50 Tanong at Sagot tungkol sa Biblia

Page 1


PHILIPPINES


50 Tanong at Sagot tungkol sa Biblia Š 2018 Most Rev. Broderick Pabillo, D.D. Inilathala at pinalalaganap ng Paulines Publishing House Daughters of St. Paul 2650 F.B. Harrison Street 1302 Pasay City, Philippines E-mail: edpph@paulines.ph Website: www.paulines.ph Reserbado ang lahat ng karapatan. Walang makapaglilimbag ng aklat na ito kung walang pahintulot ng Paulines Publishing House. Ang lahat ng karapatan ay pag-aari ng Daughters of St. Paul. Disenyo ng Pabalat: Ann Marie Nemenzo, FSP Pangalawang Paglilimbag 2018 ISBN 978-971-590-859-7

at the service of the Gospel and culture


mga nilalaman Paunang Salita

1

1. Kailangan ko bang basahin ang Biblia para maligtas? 3 2. Bakit po ba kailangang malaman at pag-aralan ang Lumang Tipan? May Bagong Tipan na po. 4 3. Bakit ang Simbahang Katolika ay parang nahuli sa pagpalaganap ng pag-aaral ng Biblia? 5 4. Bakit noong unang panahon bawal basahin ang Biblia? 7 5. Saan ako puwedeng humingi ng gabay o tulong para maintindihan ang nasa Biblia? 9 6. Paano ko maiintindihan ang mga nasusulat sa Biblia? Parang wala akong maintindihan sa aking binasa. 10 7. Nakabase ba sa kasaysayan ang Biblia: Luma at Bagong Tipan? 12 8. Ano ang mapapala ng tao kapag natuto sa Biblia? Maiaangat ba ng Biblia ang antas ng pamumuhay ng mga bumabasa nito? 14 9. Kung iisa ang pinanggalingan ng Biblia, bakit nagkakaroon ng iba’t ibang versions? Tuloy naging dahilan ng iba’t ibang sekta. 16


10. Ano ang kahalagahan ng Lumang Tipan kung ang homily naman ay tungkol sa Ebanghelyo? 18 11. Paano magiging totoo ang Biblia kung ang Siyensiya ay mayroong mga facts at ebidensiya ng buhay? 20 12. Bakit isinulat ng iba’t ibang tao ang Biblia? 22 13. Bakit ang Biblia ang Aklat ng Katotohanan? 24 14. Kailangan ba tayong dumalo sa Bible study? 25 15. Paano ko malalaman na ang Diyos ang sumulat sa Biblia? 26 16. Dapat bang basahin ang Biblia nang sunud-sunod mula sa unang aklat hanggang sa huli? 28 17. Mahirap daw intindihin ang Biblia. 30 18. Bakit masyado ang debosyon ng mga Katoliko sa Birheng Maria? Bakit sinasamba ng mga Katoliko si Maria? 32 19. Ano ang pinakamainam basahin, ang Tagalog o Ingles na Biblia? 35 2O. Ano ang pinakamabuting basahin at pag-aralan – ang Luma o Bagong Tipan? 36 21. Kailangan bang i-memorize ang mga verses sa Biblia? Mahina kasi ang aking memory skills. 38 22. Abala ako sa paghahanap-buhay. Paano ako magkaroon ng panahon para magbasa o matuto mula sa Biblia? 40


23. Paano sisimulan ang pagbabasa ng Biblia? 41 24. Okay bang buksan ang Biblia nang basta-basta sa kahit anong pahina kung may isang bagay na kailangang pagdesisyunan? 42 25. Makatotohanan ba ang nilalaman ng Biblia? 44 26. Dapat po bang ang lahat ng Katoliko ay may alam sa Biblia? Maliligtas ba tayo kahit di natin alam ang Biblia? 47 27. Nasa Biblia po ba ang Pope o Santo Papa? 48 28. Ang isang babae na umiibig sa lalaki na may pamilya na at matagal ng hiwalay pero kasal ito, kasalanan ba na magsasama sila? 50 29. Totoo ba na maliligtas tayo ng ating pananampalataya kay Jesus at hindi ng mga mabubuting gawa? 51 30. Noong panahon ni Abraham bakit ang mga anak na lalaki lamang ang may tanda ng pagtitipan sa Diyos? (During the time of Abraham why only male babies had a covenant with God? ) 55 31. Nasa Biblia ba ang tungkol sa Purgatoryo? Ano ang nasusulat sa Biblia tungkol dito? 56 32. Hindi ba diyus-diyosan ang mga larawan ng mga santo sa loob ng simbahan? 60


