1 minute read

Toni Gonzaga, preggy? Kumpirmado umanong preggy uli si Toni Gonzaga pero ayaw daw muna itong ianunsiyo.

Wala pang pag-amin sa magasawa at pati ang mga magulang nito na sina Daddy Bono at Mommy Pinty ay tikom pa ang bibig. Pati ang kapatid nitong si Alex na ubod ng daldal at taklesa ay tahimik din.

For sure, mas marami ang magiging masaya kung ito nga ay totoo.

Advertisement

Naghihintay pa lamang daw ng tamang oras upang isapubliko ang muling pagbubuntis ni Toni dahil baka raw ma-stress lamang ito sa magiging reaksyon ng mga netizen. Alam naman natin ang mga netizen, baka kung ano lang ang masabi.

Kung totoo man ito, dedma na dapat sa mga basher sina Direk Paul at Toni.

Isinilang ni Toni ang first baby nila ni Paul Soriano na si Seve noong September 30 na ngayon ay six years old na.

Paul Soriano, Seve & Toni Gonzaga

Tanya

This article is from: