DENR Administrative Order No. 03-30
t
(Environmental Impact Assessment Process para sa pagkuha ng Environmental Compliance Certificate o ECC) ANO ANG KARAPATAN SA ILALIM NG PERMIT NA ITO?
SINO ANG NAGBIBIGAY NITO?
KAILAN MAARING MAGHAIN O MAGPAHAYAG NG PAGTUTOL?
SCOPING Social Preparation at Information and Education Campaign (IEC)
LGUs na may jurisdiction sa lugar kung saan isasagawa ang proyekto
• Pagtukoy sa mga apektadong sektor at iba pang mga isyu bago ang public scoping. • Dapat bago pa maganap ang IEC, natukoy na ng proponent ang mga maaring maging impact area ng proyekto.
Public Scoping
Mga apektadong komunidad, sektor at iba pang stakeholders
• Pagkakataon upang maipaalam ng mga apektadong sektor ang mga isyu o problema nila kaugnay sa proyekto. • Dapat maibigay ng proponent ang mga mahahalagang detalye ng proyekto upang maintindihan ng mga komunidad ang proyekto at ang mga epekto nito. • Pagkatapos ng public scoping, magpapapirma ang proponent ng dokumentong naglalaman ng mga napag-usapang isyu at mga napagkasunduan. • Kahit hindi pumirma sa dokumento ang lahat ng nagsidalo, hindi maaantala ang proseso ng EIA. Kung maipakita ng proponent na maayos na naisagawa ang public scoping, at nagsidalo ang mga apektadong sektor, sapat na ito bilang patunay na katanggap-tanggap ang napag-usapang proseso.
Ang proyektong ito ay ipinapatupad ng Philippine Human Rights Information Center (PhilRights), Legal Rights and Natural Resources Center-Kasama sa Kalikasan (LRC-KSK/Friends of the Earth-Phils), Alyansa Tigil Mina (ATM), Philippine Indigenous Peoples Links (PIPLINKS), at Christian Aid.
KARAPATAN, KALIKASAN AT ANG INDUSTRIYA NG PAGMIMINA
Ang proyektong ito ay sinusuportahan ng European Union Paunawa: Ang lahat ng nilalaman ng praymer na ito ay tanging pananagutan ng PhilRights at hindi nangangahulugang nagpapahiwatig ng opinyon, paniniwala o layunin ng European Union. Disclaimer: The contents of this document are the sole responsibility of PhilRights and can under no circumstances be regarded as reflecting the position of the European Union.
REVIEW PROCESS Public Hearing at Public Consultation
Mga opisyal ng LGU, at pinuno ng mga sektoral na organisasyon at komunidad na direktang apektado. Hindi mahalaga ang bilang ng mga tao na dadalo sa public hearing, basta’t naroon ang mga apektadong sektor at komunidad. Bukas sa lahat ang public hearing, at hindi nangangailangan ng pormal na imbitasyon ang mga dadalo.
• Bago ang public hearing, dapat magpalabas sa pahayagan ang proponent ng notice ng public hearing. Ang notice ay dapat 2 linggo na naipalabas sa pahayagan, 15 araw bago ang public hearing. Dagdag dito, dapat ring gamitin ng proponent ang lahat ng paraan upang maipaabot ang balita tungkol sa isasagawang public hearing, tulad ng radyo at polyeto. • Maaring magtanong ang mga dumalo sa public hearing. Maari rin nilang pabulaanan ang nilalaman ng impact study, at ang paraan na ginamit upang makalap ang datos na ito. • Ang Public Hearing Officer mula sa DENR ay magsusumite ng report na naglalaman ng mga rekomendasyon ukol sa mga isyu ng mga apektadong sektor.
MGA LIGAL NA REMEDYO
S
a pinakahuling tala ng Mines and Geosciences Bureau (MGB), mayroong 589 na iba’t ibang tipo ng proyektong pagmimina (Disyembre 31, 2011). Saklaw ng iba’t ibang proyektong ito ang 1,126,993.13 ektaryang lupain, na karamihan ay nasa mga liblib na lugar. Marami sa mga lugar na ito ay tinitirhan ng iba-ibang katutubong komunidad. Habang dumarami ang mga proyektong pagmimina, lalo namang tumitindi ang mga problemang kaakibat nito. Kabilang na dito ang mga paglabag sa karapatang pantao at mga trahedyang resulta ng pagkasira ng kalikasan. Sa harap ng mga banta at problemang ito, malakas ang pagtutol ng iba’t ibang komunidad at organisasyon, sa pambansang antas at lalo na sa mga probinsya at munisipyo.
Ang Mining Act at Implementing Rules and Regulations (IRR) Nito
Ang Small Scale Mining Act at Implementing Rules and Regulations (IRR) Nito ANO ANG KARAPATAN SA ILALIM NG PERMIT NA ITO?
KAILAN MAARING MAGHAIN O MAGPAHAYAG NG PAGTUTOL?
• Ang Provincial/City Mining • Bago magdeklara ng People’s Regulatory Board ang nangaSmall Scale Mining Area, ngasiwa sa small scale mining, kailangan mag-paskil ng Notice bilang ahensya ng Department ukol dito sa mga provincial, city of Environment and Natural o municipal capitol o sa opisina Resources (DENR). ng Mines and Geo-sciences Development Service. Maari • Ang PMRB ay binubuo ng ring ipalabas ang Notice sa isang taga-DENR, na magsisillokal o pambansang pahayagan. bing Chairman, representante Kailangang manatili ang Notice ng gobernador o mayor, isang ng 2 magkasunod na linggo. representante mula sa small scale miners, isang represen- • Sa loob ng 15 araw mula sa tante mula sa nagsasagawa huling paglabas sa dyaryo o ng large scale mining, at pagpaskil ng Notice, maa-ring isang representante mula sa maghain ng pagtutol o reklamo environmental NGOs. sa PMRB. Ang PMRB ay magdedesisyon ukol dito sa loob ng • Ang representante mula sa 15 araw. Ito ay maaring i-apela NGO ay dapat na nagmula sa sa Kalihim ng DENR, sa loob ng organisasyong accredited ng 5 araw mula nang matanggap DENR. ang desisyon ng PMRB. Ang desisyon ng Kalihim ay maaring agad na ipatupad.
Pagdeklara ng People’s Small Scale Mining Area
Layon ng praymer na ito na makatulong sa mga organisasyon at komunidad na nagkakampanya para sa kalikasan, sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaalaman tungkol sa mga proseso sa ilalim ng batas na maaaring magamit na remedyo at lunas sa mga problemang kanilang kinakaharap kaugnay sa pagpasok ng anumang proyektong pagmimina sa kanilang lugar. Mga Kontratang Small Scale Mining
SINO ANG NAGBIBIGAY NITO?
ANO ANG KARAPATAN SA ILALIM NG PERMIT NA ITO?
• Pagmina at pagbenta ng mga mineral ores sa loob ng nasasakupang lugar para sa komersyal na gamit. • Hindi maaring i-subcontract o ilipat ang small scale mining contract sa ibang tao. • Ang small scale mining contract ay may bisa ng 2 taon. Maari itong i-renew ayon sa desisyon ng PMRB.
• Ang PMRB ang tumatanggap ng aplikasyon para sa small scale mining contract at nagdedesisyon ukol dito.
• Walang nakasulat sa batas na paraan upang tutulan ang pagbigay ng PMRB sa mga small scale mining contracts. Ngunit dahil ang mga desisyon ng PMRB ay maaring i-apela sa DENR, maari rin itong gawin para sa mga iginawad na small scale mining contracts.
SINO ANG NAGBIBIGAY NITO?
KAILAN MAARING MAGHAIN O MAGPAHAYAG NG PAGTUTOL?
Exploration Permit
• Magsagawa ng exploration sa loob ng takdang lugar, ayon sa naaprubahang work program. Ang exploration ay dapat isagawa sa loob ng 2 taon. • Pumasok at manatili sa loob ng takdang lugar • Maaring mag-aplay ang nagsagawa ng eksplorasyon para sa mineral production sharing agreement (MPSA), joint venture agreement, financial and technical assistance agreement (FTAA) o co-production agreement • Maaring ilipat ang exploration permit sa panibagong tao o kompanya
• Ang Mines and Geosciences • Sa tuwing may mag-aplay ng Bureau (MGB) ang nagbibigay exploration permit, ipapalabas ng exploration permit at nagang Notice ng MGB sa 2 pahayasasagawa ng taunang rebyu ng gan (1 na lumalabas sa Maynila, mga ito. at 1 na lumalabas sa lugar kung saan magaganap ang eksplo• Ang DENR ang nag-aapruba rasyon). 2 linggo ipapalabas sa ng paglipat ng permit sa panipahayagan ang Notice na ito. 2 bagong tao o kompanya. linggo din magdidikit ang MGB ng mga anunsiyo, at ipapaalam sa pamamagitan ng radyo ang tungkol sa aplikasyon. • Sa loob ng 30 araw mula sa huling paglabas sa dyaryo, paganunsiyo, o paglabas sa radyo, maaring maghain ng pagtutol o reklamo sa Regional Office ng DENR, PENRO o CENRO. Ipapadala ang protesta sa Panel of Arbitrators sa MGB na siyang magreresolba nito.
Mineral Agreement (mineral production sharing agreement, joint venture agreement, financial and technical assistance agreement o co-production agreement)
• Ang may hawak ng mineral agreement ang may eksklusibong karapatan na mag-mina ng lahat ng yamang mineral na matatagpuan sa loob ng takdang lugar. Ang mga mineral agreements ay may bisa ng 25 taon, at maaring i-renew ng 25 taon. • Ang may hawak ng mineral agreement ay may mga karagdagang karapatan: o Timber rights o Water rights o Paggamit ng explosives o Easement rights (paggawa ng mga daan at kalsada, mga gusali at iba pang kagamitan sa mga lugar na pag-aari ng mga pribadong tao) o Pagpasok sa mga lupang pag-aari ng mga pribadong tao
• Ang aplikasyon para sa mga mineral agreement ay inihahain sa Mines and Geosciences Bureau. Inaaprubahan ito ng Kalihim ng DENR, na nagpapadala din ng kopya sa Pangulo. Ang Pangulo ang nagbibigay-alam sa Kongreso ng mga aprubadong mineral agreements. • Ang paglipat ng mineral agreement sa panibagong tao o kompanya, at ang pag-atras mula sa mineral agreement ay dapat munang aprubahan ng Kalihim ng DENR.
• Sa tuwing may mag-aaplay para sa mineral permit, ipapalabas ng MGB ang Notice sa 2 pahayagan (1 na lumalabas sa Maynila, at 1 na lumalabas sa lugar kung saan magaganap ang proyekto). 2 linggo ipapalabas sa pahayagan ang notice na ito. 2 linggo din magdidikit ang MGB ng mga anunsiyo, at ipapaalam sa pamamagitan ng radyo ang tungkol sa aplikasyon. • Sa loob ng 30 araw mula sa huling paglabas sa dyaryo, paganunsiyo o paglabas sa radyo, maaring maghain ng pagtutol o reklamo sa Regional Office ng DENR, PENRO o CENRO. Ipapadala ang protesta sa Panel of Arbitrators sa MGB na siyang magreresolba nito.
Ang Local Government Code Maaring gamitin ang mga sumusunod na probisyon sa ilalim ng Local Government Code: o Section 2 (c): Panuntunan ng Estado na i-require ang mga pambansang ahensya at opisina na magsagawa ng regular na konsultasyon sa mga apektadong LGU, NGO at People’s Organizations at iba pang sektor sa komunidad bago magpatupad ng anumang programa o proyekto sa mga nasasakupan ng mga ito. o Section 26: Tungkulin ng bawat ahensya ng pamahalaan na nag-aapruba, nagsasagawa o nagpapatupad ng programa o proyekto na maaring magdulot ng polusyon, climate change, pagkaubos ng non-renewable resources, pagkawala ng lupang sakahan o kagubatan at pagkaubos ng mga halaman at hayop, na komunsulta sa mga LGU, NGO, at iba pang sektor upang ipaliwanag sa mga ito ang layunin ng proyekto, ang maidudulot nito sa mga tao, komunidad at kapaligiran at mga balak na paraan upang mabawasan ang mga negatibong epekto nito. o Section 27: Hindi maaring magpatupad ang pamahalaan ng anumang proyekto o programa hangga’t hindi nagsasagawa ng konsultasyon ayon sa Section 2 (c) at Section 26, at ng walang pagsang-ayon mula sa apektadong Sanggunian.