Your Food Mag August Tagalog Issue

Page 1

NAGIISA SA BAHAY?

TAGALOG

Simple lang, magluto ng masarap at madaliang putahe PAKISLAPIN!

ISSUE 01 AGOSTO 2015

Iba’t ibang paraan kung paano ayusin ang hapag kainan ng naayon sa panahon

a s s a l a w i Al panahon ng taginit

Panatilihin na maaliwalas ang taginit sa pamamagitan ng espesyal na sorbetes Hanapin din! Malikhain na paraan sa pginom ng tubig Pinadaling lutuin ng Lebanese

Tuklasin ang spice Zanzibar




Agosto 2015 4 Dining Diary

12

Ang nangyayari sa kung saansaan sa lokal na industriya ng pagluluto sa buwang ito.

6 Ang Pro-Am na review

Bawat buwan, hinihiling namin sa aming mga mambabasa na magbigay ng review ng restaurant kasabay ng aming review.

9 Bantay sa Sangkap:

Pak na pak na pakwan

Mayaman sa sustansya at mababa sa mga calorie, ang prutas na itong namumunga sa tag-init ay maraming binabagayan at masarap.

15

16

11 Bantay sa

sangkap: Isang hindi makakalimutang mangkok!

Hinihiling namin sa mga mambabasa na ibahagi ang kanilang pagkain na madali lang ihanda. Ngayong buwan, pinangungunahan ito ng aming CEO na si Nick Lowe, na ibinahagi ang kanyang madaling lutuing mga pinakuluang itlog at beans sa tustadong tinapay.

34 Isang piyesta ng mga isda! Sa aming kahilingang magpakilala ng mga kakaibang kaganapan na may kinalaman sa pagkain sa buong mundo, tiningnan namin ang Newlyn Fish Festival sa Cornwall.

36 Para sa Dubai, nang may pagmamahal

Nagtatampok ng mga bagay na sulit bilhin para sa iyong tahanan – at ngayong buwan, magagandang mangkok.

Ang handog ng Indian na food critic na si Rashmi Uday Singh sa Dubai - isang malapit nang matapos na gabay sa pagkaing pangvegetarian. Nakipagkwentuhan kami sa kanya.

12 Mga pakikipagsapalaran sa tubig

Paalam sa nakakabagot na tubig, hello sa mga tubig na mula sa patak ng hamog, mula sa glacier, lasang prutas, mayaman sa bitamina at black water!

30 Ang iyong 5-minutong pagkain

38 Pag-aayos ng mesa: Nakakalibang sa tag-init

40

16 Mga ice dream

Dahlin ang kalikasan sa loob ng bahay sa pamamagitan ng mga tip, pagpili ng mga produkto at inspirasyon para sa pag-aayos ng mesa.

22 Solong pagluluto

40 Tungkol sa mga lamandagat at pampalasa...

Masasarap na ice cream at sorbetes na magagawa mo sa inyong tahanan.

para sa tag-init

Wala nang tira-tirang kailangang ligpitin - kayang-kayang lutuin ng mga kalalakihan ang madadali, hindi mabusisi at masasarap na pagkaing ito.

26 Ang pamana

ng Lebanon

Tuklasin ang mayamang pagkain ng Levant na bansang ito at iluto ang ilang mga tradisyonal na paborito.

02

AGOS TO 201 5

38

Mga pakikipagsapalaran sa pagluluto sa exotic na Zanzibar.

44 RSVP – May mga kundisyon! Iminumungkahi ni Features editor Purva Grover na humabol ka sa mga trend tungkol sa pagkain bago ka mag-imbita para sa hapunan, sa kanyang buwanang column.

Yourfoodmag.com


Mula sa Editor

M

aligayang pagbabasa sa unang isyu ng Your Food Mag! Para sa kahit sinong mahilig sa pagkain – at sino ba naman ang hindi?! – ang kakaiba sa magazine na ito ay nabuo ito nang isinasaalang-alang ang pagiging bahagi nito ng komunidad. Idinisenyo ang lahat ng laman ng mga sumusunod na pahina upang maunawaan mo, ang mambabasa, at bukod pa rito, upang mabigyan ka ng pagkakataong makipag-ugnayan sa nilalaman (hanapin ang mga kahon ng ‘Sumali’ sa mga tampok). Sa pagsasabuhay sa pagiging bahagi ng komunidad sa unang isyu na ito, nagtalakay kami ng napakaraming iba›t ibang paksa. Hinati ang magazine sa tatlong bahagi, upang matulungan kang pumunta sa anumang gusto mong unang basahin – sa Ang Iyong Gabay, naghahandog kami sa iyo ng mga ideya para sa pagkain sa labas, mga balita tungkol sa pagkain, at mga uso sa loob at labas ng bansa. Wala nang iba pang kailangang sabihin tungkol sa Ang Iyong Kusina - idinidirekta ka nito sa iyong kusina upang tulungan kang magluto ng talagang masasarap na pagkain, mga simpleng pang-araw-araw na hapunan man ito o mga medyo kumplikadong pagkain na maaari mong ihanda upang mapabilib ang iyong mga kaibigan. At sa bahaging Ang Iyong Mundo, makakakuha ka ng inspirasyon sa pamimili, paglalakbay at pag-aaral ng mga bagay tungkol sa pagluluto – mula sa mga kakaibang food festival na ngayon mo lang maririnig, hanggang sa mga panayam sa mga food personality mula sa ibang bansa; mula sa mga tip sa pag-aayos ng hapag-kainan hanggang sa mga dapat kainan na kailangan mong isama sa iyong mga plano para sa bakasyon, nakasaad ang lahat ng iyon dito. Tapat sa pangalan nito, ang Your Food Mag ay sa iyo. Maaari kang magmungkahi ng nilalamang itatampok, maaari kang gumawa ng review ng mga restaurant kasabay ng mga pro, at maaari pang ilathala ang iyong mga recipe. At ang pinakamahalaga sa lahat, palaging libre para sa iyo ang buwanang babasahin na ito. Kaya magsalita ka na – hanapin ang Yourfoodmag sa Facebook, Twitter at Instagram (check handles are correct), at sumali sa pag-uusap. Tiyak na sama-sama tayong magsasaya sa pagtuklas ng mga bagay!

Sudeshna Editor-in-chief Mohammed Ahmed CEO Nick Lowe Managing Partner Fred Dubery Chief Financial Officer Kim Bacon Administrator Maria Nunez

Phoenix Digital Publishing Clover Bay Tower (2nd Floor), Business Bay P.O. Box 123997, Dubai, United Arab Emirates www.yourfoodmag.com

Yourfoodmag.com

Group Editor Sudeshna Ghosh Features Editor Purva Grover With thanks to Pauline Francis, Yousef Ara, Apoorva Agrawal, Megha Sharma, Ignacio Urrutia The publisher doesn’t accept any liability for errors or inaccuracies in this magazine. All content is updated to the best of our knowledge. All the information contained herein is general, and readers are advised to consult a specialist before acting on any advice provided here. Registered with DED | Trade License No: 736432

AGOS TO 201 5

03


Listahan ng mga restaurant Saan masarap kumain ngayong Agosto.

I T A LY S A A K I N G P L AT O

Fry-day Na! Sa Nezesaussi, Manzil Downtown, iisa lang ang ibig sabihin ng mga Biyernes – mag-almusal ng prito! Naghahain ng mga tradisyonal na paboritong almusal, kabilang ang mga hash brown na may mga tinimplahang sausage at napakaraming inuming pagpipilian, tamang-tamang para sa isang cheat day ang pagpapakasawa sa ganap na English na almusal na ito kasama na ang lahat ng karagdagang pampagana nito. Mula Dh45 bawat tao, tumawag sa 04 4285888.

Lumaki ang kilalang chef na si Giorgio Locatelli sa Corgeno, isang nayon sa Italy. Doon, sa restaurant ng kanyang pamilya na may Michelin star, nagkaroon sya ng matinding paghanga para sa fine dining at tradisyonal na Italian cuisine, na isinabuhay nya sa Ronda Locatelli, Atlantis, ang The Palm. Ngayong tag-init, nag-iimbita ang restaurant ng mga bisita upang ma-enjoy ang kanilang Pag-aayos ng Mesa sa Istilong Pang-italyanong Pamilya para sa hanggang 14 na bisita. Matagal nang paborito at dapat subukan dito ang Basilico Pizza, ginawa gamit ang sauce ng kamatis, buffalo mozzarella at balanoy. Upang magpareserba, tumawag sa 04-4262626.

Gawang-kamay na may pagmamahal

Ipinakita na ng Cocosia Artisan Chocolate, isang boutique na dalubhasa sa mga natatanging gawang-kamay na tsokolate, ang kanilang koleksyong Summer Sun. Nag-uumapaw sa mga lasang pang-tag-init ng matamis na apricot, tropikal na tanglad at mga napapanahong prutas tulad ng mga raspberry at blackcurrant, na hinalo sa tsokolateng grand cru, napakalinamnam ng mga minatamis na ito na ginawa nang may pag-iingat. Huwag papalampasin ang rose at almond praline, na punung-puno ng lasa ng tag-init sa bawat kagat! Upang mag-order, bisitahin ang cocosia.ae.

04

AGOS TO 201 5

Yourfoodmag.com


Ang Mga Lasa ng Med

Your guide WHAT ’ S ON

Ang pangalang Bahria ay nauugnay sa mga lasa, kulay at aroma mula sa Mediterranean Sea. Iniimbitahan ng isang bagong restaurant na may temang pandagat sa Jumeirah Beach Residence na may parehong pangalan ang mga bisita nito na piliin ang kanilang paboritong isda doon mismo, sa oras na iyon, at panoorin itong ihanda sa paraang gusto nila. Kasama rin sa mga inaalok ang mga tradisyonal na pagkaing-dagat at ihaw na may iba›t ibang sangkap na nagpapamalas ng signature na istilo ng restaurant at nagpapakita ng kalawakan ng saklaw ng menu ng Bahria. Upang magpareserba, tumawag sa 04-4243057.

Libutin ang buong mundo sa walong plato

Isinulat ni Purva Grover ; Ibinigay Ang Mga Larawan

Say cheese! Nakahanda na ang VIDA Downtown Dubai upang asikasuhin ang iyong pagod sa kalagitnaan ng linggo. Tuwing gabi ng Miyerkules, pumunta sa kanilang Stage 2 restaurant at magpakabusog sa isang malawak na pagpipilian ng mga keso mula sa buong mundo. Ang inaalok na set, na may kasamang tatlong baso ng dekalidad na inuming gawa sa ubas, buffet ng keso at masasarap na meryenda, ay talaga namang isang biyaya sa mga mahilig sa keso! Dh150 bawat tao, tumawag sa 04-4286888.

Yourfoodmag.com

Kung isa ka sa ilang taong naiwan upang harapin ang tag-init ng UAE habang naglalakbay sa ibang bansa ang iyong mga kaibigan at kakilala, ibibigay sa iyo ng Pantry Café ang isang katulad na karanasan ng bakasyon. Nagpakilala sila ng isang hanay ng mga espesyal na almusal para sa tag-init mula sa iba›t ibang bansa. Kumuha ng inspirasyon ang mga chef mula sa Asia, Europe, sa Middle East at America at gumawa ng walong masarap na putahe kabilang ang Cajun Scramble, Canadian Pancake Stack, Parisian Croque Madame, Mexican Black Bean Torta, New Yorker PBJ Donut Waffle at Middle Eastern Shakshuka at iba pang mga pagkain. May dalawang outlet ang Pantry Café sa Dubai, tumawag sa 04-3883868 (Wasl Square) at sa 04-5587161 (Business Bay).

Isang bagong hotspot ng kainan Ang kabubukas pa lang na InterContinental Dubai Marina ay tahanan para sa koleksyon ng siyam na makabagong restaurant, lounge at bar kabilang ang YNot, isang bar para sa wine at tapas.Gayunpaman, ang ginto sa kabuuan ng hotel ay ang Marina Social restaurant - ang unang restaurant sa Middle East ng may Michelin star na chef na si Jason Atherton mula sa Britain - na magbubukas sa susunod na buwan, mayroon din itong isang eksklusibong bar, Ang Social Room, na may mga mixologist na gumagawa ng mga natatanging cocktail.

Upang malaman ang higit pa, bisitahin ang ihg.com.

AGOS TO 201 5

05


Ang Pro-Am na review Pareho kaya ang opinyon ng isang karaniwang taong kumakain sa labas at ng isang propesyonal na reviewer sa isang restaurant? Siniyasat namin ang isang restaurant upang malaman. Ngayong buwan, La Residence Restaurant & Lounge ang pinunahan namin. relaxed na ayos ng sofa. Nagpapatugtog ang isang DJ ng mga pang-lounge na musika malapit sa pasukan, at nagbibigay ito ng masiglang kapaligiran.

Ang pagkain

Ang pro

Si Sudeshna Ghosh ay isang respetadong restaurant critic at group editor ng Your Food Mag.

Ang lugar Nagbukas ang La Residence sa Dubai ilang buwan na ang nakakaraan sa atensyon ng media dahil na rin sa pangunguna ng Michelin star at French chef na si Frederic Vardon – ang kanyang unang restaurant sa labas ng France - at sa kanyang husay sa kusina. Ang lugar ay malawak at elegante, mararamdaman mo rito ang mga tradisyonal na French brasserie, na mayroon pang mga kristal na chandelier na nagdaragdag ng ningning na pangDubai. Dahil sa dark wood, pader na puno ng kontemporaryong sining, kandelabra, upuan na Louis IV at mahabang hapag na Chesterfield ang istilo, aaklain mo na nasa mga brasserie ka sa Paris. Habang ang lounge naman ay nagtatampok ng mas

06

AGOS TO 201 5

Sa pananaw ni Vardon sa pagluluto, pinakamahalaga ang tradisyonal at napapanahong mga ani, kaya naging interesado akong malaman kung paano iyon lalabas sa disyertong bayan na ito. Bagay sa tag-init ang menu at naghahain sila ng maraming lamang-dagat at gulay. Pagkatapos kumain ng amuse bouche ng cheesy bread balls, kumuha ako ng Pariesienne style king crab na may mga hiniwang gulay at herb upang magsimula – masarap ang malamig na pampagana, pero hindi ako napahanga. Sa kabilang banda, ang pinili ng kasama kong kumain na green asparagus na may mga warm leek at black truffle sauce, na hinain kasama ng maraming budbod ng tangy at maliliit na herb at ginadagad na truffle ay isang eksperimento sa kung gaano maaaring maging kainteresante ang isang simpleng pang-vegetarian na pagkain na gawa sa mga de-kalidad na sangkap. Para sa pangunahing putahe, ipinagpatuloy ko ang lamang-dagat, pinili ko ang mga scallop na may patatas at malambot na leek – masarap sa katamisan nito ang mga scallop, ngunit medyo nasobrahan sa luto dahil katulad na ng mga scallop ang mga bilugan at medyo brown na patatas na katabi ng mga ito, at ang mga leek at maliliit na herb na naka-garnish sa

pagkain, nagbibigay ito ng kaunting sipa ng matamis at makremang lamangdagat. Ang corn fed chicken na may mga kabute na kinain ng aking kasama (kadalasang inihahain ang pagkaing ito kasama ng crayfish, na hindi namin gusto, at malugod naman itong sinunod ng mga chef) ay masarap din, mayroon itong malambot na laman at malinamnam na sauce. Ang aming paboritong bahagi ay ang panghimagas, paborito ng mga mahilig sa tsokolate ang chocolate square – tatlong patong ng samu't saring Valhrona na may iba't ibang texture – at ang vacherin, isang matamis na pag-apaw sa bibig ng mga raspberry at meringue.

Ang serbisyo Hindi matatawaran ang pagiging magiliw at maasikaso ng staff, at alam na alam rin nila ang mga paglalarawan sa mga pagkain. Gayunpaman, para sa isang nangungunang restaurant gaya nito, gusto ko pang makita ang sarili nilang pagkakakilanlan, sa pamamagitan ng mga rekomendasyon at opinyon.

Ang hatol Elegante at maayos ang kapaligiran, ngunit ang pagkain, habang maayos naman ay kailangan pang pagbutihin nang husto upang makatawag ng atensyon sa merkadong ito na mataas ang kumpitisyon. Kung hindi, posible itong maging magandang lounge lang kung saan ang pagkain ay hindi isang pangunahing atraksyon.

Yourfoodmag.com


Your guide TRIED-AND-TES TED

upang ilagay kami sa tamang mood at magbigay-daan sa masayang usapan.

Ang pagkain

Ang amateur

Si Camilla Hassan ay isang British na nakatira sa Dubai. Mayroon siyang dalawang anak at mahilig silang kumain sa labas.

The lugar

Ang serbisyo Maasikaso ang aming waiter sa punto na nagtanong pa siya kung gusto naming paghatian ang mga pampagana at nagdala siya sa amin ng karagdagang kubyertos.

Ang hatol Nakasalalay ang kanilang USP sa kanilang limitado ngunit nakakapanabik na menu at nakadaragdag pa ang dekorasyon sa pagbuo ng isang karanasan sa fine dining. Babalik ba ako? Oo.

Mga Larawan: ibinigay

Sa pagdating ko sa La RĂŠsidence Restaurant & Lounge, napansin kong may hiwalay na pasukan sa restaurant, ibig sabihin, hindi ko na kailangang pumasok sa hotel, gaya ng sa karamihan ng mga lugar. Nagbigay ito ng impresyon ng kainan sa isang mamahaling standalone eatery, na nagustuhan ko. Pumasok kami sa malaki at kahoy na pintuan. Pinaupo kami kaagad, at ibinigay sa amin ang menu ng cocktail upang makapili kami. Maganda ang dekorasyong gawa sa dark at pulang kahoy, bumagay ito sa naka-display na modernong sining sa mga pader. Nagbibigay ang mga chandelier at kandila ng panatag na kapaligiran. Gayundin ang musika, pinapatugtog ito sa tamang lakas

Ibinigay sa amin ang mga menu na may kasamang apat na iba't ibang klaseng pagkain, lahat ay tama-tamang at malalasahan mo ang mga cheese profiterole at Yorkshire pudding - dahil sa sobrang sarap ng mga ito, humingi pa kami ng round two! Sinundan ito ng isang basket ng tinapay. Masarap ito, mainit at bagong luto, na malambot sa loob at may malutong na crust - kinain ko ang brown na klase at sa aking kasama naman ay ang puti. Madalas akong mag-alangan pagdating sa pagorder, kaya noong nakita ko ang wala pang isang dosenang pagpipilian sa mga pampagana, nakahinga ako ng maluwag. Gayunpaman, nahahalina ako sa bawat limitadong opsyon at pagkatapos ko itong pag-isipan nang mabuti, pinili namin ang Foie Gras at ang Chaud-Froid (malasadong nilagang itlog). Ang hain ng Foie Gras ay marami at ito ay pino at makrema, at inihain ito kasama ng country style na tustadong tinapay. Maganda ang mainit at malasadong itlog na nababalutan ng pilak sa pagkakapatong nito sa kumpol ng mga tinadtad na gulay (kabilang ang mansanas), na nakakabiglang tamangtama pala ang lasa para sa pula ng itlog. Hindi na kailangang sabihin na sinimot namin ang huling piraso ng sarap nito at hindi na makapaghintay sa pag-order ng pangunahing putahe. Muli, limitado lang ang pagpipiliian (humigit-kumulang 15) ngunit ang mga

ito ay nagtatampok ng magaganda at malinamnam na sangkap. Kapag nagaalinlangan, tanungin ang waiter. Kaya naman ang kasama ko ay hinainan ng isa sa specialty nilang pagkain, ang Macaroni Cheese Old Vintage ComtÊ na may truffle at mushroom ragout. Pinili ko ang aking paboritong lamang-dagat, ang scallops, na inihain kasama ng patatas at malalabot na leek. Maganda ang pagkakahain ng mga pagkain at nalasahan namin ang masasarap na flavor ng macaroni kasama ng mga scallop na tamang-tama ang luto at timpla. Sa oras ng panghimagas, at sa tingin ko ay ang pinakamasarap na pagkain para sa araw na iyon, ang French toast. Alam kong mukhang hindi ito kakaiba, ngunit kapag kumagat sa brioche na nababad sa crème Anglaise na may kutsara ng salted caramel sauce at ice cream, mapapasayaw at mapapakanta ka sa nalalasahan mo sa iyong bibig, lalo na kung katulad ko, kumakain ka ng custard kasabay ng kahit ano!

Yourfoodmag.com

AGOS TO 201 5

07



Your guide PRODUCE PICKS

Ingredient watch

Isinulat ni Pur va Grover; Mga Larawan: ibinigay

Pak na pak na pakwan

Alam mong tag-init na talaga kapag may napakapula at napakalaking pakwan na. Siksik na sa sustansya, kaunti pa ang calories ng prutas na ito kaya sulit na sulit ito pagdating sa mga benepisyo sa kalusugan. Dahil 92 porsyento nito ay tubig, ito ang isa sa mga pinakamabisang paraan upang manatiling hydrated kapag mainit ang panahon. 46 calories lang ang laman ng isang tasa ng hiniwang pakwan, at mauubos mo ang calories na ito pagkatapos lang ng 12 minuto ng paglalakad! Dahil sa taglay nitong maraming antioxidant, flavonoid, vitamin – lalo na ang bitamina C – pati na rin protina, mga amino acid, at fiber, nakakatulong ang pakwan sa pagkontrol ng presyon ng dugo, pagtunaw ng pagkain, pagbabawas sa pagkakataong magkaroon ng hika, paglaban sa mga free radical na nagdudulot ng cancer at pagpapaginhawa ng mga kalamnan. Bilang average, ang isang seedless na pakwan ay magbibigay ng 11 tasa ng hiniwang pakwan at anim na tasa ng katas. Ngunit kung sa tingin mo ay ang pulang bahagi lang ang iyong mapapakinabangan, nagkakamali ka! Makakain mo ang buong prutas, kahit na ang dulo ng tangkay at mga buto,

Yourfoodmag.com

maging ang balat. Sikat sa buong mundo ang pakwan bilang prutas para sa tag-init, at sa Japan ay itinuturing na isang tradisyunal na sining ang pag-ukit ng pakwan, na tinatawag nilang Mukimono. Bukod sa nakasanayang paraan ng pagkain sa pakwan – hiniwa o juice - maaari kang sumubok ng mga kakaibang bagay, gaya ng paggawa ng mga ice candy, pagdagdag nito sa salad, o kahit na isama ito sa isang sandwich, upang madagdag ng kaunting tamis. At kung gusto mo ng mga talagang kakaibang karanasan, maaari mong pag-eksperimentuhan ang balat nito gamitin ito upang gumawa ng slaw o chutney, o kainin ito na parang gulay ginisa, nilaga o inatsara. Maaari ka ring maglagay ng manipis na hiwa nito sa isang burger; magluto ng risotto gamit ang katas nito; o mag-ihaw ng mga kebab ng pakwan at pagkaing-dagat. Napakaraming paraan upang ma-enjoy ang masustansya at masarap na prutas na ito. Huwag nang magatubili pa, sulitin ang tag-init na ito!

AGOS TO 201 5

09


Gaucho Anywhere! Tailored to suit all taste buds, Gaucho’s take-away and delivery menu offers a true taste of Argentina to your door. Gaucho delivers a variety of delectable starters, salads and their renowned steaks and sides.

Gaucho Dubai,Gate Village 05, DIFC, Dubai, P.O Box 482054 T + 971 4 422 7898 E dubai@gauchorestaurants.com W www.gauchorestaurants.ae @gauchodubai Gaucho Dubai @gauchodubai


Your guide BES T BUYS

Top tip

Product watch

Isang Hindi Makakalimutang Mangkok Gusto mo bang gawing memorable ang iyong mga handaan? Kung gayon, kailangang mayroon kang hindi malilimutang mangkok sa iyong hapag. Ang nakamamanghang L’Objet Bambou bowl na ito ay isang marangyang centerpiece na tiyak na pag-uusapan ng iyong mga bisita sa susunod mong handaan. Dahil gawa ito sa stainless steel at kawayang nababalot sa ginto, na kapwa manu-mano at masusing binuo, magagamit ang napapanahon at napakagarang mangkok na ito sa napakaraming paraan gaya ng paghahain ng salad at pagtatampok ng mga piling panghimagas o prutas.

Sa ngayon, patok na patok sa catwalk ang malabakal na dating ng mangkok na ito. Magagamit mo rin ang ganitong estilo sa iyong hapag-kainan, sa pamamagitan ng pagtatambal ng mga kulay pilak at gintong kubyertos, o sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kulay gintong pinggan sa mga kulay pilak na placemat (o ang kabaligtaran - pilak na pinggan sa ibabaw ng gintong placemat). Maaari ka ring gumamit ng kulay pilak na mantel at mga babasaging may ginto sa gilid, o kaya ay maglagay na lang ng kulay ginto o tansong runner at patungan ito ng bakal na plorera.

Dh400 sa Bloomingdales Home-Dubai.

Isinulat ni Sudeshna Ghosh; Ibinigay ang mga larawan

Magugustuhan mo rin

Handmade na gintong Orient na mangkok, at dalawang pilak na Mabkhara bowl Dh499 mula sa Cities (citiesstore.com)

Yourfoodmag.com

Mga Signature 2D Romero cylinder

Mga makukulay na Baker mini bowl

mula Dhs259 sa Silsal Design House (silsal.com)

Dh15 mula sa Crate & Barrel (crateandbarrel.com)

AGOS TO 201 5

11


Mga pakikipagsapalaran

sa tubig

Sawang-sawa ka na ba sa pag-inom ng simpleng tubig upang manatiling hydrated? Huwag mag-alala, napakaraming kakaibang paraan upang makakuha ng H2O, sabi ni Purva Grover.

P

aalam na sa tubig gripo, nakaboteng tubig at mga filter ng tubig! Naabot na ng H2O ang katayuan kung saan hinihingi nito ang atensyon at pagpapahalaga ng mga scientist, chef at dalubhasa sa kalusugan, at dahil dito ay nagkaroon ng mga makabago, patok, at siyempre, masarap na paraan ng pagkonsumo ng pinakamahalagang inumin mula sa kalikasan. Mas magaang likido Napapansin mo ba ang mga maliliit na butil ng tubig sa mga dahon at damo tuwing madaling araw? Maiinom mo na ang mga iyon ngayon! Nakabote na ngayon ang mga patak ng hamog, na nagmula sa 100 porsyentong natural na de-kalidad na condensation ng water vapor sa mga matataas na lugar, 650 metro mula sa ibabaw ng dagat. Ang kakaiba rito, hindi lang tila mas malumanay ang lasa ng tubig mula sa hamog ngunit ito ang pinakamagaang tubig sa buong mundo. Ang mga patak ay siksik sa oxygen at mas mahusay ang mga ito sa paghahatid ng mga mineral at bitamina mula sa pagkain patungo sa iyong katawan. Nakukuha ng tubig ng hamog ang pagiging sariwa ng kalikasan habang kino-condense nito ang bawat patak, kaya kaagad kang sisigla sa bawat pag-inom ng baso ng malamig na tubighamog. Uminom ng isang baso nito bago kumain at lasahan ang bagong sarap ng anumang pagkain. Ngunit isang munting paalala - kapag uminom ka ng tubighamog sa unang pagkakataon, maaaring makaranas ka ng mga sintomas na tulad ng sa diarrhea, ngunit nangyayari ito dahil lang sinasanay pa ng iyong katawan ang sarili nito sa bagong uri ng tubig na ito! Alamin ang higit pa sa dewellness.com.

12

AGOS TO 201 5

ing tubig sa isang ng sinisingil sa iyo para sa inum Kung sa tingin mo ay napakalaki ic Development) nom Eco of ent artm ng DED (Dep restaurant, tumawag sa helpline er o maghain ng sum on para sa proteksyon ng con sa 600545555 at piliin ang opsy d.gov.ae. aide dub site, web lang ng kani reklamo online sa pamamagitan

Prutas sa inumin Gamit ang anumang sariwang prutas (bukod sa saging), makakagawa ka ng madali, masustansya at refreshing na H20 na may halong prutas. Gawing pang-araw-araw na gawain ang paginom ng hinaluang tubig at lasapin ang mga benepisyo ng tubig at prutas;

maaari ka ring gumamit ng mga gulay upang gumawa ng hinaluang tubig. Ang pinaghalong pakwan at mint, o kaya ay strawberry, lime at pipino, o kaya ay rosemary at grapefruit, o kaya ay pinya, orange at luya ay ilan lang sa masasarap na halimbawa. Ang kailangan mo lang gawin ay hiwain ang prutas o gulay,

Yourfoodmag.com


Your guide TRENDS

dahan-dahang dikdikin ang mga ito upang palabasin ang mga katas na siksik sa lasa, dagdagan ng tubig at ilagay sa ref. Aquafina Alive at Nature Zone ang dalawang brand na maaari mong subukan para sa masarap at fruity na tubig.

Isinulat ni Purva Grover; Mga Larawan: ibinigay

Isang sinaunang inumin Isa pang anyo ng tubig na mayaman sa oxygen ay ang meltwater o ang tubig mula sa glacier. Sinisiyasat na ngayon ng mga scientist at engineer ang sariwang tubig sa mga glacier, kung saan ang ilan ay 1,000,000 taong gulang na, sa pamamagitan ng paghila sa mga ito sa isang lugar kung saan matutunaw ang yelo at maaaring gawing inuming tubig. Dahil malinis at hindi pa ito nagagalaw, ang tubig mula sa glacier ay natural na may mataas na alkalinity at malaki ang itinaas ng pangangailangan dito sa loob ng nakalipas na ilang taon. Ginagamit din sa ilang espesyal na inumin ang mga yelong nagmula sa glacier. Dumaraan ang tubig ng glacier sa ibabaw ng mga bato, at dahil dito ay nakakakuha ito ng mga mineral. Siksik din ito sa active hydrogen na nagiging sanhi upang maging mayaman sa mga antioxidant ang tubig. Hanapin ang Glaceau mineral water sa mga Spinneys supermarket. Herb at yelo Wala na sa uso ang simpleng yelo, at upang masulit ang lasa at mga benepisyo sa kalusugan ng yelo, bakit hindi mo subukang gumawa ng mga herbed ice cube? Maghanap ng tira-tirang herb sa ref – kumpol man ito ng mga dahon ng mint, isang tangkay ng rosemary, o tinadtad na parsley. Huwag itapon o hayaang manuyot ang mga ito, sa halip ay tadtarin, ilagay sa kumukulong tubig at pagkatapos ay ilagay ang mga ito sa isang ice tray at lagyan ng tubig. Kapag tumigas na, ilagay ang mga ice cube sa isang ziplock bag. Magagamit mo ang ito upang bigyan ng lasa anuman ang iniinom o niluluto mo. Pampapayat na inumin May ‘low-calorie’ na nakaboteng tubig na makakatulong sa iyo na magbawas ng timbang? Tila pangarap lang ito. Ngunit oo, may mabibili na ngayong tubig na hinaluan ng mga mahiwagang sangkap gaya ng chromium at L-carnitine, na parehong tumutulong sa pagbabawas

Yourfoodmag.com

Dagdagan ang iyong kaalaman sa tubig Noong unang panahon, iniimbak ang tubig sa mga palayok, na tinatawag din na mga matka/surahi sa India. Maraming sambahayan sa India ang gusto pa ring umiinom ng tubig mula sa matka, na pinapalamig hanggang 14 degrees celsius. Hindi ito masakit sa lalamunan at mainam itong inumin ng mga taong madaling ubuhin o sipunin.

