Ang Panulukang Bato Tomo 1, Bilang 1

Page 1

PAPAUSBONG NA KINABUKASAN. Patuloy ng tinatapos ang bagong gusali ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Malinta sa A. Pablo Campus upang may magamit ang mga mag-aaral. Inaasahang matatapos ang nasabing gusali sa susunod na taon.

Tomo 1, Blg. 1

Hunyo-Disyembre, 2016

Mag-aaral sa Junior HS muling magsasama-sama

Bagong gusali ng MNHS matatapos na

nina Bon Joseph Panton, Roxanne Espada at Karen Duey

Puspusan na ang isinasagawang pagpapatayo sa ikatlo at ikaapat na bagong gusali sa A. Pablo Campus ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Malinta na inaasahang matatapos sa pagsisimula ng taong 2017. Ang dalawang gusaling ito na magsisilbing ikalawang tahanan ng mga mag-aaral sa high school ng Baranggay Malinta ay proyekto ng Pambansang Pamahalaan sa pamamagitan ni Rep. Wes Gatchalian na Kinatawan ng Unang Distrito ng Valenzuela at ng Pamahalaang Lungsod

ng Valenzuela sa pangunguna ni Mayor Rex Gatchalian. Layunin ng pagtatayo ng mga bagong silid-aralan na mapag-isang muli ang kampus para sa mga mag-aaral sa high school sa Malinta mula sa ikapito hanggang ikasampung baitang mula sa kasalukuyang magkahiwalay na kampus ng mga Grade 7 at 8 (St. Jude Main Campus) at ang mga mag-aaral sa Grade 9 at 10 (A. Pablo Campus.) Mapadadali nito ang daloy ng pagtuturo at pag-aaral sa paaralan sapagkat magkakasama na ring muli sa iisang kampus

MNHS wagi sa Brigada Eskwela 2016

ang buong kaguruan, nonteaching staff at support personnel ng MNHS gayundin ang pagkakaisa ng mga adhikain at mga programa ng paaralan. Sa pagtatapos ng mga bagong gusali, inaasahan ding maililipat na ang Senior High School sa St. Jude Main Campus upang maging isang ganap na Stand Alone Senior High School. Ayon sa panayam kay Dr. Jameson H. Tan, punongguro, madaragdagan din ng bagong Accountancy and Business Management Strand (ABM) at Science and

Tchonology, Engineering and Mathematics Strand (STEM) ang kasalukuyang General Academic Strand na kurso kinukuha sa Senior HS ng Malinta. “Ang patuloy na maiangat ang pagbibigay ng dekalidad na edukasyon ang pinakalayunin kung bakit patuloy tayong nagkakaroon ng mga pagbabago sa ating paaralan. Magsasama-sama na rin ang mga mag-aaral ng Junior High School sa hinaharap.” pagpapatuloy ni Dr. Tan. Ang ikatlong gusaling

Naging maigting ang preparasyon at pagsasagawa ng Brigada sa taong ito. Una na rito ang paghahanap ng mga magiging sponsor upang makatulong sa pagsasagawa nito. Ikalawa, ang pagpupulong ng mga alumni, mga sponsor, mga estudyante, at mga guro ng Malinta NHS tungkol sa pagsasagawa ng mga programa. Ikatlo, ang pagbuo ng magiging ‘theme song’ ng Brigada na pinamagatang “Halina sa Brigada” na inawit ng mga piling mag-aaral na sina Daniel Hernandez, Phoebeline Deocampo at Renier Cotorno kasama ang direktor ng MTV na si G. Ernesto “Jonn” Enguero Jr., guro sa Agham. Ikaapat, ang pagbuo ng “infomercial” tungkol sa paghihikayat sa mga estudyante at mamamayan ng Malinta na makiisa sa Bigada Eskuwela. sundan sa pahina 2

SHS Convergence muling isinulong

ni Louie Jay Alcancia

ni Daniel Hernandez

Naiuwi ng Mataas na paaralang pambansa ng Malinta ang iba’t ibang parangal kaugnay ng pagsasagawa ng Brigada Eskwela 2016 sa isang Gabi ng Parangal na ginanap noong ika-28 ng Hunyo, 2016 sa Museo Valenzuela. Nakamit ng MNHS ang mga parangal na “Most Organized Work Plan”, “Best in Sponsor”, “Best in Documentation”, “First Place for Exceptional Category” dahil sa maayos at sistematikong programa nitong Brigada Eskwela 2016 na may temang “Tayo para sa paaralang Ligtas, Maayos at Handa mula Kindergarten hanggang Senior High School”. na pinamunuanng noo’y punongguro, G. Cesar C. Villareal sa pangunguna nina Gng. Marites Suzon (AP Department Head) at Bb. Theresa Baniquid (SSG Adviser).

may apat na palapag at 16 na silid-aralan ay nagkakahalaga ng Php 28,101,174.53 ay kasalukuyang tinatapos ng Larsen Dutcher Contractor. Samantala, sinimulan nang itayo ang pundasyon ng ikaapat na gusaling may apat na palapag at 8 silid na nagkakahalaga ng Php 14,747,518.84. Ang halagang gugugulin sa pagpapatayo ng mga ito ay nagmula sa pambansang badyet.

SIMBOLO NG KAHUSAYAN. Humakot ng parangal ang mga piling mag-aaral ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Malinta sa nagdaang DSSPC 2016 sa Dalandanan NAtional High School at Valenzuela City Library Hub noong ika12 hanggang ika-14 ng Oktubre, 2016.

“Ang Panulukang Bato” humakot ng parangal sa DSSPC

ni Raniel Francisco

Nag-uwi ng mga parangal ang pampahayagang pangkampus ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Malinta na “Ang Panulukang Bato” sa nagdaang Division Secondary Schools Press Conference (DSSPC) 2016 na ginanap sa Valenzuela City Library Hub noong ika-12 at ika-14 ng Oktubre, 2016. Dalawampu’t isang paaralan ang naglabanlaban upang makamit ang kampeonato. Kabilang ang pagsulat ng editoryal, pagsulat ng lathalain,

pagsulat ng balitang isports, pagsulat ng balitang pangagham, pagkuha ng litrato, pagwawasto at pag-uulo ng balita, pagguhitng editorial kartun para sa indibidwal na kategorya; collaborative publishing at radio broadcasting para sa grupong kategorya. Para sa pangindibidwal na kategorya, 10 estudyante ang tatanghaling panalo at muling lalaban sa Regional Schools Press Conference (RSPC). sundan sa pahina 2

Muling nagsagawa ng Senior High School Convergence 2016 ang Dibisyon ng Valenzuela sa Valenzuela City School of Mathematics and Science at Malinta Elementary School mula ika-17 hanggang ika18 ng Nobyembre, 2016. Nilahukan ng mga mag-aaral na nasa ikasampung baitang ang nasabing programa mula sa pampribado at pampublikong paaralan sa Lungsod ng Valenzuela. Layunin ng programang ito na makapili ang mga magaaral ng nais nilang pasukan pagdating nila sa Senior High School. Ilan sa mga SHS na nakibahagi sa programang ito ay ang Malinta Senior High School, Sitero Francisco Memorial National High School (SHS Department), Dalandanan Senior High School, Bignay Senior High School, Valenzuela Polythecnic College, sundan sa pahina 3


2

Balitaan

Hunyo-Disyembre, 2016

Buwan ng mga guro ipinagdiwang

ni Daniel Hernandez

PUSONG MAY FOREVER. Buong pusong nagtatanghal ang Mega Harvest Youth Connection (MHYC) sa ginanap na Tunay na Pag-ibig Concert sa Malinta St. Jude Court noong ika-24 ng Oktubre,2016 katuwang ang Malinta National High School.

Kilig ng Pag-ibig nadama

“Tunay na Pag-ibig” concert ginanap sa Malinta

ni Charles Maverick Herrera at Daniel Hernandez

Ipinadama ang kilig at saya sa mga kabataan lalo na sa mga mag-aaral ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Malinta sa naganap na konsyertong “Tunay na Pag-ibig” noong ika-21 ng Oktubre, 2016 sa St. Jude Court, Malinta Valenzuela City na pinangunahan ng Mega Harvest Youth Connection kaugnay ang Malinta NHS Supreme Student Government. Layunin ng konsyertong ito na maipakita at maiparamdam sa kanila ang tunay na pag-ibig ng Panginoon. Palakpakan na may kasamang sigawan ang ibinungad ng mga manonood sa pagsisimula ng konsyerto. Masasayang tugtugan at kantahan ang inihanda ng Mega Harvest Youth Music para sa manonood na kanilang pinambungad sa konsyerto at ng masiguradong mabubuhayan ang kanilang manonood sa kanilang konsyerto. “Ano nga ba ang Tunay na Pag-ibig?” malimit na sabi ng

Host ng konsyerto na si Anne Claire Mago. Matapos nito, muling pinasaya at pinakilig ng MHYC ang mga manonood sa kanilang hinandang dula-dulaan ng pagkasawi sa pag-ibig hanggang sa matagpuan nito ang kaniyang tunay na pag-ibig. “Maganda yung concert dahil sa bukod na nag-eenjoy ka, napapalapit ka pa sa Panginoon. Napakasaya dahil marami ang sumama sa concert na iyon. Bukod sa awiting nakabibighani, mayroon silang papremyong android cellphone.” ani Romeo Buenaventura Jr., mag-aaral ng 10-St. Paul. Labis na kasiyahan at pagkakilig ang iniuwi ng mga kabataan at mag-aaral ng Malinta NHS. Gabi na ng matapos ang nasabing konsyerto ngunit hindi maipinta sa kanilang mukha ang kasiyahan at galak dulot ng konsyerto. Winakasan ang programa ng isang dasal sa Panginoong Maykapal.

Ipinaramdam sa mga guro ang pagmamahal at pagpapahalaga sa kanilang mga sakripisyo sa pang arawaraw na pagtuturo sa inilunsad na pagdiriwang ng “Buwan ng mga Guro” na taunang proyekto ng Supreme Student Government mula ika-5 ng Setyembre hanggang ika-5 ng Oktubre, 2016 sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Malinta. Pinamunuan ito ng kanilang mga tagapayo na sina Bb. Theresa C. Baniquid at Gng. Rosemarie D. Carreon kasama ang kanilang pangulo na si Jasmine J. Lopez. Sinimulan ang proyektong ng “Boys and Girls Week” na kung saan pipili ang mga guro ng mga mag-aaral na pansamantalang papalit sa kanilang pagtuturo mula ika-27 ng Setyembre hanggang ika-apat ng ng Oktubre, 2016. Sinundan ito nang pagsagawa ng zumba session na

pinamunuan ng dance instructor na si Christian Jay Tarrosa at mga palaro para sa mga guro na tinawag na “Minute-To-Win-It” noong ika-27 ng Oktubre, 2016. Nagkaroon din ng pagboto ng mga mag-aaral ng Malinta NHS para sa kanilang iniidolong guro na tinawag naming “Teacher Ko, Love Ko.” Sa huli, nagkaroon ng “Basketball Boys and Girls” para sa paglalaro naman nila ng kanilang paboritong isports. “Ang saya maging isang student teacher hindi dahil ikaw ang masusunod kundi mararanasan mo magturo ng isang klase at kinaya ko iyon. Dahil sa pagiging student teacher ko, mas ginusto ko pang magsikap at maging isang guro rin.” ani April Joyce Portas ng 9-Hosea. Sa programang ginanap noong ika-5 ng Oktubre, 2016 sa St. Jude Court, Malinta, Valenzuela City, pinarangalan

ang mga nagwagi sa iba’t ibang patimpalak ng SSG. Una na rito ang pagbibigay ng katibayan ng pagkilala sa mga gumanap na student teachers. Ikalawa naman ang pagbibigay ng parangal bilang “Teacher Ko, Idol Ko” sa mga sumusunod: Gng. Malinor Moralde, Grade 7 TKLK; Bb. Monique Molina, Grade 8 TKLK; Gng. Nellie Alferez, Grade 9 TKLK; at G. Ferdie Mark Pelen, Grade 10 TKLK. Ikatlo, ang pagbibigay parangal sa mga nanalo sa “Basketball Boys and Girls na iginawad kina Gng. Myra Tejada, Gng. Titchel Chua at Gng. Ma. Fe Sañosa para sa Basketball Girls at G. Ronielo Vida, G. Ariel Perino, G. Jhudrill Cavestany at G. Arnel Lestino naman para sa Basketball Boys. Natapos ang programang ito sa paggawad ng mga parangal at paraffle ng SSG para sa mga mag-aaral at guro na lumahok sa programa.

APB sumabak sa LIYAB 2016

ni Louie Jay Alcancia

Muling nakilahok ang mga piling mag-aaral sa pamamahayag ng Ang Panulukang Bato ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Malinta sa nagdaang Liyab 2016 na ginanap sa Philippine Normal University (PNU) noong Setyembre 14 at 21. Ang nasabing patimpalak ay pinangunahan ng The Torch Publication at may temang “Alab ng Panulat: Pagpapaningas ng papausbong ng mga mamamahayag pangkampus sa nagbabagong panahon.” Sa unang araw ng nasabing

patimpalak ay naglaban-laban ang mga paaralan sa iba’t ibang kategorya tulad ng pagsulat ng balita, pagsulat ng balitang isports, pag-uulo at pagwawasto ng balita, pagsulat ng editorial at lathalain, pagguhit ng editoryal kartun at pagkuha ng larawan. Kani-kaniyang estilo ang mga mag-aaral upang maipamalas ang kanilang galing sa bawat kategoryang nabanggit. Nasungkit ni Mark James Marañon ng The Cornerstone ang ikawalong pwesto para sa Editorial Cartooning Category. Hindi man naging matagumpay

ang ilan sa mga kalahok ng APB ay naging masaya naman sila sa kanilang paglahok. “Naging masaya ang aking pagsali sa Liyab 2016 lalo na’t maganda sa PNU. Kahit ‘di kami nanalo, nadagdagan naman ang aming karanasan at kaalaman.” pahayag ni Raniel Francisco (Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita) na sumabak rin sa nasabing patimpalak. Nagtapos ang programa na may uwing pagpupursigi at mga bagong kaalaman buhat sa kanilang mga bagong karanasan sa patimpalak.

TAGUMPAY NG PAGKAKAISA. Dahil sa pinamalas na pagtutulungan, nagwagi ang Mataas na Paaralang Pambansa ng Malinta sa Brigada Eskuwela 2016 Division at Regional Level sa naganap na Gabi ng Parangal sa Museo ng Valenzuela noong ika-28 ng Hunyo, 2016.

“Ang Panulukang Bato” (mula sa pahina 1)

Isang eskwelahan ang kikilalaning panalo sa collaborative at radio broadcasting at muli ring lalaban sa RSSPC. Nakamit ni Bon Joseph Panton ang ikasiyam na puwesto para sa pagsulat ng editorial, ika-pitong puesto naman si Ma. Cristina Garbo para sa pagsulat ng lathalain, ang photojournalist naman na si Louie Jay Alcancia ay nagkamit ng ikaanim na puwesto at si Raniel Francisco ay nakamit ang ikaapat na puwesto sa pagwawasto at pag-uulo ng balita. Humakot din ng medalya ang nasabing publikasyon sa Collaborative Publishing na pinamunuan ni Daniel Hernandez kasama sina Kevin Denver Apuyan, Ace Cortez, Karen Duey, Aimee Soriben, Christine Lapiceros at Ella Rivera. Nakuha nila ang ikalimang puwesto sa Best in Feature Page at S=ports Page. Ikaanim na puwesto naman sa Best in News Page at Editorial Page, at ika-sampung

puwesto para sa kabuuang dyaryo na kanilang ginawa. Gayundin ang mga brodkaster ng “Ang Panulukang Bato” na sina Jesharelle Sergio, Mark Erick Capili, John Kenlyl Pornelos, Ysabel Flores, Roxanne Espada, Charles Maverick Herrera at Jhia Aimee Javilles na tumayong tagapamuno. Nasungkit nila ang ika-10 puwesto para sa Best in News Writing at Best Infomercial. “Hindi ako makapaniwala na maraming parangal ang Malinta sa individual at group contest. Para sa akin blessings ito ni Lord dahil sa pagkakaroon namin ng talent sa larangan ng pagsulat,” ani Louie Jay Alcancia. “Ngayong nasa RSSPC na kami, todo ang aming pageensayo sa tulong ng mga guro sa iba’t ibang schools sa Valenzuela kasama ang iba pang mga nanalo.” dagdag pa nito. Ang pahayagang “Ang Panulukang Bato” ay nasa pamamatnubay ni G. Robby Dela Vega.

MNHS Wagi Ikalima, ang paglulunsad ng unang proyekto ng SSG, ang “Palengke Tour Year 2” kung saan nagkaroon ng parade upang hikayatin ang mamamayan ng Malinta sa gaganaping Brigada Eskwela 2016. Sa pormal na pagbubukas ng proyektong ito, nagkaroon muli ng parada upang ilunsad sa publiko ang pagbubukas ng Brigada Eskwela. Kasama ng mga alumni, stakeholders, sponsors, mga estudyante at guro ng MNHS. Nagkaroon rin ng zumba session sa pamumuno ni G. Ariel Perino, dance instructor at guro sa Science ng MNHS noong ikalawa ng Hunyo, 2016. Habang

(mula sa pahina 1)

isinasagawa ang Brigada, bumubuo ng isang bahay kubo ang mga kalalakihan kasama ang dating punong guro ng Malinta NHS na si G. Cesar Villareal. “Tatlong taon ko na sa pagsali sa Brigada pero kakaiba ito ngayong taon dahil nga ang SSG ay isa sa mga malaking katulong upang maisagawa ito at dahil nga president (ng SSG) na, mas mabibigat at maraming tungkulin ang dapat gawin kasama ng mga co-SSG ko. Naenjoy ko yung mga ginawang preparasyon gayun din ang anim na araw na pagtulong sa paglilinis at pagaassist sa volunteers galing sa iba’t ibang organization. Kahit

na ramdam ang pagod, naging worth-it naman ito ng makita ang kinalabasan ng pagtutulungan.” ani Jasmine J. Lopez. Bilang pagtatapos ng Brigada, binuhat ng mga lalaking guro ng Malinta NHS ang bahay kubo papunta sa lugar na dapat pagtayuan nito. Ayon kay G. Villareal, ang pagbuo ng bahay kubo ay sumisimbolo sa bayanihan ng barangay Malinta tungo sa pagsasaayos ng paaralan. Ang bahay kubo ay pinangalanang “Honesty Store” na di kalaunan ay ibinigay sa pangangalaga ng SSG. Naging maayos ang pagsasagawa ng Brigada Eskwela 2016 sa MNHS.


Balitaan

Hunyo-Disyembre, 2016

MNHS Club Officers nanumpa sa tungkulin

3

ni Ariane Nicole Francisco

Nanumpa ang bawat club officers ng Malinta NHS noong ika-19 ng Agosto na ginanap sa Valenzuela City Auditorium. Isinagawa ang naturang gawain upang opisyal na italaga ang mga halal na opisyal ng iba’t ibang samahan. Kabilang sa mga nakiisa ang Science Club, English Club, Filipino Club, ESP Club, AP Club, Math Club, MAPEH Club, TLE Club, Interact Club, Bagwis Kabataan, Step up Club, Eco-saver club, Yes –O Club, Red Cross Youth, Senior Scouts, GSP, Junior HS SSG, Senior HS SSG, The Cornerstone, Ang Panulukang Bato, at ang General Parents-Teachers Association

Officers. Ang programa ay pinangunahan ni Councilor Ricar Enriquez, induction officer at konsehal ng Unang Distrito ng Lungsod ng Valenzuela. “Lubos akong natuwa dahil kasama ako sa isa sa makasaysayang pangyayari sa Malinta National High School at ito ay ang Oath Taking ng mga officers ng clubs at GPTA officers. Ang saya-saya ng aking naging karanasan ng araw na iyon.“ ani Charrice Anne Lorenzo, Yes-O Club President. Bilang patunay na sila ay isang tunay ng lider, lumagda sila ng kasunduan at sabay-sabay na binigkas ito sa harap ISANG MALINTA TAYO. Nagsama-sama ang iba’t-ibang club ng Malinta NHS sa naganap na Mass ng maraming tao.

Induction 2016 sa Valenzuela City Center for Performing Arts noong ika-19 ng Agosto taong 2016.

Senior Scouts nagdaos ng camporette

ni Ian James Domingo

Nagsagawa ng isang camporette ang Senior Scouts ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Malinta noong ika-22 hanggang 23 ng Oktubre sa Malinta National High School (A. Pablo Campus) na nilahukan ng mahigit 200 mag-aaral sa tulong ng mga gurong namumuno sa mga scout units ng paaralan na sina G. Jofer Padrinao, G. Wilfred Tatoy, G. Lemuel Abanto, G. Ronielo Vida, G. Joseph Tanagan, G. Jesther Conde, G. Brian Arvin Granadil at nina Gng. Mary Juniña Borlongan, Bb. Rose Ann Sibug at Gng. Madonna Marcelo at iba pang mga guro. “Marami kami ‘dun 200 plus mahigit CAMP WITH A PURPOSE. Nagkakasiyahang lubos ang mga Senior Scout ng Malinta sa naganap kami at doon. Masaya at marami akong na Senior Scout Camporette sa Malinta NHS, A. Pablo Campus upang sanayin. Ito ay naganap natutuhan. Isa na rito ay iyong dapat noong ika-22 hanggang 23 ng Oktubre, 2016.

maging disiplinado at magalang ka sa mga nakatatanda sa iyo. dito ko rin natutuhan ang pagsunod sa mas nakatataas sa iyo.” ayon kay Jovy Miranda, isa sa mga dumalo. Ang Camporette ay isang gawain na kung saan ilang araw na magsasama-sama ang mga scouts upang maglaan ng oras para sa mga pagsasanay ng kanilang mga scouting skills at upang maiparanas sa mga ito ang pamumuhay bilang “independent”. Maraming mga scouting unit sa Valenzuela ang nagsagawa rin ng kani-kaniyang mga camporette. Inaasahan ng mga gurong namuno na naging makabuluhan ang karanasan ng bawat mag-aaral na dumalo sa camporette.

Student leaders dumalo sa Leadership Seminar

ni Jesharelle Sergio

Isinagawa noong ika-23 ng Oktubre ang isang Leadership Training Seminar na dinaluhan ng iba’t ibang opisyal ng mga student organization ng Malinta National High School na ginanap sa City Social Hall ng Valenzuela City Hall. Pinangunahan ang gawaing

ito ng GPTA at SSG ng MNHS, WIN Youth Club at Malinta Youth Federation sa pangunguna ni PB Popoy Hernandez. Layunin ng aktibidad na ito na mapaigting ang kakayahan ng mga mag-aaral na pamunuan ang mga organisasyong kanilang kinabibilangan at ang

pagpapalaganap ng responsable at mapanagutang pangangalaga ng kalikasan. Tinawag na Leadership: Youth with a Purpose ang nasabing gawain na may temang Team Building: Personality Development and Environmental Protection.

Malinta nagningning sa Buwan ng Wika 2016 nina Kaye Marie Ancuna at Louie Jay Alcancia

Nag-uwi ng mga parangal ang mga piling mag-aaral ng Malinta National High School sa nagdaang Division Contest ng Buwan ng Wika na may temang, “Filipino, wika ng karunungan” na ginanap sa Valenzuela City Library Hub noong ika-20 ng Agosto taong 2016. Ito ay may layong maipakita ng mga magaaral ang kanilang talent sa larangan ng pakikipagtagisan sa pagtatanghal. Ang Informance, Bugtungan, E-logo at Pagguhit ng editoryal kartun ay ilan sa mga patimpalak na naganap sa nasabing

programa. Nakakuha ng ikalawang puwesto ang Informance sa District at Division Level na nilahukan ng piling mag-aaral ng 10-St. Paul na sina Delbert Jewel Natagoc, Jasmine Lopez, Aira Jean Dela Cruz at Mianna Khelyn Doneza. Pati sa larangan ng bugtungan na nakakuha ng ikalawang puwesto sa Division Level sa piling mag-aaral sa Grade 7. “Sa District Level, noong una, nakakakaba lalo na noong nakita namin ang costumes ng kalaban. Pero still, think positive

pa rin,” ani Jasmine Lopez, isa sa mga kalahok. “Hanggang sa nagtanghal kami, nandun pa rin ang kaba pero nang makita naming nagpapalakpakan ang mga teachers from other schools, na-overwhelmed kami.” dagdag pa nito. Ang mga mag-aaral na lumahok ay pinamunuan ng mga guro na sina Gng. Channon Perez para sa Informance; Gng. Analiza Bartolo para sa bugtungan; G. Robby Dela Vega para sa E-logo; at Bb. Catalina Francisco para sa pagguhit ng editoryal kartun.

HANDA NA BA KAYO. Muling isinagawa ng Dibisiyon ng Valenzuela ang programang Senior High School Convergence sa Valenzuela City School of Mathematics and Science at Malinta Elementary School noong ika-17 hanggang ika-18 ng Nobyembre, 2016. Upang maihanda ang kabataan sa susunod na yugto ng pag-aaral.

SHS Convergence (mula sa pahina 1)

Sta. Cecilla College, Children of Mary Immaculate College, Saint Mary’s Angel College, Emaus Christian School, Technological Institute of the Philippines at iba pa. May kanya-kaniyang mga pakulo ang mga nasabing paaralan gaya ng pagbibigay ng kendi, pamaypay, at freebies. “Magkakaroon ng pagkakataon ang mag-aaral na malaman ang kursong aangkop sa kanilang tracks na mapipili sa mga Schools na nago-offer ng SHS.” ani Dr. Jameson H. Tan, punong guro ng Malinta NHS. Ang programa na SHS Convergence ay isang tulong para sa mga mag-aaral na hahakbang tungo sa Grade 11 at 12. Isa itong paraan upang matulungang makapili ng husto ang bawat isa kung ano ba talaga ang napupusuan nilang kurso.


4

Opinyon

Hunyo-Disyembre, 2016

BALIK TANAW ni Kahlil Dela Cruz

Hindi pa rin tanggap ang pagpapalibing kay dating Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Malaking dagok ang nararanasan ng mga Pilipino noong namumuno pa ito. Ito ay kahit pa pinayagan na ni Pangulong Duterte na ihimlay siya rito. Alam ng nakararami ang

mapait na sinapit na mga Pilipino noong Martial Law sa kaniyang pamumuno. Matagal ng tapos ang panahong iyon kung kaya’t panahon na rin para kalimutan ang mga ito at tanggapin na nangyari na ang lahat. Hindi sagot ang pagpigil at hindi pag sangayon sa kaniyang paghihimlay upang mapanagot siya.

Dinggin Naman Natin Marami na rin ang nagawa ni Marcos. “Naging maganda ang buhay noon. Mura pa ang mga bilihin noong siya pa ang namumuno.” – Asuncion Dela Cruz, 82 taong gulang. Isa na rin sa kaniyang nagawa ay ang pagpapatupad niya ng mga programa sa malawakang pagpapagawa ng mga imprastraktura gaya ng kalsada, tulay, patubig, paaralan at LRT na hanggang ngayon ay ginagamit

pa rin. Malaki at maganda ang naging buhay ng mga Pilipino noong panahon na siya pa ang namamahala. At isa pang patunay na karapat-dapat siyang ilibing sa Libingan ng mga Bayani dahil kasapi siya sa MAHARLIKA (isang kilusang gerilya) na tumulong sa mga sundalong Pilipino at Amerikano na labanan ang mga Hapon. Ang paghihimlay sa kaniya ay hudyat na upang harapin

Maging responsableng liker! Laganap na ang ‘cyberbullying’ sa social media lalo na sa Facebook Twitter, Instagram at iba pa. Ito ang tawag sa kahit anong uri ng pangaasar, pananakit ng damdamin, emosyonal, o ispiritwal na aspeto ng isang indibidwal gamit ang social media. Sa kasalukuyan, isa itong malaking suliraning kinahaharap ng mga kabataan sa buong mundo. Nararapat na bigyang-pansin ang mga ganitong problema dahil ito’y sadyang nakababahala lalo na sa mga kabataang tinaguriang ‘Pag-asa ng Bayan’. Ito’y magsisilbing gabay upang hubugin pa ang mga kabataang darating sa susunod na henerasyon. Maraming kabataan ang naapektuhan ng ganitong suliranin. Ayon sa Cyberbullying Statistics ng iSafe Foundation, kada taon ay halos kalahati ng bilang ng mga kabataan ang nakararanas ng pangungutya sa social media, isa sa tatlong kabataan naman ang nakatatanggap ng pananakot, at karamihan sa kanila ay hindi sinasabi at isinisikreto sa kanilang mga magulang. Naapektuhan ng cyberbullying ang pag-iisip ng isang indibidwal. Nakararanas ng depresyon ang isang kabataan, pagkatakot sa mga bagay-bagay, at pagkawala ng kumpiyansa sa sarili. Nawawalan ng ganang makipag-usap sa iba upang sabihin

PANANAW ni Ella Rivera

Gadgets Pa More!

ang nangyaring pambubulas. Maaari itong kumitil ng buhay. Dahil sa depresyong nararanasan ng biktima ng pambubulas, nauuwi ito sa pagpapakamatay. Matatandaan na maraming binalita sa telebisyon, radyo, pati sa pahayagan tungkol dito na sadyang nakababahala. Isang delubyo at malaking mantsa ng teknolohiya ang cyberbullying. Kapag nabigyangpansin ang ganitong suliranin, magiging instrumento ito sa mga kabataang karamihan ay biktima ng pambubulas upang tulungan sila na harapin ang hamon at maturuan sila upang maging responsableng liker tungo sa tamang paggamit nito. Responsableng pamamaraan tungo sa kaunlaran at paghubog ng mga produktibong kabataan para sa magandang naghihintay na panibagong umagang darating sa hinaharap.

SENTIDO KUMON ni Bon Joseph Panton

Katotohanan para sa Bayan “We (us) want the truth, nothing but the truth.” Sa mga unang araw ng kanyang termino, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive order na Freedom of Information (FOI) para sa mamamayang Pilipino upang makita ang mga records ng sangay ehekutibo lalo na ang pinansyal na aspeto, mga transaksyon at iba pa. Nararapat lamang na isabatas na ang FOI Bill na matagal nang nakabinbin sa Kongreso nang sa gayon magkaroon ng “transparency” sa pamahalaan upang maiwasan ang mga haka-

ang katotohanang tapos na ang nakaraan – walang masama kung hahayaan natin na ilibing siya sa Libingan ng mga Bayani – isa na rin itong paraan upang mapasalamatan natin siya sa kaniyang mga nagawa. Ating titimbangin ang mga bagay na nakabubuti sa ating lahat. Isang bagay lang ang kaniyang hiling, ang ihimlay siya kasama ng ating mga bayani.

haka ng katiwalian. Korapsyon ang pangunahing sanhi ng maraming problemang kinahaharap ng ating bansa sa kasalukuyan dahil sa pagtatago ng pera ng bansa na dapat ay para sa mamamayang Pilipino. Matatandaan na naging mainit ang isyung “Pork Barrel Scam” na kung saan ay itinago ang kaban ng bayan ang milyon-milyong piso na para sa proyektong pambansa ngunit ginamit ng mga politikong nasangkot sa kanilang pansariling kapakanan. Maling pagwawaldas ng pondo sa mga pamproyektong pambansa. Karamihang

napapansin ang mga “road reblocking” na hindi matapostapos marahil ang dahilan ay pagkaubos ng kaban ng bayan, ang pagsasaayos ng mga estasyon ng tren ng MRT at LRT at hindi pa nasisimulan at ang “road widening” ng mga kalsadang lumihis sa katotohanan. At sa huli, ang mala-haring pamumuhay ng mga politikong nakaupo sa kani kanilang mga opisina at tanggap lang nang tanggap ng pera na dapat sa kapakanan ng kanilang mga nasasakupan subalit ginagamit sa kanilang pansariling kapakanan. Mapapansin na karamihan sa mga politiko ng bansa ay walang ginawa kundi tumunganga’t maghintay lamang ng mahuhulog na biyaya. Katotohanan lamang ang ninanais ng mga mamamayang Pilipino at kapag naisabatas ang FOI Bill, magiging instrumento ito para sa minimithing pagbabagong darating sa Pilipinas na pangarap tamasahin ng lahat sa kasalukuyan at sa darating pang panahon.

Maraming kabataan ang nalululong sa paggamit ng mga gadgets ngayon, kagaya ng cellphone na karamihan sa mga tao ay mayroon. Padami ng padami ang sumasama sa asosasyon ng grupong bangag sa eskwelahan. At tila butil ng pawis ang paglabas at pag imbento ng makabagong gadgets ngayon. Para sa mga magaaral, ang paggamit ng gadget ngayon ay may positibo at negatibong dulot. Positibo dahil nagiging intrumento ang mga ito upang mapadali ang paggawa ng mga takda at proyekto ang laging pagtulong sa atin ng Google. Sa kabilang banda, may negatibong epekto rin ito tulad ng

pagiging puyat atl utang estudyante dulot ng pagse-cellphone buong gabi, iyong mag-aalas dose na kung matulog. Ngunit ano kaya ang mas matimbang, postibo o negatibo? Madami sa mga kabataan ngayon ang mukha ng zombie tuwing papasok, yaong laging nakayuko sa upuan sa oras ng klase. Silang hindi na makapag-recite dahil ang sinisigaw ng utak nila ay TULOG NA! Mayroon ding mukha ng panda sa laki ng eyebags at laging huli sa klase dahil huli na rin natulog kung kaya late na rin magising. Dapat magsimula sa atin ang solusyon. Limitahan ang paggamit ng mga gadgets at sana ay sa tama ito gamitin.

w

PATNUGUTAN 2016-2017 Punong Patnugot: Bon Joseph Panton Katuwang na Patnugot: Daniel Hernandez Patnugot ng Balita: Raniel Francisco Patnugot ng Lathalain: Ma. Cristina Garbo Patnugot ng Palakasan: John Kevin Sta. Maria Tagawasto ng Sipi: Raniel Francisco Dibuhista: Lyra Mae Calizon Tagakuha ng Larawan: Louie Jay Alcancia Layout Artist: Daniel Hernandez, Paula Jean Calata Kontribyutor: Louie Jay Alcancia, Ariane Nicole Francisco, Kahlil Dela Cruz, Paula Jean Calata, Roxanne Espada, Ysabel Flores, Crisha Mayce Gloria, Charles Maverick Herrera, Jhia Aimee Javilles, John Kenlyl Pornelos, Karen Duey, Christine Lapiceros, Ella Rivera, Jesharelle Sergio, Aimee Soriben, Kaye Marie Ancuna, Ian James Domingo, Angelo Kabigting

G. Robby V. Dela Vega Tagapayo

Gng. Florencia P. Obtiar Ulong Guro sa Filipino

Dr. Jameson H. Tan Punongguro


Opinyon

Hunyo-Disyembre, 2016

SIGAW NG SAMBAYANAN ni Daniel Hernandez

Hustisya ng Karamihan “Change is Coming”. Iyan ang katagang binitawan ni Pangulong Rodrigo Duterte nang siya’y tumatakbo pa lamang sa pagka presidente ng ating bansa. Isa sa mga binitawan niyang pangako ay ang pagsugpo niya sa droga. Lumiit ang bilang ng mga gumagamit ng droga ngunit maraming namamatay sa pagsugpong ito. Hustisya ang hinihingi ng mga naulilang pamilya ng mga naapektuhan nito. Kailangang ihinto ito ng pangulo kundi maraming Pilipino ang mamamatay.

Extra Judicial killings ang tawag sa hindi makatarungang pagpatay na hindi dumadaan sa proseso ng gobyerno. Humigit kumulang 1000 na ang namamatay sa ganoong kalakaran. Isa ito sa mga pinoproblema ng karamihan dahil sa takot na baka masangkot sila sa mga gawaing ito. Ikalawa sa mga dahilan kung bakit dapat ihinto ito ng pangulo ay dahil sa paglabag sa karapatang pantao. Ang pagpatay sa mga gumagamit ng droga na hindi dumadaan

sa judicial process ay isa ng paglabag sa karapatang pantao. Isa na rin itong dahilan kung bakit humihingi ang karamihan ng hustisya. Ang pagpatay sa mga gumagamit, nagtutulak at nagbebenta ng droga ay hindi makaturungan. Kailangan idaan ito sa isang masidhing pagdinig upang maging maayos at tama ang mga kasong ito. Dapat ihinto ito ng pangulo upang mapanindigan niya ang kanyang binitawang kataga na, “Change is Coming.”

