Ngayon iniluwal natin ang ikalawang isyu ng ating folio na pinamagatang: Ang Pagtitipon. Isa itong piging para sa mga mambabasa na makikisalo sa samut-saring kuwento, tula at sanaysay.
Siguradong hindi ito ang lunas sa kinakaharap natin ngayon. Ngunit ito ay paalala na sa kahit anong paanahon ay kaya nating magbahagi ng sigya. Kaya natin lumikha sa tulong ng Maykapal. Higit sa lahat ang dapat na nakakahawa ay pag-ibig.