DVBS Material

Page 1

1

denissalvatierra@yahoo.com

Copyright Š March 2012


i

Iang oras lamang ang Vacation Bible School kada araw (sa loob ng limang araw). Tingin man ng iba na madali ang magturo sa mga bata, hindi ito ganun ka simple. Malaking bagay ito sa mga batang dadalo, pati na din sa mga “volunteer” o tagapaglingkod dito. Sa mga nakaranas, ang “values” na natututunan dito ang siyang kadalasang umpisa sa magiging direksiyon ng isang bata sa tatahakin niya sa buhay. At ito ay madadala niya hanggang sa kaniyang pagtanda. Dahil dito ay magkakalakas din siyang hindi sumuong sa maling desisyon at lumaban sa buhay. Ito ang dahilan kaya siya magiging pagpapala sa kaniyang komunidad, pamilya at “churches,” maging sa kanilang magiging trabaho sa hinaharap. Ito rin ay tulong “motivation” sa bata at maging sa mga naglilingkod sa VBS. Palalakasin din nito ang kanilang pagkatao para lumayo sa masamang barkada, bisyo at katamaran sa buhay. Dahil dito ay magsusumikap sila upang mapagbuti ang kanilang gawain at magka “focus” sa pag-aaral at paglilingkod sa Diyos. Sa personal na karanasan ng may akda, ang mga batang nabago ang buhay sa Children’s Church at nahasa dito ang siyang isa sa pinaka epektibong naging manggagawa sa church o sa trabaho sa mahabang panahon. At hindi lang sila naging basta “worker,” naging “achiever” pa sila sa kanilang personal na buhay at naging mapagmalasakit sa pamilya. Ito ang tunay na tagumpay at ang tagumpay ng bata ay tagumpay ng mga nagturo sa kanya at lahat ng volunteer.

…good and faithful servant

p2


Sino ang mga

B

ata

Hindi dapat patalinuhan o pabaitan o pagalingan sa VBS. Ang VBS ay para magbigay ng inspirasyon at break kahit pa may kapintasan, may kapansanan, mahirap, may sakit, may problema, etc. Kung may problema sa pag uugali o I.Q., maslalo siyang dapat tanggapin at turuan ng may halong malasakit at pagmamahal, hindi dapat layuan o agad pagalitan ‌ Hango sa Juan 3:17 p3


Hand-out

p4


K

atangian ng mga MALILIIT na bata pinagsamang Pre-School [5-6 yrs] at Primary [7-8 yrs])

Karaniwang Katangian ng Batang 5-8 ang edad:      

Madaling mainip Mapaglaro Malikot at Agresibo Madamot Makasarili Maikli ang panahon kahit sa kinaiinteresang bagay o gawain

 Madaling magutom  Mahilig sa mga larong may pagtalon o pagkilos ang katawan  Matatakutin o medaling matakot sa mga kathang-isip  Matanong  Sensitibo ang kanilang pagtanggap ng mga katuruan (dapat maging doble ingat sa itinuturo para wag mailto dahil ang tama at maling maituro sa kanila ay maari nilang dalhin hanggang sa pagtanda)

p5


K

atangian ng mga MALALAKING bata (pinagsamang Middlers [9-10 yrs] at Juniors [11-12 yrs])

Bago ka magturo, siguraduhin kabisado ang kadalasan nilang katangian upang mapaghandaan ang paraang dapat mong gamitin.

Karaniwang Katangian ng Batang 9-12 ang edad:  Mapangarapin  Mapang-idolo  Aktibo ngunit baka may palaaway  Maaari nang umpisahang pagkatiwalaan sa responsibilidad gaya ng pag-“assist” o tagagawa ng ilang props o materials  Ang ilan ay “mature” na ang isipan o parang matanda na kung magsalita o mag-isip  Hindi komportable sa “opposite sex” o ibang kasarian  May malisya na ang ilan lalo pa sa panahon ngayon na kadalasang walang “control” ang mga binebentang palabas sa VCD/DVD. Kahit din sa mga napapanood sa TV o nababasa sa dyaryo o internet tulad ng sa Facebook Note: Maging alisto sa pwedeng maging problema bunga ng negatibong ugali ng mga bata at maaaring hindi inaasahang mangyari. Mahalagang may first-aid kit at laging nagche-“check” ng “attendance.” Una sa lahat, ingatan ang kalusugan ninyo at ng mga bata lalo pa sa matinding init ng araw o pabago-bagong panahon. Siguraduhin din na ligtas ang mga kinakain at malinis upang huwag mapulaan. Mag-ingat din sa mga batang gumagawa ng problema bunga ng kalikutan o pagsisinungaling sa magulang na dadalo sa VBS ngunit sa iba nagpupunta. P6


 Makakatulong kung 50% activity / 50% lesson or lecture  Mahalaga yung may “audience participation” o nagtatanong ka  Kumilos ka o maglakad habang nagsasalita para huwag maduling ang mga bata at tuluyang antukin

 Gumamit ng mga patawa, papuri at mga ilustrasyong makaka “relate ang iyong estudyante

 Alamin ang interest ng iyong mga tinuturuan, huwag lang mga gusto mo

 Makakatulong ang gumamit ng pito (Panoorin ang Kindergarten Cop movie, ilang araw bago ka magturo)

“Mungkahing Pang-araw-araw na

Programa”

1. 2. 3. 4. 5.

