1 minute read

SULONG

Tuloy-tuloy ang serbisyo para sa progresibong Catanduanes.

Advertisement

S a pagpasok ng taong 2023, muling ibinida ng pamahalaang lokal sa pangunguna ni Gov. Joseph “Boboy” Cua ang mga programang pangkalusugan at pangkabuhayan na layong maipaabot agad ang serbisyo sa mga mamamayan.

Mula sa pagbubukas ng libreng hemodialysis facility sa primary hospital ng lalawigan, pagpokus sa pagbibigay-ayuda sa mga abaca farmers, at pagkilala sa ambag ng mga ahensiya at mga natatanging indibdiwal sa pagpapaunlad ng probinsiya, tinatahak ng lokal na administrasyon ang daan tungo sa kaunlaran.

Unti-unting ikinakasakatuparan ni Gov. Cua ang bisyon na sabay-sabay na pinagtibay sa 8-Point Executive-Legislative Agenda ng mga opisyal ng probinsiya noong nakaraang taon. Nais ng gobernador na iisang direksyon ang pagsulong, kaya’t maraming kolaborasyon mula sa iba’t ibang ahensiya ang sinimulan. Asahan na sa sunod-sunod pa ang maraming programa sa mga prayoridad na sektor.

Sa isyung ito ng The Capitol Lighthouse, balikan natin ang mga kuwento ng pagpupunyagi, pagtutulungan, at patuloy na pagsulong ng Catandungan.

EBMC Hemodialysis Center

6 7 2

8

MODERNONG MARIA CLARA maria clara

Dugo’t pawis ng libo-libong Catandunganong abacaleros ang naging puhunan ng lalawigan upang manatili ito bilang top producer ng abaca, hindi lamang sa buong rehiyong Bikol bagkus sa buong bansa.

This article is from: