Pana Verde Tomo VI Bilang 1 - NSPC Issue

Page 1

Brgy 718 Zone 78 SK, dumalo sa DLSU SLP

Nina Keith Brendan Zamora at Hannah Jelyn De Chavez

Nakiisa ang Sangguniang Kabataan (SK) Council ng Barangay 718, Zone 78, Malate, Manila sa klase ng Service Learning Program (SLP) sa De La Salle University (DLSU) noong ikalawa ng Pebrero.

Sa panayam kay Wally Narido, SK Chairperson ng nasabing barangay, itinalaga umano ng Center for Social Concern and Action (COSCA) ang naturang pagpupulong upang talakayin kung paano mapabubuti ang sports development program ng barangay para sa mga kabataan.

“Layunin ng SLP at COSCA na bumuo ng partnership sa mga barangay kung saan ang mga mag-aaral ng DLSU ay inilalabas nila para matulungang hubugin ang kamalayan sa mga nagaganap sa kanilang mga kapaligiran,” aniya.

Kasama sa mga pinag-usapan ang demographic, socioeconomic, at health profile ng barangay, pati ang kanilang mga pasilidad at programa ukol sa kalusugan, nutrisyon, at pisikal na mga gawain. Ang SLP ay bahagi ng kurikulum ng DLSU na naglalayong tumulong sa pagtugon sa pangangailangan ng iba’t ibang komunidad.

Pen-Pen, De Sarapen

KAISA NG MASA. Isinulong ng mga Lasalyano ang kanilang mga adbokasiya, kabilang ang pagtutol sa niraratsadang charter change sa kanilang komemorasyon ng EDSA People Power Revolution noong ika-23 ng Pebrero, 2024.

Dasal, Bulong, at Debosyon: Traslasyon ng Itim na Nazareno

KOFISCI, ang Pioneer Coffee Science Class sa Bansa

DLSU House Fest, humarurot na

Tinutulan ng Pamantasang De La Salle (DLSU) ang Charter Change (Cha-Cha) na ipinasa sa Senado, na pinapahintulutan ang full foreign ownership sa Higher Education Institutions (HEIs) bilang lunas sa mga

Sa opisyal nitong pahayag, iminungkahi ng DLSU sa pamahalaan na muling pag-aralan ang ipinanukalang Cha-Cha at amyendahin ito dahil hindi kinakailangan ng kabuuang pagmamayari ang mga banyaga sa mga HEIs upang maresolbahan ang krisis sa edukasyon.

“The government should focus its energies on increasing public expenditure on tertiary education, addressing barriers to access, and building a robust support system for higher education institutions to flourish,” saad ng Pamantasan.

Nanindigan din ang Unibersidad na dapat ipaalam ng Senado sa masa ang lahat ng mga detalye ukol sa Cha-Cha at mas bigyang-pansin ang mga pangangailangan ng mga Pilipino.

“We expect our lawmakers to exercise full transparency throughout the deliberations surrounding Charter Change and encourage them to prioritize our people’s most pressing needs over drastic yet understudied educational restructuring and self-serving political

maneuvers,” giit nila.

Lumagda rin si DLSU President Br. Bernard Oca FSC ED. D. noong ika-15 ng Pebrero sa kampanya ng “No to Cha-Cha Network” laban sa ‘self-serving agenda’ na pagbabago ng konstitusyon.

“To defeat Chacha, we shall: 1) Conduct public information and education drives in all levels down to the grassroots; 2) Initiate bawi-pirma campaigns in our communities; 3) Hold mass actions and other forms of social mobilization; and 4) File properly timed legal actions,” ayon sa pahayag.

TINIG LASALYANO

Nakiisa naman ang DLSU - University Student Government sa paglunsad ng “The Alliance of Youth (TAYO) against Charter Change,” isang malawakang koalisyon upang tutulan ang pagbabago ng Saligang Batas ng Pilipinas.

Ayon sa TAYO na binubuo ng 80 Student Councils, Sangguniang Kabataan officials, at youth

DLSU, muling napabilang sa THE World University Rankings

Namayagpag muli ang De La Salle University (DLSU) sa ika-anim na taon bilang isa sa mga nangungunang Higher Education Institutions (HEIs)

Itinanghal na nangungunang HEI ng bansa ang Pamantasan sa pitong larangan ng pag-aaral kabilang ang Business and Economics (801+), Computer Science (801-1,000), Education (501600), Engineering (1,001), Physical Sciences (1,001), at Social Sciences (801). Napabilang din ang DLSU sa kauna-unahang pagkakataon sa larangan ng Sining at Humanidades sa ranggong 601+ sa mundo, at unang pwesto sa Pilipinas.

Sa isang pahayag na inilabas ni Dr. Raymond Tan, DLSU Vice President for Research and Innovation, binanggit niya na nagbibigay umano ang international rankings ng batayan para malawakang masukat ang kumpetisyon ng mga pamantasan.

“Our new strategic plan contains measures that will improve DLSU’s performance in each of

organizations, dapat unahin ng pamahalaan ang pagpapabuti sa sistema ng edukasyon kaysa sa isang “trapo-led” na Cha-Cha. Binatikos ng grupo ang poor performance ng bansa sa naging resulta ng 2022 Programme for International Student Assessment (PISA), kung saan palaging nasa bottom five ang performance score nito.

“This indicative decline in quality education was already observed before the pandemic but reached free-fall levels due to the implementation of the remote learning setup, which also prompted more than 2 million students out of school,” pahayag ng TAYO. Hinikayat ng DLSU ang mga Lasalyano na kumilos at makilahok sa mas makabuluhang talakayan upang makipagkasundo sa mga repormang pang-ekonomiya na nakatuon sa kapakanan ng mga Pilipinong maiahon mula sa kahirapan at mabigyan ng de-kalidad na sistema ng edukasyon.

the metrics that factor into rankings. Among these are strategies to strengthen the impact and global influence of our research,” aniya.

Binati rin ni University President Br. Bernard S. Oca, FSC ang Lasalyanong komunidad sa nakamit na pagkilala ng Institusyon.

“I congratulate the administrators, faculty, staff, students, and alumni who all contributed to this achievement. May we continue providing quality education, impactful research, and community engagement, inspired by the legacy of our Founder to genuinely transform society through our faithfilled, innovative work and excellent service. Animo La Salle!” giit niya. Nagtala ang THE ng 1,906 na unibersidad ngayong taon kaakibat ang 134-milyong citations at 16.5-milyong research publications. Mula sa Times Higher Education

09 LATHALAIN
12 AGTEK
16 ISPORTS
04 OPINYON
ON THE TOP
Higher Education
Ni
DLSU THE World University Rankings 2024 Antas batay sa Larangan: Pangkalahatang Rango: 600+ Arts and Humanities 600+ Economics 801+ Engineering 1001+ Computer Science 801-1000 Education 501-600 Physical Science 1001+ Social Science 801+ ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGMAG-AARAL NG DE LA SALLE UNIVERSITY INTEGRATED SCHOOL - MANILA Oktubre 2023 - Mayo 2024 | Tomo VI Blg. 1 EDUAKSYON, HINDI EDUKHASYON DLSU, kontra sa ‘self-serving’ Cha-Cha Mga Lasalyano, hinimok na makiisa vs panukala
ng 2024 Times
(THE) World University Rankings sa 1,501+ bracket.
Hazel Marie Caccam
suliranin ng sektor ng edukasyon, ika-19 ng Marso. Nina Keith Brendan Zamora at Nathaniel James Estavillo Kuha nina Angekyla Barroquillo at Michael Mustapha | The Lasallian Kapsyon ni Althea Habulan

BALITA

ALERTO LASALYANO DLSU, rumesponde sa mga krimen sa Taft

Agarang tumugon ang De La Salle University (DLSU) University Student Government (USG) sa sunod-sunod na ulat ukol sa crime-related activities malapit sa kampus, noong katapusan ng Enero.

Nakipagpulong ang USG noong ikalawa ng Pebrero kasama ang Malate Police Station, mga kagawad ng Barangay 708 at 709, at DLSU Security Office upang rumesponde sa incident reports na kanilang natanggap.

Sa isang Facebook Post ni USG President Raphael Hari-Ong, isinaad niyang nakipag-ugnayan na ang DLSU sa istasyon na madagdagan ang mga outpost at nagpapatrol na pulis para masiguro ang kaligtasan sa paligid ng Taft Avenue.

“The police are asking the cooperation of Lasallians to take care of our belongings. Once we step out of campus, let us be mindful of all our cellphones, laptops, wallets, and other valuables,” paalala niya.

Matatandaang nakunan sa CCTV camera sa Pablo Ocampo St. noong ika-25 ng Enero, bandang alas tres ng madaling araw, ang anim na pagala-galang mga armadong suspek sakay ng tatlong motorsiklo na nagnakaw ng pera sa isang lalaking nag-withdraw sa ATM

Sigaw ng mga Lasalyano:

‘No to Tuition Fee Increase!’

Nakiisa sa isang unity walk sa kampus ang mga mag-aaral ng De La Salle UniversityManila (DLSU-M) laban sa paglobo ng matrikula noong Enero 31, sa pangunguna ng University Student Government (USG).

Nagsimula ang martsa sa Brother Connon Hall papuntang Central Plaza, at lumipat sa St. Joseph Walk hanggang sa Cory Aquino Democratic Space (CADS), kung saan nagbigay ng talumpati ang mga pangulo ng mga kolehiyo at organisasyon.

“Mayroon tayong karapatan upang malaman kung saan napupunta ang ating matrikula. Sa ating lahat, sa lahat ng nakaririnig, sa lahat ng sektor, sa lahat ng kolehiyo, patuloy na patambolin ang panawagan para sa libre, maka-masa, para sa isang edukasyon na matatamasa ng lahat ng kabataan,” wika ni Renee Barnes, Secretary General ng Anakbayan Vito Cruz.

Ayon sa ulat ng USG, tumaas umano ang matrikula mula 3%, at umabot ng 4% nitong nakaraang dalawang taon.

“The rise of tuition and prices are affecting the Students more than the University. And in some situations, high tuition fee means some students stop schooling, some enroll in fewer units, and some resort to continue their studies elsewhere,” saad nito sa isang Facebook post Batay sa sarbey ng USG, tinatayang

Kontribusyon

nasa 3,276 na kolehiyong mag-aaral ng DLSU-M ang lilipat ng ibang unibersidad sakaling tuluyang lumobo ang matrikula, samantalang 2,603 naman ang maaaring tumigil muna sa pag-aaral. Singil sa Nakalipas na Termino Samantala, iniulat ng ilang mga mag-aaral na nakakita umano sila ng bagong halaga na lumalabas sa kanilang mga pagtatasa para sa Term 1 sa My.LaSalle.

Kinumpirma naman ito ng Office of the Senior Vice President for Finance and Administration na anila’y bunsod umano ng inaprubahan ng Commission on Higher Education na 4% na pagtaas ng matrikula ang mga naitalang pagbabago sa assessment ng mga mag-aaral noong nakaraang termino.

“Every peso increase adds another layer of stress and uncertainty for countless students, potentially pushing them out of their dream schools and careers. Education should not be a luxury,

ng DLSU sa EDCOM 2, pinuri ng Senado

Kinilala ng Senado ng Pilipinas ang De La Salle University (DLSU) sa kanilang kontribusyon sa pagpapabuti ng kalagayan ng edukasyon sa bansa bilang parte ng kanilang pakikipag-ugnayan sa Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), na ipinagdiwang ang unang anibersaryo noong Enero 23.

Sa isang resolusyon na tinanggap ng upper chamber at co-sponsored ng lahat ng 24 miyembro ng Senado sa kanilang ikalawang sesyon na ginanap sa parehong araw, kinilala ang DLSU para sa “kapuri-puring gawain ng pagsasangguni sa isang kasunduang pananaliksik kasama ang EDCOM II at sumusuporta sa layunin nitong mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas.”

“This is a resolution to recognize the role of DLSU in partnering with EDCOM II because EDCOM II has

at cellphone naman sa isang dayuhan. Bahagi ni Gianna Bacolor, isang Lasalyanong naninirahan sa condo sa Pablo Ocampo, nakaramdam umano siya ng takot at kaba nang marinig niya ang balita dahil sa loob ng isa’t kalahating taon ay palagi siyang lumalabas kapag gabi o madaling araw upang bumili ng pagkain.

“Natigil ang pagiging kampante ko noong nalaman ko iyong insidente. Hindi na ako lumalabas kapag gabi at lagi ko na ring nilalagay sa bag ang cellphone ko bago pumasok,” aniya.

Dagdag pa niya, malaking ginhawa rin umano na may mga pulis na nag-iikot at nagbabantay upang masiguro ang kaligtasan ng publiko.

Mga bata sa Agno

Nagdagdag din ang DLSU Security Office ng mga bantay sa Agno Compound at Fidel Reyes St. upang mas masubaybayan ang mga insidente matapos lumitaw ang usapin ukol sa mga agresibong batang pagala-gala rito.

“I was walking home from class kanina[ng] 10 pm and one of the street kids bit my arm out of nowhere,” kwento ng isang Lasalyano sa isang Reddit post sa r/dlsu, Enero 31.

Ayon sa kanyang update sa parehong diskusyon, mayroon pa umanong tatlong estudyanteng nakagat maliban sa kanya, batay sa ipinakitang CCTV footage noong inireklamo niya ang insidente.

Nang marinig naman ni Maxeen Delos Reyes mula STEM 12-D ang isyu, ipinahayag niya na nararapat ding makita ng mga Lasalyano ang realidad ng sitwasyong kinahaharap ng mga bata sa Agno sa araw-araw na nakakasalamuha nila ang mga ito.

“Kahit na hindi pa directly confirmed yung koneksyon ng mga bata sa security incidents, the fact still remains— mayroon pa ring underlying issue at iyon ay ang lack of guidance, protection, and access for these children. It makes you wonder kung nasaan ang mga magulang nila, sinong magbabantay sa kanila while on the streets all day, and how their future is going to be like,” giit niya.

Kaugnay nito, nakatakdang magpulong ang USG at ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila upang matulungan ng iba’t ibang ahensiya, tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na matugunan ang isyu.

“We are asking for everyone’s cooperation in reporting all Fidel Reyes incidents to nearby DLSU security personnel whom you can find in campus entrances,” dagdag pa ni Hari-Ong.

Tinitiyak ng USG na patuloy silang makikipagtulungan sa administrasyon, local government units, at mga ahensiya upang panatilihin ang kaligtasan at kapakanan ng mga Lasalyano.

and I believe in fighting for a system that fosters opportunity, not excludes potential,” ani Ahri De Guzman, isang mag-aaral ng DLSU.

Matatandaang sinimulan ang kampanyang 0% tuition fee increase, na may tagline na #FreezeDontIncrease, noong ika-8 ng Enero, sa pamamagitan ng pagpapaskil ng mga tarpaulin ukol dito sa buong kampus.

Numero-Datos

Sa 5,312 mag-aaral na sumagot sg Tuition Fee Increase serbey ng USG:

2,603 ang maaaring tumigil sa kolehiyo

recommended a hundred research questions and studies, and DLSU is putting the cause of these papers. So their [DLSU] generosity has allowed the EDCOM II to devote these resources to other aspects,” ani Senador Sonny Angara.

Naging kinatawan ng DLSU sa pagpuri ng Senado si DLSU Provost Dr. Robert Roleda, kasama ang Academician, Distinguished University Professor, at University Fellow na si Dr. Allan B.I. Bernardo, at ilang mga research fellow.

Ang EDCOM II ay isang pambansang komisyon na sumusuri sa pagganap ng sektor ng edukasyon sa loob ng tatlong taon, at opisyal na tinanggap ng EDCOM II at DLSU ang kanilang pagsasamahan sa pananaliksik sa pamamagitan ng pagpirma ng isang Memorandum of Agreement (MOA) noong Hunyo 2023.

Sa ilalim ng MOA, naatasan ang Pamantasan na isagawa ang mga aktibidad na ito sa ilalim ng mga kasunduang: a.) magpapasa ng mga concept note o mga research proposal mula sa mga research fellow na sasalain ng EDCOM II Advisory Council at Technical Secretariat at ang Philippine Institute for Development Studies; b.) mag-oorganisa at magtatag ng mga research team na tutugon sa policy questioning EDCOM II; at c.) gumawa ng mga policy paper na ipapalathala ng EDCOM

2,789 ang nahuhuli sa pagbayad

3,276 ang maaring lumipat ng pamantasan

235 ang nagtratrabaho pantutos sa edukasyon

II at DLSU nang magkasama. Dagdag pa sa mga responsibilidad na nabanggit at iba pang mga pangako na matatagpuan sa MOA, tinatanggap ng DLSU ang tungkuling sarilihin lahat ng mga gastusin kaugnay ng proyekto. Ayon sa resolusyon, makatutulong sa EDCOM II ang mga obligasyon na nakasaad sa MOA sa mga layunin nitong institusyonalisahin ang mga reporma na hindi lamang layuning tugunan ang mga umiiral na isyu sa sektor ng edukasyon ng bansa, kundi mag-aambag din sa pagpapaunlad ng isang sistema ng edukasyon na kasalukuyang nagtutugma sa global na mga pamantayan at mas nauugnay sa mga pangangailangan ng kasalukuyang panahon.

Matatandaang nasa ika-77 na puwesto ang Pilipinas sa 81 bansa sa buong mundo sa katatapos lang na 2022 Program for International Student Assessment (PISA) na isinagawa ng Organization for Economic Cooperation and Development (OECD) para sa mga mag-aaral na may edad 15 taong gulang.

“With EDCOM II, we are evaluating our education system, including our performance in the PISA. We need strong investments in education now and in the coming years if we want to produce concrete and meaningful results,” dagdag pa ni Angara.

02 ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGMAG-AARAL NG DE LA SALLE UNIVERSITYINTEGRATED SCHOOLMANILA Pana Verde
Ni Hannah Jelyn De Chavez Ni Nathaniel Estavillo Mula sa DLSU USG Facebook Page Kuha at Kapsyon ni Margareth Zoleta BANTAY KALIGTASAN. Umaarangkada nang buong giting ang mga patrol sa Taft Avenue, patuloy na naglilingkod at nagpapanatili ng seguridad at kapayapaan ng kalsada at mamamayan. HUWAG NANG MAGMAHAL. Nanindigan ang mga Lasalyano na ang pribatisasyon ng kanilang karapatan sa edukasyon ay labag sa layunin ni St. John Baptist De La Salle na magkaloob ng makamasang edukasyon. Kuha at Kapsyon ni Margareth Zoleta

Balitang Lokal

LIGAW NA RUTA

Daing ng trike driver sa MMDA: ‘Saan kami daraan?’

Ni Nathaniel Estavillo

“Kung bawal kami sa mga national road, saan kami puwedeng dumaan?

Wala kaming alternatibong daan dito kasi puro one-way ang mga ruta rito sa Taft tulad ng Estrada [street]. So saan kami daraan?”

Ito ang hinaing ni Rodel, isang tricycle driver sa toda sa ilalim ng LRT-1 Vito Cruz Station, sa isang panayam kasama ang Pana Verde tungkol sa desisyon ng Metro Manila Council (MMC) na ipagbawal ang paggamit ng mga electric tricycle at electric bike sa mga national road sa Metro Manila simula ika-15 ng Abril.

Alinsunod sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Regulation No. 24-022, pagbabawalan ang mga e-bike, e-tricycle, tricycle, pedicab, pushcart, at kuliglig sa mga national, circumferential, at radial road ng National Capital Region (NCR).

“Due to the proliferation of e-vehicles, the MMC deemed it imperative to regulate and penalize those who will traverse the national roads using such means of transportation,” ani MMDA Acting Chairman Don Artes sa isang press conference noong ika-28 ng Pebrero.

Binigyang-diin naman ng tsuper sa toda sa ilalim ng LRT-1 Vito Cruz Station na kung matutuloy ang MMDA Regulation No. 24-022 ay mawawalan siya at ang kaniyang mga kapwa-tsuper ng hanapbuhay.

“Malaki ang epekto sa buhay namin niyan kasi ito lang naman ang hanapbuhay namin. Dapat hayaan lang kaming gumamit ng anumang kalsada dahil kung sakaling hinigpitan pa nila ‘yan, ano na ang magiging trabaho namin? Paano kami kikita?” aniya.

Samantala, nilinaw ng MMC na hindi nila inaalis ang hanapbuhay ng mga tsuper at ang mas abot-kayang paraan ng transportasyon sa mga komyuter, ngunit dapat gumamit lamang sila ng mga lokal na kalsada.

Iminungkahi naman ni Rodel na nararapat magkaroon ng linya sa national roads ang mga tricycle at e-bike sa halip na tuluyang paghigpitan ang regulasyon sa mga ganitong uri ng transportasyon.

“Dapat mabigyan kami ng sariling linya [tricycle at e-trikes] sa national road, hindi iyong ipagbabawal na lamang nila nang basta-basta. Wala naman kasing pasahero diyan sa mga eskinita,” saad ni Rodel.

Binanggit naman ng MMDA na wala itong problema sa e-bikes o e-tricycles, ngunit kailangan pa rin ang pagpaparehistro at pag-aatas ng lisensya sa pagmamaneho sapagkat 554 aksidente, kabilang ang e-vehicles, ang naganap noong nakaraang taon sa NCR lamang.

“Kung tutuusin nga, tama ang batas kasi kaligtasan din naman namin. Pero mali ang pagpapatupad nila nito dahil hindi ito makamasa,” wika ni Rodel.

Mapapatawan ng multang aabot sa P2,500 ang mga lalabag sa regulasyon at ipapa-impound naman ang “electric-powered motor vehicles and tricycles” kung hindi kukuha ng lisensya ang mga motorista nito.

Pandayan

BA PATUNGO?

Bahid

ng kinabukasan Estudyante mula iba’t ibang

paaralan, kumasa sa DCAT

Buong kumpiyansang hinarap ng mga aplikante ang De La Salle University (DLSU) College Admission Test (DCAT) para sa panuruang taon 2024-2025 na idinaos buong Enero tuwing araw ng Linggo.

“DCAT felt so surreal, kasi ever since I was a kid, I am a fan of DLSU. Tuwing napapadaan kami sa Taft for the past 6-8 years, DLSU always feels like home. And, ang makatungtong finally sa DLSU gave me more reasons to believe na kaya ko makapasok sa dream school ko,” pahayag ni Airam Tumbocon, isang aplikante mula sa Don Bosco Technical College Mandaluyong.

Isang masayang karanasan din umano para kay Louis Burbos ng Oriental Mindoro National High School ang kumuha ng DCAT kahit bahagyang nahirapan sa exam dahil naniniwala siyang maibibigay ng DLSU

PARA! SA TSUPER

PUV Donation Drive, pinangunahan ng DLSU-M SHS, MaSci

Nagsanib-puwersa

SA

SA

ng batayang

ang dekalidad na pagtuturo kung saan mahahasa ang kanyang kaalaman at kakayahan.

“Nag-apply ako sa DLSU dahil isa sila sa mga nangungunang university sa Pilipinas at generous din sila sa mga scholarships. Hindi ko na rin pinalagpas ang chance ko dahil libre naman ang application fee para sa mga public school students,” ani Burbos.

