Sandugo 20161104

Page 1




Published by:

Kusog sa Katawhang Lumad sa Mindanao (KALUMARAN) Save Our Schools Network - UP Diliman Suara Bangsamoro Sandugo Alliance Congress of Teachers and Educators for Nationalism and Democracy (CONTEND-UP Diliman) Kataga

Cover Design:

Earl Orio

Layout:

Ipe Soco


nilalaman 01 03 05 07 08 09 11 13 14 15 17 21 22 26 28 31 33

Testimonio, Mark Angeles Tuyong Dahin, Kevin Armingol Awangin, Bayani Banzuela Apoy, Patrick Noah Bautista Idaw, Lean Borlongan Pagpapatag ng Bundok, Ma. Cecillia de la Rosa Ituturo Namin ang Katarungan, Emmanuel Halabaso Bituka, Ram Hernandez Pangalan, Glen Sales Epiko sa Lungsod, Ipe Soco Ang Tunay na Kulay, Mitch Acebo Anadia Bulldozer, Stum Casia Say-ang Ti Umili, Asia Gepte Hindi Namin Kailangan ‘Yan, Billy Ibarra Katutubo at Moro (Sila rin ay Tayo), Piping Walang Kamay Ilang Manunulat na nga ba ang Lumikha ng Tula at Prosa, Jenilyn Manzon Magbabago pa kaya ang Bayan Ko, Aya Quintal


35 36 38 40 41 42 44 47 48 50 51 54 56 58 60 63 66 67 68 69 70

Ulupong ng Lawin, Elmo Ellezo Aringa Lupang Ninuno, Aming Paraiso, Elmo Ellezo Aringa Ang Pintura sa Embahada, Joi Barrios-Leblanc Bunga ng ALCADEV, Ezekiel Beltran Ang Alamat ng Ating Pagkamatay, J. G. Dimaranan Hindi sa Nayon o Lungsod Matatagpuan ang Malasakit, Nicolas Completo Gaba, Jr. Nagtiwala. Nasaktan. Nakulong, Lyn Angelica Pano Dahil may Himig na Hindi Nagagapi, Allan Popa Ang Gisulti sa Kada Dugo, Mikko Ringia Maximum Tolerance, Bonn Taguba Thought Balloon, Dr. Rolando Tolentino Baktas (Lakbayan: Mula Urban Patungong Kanayunan, Edgie Francis Uyanguren Ang Pambansang Minorya, Kennedy Bangibang Ang Lupang Pangako, Jerry Kiram Ang Pagbawi, ALCADEV Ang Usapan ni[na] Lumad at Kapitalista, TRIFPSS ‘Wag Sanang Kalimutan, Ryan Lavares Dayuhan, Aya Selena Carlos Sa Unang Pahina, Francis Charles Curativo Isang Katutubo, Steph Saure Tula, Joshua Kutch Alfonso


71 72 74 77 79 81 83 84 86 89 91 93 95 96 98 99 101 102 103

Salakniban, Sheila Abarra Dalawang Lider, Danielle Trisha Adoptante Haibun (walang pamagat), Bastin Adrias Haibun (walang pamagat), Fatima Andres Salmong Tugunan ng Minoryang Api, Marvin Joseph Ang Usapang sa Cellphone, Rizza Mae Buiza Haibun (walang pamagat), Dianne Candelario Hindi Pa Siguro Ngayon, Steven Paul Evangelio Ilang Lakbayan Pa ang Lilipas, Ma. Joane Gaco Paglapit, Arjay Ivan Gorospe Sa Bayan, Kami ay Bumabalik, Clarence Javier II Sa Malayo’y Nagmamasid, Niraramdam ang Paligid, Marie Noelle Lumbre Sir Ramil Miguel, Carl San Antonio Marcelo Sa Isang Sulok ng Kampuhan, Jamela Angela Obligacion Haibun (walang pamagat), Leira Micah Gianni Roman Dahin Kailanman ‘Di Pipiliin ang Usok Kaysa Malinis na Hangin, Cathlyn Angelica Rosario Mabigat na Pagbuhat sa Paglakbay, Malkkolm Samson Markang Hindi Malilimutan, Malkolm Samson Sa Dalawang Laban ng Pula, Genina Danica Soriano



Introduksyon

M

akasaysayan ang paglabas ng SANDUGO, Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na natipon ang mga malikhaing akda na nagpapatungkol sa buhay ng pambansang minorya ng Pilipinas - ang ispesyal na sektor ng Lumad/ katutubo at Moro na binubuo ng 15-20% ng populasyon ng bansa.

Sinasalamin ng mga akda ang kalagayan ng pambansang minorya na sa mahabang panahon ay nakikibaka laban sa pandarambong ng kanilang lupang ninuno at ang kakambal nitong mapanupil na atake ng estado, at sa matagal nang umiiral na pambansang opresyon sa kanila. Tampok din na usapin sa koleksyon ang tungkol sa dayuhang panghihimasok - partikular na ang Estados Unidos – gamit ang mga sunod-sunurang institusyon ng estado, isa na dito ang pasistang militar. Taglay sa koleksyong ito ang mahigit 30 akda na mga kasapi ng Kataga, KM64, mga estudyante ng UP Diliman at Kalayaan College, advocates at ilang Lakbayanis. Sinadyang may mga akdang isinulat sa iba’t ibang lenggwahe ng Pilipinas tulad ng Cebuano at Iluko nang sa ganoo’y maipakita ang saklaw ng iba’t ibang tribu ng bansa. Inaasahan na simula pa lang ito ng pagpapakita, sa pamamagitan ng malikhaing pagsusulat, ng buhay at pakikibaka ng pambansang minorya. Nararapat lang na ang malikhaing manunulat ay makapagbahagi ng kanilang talento at panahon para sa ikabubuti ng kalagayan ng pambansang minorya. Mahalaga rin ang pakikipamuhay sa kanila kahit sa panandalian lamang nang sa gano’n ay maging lapat ang kanilang mga puso at isipan sa kung ano talaga ang katotohanang umiiral sa buhay ng pambansang minorya.

KALUMARAN

Kusog sa Katawhang Lumad sa Mindanao





Testimonio Mark Angeles Kataga

Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

Editor-in-chief ako ng isang alternative news website noon, ngunit hindi nakaupo sa kuwartong de-aircon. Sa araw na iyon, reporter akong nag-cover ng dialogue sa pagitan ng CHR at lumadnon. Dala lamang ang kapangyarihan ng sariling dila, mga mata, pakiramdam, isinalaysay ng mga lumad ang modus ng militar: sinusuhulan ang ilang mananansong katutubong nagbabalatkayong lider ng ilang grupo; tinatamnan ng bala ang mga hindi nila mapaluhod. Ilang linggo iyon bago maglakbayan at ilang milyang alon ang kanilang nilakbay. Kasama nila si Junjun na hindi iyon ang tunay na pangalan. Pinagbilinan kaming burahin ang kaniyang mukha sa mga kinuha naming larawan.

1


Si Junjun, na hindi marunong mag-Tagalog, ang tanging nakaligtas sa masaker ng militar sa Pangantucan. Pinagbabaril ng militar ang kaniyang amang bulag, mga kapatid, mga kamag-anak. May daplis siya ng bala sa mukha—marka ng lagim ng militar. Pagkatapos ng dialogue, pagkatapos ng ilang oras na pakikipaghabulan sa mga atleta ng UP Diliman, pauwi na kami, sa gitna ng pagod at gutom, sa ibabaw ng tulay ng Commonwealth, nag-request silang kunan ng larawan. Si Junjun, si Datu, si Roland, sa backdrop ng naghahabulang mga ilaw ng sari-saring sasakyan—kumislap ang kani-kanilang mahiyaing ngiti— larawang hindi mabubura kailanman ng kahit anong panunupil, ng kahit ilan pang kamatayan.

2


Tuyong Dahon Kevin Armingol Kataga

Batid namin, mula sa liyab ng inyong mga mata at liksi ng mga paa wala kayong hangad kundi mapanatili at kalingain ang yutang kabilin na sintanda ng mga gatla sa inyong noo at epikong nananalaytay sa dugo. Pagkat ang bawat isa’y marka ng kulturang hindi maagnas-agnas Tutukan man ng gatilyo ng dahas. Ngunit sadyang impiyerno sa piling ng nagdaang gobyerno at sistemang ito. Dinipensahan n’yo lamang ang yutang kabilin laban sa dambuhalang minang gahaman at sakim binansagan pa kayong salot mangmang at rebelde.

Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

3


O, kay sayang mabuhay sa lipunang ito! mga mamamaya’y binibenta sa dayo pinagkakakitaan ang sinalanta’t binagyo at ang mga paaralang itinayo sa pawis at dugo Pinaliguan ng bala At biyak na bungo. Ngunit dumagan man sa ating mga puyo at itinayong tolda ang mga natuyong dahon ng mga nalagas na kasama at naiwan hinding-hindi malalanta ang ating hinahangad na malayang bukas. Mula payyo tungong palasyo At mula mosque tungong kalye Haharapin natin sila sama-sama, iisang dugo, mata sa mata angil sa angil at buong pusong sintigas ng kamao

4


Awangin Bayani Banzuela Kataga

Kapag nakikita kong pasan nyo ang dalawang sakong palay sa inyong mga balikat, maaari ko bang sabihing, simbigat ba iyan ng mga bundok na pinatag, hinigop, sinalaula ng mga halimaw na kumakain ng kabundukan? Simbigat ba iyan ng mga responsabilidad na nakaatang sa inyong mga balikat, protektahan ang banal na lugar na kanlungan ng inyong mga ninuno? Kapag nababasa ko ang mga pangalan ng inyong mga tribo: T’boli, Bl’aan, Aeta, Mangyan, Ifugao, Tausog. Iisa lang ang nasa isip ko. Ganito rin ba ang aking mga ninuno walang sapin ang paa, bahag ang saplot, banal ang pangalang nakatatak sa mga dambuhalang punong tagabantay ng inyong angkan?

Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

5


Kapag dinadalaw ninyo kami dito sa kalunsuran. Hubad kaming nahihiya sa mausok na lugar, maingay na syudad. Hindi ito ang inyong mundo. Sa mga berdeng kabundukan, Sa birheng batis, at hangin kayo nananahan. Kapag dinarahas kayo sa kanayunan. Kinakampuhan ng mga kaaway, ang inyong sagradong lugar, eskwelahan, simbahan at mismong tahanan. Ginigilitan ng leeg ang inyong mga guro at pinuno. Dito kayo pumisan panandalian sa aming lugar. Sasamahan namin kayo sa inyong laban. Kung paano nila sinasalaula ang lupang ninuno na inyong tahanan. Ibabalik natin sa kanila ang bagsik at lakas ng ating tribo’t angkan.

6


Sabi ng isang martir, ang apoy ay hindi basta apoy, kaya sinimulan ko makinig

Apoy Patrick Noah Bautista Kataga

sa inyong mga kuwento. Wala akong panulat kaya pinilit kong iukit sa isip ang alaala na pilit n’yo ring inaalaala sa isip: ang mawalan sa gitna ng kawalan. Narinig ko ang mga kuwento kung paano naglalagablab ang lupa at lupa rin ang nagpapatahan sa tao. Ang tao na hindi nagiging tao dahil sa labis na pag-apoy. Humithit ako ng sigarilyo at nagpupuyos sa pigil na galit ang inyong tinig. Sadyang kapos ang mga titik para mailarawan ang kasakiman. Ang tubig ay tubig dagdag ng martir at ang pag-ibig ay hindi basta apoy. Kaya pinakawalan ko ang usok mula sa aking dibdib na nagbabaga sa inyong mga iwinika. May pagkawala sa pagkawala sa karukhaan ng salita.

Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

7


Idaw Lean Borlongan Kataga

8

bumulong sa akin ang diwata: hindi ko iniibig ang mga naniningala. yumuko ako at tumitig sa lupa ngunit ang lupa ay hindi na lupa kundi daang sementong may luha nagawi sa paningin ang mga pang yapak. nang akin nang matanaw mga katutubong bahag ang bihis sibat at kalasag na nananangis paikot paikot na indayog waring bumabalik bumabalik bumabalik sa buhay na payak sa gunita ng diwata at lupa ng ugat, ng talahib at baging ng bundok, ng kakahuyan, ng sukal. hanap ng diwata ang buwan hindi ko tinanaw ang langit at tinunton ang daan pabalik.


Pagpapatag ng Bundok Ma. Cecilia de la Rosa Kataga

Pinapatag ng makina Ang kanilang mga bundok Pinapatag ng mga putok Ang nanunugatog Nilang dunong. Nais pang patagin Ang buong kasaysayan At ang mahabang gulod Ng pagpapadayon. Ngunit, Sila ma’y Pinatatag Ng mga danas Ng pagpapatag Sapagkat noon pa, Pinili nang maging piko Ng kanilang mga paa— Umuukit ng tatag sa gubat, Umaamba ng pagtibag Sa nais manibag Ng dangal.

Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

9


Ngayon, Piniling maging Talampakan Ng kanilang mga talampakan. Subalit mga talampakan itong Lumusong sa kapatagan Upang patagin Ang mga bulubunduking Pagkakaiba. Libo-libong pares ng paa, Umanyaya ng libo pa! Paanong ‘di mapapatag Ang matarik kong Panananigip? Muling nagsapiko Ang kanilang mga yabag— Panawaga’y inuukit Sa panatag kong Dibdib.

10


Ituturo Namin ang Katarungan Emmanuel Halabaso Kataga at Kilometer 64

Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

Hindi mahagilap ng katinuan Ang balitang binalatan nang buhay Ang aking kapatid. Nilibing Nang buhay habang kumakapit Ang hapdi sa kanyang kalamnang Hinubdan higit pa sa Binunkad Gaya ng lupang kinayod ng traktora Habang nagpapalitan ang katahimikan At pangamba sa gitna ng bala’t bomba, Dahan-dahan gumapang sa aking braso Ang ngitngit na pumalaot sa nagkiskisang ngipin. Ngitngit ang nagpapasikip sa dibdib At marahas na kinilala ito ng kamao. Hindi mahagilap ng katinuan Kung makatarungang budburan ng asin Sa siwang ng nagpaubayang balat. Humiling ako ng paliwanag sa langit, Sa araw, sa kabundukan at mga kuweba Ngunit tinititigan lamang ako’t nagwawaring Alam ko na dapat ang sagot. Namuo na ang kapootan sa kamao At lalong nagwawala ang pag-ibig Sa dibdib ng bawat nasasakupan.

11


Walang kabayong makatutugon Sa problemang iminarka Sa katawan ng aking kapatid, Sa aming lupain. Hindi mahagilap ng katinuan Ang pagwawalanghiya sa ninuno Ng mga ninunong nagtanim Ng bahay, ng paaralan, ng kabuhayan Sa mga binungkal na lupa. Mga asarol at piko ang lapis Na gumuhit ng linya Paturo sa sidlakan. Sisilang sa aming ngitngit Ang katarungang hindi mahagilap Ng kanilang katinuan. Ituturo namin ang salita Gamit ang aming armas

12


dahil magkakadikit ang kalamnan

Bituka Ram Hernandez Kataga

ang tiyan ng kalam magkakadikit dahil magkakadikit ng kalamnan ang tiyan ang kalam magkakadikit dahil magkakadikit

ang

kalam ang tiyan ng kalamnan magkakadikit magkakadikit ang kalam dahil magkakadikit ang kalamnan ng tiyan magkakadikit ang kalamnan dahil magkakadikit ang kalam ng tiyan

Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

13


Pangalan Glen Sales Kataga

Kamatayan ay pangalan ng hantungan Sa sinumang lalang ng lumalang At araw-araw tayong pinakakain ng balita Tungkol sa kamatayan bunga ng karahasan . Ngayon ang karahasan ay mga pangalang Emerito Samarca Dionel Campos Belio Sinzo at kanilang mga kasama Ang kanilang kamatayan ay hindi maaaring Hindi pag-usapan o ilibing sa limot Silang binunot ang pangalan sa kanilang lupain . Mapa ng sindak Sugat sa dibdib ng Lianga Silang nagtatanim lamang ng pag-asa at liwanag Binunot man ang kanilang mga pangalan Itatanim ko ito sa aking kalooban . Didiligan ,susuhayan hanggang sumilip ang araw, Ang araw na makakamtan nila ang katarungan.

14


Epiko sa Lungsod Ipe Soco Kataga

Rumagasa ang hangin Tangay ang kanilang awit Papalayo sa tahanang Tinutungkab ng dayuhan Humalo ang sariwang taghoy Sa alingasaw ng urbanidad Tinahak ng mga paang bihasa Sa pagtawid sa mga ilog Sapa, pilapil, at dawag Ang aspalto ng lungsod Na sumisipsip ng kanilang Lakas at hinahon Doo’y natunghayan nila Nagtatayugang gusali Nagkikislapang palamuti Naglalakihang sibilisasyong Nagmula sa nakaw na yamang Tinungkab sa kanilang tahanan

Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

15


Doo’y nasalamin nila Kinukutya nilang kamalayan Sinusukat nilang pagkatao Dinudusta nilang dignidad Binabasura nilang prinsipyo Mula sa mata ng mga ganid Samantala, nakaamba Ang protektor ng nananamantala Handang sagasaan ang sino mang Maliit na naggigiit At minoryang nag-iisip Maghanda! Dumadagundong ang mga tongatong Kudyapi at kulintang Nagngingitngit ang mga palasong Maniningil, itatarak Sa dibdib ng pagsasamantala

16


Ang Tunay na Kulay Mitch Acebo Anadia Kilometer 64

Naririyan lang sila sa iyong paligid. Nakikita ngunit hindi pinapansin Ang iba’y hanggang tingin na lang din Pinagmamasdan lang, ngunit hindi tinutulungan Mas nais natin magbulag-bulagan. Nakakakita ngunit pinipili lang ang dapat makita Iba’t ibang kulay sa kapaligiran Sumisilaw sa ating mata para makita sila Ang tunay na kulay ng iyong bansa Nakikita mo nga ba? Bughaw. Pula. Puti. Ginto Bughaw. Pula. Puti. Ginto Bughaw Ang kulay ng maaliwalas na ulap May aliwalas na hatid sa damdamin Hudyat ng bagong umagang haharapin Magandang araw upang mag-ani at magtanim Maliwanag na kalangitan ang titingalain Matapos ang maghapong pagyuko sa lupain Mapapahinto at matitigilan

Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

17


Muling titingalain ang bughaw na kalangitan Kasabay ng pagpapahinga ay ang paghinga Sinambit ang mga kataga: “Sa pagsapit ng kadiliman Manatili nawa sa amin ang lupang kinalakihan Hanggang sa muling pagsapit ng bughaw na kalangitan.� Pula. Ang kulay ng dugong dumanak Noong sumapit ang kadiliman sa lupang tinubuan Kasabay ng paglalaho ng bughaw na kalangitan Ang pagdating ng mga naghaharing-uri Naghari-harian sa tulong ng binuong alyansa Alyansa ng mga dayuhan at mga taong nakaupo sa gintong upuan Pinagkanulo ang mga tunay na yaman ng bansa Kapalit ng salapi, ay ang pag-angkin sa mayayaman na lupain Kabundukang pinasabog para sa pilak, ginto at tanso Naglalakihang punong kahoy ang pinuputol Kapalit ng dam at gusaling nais itayo May traktorang sumasagasa sa mayayaman na taniman Upang gawing isang malaking pasyalan Mga tahanang inapuyan Kapalit ng isang base militar para sa mga dayuhan. Wala na ang bughaw na kalangitan Kulay pula na ang nasa kapaligiran

18


Hudyat ng pagsibol ng digmaan Digmaan para sa pakikipaglaban sa kanilang karapatan Katarungan at kalayaan, na inalis ng mga nasa pamahalaan. Pula ang kulay ng dugong dumanak Sa lupang ninuno na kanilang ipinaglalaban Nang magsimula ang digmaan sa pagitan ng iisang lahi. Ang armas na dapat gamitin sa pagtatanggol sa bansa Itinututok sa kababayan at iisang lahi ang nagpapatayan Hanggang kailan mamumutawi ang pula sa kapaligiran? Hanggat may mga dayuhan sa ating bayan Hanggat may tatsulok sa sistemang umiiral sa bansa Hanggat hindi pantay ang tingin sa mga Muslim at Kristiyano. Hanggang kailan ka magiging dayuhan sa iyong sariling bayan? Pilipino ang dapat na nasa bansang Pilipinas. Kung pagkakaisa ang nais ng bawat isa Maaalis ang pula at puti ang mamumutawi. Puti. Ang kulay ng katahimikan at kapayapaan Mailap na kapayapaan Kailan nga ba makakamtan? Kung wala na ang gahaman sa pamahalaan Kung wala na ang dayuhan sa ating bayan Sa kanilang pag-alis itataas ang panyong puti Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

19


Hindi bilang hudyat ng pagsuko Kundi hudyat ng pagsibol ng bagong lipunan Pagsibol ng kapayapaan at katahimikan Pagsikat ng panibagong gintong araw. Ginto. Ang kulay ng pagsikat ng panibagong araw Hatid ay pag-asa na magtatagumpay Tagumpay sa labang nasimulan Panibagong umagang haharapin Na hindi na tayo alipin Sa atin na ang lupang dati’y inangkin Ang Pilipinas ay para lamang sa mga Pilipino. Ang mga kulay na ito Ay ang kulay ng sumasagisag sa bansa mo Hindi kulay ng mga pulitiko Mga kulay na nasa bandila Kulay na tinahi ng kasaysayan At nakakabit na sa ating bansang pinagmulan Watawat ang sagisag ng iyong pagka-Pilipino Nakikita mo nga ba ang kulay ng bansa mo?

20


Bulldozer Stum Casia Kilometer 64

May gumagapang na bulldozer sa aking braso. Sinusuyod nito ang bawat sitio. Ramdam na ramdam ko ang pagkayod. Masakit na masakit. Sa aking balat, gagawa sila ng kalsada. Magtatayo ng bagong siyudad sa aking soberanya. Papayag ba ako at magpapaubaya? Handa na ba akong mawalan ng bisa? May maghanap kaya sa akin, Kung isang araw sa inyong paningin Bigla na lang akong mawala? Kung isang araw, Sa bawat mapang ilalathala na babasahin ng mga isisilang na bata, Ang pangalan ko ay hindi na nakatala? O, baka naman talagag hindi na ako umiiral sa kanilang gunita? Kaya wala man lamang nagtataas ng kilay Kahit ako ay sinisira? May gumagapang na bulldozer sa aking braso. Andito na siya sa dibdib ko. Kailangan ko ng tulong ninyo.

Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

21


Say-ang Ti Umili Asia Gepte Kilometer 64

Umili, tumakder ka, sarangetem dagiti layat ken pangta Di ka agsanud, nu di ket sum’kad ken lumaban ka Pakasaritaan ti nangpaneknek Bukod mo a bileg, tured ken kabaelan Natenneb kan iti nadur-as a teorya ken praktika Di mo ngarud palpalukayan, Petpet mo iti maso, kumpay, ken say-ang Berdugo a militar ken pulisya a manglapped kenka Gapu ta ibilbilang dakan kas kabusor masapul a paksyeten! Rebbengen dat pagtalinaeden, poder dagiti agum a buwaya iti takdang! Pumang-ur da ken mang-arestar nu agpakita ka’t militansya Lallalo a mangpaneknek kina-mersenaryo, nalabes a kinaranggas Isunga agridam ka, siputam a nalaing, Baka agaramat da pay ti paltog, bomba, ken tear gas! Gagem da’t sebseban, pungtot dita let-ang iti barukong mo Adi da pulos maawat, nagtaudan ti naindasigan a pannakilaban Ngem sika umili, namtmatam ti biag ni Ina a pagilian, Biag na datay daksanggasat, agnanayon kadin isu’t pagtungpalan? Buklis a manangirurumen, mang-ib-ibus kinabaknang iti kadagaan, danum ken uray puli, Pakasaritaan ti nangdiktar panakairurumen saan a maggibusan No saan a maidalan iti nailian-demokratiko a pannakidangadang!

22


Bayan, manindigan ka, harapin mo ang dahas at banta Huwag kang magdalawang isip, kung hindi at humakbang ka’t lumaban Kasaysayan ang nagpatunay Ng lakas, tapang at kakayahan Napanday ka ng maunlad na teorya at praktika Kaya huwag kang bumitiw Sa pagtangan mo sa maso, karit, at sibat

(Sibat ng Mamamayan) Asia Gepte Kilometer 64

Ang mga berdugong militar at pulis, nariyan sila upang gapiin ka Dahil ibinibilang ka na nilang kaaway, dapat na tinutugis! Tungkulin nilang panatilihin, puder ng mga buwaya sa lupa! Mananakit sila, manghuhuli kung militansya mo’y naipapamalas Mas lalong napapatunayan, pagiging mersenaryo at tindi ng pasismo Kaya maging mapagbantay, magmatyag ng mahusay Baka gamitan ka pa ng baril, bomba at tear-gas! Layunin nila’y patayin, apoy na namumuo dyan sa pagitan ng dibdib mo Di nila maintindihan, pinagmulan ng galit mo’y makauring paglaban Ngunit ikaw, mulat ka sa buhay ng ating Inang bayan Buhay na siyang nakakapanlumo, lagi-lagi na nga bang mararanasan? Ang mga mapang-api, inuubos ang kayamanan ng lupa, tubig at pati na ang lahi At kasaysayan na ang nagsabi, tanikala’y hindi mapapatid Kung hindi ang pambansang-demokratikong paglaban ang isusulong Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

23


Daga a nangtagibi iti tribu ken pagbiag a nakaiyanakam Ditoy a timmanor, maminribu ken maminpulo, anges-biag dagiti annak mo Daytoy kadagaan a nainsigudan, pasublat laeng, tawid mo saan iti kaapuam, No di ket manipud iti sumarsaruno a kapututam! Isu a rumbeng iti agdama, sika’t mang-aywan, mangsalaknib nu kasapulan Iti kasta, saan laeng nga apoy nu di ket gil-ayab ti agramaram Pungtot dita pusom, nainkalintegan, ad-adda a mapasingkedan! Umili sika ti namnama, mangruk-at nakakaskas-ang a sistema Adun a biag dagiti maingel nga annak mon ti naibuis, Panagsayasay ti dara dagiti kailiam, paayam ti hustisya Saan ka agsarimadeng, Itandudom ti gubat, sika umili, Tapno pannaka-gudas ti biag da tumibker ti kaipapananna Pagilian tay a maidadadanes, ilsalbar mo, palung-awem! Rebengem a parmeken, poder dagiti agar-ari ket dupraken Pudno a panagbalbaliw, aramado ken umili ti kangrunaan nga mangitandudo Awan ti makaigawid panagbaringkuas mo, tibker ken bileg iti amin a tay-ak Agingga saan a maragpat, pudno a kappia, waya-waya ken panagpapada-pada Ibandera tayo nga umili, naindasigan a pannakilaban!

24


Ang lupang nag-alaga sa iyong tribu at kabuhayang nakamulatan mo Dito nagmula, ang libu-libo’t sampu-sampung hininga-buhay ng mga annak mo Sa lupang ninuno, na siyang pinahiram lamang sa iyo, ipinamana, hindi ng iyong mga ninuno Kung hindi pamana ng susunod na henerasyon! Kaya tungkulin mo sa kasalukuyan, ang alagaan ito, protektahan kung kinakailangan Kung gayon, hindi lamang ningas kun’di lagablab ng apoy ang kakalat Ang galit dyan sa puso mo, makatarungan, lalong napapagtibay! Bayan ko, ikaw ang pag-asa, upang makaigpaw mula sa bulok na sistema Kayrami nang naibuwis na buhay ng magigiting na anak mo Ang patuloy na pag-agos ng dugo ng mga kababayan mo, bigyan mo ng hustisya Saan ka umatras, magpatuloy ka sa paglaban, Upang hindi masayang halaga ng buhay na inialay nila sayo o bayan Bansa nating inalipusta, ibangon mo, palayain mo! Tungkulin mong pawiin, kapangyarihan ng mga naghaharing uri Tunay na pagbabago, tayong sambayanan at armado ang magtataguyod Walang makakapigil sa iyong pagbabalikwas, tibay at lakas nati’y saan mang larangan Hanggang sa makamit, tunay na kapayapaang, kalayaan at pagkakapantay-pantay na asam Tayong sambayanan, itaguyod natin ang makauring pakikidigma!

Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

25


Hindi Namin Kailangan ‘Yan Billy Ibarra Kilometer 64

Malaya ang buhay sa birheng kagubatan Kahit minsan ay hindi napasok ng mga dayuhan Dayuhang Kastila, Hapon at Amerikano Itong kabundukan, ang tahanan ng aming mga ninuno May mayamang kasaysayang hindi naisulat sa mga aklat Ang kwento naming mga kulot, may abuhing mga balat Hanggang sa ang aming kultura ay unti-unting nilamon ng pagbabago Ang tunay pa lang mananakop ay mga kapwa natin Pilipino Malalaking gusali, hindi namin kailangan yan Sapat na sa amin ang matayog naming kabundukan Maraming pera, hindi namin kailangan yan Nasa kalikasan ang aming pagkain, mga halamang gamot, at pangunahing pangagailangan De Aircon na mga silid, hindi namin kailangan yan Sentralisado ang lamig sa bundok na hatid ng hanging amihan Swimming pool, hindi namin kailangan yan Malinis ang aming mga ilog, mga talon, at lahat ng ito’y maari mo pang inuman Dam, hindi namin kailangan yan Sapat na sa amin ang biyaya ng ulan Pag-unlad? Anong klaseng pag-unlad? Pag-unlad na katulad ng pag-unlad ng mga nasa syudad?

26


Alin? Yung kailangang maganda ang bahay mo at may kotse ka Hindi ganyan ang buhay namin dito, simpleng pamumuhay lang ay sapat na Wag nyo kaming lokohin na sa inyo ang lupang ito Nandito na kami, matagal na, noon pa mang panahon na wala pa kayo Konti na lang kami, unti-unti ng nabubura ang aming pagkakakilanlan Nawawala ang aming komunidad at ang aming lahi’y naglalaho dahil sa sinasabi mong kaunlaran Mas gugustuhin ko pa ang mamatay ng lumalaban Kesa magpabayad kapalit ng aking lupang tinubuan Mas gugustuhin ko pang mamatay ng lumalaban Kesa ikahiya ng mga susunod na henerasyon ng aming mga kabataan Mas gugustuhin ko pa na mamatay ng lumalaban Kesa hayaan silang patagin ang aming kabundukan Kaya ang kaunlarang sinasabi mo, hindi namin kailangan yan Masagana ang aming buhay, hatid ng aming kagubatan at kabundukan Ang kaunlarang inyong sinasabi ay para sa inyo lamang Habang ang kabundukan ay natatapakan ng inyong kapatagan Mayaman na kami sa grasyang hatid ng Inang Kalikasan At wala na kaming ibang hiling pa kung hindi mabuhay sa katahimikan Ang tangi naming kailangan ay ang aming lupang katutubo At ipaglalaban namin ito, mula sa ugat, hanggang sa puno

Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

27


Moro, Igorot, Aeta, Dumagat, Atta, Bagobo, Banwaon, B’laan, Bukidnon, Dibabawon, Higaonon, Mamanwa, Mandaya, Manguwangan, Manobo, Mansaka, Tagakaolo, Tasaday, Tboli, Teduray, Ubo at iba pang katutubo.

Katutubo at Moro (Sila rin ay Tayo) Piping Walang Kamay Kilometer 64

Tandaan natin, higit nilang karapatan ang lupa kung saan sila naninirahan. Higit nilang alam ang kanilang kabutihan. Mas pamilyar sila sa mga puno at halaman na tumutubo sa kanilang kapaligiran. Kilala nila ang mga bulaklak at dahon, ang bawat musikang hinuhuni ng mga ibon, ang mga insekto at hayop na gumagala roon. Kabisado nila ang simoy ng hangin na sa kanila ay mayroon. Kabisado nila ang lagaslas ng tubig sa kanilang mga sapa at ilog. Alam nila kung kailan ang tag-init at tag-ulan sa kanilang lugar. Alam nila kung kailan dapat magtanim at kung saan. Batid nila kung ano ang mapanganib at ligtas. Kaya mangyari, Huwag tayong magdasal nitong kawalang-pakialam Para sa kanilang kabundukang dinadahas ng mga minahan. Huwag tayong magsawalang kibo na lamang sa mga nalalason nilang ilog at karagatan dahil sa mga latak na pinayagan nitong pamahalaan. Huwag nating balewalain ang nasisira nilang kalikasan at kabuhayan dahil tinatayuan ng mga resort, dam, golf course, condominium, subdibisyon, mall, minahan, at iba pang negosyong ang nakikinabang lamang naman mga korap na pulitiko, ganid na panginoong may lupa at kapitalistang lokal at dayo.

