Salamín: Mga Personal na Prosa [Digital Preview]

Page 1



SALAMÍN: MGA PERSONAL NA PROSA



Salamín Salamín MGA PERSONAL NA PROSA

KRISTELLE D. CASTILLO AWTOR


Salamín Karapatang-ari 2020 ng Rebo Press at ni Kristelle D. Castillo Unang Edisyon, Enero 2020 Unang Limbag, Pebrero 2020

Reserbado ang lahat ng karapatan. Lahat ng bahagi ng kalipunang ito ay pawang orihinal at hindi maaaring kopyahin o ilathala sa anomang paraan nang walang pahintulot ng Rebo Press at ng awtor. Nananatili ang karapatang-sipì nito sa pamunuan ng Rebo Press at sa awtor. Ang anomang puna, opinyon, suhestiyon, at pahatíd ay maaaring ipadala sa e-mail ng awtor na nasa ilalim nito: kcastillo.rebopress@gmail.com Para sa mga order at iba pang katanungan, maaaring magpadala ng mensahe sa opisyal na Messenger ng Rebo Press na nasa ilalim nito: m.me/ReboPressPH Disenyo ng pabalat at libro mula kay Kristelle D. Castillo Pagwawasto ng mga piyesa mula kay Marius D. Carlos, Jr. Kabilang sa Esperma, koleksiyon ng mga sulatin mula sa kabataan Inilimbag at ékslusíbong inilalabás ng REBO PRESS #722 McArthur Highway, Barangay San Francisco Mabalacat City 2010, Pampanga, Philippines Contact Number: (+63)939-828-9134 Sales and Marketing: rebopress@gmail.com Website: https://rebopress.com


"Pinatawid ako ni Kristelle D. Castillo sa ulap habang sa lupa nakaapak; naputikan ako ngunit agad binanlawan ng ulan. Hindi rito basta pinindot ang katotohanan, tinadtad ito't nagsupling ng maraming katanungan." FRANK G. RIVERA MAKATA, NOBELISTA, MANDUDULA

"Matapat na paglalahad at pagbubukas ng sarili ang koleksiyon ng mga personal na prosa na matatagpuan sa SalamĂ­n. Hanga ako sa kaniyang pamamaraan ng pagsusulat sapagkat kuhang-kuha niya ang atensyon ng mambabasa. Habang ako ay nagbabasa, kaharap ko ang salamĂ­n; nakikita ko siya at ang aking sarili habang nakikipagsapalaran sa mga engkanto, tumatawid sa gubat, sa lungsod, at nakikipagbuno upang makitang ganap ang sarili." EUNICE BARBARA C. NOVIO MAMAHAYAG AT MANUNULAT; AWTOR NG O, MATTER; PLARIDEL AWARD RECIPIENT NG AMERICAN PRESS CLUB



"Heto ang Salamín: kapana-panabik, kagila-gilalas, pagkain para sa utak mong pagod sa kalbaryo ng kamanhiran." NORMAN “IWA” WILWAYCO AWTOR NG MONDOMANILA, RESPONDE, GERILYA, REKTA, AT MIGRANTIK

"Mayroon tayong personal na pagkiling sa kung paano tayo titingin sa salamin; maaring ang pinakakinaaayawan nating makita o ‘yong kung ano lang ang gusto nating makita. Dito sa koleksiyon ng mga sanaysay ay nagpapakita ng pagharap sa kabuuang repleksiyon ng mga danâs at silip sa bawat pagtatapos ng pagtatanghal. Kumbaga, #NoFilter. Sa mga karanasang naibahagi ay masasabing may pagkakahawig kapag tiningnan sa salamin ang danâs ng isa sa danâs ng iba pa. Matapang at may-ingat ang pagbabahagi. Mula sa Facebook posts hanggang sa kinisin at mabuo itong koleksiyon, epektibong tinatawid nito ang magkabilang dulo ng instant na pagbabahagi online at tradisyunal na paglathala." JESH ALBERTO AWTOR NG BUKAS NA SI CAJON; CONTENT CREATOR NG /ZNZ/ (ZEENNOTZIGN)



Para sa lahat ng patuloy na ginagagap ang repleksiyon nila sa salamín; sa paghahanap ng posibleng mga sagot sa mga tanong. Nawa’y matagpuan ninyo ang inyong mga talâ sa minimithi ninyong kalayaan na matanaw ang langit—na may pagliyag, pag-asa, at pagmamahal. Saanman tayo dalhin ng ating mga siphayo.



“Palagi’t palagi, ang mananaysay ay nagtatalâ. Ito ma’y tungkol sa salbaheng mundo, o sa pagsasalba sa sarili; itatalâ ng isang mananaysay ang kaniyang pakikipag-ulayaw sa mala-karnabal na mundo. Nakikipagniig siya sa kaniyang multô ng nakaraan, at mga nakaraang bumabagabag hanggang sa ang lahat ng dânas ng katawang lupa niya’y manuot hanggang butô.” MULA SA “BAKAS NG PAGSASALBA(HE): MGA TALÂ NG PAKIKIPAG-ULAYAW SA BUHAY-KARNABAL”



Introduksiyón SA HINDI KO MAIPALIWANAG NA DAHILAN, NAKABUO AKO NG komprehensibong koleksiyon ng mga personal na prosa; kahit wala sa aking apuhap at intensiyon na mangolekta’t gumawa ng isang aklat mula rito. Ang koleksiyon na ito ay mula sa pangangailangan na magtalâ, na siyang naging saksi ng lahat ng aking pagkataong binigyan ng pagkakataong maisiwalat ang naratibo ng aking panahon. Labing-apat na buwan din akong nakipagtuos sa aking sarili—sa pinakamalalang pagkakataon ng buhay ko. Tinangka kong lagumin ang lahat nang iyon sa tulong ng pagsusulat. Pagsusulat din ang siyang nagsalba sa aking pamamanglaw magmula nang napagdesisyunan kong talikuran ang lahat; ang naging kabanata ng aking buhay na nasasadlak sa gulo’t kawalan ng direksyon. Hindi ko sinasabing nahanap ko na ang tamang direksyon—na sa wakas—matapos ng mahaba-haba ring paglalakbay, maaari na akong huminto sa paggalugad. Hindi ko rin ginawa ang koleksiyon na ito upang ipamukha sa dating buhay na mayroon ako na tama ang ngayon at mali ang noon. Lalo na’t kayhirap na ang tinutuos palagi ay ang nakaraan. Mahirap makipagbuno sa mga anino ng sarili—kahit anong hablot at anong kapit ay hindi ito makukuyom at magagapi.


Wala akong maibabahagi na konkrétong direksyon o panuto sa buhay. Hindi lingid sa akin na patuloy akong nawawala—sa paghahanap ng posibleng mga sagot sa mga tanong. Sa ngayon, ang mayroon ako ay mga talâ: ilang repleksiyon na aking nagagap mula sa walang-maliw na paggalugad sa sarili, mula sa paulit-ulit na pagtatangka. Sana, magsilbi ang mga repleksiyon ang mga personal na prosang lumabas sa Salamín bilang marka ng patuloy na paggagap ng aking mga agam-agam; mga talâ ng isang mananaysay sa gitna ng kaniyang pagsasanay. Nawa’y sa aking mumunting handog na panulat ay matagpuan ng mambabasa—ikaw, ang espasyong kinakailangan sa pagunawa sa iyong pagka[sarili]. Inihahandog ko ang aking mga salita’t personal na prosa mula sa Salamín para sa pagtuloy nating paggagap ng minimithing kalayaan na matanaw ang langit—na may pagliyag, pag-asa, at pagmamahal. Saanman tayo dalhin ng ating mga siphayo.