Samantala, ang mga mag-aaral ng DLSU Senior High School na may general average na 2.00 pataas noong nasa ika-11 baitang ay hindi na kinakailangang sumailalim sa DCAT at ibabase na lamang sa grado ang kanilang admisyon. “Napakalaking advantage nito sa aming mga Lasalyano, lalo na sa mismong pagproseso ng aming qualifications. Natapos ko nga lang ito [aplikasyon] sa isang upuan dahil nasa records na ng DLSU ang aking mga

ang De La Salle University - Manila Senior High School Student Council

SC)

Kaya Natin! Youth ng Manila Science High School (MaSci) sa paglulunsad ng isang donation drive noong ika-10 hanggang ika-26 ng Enero upang magbigay-tulong sa mga operator at driver na apektado ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Umabot sa 128 packs ang mga nabalot na donasyon na naglalaman ng mga pagkain, gamit pang-hygiene tulad ng sabon, at damit, ayon sa inilabas na transparency report ng konseho noong ikalawa ng Pebrero sa kanilang Facebook page.

Giit ni DLSU-M SHS SC ABM Representative Cyrus Salvador, bukod sa pagbibigay ng ilan sa mga pangunahing pangangailangan ng mga jeepney at PUV operator, pinapanatili rin umano ng naturang donation drive na buhayin ang kamalayan ng mga Lasalyano ukol sa mga isyung kinakaharap ng bansa.

“Naniniwala ang konseho na malaking hakbang sa tagumpay ng donation drive na ito ang komunidad ng DLSU. Sa pamamagitan nila [DLSU community], nagkakaroon ng boses ang mga [PUV] driver at operator, at sa maliit na tulong, nakapagbibigay ito ng ngiti at ginhawa kahit sa maikling panahon,” aniya.

Binigyang-diin din ni Jana Reyes, mag-aaral

grades. Hindi na namin kailangang mag-exam at hindi na rin dodoble ang aming hirap sa pag-maintain ng aming grades at pagpasok sa DLSU sa college,” bahagi ni Hanielyn Gadin mula STEM 12-N. Binuksan ang aplikasyon noong Setyembre 18, 2023 hanggang Disyembre 12, 2023, na iniusad hanggang Disyembre 20 ng parehong taon dulot ng halos isang buwang maintenance matapos ang data security incident noong Oktubre.

“Ang laking sagabal noong time na nagka-data breach dahil patapos na ako noon, tapos dahil sa incident na ‘yon nagrestart ako. Tapos dahil doon, late akong nakahingi ng grades mula sa school, kaya kinabahan ako na ‘di ako aabot,” ayon kay Tumbocon.

Iginiit din ni Neil Villaroman, aplikante mula sa Holy Infant Academy of Calapan na hindi naman gaanong naging sagabal ang insidente ngunit dapat na siguraduhin ng pamunuan na secured ang kanilang website dahil maraming sensitibong datos ang ibinibigay ng mga estudyante sa aplikasyon.

Ilalabas ang resulta ng aplikasyon sa unang linggo ng Mayo 2024 sa Frosh Results Inquiry Page.

mula sa STEM 12-N, na ang jeepney phaseout at ang pangangailangan ng mga operator ng PUV na palitan ang kanilang mga sasakyang-pampasada ang nagudyok sa kanyang tumulong sa inisyatibo.

“Bagama’t sumasang-ayon ako na mahalaga ang pagtulong sa pagliligtas sa kapaligiran, napakahalaga rin ang mga kabuhayan ng ating mga Pilipino. Mayroon silang mga pamilyang dapat suportahan at kung wala ang kanilang pangunahing pinagkukunan ng kita, ito ay maaaring nakakaabala sa kanilang kapakanan,” saad ni Reyes. Ipinamahagi ang mga nalikom na donasyon sa mga miyembro ng San Andres Bukid Jeepney Operators and Drivers Association (SABJODA) at SM Pala Pala Area Cavite Jeepney Operators and Drivers Association (SMPACJODA) noong ikapito ng Pebrero sa DLSU South Gate.

(DLSU-M SHS at
BALITA 03
Ni Hazel Marie Caccam Ni Hannah Jelyn De Chavez
SA PANGARAP. Pagdagsa ng mga aplikante sa araw ng DCAT, baon ang determinasyong makapag-aral sa Pamantasang De La Salle. Kuha ni Timothy Guingab Kapsyon ni Jillian Del Rosario
HAKBANG
Kuha at Kapsyon ni Shaula Ortiz SAAN NA NGA sa mukha ng mga tricycle driver sa Taft Avenue ang kanilang dismaya sa trike ban. Kuha ni Alphonso Rafael Kapsyon ni Ryanne Padilla MULA PUSO TUNGO KABIG NG MANIBELA. Namigay pangangailangan gaya ng pagkain, damit, at hygiene kits ang DLSU SHS Student Council at Kaya Natin! - Youth MaSci sa mga jeepney drivers.

OPINYON

Mukhang kailangan nang palitan ng mga paaralan ang kanilang hymn ng Pen-pen, De Sarapen sapagkat ang kanilang matrikula ay mistulang ginto’t pilak na namumulaklak.

Isang matalim na tinik sa lalamunan ng mga mag-aaral ang paghingi ng mga pribadong unibersidad sa Commission on Higher Education (CHED) ng karagdagang dalawa hanggang sampung porsyento sa matrikula sa kasalukuyang taong panuruan. Isa na rito ang pamantasan ng De La Salle University (DLSU) na kamakailan ay naganunsyo ng limang porsyentong tuition increase. Kaya naman bilang pag-apula sa nakakapipinsalang apoy ay itinatag ng University Student Government (USG) ng DLSU ang programang Multi-Sectoral Consultative Committee on Tuition Fee (MSCCTF) upang hindi na tuluyang maghikahos ang mga mag-aaral.

Ang MSCCTF ay isang komite na binubuo ng iba’t ibang sektor ng unibersidad na naglalayong ipaintindi sa

mga mag-aaral ang dahilan ng pagtaas ng tuition at kung paano ito makokontrol.

Kabilang sa mga programa ng MSCCTF ang diskusyon sa bawat klase, pagiinterbyu, paggawa ng placard, unity walk at USG MSCCTF proposal. Ang komprehensibong plataporma ng USG ay makatutulong upang umalingawngaw ang boses ng mga mag-aaral para magising sa kahibangan ang pamunuan ng mga paaralan at ihinto ang pag-akyat ng matrikula.

Batay sa pahayag ng USG, dahil sa lumalalang inflation sa bansa ay kailangang bantayan ang tuition fee increase upang mabigyan ng pagkakataong makaahon ang mga mag-aaral at kanilang mga pamilya. Sa katunayan, sa lumabas na sarbey na ginawa sa paaralan, higit sa 50% ng mga mag-aaral ay binabalak na ihinto ang kanilang edukasyon kung matutuloy ang pagtaas ng matrikula. Nakapanghihilakbot na maraming pangarap ang mapuputulan ng pakpak sapagkat ang ipinangakong kalidad na edukasyon ay ang mga

Tinig Lasalyano: Batay sa sarbey, 49% ng mga mag-aaral ang binabalak na ihinto ang kanilang edukasyon dulot ng tuition increase Tunghayan ang nag-aalab na saloobin ng mga Lasalyano rito:

Hannah Jelyn P. De Chavez

Punong Patnugot

Althea S. Barlis

Ikalawang Patnugot

Andrea Marie O. Tapis

Tagapamahalang Patnugot

Keith Brendan G. Zamora

Patnugot ng Balita

Nathaniel James D. Estavillo

Katuwang na Patnugot ng Balita

Hazel Caccam, Lorraine Bonifacio,

ipinanganak na may kutsarang pilak lamang ang makalalasap.

Pamatay na kombinasyon din ang pagtaas ng tuition at ang desisyon ng CHED na hindi na popondohan ng gobyerno ang mga mag-aaral at guro na lumipat sa state universities and colleges (SUCs) at local universities and colleges (LUCs) sa senior high school. Kasabay pa nito ang paglobo ng miscellaneous fees sa mga pampublikong unibersidad na siyang inaprubahan ng pamahalaan. Nakapanlulumong tila suntok sa buwan na para sa mga estudyante na mairaos ang kanilang edukasyon dahil sa gagabundok na pagsubok na hinaharang ng mga pamunuan.

Bukod pa rito, nagsisilbing mitsa sa apoy ang inaasahang pagtaas ng inflation rate sa bansa sa pahirapan sa pagbabayad ng matrikula. Batay sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), maaaring umabot sa 3.7% ang inflation para sa taong 2024. Ang pang-ekonomiyang alalahanin na ito ay isa pa sa mga dahilan upang hayaan munang huminga ang mga mag-aaral at isulong ang tuition freeze. At hindi lamang sa ngayon danas ang tuition increase kundi taon-taon na nitong hinahampas sa likod ang mga mag-aaral. Sa katunayan, kahit noong pandemya, itinala ng CHED na nagkaroon ng 12.06% na pagtaas sa matrikula. Isa itong sentimyento na matagal nang dumadausdos ang tuition increase at mukhang walang balak itong ipreno. Kaya naman nangangailangang mas lakasan pa ang pagpara ng sambayanan upang hindi na makuba ang mga mag-aaral at kanilang magulang. Sandamukal na alkansya na ang binasag ng mga mag-aaral para lamang matustusan ang kanilang edukasyon. Kailangang huwag magtaingang-kawali ang CHED sa hinaing ng mga magaaral at kilatisin muna nang mabuti ang proposisyon sa tuition increase bago ito aprubahan. Nawa ay itali na ng mga unibersidad ang sipit na namimilipit sa bulsa ng mga estudyante sapagkat kahit na hindi maglaro ng sawsaw suka ay ang mga mag-aaral ang mahuhuling taya.

Samantha Evangelista Nakagagambala ang mapusok na pagtaas ng tuition lalo pa at mayroong inflation.

Fiona Catalan Nakadidismaya na taon-taon na lamang nahihirapang makaraos ang mga magaaral.

PanaVerde

Patnugutan

Roan Alleah I. Palacio

Patnugot ng Opinyon

Ira Thei P. Laggui

Katuwang na Patnugot ng Opinyon

Micaela Isabel M. Forrosuelo

Patnugot ng Lathalain

Kimberly L. Dela Cruz

Katuwang na Patnugot ng Lathalain

Mhekaela Ann L. Kasubuan

Patnugot ng Agham at Teknolohiya

Andrei Carl C. Dungo

Patnugot ng Pampalakasan

Raphael Allen E. Salaya

Katuwang na Patnugot ng Pampalakasan

Barron Elwin N. Balboa

Patnugot ng Talatag

Stephen Evan M. Salugsugan

Katuwang na Patnugot ng Talatag

Althea Margarette S. Habulan

Patnugot ng Pagkuha ng Larawan

Mga Kontribyutor:

Principal Tricia Anne M. Castro

Luis Jhode S. Basio

Katuwang na Patnugot ng Pagkuha ng Larawan

Angela Denise A. Geronimo

Patnugot ng Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita

Laurence B. Hapin

Katuwang na Patnugot ng Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita

Moderator John Alfred V. Dalisay

Angela Mae A. Pamaos

Co-Moderator

Eyre Pasion, Calin Yap, Angelica Abilong, Miraclea Guiang, Juliana Rodenas, Fermon Pingol, Samantha Torres, Hermione Atayde, Alyzza Carag, Dax Dacanay, Zigmund Samarista, Glenice Cosue, Ashley Reyes, Jaymee Toh, Jillian Del Rosario, Angeline Faustino, Timothy Guingab, Miguel Martin, Shaula Ortiz, Ryanne Padilla, Kate Reboredo, Cyrus Salvador, Margareth Zoleta, Robian Esmas, Shania Minor Patnugot ng Sining Julia Althea M. Dy Dibuho ni Jaymee Toh
04 ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGMAG-AARAL NG DE LA SALLE UNIVERSITYINTEGRATED SCHOOLMANILA Pana Verde

Sa likod ng islogan na, ‘Truth that Matters,’ nagmistulang hipokrito ang Sonshine Media Network International (SMNI) sapagkat napatunayan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na lumabag ito sa pamantasan ng makatarungang mamamahayag dahil sa kanilang ginawang pagtataguyod ng malawakang disinpormasyon sa Pilipinas.

Naninindigan ang MTRCB sa desisyon nitong suspendihin ang dalawa sa mga programa ng SMNI, ang Gikan sa Masa, Para sa Masa ni dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa ilang mga pagbabantang pinangalandakan niya laban kay ACT Teachers Representative France Castro sa dalawa nitong episode noong nakaraang Oktubre at Nobyembre, at ang Laban Kasama ang Bayan na programa ni dating Presidential Communications Operations Office (PCOO) Lorraine Badoy-Partosa dahil sa kaniyang pagsasapubliko ng detalye ukol sa umano’y

Sa ulo ng mga nagbabagang disimpormasyon

Kaya naman, walang puwang sa bayan ang disimpormasyong mapanlinlang dulot ng kredibilidad na nakaangkla sa SMNI bilang isang pahayagang abot-kamay ng masa.

malaking travel funds ni House Speaker Martin Romualdez nang walang kongkretong basehan. Hindi nagkamali ang MTRCB sa pagpapatigil ng operasyon ng mga nasabing programa, yayamang nakasisira sa tiwala ng publiko ang kaliwa’t kanang pagiging bias ng baluktot na katotohanan. Isa ang SMNI sa mga nagkamit ng frequency na dating pag-aari ng nagsarang ABS-CBN matapos itong ipamahagi ng National Telecommunications Commission (NTC), tuntungan tungo sa mas malawak na populasyong makapapanood ng mga programa. Tila hilong talilong ang ahensiya sa pagbibigay-daan sa pahayagan na magkaroon ng mas maraming tagapakinig ng mga balitang nasa pagitan ng mapagkakatiwalaang impormasyon at disinpormasyon.

Dagdag pa rito, hindi nakatutulong ang kagila-gilalas na listahan ng mga krimeng dawit ang pangalan ng may-ari ng brodkasting media na si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Pastor Apollo Quiboloy. Isa sa mga akusasyon laban sa pastor ay ang alegasyon ng

Ikot-Ikot Lang

Tila mga rotor ng helikopter ang kaban ng bayan sapagkat patuloy ang pag-ikot nito sa mga daliri ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kasabay ng walang katapusang siklo ng kahirapan at kakulangan na sinasapit ng mga Pilipino.

Matatandaang naging sampal sa mga Pilipino ang pagdalo ng Pangulo sa concert ng bandang Coldplay gamit ang presidential helicopter na kaniyang naging paraan upang maiwasan ang mabigat na trapiko sa Maynila, na banta umano

Sa huli, patuloy na magigisa sa sariling mantika ang bansa kung hahayaang ang ating buwis ang magsisilbing punla ng kaginhawaan ng mga buwaya.

Bigyang-pansin

Gintong Susi

sa kaniyang seguridad. Insensitibo at hindi makatao ang kaniyang naging kilos dahil insulto ang idinulot nito sa milyon-milyong mamamayang araw-araw na tinitiis ang mga pagsubok na kaakibat ng pagkocommute. Kaya naman hindi kataka-takang lumobo nang 58% ang kaniyang travel funds para sa taong ito kung ikukumpara sa kaniyang naging badyet noong nakaraang taon na P893-milyon. Dinepensahan ni Marcos ang kaniyang sarili laban sa mga kumukuwestiyon sa mga prayoridad sa badyet. Kailangan umano ang kaniyang pisikal na presensya dahil kung hindi niya pangungunahan ang pagpapakilala, hindi kailanman tatatak ang Pilipinas sa balat ng lupa. Dagdag pa niya, “I am the new kid in the block, nobody knows who I am. I need to introduce myself.” Subalit ang pagwawaldas ng malaking halaga ng kaban ng bayan ay hindi na sana kinakailangan kung hayag ang kahusayan sa pamamahala sa Pilipinas. Hayaang ang kredibilidad ang magsalita dahil sa huli, walang saysay ang hindi mabilang na biyahe kung pagbalik sa bansa ay wala namang naiuuwi.

pananamantala nito sa mga menor de edad na bahagi ng relihiyon na umano’y iniuugnay sa sexual trafficking ang kanilang pagpunta sa Amerika. Payaso si Quiboloy sa patuloy na pag-ere ng SMNI sa kabila ng mga patongpatong na kaso ng paglabag sa karapatang pantao ng mga biktima nito.

Maituturing na krusyal na pundamental ang trabaho ng media sa paghahatid ng mga balitang may layuning ilahad ang bawat detalye ng kaganapan sa bansa nang may katotohanan at walang kasinungalingan. Kaya naman, walang puwang sa bayan ang disimpormasyong mapanlinlang dulot ng kredibilidad na nakaangkla sa SMNI bilang isang pahayagang abot-kamay ng masa. Bilang isang Pilipino, nararapat na maitatak sa isipan ni Juan ang kahalagahan ng pagiging mapanuri sa mga impormasyong ating nilulunok — sapagkat ang isang matalinong mamamayan ay kaisa sa pagkakaroon ng mas makatotohanan at may kredibilidad na sanggunian.

Bagama’t iginigiit ni Presidential Communications Office Secretary Cheloy Velicaria Garafil na ang itinaas na badyet ng Pangulo ang tulay upang makaakit ng mas maraming investment pledges, nilinaw ni Senador Panfilo Lacson na ang pledges ay hindi aktuwal na investments dahil ang malaking bahagi ng halagang ito ay nasa yugto pa lang ng pagpaplano at walang kasiguraduhan kung ito ba talaga ay maisasakatuparan.

Patuloy ang pag-aalimpuyo ng apoy kung saan kaliwa’t kanan ang krisis na kinakalaban ng iba’t ibang sektor ng ating lipunan, kabilang na ang edukasyon, agrikultura, ekonomiya, at

Kinakalawang naman ang kandado ngunit bakit ang susi na makapagbubukas dito ay kailangang gawa pa sa ginto?

Isang napakalaking yugto sa buhay senior high school student

lamang ang pinoproblema, pasan pa ang patong-patong na mga bayarin. Taon-taong nagbubukas ang registrar ng mga paaralan ng Request for Documents (RFD) facility kung saan kinakailangang magbayad ng mga estudyante ng P100 o higit pa sa bawat dokumentong kanilang hihingin para sa mga aplikasyon. Sa hindi kanais-nais na sitwasyon, ganito rin ang sistema ng Office of Academic Services for Integrated School (OASIS) ng De La Salle University Senior High School (DLSU-SHS). Masakit ito sa bulsa lalo na’t kadalasan ay iba’t iba ang pormat ng mga dokumentong hinihingi ng mga kolehiyo, dagdag pa ang kani-kanilang application o testing fee na humigit-kumulang P200 hanggang P800. Dahil sa mataas na presyo ng RFD, nalilimitahan ang mga oportunidad ng mga mag-aaral. Bilang isang estudyanteng hindi pa rin lubos na sigurado sa programang kukunin at bilang isang iskolar na hindi alam kung saan pupulutin kung hindi muling makatatanggap ng scholarship mula sa DLSU sa kolehiyo, hangad ko sanang magapply sa mas marami pang pamantasan upang mas dumami ang maaari kong mapagpilian. Ngunit tila sa panaginip ko na lamang ito masasaksihan dahil hindi ko masisikmurang gumastos ng napakalaki sa bawat kolehiyong aking aaplyan. Isang kabalintunaan din na nag-apply ako sa mga scholarship para sa tulong-

transportasyon. Sa halip na walang saysay na paglalakbay, mas mainam na mapagtanto ng administrasyon na ang suliranin ng masa ay mas lokal kumpara sa nakapinta sa kanilang imahinasyon. Ang kaban ng bayan ay dapat ginagamit upang mapagsilbihan ang mga Pilipino at hindi upang mapondohan ang luho’t pansariling benepisyo ng mga sakim at walang simpatya sa tao. Bilang taxpayers, may karapatan tayong bumoses sapagkat dugo at pawis ang ating isinasakripisyo upang makapagbayad ng buwis. Kung ang Coldplay ay kayang mapakinggan ng Pangulo, marapat lang din na magawa niyang makinig sa tinig ng mga tao. Walang sinuman ang dapat tiisin ang harap-harapang astang-garapal ng mga tagapaglingkod na tayo dapat ang pinagsisilbihan. Sa huli, patuloy na magigisa sa sariling mantika ang bansa kung hahayaang ang ating buwis ang magsisilbing punla ng kaginhawaan ng mga buwaya.

pinansyal, ngunit nalagasan lang din ako ng pera sa proseso nito. Isang halimbawa ay noong inaasikaso ko ang aking aplikasyon para sa Department of Science and Technology (DOST) scholarship. Kinailangan kong magbayad ng P100 kada papeles para lamang sa digital na pirma ng kinauukulan. Kung pisikal na kopya pa ang hiningi ko ay P200 ang presyo kada dokumento. Mapapatanong ka na lamang, katas ba ng ginto ang tinta ng kanilang pluma? Bagama’t naiintindihan kong ang mga bayarin sa entrance exams at RFD ay bayad sa oras at tiyaga ng mga nagpoproseso nito, hindi pa rin makatarungan ang mataas na presyo nito, lalo na sa mga gumagapang sa laylayan ng lipunan. Kung sino pang higit na nangangailangan ng kalidad na edukasyon ay sila ring pinagkakaitan ng pagkakataon. Hindi rin naman madaling makakuha ng scholarship o makapasa sa state universities and colleges (SUC) dahil sa tindi ng kompetisyon, kaya’t pinipili na lamang na mamilipit sa gastusin para sa ‘magandang kinabukasan.’ Paano ka nga ba aahon sa kahirapan kung ang kinakalawang na sistema ng edukasyon mismo ang bumabaon sa iyo pailalim?

Sa gayon, nawa’y mabigyang konsiderasyon ng pamunuan ng mga paaralan at ng mga kolehiyo na babaan ang presyo ng RFD at testing fees upang mas mabigyan ng oportunidad ang mga mag-aaral na sumubok sa hindi lang isa, hindi lang dalawa, kundi sa iba’t ibang pamantasan. Sa ganitong paraan ay mas masisiguro naming mayroon kaming patutunguhan sa kolehiyo na hindi lamang praktikalidad ang isinasaalang-alang, bagkus ay ang aming matatayog na mga pangarap. Hindi aasenso ang isang lipunan kung pera ang humahadlang sa mga kabataang makamit ang maginhawang bukas, sapagkat mapapatunayan lamang natin na sila nga ang pag-asa ng bayan kung ang dekalidad na edukasyon ay malalasap nila, naming lahat.

Mapapatanong ka na lamang, katas ba ng ginto ang tinta ng kanilang pluma?

Hannah De Chavez

OPINYON 05
,,
Eyre Pasion
,,
,,
Dibuho ni Julia Dy
Alibughang Pamamahayag
Apuhap Dibuho ni Robian Esmas

Riding in tandem

Hindi lamang sa kalye mamamataan ang pandurugas ng mga kriminal kundi pati sa Malacañang ay talamak ang paghuhugas ng kamay ng mga balakyot.

Nakapanghihilakbot ang deklarasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi siya makikipagugnayan sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa War on Drugs ni dating presidente, Rodrigo Duterte. Paliwanag ni Marcos na naniniwala siyang banta sa soberanya ng Pilipinas ang imbestigasyon ng ICC kaya naman walang balak tumulong ang pamahalaan dito. Isang kahibangan ang ideolohiyang ito sapagkat ang tanging banta sa kasarinlan ng mga mamamayan ay ang mala-hayop na pamamalakad noong kasagsagan ng war on drugs ni Duterte. Sa katunayan, batay sa Human Rights Watch at iba pang human rights groups, humigit kumulang 27,000 katao ang kinitil ng Oplan Tokhang ni Duterte. Parang kutong madaling tirisin ang turing ng dating pangulo sa libo-libong buhay na ito at ang masaklap pa ay karamihan sa kanila ay inosenteng sibilyan lamang. Kahit ang mga menor de edad ay hindi nakalagpas sa katok ni kamatayan at 122 sa kanila ay binawian din ng buhay batay sa ginawang dokumentasyon. Hindi rin nakapagtataka ang ginawang paglisan ni Duterte sa ICC sapagkat ang isang kriminal ay takot na tumambay sa prisinto. At ngayon, pati si Marcos ay mukhang walang balak bumalik sa ICC ayon sa kanyang naunang pahayag. Subalit, maituturing na huli na ang pagtakas ni Duterte sapagkat nasimulan na ng ICC ang imbestigasyon bago pa lumisan ang Pilipinas dito. Sa kabila nito ay may ilan pa ring

ABNKKBSNPLAko?!

Matagal nang pundi ang tanglaw ng mga mag-aaral kung kaya’t hindi makaalpas sa madilim na estado ang edukasyon sa bansa.

Isiniwalat ng Programme for International Student Assessment (PISA) na isang pampublikong paaralan lamang sa National Capital Region (NCR) ang nakakuha ng pasadong marka sapagkat ang mga Pilipinong mag-aaral ay napagalamang nahuhuli ng lima hanggang anim na taon pagdating sa pagbabasa, agham, at matematika. Para tuloy nabutasan ang kalasag ng mga pag-asa ng bayan sapagkat salat sila sa kaalamang siyang mag-aangat sa kinabukasan ng perlas ng silanganan.

Sinambit ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte na inihahayag ng ranking ng bansa ang itinuturing niyang “hindi komportable na katotohanan” tungkol sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Pang-77 ang Pilipinas sa 81 na bansa sa pamantayan ng resulta ng Organization for Economic Co-operation and Development (OECD). Bawat minuto ay nagiging malabo

Bawat minuto ay nagiging malabo ang nilalayong estado ng bansa dahil hindi umaayon ang mga ipinapatupad na polisiya sa kasalukuyang realidad ng estado ng sistema ng edukasyon, dagdag pa ang kawalan ng kapasidad at konsiderasyon ng mga nakaupo.

ang nilalayong estado ng bansa dahil hindi umaayon ang mga ipinapatupad na polisiya sa kasalukuyang realidad ng estado ng sistema ng edukasyon, dagdag pa ang kawalan ng kapasidad at konsiderasyon ng mga nakaupo. Kung ganito ang ipinapakitang resulta, malinaw na mayroong dapat ayusin. Walang sapat na kahandaan ang sistema ng edukasyon na tugunan ang mga pangangailangan hindi lamang ng mga mag-aaral kundi pati na rin ng mga guro. Dahil sa kakulangan sa kahandaan ng mga guro na mabisang maituro ang pagbabasa, agham, at matematika, nahihirapan ang mga estudyanteng unawain ang mga konsepto at katanungan na nakaangkla sa kakayahan nilang umunawa ng teksto at balarila. Kahit na palaging pinapakabisa ang mga aralin sa mga bata, kung hindi naituturo ng guro ang malalim na pag-unawa at wastong paggamit sa mga ito, wala ring kahihinatnan ang kanilang kakayahan.

Nag-uugat ang krisis na ito sa mababang literacy rate ng bansa. Ayon kay University of the Philippines College of Education faculty member Portia Padilla, mayroong mga pananaliksik na nagpapakitang ilan sa mga gurong kasalukuyang nagtuturo ng pagbabasa ay hindi rin nagtataglay ng mga pangunahing kakayahan na kailangan sa pagtuturo nito. Bukod pa rito, kaunti lamang ang magagawa ng mga guro sa limitadong mapagkukunan ng materyales at kakulangan sa silid-aralan sa pangmatagalang problemang ito. Sa kalauna’y maisasalin ang kahinaan ng mga mag-aaral sa kahinaan ng mga manggagawa sa hinaharap na siyang makaaapekto sa pagiging produktibo at mapagkumpitensyang kalidad ng ekonomiya sa bansa.

Upang makagawa ng mga desisyong naaayon sa pagbuo ng mga epektibong patakaran at kurikulum, nararapat lamang na magsagawa ng higit pang pananaliksik ukol dito. Hindi sapat ang pagtutok sa kurikulum para sa PISA lamang; kundi dapat ay matutukan din ang mga guro sa paghubog ng mga batang may kasanayan sa pagsusuri, pagsasaliksik, at pagkakaroon ng kritikal na pag-iisip. Kinakailangan ang isang edukasyong nakatutok sa ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino gaya ng intelektwalisasyon ng wikang Filipino sa pamamagitan ng pag-iimplementa ng Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE) upang magkaroon ng mas malalim na kaunawaan ang mga estudyante. Sinasalamin ng mga markang ito ang kinakailangang pagsisikap ng bansa para sa pagbabago ng takbo ng ipinangakong edukasyon at kinabukasan. Kung hindi aayusin ng mga nasa posisyon ang sistemang nakapaparam, tila sinusugal na lamang nila ang kapakanan ng mga mag-aaral, guro, at kanilang mga pamilya. Ang pagtunganga’t paghihintay para sa inaasahang tagumpay ay balakid sa dekalidad na edukasyon, sapagkat nararapat na makamtan ng lipunan ang inaasam nitong tanglaw ng kinabukasan.

panig sa desisyon ni Marcos dahil sinabi anya ng Pangulo na may kapasidad na ang Korte Suprema ng bansa para maglitis sa Pilipinas. Pero, kabulastugan pa rin ang pahayag na ito sapagkat under-da-saya ang hudikatura sa Pilipinas. Kung talagang may sapat na kakayahan ang Justice Department ay nakakamtan na sana ng mga biktima ang hustisyang kanilang inaasam–asam.

Tunay na nakakukulo ng dugo ang pagtataingang-kawali ni Marcos sa imbestigasyon ng ICC. Salungat sa kanyang sinumpaan sa sambayanan ang ginagawa niyang pagtatakip-butas kay Duterte – kaya nararapat na magising na siya sa kabuangan. Sapagkat, kahit gaano kabilis ang takbo ng riding-in-tandem ay hindi nila matatakasan ang kanilang madilim na anino.

Parang kutong madaling tirisin ang turing ng dating pangulo sa libolibong buhay na ito at ang masaklap pa ay karamihan sa kanila ay inosenteng sibilyan lamang.

Numero-Datos

Pilipinas sa Estadistika ng PISA 2022

Pangkalahatang Resulta

Ang PISA (Program for International Student Assessment) ay isang pandaigdigang pagsusuri na sinusukat ang kasanayan ng mga mag-aaral sa larangan ng pagbabasa, matematika, at agham. Ang Pilipinas ay ika-77 sa 81 na lumahok na bansa.

,,
Roan Palacio
OPINYON 06
,,
reading literacy score 347 average science literacy score 356 average mathematics literacy score 355
average
347 356 355
Dibuho ni Jaymee Toh Habang may Tatsulok Tanglaw

Agawan Base Pagbabalik ng Sampung Salot

Patuloy na pumapatak ang pawis ng mga nagtataya-tayaan sa daluyong ng karagatang pinag-aagawan.

Patuloy na lumulukso sa West Philippine Sea ang nanggigitgit na mga sasakyang pandagat ng China Coast Guard (CCG) upang daluhungin ang mga bangka ng Pilipinas. Ngayong Marso ay naperwisyo ang ilang Pilipino matapos silang bombahin ng water cannon ng (CCG) sa Ayungin Shoal. Sa laro kung saan mahilig mandapa ang madugas mong kalaban, inaasam lamang ng mga manlalaro ang panahong magiging peklat ng kahapon ang mga sugat na ngayo’y hindi pa mahilom-hilom.

Kinakatawan ng Tsina na ang pikuning taya na hindi sineseryoso ang hinaing nila sa larong ito’y ang Pilipinas. Nagdudulot ng ‘di pagkakaunawaan sa rehiyon ang walang-patid nilang ibinabatong mga akusasyong lumalabag ang Pilipinas sa kanilang soberanya’t teritoryo upang masigurong hindi maaangkin sa kanilang tampisawan. Ngunit, sila ang nagpapakita rito ng mga hakbang tungo sa militarisasyon at ambisyosong pangteritoryo gaya na lamang ng idinudulot nilang pangamba’t pasakit sa kaligtasan at seguridad ng mga mamamayang naaapektuhan ng mga agresibong paglabag sa karapatan.

Alinsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at 2016 Arbitral Award, nakapaloob sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas ang mga ginagambala nilang teritoryo. Hindi nila maaaring pigilan ang mga Pilipinong makapangisda sa pinagmamay-aring karagatan ng bansa. Sa gayon ay lihis sa katotohanan ang iginigiit ng kalaro ng Perlas ng Silanganan na lehitimo ang mga ipinapatupad nilang patakaran sapagkat wala itong batayan sa internasyonal na batas.

Panakip-butas ang regular bilateral dialogues ng dalawang bansa upang mabawasan ang tensyon ng agawan kung taliwas sa mga kataga ang mga inaasta. Nawawala ang katarungan ng mga patakaran sa agawan dahil sa sinasadyang pamamahayag ng maling impormasyon ng mga kalabang nakaupo

Sa laro kung saan mahilig mandapa ang madugas mong kalaban, inaasam lamang ng mga manlalaro ang panahong magiging peklat ng kahapon ang mga sugat na ngayo’y hindi pa mahilomhilom.

sa gawa-gawang trono ng taya-tayaang ito. Mas nabibigyang-diin tuloy ng mga ilegal at iresponsable nilang pagkilos ang pagdududa ng iba na walang bahid ng sinseridad ang ibinabandera nilang katapatan sa isang mapayapang usapan. Kaugnay nito, inilantad ng isang sarbey na isinagawa ng Pulse Asia na 8 sa 10 na Pilipino ang nagnanais na makipagtulungan ang bansa sa Estados Unidos upang maalwan ang tensyon. Ngunit, imbes na kaladkarin ang nasabing bansa sa agawang ito, mainam kung palakasin ang alyansa’t makipagsanibpuwersa sa mga bansang kabilang sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Dahil sa kabilang ang Pilipinas sa internasyonal na komunidad na ito, mas mabisang paraan ang pakikipagtulungan sa ASEAN upang makabuo ng isang common position. Sa pamamagitan nito’y magkakaroon ng kolektibong suporta at pagtutulungan sa pangangalaga ng kapayapaan at seguridad sa rehiyon ng West Philippine Sea. Kalakip nito ang kumpiyansa ng bansa sa pagsasagawa ng legal na aksyon, kung kinakailangan ito, sa mga rekurso ng batas upang ipagtanggol ang karapatan sa teritoryo nito. Kinakailangang magpakita ng pangil ang mga Pilipino sa hindi makatarungang pagtrato ng kalaro. Matibay na determinasyon na ipagtanggol at protektahan ang hurisdiksyon ng bansa sa West Philippine Sea ang dapat maudyok sa bawat kababayan. Mahalagang may kaalaman at kamalayan ang mga mamamayan sa usaping pangkaragatan upang magtulungang hindi magpatinag sa banta ng mga katagang-hungkag ng Tsina. Hanggang sa kapusan ng hininga katatakbo ang dalawang magkalaban sa hindi pa natatapos na habulan, Pilipinas ang inaasahang nararapat magwagi sa inaabangang agawan.

Ipaglaban Mo

Ang Babasaging Sapatos ni Cinderella

Ilang libong babae man ang sumubok at pilit na pagkasyahin ang sapatos ni Cinderella, pumuti man ang uwak ay hindi ito kailanman magkakasiya kung hindi ito nakalaan para sa kanila.

Animo’y nag-aala-madrasta tayo ni Cinderella kung pilit nating pagkakasiyahin ang Independent Learning Week o ILW sa isang linggo na dapat sana’y nakalaan para sa sagradong tradisyon ng mga Pilipino. Dalawang beses nang ibinasura ng opisina ng Provost at Academic Council ang apila ng University Student Government na ilipat ang ILW sa ibang araw. Nauna nang i-anunsyo ng Unibersidad na ang ILW ay natatapat sa linggo na maituturing bilang pinakasagradong linggo ng mga katoliko–ang Mahal na Araw. Sa laban ng pagkatuto o pananampalataya, hindi makatarungan na sapilitan nating itulak ang mga mag-aaral at guro na pumili sa pagitan ng dalawa.

bago ang mga pagsusulit na nakatakdang maganap bago matapos ang isang termino. Bagaman isang pangangailangan ang linggong ito, hindi ito kinakailangang isabay sa isang sagradong tradisyon na mayroong malaking ambag sa ating diwa at pagkatao bilang mga mag-aaral sa isang paaralang Katoliko. Isang kabalintunaan ang pagsasagawa ng mga akademikong alituntunin sa kabila ng Mahal na Araw, winawasak hindi lamang ang kahalagahan ng linggong ito kundi maging ng tunay na dahilan kung bakit na nakalilok ang ILW sa ating kalendaryo. Ang ILW ay nakatakdang maganap sa linggo bago ang nalalapit na finals ng mga mag-aaral. Dahil dito, ang mga araw na dapat sana’y ilalaan ng mga mag-aaral upang paghandaan ang mga pagsusulit ay mahahati sa dalawa, isinasaalang-alang ang kanikanilang mga kultural at espirituwal na tungkulin. Malaking bahagi ng ating pagkatao

kultura ng sambayanan. Malinaw na kinakailangan ng ahensya ng edukasyon para sa mas malalim pang pang-unawa hindi lamang sa personal na pangangailangan ng mga estudyante, kundi maging sa kanilang mga kultural na mga paniniwala at tradisyon. Karapat-dapat ang mas maayos na sistema para sa mga ganitong uri ng linggo upang matiyak na hindi masasayang ang pitong araw na dapat sana’y nakalaan hindi lamang para sa ating mga sarili at pang-akademikong responsibilidad, kundi maging para sa relihiyon at kultura na patuloy na inilililok sa atin ng Unibersidad bilang mga Kristiyano.

Ngayon, higit na kailanman, huwag sana nating piliting pagkasyahin ang isang linggo na mula pa noong una’y hindi na inilaan para sa bahaging iyon ng kalendaryo sapagkat sa ganang ito, unti-unting hihina at mababasag ang esensiya ng hindi lamang ng ating edukasyon bilang

Daig pa ng nagpepenitensya ang mga mamamayan sa Gaza Strip sa dami ng latay na kanilang dinanas kaya naman nararapat lamang ang ginawang pagsuporta ng Pilipinas sa humanitarian ceasefire na isinulong ng United Nations (UN) General Assembly.

Sa kabila ng pagpayag ng Pilipinas sa humanitarian ceasefire, matatandaang dati ay naging alkohol sa mahapding sugat ng mga Palestino ang administrasyon matapos itong mag-abstain sa humanitarian truce ng UN sa pagitan ng Israel and Hamas. Nakapanlulumo ang duwag na tutang asal ng pamahalaan sapagkat ang hakbang na ito ay humantong sa tone-toneladang bangkay na maaari sanang napigilan ng mga lider ng bansa. Sa kasalukuyan ay 18,400 na Palestino at 1,200 na Israelita ang nakitil sa Gaza kabilang na ang mga sibilyan na naipit lamang sa madugong labanan. Kaya naman hindi napigilan ng mga raliyista na iparating ang kanilang pagkadismaya sa kakulangan sa aksyon ng administrasyon sa pamamagitan ng pagprotesta sa harap ng Israeli Embassy sa Maynila. Nanawagan din ang mga unibersidad ng karagdagang tulong sa delubyo sa Gaza. Kabilang na rito ang De La Salle University (DLSU) na ibinahagi ang pahayag ng Institute of Brothers of Christian Schools na kumukundina sa hindi makatarungang pagtrato at pagpatay sa mga Palestino. Hinihimok anya nila ang pagwawakas ng giyera at terorismo upang hindi na mayurak ang buhay ng mga inosente.

Paliwanag naman ng Department of Foreign Affairs (DFA), ang dahilan ng kanilang pag-abstain ay ang hindi pagbanggit sa resolution ng October 7 massacre of Israelis na siyang kinokondena ng Pilipinas. Tunay na mahalagang maisama ito sa resolusyon ngunit ang teknikalidad na ito ay hindi mas importante sa hangaring maghatid ng kapayapaan. Kahit na hindi perpekto ang nakaraang resolusyon ng UN, ang pagpayag dito ay may malaki pa ring lunas na maihahatid sa mapait na giyera sa Gaza.

Nakapanlulumo ang duwag na tutang asal ng pamahalaan sapagkat ang hakbang na ito ay humantong sa tonetoneladang bangkay na maaari sanang napigilan ng mga lider ng bansa.

Roan Palacio

Sa laban ng pagkatuto o pananampalataya, hindi makatarungan na sapilitan nating itulak ang mga magaaral at guro na pumili sa pagitan ng dalawa.

Ang Pilipinas ay hindi na bago sa panunupil ng ibang mga bansa kung saan daan-daang taon itong napasailalim sa giyera at pamumuno ng mga kolonisador. Kaya naman dapat ang Pilipinas mismo ang nakaiintindi kung gaano kahirap ang maipit sa kamay ng mga gahamang nasyon. At bilang may kakayahang mapigilan ito para sa Palestine at Israel ay obligasyon ng Pilipinas na hindi magduwag-duwagan at ipakita ang lubos na suporta sa pagpapatigil ng gulo sa Gaza. Hindi ito ang oras upang magmukhang tutang sunod-sunuran ang nasyon, habang hinahayaang unti-unting malagas ang buhay sa kabilang dako ng mundo. Marapat na magpakita ng tibay at puwersa ang gobyerno ng mga Pilipino laban sa isa pang pamahalaan na walang ibang ginawa kundi magsulong ng dahas at terorismo. Bukod pa rito, hindi lamang ito para sa kapanan ng mga Palestino kundi makabubuti rin ito sa mga overseas Filipino worker (OFW) na nasa Gaza. Sa kasalukuyan ay 120 Pilipino na ang nailikas mula sa Gaza Strip ngunit mayroon pa ring 17 na katao ang kapitbahay si Kamatayan.

Kaya naman sa bawat minutong lumilipas na nagpapatuloy ang giyera at animo’y pagong na nanonood lamang ang Pilipinas sa gitna ng gulo, nalalagay rin sa panganib ang buhay ng mga Pilipinong nais lamang maghatid ng magandang buhay sa mga pamilyang naiwan nila sa kanilang bayang sinilangan. Sa ganang ito, marapat lamang na kumilos na ang ang gobyerno ng bawat bansa gaya ng Pilipinas, at magburda ng isang komprehensibong planong aksyon na magliligtas sa bawat mamamayang naiipit ngayon sa Bawat minuto ay nagiging mas delikado ang kalagayan at kasarinlan ng mga mamamayan sa Gaza kaya naman walang karapatang magsayang ng oras ang mga lider ng bansa sa paggawa ng epektibong lunas. Marapat lamang na maipatupad ng UN nang maayos ang humanitarian ceasefire at kailangan ng administrasyon ng bansa na huwag umastang bahag ang buntot. Dahil kung hindi kikilos ay kahit tapos na ang kapanahunan ni Moises, ang tubig sa paligid ng Gaza ay mapapalitan ng dugo.

,,
Lorraine Bonifacio Tunay na sa pamamagitan ng ILW na isinusulong ng Unibersidad kada termino, ang pitong araw na ito ay animo’y mga araw ng kapayapaan bago ang nalalapit na unos, isang pagkakataon upang mamahinga, magnilay, at maghanda
,,
Althea Barlis
,,
OPINYON 07
PANIGsahan Urong walang Sulong
Dibuho ni Shannen Velasco

Mga Isaw sa Ihawan

Daig pa ng mga mag-aaral ang mga isaw sa nagniningas na uling dahil sa mapusok na init.

Kaya nararapat ang ginawang pagpaypay ng pamunuan ng De La Salle University (DLSU) sa pamamagitan ng paglipat ng modalidad tungong online mula Mayo 2-15. Subalit panandalian lamang ang solusyong ito dahil ang nararapat apulahin ay ang dalawang nagbabagang isyu, ang palyadong akademikong kalendaryo at ang kakulangan sa maayos na silid sa mga paaralan sa bansa. Matatandaang noong umarangkada ang pandemya ay nawindang ang sektor ng edukasyon kaya bilang tugon ay inilipat ang iskedyul ng pasok sa Agosto hanggang Mayo mula sa dating Hunyo hanggang Marso. Subalit sa ganitong desisyon ay naisangla ang kaginhawahan ng mga mag-aaral at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito natutubos. Kaya ngayong humupa na ang kaso ng COVID-19 ay nararapat nang bilisan ang panunumbalik sa dating pang-akademikong kalendaryo.

Batay naman sa Department of Education (DepEd) ay inaasahang matatapos ang transisyon sa taong panuruang 20272028. Ipinapahiwatig nito na matagal pang manunuluyan sa balat ng araw ang mga magaaral na maaaring maging balakid sa kanilang pagkatuto. Sa katunayan, batay sa Alliance of Concerned Teachers-National Capital Region (ACT-NCR), ang matinding init ay nakaaapekto

rin sa pagbaba ng atensyon at pagtaas sa bilang ng mga estudyanteng lumiliban. Bukod pa rito, napag-alaman ng sarbey ng ACT-NCR na 46 porsyento lamang ng mga silid-aralan ang mayroong isa hanggang dalawang bentilador. Dumagdag pa rito ang kakulangan sa health facilities at umaapaw na bilang ng estudyante sa bawat silid. Sa hindi

,,Matagal nang isinasalang sa pagdurusa ang mga mag-aaral ngunit hilaw na hilaw pa rin ang pangako

makataong sitwasyon ng mga paaralang ito ay talagang suntok sa buwan para sa mga guro na mataniman ng kaalaman ang mga dehadong estudyante. Sa kabilang banda, paliwanag naman ni DepEd Spokesperson Francis Bringas na kung biglaang ililipat ang pang-akademikong kalendaryo sa Hunyo hanggang Marso ay maaaring mabawasan ang oras para sa pagkatuto. Subalit, normal lamang na mabawasan ang araw ng pasok dahil sa transisyon kaysa naman papasukin nga ang mga mag-aaral pero naghihikahos naman sila at hirap na makaintindi ng aralin. Pahayag nga ng Chairman of the Senate Basic Education Committee na si Sherwin Gatchalian, suportado niya ang paglipat sa dating iskedyul ng klase sapagkat wala anyang kasiguraduhan kung mas iinit pa ba sa mga susunod na taon at batay nga sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ay ang tag-araw ay laging tatapat sa Marso hanggang Mayo. Matagal nang isinasalang sa pagdurusa ang mga mag-aaral ngunit hilaw na hilaw pa rin ang pangako ng DepEd na mabigyanglunas ang hinaing ng mga estudyante. Nawa ay huwag nang magtaingang-kawali ang pamahalaan sa reklamo ng mga guro at magaaral na ayusin ang akademikong kalendaryo at mga silid sa bansa. Kung hindi ay tuluyang malulunod ang mga mag-aaral sa kanilang tumatagaktak na pawis at rumaragasang luha.

Letter to the Editor

Isang mapagpalang araw,

Ako ay sumusulat patungkol sa mandatory Reserve Officers Training Corps (ROTC) na itinutulak ng Senado dahil anila sa lumalalang tensyon sa West Philippine Sea. Nais ko sanang malaman ang saloobin ng patnugutan ng Pana Verde sa isyung ito. Sa tingin nyo ay ano ang magiging implikasyon nito para sa mga estudyante? At may kahandaan na nga ba ang bansa upang ipatupad? Inaasahan ko ang inyong tugon sa isyung nabanggit, maraming salamat.

Lubos na gumagalang, Sophia Ysabel Ronas Send

Mapagpalayang araw sa iyo, Sophia! Sa kasalukuyang estado ng bansa, ang mandatory ROTC ay dagdag-pasanin sa ating mga mag-aaral at magbubunga lamang muli sa walang katapusang pangaabuso at korapsyon sa pondo ng taumbayan na dapat sana’y inilalaan upang solusyonan ang krisis sa edukasyon. Ang pagsulong ng militarisasyon sa mga paaralan ay pagapak sa ating kalayaang pang-akademiko at karapatang pantao.

Tayong mga kabataan ay hindi tutang sunud-sunuran lamang para gawing armas sa hidwaan ng US at Tsina sa West Philippine Sea. Sa halip, nararapat na protektahan ng pamahalaan ang pambansang soberanya sa pamamagitan ng pagputol sa baluktot na koneksyon sa militar at ekonomiya ng mga dayuhan, at pagtataguyod sa lokal na industriyalisasyon.

Bilang mga Pilipino, sama-sama nating tutulan ang mandatory ROTC. Huwag nating hayaan ang pagdanak ng dugo ng ating mga kababayan sa kamay ng mga pasista at imperyalista. Manindigan tayo laban sa paniniil at itaguyod natin ang ating demokrasya. Pakatatandaan, ang tunay na pagmamahal at paglilingkod sa bayan ay matutuhan sa pamamagitan ng matuwid na pagtatanggol sa kapwa sa ngalan ng karapatan, katarungan, at kalayaan.

Reply

Lagi’t lagi para sa kabataan, Hannah Jelyn De Chavez Punong Patnugot

30.13% 54.62% 15.25%

Pagsumamo

Hindi pa sapat ang lakas ng tilaok ng manok upang magising sa siyesta ang mga botante sa bansa. Nangangatog ang pundasyon ng bansa sa pangambang kakaunti lamang ang mamamayang boboto sa nalalapit na 2025 national election katulad ng nangyari sa nagdaang Barangay and Sangguniang Kabataan Election (BSKE). Kaparehas na tadhana rin ang inabot sa De La Salle University Senior High School (DLSU SHS) kung saan nagkaroon ng mababang bilang ng botante sa eleksyon sa pagkabise presidente. Kaya naman bilang tugon ay nararapat mas hikayatin pa ng pamunuan, nasyonal man or pampaaralan na gamitin ang karapatang bumoto sa pamamagitan ng pagsasaayos ng sistema at kampanya. Sapagkat kung hindi magigising ang mga botante sa pagkatulog ay kapalaran ng buong bansa ang babangungutin.

PanIndak

Pamumulitika sa Ekonomiya

Sinimulan na ng Senado ang kanilang pagtalakay sa Constitutional Convention (Con-Con) bilang isang paraan ng pag-amyenda sa economic provisions ng Konstitusyon para sa Charter Change (Cha-Cha). Talo ang mga ordinaryong mamamayan kapag ipinatupad ito sapagkat patuloy na maghihikahos ang bayan habang patuloy na aagawin at pakikinabangan ang kanilang mga lupa’t oportunidad.

Ipinahayag naman ng DLSU-USG ang hindi nila pagsangayong ipagpatuloy ang pagpapatupad dito. Ito ay dahil sa mga na-obserbahang “butas” sa balangkas nitong magreresulta sa hindi patas at hindi praktikal na solusyon para sa mga isyung panlipunan ng bansa. Sa isang bansang mistulang umuurong pabalik ang kaunlaran, kinakailangang suriin kung may isinusulong ba talaga ang kanilang pamumultika sa ekonomiya.

Itinanggi ni Speaker Martin Romualdez, isa sa may akda ng panukalang batas, ang mga alegasyon laban sa kamara ukol sa layunin umano nilang galawin ang political provisions ng 1987 Constitution. Aniya, wala silang pakay na palawigin ang termino ng mga opisyal at para lamang ito sa ekonomiya. Mahihinuha lamang kung ganto rin intensyon ng 301 na kongresistang bumotong pabor sila rito. Lalo na at talamak sa Kamara ang mga doble-karang puro mabubulaklak na salita at pangakong ipinapako ang lumalabas sa bunganga.

Sinabi ni Romualdez na ililimita ang probisyon dito ng Cha-Cha sa ekonomiya upang makaakit ng mga dayuhang mamumuhunan na makaaagapay sa pagpapabuti ng ekonomiya. Subalit, sa pagbibigay kapangyarihan sa kanila, ipinagkakait ang nararapat na maayos na kalagayan sa mga manggagawa. Mas yumayaman lamang ang mga dayuhang kompanya at namumuhunan habang inaabuso ang karapatan ng mga mga proletaryado. Nagbibigay ng abenida ang pagdagdag ng mga salitang “unless otherwise provided by law” sa pananamantala ng mga may kapangyarihan. Maaari nilang ibaluktot ang mga probisyon sa pampublikong serbisyo, edukasyon, at advertising industry. Ang kahulugan nito ay pwedeng humantong sa korapsyon at negatibong maapektuhan ang mga serbisyo para sa bayan.

Inilahad din sa Con-Con na masusuportahan ang pro-poor programs, kapag ganap itong maisasakatuparan. Matagal na itong bukambibig ng mga nakaupo sa pamahalaan, ngunit, wala namang progresibong solusyon sa sitwasyong matagal nang pumapalibot sa kaunlaran ng lipunan. Hindi kailangan ng bansa ng Charter Change. Sa halip ay dapat paigtingin ang pagpapatupad sa mga polisiya at programang mayroon na ang Pilipinas. Ang pagpapabuti at pagpapaunlad sa mga ito ang tunay na kasagutan, hindi ang mga dayuhan. Kapag itinuon ang atensyon sa mga kompanyang Pilipino, makikita rin ang mga layuning

hinahangad ng batas na inaamyendahan ang ekonomiya. Nakadepende ang pag-urong ng naghihirap na sambayanan sa pagsasaayos sa kung anong meron sa Pilipinas. Walang magandang maibubunga ang pagbibigay-pansin sa isang sektor lamang. Nararapat na ang isinasagawang pagkilos ng pamahalaan ay para sa pangmalawakang pagbabago. Dito naka-ugat ang kaunlaran ng perlas ng silanganan, hindi sa pamumulitika sa ekonomiya.

Sa isang bansang mistulang umuurong pabalik ang kaunlaran, kinakailangang suriin kung may isinusulong ba talaga ang kanilang pamumultika sa ekonomiya.

OPINYON 08
Nagniningas
Roan Palacio
,,
Bumoto Hindi nakilahok Walang binoto
Mga nakilahok na botante sa eleksyon sa pagka-bise presidente ng DLSU SHS Mapurol ang Palaso
Dibuho ni Shannen Velasco Ni Roan Palacio

Isang dasal.

Isang bulong. Isang debosyon.

Sa pagsapit ng ika siyam ng Enero sa kalendaryo, habang ang araw ay natutulog pa nang mahimbing at binabalot pa ng dilim ang langit, nagsisilbing busina ng mga sasakyan sa kahabaan ng Quiapo at Quirino Granstand ang mga diwang gising ng mga debotong nais dumalo at ipagdiwang ang pista ng Itim na Nazareno. Hindi ako deboto ng Nazareno. Isang malaking katanungan sa aking isipan ang debosyon at panata ng mga deboto tuwing Pista ng Itim na Nazareno. Labinlimang minuto bago magalas-singko nang umaga opisyal na nagsimula ang Traslacion. Sa paglalakbay ng Traslacion mula sa Quirino Grandstand, humigit-kumulang 660,000 katao ang dumalo. Sa ‘di-mahulugang karayom na bilang ng tao, dahan-dahan nang umalingawgaw ang himig ng mga deboto — mga dasal, bulong, at maging ang mga malulungkot na alaala ng kahapon.

Hindi ako deboto ng Nazareno. May tsinelas na nakasapin sa aking bawat yapak.

Tinatayang umabot ng 830,000 deboto ang nakipagsiksikan sa Traslacion pagsapit ng alas-otso nang umaga. Karamihan sa kanila’y walang sapin ang mga paa. Bawat hakbang ay tila isang mahabang dasal, isang sakripisyong ipinaaabot sa pamamamagitan ng kanilang mga yapak. Hindi ako deboto, subalit napagtanto ko na sa bawat hakbang, mas malalim pa sa aspalto ang kanilang pananalig sa Poon. Hindi ako deboto ng Nazareno. Wala akong hawak na pula’t dilaw na panyo.

Isang kapansin-pansing matatanaw sa karagatan ng mga tao ang

panyong kulay pula at dilaw na may imahe ng Nazareno. Ang maihaplos ito ng kudlit na segundo ay sapat na sa kabila ng kanilang sakripisyo sa pakikipagsiksikan sa lawak ng mga kapwa deboto. At sa muling paghaplos sa panyong pinaniniwalaang may basbas, kapalit nito ay ginhawa na nagpapahayag ng pag-asa’t pasasalamat kung saan man sila dadalhin ng kapalaran. Hindi ako deboto ng Nazareno ngunit tanaw ko ang mga matang may taimtim na panata. Sa dagat ng mga debotong nagnanais makalapit sa Itim na Nazareno, may mga matang puno ng pag-asa, at puso na naglalakbay sa diwa ng pagiging deboto. Makikita sa kanilang mga mata ang mga pusong nagsusumamo para sa paggaling ng mga mahal sa buhay na may sakit. Mga matang may dalang pasasalamat, nagpupugay sa mga milagro at biyayang ibinibigay ng Nazareno sa kanilang mga buhay. Gayunpaman, para sa iba, ang Traslacion ay simula ng pagbabagong buhay, isang pagkakataong isakripisyo ang sarili para humingi ng kapatawaran sa mga nagawang pagkukulang at kasalanan. Hindi ako deboto ng Nazareno pero nakiisa ako sa anim na milyong indibidwal sa Traslacion ng Itim na Nazareno. Sa pagtatapos ng makabuluhang paglalakbay ng Nazareno, tila ang mga hakbang na ito ay hindi lamang simpleng paglalakad, kundi isang makahulugang dasal at malalim na debosyon. Ang Traslacion ng Itim na Nazareno ay sumisimbolo sa pagkakaisa ng bawat deboto at ang kanilang bawat hakbang ay naging sagisag ng kanilang buhay– buhay na nagpapahayag ng matibay na pananampalatayang mayroong gabay mula sa Kanya sa bawat yugto na kanilang hinarap at kahaharapin pa.

Dasal, Bulong, at Debosyon: Traslasyon ng Itim

Sa isang lipunang binubuhay ng iba’t ibang industriyang nakabase sa sistematikong siyensya, binibigyang kulay ng sining ang tanawing ito sa pag-asang masalamin ang katotohanan kaakibat ng kagandahan. Gayunpaman, nananatili ang paniniwalang ang sining ay nakakahon sa libangan at aliwan– isang kaisipang bumabakod sa mga pursigidong ibig tahakin ang landas na ito. Kung kaya’t sa pagsisimula ng mga kabataan sa kani-kanilang karera, naririyan ang Arts and Design Track para sa pagtindig sa larangan ng sining. Ngunit paano nga ba ang mekanismo nito sa De La Salle?

Ang Makulay na Sistema

Sa kasalukuyan, mayroong dalawang strands na bumubuo sa ADT ng DLSU: ang arts production at performing arts. Ang nasabing strands ay tuluyan pang nahahati sa streams na siyang nagsisilbing espesyalisasyon ng mag-aaral. Para sa mga ika-12 baitang, mayroong limang streams: Visual and Multimedia Arts (VMA), Creative Writing, Dance, Theater, at Music. Para naman sa mga ika-11 baitang, ang VMA ay hinati sa dalawa– Visual and Applied Arts at Multimedia Arts– na siyang bumunga sa anim na kabuuang streams. Ang sistemang ito ay nagsisimula sa unang termino ng ika-11 baitang, kung saan mayroong workshop o studio class ang bawat mag-aaral ayon sa kanilang stream. Sa klaseng ito, hinahati muna ang mga estudyante sa lahat ng homeroom section at pinagsasamasama sa isang seksyon ang mga nasa parehong espesyalisasyon upang matiyak ang kanilang pag-unlad sa mundo ng sining. Ritmo ng Ensayo, Himig ng Mithiin Gayunpaman, isa ring hamon para sa iilan ang pasukin ang arts and design. Mulat sa katotohanang ito si Katriona Abas mula sa T-ADT12-B na nasa Dance stream,

Salle, hindi lamang ang pangarap ng mga estudyante at guro ang nagkakaroon ng buhay. Pati na rin ang mga mithiin ng mga manggagawa na mabigyan ng kahulugan ang kanilang mga hangaring bumabalot sa kalamnan ng mga nagnanais magwagi sa buhay.

Sa larangan ng edukasyon, hindi limitado sa guro at mga mag-aaral ang kwento ng tagumpay. Mula sa mga gurong naghahanda ng presentasyon sa klase hanggang sa mga estudyanteng naglalakad sa mga pasilyo ng paaralan, naroroon ang mga manggagawa, gaya ni Ate Janette.

Bago pa man magbukangliwayway, gising na si Ate Janette. “Uwian ako, ma’am,” aniya, habang iniuukit ang oras ng pagtahak sa kaniyang mga adhikain sa araw. ”Nakamotor lang kami ng asawa ko. Aalis kami ng ala sais ng umaga, ihahatid niya ako rito tapos babyahe naman siya papuntang QC para sa trabaho niya.” Pagsapit ng alas-siete nang umaga, tumatakbo na ang oras ng

tapos makakauwi kami ng Cavite ng 9 or 9:30 nang gabi depende sa bigat ng trapik.” Nakangiting kinukwento ni Ate Janette ang routine ng kanyang trabaho araw-araw, tila hindi iniinda ang pagod ng byahe. Bago pa man magpandemya ay katiwala na si Ate Janette sa Happy N’ Healthy food stall sa loob ng Pamantasan. Nang tanungin ko siya kung paano ang naging takbo ng buhay nila noong nagpandemya, mahinahon siyang tumugon. “Kinaya naman, Ma’am. Kainaman naman na hindi natigil yung sahod ng asawa ko sa trabaho niya tsaka iskolar yung anak ko.” Kahit na mayroong iskolar na anak si Ate Janette, hindi pa rin maitatangging mabigat ang mga gastusin para sa kaniyang anak na iskolar sa isang kolehiyo sa Cavite.

“Nakakatuwa kapag bumabalik yung mga customer ko’t sinasabi na ‘Ate, magmamartsa na ako,’” ani Ate Janette nang tanungin ko kung aling bahagi ng kaniyang trabaho ang kaniyang pinakapaborito. Sa bawat salitang sinasambit ng kaniyang bibig, maliwanag ang kasiyahan.

“Minsan nagpapaalam sila na aalis na sila ng La Salle at magpapapicture sila, para hindi ka nila malilimutan.” Ang bawat estudyante na bumabalik ay patunay na sa paglipas ng panahon, mas nagiging makulay ang papel ni Ate Janette. Sa walong taon na paglilingkod ni Ate Janette sa loob ng DLSU - Manila, hindi lamang bilang isang food stall worker siya nakilala, kundi bilang isang nanay at kaibigan. Sa libo-libong pangarap ng mga Lasalyano, nasa likod nito ang natatanging pangarap ng isang manggagawa. “Bilang si Janette, ang pangarap ko lang ay makapagpatapos ng pag-aaral ang kaisaisa kong anak. ”

kung saan, mayroong pasubali ang kanyang mga magulang bago siya nakapag-enroll sa programa dahil ika’y walang masyadong oportunidad para rito. Sa kabila nito, nagpapatuloy ang mga estudyante ng ADT sa paghahabi ng kanilang mga pangarap. Ayon nga kay Katriona, “I wanted to turn my passion into a career and to actually enjoy the work [I] will be doing in the future.” Tiyak mang hindi madali ang programa, sila naman ay nasisiyahan. Sa Tanghalang Darating Kasanayan at aplikasyon. Malinaw na ang mga ito ang binibigyang-tuon ng programang ADT sa DLSU upang masiguro na may kakayahang makipag-kumpitensya sa industriya sa hinaharap ang mga mag-aaral. Ayon kay G. Hanzel Gapayao, ADT Coordinator ng DLSU-IS, “Here in ADT, we’re not just honing their mastery skills in the arts, but we’re also teaching them how to become professionals.”

Sa tulong ng mga studio class, tulad ng exposure trips at community engagements, nakapagbibigay ito ng mga oportunidad sa mga estudyante upang matutuhan ang daynamiko ng creative professionals at masaksihan ang industriya ng sining sa labas ng Pamantasan. Kaya naman, asahan na sa tanghalang darating, ang ideya ng arts and design ay hindi na nakakubli sa kahon ng libangan at pang-aaliw. Ito ay isang lehitimong propesyon na binubuo ng mga manlilikhang nangarap at nagtagumpay sa paglikha’t pagtatanghal ng kanilang mga obra maestra. Kaya para sa lahat ng mga nagmamahal at handang manindigan sa ngalan ng malayang sining, ang pintuan ng ADT at ng industriyang ito ay mananatiling bukas para sa inyo.

At sa pagsapit ng dapithapon, lilisanin ng mga estudyante, guro, at manggagawa, tulad ni Ate Janette, ang Pamantasan. Pansamantalang maiiwan ang mga pangarap na mamamahinga sa dilim at patuloy na tutuparin sa kinabukasan. Mayroong pangarap si Ate Janette na nagiging tanglaw ng pagsusumikap niya upang tahakin ang masalimuot na landas ng buhay, isang lihim na sandata na hindi mahihigitan ng kahit anong hamon ng kapalaran.

na Nazareno
Ni Kimberly Dela Cruz Ni Andrea Marie Tapis Ni Kimberly Dela Cruz Kuha ni Althea Habulan
09 LATHALAIN Pana Verde ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGMAG-AARAL NG DE LA SALLE UNIVERSITYINTEGRATED SCHOOLMANILA PANANAMPALATAYANG MAGBUBUKLOD. Nagbalik na ang taunang Traslacion ng Itim na Nazareno matapos ang pandemyang COVID-19, simbolo ng pag-asa at bagong pagkakataon para sa karamihan. Kuha ni Cyrah Vicencio | Ang Pahagayang Plaridel Kapsyon ni Cyrus Salvador
Dibuho ni Jaymee Toh

LATHALAIN

Sa iba, ito’y tila umpisa pa lamang ng kanilang masalimuot na araw. Ngunit, para kay Tatay na dalawang dekada nang namamasada, alas tres pa lamang ng umaga ay nagsisimula ang kanyang pamamasada upang may kape’t pandesal ako bago sumabak sa eskwelahan.

Alas sais na ng umaga. Ang mga busina ay umaalingawngaw at ang kalansing ng mga baryang nasa kahon ay sumasabay sa pagkalampag ng dyip sa matagtag na daan sa Vito Cruz. Nag-aapura na ang mga estudyanteng may hinahabol na flag raising ceremony habang kumakaripas naman papunta sa dyip ang mga taong nasiraan ng LRT. At ako’y nasa harap, binibilang ang aming sukli, habang nakaipit naman ang mga perang papel sa gitna ng mga makalyong daliri ni Tatay. ipambayad. Nagsimula na magtanong si Tatay kay kuya. Tila bang bumalik sa kanya ang realidad. “Anak, ano bang balita sa ekonomiya? Alam mo ba kung bakit ganoon na lang kabilis tumaas ang presyo ng diesel? Parang kahapon lang, mas mura pa.” Nakatutok si Tatay sa malayo, tila nagmumuni-muni habang nagaalala para sa amin at sa iba pang mga tsuper. Sa bawat tanong na binibitawan niya, naramdaman ko ang bigat ng responsibilidad na dala ng

Ang araw-araw na trabaho ni Tatay ay may halong pakikipaglaban sa mga banta ng kanyang hanapbuhay. At sa loob ng ilang taong pag-ikot sa iba’t ibang ruta, ang mga suliranin katulad na lamang ng inflation, mga nagtataasang mga multang ipinapataw sa paglabag ng

Mahilig sa sipnayan si Tatay. Walang duda ang kanyang galing sa pagkalkula ng sukli sa kabila ng nagpapatungang “bayad po!” ng mga pasahero. Kung kaya’t ngayon na tumutulong ako sa pagsusukli ay natataranta pa ako sa sabaysabay na pagbayad. Kwento niya sa akin, kung sakaling siya man ay nakapagkolehiyo, paniguradong mas matalino pa raw siya kay Albert Einstein. Natawa na lamang ako. Siguro dahil sa kanyang kagustuhan sa pagbilang, pagdating sa aming pang-araw-araw na pagkain ay napagkakasya pa ni Tatay ang P500 niyang kita sa isang araw. “Manong, nagtaas na po ang krudo natin,” sambit ni kuya nang pumarada kami sa isang gasolinahan. Napansin kong nabigla at hindi makakibo si Tatay. Bagaman mahusay si Tatay dumiskarte sa kanyang kita, hinding-hindi pa rin matatago ang kanyang pagkadismaya kapag may nababawas na kahit isang sentimo mula sa maliit niyang ipon. May halong pangamba at lungkot ang aking mga kamay nang ako na ang kumuha mula sa aming kahon ng pera upang

Sa sandaling may sumigaw ng “para po,” batid kong may pasaherong nakarating na sa kanilang destinasyon. Ngunit para kay Tatay na laging nasa harap ng manibela, ang kanyang pinakahihintay na destinasyon ay ang pagtatapos ko sa pag-aaral.

Matapos akong maihatid ni Tatay sa eskwelahan, napansin ko ang agam-agam sa mga mukha ng aking mga kaklase. Parang may anino ng pangangambang bumabalot sa paligid, tila ba ang papalapit na dedlayn ng matrikulang nagtaas sa apat na porsyento ang pinakamabigat na bagay na dumapo sa aming balikat. Ang aking mga mata ay naglalaro sa pagitan ng determinasyon at pagkabalisa sapagkat batid ko na kahit ako man ay isang iskolar, hindi ko pa rin mapupunasan ang bawat patak ng pawis at luha ni Tatay. Hindi ko rin mapapalitan ang karton na nasa ibabaw ng upuang babad sa araw na kanyang hinihigaan sa jeepney kapag siya’y nagpapahinga sa pamamasada.

