Ang Biyaya (Agosto-Nobyembre 2018)

Page 1

ANG BIYAYA

Ika-pitong puwesto, Pinakamahusay na Pagaanyo at Disenyo ng Pahina

Maam

Almazing pahina 09

ANG BIYAYA

O P I S YA L N A PA M PA A R A L A N G PA H AYA G A N N G M ATA A S N A PA A R A L A N G N A S YO N A L N G PAV I A

TOMO 2 BLG. 1

K A T O T O H A N A N T U N G O S A PA G B A B A G O AGOSTO- NOBYEMBRE 2018

KANYA-KANYA NGUNIT NAGKAKAISA. Kahit ang pabugso-bugsong ulan ay hindi makapipigil sa mga manggagawa upang matapos ang kani-kanilang trabaho. Iilan lamang sila sa mahigit 20 manggawang nagpapatayo ng mga gusaling pansilid-aralan kasama na ang kauna-unahang disaster resilient school building na nagkakahalaga ng 3.6 milyon sa Pavia National High School, Hulyo 21. | KHELLY MAE HERBUELA

KLASRUMATIBAY Kauna-unahang Disaster-Resilient School Building, itinatayo

NUMERO NG PAGKATUTO

KIER JOHN CABRERA

K

araniwan na sa isang silid aralan na maging evacuation center tuwing may bagyo at baha, subalit ang itinatayong gusali sa ngayon sa Pavia National High School (PNHS) ay lubos na katangi-katangi. Kaya nitong makatayo sa bagsik ng 7-magnitude na lindol, mga super typhoon kagaya ni Yolanda at manatiling maayos pa rin kahit na ito’y masusunog ng tatlo hanggang apat na oras. “Isang palapag na disaster-resilient na gusali na may tatlong klasrum ang inaasahang matatapos sa darating na taon na magagamit ng mahigit 180 mag-aaral,” tugon ni Gng. Delorah Cecilia L. Fantillo, punong-guro ng PNHS sa panayam ng Ang Biyaya. Ayon pa kay Gng. Fantillo, maliban sa magagamit ang nasabing gusali sa pagtuturo, magsisilbing rin ito bilang evacuation center tuwing may kalamidad. “Masuwerte ang ating paaralan dahil isa tayo sa napiling tumanggap ng proyektong mula sa CocaCola Foundation Philippines na nakipag-ugnayan sa samahan ng PBSP o Philippine Business for Social Progress,” saad pa ni Fantillo. Isa ang Coca-Cola Foundation Philippines sa aktibong kasapi ng PBSP na isang pribadong

sektor na may layuning gumawa ng makabuluhang pagbabago sa lipunan sa pamamagitan ng mga proyektong makapagpapababa sa kahirapan, pagpapanatili ng kaayusan, ligtas at malusog na mga mamamayan. Sa panayam naman kay Engr. June Gumana, isa sa mga tagapangasiwa ng proyekto sinabi niyang kaloob sa ipinapatayong gusali ang kumpletong electrical facility, mga palikurang “gender sensitive” kung saan mayroon para sa babae at sa lalaki. “Tinatayang humigit-kumulang 3.6 milyong piso ang inilaan na budget para sa proyekto. Kakaiba rin ito sa ibang mga gusali dahil sa itaas nito ay may open roof deck na pwedeng paglalagian ng mga evacuees. May sarili rin itong water tanker. Solidong materyales ang ginagamit dito lalung-lalo na sa kanyang pundasyon,” pagsisiwalat pa ni Engr. Gumana. Samantala, isang tatlong palapag namang gusali na may 15 silid-aralan ang kasalukuyang ipinatatayo malapit lamang sa disaster-resilient school building na ang pondo ay mula sa Kagawaran ng Edukasyon na nagkakahalaga ng humigitkumulang 35 milyon.

3 GUSALI 20 KLASRUM ANG NAPATAYO AT NAGAMIT NA PARA SA SY 2018-2019

1,200

BILANG NG MGA MAG-AARAL ANG NABIGYAN NG MAAYOS NA KLASRUM

48M

PONDO NG DEPED NA GINAMIT SA PAGPATAYO NG 3 GUSALI

TATLONG PALAPAG NA GUSALING MAY 15 KLASRUM ANG KASALUKUYANG ITINATAYO NA NAGKAKAHALA NG 36 MILYON

Maaaring bisitahin ang Ang Biyaya sa mga sumusunod na social media platform:

angbiyaya


02

BALITA

MGA BAGONG PATAKARAN SA BORACAY as of October 26, 2018 DOT, DENR, DILG

Ipinagbabawal ang pagkain, pag-inom at paninigarilyo sa baybayin.

Ang fireworks display at mga paputok ay pinahihintulutan hanggang alasnuebe ng gabi lamang.

Ang mga tirahan ng manok at baboy ay ipinagbabawal sa isla.

Ipinagbabawal ang pagtitipon at pagsasaya sa harap ng baybayin.

Ipinagbabawal sa baybayin ang mga higaan, upuan, lamesa at payong na nasa buhangin o kaya’y sa loob ng 30 metro sa harap ng baybayin.

Ipinagbabawal ang mga nagtitinda, stall ng pagkain, at mga tindahan sa baybayin.

Ipinagbabawal ang pag-ihi, pagdumi, pagsuka, at pagdura sa mga pampublikong lugar.

Ang pagpapatayo ng kastilyo na buhangin ay kokontrolin.

Lahat ng mga gawain sa tubig kabilang na ang pagdive ay temporaryong ipinagbabawal.

Ipinagbabawal ang mga casino sa isla.

Ipinagbabawal ang pagsasayaw gamit ang apoy na gumagamit ng kerosene.

infograpiks | pia region VI

suring balita

ANG BIYAYA / NOBYEMBRE 2018

Ipinagbabawal ang pag-ihaw ng karne gamit ang uling sa harap ng baybayin.

BAGONG BORA, BAGONG POLISIYA Mga bagong patakaran ipinalabas ng DENR para mapreserba ang Isla ng Boracay Annekha Heria at jasmin marie candame

M

atapos ang anim na buwang pagsara dahil sa pagsasailalim sa rehabilitasyon, muling binuksan ang isla ng Boracay nitong Oktubre 26 na may mas mahigpit na mga alituntunin at patakaran para sa mga turista. Inilatag ng Department of Environment and Natural Resources ang mga bagong patakaran ng Boracay kabilang na ang paglimita sa bilang ng mga turista na aabot lamang sa 6,400 kada araw at mga nagnenegosyo sa

lugar. Ipinagbawal din sa beach ang pagtayo ng kastilong buhangin, paginom ng alak, pagbebenta ng mga pasalubong, pag-party, at pagdaraos ng bonfire. “The fecal coliform level had significantly gone down at malinis nang muli ang tubig ng Boracay at maaari nang paliguan,” pahayag ni Roy Cimatu, Environment Secretary sa pagbukas muli ng isla. Ayon pa sa kanya, nasa 170 na hotel, 43 na restoran, at 90 na iba

pang mga negosyo lang ang binigyan ng permiso na mag-operate sa muling pagtakbo ng turismo sa Boracay dahil ang mga ito pa lang ang nakatupad sa mga environmental policy ng gobyerno. Pinaigting din ang pagsasakatuparan ng 30-meter buffer zone o ang pagbawal ng pagtayo ng anumang istraktura 30 metro mula sa dagat bilang pagsunod sa itinalagang patakaran. Samantala, pinaalalahanan

naman ng Department of Tourism ang mga dadayo sa isla na tiyaking kasama sa mga accredited hotel ang mga tutuluyang establisimyento sapagkat kung wala ay mahaharang ang mga ito sa airport. Matatandaang ipinatigil ang operasyon ng Boracay noong Abril matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa ito ay naging isla na “cesspool” o imbakan ng dumi dahil sa problema nito sa polusyon.

Kagalingan ng Senior Scouts kinilala sa BSP Iloilo Council Scout Jamboree Annekha Heria

I BIYAYA NG TEKNOLOHIYA. Sinisiyasat ng mga mag-aaral ng Senior High School ang bawat impormasyong kanilang nababasa sa internet para sa kanilang ipapasang takdang aralin. Libre na ang paggamit ng serbisyo ng internet sa loob ng Teen Center para sa mga mag-aaral at guro dahil sa programang Tech4Ed ng Department of Information and Communications Technology (DICT), Oktubre 12. | CHENO POLLAN

DICT pinalawak ang Tech4Ed sa Pavia Teen Center

U

pang mapalaganap ang kapangyarihan ng ICT sa lipunan patungo sa paglikha ng isang progresibong bansa, pinangunahan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang pagpapatupad ng Tech4Ed sa Pavia National High School Teen Center. Isa ang PNHS Teen Center sa mga pilot schools sa ikalawang distrito sa lalawigan ng Iloilo na nakatanggap ng lagda ng DICT na manguna sa pagpapalawak ng Tech4Ed sa nasabing paaralan. Samantala, nagbahagi ng tatlong kompyuter, isang router, isang printer at isang cctv ang DICT sa pagpapabuti ng programa sa

michelle mongcal

PNHS at bayan ng Pavia kaakibat ang partisipasyon ng LGU at munisipalidad. Ayon kay Bb. Sharmain Violanda, pangunahing tagapagpangasiwa ng Tech4Ed sa PNHS, sa kadahilanang hindi lahat ay may kakayanang magkaroon ng internet at kompyuter ay magiging tulay ang Tech4Ed upang maabot ang mga tao ng teknolohiya. “Ang Tech4Ed ay para sa lahat, wala itong limitasyon. Nakapaglalaan ito ng bukas na kaalaman tungkol sa teknolohiya at internet sa mga tao kaya malaking tulong ang naiaambag nito lalo na sa madaling pag – abot sa iba’t ibang sektor sa pamamagitan ng internet,”

dagdag pa ni Bb. Violanda. Ang Tech4Ed ay nangangahulagang Technology for Education, to gain Employment, train Entrepreneurs towards Economic Development na kung saan nabibigyang pribilihiyo ang lahat ng edad na makapagsimula ng isang negosyo, makakuha ng edukasyon at makapaglaan ng oportunidad sa trabaho sa pamamagitan ng access sa Internet. Sa tulong ng pagtatambal ng mga probinsya sa buong Pilipinas, nakakapagtupad ang DICT ng Tech4ed sa bawat teen center ng mga probinsya sa mas lalong pagpapalawak ng ICT.

pinamalas ng 34 na delegado ng Pavia National High School (PNHS) ang kanilang kagalingan at katalinuhan sa iskawting nang magwagi sa ibat ibang kategorya sa isinagawang 2018 BSP Iloilo (Confesor) Council Scout Jamboree na ginanap sa Camp Capt. Jose C. Calugas, Brgy. Anonang Leon, Iloilo, Setyembre 18-23. Nasungkit nina Gilbea Gorero at Cielo Sullano ang ika-apat na puwesto sa Batang Scouts Quiz Bee. Nakuha naman ni Guillana Piano ang ika-sampung puwesto sa Poster Making. Hindi naman nagpahuli ang grupo nang makuha ang ikalawang puwesto sa Grand Camp Fire Presentation. Naging runner up naman ang delegado ng PNHS matapos maipakita ang galing sa Festival of Talents. Ang iba pang mga gawain at aktibidad na sinalihan ng mga senior scouts ay ang Trail Hike, Orienteering, Obstacle Course, Better World games, Global Development Village, World Scout Environment, Solid Waste Management, at Arts N’ Crafts. Samantala, ang delegasyon ng PNHS ay pinangunahan nina G. Vicente Celestial, G. Joey Calama-an, G. Gilbert Gumban, Bb. Airene Broces, at Bb. Amalia Jaspe na nagsilbing mga gurong tagasubaybay sa mga senior scouts sa pagsaggawa ng mga aktibidad. “Ang scouting ay isang patunay na hindi lang sa loob ng klasrum matutunan ang mga aralin sa buhay. Maaaring kaunti lang kaming dumalo, ngunit maipagmamalaki naman sila sa gawa at kakayahan,” pahayag ni G. Celestial. KAGALINGAN pahina 04


BALITA 03

ANG BIYAYA / NOBYEMBRE 2018

‘TIANGGE NI HONESTO’ BUKAS NA PO! Tindahang walang bantay, inilunsad ng SSG; Katapatan gustong ikintal sa mga mag-aaral U

JUDE MARS ERLANO

pang mahubog ang magandang pag-uugali sa mga kabataan lalung-lalo na ang katapatan at integridad, inilunsad ng Supreme Student Government (SSG) ng Pavia National High School (PNHS) ang proyektong Tiangge ni Honesto Version 2.0 na iniwang walang bantay at inilagay sa iba't ibang lugar sa paligid ng paaralan. Naging patok sa mga mag-aaral at delegado ng Congressional District Sports Association (CDSA) Meet II ang nasabing proyekto kung saan nakakolekta ang SSG ng halos limang libong piso sa loob ng apat na araw. Ayon kay Gng. Jennifer Caspe, tagapayo ng SSG, ang tiangge ay unang binuksan noong 2017 na gawa lamang sa isang mesa na iniligay sa likuran ng Learning Resource Center Building at

minsan naman ay malapit sa mga lugar na pinaglalagian ng mga mag-aaral tulad ng mga concrete benches. “Ngayon ang Tiangge ni Honesto ay may sariling istand na, may gulong na para pwedeng dalhin sa mga kustomer kahit umulan man o uminit,” wika pa ni Gng. Caspe. Nilalayon din ng proyektong maibsan ang problema ng mga estudyante mula sa masikip na kantina at sinisigurado na ang mga itinitinda ay masustansiya at makatutulong sa pagtaguyod ng mabuting kalusugan o nutrisyon sa mga mag-aaral. Sa pamamagitan din ng proyektong ito, ang mga magaaral ay magkakaroon ng mas mahusay na pag-unawa sa kahalagahan ng pagiging tapat. Maliban sa Tiangge ni Honesto, nagsagawa rin ang

SSG ng mga signages, waste basket, trash in a bottle project, at symposium para sa solid waste management upang maging malinis at mabawasan ang pagtapon ng mga basura sa paligid ng paaralan. “Kailangan naming ipagpatuloy ang aming nasimulan at maging pokus sa mga hangarin ng SSG at ng paaralan para mabigyan ng kaginhawaan ang aming kapwa mag-aaral. Hindi namin ito magagawa kung wala ang aming tagapayo,” ani Lacuesta. Sa ngayon, pinaghahandaan ng SSG ang kanilang susunod na proyektong Care, Share, and Dare Project na isasagawa para sa mga mag-aaral sa elementarya kabilang dito ang giftgiving, outreach program sa mga SPED at Campus Integrity Crusades Projects and Activities.

BILI NA PO KAYO. Inaayos ng mga opisyales ng Supreme Student Government ang kanilang mga paninda para sa pagbubukas ng ‘Tianggeni Honesto’. Ang nasabing tindahan ay may layuning maipabatid ang kahalagan ng katapatan sa mga mag-aaral, Oktubre 17. | RYAN LACUESTA

SBM WinS ng PNHS nagtamo ng ‘three stars’; Kalinisan sa katawan, paligid susi sa pagkilala Pamela Andrea Jamoyot at Ma. Danise Seriote

N PAHALAGAHAN ANG KALINISAN. Nagsisipilyo ng mga mag-aaral ng SSC bilang bahagi sa programang SBM WinS, Agosto 10. | KHELLY MAE HERBUELA

abigyan ng “three stars” ang Pavia National High School nang makumpleto ng paaralan ang lahat ng mga kinakailangan sa pagpapatupad ng programang inilunsad ng Department of Education (DepEd) na School-Based Management WASH in School (SBM WinS). Kasalukuyang itinataguyod sa mga paaralan sa Pilipinas ang nasabing programa na may layuning mas lalong mabigyan ng sapat na importansiya ang paggamit ng tubig,

pagtaguyod ng kalinisan at wastong pangangalaga sa pangangatawan na itinuturo sa mga mag-aaral na nasa pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa. “Because of the program, we are more aware that cleanliness and sanitation is really needed,” pahayag naman ni Gng. Delorah Cecilia L. Fantillo, punung-guro ng PNHS. Ayon pa kay Fantillo, sa tulong ng SBM WinS ay masusuri ng paaralan ang mga kantina, palikuran at mga silid-aralan upang

matiyak na lahat ay nagpapakita ng wastong paraan sa pagtapon ng basura para matiyak ang kaligtasan at mapangalagaan ang kalusugan ng mga mag-aaral. “School heads should really implement the program otherwise the health of the students will be at risk,” dagdag pa ni Fantillo. Samantala, ayon sa bagong anyo ng programa, ang SBM WinS ay isa rin sa mga paraan upang mas mapaunlad ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

Maka-agham, teknolohikal, pangkapaligirang karunungan ipinamulat sa mga batang Ilonggo Annekha Heria

U

pang mabigyang pagkakataon ang mga mag-aaral na makaranas ng makabuluhang aktibidad sa agham, teknolohikal at pangkapaligirang karunungan gamit ang ika-21 siglong kasanayan, isinagawa ang 2018 Division Youth for Environment in Schools Organization (YES-O) Camp sa Guimbal National High School, Setyembre 20-22. Sa pagtitipong ito, umuwing matagumpay ang mga mag-aaral ng Pavia National High School

matapos manalo sa iba’t ibang patimpalak. Naiuwi nina Lindy Mae Janolino, Aysa Poral, Kayle Hechanova, at Royze Ann Evangelista ang 2nd runner up na titulo sa Trash to Fashion. Nasungkit naman ni Tristan Dave Hilario ang ika-pitong lugal para sa Bayani ng Kalikasan. Hindi naman nagpahuli ang grupo ng poetry in motion na binubuo nina Rigel Vidiot, Chriselle Dion Gorriceta, Jerome Justado, Chzar Jancorda, Pierre

Jhun San Pedro, Romy Jed Selauso, Adhara Vidiot, Cyneth Jane Pillo, Allyssa Hilaos, Annekha Heria, Sheena Anne Ibanez, at Jasmine Marie Animas nang makuha ang ika-pitong puwesto mula sa humigit kumulang 60 na paaralan sa Dibisyon ng Iloilo na sumali. Kabilang sa iba pang sinalihan na patimpalak ng PNHS ay ang Envirojingle, Photo Treebute, Recycling Showcase, Poster Making Contest, Ano’ng DRRMa Mo?, at Biodiversity Quiz. Samantala, ang delegasyon

ng PNHS ay pinangunahan nina Gng. Analyn Laturgo, G. Gilbert Gumban, Bb. Pamela Presaldo, Bb. Myrene Jagonio na nagsilbi ring mga tagasanay ng mga kabataan. “Ipinagmamalaki ko ang mga partisipante mula sa Pavia dahil sa kanilang ipinakitang pagsisikap at tiyaga upang magtagumpay sa kanilang gampanin at kompetisyon,” pahayag ni Gng. Laturgo. Inilunsad ang aktibidad sa taong ito na may temang “We Are One… Para Kay Inang Kalikasan”.


BALITA

04

Special Program in Journalism bukas na sa mga mag-aaral mahilig sa pamamahayag Angela Vito

BALITANG DAGLI

IP Education paiigtingin; Bilang ng mga katutubong mag-aaral tumaas ng 226%

B

ilang pakikiisa sa Pambansang Buwan ng mga Katutubo, binigyang pansin ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagpapalawak ng edukasyon para sa mga Indigenous Peoples (IPs) at maiangkla ang K to 12 Education sa panlipunan at pangkulturang konteksto ng mga katutubong Pilipino. Sa kasalukuyan batay sa DepEd-Enhanced Basic EducationInformation System (EBEIS), nasa 2,607,490 mag-aaral na katutubo sa buong Pilipinas ang nagpatala para sa taong pampaaralang, 2018-2019. Ito’y tumaas ng 226% sa nakalipas na walong taon kung saan umabot lamang sa 798,878 ang nagpatala noong taong pampaaralan 2010-2011.

GPTA nagbahagi ng tulong para sa mga aktibidad ng mga mag-aaral, guro

N

agbigay ng suporta at tulong pinansiyal ang General Parents-Teachers Association (GPTA) ng Pavia National High School sa mga mag-aaral at guro upang maisakatuparan ang iba’t ibang programa, gawain at aktibidad ng paaralan. Sa pangunguna ng pangulo ng GPTA na si Gng. Maria Jaspe-Francisco at sa suporta na rin ng iba pang mga opisyales, nakapaglaan ang asosasyon ng pondo sa para mga sumusunod: Radio Communication sa mga guwardya ng paaralan; tulong pinansiyal para sa mga Senior Scouts, SSG, YES-O, Journalism, Hinampang, Volleyball Girls, Teachers Day, pagpapaayos ng riso machine; at pagbigay ng pagkain o meryenda ng mga mag-aaral na facilitator ng Second Congressional-District Sports Association.

ANG BIYAYA / NOBYEMBRE 2018

S

a hangaring mapaunlad ang kamalayan ng mga mag-aaral pagdating sa pamamahayag ay minabuti ng Pavia National High School (PNHS) na magkaroon ng panibagong special interest program na kilala sa tawag na Special Program in Journalism (SPJ) na nagsimula ngayong taong pampaaralan 2018-2019. Ang SPJ ay apat na taong programa na suportado ng RA 7079 o Campus Journalism Act of 1991 na nagbibigay mandato sa Kagawaran ng Edukasyon na ipatupad ang mga programa at iba pang aktibidad na may kinalaman sa pamamahayag. Para makapasok sa SPJ, kailangang ang isang mag-aaral sa ika-anim na baitang ay may proficient rating na 88% sa Ingles at Filipino at hindi bababa sa 85% ang general weighted average. Kukuha rin ng SPJ Qualifying Exam ang mga aplikante na binubuo ng written examination, on-the-spot essay writing at interbiyu . Sa kasalukuyan, ang unang batch ng mga mag-aaral na nasa ika-pitong baitang ay nasa bilang 37 kung saan anim sa kanila ay mga lalake at 31 naman ang mga babae.

SA PAGDIRIWANG NG BUWAN NG NUTRISYON

TLE-STEP Club patuloy ang pagkalinga sa day care pupils ng Pavia, kalikasan CHZAR JANCORDA

P

angangalaga sa kalikasan at paghahatid ng kasiyahan sa kabataan. Ito ang mga pangunahing layunin ng Technology Livelihood Education – Students Technologists and Entrepreneurs of the Philippines o TLE/STEP Club sa kabi- kabilang Outreach Programs na isinagawa sa loob man o sa labas ng munisipalidad ng Pavia, Iloilo. Isa na rito ang Literacy at Feeding Program sa mga magaaral ng Pagsanga-an Day Care Center, noong Hulyo 26, 2018 na pinangunahan ni Gng. Meriam Jane Yulo, tagapayo ng nasabing organisasyon kasama ang ibang guro sa Kagawaran ng TLE.

Ayon kay Gng. Yulo, ang layunin ng isinagawang aktibidad ay pukawin ang kamalayan ng mga bata ukol sa tamang nutrisyon matuto rin sila ng iba’t ibang kasanayan kagaya ng pagbasa at pagsulat. “Gusto rin naming paunlarin ang mga gawaing sosyal at pisikal na aspeto ng mga bata sa pamamagitan ng mga laro at isports. Layunin din nitong bigyang-diin ang kahalagahan ng pagtatanim bilang pinagmumulan ng ating mga pangunahing pagkain sa mesa,” dagdag pa ni Gng. Yulo. Samantala, nagsagawa rin ang grupo ng isang Tree Planting Activity sa Katunggan Ecological

Park, Leganes kung saan nagtanim ng mga punla ng mangrove ang mga opisyales ng TLE/STEP Club at mga guro. Sa gawaing ito, kinilala ni G. Wilson Batislaon at ng mga tagapamahala ng EcoPark ang mga paraang ginawa ng TLESTEP Club, bilang isa sa mga organisasyon na sumusuporta sa kanilang adhikaing pangalagaan ang kalikasan. “Base sa aking karanasan, mas naliwanagan ako sa adhikain ng Tree Planting at mas lalo pa akong nag-enjoy sa pagtuturo sa mga day care pupils,” pahayag ni Marvin Hisuan, isa sa mga opisyal ng nasabing organisasyon.

Kaso ng cyberbullying sa mga babaeng mag-aaral nakaaalarma – Teen Center

P

inangangambahan ng pamunuan ng Teen Center ang pagtaas ng kaso ng cyberbullying o pambubulas gamit ang social media sa mga magaaral na babae ng Pavia National High School kung saan naitala ang 24 kaso mula Hunyo hanggang Oktubre nitong taon kumpara sa 17 kaso noong narakaraang taon. Dahil sa delingkuwensiyang ito, inilunsad ng teen center ang “Text Mo, Sabat Ko” at “Hugot Mo, Iingatan Ko” para matugunan ang paghuhumaling ng mga magaaral sa internet at social media sa pamamagitan ng pagpapahayag ng personal na komento, reaksiyon at tanong sa positibong paraan.

KIDS MAKINIG. Nakapokus at nakikinig ang mga day care pupils ng Barangay Pagsanga-an, Pavia, Iloilo kay Bb. Novem Marie Cabriel , guro sa Departamento ng Technology and Livelihood Education habang siya’y nagbibigay ng mga panuto bago kumain ang mga bata. Taun-taon ay nagsasagawa ng feeding program sa piling day care center sa munisipalidad ng Pavia ang mga guro at mag-aaral ng TLE bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon, Hulyo 26. | MERIAM JANE YULO

SRCY-Pavia pinarangalan sa ika-101 anibersaryo ng Red Cross Youth

KAGALINGAN pahina 01

Humigit kumulang 3,000 scouts ang nagtipon-tipon sa nasabing jamboree na nagmula sa lungsod at probinsiya ng Iloilo. Isinagawa ang nasabing aktibidad na may temang, “Commitment to Excellence” na ang layunin ay magbigay opurtunidad sa mga scouts na maensayo at mapabuti ang kanilang pisikal, sosyal, mental, emosyonal, at ispirituwal na potensiyal.

Andrea Palma

D

ahil sa epektibong pagtataguyod ng misyon, programa at aktibidad ng Red Cross Youth (RCY), tatlong kasapi ng Pavia National High School Senior Red Cross Youth (PNHS SRCY) ang ginawaran ng parangal sa katatapos pa lamang taunang selebrasyon ng RCY. Kasama ang iba't ibang mga RCY Council sa lungsod at probinsiya ng Iloilo, nagdiwang ang RCY Iloilo ng

ika-101 na taon nito sa SM City IloiloSouthpoint at Philippine Red CrossIloilo Chapter, Oktubre 27-28. Sa unang araw ng selebrasyon, dalawang mag-aaral ng PNHS SRCY na sina Jie Ann Faith E. Ausmolo at Andrea Esther S. Palma ang pinarangalan bilang Circle of Prime (Batch 2). Kasama nila rito ang mga indibidwal na nagmula sa Dumangas NHS SRCY, CPU SRCY, Cabatuan NCHS

SRCY at Leon NHS SRCY. “Ang parangal na ito ay magpapatibay ng aming responsibilidad para mas lalo pang mapabuti ang serbisyo sa mga nangagailangan. Sisikapin din naming maging indibidwal na instrumento sa pagpapatupad ng mga adhikain ng Chapter Youth Council ,” sambit ni Ausmolo matapos matanggap ang parangal.


OPINYON

ANG BIYAYA / NOBYEMBRE 2018

Paghasa Upang Maging Dalubhasa

EDITORYAL

05

K

apansin-pansin ang pagbabago at mabilis na pag-angat sa paggamit ng teknolohiya sa larangan ng edukasyon, ganon din ang pagbabago sa pamaraan at teknik na ginagamit sa pagturo. Ito ay dahil sa pagbabagong hatid ng ika-21 siglo. Subalit marami ang napapaisip kung ano nga ba talaga ang mga posibleng pag-unlad na maidudulot ng pamamahayag sa bawat juan sa pagpapaigting ng “21st Century Skills” at edukasyong nakabatay sa pagpapakatao. Ang pamamahayag ay magsisilbing instrumento upang mahasa ang kritikal na pag-iisip ng isang indibidwal na kung saan ito ay pinagkakalooban ng 3R’s: ang writing, reading at arithmetic at 7C’s (Communication, Critical Thinking, Collaboration, Creativity, Computing, Career at Cross-Cultural skills) na malaking tulong sa pag-aaral. Dagdag pa rito, ang malawakang pag-unlad ng pamahayagan ay makatutulong lalo upang malinang ang kritikal at teknikal na kakayahan ng mga mag-aaral. Makatutulong din ang pamahayagang pang-kampus sa pagkamit ng pagbabago at pagpapaigting ng ika-21 siglong kakayahan ng bawat isa nang sa ganon sila ay mas maging globally competitive na siyang maghuhugis sa bansa para sa magandang kinabukasan ng susunod pang henerasyon. Higit sa nabanggit, mabubuksan nito ang mumunting isipan ng mga batang juan kabilang na ang mga matatanda ukol sa mabilisang paglaganap ng mapanlinlang na impormasyon dulot ng maling paggamit ng social media at teknolohiya. Ngunit sa kabila ng malawakang pag-usbong ng teknolohiya sa pang araw-araw, nangangailangan pa rin ito ng kusang palo upang mapanatili na nasa tamang paggamit ito nang sa ganon ay maiwasan ang paglaganap ng mga mali at di makabuluhang impormasyon. Maituturing na malaking hamon para sa mga mamamahayag na maging instrumento sa pagpapalaganap ng katotohanan at pagpapalakas ng 21st century skills ng mga madla lalung-lalo na sa edukasyong pagpapakatao ngunit ito rin ay malaking tulong para sa kaniyang lipunang kinabibilangan. Gayunpaman, tayo ay magkaisa kasama ang ating pamilya, kapwa mamamahayag, simbahan, paaralan, at ang pamahalaan upang maging kaagapay sa pagpapatuloy ng paniniwala na ang pamamahayag ay mahalagang sangkap sa patuloy na pag-unlad ng ating mga sarili at higit sa lahat para sa ating bansa.

kartun | karl anthonie animas

Boom-banta sa Seguridad

N

akakakilabot. Nakakapangamba. Nakakaabala. Nabalot ng pangamba ang iilang paaralan sa Probinsya ng Iloilo dahil sa sunod-sunod na bomb threats kamakailan lamang kabilang na rito ang Ateneo de Iloilo, University of San Agustin, Central Philippine University at Pavia National High School. Iilang klase na rin ang nasuspinde dahil sa kaliwa’t kanang mga pagbabanta. Sa bawat isinagawang inspeksyon ng mga awtoridad ay pawang negatibo sa bomba ang mga paaralan na nangangahulugang purong masasamang biro lamang ang mga ito. Tila palaisipan pa rin kung ano nga ba ang dahilan kung bakit laganap ang pagkakaroon ng pananakot na may bomba sa mga paaralan. Ito ay nakapagdulot ng matinding pangamba at perwisyo hindi lamang sa mga kawani ng paaralan pati na rin sa ating mga kapulisan. Ano nga ba ang nais ng taong may pakana nito? Bakit nila ito ginagawa? Wari’y hindi ko lubos maisip kung ano nga ba ang ninanais ng

S i n a s a b i n g a n g pa a r a l a n a n g pa n g a l awa n g ta h a n a n n g m g a k a b ata a n n a n a n g a n g a h u lu g a n g l i g ta s at g a r a n t i s a d o n g n a s a ta m a s i l a n g k i n a l a l a g ya n n g u n i t m a s a s a b i pa k aya n at i n i t o n g pa n g a l awa n g ta h a n a n k u n g p u r o pa n a n a kot a n g pa g b a b a n ta a n g b u m a b a lot s a at i n g m g a pa a r a l a n ?

rated k | khelly mae herbuela mga taong nagpagpapadala ng iilang tawag, text or chat sa social media na may pagbabantang may nakatanim o nakatagong bomba sa iilang parte ng paaralan. Hindi kailanma’y matuturing magandang biro ito sapagkat nailalagay sa peligro ang buhay ng iilang tao lalong lalo na ng mga mag-aaral. Iilang mga klase ang nakansela at gawain ang nauudlot o naantala dahil sa nasabing mga pananakot. Mistulang sa kalagitnaan ng mga klase ay biglaang pinapauwi ang mga mag-aaral dahil sa mga iilang pagbabantang may bomba sa paaralan. Ang iilan ay halos natatakot nang bumalik pa sa paaralan dahil sa

BIYAYA

ang

K AT O T O H A N A N T U N G O S A PA G B A B A G O

ANG BIYAYA ay opisyal na pahayagan ng mga Mag-aaral ng Pavia National High School. Sa mga interesadong magbahagi ng kanilang komento, suhestyon at kontribusyon, mangyaring makipag-ugnayan sa lupon ng mga patnugot sa pamamagitan ng: www.facebook.com/angbiyaya

(033) 329-3522 / (033) 320-2332

COLOPHON Ang pahayagang ito ay idinesenyo gamit ang Adobe InDesign CS5 at Adobe Photoshop CS3 MGA FONTS: Exo, Droid Serif

Mga Punong Patnugot KHELLY MAE HERBUELA MICHELLE THERESE MONGCAL Pangalawang Patnugot ALLEJA ROSE LAGUNA MARY MC DOREN CALLANGA Tagapangasiwa HECTOR ALFONSO JR. ANNEKHA HERIA GIANNA CLAIRE CUSTODIO

mga banta at pananakot. Ayon sa iilang awtoridad mistulang nakikisabay lamang ang mga ito para manakot at magdala ng kalituhan sa mga tao lalong lalo na ngayong mas pinaigting pa ang kampanya laban sa ilegal na droga sa bansa. Sinasabi naman ng ilan na ang mga taong nagpapadala ng mga pagbabanta ay kanilang paraan na maipakita na hindi sila sang-ayon sa mga panukala ng kasalukuyang administrasyon ng gobyerno. Kadalasan naman ito ay trip o biro lamang kung saan humahantong sa mga seryosong bagay na makapagdudulot ng matinding perwisyo sa iilan. Ngunit kahit ano man ang

Balita MA. DANISE SERIOTE ANDREA PAMELA JAMOYOT Editoryal cyneth jane pillo RAY ANGELO JAGNA-AN Lathalain HILARY PEARL VELOSO AIREEN MACASIO Agham at Teknolohiya GIANNA CLAIRE CUSTODIO MARIEL FERNANDEZ

Isports MARIDEL GUAREZ CHRISTIAN JAUD RITSDON HIJASTRO Kartunist karl antonie animas Tagakuha ng Larawan Khelly Mae Herbuela chelsea anne hilaos cristine jamolin andrea ESTHER palma

dahilan ng mga suspek na ito na nakapanghimok sa kanila na gawin ang mga nakakatakot na pagbabanta, marapat lamang na pag-ukulan ng pansin ng mga awtoridad ang mga ganitong pananakot at paigtingin pa ang seguridad ng mga estudyante sa paaralan. Tanging paghahanda lamang ang makasasagot sa lahat ng pangamba na pumapalibot sa mundong ating kinagagalawan. Marapat lamang na tayo ay maging alerto, mapagmatyag at sensitibo sa lahat ng bagay na nangyayari sa ating kapaligiran. Hindi natin hawak-hawak ang hinaharap kung kaya’t mas mainam na ihanda ang sarili sa anumang bagay na mangyayari. Sinasabing ang paaralan ang pangalawang tahanan ng mga kabataan na nangangahulugang ligtas at garantisadong nasa tama silang kinalalagyan ngunit masasabi pa kaya natin itong pangalawang tahanan kung puro pananakot ang pagbabanta ang bumabalot sa ating mga paaralan?

Tagawasto KIER JOHN CABRERA CAMELLE JOYCE JANOLINO Mga Manunulat Jasmine Marie Candame JUDE MARS ERLANO ALLYSSA HILAOS CHZAR JANCORDA JESSY ROSE PORMENTO WENVIE CLAIRE AGUILAR CLOIE MARIEL HISOLER Tagapayo G. CHENO S. POLLAN

Konsultant G. GERARDO G. HILAOS (Retired Master Teacher II) Gng. LINA VIC L. DE LOS SANTOS (Head Teacher I, Departamento ng Filipino Pangulo ng PTA Gng. MARIA JASPE-FRANCISCO Principal IV Gng. DELORAH CECILIA L. FANTILLO


06

OPINYON

ANG BIYAYA / NOBYEMBRE 2018

isyu ngayon:

Panukalang pagbaba ng Age of Criminal Liability isinusulong sa Senado

N

aghain kamakailan si Senate President Vicente Sotto III ng Senate Bill 2026 – ang pagpapababa ng criminal liability age mula sa 15 anyos sa 13 na taong gulang. Ayon kay Sotto, ito raw ay sa kadahilanang ginagamit ng mga sindikato ang mga batang karaniwang nasa ganitong edad sa paggawa ng mga krimen at paglabag sa batas. Panukala rin ni Sotto na nararapat din daw paratangan ng pagkulong o pagpasok sa youth facility centers ang mga batang edad siyam pataas na nagkasala ng mabigat. Dito may posibilidad na makasama’t makasalamuha nila ang mga kapwa menor-de-edad na tinedyer, na mayroong mga mas seryosong krimen at sala tulad ng panggagahasa, pagpapatay, malawakang pagnanakaw, at panggagamit ng ipinagbabawal na droga. Anong masasabi ninyo rito? Katanggap-tanggap kaya ito? Papananigan kaya ito ng mga mambabatas?

MALI: Masang Ayaw Lisanin ang Isinabatas annekha heria

A n g k a r a pata n ay m a n a n at i l i n g k a r a pata n at wa l a n g s i n u m a n a n g m a k a k a k u h a n i t o l a lu n g - l a lo n a s a k a b ata a n .

K

arapatan. Importanteng bagay na dapat pangalagaan sa paghatol ng kaparusahan sa mga kabataan. Mahalagang bagay na kailanma’y hindi maaaring isantabi bagama’t ito ang magpoprotekta sa kanila sa pagkakaroon ng inosenteng isipan. Ngunit hahayaan lamang ba natin na maibalewala ang karapatang ito dahil sa panukalang batas na malinaw na hindi isinusulong ang kapakanan ng kabataan o ang pagpababa sa minimum age of criminal responsibility o MACR? Ang MACR ang pinakamababang edad kung saan ang tao ay maaaring makasuhan at makulong. Sa perspektibo ng mga mambabatas na nagsulong sa pagpapababa ng MACR, buo at ganap na ang kakayahan ng isang siyam na taong gulang pababa na bata upang matukoy ang kabutihan at kasamaan. Ngunit makatuwiran nga ba ang salaysay na ito? Ayon sa RA 9344 o ang Juvenile Justice and Welfare Act na ipatupad noong Mayo 20, 2006, hindi maaaring ibilanggo ang mga kabataang nasa edad 15 pababa at nasa edad higit 15 pero mababa sa 18 na hindi pa alam ang kaibahan ng tama sa mali. Sa halip na ikulong ang bata, bibigyan ito ng pagkakataon na sumailalim sa iba’t-ibang alternatibong paraan ng pagbabago tulad ng prevention at intervention programs na magiging instrumento na makatutulong sa kanya na magbagong buhay. Kinakailangan ng mga kabataan ang atensiyong karapat-dapat na kanilang matanggap. Mga kabataang nakararanas ng labis na kahirapan, labis na pang-aabuso at hindi makapag-aral. Kung ipapatupad ang pagpapababa ng minimum age of criminal responsibility, makakatulong ba lalo ang pagpapakulong sa kabataan sa bilangguan sa pagbawas ng pagdurusang kanilang dinadanas? Walang puwang ang pagpapababa ng minimum age of criminal responsibility sa isang komunidad na mas binibigyang halaga ang karapatan at kapakanan ng kabataan. Sa halip na ituring na mga kriminal ang mga kabataang nagkasala sa harap ng batas, bakit hindi natin tulungang makilala nilala ang tunay na kahulugan ng kabutihan at bigyan ng pagkakataong magbago? Ang karapatan ay mananatiling karapatan at walang sinuman ang makakakuha nito lalung-lalo na sa kabataan. Sa pagpapahupa ng kasong kasangkot ang mga kabataan, tandaang hindi pagpapakulong ang mainam na solusyon kundi pagbibigay ng pangmatagalang atensyon at pagmamahal sa kanila.

Kasabikang Disinang-ayunan piliting magbago | Hilary Veloso B u ko d s a k a l i g aya h a n at pa g k a k a i b i g a n , a n g o k a s y o n g i t o ay magmamarka sa mga maga a r a l b i l a n g pa g b u k a s s a pa g i g i n g b ata n g m ata n d a o “ y o u n g a d u lt h o o d ” n a m ay responsibilidad.

TAMA: Tanggap Ang Makamasang Adhikain ray angelo jagna-an

A n g k a s a l a n a n ay i s a n g k a s a l a n a n ALINTANA m a n s a e d a d n g g u m awa n i t o at d a pat n a a n g b awat k r i m e n g n a g a g awa ay n a pa pa r u s a h a n .

S

umasabay sa mabilis na pagtaas ng populasyon ang pagbaba ng edad ng mga taong nakakagawa’t nasasangkot sa krimen, kaya't ang plano ni Senator Tito Sotto na baguhin ang Section 6, 20, 20-A, 20-B, at 22 ng Republic Act 9344 na naglalayong pababain ang criminal liability sa 9 na taong gulang ay isang kislap ng liwanag para sa lumalahong pag-asa ng bayan. Makatutulong ito upang masugpo ang paggamit ng mga sindikato sa mga kabataan sa kanilang mga ilegal na operasyon. Bukod pa dito, ginagamit rin ng mga ilegal na grupo ang mga kabataan sa kadahilanang hindi naman sila pwedeng makulong. Nagiging tulay ito ng mga dorogista upang lalong mapalaganap ang kanilang ilegal na gawain. Noong 2016 ay nakapagtala ang PNP ng 66 na mga menor de edad na naging runner ng droga. Magsisilbi ang panukalang ito bilang isang instrumento upang mahanap at masiguro ng mga kabataan na mayroon silang patutunguhan sa buhay. Ayon pa kay Sotto, ang mga kabataan ay ipapasok sa mga bahay pag-asa o mga youth care facilities na nagbibigay ng mga livelihood programs at naghahasa ng mga talento nila. Sa pamamagitan nito, mas lalong mabibigyang tuon at pansin ang mga kabataang naligaw ng landas dahil sa hindi sapat na kaukulang atensyong ibinigay ng kaniya – kaniyang mga magulang. Ito ay nagbibigay leksyon sa mga kabataan na gumawa ng mabuti at umiwas sa masama. Sa mga nangyayari ngayon, maraming kabataang edad labing isa ay nakakaintindi na kung ano ang tama sa mali. Nagkakaroon na sila ng kamalayan sa mga bagay na kinakailangan ng wastong pagdesisyon. Kung minsan, intensyon na talaga nilang gumawa ng krimen, gayunpaman kung pababain man ang minimum age ng criminal liability ay maiiwasan na nila ang paggawa ng mga krimen lalo na't pwede na silang makulong. Ang kasalanan ay isang kasalanan alintana man sa edad ng gumawa nito at dapat na ang bawat krimeng nagagawa ay napaparusahan. Kung ito ay babalewalain lamang ng ilan ay hindi magkakaroon ng katahimikan at patuloy lamang na lalala ang kalagayan ng bansa. Kaya't mabuti nang maaga pa ay natututukan na ng pamahalaan ang mga kaso hinggil sa kabataan upang sila ay magbago pa habang hindi pa huli ang lahat dahil sa hinaharap ang kabataan ang magsisilbing liwanag at pag-asa ng bayan.

T

aun-taong umaasa. Sila ang mga mag-aaral ng Pavia National High School. Pilit na nagdarasal na sana mabuhayan na ang administrasyon ng institusyon na maiparanas sa mga mag-aaral ang tinatawag nilang Junior at Senior Promenade o JS Prom. Masyadong matagal na simula nung ipinatigil ang pagsagawa ng okasyong ito. Bakit kaya ipinatigil ang kinagawiang ito? Dahil ba sa malaking pera ang gugugulin ng paaralan, mga magaaral at ng kanilang mga magulang sa pagdiriwang na ito? O dahil sawa ng sumaway ang mga guro sa mga pasaway na mga mag-aaral tuwing JS Prom? Kung ano pa yan, mukhang di naman yata dapat na ipatigil ito. Ito na ang nakasanayan eh, di naman yata patas o di kaya’y masyadong malas lang ang batch namin. Basta para sa akin, dapat na ibalik ang JS Prom. Hindi lang naman pabonggahan ng damit at paggandahan ng mukha ang ibig sabihin nito, merong mga rason kung bakit kinakailangan ang pagsagawa ng okasyong ito, kagaya ng: Una, ito ang oras para sa aming mga estudyante na makihalubilo sa kapwa mga mag-aaral sa pormal na okasyon. Dapat naming maranasan ito para matutunan namin ang magandang kinaugalian sa pagkain at mapapalakas ang kasanayang panlipunan. Ikalawa, ito rin ang daan upang maiangat ang sarili natin na may kumpiyansa. Binibigyan din nito ng pagkakataong matamasa ang kasiyahan ng okasyon sa pamamagitan ng pagsayaw kasama ng mga kaibigan o partner at kasiyahan sa isang gabi na malayo sa paaralan at syempre sa akademiks. Bukod sa kaligayahan at pagkakaibigan, ang okasyong ito ay magmamarka sa mga mag-aaral bilang pagbukas sa pagiging batang matanda o “young adulthood” na may responsibilidad. JS Prom na naranasan ng aming mga magulang at mismo ng mga taong nagpatigil nito ay hindi namin mararanasan, napakalungkot na katotohanan. Ganito na ngayon eh, masyadong praktikal na, mahal daw eh ngunit di nila inisip ang saloobin ng mga mag-aaral. Wala rin naman tayong magagawa kundi maghintay nang maghintay hanggang sila’y mahimasmasan na hindi makukumpleto ang buhay hayskul ng isang mag-aaral kung walang JS Prom.


ANG BIYAYA / NOBYEMBRE 2018

PEDERALISMO Anong masasabi mo?

“Ang isang pederal na konstitusyon ay tunay na sumasaklaw sa mga ideyal at aspirasyon ng lahat ng mga Pilipino at lumikha ng mga pagkakataon para sa pag-unlad. Naniniwala ako na ang mamamayang Pilipino ay tatayo sa likod namin habang ipinakikilala ang bagong saligang batas.” RODRIGO DUTERTE

MOCHA USON Resigned Presidential Communications Operations Office (PCOO)

“Para magkaroon ng federalismo ang ating bayan, kailangan pong magkaroon ng pagbabago sa batas, para ma-amiendahan yung ating Konstitusyon. Ang federalismo ay mabuti sa Pilipinas, yung kabutihan niya tama lang na medyo mabuti talaga at yung ikabubuti di naman sobra pero di sya gaano lang.”

“Sa kauna-unahang pagkakataon sa ating kasaysayan, ang karapatan ng mga mahihirap ay matutugunan. Sila mga mahihirap ay magagarintiyahan din ng pampulitikang representasyon sa mga batas ng Pederal na Pamahalaan at Pederal na Rehiyon.” PANTALEON ALVAREZ Former House Speaker

DR. J PROSPERO DE VERA Commissioner Commission on Higher Education

“Walang modelo ang Federalismo, walang hugis ang Federalismo, at walang paraan upang mapunta sa Federal. Kami ay labis na nakukuha ng mga aspetong pampulitika sa Charter Change, ngunit nalilimutan natin ang bagay na mahalaga sa buhay ng bawat Pilipino na kung saan mapupunta ang kapangyarihan at kung bakit."

OPINYON

07

pagbabagong nakabibigo

N a s y o n a l i s m o at pat r i ot i s m o a n g m g a i n i wa n g b a h i d n g at i n g m g a k a b a b aya n s a m g a b a g ay n a i t o . K u n g k aya’ t a n g pa g k a l a b i t s a m g a i t o ay n a g pa pa m a l a s l a m a n g n g k awa l a n n g pa g b i b i g ay k a h a l a g a h a n s a m g a p i n a g h i r a pa n n g at i n g k a p wa .

suntok sa buwan | michelle therese mongcal

N

agmistulang kunot ang mga hitsura ng masa nang sunud- sunod na nagsilabasan ang balita kung saan naging kasado na sa Senado ang panukalang gagawing siyam ang sinag ng araw sa watawat ng Pilipinas na siya ring agad idinugtong ni Sen. Sotto ang panukalang rerebisahin ang huling linya ng Lupang Hinirang. Hindi magkamaya-maya ang naging reaksyon ng mga mamamayan sa kadahilanang bakit pa babagabagin ang nanahimik na yamang nagpinta sa kasaysayan ng Pilipinas kung maari naman itong magpatuloy na sumimbolo sa ating bansa. Sinisimbolo ng walong sinag ng araw ang walong probinsiya na nag-alsa laban sa pamumuno ng Espanya noong 19 na dekada para makamit ang kalayaan ng Pilipinas na siyang kinatatawanan ng Nueva Ecija, Batangas, Cavite, Pampanga, Tarlac, Manila, Laguna, at Bulacan. Sa kabilang banda, nakasaad sa Bill 102 ni Senador Gordon na ang idadagdag na ikasiyam na sinag ng araw ay iaalay sa kagitingan ng mga Pilipinong Muslim na nakibaka sa pagtamasa ng kapayapaan ng bansa. Subalit, kung titignan sa ibang aspeto tila’y iminumungkahi nito ang pagkasira ng simbolo sa kasaysayan ng Pilipinas. Sa katunayan, may mga datos at dokumento na inilabas si Heneral Emilio Aguinaldo hinggil sa simbolismo sa watawat na kumikilala na sa mga Muslim, ayon sa historyador na si Dr. Michael Xiao Chua ng De La Salle University. Kaya’t magiging sayang lamang kung ipagpapatuloy ang deliberasyon ukol dito. Samantala, ang lupang hinirang ay isinulat noong Hunyo 5, 1898 ni Julian Felipe sa Espanyol na inangkop mula sa tulang ‘Filipinas’ ni Jose Palma noong 1898. Ang pambansang awit ng Pilipinas ay isang pagpapahayag ng kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya. Kamakailalan lamang sa deliberasyon ng Senado kaugnay sa

panukalang gawing siyam ang sinag ng araw sa watawat ng bansa, nais ni Sotto na palitan ang linya sa pambansang awit na, "ang mamatay nang dahil sa 'yo" at gawing "ang ipaglaban kalayaan mo” dahil di-umano ito’y nagpapakita ng pagkadeafitist. Ang huling linya ng awit ay hindi literal na nangagahulagang mamatay para sa bansa kundi mamatay na may dangal para sa bansa. Tila’y magiging mababaw ang rason kung ito’y babaguhin dahil lamang sa hindi malalim ang pagkaunawa sa teksto. Ayon sa Republic Act No. 8491 o kilala sa tawag na “An Act Prescribing the National Flag, Anthem, Motto, Coat-of-arms and other Heraldic Items and Devices of the Philippines”, ipinapahayag na ano man ang nakasulat sa pambansang awit ito’y dapat na irespeto at dapat alinsunod sa musical arrangement at komposisyon ni Julian Felipe. Gayunpaman, ang pagpapalit ng liriko ng isang awit, lalo na kung sumasagisag sa isang pagkakakilanlan ng bansa, ay nangangailangan ng kakayahan ng mga dalubhasa tulad ng mga linguistic, lyricists, musicians, at historians na makakapagsabi kung ang rebisyon ay tama. Nasyonalismo at patriotismo ang mga iniwang bahid ng ating mga kababayan sa mga bagay na ito. Kung kaya’t ang pagkalabit sa mga ito ay nagpapamalas lamang ng kawalan ng pagbibigay kahalagahan sa mga pinaghirapan ng ating kapwa. Gayundin, tila’y nagiging isa itong taktika upang mabaling at mapalimot ang mga tao sa tunay na mga isyu na mas dapat pagtuunan ng pansin. Mas mabisa at mas kaaya - ayang opsyon ang unahing pagpuna sa mga bagay na nagpapahirap sa Pilipinas at paggawa ng makabuluhang batas sa halip na pakialaman ang kasaysayan. Sana’y patuloy pa rin manalaytay sa isipan at puso ng sambayanan ang mga Pilipinong umukit sa kasaysayan ng Pilipinas, na magpahanggang huli’y mangingibabaw - ang pagmamahal sa bansa.

inbox

Ang HIV o Human Immunodeficiency Virus ay sakit na maaaring maipasa mula sa taong mayroon nito patungo sa taong nakipagtalik sa kanya. Isa ang paaralan sa dapat na magturo ng sex education lalung-lalo na sa Western Visayas upang magkaroon ng kaalaman ang mga kabataan sa mga sakit na maaring maidulot ng pakikipagtalik tulad ng AIDS at STD @TristanWyett.Jaen Isang napakaseryosong topiko ang pagdami ng kaso ng suicide lalo na sa mga teenagers. Ito’y pumukaw talaga sa akin sapagkat ako’y isang teenager din. Sa totoo lang, marami na akong nabasa sa social media na mga “confession “ o kwento ng mga teenagers na kinitil ang kanilang buhay at karamihan sa kanilang mga dahilan kung bakit ginawa nila iyon ay pagod na sila, iba ay dala ng stress o depresyon at iba pang mga dahilan. @AngelaMay.Fagtanac


08 OPINYON KURU-KURO

TOON

Ang mga sumusunod na ilustrasyon ay pawang personal na paniniwala ng dibuhista. Ito'y hindi sumasaklaw sa kabuuang pananaw ng Patnugutan.

karl antonie animas

ANG BIYAYA / NOBYEMBRE 2018 NOON

NGAYON

NOON

NGAYON

NOON

NGAYON

Kinahuhumalingan ang pagbabasa ng mga pocket book.

Kinaaadikan ang mga koreanong grupo o KPOP.

Nagsisimba at pumupuri sa Diyos tuwing Sabado at Linggo.

Natatambakan ng mga gawain at proyekto hanggang Sabado't Linggo.

Hinaharana ang iniirog upang makuha ang pag-ibig nito.

Itinetext at ichinachat na lang ang pag-ibig.

Saan Aabot ang KakayAhan Mo? K

atangi-tangi ang maging isang lider. Ito ay isang responsibilidad sa paggabay sa mga tao tungo sa isang direksyon o sa iisang layunin. Ang isang magaling na lider ay kayang pamahalaan nang maayos ang mga tao tungo sa kilos at pagbabago. Tulad ng Supreme Student Government (SSG) o mismo anumang club (maging ito’y Math, Science, TLE at English) na sasalihan kung saan ikinikintal sa isipan ng bawat opisyal na ang pamumuno ay isang sining. Ito ay sining ng pagganyak, impluwensiya at pangangasiwa ng mga tao upang sila ay sama-samang kumilos para abutin ang mithiin ng lahat. Pero ano ba talaga ang kahalagahan ng pagiging isang student leader? Una, patuloy nitong hinahasa ang inyong kahusayan sa larangan ng komunikasyon, paggawa ng pasya, pagplano ng estratehiya, pagsasagawa ng aksyon at pamamahala ng mga problema. Ang pagiging isang lider ay pagkakaroon ng kakayahang maging gabay at boses ng mga magaaral kung saan ito ay nagbibigay daan para maipahayag ng mga mag-aaral ang kanilang mga ideya, mithiin, nais isakatuparan at mga problemang nais mabigyang solusyon. Ikalawa, sa pamamagitan ng team building kung saan hahasain nito ang kakayahan ng mga estudyanteng gumawa ng aksyon bilang myembro ng isang grupo. Sa pamamagitan ng mabuting

custoiDEYA | gianna claire custodio

H i n d i b a s e h a n s a pa m u m u n o ang edad kundi sa i m p lu w e n s i ya , e p e k t o at inspirasyon. pagpaplano, iminimulat ang mata ng lahat ng miyembro ng isang organisasyon sa serbisyo at mga kontribusyong pwedeng ibigay sa komunidad na maaaring fundraising, outreach programs, boluntaryong gawain at aktibong partisipasyon sa iba’t-ibang programa. Ikatlo, ang isang student leader ay modelo ng kapayapaan, isinusulong ang hustisya tungo sa

pagbabago na dapat tularan ng mga estudyante. Dahil sa pagiging lider, matututunan ng lahat na magkaisa upang maisakatuparan ang mga layunin sa isang grupo para sa kabutihan ng lahat. Hindi basehan sa pamumuno ang edad kundi sa impluwensiya, epekto at inspirasyon. Pero ano ba talaga ang katangiang meron ang isang student leader? Ang isang lider ay may bukas na isipan at marunong makinig dahil ang isang bukas na komunikasyon ay nangangahulugang konsiderasyon sa lahat ng ideyang nais ibigay ng bawat isa. Idagdag din na ang tunay na lider ay natututo sa mga pagkakamali upang mas mapabuti pa ang serbisyong pwedeng maibigay sa hinaharap. Higit sa lahat, ang isang tunay na lider ay patuloy na kumakalap ng kaalaman at impormasyon upang mas mahasa pa ang kakayahan at kaalaman para mapatuloy na mapamahalaan nang maayos at may katarungan ang mga nasasakupan. Ang isang student leader ay may matatag na integridad, tinutupad ang responsibilidad. Sila ay may bisyong puno ng posibilidad at opuJrtunidad, maparaan tungo sa pagbabago. May magandang komunikasyon sa iba at ginagawa ang lahat ng makakaya ng buong-puso. Ang student leaders ay nagsisilbing gabay, ilaw at boses. Ikaw, handa ka na bang maging isang student leader? Saan kaya aabot ang kakayahan mo?

'UnFARE' para sa mga Komyuter I

mflation. Ito ay mahahalintulad sa eroplanong mabilis na pataas sa himpapawid. Buwanbuwan ay nararanasan ng mga Pilipino ang biglaang pagtaas ng presyo ng mga serbisyo at produkto lalung-lalo na ang mga pangunahing pangangailangan ng mga ito. Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, pumalo sa 6.8% ang inflation rate nitong Oktubre mula 6.4% noong buwan ng Agosto at ito raw ang pinakamataas mula pa sa taong 2009. Bunsod na rin ng pagsasakatuparan ng TRAIN Law o Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law kung saan nagpapataw ng mas mataas na excise at fuel taxes sa maraming produkto. Malaki ang naging epekto nito sa halos lahat ng mga produkto at serbisyo. Sa paliwanag naman ng Department of Finance (DOF), tila hindi nito inaasahan ang tunay na magiging epekto ng dagdag-buwis lalo na sa diesel, sa paglobo ng mga bilihin. Tumaas ng halos tatlong piso kada litro ang presyo ng diesel. Kung ating ihahalimbawa sa kabuhayan ng mga namamasada ng jeep at sa mga pasaherong sumasakay dito, makikita ang mabigat na epekto ng buwis na dulot ng TRAIN Law. Sa mga kumokunsumo ng tatlumpong litro kada araw sa

disgusto | hector alfonso jr.

N a k a k a d i s m aya n g i s i p i n n a h a b a n g t u m ata g a l ay d u m a d a a n s a pa g k a lu g m o k a n g b u h ay n g m g a P i l i p i n o higit na sa mga isang-kahig i s a n g t u k a s a at i n g l i p u n a n . pamamasada, ang bawat pisong dagdag-presyo sa diesel ay mangangahulugan ng kabuuang 90 pesos na nababawas sa araw-araw na kita ng isang drayber kaya't nagdadag rin ng pamasahe ang mga ito na naging perwisyo din sa mga pasahero.

Sa kahilingan ng mga transport group matapos ang pagtaas ng presyo ng petrolyo at spare parts, inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang fare hike petition noong Hulyo 4, 2018 na pansamantalang P1 dagdag pamasahe sa mga jeep na bumabiyahe sa rehiyon ng National Capital Region, Central Luzon, Calabarzon at Mimaropa at naging epektibo ito noong Hulyo 6. Samantala, natakdang ipinatupad naman ang P2 dagdag na pamasahe sa lalawigan ng Iloilo noong Agosto 30 at kamakailan lang, Oktubre 17, 2018, inaprubahan na naman ng LTFRB ang P2 dagdag sa minimum na pamasahe sa mga jeep mula P8 at naging P10 na magsisimula sa unang linggo ng Nobyembre at sasakupin lamang nito ang rehiyon 3, 4 at NCR Maraming maaaring maging sanhi ang implasyon at isa lamang ang pagpataw ng mataas na buwis. Nakakadismayang isipin na habang tumatagal ay dumadaan sa pagkalugmok ang buhay ng mga Pilipino higit na sa mga isangkahig isang tuka sa ating lipunan. Kaya sa patuloy na pagbabago sa ating bansa, tayo'y magkaisa na tugunan ang mga problema dahil hindi ito masosolusyunan kung patuloy tayong magkakaila na may problema.


LATHALAIN 09

ANG BIYAYA / NOBYEMBRE 2018

Maam

Almazing MARY MC DOREN CALLANGA

G

usto kong maramdaman ng mga batang hindi marunong magbasa na may nagmamahal sa kanila. Nais ko silang masagip sa malungkot nilang kinasasadlakan," malumanay na sambit ni Dr. Alma S. Janagap o kilala sa tawag na Maam Alma ng Pavia National High School. Siya ay 51 taong gulang at isa sa mga nakatanggap ng 2018 Metrobank Foundation's Ten Outstanding Filipino Award. Bilang isang guro, nagsimula lamang siya sa isang pansariling hangarin at para sa ikabubuti ng kaniyang pamilya. Subalit lumipas ang panahon at itinulak siya ng isang napakalaking alon upang tuluyang mapukaw at mamulat sa mga nangangailangan. Nagsilbing tulay ng kanlungan ni Maam Alma sa mga kabataang pinagtitibay ang pundasyong makapagbasa, makapagsulat, at pagyamanin ang sarili sa loob ng paaralan kasabay rin ang paghatak niya sa lipunan. PAGBASA NG LAYUNING MITHIIN Nagsimula ang kaniyang adihikain bilang isang guro sa pag-iisip na mabibili niya ang lahat ng kaniyang ninanais sa buhay. Bilang isang batang namulat sa kahirapan, nais niyang makatikim ng mansanas at magkaroon ng magagandang sapatos tulad ng kaniyang nakikita sa kaniyang mga guro noong siya'y nasa mababang paaralan. Isa ring dahilan ang pinansyal nilang pagkukulang sa pagpili niya ng nasabing propesyon. Pangkaraniwan mang sitwasyon subalit kakaiba ang kaniyang determinasyon patungo sa kaniyang destinasyon. Natapos niya ang propesyon sa West Visayas State University (WVSU) bilang Cum Laude at siya ay isang drama awardee. Ayon pa kay Maam Alma, wala siyang kaalamalam sa pamamahayag. Siya ay pinilit na maging kapwa tagapayo noong taong 1989 ni G. Gerardo Hilaos, tagapayo ng Ang Biyaya hanggang sa naging ganap na siyang tagapayo ng Pavia Gazette taong 1991. Nakatutuwa. Dating nasa larangan ng

TERMINOLOHIYANG MAKA-FILIPINO

Pagsibol ng Wikang Filipino sa Larangan ng Siyensiya

MARIEL FERNANDEZ & HECTOR ALFONSO JR.

S

a paglitaw ng makabagong teknolohiya, nabubuo na rin ang mga salitang Filipino na hindi pa karaniwan sa iilan at hindi rin nagagamit ng karamihan lalung-lalo na sa larangan ng siyensya. Sampung salitang medikal ang direktang sinalin ng Department of Science and TechnologyPhilippine Council for Health Research and Development (DOST - PCHRD) bilang pakikiisa sa selebrasyon ng Buwan ng Wika. Maaaring mabilis mang lumipas ang mga panahon ngunit ang wikang Filipino ay patuloy pa ring buhay at daynamikong bumabangon. Ang pagsibol ng mga salitang Filipino sa larangan ng siyensiya ay magbibigay pag-asa para sa lahat. Ito’y isang hudyat para mas mapaigting pa ang paggamit at pagtangkilik ng sariling atin. Na may layuning mas madali itong maintindihan lalung-lalo na para sa mga payak na mamamayang Pilipino.

dula ay walang kamalayang bumuo ng interes sa pagsusulat. "Noong ako'y nasa elementarya ay pinagtawanan ng mga kamag-aral ko ang kaklase kong hindi marunong magbasa," malungkot na sambit niya. Sa patuloy na paglipas ng panahon ay paulit-ulit na sumusulpot ito sa isipan niya. Para sa kanya, ito ang ipinahihiwatig na misyon ng Maykapal na kailangan niyang tugunan. Pagsusulat at pagbabasa. Dalawang makapangyarihang bagay na kaniyang nahasa at handang ibahagi sa iba.

maiangat ang kakayahang magbasa, magsulat, gayundin ang wastong pangangalaga ng katawan at pananampalataya ng mga bata. Dagdag pa rito ang Family Ministry na nagtatakda ng mga pagpupulong sa mga mag-asawa hinggil sa responsableng pagpapakasal at pagiging magulang. Samantala ay nagbibigay paliwanag din si Janagap at ang kaniyang pamilya patungkol sa paghahanda kapag may sakuna lalong-lalu na sa mga bata.

LIBU-LIBONG SANGANG NAGBUNGA "Kailangan mo nang hubugin ang maliit na sanga habang nagsisimula pa lang itong tumubo," wika niya. Sa kaniyang 29 taong pagtuturo sa PNHS, siya ay nagtatag ng mga proyektong nakabenipisyo sa mga kapwa niya guro at mag-aaral na hindi nakapagbabasa. Ito ay ang Remedial Reading Program na nagsimula noong 1997 at kaniyang pinaigting hanggang sa ngayon na naglalayong pagyamanin ang kakayahan ng estudyanteng magbasa. Mayroon ding Mentoring the Mentor kung saan tinuturuan niya ang kaniyang mga kapwa guro ng mga estratehiya sa epektibong pagtuturo. Peer tutoring—dalawang beses kada linggo ay may mga mag-aaral na nagkukusang loob upang makatulong magpabasa, Journalism Journey ay ang regular na pagdaos ng pagsasanay para sa mga batang mamamahayag at ang Reading Clinic na siya rin ang kauna-unahang nagtayo noong taong 2012 sa Western Visayas kung saan ito'y sinundan ng 149 na pampublikong paaralan sa Dibisyon ng Iloilo. Sari-saring programa para sa mga musmos ng lipunan ang kaniyang pinangunahan kaakibat ang kaniyang apat na mga anak at asawa na si G. Franco Janagap. Mahigit 2,000 na kabataan sa rural na lugar ng Pavia ang nakabenipisyo sa kaniyang Project Mind, Body and Soul (MBS) na naglalayong

ANIHAN NG NAHUKAY NA KAALAMAN Bukod sa pagkilala sa guro bilang isa sa Metrobank Foundation's Award, kinilala rin ang kaniyang makabuluhang programang (Reading Clinic) Most Effective Remedial Reading at Most Outstanding Remedial Reading Teacher sa probinsiya ng Iloilo taong 2013. Gamit naman ang pamamahayag ay marami ang napukaw ng kaniyang dakilang gawaing nakatulong sa pagpapaunlad ng mga kabataan at ng lipunan. Pinagkalooban siya bilang Pambansang Ulirang Guro taong 2016 at Most Outstanding School Paper Adviser taong 2017. Naghukay siya ng kaalaman at hindi siya nagdamot na magbahagi ng kaniyang mga natutunan. Isang kawanggawang ipinagpapatuloy na katulad ng ilog na hindi tanaw ang naaabot ng rumaragasang agos. Ang pagtulak sa kaniya ng isang alon ay masigasig niyang sinabayan at nagtulak sa kaniya upang mapunan ang uhaw na pangangailangan ng mga kabataan sa pagpapayaman ng kanilang katauhan. "Kahanga-hanga ang pagtuturo dahil tuluyan mong naaabot ang buhay ng tao—nagbibigay pagkakataong bigyan ng kulay na liwanag ang mga kabataan lalo na ang nangangailangan," malugod na sambit ni Janagap.

Haynayan - biology; isang agham na nauukol sa pag-aaral ng mga buhay at nabubuhay na organismo • Mikhaynayan - microbiology; isang agham ukol sa pag-aaral sa miktataghay o microorganism • Mulatling Haynayan - molecular biology; pag-aaral ng mga istraktura at tungkulin ng mulatil o molecule sa mga nabubuhay na organismo

Palapuso - cardiologist; isang dalubhasa ng palapusuan o cardiology • Palabaga - pulmonologist; isang dalubhasa ng palabagaan o pulmonology • Paladiglap - radiologist; isang dalubhasa ng paldiglapan o radiology

Muntilipay - platelet; mga sulula o sihay na may mahalagang papel sa pagpagaling ng mga sugat na dumadaan sa daluyan ng dugo

Kaphay - plasma; isang bahagi ng dugo na ang pangunahing trabaho ay ang transportasyon ng mga

Iti, daragis, balaod - tuberculosis; impeksyon sa baga na nagmumula sa isang uri ng ishay o bacteria, ang Myobacterium tuberculosis

Sukduldiin, altapresyon - hypertension; isang medikal na kondisyon kung saan ang presyon ng dugo sa mga malaking ugat ay labis na mataas

Sihay - cell; ang pinakapayak na kayarian ng mga buhay na organismo

ensyma, nutrition, at hormona

Mangansumpong - arthritis; pamamaga sa mga kasu-kasuan na nagiging sanhi ng kawalan ng kakayahang maimulat o maibaluktot at paninigas ng bahaging ito • Piyo - gout; uri ng mangansumpong o rayuma na dulot ng abnormal na metabolismo ng uric acid

Kagaw - germ; mga miktataghay na nagdudulot ng sakit

Balinguyngoy - nosebleed; pagdurugo ng ilong


larawan | mdrrmo pavers

10 LATHALAIN

ANG BIYAYA / NOBYEMBRE 2018

Samaritanong Pavianhon Pavia Emergency Responders Team Kaagapay sa Ligtas na Komunidad AIREEN MACASIO

S

ira-sirang bahay. Katawang walang buhay. Luhang umaagos. Masakit. Pero, iyan ang palaging masasaksihan matapos ang hagupit ng kalamidad at pagragasa ng ibat ibang sakuna sa paligid. Ang kalamidad at sakuna ay di inaasahang pangyayaring sanhi ng mga proseso sa kalikasan o di kaya’y kapabayaan ng tao. Ito ay nagdudulot ng pagkawasak at panganib sa mga tinatamaan nito. Bilang pagtugon sa ganitong suliranin, agad umaksyon ang kinauukulan. Inilunsad ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO batay na rin sa Seksyon 12 ng RA 10121 o kilala sa tawag na Philippine Disaster Reduction and Management Act. Dahil dito, nabuo ang PAVERS o PAvia Emergency Responders na inisyatibo naman ng bayan ng Pavia sa lalawigan ng Iloilo. Ito ay isang local response team o government emergency management team na napapasailalim sa pangangasiwa ng MDRRMO.

larawan | mdrrmo pavers

SIMULA NG MISYON AT AKSYON Hindi madali ang pagbuo at pagsimula ng isang makabuluhang adhikain. Subalit buong-buo ang pagnanais ng lahat para mabigyan ng pag-asa ang bawat isa. Pagtutulungan. Dumaan man sa makipot na butas, malaya namang na-angkin ng munting bayan ng Pavia ang pag-asang hatid ng PAVERS. Ito ang magiging kaagapay sa oras ng mga sakuna at kalamidad sa bayan. Ang pagkakatatag ng PAVERS ay galing sa ideya ni G. Rodrigo Parreñas, dating Municipal Planning Development Coordinator na naniniwalang kinakailangan ito ng bayan. Pinagtibay rin ito sa tulong ni Mayor Michael B. Gorriceta at sa ngayon, ito ay pinamumunuan ni G. Arnold Gonzales. Taong 2016 binubuo lamang ng iilang volunteers na mga municipal employees ang PAVERS. Naging aktibo ito at tuloy-tuloy noong Nobyembre 2017. Bawat kasapi ng PAVERS ay maituturing bayani. Sila’y handang magbigay ng serbisyong medikal at sagipin ang mga mamamayan sa panahon ng sakuna, kalamidad at anumang uri ng emerhensiya sa lugar. “Sa PAVERS hindi kailangang maging nurse o doktor, hindi kailangan ng maraming awards at certificate, a n g

kailangan dito ay skills o kakayahan. Kailangang marunong maglapat ng kakayahan at kaalaman ayon sa natutunan,” ani G. Rommel Jamerlan, lider ng MDRRMO. PAGPATULOY NG SINIMULAN Kagila-gilalas. Hindi ugali ng trained volunteers ng PAVERS na tumahik sa isang tabi. Sabi nga ng iba, “kung saan ang aksidente, nandoon ang PAVERS”. Maliban sa pagresponde sa mga sakuna sa kalsada, pagbantay sa mga barangay na madalas binabaha at pagguho ng lupa, naipagpatuloy ang serbisyo nito sa mga paaralan. “Adbokasiya rin naming magbigay ng kamalayan sa mga bata. Sa mga pampubliko o pribadong ahensiya at komunidad tungkol sa mga paghahanda sa oras ng kapahamakan tulad ng pagbaha, bagyo, lindol, sunog at mga sakuna,” wika pa ni G. Jamerlan. Sila rin ay katuwang ng mga guro sa tuwing may gaganaping drill sa mga paaralan. Sila’y mapagbigay at di madamot sa karunungan upang maging ligtas lamang ang pangalawang tahanan ng mga kabataan. Sa pamamagitan ng Community Disaster Awareness, naituturo sa mga bata ang dapat gawin at mga kinakailangan sa panahon ng emerhensiya.

WALANG KATAPUSANG PAGSISIMULA Bawat araw ay simula ng makabuluhang misyon. Misyong hindi nagtatapos sa konsepto lamang ng pagkarga ng pasyente o biktima kundi sa bawat pagpatak ng oras ay may taong natutulungan, may buhay na naliligtas. Sa tulong ng 13 crew at 32 volunteers na bumubuo sa PAVERS, mas lalong paiigtingin ang misyon. Kapit-bisig. Ang puso at isipan ng bawat isa ay nagkakaisa. Sa bawat pintig ng puso, mas lalong lumalakas ang loob na marami pa ang maisasalba, madudugtungan ng buhay at mabibigyan ng panibagong pag-asa. Sa kabuuan, mahigit kumulang 4,000 kaso na ang narespondehan ng PAVERS mula taong 2016 hanggang 2018. Kabilang na dito ang mga kasong behikular, OB cases, sports injuries, serious injuries, medical at emergencies. Kapag pumasok, mahirap nang makawala. Kapag nagsimula, mahihirapan ng patapusin. Ang bawat miyembro ay habang buhay nang nakatali at magseserbisyo sa kani-kanilang misyon. Ito ay simula pa lamang. Simula ng walang katapusang pagsisimula. Sa huli, ang kaligtasan ay nasa kamay ng lahat. Kapag may kahandaan, maaaring mabawasan ang bilang ng mga biktima ng kalamidad o anumang sakuna. Maaaring mabawasan ang mga bahay na masira, mga katawang maaaring mawalan ng buhay at mga luhang maaaring aagos.


LATHALAIN 11

larawan | joselito villasis panay news

ANG BIYAYA / NOBYEMBRE 2018

Arangkada, Siklista

Iloilo kinilalang "Bicycle Friendly City" HILARY PEARL VELOSO

K

asabay ng pag-ikot ng dalawang gulong sa tuwing pinapadyak niya ang pedal ng kanyang sinasakyang bisikleta ay dumadaloy ang kanyang mga pawis sa buo niyang katawan. Patuloy ding umiikot ang kanyang interes at pagkahumaling sa ganitong larangan. Si Enrico Neil Legario, isang Pavianhon bike enthusiast ay namulat sa pagbibisikleta sapagkat ang kanyang ama ay mahilig din dito.

“Noong bata pa ako parati kong nakikita si Papa na nakasakay sa bisikleta. Umaalis siya nang maaga upang libutin ang probinsya ng Iloilo,” ani Enrico. Sa kanyang kuryosidad sinubukan niyang sumama sa kanyang ama sa paglalakbay. Hinamon ang kanyang tibay upang pumadyak ng halos mahigit 85 kilometro mula rito sa Pavia. Hindi rin maalis sa kaniyang isipan ang karanasan niya sa pagbibisekleta kasama ng kanyang ama sa San Joaquin, Iloilo. Sa diinaasahang pangyayari, sila’y nagkaiba ng daan at hindi niya alam kung saan pupunta. Pinatuloy lang niya ang kanyang pagpadyak hanggang makarating siya sa Antique. Halos 120 kilometro ang kanyang nilakbay ngunit hindi pagod ang kanyang naramdaman kundi kasiglahan ng loob sapagkat iyon ang kanyang pinakamalayong narating. “Da best experience, kaya ‘yon!” pagmamalaking wika pa niya. Sa kanyang pagtungtong sa Senior High School, dito pa lalong tumibay ang hilig niya sa pagbibisikleta sapagkat ang kanyang guro ay isa ring siklista. Kasama ng kanyang mga kapwa mag-aaral at ng kanyang guro, nasubukan na nilang pumunta sa malayong lugar upang makipista lamang sakay-sakay ang kanikanilang mga bisikleta. Mas lalo pang tumibay ang kanyang pasyon dahil sa mga pagbabagong isinagawa sa Lungsod ng Iloilo. Isa na dito ang apat na kilometrong bike-lane sa Aquino Avenue na nagbigay sigla sa bawat siklista – kagaya ni Enrico. PARAISO NG MGA SIKLISTA Noon, ay puro sasakyan lamang at motorsiklo ang makikitang nagdodomina sa kalsada. Ang mga taong gumagamit ng bisikleta bilang kasangkapang pantransportasyon ay ipinagbabawal upang makaiwas sa aksidente. Ngunit, dahil sa mga pagbabagong isinagawa, ang noong dalawang kilometrong highway para sa mga sasakyan at motorsiklo lamang ay napalitan na ng anim na kilometrong daan. Nahati-hati pa ito nang maayos para sa mga pribado at pampublikong sasakyan, motorsiklo at mga bisikleta.

Malaya na ngayong pumapadyak ang mga taong mahilig magbisikleta kahit nga napakainit ng sikat ng araw. Ang libangang nakasanayan ay patuloy pa ring nakipagsabayan sa mga modernong sasakyan. Kahit sa mataong lugal o tinatawag na “highly urbanized city”, ang pagbibisikleta ay tinatangkilik pa rin. Ang apat na kilometrong pulang laryong bike-lane na pinapalibutan ng mga halaman na nagbibigay proteksyon at kaginhawaan sa mga taong dumadaan dito ay itinuturing na isang kanlungan ni Enrico at ng mga siklista dito sa Iloilo. Ramdam nila ang kaligtasan sa tuwing dumadaan sila dito sakay-sakay ang kanilang mga bisikleta. Ang pagbibisikleta ang nagbibigay kasiyahan sa mga siklista dito sa Iloilo. Sila’y nakapaglibot sa mga kahanga-hangang lugar ng lungsod at probinsya. “Masarap din sa pakiramdam ang makipagkarera sa mga kapwa siklista at talunin ang kinaiinisan ng mga tao, ang trapik,” sambit pa ni Enrico. BENEPISYONG DULOT Hindi lamang libangan at kaligayahan ang dala ng pagbibisikleta. Malaki rin ang naitutulong nito lalo na ng mga siklista sa lugar at mismo sa kanilang mga sarili rin. “Ang pagbibisikleta ay isang mabuting paraan ng pag-eehersisyo sapagkat mababawasan ang labis na taba sa ating katawan. Nakakatulong din ito sa kalikasan, ito’y nakababawas sa carbon footprint at polusyon dahil hindi ito ginagamitan ng langis na nagpapasanhi ng polusyon sa hangin katulad na lamang sa carbon monoxide na ibinubuga ng mga sasakyan at nakapagbabawas din ang pagbibisikleta ng trapik at pagkaantala sa daan, ” pagsisiwalat ni Enrico. Ayon nga sa pag-aaral, ang tabang naipon ay naisasalin bilang pawis na siyang ipinapalabas dahil sa puwersa ng katawan tuwing nagbibisikleta. Maituturing isports din ang pagbibisikleta. Sa katunayan, kabilang ito sa Triathlon na isang isports na kinapapalooban ng pagtakbo, pagbibisikleta at paglangoy. Marami rin ang nagsasagawa ng bike-for-a-cause kagaya

ng 1st Iloilo Bicycle Festival. Ito naglalayong palawakin ang kamalayan ng mga Ilonggo tungkol sa pagbibisikleta na isang mabuting isports at tulong na rin sa kalikasan. Maliban dito, ang sama-samang pagbibisikleta ay nakabubuo ng magandang relasyon. Maging ito’y sa loob ng kumpetisyon o mismo isang simple libangan lamang. Maganda rin itong pamamaraan para mahasa ang kakayahan sa pakikisalamuha at pakikipagkaibigan. ANG PAGKILALA Dahil sa pagsagawa ng bike-lane, lalo pang napahumaling si Enrico at ibang mga siklista sa pagbibisikleta. Kadikit sa paghumaling na ito ay ang parangal na natamo ng lungsod na lalo pang nag-usbong sa interes at kamalayan ng ibang tao o turista na makapunta rito. Sa ginanap na PhilBike Awards 2018 sa World Trade Center, Pasay City noong Setyembre 9 kabilang ang Iloilo na pinarangalang “Bike-Friendly City”. Kilala rin ang lungsod sa makakalikasang programa sa pagbibisikleta, pagtaguyod ng komunidad ng mga siklista at pagtatag ng kamalayan ukol sa kapaligiran. Upang himukin pa ang iba sa pagbibisikleta at itaguyod ang kaligtasan dito, nagdadaos ang Iloilo City ng bike festival at trade show taun-taon. Ani pa ni Enrico, “Ipinagmamalaki ko na ang Iloilo ay kinilala bilang “Bike-Friendly City” at ako’y masaya na naging parte ako nito. Sinong mag-aakala na ang simpleng kasangkapan at libangang ito ang makapagbibigay karangalan sa Iloilo.” Sa mga pag-unlad na ito, talagang ang Lungsod ng Iloilo ay nakayakap na sa pagbabago. Malaki ang naibago ng pagbibisikleta sa buhay ni Enrico. Lalo niya pang hinimok ang kanyang sarili na makarating sa mas malayo pang lugar at marami siyang natutunan sa libangan niyang ito. Katulad na lamang sa pagkokondisyon sa sarili bago maglakbay at kung paano alagaan ang kalusugan. Sa gulong ng buhay, siya’y patuloy na papadyak upang makamit ang tagumpay na hinahangad para sa kanyang kinabukasan.


larawan | orchard valley

12 LATHALAIN

ANG BIYAYA / NOBYEMBRE 2018

Pagsilip sa Lambak ng Halamanan Organikong pagsasaka sulyapan sa ipinagmamalaking Orchard Valley MARIEL FERNANDEZ AT MA. DANISE SERIOTE

M

alayo sa kaguluhan. Kung tatanawin mula sa kalsadang minsan lamang madaanan ng maiingay na mga sasakyan, ay hindi gaano itong makatawag pansin. Ngunit kung hindi tatahakin ang isang tuwid na daan, hindi malalaman ninuman ang kariktan sa nakatagong sakahan. Sa pagtapak ng mga paa, pagsipat ng mga mata at paghumpas man ng galaw sa bawat sulok ay makikita ang mabeberdeng pananim. Masisilayan rin ang mga maaamong mukha ng iba’t ibang hayop at ang mga masasarap nilang produkto. Hindi nakakasawang pagmasdan ang kagandahan ng kapaligiran. Mapalad itong napalago, nasubaybayan at napagtagumpayan ng mga taong may dedikasyon at kasipagan sa trabahong binigyan ng tuon mula sa simula sa loob ng 16 taon.

Orchard Valley. Isang sakahan. Isang paraisong nakakubli. Simula ng Pagkilala Mga gulay, prutas at hayop. Ilan lamang ito sa mga produkto ng Orchard Valley na matatagpuan sa Brgy. Tigum, Pavia, Iloilo. Ang sakahang ay isa sa kauna-unahang sertipikadong organikong sakahan sa Iloilo noong 2011. Itinatag ito noong 2002 ng may-aring si Johnny Que bilang isang paraan ng pagpapahayag ng kaniyang adbokasiya ukol sa pagpoprotekta at pagpapanatili ng kaayusan ng kapaligiran. Dito, nagagamit ang organikong pamamaraan sa produksyon ng iba’t ibang halamang gulay, prutas at maging sa iba’t ibang hayop. Napakasariwang hangin ang siyang bubungad agad dahil sa napalilibutan ito ng iba’t bang uri ng mga pananim na nasa 32 hektarya ang lawak. Hindi maipagkakailang ang mga gulay at prutas na kanilang produkto ay ‘chemical free’. Maging ang mga hayop na kanilang inaalagaan ay malaya rin mula sa paggamit ng synthetic hormones, anti-biotics, and steroid interventions.

infograpiks | kashi organic harvest

Kaalamang Pang-Agrikultura Sa organikong pamamaraan ng pagsasaka ng Orchard Valley ay napanatili nila ang pagkakaroon ng natural, puro, at katutubong mga pananim. Hindi sila gumagamit ng mga kemikal na mga pataba at tanging mga organikong materyales lamang ang ginagamit na konseptong organic farming. “Mahalaga sa aming ligtas at masustansiya ang mga produktong nabubuo sa Orchard

PAGTANIM

Dilim at Liwanag Sa likod ng tagumpay ay nakatago ang lilim ng mga pagsubok. Ito’y hinarap ng mga taong buong pusong inilaan ang sarili upang maiwasan ang posibilidad ng pagkalugmok sa negosyong ang tanging puhunan ay pagsisikap at tiyaga. Ilan lamang sa mga problemang kanilang hinarap ay ang hamon ng kapaligiran. Ang paiba-iba ng panahon ay nakaaapekto sa paglago

ng mga pananim. Idagdag din dito ang problemang pinansyal o kakulangan sa badyet na ilalaan para matugunan ang pangangailangan sa sakahan. Minsan kinukulang din sila sa mga trabahante. Ngunit dahil sa pagkakaisa, kasipagan, at diskarte, naitaguyod ng Orchard Valley ang matagumpay na pamamalakad. Kinilala ito bilang National Extension Service Provider sa ilalim ng Department of Agriculture, Agri-Tourism Farm Site ng Department of Tourism (DoT). Nakapagpatayo rin sila ng mga pasilidad na binubuo ng learning center at dormitory. Papalawakin pa ang mga ito upang makapagpatayo ng pavilion, farm houses, pool, Zen spa, organic shop at café. Ang mga planong ito ay inaasahang mas makakapabuti sa sakahan bilang isang destinasyon ng mga panlabas na aktibidad at maaaring makapagbigay-aliw sa mga bisita. “Nais din naming maturuan at maibahagi sa mga susunod na henerasyon ng mga magsasaka ang mga estratehiya sa pagtatanim, maprotektahan ang inang kalikasan, at mapalaganap ang adbokasiya sa paggamit ng natural na agrikultura,” sambit pa ni Sir Boyce. Minsan ding nabansagan ang bayan ng Pavia bilang isang “Agricultural Center” ng rehiyon. Ang Orchard Valley ay patunay na kahit sa isang industriyalisadong lugar ay may mananatiling sakahan. Sakahang tumatangkilik sa organikong pamamaraan.

Kaanib ng Kalikasan

Malinis na hangin

kapangyarihan

ng organikong

Valley,” pahayag ni Sir Boyce Abentino Sr, tagapangasiwa ng sakahan. Samantala, may mga inobasyon at mga estratehiyang ring ginagamit ang mga tauhan ng nasabing sakahan upang mas mapabuti ang kalidad ng kanilang mga produkto. Kagaya ng pagpapatayo ng rain shelter structures at crop rotation ay maiiwasan ang pagkasira ng mga pananim . Ang pagpapatayo ng rain shelter structures ay isang paraan ng Climate Smart Agriculture. Kinokontrol nito ang dami ng tubig na maaaring makonsumo ng pananim sa mahabang panahon ng pag-ulan. Sa kabilang banda, ang crop rotation naman ay ang pagpapalaki ng iba’t ibang uri ng halaman sa iisang lokasyon sa isang pagkakataon. Nakakatulong rin ito sa pagpapayabong ng lupa. Nakakarating naman sa iba’t ibang pamilihang ang mga produkto ng Orchard Valley. Kabilang sa sinusuplayn ng nito ang Iloilo Supermart na may mga sanga sa lungsod at probinsya ng Iloilo. Dito mabibili ang produktong kagaya ng honey, yogurt, gatas, ensaladang gawa sa puso ng saging, kesong puti, kamoteng kahoy, at iba pang gulay at prutas

1/3

Ang paglipat sa paggamit ng organikong pagtatanim ay nakatutulong upang mabawasan ang carbon dioxide mula sa hangin na may katumbas ng 1/3 na bahagdan ng mga sasakyan sa boung mundo.

45%

Pagtitipid ng enerhiya Nakakatulong ang organikong kagawian sa pagtatanim upang mabawasan ang enerhiyang nagagamit na umaabot sa 45%.

40%

Sa mundo kung saan aaabot sa 40% na bahagdan ng lupang pansakahan ay nagdurusa mula sa makabuluhang pagkasira ng lupa, ang organikong pagsasaka ay makatutulong upang maprotektahan ang lupa at mapangalagaan ang mga hayop.


ANG BIYAYA / NOBYEMBRE 2018

2019 SEA Games gaganapin sa Pinas; Talento, ganda ng bansa ibabandera

ISPORTS 13

Pavia arnisadors umambag ng 2 ginto, 22 pilak, 7 tanso

RITSDON HIJASTRO

K

inumpirma ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na tuloy na ang paghosting ng bansang Pilipinas ng South East Asian Games (SEA Games) sa susunod na taon. Sa isang press conference, sinabi ni Cayetano na posibleng sa Zambales, Pampanga at Bulacan ang magiging playing venues ng ibat ibang sports event. Ayon pa sa kanya, “Tsansa ito upang maipamalas ang talento ng mga atletang Pinoy at ang pagunlad ng bansa.” Taong 2005 pa ang huling nag-host ang Pilipinas ng SEA Games kung saan nakalikom ang bansa ng 113 gintong medalya.

Carlos Yulo wagi ng tanso sa Artistic Gymnastics World Championship

Tristan Wyett Jaen

I

nangkin ni Edwar Vince Sazon ng Pavia National High School ang ginto laban sa Leganes arnisador na si Cherick Laurence Jamayo sa ginanap na Extra Light Weight Full Contact Event na isinagawa sa GT Mall Town Center, Oktubre 20. Humarurot kaagad si Sazon at nakapuntos ng 5:0 sa unang round ng laban. Pero, agad namang bumawi at nanaig ang pwersa ng pambato ng Leganes sa iskor na 3:2 sa ikalawang round ng laro. Naging dikdikan man ang laro ngunit hindi nagpatinag si Sazon. Gamit ang kanyang mabilis na reflexes ay di-namalayan ng kalaban ang kanyang paghampas at tuluyan nang naselyuhan ang

labang pumabor sa kanya. “Kailangan talagang maging focus sa bawat laban para alam kong kailan dapat pumalo ng husto,” sambit ni Sazon. Samantala, matagumpay namang nasungkit ni Alyssa Janine Madurar ang isa pang gintong medalya laban ka Nicole Draguin ng New Lucena sa ginanap na HalfLight Weight Close Contact Category Championship. Sa kabuuan, humakot ang Pavia Arnisadors ng tatlongput isang 31 medalya. Sa mens division nag uwi ang mga ito ng isang ginto, siyam na pilak, at apat na tansong medalya. Sina Rhodes Nino Hubag na nakakuha ng isang pilak at dalawang tansong medalya; Bert

Felix Umadhay na mayroong limang pilak na medalya; Rj Maciado, dalawang pilak at isang tansong medalya, Marcel John Judicpa, isang pilak at isang tansong medalya. Isang ginto, labing tatlong pilak at tatlong tansong medalya naman ang naiuwi ng mga babaeng arnisadors. Binubuo ito nina Alyssa Janine Madurar na mayroong isang ginto, apat na pilak at isang tansong medalya; Kaniella Janeo, apat na pilak at isang tansong medalya; Alisa Mae Mandar, dalawang pilak na medalya, Jeanrie Lozada, tatlong pilak na medalya at Marriane Pedgregosa na mayroong isang tansong medalya.

ALLYSSA HILAOS

S

a kauna-unahang pagkakataon, matagumpay na nasungkit ng Pinoy gymnast na si Carlos Yulo ang unang tansong medalya para sa Men’s floor exercise event finals sa ginanap na Artistic Gymnastics World Championship sa Doha Qatar, Nobyembre 2. Base sa ulat ng Remate Online, nakapagtala si Yulo ng iskor na 14.600 mula sa gold medalist na si Arthur Dalaloyan ng Rusia (14.900) at Shirai Kenzo ng Japan bilang silver medalits na may iskor na (14.866) Dahil sa pagkapanalo ni Yulo, kasalukuyang nakatungtong ang Pinas sa ika10 puwesto sa championship medal standings.

Hidilyn Diaz masama ang loob sa pamunuan ng PSC, POC sa kakulangan ng suporta CHRISTIAN JAUD

A

yon kay 2018 Asian Games gold medalist at weightlifter Hidilyn Diaz, kulang ang suportang ibinibigay sa kanila ng ilang mataas na opisyal ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng Philippine Olympic Committee (POC). Sa kabila nito, mahal na mahal pa rin ni Diaz ang pagiging atleta. “Atleta lang! “Yan nasa akin isipan. Pabalik-balik at ako’y sobrang nasaktan. Ako’y isang atleta buong buhay ibinibigay sa sports na aking mahal na mahal,” sambit niya sa kanyang Twitter post. Nakatutok naman ngayon si Diaz para sa 2020 Tokyo Olympics at umaasang mapagbibigyan siya ng PSC at POC sa hiling na madala ang kanyang team.

HAMPAS SA PAGKAPANALO. Masusing tinatantiya ni Edwar Vince Sazon ang kumpas ng katawan ng kanyang nakabanggaan at pinaunlakan ito ng kanyang kakaibang teknik na nagresulta sa pagkamit ng gintong medalya sa Extra Light Weight Full Contact Category sa Arnis sa ginanap na CDSA II Meet sa GT Mall Town Center , Oktubre , 20. | KHELLY MAE HERBUELA

Pavianhon smashers humataw sa 2nd CDSA; CHRISTIAN JAUD Monot, Herezo aabante sa Integ Meet

I

mpresibong pinatumba nina Buenzel Marie Monot at Kurt Bryan Herezo ng Pavia sina John Paul Aligaga at Liza Victoria Diaz ng Alimodian sa Table Tennis Mixed Doubles Finals ng Second Congressional District Sports Assosciation (CDSA II) Meet sa pamamagitan ng walang tigil na pag-ulan ng pag-smash sa kalaban na ginanap sa Pavia Pilot Elementary School PE Center, Oktubre 19. Sa pagsisimula ng unang set ng laro ay nagpakitang-gilas agad ang dalawang manlalaro ng Pavia sa pangunguna ni Monot nang nagpakawala siya ng isang nagbabagang smash na hindi nadepensahan ng dalawang manlalaro ng Alimodian. Humantong ang iskor sa 10-4 sa pangunguna ng Pavia. Nagpakawala si Herezo ng isang napakalakas na smash na hindi

kinayang habulin ng dalawang manlalaro ng Alimodian upang selyuhan ang unang set. Iskor: 11-4 pabor sa Pavia. Umarangkada naman agad si Aligaga ng Alimodian sa pagsisimula ng ikalawang set nang sunud-sunod siyang umiskor ng dalawa kaya’t nasubukan ang galing ng dalawang manlalaro ng Pavia. Agad na pinaulanan din nila ang Alimodian ng mala-kidlat na mga smash. Naging kapanabik-nabik ang laban ng dalawang koponan nang tumabla ang iskor sa 6-6 kaya’t uminit ang kanilang sagupaan at patuloy ang dalawang koponan sa pagbuhos ng mga smash ngunit sa huli nanaig pa rin ang puwersa ng Pavia. Iskor: 11-6. Sinubukang bumawi ng mga manlalaro ng Alimodian upang makatayo mula sa pagkakadapa

sa una at ikalawang set ngunit hindi sila pinapayagan ng mga manlalaro ng Pavia. Pinangunahan ni Herezo ang ikatlong set at agad na bumuhos ng mga mababagsik na smash upang maikandado ang kabuuang iskor sa 3-0. Patuloy rin ang pagpakawala ni Diaz ng mga smash ngunit mabilis itong nadedepensahan ni Monot. Sa hui panalo pa rin ang koponan ng Pavia sa iskor na 11-7. “To become ready for the integrated meet, we must practice hard because iyon lang naman ang makakapa-improve sa amin and we must have enough confidence to beat them, with a trust to ourselves and also to the Lord,” saad ni Monot, manlalaro ng Pavia. “We can do better and we’ll do our very best because it’s an opportunity given so we’ll grab it”, dagdag pa niya.


ISPORTS 14

ANG BIYAYA / NOBYEMBRE 2018

INTRAMURALS 2018 RESULTS AUGUST 16-17

GRADE

7

183 pts. 6th

GRADE

8

213 pts. 5th

GRADE

9

236 pts. 4th

GRADE

10

Apostol nanatiling reyna ng Chess; 3 ginto nasungkit nang sunod-sunod MARIDEL GUAREZ

L

amang pa rin ang may karanasan. Sintatag ng tore ang depensang ginawa ni Trina Apostol gamit ang kanyang mala-halimaw na reyna at rook dahilan nang pagkacheckmate at nagbigay sa kanya ng sure win laban sa kanyang katunggaling si Mikaela Angela Sabido sa ginanap na Chess Tournament ng 2nd Congressional District Sports Association (CDSA II) sa Farmer’s Building, Pavia, Oktubre 17-20. Kalkuladong-kalkulado ni Apostol, 14-anyos na chess player ng Pavia National High School ang bawat galaw ng kanyang mga pieces at ang kanyang mga susunod na mga istilo upang masigurong makorner ang kalaban. Nagpakitang-gilas kaagad si Apostol sa unang laro nang naglabas ito ng kanyang alas nang nagblander ito dahilan ng kanyang pagkaabanse ng isang knight at isang bishop. Panalo ang pambato ng Pavia laban kay Kim Tusiap ng Leon.

Umarangkada ulit sa ikalawang laro si Apostol na kung saan nagpamalas ito ng kakaibang teknik para masigurong humina ang puwersa ng kanyang kalaban na si Lea Cagud ng Alimodian gamit lamang ang kanyang knight at tiyak ang pagka-abanse sa finals. Namayagpag ang lakas ng loob at kagustuhang manalo ni Apostol sa ikatlong laro. Walang anu-ano’y gumawa siya ng isang patibong upang tuluyang makorner at macheckmate ng kanyang reyna at rook ang hari ni Mikaela Angela Sabido ng San Miguel na nagresulta ng kanyang tagumpay. Matinding pwersa ang inilaan ni Apostol upang makamit ang inaasam na panalo na kung saan nasungkit nito ang tatlong gintong medalya sa Standard Individual, Blitz Individual at Team. “Pamilya ang aking naging inspirasyon upang maabot at makuha ang inaasam kong tagumpay sa ngayon,” wika ni Apostol.

Nagpamalas din ng angking galing sina Ardin Apostol na kung saan nag-uwi ito ng tatlong gantimpala: dalawang ginto sa Standard Individual at Team, isang silver sa Blitz Individual habang si Kyle Velez naman ay nakamit ang dalawang gintong medalya sa Standard Individual at Team; at si Aynn Marie Joaquin ay naipanalo ang isang pilak sa Standard Individual at isang ginto sa Team. Ayon kay Gng. Roxanne Muchillas, coach ni Apostol, makikita sa mga mata ni Apostol ang kasabikan na manalo at hindi nga ito nabigo dahil na rin siguro sa mga maabilidad na teknik at sa mga naging karanasan niya sa mga nagdaang laro. Si Apostol ay nagsimulang maglaro ng Chess nang siya ay siyam na taong gulang pa lamang at naging bahagi na rin siya ng PNHS Chess Team sa halos dalawang taon. Siya ay naging bronze medalist na rin noong 2018 Palarong Pambansa sa Vigan City, Ilocos Sur.

352 pts. 3rd

SENIOR HIGH SCHOOL

SPECIAL PROGRAMS

SHS 403 pts. 2nd

SP 621 pts. 1st

Pavianhon tracker itinakbo ang ginto sa CDSA; Gonzaga aabante sa Integrated Meet Annekha Heria

P

awisan at pananakit ng katawan. Ito ang isinugal ni Angel Hope Gonzaga ng Pavia National High School para mapasakamay ang gintong medalya sa 400 meter Hurdles sa katatapos na Second Congressional District Schools Association Meet (CDSA II Meet) na ginanap sa Iloilo Sports Complex, La Paz, Iloilo City. Ito ang kauna-unahang gintong medalya na nasungkit niya sa larangan ng athletics. Tinapos ni Gonzaga ang laro na walang palya patungong finish line na sinundan ng pambato ng tagaLeganes na si Mary Ibañez. “Hindi ko po ito inaasahan. Oo. Mahirap sa una na mas magagaling ang aking mga kalaban pero lumalaban ako para sa aking koponan at para sa paaralan, ” ani ni Gonzaga. Lamang na lamang ang pambato ng Pavia sa unang 200 meters pero sa nalalabing 200 meters, sumarorot naman si Ibañez. Pero, hindi inisip ni Gonzaga ang kanyang mga kalaban. Pinatatag niya ang kanyang lakas para hindi siya maabutan patungong finish line. “Binabalewala ko lang sila para hindi ako malito sa pagtakbo, at para mapanalo ko rin ang laban na ‘to. Laban ng aking grupo, ” wika pa niya. Sa ngayon, patuloy ang pag- eensayo ni Gonzaga para sa nalalapit na Integrated Meet.

Pavianhon umariba sa Dancesport Competition MARIDEL GUAREZ

H

PANALONG WALANG KUPAS . Muling napagwagian ng Pavia National High School (PNHS) Basketball Girls ang kampyeonato sa 3x3 Basket Ball Girls matapos ipinamalas ng koponan ng Pavia ang katangi-tanging lakas at determinasyon laban sa Sta. Barbara National Comprehensive High School (SBNCHS) 18-5, sa ginanap na Second Congressional District Sports Association (CDSA II) Meet sa Pavia, Oktubre 19. | KHELLY MAE HERBUELA

indi matatawaran ang ipinamalas na angking galing nga mga kabataang Pavianhon sa pagsasayaw ng pamosong dancesport kung saan ang mga ito ay nagkamit ng mga medalya sa katatapos na Second Congressional District Sports Association (CDSA) Meet na ginanap sa Robinson’s Place Pavia, Oktubre 19. Ginalingan sa pagkumpas ng kamay at paa nina Yza Unice Grande at Noriel Banda nang mabulsa ang gintong medalya sa kategorya ng Latin Juvenile Category D. Pawang sinundan din ito nina Ian Ceazar Grande at Ryzhel Clarisse Gumban na nakakuha ng pilak sa kategorya ng Latin Juvenile C. Ang mga mananayaw na pares ay nasa elementarya pa lamang. Sa kabilang banda, hindi rin nagpahuli ang mga mananayaw ng Pavia National High School. Pinangunahan nina Lindy Mae Janolino at Christian Michael Sigaya ang pasiklaban sa PAVIANHON pahina 15


ISPORTS 15

ANG BIYAYA / NOBYEMBRE 2018

PILAK SA UNANG SABAK Pavia archers pinana ang 11 medalyang pilak, 1 tanso sa CDSA JUDE MARS ELRANO

S

intalas ng mata ng agila ang pagpakawala ng pana ng mga Pavia Archery Players na kung saan matagumpay nilang naiuwi ang 11 na pilak at isang tanso sa katatapos lamang na Second Congressional District Schools Association Meet (CDSA II) na ginanap sa Pavia National High School, Oktubre 17-20. Ito ang unang beses na sumali ang koponan ng Pavia sa ganitong event. Tantiyadong-tantiyado ng mga pambato ng Pavia ang kanilang bawat galaw lalunglalo na ang kanilang pulso at dulo ng palaso kung kailan ang tamang tiyempo ng pagbitaw ng pana upang makagawa ng napakaswabeng marka. Hindi naging alintana ang tirik ng sikat ng araw at minsan ang malakas na hampas ng hangin sa koponan ang kagustuhang makalaan ng magandang iskor, at hindi rin sila nabigo dahil halos lahat sa kanila ay nakatama ng napakalupit na marka sa ikalawang attempt. Halos hindi naman maipinta

sa mukha ng mga manonood ang gigil at nakakapigil hiningang hangin lalo pang nagpamalas ang Pavia Archers Players ng kanilang huling attempt. Pinaigti ng mga mamamanang babae ang pagkakaroon ng pokus at positibong pag-iisip dahilan ng pagkasungkit nila ng ikalawang pwesto sa pangunguna nina Karren Kate Suerte na kung saan isang pilak ang nauwi sa Mix Event at si Rae Shyll Jade Omanggayon na naangkin din ang isang tanso sa 30 meter event. Hindi naman nagpahuli ang mga lalake sa pagpapakitang gilas ng kanilang mga angking galing na kung saan nakuha ni Kim Antonio Deypalubos ang isang pilak na medalya sa Individual Olympic 50 Meters habang si Prince Joshua Ferrer naman ay napasakamay ang medalyang pilak sa larangan ng Mix Event. Ibinuhos ng Pavia Archery Players ang kanilang buong tapang at pasyon sa paglalaro

kung saan matagumpay na naipanalo ng Pavia Archery Players (Girls) ang medalyang pilak na kinabibilangan nina Karren Kate Suerte, Rae Shyll Jade Omangayon, Ann Margarette Guaro at Monique Margaret Jalbuena; samantala ang Pavia Archery Players (Boys) naman ay nakamit din ang inaasam na medalyang pilak sa pinagsanib puwersa nina Kim Antonio Deypalubos, Prince Joshua Ferrer, Andriean Palacios at Reuben Palma. Sa kabuuan, ang Pavia National High School ay nakapaghulma ng kanilang pangalan sa ikalawang pwesto. Kahit baguhan, isang ginto kung maituturing ang pilak na kanilang napana. “Makikita sa kanilang mga mata ang takot sa pagsabak sa larong ito ngunit mas pinili nilang magpakatatag at maging positibo upang maabot nila ang kanilang minimithi,” saad ni Gng, Lian Fernandez, tagasanay ng mga archers.

PAG-ASINTANG KAHANGA-HANGA. Tantiyadong inaasinta ni Karen Kate Suerte ng Pavia National High School ang bull’s eye na nagresulta ng kanyang pagkapanalo at makuha ang pilak na medalya sa Mix Event shooting sa ginanap Archery Competition ng Second CongressionalDistrict Sports Association Meet sa bayang Pavia, Oktubre 19. | KHELLY MAE HERBUELA

PAVIANHON pahina 14

pagsayaw nang masungkit nila ang pilak sa Modern Standard Junior Category C. Hindi rin ininda nina Karl Antonie Animas at Ma. Jazera Vencer ang takot at kaba na kanilang nadarama para makuha ang pilak sa Modern Standard Junior Category D. Kahit papaano ay sinikap rin nina Khyle Ariane Guzman at Carlos Miguel Bernabe na makakuha ng tanso sa kategorya ng Latin American Junior Category D. Ayon kay G. Andro Jalbuna, tagasanay ng mga mananayaw, ay naging sulit ang ilang buwan na iginugol sa pag eensayo, pawis at sakripisyo ang ipinakita ng grupo dahil sa mga natanggap na medalya. “Mas ginalingan kasi namin ngayon kaysa nakaraang taon. Ginawa namin ang lahat ng aming makakaya at alam kong hindi masama ang sumubok. Naniniwala akong darating ang panahon na kami naman ang magniningning, ” wika pa ni Jalbuna.

Apostol nanatiling reyna ng Chess; 3 ginto nasungkit nang sunod-sunod MARIDEL GUAREZ

L

amang pa rin ang may karanasan. Sintatag ng tore ang depensang ginawa ni Trina Apostol gamit ang kanyang mala-halimaw na reyna at rook dahilan nang pagkacheckmate at nagbigay sa kanya ng sure win laban sa kanyang katunggaling si Mikaela Angela Sabido sa ginanap na Chess Tournament ng 2nd Congressional District Sports Association (CDSA II) sa Farmer’s Building, Pavia, Oktubre 17-20. Kalkuladong-kalkulado ni Apostol, 14-anyos na chess player ng Pavia National High School ang bawat galaw ng kanyang mga pieces at ang kanyang mga susunod na mga istilo upang masigurong makorner ang kalaban. Nagpakitang-gilas kaagad si Apostol sa unang laro nang naglabas ito ng kanyang alas nang nagblander ito dahilan ng kanyang pagkaabanse ng isang knight at isang bishop. Panalo ang pambato ng Pavia laban kay Kim Tusiap ng Leon. Umarangkada ulit sa ikalawang laro si Apostol na kung saan nagpamalas ito ng kakaibang teknik para masigurong humina ang puwersa ng kanyang kalaban na si Lea Cagud ng Alimodian gamit lamang ang kanyang knight at tiyak ang pagka-abanse sa finals.

Pavianhon smashers humataw sa 2nd CDSA; Monot, Herezo aabante sa Integ Meet

I

mpresibong pinatumba nina Buenzel Marie Monot at Kurt Bryan Herezo ng Pavia sina John Paul Aligaga at Liza Victoria Diaz ng Alimodian sa Table Tennis Mixed Doubles Finals ng Second Congressional District Sports Assosciation (CDSA II) Meet sa pamamagitan ng walang tigil na pagulan ng pag-smash sa kalaban na ginanap sa Pavia Pilot Elementary School PE Center, Oktubre 19. Sa pagsisimula ng unang set ng laro ay nagpakitang-gilas agad ang dalawang manlalaro ng Pavia sa pangunguna ni Monot nang nagpakawala siya ng isang nagbabagang smash na hindi nadepensahan ng dalawang manlalaro ng Alimodian. Humantong ang iskor sa 10-4 sa pangunguna ng Pavia. Nagpakawala si Herezo ng

isang napakalakas na smash na hindi kinayang habulin ng dalawang manlalaro ng Alimodian upang selyuhan ang unang set. Iskor: 11-4 pabor sa Pavia. Naging kapanabik-nabik ang laban ng dalawang koponan nang tumabla ang iskor sa 6-6 kaya’t uminit ang kanilang sagupaan at patuloy ang dalawang koponan sa pagbuhos ng mga smash ngunit sa huli nanaig pa rin ang puwersa ng Pavia. Iskor: 11-6. Sinubukang bumawi ng mga manlalaro ng Alimodian upang makatayo mula sa pagkakadapa sa una at ikalawang set ngunit hindi sila pinapayagan ng mga manlalaro ng Pavia. Pinangunahan ni Herezo ang ikatlong set at

CHRISTIAN JAUD

agad na bumuhos ng mga mababagsik na smash upang maikandado ang kabuuang iskor sa 3-0. Patuloy rin ang pagpakawala ni Diaz ng mga smash ngunit mabilis itong nadedepensahan ni Monot. Sa hui panalo pa rin ang koponan ng Pavia sa iskor na 11-7. “To become ready for the integrated meet, we must practice hard because iyon lang naman ang makakapa-improve sa amin and we must have enough confidence to beat them, with a trust to ourselves and also to the Lord,” saad ni Monot, manlalaro ng Pavia. “We can do better and we’ll do our very best because it’s an opportunity given so we’ll grab it”, dagdag pa niya.


isports ANG BIYAYA

DAAN TUNGO SA KAMPYEONATO PAVIA VS LEON

21

6

PAVIA VS NEW LUCENA

19

12

PAVIA VS STA. BARBARA

20

5

PAVIA VS ALIMODIAN

20

17

FINALS

PAVIA VS NEW LUCENA

20

17

SUNOD-SUNOD NA PANALO. Kampante ang koponan ng Pavia National High School sa 3x3 Basketball Boys na ma-aangkin muli ang kampyeonato dahil sa ipinamalas na puwersa at teamwork. Walang kahirap-hirap na nalusutan nina Ken Lawrence Raño at John Paul Escaniel ang depensa ng Leon sa kanilang elimination round at naipanalo ang laro sa iskor na 21-6 na bahagi ng Second Congressional District Sports Association (CDSA II) Meet na ginanap sa bayan ng Pavia, Oktubre 19. | KHELLY MAE HERBUELA

HARI PA RIN NG 3X3 Pavia muling naibuslo ang ginto MARIDEL GUAREZ

S

imbilis ng kidlat ang naging galawan ng mga pambato ng Pavia upang dominahin ang kampeonatong laro ng 3x3 Men's Basketball laban sa New Lucena sa ginanap na Second Congressional District Sports Association Meet (CDSA II) sa Pavia Municipal Gym. Iskor: 21-12, Oktubre 19. Nagpamalas kaagad ng mga perimeter shot ang Pavia sa pagsisimula ng unang laro kasabay ng mga matitinding three- point shot ni John Paul Escaniel sa tulong ng mga assist nina Ken Lawrence Raño at Christian Mark Lapating dahilan ng kanilang pagkaabanse ng 10 puntos. Halos hindi maiukit sa mukha ng

mga tagasuporta ng Pavia ang saya at gigil lalung- lalo na ang kanilang mga nakabibinging hiyawan sa nalalabing walong minutong laro. Sinubukan ng New Lucena na sirain ang teamwork at chemistry ng Pavia pagsapit 8:10 nang magfastbreak si Kenneth Magbanua at nakapagtala ng 2 puntos. Ngunit hindi nagpatuloy ang kanilang tagumpay dahil mas naisahan at napanatili ng Pavia ang kanilang depensa at solidong pagbuslo. "Talagang teamwork ang aming naging sandata upang hindi sila makalamang," tugon ni Escaniel. Pinaigting pa ng Pavia ang positibong pag-iisip at kagustuhang manalo kung kaya nakahanap si

2nd CDSA MEET Secondary Level Medal Tally October 17 - 20, 2018

Rank 1 – PAVIA Gold - 39 Silver - 56 Bronze – 47

John Mark Solmantil ng magandang tiyempo para magpamalas ng magagandang drive at nakabibilib na two- point shot ni Escaniel sa huling minuto ng laro na nagbigay ng paniguradong panalo sa Pavia sa ikatlong laro. Pinal na iskor: 21-12. “Lumamang din kami sa rebounding at perimeter shot na kampante naming naibuslo dahil na rin homecourt advantage. Sa katunayan, naipanalo namin ang laro sa loob lamang ng 9 minuto,” gigil na gigil na pagsisiwalat ni Solmantil. Mas naging bihasa na rin ang koponan ng Pavia pagdating sa kanilang galaw, liksi at istamina na kailangang ipakita sa loob lamang ng Rank 2 - SANTA BARBARA Gold - 39 Silver - 30 Bronze – 30

10 minuto na nilalaro sa kalahating basketball court. Ayon kay Gng. Susana Panes, coach ng Pavia, inaasahan ng lahat na muling masungkit ng koponan ang ginto dahil sa kanilang disiplina sa laro. “Nakatataba ng puso dahil hindi nila nakalimutan ang mga naituro sa kanila,” wika pa ni Gng. Panes. Sa kasalukuyan, nagsasanay ang koponan para sa darating na Integrated Meet. Maaalalang nakuha rin ng Pavia ang kampyeonato sa nasabing lebel at naharap ang Negros sa panrehiyonal na lebel kung saan nakuha naman nila ang pangalawang puwesto.

Rank 3 – LEGANES Gold - 31 Silver - 24 Bronze – 23


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.