1 minute read
MARK...
From page 11 ayaw mong magbayad, puro saka na lang ang isinasagot mo?
“Ano’ng inaasahan mo mula sa bugaling, ang purihin ka pa? Natural, tatawag iyon sa mga kapuwa niya Boogie Wonderland, magbibigay ng babala na huwag ka nang pagkatiwalaan dahil hindi ka marunong magbayad ng utang!
Advertisement
“Mahilig kasing mag-iwan ng balanse si ____(pangalan ng male performer na pinagdududahan ang gender), madatung naman siya, pero kung bakit nakasanayan na niya ang ganoon?
“Eh, ang kuring-kuring pa naman niya, wala siyang ibinibigay na tip sa dyugaling, malayung-malayo siya kay ____ (pangalan ng isa pang closet queen) na nagbibigay na ng tip, eh, may giveaways pa ng mga products na ine-endorse niya!” nakairap na kuwento ng aming source.Ha! Ha! Ha! Ha! Ang mga milagrosang singers! ***
Inirereklamo ng mga estudyante ng isang unibersidad ang isang bagitong personalidad na may kaangasan at ang kaniyang manager. Iniimbitahan kasi ng mga ito ang usung-usong personalidad ngayon para maging speaker sa kanilang kolehiyo tungkol sa napapanahong isyu ng cyber bullying.
Malaking halaga nag hinihingi ng manager, 60K, sisenta mil na kailangang pagtulung-tulungang ipunin ng mga estudyante pero nabigo silang kalapin.
Para silang nagtatawaran sa palengke. 20K na lang daw. Kailangan na raw magdeposito ng downpayment ng mga estudyante sa bank account number na ibinigay ng manager ng bagitong personalidad.
Nagdeposito nang ten thousand ang mga ito, pero hanggang doon na lang ang kaya nila, kaya ang sagot ng manager ay limang minuto na lang daw na magsasalita ang kaniyang talent. Hindi natuloy ang speaking engagement ng bagitong ewan, dala ang deposit slip ay binabawi ng mga estudyante ang pinaghirapan nilang ipuning halaga, pero sa halip na ibalik iyon ay pinagsisigawan pa sila at pinalayas sa opisina ng talent manager.
Nakakaloka! Wala naman silang kontratahan, wala namang kasunduan na kapag hindi natuloy ang kanilang pinag-usapan ay hindi na ibabalik ng manager ang perang pinaghirapang ipunin ng mga estudyante, ano nga naman iyon?
HIndi dito natatapos ang kuwento. Makararating sa malaganap na programa ng isang male TV-radio anchor ang senaryo, magsusumbong ang mga estudyante, ipaglalaban nila ang kanilang karapatan. May mauupo pa kaya ngayon sa Row 4 na katabi ang mabantot na basurahan sa panghuhula kung sinu-sino ang mga bumibida sa kuwentong ito?
Hula na!