Pagdating ng mga Guro at “Volunteers” Paghahanda (at least isang oras bago mag umpisa ang klase) Pagdating ng mga bata Pambungad na Panalangin “Worshipcise” (combination ng lively worship at exercise) 6. Lesson (story telling or lecture) 7. Panalangin ng Pagpapatanggap 8. Break o Recess 9. Activity 10. Assignment 11. Pagtatapos na Panalangin 12. Dismissal/Uwian Note: Pwedeng maiba ang pagkakasunod-sunod, depende sa pamamalakad ng namumuno o nakikitang mas epektibong paraan ng nagtuturo p7


Awitin

Ang mga awit ay maaaring dagdagan, makakapili sa “Song list”)

Magalak ka Pilipinas

Likhang Awit ni Ptr. Rommel Guevarra Link: http://www.youtube.com/watch?v=N_ruxK9g40o

Mahal ka Pilipinas Ang Diyos ay sumasa iyo

2x

Ikaw ay bayang pinili Pinili ka ng Diyos Bayang pinili Bayang tinawag Sumamba’t magpuri sa Diyos (Ulitin sa umpisa)

Mahal na mahal kita Panginoon Likhang Awit ni Ptr. Rommel Guevarra

Link: http://www.youtube.com/watch?v=rM3bfTfzNhA

Mahal na mahal kita Panginoon Mahal na mahal kita Panginoon Mahal na mahal kita Panginoon Kailanmay di kita ipagpapalit Pagkat sa piling mo’y langit Mahal na mahal kita Panginoon Chorus: Habang buhay papupurihan ka Habang buhay maglilingkod sayo Habang buhay papuri ko sayo’y iaalay (Ulitin)

p8


Aralin #1

Araw

: Lunes (Unang Araw)

Malasakit sa kapwa.

Paksa : Basehang Biblikal - Lukas 10:25-37 (Mabuting Samaritano) 29

Sa kaniyang pagnanais na maipakitang matuwid ang kaniyang sarili, sinabi niya kay Jesus: Sino ang aking kapwa? 30Bilang tugon, sinabi ni Jesus: Isang lalaki ang bumaba mula sa Jerusalem patungong Jerico. Siya ay nahulog sa kamay ng mga tulisan. Pagkatapos nila siyang hubaran at sugatan, sila ay umalis. Iniwan nila siyang nag-aagaw-buhay. 31 Nagkataong isang saserdote ang lumusong sa daang iyon. Pagkakita nito sa kaniya, ang saserdote ay dumaan sa kabilang tabi. 32Gayundin naman, isang Levita, na nang mapadako roon ay pumunta at tiningnan siya. Pagkatapos nito, siya ay dumaan sa kabilang tabi. 33May isang naglalakbay na tagaSamaria na lumapit sa kaniya. Pagkakita sa kaniya, ang taga-Samaria ay nahabag sa kaniya. 34Paglapit niya sa kaniya, binuhusan niya ng langis at alak ang kaniyang mga sugat at tinalian niya ang mga ito. Ang lalaking sugatan ay isinakay niya sa kaniyang sariling hayop at dinala siya sa isang bahay-tuluyan at inalagaan siya. 35Kinabukasan, sa pag-alis ng taga-Samaria, siya ay naglabas ng dalawang denaryo. Ibinigay niya ito sa tagapamahala ng bahaytuluyan. Sinabi niya sa kaniya: Alagaan mo siya. Anumang iyong magugugol nang higit ay babayaran ko sa iyo sa aking pagbababalik. 36Sino sa tatlong ito ang sa palagay mo ay naging kapwa ng lalaking nahulog sa mga kamay ng mga tulisan? 37Sinabi niya: Siya na nagpakita ng habag sa kaniya. Sinabi nga ni Jesus sa kaniya: Humayo ka at gawin mo ang gayon.

Layunin (para lamang sa guro):

1. Ipaunawa sa mga bata na walang ibang totoong mabuti kundi si Hesus lamang. Siya ang ating dapat tularan dahil Siya lamang ang totoong umuunawa at MAY MALASAKIT SA LAHAT kahit pa siya ay ating nasasaktan kung tayo ay nagkakasala. 2. Ipaliwanag ang versikulo sa Bibliya sa pamamagitan ng pagbasa sa isang patotoong kuwento sa susunod na pahina. Minumungkahi na basahin ito ng may damdamin upang tumanim ang kwento sa mga bata. p9


Kuwento

MATIMBANG PA SA SALITA. Hango sa totoong karanasang kuwento ni Pastor Marcing Prim ng Cavite Philippines

(minumungkahing basahin itong pakwento at may damdamin o “with feelings.”)

Taong 1992 noon sa bayan ng Amaya, Cavite. Isang trabahador sa isang pabrika ang nagkasakit at lumubha na nauwi sa pagkaratay sa banig ng karamdaman. Itago na lang natin siya sa pangalang Freddie. Siya’y maihahalintulad sa isang paralitiko dahil hindi na nakakalakad bagamat ang kaniyang nagging karamdaman ay bunga lamang ng operasyong hindi gumaling at lumubha. Pangit mang sabihin, ang naging sakit niya ay grabeng “luslos.” Sa una ay marami daw naaawa at dumadalaw gaya ng mga kasamahan sa trabaho. Ngunit ng lumala ang sakit ni Freddie, ni sarili niyang ka-pamilya ay hindi na siya mapagtiyagaan at hinayaan na lamang siyang laging nakahiga sa kaniyang kama sa malabodegang parte ng bahay. Bagamat si Freddie ay hinahatiran naman ng pagkain, mag-isa na lang daw siya doon arawaraw kung saan sa kaniyang kinahihigaan na din siya dumudumi at umiihi. Hindi daw mailarawan kung gaano kabaho at nakapangdidiri ang lugar ni Freddie. Ito raw marahil ang dahilan kung bakit mi walang bumibisita sa kaniya dahil mismong asawa’t anak ni Freddie ay pinabayaan siya. Isang ordinaryong araw, tatlong

pang-karaniwang kabataan na dumadalo sa In Christ We Live Fellowship sa Cavite ang nagkausap at nagkaisang puntahan si Freddie. Isa sa kanila ay si Bro. Reggie na siyang dating katrabaho ni Freddie sa pabrika. Pinuntahan nga nila si Freddie ngunit pagdating nila, hindi daw nila akalain ang kalagayang kanilang dinatnan. Masusuka ka daw talaga sa makikita mo at maamoy. Ngunit nanaig daw sa kanila ang malasakit na ibahagi ang kabutihan ng Panginoon kaya’t hinarap nila si Freddie sa kabila ng nakapangdidiri nitong kalagayan. Puros daw mura at galit ang lumalabas sa bibig ni Freddie. Hindi daw nila masisi dahil mismong pamilya niya ay pinabayaan siya doon. Makalipas daw ang ilang sandali ay pumayag din si Freddie na pakinggan sila at tumanggap siya sa Panginoon. Nagpaalam daw silang may tuwa naghiwa-hiwalay na umuwi pagkatapos. Nang gabing iyon ay nakipagkita daw ulit sa kanila si Bro. Boy (isa sa kasama ni Bro. Reggie at ang isa naman ay si Bro. Marcing). Hindi daw mapalagay si Bro. Boy at nagmungkahing balikan nila si Freddie at tulungan malinis ang lugar at katawan. Nagulat daw si Freddie nang bumalik sila kinabukasan, bakas daw ang tuwa at mangha. Iba’t-iba daw sila ng… p10