ADYENDA ni Raniel Francisco

Progresong Mali “Kabataan ang pag-asa ng bayan.” Isang katagang nagmula kay Gat Jose Rizal na tila nawawalan ng halaga. Katagang dapat na patunayan ngunit hindi magawa. Kabataan na dapat na magdadala sa rurok ng tagumpay ngunit sila ang humihila pababa. Kabataan na siyang dapat na ating pag-asa ngunit nasaan na. Ayon sa datos ng Philippine National Police (PNP) noong 2015, umabot sa 300 kabataan o menor-de edad ang nahuli dahil sa paglabag sa Republic

Act 9165 o mas kilala bilang Dangerous Drug Act. Ngayong taon, simula Enero hanggang Mayo, tinatayang 100 menorde-edad na ang nasangkot sa illegal na droga. Ayon din sa PNP, malaking porsyento rin ng mga kabataan ang nasasangkot sa krimen. Hindi lang sangkot kundi sila ang suspek. Sa kabilang banda, ginagawa raw nila ito upang makalimutan ang problema, maghiganti sa kaaway, at matakasan ang hirap na pinagdadaanan. Hindi tama ang mga ganitong

KUNG HINDI MAN ni Pepe Knows

Hitler, Duterte magkatulad nga ba?

Maraming nagsasabi na si Pangulong Duterte ay ang kasalukuyang Adolf Hitler ng ating henerasyon. Sa mga kilos, gawi at pananalita ay parehong -pareho sila. Sa isang utos niya lang ay nasusunod na. Diktador na nga kung ituring ng ilan. Sa kabilang banda, maraming nababahala sa nangyayari sa ating bansa kung ito’y magpapatuloy. Isa sa mga kinababahala ng mamamayan ng Pilipinas ay ang pamamahala ng administrasyong Duterte. Ang pamamaraan ng terminong ito ay maihahalintulad sa diktatoryal na pamamahala. Sa mga ginagawang hakbang ng pangulo ay nasusunod na kaagad ito. Ikalawa, ang pinaigting niya ang kampanya laban sa ilegal na paggamit ng droga sa bansa. Bagama’t hindi tahasan ay iniuugnay sa kampanyang ito ang mga nagaganap na extra

judicial killings ngayon sa bansa na siyang iniuugnay sa ginawang pagpatay na sa mga Hudyo na ipinag-utos ni Adolf Hitler. Ikatlo sa mga dahilan ay ang walang takot sa mga gagawing hakbang. Makikita natin ito sa kanilang kilos. Sa katunayan, minsan ng nasabi ng pangulo sa knyang pahayg na handa na siyang mamatay. Ganito siya kawalang takot sa anomang mangyari sa kanya. Makikita natin na magkapareho sila sa kilos, gawi at pananalita na kung susuriin ay isang hindi magandang paghahambing. Kung ito’y magpapatuloy, magiging isang malaking problema ito ng bansa. Kung ito’y hindi hihinto, lalaki ang problema ng mga mamamayan. Pag-unlad ang kagustuhan ng mamamayan. Dapat baguhin ito ng ating bagong luklok na pangulo.

gawi. Lalo na at kabataan pa ang sangkot na silang tinaguriang “pag-asa ng bayan.” Ano pa ang halaga ng mga salitang sinambit ng ating pambansang bayani kung sila pa mismo ang sumisira sa repotasyon ng ating bansa. Kung susumahin, sana ay hindi na lang nag-iwan ng kataga si Gat Jose Rizal. Anupa’t hindi naman pala kayang panindigan. Hindi tama ang nangyayaring pagbabago. Progresong mali mula sa mga taong inaasahang magpapaunlad ng bansa.

5

Liham sa Patnugot Ako po si Given Gift Lacerna mula sa 10-St. Jude na ngayon ay kasalukuyang nakararanas ng isang problema na kinakaharap at nararanasan din ng mga kapwa ko kamag-aral. Noong nakaraang buwan lamang ay pinatupad ng ating butihing guro ang isang panukala na kung saan lahat ng estudyante na nag-aaral sa ating eskwelahan ay kailangan kumain sa kantina o kaya sa school grounds. Ngunit may ilang bagay na bumabagabag sa aming mga isipan. Una ang kakulangan sa pasilidad lalong-lalo na ngayon na hindi na maaaring dalahin ang pagkain sa loob ng silid-aralan kaya ang mga mag-aaral ay nananatili sa labas o kaya sa ating school ground dahil maliit lamang ang espasyo ng ating kantina. Gusto sana naming ipahayag ang aming saloobin tungkol sa bagay na ito. May nababalitaan din kaming ilang mga section na patuloy pa ring kumakain sa loob ng kanilang silid-aralan sa kabila nang nasabing panukala. Gusto lang naming malinawan kung ano ang maaaring maging tugon ng ating punong-guro tungkol sa problemang kinakaharap ng mga magaaral sa ating paaralan. May posibilidad ba na mapalaki ang kantina o madagdagan pa ang mga lugar na pwedeng paglagian ng mga estudyante habang sila ay kumakain? O hahayaan na lamang nila na ganito ang maging sitwasyon na matapos ang taong ito? Maraming salamat sa iyong hinaing tungkol sa problemang dinaras ng ating paaralan sa kasalukuyan. Hindi maiiwasan ng ating paaralan ang magkaroon ng problema lalo na’t tungkol ito sa pasilidad. Isa itong malaking suliranin na mahirap iwasan lalo na at kasalukuyan pang isinasaayos ang bagong campus. Gayunman, hindi dapat ipagsawalang-bahala ang mga ganitong problema. Ito ay idudulog namin sa SSG at sa punongguro upang makapagsagawa ng pagsisiyasat. Ang pagbabawal sa pagkain sa mga silid aralan ay ipinatupad ng ating paaralan upang maiwasan ang pagkakalat sa mga gusali nito. Sa ngayon, hinihintay pa lamang namin ang tugon ng punongguro ukol sa suliranin na iyan upang masolusyunan na. Lubos kaming nagpapasalamat sa iyo Given Gift Lacerna. Nawa’y pagpalain ka ng Poong Maykapal. May mga hinaing ka ba sa bayan, paaralan, tao at kung ano ano pa? Simulan mo nang sumulat at magtanong sa mga bagay na gusto mo ng kasugatan. Ipadala ang inyong mga hinaing sa www.facebook. com/angpanulukangbato at sasagutin namin ang mga katanungang bumabagabag sa iyo.

PULSO NG MASA

Extra Judicial Killings, Sang-ayon o Hindi Sang-Ayon? Kinalap ni Jhia Aimee Javilles

Nagulantang ang maraming mamamayan sa sunod-sunod na patayang nagaganap hinggil sa pagsupil ng krimen at isa na rito ang extrajudicial killing. Sang-ayon nga ba sila rito o dagdag problema pa ito sa gobyerno? “Hindi sang-ayon, dahil labag sa batas ng Diyos ang pumatay ng tao” -Czarina Biazon (Grade 10St.Mark) “Sang-ayon, bagay lang sa kanila iyon dahil yung pagpatay sa kanila ay katumbas ng krimen ng ginawa nila” -Jewel Javilles (Grade 9-Daniel) “Hindi sang-ayon, dahil bawat isa sa atin ay may karapatang pantao” -Wency Espiritu (Grade 10- St. Andrew) “Sang-ayon, kasi kung iisipin natin, hindi lahat ng kriminal ay nahuhuli ng mga pulis at dahil iyon sa lumang sistema ng pamahalaan” -Mianna Doneza (Grade 10-St.Paul) “Sang-ayon, para mabawasan na ang mga kriminal sa bansa at ligtas ng makalalakad sa daan ang lahat ng tao pero dapat

mayroon itong batas” -Jhon Giron (School Canteen Staff)

magiging hinanakit ko” -Aira Ebbah (Grade 10-St. Stephen)

“Sang-ayon, dahil isa akong estudyante at nakakatakot umalis o lumabas man lang ng bahay dahil sa mga kriminal at patayan na iyan” -Khyla Hondrade (Grade 9-Psalms)

“Hindi sang-ayon, kasi kailangan nating bigyan ng pangalawang pagkakataon yung mga taong napapatay at wala naman iyan sa batas” -Jayanne Delfino (Grade 10-St. Francis)

“Hindi sang-ayon, kasi may pamilya silang maiiwan at nakalulungkot isipin kung tayo ang nasa kalagayan nila ay hindi natin iyon magugustuhan” -Kyla Abu (Grade 9-Jeremiah)

“Sang-ayon, dahil hindi naman gagawin sakanila iyon kung wala silang ginawang masama” -Charissa Sioson (Grade 10-St. Matthew)

“Sang-ayon, dahil wala naman na yatang ibang paraan para mabawasan ang mga kriminal at baka sakaling maging ligtas na ang bawat lugar dito sa Pilipinas” -Ronald Bondal (School Canteen Staff) “Hindi sang-ayon, dahil kung sa akin iyon gagawin ay lubos ang

“Sang-ayon, para magtanda ang iba at hindi na gumawa pa ng krimen” -Alexis Bañarez (Grade 10-St.James) “Hindi sang-ayon, dahil marami pa din namang mga handang magbago para sa pamilya, bigyan lamang natin sila ng pagkakataon” -Yuri Sebastian (Grade 10-St. Bartholomew)


6

Balitang

Hunyo-Disyembre, 2016

Pagmamahal sa kalikasan ipinamalas

Tree Planting isinulong ng MNHS

ni Raniel Francisco at Kaye Marie Ancuna

PAPALAGONG MGA BINHI. Muling isinagawa ng Malinta NHS ang pagtatanim sa Lingunan Dumpsite sa naganap na Tree Planting noong ika-24 ng Setyembre,2016 upang maisalba pa ang ating Inang Kalikasan. Kaisa sa nasabing gawain ang mga magaaral at mga guro ng nasabing paaralan.

Nagsagawa ng tree planting project ang Supreme Student Government na may temang “One tree, One goal, One MNHS” noong ika-24 ng Setyembre, taong 2016 sa Lingunan Dumpsite, Valenzuela City na may layong turuan ang mag-aaral kung papaano panatilihing maganda ang kapaligiran at maging responsible sa mga gawain. Tinatayang 200 indibidwal ang nakiisa sa naturang programa kabilang ang mga guro at club officers at members ng Malinta NHS. Bago maganap ang nasabing proyekto, pinahintulutan ang lahat ng club na magpasa ng kani-kanilang mga

poster at ito ay nagsilbing ‘entry’ nila sa poster making contest, na naganap noong ika-22 ng Setyembre ng kasalukuyang taon. Itinanghal na kampeon ang Filipino Club. Nakuha naman ng Senior High School-Supreme Student Government ang ikalawang pwesto samantalang ikatlong pwesto naman ang nakamit ng English Club. Ayon sa mga dumalo ng proyektong ito, naging masaya ang kanilang araw noong oras na iyon at bagong karanasan ang nadagdag sa kanilang buhay at iyon ay ang pagtanim ng puno.

Solar-Powered Toy Car ng Malinta wagi sa Science Fair

“Dahil sa aktibidad na ito ay mas lalong nahubog ang pagsasama at pagtutulungan ng mga club officers at mga guro tungo sa isang layunin na makatulong,” ani Patrick John Tuyay, SSG-Junior High Peace Officer. “Sana hindi lang dito natatapos ang pagtatanim natin ng puno bagkus maging sa ating tahanan ay gawin rin natin ito,” dagdag pa nito. Ang Tree Planting project ay pinangunahan ng Supreme Student Government sa pamumuno nina Gng. Rosemarie Carreon at Bb. Theresa Baniquid, SSG advisers. (Larawan mula sa Supreme Student Government-MNHS) (Larawan mula kay G. Ernesto Enguero Jr.)

ni Crisha Mayce Gloria

Umarangkada at nagkamit ng mga parangal ang

na ginamit sa pagbuo nito ay dapat na recycled.

solar-powered toy car sa ginanap na pagdiriwang ng

Ikalawa ay ang karera ng mga toy car na tinawag na

taunang Science Month nitong buwan ng Oktubre. Ito

Solar-Powered Toy Car Race na ginanap sa Valenzuela

ay kinatampukan ng pagsasagawa ng Solar-Powered

City School of Mathematics and Science na kung

Toy Car Race na nilahukan ng iba’t ibang paaralan

saan susubukin ang bilis ng gawang laruang kotse na

mula sa Lungsod ng Valenzuela. Sa pangunguna ni G.

pinatatakbo gamit ang sikat ng araw.

