1 minute read

BIBAK Association of Manitoba Post Valentine’s Party

Ang artikulong ito ay unang inilathala noong August 1, 2018. Ninais kong ilathala itong muli upang ipaalala sa ating lahat lalo na sa mga halal ng bayan na bigyan ng aksyon ang lumalalang problema natin ngayon sa health services.

Advertisement

Kawawa ang lahat lalo na ang mga matatanda kung patuloy na magde-deteriorate ang mga programang pangkalusugan. Batid nating lahat ang balita noong isang linggo nang patay na ang matanda bago dumating ang homecare service para sa kaniya. Nakakalungkot at nakakayamot.

Dapat na nga bang palitan ang kasalukuyang liderato ng PC government? Kayo na ang humusga.

Ang pagtanda ay isang bahagi ng buhay na dapat ay pinaghahandaan. Nananatili pa rin sa kultura nating mga Pilipino ang pagkakaroon ng extended family na kung saan ay gusto natin na hangga’t maaari ay manatili sa ating pagtingin, pag-aalaga at poder ang ating mga magulang hanggang sa kanilang pagtanda. Ang buong akala ko ay Pilipinong pamilya lamang ang ganito ang kagawian sa pag-aaruga sa mga magulang hanggang sa matuklasan ko ang ilang mga totoong buhay na kuwento na kung saan nagpatibay sa aking paniniwala na ang personal na pag-aaruga sa mga magulang ay isinasabuhay din ng kahit anumang lahi. Dito ko napatunayan ang nagkakaisang diwa ng pagmamahal sa mga magulang sa kabila ng iba’t iba nating kultura at kinagisnan.

Sino ba naman ang hindi gustong magsukli ng pagmamahal sa mga tao na nagsakripisyo, nagtiis, nag-alaga at patuloy na nagmamahal sa atin sa kabila ng ating mga kamalian. Unconditional love ang pag-ibig sa atin ng ating mga magulang. Walang kapalit. Kahit ilang beses tayo nagkamali ay hindi pa rin tayo matitiis at tiyak na patatawarin at yayakapin ng buong puso ng ating mga magulang. No questions asked,

This article is from: