TAON 3 | ISYU 9 ENERO - HULYO 2021
sanghaya ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKOMUNIDAD NG GAWAD LAGUNA INC.
BALITANG LATHALAIN | 10
Namumukod-TV DEVCOM | 05
Ayuda de peligro PANG-ULONG TUDLING | 03
Tindig kabataan
Mga makabagong San Luis
Pagpapatuloy ng Kuwento
LATHALAIN | 14
DIBUHO NI KAEL MONDEZ
02
OPINYON
sanghaya
ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKOMUNIDAD NG GAWAD LAGUNA INC.
40 M
2.6 M
Kabataang edad 18-35 ang maari nang bumoto sa 2022 batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA)
First-time voters ang nakapagpatala na para sa 2022 elections batay sa ulat ng Comelec nitong Abril 2021
37%
4M
ng kabuuang bilang ng mga bumoboto ay mula sa sektor ng kabataan
ng kabuuang bilang ng mga bumoboto ay mula sa sektor ng kabataan
10,203,900
19.6 M
Kabataang edad 18-19 ayon sa tala ng PSA, 2,349,118 dito ay rehistrado na ayon sa huling ulat ng Comelec
Kabataan ang lumahok sa halalan 2019 batay sa ulat ng Comelec
9,292,500
Kabataang edad 20-24 ayon sa tala ng PSA, 8,768,702 dito ay rehistrado na ayon sa huling ulat ng Comelec
24,464,300
Set.30
Kabataang nasa Millenial Age Group (25-29) ayon sa PSA, 22,839,811 sa kanila ang nakarehistro para sa Halalan 2022
Ang huling araw ng pagpapatala na itinakda ng Comelec para makalahok sa Halalan 2022
‘SANG HAYAG
Layag, hayag Sanghaya ALVIN HIZON | PUNONG PATNUGOT
ANG PAMUNUAN ANG ISANG organisasyon gaya ng Sanghaya, ang opisyal na pahayagang pangkomunidad ng Gawad Laguna Inc. ay isang tiyak na hamon. Tangan ng pangalan ng pahayagan ang isang mabigat na pangako at karangalan. Hindi naging mabilis ang aking naging tugon sa paanyayang pamunuan ang isang pahayagang sasalamin sa layunin ng
Gawad na #PaglingkuranAngPamayanan. Kinailangan kong pag-isipan nang ilang beses sapagkat malaking responsibilidad ito at tiyak na susubukin ang aking kakayahan sa pagbalanse ng aking panahon at iba pang kasing halagang gawain. Ngunit, sino nga bang makatatanggi sa tawag ng tungkulin? Nasa dugo at puso na yata ng bawat kabataang Gawad ang paglilingkod. Natatandaan ko pa noong ako ay nominado pa lang, inambisyon ko na ang pagkakaroon ng pahayagan para sa organisasyon na magsisilbing plataporma ng Gawad upang mas mailapit lalo ito sa komunidad. Nakatutuwang isipin na narito na ang Sanghaya at binigyan pa ako ng
sanghaya
PAMATNUGUTAN NG SANGHAYA | OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKOMUNIDAD NG GAWAD LAGUNA INC. BOLYUM 3 | ISYU 9 | ENERO - HULYO 2021
pagkakataon na mamahala. Hindi siguro sapat ang pasasalamat at pagsaludo sa mga taong nasa likod ng unang mga isyu ng pahayagan dahil naisabuhay at naisakatuparan ang isang pangarap lang pitong taon na ang nakararaan. Bilang bagong kapitan ng pahayagan, alam kong hindi magiging madali ang lahat. Pero gamit ang aking mga naging karanasan sa pagsulat at pagpapatakbo ng pahayagan at sa tulong na rin ng mga kapatid natin sa Gawad na handang sumulat at magmulat, nakatitiyak akong ang hamon na ito ay ating mapagtatagumpayan. Kaya naman, tara na at samahan ninyo kaming maglayag para sa nag-iisang hayag. Sama-sama tayong tumuklas ng mga namumukod-tanging istorya sa lalawigan habang humahabi ng kasaysayan. Bigyan natin ng karagdagang tinig ang mga nasa laylayan at palaging isapuso at isaisip kung sino ba ang ating pinaglilingkuran --katotohanan at pamayanan.
Punong Patnugot Alvin Hizon | Kabakas na Patnugot Jan Aldous Virina at John Joshua Mascarinas | Tagapamahalang Patnugot Marlet Bueno | Katuwang na Tagapamahala John Carlo Lorbis |Patnugot sa Lathalain Reb Arce | Patnugot sa Agham at DevCom Zarrel Gel Noza at Nathan Felix |Patnugot sa Panitikan Jaydee Querubin | Punong Dibuhista Von Vista | Patnugot sa Balita Georgina Balauro | Tagawasto Jan-Ann-Rey Consignado |Punong Litratista Fitzgerald Abejo | Mga Manunulat, Tagaulat, Mananaliksik, Kontribyutor Edwin Canete, Franz Aldein Teope, Riza Pearl Ho, William Bartolome, Alexandra Allyson Nera, Lloyd Melvin Tonga, Jericho Asinas, Kael Mondez, Rina Joy Pumar, Eloisa Pramis, Garry Bayran, Coreen Benitez, Sairene Pregonero, Jhon Ricky Salosa, Victor Escolano, Jericho Fernandez, Norvi Valderama at Hayse Villamin | Mga Kasangguni Meg-Ryan Reonal, Ronel Vincent Vistal at Diosdado Dela Rosa III
PANGUNAHING TUDLING | 03
Tindig kabataan ITINAKDA NG COMMISSION on Elections (Comelec) ang Setyembere 30, 2021 bilang huling araw ng pagpapatala para makaboto sa lokal at pambansang halalan sa 2022. Ibig sabihin, may ilang buwan na lang ang mga first-time voter lalo na ang mga kabataan na maging bahagi ng kasaysayan sa pagpili ng mga susunod na lider ng bansa. Sa ulat ng Philippine Statistics Authority, (PSA) lumalabas na apatnapung milyong Pilipino edad 18-35 ang inaasahan at maari nang bumoto sa 2022. Napakagandang bilang ng mga botante para hubugin ang magiging kapalaran ng bansa. Ipinapakita rin ng numerong ito na ang malaking papel na gagampanan ang mga kabataan sa halalan. Sa kabuuang 40 milyong kabataan na inaasahang makilahok sa halalan, pinakamalaking bahagi nito na 19,496,400 ay mula sa edad 18-24 ayon sa PSA. Ngunit ang nakababahala ay ang bilang ng aktuwal na nakapagpatala na para makaboto sa 2022. Ayon kasi sa pinkahuling ulat ng Comelec, tanging 11,117,820 pa lang mula sa mga edad na ito ang rehistrado. Sinasabi na ang mga kabataan sa kasalukuyan ay “woke” o mulat sa iba’t ibang usapin. Kapansin-pansin ito sa kanilang pakikilahok sa mga diskusyon tungkol sa iba’t ibang usaping may kinalaman sa lipunan sa pamamagitan ng social media. Kinumpirma ito ni Prof. Xiao Chua sa ABANG LINGKOD
Tayo ay nakibahagi RONEL VINCENT VISTAL | PANGULO
SA DALAWANG MAGKASUNOD na taong 2020 at 2021, hindi nagkaroon ng pagkakataong maisagawa ang pinakatampok na gawain ng GLI dahil sa mga banta ng pandemya. Ito ay ang kinasasabikang GFTSL para sa Namumukod-Tanging Kabataan ng Laguna. Kasaysayan sa samahan ngunit dadating muli ang tamang panahon upang makilala muli ang ating mga bagong kapatid. Hindi naman nito napigilan ang GLI upang subukang mas patatagin ang mga panloob na usapin ng samahan at lalong higit ay isabuhay ang sigaw nitong #PaglingkuranAngPamayanan.
isang panayam, na ang pagiging “woke” ay popular sa “Millenials” at “Gen Z”. Mas marami sa mga kabataan ngayon ang handang magbahagi ng saloobin, umimik sa mga maling nakikita, at sumasalungat kung kailangan. Wala naman raw mali rito kung ang UP Prof. Ela Atienza ang tatanungin, karapatan ng mga kabataan ang magsalita at magpahayag. Aniya, ang pagiging mamamayan ay hindi natatapos sa pagsunod sa lamang batas at pagbabayad ng buwis dahil ang pagpuna sa mga maling gawain ng mga namumuno ay mahalagang bahagi sa paggawa ng mga polisiya. Ito rin ay patunay na malusog pa ang demokrasya. Kung talagang mulat at may pakialam na nga ang mga kabataan sa mga nangyayari, ang hamon na lang ngayon ay kung paano ito gagamiting lakas para sa ikabubuti ng nakararami. Gamitin natin ang ating pagimik, pagpuna, pagsalungat at kritisismo at isalin natin bilang ating mga boto. Huwag nang magpatumpik-tumpik pa, tumayo na at magparehistro. Isang magandang pagkakataon ang eleksyon para sa mga bagong botante, na karamihan ay kabataan, na magamit ang kanilang pangunahing karapatan sa kauna-unahang pagkakataon at nang maipakita natin ang nagkakaisang lakas ng kabataan upang hubugin ang magiging tadhana ng bayan. Kaya naman, tumindig na at makikilahok sa darating na halalan.
Hangad ng samahang mas mabuklod pa ang mga miyembro nito sa pamamagitan ng pinagtulungang isulat na Handbook na gagabay sa ating mga panloob na pakikisalamuha. Katuwang rin nito ang hangaring mabilang ang mga aktibong miyembro ng samahan para sa mas maayos na mga pagdedesisyon. Malaki naman ang gampanin ng mga Senior Gawad sa pangmatagalang planong maging museong pambansa ang Bahay Laguna. Pangunahin rito ang pagsasapinal ng titulo ng lupang kinatatayuan at ang planong Little Laguna sa Bahay Laguna. Inilunsad naman ang GLI Community TV na patuloy na nagbibigay inspirasyon at kaalaman sa ating mga kalalawigan. Nagtungo rin ang Sanghaya na maging pahayagang pangkomunidad. Malaki ang bahagi ng mga gawaing itong
makapaglingkod sa mundong puno ng impormasyon. Pinalakas naman ang ating pakikituwang sa mga organisasyong may katulad na layunin sa ating samahan. Pangunahin na rito ay ang sa Laguna YDA office para sa Gawad Kampeon na kikilala sa mga sisibol na proyektong pangkomunidad ng mga samahan. Naipagpatuloy rin ang iba’t ibang mahahalaga at napapanahong gawain katulad ng mga webinars at mga proyektong kumalinga sa mga malubhang naapektuhan ng pandemya. Nagbigay ng sapat na oras ang pagsasailalim natin sa pandemya upang mas makilala at mapalawak pa natin ang ating samahan. Hindi na lamang masasabi ng ating mga miyembro na “Ako ay Namumukod-Tangi”, tunguhin na rin nating unti-unting maisigaw na “Tayo ay Nakikibahagi.”
Hindi naman nito napigilan ang GLI upang subukang mas patatagin ang mga panloob na usapin ng samahan at lalong higit ay isabuhay ang sigaw nitong #PaglingkuranAngPamayanan.
04 | OPINYON G NA G
Gawing batayan ang pandemiya sa pagpili ng susunod na lider REB ARCE | PATNUGOT
....Kung mayroon mang mabuting maidudulot sa atin ang pandemyang ito, sana ang isa ay maging mapanuri tayo sa mga taong ibinoboto natin...
MAHIGIT ISANG TAON mula nang mag-umpisa ang pandaigdigang pandemyang COVID-19. Sa Pilipinas, mayroong 1,418,337 kumpirmadong mga kaso ng COVID-19 mula Enero 3, 2020 hanggang Hulyo 2, 2021 ayon sa World Health Organization (WHO). Sa tala ng WHO, mayroon 24,797 katao na ang namatay sa Pilipinas sanhi ng COVID-19. Mayroon pa lamang 9,542,612 katao na nabakunahan hanggang ika23 ng Hunyo ngayong taon, kumpara sa 111,037,892 kabuuang populasyon ng bansa sa kasalukuyan. Masakit isipin na sa kabila ng pandemya, karamihan ng nakukuha natin mula sa ating sariling gobyerno ay utang at mga pasaring imbis na dagdag na tulong at maayos na plano. Naging routine ng maraming Pilipino na intayin pa rin ang mga anunsyo ng Pangulo sa gitna ng gabi at umasa sa isang maayos at konkretong solusyon,
ngunit hindi ito ang naririnig madalas ng mga Pilipino. Mas madalas na mga mura, pagpapasaring, at mga ideyang katulad ng ‘susuntukin ang veerus (virus)’ ang naririnig ng mga taong bayan. Maliban pa rito, imbis na sagot sa pandemya tulad ng mass testing at bakuna, dagdag na sweldo para sa mga health care workers, at ayuda sa mga maralita, naging matunog ang Anti-Terror Law na nagdiwang ng unang taon nito ng pagkapasa bilang batas nito lamang ikatlo ng Hulyo. Pinakamasakit sa lahat ng ito ang lumobong utang ng Pilipinas sa loob lamang ng isang taon. Hanggang Nobyembre ng 2020, ang utang ng Pilipinas ay umabot na sa P10.13 trilyon o $210,709,166,300. Sa kabila ng mga ganitong pangyayari, may ilang mga lider ng lokal pamahalaan at maging ng pambansang pamahalaan na nagpapakita ng tunay na serbisyo sa mga mamamayan. Mga proyekto tulad ng mas maayos na community quarantine facilities, mas malawakang mass testing para sa kanilang mga lungsod, mas maayos na contact tracing, pagpapatupad ng mga safety protocols, at pagbibigay ng mas maayos at sapat na ayuda na walang halong pamumulitika ang ilan sa mga tunay na lingkod ng bayan. Hanggang sa kasalukuyan ay may
mga sangay ng pamahalaan na patuloy na nagbibigay ng tapat at naaayong serbisyo sa kanilang nasasakupang lugar. Ang ilan sa kanila ay regular na naglalabas ng financial statements, nag iisip ng mas maayos na solusyon katulong ng mga espesyalista at mga doktor na bihasa sa pagtugon sa pandemya. Kung mayroon mang mabuting maidudulot sa atin ang pandemyang ito, sana ang isa ay maging mapanuri tayo sa mga taong ibinoboto natin sa opisina. Marami sa kanila ngayon ay nakaupo lamang at sumusweldo gamit ang buwis ng taong bayan, habang ang taong bayan ay naghihirap makaraos sa pandemya. Marami sa kanila ay hindi nakilos at nananahimik, taliwas sa kanilang mga gawain noong panahon ng kampanya. Bukas ang pagpaparehistro para bumoto hanggang sa ika-30 ng Setyembre ng kasalukuyang taon. Ito na marahil ang pinakamabisang paraan para magkaroon ng mas maayos na kinabukasan ang ating bansa. Bukod sa popularidad at kakayahan nilang sumayaw at magpatawa ng masa, sana ay itanong natin sa ating mga sarili bago natin sila iboto, “kung magkakaroon muli ng pandemya, ano ba ang gagawin ng taong ito para sa Pilipinas kong mahal?”
SINAG-LAYA
meeting de avance ay nawaawalan ng saysay. Malamang sawa na ang mamamayan sa ganitong mga proseso subalit ano nga ba ang magagawa ng mga kabataan? Ang pagboto o ang pagpili sa mga mamumuno sa bansa ay isang karapatan na di dapat ikibit balikat na lamang. Siguro ay mayroong mga pagkakataong mapapaisip ang isang kabataan, “Ako, ano ang magagawa ng boto ko?” o kaya naman “Ayokong bumoto kasi wala naman akong mapapala diyan?”. Ngunit tingnan natin ang maaring mabago ng kada bilog na hugis itlog na lalagyan ng tinta. Sa loob ng anim na taon hindi kaila sa mata ng madla ang mga pagbabago, ito man ay kasiyasiya o nakadidismaya, nakakapanibago. Ngunit magpapakulong nga ba ang kabataan sa ganitong takot ng PAGBABAGO?. Balikan ang tanong na “Ako, ano ang maggagawa ng boto ko?” Pansinin at pag-isipan ang mga programang inilunsad ng Sangguniang Kabataan sa bawat komunidad, ‘di bat kabataan din ang mga naroon at gumagawa ng mga kapamaraanan kung paano simulan ang pagbabago gaya ng mga community pantries at programang pangedukasyon?
Pansinin din ang mga kaliwa’t kanang organisasyon na umuusbong at patuloy na naglilingkod sa lipunan, mapribado o mapublikong organisasyon man. Kahit pa sabihing kulang ang karanasan, kung mayroong puso at malasakit sa bayan ay maaring simulan ang pagbabago. Iyan ang kabataan. Kaya’t kung wala man sa isang samahan, ang maaring magawa ng isang kabataan ay ang pagboto. “’Di ka ba nababahala?” Marahil ito ang kasagutan, huwag matakot dahil ika nga sa Dekalogo ng Pamamahala ni Gob. San Luis, “…’di dapat kumilala ng utang na loob ang tao sa paggamit ng kapangyarihang ito. Bagkus, ang pinuno ang siyang dapat kumilala ng utang na loob sapagkat siya nag pansamantalang pinagkatiwalaan ng kapangyarihang ito.” Kabataan, huwag mabahala, dahil mayroon tayong magagawa.
Saysay ng pagkabahala
JAN ALDOUS VIRINA | KABAKAS NA PATNUGOT
‘DI KA BA NABABAHALA? Iyan ang tanong na naglalahad ng isang pag-aalinlangan o kaya naman ay isang hamon. Marahil magtataka ang makababasa nito kung bakit niya kailangang sagutin ang katanungang ito. 2021 na, at isang taon na lamang ay naririto na naman ang pagkakataong ibinigay sa mga mamamayan upang pumili ng mga mamumuno sa bansa o lokal na pamahalaan. Ngunit ano nga ba ang saysay ng pagboto kung ang mga pangakong ipiniprisinta o inilalahad tuwing mga debate, interviews, o
Ang pagboto o ang pagpili sa mga mamumuno sa bansa ay isang karapatan na di dapat ikibit balikat na lamang.
DEVKOM05
sanghaya
ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKOMUNIDAD NG GAWAD LAGUNA INC.
Ayuda de peligro:
LUMILIIT NA AYUDA, LUMULOBONG PROBLEMA
6 sa 10
miyembro ang iyong pamilya, apat lamang ang entitled na makakuha ng ayuda. Sa Laguna, may 2.7 bilyong piso ang inilaan ng gobyerno noong Marso. Ngunit sapat na ba ito kung ang pagbabatayan ay ang 2020 census sa Laguna kung saan ang kabuuang populasyon ay umabot na sa higit 3.3 milyon? Noong 2019, sinabi ng Philippine Statistics Authority o PSA na ang pamilyang may limang miyembro ay nangangailangan ng hindi bababa sa P10,727 para tustusan ang pagkain at iba pang mga pangangailangan. Ang mas mahalagang tanong ngayon, ang SAP ba na ito ay sasapat? AYUDANG PABABA Palubha nang palubha ang kalagayan ng ating mga mamamayan dahil sa pandemiya. Habang lumalala ang pagdurusa ay lumiliit rin ang pag-asang makabangon ang karamihan sa pagkakalugmok dahil sa papaliit na papaliit na alokasyon sa ayuda. Mula sa 239.3 bilyong piso sa ilalim ng Bayanihan 1, ang alokasyon para sa COVIDrelated ayuda ay bumaba sa P217 bilyon sa Bayanihan 2 at lumiit nang husto sa P4.4 bilyon para sa 2021 budget. Isang indikasyon na nasa peligro ang marami sa ating mga kababayan. Malamang ay may mga panukala pa upang maglabas muli ng ayudang pinansyal sa bansa, ngunit hindi sana natin malimutan na ang pinakamahusay na ayuda ay ang mahusay, tapat, at mabuting pamamahala mula sa mga nakaupo sa gobyerno na hindi na dapat natin hinihingi pa dahil iyon ang inaasahan sa kanila.
pamilyang Pilipino ang nakaranas ng gutom noong 2020
ALVIN HIZON AT REB ARCE
MASAKIT NA SA TAINGA ng marami ang mga salitang ‘mask’, ‘pandemya’, ‘COVID’, at ‘new normal’. Kumbaga sa pananalita ng mga nanay, para nang sirang plaka sa paulit-ulit na paggamit natin sa mga ito. Pero isa sa mga salitang gasgas na gasgas na at may kasamang pang sakit sa dibdib at ulo ay ang AYUDA. AYUDA: hango sa wikang Espanyol na nangangahulugang ‘tulong’ o sa Ingles ay ‘help’. Kadalasan sa mga batang mahilig manood ng ‘Dora the Explorer’, natututuhan nila ang salitang ito kapag may mga karakter sa palabas na nanghihingi ng tulong ni Dora at Boots. “Help! ¡Ayúdeme!” Sa konteksto ng kasalukuyang pandemya, ang ayuda ay ginamit nating mga Pilipino simula noong nakaraang taon upang magbigay ng dagliang tulong na pinansyal o pagkain para sa mga kababayan natin na maaring nawalan ng trabaho o naapektuhang maigi ng pandemya. Kilala natin ang ayuda noon bilang ‘relief goods’ ngunit marahil sa koneksyon ng termino sa mga nasalanta ng bagyo, pinili ng mga nakatatas na ibahin ang termino para sa tulong na ipapamigay sa panahon ng pandemya. ‘INSTANT AYUDA’ Ilan sa mga uri ng ayuda na nakuha na ng marami ay mga bag na naglalaman ng mga pagkaing de lata tulad ng sardinas, meat loaf, corned beef, at mga noodles kagaya ng pancit canton at instant mami. Kadalasan ay isa o dalawang bag ng ayuda ang ibinibigay sa kada pamilya. Depende sa laki ng probinsya, syudad, o bayan din ang dalas ng pagbibigay ng ayuda. Sa pag-usad ng panahon, ang mga ganitong ayuda ay nag-‘evolve’ din kumbaga. Maraming nakapansin na hindi naman makakaganda sa kalusugan ng maraming mamamayan, lalo ang mga bata, kung puro de lata at noodles ang laman ng ayuda. Ito ang dahilan kung bakit may ilang mga probinsya ang nagkaroon ng mga inisyatiba na magdagdag ng gulay, sariwang karne, at bigas sa mga ayuda packs nila. Magkagayunman, sa ulat ng Food and
Nutrition Institute, humigit-kumulang 15 milyong Pilipino ang nakaranas ng katamtaman hanggang malubhang gutom noong 2020. Patunay lamang na sa kabila ng kali-kaliwang ayuda ng pamahalaan ay hindi pa rin ito sapat. SAPAT BA ANG SAP? Ang isa pang uri ng ayuda ay ang mas naging kontrobersyal sa maraming lugar. Ito ang ayudang pinansyal kung saan makakatanggap ng isang libong piso kada katao hanggang apat na libong piso kada pamilya. Tinawag ito ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na Social Amelioration Program o SAP. Mas maliit ito kumpara sa limang libong piso – o sa kaso ng kakaunti, walong libong piso – kada pamilya noong 2020 (batay sa ulat ng Rappler, Marso 2021). Ang ayudang ito rin ay hanggang sa apat na katao lamang ng isang pamilya ang puwedeng maaaring makakuha. Kung mayroong limang
Pagbaba ng badyet para sa ayuda 2020 JAN
FEB
Halaga sa Piso
2021 MAR
APR
MAY JUN
JUL
AUG SEP
OCT NOV DEC
JAN
FEB
MAR
APR
MAY JUN
JUL
239.3 B
22.8 B BAYANIHAN 1
BAYANIHAN 2
18.4 B 2021 BUDGET
22.9 B NCR+AYUDA
Pinaghalawan: Department of Budget and Management
06 | DEVCOM
ayuda aprub
Paano siguraduhing ligtas ang mga ayudang natatanggap
MARLET BUENO
HATINGGABI NG MARSO 15, 2020 nang unang ipatupad ang lockdown sa buong Metro Manila dahil sa COVID-19. Dahil dito, mahigit 12 milyong residente ang hindi pinahintulutang makapasok o makalabas ng Maynila. Sa mga lugar naman sa labas ng Maynila ay iminungkahi ng Inter-agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na ang mga lokal na pamahalaan ang magpasya kung nararapat na sumailalim sa community quarantine ang kanilang mga nasasakupan. Bunsod nito, marami sa ating mga kababayan ang napilitang tumigil sa paghahanapbuhay. Ayon sa tala ng Philippine Statistics Authority, tumaas ng 17.7% ang bilang ng mga walang trabaho noong Abril 2020. Samantala, 7.9 milyon naman ang bumaba ang sweldo dulot ng mas maigsing oras ng trabaho (Philippine Daily Inquirer, Marso 2021). Kaugnay nito, namahagi ng ayuda ang gobyerno, pati na rin ang pribadong sektor at iba’t ibang organisasyon. Kadalasan, ang mga ito ay naglalaman ng relief packs gaya ng bigas, instant noodles at mga de lata. Mayroon ding mga munisipalidad na namahagi ng mga sariwang gulay. Bagama’t naitatawid ng mga ito sa ilang araw na pagkagutom ang mga pamilyang labis na naapektuhan ng pandemya, gaano naman kaya kaligtas ang mga ipinamamahaging pagkain? Ayon sa World Health Organization (WHO), walang sapat na ebidensya na maaaring makuha ng COVID-19 mula sa pagkain o balot ng pagkain. Maaari lamang makuha ang sakit kung nagkaroon ng direktang kontak sa taong mayroong COVID-19. Gayunpaman, iminumungkahi pa rin ang dobleng pag-iingat sapagkat hindi man nakukuha ang COVID-19 mula sa pagkain ay maaari pa rin itong maging sanhi ng food poisoning kapag hindi nasuring mabuti. Dulot ito ng kontaminasyon sa pagkain dahil sa mga mikrobyo, virus, o parasite. Ilan sa mga sintomas nito ay ang pagsakit ng tiyan, pagsusuka, pagkahilo, lagnat, at diarrhea. Ayon sa US Centers for Disease Control and Prevention, may mga indibidwal na mas madaling maging biktima
ng food poisoning gaya ng mga bata, nagdadalang-tao, matatanda, at may iba pang karamdaman. Saad ng WHO, ang ligtas na pagkain ay responsibilidad ng bawat isa. Upang maiwasan ang food poisoning, mula man ito sa ayuda o hindi, iminumungkahi ng WHO ang mga sumusunod: Palaging tingnan ang expiration date ng mga pagkain. Siguraduhing walang sira ang balot ng mga ito. Panatilihing malinis ang kamay sa tuwing hahawak sa pagkain. Para naman sa mga namamahagi ng relief packs, mas mainam kung magkakaroon ng mahigpit na mga patnubay sa distribusyon. Bukod sa pagiwas sa food poisoning, dapat ding ituon ang atensyon sa pagpapanatiling ligtas mula sa banta ng COVID-19 ang mga volunteer at pumupila para sa ayuda. Sa Ethiopia, naglabas ng mga pamantayan sa pamamahagi ng relief packs ang National Disaster Risk Management Commission (NDRMC), Joint Emergency Operation Plan (JEOP), at World Food Programme (WFP). Ilan sa mga ito ay ang pagsusuot ng disposable gloves upang hindi magkaroon ng direktang kontak sa mga ipinamamahaging pagkain, pagbabawal sa mga edad 65 pataas sa mga lugar ng distribusyon (ngunit kung hindi maiiwasan ay uunahin sila), at pagkuha ng temperatura ng mga tao habang isinasagawa ang distribusyon. Samantala, sa Pilipinas naman ay nakikipagugnayan ang DOH at Department of Agriculture (DOA) sa WHO at Food and Agriculture Organization of the United Nations (FAO) upang paigtingin ang seguridad at kaligtasan ng pagkain sa pamamagitan ng pagsunod sa mga pamantayang internasyonal.
...mungkahi pa rin ang dobleng pagiingat sapagkat hindi man nakukuha ang COVID-19 mula sa pagkain ay maaari pa rin itong maging sanhi ng food poisoning kapag hindi nasuring mabuti...
sanghaya
ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKOMUNIDAD NG GAWAD LAGUNA INC.
Tsek o Malaking X Mga karaniwang paniniwala tungkol sa COVID-19 Vaccines ZARREL GEL NOZA
MAHIGIT ISANG TAON nang bihag ng pandemya ang mundo at isa sa pinakamainam na solusyon upang matapos ito ay ang mga bakuna. Dito sa Pilipinas, layunin ng pamahalaan na mabakunahan kontra COVID-19 ang 70% ng populasyong may edad na 18 pataas upang maabot ang tinatawag na herd immunity. Ayon sa pinakahuling ulat ng Department of Health (Hulyo 11, 2021), nasa mahigit 9.6 milyong Pilipino pa lamang ang nababakunahan—halos 12% pa lang ng target na 80 milyon.
Isa sa mga itinuturong dahilan ng mabagal na pagtaas ng mga bilang na ito, bukod sa kakulangan sa suplay ng bakuna at bagal ng pagdating nito sa bansa, ay ang mataas na antas ng vaccine hesistancy o ang pagdadalwang-isip ng mga mamamayan tungkol sa pagpapabakuna. Lalo pa itong pinapalala ng paglaganap ng napakaraming fake news tungkol dito. Narito ang ilan sa mga maling paniniwala tungkol sa mga bakuna laban sa COVID-19 at ang katotohanan sa likod ng mga ito. Malaking X: Naglalaman ng magnet ang COVID-19 vaccines kaya naman dumidikit ang mga metal na bagay sa bahagi ng katawan kung saan ito itinurok. Tsek: Walang magnet ang mga bakuna kontra COVID-19. Ilan sa mga maaaring dahilan ng pagdikit ng metal (karaniwang kutsara na ginagamit sa ‘magnet challenge’) ay ang natirang pandikit mula sa band-aid na inilagay sa lugar kung saan itinurok ang bakuna. Ang bakuna din, kapag naiturok na, ay hindi nananatili sa braso kundi sumasama sa pagdaloy ng dugo sa buong katawan. Malaking X: May kasamang microchip ang mga bakuna kontra COVID-19. Tsek: Hindi naglalaman ng microchip ang mga bakuna. Ayon sa World Health Organization, ang mga bakuna ay naglalaman ng pitong pangunahing sangkap: 1) antigen o ang sangkap na gumagaya sa mismong COVID virus at syang nagtutulak sa katawan ng tao upang maglabas ng antibodies na syang magiging panlaban sa COVID; 2) preservatives na syang nagpapatagal sa buhay ng mga bakuna; 3) stabilizers tulad ng protina na syang pumipigil ng pagkakaroon ng kemikal na reaksyon sa loob ng bakuna; 4) surfactants na sya namang nagsasama-sama sa mga sangkap ng bakuna, 5) residuals o mga non-active ingredients ng bakuna; 6) diluent o ang malinis na tubig na makikita sa bakuna; at 7) adjuvant syang nagpapalakas ng epekto ng bakuna sa immune system. Malaking X: Mas Malaki ang panganib na dala ng bakuna kaysa sa COVID-19.
AGHAM07 ... magpabakuna upang protektahan ang sarili at ang kapwa, at magbahagi ng tamang impormasyon tungkol sa pagbabakuna...
Tsek: Mahigit tatlong bilyong tao na sa buong mundo ang namatay dahil sa COVID-19 ngunit wala pang naitatalang namatay dahil sa bakuna. Ang mga bakunang itinuturok ay dumaan sa masusing pag-aaral upang masiguradong ligtas at epektibo. Ang prosesong ito ay naging mabilis dahil tayo ay nasa kalagitnaan ng isang world health emergency ngunit hindi ito nangangahulugang hindi itong mapagkakatiwalaan. Malaking X: Maaari kang bawian ng buhay ilang taon matapos mapabakunahan. Tsek: Hindi pinapahina ng mga bakuna kontra COVID-19 ang resistensya ng isang tao. Ang mga side effects na dulot nito na maaaring mahalintulad sa mga sintomas ng COVID ay dala lamang ng proseso ng paggawa ng katawan ng antibodies na syang makakatulong upang maiwasan ang severe cases ng COVID. Malaking X: Maaari kang magkaroon ng COVID-19 kapag ikaw ay binakunahan. Tsek: Ang mga bakuna kontra COVID-19 ay hindi magbibigay ng COVID-19. Naglalaman lamang ito ng mga sangkap na nagtuturo sa katawan ng tao upang laban ang tunay na COVID-19 virus sa oras na pumasok ito. Muli, ang pagkakaroon ng side effects matapos mabakunahan tulad ng lagnat, sobrang pagkapagod, sakit ng ulo, at iba pa, ay palatandaan lamang na nagsisimula na ang bakunang protektahan ang inyong katawan. Ang mga side effects na ito ay humuhupa din matapos ang ilang araw. Ilan lamang ito sa mga maling paniniwala tungkol sa COVID-19 vaccines. Iwasan ang basta-bastang paniniwala sa at pagbabahagi sa iba ng mga nababasa sa Internet. Laging tingnan ang pinanggalingan ng impormasyong inyong nabasa at alamin ang kredibilidad nito. Mas piliing kumuha ng impormasyon sa mga opisyal na ahensya tulad ng Department of Health at World Health Organization. Tandaan na sa panahong ito, dalawa ang magagawa mo upang matulungan ang bansang makaahon sa krisis: magpabakuna upang protektahan ang sarili at ang kapwa, at magbahagi ng tamang impormasyon tungkol sa pagbabakuna at labanan ang pagkalat ng fake news tungkol dito. Kung bawat isa sa atin ay gagawin ang mga ito, mas magiging madali at mabilis siguro ang ating pagtayo mula sa pagkakasadlak na ito.
08 | AGHAM
Ilang paalala mula sa siklistas ng Gawad
LiGtas na Padyak ZARREL GEL NOZA
NITONG MGA NAKARAAN, kabi-kabila ang mga nakakasalubong nating mga siklista sa daan. Ang iba sa kanila, galing pa sa mga malalayong probinsya. Yung ilan naman, mula din dito sa ating lalawigan. At hindi naman talaga maipagkakaila na paborito nila ang lalawigan ng Laguna! Sa dami ba naman ng napakagagandang biker destinations dito—mula sa Sta. Rosa hanggang Famy, mapadpad ka man sa Calauan papuntang Liliw, ang daming maaaring puntahan na talagang nagbibigay ng thrill sa mga siklista. Ngunit ang kailangan nating tandaan: hindi basta basta ang pagbibisikleta. Hindi ito simpleng pakikiuso lang. Maraming paghahanda ang kailangan sa bawat pagpadyak. Kaya naman para magbigay ng ilang paalala sa mga bagong siklista, kinapanayam* namin ang ilan sa mga siklista namin sa Gawad Laguna Inc. na sina Erasto Arinuelo ’03, Jan Ann Rey Consignado ’17, Noel Natividad ’15, Dodi dela Rosa III ’18, at Melvin Ubaldo ’14. UGALIING I-TSEK ANG BISKLETA BAGO UMALIS NG BAHAY. Ito ang isa sa mga pangunahing paalala nina Ate Jan Ann at Kuya Melvin. Ayon sa kanila, upang masiguradong ligtas ang pagpadyak, tingnan kung maayos bang gumagana ang preno, ang mga ilaw, at kung wala namang sira ang salamin, ang gulong, at iba pang bahagi ng bisikleta. Delikado at higit na mahirap kapag sa daan pa ito pumalya. SIGURADUHING KUMPLETO ANG GEARS. Halos lahat ata ng siklistang ating nakapanayam ay nagbigay ng paalala tungkol dito. Huwag na huwag daw kakalimutan ang helmet at gloves dahil mahalagang proteksyon ito sa inyong katawan. Paalala din ni Kuya Eras na mas makakabuti kung dry-fit ang isusuot na damit upang maiwasan ang pagkatuyo ng pawis. Ayon din sa kanya, siguraduhing kumportable ang damit na isusuot—hindi masyadong maluwag at hindi din naman masikip. Dagdag din ni Ate Jan, kung kaya ay magdala ng extrang damit dahil may posibilidad na umulan at mabasa kayo. TUBIG, TUBIG, TUBIG! Ayon sa ating mga siklista, napakahalaga ng pagdadala ng tubig sa pagpadyak dahil sa tindi ng pagbyahe at lala ng init sa panahon ngayon. Ani Kuya Eras, dapat iwasan ang pag-inom ng carbonated drinks habang pumapadyak dahil mas makakadagdag lang ito sa dehydration. Ayon naman kay Ate Jan Ann, mas ligtas din kung may dala kayong sariling tubig, imbis na kung saan saan kukuha nito. Ang paalala naman ni Kuya Melvin, kahit pa may mga tindahan ng inumin kayong dadatnan sa mga sikat na biker destinations, Mabuti pa ding magdala ng inyong sariling tubig dahil hindi ninyo alam kung saan kayo aabutin ng uhaw. IHANDA ANG PUSO, UTAK, AT KATAWAN. Tulad ng sabi kanina, hindi ito biro. Kailangan ng ibayong paghahanda para dito. Ayon kay Kuya Noel, huwag masyadong
magpalinlang sa ganda ng nais mong puntahan; tingnan mo raw muna kung pasok ba ito sa iyong kakayahan. Kailangang ihanda ang inyong pisikal na pangangatawan. Paano? Si Kuya Dodi at Kuya Melvin naman ang nagbigay ng ilang payo tungkol dito. Ayon sa kanila, isang paraan ng paghahanda sa isang pangmalakasang trail ay ang pagbibisekleta sa malalapit at madadaling ruta. Sa pamamagitan nito, maaaring masanay ang inyong katawan, lalo na ang inyong baga, binti, at hita. Sabi naman ni Kuya Dodi, ayos din kung regular kayong mage-ehersisyo bilang bahagi ng paghahanda ninyo; piliin din ang mga ehersisyong nakakapagpatatag ng puso. SUMUNOD SA MINIMUM HEALTH PROTOCOLS. Nasa pandemya pa rin tayo kaya naman hindi dapat makalimutan ang minimum health protocols na ipinapatupad ng ating pamahalaan. Paalala ng ating mga siklista, huwag kakalimutan ang face mask at siguraduhin pa ding may social distancing sa mga kasamahan. Kung nagbabalak kang sumabak sa pagpadyak, lagi lang tatandaan na kailangang handa ang iyong katawan at ang iyong bisikleta. Bago pa man ang lahat, ang kaligtasan mo ang dapat na mauna. Maligaya at ligtas na pagpadyak!
... lagi lang tatandaan na kailangang handa ang iyong katawan at ang iyong bisikleta. Bago pa man ang lahat, ang kaligtasan mo ang dapat na mauna. Maligaya at ligtas na pagpadyak!
ERASTO ARANUELO
sanghaya
BALITA09
ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKOMUNIDAD NG GAWAD LAGUNA INC.
GLI, LYDO sanib-pwersa 1st Gawad Kampeon ng Kabataan, inilunsad GEORGINA ISABEL BALAURO
UPANG KILALANIN ang mga natatanging samahang pangkabataan sa Laguna, nakipagsanib-pwersa ang Gawad Laguna Inc. (GLI), sa GoodGovPH at sa Laguna Youth Development Office para sa kaunaunahang Gawad Kampeon ng Kabataan. Naka-angkla ang kompetisyon sa proyektong “Sibol” na pangunahing layuning maghatid ng oportunidad sa mga nagsisimulang youth org sa lalawigan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng seed grant. “Sibol calls for project proposals from youth groups and youth organizations which are hoped to sprout and grow in the future as catalysts for change and development towards nation-building.”
APRUB. Tinanggap ni G. Jairus Matthew Larona (Kaliwa) at Bb. Raiza Me Togado (Kanan) ang sertipiko mula sa Laguna Youth Development Office na nagpapatibay na accredited na ang Gawad Laguna Inc., Mayo 28.
Bukas ang kompetisyon sa lahat ng organisasyong pangkabataan sa probinsya. Para mapabilang, kinakailangan ng interesadong organisasyon na magpasa ng kanilang panukalang proyekto o project proposal na nakatutok sa pagpapalakas sa alinman sa apat na kategorya: Kalikasan (Environmental & Wildlife Resources), Kapwa (Livelihood, Education & Health), Katubigan (Water Resources), at Kultura
Gawad-led CPs umabot ng 45
‘Espiritu ng bayanihan’ sa Laguna binubuhay ng community pantries ALVIN HIZON
UMABOT SA APATNAPU’T LIMANG community pantries ang pinangunahan ng ilang miyembro ng Gawad Laguna Inc. (GLI) na itinayo sa iba’t ibang bahagi ng probinsya bunsod ng muling pagsasailalim sa Laguna sa mas mahigpit na quarantine protocol. Batay sa ulat ng GLI Community Pantry Registry, nanguna ang bayan ng Nagcarlan sa pinakamaraming naitayong community pantry na may 18 stalls na nakakalat sa iba’t ibang barangay. Sumunod naman sa listahan ang Sta. Rosa City na may siyam na stalls habang ang Magdalena ay may pitong stalls. Sa isang Facebook post noong Abril 19, nagpasalamat si John Cynex Sollorano (Gawad 2013) sa
mga tumulong sa kaniyang itinayong community pantry sa kanilang lugar sa Brgy. Palayan, Nagcarlan. “Isinabay din po natin sa pantry na ito ang mga sumusunod na malawakang kampanya ng sambayanang Pilipino: #BakUNAmuna #MassTestingNow #WeHealAsOne #SupportOurLocalFarmers #BayanihanNa #TulongTayo,” ayon pa sa kanyang FB post. Isa si Sollorano, sa ilang miyembro ng Gawad na nagsulong ng kanilang community pantry sa kani-kanilang lugar sa probinsya. Kung nais makita ang kabuuang listahan, mangyaring gamitin ang link na ito: https://bit.ly/ GLICommunityPantry o i-scan ang QR code.
(History, Tourism, Culture, & Arts). Apat na grupo ang may pagkakataong makatanggap ng Php15,000. Para naman sa 10 project proposal na kikilalanin na special mention, sila ay makakakuha ng Php2,000. Sa mga nais sumali, mangyaring bisitahin ang: https://tinyurl.com/ GKSibol2021. Mayroon na lamang hanggang Agosto 10 para sa pagpapasa.
#ConcertForACause ikinakasa para sa magsasaka ng Laguna PINAGHAHANDAAN NGAYON ng Gawad Laguna Inc. ang isang online concert for a cause na layuning makakalap ng pondo at maghatid ng tulong para sa mga magsasaka ng lalawigan. “Naisip po namin na hindi masyado napahahalagahan ang malaking ambag ng mga magsasaka sa ating bansa kaya nais po namin na maging beneficiary ng concert for a cause ang mga magsasaka,” ani Elaine Urriza, kasalukuyang tagapangulo. Nakatakda sa Oktubre ang pagsisimula ng nasabing konsyerto kung saan itatampok sa mga pagtatanghal ang mga miyembro ng Himig Kamanlalakbay. “Pupunta po kami sa DA o magse-set po ng online onterview para alamin kung saan lugar po pinakanangangailangan ang mga magsasaka.
10 | BALITANG LATHALAIN
BALITANG KINIPIL
GEORGINA ISABEL BALAURO
‘Namumukod-TV’
GLI Community TV umeere na sa FB
PANOORIN: Ibinabahagi ni Dr. Ramon Lorenzo Luis “Renzo” Rosa Guinto kung gaano kalaki ang impluwensya sa kanya ni Dr. Jose P. Rizal at kung paano ang mga aral nito ay nagsilbing inspirasyon sa kanya sa pinakahuling episode ng GLI TV tampok ang Calamba City at si Rizal na naipalabas noong Hulyo 1. Maaring mapanood ang buong episode dito: bit.ly/SiRizalAtAKo REB ARCE
HINDI MAKAGALA DAHIL sa pandemya? Naka-ECQ, GCQ, MCQ, at MECQ ang inyong lugar? Kung kating kati ka nang gumala pero hindi pa rin magawa dahil sa pandemya, never fear! GLI Community TV is here! Bilang bahagi ng community service ng Gawad Laguna Inc., inilunsad ang GLI Community TV at naglabas sila ng kanilang Pilot Episode nitong Enero 31. “Sa pagsubok na dulot ng pandemya, ang mga trabaho, paaralan at mga gawain ay alinsunod na sa new normal at lahat tayo ay nasanay na sa mga online na pagtitipon at pag- uusap. Ang patuloy na paglilingkod natin sa pamayanan ay hindi rin natinag, kaya’t ilulunsad ng samahan ang GLI Community TV, saad ni Francis Abellano, Head Producer ng GLI Community TV. Sa tulong ng mga hosts mula sa iba’t ibang mga batch ng Gawad, naisakatuparan ang pagkakaroon ng online show na patungkol sa yaman at ganda ng Laguna. Layunin ng organisasyon na magkaroon ng platform sa social media para ipakita sa mas maraming mga kababayan ang mga natatanging bagay sa ating lalawigan. Ang GLI TV ay may tatlong segment: Yaman ng Laguna, Laguna Noon, at Laguna Ngayon.
‘Namumukodtanging ina’ nagdiwang ng kaarawan online JAN ANN REY CONSIGNADO
Sa Yaman ng Laguna, bida dito ang mga produktong Lagunense, mga natural resources natin sa lalawigan, at mga yamang-tao na sa Laguna lamang makikita. Kilalanin ang mga taong tulad ni Aling Corazon Guevarra at produkto tulad ng Kesong Puti na specialty ni Aling Corazon sa Bayan ng Sta. Cruz. Kasaysayan naman ang dala ng Laguna Noon. Mga bagay na talagang nakakamangha sa kasaysayan ng ating lalawigan at sa mga siyudad at bayan. Kung pop culture naman ang hilig, manood na ng Laguna Ngayon kung saan bida ang mga bagong uso sa ating lalawigan tulad na lamang ng Walking Milk Tea sa unang episode. Sa kasalukuyan ay mayroon nang anim na episodes ang naturang inisyatiba na ito ng Gawad. Ang pinakahuling episode ay umikot sa Lungsod ng Calamba at Bayan ng Sta. Cruz bilang paggunita rin sa kaarawan ni Gat. Jose Rizal at Gob. Felicisimo San Luis. Bukod sa mga ‘feel good’ na balita tungkol sa lalawigan, layon din ng GLI TV na buksan ang kamalayan ang mga manonood sa mga usaping panlipunan at mga krisis gaya ng suliranin sa ekonomiya na maaaring makasama sa mga produktong Lagunense, at mga environmental issues. Mapapanood ang GLI Community TV sa YouTube at Facebook tuwing huling linggo ng buwan.
Kasama ang mga miyembro ng Gawad Laguna Inc. mula sa iba’t ibang panig ng mundo ipinagdiwang ang ika-82 kaarawan ng pangulong tagapagtatag ng samahan nitong Enero 24. Sa isinagawang selebrasyon sa pamamagitan ng Zoom, nagbigay ng mensahe ng pagbati ang kinatawan ng bawat batch kay Gng. Felicidad S. San Luis o mas kilala sa tawag na Mommy Fely para sa mga taga-Gawad. Bilang bahagi ng pagdiriwang, may kaniya-kaniyang hawak na cupcake at pansit canton ang mga dumalo at sa hudyat ng modereytor ng birtwal na pagdiriwang, sabaysabay kumain. “Kahit may pandemiya, posible palang magkasama-sama tayo sa aking mahalagang araw na ito, mga Namumukod-Tanging Anak ko. Naalala ko ang linyang, ‘Malayo man ay malapit din,’” ayon kay Gng. San Luis sa kaniyang kauna-unahang selebrasyon onlayn.
Halaga ng financial literacy tinalakay sa Alta PH Webinar
Inihatid ng ALTA PH at Gawad Laguna Inc. ang isang webinar upang talakayahin ang kahalagahan ng pagiging masinop at mabigyan ng tamang impormasyon ang mga dumalo sa kung paano kumita gamit ang stocks nitong Marso 27. Sa pangunguna ng kanilang tagapagsalita na si Pierre Legislator, ang nagtatag ng Business Generator PH at PSE Bets Veteran ng Global Market at PH Stock Market, umikot ang programa sa temang: “WebinALTA: Breaking Down the Basics of Stocks.”
‘Boto Mo, Ating Pag-Abante’ itinampok
Sa pangunguna ng Amplify Youth isinagawa ang Zoom Webinar na Botante: Boto Mo, Ating PagAbante na layuning magbigay ng mas malawak na kamalayan at kaalamanan sa karapatan na bumoto kung saan naging pangunahing tagapagsalita si G. Kris Miranda ng Student Council Alliance of the Philippines. Ang Gawad Laguna Inc. ang nagsilbing advocacy partner ng nasabing palatuntunan.
Gawad alumni bumida sa online leadership training
Nanguna ang ilang alumni mula ng Gawad Felicisimo T. San Luis para sa Namumukod Tanging Kabataan ng Lagunana na sina John Cynex Sollorano, Paul Andrei Roset, Dexter Arvin Yang, at Jairus Matthew Larona sa tatlong araw na leadership training seminar na Leadershape: Puso, Galing at Talino noong Abril 28-30 bilang mga tagapagsalita. Pinangunahan ito ng DepEd Sta. Rosa City na dinaluhan ng mga lider-kabataan sa lungsod.
BALITA | 11
TINGNAN: Magiging hitsura ng itatayong PNR Calamba sa Laguna na bahagi ng North-South Commuter Railway Project. Ang 56-kilometrong proyekto ay magmumula sa Solis sa Maynila at magsisimulang magamit sa 2025, ayon sa Department of Transportation.
Pagsasaka palalakasin ng ugnayang SEARCA, Laguna NATHAN FELIX
NAGKAROON NG ISANG Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Southeast Asian Regional Center for Graduate Study and Research in Agriculture (SEARCA), isa sa mga international research and development organizations sa Laguna, at ng Provincial Government ng Laguna (PGL) na naglalayong mas patatatagin pa ang industriya ng pagsasaka sa lalawigan sa pamamagitan ng agham at teknolohiya. Ilan sa mga napagkasunduan ng SEARCA at PGL ay ang paggawa ng isang modelo para sa isang community o home vegetable production na nagbibigay ng suporta sa mga senior citizens, mga nanay, at lalo na ang mga kabataang Lagunenseng may interes sa pagsasaka at agrikultura sa pangalawang distrito ng Laguna. Kasama sa mga lugar na bahagi ng proyekto ay ang Munisipalidad ng Bay, Cabuyao, at Los Baños. Sakop din ng kasunduang ito ang pakikipag-ugnayan ng dalawang ahensya sa isa’t isa para sa mas pinaigting na pagpapalitan ng kaalaman sa pamamagitan ng mga knowledge
resources, gayon din ang pagsasagawa ng iba’t ibang capacity building activities. Ang kasunduang ito ay ayon sa 11th Five-Year Plan ng SEARCA na may temang, “Accelerating Transformation Through Agricultural Innovation (ATTAIN)” na naglalayong maiangat ang antas ng kabuhayan ng mga magsasaka at ng kanilang mga pamilya. Sinusulong ng SEARCA ang pananaw na ang pagsasaka ay hindi lamang limitado sa produksyon o ani kundi may naghihintay na oportunidad para sa mga magsasaka upang maging negosyante at lider ng kanilang mga aning bukid. “Gusto muna naming tulungan ang aming mga neighbors o kapitbahay dito sa aming komunidad tulad ng mga Lagunense patungong Southeast Asia,” sabi ni SEARCA Director Dr. Glenn B. Gregorio noong MOU signing ceremony. Ayon naman kay Gob. Ramil Hernandez, na syang kumatawan sa Lalawigan sa paglagda ng kasunduan, malaki ang tiwala niyang ang SEARCA ay may kakayahan at kadalubhasaan upang matugunan ang kalagayan ng pamayanan ng Laguna. Isa ang SEARCA sa mga 26 na rehiyonal na sentro ng SEAMEO o Southeast Asian Ministers of Education Organization. Ang SEARCA rin ay nagbibigay ng malaking suporta sa mga pananaliksik at nangunguna sa mga pagsasaliksik at pagsasanay tungkol sa agricultural and rural development (ARD).
BL balak gawing pambansang museo
‘Litte Laguna’ itatampok ALVIN HIZON
MAGDALENA, Laguna - Pinag-iisipan ngayon ng pamunuan ng Gawad Laguna Inc. ang posibilidad na gawing isang pambansang museo ang Bahay Laguna (BL). Kinumpirma ito mismo ni Bb. Patricia Arban , GLI Auditor, sa isang interbyu. Plano na gawing “Little Laguna” ang BL kung saan itatampok ang isang lifestyle o living history museum na magpapakita ng isang tipikal na tahanan sa lalawigan. “Bali ang plan doon ay parang sa La Laguna o Anilag. Iyong mga booth pero iyong pangmatagalan kasi sa labas ilalagay iyong iba.” Ayon pa kay Arban, ang proyektong ito ay aabutin ng tatlong taon kaya aayusin muna ang ilang bagay gaya ng usapin sa lupa at titulo. “Kasi ay baka mag-set up doon sa Biel tapos biglang kunin eh sayang ang effort at pera kaya iyong lupa muna.. saka sabi po samin ay pag ia-aply bilang museum, requirement din iyong titulo,” dagdag pa niya.
MAGDALENA
12 | KOMUNIDAD
LAGUNA COVID-19 UPDATE | AS OF JULY 23, 2021
Covid cases sa Laguna umabot na ng 51K+ PUMALO NA SA 51, 635 ang bilang ng nagkaroon ng Covid sa Laguna kung saan 2,349 dito ang aktibo ayon sa pinakahuling ulat ng Laguna Provincial Health Office na inilabas nitong Hulyo 23. Sa kanilang FB post, nangunguna pa rin sa listahan ng may pinakamaraming kaso ang Calamba City kung saan nakapagtala ng 10,205 at 652 na aktibo. “Ang datos na ito galing sa Laguna Provincial Health Office ay kinolekta mula sa City at Municipal Health Offices. Ito ay dumadaan sa masusing proseso ng verification at validation,” paalalang kalakip ng post.
TOP 5 CITIES WITH HIGHEST CONFIRMED CASES 1 CALAMBA 10,205 | 2 SANTA ROSA 7,675 | 3 SAN PEDRO 5,525 | 4 BINAN 4,667 | 5 SAN PABLO 4,630
Community ‘Plantry’ lumalago sa Laguna Larawan mula sa facebook.com/AnahawLaguna
Lalawigan, ‘heightened’ GCQ hanggang Hulyo 31 Edad 5-17 bawal nang lumabas
PATULOY NA pinag-iingat ang mga Lagunense dahil mananatiling nasa ilalim ng General Community Quarantine with heightened restrictions ang Laguna hanggang katapusan ng Hulyo. Ito ay ayon sa pinakahuling anunsyo ng Malacañang. Samantala, binawi naman ng palasyo ang nauna nitong anunsyo na pagpayag sa mga batang edad 5-17 matapos sumunod sa bagong rekomendasyon ng InterAgency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na pagbawalan muna ang mga bata, salungat sa kanilang resolusyon na inilabas noong Hulyo 9.
2 kaso ng Delta variant naitala sa Laguna NAKAPAGTALA NG DALAWANG panibagong kaso ng #COVID19 Delta variant sa Calamba City. Kasulukuyan pang inaalam ng mga otoridad kung may local transmission na ng nasabing variant sa lungsod.
“Take what you can plant. Share what others can sow.” Iba’t ibang vegetable seedlings ang ipinmahagi ng Anahaw Laguna bilang bahagi ng ng kanilang community plantry. ZARREL GEL NOZA
Kasabay ng kabi-kabilang community pantries na nagsulputan sa iba’t ibang panig ng bansa ay ang pagusbong ng tinatawag na community plant-tries— dito sa Laguna. Ang community plantry o plantries ang mga pantry kung saan ang ipinapamigay ay mga libreng halaman, seedlings, or kaya buto na maaaring itanim sa kanya-kanyang mga tahanan. Dito pa lang sa Laguna, iba’t ibang organisasyon, community pantry organizers, at kahit mga ahensya ng
pamahalaan ang namigay ng iba’t ibang planting materials. Kasama na dito ang Anahaw Laguna, isang samahan ng mga kabataan sa lalawigan na may puso para sa agrikultura, na syang nagtatag ng isang community plantry sa San Pedro, Laguna. Sa pakikipag-ugnayan nila sa East-West Seed Foundation Inc. – Philippines at Rotaract San Pedro All Star, namigay sila ng iba’t ibang vegetable seedlings para sa kung sinuman ang nangangailangan. Samantala, ang
Sangguniang Kabataan ng Barangay Masikap sa Liliw, Laguna, ay nagsagawa rin ng community plantry kung saan namahagi sila ng cacao at papaya seedlings sa kanilang mga kabarangay sa tulong ng Liliw Municipal Agricultural Office. Mula sa pamahalaan naman, ang Department of Environment and Natural Resources, sa pamamagitan ng kanilang iba’t ibang opisina kasama na ang CALABARZON Regional Office, ay namahagi ng seedlings ng iba’t ibang puno.
BALITA | 13
7 kasapi ng Gawad nagningning sa Asia Pacific Luminare Awards
ALVIN HIZON
TUMANGGAP NG pagkilala ang pitong miyembro ng Gawad Laguna Inc. sa katatapos lang na 4th Asia Pacific Luminare Awards na ginanap sa Okada Manila, Hunyo 26. Kabilang sa mga pinarangalan sina Engr. Maricris Vines para sa Exceptional and Inspiring Filipina Engineer of the Year award ; John Cynex Sollorano bilang Outstanding Young Filipino Public Servant of the Millennium at; Jeffrie Trillana bilang Notable Young Leader of the Year. Tumanggap rin ng pagkilala sina Franz Reimart Averion, RCh para sa Outstanding Filipino Youth Leader of the Millennium award; Alden Sinuhin, LPT bilang Outstanding Biology Teacher and Inspiring Advocate for Community Development; Je ‘Iro Lazareo bilang Most Exceptional Host of the Decade at; Ronnie Carpio para sa Outstanding Filipino Youth Leader of the Millenium award. Sa larawang ibinagi ni Vines sa isang FB post, sinabi nyang masaya siya na makita at makasama ang ilan sa mga kapatid niya sa Gawad. “Pagbati sa ipinagkaloob na pagkilala ng Asia Pacific Luminare Awards, mga kapwa #NamumukodTangi!,” saad ng kapsyon. Ang Asia Pacific Luminare Awards ay isang internasyonal award-giving body na kumikilala sa mga natatanging indibidwal na may malaking ambag sa iba’t ibang larangan sa Asia Pacific Region.
ENGR. MARICRIS VINES Larawan mula sa facebook.com/maricris.vines
GLI midyear meeting, isinagawa Proyekto sa 2021 nakasentro sa #PaglingkuranAngPamayanan GAMIT ANG temang “Pagpapatuloy sa makabagong paglalayag” isinagawa nitong Hulyo 25 ang sa Midyear Assembly 2021 ng Gawad Laguna Inc. sa pamamagitan ng video conferencing app na Zoom. Pangunahing layunin ng pagtitipon ang iulat sa miyembro ng Gawad ang kasalukuyang kalagayan ng samahan sa iba’t ibang aspekto nito gaya ng mga aktibidad, programa at usaping pananalapi para sa unang anim na buwan sa taong 2021. Inilahad ni G. Lionell Anicete, pangalawang pangulo ng samahan, ang special projects at naging partnerships ng samahan sa iba’t ibang organisasyon. Aniya, target ng mga proyektong ito ang maipakilala ang GLI sa iba’t ibang organisayon sa loob at labas ng lalawigan at mapalawig ang koneksyon ng GLI lalo
na sa mga proyektong nakaangkla sa #PaglingkuranAngPamayanan. Ibinida rin ng special projects team sa pamamagitan ni Bb. Raiza Mae Togado, katuwang na pangawalang pangulo ang pakikipagsanib-pwersa ng GLI sa Laguna Youth Development Office at GoodGovPH para sa pagsasagawa ng Gawad Kampeon ng Kabataan sa Laguna. Samantala, iniulat ni G. JV Alvarez, pangkalahatang kalihim ang lagay ng GLI handbook at ID para sa mga kasapi. Usaping pananalapi naman ang tinalakay ni G. John Cello Subijano na agad sinundan ng diskusyon sa Property at Logistics ng samahan na pinangunahan ni Bb. Patricia Arban. Ibinahagi rin ni Bb. Elaine Urriza, tagapangulo ng serving batch ang mga plano ng SB para sa pagpapatuloy ng
taon. Binigyang-diin niya ang pagsasagawa ng Concert-For-A-Cause para sa mga magsasaka na planong simulan sa Oktubre kung saan malaki ang magiging partisipasyon ng Himig Kamanlalakbay. Sa pangunguna naman ni G. Diosdado Dela Rosa, inilatag ang mga naging aktibidad ng public relations gaya ng GLI Community TV at Sanghaya. Pinasalamatan naman ni Engr. Ronel Vincent Vistal, pangulo ng GLI, sa kanyang pangwakas na talumpati ang lahat ng kasapi ng samahan na nakiisa at tumulong para maisakatuparan ang midyear assemby. Ang nasabing birtuwal na pagpupulong ay dinaluhan ng higit 70 miyembro ng samahan. Nagbigay rin ng mensahe ang Pangulong Tagapagtatag ng GLI na si Gng. Felicidad San Luis at Gng. Eliza Delfin-Ilumin, kasamang tagapagtatag.
Ulat ng lagay ng pananalapi UNANG KALAHATI NG 2021
PINAGHALAWAN: ULAT NG BOD PARA SA MIDYEAR ASSEMBLY 2021
14
LATHALAIN
sanghaya
ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKOMUNIDAD NG GAWAD LAGUNA INC.
PAKIL MAYOR VINCENT SORIANO
REP. RUTH MARIANO
VG KAREN AGAPAY
kuwento
Pagpapatuloy ng ng mga makabagong “SA ALIN MANG pamahalaan o bansa, ang pinuno ang siyang dapat maging huwaran at pamarisan”. Ang makatuwirang pamamahalang ipinamalas ng tinitingalang Ama ng mga Namumukod-tanging Kabataan ng Laguna – Gob. Felicisimo T. San Luis - ay higit pa sa dekalogong nakalathala o sa mga aral na salin ng bibig at ipinararanas sa proseso. Ito ay isang kwentong magpapatuloy sa pagsilang ng mga bagong San Luis
BINAN MAYOR ARMAN DIMAGUILA
NAGCARLAN VM REXON AREVALO
San Luis
na may isip at damdamin para sa masa, may dinamikong pamumuno, at matatag na pananalig sa kakayahang kaloob ng Maykapal. Patotoo sa nabubuhay na legasiya ng Gawad ang mga Namumukod-Tanging Kabataang patuloy na tumutugon sa hamon ng paglilingkod sa kanilang bayan. Sa kanilang pamamahala mababakas ang mga adhikaing ipinunla ng sintang samahan, sukatang-takda’t hindi maikakaila
JAYDEE QUERUBIN
ng ilan nating mga kapatid na nakasaksi sa makasaysayan nilang pamumuno. MAKATAO. Nahubog at nakilala ang ngayo’y Bise Alkalde ng Bayan ng Nagcarlan – VM Rexon Arevalo. Si Kuya Rexon para sa kanyang mga kababayan maging sa Gawad ay kilalang makatao at sadyang
“Magwawakas lamang ang kasaysayan ng “Buhay na Alamat ng Laguna” sa pagsilang ng mga bagong San Luis sa katauhan ng sinumang may isip at damdamin para sa masa, may pamumunong tapat at dinamiko, at may matatag na pananalig sa kakayahang kaloob ng Maykapal na maiangat ang kamulatan at buhay ng mamamayan ng lalawigan at bansa.” GNG. FELICIDAD S. SAN LUIS may pusong likas na naglilingkod, mga bagay na nagtanghal sa kanya hindi lamang upang maging isa sa mga Namumukod Tanging Kabataan noong 1998 kundi bilang ikalawang ama ng Nagcarlan hanggang sa kasalukuyan. Naibahagi ni Jan Ann Rey Consignado, (Gawad 2017) mula Nagcarlan, na si VM Rexon, bilang isang lingkod-bayan, ay may likas na galing sa pamumuno at pagiging ehemplo sa mga kabataan, aktibo sa mga organisasyong pang-kabataan tulad ng Kabataang Pangarap ni Rizal (KaPaRiz) at Tatak Nagcarlangin Awards (TANAW). Dahil dito bukod pa sa kanyang hindi matatawarang adhikain upang mapaunlad ang edukasyon at ang programang pangkomunidad hinirang siya bilang “Excellent Public Servant of the Year” ng Gintong Parangal 2021, isang pagkilalang tunay na ipinagmamalaki hindi lamang ng mga kasapi ng organisasyon kundi pati na rin ng mga taga-Nagcarlan. Sa mga mata ni Jan Ann, higit pa sa karangalang tinatamo ni Kuya Rexon ang dangal na idinudulot niya sa bawat miyembro ng Gawad at ng kanilang bayan. PROGRESIBO. Kilala ring produkto ng Gawad ang ngayo’y nagsisilbing Alkalde sa Bayan ng Pakil, Mayor Vincent Soriano, isang lider na lubos ding ipinagmamalaki ng kanyang nasasakupan kabilang na si Von Vista, Gawad 2018. Ayon sa kanya, mula sa Pakil na kanyang nakagisnan, may kumpiyansa niyang maipagmamalaki na natamasa niya ang isang progresibong bayan sa pamumuno ni Mayor Vince. Bilang isa sa mga Namumukod Tanging Kabataan noong 1997, hindi na nakakagulat ang mabakas sa kanyang mga isinusulong na proyekto at programang pangkalusugan, pangkabuhayan, at pangkaligtasan ang mga aral at simulating itinuro sa kanya ng organisasyon. Ang kanyang pagiging makatao, mapagkumbaba, at makatuwiran ang siyang nagiging inspirasyon sa mga kabataan ng Pakil upang mahalin ang pag-unlad na patuloy niyang ipinadarama. Para sa mga kabataang nakakasaksi sa namumukod-tanging pamamahala ni Mayor Vince, isa itong tunay na karangalan ngunit isa ring hamon na maisabuhay ang mga turo at adhikaing ibinahagi ng Gawad upang maging kapaki-pakinabang na miyembro ng lipunan. Isang pamumunong naghihikayat sa kabataang maging bukas sa paglilingkod, iyan ang ibinabahagi ni
Mayor Vincent Soriano sa bayan ng Pakil – marka ng isang tunay na namumukod-tangi. KAHANGAHANGA. Sa Lungsod ng Binan, kung saan tampok sa mga nakaraang balita at talaga namang hinahangaan ng karamihan dahil sa mahusay na programa at patuloy na pag-unlad, pagkilala sa nagsisilbing Alkalde na isa ring anak ng Gawad – Mayor Walfredo Dimaguila. Si Mayor Arman kung siya ay tawagin ng kanyang mga nasasakupan kabilang na si Garry Bayran, Gawad Batch 2018, ay isang lider na tunay na titingalain dahil sa epektibong pamumuno at panghihikayat sa mga kabataan upang aktibong makilahok sa mga gawaing pang-komunidad na tiyak na ikabubuti ng karamihan. Ayon pa kay Garry, isa marahil sa nakakapagpasulong sa kanya upang makiisa sa mga adhikain ng butihing alkalde ay dahil sinasalamin nito ang mga aral at simulain ng Gawad na taas-noo ring kinabibilangan ni Mayor Arman - hinirang na Pinaka-Namumukod-tanging Kabataan noong taong 1993. Bagamat abala sa mga proyekto at pamamahala sa lungsod ng Binan, hindi nakalilimot si Mayor Arman sa pamilyang kanyang kinabibilangan pagkat patuloy siyang sumusuporta sa mga mithiin ng Gawad habang nagsisilbi bilang mabuti, matapat, at progresibong ama ng lungsod na patuloy niyang ikinararangal. MALASAKIT. Sa lupang sinilangan ng lahing bayani, Lungsod ng Calamba, sumibol ang ngayo’y nagsisilbing Kongresista ng Ikalawang Distrito ng Laguna at isa ring anak ng Gawad – Kgg. Ruth Mariano – Hernandez. Sa kanyang positibong disposisyon at kawili-wiling personalidad ay sadyang mahihinuha ang Sipag at Malasakit na hindi lamang nagwawakas sa mga salita kundi higit na nauunawaan sa gawa. Isa si Georgina Balauro, Gawad Batch 2018 mula rin sa Calamba, sa mga buhay na saksi kung paano naglilingkod si Ruth alinsunod sa mga simulain ng Gawad. Aniya, nasasalamin sa butihing mambabatas ang galing niyang makipagtalastasan, kumpiyansadong pamumuno, paniniwala sa sarili at pagiging maimpluwensya - mga
bagay na lubos na hinuhubog sa proseso ng Gawad. Higit pa rito ay ang tunay na pagmamalasakit at pag-aalay ng sarili upang maging karapat-dapat na kinatawan at mapaunlad ang kalagayang pangkalusugan, pangkabuhayan, at agricultural; nagpapamalas kung paanong mula sa hanay ng mga Namumukod-Tanging Kabataan noong 1996 ay naluklok siya sa posisyong lubos niyang pinag-iigihan para sa ikabubuti ng kanyang kinakatawan. Isang mabuting halimbawa ng Sipag at Malasakit, at tapat na panunungkulang sadyang kahangahanga. TUNAY NA LIDER. Hindi rin ganap ang karangalang ipinagmamalaki ng Gawad kung hindi maitatampok ang itinuturing na Ina ng Laguna, ang ating Bise Gobernador Catherine Agapay. Mula sa pagkakatanghal bilang Pinakanamumukodtanging Kabataan noong 1993, tunay na pinatunayan ni VG Karen (kung siya ay tawagin) na ang produktong Gawad ay nakadisenyo upang maglingkod. Isa si Sammy Grubanzo mula sa Calamba, sa mga malalapit na saksi kung paanong buong-pusong inalay ni VG ang kanyang sarili upang makapaglingkod nang tapat para sa mga Lagunense. Sa isang panayam ay naisiwalat niya na kaakibat na ng istilo ng pamamahala ni VG Karen ang mga natutuhan nito sa Gawad. Ipinamamalas rin ni VG ang pamumunong malalim at totoo, may nakatingin man o wala, isa siyang tunay na lider, produkto ng Gawad. Sa mga programang kanyang ipinapatupad, sa pakikinig sa mga hinanaing ng mamamayan, at sa pagbabahagi ng sarili sa kanyang nasasakupan tunay na nasasalamin ang mga aral at layunin ng Gawad na kailanma’y parte na ng kanyang pamumuhay. Sa loob ng halos tatlong dekada, pinatunayan at patuloy na pinatototohanan na hindi magtatapos sa proseso ng paghubog sa mga namumukod-tanging kabataan ang lahat sa Gawad bagkus magsisilbing tulay ito para isulong ang isang mabuti at matapat na paglilingkod sa pamayanan. Huwaran. Dangal. Mga gumagalaw na tropeyong taglay ang pusong mapagpasalamat na buong pusong naglilingkod. Bahagi ng kanilang makasaysayang pamumuno ang Gawad na patuloy na tumitingala sa mga San Luis ng makabagong henerasyon.