Kung minsan, sa gitna ng kaguluhan ng mga kondukor, usok, at mga busina, hindi maiiwasang hindi marinig ang aking pagsambit

ng “para po!” Minsan, ako’y mapagiiwanan. Hindi lang sa destinasyon sa jeepney kundi pati na rin sa laban ng edukasyon. Ang basag-basag na selpon kong minsan lamang may load, at ang paulit-ulit na pagbisita sa computer shop para lamang magawa ang aking mga takdang-aralin ay saksi sa aming paghihirap. Kaya’t katulad ng sigaw na “para raw po,” ang paninilbihan ni Tatay sa kapwa niyang

Pagdating sa kagandahangloob, katulad ng mga pasaherong tumutulong sa pag-abot ng pera sa tsuper, ganoon din ang kaugalian ni Tatay pagdating sa pag-abot ng kanyang pangungumusta at tulong sa kapwa niyang mga tsuper na nangangailangan. Nang maisakatuparan ang Administrative Order No. 2014-01 na nagsasaad ng iba’t ibang mga parusa sa paglabag ng mga patakaran ng mga tsuper ng dyip, naitalang umabot ang multa mula sa halagang P1,000 to P100,000 batay sa uri ng paglabag. Hindi nakagugulat na naging bahagi si Tatay ng isang samahan ng mga tsuper at nagprotesta laban sa pagsasabatas ng ganitong uri ng kahigpitan noong 2014. Subalit, tila ba ang kanyang boses ay nawala sa hangin, ito’y naging isang ‘dimakatuwirang batas na kinailangan nilang harapin. Noong nakaraang linggo, matapos iparada ni Tatay ang jeepney, narinig ko ang usapan niya at ng kanyang matalik na kaibigan, si Mang Ruben. “Pinagmulta ako ng P10,000 ng LTO at hindi ko naman aakalaing dahil lang wala akong wipers at signal lights ay madadali ako,” sambit ni Mang Ruben. Dahan-dahang inilabas naman ni Tatay ang kanyang tapyastapyas na pitaka at dinukot ang tanging P500 na nasa kanyang kalupi’t

ibinigay kay Mang Ruben. Nahulog ang puso ko sa pinaghalong panghihinayang, lungkot, at kirot. Naunawaan kong sa kabila ng pag-angat ng mga presyo at bayarin sa paaralan, hindi sapat ang kita ng isang tsuper para sa iba pang mga bayarin. Hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi man lang huminto at nag-isip si Tatay bago ibigay ang kanyang pera. Subalit sa kanyang tugon na, “Kung katulad kong kapwa tsuper ay hindi makakatulong, sino pa ba?” ay nadama kong walang palag ang pera sa isinusulong nilang karapatan.

Sa tuwing nais pa ng mga barker na makakuha ng mga pasahero, mas malakas niyang isisigaw ang ruta ng mga dyip –nagbabakasakaling makaabot sa target na kita ng mga operator at tsuper. Ngunit, nang lumabas ang balita tungkol sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP), ay parang umambon ng pagkakasala ang balita. Tila ba naging hudyat ito sa pagpapasya ng ibang maglaho na lamang kasama ang kanilang mga dyip sa takot na baka mawalan ng saysay ang kanilang hanap-buhay. Ngunit si Tatay, isa sa mga naiibang mga indibidwal ay hindi sumuko. Sumali siya sa mga kooperatiba, nagbigay-boses sa kanilang adbokasiya, at nanginig sa pangangamba para sa aming kapakanan sa ilalim ng programa. Bagaman ang mga modernong jeepney ay may airconditioning malinis, at maayos, para kay Tatay, walang kabuluhan ang mga ito kung ang kapakanan ng kanyang mga kapwa tsuper at pamilya ay

nanganganib. ito pakikipaglaban para hanap-buhay, ito pagitan pangarap programa. napakataas modernong landas para magtrabaho bilang na jeepney maipagkakaila sariling ng balikat. ng dahil dagdag-sahod lamang man siya ay rami isakripisyo Tatay makikipaglaban. lansangan nangingibabaw pagmumuni-muni sa ng Pilipinas, inidibidwal bawat tsuper, makina pasahero Kung ng isang pangarap ang

10
Dibuho nina Ashley Reyes at Jaymee Toh

nanganganib.

Hindi ito simpleng pakikipaglaban para sa kanyang hanap-buhay, bagkus, ito ay isang laban sa pagitan ng aming mga pangarap at ng isang programa.

Sa harap ng napakataas na halaga ng mga modernong unit, inilatag pa ng landas ang dalawang direksyon para kay Tatay. Maaaring magtrabaho siya nang may tiyak na bilang ng oras nang may katumbas na kita, o umupa ng modernong jeepney unit kada araw. Hindi rin maipagkakaila na ang kawalan ng sariling dyip ni Tatay ay nagdadala ng malupit na pasanin sa kanyang balikat. Kahit na mayroong posibilidad ng pagkakaroon ng karagdagang kita dahil sa mas maraming pasahero, ang dagdag-sahod na ito ay mapupunta lamang sa mga operator

Sa lahat ng ito, kahit gaano man kahusay at katiyaga si Tatay, siya at ang mga kapwa niyang tsuper, ay patuloy na talo sa laban. O, kay rami ngang mga kinakailangang isakripisyo para sa programa at ang Tatay ko ay hindi rin habang-buhay na makikipaglaban.

Sa gitna ng magulong lansangan at maingay na daan, nangingibabaw ang aking pagmumuni-muni na nagbunga sa isa pang realisasyon. Sa likod ng sistema ng transportasyon sa Pilipinas, palaging naroroon ang mga inidibidwal na nagbibigay-buhay sa bawat transportasyon. Gaya ng isang tsuper, bawat pagtakbo ng kanyang makina at bawat salita ng mga pasahero ay pag-asa para sa kanila. Kung kaya’t sa paghawak sa manibela ng jeepney, naroroon ang buhay ng isang drayber na nagtataglay ng mga pangarap at laban para sa hinaharap. Ika nga ni Tatay, “Ang manibela ang aking buhay.”

PanaVerde

11 ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGMAG-AARAL NG DE LA SALLE UNIVERSITY - INTEGRATED SCHOOL - MANILA

AGTEK

Sa kauna-unahang pagkakataon sa Pilipinas, isa nang elective course ang pag-aaral ng kape na sinamahan ng pag-aaral ng agham. Hindi na lamang kasangga ng mga mag-aaral sa De La Salle University (DLSU) - Manila ang kape sa kanilang pag-aaral, pagkat ngayon ay isa na rin itong general elective course na maaari nilang kuhanin at pag-aralan. Mula sa Departamento ng Chemistry, opisyal nang inaalok ng Unibersidad ang Coffee Science Class (KOFISCI) sa mga undergraduate students simula ng pagpasok ng ikalawang trimester ng kasalukuyang pang-akademikong taon.

Mula sa paghahangad ng patuloy na pag unlad ng lokal na industriya ng kape, sinimulan na ng DLSU, kasama ng La Salle Food and Water Institute, and kauna-unahang multidisciplinary coffee na kolaborasyon kasama ang coffee producers na Gourmet Farms. Ang 10-taong partnership ng DLSU at Gourmet Farms na nilagdaan noong January 6, 2024 ay pagkakataon upang mas paunlarin pa ang nangungunang programa sa bansa para sa lahat ng mag-aaral ng Unibersidad. Dahil dito, hindi mapagkakaila ang dagsa ng mga mag-aaral na nagpakita ng interes sa klaseng ito na nagbunga ng pagkaubos

ng slots nito sa loob lamang ng 30 minutos. Ginaganap ang klase ng KOFISCI sa Gourmet Farms Coffee Science Laboratories ng Unibersidad na mayroong kumpletong kagamitan para sa paggawa ng kape kagaya na lamang ng coffee beans, electric and manual coffee grinders, filter paper, drippers, weighing scales, gooseneck kettles, at refractometers. Isa itong nakaeenganyong klase para sa mga interesadong mag-aaral pagkat sinasamahan pa ito ng pag-aaral ng agham sa likod ng paggawa ng kape. Sinimulan ang KOFISCI matapos makuha ang inspirasyon mula kay Dr.

Emmanuel Garcia, isang faculty member mula sa Departamento ng Chemistry na ngayon ay propesor ng nasabing klase. Natapos niya ang kanyang doctorate sa University of California-Davis, kung saan sinubukan niyang maghanap ng biomarkers kung ano nga ba ang sinasabing civet coffee. Nang makabalik siya sa Pilipinas, binuo niya kasama ang iba pang mga coffee professionals ang grupong Coffee Science Philippines, na nakapaglunsad at organisa ng iba’t ibang programa mula noong pandemya na ngayo’y isa nang elective course na

maaaring kasiyahan ng mga estudyante habang pinag-aaralan ito. Ayon pa sa Gourmet Farms Inc., mas mabibigyang-halaga ng klase na ito ang papel ng mga tao sa pagpopondo at pagbibigay sa mga klase ng kape mula sa mga lokal na magsasaka sa iba’t ibang rehiyon, at naglalayong iwaksi ang maling impormasyon sa industriya ng kape. Kaya’t tunay na ito’y isang malaking hakbang para sa Unibersidad, at para sa bansa upang mas pagtuunan ng pansin ang pag-unlad at pagharap sa mga isyu ng lokal na industriya ng kape sa Pilipinas.

Pagbuo ng Kinabukasan:

sang makabuluhang programa ang inilunsad sa gitna ng mabilis na pagbabago at mga hamon ng mundo upang hikayatin ang mga kabataang Pilipino at Lasalyano na magsulong ng makabagong solusyon sa pamamagitan ng agham at teknolohiya. Ang 1st InnovaTech Challenge, na may temang “Innovating for a Sustainable Future: STEM Solutions for Global Challenges,” ay naglalayong pagyamanin ang pagkamalikhain, kasanayan sa paglutas ng problema, at inobasyon ng mga estudyante sa ikalabing-isang baitang mula sa Laguna at Manila Campuses ng De La Salle University.

Ang InnovaTech Challenge ay maingat na idinisenyo bilang isang interaktibong, multiphasic na kaganapan na tatagal ng ilang buwan, simula sa ikatlong termino ng akademikong taon 2023-2024 at magpapatuloy sa susunod na taon. Sasabak ang mga kahalok sa isang malalimang paglalakbay, na ilalaan ang kanilang sarili sa pagbuo ng mga panukala para sa inobasyon sa pananaliksik at paglikha ng mga aktwal na prototype. Ang patuloy na pagsisikap na ito ay nagpapalago ng kanilang pagkamausisa at pagkahilig sa larangan ng Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM), habang itinataguyod din ang mahahalagang kasanayan tulad ng tiyaga at dedikasyon. Sa tulong ng mga mag-aaral at guro bilang mga mentor, ang mga batang inobador na ito ay mahusay na sinusuportahan sa kanilang layuning makabuo ng mga makabuluhan at praktikal na solusyon.

Sa patuloy na pagsibol ng kahusayan sa larangan ng agham at teknolohiya, isang panibagong imbensiyon na naman ng isa sa mga propesor ng De La Salle University (DLSU) ang nabigyan ng internasyonal na parangal matapos makasungkit ng ikalawang pwesto sa Queen Mary UK Best PhD in Robotics Award noong Oktubre 2023. Ang imbensiyon ni Dr. Alexander Co Abad, isang Assistant Professor sa Electronics and Computer Engineering Department ng Unibersidad, na HamptiTemp Sensor ay isang novel sensor na nakade-detect at sukat ng force, vibration, texture, at temperature. Malaking inobasyon ang device na ito para sa pag-unlad ng larangan ng robotics research

Ang “HaptiTemp sensor” ng Pilipinong imbentor ay nagbibigay-daan sa sariwang pagnilay-nilay ng temperatura at taktil na imahe gamit ang siliconebased na teknolohiya. Malaki ang kahalagahan ng sensor na ito, mula sa pagsusuri ng kalidad ng materyal hanggang sa aplikasyon nito sa larangan ng medisina at telerobotika. Ang parangal na kaniyang natamo bilang Queen Mary UK Best PhD in Robotics para sa tesis na “Fine-grained Haptics: Sensing and Actuating Haptic Primary Colors (Force, Vibration, and Temperature)” mula sa Liverpool Hope University, at ang pagiging unang Pilipino sa kasaysayan na umabot sa top three ng internasyonal na kompetisyon sa robotics, ay nagpapatibay sa kaniyang kahusayan sa larangan. Ipinamahagi rin niya ang kaniyang pananaliksik sa isang pangunahing robotics conference sa UK, ang Towards Autonomous Robotic Systems Conference (TAROS).

Hindi lamang nagbibigay-daan sa pagbubukas ng mga bagong pintuan ng pananaliksik ang teknolohiyang ito na inihandog ni Abad, kundi isinusulong din nito ang diwa ng pag-asa para sa hinaharap ng mga mananaliksik sa bansa. Sa pangunguna ni Abad, umaasa siyang magbubunga ito ng makabuluhang pagbabago at progreso sa larangan ng agham at teknolohiya sa Pilipinas. Kaugnay nito, patuloy ang DLSU sa pagpapabuti sa larangan ng agham at teknolohiya, kung saan

nagtatampok ito ng natatanging propesor at magaaral. Isa sa mga tagumpay ay ang pagwawagi ng mga mag-aaral ng Computer Engineering sa Huawei ICT Global Competition 2023 Network Track, kung saan sila ang itinanghal na ikalawang nagwagi sa isang kompetisyon na dinaluhan ng mahigit 120,000 mag-aaral mula sa 74 na bansa. Sa ibang bahagi, kinilala si Dr. Charlle L. Sy, tagapangulo ng Department of Industrial and Energy Engineering ng DLSU - Manila, para sa Science Prize for Women 2023 dahil sa kaniyang proyekto na “Target-Oriented Robust Optimization (TORO),” na naglalaman ng advanced na matematikang pamamaraan para sa mas epektibong solusyon sa enerhiya para sa lokal na komunidad. Ang tagumpay ng mga mag-aaral ng De La Salle University ay isang malinaw na pagpapamalas ng kanilang kahusayan at dedikasyon sa larangan ng agham at teknolohiya. Hindi lamang ito nagbibigay ng karangalan sa Unibersidad kundi pati na rin sa kabuuang komunidad ng agham at teknolohiya. Isa rin itong hakbang hindi lamang para sa nasabing industriya, ngunit para rin sa kaugnay nitong kaunlaran ng ekonomiya ng bansa. Ang kanilang tagumpay ay naglalarawan ng malalim na pang-unawa at galing na nagiging daan upang magpatuloy ang pag-unlad ng industriya at ng ekonomiya ng bansa.

Ito ay isang masusing kumpetisyon na nahahati sa ilang yugto. Ang unang yugto ay nakatuon sa pagbuo ng isang strategic roadmap para sa pananaliksik at inobasyon. Mula rito, pipiliin ang nangungunang 15 koponan batay sa kanilang roadmap. Ang ikalawang yugto ay nagsasangkot ng pagbuo ng detalyadong proposal ng pananaliksik. Sa yugtong ito, pipiliin ang nangungunang pitong koponan na magpapatuloy. Ang pangwakas na yugto ay tampok ang mga presentasyon ng mga proposal sa harap ng panel ng mga hurado na pipili sa tatlong pinakamahusay na koponan. Ang tatlong nangungunang grupo ay tatanggap ng mga sumusunod na gantimpala: P50,000 na halaga ng Research Innovation Grant para sa unang pwesto, P30,000 para sa ikalawang pwesto, at P20,000 para sa ikatlong pwesto. Maaaring gamitin ang mga ito sa pagbili ng mga materyales at kagamitan, bayad sa pagproseso ng datos, bayarin sa publikasyon, at pagsali sa mga kumperensya at iba pang gastusin na may kaugnayan sa kanilang pananaliksik. Ang mga gantimpalang ito ay hindi lamang magpapabilis sa pagsasakatuparan ng kanilang mga proyekto kundi magsisilbi ring inspirasyon at suporta sa kanilang patuloy na pag-unlad sa larangan ng agham at teknolohiya.

Higit pa sa pang-agham na eksplorasyon, ang masinsing paglalakbay na ito ay nagtatanim ng mahahalagang katangian sa mga kalahok, naaayon sa Engaged Learning Goals for Students (ELGAS) ng unibersidad. Kabilang dito ang kritikal at malikhaing pag-iisip, epektibong komunikasyon, at dedikasyon sa paglilingkod. Sa pamamagitan ng pagsunod sa United Nations Sustainable Development Goals (UNSDGs), binibigyan ng kapangyarihan ng InnovaTech Challenge ang mga estudyante na maging responsableng mamamayan ng mundo. Salamin ng ‘di-matitinag na dedikasyon ng unibersidad sa pagyabong ng diwa ng inobasyon, ang InnovaTech Challenge ay isang makapangyarihang tugon sa mga hamon ng kasalukuyang panahon. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang bukas na entablado para sa paglikha at pagsulong ng mga makabuluhang solusyon, binibigyan ng programa ng kapangyarihan ang mga kabataan na maging mga dalubhasang tagapagtaguyod ng isang napapanatiling hinaharap. Sa ganitong paraan, ang InnovaTech Challenge ay nagiging bantayog ng walang hanggang potensyal ng edukasyong STEM sa pagbabago at paghubog ng ating

Kuha at Kapsyon ni Angeline Faustino TARA, KAPE. Inilunsad sa DLSU-M ang Coffee Science Program na naglalayong ituro ang iba’t ibang proseso sa paggawa ng kape gamit ang agham. Ni Mhekaela Ann Kasubuan
12 ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGMAG-AARAL NG DE LA SALLE UNIVERSITYINTEGRATED SCHOOLMANILA Pana Verde
Nina Mhekaela Ann Kasubuan at Juliana Cassandra Rodenas Ni Juliana Cassandra Rodenas
HaptiTemp Sensor ng Lasalyano, Yaman ng Agham at Teknolohiya
mundo.
Larawan mula sa Liverpool Hope University Kapsyon ni Ryanne Padilla HUSAY LASALYANO. Buong pusong tinanggap ni Dr. Alexander Abad (kaliwa) ang ikalawang parangal sa Queen Mary UK Best PhD in Robotics para sa kanyang thesis.
Ang
Challenge
1st InnovaTech

Ni Miraclea Grace Guiang

Hindi estranghero ang Pilipinas sa mga natural na sakuna, dahil sa lokasyon nito na isa sa pinakamadalas na sinasalantang bansa sa mundo – ang “Pacific Ring of Fire.” Isang pagsusuri ang nagsasaad na ang magnitude 7.2 na lindol sa West Valley Fault ay maaaring magresulta sa tinatayang 48,000 na pagkamatay at pagkalugi sa ekonomiya. Ayon naman kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Director Dr. Teresito Bacolcol, malaki rin ang posibilidad na makararanas ng mas malakas sa magnitude 8 na lindol ang bansa. Sa pagbabanta ng “The Big One”, isang mapanganib na lindol na handang bagabagin ang bansa anumang oras, ang De La Salle University (DLSU), kasama ang iba pang mga institusyon sa bansa, ay handang harapin ang potensyal na epekto nito sa mga buhay ng bawat Lasalyano at Pilipino.

Noong Disyembre 2, 2023, nagkaroon ng magnitude 7.2 na lindol sa Hinatuan, Surigao Del Sur. Itinuturing itong pinakamalakas na lindol sa lugar mula noong 1992 kung saan higit 500 na aftershocks ang naitala, batay sa datos ng PHIVOLCS. Bukod dito, sunod-sunod ding nakaranas ng 4.8 magnitude na lindol sa Sarangani, South Cotabato at Sultan Kudarat nitong taon noong ikapitong araw ng Mayo, ngunit wala namang pinsalang inasahan ang PHIVOLCS dito. Gayunpaman, nagbabala ang ahensya sa posibilidad na maaaring makaranas ang bansa ng mga lindol na mas malakas pa kaysa sa magnitude 8 at maaaring magbunga ng mga tsunami. Bagaman sunod-sunod ang mga lindol sa bansa, tiniyak ng PHIVOLCS na nagkataon lang ang mga pagyanig sa ilang mga bahagi ng bansa at hindi ito konektado sa The Big One. “Ibig lang pong sabihin, the Philippines is tectonically active. We have 6 trenches and 175 active fault segments. There is always the possibility po na sabay-sabay po ‘yan o magkakasunod po yung paglindol,” ayon kay Dr. Bacolcol. Wala mang kinalaman sa The Big One ang mga paglindol, nagsisilbi itong paalala sa lahat na dapat maging alerto at handa lalo na’t walang tiyak na oras ang pagdating nito.

Ayon sa

Ni Angelica Abilong

Nagtagpo ang adhikain ng DLSU at M Lhuillier noong March 30, 2023 upang amyendahan ang dating Marian Quadrangle sa kampus at gawing M Lhuillier Botanical Garden. Sa harding ito, hindi lamang tanawin ng mga halaman ang mararanasan kundi isang sentro ng pagpapaunlad ng kakayahan at kaisipan ng mga magaaral. Higit sa simpleng rekreasyon, ito ay nagsisilbing sentro ng pagkakaisa at pakikisama sa komunidad.

Hindi kaila sa mga naninirahan sa Maynila at sa mga kalapit na lugar nito na ang tag-init ay nagdudulot ng matinding kawalan ng ginhawa sa mga mamamayan, kung saan ang pagtitiis sa init ay hindi maitatatwa. Sa kabila nito, ang biglaang pagulan ay nagreresulta sa pagbaha at pagkasuspinde ng klase. Ang ganitong pangyayari ay bunga ng kakulangan sa espasyong luntian, na siyang nagiging pangunahing hadlang sa pang araw-araw na kalusugan ng mga mamamayan. Sa mahigit 3.6-milyong Pilipinong nagdurusa mula sa suliraning mental, ang kakulangan ng mas malawak na mga pampublikong parke o spaces ay mas nagiging hadlang sa pang-araw-araw na kaligayahan at kalusugan ng mga mamamayan. Ayon sa pagsusuri hinggil sa pangkalusugang pangkaisipan ng mga batang Pilipino, mataas na porsyento ng mga batang nakatira sa urbanisadong lugar ang nakakaranas ng kalungkutan sa buhay na siyang nagbubunga ng pagdadalamhati.

Hinikayat ni Senator Edgardo “Sonny” Angara ang isang mahalagang panawagan – mas malawak na access pampublikong parke. Patuloy namang ipinatutupad ng DENR ang programa tulad ng Enhanced National Greening program. Ayon sa ahensya, mula nang simulan ang programa noong 2011, mahigit na sa 1.8 bilyong are naitanim sa 2.17 milyong ektarya sa lupa ng bansa. Ang kakulangan ng public parks open green spaces lamang isang simpleng hamon kundi isang kritikal na usaping dapat tugunan para mapanatili ang maayos na kabuuang

PHIVOLCS, ang Quezon City at Manila ang magkakaroon ng pinakamalaking kawalan kung sumapit man ang The Big One. Halos 6,000 na katao ang maaaring mamatay sa Quezon City lamang, at higit sa 24,000 ang maaaring masugatan. Gayundin, maaaring umabot sa 60,000 ang masasawi at 120,000 katao ang mawala kung sakali mang tumama ang The Big One sa Metro Manila.

Sa kabila nito, naniniwala ang PHIVOLCS na mas handa ang bansa ngayon para sa The Big One. Nagsasagawa ng mga regular na earthquake drill ang lokal at pambansang pamahalaan tulad ng taon-taong Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) para sa unang bahagi ng 2024 noong ika-25 ng Marso. Layunin ng proyektong ito na paigtingin ang paghahanda ng mga mamamayan sa lindol at bumuo ng mas ligtas na komunidad.

Bilang pagsunod at pagsuporta sa mga isinasagawang aktibidad ng pamahalaan, nakiisa ang De La Salle University (DLSU) sa NSED upang maihanda ang mga Lasalyano. Bumuo rin ng isang boluntaryong organisasyon ang Office of the Vice President for Administration ng pamantasan na tinatawag na DLSU Safety Advocates at Volunteer Emergency Responders 111 (SAVERS 111) na bukas sa mga Lasalyanong nais at handang rumesponde, magplano, magsagawa, at magsuri ng mga emergency drill na gaganapin sa Unibersidad at tumulong sa mga panahong kinakailangan ng pagtugon sa mga sakuna tulad ng lindol.