Kristelle D. Castillo Mabalacat, Pampanga Ika-2 ng Pebrero, 2020


SalamĂ­n sa Siglong Masalimuot KUNG

TUTUUSIN

KASI,

DAPAT

NAMAN

TALAGA

MAY

pagkakapantay-pantay sa mundong ibabaw. Ngunit hindi ito ang realidad sa kasalukuyan, kaya naman patuloy ang ating pagpapagal. Kaya mula pa pagkabata, naging matalim na ang sipat at panulat ni Kristelle D. Castillo. Natatangi ang kaniyang moda ng eksplikasyon sa kaniyang personal na prosa. Laging malapit sa puso ang mga imahe at siklo ng buhay na ipinahahayag, ngunit parating may kaakibat na pagpapastol patungo sa kaisipang kritikal at mapagpalaya. Higit pa sa feminismong kinikilala ng akademya, ang panulat ni Kristelle ay bihira rin sapagkat isinusulong nito ang iba’t ibang boses ng minorya, na walang bahid ng takot o kompromiso. Bihira sa mga manunulat ang tapang upang magsalita nang walang kompromiso sa kapangyarihan; lalo na ngayon na ang mga katulad ni Duterte ay nakamanman sa lahat ng klase ng espasyo, mula online hanggang sa mga madugong kabukiran, kung saan inilulunsad ang rebolusyong agraryo. Hindi tulad ng mga kontemporaryong mga manunulat na kaniyang ka-edaran, hindi kumukuha si Kristelle ng inspirasyon sa mga karaniwang temang madaling yakapin ng mga mambabasa. Sa halip, iniikot niya ang perimetro ng


kamalayan ng mambabasa; at papasok ang kaniyang prosa sa anggulong hindi mo inaasahan, sapagkat mayroon siyang nais iparating na hindi na natin makita mula sa ating kinalalagyan. Ang panulat niya ay kumakatawan sa esensiya ng tunay na rebelyon mula sa mga karaniwang pamantayan ng katanggaptanggap at tama sa lipunan. Ang mga pamantayang ito ay hindi kailanman naging sapat upang magbigay ng hustisya, at dahil dito, hindi niya kailangang makipag-kompromiso. Bubuwagin niya ang kailangang buwagin, at bubuuin niya ang mga kaisipang sa tingin niya’y dapat pang makabalik. Ang Salamín ang pinakaunang koleksiyon ni Kristelle na sumasakop sa mahabang panahon ng paglilimi at pag-aaral sa sarili. Ang pagbabasa sa Salamín ay para na ring pagsakay sa mga kamay ng Amang Oras, upang makabalik sa mga lugar at pagkakataong nagiging pundasyon ng pagkatao ng isang babae sa bansang tulad ng Pilipinas. Mula sa masukal na gubat ng Camarines Sur, hanggang sa munting bayan ng Nagcarlan sa Laguna, bago muling bumali patungo naman sa lupain ni Pinatubo—sa

Mabalacat,

Pampanga—dadalhin

kayo

ng

Salamín sa mga mundong umiinog sa likod ng mundong kinikilala ng kapangyarihan. Gayundin naman, ang Salamín ay magbibigay-linaw sa mga katotohanang nauunawaan lamang matapos ang ilang linggo, buwan, o taon—sapagkat kailangan munang maghilom ng sarili bago lumapag ang kakayahang umunawa. Ang paglalakbay ni Kristelle ay maaaring paglalakbay mo rin, ngunit hindi mo lang namalayan. Higit sa lahat, at siguro ito ang pinakamahalagang aspeto ng koleksiyong ito: na posibleng umahon mula sa dilim


ng depresyon, takot, at pag-aalinlangan; upang maging bagong nilalang na mas malakas, mas matapang, at mas malinaw ang mga nais sabihin at ipaglaban—sa antas ng sarili at lipunan. Na maaaring

maging

malakas

sa

harap

ng

kawalan

ng

kasiguruhan; at maging makisig sa pagbibigay ng sariling personal na kapangyarihan sa mga paniniwalang tunay namang tumataginting sa likod ng karimlan at kawalan ng pag-asa na siya nang naging agahan, tanghalian, at hapunan dito sa ating bayan. Hayaan mo ang iyong sarili na pumasok sa Salamín: upang matandaan mo na lagi’t lagi; may espasyo para matuto, lumaban, bumangon, mabuhay, at umibig sa tuwi-tuwina.