16 | LATHALAIN
Matulaing probinsiya Ilang pasyalan at gawain sa Laguna para sa mga gustong mapag-isa KUWENTO NI ZARREL GEL NOZA TAMPOK ANG MGA LARAWAN NI FITZGERALD ABEJO
MAHIGIT ISANG TAON nang nakakulong sa bahay ang karamihan sa atin. Napapagod na ako. At sigurado akong kayo rin. Sa mga tulad kong sanay kumilos at mamuhay nang mag-isa, hindi maiiwasang mapagod akong mamuhay nang may araw-araw na kasama. At minsan, alam nating maiibsan lang ang pagod kung magkakaroon tayo ng kahit isang araw para sa mga sarili natin. Kaya lang paano? Hindi naman tayo pwedeng lumayo. Limitado pa rin ang pagbiyahe at kahit nais nating mapag-isa, mas mahalaga pa rin ang kalusugan natin higit sa lahat. Kaya naman sinubukan kong maghanap ng mga malalapit na lugar na pwede kong mapuntahan. Mga lugar na dito lang sa ating lalawigan matatagpuan. Hindi kailangang bongga, yun bang sapat lang para magkaroon ako ng pagkakataong huminga. At dahil pangunahing konsiderasyon din natin ang ating kaligtasan, doon tayo sa hindi na natin kailangang makipagsiksikan. At aba! Sadyang napakarami palang pwedeng puntahan dito sa Laguna! Interesado din ba kayong malaman? Ay sya, handa naman akong ibahagi sa inyo ang destination list ko. Sa paghahanap at pagtatanong ko, nakita kong di pala mabilang ang mga tourist attraction dito sa probinsya natin. Kung papipiliin ako ng lima, hindi ko
mapagkakasya. Kaya naman mas pinili kong ilista ang mga bagay nan ais kong gawin at kung ano ang mga lugar na pwede kong puntahan base dito. MAGHANAP NG KATAHIMIKAN SA GITNA NG SYUDAD Kapitbahay lang tayo ng Maynila kaya naman ang ilang bahagi ng ating lalawigan ay sadyang industriyalisado na. Ngunit alam nyo ba na sa gitna ng mga gusali, mga malls, at mga factory, ay may mga magaganda at simpleng parke na matatagpuan? Isa sa pinakakilalang halimbawa ay ang Nuvali
sa Sta. Rosa, Laguna, sa Tagaytay-Sta. Rosa Road. Hindi lamang magagandang bahay, mamahaling hotel, at mga shopping malls ang makikita mo dito. Dahil ito ay isang “eco-city,” mayroon din ditong isang lawang man-made na napapaligiran nang iba’t ibang magandang halaman. Marami ding mga puno dito, kaya patok na patok sa mga nais magpiknik, pati na din sa mga gusting magisa. Mayroon din ditong isang bird sanctuary kaya naman kahit nagmamasid ka lang, may iba’t ibang uri ng ibon ka nang makikita at maririnig. Tunay ngang dito sa Laguna, kahit sa gitna ng syudad ay magkakaroon
LILIW
sanghaya
ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKOMUNIDAD NG GAWAD LAGUNA, INC.
PILA
CAVINTI
ka ng pagkakataong makipag-ugnayan sa kalikasan. Naku, mukhang papatok sa akin ito ah! MAGPALAMIG SA TABING-LAWA Ang pangalan mismo ng ating lalawigan ay galing sa anyong-tubig dahil nakapalibot tayo ng Lawa ng Laguna. Pero alam nyo ba napakaraming palang lawa ang maaaring puntahan dito? Kung nais ko namang lumayu-layo at lumanghap ng sariwang hangin, napakaraming lawa ang pwede kong puntahan, lalo na sa bandang ikatlo at ika-apat na distrito ng lalawigan. Sa bandang San Pablo at Nagcarlan pa lang, marami ka nag mapagpipilian—Sampaloc, Pandin, at Yambo, ilan lamang yan sa mga pinakasikat. Doon naman sa may Lumban, naroon ang Lake Caliraya na syang isa pang kilalang puntahan. Ang payapa siguro ng pakiramdam na umupo lamang sa tabi ng lawa at magmuni-muni ano? Habang pinapanood ang paglibot ng mga ibon, ang pagsayaw ng mga puno, at ang paggalaw ng tubig. Ay talaga namang idadagdag ko na ito sa listahan ko! UMAKYAT AT MAKIPAG-UGNAYAN SA LUMIKHA AT MGA NILIKHA Ilang kabundukan din ang nakapalibot sa ating lalawigan—ilan lamang dito ang Banahaw, Makiling, San Cristobal, at ang bahagi ng Bulubundukin ng Sierra Madre. At kung gusto nating mapag-isa, alam nyo bang hindi na pala nating kailangang umakyat pa sa tuktok ng mga bundok
na ito? Dahil sa konting ahon lang, may mga naggagandahang tanawin nang makakapagpasaya sa atin. Isa sa mga halimbawa nito ay ang ilan sa mga tourist attractions sa Barangay Novaliches at Luquin sa Liliw tulad ng Esmeris Farm o Daanghari Camp Grounds, Brena’s Farm, at Kilangin Sunflower Farm. Sariwang hangin, katahimikan, pagkakataon upang magkipagunayan sa kalikasan—ito naman talaga ang hinahanap ko. Mayroon ding mga akyating hindi lang magbibigay sa atin ng panahong namnamin ang ganda ng kapaligiran kundi bibigyan pa tayo ng pagkakataong makipag-ugnayan sa iyong Lumikha. Ilan lamang dito ang Tayak Hill sa Rizal at Tatlong Krus sa Paete na parehong puntahan tuwing mga Mahal na Araw. Ngunit kung gusto nating magnilay, kahit anong araw pa yan, pwede nating puntahan! MAGTAMPISAW Hindi lamang lawa at kabundukan ang kayaman ng ating lalawigan. Napakadami ding talon na pwedeng puntahan! Sa ikaapat na distrito, ilan lamang ang Talon ng Magdapio na kilala rin sa tawag na Talon ng Pagsanjan at ang Hulugan Falls sa Luisiana sa mga naggagandahang talon na pwede nating pagpahingahan. Sa bandang ikatlong distrito naman, makikita ang Kilangin Falls sa Liliw at Bunga Falls sa Nagcarlan. Patok na patok ito sa mga taong game na game sa adventure, kahit mag-isa pa yan! Ngunit isang bagay lang naman ang aking pinapangambahan: nakakapagod ang lakaran dito at hindi maiiwasan ang masusukal na daan kaya naman siguraduhing maghanda at unahin pa ring isaisip ang kaligtasan. Kakayanin ko kaya mag-isa dito? Tingnan natin! MAMILI! May iba sa atin (tulad ko) na ang pamimili ang takbuhan kapag magulo na ang isipan, retail therapy ikanga. Ngunit mamimili na lang din tayo para mabawasan ang stress, gawin na natin sa tamang paraan! Doon tayo sa mura pero mataas ng kalidad. Kung mahilig ka sa mga damit na mura pero pak na pak ang itsura (tulad ko ulit), mala-Divisoria na karanasan ang kayang ibigay sa atin ng mga pamilihan sa
Binan, Laguna. Kung suot sa paa naman ang guiltypleasure mo (oo na, tulad ko pa rin), dayo na sa Liliw at baybayin ang Tsinelas lane sa Gat Tayaw St. Mag-solo ka mang mamili, maniwala ka, hindi mo mararamdaman ang pagiging mag-isa dahil sa ngiti ng mga ate at kuya sa mga tindahan. Kung native handicrafts naman ang hanap kagaya ng mga sambalilo, bags, at pati na papier mache (ah, tulad naman ng lola ko), meron niyan sa Luisiana (pandan) at Paete (ukit). Wala pa yata sa kalingkingan ng napakagagandang destinasyon sa Laguna ang nailista ko dito. Kita nyo naman, ang dami nating pwedeng pagpahingahan. Hindi na ako makapghintay! Gusto ko nang isa-isahin ang mga ito! Ngunit huwag na huwag nating kakalimutan ang ating kalusugan! Kahit pa mag-isa tayo at hindi matao sa mga lugar na ito, siguraduhin pa ding sundin ang minimum health standards na ipinapatupad ng ating pamahalaan. Biyaya ang pagkakataong makalabas kahit sandal para man lang makahinga—ngunit ‘wag ding kakaligtaan na siguraduhin ang kaligtasan mo at ng bawat isa. Maligayang paglalakbay!
LOS BANOS
18 | TANGING LATHALAIN
RIZAL
Namumukod-tangi hanggang Langit
Larawan mula sa facebook.com/tanawpark
Tribyut para kay Lumuel (G21), Angelo (G23) at Jaypee (G22)
REB ARCE
ANG 2020 AT 2021 ang dalawang taong pinakamahirap para sa mga Pilipino dahil sa sakit na COVID-19. Marami na ang namatay dahil sa sakit na ito, o kung hindi naman sa COVID ay sa mga sakit na dulot ng stress at depresyon. Hindi kaiba ang Gawad Laguna Inc. sa karamihan ng mga Pilipino. Ilan sa mga ka-G natin ang mga nauna nang na-diagnose sa COVID at karamihan sa kanila ang nakaraos at gumaling. Meron ding iba na nakaranas ng depresyon at iba pang karamdaman pero nagawa rin nilang maagapan ang kanilang kondisyon sa tulong ng mga kamag-anak at kaibigan. Pero hindi lahat ng laban ay masaya ang dulo.
Salamat
Si Lumuel Altamirano ay Serving Batch namin noong nag-umpisa ako sa Gawad. Batch 2015 ako, 2014 siya. Siya yung energetic na ka-G galing Lumban na palaging nakikipagkilala sa mga bagong ka-G na akala mo ay politikong tatakbo sa susunod sa eleksyon. Pero sa totoo lang, napakabait at napaka-approachable na tao ni Lumuel. Hindi lamang siya kasama sa Gawad,
kaklase ko rin siya sa Master’s degree namin sa LSPU-Sta. Cruz. Masipag mag-aral, minsan aminado siyang naliligaw siya sa inaaral namin pero hindi yun hadlang para ituloy lang ang kanyang hangarin na magtapos ng MA para sa sarili niyang pag-unlad. Masiyahin, maka-Diyos, pala-tawa, at mabait na kaibigan. Ginulat niya kami sa balitang magpapakasal na siya matapos ang aming pagtatapos sa Master’s. Pero masaya kami para sa kaniya dahil kitang kita naman naming masaya siya at mahal na mahal niya ang misis niya, Unang nagpaalam si Lumuel Rama ng Lumban noong ika-25 ng Enero 2021. Nalaman ko matapos na mag-chat si Alvin Hizon (G ‘14, Calamba), at sabihing wala na si Lumuel. Hindi ako makapaniwala kasi kakapost lamang niya na negative siya sa COVID, at nagcomment pa siya sa ilang post ko sa Facebook. Buhay na buhay pa si Lumuel sa social media ko. Nakakadagdag at nakakapagpalakas ng lungkot ang naiwan niyang asawa at anak. Napakahirap tanggapin na wala na siya sa mundo, ngunit alam ko na bukod sa akin, ang mga ka-batch niya sa Gawad at lahat nakakakilala sa kaniya, ay masayang nakilala siya sa kanyang naging bahagi sa
mga buhay naming lahat. SALAMAT, LUMUEL. Salamat sa iyong mga ngiti, sa iyong encouragement, sa iyong masayang pakikipagkapwa, sa tiyaga, at sa pagmamahal na iyong ipinamalas at ipinadama lalong lalo na sa iyong mag-ina.
† Lumuel A. Rama November 18, 1989- January 24, 2021 GAWAD BATCH 2014
TANGING LATHALAIN | 19 Patawad
Wala pang 30 taong gulang si Angelo Nota ngayong 2021. Nakilala ko siya noong 2016 noong ako naman ang nasa Serving Batch. Kasunod naming ang batch nila. Hindi ko naman din napansin na kaklase ko siya sa mga minor subjects sa Master’s Degree sa LSPU. Magkaiba kasi kami ng major kaya hindi ko masyadong nakahalubilo si Angelo. Pero sa Gawad, dinig ko ang boses nya, ramdam ko ang enerhiya niya, at nakita ko ang pagmamalaki niya sa kaniyang pinagmulan bilang isang anak ng bangkero sa Pagsanjan. Si Gelo, o mas tinatawag ng mga ka-batch niya bilang Ser Nota, ay isa sa mga ka-G na kapwa guro din. Ka-guro, ka-DepEd, kaya naman madalas ang mga napapagusapan rin naming ay mga hanash ng buhay guro sa kani-kaniyang distrito o paaralan. Hindi kami ganoong ka-close ni Gelo, dahil na rin sa mas kalapit niya ang mga ka-batch niya. Ilan sa mga talagang nakita kong malapit sa kaniya ay sina Isabel, Gio, at Oyo. Sila yung maraming post sa Facebook na tila biglaan at kung kailan nila gusto ay bigla na lamang silang may lakad o may pupuntahang kainan. Minsan nakakainggit kung iisipin. Buti pa sila kasi, may oras para magkita kita ng mga ka-batch nila. Ako ng mga ka-batch ko, madalas tuwing katapusan ng taon na lang nagkakasama sama. Pero si Gelo, nakita ko na kung kailangan siya ng mga kaibigan niya, nandun siya. Kasama siya ni Isabel sa ibabaw ng bundok. Katabi siya ni Gio sa isang bagong restawran. Nakangiti siya sa gitna ng kanyang silid-aralan, napaliligiran ng mga estudyante niyang tila nag-eenjoy nang husto kasama ng Sir nila. Nagpaalam si Gelo noong ika-12 ng Abril 2021. Sa kabila ng maraming pinagpalitan naming komento sa mga post sa Facebook, hindi ko nakilalang lubusan si Gelo. Hindi ko masasabing kasama ako sa mga matalik na kaibigan niya, o masabing kilalang kilala ko siya dahil madalas, sa mga nakakatawang mga post lamang nagtutugma ang mga ideya namin. PATAWAD, ANGELO. Hindi naging sapat ang panahon at mga pagkakataon upang makilala kita ng lubusan. Patawad
† Angelo D. Nota July 26, 1991 - April 12, 2021 GAWAD BATCH 2016 sapagkat kulang ang espasyong ito sa artikulo para ipaalam sa mga mambabasa kung sino ka talaga bilang isang anak, isang kaibigan, kapatid, guro, at ka-G. Gayunpaman, Gelo, isang karangalan ang maging kapatid mo sa Gawad.
Mahal Kita
Anim na buwan kong kasama si Jaypee Lucilo sa prosesong pinagdaanan namin sa Gawad noong 2015. Dalawa kami sa mga kabataang Propesyunal na bumubuo sa Batch 22. Tahimik kung minsan si Kuya Jaypee, pero ang kanyang utak ay malalim at kapag nagbigay siya ng kaniyang opinion ay tumatatak ito sa isipan ng mga nakikinig. Si Kuya Jaypee ang Miss Amelia ng aming grupo, hango sa kwento si Princess Sarah: Ang Munting Prinsesa. Siya at ang kanyang matalik na kaibigang si Juan Paulo Hubahib ang naging Miss Amelia at Miss Minchin namin. Sa pagsusungit sungitan nilang dalawa ay napangiti nila kaming lahat sa G22. Nang malaman naming walang magtuturo sa amin ng Dekalogo upang ipakita sa Araw ng Parangal, hindi nagdalawang isip sina Kuya Jaypee at Kuya Paulo na maging direktor ng aming sabayang pagbigkas. Buong tiyagang ginabayan kami ni Kuya Jaypee habang si Kuya Paulo ay nagaasikaso ng tugtog na gagamitin. Isa sa mga pinaka-hindi naming malilimutang alaala kay kuya Jaypee ay ang
bigla niyang pagtawa sa kanyang oras ng photoshoot para sa mga larawan namin para sa souvenir program. Nakuhanan pa ito ng video kaya naman nasa dulo pa ito ng aming video presentation noon. Hindi lingid sa aming batch na may sakit sa kidney si Kuya Jaypee kahit noon pa lamang na dumadaan kami sa proseso. Pero humanga kaming lahat sa kanya sa pagpapakita ng husay sa serbisyo bilang Serving Batch, at bilang guro sa kanyang pinaglilingkurang paaralan. Hindi man palaging nakakasama si Kuya Jaypee sa kung saan saang mga lakad ng batch, sinisigurado niyang kasama namin siya sa Christmas Party namin. Maglalaan sila ni Kuya Paulo ng oras at budget para lang dumalo at makipagkwentuhang muli sa amin. Ika-23 ng Abril nang magmessage si Kuya Noel Natividad sa group chat ng batch namin na wala na ang aming Miss Amelia. Biglaan at nakakabiglang tunay sapagkat alam naming pinilit niyang lumaban ng husto sa kanyang karamdaman. MAHAL KITA, JAYPEE. Hindi lamang ako kundi ang buong batch natin ay nangungulila sa’yo. Binabalik balikan namin ang pagtawa mo at ang mga nakakatuwang ideya ninyo ni Kuya Paulo para lamang patawanin kaming mga kaibigan ninyo.
† Jaypee E. Lucilo Feb. 28, 1989 - April 23, 2021 GAWAD BATCH 2015
Masakit magpaalam, ngunit alam naming lahat sa Gawad na kayo – Lumuel, Angelo, at Jaypee – ay malaya na sa anumang karamdaman at sakit na sa inyo ay nagpapabigat. Nabawasan man kami ng tatlong ka-G, nadagdagan naman ang langit ng tatlong mabubuting puso. Muli… SALAMAT. PATAWAD. MAHAL NAMIN KAYO.
20
PANITIKAN
sanghaya
ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKOMUNIDAD NG GAWAD LAGUNA INC.
Bakuna, Bakuna Paano ka makukuha? REB ARCE
Sa sampung milyong Pinoy sa bansa, Ano ang pag-asa ng lahat sa pandemya? Marami ang nawalan ng trabaho, Walang kinikita, walang pagkain, wala ring plano.
Ngayon ay iisipin paano nga ba makakakuha? Ang maralita nga ba ang makikinabang sa bakuna? Walang problema ang mayayaman at mga taong nakaupo Sa paghanap ng bakunang hindi sa kalaban binuo.
Kahit pambili ng maskarang pang proteksyon sa sarili Hindi makadelihensya, pati gamot sa lagnat o kahit Lucky Me. Nagtitiis sa sardinas, sa de latang baka, at mga di siguradong ayuda Ang buwis ng bayan, saan nga ba napupunta?
Bakunang epektibo ay tila hindi para sa mamayang Pilipino, Kundi para sa makakapagbayad ng mataas na piso. Hanggang saan ba ang kailangang tiisin ng mga tao? Bakit nga ba kailangang pahirapan ang nagbabayad ng serbisyo? Bakit pili lamang ang binibigyang serbisyong publiko?
Nagsisikap ang marami na huwag lumabas Habang mga pulis at mayayaman ay nagwawalwal na walang habas. Umutang ng pagkarami-rami, para daw sa bakuna Bakuna naman donasyon pa rin pala.
Hindi ba at Pilipino rin kahit mahirap ang estado At nararapat bigyan ng sapat na proteksyon ng gobyerno? Paano nga ba makakakuha ng bakuna ang mahihirap? Baka ang pagboto nang tama ang solusyon sa hinaharap.
Ang Aktibismo at ang Kalayaan ng Pilipinas ROMMEL PIPOY LINATOC
Sinisintang bansang Pilipinas Salamat sa ibinigay mong lakas Iaalay ko sa iyo ang pusong wagas Ipaglalaban ang dangal sa mapangahas Laging mulat ang diwa at lalaban Ipagtanggol ang tunay na kalayaan Gugupuin ang mangangamkam na dayuhan Itatayo ko ang dignidad ng bayan Aktibismo ay buhay sa aking ugat at laman Hindi ko pababayaan ang iyong kaunlaran Mapagkunwaring pulitiko aking lalabanan Ang likas mong kayamanan yayakapi’t aalagaan Kasaysayan ng paglaya ay salamin ng mga ninuno Nagbuwis sila ng buhay para pagkatao’y mabuo Aking iwawagay ang sagisag na bandila sa mundo Bayan ko ay ipagtatanggol sa mga buwitre at hunyango.
TULA | 21
7 Tanong sa Dulo ALVIN HIZON
Ito na yata ang panahon na mas ipinagkakatiwala na ng mga tao ang hustisya at kapalaran sa mga ilang sikat sa social media. Panahon kung bakit tila mas pinaniniwalaan ng marami ang mga tulad ni Mocha, at pinag-iinitan naman ang gaya ni Maria Ressa. Ang panahon na kung anong mali ay parang nagiging tama, at kung sino pang hindi magandang halimbawa ay siyang malaya’t nakapagsasalita.
Samantalang ang mga nagsisilbing boses ng bayan (gaya ng ABS-CBN), ipinasara at binusalan? Maligayang pagdating sa panahon ng social media at sa Pilipinas bilang isang kabisera. Ito ang panahon na kung ano ang uso at sikat ay nagiging tama at katanggap-tanggap. Ang panahon na kapag viral ay nagiging factual. Kung saan ang pambubully ay nagiging normal at ang paggawa ng mabuti ay parang palaging phenomenal.
Ito ang panahon na kakaunti na ang nanaising maging titser. Paano ba naman halos lahat ng bata gustong maging influencer. Ang panahon na kapag pinuna mo ang gobyerno ituturing kang masamang tao at pag sumalungat ka tatawagin kang kung ano-ano. Ang ilang lider nakalimot na sa prinsipyo, ang ilan nama’y tila ba nakipagkasundo na sa demonyo.
Ano na ang nangyari sa mundo? Bakit nga ba marami ang ngayo’y hirap nang magpakatao? Hanggang dito na lang ba tayo? Saan, kailan, sino,
at paano?
Siglo’t Dalawa
DekaloGob ng Pamamahala HAYSE VILLAMIN
Pagawaing bayan at katahimikan Kanyang isinulong, isinaalang-alang Iba’t ibang galing at mga karunungan Pati ang kultura’y kanyang pinagyaman. ‘Sang siglo’t dalawa, mga taong lumipas na Nang isilang buhay na alamat ng Laguna. Panaho’y lumipas, s’ya ngayo’y wala na Ngunit buhay pa rin aral at ala-ala
Naglingkod nang tapat sa’ting lalawigan. Dekalogong akda, naging pamantayan ‘sang lider ng tao’t makamamamayan. Pagsagana’t husay ang hangad sa bayan.
Ang dangal ng lahi at wika’y tinanghal. Lalawigan nati’y binigyang parangal. Sa pakikisama siya ri’y huwaran. Walang itinangi, mahirap, mayaman. Kaya naman ngayon ay nananatili Buhay ang alamat at mamamalagi. Ang mga huwarang lider-kabataan Sunod sa yapak nya’t dangal ng pangalan.
22 | ESPESYAL
malaya at mapagpalaya
sanghaya ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKOMUNIDAD NG GAWAD LAGUNA INC.
2019
BOLYUM 1 | ISYU 1, 2, 3, 4 | ENERO - DISYEMBRE
PUNONG PATNUGOT | LEO PAUL MARCELLANA MAY KABUUANG 11 PAHINA PARA SA APAT NA ISYU
2020
BOLYUM 2 | ISYU 5, 6, 7, 8 | ENERO - DISYEMBRE
PUNONG PATNUGOT | MEG-RYAN REONAL
MAY KABUUANG 42 PAHINA PARA SA APAT NA ISYU
BOLYUM 3 | ISYU 9 | ENERO - HULYO
PUNONG PATNUGOT | ALVIN HIZON MAY KABUUANG 24 PAHINA PARA SA UNANG ISYU
2021
Orihinal na dibuho mula sa facebook.com/tarantadongkalbo
sanghaya ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKOMUNIDAD NG GAWAD LAGUNA INC.
Magparehistro at bumoto sa 2022!
Tindig kabataan, makilahok sa halalan.