Itigil ang modernong pang aalipin

Page 1


“Itigil ang Modernong Pang-aalipin” ...ang... Bentahan ng mga TAO (Human Trafficking) Inihanda nina:

Clothilde C. de las Llagas, FSP Monina Baybay, FSP Marialuz T. Morada Na-Edit ni:

Noemi Vinoya, FSP

PHILIPPINES


“ITIGIL ANG MODERNONG PANG-AALIPIN” ...ANG...BENTAHAN NG MGA TAO (HUMAN TRAFFICKING) Inihanda nina: Clothilde C. de las Llagas, FSP Monina Baybay, FSP Marialuz T. Morada Na-Edit ni: Noemi Vinoya, FSP Pinagmulan ng mga Impormasyon: Visayan Forum Foundation, Inc. 12th Ave, Lungsod Quezon 1109, Philippines Published and distributed by Paulines Publishing House Daughters of St. Paul 2650 F.B. Harrison Street 1300 Pasay City, Philippines E-mail: edpph@paulines.ph Website: www.paulines.ph Cover design and Illustration: Ann Marie Nemenzo, FSP Cartoon strip: Windy Mercurio Layout design: Belen Liboon All rights reserved. No part of this book may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted, in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording or otherwise, without the written permission of the publisher. 1st Printing 2014 ISBN 978-971-590-775-0

at the service of the Gospel and culture


Nilalaman 1. Ano ang “Human Trafficking”?

9

2. Sinu-sino ang mga gumagawa nito?

10

3. Paano dumiskarte ang mga “human traffickers”?

11

4. Sino ang mga nagiging biktima ng “human trafficking” at paano sila inaalipin?

12

5. Ano ang reaksyon at ginagawa ng Simbahan sa isyung ito?

16

6. Mayroon ba tayong pwedeng gawin upang matigil ito?

19

3


Alamin natin........ Ganito ba ang “human trafficking�? Isang araw, habang nagbabasa ng diyaryo si Mang Nelson. Grabe may nabiktima na naman ng human trafficking!

Oo nga po papa ano po ba yun? Kasi wala po ako masyadong naiintindihan.

4

Papa, ano po bang ibig sabihin ng human trafficking?

Sige ipapaliwanag ko sa inyo kung ano ang human trafficking at kung papaano ito maiiwasan.


Ang human trafficking ay isang uri ng masamang kalakalan. Ang tawag dito ay black market! Doon idinadala ang mga kababaihan para ibenta.

Pwede po pala ibenta ang mga tao?

Oo! Pero ipinagbabawal iyon dahil, isa itong uri ng paglabag sa karapatang-pantao.

Papa, ano pong ginagawa nila sa mga kababaihan pagkatapos nilang ibenta?

5


1. Ano ang “Human Trafficking”? Ang “human trafficking” ay isang aktibidad at krimeng labag sa karapatang pantao sa kadahilanang dito ay itinuturing ang tao na parang isang bagay lamang na maaaring angkinin, madaling kontrolin at pagsamantalahan. Ayon sa nakakaantig-damdamin na pagbabahagi ng mga kababaihan at mga batang nabiktima, sila ay dumanas ng mga bagay na ni minsan ay hindi man lang sumagi sa kanilang isipan na mangyayari sa kanila. Sila ay pinagawa ng mag di-makataong gawain na labag sa kanilang kalooban. Ang iba naman ay pinagpilitang magtrabaho kahit disoras na ng gabi at nanlalambot na sila sa gutom, sa uhaw at antok. “Modernong pang-aalipin”!!! Ito ang nababagay na itawag sa “human trafficking,” sapagka’t ang isang taong hindi malaya at walang pakundangang hinuhubaran ng kanyang dignidad ay tunay ngang isang alipin. Sa Lumang Tipan, ang tinaguriang “alipin” ay sadyang pag-aari ng mga taong bumili nito. At dahil tanggap ito sa kapanahunan noon, wala ni isa sa mga alipin ang nagreklamo. Walang tutol nilang tinanggap ang ano mang gawin ng kanilang amo sa kanilang pagkatao. Sa Bagong Tipan, marami ng pagbabago ang naganap. Itinuturo ng Kristiyanismo ang walang bahid na pagmamahal, lalo’t higit ang pagpapahalaga sa dignidad ng tao. Nguni’t ano ang nangyayari sa kasalukuyan? Napakalungkot isipin na dahil sa mga materyal na bagay – hindi lamang ibang tao ang sangkot sa “human trafficking” kundi pati mga kamag-anak at mismong mga magulang na rin ang siyang nagsisilbing ‘bugaw’ ng kanilang mga anak.

9


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.