33. Naisulat ang Biblia sa iba’t ibang interpretasyon. Totoo ba ito? Bakit may iba’t ibang interpretasyon ang iba’t ibang sekta? 62 34. Paano ba isasabuhay ang Salita ng Diyos? 64 35. Bakit hindi lubusang naisalarawan si Mama Mary sa Biblia at kinuha lang daw natin sa tradisyon ang karamihan nating nalalaman tungkol sa kanya? 65 36. Anu-anong mga aklat ang magandang basahin upang maintindihan ang Biblia kung hindi nakadadalo sa Bible Study? 67 37. May mga aklat sa Katolikong Biblia na wala sa ibang Kristiyanong Biblia. Ito ang tinaguriang Apocryphal Books. Ano po ba ang mga aklat na ito at ito po ba’y nangangahulugang “less inspired” kumpara sa iba? 69 38. Sa Genesis 3:15, sino ang “sakong” na tinutukoy dito? 72 39. Sa Numbers 21:9, bakit ahas ang ginamit ni Yahweh? Di po ba ang ahas (devil) ang tumukso kay Adan at Eva? 74 40. Nanalangin si Jesus, “Ama, maging isa nawa silang lahat.” Bakit po hanggang ngayon hindi pa rin nagkakaisa ang mga Kristiyano? Hindi ba dininig ng Diyos Ama ang panalangin ni Jesus?) Jesus prayed: “May they be one”. Why are Christians not united until now? Is his prayer not answered by the Father? 76


41. Saang bahagi ng Biblia matatagpuan na iniakyat si Maria, katawan at kaluluwa, sa langit? 79 42. Bakit ang turo ng ibang sekta ay “Jehova” ang tawag sa tunay na Diyos? 82 43. Bakit nagbibinyag tayo ng sanggol na wala pa silang malay kung tatanggapin nila si Cristo o hindi? 84 44. Bakit pare-pareho ang Bibliang ginagamit ng mga Kristiyano? Tulad halimbawa ng sa Iglesia ni Kristo, Biblia rin ng Katoliko ang kanilang ginagamit, wala ba silang sariling Biblia? 87 45. Tinutuligsa ng ibang mga Christian groups ang mga katoliko tungkol sa Banal na Rosaryo. Sabi nila na ayon daw sa Lumang Tipan ang “repetitive prayers” o paulit-ulit na panalangin ay dasal ng mga pagano. 90 46. Talaga po bang nasusulat ang Huling Paghuhukom at ang katapusan ng mundo? 92 47. May mga nagsasabi na may mga kapatid na totoo si Jesus at ito daw ay nasusulat sa Biblia. 94 48. Sinu-sino ang nagpasya kung anong mga libro ang dapat kasali sa Biblia? 96 49. Tila yata pinananaig sa atin ng Lumang Tipan ang takot sa Diyos sa halip na pag-ibig sa Kanya. 99 50. Ano ang Santisima Trinidad o Holy Trinity? 101



PAUNANG SALITA Dumarami ang mga taong nagiging interesado sa Biblia. Sa kabila ng lumalakas na impluwensya ng materyalismo at ng paghahangad sa pansamantalang aliw, tumitindi pa rin ang pagka-uhaw ng mga tao sa tunay na Salita na nagbibigay-buhay. Pagkakataon na kaya ito o parusa? Sinabi ng Panginoong Yahweh kay Propeta Amos: “Darating ang araw na papairalin ko sa lupain ang tag-gutom. Magugutom sila ngunit hindi sa pagkain; mauuhaw sila ngunit hindi sa tubig, kundi sa pakikinig ng aking salita.” (Amos 8:11) Dahil sa kalagayang ito, dumarami ang mga tanong na nag-uusisa tungkol sa Biblia. Nagtatanong ang iba dahil tunay na naghahanap sila ng kasagutan. May mga nagtatanong naman dahil naguguluhan sila sa mga pahayag, opinyon o pananaw ng iba tungkol sa Banal na Kasulatan. May iilan ding nagtatanong dahil namimilosopo lang. Ano man ang dahilan, kailangang sagutin ang mga tanong na ito. Isinulat ni San Pedro: “Lagi kayong maging handang magpaliwanag sa sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa pag-asa na nasa inyo. Ngunit maging mahinahon at magalang kayo sa inyong pagpapaliwanag.” (1 Pedro 3:15-16) 50 Tanong at Sagot tungkol sa Biblia