28


Huwag. Huwag tayong magkibit-balikat na tila ba wala lang ang nagaganap Sa kanila. Sa kanila na ang pangarap sariwang hangin din ang malanghap. Sa kanila na ang pangarap katarungan din ang mahagilap. Sa kanila na ang pangarap isang mapayapang komunidad. Ngunit paano iyon magaganap kung marami pa rin sa atin ang nananahimik at walang pakialam habang isa-isa silang sinasakal hanggang sa hindi na makahinga habang isa-isang pinapaslang ang kanilang mga lider hanggang sa wala nang matira habang isa-isa, ang kanilang mga puso at isip ikinukulong sa takot at pangamba? Sa mismong harapan nila kinaladkad ang lamog-lamog na katawan ng kanilang mga lider at kasama. Pinatikim ng mga suntok at tadyak na akala mo punching bag. Tila nilagyan ng gripo sa tagiliran. Ang leeg ginilitan. Pagkatapos. Hindi pa nakuntento. Pinutukan ng baril. Harap-harapan. Sa noo. Sa sintido. At ang sumunod. Pagdanak ng dugo. Basag na bungo. Mga katawang walang buhay. Nakahandusay. At sa buong paligid ang nakabibinging mga pagtangis na walang papantay. Inaarmasan ng AFP ang iilang katutubo. Ang pagkakaisa nila hinahati ng estado na tagapagsulong at tagapangalaga ng interes ng mga dayo. Sinusunog ng mga paramilitar ang mga eskuwelahan habang ang iba naman paaralan ginagawang kampo ng mga militar. Ginagahasa ang kababaihan na ang ilan ay kabataan. Maging mga musmos walang awang pinapaslang. Nakagapos at magkakapatong na inilibing ang katawan ng mga lumalaban para sa karapatan at katarungan. Lahat ng karahasan ipinadanas para takutin ang mga katutubo at lisanin ang mga lupang ninuno. Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

29


At dagdag pang nakagagalit sa kanilang ginagawa ang murang isipan ng mga bata sinasaksakan ng pangamba. Sa bawat krimeng hinahasik ng mga nakakumoplahe at may tsapa. Sa bawat krimeng hinahasik ng mga naka-amerikana na dayo at lokal na kapitalista. Sa bawat krimeng hinahasik ng mga panginoong may lupa. Hayaan natin silang mabuhay nang matiwasay Sa lupaing kay tagal na nilang buhay Hayaan nating umawit sila nang napakahusay Sa himig na likha ng kanilang mga kamay At hindi sa armas na sa kanila ay papatay Hayaan natin sumayaw sila sa saliw ng sarili nilang musika At hindi sa alingawngaw ng mga bala Huwag nating hayaang dumanak pa ang kanilang dugo At masaid sa lupaing ipinangako Huwag Huwag tayong magsawalang kibo Huwag nating pabayaan ang mga kapatid natin na Moro at katutubo Lumaban tayo para sa kanila. Lumaban tayo kasama nila. Lumaban tayo kasama nila. Lumaban tayo kasama nila. Lumaban tayo. Lumaban kasama nila Sapagkat sila rin ay tayo!

30


“Ilang manunulat na nga ba ang lumikha ng mga tula at prosa?� Jenilyn Manzon Kilometer 64

Sa paglubog ng araw sa kanluran Nakaabang na agad ang kadiliman Tatalukbong sa hapong katawan Nais nang magpahinga mula sa pakikipagsapalaran. Mula kanayunan patunangong kalunsuran Sila pa ang dumarayo upang ihatid ang kanilang mga panawagan Ngunit may iilan na sa halip maging ilawan Sila pa ang balakid sa inaasam na kapayapaan. Lupa at Kapayapaan, Lupa at Kapayapaan Iyan ang kanilang paulit-ulit na panawagan Ngunit anong nakuha ng mga katutubong lumalaban? Dugo at Kaguluhan, Dugo at Kaguluhan. Ilang manunulat na nga ba ang lumikha ng mga tula at prosa? Paulit-ulit nang inilarawan ang kanilang mga istorya Sila ang mga bidang pinagkaitan ng hustisya Natutong lumaban dahil pinagsamantalahan nila. Ilang manunulat na nga ba ang lumikha ng mga tula at prosa? Sila ang inaapi at walang sawang kinukutya Nakikita ng mga taga-lungsod bilang mga maralita Hindi nila alam, buhay ng mga katutubo ay sagana.

Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

31


Ilang manunulat na nga ba ang lumikha ng mga tula at prosa? Kasaysayang nabuo dahil sa pinagsama-samang mga salita Kasaysayang hindi lang isasalin sa libro upang mabasa Kundi kasaysayang gigising sa nag-aalab na diwa. Ilang manunulat na nga ba ang lumikha ng mga tula at prosa? Hindi lang sinulat para ipasa Kundi upang maipaabot ang nagtatagong pag-asa Na kanilang makakamit kung tayo ay magsasama-sama. Ilang manunulat na nga ba ang lumikha ng mga tula at prosa? Ilang mandirigma pa ba ang mag-aangat ng kanilang mga sandata? Ilang buhay pa ba ang iaalay makamit lang ang hustisya? Ilang taon pa ba ang gugugulin lumiwanag lang sa minamahal na bansa?

32


Mababago pa kaya ang Bayan ko? Aya Quintal Kilometer 64

Mababago pa kaya ang bayan ko Kung laging may pang-aabuso Kung laging may mga mangangamkam ng lupang ninuno Na animo’y sila ang tunay na may-ari nito Na kapag lumaban ang mga katutubo Bala ng baril ang itatanim sa kanilang puso Mababago pa kaya ang bayan ko? Kung iilan lang ang pinapakinggan ng lipunan Na kapag sumigaw ka, paparatangan ka nilang nanggugulo lang Na kapag nagtangka kang magsalita, bibig mo ay bubusalan O di kaya’y babalatan ka’t sa lupa ipapalapa Mababago pa kaya ang bayan ko? Kung mismong nasa kapangyarihan ang nang-aabuso Silang ginagamit ang kapangyarihan para bulsa’y umasenso Silang nagpapagamit sa kapitalistang uhaw na uhaw sa lupang ninuno Mababago pa kaya ang bayan ko? Kung ang kuko ng dayuhan ay nakabaon sa lupang tinubuan ko Na akala ng karamihan ay malaya na tayo Pero ang sampal ng katotohanan hindi pa nangyayari ito

Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

33


Mababago ko pa kaya ang bayan ko? Napapansin mo na ba na paulit ulit kong itinatanong ito? Dahil sawa na akong makakita ng katutubo naglalakbay sa kalunsuran Hindi sa dahil ayaw ko silang makita Kundi dahil ayoko ng makarinig ng kwento Kwentong dumudurog sa aking puso Ayoko ng makarinig ng kwento ng pamamaslang Kwento ng pagtakbo dahil bala ay nagliliparan kwento ng walang katarungan, kasakiman ng nasa kapangyarihan At ano ano pang kwento na ayaw ko ng balik balikan Nais ko naman makarinig ng kwentong masaya, may pag-asa, may pagibig, may pagpapahalaga kwento kung paano masayang magtanim at sama samang aanihin ang pananim kwentong, ang lahat ay tahimik ang buhay kwentong totoo at hindi sa isang kwentong hinabi lang ng isipan Pero kahit paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko Hindi ako susuko, gagamitin ko ang panulat ko para sa inaasam kong pagbabago

34


Ulupong ng Lawin Elmo Ellezo Aringa

National Council of Churches in the Philippines

Ano pa ang kaya nyong gawin?? Hangang kailan nyo kami dadahasin?? Kayong mga walang puso sa mga taong may mabuting hangarin.. Bukas, sasapit ang dilim.. Kamiy tutungo sa mga bukirin at bulubundukin.. Hihiyaw na kasing lakas ng babaylan sa hangin.. Dudungaw sa mga talahiban na may hawak na patalim... Gagapang na tulad ng mga alakdan na may kisig at tulin.. Umabot man sa bangin.. At sa tigang na lupa ay sunugin.. Walang tutubos sa aming matapang na adhikain.. Haharapin at patutumbahin ang mga ulupong ng Lawin Armas, Armas‌..mga Kasama at bala... Huwag mag alala pagkat hangarin moy dakila! Tigibin mo sa puso ang katarungan at paglaya Tumindig, lumaban hangang sa sukdulan ng Paghinga...

(Ang “Ulupong ng Lawin� ay isinulat mula sa mga karanasan ng mga katutubo mula sa marahas na dispersal sa US Embassy noong October 19, 2016) Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

35


Lupang Ninuno, Aming Paraiso Elmo Ellezo Aringa

National Council of Churches in the Philippines

Ang Lupang Ninuno ay ang aming Paraiso Ang lupa ay katumbas ng aming buhay Mula sa lupa ang dahon at ugat na aming pinang gagamot sa aming mga karamdaman, Mula sa lupa ang mga kawayan, kahoy at pawid na aming tinatahanan Mula sa bunga ng bawat prutas at tanim ang aming kinakain, Mula sa mga batis, bukal at mga ilog ang tubig na aming iniinom. Ang Lupang Ninuno ay ang aming Paraiso Mula sa lupa ang bawat kahoy na tinutuntungan ng aming mga kinakapatid na mga ibon, Mga ibong tulad naming kumakanta at lumalanghap ng sariwang hangin. Mga ibon na kasama naming humihimig at kumakanta ng aming damdamin.

(Lupang Ninuno, Aming Paraiso� Inspirasyong isinulat mula sa mga bahagi ng salasay nina Datu Mauro at Bai Jocelyn, bilang pagsalarawan ng kahalagahan lupang ninuno para katutubo. Ibinahagi noong October 23, 2016 sa UCCP Cubao bilang bahagi ng testimony para sa NCCP IP Month Celebration.)

36

Ang Lupang Ninuno ay ang aming Paraiso Nakahimbingan na namin ang bawat gabi sa aming pagtulog Habang nasa banig... Nakikinig, sa mahahalagang kwento ng kuliglig Hagang sa hatirin kami ng buwan at mga bituin Sa tilaok ng manok na naghahayag ng panibago at makabuluhang umaga.


Ang Lupang Ninuno ay ang aming Paraiso Nagkakaisa kaming tulad ng mga langgam at pukyutan sa pagtatag ng pamayanan, Walang makakabuwag sa aming paraiso, Patuloy kaming titindig na kasing kisig ng mga bundok, Kasing tatag ng mga baging, at kasing tigas ng mga bato.. Susugod kaming magkakapit bisig na tulad ng mga alon sa dagat na nag bubuwis ng buhay sa dalampasigan, Hangang sa makamit namin ang kaninahunan Sa aming tahanan, Sa aming mga kapatid, Sa aming lahi, Sa aming ugat, Sa aming dugo, Sa aming buhay, Sa aming nag iisang Paraiso, Sa aming Lupang Ninuno....

Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

37


Ang Pintura sa Embahada Joi Barrios-Leblanc BAYAN Women’s Desk

“Wala man lang kayo hinuli. Ano na lang ang imumukha natin sa embassy?” -- Col. Pedrozo, to his men, after protesters managed to stage the rally in front of the embassy

Sagrado ang embahada. Kung tatapunan ng pinturang pula, aba’y kahiya-hiya sa Amerika. Asal iyan ng tagabukid at taga-bundok. Kayong mangmang sa urbanidad ng lungsod. Kaya kayo na-water cannon, binuhusan ng tubig. Upang magtanda at di na rito bumalik, Kaya kayo hinampas ng kanilang batuta, Nang di na magreklamo, mangahas magprotesta Kaya kayo inararo ng trak na walang patawad, Nang matuto ang katawan, ngayong nagkasugat-sugat. Bakit nagtapon ng pinturang pula? Ay kahiya-hiya sa embahada ng Amerika. Pati unipormeng kaylinis, ng kasisipag na pulis, Nang pula’y tumilamsik, katulad ay nahagisan ng putik.

38


Ano na lang ang pinturang pula sa danas ng mga katutubo? Isalaysay bang muli ang kuwento ng lupa at pag-angkin, ng mina at pandarahas? Ano ang hindi maunawaan sa panawagan na dayong Amerikano, ay dapat nang lumayas? Ang utang ay dugo, noon at ngayon, ang binubuwis ay dugo: balde-balde, ilog-ilog ang binubuhos. Damdamin namin ay nag-aamplimpuyo galit ay sumasabog, pagkat ang utang ay dugo. Bago tayo mahiya sa dayong nagpahirap sa bansa, Makinig muna sa lumad, sa Moro, sa katutubo na nagwiwika: Ang pintura sa embahada ay pula Pagkat ito ang kulay ng panata. Na hangga’t may dayong mapagsantala, Hindi kami uurong sa digma. Sama-samang susulong, sama-samang makikibaka!

Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

39


Bunga ng ALCADEV Ezekiel Beltran

Para sa susunod na Henerasyon Ng aming pinakmamahal na nayon Sa mga magatatama ng mali ng kahapon At magpapatuloy na sinimulang rebolusyon Para sa susunod na Henerasyon Na pag-asa ng mahal na inang bayan Na magpapalaya sa atin sa kamay ng dayuhan Para sa kanila itong ating pinaglalaban Para sa susunod na Henerasyon Na puno ng pag-asa at saya Ibuhos ang lahat para sa kanilang ligaya Ng ating ehemplo ay kanilang magaya Para sa susunod na Henerasyon Ipaglaban natin ang kanilang Edukasyon Sapagkat ito ang natatanging solusyon Para ating mapagyabong ang ating mahal na tradisyon

ALCADEV - Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development

40

Para sa susunod na Henerasyon Ang ating pinaglalaban Na sila ay magkaroon ng magandang kinabukasan At hindi na sapitin ang Paait ng nakaraan


N Ang Alamat ng Ating Pagkamatay J. G. Dimaranan

oong nakapapawi pa ng uhaw ang mga bukal at batis, noong ang tao ay marunong pang magbasa ng pagdaan ng mga ulap at paglipagd ng mga ibon, noong nauunawaan pa natin ang pagbabadya ng hangin, ay mahigpit ang bigkis ng tao sa kalikasan. Ganito naintindihan ng mga nauna sa atin ang daigdig: mayroong espirito ang lahat ng bagay – ang araw, bato, apoy, ninuno. Matibay ang pagniniig ng lupang binubungkal sa pawis na dumidilig dito. Ang lakas sa pag-aararo ay naisasalin sa lakas ng lupang magpatubo ng pananim at magbunga ng mga prutas. Paggawa ang naggagapos sa mga espirito ng mundo, lalo na sa espirito ng lupa at ng tao. May isang matandang paniniwala sa mga kabundukan ng Norte na ang bawat ipinanganganak na sanggol ay may kakambal na puno. Ang mga punong ito ang kanilang kadkadua, kasama nila sila sa kanilang buhay. Sang-ayon sa linguistica, maaaring kinalakal ng bibig pa-Timog ang salita. Mula sa “kadkadua,” nabura ang ikalawang /ka/ at nagsanib ang dalawang [d]. Napalitan ng [l] ang [d] kung saan nagkaroon ng repeticion sa klaster ng /lu/. Ang salitang “kadkadua,” naging “kalulua”. Binaybay din itong “kaluluwa” dahil sa bigkas. Nang ang kalakala’y pinangunahan ng ibang lahi, silang hindi nagbubungkal at miron sa produksyon, napigtal ang bigkis ng tao sa kalikasan. Likas sanang mayaman ngunit nanguna ang gahaman. Dahil dito’y napipi ang mga ibon, at natuyot ang mga bukal at batis. Nang ang mga puno’y pinutol sa ngalan ng kabuhayan, doon nagmula ang ating pagkamatay, sa pagsilang ng kapital.

Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

41


Hindi sa Nayon o Lunsod Matatagpuan ang Malasakit Nicolas Completo Gaba, Jr. Ninuno ay mga Mangyan-Alangan

Kahapon1... Pipi’t binging saksi si Kalaw sa kaapihang muling sinapit ng IP2, Lumad, at Moro. Na sa lungsod ay dinala ang paglaba’t pagbaka na bahagi na ng kasaysayan para sa lupang sa nuno noon pa man ay pamanang iniwan. Kailan mali ang pakikibaka? Kailan mali ang paglaban para sa lupang nukal ng buhay, ang pagpapatahan sa bawat pagluha na bunga ng panggigipit at kaapihan ng bawat minorya mula sa kanayunan hanggang sa mabangis at mapagkait na kalungsuran.

42


Mapagkait... Hindi sa nayon o lungsod matatagpuan ang pagmamalasakit, ‘pagkat sa mga malaalpombra na bundok at kanayunan, ay hindi maitatanggi ang pagdanas ng nakaaagnas na pambubusabos. kabalintunaan ito sa talinghaga ng pagkupkop. Lalong hindi sa lungsod matatagpuan ang pagmamalasakit, dahil ang lungsod ay mula sa paghubog ng tao. Na lahat ng hinubog na tao mayroong salik ng sariling nasa at pag-aangkin.

1 Oktubre 19, 2016 2 IP binibigkas sa paraan na /ay-pi/ Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

Hindi sa nayon o lungsod matatagpuan ang pagmamalasakit at pag-ibig. Oo, pag-ibig, dahil ang nagmamalasakit ay siya ring umiibig. At ang umiibig ay may pagdanas ng pagmamalasakit.

43


Nagtiwala. Nasaktan. Nakulong. Lyn Angelica Pano

M

asaya lang kaming nagmamartsa dito, kahit sobrang init ng araw at hindi ako nakapag-sunblock. Panay ang kuha ng picture ni Loi. Tas si Owen namimigay - yes as in bigay, libre - ng dyaryo. Alam kong may reputasyon ang US Embassy of not allowing protesters to get close and/or violently dispersing them right away. That’s why when I realized I was already standing right in front of the embassy entrance, I was surprised. “How were we able to reach this spot?” I asked. “Baka nagluwag din sila,” sabi ko na lang. Matapos mag-rejoice dahil nakatuntong sa mismong harap ng embahada, nagsipag-upuan na ung ibang mga tao, nilatag na ang mga streamers at placards sa sahig next to the police motorbikes that were parked there, at shemps, nag-selfie-selfie na while listening to the speakers. And right behind me and my friends were a file of policemen. Sabi ko pa, bibigyan ko ng Pinoy Weekly yung mga pulis bago umalis. Patapos na eh. Patapos na yung program. Last speaker na and everyone was alread anticipating the announcement of organized dispersal, as how the organizers always end their rallies. Kaya nag-start na magtayuan yung mga tao. Kahit nung dumating yung SWAT na may mahahabang baril hindi ko inisip na magkakagulo pa dahil aalis na kami in a few. Hindi ko inisip na

44


mananakit sila this time, kahit pa alam kong marami na silang dinahas na mga raliyista in the past. Nagulat na lang ako nang simulan na ng pulis na kuyugin kami at naka-akma na ang mga batuta at shields nila. Gusto nila kami i-disperse pa rin kahit magse-self dispersal na, fine. Pero yung nagtakbuhan na papalayo ang mga tao (meaning na-disperse na at malayo na sa embassy) pero pinaghahabol pa rin para hatawin at arestuhin - NOT. It was like looking death in the eye. Hinahataw yung manong at ate na nasa mismong harapan at tabi ko at kinukuha nila from the crowd gamit yung mga shields nila. Yung sinusubukan mo silang awatin at pakiusapan na wag nang manghampas dahil hindi naman lumalaban at walang kalaban-laban. At yung kahit umawat ka lang ay ipinadampot ka for the simple reason that you were there, nakinig para ipakita ang suporta sa panawagan ng mga national minorities. Anong krimen doon? Yung driver nung jeep na nakaupo lang at walang ginawa kahit ano pinagpupukpok sa ulo hanggang mangisay? yung pinagsasagasaan yung mga tao yung pinakamatindi - unprecedented. Anong klaseng Law and Order ang ipinatutupad nyo? I am so tempted to say I totally lost my faith in the police. Pero hindi ko pa rin sasabihing masama lahat ng pulis bilang mga indibidwal - kahit pa “trabaho lang� at pinapasuweldo sila para sumunod sa anumang utos ng amo nila (so masama lahat, maybe not; but bayaran lahat, yes na yes). Pero ang kapulisan bilang institusyon - malinaw pa sa araw - ay isang instrumento ng marahas na panunupil ng estado sa mga bumabatikos sa mga naghaharing uri. Dahil hindi kailanman magtatagpo ang interes inaapi at nang-aapi. Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

45


** Ano, sasama pa ba uli ako sa rally? I just did! Kahapon sa Mendiola. Kung saan walang pulis na humarang at nagdisperse, and therefore, walang violence. Mga kaibigan, ang mga tao nagpo-protesta dahil inaapi sila at walang nakakaalam, walang nakikinig. Ma-traffic man tayo sa daan at ma-late sa lakad natin (na hindi lang naman pag may rall nangyayari), the least that we can give our oppressed brothers and sisters is understanding. Pakinggan po natin sila. Alam nyo naman by nature ang mga Pinoyy pasensyoso, matiisin, martir. Kaya dapat alam natin na kapag nagprotesta na ang mga iyan, matindi na ang hirap na dinaranas nila. At lahat ng hirap na hinahagupit sa kanila - thru landgrabs, militarization, etc. - hindi po natin alam, hindi natin nauunawaan diba? Kasi hindi naman iyan ipapalabas extensivel (if at all) sa media. At kung walang suporta mula sa atin, hindi naman sila basta basta pakikiggan ng mga nasa gobyerno eh. Kaya sila nagpo-protesta - kesehodang maglakbay sila ng malayo at magutom sa daan, kesehodang patayin sila ng mga pulis - ay para ipaalam sa atin ang kanilang hinaing. Let us not fail them please. (ok, back to work)

46


Dahil May Himig na Hindi Nagagapi Allan Popa

Pumasok sa kanilang lupain ang pagtotroso at pagmimina. Sinira ng pagtotroso at pagmimina ang kanilang lupain. Pumasok sa kanilang sayaw at awitin ang pagtotroso at pagmimina. Binago ng pagtotroso at pagmimina ang kanilang sayaw at awitin. Sayaw at awitin ng pakikibaka.

Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

47


Ang Gisulti sa Kada Dugo Mikko Ringia

Lawom na ang samad. Muayo pa kaha ni? Gisamad. GItuok. Gisipa pa para musamot. Gisulayan nako ang musokol pero ang pusil. Gitutok ang pusil diresto sa akong ulo. Nahadlok ko Walay dugo. Walay dugo. Asa man ang dugo. Kadugayan nakauli na gyud. Maayo lagi akong paminaw? Dili na lisod ang pagsaka sa bukid. Ang uma pa. Daghan pay trabahuon sa uma. Pero ugma na lang. Daghan man mi ugma sa sayo. Lami gihapon ang kalibutan. Bisag init ang hangin, Kahibawo ko nga mutugnaw lagi unyang gabii. Mukatkat sa ko sa balay. Asa naman intawon akong anak? Ang iyang mga manghod ug ilang inahan? Gasugod na ko ug kabalaka. Akong dughan gikusi, asa na kaha sila? Wala pa man ko gikapoy sa dagan pero basa na ko ug singot. Pula ang akong singot.

48


Ang akong anak! Gikuha sa berdugo akong anak! Kit-an nako nga naa siya’y gipatumba’g gidakop! Gipusil pa sa ulo ang tiguwang! Oh Magbabaya! Asa naman ka Magbabaya!? Basa na kaayo kog singot, Pero limpyo na ang akong samad. Wala gihapon nigawas ang dugo. Dili gyud mapasaylo bisag unsaon Sa ilang gibuhat, nagkalayo akong kasingkasing Mikusog ang sunog pagkakita sa mga kauban. Di ta papildi mga kaigsuonan! Bisag unsa kadako ang samad Magbugkos ta kay naay padulngan ang atong pagbisog. Pero. Pero. Wala naman diay koy dugo. Padayon lang mga kauban. Ang akong espiritu naa ninyo Sa pangandoy sa kalinaw ug tinuod nga pagbag-o.

Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

49


Maximum Tolerance Bonn Taguba

Mamang pulis, hindi po kami ang hinahandugan niyo ng maximum tolerance. Sa sistemang ito, ang sambayanang Pilipino ang matagal nang nagbibigay ng maximum tolerance. Sa tuwing pinapaslang ang mga katutubong lider, mga anak nilang tumangis at nagpapatutuloy lumaban ang nagbibigay ng maximum tolerance. Sa ginto’t pilak na minimina ng mga dayuhang korporasyon, kalikasang binubusabos ang nagpapatawad sa kanila ng maximum tolerance. Sa pag-giit ng kulturang sagrado, pagsalungat at pagbabalikwas sa kolonyal na kaisipan ang aming maximum tolerance. Sa mga ginahasa at inabuso ng mga tropang Kano, tanging itong bulok na sistema lang ng hustisya ang nagbibigay sa kanila ng maximum tolerance. Sa bawat hampas ng truncheon sa mga ulo namin, mga bungong pinatibay ng mulat na kamalayan ang dumadaing ng maximum tolerance. Sa pag-sagasa niyo sa aming binti’t katawan, tanging butong pinanday ng dantaong kahirapan lang ang makaka-kaya ng ganitong maximum tolerance. Mamang pulis, hindi po kami ang hinahandugan niyo ng maximum tolerance. Sa sistemang ito, sawang-sawa na ang sambayanang Pilipino sa pagbibigay ng maximum tolerance.

50


Thought Balloon Dr. Rolando Tolentino

T

hought balloon matapos matunghayan ang mga larawan at video ng police brutality (pag-araro ng police vehicle sa mga raliyista, pagtapon ng shields at yantok sa escaping jeeps, pambubugbog sa driver sa may US embassy, pag-water cannon sa mga lumad sa labas ng kampo); ang denial ni PO3 Franklin Kho, driver ng nag-ararong police vehicle na fearing for his life at police property kaya niya itinatakas ang sasakyan; at ang remark ni MPD Deputy Director for Operations Sr. Supt. Marcelino Pedrozo, “Wala man lang kayong hinuli, ang dami-dami niyan... Magkagulo na kung magkagulo, pulis tayo rito e. Pwede ba tayong patalo sa mga yan? Anong mukhang ihaharap natin sa embassy? Kaya i-disperse mo ‘yan.�: una, walang relief sa fasismo ng estado, utak pulbura ito noon at ngayon, change has not come and will not come dahil sarado ang utak ng represibong aparato ng estadong ito; Ang mga Lumad, Moro at pambansang minorya, naunang mga Filipinong mamamayan pero nahuhuling kilalanin ng estado bilang mamamayan.

ikalawa, di naman Filipino ang among pinagsisilbihan ng pulis kundi ang US at neoliberal na kapitalista, baguhin na ang PNP sa USENPP (US Embassy National Police in the Philippines); Ang mga Lumad, Moro at pambansang minorya, isinilang na may dangal ngunit habang lumalaki at tumatagal, tinatanggalan ng estado ng dangal. Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

51


ikatlo, walang mali sa pagrarali at pagbabalikwas, lahat ng natamong karapatan, ipinaglaban hindi kusang ipinagkaloob ng estado--mula five-day eight-hour per day na workweek, bakasyon, libreng edukasyon, karapatang bumoto ng kababaihan, LGBTQ rights, atbp; Walang mali sa pagiging Lumad, Moro at pambansang minorya, may mali sa pagiging pulis, negosyante, may-ari ng minahan, burgis at ofisyal ng pamahalaan sa bansang ito.

ikaapat, kung sa state at neoliberal politics tayo trinatransforma para maging hindi tao (zombies at walking dead sa haba ng pila at pagsakay sa bulok na MRT, pagkatengga ng ating produktibong oras sa trafiko, higit pang magkamangmang sa kalidad ng edukasyon, patuloy na unproblematikong pagpapatupad sa K-12, at kaltas sa budget sa SUCs, halimbawa), nagiging muli tayong tao sa pamamagitan ng politikal na pakikibaka at pagbabalikwas; Ang mga Lumad, Moro at pambansang minorya, may sariling panitikan, sining at kultura na pinagyayaman ang pambansang kultura.

ikalima, nagpapatuloy pa rin ang kultura ng impunidad dahil walang takot na mahuhuli at mapaparusahan ang maysala; Ang panahon ng katutubo ang simulain ng lahat ng kasaysayan ng bansa, bakit marahas na binubura ang mga Lumad, Moro at pambansang minorya?

ikaanim, sa mga kapulisan, inyo na ang US embassy kahit di naman kayo itinuturing na kapantay nito (hanggang sa labas lang kayo, hindi ba?), para

52


lang kayong sekyu sa bukana ng exclusive villages at hindi naman nakatira sa mismong subdivisions, kaya reality check lang please; Ang mga Lumad, Moro at pambansang minorya ang mga hindi nagpagapi sa mga kolonyal na kapangyarihan. Bakit sa inaakalang malayang bansa ng Filipinas sila ginagapi?

ikapito, sa mga negatron ng nagrarali, mag-evolve muna tayo at ang IQs at EQs natin bago tayo makipagdebate, or better yet, mag-evolve muna tayo bilang tao na may compassion at justice--aba’y mas may empathy pa kayo pag may nabomba sa France at NYC!; Ang mga Lumad, Moro at pambansang minorya ang may pinakamahabang kasaysayan ng pakikibaka para sa sariling pagpapasya. Kung wala sila nito, wala rin tayong lahat ng kapasyahan para sa sarili.

ikawalo, sa mga nagrarali, makibaka, wag matakot, hanggang sa tagumpay! Ang tagumpay ng mga Lumad, Moro at pambansang minorya ay tagumpay nating lahat!

Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

53


Baktas (Lakbayan: Mula Urban Patungong Kanayunan) Edgie Francis Uyanguren

Save Our Schools Network-UP Diliman

Dili na maihap ang mga lakang Saka kanaog sa dalang tunokon Daghan pang bungtod ang katkaton Pila pa ka sapa Ang tabukon Kalit mobundak ang ulan Human masugba sa kainit sa adlaw Panagsa adunay huyop sa hangin Ug mosayaw ang mga kogon Kalit mongitngit ang tanan Sa pagsulod sa kalasangan Baktas baktas baktas Singot, luha ug dugo nag-agas

54


Dugay pa ba? Daghang mga pangutana Murag way kahumanan Kining pagbaklay

Gamay na lang ang pag-antos Mahuman ra gyud ang pagbaktas Toa ra ang komunidad ug eskwelahan Pila na lang gyud ka tikang

Bug-at na ang matag tikang Murag nagpas-an sa kalibutan Gamay nga sipyat Mahagbong ka sa pangpang

Mohangad na ko sa arko Mosulod na ko sa Sitio Gisugat sa kalumaran Lamano, ngisi, gakos Mainiton nga pagsaludo Niabot na ko Ania na ko!

Asa man gyud ang padulngan? Nganong kaugalingon gipalisdan Labaw pa sa gisilotan Kaugalingon gipangutana: Para kay kinsa? Para sa unsa? Baktas, baktas, baktas Duol na daw Apan labaw pa sa nagkamang Nagkapangus-pangos Bun-og ang kalawasan Lapok, tunok,tagnok Pastilan! Way kahumanan

Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

Napapha ang kakapoy Nahanaw ang kahuyang Hagit napatigbabawan Samot na nga masinati Kultura ug kinabuhi Mainiton nga pagdawat Ang kalag nagsinggit: Abtik Lig-on Madasigon!

55


Ang Pambansang Minorya Kennedy Bangibang

National Democratic Front of the Philippines

1 Ang mga pambansang minorya Napatibay ang pagkakaisa Lumawak ang pakikibaka Para sa sariling pagpapasya Ay ay salidummay 2 Ang alyansa ay nabuo Sa ngalan ng Sandugo Ito ngayon ang tatayo Sigaw ng Moro’t Katutubo Ay ay salidummay 3 Isigaw at taas-kamao Mabuhay ang Sandugo Mabuhay ang Moro’t Katutubo At Sambayang Pilipino Ay ay Salidummay

56


4 Pahabain pa ang Lakbayan Pakikibaka sa kanayunan Palakasin ang kilusan Ipagtanggol ang karapatan Ay ay salidummay 5 Humakbang sa pakikibaka Wakasan pagsasamantala Mapang-aping uri’t imperyalista Upang ang bayan mapalaya Ay ay salidummay 6 Ang pambansang pang-aapi Labanan upang magapi Kamtin tunay na demokrasya At sariling pagpapasya Ay ay salidummay (Ulitin ang 3) Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

57


Ang Lupang Pangako Jerry Kiram

Lakbayani mula sa Mindanao

Sa kasaysayan ng aming mga ninuno Sila’y nakipaglaban sa kanilang karapatan At hindi sumuko Ang mapang-aping mga dayuhan Sila’y lumisan at nabigo Mga kapwa kong Pilipino Muslim man o Kristiyano Tayo po ay magkakaisa Sa karapatang pantao Ang lupang itoy ay makabuluhan Dahil taglay nito’y maraming kayamanan Sa kalikasan at sa karagatan Na riyan ang mga biyaya Na bigay ng poong maykapal Ang tula ko pong ito Ay inihahandog ko Sa mga kapwa kong Pilipino Na matagal nang inaabuso

58


Ipagtatanggol po natin Ang ating mga lupain Na huwag hayaang sakupin Ng mga taong sakim

Magkaiba man ng kultura Layunin nila’y iisa Na ipaglaban ang karapatan At huwag nang ipagkait pa

Sa mga digmaang naganap Itigil na po ito Dahil marami na ang naghirap Sa mga kabataan at sa ating Komunidad Na ang hangarain po natin Ay kapayapaan, at bayan na maunlad

Sa ating pamahalaan Kami po ay nananawagan Na sana’y bigyang pansin Ang aming mga suliranin Salamat po sa inyo Sa inyong busilak na puso Nawa’y pagpalain po tayo sa mga sandaling ito

Sa lupang pangako Maraming mga katutubo Na riyan ang mga Subanen, Lumad At Moro, na marami pang iba Na bukod dito

Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

59


Ang Pagbawi Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development

LAKAMBINI Hangin, lupa, apoy, tubig, halamat at tao’y like ni magbabaya. Lahat tayo ay binigyan ng talino at lakas upang kalikasa’y maaruga. Sa puntong ito, ating pakinggan ang dalawang nilalang na wala ng imikan kahit ngiti man lang. sa kanang kamay ko’y si lumad. diskriminasyon, pagsasamantala, paguwi niya’y inabangan siya at sa kaliwang kamay ko naman ay ang pinuno ng militar. isa sa pinakamalaking budget sa buong kapuluan, halina’t ating pakinggan ang kanilang usapan, bago natin ito simulan salubungin muna natin ng isang masigabong palakpakan. MILITAR kami ang mga laagad ng hukbong sandatahan. dugo, pawis at buhay ang aming inilalaan dahil ito ang aming trabahong sinumpaan. pupulbusin namin ang kaaway ng bayan para amging tahimik at malaya sa kapahamakan ang ating mamamayan upang kapayapaa’y makami nt bayang sinilangan. LUMAD Ako si lumad. lupang ninuno ang aming buhay. pangingisda sa dapa ang aming hanapbuhay. Masaya at tahimik ang aming komunidad sa aming sariling pamamaraan. dahil ito ang ipinasunod ng aming kanunununu-an. Lupang ninuno’y protektahan. ito ang pinakahuli nilang habilin para may masisilayan pa ang susunod na henerasyon at itoy aming tagubilin.

60


MILITAR Lumad, masaya akong makausap ka dahil maraming programa ang inilalaan ng pamahalaan para mas umunlad kayo pati na ang inyong angkan. makapag-aral ang inyong mga anak sa malaking unibersidad sa bayan, nagbibigay pa ng livelihood program, pati kalsaday niny’y maging sementado basta payag kayo sa mga alok ko. LUMAD Kung ang programa ng pamahalaan ay makapag-unla sa amin, hinding hindi namin bibiguin. Ngunit ako ngayo’y naguguluhan, bakit hindi si kapitan ang nag-alok sa amin niyan? MILITAR May pahintulot na kami mula kay kapitan at maging mayor doon sa bayan na kami mag-iimplement sa lahat ng programa ng goberyno lalong lalo na partikular sa komunidad ninyo dahil kadalasan sa equipo sinunog ng mga makakaliwang grupo. kaya nandito kami para magiging bantay para masasamang elemento ay hindi sumalakay. To serve and to protect, ito ang aming gabay. LUMAD Napakaganda pala ng salitang inyong tinatangan. Ngunit mas dumarami pa ang nabuong tanong sa aking isipan. Dahil sa katunayan hindi ganyan ang aming naransan kung pagbabasehan lang natin ang pangyayari noong sept one. umiyak kami sa harapan ng mga nakakumpletong uniporme. Naglalakad kami habang tinitingnan at tinatawanan lang ng inyong mga sundalo habang dala-dala namin ang tatlong bangkayo doon sa kelometro nuwebe! Naglalaro lang ng basketbol ang inyong mga sundalo sa loob ng gym habang basang-basa kami na nasa labas. Nasaan ang puntong to serve and to protect na sinasabi mo! Stay put lang sila dahil isinesecure niyo ang lahat ng gamit ng taong bayan. Bakit pagdating ng mga tao, wasak hinalungkat at pinagnakawan ang lahat ng kabahayan? Bakit hndi magkasalungat ang salita sa ginawa ninyo sir? Sinisira pa ninyo ang kabuhayan doon sa kanayunan. Kayo ang tunay na teroresta ng sambayanan. Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

61


MILITAR Hindi! Hindi kayang gawin ng mga sundalo ang katulad niyan. wala yan sa aming napag-aralan, alam nyo! Ang komunistang NPA lang ang gumawa niyan dahil sila ang sumusuot sa aming uniporme tuwing sila ay sumasalakay. Hindi mga sundalo yon. Binubuhis na nga ang buhay ng ating mga sundalo, sinisisi pa ninyo. Magahat ang gumawa ng krimen, may patong na sila at tinutugis na rin namin. LUMAD Huwag ninyong bilugin ang ulo namin. dahil sa barracks lang ninyo tumutulog ang mga salarin. hindi na kami maniniwala sa inyong kasinungalingan. Ang pinakamainam pa nating pag-usapan ang pag-pull-out sa inyong tropa sa aming pamayanan para makauwi na ang mga bakwit doon sa kanilang sariling lupang tinubuan. hindi kayo ang may-ari ng lupain, inagaw niyo ito sa amin kaya mararapat lang na ito’y aming bawiin. MILITAR ipupull-out ko ang lahat ng trioa sa kanayunan lalong lalo na sa sityo Han-ayan. Ihahand-over ko ang buong area, isa lang ang aking masasabi kaibigan, madadaan natin lahat sa mabuting usapan, wag lang sa armadong paglaban. LUMAD Hindi kami ang dapat mong pangaralan niyan! kundi ang NPA na inyong kalaban!! Mga sibilyan kami, hindi mga NPA! LAKAMBINI Sa puntong ito, amin ng puputulin ang usapan ng dalawang magkaiba ang hagngarin. Sana’y may napulot kayong aral sa dalawang nagbigay sa atin ng pangaral. sa pagpili ninyo sa kakampihan, sana’y tandaan, wag pumili ng mapang-api kailanman.

62


Usapan ni[na] Lumad at Kapitalista Tribal Filipino Program of Surigao del Sur

LAKAMBINI Mapagpalayang umaga sa inyo, madla, andito na naman ang dalawang matalik na magkaibigan, na nais magpahayag ng kanilang adhikain at sentimyentong nararanasan. Bago simulan ang kanilang talakayan, tawagin muna natin si kapitalista at si Lumad. Kaya mga kasama isaayos muna natin ang ating sarili at makinig tayo sa kanilang imumungkahi. KAPITALISTA Kumusta madla, ako si kapitalista, ako ang mag-gagabay sa inyong hanapbuhay, upang sa lumulubog ninyong ekonomiya, sa kamay ko’y sasagana. LUMAD Mga kasama, wag kayong maniwala sa sinungaling na kapitalistang iyan! Kaming mga katutubo na sa mahabang panahon, naloko ng mga dayuhang bansa, dinarambong nila ang ating mayamang kalikasan. Kung ating babalikan ang kasaysayan, ang ating bansa ay matagal na nakatali’t inalipin nila, simula pa noong panahon ng Espanyol, Amerikano at Hapon, dahil sa kayamanan ng ating bayang sinilangan.

Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

63


KAPITALISTA Ha! Ha! Ha! Ha! Mga walang utak na lumad, mga bulag pa rin ba kayo? Tignnan niyo ang kalagayan ngayon ng karating ninyong mga bansa, Ekonomiya at Industriya’y umaangan na. Kaya kung ako pa sa ‘yo, Lupang ninuno’y ialay na, bundok at troso’y mapagkikitaan pa, Mina’t loggin papasukin na upang kayo’y umunlad katulad ng iba. LUMAD Tumigil ka kapitalistang ganid! Hindi mo ba alam kung ano ang dahilan ng pagkamatay ng aming mga lider at guro noong Setyembre 1, ‘sang taon na ang nakaraan! Yang mina, mina na sinasabi mo! Hindi pag-unlad ang gusto mong mangyari kundi kamatayan naming mga lumad na lupa nagmamay-ari! KAPITALISTA Relax lang kapatid. Luma na yang mga rason mo. Oo, totoo na sila’y pinapatay ng militar, dahil sila ay makakaliwa, ngunit wag kang mag-alala dahil ang gobyerno ay nagbibigay na ng marmaing programa. Ang mga kalsaday ay ating aayusin, kalikasa’y ating protektahan at paunlarin kung kaya’t militar sa kanayunan ay pakampuhin para sa ating seguridad at kapayapaa’y maangkin. LAKAMBINI Mga madla, mainit na ang talakayan nitong dalawang magkaibigan. Kahit ako, ay sumasakit na ang ulo, ngunit kailangan natin sila’y pakinggan pang lalo, kung sino ang may makatarungang punto. LUMAD Ikaw, buwayang kapitalista! Kaya pala ang militar ay patuloy ang operisyon sa aming komunidad para ang mga katutubo ay inyong pagpapatayin at kami ay pilit na paaalisin upang mina’t plantasyon ay papasukin. May pacommunity for peace and development pa kayong nalalaman? Pandarahas naman sa aming lider ang tunay ninyong giangawa at sa mamamayan. KAPITALISTA Kaibigan, pandarahas? Nagkakamali, ka, ang totoo’y kaunlaran at kapayapaan sa mga tulad ninyon ang aming mithiin.

64


LUMAD Tumahimik ka! Oo, kaunlaran, kaunlarang panandalian at katutubo’y nakadungaw sa kamatayan! Tignan mo nga ang klima? Umaga pa lang ay mainit na, at ito’y dahil sa nakakasulasok na alikabok ng mga paktorya at iba pa. Puntahan mo ang mga kabundukan ng Carrascal, Claver, Taganito Surigao del Norte ay mala-impyerno na, bundok ay kalbo na, dagat kulay itim na. Lahat ng ito’y galing sa mina! KAPITALISTA Sinungaling! Walang katotohanan ang iyong tinuturan! Sa katunayan ay marami ng nagpakasasa sa pera’t sasakyan, dahil sa kita na mula minahan! LUMAD Oo, may sasakyan nga, pero karo ng patay naman, at sa sementeryo ang paroroonan. Isang taon, at isang araw, ang bakwit ng Surigao del Sur ay nagtiis, dahil sa pagpaslang ninyo sa aming mga kapatid na katutubo at guro! Dahil sa mina ng inyong ninanais! LAKAMBINI Tama na, tama na! Itigil na ang usapan! Mga kaibigan, kayo na ang humusga kung sino sa dalawa ang inyong paniniwalaan at kakampihan. Si Kapitalista bang patuloy na nandarambong sa ating likas na yamat at puppet ng dayuhang minahan? O si Lumad na dumidipensa sa karapatang pantao at lupang ninuno para sa susunod na salin-lahi?

Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

65


Wag Sanang Kalimutan Ryan Lavares

Kalayaan College

66

wag sanang kalimutan akala ko tayo’y magkakampi sa mundong ating ginagalawan sabay tayo lumaki’t nagkaroon ng mulat ngunit anong nangyari ng ika’y nakahawak ng baril tila ako’y ikaw itinakwil kapwa ay walang awang pinatay kaya’t napakarami ng bangkay sa lupa na parehong kinalakihan kinalimutan ang tunay na halaga sa mga ninuno na unang tumira para mo na rin ibinenta ang sarili sa masama pakiusap ko lang kapwa ko kabayan wag sana kalimutan na tayo ay iisa lamang


Dayuhan Aya Selena Carlos Kalayaan College

Ang dating mga lokal na naninirahan Naging dayuhan sa sariling kalupaan. Dahil na sa nakarating na manlulusob Nagsilbing iskuwater nalang sila sa loob. Hindi lamang sa manlulusob ang problema Kundi ay pati na rin sa mga kasama. Kumukuha nalang to’ ng walang permiso Itong kayamanan nila inaabuso. Dapat di’ basta-basta na nagpapaalis At galing sa kanilang ninuno ang nais Ipagtanggol sila’y lamang napipipilitan Dahil ang mga walang galang dumadaan. Gustong lamang makuha lupang sakanila Bumalik na ang sariling pagkakilala. Di’ naman pansin ang kulturang nakatali Pero sana balang araw baka sakali.

Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

67


Sa Unang Pahina Francis Charles Curativo Kalayaan College

Ang unang pahina ang nagsisimula ng lahat ng storya. Ang makikita mo dito, isang letrang letrato ng buhay ng ibang tao. Hindi mo sila kaalam-alam at hindi mo alam kung nasaan, and alam mo lang sila ay nandyan. Makikita mo ang kanilang pag-buo. Makikita mo ang kanilang mga hukbo. Makikita mo ang kanilang mga puso. At nandito ka pa lang sa unang pahina, paano pa man, and iba.

68


Isang Katutubo Steph Saure

Kalayaan College

isang katutubong, pinatatag ng mga naunang ninunong may pinaniniwalaan, may pagkakakilanlan. isang katutubong, pinatatag ng lupang taos pusong minahal ng pagkakabuo ng bawat naunang pagkatao. isang katutubong, nasalat sa pagpapahalaga. binaliwala ng basta. nagtatanong, litong-lito, bakit ganito ang natanggap na pagtrato. isang katutubong, pinaalis na parang ipis ng tila winawalis. marining, maintindihan; ang tanging ninanais ito, o mga kababayan ko, ang gusto ng isang katutubo.

Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

69


Tula Joshua Kutch Alfonso

Ang mahal kong Pilipinas Malaki at masustansya Mindanao, Luzon, Visayas Tayong lahat ay iisa

Kalayaan College

Dami tayong kayamanan Para ito sa’ting lahat Pilipinas ay mayaman Ang iba ay magugulat Ngunit nagtatalo-talo Mga kayamanan natin Nasa mapangisang tao Sinosolo ang sa atin Ang kayamanan nang lahat Napunta lamang sa isa Madugo, dilim at alat ‘San napunta ang hustisya Dapat tayo ay gumalaw Upang balik ang hustisya Upang maalis ang panglaw Dahil kailangan sumaya

70


Salakniban1 Sheila Abarra UP Diliman

1 Salitang Ilocano (partikular sa diyalektong Amianan) na nangangahulugan ng depensahan, ipaglaban at protektahan. 2 Salitang Cebuano na nangangahulugan ng kapatid o kasama. Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

Bitbit ako ng masaganang hangin ng UP sa inyong kampuhan. Naalala ko kung paanong ganito rin ako tinangay ng simoy mula sa mga lawa ng Laguna patungong Maynila. Marahil kani-kaniyang dahilan at pamamaraan ang bawat pag-alis at pagdating, ngunit pare-parehong batid ang pakiramdam nang malayo sa tahanan at pinagmulan. Iyon lamang pala, ‘pagkat ‘di naman hile-hilerang kahoy sa ilalim ng putikan ang sahig ng aking dormitoryo. Walang katre, ‘pagkat inunat na sako ang inyong higaa’t upuan sa nakadipang kawayan. Kagyat, bumalik sa akin ang pakiramdam ng pagkalito sa pangalan ng mga kalye at signboard ng mga bus. Naliligaw akong muli, ‘pagkat ‘di ko batid ang pakiramdam nang makitang bumagsak ang aming Datu kasabay ng nakabibinging putok at paglandas ng tila hindi na maampat na dugo sa lupa kung saan ako ipinanganak. ‘Di ko batid, at sa sandaling pagdalaw, ang kampuhang iyo’y naging isa na rin sa mga klasrum ng AS. Natutunan kong kailanma’y ‘di mapaparisan ng aking lungkot sa paglayo sa tahanan, ang takot n’yo sa karahasan at giit sa inyong karapatan. Nanginginig ang aking tuhod sa hiya, nangingilid ang aking luha sa poot. Kailan kaya tayo uuwi? Hindi man sigurado Kung sa’n, kaylan, at pa’no Ang ruta’y magtatagpo Bai2, uuwi rin tayo

71


Dalawang Lider Danielle Trisha Adoptante UP Diliman

Ang isang ibon Sa pugad ma’y binugaw Babalik-balik Matingkad ang pagkapula’t dilaw ng damit niyang isang dangkal na lang ay sasayad na sa lupa. Wari ko’y kung ididipa ang magkabila niyang kamay ay magmimistulang pakpak ang manggas ng kasuotan niya. Ang maitim niyang buhok na nakapusod ay napapalamutian ng berde, dilaw, pula, itim at putting mga beads. Ito rin ang mga kulay ng beads ng kaniyang kwintas na lampas sa dibdib ang haba. Sinunog ng araw at pagtatanim ang balat niya. Dahil may kainitan sa lugar, gumagapang ang pawis sa kaniyang mukha ngunit hindi ito alintana. Magkwekwento siya. Ikwekwento niya ang lider sa lugar nila. Punong mayabong Aangkinin nang isa Ipagdadamot

72


Ang kwento ay inumpisahan sa pagpapakilala. Ipinakilala niya ang sarili bilang lider ng TIndOGA (Tribal Indigenous Oppressed Group Association). Ikwekwento niya ang nararanasan sa ilalim ng pamumuno ng lider sa lugar nila. Ang pinakamamahal niyang lupa, binabakuran na. Isa-isang pinapatira ng lider nila ang kalabaw, kabayo at baka. Isa-isang nag-aalisan ang mga katutubong nakatira. Ang kanilang tinatanimang lupa naging tirahan ng mga hayop na hindi naman kanila. Nang magsumbong at hindi pakinggan sa sariling lugar, sumamang naglakbay at nanawagan sa kanilang karapatan. Siya ang lider ng TIndOGA, bago kong kaibigan. Maraming puno Para sa mga ibon Kailan kaya?

Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

73


Haibun Bastin Adrias UP Diliman

Taon-taon ginaganap ang Manilakbayan ng Pambansang Minorya para sa Sariling Pagpapasya dahil nais irehistro ng mga kapatid nating katutubong Pilipino at mga Moro sa kalunsuran at malawak na hanay ng masang Pilipino ang kanilang mga panawagan na itigil ang matinding militarisasyon sa kanayunan at palayasin ang mga malalaking dayuhang korporasyon na nais kumamkam ng mga likas na yaman na nasa kanillang lupang ninuno. Ang mga lupain ng mga katutubong Pilipino ay mga untouched lands kaya’t mayaman sa mga hilaw na materyales na siyang pinagkakainteresan ng mga dayuhang korporasyon. Mahaba na ang kasaysayan ng pakikibaka ng mga katutubo para sa kanilang mga lupain; nagsimula ito nang dumating ang mga Kastila sa Pilipinas at pinagkukuha nila ang mga lupain ng mga sinaunang Pilipino para ipamahagi sa mga encomiendero at nagtuloy-tuloy na ito hanggang sa kasalukuyang panahon. Sa taong ito, nagsama-sama ang mga iba’t ibang grupo ng mga katutubo at mga Moro para lumakas ang kanilang panawagan. Dito na rin sila nagbuo ng kanilang alyansa na Sandugo, na siyang magiging organisasyon na magbubuklod sa lahat ng pambansang minorya na tumitindig para sa kanilang karapatan sa sariling lupain at pagpapasya. Bilang miyembro ng Anakbayan, isa ako sa mga volunteer na tumutulong sa lahat ng mga pangyayari sa Lakbayan 2016 mula sa Salubungan dito sa Diliman, pagtugon sa mga pangangailangan ng mga nasa NMR (Northern Mindanao Region),sa pagpapadaloy ng mga bahagian ng mga estudyante

74


at katutubo sa Kampuhan, at iba pa. Nakikita ko ang kahalagahan ng pakikiisa sa laban ng pambansang minorya dahil hindi naman ito nalalayo sa laban ng kabataan at estudyante. Ang pagkamkam ng lupain ng mga katutubo at ang paglayo sa kabataan ng kaniyang karapatan sa edukasyon dahil sa pribatisasyon at komersyalisasyon ay nakabatay sa mga patakarang neoliberal na dinidikta ng imperyalismong US sa atin. Ang mga patakarang neoliberal na ito ay naglalayong magkamal ng pinakamalaking tubo mula sa mamamayan para lang sa interes ng dayuhan at ang mga naghaharing uri. Kaya’t importante na maging organisado at sama-samang tumindig dahil nakikita naman natin na sistematiko tayong inaatake at tinatanggalan ng ating karapatan. Pero sa lahat ng mga kaganapan sa Lakbayan ngayong taon, katangi-tangi ang nangyari noong nagsagawa ng kilos protesta ang mga katutubo sa Embahada ng Estados Unidos. Kung susuriin, halos lahat ng mga dayuhang korporasyon na pumapasok sa lupang ninuno ng mga katutubo ay mula sa Estados Unidos kaya sila naroon para ipanawagan na paalisin ang mga ito. Mapayapa ang kilos protesta na idinaos nila ngunit malinaw na iba ang plano ng mga pulis sa harap ng embahada. Inararo ng isang PO3 Franklin Kho ang mga lider kabataan nasa harap ng hanay pati na rin ilang mga katutubo, kasama si Pia Malayao, ang tagapagsalita ng Sandugo. Nakakagalit ang nangyari dahil may malinaw na intensyon na ipahamak ang mga rallyista dahil pati sa kanilang pagdisperse ay hinabol pa sila sa mga jeep, sinabunutan Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

75


ang mga nasa loob, at may isang driver ng jeep na hinila pa mula sa loob ng jeep at pinagpapalo hanggang mawalan ng malay. Sa kanayunan, sa kanilang mga lupang ninuno, matindi na ang pasismo na nararanasan nila, hindi katanggap-tanggap na pati sa kalunsuran ay mararanasan din nila ito. Mula sa karanasang ito, malinaw ang tindig ng dayuhang imperyalista na gagawin niya ang lahat para lang tumigil ang pagkilos ng mamamayan, kahit sa pandarahas at pagpatay ay gagawin niya. At mula dito, malinaw na mas kailangan paigtingin ang pakikibaka para sa pambansang demokrasya dahil hindi manggagaling sa kung sino ang nakaupo sa gobyerno ang tunay na pagbabago bagkus magmumula ito sa sama-samang pagkilos ng mamamayan.

Katutubo’y dinahas Pinalayas sa nayon Dinahas din sa lungsod Sa’n na lulugar ngayon

76


Haibun Fatima Andres UP Diliman

Sa bawat pagkiskis ng yeso sa pisara ay siya ring unti-unting pagliit nito. Paliit nang paliit hanggang sa halos hindi mo na ito madama sa pagitan ng iyong hintuturo at hinlalaki. Ang sariling mga dalari na ang naikikiskis sa pisara, ang karamihan sa alikabok ng yeso nama’y bumabagsak na lamang sa lupa. Tila ba sa unti-unting pagliit ng yeso ay ang pagkaunti rin ng mga araw nila sa mundo, sa pagbagsak ng mga alikabok nito sa lupa ay maikukumpara sa mga buhay na nagwawakas dahil sa pakikipaglaban nila para sa sariling lupa. “Gusto ko pong maging guro” wika ni Glenda Mae, isang batang Lumad mula CARAGA. Bagaman maliit na bata, magaling siyang magsalita, tingin ko’y asset iyon upang maging mabisa kang guro. Akmang-akma ang kanyang buong boses na sakto para pakinggan siya ng kanyang mga magiging estudyante, sabay pa ang pagkampay ng kanyang mga kamay na humahagod naman sa mga salitang kanyang binibitawan. Balita ko’y sa mga Lumad di mo na kailangan pa ng Lisensya o kahit diploma na patunay na ika’y nakapagtapos ng edukasyon, kahit second year high school lamang ang tinapos ay maari ka nang makapagturo. Grade 6 na si Glenda, malapit nang matupad ang kanyang pangarap, magandang balita sana ito pero saan siya magtuturo kung wala na ang kanilang paaralan. Saan kaya niya

Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

77


maitutuloy ang pangarap kung nahinto siya sa pag-aaral dahil sa gulo sa kanilang sariling lupa. Taon na ang lumipas na nang isang umaga, sa kanila mismong paaralan at sa harap ng mga bata binaril si Jonel, isang pinunong Lumad. Binaril siya ng dalawang beses sa ulo ng mga paramilitar, matinding trauma ang dinala nito sa mga bata, higit sa lahat ay nawala sa kanila ang kanilang pinuno at pangalawang tahanan na ngayo’y pinagkukutaan na ng mga militar. Kailan kaya babalik si Glenda Kasama ng ‘bang bata, Makakabalik kaya, Sa payak na paaralan, Ang tanong ay kailan

78


Salmong Tugunan ng Minoryang Api Marvin Joseph Ang UP Diliman

Kung ang mabubuting binhi ay mahasikan ng mapanirang damo, huwag agad pipitasin ang masama; hayaang mamunga ang dalawa nang sabay. Sa anihan na lamang pagbukurin — ang masama’y pulumpunin at sunugin, ang mabuti’y ipunin sa kamalig.1 Ngunit, bakit tila ang masasamang damo ang naiimbak at ang mga mabubuti ang sinusunog? Sa sariling tahana’y pinapalayas, inaangking parang kaniya ng masasama ang lupa’t sinisipsip ang lahat ng puwedeng mahuthot. Walang matira para sa mabuti. Paano ngayon mamumunga nang masagana kung lupa’y winiwisikan ng karahasan, binabakuran ng kasamaan? TUGON: Apo, kailan titigil na parehong mamunga ang bala at ang butil sa’ming lupang minana? Mata sa mata, ngipin sa ngipin — buhay kung buhay, sugat kung sugat, bugbog kung bugbog. Ang kabayaran sa sala’y katumbas ng ginawang kasalanan.2 Ngunit kung ang tagahatol ay siya mismong may sala, saang siwang sa kinamkam na lupa o sa nagtataasang gusali ng kalunsuran makikita ang hustisya? Paano ito makakamit kung mga katutubo’t magsasaka’y minamangmang ng taga-lunsod?

Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

79


TUGON: Balang tinanim Dugo ang pinandilig Poot ang bunga Humayo’t magmahalan, paalala ng Ama, pagka’t Siya‘y sisidlan ng pagibig. Ang umiibig ay anak at kumikilala sa kaniya.3 Ngunit kung ang pag-ibig ay pananagasa, pananakit, paniniil at panggigipit, ano pa’ng silbi ng pag-ibig? Kapatid laban sa kapatid, kababayan laban sa kababayan, paano nga ba lulugar sa payapa kung ang pumoprotekta’y siya rin mismong pumapaslang? TUGON: Sana ay inyong dinggin, Apo Diyos sa itaas, ang aming panalanging sa dilim makaalpas.

1 Mateo 13:24-53 2 Exodus 21:26-27 3 1 Juan 4:7-8

80


Usapan sa Cellphone Rizza Mae Buiza UP Diliman

Ako ay pauwi. Madilim, nag-iisa sa daang tinahak mula pagkabata. Naglalakad sa sira-sirang daan bitbit ang itim na bag laman ang mga damit pantanghal. Tumigil sa tapat ng bahay na bente-kuwatro oras nang hindi nasisilayan. Sarado na ang pinto, iisang ilaw na lamang ang bukas mula sa kaliwang bintanang kapis pa ang disenyo. Kumatok ng malakas, nagsikahulan ang mga aso ng kapitbahay. Sa pagpasok sa tahimik na sala, napaupo dama ang pagod mula talampakan hanggang balikat. Kinuha ang cellphone, hinanap sa messenger ang pangalan ng kaibigang madaldal. Ayos! On-line siya. Nagsimulang tipain ang mensaheng patungkol sa video ng rally sa tapat ng US Embassy noong Oktubre 19, 2016. Inis, galit, kalungkutan ay muling bumalik, pumatak ang luha para sa mga pambansang minoryang naaapi. Lupon ng masa, Kapulisang armado, Gulo humantong. Tinanong itong kaibigan, sa eksenang kumalat na sa balita. Galit ang kaniyang tugon sa ginawa ng pulis sa van. Pagdaan na tila traktora, pabalikbalik sa pagsagasa sa mga raliyista, berdugong pulis kung kaniyang pangalanan. Lumalim ang diskusyon, nawala ang katahimikan sa sala, tumunog ang aking cellphone na hudyat ng mahabang talakayan. Away sa cellphone, Pasahan ng komento, Walang sumuko.

Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

81


Alas dose na ng gabi. Rinig ang hilik ng tatay kong nasa kuwarto. Nagtatalo pa rin kaming magkaibigan sa video ng rally. Tinanong ko si kaibigang madaldal, sino ang mga Lumad? Ano ang pinaglalaban ng mga raliyista sa harap ng embahada ng US? Tunog ng kaniyang paghinga ang tanging maririnig sa cellphone. Hindi niya alam ang ugat ng aming pinagtatalunan. Bumagsak na ang mga luhang kanina pa pinipigil. Lupa’y kinamkam, Nawala’y kabuhayan, Bahay ay wasak, Nitong taga kanayunan, Dayuhan ang may sala.

