8 minute read
Catriona’s love letter to the Philippines
Former Miss Universe
2018 Catriona Gray is now the Philippines’ National Commission of Culture and the Arts (NCCA) Ambassador.
Advertisement
During the National Arts Month 2023 press launch early this February, she expressed her own take on the correlation between the two famous celebrations of Arts Month and Love Month.
“During Love Month, we think of ways on how we can tell them how much we love them and how much we appreciate them and to make them feel loved and seen. This arts month, we can think of all the ways that the Philippine arts and culture are like a love letter to our own country. From our own countrymen to our countrymen. To allow our kababayans to fall even more in love sa ating bansa through our arts.”
She encourages everyone to celebrate the love month together with their loved ones by attending the series of online and live events that the NCCA prepared for the whole months of February to March.
“In the Philippines, celebrating love month is a big thing because Filipinos are known to be very loving people. Also, it is no doubt that Filipinos are very passionate about arts, considering the diverse cultural expressions we have as a nation. The month-long celebration reflects our identity as a nation where we can highlight how we can reap the fruits created by our Filipino artists,” she added.
With her experience, Catriona Gray said that her inclination with arts led her to fall even more in love with the Philippines. In her own words she said, “It opened up a pathway for me to know what the Philippines is – as an identity, and also to discover my own identity and how it means to be a Filipina”.
The National Arts Month theme for 2023 – Ani ng sining, bunga ng galing – which aims to immerse Filipinos in diverse cultural expressions and celebrate the bountiful harvest from the Filipino imagination.
Join the celebration of the National Arts Month (NAM)
Coco Martin embraces new character Tanggol, thanks Cardo Dalisay
Just hours before he debuted his latest character Tanggol in the ABS-CBN series FPJ’s Batang Quiapo, Kapamilya actor Coco Martin formally bade farewell to his iconic character Cardo Dalisay in Ang Probinsyano
In an interview with ABSCBN News on Feb. 13, Martin admitted that he feels sad saying goodbye to Cardo.
“Nakakalungkot kasi ang tagal ko ring isinabuhay si Cardo. Ang tagal ko siyang isinapuso, pitong taon. Kasi kapag gumagawa ako ng character sa buhay ko, sa mga proyekto ko, hindi siya parang damit sa akin na hinuhubad lang. Kapag sinimulan ko ang proyekto huhubarin ko iyung character ko pagkatapos na noong project,” Martin said.
“Kaya minsan nawiweirdohan sa akin ang mga tao. Sabi sa akin, ‘Ang init-init lagi kang naka-jacket.’ Sabi ko, ‘Paano ko maaarte ang isang character kapag hindi ko isinabuhay?’ Kapag isinabuhay mo siya, kapag alam mong everyday ikaw na si Cardo, hindi ka na maliligaw kahit nakapikit ka pa, kahit biglang gisingin ka pa, si Cardo ka na. Wala akong magagawa iyon ang hanapbuhay ko. Kaya minsan anuman ang pananamit ko, eh sinasadya ko
Ilang taon na ang nakararaan ay regular “caller” ng isang simple lang pero kilalang pimp ng mga artista ang isang female personality. Walang paltos iyon, tuwing malapit na ang katapusan ay siguradong tatawagan niya na ang Boogie Wonderland (bugaw), dahil kailangan niya kasi ng datung.
Tuwing katapusan kasi ang bayaran ng inuupahan nilang apartment ng kaniyang mister, iyon din ang nakatakdang oras ng pagbabayad nila ng sasakyan, pati ng kanilang ilaw, tubig at marami pang ibang bayarin.
Kuwento ng dyugaling (bugaw) ay hindi raw naman maluho ang female personality, pambayad lang talaga sa kanilang mga pangangailangan ang kailangan niyang ihanap ng solusyon, kaya nagpapa-booking siya.
“Once a month lang niya ginagawa ang ganoon, hindi siya iyong regular na humihingi ng booking para sa mga granatsa niya. Pambayad lang talaga ng mga utilities nila ng mister niya ang concern niya.
“Pagkatapos ng booking na iyon, mananahimik na naman siya, hanggang sa dumating na naman ang katapusan, walk na naman siya,” simulang kuwento ng aming source.
• Da Hu itong female personality na pa-booking?
• Cristy Fermin at Willie Revillame, Nagkasira na?
Ang ipinagtataka ng samahan ng mga Boogie Wonderland ay kung paano iyon nagagawa ng female personality nang hindi nakahahalata ang asawa niyang artista rin. Nalulusutan niya ito nang wagas na wagas.
“Malaking palaisipan nga sa mga dyugaling iyon, e! Gusto nilang isipin na dahil hindi naman kalakihan ang kinikita nilang mag-asawa, e, pinapayagan ni ____(pangalan ng mister ng female personality) ang wife niya na gumawa ng sideline.
“Pero wala naman sa character noong mister niya ang ganoon, saka mayroon pa siyang malalapitang kapamilya niya na makatutulong sa kanila. May lalaki ba namang papayag na magbebenta ng katawan ang mahal niya para lang maisalba ang mga gastusin nila?
“Pero iyon talaga ang nangyayari, e! Kapag malapit na ang katapusan ng bawat month, e, nagpapa-booking ang girl! Maganda naman ang presyo niya, hindi naman siya binabarat-barat, kaya sobra pa siguro sa mga needs nilang mag-asawa ang talent fee ng girl!
“Tumigil na lang ang girl noong medyo gumanda na ang kabuhayan showcase nila. May malaking halaga ang napasakamay ng husband niya. Nakaginhawa rin sa kanila.
“Noong minsang tawagan siya ng booking agent niya, e, sinabi ng girl, ‘Ate, rest muna ako, kapag kailangan na lang uli.’ Kaya ninyo iyon?” mahabang kuwento ng aming source.
Da Hu itong female personality na ito? Hula na! ***
Parang bulkang sumabog si Willie Revillame sa kaniyang programang Wowowin noong isang araw upang sumbatan ang mga taong sabi niya’y natulungan niya sa showbiz at ngayo’y sinisiraan siya.
Dahil lamang pala ito sa sulsol ng mga taong ayaw magutom.
Hindi ito pinalampas ng radio host na si Cristy Fermin Sa kaniyang programang Cristy Ferminute at detalyadong sinagot ni ‘Nay Cristy ang mga bira ni Willie.
Pinanood muna ng buong buo ni Cristy ang mga sinabi ni Willie sa Wowowin para alam niya ang kaniyang isasagot.
“Pinanood ko po, may sinabi siya na isang reporter ng ABSCBN na kumandidatong konsehal na tinulungan daw niya, may celebrity daw na binira siya, eh, itong celebrity na ito, eh, makaDiyos pa ang datingan at noong ikasal daw ang kapatid, eh, tumira pa yata ang mga magulang sa bahay niya.”
“At mayroon daw isang tao na, ‘binigyan ko pa nga ‘yan ng condo unit, eh, binigyan ko pa ng sasakyan tapos tatawagin akong mayabang?’
“Kaninang umaga po ay tinext ko po si Willie Revillame ang sabi ko, ‘sana lang pinanood mo nang buo ang mga sinabi ko sa CFM tungkol sa ‘yo. ‘Yung terminong mayabang sinabi ko ‘yun, pero iba pala ang interpretasyon mo.”
“Kahapon, ipinagtanggol pa naman kita tungkol sa ABS-CBN, bago ka magsalita mag-isip ka muna! Pero kung gusto mo ng giyera sa kabila ng pagmamalasakit ko sa ‘yo, nakahanda ako!’
“Dahil po dito ay tumawag siya. Unang sagot ko palang… hindi ko alam kung paano ko ilalarawan ang mga salita ko. Lahat siguro ng mga binitiwan kong salita kaninang umaga patungkol sa kaniya bilang sagot (ay) ‘yung mga bagay na ayaw niyang marinig na sa unang pagkakataon ay ipinatikim at pinalasa ko sa kaniya (Willie).
“Unang-una po mga kapatid ang pinakaayaw ko po ‘yung nanunumbat. Sabi ko nga ang mantra ng buhay ko, anumang ginagawa ng ating kanang kamay ay hindi na dapat pang ipinaalam
COCO...
From page 9 iyon,” he added.
Martin also thanked Cardo for all the help and inspiration he gave to Filipino viewers naman ang ihahandog ko para sa mga tao o ibang inspirasyon,” he added.
“Nung hinubad ko na iyung Cardo, nag-iba na rin ako, pati gupit ko, lahat. Kasi sabi ko nga siguro ganoon ako magmahal sa trabaho ko. Ganoon ko siya nirerespeto. Ngayon na kailangan ko na siyang bitawan (si Cardo Dalisay) gusto kong magpasalamat sa kaniya kasi napakalaki nang nagawa niya at naitulong niya sa buhay ko, personally at sa lahat ng mga tao at Filipino. Kasi alam ko nakapagbigay siya ng saya at inspirasyon sa bawat Filipino,” he said.
