BES, BLESSED KA, CLAIM IT! (Bes, Love ka ni God) V.2.0

Page 1


PHILIPPINES


BES, BLESSED KA, CLAIM IT! (Bes, Love Ka ni God! V.2.0) Mga Inspirasyong Pagninilay Para sa mga Young at Heart Š 2018 Reynald B. Atienza

[Scripture quotations are] from the New Revised Standard Version of the Bible, copyright Š 1989 National Council of the Churches of Christ in the USA. Used by permission. All rights reserved. Published and distributed by Paulines Publishing House Daughters of St. Paul 2650 F.B. Harrison Street 1302 Pasay City, Philippines E-mail: edpph@paulines.ph Website: www.paulines.ph Cover design: Christian Pajutan All rights reserved. No part of this book may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted in any form by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording or otherwise, without the prior written permission of the publisher. 1st Printing 2018 ISBN 978-971-590-860-3

at the service of the Gospel and culture


CONTENTS PANIMULA

1

PERKS OF BEING ANAK NG DIYOS Perks #1: Perks of Becoming Nothing Perks #2: Perks of Becoming Irrelevant Perks #3: Perks of Becoming Powerless Perks = God’s “Pagyakap”

5 7 10 15 20

WAITING 101: THE GIFT OF WAITING Gift #1: Encounter with the Giver Gift #2: Receiving the Best Gift Gift #3: Becoming A Gift Yourself The Professor’s Name is Prayer

25 30 35 39 43

NYAAAAAHH!!!!! EPIC FAIL!!! Epic Fail #1: Pilit Pa More! Epic Fail #2: Huwag Mahihiyang Magtanong Epic Fail #3: Mahirap ma-Rico Blangko! Epic Fail #4: Ahh, Kaya Pala!!! Nangbibigla si God!

47 50 53 56 60 63

LORD, HOW TO BE YOURS, PO? Instruction Matter for Prayer Who is the “God” of Your Life? The God You Worship Directs Your Life The Litmus Tests Litmus Tests Recap Indicators How to be You?=How to be Yours?

67 68 68 70 71 73 81 82 87


KAPWA: BECOMING JESUS TO OTHERS Characters #1: The Wounded Man and the Robbers Characters #2: The Priest and the Levite Character #3: The Good Samaritan Go and Do Likewise

91 93 97 101 106

SPOKEN POETRY: SPIRITUAL SICKNESSES Sickness #1: Spiritual Alzheimer’s Disease Sickness #2: Spiritual Blindness Sickness #3: Spiritual Paralysis Jesus = The Bitter Medicine Bes, Be Blessed!

109 111 116 120 123 125

MAY “BLESSING” SA “FORGIVING” Why forgive? Reason #1: Forgiveness Reminds Us of a Priceless Truth Reason #2: Forgiveness Reveals Our Spiritual Identity Reason #3: To Forgive is to be Transformed The Blessing of Forgiving

129 132 134 138 139 143

BES, CHILLAX!!! Close Ba Kayo ni Lord? Everything Is Grace The True Face of Blessing

145 148 151 153

PANGWAKAS: BES, YOU ARE A BLESSING!

157

PASASALAMAT

160


The Roman Catholic Bishop of San Pablo Marcos Paulino Street, 4000 San Pablo City, Laguna Philippines

