1 minute read
Mga Panalangin para sa Nagdurusa at nasa Bingit ng Kamatayan
PaNalaNGiN PaRa Sa YuMaO (Sa paglalamay, pa-siyam, ika-40 araw at babang luksa, gayundin sa pagdalaw sa puntod ng yumao lalo na kung Undas)
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.
Advertisement
Panalangin ng Pagsisisi
Panginoon kong hesukristo, Diyos na totoo at tao ring totoo, nagpakasakit at ipinako sa krus para sa kaligtasan ng lahat ng tao. Pinagsisisihan kong masakit sa tanang loob ko ang lahat ng pagkakasala ko sa iyo, ikaw na
aking Diyos at Panginoon na iniibig ko nang higit sa lahat.
Matatag akong nagtitika na di na muling magkakasala sa iyo at magsisikap na ikumpisal ang lahat ng aking kasalanan. umaasa ako sa iyong kapatawaran alangalang sa iyong mahal na Pasyon at pagkamatay sa krus nang dahil sa akin.
Tanggapin Mo ang aming pagsisisi bilang handog upang kami’y matutong sumunod sa iyo nang buong puso. Walang nagtiwala sa iyo na nabigo; simula ngayon, buong puso kaming susunod, sasamba at magpupuri sa iyo. huwag Mo kaming biguin yamang
ikaw ay maamo at mapagkalinga. Kahabagan Mo kami at saklolohan. Muli Mong iparanas sa amin ang iyong kahanga-hangang pagliligtas nang sa gayo’y muling dakilain ang iyong pangalan, Panginoon.
Panimulang Awit: Salmo 22: 1-3a, 3b-4, 5, 6
PASTOL NA NAGTATAGUYOD, SA AKIN AY KUMUKUPKOP
Pastol na nagtataguyod, sa akin ay kumukupkop ang Panginoong ating D’yos. Buhay ko’y di magdarahop, ako’y di maghihikahos. (T)
Sa mainam na pastulan, ako ay pinahihimlay;