Marius D. Carlos, Jr. Mabalacat, Pampanga Ika-4 ng Pebrero, 2020



Kamálasan × Kababalaghan × Kamatayan BAHAGI NG AKING PAGKABATÀ ANG IBA'T IBANG SALAYSAY patungkol sa kamálasan, kababalaghan, at kamatayan. Ang mga matatanda sa aking paligid ay naniniwala sa tatlong bágay: (1) magkatuwang ang mga ito sa isa’t isa; (2) kapag minalas ka, agad na susundan ng kababalaghan ang iyong araw; (3) at kung mas mamálasin, maaaring humantong ito sa kamatayan—literal man o hindi. Kaya, hindi na ako nagtataka kung bakit kaliwa’t kanan ang sinusunod na pamahiin at orasyon ng aking mga kamag-anak—sa ngalan ng pag-iwas sa tatlong pinakamasamang “K” na maaaring mangyari sa tanang buhay. Maikukumpara ko ang kanilang paniniwala sa isang sagradong ritwal; na kung nais magkaroon ng mas maayos na pamumuhay, ito ay dapat sundin. Ang pinagkaiba nga lamang, ang ritwal na ito ay patuloy na ipinapasa mula sa ina ni lola, patungo kina lola, na nadala nila mama, at ngayo’y ipinapasa na sa akin. Nariyan ang makinig sila sa kaliwa’t kanan na payo ng mga nagpu-feng shui, ipatingin kung mayroon bang masasamang elemento o mga lamang-lupa ang tinarakan ng kanilang bahay, at sumunod sa mga paniniwala at tradisyon na ipinamana pa sa kanila. Kumbaga, bahala na, at hindi alintana sa kanila ang abala at gastos na kailangan nilang bunuin—sa ngalan ng pagpapatuloy ng tradisyon na pangontra sa mga kamálasan, kababalaghan, at kamatayan. Tutal, ang KRISTELLE D. CASTILLO


22 | S A LA MÍ N: M GA PE RS ON A L NA PR OS A

sabi

nga

nila

sa

akin:

hindi

naman

kawalan

kung

ipagpapatuloy ang mga kinagisnang pamahiin. Unang “ K”: Kamálasan “Sigurado kayo na dito kayo titira? Sinasabi ko na sa inyo, itong bahay na ito ay nuknukan ng málas! Walang tumatagal d’yan, mga boarders ko dati, hindi nga nakatatagal sa apartment na ‘to. Balak ko nga d’yan, patitirhan na lang sa mga aso o ipapagiba. Wala nang pag-asa ang bahay na ‘yan. Kahit nga ang hayop at atribida mong Ate, lumayas sa kasumpa-sumpang bahay na ‘yan!” Mula sa salaysay ni Lola kay Mama Nagcarlan, Laguna (2012)

Noong hayskul pa ako, panandalian kaming nanirahan sa isa sa mga pinapaupahang apartment mula sa family-residential compound ng aking Lola. Hindi umaabot ng limang buwan ang mga

nangungupahan

sa

aking Lola,

aniya.

Ang

pangunahing dahilan: may dalang málas ang apartment. Kung hindi nagkakandamálas-málas sa relasyon, aabutin naman ng sakuna at sakit. Noong nagdadalantao ang isa sa mga dating dalaga na nakatira sa apartment, minalas. Muntikan nang malaglagan ang dalagang buntis nang aksidenteng madulas sa mismong sahig ng apartment. Hindi rin gusto ni Lola na nasira ng mismong dalaga ang pagbunga ng bayabas, daranghita, at saging. Bukod sa naging mapakla ang mga bunga, naging matigas at bubot ang mga ‘to. Ibang kuwento ng kamálasan naman ang inabot ng mag-asawang nanirahan doon. Ang dating matamis na pagsasamahan ng childhood sweethearts, naging isang mapaklang kuwento ng hiwalayan. Lingid sa kaalaman ng mister na OFW, ang kaniyang kumpare pala ay nililingkisan na ang kaniyang misis—sa loob ng mismong KRISTELLE D. CASTILLO


Is an g A r aw s a Il a li m n g Tu l ay : B uh ay sa R iv er s id e | 23

apartment ni Lola. Hindi na kataka-taka kung bakit ganoon na lamang din ang pagpapaalala ng aking tiyahin na dating nanirahan doon. Pinayuhan niya si Mama, na kung makahahanap naman kaagad ng ibang malilipatan ay huwag nang magtagal sa compound. Kahit kasi ang aking Tita, hindi nakaiwas sa kamálasang hatid ng apartment. Doon din kasi sa mismong bahay na iyon nagkandaletse-letse ang buhay nilang magpapamilya. Ang pinsan kong babae, natigil sa pag-aaral, muntikan pang mabuntis. Ang pinsan ko namang lalaki, aksidenteng nasunog ang braso nang minsang naglilinis ng apartment. Dala ng matinding pangangailangan, isinantabi namin ang lahat ng karanasan ng mga dating nanirahan sa apartment—at pumasok pa rin kami roon. Sabi nga ni Mama, “Kaysa naman matulog kami ng mga anak ko sa kalsada. Málas na ang buhay namin. Kung may imamálas pa nga ‘tong pamumuhay na ‘to, sobrang sanay na kami.” Totoo. Wala na sigurong mas imamálas pa sa amin na kinailangan pang lumikas mula Tigaon patungong Nagcarlan matapos hagisan ng granada’t paputukan ng armalite ang tinitirhan naming bahay-kúbo. Nang tumuloy kami sa Nagcarlan, ang ang tangìng dala lang namin: ilang piraso ng damit na nakasakbit sa backpack, at mga mamahaling alahas na agad din namang isininangla’t ibinenta ni Mama para matustusan ang aming pangangailangan. Matapos naming ilagay ang mga bagahe’t iba pang gamit namin sa loob, sandali kong pinagmasdan ang báhay na bató. Naalala ko pa ang histura ng itinuring na “málas na apartment” ni Lola. Mas mataas ang sahig ng apartment ng limang pulgada mula sa lupa. Mababa lamang ang kisame ng bahay, nasa pito’t kalahating talampakan. Ang loob at labas ng bahay ay hindi na pinapinturahan, ni pinalagyan ng palitáda. Kumintab na lang ang sementadong sahig dahil sa mga dating nanirahan na pandalas maglagay ng floor wax at magbunot. KRISTELLE D. CASTILLO


24 | S A LA MÍ N: M GA PE RS ON A L NA PR OS A

Hindi rin tinapos ang tokador at lalagyan sa kusina. Ang ilaw at kurtina, ikinabit na lamang noong dumating kami. Naroon na ang pinasadyang kama, pati ang lamesa’t mga upuang naninilaw na ang plastik. Ilang buwan din kaming nakihiram ng kutsara, tinidor, at plato kina Lola’t Lolo bago nakapamili si Mama ng aming kainan. Ang malamig at magaspang na sahig ay nagsilbing lugar-aralan sa umaga, at higaan sa gabí. Pinagtiyagaan namin ang lumang telebisyon na mula sa dating tenant

ng

apartment;

kung

saan

para

magka-signal,

kinakailangang ikot-ikutin ang dalawang tinidor na siyang humalili sa dating antenna nito. “Mare, hindi na okay ang aura ng apartment na ‘to. Totoo nga ang sabi ni Nanay d’yan, may malas nga. Buti na lang, may maiaalok akong tulong. May kamag-anak ako na kilala sa pag-aayos ng feng shui. ‘Yong sinusundan ng mga Chinese para umayos buhay nila? Magaling siya, garantisado—kaya niya ‘tong ayusin!” Mula sa salaysay ng kumare ni Lola Nagcarlan, Laguna (2012)

Mali ang daloy ng feng shui sa báhay na bató, kaya sukdulan ang kamálasang inaabot. Ito ang pinaniwalaang dahilan ni Mama, na ginatungan pa ng kaniyang mapamahiing kumare. Ayon sa kaniya, maraming beses siyang nakaramdam ng kakaibang presensiya sa aming bahay—mabigat at maitim ang awrang ibinubuga nito. Naninikip ang dibdib at nahihirapan ding huminga ang kumare ni Mama sa tuwing naroon siya sa amin. Laking gulat ko na lamang dahil sa mga sumunod na pagbisita ng kumare ni Mama, agad niyang ikinuwento ang kamag-anak niya na isa raw feng shui expert. Nang mabilib si Mama sa testimoniya ng kaniyang kumare ay agad niya itong pinapunta, lalo na’t nakapag-ipon siya ng pambayad para sa KRISTELLE D. CASTILLO


Is an g A r aw s a Il a li m n g Tu l ay : B uh ay sa R iv er s id e | 25

serbisyo nito. Tiningnan ko ang hilatsa ng mukha ng diumano’y feng shui expert nang tumuloy siya sa amin. Kung hindi ito pagsasalitain, mukha siyang payat na Tsino. Sa oras na magsimula na itong maglitanya, sobrang tatás naman nito kung managalog. Walang patumpik-tumpik, agad niyang sinipat ang báhay na bató. At sa kaniyang pagpikit, mabilis siyang umuusal—parang ingkantasyon sa wikang Mandarin. Itinaas niya ang kaniyang kaliwang kamay, at pabilog niya itong iwinasiwas sa hangin. Saglit lamang ay kagyat niyang minulat ang magkabilang matá, luminga-linga sa maliit na apartment. Makalipas ng ilang minuto, nagsalita na ang feng shui expert. Pinatotohanan lamang niya ang haka-haka nina Mama at ng kaniyang kumare: na hindi maganda ang kolektibo ng enerhiya sa aming tinitirhang apartment. Dagdag pa niya, hindi mainam ang kombinasyong nabubuo sa pundasyon ng bahay. Aniya, hindi maayos ang daloy ng enerhiya dahil sa apat na silid, apat na kanto, apat na aparador, at apat na bintana. Sunod-sunod ang ‘sì’. Málas dahil katunog ito ng ‘sĭ’. Dinagdagan pa ng feng shui expert ang namumuong takot ni Mama. Maraming sakuna ang mangyayari. Marami ring buhay ang mawawala sa loob ng buong apartment ni Lola. Dala ng takot, sunod-sunod na tinanong ni Mama kung ano ang mga kailangang gawin upang makontra ang mga paparating na málas. Agad na tumugon ang lalaki: lagyan ng bagong bagua ang pinto, lagyan ng tigli-limang insénso ang bawat kanto, lagyan ng lucky fountain ang aming salas upang muling dumaloy ang ‘tubig ng suwerte’ sa buong apartment, at lagyan ng Chinese coins ang nasabing fountain para mas maging epektibo ito. Hindi pinayagan ng nagpu-feng shui ang pagbili sa ibang tao—dahil mawawala ang talab nito. Hindi rin puwede na kumuha na lamang ng mga sentimo at pisong barya mula sa pitaka—lalo na’t kinuha na rin daw nito ang kamalasan KRISTELLE D. CASTILLO


26 | S A LA MÍ N: M GA PE RS ON A L NA PR OS A

ng buong bahay. Sa unang pagkakataon, nadaig ng isang nagpakilalang expert ang angking kakuriputan ni Mama: walang

kaabog-abog,

binili

niya

ng

mga

itinitindang

pampasuwerte mula sa kamag-anak ng kaniyang kumare. Nang makaalis na ang dalawa niyang bisita, agad isinalansan ni Mama ang bagwa, insénso, lucky fountain, at Chinese coins sa buong paligid ng bahay. Sinunod ni Mama ang lahat ng mga tagubilin sa kaniya ng feng shui expert; kung saan dapat ilagay ang bagwa, kung ilang piraso ng insenso ang kailangang apuyan, kung saan dapat nakatutok ang diumano’y mata ng lucky fountain, at kung ilang piraso ng fortune coins ang dapat nasa loob nito. Mayamaya pa’y kumalat na sa buong apartment ang amoy-katol na usok mula sa nagníngas na mga insénso. Nagsimula na rin ang pag-agos ng tubig mula sa lucky fountain, na tinernuhan pa ng neon lights at tunog ng lagaslas ng tubig. Maging ang mga fortune coins ay nakabuhos na rin sa loob ng fountain. Habang pinagmamasdan ang mga pampasuwerteng nakakabit sa aming bahay, may isang bagay na bumabagabag sa akin: paano makaiiwas sa kamálasang hatid ng pagkakaroon ng apat na sulok ng bahay? Dahil sa tanang buhay ko, wala pa akong nakikita ni isang bahay na hindi hugis-parisukat o hugis-parihaba. Iyon lamang ang naiisip kong paraan upang magkaroon ng bahay na mayroong higit pa sa apat na pundasyon. At sa pagkaupos ng insénso sa apat naming kanto—hindi ko maiwasang isipin ang hilatsa ng mukha ng feng shui expert. Kung sa darating na panaho’y muli siyang bumisita sa amin, gusto ko siyang tanungin; bilang isang batàng mausisa: kaya ba siya hindi minamálas sa pagbebenta ng mga pampasuwerte sa iba ay dahil sa kakaibang bahay niya na mayroong lima o higit pang kanto, kuwarto, at bintana? KRISTELLE D. CASTILLO


Is an g A r aw s a Il a li m n g Tu l ay : B uh ay sa R iv er s id e | 27 “Hayaan na ninyo akong pumaraan dito. Sayang naman, baka totoo nga ang talab ng feng shui. Walang mawawala sa pagsunod sa paniniwala ng iba. Malay natin, nandoon pala ang suwerteng kailangan natin.” Mula sa salaysay ni Mama Nagcarlan, Laguna (2012)