P.O. Box 08, 4000 San Pablo City Tel. No. (049) 5624-250 Fax No. (049) 5624-251

Mensahe Una, isa munang pagtatapat. Hindi lahat ng laman ng libro ay nabasa ko. Busy. Obispo eh. ‘Yan, pwede na tayong lumarga! Sa lahat ng mga pangungusap tungkol sa kung sino ang mapapalad, sa bandang huli ay laging may nananatiling parepareho. Binabanggit doon ang Diyos. Sa madali’t sabi, mapapalad sila sa kabila ng lahat ng kamalasan sapagkat naroroon at kumikilos ang Diyos. Sa mga kwento sa libro, sa una ay maganda, tapos magkakaroon ng suliranin, may kontra-bidang makikialam, at magiging palpak ang kalalabasan. Doon matatanggap ang limitasyon bilang tao. Dito naman magkakaroon ng bagong pagtingin sa mga bagay. Tinatanggap ang katotohanan bilang anak ng Diyos. At bilang anak ng Diyos, nagagawang magtiwala, magpaubaya, alisin ang kontrol. Natututuhang iabot ang kamay sa Diyos at hinahayaang dalhin siya ng Diyos doon sa hindi niya alam kung saan. Mula sa maka-taong takbo, nababago ito at nagiging maka-Diyos. Kaya hindi natin nararanasan ang pagiging mapalad ay dahil mas malaki pa ang tiwala natin sa sarili kaysa tiwala natin sa Diyos. Dahil dito, nananatili tayo sa kung ano lang ang kaya at sasabihing, “Sapagkat ako’y tao lamang.” Ang hamon ng aklat na ito ay ang pagtitiwala sa Diyos. Hayaang ang Diyos ay magpaka-Diyos sa ating buhay. Sa ganoong paraan, mararanasan natin sa unang pagkakataon ang pagiging tunay na mapalad. Ang hamon: ipasa-Diyos! Sa Banal na Santatlo, +Buenaventura M. Famadico Lingkod-Obispo ng San Pablo


MENSAHE Sino nga ba ang tunay na mapapalad? I claimed it na, Bes Reynald! Isang blessing at karangalan na maging bahagi ng ikalawang aklat ng pagninilay na ito. Minamahal kong mga readers, muli tayong tutulungan ng aklat na ito na tuklasin ang malalim na kahulugan ng mga pangungusap ni Hesus sa Ebanghelyo ni San Mateo, “Ang mga mapapalad” (Mt. 5:1-12). Simpleng istilo, payak na paraan subalit tapat na karanasan ng may-akda ang magpapadama sa atin na ang lahat pala ay tinatawagan na maging masaya at pinagpala. Sa pag-angkin nito, sikapin lamang nating sundin ang kalooban ng Diyos, at tunay ngang matutuklasan mong “blessed” ka! Promise mga Bes, maganda ang mensahe, makatutulong sa pagninilay at sa pagkilala sa sarili at kay Hesus. TARA na! BASA na! DASAL na! Rev. Fr. Mel A. Barcenas, JCL, EV

Rector/Parish Priest Shrine of Jesus in the Holy Sepulchre Diocese of San Pablo


ARCHDIOCESE OF LINGAYEN-DAGUPAN

PAMBUNGAD Ang buong Biblia simula sa unang pahina hanggang sa kahuli-hulihan ay mayroong iisang pahatid: Mahal ka ng Diyos! Ang lahat ng kwento at aral sa Banal na Kasulatan ay umiikot sa katotohanang ito: Mahal tayo ng Diyos! Gayundin naman, ang buong buhay natin, simula sa unang tibok sa sinapupunan ng ina hanggang sa huling hininga, ay isang buong buhay na nagsasabing: Mahal ko ang Diyos. Anumang hininga at anumang pintig ng puso na hindi inialay sa pagmamahal sa Diyos ay tibok na nasasayang at hiningang nawawalan ng halaga. Sa aklat na ito na handog sa atin ni Enald Atienza, binubuksan niya para sa atin ang pinakadakilang kwento ng pag-ibig. Mahal ako ng Diyos at Siya lang ang tangi kong mahal! May timpla ng kabataan ang mga aral at kwento sa aklat na ito. Ang layunin ni Enald ay makipag-usap sa mga kabataan sa pananalitang pang-kabataan. Ang paraang ito ay batay sa pananaw ng Simbahan na ipahayag ang Mabuting Balita sa mga bagong paraan ayon sa panahon. Bago man ang paraan at makabago man ang kanyang pagpapahayag, ang aral ay pareho pa rin at kasintanda na ng panahon: Mahal ako ng Diyos at mahal ko rin Siya! Nais ni Enald na pagdating sa huling pahina ng aklat, maramdaman at maranasan natin ang pagmamahal ng Diyos


at mapabulalas “Blessed!” Blessed si Enald kaya gusto niya na “Blessed” din tayong lahat. Tayo ay “Blessed” subalit marami pa tayong inaasam kaya hindi natin nakikita kung gaano na tayo ka-blessed at wala na tayong dapat pang hingin. Salamat sa aklat na ito. Salamat sa pagmamahal ng Diyos. Salamat sa pagmamahalan natin sa bawat isa. We are all blessed! Salamat Enald, blessing ka sa amin! Mula sa Katedral ng San Juan Evangelista, Dagupan City, Disyembre 2, 2017,

+Socrates B. Villegas Arsobispo ng Lingayen Dagupan


Dedication

To Mary, the Immaculate Mother of God (IMG), who showed me the path to loving Christ, her Son and my Lord.


PANIMULA Blessed are the poor in spirit… Blessed are those who mourn… Blessed are the meek… Blessed are those who hunger and thirst for righteousness… Blessed are the merciful… Blessed are the pure in heart… Blessed are the peacemakers… Blessed are those who are persecuted for righteousness’ sake… (Mt 5:3-12).

U

y, Bes! Long time no see, ah? Este, long time no talk, ba? Anu ba ang tawag kapag sa libro? Pinroblema eh, nuh?! Haha! Anyway, maraming salamat nga pala sa pagbasa mo ng 1st book ha?! Sobrang thankful talaga ako sa’yo! Tingnan mo naman, sa biyaya ni God, nagkaroon pa ng “Bes, Love Ka ni God! Version 2.0”! Hmm, excited ka na bang pagnilayan ang bagong book na ito? Pero syempre, dating gawi muna tayo, bibigyan muna kita ng overview ha?! Salamat uli! Nais kong pagnilayan ang Ebanghelyo tungkol sa “Mapapalad” o yung sikat sa tawag na “Beatitudes” (cf. Mt 5:1-12). Nabasa mo na rin siguro ito pero ewan ko kung 1


Panimula

naitanong mo na rin sa sarili mo, “Bakit nga kaya naging blessed yung mga taong dukha, sawi, mga nagugutom at nauuhaw, mga inaalipusta?� Bakit nga kaya, ano? Bes, mapapalad o blessed ang mga dukha, mga nagugutom, at mga nauuhaw HINDI DAHIL maraming nag-aabot sa kanila ng makakain at maiinom kaya kahit hindi na sila magtrabaho, ayos na. Mapapalad ang mga tumatangis at sawi HINDI DAHIL maraming nakikiramay sa kanila sa tuwing may pinagdaraanan silang matindi sa buhay. Mapapalad ang mga inaalipusta at mga nilalait HINDI DAHIL maraming nakikisimpatya sa kanila. Mapapalad ang maaamo HINDI DAHIL maraming nakaka-relate sa kanila, kasi nga lapitin sila ng mahihilig mang-bully, mang-uto at manloko. HINDI... Sa katunayan, mananatiling salat ang isang dukhang hindi marunong umasa sa Diyos, kung pati si God, wala sa buhay niya. Mananatiling kaawa-awa ang isang taong hindi marunong lumingon sa Diyos sa gitna ng mga nararanasan niyang kasawian. Mananatiling kahabag-habag ang isang taong nagugutom at nauuhaw sa katarungan kapag wala ang Diyos sa buhay niya. Mananatiling bulag sa sariling kamalian ang isang taong inaalipusta dahil sa makasariling ambisyon at interes, lalo na kung patuloy niyang ilalayo ang sarili niya kay Lord. Pero Bes, mapapalad ang mga taong inilalarawan sa beatitudes sa kadahilanang si God ang tangi nilang sandigan, inaasahan, at nilalapitan sa kabila ng kanilang mga 2


BES, BLESSED KA, CLAIM IT!

pinagdaraanan sa buhay. Sila ang tunay na mga “blessed,” kasi si Lord ang mismong biyayang tinatanggap nila. Siya ang tunay na nagpupuno sa kanilang karukhaan at kawalan. They are blessed simply because they have God – the Source of all blessings! God is everything for them. Bukod pa rito, mapapalad sila kasi sa mga nararanasan nilang paghihirap, nakikibahagi sila sa buhay mismo ni Lord, lalo’t higit sa Kanyang paghihirap at sakripisyo. They are blessed precisely because they become living witnesses of Jesus to all, witnesses to what it means to be “Christ” in a world of selfishness and egotism, in a world where the “self ” is exalted and given the highest priority, where justice is bent, and truth distorted. Bes, wala nang hihigit pang biyaya sa pagiging katulad ni Kristo sa lahat ng bagay. Yung tipong sa lahat ng desisyon, pagkilos, at pag-iisip mo, ikinu-consider mo ang kalooban ng Diyos. Grabeng biyaya yun! To become like Jesus in all things, to follow His footsteps, to have the mind of Christ (cf. 1 Cor 2:16) and to live in Him – this is what it means to be truly “BLESSED!” Ito yung sentro ng mga pagninilay na mababasa mo sa aklat na ito. Ito rin yung malinaw na connection nito sa 1st book. After seeing and experiencing God’s love in your life, all the rest are but just “bonuses” because His love becomes the greatest blessing we can ever have in this life and in the next! Wala ka nang hahanapin pang iba! Gagawin nating “guidelines” ang 3


Panimula

structure and arrangement of the 8 beatitudes sa pagninilay tungkol dito. Bes, BLESSED KA, CLAIM IT! CLAIM IT BY SURRENDERING YOURSELF TO HIS DIVINE WILL; BY BECOMING JESUS TO OTHERS! YOU ARE A BLESSING! MAY YOU ALSO BECOME A LIVING GIFT TO GOD AND TO ALL THE PEOPLE YOU MEET! This is my prayer for you! Enjoy your reading! God bless! In Christ through Mary, REYNALD B. ATIENZA

4


PERKS OF BEING ANAK NG DIYOS “Blessed are the poor in spirit,

for theirs is the kingdom of heaven.” (Mt 5:3) Dear Bes, Blessed ang mga “poor in spirit,” dahil sa kabila ng pagiging “nothing,” “irrelevant,” at “powerless” nila, kumakapit sila sa Diyos, umaasa sila kay God, at sa ganitong paraan at sitwasyon, niyayakap sila ni Lord. Si God ang kanilang nagiging Everything. Siya ang nagbibigay sa kanila ng

Relevance. Si Lord ang kanilang nagiging Unshakeable Strength. Yours Truly, Enald


Perks of Being Anak ng Diyos

Then Jesus was led up by the Spirit into the wilderness to be tempted by the devil… If you are the Son of God… (Mt. 4:1, 3)

S

a 1st book, napag-usapan natin ang mga “perks” ng pagiging anak ng mga magulang mo. Ngayon, kung may mga “perks” ang pagiging anak ng magulang mo, ganoon din kaya sa pagiging anak ng Diyos? Aba’y syempre! Meron! (Ako rin ang sumagot nuh?! Iba rin! Hehe!) At kabilang na rito yung mga nailatag ko nang mga “perks” sa unang aklat. Pero syempre mas higit pa, kasi perpekto ang pagmamahal, atensyon, at pag-aarugang ipinagkakaloob sa atin ng Diyos. Sabi nga ni Bishop Robert Barron, kung meron daw isang figure dito sa mundo na maaari nating maihalintulad sa pag-ibig ng Diyos, wala nang ibang mas swak kundi ang image ng isang mapagmahal at tapat na magulang. Bes, sa reflection na ito, nais kong magbigay ng ilan pang mga “perks” ng pagiging anak ng Diyos na madalas nating nakakalimutan; minsan nga, tinatanggihan pa eh! Nais kong gamitin ang “Temptation of Jesus” sa Ebanghelyo ni San Mateo (Mt 4:1-11). Pamilyar ka ba rito? Di ba, three times na tinukso ng devil si Lord doon sa kwento? Ito ang magiging batayan natin ng mga perks of being anak ng Diyos.

6


BES, BLESSED KA, CLAIM IT!

Perks #1: Perks of Becoming Nothing “Kung ikaw ang Anak ng Diyos, gawin mong tinapay ang batong ito!” (v.3). Siguro sinasabi mo ngayon sa sarili mo, “Ha? Paano naman naging perk yan? E di ba, kung anak ka talaga ng Diyos, dapat nasa iyo na ang lahat? Ni hindi mo na nga kailangang gawing tinapay yung bato kasi siguradong may stock ka niyan sa cabinet ng kusina ninyo?” Pero teka lang, Bes ha, bakit nga kaya hindi kumagat si Lord sa tukso ng demonyo, bukod syempre sa katotohanang hindi uubra sa kanya ang anumang tukso at kasalanan? Actually, maraming sagot ang mga dalubhasa sa Bibliya tungkol dito, pero alam mo ba, sa pagninilay ko, hindi ginawa ni Hesus na tinapay ang bato kasi gusto niyang ipakita at ipaunawa sa atin na ang pagiging anak ng Diyos ay hindi matutuklasan sa pamamagitan ng pagtingin sa kung ano'ng “meron” ka, bagkus ay sa kung ano'ng “wala” ka. Magulo ba?! Sige ipapaliwanag ko pa. Ang gusto ko lang naman puntuhin dito: Sa iyong “kawalan” (nothingness), mas nakikita mo nang malinaw ang tunay na mahalaga sa buhay na ito; sa iyong “kawalan,” mas nagiging klaro kung kanino ka dapat umasa – walang iba kundi sa Diyos na nagmamahal sa iyo sa kabila ng mga “kawalan” mo sa buhay. God loves us even in our nothingness! Ito kasi ang isa sa mga napakalaking tukso sa atin ngayon eh: takot tayong mawalan! Takot kang itama ang mga 7


Perks of Being Anak ng Diyos

kaibigan mo sa pagkakamali nila kasi takot kang mawalan ng kaibigan. Takot kang magmahal kasi baka sa huli, talo ka. Takot kang magbigay kasi baka ikaw naman ang maubusan. Takot kang gawin kung ano ang tama kasi ayaw mong magmukhang tanga sa mata ng maraming taong gumagawa ng masama. Takot kang tumayo sa prinsipyo at kumilos ayon sa dikta ng konsensya mo kasi ayaw mong mawalan ng magandang posisyon sa lipunan. Takot kang maging anak ng Diyos kasi ang pinapahalagahan sa mundong ito ay yung mga taong “mayroon,” may sinasabi, may pera at yaman, samantalang ang hinihingi sa ’yo ng dignidad mo bilang anak ng Diyos ay may kaakibat na “kawalan” – kawalan ng mga bagay na mahalaga sa mata ng karamihan. Trivia muna, Bes: ayon daw sa ilang mga dalubhasa sa Bibliya at ilang mga teologo, sa kultura at pag-iisip ng mga Hudyo, ang “death” o kamatayan ay isang uri ng “isolation.” Para sa kanila, ang isang taong namatay ay hindi kayang abutin ng kahit sino o ng kahit anong bagay. Kaya naman, ang mga yumao para sa kanila ay tila mga “wala” na naghihintay ng kaligtasan. Ano daw?! Paano daw?! Sige, bibigyan muna kita ng isang konkretong karanasan na maaaring ihalintulad dito. Noong nasa college seminary pa kami, mayroon doong isang kwarto na nakalaan para sa mga may sakit – infirmary room. Dito tumitigil ang lahat ng mga may sakit na seminarista (kasama na rin yung mga nagsasakit-sakitan, yung ang mga blood pressure ay 120 over acting!). At kung sobrang malala na ang sakit mo at nakakahawa, sa sariling kwarto ka na titigil 8


BES, BLESSED KA, CLAIM IT!

kung saan bihira kang dadalawin. Minsan pa nga wala talaga eh! May mga schedules din kasing dapat sundin ang ibang mga seminarista.

Out of our “nothingness,” God has made us “somebody,” He has made us His children!

Naranasan ko iyon isang beses. Nagkasakit ako ng pulmonia. Inaabutan lang ako ng pagkain at gamot hanggang sa gumaling ako. At alam mo yung pakiramdam na mag-isa ka lang, yung parang “wala” ka lang, kasi nga walang dumadalaw sa iyo. Ang lungkot-lungkot!! Wala ka man lang makausap, wala kang makakwentuhan! Nakakabaliw kaya! Talagang nakapanlulumo, kasi para bang walang nagmamahal sa iyo! Ganun, kapatid, yung “isolation” na sinasabi ng mga teologo pero isipin mo kung sa kamatayan mo, ganun ka magpakailan man?! Awtzu! Sobrang lungkot nun!! Pero ito ang Good News dito: Sa ating kamatayan sa kasalanan, sa ating pag-iisa at kawalan, niyayakap tayo ng pagmamahal ni Hesus. Kahit sa kamatayan, sinasamahan Niya tayo upang maging búhay natin Siya pagkatapos Niyang talunin at wasakin ang kapangyarihan ng kamatayan at kasalanang bumibihag sa ating lahat! Sa Kanyang kamatayan at muling pagkabuhay, ginawa Niya tayong mga anak ng Diyos! Out of our “nothingness”, God has made us “somebody,” He has made us His children! 9


Perks of Being Anak ng Diyos

Kapatid, ito ang kahulugan ng unang “perks” ng pagiging anak ng Diyos – perks of becoming nothing! Maaaring wala ka sa mata ng iba; maaaring mawalan ka ng mga taong nagmamahal sa ’yo dahil sa pagsunod mo sa kalooban ng Diyos; maaaring salat ka sa materyal na bagay, pero dahil sa Diyos ka kumakapit at tanging Siya lamang ang lahat para sa iyo, pinagpala ka sapagkat sumasa-Diyos ka! Nakakaiyak, di ba? Pero iyan ang totoo! Ang tanong, Bes, “Handa ka bang maging 'nothing' upang si God lamang ang maging iyong 'Everything'"? Handa ka na bang matuklasan sa buhay mo na "hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao kundi sa bawat salitang namumutawi sa bibig ng Diyos" (v. 4)? Sa ating kawalan, niyayakap tayo ng Diyos! Perks #2: Perks of Becoming Irrelevant “Kung ikaw ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka!” (v.3). Siguro iniisip mo na naman, “Tsk, ayan ka na naman eh! Paano naman naging ‘perks’ ang pagiging irrelevant sa paningin ng iba? E di ba nga kung talagang anak ka ng Diyos dapat lang sikat ka at kilala? Pero teka nga uli, bakit nga naman hindi sinunod ni Hesus ang offer sa Kanya, nuh?” Pero tama ka, biruin mo nga naman, magpapatihulog lang si Lord tapos may sasalo sa Kanyang mga angels? O, di ba, ang galing nun! Kung ginawa ni Lord iyon, siguradong sikat agad Siya at hindi Niya na kailangang magtawag ng mga taga-sunod, kasi sila na mismo ang lalapit sa Kanya! Naisip 10


BES, BLESSED KA, CLAIM IT!

ko nga rin na kung ako siguro ang gagawa ng isang incredible stunt, tapos sasaluhin ako ng mga angels, malamang, instant sikat na artista agad ako! Di ko na kailangang sumali pa sa iba’t ibang talent shows o mag-upload ng iba’t ibang klaseng videos sa youtube at facebook para lang ma-discover! Pero anyway, ano nga kaya'ng reason ni Lord?! Sa pagninilay ko, hindi tinanggap ni Lord ang offer, bukod syempre sa dahilang utos iyon ng demonyo, kasi gusto Niyang ipakita sa atin na hindi “nasusukat” ang pagiging anak ng Diyos sa mga kaya mong gawing “pagpapasikat” (naks, ayos ang rhyming!). Ibig sabihin, di mo kailangang mag-tumbling o mag-sirko para mapansin ng Diyos, kasi bawat segundo, bawat sandali ng buhay mo, sa ’yo nakatuon ang atensyon ni GOD, “Where can I go from your spirit? Or where can I flee from your presence?” (Ps 139:7); hindi kailangang magkaroon ka muna ng degree sa college, ng masteral, or doctorate bago ka mahalin ng Diyos, kasi minahal at patuloy ka Niyang minamahal bago ka pa man isilang,“Before I formed you in … bawat segundo, the womb, I knew you, and before bawat sandali you were born, I consecrated you” ng buhay mo, ( Jer 1:5). sa ’yo nakatuon NB: Linawin ko rin muna, ha? Una, di ko sinasabing maging tambay ka na lang. Pangalawa, di ko rin sinasabi na di mo na kailangang 11

ang atensyon ni GOD.


