/pidseid0702

Page 1

Economic Issue of the Day

Philippine Institute for Development Studies S u r i a n s a m g a Pa g - a a ral Pangkaunlaran ng Pilipinas

Vo l . V I I N o . 2 ( A p r i l 2 0 0 7 )

Ang JPEPA

A

ng Japan-Philippine Economic Partnership Agreement o JPEPA ay isang kasunduang pangkalakalan sa pagitan ng bansang Hapon at Pilipinas. Bilang isang kasunduan, ito ay naglalaman ng mga probisyon na inilalahad bilang commitments o mga pangako ng dalawang bansa kaugnay sa palitan ng mga produkto, serbisyo, taripa o sistema ng pagpapataw ng buwis sa mga inaangkat, pamumuhunan at iba pang kaugnayang pangkalakalan at administratibo na sakop ng kasunduan.

Mga nakaraang pangyayari kaugnay ng JPEPA Iminungkahi ng dating Punong Ministro ng Hapon na si Junichiro Koizumi kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na magkaroon ng isang pangkalakalang kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa nang bumisita ang huli sa Hapon noong Enero 2002. Pagkalipas ng mahigit na apat na taon ng maraming mga pulong, konsultasyon at negosasyon, pinirmahan ni Pangulong Arroyo at Punong Ministro Koizumi ang JPEPA noong Setyembre 9, 2006 sa Helsinki, Finland.1 Ang ekonomiya ng bansang Hapon ay pangalawa sa pinakamalaki sa buong mundo (gross domestic product o GDP nito ay nasa $4.5 trilyon); pang-lima sa pinakamalaking tagaangkat ng mga produkto mula sa ibang bansa at pang-walo sa pinakamalaking pinagmumulan ng kapital. Kung titignan ang relasyon nito sa Pilipinas, ang ekonomiya ng Hapon ay 46 beses na mas malaki; ang GDP bawat tao ay 30 beses na mas mataas; pangalawa ang Hapon sa pinakamalaking katambal ng Pilipinas sa pangangalakal; at pinakamalaking pinagmumulan ng dayuhang kapital ng Pilipinas. Kaya't ang kasunduang ito ay tinatayang makakatulong sa pag-unlad ng Pilipinas at maging mas kompetitibo ito sa pandaigdigang bilihan hindi lamang sa Hapon.2

Mga kabanata sa JPEPA3 Ang JPEPA (na dito ay tataguriang Kasunduan) ay may 16 na kabanata o chapter na kinabibilangan ng mga sumusunod na tema: 1. Mga probisyong pangkalahatan (General Provisions) – Naglalaman ng mga layunin ng Kasunduan, kahulugan,

paglilinaw ng mga regulasyon, mga administratibong proseso, mga pagrerepasong legal, kaugnayan sa ibang kasunduang pandaigdig at ang pagbuo ng isang joint committee na mangangasiwa sa pagpapatupad nito. 2. Kalakalan ng produkto (Trade in Goods) – Ihahanay ang mga produktong pangkalakal ng dalawang bansa ayon sa Harmonized System (ang isang produkto ay inuuri ayon sa kung ano ito, hindi ayon sa kung ano ang gamit nito o kung saang bansa ito nagmula); paggawad ng National Treatment (pantay na trato ng dayuhang produkto tulad ng lokal na produkto) sa karamihan ng mga produktong iaangkat at unti-unting pagbawas ng buwis ng mga ito; at mga panukalang isasakatuparan upang maiwasan at matugunan ang ano mang masamang epekto sa mga lokal na industriya. Ang taripa sa tinatayang 95 porsiyento ng mga produktong industriyal at agrikultural ay unti-unting babawasan at aalisin. 3. Mga regulasyon ukol sa pinagmulan ng produkto (Rules of Origin) – Nagtatakda ng mga alituntunin sa pagpasya kung saang bansa nagmula ang isang produkto na papatawan naman ng taripang mas pabor kung ito ay napatunayang nanggaling sa Hapon o Pilipinas. 4. Mga panuntunan ukol sa adwana ( Customs Procedures) – Magtutulungan ang dalawang bansa upang mapadali at pagkasunduin ang mga panuntunan ukol sa adwana na magbubunsod sa pagpapagaan sa pangangalakal. Bibigyang diin ang paggamit ng information and communication technology (ICT) upang makamit ito. 5. Pangangalakal elektroniko ( Paperless Trading ) – Magkakaroon ng mga hakbang upang magkaroon ng mas epektibong palitan ng elektronikong impormasyon ukol sa pangangalakal. 6. Kasunduan sa pagkilala (Mutual Recognition) – Ang mga produkto ng Pilipinas ay maaari nang makapasok sa Hapon sa pamamagitan ng mga pamamaraang pinagtibay at pinagkasunduan ng dalawang bansa. _____________________ 1 Erlinda Medalla, 2006, The Japan-Philippine Economic Partnership Agreement (JPEPA): Some questions and answers. 2 Department of Trade and Industry, 2006, Briefer on JPEPA [online], available from the World Wide Web: (http://www.business.gov.ph filedirectory/Briefing%20Document_on_the_JPEPA.pdf). 3 Department of Trade and Industry, 2006, JPEPA highlights presentation to the Senate Committee on Trade and Commerce, 7 November, Makati City.


Economic Issue of the Day

ANG JPEPA 2

Vo l . V I I N o . 2 ( A p r i l 2 0 0 7 )

7. Kalakalan sa mga serbisyo (Trade in Services) – Ang mga probisyong ito ay tungkol sa liberalisasyon sa mga sektor ng serbisyo na may kinalaman sa turismo at paglalakbay, kalusugan at iba pang pampamayanang serbisyo, outsourcing, paglalakbay panghimpapawid at pangdagat, telekomunikasyon at pagbabangko. 8. Pamumuhunan (Investment) – Ito ay mga hakbang ng Pilipinas ukol sa pamumuhunan at mga mamumuhunang Hapon na pumapasok sa bansa. Ang mga probisyong ito ay may kinalaman rin sa pagpapataw ng National Treatment o Most Favored Nation ( MFN ) Treatment at mga prosesong magliliberalisa sa mga puhunan at magbubunsod ng malinaw at lantad na usapan sa pamamagitan ng paglalahad ng lahat ng hindi kasaling probisyon. 9. Paglilipat ng mga likas na tao (Movement of Natural Persons) – Mga probisyong magpapadali sa pagpasok ng mga kwalipikadong manggagawang Pilipino sa Hapon tulad ng mga nars, tagapagbigay-alaga, mga may kaalamang teknikal, mamumuhunan, at mga negosyante. Ang pagpasok ng mga taong ito sa Hapon ay isasakatuparan sa ilalim ng mga malinaw na patakaran na pagkakasunduan ng dalawang bansa. 10. Pag-aaring intelektwal ( Intellectual Property ) – Ipatutupad ang mga hakbang na mapalawak ang kaalaman ng publiko sa kahalagahan ng pag-aaring intelektwal na kinabibilangan ng titulo, patente, disenyong pang-industriyal, tatak, mga karapatan ng may akda, at iba pang ganitong uri ng pag-aari. Ang dalawang bansa ay magtutulungan sa bagay na ito na inaasahan ring magiging dahilan para tumaas ang estado ng Pilipinas sa larangan ng pag-galang sa pag-aaring intelektuwal. 11. Pagbili ng mga gamit at serbisyo ng pamahalaan (Government Procurement) – Mga probisyong may layunin na maging mas lantad, pantay at malinaw ang pamamaraan at mga batas na sumasaklaw sa pagbili ng mga gamit at serbisyo ng pamahalaan. Layunin ring magkaroon ng palitan ng impormasyon ukol sa mga gawain na ito na maaari ring maging saklaw ng liberalisasyon sa pamimili ng pamahalaan. Ngunit ito ay nangangailangan pa ng ibayong mga pananaliksik bago magkaroon ng mas malawak na negosasyon. 12. Kompetisyon (Competition) – Mas paiigtingin ang masigasig at patas na kompetisyon, isang elemento ng malayang merkado na mas magpapalakas sa ekonomiya ng Pilipinas at Hapon. Ipapatupad ang mga hakbangin at magtutulungan ang dalawang bansa upang isulong ang kompetisyon sa pamamagitan ng pagsawata sa mga gawaing hindi patas at nakakapagpahina ng kompetisyon at ng mga mas maliliit na mga negosyo at korporasyon. 13. Pagpapaunlad ng kapaligirang pang-negosyo (Improvement of Business Environment) – Ang dalawang panig ay magtutulungan upang paunlarin ang kapaligirang pangkalakal sa pamamagitan ng pagtatatag ng mekanismo upang kuhanin

ang panig at panukala ng mga kinatawan ng mga korporasyon sa Pilipinas tungkol sa kanilang mga naging karanasan at suliranin sa pangangalakal sa Hapon. 14. Pagtutulungan (Cooperation) – Ito ay kinabibilangan ng pagtutulungan ng dalawang bansa patungkol sa 10 larangan na sinasaklaw ng Medium-Term Philippine Development Plan (MTPDP). Ito ay ang mga sumusunod: paglilinang ng yamangtao (human resources development); mga serbisyong pinansyal ( financial services ); teknolohiyang impormasyon at komunikasyon (information and communication technology); enerhiya at kapaligiran (energy and environment); siyensya at teknolohiya; pagtataguyod ng pangangalakal at pamumuhunan (trade and investment promotion); maliliit at katamtamang-laki ng negosyo ( small and medium enterprises ); turismo; transportasyon; at paglililinang ng mga daan ( road development). 15. Pag-iwas sa at pagsasaayos ng hidwaan (Dispute Avoidance and Settlement) – Naglalaan ng mekanismo na magagamit upang maiwasan at maayos ang anumang mga hidwaang maaaring magbuhat sa implementasyon at interpretasyon ng Kasunduang ito. 16. Mga probisong pangwakas ( Final Provisions ) – Isasailalim sa pangkalahatang pagrepaso ang Kasunduan at ang implementasyon nito sa taong 2011 at kada limang taon mula noon. Ang Kasunduan ay maaaring baguhin at aprubahan sa pamamagitan ng mga legal na proseso. Maaari ring wakasan ng Pilipinas ang Kasunduan sa pagbibigay ng pormal na kasulatan na nag-aabiso sa pamahalaang Hapon isang taon bago ito tuluyang wakasan.

Pangwakas na pananalita Ang JPEPA ay sinasabing kakaiba sa mga tradisyonal na kasunduang pangangalakal na nagpapatupad lamang ng liberalisasyon ng mga produkto at serbisyo. Bagkus, ang JPEPA ay isang makabagong kasunduang pangangalakal kagaya ng pinagkasunduan ng Hapon sa ilang bansang kasapi sa ASEAN tulad ng Singapore, Malaysia at Thailand. Ang mga probisyon ng JPEPA ay naglalayon na magkaroon ng panlahatang kaunlaran pang-ekonomiya sa pamamagitan ng maayos na pagpasok ng mga manggagawa, kapital at impormasyon; kaakibat din ang puhunan, kompetisyon, pagpapabilis ng pagdaloy ng kalakal, at kooperasyon sa siyensa at teknolohiya, paglilinang ng yamang-tao, maliliit at katamtamang-laki ng negosyo at ang pagkalinga sa kapaligiran.4 Sa ngayon, hinihintay na lamang ng ratipikasyon ng Senado ng Pilipinas ang JPEPA bago ito tuluyang mapatupad. _____________________ 4 Josef Yap, Erlinda Medalla, and Rafaelita Aldaba, 2006, Assessing the Japan-Philippines Economic Partnership Agreement, Policy Notes No. 2006-10 (Makati City: Philippine Institute for Development Studies).