82


Haibun Dianne Candelario UP Diliman

Hindi totoong saya lamang ang dulot ng paglalakbay o pangingibangbayan. Unang pagkakataong nakita ko ang pambansang minorya, walang kapayapaan sa kanilang pagngiti. Kasama ng mga damit na bihira lang nating makita, dala nila ang kanilang istorya. Kahalo ng kanilang maiitim na balata ng mga pangyayaring nagdala sa kanila sa komunidad ng Diliman. Gayon din ang maiitim nilang buhok na kapiling ng luha’t pangamba para sa kanilang mga naiwan. Sa paglalayag karanasan ang bitbit ng dahas at paggiit Sa unang pagkakataon, nakilala ko sila. Sa sandaling pagkaka-upo’y higit kong naintindihan ang lahat. Hindi marunong maawa ang dahas. Sa pagsugod sa kanila ng mga military sa kanilang lugar, walang tangka ng pagkilala. Sa mga sandaling ‘yon, napatunayan raw ni Celia na hindi totoong may kapangyarihan ang rayuma, katandaan o sanggol na nananahimik sa ‘tyan. Mariin ang pagtanggi nilang lahat na walang katotohanan sa paratang ng pagiging NPA. Ngunit walang tainga para sa mga pakiusap. Dahilan para makita niyang hawak ng military ang anak niya. Mahigpit. May pagpiglas. May pagpalo. May pagtutok ng baril. Walang tainga para sa pakiusap. Sa pagitan ng armas at panalangin may pagkiling

Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

83


Iba ang gabing* iyon - kinukumutan ang gabi ng paghihimagsik ng damdaming uhaw sa hustisya. Hindi nagpakita ang mga tala. Tila nakikiramay ang kalangitan sa galit at poot ng minoryang inapi’t niyurakan. Hindi Pa Siguro Ngayon Steven Paul Evangelio UP Diliman

Mogowi edini. Mogowi edini. La ni du. Mogowi edini. Yake be en ni. Hindi ko kinayang lumapit. Isa lamang akong hamak na tagamasid. Duwag. Walang lakas ng loob sapagkat alam kong mababaw ang luha ko at malalim ang kanilang mga pinagdadaanan. Tinatawag ako ng pagtitipon. Tinatawag na maki-isa. Ngunit kasing bigat ng mga ulap ang mga paa kong lubog sa putik ng lugar. Paralisado. Ni hindi maka-agos ang luha kong nangingilid na sa mga matang tulala. Sapagkat alam kong ang pakikihalubilo ko’y patungong pagluha. Hindi ko kayang ipakita sa kanilang mahina ako dahil kailangan nila ng lakas - higit kailanman kailangan nila ng lakas ngayon. 1

Seton te. Be sfata son en. Be non sool. Be blo tik kmifu. Be loy el. Mababaw pa ang gabi ngunit nababalot na ng kabigatan ang lugar. Maraming tao, nakahihingal. Sabay pa ang bahagyang pag-ambon ng kalangitang tila nalulumbay. Nagkikinanganan ang mga palamuting nakatahi’t nakaburda sa makukulay na suotin ng aming mga bisita. Tila nag-aagawan sa ilaw mula sa entablado. Nagaagawang maaninag ng ilang daang matang nagmamasid sa pagtitipon. Nag-aagawan ng atensyon upang mapansin ang kanilang mga paghuhumiyaw. Nilalamon ako ng patitipon. Maraming nangyayari. 2

84


Bukod sa patunay at patotoo sa entablado - mga batang nagtatakbuhan, mga biglang kislap ng ilaw mula sa mga kamera, mga taong taas ang kamao’t nagsisigawan at mga tulad kong tagamasid na nakatayo malayo mula sa pagtitipon. Nais kong humakbang papalapit ngunit hindi ko kaya. Hanggang tingin na lamang ang mga mata kong nais nang tumangis. Mogowi edini. Mogowi edini. Seton te. Be ktanaw kifu. Be non sool. Be uni ti ulol. Be keko hung ofi. Be non sool. Non sool. Galit ako. Galit sa kalupitang dinaranas ng minorya sa sarili nilang lupang sinilangan. Galit sa sarili sapagkat hindi ko kayang lumapit at makilahok. 3

* Indignation Night and Cultural Program, Kampuhan sa UP Diliman, 19 Oktubre 2016 (bago ang insidenteng pagsagasa ng kapulisan sa mga minorya sa rally na naganap sa US Embassy) 1 Halika rito, Halika rito. Hindi man ngayon. Halika rito. Sana. 2 Magkita tayo. Sa dulo’t dulo ng lupa. Sa may gitna ng hangganan. Sa dilim ng tala. Sa agos ng lawa. 3 Halika rito. Halika rito. Magkita tayo. Sa lamig ng gabi. Sa pagitan. Sa tunog ng ulan. Sa langoy ng baga. Sa gitna. Sa pagitan Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

Mogowi edini. Hindi ko kayang lumapit. Isa lamang akong hamak na tagamasid. Duwag at walang lakas ng loob.

85


Ilang Lakbayan pa ang Lilipas Ma. Joane Gaco UP Diliman

Sabado noon nang dumalaw ako sa kampuhan ng mga nasa CSWCD. Pinayagan akong pumasok sa kwarto nila dahil wala rin namang masyadong tao. Hindi na ako sinamahan ng mga estudyanteng nasa ibaba dahil magisa lang siya. Walang maiiwan para magbantay. Sa ikatlong palapag, may nakitang nagtutupi ng damit, babae kasing tangkad ko. Inaasahan ko na noon na hindi malayo ang edad namin kaya mas madali ko siyang makasasalamuha. Bago pa man ako umupo sa harapan, tinititigan niya na ako. Ngiti lamang ang sagot ko sa mga titig niyang nakalulusaw. Hanggang sa magkaharap na kami pero hindi nawala ang mga titig niya, hindi lamang sa mga mata pati sa buong katawan. Nabahala ako kaya kinumusta ko na siya. Walang siyang imik. Nagpakilala ako bilang mag-aaral ng UP. Wala pa rin siyang imik. Siya si Mayang, 22 ang edad, isang Lumad. Tinanong niya kung para saan daw ang pag-uusapan namin. Gusto ko lang siyang maka-usap. Wala ng iba pa. Hindi naging matipid ang pagsagot niya ng mga tanong ko tungkol sa insidente habang nagpoprotesta sila sa harapan ng US Embassy. Inamin nilang nagbabato sila ng tubig na may dyobos, hindi pintura. Binabato nila ito sa logo ng US, hindi sa mga pulis. Nataon lamang na naroon ang mga pulis kaya natalsikan sila. Ipinakita ko ang mga komento sa isang bidyo ng pag-atras abante ng sasakayan na kumakalat sa facebook. Isang komento na sinasabing kasalanan ito ng mga nagpoprotesta. Ngumiti lamang siya. Tinitigan niya akong muli, batid kong may panghuhusga na rin siya noon. Sinabing dito ay bayani sila kung ituring. Umiling ako, sinabing hindi ganoon ang tingin ko sa kanila. Sabay suksok ng aking telepono sa kanang bulsa. Natigil siya sa pagtutupi. Naramdaman kong nakuha ko ang lubos niyang

86


atensyon. Hindi rin naman kasalanan ng mga militante ang pagkapilay ng mga pulis. Hindi sila ang humampas, mga kapwa nito pulis. Ang mga pulis na humahampas paharap sa mga militante ay hindi naabot. Ang hampas na paharap ng mga nasa likod ay tumatama sa mga nasa harapan nitong mga pulis. Hindi sila iyon. Paulit-ulit niyang diin sa akin. Akala siguro niya isa ako sa mga nagsasabing kasalanan nila iyon. Ipinakita ko naman ang simpatya ko sa kanya at sa mga pahayag niya. Sa kuwento niya, lalong nagigting ang galit ko sa kapulisan. Kung may pagkakataon na maikuwento niya rin ito sa lahat. Malaman ang totoong nangyari. Magkaroon sila ng mismong taong batayan ng kanilang simpatya. Lahat naman ng makakikita ng bidyo o larawan sa sosyal midya, makapagkokomento ng walang sapat na kaalaaman. Walang nagbabawal buti pa sila, malaya. Ang pahayagan Malalang epidemya Lahat biktima Hindi siya nadamay sa pag-atras abante ng sasakyan ng Pulis. Bago pa man ito, habang sila ay nakakapit-bisig, pinaki-usapan niya ang pulis na nasa harapan na hintayin lamang nilang matapos ang programa nila, hindi sila manggugulo, aalis din sila. Sinabi ng pulis na umalis na sila ngayon, delikado daw. Bigla, sabay nilang narinig ang utos na pag-abante ng mga pulis. Yumuko ang isang pulis, saka siya dahan dahang itinutulak paatras. Gayon naman ang pilit niyang labanan ang puwersa. Malumanay man niyang ikinuwento, kakaiba ang epekto nito para sa akin. Ang aktong pagyuko at pag-abante ng pulis. Magkaibang pinaglalaban.

Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

87


Parehong hirap Magkaibang trabaho Para sa sahod Muli siyang nagpakilala sa akin. Siya daw si Cristina Lantao, 22, Lumad, isang mass leader. Naguluhan ako pero nanatili akong nakangiti. Iniisip kong ang buo naming pag-uusapan ay tinignan niya bilang interogasyon. Hindi ko siya masisisi, kung mukha akong hindi mapagtitiwalaan. Hindi ko ipinahalata na naguluhan ako. Tumango lamang ako. Hindi na muling nagtanong pa sa tungkol sa sinabi niya. Malaki ang sakripisyo niya sa Lakbayan ngayong taon. Matindi ang pangangailangan ng kanyang presensya bilang mass leader sa paghahanda nila sa Davao City. Oktubre 5, ika-anim na kaarawan ng nag-iisa niyang anak ngunit wala siya. Naramdaman ko ang lungkot at sakit dahil hanggang sa puntong iyon ay hindi maintindihan ng kanyang asawa ang dahilan ng hindi niya pagpunta. Pinipilit niyang huwag maluha sa harapan ko. Nakikita ko na ang mamula-mula at nagtutubig niyang mga mata. Noon ko lang naramdaman na nawala ang titig niyang nakalulusaw. Hindi lamang siya isang mass leader kundi anak, asawa at ina. Gumaan ang loob ko. Hindi ako kailanman naging kabahagi ng protesta pero alam kong matagal pa bago makamit ang kanilang interes sa kanilang mga lupa. Sa industriyalisasyon bilang pag-unlad, may nawawalan at nabibiktima. Walang mabilis na tugon ang pamahalaan. Maraming nagsasakripisyo at naisasakripisyo sa paglaban nila. Lilipas pa ang maraming Lakbayan. Pila sa bigas Mahaba at matagal Sa Pilipinas

88


Sabay-sabay: Paglapit Arjay Ivan Gorospe UP Diliman

Pag-araro ng pulis sa mga raliyista. Pagdating ng malakas na bagyo. Hindi pagpayag ng pangulo sa P125-pinataas na minimum wage. Pagboto ng mababang kapulungan sa pag-amyenda ng konstitisyon. Lahat sa loob ng isang linggo. Malayo ako sa embahada, sa kanayunan, sa pag-araro sa mga raliyista, sa babaeng sinagasaan—ang kalso sa gulong na sunod-sunuran. Malapit lang ako sa radyong madaldal, sa maingay na posts sa Twitter at Facebook: Ang nag-uugnay sa akin sa mga katutubo, sa mamamayang nakikibaka. Maging sa cellphone man lamang, kahit paano, nakakasama ko ang hanay ng mamamayang lumalaban. May klase ako, higit sa lahat, nang pumutok ang mga balita. Araw na iyon, kinagabihan ay kumilos ang mga estudyante: Nagsindi ng kanila, isinigaw ang mga panawagan. Kinalaunan nang Biyernes, kasama akong nagmartsa mula Rotonda hanggang Mendiola: para sa lupa, sahod, trabaho, edukasyon, at karapatan ng mga mamamayan.

Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

89


Bumagal ang usad ng trapiko sa dumadagundong na EspaĂąa at Recto. Sa wakas, ako na ay hindi malayo sa hanay ng mga taong sa cellphone ko lang nakikitang sinasagasaan at dinarahas. Malapit na ako sa kanila. Gabi, isang linggo mula nang tanggapin sa pamantasan ang mga minorya ng bansa. Awitan, tugtugan ang himakas ng linggo ng protesta at tunggalian. At hindi ko man ganap na lahat ay masaksihan, ang aking pag-aaral, paglalagi sa Facebook at Twitter ay lagi para sa bayan. Malayo man ang kanayunan sa kalunsuran, mailalapit ang kanilang hamon sa patuloy na pagpapanawagan at pakikipaglaban, sa mandato ng bawat Iskolar ng Bayan na tumindig para sa karapatan ng bawat Pilipino. Ngayon na malapit, mahirap nang labis na lumapit pa At sa pilit mang paglapit, lamang matatanaw ko ang layo kung saan nanggaling, hiling ay nawa hindi bumalik. Ngayon sasama sa hamon at pakikibaka.

90


Sa Bayan, Kami ay Bumabalik Clarence Javier II UP Diliman

Tinahak ko ang daan patungo sa kinaparoroonan nila, inihahanda ang sarili sa anumang kilalang istorya na aking muling maririnig. Ah, isang taon na pala ang lumipas nang huli kong makadaupang-palad ang mga katutubo mula sa Mindanao. Ngayon, naglakbay muli sa Maynila hindi na lamang ang mga Lumad kundi maging mga katutubo mula sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. Tila kailan lang ang lahat… Noong nakaraang taon, nandirito rin sila sa unibersidad. Nakatira pa ako sa lumang bahay naming pamilya noon. Naalala kong madalas akong magtungo sa kampuhan marinig at makasama lamang sila. Paminsan-minsa’y ginagabi ako, sinusulit ang bilang na araw ng pagtira nila sa lungsod. Ayos lang magpagabi, maya’t maya kong iwi-wika noon. Maliwanag naman ang daan patungo sa bahay. Ilang hakbang pa patungo sa kinauupan ng mga bagong makikilala, ilang minuto na lang ang layo mula sa kanila, at naramdaman kong hindi pa ako handang pumasok sa pamilyar na atmosperang minsang kinapalooban ko: Napakatarik ng daanan pabalik sa ating bayan Nasilayan kong muli ang mga hindi kilalang aksesorya. Narinig ang mga kinalimutang tono ng pananalita. Nakinig sa parehong kuwento ng mga nakilala noon – militarisasyon, lupa, corporations, etc. Hinanap sa mga bagong katagpo ang mga taong nakausap ko. ‘ka’y mapapatid mababato sa gilid paang sugatin

Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

91


Ngunit hindi mga bata, datu at kababaihan ang kausap ko. Kaharap ko ang isa sa marahil kaedaran ko ng Bukidnon, entusiyastikong nagkukuwento sa tinakasan-ng-ganang ako. Nagsalaysay siya na parang hindi namatayan ng mga kamag-anak, parang hindi lumuwas ng Maynila para magtago, na parang namumuhay nang payapa at ordinaryo. minsan uulan paa’y mapuputikan diri ang mukha Hindi man niya direktang inamin, batid kong sabik at desperado siyang makabalik sa kanila. Sa kabila ng pagkakapaslang sa kaniyang ama, kapatid at pamangkin, paghahanap sa kaniya ng mga militar, at patuloy na pagaangkin sa kanilang lupain, alam kong uuwi at uuwi pa rin siya sa Lupang Ninuno, ano man ang posibleng mangyari sa mga susunod na araw. Lumipat na kami ng bahay ngayon, at sinisikap kong huwag nang magpagabi dahil madilim na ang ruta patungo sa bago naming tinitirhan. Ngunit minsan, ‘pag may libreng oras ay binibisita ko pa rin ang aming abandonadong lumang bahay. Marahil, dito kami nagtatagpo. tuloy ang lakad saka na ang pahinga malayo’ng bayan ‘di natitinagsusugurin anuman makauwi lang.

92


Sa Malayo’y Nagmamasid, Niraramdam ang Paligid Marie Noelle Lumbre UP Diliman

Alas sais na nang gabi nang maglakad ako papunta sa CMO grounds kung saan gaganapin ang ang cultural night sa araw na iyon. Naka tsinelas at pambahay na kasuotan lang ako nang salubungin ng dalawang kaibigang nanggaling na sa may kampuhan. Matagal-tagal ding naupo sa lapag habang nag-aantay magsimula ang programa. Samut-saring mga tao ang naririto, kahalubilo ang mga katutubo. Sumakit nga ang dibdib ko dahil sa nalalanghap na usok ng mga sigarilyo sa paligid. Nag-antay lamang Nagmasid ng tahamik At Naka-upo Nagsimula ang program sa pambungad na salita ng isa sa mga kinatawan ng mga Lumad. Ito ang eksenang tumatak sa akin. Sa kanyang pagpasok ng iika-ika at nakasaklay, napagtanto kong marahil isa siya sa mga sinagasaan. Naalala ko Masakit na nangyari Sa embahada Sinalaysay niya ang naging karanasan sa marahas na pagtrato ng mga pulis sa kanila sa embahada ng mga kano. Mangiyak-ngikay siya sa pagkwento sa karanasan nila pati ang dahas na dinadanas ng mga katutubo sa kanilang mga lupain. Sigaw niya’y katrapatan at kalayaan mula sa mga kanong naghahari-harian sa bayan.

Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

93


Salita’y dama Sa pagsusumamo n’ya Nakaka-awa Nagpatuloy ang gabi ng awit at musika. Dinig na dinig ang dagungdong ng pagkaka-isa at pagsusumamo ng mga Lumad tungo sa pagkamit nila ng kanilang mga hangarin. Dinig na dinig ko ang dagungdong na nagsusumigaw para sa karapatan sa kanilang mga lupaing ninuno at sigaw na palayasin ang mga kano sa sa bayang ito. Iisang tinig Ang bumalot sa gabi Isang hangarin

94


Haibun ni Sir Ramil Miguel Carl San Antonio Marcelo UP Diliman

Hindi siya ang aking kausap ngunit bigla siyang sumabat. Tutok noon ang aking pakikinig sa kwento ng isang 16 na taong gulang na babae. Sa palagay ko’y hindi naman niya sinadyang putulin ang sinasabi ng bata, na kanya palang estudyante. “Sinasamantala nila ang kawalan ng kaalaman ng mga kapwa ko katutubo,” ito ang pagbubugtong niya mula sa saysay ng estudyante na tungkol sa ibang paraan ng pagkamkam ng mga kalupaan. Sa kanyang pagkukwento, ang panloloko na idinadaan sa ilang mabubulaklak na salita at pangangako ang ginagamit na sandata ng mga nangangamkam. “Meron nga doon sa amin, ipinagpalit sa isang pirasong tubo ang isang ektarya ng kanilang lupa.” Naibaba ko ang aking kamay na noon ay nasa aking baba ng marinig ko ito kasabay ng panlalaki ng mga mata at pagtatanong. “Ho?” paglilinaw ko. “Oo, minsan nga din sa isang sakong bigas pa. Ang isa pang malala, pumapayag na pala ang ilang datu na ibigay ang kanilang lupa dahil sa kanilang pagpirma sa mga kasunduan na hindi naiintindihan sapagkat nakasulat sa English.” Sa kabila ng mga tila pagsusumbong na ito, mahinahon pa rin si sir Ramil, di ko bakas ang galit sa kanyang boses. Sa palagay ko, dala na ito ng pagkasanay, patunay na palagian na itong nangyayari nang walang solusyon na nagagawa. Kumpas ng labi Mata’y maniniwala Payag ang kamay

Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

95


Sa Isang Sulok ng Kampuhan Jamela Angela Obligacion UP Diliman

Sa isang mainit na hapon sa gusali ng CSWCD, nakilala ko si Kristina Lantao. Umupo siya sa harap ko na bakas ang ngiti sa kanyang mukha. Hindi pang-lumad ang kasuotan niya kaya sa unang tingin ay hindi siya mukhang katutubo. Medyo bata pa siya para maging lider kaya naging interesado ako sa kuwento niya. Bukas ang bibig Tainga ko ay inangkin Mata’y nangusap Natuklasan kong kahit na isang taon lang ang tanda niya sa akin ay marami na siyang nasaksihang karahasan dahil sa pagsali niya sa Compostela Farmers Association. Dose anyos pa lang siya nang unang maranasan ang panunutok ng baril ng mga militar. Iyon din ang edad niya nang unang masaksihan ang pagkamkam sa kanilang lupang ninuno. Agos sa dagat Sinugod ang baybayin Buhangi’y tangay Sunod na isinalaysay ni Kristina ang kuwento ng pinakamamahal nilang lider sa komunidad ng Compostela Valley. Si Jimmy Saipan ang Secretary General ng Compostela Farmers Association kaya matagal na siyang kakilala ni Kristina. Kilala daw siya dahil sa pakikibaka niya upang hindi makamkam ang lupa ng mga Lumad na naninirahan sa Compostela Valley.

96


Isang panabas Sa lupang matalahib Alas sa harang Nagtapos ang panayam ko ka’y Kristina sa pagkuwento niya tungkol sa pagkamatay ni Jimmy Saipan nitong nakaraang ika-10 ng Oktubre. Sa ngayon ay hindi pa daw nila alam kung sino ang gumawa ng krimen. Inasahan kong mga militar ang iniisip nilang pumatay sa kanya ngunit nagulat ako nang sabihin ni Kristina na pinaghihinalaan nila ang tribal lider ng Compostela Valley na si Imong Blanko. Ibinebenta daw kasi niya ang mga lupa ng mga katutubo kaya nakaaway niya si Jimmy Saipan. Agos sa dagat Sinugod ang baybayin Bato ang tangay

Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

97


Haibun Leira Micah Gianni Roman UP Diliman

Ako’y nakaharap sa aking laptop, kausap ang kaibigang aking nakatampuhan. Ako’y nakapangalumbaba, namomroblema kung paano hihingi ng tawad dahil di ko natupad ang pangako kong dumalo sa kanilang salo-salo ng kanyang kaarawan. Puso ko, sa pagsisisi’y nalulunod, kinagabiha’y di agad makatulog. Sinubukan kong tawagan, kanya naman akong binababaan. Ako’y nag-abang lang sa telepono, hanggang sa napikit na lang ang mga mata ko. Kinabukasan, kami’y nagkasalubong sa paaralan. Loob ko pa rin ay mabigat, sa kanya rin yata. Sinubukan kong lumapit bago ang oras ng klase’y sumapit. Sa isang iglap, sa wisik kong pagkumusta, okay na pala ang lahat. Ating yutang kabilin tinatangkang agawin ‘Nong, atin lang ilaban hanggang sa kahulihan Ngunit nang aking malaman, mga kwento sa kanayunan, ako’y napahinto, nahiya at napagtanto na ang hanggang sakong na baha ng aming tampuhan magkaibigan, amin nang kinalulunuran, walang wala pala sa taas ng lebel doon sa kanayunan. Ipagpatawad mo ‘ko, ‘Dong ngunit tanging solusyon sa tiyan naming kulong kulo, bala sa iyong ulo

98


Dahil kailanman ‘di pipiliin ang usok kaysa malinis na hangin Cathlyn Angelica Rosario UP Diliman

Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

Kahel na ang kanluran noong tinahak ko ang maputik na daan papunta sa Kampuhan.1 Minasdan kong lunukin ng malambot na lupa ang sapastos kong kulay puti ngunit nagpatuloy pa rin ako sa paglakad, tila ako dayuhan na naninibago sa landas na nilalakaran. Hindi ako sanay sa putik kaya naman laking ginhawa ko noong makarating na ako sa wakas sa Kampuhan. Kung saan may aspalto at ‘di maputik. Sa pagdating sa Kampuhan ay nakilala ko ang isang batang lumad na si Angela na galing sa rehiyon ng CARAGA, tingin ko’y magkasinlaki lamang kami ngunit mas matanda ako sa kanya, nasa unang taon na raw siya ng hayskul, kayumanggi ang balat at parehas kami ng hugis ng mukha na medyo prominente ang hugis parisukat, bilog na bilog ang hugis ng kanyang mga mata, at itim naman ang kulay niyon, hindi siya nangigimi o nahihiya sa pagku-kwento, tumitigtig pa nga siya sa aking mga mata at pakiramdam ko nagkaroon kami ng koneksyon dahil doon. Totoo nga na “Eyes is the window of the soul”, litaw ang mga emosyon niya sa bilog na bilog niyang mata habang nagsasalita, lalo na pag nababanggit niya ang kanilang nayon, marahil humuhulas sa kaniyang isipan ang mga alaala sa tirahang pansamantalang iniwan. Kalmado ang kaniyang boses kaya naman hindi ako ilang makipagkwentuhan, kagaya ng pakirmadam kapag kausap ang isang kaibigan, may mga palitan kami ng ngiti sa t’wing may pagsangayon sa sinasabi ng isa’t isa habang nag-uusap. Para siyang isang bahay na ang bintana’y bukas, makikita mo agad ang nasa loob niya.

99


Ikinuwento na ng bata ang kanyang mga karanasan niya sa Maynila. Napansin niya ang magkaibang hangin sa Maynila at sa kanilang tirahan. Nagtaka naman ako, para sa isang nakatira sa lungsod, hindi ko na alam ang pagkakaiba ng hangin na walang halong usok, mula pa lamang sa bahay na puno ng mga bumubuga ng usok ng yosi, hanggang sa mga kalsadang araw-araw kong tinatahak- puro usok. Inillarawan ang hangin na mula sa kanayunan, hangin na magaan sa baga at malamig naman kung humaplos sa balat, taliwas sa buga ng hangin ng Maynila na kung singhutin daw ay may bigat at kung tumama sa balat ay mainit tila nanghahampas. Sabi ni Angela, galing daw kasi lahat ng malinis sa hangin sa kalikasan, kaya raw malamig sa kanila ay puro puno, samantala sa Maynila, ang mga puno raw ay parang mga palamuti para masabi na lamang na may mga puno rito. Bakas ang dismaya sa kaniyang mukha, malinaw na sinasambit iyon ng kaniyang mga mata. Marahil ay tinangay na siya ng kaniyang isip sa kanilang nayon. Sabagay, dayuhan lang din siya dito, ang malinis na hangin na nakasanayan ng kaniyang sistema ay hahanap-hanapin niya.

* Pansamantalang tuluyan ng mga Lumad dito sa Maynila

100

Tahanang kinagisnan Sa puno’’t hangin Puwesto ng mga bato Singit-singit ng kanto Kahit sa haraya Bakas ay hahanapin Hahanap-hanapin


Mabigat na Pagbuhat sa Paglakbay Malkolm Samson UP Diliman

Dumating ulit ang mga Lumad sa Diliman. Ginagawa nila ‘to bawat taon. Hindi pa rin tapos ang pakikibaka nila sa malayong lugar, tila mga ibon na mandayuhan sa di-kilalang pook - naghahanap ng sapat na pagkain at matitirhan para sa kanilang angkan. Ang mga nang-aapi’y tuwirang nangaabuso parang mga mangangaso na nanghuhuli ng mga ibon - kukunin ang lahat pati na ang buhay. Atake ng atake; nakaraan man o kasalukuyan, mga suliranin ‘di nalilimutan - lahat nasasaktan. Nagyo’y Lakbayan ulit Lumad madaming bitbit Dala nila ang pait Nang abusong malupit

Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

101


Markang Hindi Malilimutan Malkolm Samson UP Diliman

Tuwing Oktubre may mga dumarating na Lumad sa kampus ng UP. Sa isang programa’y may nakita akong isang batang nakatayo at nakasarado ang kamay, nakatingin sa kaligiran. Madungis ang hitsura sapagkat ang kamay at paa’y puno ng kalyo at ang suot na damit na pula’y basa ng pawis. Hustisya hiyaw niya. Habang naririnig ang mga sigaw ng kapwa, mga aktibista at iba pa na nakilahok sa programa. Pinipilit niyang lakasan pa ang salita. Ganito siya habang may pagtitipon, hanggang sa isang araw tinanong siya ng isang binata ukol sa peklat niya sa binti. “Anong nangyari sa binti mo bata, ang laki ng peklat?” “Pinaghahampas po ng baril.” “Sino ang gumawa niyan sa iyo?” “Para-militar po.” “Sino sila?” “Mga kapwa naming Lumad na kumampi sa militar.” Hirap na dinaranas Sa kapwa na marahas Hindi malilimutan Ang marka sa katawan

102


Sa Dalawang Laban ng Pula Genina Danica Soriano UP Diliman

Tatlumpu’t limang segundo na lamang at malalaman na kung uulan nga ba ng confetti sa loob ng Araneta Coliseum upang itanghal ang kampyonato sa PBA ngayong taong 2016—Ginebra laban sa Meralco. Sa loob ng aming maliit na parisukat na sala, nagsisiksikan kaming apat nina nanay, tatay at ate sa isang mahabang kahoy na upuan at tutok na tutok ang mga mata sa telebisyong kasing taba pa ng aparador. Nasa Ginebra ang bola. Lamang ang Meralco sa puntos na 88-86 at dahil Ginebra kaming lahat sa bahay ay walang gumagalaw sa amin habang dini-dribble ni Brownlee ang bola— takot na baka sa kaunting kaluskos ng katawan ay dumulas sa kamay ng amerikanong itim ang bola o kaya naman ay hindi niya maipasok ito sa ring. Walong taon na kami naghihintay para makuha mulli ang titulong kampyon. Tatlumpung segundo at tumalon na si Brownlee upang itira ang bola— pasok. Hiyawan ang mga fans sa Araneta. Kasabay ang pag-alingawngaw ng “Yesss!!!” sa aming sala. 88-88, Tabla na. Sa maikling segundo ng timeout ay nagbukas ako ng facebook. Gusto ko sanang ipakita ang aking suporta sa Ginebra at inaasahang tatambad rin sa akin ang maraming posts tungkol sa laban na ito ngayong gabi. Ngunit ibang laban ang tumabad sa akin. Labang hindi ginanap sa Araneta, hindi para sa tropeo at hindi lang walong taon ang hinintay na panahon para lumaban dahil sa kanila’y araw-araw ang pakikibaka. Sila ang minoryang nasyonal. Kasama

Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

103


nila ang ilang mga estudyante at ilang boluntaryong lumahok na mga doktor at nars nang magprotesta sila sa harap ng Embahada ng Estados Unidos. Pulang bandila Kamaong nakataas magwawagi ba? Sa bidyong kumalat sa social media ay ang isang police mobile ang humarurot nang paabante’t paatras habang nasasagasaan/sinasagasaan ang ilang mga nagpo-protesta. May mga pumailalim pa sa mobil. Kitang-kita sa bidyo ang babaeng nakakulay berdeng damit ang pumaikot-ikot sa ilalim ng harap ng mobil nang ito ay mabilis na umandar paabante. Habang ang maingay at magulong dispersal na ito ay napapanuod ko sa maliit at basag na screen ng aking telepono, sinasabayan ito ng ingay sa mas malaki pang screen ng aming TV. Pulang-pula ang dalawang screen. Ang mga fans ng Ginebra ay naghihiyawan. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko na nasundan ang laro. Basta’t nakita ko na lamang na nakaupo si Durham na manlalaro ng Meralco sa gilid ng court at hawak na ni Brownlee ang bola. Pumapalakpak din ang aking nanay habang si tatay ay nakatayo na malapit sa TV. Si ate ay nakataas ang paa at nakayakap sa binti niya habang nakapatong ang baba sa tuhod. Ako nama’y parang naliligaw dahil sa dalawampu’t limang segundo na hindi ko nakita ang nangyari sa laro at mahigpit na hawak-hawak ang selpong patuloy pa ring pinapalabas ang madugong dispersal. Bumubulong-bulong si ate…nagdarasal. Pinakita rin sa telebisyon ang mga fans na nakapikit at nakayuko na halatang nakikiusap sa Diyos. Pinapanalanging manalo sana ang GInebra sa labang ito.

104


Limang segundo na lang ang natitira. “kaya pa yan!” sabi ni tatay. “Mananalo tayo!” sabi ni nanay. “Never say die!” sabi ni ate. Ilang panahon pa ba ang kinakailanagan upang wak’san ang laban ng ating liping aba Nasa kamay ni Mercado ang bola na manlalaro ng Ginebra. Naghahanap siya ng papasahan. Si Brownlee muli ang kumuha, umandar ang orasan. Apat na segundo—tumakbo siya patungo sa 3 point line, tatlong segundo— bumwelo siya sa pagtira, dalawang segundo—nasa ere ang bola, isang segundo—panalo. Wala nang iba pang marinig sa aming bahay kundi ang malakas na hiyawan ng mga nasa Araneta na umaalingawngaw hanggang dito sa aming sala na lalo pang pinaigting ng malakas na sigaw at tili nina nanay, tatay at ate. Tumatalon silang tatlo gaya ng mga tao na ipinapakita sa telebisyon dahil sa sobrang tuwa sa pagkapanalo ng Ginebra. Kasabay naman nito ang maingay rin na hiyawan ng mga rallihista sa aking munting telepono. Pinaghahahampas ng batuta ng mga pulis ang mga jeep kung saan nagtago ang ilan sa mga nagprotesta. Maingay rin ang kanilang mga iyak habang sila ay kinakaladkad ng mga pulis upang arestuhin. Mapula rin ang buong bidyo—hindi lamang dahil sa kanilang mga bandila’t damit kundi dahil na rin sa mga dugo na tumatagas sa kanilang mga sugatang katawan. Kampuhan sa Diliman 2016 Literary Folio

105


Sa posas, batuta, baril at kalasag ng mga pulis, mga plakard, bandila’t tarpulin and panlaban ng mga rallihista. “Kaya pa ba?” “Mananalo nga ba?” paanong “Never say die” kung matagal na silang pinapatay ng lipunang sana’y pinaglilingkuran at pinoprotektan sila? Mabuti pa sa basketball, may referee na pumipito pag may nakitang mali at labag sa patakaran. Pulang badila kamaong nakataas magwagi sana.

106




Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.