…ginawa: mayroong naglinis ng bahay, nag-ayos ng gamit, mayroong gumawa sa kama – grabe daw ang kapal ng namuong dumi sa kama na umaagos mula sa kaniyang puwitan na umabot na papuntang sahig. Doon din daw umaagos ang ihi. Nakakaduwal daw ngunit tiniis nila para sa Panginoon. Naluha daw si Freddie at nasabi ang ganito… “alam ninyo, kayo lamang ang nakagawa sa akin nito.” Maluha-luha daw si Bro. Marcing ng buhatin niya si Freddie dahil nakakaawa sa grabeng pinayat halos buto’t balat na siya. Nilinis din daw nila pati si Freddie, pinalitan ng damit at kobre kama. Nag-init din daw sila ng tubig at ginamit nila ang dala nilang bulak at alcohol at nilinis din nila ang hita nitong dumikit na ang mga duming lumabas sa kaniya. Dahan-dahan daw nilang nilinis si Freddie dahil nahahapdian. Sinuklay pa daw nila ang buhok kaya’t umaliwas ang mukha nito. Maging ang basong naninilaw na daw sa lumot ay hinugasan ni Bro. Marcing ngunit sinabihan siya ni Freddie… “hindi ko yan basong inuminan kundi ihian,” Muntik na daw niyang mabitiwan buti at napigilan ang pandidiri. Makalipas daw ang maghapon ay natapos sila. Hindi daw nila akalain paano nila nakaya. Pag-alis daw nila ay kita sa muka ni Freddie ang kaluwagan pati sa kaniyang dibdib. Pati daw ang amoy ay nawala ang baho at panghi. Paglabas daw nila ng bahay ay may mga tao sa labas

ang manghang-mangha sa kanilang ginawa. Bagamat daw iba’t-iba ang relihiyon ng mga tao, kitang-kita daw sa mata nila ang respeto sa kanila. Makalipas daw ang tatlong araw habang nag-o-“overnight” prayer meeting sila ay nagkaroon ng pangitaing mula sa panaginip si Bro. Boy. Nakita daw nito na kinuha na ng Panginoon si Freddie. Totoo nga dahil kinabukasan ay inimbitahan daw sila. Dumating daw sila sa pinagbuburulan kay Freddie na sakay ng tricycle. Pagdating daw nila ay halos hindi makatingin sa hiya ang mga nandoon na karamihan ay kamag-anak at kaibigan ni Freddie. Marahil daw ay kahit ano pa ang gawin ng mga nandoon sa burol ay huli na ang lahat. Ngunit silang tatlo, isang kabutihang walang nakagawa ang ginawa nila kay Freddie bago ito bawian ng buhay. Ito ang kasabihang, “ Action speaks louder than words.” Ito’y isang kabutihang ginawa para sa Panginoon na walang hinihintay na kapalit o papuri. Dahil sa nagawa nilang ito, napatunayan sa lahat kung sino ang totoong nasa Panginoon dahil ang ganitong gawain ay higit pa sa magagawa ng relihiyon o political na paniniwala. Ang makakagawa lamang nito ay yahong ang may tunay na relasyon sa Panginoon. Totoong ang gawa ng isang binago ng Panginoon ay matimbang pa sa salita. p11


Panalangin

Panalangin ng Pagtanggap kay Hesus Paglilinaw: Ang panalanging ito ay gabay lamang. Pwede itong ipanalangin ninuman sa sarili niyang salita o paraan Ngunit minumungkahing sundan na nanggagaling sa iyong puso na may pananampalataya.

Oh Diyos Amang nasa langit. Lumalapit ako sa Iyo, sa ngalan ni Hesus. Inaamin ko po sa Iyo na kahit ako ay bata, ako ay makasalanan. Pinagsisihan ko po na nasaktan kita sa aking nagawang kasalanan sa isip, salita o sa aking nagawang hindi tama at di nakakalugod sa iyo. Patawarin mo po ako. Naniniwala ako na ang pagkapako ni Hesus at pagkamatay sa pagkapako sa krus ng kalbaryo ay para tubusin ako sa akin kasalanan. Tinatalikuran ko na po ang aking mga kasalanan. Inaangkin ko po ang sinabi po sa Salita ng Diyos, sa Roma 10:19 na kapag aking sinambit sa aking labi na si Hesus ay Diyos at maniwala sa aking puso na binuhay Siya ng Diyos Ama mula sa kamatayan‌ ako ay maliligtas. Mula ngayon, aking sasambitin na si Hesus na ang Panginoon ng aking buhay. Ako ay taos-pusong nananampalataya na binuhay nga Siya ng Diyos-Ama. Sa sandaling ito, tinatanggap ko si Hesus bilang aking sariling Tagapagligtas. Pinaniniwalaan ko na sa sandaling ito, ako ay ligtas na. Salamat sa iyo Hesus, sa iyong walang hanggang biyaya at pagmamahal sa akin, sa kabila ng aking mga nagawang kasalanan. Tulungan mo po ako na mabago na ang aking buhay at magawa ang tama upang mabigyan kita ng karangalan. Salamat Hesus sa pagbigay mo sa aking ng buhay na walang hanggan.

Amen. p12


Kinukulayang larawan

Hango sa Lukas 10:25-37

Ang Mabuting Samaritano ay pagsasalarawan ng isang tunay na Mabuting Tao na tumutulong sa nangangailangan kahit walang nakatingin at hindi naghahantay ng kapalit. Ginagawa niya ito dahil ito ang makapagbibigay kasiyahan sa Panginoon at magandang halimbawa sa lahat. Ginagawa niya ang kabutihan sa loob at labas ng tahanan. Ang ginuhit na larawan ay hiniram (excerpted) sa Google Images p13


Takdang Aralin

Bigyan ng iisipin at gagawin ang mga bata sa kanilang pag-uwi bilang takdang aralin. Gumawa ng kabutihan sa isang kakilala o makikita gaya ng sumusunod: 1. Pulubi 2. May sakit 3. Matanda (lolo o lola) 4. May kapansanan 5. Mahirap 6. Hayop tulad ng aso o iba pa. Ipaunawa sa mga bata na ang pagtulong ay hindi dapat pakitang tao, hindi kailangan may pera ka o mayaman sa materyal. Ang pagtulong ay maaring sa pagpapalakas ng loob, pagdalaw sa may sakit, at pagbigay ng simpleng kaloob na kailangang-kailangan ng tinutulungan. Tanungin kinabukasan at minumungkahing bigyan ng “plus� sa points ang batang may nagawa.

p14


Mungkahing pamerienda sa mga bata

Mga Sangkap at Sahog: • Cocoa. Maaaring gumamit ng powder o piraso ng piraso ng “unsweetened Tablea” (tipo cocoa) • Pinaghalong bigas at malagkit • Asukal na pula • Gatas na ebaporada (malabnaw). Siguraduhing hindi “expired” ang gatas • Tubig • Malaking kaldero • Mangkok at kutsara • Baso (inuminan ng bata). Siguraduhing malinis ang tubig. Kung maaari ay “purified” para iwas sa sakit at hindi mapulaan ng magulang Note: Ang dami ng gagamitin ay naka depende sa dami ng bata at volunteer na kakain. Minumungkahing magtanong sa isang nakakatandang sanay sa pagluluto. Paraan: • Lutuin ang bigas na may malagkit sa isang kalderong medyo maraming tubig upang huwag masyadong malapot o matuyuan kapag kumulo na. • Intaying kumulo tsaka lagyan ng cocoa o tablea. Haluin kapag natunaw para humalo hanggang kumulay sa bigas na may malagkit. • Lagyan ng asukal. Tikman kung tama sa lasa para malaman kung kailangang pang dagdagan o tama na. Nasa nagluluto ang desisyon kung ilalagay na ang gatas o sa mangkok na lang lalagyan. • Dagdagan ng tubig kung masyadong malapot • Hinaan ang apoy habang hinihintay maluto upang huwag masunog o pumait ang lasa. • Hintaying lumamig ng konti pagkaluto bago bigyan ang mga bata sa tig iisang mangkok (huwag masyadong mainit). p15


Awitin

Ang mga awit ay maaaring dagdagan, makakapili sa “Song list�)

We wanna to see Jesus Lifted high (Hillsong Kids, likhang awit ni Doug Horley)

Link: http://www.youtube.com/watch?v=4qIIFUzFBQc&feature=fvst

We want to see Jesus lifted high, A banner that flies across the land, That all men might see the truth and know, He is the way to heaven. We want to see, we want to see, we want to see Jesus lifted high We want to see, we want to see, we want to see Jesus lifted high Step by step we're moving forward, Little by little taking ground, Every prayer is a powerful weapon, Strongholds all come tumbling down And down and down and down......

Seek ye first (Hillsong Kids)

Link: http://www.youtube.com/watch?v=pz-HO6c8XH0

Seek ye first the kingdom of God And His righteousness And all these things shall be added unto you Allelu, alleluia

Seek ye first the kingdom of God And His righteousness And all these things shall be added unto you Allelu, alleluia

Man does not live by bread alone But by every word That proceeds from the mouth of God Allelu, alleluia

Man does not live by bread alone But by every word That proceeds from the mouth of God Allelu, alleluia

Ask and it shall be given unto you Seek and ye shall find Knock and the door shall be opened unto you Allelu, alleluia p16


Aralin #2

Araw

: Martes (Ikalawang Araw)

Paksa

:

Malasakit sa gawain ng Panginoon.

Basehang Biblikal: Huwag nating pabayaan ang ating pagtitipun-tipon katulad ng iba na may ganyang kaugalian. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa, lalo na, na inyong nakikita na nalalapit na ang araw. Hebreo 10:25 Layunin (para lamang sa guro): 1. Ipaunawa sa mga bata na hindi dapat matapos sa VBS or Vacation Bible School ang pag-aaral. MAGPATULOY SA PAMAMAGITAN NG PAGDALO SA ISANG CHRISTIAN CHURCH LINGGO-LINGGO kung saan maraming matutunan hanggang dumating ang araw na ikaw naman ang magtuturo, magpapaawit o tutulong sa paglilingkod. 2. Mamakakatulong na ang guro ay magbigay ng kaniyang sariling karanasan kung paano siya lumago at kung paano nakatulong sa kanyang kaalaman at paglago bilang Kristiyano ang pagdalo sa Sunday School o lingguhang pagtitipon sa church. p17


Teacher, aantayin kita sa Langit.

Kuwento

Isang araw sa bansang Amerika ay may isang guro ng Sunday School ang nagbitiw sa kaniyang pagtuturo dahil sa tingin niya wala namang nangyayari. Kasabay ng oras at araw na yoon ay may mga sundalong Amerikano ang “inambushed” sa bansang Vietnam. Napakaraming namatay. Ang mga sugatan ay kaagad na dinala sa pinakamalapit na pagamutan. Sa dami ng pasiyente ay hindi maasikaso lahat. Ngunit may isang kabataang sundalo na naghihingalo ang sumenyas at tinawag ang isang Doctor. Kaagad naman itong nilapitan at inilapit ang tainga sa bibig na bumubulong. At ang sabi, “Doc, pakisulatan mo naman ang aking Sunday School teacher noong bata pa ako na ganito ang pangalan sa ganitong lugar sa Amerika.” “Pakisabing maraming salamat dahil isang Linggo noong ako ay bata pa ay pinasunod niya ako sa panalangin ng pagtanggap kay Hesus bilang Panginoon at sariling tagapagligtas.” “Tinanggap ko noon si Hesus sa aking puso at nanalig na ako ay ligtas na.” “Salamat dahil ngayon ay pupunta

na ako sa Langit.” “Pakisabi ring siya ay aking hihintayin doon.”Ilang saglit lang at ang kabataang sundalo ay namatay. Makalipas ang ilang araw ay may dumating na sulat sa bahay ng dating guro ng Sunday School. Nagtaka siya dahil wala siyang matandaang ganoong pangalan. Ngunit ng kaniyang mabasa ang kabuuan ng sulat, hindi niya napigilan ang lumuha hanggang siya ay mapaiyak. Magmula noon, siya’y bumalik sa pagtuturo sa children’s church. Hango ang kuwentong ito mula sa isang lumang naisulat sa sa isang “Daily Devotion Booklet” Huwag mong panghinayangan ang pagdalo sa Sunday School o Lingguhang pagtitipon sa Church dahil magiging lakas mo ito at paninindigan sa mga darating na hamon ng buhay. At kung dumating na ikaw ay guro na, marahil magugulat ka din, may lalapit na lang sa iyong magpapasalamat sa langit balang araw. p18


Kinukulayang larawan

Hango sa Hebreo 10:25

Ang pagdalo ng pagtitipon ay hindi lang para sa mga mababait at mga relihiyoso o sa mga mapagkunwari. Diyos ang nag-uutos na tayo ay laging dumalo para kumain ang ating espiritu at kaluluwa. Kailangan natin matuto at lumago upang may paninindigan tayo laban sa mga tukso, masamang barkada at bisyo. Sa ating paglaki, tayo naman ang magtuturo at maglilingkod. Walang perpekto kayat ipinag-uutos ng Diyos na sa Kaniya tayo tumingin hindi sa kapintasan ng tao. Ang ginuhit na larawan ay hiniram (excerpted) sa Google Images

p19


Gawain

Pipili ng ilang bata sa lahat upang bumuo ng 3 grupong sasayaw para sa presentasyon ng 2 grupo sa Graduation)

Pamagat1: Maaari Naman (Papuri 13: Hip-hop) Link: http://www.youtube.com/watch?v=7QhZpIiO6UY

Pamagat2: Bagong Sigaw (Ethnic) Link: http://www.youtube.com/watch?v=7QhZpIiO6UY

1.

I-download ang awit na Maari Naman at Bagong Sigaw sa link

2. Pumili ng “volunteer choreographer” (maaaring assistant teacher, isang kabataan o isa sa mga dumadalong batang may kaalaman sa pagtuturo ng sayaw (ngunit kailangan ng gabay ng guro). Mahalagang ang choreo ay gawing “interpretative” ng “lyrics” ng kanta. 3. Pumili ng mga batang magsasayaw sa graduation. Hindi kailangang magaling basta may potential. Hindi kailangang gumastos sa costume. Maaaring school uniform. Isang grupo, class o pinagsama-samang mapipili lamang ang magsasayaw sa special number na ito. Iba ang ibibigay sa ibang class na hindi mapipili. Ngunit lahat ng class ay dapat paringgan ng song o bigyang pagkakataong maka download nito. 4. Pumili din ng tagagawa ng props at kailanganin sa costume. Lahat ay dapat may parte (incharge sa song playing, arts at iba pa). Gawin ito assignment o proyekto. 5: Palakasin ang loob ng mga batang sasayaw at ihanda sa araw at oras ng special number

Karagdagang paalala: Minumungkahing ulitin ang panawagan araw-araw lalo sa bagong dalo at potential na gustong tumanggap sa Panginoon. p20


Mungkahing pamerienda sa mga bata

p21


Awitin

Ang mga awit ay maaaring dagdagan, makakapili sa “Song list”)

Bagong Sigaw Likhang Awit ni Micco Maducdoc

Link: http://www.youtube.com/watch?v=7rqxym5Gsu0

I. Isang bansang tinawag ng Diyos Isang dugong umaagos Bawat isa’y may pusong nilinis Nagliliwanag sa mundo At isang damdamin ang liliyab Kaligtasa’y atin

Chorus: Ako’y sumasamba, sumasamba Sa Diyos na buhay May bagong sigaw Purihin Siya, purihin Siya Isang bansang sumasamba

Pagdating ng Tao sa kalangitan

II. Isang bansang sumasamba Kumikilala sa Ama Bawat isa’y tinubos Malaya Nanalangin sa Lumikha Isang pagbangon ang sisiklab Iisa ang bagong sigaw

Sumasamba, sumasamba Sa Diyos na buhay May bagong sigaw Maghari Siya, maghari Siya Isang bansang sumasamba

Chorus: Ako’y sumasamba, sumasamba Sa Diyos na buhay May bagong sigaw Purihin Siya, purihin Siya Isang bansang sumasamba

Isang bansang may bagong sigaw

III. May bagong araw na darating At ang Diyos ay paghariin Sa bawat dako’t bundok at dagat Sa bayan ay luwalhatiin Ang bulong ng hangin ay pakinggan Humuhuni ang bagong sigaw

May bagong sigaw

Ako’y sumasamba, sumasamba Sa Diyos na buhay May bagong sigaw Purihin Siya, purihin Siya Isang bansang sumasamba

p22


Aralin #3

Araw

: Miyerkules (Ikatlong Araw)

Pamagat :

Malasakit sa pamilya, komunidad at bayan

Basehang Biblikal: Igalang mo ang iyong ama at ina. Sa gayo'y mabubuhay ka nang matagal sa lupaing ibinibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos. Exodo 20:12 1

Kaya nga, una sa lahat, ipinamamanhik ko na ang lahat ng mga dalanging may paghiling, ang mga panalangin, ang mga dalangin na namamagitan at pasasalamat ay gawin para sa lahat ng mga tao. 2Gawin din ang mga ito para sa mga hari at para sa lahat ng mga nasa pamamahala. Ito ay upang mamuhay tayo ng payapa at tahimik sa lahat ng gawaing maka-Diyos at karapatdapat na pag-ugali. 1 Timoteo 2:1-2 Layunin (para lamang sa guro): Ipaunawa sa mga bata na HINDI DAPAT PINAGHIHIWALAY ANG PAGMAMAHAL SA DIYOS AT PAGMAMAHAL SA KAPWA AT BAYAN dahil ang sampung utos ay maaaring ibuod sa dalawang pinakamahalang utos: (1) Mahalin mo ang iyong Diyos ng higit sa lahat at ng buong puso, (2) Mahalin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili. Kasabihan : Huwag mong hanapin lang sa magulang mo at bayan ang pagkukulang nila, bagkus, hanapin mo kung ano ang maitutulong mo at paano mo sila mapapasaya at mabibigyan ng karangalan. (ipaliwanag ito) p23


Kung si Efren Peñaflorida ay may Kariton Classroom, Kuwento

tayo, ano ang ating pangarap para makatulong o makabigay karangalan sa ating magulang at bayan? Si Efren Peñaflorida ay isang pangkaraniwang kabataang na taga Cavite. Isa siyang guro at manggagawang panlipunan. Siya ay nahirang na “CNN Hero of the Year” sa taong 2009. Lumaki siya sa isang komunidad ng mga mahihirap. Lagi siyang iniimpluwensiyahang makisama sa grupo na nasasangkot sa gulo at krimen (gang) ngunit mas pinili niyang mag-aral at magtapos. Sa kabila ng kalagayan nila sa buhay, nakapagpatuloy siyang iskolar at nagtapos na Cum Laude sa isang Unibersidad – “major in Secondary Education” (pagiging guro). Ginamit niya ang kaniyang tinapos upang makatulong sa mga mahirap na bata para sila ay malayo sa gulo at makaahon sa hirap. Tinipon ni Efren ang kaniyang mga kaibigan at “volunteer” at nangalap sila ng mga libro at gamit pang guro at eskwela. Nilagay nila ito sa kariton na kagaya ng mga ginagamit ng mga nagtitinda at basurero. Dinala nila ito sa lugar ng mga mahihirap at nagtipon ng mga batang gustong matuto. Nagsimula silang magturo

sa informal at di tradisyonal na pamamaraan gamit lamang ang kanilang mga dala sa kariton. Nakakarating sila sa mga lugar ng squater, tambakan ng basura, kalye at kahit pa sa mga sementeryo maabot lamang ang mga mahihirap na bata at mga nawalan ng pagkakataong makapag-aral. Sila ay lumago sa bilang na mahigit kumulang 2,000. Naging kasama sa kanilang itinuturo ang kalinisan sa katawan at pagsisipilyo. Mula noon ay marami na silang naturuan at natulungan at umabot ang kanilang pagtulong hindi lang sa buong Pilipinas kundi nakarating na din sila sa ibang bansa. Marami sa kanilang natulungan ay siya na ngayong volunteer at nagtatag na rin ng kanilang grupong tumutulong. Si Efren ay kilala rin sa tawag ng “Kuya F” sa kaniyang mga kasamahan at mga tinuturuan. Dahil sa donasyon niyang napanalunan sa CNN, nakapagpatayo na sila ng sarili nilang gusali sa Cavite at nakabili ng mga kailangang kagamitan tulad ng computer at iba pa.

p24


Tips sa bata

Mungkahi sa mga Bata

Paano Tumaas ang Grade sa School: para maging karangalan ng magulang

1. Mag-pray lagi na bigyan ka ni Lord ng talino, interest, tiyaga at kasiyahan sa pag-aaral. Hindi tataas ang grade mo sa school kung hindi ka masaya sa iyong pag-aaral. 2. Masmakisama lagi sa mga kaklase at kaibigang masikap sa pag-aaral, hindi sa mga bulakbol o sa mga inuuna pa ang video games o masamang usapan. Kung maaari, umupo sa malapit sa unahan kung saan mas maiintindihan ang tinuturo, hindi sa likuran kung saan iba ang pinagko kwentuhan ng mga bata na nauuwi lamang sa kalokohan at paggawa ng masama. Huwag pansinin ang mga naniniwalang “corny” ang mag-aral. 3. Huwag mahiyang magtanong o magpaturo sa kakilalang mas may alam. 4. Mahalaga ang disiplina sa sarili kung kelan dapat mag-aral muna kesa maglaro. Iwasan ang sobrang paglalaro lalo sa video games o ibang bagay na umaagaw sa atensiyon mo sa pag-aaral. 5. Kung nahihirapan kang unawain ang iyong binabasa, ulit-ulitin ito o kaya ay guhitan ang mga mahahalagang parte ng binabasa. Kung ito ay bawal sulatan, lapis ang ipangguhit para pwedeng burahin pagkatapos mag-aral. Pwede ring isulat ang mahahalaga sa isang notebook pang-review. 6. Mangarap ka na tumaasa ang grades mo at i-“challenge” mo ang sarili mo na kakayanin mo ito kahit mahirap. 7. Mahalaga ang “advance reading” sa mga gustong mauna sa kaalaman o masmataas ang grade o pagpapaturo bago pa dumating ang araw ng pasukan. 8. Iwasan ang magpagutom dahil mahirap mag-aral ang gutom. Iwasan din ang pagpupuyat at sobrang panonood ng TV. 9. Minsan nakakatulong sa pag-aaral ang pagkondisyon muna ng iyong utak at katawan kaya ang iba ay “nakikinig ng soft music” bago o tuwing nagre-review. 10. Isaisip mo na hindi hadlang ang kahirapan o kapintasan sa katawan, sa batang gustong may marating sa buhay.

* Ilan lamang ito. Alamin ang sikreto ng mga matataas ang grade at gawin din ito.

p25


Kinukulayang larawan

Hango sa Exodo 20:12 at 1 Timoteo 2:1-2

Ang pagmamahal sa bayan ay hindi lamang para sa mga politico, sa mga bayani o sa mga matatanda. Ito ay para sa lahat kahit bata. Kailangan itong magumpisa sa malasakit sa ating sariling bahay, magulang at komunidad. Ang tunay na pakikipaglaban ay paggawa ng mabuti at pagtulong o paggawa ng proyektong tutulong. Ang ginuhit na larawan ay hiniram (excerpted) sa Google Images p26


Gawain

Patulungin sa paggupit ang malalaking bata (magpa “photocopy� ng marami na hindi kukulangin sa lahat ng batang bibigyan sa tinuturuan)

Ang iba pang kakailanganin sa VBS graduation ay makikita sa graduation booklet

p27


Mungkahing merienda ng mga bata.

Mga Sangkap at Sahog: Itanong sa may karanasan sa pagluluto kung ano ang tamang dami na gagamitin base sa dami ng batang papakainin • Pitso ng manok • Tubig • Knor chicken cubes • Sibuyas • Bawang • Konting mantika • Macaroni (pwede ring pasta o ibang hugis gaya ng shell) • Carot (hiniwa) • Repolyo (hiniwa) • Maliit na lata ng gatas na malabnaw (evaporated) • Asin o Patis at paminta Paraan: • Pakuluan muna ang pitso ng manok at himayin sa maliliit na piraso kapag malambot na. Maaari nang lagyan asin at paminta para magkalasa ang manok. Huwag itapon ang pinaglagaan tubig dahil magandang isama ito sa sabaw ng sopas • Kung marami ang batang papakainin, gumamit ng malaking kaldero. • Painitin ang konting mantika. Igisa ang bawang at sibuyas at isama ang mga sahog na hinimay na manok at isangkutsa o hayaan sandali. • Kapag medyo ma-brown na ang manok ay lagyan na ng tubig base sa payo ng marunong sa lutuing ito, depende sa dami ng kakain • Isama ang sopas at knor chicken cubes at hayaang makuluan • Kapag medyo malambot na ay isama ang hiniwang carrots at repolyo at timplahan ng asin o patis at paminta • Siguraduhing sapat ang sabaw. Dagdagan kung natutuyuan dahil malakas sumipsip ng tubig ang sopas. • Hayaang patuloy makuluan hanggang maluto • Kapag luto na ay hayaan munang lumamig ng konti upang huwag mapaso ang mga bata • Pag pwede na ay lagyan ang mga mangkok na ibibigay sa mga bata. p28


Awitin

Ikaw pala Panginoon Papuri

Link: http://www.youtube.com/watch?v=9LqkQue2isA

Minsa'y wari ko ba'y wala ng pagasa Walang katapusan ating pagdurusa Patuloy kong hinahanap ang kalutasan Bakit kaya di ko matagpuan Sino ba ang aking kailangan Ikaw pala, Ikaw pala aking Panginoon Tanging kasagutan sa'king mga tanong Ikaw pala, Ikaw pala aking Panginoon Ang hanap kong ligaya Ang hanap kong pag asa Bakit pa nga ba ako mangangamba Tanaw ko ang lungkot sa tuwing nagiisa Tila wala sa aking nagmamahal Ang puso ko'y may takot at pangamba Makakamtan pa ba ang ligaya Sino ba ang tanging pag asa

Ikaw pala, Ikaw pala aking Panginoon Tanging kasagutan sa'king mga tanong Ikaw pala, Ikaw pala aking Panginoon Ang hanap kong ligaya Ang hanap kong pag asa Bakit pa nga ba ako mangangamba Ikaw pala Ikaw pala, Ikaw pala aking Panginoon Tanging kasagutan sa'king mga tanong Ikaw pala, Ikaw pala aking Panginoon Ang hanap kong ligaya Ang hanap kong pag asa Ngayo'y batid ko na Ikaw pala

p29


Aralin #4

Araw

: Miyerkules (Ika-apat na Araw)

Pamagat :

Malasakit sa ating katawan at sa kalikasan

Basehang Biblikal: 19 O hindi baga ninyo nalalaman na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo, na tinanggap ninyo sa Dios? at hindi kayo sa inyong sarili; 20

Sapagka't kayo'y binili sa halaga: luwalhatiin nga ninyo ng inyong katawan ang Dios. Layunin (para lamang sa guro):

1. Ipaunawa sa mga bata na ang PAGKA KRISTIYANO NG ISANG TAO AY HINDI LAMANG PUROS ESPIRITUAL. BINIGYAN DIN TAYO NG DIYOS NG KATAWAN NA DAPAT NATING PALAKASIN, INGATAN AT ALAGAAN. 2. Ipaliwanag ang versikulo sa Bibliya sa pamamagitan ng pagbigay ng dagdag kaalaman ukol sa maganda at malusog na pagkain nag ating katawan. 3. Ipaliwanag na ang araling ito ay hindi lamang ukol sa nutrition or pagkaing masustansya. Maari din tayong magtanim ng malunggay sa ating bakuran o tumulong magpalaganap nito bilang dagdag tanim sa ating paligid upang makatulong sa pag control sa baha, pagguho ng lupa, pampabawas ng polusyon sa hangin at abot-kamay na gamot sa ating paligid. p30


Ilan sa magagadang kaugalian nating mga Filipino Tanda ito ng respeto sa magulang at pagmamahal sa Panginoon 1. 2.

3.

4.

5. 6. 7.

Ingatan ang Apelyidong dinadala mo lalo sa paaralan o komunidad. Isipin na ang pintas o papuri sa iyo ay pintas at papuri rin sa iyong mga magulang Huwag kang papasok agad sa ibang bahay ng hindi ka kumakatok o inimbitahang pumasaok. Hintaying paupuin ka bago ka umupo. Huwag masyadong palagay ang loob at huwag kang basta-basta papasok lalo sa mga kuwarto, kusina at ibang lugar kahit pa kakilala o kamag-anak. Huwag mong ikahiya at katamaran ang pagtulong sa bahay lalo sa paghuhugas ng pinggan, paglinis at pagpunta ng palengke. Lamang ka sa iba kung nasanay ka sa gawaing bahay. Alamin ang tamang paraan ng paglalaba at paghuhugas ng pinggan upang hindi mabaho ang kalabasan. Ginagawa mo ito para sa Panginoon hindi sa tao. Huwag sumagot ng pabalang o huwag pilosopo lalo na sa matatanda kahit pa ikaw ang tama. Hayaang lumamig muna ang ulo ng iyong kausap tsaka ka magpaliwanag ng mahinahon. Iwaksi ang pagmumura dahil hindi ito katanggap tanggap sa Panginoon. Ipamuhay ang laging pagmamano sa magulang at magandang asal tulad ng pagsagot ng “po” at “opo” Ipakita ang respeto at kalinga sa Lolo at Lola. Mahalaga ang kalinisan sa katawan ano man ang antas ng pamumuhay. Ingatang huwag magkaroon ng masamang amoy sa hininga, masamang amoy nga pawis sa kilikili at masamang amoy sa paa upang huwag mapulaan. Mahalaga ang araw-araw na paliligo, regular na paglilinis ng tenga, pagpapagupit ng buhok, paglinis ng kuko at pag-iingat sa buhok at balat para huwag magka sakit sa balat. Para sa Babae: Paghandaan ng mga babae ang kanilang dadanasing “monthly period” o “mens” o regal upang huwag mabigla at alam ang tamang gagawin tuwing ito ay dadating bawat buwan. Kung dumadanas na ay maging masinop sa mga pinaggamitang “napkin” (ibalot sa papel at itapon sa basurahan). Iwasang magka-“tagos” o marka ng dugo sa pang-ibabang kasuotan.

Ingatan ang mga pribadong parte ng katawan na di makikita o madidikit kaninuman dahil ito ay sagrado at dangal ng isang tao. Hindi dapat burara o nakabukaka lalo ang babae sa kaniyang pag-upo dahil ang ibang bata na nakakasalamuha ay may malisya na ang isip. 8. Huwag mapipikon kapag nasisita o pinagsasabihan dahil ang marunong making ang siyang mas may nararating sa buhay. 9. Pag-aralan ang “Personality Development” o kaayusan sa pagkatao. Alamin ang hugis ng iyong muka at klase ng buhok upang alam mo kung ano ang tamang gupit na babagay sa muka mo at tamang paaayos. Huwag mahiyang magtanong kung ano ang bagay at hindi bagay sa iyo. 10. Bigyan mo ng karangan ang iyong mga magulang sa pagsusumikap na maitaas ang grade sa school at pagpapaunlad sa iyong talent o kakayahan. p31


Alam nyo ba?

Ang pangkaraniwang

Malunggay

ay maganda sa katawan at kapaligiran. Alam nyo ba na sa konting isinamang malunggay sa ating pagkain ay magpapalusog sa ating katawan at pang-iwas sakit o gamut sa mga sakit? Ipaliwanag ilustrasyon sa ibaba kung ano ang katumbas ng konting malunggay sa ating pagkain:

Ipaliwanag sa mga bata na ang malunggay ay maaaring: • Bakod • Gamot o Bitamina (vitamins) • Pagkakakitaan • Ang buto ng malunggay ay napagkukunan ng langis pwedeng gamitin sa pabango, sabon, gamut at alternatibong “fuel” ng makina • Ang bulaklak ay makakain din

• Ang dahon ng malunggay ay nagtataglay ng sustansya makakatulong sa pagpapalakas ng katawan, gamut, pampagatas ng nagpapasusong ina, masarap na sahog ng ulam at iba pa. Ito rin ang ginagamit sa malunggay capsule p32


Gawain

Gamitin ang pagkakataong ito sa paghahanda para sa graduation at practice ng mga natatanging bilang tulad ng sayaw. Ang ibang bata na walang gagawin ay maaaring libangin sa laro o coloring book. (may nakahiwalay na manual ukol dito)

p33


Mungkahing merienda ng mga bata.

Mga Sangkap at Sahog:

Magtanong sa sanay sa pagluluto ng lugaw para huwag magkamali • Bigas • Pitso ng manok (hiniwa) • Piniritong Tokwa (maaaring wala) • Sibuyas at Bawang • Asin pampalasa at pamintang durog • Suka at Toyo (para sa pritong tokwa) • Dahon ng sibuyas (tinadtad) • Pritong bawang (pangbudbod sa ibabaw ng lugaw) Paraan: • Ilagay ang hinugasang bigas sa kaldero na may sapat na tubig. Hayaang kumulo sa hindi kalakasang apoy. • Alisin ang takip at haluin ang bigas kapag kumulo para maiwasang ang paglapot at pagkasunog. Siguraduhing may sapat na tubig para maging lugaw. • Ilagay ang hiniwang pitso ng manok sa lugaw at hayaang maluto. • Budburan ng pampalasa tulad ng asin, paminta, patis, bawang, sibuyas at konting toyo. • Haluin at hayaang maluto. • Ihain na may tinadtad na dahon ng sibuyas. • Siguraduhin na hindi sobrang init upang huwag mapaso ang mga bata. Kailangang ready ang inumin. • Kailangang handa na rin ang sawsawang suka-toyo para sa piniritong tokwa (kung meron)

p34


Araw

: Biyernes (Ikalimang Araw)

(Graduation) Wala namang sigurong masama sa mga traditional na inihahanda tuwing magtatapos ang Vacation Bible School. Pero dapat naman siguro kahit simple lang ay higit pa sa “securlar kind of rewards” ang ibigay upang hindi lang pangdisplay kundi uukit ito sa puso ng bata hanggang sa kaniyang pagtanda. Minumungkahi na ang ibibigay sa mga “outstanding students” ay may kaugnayan sa kung ano ang kakayahang kinikilala sa bata. Magastos man ngunit ito ay subok na epektibong investment sa bata. Masmabuting may sponsor sa mga rewards: Best in Music/Worship

Best in Poetry Best in Arts/Crafts

Best in Dance Iba pang pagkilala

magpa- “Burn” o kopya ng mga “Christian music” sa isang “Audio CD” Booklet ng isang “ispiring literary piece, novel or quotations” Book or Booklet ukol sa “art painting techniques” o “crafts” o “coloring book” Booklet about worship through dance Bahala na ang guro basta may kurot sa puso ng bata o ang mga traditional na reward gaya ng nasasaad sa ibaba:

 Certificates  Ribbons (Best in…, etc.)  Medals (optional) Mga ilan pang bagay na dapat siguraduhin             

“Committees” at “Records” “Sound System” at CD na gagamitin “Budget” Preparasyon, “Cleaners” at “Program Ceremony” Natatanging Bilang o “Special number” Assignment per class and level (participation nila sa graduation Pagkilala (worker’s, assistant, donnors, etc.) “MALASAKIT” …SA KAPWA, …SA GAWAIN NG PANGINOON, …SA KOMUNIDAD AT BAYAN, AT MALASAKIT SA KATAWAN AT KAPALIGIRAN) Lona o Tolda (kung mayroon at kung kailangan) Upuan, Lamesa at props “Evangelism plan” para sa mga dadalo tulad ng magulang Merienda (bahalang magplano ang organizer) At iba pa (bahalang magplano ang organizer) p35


email: denissalvatierra@yahoo.com


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.