Ernesto Enguero, guro sa Science, hindi nagpahuli ang

Ito ay nilahukan ng mga mag-aaral na sina James

mga mag-aaral ng Malinta sa pagpapamalas ng angking

Acana, Kian Zymel Fontano at Christopher Ian Balayan

galing sa teknolohiya.

ng 10-St. Mark.

Dalawang kategorya ang pinaglaban-labanan ng iba’t ibang paaralan sa nasabing patimpalak. Una ay ang Car

Nasungkit ng MNHS ang 1st place para sa car show at 2nd place naman sa car race.

Show na ginanap sa Dalandanan National High School

“Layunin ng gawaing ito na matutuhan ng mga mag-

na kung saan kailangang makita ang pagiging malikhain

aaral at mga kabataan ang potensyal ng solar energy” ani

ng mga mag-aaral. Ilan sa mga naging basehan ay ang

G. Enguero.

physical appearance, functionality at ang mga kagamitan (Larawan mula kay Gng. Lerrie Munsod)

ARANGKADA TUNGO SA TAGUMPAY. Umaarangkada sa tagumpay ang Malinta National High School sa naganap na Solar Powered Toy Car sa Valenzuela City of Mathematics and Science noong Oktubre, 2016.

Munsod nanguna sa Division Demo Challenge

ni Raniel Francisco

MUNSOD. Tagumpay si Gng. Lerrie Munsod sa isinagawang Science Demo Teaching Challenge na ipinatupad ng Kagawaran ng Edukasyon, Science Department na naganap noong ika-16 ng Nobyembre, 2016.

Nakamit ni Gng. Lerrie Munsod ang unang puwesto sa nagdaang Division Science Teachers Demo Challenge 2016 na ginanap sa Valenzuela City School of Mathematics and Science (VCSMS) noong ika-16 ng Nobyembre, 2016. Mula sa iba’t-ibang paaralan sa Dibisyon ng Valenzuela ang naglaban-laban upang maipakita ng bawat guro ang kanilang galing sa pagtuturo ng asignaturang Agham. Ang bawat kalahok na guro ay bumunot upang malaman ang aralin na kanilang itatalakay. “On the spot” silang gagawa ng lesson plan at ng mga kakailanganing kagamitan sa pagtuturo sa loob lamang ng dalawang oras. Pinili ni Munsod ang mga mag-aaral mula sa 10St. Paul upang maging bahagi ng kaniyang demo

teaching. Nakisama ang mga ito at nakita ang kanilang kooperasyon. “Medyo nahirapan kami nang kaunti pero naging masaya naman dahil sa mga activities na ginawa sa demo teaching ni Ma’am. Sa tingin ko ay natuto naman kami base sa resulta ng pagsusulit matapos ang demo teaching.” ani Rouvic Sangoyo, mag-aaral mula sa 10-St. Paul. “Lalo na noong nalaman naming na nanalo ng 1st si Ma’am Munsod, tuwang-tuwa kami,” dagdag pa nito. Ayon kay Munsod, naging matagumpay ang demo teaching na kanyang isinagawa. “Thankful dahil nakaraos ako. Naging successful yung demo sa tulong ng mga Science Colleagues ko at ng Malinta Faculty” aniya.


7

g Agham

Science Fair muling itinaguyod ni Raniel Francisco

Muling nagsagawa ang Science and Technology Club ng Malinta National High School ng Science Fair na may temang “ Environmental Protection and Conservation of Natural Ecosystem” noong ika- 10 ng Oktubre taong 2016 sa Malinta National High School-A. Pablo Campus. Layunin nito na turuan ang mga magaaral na maging mapamaraan sa pamamagitan ng mga bagay na matatagpuan lamang sa paligid. Pinangunahan ang nasabing programa ni Gng. Lerrie Munsod, gurong tagapayo ng Science and Technology Club katuwang ang mga officers at members ng STC at mga guro ng asignaturang Agham. Bago maganap ang naturang programa, nagsagawa ang STC ng mga paligsahan kabilang ang Science Quiz Bee, Poster making , at Collage Making. Kampeon sa Science Quiz Bee sina Mary Grace Magbibang (Grade 7), Anne Victoria Mago (Grade 8), Valerie Cyril Siason (Grade 9) at Stevenzel Estella (Grade 10).

Wagi naman sa Poster Making sina Eula Francine Sto. Thomas (Grade 7), Maria Christina Zamora (Grade 8), Darren Pelaez (Grade 9), at Jewel Jose (Grade 10). Nanalo naman sa kategoryang Collage Making sina Maria Cassandra Miranda (Grade 7), Kristine Mae Escalante (Grade 8), Jireh Guarin (Grade 9) at Justine Leonerie (Grade 10). Kabilang din ang mga patimpalak sa Jingle Making, Sci-yaw, at ang Ginoo at Binibinng Aghamnista. Wagi sa Jingle Making Contest ang mga mag-aaral na pinamunuan ni G. Ernesto ‘Jonn’ Enguero. Ang mga magaaral naman mula sa 10-St. Thomas ang nagkampeon sa Sci-yaw Competition. Ang itinanghal naman na Ginoong Aghamnista ay si Genesis Sison samantalang si Chineth Celis ang itinanghal na Binibining Aghamnista “Naaliw kami at sa tingin ko ay matagumpay na natapos ang nasabing fair” pahayag ni Daisy Daryl Dano, 10-St. Stephen.

STI Mobile School bumisita sa MNHS

DAAN SA KAGALINGAN. Pursigidong inaaral ng mga magaaral ng Malinta National High School ang Basic Photo Editing na itinuro ng STI katuwang ang Malinta GPTA noong ika-23 ng Setyembre 2016.

ni Ariane Nicole Francisco

Nagsagawa ng Systems Technology Institute (STI College) ng seminar na pinamagatang “STI Mobile School, Computer-On-Wheels” na ginanap noong ika23 ng Setyembre sa Malinta National High School (A. Pablo Campus) kung saan ang bawat piling mag-aaral kada section ay nabigyan ng pagkakataon makapasok sa kanilang sasakyan upang pag-aralanang photo editing. Pinag-aralan nila dito ang Basic Image Editing kung saan marami silang natutunan na iba’t ibang editing tool. “May natutunan akong basic tool. Nagkaroon ako ng background sa editing,” wika ni Jaiven Galusmo ng 10-St. Paul. Binigyan ang mga lumahok ng sertipikong nagpapatunay na sila ay dumalo sa nasabing seminar.

(Larawan mula sa GPTA-MNHS)

Alam mo ba?

(Larawan mula sa Google Images)

ALAM MO BA? Mga kamangha-manghang Science Trivia na dapat mong malaman. Kinalap ni Paula Jean Calata

1. May isang butiki na ipinangalan kay Rizal. Ito ay ang Draco rizali o flying dragon. 2. Ang pinakamahabang ‘cell’ ng isang tao ay ang motor neurons. Sila ay may habang 1.37 metrong haba. 3. Isang test tube carabao ang na-develop ng Central Luzon State University at ito’y pinangalanang Glory. 4. Ang unang ‘virus’ ay natagpuan sa hayop at halaman 100 taon na ang nakalipas. 5. Ang titik ‘J’ ang natatanging titik sa English Alphabet na wala sa Periodic Table of Elements. 6. Ang starfish ay walang utak. Sa halip, ito ay mayroon kumplikadong nervous system para makapag-adjust sa paligid. 7. May isang halamang kumakin ng nickel, ito ay ang Rinorea niccolifera at nadiskubre ng mga siyentipiko sa University of the Philippines - Los Baños. 8. Ang Planet Biyo ay isang minor planet na ipinangalan kay Dr. Josette Biyo, isang Filipinong guro. 9. Hindi natutulog nang matagal ang mga langgam. Sila ay umiidlip lamang ng walong minuto para magpahinga. 10. Ang kawayan ay hindi puno. Ito ay isang damo tulad ng palay.

Kaso ng Zika Virus patuloy na tumataas ni Angelo Kabigting

(Larawan mula sa Google Images)

Patuloy na tumataas ang kaso ng Zika Virus sa Pilipinas batay sa tala ng Department of Health (DOH), sa kasalukuyang taon. Tinatayang 33 kaso na ang naitala ng Zika Virus sa bansa. 12 dito ay mula sa Western Visayas, 11 sa Metro Manila, siyam sa Calabarzon at samantalang isa lamang sa Central Visayas. Ayon sa DOH, maaaring magdulot ito ng panliliit ng ulo o microcephaly sa sanggol na isinilang ng isang apektadong buntis habang nagdadalang tao. Nakukuha ang Zika Virus sa pamamagitan ng kagat ng lamok na kung tawagin ay Aedes Aegpti at pakikiugnay sa pakikipagtalik, lagnat, rashes, conjuctivities o sore eyes,

Application ng MASA

ni Karen Duey

Hayyst, ang dami na naming bagong usbong na application o app ngayon. Iba’t ibang nagsulputan na kinahihiligan agad ng mga teenager idagdag mo pa sila Mama, Papa, Tito, Tita, at higit sa lahat sina Lolo at Lola. “Feeling bagets” sabi nga nila. Magsisilabasan na naman ang katagang, “Hindi ka tao kung hindi ka gumagamit nito” at alam kong nakikita mo ito sa anumang lupalop ng account mo na tila ba’y naaalibadbaran ka na dahil sa salitang ito. HAHAHAHAHA! 1. WATTPAD – Alam kong makakarelate dito yung mga taong, “Nilamon na ng Wattpad.” Isa itong app na kung saan libre kang makakapagbasa ng kwento. Mayroong Science Fiction, Horror, Mystery at higit sa lahat, Love Stories na kilig na kilig ang mga kababaihan at kung minsan ay nagiging, “Hopeless Romantic.” Isa rin ito sa dahilan kung minsan ay nala-late nang matulog dahil kating- kati ng basahin ang susunod na kabanata o di kaya’y hinihintay ang update ni Author. 2. SNAP CHAT – Isa itong app na kinahihiligan ng karamihan. Mayroon itong iba’t ibang disenyo na kailangan mo munang itapat sa iyong mukha tulad ng pang-aso, pusa, flower crown na kung minsan ay nagmumukhang tinaniman sa paso at marami pang iba. Halos karamihan

ng bes mo gamit ito. 3. INSTAGRAM – Ito ang app na para lamang sa mga pictures. Kung gusto mong ipagmalaki ang iyong mga litrato, dito ka kumapit dahil tiyak na maaasahan mo. “Follow mo ko bes, follow back din kita.” Isa ito sa mga mababasa mo. Marami kang magiging follower dito. 4. MUSICAL.LY – Kung mahilig kang maglip-sync, dito ka pumunta. Hilig mong mag-video? Maaasahan mo to bes! Nagkalat ito sa Facebook Account mo. 5. FACEBOOK MESSENGER – Isa itong paraan upang makapaghatid ka ng mensahe. Libreng libre ito basta may “data” ka. Nagkakaroon minsan ng paliga dito ng Basketball at tournament ng Soccer na ang mga kalahok ay ang mga FB friends mo, (i-cheer mo para manalo). 6. VIBER – Ito ay tulad ng Messenger na kung saan maaari kang makapag-text at call. Libre lang ito kaya i-download o hindi kaya’y i-Share-It mo na. 7. TWITTER – Ito ay kabaligtaran ng Instagram. Walang pipigil sayo kahit magdrama ka pa dyan. Kahit maglabas

pananakit ng kasukasuan at ulo. Ang sintomas nito ay karaniwang tumatagal ng dalawa hanggang pitong araw. Bagaman wala pang permanenteng lunas o gamot ang nadidiskubre para sa nasabing virus, patuloy pa rin ang pagtuklas ng World Health Organization (WHO) ukol dito. Nagpaalala naman ang DOH na gumamit ng insect repellant na naglalaman ng DEET, IR3535 o icardin, magsuot ng mga damit na may mahahabang manggas, maglinis ng kapaligiran at takpan ang mga nakaimbak na tubig upang hindi pamugaran ng lamok at makaiwas sa anumang karamdaman. ka ng hinanakit sa kras mo kasi dinidedma ka lang (aray ko bes) hindi ka pipigilan dito at higit sa lahat walang makikialam sayo. 8. FACEBOOK – Alam kong patok na patok ito sa lahat. Dito ka magpo-post ng mga “status” at nangyayari sa buhay mo na kulang na lang ay gawin mo na itong “diary” na kitang kita ng sarili mong FB friends. Magagawa mo rin ang nais mo dito, ngunit hinay-hinay lang mga bes dahil baka ma-bash ka, ikaw rin ang kawawa. 9. TUMBLR – Kahawig ito ng Instagram na kung saan makakapagpost ka na iyong imahe. Halimbawa na lamang ay pumunta kang South Korea (WOOW) at ibinalandra ito sa mundo. 10. CANDY CAMERA – “Filter,” dito kilala ang app na ito. Tulad ng “Camera 360” na sumikat noong nakaraang taon. Dito rin kumakapit ang ibang taong nais pang pumogi at gumanda, may instant gluta ka pa (HAHAHAHAHA jstkddng). Nasa moderno na tayong mundo ngayon at parami na nang parami ang na-iimbento ng mga tao. Nawa’y magamit natin ito sa tama at sana’y panatilihin nating nakatatak sa ating mga isipan ang katagang, “Think Before You Click” dahil baka may masamang maidulot ito sa atin kung hindi natin ito susundin. Alam kong nakagamit ka na ng isa sa mga APP na ito at na-experience mo na rin kung paano ito nakatutulong sa iyo. Kaya “Congrats, tao ka na!”


8

Lathalain

Hunyo-Disyembre, 2016

10 klase ng mga mag-aaral na nahuhuli sa klase nina Ysabel Flores at Karen Duey

Sandamakmak na gawain ang inaatupag ng mga eshtudyante. Aral dito, aral doon. Hawak ang libro at kwaderno, isama mo pa ang ballpen na kung minsan ay nawawala pa. Ngunit, ito nga ba ang dahilan kung bakit nahuhuli sa klase ang mga magaaral? O dahil marami pang mga inaasikaso? Kung ganon, ITULOG MO YAN! 1. PUYAT-ers - Ito yung mg tipo ng eshtudyante na kahit hindi na matulog basta magawa lang ang mga projects at assignments kaya ang resulta, ayun pag ginising pahirapan at mas masaklap hindi na nakaligo dahil late na sa klase. #GISINGnabeh! 2. Train to Busan Zombies – Karamihan sa atin infected nito. Mga eshtudyanteng ini-stalk pa ‘yung profile ni kras hanggang sa ‘di na makatulog. Ayan tuloy, bangag pagpasok sa school at higit sa lahat nagmukha pang zombie. Hindi ka tuloy napansin ni kras. (Aww) #TTBeffect 3. Unli-Alarm – Mga tipo ng eshtudyante na mahilig mag extend. “5 minutes pa,” ito ‘yung kadalasang binabanggit. Naka-limang alaram na siguro bago mo pa tuluyan nagising. #EXTENDmopa 4. GADGET-sss – Nakasanayan na kasing gumamit ng gadgets kaya late na natutulog. Nagbabasa muna ng kuwento sa wattpad, naglalaro ng DOTA at tutok na tutok sa Social Media. #GADGETSpamore 5. TINAMAD be like – Ito ‘yung mga eshtudyante na may iba pang ginagawa maghapon tulad ng pakikipag chat kay bes o ang iba naman ay gumala pa. Kaya ang resulta, nagkukumahog gumawa ng mga assignments kinabukasan

bago pumasok sa eskwelahan. Late na tuloy. #Otherthings 6. LONG DISTANCE – Mga eshtudyante na masisipag kahit na mula spa sa liblib na lugar na malayo sa kabihasnan at gagawin ang lahat makapasok lamang. Sila ‘yung sasakay pa ng jeep, bus o LRT. Pahirapan pa bago tuluyang makasakay at kung minsan ay magiging amoy mandirigma (EWW) at nalelate sa klase. #MANDIRIGMA! 7. Traffic – Ito ‘yung mga panahong ang aga-aga mong pumasok at maabutan lang ay ang napakahabang pilang mga sasakyan dahil sa traffic. Ayan tuloy, imbes na mauna, na-late pa. #mayFOREVERsatraffic. 8. SABAY TAYO – Ito ‘yung mga tipo ng eshtudyante na dadaanan muna si bes para may kasabay kang pumasok kaya pag late si bes, ang ending ay late din. 9. ALARM no more – Ito ‘yung mga oras na sobrang himbigng ng tulog hanggang sa hindi na narinig ang alarm. Ang ganda na panaginip tapos biglang sisigaw ang nanay mo na “LATE NA LATE KA NAAAAA!!” Ang saklap naman nun bes! Nagkaroon ka pa ng Instant Alarm Clock. #INSTANTALARM 10. IKAW – Oo, ikaw. Ikaw ang may alam kung bakit ka nahuhuli sa klase. May sarili kang rason sa iyong sarili na ikaw lang ang nakakaalam. #YOURReason.

Alam nating lahat na tayo ay may pinagkakaabalahan ngunit huwag nating hayaan na ito ang maging dahilan kung bakit tayo nahuhuli sa paaralan. An gating maling gawi at dapat ng baguhin at pagtuunan ng pansin ang mas nararapat upang mas maging mabuting ehemplo sa kapwa kamag-aral. Muli, ang tanging masasabi ko lang ay “ITULOG MO “YAN!” #MNHSTeamBangag.

May Linta? ni Bon Joseph Panton

Napaisip-isip

ako

kung nawawala, nauuhaw at pagod

saan ba talaga nagmula ang na pagod. Sila’y nakakita ng mga

bagay-bagay.

nagugulumihanan isang

Ako’y batis at uminom ng tubig doon.

dahil

may Pagkatapos, may nakita silang

na

pilit babaeng papalapit at tinanong

katanungan

gumugulo sa aking isip. Bakit nila kung ano ang pangalan nga ba ‘malinta’ ang tawag sa nito. Sasagot na sana ang barangay Malinta? Marami “Kuya,

dalaga ngunit nakakita siya ng

akong

bayad

naririnig. maraming linta sa paligid.

po.

Malinta

“May linta! May linta!” sigaw

lang.” “Uy! May praktis tayo sa ng babae at tumakbo paalis. Malinta!” “Doon ako nag-aaral

Hindi

alam

ng

grupong

sa Malinta National High School, Amerikano ang sinabi ng babae ikaw saan?” Teka. Teka. Teka. kaya inakala nila na ‘yun ang Bakit nga ba talaga ‘Malinta’? Ako’y

nagsaliksik

sagot sa tanong nila.

upang

Kinalaunan,

mahanap ang sagot sa aking na

‘Malinta’

tinawag ang

lugar

na

katanungang pilit na kumukulit kinatatayuan mo ngayon. sa aking isipan. Mayroon akong

Ah! Ngayon alam ko na kung

nabasa sa isang website tungkol bakit. Nasagot na ang tanong sa dito, ikukwento ko sa inyo. Isang

araw,

may

aking isipan. isang

Teka! Pupunta lang ako ng

grupo ng mga Amerikano ang Malinta ah? Sa uulitin. Paalam!

Sen. Win Gatchalian: dangal ng Valenzuela ni Christine Lapiceros Isang magandang balita ang natanggap ng mga tagaValenzuela nitong nakaraang halalan sapagkat nahalal ang isang Valenzuelanong senador, ang kapatid ng ating kasalukuyang alkalde, ang Kgg. Sherwin Gatchalian. Unang nakilala ang butihing Sen. Win Gatchalian bilang isang matapat at may malasakit na kinatawan ng Unang Distrito ng Valenzuela sa kanyang pagsabak sa politika noong 2001 kung saan siya ay kabilang sa Nationalist People’s Coalition. Naglingkod siya bilang kongresista mula taong 2001 hanggang 2004. Matapos ang kanyang unang termino, tumakbo siya bilang alkalde na pinalad namang magwagi. Sa kanyang buong termino b i l a n g p u n o n g lungsod ng

Valenzuela, maraming proyekto ang kanyang binalangkas at naisakatuparan katulad ng “WIN ang Edukasyon Program” para sa mga pampublikong paaralan na nangangailangan ng agarang solusyon sa pangangailangan ng mga mag-aaral nito. Kasabay din nito ang paglulunsad ng feeding program, pagbili ng karagdagang aklat at pagpapatayo ng maraming mga pasilidad at mga silid aralan. Matapos ang tatlong termino ay muli siyang nahalal bilang Kinatawan ng Unang Distrito ng Valenzuela. Isa sa kanyang mga pangunahing panukala ay ang pagsusulong ng libreng pag-aaral sa kolehiyo para sa mga pampublikong paaralan sa bansa sa pagsusulong niya ng Free Higher Education Bill. Sa kasalukuyan, ang senador ay chairman ng Economic Affairs and Energy Committee ng 17th Congress.


Lathalain

Hunyo-Disyembre, 2016

9

Bagong Sinag ng Pag-asa ni Louie Jay Alcancia

Isa akong mag-aaral na may pangarap, mag-aaral na may nais marating sa buhay, nagnanais na magkaroon ng guro na buong pusong tatanggap sa aking pagkatao. Ngunit tila walang sinag na pumapasok sa mga nais kong ito. Sabihin na lang nating ako’y may palayaw na “Sotsab” dahil na rin sa aking kapilyuhang ipinapakita at kabastusang ipinapamalas sa aking mga guro sa paaralan. Ngunit minsan naiisip ko rin na isa lang din akong mag-aaral na nais magkaroon ng tamang atensyon kahit ganito ang aking ugali. Biglang isang araw nagkaroon kami ng bagong guro sa Filipino at sa tingin ko bagong pagkakataon ito para mambastos ng guro, ngunit tila iba. Iba ang nararamdaman ko ng makita’t marinig ko siya. Tila ba ang boses niya

ay may kasamang atensyon na nais kong madama. Pinagsawalang bahala ko na lang iyon at ibinalik ang tuon ko upang bastusin ang bagong guro namin. Ilang beses na akong nakatuntong ng guidance office dahil sa reklamo ng ibang guro sa akin, ngunit ang bagong guro na ito ay naiiba dahil walang isa mang reklamo ang natanggap ko laban sa kanya. Simula noon nakakaramdam na ako nang saya sa tuwing oras ng klase niya . Natuto na akong makinig. Hindi ko alam kung bakit, ngunit ito ang ginagawa ko sa oras ng klase niya at hindi ko pa rin mawari kung bakit. Minsan, isang araw ay uwian na at naiwan si ma’am sa aming silid at nakita ko ang galak sa kanyang mukha, galak na nagbigay sa akin ng tuwa na ngayon ko

Pulang Bakal

Mabuhay, Makipamuhay, Magbigay-buhay

ni Ma. Cristina Garbo “If you destroy my country, I will kill you.”

ni Ma. Cristina Garbo

“Ito na lamang ang natitirang lugar upang may mapagsilangan si Maya sa kaniyang panganay na anak. Dito na lang makatatagpo ng sariwang halaman na maaaring makain ni Long sapagkat labis na ang kaniyang gutom. At dito na lang din makahahanap si Meng ng puno na maaari niyang gawing Christmas Tree para sa proyekto sa kanilang klase.” Isang pahayag ang paulit-ulit na pumapasok sa aking isipan matapos ang pagtatanghal na isinagawa ng mga natatanging tauhan sa Tanghalang Banyuhay. Nakita ko ang ginawang pagpapaalis nina Mando Mandurugas at Makaw Magnanakaw sa mga taong gubat. Nasaksihan ko ang pagpapasabog nila ng dinamita sa karagatan at walang habas na pagputol ng mga puno sa kagubatan. Narinig ko ang pagtangis ni Tanod Lupa at ang mga kaluluwa ng mga punong pinutol na naghahanap ng hustisya para sa mga ilegal na gawain nina Mando at Makaw. Dahil sa kanilang walang pakundangang pagsira sa Inang Kalikasan, ang taong bayan ang nakararanas ng kanilang pang-aabuso tulad na lamang ng paglitaw ng iba’t-ibang sakuna. Lindol, pagkahati ng lupa at labis na pagbaha. Kitang-kita ko ang pagkagitla ng bawat mag-aaral dahil sa delubyong naranasan ng mga taong bayan na maaari rin nating kaharapin. Nakabibingi ang kanilang hiyawan

lang nadama. Ipinakita niya sa akin ang aking mga grado at nagulat ako. Nagbago ang lahat, mula sa line of “7” ay naging line of “8” at may ilang line of “9” pa. Ngayon alam ko na. Naintindihan ko na ang hindi ko mawari noon patungkol sa nararamdaman ko sa aming bagong guro. Sa kanya ko pala matatagpuan ang sinag ng pag-asa na aking hinahanap. Sinag na siyang nagbigay ng atensyon na aking inaasam sa mga guro ko na magpapabago sa akin. Ang bagong gurong iyon ay hindi ko malilimutan sapagkat siya ang nagmulat sa akin na sa dilim ay may liwanag . Sa imposible ay may posible at sa likod ng kabastusan ko ay may kahusayan. Ako ulit si “sotsab” na “bastos” noon at matagumpay na ngayon.

dahil sa mga sunod-sunod na pagharap nina Meng, Maya, at Long sa mga problema na siya namang sinasabayan ng mga madidilim na ilaw na nakapagdagdag ng kaba sa bawat manonood. Alam kong sa kabila ng kanilang hiyawan at takot ay mayroong nabubuong konklusyon ang isa’t-isa sa kabuuang mensahe ng dula. Nakikita ko ang aking sarili at ang ilan sa mga ginagawa kong maaaring magambag sa tuluyang pagkasira ng ating Inang Kalikasan. Ipinababatid lamang sa ating lahat na ang mundong ating ginagalawan ay ang huling paraisong maaari tayong mabuhay, makipamuhay at magbigay buhay kung ito lamang ay ating pangangalagaan at ipaglalaban mula sa mga masasamang nilalang. Ito na lamang ang mundong maaaring pagsilangan ng ating magiging anak. Dito na lang tayo makatatagpo ng sariwang pagkain upang maibsan ang ating gutom. At dito na lang din tayo makahahanap ng pag-asa na kapag nawala pa, ang sangkatauhan ay mabubura at ang mundong ating dinusta ay sasakupin ng kadiliman.

Isang tinig ang aking naulinigan mula sa telebisyon habang pinipitik ang pakete na naglalaman ng ipinagbabawal na gamot. Napangisi na lamang ako sa aking narinig. “Nagpapatawa ba siya? Patay! Patay! Ni-isa wala pa ngang nakapagresolba sa suliranin ng Pilipinas eh. Hambog!” Sambit ko sa sarili at unti-unti ko nang naramdaman ang kaginhawahan. Wari bang ako’y lumilipad sa himpapawid matapos kong singhutin ang heroin. Makalipas ang ilang araw, ang lalaking narinig ko kamakailan ay muli na namang lumabas sa telebisyon. Kayumangging balat, malaking ilong, bilugang mga mata at may katandaan na ang tumindig at matapang na ipinahayag ang kaniyang maigting na pagsusulong kontra-droga. Droga? Napalunok akong bigla lalo nang sambitin niya ang Oplan Tokhang kung saan ito raw ay hango sa salitang Toktok-Hangyo o ang ibig sabihin ay katok pakiusap. Sa pamamagitan daw nito ay nagbabahay-bahay ang mga pulis para magbigay babala sa maaaring drug users at pushers. Nakita ko na namang muli siya sa aking binabasang dyaryo. Pangulong Rodrigo Roa Duterte o mas kilala sa tawag na Digong na naging kontrobersyal sa loob at labas ng bansa dahil sa sunod-sunod na pagpatay sa mga sibilyan na di umano ay may koneksyon sa droga. Sa ilalim ng kaniyang pamumuno bilang presidente, mahigit 100,000 na ang sumuko at libo-libo na ang nangangakong magbabago. Totoong-totoo nga. Ang taong ito ay walang inaatrasan at handang masira ang sariling pangalan maisalba niya lamang ang ating naghihingalong bayan. Walang kahambugan, sadyang tapat lamang siya sa kaniyang hangarin. “Kailangan ko nang sumuko, kailangan kong tulungan ang ating minamahal na pangulo.”


10

Lathalain

Hunyo-Nobyembre, 2016

Sino nga ba si Dr. Jameson H. Tan? ni Khalil Dela Cruz

Nakikita natin siyang maagang pumapasok sa paaralan. Madalas na palakadlakad sa koridor na tila ba inoobserbahan ang bawat kilos ng mga mag-aaral. May mga pagkakataong sorpresang pumapasok sa mga faculty room upang kumustahin ang mga guro at ang kanilang pagtuturo. Isang bagong mukha sa Malinta, dala ay pag-asa sa madla. Siya ang ating bagong punongguro. Siya si Dr. Jameson H. Tan. Si Dr. Jameson Hernandez Tan ay ipinanganak sa San Ildefonso, Bulacan noong ika-26 ng Mayo. Nagtapos siya ng elementarya sa Pinaod South Central School. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral ng sekondarya sa Bulacan National Agricultural School at nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Agriculture sa Bulacan Agricultural State College. Natapos rin niya ang Master of Arts in Education sa University of Caloocan at Doctor of Education sa National Teachers College sa Maynila. Matapos ang pagsisikap na makapagtapos, agad na siyang nakapagtrabaho bilang guro sa St. Paul University. Naging training assistant din siya sa Center for Forestry Education and Research for Asia and Southwest Pacific Region. Naglingkod din siya sa ilan pang mga ahensya tukad ng University of the Philippines Los Banos, Food and Agriculture Organization of United Nations at Swedish International Development Agency. Naging isang Agricultural Science teacher din si Dr. Tan sa Bulacan Agricultural State College. Hindi rito nagtatapos ang kaniyang kasipagan sa larangan ng akademya. Naging guro at head teacher siya ng Science sa Sitero Francisco Memorial National High School. Kinilala rin ang kanyang husay sa pagtuturo sa labas ng bansa sa kanyang pagtuturo bilang assistant professor sa Mekelle University sa bansang Ethiopia at naging chairman ng Education Committee ng Hope Workers Center, isang NGO sa Taiwan, Republic of China.

Tinig na 'di narinig

Dahil sa taglay na kasipagan at dedikasyon sa kanyang mga gawain, nagkamit siya ng parangal bilang “Outstanding Alumnus“ ng Bulacan Agricultural State College at “Outstanding Employee” ng Chin Chyun Industrial Corporation sa Taiwan, ROC. “Education is a never ending knowledge.” Hindi kataka-takang ito ang isa sa mga pilosopiya niya sa buhay sapagkat gayon na lamang ang pagmamahal niya sa larangan edukasyon at pananaliksik. Ito na rin marahil ang dahilan kung bakit naging matagumpay ang ating mahal na punongguro sa larangan ng edukasyon.

Ngayong siya ang punongguro ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Malinta, pangarap niya para sa atin na magkaroon ng mga akmang pasilidad tulad ng mga makabagong laboratoryo at pasilidad upang matugunan ang hamon ng makabagong panahon sa larangan ng edukasyon. Makikita natin na hindi lang sa mga parangal na nakuha niya ang kaniyang galing. Dapat natin siyang tularan. Isang taong mayabong ang kaalaman. Isang tao na matayog ang pangarap. Pangarap na tumulong sa kaniya upang maging matagumpay sa buhay.

Larawan mula sa Rappler.com

ni Karen Duey

Umaga noon at kumakain ako ng pandesal na may kasamang mainit na gatas habang nanonood ng balita sa telebisyon. Nakapupukaw atensyon ang usapin na pinapalabas sa estasyong ito. “Tinatayang halos milyon ang babaeng nagpapalaglag ng mga sanggol taon-taon.” Nakakagulat ang balitang ito dahil maraming bata na pala ang napapatay ng kanilang sariling magulang. Habang patuloy kong sinisiyasat at pinapanood ay nakagugulat ang mga babaeng nagpapalaglag dahil halos karamihan sa kanila ay menor-de-edad pa lamang. Nakalulungkot isipin na dahil lang sa kagustuhang manatiling dalaga o ang iba naman ay hindi pa handa kung kaya kumikitil sila ng buhay ng sariling kadugo. Ngunit sa aking palagay, marami sa mga ito ang hindi naman gustong magpalaglag sapagkat maaaring sila’y naimpluwensyahan ng mga magulang o kaya ay ng kanilang mga kasintahan. Maraming pumapasok sa aking isipan tulad na lang ng magiging kinabukasan ng mga batang ito sakaling sila ay hinayaang mabuhay. Paano kung sila ay maging doktor, guro, abogado o pangulo? Maaaring ito ay magkatotoo kung hindi lamang nasayang ang kanilang buhay. Nakalulungkot na maraming sanggol ang nawawalan ng pagkakataong mabuhay dahil sa kakagawan ng kanilang sariling magulang.

Inilibing kasama ng mga bayani ni Karen Duey

Muli nating balikan ang madilim na yugto ng ating kasaysayan. Ika-25 ng Pebrero, taong 1986 ng mapatalsik ang dating nanunungkulan noong Pangulong Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos sa kanyang puwesto. Diktador, kurap, manlulupig, sakim, at brutal, ilan lamang iyan sa pagpapakilala sa kanya matapos marinig ang kanyang pangalan. Nang araw na iyon, nagkaroon ng tinatawag na “People Power Revolution” na kung saan nag tipon-tipon ang milyon milyong Pilipino. Sama-samang nagtungo sa EDSA upang sama-samang harapin ang naging diktador ng Pilipinas na nagpatupad ng “martial law.” Upang mapababa sa puwesto at maibalik ang yaman na dapat sa mamamayang Pilipino. Rosaryo, pananalig sa diyos ang naging sandata ng mga Pilipino. “Bloodless Revolution” ika nga ang naging katapusan nito. Bumaba sa kanyang puwesto si Marcos at nagtago sa ibang bansa,

sa kasamaang palad namatay at inilipad siya pabalik sa kanyang sinilangang bansa. Sa kasalukuyan, ang kanyang labi ay nakalibing sa Libingan ng mga Bayani na sinang-ayunan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Korte Suprema. Maraming Pilipino ang sumisigaw ng katarungan, lalo na ang biktima ng katiwalian at diktatoryal sa panahon ng Administrasyong Marcos. Makailang beses man ang pagtutol at pagbatikos, kaliwa’t kanan man ang rally na nagaganap araw-araw dahil sa pagpayag ni Pang. Duterte ay inilibing pa rin ang mga labi ni Marcos sa Libingan ng mga Bayani, kasama ng mga taong nagsugal at nagbuwis ng buhay para sa ating bansa. Ngunit karapat-dapat nga bang ilibing sa Libingan ng mga Bayani ang naging malupit na pangulo ng ating bansa? Dapat bang sabihin na siya ay naging isang bayani ng ating bansa?


11 Sports Editoryal

Isports

Hunyo-Disyembre, 2016

PANINGIN ni Ariane Nicole Francisco

(Digital Collage ni Paula Jean Calata)

Palarong Pambansa 2017 ikinakasa na

ni Louie Jay Alcancia

Nanalo ang San Jose de Buenavista, Antique bilang host ng Palarong Pambansa 2017 laban sa Dumaguete City, Negros Oriental sa naganap na botohan noong Ika- 18 ng Nobyembre 2016, sa kabuuang bilang ng boto na 5-4.

Napili ang Antique dahil na rin sa bagong pinapagawang sports facility sa San Jose de Buenavista bilang main event. Dito rin magaganap ang ilang indoor sporting events ng nasabing patimpalak. Umurong naman ang mga

probinsya ng Negros Occidental, Cebu at Ilo-ilo sa nasabing pilian. Tinatayang 18 rehiyon sa Pilipinas ang makikipagkumpitensya sa Palarong Pambansa 2017 at sinasabing pitong araw ang itatagal ng nasabing athletic meet.

