BALITA
2
OPINYON
28 CJS wagi sa RSPC ‘19
6
Pagkaing sapat sa aksyong dapat
LATHALAIN
10
Ang mga Malalaking Kuwento ng Huling 10 Taon
AGHAM
14
ISPORTS
Diwata -1, nagbabalik matapos ang misyon
TINIG NG KATOTOHANAN, TUMITINDIG PARA SA BAYAN
Ang Kinaadman
18
2020 sports events, kanselado bunsod ng COVID-19
Opisyal na Pahayagan ng Departamentong High School ng Wesleyan University-Philippines TOMO II | Bilang 1 Disyembre 2019-Mayo 2020
EDITORYAL
Gaano ka-flexible ang flexible learning? Ang flexible learning na siyang magiging new normal sa sektor ng edukasyon sa gitna ng pandemiyang COVID-19 sa bansa ay isang matalinong hakbang, ngunit ang pagpapatupad nito ay nangangailangan ng patuloy na pagbabantay mula sa mga lenteng kritikal. Malabo pang makabalik sa normal na operasyon ang mga paaralan dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Sa kolektibong pagtanggap sa katotohanang ito, isa-isa nang naghahanda ang mga paaralan sa pagbabago ng moda ng pagtuturo at pagkakatuto. Ayon kay Department of Education Secretary Leonor Briones, magkakaroon ng flexible o iba’t ibang paraan sa pagbibigay ng edukasyon sa mga mag-aaral gaya ng paggamit ng internet, telebisyon, radyo, at mga printed materials sa pagbibigay ng instruksyon. Ayon din kay Commission on Higher Education Chair Prospero De Vera, praktikal na solusyon sa usaping ito sa edukasyon ang paglipat sa flexible learning at ito na nga ang ipatutupad sa mga paaralan sa pagbubukas nito sa ika-24 ng Agosto. Ngunit gaano nga ba ka-flexible ang flexible learning? Nang ibaba ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kautusang magkaroon ng enhanced community quarantine sa Luzon noong ika-16 ng Marso, kinailangang magsara ang mga paaralan kahit na hindi pa tapos ang taong pampanuruan. Dahil dito, lumipat ang mga ito sa ibang moda ng pagtuturo upang maipagpatuloy at matapos ang taong pampanuruan sa pamamagitan ng online classes. Ngunit, isa lamang ang napatunayan ng ganitong sistema ng edukasyon: maraming mga mag-aaral ang naiwan dahil sa kawalan ng kagamitan upang maisagawa ito. Sa usaping ito, sinabi ni De Vera na naiiba ang flexible learning sa online learning dahil ito ay mas nakatuon sa pagbibigay ng edukasyon na isinasaalang-alang ang pangangailangan ng mga mag-aaral at kung ano ang accessible sa mga ito, hindi gaya ng online learning na nakadepende lamang sa koneksyon sa internet na karamihan sa mga mag-aaral ay walang access. Gayunpaman, bagamat gagawing mas ingklusibo ang flexible learning, nahaharap
pa rin ito sa mga panganib na hinarap ng isinagawang online classes sa kasagsagan ng enhanced community quarantine. Nararapat na matuto rito ang mga institusyong pangedukasyon, ibase rito ang pagpapatupad ng flexible learning at makita na ito ay isang isyu ng hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan. Sa ganitong paraan ay walang maiiwang mga magaaral at masisiguro ang kalidad na edukasyon. Totoo na sa ngayon, ang flexible learning ang pinakamainam at madaling alternatibo sa tradisyunal na edukasyon habang sinusugpo pa rin ang pandemiya dahil bukod sa inilalayo nito ang mga mag-aaral at guro sa panganib ng virus sa harap-harapang pagkaklase ay sinasagot nito ang pangangailangan pa ring maipagpatuloy ang edukasyon sa bansa. Ngunit, kung
tuluyang magiging new normal na ito sa panahon ng COVID-19, nararapat na maging flexible din ang mga tagapagpatupad nito na maabot ang mga problema ukol dito sa hanay ng mga mag-aaral at mabigyan ito ng karampatan at makataong solusyon. Sa huli, iniwan tayo ng pandemiyang COVID-19 na walang pagpipilian kundi ang lumipat sa mga alternatibo mula sa mga nakasanayan na. Ang tanging magagawa natin ngayon ay patuloy na magbantay sa kung ano sa sistema ang progresibo at hindi, at mula rito ay pabutihin ito nang pabutihin.
Ang Kinaadman
2
BALITA
DISYEMBRE 2019 - MAYO 2020
PAG-UKIT SA KASAYSAYAN 28 CJs wagi sa RSPC '19
John Luis De Guzman
Humakot ng puwesto sa apat na grupong kategorya ang 28 estudyanteng mamamahayag ng The Wesleyanian sa Regional Schools Press Conference (RSPC) 2019 na ginanap sa Capas, Tarlac noong Nobyembre 26-29. Mula sa Pagsulat ng Iskrip at Pamamahayag Pangradyo, nakamit nina Edward Jayson Comeo, Giezelle Villanueva, Melvin Natividad, Jeryl Caruruan, Janis Emanuelle Espejo, Keight Danielle Panotes, at Sean Hashley Shanne Cariazo ang ikalawang pangkalahatang puwesto, unang puwesto sa infomercial at pagsulat ng iskrip, at ikalimang puwesto sa aplikasyong teknikal. Wagi rin sina Emmanuel Gonzales, Arielle Nicolas, Princess Dela Cruz, Anne Monce, Jaymee Gomez, David Rasonabe, at Ralph Yu nang makuha nila ang ikapitong pangkalahatang puwesto sa Scriptwriting and Radio Broadcasting, ikaapat na puwesto
sa aplikasyong teknikal, at ikapito sa pagsulat ng iskrip. Nakamtan naman nina Anna Patricia Adiaz, James Abram De Mesa, Chrixxie Jehns De Leon, Christian James Vidad, Agelito Arcilla, Jr., Farrah Payawal, at Aliyah Colmyrr Pascual ang ikapitong pangkalahatang puwesto sa Pangkatang Paglilimbag. Nasungkit din nina Annika Jimenez, John Llenard Echalico, Leo Aldrei Castillo, Tracie Ignacio, John Gabriel Mendi, Kayeselyn Jampil, at Lyanne Bernardo ang ikasampung pangkalahatang puwesto sa Pagsulat ng Iskrip at Pamamahayag Pantelebisyon, ikaanim na puwesto sa development communication, at ikasampu sa pagsulat ng iskrip. Kaakibat ng Campus Journalism Act of 1991, nakaangkla ang RSPC 2019 sa temang "Empowering Communities Through Campus Journalism”.
BAGONG KASAYSAYAN. Pinangungunahan ng mga opisyal ng Wesleyan University-Philippines ang ribbon-cutting ceremony at pagbubukas ng panibagong silid-aralan para sa mga mag-aaral ng Senior High School Department, Enero 14, 2020. Kuha ni Patricia Eugenio.
Bagong SHS building, pinasinayaan Anna Patricia Adiaz
Makasaysayan ang pagbubukas ng taong 2020 para sa Senior High School ng Wesleyan University-Philippines matapos opisyal na buksan para sa mga mag-aaral ang dalawang bagong tayong gusali na magsisilbing silid-aralan ng mga ito sa kasalukuyan at mga susunod pang semestre. Sa unang flag ceremony sa taong 2020 na ginanap nitong ika-14 ng Enero sa pangunguna ng punonggguro ng High School Department na si Tita Agsunod, buong pagmamalaki niyang pinasinayaan ang pagbubukas ng nasabing mga gusali para sa mga mag-aaral. Dahil dito, wala nang shifting ng klase para sa mga grade 11 at 12 gayundin ang mga klase tuwing Sabado. Kasabay rin dito ay ang paglulunsad ng “No Lunch Out” policy kung saan ay hindi na pinahihintulutang lumabas ng unibersidad ang mga mag-aaral sa oras ng tanghalian. Ani Agsunod, siya ay nagpapasalamat sa pangulo ng unibersidad na si Judge Benjamin Turgano sa pagbibigaypermiso sa departamento na gamitin na ang mga gusaling mayroong apat na palapag na binubuo ng tig-24 na silid aralan sa right at left wing na inabot ng halos dalawang taon ang konstruksyon.
WU-P, tigil-klase dahil sa COVID-19 Jasither Parchamento
TAGUMPAY. Nakamit ng mga mamamahayag ng The Wesleyanian at Ang Kinaadman ang pagkapanalo sa iba’t-ibang kategorya sa Regional Schools Press Conference 2019 sa Capas, Tarlac. Nagbigay-daan ang nasabing patimpalak upang ipamalas ang kanilang talento bilang mga mamamahayag. Kuha ni Angelito Arcilla, Jr.
WU-P, handang maging panuluyan ng PUIs Jasither Parchamento
Bukas ang Wesleyan University-Philippines na magsilbing quarantine site extension para sa mga person under investigation (PUI) sa Cabanatuan City at Nueva Ecija Province, ayon kay Judge Benjamin Turgano, pangulo ng unibersidad. Ito ay bilang pakikiisa ng Wesleyan sa layunin ng lokal na pamahalaan ng Cabanatuan na labanan ang tuluyang pagkalat ng Corona virus disease o
COVID-19. “In response to the appeal of Mayor Myca Vergara, Wesleyan University-Philippines shall open its classrooms for the accommodation of PUIs in City of Cabanatuan and the Province of Nueva Ecija if the situation calls for it,” ani Turgano sa isang Facebook post. Dagdag pa niya, ang alok na ito ang tanging maitutulong ng WU-P sa oras ng pangangailangan.
“This is the least we can do as a Christian Higher Education Institution in this time of public health emergency,” aniya. Samantala, sa Facebook page ng Cabanatuan City Information and Toursim Office, agarang nagpahayag ng pasasalamat ang Cabanatuan City Government sa pag-alok ng naturang unibersidad sa mga pasilidad nito.
Suspendido ang ibang online platforms. klase sa lahat ng antas Samantala, bigo ang sa Wesleyan UniversityWU-P na maibalik ang klase Philippines upang sugpuin nitong Marso 20 dahil sa ang pagkalat ng severe ekstensiyon ng Enhanced acute respiratory syndrome Community Quarantine sa coronavirus 2, virus na Luzon. responsable sa coronavirus Dahil dito, maaaring disease o COVID-19. ilipat na rin sa mga online Alinsunod sa platforms ang lahat ng mga Memorandum Order No. transaksyon sa unibersidad. 005, s-2020 ng nasabing unibersidad, ipahihinto ang mga klase mula Marso 13 hanggang 20 para sa environmental cleaning at disinfection ng bawat establisimiyento. Sa kabila TULOY ANG LABAN. Sa kabila ng nito, patuloy pa rin pandemya, patuloy pa ring gumagawa ng ang teaching and gawaing pampaaralan si Britney Tamura ng 12-HUMMS-Socrates sa pamamagitan ng learning activities iba’t ibang online platform upang mairaos ang huling semestre. Kuha ni Britney Tamura. gamit ang iba’t
Ang Kinaadman
3
BALITA
DISYEMBRE 2019 - MAYO 2020
Team Wesley Junior, namayagpag sa STEP-UP 7 Jasither Parchamento
TINIG ANG PUHUNAN. Buong pusong umaawit sina Christine Hannah Mendoza ng 12-HUMSS-Plato at Angelo Esprecion ng 11-GAS upang sa pamamagitan ng kanilang tinig ay maibandera ang pangalan ng Wesleyan University-Philippines sa kategoryang Vocal Duet sa Young Men’s Christian Association (YMCA) North Luzon Academic and Cultural Olympics sa Baguio City, Disyembre 7, 2019. Kuha ni Hannah Mendoza.
3 mang-aawit, pinarangalan sa YMCA ‘19 Rachelle Samin
Pinarangalan ang tatlong mang-aawit mula sa departamento ng Senior High School ng Wesleyan University-Philippines matapos magwagi sa 2019 Young Men’s Christian Association (YMCA) North Luzon Academic and Cultural Olympics noong Disyembre 7, sa Baguio City. Nagkamit ng ikalawang puwesto sina Christine Hannah Mendoza ng 12 HUMSS-Plato at Angelo Esprescion ng 11 GAS sa kategoryang Vocal Duet. Samantala, nasungkit naman ni Kristina Cassandra Javier ng 11 ABM-Euclid ang ikatlong gantimpala sa kategoryang Vocal Solo. “Sobrang blessed ko dahil lahat kaming naglabanlaban ay magagaling and to be given a validation means so much at sobrang thankful and happy ko noon,” Pahayag ni Javier. Sa kabilang dako, umani rin ng karangalan ang dalawang mag-aaral mula sa departamento Junior High School sa nasabing okasyon. Nasungkit ni Jazz Ashley De Guzman ng 9-Beatitudes ang ikatlong puwesto sa kategoryang Essay Writing at ikatlong puwesto rin para kay Victoria Svetlana Pangilinan mula rin sa 9-Beatitudes sa kategoryang Vocal Solo.
Dinagundong ng Team Wesley Junior ang entablado ng SM City Cabanatuan matapos nilang masungkit ang kampeonato sa ikapitong edisyon ng STEP-UP, isang taunang tunggalian sa sayawan nitong ika-18 ng Nobyembre. Sa anim na paraalang nagsipagtanghal ng Ethnic Dance Fusion, nangibabaw sa paghataw ang pambato ng Wesleyan University-Philippines gamit ang piyesang inensayo nila sa loob ng halos isang buwan. “Actually, ‘di talaga enough ‘yung span ng time ng training namin to come up with a powerful routine na kayang ipang-champion.
HATAW. Kasabay ng paghataw ng kanilang katawan, bakas sa mukha ng mga miyembro ng Team Wesley Junior ang determinasyon at hangaring makamtan ang kauna-unahang kampeonato ng paaralan sa STEP-UP Senior High School Division, Nobyembre 18, 2019. Kuha ng WUPSHSSC.
Higanteng Christmas tree, binigyang-liwanag Rachelle Samin
Binigyang-liwanag ng mga magaaral at
empleyado ng Wesleyan University-Philippines ang makukulay na mga bituin at isang higanteng Christmas Tree sa Plaza Acacia nitong ika-4 ng Disyembre bilang bahagi ng taunang selebrasyon ng Pasko. Sa pamumuno ni Dean Yolanda Claudio, itinayo ng mga guro, kawani at mag-aaral ng College of Engineering and Computer Technology ang nasabing Christmas tree. Binasbasan ng mga obispong sina Emerito Nacpil, Daniel Arichea, Leo
LIWANAG NG PASKO. Upang mapaigting ang simoy ng kapaskuhan, mga gintong salita ang binibitiwan ni University President Judge Benjamin D. Turgano bago itayo ang higanteng Christmas tree sa Plaza Acacia, Disyembre 4, 2019. Kuha ni Patricia Eugenio.
So we had to make sacrifices na rin including holidays and weekends,” ani Roxanne Mae Lugod, isa sa mga mananayaw ng pangkat. Dagdag pa niya, nakaramdam ng galak at matinding kaba ang kanilang grupo lalo na at unang beses nilang dadalhin ang pangalang “Team Wesley Junior” sa isang kompetisyon. Samantala, matatandaang ito rin ang unang pagkakataong nagwagi ang Wesleyan sa STEP-UP Senior High School Division buhat nang makilahok ang paaralan sa naturang patimpalak.
Soriano, Rodolfo Juan, Sergio Francisco, at Pedro Torio ang ginawang pagpapaliwanag sa mga naturang palamuti. “When we light a Christmas tree, we are affirming the power of light over darkness,” pahayag ni Arichea. Samantala, ginawaran naman ng United Methodist Church College of Bishops ang isinagawang ceremonial lighting matapos magtipontipon ng mga estudyante at empleyado sa nasabing okasyon. Dumalo rin sa nasabing seremonya ang dating pangulo ng unibersidad na sina Emmanuel Cleto at Manuel Palomo.
11 HUMSS, nanguna sa SHS English Olympics Jasither Parchamento
Humakot ng gintong parangal ang mga mag-aaral ng 11 HUMSS sa SHS English Olympics na ginanap sa silidaklatan ng Elementarya nitong Enero 30. Nasungkit ng 11 HUMSS-Socrates ang unang puwesto sa tatlong kategorya. Wagi si Marschelle Rentoy sa deklamasyon, na siyang sinundan nina Juvy Dela Cruz at Hanz Veneracion, mula rin sa nasabing pangkat. Itinanghal ding kampeon sa biglaang talumpati si Elorah Ong, habang nakamit naman ni Jamaila Manarpiis ang pagkapanalo sa pasalitang tula. Panalo naman sa debateng patungkol sa nuclear weapons ang pambato ng 11 HUMSS-Plato na binubuo nina Lea May Dadiz, Maria Annika Jimenez at Fallon Jaye Macapagal. Samantala, sa pitong nagsipaglahok, nakamit ni John Paul Fernandez, 11 STEM-Galileo, ang unang karangalan sa pagsulat ng sanaysay.
Ang Kinaadman
4
BALITA
DISYEMBRE 2019 - MAYO 2020
JHS, muling wagi sa Mass Demo contest Ashlley Matias | Patricia Bahana
Muling napasakamay ng Junior High School ang kampeonato sa Mass
Demonstration competition na isinagawa sa Plaza Acacia nitong Pebrero 21.
Mga mag-aaral ng SHS, wagi sa Socio-Cultural Competition
Nagkamit ng 95 na kabuuang grado ang naturang grupo mula sa kanilang ipinamalas na dance routine na siyang pinakamataas sa lahat ng walong departamentong
nakilahok. Sinundan ito ng Senior High School department na may 90 puntos at ng College of Business and Accountancy na nakakuha naman ng 85.33. Bahagi ng ika-74
pagkakatag ng Wesleyan University-Philippines ang nasabing patimpalak at ito na ang ikalawang magkasunod na taong pagkapanalo ng JHS team.
Anna Patricia Adiaz
Nag-uwi ng pagkapanalo ang mga mag-aaral ng Senior High School sa ginanap na Socio-Cultural Competition nitong ika-19 ng Pebrero sa University Gynmasium bilang bahagi ng pagdiriwang sa ika-74 taong pagkakatatag ng Wesleyan University-Philippines. Ang nasabing patimpalak ay nahahati sa limang kategoryang sumusunod: Extemporaneous Speech, Spoken Word Poetry, Hip-hop and Rap, Video Vlog, at Photography na nilahukan ng mga mag-aaral mula sa Senior High School, College of Education, College of Business and Accountancy, College of Arts and Sciences, College of Nursing and Allied Medical Sciences, College of Engineering and Computer Technology, at Wesley Divinity School. Nasungkit ng mga pambato ng Senior High School na sina Angelo Bocobo, Calila Ortino, at Nicole Yatco ang unang puwesto sa Video Vlog Competition kung saan ay kanilang itinampok ang ika-74 taong pagkakatatag ng unibersidad. Gayundin, nag-uwi ng unang puwesto ang WU-P SHS Dance Troupe para sa Hip-hop and Rap Competition kung saan ay itinampok ang buhay ni John Wesley, ang tagapagtatag ng Methodism. Unang puwesto rin ang ibinulsa ni Patricia Eugenio ng 11 HUMSS-Plato para sa Photography Competition. Samantala, iniuwi rin ng mga mag-aaral mula sa 11 HUMSS-Socrates na sina Jamaila Manarpiis ang ikalawang puwesto sa Spoken Word Poetry Competition at ikatlong puwesto naman sa Extemporaneous Speech Competition ang kay Elorah Ivy Gayle Ong. Ayon kay Dr. Marietta Agustin, Vice President for Academic Affairs, tradisyon na ang pagsasagawa ng SocioCultural Competition sa unibersidad na siyang tumutulong sa mga mag-aaral at mga guro na magkaisa at magkaroon ng magandang relasyon bilang pagsasabuhay ng tema ng pagdiriwang na “Uniting to Move Forward”.
NGITING PANALO. Nasungkit ng Junior High School Department muli ang kampeonato sa isinagawang patimpalak na Mass Demonstration sa ika-74 Foundation Day ng unibersidad, Pebrero 21. Kuha ni Patricia Eugenio.
TELON, WCS, nagtanghal sa isang Christmas Musicale Patricia Bahana
Nagpakitang-gilas ang Wesleyan Chamber Singers (WCS) at Teatrong Laan para sa Obra Ngayon (TELON) sa isang Christmas musicale na ginanap sa J.J.D.G. Auditorium nitong Disyembre 16. Pinamagatang “Pasko Na Nga Ba?” ang naturang pagtatanghal na dinaluhan ng mga mag-aaral sa Senior High School maging ng mga magulang ng mga ito. Nagtagal ito nang halos tatlong oras at ang kapanganakan ni Hesukristo sa sabsaban ang naging highlight ng nasabing palabas. Ayon kay Benneth Brioso (11 STEMGalileo), kasapi ng WCS, dalawa hanggang
tatlong linggo silang nagsanay para sa naturang musicale at sa kaniyang opinyon, naging maayos ang kinalabasan nito. “Maganda ang aming [naging] performance. [Ito ay] walang katulad sa iba sapagkat ang aming pagtatanghal ay aming pinagsumikapan. Kaya naman, ang naging bunga ay hinding-hindi [namin] malilimutan,” sambit nito. Layunin ng naturang programa na maiparamdam ang diwa ng pasko at maipasaksi sa mga manonood ang angking galing ng mga Wesleyanians sa larangan ng pagtatanghal.
WISE, inilunsad sa gitna ng ECQ Anna Patricia Adiaz
GINTONG ARAL. Sa pamamagitan ng pagsasayaw, isang mensahe ang ipinaparating ng WU-P SHS Dance Troupe upang maantig hindi lamang ang mga mata kundi pati na rin ang damdamin ng mga hurado at manunuod; at makapag-iwan ng aral sa kanila, habang dala-dala ang mithiing manalo sa kategoryang Hip-hop and Rap sa Socio-cultural competition sa University Gymnasium, Pebrero 19, 2020. Kuha ni Patricia Eugenio.
Bilang bahagi ng mga pagbabago sa moda ng pagtuturo at pagkakatuto sa gitna ng pandemiyang COVID-19, inilunsad ng Wesleyan UniversityPhilippines ang WISE o
Wesleyan Inclusive Student Environment. Dahil sa pangangailangang makapagbigay pa rin ng kalidad ng edukasyon sa gitna ng quarantine, ang
WISE ang magsisilbing balangkas ng “flexible learning” sa susunod na taong pampanuruan na itinakdang magbukas ng Department of Education sa ika-24 ng Agosto.
Ang Kinaadman
5
BALITA
DISYEMBRE 2019 - MAYO 2020
Mr. and Ms. Wesleyan 2020, kinoronahan Trisha Mikaela Anne Miyamoto
Nagtunggali ang 14 mga kandidato mula sa iba’t ibang departamento upang makamit ang titulong Mr. and Ms. Wesleyan 2020 na ginanap sa University Gymnasium noong Pebrero 26. May iba’t ibang bahagi ang patimpalak kung saan ipinamalas ng mga kandidato ang kanilang galing sa pagrampa suot ang kanilang creative attire, swimwear, long gown at formal attire na naging batayan ng pagpili kung sino ang makasasama sa Top 4 ng kompetisyon. Nakasama sa top 4 ang parehong kinatawan ng Senior High School (SHS) na sina Jamisia Queenie Espinoza at Raphael James Cruz kasama sina Mikaela Tubig (College of Business and Accountancy), Ashkena Keithlyn Pineda (College of Arts and Sciences), Kristel Joy Elvambuena (College of Nursing and Allied Medical Sciences), Jussel Philip Buenaventura (College of Engineering and Computer Technology) Enrico Ponce (CAS), at Jarvis Singh (CBA). Para sa huling
pamantayan ng mga hurado, 60% ang nakabatay para sa katalinuhan samantalang 40% sa kagandahan. Sa huling bahagi ng kompetisyon, tinanong ang mga kandidato ng “What should unite the entire Wesleyan to move forward?” “Makatutulong po sa pag-forward ng Wesleyan is… ako po ay isang disiplinadong estudyante, may pusong mapagmahal sa magulang at sa kapwa, may isip na alam ang tama o mali at higit po sa lahat ay may takot sa Diyos,” sagot ni Cruz. Para naman kay Espinoza, siya aniya ay naniniwala na kapag ang lahat ay magtutulungan, ito ay makagagawa ng pagunlad. Hinirang sina Enrico (CAS) at Elvambuena (CONAMS) bilang Mr. and Ms. Wesleyan 2020. Samantalang sina Tubig (CBA) at Buenaventura (CECT) naman ang itinanghal na first runner-up, Espinoza (SHS) at Singh (CBA) bilang second runner-up, at Pineda (CAS) at Cruz (SHS) na nakakuha ng titulong third runner-up. Nakamit din ni Cruz ang mga parangal na Best in Creative Attire at Mr. Long Reach samantalang Ms. Brilliant Skin, Best in Swimwear, at Ms. Body Beautiful naman ang kay Espinoza.
NGITI BAGO ANG KORONA. Buong galak na rumarampa ang kandidata ng Senior High School Department na si Jamisia Queenie Espinoza sa ginanap na Mr. and Ms. Wesleyan. Kuha ni Angelito Arcilla, Jr.
BUKAS-PALAD. Nagbigay serbisyo ang mga lider ng departamento ng Junior at Senior High School sa pamamagitan ng pagbibigay ng relief goods sa mamamayan ng Brgy Polilio at Ibabao Bana, Cabanatuan City. Kuha ng WUPSHSSC.
Outreach coordinators, namahagi ng maagang pamasko Reine Arriola
Upang iparamdam ang diwa ng pasko, nagsagawa ng gift-giving program ang Wesleyan University-Philippines nitong Disyembre 11 sa Brgy. Polilio at Ibabao Bana, Cabanatuan City, Nueva Ecija. Sa tulong ng outreach coordinators na sina Lulu Escuadro, Mary Gene Bañaga, at Loida Ramillo, nakapagpamahagi ang unibersidad ng mga 150 loot bags na naglalaman ng mga de-lata, instant noodles, at panghanda para sa nalalapit na Noche Buena sa mga residente mula sa dalawang nasabing barangay. Samantala, kasabay ng mga outreach coordinators, nakiisa rin sa programa ang piling opisyales ng Junior at Senior High School Student Council na sina Francis Pontigon, Farrah Payawal, Colmyrr Pascual, Joshua Rosales, at John Gabriel Mendi mula sa JHS, at Reine Arriola, at Joshua Bariuan ng SHS.
Wesley, kinilala sa Araw ng Pasasalamat Jaisther Parchamento
Binigyang-dangal ng Wesleyan Universtiy-Philippines si John Wesley, tagapagtatag ng Metodismo, sa isinagawang Araw ng Pasasalamat nitong ika-5 ng Pebrero. Nagtanghal ang Elementary Drum and Lyre Band bilang panimula ng naturang pagtitipon. Agad itong sinundan ng isang wreathlaying ceremony na ginanap sa Wesley Park sa pangunguna ni Judge Benjamin D. Turgano, pangulo ng unibersidad. Sa seremonyang nabanggit, tinalakay rin ni Ruth C. Alfonso, Ed.D., over-all chairperson ng ika-74 pagkakatatag ng Wesleyan, ang buhay at mga gawi ni Wesley. Nagtapos ang programa sa isang Thanksgiving worship service na siyang ginanap sa bulwagan ng nasabing unibersidad.
Open House, isinagawa Anna Patricia Adiaz
Binuksan ng departamentong High School ng Wesleyan University Philippines ang pinto nito para sa publiko sa isinagawang Open House nitong ika-10 ng Pebrero. Isinagawa ang aktibidad bilang bahagi ng ika-74 taong pagkakatatag ng unibersidad at naglalayong ipakilala ito sa publiko bilang isang institusyon na nagbibigay ng kalidad na edukasyon sa mga mag-aaral na makikita sa mga pasilidad nito. Nagsimula ang aktibidad sa isang maikling programang pinangunahan ni Lyndon John De Leon, Program Head ng Senior High School. Ilan sa mga nagbigay ng pananalita sa naturang programa ay sina Ruth Alfonso, Overall Chair ng 74th Founding Anniversary, Marietta Agustin, Vice President for Academic Affairs at Tita Agsunod, Punongguro ng High School Department.
Ang Kinaadman
6
OPINYON
DISYEMBRE 2019 - MAYO 2020
PULSO NG KAMPUS
PITIK-BULAG Anna Patricia Adiaz punong patnugot
Pagkaing sapat sa aksyong dapat Marahil ay kinakailangan pa ng dobleng pag-iisip sa usaping “No Lunch Out Policy” na ipinatutupad ngayon sa departamentong high school ng unibersidad. Maraming pagbabago ang sumalubong sa mga mag-aaral pagpasok ng taong pampaaralan 2019-2020 partikular na sa mas pinaayos na food court at bagong mga silid-aralan ng Senior High School. Kaalinsabay naman ng mga pagbabagong ito ay dagdag-polisiya sa mga mag-aaral partikular na ang No Lunch Out Policy kung saan, ipinagbabawal na sa mga mag-aaral ng junior at senior high school na kumain sa labas ng unibersidad pagsapit ng tanghalian. Maganda ang katuwiran ng administrasyon sa pagpapatupad ng nasabing polisiya. Kahit huwag na nating banggitin ang magiging epekto nito sa usaping salapi na papasok bilang profit ng unibersidad, tama lamang na ipatupad ito para masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral. Ngunit sa kabilang banda, marami ring down sides ang pagpapatupad nito na isinisigaw ng mga mag-aaral na sana ay bigyang-pansin ng administrasyon. Matatandaang bago pa man pumasok ang taong pampaaralan ay dumaan sa rehabilitasyon ang food court ng unibersidad. Isinaayos at dinagdagan ang mga food stall na maaaring pagbilhan ng mga mag-aaral gayundin ang serbisyo ng mga ito. Ngunit kung ikukumpara ang dating food court sa kasalukuyan, may nag-iisang bagay na hindi nagbago rito: ang mataas na presyo ng mga bilihin. Dahil sa no lunch out policy, nakokompromiso ang badyet ng mga magaaral at napipilitan silang bilhin ang mga produkto sa food court dahil wala na ring ibang pagpipilian. Kung ikukumpara kasi ang presyo ng mga pagkain sa loob at labas ng unibersidad, hindi hamak na mas mura ang mga nasa labas, idagdag pa na mas sulit ito pagdating sa dami ng serving at lasa. Kaya hindi nakapagtataka na bagamat mayroon ng magandang food court ang unibersidad ay lunch out pa rin ang isinisigaw ng maraming mga mag-aaral. Dagdag pa rito, dahil nga tumaas ang demand ng food court dahil wala nang ibang pagpipilian ang mga mag-aaral, mapapansin na sa tuwing oras ng tanghalian ay punongpuno ng tao ang food court, idagdag pa ang kainitan dito na hindi kayang pawiin ng iilang mga orbit fan na mayroon dito. Maaaring sabihin na kung hindi kayang tiisin ng mga
mag-aaral ang food court ng unibersidad ay magbaon na lamang ang mga ito ng sari-sariling mga tanghalian, ngunit ito ay hindi isang solusyon kung hindi ay band-aid lamang sa problema. Hindi ba’t ang nararapat na gawin ay ituon ang atensyon sa ugat ng problema at ito mismo ang puksain? Mas magiging epektibo ang No Lunch Out Policy kung ang ihahain ng unibersidad na alternatibo sa pagkain sa labas ay mas maayos. Maayos sa paraang ang presyo ng mga bilihin sa food court ay nakaayon sa budget ng isang mag-aaral na hindi naman kalakihan ang allowance sa isang araw. Nauunawaang mayroong binabayarang renta sa unibersidad ang bawat food stall sa food court kaya dapat lamang na magbenta ang mga ito sa presyong makapagbabayad sila at kikita pa rin, ngunit mayroon pang magagawa ang unibersidad ukol dito dahil una’t una sa lahat, interes dapat ng mga magaaral ang siya pa ring manguna. Isa pa, makadaragdag sa pagiging epektibo ng polisiya ang dagdag-pagsasaayos pa sa food court. Mainam kung magkaroon ito ng renobasyon upang makapagsilbi ito nang mas maginhawa sa mga mag-aaral lalo na sa mga oras na dagsa ang mga ito. Dagdagan din ang mga pampawi-init dito. Bukod sa mga orbit fan ay maaari pang magtanim ng mga puno’t halaman sa paligid nito dahil natural nang mainit ang kinalulugaran nito sa unibersidad. Sa huli, ang pagiging epektibo ng no lunch out policy ay hindi nakasalalay sa pagiging masunurin ng mga mag-aaral, bagkus ay sa ibibigay na alternatibo ng administrasyon na magbibigay ng dahilan sa mga mag-aaral na huwag na itong piliting suwayin pa.