1


Galing mismo sa mga katanungan ng mga tao ang mga tanong na nakatala sa aklat na ito. Ipinasulat ko sa aking mga estudyante o sa mga dumadalo sa aking Bible Study kung ano ang mga tanong nila tungkol sa Biblia o mga tanong na narinig nila sa mga tao at mga kabataan tungkol sa Biblia. Sinikap kong sagutin ang mga tanong na ito gamit din ang Biblia. Inaasahan ko na sa pagbasa ng mga sagot, hindi lang maunawaan ang mga sagot kundi magkaroon din ng mas malalim na pagpapahalaga ang mga tao sa Salita ng Diyos sa Biblia na tunay na nagbibigay liwanag sa ating buhay, “Ang liwanag na taglay mo ang sa amin ay umaakay.” (Awit 36:9) “Salita mo’y tanglaw na sa akin ay patnubay, sa landas kong daraanan, liwanag na tumanglaw. Taimtim ang pangako kong ang utos mo ay susundin, tutupdin ko ang tuntuning iniaral mo sa akin.” (Awit 119:105-106) Ang pag-unawa sa Biblia ay hindi lang bunga ng pag-aaral o pagbabasa. Ito ay bunga rin ng pagsasabuhay ng mga aral ng Diyos. Ang version na ginamit sa aklat na ito ay ang Bagong Magandang Balita Biblia ng Philippine Bible Society, copyright © 2005.

2

50 Tanong at Sagot tungkol sa Biblia


1

Kailangan ko bang basahin ang Biblia para maligtas?

Si Jesucristo lang ang tanging tagapagligtas. Siya lang ang tanging daan patungo sa Ama. “Sumagot si Jesus: ‘Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.’” (Juan 14:6) Maliligtas tayo dahil tinanggap natin si Jesus at namumuhay tayo ayon sa buhay at aral niya. Si Jesus lang ang magliligtas sa atin. Nagbabasa tayo ng Biblia upang lalong makilala si Jesus, manampalataya sa kanya, at makiisa sa kanyang buhay. Gumagamit ang Diyos ng maraming paraan upang makiisa kay Jesus at isa ang Biblia sa mahahalagang paraang ginamit Niya. Magbasa tayo ng Biblia at sumampalataya kay Jesus, ang Cristo, ang Anak ng Diyos, at magkakaroon tayo ng buhay sa pamamagitan Niya. (cf. Juan 20:31)

50 Tanong at Sagot tungkol sa Biblia

3


2

Bakit po ba kailangang malaman at pagaralan ang Lumang Tipan. May Bagong Tipan na po.

Para sa ating mga Kristiyano, ang Biblia ay ang Lumang Tipan at Bagong Tipan. Hindi pinalitan ng Bagong Tipan ang Lumang Tipan. Tinupad ng Bagong Tipan ang pangakong kaligtasan sa Lumang Tipan. Dahil sa Lumang Tipan, mas naiintindihan ang Bagong Tipan. Sa katunayan, ang mga patotoo na si Jesus nga ang katuparan ng lahat ay galing sa Lumang Tipan. Sinabi ni Jesus sa dalawang alagad sa kanilang paglalakbay patungong Emaus: “Hindi ba kayo makaunawa? Bakit hindi kayo makapaniwala sa lahat ng sinabi ng mga propeta? Hindi ba’t kailangang ang Cristo ay magtiis ng lahat ng ito bago niya makamtan ang kanyang marangal na katayuan? At patuloy na ipinaliwanag sa kanila ni Jesus ang lahat ng sinasabi sa Kasulatan tungkol sa kanyang sarili, simula sa mga aklat ni Moises hanggang sa mga isinulat ng mga propeta.� (Lucas 24:25-27)