Nagsagawa ng pagsasaayos at pagtitibay sa mga gusaling St. Joseph Hall, Br. William Hall, at St. Miguel Hall ang DLSU noong

nakaraang mga taon bilang paghahanda sa lindol at pagsunod sa National Building Code na minamandato ang pamantasan na suriin ang kaligtasan at tibay ng mga imprastraktura sa loob ng kampus bawat 15 taon. Bukod pa dito, ilang mga mag-aaral at guro mula sa Department of Computer Technology, Software Technology, and Civil Engineering ng DLSU ang naglalayong lumikha ng isang mesh of tremor sensors (meSHM) —isang monitoring system na gumagamit ng AI na nakatuon sa pamamahala ng disaster risk reduction ng bansa, lalo na sa Metro Manila. Hangarin nilang tulungan ang mga inhinyero na bumuo ng mga imprastrakturang kayang tisiin ang mga malalakas na pagyanig dulot ng lindol.

kalusugan. Maiuugnay ang problemang ito sa tumataas na bilang ng household population sa bansa na nahihirapang makamtan ang mga pangunahing pangangailangan noong 2020. Bukod pa rito, tila nag-uugat ang sitwasyong ito mula sa paniniwalang mas mapapabilis ang pag-unlad ng isang bansa sa pamamagitan ng pagtatayo ng mas maraming gusali kaysa sa paglikha ng green parks o tinatawag ding “blue infrastructure.”

Itinataya ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nasa mahigit 12 porsyento lamang ng lupaing saklaw ng Maynila ang itinuturing na green spaces, at ang karamihan pa sa mga ito’y hindi bukas sa publiko. Sa madaling salita, sa kabila ng mabilis na pag-urbanisa ng Metro Manila, tila naging limitado ang mga naturang lugar na bukas para sa pamilyang Pilipino at publiko. Kasalukuyan ding nahaharap sa matinding kasikipan ang lungsod dulot ng hindi maayos at balanseng urban planning.

Isinulong ni Angara ang pagtatag ng mas maraming pampublikong parke, pasilidad para sa rekreasyon, green spaces upang mapabuti ang kalusugan ng mga mamamayan lalo na ng kanilang mental health Kaugnay rin nito, isinulong ng senador ang panukalang batas na naglalayong gawing mandato ang pagtatanim ng puno sa mga parke, paaralan, at bakanteng lote. Sa pagsasara ng Marian Quadrangle para sa renobasyon, ang lugar na ito ay magkakaroon ng bagong mukha at ang proyektong ito ay sumasalamin sa dedikasyon ng unibersidad na lumikha ng mas maraming espasyo na magsisilbing sentro ng rekreasyon, edukasyon, at pagkakaiba sa komunidad. Layunin ng DLSU na bumuo ng kapaligiran na hindi lamang maganda sa paligid kundi makakatulong din sa pagpapabuti ng mental at pisikal na kalusugan.

Naging haligi ng pagbabago ang DLSU sa paglikha ng mga espasyo sa pagpapalaganap ng kalusugan at kasiyahan sa komunidad. Ang pagtatag ng M Lhuillier Botanical Garden ay hindi lamang isang proyektong pang-imprastraktura kundi isang tibay ng hangaring dapat tularan sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Darating din ang araw na mararamdaman ng Pilipinas ang panganib ng The Big One at walang kawala ang bansa sa magiging epekto nito. Sa kabila ng mga pangamba at posibleng kahihinatnan ng sakunang ito, ang mga nasabing hakbang ang magbibigay ng pag-asa at magtataguyod ng kahandaan hindi lamang sa pamantasan, pati na rin sa buong bansa. Sa pagiging maagap at maalam sa mga dapat gawin, maaaring mabawasan ang epekto ng malalakas na lindol at mapanatili ang kaligtasan ng bawat Lasalyano at Pilipino.

Animo sa Gitna ng Init

Ni Juliana Cassandra Rodenas

Iba na ngayon ang hamon na kinahaharap ng mga estudyante at guro sa Pamantasang De La Salle (DLSU), hindi na lamang ang mga komplikadong formula at mga eksaminasyon, kundi pati na rin ang nagbabagang init ng panahon. Ang pagtataas ng heat index ay hindi na lamang isang simpleng suliranin sa kalendaryo, kundi isang hamon na humaharap sa bawat indibidwal.

Sa ilalim ng mabangis na sikat ng araw, patuloy na nagsusumikap ang DLSU na pangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng kanilang komunidad. Sa pag-aaral ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na nagpapakita ng mataas na heat index hanggang kalagitnaan ng Mayo, nagpasya ang DLSU na magpatupad ng mga hakbang upang mapanatili ang kaligtasan ng kanilang mga mag-aaral at kawani. Inilalarawan ang heat index bilang apparent temperature o ang “nakikita at nararamdaman ng mga tao bilang tempeeratura na nakaapekto sa kanilang katawan.”

Isinagawa ng DLSU ang paglilipat sa online na mga klase sa unang dalawang linggo ng Ikatlong Termino sa mga campus ng Manila at Laguna na inanunsyo na bago pa magsimula ang panibagong termino. Ipinatupad ito upang maiwasan ang pagkakaroon ng pisikal na pagdalo sa paaralan at hikayatin ang mga indibidwal na manatili sa kanilang mga tahanan habang patuloy na makakapag-aral. Bukod dito, naglaan din ang DLSU ng mga kaalaman at pamamaraan para sa First Aid sa mga sakit na dulot ng matinding init.

Naglalaman ang First Aid ng mga masusing pagaaral at talakayan hinggil sa tamang pamamaraan sa paggamot ng mga karamdaman tulad ng heat cramps o pamumulikat sa init. Kasunod nito, ipinaliwanag nang mas detalyado ang pagkilala at pagtugon sa mga mas malubhang kundisyon tulad ng heat exhaustion at heat stroke, kung saan ang huli ay itinuturing na pinakamatinding epekto ng init. Ang heat stroke ay nagaganap kapag hindi na kayang kontrolin ng katawan ang temperatura, na siyang nagdudulot ng biglaang pagtaas ng temperatura ng katawan, pagpapawis, at hindi na kayang magpalamig ang katawan. Sa ganitong mga kaso, mahalaga ang agarang pagtawag ng emergency medical care, ang pananatili sa tabi ng taong naapektuhan, paglilipat sa isang lilim at malamig na lugar, pagtanggal ng panglabas na damit, at agarang pagpapalamig sa balat gamit ang ibinalot na yelo o basang panyo, o pagbababad ng damit sa malamig na tubig. Simbolo ang mga hakbang na ito ng dedikasyon ng mga institusyon sa pagbibigay, hindi lamang ng edukasyon kundi pati pangangalaga sa kalusugan at kaligtasan ng kanilang mga mag-aaral at kawani. Patuloy na pinatutunayan ng DLSU ang espiritu ng pagkakaroon ng “Animo” o determinasyon na harapin at lampasan ang anumang hamon sa kanilang daan.

AGTEK 13
Dibuho ni Julia Dy

Noong nakaraang taon, isang hindi inaasahang pangyayari sa De La Salle University (DLSU) ang nagbigay-diin sa kritikal na isyu sa seguridad ng data sa kanilang sistema, na bahagi ng mas malawak na problema hinggil sa kaligtasan ng impormasyon sa digital na mundo ngayon at ang patuloy na pag-usbong ng mga kaso ng mga data breach sa bansa.

Nakaranas ng data breach ang buong DLSU noong ika-9 ng Oktubre noong nakaraang taon kung saan nawalan ng access ang mga mag-aaral sa mga online portal ng Pamantasan kabilang na ang My.Lasalle at Animo.sys pagkatapos makaranas ng insidente sa seguridad ng data sa sistema. Kaugnay nito, apektado rin ng data breach ang Wi-Fi service ng Pamantasan, ang Animo Connect, kung saan lumikha ng alternatibong Wi-Fi connection ang Information Technology Services Office (ITS) upang may magamit ang mga estudyante sa panahong nilulutas

Ipaliwanag kung paano nabago ng AI

Ang pagsasalarawan sa kultura at wika ng Pilipinas

ang pangyayari na tumagal din ng ilang buwan. Bagaman ligtas at nananatiling buo ang mga personal na rekord ng mga mag-aaral at mga empleyado, inatasan pa rin silang palakasin ang kaligtasan ng kanilang mga Google Accounts. Agaran ding kumonsulta ang Unibersidad sa kumpanyang Mandiant cybersecurity upang suriin ang sistema nang sa gayon ay mapanatili ang kaligtasan nito at maiwasan ang anumang maaaring paglala ng sitwasyon.

Ngunit, hindi lamang ang DLSU ang naaapektuhan ng

Magbigay ng isang trivia tungkol sa pinakamalaking proyekto ng AI sa Pilipinas

Pagbubukas ng Daang Tungo sa Makabagong AI

“The Philippines is ready for AI.” Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahandaan ng Pilipinas na yakapin ang Artificial Intelligence (AI) sa isang pagtatanghal sa San Francisco, United States. Matutunghayan ang paglago at pag-unlad ng bansa sa larangan ng teknolohiya na magbubukas ng iba’t ibang pintuan ng pagkakataon para sa mga Pilipino.

Bagama’t dala nito ang pangakong taglay ng mga imposibleng pagbabago at pag-asa, hindi maitatangging kaakibat din sa likod ng mga ito ang dilim na banta at panganib ng AI. Ayon sa 2023 AI Index Report, naitala ang pagtaas sa bilang ng mga insidente ng pang-aabuso at hindi etikal na paggamit nito mula pa noong 2012. Ipinapakita nito ang posibilidad ng paggamit sa hindi kanais-nais na pamamaraan ng teknolohiyang inaasahang maghahatid ng kabutihan, kagaya ng plagiarism at academic dishonesty na maaaring mapalakas pa ng AI. Nagbubunsod din ng disimpormasyon sa publiko ang kakayahan nitong makagawa at magkalat ng hindi makatotohanang impormasyon gamit ang mga deepfake technology Dahil sa taglay nitong kakayahan na tularan ang kasanayan ng tao, binabantaan nito ang trabaho ng nakararaming manggagawang Pilipino, tulad ng mga nasa komunidad ng sining at serbisyong kinakailangan ng automasyon. Sa harap ng mga hamon at pagkakataon na dala ng pagtanggap sa AI, ang tanong ng karamihan ay, “Paano nga ba nito mapauunlad ang lipunan nang hindi magdudulot ng kabiguan at pag-iwan sa mga manggagawang Pilipino?”

Kasalukuyang dinodomina ng AI ang iba’t ibang industriya mula akademika, sining, transportasyon, medisina, at iba pa. Gayunpaman, unti-unting nagbibigay ang ilang mga paaralan ng mga hakbang upang gamitin sa mas epektibong paraan ang AI, tulad ng De La Salle University (DLSU) kung saan nagaalok ang Pamantasan ng mga kurso at programang nakatuon sa pagbibigay ng malalim na kaalaman at kasanayan sa paggamit ng AI. Isa na rito ang seminar na idinisenyo upang maglaan ng komprehensibong pag-unawa sa mga praktikal at etikal na aspekto ng paggamit nito sa pang-araw-araw na gawain, na

naglalayong pahusayin ang produktibidad. Binibigyangdiin din nito ang kahalagahan ng AI sa modernong panahon at inaasahang makatutulong ito sa mga manager, lider ng negosyo, entrepreneur practitioner ng human resources, at sa lahat ng mga interesadong taong nagnanais na mapabuti ang kanilang personal at propesyonal na pag-unlad gamit ang makabagong teknolohiyang ito.

Bukod sa larangan ng edukasyon, bukas din ang pwersang-paggawa sa pag-usbong ng AI. Isang halimbawa ang International Business Machines (IBM) Philippines, kung saan nais nilang hubugin ang kasanayan ng mga manggagawa sa Pilipinas pagdating sa AI at iba pang mga usaping pang-teknolohiya sa pamamagitan ng mga libreng online na kurso.

Isang malaking hakbang tungo sa pag-unlad ng bansa ang pagtanggap ng Pilipinas sa AI. Subalit, mahalagang gamitin ito sa tamang paraan upang masigurong ang bawat aspeto nito ay maglilingkod para sa kapakanan ng mamamayan. Habang patuloy na niyayakap ng bansa ang mga benepisyo ng AI sa pagunlad, mahalaga ring maging mapagmatyag at kritikal sa mga posibleng hindi etikal na paggamit nito. May kakayahan ang AI na husayan pa ang kasanayan ng tao na siyang magbubukas pa ng maraming posibilidad sa puwersang paggawa. Ngunit, dapat itong gamitin bilang isang kasangkapan upang pagbutihin pa ang puwersang paggawa sa bansa, at hindi upang buwagin ang kanilang tungkulin sa lipunan. Ang maingat na pagmamando sa AI ang magbubukas ng mga pintuan ng oportunidad sa iba’t ibang sektor, at sa maayos na implementasyon nito, maaari itong maging daan tungo sa mas malaking tagumpay at progresibong pag-unlad ng Pilipinas sa pangkalahatan.

problemang ito; sa halip, ito ay isang isyu na bumabalot sa buong bansa at kumakatawan sa pangkalahatang problema sa seguridad ng datos sa mga paaralan. Sa katunayan, ang Pilipinas ay ika-lima sa may pinakamaraming kaso ng data breaches sa Asya mula 2004 at pang-30 sa buong mundo noong 2023, ayon sa Global Data Breach Statistics ng Surfshark. Isa itong hindi maitatangging katotohanan buhat ng mga insidente ng cybersecurity sa bansa, tulad ng nangyaring ransomware attack sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na nagresulta sa pagkompromiso ng milyonmilyong datos. Mas lumala pa ang ganitong mga pangyayari nang kamakailan lamang ay mahigit isang milyong records ang nanganib mula sa mga malalaking ahensya ng bansa, kabilang na ang Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Internal Revenue (BIR), at Special Action Force (SAF). Gayundin, 13% ng data breaches ay may kinalaman sa sektor ng edukasyon na nagpapahiwatig na nagiging karaniwan na ang ganitong klaseng pag-atake sa mga paaralan dahil sa kanilang pagiging ‘data-rich environments.’ Ayon din sa mga eksperto, hindi lamang administratibong rekord ang nanganganib sa ganitong mga sitwasyon, kundi pati na rin ang mga sensitibong detalye gaya ng Social Security numbers at credit card information ng mga magulang ng mga mag-aaral. Sa bawat atake ng ransomware, mas nagiging mailap ang seguridad ng edukasyon, anuman ang pangako ng institusyon. Kung kaya’t, masasabing isa sa mga dapat tutukan ng mga awtoridad ay ang kahinaan sa cybersecurity ng mga pampublikong korporasyon. Sa kabutihang palad, ang kasalukuyang kongreso ay nasa proseso ng pagbuo ng isang panibagong bersyon ng batas na layuning mapalakas ang sistema ng Department of Information and Communications Technology (DICT) laban sa pagbabanta ng cybersecurity. Kaugnay nito, ipinakilala rin ng Kolehiyo ng Computer Studies ng DLSU ang webinar na “PTS: Protect, Train and Secure,” kung saan tinalakay nito ang mga pangunahing konsepto at kahinaan ng digital landscape, tulad ng mga umuusbong na cyber threats. Malinaw na sa pamamagitan ng indibidwal na pagsisiyasat kasama ang gobyerno, maisusulong nang mabisa ang mga solusyong ito upang maprotektahan ang mga personal at pribadong datos. Upang mapalakas ang seguridad ng datos sa lahat ng paaralan sa Pilipinas, kinakailangang tiyakin ang kaligtasan at integridad ng impormasyon sa larangan ng edukasyon.

Hindi lamang isang simpleng pag-atake sa sistema ang nangyaring data breach sa DLSU, kundi ay isang insidente ng ‘Animo Disconnect’ na nagdudulot ng malalim na pangamba at malalang epekto sa pang-araw-araw na buhay ng bawat Lasalyano. Isa rin itong halimbawa ng mas malaking isyu na kinakaharap ng bansa kung saan nailalagay sa panganib ang pribadong impormasyon ng masang Pilipino, kung kaya’t kinakailangan ng kagyat na aksyon mula sa pamahalaan at sektor ng agham at teknolohiya ng bansa. Dapat itong maging oportunidad sa positibong pagbabago sa digital landscape sa larangan ng edukasyon at bawat sistema ng bansa. Ang kapabayaan nito ay maaaring magdulot ng malulubhang kahihinatnan, tulad ng pagbubunyag ng sensitibong impormasyon at teknikal na mga isyu sa sistema na nagbabanta sa pagdisconnect ng mga tao sa kaligtasan.

Lasallian STEM Students, Wagi sa WER 2023 Championship

Nakamit ng pangkat nina Avery Simone Chu at Cedric Addison Tan mula sa Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) strand ang ikalawang gantimpala sa kategoryang Brick 4+3 Middle and High School Division.

Nakaabot sila sa Top 15% ng kabuaang ranggo kalaban ang mga mag-aaral mula sa iba’t ibang bansa tulad ng Hong Kong, Macau, Mexico, Malaysia, at Singapore.

Nakasungkit ng internasyonal na parangal ang dalawang mag-aaral na nagrepresenta ng Pilipinas mula De La Salle University Integrated School - Manila sa Middle School & High School Division ng World Educational Robot Contest (WER) 2023 Championship na ginanap sa Shanghai, China noong Disyembre 17, 2023. Nina Juliana Cassandra Rodenas at Miraclea Guiang Ni Mhekaela Ann Kasubuan
Editoryal
Dibuho ni
AGTEK 14
Larawan mula sa DLSU STEM Facebook Page

Arroceros Forest Park: Ang Kanlungan ng Maynila

Habang patuloy na nakikipaglaban ang buong Pilipinas sa tila nagbabagang init na dulot ng El Niño, mayroong isang forest park sa Maynila na kayang magbigay ng kaginhawaan mula sa matinding panahon. Nakatayo ngayon ang Arroceros Forest Park bilang isang testamento ng kahalagahan ng kalikasan sa gitna ng lungsod na puno ng mga gusali.

Binuo noong 1993, ang Arroceros Forest Park ay may 2.2-ektaryang laki at matatagpuan sa timog ng Ilog Pasig at sa paanan ng Quezon Bridge. Ang kagubatan ay mayroong 61 na uri ng puno at 8,000 halamang ornamental na nagbibigay ng tirahan para sa sampung uri ng ibon. Maliit man ang sukat nito, malaki ang ginagampanang papel ng parke sa pagbigay ng malinis at sariwang hangin sa loob ng lungsod. Hindi lamang ito tirahan para sa libu-libong uri ng puno at ibon, itinuturing din ito bilang pahinga ng mga komyuter sa Maynila, isang silungan mula sa tirik ng araw.

Sa kasalukuyan, nasa 35 na national parks at 240 na protektadong lugar ang matatagpuan sa Pilipinas, at isa na nga dito ang Arroceros Forest Park. Nilagdaan ni dating Manila Mayor Isko Moreno ang City Ordinance No. 8607, o ang Arroceros Forest Park Ordinance, noong Pebrero 27, 2020 na nagtalaga dito bilang isang permanenteng parke ng kagubatan sa halip na bilang ordinaryong pag-aari ng lungsod. Sa ilalim ng ordinansang ito, ipinagbabawal ang pagputol ng mga puno, pagtatapon ng basura, at paghuhukay sa loob ng lugar. Alinsunod ito sa Republic Act No. 5752 na

nagdaang taon bunsod ng epekto ng El Niño. Ayon sa datos ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), umaabot sa 53 degrees Celsius ang heat index sa ilang bahagi ng bansa. Nasa 41°C naman ang nararamdamang heat index ng Maynila na nasa ilalim ng “Extreme Caution,” ang klasipikasyon ng PAGASA ukol sa heat index ng mga lugar na mayroong temperatura mula 33°C hanggang 41°C. Sa kabila nito, mas malamig ng 5°C ang nararamdamang temperatura sa Arroceros Forest Park kumpara sa heat index ng buong lungsod. Ito ay bunga ng pagsingaw ng tubig mula sa mga halaman at punong matatagpuan sa parke na tinatawag na transpiration Pinalalamig ng prosesong ito ang hangin sa paligid ng halaman na nagsasanhi ng pagbaba ng temperatura sa loob ng mga berdeng espasyo tulad ng Arroceros Forest Park. Bukod sa maaliwalas na pakiramdam ng parke, nagsisilbing silong mula sa nakapapasong sinag ng araw ang mga puno nito. Nagbibigay-daan din sa pagranas ng mas malamig na temperatura ang kasaganaan ng puno at halaman sa loob ng parke. Kahit ang pangunahing

Sa kasalukuyang panahon, isang nakababahalang realidad ang pagdami ng mga kabataang humihipak o nalululong sa vaping paggamit ng vape. Ang panghalina ng iba’t ibang lasa ng vape ang isa sa mga pangunahing dahilan ng kanilang pagtangkilik dito. Sa kabila ng mga panganib na dulot ng vaping, tila nananatiling limitado ang kapasidad ng Department of Health (DOH) at Department of Trade and Industry (DTI) sa masusing pagbabantay at pagmomonitor ng kalakaran ng mga produktong ito.

Ang electronic cigarettes o e-cigarette mas kilala bilang “vape”, ay mabilis na nagiging laganap sa mga kabataan dahil sa mga kaakit-akit na pampalasa tulad ng watermelon, bubble-gum, grapes, at berries. Isa itong rechargeable na aparato na gumagamit ng singaw mula sa likidong e-juice upang malanghap papunta sa baga. Karaniwan ay kilala ito bilang isang alternatibong paraan ng

na daanan ng hangin sa mga baga. Sa ilang institusyon gaya ng De La Salle University (DLSU), mahigpit na ipinatutupad ng Student Discipline and Formation Office (SDFO) ang mga batas at regulasyon na pagbabawal sa paninigarilyo, kabilang na ang paggamit ng e-cigarettes o vape, alinsunod sa No Smoking Policy – ang pagbabawal ng paninigarilyo sa buong teritoryo ng Unibersidad, na nakasaad sa Student Handbook. Ipinatutupad ng SDFO ang disiplina at responsableng pag-uugali upang tiyakin ang kaligtasan ng Lasalyano. Isinakatuparan din ang Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act (Senate Bill no. 2239) o mas kilala sa Vape Bill noong Hulyo 2022, kahit hindi nilagdaan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Layunin ng batas na ito na pangasiwaan ang importasyon, pagbebenta, at paggamit ng vape products, gayundin ang pagbabawas ng akses nito para sa kabataan. Gayunpaman, sa kabila ng mga batas na ipinatupad sa loob at labas ng DLSU, marami pa rin ang nakikitang nagbe-vape sa paligid ng Unibersidad, partikular na sa Green Court, isang sikat na parking space sa loob ng DLSU vicinity. Nagsisilbing tambayan ng mga naninigarilyo at vapers ang lugar na ito, na nagiging takbuhan upang makaiwas sa mahigpit na pagbabantay sa loob ng campus.

Laganap rin ang bentahan ng vape

sa mga bangketa, tindahang sari-sari, at mga tabing-eskwelahan sa Taft Ave. at iba’t ibang panig ng bansa. Dahil sa kakulangan ng sapat na monitoring mula sa DOH at DTI, nagiging madali para sa mga menor de edad na makabili nito. Bunga nito, mas naging kritikal ang pangangailangan para sa mas mahigpit na regulasyon at masusing edukasyon upang maprotektahan ang kalusugan ng kabataan laban sa panganib ng vaping

Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng paggamit ng vape sa mga paaralan sa bansa, pinaigting pa ng Department of Education (DepEd) ang kanilang hakbang tungo sa pagpapatupad ng mga batas ukol dito. Ayon kay DepEd Assistant Secretary Dexter Galba, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta ng mga produktong vape malapit sa institusyon ng edukasyon, at nananawagan sila sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na makiisa sa pagpapatupad nito. Isang seryosong usapin na nangangailangan ng agarang pansin ang paglaganap ng vaping. Bagama’t may mga hakbang at regulasyon ang mga institusyon tulad ng DLSU at DepEd, malinaw na kailangan pang paigtingin ang pagmamatyag at pagpapatupad ng batas upang mas maprotektahan ang sambayanan.

Development Office (PDO) Director Giovanni Evangelista na malaki ang kontribusyon ng Arroceros Forest Park laban sa matinding panahon at heat index, lalo na’t patuloy na tumataas ang temperatura at dumarami ang mga problema ukol sa kalikasan, kung kaya’t idiniin niya ang kabuluhan ng pag-unawa sa kahalagahan ng pag-alaga sa heritage site na ito. Sa mga lungsod tulad ng Maynila, nagiging mas limitado ang mga lugar na may berdeng espasyo dahil sa patuloy na pagtatayo ng mga gusali at imprastraktura. Ang kakulangan nito sa gitna ng mga lungsod ay nagdudulot ng iba’t ibang problema, tulad ng kawalan ng lugar para sa pampublikong libangan, pahinga, at pagtaas ng temperatura at polusyon sa kapaligiran. Hindi man maiiwasan ang urbanisasyon, mahalaga pa rin ang pagsasama ng mas maraming parke at berdeng espasyo sa mga plano ng mga lungsod bilang isang hakbang sa pagpapaunlad ng kalidad ng buhay ng mga mamamayan. Sa pamamagitan ng tamang pamamahala at kolaborasyon sa pagitan ng pamahalaan, pribadong sektor, at mga komunidad, makalilikha ang bansa ng mga espasyong

ng DLSU-M Campus na matatagpuang pinakamalapit sa Amphitheater ay mahigit 100 taong gulang na. Ang punong tinutukoy ay Barringtonia asiatica na karaniwang kilala bilang fish poison tree, sea poison tree, o putat, at isang species ng genus Barringtonia at Lecythidaceae family. Ang mga bunga nito ay ginagamit upang gamutin ang pananakit ng tiyan, ulo at lalamunan, ubo, trangkaso, bronchitis, pagtatae, malaria, bulutongtubig, tumor, tuberculosis at marami pang iba. Bukod pa rito, mayroong mahigit 30 species ng mga puno ang nakapalibot sa loob ng Campus.

AGTEK 15
Ni Miraclea Guiang Ni Angelica Abilong Mula sa I Live Green Larawan ni Mhekaela Kasubuan DALAWANG ANYO.
sa inang
Larawan mula kay Ayla Urrea Kapsyon ni Hannah De Chavez
Arroceros Forest Park na lamang ang huling hininga ng siyudad ng Manila sa nakasasakal na epekto ng globalisasyon
kalikasan.

ISPORTS

DLSU House Fest, humarurot na

Sumagitsit na ang gulong ng biyaheng De La Salle University (DLSU) House Fest 2024 sa gitna ng naghuhumiyaw na mga manonood at atletang Lasalyano sa dumadagundong na Enrique Razon Sports Complex mula ika-17 ng Enero hanggang ika-13 ng Marso.

Dinaig ng naglalagablab na kompetisyon ang init ng panahon sa pagsasama-sama ng mga Balay Lasalyano na nakiisa sa mga patimpalak na basketball, volleyball, table tennis, hiphop dance competition, cheerdance competition, Jenga, poster-making, kauna-unahang swimming competition, at iba pa.

Taunang ginaganap ang House Fest bilang tagisan ng galing ng mga balay ng Mutien Marie, Miguel, Jaime, at Benilde sa iba’t ibang sports at non-sports events.

Sumalang sa unang pagkakataon ang mga mag-aaral mula sa baitang 11 kaya naman kapansinpansin ang kasabikan nila sa naturang kaganapan.

“This year’s House Fest was truly an eye-opening experience for me. Attending each event and seeing the people around me really made me realize the passion they shared for the various games and events,” saad ni Lance Calacday, mula sa House of Benilde.

Para naman sa mga mag-aaral ng baitang 12, isang pamilyar na entablado ang kanilang inapakan kasunod ng kanilang pakikilahok noong nakaraang taon.

Ibinahagi ni Ashley Zarate, isang volleyball player mula sa House of Miguel na nagalak siya nang muling makaapak sa court sapagkat isang masayang karanasan ang kaniyang pakikilahok sa House Fest noong nakaraang taon.

“Talagang naging memorable at inspiring ang buong experience. Sa bawat sandali, mararamdaman mo talaga ang competitiveness ng bawat players at ito ay nagbibigay sa’yo ng determination to give your all,” giit niya.

Kasalukuyang nag-iinit ang makina ng nangungunang balay ng Mutien Marie nang angkinin ang panalo sa iba’t-ibang palaro gaya ng chess, badminton, at table tennis.

Patuloy na isinasagawa ang House Fest Library Cup na tatagal hanggang sa ika-31 ng Mayo at inaasahan namang itatanghal ang kampeon sa darating na ika-29 ng Hunyo.

Sa Gitna ng Libro at Dojo

Sa likod ng agham at kompyuter, sa mga gabing puyat at mga umagang nangingibabaw ang aroma ng kape, nakakubli ang kwento ng dalawang atleta mula sa Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) strand. Nahahati ang oras na kanilang ginugugol sa pag-aaral dahil pursigido nilang tinatahak ang landas ng Brazilian Jiu Jitsu (BJJ).

Humataw ang dalawang atleta ng De La Salle University Senior High School Brazilian Jiu Jitsu & Grappling Organization (BJJ-GO) team na sina Enrico Balingit at CJ Ignacio sa 2024 Asian Sport Jiu-Jitsu Federation’s Marianos Pro BJJ International Championships noong Abril 20 hanggang 21. Nag-uwi ang dalawa ng pilak at tansong medalya, pundasyon ang kanilang nag-aalab na dedikasyon sa larangan.

Hindi maikakaila ang puso ng dalawa para sa BJJ. Sa kabila ng tambak na gawaing sinisingil ng kanilang strand, patuloy ang kanilang pag-eensayo. Kahit pa hindi masukat ang pisikal na pagod na dala ng isport, patuloy pa rin ang pagpupursigi nila.

“The more I train, the more I realize that it’s very therapeutic for me. I’d rather just train so I can take it all out. Combat sport became an avenue for me to release all the stress from acads, all the stress in life,” pahayag ni Enrico. Para naman kay CJ, tila lalong napapawi ang pagod niya tuwing dumadalo sa training matapos ang napakahabang araw dahil napapalibutan siya ng mga kaibigan at coaches na sumusuporta sa kanyang kaunlaran bilang mag-aaral at manlalaro.

Lalo pang nasubok ang lakas at oras nila nang pumalapit na ang kanilang kompetisyon. Bagama’t nag-uumapaw ang galak at saya ni Enrico at CJ na makalahok dito, isa raw sa pinakamalaking hamon na kanilang kinaharap ay ang pagpasok sa kanilang weight class. Sumabay pa ito sa finals week sa paaralan kaya’t mas tumindi pa ang bigat ng bagaheng kanilang dinadala.

Pagdating ng kompetisyon, tila nagulatang ang dalawang atleta kahit pa labis-labis ang kanilang naging paghahanda para dito. “Everything just went haywire. I really analyzed the games of my opponents to find when and where to attack, but everything went out the window when the match happened,” kwento ni Enrico tungkol sa kanyang laban. “The competition is very different from what we did in training,” diin pa ni CJ. Nakipagbuno si Enrico sa unang sabak niya sa kompetisyon at umabot sa puntong 7-7 ang iskor. Pinilit ni Enrico ang isang sweep, dahilan para makakuha siya ng dalawang puntos at lumamang sa bakbakan. Mula dito ay iningatan na ng atleta ang kanyang kalamangan para sungkitin ang una niyang panalo. Subalit pagsapit ng kanyang huling laban ay masyado nang nanghina ang kanyang katawan. Hindi rin pinalad si CJ na manalo sa kanyang matches ngunit nakamit pa rin niya ang tansong medalya sa pamamagitan ng kanyang kabuuang puntos. Sambit pa niya, sapat na ang sayang ipinaramdam ng laro kahit hindi siya nagwagi. “Kapag nasa mats na ako hindi ko talaga ramdam yung kaba at tense kasi mas nangingibabaw yung ‘I made it here’ feeling na nagrereflect ng efforts sa mga naging training namin,” aniya. Pasa at pawis man ang tinatamasa, hindi pa tapos ang kanilang laban. Pinag-iisipan din nilang sumabak sa Abu Dhabi Jiu Jitsu Pro - Philippines National Championship sa Hulyo. “I will work on my game and improve what I haven’t done well during the Marianos competition,” bahagi ni CJ.

Higit pa sa medalya at karangalan ang inuwi ng dalawang atleta pagkatapos ng kompetisyon, kundi pati na rin ang pagkakaroon ng disiplina sa iba’t ibang aspeto ng kanilang buhay. Natuto silang pangasiwaan nang maayos ang kanilang oras at pagsabayin ang libro at dojo.

Sulong PatungongTagumpay

Taliwas sa isang lipunang nakaposas sa intelektwal na kakayahan lamang, isang hibla ng kurikulum ang siyang sinasalungat ang karaniwan, ang Sports Track (SPT).

Isa sa mga programang inaalok sa senior high school ay ang SPT, kabilang na rito ang De La Salle University Senior High School (DLSU SHS). Kumpara sa mga karaniwang akademikong strand, ang Sports Track ay binibigyang-kahalagahan ang sports-related coursework at practical training.

Marahil nakikita ng karamiha’y isa lang itong kurso; ngunit para sa mga mag-aaral nito, ito ang pinto patungo sa kanilang mga pangarap. Unang Impresyon Masakit mang isipin at marinig, hindi maipagkakailang ibang klaseng diskriminasyon ang natatanggap ng mga mag-aaral ng SPT.

“What is that? Is that even a strand?”

Ito ang kadalasang reaksyon sa salitang “Sports Track” kapag naririnig ito ng karamihan, ayon kay Carla Wade, isang mag-aaral ng SPT sa baitang 12 ng DLSU SHS.

Sa mata ng sambayanan, isang matarik at tila malabong landas ang pagtahak sa SPT. Kung kaya’t nababalot ng takot at pagdududa ang buhay ng mga mag-aaral bago humakbang patungo sa daang ito.

“When I [found out] that I was part of the SPT, I was confused about what would be my career path, which made me wonder if I should shift to another strand,” reaksyon ni Wade

nang kanyang malamang sa SPT siya nakapasa imbis na STEM.

Gayunpaman, sa kabila ng diskriminasyon at stereotype na natatanggap ng mga mag-aaral, ‘di nagpapapigil ang kanilang dedikasyon at nag-aapoy na alab sa pag-abot ng kanilang pangarap.

“My passion for sports and the desire to understand the science behind athletic performance motivated me to pursue SPT,” bahagi ni Pi Azarcon, mula sa SPT 12-A.

Pagbabagong Kaharap

“Pisikal na gawain,” iyan ang sagot ni Alvarez, ang kinatawan ng SPT ng baitang 11 nang tanungin siya kung anong naiiba sa SPT kumpara sa ibang mga strand.

Sa kanilang buong pusong paglalakbay sa landas na ito, buong pamumuhay raw nila ang nabago, lalong lalo na ang kanilang kalusugan.

Salungat sa kanilang inaasahan, hindi ito laro-laro lang.

“Entering SPT brought a shift in my academic lifestyle with a focus on sports-related coursework, practical training, and a more dynamic learning environment,” dagdag ni Azarcon.

Natubos din naman ni Wade ang pagkabigong naramdaman niya nang mapagtanto niyang magagamit din niya sa hinaharap ang mga subject sa SPT curriculum na nakapokus sa human anatomy, first aid, at

Pumalya ang De La Salle University (DLSU) Animo Squad sa University Athletic Association of the Philippines Season 86 Cheerdance Competition nang magtapos lamang sila sa ikapitong pwesto nitong ikalawa ng Disyembre, 2023 sa Mall of Asia Arena.

Humataw ang Animo Squad papasok ng entablado suot ang kanilang kumikinang na luntiang damitan, baon ang kanilang Latin Popthemed routine.

Tila ilog na patuloy ang daloy ang pagpapakitang-gilas ng Animo Squad sa simula ng kanilang pagtatanghal sa makapigil-hiningang stunts tosses, at pyramids

Sa kanilang routine, binuo ng DLSU ang mga pyramid stunt na kailanman ay hindi pa nila nagawa sa kompetisyon, simbolo ng pagsulong kumpara sa nakaraang taon.

Subalit sa pagtatapos ng routine ng Taft-based Squad, umani sila ng sunod-sunod na pagkakamali sa pagbuo ng huling pyramid dala ng mahinang pundasyon at palyadong pagbato, dahilan para mahatulan ng 11 puntos ng penalties.

Sa nakaraang 11 na taon, patuloy ang pagsisikap ng Animo Squad na makakuha ng podium sa larangang cheerdance competition, subalit maging sa kalasukuyan ay bigo pa rin ang koponan sa larangan.

Sa kabila ng pagpupunyagi at sigawan ng mga manunuod sa pagtatanghal ng DLSU Animo Squad, nakapagtala lamang sila ng 555.5 puntos mula sa 63.5 sa tumbling, 62 sa stunts at tosses, 52 sa pyramids, 327 sa dance, at pagbawas ng 11 puntos mula sa deduction.

emergency readiness sa kaniyang pagtutuloy ng medisina.

Dagdag pa sa mga kursong ito, kanila ring hinihimay-himay ang bawat ugat, katulad ng human movement na kurso. Kilala nga sila bilang isang track ng gawa at hindi lamang salita dahil pagkatapos pagaralan ay isasagawa rin nila ang mga ito.

Sa kabila ng lahat ng takot, pagdududa, at pagbabagong kinaharap ng mga mag-aaral na ito, kaginhawaan ang kanilang nahanap. Nabanggit ni Alvarez na ang SPT ay isang mahirap na landas subalit dito niya nakita ang kanyang sarili, kasabay ng mga taong alam niyang kaparehong landas ang binabaybay. Higit pa sa paaralan ang natagpuan ng mga mag-aaral na ito kundi pati na rin ang tulay na daan patungo sa kanilang mga pangarap. “Taking SPT can benefit my future by providing a specialized skill set in sports science, management, or coaching, opening doors to careers in the sports industry,” diin ni Azarcon.

Sa kabila ng pangalan nito, hindi limitado ang mag-aaral nito sa sports dahil itinatawid sila ng SPT sa iba’t ibang larangan.

SPT. Tatlong letrang puno ng pagaalinlangan, takot, pagbabago, at higit

Animo Squad, bigo sa UAAP S86 Cheerdance Competition
16 ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGMAG-AARAL NG DE LA SALLE UNIVERSITYINTEGRATED SCHOOLMANILA Pana Verde
Ni Samantha Graizziel Torres Ni Andrei Carl Dungo Ni Andrei Carl Dungo Ni Samantha Graizziel Torres BANDERA NG DETERMINASYON.
ARRIBA ANIMO! Pinasigla ng DLSU Animo Squad ang UAAP Season 86 Cheerdance Competition, bagaman nakamit lamang nila ang ikapitong pwesto noong ika-2 ng Disyembre, 2023 sa Mall of Asia Arena. Kuha ni Cecil Sarte The Lasallian Kapsyon ni Althea Habulan
Iwinagayway ng mga miyembro ng House of Miguel ang mga berdeng bandila bilang pagpapakilala sa kanilang koponan sa pagbubukas ng House Fest 2024. Kuha at Kapsyon ni Althea Habulan

DOUBLE KILL

AP.Bren, pinitas ang ikalawang world title

Walang kupas na naghari ang AP.Bren matapos ang kanilang makasaysayang two-time World Championship laban sa Onic Esports ng Indonesia sa Mobile Legends M5 World Championship, 4-3, noong ika-18 ng Disyembre, 2023.para sa Pilipinas.

Nagpamalas ng impresibong takbo ng laro ang Bren sa buong kurso ng paligsahan, hanggang sa nakatapat nila ang Onic Esports sa upper bracket finals. Nagbunga ito sa nakapanlulumong 0-3 loss na nagpabagsak sa Pinoy team pababa ng lower bracket.

Matagumpay na nalagpasan ng Bren sa lower bracket ang kapwa Pinoy team na Blacklist International sa iskor na 3-0. Pinainit ng dominasyong ito ang nagniningas nilang paghihiganti kontra sa Onic Esports nang mapasakamay nila ang unang tunggalian sa Finals.

Kinapos din sa kalaunan ang napanatiling kalamangan ng Bren nang magsimulang mangibabaw ang Onic sa mga final clash ng laro kasama ang nagsalbang double kill ni Filipino import Kairi “Kairi” Rayosdelsol malapit sa lord pit na nagbunsod ng kanilang pag-angat sa Game 2.

Hindi pinayuko ng kabiguan mula sa Game 2 ang Bren matapos nilang makabawi sa sumunod na bakbakan nang mag-concede ang Onic pagsapit ng Game 3 bilang sagot sa agresibong pangangambala ng roaming Arlott ni Rowgien “Owgwen” Unigo sa early-to-mid game at bantay-saradong depensa ng Gord ni Angelo Kyle “Pheww” Arcangel.

Mula sa nakaraang pagkatalo sa Game 2, sinigurado ng Bren na hindi na muling makalulusot pa ang Onic sa ipinakita nilang dominasyon sa early stages ng laro at hindi na sila muling makababangon pa. Matagumpay nilang isinabuhay ang ganitong playstyle hanggang Game 4 kung saan ipinakita ng Akai ni Kyle “KyleTzy” Sayson ang walang palyang pagpitas sa mga key player ng Onic.

Hindi naman hinayaan ng Indonesian team na matinag ang kanilang kumpiyansang makabawi nang baligtarin nila ang takbo ng kampeonato sa likod ng ikaapat na lord steal ng Baxia ni Kairi sa 26-minute mark na sinundan ng bigong pagtatangka ng Bren na makalusot sa isang late game victory.

Nanatiling kalmado ang Indonesian team sa harap ng makatindig-balahibong match point situation at namayani ang Wanwan ni Calvin “CW” Winata at Sanz gamit ang ipinamalas nilang agresibong laro na sumasandal sa mahuhusay na outplays at wipe out, sapat upang puwersahin ang Bren sa isang do-or-die match.

Sa pinakahihintay na sandali ng kampeonato, tila bumangon mula sa hukay ang AP Bren matapos gamitin bilang huling sandata ang nakagisnang Brody at Fredrinn pick kasama ang pambibiktima sa key players ng Onic na sina Kairi at Sanz.

Sinubukang sumugal sa isang check bush ni Kairi sa loob ng 13-minute mark, ngunit binura lamang ito ng ilang miyembro ng Bren. Umusbong ito sa isang clash kung saan outnumbered ang koponan ng Indonesia.

Isa-isang pinitas ng Bren ang bawat miyembro ng Onic, na nagsilbing pagkakataon para basagin ang tore hanggang tuluyang maselyuhan ang titulo bilang kampeon ng M5 World Championship.

“I think the main focus of what we adjusted from yesterday’s match boiled down to having Kairi play out of his comfort zone. As we progressed with the Bo7 series, we

Alexei Agabon:

Buhat ng sugat ng kahapon

Hiling niya ay lunas, dumating ay dangal para sa Pilipinas.

LAYAG, KABAYAN!

Joanie Delgaco, sasagwan bilang kaunaunahang Pinay rower sa Olympics

Walang alon ang nakapigil sa pag-abante ng 26-year old female rower na si Joanie Delgaco matapos pumalaot patungong ikaapat na pwesto sa women’s single sculls final ng Asian and Oceanian Rowing Olympic Qualification Regatta sa Chungju, South Korea, noong ika-21 ng Abril, 2024.

“Para sa akin, history talaga na pinakaunang Filipina na rower talaga na nag-qualify sa Olympics. Sobrang hindi ko maimagine na naabot ko iyong ganito. Dati, dinadaan-daanan ako ng malalakas, ngayon nabi-beat ko na sila,” ayon kay Delgaco sa panayam ng Radyo Pilipinas 2. Umarangkada si Delgaco sa oras na pitong minuto at 49.39 segundo sa six-rower race final, sapat upang makasaysayang selyuhan ang kanyang pwesto sa darating na 2024 Paris Olympics bilang kauna-unahang Filipina rower na sasalang dito.

“Papuntang finish line pa lang po kanina, dinig na dinig ko na po iyong suporta ng team ko, andoon talaga sila and grabe, nag-push talaga ako hanggang dulo para sa team ko, ginawa ko lahat,” dagdag ni Delgaco.

Kinarga ni Alexei Agabon ang bandera ng Pilipinas, isang mag-aaral na atleta ng De La Salle University, nitong nakaraang Disyembre sa Asian Classic Powerlifting Championship 2023 na ginanap sa Malaysia matapos siyang koronahang overall champion sa kategoryang U59 Jr. Inangkin niya ang gintong medalya para sa kanyang 257.5kg deadlifts at pilak naman para sa squats na 190kg. Ang tagumpay na inuwi ni Agabon ay hindi isang tuldok, kundi isang kuwit sa kanyang mahaba pang kwento.

Kung Sa’n Nagsimula Kumpara sa paglalakbay ng ibang atleta na mula pagkabata ay naakit kaagad sa kanikanilang larangan, ibang landas ang tinahak ni Agabon. Taong 2022, natuklasan niya ang isang bali sa kanyang tuhod—pinsalang sapat nang magpabagsak sa karamihan.

Lingid sa kaniyang kaalaman, ang baling ito pala ang magtataguyod sa kaniyang karera.

Habang nagpapagaling si Agabon ng tuhod, ipinakilala siya ng kaniyang physical therapist (PT) sa kislap ng powerlifting. Nakitaan siya ng kanyang PT ng tumataginting na potensiyal sa larangan, kaya naman nadala siya sa mundo ng pagbubuhat.

Sinabi ni Agabon sa isang panayam na naging malaking impluwensya at inspirasyon din ang kaniyang malapit na kaibigan na si James Sy na siya ring katuwang ni Agabon noong siya’y nagsisimula pa lamang sa larangan.

“Ever since I started powerlifting, he [James Sy] was already there, and I wanted to be as strong and as cool as him in the future.”

Dagdag pa niya, humuhugot daw siya ng motibasyon mula sa kaniyang mga kaibigan, pamilya, at kasintahan upang patuloy na

Binaybay muna niya ang maalon na dagat upang mapabilang sa tatlong Pinoy rower na nakapasok sa Olympics sa kasaysayan bilang Southeast Asian Games gold medalist noong 2019, SEA Games silver medalist noong 2022, at 19th Asian Games 2000m fifth placer noong nakaraang taon.

Sa kabila ng mga iniindang sakit sa binti at buong katawan, matatag na nakipagsabayan si Delgaco sa likod ng champion na si Anna Prakaten ng Uzbekistan (7:31.28), runner-up Shiho Yonekawa ng Japan (7:35.93), at third placer Fatemeh Mojallal ng Iran (7:37.07).

