2 minute read
Ang unionismo sa makabagong panahon
nanaig ang pagsupil sa karaparatan ng mga manggagawa.
sa kanilang union. Ang Winnipeg Trades and Labour Council (WTLC), ang umbrella organization for local labour ay tumawag ng general strike para suportahan ang ipinaglalaban ng mga manggagawa para sa sapat na sahod at maayos na kalagayan sa workforce. Humigit-kumulang sa 30,000 workers kasama na ang mga union members at ordinaryong mga manggagawa (non-unionized) ang sumama sa general strike na ito. Naging maayos at payapa ang strike ngunit naging agresibo ang reaksyon ng mga employers, city council at federal government. Dahil dito, ang general strike ay nagtapos sa
Advertisement
“Bloody Saturday” noong June 21, 1919, nang umatake ang Royal North-West Mounted Police sa assembly at pinatay ang dalawang strikers, nasugatan at inaresto ang karamihan. Isang marahas na kasaysayan ito sa Winnipeg noong
KROSWORD NO. 418
Subalit hindi nagtapos ang pakikibaka ng unionismo. Makalipas ang dalawampung taon, kinilala ng gobyerno ng Canada ang collective bargaining sa pagitan ng mga employers at union.
Ito ang dahilan kung bakit tayo ngayon na mga union members ay tinatamasa ang karapatan bilang mga unionista. Umuupo tayo sa bargaining table upang ipaglaban ang ating karapatan bilang mga manggagawa. Nandito ang union para protektahan ang ating seguridad at kalagayan.
Utang natin ang lahat ng ito sa mga nagsimula ng rebolusyon para bumuo ng isang malawakang strike o General Strike of 1919 sa Winnipeg, maraming taon na ang nakalilipas.
Sa modernong panahon ngayon, may mga nag-uusbungang isyu na dapat na pagtuunan ng pansin ng mga manggagawa. Isa na rito ang automation ng mga proseso at sistema. Marapat sigurong bigyang tuon ng union ang pag-demand sa mga employers na gawing kolektibo ang mga panukala at polisiya na makaka-apekto sa estado at bilang ng mga manggagawa. Oo nga’t laging batayan ang attrition policy or vacancy management para hindi masabing sinibak sa puwesto ang isang manggagawa, pero paano naman ang mga susunod na henerasyon na sasabak sa workforce? May mga puwesto pa ba silang pupunuan?
Hindi anti-modernismo ang unionismo, pero sa palagay ko, kailangang balansehin ng gobyerno at ng mga pribadong sektor ang pagyakap sa modernismo na hindi nako-compromise ang hinaharap ng mga future workers.
Kung automated na lahat, ano pa ang magiging silbi ng skills ng mga manggagawa?
Tayong mga manggagawa mapamiyembro man tayo ng union o hindi ay may magagawa para sa kapakanan natin mismo. Hindi masama ang magtanong kung sa palagay ninyo ay ginugulangan na kayo ng inyong employers. Hindi masamang magtanong kung bakit ganito lang ang sinuweldo mo? Hindi masamang magtanong kung bakit hindi kayo binibigyan ng umento gayung sa palagay ninyo ay deserving naman kayo. Lahat ng inyong tanong kaugnay ng inyong kalagayan sa trabaho ay mahalaga. Walang maliit na isyu sa workforce.
Ang karapatan ng manggagawa ay dapat kinikilala ng mga employers. Huwag tayong matakot na ipaglaban ang ating karapatan dahil napatunayan na ng mga nauna sa atin na may bunga ang pakikibaka. May liwanag matapos ang rebolusyon.
Noel Lapuz ay dating OFW sa Middle East (Dubai at Qatar). Nagtrabaho nang sampung taon sa City Hall ng Taguig bilang Human Resource Management Officer. Naging bahagi ng BataBatuta Productions bilang manunulat, entertainment host at stage actor. Nagtatag ng Kulturang Alyansa ng Taguig. Kasapi ng Ecumenical Movement for Justice and Peace (EMJP).
Paunawa: Ang mga paksa at salitang nakasaad sa Batang North End ay sariling opinion ng may-akda at maaaring hindi opinion ng mga taga-lathala ng Pilipino Express.