Sports Feature

(Larawan mula sa Google Images)

Ang Pagbabalik ng mga Hari ni John Kevin Sta. Maria

Muling nagbalik ang mga hari matapos masungkit ng Barangay Ginebra San Miguel ang pagiging kampeon at uupong muli sa trono matapos manahimik at naiwang uhaw sa kampeonato ng walong taon at ang muling pag-aangat ng mga beterano. Huling taon ng pagkaupo sa trono ng Barangay Ginebra ay noon pang 2008 sa 2008 Festival Cup. Matagal-tagal ng hindi nakatikim ng matamis na titulo. Napuno ng bansag, kinilala bilang mahina at isang team na pinulot sa kangkungan ang

mga natanggap ng Gin Kings at winasak nila ito sa isang gabi na tatatak sa kasaysayan ng PBA. Hindi nila pinapatay ang “Never Say Die” spirit at ang puso sa laro na naging susi sa solido at agresibong samahan. Pinagsanib pwersa ni Head Coach Tim Cone ng Gin Kings ang beterano at baguhan na mabisang paraan upang makagawa ng modern at klasikong galaw ng laro na naging mahirap pihilan at depensahan. Ang mga nagbabagang mga tres ni Helterbrand, ang mga mahabang

galamay ni Justin Brownlee sa ilalim, ang mabilis at matikas na laro ni Scottie Thompson at ang matalinong pagbuo ng laro ni LA Tenorio at ang solido ng pagtutulungan ang muling bumuhay sa tapang ng Gin. Nais ng Gin Kings na bumalik ng solido pa rin at malakas sa darating na 2017 OPPO PBA Philippine Cup at nais na makuha sina Kevin Ferrer at Jam Jamito sa 2016 Draft Pick na magpapasok ng mga rookie sa PBA at nais ni Coach Tim na panatilihin ang puso sa laro.

Kahalagahan ng Pag-eehersiyo ni John Kenlyl Pornelos

Ang pag-eehersisyo ay mahalaga sapagkat makatutulong ito na panatilihing masigla at gumagana nang husto ang puso at baga ng isang tao. Sa pamamagitan din nito, maipaparating sa buong katawan ang oxygen nang mas maayos at mas mabilis. Ang pagkakaroon ng sapat na oxygen sa buong katawan ay nagdudulot ng kasiglahan ng katawan. Bukod sa naitutulong nito sa kalusugan ng katawan, maaari din nitong palakasin ang kumpyansa ng

isang tao. Ang taong may masigla at malusong na pangangatawan ay kadalasang may mataas na self-confidence o kumpyansa sa sarili na mahalaga rin sa pakikisalamuha sa kaniyang lipunan. Maaaring simulan ang pag-eehersisyo sa simpleng paglalakad lamang o pagtakbo sa umaga. Maglaan ng sapat na oras sa umaga o kaya naman sa hapon o kahit anong oras kung kalian nararamdaman na pinakaaktibo. Kung may sapat pang

oras na natitira sa isang araw, bakit hindi pumunta sa gym at magpapawis kahit isang oras lamang. Bukod sa mga ito, ang paglalaro ng isports ay isa ring mainam na ehersisyo gaya ng paglalaro ng basketball, volleyball, badminton, sepak takraw, table tennis at iba pang kinahihiligang sports ng mga kabataan at matatanda ngayon. Magandang paraan ito upang magkaroon ng malusog na pangangatawan.

Hanggang pangarap na lang ba? Sa katatapos na 2016 Rio de Janiero Olympics, nagwagi si Hidilyn Diaz ng silver medal sa women’s weightlifting category. Ito ang unang medalya ng Pilipinas na napagwagian sa Summer Olympics makalipas ang dalawampung taon. Ito rin ang unang medalyang nakamit ng Pilipinas sa isang kategorya maliban sa boksing mula pa noong 1936. Maliban sa siya ang unang babaeng Filipinong nagkamit ng medalya sa olimpiyada, siya rin ang unang babaeng taga-Mindanao na nakasungkit ng karangalan. Tuwang-tuwa ang marami sa nakamit na karangalang ito ni Diaz. Ngunit kung pakaiisipin, ang bansang Pilipinas ay aktibo sa mga ganitong mga patimpalak ngunit bigo pa rin nitong masungkit ang gintong inaasam. Bigo tayong makuha ang gintong medalya hindi dahil sa kulang tayo sa ensayo at tayo ay mahina bagkus ang ating bansa ay kulang sa pasilidad na maaaring pag-ensayuhan ng ating mga atleta. Siguro nga ito ay maituturing nating kalamangan ng ibang bansa kaya’t sila’y umuuwi ng may ngiting tagumpay. Sa sobrang laki na ng populasyon sa Pilipinas ay paliit na ng paliit ang espasyo sa mga lugar upang pagtayuan ng mga sports facilities. Idagdag na rin ang kakulangan sa budget ng pamahalaan upang suportahan at matugunan ang pangangailangan ng mga atleta. Lingid sa kaalaman ng iba, suportado man ng pamahalaan ang ating mga atleta ngunit hindi pa rin ito sapat. Maaari ngang kulang ang ating bansa sa pasilidad para sa ating mga atleta ngunit hindi ito hadlang upang sumuko at hindi ituloy ang laban. Ang mahalaga ay lumaban ka ng buong puso at ibinigay mo ang lahat ng iyong makakaya upang itaas ang bandera ng Pilipinas. Hindi pa man ito ang tamang panahon upang makuha ang medalyang inaasam ay nararapat lamang na magsumikap at paghusayan pa ng sambayanang Pilipino upang makamit ang minimithing medalya.

POSITIBONG TAGLAY ni Pepe Knows

Kakayahan at Tagumpay Sa bawat araw na dumadaan, makikita na ang mga kabataan ay nahihilig sa iba’t ibang uri ng isports. Basketball, Volleyball, pati na rin ang Badminton ay muling sumisikat sa panahon ngayon. Tila isang “phenomenon” ang mga ito. Sa paaralan iba’t ibang uri ng isports ang itinuturo. Kung papaaano laruin ng tama. Dito pa lamang ay nagbibigay nang kaalaman sa mga mag-aaral ang dapat na gawin sa mga larong ito. Kung tutuusin, isang bagay na ito upang mahubog ng husto ang isang kakayahan ng mga mag-aaral upang maging maayos ang kanilang paglalaro. Isa sa mga pinagtutuunang pansin ngayon ng paaralan ang pagtatayo ng isang court para maisagawa ang iba’t-ibang events ng paaralan. Ang court na nasabi ay bubuuin pagkatapos maisagawa ang panibagong silid-aralan sa A. Pablo Campus. Sa tulong nito, magagawa ng pagpatuloy ang mga gagawing programa ng paaralan. Isa na rito ang Intramurals. Ang intramurals ay ang pagbibigay ng araw sa mga mag-aaral na sumali at maglaro ng iba’t –ibang sports na gusto at kaya nilang laruin. Dito nagbibigyang halaga nag mga kakayahan ng mag-aaral na hubugin at paunlarin ang kani-kanilang talent sa larangan ng iba’t-ibang isports. Gabay ng mga nabanggit, lahat ng ito’y nakatulong sa bawat mag-aaral na paunlarin ang bawat kakayahan nila sa isports. Hindi dapat itong ipagsawalang bahala. Siguraduhin nating ang kakayahan ng magdulot ng tagumpay para sa kanila.


INDAK NG KALUSUGAN. Sabay-sabay na umindak ang mga mag-aaral ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Malinta sa bagong Wellness Dance na #HealthGoalMoAyWellness sa kanilang paghahanda sa nalalapit nilang laban na gaganapin sa Valenzuela School of Mathematics and Science sa ika-28 ng Nobyembre, 2016.

(Kuha ni Louie Jay Alcancia)

Malinta NHS wagi sa pandistritong pag-indak sa bagong Wellness

Nagwagi ang mga magaaral ng Malinta National High School mula sa ikasampung baitang sa pag-indak sa bagong Wellness Dance na ginanap sa 2016 District Campus Wellness and Champ Moves Dancercise Competition noong ika-28 ng Nobyembre, 2016 na ginanap

Kilala sina Potsky Alferez at Menard Erickson De Castro bilang varsity player ng MNHS sa larangan ng Volleyball. Simula ng tumuntong sila sa sekondarya, nakahiligan na nilang laruin ang isports na ito. Kapag naglalaro sila ng nito, mapapansin na ang lagi

sa Valenzuela City School of Mathematics and Science. Pinamunuan ng mga guro sa MAPEH 10 na sina G. Lemuel Abanto, Gng. Perlita Manocan at Bb. Yolanda Gavina ang pagsasanay sa mga mag-aaral na lalahok sa nasabing paligsahan. “Nagsasagawa ng ganitong

nilang suot na jersey ay may nakimprentang paborito nilang numero. Nakatatak sa jersey ni Sky ang numero 1 samantalang 5 naman kay Menard. Ang numero uno ay sumisimbolo sa kaarawan ni Sky na Nobyembre 21 bagaman wala sa volleyball ang numero 21, tinanggal na

gawain ang Department of Education (DepEd) kasama ang Nestlé at Department of Health (DOH) upang maging physically fit at magkaroon ng variety of steps ang mga mag-aaral, that will encourage them in dancing.” pahayag ni G. Abanto. Layunin nitong mapanatili ang tamang

lang niya ang unang numero kaya naging numero 1 na lang. ang numero 5 naman ay sumisimbolo sa kaarawan ni Menard na Hunyo 5. Hindi naman maikakaila na si Sky at Menard ay may iniidolong volleyball player din. Ang mga iniidolo nila’y tulad nila na kasinggaling, kasinlakas at kasintalino kung maglaro. Ang iniidolo ni Sky ay si Earvin Ngapeth, isang volleyball player mula sa France at ang kay Menard naman ay si Ysay Marasigan, isang Pilipinang manlalaro mula sa Ateneo de Manila Unversity. Maliban sa volleyball, may iba rin silang libangan. Si Sky ay mahilig sa video editing. Halos maging pelikula na ang kaniyang ginagawang video kapag ito’y in-edit na niya. “Mamaw nga” wika ng mga kaklase niya. Si Menard naman ay kinahihiligang gumawa ng mga poster. Simula pa lamang noong tumuntong siya sa sekondarya ay nakahiligan na niyang gawin ito. Hindi makakaila na ang mga mag-aaral na ito’y may mga talento. Talentong magbibigay kapakinabangan sa kanila. Talentong nagbibigay kasiyahan at kawilihan hindi lamang para sa kanila kundi para na rin iba..

timbang ng bawat mag-aaral sa mga paaralan sa bansa. Samantala, hindi man nasungkit ang kampeonato sa pandibisyong paligsahan ay napanalunan naman ng MNHS ang Best School Practices - Big School Category sa naganap na 2016 Division Campus Wellness

and Champ Moves Dancercise Competition. Ang grupong Hashtags ang siyang nagpasikat ng bagong Wellness Dance 2016. Sila ay mga grupo ng kalalakihan na nanggaling sa ABS-CBN Network at pawang may kanya-kanyang talento sa pagsayaw at pag-awit.

(Larawan mula sa Google Images)

Pusong Ginebra namayagpag sa finals

ni Aimee Soriben

Inagaw at naiselyo ng Barangay Ginebra San Miguel ang upuan ng kampeonato matapos lasingin ang nagngangalit na boltahe ng koponang Meralco Bolts, 9188 sa 4-2 series sa ginanap na 2016 na idinaos sa Smart Araneta Coliseum, Quezon City. Tinapos ng Gin Kings ang makapigil-hiningang laro sa pamamagitan ng makapangyarihang pagpapakawala ni Power Forward Justin Brownlee na naglalagablab na three-pointshot at nakapagtalaga ng 31 puntos na siya ring sumabay sa buzzer beater. Tangan ng Meralco ang unang quarter na may 18-4 run at lumamang ng 13 puntos sa half time ng laro.

Umariba si Guard LA Tenorio at kumana ng 21 puntos dahilang kalawitin pababa ng Ginebra ang panandaliang paghahari ng Meralco sa ikalawang half. Hiniritan pa ito ng pinagsanib puwersang lakas nina Japeth Aguilar at Brownlee ng maglikha ng parehong siyam na rebounds. Sa nalalabng 5.5 segundo, napasakamay ng Gin Kings ang bola at umabot sa pantay na 88 ang iskor ng dalawang koponan. Naipasa kay Brownlee ang bola at nakagawa ng three-points para maitakas ang panalo mula sa kalaban. Hinirang ng gabing iyon bilang finals MVP si LA Tenorio, Best player naman si TNT Katropa Jayson Castro samantalang Best import naman si Allen Durham ng Meralco Bolts.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.