Isang mahalagang tuntunin kapag nagto-toast - huwag sasali nang may baso ng tubig dahil maghahatid ito ng kamalasan. Sa halip, mag-cheers na lang ng isang walang lamang baso. Sa Tsina, ang mga pagkain ay may kasamang maliliit na tasa ng tubig dahil hindi maganda sa sikmura ang paghahalo ng maiinit na pagkain at malalamig na inumin. Gayunpaman, nagsimula ang tradisyong ito sa nakasanayang pagpapakulo ng tubig bago ito inumin upang alisin ang mga mikrobyo.

ng mga bitamina, mineral, pampalasa, pampakulay at/o mga artipisyal na pampatamis. Ang ilang vitamin water ay may zero calories at ang ilan naman ay binawasan ng calories, ngunit ang lahat ng ito ay dinagdagan ng mga mineral, lalo na ng potassium at bitamina C, B6 at B12. Pinakamainam na uminom ng ganito pagkatapos lang mag-workout, kapag nangangailangan ang iyong katawan ng napakaraming sustansya. Bumili ng isang bote ng Karma Wellness water, o NU2O sa iyong lokal na supermarket upang makuha ang karagdagang bitamina na mahalaga para sa iyo.

Uso ulit ang itim Kung sa tingin mo ay sa lasa lang ng tubig may pagbabago, nagkakamali ka. Ang Blk. water ay isang bagong brand ng tubig na hinaluan ng mga fulvic trace mineral, na nagbibigay na sustansya nang direkta sa mga cell, na natural na ginagawang itim ang tubig, nang walang ginagamit na anumang pampakulay. Mataas sa parehong mga electrolyte at pH., nangangako itong magbibigay ng matinding hydration, at wala rin itong asukal, carbs o calories – at halos kalasa lang din ito ng tubig. Kaya sa susunod na pagkakataong may mag-alok sa iyo ng tubig, tanungin kung mayroon silang black. Mabibili ang Blk. water sa ilang piling tindahan kabilang ang The Dollhouse Dubai Salon (thedollhousedubai. com) o online sa getblk.com.

ng timbang. Kinokontrol ng chromium ang mga antas ng blood sugar at dahil dito ay nababawasan ang mga biglaang paghahanap ng makakain at ginagawang n enerhiya naman ng L-carnitine ang na nasa inita Buong araw a. aw ag gg taba. Sa pag-inom ng ilang baso nito an m ang ating mga sa an ng la tulu bawat araw, malamang na mas bihira Bakit hindi si ali paraan? Sum g en pl kang gutumin at mas magiging m si isang rs at ke or Water for W kaunti rin ang mga craving mo. sa proyektong g bote ng malamig isan Alamin ang higit pa sa skinnywater. magbigay ng pawis na pamunas ng g an is g, na tubi com o bio-synergy.co.uk, maaari mong in" sa pitong Ak alaga Ka sa ah "M g in ab mamagitan nagsas i-order ang mga ito online sa Amazon. atan sila sa pa

Makisali

Dagdag bitamina Nagbabalik ang pinahusay na tubig, salamat sa mga bituin at supermodel ng Hollywood. Tinatawag ding vitamin water, ito ay filtered na tubig na dinagdagan

lam wika, at pasa pagkamay o mpleng pakiki si g ng isan amin ang ap. Upang al pakikipag-us hin ang kol dito, bisita . higit pa tung .c sproject om thesamenes

AGOS TO 201 5

13


❂❁▼▲✿❁❂❃❄❅❆❇❈❉❊❋●❍■❏❐❑❒▲▼◆❖◗❘❙❚❀✑✒✓✔✕✖✗✘✙✐✍✝✻✽✼✛✌✎✏ ✬✭✮✯✰✱✲✳✴✵✶✷✸✹✺❞✁✠✃✄☎✾✆☛✈✉✿☞❛❝❜✚✜✞✟

fghijklmnopqrstuvwxyz`1234567890-=[]\;’,./ ABCDEFGHIJKLMNOPQRSTUVWXYZ~!@#$%^&*()_+{}|:”<>? †¨√∑≈¥Ω`¡™£¢∞§¶•ªº–≠“‘«…æ≤≥÷ ÅıÇÎ´Ï˝ÓˆÔÒ˜Ø∏Œ‰Íˇ¨◊„˛Á¸`⁄‹›fifl‡°·‚—±”’»ÚƯ˘¿ ˘¿|áéíóúâêîôûàèìòùäëïöüÿãñõÁÉÍÓÚÀÈÌÒÙÄËÏÖÜŸÑÃÕÂÊÎÔÛ ”“’‘ '" €$€£¥₩฿руб

abcdefghijklmnopqrstuvwxyz`1234567890-=[]\;’,./ ABCDEFGHIJKLMNOPQRSTUVWXYZ~!@#$%^&*()_+{}|:”<>? †¨√∑≈¥Ω`¡™£¢∞§¶•ªº–≠“‘«…æ≤≥÷ ÅıÇÎ´Ï˝ÓˆÔÒ˜Ø∏Œ‰Íˇ¨◊„˛Á¸`⁄‹›fifl‡°·‚—±”’»ÚƯ˘¿ ˘¿|áéíóúâêîôûàèìòùäëïöüÿãñõÁÉÍÓÚÀÈÌÒÙÄËÏÖÜŸÑÃÕÂÊÎÔÛ ”“’‘ '" € $€£¥₩฿руб

efghijklmnopqrstuvwxyz`1234567890-=[]\;’,./ ABCDEFGHIJKLMNOPQRSTUVWXYZ~!@#$%^&*()_+{}|:”<>? †¨√∑≈¥Ω`¡™£¢∞§¶•ªº–≠“‘«…æ≤≥÷ ÅıÇÎ´Ï˝ÓˆÔÒ˜Ø∏Œ‰Íˇ¨◊„˛Á¸`⁄‹›fifl‡°·‚—±”’»ÚƯ˘¿ Ư˘¿|áéíóúâêîôûàèìòùäëïöüÿãñõÁÉÍÓÚÀÈÌÒÙÄËÏÖÜŸÑÃÕÂÊÎÔÛ ”“’‘ '" € $€£¥₩฿руб

c_abcdefghijklmnopqrstuvwxyz`1234567890-=[]\;’,./ ABCDEFGHIJKLMNOPQRSTUVWXYZ~!@#$%^&*()_+{}|:”<>? †¨√∑≈¥Ω`¡™£¢∞§¶•ªº–≠“‘«…æ≤≥÷ ÅıÇÎ´Ï˝ÓˆÔÒ˜Ø∏Œ‰Íˇ¨◊„˛Á¸`⁄‹›fifl‡°·‚—±”’»ÚƯ˘¿ Ư˘¿|áéíóúâêîôûàèìòùäëïöüÿãñõÁÉÍÓÚÀÈÌÒÙÄËÏÖÜŸÑÃÕÂÊÎÔÛ ”“’‘ '" € $€£¥₩฿руб

defghijklmnopqrstuvwxyz`1234567890-=[]\;’,./ ABCDEFGHIJKLMNOPQRSTUVWXYZ~!@#$%^&*()_+{}|:”<>? ¥`¡™£¢§¶•ªº–“‘«…æ÷ ÅıÇÎ´Ï˝ÓˆÔÒ˜،‰Íˇ¨„˛Á¸`⁄‹›fifl‡°·‚—±”’»ÚƯ˘¿ Ư˘¿|áéíóúâêîôûàèìòùäëïöüÿãñõÁÉÍÓÚÀÈÌÒÙÄËÏÖÜŸÑÃÕÂÊÎÔÛ ”“’‘ '" € $€£¥₩฿руб

c_abcdefghijklmnopqrstuvwxyz`1234567890-=[]\;’,./ ABCDEFGHIJKLMNOPQRSTUVWXYZ~!@#$%^&*()_+{}|:”<>? ¨¥`¡™£¢§¶•ªº–“‘«…æ÷ ÅıÇÎ´Ï˝ÓˆÔÒ˜،‰Íˇ¨„˛Á¸`⁄‹›fifl‡°·‚—±”’»ÚƯ˘¿ Ư˘¿|áéíóúâêîôûàèìòùäëïöüÿãñõÁÉÍÓÚÀÈÌÒÙÄËÏÖÜŸÑÃÕÂÊÎÔÛ ”“’‘ '" € $€£¥₩฿руб

ight_abcdefghijklmnopqrstuvwxyz`1234567890-=[]\;’,./ ABCDEFGHIJKLMNOPQRSTUVWXYZ~!@#$%^&*()_+{}|:”<>? ∑≈¥Ω`¡™£¢∞§¶•ªº–≠“‘«…æ≤≥÷ ÅıÇÎ´Ï˝ÓˆÔÒ˜Ø∏Œ‰Íˇ¨◊„˛Á¸`⁄‹›fifl‡°·‚—±”’»ÚƯ˘¿ ¿|áéíóúâêîôûàèìòùäëïöüÿãñõÁÉÍÓÚÀÈÌÒÙÄËÏÖÜŸÑÃÕÂÊÎÔÛ ”“’‘ '" € $€£¥₩฿руб

medium_abcdefghijklmnopqrstuvwxyz`1234567890-=[]\;’,./ ABCDEFGHIJKLMNOPQRSTUVWXYZ~!@#$%^&*()_+{}|:”<>? ¨√∑≈¥Ω`¡™£¢∞§¶•ªº–≠“‘«…æ≤≥÷ ÅıÇÎ´Ï˝ÓˆÔÒ˜Ø∏Œ‰Íˇ¨◊„˛Á¸`⁄‹›fifl‡°·‚—±”’»ÚƯ˘¿ ¯˘¿|áéíóúâêîôûàèìòùäëïöüÿãñõÁÉÍÓÚÀÈÌÒÙÄËÏÖÜŸÑÃÕÂÊÎÔÛ ”“’‘ '" € $€£¥₩฿руб

_bold_abcdefghijklmnopqrstuvwxyz`1234567890-=[]\;’,./ ABCDEFGHIJKLMNOPQRSTUVWXYZ~!@#$%^&*()_+{}|:”<>? †¨√∑≈¥Ω`¡™£¢∞§¶•ªº–≠“‘«…æ≤≥÷ ÅıÇÎ´Ï˝ÓˆÔÒ˜Ø∏Œ‰Íˇ¨◊„˛Á¸`⁄‹›fifl‡°·‚—±”’»ÚƯ˘¿ Ư˘¿|áéíóúâêîôûàèìòùäëïöüÿãñõÁÉÍÓÚÀÈÌÒÙÄËÏÖÜŸÑÃÕÂÊÎÔÛ ”“’‘ '" € $€£¥₩฿руб

bcdefghijklmnopqrstuvwxyz`1234567890-=[]\;’,./ PQRSTUVWXYZ~!@#$%^&*()_+{}|:”<>? œ®ß†¨√∑≈¥�`¡™£¢∞§¶•ªº–≠“‘«…æ≤≥÷ ÅıÇÎ´Ï˝ÓˆÔÒ˜Ø∏Œ‰Íˇ¨◊„˛Á¸`⁄‹›fifl‡°·‚—±”’»ÚƯ˘¿ ˘¿|áéíóúâêîôûàèìòùäëïöüÿãñõÁÉÍÓÚÀÈÌÒÙÄËÏÖÜŸÑÃÕÂÊÎÔÛ ”“’‘ '" € $‚Ǩ¬£¬•‚Ç©‡∏ø—Ä—É–±

c_abcdefghijklmnopqrstuvwxyz`1234567890-=[]\;’,./ PQRSTUVWXYZ~!@#$%^&*()_+{}|:”<>? œ®ß†¨√∑≈¥�`¡™£¢∞§¶•ªº–≠“‘«…æ≤≥÷ ÅıÇÎ´Ï˝ÓˆÔÒ˜Ø∏Œ‰Íˇ¨◊„˛Á¸`⁄‹›fifl‡°·‚—±”’»ÚƯ˘¿ ˘¿|áéíóúâêîôûàèìòùäëïöüÿãñõÁÉÍÓÚÀÈÌÒÙÄËÏÖÜŸÑÃÕÂÊÎÔÛ ”“’‘ '" € $‚Ǩ¬£¬•‚Ç©‡∏ø—Ä—É–±

ghijklmnopqrstuvwxyz`1234567890-=[]\;’,./ PQRSTUVWXYZ~!@#$%^&*()_+{}|:”<>? œ®ß†¨√∑≈¥Ω`¡™£¢∞§¶•ªº–≠“‘«…æ≤≥÷ ÅıÇÎ´Ï˝ÓˆÔÒ˜Ø∏Œ‰Íˇ¨◊„˛Á¸`⁄‹›fifl‡°·‚—±”’»ÚƯ˘¿ ¯˘¿|áéíóúâêîôûàèìòùäëïöüÿãñõÁÉÍÓÚÀÈÌÒÙÄËÏÖÜŸÑÃÕÂÊÎÔÛ ”“’‘ '" € $‚Ǩ¬£¬•‚Ç©‡∏ø—Ä—É–±

©2015 The Ritz-Carlton Hotel Company, L.L.C.

bcdefghijklmnopqrstuvwxyz`1234567890-=[]\;’,./ PQRSTUVWXYZ~!@#$%^&*()_+{}|:”<>? œ®ß†¨√∑≈¥Ω`¡™£¢∞§¶•ªº–≠“‘«…æ≤≥÷ ÅıÇÎ´Ï˝ÓˆÔÒ˜Ø∏Œ‰Íˇ¨◊„˛Á¸`⁄‹›fifl‡°·‚—±”’»ÚƯ˘¿ ¯˘¿|áéíóúâêîôûàèìòùäëïöüÿãñõÁÉÍÓÚÀÈÌÒÙÄËÏÖÜŸÑÃÕÂÊÎÔÛ ”“’‘ '" € $‚Ǩ¬£¬•‚Ç©‡∏ø—Ä—É–±

Start the weekend in the atmosphere of elegance and sophistication with Giornotte’s award-winning Friday brunch.

