sa pagtatapos ng kasiyahan sa isang Disney Sing-Along na pinangunahan ng Koro at Banda Marahuyo. #PI
s.y. 2023 - 2024 TOMO XXXII BLG. 1
ituloy sa pg. 9
mga titser, pinasaya ng mga sayanista sa araw ng mga guro
ALIWAN ISPORTS kuha ni GraisOn TriesTe
Ang pAhAyAgAng iskolAr
Lupon ng pamatnugutan p.T. 2023 - 2024
jean frances kershey ong punOnG paTnuGOT
wembley chestly robelo
kaTuwanG na paTnuGOT
chloie silvosa TaGapaMahaLanG paTnuGOT
frencis dem gerona TaGa inGaT-yaMan
reign margaret mesina sirkuLasyOn
alexi jane tala-oc paTnuGOT sa BaLiTa bless tirazona
kaTuLOnG na paTnuGOT sa BaL Ta
cedrick jamero paTnuGOT sa paLakasan
mike bobby demalata
kaTuLOnG na paTnuGOT sa paLakasan
kyle macolbacol paTnuGOT sa LaThaLain
raiza amil
kaTuLOnG na paTnuGOT sa LaThaLain
ryona honrado paTnuGOT sa paniTikan
venice camille laurdaus
kaTuLOnG na paTnuGOT sa paniTikan
liz herniel dy
HUWAG MADALIIN ANG PANAHON:
azzaniah gavarra
iLusTradOnG TaGadisenyO sigfred romaquin phOTOjOurnaLisT
darra jenn angela natal karTOnisTa
marc lourence andrade karTOnisTa
karl james francisco jessa tapar
jienah ver dela cruz prince jm malonosan
marcko zaccheus penafiel marffy navarra hyacinth lei reposar anne jhelynne sunico
allen ross ramos sarah aquino
kOnTriByuTOr
gng. merly bustamante TaGapayO
gng. maria santia arboleda sChOOL prinCipaL ii
Ang pAgTAnggAl ng k-12 kUrIkUlUM sA BAnsA
“Nagtatrabaho ka na dapat ngayon.”
Isang sikat at hindi na bago na linya para sa mga mag-aaral na nasama sa implementasyon ng K-12. Isang kurikulum kung saan dinadagdagan ng dalawa pang taon ang sekondaryang edukasyon bago magpatuloy at mag-aral ng kolehiyo.
Simula nang ito ay ipinatupad ng Department of Education noong taong 2012, marami pa rin ang nagbibigay ng samu’t saring opinyon at paniniwala. Kaya naman nang lumabas ang hinggil na di umanong pagbubuwag ng K-12 kurikulum at papalitan ng military service ay hindi na natigil ang mga komento galing sa mga magulang at estudyante.
Depensa naman ng Malacanang na wala silang kinumpirma na papalitan ng military service ang karagdagang dalawang taon ng senior high school. Dagdag rin nila na hindi pa pinal ang ginagawang review kung kaya’t wala pang pinal na revision o pagbabago.
Hindi natin maitatanggi na kung maipasa man ang pagtatanggal ng K-12 kurikulum ay mababawasan ang gastusin ng mga magulang at magkakaroon rin ng kaluwagan sa badyet ng gobyerno pagdating sa sektor ng edukasyon dito sa ating bansa. Hindi rin natin maipagkakaila na mababawasan ang taon na dapat aralin ng mga mag-aaral at mga
libro na kailangang pag-aralan.
Ngunit paano tayo na nakasisiguro na magbibigay ito ng kinabukasan na kanilang inaasam?
Isa sa mga problema ng pagtanggal ng K-12 na kurikulum ay tinatanggalan nito ang mga mag-aaral ng sapat na oras upang makabisado ang mga kasanayan at makuha ang mga pangunahing kakayahan. At kapag sila ay makapagtatapos ng hayskul gayong wala pa sila sa edad na 18, malaki ang posibilidad na hindi sila magiging handa sa trabaho.
Isa rin sa mga benepisyo ng Senior High School ay ang pagkakaroon ng tyansa ng mga gradweyt nito na makahanap agad ng trabaho. Ayon kay Philippine for Business Education (PBEd) Executive Director na si Justine Raagas, maaaring maging empleyado ang mga Senior High School graduates kung mayroon silang wastong paghahasa at kaalaman sa pinapasok nilang trabaho.
Patunay rin ang resulta ng Internasyonal 2008 mathematics na exam, kung saan tayo ay rumangkong panghuli, ito ay ebidensiya na ang 10 taon ng pag-aaral ay hindi sapat para magkaroon ng kaalaman kalakip ang kakayahan na magbibigay daan para makasabay sa iba pang bansa.
Sa katunayan, binibigyan ng kurikulum na ito ang mga
mag-aaral na pumili sa tatlong track (academic, technicalvocational-livelihood, at sports) na nagbibigay ng aktuwal na karanasan sa kanilang napiling track. Ayon din sa iba’t ibang pananaliksik, mas tumataas ang pagkakataon ng isang indibidwal na larangan na kanilang pinipili kapag ito ay naaayon sa kanilang interes.
Sa patuloy na pag-inog ng mundo, hindi na sapat ang kaalaman na makukuha sa sampung taon, mabilis na gumagalaw ang panahon at hindi ito maghihintay. Kung aalisin ang K-12 ay parang tinanggalan na rin sila ng pagkakataong payabungin ang matagal nang tinatago na kakayahan, talino, at sari-saring oportunidad na darating sa kanilang kinabukasan.
Kaya’t ano ang pipiliin mo? Ang madaliin ang oras at sabihin ang mga salitang -- “nagtatrabaho ka na dapat ngayon” o ang sabihin ang mga salitang -- “wala kang trabaho?” #PI
Ang
IskolAr Tomo xxxii, Blg. i
PAhAyAgAng
buco paTnuGOT sa
na
sa aLiwan lovely fate rebano paTnuGOT sa aGhaM
TeknOLOhiya
aLiwan richel ann fabular kaTuLOnG
paTnuGOT
aT
richandrey macahilig kaTuLOnG na paTnuGOT sa aGhaM aT TeknOLOhiya jozhed syned reyes iLusTradOnG TaGaLapaT aT paMBiswaL xander paa iLusTradOnG TaGadisenyO
2
GuhiT ni darra naTaL
eDItoryal
BalaKID ng laBIs
Ang paaralan ang ating ikalawang tahanan. Matatanaw dito ang interes, kahinaan, at kagalingan ng tao sa iba’t ibang larangan. Bawat sulok nito ay inaasahang makapaghatid ng kapanatagan para sa isang nagpupursiging indibiduwal. Ang kaayusan ng mga gusali ay nakapagpapagaan din ng kalooban. Ngunit angkop bang magpatayo ng napakaraming istraktura sa paaralan? O ang labis na pagplanong itaguyod ang mga paggawang ito ay matatawag ding isang hadlang?
Ang paglalakbay ng mga mag-aaral sa kanilang pribadong pamumuhay ay hindi hamak isang mahalagang gampanin simula pa noong sila ay maisilang. Nararapat na makatanggap ang tao ng makatarungang pagkalinga sa edukasyon. Sabi nga ng karamihan, ang edukasyon ay isang kayamanang kailangang ingatan sapagkat ito ang tutulong sa pagpapaunlad ng lipunan sa mga darating na mga taon. Ang Regional Science
High School for Region VI ay isa sa mga prestihiyosong institusyon sa Aklan na pinasukan ng libolibong mag-aaral upang maabot ang kanilang mga pangarap. Dito nahahasa ang mga kakayahan ng mga mag-aaral at inihahanda sila sa mga pagsubok pagtapak ng Kolehiyo. Ang “Sayans” ay maagang nagtuturo ng kahalagahan ng pagiging pursigido at madiskarte sa mga bagay na kinapapalooban ng lohika.
Habang tumatagal, ang institusyon ay inilalagay sa ilalim ng iba’t ibang anyo ng mga pagpipino. Ang pagbuo ng konsepto ng pagpapasa-ayos ay may dala-dalang magandang pangitain para sa lahat. Mas magiging maaliwalas ang paaralan at magiging organisado sa mga panahong may mga kailangang tapusin. Bagama’t ang mga gusali ay may maihahatid na benepisyo, ang labis na pagpapatayo ng mga ito ay may kasahulan din. Ayon sa maagang turo ng mundo, ang sobra ng isang bagay ay magdudulot
sAlAMAT sA pAgsUporTA sA kAToTohAnAn!
jean frances kershey ong punOnG paTnuGOT
Lagi’t lagi, para sa dyornalismo. Ngunit, nagkakaroon ba ng sapat na pagpapahalaga rito?
Ang Republic Act 7079 o Campus Journalism Act of 1991 ang nagpapatupad ng pagtuturo ng dyornalismo sa mga paaralan. Dito nagsimula ang pagkakaroon ng publikasyong pampaaralan at mga paligsahan tulad ng School’s Press Conferences.
Ngunit, sa maraming taon na paghahasa ng mga campus journalists at patuloy na pagbibigay parangal sa kanilang bayan, hindi niyo ba napansin na kakarampot lamang ang kongkretong suporta sakanila at hindi ito kasing lebel ng ibang mga kumakatawan sa iba’t ibang paligsahan katulad ng pampalakasan?
Oo, naniniwala ako na magkasing-lebel ang dyornalismo at pampalakasan. Hindi biro ang dugo’t pawis na inilalaan ng mga atleta at manunulat upang makamit ang mga parangal na ito. Parehas silang nararapat na magkaroon ng mga pasilidad, pagsasanay, at suportang pinansyal para sa kanilang ikakaunlad.
Balik tayo sa suporta para sa mga manunulat. Mayroon namang mga paaralan o gobyerno na naglalaan ng tulong para sa ating mga manunulat, lalong-lalo na pagdating sa mga seminaryo at tulong pinansyal tuwing mayroong paligsahan, ngunit hindi garantisado ito para sa lahat.
Sa kay tagal na ng
ng negatibong epekto sa mga nasasakupan nito. Isang suliraning may posibilidad na mangyari ay ang pagkakaroon ng mga aksidente sa gitna ng paggawa. Maaaring may masaktan dahil sa hindi inaakalang pagkahulog ng mga materyales o dahil sa paglaro sa paraang hindi ligtas. Kapag ang paaaralan ay mapuno na ng mga gusali ay sisikip at mawawalan ng kalayaan ang mga mag-aaral na gamitin ang lupa na maaaring maging pawang sa kanilang pag-aaral. Madalas na nakakapakinabang ang mga mag-aaral sa paggamit ng gym at iba pang mga bakanteng espasyo ng lupa para sa kanilang pageesansyo ng mga sayaw, palabas, at pagkuha ng mga larawang kailangang isumite. Ang ilang mga estudyante ay mahihirapang kumpletuhin ang mga ito, sa gayon, magiging hadlang ang sobra-sobrang pagpapatayo ng gusali para sa isang hanay ng populasyon. Kung kaya’t, hinayhinay naman! Sana’y dinggin ang hangarin ng kabataan.
Ang pagpapa-unlad sa estado ng institusyon ay malaking hakbang patungo sa pagtupad ng isang layunin. Ito ay dapat pinagiisipan nang mabuti sapagkat makapagpapabago ang maling desisyon sa kinabukasan ng marami. Ang pag-aaral ay hindi nagwawakas sa pagtanggap ng mga sertipiko at medalya pero nagpapatuloy hanggang ang tao ay may kakayahan pa ring magpasalamat at magbalik tanaw sa kaniyang pinanggalingan. Ang mga istruktura ng paaralang gumagabay sa tao ang hindi pangunahing batayan sa pagtatasa sa kaniyang mga kapabilidad. Bagama’t maaaring makatulong ang mga ito sa ilang paraan, hindi dapat ituring ang arkitektura bilang tanging pamantayan ng isang ganap na paaralan. Ang pagkakaroon ng mga taong magpapayaman sa pundasyon ang nagpapanatiling buhay dito. Tunay na ang tao ang pangunahing subheto sa mga aspetong may pagpapalalim ng pag-unawa at may kabuluhan.
Dahil sa mga “paa” ng paaralan, kumakatok muli sa memorya ang karunungang nagmula sa nakaraan. #PI
campus journalism sa bansa, mukhang oras na upang magkaroon din ng samu’t saring benepisyo ang ating mga manunulat.
Dito natin mapag-uusapan ang pagkakaroon ng Kalibo Campus Journalism Ordinance na naipasa ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan noong noong Enero 29, 2024 sa isang committee hearing. Sinimulan ang ordinansa na ito ni SB Philip Yerro Kimpo dahil naniniwala siyang nararapat ding bigyang parangal at suporta ang mga manunulat na tulad rin sa mga
atleta natin sa bayan ng Kalibo dahil sila ang “Pride of Kalibo and Aklan.”. Kasama rin ni Kimpo sa hearing sina Sir Dennis Bontogon ng Kalibo Pilot Elementary School at Kalibo Budget Officer Medette Q. Viray.
Nakapaloob sa ordinansang ito ang pagkakaroon ngvKalibo School’s Press Conference, Kalibo Academy for Campus Journalism na isang seminaryo na lilibot sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa Kalibo, subsidiary para sa mga Regional at National contests, suporta sa mga paaralang may campus journalism, suporta sa pagsusulat sa wikang Aklanon, at marami pang iba.
Noong marinig ko ito ay siyempre natuwa ako. Isa itong malaking tulong sa mga
manunulat na malaman na mayroon nang kongkretong suporta mula sa gobyerno at maaari rin dito magsibol ang mga bagong manunulat ng katotohanan. Isa itong malaking hakbang at sana ay sa susunod na mga taon ay maging bukas ang ganitong mga ordinansa para sa lahat ng campus journalists.
Lagi’t lagi, para sa dyornalismo. Sa wakas, nagkaroon na rin ng sapat na pagpapahalaga rito. #PI
Mensahe ng Patnugot
Dedikado at Pursigido. Kalidad na dyornalismo ang inihahandog.
Ito ang Ang Pahayagang Iskolar ng Regional Science High School for Region VI. Isang publikasyon na nais ihandog sa inyo ang dugo at pawis ng 34 na manunulat sa panibagong isyu na ito para sa panuruang taong 20232024.
Isang karangalan ang pagiging punong patnugot para sa taong ito at makatrabaho ang mga miyembrong na may iisang layunin na pagsilbihan ang komunidad ng RSHS
VI. Nais kong magpasalamat sa lahat ng miyembro na naglaan ng kanilang oras at kasanayan upang maging matagumpay at maihandog sa madla ang isyung ito. Ramdam ko ang inyong dedikasyon para sa katotohanan at dyornalismo.
Para sa mga mambabasa, nawa’y sa kada pahinang mababasa ay mararamdaman din ninyo ang kalidad ng bawat kuwentong inihabi ng aming mga manunulat.
Lagi’t lagi, PIpiliin ang katotohanan. PIpiliin ang Dyornalismo.
opinyon
3
JEAn FrAnCEs kErshEy A. ong punOnG paTnuGOT
venIce camIlle laurdaus kaTuLOnG na paTnuGOT sa panITIkan
bumisita sa Aklan
Napakanta at napaindak ng bandang Ben and Ben ang mga Aklanons sa kakatapos lamang na Akeanon Night noong ika-20 ng Abril 2024 na ginanap sa Aklan Sports Complex, Calangcang, Makato, Aklan.
Naging mahiwaga ang gabi ng mga tagahangang dumalo ng concert ng Ben and Ben na nagumpisa ng alas dos ng hapon para sa pre-show, at alas singko naman ng hapon para sa main show.
Pinakilig, pinaiyak, at pinarelapse ng banda ang mga manonood sa kanilang anim sa pinakasikat na kantang inilathala.
Unang sa kanilang song list ay ang ‘Pagtingin’, sumunod naman ay ang awiting ‘Could Be Something’, at ‘Sa Susunod na Habang Buhay’.
Pinanindigan naman nila ang kilig ng madla sa kanilang sumunod na kantang ‘Paninindigan Kita’, ‘Ride Home’ at ang ikahuli sa lahat ay ang awiting ‘Araw-araw’ na sinabayan ng naggagandahang fireworks display sa kalangitan.
Ang ginanap na concert ay angot sa pagdiriwang ng Aklan Day bilang paggunita sa ika-anim na pu’t walong anibersaryong ng pagkakatatag ng probinsiya ng Aklan, at pagbukod nito mula sa Capiz.
Ito ay inorganisa ng Provincial Government Office sa pangunguna ni Governor Jose Enrique M. Miraflores at Vice Governor Reynaldo Kimpo.
Ayon kay Miraflores sa kanyang social media post, “Maraming Salamat, Ben&Ben, at sana muli kayong makakabisita sa aming lalawigan! Happy 68th Anniversary, fellow Aklanons!”.
agbunyi ang Regional Science High School for Region VI sa dalawang magkakasunod na taong pagkapanalo nang muling masungkit ng tatlong butihing mag-aaral ang kampeonato sa 2023 Private and Public Junior High School Provincial Statistics Quiz na ginanap noong October 6,
Pinasalamatan din niya ang mga dumalo, at naging bahagi upang maging posible ang pagdiriwang na ito. #PI
Ben&Ben, Sayanistas,
2023 sa Gov. Corazon L. Cabagnot Tourism and Training Center (Aklan Training Center) .
Sina Leila Antonia A. Sualog at Kyle B. Macolbacol ng Grade 10 - Newton, at Pedlyn C. Flores ng Grade 9 - Euclid ang kumatawan at naghatid ng karangalan sa paaralan sa tulong at gabay nina Gng. Nelyn Taligatos at Bb. Ma. Visitacion Macavinta. #PI
Ang PAhAyAgAng IskolAr Tomo xxxii, Blg. i 4
N
jessa Tapar
anne suniCO
sa Provincial Statistics Quiz 2023 muling nagkampeon
MuLa sa rshs vi BuLLeTin
MuLa sa GuniTa
BSP ng Sayans, Hakot Awards!
Sinakot ng BSP - Outfit 907, Boyscout of the Philippines (BSP) ng Regional Science High School for Region VI (RSHS VI), ang mga parangal sa ginanap na District BSP Youth Leadership and Advancement Workshop.
Idinaraos ang naturang paligsahan nitong ika-6 hanggang ika-8 ng Abril 2024 sa Linabuan National High School na ikinalolooban ng iba’t ibang mga aktibidad na may layong palawakin ang kanilang husay at talino sa larangan ng scouting.
Sila ay hinirang na kampeon sa Survival Cooking, Knot Tying
Competition, Scouts Got Talent, Flag Making Contest at Fancy Drills Competition. Habang ikalawang parangal naman ang kanilang nasungkit sa First Aid at ikatlong parangal sa Basic Life Support.
“Isa gid daya nga experience nga di ko pagkalipatan, mas lalo mga abo among dinag-an. Du preparasyon kara hay malisod syempre, pero hay nakayanan mata namon ag natapos imaw nga may kasadya sa among mga itsura.” — wika ni Kinn Lie D. Talunay, boyscout at commander ng Fancy Drills Competition.
Dagdag pa riyan, sina ES Rex Kent L. Manares II, ES Esteban Arac III at VS Kent Jude Quimpo IV ang kanilang naging tagapagsanay sa nagdaang mga patimpalak. #PI
SayCAT 2024: Ang Pagsasala ng Panibagong
Henerasyon ng Sayanistas
raiza aMiL
Sa nalalapit na pagdating ng panibagong panuruang taon 20242025, isinagawa muli ng Regional Science High School for Region VI ang Regional Science High School for Region VI Competitive Admission Tests or SayCAT 2024 noong ika-6 ng Abril 2024.
Limang daan at taltong aplikante na nagmula sa iba’t ibang paaralan ang sumailalim sa matindihang pagsasala
upang kumuha ng qualifying examination. Ang unang bahagi ay uusad sa proficiency test, ang ikalawang bahagi ng SayCAT.
Ang SayCAT ay isang pagsasala ng mga darating na bagong batch ng ika-7 baitang. Ito ay isinasagawa tuwing nalalapit na ang pagdating ng susunod na panuruang taon. Ito ay binubuo ng tatlong bahagi: ang qualifying examination, ang proficiency test, at interview. #PI
a mahigit 10 buwan na pag-aabang sa resulta, 37 na Sayanista mula ika-12 na baitang ang mapalad na magiging Iskolar ng Bayan nang mapabilang sila sa mga nakapasa at 20 naman ang waitlisted sa University of the Philippines College Admission Test o UPCAT 2024 na ginanap noong ika-3 at ika-4 ng Hunyo 2023.
Lumabas ang mga resulta noong ika-19 ng Abril 2024 sa
pamamagitan ng UPCAT portal kung saan ang bawat seksyon ay may mga mag-aaral na matagumpay na nakapasa sa nasabing prestihiyosong admission test.
Nanguna ang STEM 1 na may 12 na nakapasa at 13 na waitlisted. Sinundan ito ng STEM 2 nang 10 ang nakapasa at dalawa ang waitlisted. Ang STEM 3 ay may anim na pasado at apat na waitlisted. Dalawa naman ang pasado sa STEM 4 at pito naman sa ABM na may isang waitlisted.
Nagpunyagi naman ang buong komunidad ng RSHS VI sa dangal at
husay na ipinakita ng pangkat ng ika12 na baitang na mga mag-aaral sa panuruan taon 2023 – 2024, sapagkat sila ang kauna-unahang batch na kumuha ng kababalik lang na UPCAT matapos itong hindi maisagawa dahil sa pandemya ng COVID-19.
Tinukoy ang mga nakapasa at waitlisted sa pamamagitan ng University Predicted Grade (UPG).
Ito ay ang pinagsamang weighted UPCAT score ng aplikante (60%) at ang weighted average ng kanilang mga grado sa hayskul (40%). Ang mga resulta ng pagsusulit ay niraranggo ayon sa mga UPG ng mga aplikante.
Inaasahang kukuha ang susunod na batch ng mga Sayanista ng UPCAT 2025 sa darating na ika-10 at ika-11 ng Agosto 2024. #PI
baLita
5
BLess TirazOna
aLeXI TaLa-OC
S
20 waitlisted sa UPCAT 2024 Higit 30 Sayanistang Grade 12
503
NG
APLIKANTE
pasado,
BILANG
MGA
kuha nI jOzhed reyes
kuha nI reX kenT Manares ii
MuLa sa hOrizOn - upLB
RSHS VI, astig sa ASTIG 2023
Ginawaran ang Regional Science High School for Region VI ng “Top Implementing School for Science-Related Activities and Innovations at Exemplary Performance in Special Science Curriculum Implementation” sa Accolades for Science Training Innovations and Growth (ASTIG) 2023, na ginanap sa Hotel Sky Metro, Kalibo, Aklan noong Disyembre 11, 2023.
Kinilala rin sa kaganapang ito ang mga bukod-tanging kakayahan at kontribusyon sa siyensya inobasyon at pananaliksik ng punong-guro ng RSHS VI na si Gng. Maria Santia A. Arboleda, kasama ang mga gurong sina Gng. Ruthelyn A. Yap, Dr. Mikko Jan D. Lopez, at Gng. Alma C. Cawaling.
Iginawad ang “Merit Award for School Head with Most
Involvement in Science Activities” kay Gng. Arboleda; “Rank 1, Most Outstanding Science Mentor Year 2023,” “Exemplary Performance as District Science Coordinator,” “Exemplary Performance as Science Writer and Learning Material Developer,” “Exemplary Performance as Trainer and Resource Speaker,” “Exemplary Performance in Research Coaching,” at “Exemplary Performance as Technical and Content Expert” kay Gng. Yap. Kinilala naman si Dr. Lopez bilang “Rank 9, Most Outstanding Science Mentor Year 2023,” “Exemplary Performance as Trainer and Resource Speaker,” “Exemplary Performance in Research Coaching,” at “International Editorial Board Peer Review;” samantalang “Exemplary Performance as Innovation Coach” naman kay Gng. Cawaling. #PI
Mga Sayanista,
nagpakitang gilas sa
Kalibo Skills Contest in Parliamentary Procedure
Muling pinatunayan ng mga magaaral ng Regional Science High School for Region VI na hindi lamang sila pang-agham at matematika nang makilahok sila sa kaunaunahang Kalibo Skills Contest in Parliamentary Procedure noong Disyembre 5, 2023 sa Aklan National High School for the Arts and Trades.
Nasungkit nina Anna Dominique Aba, Kyle Macolbacol, Princess Majah Joy Abello, Frencis Dem Gerona, Euann Shalei Tang, Cassandra Dominique Regalado,
Scott Daneler Milloroso, Wembley Chestly Robelo, at Jayson Matthew Bejo ang pwestong 1st-runner up laban sa tatlo pang paaralang nakilahok sa patimpalak. Ginawaran din si Tang ng espesyal na gantimpala na Best Scribe Award.
Ang nasabing paligsahan ay konsepto at itinatag ni MAJ Vedasto Z. Nabor III, JD PA (RES) na ibinahagi ang kaniyang kaalaman ukol sa Parliamentary Procedure. Sinuportahan naman ni Gng. Claire Tumbagahan ang mga Sayanistang lumahok sa nasabing paligsahan. #PI
a pagtatapos ng PIA Journ Talk Series 2023
High School Edition, ginawaran ang mga manunulat mula sa dalawang publikasyong pampaaralan ng RSHS VI kung saan kinilala sila bilang “Most Promising at Promising Writer.”
Nanguna ang Punong Patnugot ng Ang Pahayagang
Iskolar na si Jean Frances Kershey Ong nang pinarangalan siya bilang “Most Promising Writer” sa kategoryang Pagsulat ng Pangulong Tudling. Si Lovely
Fate Rebaño naman ay kinilala bilang “Promising Writer” para sa Pagsulat ng Lathalaing Pangagham.
Ang mga manunulat ng The Scholar’s Gazette na sina John Paul Delos Santos para sa Sports Writing (English) at Anne Beatriz S. Balgos para sa Feature Writing (English), ay ginawaran ng “Promising Writer”
Ang PIA Journ Talk Series 2023 High School Edition ay ginanap noong Nobyembre 14-15, 2023 sa pamamagitan ng Zoom. #PI
Ang PAhAyAgAng IskolAr Tomo xxxii, Blg. i 6
LOveLy reBanO
jienah deLa Cruz
S
frenCis GerOna
mamamahayag ng PI, bumidaSG,
PIA Journ Talk 2023
Mga
sa
MuLa sa rshs vi BuLLeTin
MuLa sa rshs vi BuLLeTin
“Acceleration of Growth by Protecting the Voice of Data”
Unang Gantimpala - Xander Paa
National Statistics Month 2023 - E-Poster Making Contest
DATA PARA SA PROGRESO: Paa, wagi sa E-Poster Making Contest
Nakamtan naman ni Xander Paa ng Grade 10 - Boyle ang unang gantimpala sa kamakailang Paligsahan ng Paggawa ng E-Poster kung saan kinilala siya sa isang seremonya at binigyan ng parangal noong Oktubre 26, 2023, sa RDC Hall, NEDA RO VI, Lungsod ng Iloilo.
Ang kaniyang napanalunang likha, na may pamagat na “Acceleration of Growth by Protecting the Voice of Data,” ay nagpapakita ng mahalagang papel ng istatistika sa pagpapalakas ng progreso.
Layuning ipakita ni Paa ang kahalagahan ng pagpapalaganap ng istatistika sa iba’t ibang sektor, kabilang ang gobyerno, mga frontline workers, at agrikultura upang magkaroon ang mga mamamayan ng kamalayan sa mga isyu para sa pagbuo ng isang mas matalino at aktibong nakikilahok na komunidad.
Binigyang-diin din niya kung paano nakakatulong ang tama at malinaw na datos at puna mula sa mga frontline workers at mga magsasaka sa paggawa ng matatalinong desisyon para sa pagpapabuti sa paghahatid ng serbisyong pangkalusugan at sa agrikultura. #PI
Marffy navarra
uling naghatid ng handog at kasiyahan sa napiling benepisyaryo ang Bwenas Paskwa, isang taunang donation drive ng komunidad ng RSHS-VI na may temang “Bwenas Paskwa: Ligaya at Biyaya,” noong Disyembre 22, 2023.