Perks of Being Anak ng Diyos

magsumikap sa kabutihan at kabanalan. Syempre, kailangan natin ang mga ito, mahalaga sila, pero tingnan mo rin ang motibasyon, purpose at intensyon mo, kasi kung ang rason mo sa pagpapakabanal ay para magpasikat at makilala lamang, ibang usapan na ‘yan, Bes. Holiness must be an expression of your fundamental relationship with God, your Father, who makes you holy! Malinaw ha?! Okay, balik tayo sa pinag-uusapan natin kanina. Malimit kasi, ang gusto natin lagi, makilala lang tayo; ang ilantad ang ating mga kadakilaan, mga tagumpay, posisyon, at mga narating sa buhay. Nagtatampo ka nga minsan kapag hindi ka napasasalamatan eh, o kaya naman kapag kinalimutan ka o hindi napansin. Naiinis ka nga rin minsan kapag hindi nabanggit yung mga titles mo – yung mga “Dr., Fr., Engr., etc.” sa unahan, at yung mga “Ph.D., M.D., SThD, DVD, CR, etc.” naman sa dulo. Hindi ko sinasabing masama ang mga ito, ngunit malaki ang tuksong nakaamba sa atin kung lagi na lang tayong nakafocus sa mga titulong iyan. At kung hindi natin gagamitin nang wasto ang mga ito, pwede tayong matuksong gamitin ang mga narating natin sa buhay para abusuhin at hamakin ang mga taong walang natapos ni isang kurso. Sa kagustuhan nating maging relevant sa mata ng karamihan, pabida sa lahat ng mga bagay, naririyan ang tukso na masyado tayong kumapit sa ating mga titles, na para bang ito lang ang basehan

12


BES, BLESSED KA, CLAIM IT!

ng ating dignidad at pagkatao at hindi ang ating identity bilang mga anak ng Diyos.

naririyan ang tuksong masyado tayong kumapit sa ating mga titulo na para bang ito lang ang basehan ng ating pagkatao at hindi ang pagiging mga anak ng Diyos.

Naalala ko nga noong first time kong mag-serve sa parish namin bilang isang bagong seminarista. Tsaka nga pala, sa parokya namin, mayroong 15 masses tuwing Byernes, na tinuturing na araw ng debosyon kay Hesus sa Banal na libingan o mas kilala rin sa tawag na “Lolo Uweng.” At doon din sa simbahan namin, iba’t ibang mga Church workers galing sa malalapit na mga parokya ang pumupunta para makatulong sa paglilingkod sa Misa every Friday. Isang beses, pagkatapos ng misa, nagtanggal ako ng aking clerical suit pagkapasok ko sa sacristy. May lumapit sa akin na isang lector sa misa at ang sabi, “Ikaw ba yung bagong sakristan? Pakuha naman ng mga offering sa labas!” “Ay, hindi po, ako po yung seminarista natin dito sa parokya,” sabay ngiti pero sa isip-isip ko, “Mukha lang pala akong sakristan!” Pero pwede nga naman kasi bagong pasok lang ako noon, lalo pa’t white t-shirt lang ang suot ko. “Next time, di na ako magtatanggal ng clerical suit!”

13


Perks of Being Anak ng Diyos

Noong sumunod na buwan, home visit uli namin. Nagserve uli ako, at katulad ng plano ko, hindi nga ako naghubad ng clerical suit. Maya-maya may nagtanong uli sa akin na lector (iba doon sa nakaraan), “Uy, hello, ikaw ba yung bagong lay minister?!” Parang gusto kong hablutin yung belo ni sister eh! Parang gusto kong sabihin sa kanya, “Po? Hindi po ba ninyo nakikitang naka-clerical suit ako, tapos itatanong pa ninyo kung ako yung bagong lay minister?!” Pero alam mo, Bes, sa prayer ko kinagabihan, tinanong ko ang aking sarili, “Bakit gusto kong makilala kanina bilang seminarista? Dahil ba sa estado at pribilehiyong dulot nito?” Dito ko na unti-unting napagtanto, “Oo nga ano, hindi naman ako nagpapari para makilala; hindi naman ako naglilingkod para tingalain. Nagpapari ako kasi gusto kong si Kristo ang maghari sa buhay ko. Kahit pa maging irrelevant ako sa mata ng mundo, sa mata ng mga tao, ang mahalaga naman, kalooban ng Diyos ang sinusundan ko.” Bes, ito ang ikalawang “perks” ng pagiging anak ng Diyos – the perks of becoming irrelevant. Tanong ulit: Handa ka bang maging “irrelevant” sa mata ng mundo, pero importante naman sa mata ng Diyos? Handa ka bang tumalon sa mata ng kahihiyan kasi alam mong Salita ng Diyos ang gabay mo? Huwag mo nawang subukin ang Panginoon mong Diyos! (cf. v.7). Sa ating “irrelevance”, hindi kapansin-pansin, niyayakap tayo ng Diyos!