From freshly shucked oysters to hand-pulled noodles, Giornotte Friday brunch at The Ritz-Carlton Abu Dhabi, Grand Canal returns in the new season with over 30 live cooking stations as well as a dedicated dessert room in Dolce café. Linger longer with an after-party at Sorso Bar with a selection of handcrafted beverages and resident DJ on the decks. Starting at AED 300 ++ per person.

For more information and reservations, please contact 9712-818-8282 or e-mail abudhabi.restaurants@ritzcarlton.com.


g on y i Ang kusina

Mga recipe na ikakatuwa mong lutuin!

Sulat at Mga Larawan: Stock na Pagkain

Iced pepper at mascarpone cream Para sa 4

• Tabasco sauce, pampalasa

• Olive oil • 500g ng siling pula, hinati sa gitna • 4 na piraso ng sariwang bawang • 1/2 pipino, hinati nang pahaba, tinanggalan ng buto • 150g ng sinalang kamatis • 1-2 kutsaritang katas ng lemon • Asukal

PARA SA GARNISH • 2 kutsarita ng pine nut • 80g ng mascarpone • Pinulbos na paprika • Mga dahon ng balanoy

Yourfoodmag.com

1 Painitin muna ang ihawan

at lagyan ng mantika ang isang baking tray. Ilagay ang sili sa inihandang baking tray nang nasa itaas ang balat. Idagdag ang bawang at

ihawin hanggang sa bumula ang balat ng sili. Alisin mula sa oven, takpan ng basang tuwalya at hayaang lumamig. 2 Balatan ang mga sili at talupan ang mga bawang. Hiwain ang 1/4 ng pipino sa hugis ng mga stick at hiwain ang natitira sa maliliit na parisukat. 3 Katasan ang sili, bawang, mga kamatis at maliliit na pipino hanggang sa maging makrema ito. Kung

kinakailangan, magdagdag ng kaunting malamig na tubig. Timplahan ng katas ng lemon, kaunting asukal, Tabasco, asin at dinurog na pamintang itim. Ilipat sa mga baso at palamigin nang hindi bababa sa isang oras. 4 Patuyuin at idarang ang mga pine nut. Para sa garnish, lagyan ng mga stick ng pipino, mascarpone, pine nut, paprika at balanoy, at ihain.

AGOS TO 201 5

15


Mga pampalamig na sorbetes Magpalamig ngayong tag-init sa pamamagitan ng masasarap na pagkaing gawang-bahay.

Cherry-rippled na vanilla ice cream at macaroon sundae na may sauce na vanilla at tsokolate (mababasa ang recipe sa pahina 19)

16

AGOS TO 201 5

Yourfoodmag.com


Your kitchen RECIPES

Sorbetes na gawa sa nectarine at plum na may kasamang maliliit na doughnut wafer Makakagawa ng 1L | MADALI | 45 minuto at karagdagang oras para sa pagbabati at magdamag na pagpapalamig sa freezer Gumamit ng iba›t ibang uri ng prutas – madaling palitan ang mga plum ng mangga, melon o pakwan ∞ ∞ ∞ ∞

200g (1 tasa) ng asukal 500ml (2 tasa) ng tubig 30ml (2 kutsara) ng katas ng lemon 250ml (1 tasa) ng mga hinog na plum, tinadtad ∞ 500ml (2 tasa) ng mga hinog na nectarine, tinadtad ∞ 8 plain na maliit na doughnut

Yourfoodmag.com

1 Ihanda ang ice-cream maker alinsunod sa mga tagubilin ng manufacturer. 2 Para sa sorbetes, painitan ang asukal at tubig hanggang sa matunaw ang asukal. Alisin sa init at hayaan itong ganap na lumamig. 3 Paghaluin ang arnibal, katas ng lemon, mga plum at nectarine sa isang blender hanggang sa maging smooth ito. 4 Batihin ito sa ice-cream maker alinsunod sa mga tagubilin. Magdamag na ilagay sa freezer. 5 Para sa mga doughnut wafer, painitin muna ang oven hanggang sa 100°C. Hiwain nang maninipis ang maliliit na

doughnut. Ilagay ang mga hiniwang piraso sa isang baking tray at hayaang lumutong ang mga ito sa oven sa loob ng 20 – 30 minuto. Palamigin at itabi sa isang lalagyang hindi mapapasukan ng hangin. 6 Maghain ng mga scoop ng sorbetes nang may kasamang mga doughnut wafer. PAALALA NG CHEF: Maaaring mag-iba-iba ang kulay ng sorbetes ayon sa pagkahinog ng prutas at sa uri ng mga plum na iyong gagamitin – kapag gumamit ng mga hinog na pulang plum, magiging mala-pink ang kulay ng sorbetes, at kapag gumamit ng mga mas dilaw na plum, magiging kulay orange ang sorbetes.

AGOS TO 201 5

17


Mga popsicle na gawa sa fig, pistachio at vanilla

18

AGOS TO 201 5

Yourfoodmag.com


Your kitchen RECIPES

Mga popsicle na gawa sa fig, pistachio at vanilla Makakagawa ng 8 x 125ml na popsicle | MADALI | 90 minuto at karagdagang oras para sa magdamag na pagpapalamig sa freezer Napakainam ng mga ito para sa mga pagsasalusalo at gustung-gusto ang masasarap na icecream popsicle na ito ng mga matanda at bata ∞ ∞ ∞ ∞ ∞ ∞ ∞ ∞ ∞ ∞

500ml (2 tasa) ng bagong krema 250ml (1 tasa) ng gatas 3 malaking pula ng itlog 100g (½ tasa) ng asukal mga buto mula sa ½ vanilla pod 4 na fig, tinadtad 80ml (¼ na tasa) ng mga may balat at hindi inasinang pistachio berdeng pangkulay ng pagkain 125ml (½ tasa) ng bagong krema, binati

1 Unti-unting painitan ang krema at gatas at alisin sa init bago ito kumulo. 2 Batihin ang mga pula ng itlog at asukal at pagkatapos ay idagdag ang maligamgam na mixture ng krema. Batihin upang paghaluin at pagkatapos ay ibuhos ulit sa saucepan. Dahan-dahang haluin sa mahinang apoy gamit ang isang kahoy na kutsara. Patuloy na haluin hanggang sa lumapot ito at maging smooth na custard. Dapat nitong manipis na mabalot ang likod ng isang kahoy na kutsara. Ihalo ang vanilla at hayaang ganap na lumamig. 3 Hatiin ang mixture sa tatlong batch. Panatilihing plain ang one-third na vanilla. Gumamit ng hand blender upang paghaluin ang isa pang one-third ng custard at mga fig. Para sa huling one-third, ihalo ang custard sa mga pistachio at magdagdag ng kaunting berdeng pangkulay ng pagkain upang gawin itong medyo kulay berde. 4 Dahan-dahang ihalo ang isang one-third ng krema sa bawat isa sa tatlong flavor na ginawa. 5 Hatiin ang custard na may flavor ng vanilla sa mga panghulma ng ice cream upang buuin ang unang layer ng ice cream. Ilagay sa freezer nang wala ang mga popsicle stick at palamigin hanggang sa matigas na itong hawakan. Ilagay ang mga popsicle stick at palamiging muli sa loob ng 30 minuto (dapat ay kusang makatayo ang mga popsicle stick). 6 Hatiin ang custard na may flavor ng pistachio sa mga panghulma upang buuin ang susunod na layer ng ice cream at palamiging muli sa freezer sa loob ng 40 minuto.

Yourfoodmag.com

Ulitin ang proseso para sa layer ng fig. 7 Hayaang magdamag na lumamig sa freezer. 8 Upang alisin ang mga popsicle sa mga panghulma, ilubog saglit ang lagayan ng popsicle sa medyo maligamgam na tubig. Mapapadali nitong dumulas palabas ang mga ito.

Cherry-rippled na vanilla ice cream at macaroon sundae na may sauce na vanilla at tsokolate Para sa 4 | MADALI | 45 minuto at karagdagang oras para sa pagbabati at magdamag na pagpapalamig sa freezer Isa itong panghimagas na makrema at napakasarap na sulit na sulit ang bawat kagat ∞ ∞ ∞ ∞ ∞ ∞ ∞

250ml (1 tasa) ng ready-made na custard mga buto mula sa ½ vanilla pod 250ml (1 tasa) ng gatas 250ml (1 tasa) ng bagong krema 45ml (3 kutsara) ng gatas na kondensada 20ml (4 na kutsarita) ng cherry jam, tinunaw 250ml (1 tasa) ng mga sariwang cherry, pinatigas

SAUCE NA TSOKOLATE ∞ 200g ng puting tsokolate ∞ 190ml (¾ na tasa) ng bagong krema ∞ mga buto mula sa ½ vanilla pod ∞ 12 ready-made na macaroon 1 Ihanda ang ice-cream maker alinsunod sa mga tagubilin ng manufacturer. 2 Para sa ice cream, paghaluin at batihin ang custard, vanilla, gatas, krema at gatas na kondensada. Ilagay ang mixture sa ice-cream churner at batihin alinsunod sa mga tagubilin. 3 Kapag tapos nang batihin ang ice cream, dahan-dahang ihalo ang cherry jam at ang mga sariwang cherry upang ikalat ito sa vanilla na ice cream. Ilagay sa isang freezer-proof na lalagyan at magdamag na palamigin sa freezer. 4 Para sa sauce na tsokolate, untiunting tunawin ang tsokolate at krema nang magkasama. Alisin sa init at ihalo ang mga buto ng vanilla. 5 Upang isaayos ang mga sundae, maglagay ng ilang scoop ng ice cream sa bawat baso. Ilagay ang mga ready-made na macaroon at ihain nang may kasamang maligamgam na sauce.

AGOS TO 201 5

19


Frozen yoghurt na strawberry at almond na may almond brittle Makakagawa ng 1 litro | MADALI | 45 minuto at karagdagang oras para sa pagbabati at magdamag na pagpapalamig sa freezer Isa itong mas magaang alternatibo para sa makremang ice cream. Huwag magatubiling hindi maglagay ng almond kapag may anumang mga allergy sa mani ∞ ∞ ∞ ∞

250ml (1 tasa) ng tubig 200g (1 tasa) ng asukal 750ml (3 tasa) ng Greek yoghurt 125ml (½ tasa) ng mga strawberry, tinadtad ∞ 60ml (¼ na tasa) ng mga dinurog na almond BRITTLE ∞ 200g (1 tasa) ng asukal ∞ 60ml (¼ na tasa) ng tubig ∞ 150g ng mga binanliang buong almond, tinusta

20

AGOS TO 201 5

Text Illanique Van Aswegen; Photos Adel Ferreira

1 Ihanda ang ice-cream maker alinsunod sa mga tagubilin ng manufacturer. 2 Para sa frozen yoghurt, painitan ang tubig at asukal hanggang sa matunaw ang asukal. Alisin sa init at hayaan itong ganap na lumamig. 3 Idagdag ang yoghurt at mga strawberry at palaputin gamit ang isang hand blender. Isama ang mga dinurog na almond. 4 Ilagay ang mixture sa ice-cream machine at batihin alinsunod sa mga tagubilin. Ilagay sa isang freezer-proof na lalagyan at magdamag na palamigin sa freezer. 5 Para sa brittle, ilagay ang asukal at tubig sa isang saucepan at dahan-dahang painitan hanggang sa matunaw ang asukal. Lakasan ang apoy at hayaan itong kumulo hanggang sa maging golden ang kulay. (Huwag haluin ang mixture kapag tunaw na ang asukal. Igalaw-galaw lang ang saucepan upang mapakalat ang mixture.) 6 Ikalat ang mga almond sa isang sheet ng baking paper at ibuhos ang arnibal na golden ang kulay upang bumuo ng manipis na sheet. Hayaang ganap na lumamig at pagkatapos ay basagin. 7 Maghain ng mga scoop ng frozen yoghurt sa mga sugar cone at lagyan ng mga tipak ng almond brittle.

Yourfoodmag.com


Your kitchen RECIPES

Semifreddo na gawa sa tsokolate, espresso at hazlenut na nilagyan ng dinurog na shortbread at mga rasberry Para sa 4 | MADALI | 1 oras at karagdagan pa para sa magdamag na pagpapalamig Nasa panghimagas na ito ang pinakamainam na kumbinasyon ng flavor sa iisang kagat ∞ ∞ ∞ ∞ ∞

200g ng gatas na tsokolate, tinadtad 2 malaking itlog 60ml (¼ na tasa) ng asukal 45ml (3 kutsara) ng espresso 375ml (1½ tasa) ng bagong krema, binati ∞ 180ml (¾ na tasa) ng mga buong hazelnut, tinusta ∞ 250ml (1 tasa) ng mga sariwang raspberry

Yourfoodmag.com

∞ 8 shortbread na biskwit, medyo dinurog ∞ mga sariwang supang ng mint 1 Patungan ang isang 750ml na panghulma o loaf tin ng plastic wrap, at tiyaking lampas ang plastic wrap sa gilid ng panghulma. 2 Tunawin ang tsokolate hanggang sa maging smooth. Ipatong ito sa isang mangkok ng maligamgam na tubig upang matiyak na hindi ito titigas. 3 Ilagay ang mga itlog, asukal at espresso sa isang babasaging mangkok. Ipatong ito sa isang kasirola ng kumukulong tubig sa mahinang apoy

at tuluy-tuloy na batihin hanggang sa lumapot at kumapal ang mixture. 4 Alisin ang mixture na ito sa init at isama at batihin ang tsokolate. Hayaang lumamig ang mixture na ito sa loob ng 10 minuto. 5 Dahan-dahang isama ang krema at mga hazelnut. Ibuhos ang mixture na ito sa panghulma at ilagay sa freezer upang magdamag na patigasin. 6 Alisin sa panghulma at tanggalin ang plastic wrap. 7 Hiwain ang semifreddo at ihain nang may mga kasamang sariwang raspberry at dinurog na shortbread. Lagyan ng garnish.

AGOS TO 201 5

21


Grilled salmon, na may salad ng rocket, fennel, mga orange segment at pulang sibuyas (mababasa ang recipe sa pahina 24)

Solong pagluluto para sa tag-init Madalas, kapag tag-init na, nagbabakasyon ang pamilya, kaya natitira ang maraming lalaking propesyonal ng rehiyon na pansamantalang mga binata! Nagbahagi si Chef Andrew Matthews mula sa Ultra Brasserie ng ilang ideya ng mga pagkaing mabilis at madaling lutuin, ngunit masarap at masustansya, para sa mga binata at dalagang namamalagi sa disyerto sa tag-init. Panahon na upang iisantabi ang mga menu ng fast food para sa take-out‌ 22

AGOS TO 201 5

Yourfoodmag.com


Your kitchen RECIPES

Pan seared beef fillet na may salsa na gawa sa mangga Para sa 1 | MADALI • • • •

250g na beef tenderloin 1 pulang sibuyas 1 mangga 100g na dahon ng iba›t ibang uri ng letsugas, hinugasan • Asin at paminta ayon sa panlasa • Extra virgin olive oil 1 Siguraduhing nasa room temperature ang karne ng baka. Pahiran ng olive oil, asin at paminta. 2 Bago ito, painitin na ang nonstick pan sa malakas na apoy. Kapag mainit na ito, ilagay ang tenderloin at iluto ito nang pantay sa magkabilang bahagi depende sa pagkakaluto na gusto mo. Itabi upang lumamig. 3 Balatan at hiwain ang sibuyas nang pabilog sa sukat na 1cm. Ilagay ang kawali sa katamtamang init at lutuin ang sibuyas sa kaunting olive oil hanggang lumambot, nang binabaligtad paminsanminsan. Kapag malambot na, itabi ito. 4 Ihiwalay ang laman ng mangga sa buto at itapon ang balat nito. Hiwain. Mga hakbang sa pagluluto? 5 Ilagay ang beef fillet sa plato. Ilagay ang salad sa gilid, at lagyan ng kaunting olive oil at asin. Ilagay sa ibabaw ng steak ang nalutong mangga at sibuyas at tapos na.

Asparagus, spinach at sili sa egg white omelette Para sa 1 | MADALI • 5 maninipis na tangkay ng asparagus • 50g na baby spinach • 50ml na olive oil • Asin at paminta • ½ kutsaritang chilli flakes • 8 puti ng organic na itlog

Pupunuin ng mga pinakasimpleng lutuin ang iyong mga pangangailangan sa protina Yourfoodmag.com

1 Alisin ang matigas na tangkay ng asparagus at itapon ito. Hiwain nang patagilid sa ½ cm na kapal. 2 Ilagay sa katamtamang init ang isang non-stick pan at lagyan ito ng olive oil. Ilagay ang asparagus at igisa hanggang lumambot (humigitkumulang 1 hanggang 2 min), idagdag

ang spinach at iluto pa ng 20 segundo o mas matagal pa hanggang maluto ang spinach. Lagyan ng pampalasa ang mga gulay na nasa kawali at dagdagan ng sili. 3 Dahan-dahang ilagay ang mga puti ng itlog sa isang kawali at iluto ito nang hindi hinahalo. Gamit ang isang spatula, simulang iangat ang mga gilid ng omelette at subukang makarating sa gitna nito. Kapag hindi na nakadikit ang omelette sa kawali, baligtarin ito gaya ng isang pancake. O maaari mo ring ilipat ang kawali (kung gumagamit ng ovenproof) sa isang oven na nasa 180-deg C sa loob ng 2 hanggang 3 minuto (o hanggang maluto ang itlog). Mag-ingat na hindi sumobra ang pagkakaluto nito dahil kukunat ito. Kainin ito nang bagong luto kasama ng paborito mong tinapay.

AGOS TO 201 5

23


Your kitchen RECIPES

Manok at rocket salad Para sa 1 | MADALI • 1 petso ng manok • 100g na mga red cherry tomato, hinugasan • 1 peras • 60g kesong puti • 20g mga roasted walnut, medyo dinurog • 60ml extra virgin olive oil • Asin at paminta • 100g na baby rocket, hinugasan 1 Hiwain ang petso ng manok sa 1cm na mahahaba at maninipis na piraso at ibabad ito sa asin at

paminta at kalahating olive oil. 2 Bago ito, painitin na ang nonstick pan sa katamtamang init at igisa ang manok hanggang maluto ito. Itabi upang lumamig nang kaunti. 3 Hiwain sa gitna ang mga cherry tomato. Hiwain nang manipis ang peras, at ihalo sa kesong puti. Paghalu-haluin ang mga prutas at keso sa mangkok kasama ng mga dinurog na walnut, olive oil at kaunting asin. 4 Ihalo ang mga dahon ng rocket sa kaunting olive oil upang kumalat. Idagdag ito sa mixture, pagkatapos ay idagdag ang nilutong manok at paghalu-haluin. Kain na!

Grilled salmon, na may salad ng rocket, fennel, mga orange segment at pulang sibuyas Para sa 1 | MADALI 1 salmon fillet (200- 250g) 100g na baby rocket, hinugasan 1 orange 1 maliit na fennel bulb, hiniwa? ¼ na maliit na pulang sibuyas Extra virgin olive oil Sea salt ayon sa panlasa

1 Magpahid ng olive oil at asin sa salmon at dahan-dahan itong ilagay sa isang napainit nang non-stick pan, na nasa ibaba ang balat. Dahan-dahang baligtarin ang salmon kapag naging malutong na ang balat nito. Kapag luto na ang laman ng salmon, muli itong baligtarin. Kung gusto mong lutong-luto ang salmon, ipasok ito sa oven sa 180-deg C. 2 Upang gawin ang salad, alisin ang balat at himayin ang orange. Hiwain sa pagitan ng mga linya ang orange nang sa gayon ay maghiwa-hiwalay ang bawat bahagi nito. Ilagay ang mga bahagi ng orange sa isang mangkok kasama ang manipis na hiniwang pulang sibuyas, hiniwang fennel at lagyan ng kaunting olive oil at asin. Haluin ang salad upang magpantay ang olive oil dito. 3 Ilagay sa plato ang salmon, idagdag ang salad at kainin ito kaagad.

24

AGOS TO 201 5

Yourfoodmag.com

Mga Larawan: Ibinigay

• • • • • • •



Ang pamana ng Lebanon Lubhang nahihigitan ng pagkakakilanlan sa larangan ng pagluluto ng munting Levantine na bansang ito ang pisikal na laki nito. Nakatuklas kami ng kaunti pang kaalaman tungkol sa cuisine at hiniling namin sa isang foodie na nasa Dubai na ibahagi ang kanyang mga personal na recipe.

H

indi maiiwasang makatikim ng mga pagkaing Lebanese, kahit saan sa mundo. Lalo na rito sa rehiyong ito, kung saan halos kapareho ito ng Arabic cuisine (mali, ng cuisine pala ng lahat ng bansa sa Gitnang Silangan!). Gayunpaman, sikat pa rin ang Lebanese cuisine sa labas ng Gitnang Silangan, at may ilang kilalang matatagumpay na restaurant na naghahain nito sa buong mundo, mula sa Alaska hanggang sa Australia, at kahit saan sa pagitan ng mga ito! Kabilang sa mga sanhi nito ang malawakang pangingibang-bansa ng mga Lebanese sa paghahangad na magkaroon ng mas magandang buhay, malayo sa kaguluhan ng kanilang bansang winasak ng ilang dekada ng digmaang sibil.

26

AGOS TO 201 5

Gayunpaman, hindi lang iyon ang dahilan - maraming may gusto sa cuisine dahil sa mga lasang natatangi at malinamnam, at sa pagiging sari-sari ng mga pagkain. Nakatulong sa Lebanese cuisine ang pagkakaroon ng natatanging kasaysayan ng kultura na makamtan ang modernong pagkakakilanlan nito. Sa malaking bahagi ng kasaysayan ng Lebanon, pinamunuan ito ng mga pwersa ng dayuhan na nakaimpluwensya sa mga uri ng pagkain ng mga Lebanese. Mula 1516 hanggang 1918, pinamahalaan ng mga Turk ng Ottoman Empire ang Lebanon at nagpakilala sila ng iba›t ibang pagkain na naging mahahalagang bahagi ng diyeta, kabilang na ang olive oil, bagong lutong tinapay, baklava (matamis na pasteleryang panghimagas), laban (yoghurt na gawang-bahay), mga pinalamanang gulay, at iba›t ibang uri

ng mani. Pinasikat din ng mga Ottoman ang pagkain ng karne ng tupa sa mga Lebanese; gustung-gustong inihahain ang mga hilaw na binurong karne ng tupa (tulad ng kibbeh nayyeh). Pagkatapos matalo ang mga Ottoman noong Unang Digmaang Pandaigdig (1914–1918), pinamahalaan ng France ang Lebanon hanggang 1946, ang taon kung kailan nakamtam ng bansa ang kasarinlan. Sa loob ng panahong ito, ipinakilala ng mga French ang ilan sa mga pinakamadalas nilang kainin, sa partikular ay ang matatamis na pagkaing tulad ng flan, isang panghimagas na gawa sa caramel at custard na mula pa sa ika-15 siglo, at mga mamantikilyang croissant. Tumulong din mismo ang mga Lebanese sa pagpapasok ng mga pagkaing mula sa iba pang mga kultura sa kanilang diyeta. Nagdadala ang mga

Yourfoodmag.com


Your kitchen GLOBAL CUISINE

sinaunang tribo na naglalakbay sa Gitnang Silangan ng mga pagkaing hindi madaling masira, tulad ng kanin at mga datiles, at dahil isang sentro ng kalakalan ang Lebanon, naging bahagi ang mga pagkaing ito ng diyeta ng mga Lebanese sa paglipas ng panahon. Sa paglalakbay ng mga tribo, nakatuklas sila ng mga bagong pampalasa, prutas at gulay na maaari nilang idagdag sa kanilang mga pagkain sa araw-araw. Ang mga sangkap mula sa ibang bansa sa Malayong Silangan at iba pang mga bahagi ng mundo ay kadalasang natutuklasan ng mga sinaunang tribo na ito. Kaloob ng lupa Dahil mayroon itong kumplikadong topograpiya, na nagsasama sa baybayin ng Dagat Mediterranean at kabundukang tinatawag na Mount Lebanon sa maliit

Yourfoodmag.com

na espasyo, may katamtamang klima ang finger food at bagong lutong tinapay, na Lebanon. Sa mahabang hugis-parihaba idinisenyo para sa matagalang pananatili na bansang ito, kapansin-pansin ang sa hapag-kainan. Karaniwan itong pagkakaiba sa lupa, tanim at mga sinusundan ng mga putaheng karne, temperatura sa maiikling distansya at nagtatapos sa mga panghimagas lang – dahil dito, napapatunayan ang tulad ng Muhalabiyya (gatas na sikat na linyang panturismo na, «Sa pudding) at Baklava (pastelerya). Lebanon, makakapag-ski ka sa umaga, Sa Lebabon, sa tanghalian mabigat at maaari kang pumunta sa beach sa ang pagkain at kadalasan ay kaunti hapon ding iyon.» Nangangahulugan lang ang kinakain sa hapunan. din ito na maraming iba›t ibang lokal, Sa kabuuan, masustansya ang napapanahon at sariwang produkto, Lebanese cuisine at binubuo ito ng kung saan nakadepende ang cuisine. napakaraming sariwang gulay, grain Maraming nagtatanim at gumagamit (tulad ng bulgur) at legumbre - at hindi sa mga karaniwang prutas at gulay sa iyon katumbas ng labis na pagkain! Mediterranean sa iba›t ibang paraan – Halimbawa, hindi lang basta mababa tulad ng mga lemon, kamatis, talong, sa calorie ang hummous, tabbouleh zucchini at parsley. Sikat ang lamanat baba ganoush, ang tatlong sikat dagat, lalo na sa mga lugar sa may putahe sa mezze; punung-puno rin baybayin, at karaniwang simpleng ang mga ito ng sustansya. Hindi iniluluto ang mga ito sa pamamagitan rin lalampas sa iyong limitasyon sa ng pagpapahid ng lemon at bawang at calorie ang mga pangunahing putahe pag-iihaw. Siyempre, hindi mawawala tulad ng mga shish kebab (inihaw na ang mga olive at olive oil sa anumang nakatuhog na karne ng tupa at mga Mediterranean cuisine, at kasama gulay), Samkeh harra, isang sikat na rito ang mga pagkaing Lebanese. putahe ng inihaw na isda, at shish taouk Sa kagustuhang maghain ng sariwa, (inihaw na manok). Napakaraming nilalagyan ang mga pagkaing Lebanese madadahong gulay ng halos lahat ng ng maraming herb at pampalasa. pagkain, hilaw mang kinakain ang Kabilang sa mga pampalasang mga ito bilang salad, o bahagyang Lebanese na pinakamataas ang uri ginigisa sa olive oil at bawang (Sileh). ang Za›atar (kumbinasyon ng thyme, Bagama›t maraming bagay ang pareho oregano, marjoram at mga bahagyang sa karamihan ng mga cuisine ng mga tustadong linga); Sumac (tuyong bansa sa Gitnang Silangan (maalamat pulbos ng red berry na nagbibigay ng ang mga alitan sa pagitan ng kung matapang at maasim na lasa); at pitong saan nagmula ang hummous, at kung pampalasang Lebanese (kumbinasyon saang bansa matatagpuan ang pinakang mga pampalasang paminta, allspice, authentic na baklava), kabilang ang cinnamon, clove, nutmeg, luya mga specialty na putahe, may at fenugreek). Gumagamit mga munting pagkakaiba din ng mint at iba pang sa mga lasa, ginagamit mga pampalasa tulad na pampalasa, at ng cardamom, paraan ng pagluluto. o, aling kadalasan sa mga Gayunpaman, Sa palagay m ng g naghahain an nt ra inumin. Madalas madaling au st re se ntic na Lebane ding gumamit maipapahayag ng pinaka-authe ? Padalhan cuisine sa UAE ng syrup ng Lebanon na doon l@ ia l sa editor kami ng emai g pomegranate (dibs), an nanggaling ang up .com yourfoodmag ! in para sa mga dressing maraming putaheng am ipaalam ito sa ng salad man ito o kumukumpleto sa para panimpla ng karne, lahat ng Arabic meal gayundin ng bulaklak ng – isipin ang tabbouleh orange, na nagbibigay-bango salad, warak arab bil zeit sa malalasa at matatamis na pagkain. (mga dahon ng baging sa olive oil) Binubuo ang isang karaniwang at shish taouk. At isang bagay tanghaliang Lebanese ng iba›t ibang iyon na palaging ipagpapasalamat putahe sa mezze – mga sawsawan, ng mga mahilig kumain.

Sumali!

AGOS TO 201 5

27


Lebanese tabbouleh salad Para sa 4 | MADALI | Paghahanda 5 minuto, at karagdagang 20 minuto para sa pagbababad | Pagluluto 20 minuto • 3-4 na kutsara ng pinong bulgur wheat • Katas ng 1 lemon • Kaunting durog na cumin • Kaunting durog na coriander

26

AGOS TO 201 5

• 5-6 na kutsara ng olive oil • Durog na paminta, para magsilbing pampalasa • 4 na kamatis, ginayat nang pino • 200g ng dahon ng parsley, tinadtad nang pino 1 Ilubog ang bulgur wheat sa maligamgam na tubig at iwanan sa loob ng humigit-kumulang 20 minuto

upang masipsip ang tubig at lumaki. 2 Sa isang maliit na mangkok, batihin ang katas ng lemon kasama ang cumin at coriander, mantika, asin at durog na paminta. 3 Gumamit ng pansala para sa bulgur wheat, na mag-aalis ng tubig. Ihalo ang mga kamatis at parsley sa mga grain, at haluing mabuti ang dressing at alamin kung tama na ang pampalasa. Ihain.

Yourfoodmag.com


Your kitchen GLOBAL CUISINE

Inihaw na Lebanese kofta Para sa 4 | MADALI | Paghahanda 25 minuto | Pagluluto 10 minuto • 2-3 piraso ng puting tinapay, hiniwahiwa sa maliliit na piraso at ibinabad sa bahagyang maligamgam na tubig • 1 dakot ng parsley, tinadtad nang pino • 1 piraso ng bawang, tinadtad nang pino • 1 malaking sibuyas, tinadtad nang pino • 800g ng tinadtad na karne ng tupa • 1 itlog • Kaunting cayenne pepper • Kaunting durog na cumin 1 Alisan ng tubig ang tinapay at ilagay ito sa isang mangkok kasama ng parsley, bawang, sibuyas at tadtarin. Idagdag ang itlog at haluing mabuti ang mga sangkap hanggang sa maging madulas ito. Lagyan ng naaangkop na dami ng asin, cayenne pepper at cumin. 2 Gumawa ng 8 sausage gamit ang mixture, tuhugin at pisiling mabuti. Iihaw sa mainit na lutuan sa loob ng 8-10 minuto, habang patuloy na binabaligtad. Ihain nang may kasamang pita at tabbouleh salad bilang side dish.