Pinamunuan ng Supreme Secondary Learner Government
Sayanistas, nagpasiklab sa La Asemblea
Tampok ang liderato at pagkakaisa ng bawat mag-aaral sa idinaos na La Asemblea, isang programa ng RSHS VI Supreme Secondary Learner Government (SSLG) bilang bahagi ng taunang pagdiriwang ng National Children’s Month at National Students’ Day sa bansa.
Nakapaloob sa isang linggong aktibidad na ito ang mga larong inihanda ng mga
pangulo ng bawat baitang. Dito ay nagpakitang-gilas ang mga magaaral sa kanilang katangi-tanging kakayahan at talino na nagbigaydiin at humubog sa malikhaing pagpapahayag at kolaborasyon ng mga ito.
Ang La Asemblea ay nagsimula noong ika-20 ng Nobyembre 2023 at nagwakas noong ika-24. #PI
(SSLG) ang donation drive kung saan ang mga opisyales ang kumolekta ng mga donasyong pampananalapi at in-kind.
Ang proyekto ay isinagawa sa Baybay, Makato na layong makatulong sa mga mangingisda ng barangay sa panahon ng Pasko. #PI
baLita
kuha ni GraisOn TriesTe
7
GuhiT ni Xander paa
M RSHS VI, nagbigay bwenas sa Paskwa ng mga mangingisda
anne suniCO
hyaCinTh repOsar
MuLa sa rshs vi supreMe seCOndary Learner GOvernMenT
ipakita ang sariling atin ilabas ang mga ngipin
“Masadya,Makigdaya,Hala Bira,Sayanista!”
Sigaw na maririnig sa mga bunganga na tila pumalibot sa buong Plaza. Pawis na pumapatak sa bawat hampas ng kamay at padyak ng mga paa, kolorete sa mukha na tinatabunan ang tunay na balat, hininga na hindi mahabolhabol kasabay ng pagtulo ng itim na pinta sa iba’t-ibang sulok ng katawan. Ngunit hindi nawawala ang tila bubuyog sa kaisipan - ang ngumiti at ipakita ang ngipin sa bawat matang nakatitig.
Lubos naman itong pinanindigan ng Regional Science High School, Old Buswang, Kalibo, Aklan matapos maitanghal na kampeon sa Sinaot sa Calle (Balik-
Ati Category) noong Enero 18, 2024 at naiuwi ang premyong nagkakahalagang P6,000. Ito ay matapos hindi nagkulang ang nasabing paaralan na ipagmalaki ang mga suot na may kaugnayan sa temang Balik-Ati.
Maliban sa pagiging kampeon natamo rin nila ang gantimpala bilang may pinakamagandang kasuotan. Naging matingkad rin mga indigenous material at nakitaan ang pagiging malikhain ng mga mag-aaral. Samakatuwid, ang mga pinatuyuang buko ang nagsilbing ingay at dekorasyon sa harap na bahagi na katawan at abaca fibers na nagsilbing simbolo para sa deka-dekadang kultura ng mga Aeta/Ati.
Samantala, ang mga matatamis na ngiti na ipinakita ng mga lumahok ay hindi matatawaran at nanatili ito habang ang init ng araw ay nakapapaso ng balat at ramdam ang pagkauhaw sa bawat minuto na naging dahilan naman upang makuha ang karagdagang gatimpala sa pagiging Most Jolly. Ang nasabing kompetesyon ay nilahukan ng iba pang paaralan sa Kalibo II.
Normal na sa mga Akeanons ang pagdiwang ng Kalibo Sr. Santo Nino Ati-Atihan Festival tuwing buwan ng Enero. Dito maririnig ang nagsisilakasan na tunog ng mga tambol, mga dayuhang dumadayo mula pa sa iba’t ibang sulok ng mundo,
at mga bote na tumutunog sa tuwing inihahampas sa isa pang bote. Ngunit isa lang ang ipinunta ng mga mag-aaral mula Regional Science High School. Ito ay ang i-preserba ang ugat ng kultura sa pamamagitan ng pagsayaw sa Calle.
Ang Sinaot sa Calle ay hindi lamang pagkembot at pagbuhos ng lahat ng enerhiya sa pagsayaw dahil ang bawat hakbang ng mga mag-aaral at deboto ay may tinatagong panata at mga paniniwala sa Sto. Nino. Ang bawat humpas ng mga kamay ay may pinapatunyan. Mga kasuotan na tumatali sa kultura at mga ngiti na may layunin – ipakita ang sariling atin. #PI
Ang PAhAyAgAng IskolAr Tomo xxxii, Blg. i
8
kuha ni siGfred rOMaquin
Liz dy BuCO
Sa isang daigdig na kadalasang tila magulo at puno ng mga mapanlinlang tao, mayroon pa rin tayong mapagkukunan ng walanghanggang pagmamahal, suporta, at katapatan—ang hayop na tinaguriang “Man’s Best Friend”—ang mga aso.
Noong panahon ng pagbibigayan, ang Arts Guild ng Regional Science High School for Region VI ay nagtatag ng isang donation drive na tinaguriang “Tiangge for a Cause”; ito’y binubuo ng iba’t ibang mga aktibidad, tanghalan, at palabas, kung saan 70% ng naipon na pera ay mapupunta sa Aklan Animal Rescue and Rehabilitation Center. Ang donation drive na ito ay naganap noong ika-14 ng Disyembre, 2023. Masayang ipinagdiwang ng mga estudyante ang araw, hindi lang dahil sa mga aktibidad, ngunit dahil alam nilang ang kaganapan ay may mabuting layunin.
Karamihan sa mga hayop sa Aklan Animal Rescue and Rehabilitation Center ay ibinubuo ng mga asong walang
matawag na permanenteng tahanan. Ang donation drive na ito ang nagsilbing paraan upang maipamalas ng mga estudyante ang pagmamahal na dapat ay natatanggap ng mga aso na ito galing sana sa kanilang mga amo sa Araw ng Pasko.
Noong ika-21 ng Disyembre, 2023, bumisita ang mga miyembro ng iba’t ibang sub-guilds ng Arts Guild ng RSHS VI sa AARRC upang isagawa ang feeding activity sa tulong ng mga tauhan ng center. Ang pagbisita na ito ay hindi magiging posible kung hindi dahil sa mga donasyon at pagtutulungan ng mga estudyante ng RSHS.
Sa ating daigdig na tila’y magulo at mapanlinlang, mayroon pa ring kabutihan na mananaig sa kadiliman. Maaari rin nating maipamahagi ang parehong pagmamahal at emosyonal na suporta na natatanggap natin sa iba. Tayo, bilang mga tao, ay may kakayahan upang gumawa ng kabutihan—at ang kakayahan na ito ay walang silbi kung hindi natin gamitin at pahalagahan. #PI
PAGSASABUHAY NG BARTER OF PANAY: marahuyong pAWsko
KASAYSAYAN AT PINAGMULAN NG ATI-ATIHAN
Sa likod ng indayog na tunog ng tambol, namamalagi ang umaalingawngaw na diwa ng kapistahan. Kasaysayan at pinagmulan, kultura at pagkakakilanlan — nasa likod ng pariralang “Hala, bira!” ang nakaraan kung bakit ipinagdiriwang ang Ati-atihan.
Isang malaking katanungan sa karamihan ang pinagmulan ng Ati-atihan Festival. Bukod sa karangalan ng Santo Niño, sinasabing ito rin ay isang pagdiriwang upang gunitain ang Barter of Panay, kung saan ang mga Aeta ay nakipagkasunduan sa sampung datung Bornean na tumakas mula sa isang malupit na pinuno.
Sinasabi sa alamat na ipinagpalit ni Haring Marikudo ng mga Ati ang mababang lupain ng Isla ng Panay para sa isang gintong sombrero, “saduk”, at isang mahabang gintong kuwintas, “manangyad”, at iba pang sari-saring regalo sa mga Datu ng Borneo. Pagkatapos ay kinuha ng huli ang kumpletong kontrol sa isla.
Bilang parte ng tradisyon at pagbibigay-pugay sa ating pagkakakilanlan at pinagmulan,
ang “Barter of Panay” ay palagi nang itinatanghal mula nang ipalabas ang dula noong 1968 sa Kalibo Pastrana Park.
Samantala, nitong Enero 17, 2024, binigyang-buhay muli ang kasaysayan ng mga artists mula sa Kalibo Council for Culture and the Arts, sa pangunguna ng direktor na si Arthur Peracullo. Sa pamamagitan ng theatrical play na tinaguriang “The Legend of the Birth of the Ati-atihan Festival: Panay 1212” na ginanap sa Magsaysay Park, nagpakitanggilas ang mga tampok sa pagtatanghal na mga talentadong estudyante ng mga kalahok na paaralan sa bayan ng Kalibo.
Kabilang na rito ang Regional Science High School for Region VI kung saan ginampanan ni Sean Ventura ng Grade 12 - STEM 2 ang karakter na si Datu Puti, at si Gil Lachica ng Grade 12 - STEM 4 bilang King Marikudo. Hindi rin nagpahuli si Ma’am Gaynor Calizo na ginampanan ang papel ng pagiging ‘inang kalikasan’ na tagapagsalaysay ng kuwento.