Pinaghahandaan naman ng Filipina rower ang isang buwan niyang pagsasanay sa POC-provided training center

mangibabaw at basagin ang iba’t ibang rekords. Natikman kaagad ni Agabon ang tamis ng tagumpay dahil sa unang sabak sa isang lokal na kompetisyon sa Bacolod ay naiuwi na niya ang kampeonato. Mula noon ay hindi na binitawan pa ng atleta ang larong ito.

“I will not be stopping and I will continue moving forward and beat everyone in my way,” aniya sa isang Instagram post.

Pagbubukas ng Pinto sa Mundo

Sa pagpasok ng taong 2024, ang pinakamahalagang kabanata ng kuwento ni Agabon din ay lumantad—ang Asian Classic Powerlifting Championship.

Sa kalagitnaan ng init ng pagsisikap ng lahat ng atletang kalaban ni Agabon, ang kaniyang ikatlong deadlift ang humahawak sa kapalaran ng buong kompetisyon.

Umapak na sa plataporma ang atleta, dala ang bigat ng naghahalong kaba at kasiyahan nang hawakan niya na ang barbell

“Up!”

Ito ang sigawan ng paligid ni Agabon nang kargahin niya ang 257.5 kg barbell na siyang nakakabit ang gintong medalya.

Pagtalikod ng atleta, nakita niya ang nagniningning na tatlong puting signal na nangangahulugang “good lift” ang kaniyang buhat. Nabalot ang hangin ng kasiglahan at kasiyahan kasabay ng dumadagundong na sigawan para kay Agabon bilang bagong kampeon ng larangan. Para kay Alexei Agabon, ito raw ang pinakamahalagang kompetisyon sa kaniya dahil unang beses niyang manalo sa pandaigdigang antas.

Sa kabila ng tumataginting na tagumpay ni Agabon, nananatiling gutom ang atleta sa kung ano pa ang maihahain sa kaniya ng larangan. “I’m not done yet,” diin niya.

sa Metz, France na gaganapin isang buwan bago ang pinakahihintay na paligsahan.

“Sa ngayon po, pinaghahandaan namin is one month training camp po then sa Paris din po, mangyayari po,” wika niya.

Taas-noong iwawagayway ni Delgaco ang bandera ng Pilipinas sa Paris kasama nina pole vaulter EJ Obiena; boxers Eumir Marcial, Nesthy Petecio at Aira Villegas; weightlifters John Ceniza, Elreen Ando at Vanessa Sarno; at gymnasts Carlos Yulo, Aleah Finnegan at Levi Ruivivar sa darating na Hulyo.

Ni Andrei Carl Dungo Ni Fermon Pingol
ISPORTS 17
Ni Fermon Pingol
PUWERSA NG PAGSUSUMIKAP. Nasungkit ni Alexei Agabon ang unang pwesto sa deadlifts ng Asian Classic Powerlifting Championship nang mapagtagumpayang kargahin ang 257.5 kg na barbell. Larawan mula sa Instagram ni Alexei Agabon Kapsyon ni Althea Habulan
Dibuho ni Jaymee Toh Dibuho ni Julia Dy

Editoryal

Madaling magpalinlang sa isang hunyangong ginto ang puhunan at handang hamakin ang lahat para lamang kuminang ang kanilang reputasyon at legasiya.

Kamakailan lamang umiral ang balita sa hindi inaakalang transfer move ni University of Santo Tomas (UST) Tiger Cub Andrei Dungo. “It was foul… Hindi nagsabi sa amin. There was no communication at all,” pahayag ng UST head coach Manu Iñigo. Tunay namang hindi masisisi ang koponan dahil matapos alagaan, sanayin, at linangin ng unibersidad ang kaniyang kakayahan, nakapagtataka lamang na napag-isipan niyang lumipat, maliban na lang kung may kinalaman ang DLSU rito. Hindi kaaya-ayang isipin na simula nang masungkit ng Unibersidad ang kampeonato sa UAAP Season 86, apat na atleta na ang pinirata nila na galing sa iba’t ibang ribal na paaralan. Ang pamimirata ng mga atleta mula sa isang paaralan papunta sa iba ay katumbas ng kawalan ng integridad sa proseso ng pag-angat sa pagraranggo ng eskwela sa bansa. Tulad ng hunyango, ang panunuhol sa mga manlalaro ay isa lamang pagbabalatkayo sa tunay na pakay ng Unibersidad—ang pagpapana sa mga manlalaro gamit ang Palasong

Quiambao:

Kampeong ‘Di Umuurong

Sa likod ng pagiging UAAP Season 86 Champion, Season MVP, at Finals MVP, hindi maikakaila ang layo ng narating ng De La Salle University (DLSU) Green Archers 22-year old frontrunner na si Kevin Quiambao. Mula sa maliliit niyang tagumpay hanggang sa mga parangal na kanyang tinatamo ngayon, dala niya sa kanyang balikat ang bandera ng kanyang Pamantasan, kasama na ang Pilipinas sa mas malaki pang yugto na kaniyang gagampanan sa pag-usbong ng

Unang Tapak sa UAAP Sa pagpasok ng UAAP Season 85 men’s basketball tournament, nakakita ng pagkakataon si Quiambao na maitalaga ang kanyang pangalan sa larangan ng basketball, ngunit hindi ito naging matagumpay. Umabot sa ikalimang puwesto ang narating ng Green Archers nang bigo nilang malusutan ang Soaring Falcons patungong Final Four.

“Kailangan ko ibalik yung crown sa Taft. Babalik ako for Season 86,” ayon kay Quiambao. Pagbangon Patungong Korona Sa pagbabalik ng Green Archers sa Season 86 ng UAAP, ipinakita ni Quiambao ang namumukod-tangi niyang kakayahan at determinasyong mapatunayan ang husay ng kanilang koponan tungo sa tagumpay.

Ginulantang niya ang madla sa makasaysayang triple-double record na kaniyang ipinamalas nang dalawang beses at patuloy niyang pagpapakitanggilas paakyat ng finals.

Sa wakas, inalis ang sumpa, napaniwala ang walang tiwala, at tuluyang ibinalik ng 6-foot-7 power forward ang koronang sinikwat mula sa Green Archers pagkatapos ng pitong taon.

gintong walang puwang ang pagtatanggi. Bagaman maaaring nakabibighani ang mga alok na libreng matrikula, malaking pera, at kahit kotse o condominium unit pa, ito ay nagdudulot ng ‘hindi pagkakatugma’ sa tunay na layunin ng paaralan. Ang paaralang tunay na nagpaunlad sa isang atleta ay dapat hindi naglalayong makipagkompetensya sa pag-aalok ng materyal na gantimpala. Sa halip, ang kanilang layunin ay dapat magbigay ng tamang suporta at pag-unlad para sa kinabukasan ng mga manlalaro. Ang mga atleta ay hindi dapat ituring bilang mga bagay na mabibili sa pamamagitan ng suhol, bagkus, sila ay dapat na makilala bilang mga indibidwal na may potensyal at kahalagahan sa loob at labas ng palakasan. Batay sa Saligang Batas Blg. 10676 o StudentAthlete Protection Act, maaaring magbigay ng benepisyo upang mapahusay ang akademiko at atletikong aspeto ng mga student-athlete. Subalit, hindi ito nangangahulugang maaaring bulagin ng iba’t ibang paaralan ang mga manlalaro ng ibang pamantasan upang maging parte ng kanilang koponan. Pakatatandaan na ang pamantasang nagsanay sa isang atleta ang mas may karapatang mapakinabangan ang husay ng mga manlalaro, maliban na lamang kung kusa silang lumipat. Hindi karapat-dapat na silawin ng Unibersidad ang mga manlalaro gamit ang pera at iba’t ibang kagamitan dahil hindi naman sila ang humubog sa kagalingan ng mga atletang iyon, at lalong hindi

Tungo sa Bagong Yugto Matapos makaupo sa trono ng kampeonato, napasakamay ni Quiambao ang pagkakataong kumatawan sa koponan ng Strong Group Athletics upang sumabak sa 33rd Dubai International Basketball Championship.

Umuwi man sa nakadidismayang pagkatalo ang SGA sa quarterfinals noong 2023, buong lakas na bumalik si Quiambao sa ikalawang pagkakataon upang tuluyang ilihis ang pabor ng kapalaran patungo sa ating bansa.

“We are super happy that I am part of the team, knowing the roster is super loaded and talented. The hunger to bounce back is there because the league we are in is the best of the best,” wika ni Quiambao.

Bagong mukha ang ibinalandra ng Pinoy team nang mainit nilang sinimulan ang kanilang karera sa Dubai. Sa pinagsamang gilas, nagpatuloy ang walang preno nilang pagarangkada sa kompetisyon na nagbunga sa walang dungis nilang kartada na 6-0.

Sa likod ng matutunog na pangalan sa koponan katulad nina NBA Superstars Dwight Howard at naturalized Filipino center Andray Blatche, nagningning pa rin angking talento ni Quiambao sa ipinakita nitong consistent plays na epektibong namuno sa patuloy na pagdomina ng koponan sa paligsahan.

“I was just watching them before, now I am playing with them, and whatever I can learn from them, I’ll just take advantage of it,” Ani Quiambao sa pakikipaglaro kasama ang mga ex-NBA players.

Binuo mula sa matibay na paninindigan at walang pagmamaliw na determinasyon, nakipagbuno sa tadhana si Quiambao patungo sa kanyang estado mula sa nangangarap na basketbolista hanggang sa pagiging kampeon at internasyonal na manlalaro. Gayunpaman, desidido si Quiambao na hindi pa rito nagtatapos ang kanyang kuwento at magpapatuloy pa ito sa darating na UAAP Season 87, dala-dala ang bandera ng kanyang Pamantasan at ang mas malaki pang pangarap na nais niyang tahakin sa labas ng bansa.

sila ang dahilan ng tagumpay ng mga manlalarong iyon sa mga panahong hindi pa sa kanila nabibilang ang mga ito. Kung ipagpalagay na sa loob ng dalawa hanggang apat na taon sa hayskul, naglaan ang paaralang iyon ng malaking pondo at gumawa ng mga espesyal na kaayusan at iba’t ibang programang pagsasanay upang malinang ang kakayahan ng atleta. Sa halip na kumuha ng mga atleta mula sa iba’t ibang paaralan, mas mainam na magtuon ang Unibersidad sa pagpapalago ng kanilang sariling mga manlalaro at koponan, pati na rin ang iba pang nagnanais na makiisa sa kanilang pangkat. Ang pagtataguyod ng sariling talento at kakayahan ay magbibigay hindi lamang ng malaking benepisyo sa mga manlalaro at paaralan, kundi maglalayo rin sa kanila mula sa mga mapanlinlang at nagbabalatkayo.

Dibuho ni Jaymee Toh

Nagbabalat-kayo
Ni Fermon Pingol Kuha ni Brean Lucero | The LaSallian Kapsyon ni Cyrus Salvador PUSONG KAMPEONATO.
ISPORTS 18
Buong tiwalang lumaban si Kevin Quiambao sa UAAP Season 86 Men’s Basketball dala ang ilang taong karanasan sa pagpapahusay ng kaniyang puso sa basketball.

Lady Spikers Regular Season Standing

11-3

DLSU Lady Spikers, napasakamay ang ikatlong pwesto KAPOS-PALAD

INANGKIN ng De La Salle University (DLSU) Lady Spikers ang tansong medalya sa pagtatapos ng kanilang torneyong puno ng sorpresa sa UAAP Season 86 Women’s Volleyball noong Mayo 5 sa SM Mall of Asia Arena.

Walang pag-aatubiling ipinamalas ng Taftbased squad ang kanilang galing sa unang yugto ng UAAP Season 86 Women’s Volleyball at nagtakda ng kartadang 6-1 papasok ng ikalawang yugto.

Pumalya lamang ang pana ng La Salle sa bagsik ng University of Santo Tomas (UST) Golden Tigresses. Nabitin ang 28 puntos ni reigning MVP Angel Canino nang gulatin ng UST rookie pair na sina Angeline Poyos at Margaret Banagua ang koponan sa kanilang 6-0 run upang selyuhan ang laban.

Bilang panapos sa unang round ng kompetisyon, pinangunahan ng 14 puntos ni Amie Provido ang pagtakas sa pangil ng National University (NU) Lady Bulldogs sa isang 5-set thriller, 3-2, na kanilang unang paghaharap matapos ang nakaraang kampeonato.

“Marami pa kaming kailangan i-iimprove inside kasi ‘di talaga madaling kalaban ngayon lahat ng mga kalaban namin lalo na sila (NU) and kailangan talaga namin sila harapin ‘di lang ng may puso, ‘di lang ng may pride, kundi tapatan ng kung

anong mga skills na kulang pa namin,” saad ni Canino. Epekto ni Canino

Pinagpatuloy ng Lady Spikers ang kanilang dalang momentum sa ikalawang yugto ng torneyo, ngunit nagbago ang ikot ng bola nang hindi nakalaro sa tatlong laban si ace player Angel Canino dahil sa isang injury sa kaniyang kanang braso.

Kapansin-pansin ang paghihirap ng La Salle sa kanilang mga sumunod na tunggalian kontra University of the Philippines Fighting Maroons, at 8th seed na University of the East (UE) Lady Warriors, kahit pa wagi sila sa rito sa mga iskor na 3-1 (26-24, 25-19, 24-26, 27-25), at 3-2 (25-23, 21-25, 2517, 22-25, 15-12).

“As of now, it’s like they’re still looking for Angel,” banggit ni Noel Orcullo, assisstant coach ng Lady Spikers tungkol sa dikit na laban kontra UE Lady Warriors.

Nagulantang ang Canino-less Lady Spikers na tila may kulang na piyesa sa makina nang muling makaharap ang NU Lady Bulldogs kung saan natanggap nila ang ikalawang talo sa torneyo, 1-3 (25-22, 23-25, 16-25, 22-25) noong Abril 14. Gayunpaman, hindi tuluyang bumagsak ang pana ng koponan nang magpasiklab si Shevana Laput ng 24 puntos kontra Adamson Lady Falcons at 15 puntos naman laban sa Ateneo Blue Eagles.

Simula ng Pagtatapos

Muling kinaharap ng DLSU Lady Spikers at ang nagbabalik na Angel Canino ang kanilang bangungot noong unang yugto ng torneyo–ang UST Golden Tigresses sa labanang nakasalalay ang twice-to-beat advantage sa mananalong koponan.

Ninakaw ng Lady Spikers ang unang set sa pangunguna ni Laput na nakabutas ng 4-0 at magtapos sa 25-21. Subalit mula sa puntong ito, tila sinakal ng Growling Tigresses ang Lady Spikers at hindi na pinahingang muli nang kuhanin ang momentum ng laban at tuluyang paguhuin ang koponan sa tatlong magkakasunod na set, 23-25, 16-25, at 15-25.

Paghantong ng Final Four, nanghinang muli sa ikatlong pagkakataon ang Lady Spikers sa sakmal ng UST Growling Tigresses sa iskor na 2-3 (20-25, 25-16, 20-25, 25-19, 7-15), larong tumuldok sa kanilang torneyo.

Bigong makamit ng Lady Spikers ang back-to-back championship matapos ang makasaysayang kampeonato sa UAAP Season 85, at bumagsak lamang sa ikatlong pwesto. “Siyempre nakakalungkot din iyong nangyari but hindi kami dito titigil. It serves as a motivation for all of us,” diin ni Canino sa pagharap ng kanyang koponan sa susunod na season.

Hanggang Pangarap na Lang

Aanhin pa ang walang humpay na pagkampay ng binti’t kamay na pilit umaahon at sumasagudsod sa rumaragasang tubig kung may tanikala namang pumipigil sa pagpiglas ng mga manlalangoy patungo sa kanilang pangarap?

Ang bawat mag-aaral ay may taglay na talento at kakayahan. Kaya naman, iba’t ibang patimpalak ang masusing binabalangkas at isinasakatuparan ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) tulad ng mga Press Conference, Festival of Talents, at Palarong Pambansa upang mabigyang-halaga ang kaniya-kaniyang talento ng mga mag-aaral.

Sa pagpito ng opisyales bilang hudyat ng pagsisimula ng kompetisyon, ano mang pilit lumusong sa mapanghamong larangan, hindi magagawang sumulong ng mga atleta patungo sa kanilang mga pangarap kung may kakulangan sa suporta.

Sa kabila nito, bilang isa sa mga pamantasang kilala at nangunguna sa isports, hindi regular na nakalalahok ang De La Salle University Senior High School (DLSU SHS) Manila sa mga patimpalak ng DepEd at torneyo tulad ng UAAP Juniors. Kanya-kanyang bayad din ng registration fee ang mga atleta kung nanaisin nilang sumabak sa mga kompetisyon. Bilang pamantasang binubuo ng mga estudyanteng nagmula sa iba’t ibang panig ng bansa, tiyak na may kanya-kanyang taglay na kapasidad ang bawat isa. Panigurado ring mayroong mga natatanging hiyas na handang ibandera ang pangalan ng unibersidad sa mga pambansang patimpalak. Hindi lamang nito mapa-uunlad ang kakayahan ng mga atleta, bagkus ay magiging mayaman din sa karanasan ang mga pipiliing harapin ang hamon.

Isa lamang si Hannah Sacil, mag-aaral ng DLSU HUMSS strand, sa mga patunay na dekalidad ang lakas at puwersa ng pamantasan sa pampalakasan. Isinalaysay niya ang kaniyang naka-aantig na tagumpay sa larangan nang taon-taong makalahok sa Palarong Pambansa simula noong 2018. “Personally, as a swimmer, it would be great for us in DLSU SHS to have our varsity team, especially being eligible for Athletic Meets. The swimmers in SHS could practice the sport while representing the school,” ika niya patungkol sa kaniyang perspektibo sa paglahok ng DLSU SHS sa Palarong Maynila.

Bukod pa rito, patuloy na pina-iigting ng ilang mga kasapi ng De La Salle school system ang kanilang paglahok sa iba’t ibang isports, tulad ng De La Salle Zobel (DLSZ) na kabilang sa UAAP High School. Gayundin ang De La

Salle University Integrated School - Laguna na aktibong lumalahok sa dibisyong tunggalian at Southern Tagalog CALABARZON Athletic Association (STCAA), na siyang nagpapalakas ng kumpiyansa ng kanilang mga mag-aaral sa isports.

Sa tagumpay ng mga karatig nating paaralan, hindi imposibleng umabot din tayo sa mga pambansang kompetisyon kung makatatanggap lamang ng sapat na suporta mula sa Pamantasan. Kabilang ang pagkakaroon ng tagasanay, regular na pageensayo, at paglalaan ng pasilidad, tiyak na kakayanin ng ating mga student-athlete

hindi magagawang sumulong ng mga atleta patungo sa kanilang mga pangarap kung may kakulangan sa suporta. Kaya naman, pilit na kumakawag ang mga student-athlete na nais ipagpatuloy ang kanilang magandang simulain. Bagaman batid ng komunidad ang taunang pagsasagawa ng House Fest at pagkakaroon ng organisasyong nakatuon sa iba’t ibang disiplina, hindi nito matutumbasan ang pagkakaroon ng oportunidad at kalayaan ng mga atleta na dumayo sa iba’t-ibang lugar upang irepresenta ang kanilang paaralan at makasalamuha ang kanilang mga kapwa manlalaro. Kung gayon, panahon na upang

ISPORTS 19
Ni Andrei Carl Dungo
ENTRY.
NO
Lady
ika-25 ng Pebrero, 2024, sa Mall of Asia Arena.
Hinarangan ng UST Golden Tigresses ang DLSU
Spikers sa pagdepensa ng kampeonato sa unang yugto ng UAAP Season 86 noong
Kuha ni Mark Abergos The LaSallian Kapsyon ni Althea Habulan
,, Raphael Salaya
Dibuho ni Alyzza Carag

TAFT ON TOP Green Archers, inangkin muli ang korona

Pinaghariang muli ng DLSU Green Archers ang UAAP Men’s Basketball nang kanilang tuluyang kumpletuhin ang reverse sweep upang iuwi ang kampeonato laban sa UP Fighting Maroons sa Smart Araneta Coliseum noong ikaanim ng Disyembre sa iskor na 73-69.

Pinangunahan ang kampon ng luntian ni Season 86 MVP Kevin Quiambao sa kanyang ambag na 24 na puntos, siyam na rebound, apat na assist, at dalawang block para abutin ang panalo.

Matatandaang binaon sa limot ang Green Archers ng Fighting Maroons sa kanilang unang pag-apak sa entablado ng kampeonato at tila nabigla ang mga manlalaro sa pagbagtas kaya nangalay ang opensa’t depensa ng koponan.

Maging si Quiambao at Nelle ay nakapagtala lamang ng 19 puntos sa kanilang dalawa, dahilan para lumobo sa nakapanlulumong na 30 puntos ang kalamangan ng UP sa unang laban ng finals, 67-97.

“Obviously, UP just showed us why they are the number one team in the UAAP right now. At this point, we cannot look for other more excuses, than to really bounce back this coming Sunday,” ika ni head coach Robinson.

Pagdating ng araw ng Linggo, pinakita ng Green Archers kung bakit karapat-dapat silang umapak sa entablado ng kampeonato sa kanilang pagbalik ng blowout win sa UP Fighting Maroons bilang ganti sa nakaraang match, 82-60.

Kumawala ang Luntian sa Fighting Maroons sa ikalawang yugto ng laban sa pangunguna ng umaapoy na kamay ni Francis Escandor na ayaw umuwi nang hindi naseselyuhan ang panalo.

Pagpasok ng pinakahihintay na bakbakan tungo sa pagkamit ng minitmithing titulo, nagliyab ang hardcourt sa makapigil-hiningang sagupaan, sanhi upang mapanatili ang matinding girian at palitan ng puntos sa magkabilang koponan sa buong bakbakan.

Ngunit, sa larong isa lamang ang itinakdang mag-uwi ng gintong titulo, tila sinimulan nang pagliyabin ang luntiang pana sa nalalabing dalawang minuto ng sagupaan matapos ipakita ni UAAP Season 86 MVP Kevin Quiambao ang kaniyang natatanging determinasyon na maiuwi muli sa Taft ang korona nang selyuhan ang halos tatlong buwang pakikipagbakbakan sa pamamagitan ng kaniyang winning free throws, 73-69.

“They’ve done a tremendous job and I’m just so grateful for these guys that were with me throughout the season. Can’t thank enough also the coaches,” ani head coach Robinson.

Nagbunga ang tiwala’t pagkakaisang ipinamalas ng Green Archers upang makamit ang matamis na comeback sa muling pagwagayway ng bandila ng Pamantasan sa larangan ng basketball.

Quiambao: Kampeong ‘Di Umuurong

ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGMAG-AARAL NG DE LA SALLE UNIVERSITY INTEGRATED SCHOOL - MANILA PanaVerde ISPORTS
Ni Raphael Salaya
TAGUMPAY NG BERDE. UAAP S86 Men’s Basketball Finals DLSU vs UP GAME 1: 67- 97 73 -69 82 -60 GAME 2: GAME 3: Pinana ng DLSU Men’s Basketball Team ang ikasampung kampeonato ng Pamantasan gamit ang kanilang matinding pagsusumikap at dedikasyon. 16 18 Animo Squad, bigo sa UAAP S86 Cheerdance Competition
Kuha ni Brean Lucero The LaSallian Kapsyon ni Miguel Martin Oktubre 2023 - Mayo 2024 Tomo VI Blg. 1

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.