Lebanese baklava Para sa 6-8 | KATAMTAMAN | Oras ng paghahanda: 45 minuto | Pagluluto 40 minuto

Isinulat ni: Sudeshna Ghosh, at may mga ambag mula kay Purva Grover; Mga larawan: Stock/ibinigay

• • • • • • • • • •

500g ng puff pastry sheet 1 kutsaritang cornflour 60g ng mantikilya, tinunaw 2 puti ng itlog 300g ng asukal 200g ng walnut, tinadtad 200g ng almond, tinadtad 3 kutsara ng rose water 1 kutsara ng katas ng lemon 2 kutsara ng pistachio, tinadtad

1 Painitin ang oven hanggang sa 200°C (180°C sa fan oven), at lagyan ng mantikilya ang isang bilog na baking dish. 2 Ibuka ang mga pastry sheet at takpan ng tuwalya. Lagyan sa ibabaw ng basang tuwalya at iwanan ito sa loob ng humigit-kumulang 15 minuto. 3 Sabuyan ang gagawan ng cornflour at ipatong dito ang isang pastry sheet.

Yourfoodmag.com

Pahiran ito ng tinunaw na mantikilya. Gawin ito sa lahat ng sheet at pagpatungpatungin ang mga ito. Hiwain ang patung-patong na sheet sa hugisparisukat na tinatayang 8 x 8 cm ang laki. 4 Batihin ang mga puti ng itlog hanggang sa lumapot at unti-unting maghalo ng 50g ng asukal. Dahandahang ihalo ang mga tinadtad na mani (maliban sa mga pistachio) at 1 kutsarang rose water. Maglagay ng 1-2 kutsara ng mixture sa mga pastry square, pagdikit-dikitin ang mga sulok at ilagay sa inihandang baking dish. I-bake sa loob ng 35-40 minuto hanggang sa maging golden brown ang kulay. 5 Paghaluin at pakuluin ang natitirang asukal at 350 ml ng tubig at patuloy na pakuluin sa mahinang apoy hanggang sa maging arnibal ito. Ihalo ang katas ng lemon at ang natitirang rose water at iwanan hanggang lumamig. 6 Alisin ang baklava sa oven, buhusan ng syrup at isaboy ang mga pistachio sa ibabaw nito. Maaari itong ihain nang mainit o malamig.

AGOS TO 201 5

27


Your kitchen QUICK COOKING

Ang iyong 5-minutong pagkain

Umiikot sa mga pag-uusap tungkol sa mga lasa at kung saan masarap kumain ng anumang pagkain ang aming mga pagtitipon sa trabaho, at kahit na gusto naming paniwalaan mong ito ay dahil sa nasa negosyo kami ng paglalathala ng mga artikulong tungkol sa pagkain, hindi lang iyon ang dahilan sa likod nito. Talaga naman, trabaho naming magtalakay tungkol sa pagkain ngunit ang karamihan sa aming mga pakikipagusap sa aming chef este, chief executive officer na si Nick Lowe, na walang kinalaman sa trabaho ay hitik sa mga salitang tulad ng ‘Nasubukan mo na ba ang pagkaing ito?’ Bukod sa pagiging ama sa dalawang nakakatuwang bata at sa pagpapatakbo ng katatayo pa lang na kumpanyang Phoenix Digital Publishing, sa tuwing nagpapahinga sya sa dalawang tungkuling ito, suot nya ang sombrero ng isang chef. “Sa mga araw na ayokong gugulin ang lahat ng oras ko sa kusina, lagi kong binabalikan ang mabilis at madaling recipe na ito,” sabi nya. “Napakabilis nito, ngunit masarap, at talagang nakakaaliw para sa akin.”

30

AGOS TO 201 5

Mga pinakuluang itlog at beans sa tustadong tinapay • • • •

Dalawang pirasong tinapay Dalawang itlog Isang guhit ng mantikilya Isang lata ng baked beans sa sauce ng kamatis

1 Sa isang kawali, initin ang beans gamit ang mantikilya. Tustahin ang mga piraso ng tinapay. 2 Punuin ng tubig ang pampakulo ng itlog hanggang kalahati at i-microwave sa loob ng isang minuto. Idagdag ang mga itlog, takpan at i-microwave sa loob ng isa pang minuto. 3 Patuloy na haluin ang beans. 4 Alisin ang mga itlog sa microwave, salain ang tubig at kunin ang mga itlog gamit ang isang kutsara. 5 Palamanan ng mantikilya ang tustadong tinapay, ipatong ang itlog sa ibabaw at ibuhos ang beans dito. Timplahan ng asin at paminta. Kain na!

Anong gagawin ko kung may isang minuto pa ako? Magpiprito ako ng maliliit na bacon at idaragdag ko sa beans. Para kanino ko ito ginawa? Para lang sa sarili ko lagi. Gustong gusto ko ito, pwede ko itong kainin anumang oras! Ano ang inuming masarap ipares dito? Isang tasa ng kape o tsaa kapag may araw pa, o malamig na inumin kung gabi na. Kanino ko ituturo ang espesyal na recipe na ito? Sa aking anak na lalaki, si Jayden, na malapit nang mag-isang taong gulang, at sa dalawang taong gulang na babae, si Madison. Mamanahin nila ang recipe ng paborito kong pangmabilisang meryenda! Saang menu ito maaaring idagdag? Sa isang English na pub, na may karagdagang mga sausage, bacon at black pudding, upang maging isang ganap na English na almusal ito sa istilong pritong pagkain.

Yourfoodmag.com

Isinulat ni Purva Grover; Mga Larawan

Sa simula ng isang buwanang serye kung saan tinatanong namin ang aming mga regular na mambabasa kung ano ang kanilang pangmabilisang pagkain kapag kapos sila sa oras, hiniling namin sa aming CEO na si Nick Lowe na ibahagi ang kanyang recipe para sa napakalinamnam at espesyal na mga pinakuluang itlog at beans sa tustadong tinapay.




g on y i Ang mundo

Inspirasyon sa pagluluto para sa tahanan at higit pa.

Isinulat ni Sudeshna Ghosh; Ibinigay ang mga larawan

Pagtuturo sa mga bata sa Thailand Naglalakbay kasama ng mga batang mahilig kumain? Itinataas ng Phulay Bay, na isang Ritz-Carlton Reserve, sa Krabi Thailand ang mga aktibidad ng mga bata sa isang bagong antas sa pagpapakilala ng kanilang programang Petit Chef. Maaaring mag-sign up ang mga batang bisita sa luxury resort na ito (mula lima hanggang 11 taong gulang) upang maging mga chef sa loob ng isang araw, na magsisimula sa pagsama sa punong chef ng resort sa in-house na organikong hardin, pagkatapos ay pagluluto ng isang

Yourfoodmag.com

Thai na piging sa isang interactive na sesyon sa kusina. Pagkatapos nito ay mae-enjoy ng mga magulang ang simple ngunit masasarap na pagkaing ginawa ng kanilang mga anak, tulad ng long yard bean salad, lokal na spinach ravioli, lemongrass macaroon at pandan butter cake pagkatapos ng dalawang oras na sesyon. Hindi lang nagbibigay-daan sa mga bata ang programang ito na maging hands-on sa kusina, na nagdudulot ng kinakailangang interes sa pagkain mula sa murang edad, ngunit itinuturo

din nito sa kanila ang kahalagahan ng sustainability, sariwa at lokal na produkto, at ang pagkilala sa mga prutas at gulay habang nagkakaroon ng insight sa proseso ng pag-ani. Isama pa ang mga kaakit-akit na tanawin ng Thailand, magagandang tabing-dagat at ang kilalang serbisyo ng Ritz-Carlton sa natatanging karanasang ito, mukhang sapat na ang mga dahilang ito upang sumakay sa eroplano! Bisitahin ang www. phulay-bay.com para sa higit pang impormasyon.

AGOS TO 201 5

33


Isang pyesta

a d s i a g m ng Ipinagmamalaki ng bayan sa dulong-timog ng Cornwall, UK ang kanilang sariwa at napakasarap na lamandagat. Ngayong buwan, ipagdiriwang ng rehiyon sa baybaying dagat ang kanilang mga yamang dagat sa taunang Newlyn Fish Festival.

A

yon sa isang kasabihan, ang isang maalat na araw sa pangingisda ay mas mainam pa rin sa isang magandang araw sa opisina. At para sa sinumang mahilig sa isda (o sa pangingisda), ang isang araw sa Newlyn Fish Festival ay ang pinakamasayang araw sa lahat! Sa ika-26 na taon nito, ang natatanging pyesta ay isang pagdiriwang para sa mga lamandagat ng Cornwall at pagpupugay sa maunlad na industriya ng isda sa UK, na dahilan upang magsasama-sama ang mga mangingisda, chef, mag-aaral ng catering at mahihilig sa isda sa iisang lugar. Magaganap sa ika-31 ng Agosto, magiging masaya ang pagdiriwang at kapupulutan din ng aral. Itatampok ng isang buong araw na pyesta sa pantalan, kasama ng iba pang mga bagay, ang subastahan ng mga lamandagat, kung saan maaaring sumubasta ang mga bisita para sa kanilang hapunan (ipagkakaloob ang mga kikitain sa isang kawanggawa na nagbibigay ng suporta sa mga aktibo at retiradong mangingisda), kuwentuhang tungkol sa isda, karera sa daungan, tindahan ng mga

34

AGOS TO 201 5

pagkaing lamandagat at live na musika. Asahang maraming isda ang matitikman, may napakagandang pagtatanghal ng isda at lamandagat (higit sa 60 uri ang iaalok), may malalapitang kawani ng Cornwall Good Seafood Guide na magbibigay ng mga crash course tungkol sa sustainable na isda. Sa buong araw, may mga demo ng pagluluto mula sa pinakamahuhusay na chef sa lugar kabilang sina Fiona Were, Sanjay Kumar at Ben Tunnicliffe, kasama ng iba pa. Isa pa sa mga itatampok ng araw ang The Great Cornish Fish Off, kung saan ang mga mag-aaral ng catering mula sa Penwith College ng Cornwall ay magkukumpitensya sa paggawa ng isang putahe mula sa kaunting sangkap sa loob ng 30 minuto, at pipiliin ng mga bisita ang mananalo. Idagdag pa rito, may mga produktong batay sa isda ang craft fair, ang mga film screening ay magpapalabas ng lumang footage tungkol sa buhay ng mga mangingisda, at pagsasama-samahin ng isang pambatang palabas sa temang pandagat ang puppet show, natural na kasaysayan at komedya upang maghatid ng nakakatuwang paglilibang – ibig sabihin, lahat ng bagay na maiisip mo sa isang

pyesta, binigyan dito ng temang pandagat. Matututo rin ang mga bisita tungkol sa propesyonal na pangingisda, at mayroong oportunidad na sumakay sa isang beam trawler (Cornish Fisheries Protection Vessel) o kaya ay subukan ang kanilang mga kakayahan sa karera ng bangka. Mula sa pagpapatakbo ng mga gig – mga tumatakbong bangka na ginagamit upang itawid ang mga piloto papunta sa mga paparating na bapor upang matulungan silang makapag-navigate nang ligtas sa daungan – hanggang sa sculling, ang tawag sa pagmamaniobra ng mga punt, na isang uri ng bangkang pangkarga. Naka-iskedyul sa isang weekend na holiday ng bangko, isa itong natatangi, masaya, at ma-isdang bakasyon para sa pamilya! Mga dapat malaman tungkol sa pyesta Kailan: Ika-31 ng Agosto, 2015, sa pagitan ng 9am at 5pm Saan: Newlyn Harbour, Newlyn, Cornwall, United Kingdom Bayad sa pagpasok: £5.00 (humigit-kumulang Dh28.50) Upang malaman ang higit pa: newlynfishfestival.org.uk

Yourfoodmag.com


Your world GLOBAL E VENT

da s i a s ol k g n tu t c a f a g M

Isinulat ni Purva Grover; Mga Larawan

• Ang karamihan ng mga isda ay may panlasa sa buong katawan nila. May higit sa 27,000 panlasa ang mga hito. May humigitkumulang 7,000 ang mga tao. • Gumagamit ang mga isda ng mga tunog sa mababang tono upang makipag-ugnayan sa isa›t isa. Dumadaing, umuungol, humuhuni, umuugong, sumasagitsit, sumisipol, lumalangitngit, tumitili at tumataghoy sila. Kinakalampag nila ang kanilang mga buto at kinikiskis ang kanilang mga

Yourfoodmag.com

ngipin. Gayunpaman, walang lalamunang pinagmumulan ng tinig ang mga isda! Ginagamit nila ang kanilang mga katawan upang gumawa ng mga ingay tulad ng pagpapa-vibrate ng kalamnan sa kanilang swim bladder.

• Hindi isda ang starfish. Hindi rin ang dikya. • Ang mga seahorse lang ang isdang nakakalangoy nang patayo. • May kaliskis ang karamihan sa mga brand ng lipstick!

i Makboisritao mlon g

Ano ang pa aurant sa seafood rest Ipaalam d? iyong lungso orial@ it ed sa in sa am .com ag m yourfood

AGOS TO 201 5

35


Para sa Dubai,

l a h a m a m g a p nang may Ang pinakatanyag na food author at critic ng India na si Rashmi Uday Singh ay naglibot upang tuklasin ang pinakamasasarap na pangvegetarian na pagkain sa Dubai. Inalam ni Purva Grover ang nasa kanyang isipan.

H

inarap muli ng food author, critic at TV host na si Rashmi Uday Singh ang isang hamon. Ngayon, sinubukan niyang magpakavegetarian sa ating bayan, sa Dubai. At bago namin siya mabigyan ng babala sa kung gaano kahirap ang gagawin niyang pakikipagsapalaran, naibahagi niya na nakakain na siya ng ilang masarap na pagkaing pangvegetarian sa Dubai. “Kung nagawa ko ito sa isang lungsod gaya ng Paris, hindi ito magiging problema sa Dubai.” Sa ngayon, ang Paris, gaya ng Dubai, ay mas tumatangkilik sa mga mahihilig sa karne ngunit nagawa niya kaming pahangain sa kanyang gabay na pinamagatang A Vegetarian in Paris (Times Group books, 2012) na nagturo ng higit sa 1,000 masarap na pagkaing pang-vegetarian sa lungsod. “Nasasabik na akong makatuklas ng malalaking surpresa para sa mga vegetarian at vegan sa Dubai.” Para sa kanyang pananaliksik para sa gabay sa Paris, kumuha si Rashmi ng isang driver at dumaan siya sa mga kainan, namili sa mga tindahan ng pagkain, sumali sa mga food tour, nakipagtsismisan sa mga chef at

36

AGOS TO 201 5

lumahok sa mga aralin sa pagluluto sa loob ng dalawang buong taon. Ganoon din ba ang gagawin niya para sa gabay sa Dubai? “Siyempre! Nasa kalagitnaan ako ng isang mahalaga at sistematikong paraan ng pagkain at talaga namang nag-e-enjoy ako. Mahirap itong gagawin ko ngunit nakakatiyak ako na may sapat na pagpipilian sa Dubai hindi lang upang manatiling masaya ang mga vegetarian ngunit para na rin makapaghikayat ng mga tao na maging vegetarian.” Dahil lumaki siya sa isang tahanan kung saan may parehong beans at meat balls sa hapag (upang mapagbigyan ang mga gustong kainin ng kanyang mga magulang), nae-enjoy at pinapahalagahan niya ang dawalang uri ng pagkain na ito. “Nakakain ng ako

ng masasarap na pagkaing may karne at pagkaing pang-vegetarian at hanggang ngayon ay ito ang karanasang pinakamahalaga para sa akin. Nasasabik akong makita na nasisimulan nang matuklasan ng mga tao ang mga benepisyong makukuha sa pagiging vegetarian.” Kaya ba hindi lang ito isang pansamantalang uso? “Hindi talaga. Binigyan na tayo ng babala ng mga sakit gaya ng bird flu, swine flu at mad cow at dapat nating bigyan ng pansin ang mga ito.” Nagbigay siya sa amin ng ilang nakakabiglang impormasyon. “Alam mo ba na ang bilang ng mga pataba, usok mula sa traktora, transportasyon, paghuhukay ng lupa, atbp., na nasasangkot sa paggawa ng isang pound ng pitso ng manok ay 4.5 beses ang dami kaysa sa nasasangkot sa paggawa ng ganoon din karaming grain? Alam mo rin ba na ang pagkasira ng mga kagubatan, pagguho ng mga lupa at ang lalong pagdumi ng tubig ay dulot ng iisang bagay at iyon ay ang paggawa ng mga pastulan para sa pagpapalaki ng mga hayop para sa kanilang karne? Bukod pa sa etika at relihiyon, napapansin na rin ng lahat ang mga alalahanin para sa kalikasan, ekonomiya, pangangatawan at kalusugan.”

Yourfoodmag.com


Your world

Mga larawan: ibinigay

INTERVIEW

Saan pupunta para sa gulay? Upang lalo pa kaming tuksuhin, ibinahagi niya ang mga paborito niyang puntahan para sa mga pagkaing pang-vegetarian. “Nakakain na ako ng maraming pagkaing puro gulay sa buong mundo, at natatangi ang bawat isa sa sarili nitong paraan.” Ang L'Arpege ni Alain Passard sa Paris ang kanyang paborito, na sinusundan ng Napa Valley ni Thomas Keller, The French Laundry, at ang patok na kainan sa Spain na El Celler de Can Roca. Upang matukoy ang pinakamahusay na pang-vegetarian na restaurant sa Dubai, umaasa siya sa mga blind date, kung saan lumalapit siya sa mga taong hindi niya kilala at sinasamahan niya sila sa pagkain. “Oh! Gustong-gusto ko ang mga blind date. Nakikipag-ugnayan ako sa mga tao sa pamamagitan ng aking Instagram account at Twitter handle, at doon na nagsisimula ang saya. Nagkaroon na ako ng ilang masasayang date sa New York, Paris at Mumbai ngunit inaamin ko na sa Dubai ang pinakamagaganda kong date, kabilang ang pagtuklas sa mga natatagong yaman gaya ng Arabian Tea House sa Bastakiya, kung saan ako dinala ng isang babaeng Greek.” Dahil nakapagsulat na siya sa mga pahayagan at magazine, nagkapag-akda ng mga aklat (34 na ang naisulat niya sa ngayon!) at nag-host ng mga palabas sa TV, nalasap niya na ang kagalingan ng parehong mga tradisyunal at social networking platform. Masaya bang gumamit ng Twitter, Instagram, Facebook, atbp. sa pakikipag-usap tungkol sa pagkain? “May kanya-kanyang benepisyo ang bawat paraan. May handong ang social media na interactivity na talagang nakakahumaling.” Nasasabik din siya sa pagdami ng pagkonsumo ng digital na pagkain, lalo na sa pagbablog tungkol sa pagkain. “Wala akong sinusubaybayang blog tungkol sa pagkain ngunit nasasabik na ako sa pagdami ng mga nagsusulat tungkol sa pagkain.” Ang kakaiba rito, noong nagsisimula pa lang si Rashmi sa India, walang regular na nagsusulat tungkol sa pagkain. Kaya hindi nakakabigla na noong umalis siya sa kanyang trabaho bilang Commissioner ng Buwis sa Indian Revenue Service, nasiraan na raw siya ng bait sabi ng kanyang mga kaibigan. “May mga tumatawag sa akin na nagtatanong kung bakit ko

Yourfoodmag.com

Mg a mumunting k agat

mga recipe sa Hindi. Bukod pa rito, ang kanyang unang mga review tungkol sa pagkain ay lumabas sa Bombay magazine, na pinapatakbo ng kanyang biyenan.

Ang pinakamainam na gawin Hanggang sa ngayon, kilala si Rashmi dahil sa kanyang mga tapat na review. “Hindi ako kailanman nagsasabi ng mga bastos Ang cuisine na ayos lang na kainin na bagay sa isang chef at galante at tapat mo araw-araw sa buong buhay mo ako sa pagbibigay ng pagpapahalaga.” Sa Japanese ngayon, ang pinakamagandang papuri Lugar na gusto mong puntahan na kanyang naibigay ay para kay Chef upang kumain Ferran Adrià mula sa elBulli, Spain. Peru. May mga nakausap akong Ang three Michelin-starred restaurant ilang mahusay na chef mula sa na ito ay limang beses na hinirang na Peru at nakakain na rin ako ng mga pinakamahusay na restaurant sa buong napakasarap na pagkain mula sa Peru! mundo bago ito nagsara noong 2011. Malapit na akong pumunta roon. “Napagsasama mo ang sining at agham Mga paboritong topping para sa sa kusina upang bumuo ng mga obra pang-vegetarian na pizza maestra ng yari at lasa na sumusubok sa Hindi ako mahilig sa pizza ngunit aming talino, nagpapahanga sa aming nagustuhan ko talaga ang Le Gandhi isipan at umaakit sa aming paningin pizza sa Pink Flamingo, Paris. at panlasa. Pagkatapos kong makakain Mayroon itong topping ng Sag dito, talagang nag-iba ang pagtingin Paneer (spinach-cottage cheese), ko sa pagkain,” kanyang inalala ang Baba Ganoush at Mozzarella. papuri. Mayroon ba siyang sinusundang anumang panuntunan sa pag-order ng raw pinagsasayangan ng panahon ang pagkain sa isang restaurant? “Nagsisimula pagsusulat tungkol sa brownies.” At lalo ako sa kung ano ang iminumungkahi lang dumami ang mga tanong dahil may ng maître d'hôtel at susundan ko ito ng mga degree siya sa management, literature paghahanap sa menu ng mga kakaibang at law. “Nakakapanabik kayang sumubok bagay o mga putaheng mahirap lutuin.” ng mga bagong bagay.” Noong 1990, At talaga namang iba ang pagtingin ni nagsimula siyang magsulat ng column Rashmi sa pagkain sa bawat pagkakataon. tungkol sa pagkain para sa The Times of “Ang pagkakataong makatuklas ng mga India, isang nangungunang pambansang bagong bagay ang nagtutulak sa akin pang-araw-araw na pahayagan, at noong na pumasok sa mga bagong proyekto.” 1997, naging isa siyang ganap na mayMay mga app tungkol sa pagkain ba sa akda sa pamamagitan ng gabay sa mga kanyang telepono? “Wala, napag-iiwanan restaurant sa unang lungsod ng India, na ako ng teknolohiya.” Mga cookbook? ang Mumbai, Ang MidDay Good Food “Marami akong cookbook mula sa iba't Guide. Hindi nagkataong Mumbai din ang ibang manunulat ngunit wala akong kanyang pangunahing inspirasyon hinggil ‘inirerekomenda’ sa sinuman. Binabasa sa pagkain. “Ang pinakamagandang paraan ko ang mga aklat na ito na parang upang makilala ang isang lungsod nagbabasa ako ng mga ay ang kainin ang mga kuwento.” Sa pagkain sa handog nitong pagkain. bahay, naniniwala siya Isa akong taga-Delhi na sa tinatawag na circle mahal na mahal ang of happiness. “Ang bang May alam ka Mumbai!” Ang kanyang ng kumain, magluto pa mahuhusay na rant sa au husay sa pagluluto at magpakain st re vegetarian na ng email i m ka ay minana niya mula an 'yan ang talagang lh Dubai? Pada urfoodmag. yo l@ ia sa kanyang ina, na nagpapasaya sa or it sa ed subukan isang napakahusay akin.” Cheers sa com, at baka g iyong ni Rashmi an na cook at may-akda maraming masasayang on! da rekomen sy ng dalawang booklet ng pagkain niya sa Dubai!

Makisama

AGOS TO 201 5

37


Your world HOME DÉCOR

: a s e m g n s o y a a g Pa

Nakakalibang sa tag-init Makakuha ng inspirasyon at ayusin ang iyong mesa gamit ang matitingkad na kulay ng tag-init at mga palamuting may tema ng kalikasan.

Kahit na sobrang init na sa labas, magagawa mo pa ring ayusin sa tema ng kalikasan ang iyong mesa sa loob ng malamig at air-conditioned na ginhawa ng iyong tahanan. Mainam para sa panahon ang isang rustic-chic na pagkakaayos sa matitingkad na kulay ng asul at dilaw, na ipinares sa mga natural na materyal. Kalimutan na ang mga bulaklak sa plorera, umiwas sa karaniwan at gamitin kung ano ang nasa kusina o pantry mo para sa mga natatangi at makulay na centerpiece at dekorasyon; isang nakakaaliw at tipid na paraan ang paggamit ng mga nakakaing bagay tulad ng mga prutas

38

AGOS TO 201 5

upang magdagdag ng kulay sa mesa. Narito ang ilang tip na maaari mong sundin upang magkaroon ng instant na istilong pang-tag-init ang iyong mesa: • Magdagdag ng panaka-nakang kulay sa isang neutral na pundasyon upang makaiwas sa pagiging sobra. Mainam ang mga kulay na tulad ng dove grey, eggshell at maputlang dilaw para sa mga mantel at nagbibigay ito ng mas maginhawa at mas malamig na epekto kumpara sa purong puti. • Gamitin ang mga natural na surface. Kung hindi makinis ang pagkakagawa ng iyong mesa, huwag nang gumamit ng mantel at maglagay na lang ng

mga place mat at runner sa mesa, pagkatapos ay ayusin ito mula rito. • Sa halip na mga napkin ring, gumamit ng mga piraso ng pisi na nakatali sa porma ng isang ribbon – simple lang ito at hindi magastos, ngunit napakaganda. Maaari ka ring gumamit ng mga pisi sa palibot ng mga baso at candlestick upang umangat ang rustic na dating. • Tandaan, ayos lang na maghalo ng mga disenyo. Huwag mag-alala sa pagtutugma ng lahat, maaaring maging maayos ang paggamit ng mga hindi magkakatugmang disenyo kung maganda ang pagkakagawa nito.

Yourfoodmag.com


Mga mainam bilhin

Rice homeware Melpl stardust tray Dhxx 57 The Design Shop by Sauce

Gawang-kamay na blossom vase ni Vanessa Mitrani sa France Dh 3,753 sa Cities

Serrano rimming dish Dh89 sa Crate & Barrel

Isinulat ni: Sudeshna Ghosh; Mga Larawan: Mga panahon/ibinigay

Raffia SL-31 tablemat Dh99 sa H&M Home

Makisaliaa!yos

pa gM ay te m a ng gu st o m o ng na ba a es ng m gi t pa ? M ag hi ng m at ut un an na al @ in sa ed it o ri em ai l sa am g an up m o ag .c yo u rf o o d m ar in g aa m at , in ip aa la m sa am in it o sa ila th al a na m d na is an g ka su no e! is su

LSA Polka pastel stemware mula Dh30 sa Bloomingdales Home-Dubai

Yourfoodmag.com

AGOS TO 201 5

39


Tungkol sa mga lamandagat

‌ a s a l a p at pam Natatangi, kakaiba at may espesyal na kagandahang dito lang makikita, ang Zanzibar ay isang lugar na dapat bisitahin ng mga mahilig sa pagkain, sabi ni Sudeshna Ghosh.

40

AGOS TO 201 5

Yourfoodmag.com


Your world TR AVEL

S

a paglubog ng araw sa Indian Ocean, sa marahang pagdaan ng ilang bangkang pangisda at paglutang ng mga layag ng mas malalaking bangka, maaamoy sa hangin ang aroma ng inihaw na sariwang lamandagat, at sisimulan na ng mga maglalako ang kanilang araw-araw na hanapbuhay sa night market ng Forodhani Gardens. Ito ang Stone Town sa Zanzibar, at ang abalang pamilihan ng pagkain na ito, na nasa kabilang kalye lang ng makasaysayang Old Fort, ay isang lugar na dapat bisitahin sa napakagandang islang ito. Isang pampamilyang parke sa umaga (na nakaranas ng pagunlad sa turismo pagkatapos ng pagsasaayos noong 2009 mula sa kagandahang-loob ng Aga Khan foundation), sa paglubog ng araw, pupwesto na ang mga mangingisda sa tabing-dagat at magtatayo ng mga pansamantalang tindahan upang magbenta ng mga lamandagat nang higit pa sa kaya mong bilangin! Nakakamangha ang mga pagpipilian. Sa tabi ng sunud-sunod na hanay ng pusit, hipon, ulang kasama ng iba pang lamandagat at pati na ng mga hindi gaanong kilalang opsyon tulad ng pugita at igat, makikita ang iba›t ibang isda, alumahan man iyan o pating. Simple lang ang formula – piliin ang lamandagat na gusto mo, makipagtawaran sa presyo (hindi ka dapat magbayad nang higit sa ilang dolyar para sa isang kumpletong putahe) ayon sa bigat, ipaluto ito kung paano mo man gusto, at ihahain ito nang may kasamang salad, chips, matamis na mais o flatbread, pagkatapos ay umupo sa sahig at samahan

Yourfoodmag.com

ang daan-daang taong nagsisiksikan sa pamilihan upang makasingit. Bilang karaniwang pagkaing kalye, mas ligtas na kainin lang ang alam mong sariwa at umiwas sa anumang hilaw. Karaniwang sariwa ang lamandagat dahil karamihan dito ay hinuli noong umaga, at tinitimplahan ng mga lokal na pampalasa. Ngunit hindi lang ito isang paraiso para sa mga mahilig sa lamandagat – mahahanap mo dito ang kahit na ano mula manok hanggang mga tinuhog na karneng baka, hanggang sa Zanzibar pizza, isang lokal na specialty. Hindi tulad ng totoong pizza, ito ay isang crêpe na pinrito at nirolyo, at pinalamanan ng karne, mga gulay o saging, kung gusto mo ng matamis na bersyon – alinman, masarap ang lahat ng ito. Kabilang sa iba pang mga lokal na specialty ang inapuyang kamoteng kahoy at chipsi mayai, na walang pinagkaiba sa omelette na may chips. Para sa pinakamainam na pamatid-uhaw sa paglubog ng araw, juice ng kapipiga pa lang na tubo, istilong Zanzibar! Masigla at para bang nasa perya ang kapaligiran, nakikisalamuha ang mga lokal at turista sa isa›t isa sa isang pang-islang bersyon ng plasa sa bayan. Mapipintahan ang langit ng hindi mabilang na kulay ng orange at pula bago magbigay-daan sa paglatag ng makapal na asul na puno ng milyun-milyong maliliit na bituin, sa iba›t ibang panig ay mga usok mula sa daan-daang bukas na pugon. Dinadala ng hangin ang bango ng pinipritong lamandagat na may kasamang simoy ng karagatan. Isa ito sa mga karanasang tiyak na hindi malilimutan bilang ala-ala ng paglalakbay.