Kabilang din sa pagtatanghal ang mga piling estudyante mula sa Aklan State University, Garcia College
of Technology, at Northwestern Visayan Colleges.
Ang dulang teatro ay hindi lamang nagpakita ng talento sa sining ng mga kabataang Aklanon, ngunit tumatalakay rin sa mga isyung panlipunan tulad ng karahasan, hindi pagkakapantay-pantay, pagkakaiba sa kultura, paguuri ng lipunan sa mga linya ng kapangyarihan at kayamanan, pagnanais para sa kalayaan, katuwiran, at katarungan.
Tunay ngang sa likod ng masiglang diwa ng isang kapistahan ay samu’t saring kuwento ng pinagmulan, kultura at pagkakakilanlan. Interpretasyon ang kasaysayan ng kahalagahan ng nakaraan para sa atin, at tama lamang na bumalik tayo sa ating pinanggalingan dahil ito ang humubog sa atin ngayon. #PI
LathaLain MuLa sa rshs vi arTs GuiLd
9
MuLa sa akLanOnG ManGGuGuBaT
hyaCinTh repOsar
kyLe MaCOLBaCOL
Marahuyo
arriane fernandez
Hindi maipaliwanag ang nadarama, Sa tuwing nahahagilap ka ng aking mga mata.
Dati’y hindi ka naman napapansin ng aking paningin, Ngunit ngayon, palagi ka nang laman ng aking mga panalangin.
Ano ba’ng mayroon sa iyong mukha?
Laging nabibihag ang aking paningin at ako’y nahahalina.
Lalo na sa iyong mga ngiting na sadyang nakakatunaw,
Nais ko’ng maging sanhi ng mga ito balang araw.
O, giliw, tunay na nahulog na yata ako, Tinamaan na ng mahiwagang pana ni Kupido.
Sana’y pahintulutan mo akong ipakita sa’yo ang pag-ibig ko’ng dalisay, Pangakong paliligayahin ka at ipapakita na ang pagmamahal ko sa’yo ay tunay.
Kung mabibigyan man ng pagkakataon na ang pagsinta ko sa’yo ay maipakita, Asahan mo’ng hindi ko ito palalampasin pa.
Sana’y tanggapin mo ang pag-ibig ko’ng inaalay, Kaligayahang maidudulot nito ay tiyak na walang makapapantay. #pi
Maaari pa bang hawakan ang mga kamay mo?
Pwede pa bang yakapin kahit hindi naman tayo?
Baka pwede pang kausapin kahit na malabo,
Na ika’y maging akin at ako’y sa ‘yo.
“Kaibigan mo o ka-ibigan?”
Tanong na tumatakbo sa aking isipan.
Nais ko lang sanang malaman, Sa buhay mo, ano ang aking tunay na katayuan? #pi
Sa libo-libong bituin, Sa ‘yo nabihag ang paningin. Sa matang kay gandang tumingin, Puso’y sumasayaw sa awitin.
Awitin ng kalawakan, Langit ay kay gandang pagmasdan. Nagniningning na buwan, Ikaw ang aking tahanan. #pi
tanDang pananong
arriane fernandez
Gustong umiyak
Ngunit walang luha na pumapatak
Mabigat na damdamin
Nais nang patigilin
Nais man sabihin
Ngunit walang mahanap na salita
Salitang tutumbas sa Sakit na nadarama
Nalulunod sa mga salitang
Hindi kayang ipaunawa sa iba
Nalulunod sa kakaisip
Ng mga salitang itutugma
Kay rami namang mga salita
Ngunit hindi alam kung ano ang aakma
May sasapat bang salita
Para ipahayag ang nadarama? #pi
? Ang PAhAyAgAng IskolAr Tomo xxxii, Blg. i
awItIn ng kAlAWAkAn
panaginip na Lang? 10 auhana
aThena sCivere
aLijah
magbaLik-tanaw baLik-tanaw sa bawat araw Pamungkas
GLynne.pT
Naligaw ako sa nakakasilaw na umaga, Habang tinatahak ang buhay na alaala.
Mistulang umaapaw ang kaluluwang makata, Dahil kung minsa’y mitig nang tingnan ang sariling likha.
Nadaanan ko ang sinag ng dapithapon, Kung saan may buhay ang alaala ng kahapon.
Sa kung paano hinabi ng wika ang pagkakataon, Na para bang diksiyonaryong may iba’t ibang depinisyon.
Narito na ako sa lilim ng hatinggabi, Animo’y anino sa buhay na alaalang tinatangi.
Na kahit mga letra ay pinagbalibaliktad at ‘di mapakali, Ay mananatiling salita sa tila talang nakakubli.
Natutuhan kong magbalik-tanaw, Para sa alaalang binuhay ng araw.
Tanda kong binaybay ang daan patungo sa ‘yo, Sa iba’t ibang bersiyon ng pagiging manunulat ko.
#pi
Tanda ko noong una kitang makilala, Nang masilayan ang iyong mata, ako’y nahalina.
Hindi mawaglit-waglit ang tingin, Tuluyan nang nahulog ang damdamin.
‘Di maiwasan na gawan ka ng mga tula, Kung saan ikaw ang palagi ang paksa.
At ipinapahiwatig ang nadarama, Walang ibang maisip kundi ikaw lamang, aking sinta.
Bawat piyesa ng aking mga kanta, Ikaw ang natatanging musika
Sa bawat nota na tinutugtog, ‘Di maiwasang sabihin na ikaw ang aking gusto.
Datapwat pinaglayo agad tayo, Bago pa man makarating sa dulo
Ngunit pangako, sa iyo pa rin ako tutungo.
Ikaw naman palagi, walang araw na hindi Sana sa muling pagkakataon, Ang mga tula ay muling magkaroon ng katuturan, At makantahan ka ulit ng kundiman, Aking paraluman na tanging yaman. #pi
Aking Liwanag sa Dilim
arriane fernandez
Kailan man, sa’yo ay hindi magsasawa, Ikaw ang nagsisilbing liwanag kapag wala akong sinag na nakikita.
Sa panahong kalungkutan ang aking nararamdaman, Ang nais ko lamang ay ikaw ay masulyapan.
Nagniningning ang aking kapaligiran, Ngunit liwanag mo lamang ang gusto kong pagmasdan. Ang iyong kislap ay namumukodtangi sa iba, Kaakit-akit at nabibihag nito ang aking mga mata.
Ikaw ang tanging nagpaparamdam sa akin ng tunay na ligaya, Binago mo ang buhay ko’ng noon ay puno ng dalita. Binigyan mo ng kahulugan ang buhay ko’ng walang saysay, Sana’y manatili ka sa aking piling habambuhay. #pi
Literari
ni darra naTaL
GuhiT
bawat araw
11
MANTIKA BILANG GASOLINA, MAAARI NGA BA?
Noong nakaraang taon tumaas ng mahigit Php 11.20 bawat kilo ang pinagsamang presyo ng mga komersyal na cooking fuels. Ayon sa Philippine Statistics Authority, 40% ng mga Pilipino ang gumagamit ng LPGs o Liquified Petroleum Gas, kaya naman halos kalahati ng populasyon ng bansa ang naapektuhan nito. Sa kasalukuyang sitwasyon ng ekonomiya ng bansa, nagsigtataasan na ang halaga ng halos lahat ng nesesidad ng mga tao sa pang-araw-araw, isa na rito ang gasolina sa pagluluto.
Subalit paano kung sasabihin ko sa iyo na maaring mantika lamang pala ang isa sa mga solusyon sa suliraning ito? Maniniwala ka ba na ang mga tira at gamit nang mantika na atin lamang itinatapon ay maaari pang gawing pamalit sa kerosene at iba pang komersyal na gasolina para sa mga LPG na ginagamit sa mga gas stove o kalan?
Nitong Nobyembre 2023, tatlong mag-aaral mula sa Regional Science High School for Region VI ang nagpasa ng kanilang pananaliksik bilang pakikilahok
sa Regional SciMathlympics na ginanap sa IloIlo City National High School. Sina Shane Bernaldo, Frencis Dem Gerona, at Sabrina Jolie Barrientos ay nakapasok sa Top 5 Finalists at Best Presenter ng kompetisyon sa kategoryang Science Innovation Expo Team Category.
Ang kanilang pag-aaral na pinamagatang G.A.S. OIL: Green Alternatives Fuel ay naglalayon na magbigay ng alternatibong solusyon sa patuloy na pagtaas na presyo ng limitado at komersyal na LPG sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang tira at gamit nang mga mantika, sa partikular, ang vegetable oil, palm oil, at coconut oil, sa paggawa ng eco-friendly, simple, at murang biofuel na kalan.
Ayon sa mga nakaraang pagaaral, ang mantika ay natagpuan na pangunahing pinagmumulan ng biofuel. Magagawang biofuel ang mantika sa pamamagitan ng prosesong transesterification kung saan iniinit ang mantika at tsaka hahaluan ng methanol at Lye solution (sodium hydroxide at tubig), hahaluin ng dalawang oras at saka itatabi ng 24 na oras, pagkatapos ay tatanggalin ang glycerin nito (sobrang taba sa mantika).
Sa pananaliksik nina Bernaldo et.al, ang mantikang na isinailalim nila sa transesterification upang maging biofuel ay bahagyang mas mainit, mas matagal mamatay ang apoy, mas mabilis ang heating
point, at naglalabas ng bluish smoke—isang indikasyon na ito ay naglalabas ng malinis na usok. Makikita dito na epektibo ang vegetable oil, palm oil, at coconut oil bilang alternatibo sa mga komersyal na gasolina tulad ng kerosene.
Ayon kina Bernaldo, layunin nilang humanap ng solusyon sa nagtataasang presyo ng LPGs sa paraang hindi nakakasama sa kalikasan. “Napakaraming mantika ang itinatapon na lamang sa mga drain. Nasasayang ‘to at napupunta sa mga katubigan na nakakapinsala sa mga hayop at sa kalikasan. Layunin ng aming research na i-mulat ang mga tao na ang kanilang mga itinatapon lang na mantika ay magagamit pa bilang ligtas at maasahan na gasolina para sa pagluluto. Imbes na bumili ng mahal na mga komersyal na cooking fuels, maari nating gamitin ang mantika bilang alternatibo.”
Mantika bilang panlutong gasolina. Hindi mo aakalain na ang solusyon sa isang suliraning panlipunan ay maari rin palang makita sa atin mismong mga tahanan. #PI
MUKHA AT BOSES MO KANINO?: SINGULARIDAD NG
ARTIPISYAL NA KATALINUHAN
Kamakailan lamang, ang pagdami ng paggamit ng makabagong teknolohiya ng Artificial Intelligence ay nakakasorpresa. Tulad ng ChatGPT ng OpenAI na umaabot ng 180.5 milyong users na gumagamit kada araw.
Mayroong paglaki sa paggamit na higit 40% (Grand View Research, 2023), hindi inaasahang magbababa ang paggamit ng AI sa mga taong 2020 hanggang 2030. Isa sa kumakalat na uso ng AI generation sa media ay ang mga “AI impersonation videos” o mas kilala sa tawag na “Deepfake.” Ito ay ang paggamit ng AI upang makapag-impersonate ng isang tao.
Maraming videos na ang kumakalat sa social media na gumagamit ng ganitong teknolohiya. Iilan sa mga halimbawa nito ay ang mga video ng mga sikat na artistang namimistulang nagsasalita, sumasayaw, hanggang sa kumakalat ng video ni dating Presidente Rodrigo Duterte na “kumakanta.”
Ito ay posible sa pamamaraan ng isang proseso ng
pagsasama-sama ng datos gamit ang isang algoritmo:
- Ginagamit nito ang mga litrato ng iba’t ibang ekspresyon ng naturing tao at ito’y hinihimay ng isang AI upang paghiwalayin ang mukha ng tig-isa-isang ekspresyon.
- Pagkatapos, gagamitin ng isa pang AI ang mga voice recordings ng indibidwal upang gayahin ang tono nito na gagamitin sa pagsasalita ng impersonator.
- Sa wakas, ang dalawang produkto ng naunang AI at pangalawang AI ay pinagsasama-sama para magawan ng command o “prompt” kung ano ang ikikilos o sasabihin ng AI impersonator.
Kapag kaya ng AI na gumawa ng kung ano-ano mang bagay, kabilang na dito ang mga bagay na maaring hindi naman totoo.
Bagama’t napakarami nga possibilidad pagdating sa AI generation, mahalagang alamin ang mga responsibilidad natin bilang netizen pagdating sa pagkonsumo at paggamit ng AI generated media, sapagkat, ang Deepfakes ay maaaring
gamitin sa paggkakalat ng impormasyon na hindi totoo. Sa paraan ng AI generation at malalim na video manipulation, nagagawa ang mga deepfake videos na maaring makapagkalat ng misinpormasyon sa mga manononood.
Maaaring bumuo at kumalat ang AI ng maling impormasyon sa maraming paraan. Halimbawa, maaaring gamitin ang AI upang lumikha ng di-totoong media gaya ng mga pekeng artikulo ng balita, mga post sa social media, o mga video. Bukod pa rito. Isang malaking factor na lalong nagpapalala ng di-makatotohanang media ay tayo mismo, mga Internet User.
Tayong mga consumer ng Internet Media ay maaaring hindi sinasadyang mag-ambag sa pagkalat ng peke o mapanlinlang na mediang ginawa ng AI sa pamamagitan ng pagbabahagi o pag-share nito sa social media o iba pang mga platform nang hindi sinusuri ang kredibilidad nito. Maaari itong maging isang seryosong isyu dahil maaaring naniniwala ang ilang tao na ang media na binuo ng AI ay tama at totoo, kahit na hindi. Mahalaga
rin na maging maingat sa mga potensyal na konsiwensiya ng pagbabahagi ng mali o di-totoong impormasyon, na maaaring magsama ng pinsala sa mga indibidwal o grupo.
Ngayon na’t alam na natin ang mga kakayahan ng AI generation at kung paano ito maging masama na kapangyarihan sa media, mahalagang tandaan na ikaw, bilang isang Internet User, sa iyo nagsisimula ang tamang daan para sa paggamit ng Artipisyal na Katalinuhan #PI
Ang PAhAyAgAng IskolAr Tomo xxxii, Blg. i
12
MuLa sa rshs vi BuLLeTin
LOveLy reBanO
prInCe jM MaLOnOsan
WALKING PNEUMONIA? ANO ‘YAN, KUYA?
Sa panahon ngayon, uso na ang iba’t ibang uri ng sakit gaya ng ubo, sipon, lagnat at marami pang iba. Lalo na ngayon na pabago-bago ang klima, hindi natin maiiwasan na makakuha ng mga sakit o respiratory diseases dahil sa iba’t ibang mga bacteria at viruses sa ating kapaligiran. Dahil dito, naaapektuhan ang ating kalusugan, katawan, at pangkabuuang kalagayan. At kung ito ay hindi agad maagapan ay maaaring humantong sa mas malala o seryosong kondisyon.
Gaya na lamang ng isang uri ng sakit sa baga na walking pneumonia. Ang walking
pneumonia o atypical pneumonia ay isang mild na uri ng impeksyon sa baga. Karaniwan itong sanhi ng isang uri ng bacteria na tinatawag na Mycoplasma pneumoniae Ito ay madalas na nakukuha ng mga bata o teenagers ngunit pwede nitong dapu-an ang kahit na anong edad. Ilan sa mga sintomas nito ay ubo, lagnat, pagkapagod, pangangalay ng katawan at lalamunan, pananakit ng dibdib, at hirap sa paghinga. Kung ito ay ihahambing sa ibang uri ng pneumonia, ang walking pneumonia ay hindi gaano kalala, ang mga sintomas nito ay mas banayad kumpara sa ibang uri ng pneumonia tulad ng
bacterial and viral pneumonia. Ngunit ayon sa mga eksperto, hindi dapat ito ipagsawalang bahala sapagkat ang sakit na ito ay contagious o nakakahawa at may pangmatagalang epekto sa ating katawan kung hindi agad malulunasan.
Mahirap nang magkasakit sa panahon ngayon. Kahit simpleng ubo, sipon, o lagnat man yan, hindi dapat pabayaan ang sariling pangangatawan. Dapat laging alagaan ang sarili, protektahan sa ano mang uri ng sakit, at huwag aabusuhin. Hindi natin alam kung hanggang kailan tatagal ang ganitong uri
ng sakit, pwede itong tumagal ng ilang araw, linggo, o kahit buwan. Ang mga sakit gaya ng walking pneumonia ay bihira at hindi gaano kalala ngunit hindi dapat ipagsawalang bahala sapagkat maaari itong humantong sa malalang kondisyon ng hindi inaasahan. Kaya laging unahin ang sariling kalusugan at pangangatawan upang sakit ay maiwasan. Umiwas sa mga sakit upang sarili at pamilya ay ligtas sa ano mang karamdaman na maaaring makuha sa ating kapaligiran. #PI
PAANO ITO MAIIWASAN?
• UNA, panatilihin ang kalinisan ng katawan o good hygiene. Ito ay mahalaga upang maiwasan ang mga mikrobiying maaaring kumapit sa ating katawan na pwedeng magdulot ng mga sakit.
• PANGALAWA, ay ang regular na paghuhugas ng kamay. Palaging siguraduhing malinis ang ating mga kamay bago at pagkatapos nating kumain, upang maiwasan ang pagkalat ng mga bacteria o viruses sa ating katawan.
• PANGATLO, kumuha ng sapat na tulog at pahinga. Marami na sa atin lalo na sa mga kabataan ang hindi nakakatulog sa tamang oras at walang sapat ng pahinga dahil sa mga gawain sa trabaho at paaralan. Kung kaya’t mainam na bigyan natin ang ating mga katawan ng sapat ng pahinga upang ito ay hindi agad kapitan ng mga sakit at upang lumakas ang ating immune system.
• At PANGHULI, uminom ng gamot at maraming tubig. Mahalaga ang tubig sa ating katawan, prinoprotektahan nito ang ating mga kasukasuan at nagbibigay din ng sustansya sa ating katawan. Uminom din ng gamot sa tamang oras, huwag pabayaan ang iyong katawan, uminom agad ng gamot na may reseta o rekomendasyon ng doktor upang mapabilis ang pag galing at hindi na tumagal at lumala ang sakit.
agtek
13
MuLa sa freepik
rIChandrey MaCahILIG
‘Yon oh, pinili!
ANONG SONG KA?
Magagalit ba ang mundo kung ang music taste ko ay boses mo? Kimi!
Napakamakapangyarihan ng musika, sining na kayang ipahayag ang nadarama, magpasaya, at magpahilom. Lahat naabot ng musika, kaya nitong
“Mahiwagang pipiliin ka sa araw-araw, mahiwaga, ang nadarama ko sayo’y malinaw”, when kaya?