14


WAITING 101: THE GIFT OF WAITING “Blessed are those who mourn, for they will be comforted.” (Mt 5:4) Dear Bes, Pwede rin pala nating tingnan ang kahulugan ng “mourning” sa beatitudes bilang pagtangis sanhi ng matagal na paghihintay sa anumang mabubuting bagay na kung titingnan mo ay sumasalamin at nag-uugat sa pananabik sa kaganapan ng mga ito sa Diyos. Hence,

those who mourn are blessed because in their meaningful waiting, they have encountered the Divine Giver, they have received the best gift prepared for them, and they themselves have become “gifts” to all. Indeed, their mourning is turned into great joy and rejoicing! Yours Truly, Enald


Waiting 101:The Gift of Waiting

We know that all things work together for good for those who love God, who are called according to his purpose (Rom 8:28)

B

ahagi na ng ating buhay ang paghihintay, aminin man natin ito o hindi. Naghihintay ka malamang para sa right guy or right girl mo, sa forever mo. Naghihintay ka rin marahil sa pagdating ng magulang mong nasa abroad. Naghihintay ka siguro sa asawa mong nagtatrabaho sa ibang lugar. Naghihintay ka rin siguro para sa kinasasabikan mong araw ng kasal mo, o kaya naman, ng ordinasyon sa pagkapari.

Hinihintay mo rin siguro ang matamis na “oo” ng nililigawan mo. Hinihintay mo siguro na ma-publish ang mga gawa mong tula o libro. Naghihintay kang dumating ang katapusan para maka-sweldo. Naghihintay ka rin siguro na maka-graduate sa kursong kinukuha mo. At panghuli, naghihintay ka na rin siguro sa gusto kong puntuhin sa napakahabang intro na ito. Maghintay ka, Bes, magandang practice na ‘yan! Yung iba nga sinasabi nila, “Sanay na naman akong maghintay eh. Master na master ko na nga ‘yan eh!” At kung meron lang Bachelor Forever, Major in Waiting, marami 26


BES, BLESSED KA, CLAIM IT!

siguradong makakapasok sa kwalipikasyon nito. Maluluge na rin malamang ang ibang sikat na kurso tulad ng nursing, engineering, HRM, kung talagang magkakaroon ng course on waiting o kaya, doctorate on waiting. At ang title ng gagawin mong thesis? “A Doctoral Dissertation on Waiting and its Implication on My Complicated Love Life” (Haha!) Aba, for sure, Summa Cum Laude ang makukuha mong grade dito kung ikaw mismo ang magde-defend ng thesis na ito. Kahit nakapikit pa, nuh? Kayang-kaya mong sumagot sa anumang tanong na ibabato sa ’yo, maliban lang siguro sa “Eh, kelan nga ba talaga siya darating?” Patay! Change the question please?! Anyway, bakit nga ba napunta sa ganitong imahinasyon? Ayun nga kasi, normal na sa atin ang paghihintay. Pero totoo naman di ba? Sanay tayong maghintay. Alam mo ‘yan! Kahit bumisita ka nga lang sa social media eh, umuulan na ng mga hugot lines tungkol sa waiting. Yung mga banat na “Hintay lang, darating din ang para sa ’yo; kung may sakay na iba, hintay ulit, may darating din na bakante.” “Ang tamang alon, darating sa tamang panahon; parang pag-ibig.” “If true love waits… saan ba ang waiting area rito para mahintay ko na siya?” “Mas tragic yung hindi mo man lang naranasang magmahal at ang mamatay nang hindi mo man lang nakilala ang taong nakalaan para sa ’yo.” "Ten minutes pa po, willing to wait?" "Siya nga, three years ko nang hinihintay eh, spaghetti pa kaya?" “Waiting… minsan sa order, minsan sa forever.” Kita mo na?! 27


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.