‘‘
ANG PAGIGING EPEKTIBO NG NO LUNCH OUT POLICY AY HINDI NAKASALALAY SA PAGIGING MASUNURIN NG MGA MAG-AARAL, BAGKUS AY SA IBIBIGAY NA ALTERNATIBO NG ADMINISTRASYON.
Handa ka bang sumailalim sa flexible learning sa susunod na taong pampanuruan? Kinapanayam namin ang 20 Junior High School at 20 Senior High School na mga mag-aaral ng Wesleyan University-Philippines kung handa ba silang sumailalim sa flexible learning sa susunod na taong pampanuruan bilang pag-iingat sa banta ng COVID-19. Narito ang kanilang mga naging kasagutan.
HINDI - 67.5% 27 MAG-AARAL
OO - 32.5%
13 MAG-AARAL
Sa mga nagsabing hindi
Mula sa 40 mga mag-aaral, 27 ang nagsabi na hindi sila handang sumailalim sa flexible learning sa susunod na taong pampanuruan sa mga sumusunod na dahilan: (1) walang sapat na kagamitan at hindi reliable ang internet connection, (2) hindi magiging ganap ang pagkakatuto, (3) mahirap ang magiging transition mula sa tradisyunal na pag-aaral, at (4) iba ang kanilang learning style. Sa mga nagsabing oo
Mula sa 40 mga mag-aaral, 13 ang nagsabi na handa silang sumailalim sa flexible learning sa susunod na taong pampanuruan sa mga sumusunod na dahilan: (1) sapat ang mga kagamitan, (2) nararapat lang na maging handa dahil wala nang ibang pagpipilian, (3) mas kumportable ang pag-aaral sa bahay, at (4) maraming oras ang nasa kanilang kamay upang gawin ang mga gawaing hindi pampaaralan.
PATNUGUTAN
Ang Kinaadman OPISYAL NA PAHAYAGAN NG DEPARTAMENTONG HIGH SCHOOL NG WESLEYAN UNIVERSITY-PHILIPPINES TOMO II | BILANG 1 DISYEMBRE 2019-MAYO 2020
ANNA PATRICIA ADIAZ PUNONG PATNUGOT
FAYE ALLYSA JUAN
EDWARD JAYSON COMEO
PANGALAWANG PATNUGOT
TAGAPANGASIWANG PATNUGOT
JAZZ ASHLEY DE GUZMAN GIEZELLE VILLANUEVA
JOSHUA ALAMON JAISTHER PARCHAMENTO
PATNUGOT SA OPINYON
PATNUGOT SA BALITA
CHRIXXIE JEHNS DE LEON JAN OLIVER MALICSE PATNUGOT SA LATHALAIN
JOHN LLENARD ECHALICO PORTIA BEATRIZ PALOMO PATNUGOT SA AGHAM
MARK LENARD SULANGI CHRISTIAN JAMES VIDAD PATNUGOT SA ISPORTS
MHARK RENIEL CUDAL ANGELITO ARCILLA, JR.
PATRICIA ANNE EUGENIO LITRATISTA
KARTUNISTA
RACHELLE SAMIN | JOHN LUIS DE GUZMAN | REINE ARRIOLA | PATRICIA BAHANA | TRISHA MIKAELA ANNE MIYAMOTO | ASHLLEY MATIAS | FARRAH PAYAWAL | ALIYAH COLMYRR PASCUAL | JIREH FAITH OLIVAR | CHARYLLE JOYCE RAMOS | FALLON JAYE MACAPAGAL | MARIA ALLYSA CORBE | DARWIN VILLANUEVA | RENZ BRYAN BAUTISTA | JOHN PAUL FERNANDEZ | HANNAH NAOMI PARONG | MARC JOSHUA LEE | ALMA LYN CABANSAG | JAZMIN ROBERT | SHANE OLTIVEROS KONTRIBYUTOR
CAROL SANTOS, LPT | LANDER ESTEBAN, LPT TAGAPAYO
EDUARDO DE GUZMAN, LPT | LYNDON JOHN DE LEON, LPT PUNONG TAGAPAMAHALA
TITA AGSUNOD, LPT, PH. D. PUNONGGURO
Ang Kinaadman
TINDIG
Fallon Jaye Macapagal kolumnista
Malayang pahayagan Naging isang mainit na balita ang kumalat sa social media na isyu na kinasasangkutan ni Joshua Molo, editor-in-chief ng pahayagan ng University of the East na UE Dawn matapos siyang mag-upload ng bidyo na humihingi ng tawad para sa kanyang mga anti-government posts. Napilitin umano siyang gawin ito dahil ikinagalit ito ng dati niyang mga guro na ipinahayag ang kanilang reaksiyon laban sa kaniya sa pamamagitan ng facebook noong ika-5 ng Abril. Ayon kay Molo, siya ay inimbitahan sa kanilang barangay hall ng mga opisyal sa Brgy. Fernando Sur, Cabiao, Nueva Ecija
‘‘
NAKABABAHALA PARA SA ATING LAHAT NA TILA BA HINDI KINIKILALA ANG ATING KARAPATAN NA MAGPAHAYAG NG ATING SARILING OPINYON LALO PA KUNG ITO AY LABAN SA GOBYERNO.
noong araw na iyon dahil mayroon daw reklamo laban sa kaniya. Sa barangay hall ay nakausap niya ang konsehal ng barangay na si Juliana Talens at nalamang ang reklamo ay galing sa kaniyang dating guro na si Jun Ainne Francisco na suportado rin umano ng dalawa pa niyang dating guro na sina Mel Garcia at Roger Dela Cruz. Sinabi umano ni Francisco na sila ay mayroong sapat na ebidensya na galing din sa mga social media apps upang magsampa ng kaso laban kay Molo. Ang isyu ay nagsimula noong ika-2 ng Abril nang magkaroon ng palitan ng mensahe sina Molo at ang kaniyang tatlong guro tungkol sa post ni Molo na kinokondena ang aksyon ng administrasyon ni Pangulong Rodrigue Duterte sa COVID-19. Matapos nito ay ginamit ni Molo kaniyang Instagram upang
7
OPINYON
DISYEMBRE 2019 - MAYO 2020
maglabas ng dismaya at daing ukol sa kaniyang mga dating guro na ipinagtanggol ang aksyon ng gobyerno. Ayon sa story ni Molo, “Di na yata nila ako kilala. Or they are just privileged enough not to see what other people are experiencing. Sabagay puno naman yung refs nila at may sweldo sila despite the pandemic.” Mula rito ay makikitang hindi naman ang pagtatanggol ng mga guro sa kaniyang paningin ang problema kundi ang pagiging ignorante ng mga ito sa kalagayan ng mga kapwa Pilipinong mahihirap lamang. Dagdag pa ni Molo sa kaniyang depensa, “Yung pamilya ko wala. I spent more than half of my savings already, so don’t tell us na masyado pa kaming bata. Baka masyado lang kayong okay na sa buhay nyo, kasi may nakakain kayo everyday”. Mababatid lamang din sa naunang post ni Molo na ipinapaliwanag lamang niya ang kakulangan sa atensyon at tulong sa mga mahihirap sa gitna pandemya dahil tila bulag ang gobyerno sa katotohanang hindi lahat ng mga pamilyang Pilipino ay kayang mamuhay nang komportable sa kanilang mga tahanan. Sa kabilang banda ay sinabi ni Francisco na siya ay nasaktan sa post ni Molo kaya napagdesisyunan niyang magtungo sa Cabiao Philippine National Police Cyber Crime Division at ipaimbestiga ang mga social media accounts ni Molo. Ayon kay Fransico, ang naging reaksyon lamang ng mga pulis ay “Hayaan mong magpost nang mag-post yung bata para damputin na lang” at “Against nga iyan sa gobyerno, hayaan mong maging aktibista para madampot na lang”. Ngunit, pinagbantaan din umano ng nasabing guro si Molo na kung hindi siya gagawa ng pampublikong paumanhin at pipirma sa waver na nagsasabi na hindi na siya maglalagay ng anti-government posts sa kaniyang mga social media accounts ay kahaharapin niya ang kaso ng cyber libel case, arrest, detention at matatanggal sa kaniyang iskolarship. Kung
kaya naman napilitan si Molo na gumawa ng bidyo na humihingi ng paumanhin ukol sa kaniyang post na ipinapahayag lamang ang kaniyang pagkadismaya sa naging tugon ng gobyerno kontra CO-VID 19. Nakababahala para sa ating lahat na tila ba hindi kinikilala ang ating karapatan na magpahayag ng ating sariling opinyon lalo pa kung ito ay laban sa gobyerno. Hindi rin naman lingid sa ating kaalaman na nakasaad pa nga sa Article 3 section 4 ng 1987 Constitution of the Philippines na hindi dapat magpatibay ng batas na nagbabawas sa kalayaan sa
pananalita, pagpapahayag, o ng pamamahayagan, o sa karapatan ng mga taumbayan na mapayagang magkatipon at magpetisyon sa pamahalaan upang ilahad ang kanilang mga karaingan. Ano pa nga ba ang silbi ng pagkakaroon ng ganitong mga batas kung hindi rin naman ito susundin? Bilang paglalagom, marapat lamang na maging bukas ang isipan ng lahat lalo na ng gobyerno sa saloobin ng bawat isa maging iba man ito sa kanila dahil lahat tayo ay naghahangad lamang ng ikabubuti ng ating bansa.
PUNTO Maria Allysa Corbe kolumnista
Ang pag-usbong ng inobasyon Ang bagong tayong gusali na Senior High School building sa Wesleyan University-Philippines (WU-P) ay isang produkto ng mabisang inobasyon. Sinimulan ang konstruksyon ng gusali noong 2018 at nakatalaga ito upang mabigyan ng sariling silidaralan ang mga estudyante ng Senior High dulot ng pag-usbong ng dami ng mga enrollees, gayun din ang hirap ng pagtatalaga sa bawat isang estudyante dahil sa kakulangan ng classrooms. Bagaman umusbong ang suliraning ito ay nakatutuwang nagkaroon ng agarang solusyon ang administrasyon ng WU-P sa pamamagitan ng pagpapatayo ng imprastraktura na magbibigay kaginhawaan sa mga estudyante gayundin sa mga guro. Subalit sa simula pa lamang ng pagbukas nito noong ikalawang
‘‘
NARARAPAT LAMANG NA MABALANSE ANG AKSYON NA GINAGAWA NATIN AT NG UNIBERSIDAD PARA HINDI MALAGAY SA KASIRAAN ANG BAGONG INOBASYON.
semestre, nakaranas ng matinding init ang mga estudyante sa loob nang halos tatlong linggo dahil ayon sa administrasyon ay wala pa raw suplay ng kuryente sa pasilidad nito. Nakadidismaya na tila naudlot na kaginhawaan at pag-asa sa mga estudyante at mga guro ang pagkakaroon ng panibagong silid dahil suliranin lang din pala ang kanilang kahaharapin sa panibagong imprastraktura na ito. Dagdag pa rito, dahil sa kaganapang ito ay hindi maiwawaglit sa ating isipan na baka maging isang ilusyon lamang ang inobasyon na pagpapagawa ng mga bagong silid lalo pa’t maraming mga mag-aaral na kaagad ay dinungisan at inabuso ito. Makikita na kaagad ang kawalan ng responsibilidad para dito at marahil ay sa mga susunod pa na taong pampaaralan ay mas maging talamak pa ito. Kaya nararapat lamang na maging mapanuri tayo bilang mga estudyante ng pamantasan na ito. Nararapat lamang na mabalanse ang aksyon na ginagawa natin at ng unibersidad para hindi malagay sa kasiraan ang bagong inobasyon na inihahain sa atin at mapangalagaan ang mga silid na gagamitin din ng mga katulad nating mag-aaral sa mga susunod pang panahon. Kung walang responsibilidad at disiplina ang bawat isa, hindi malabong mapapabayaan lamang ang gusali.
Ang Kinaadman
8
OPINYON
PERSPEKTIBO Giezelle Villanueva kolumnista
Tulong na SAPat Biyaya na maituturing ang pagpapatupad ng Social Amelioration Program (SAP) lalo pa’t talagang apektado ang kabuhayan ng mga Pilipino matapos ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) bilang tugon sa pandemya. Tunay na hindi handa ang Pilipinas sa pagdating ng Corona virus diseas o COVID-19 kung kaya naman, sa pagpapatupad ng ECQ sa Luzon ay lubos na naapektuhan ang kabuhayan ng mga naninirahan dito. Matapos nito ay marami ang dumaing dahil saan nga naman kukuha ang mga pamilyang apektado ng kanilang pangkain at pang-arawaraw na pangangailangan kung wala silang trabaho. Kaya naman, isang magandang balita ang SAP o ang tulong pinansiyal ng gobyerno para sa mga mahihirap o nasa impormal na sektor nawalan ng pagkakakitaan. Sa pangunguna ng Department
of Social Welfare and Development (DSWD) katuwang ang iba pang ahensiya ng gobyerno ay naipatupad ang SAP at kasalukuyang isinasagawa. Layunin ng programang ito na magbigay ng tulong pinansiyal na hindi hihigit sa P5000- P8000 subsidiya kada buwan sa mga rehiyong apektado kabilang na ang NCR, Bicol, at Region IV-A. Dagdag pa rito, ang badyet na nagkakahalaga ng 200 bilyon ay inaasahang makatutulong sa nasa 18 milyong low income households at 4.4 milyong pamilya na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Ayon sa DSWD, ang tulong pinansiyal na ito ay magtatagal sa loob ng 2 buwan o sa panahon ng pagpapatupad ng ECQ. Bukod dito, masasabing nararapat lamang ang desisyon ng ahensiya sa pagpili ng magiging benepisyaryo ng programa dahil
DAGITAB Farrah Payawal kolumnista
Bayanihan para sa kaligtasan Nagulantang ang lahat sa hindi inaasahang pagsabog ng Bulkang Taal noong Enero 12, 2020 sa lalawigan ng Batangas. Walang nakita na kahit anong senyales na sasabog ang bulkan kaya naman marami ang naabala lalo na ang mga naghahanapbuhay. Ayon sa Philippine Institute on Volcanology and Seismology (Phivolcs), nagkaroon ng malakas na lindol dahil ang tubig sa ilalim ng lupa ay nagkaroon ng ugnayan sa magma. Nagresulta rin ang nasabing ugnayan upang magbuga ng makakapal na abo ang bulkan na sumalanta sa mga kalapit na bayan ng Talisay, Laurel, Agoncillo, Santa Teresita, Alitagtag, Cuenca, Balete at Mataas na Kahoy,
kasama ang Tanauan, Lemery at ang Tagaytay City. Ang ibinuga nitong abo ay umabot sa Metro Manila at maging sa ilan pang karatig-lalawigan na nagresulta ng mga kanseladong klase at kawalan ng kuryente. Dagdag pa rito, batay sa datos, nasa libong katao ang dinala sa mga evacuation centers partikular na sa Santo Tomas at Batangas. Ngunit sa kabila ng bilang na ito ay natugunan ang pangangailangan ng mga evacuees at nabigyan sila ng sapat na pagkain at damit na mula rin sa donasyon ng iba’t ibang ahensiya at mga tao. Gayunman, nakalulungkot dahil maraming parte ng Batangas ang natabunan ng abo. Maging ang mga
mayroon din namang mangilanngilan na may sapat na kakayahan upang matustusan ang kanilang pangangailangan. Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga pamilyang mahihirap na may Senior Citizens, buntis, sub-minimum wage earner, kasambahay, magsasaka, at iba pa. Hindi man matutulungan ng programa ang lahat ng mga apektado ay mapupunan naman nito ang kakapusan ng mga talagang nangangailangan. Sa kabilang banda, nakatutuwa ring malaman na bukod sa SAP ay mayroon ding iba pang programa na makatutulong sa mga Pilipino tulad na lamang ng Cash assistance for Farmers Survival and Recovery (SURE) ng Department of Agriculture (DA) na naglalayong makatulong sa mga magsasaka. Mula rito, biyaya talaga na maituturing at isang malaking tulong ang pagpapatupad ng SAP lalo pa at apektado ang kabuhayan ng lahat dahil sa pandemya. Hindi lahat ay may kakayahan na mabuhay at matugunan ang kanilang pang-araw araw na pangangailangan kung wala naman silang pinagkakakitaan. Marapat lamang na ituloy ng gobyerno ang ganitong uri ng programa at bumuo ng iba pang tulad nito na makatutulong sa mga mamamayan. Bagamat nagkakaroon pa rin ng aberya sa mga programang tourist spots doon ay naapektuhan kung kaya naman hindi maikakaila na matatagalan bago muling makabangon at manumbalik ang dating sigla ng nasabing lugar. Sa kabilang banda, nakababahala rin na bagaman naibalita na ang naganap na pagbuga ng makakapal na abo at maaaring pagsabog ng bulkan at may mangilan-ngilan na mga naninirahan na maaapektuhan ang nanatili sa kanilang mga tahanan dahil sa takot na manakawan. Bagaman nagbabala na ang PHIVOLCS sa maaaring mangyari ay nagmatigas ang mga ito kung kaya naman naging mahirap din talaga ang pagsasagawa ng rescue operation sa mga lugar na apekatado Mula rito, bilang mga mamamayan ay nararapat lamang na sundin natin ang pangkaligtasang panuntunan ng gobyerno o mga namumuno sa ating lugar lalo na kung nasa panganib ang ating mga buhay dahil walang silbi ang mga bagay na ating pinahahalagahan kung ang mismong buhay natin ay nasa rurok ng kamatayan. Layunin ng bawat isa na maging ligtas ang ating mga sarili at pamilya kaya naman marapat lamang na makipagkaisa tayo sa mga namumuno at ahensiyang
DISYEMBRE 2019 - MAYO 2020
ito ay hindi natin maikakaila ang laki ng tulong na ibinibigay ng mga ito sa Pilipino. Marahil ang nararapat na gawin ay iwaksi lamang ang mga sistema rito na nagiging sanhi ng aberya at mula rito ay pagbutihin pa ang mga ito. Sa kasulukuyan ay patuloy ang pagtaas ng bilang ng kaso ng tinamaan ng COVID-19 at tila malayo pa ang lalakbayin ng ating bansa upang tuluyang mawakasan ang pandemyang ito kung kaya naman ang pagtutulungan at pagkakaisa ng bawat isa ay kinakailangan. Disiplina, pagkakaunawaan, at pagkakaisa ang ating magiging sandata kontra sa pandemya.
‘‘
HINDI HANDA ANG PILIPINAS SA PAGDATING NG COVID-19 KUNG KAYA NAMAN ANG MABILIS NA PAGPAPATUPAD NG ECQ SA LUZON AY LUBOS NA NAKAAPEKTO SA KABUHAYAN NG MGA NANINIRAHAN DITO.
tumutulong sa atin. Nakatutuwa rin na nagkaroon ng mabilis na pagtugon ang gobyerno patungkol sa suliraning ito at nararapat lamang na ipagpatuloy ito dahil patunay lamang ito na isinasalang-alang talaga ng pamahalaan ang kalagayan ng kanilang nasasakupan. Hindi natin maikakaila na marami pang mga suliranin at kalamidad ang ating kahaharapin. Mahaba pa ang panahon na ating gugugulin upang sugpuin ang mga problema ng ating bansa kung kaya naman, ating tandaan na sa mga sitwasyong ating kahaharapin ay ating isaalang-alang ang kabutihan ng bawat isa.
‘‘
ATING TANDAAN NA SA MGA SITWASYONG ATING KAHAHARAPIN AY ATING ISAALANGALANG ANG KABUTIHAN NG BAWAT ISA.
Ang Kinaadman
9
OPINYON
DISYEMBRE 2019 - MAYO 2020
SILAKBO Jireh Faith Olivar kolumnista
Sandata sa hinaharap, dagok ng kasalukuyan Kasalukuyan tayong nakararanas ng mga pagbabago dulot ng Corona virus disease o tinatawag na COVID-19 at kabilang na rito ang pagkakaroon ng online classes na masasabi nating hindi handa ang lahat sapagkat karaniwan sa mga mag-aaral at maging mga guro ay walang sapat na kakayahan upang makisabay sa ganitong uri ng pagtuturo at pagkakatuto. Layunin ng online classes na mabigyan ng leksyon at matuto ang mga mag-aaral kahit nasa bahay lamang sila lalo na sa kasalukuyang sitwasyong kinahaharap ng bansa. Ngunit malaking dagok sa mga magaaral pati na rin sa mga guro ang mga bumabalakid upang makamtan ito katulad na lamang ng kawalan ng malakas na signal ng internet sa kanilang mga tahanan. Dagdag pa rito ay makaapekto rin sa badyet ng pamilya ang patuloy na paglo-load upang magkaroon ng internet access. Ayon kay Francisco J. GarciaPeñalvo na isang propesor sa Computer Science Department ng Universidad de Salamanca, mapanganib ang E-learning sa maraming paraan, sapagkat hindi naisasaalang-alang ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral at nakaaapekto ito maging sa kanilang kalusugan. Dagdag pa rito, may iba-iba tayong kapasidad ng pag-iisip kung saan, may mga taong mabilis matuto habang mayroon din namang nangangailangan ng tulong ng iba upang maunawaan nang husto ang mga aralin. Ngunit sa panahon ngayon at sa kasalukuyang online classes na nagaganap, isang malaking tanong kung papaano matututo ang isang mag-aaral na hindi sanay sa ganitong paraan ng pag-aaral. Tunay kayang matututo ang mga estudyante sa ganitong paraan o mas lalong wala silang mauunawaan? Mahirap lang din sigurong isipin na sa gitna ng isang pandemya na kung saan ay dapat nakatuon ang pansin ng bawat isa sa pagpapabuti ng kanilang kalusugan ay kailangan pang idagdag ang pag-iisip sa mga gawaing pampaaralan.
Hindi natin maikakaila na nagdudulot ng pangamba at takot sa atin ang pandemyang ito kaya naman, sa kasalukuyang sitwasyon ay higit na mahalaga pa ba ang makapagpasa at gumawa ng mga pampaaralaang gawain kaysa ating mga kalusugan? Sa kabilang banda, hindi lang naman ang mga mag-aaral ang nahihirapan kundi mismong ang mga guro din ang nagdurusa
dahil sa malaking responsibilidad na siguraduhing natututo ang kanilang mga mag-aaral sa kabila ng malubhang sakit na kumakalat. Nauunawaan na kailangang magpatuloy ang buhay maging ang edukasyon kahit na humaharap sa isang krisis ang bansa. At kung ang online classes ang nakikitang pinakamainam na paraan upang matugunan ang pangangailangang ito, marahil ay dapat na magsagawa muna ng pagtse-check kung ang lahat ba ay mayroong kakayahang maisagawa ito. Sa huli, dapat na masiguradong ang lahat ay mayroong sapat na gamit at nasa maayos na sitwasyon sa bahay mapa-sa kalusugan o pinansyal man. Sa ganitong paraan ay mas magiging epektibo ang online classes at mababawasan ang hirap at stress na ipinadarama nito sa mga magaaral maging sa mga guro. Tunay na hindi handa ang
BOSES
Charylle Joyce Ramos kolumnista
Nakahahawang sakit Ang pagkalat ng pekeng balita at pagdami ng mga trolls sa internet ay apoy sa magkakadikit na bahay, mabilis kumalat at kapag hindi naagapan ay maaaring makasira at makapagdulot ng kamatayan. Sa panahon ngayon, kung saan napakaunlad na ng teknolohiya ay napakadali na lamang na maipahayag ang saloobin at magbigay ng mga impormasyon. Ilang pindot na lamang ay maaabot na nito ang buong mundo sa pamamagitan ng social media at internet ngunit tila inaabuso na ng mga tao ang pribilehiyo na ito at hindi na nauunawan kung paano ito gamitin nang wasto. Nagkalat ang mga pekeng balita sa mga social media sites lalo na ang tungkol sa COVID-19. Nakalulungkot sapagkat karamihan
‘‘
TAYO AY MAY RESPONSIBILIDAD SA BAWAT SALITA AT AKSYON NA ATING GINAGAWA.
sa mga Pilipino ay madaling naniniwala sa mga ito at hindi na tinitingnan kung makatotohanan ang nabasa dahil naging pangkaraniwan na sa atin na kung ano ang trending online ay pinaniniwalaan na natin ito. Nakababahala rin na sa halip na alamin kung makatotohanan ang mga balita ay marami ang tumutulong pa sa pagpapakalat nito. Ang pagkakaroon ng lock down, mga pahayag na pinapalabas na sinabi ng mga tanyag na personalidad na wala namang katotohanan, at mga gamot na nakapagpapagaling ng COVID-19 ay ilan lamang sa libolibong pekeng balitang kumakalat ngayon. Sa kabila ng krisis na ating nararanasan, maraming tao pa rin ang pinipiling magpakalat ng mga maling impormasyon na maaaring magdulot ng pagkalito at takot sa karamihan. Sa halip na tayo ay magtulungan upang matapos na ang hirap na ating pinagdaraanan, mas pinipili pa nila na makaperwisyo at manlinlang. Isa pang problema na dulot ng makabagong teknolohiya ay ang mga trolls na nagtatago lamang sa mga pangalan na hindi mabigkas o mga account na ginawa lamang
lahat sa pagdating ng COVID-19 at sa mga magiging epekto nito. Humaharap sa malaking dagok ang sektor ng edukasyon dahil dito at natural lamang na magkaroon ng mga pagbabago, ngunit ang hiling ng mga mag-aaral at guro, huwag sanang maging panibagong dagok pa ang mga pagbabagong ito dahil tunay na ang lahat ay nahihirapan sa panahong ito.
‘‘
HIGIT NA MAHALAGA PA BA ANG MAKAPAGPASA AT GUMAWA NG MGA PAMPAARALAANG GAWAIN KAYSA ATING MGA KALUSUGAN?
upang magbigay ng sakit sa ulo at inis sa mga tao. Napakarami nang nangyayaring hindi maganda sa panahon ngayon ngunit nariyan pa rin sila upang magdagdag ng problema at magbitiw ng mga salita na makasisira pa sa iba. Hindi lingid sa ating kaalaman na ang ilan sa mga trolls ay binabayaran upang magsabi ng mga pahayag sa social media. Mapapansin na ang ilan sa kanila ay magkakamukha pa ng mga sinasabi kaya malalaman na talagang hindi nila ito sariling opinyon at ginawa lamang upang pagkakitaan. Hindi magandang rason na dahil tayo ay nasa isang demokratikong bansa ay magbibitiw na tayo ng mga salita na nakakapanira sa kapwa dahil tayo ay may responsibilidad sa bawat salita at aksyon na ating ginagawa. Dagdag pa rito, pinakasikat na mga trolls lalong-lalo na sa twitter ay ang mga account na sumusuporta sa iisang tao kahit mali pa ang kaniyang ginagawa. Sila ay nagbubulag-bulagan at maaari din na pinoprotektahan ang taong kanilang pinapanigan kahit hindi naman ito narararapat. Marami na ang inialis na account ng twitter na pagmamay-ari ng mga trolls at nararapat lamang ito sapagkat nagdudulot lamang sila ng gulo. Sa halip na matigil ang pandemya na ating nararanasan, bumuo lamang sila ng panibagong sakit na hindi magagamot ng mga doktor. Sa pagkalat ng mga problema na ito, ang pagiging mapanuri at maalam ay ang ating sandata upang hindi malinlang.
Ang Kinaadman
10
LATHALAIN
DISYEMBRE 2019 - MAYO 2020
Ang mga Malalaking Kuwento ng Huling 10 Taon: Isang balik-tanaw sa dekadang 2010-2019 Faye Allysa Juan | Ashlley Maias
Nang isinulat ang libro ng kasaysayan, siguradong inilagay nila na ang 2010 ay isang dekada ng pagkakaugnay. Ang globalisasyon at ang pagsulong ng ating teknolohiya ay nagtulak sa atin upang maging malapit sa isa’t isa. Ito ay isang dekada ng pagbabago. Nasaksihan natin ang pakikipagsabayan ng mga indie films sa mainstream films, food trends na sumisikat sa buong bansa, ang pagtaas ng mga lokal na musika, sining at panitikan na may sariling boses at nagbibigay ng pagkakataong magbigay ng mensahe sa lipunan. Ang 2010 ay isang dekada ng pagbabago. Tayo ay magbalik-tanaw gamit ang ating highlight reel. Tingnan nating muli ang pinakamagandang mga sandali, trend, sining, panitikan, pelikula, at musika na tumutukoy sa dekada. Sa dekada na ito, nasaksihan natin kung paanong ang mga mabababang badyet na pelikula ay nagsimula sa paggamit ng pangkaraniwang camera hanggang sa makagamit ng ilan sa mga pinaka-high-end na camera sa industriya at nakapagbibigay ng mataas na kalidad na pelikula. Sa dekada na ito, sumikat ang mga iba’t ibang anggulo ng pagkuha sa isang pelikula kagaya ng landscape technological shifts, movements born of movies, at bagong ideolohiyang nilikha
ng sinehan. Ang “Four Sisters and a Wedding” ay isang icon na tumatak sa mga manonood simula nang mapalabas ito noong 2013. Ito ay nakakuha ng 145 milyong piso noong ito’y napalabas ngunit hindi nito kaagad nakamit ang agarang katayuan nito tulad ngayon sa pagiging isang “meme-lord”. Natapos ang “Hello, Love, Goodbye” na isang record-breaking run sa mga sinehan na inilunsad noong 2019, na may kabuuang global earning na 881 milyong piso at naging highest grossing film na nagawa sa Pilipinas. Nasa panahon na tayo kung saan madali lamang mag-download ng mga kanta. May mga modernong protestang awit na sumasalamin sa malupit na mga katotohanan sa lipunan, at mga indie rocks na nangunguna sa mga lokal na streaming tsart. Noong unang dumating ang “Tala” sa tag-araw ng 2015, ang epekto nito ay hindi kasing husay ng groundbreaking hits na “Kilometro”, “Tayo”, at “Ikot-ikot”. Ang kanta sa kalaunan ay naging viral nitong 2019. Ito ay naging mas umugnay sa masa kaysa dati at nagbigay ng kasiyahan sa gitna kaguluhang hinaharap natin sa kasalukuyan. Maririnig mo ang kanta na ito ngayon kahit saan. Maraming mga tao, kabilang ang mga matatanda at mga bata na nagsasayaw sa signature dance move ng kanta. Noong nakaraang Enero 5, maraming mga Pinoy ang sinasayaw ito at tinawag nila itong “Tala Nation”. Noong 2011, nakapagtala si Ronald Ventura ng bagong record. Ang kaniyang gawa na “Greyground” ay naibenta sa Sotheby’s Modern and Contemporary Southeast Asian Paintings auction sa Hong Kong sa halagang 1.1 milyong dolyar, dalawampu’t apat na beses sa orihinal nitong halaga. Ito ay panimulang pagsusuri ng dekada para sa sining ng Pilipinas. Hindi madaling magpasya kung alin sa mga Pinoy pop culture moments at milestone na nangyari noong 2010 na matatagurian bilang isang “decade defining”. Ang mga bagong uso at paradigma ay nagbigay-liwanag sa dekada na ito, salamat sa tulong ng social media at streaming. Ang mga pagbabagong ito ay naging kawili-wili. Si Vice Ganda ang isang artista ng Pilipinas na may pinakamaraming bilang ng top grossing films sa Filipino Box Office Record. Ang “That Thing Called Tadhana” ay nakakuha ng malawak na theatrical release at binago ang standard ng isang Pinoy Romance. Ang apat na taong teleseryeng FPJ’s “Ang Probinsiyano” ay malawak na kilala
sa primetime show. Ang aksidenteng paggawa ng Eat Bulaga sa “Aldub”. Ang pagtatambal ni Alden Richard at Maine Mendoza ay itinaguriang decade’s most phenomenal and least enduring love team. Ang pagkatalo at panalo ni Pia Wurtzbach sa Miss Universe Pageant. Ang memefication ng pop culture. Pagsikat ng pagvlog. Si Raffy Tulfo at ang paghahanap sa isang bayani. Pagdating sa pagkain, ang mga Pinoy ay may dalawang batas: kung ito’y masarap, ipaaalam natin ito sa mundo, kung hindi, manatiling tahimik hanggang ito’y sumarap. Ang pagkahilig natin sa pagkain ay labas-pasok, hindi lamang ngayong taon kung hindi sa mga nakaraang 10 taon. Ang iyong camera ang laging nauunang kumain o ang tinatawag nating “Instagram food photography”.
Ito ay isang dekada ng pagbabago. Nasaksihan natin ang pakikipagsabayan ng mga indie films sa mainstream films, food trends na sumisikat sa buong bansa, ang pagtaas ng mga lokal na musika, sining at panitikan Ang Samgyeopsal ay isa pang kilala na linya. “More white than red, fleshy nearly overrun by fat,” paliwanag ni Ligaya Mishan noong 2016. Mabilisang pagsikat ng milk tea. Malubha ang ating paghahangad sa milktea, na ito ay nabanggit ng mga driver ng Grab Food bilang isa sa mga pinakasikat na item para sa delivery, oras-oras itong may nag-o-order. Iyan ang mga ilan sa magaganda at hindi malilimutan na nangyari sa mga nakalipas na dekada. Sa nakaraang 10 taon, ang mga tao ay may mga sari-sariling hindi malilimutan na alaala. May mga oras ng kasiyahan, kalungkutan, krisis, at masaganang araw. Nakaupo malapit sa bintana, inaalala pa rin kung gaano kabilis magbago ang panahon.
Ang Kinaadman
11
LATHALAIN
DISYEMBRE 2019 - MAYO 2020
MISTERYO NG GATE SIX
Wala ni isa ang makasagot... hindi alam ang kaisipan sa katanungang ito.
Chrixxie Jehns De Leon
Tumuntong na naman ang mga kamay ng lumang orasan. Alas siyete na naman ng gabi. Ihahanda na ang mga gamit pati na ang sarili, sapagkat ito na ang huling klase. Ilalakas ang musika sa aking tainga, isusunod ang mga hakbang sa kabog ng dibdib at kasabay rin ang dagundong ng bawat tunog. Walang lingon-lingon, dadaan sa madilim at makipot na tarangkahan ng paaralan. Masisilaw sa maliit na bumbilyang tanging liwanag sa daraanan, na nagmistulang alitaptap dahil na rin sa kalumaan nito. Ipipikit ang mata at iiwasang sumulyap sa kanang pasilyo, at walang ibang pwedeng ipanalangin sa lahat ng Santo kundi ang kaligtasan ko. Marami akong naririnig na mga sabi-sabi, iba’t ibang teorya, mga kuwento, at minsan pa’y mga kababalaghan. Gate 6 ito kung bigkasin ng lahat, hindi ko batid ang pinagmulan sapagkat bago lang ako rito at ito na ang nakamulatan ko. “Bakit mayroong gate 6 samantalang aapat lamang ang tarangkahang mayroon ang paaralan?” Napaisip nang malalim at palihim na nagbilang, habang nanatili na itong misteryo sa buong paaralan. Wala ni isa ang makasagot, mga estudyante, mga guro, at kahit ang mga guwardiya ay hindi alam ang kaisipan sa katanungang ito. Ang sabi ay mayroon daw tatlong daanan sa hilaga (North Gate), isa sa timog (South Gate), kanluran (Main Gate), at silangan (Gate 6). Ngunit ang sabi naman ng iba, noong bago pa lamang ang paaralan ay mayroong gate ang Junior Highschool Building at meron din sa Elementary. May iba
namang nakalampian na ito ng kababalaghan na may sikretong tarangkahan pa ang paaralan na tanging iilan lamang ang nakakabatid, at dahil na rin sa pangalang gate 6 kinatakutan ito ng iilan dahil ito raw ay numero ng masamang elemento. Lumipas na naman ang maghapon. Tinulak na nga ng mga bituin at buwan ang araw, dadaan na naman ako sa tarangkahang aking kinakatakutan. Ngunit sa aking pagtungo ay may biglang malamig na kamay ang humawak sa aking balikat, ang kilabot ko mula ulo hanggang paa ay ‘di na kayang ipinta, unti-unting pumihit ang aking nanginginig na katawan upang mabatid kung sino ang nagmamay-ari nito. Nakita ko ang mukha ni Mang Ayroso, isa sa kilala at mga matagal ng nagsisilbi sa paaralan, at ang iba pa niyang kasamahan na sina Mang Mendoza, Mang Rayo, at Mang Calderon Jr.. Sinabi niya sa marahan na tono na sarado na raw ang gate 6, at sumabay na ako sa kanya patungo sa ibang tarangkahan. Biglang nagbalik sa akin ang katanungan at ginamit ko na itong pagkakataon upang aking malaman. Natuklasan kong ilang taon na si Mang Ayroso sa paaralang ito, naging saksi siya sa lahat ng pagbabago at naging pag-unlad ng paaralan. Kaniya ding pinaliwanag at binigyanglinaw ang
misteryo. Noon pa lamang ay binigyan na nila ng bilang ang bawat tarangkahan. Gate 1 para sa Main gate, Gate 2 para sa South gate, Gate 3 para sa Elementary gate, Gate 4 para sa North gate, Gate 5 para sa Motorpool’s gate (highway exit) at ang sikat na Gate 6. Napagkaalaman ko rin na ang Gate 6 pala ay kilala sa dating tawag na Admin’s gate sapagkat ito ang daanan ng lahat ng admin sa paaralan. Pagkatapos kong malaman ang lahat ng iyon ay umuwi na ako nang may kurba sa aking labi, napawi na rin ang lahat ng aking takot patungkol sa Gate 6 at tiyak na magiliw kong ibabahagi sa lahat ang natuklasan kong kasagutan sa misteryo ng ikaanim na tarangkahan.
Larawan mula kay Tony Minotti
Ang Kinaadman
12
LATHALAIN
DISYEMBRE 2019 - MAYO 2020
Larawan mula kay John Cris Rosaros
Ang lumaban nang walang sandata Marc Joshua Lee
Larawan mula sa The STAR/Michael Varcas
Nahahantong ngayon ang buong mundo sa pinakabagong banta na hindi natin inaakala: ang digmaan kontra sa COVID-19 pandemic. Ang ating bangungot. Kasama ang Pilipinas sa giyerang ito na kahit ang bala at baril ay walang laban. Ngayon, paano tayo mananalo sa giyera nang walang armas? Sa isang bansang kulang sa medikal na pasilidad at kagamitan, paano tayo lalaban? Sa kabila ng mga alinlangan, tumatayo at tumitindig ang mga matatapang upang labanan ang pinakabagong banta - sila ang ating mga doktor, nars, mga medikal support staff, maging ang mga janitor sa ospital. Ginagampanan nila ang pinakadelikadong papel sa mundo na kahit mapagod at malagay ang buhay nila sa panganib ay iwawaglit nila ito upang ang bantang ito ay hindi maghari. Ito ang bangungot. Ang mga frontliner, ang tawag sa kanila ngayon, ay maaaring ginagawa lamang ang kanilang trabaho at tungkulin, ngunit ang kanilang trabaho ay hindi basta trabaho lamang - ito ay giyera laban sa isang virus na kayang lamunin ang buong mundo sa kamatayan at pagkalipol. Ito ang tunay na reyalidad sa bangungot nila o natin sa labang ito. Sa kabila ng panganib ay hindi
Jan Oliver Malicse
nila tinalikuran ang mga tao at patuloy pa rin sa pagsagip ng buhay. Ito ang reyalidad. Ang mga frontliners ay may pamilya rin. May mga magulang at anak ang naghihintay sa kanilang pag-uwi sa tahanan sa kabila ng pangambang sila ay umuwi na lamang sa anyong abo. Minsan ay nakararanas ng diskriminasyon ang mga frontliners sa kabila ng kanilang sakripisyo. Ang paglilingkod nila ay walang katumbas kaya sana’y huwag natin silang husgahan na may dalang panganib sa atin. Bawat araw ay tumataas ang kaso ng COVID-19, nag-aalangan tayo na baka lumobo pa nang lumobo ang bilang ng mga may kaso. Ngunit hindi ito alintana ng mga frontliners. Patuloy ang kanilang pagsisikap. Ito ang reyalidad. Ang mga sakripisyo na tinitiis nila upang mapanatili tayong ligtas, ang mga luha na ibinuhos nila nang isantabi ang kanilang mga pamilya dahil sila rin ay kailangang mai-quarantine katumbas ng mga araw sa paglilingkod sa mga pasyente. Ito ang bangungot. Sa madilim at nakatatakot na giyera, nariyan ang mga frontliner na patuloy na nakikidigma laban sa virus. Hindi lang dapat sila ang lumalaban. Dapat ay tayo rin, tayo bilang kanilang suporta
Aliwan
“Ang iyong tadhana ay nasasaiyo lamang, walang sino man na makakapagdesisyon nito.” Sa dinami-rami ng pagpipilian na propesyon ay talaga namang ika’y malilito. Mapa-medisina o iba pa man ay sadyang ang mga ito ay mahihirap kuhanin. Kung minsan ay para bang nakawiwindang. Ngunit sa dulo ay nagiging matagumpay ang halos lahat. ‘Halos’ dahil ang iba ay nawawalan ng gana at ang iba naman ay may pagkukulang-pinansyal. At marami pang
Kung minsan ay para bang nakawiwindang. Ngunit sa dulo ay nagiging matagumpay ang halos lahat. ‘Halos’ dahil ang iba ay nawawalan ng gana at ang iba naman ay may pagkukulang-pinansyal.
dahil sila ay walang armas upang labanan ang virus, bala sa paglaban, at depensa laban sa giyera ng COVID-19. Sila rin ay kailangan ng ating suporta. Ito ang ating reyalidad. Ang mga doktor, nars, medical support staff at iba pang mga frontliners ay karapat-dapat sa ating suporta at papuri, dahil ang pagsuporta natin ay ang paglaban din natin.
Kasama ang Pilipinas sa giyerang ito na kahit ang bala at baril ay hindi kayang labanan. Ngayon, paano mananalo sa giyera nang walang armas? Sa bansang kulang sa medikal na pasilidad at kagamitan, paano tayo lalaban?
iba na samut-saring rason. Sa mga baitang na iyong tatahakin ay patatatagin ka at uugain ka. Dahil masusukat ‘di lamang ang iyong kaalaman pati na rin ang iyong tiyaga. Sa teknolohiya nga ay maliligaw ka. Dahil na nga sa mga pasikotsikot dito. Sangay pagkatapos ng isa pang sangay. Katulad na lamang ng Instagram. Ito ay sadyang nakaaliw dahil na nga sa mga filters nitong taglay. Ang Instagram ay ginagamit kadalasan para makarami ng views ang mga model at mga celebrity. Pero ang mga tao ay humaling na humaling rito. Lalo na sa tinatawag nito na instagram filters. Ang instagram filters ay pinoproseso sa pamamagitan ng pag-save at pagbukas ng IG camera. Ise-save mo muna ang filter na iyong ninanais at BOOM! Makikita mo ang prediksyon sa iyo ng filter. Ang sumisikat nga ay ang “Future Career.” Dito malalaman mo kung ano ba ang husga sa iyo ng sistema ng instagram. Maaari kang maging Doctor, Lawyer, at iba pa. Ngunit hindi naman magiging pamantayan kung ano ang maihuhusga sa iyo ng instagram filter na ito. Tandaan na kahit ano pa man ang lumabas na career sa filter ay nasasaiyo pa rin ito. Tandaan na ang Instagram ay ating ‘aliwan’ lamang.
Ang Kinaadman
13
LATHALAIN
DISYEMBRE 2019 - MAYO 2020
Ang Diary ni Anne Hannah Naomi Parong
Dear Kitty, Ayoko na sanang sumulat sa ’yo. Gusto ko na lang sanang walang katapusang humimlay rito, ngunit ayaw akong patulugin ng mga hele ng putok ng baril at pagbulagsak ng mga bomba. Nasisinghot ng ilong ko ang aroma ng lansa ng dugo. Dugo na nagmistulang pawis na sa paghihikahos sa pag-asang magkakaroon ng kapayapaan. Madilim at malamig dito sa pinagtataguan namin, sana kung hindi ko man mapikit ang aking mga mata ay manatiling bukas ito hanggang sa huli. Sabi nila, dadalaw ang antok kung magbibilang ka, samahan mo akong bumilang…
1 2 3
Isa, isang ideolohiya lang pala ang magpapaikot sa mundo. Parang putik na hinuhulma at tuluyang tumitigas sa puso ang “walang ibang diyos kundi si Muhammed”. Isang ideolohiya na agawan kung nakay nino ang kapangyarihan. Kanino ba dapat ibinigay ang basbas? Sunni ba o ang Shia na pinag-aalayan ng dugo ng Islamic revolutionary lider na si Ayotallah Khomeini? Dalawa, dalawang bagay lang, langis at mga armas. Wari mo bang mga batang naghihiraman ng laruan ang gitnang silangan at Amerika. Kailangan ng armas ng Iran at Saudi Arabia para palawigin ang ideolohiya. Kailangan ng Amerika ng langis para palaguin ang kanilang ekonomiya. Away-bati, ‘di nagkakasundo sa pananaw ngunit kailangan nila ang isa’t isa. Tatlo, Enero tatlo, isang pasabog ang tuluyang wawasak sa matagal na alyansa ng Iran-US: isang airstrike ang sumahimpapawid sa Baghdad Airport at namatay si Quesam Soleimani, kumander ng Quds force. Ang tinaguriang bayani-kalaban ng gitnang silangan. Libo-libo ang napuno ng galit kasama na rin si Ayatolla Khomeini. Lintik lang ang walang ganti.
4 5 6 7
Apat, apat na letra IRAN, nagawang kumitil ng libo-libong sibilyan sa mga nagdaang dekada.
Lima, limampu’t dalawang Iranian, iyan ang bilang na inilapag ni Trump kung sakali mang ituloy ng Iran ang paghihiganti sa “35 US targets”. Anim, ika- anim ng hunyo nang pinaghinagpisan ng gitnang silangan si Soleimani. Mabigat ang kabaong. Kasing bigat ng loob ng libo-libong nakiramay sa mga lansangan ng Iran, Lebanon, Iraq at iba pang karatig na bansa. Pito… ayoko nang bumilang. Kung ideolohiya ang mga putok at bomba, ‘wag na. kung ideolohiya ang pagkamulat ng mga inosenteng bata sa mundo, ’wag na. Kung ideolohiya ang giyera, ‘wag na.
Parang ganito rin ang nangyari kahapon at noong nakaraang kahapon at noong nakaraang kahapon pa na hindi ko na mabilang kung nakailang araw, buwan o taon. Umuulit lang ang kasaysayan. Ayoko nang mauulit ang ikalawang daigdig na digmaan . Paano ako makatutulog kung ang kalansing ng kadena sa mga paa ay patuloy kong naririnig sa paglakad? Dinadaanan lamang ang bawat henerasyon. Palaging tandang pananong ang mga solusyon. Ayoko na sanang sumulat sa ’yo ngayong 2020, ako ay tauhan ng nakaraang digmaan, pero mukhang pinababalik ako ng kasalukuyan.
Nagmamahal, Anne Frank
Sa Hinaharap Alma Lyn Cabansag
Nakabibinging katahimikan ang sumalubong sa akin sa daan na dati’y punong puno ng sandamakmak na sasakyang nagtataglay ng samut-saring tunog. Pagkalaan ng ilang mga minute, unti-unti nang sumisikat ang araw na siyang nagbigay liwanag sa aking kapaligiran. Nasilayan ko ang bughaw na kalangitang bihira ko dating masumpungan na nagpagaan sa bigat ng aking narararamdaman. Sumilay sa aking labi ang isang matamis na ngiti na pakiramdam ko ay siya nang magiging huli. Napatigil ako nang ilang saglit nang isang ambulansya ang nagmamadaling dumaan sa kalsada. Nabasag nito ang katahimikang namumutawi sa munti kong mundo. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga at saka nagpatuloy sa paglalakad tungo sa aking napiling destinasyon. Ang bawat tunog na nagmumula sa aking sapatos ang siyang naging musika sa aking paglalakad. Nakarinig ako ng ingay mula sa telebisyon ng isa sa mga kabahayan dito sa tabing dagat. Malabo at ‘di malinaw ang bawat salita ngunit ang naintindihan ko lamang ay bumaba na raw sa
40% ang nitrogen dioxide na polusyon sa China at ganoon din sa iba pang bansa na matataas ang carbon footprint. Napintig nito ang aking tainga at nagbigay-saya sa aking puso sapagkat kahit papaano ay may mga balita pa rin palang positibo sa panahon ngayon. Napatigil ako sa aking pagmumunimuni nang mapagmasdan ko ang isang pahina ng diyaryong tinatayab ng hangin na tila paruparong lumilipad dahil sa taglay nitong kulay na matingkad. Nagmamadali kong kinuha ang diyaryo at nagumpisang namnamin ang bawat letra na nakasulat dito. Napukaw ang aking atensyon sa panayam na ginawa ng isang mamamahayag. Ganito ang nasusulat: “Aquatic life is getting better in Ganga,” ayon kay Vishmbhat Nath Mishra, isang IT BHU Professor at Chief ng Disaster Management Foundation. Ang munting diyaryo na hawak-hawak ko ay hindi ko mabitiwan hanggang makarating ako sa aking paroroonan. Bagamat lukot-lukot na ito ay marahan ko itong tinupi at isiniksik sa bulsa ng aking pantalon. Sa wakas, sumalubong na rin sa akin ang
puting pader ng pagamutan. Marahan akong naglakad sa pasilyo at nagtungo sa isang silid upang magpa-test. Pumanaw na ang aking buong pamilya sa gitna nitong giyerang walang magawa ang bala at mga armas. Alam ko nalalapit na ang aking pamamaalam sa mundong ito dahil nararamdaman ko na ang sintomas ng virus. Sa palagay ko, ito na ang magiging huli dahil ngayon, nararamdaman ko na malapit na malapit na akong kuhanin ng maylalang at ang tangi ko na lang magagawa ay ang tanggapin ang nakasulat sa aking tadhana at mag-iwan ng mga salita para sa susunod na henerasyon. Isa lang naman akong matandang namuhay sa mundong ito, nasaksihan ang mga pangyayaring wala akong magawa pero nais ko na sana ay magpatuloy kayo – na kitain ang hinaharap. Huwag kayong mabubulag sa kinang at ganda ng kasalukuyan, at matutuhan ninyo sanang balansehin at tangapin ang anumang pagsubok sa inyong buhay. Nawa sana ang payo ko ay di mabaliwala sa inyo mga supling ng pag-asa at hinaharap.
Ang Kinaadman
14
AGHAM
DISYEMBRE 2019 - MAYO 2020
WU-P, nagsagawa ng bloodletting activity Portia Beatriz Palomo
Larawang representasyon ng Diwata-1. Larawan mula sa Techblade PH.
Diwata -1, nagbabalik matapos ang misyon John Llenard Echalico
“Welcome back, Diwata-1. Thank you!” Pagbati at pamamaalam ito ng Sustained Support for Local Space Technology and Applications Mastery, Innovation and Advancement/Philippine Scientific Earth Observation Microsatellite o Stamina4Space/PHL-Microsat sa kanilang Facebook Page para sa Diwata-1, na bumaba na mula sa kalawakan na siyang nagtapos sa apat na taong misyon nito. Naitala noong ika-6 ng Abril ngayong taon na nasa kalukuyang 114 kilometers ang altitude nito batay sa telemetary data na ipinadala ng satellite. Malapit ang Diwata-1 sa Karman line, o ang tinatanggap na tawag sa pagitan ng ating mundo at ng kalawakan na imposible nang ma-contact ng International Space Station o ISS.
Nagkakahalaga ito ng P840.82 million ayon sa Department of Science and Technology o DOST at ipinadala sa ISS gamit ang Kibo Module noong April 17, 2016. Naglakbay ito nang 938 million kilometers paikot ng mundo na may 17,000 na imahe partikular na ang Pilipinas. “You will always be remembered for opening the horizons of space to the Philippines. You have, in many ways, exceeded our expectations in your four years of service. We shall build upon your legacy as we continue to explore new frontiers and forge ahead with the future of the Philippine space program. Thank you. Domo arigato. Salamat po. Mabuhay ka at Mabuhay ang Pilipinas,” pahayag ng Stamina4Space/PHL-Microsat.
Bagong exoplanet na katulad ng Earth, natuklasan John Llenard Echalico
Nadiskubre ng mga astronomers sa layong 300-light years ang isang exoplanet, planetang umiikot sa isang star na nasa labas ng solar system, na maaring matirahan gaya ng Earth. Ayon sa mga bagong pag-aaral, mula sa 2,681 na exoplanet na namataan ng Kepler Space Telescope ng NASA, sa pagitan ng 2009 at 2018, ito lamang ang kasing
laki, at may temperaturang katulad ng ating mundo. Tinawag itong Kepler 1649c na 1.06% na mas malaki sa Earth at 75% na ilaw ang natatanggap nito sa kaniyang star gaya ng Earth mula sa araw. Matatagpuan ito sa habitable zone ng kaniyang bituin, na nasa kanang bahagi lamang nito at maaring mayroong tubig sa surface nito.
Paghahambing sa planetang Earth (kaliwa) at exoplanet na Kepler 1649c (kanan). Larawan mula sa NASA.
Ngunit umiikot lamang ito sa loob ng 19.5 na araw, sa isang red dwarf star, na mas maliit at malamig kaysa ating araw at madalas lamang ito sa buong kalawakan. Malapit ang exoplanet sa kaniyang bituin kaysa pagitan ng Earth at araw na maaaring magdulot ng radiation flares na papatay sa potensyal na buhay dito, ngunit wala pa naman namamataang radiation flares mula rito. Ang bagong exoplanet na ito ay kabilang na sa listahan ng mga katulad ng Earth, gaya ng TRAPPIST1f ng TRAPPIST system, 39-light years ang layo, at ng TRAPPIST 1D at TOI 700D na katulad din ng Kepler 1649c.
Naglunsad ang Wesleyan UniversityPhilippines, kasama ang Philippine Red Cross at College of Nursing and Allied Medical Sciences (CONAMS) ng isang bloodletting program na pinamagatang “Dugo Ko, Buhay Mo” noong Pebrero 6, 2020 bilang parte ng kanilang ika-74 anibersaryo. “Blood donation should be voluntary,” ani Mr. Rudell De Guzman, representative mula sa Blood Services, nang siya’y magbahagi ng impormasyon ukol sa pagbibigay ng dugo. Dagdag pa niya, maaaring mag-donate ang mga taong 18-65 taong gulang, mayroong timbang na hihigit sa 50 kilos, may mabuting kalusugan at
walang kasaysayan ng HIV, malaria o hepatitis. Ayon din kay De Guzman, bago makapagbigay ng dugo ang isang boluntaryo, kinakailangang sumailalim siya sa physical exam, sumagot sa mga questionnaire at magabayan ng isang medical doctor. Pinangunahan ang programa ng Health Team, mga doctor, nars, boluntaryo at mga estudyante, Red Cross Team, at mga donors mula sa iba’t ibang kolehiyo, departamento at opisina, maging ang mga empleyado. Nakaipon ng 98 blood bags mula sa programa na siya namang ibinahagi sa Philippine Red Cross at Wesleyan Hospital.
Isang volunteer ng Philippine Red Cross ang kumukuha ng dugo sa isang magaaral ng Wesleyan University-Philippines sa isinagawang bloodletting activity nitong ika-6 ng Pebrero. Larawan mula sa Genre.
Unang human trial ng COVID-19 vaccine, nagpakita ng magandang resulta John Llenard Echalico
Ipinamalas ng kauna-unahang bakuna na ginamit sa tao laban sa COVID-19 na mula sa Beijing Institute of Biotechnology na ligtas ito at may kakayahang gumawa ng immune response laban sa naturang virus. Matapos ang dalawang linggo mula sa paggamit ng bakuna sa tao bumuo kaagad ito ng mga antibodies at T-cells, na isang uri ng immune cell, na mainam para sa isang bakuna ayon sa dyornal na The Lancet. Tinawag itong isang ‘milestone’ ni Professor Wei Chen na siyang nangunguna sa pag-aaral na ito. Dagdag pa niya, sa kabila ng magandang resulta ng bakuna sa mga tao, hindi dapat tayo magpakasigurado na mapoprotektahan tayo nito laban sa COVID-19 at mahaba-haba pa ang tatakbuhin ng pag-aaral. Nilahukan ng higit isandaang katao ang unang paggamit nito sa Wuhan, China na pawang hindi nadapuan ng virus. Inaaral din sa Oxford University ang isa sa mga posible ring bakuna na maaari nang gamitin sa 10, 000 volunteer matapos ang pagpasa rin nito sa first human trial.
DISYEMBRE 2019 - MAYO 2020
Ang Kinaadman
15
AGHAM
Ang laban kontra COVID-19 Portia Beatriz Palomo
Nagmistulang pneumonia lamang ang isa palang bagong virus na maglulunsad ng pandemya sa mundo. Patuloy lamang sa pagdami ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo na umabot na nga sa mahigit dalawang bilyon, habang halos 6,000 na ang kaso sa Pilipinas -- noong Abril 17, 2020, ayon sa tala ng worldometers.info. Sumakatuwid, narito ang ilang mga impormasyon tungkol sa hindi inaasahang pandaigdigang krisis. Ano nga ba ang COVID-19? Hinggil sa Department of Health (DOH), ang Corona Virus Disease – 2019 (dating tinatawag na 2019 Novel CoronaVirus o NCoV) ay isang nakahahawang pangrespiratoryong sakit na dulot ng bagong coronavirus, isang malaking pamilya ng virus na nagdudulot ng iba’t ibang sakit sa mga tao o hayop, mula sa karaniwang sipon at ubo hanggang sa mas malalang impeksyon tulad ng Middle East Respiratory System – Corona Virus at Severe Acute Respiratory Syndrome, na nagmula sa Wuhan, China. Ilan sa mga nasabing sintomas ng sakit ay ubo, lagnat, at kahirapan sa paghinga. Paano naisasalin ang virus? Maaaring makahawa ang isang taong may virus sa pamamagitan ng pagkalat ng maliliit na patak ng fluids mula sa ilong at bibig dahil sa pag-ubo o paghinga. Ang maliliit na patak ng fluids na ito ay lalapag sa mga lugar o bagay sa paligid ng taong may virus, na maaaring mahawakan ng ibang tao at aksidenteng maipahid sa kanilang mata, ilong o bibig na magiging dahilan ng pagsasalin sa kanila ng sakit o virus. Maaari ding maipasa ang virus sa paghinga ng isang tao kaya naman mahalaga ang social distancing o paglayo nang ilang metro sa ibang tao. Gayunpaman, nagsasaliksik pa ang World Health Organization (WHO) ng iba pang posibleng paraan ng pagkalat ng virus.
Larawan mula sa Fusion Medical Animation
Paano nakaaapekto ang virus sa isang tao? Batay sa mga pananaliksik, hindi nakasisiguro kung paano “pumapatay” ang virus, dahil ang ilang mga pagkamatay o panghihina ng mga tao ay maaaring dahil sa mahina nilang immune system o ayon naman sa iba, ay dahil sa “overactive immune response” na nagpapakomplikado sa sakit. Naaapektuhan ng isang virus ang katawan ng isang tao sa pamamagitan ng pagpasok nito sa “healthy cells,” at doon ay mananatili ang mga ito at dadami. Sa kaso ng COVID-19, pumapasok ang virus sa mga cells na bumubuo sa baga sa pamamagitan ng ACE2 receptors o angiotensinconverting enzyme 2 (mga enzyme na nakakabit sa cell membrane sa ilang mga organ, at siyang namamahala sa ilang mga likido sa katawan ng tao) at kapag nakapasok na sa baga, hina-hijack nito ang mga malulusog na selula at kalaunan ay pumapatay sa mga ito. Simula ng naturang pandemya Disyembre 31, 2019 nang makatanggap ang World Health Organization China Country Office ng ilang mga ulat, mula sa Wuhan City, Hubei Province, tungkol sa sinasabing “pneumonia” na hindi malinaw ang pinagmulan. Pagdating ng Enero 12, 2020, inihayag ng China ang genetic sequence ng tinatawag na “novel coronavirus” sa publiko upang makatulong sa ibang mga bansa sa paglikha ng mga diagnostic kits, sa kadahilanang nagkaroon na ng ilang mga kaso sa ibang bansa. Enero 23 – naglunsad ang WHO ng Emergency Committee meeting upang pag-usapan ang posibleng pagiging “emergency” ng nabanggit na sakit. Noong Enero 30, dineklara ng WHO ang NCoV bilang Public Health Emergency of International Concern, gayundin, kinumpirma ng Pilipinas ang pinakaunang kaso ng sakit sa bansa. At noong Pebrero 11, pinangalanan na ang sakit
bilang COVID-19. Tinuring lamang ng WHO na global pandemic ang sakit noong Marso 12, 2020 nang umabot na sa mahigit 100,000 ang kaso nito sa buong mundo. Dahil dito, naglunsad ang ilang mga bansa ng total lockdown o enhanced community quarantine, kabilang na rin ang Pilipinas. Sitwasyon ng COVID-19 sa Pilipinas at sa mundo Ayon sa WHO situation report ng bansa noong Abril 6, patuloy pa rin sa pagdami ang kaso ng disease sa bansa kung saan 60% ang may kaso sa kalalakihan at ang pinakaapektadong pangkat ng edad ay mula 60-69 taon (22.4%). Hindi rin maipagkakaila na mas mataas ang fatality rate kumpara sa recovery rate sa bansa. Samantala, mayroong 10 laboratoryo ang nagsasagawa ng diagnostic testing at inaasahang madadagdagan pa ito dahil sa 69 na isinasaayos na laboratoryo. Ukol naman sa worldometer noong Abril 14, United States na ang epicenter ng pandemya sa bilang ng kaso na 587,337, sinundan ng Spain (172, 541) at Italy (159, 156). Pagtugon ng WHO sa krisis Samantala, patuloy lang ang WHO sa paglalabas ng impormasyon tungkol sa pandemya, kabilang dito ang paglulunsad ng online courses tungkol sa coronaviruses, paglilimbag ng mga artikulo na sumasagot sa mga katanungan tungkol sa pandemya, pagtatama ng mga maling paniniwala tungkol sa virus, at pagbibigay ng mga paraan upang makaiwas dito. “We will continue to work with every country and every partner, to serve the people of the world, with a relentless commitment to science, solutions and solidarity,” ulat ni WHO director-general Tedros Adhanom nang nagsagawa ng media briefing ang organisasyon noong Abril 15.
Larawan mula sa Manila Bulletin
Ang Kinaadman
16
AGHAM
DISYEMBRE 2019 - MAYO 2020
Tulog na Palaisipan Jazmin Robert
Sa loob ng maraming siglo, inakala ng mga tao na ang pagtulog ay panahon upang ipahinga ang ating katawan at isipan. Habang natutulog, ang dugo ay bumabalik sa natitirang bahagi ng katawan (dahil dito mas mainam daw matulog nang walang unan, upang ang dugo ay mas madaling makadaloy mula sa utak). Noong ika-1900’s, iminungkahi ng mga dalubhasa na ang mga kemikal tulad ng lactic acid, carbon dioxide, at cholesterol ay kinokolekta ng utak sa oras ng tao ay aktibo at nauubos ito kapag tayo ay tulog na. Nananatiling isang tanong na lamang ito, nang tinanggihan ang teoryang ito: ano ang layunin ng pagtulog? Karamihan sa atin ay kailangan, o tingin ay kailangan natin ng walong oras ng pagtulog sa gabi, na maaring hindi totoo. Sa isang eksperimento ng dating British Prime minister, Margaret Thatcher, kinila na gumaganap sa kaniyang trabaho nang may apat na oras lamang na tulog, ang mga laboratoryo na nag-aaral tungkol sa mga panaginip ay may talaan na kung saan ang mga tao ay kapareho ng kaso nito. Gayunpaman, walang mga halimbawa na natuklasan noong panahon na iyon na may indibidwal na nakagagawa ng mga gawain nang walang tulog. Maraming taong nagsasabi na sila ay “hindi natutulog” ngunit napag-alaman na sila ay kung minsan ‘umiidlip” pa rin nang humigit kumulang sa lima hanggang sampung minuto. Taong 1896, mayroong ginawang eksperimento ang Iowa Psychological laboratory na kung saan ang isang tao ay pinanatiling gising sa loob ng tatlong araw, pagkatapos ng karanasan, ayon sa kanya “katulad lamang ito ng dati,at hindi na sya inantok ng mga kasunod na gabi”.
Larawan mula sa Shutterstock
Walang kaso na naitala na kung saan nagkaroon ng pisikal na sakit na nagresulta dahil sa kakulangan sa pagtulog noong panahong ito, at nagkaroon sila ng konklusyon na hindi raw kailangan ng utak ang tulog, kung saan sinukat ang kapasidad ng utak na gumawa ng aktibidad na ipinapakita ang ibang mga pagbabago sa mga kemikal kapag walang tulog. Ang modernong pag-aaral sa katangian sa pagtulog ay nagsimula noong 1952,isang mananaliksik ang nakapansin na kapag ang tao ay tulog ay mayroong paggalaw ang mata na habang ito ay nakapikit—wari’y may pinapanood itong gumagalaw. Ang paggalaw na ito ay tinawag na “rapid eye movements”. Taong 1955, ang mga dalubhasang sina Eugene Asenrinsky at Nathan Kleitman ay naglimbag ng isang klasikong papel ukol sa paksa. Natuklasan nila na tuwing REM sleep, ang pagdaloy ng dugo patungo sa utak ay partikular ang pattern ng brainwave na nakikita sa pamamagitan ng electroencephalograph (EEG). Nagkakaroon din ng iregular na paghinga at pagtibok ng puso tuwing REM sleep, at ang pag-unti ng electrical activity sa mga muscle sa katawan. Nadiskubre din na kapag ang isang tao ay nagising mula sa REM sleep, karaniwan nilang naaalala nang detalyado ang kanilang mga panaginip; kabiligtaran ng NREM (non-rapid eye movements) kung saan, nanaginip lang ang mga ito. Kapag NREM sleep, ang tao ay wari’y “walang malay”, na kung saan ay hindi ito nanaginip at nararanasan ang kumpletong pahinga habang tulog.
Ang Taon ng Supermoons Jazmin Robert
Hindi maitatanggi na sa taong ito ay maganda upang mag-stargazing. Sa mga kaganapan na ito, hindi kailangan na umalis ng bayan o ng inyong likod bahay upang masaksihan ito at mapanood ang nakakamanghang supermoon. Maaring hindi ito kapana-panabik tulad ng isang eclipse o perseids –grupo ng mga meteors na lumilitaw taon-taon tuwing Agosto 11, ngunit ito pa rin ay nakagagaan Larawan mula kay Ramiz Qureshi ng pakiramdam lalo na kung nais mong makita ang nakakamanghang buwan. Ayon sa mga dalubhasa, ang taong 2020 ay mayroong maraming supermoons. Mayroong apat na supermoon ang magaganap sa kabuuan
ng magkakasunod na mga buwan. Ang unang supermoon na nakita ay noong Pebrero 9, 2020. Ang unang supermoon na ito sa taong 2020 ay hindi ang pinakamalaki at pinakamaliwanag sa lahat. Kung sakaling hindi mo ito nakita, marami pang oportunidad upang makakita mo ito, lalo’t mayroon pang naganap na supermoon noong Marso, Abril 8, at ang pinakahuli ay maaaring nasaksihan sa Mayo 7. Ang mga supermoon na ito ay makikita sa gabi sa kanilang eksaktong oras at petsa, at dahil ito ay ang buwan, hindi ito mahirap makita lalo na kung maganda ang panahon. Ano mang oras ay maaaring magkaroon ng supermoon. Maaaring may naririnig ka na mga taong nagsasabi na ito ay isang maling impormasyon o hindi totoo na ito ay isang supermoon. Ayon sa kanila, ang supermoon ay bahagyang mas malaki sa isang karaniwang kabilugan ng buwan na ang ibig sabihin ay walang
“super” ukol dito. Ang mga iba’t ibang opinyon ay nagkakaiba dahil ang “supermoon” ay hindi opisyal na pangalan ng ganitong buwan. Ang mga astronomo ay tinawag itong itong Perigean full moons—kapag ito ay nasa 90% na lapit nito sa mundo. Sa pagkakataong ito, ang buwan ay nakikita na 14% na malaki at 30% na mas maliwanag kapag ang buwan ay malapit sa apogee nito o ang layo ng orbit nito sa mundo. Gayunpaman, may ilang kalabuan na sa ngayon ay 90% ang sukat nito, kung ang bilang na iyon ay kalkulado batay sa perigee nito. Gayunman, puwede mo na lang itong balewalain at masiyahang panoorin ang napakagandang buwan.
Ang Kinaadman
17
AGHAM
DISYEMBRE 2019 - MAYO 2020
Katotohanan at Kasinungalingan Shane Oltiveros
Ganito ang magiging takbo ng laro: May sasabihin akong limang pahayag at huhulaan mo kung alin sa mga iyon ang kasinungalingan. Ang kasinungalingang iyon ang magiging paksa ng ating laro na patungkol sa paghilom ng ozone layer. Handa ka na ba? Bago magsimula ang laro, bibigyan muna kita ng ilang kaalaman patungkol sa ozone layer. Nakasulat sa mga pahina ng kasaysayan ng buhay sa mundo ang manipis ngunit napakahalagang layer ng ozone sa stratosphere. Transparent ito at nagsisilbing tagapagsipsip ng high-energy na ultraviolet light na nagmumula sa araw. Noong 1970s, nadiskubre ng mga siyentista ang mabilis na pagkasira ng stratospheric ozone layer ng Earth. Kapag tuluyan itong nawala, ang ultraviolet light na ito ay makapipinsala sa surface ng mundo. Mayroon itong kakayahan na wasakin ang lahat ng mga natural na pinagkukuhanan na mayroon ang sangkatauhan. Pero bakit ng aba unti-unting nasisira ang ozone layer? Ang salarin ang ang Chlorofluorocarbons o CFCs. Ito ay mga kemikal na kadalasang makikitang mayroon sa mga refrigerator at air conditioner. Hindi natin namamalayan ang pagdami ng kemikal na ito dahil matatagpuan din ito sa mga aerosol can na pang-araw-araw na ginagamit sa bahay. 30 taon ang nakalilipas nang nagsimulang kumilos ang sangkatauhan upang mabawasan ang paggamit ng CFC, ngunit ayon sa pag-aaral, hindi na umayos ang kalagayan ng ozonosphere sa nakalipas na 20 taon. Kung ang pagkasira ng ozone layer ay dahil sa kagagawan ng mga tao, lubha ang magiging
epekto nito sa planeta dahil kapag nawala ang proteksyon nito, marami ang mapipinsala ng UV rays. Dumami ang kaso ng skin cancer sa maraming lugar, lalo na sa Puentas Arenas, Chile na matatagpuan sa ilalim ozone hole. Hindi lamang sa kalusugan ang magiging epekto nito ngunit pati sa agrikultura at buhay sa ilalim ng dagat. Magiging imposible sa planetang ito ang mabuhay sa ilalim ng wasak na ozone. Ngayon, mabalik tayo sa laro. Unang pahayag. Higit sa kalahati ng mundo ang nagtulong-tulong noong 1987 upang mapirmahan ang Montreal Protocol on Substances That Deplete the Ozone Layer, isang kasunduang magpapasimula ng pagtigil sa paggawa at maggami ng CFCs na binubuo ng carbon, fluorine at chlorine atoms at iba pang ODCs. Simula 1990s hanggang 2000s, nagsasagawa ng mga follow-up na pagpupulong at mga rebisyon sa kasunduan na makapaglilimita at makapagsasawata sa hydrobromofluorocarbons o HBFCs, methyl bromide, carbon tetrachloride, trichloroethane, hydrofluorocarbons (HFCs), hydrochlorofluorocarbons (HCFCs), at iba pang ODCs. Pangalawa. Isa sa mga mahahalagang bahagi ng Montreal Protocol study ay ang paghahanap pa ng ebidensya na lumiliit nga ang ozone hole dahil sa Montreal Protocol. Nangangahulugang ang kasunduang ito ay epektibo at maaari pa ngang masolusyunan ang mga pagkasirang naidulot ng mga tao sa planeta. Ikatlong pahayag. Hindi mahalagang malaman kung aling katangian ng climate
Balintuna Portia Beatriz Palomo
Pagmulat ng aking mga mata ay kapaligirang kulay abo agad ang nakita... lumipas ang ilang sandali ng pagkalito at ako ay sinalubong ng isang taong kawangis na kawangis ko. Nang tanungin ko siya kung sino—ano siya, nagulat na lamang ako sa kaniyang kasagutan… “Ako ay ikaw, mula sa mundong kahanay ng sa iyo, ngunit ang takbo ng pisika ay kabaligtaran ng sa inyo.” Lumipas pa ang ilang sandali at nagising ako mula sa kakaibang panaginip. Tama, hindi puwedeng maging totoo ang imahinasyong iyon, dahil malayo sa posible ang pagkakaroon ng Parallel Universe. Tila ba hindi nagsasawa sa mga sorpresa ang taong 2020, dahil noong unang linggo ng Abril ay may kumalat na balita sa social media na may nadiskubreng parallel universe ang NASA (National Aeronautics and Space Administration). Marami mang namangha sa istorya,
hindi kinumpirma ng NASA ang impormasyon bagamat isa lamang pagmamalabis ng media ang trending na balita. Ayon sa website na naglathala ng istorya, namataan ng NASA ang isang di umano’y parallel universe na nabuo rin mula sa Big Bang, pero ang kaibahan ay ang kabaligtaran ng physics kaya baliktad din ang takbo ng oras doon. Katotohanan Ang nadiskubre ng mga siyentipiko mula sa NASA ay hindi isang parallel universe, kundi ilang mga ebidensya ng mahahalagang partikulo na taliwas sa pagkakaalam natin sa physics. Mayroong teorya na maaaring mula ito sa parallel universe ngunit wala pang naturang matibay na ebidensya. Nagsimula ang paniniwala sa parallel universe nang may matiktikan ang Antarctic Impulsive
change ang nagmula sa carbon dioxide emissions na patuloy na tumataas, kaysa pagkasira ng ozone na ngayon ay unti-unti nang nahihinto at nasosolusyunan. Ikaapat. Ang pagkasira at pagnipis ng ozone dahilan sa paggamit ng ozone chemicals ay lumaki nang 1% hanggang 3%, isang dekada matapos ang 2000. Nangangahulugan ito na kung ang kasalukuyang bahagdan ay magpapatuloy, ang ozone layer sa northern hemisphere at midlatitudes ay maghihilom sa 2030s. Panglima. Ang mga siyentista ay mayroong sapat na impormasyon upang maibunyag ang mga patunay na ang ozone layer ay naghihilom na at inaasahang babalik sa estado nito noong 1980s at tuluyang maghihilom sa mga taong 2040 hanggang 2070. Sa lahat ng aking binanggit, ang nag-iisang kasinungalingan ay ang ikatlong pahayag. Ito ay dahil mayroon ding direktang epekto ang climate change sa ozone layer. Kahit na nakikita ang pagnipis ng ozone layer sa tropics, mayroon pa rin tayong kinakaharap na climate change. “Everything we hear is an opinion, not a fact. Everything we see is a perspective, not the truth,” sabi nga ni Marcus Aurelius Sa puntong ito, kapag hindi natin mapaghiwalay ang katotohanan at kasinungalingan lalo na sa panahong laganap ang fake news, wala talaga tayong ibang pagpipilian kung hindi ang pagdudahan ang lahat ng nakikita o naririnig natin. Gayunpaman, nasa sa atin na kung maniniwala tayo o magpapaloko.
Transient Antenna (ANITA) ng NASA – isang higanteng lobong lumulutang sa Antarctic kung saan walang radio signals - ng ebidensya tungkol sa neutrinos (a neutral subatomic particle with a mass close to zero and half-integral spin, rarely reacting with normal matter – Oxford Dictionary) noong 2016 at muli nooong 2018. Sumakatuwid, ang na-detect ng ANITA ay dalawang kakaibang pangyayari ng mga partikulo na tila ba hindi nanggagaling sa yelo ng Antarctic. Ang mga neutrino ay nagmumula sa loob ng Earth, imbis na mula sa kalawakan. Karaniwan, ang mga signal ay tatalbog sa yelo at magre-reflect sa lobo, subalit ang nangyari sa parehong okasyon – hindi nag-reflect ang mga neutrinos. Sa bilis ng galaw ng mga high-energy neutrinos, mababangga ito sa iba pang mga partikulo sa loob ng Earth kaya naman imposible na umiiral ang mga ito. Dagdag pa rito, sinubukan ng mga siyentipiko mula sa IceCube Neutrino Observatory na hanapin ang pinagmulan ng mga neutrinos na natagpuan ng ANITA, ngunit sa parehong anomalyang nadiskubre ay
walang nahanap ang IceCube. Konklusyon Maaaring naging systematic error lamang ang mga ebidensyang nakalap, o kaya nama’y isang ebidensya na sasalungat sa Standard Model of particle physics, o ang teorya na naglalarawan sa mga mahahalagang puwersa sa kalawakan. Ayon naman sa isa pang research paper, maaari ding isaalangalang ang “exotic physics” bilang eksplanasyon sa mga pangyayari. Wala pang malinaw na ebidensya kung ano ang dahilan ng mga anomalyang nakuha ng NASA at patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga siyentipiko ukol dito. Gayunpaman, malinaw na hindi ito ebidensya ng umiiral na parallel universe. Sabi nga ni Sherlock Holmes, “When you have eliminated the impossible, whatever remains, however improbable, must be the truth,” ngunit sa ngayon, hindi pa masasabi kung nahanap na ang lahat ng posible at imposibleng eksplanasyon sa mga pangyayari.
Ang Kinaadman
18
ISPORTS
DISYEMBRE 2019 - MAYO 2020
TAYMPERS SA LABAN 2020 sports events, kanselado bunsod ng COVID-19 Mark Lenard Sulangi
Isinaalang-alang ng pamunuan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang kasalukuyang kalagayan ng bansa dahil sa COVID-19. Sa pamumuno ni PSC chairman William “Butch” Ramirez, kasama ang PSC Board ay nagkasundo na kanselahin na hanggang sa Disyembre ang mga multisports events na dapat sana ay nakatakda pagkatapos ng
William “Butch” Ramirez, Philippine Sports Commission Chairman. Larawan mula sa Manila Bulletin.
kasalukuyang Enhanced Community Quarantine (ECQ). Ang desisyon ay pagsunod na rin sa ipinapatupad ng Department of Budget Management (DBM) sa mga proyekto na pansamantalang mahihinto o ang National Budget Circular 580 at ang Inter-agency Task Force (IATF) nagsasaad na pagbabawal sa anumang aktibidades pagkalipas ng nasabing ECQ. Kaakibat nito, hindi na rin ipagpapatuloy ang napagdesisyunang suportang pinansyal para sa 10th ASEAN Paragames, bagama’t handa pa rin sila na tustusan ang mga naunang operasyon ng organizing committee ng nasabing torneyo. Siniguro naman ni Ramirez na patuloy ang buong suporta ng komisyon para sa lahat ng miyembro ng national team. “We heed the call of the national government to cut expenses as we reroute majority of our resources to fighting the pandemic, but we also stand by our commitment to keep supporting members of the national team,” ani Ramirez. Isinaad din ni Ramirez na hindi naman maaapektuhan ang naunang ipinatupad na alituntunin kaugnay sa pagpapalabas ng mga allowance para sa mga national athletes at mga coaches. Kasabay nito, nagpasalamat siyang muli para sa suporta na binabahagi PAGCOR sa kabila ng epekto ng lockdown sa malaking bahagi ng kita ng ahensiya. “We continue to study projections and proposals and the board is ready to take necessary actions should they be needed,” ayon pa kay Ramirez.
Nagtanghal ang mga grupo mula sa Ateneo De Manila University sa pagbubukas ng ika-82 season ng UAAP sa Mall of Asia Arena nitong ika-19 ng Setyembre 2020. Larawan mula sa UAAP Season 82.
NCAA 95, UAAP 82, suspendido Joshua Alamon
Sinuspinde ng National Collegiate Athletic Association (NCAA), at University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ang kani-kaniyang mga natitirang laro ngayong season alinsunod sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon. Ayon sa parehong panig, ang pagsuspinde ng mga laro ay para sa kalusugan at kaligtasan ng mga atleta, opisyal, coaches, at mga tagasuporta. Naglatag ang dalawang organisasyon ng alternatibong paraan upang sana ay maituloy ang mga natitirang laro kung sakaling matigil na ang ECQ na noon ay nakadeklarang hanggang April 14 lamang ngunit nang dahil pag-extend ng ECQ, napuwersa ang dalawang organisasyon na tuluyang ikansela ang buong natitirang season. “With the ECQ having been extended, the conditions for the resumption of UAAP Season 82 can no longer be met. As such it is now deemed cancelled,” ani sa sanaysay na nilabas ng liga. Kabilang sa mga apektadong laro sa NCAA ang volleyball, football, beach volleyball, athletics, lawn at soft tennis at cheerleading, habang volleyball, football, baseball, softball, athletics, lawn tennis at 3x3 basketball naman para sa UAAP. Hindi pa naglalabas ang dalawang organisayon ng sanaysay kung paano ang mangyayaring transisyon ng kanilang liga sa susunod na season.
Tokyo Olympics ipinagliban, gaganapin sa 2021 John Paul Fernandez
Idineklara ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe at ng International Olympic Committee na ipinagliban ang Tokyo Games hanggang Hulyo 23, 2021 dahil sa pandemya ng coronavirus. “The leaders agreed that the Olympic Games in Tokyo could stand as a beacon of hope to the world during these troubled times and that the Olympic flame could become the light at the end of the tunnel in which the world finds itself at present,” sabi ng IOC at ng Tokyo 2020 organizing committee. Idinagdag pa na mananatili sa Japan ang Olympic Games at Tokyo 2020 pa rin ang tatawagin sa Games. Ngunit ayon kay Abe at sa mga
eksperto, hindi magiging ligtas ang Games habang walang nadidiskubreng bakuna sa COVID-19. “If the pandemic is still causing chaos a year from now, the Olympics will be scrapped,” inanunsiyo ni Tokyo 2020 president Yoshiro Mori. Nagkagulo ang Olympic qualifying model na nagdulot sa mga international sports federations at national Olympic committees na ikansela ang mga mahahalagang kaganapan sa Games. Ilan rin sa mga atleta at coaches ang na-stranded sa ibang bansa dahil sa travel restrictions. Nauna ang Canada sa pagpigil sa mga atleta na dumalo sa Olympics dahil
sa pandemya, sumunod ang Australia na sinasabing kinakailangang mas bigyanghalaga ng mga atleta ang kanilang kalusugan. “Our athletes now need to prioritize their own health and of those around them, and to be able to return to their families,” sabi ng Australian Olympic Committee. Ito ang unang pagkakataon sa modern Olympic history na nagambala ang Games dahil sa isang global health issue. Yoshiro Mori, Tokyo Okympics President. Larawan mula sa China Daily.
DISYEMBRE 2019 - MAYO 2020
Ang Kinaadman
19
ISPORTS TAMPOK SA ISPORTS
Mamba Out Renz Bryan Bautista
Nagbubunyi ang mga manlalaro ng Team Pilipinas sa ginanap na Opening Ceremony ng 2019 Southeast Asian Games. Larawan mula sa ABS-CBN Sports/Josh Albelda.
Team Philippines, nakamit ang Athlete of the Year Award Christian James Vidad
Matapos sungkitin ang ikalawang 2019 South East Asian (SEA) Games Over-all Champion, nasuklian muli ang lahat ng sakripisyo at pagod ng Team Philippines nang iuwi ang Athlete Of The Year Award sa Annual San Miguel Corporation (SMC) Philippine Sports Writers Association (PSC) sa Manila Hotel noong Marso 6, 2020. Naging highlight ng gabi si “The Magician” Efren “Bata” Reyes na siyang naging Guest Speaker sa ikalawang sunod na taon ng annual awards night matapos mapasakamay ang Lifetime Achievement Award upang idagdag sa kanyang koleksyon sa iba pang tatlo na gantimpala na nakuha niya sa PSA. Samantala, naipamalas ni Jack Danielle Animam ang lakas at tibay ng isang Pilipina nang kumopo ng dalawang gintong medalya (5x5, 3x3 Women’s Basketball)na naging daan para makoronahan siya bilang Ms. Basketball. Natanggap din ni World Artistic Gymnastics Championship two gold medalist at five silver medalist sa SEA games at Tokyo Olympics Qualifier na si Carlos Yulo ang President’s Award. Dinaluhan din ang awards night ng mga Gold Medalist ng Taekwondo ng Team ng Pilipinas na binubuo nina Kurt Bryan Barbosa, Dave Cea at Pauline Lopez kabilang si Wushu Gold Medalist Agatha Wong kung saan pare-pareho silang nakakuha ng citation.
Pitong manlalaro ng NBA, nagpositibo sa COVID-19 Darwin Villanueva
Nagpositibo ang pitong manlalaro ng National Basketball Association (NBA) sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) na naging dahilan para agarang ipahinto ang 74th Regular Season ng nasabing liga alinsunod sa deklarasyon ni Commissioner Adam Silver nitong Marso Marso 11, 2020. Naunang nagpositibo ang Reigning Defensive Player of the Year (DPOY) na si Rudy Gobert at 2018 Verizon Slam Dunk Champion Donavan Mitchell na kapwa mga alas na pambato ng koponan ng Utah Jazz. Samantala, lima pang manlalaro mula sa iba-ibang koponan ang nagpositibo pa sa nasabing sakit isa na rito ay ang center player ng Detroit Pistons na si Chirstian Wood at apat na Brooklyn Nets players kabilang na ang back-to-back NBA Finals Most Valuable Player (MVP) na si Kevin Durant. Dahil sa mabilisang pagkalat ng sakit, nagpasya agad ang mga Governors board ng nasabing liga upang suspendihin ang mga laro nito hanggang sa susunod na abiso. Inabisuhan naman ng mga medical health care professional ng bawat koponan ang kanilang mga manlalaro at coaching staff na sumailalaim ang mga ito sa 14 days Home Quarantine kung sakaling kakitaan ng mga sintomas.
Hindi maikakaila na ang larong basketball ang pinakatanyag na isports sa mga Pilipino at sa buong mundo. Sabay sa pagkahumaling sa laro, ang bawat manlalaro ay mayroong iniidolong player na kadalasan nagmumula sa NBA sa kadahilanan na taglay nila ang husay na talagang tinitingala ng nakararami. At dahil sa impluwensyang naidulot ng mga propesyunal na manlalaro, maraming kabataan ngayon ang makikitang kinahiligan na ang larong ito. Kobeeeee! Isang inspirasyon sa maraming kabataang naglalaro ng basketball. Sino nga ba ang hindi nakakikilala kay Kobe Bean Bryant? Kilala bilang “Black Mamba” gumawa si Bryant ng pangalan sa kasaysayan ng NBA at sa buong kasaysayan ng basketball. Matapos i-draft bilang no.13 pick ng Charlotte ay agad siyang na-trade at ginugol na ni Kobe ang kanyang buong karera bilang professional player sa koponan ng Los Angeles Lakers na kung saan sa loob ng 20 taon na pananatili roon ay nakapagbigay siya ng limang championship para sa prangkisa ng Lakers at pinangalanan din siya bilang All-Star ng 18 na beses. Nakuha rin niya ang Most Valuable Player award noong 2008. Sa kanyang 20 taon na karera, nag-average si Kobe ng 25 points, 5.2 rebounds at 4.7 assists at mayroon siyang kabuuang 33,643 na puntos. At noong 2016, opisyal na nagretiro na si Kobe sa NBA. Naging miyembro rin si Kobe ng Team USA sa kompetisyong world stage, kasama niya rito ang ilan ring tanyag at iniidolong mga manlalaro tulad nila LeBron James at Kevin Durant. Kobeeeee! Sinisigaw ng mga kabataang manlalaro sa kanilang bawat pagpukol ng bola. Kobeeee! Sabay fade away na kadalasang ginagawa ni Kobe sa kanyang mga laro. Iyon na nga siguro ang isa sa mga pinakatumatak na galaw ni Kobe sa kanyang mga fans na hinahalintulad din sa kanyang inidolo na si Michael Jordan
Kobe Bryant. Larawan mula sa Getty Images.
at umabot na sa puntong tinawag na siyang bagong Michael Jordan noong wala na sa NBA si Jordan. Sa sobrang pag-idolo kay Kobe, hinango narin ng ibang mga manlalaro ang kanilang numero sa jersey sa numerong ginagamit ni Kobe na 24 at 8. Kinilala sa laro si Kobe bilang isang clutch player na kung saan inaasahan siyang magstep-up sa crucial na parte ng laro, makamandang na parang black mamba at kung tawagin ay “Mamba Mentality.” Nagawa rin niyang pumuntos ng tila isang imposibleng makamit, 81 puntos na isa sa pinakamataas na naiskor ng isang player sa isang laro. Maituturing na nga si Kobe bilang isang G.O.A.T. o Greatest of all time, sa kanyang husay sa laro nakamit niya ang respeto sa kapwa niya manlalaro at sa kanyang mga fans. Lahat ng bagay ay mayroong dulo, noong ika-26 ng Enero taong 2020, nangyari ang gumambala sa mundo ng basketball at nagpalungkot sa napakaraming tao. Nasawi sa isang trahedya si Kobe kasama ang kanyang anak na si Gianna Bryant at ang iba pang mga lulan ng helicopter na kanilang sinasakyan. Sa edad na 41 maagang natapos ang kanyang buhay. Dulot ng kanyang malaking impluwensiyang naibigay niya sa fans ng basketball, marami ang tumangis sa pagkawala ni Kobe. Marami ang hindi makapaniwala dahil hindi inaasahan na darating ang ganong pangyayari. “Mamba out” ito ang mga salitang ibinitaw ni Kobe noong kanyang huling laro sa NBA na kung saan muli niyang pinatunayan kung gaano siya kahusay matapos magtala ng 60 points sa edad na 40. ”Mamba out” mga salitang sinambit bilang pamamaalam sa kanyang iiwanang samahan. “Mamba out” ngayo’y tuluyan ng lumisan ang Black Mamba hindi lang sa NBA kundi pati na rin sa mundong ibabaw. Sa kabila ng kanyang mga fade away, tuluyan na siyang naglaho papalayo sa mundong kanyang dating ginagalawan. Lumisan man ng maaga si Kobe, iniwan naman niya ang lahat ng mga alaala, aral sa laro at inspirasyon para sa nakararami. Ipinamana ang Mamba Mentality sa mga tumitingala sa kaniya at mga nagaasam na magstep-up ang laro ng katulad ni Kobe. Maaaring masabi na ang karera ni Kobe sa basketball ay napaka-iconic at tunay na tumanggap ng respeto sa lahat.
Ang Kinaadman
ISPORTS
TINIG NG KATOTOHANAN, TUMITINDIG PARA SA BAYAN Opisyal na Pahayagan ng Departamentong High School ng Wesleyan University-Philippines TOMO II | Bilang 1 Disyembre 2019-Mayo 2020
EDITORYAL
Naudlot na laban Hindi maikakaila ang malaking perwisyong dulot ng COVID-19 kung sa mga pampalakasang paligsahan mapa-lokal or internasyonal man na sapilitang ikinansela bilang pag-iingat sa banta nito. Isa sa mga nakanselang tanyag na pampalakasang paligsahan ang 2020 Olympics na dapat ay idaraos sa Tokyo, Japan. Ayon sa International Olympic Committee (IOC) at Prime Minister ng Japan na si Shinzo Abe, ang nasabing kompetisyon ay gaganapin na lamang sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8 ng taong 2021 dahil sa banta ng virus. Gayundin ang pagpapaliban sa World Athletics Championship na nakatakdang ganapin sa Oregon sa Agosto 2021. Ilan pa sa mga apektado ng COVID-19 ay ang National Basketball Association o NBA na inanunsyo nitong ika-11 ng Marso na sususpendihin nito ang season ngayong taon. Ito ay matapos magpositibo ang Utah Jazz player sa virus. Dahil din sa banta ng virus, naapektuhan ang iskedyul ng mga pampalakasang pampaligsahan kung
saan kalahok ang Pilipinas. Kabilang na rito ang FIBA Asia Cup 2021, FIBA 3x3 Olympic Qualifying Tournament, at FIFA World Cup. Sa kabilang banda, marami ring mga pampalakasang kompetisyon na isinasagawa sa Pilipinas ang naperwisyo. Isa na rito ang tanyag na Philippines Basketball Association o PBA kung saan kinansela nito ang Philippine Cup, PBA D-League Aspirants’ Cup games at iba pang mga aktibidad simula noong ika-11 ng Marso. Dagdag pa rito, marami pang mga paligsahan sa bansa na nagsisilbing libangan para sa maraming Pinoy ang kanselado. Ilan sa mga ito ang University Athletic Association of the Philippines o UAAP, National Collegiate Athletics Association o NCAA, Philippine Football League, at maging ang
Palarong Pambansa na inaasahang magsisimula ngayong Mayo. Lahat ng mga kompetisyon na tinitingala at inaasahan ng marami sa atin ay naapektuhan dahil sa banta ng virus na talaga namang nakalulungkot. Hindi lingid sa ating kaalaman na marami sa mga atleta maging Pinoy o banyaga ay ibinubuhos ang lahat ng kanilang lakas at oras upang paghandaan ang kanilang mga sasalihang paligsahan. Gayundin ay tinitiyak at itinatakda ng mga tagapagsaayos ang paligsahan kung saan maraming panahon din ang kanilang iginugugol. Nakalulungkot lamang na matutuldukan ang mga sakripisyong ito ng isang virus na lalaganap at peperwisyo sa buong mundo. Ngunit sa kabila ng mga panghihinayang sa sakripisyong ito ay marapat lamang na ating unang sugpuin ang virus. Dahil sa patuloy na paglaganap nito ay maraming mga bansa ang apektado gayundin ay dumarami ang bilang ng mga kasong namamatay at nagpopositibo sa COVID-19 na higit na nakababahala kumpara sa kanselasyon at pagpapaliban ng mga pampalakasang paligsahan. Maituturing din ang virus bilang isang paligsahan kung saan susubukin nito ang lakas ng bawat isa, hindi bilang isang atleta ngunit bilang mga responsable at disiplinadong mamamayan.