AGOS TO 201 5

41


Gawin itong mas malasa Sundan ng isang araw sa taniman ng pampalasa ang iyong gabi sa pamilihan. Isa lang ito sa mga bagay na kailangang gawin ng lahat kapag nasa Zanzibar, at para sa isang mahalagang dahilan. Ang islang ito, kung iisipin, ay tinatawag na isla ng pampalasa. Isang pinag-aagawang lugar sa isang makasaysayang ruta ng kalakalan, may interesante, kung hindi malungkot, na kasaysayan ng mga pagsalakay at pananakop ang Zanzibar na nagsimula noong ikapitong siglo ; pinamunuuan ito ng Oman, naging pinoprotektahang bayan ng Britain, at ngayon ay isa nang bahagyang nagsasariling rehiyon na nakikiisa sa Tanzania. Gayunpaman, ang iniwang pamana ng mga karanasang ito ay isang cuisine na mayaman sa impluwensya ng Arabia, India at mainland Africa, at isang maunlad na komersiyo ng pampalasa. Bagama›t hindi mahirap maghanap ng mga tour sa isla ng pampalasa, tumuklas ng higit pa at mag-enjoy sa pagsilip (kahit sandali lang) sa lokal na pamumuhay, magpa-book para sa ginagabayang tour ng Mga Tour ng Eco & Culture (www. ecoculture-zanzibar.org) na nakasentro sa komunidad (sila ang piniling tour ng mga bisitang may dugong-bughaw tulad ni Prince Charles, kaya alam mong hindi ka nagkakamali!). Magpasundo sa iyong hotel upang maglakbay mula Stone Town papuntang mga taniman kung nasaan ang mga planta ng pampalasa. Ikukwento sa iyo ng isang maalam na gabay ang tungkol sa kasaysayan ng lugar habang naglalakbay, titigil ito nang sandali para sa kaunting kasaysayan ng Kidichi Persian Baths, na ngayon ay isa na lang guho ng gusali, na muling ipinatayo ni Sultan Seyyid Said noong ika-anim na siglo para sa kanyang asawa mula sa Persia na si Scheherezade; ginamit ito ng mag-asawang dugongbughaw sa pagligo pagkatapos mangaso. Sa tumatakbong taniman ng

pampalasa, mamamahala ang isang lokal na herbalist upang ipakita, ipahawak, ipaamoy at ipatikim sa iyo ang dami ng pampalasang itinatanim dito (na hindi isang magandang karanasan sa ilang pagkakataon, nakatikim ka na ba ng hilaw na nutmeg?). Makikita mo ang lahat mula cinnamon, cardamom at klabong pako, hanggang sa vanilla, paminta, at saka luyang-dilaw at tanglad, ang aroma ng bawat isa ay nakakapagpabango sa hangin. Matutuklasan mo ang mga natatanging paggamit at medikal na pakinabang ng mga herb at pampalasa at matututo ka tungkol sa kung paano magagamit ang mga hindi inaasahang bahagi ng isang halaman bilang pampalasa, na dahilan kung bakit parehong edukasyonal at masaya ang tour. Magiging masaya rin dahil sa ilang lokal na magbebenta sa iyo ng mga hinabing sombrerong balaybay o handbag na hahabihin nila sa harap mo sa loob lang ng ilang minuto, at ang malungkot na awit ng isang kumakantang manggagawa sa malayo mula sa itaas ng puno ng buko – kung pipiliin mong huminto at makipag-usap, kakailanganin mong magbigay ng tip. Totoo, parang sinadya ang mga ito, gayunpaman, nakakatuwa pa rin naman ang karanasang ito. Pagkatapos nito, magaganap ang pinakaitinatampok ng tour, kapag nagkaroon ka ng pagkakataong bumista sa isang lokal na tahanan para sa tanghalian. Hindi nagpapanggap para sa pakinabang ng mga turista, simple lang ang bahay, hindi gaanong matibay, at mararamdaman mong inimbitahan ka ng isang lokal na kaibigan para sa isang lutong-bahay na tanghalian. Uupo ka sa sahig sa isang patyong bukas sa kalikasan, matatapos ang ilaw ng tahanan sa kanyang pagluluto – sumilip ako sa kanyang simple ngunit napakalinis na kusina, at nag-alok ako ng tulong para lang magalang na tanggihan! – umiiyak ang isang kambing mula sa

Zanzibari cuisine

Ang Zanzibar cuisine ay ang pinagkaisang pagkakaiba ng iba›t ibang impluwensya, mula Arabian at India hanggang Swahili. Hindi mawawala ang pagtatampok ng lamandagat sa cuisine, gaya ng inaasahan, pati na rin ang mga lokal na produkto tulad ng kamoteng kahoy (na kilala rin bilang manioc) at mga tropikal na prutas tulad ng pinya, mangga at buko. Kilalang sangkap ng putahe ang mais, na ginagamit sa mga tradisyunal na pagkaing mula sa Africa tulad ng ugali (lugaw na mais), pati na rin bigas. Itinatampok nang husto ang mga pampalasa, na tamang-tama, sa cuisine, upang gumawa ng malalasang curry at stew, pati na rin sa pagtitimpla ng lamandagat.

42

AGOS TO 201 5

Yourfoodmag.com


Your world TR AVEL

Makisali

na ba sa Nakapunta ka sa amin ang i ag ah Zanzibar? Ib sa iyong an w ra iyong mga la / facebook.com bakasyon sa ail m -e ag m o yourfoodmag itorial@ sa amin sa ed .com. yourfoodmag

bungad ng bakuran, at dahan-dahang lalakad ang isang batang babaeng naguusisa. Ito ang nagtatakda ng pakiramdam sa pagkain ng authentic at masarap na putaheng ihahain sa iyo, na binubuo ng may tinimplahang ‘pilaf ’ na kanin, bean stew, cassava curry at syempre, fish curry. Ginagawang mas espesyal ng sariwa at lokal na sangkap sa tamang-tamang timpla ang pagkaing ito kumpara sa isang putahe sa anumang fine dining na restaurant. Hindi mo lang makikita sa pagkaing ito ang mga pampalasang natutunan mo sa tour, ngunit mararanasan mo rin ang init ng pakikipag-kaibigan ng mga lokal, at aalis kang may masarap na lasa sa iyong bibig para sa parehong dahilan.

• Pumunta sa: Nag-aalok ng mga flight ang karamihan sa mga nangungunang paliparan kabilang ang Emirates (www. emirates.com) at Qatar airways (www.qatarairways.com) patungo sa kapitolyo ng Tanzania na Dar es Salaam, kung saan mabilis na lokal na flight na lang ang Zanzibar o apat na oras na pagbyahe sa lantsa. Direktang lumilipad ang FlyDubai (www. flydubai.com) mula Dubai hanggang Zanzibar. • Pagpapahinga: Isang maganda at nakaka-relax na hotel ang Zanzibar Serena Inn na matatagpuan sa tabing-dagat ng napakagandang Stone Town. Kabilang sa Maliliit na Luxury Hotel ng Mundo, nakapwesto ang ari-arian sa pagitan ng dalawang makasaysayang gusali na maingat na ipinanumbalik upang magbigay ng ganap na luxury kasama ng pagiging natatangi ng Zanzibar kung saan ito kilala. (www.serenahotels.com) • Gawin: Ang mga tour sa taniman ng pampalasa ng Eco & Culture ay may halagang humigit-kumulang US$30 bawat tao (humigit-kumulang Dh110), bisitahin ang http://www. ecoculture-zanzibar.org/

Yourfoodmag.com

AGOS TO 201 5

43

Mga larawan: ibinigay

Tagaplano ng Paglalakbay


Column CULINARY DILEMMAS

RSVP - May mga kundisyon!

M

ukhang simple lang ang mga imbitasyon para sa isang kainan. Samahan kami sa isang salu-salo, sabi ng mga ito. Ngunit nagsimula nang maging tila mga kumplikadong ulat sa gawi ng pagmumuhay ang mga RSVP. Nalaman ko ito nitong nakalipas na linggo noong nagpadala ako sa ilang kaibigan ng isang simpleng imbitasyon para sa isang salu-salo. Alam kong pupunta ang karamihan sa kanila kaya hindi ko na sila hinintay na mag-RSVP at binili ko na ang mga sangkap na kailangan ko para sa aking ihahanda – na kinabilangan ng mga tinapay, pasta, at karne. Noong mga panahon iyon, hindi ko pa alam na napakalaki ng problemang pinasok ko! Dalawang araw bago ang takdang araw, nag-RSVP ang mga inimbitahan ko at sa halip na Oo o Hindi lang ang sagot nila, nagpadala ang bawat pupuntang bisita ng isang listahan ng mga gusto nilang pagkain, mga allergy at kung anu-anong diyeta ang sinusubukan nila. Hindi ko na napansin na nilagyan nila ng smiley ang dulo ng kanilang listahan. Dahil sa ngayon ay tinititigan ko na lang ang nag-uumapaw na ref at pantry, na halos walang kahit anong tutugon sa mga kagustuhan ng mga dadalo. Ikinagagalak kong dati na akong nabalaan laban sa paggamit ng anumang uri ng mga bean at mani para sa dalawang panauhin na allergic sa mga ito, at sinimulan ko nang markahan ang mga sangkap na maaari kong gamitin sa handaang ito. Nagpapaleo diet ang isang kapitbahay, sumusunod sa isang detox juice programme ang isang matalik na kaibigan at kamakailang naging vegan ang isang katrabaho. Ngayon, hindi na ako

44

AGOS TO 201 5

makakagamit ng grains, patatas, dairy, refined vegetable oil, mga itlog, honey, karne, poultry at isda. Salamat naman at magagamit ko ang mga hilaw na gulay na prutas upang gumawa ng juice at tulungan ang kaibigan ko sa pag-detox sa kanyang katawan. Ang pinakamadaling pagkain na ihahanda ko ay para sa isang panauhin na sumusunod sa GM diet. Pang-apat na araw na siya sa pitong araw na wonder plan kaya isang karton ng gatas at ilang piraso ng saging lang ang kanyang hiningi. Hindi na natutuwa ang diyosa ng pagluluto na naninirahan sa loob ng katawan ko ngunit dahil wala naman akong magagawa - napagpasyahan ko na lang na suportahan na lang sila. Sa tulong ng isang excel sheet, gumawa ako ng menu: apat na appetizer at siyam na pangunahing putahe para sa isang salu-salo ng, eh, siyam na panauhin, at nagtagal ako ng isa›t kalahating araw sa pagbili sa mga tamang sangkap at pagsunod sa mga perpektong recipe (may ilang mabubuting tao ang nagbigay sa akin ng mga link ng mga recipe upang gawing mas madali ang proseso). Bago sila dumating, maingat kong nilagyan ng label ang mga pagkain upang makatiyak na wala akong masisirang buhay. At ang nangyari naman sa mismong salu-salo ay naging isa itong panayam tungkol sa mga pinakanapapanahong diyeta at paraan ng pagkain. Siyempre, nakikinig lang ako, dahil tinitikman ko ang lahat ng niluto ko mula sa mga pinggan ng lahat ng naroroon. Ang natutunan ko sa karanasang ito ay hindi na mahalaga sa mga salu-salo kung ano ang gustong ihain at kainin o kaya ay ang alam na lutuin ng mga nag-imbita. Sa ngayon, kailangan nang iayon ang mga handaan para sa lahat. Oh siya, kailangan ko pang maghugas ng mga pinggan!

Yourfoodmag.com

Isinulat ni Purva Grover; Mga Larawan

May mahalagang aral na natutunan ang Features editor na si Purva Grover tungkol sa pakikiayon sa mga diyeta kapag sumusubok na maghanda ng isang salu-salo.



Manalo sa amin! Gusto mo bang umuwi nang mayroong mga libreng voucher sa pagkain dito? Abangan ang aming mga post ng kompetisyon sa facebook.com/yourfoodmag upang makasali.

Halagang Dh650

Halagang Dh250

Hapunan para sa dalawang tao sa La Residence Restaurant & Lounge, Dubai na nagkaka

Tsaa sa hapon para sa dalawang tao sa Mashrabiya Lounge, Fairmont the Palm Dubai

Mag-enjoy sa hapunan para sa dalawang tao sa sosyal na French brasserie na ito at lasapin ang mga gourmet na pagkaing inihanda ni Michelin star chef Frederic Vardon. (Pumunta sa pahina 6 upang mabasa ang aming review sa restaurant). www.laresidence-dubai.com. Upang magkaroon ng pagkakataong manalo, sagutan lang ang simpleng tanong na ito kapag na-post na ang kompetisyon sa Facebook: Sino ang French chef na nauugnay sa La Residence restaurant & lounge?

Kumain ng mga sandwich, scone at mamili sa iba›t ibang pastry at panghimagas, na sasabayan ng de-kalidad na tsaa at kape, habang pinagmamasdan ang tanawin ng lungsod mula sa mataas na lugar at ng Arabian Gulf sa eleganteng lounge na ito. www.fairmont.com/palm-dubai Upang magkaroon ng pagkakataong manalo, sagutan lang ang simpleng tanong na ito kapag na-post na ang kompetisyon sa Facebook: Ano ang presyo (para sa bawat tao) ng tsaa sa hapon na ito?

Halagang Dh750 Gastropub na karanasan sa The Black Lion, The H Dubai Ang bagong bukas na New York-style speakeasy na kainang ito ay naghahain ng mga pinakapatok ng pagkain ng America na may mga inumin pa kasabay ng mga ito. Kabilang sa premyong ito ang three-course meal para sa dalawang tao dagdag pa ang isang bote ng alak na gawa ng restaurant. www.theblacklion.ae Upang magkaroon ng pagkakataong manalo, sagutan lang ang simpleng tanong na ito kapag na-post na ang kompetisyon sa Facebook: Saan matatagpuan ang The Black Lion?

Halagang Dh150 Brit-style curry dinner sa Brit Balti Naghahain ang casual na restaurant na ito ng pagkaing British-style Indian sa dalawang lokasyon sa Dubai – Al Barsha at International City. Sa menu at dating na galing sa Birmingham, kumpleto ang restaurant mula sa tandoori at mga curry, hanggang sa biryani, pati na rin ang mga tikka masala na lutuin – syempre naman, ang chicken tikka masala ay ang pambansang pagkain ng Britain. www.britbalti.com. Upang magkaroon ng pagkakataong manalo, sagutan lang ang simpleng tanong na ito kapag na-post na ang kompetisyon sa Facebook: Anong pagkain ang inihahanda ng Brit Balti?


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.