Ang awiting ito ay para sa mga taong pinili at patuloy na pinipili sa anumang kondisyon, sa anumang paraan, sa kabila ng lahat. Mahiwaga ang pagibig na mayroong pagtanggap at kasiguraduhan.
Motto: Ikaw sa lagi’t-lagi, sa tuwi-tuwina, sa araw-araw.
ediwow xd
“So why don’t we fall in love tonight, ‘cause everything else just feels so right. And now I just want to hold you tight, so why don’t we just fall.”
Aba, tumatapang! Para sa mga sumugal na sa pag-ibig sa isa pang pagkakataon.
Niyakap ang sandali at hindi na itinanggi ang koneksiyon sa pagitan nila, Para sa mga nagkabalikan at hinihiling na “puhon”, balang araw, magkasama sa hinaharap.
“Baka naman sa susunod na habang buhay”, pinagkaitan ng tadhana.
Awitin para sa mga nasaktan at nagbabakasakali sa susunod na habangbuhay. Pipiliin pa rin kahit katumbas nito ay paghihintay sa susunod na habang buhay. Baka sa susunod na habang buhay, mas magiging maayos, masaya at may pagkakataon nang ipagpatuloy ang naudlot na kwento.
ipahayag ang lahat ng porma ng pag-ibig, mahiwaga.
Mula sa mga sikat na kanta ng Pilipinong Indie Folk Band na Ben&Ben, ano kaya rito ang naglalarawan sayo o sa sitwasyon mo ngayon? Anong Ben&Ben Song Ka?
Magtake ka na kasi ng risk, mahalin mo na ako oh please!
“But in the end, what makes it worth the fight, that no matter what happened we try to make it right”.
“At kahit nabago na ng oras, ang puso ma’y nabutas, ikaw pa rin sa susunod na habang buhay.”
Awitin para sa mga naghihilom, naghilom, nagpatawad at magpapatawad.
Anumang sugat ng nakaraan, nawa’y maghilom, sa tamang proseso, sa tamang panahon.
“And all will be alright in time”.
Isang napakalaking baka sakali, “You made me believe in love again, wish I could be more than just a friend”.
Nagwish sa wishing star, sa wishing bone, sa wishing well na baka pwede tayong maging something, baka yung meron tayo ay something na.
Awitin para sa mga umaasang matumbasan ang pag-ibig na mayroon sila.
“Kung may mababasa mo lang ang aking mga mata, malalaman mong gustonggustokita”,linya mula sa isang tula katumbas ng mensahe ng awiting ito.
“Isang tingin mo lang at sayo na ako”.
Awitin para sa mga nahulog sa kaibigan, nag-aalinlangan kung kaibigan o pag-ibig. Para rin sa mga nakaranas ng paghanga at pagmamahal na nabuo dahil sa pinagtabing upuan.
Akala ko ako na, akala ko lang pala. :(
Awitin para sa mga laging nagugustuhan pero hindi pinaninindigan.
Ang oras, takbo ng utak at laman ng puso; mga bagay na hindi natin hawak.
“Parang kaybilis lang, teka lang, teka lang.”
Swerte kung mapagbibigyan sa panahong nililimos, malas kung hindi.
Pagtingin, para sa mga natatakot sumugal sa pag-ibig dahil baka hindi magustuhan at nagkasya na lang na ibigin ang mga mahal nila mula sa malayo. Balang araw, may tapang ka na upang ilahad ang damdamin at hindi na rin matatakot na baka magbago ang kaniyang pagtingin.
(Paalala: Ang pagtingin ay kagaya ng halaman, ‘pag binaon sa lupa ay mas tumutubo.)
Tomo xxxii, Blg. i 14
BaCkGrOund MuLa kay niCkOLai MaveriCk
Liz dy BuCO
MASYADO PANG MAAGA PAGTINGIN SA SUSUNOD NA HABANG BUHAY UPUAN ARAW-ARAW COULD BE SOMETHING
LEAVES
FALL
WEAR YOUR ESTETIK PARA MAY KUMPIYANSA SA
Sa mas pag-usbong ng social media noong panahon ng pandemya ay mas lumawak ang impluwensiya ng mga taong kilala dahil sa estilo ng pananamit o fashion icons. Ang salitang “aesthetic” ay konsepto ng kagandahan o sining, “aesthetic fashion styles” naman ang tawag sa iba’t-ibang uri ng estilo ng pananamit na bentang-benta sa panlasa ng karamihan lalo na ng mga estudyante. Sa isang iglap, “aesthetic” na ang lahat! Narito ang iilan sa mga estilong maaring makikita sa paaralan:
Ika nga nila, “Jolina Magdangal Core”, ang mga naipon na sa baol na mga uso noon ay inuungkat na ngayon. Baby tees o malilit na t-shirt, logomania o mga damit na may nakaimprintang logo ng mga sikat na brand, palda, damit na may matitingkad na kulay, hobo bag, lowrise na mga pantalon o mula ibabang bewang hanggang paanan ang haba, jumper, at iba pa. Sa UK lamang ang mga ito talamak na mabibili o makikita—Ukay-ukay!
Ang ganitong estilo ay nagmula sa isang sikat na photoediting app na tinatawag na VSCO (ang pagbigkas ay “visko”. Tipikal na kulay puting mga sapatos, highwaisted na mga pantalon, malalaking mga t-shirts, at scrunchie o tila pantali sa buhok ngunit ginagawang porselas ang mga bumubuo sa estilong ito. Simple pero rock!
Ito raw ay para sa mga “mababait” o pupunta sa romantikong gala. Ang estilong ito ay maihahalintulad sa VSCO subalit ang mga kulay ng mga damit ay hindi lamang puro puti o walang disensyo, ang mga damit ay nasa iba’t-ibang kulay ngunit mapusyaw, may mga desenyong floral o bulaklakin, sweater vest, at cardigans (maninipis na sweater o ginansilyong sweater”. Kalimitan din isinusuot ang mga sapatos na simple lamang o boots na malalaki (chunky boots).
Kalimitang mga nakikinig sa mga banda, nasa banda o mga panatiko ng mga kanta noong ‘80s at ‘90s ang nagsusuot nito. Nagmula ang inspirasyon nito sa mga banda tulad ng Nirvana, kalimitang kulay itim ang mga damit sa estilong ito. Marami ring may kung ano-anong nakakabit bilang disenyo, eskosesa o plaid, mixed prints ang disenyo, botang panggiyera, at patong-patong na mga kwintas o chocker. Naks, rock!
Nauuso ngayon ang ganitong estilo ng pananamit, ang estilo ay ummiikot sa mga mahahabang damit, mga bestida, mga damit na bulaklakin na tila ba nakatira ka sa maliit na kubo na napapalibutan lamang ng mga puno, halaman at mga bulaklak. Kung iisipin ay ganito kalimitang manumit ang mga matatanda noon. Simple ngunit malinis at magandang tingnan.
Isa ito sa pinakamadalas na suot ng mga estudyante sapagkat madaling makakita ng mga damit na akma sa ganitong estilo. Pastels o mapusyaw na mga kulay kagaya ng kahel, kayumanggi, berde, puti, at itim ang iniikutang kulay ng mga damit. Simple at walang kahit anong disensyo ngunit malamig sa mata ang mga kulay at sumisigaw ng pagkaelegante.
lighT&dArk ACAdEMiA
“Uy, mayaman siguro ‘yan!” Kalimitang hinuha ng mga tao ay mayayaman ang mga may ganitong estilong pananamit sumisigaw din ito ng pagka-elegante at sopistikasyon. Ganito ang madalas na suot ng mga Taga-Europeo, mga tweed blazers, damit na may mahahabang manggas, palda, simpleng slacks o pantalon, sandals o botang may takong at iba pang masasabing “pang-mayamang” mga damit. Itim, puti, mapupusyaw na kulay, berde, at kayumanggi rin ang kadalasang kulay ng mga damit sa ganitong estilo.
Itim ang kulay ng mga damit. Kalimitang agaw-pansin ang mga taong ganito manumit sapagkat bihira lamang ang may tapang na magsuot nito sa lipunang hindi pa handa sa mga hindi nila nakasanayan. Patong-patong na mga palda, corset, mahahabang medyas o stockings, at mga pang-itaas na kulay itim. Ang pananamit na ito ay sinasamahan din ng mga patong-patong mga kwintas, singsing at polseras, may iba ring may makakapal na kolorete sa mukha na naayon din sa temang “goth”.
Ano nga ba ang mga katangian ng isang Sayanista? Tara na at tuklasin natin kung anu-ano ang mga ito sa pamamagitan ng isang....
Tayo ay nasa panahon na ng modernisasyon kung saan nagsisimula nang magkaroon ng mas bukas na isipan ang lipunan. Sa panahong malaya na tayong ipahayag kung sino talaga tayo at ano talaga ang ating mga gusto, nawa’y hindi tayo matakot maging “iba”, nawa’y ipahayag natin nang malaya at malugod ang ating mga sarili sa pamamagitan man ng sining, pananamit, at sa iba pang pamamaraan. #PI
15 aLiwan
CROSSWORD PUZZLE! ANSWER KEY Liz dy BuCO
RECIPE OF A
SAYANISTA
y2k vsCo soFT sTylE grUngE CoTTAgECorE MiniMAlisT
BAWAT PITIK
goTh
PAGSUPORTA NG MGA PAARALAN SA MGA ATLETA: TUNGO SA TAGUMPAY
Ang suporta ng mga paaralan sa mga atleta ay mahalaga sa kanilang tagumpay sa mundo ng isports. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pasilidad, tulad ng sports complex at gymnasium, at mga programa tulad ng sports scholarships, tinutulungan ng mga paaralan ang mga atleta na mapaunlad ang kanilang kasanayan at maabot ang kanilang mga pangarap. Hindi lamang sa isports nagbibigay ng suporta ang mga paaralan kundi pati na rin sa pagpapahalaga sa akademikong kahalagahan, na nagtutulak sa mga atleta na balansehin ang kanilang pag-aaral at sports.
Bukod sa mga praktikal na suporta, mahalaga rin ang moral at emosyonal na suporta na ibinibigay ng mga paaralan. Ang inspirasyon at patuloy na
suporta mula sa mga guro, coach, at kapwa mag-aaral ay nagbibigay ng lakas ng loob at kumpiyansa sa mga atleta. Sa ganitong paraan, nagiging posible para sa kanila na harapin at lampasan ang mga hamon at pagsubok na kanilang hinaharap sa mundo ng isports.
Sa huli, ang suporta ng mga paaralan ay naglalayong palakasin ang kakayahan at determinasyon ng mga atleta. Ito ay nagbubunga ng mga indibidwal na handang harapin ang mga pagsubok at magtagumpay hindi lamang sa isports kundi maging sa kanilang buhay. #PI
PAMAMAHALA SA ORAS SA ISPORTS: SUSI SA TAGUMPAY
Sa likas na kompetisyon at laban sa mundo ng isports, ang bawat segundo ay mahalaga. Sa pahayagang ito, binibigyangdiin natin ang kahalagahan ng pamamahala sa oras sa pagunlad ng mga atleta.
Ang pagtutok sa oras at pagpaplano ng tamang schedule ay mahalaga sa paghahanda ng mga atleta para sa mga laban at pagsasanay. Sa pamamagitan ng wastong pamamahala sa oras, maaari nilang mapataas ang kanilang kasanayan at pagiging handa para sa mga hamon na kanilang haharapin.
Mahalaga rin na ang mga atleta ay magkaroon ng maikling at pangmatagalang layunin upang
magkaroon ng gabay sa kanilang pag-unlad. Ang pagtatayo ng mga layunin ay nagtutulak sa kanila na manatiling naka-fokus at determinado sa kanilang mga pangarap sa isports.
Sa kabuuan, ang tamang pamamahala sa oras ay hindi lamang nagpapataas ng kanilang produktibidad kundi pati na rin nagbibigay ng malaking epekto sa kanilang tagumpay. Sa pagunawa sa halaga ng bawat oras na ibinibigay sa kanila, maaari nilang marating ang kanilang mga pinakamataas na tagumpay sa mundo ng isports. #PI
Ang PAhAyAgAng IskolAr Tomo xxxii, Blg. i
GuhiT ni MarC andrade
16
GuhiT ni Xander paa
eDItoryal
cedrick jamero paTnuGOT sa paMpaLakasan
Dinagyang esKrima fest 2024 Kuminang
CedriCk jaMerO
Nagningning muli ang kayumihan at kahusayan ng mga sayanistas matapos bumida sa 4th Mayor Jerry P. Treñas Dinagyang Eskrima Fest 2024, Iloilo City, Enero 25-26, taong 2024.
Kumabig ng tatlong medalya ang tropa ng mga arnisador sa Men’s at Women’s Anyo Category at sa kategoryang Arnis Labanan.
sa
Pinangunahan ito ni Jane Angel P. Quitoveria na kumamkam ng pilak na medalya sa Individual Solo Weapon. Sinundan naman ito ni Winadette V. Dollosa na napasakamay ang tansong medalya sa Labanan Padded Point Half Lightweight Category at Mj Gabriel P. Itulid na nagsungkit din ng tansong medalya sa Individual Solo Weapon. #PI
NAGLALAKBAY LABAN SA ALON: ANG PAGLALAKABAY NG
Sa bawat agos ng tubig, may kwento ng pagsisikap at tagumpay. Sa mundo ng paligsahan sa paglangoy, may isang kwentong nakaukit sa puso’t isipan ng marami. Ito ang kwento ni Nuche Veronica V. Ibit, isang batang may pangarap na lumutang sa kaharian ng tubig.
Sa murang edad na 13, si Veronica ay gumawa ng pangalan para sa RSHS VI sa larangan ng isports. Mula sa kanyang determinasyon hanggang sa kanyang mapang-akit na paglangoy, tiyak siyang magawa ng epekto bilang magaling na manlalangoy.
Ang paglalakbay ni Veronica ay nagsimula noong 2017, noong siya ay ipinasok sa mga leksiyon sa paglangoy ng kanyang ina. Maliit na bagay na ito ngunit hindi niya alam na ang desisyong tila ordinaryo ay magpapalitaw ng isang apoy sa kanya. “Inenroll lang ako ng aking nanay sa swimming lessons noong 2017, tapos sabi ng aking coach may potensiyal ako, kaya’t nagpatuloy
ISANG BATANG KAMPEON
BOBBy deMaLaTa & CedrICk jaMerO
ako sa paglangoy mula roon,” nakangiting inaalala ni Veronica ang kanyang mga simula.
Ngunit ano nga ba ang tunay na nagtutulak kay Vironica na abutin ang kanyang mga limitasyon sa paglangoy? Ang sagot ay simple ngunit may lalim: ang kanyang pamilya. “Ang pamilya ko ang aking inspirasyon,” sabay niyang ibinahagi ng may kababaang-loob. Ito ang pagiisip na pagpapalakas sa kanila at ang pag-asa ng pagkakamit ng mas magandang kinabukasan sa pamamagitan ng potensiyal na scholarship na nagpapalakas sa kanyang tuluy-tuloy na pagtataguyod ng kanyang mga pangarap.
At inilalakbay niya ang mga ito, sa isang determinasyon na walang hangganan. Ang dedikasyon ni Veronica ay hindi nabalewala, naipakikita sa pamamagitan ng maraming parangal na kanyang natanggap sa buong karera ng kanyang paglangoy. Gayunpaman, para kay Veronica, ang mga parangal na ito ay hindi lamang mga
personal na tagumpay—ito ay mga pagsasalaysay sa kanyang pamilya at mga sagisag ng mga oportunidad na naghihintay sa harap.
Para sa mga nagnanais na maging mag-aaral-atleta na nagbabalak magsimula sa mundo ng kompetisyon sa paglangoy, may isang payo si Veronica: “Kung sasali kayo sa sports, huwag kayong magalit kung hindi kayo manalo. Ano man ang resulta, dapat kayong maging masaya. Kung manalo kayo, manatili kayong mapagpakumbaba at palaging balansehin ang inyong pag-aaral.”
Ngunit sa ilalim ng kagandahan ng tagumpay ay ang hindi maitatatwang katotohanan: ang paglangoy ay hindi nang walang mga hamon. Kinikilala ni Vironica na ang disiplina at pagpapanatili ng isang mabusising rehimen ng pagsasanay ay isa sa pinakamahirap na aspeto ng larangan. Gayunpaman, ito ang kanyang di-matatawarang pagpapakatatag sa sarili at ang kanyang walang-sawang hangarin
sa pagpapabuti na nagpapatuloy sa kanya sa gitna ng mahirap na panahon sa paghahanap ng kagalingan.
Ang paglalakbay ni Nuche Veronica V. Ibit ay patunay sa kapangyarihan ng pagmamahal, pagtitiyaga, at pangarap na puno ng pamilya. Sa pamamagitan ng mga pagdaloy ng kanyang karera sa paglangoy, nananatili siyang matatag sa kanyang paghahangad ng kagalingan, isang tanglaw ng inspirasyon para sa mga nagnanais na manlalaro sa buong mundo. Habang patuloy siyang naglalakbay sa mga alon sa pool at sa buhay, may isang bagay na tiyak: si Veronica Ibit ay isang pangalan na nakatakda na magiwan ng isang hindi malilimutang marka sa RSHS VI ng paglangoy at higit pa. #PI
isports
kuha nI aMIeL saLazar
17
kuha nI krisTiaL TOLOsa
sayanistas,
Balitang isports SAYANISTAS,
PAGBABALIK NG INTRAMURALS NAGPASIKLAB SA
Makalipas ang halos apat na taon dahil sa pandemyang COVID-19, opisyal na binuksang muli ang pinaka-kapanapanabik na Intramurals at Paghilinadya 2023 ng Regional Science High School for Region IV. Mainit ang pagsalubong ng mga estudyante at mga guro na nagtipon-tipon sa RSHS VI Covered Court para sa isang pambungad na programa noong ika-12 ng Oktubre, taong 2023.
Naging hudyat ng pagsisimula nito ang isinagawang pagparada ng mga kalahok mula sa lahat ng baitang ng Junior High School at Senior High School department. Sa kabila ng tindi ng init ng panahon, nangingibabaw pa rin ang tindi ng tuwa at pananabik sa mga mukha at kilos ng mga mag-aaral, na hindi matigilan sa paglakad at pagsigaw ng kani-kanilang malikhaing cheers.
Nang matapos ang parada, sinimulan ang taunang aktibidad sa pamamagitan ng isang maikling programa na pinangunahan ng RSHS VI Supreme Secondary
ang pahayagang isKolar
karL franCIsCO
kuha ni GraisOn TriesTe
Learner Government at RSHS ipakita na lahat sila’y may iba’t-