Asked of his expectations of FPJ’s Batang Quiapo Martin said: “Honestly hindi ako nagexpect ng kung ilang taon siya, kasi ganoon din naman Ang Probinsyano walang expectation. Depende iyan sa mga manonood kung ano iyung pagtanggap nila. Basta ang alam ko lang ang buong team ko, lahat ng mga kasama ko rito, sabi nga namin ‘never say die.’ May sakit, umuulan, ano man ang panahon lahat ng mga kasama ko – sundalo.”
The original Batang Quiapo starred Lovi Poe’s father, the late film icon Fernando Poe, Jr.
FPJ’s Batang Quiapo is now on Kapamilya Channel, TV5, iWantTFC, and TFC.
“At ngayon sa pagbubukas ng pinto para kay Tanggol, ibang aral
DA HU...
From page 10
Reyma Buan-Deveza, ABSCBN News sa kaliwa.
“Ngayon kung tutulong po tayo at isusumbat lang pala natin pagdating ng panahon, ‘wag na lang tayong tumulong, ‘yun lang naman ‘yun di ba?
“Sa pagsasalita ko nang dirediretso, nakiusap siya kaagad, ‘Sandali! Magpapaliwanag ako, magpapaliwanag ako. Nag-iisa lang ako, wala akong nakakausap.’
“Hindi mo kailangang magpaliwanag sabi ko sa kaniya. ‘Titirahin mo ako mamaya!’” sabi raw ni Willie.
Ang sagot ni Nay Cristy ay, “Hindi kita titirahin, magsasalita lang ako pero hindi kita bibirahin dahil ipararamdam ko sa ‘yo kung ano ang tunay na kahulugan ng pagmamahal at pagmamalasakit.”
Tinanong ni Nay Cristy si Willie kung pinanood nito nang buo ang Cristy Ferminute kung paano nagiging mayabang ang Wowowin host.
“Hindi raw. Ang nagsulsol sa ‘yo ay mga taong takot magutom kapag nawala ka. Ito’y mga taong ‘yes people.’ Ito ‘yung mga taong kapag nawala ka ay hindi sila kakain dahil hindi po tama.”
“Parang kolum, title pa lang ang naririnig nagwawarla na! Title palang ang nababasa nagwawala na! Hindi muna tingnan ang kabuuan.”
“Ano ang nangyari sa ‘yo? Pati ang mga reporters na tinulungan mo noong pandemya, isinudsod mo sa kanila ngayon. ‘Wag ka na lang tutulong kung pagdating pala ng araw isusumbat mo lang.”
“Sabi niya, ‘hindi ganito kasi ‘yan ako ang binibira! Ako ang binibira ng mga tao dahil sa pagsasara raw ng AMBS (Advance Media Broadcasting System).’
Tanong daw ni Nay Cristy, “Bakit hindi mo alam na magsasara na ang inyong istasyon?’ Wala raw kumakausap sa kaniya. Tumatawag daw siya at wala raw gustong makipag-usap sa kaniya.
“Yun ang sabi niya (Willie), sabi ko, ikaw na lang ang hindi nakakaalam. Hindi tama ‘yan. Dapat kausapin mo sila. Arawaraw daw po siyang tumatawag pero walang gustong makipagusap sa kaniya,” ang paliwanag ni Nay Cristy.
“Hindi mo pala napanood nang buo itong CFM February 6 at February 7, magwawarla ka na kaagad? Magsasalita ka na kaagad ng kung anu-anong panunumbat?” Gigil pang sabi ni Nay Cristy.
At dito na inamin ni ‘Nay Cristy na siya pala ang binanggit na binigyan ng sasakyan at condo unit sa Will Tower.
“Bakit hindi mo ikuwento kung saan nanggaling ang sasakyan at ‘yang condo unit na mula noong 2017 na hanggang ngayon na nagsasalita ako, minsan ko lang nakita noong lagyan ko ng mga muwebles at ng mga paintings!
“Never akong nagpunta doon ulit kahit tanungin n’yo ang guwardiya n’yo at tagapamahala ng building. Hindi ko pinuntahan ‘yan kahit minsan! Ano ‘yung sasakyan? Tayo ang nagtulungtulong para makapasok ka dito sa TV5 (Wowowillie, 2013)!
“Anong sabi ni boss Vic del Rosario? Dapat kumukuha ka kay Willie dahil ikaw ang nagpasok sa kaniya dito. Dapat kumukuha ka sa kaniya ng 20 per cent monthly.
“Hindi ko po ginagawa ‘yun! Ang aming kasunduan, pera o sasakyan. Doon po nagmula ‘yun! Kaya nangyari ‘yun. Pero pinaghirapan ko po ‘yan at hindi ko hiningi at sa kaniya nanggaling.
See DA HU p14