May mga agam-agam pa rin ako sa konsepto ng suwerte’t málas. Hanggang ngayon, hindi ko masabi na tuluyan akong naniniwala na epektibo nga ang mga pampasuwerte. Para sa akin, isa lamang itong ‘unnecessary artifact’ na siyang naging bahagi na ng kultural na simbolismo sa buhay ng ilang Pilipino. Kung susuriin, ito’y mala-konkrétong tugon na binuo ng mga tao upang may mapagtuunan sa mga kamálasang kinasasadlakan nila. Ang kapalaran ng tao ay nakabatày sa kasalukuyang estado ng tao, pati na rin sa kung ano ang ginagawa niya (at ginagawa ng iba sa kaniya) upang mapabuti (o mapasama) ang takbo ng kalagayan ng búhay. At, kung hindi gagawâ ang isang tao ng mga paraan upang matugunan ang kinakailangan—hindi posibleng ikabit na lámang iyon sa kamálasan. Tatlong buwan ang matuling lumipas. Matapos sundin ni Mama ang lahat ng tagubilin sa kaniya ng feng shui expert, umayos ang kondisyon ng aming pamumuhay. Untiunting nagkalaman ang aming tinitirhan. Ang dating báhay na bató na halos walang kagamitan, nagkaroon ng bagong tokador at salas. Nakabili na rin si Mama ng mga bagong damit, sapatos, at iba pang materyal. Natakpan na rin ang hindi palitadong bahay ng mga makakapal na kurtina. Hindi na rin madalas magpantal ang aming braso’t hita sa kagat ng lamok dahil marami nang suplay ng katol. Noong mga panahon ring ‘yon, muling naipundar ni Papa ang nasirang bahay-kúbo sa Camarines Sur—nakapagpadala na ulit siya ng pera. Dahil doon, naituloy na rin ni Mama ang pagtitinda niya KRISTELLE D. CASTILLO


PREVIEW ONLY Upang makita ang buong bersyon, maaaring bilhin ang librong “Salamín: Mga Personal na Prosa” sa aming opisyal na Facebook Page ng Rebo Press. Mag-iwan lamang ng mensahe gamit ang link na nasa ilalim nito: m.me/ReboPressPH Maraming salamat sa pagsuporta sa indie!


Tungkol sa Awtor

Nagtatrabaho bilang freelance writer, layout artist, at website specialist sa Pampanga si Kristelle D. Castillo. Magmula nang lumahok siya ng campus journalism sa loob ng siyam na taon, ipinagpatuloy ni Kristelle ang paglagalag sa mundo ng pagsusulat at paglilimbag sa iba’t ibang lupalop ng Metro Manila, Laguna, at Pampanga. Sa kaniyang maikling buhay bilang kolehiyala, naging editorin-chief ng The Teacher’s Gazette, ang opisyal na newsletter ng Laguna State Polytechic University—College of Teacher Education. Siya rin ay naging senior editor ng The Gears Publication, ang opisyal na college paper ng nasabing unibersidad sa loob ng dalawa at kalahating taon. Isa rin si Kristelle sa naging tagapagtatag ng kauna-unahang literary arts group sa kanilang unibersidad, ang LAGALág: Literary Arts Guild Augmenting Laguna. Nagbunga ito ng produksyon ng dalawang zines ng nasabing grupo: ang Bulatlat: Mga


Kuwentong Press at Di-Press, at ang Bahaghari: Kulay ng Pagibig kung saan tumayo siya bilang pangunahing editor at kontributor. Nang lumaon, iniwan ni Kristelle ang buhay-kolehiyo at nakipagsapalaran sa siyudad ng Mabalacat, na matatagpuan sa Pampanga. Makalipas ng tatlong taon niyang pamamalagi rito, nagbunga ito ng samu’t saring produksyon ng zine, megazine, at iba pang proyektong may kinalaman sa sining at literatura. Ilan sa kaniyang mga akdâ ay nakatanggap ng karangalan sa

Saranggola Blog Awards, kung saan dalawang taon na siyang nagwawagi sa mga kategoryang kuwentong pambatà (2018), sanaysay (2017), at dagli (2018). Ang kaniyang website na