4

50 Tanong at Sagot tungkol sa Biblia


3

Bakit ang Simbahang Katolika ay parang nahuli sa pagpalaganap ng pag-aaral ng Biblia? Anong yugto ba ng kasaysayan ang tinutukoy natin? Kung sa panahon ng mga unang Kristiyano, mga 2,000 taon na ang nakararaan, ang Biblia ay nasimulan nang isulat ng mga taong Simbahan. Walang ibang simbahan noon kundi ang Simbahang Katolika. Kaya masasabi nating galing ang Biblia sa sinapupunan ng Inang Simbahan. Ang unang Simbahan din ang kumilala kung alin sa mga isinulat noong panahon ang dapat mapabilang sa Biblia. Noong 1500 taon, ang mga monghe sa kumbento ng mga pari at prayle ang kumopya at nag-ingat ng mga Biblia noong wala pang mga printing press. Sa panahon natin ngayon mas nabibigyang-diin ng ibang mga grupong Kristiyano ang paggamit ng Biblia. Pero hindi naman nangangahulugang hindi ipinahahayag sa Simbahang Katolika ang Salita ng Diyos. Bagkus, patuloy itong ipinahahayag sa mga Misa, sa mga blessings, sa mga dasal at sa mga katesismo. Sa katunayan, ang pinanggalingan ng mga aral ng Simbahang Katolika ay walang iba kundi ang Salita ng Diyos. Hindi binitiwan ng 50 Tanong at Sagot tungkol sa Biblia

5


Simbahang Katolika ang Salita ng Diyos. Ipinahayag ito sa maraming paraan – sa mga katesismo, sa mga sermons, sa mga paintings, sa mga awit, sa mga stain glass ng mga simbahan at sa pag-aaral ng mga santo at ng mga theologians. Sa ngayon maaaring nagsasagawa ng maraming Bible studies ang ibang mga sekta o Christian groups. Ang Bible studies ay isang paraan lang ng pagaaral ng Salita ng Diyos. May iba pang paraan ng pag-aaral nito, tulad ng katesismo, Bible sharings, homilies, retreats at recollections. Ang lahat ng ito ay nagpapahayag ng Salita ng Diyos.

6

50 Tanong at Sagot tungkol sa Biblia


16

Dapat bang basahin ang Biblia nang sunud-sunod mula sa unang aklat hanggang sa huli? Hindi naman kailangang basahin ang Biblia nang sunud-sunod, mula sa unang aklat hanggang sa huli. Kung magagawa ito, mabuti; pero kung hindi naman, maaari rin. Ang mahalaga lang sana dumating ang panahong masasabi natin: “Nabasa ko na ang buong Biblia.” Ang Biblia ay hindi naman isinulat nang sunudsunod ng isang manunulat lang. Isinulat ito ng maraming tao, mula sa iba’t ibang lugar, galing sa iba’t ibang panahon. Pinagsama-sama ang kanilang mga isinulat, at binuo ng pamayanan ng mananampalataya [the community of faith] ng bayang Israel sa Lumang Tipan at Simbahan naman sa Bagong Tipan. Sa totoo lang, hanggang sa ngayon hindi magkapareho ang pagkakasunud-sunod ng mga aklat ng Biblia ng mga Protestante at ng mga Katoliko at gayundin ng mga Hudyo. Magandang simulang basahin ang mga aklat na familiar tayo para madali nating maintindihan – mula sa madali patungo sa mahirap. Ang iba ay nagsisimulang magbasa sa Ebanghelyo ni Mateo. Ang 28

50 Tanong at Sagot tungkol sa Biblia


iba naman sa Ebanghelyo ni Juan. May iba namang nagsisimula sa aklat ng Genesis. Ang advantage lang kung nagsisimula tayo sa simula, nakasisiguro tayong walang aklat na malalaktawan.

50 Tanong at Sagot tungkol sa Biblia

29


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.