Economic Issue of the Day

THE JPEPA 3

Vo l . V I I N o . 2 ( A p r i l 2 0 0 7 )

The JPEPA

T

he Japan-Philippine Economic Partnership Agreement (JPEPA) is a bilateral trade agreement between Japan and the Philippines. As an agreement, the JPEPA contains provisions that lay out the commitments of the two countries in terms of trade in goods, services, tariffs, investments, and other administrative and implementing matters of the agreement.

Brief background of JPEPA It was the former Japanese Prime Minister Junichiro Koizumi who first suggested to President Gloria Macapagal Arroyo that the two countries forge a bilateral agreement when she visited Japan in January 2002. President Arroyo agreed and set in motion the lengthy process that formed committees, meetings, consultations and negotiations held and finally after four years, the JPEPA was signed by the two heads of State on September 9, 2006 in Helsinki, Finland.

The JPEPA as seen in economic perspective The economy of Japan is the second largest in the world, with a gross domestic product or GDP of $4.5 trillion. Japan is also the fifth largest importer and the eighth largest source of investment in the world. Compared to the Philippines, Japan’s economy is 46 times bigger, its per capita GDP is 30 times higher, it is the second to the largest trade partner (second only to the United States), and the biggest source of investments of the Philippines. Thus, this agreement is seen as a great help toward economic progress and increased competitiveness of the Philippines in the world market and not only in Japan.

The JPEPA chapters The JPEPA (herein referred to as the Agreement) has 16 chapters that include the following themes: 1. General provisions – Includes provisions on the objectives of the Agreement, definitions, administrative procedures, legal reviews, relation to other international agreements, and other guidelines including the creation of a joint committee that will oversee the implementation of the Agreement. 2. Trade in goods – Goods will be classified according to the Harmonized System, where a product will be classified according to what it is, not its use or where it originated. Goods will also be accorded National Treatment status (equal treatment as if a local product), and the gradual elimination or reduction of tariffs on an estimated 95 percent of industrial and agricultural products.

3. Rules of origin – Rules and mechanisms will determine and certify originating goods for which preferential tariff treatment will be accorded. 4. Customs procedures – The two countries will exchange information and cooperate to facilitate trade by having simplified and harmonized customs procedures. Information and communication technology (ICT) will be used to extensively achieve this. 5. Paperless trading – Provisions will encourage efficient exchange of trade-related electronic information and electronic versions of documents. 6. Mutual recognition – Philippine products may enter Japan through mutually recognized rules of conformity assessment procedures. 7. Trade in services – These provisions would lead to the liberalization of services sectors such as outsourcing, air transport, health-related and social services, tourism and travelrelated services, maritime transport services, telecommunications, and banking. 8. Investment – This includes provisions regarding mechanisms related to Japanese investments, including, among others, those that concern the accordance of National Treatment, Most Favored Nation Treatment, and Performance Requirement

The economy of Japan is the second largest in the world thus the JPEPA, which is a bilateral trade agreement between Japan and the Philippines, is seen as a great help toward economic progress and increased competitiveness of the Philippines in the world market and not only in Japan.


Economic Issue of the Day

THE JPEPA 4

Vo l . V I I N o . 2 ( A p r i l 2 0 0 7 )

Prohibitions for the liberalization of investment, and enhance transparency by specifying all exceptions to these provisions. 9. Movement of natural persons – Qualified Filipino workers such as nurses, certified care givers, those with technical skills, and investors will gain entry to the Japanese labor market. Clear guidelines on the practice of profession/occupation, streamlined processing of application, and possible application in other professions will be established by both countries. 10. Intellectual property – Provisions are meant to enhance understanding and importance of protecting intellectual property (IP). IP includes, among others, patents, industrial designs, trademarks, copyright and other related rights. Provisions to enhance cooperation and appropriate protection and enforcement elements are also included to protect IP. 11. Government procurement – Aims to increase transparency of government procurement laws, regulations, and procedures. This is also a potential area for liberalization of government procurement activities but is still subject to further studies before further negotiations. 12. Competition – Provisions will promote greater vigilance and attention to the protection of fair competition. Both countries will enact measures to promote competition by strengthening cooperation and addressing anticompetitive activities that weaken competition and affect small businesses. 13. Improvement of business environment – Provisions will strengthen cooperation to improve the business environment of both countries. A framework of consultations will be set up to ensure more efficient and timely resolution of issues affecting Japanese and Filipino enterprises in both countries. 14. Cooperation – Economic cooperation in 10 fields will boost the implementation of the Medium-Term Philippine Development Plan (MTPDP): human resources development, financial services, information and communications technology, energy and environment, science and technology, trade and investment promotion, small and medium enterprises, tourism, transportation, and road development. 15. Dispute avoidance and settlement – A mechanism will be established to address disputes that may arise in the interpretation and implementation of the Agreement.

16. Final provision – The Agreement will undergo a general review of its implementation and operation in 2011 and every five years thereafter. It may be amended through legal procedures. Should the Philippines opt to terminate the Agreement, it must give a one-year written notice to the Japanese government using diplomatic channels.

Conclusion The Philippines is not the only country that has a free trade agreement with Japan. Other ASEAN countries, namely, Singapore, Malaysia, and Thailand, also forged trade agreements with Japan, with Thailand also in its final stages of ratification. Free trade agreements between countries situated in the same region have been developed “in response to the growing trend in regionalism along with increasing globalization and technological progress.” At present, JPEPA is awaiting the ratification of the Philippine Senate for it to be fully implemented.

References Medalla, Erlinda. 2006. The Japan-Philippine Economic Partnership Agreement (JPEPA): Some questions and answers. Handout given during the seminar titled JPEPA: A Second Look held on January 19, 2007, NEDA sa Makati Building, Makati City. Department of Trade and Industry. 2006. Briefer on JPEPA [online]. Makati City: Department of Trade and Industry. Available from the World Wide Web: (http://www.business.gov.ph/filedirectory/ Briefing%20Document_on_the_JPEPA.pdf). ———. 2006. JPEPA highlights presentation to the Senate Committee on Trade and Commerce [online], 7 November, Makati City. Available from World Wide Web: (http://www.business. gov.ph/filedirectory/JPEPA%20Highlights_Senate%2007% 20Nov%202006_revised.pdf). Yap, Josef, Erlinda Medalla, and Rafaelita Aldaba. 2006. Assessing the Japan-Philippines Economic Partnership Agreement. Policy Notes 2006-10. Makati City, Philippines: Philippine Institute for Development Studies. Gaboy, Luciano L. Gabby’s Dictionary [online]. Available from the World Wide Web:(http://www.gabbydictionary.com/).

The Economic Issue of the Day is one of a series of PIDS efforts to help in enlightening the public and other interested parties on the concepts behind certain economic issues. This dissemination outlet aims to define and explain, in simple and easy-to-understand terms, basic concepts as they relate to current and everyday economics-related matters. This Issue was written by Barbara F. Gualvez, Executive Assistant at the Institute. Dr. Tereso Tullao Jr., Professor at the De La Salle University helped in the Tagalog translation of this issue. The views expressed are those of the author and do not necessarily reflect those of PIDS and other member agencies and sponsors. N Philippine Institute for Development Studies NEDA sa Makati Building, 106 Amorsolo Street, Legaspi Village, Makati City z Telephone Nos: (63-2) 8924059 and (63-2) 8935705 z Fax Nos: (632) 8939589 and (63-2) 8161091 URL: http://www.pids.gov.ph


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.