Espermarya ay panaka-nakang naglalabas ng mga akdâ. Gayundin, nagkakaroon siya ng taunang pagbabahagi ng libreng e-book, kung saan ibinabahagi niya ang kaniyang kaalaman sa pamamagitan ng pagtulong sa mga bagong sibol na mga manunulat na lumikha ng kanilang zines, websites, at iba pang anyo ng babasahin. Sa ngayon, tumatayo siya bilang isa sa tagapamahala ng KADLiT: Katipunan ng Alternatibong Dibuho, Liriko, at Titik. Siya rin ang kumakatawang layout artist at editor ng Rebo Press. Ang ilan sa kaniyang mga journalistic essay ay nailalabas sa

Assortedge, maging sa Philippines Graphic. Ang kaniyang unang kritikal na papel ay mailalabas sa librong Critical States: Essays on Artistic and Cultural Productions under the Duterte Regime na pinatnugutan nina Rolando B. Tolentino, Oscar T. Serquiña, Jr., at Jomar F. Quintos.


Mga Sulatin ng Awtor PISIKAL NA KOPYA

ESPERMA: ZINE NG SAMU’T SARING AKDÂNG NABUO MULA SA LATITI NG KANDILA (MGA DAGLI, SANAYSAY, TULA, PROSA, AT LIKHANG-SINING)

Self-published, Marso 2016

PASA[KALYE]: MGA PASIKOT MULA SA UTAK NA MALIKOT (MGA DAGLI, SANAYSAY, AT PROSA)

Kadlit Press, 2017

SALAMÍN: MGA PERSONAL NA PROSA (MGA PERSONAL NA PROSA)

Rebo Press, Enero 2020

BAKIT MALALIM ANG CLEAVAGE KO? AT IBA PANG MABABAW NA TANONG (MGA SANAYSAY)

Rebo Press, Agosto 2020

IKATLONG TAHANAN NI SAMMY DELA CRUZ (ISANG NOBELA)

Rebo Press, Disyembre 2020


DIGITAL NA KOPYA ESPERMA: ZINE NG SAMU’T SARING AKDÂNG NABUO MULA SA LATITI NG KANDILA (MGA DAGLI, SANAYSAY, TULA, PROSA, AT LIKHANG-SINING)

Esperma Press, Abril 2016

PASA[KALYE]: MGA PASIKOT MULA SA UTAK NA MALIKOT (MGA DAGLI, SANAYSAY, AT PROSA)

Kadlit Press, 2017

SALAMÍN: MGA PERSONAL NA PROSA (MGA PERSONAL NA PROSA, BERSYONG DIGITAL)

Rebo Press, Enero 2020


Pasasalamat Nais kong ibahagi ang aking pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa akin sa paglikha ng aking kauna-unahang koleksiyon ng mga personal na prosa. Lalong higit sa mga naghatid ng kanilang pagsuporta’t pagtitiwala sa pagtatag ng bagong espasyo para sa mga manunulat—ang Rebo Press. Gayundin, ipinaabot ko ang aking taos-pusong pasasalamat para sa mga hinahangaan na nga manunulat na naglaan ng kanilang oras at panahon para sa Salamín: Frank Rivera, Eunice Barbara Novio, Norman “Iwa” Wilwayco, Jesh Alberto, at Marius Carlos, Jr. Maraming salamat din sa ilang kapatid sa panulat: Basil, Bryan, Reynand, Aleen, Jan Aldous, Reniel, Zion, at Keneth. Sa grupong The Gears Publication, LAGALàg, at KADLiT, salamat sa maigising panahon at ilang espasyo na ibinigay ninyo sa akin—na naging pundasyon ko sa bilang isang manunulat. At ang aking habambuhay na pasasalamat, ay para sa aking katipan na si Marius—ang siyang higit na dahilan ng aking dalisay at tunay pagmamahal sa mga mahiwagang mundo ng mga salita. Ikaw parati ang imahen ng aking buhay na hindi ko pagsasawaang tanawin.


I-scan at i-follow Upang maging updated sa mga balita’t iba pang event ng aming publikasyon, i-follow lamang ang social media sites ng Rebo Press! Mangyaring i-scan ang mga sumusunod na QR code gamit ang anomang QR scanner application sa inyong mga cellphone at/o tablet.

FACEBOOK PAGE

WEBSITE

INSTAGRAM

TWITTER




Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.